diff --git "a/fakenews.txt" "b/fakenews.txt" new file mode 100644--- /dev/null +++ "b/fakenews.txt" @@ -0,0 +1,3206 @@ +Ayon sa TheWrap.com, naghain ng kaso si Krupa, 35, noong Huwebes dahil nakaranas umano siya ng emotional distress bunga ng mga malisyosong pahayag ni Glanville, hindi lamang tungkol sa maselang bahagi ng kanyang katawan kundi pati na rin sa kanyang buhay pag-ibig. Noong Nobyembre 2013, napanood si Brandi sa Watch What Happens Live at sinabing kinausap umano ito ng dating karelasyon ni Joanna. Si Mohamed Hadid, na noon ay kasal sa cast member ng Real Housewives of Beverly Hills na si Yolanda Foster habang nasa relasyon, ang nagsabing ang kanyang "p--sy smelled." (Classy pa rin naman ang pagkakabanggit dito ni Brandi.) Noong Disyembre, gumawa ng mga panibagong komento si Glanville, 42, sa kanyang pagharap sa YouTube at sinabing, "You can't help the odor situation." Makalipas ang ilang linggo, nagpadala ng sulat ang mga abogado ni Krupa kay Brandi tungkol sa kanilang planong pagsampa ng kaso. Nakalakip sa sulat ng abogado ni Joanna na, "You knew your statements were false and that such were damaging and humiliating to Mrs. Krupa and/or her husband and subjected Mrs. Krupa... to hatred, ridicule, contempt and/or injury." "Moreover, it appears you make false statements about Mrs. Krupa to make yourself marketable and to associate your name with a celebrity in attempt to 'tag' yourself with her for media and personal searches and/or to create a brand for yourself for monetary and attempted celebrity status," parte pa rin ng sulat. "Your statements are malicious and knowingly false." Laman ng kaso ang umano'y danyos sa pagtitiis ni Krupa na mas mataas pa sa $15,000. +Kilala rin ang singer sa pagkumpas ng kanyang kamay tuwing siya ay nagtatanghal sa entablado. "His international success as a blues/rock singer began in 1964 and continues till this day. Joe created nearly 40 albums and toured extensively around the globe," ayon sa Sony Music, ang kanyang record label. Lumaki si Cocker sa Britain at nanirahan sa Crawford, Colorado. Nagpahayag ng pakikiramay ang mga kapwa musikero at umiidolo sa singer gamit ang kanilang Twitter, na kinilala bilang Officer of the Order of the British Empire (OBE) sa Buckingham Palace. "Goodbye and God Bless to Joe Cocker from one of his friends peace and love. R.," ayon sa kanyang kabanda sa Beatles na si Ringo Starr. "We loved you forever. We will miss you always ... RIP Joe Cocker," pahayag ni Steven Tyler, front man ng Aerosmith. Inilarawan naman ni Bryan Adams si Cocker bilang isang mabuting kaibigan at isa sa pinakamahuhusay na singers. +BLANTYRE, Malawi (AP) -- Bumiyahe patungong Malawi si Madonna sa unang pagkakataon upang gawin ang isang misyon. Inilunsad ni Madonna ang 50-bed pediatrics ward sa Queen Elizabeth Central Hospital sa Blantyre noong Huwebes. Ayon kay Sarah Ezzy, director ng Raising Malawi, ang bagong pasilidad ay unang pediatric intensive care unit sa bansa. +Kasama sa programa ang pananalangin, bulaklak at pagsindi ng kandila para sa mga biktima ng massacre. Makikibahagi ang iba ibang kasapi ng media at ang grupo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP). Ang hindi makakasama na mga kaanak ng Maguindanao massacre victims ngayong Sabado ay inaasahang bukas na lamang tutungo sa site kasama si Department of Secretary (DoJ) Secretary Leila De Lima. +Linisin ang Friendship Department dahil dadalawin ka ng Angel of Goodwill in this cycle. Inuutusan kang magpatawad ng isang friend. SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] +Ayon sa imbestigasyon, dakong 8:00 ng gabi noong Biyernes nang huling nakitang buhay ang konsehal sa kanyang resthouse sa Chatue Subdivision sa Bgy. Julugan 8. Pero umaga na nang madiskubre ang bangkay niya na may mga tama ng bala sa ulo at katawan. +Pinaligiran ng Somali special forces ang tatlong duguang terorista matapos ideklara noong Sabado ng mga opisyal na kontrolado na nila ang Maka Al-Mukarramah Hotel, mahigit 12 oras matapos na salakayin ng mga armadong miyembro ng rebeldeng grupo ng al-Shabab ang hotel. +Ang isa pa ay ang abilidad ni Mayweather na gamitin ang kanyang napakatinding depensa upang makapagtatag ng puntos kung ito ay may distansiya. "That's his hometown," pahayag ni Murray sa gambling mecca ng Nevada desert. "He's spoken a little bit about how much he means to the economy of the city". +Clippers: Lumisan sa korte ang forward na si Spencer Hawes sanhi ng galos sa kaliwang tuhod sa huling bahagi ng first quarter at 'di na nagbalik pa. ... Hindi na naming naging aktibo sina guard Reggie Bullock (sprained right ankle) at guard Chris Douglas-Roberts (sore right Achilles). ... Ang nine-game winning streak ay ang ikaapat na pinakamahaba sa kasaysayan ng prangkisa. +"People should fact-check. People shouldn't have to go through that and shouldn't answer to innuendos," sabi ni Bill sa pahayagan, sa istoryang inilathala noong Biyernes ng gabi. Tumanggap si Bill ng standing ovation sa simula ng kanyang 90-minutong show sa Melbourne, na nagtapos na hindi tinalakay ng komedyante ang mga alegasyon. Isang host sa Orlando-based Real Radio 104.1 ang nag-udyok sa mga taong dumalo sa show na tanungin si Bill tungkol sa mga alegasyon at kunin ang kanyang kasagutan, at nag-alok ng cash ang istasyon ng cash at mga premyo para sa pinakamagandang footage. Ngunit walang ni isa mang nagtanong kay Bill. Sinabi ni Bill sa Florida Today na ang ganitong mga alok sa mga nanonood sa kanya ay nanganganib na lumikha ng "frat house mentality." "Now suppose someone brings a weapon or decided to do more foolishness," aniya. "There will be announcements made and the stations made some disclaimers, but what if people don't listen to what they said and they entice violence." +Bukod sa apat, ipinapasuspinde rin sina Technology Resource Center (TRC) Chief Accountant Marivic Jover; Gondelina Amata, pangulo ng National Livelihood Development Corporation (NLDC); at apat na opisyal at empleyado ng NLDC na sina Emmanuel Alexis Sevidal, Chita Jalandoni, Sofia Cruz at Gregoria Buenaventura. +Ayon kay SPO1 Jaycee Calma, may hawak ng kaso, ang namatay sa pagkakasunog ay nakilalang si Judy David, 5. Sugatan naman sina Ramil Tanedo, 6; Angelo Mendoza Baun, 3; at Angel Canlas, 9, lahat ay residente ng nasabing barangay na kaagad dinala sa Tarlac Provincial Hospital. Batay sa salaysay ni Ramon Tanedo, 65, na kaagad sumaklolo sa mga biktima, minamaneho ni Canlas ang tribike nang mapadaan sila sa sinusunog na basura sa Tarlac River Dike, Sitio Planas, Barangay Tibagan, Tarlac City. Biglang nawala sa kontrol ang minamanehong tribike at bumulusok sa nasusunog na basurahan. +Nakabalikat naman ni Bagalay sa paggiya sa Cardinals sina Angelino Pertierra at Paul John Cuzon na nagposte ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod. Tanging sa service lamang nakuhang makipagsabayan ng Heavy Bombers kung saan ay kapwa sila nagtala ng tig-apat na service aces ng Cardinals na humataw naman ng 53 hits kumpara sa 44 ng Cardinals, bukod pa sa 7 blocks at 33 digs kumpara sa 4 at 26 lamang ng JRU. Nanguna naman para sa JRU na nalaglag sa kanilang ikalimang panalo sa loob ng pitong laro si Michael Tobias na nagposte ng 14 puntos. Bumawi naman ang Lady Bombers sa women's division nang gapiin nito ang Lady Bombers sa loob din ng apat na sets, 25-21, 23-25, 25-15, 25-12. Nagtala ng 26 puntos si Maria Shola Alvarez na kinabibilangan ng 19 na hits, 3 blocks at 3 aces habang nag-ambag naman ng tig-11 puntos ang mga kakamping sina Laela Lopez at Rosali Pepito upang giyahan ang Lady Bombers tungo sa panalo, ang kanilang ikaapat sa loob ng pitong laro na nagpatatag sa kanilang kapit sa ikalimang puwesto. +Umaasa ang kampo ni Belmonte na matukoy at mahubaran ng maskara ang tunay na utak ng pananambang kasabay ng pagsasampa ng kaso. Nadakip ng Special Investigation Task Group (SITG) Belmonte noong Sabado ng matunton ng pulisya ang pinagtataguan ng suspek na si Dominador Tumala 62, ng Bgy. Osmena, Zamboaga del Norte. Naniniwala si Belmonte, na susunod na ang utak ng pananambang sa oras na ikanta ni Tumala. Sinabi ng pulisya ang pagkahuli ni Tumala ay magbibigay daan upang malaman ang kung sino ang nag-utos sa kanya upang makamit ng mga biktima ang hustisya. Ipinagharap na ng kasong multiple murder, multiple frustrated murder si Tumala sa provincial prosecutor's office sa Misamis Oriental. +Naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Gabby Batican, residente ng Polomolok, South Cotabato matapos ang isang oras ng hostage drama sa loob ng Campus Radio, isang affiliate radio station ng GMA network, malapit sa pamilihang bayan. +Ilang truck na puno ng mga bato at buhangin ang ipinarada sa labas ng gate ng opisina ni Zia sa Gulshan, Dhaka at sa bunganga ng daan patungo sa gusali kung saan siya naka-confine simula noong Sabado ng gabi. Ipinagbabawal ang pag-labas-masok ng sinuman sa lugar. +Sa madaling sabi, hindi 'happy' si WG dahil sa itinuturing ng mga taga-Singko na pambabastos sa kanila ni Bayani na dapat pala kasi ay kasama sa sitcom na 2 1/2 Daddies na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari. +SAN ANTONIO (AP) - Kinailagan ng tulong ng San Antonio Spurs makaraang magtamo ng injury ang key players nito at makatikim ng sunod-sunod na pagkatalo. Ang pagbabalik ni Patty Mills ang nagbigay-buhay sa Spurs, at ang mapagwagian nila ang emosyonal at pisikal na matchup kontra Houston Rockets ang nagbigay sa kanila ng kanilang talagang inaasam - ang isang panalo. +Kung 'di pa rin gagawa ng aksiyon ang ilang NSA's na wala pa ring report, posibleng 'di na sila mapasama sa 28th Southeast Asian Games. Ito ang ipinaalala ni Team Philippines Management Committee member at PSC Chairman Richie Garcia matapos magsumite ng kanilang listahan ang 33 national sports association (NSA's) para sa mga atletang nais nilang isabak sa kada dalawang torneo sa Hunyo 5 hanggang 16. "Huwag nilang sasabihin sa amin na hindi namin sila pinaalalahanan," sinabi ni Garcia. "Ilang buwan na namin sinabi sa kanila ang inilabas na memorandum ng CoA kaya hindi nila puwedeng sabihin na hindi nila alam." Halos kalahati sa NSA's na sasabak sa SEA Games sa Singapore ay kabilang sa mga hindi pa nakakapag-liquidate ng kanilang mga pinagkagastusang pondo habang karamihan sa mga asosasyon ay hindi pa rin makumpleto ang hinihinging dokumento ng CoA. Matatandaan na naglabas ng memorandum ang CoA na kinakailangan ng NSA's na magsumite ng Securities and Exchange Commission (SEC) registration, election results, list of officials at official certification mula sa POC bago payagang makahingi ng pondo. +Hindi pumasa si Silva sa isang pre-fight exam, nagpositibo para sa Drostanolone metabolites, ayon pa sa statement. Si Diaz naman ay lumapgpak sa post-fight exam para sa marijuana, ayon naman sa iniulat ni Yahoo! Sports columnist Kevin Iole. +"We will implement the integration on February 1, 2015 despite an appeal from OFWs sector and impending motions which has yet to be resolved by the court," pahayag ni Villaluna. Nagpahayag na si OFW Family Club party-list Rep. Roy Seneres na maghaharap sila ng contempt charges sa Pasay Regional Trial Court laban kay MIAA Gen. Manager Angel Honrado dahil sa pagsama ng terminal fee laban sa umiiral na regulasyon na hindi saklaw ang OFWs mula sa pagbabayad ng naturang bayarin. +Iniutos ni Makati City Police Chief Senior Supt. Ernesto Barlam sa kanyang mga tauhan na dakpin agad ang suspek na si Edrian Mendoza, ng 4040 Gen. Luna St., Brgy., Cembo, Makati City matapos matanggap ang reklamong panghahalay ng dalagita na nakatira sa Sampaloc, Manila. Sa reklamo sa pulisya ng biktima na sinamahan ng kanyang ina noong Pebrero 3, naganap ang panggagahasa noong Enero 15 sa isang bahay sa Barangay sa Guadalupe Nuevo, Makati City. Iginiit ng dalagita na pinabatak muna siya ng shabu ng suspek at dito umano naisakatuparan ang panghahalay sa kanya ng lalaki. Ayon sa pulisya, pinagbantaan pa umano ni Mendoza ang biktima na may masamang mangyayari sa kanya kung magsusumbong siya sa pulisya kaugnay sa insidente. Dala ng labis na takot, hindi agad naisumbong ng biktima sa magulang ang sinapit nito sa suspek. +Nagbibigay ito ng kalayaan sa relihiyon, nagkakaloob ng posisyon sa gobyerno base sa merito at nagbabawal sa birth-based privilege. Hindi krimen sa code ang blasphemy, sabi-sabi at iba pang gawain na labag sa relihiyon. Gayunman, hindi nahinto ang pang-aalipin. +Tampok din sa episode ngayong umaga ang mga babaeng may polycystic ovary syndrome o PCOS o nakararanas ng hindi regular na regla kaya't hirap silang magbuntis. Ang kababaihang may PCOS ay mas hirap din na magpapayat at kadalasang mas oily ang balat na nagreresulta sa mga tighiyawat. Alamin sa Pinoy MD ang ilang mahahalagang tip para sa mga may PCOS. May mga naniniwala na kapag laging sumisigaw ang tao, mas malaki ang posibilidad na magka-goiter. Ang iba naman, naniniwalang tanging ang pagkain ng lamang-dagat ang gamot sa goiter. Totoo nga kaya ang mga paniniwalang ito? Bubusisiin din ito ng mga eksperto ngayong Sabado. +Ito ang inihayag ni TATAP president Ting Ledesma sa paglulunsad ng buong programa ng asosasyon sa 2015 sa hangad na rin na mapalawak at mas mapaunlad ang table tennis sa bansa. +Nahaharap si Ballesteros sa kasong admistratibo at pagtutulak ng droga makaraan ang isinagawang drug buy-bust operation sa Bgy. Madamba sa nasabing lungsod. Nakumpiska kay Ballesteros ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000 at marked money na P1,000. Ayon sa pulisya bago naaresto ang suspek ay nakipaghabulan muna ito sa mga kapwa pulis. Nagsilbing poseur-buyer sa operasyon ang isa ring pulis. +"No one knows what exactly was said to Adam, but it was something like, 'You've had enough, it's time to stop drinking'," sabi ng isang insider sa Daily Mail noong Biyernes. "Whatever it was, the next thing the other man has blood over his face and a cut eyebrow. It's ironic because they work together and we all thought they were friends." Sinikap ni Mark Flanagan, namamahala sa royal kitchens, na sagipin si Steele sa pagkakasibak, ngunit nabigo ito. Dagdag ng insider: "Mark wanted to keep him because the tragedy is Adam is a very good chef, and popular with the royals." +Nanawagan ang Palasyo sa lahat ng motorista na huwag maging dahilan ng matinding traffic sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero. Nagpaalala rin ang Palasyo sa publiko na maging disiplinado para maiwasan ang ano mang hindi magandang pangyayari habang nasa bansa ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko. Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, dapat sumunod sa mga traffic enforcer ang mga motorista para sa maayos na daloy ng trapiko partikular sa mga daraanan ng Papa sa pagbisita nito mula Enero 15 hanggang 19. Sa ngayon,tuluy-tuloy ang paghahanda para sa malaking okasyong ito na pambungad ng bagong toan kung saan prioridad ang mga daraanan ng Papa sa Tacloban kabilang ang airport at ang national highway mula Tacloban hanggang sa Palo, Leyte. Tiniyak rin na magiging stable ang power supply sa papal visit. Kahit hanggang sa matapos ang misyon ng Papa sa Pilipinas, huwag sanang pairalin ang init at katigasan ng ulo ng ating motorista. +Kasalo ng Elasto Painters ang defending champion Purefoods Star (5-3) sa ikatlong posisyon na kasalukuyan namang may laban kontra sa league leader Talk 'N Text sa isang out of town game sa Davao City habang sinasara ang pahinang ito. Sa kabilang dako, kabuntot naman nila ang Kings na nasa ikaapat na posisyon na hawak ang barahang 4-4 (panalo-talo), kasalo ng magtutuos sa unang laro na NLEX at Globalport. Kapwa galing sa kabiguan, ang Elasto Painters noong nakaraang Biyernes sa kamay ng San Miguel Beer, 114-129, at ang Kings sa Road Warriors noong nakaraang Miyerkules, 90-96, tiyak na magiging dikdikan ang salpukan ng magkabilang panig na naghahangad na makabalik sa winning track para makakuha ng mas magandang posisyon papasok sa 8-team quarterfinals. Base sa format ngayong mid-season conference, walong koponan ang uusad sa playoff round kung saan ay may bentaheng twice-to-beat ang top two teams kontra sa No. 8 at No. 7 squads habang best-of-three naman ang magiging hatawan ng koponang papasok sa No. 3 hanggang No. 6. May tsansa pang humabol para sa top two spots, kinakailangan ng Elasto Painters na makabalik sa winner's circle at walisin ang nalalabing dalawang laban at umasang mabigo sa huling dalawang laro ang mga nangingibabaw na Talk 'N Text at Meralco Bolts na kapwa may barahang 6-2 (panalo-talo). Una rito, maghihiwalay naman ng landas ang NLEX Road Warriors at Globalport Batang Pier na hangad makapagtala ng ikalimang tagumpay upang umangat sa ikaapat na posisyon kung saan ay magkakasama sila ngayon ng Kings. Hangad ng Road Warriors na dugtungan ang naitalang tatlong sunod na tagumpay, ang pinakahuli ay kontra sa Kings noong Marso 11 sa Ynares Sports Center sa Antipolo, 96-90. Gaya ng dati, aasahan ng NLEX ang masipag na import na si Al Thorton na nagtala ng 50 puntos sa nakaraang laban nila ng Kings kasama ng mga beteranong lokal na sina Asi Taulava, Mac Cardona, Rico Villanueva at KG Canaleta. +Marami ang nag-aabang sa bagong kumbinasyong ito nina Jasmin at Tom. Mahusay sa hosting si Jasmin at kilala na ring mahusay na disc jockey si Tom. Sana ay mapasikat nila ang show na ito. +Hindi namin napanood ang nasabing episode ng A&A dahil wala kami sa bansa pero kinumpirma ni Bossing DMB na nag-guest nga raw ang dalaga at may na-PM din sa amin na maganda nga raw ang outcome at exposure ni Jasmin. Pero hindi ito ang unang guesting ni Jasmin sa ABS-CBN, napanood na siya noon pa sa It's Showtime. At sa pagkakaalam din namin ay pinapayagan ng TV5 management ang mga artista nilang mag-guest sa ibang TV network maliban na lang kung nabago na. +Sa hiwalay na kasong kriminal na inihain sa Department of Justice (DoJ), kinilala ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto Henares ang akusado na si Dr. Benedict Lazatin ng St. Luke's Medical Center at Ignacio de Guia Santos, may-ari ng IDS Employment Services sa Pulilan, Bulacan. Ang ikatlong respondent ay si Thomas Pohang III, pangulo ng TFN Far East, wholesaler ng Mabini St., Caloocan City. Sinampahan ng kaso si Lazatin dahil sa umano'y hindi pagbayad ng P25.9 milyong halaga ng buwis at value added tax. Ideneklara umano ng doktor na wala siyang kinita sa kanyang propesyon mula noong 2006 hanggang 2012. Subalit noong 2013, nagbayad ito ng P1.9 milyong buwis sa BIR. Base sa impormasyong nakalap ng BIR mula sa St. Luke's College of Medicine, St. Luke's Medical Center at Maxicare Healthycare Corporation, umabot ang kinita ni Lazatin sa P18 milyon mula 2006 hanggang 2012. Hindi rin umano nakarehistro si Lazatin bilang VAT taxpayer dahil lumagpas ang kanyang annual income sa VAT threshold na P1.5 milyon. Samantala, ang pinakamataas na tax deficiency assessment na aabot sa P238.7milyon ay ipinataw kay Pohang at P3.6 milyon kay Santos. +Ayon kay MILF spokesman Mahagher Iqbal na negatibo ang isiniwalat na akusasyon ni Fr. Eliseo "Jun" Mercado na binili ng gobyerno ang mga armas ng PNP-SAF upang ibalik ng MILF ang ilan sa mga ito. +Binansagang "Angler," ang nasabing smartphone ay may taglay na 16-Megahertz processor, 4.5-inch black-and-white LCD display, may stylus support, at pinagagana ng nickel-cadmium battery. +"In the consideration of safety, management and other factors, Yuyuan Tourist Mart has decided to cancel the 2015 Yu Garden Lantern Festival," pahayag ng kumpanya na nag-oorganisa sa event sa kanilang website noong Sabado. +Sinabi ni Team Philippines chef de mission Julian Camacho na pangungunahan ni Kiefer Ravera ang 48 iba pang pinakamagagaling na amateur cagers ng bansa na nasa listahan kung saan kasama rin ang orihinal na miyembro ng Gilas Pilipinas at naturalized center na si Marcus Douthit. "We have set March 1 as the deadline of submission for the final composition of all team ang individual sports," sabi ni Camacho ukol sa koponan na gigiyahan ng bagong coach at dating Australian national coach Tab Baldwin. Asam ng Pilipinas na madagdagan pa ang pagpapanatili ng gintong medalya sa 12 sunod na taon matapos huling mabigo sa kada dalawang taon na torneo noong 1989. Mayroon na itong kabuuang 16 na gintong medalya at isang pilak sapul nang sumali sa SEA Games. Si Ravena ay kabilang sa huling koponan na giniyahan ng multi-titled coach na si Joseph Uichico tungo sa gintong medalya kasama ang nananatili sa amateur na si Bobby Ray Parks Jr. at ngayon ay mga propesyunal nang sina Greg Slaughter, Jake Pascual, Ronald Pascual, Kevin Louie Alas, RR Garcia, Terrence Romeo at Raymund Almazan. Ang listahan ay binubuo ng mga manlalaro mula sa iba't ibang liga sa bansa sa pangunguna ng UAAP at NCAA kung saan naglalaro sina Scottie Thompson, Kobe Paras, Moala Tautuaa, Roi Sumang, Baser Amer, Mike Tolomia, Mark Belo, Arnold Van Opstal, Gelo Alolino, Glenn Khobuntin at Mark Tallo. Ilang propesyunal na manlalaro rin na kabilang sa orihinal na Gilas Pilipinas ang nakatala sa listahan na posibleng isama sa komposisyon upang palakasin pa ang pambansang koponan. +Ang biktima, na hindi kinilala ng pulisya batay sa kahilingan ng pamilya, ay isang retired bank employee at residente ng Las Palmas Subdivision, Barangay Taculing, Bacolod City. Sa imbestigasyon ng pulisya, nakahinto ang isang Toyota SUV na sinasakyan ng biktima sa harapan ng East View Hotel Bacolod nang lapitan ito ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at paputukan ng kalibre 45 pistola. +"Reports that I was sneaked out by PNP personnel from the Custodial Center are absolutely false," pahayag ni Revilla. Una nang napaulat na umalis si Revilla mula sa detention compound noong Valentine's Day, Pebrero 14, upang bisitahin si Enrile, na may kaarawan ng araw na iyon. Sina Enrile, Revilla at Sen. Jose "Jinggoy" Estrada ay pawang nakakulong sa PNP headquarters dahil sa pagkakasangkot nila sa P10-bilyon pork barrel fund scam. Dakong 3:00 ng hapon ng nasabing araw, ayon kay Revilla, ay isinugod siya sa PNP General Hospital makaraan niyang magpawis nang malamig, makaramdam ng paninigas at pananakit ng leeg, batok at likod, at matinding migraine attack. "It appeared that I had a spike in my blood pressure," aniya. "I was taken to the hospital by Custodial Center Guards after a written request was made to Col. Fabro, the Director of the Custodial Center. I was accompanied by my two children, Bryan and Vice Gov. Jolo," dagdag ng senador. Sinabi ni Revilla na maging ang PNP ay nilinaw na ang isyu. "I stayed in the hospital for less than 30 minutes and I was immediately taken back to my detention cell to rest, after my blood pressure was taken and injected with medication," sabi niya. +Iminungkahi rin ng grupo sa publiko ang hindi pagkain ng karne at pagkain ng gulay lang, o vegan diet, ngayong Semana Santa. Sa halip din na mag-outing o mamasyal ang pamilya, inihayag ng EcoWaste na mas makabubuti kung itabi na lang ang perang gagastusin o i-donate sa mga charitable institution. +NAKATSIKAHAN namin sa pocket presscon nina Alex Gonzaga atAlonzo Muhlach ang bagong business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Mr. Rondel Lindayag na hangang-hanga sa anak ni Nino Muhlach dahil napaka-professional kahit musmos pa. +Ipinakikita ng mga imahe ang 88-anyos na si Castro sa kanyang bahay kasama ang asawang si Dalia habang nakikipagpulong sa lider ng isang students' union, at inilathala ito sa pahayagan ng estado, ang Granma, at iba pang official media. +"A month after the incident and here we are, emotions still running high. The Senate hearings we've had regarding the incident at Mamasapano has raised more questions than answers. Until we have uncovered meticulously the intricate layers of said incident, these emotions may lead us to decide and act adversely," ayon kay Guingona. Sinabi pa nito na kukunin ng TC ang mga resulta ng imbestigasyon ng Board of Investigation (BOI), committee report ng senado sa Department of Justice (DOJ) at maging ang imbestigasyon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang TC ay suportado ng peace advocates na gaya ng Friends of Bangsamoro, Women's Peace Table, Lanao Peace Partners, Mindanao Peaceweavers, Intercultural Organizations' Network for Solidarity and Peace, Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), at ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP). +Base sa papeles na isinumite noong Disyembre sa San Francisco Superior Court, inakusahan ng kanyang asawang si Susan ang mga anak ni Williams sa dating asawa sa pag-angkin ng ilang gamit nang walang paalam. +Kinasuhan din ng Ombudsman sina Joselito Flordeliza, pangulo ng National Organization for Agricultural Enhancement and Productivity Incorporated (NOAEPI); mga empleyado ng Dane Publishing House na sina Leonicia Llarena at Minda Bombase; at mga pribadong indibiduwal na sina Jaime Paule, Marilyn Araos, at Marites Aytona. Inirekomenda ng Ombudsman ang P30,000 piyansa sa bawat akusado. Ang kaso ay inihain ni Graft Investigation and Prosecution Officer I Karla Maria Barrios, isang miyembro ng Special Panel for Fertilizer Fund Scam. Nakasaad sa charge sheet na nagkutsabahan umano sina Ali sa pagpabor sa NOAEPI sa proyektong Farm Inputs and Farm Implements Program (FIFIP) ng Department of Agriculture (DA) noong 2004 bagamat hindi ito pumasa sa kuwalipikasyon ng Commission on Audit. +Kasama ni Roxas ang 18 engineer mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at 15 mula sa DILG upang tumulong sa mga lokal na pamahalaan sa muling pagbangon ng lalawigan mula sa magnitude 7.2 na lindol noong Oktubre 2013. Patunay pa rin ito ng "whole of government approach" na nilalayon ni Pangulong Benigno S. Aquino III na walang sinisino pagdating sa paghahatid ng tulong, anuman ang partidong kinabibilangan. Sa kabuuan, naglaan ang gobyerno ng aabot sa P2.4 bilyon sa pamamagitan ng DILG bilang bahagi ng Bohol Earthquake Assistance (BEA) fund para sa lalawigan Sa nasabing halaga, mahigit P351 milyon ang inilaan sa pamahalaang panlalawigan, mahigit P1 bilyon para sa unang distrito, mahigit P666 milyon para sa ikalawang distrito, at mahigit P334 milyon para sa ikatlong distrito. +Muli na namang inulit ni Lee ang kanyang kabayanihan, may tatlong araw ang nakalipas, nang kanyang isalba ang Rain or Shine sa pamamagitan ng limang krusyal na foul throws sa dying seconds ng laban nila ng Globalport para maiposte ang 104-98 panalo. Muling nagningning ang ipinagmamalaking anak ng Tondo sa kanyang ipinoste na 25 puntos at 5 rebounds kasabay sa pagbuslo sa lahat ng kanyang 10 free throws. Dahil sa ipinamalas niyang performance, si Lee ang nahirang upang maging Accel-PBA Press Corps Player of the Week mula Pebrero 2-8. At ang mahalaga ay naitala din ng Rain or Shine ang una nilang back-to-back win sa ginaganap na PBA Commissioner's Cup matapos mabigo sa una nilang laban kontra sa Talk 'N Text, 89-86. Nagtala ang dating shooting guard ng University of the East (UE) ng average na 25.0 points, 4.5 rebounds at 2.0 assists, habang naiposte din ang 57.1 percent shooting sa field at perpektong 16-of-16 sa foul line. Ayon kay Lee, nais niyang makagawa ng impact bilang starter dahil isa siya sa mga inaasahan ni coach Yeng Guiao upang manguna sa koponan. "Big challenge kasi para sa akin na every time i-start niya (Guiao) ako, dapat maganda agad ang start ko," ayon Kay Lee. +Ito ang opinyon ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), dahil sa hindi mapigilan ng gobyerno, partikular ng Commission on Higher Education (ChEd), ang paglaki ng mga bayarin, partikular ang matrikula. +Samahan ang power trio hosts na sina 3rd District Negros Occidental Representative, House Committee on Housing and Urban Development Chairman Alfredo 'Albee' Benitez, model at beauty queen in the making na si Ms. Marjorie Cornillez at komedyanteng si Jayson Gainza sa kanilang paglilibot sa buong Pilipinas. Isasama tayo ng Kool Trip sa isang masayang paglalakbay kasama si Congressman Albee na magbibigay kasagutan sa mahahalagang isyus, kabilang ang aspetong kultural at pangkasaysayan. Sasamahan tayo ni Marjorie Cornillez na tikman ang mga authentic dishes at native delicacies na ipinagmamalaki ng bawat lugar sa Pinas. +Naapektuhan ng blizzard ang halos buong kanlurang Iran, na kasing lawak ng Wisconsin ng Amerika, at mahigit isang linggong nalibing sa niyebe ang ilang lugar. Ang mga nakaligtas, gayunman, ay walang access sa pagkain, malinis na tubig at gamot. Hindi naman nagawa ng mahihirap na Iranian sa mga apektadong lugar na protektahan ang kani-kanilang sarili mula sa nakamamatay na flu virus na kumalat sa kabayanan ng Iran. +Isang lay-up ni Mike Nieto sa nalalabing 2.5 segundo ng laro laban sa bumabantay sa kanyang si Justine Baltazar ang siyang nagsilbing wining basket para sa blue Eaglets at bumasag sa huling deadlock ng laban sa 64-all. May tsansa pa sanang makabig ng Bullpups ang tagumpay ngunit nagmintis ang ipinukol na corner 3-pointer ni Alfred Calma kasabay ng pagtunog ng buzzer na nagsilbing pormal na deklarasyon ng first round sweep ng Ateneo matapos ang pitong laban. Dahil sa kabiguan, bumaba ang NU sa ikalawang posisyon taglay ang barahang 6-1, panalo-talo. Nagtapos na topscorer para sa Ateneo si Jolo Mendoza na may 20 puntos bukod pa sa anim na rebounds habang nag-ambag naman ng 15 puntos ang kakambal ni Mike Nieto na si Matthew. Nawalan naman ng saysay ang double-double na 19 puntos at 16 na rebounds na itinala ni Mark Dyke para sa Bullpups dahil nabigo niyang maisalba ang koponan sa kabiguan. Sa iba pang mga laro, kapwa naman umiskor ng tig-18 puntos sina Aljun Melecio at Joaquin Banzon upang pamunuan ang De La Salle-Zobel sa paggapi sa Far Eastern University-Diliman, 55-50, upang tumapos na pangatlo na hawak ang barahang 5-2, panalo-talo. Sanhi naman ng pagkatalo, ang Baby Tamaraws na pinamunuan ni Marvin Lee na nagtapos na may 12 puntos ay bumaba sa ika-apat na puwestso hawak ang 4-3 na kartada. Nagsalansan naman ng 29 puntos si Frederick Tungcab para sa Adamson University nang kanilang payukurin ang University of the Philippines Integrated School,56-50 para umentra sa second round na nasa panglimang puwesto taglay ang barahang 3-4 panalo-talo. Nakamit naman ng University of Santo TOmas ang ikalawang panalo kontra limang talo nang kanilang igupo ang University of the East, 77-66. +TULUY-TULOY ang Midas Touch ni Bossing Vic Sotto, hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa mga alaga niyang sina Ryzza Mae Dizon ngayon at kay Aiza Seguerra noon. Hindi niya tinatantanan ang pag-aalaga at paghuhubog sa kanila hindi lamang sa umpisa kundi hanggang sa paglaki at posibleng habang-buhay na rin. No kidding. +MULA sa pagganap bilang mahusay na songwriter, ang fast-rising Broadway star na si Jessie Mueller na nanalo ng lead actress Tony Award ngayong taon sa kanyang performance sa Beautiful: The Carole King Musical, ay gaganap naman bilang tagapagsilbi sa restaurant. Ayon sa hindi pa nakukumpirmang ulat ng The New York Times, gaganap si Mueller bilang waitress sa kanyang susunod na proyekto. +Grabe ang pagnanakaw ng pera ng bayan ng mga tiwali at bulok na pulitiko, lider at lingkod daw ng mamamayan. Ang P900 milyong Malampaya funds na dapat ay mapunta sa kapakinabangan ng mga Pinoy at proyekto para sa kaunlaran, ay nahulog lang pala sa bulsa ng mga pekeng NGOs ni Reyna Janet Limnapoles kasabwat ang mga walang budhing pinunong-bayan. Ang P900 milyong halaga ay mula sa royalties ng Malampaya gas projects sa karagatan ng Palawan. +Ayon kay Rafael, ang operasyon ay bunsod ng intelligence report tungkol sa umano'y pagbebenta ng ilegal na droga ni Ishii, isang 60-anyos na Japanese na matagal nang naninirahan sa La Union. Aniya, inaresto si Ishii sa apartment nito sa Oceana sa Barangay Carlatan, kasunod ng buy-bust operation makaraang makipagtransaksiyon sa dayuhan ang isang police asset dakong 11:45 ng gabi noong Sabado. "Dinala sa ospital ang naarestong Japanese makalipas ang ilang oras dahil sa hirap sa paghinga," sabi ni Rafael. Sinabi ni Rafael na bago nadakip si Ishii ay naaresto na ang asawa nitong si Joy sa Bgy. Poro kasama ang ilang kaibigan. Ayon kay Rafael, kalalabas lang sa drug rehabilitation center ni Joy. +Sa ulat na ipinadala kay Pampanga Provincial Police Office (PPO) chief, Senior Supt. Rodolfo Recomono Jr., sinabi ni Supt. Rechie Duldulao, chief of police ng San Fernando City, na nangyari ang panggagahasa nang dalhin ni Bautista si Rochelle sa kanyang bahay dakong 2:00 ng hapon. +Pamumunuan ng mga economic ministers at matataas na opisyal ng 21 bansang kasapi ng APEC, ang ISOM ang opening salvo ng serye ng ministerial at technical meetings tungo sa 2015 APEC Leaders Summit na pag-aabalahan ng Pilipinas sa 2015. Dito sa Albay idaraos ang sampu sa naturang mga komperensiya. +Bagamat ang orihinal na alignment ng Cavitex ay nagtatapos sa Cavite City, itinigil ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) ang pagdurugtong sa expressway dahil sa luma na ang pag-aaral dito, at naiba na rin ang ruta ng biyahe ng mga motorista. +Sinabi ni Supt. Ferdinand "Bingo" De Asis, tagapagsalita ng PPO, na simula ngayong Huwebes ay kanselado na ang anumang permit to carry firearms at mission order at kasabay na rin nito ang pagbawi sa mga PIV security. +Umangat mula sa kinalalagyang buntot ng team standings ang tatangkain ng limang mga koponang kasalukuyang nasa 6-way tie sa ilalim sa tatlong magkakahiwalay na laro ngayong hapon sa 2015 PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City. Pare-parehas na may barahang 1-3, panalo-talo, kasalo ng Tanduay Light, magtatangka ang Racal Motors, AMA University, MP Hotel, MJM Builders- FEU at Bread Story ng kani-kanilang ikalawang panalo sa pagsalang nila sa hapong ito. +Ayon kay NBI-Anti Cybercrime Division Chief Ronald Aguto, hindi pa naman nila masabi sa ngayon kung doon nga unang na-upload ang video, pero posibleng isa iyon sa mga pinanggalingan. "But since ongoing nga ang investigation, we cannot be disclosing the details," pahayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima sa panayam. +Ito ang ipinahayag ng pamunuan ng SBP sa 2015 Team Philippines SEA Games Task Force matapos na isumite ang kabuuang 50 manlalaro sa kalalakihan at 58 naman sa kababaihan na nasa training pool. Hindi pa kasama dito ang mga pangalan ng mga pinagpipiliang coaches na hahawak sa dalawang koponan. "They submitted all the names that are in their training pool, in both men and women," sinabi ni SEA Games Chef de Mission Julian Camacho, siya ding secretary general ng Wushu Federation of the Philippines (WFP). "They (SBP) said they will still have to conduct their series of try-out before submitting to us their final lineup days before the deadline of submission of the entry by names," pahayag pa ni Camacho. "They will also finalized from the list of candidates iyong coaches na hahawak sa men's team at sa women's +Bukod kay Adana, pinakakasuhan din ng anti-graft court ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) na sina Roland Roland Grijalvo, Felix Timsan, Emmanuel Enteria at Jonathan Cartagena. Nakasaad sa resolusyon ng Ombudsman na nilabag ni Adana at ng iba pang BAC member ang RA 9184 o Government Procurement Act sa pagbili ng isang pison at road grader mula sa CVCK Trading sa pagmamanipula sa technical specification ng dalawang heavy equipment. +Ipinanganak si Marley sa Nine Miles, northwest Jamaica, at namatay noong Mayo 11, 1981, sa isang ospital sa Florida dahil sa cancer sa edad na 36. Itinakda ang isang "mini-jam session" sa dating bahay ni Marley sa Hope Road, hilagang bahagi ng Kingston, pati na rin ang ilang talakayan tungkol sa reggae, isang popular na uri ng musika na nagsimula sa Jamaica noong 1960s na may matibay na impluwensiya mula sa calypso at jazz at mga liriko ng protesta sa lipunan. Isang libreng concert sa Kingston waterfront sa Sabado ang inaasahang hahatak ng mga tao, at ilang lokal na reggae artists, kasama ang isa sa mga anak na lalaki ni Marley na si Ky-Mani, ang magpe-perform. Inihayag na ng pulisya ang bagong ruta at mga isinarang daan dahil sa rami ng taong inaasahang dadalo. "I was not around when Bob was alive... but people are still excited about his music," sabi ni Marcia Facey, 32, isang fashion designer na nakatira sa Kingston. Usaping pinagdedebatehan sa Jamaica sa loob ng mahabang panahon ang pagdaragdag kay Marley sa Order of National Hero, ang pinakamataas na parangal sa bansa. Ang kasalukuyang pitong bayani ng Jamaica ay mga personalidad na nagmula sa pulitika. Wala pang bagong bayani na naidaragdag simula noong 1980 at isang komite na ang nag-aaral sa mga nominasyon sa loob ng tatlong taon, kasama si Marley at noon ay Prime Minister na si Michael Manley sa listahan ng sampung nominado. "It is high time that the government makes him our eighth national hero," ayon kay Errol Campbell, 57, mekaniko sa Kingston. "Bob was a reggae genius who has done more for Jamaica than most others by popularizing our music," dagdag pa ni Campbell. Ilang miyembro ng komite ang umano'y sumasalungat kay Marley dahil gumamit ito ng marijuana at minsa'y hindi inirespeto ang awtoridad bilang bahagi ng kanyang paniniwalang Rastafarian na nagtatakwil sa materyalismo. Isang bagong live album na pinamagatang "Easy Skanking in Boston'78" ang ilalabas sa susunod na linggo, ayon sa The Bob Marley Group of Companies, na magtatampok sa dalawang live show ni Bob Marley sa isang music hall sa Boston noong June 1978. Ipagdiriwang ng pamilya Marley ang kaarawan sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang "feel good social video movement" na may titulong#Share1Love bilang pagbabalik-tanaw sa pananaw ni Marley sa isang mas mabuting mundo. +Kinilala ang mga nasugatang pulis na sina PO1 Christopher Bermejo,34, may-asawa; PO3 Carlito Seneres, 53, may-asawa; PO3 Reynaldo Sarmiento, 46, may-asawa at PO3 Rolando DE Guzman,36,may-asawa, pawang mga miyembro ng Quezon City Police District Station 1 Laloma. +"Wherefore, premises considered, accused most respectfully pray of the Honorable Court to resolve with dispatch their application for bail," saad sa motion to resolve na isinumite ni Razon at ng mga retiradong opisyal na sina Directors Gerry Barias at Eliseo de la Paz. Kasalukuyang nakadetine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City matapos kasuhan ng malversation hinggil sa maintenance contract para sa mga LAV noong 2007 hanggang 2008. Sa kanilang mosyon na isinumite nitong Enero 20, inihayag ng mga abogado ng tatlong akusado na dapat na nakapagtalaga na ang korte ng halaga ng kanilang piyansa base sa "declaration of the Honorable Fifth Division that Malversation through Falsification of Public Documents is a bailable offense." +MULA nang maging Kapamilya ay sunud-sunod na ang ginagawang proyekto ni Alex Gonzaga. Napanood sa Voice of the Philippines Season 2 at kasama rin si Alex sa ASAP 20, may librong bestseller sa ABS-CBN Publishing, may I Am Alex G album under Star Music na ini-launch kahapon, may concert sa darating sa Big Dome sa susunod na buwan, at sa March 16 ay premiere telecast naman ng kanyang pinagbibidahang serye na Inday Bote. +"Ito na 'yung pinaka-best na game ko sa UAAP," pahayag ng Season MVP na si Jess Meliza na siyang nagpatabla sa laro sa 2-all sa pamamagitan ng kanyang goal sa 83rd minute bago ang winning goal sa extra time ni last season MVP Paolo Bugas na naglaro sa ikatlong pagkakataon para sa Tamaraws matapos magbalik mula sa knee injury. Una rito, unang umiskor ang La Salle sa pamamagitan ni Gio Diamante sa 59th minute bago naitabla ni Eric Giganto ang laro para sa FEU sa 72nd minute. Muling lumamang ang La Salle matapos ang goal ni Sabin Bustamante sa 81st minute bago naka-goal si Meliza makalipas ang 2 minuto. Tinalo muna ng FEU ang University of the Philippines (UP), 2-1, upang maangkin ang kanilang ikatlong sunod na titulo sa women's division. Nakapagtala ng goals para sa Lady Tamaraws ang tinanghal na Season MVP na si Alesa Dolino at si Ina Araneta na huling naka-goal para sa FEU sa 67th minute. "Sobrang saya kasi first time namin na nanalo ng tatlong sunod. Kahit noong naglalaro pa ko, 'di kami nakaranas ng 3-peat," ayon kay FEU coach Let Dimzon. Nauna nang nagwagi ang FEU juniors squad nang pataubin ang Ateneo, 2-1, sa pamamagitan ng go-ahead goal ni Joseph Arranquez sa kalagitnaan ng second half. +Kung inaakala mong nalampasan mo na ang pinakamabigat na challenge, wait ka lang in this cycle for something na mas challenging. AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18] +Sundan si Mirae Na at ang kanyang 57-year old na sarili habang sinusubukang ayusin ang kaniyang buhay sa Future's Choice na nagsimula na nitong February 16 sa GMA. +Ipinag-utos ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima sa mga opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na gibain ang mga espesyal na kubol sa loob ng pasilidad, kabilang ang magarbong unit ni Jaybee Nino Sebastian, na itinuturing na high-profile inmate. Dalawang linggo lang ang ibinigay na taning ni De Lima sa Bureau of Corrections (BuCor) upang gibain ang lahat ng kubol sa NBP bilang patunay na wala siyang pinapaborang bilanggo, tulad ng akusasyon ni Msgr. Roberto Olaguer, NBP chaplain. +Bilang bahagi ng selebrasyon ng pisa, nagpapatuloy ang kada oras na mga misa sa loob ng 26 oras sa Tondo Church simula ng Sabado ng gabi hanggang Linggo ng gabi. Ang mga replika ng Sto. Nino sa mapang-akit na mga kasuotan ay tinitipon sa ibabaw ng isang float na napalalamutian ng mga bulaklak at tinapay na bumibisita sa mga barangay sa pamamagitan ng "Lakbayaw" na isang masayang prusisyon ng libu-libong deboto, kabilang ang mga bata at matanda, na karga ang mga imahe ng Sto. Nino, sumasayaw at umaawit, sa gitna ng pagsigaw ng "Viva Sto. Nino! Pit Senor!" at sasabuyan sila ng tubig galing sa mga hose, na pinaniniwalaang sumasagisag sa "pagbibinyag" ng mga mananampalataya. Ang mga residente ng Tondo pati na rin ang mga deboto ay iniuugnay ang mga milagro sa Sto. Nino, pinaniniwalaan na ang kanilang pananampalataya ay may pabuyang mabuting kalusugan, katiwasayan, at proteksiyon. Ang kanilang taunang pista ay isang pinakahihintay na okasyon, na ipinagdiriwang sa nobenang misa, nililinis at pinagaganda ang kanilang mga tahanan at kalye, sumasali sa Lakbayaw, nagsasagawa ng mga tiangge, nanonood ng mga tanghalang pangkultura at sportsfests. Ang mga hapag-kainan ay pinupuno ng mga pagkain at bukas ang mga tahanan para sa mga bisita. Ang mga pangunahing lansangan kung saan daraan ang prusisyon ay makulay na napapalamutian ng mga bunting, mga arko at streamers. +Muli umanong ginawa ng suspek ang pangmomolestiya sa 15-anyos na anak noong Disyembre 2014 kaya inihiwalay ng mga tiyahin ang dalawang dalagita sa mag-asawa. Madalas umanong pag-awayan ng mag-asawa ang paglayo ng mga anak na nauwi sa pananaksak ng suspek sa asawa kamakailan, matapos igiit ng mister na ibalik sa kanilang poder ang dalawang anak. Nagtamo ng saksak sa dibdib ang ginang, na nagbunsod dito para magsampa ng kaso laban sa asawa. Kasunod nito, kasama ang tiyahin, ay lakas-loob na ring nagsuplong sa pulisya ang dalawang dalagita noong Marso 27 para ireklamo ng pangmomolestiya sa kanila ng ama sa pagitan ng 2011 at 2014. +Patay na si Jose Cadelina Corpuz, 48, nang matagpuan ang kanyang katawan. Pinaniniwalaang inatake sa sakit sa puso si Corpuz, may asawa, ng Bgy. Sapa III, Rosario, habang mag-isang nangingisda lulan ng bangkang "Dianne Sian". +Nag-ambag naman si Ella de Jesus ng 8 hits habang umasinta si Aerieal Patngongon ng 6 puntos para sa Team UAAP-Philippines. Habang sinusulat ang balitang ito ay nakasalang na ang Lady Eagles laban sa Malaysia para sa bronze medal game. Una nang tumapos sa eliminations ang koponan na may barahang 2-2 (panalo-talo) makaraang magwagi kontra sa Malaysia sa kanilang opening game at mabigo sa Thailand at Indonesia sa sumunod nilang mga laban. Kapag nagkataon, ito ang unang podium finish ng bansa sa women's volleyball sa isang international competition matapos na huling magwagi ng bronze medal ng national team noong nakaraang 2005 Southeast Asian Games na ginanap sa Bacolod City. +MATAPOS mag-divorce noong 2012, muling nagkamabutihan ang aktor na si Ethan Embry at aktres na si Sunny Mabrey at planong ituloy ang nakatakdang muling pagpapakasal. Ekslusibong nakapanayam ng Us Weekly ang magkasintahan sa ginanap na Makeup Artists and Hair Stylists Guild Awards noong Sabado, ika-14 ng Pebrero, sa Los Angeles. +Naniniwala ang AFP na kanilang matatapos ang operasyon laban sa BIFF sa loob ng tatlong buwan dahil kung face-to-face ang labanan ay kaya naman itong tapatan ng militar. Hangad ng militar na matuldukan na ang kakayahan ng BIFF sa paggawa ng bomba subalit hindi akmang panlaban nila sa pakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan kasama ang panggugulo sa mga sibilyan. +Sa isang resolusyon na may petsang Disyembre 16, sinabi ng First Division: "The accused-movant submitted a Manifestation informing the Court that his coverage under the Witness Protection Security and Benefit Program ("WPP" for short) had been terminated and that he is no longer a prospective government witness..." "After deliberating on the matter, the Court resolved to grant accused Cunanan's motion to travel," ayon sa FD na nagtalaga ng P120,000 travel bond kay Cunanan. Noong Disyembre 9, nagpalabas din ng resolusyon ang Fifth Division na nagbibigay permiso kay Cunanan na makabiyahe subalit nagtalaga lamang ng P60,000 travel bond. Binalaan ng Fifth Division ang dating TRC chief na ibabasura ang mga petisyong makabiyahe sa mga susunod na panahon kung mabibigo itong sumipot sa korte limang araw matapos itong bumalik sa bansa mula US. +Matira-matibay ang matutunghayan ngayong umaga sa pagitan ng Ateneo de Manila University (ADMU)-Seniors at International Little League Association of Manila (ILLAM), gayundin ang Adamson University (AdU) at nagtatanggol na kampeon na Philab sa dalawang knockout game ng 2nd PSC Chairman's Baseball Classic sa Rizal Memorial Baseball Diamond. +Trusting God won't make a mountain smaller, but will make climbing easier. Do not ask Him for a lighter load, but ask Him for a stronger back. -09165145411 Learn to see everything as an experience that will make you a better person and lead you to realize that what you really need everyday is God. Have a great day ahead. May God bless you always. Stay safe! -09752938930 +Ito ay ayon kay PN spokesperson Commander Jonathan Zata, na nagsabing nangyari ang sunog sa isa sa mga igloo kung saan nakaimbak ang mga bala ng mga small firearms. Nagsimula umano ang sunog sa pagitan ng 5:00 hanggang 5:30 ng madaling araw kahapon. Sinabi ni Zata sa mga residente na kung may nakikita silang usok na may iba't ibang kulay sa lugar ito ay dahil kasama sa tinupok ng apoy ay mga smoke bombs, maging bala ng mga grenade launchers. Kabilang sa mga balang natupok ay mula sa M16, M14 rifles, .45 caliber, at 9mm pistol. Hindi umano makaaapekto ang sunog sa iba pang katabing igloo dahil itinayo ang ganitong imbakan para malimitahan ang pinsala sa mga katabing istruktura. Sa ngayon, patuloy na inaalam ng PN kung ano ang sanhi ng naturang insidente. Walang iniulat na nasaktan sa pangyayari. +"As many of you are aware, there is a very trashy book out there full of lies and more lies about me. ... (The writer's) actions are obviously vindictive because I edited out some crazy statements he had the gall to try and put in my book written 15 years ago," nakasaad sa statement. "Evidently, he has been carrying this hatred ever since." Sa nasabing libro, isinulat ni Ritz ang pagiging teenage parent ni Franklin, ang paghihiwalay ng magulang niya, at ang pagiging lulong sa alak at iba pa. "The sensitive questions -- Aretha's mother leaving family, Aretha having two babies while still in her teens, Aretha being beaten by her first husband... were off-limits," nakasaad sa librong isinulat ni Ritz. "In my view, my two years of working on 'From These Roots' resulted in my failure to actualize the great potential in Aretha's narration. I didn't do what I set out to do." Marami nang biography na naisulat si Ritz, partikular na sina Etta James, Rick James at Ray Charles. Siya ay apat na beses na pinarangalan ng Ralph Gleason Music Book Award, at noong nakaraang taon ay tumanggap siya ng ASCAP Timothy White Award para sa outstanding musical biography para sa Buddy Guy book, When I Left Home. Marami rin siyang naisulat na nobela, essay, at artikulo. "I think the book in the deepest way is an appreciation. And when I say appreciation, it's just not an appreciation of her art; it's an appreciation of the challenges of her life and the appreciation how hard it is to kind of navigate your way through the complexities of show business culture," sabi ni Ritz sa The Associated Press noong Lunes. Isinulat niya na si Franklin ang nagbigay ng ideya sa pakikipagtulungan sa From These Roots, ngunit ang kanilang ideya para sa nasabing proyekto ay magkaiba. "When I renewed my research for this book, I did so without Aretha's blessing, but I did have the support of three Aretha's closest relatives," pahayag ni Ritz. Inilunsad ang pinakabagong album ni Franklin na Aretha Franklin Sings the Great Diva Classics isang linggo bago ang libro ni Ritz noong nakaraang buwan. Pasok sa ikatlong puwesto ang nasabing album sa Billboard's R&B/Hip-Hop albums chart. +Isa sa mga kasunduan ay ang General Agreement of Trade in Services (GATS) na ang Pilipinas ay miyembro ng World Trade Organization (WTO), at isang signatory. "The WTO-GATS is a framework for a multilateral trading system in the service sector, which includes an annex on the movement of natural persons," paliwanag ni Nograles, isa sa may akda ng panukalang batas. +NITONG nakaraang Lunes ay naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Makati si Ferdinand Guerrero, isa sa mga suspect sa pambubugbog sa It's Showtime co-host na si Vhong Navarro. Isa si Guerrero sa mga akusado sa isinampang kaso ni Vhong noong Enero 2014. Sabi sa pahayag ni Vhong noong Miyerkules hinggil sa pagpapaaresto kay Guerrero, "Siyempre, ako'y natutuwa na nahuli na nga at nasakote ng NBI ang isa sa mga nambugbog sa akin. Ngayon, unti-unti kong nakikita ang justice sa atin. Tuloy po ang laban." Pero kahit nahuli na si Guerrero, hindi pa rin kampante ang TV host/comedian dahil naniniwala siyang meron pa ring sangkot sa kaso na hindi pa nahuhuli. "Hindi naman nawawala 'yung takot pero naniniwala pa din ako sa justice natin na lahat ay magiging maayos. Siguro, ako kailangan ko pang magdasal pa na sana magkaroon ng katarungan ang ginawa sa akin," sabi ni Vhong. Nagpapasalamat si Vhong sa madlang pipol na walang sawa pa ring sumusuporta sa kanyang pinagdadaanan. +Una nang sinuspinde ng Comelec ng dalawang linggo (Disyembre 20-Enero 4) ang nationwide voters' registration bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, alinsunod sa Comelec Resolution 9853. +"There was no Angelus in the previous visit of Pope John Paul II... I am just not that sure with Pope Paul VI," pahayag ni Fontanilla nang tanungin ng mga mamamahayag kung ito ang unang pagkakataon na pangungunahan ng lider ng Simbahan ang Orasyon sa UST. Si Pope Francis ang ikatlong Papa na bibisita sa UST. Ang dalawa ay kinabibilangan nina Pope Paul VI at Pope John Paul II. Bukod sa pagdarasal ng Orasyon, sinabi ni Fontanilla na inaasahan ding magbibigay ng mensahe ang Papa sa kanyang pakikihalubilo sa kabataan sa football field ng unibersidad. Ito ay susundan ng mga dasal at intercession sa iba't ibang diyalekto na pangungunahan ng mga lider ng kabataan mula sa buong bansa. Tatlong kabataan na kinabibilangan ng isang estudyante sa kolehiyo, isang out-of-school, at isang volunteer ng "Yolanda" relief operations ang magbabahagi ng kani-kanilang testimonya sa Papa. +Dinala sa Taguig-Pateros District Hospital subalit inilipat kalaunan sa Saint Lukes Hospital sa Bonifacio Global City ang biktimang si Aurelio Padilla, chairman ng Barangay New Lower Bicutan, Taguig kung saan ideneklara itong dead on arrival. Sa inisyal na imbestigasyon nina SPO2 Rodelio Abenojar at PO3 Allan Corpuz ng Taguig Police Station, dakong 9:30 ng gabi pinagbabaril ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo si Padilla sa Manuel L. Quezon St., Purok 3 New Lower Bicutan malapit sa hangganan ng Barangay Maharlika. Agad rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 sa pangunguna ni Senior Insp. Dwight Ong matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa insidente. +Dumating ang Papa sa bansa para sa isang pastoral visit na naghatid sa kanya sa Leyte kung saan nakapiling niya ang mga sinalanta ng bagyo sa isang open-air na misa na inulan, bilang pagtupad sa kanyang pangako noong 2013 na darating siya upang makidalamhati sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda. Bago siya dumating sa Pilipinas, naakit niya ang atensiyon ng buong mundo sa kanyang mga pagsisikap na ireporma ang Simbahang Katoliko Romano mula sa loob nito, lalo na ang mga ginagawa ng Curia at ng Vatican Bank. Nanawagan siya para sa isang Synod on the Family na muling sumuri sa mga sinaunang paniniwala at konserbatibong pag-uugali - na kanyang inaasahan - na maaaring maglaan ng puwang para sa mga Katolikong homoseksuwal at mga mag-asawang naghiwalay. Ngunit ang kanyang pagsisikap upang lumaganap ang kapayapaan ang mas kikilingan sa mga deliberasyon ng Nobel Peace Prize committee. Titingnan nito kung paano niya inimbitahan ang mga pangulo ng Israel at Palestine na samahan siya sa isang "prayer summit" sa Vatican noong bumisita siya sa Holy Land noong Hunyo ng nakaraang taon. Habang kinokondena niya ang pagmamalupit ng Islamic State sa mga Kristiyano sa Syria at Iraq, nagpahayag din siya ng simpatiya para sa mga Muslim na nagdurusa dahil iniuugnay sila sa terorismo gayong, aniya, ang kanila ay isang relihiyon ng kapayapaan. Bago siya nagtungo sa Pilipinas noong nakaraang buwan, ang mga leader na Muslim ay humiling kay Pope Francis ang kanyang suporta at pagpapala sa sarili nilang pagsiskap para sa kapayapaan sa Mindanao. Ang kanyang tungkulin bilang peacemaker ay kinilala ni United States President Barack Obama - sa kung paano siya nagpadala ng mga liham kina President Obama at President Raul Castro ng Cuba how he sent letters to President Obama and Cuba President Raul Castro na humihimok sa kanila na resolbahin ang humanitarian questions, partikular na sa palitan ng mga bilanggong tangan magkabilang panig. Naging punong abala ang Papa sa isang pagpupulong sa Vatican at kalaunan, ipinahayag nina Obama at Castro ang pagtatapos ng kalahating siglo ng alitan ng US at Cuba. Ito si Pope Francis, na nakikita ang peacemaking bilang mahalagang sangkap ng kanyang pagkapapa. Kung tutuusin siya ang Vicar of Christ na, sa Kanyang Sermon on the Mount na naitala ni San Mateo, sinabing "Mapapalad ang mapagpayapa, sapagkat sila'y tatawaging mga anak ng Diyos" (Mt 5:9). May iba pang nominado para sa Nobel Peace Prize. Kabilang doon sina Edward Snowden, na naglantad ng American electronic surveillance sa buong mundo; isang Russian newspaper - ang Novaya Gazeta - na kritikal kay President Vladimir Putin; at Mussie Zerrai, isang Eritrean priest na umayuda sa mga migranteng Africano na tumatawid sa Mediteranean upang makatagpo ng bagong buhay sa Europe. +Ngunit may nakababahala rin sa pinakahuling report na ito ng pamahalaan. Ayon sa datos ng nabanggit na ahensiya, lumalabas na 2.5 milyon pa ring Pilipino ang walang trabaho as of October 2014. At ang mas nakakabahala pa, sa kabuuang bilang na ito, ang mga kabataang Pilipinong may edad 15-24 ang siyang nangunguna sa mga unemployed o 49.4% o may kabuuang bilang na 1.2 milyong kabataang Pilipino na walang trabaho. At ang higit na talagang nakakabahala ay 35.2% naman o halos isang milyon ang college graduate at undergraduate sa Pilipinas na wala pa ring trabaho. +Ipinost ni Bianca sa Instagram ang gift ni Miguel at marami ang nag-like. Lalo pang kinilig ang BiGuel fans nang i-post ni Miguel ang old photo ni Bianca during Mulawin days. Ibig sabihin, nagkasama na ang dalawa noong bata pa sila. +Sa unang pagkakataon, napanood ng publiko ang digitally restored at remastered na mga kopya ng Anak directed by Rory Quintos, Kapag Langit ang Humatol directed by Laurice Guillen at Bata, Bata, Paano ka Ginawa ni Chito Rono. Mabusising inayos, pinalinaw at pinaganda ng ABS-CBN Film Archives at Central Digita Labs ang naturang mga pelikula. Dumating ang ilang ABS-CBN executives at director na kinabibilangan nina Ms. Malou Santos, Chit Guerrero, Olive Lamasan, Rory Quintos, Laurice Guillen at Chito Rono sa UP Film Center para panoorin ang Bata, Bata.... Dumating din sina Cherrie Pie Picache at Albert Martinez, na kasama sa cast nito. In full force din na dumating sa event ang Vilmanians at press people. Sa totoo lang, aakalain mong bago ang kopya ng restored films. Kung hindi nga lang naroroon sina Carlo Aquino at Serena Dalrymple na mga totoy at nene pa ang itsura sa movie, aakalain mong bagong pelikula ang Bata... Bata.... Salamat sa modernong teknolohiya. Sabi sa speech ni Leo Katigbak, ang ABS-CBN Film Archives head, anim nang classic film ni Ate Vi ang na-restore nila at baka nga lumobo pa ito sa maraming kopya dahil sa magandang pagtanggap ng publiko. Sa talumpati naman ni Ate Vi, aniyang pabiro, "Anim pa lang? Bakit hindi 15?" At idinagdag na, "Modesty aside, marami tayong classic films na nagawa na kailangan munang i-restore dahil sa kalumaan." "Gusto naming i-restore ang mga natatanging pelikula ni Vilma mula sa iba't ibang direktor," kuwento pa ni Mr. Katigbak. All in all, nakapag-restore na ang ABS-CBN Film Archives ng 72 pelikula since 2011 at ang ilan sa mga ito ay pinalad na maipalabas sa international filmfest at sa katunayan ay may red-carpet pang premiere na naganap at naiere sa free-to-air/cable television. Napapanood din ang mga ito sa pay-per-view at video-on-demand, nabibili sa DVD at nada-download din sa iTunes. Sa tanong kay Ate Vi kung ano pa ang nagawa niyang pelikula na gusto niyang panoorin, ang excited niyang sagot, "T-Bird at Ako." +Sinabi ng biktimang si Sabermcghaddam Reza, 27, sa Mandaluyong City Police Station na nadiskubre niya na pinasok ang kanyang bahay sa Unit 6/F Hannesy 1, California Gardens Square sa DM Guevarra St., Barangay Highway Hills sa Mandaluyong dakong 1:00 noong Sabado ng hapon. Nagising umano mula sa mahimbing napagkakatulog si Reza at sa kanyang pag-iikot sa bahay, napansin niya na ang lock ng main door ay sira na. Sa puntong ito, nadiskubre ng biktima na nawawala na ang kanyang laptop na nagkakahalaga ng P20,000, Samsung Note 2 na nagkakahalga ng P10,000 at P40,000 cash. Maging ang kanyang BPI Express at ATM card ay nilimas din ng mga salarin. +Pagkatapos nito, muling mapapanood ang Filipino Pop Tenors, na pinamumunuan ng film-TV actor na si Miguel Castro na isa na ngayong pop classical singer, sa Paco Park Presents sa Pebrero 20. Nasa isip ni Miguel ang paghahalo ng classical music sa pop music environment sa pagbuo ng grupo ng mga soloist na nagsanibpuwersa upang lumikha ng isang pambihirang musika, ang pop classical. +Sa inisyal na text message mula kay Cavite Police Provincial Office Director Senior Supt. Jonnel Estomo, dakong 8:30 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ni Marinel Largo, 15, ng Aroma, Marulas, sa ilog malapit sa exit gate ng Cavitex sa Barangay Marulas. +NITONG nakaraang Lunes, muling pumirma si Toni Gonzaga ng panibagong three-year contract sa ABS-CBN. "I am celebrating my 10th year as a Kapamilya and I am happy to renew my contract with them," pahayag ni TV host/actress/singer. "Talagang in my heart talaga I am certified and forever a Kapamilya. +Nahirang ang Ateneo de Manila University (ADMU) men's basketball team captain na si Kiefer Ravena bilang SMART Player of the Year sa katatapos na UAAP-NCAA Press Corps 2014 Collegiate Basketball Awards noong nakaraang Huwebes ng gabi sa Saisaki-Kamayan EDSA. Nakamit ni Ravena ang pangunahing karangalan sa taunang parangal na inorganisa ng mga mamamahayag na nagkokober ng dalawang pangunahing collegiate leagues sa bansa dahil sa kanyang hindi malilimutang performance sa nakaraang Season 77 ng UAAP kung saan siya nagwagi ng kanyang unang MVP award. +Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na ang dalawang araw na seminar ay bahagi sa national project para sa "awareness and commitment campaign on anti-doping in the Philippines" na ginaganap din sa buong mundo upang ituro ang mga pamamaraan para makaiwas at lumayo ang mga dadalo sa mga ipinagbabawal na gamot. "We want to contribute to the creation of a sporting environment conducive to healthy living and where play is fair and true by way of complimentary actions," sinabi ni Garcia. "Also among the objective is to impress upon the values of true play and clean game in sports and promote a drug-free culture among the athletes and young population." Unang isasagawa sa Marso 4 ang national anti-doping summit sa Unilab Bayanihan Center sa Pioneer St. sa Mandaluyong City habang ang Philippine Anti-Doping Champions: Trainors Training Workshop ay gaganapin sa Quezon City Sports Club sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City. Iniimbitahan ang mga coach, athletes at sports medicine practitioner sa dalawang araw na seminar na bukas para sa lahat din ng mga nagnanais na makibahagi sa programa para makaiwas sa pagkalulong sa bawal na gamot. +Kinilala ni Police Supt. Wilson de los Santos, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 7 (PS-7) sa Cubao, na si Anton Bernardo, 39, residente ng New York Mansion na matatagpuan sa No. 84 Annapolis St., Barangay E. Rodriquez, Quezon City. +Kadalasan kasi kapag love team ay inili-link sa isa't isa at kapag tinanong ay may mga pa-cute at nakakabanas na paliguy-ligoy, sasabihing posibleng ma-in love kuning-kuning si girl o si boy kasi magkasundo sila o kung anu-ano pang kaek-ekang drama. Pero kapag binalikan si girl kung ano ang masasabi sa sinabi ni boy ay pangiti-ngiti na feeling ang haba-haba ng hair. Si Inigo raw kasi nang tanungin (hindi namin napanood kasi nasa labas kami) kung posibleng ligawan niya si Julia ay diretsong sumagot ng, "Parehas kaming 17 and hindi naman po sa takot, but we're both young and it's not something that we're really focusing on right now." Honesty is still the best policy. Natatandaan naming si Sofia Andres ang may pitak sa puso ni Inigo na hindi niya itinanggi sa presscon ng Relaks, It's Just Pag-Ibig pero hindi sila officially on. "We're good friends. Not officially together, but we were talking and I can say we had something special. No label to it," malinaw na sabi ng binatilyong aktor. Kaya sa nasabing panayam kay Inigo sa The Buzz ay inamin niyang kailangan nilang mag-focus ni Sofia sa kani-kaniyang trabaho. Ka-love triangle si Sofia nina Enrique Gil at Liza Soberano sa Forevermore samantalang si Inigo ay kay Julia nga ipina-partner na kailangan ng push para sa serye at sa pelikula nila sa Viva Films. At ang paliwanag ni Inigo, "We didn't give up on each other, I mean I had to tell her (Sofia) that it's our job. We have different love teams, we can't control things. We were never officially together. I mean, we had a good talk, we just hugged. It wasn't a goodbye." Hmmm, binigyan ni Inigo si Sofia ng assurance na kahit si Julia ang ka-love team niya ay walang personalang magaganap. +Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda na mananatili ring officer-in-charge ng DoH si Undersecretary Janette Garin hanggang walang naitatalaga sa puwesto. +Inamin ni Yassi na sumama ang loob niya nang tanggalin siya sa Sunday All Stars. "Na-hurt talaga ako, kasi three years ko ring ginagawa 'yun, nasanay na every Sunday nasa SAS ako at nagpe-perform. Pero ganu'n talaga, kailangan daw magbawas ng artist at isa ako sa nawala. Ipinaliwanag naman nila kung bakit kailangan magtanggal at naiintindihan ko naman. Kaya lang, nakakalungkot talaga, kasi hahanap-hanapin din ng katawan mo 'yung ganu'ng routine every week," pag-amin ng bida sa My Fiance Since Birth episode ng Wattpad kasama si Vin Abrenica. Perfect timing daw ang offer ng TV5. "Thankful na rin ako sa nangyari kasi parang nagkaroon ako ng bagong mundo. Kumbaga, nagagawa kong makapag-guest at makasayaw sa ibang TV networks, like ABS-CBN at TV5. Nakakagawa na ako ng proyekto sa ibang TV networks. "Like, dito sa TV5, nakadalawa na ako sa Wattpad at ang latest, 'yung My Fiance Since Birth. Kaya nga thankful ako sa TV5 sa pagkakataong makapagtrabaho ako sa kanilang network," kuwento ng dalaga. Kumusta ang working relationship nila ni Vin? "Actually, hindi pa kami nagti-taping, pero I know magiging okey 'yung trabaho dahil kilala ko na siya at nakasama na naming mag-Enchanted Kingdom. "Bale isinama siya ng kuya niya, si Aljur (Abrenica) nu'ng mag-bonding kami doon nina Kylie (Padilla) at iba pa naming kaibigan. Kasama namin siyang nag-rides at namasyal, kaya naman wala nang ilangan kasi nakasama ko na siya." Paano kung ma-link siya kay Vin? "Naku, malabo yun! Although I'm single, alam naman natin na may Sophie Albert siya. Taken na siya. Kaibigan siguro puwede pa, pero 'yung i-link kami, parang hindi yata tama," mabilis na sangga ni Yassi. Wala pa ring kapalit ang ex-boyfriend ni Yassi na si Sef Cadayona. "Siguro choice ko na maging single muna sa ngayon. Masyadong marami kasi akong ginagawa. Sunud-sunod kasi ang projects ko sa Viva kaya hindi ko nabibigyan ng oras 'yung tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend. Pero marami silang nagpaparamdam, pero ayoko pa muna." +Hindi halos nabago ang line-up ng nagkampeon noong nakaraang taon, makakasagupa ng Lady Eagles, muling pangungunahan ng reigning league MVP na si Alyssa Valdez, ang Lady Bulldogs sa ganap na alas-4:00 ng hapon. Una nang nagtunggali ang dalawang koponan noong nakaraang taon sa stepladder semifinals. +Tumabla sa iskor na 3-3, isang RBI ang ikinasa ni Chanty Bongat na naghatid sa mga kakamping sina Sella Mendoza at Gelai Lenales sa home plate at nag-angat sa Lady Maroons sa two-run advantage. Mula doon, hindi na sila lumingon pa upang maangkin ang No. 2 seed sa step-ladder semis. Nakapanghihinayang naman ang naging kabiguan ng Tigresses na una nang nagtala ng 3-0 bentahe sa laro bago sila bumagsak sa fifth inning sanhi ng sunud- sunod na errors. +Ang nangyaring upset, ang pinakamalaki sa pinagsamang WTA at ATP Masters event sa ngayon, ay inabot ng 1 oras at 49 minuto at minarkahan ang worst defeat ng five-time Grand Slam winner na si Sharapova na kanyang nalasap sa Miami mula nang matalo sa kanyang debut noong 2003. +Si Sato ay miyembro ng executive committee ng Japan Prefectural and Municipal Workers Union (JICHIRO), isa sa pinakamalaking grupo ng manggagawa na binubuo ng mga kawani ng gobyerno sa Japan. Kasalukuyang pinoproseso ng BI ang deportasyon kay Sato matapos itong makabilang sa Blacklist Order ng DoJ nang makibahagi sa demonstrasyon laban sa Asian Development Bank (ADB) sa Manila noong 2012. Kinonsidera ni Alan Tanjusay, isang miyembro ng Nagkaisa, na "grave abuse of authority" ang ginawa ng BI kasabay ng panawagan sa DoJ na ituwid ang pag-aresto kay Sato. "He was set aside, held and put under deportation proceedings on the whimsical basis," pahayag ni Tanjusay, na siya ring tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP). +Nagretiro si Ruelo na may ranggong Superintendent IV sa posisyong officer-in-charge ng BuCor Office of the Assistant Director for Prison and Security at hepe ng Correctional Institution for Women. +Ayon sa grupong nanawagan din sa sambayanan na sundin ang kahilingan ni Pope Francis na iwaksi ang mga leader na nasasangkot sa pangungurakot, panahon na upang magkaroon ng leader na tulad ng mga kongresistang hindi tumanggap at nakinabang sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP). "Kailangan natin ang leader na may tapang na lulutas sa dalawang pangunahing problema ng ating bansa: korupsiyon ng mga nanunungkulan sa bayan at sobrang krimen o kawalan ng kapayapaan at kaayusan," pahayag ni 4K Vice President Ronald Mendoza. +Epektibo 12:01 kahapon ng madaling araw nang magtaas ang Shell ng 30 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina habang tinapyasan ng 10 sentimos ang diesel. +Sinabi ng grupo na hiling din ng mga Pinoy mula sa Superior Court of California na pagbayarin ang kanilang employer ng hindi nabayarang sahod nila na aabot sa $700,000. Ang L' Amande, na pag-aari ng mag-asawang Goncalo at Ana Moitinho de Almeida, ay isang popular na bakery sa Los Angeles na may sangay sa Beverly Hills at Torrance. Ayon sa 11 Pinoy, nilinlang din sila ng kanilang employer sa pagkuha ng E-2 visa na nagbibigay sa kanila ng awtorisasyon sa mga banyaga na pansamantalang makapagtrabaho sa US. Sinabi ng abogado ng mga Pinoy na binantaan umano ng mga Almeida na kakasuhan ang mga Pilipino dahil sa kanilang utang na tig-$11,000 at deportasyon sa Pilipinas kung tatanggi silang ipagpatuloy ang kanilang pagtatrabaho sa bakery. Lumitaw din sa imbestigasyon ng Office of the Labor Commissioner sa Los Angeles na pinagtatrabaho sila sa bakery nang 14 oras sa sahod na $3 kada oras. Sinabi rin sa ulat na sinibak sa trabaho ang 11 Pinoy matapos matuklasan ng mag-asawang Almeida na inimbestigahan sila ng OLC. +Inorganisa ng Iceland, tinipon ng "Barbershop Conference" ang global ambassadors at mga opisyal ng UN para sa isang pag-uusap sa kung ano ang magagawa ng kalalakihan upang masupil ang karahasan laban sa kababaihan at maisulong ang pagkakapantay-pantay. +Kapag nagtanim ka, alam mo kung ano ang iyong aanihin. Ganoon din sa ating buhay. Aanihin natin kung ano man ang ating itinanim. Minsan, nagugulat na lamang tayo sa kaguluhan at kapighatiang idinudulot ng ating pamumuhay. Ngunit nangyayari lamang iyon kapag nagtanim tayo ng mga butil ng masamang pag-uugali at maling gawa; at nararanasan natin ang natural na bunga ng kung ano ang ating itinanim. Ngunit nangyayari rin ang kabaligtaran niyon. Kung magtitimpi tayo sa ating kapwa, kung tumutugon tayo sa mga paghamon nang may pananalig sa halip na may takot, at kapag tinatanggap natin ang ating kapwa kahit hindi sila katanggap-tanggap, ang mga ito ang bunga ng mga butil na itinanim ng Espiritu ng Diyos sa ating buhay. +Simula Enero 2014, umabot na sa halos P10 kada litro ang natapyas sa presyo ng gasolina habang P8 na ang nabawas sa halaga ng diesel. Subalit nananatiling nakabinbin ang hirit ng mga pasahero na ibaba na ang minimum na pasahe sa pampublikong sasakyan partikular sa jeep dahil kailangang dumaan sa proseso ang pagpapasya nito ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). +Inihain ng Office of the Ombudsman ang kasong one count of violating the Anti-Graft and Corrupt Practices Act at one count of Malversation through Falsification laban sa limang dating opisyal ng Philippine Marines. Kabilang sa mga kinasuhan ay sina retired Maj. Gen. Renato Miranda, Lt. Col. Jeson Cabatbat, Maj. Adelo Jandayan, Capt. Felicisimo Millado, at Capt Edmundo Yurong. Ayon sa ulat, nai-raffle na ang kaso sa Sandiganbayan Third Division. Sinabi ni Assistant Special Prosecutor III Anna Isabel Aurellano na nagkutsabahan ang lima sa paglulustay ng P36.7 milyon noong 2000 habang sila ay nakaposisyon sa hukbo. Ipinaliwanag ni Aurellano na inilaan ang naturang halaga sa Combat Clothing Allowance at Individual Equipment Allowance ng mga sundalo ngunit hindi nila natanggap ang mga ito noong 1999. Tumatayong disbursing officer ng PMC noong mga panahong iyon, sinabi ng Ombudsman na nasa pangangalaga ni Millado ang naturang halaga subalit kinalaunan ay ibinigay nito ang P36 milyong kay Jandayan. +"In the consideration of safety, management and other factors, Yuyuan Tourist Mart has decided to cancel the 2015 Yu Garden Lantern Festival," pahayag ng kumpanya na nag-oorganisa sa event sa kanilang website noong Sabado. +Gayunman, nilagyan ng mga pulis ng steel barrier na maagang pumuwesto sa lugar. Itinuloy pa rin ng mga militante ang programa sa kalsada dala-dala ang kanilang placard, na roon nakasaad ang kanilang panawagan sa tunay na reporma sa lupang sakahan. Humihingi rin ng hustisya ang mga ito para sa mga nasawi sa tinaguriang Mendiola massacre noong Enero 22, 1987 at sa mga biktima ng iba pang karahasan sa Mendiola. Nagtagal lang ng kalahating oras ang programa ng mga ito at nilisan din ang lugar para dumiretso sa Mendiola. Matatandaang pinagbabaril ng mga sundalo at pulis ang 13 magsasaka na kabilang sa libu-libong raliyista na nagtangkang pumasok sa Malacanang para iparating kay dating Pangulong Corazon Aquino ang kanilang mga hinaing at kahilingan sa pamamahagi ng lupain 28 taon na ang nakalilipas. +FEU-NRMF-Gerry's Grill (82) - Manalo 16, Bautista 16, Gaco 13, Arafat 13, Crellin 9, Santos 5, Abdul 4, Sta. Maria 3, Morales 3, Raymundo 0, Tan 0, Gumabay 0. Diliman-JPA (76) - Diakhite 20, Torrado 14, Brutas 13, Enriquez 12, Salazar 4, Ligon 4, Corpuz 3, Sombero 2, Antalan 2, Cuerquez 1, Tay 1. +Enero 1951, nagdesisyon si Dean na ipagpaliban ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, at nagsimula siyang dumalo sa mga drama workshop na pinamunuan ni James Whitmore. Matapos noon ay marami na siyang ginampanang papel. Taong 1955, naging sikat si Dean para sa teenage revolution. Siya ay lumabas sa pelikulang "Rebel Without A Cause," kung saan gumanap siya bilang isang palaaway na teenager na kilala bilang Jim Stark. +Sa unang araw ng paglulunsad, nagsara ang isang euro sa halagang katumbas ng $1.17 U.S. dollars sa foreign exchange. Noong Enero 1, 2002 ay pinalitan na ng Austria, Belgium, Finland, France, Germany, Ireland, Italy, Luxembourg, Netherlands, Portugal, Spain at Greece ang kanilang pera sa euro. Binubuo ng 19 na bansa ang eurozone. Ang iba pang European countries na nais mapabilang ay kinakailangang makapasa sa "convergence criteria," at maaprubahan ng konseho ng European Union (EU). +Hahataw sa Abril 5 (Easter Sunday) ang binuong Spiker's Turf na para sa kalalakihan at ang pinakaaabangang Shakey's V-League na para sa kababaihan sa ika-12 edisyon ng Shakey's V-League Open Conference sa San Juan Arena. +Si Popovich ay naging ikasiyam na coach na humantong sa 1,000th regular-season wins at naging ikatlo sa may pinakamabilis na mapasakamay ang inaasam na karangalan. Napasama ito kay dating Utah coach Jerry Sloan na natatanging coaches sa kasaysayan ng liga na mapagwagian ang 1,000 games sa iisang koponan lamang. Pinamunuan ni Tony Parker ang Spurs na taglay ang 19 puntos. Nagtala naman si Tim Duncan ng 15. Umiskor si Rodney Stuckey ng 18 puntos para sa Indiana, natapyas ang season-best winning streak sa tatlong sunod na panalo. Lumabas na nakuha ng Pacers ang kontrol nang maitatag nila ang 79-65 lead matapos ang tatlong quarters. Subalit nagsalansan ang Spurs ng siyam na sunod na puntos upang itabla ang iskor sa 91, at muling nagtabla sa 93, at muling kinuha ang kalamangan mula sa buslo ni Belinelli nang tumalbog sa rim ang 3-pointer ni George Hill. Naimintis ng San Antonio na maipagkaloob kay Popovich ang dapat sana'y maagang grand party noong Lunes subalit nabigo sila sa Toronto. Ngunit sa pagkakataong ito ay 'di na hinayaan ng defending NBA champs na mangyari pa ito, kahit na sadsad sila sa 91-82 sa natitirang 5:36 sa orasan. At siyempre, ang matinding paghahabol ng Spurs ay nangyari sa pamamagitan ng mga plano ni Popovich kung saan ay pinagsama-sama niya ang kanyang mga manlalaro. Sinimulan ni Danny Green ang rally sa pamamagitan ng layup. Kinumpleto ni Kawhi Leonard ang 3-point play. Ikinasa ni Duncan ang isa pang layup at nang sumablay si Parker sa dalawang free throws, may 3:18 pa sa korte, ang iskor ay humantong sa 91-all. Sumagot ang Indiana mula sa 20-footer ni Stuckey upang kunin uli ang lead, subalit muling naitabla ito ni Aron Baynes matapos ang kanyang tip-in sa natitirang 56.7 segundo upang maitakda ang huling sequence, ang maibuslo ni Belinelli ang napakahalagang iskor matapos na magmintis si Hill. TIP-INS +Kinilala ni Senior Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano Police, ang napatay na si Sergeant Roy Gapay, commander ng Patrol Base ng 77th Civilian Auxilary Forces Geographical Unit (CAFGU) ng Philippine Army na nakabase sa nasabing barangay. Nasugatan naman si Bobbit Dela Torre, miyembro ng CAFGU. Napaulat na agad na nasawi si Gapay makaraang pagbabarilin sila ng mga suspek dakong 3:40 ng umaga. +Dakong 8:30 ng gabi, nakikipag-inuman ang suspek sa ilang kabarkada nang nakita niya ang biktima na bumibili ng softdrinks sa tindahan at pinaghihipuan niya sa maseselang bahagi ng katawan. +Habang nakatutok ang isang patalim, unang hiningi ng 'di kilalang taxi driver ang bag ni Dalangin subalit tumanggi ito. Sa halip, ibinigay ng biktima ang kanyang cell phone sa suspek. Habang ipinipilit ng driver na makuha ang bag ng biktima kasabay ng pagbagal ng takbo ng sasakyan, ginamit na itong oportunidad ni Dalangin upang makatakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa taxi. +Tulad ng kanyang ipinangako, ilang araw bago ang kanyang unang pagtapak sa octagon ng One Fighting Championship (ONE FC), hindi nga hinayaan ni Brandon Vera na umabot sa tatlong round ang kanilang sagupaan ni Igor Subora sa co-main event ng "One FC: Warrior's Way". Sa likod ng malalakas na hiyawan at palakpakan ng kanyang mga tagasuporta sa Mall of Asia Arena, naging matagumpay ang debut bout ni Vera sa ONE FC nang makuha niya ang KO victory sa 3:54 mark ng unang round ng kanilang sagupaan ng URCC heavyweight champion kamakalawa ng gabi. +Inilarawan ng pulisya ang babae na nasa 30 hanggang 35 anyos, maputi, may katabaan ang pangangatawan at may tattoo sa braso, nakasuot ng asul na blouse at panty. +Nag-upload si Kardashian ng larawan mula sa Disney kalakip ang mga salitang, "If you want to leave, you can. I'll remember you, though. I remember everyone that leaves," na may kasamang biyak na puso. Si Kardashian -- na nagdadalantao sa ikatlong anak -- ay nagkakaroon ng problema sa relasyon ng ama ng kanyang mga anak. nang pumanaw ang mga magulang ni Disick ay napapadalas ang pakikipag-party at paglalasing nito. +Nakabuntot naman sa kanila ang makakatunggaling Star Hotshots na umangat sa ikatlong puwesto kapantay ang Barangay Ginebra na sasabak sa unang laro kontra sa Globalport sa ganap na alas-3:00 ng hapon. Mula sa 1-3 panimula, nagposte ng apat na sunod na panalo ang Star Hotshots, ang pinakahuli ay laban sa Kia Sorento noong nakaraang Nobyembre 26 sa iskor na 88-77 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City. Nagsanib ng puwersa sina Joe Devance at Marc Barroca sa final canto kung saan ay nagsalansan sila ng game telling na 14-0 run para maagaw ang kalamangan sa Kia na umabot ng hanggang 9 na puntos at maangkin ang panalo. Ngunit gaya ng Star Hotshots, hangad din ng Elasto Painters na palawigin ang naitalang 4-game winning streak, ang huli ay ang came-from-behind 95-93 panalo sa NLEX. Nagposte si Paul Lee ng season high na 27 puntos, ang 10 dito ay inilatag niya sa final stretch upang giyahan ang Rain or Shine tungo sa ikaanim nilang tagumpay sa loob ng walong laban. Una rito, tiyak na aabangan ng lahat, maging ng iba pang fans ng liga, ang magiging takbo ng laro ng Globalport matapos na mawala sa kanila ang head coach na si Pido Jarencio na pansamantalang pinalitan ng dati niyang deputy na si Erick Gonzales sa pagsalang nila kontra sa Gin Kings. Kapares ng Ginebra, hangad din ng Purefoods ang ikaanim na panalo. Kasunod ng kanilang naging malaking kabiguan sa kamay ng San Miguel Beermen, 69-95, noong Nobyembre 25, pinalitan ng management ng Batang Pier si Jarencio. Tiyak na magiging dikdikan ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan lalo pa at galing din sa malaking kabiguan sa kanilang nakaraang laban ang Gin Kings kontra sa Meralco Bolts, 99-109, noong Nobyembre 21 sa Antipolo City. +Dinukot si Abdurajak ng dalawang miyembro ng Abu Sayyaf sa Barangay Kajatian sa Indanan, dakong 6:10 ng gabi nitong Martes. Ayon sa pulisya, pinalaya si Abdurajak matapos ang tuluy-tuloy na negosasyon ng pamilya ng huli sa mga kidnapper. +WALA nang dapat ipag-aalala ang mga tagahanga sa kalagayan ni German "Kuya Germs" Moreno dahil nagpahayag ang kanyang anak na si Federico Moreno na stable na ang kalagayan ng master showman pagkatapos nitong magkaroon ng mild stroke last January 2. +Sinalakay ng pulisya ang bahay ni Pagarigan sa Barangay Katiku, at naaktuhan sa pot session ang mga suspek. Nakakumpiska rin ang pulisya ng 13 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,000 at mga drug paraphernalia. +Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rowell Coral, residente ng Zorra St., Barangay Paltok, Quezon City. Base sa imbestigasyon, naganap ang tangkang panghahalay dakong 6:00 noong Linggo ng umaga. Sinamantala umano ng suspek ang pagka-inosente ng 10-taong gulang na pamangkin nang kumbinsihin itong samahan siya sa silid ng kanilang bahay dahil nandoon naghihintay ang kapatid na lalaki ng biktima. Subalit nang makarating sa loob ng silid, agad na kinandado ng suspek ang pintuan at binuhat ang Grade 5 na estudyante sa kama at hinawakan ang maselang bahagi ng katawan. Inalok din umano ng salapi ang dalagita upang hindi ito pumiglas habang puwersahang hinuhubaran ng suspek. Ayon sa pulisya, binantaan din ng suspek ang dalagita na papatayin ito kung sisigaw ng tulong. Pinalad ang biktima ng biglang dumating ang kanyang "Tiyo Berong" sa kanilang, dahilan upang makatakas ito sa pangmomolestiya ng suspek. +Agad na paglalabanan ang unang ginto sa torneo para sa mga kabataang student-athlete sa ganap na alas-7:30 ng umaga sa finals ang Boys and Girls 800m finals na susundan naman ng girls long jump finals, boys shot put, at ang pinakaaabangan na event sa athletics na boys at girls 100m finals +LOS ANGELES (Reuters) - Nakamit ni Taylor Swift ang unang puwesto sa U.S. Billboard 200 chart noong Miyerkules para sa kanyang album na 1989, tinalo ang The Pinkprint ni Nicki Minaj. Nananatiling nasa unang puwesto ang 1989 sa loob ng walong linggo. Ito ay bumenta ng 331,000 kopya, 433,00 awitin, na may kabuuang 375,000 base sa Nielsen SoundScan. +"Scores of Boko Haram fighters blocked a route linking Nigeria with Chad near the fishing village of Doron Baga on the shores of Lake Chad on Thursday and killed a group of 48 fish traders on their way to Chad to buy fish," ulat ni Abubakar Gamandi. +Ayon sa 903rd Infantry Brigade, nasa 30 miyembro ng rebeldeng grupo ang responsable sa pagsunog sa bahay ni Barangay Kagawad Oscar Rejuso. Mabilis umanong kumalat ang apoy sa kabahayan na naging sanhi upang matupok agad ito. +Ayon sa grupong Train Riders Network (TREN), nananatili ang kanilang posisyon na iligal at hindi makatarungan ang dagdag pasahe sa naturang mass transport. +Ito ang inihayag ni Atty. Roque sa isang pulong sa Quezon City nang igiit niya na maaaring kasuhan sa International Court of Justice ang mga leader ng nasabing mga grupong Islam na maituturing na may pananagutan sa bakbakan sa Mamasapano. Ayon kay Roque, dapat ipatupad ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang kamay na bakal laban sa MILF, BIFF at maging sa Moro National Liberation Front (MNLF) dahil sa paglabag sa International Humanitarian Law, matapos na kumalat online ang sinapit ni PO2 Joseph Sagonoy, ng Samar. Nakita sa video ang karumal-dumal na pagpatay kay Sagonoy, na buhay pa dahil sa tama ng bala sa paa subalit pinagbabaril pa ng kalaban sa ulo at katawan hanggang sa tuluyang binawian ng buhay noon din. +Ang pagkapagod, dahil na rin sa paspasang larong ginagawa ng Aces, ang nakikitang isang dahilan ni Alaska coach Alex Compton kung kaya nakuha nilang itabla ang serye sa 3-3 sa pamamagitan ng 87-76 panalo nila sa Game Six. "The big thing for us was the minutes that their guys had to play," ani Compton. "When you play against a team that plays the way that we do, nakakapagod talaga." "I really think that as athlete, you tire sometimes and I thought that let them miss some shots and not making plays they normally make," dagdag pa ni Compton. Sinang-ayunan naman ito ni coach Leo Austria ng Beermen, ngunit naroon din ang kanyang pag-amin na may halong sobrang tiwala ang kanyang mga manlalaro sa nakalipas na laro. "Maybe tama 'yung iba na napagod, 'yung mga player namin," ani Austria. "Siyempre you're aiming for the championship medyo mataas ang adrenaline at emotions,puwedeng naubos agad. Then we were running out of fuel sa second half kasi makikita naman 'yung Alaska, from start to finish hindi nagbago ang intensity nila. At saka medyo naging complacent din kami when we're leading." +Unang idaraos sa Boracay ang pulong ng 11 Supreme Court justice ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa ASEAN Integration, na susundan ng Kuwaresma--ang panahong dinadagsa ng milyong turista ang isla. +Ito ang sinabi kahapon ng isang mataas na opisyal sa POC matapos ang isinagawang pagpupulong ng volleyball stakeholders upang makumpleto na ang ipinag-utos ng FIVB na iluklok ang mga opisyal na mamamahala sa asosasyon bago dumating ang Pebrero 15. +Gumawa si Greg Monroe ng 22 puntos at humatak ng 10 rebounds sa pagputol ng Pistons sa kanilang four-game losing streak laban sa Toronto. Nakaiskor si Jodie Meeks ng 11 sa kanyang 13 puntos sa fourth quarter at nag-ambag si Jonas Jerebko ng 8 sa kanyang 10 sa final period. +Sinabi ni PAF spokesman Lt. Col. Enrico Canaya, ang 22 sundalo ay sinampahan na ng kaso. Siyam dito ang inirekomendang itiwalag sa serbisyo habang ang 13 ay isasailalim sa preliminary investigation. +Habang nasa ospital ang 21 taong gulang na anak ng singer noong Lunes, base sa ulat ng mga pulis, tinawagan sila noong Sabado sa tahanan nito sa suburban Atlanta bilang pagtugon sa "a drowning," at siniguro ang pangyayari sa mga imbestigador. "Bobbi Kristina is fighting for her life and is surrounded by immediate family,'' pahayag ng pamilya Houston noong Lunes. "We are asking you to honor our request for privacy during this difficult time. Thank you for your prayers, well wishes, and we greatly appreciate your continued support.'' Dahil sa walang ibinigay na eksaktong detalye ang mga pulis at pamilya tungkol sa kanyang kalagayan at pinagmulan ng trahedya, tiningnan ng mga tao ang kanyang mga pahayag sa social media. Base sa kanyang tweet noong Huwebes, mahahalatang malungkot siya dahil sa pagkabigong maging entertainer: "Let's start this career up&&moving OUT to TO YOU ALLLL quick shall we !?!???!'' Pagkaraan ng dalawang araw, natagpuan siyang walang malay, na katulad ng ikinamatay ng kanyang ina. Pebrero 11, 2012, bago ginanap ang Grammys, natagpuan ng kanyang assistant ang katawan ni Whitney na walang buhay sa tub sa Beverly Hills Hotel. Natagpuan ng awtoridad ang dose-dosenang bote ng drugs, ngunit sinabing aksidente itong nalunod. Ang anak niyang si Bobbi na 18 taong gulang pa lamang nang panahong iyon, nasa labas ng silid ni Whitney, ay labis na nag-alala kung saang ospital siya dadalhin. "She wasn't only a mother, she was a best friend,'' pahayag niya kay Oprah Winfrey nang pumanaw ang kanyang ina. Pero si Whitney ay mahirapan tularan ng kanyang anak, na tinatawag ang sarili sa Twitter bilang "Daughter of Queen WH,'' "Entertainer/Actress'' with William Morris & Co., at "LAST of a dying breed.'' Matatandaan na sa edad na 22, natamo ni Whitney ang kanyang No.1 hit. Ang kanyang boses, sigla at kagandahan, ang nagpasikat ng mga awiting tulad ng Saving All My Love For You, I Will Always Love You, The Greatest Love of All at I'm Every Woman. Namana ni Bobbi ang lahat ng mga ari-arian ng kanyang ina ngunit hindi ang galing sa pagkanta. Bukod sa crew ng reality TV show ng kanyang pamilya na The Houstons: On Our Own, madalas siyang nakikita sa online selfies at sa mga larawan na kuha ng paparazzi. Sinabi niya kay Oprah na nais niyang kumanta, umarte at sumayaw katulad ng kanyang ina at ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit pagkaraan ng ilang taon simula nang pumanaw ang kanyang ina, lalo siyang naging matunog dahil sa pagkalulong sa droga, pagbaba ng timbang at away pamilya. "Damn, lol, it's incredible how the world will judge you 4ANY&EVERYthing,'' pahayag niya sa kanyang Twitter account noong Marso 2014. Bunga si Bobbi ng pagmamahalan ng dalawang sikat na tao. Nakilala ni Whitney ang R&B star na si Bobby Brown sa Soul Train Music Awards noong 1989. Sila ay nagpakasal noong 1992. Pagkaraan ng isang taon, ipinanganak ni Whitney si Bobbi at itinigil niya ang paggamit ng droga. +Nakilala si Edison dahil sa pagmamahal sa siyensiya. Noong 1870, nakipagtulungan siya sa iba pang siyentista, gaya nina Alessandro Volta, Matthew Evans at Henry Woodward upang makabuo ng isang katangap-tanggap na modelo ng incandescent light. Nais nilang makabuo ng pangmatagalan pero tipid na ilaw. Enero 27, 1880 nang ipagkaloob ang patent para sa electric lamp ni Edison. +Kinabibilangan nina Terrence Romeo, KG Canaleta, Rey Guevarra, at Aldrech Ramos, tinanggalan ng korona ng koponan ang world champion na Doha ng Qatar sa FIBA 3x3 World Tour Manila Masters dito sa bansa upang makakuha ng puwesto sa world championship. Pamumunuan ng 3x3 team ang 23 iba pa na pararangalan sa kanilang nagawang achievements at contributions sa Philippine sports sa Pebrero 16 event sa 1Esplanade sa Pasay City kung saan ay tumayong principal sponsors ang MVP Sports Foundation, Meralco, at Smart at major sponsor ang Philippine Sports Commission. Tatanggap din ng citations mula sa 66-anyos na media organization, ang pinakamatanda sa bansa, na pinamumunuan ni Jun Lomibao ng Business Mirror, ang NU Lady Bulldogs, San Beda Red Cubs, Anita Koykka, Maybelline Masuda, Annie Ramirez, Geylord Coveta, ang Philippine Taekwondo team (male under-30), Francis Aaron Agojo, at ang PH taekwondo team na kinabibilangan nina Jeordan Dominguez, Juvenile Faye Crisostomo, Jaylord Seridon, Joe Vanni Colega, Rodolfo Reyes Jr., McAvyngyr Alob, Clement Tsulong Tan, Elisabella Cesista, Leanarda Nicole Landrito, Rinna Babanto, Jocel Lyn Ninobla, at Janna Dominique Oliva. Kukumpleto sa listahan ay sina Kenneth San Andres, Peter Gabriel Magnaye at Paul Vivas, August Benedicto, Claire Adorna, Bong Lopez, Philippine Basketball Marathon, University of the East juniors volleyball team, Adamson women's softball team, Saturday Afternoon Gentlemen Sailors, Pagpupugay, Philippine Collegiate Champions League, Accel, Unilab Active Health, at ang Junior Golfers League. Si cycling's Daniel Caluag ang makatatanggap ng pinakamataas na individual honor para sa gabi ng parangal na iprinisinta ng PCSO, PBA, Rain or Shine, Maynilad, ICTSI, Accel, PAGCOR, National University, Globalport, El Jose Catering, at Air21 kung saan ay pinangalanan siya bilang PSA Athlete of the Year para sa 2014. Makakasama sa limelight ng 27-anyos na si Caluag sa formal event ang National University (President's award), MVP Sports Foundation Inc (Sports Patron of the Year), ang 1973 Philippine men's basketball team (Lifetime Achievement Award), coach Tim Cone (Excellence in Basketball), Mitsubishi (Hall of Fame), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), at Pirncess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year). +Sa launching ng MMFF sa Sampaguita, marami agad ang na-impress sa ganda ng trailer ng pelikula. Sabi ng isang veteran writer, parang hindi gawa sa Pilipinas. Glossy at halatang pinagkagastusan talaga ng mga producer. "Trailer pa lang 'yun. Kasi minsan kapag nanood ka ng trailer, 'yon na 'yon. Pero hindi, wala pa kayong nakikita. Pasilip pa lang 'yan. Mahaba pa ang lalakbayin ng pelikula. Pero masaya kami dahil maganda talaga ang kinalabasan ng pelikula namin. Ito ang pelikulang ipagmamalaki ng bawat isa sa atin," ipinagkakapuring kuwento ng bida ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Mukhang ito na yata ang pinakamalaki at pinakamagastos na pelikula sa 40th Metro Manila Filmfest? "Ay, talaga po!" mariing sagot ni Robin. "Kasi dito aabot kami ng mga P120 million na. Production kasi naman P90 million na, eh, may promo pa. Umaasa si Robin na susuportahan ng bawat Pilipino ang kanyang pelikula lalo na't makabuluhang ang istorya nito na tumatalakay sa kasaysayan ng ating bansa. "Pero hindi naman kami nawawalan ng pag-asa. Na kahit papaano, eh, makabawi kami sa aming pinuhunan. Andiyan naman 'yung mga partner natin na hindi kami pinababayaan," paniniguro ng host ng Talentadong Pinoy ng TV5. Nabanggit ni Robin sa interview sa kanya ang mga katagang 'malalim ang puno, hindi madaling mabunot ang ugat,' ano ang ibig sabihin niya? "'Yung mga kabataan natin, ina-address ko 'yon sa kanila. Na kapag hindi nila inaalam 'yung kanilang pinagmulan, wala silang pupuntahan. Oo, kailangan alamin nila at ito 'yong Bonifacio, ito 'yong pinagmulan nating lahat, eh. Na nagi-enjoy tayong lahat dahil kay Bonifacio. Dahil sa kalayaan niyang ipinaglaban. 'Yon ang ibig kong sabihin. "Kasi ang mga kabataan ngayon walang alam sa pinanggalingan nila. Kapag tinanong mo sila ang mga isasagot sa iyo mga artista. Medyo malungkot 'yon. Ang artista dapat hanggang sa TV lang 'yan pinanonood mo, o hanggang sa pelikula lang 'yan. Pero kapag may kinalaman na sa buhay mo, ibang usapan na," makahulugang wika ng aktor. Nag-iisang historical entry ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo sa walong official entries sa gaganaping 40th Metro Manila Film Festival na magkakaroon ng festival parade sa December 23. Binoe plays Andres Bonifacio. +Sa ulat kay acting Tarlac City Police chief Supt. Felix Verbo Jr., ang kinasuhan ay si Rechell Cristobal, nasa hustong gulang, ng Sapang Bayan, Calumpit, Bulacan. +Nagtulong ang inspiradong PH Women's Compound team sa pagkakadagdag sa gintong medalya nang kulapsuhin ang karibal na India, 224-223, upang kumpletuhin ang produktibong kampanya sa world ranking tournament sa Huamak Field. Ipinamalas ng mga Pinay ang husay bilang mga top seed matapos na magpahinga muna sa unang laban bago tinalo ang Hong Kong, 224-220, sa quarterfinals at ang kalaban sa SEA Games na Indonesia, 221-210, sa semifinals. Unang ipinamalas ni Paz-Cojuangco ang galing nang kubrahin ang ginto sa mixed team at pilak sa individual bago binitbit ang koponan, kasama ang nagbabalik na si Jennifer Chan at baguhang si Andrea Robles, sa pagkamkam ng gold medal. Iuuwi ni Paz-Cojuangco ang ginto sa women's compound individual qualification at pilak sa Olympic Round, gayundin ang ginto na kasama si Jeff Adriano sa mixed compound team qualification at ginto sa Olympic Round. Mayroon din ginto sina Paz-Cojuangco, Chan at Robles sa women's compound team qualification at ginto sa womens' team Olympic Round. Ang iba nang nakapagbulsa ng medalya ay sina Adriano na may ginto sa men's compound individual qualification habang nakasama ni Adriano si Earl Yap at Paul dela Cruz sa men's team compound qualification. +Samantala, ilang oras matapos na maapula ang naturang sunog ay isang malaking apoy na naman ang sumiklab sa lugar kahapon ng tanghali habang isinusulat ang balitang ito. +MINSAN nang nanalo si Vina Morales ng Best Actress for TV sa pagganap niya bilang si Oriang sa drama show of the same title. Kaya marami ang nag-wish sa kanya na manalo muli ng best actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival awards night, sa pagganap niya bilang si Oriang sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo nila ni Robin Padilla. +May 40 kumpanya ang makikibahagi sa dalawang-araw na MB Job Fair sa pag-asang matatanggap mula sa napakaraming trabahong iaalok, lokal man at sa ibang bansa. Bukod sa mga job opening mula sa mga kumpanyang BPO, iaalok din hanggang bukas ang mga trabaho sa multimedia, banking, nursing, office administration, insurance, sales, at maraming iba pa. Nasa 16,000 aplikante ang nakibahagi sa mga job fair noong nakaraang taon, nang walong magkakaibang lokasyon sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan ang binisita ng MB. Sa bilang na ito, mahigit 1,600 ang agad na nagkatrabaho. Sa unang bahagi ng taong ito, isinagawa ng MB ang una nitong job fair sa Baguio City at 73 aplikante ang agad na nagkatrabaho. Patuloy na dumarami ang matatagumpay na job hunters na ito habang nagpapatuloy ang MB sa pagsasagawa ng mas maraming job fair. Kabilang sa mga na-hire on-the-spot sa MB job fair sa Quezon City sina Marjorie Centeno, Jill Mariz Zapanta, Maryse Barnachea at Kimberly Reyes. Tinanggap sina Centeno at Zapanta bilang customer service representative ng kumpanyang BPO na Customer Contact Channels (C3). Samantala, sa AFNI Philippines naman nakasumpong ng trabaho sina Barnachea at Reyes. Magbibigay din ng job hunting tips ang mga career expert sa dalawang araw na job fair. Ngayong hapon, si MB External Affairs Head Barbie Atienza ang magsisilbing speaker, habang si Lyceum of the Philippines HR Director Myrna Reyes naman ang magsasalita sa job fair bukas. Tatalakayin nina Atienza at Reyes ang mga panuntunan kung paano magiging kapansin-pansin ang isang resume at magbibigay din ng tips para maging matagumpay ang isang job interview. +"Kakaiba 'yung naging experience namin sa parade dahil naaabot namin 'yung mga tao habang nakasakay kami sa float. It's not the typical set-up na kumakaway lang kami sa kanila," sabi ni Bianca. Kuwento naman ni Miguel, kusang-loob na inaabot ng fans ang kani-kanilang mobile phones para mag-request ng selfie. "'Binibigay ng fans 'yung cellphones nila sa amin ni Bianca habang nasa float kami para raw makapag-selfie shot kami. Imagine, inaabutan kami ng cellphone? Nakakatuwa sila at ang sarap ng feeling na nakikita namin silang masaya sa pagbisita namin sa Iloilo." Bukod sa tinitiliang BiGuel love team, nakisaya rin sa Iloilo ang Kapuso homegrown talent na si Ruru Madrid bilang guest performer sa Iloilo Festival Queen and Hiyas Sang Iloilo beauty pageant noong Enero 21. Naki-party rin ang real-life sweethearts na sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Robinson's Place Iloilo noong Enero 23. Noong Enero 25 naman, present sa Dinagyang celebration si Mikael Daez bilang host ng GMA TV Western Visayas para sa live coverage nito ng Ati Tribe Competition. Nasa Iloilo rin ang lead cast ng Kailan Ba Tama Ang Mali? na sina Geoff Eigenmann, Empress Schuck, Dion Ignacio, at Max Collins na nakisaya sa Ilonggo audience sa SM City Iloilo. At pagkatapos ng mall show, tumungo naman sina Geoff, Empress, at Dion sa closing ceremonies sa Freedom Grandstand. Samantala, libu-libong Kapuso fans ang pumunta sa tatlong malalaking malls ng Queen City of the South para mapanood ang GMA premier artists na nakisaya naman sa Sinulog Festival ng Cebu. Enero 16 nang muling mapa-wow ni Regine Velasquez-Alcasid ang Cebuano audience sa The Terraces ng Ayala Center Cebu. Tampok din sa nasabing event ang Healing Hearts stars na sina Angelika de la Cruz, Joyce Ching at Kristoffer Martin. "It's nice to be back in Cebu and to join in the celebration of the Sinulog Festival. I like coming back here especially because the warmth of the Cebuanos is really overwhelming. Their loud cheers never fail to inspire me every time I come up on stage and perform for them," pahayag ni Regine. Back-to-back Kapuso Mall Shows naman ang nasaksihan ng mga manonood sa Gaisano Grand Mall Mactan at SM City Cebu noong Enero 17. Nagtanghal ang lead stars ng Second Chances na sina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Camille Prats at Rafael Rosell -- kasama ang cast ng Once Upon A Kiss na sina Miguel, Bianca, Pekto, at Betong. Inabangan din ang BiGuel love team sa makulay na GMA float sa Grand Sinulog Parade noong Enero 18. Sa Ati-Atihan Festival naman ng Kalibo, Aklan noong Enero 13, 'di nakapagtatakang jam-packed attendance ang bumungad sa Asia's Songbird kaya bonggang Kapuso Night ang inihandog niya sa mga manonood. Ang ilan sa mga awiting kinanta niya sa harap ng humigit-kululang 10,000 katao ang Ako'y Iyung-iyo, Tuwing Umuulan, Dadalhin, Hulog ng Langit, On the Wings of Love, at isang medley ng pop hits of the 70's. Nakasama rin ni Regine sa nasabing event sina Miguel, Bianca, at Betong. Present din sa 2015 Ati-Atihan festivities sina Kris Bernal, Chynna Ortaleza, Mike Tan, Alden Richards, Steven Silva, at Rocco Nacino. Nitong nakaraang Enero, nagpakilig din nang husto sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo kasama si Julie Anne San Jose, sa Longganisa Festival ng Vigan. Nagtanghal naman sa Bagoong Festival ng Lingayen, Pangasinan sina Louise delos Reyes, Kris Lawrence, at Kris Bernal. +Sa pagtatapos ng kanyang termino, hinahangad ng ama ng lalawigan, kung saan naroroon ang pamosong Lambak ng Cagayan (Cagayan Valley), na maging maayos ang kalagayan ng komunidad ng palakasan sa kanilang lalawigan na walang anumang bahid ng pulitika. Ayon kay Antonio, maliban sa pangunahing target na makamit ang karapatang maging host ng 2016 Palarong Pambansa, gusto niyang tiyakin na magpapatuloy ang kanilang nasimulang programa sa sports kahit wala na siya sa kapitolyo. "We are creating a sports commission to sustain the continuity of the sports program and maintenance of the sports facilities," pahayag ni Antonio na naglaan ng budget na aabot sa P1 bilyon para sa kabuuan ng pagsasa-ayos at pagtatapos ng konstruksiyon ng Cagayan Sports Complex bilang paghahanda sa gagawin nilang pagbi-bid para sa Palaro hosting. Bukod dito, batid ni Antonio ang hinaing at pangangailangan ng mga alteta bilang isang dating basketball player at isang high jump specialist kung saan ay nais nito na matulungan ang kanyang mga kababayan na magkaroon ng maayos na pundasyon at pagsasanay sa kanilang larangan upang magkaroon ng pagkakataong makapagbigay ng karangalan, hindi lamang para sa kanilang lalawigan, kundi sa bayan bilang miyembro ng national team. +Base sa report na nakarating kay Usec. Cacdac, ganap na 8:00 ng gabi kamakalawa nang arestuhin ng PDEA Regional 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Jeoffrey Tacio, at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG) si Timbona makaraang makipagtransaksyon sa poser buyer ng PDEA sa Dau Bus Terminal saMabalacat City, Pampanga. Nasamsam sa kanya ang 300 gramo ng shabu. +BUENOS AIRES, Argentina (AP)- Napanalunan kahapon ni Rafael Nadal ang kanyang unang titulo matapos ang halos siyam na buwan nang kanyang talunin si Juan Monaco, 6-4, 6-1, sa Argentina Open. Hindi pa umaabot ang top-seeded Spaniard sa isang final mula nang mapagwagian ang Roland Garros noong nakaraang taon. +" Wala na pong extension sa PA ng truck kaya anytime pwede na silang hulihin ng mga enforcers," saad ni Salada. Sa panayam kay LTFRB, Board Member Atty. Ariel Inton, sinabi nito na hindi na palalawigin ang Provisional Permits sa mga truck dahil tapos na extension nito noon pang katapusan ng Enero 2015. "We believed the board have already been released all the franchises pending before the LTFRB," pahayag ni Inton. Sinabi ng Board na ang ibinasurang PA application ay posibleng kulang ang isinumiteng requirements ng operator nito. Nanindigan ang Board na hindi sila dapat sisihin ng trucks owners at operators dahil lahat ng pagkakataon ay ibinigay nila para magkaroon ng prangkisa ang mga ito mula sa ahensiya. Batay sa talaan ng LTFRB, nasa 28,000 trucks ang bumabiyahe sa Metro Manila at sa karatig na mga lalawigan. +NAGTATAMPO ang mga kababayang Pinoy sa Los Angeles, California USA sa sikat na aktor at aktres dahil nang nagbakasyon daw ang mga ito sa nasabing lugar ay hindi man lang sila pinagbigyang magpa-picture. Napadpad kami sa Seafood City Supermarket sa Colorado Boulevard, LA na pawang produktong Pinoy ang ibinebenta at doon daw talaga namimili ang mga kababayan natin lalo na't katabi lang nito ang Jollibee at ang well-known Valerio's Bakery na tubong-Cavite City ang may-ari na nakipagsapalaran sa Amerika at ngayon ay may kasalukuyang 17 branches at magbubukas ng ilang sangay sa Hawaii sa 2015. +Hindi pa muling nakapaglalaro sa isang laban si George mula nang magtamo ng nakapangingilabot na broken right leg sa isang scrimmage ng USA Basketball noong nakaraang summer. Ngunit tila paubos na ang oras, nalalapit na ang pag-uumpisa ng NBA playoffs sa susunod na buwan. +Kung noong una ay okey lang sa aktres at hindi niya minasama ang mga kaibigang babae ng kanyang boyfriend at pati na sa text messages ng boylet niya ay hindi nakikialam ang kilalang aktres, lately ay wala nang maitagong sekreto ang boyfriend sa kanya. Lahat daw kasi ng text messages at pati na ang Facebook at Instagram ng boylet niya ay pinakikialaman na ngayon ng aktres. Kaya nga raw nabuko ni Aktres ang mga ipinadalang mensahe sa magandang girl na madalas ka-Facebook ng kasintahan. At ang magandang girl ay kaedad lang ng kanyang boylet. Kaya biglang sinita ni Aktres si Boyfriend, huh! +Ang pagkakaloob ng parangal kay Paterno ang nilalaman ng House Resolution No. 1685 na inihain ni Rep. Eric L. Olivarez (1st District, Paranaque City). "the Award recognized Hon. Paterno's exemplary personal life and professional career, marked by outstanding achievements in public service and his distinguished career as a socially-responsible entrepreneur," ayon kay Olivarez. +Ayon pa kay Fr. Rufino Cescon Jr., wala ring inorganisang vigil bago ang misa. Aniya, tanging mga foreign-based Filipino priest lang ang kailangang kumuha ng accreditation kung gustong maging isa sa mga paring makakasama ng Papa sa misa. Mula sa pakikipagpulong sa mga kabataan sa University of Sto. Tomas (UST), didiretso ang Papa sa Luneta para sa kanyang concluding concelebrated mass. Una nang napaulat na ang misa ni Pope Francis sa Tacloban City Airport sa Enero 17 ang magiging limitado kaya mamamahagi ng tiket o special pass para makadalo dito. +"The writ of preliminary attachment is premature," pahayag ng mga abogado ni Revilla sa kanyang motion for reconsideration upang baligtarin ang unang resolusyon na inilabas ng Sandiganbayan First Division noong Pebrero 5. +Kinikilala ng Simbahan ang makabagong teknolohiya subalit dapat itong gamitin para sa pagbabahagi ng pag-ibig at Mabuting Balita ng Panginoon sa halip na magdulot ng masama sa kapwa. Nilinaw naman ni Sobritchea na mayroon din namang mabubuting epekto ang paggamit ng social media, tulad ng access to information, kalayaang magpahayag ng damdamin ng isang tao, at upang makipagtalastasan sa mga malayong kamag-anak o kaibigan. Pero kailangan pa ring limitahan ang paggamit nito. Kailangang gabayan ng mga guro at magulang ang mga kabataan sa tama at balanseng paggamit ng social media at ng Internet. Sa survey ng University of Missouri Columbia sa mahigit 700 mag-aaral, lumalabas na nakadarama ng labis na kalungkutan ang mga taong madalas na gumagamit ng Facebook dahil sa nakikita at naikukumpara ang sarili sa iba. Base sa ulat, ang Pilipinas ay ika-17 sa pinakamalaking bilang na gumagamit ng Internet sa buong mundo. +HANGGA'T maaari ay ayaw nang magbigay ng komento ni Sunshine Cruz hinggil sa patutsada ngayon ng kampo ng dating asawa niyang si Cesar Montano. Ito ay may kinalaman sa isinampa niyang reklamo laban sa ama ng kanyang tatlong anak. Sabi ni Sunshine, marami na ang tumawag sa kanya para lang makuha ang panig niya pero pinagbawalan daw siya ng kanyang abogado na magbigay ng komento. +Ayon sa Genesis Prize Foundation, si Prime Minister Benjamin Netanyahu ang maggagawad ng parangal sa seremonya na gaganapin sa Jerusalem ngayong summer para sa "actor, producer and peace activist." +Sa shooting, inaabot pala ng mahigit 30 takes ang aktor! Yes, mahigit 30 takes na pero hindi pa rin niya makuha ang acting na ipinapagawa ng direktor. Pang-Guinness nga raw ang record na ito. Narito ang usapan at nakikinig lang kami sa totoo lang... "Nagmumukha siyang tanga, sana hindi na lang niya tinanggap 'yung project kasi mahirap talaga 'yun. Pero ambisyoso masyado, akala siguro niya kaya niya ang role o mas gusto yata niya talagang pinagtatawanan siya," sabi ng isang katoto. Hirit naman ng kilalang entertainment editor, "Eh, feeling niya challenge sa kanya 'yun kasi magagaling ang mga kasama niya, eh, ano'ng nangyari, siya ang papatay sa career niya mismo." Kuwento naman ng kilalang talent manager, "Kung ako ang manager niya, hindi ko siya papayagan, bakit ko isusugal ang alaga ko sa ganu'n?" Katwiran ng isang producer ng TV programs, "Akala kasi may pagbabago since nakailang workshops na at saka malay ba naman ng direktor na hindi pala siya marunong umarte." Sabay-sabay tanong ng mga nagkukuwentuhan, "Sino ba kasi naglagay sa kanya sa project na 'yun?" +Sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na tumama ang lindol sa layong 13 kilometro timog-silangan ng lungsod, dakong 7:14 ng umaga. +Ito ang sinabi ni LVPI president at POC 1st Vice-president Jose Romasanta matapos na matanggap ang sulat mula kay FIVB president Ary Graca na nagbibigay dito ng pansamantalang rekognisyon sa internasyonal na komunidad hanggang hindi pa nito nababayaran ang pagkakautang ng Pilipinas na mahigit P4-milyon. "Hindi naman sa nagmamadali kami but the LVPI is willing to pay the debt through the help of our benefactor before we could finally worked on our full membership sa POC," sabi ni Romasanta. Ipinaliwanag ni Romasanta na kailangan ng LVPI na dumaan sa tamang proseso na katulad ng ibang asosasyon na humihingi ng pagkilala sa POC, pagbayad ng membership fee, pagsusumite sa kailangang dokumento na tulad sa listahan ng mga stakeholders at pagsasagawa ng mga lokal at internasyonal na torneo. Matatandaan na binigyan ng taning ng FIVB ang bagong buong LVPI na hanggang Abril 30 para bayaran ang matagal na panahon nang pagkakautang ng asosasyon ng volleyball sa bansa bago nito tuluyang kilalanin ang grupo na binubuo ng mga ligang NCAA, UAAP, Shakey's V-League at Philippine Superliga. +Ang 14-time Grand Slam winner ay nagkaroon ng isang groundbreaking ceremony para sa nasabing academy sa kanyang bayan ng Manacor. Sabi ni Nadal, ''this is a special day for me, this project that we have been working on for many years is finally a reality.'' +Habang nakatutok ang isang patalim, unang hiningi ng 'di kilalang taxi driver ang bag ni Dalangin subalit tumanggi ito. Sa halip, ibinigay ng biktima ang kanyang cell phone sa suspek. Habang ipinipilit ng driver na makuha ang bag ng biktima kasabay ng pagbagal ng takbo ng sasakyan, ginamit na itong oportunidad ni Dalangin upang makatakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa taxi. +Sa panayam ng ESPN Deportes, inamin ni Marquez na gusto niyang lumaban sa huling bahagi ng taong 2014 pero laging sumasakit ang kanyang mga tuhod na unang napinsala bago ang kanyang laban kay dating world light welterweight champion Mike Alvarado na tinalo niya sa puntos. +Aabot sa 20 milyong manggagawa sa iba't ibang bahagi ng bansa ang sumasahod ng mas mababa sa minimum wage na itinakda ng gobyerno. Sa panayam sa telepono, sinabi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), na nahihirapan na ang maraming manggagawa na mairaos ang araw-araw nilang gastusin dahil sumasahod sila nang mas mababa sa P293, ang itinakdang minimum wage sa bansa. +Sa ulat na ipinarating ni Supt. Manuel Hidalgo, hepe ng San Jose City Police kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang mga biktima na sina Danilo Mendoza Santos, 50, may-ari ng Pards' videoke bar; at Ricarte Mendoza Santos, 58, tricycle driver, kapwa residente ng Zone 7, Bgy. Sto. Tomas, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan. +Patay na ang isang machine operator, na huling nakitang uminom ng alak, nang datnan ng kanyang katrabaho sa barracks nito sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. +KUMPIRMADO na, Bossing DMB na ang programang Your Face Sounds Familiar ang viewing habit tuwing weekend dahil nanguna sa social media nationwide ang #YFSFTransformation sinundan ng #TinaTurner na ginaya ni Nyoy Volante, #Cher ni Jolina Magdangal, #Nyoy, #Jolens at #JayR noong Sabado ng gabi. +Ipakikita sa kuwento ang kakaibang relasyon nina Amanda at Leo na makakahanap ng bagong pagkalinga sa karakter nina Oliver at Sonya na ina ng anak ni Leo. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakaroon ng sakit ni Leo, isang trahedya ang magtutulak sa lahat upang mamili sa iniisip nilang tama kahit mali para sa iba. Tama bang mahalin pa rin ni Leo si Amanda kahit may anak ito kay Sonya? O tama bang tuluyan nang hiwalayan ni Amanda si Oliver matapos ang lahat ng ibinigay niya? Tampok sa serye ang ilan sa mga de-kalibreng artista ng Kapuso Network sa pangunguna nina Geoff Eigenmann bilang si Leo, ang mapagmahal, mabait ngunit makasariling asawa; Max Collins, bilang Amanda, ang asawa ni Leo, breadwinner at responsableng asawa; Dion Ignacio bilang Oliver, boss ni Amanda na biglang magkakagusto sa kanya; at ang nagbabalik Kapuso na si Empress Schuck bilang Sonya, ang babaeng magmamahal kay Leo kahit may asawa na. Kasama rin sa serye sina Shamaine Buencamino bilang Auring, ang mapagmahal na ina ni Amanda, Ryza Cenon bilang Rita, ang mapagkalingang kapatid ni Sonya, Chariz Solomon bilang Bianca, ang liberated na kaibigan ni Sonya, Ash Ortega bilang Angeli, ang kababatang kapatid ni Amanda, Ervic Vijandre bilang Joseph, ang best friend ni Leo, at Ken Alfonso bilang Thomas, best friend at business partner ni Oliver. +Ito ang sinabi kahapon ni Bohol 2nd District Rep. Erico Aristotle C. Aumentado sa pagsusulong niya ng panukalang "National Bureau of Investigation Reorganization and Modernization Act" upang makatulong ang ahensiya sa pagsugpo sa mga krimen. +Naging independent state ang Lebanon noong setyembre 1, 1920 matapos maging bahagi ng Turkish Empie. sa 1943 Covenant, lahat ng public position ay ipinamahagi sa iba't ibang relihiyosong komunidad, kung saan ang mga Kristiyano ang bumubuo ng mayorya. noong dekada 70, ang mga Muslim sa kanilang lumalagong populasyon ay gumiit ng mas malawak na tungkulin sa pulitika at ekonomiya. Noong 1991, isang kasunduan ang ipinatupad ng Lebanon at syria na kumilala sa una bilang hiwalay na estado. Mula noon, malaki ang progreso ng Lebanon tungo sa muling pagtatatag ng kanilang political institutions at tumapos sa 16 taon na civil war. Nakapagtatag ang Lebanon ng isang makatarungang sistema ng pulitika, na nagkaloob sa mga Muslim ng mas malawak na tungkulin sa proseso ng pulitika habang nagtatatag ng sectarian divisions sa gobyerno. Sa nakaraang mga taon, nadaos ng matatagumpay na eleksiyon sa Lebanon. Tinatamasa ng naturang bansa ang mabuting pakikipag-ugnayan sa lahat ng bansang Arabo at isa sa pinakamalaya sa Arab region. +Kasabay nito, tiniyak naman ni Manila Police District (MPD) Director Senior Supt. Rolando na masusi na niyang pinaiimbestigahan ang insidente upang madakip ang mga taong may kinalaman dito. +Sa kanyang motion for reconsideration na inihain sa pamamagitan ng Public Attorney's Office, ipinunto ni Cudia ang diumano'y paglabag sa kanyang constitutional at human rights bilang batayan ng kanyang apela. Nakasaad sa mosyon na napagkaitan siya ng kanyang karapatan na komprontahin o harapin ang mga testigo laban sa kanya. Hindi rin aniya siya nabigyan ng pagkakataon na makapaglahad ng ebidensya at magkaruon ng patas na paglilitis. Hiniling din niya na muling maeksamen ng hukuman ang findings ng Commission on Human Rights. +Tulad ng nakaraang mga taon, saan man nakatira o nagtatrabaho ang ating mga kababayan, magsisiuwi sila sa kani-kanilang lalawigan para sa Christmas holidays. Magiging maluwag sa karaniwang masikip na trapiko ang Metro Manila sapagkat karamihan sa mga residente nito ang magsisiuwi sa pamamagitan ng bus, kotse, barko o eroplano, upang makaping ang kani-kanilang mga mahal sa buhay sa mga probinsiya. Nagsimula na ang exodus noong nakaraang linggo sa ilalim ng pagbabantay ng Philippine Coast Guard sa mga daungan upang matiyak na sinusunod ng mga barko ang lahat ng panuntunan sa seguridad, partikular na ang mga pamantayan laban sa overloading. Sa mga terminal ng bus sa bansa na dinadagsa ng mga pasahero, nag-organisa ang pamahalaan at pribadong grupo ng aid projects upang matiyak ang ligtas na paglalakbay sa mga highway. Ito ay isang tradisyon ng mga Pilipino na nagaganap din sa mga pista opisyal sa Santa Semana. Bahagi ito ng ating kultura bilang isang bansa na nagnanais maibahagi ang makahulugang mga selebrasyon sa ating mga mahal sa buhay. Ang matibay na tradisyong pampamilya ay nakaiimpluwensiya sa bawat aspeto ng ating buhay, kabilang ang pulitika, negosyo, at buhay-panlipunan. Sa loob ng maraming taon, ang ating mga sistema ng parehong highway at inter-island travel ay humusay na. Ang pagbiyahe sa Baguio at sa buong Northern Luzon, halimbawa, ay karaniwang gumugugol ng mula walo hanggang sampung oras; ngunit ngayon nabawasan na ito ng kalahati dahil sa lumalawak na network ng mga expressway. Posible na ngayon ang mga isla sa Visayas at kahit na sa Mindanao sa pamamagitan ng bus dahil sa roll-on, roll-on (RORO) na sistema ng transportasyon na nakatutulong pag-isahin ang buong kapuluan na magkakahiwalay ang mga isla. +Si Senator Miriam Defensor Santiago, chairperson ng Senate constitutional amendments committee, pa rin ang pinakamaimpluwensiyang senador sa social media. Ito ay makaraang dumoble ngayong buwan ang followers ng kanyang mga Facebook at Twitter account kumpara sa kaparehong panahon noong 2014. +Inihayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez na ang nasabing apps ay ilalagay sa kategoryang "transport network companies" at para maproteksiyunan ang mga pasahero. Nabatid na ang panukala ay iginiit ni Ginez sa pagdinig sa House Committee on Transportation. +Naglaro si Federer sa buong Davis Cup noong nakaraang taon, kung saan tinalo ng Switzerland ang France, 3-1, sa final. Ang Davis Cup ang natatanging major competition na hindi pa noon napapanalunan ng 17-time Grand Slam champion. +Sa kanyang talumpati sa Lima, sinabi ni Steinmeiere na magkakaroon ng "huge damage" sa Europe kung lalabagin ng mga kalaban ang ceasefire, na nagsimula noong Sabado ng hatinggabi (2200 GMT). +Ang lindol na tectonic ay lumikha ng lalim na 13 kilometro. Naitala ang intensity 4 sa Baguio City at La Trinidad sa Benguet, intensity 3 sa Itogon, Benguet, intensity 2 sa Dagupan City, Pangasinan at intensity 1 naman sa Palayan City, Nueva Ecija. +Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Randy Obordo, 27, binata, nakatuloy sa barracks ng pinagtatrabahuan nito sa Le Rica Homes sa Bgy. San Francisco. +KINAUSAP ni Piolo Pascual nang masinsinan ang anak na si Inigo Pascual ngayong full time na ito sa showbiz. "Kasi first time niyang mag-try sa online schooling, eh, sabi ko sa kanya, 'Pag bumagsak ka, wala tayong pag-uusapan, you have to go back to regular school. That's my only deal.' +Ito ang inihayag ng Team Philippines SEA Games Management Committee kung saan ay inaasahang 50 atleta ang maidaragdag sa pambansang delegasyon na lalahok sa kada dalawang taong torneo. Sinabi ni Team Philippine Chef de Mission Julian Camacho na humahabol upang mapasama ang women's water polo, ang women's dragonboat team at ang men's indoor volleyball squad. Napag-alaman sa isang opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) na nag-usap noong Lunes ng gabi ang mga pinuno at coaches ng Larong Volleyball ng Pilipinas kasama si POC president Jose "Peping" Cojuangco upang agad na tapusin ang komposisyon ng mga manlalaro sa kababaihan at gayundin ang listahan sa kalalakihan. "Matagal na nag-usap ang POC at sina Gorayeb at Acaylar. Pinamamadali na ang composition ng women's team para sa Under 23 at sa SEA Games. Not only that, maging sa men's team," sabi ng source. At dahil sa pagkakadagdag sa tatlong sports na binubuo ng 50 atleta ay umakyat na sa kabuuang 452 ang inaasahang mapapasama sa pambansang delegasyon. Hindi pa dito kasama ang mga nagnanais sumabak na gagastusan ang kanilang sariling kampanya. +Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na ang dalawa ang itinuturong bumaril at nakapatay kay PO2 Jan Gallenero, nakatalaga sa Intelligence Section ng La Carlota Police Station noong nakaraang linggo. Nakasaad sa report ng pulisya na si Aizpuro ay kamag-anak din ng biktima at kasama sa La Carlota Police Station habang si Gelboria ay nakatalaga sa Bacolod City Police Office (BCPO) na isinasailalim sa administrative relief. Batay sa imbestigasyon, kasama ang driver na si Rommel Coray, umupa ng Mitsubishi Adventure sa isang rent-a-car sa Bacolod City sina Aizpuno at Gelbona at ito ang kanilang ginamit sa pagsagawa ng krimen. Bukod sa tatlo, tukoy na rin ng pulisya ang lima pang kasamahan ng mga suspek na hindi muna pinangalanan hanggat hindi pa nahuhuli. +Ayon kay Ortega, nalunod ang 14-anyos na si Mark Bryan Amores, ng Barangay Bangilan, Kabacan habang tinatangkang iligtas ang kanyang mga alagang pato at manok na tinangay ng baha. Nalunod din si Winnie Pajenado, 61, ng Brgy. Makalangot sa Arakan, habang inililigtas naman ang alagang kalabaw mula sa baha, ayon kay Ortega. Ang baha ay bunsod ng pag-apaw ng Kabacan River kasunod ng magdamagang malakas na ulan nitong Huwebes, na nagpalubog sa mga barangay ng Poblacion, Dagupan, Katidtuan, Aringay, Bangilan, Kayaga, Salapungan, Pedtad at Buluan sa Kabacan. Agad namang nagpatupad ng paglilikas ang PDRRMC, ayon kay Ortega. Sa paunang report kay Gov. Emmylou Talino-Mendoza, sinabi ni Ortega na winasak din ng baha ang bahay nina Arnold at Arlene Gamboa sa Brgy. Batac, Magpet, habang isa pang makeshift house ang nahati. Nalubog din sa baha ang University Inigoof Southern Mindanao campus sa Kabacan, kabilang ang ospital ng unibersidad, noong Huwebes ng umaga, ayon kay Ortega. +Sa pamamagitan ng social media, nakikiusap si Claudine na sana'y tigilan na ang paghahambing sa dalawa. Kung inaakala raw ng bashers na masisira nila ang friendship ng dalawang nanay-aktres, nagkakamali sila. Sa Instagram post ni Claudine, inulit niya na magkaibigan sila ni Juday at mananatili ang kanilang pagkakaibigan kahit pa idinadamay ng mga bashers ang kani-kaniyang anak. +Marahil ay katulad ko rin sila. Marahil ang kanilang mga pag-asam ay parang mga panaginip at ang kanilang mga panalangin ay mistulang mga kahilingan lamang. Marahil ay naghahanap sila sa isang bituin na magbibigay ng lahat ng kanilang kahilingan, hindi ang liwanag na magbubulgar ng kanilang mga kasalanan. Tuwing may Simbang Gabi, kapag kumakanta ako sa misa kasabay ng pagtilaok ng mga tandang, hinihiling ko ang maraming bagay. Hinihiling ko ang ilang mahihiwagang sandali na nasa tono ang choir na aking kinabibilangan sa okasyong iyon. At kapag nagkaisa ang mga himig ng mga miyembro ng choir, tinatanong ko sa aking sarili kung ganito rin ba kaganda ang himig ng mga anghel sa kalangitan. Sa simula pa lamang ng pagpasok ng Simbang Gabi, natatanaw ko ang mga mukha ng mga parokyano habang umaawit ang aming choir. Ang iba sa kanila ay nakangiti, ang iba naman ay parang walang naririnig ngunit nakatingin sa amin o sa altar. Hinihiling ko sa mga sandaling iyon na sana ay maunawaan ko kung bakit hindi nagkakaisa ang expression ng mga mukha ng mga parokyano sa aming pag-awit. Gayunman, patuloy kami sa pag-awit at pagsisikap na sana ay mabigyan namin ng hustisya ang sangkap at pahiwatig ng liriko ng aming awit. Oo nga, marami akong kahilingan, ngunit alam ko na sa halip na humiling ako na mapakinggan ang tunay na damdamin ng aming inaawit, kailangang hilingin ko rin na sana ay mapakinggan ko ang tinig ng Diyos kapag Siya ay nagsalita. Sa halip na mabatid ko ang pahiwatig ng mga expression sa mga mukha ng mga nakikinig sa aming choir, kailangang hilingin ko rin na sana ay makita ng aking puso si Jesus at hindi ang kalituhan sa daigdig na ito. Ang pangangarap ay pag-asa na makukuha ko ang nais ko mula sa Diyos. Ang panalangin ay isang apela na makuha nawa ng Diyos ang nais Niyang makamtan sa akin. Ang Pasko ay isang oportunidad upang isipin kung ano ang ibinigay ng Diyos sa atin at kung ano ang maaari nating ibigay sa Kanya. +Ito ang ipinabatid ni PSC Chairman Richie Garcia sa pagpapatuloy ng tatlong taong programa na inendorso ng Palasyo ng Malakanyang para mapangalagaan ang kalusugan, maayos na pangangatawan at aktibong paglahok sa iba't ibang sports na libreng itinuturo ng mga miyembro ng pambansang koponan. +Muling nagpakita ng kanyang matinding talento si GM So, isang araw matapos nitong patumbahin ang defending champion na si Levon Aronian ng Armenia, sa ikatlong round nang magmatigas ang 21-anyos sa paglatag ng matinding depensa kontra sa atake ni Caruana upang itulak ang laban sa draw. Dahil dito ay nanatiling walang talo si GM So, matapos ang apat na round na bitbit na ngayon ang United States, tungo sa pagtala ng kabuuang 2.5 puntos bunga ng kanyang isang panalo at tatlong draw, kabilang ang isa sa kasalukuyang world champion na si Magnus Carlsen ng Norway sa unang round. Naagaw naman ni dating world challenger Vassily Ivanchuk ng Ukraine ang solong liderato sa itinalang 3.5 puntos matapos biguin si Maxime Vachier-Lagrave ng France sa 30 moves ng Sicilian encounter. Dumausdos si Caruana sa two-way tie sa ikalawang puwesto kasama si Ding Liren ng China sa kinubrang 3 puntos, na kalahating puntos na abante kay GM So, na katabla si Radoslaw Wojtaszek ng Poland sa ikaapat na puwesto na may 2.5 puntos. Ang draw ang nagtulak din kay GM So para umangat sa 2778.1, ang pinakamataas na naabot nito at mapanatili ang kanyang ranking bilang world No. 9. +Batay sa resolusyon, noong 2004 ay pumasok ang pamahalaang bayan sa loan agreement sa Development Bank of the Philippines (DBP) para mabili ang isang bagong soil compactor at traktora. Sa halip na public bidding, direktang kinontrata ang Monark Equipment Corporation bilang supplier. Ngunit sa auditing, sinabi ni Matias na nagsagawa ng bidding ang pamahalaang bayan at legal ang pagbili sa nasabing mga kagamitan, pero pinasinungalingan ito ng COA, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Auditor. +(Ito ang inihanda kong acceptance speech sa Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Panulat na ipinagkaloob sa akin nitong nakaraang Huwebes na sa sobrang nerbiyos ay hindi ko nabasa pero nairaos pa rin naman mula sa memorya kahit papaano. Inilalabas ko ito kasabay ang mula sa pusong pasasalamat sa Liwayway, Balita at Manila Bulletin na humubog sa akin bilang manunulat.) HINDI ako deserving sa parangal na ito. Napakabata ko pa para bigyan ng lifetime achievement award sa sining ng panulat. Kaya ang sabi ko kay Dr. Romeo Flaviano I. Lirio, ang Chairman Emeritus nitong Gawad Tanglaw, tatanggihan ko ito. +Ang Protoevangelium of James ay ang pinagmulan ng mga detalye sa buhay ng Mahal na Birheng Maria. ang tatlong kapistahan - Kaarawan ni Maria, ang Holy Name of Mary, at ang Presentation in the Temple - ay lumalapat sa Marian cycle sa unang tatlong kapistahan ni Jesus - Pasko, Holy Name of Jesus, at ang Kanyang Presentation in the Temple. Laging naroon ang presensiya ni Maria sa karamihan ng mahahalagang yugto sa buhay at ministeryo ni Jesus at sa kasaysayan ng kaligtasan ng daigdig. Naroon si Maria sa inkarnasyon, sa pagsilang, sa krusipiksiyon, at sa resureksiyon ni Jesus. Kasama siya ni Jesus sa buong buhay NIYA sa Nazareth. Habang tatlong taon na namalagi ang mga disipulo kay Jesus sa Kanyang pagmiministeryo, 33 taon namang kasama ni Maria ang kanyang anak. Noong tatlong taong gulang pa lamang si Maria, bilang pasasalamat nina san Joaquin at santa ana sa Diyos sa pagkakaroon ng supling matapos ang maraming taon ng pagkabaog, dinala siya sa templo sa Jerusalem upang pabanalin at italaga sa paglilingkod sa Diyos. Kahit noong pagkabata, nakasentro na sa Diyos ang buhay ni Maria. Pinag-aralan niya ang Banal na Kasulatan at naghintay sa pagdating ng Mesiyas. Nanatili siya sa santuwaryo hanggang ikasal siya kay san Jose, matapos ang annunciation. +Itinigil ng Japanese referee ang sagupaan sa eksaktong 2:38 ng 6th round nang hindi na maipagtanggol ni Yuba ang sarili kaya naidagdag ni Laurente sa kanyang mga titulo ang OPBF title. Dating Philippine, PABA at OPBF lightweight titlist si Laurente bago naging PH welterweight champion kung saan matagal siyang nakalista bilang contender ni WBC 147 pounds champion Floyd Mayweather Jr. Nakalista lamang si Laurente ngayon na No. 14 sa light middleweight division na si Mayweather din ang kampeon kahit aktibo siya at sunud-sunod ang panalo. Una rito, tinalo ni PH No. 2 light middleweight Ariel Tinampay si Koshinmaru Saito ng Japan sa 2nd round TKO upang mailinya sa Philippine title bout na mababakante sa pagwawagi ni Laurente sa OPBF belt. +Pinarangalan ng Manila Electric Company (Meralco) ang Manila City government matapos mabayaran ang malaking utang nito sa kuryente na umabot sa P613 milyon. +"We humbly ask for your prayers for his quick recovery,"mensahe pa ni Federico. Sabi ng isa sa mga sekretarya ni Kuya Germs na nakausap namin (last Monday), malamang na ilabas na sa Accute Stroke Unit ang TV host at ilagay sa regular room. Nabahala ang showbiz sa pagkakaospital ni Kuya Germs. Napakaraming tawag daw ng natatangap nila, mula sa mga taong nagmamahal sa master showman, na gustong sumugod sa St. Lukes. Siyempre, nababahala ang mga ito sa biglang nangyari sa star builder, ang isa sa well-loved showbiz personality. Mabilis ding kinumusta ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang kalagayan ng TV host at ganoon din naman ang King of Talk na si Boy Abunda na matatandaang ilang linggo ring na-confine sa aospital. Itinuturing nang isa sa mga haligi ng local showbiz si Kuya Germs. Marami siyang tinulungan noon at magpahanggang ngayon na nangangarap na maging sikat sa showbiz. Ang kanyang That's Entertainment ang nagpasikat noon kina Sheryl Cruz, Romnick Sarmenta, Lotlot de Leon, Tina Paner, Manilyn Reynes at maraming iba pa. Darling of the Press din si Kuya Germs, mapabaguhan man o beterano na sa pagsusulat ay pantay-pantay ang treatment niya. Si Kuya Germs na lang yata ang natitirang very loyal sa GMA-7. Kahit sa mga patay na oras inilagay ang kanyang Walang Tulugan With the Master Showman ay nanatili pa rin siyang loyal sa Siyete. Kapuri-puri rin ang Walk of Fame na matatagpuan sa Eastwood City. +Tinanggap ni Maynard ang proposal ni Johnson pagkatapos ng season 15 ng ABC's smash franchise. Makalipas ang isang taon, sinimulan niya ang The Bachelorette, kung saan siya ay na-engage sa contestant na si Jef Holm. Sila ay naghiwalay noong 2012. +Pero hindi pa rin tumitigil ang pagkainis ng mga tao lalo na't napakabata pa ng bunsong anak nina Will and Jada. Ang nasabing shirt ay vintage na gawa ng sikat na designer na si Jean Paul Gaultier at si Willow mismo ang kumuha ng larawan at ito ay ibinahagi sa Instagram suot ang nasabing shirt. Tila walang pakialam sa opinyon ng ibang tao ang bunsong anak ni Smith tungkol sa pagiging mapangahas niya. Noong nakaraang Nobyembre lamang ay ibinahagi naman nito ang kanyang saloobin sa kanyang Twitter account bilang parte ng kanyang "Free the Nipple" campaign na biglaan din naman ang pagkalat. "The day that women can casually be topless and not be raped or degraded will be the day that women will be equal in society," pahayag ni Willow. Hindi ito ang unang pagkakataon na naging kontrobersiyal ang pagbabahagi ni Willow ng kanyang larawan. Nag-post na rin siya ng isang larawan kasama ang aktor na si Moises Arias habang nasa kama. Nakaupo ang aktor katabi si Willow habang walang pangtaas na saplot lalo na at malaki ang agwat ng kanilang edad - si Moises ay 20 at si Willow naman ay 13 - marami ang nagsabing hindi ito kaaya-ayang tingnan. Kaagad namang ipinagtanggol ni Jada ang kanyang anak sa panayam sa The Edit. Sabi nito, "Just don't pollute something that's not dirty,"I want my kids to be happy and I want them to be themselves. I was saying to a friend the other day, 'Remember, our kids are not us.' They're not. Sometimes we're trying to fix things that happened to us or projecting [onto them], and that's a terrible, terrible trap." +"If I am in charge of the negotiations, Floyd Mayweather Jr. vs. Manny Pacquiao would have been finalized," sabi ni King sa ESPN Deportes. "There was some big mistakes made during the ongoing discussions that I could easily have settled." Aminado si King na kahit interesado ang mga apisyonado sa boksing, nawawalan na ng kinang ang Pacquiao-Mayweather megabout dahil halos anim na taon na itong hinihintay na matuloy. +Ayon sa Manila Fire Department, tinatayang nasa 700 bahay ang natupok sa unang sunog at apektado ang mahigit 1,000 pamilya, na mula sa Barangay 275 sa District 3, ng Parola Compound. Lumilitaw sa ulat ng Manila Fire Department na dakong 6:00 ng gabi ng Lunes nang magsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa iba pang kabahayan na gawa sa light materials at nakatirik sa mahigit isang libong hektaryang lupain na pagmamay-ari ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Umabot ang sunog ng general alarm at naideklara lamang fire out pasado 6:23 ng umaga nitong Martes. Nabatid na nahirapan ang mga bumbero na apulain ang apoy dahil bukod sa walang hydrant na mapagkukunan ng tubig sa lugar, matindi rin ang trapik at maraming tao sa kalsada. Sinasabing sa bahay ng isang Edgar Angapo nagsimula ang sunog, bunsod ng isang nag-short circuit na electric stove ngunit iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad. +Ipinaliwanag ni Rolando Lusong, organizer ng sabong, kasama ang ilang dayuhan na nagmula sa Guam, Texas, Kentucky at California, sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum na inaasahang aabot sa P20-milyon ang paghahati-hatiang premyo sa dalawang araw na salpukan ng mga panabong. +Sa lalawigan ng Rizal, kung saan hinango sa pambansang bayani ang pangalan, ay may joint commemoration na gagawin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal at ng Pamahalaan Panlungsod ng Antipolo. Pangungunahan ang paggunita nina Rizal Governor Rebecca Nini Ynares, Vice Governor Frisco Popoy San Juan Jr., Antipolo City Mayor Jun Ynares III at ng mga miyembro ng Sanggunian Panlalawigan. Gagawin ito sa sa harap ng Rizal Provincial Capitol sa Antipolo na sa tabi nito ay naroon ang bantayog ni Dr. Jose Rizal. Sa Taytay, Rizal, ang paggunita ay pangungunahan naman ng Knights of Rizal at ng mga lokal na opisyal ng Taytay. Gagawin ang programa sa harap ng lumang gusali ng munisipyo sa kabayanan na naroon ang bantayog ni Rizal. Tampok na panauhing tagapagsalita si Rizal Provincial Director Senior Supt. Bernabe Balba. Magbibigay din ng kanyang mensahe si Taytay Mayor Janet De Leon Mercado, ang unang babaeng naging mayor ng Taytay, Rizal. Ayon naman kay dating Rizal provincial administrator at Supreme Commander ng Knights of Rizal at chairman ngayon ng Jose Rizal Model Students of the Philippines, tampok na bahagi ng paggunita ng Rizal Day ng Knights of Rizal ang pagkakaloob ng pagkilala at parangal sa napiling 10 Jose Rizal Model Students of the Philippines. Pangungunahan ang paggunita ni Knights of Rizal supreme Commander Gerry Singson. +Ipinagmalaki ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada na nabayaran ng lokal na pamahalaan ang P613 milyong utang sa Meralco sa pamamagitan ng installment scheme na nagsimula noong 2013. Nang umupo siya sa puwesto bilang alkalde, bumulaga kay Estrada ang malaking utang sa kuryente kasabay ng banta sa Meralco na puputulan ang city hall ng supply ng elektrisidad kung hindi agad ito mababayaran. Unang nagpadala ng liham ang Meralco kay noong panahon ni Manila Mayor Alfredo Lim dahil sa pagkakautang ng siyudad sa kumpanya ng P598,257,513.09. Nang maupong mayor si Estrada, agad itong nakipagkasundo sa Meralco na babayaran ang utang sa kuryente subalit sa installment basis lamang. "Tinakot pa kami dahil puputulan daw kami ng kuryente. Pero sinabi ko sa kanila na puputulin din namin ang kanilang mga poste sa Maynila," pabirong inihayag ni Estrada. Noong Marso 18, ginawaran ng Meralco ang pamahalaan ng Maynila ng Special Luminary Award matapos mabayaran nito ang halos P57 milyong utang sa supply ng tubig at P517 milyong halaga ng withholding tax na kinolekta ng administrasyon ni Lim mula sa mga empleyado subalit hindi ibinayad sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Tadtad din ng utang ang Manila city government sa mga supplier at kontratista. Subalit sa pagsapit ng Hulyo, umaasa si Estrada na mababayaran na ang lahat ng utang ng lokal na pamahalaan mula sa mga utility company. Ito ay dahil sa pagtaas ng revenue collection ng siyudad bunsod ng adjustment na ipinatupad sa real property tax, business tax at community tax. +Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jayvee Abreu, 21; Junmar Dastas, 23; at Roman Dastas, 48, pawang residente ng Sitio Anahaw 2, Barangay Maugat, Nasugbu. +Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggagawad ng 9,278 proyektong imprastraktura ng kagawaran sa mga interesadong kontratista para sa first quarter ng 2015. +Una nang sinabi ng kampo ni Pemberton, ang pamilya Laude ang humiling ng P21 milyon para maayos ang kaso. Para kay De Lima, ang titignan niya sa ngayon ay ang reklamo ng pamilya Laude laban kay Olongapo City Prosecutor Emilie Delos Santos dahil umano sa pagbubukod sa pamilya Laude mula sa negosasyon sa kampo ni Pemberton kaugnay ng plea bargain deal. Hiniling na raw niya sa prosecutor na sagutin ang protesta ng ina ni Jennifer na si Julita at kapatid na si Malou. "I'm asking City Prosecutor Delos Santos to submit a comment on that before I make a decision," dagdag ni De Lima. +KABALIGTARAN NINA KC AT PAULO SUNUD-SUNOD ang mensaheng natanggap namin kahapon habang naghahabol ng deadline at naaliw kami sa mga tanong sa amin ng mga nakapanood ng "Gift of Life" episode nina Gerald Anderson at Maja Salvador sa Christmas seryeng Give Love on Christmas. Base sa obserbasyon ng mga nakapanood, "Bakit po walang kilig sina Ge at Maja sa Gift of Life? Parang hindi sila magdyowa. Bakit hindi sila kinikilig? Bakit parang pilit lang ang acting nila?" +"Malinaw na pag-aaksaya lamang ng pera ng sambayanan ang recall election sa Puerto Princesa, dahil ba na taga-UNA si Mayor (Lucito) Bayron ay gusto nilang mapalitan?" ayon kay Eduardo Sandoval. "Hindi ba nila alam na bangkarote ang Puerto Princesa sa poder ni dating mayor (Edward) Hagedorn?" +KARUGTONG ito ng sinulat namin kahapon tungkol sa pagbabalik ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN pagkalipas ng tatlong taon. Maayos na sinabi ng megastar nang may magtanong tungkol sa kinahinatnan ng kontrata niya sa TV5 na ayaw niya itong pag-usapan bilang respeto. +Sinabi ni Team Philippines chef de mission Julian Camacho na pangungunahan ni Kiefer Ravera ang 48 iba pang pinakamagagaling na amateur cagers ng bansa na nasa listahan kung saan kasama rin ang orihinal na miyembro ng Gilas Pilipinas at naturalized center na si Marcus Douthit. "We have set March 1 as the deadline of submission for the final composition of all team ang individual sports," sabi ni Camacho ukol sa koponan na gigiyahan ng bagong coach at dating Australian national coach Tab Baldwin. Asam ng Pilipinas na madagdagan pa ang pagpapanatili ng gintong medalya sa 12 sunod na taon matapos huling mabigo sa kada dalawang taon na torneo noong 1989. Mayroon na itong kabuuang 16 na gintong medalya at isang pilak sapul nang sumali sa SEA Games. Si Ravena ay kabilang sa huling koponan na giniyahan ng multi-titled coach na si Joseph Uichico tungo sa gintong medalya kasama ang nananatili sa amateur na si Bobby Ray Parks Jr. at ngayon ay mga propesyunal nang sina Greg Slaughter, Jake Pascual, Ronald Pascual, Kevin Louie Alas, RR Garcia, Terrence Romeo at Raymund Almazan. Ang listahan ay binubuo ng mga manlalaro mula sa iba't ibang liga sa bansa sa pangunguna ng UAAP at NCAA kung saan naglalaro sina Scottie Thompson, Kobe Paras, Moala Tautuaa, Roi Sumang, Baser Amer, Mike Tolomia, Mark Belo, Arnold Van Opstal, Gelo Alolino, Glenn Khobuntin at Mark Tallo. Ilang propesyunal na manlalaro rin na kabilang sa orihinal na Gilas Pilipinas ang nakatala sa listahan na posibleng isama sa komposisyon upang palakasin pa ang pambansang koponan. +Ito ang sinabi ni NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales matapos na tatlong batang woodpusher ang ngayon ay kandidata at malaki ang tsansa na maging unang babaeng grandmaster ng bansa. +SA totoo lang, nang-aagaw-eksena si Diego Loyzaga everytime na ipinapakita ang ka-sweet-an nila ni Liza Soberano sa Forevermore. Bagamat si Enrique Gil ang leading man ni Liza, maraming viewers ang nakakapansing bagay na bagay si Diego sa pretty 17 year-old Kapamilya star. +Nilagdaan ni Cooley, ang 6-foot-9, 246-pound at Notre Dame product, ang kanyang deal matapos ang back-to-back 10-day contracts. Naglaro siya ng anom na mga laro at siya'y may average na 1.7 points. Una siyang pinalagda mula sa D-League's Idaho Stampede, kung saan ay may average siya na 16.8 points, 12.5 rebounds at 1.3 blocks sa 20 mga laro. Ang 6-foot-6, 201-pound na si Johnson ay may average na 7 points, 1.5 rebounds, 1.5 assists at 1.5 steals sa dalawang mga laro habang nasa hanay pa ng Jazz para din sa 10-day contract sa kaagahan ng taon na ito. +Napanood noong Huwebes si Dax Shepard sa Ellen DeGeneres Show at pinag-usapan ang paghihirap ng kanyang asawang si Kristen Bell sa panganganak lalo na't nag-labor ito sa loob ng 33-oras sa kanilang pangalawang anak na si Delta noong Disyembre 19, sa C-section. Nahirapan nang husto ang House of Lies actress, 34, ngunit ang Parenthood actor, 40, na tila mas na-trauma sa buong pangyayari. +Unang nakaharap ni De La Hoya si Mayweather noong 2007 at nagwagi lamang ito sa kontrobersiyal na 12-round split decision samantalang noong 2008 ay napatigil siya ni Pacquiao sa loob ng walong rounds sa mga sagupaang ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. +Ang problema lang daw niya ngayon ay ang anak niyang si Mae, although knows naman na ng dalaga ang tungkol sa relasyon nila ni Lee ay hindi niya seryosohang nakakausap ang anak tungkol dito. +"We will start with the training camp for those that wanted to join the league. Everybody is welcome even to those in the provinces. All the teams will have a chance to see them play and then they will be put in the draft where all the teams have the chance to pick," sabi ni Suzara. Inaasahang maraming manlalaro ang mapipili sa drafting na isasagawa sa Pebrero 28 bunga ng tatlong bagong koponan na sasali sa liga. "We will have an expansion of three to four new teams in the women's division. Gusto natin ilimit sa 8 pero marami ang nag-aaply kaya we might have 10 teams. Hindi muna tayo magsasagawa ng men's team dahil medyo nagko-conflict na sa scheduling," sinabi pa ni Suzara sa torneong nakatakdang magsimula sa Marso 8. Sa kasalukuyan ay may anim na koponan ang bumubuo sa liga na kinabibilangan ng Grand Prix champion Petron, Generika, RC Cola Air Force, Cignal HD, Foton, at Mane 'N Tail, na bibitbitin ang brand name na Pocari Sweat. Kasalukuyan namang nakikipag-usap si Suzara sa isang malaking kompanya na nais suportahan ang gaganaping beach volleyball na tatampukan ng pinakamagagaling na manlalaro sa buong bansa. "Nagkausap na kami ng higanteng company before Christmas. Isa lang ang sand court sa ngayon pero we requested na magtayo kahit man lang isang practice court," paliwanag ni Suzara sa isa sa mga pagbabagong isasagawa ng liga. Ihahataw na rin ng liga ngayong taon ang "video challenge" para ma-review ang mga desisyon ng referee, ang beach volleyball sa off season, at ang isang linggong Champion's League, tampok ang kampeon sa UAAP, NCAA, Shakey's V-League at PSL. Sisimulan ang 2015 season sa pamamagitan ng rookie camp sa Pebrero 24-25 bago ang aktuwal na drafting sa Pebrero 28. +"Twenty civilians, including 16 children, were killed in an air strike in Kafr Batikh in Idlib province," iniulat ng Syrian Observatory for Human Rights. Sinabi ni Rami Abdel Rahman, pinuno ng Britain-based monitor, na bumagsak ang bomba malapit sa checkpoint ng Hayat Tahrir al-Sham, isang jihadist group na binubuo ngkaramiha'y mga dating miyembro ng Al- Qaeda affiliate. Hindi pa malinaw kung sino ang responsable sa air strike. +Nasa Pilipinas ang mga Japanese expert upang tumulong sa pagpapabuti ng railway system sa bansa sa harap ng dumadaming reklamo ng mga pasahero, mula sa mahahabang pila sa terminal hanggang sa mga aksidente. Ayon kay Noriaki Niwa, chief representative ng Japan International Cooperation Agency (JICA), nakipagkita na ang mga eksperto mula sa Ministry of Land Infrastructure, Transport and Tourism ng Japan sa mga Pinoy counterpart nito upang tukuyin at talakayin ang mga paraan para mapabuti ang serbisyo ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR). +Ang iba pang sasariwain ang mga alaala sa February 16 formal affair na kaakibat ng Meralco, Smart, at MVP Sports Foundation Inc. bilang principal sponsors at Philippine Sports Commission bilang major sponsor ay sina cage legend Kurt Bachmann Jr., champion racer Enzo Pastor, dating PBA player Bryan Gahol, ex-PBA player at chairman Ely Capacio, at many-time Southeast Asian Games gold medal winner na si Leonardo "Dodong" Andam. Kabilang din sa listahan ng posthumous ay sina Olympian Florentino Bautista Jr., young national snooker player Rodolfo Lordan Jr., dating government official at UE Red Warriors team manager Jesus Tanchanco Jr., road cyclist Vicmar Vicente, PSC executive Manny Ibay, one-time sports deputy minister at coach Elpido Dorotheo, ex-Philippine Volleyball Federation president Pete Mendoza, Rizal province track and field coach Pacifico Tolentino Jr., race car driver Isabelo Hilario, at promising volleyball player Nicolette Tabafunda. Hindi rin dapat palagpasin ang mga sportswriting colleague at members na si Ceferino "Howie" Basilio Jr. at Danny Romero. Iaalay ang tropeo at ilang minutong silensiyo sa kanila para sa two-hour ceremony na suportado rin ng 1Esplanade, Air21, Globalport, National University, El Jose Catering, PAGCOR, PCSO, ICTSI, Rain or Shine, Accel, Maynilad, at ng PBA. Mangunguna para sa 2014 honor roll list si BMX rider Daniel Caluag, ang gold medal ay napasakamay sa nakaraang taong Incheon Asian Games, kayat napasakamay din niya napakahalagang PSA Athlete of the Year trophy. Si Richie Garcia, ang pinakamahabang nagsilbi sa PSC bila chairman, ang tatayong special keynote speaker sa naturang programa kung saan ang host ay si veteran sportscasters Quinito Henson at Patricia Bermudez Hizon. Magpapasaya naman sa awardees at guests ang two-time UAAP cheerdance competition champion na National University (NU). Ipinamahagi na ang mga imbitasyon para sa awards night at sa mga hindi nakatanggap ng personal ay mangyaring kunin ang kanilang imbitasyon sa lobby entrance ng 1Esplanade. +Hindi lang ang mga pabrika ang susuriin ng pamahalaang lungsod kundi target ding busisiin ang operasyon ng mga rehistradong punerarya lalo na ang mga nag-eembalsamo. +Dating kaalyado ng China ang Vietnam laban sa imperyalistang United States. Pero ngayon ay kontra na ang Vietnam ni Uncle Ho Chi Minh sa pangangamkam ng China ni Mao Tse Tung sa buong West Philippine Sea. Naghain na rin ang Vietnam ng arbitration petition sa United Nations tulad ng sa Pilipinas upang himukin ang dambuhalang China na makipag-usap tungkol sa usapin. Isiipin ninyo, parehong komunista ang Vietnam at China. May katulad na ideolohiya para sa kagalingan at kabutihan ng mga mamamayan at pakikipagkaibigan sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Eh bakit nag-aaway sila ngayon dahil sa pag-angkin ng China sa Paracels na may claim ang Vietnam, at nanduduro at nangangamkam naman sa Spratlys na may claim ang Pinas? Hoy China, huwag ka naman sanang sakim. Noon ay tahimik at hindi ka kumikibo, pero ngayong lumakas ang iyong ekonomiya at puwersa-militar, nagiging isa ka namang diktador ng mundo na nais sagpangin ang maliliit at mahinang bansa! Inakusahan ni Vice Pres. Jojo Binay ang ilang broadcaster na bayaran umano ng kanyang mga kritiko para siya siraan na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang preference at trust ratings batay sa survey results ng Pulse Asia at iba pang survey firms. Mr. VP Binay, tukuyin mo kung sinu-sino ang bayarang broadcaster para malantad sila sa publiko dahil nalalagay sa pagdududa ang lahat ng broadcaster. Nosibalasi? +Ito ang mga mensaheng nakalagay sa mga gate ng itinalagang billeting quarters para sa mga atleta at opisyales na kalahok sa 2015 Palarong Pambansa sa Davao del Norte sa Mayo 3 hanggang 9. +Hindi kasama si Federer sa lineup sa pag-uumpisa ng Switzerland sa pagdepensa nila sa titulo sa Belgium sa Marso 6-8. At sinabi ni Federer na wala siyang plano na maglaro sa Davis Cup ngayong taon. ''It wasn't a difficult decision,'' sabi ng 33-anyos na si Federer noong Lunes sa Dubai. "'I have played for so long, and I think by winning it I can finally do whatever I please, to be quite honest.'' Ang Swiss team sa Belgium ay maglalaro rin na wala ang 2013 Australian Open champion na si Stan Wawrinka. Si Federer ay naglaro sa 26 Davis Cup ties mula 1999 para sa pangkalahatang 50-17 win-loss record. ''It's been a big burden for me throughout my career and one of the things that have caused more difficulties in my life than many other things, I must say,'' ani Federer. +Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na ang pondo ay ginamit sa walong araw na pagkain ng 28,000 pulis habang nag-iikot ang Santo Papa at entourage nito sa iba't ibang lugar sa Metro Manila at Leyte noong Enero 15-19. +Ayon sa dating actor, nananatili siyang staff ng senadora pero hindi nga lang sumasama sa mga lakad nito sa pangangampanya. Binanggit ni Renzo na magtatatlong taon na siya bilang staff ni Sen. Grace Poe at walong taon ding naging staff ni Sen. Jinggoy Estrada. Kaya regular Senate employee na raw ang kapatid ni Sheryl Cruz at wala raw namang isyu tungkol sa kanilang dalawa ng pinsang si Sen. Poe. Iniiwasan niyang magkomento tungkol sa hidwaan nina Sheryl at Sen. Grace. "Bahala na sila sa bagay na 'yan. Basta walang problema sa amin ni Sen. Grace at hindi rin naman namin pinag-uusapan 'yun ng kapatid kong si Sheryl," sey niya. Kinamusta namin kay Renzo ang mommy niyang si Rosemarie Sonora at ang kapatid niyang si Patrick. Masayang-masaya rin daw ngayon si Partick sa buhay may-asawa nito pero pagdating sa kanilang ina ay hindi pa raw napapanahon na pag-uusapan namin ang bagay na ito. +Natupad ito sa ilalim ng pangangasiwa ni Salceda bilang co-chairman ng GCF Board, na kinatawan siya ng Southeast Asia at mahihirap na bansa. Kumakatawan naman sa mayayamang bansa ang katapat niyang German. Nanungkulan sila sa GCF Board mula Oktubre 2013 hanggang Oktubre 2014. Ang papuri sa mga tagumpay ng dating GCF Board ay iginawad ng UNFCCC Conference of Parties (COP) sa katatapos na ika-20 sesyon nito sa Lima, Peru kamakailan. Nakapaloob ang naturang papuri sa COP 20 Decision na inilabas sa pulong sa Lima kaugnay ng GCF 2013-2014 Report. +Noong Marso 13, ang Clippers, wala sa hanay si Blake Griffin, ay nabigo via 129-99 sa Dallas. Makalipas ng dalawing araw ay sumadsad naman sila sa sariling tahanan kontra sa Houston, 100-98. Simula noon ay nagising na koponan sa pamamagitan ng mga panalo, kasama na ang apat na ang double-digit road victories. ''Our offensive execution is amazing and our defense has held teams to 16- and 18-point quarters,'' saad ni Paul. ''With Blake back, he makes us that much more dangerous and you have to pick your poison.'' Nagposte si Griffin ng 21 puntos at 9 rebounds sa Los Angeles, tumalon sa 68-47 halftime lead. Nagsalansan si DeAndre Jordan ng 15 puntos at 14 rebounds, habang inasinta ni Matt Barnes ang 18 puntos. Bumagsak ang Boston ng half-game sa likuran ng Brooklyn para sa Eastern Conference's eighth at final playoff spot. Tinalo ng Nets ang Los Angeles Lakers kahapon. Pinamunuan ni Isaiah Thomas ang Celtics na taglay ang 19 puntos. Itinarak ni Tyler Zeller ang 16, tumapos si Kelly Olynyk na mayroong 14 habang tinipa ni Brandon Bass ang 13. ''We didn't provide any defensive resistance at all, nobody at all has against them lately if you look at their scores,'' pahayag ni Celtics coach Brad Stevens. Itinulak ng Los Angeles ang kanilang bentahe sa 35 puntos sa kalagitnaan ng third quarter. Naisagawa ng Boston ang huling pagsalakay kung saan ay lumapit sila sa 111-100 mula sa tres ni Gigi Datome, may 4 minuto pa sa laro, subalit agad ding rumesponde ang Clippers na kaakibat ang 5 sunod na puntos. ''Our ball movement is sensational right now,'' ayon kay Los Angeles coach Doc Rivers. ''We haven't been a great travel team up until now. We had amazing focus when we left on this trip. They felt like these are the games we can get.'' Nagmula ang Los Angeles sa mabilisang pagsisimula, kung saan ay kinonekta nina Redick at Barnes ang malalayong buslo sa unang dalawang possessions. Nagkaroon din ng kahalintulad na panimula ang second half, kung saan ay naisakatuparan nina Barnes at Redick ang 3s upang muling tulungang mag-init ang koponan na taglay ang 14-4 run na nagtulak sa Clippers sa 82-51 lead. ''They played well, made a lot of shots early and kind of got us out of what we were trying to do, and then ran away with it,'' lahad ni Olynyk. Umungos ang Los Angeles sa 105-79 matapos ang third quarter. Sa puntong iyon, tila nawalan na ng gana ang karamihan sa crowd at ang ilan ay naghihiyawan para sa dating Celtics na si Brian Scalabrine, na ngayon ay isa sa TV analysts ng koponan. Ilang bulto ng fans ang nagsilisan sa korte sa kasagsagan noon ng timeout, may 9 minuto pa sa laro. Naantala ang laban ng halos 5 minuto sa huling bahagi ng fourth quarter nang kinailangan ng isang fan ng medical attention malapit sa bench ng Clippers at ito naman ay tinugunan ng Celtics team physician. ''From what I was told they think the person's going to be OK,'' pahayag ni Stevens. TIP-INS +Nakatakas naman ang suspek na si Edward Eslige, alyas Pango. Ayon sa report ng grupo ni PO3 Gualberto Salazar Jr., nag-report sa pulisya noong Disyembre 3 ang asawa ng biktima na si Armelita Narvaez tungkol sa pagkamatay ng mister. Ayon umano sa ginang, nag-iinuman ang suspek at biktima noong Nobyembre 30 sa Bgy. San Roque nang mag-away ang mga ito sa mikropono. +Sasagupain ng HD Spikers ang wala nang tsansa sa kampeonato na Foton Tornadoes sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang magkakasukatan nang lakas ang nangungunang Petron Blaze Spikers at nagpapakita ng kalidad na Generika sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa women's division para sa prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners. Pag-aagawan din ng baguhang Cavite Patriots-Fourbees at beteranong Maybank ang matira-matibay na salpukan para sa ikatlong puwesto sa pagkikita nila sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa men's division. Hindi makakasama ng Generika ang head coach nila na si Ramil de Jesus bagamat hangad ng Life Savers na ituloy ang itinala nilang apat na sunod na panalo upang agawin ang solong ikalawang puwesto matapos na huling biguin ang RC Cola Raiders sa iskor na 25-15, 25-21, 15-25, 25-21. "Our game against Petron will test not only their mental toughness but their whole character. Hindi porke pasok na kami sa top 4 ay puwede na kaming mag-relax. We want the game to gain as much possible advantage if ever we could meet them again," sinabi ni De Jesus, na binitbit ang Life Savers sa 6-3 (panalo-talo) karta. Anuman ang maging resulta ng laban sa pagitan ng Petron at Generika ay hindi na makakaapekto sa kanilang silya sa semifinals. Okupado ng Blaze Spikers ang unang puwesto na bitbit ang 8-1 karta at pumangalawa naman ang Life Savers. Importante naman para sa Cignal HD Spikers ang unang laro kung saan ay kailangan nilang manalo kontra sa Foton Tornadoes upang makapantay sa kartada ang nasa ikatlong puwesto na RC Cola-Air Force na may 5-5 marka. Bitbit ng HD Spikers ang 4-5 marka. Base naman sa format ng torneo ay ookupahan ng Blaze Spikers ang unang puwesto habang malalaglag ang Generika sa ikatlong puwesto dahil sa mas mababa ang ranking na dedetermina sa match point, bilang ng panalo, set quotient at points quotient. Ookupahan ng RC Cola-Air Force (5-5) ang ikalawang puwesto habang ang Cignal (4-5) ang ikaapat anuman ang maging resulta ng laro nila kontra sa Foton. Dahil sa istatistika ay sasagupain ng Petron ang Cignal habang muling magsasagupa ang RC Cola-Air Force at ang Generika sa sudden-death semifinal sa Biyernes. Ang dalawang magwawagi ay uusad sa kampeonato na gaganapin naman sa Linggo. "Hindi madaling kalaban ang Foton. They have nothing to lose. Kailangan talaga na ibigay namin ang best namin para umangat ang standing namin at mas gumanda pa ang chances namin na makahabol sa finals," sinabi ni Cignal coach Sammy Acaylar, na pinutol ang apat na sunod na kabiguan matapos biguin sa kontrobersiyal na laro ang RC Cola Air Force, 3-2 set, sa iskor na 23-25, 22-25, 25-21, 25-16, 16-14. +Ito ang inihayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima makaraan niyang kumpirmahin nitong Disyembre 12 ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Bureau of Corrections Act of 2013. +Ito ay matapos masabugan ang isang 11-anyos na lalaki at ang kanyang walong taong gulang na kapatid na nasabugan ng paputok noong Lunes. Ayon sa pulisya, naputol ang kanang kamay ang biktimang si Mark Anthony Ng sa lakas ng pagsabog ng paputok samantalang ang kanyang nakababatang kapatid ay nagtamo ng sunog sa kilay. +Sinabi ni Cabinet Secretary Rene Almendras na sa nakalipas na tatlong linggo ay nakadaong na ang mga barko sa pantalan at ganap nang decongested ang Port of Manila. +Ipinakita pa ngang dumating sa piitan ang ama niyang si dating Senador Ramon Revilla, Sr. Nagdatingan din ang mga pagkaing kanilang pagsasaluhan pangunahin na dito ay ang lechon baboy. Naluha si Lani nang sabihin niyang una nilang ipagdiriwang ang Pasko sa labas ng kanilang tahanan. Ipinakita sa telebisyon ang kanilang malaking tahanan sa Alabang, marangya... maluho... Dahil sa piitan nga magno-Noche Buena at magpa-Pasko ang pamilya ni Bong, kakalog ang kanilang bahay. Sa kabilang dako, ipinakita ng balita ang isang mahirap noong Bisperas na ng Pasko na tulak-tulak pa ang kariton at nagkukumahog pang kumita ng paghaharapan nila ng kanyang pamilya sa Noche Buena. Hapon na ay wala pa raw siyang gaanong kinikita dahil nga umuulan. Ang nakadelehensiya ay ang kanyang maybahay na hinalukay ang mabahong basura. Pinalad siyang may naihiwalay dito na naibenta niya. Sa ilalim ng tulay hinihintay ang ama dahil iyon palang tulak-tulak niyang kariton ay ang pinakabahay nila. Dito nila paghaharapan ng kanilang mga anak ang nadelihensiya nila para sa kanilang Noche Buena. Dukha man ang pamilyang ito, walang nakitang lumuluha sa isa man sa kanila sa araw na ito. +Noong Disyembre 30, 2014, ginunita ng bansa ang ika-118 kamatayan ng pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Sa meron o walang lehislasyon tungkol sa pagiging pambansang bayani ni Rizal, siya ang itinuturing na tunay na bayani ng mga Pinoy. Hindi dapat pagkumparahin sina Rizal at Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan sapagkat magkaiba ang kanilang pamamaraan ng pagtulong sa bayan na noon ay nasa ilalim ng pamatok ng mga Kastila. Hindi dapat pag-awayan ng mga maka-Bonifacio at maka-Rizal ang kanilang kabayanihan. Sila ay kapwa bayani. Huwag Kang Magnakaw - ito ang adbokasiya ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle. Nakasulat ito sa mga T-Shirt ng ilang kaibigang journalist na kasama kong umiinom ng kape matapos ang jogging. Nakasulat din sa T-Shirt ang Exodus 20:15. "We should not allow corruption and cheating to become part of Filipino culture and the military, " sabi pa ni Cardinal Tagle. +Nagtanong kami kung ano pa ang lumakas at humina na nang mga nagdaang araw at binanggit lahat sa amin na hindi na namin isusulat pa kung ano ito, basta ang sabi sa amin, "Nu'ng hindi pa po nananalo ang English Only Please, parating sold out (mga pelikula), pero ngayon, humina na po, baka kasi napanood na ng karamihan o baka hindi pa nanoood 'yung iba, abangan natin sa New Year. Pero itong kina Jennylyn (plus Derek), parati pong sold out, 'dami nga po nagsasabing 'bakit iisa lang ang sinehan." Natutuwa kami para sa pelikula nina Derek at Jennylyn dahil ito ang bukod tanging walang napapanood na trailer sa telebisyon dahil hindi pinayagan ng ABS-CBN at GMA-7 na parehong may mga entry tulad ng The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui, Kubot: The Aswang Chronicles, Shake Rattle and Roll. Mabuti pa nga ang Bonifacio at Magnum Muslim .357 ay napapanood din namin ng ilang beses sa ABS-CBN. Sa social at print media plus word of mouth lang ang pinaka-promo ng English Please Only at sana nga mas lalo pa itong lumakas. Napanood namin ang Kubot: Aswang Chronicles ninaDingdong Dantes, Joey Marquez, Lotlot de Leon atIsabelle Daza na nagandahan kami lalo na sa special effects at kulay na habang pinapanood namin ay ang premyadong direktor na si Quentin Tarantino ang nasa isip namin dahil ganito ang estilo ng mga pelikula niya. Medyo nakulangan kami sa action kung ikukumpara saTiktik: Aswang Chronicles pero okay na rin at dahil matagal na kaming hindi kumakain ng hotdog dahil nga processed meat ito ay mas lalo pa kaming nandiri nang ipakita kung paano ito ginagawa at kung ano ang laman nito maski hindi naman ganito talaga. At dahil dog lover kami, naawa kami sa asong ginamit (maski hindi ipinakita) para ipakain kay Makki na anak ni Dingdong sa pelikula na isa nang asawang. Wala pa kaming kalahati sa seating capacity sa loob ng Cinema 7 pero sabi naman ng tagabantay ay hindi na raw talaga gaanong tinatao 'pag last full show na. +Ang nagbabalik na si Paz-Cojuangco, na hangad ang ikalimang gintong medalya sa torneo na dating kilala bilang Asian Grand Prix, ay nagtipon ng kabuuang 689 puntos sa 72 arrow Qualification ( 345 at 344 ) na katulad din sa isinumite ng pumangalawa na si Surekha Vennam ng India. Gayunman, bunga ng magandang patama sa natudla nitong 16 X at 45 10's ay inokupahan ni Paz-Cojuangco ang unang puwesto. Nabitbit din ng ilang beses naging SEA Games gold medalist ang kanyang mga kasamahan sa unang puwesto sa team ranking sa kabuuang 2,043 puntos, na abante ng 12 puntos sa karibal nitong Malaysia at 14 na mas maganda kontra sa paboritong India. Nag-ambag din ang muling nagpapakitang gilas na Olympian na si Jennifer Chan sa impresibong unang araw para sa Pilipinas sa pag-okupa sa ikatlong puwesto sa natipon na 685 puntos. Ang kabilang sa developmental archer na si Andrea Robles ang ikatlong pinakamataas na may 669 puntos bagaman ibinigay nito ang kanyang puwesto sa kakampi na si national member Joan Chan Tabanag na nagtala ng 668 puntos dahil sa kinailangan nitong magbalik sa Maynila upang daluhan ang kanyang inaasam na graduation. Kapwa rin nakausad sina Paz at Chan sa unang round matapos makakuha ng bye sa Olympic Round gayundin ang Philippine women's team para sa maagang pagtuntong sa quarterfinals. Hindi naman naging maganda ang resulta sa women's recurve matapos na ang Olympian na si Rachel Cabral ang pinakamataas ang naabot sa ika-37th sa natipong 592 puntos. Si Kareel Hongitan ay nasa ika-39th sa 590 puntos habang si Mary Queen Ybanez ay nahulog sa ika-56th sa 560 puntos. Nanguna ang mga Chinese Taipei archers na sina Lin Chin at Tan Yi sa kapwa pagtatala ng 656 puntos upang itulak ang kanilang koponan sa unahan sa 1, 959 puntos. Ang Pilipinas ay nasa ika-12 puwesto sa 1,742 iskor. Nakatakda naman sumabak ang Men's Compound team na binubuo nina Paul Morton dela Cruz, Earl Yap, Dean at Jeff Adriano, Don Sombrio gayundin ang Men's Recurve nina Gabby Moreno, Florante Matan, Zander Lee Reyes at Anatacio Pellicer III sa kani-kanilang Qualifying Rounds. +"Tingnan natin, pero may plano 'yan, alam niya kasing malapit na siyang magretiro sa showbiz lalo na ngayong ikakasal na sila ni Marian (Rivera)," sitsit ng grupong nakausap namin noong Setyembre. Pero nagsabi noon si Dingdong na wala siyang planong pumasok sa pulitika dahil nga puwede naman daw siyang tumulong kahit wala siya sa posisyon. Kaya tinext namin ang manager ng aktor na si Perry Lansigan kung magpupulitika nga ba ang alaga niya, "Wala akong alam," kaswal na sabi sa amin. Naniniwala pa rin kami, Bossing DMB sa kasabihan na kapag may usok, may apoy lalo na't pawang nasa business sector ang mga nakausap namin dahil humingi raw ng suporta sa kanila ang kampo ng aktor. Sila rin ang nagkuwento na maraming bishop ang darating sa kasal nina Dingdong at Marian na abot sa 200 ang unang plano, pero hindi na kinaya ng budget kaya iilan lang ang dumalo. Kaya hihintayin namin ang taong 2016 kung ano ang final answer ni Dingdong sa pagpasok niya sa pulitika. Samantala, sinulat din namin dito sa Balita ng parehong araw ang pagpasok ni Sharon Cuneta sa pulitika. Sinulat namin na may nagkuwento sa aming kakandidato para mayor ng Pasay City si Sharon at pinag-uusapan din ito sa business sector. "Hindi pa lang ina-announce kasi maaga pa, pero hintayin mo," tsika ng source sa amin. "It's a 70-30 sa pagtakbo ni Sharon, wait mo lang." Bagamat ilang beses nang sinabi ni Sharon na wala siyang planong pasukin ang pulitika dahil magulo at baka hindi niya kayanin ang intriga at kalakaran dito. Sa presscon nina KC Concepcion at Paulo Avelino para sa episode nilang "Exchange Gift" sa Give Love of Christmas (bukas na ang pilot telecast) ay sinabi ng aktres na hindi siya aware sa plano ng ina nang may magtanong tungkol sa isyu. Hindi pa raw ito napag-uusapan sa pamilya, pero kung anuman ang plano ng ina ay malalaman din naman ito kaagad ng publiko. +Ipinatawag ng fourth-seeded na Dane ang kanyang trainer ng tatlong beses sa kabuuan ng first set para matingnan ang kanyang left wrist. ''I felt it during one shot,'' sabi ni Wozniacki. ''I hit it against the wind and hit it late and I felt it in my wrist." ''I've had it before so I kind of know what it is. It's painful every time I had to hit a backhand and I didn't want make it worse before Melbourne, so I'm just going to try and get some treatment on it and try and get ready for next week.'' Sinabi ni Wozniacki na kumpiyansa siyang magagawa niyang makapaglaro sa Melbourne Park, bagamat ang treatment na kanyang natanggap sa courtside ay hindi nagpawala ng iniindang sakit. ''I just felt like it was getting a little worse, so I felt like I wasn't going to win the match without being able to hit like a proper backhand,'' aniya. Tinalo ni Wozniacki si Zahlavova Strycova sa tatlong set sa semifinals ng ASB Classic sa Auckland, New Zealand, noong nakaraang linggo, bago nalaglag kay Venus Williams sa final. +Ayon kay PO1 Ronald Calpito, wala nang buhay nang natagpuan si Silvino Pabor, nasa hustong gulang, tubong Candon, Ilocos Norte, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Dapdap sa Paniqui. +"Remember, the Philippines is giving everything and paying them to give their service to the country," sinabi ni Garcia. Ito ay matapos magdesisyon ang ABAP na hayaan na lamang sina Barriga at Suarez na sumagupa sa AIBA Pro Boxing Tournament kung saan ay kumikita ang mga boksingero sa bawat laban na kanilang makukuha sa bagong sistema ng internasyonal na asosasyon na AIBA. Hindi ikinatuwa ni Garcia ang desisyon ng ABAP at maging sa dalawang boksingero dahil sasagupa ang mga ito sa isang torneo upang kumita at hindi pagsilbihan ang kanilang sariling bansa na nagbibigay sa kanila ng insentibo at buwanang allowances. Una nang ipinaliwanag ni ABAP executive director Ed Picson na ang desisyon ng dalawang boksingero ay hindi makaaapekto sa kanilang pagpili ng mga ipapadalang boksingero sa 2015 SEA Ganes sa darating na Hunyo 5 hanggang 16 sa Singapore dahil maraming makukuha sa kanilang training pool. Ang 21-anyos na si Barriga ay maraming katimbang sa 49 kg class habang maraming nakalinya para palitan ang 26-anyos na si Suarez sa 60 kg division. Matatandaan na huling nabigo sina Barriga at Suarez na makatuntong sa 2016 Rio de Janeiro Olympics matapos na kapwa mabigo sa kanilang krusyal na labanan para sa Top 2 sa ginaganap na ranking tournament ng AIBA Pro Boxing. Si Barriga ay una nang nakuwalipika sa 2012 London Olympics at nag-uwi ng tanso sa 2014 Asian Games sa Incheon matapos kubrahin ang ginto noong 2013 SEA Games sa Myanmar. +Sinabi ni LVPI president Joey Romasanta sa ginanap na AVC Women's Under 23 Championships draw of lots sa Crown Plaza Hotel na hanggang sa kasalukuyan ay may utang ang Pilipinas ng $90,000 (P3.9M) sa Federation International des Volleyball (FIVB). "For a start, LVPI has committed to settle the indebtedness of the previous administrations amounting to $90,000 and we have likewise obligated ourselves to participate in at least six Asian Championships from nearby Taipei to as far away Iran as our commitment to volleyball," sinabi ni Romasanta. Una nang kinumpirma ni AVC Secretary general Shanrit Wongprasert sa nasabing aktibidad ang pagkilala sa bagong asosasyon. "We have to respect the national Olympic committee decision, because all the international federation has to work with the NOC's. We, in the AVC and FIVB, have to work with the group recognized by the NOC. We have to work and run our championships in coincidence with the rules of FIVB and AVC," pahayag ni Shanrit. Ang susunod na hakbangin ni Romasanta ay ipakilala ang buong liderato ng LVPI sa gaganaping general assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Marso 25. "The Philippines, as well as the SEA and Asian volleyball communities, could not comprehend why despite the huge popularity of volleyball, we have been noticeably absent from at least the SEAG," paliwanag ni Romasanta. "The LVPI hopes to address and bring Philippine volleyball back on the regional track to do justice to the athletes and resurrect the glory days of Philippine volleyball," giit pa nito. Ang mga miyembro naman ng LVPI Board of Trustees ay sina Chairman Victorico Chavez, Vice-President Peter Cayco (NCAA), Secretary General Ricky Palou (Shakey's V-League), at Chief Finance Officer Ramon "Choy" Cojuangco Jr. +Ito ay upang maiwasang gumamit pa ng kani-kanilang sasakyan ang susundo at maghahatid ng mga pasahero sa gitna ng matinding trapik na nararanasan sa lugar. Para sa kaalaman ng mga pasahero sa airport, matutukoy ang mga awtorisadong shuttle bus sa pamamagitan ng sticker na may katagang "MMDA's Airport Christmas Shuttle" na nag-aalok ng libreng sakay basta ipakita lamang ang airline ticket. +milyon umanong halaga ng kickback na sinasabing tinanggap ng Bise Presidente mula sa land deal ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa isang pribadong real estate firm. +Sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose 'Peping' Cojuangco, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia, at PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror ang mangunguna sa mga opisyal, atleta, sportswriters, at mga bisita sa pagbibigay-pugay kay Caluag at ang lahat ng 79 awardee ngayong taon sa dalawang oras na programa kung saan ang beteranong sportscasters na sina Quinito Henson at Patricia Bermudez-Hizon ang siyang hosts. Si Garcia, ang Chef De Mission ng bansa sa Incheon Asiad noong nagdaang taon, ang siya ring magsisilbi bilang keynote speaker ng gala night. Makikihati kay Caluag sa ningning ng event kung saan principal sponsors ang Smart, MVP Sports Foundation, at Meralco habang major sponsor naman ang PSC, ay ang siyam na tatanggap ng Special Awards mula sa pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa na nagdiriwang ng ika-66 taon nito. Ang kasalukuyang UAAP men's basketball champion na National University Bulldogs ang mangunguna sa listahan sa kanilang pagtanggap ng President's Award habang ang 1973 Philippine men's basketball team na nanalo sa Fiba-Asia Men's Championship sa Manila ang gagawaran ng Lifetime Achievement Award. Ang iba pang tatanggap ng pagkilala sa event na suportado rin ng PBA, Maynilad, Accel, Rain or Shine, ICTSI, PCSO, PAGCOR, El Jose Catering, National University, Globalport, Air21, at 1Esplanade ay sina Hans Sy (Executive of the Year) , champion coach Tim Cone (Excellence In Basketball), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), Tony Lascuna and Princess Superal (Golfers of the Year), Mitsubishi (Hall of Fame), at MVP Sports Foundation (Sports Patron of the Year). Mayroon ding major awards na ipamimigay kina Donnie Nietes, San Mig Coffee team, Gabriel Luis Moreno, Michael Christian Martinez, San Beda Red Lions, June Mar Fajardo, Kiefer Ravena, Mark Galedo, Daniella Uy, Mikee Charlene Suede, Jessie Aligaga, Jean Claude Saclag, Philippine dragon boat team, Philippine poomsae team (male over 30), Philippine poomsae team (freestyle), Kid Molave, at Jonathan Hernandez. Magbibigay-aliw naman ang two-time UAAP cheerdance competition champion National University. Ang mga imbistasyon para sa awards night ay naipadala na, ngunit sa mga hindi nakatanggap nito, maaari itong kunin sa lobby entrance ng 1Esplanade. +Tinanghal na Best Drama Series ang Ikaw Lamang at ang mga bidang sina Coco Martin and Kim Chiu ang nagwaging Best Drama Actor and Actress. Sina John Estrada at KC Concepcion ng Ikaw Lamang din ang nagwaging Best Supporting Actor and Actress pero ang mga tinalo na pinakamahigpit nilang nakalaban ay pawang co-stars din nila sa nasabing serye. Sa kategoryang Best Single Performance by an Actress naman ay tinalo ng first time nominee sa acting award na si Sunshine Cruz sina Nora Aunor, Maricel Soriano, Gina Pareno, Irma Adlawan at Janice de Belen. Halos mapaiyak si Sunshine sa pagkakapanalo niya na inialay niya sa kanyang tatlong anak na mag'isa niyang itinataguyod ngayon. Ang Kapamilya talent pa rin na si Arjo Atayde ang nagwagi bilang Best Single Performance by an Actor dahil sa kanyang ipinakitang galing sa Maalaala Mo Kaya (MMK rin ang nagpanalo kay Sunshine) at ka-tie ng actor si Jose Manalo na first time ding nagkaroon ng best actor award. Tumanggap naman ng malakas na hiyaw mula sa audience ang Kapamilya love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang tanghaling "Power Love Team" na kaloob naman ng Kapusong si German "Kuya Germs" Moreno. Ang Kapamilya pa ring sina Lyca Gairando at Manolo Pedrosa ang tumanggap ng "Best New Female and Male Personality". At ang Honesto star na si Raikko Mateo ang wagi bilang Best Child Performer. Narito ang list of winners sa PMPC 28th Star Awards for TV: Best TV Station ABS-CBN +Pinaghahanap naman ngayon ang suspek na si Dan Rex Enriquez, na nakatira sa Bgy. Ligtong, Rosario, na huli umanong nakainuman ng dalagita sa isang party. Teorya ng pulisya, matapos dumalo sa party ay umuwi na ang biktima pero sinundan siya ng suspek at ginahasa bago pinatay. +Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang mga biktima ay ang mag-asawang Gilbert Calub, 44; at Annaleah Calub, 44; mga anak na sina Gian Carlo Calub, 12; at Gleo Christof Calub, 7, pawang taga-Pines City Executives Homes sa Bgt. San Roque, Antiipolo City. +Masaya niyang ibinalita na annulled na o napawalang-bisa na ang kasal niya kay Meryll Soriano. Naging bunga ng pagsasama nila ng aktres ang kaisa-isa nilang anak na si Elijah. "After six to seven years , I'm legally annulled," pahayag ni Bernard. Wala na raw sagabal sa kanila ni Jerika kapag naisip na nilang magpakasal. "We are on the right path. Legally, I can ask her,' sey ng aktor. Handa na rin daw siyang pakasalan si Jerika dahil ito ang ipinangako niya sa sarili, ang ihatid sa altar ang anak ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada. "I don't see the relationship going anywhere but there," mariin niyang sabi, na sinalo naman ni Jerika ng, "Walang nagmamadali." "If they gave me enough shows to make that much,why not? As long as we got the confirmation, I'm happy already. If it will lead to marriage, the sooner, the better," sey pa ng aktor. +Si De la Hoya, isang 10-time world boxing champion, ay nakipagtambal kay Mexican boxing mogul Pepe Gomez upang ilunsad ang De la Hoya TV: Beyond Boxing. Ginawa ni De la Hoya ang anunsiyo noong Miyerkules sa Miami Beach sa NATPE TV programming convention. +Ang mga curators na mag-a- assess sa mga kasagutan at magdedetermina sa playlist ay kinabibilangan ng British singer-songwriters na sina Ed Sheeran at James Blunt, US singer-songwriter John Legend, French DJ David Guetta at Portuguese pop star David Carreira. Inanunsiyo ni UN Secretary-General Ban Ki-moon, na hindi nakilala sa kanyang rock star persona, ang inisyatiba sa isang MTV-style video kung saan ibinigay niya ang kanyang boto sa 1970 hit ni Stevie Wonder na "Signed, Sealed, Delivered." Sinabi ni Ban na ang awitin - kilalang paborito ni US President Barack Obama - ay kumatawan sa kanyang mga pag-asa para sa isang matagumpay na kasunduan sa climate change sa isang UN-led conference sa Paris sa huling bahagi ng taong kasalukuyan. Idineklara ng United Nations noong 2012 ang International Day of Happiness - na kasabay ng unang araw ng tagsibol sa Northern Hemisphere - matapos ang inisyatiba ng Bhutan, ang lupain sa Himalayan na sumusukat sa "Gross National Happiness" imbes na sa standard economic indicator. "On this day we are using the universal language of music to show solidarity with the millions of people around the world suffering from poverty, human rights abuses, humanitarian crises and the effects of environmental degradation and climate change," ani Ban. Noong nakaraang taon, ang International Day of Happiness ay inimbitahan ang music fans sa buong mundo na sumayaw sa patok na awitin ni Pharrell Williams na "Happy," na naging viral sensation. +Agad masusubok ang kakayahan ng mga nakuwalipika sa pinakamayaman at pinakamalaking karera sa bansa sa unang araw pa lamang ng labanan kung saan ay dalawang yugto agad ang kanilang kakaharapin sa kabuuang anim na araw ngunit may walong Stage na karera. +Ayon kay BI Commissioner Siegfred Mison, ang P3.022-bilyon kita noong nakaraang taon ay mula sa "mataas at mas propesyonal na mga kawani". Ang nasabing halaga ay hindi hamak na mas mataas kumpara sa P2.985-bilyon nakolekta noong 2013. +Ayon kay NCRPO chief Director Carmelo Valmoria, nais lamang nilang matiyak na ligtas ang publiko ngayong holiday season. Sinabi ni Valmoria na tututukan ng pulisya ang selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon, partikular ang bentahan at paggamit ng mga ilegal na paputok. +"A drug user, dependent or any person who violates Section 15 (Use of Dangerous Drugs), of RA 9165, may submit himself for treatment and rehabilitation of drug dependency. The treatment and rehabilitation program helps drug dependents recover and become productive citizens living in a healthy society," pahayag ni PDEA Director General Arturo Cacdac. Inihalimbawa ng opisyal ang isang manlalaro ng UFC, ang light heavyweight champion na si Jon Jones, na boluntaryong sumailalim sa rehabilitation matapos magpositibo sa cocaine. Agosto 2014 nang nakulong ang anak ng international action star na si Jacky Chan na si Jaycee at ang kasama nitong aktor na si Kai Ko dahil sa paggamit ng marijuana. Maihahalintulad din ang naging karanasan ng aktor na si JM de Guzman na kusang-loob na nagparehab para sa panibagong kabanata ng kanyang buhay. +Ayon sa dating actor, nananatili siyang staff ng senadora pero hindi nga lang sumasama sa mga lakad nito sa pangangampanya. Binanggit ni Renzo na magtatatlong taon na siya bilang staff ni Sen. Grace Poe at walong taon ding naging staff ni Sen. Jinggoy Estrada. Kaya regular Senate employee na raw ang kapatid ni Sheryl Cruz at wala raw namang isyu tungkol sa kanilang dalawa ng pinsang si Sen. Poe. Iniiwasan niyang magkomento tungkol sa hidwaan nina Sheryl at Sen. Grace. "Bahala na sila sa bagay na 'yan. Basta walang problema sa amin ni Sen. Grace at hindi rin naman namin pinag-uusapan 'yun ng kapatid kong si Sheryl," sey niya. Kinamusta namin kay Renzo ang mommy niyang si Rosemarie Sonora at ang kapatid niyang si Patrick. Masayang-masaya rin daw ngayon si Partick sa buhay may-asawa nito pero pagdating sa kanilang ina ay hindi pa raw napapanahon na pag-uusapan namin ang bagay na ito. +Sinabi ni Valte na una nang nilinaw ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang posisyon nito sa usapin dahil mangangahulugan ito na ang "government gave, or at least gave its blessing" sa krimen. "And, I think, the President was specifically clear on his position on that," sinabi ni Valte sa panayam ng DZRB kaugnay ng nasabing panawagan ng Center for International Law (CenterLaw) Philippines. Iginiit ni CenterLaw Chairman Harry Roque Jr., na abogado rin ng mga pamilya ng mga biktima, na batay sa international law ay dapat na bayaran ng gobyerno ang mga naulila ng mga biktima. Sinabi naman ni Valte na ginagawa ng Ehekutibo ang lahat ng paraan upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima. "Again, the executive branch is not the only branch in play here into the case, and we can assure you that our efforts have been concentrated on pushing the case forward," aniya. +Kung paniniwalaan ang isang survey na ikinomisyon ng isang pahayagang English, 48% ang sinisisi si PNoy sa pagkamatay ng 44 SAF commando samantalang 52% ang sumisisi kay Purisima. Anim sa 10 Pinoy na tinanong ang walang tiwala ngayon sa Aquino administration kasunod ng Mamasapano massacre. Totoo ba ang mga ulat na ang dalang mga granada (M203) ng SAF men ay pawang supot o hindi sumabog sa kaigtingan ng sagupaan? Ayon kay PNP Supt. Raymund Train, intel officer ng SAF na namuno sa pagsalakay sa kuta ni Zulkfli bin Hir, hindi pumutok ang mga granada upang mapigilan ang mga kalaban. Nag-text sa akin si veteran defense reporter Ben Cal ng PNA upang ipaalam kung paano umaksiyon si FVR sa mga krisis na katulad ng Mamasapano. Noong Abril 3, 1995, sinunog ng Abu Sayyaf ang public market ng Ipil, Zamboanga ng 2am. Dumating si FVR sa Ipil at ininspeksiyon ang eksena dakong 7:30am. Tinanong niya kung nasaan si Southcom chief Lt. Gen. Regino Lacson. Ang sabi ay nasa Davao City raw. Ano ang ginagawa niya sa Davao, tanong ni FVR. Agad ni-relieve ni FVR si Lacson at itinalaga si Lt. Gen. Eduardo Batenga bilang bagong Southcom chief, at inatasang magsagawa ng hot pursuit laban sa ASG. Sa 200 ASG na nanunog at nagnakaw sa mga bangko, lahat ay napatay maliban sa 20 bandido. Ganyan si FVR, sabi ni Ben Cal. +Bagamat hindi kasama ang national costume parade para sa pagpili ng semi-finalists, isa sa pinakapinalakpakan na national costume show ang kay Catriona, na tinawag na "LUZVIMINDA: Magdiwang. Lumaban. Pagyamanin." "I want to represent the Philippines in all forms. When people see the Philippine sash, it's just a word on a sash, but really, we're made up of so many different places and so much different aspects to our culture," pagbabahagi ni Catriona sa ABS-CBN ilang oras bago ang parade. Ang bonggang national attire ni Catriona ay pinagtulungan ng parol make na si Eric Quiwa, ng fashion designer na si Jearsond para sa pintados catsuit, ng architect-artist na si Carlos Buendia Jr., at ng popular heel maker nasi Jojo Bragais. Ayon kay Buendia, kinakatawan ng Luzon ang sikat na mga parol ng Pampanga, na may brass border na disenyo, at gawa pa sa Apalit. Sa likod ng parol ay bubulaga naman ang painting na napapalibutan ng nakasulat na pambansang awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang na nasa Baybayin. Tampok din sa obra ang tagumpay, mga kapistahan, kaganapan, mga bayani, at mga pambansang sagisag, kasama ng estilo mula sa mga obra ni National Artist Carlos "Botong" Francisco. Kinatawan naman ng mga tattoo ang indibiduwal na paglalakbay at pakikipaglaban, katapangan at kalakasan, na kumakatawan sa katapangan at "resilient spirit" ng mga Pilipino sa gitna ng mga pinagdadaanang pagsubok sa kasalukuyan, pagbabahagi ni Buendia. Dagdag pa niya, authentic ang tattoo pattern na base sa manuskritong "Boxer Codex" na isinulat noong 1590. Naglalarawan naman sa isla ng Mindanao ang headpiece at brass accessories mula sa South Cotabato at ang customized na boots na may burda ng iba't ibang indigenous pattern mula sa katimugang bahagi ng bansa, sa mga Manobo, Maguindanao, Yakan, Maranao, Bagobo, at T'boli. "I am super proud of Catriona who slayed the runway. There's no part of that national costume that is not Filipino," pahayag ni Bragais pagkatapos ng show. May ilang ulat naman na ang parol-inspired na bahagi ng costume ni Catriona ay dapat na iilaw habang rumarampa ngunit hindi ito pinayagan ng mga organizer. +Clear - ito ang state of mind mo in this cycle. Mabilis kang mag-isip at may maaalala kang mga endeavor na kailangan mong atupagin. LEO [Jul 23 - Aug 22] +TINANONG namin si Derek Ramsay tungkol sa lumulutang na isyung babalik siya sa ABS-CBN. "No, no. I don't know! My contract with TV5 is going to expire soon, so (kaya) siguro may ganu'n," katwiran ng aktor. Okay na ba si Derek at ang ABS-CBN management na napabalita noon na nagalit sa kanya? +Timberwolves: Pinagpahinga si center Nikola Pekovic sanhi ng sore right ankle. Hindi nakita sa aksiyon si forward Kevin Garnett sanhi naman ng sore knee. Nagtala ang Timberwolves ng 1 assist sa first quarter. +Inihain ni Villar ang House Resolution 1658 na nag-aatas sa House Committee on Information and Communications Technology at sa iba pang kinauukulang House panel na siyasatin ang napaulat na mabagal na Internet connection sa bansa. +"P'wede ka bang tumanggi kay Direk Laurice (Guillen)?" natatawang sagot ni Raymart. "Actually, nag-gain na nga ako ng weight ngayon. Pero hindi mo nga p'wede tanggihan ang director mo, kahit first time ko ngang ginawa ito ngayon. Hindi naman ako nailang na kunan ang topless scene ko dahil nasa beach naman ako." Biniro tuloy si Raymart kung naghahanda na siya sa iba pang sexier scenes sa bago niyang drama series sa GMA-7. O baka gusto na niyang mag-join sa Cosmo Bash? "P'wede pa ba ako?" natawang sagot niya. "Iyon ang dapat ko munang paghandaan. Hindi pwedeng basta na lang papasok sa ganoon." Sa Second Chances, gagampanan ni Raymart ang role ng isang single father, si Bernard Castelo, na naiwanan sa kanya ang isang anak na lalaki ng yumaong asawa. Muli siyang umibig at nagbago ang buhay nang makilala si Lyra Bermudez (Jennylyn Mercado). Si Lyra na ang second chance ni Bernard para muling lumigaya. Ready na ba siyang magmahal muli dahil single na siya? "Sira ang buhay ko ngayon, ayoko namang pasukin iyong buhay na maging kami at sisirain ko rin ang buhay niya." Paano kung ang bagong mamahalin pala ang muling bubuo sa buhay niya? "Hindi, eh, parang marami pa akong mga kaso-kaso. Ayokong madamay kung sinuman iyong darating." Pero napipigilan ba ang puso? "Oo, pero may korte," at napatawa si Raymart. "Ang puso okay lang, eh, ang korte, nand'yan." Kaya sarado muna ang puso niya, kung hanggang kailan, hindi raw niya alam. Ngayong may anak siyang lalaki sa story, hindi ba niya nami-miss ang mga anak niya, sina Santino at Sabina? May communications pa ba sila ni Claudine Barretto? "Nami-miss, sobrang miss ko na sila, pero wala akong magagawa, malayu-layo pa ang tatakbuhin ng custody case namin. Nagkakausap lang kami kapag kailangang ipa-check-up niya sa hospital ang mga bata. Pero hindi niya ipinakikita sa akin ang mga anak ko. Ganu'n lang, hindi rin kami nagbatian noong Christmas at New Year." +Binuo ito ni Sir W.G. Armstrong, pinasadahan noong Abril 2, 1906 at inilunsad noong Abril 13, 1907. Ang HMS Invincible ay naging aktibong unit ng British Battlecruiser Force. +"Unfortunately, kinailangan pong ma-extend at maganda naman po 'yung nagiging resulta rin ng operations ng AFP," sabi ni Valte. "It's a delicate balance that government has to weigh and 'yung continued operations ng AFP (Armed Forces of the Philippines) against these lawless elements unfortunately has the by-product of the displacement, but government continues to do its best," dagdag niya. Gayunman, tiniyak niyang natutugunan ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan ng mga lumikas. "Again, we will just continue to strive to provide more services to those who are affected and again, to prioritize their safety first and foremost," ani Valte. Siniguro ng opisyal na prioridad ng gobyerno ang kaligtasan ng mga sibilyan. "Ang priority naman siyempre ng AFP diyan is 'yung safety nung civilians so talagang nagkakaroon po ng displacement. On the side of government, hinahabol na po natin 'yung pagbibigay na lang ng kalinga dito sa mga nadi-displace na pamilya pong ito," sabi ni Valte. Sinabi ni Valte na batay sa huling bilang, may 56,000 katao sa 44 evacuation center. Nasa 8,500 naman ang nasa labas ng mga evacuation center. Aniya, maging ang mga hindi tumutuloy sa evacuation center ay pinagkakalooban ng tulong, hindi lang pagkain kundi maging serbisyo medikal, counseling, at iba pa. Naglunsad ang militar ng matinding opensiba upang pulbusin ang BIFF, isang breakaway group mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasunod ng engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 na operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong Enero 25, 2015, sa misyong arestuhin ang dalawang kilabot na teroristang sina Abdulbasit Usman at Zulkifli Bin Hir, alyas Abu Marwan. +Taong 1883 nang maitatag ang kanyang korporasyon na Benz & Company, at naging pangunahing manufacturer ng mga sasakyan noong 1900. Ang kanyang ama ay isang engine driver. Siya ay nag-aral sa Karlsruhe Grammar School at Karlsruhe Polytechnic University. +Hindi pumasa si Silva sa isang pre-fight exam, nagpositibo para sa Drostanolone metabolites, ayon pa sa statement. Si Diaz naman ay lumapgpak sa post-fight exam para sa marijuana, ayon naman sa iniulat ni Yahoo! Sports columnist Kevin Iole. +Partikular na humingi ng suporta si Tagle sa mga Pinoy para sa feeding program ng kanilang archdiocese, sa ilalim ng kanilang programang Fast2Feed. Ang Fast2Feed ay isang Lenten campaign na humihiling sa mga mananampalataya na mag-ayuno at ang anumang salaping matitipid mula rito ay ipamahagi sa Hapag-Asa program ng Simbahan. Inihayag ni Tagle na naging matagumpay ang naturang programa noong nakaraang taon kung saan ay nakapagpakain sila ng 150,000 paslit na mula sa Yolanda-affected areas at 20,000 iba pang kabataan sa loob ng anim na buwan na Hapag-Asa feeding program. "It only takes P1,200 or P10 per day to bring back a hungry and undernourished child to his healthy state in six months," ani Tagle. +Ang resignation ni Darren Wilson ay kaagad na nagkabisa, ayon kay Atty. Neil Bruntrager. Si Wilson ay nasa administrative leave simula ng pamamaril noong Agosto 9, na nagbunsod ng ilang araw na bayolenteng protesta. +Libre ang lahat ng mga tiket para sa General Admission section ng MOA Arena sa Pasay City kung saan gaganapin ang opening games ng PBA Commissioner's Cup. +Ang insidente ay sinundan ng serye ng legal maneuvering mula sa lahat ng sangkot, nang kasuhan ni Vhong si Cedric at mga kasama ng serious physical injuries, serious illegal detention, grave threat, grave coercion, illegal arrest at blackmail. Nagpaigting sa drama ang aspiring beauty queen na si Roxanne Cabanero na nag-akusa rin kay Vhong ng panggagahasa sa kanya noong Abril 2010. Kalaunan ay ibinasura ang kaso, nang magpasya ang Department of Justice (DOJ) na ang pahayag ni Roxanne ay "contradictory, suspicious and of doubtful nature." Bukod kay Vhong, ang iba pang pangalan at mga paksa na pumasok sa Google Philippines' top trending searches list ay ang Flappy Bird, Robin Williams, Rude (Magic!), Frozen, Cedric Lee, Paolo Bediones, Jennifer Lawrence, Malaysia Airlines at Meteor Garden. Sina Cedric, Deniece, at Roxanne ay kapwa nakapasok sa Google Philippines' Top 10 Newsmaker list in 2014. Kasama nila sina Darren Espanto, Paul George, Helena Belmonte, Bryan Gahol, Michael Christian Martinez, Natalia Poklonskaya at Michelle Ann Bonzo. Sa panayam ng Manila Bulletin, sinabi ni Gail Tan, head of Communications and Public Affairs ng Google Philippines, na makikita sa trending searches list ngayong taon na karamihan ng Internet users ay naghahanap ng entertainment and news. "People really troop to the internet to search for entertainment but I would like to believe that there's now a good balance between the two," aniya. "If you look at the trending searches that we have, it's a combination of entertainment and news. Even if Vhong Navarro is the number 1, it is still news, it wasn't really entertainment. Something happened and it captured the people's attention." Idinagdag ni Tan na ang mga Pilipino ay mas nagiging conscious na sa global affairs batay sa Top 10 news terms na nakapasok sa kanilang listahan kabilang na ang MH370, Ebola virus, Typhoon "Glenda," SONA 2014, ISIS, MH17, Gaza, Ukraine, blood moon at Crimea. "We're very glad to see a consciousness in the Filipino about things that are happening globally like Ebola (outbreak) and Gaza (siege). It shows that they are now more mature about their searches," aniya. Bukod sa entertainment and current events, nagpakita rin ang mga Pinoy ng mainit na interes sa sports sa 70% ng top 10 events searches na karamihan ay may kinalaman sa boxing, football at tennis. Narito ang kumpletong listahan ng Google Philippines' top search items for the year batay sa category: +Magpa-pilot ngayong araw (Monday, March 9), pagkatapos ng 24 Oras ang Pari Koy na balik kontrabida siya dahil type niyang suportahan ang kaibigan niyang si Dingdong Dantes na siyang bida ng soap. +Ayon kay Agot Balanoy, manager ng BFMC, napakaliit lang ng pinsala ng frost sa ngayon at kahit dumami pa ito o bumaba ang temperatura sa Baguio ay hindi ito makaaapekto sa supply ng gulay. +Sa ulat kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si John Gabat Magbitang, ng Bgy. Pacac, Guimba, na agad na namatay dahil sa maraming tama ng bala sa katawan. +Sinabi ni De Lima na isa sa 20 preso mula NBP ang humiling ng lechon para sa kanilang selebrasyon sa loob ng selda. Iginiit ng kalihim na base sa umiiral na batas, hindi dapat pinayagang maipasok ang isang lechon sa piitan. "Somehow, during those times [baka may] lumapit doon sa mga drug inmate na regular detainees na nasa NBI detention facility at baka 'yun ang posibleng nagpuslit din ng mga contraband na 'yan, especially cash," pahayag ni De Lima. Kinumpirma ni NBI Director Virgilio Mendez na dalawang lechon ang ipinasok sa NBI detention center noong holiday. Ayon sa ilang imbestigador ng NBI, ang asawa ni Herbert Colangco, isa sa 20 high-profile inmate, ang nag-deliver ng lechon subalit hindi siya pinayagan ng jail guard na makalapit sa preso kaya iniwan na lang niya ang lechon sa gate ng pasilidad. +Mismong ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay hindi makapaniwala sa mga ulat na ang kagawaran ang nasa likod ng planong gibain ang isang istruktura sa Maharlika Highway sa Sariaya, Quezon para sa pagpapalawak ng kalsada. +Nagtapos si James na may 19 puntos at 12 assists. Tinapos ni Carmelo Anthony ang kanyang 4-for-19 na gabi sa pagmintis sa isang 3-pointer sa mga huling segundo at nalaglag ang Knicks sa kanilang ikaanim na sunod na pagkabigo para sa 4-16 na kartada. Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 20 puntos at 18 naman ang kay Amare Stoudemire, kasama ang 9 rebounds para sa Knicks, na sinubukang sorpresahin ang Cavs sa ikalawang pagkakataon ngayong season. Ngunit hindi nagawa ng New York, na sinira ang unang laro ni James mula nang magbalik sa Cleveland sa kanilang 95-90 na panalo noong Oktubre 30, na mapanatili ang pakikipagsabayan makaraang lumamang ng 7 sa huling quarter. Naipasok ni James ang isang 3-pointer para makuha ang 86-85 na abante sa natitirang 3:54, sinundan niya ito ng isang fast-break dunk para sa 3 puntos na kalamangan, may 3:25 pa ang nalalabi. Gumawa si Kevin Love ng 11 puntos at 11 rebounds para sa Cavs, na nag-average ng 109.8 puntos sa kanilang huling apat na pagwawagi ngunit nahirapan sa opensa sa larong ito, maliban kay Irving. +Ang mga tweet ng Santo Papa ay tungkol sa pakikihalubilo niya sa mga batang lansangan sa Tulay ng Kabataan matapos ang isang misa sa Manila Cathedral, at kahalagahan ng pamilya matapos ang kanyang Meeting with Families sa Mall of Asia Arena nitong Biyernes. +Ayon kay Senate Finance Chairman Sen. Francis Escudero, ang P24 bilyon pondo ng ARMM ay sapat para sa rehabilitasyon at konstruksyon ng mga kalsada at patubig na aabot sa P10,642 bilyon ang ibinigay sa regional government ng Department of Public Works and Highways (DPWH). +Pero ang pagkakamali lang ni Singer ay binanggit pa niyang isa siyang singer. "Ay, pasensiya na, hindi ka namin kilala," sabi naman agad ng mga ito sa kanya. +Nakasaad sa 12-pahinang Omnibus Order na inaprubahan ang petition for bail ni Sajid subalit ibinasura ang kahalintulad na kahilingan nina Anwar Ampatuan Sr. at Akmad "Tato" Ampatuan, ang anak at manugang ni dating Governor Ampatuan. Nasa kabuuang P11.6 milyon ang halaga ng piyansa sa 58 counts ng murder o P200,000 kada kaso. +Ang mga curators na mag-a- assess sa mga kasagutan at magdedetermina sa playlist ay kinabibilangan ng British singer-songwriters na sina Ed Sheeran at James Blunt, US singer-songwriter John Legend, French DJ David Guetta at Portuguese pop star David Carreira. Inanunsiyo ni UN Secretary-General Ban Ki-moon, na hindi nakilala sa kanyang rock star persona, ang inisyatiba sa isang MTV-style video kung saan ibinigay niya ang kanyang boto sa 1970 hit ni Stevie Wonder na "Signed, Sealed, Delivered." Sinabi ni Ban na ang awitin - kilalang paborito ni US President Barack Obama - ay kumatawan sa kanyang mga pag-asa para sa isang matagumpay na kasunduan sa climate change sa isang UN-led conference sa Paris sa huling bahagi ng taong kasalukuyan. Idineklara ng United Nations noong 2012 ang International Day of Happiness - na kasabay ng unang araw ng tagsibol sa Northern Hemisphere - matapos ang inisyatiba ng Bhutan, ang lupain sa Himalayan na sumusukat sa "Gross National Happiness" imbes na sa standard economic indicator. "On this day we are using the universal language of music to show solidarity with the millions of people around the world suffering from poverty, human rights abuses, humanitarian crises and the effects of environmental degradation and climate change," ani Ban. Noong nakaraang taon, ang International Day of Happiness ay inimbitahan ang music fans sa buong mundo na sumayaw sa patok na awitin ni Pharrell Williams na "Happy," na naging viral sensation. +Isinulat at iniulat ni Per Liljas ng Time Magazine, isinalaysaysay ng artikulo ang hirap at mga hamon, at kalaunan ay tagumpay ng operasyon na pinamunuan ng kumpanyang Ocean Adventure, na si Tim ay chief executive officer (CEO) na nagresulta upang maibsan ang pagdurusa ng halos 500 pamilya o ng buong populasyon ng Maslog, isang bayan sa Samar. Si Josephine, na tubong Maslog, ay personal na sumama sa convoy ng mga behikulo sa bayan matapos manalasa ang supertyphoon. Nang matiyak na ligtas at nasa maayos na kalagayan ang kanyang pamilya, sinimulan ni Josephine ang relief operations sa pagtayo ng isang base sa bakuran upang mamahagi ng 20 toneladang essential supplies at lifesaving medicines para sa buong bayan. +Ayon sa mga eksperto, lalo na sa mga doktor, mainam para sa kalusugan ang pagtawa. Walang kaduda-dudang may katotohanan ang pahayag na ito dahil ayon din sa Mabuting Aklat, na may ibinubungang mabuti ang maligayang puso. +Mahigit isang linggong nanatili sa bansa si Al Musallam kung saan ay personal itong nagmasid sa isinagawang fitness test ng mga dayuhang eksperto na mula sa Sports Performance University na sina Dr. Scott Lynn at Terence Rowles upang makabuo ng mga programa sa iba't ibang national sports association (NSA). +NANG maging panauhin nina Boy Abunda at Kris Aquino ang bida ng pelikulang Halik Sa Hangin na si Julia Montes noong Lunes ng gabi, inusisa ng hosts ng Aquino and Abunda Tonight kung bakit gayong lagi na lang siyang nali-link sa co-actors niya (gaya nina Enchong Dee at Coco Martin), but up to now ay wala man lang nababalitaang nagkaroon na siya ng boyfriend. +Ito ang inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at sinabing umabot din sa 59 ang nasugatan na binubuo ng 40 BIFF at 19 na mililtar. Ayon kay Western Mindanao Command spokesman, Col. Gerry Besana, resulta ito ng walang tigil na operasyong pinamunuan ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, ng 6th Infantry (Kampilan) Division at commander ng Joint Task Force Central, na sinimulan noong huling linggo ng Mayo hanggang sa kasalukuyan. "We will go after the bandits to safeguard the civilians and put an end to this menace of society. For as long as they still exist, I will not stop, it will continue. We are doing our best effort to put a rapid conclusion to this problem, because the more we prolong it, the more it prolongs the agony of many civilians in Maguindanao," sabi ni Sobejana. Sa kasalukuyan, aniya, ay patuloy pa rin ang opensiba laban sa grupo ng mga terorista. +Inorganisa ito ng Philippine Permanent Mission to ASEAN, sa pamumuno ni Ambassador Elizabeth P. Buensuceso sa suporta ng ACCC, ASEAN Economic Community (AEC) Division ng Department of Foreign Affairs (DFA) at PPP Center ng Pilipinas. Ang forum ay itinataguyod ng Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA) at ASEAN Regional Integration Support from the EU (EU ARISE). +Madaling maiwala ang momentum lalo na kung marami kang ginagawang iba pa. Kung mayroon kang proyekto na gusto mo talagang sumulong, maghanap ka ng paraan upang mabantayan mo ang progreso nito. Kumuha ng maliit na kalendaryo (maaari ring kalendaryo sa iyong cellphone) at itala roon kung hanggang saan na ang inabot ng iyong proyekto at ano dapat ang mararating pagsapit ng itinakdang panahon. Maaari ka ring gumawa ng listahan ng sunud-sunod na hakbang tungo sa tagumpay ng iyong proyekto at lagyan ng check ang mga natapos na gawain. Puwede ka ring magsabi sa isang matapat na kaibigan tungkol sa iyong pagsisikap upang makamusta ka nito pagdating ng panahon. +Bigyan daw ni Marion ng pagkakataon ang iba dahil artista na siya at nanalo na ng ilang awards bilang bagong composer at recording artist in so short a time. Idagdag pa raw ang pagiging trending worldwide hit ng komposisyon niya para kay Kathryn Bernardo na You Don't Know Me at ng Kiss Goodbye ni Alex Gonzaga sa debut albums ng dalawang young actress/singers. "First of all, I'm a big fan of PBB eversince. Pangarap ko noon pa man na makita ang sarili ko na nag-i-struggle sa iba't ibang tasks ng housemates. Hindi pa naman po ako sikat. I have been in the business for more than a year lang at alam kong malaki ang matututuhan ko sa loob ng Bahay ni Kuya. Kulang na kulang pa ang nalalaman ko. May nakasabay naman akong nag-audition din na artista na, pero hindi siya na-bash na tulad ko," naguguluhang pahayag ni Marion. Sinabi rin sa kanya ni Direk Lauren Dyogi na hindi na niya kailangang mag-PBB. "I told him na I feel the need for it. Siguro, susundin ko na lang ang concern nila pareho at maghanap ng ibang paraan para madagdagan ang kaalaman ko. Maybe, they mean well and they know what's best for me." Pakakawalan na lang ni Marion ang kanyang nararamdaman sa birthday concert niya with her guests Michael Pangilinan, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Edward Venoza at nakababatang kapatid niya na si Ashley. Pero bago ang kanyang Take A Chance concert, nakatakda rin siyang mag-perform sa mall shows sa SM Muntinlupa sa March 29, SM Las Pinas sa April 11 at sa isang hotel sa Baguio. Malapit na ring-i-release ng Star Records ang kanyang second album na balak gawing self-titled. It's an 11-track album kasama ang bonus cut na Pumapag-ibig, ang komposisyon para sa kanya ni Jungee Marcelo na entry nila sa Himig-Handog 2014. Tulad ng inaasahan, may sariling compositions din si Marion, bukod sa komposisyon din para sa kanya nina Jonathan Manalo at Joven Tan (yes, ang nag-compose ng award-winning song ni Aiza Seguerra na Ano'ng Nangyari Sa Ating Dalawa, at sa Pare, Mahal Mo Raw Ako ni Michael Pangilinan. Kung dati'y kasing hinhin siya ng kanyang loving mommy, si Maribel "Lala"Aunor, unti-unti nang nagiging "sensual" si Marion na hinihingi ng pagkakataon. Pakinggan ang ika nga'y distinct Aunor sound ni Marion which has captivated those who have heard her sing. It's relaxed, natural singing inherent to the Aunors. +Kumubra si Green Bay ng tatlong touchdown sa second half ng laro. Dahil sa pagkakapanalo, tumanggap ang bawat manlalaro ng $15,000. Tinanggap ng American Football League (AFL) founder na si Lamar Hunt ang terminong "Super Bowl," ito ay pormal na ginamit noong 1969 para sa propesyunal championship games. Taong 1970 nang pagsamahin ang AFL at National Football League bilang isang grupo na binubuo ng dalawang conference na may 13 teams. +Sa record ng Malabon Police, ang suspek ang itinuturong humalay sa kanyang kapit-bahay noong Agosto 2008. Simula noon hindi na ito nagpakita sa kanilang lugar si Cortezo at hindi na rin ito dumalo sa mga pagdinig sa Malabon Regional Trial Court Branch 73 kung kaya inisyuhan na siya ng warrant of arrest ni Judge Carlos Flores sa kasong rape. Dakong 5:00 noong Martes ng umaga, may nagtimbre sa mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon Police na nakitang pagala-gala sa kanilang lugar si Cortezo. +"I welcome the prompt action and disposition of the Sandiganbayan en banc on the request for recusal of the three justices who are hearing my case before the Fifth Division, as this means that my bail application, including the request for holiday furlough, can be resolved soon and decided upon without unwarranted delay," pahayag ni Estrada. +Naniniwala si Baldwin na magiging napakahirap ng kanilang pagdaraanang proseso para sa seleksiyon dahil sa dami ng available na talents kung ikukumpara sa mga dati na niyang nahawakang national teams na New Zealand, Lebanon at Jordan. "We will select the pool, and as of this point, a lot is still in the works. But I intend to work with the PBA coaches and the collegiate coaches, take their advice on board because they are my references for these players and we will work with them to select the players. And from that point, I believe that the players should fight it out to get these uniforms," ani Baldwin. Sinabi rin ng 4-time NBL Coach of the Year na naiiba ang Pinoy basketball players kung ihahambing sa kanyang mga nahawakang manlalaro sa ibang bansa. "The pool of talent is deeper, especially in the guard position. But the level of talent is slightly different with other countries." Sa kabila aniya ng napakarami nang Filipino-foreign players na dumating sa bansa, hindi nagbago ang kultura ng mga Pinoy o ang kakaibang istilo nila ng paglalaro dahil kabaligtaran ang nangyayari na ang mga bagong salta ang yumayakap sa kultura ng local bred players. +Napag-iwanan lamang ng isang panalo ng Fresh Fighters ang Rising Suns na may taglay na malinis na barahang 7-0 (panalo-talo) kaya't sisikapin nilang tumabla sa una sa pagsabak nila kontra sa Tanduay Light sa tampok na laro sa ganap na alas-4:00 ng hapon. Sa panig naman ng kanilang kalaban, maghahabol ang mga ito upang makabangon mula sa natamong pagkabigo sa kamay ng Jumbo Plastic sa nakaraan nilang laban at masiguro ang huling slot sa playoff round. Taglay ang barahang 4-4 (panalo-talo), tatargetin ng Rum Masters ang ikalimang panalo para umagwat sa bumubuntot sa kanila na AMA University (3-5) na may tsansa pang makahabol sa kanila kung magwawagi sa huling dalawa nilang laban at mabigo naman ang Tanduay. Magkasunod naman sa ikatlo at ikaapat na puwesto kabuntot ang namumunong Hapee at Cagayan, magpapakatatag sa kanilang kapit sa posisyon ang Gems at Bakers sa kanilang pagtitipan sa ikalawang laro sa ganap na alas-2:00 ng hapon. Kung outright semifinals berth ang nakalaan sa top two teams sa pagtatapos ng elims, bentaheng twice-to-beat naman ang makakamit ng magtatapos sa No. 3 at No. 4 teams papasok sa quarters kontra sa aakyat sa No. 5 at No. 6 squad. Kapwa galing sa mahabang break, halos patas ang nakikitang laban sa pagitan ng Cebuana (4-3) at Cafe France (6-2) kung saan ay inaasahan ang mas matinding laro para sa hinahangad na tagumpay. +Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na gaya noon, magagawa ng DSWD na malagpasan ang anumang kontrobersiya, kabilang na ang nasabing alegasyon ng COA. "It's not the first time na nagkaroon po ng mga ganitong observations ang COA sa DSWD, and in our past experience, lagi naman pong nasasagot ng DSWD 'yung mga audit observations ng COA to their satisfaction," sabi ni Valte. "Katulad po in this case, ang nangyari ay hindi po nai-include 'yung management's response doon ho sa COA report. I understand that Gamoteait was submitted by DSWD noong November," dagdag pa ni Valte. "Nailabas ho 'yung report 'nung December 15 at naibigay po ito doon sa ahensiyang involved, which is DSWD, at hindi po naisama 'yung kanilang management's response. Importante po na maisama ito para ma-consider din po ng COA ang sagot ng DSWD," aniya pa. "In the past years, ang nangyayari po kasi naiiwan 'yung datos. Kumbaga, 'yung mga datos po natin mula doon sa regional offices ay hindi po minsan umaabot doon sa cut-off, so kailangan po talagang hatakin ng central office para maipasa po 'yan sa COA," sabi pa ni Valte. Sa COA report para sa 2013 na inilabas nitong Disyembre 15, 2014, natuklasang may 4,300 double entry sa listahan ng mga benepisyaryo ng CCT na umaabot sa P46.502 milyon. +Magugunita na noong 1995, sa buwan ng Enero rin, natuklasang may banta sa buhay ni Pope John Paul II nang dumating ito para sa pagdiriwang ng World Youth Day sa Maynila. Isang nagngangalang Ramszi Ahmed ang naaresto sa isang raid sa kanyang tinutuluyang silid sa Josefa Apartment sa Maynila. Si Ahmed ay isang international terrorist na may misyong paslangin si Pope John Paul II. Sa nadaang mga pagbisita ng mga pinakamataas na pinuno ng Iglesya Katolika noong 1970 at 1995, hindi exempted ang Pilipinas sa kapahamakang maaaring idulot sa mga Papa. At hindi rin exempted si Pope Francis. Kaya naman mahigit 20,000 pulis at 37,000 sundalo ang titiyak sa kaligtasan ng Papa mula sa pagdating at pag-alis nito sa bansa. Idalangin natin ang kanyang kaligtasan, saan mang sulok ng daigdig siya magpunta. +Ito ay matapos na buuin at kilalanin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang bagong pederasyon na siyang mangangasiwa sa volleyball at tuluyang alisin ang dating pinag-aagawang asosasyon na Philippine Volleyball Federation (PVF). +Actually, naaawa rin ang mga nagkukuwento ng nangyari sa kilalang aktor na feeling sikat at feeling ang galing-galing umarte pero sana raw nag beg-off na lang siya sa role sa isang big project na hindi naman niya kaya pang gampanan. +ASTIG ang ipinost na picture ni Direk Mark Reyes nina Jennylyn Mercado, Lean Bautista at Tom Rodriguez na BTS sa taping ng The Cure at may caption na "The Salvador Family." +Sa pagdating ng takdang oras na ibinigay sa kanila, isasakripisyo ni Iris (Kathryn) ang kanyang sarili at hihilingin na sa kanya na lamang mapunta ang sumpa na naibigay niya sa kanyang ama na si Douglas (Dominic Ochoa). Ano ang gagawin ni Iris sa kapag napunta na sa kanya ang parusa at tuluyan na siyang maging aso? Ang matibay na samahan at pagmamahalan ba ng mag-ama ang magiging susi upang matanggal na ang sumpa? Sa huli, matututuhan na ba ni Iris na pahalagahan ang pagmamahal at pagprotekta ng kanyang tatay para sa kanila ng kanyang kapatid? +Reuters - Naospital ang boxing legend na si Muhammad Ali dahil sa pneumonia at inaasahang makakarekober dahil maagang na-diagnose ang sakit, ayon sa isang spokesman kamakalawa. Si Ali, 72, ay dinala sa isang ospital Sabado ng umaga at ginagamot ng isang grupo ng mga doktor at nananatiling nasa stable condition, sabi ng tagapagsalitang si Bob Gunnell. +Kasama rin ang version niya ng Hark the Herald Angels Sing at O Come All Ye Faithful kasama ang pamosong The Philippine Madrigal Singers. Bilang papuri kay Mama Mary ay hiniling ni Basil na isama ang Ave Maria. Deboto ni Mama Mary si Basil at nakagawa na rin siya ng album na relihiyoso ang tema. +Dalawa sa mga nasaktan sa car attack sa lungsod ng Dijon ay nasa malubhang kalagayan, sinabi ng isang source sa pulisya, idinagdag na naaresto na ang driver. +"Hindi ko maintindihan kung anong sistema ang ginagamit nila. Ako mismo, ilang express toll ang aming dinaanan para lamang makalabas sa expressway," sinabi ni Drilon, na nagtungo sa Baguio City nitong Biyernes. Ganito rin ang reklamo ng ilang bakasyunista, sinabing umabot sa halos 12 oras ang biyahe patungo Baguio gayung nasa lima hanggang anim oras lang talaga ito. +"As you know, she is currently on probation to the Los Angeles District Attorney's Office for a 2012 DUI out of Beverly Hills," pahayag ng tagapagsalitang si Frank Mateljan sa E! News. "The matter was referred yesterday. No further action [in our office] is scheduled on this matter." Kung iisipin si Bynes, na umaming may bipolar disorder, ay nagbabagong buhay at makalipas ang dalawang taon na hindi magagandang pangyayari sa buhay niya, siya ay naaresto noong Setyembre 28 dahil sa pagmamaneho nang lasing. Ito ay nagdulot ng hindi magandang pangyayari, kasama na rito ang isang shoplifting incident, hindi kusang loob na pagkakadala sa isang psychiatric treatment, at kawalan ng matutuluyan habang hindi nakakasundo ang magulang. +Magugunita na sa unang pagkakataon, nagsalita ang LGBT laban sa pang-aabuso, diskriminasyon at kaharasan noong Hunyo 28, 1969, na mas kilala bilang Stonewall Riots sa Greenwich sa New York, at hanggang ngayon ay iisa pa rin ang minimithi nito--at ito ay ang "EQUALITY. Walang labis, Walang kulang." Nais baguhin ng nasabing grupo ang mga negatibong pagkakakilanlan sa kanila na nagiging balakid upang kanilang maabot ang mga pangarap. Kasabay ng pagdiriwang ng 2014 LGBT Pride March sa Quezon City, nalalapit na rin ang selebrasyon ng World AIDS Day sa darating na Disyembre 1, 2014. International Human Rights Day sa Disyembre 10 at ang Anti-Discrimination Ordinance in Quezon City na pumuprotekta sa grupo laban sa pang-aabuso. +Inakusahan ng dating kongresista at dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) chief na si Augusto Syjuco Jr. si Purisima ng pagganap sa tungkulin kahit na suspendido ito, at si Napenas dahil sa pagsunod sa utos ng heneral. Sa 15-pahinang reklamo, inakusahan ni Syjuco si Purisima ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pakikialam sa Oplan Exodus kahit na suspendido sa tungkulin noon pang Disyembre 2014. Sinabi ni Syjuco na mismong si Pangulong Benigno S. Aquino III ay umamin na may "lack of coordination" sa puwersa ng gobyerno at sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang isagawa ang Oplan Exodus at alam din ni Purisima ang tungkol sa operasyon na hindi ipinabatid kina Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel Roxas at acting PNP chief Deputy Director Gen. Leonardo Espina. "As many claimed, Purisima not only knew of the operation, but actually controlled and directed the operations, despite his being currently suspended from duty," ani Syjuco. Dagdag niya, "The fatal covert operation that killed 44 members of the elite SAF had been assigned by President Benigno Aquino to suspended National Police Chief Alan Purisima, apparently without the knowledge of Interior Secretary Manuel 'Mar' Roxas. On this point alone, it may well be said that Aquino considered Purisima as still the 'de facto PNP chief' in assigning to him the sensitive mission, despite his suspended status," saad sa reklamo. Giit ni Syjuco, marami at malinaw ang mga ebidensiya na nagpapatunay na pinangasiwaan nga ni Purisima ang operasyon sa Mamasapano kahit pa suspendido ito ng Ombudsman. +Aniya, hindi lang ito makabubuti para sa industriya ng paliparan kundi maging sa industriya ng turismo, sa pag-anyaya ng bansa sa mga turista mula sa Europe. +Dalawa sa tatlong NGO--ang Maharlika Lipi Foundation, Inc. at Kapuso't Kapamilya Foundation, Inc.--ay nabanggit na rin sa mga nakaraang CoA audit report na nakakuha ng malaking halaga mula sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o "pork barrel". Nakakubra umano ng P67.7 milyon ang MLFI mula sa PDAF habang ang KKFI ay nakakuha ng P34.4 milyon na kapwa nagmula sa P515-milyon pondo na idinaan sa National Commission on Muslim BarcalaFilipinos na pinamumunuan ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Mehol Sadain subalit hindi nagamit ng grupo. Ang ikatlong NGO, Katipunan ng mga Samahan ng Mamamayan, Inc., ay nakatanggap ng P3.5 milyon mula sa P5-milyon pork barrel fund ni dating Laguna Rep. Evita Arago. "Three NGOs that were selected by mere endorsements from the proponents/legislators, contrary to Government Procurement Policy Board (GPPB) Resolution No. 12-2007, were released a total of PP15.085 million drawn from PDAFs in 2013 although there was no provisions in the 2011 General Appropriations Act earmarking that the projects be contracted out to NGOs," pahayag ng CoA, base sa Philforest audit report. +Ito ang pansamantalang solusyon ng pamahalaang lungsod habang hindi pa nakukumpuni ang tulay ng Calumpang River na winasak ng bagyong 'Glenda' ilang buwan na ang nakalilipas. +Sa kabila ng bugso ng kanilang damdaming Kristiyano, tiniis nilang huwag lumingon kay Pope Francis - isang tuwirang pagtupad sa tungkuling magmatyag sa ano mang masamang elemento na makapagpapahamak sa Papa. At nasaksihan buong mundo ang kanilang kahanga-hangang pagtupad ng tungkulin dahil sa live feed ng media ng kapwa Pinoy at banyaga. Minsan pa, ating naipakita sa buong mundo na ang Pilipino ay may diwang 'Tungkulin muna, bago ang sarili'. Sa bawat miyembro ng pulisya na naatasan sa tungkuling pangalagaan ang mahalagang pagbisitang ito ni Pope Francis, isang marubdob na pasasalamat mula sa sambayanan. Hindi ninyo binigo si Juan Dela Cruz na labis-labis na nag-aalala sa kaligtasan ng Papa hanggang sa pag-alis niya. Sa pamunuan ng PNP at ng DILG, thumbs up po kami sa inyong pagsisikap! +Kaya patuloy niyang ipinagdarasal ang kaibigan, na sana ay maging okay ang kalagayan. Pati na rin ang pamilya ni Kris at siyempre kasama na rin ang kapayapaan ng buong Pilipinas. Para naman sa kanyang sarili, boykot ang byuti ni Vice sa Araw ng mga Puso. Binanggit kasi ng Unkabogable Star na hindi raw siya magdiriwang ng Valentine's Day kahit na sabihin pang meron siyang special someone. "Paano kami magba-Valentine's date hindi nga kami lumalabas? Last year sa bahay lang. Ngayon, hindi pa namin alam," banggit pa ng Phenomenal Box Office Star. Ipinagmalaki ni Vice na isa siyang romantikong tao pero ang higit na importante ngayon ay masaya siya at inspirado hindi lang sa trabaho kundi pati na rin sa personal niyang buhay. "Lahat naman tayo, dapat lagi tayong inspired. Hindi naman kinakailangang dyowa mo ang isang tao. P'wede namang nai-inspire ka niya everyday, hindi kinakailangan na mayroon kayong relasyon," napatawa pang banggit ni Vice. Sa It's Showtime ay ipinagsigawan ni Vice na masaya siya sa kasama niyang inspirasyon ngayon. Nasa cloud nine rin siya dahil katatapos lang niyang pumirma ng multi-picture contract with Star Cinema last Monday. Kaya nga raw grateful siya dahil sa sunud-sunod ang blessings na ibinibigay sa kanya. "'Yung Diyos sobrang misteryoso gumalaw. 'Yung Praybeyt Benjamin laking-laki na (ng kinita sa box office), ang first film aabot ng 300 million, 'tapos, sumunod 'yung Sisterakas nag-400 pa, 'tapos yung Girl, Boy, Bakla Tomboy, 400 plus. Parang every year, na lang tinatanong nila sa akin paano mo tatapatan 'yun? Paano mo hihigitan 'yun?" masayang sabi ni Vice. +Makasalo ng Arellano University sa pamumuno sa women's division ang misyon na pagsisikapang isakatuparan ngayon ng San Sebastian College sa kanilang pakikipagtuos sa Letran College sa pagpapatuloy ng NCAA Season 90 volleyball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City. Naiiwan lamang ng isang panalo ng Lady Chiefs ang Lady Stags na may baraha ngayong 4-0, panalo-talo. +Lumitaw sa imbestigasyon na naglalaro ng basketball si Tagudin sa kanilang barangay dakong 10:00 noong Biyernes ng gabi nang tinawagan ng foul ng referee na si Jonathan Lumabas, 41, isang security guard. Dahil sa hindi nagustuhan ang tawag na foul, kinompronta ni Tagudin si Lumabas at nagkaroon ng maaanghang na sagutan ang dalawa. Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, biglang nagdilim ang paningin ni Tagudin at kinuha ang kanyang service firearm mula sa kanyang bag bago ipinutok sa ere. Rumesponde ang mga opisyal ng barangay sa insidente at kinalma sina Tugadin at Lumabas. +Ito ang reaksiyon ni "First Take" host Skip Bayless sa programa niya sa ESPN sa United States hinggil sa matagal nang paghahamon ni Pacquiao kay Mayweather. +Kasama si Transportation Assistant Sherielysse Bonifacio, inakusahan ang tatlo ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Anti-Red Tape Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. +Umaasa si Tagle na maraming magkakaloob ng tulong at makikiisa sa kanilang programa para sa mahihirap. Kaugnay nito, bilang tugon sa panawagan ng cardinal, sa Lunes Santo (Marso 30) ay pangungunahan ng Radio Veritas, CBCP-NASSA at Caritas Manila ang Alay Kapwa telethon sa Radyo para sa Caritas Damayan Disaster Risk Reduction Management Program. Ayon kay Radio Veritas president at Caritas Manila executive director Fr. Anton Pascual, ang malilikom na pondo sa Alay Kapwa telethon ay gagamitin ng Social Action Centers ng Simbahang Katoliko sa kanilang mga programa para iangat ang kabuhayan ng mga mahihirap at tulungang makabangon ang mga biktima ng kalamidad sa bansa. +Naniniwala si Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Teresita Quintos Deles na makatutulong ang extended holiday truce ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng komunista upang hindi maapektuhan ang isinasagawang rehabilitasyon sa mga komunidad na sinalanta ng bagyong "Ruby." Ito ay bilang reaksiyon sa pagdedeklara ng joint suspension of military and police operations (SOMO-SOPO) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa Communist Party of the Philippines/New People's Army/National Democratic Front (CPP/NPA/NDF) na magsisimula sa Disyembre 19, 2014 hanggang Enero 19, 2015. +NASA tatlong showbiz events kami nitong nagdaang weekend at iisa ang topic ng usapan, si Xian Lim. Samu't saring reaksiyon ang narinig namin sa mga katoto at ilang talent managers at naiintindihan nila kung saan nanggagaling si Xian Lim. +Ayon kay SPO1 Ri cardo Mallong Jr., naganap ang insidente dakong 7:30 ng umaga sa isang jeepney terminal sa panulukan ng EDSA Extension at Roxas Blvd. nang komprontahin ni Almazar si Macabatao dahil sa panghihimasok umano sa teritoryo nito. Sa kainitan ng argumento ng dalawa, biglang pumulot umano si Almazar ng tubo at hinataw si Macabatao sa mukha. +Magsasagupa ang Katropa na kasalukuyang nagsosolo sa liderato taglay ang walang bahid na 3-0 marka at ang Aces ganap na 4:30 ng hapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City. Susundan ito ng pagtutuos ng reigning titlist San Miguel Beer at Rain or Shine sa tampok na laban ganap na 6:45 ng gabi. Huling tinalo ng tropa ni coach Nash Racela ang crowd favorite Barangay Ginebra noong nakaraang Mayo 6 sa iskor na 96-92 para sa ikatlong dikit nilang panalo sa MOA Arena habang galing naman ang Aces sa ikalawang sunod na panalo kontra Columbian Dyip, 134-103, nitong Mayo 4. Dahil sa panalo na nag-angat sa kanila sa barahang 2-1 pumatas ang Aces sa ikatlong puwesto sa Globalport Batang Pier na nakatakda namang sumalang kahapon kontra Magnolia sa isang road game sa Angeles City, Pampanga. Sa pagkakataong ito, inaasahang babawi si TNT import Jeremy Tyler sa kanyang dalawang puntos at 15 rebounds na produksiyon kontra Kings sanhi ng pagkaka-ospital dulot ng pananakit ng tiyan. Lumarong tila import ang beteranong si Jayson Castro upang isalba ang Katropa na nakakuha lamang ng tatlong puntos kay Terrence Romeo sa nasabing laro. Samantala, aabangan naman ng mga fans ang pangakong pagbawi ng top rookie draft pick na si Christian Standhardinger na nagtala lamang ng 4 na puntos, 5 rebounds at tig-2 assists at isang steals sa 85-93 kabiguan ng Beermen sa Meralco sa una nilang laro. "Nasa adjustment period siya eh. He's trying to figure out what is good para sa team namin, what kind of help he has to provide," paliwanag ni coach Leo Austria. "But definitely makikita niyo kung anong worth niya." Mga Laro Ngayon +Nagposte si Ricky Marcos ng 13 puntos na kinabilangan ng 12 hits, bukod pa sa 9 digs, habang nagambag naman si Jody Margaux ng 8 hits at 3 service aces para pangunahan ang Junior Altas sa kanilang 25-15, 25- 23, 25-19 panalo sa Game Two upang pormal na walisin ang best-of-3 finals series. +Ayon kay Supt. Ferdie Del Rosario, Deputy Chief of Police for Administration (DECOPA) ng Caloocan City Police, kasong kidnapping ang kinakaharap nina Albert Rovante, 29, binata, ng No. 725 Blumentritt corner Josepina Streets, Sampaloc, Manila; at Jedidah Cluterio, 28, binata, ng Capitol View Park Subdivision, Malolos City, Bulacan. May trauma at nanginginig sa takot nang dalhin sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan Police si Allan Brooks, 46, may asawa, ng No. 284 San Vicente, Paombong, Bulacan. Kuwento ni Brooks, nagkunwaring ahente ng sasakyan ang mga suspek at nakipagkita ang mga ito sa Malolos para umano personal niyang makita ang sasakyang iniaalok ng mga ito, pero pagsapit sa lugar ay tinutukan siya ng balisong ni Rovante at dinala sa isang motel sa Bagong Barrio. +Nagtamo ng mga sugat sa katawan si Florencio Latore, ng Barangay San Rafael, Sto. Tomas, habang pinaghahanap na ang tumakas na suspek na kinilalang si Alberto Abiertas, 41 anyos. +Agad na masusubukan kung may magiging malaking pagbabago sa koponan ng crowd favorite Barangay Ginebra sa pagbabalik ng kanilang run-and-gun game sa ilalim ng nagbabalik din nilang head coach na si Ato Agustin sa pagbubukas ng 2015 PBA Commissioner`s Cup sa Enero 27 sa MOA Arena sa Pasay City. Nakatakdang sumalang ang Kings sa opening day ng second conference ng 40th season kontra sa Meralco. +Habang nagbabakasyon sa Amerika ay nag-isip si Arjo kung ana ang puwede ni yang gawin habang wala pa si yang project sa ABS-CBN at on the works na ang pagpapatayo niya ng bar and restaurant kasama ang mga kaibigang taga-showbiz at pinsan. Nabanggit dati sa amin ni Arjo na makakasosyo niya sina Joseph Marco at Ejay Falcon. Nakatakda sa Pebrero 2 ang taping ni Arjo para sa Wansapanataym at habang wala pang trabaho ay panay ang workout niya dahil tumaba siya. "I need to go back in shape, Tita Reggee, sumobrang taba ko talaga," say ng binata sa amin. Oo nga, baka sa halip na leading man ang papel ni Arjo ay maging Santa Claus, he-he-he. "Sobrang excited ako, Tita Reggee kasi noon ko pa gustong mag-Wansapanataym, hindi lang natutuloy kasi nasasabay sa taping ng Pure Love, kaya sabi ko susunod na may offer ulit, hindi puwedeng hindi ko tanggapin kasi magaganda talaga ang storyline plus maraming nakakapanood lalo na ang kids," kuwento ni Arjo. Wala pa siyang idea sa magiging takbo ng kuwento ng Wansapanataym episode niya dahil malalaman pa lang niya 'pag ipinadala na sa kanya ang script bago mag-Pebrero 2. Inisip namin na baka hindi ito love story kasi ito na ang kuwento ng Wish Upon A Lusis nina Inigo at Julia. As of noway walang lovelife si Arjo. "No muna tita, not this early of 2015, I have to focus muna sa work and sa business that we're putting up." +Ang pagbagsak ng presyo ng langis ay nagdulot ng krisis sa pananalapi ng Russia at iba pang estado na nakasandal sa kanilang oil exports. Ang malapit sa atin sa bahaging ito ng daigdig ay ang pagpupumilit ng China sa pag-angkin ng halob suong South China Sea, na sumasalungat sa pag-aangkin ng Vietnam, Malaysia, Brunei, at ng Pilipinas. Ang ang lokal na mga isyu at suliranin ang sasaklaw ng ating atensiyon sa taon na ito. Marahil ang pinakamahalaga sa mga isyung ito ay: - Ang progreso ng ekonomiya ng bansa. Magsisimula bang magkaroon ng impact ang lumaking Gross Domestic Product (GDP) sa buhay ng maralita sa anyo ng pagkakaroon ng mas maraming trabaho at mas mainam na pamumuhay, sa tinatawag ng mga ekonomista na 'more inclusive progress'? - Kapayapaan sa mga lalawigan. Gumawa na ng isang malaking hakbang sa pagkakaroon ng kasunduan sa Bangsamoro entity sa Mindanao. Masusundan ba ito ng peace talks sa iba pang pangunahing insurhensiya sa bansa, ang Communist New People's Army? - Ang kampanya laban sa katiwalian. Itinatag ni Pangulong Aquino ang kanyang administrasyon sa isang kampanyang laban sa katiwalian. May ilang matataas na opisyal ng oposisyon na ang nakakulong. Magkakaroon ba ng mas maraming prosekusyon o mananaili na lamang ang selective justice na inireklamo ng oposisyon at ng civil society? - Ang kampanya para sa eleksiyon. Gayong hindi pa opisyal ngunit epektibona, ang buong 20158 ay magiging taon ng pangangampanya, partikular na para sa pagkapangulo ng bansa. Maraming desisyon ang gagawin ngayong taon na may pananaw para sa pambansang halalan sa Mayo 2016. - Ang legacy ng Pangulo. Ito ang huling buong taon ng anim-na-taon na termino ng Pangulo. Ang kanyang pinal na mga desisyon at hakbang ngayong taon ay may pangmatagalang epekto sa bansa at sa kanyang iiwang pamana. +Incidentally, guest din sa naturang episode si John Prats, ang ex-boyfriend ni Shaina, na may kinimkim ding sama ng loob nang malaman ang 'di inakalang pagkakaroon ng relasyon nina John Lloyd at Shaina (na sinasabing girlfriend pa ng una nang lumipat sa piling ng pangalawa). Kaya sabi ni Angelica, hindi siya makahanap ng tamang sasabihin noong nagdi-date na sila ni Lloydie. "Di ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanya kasi bina-bash kaya namin dati si Lloydie 'tsaka si Shaina," sey ng dalaga. At pinayuhan pa pala niya si John on how to move-on (parang istorya ng That Thing Called Tadhana), para madaling makalimot kay Shaina. "Sinasabi ko talaga, 'ano ka ba, kaya mo 'yan, isipin mo hindi sila bagay, maghihiwalay din sila.' Ako pala magiging dahilan," sabay tawa nina Angelica at Vice. Tuloy, diretsahan siyang tinanong ni Vice kung siya ba talaga ang dahilan ng split-up nina Lloydie at Shana. Saglit munang nag-isip si Angelica bago sinabing, "Feeling ko..." na ikinaaliw ng lahat ng mga manonood. Kinabog ni Angelica si Vice sa kanyang pagiging candid at frank answers. +Walang dudang music lover si Pangulong Benigno S. Aquino III, pero dahil wala siyang love life ngayon, umamin siyang iniiwasan niyang makinig ng love songs. +Minsan sobra tayo kung mag-alala. Nagiging balisa tayo sa katiting bagay lalo na yaong wala tayong kontrol. At kahit idinalangin na natin sa diyos ang ating alalahanin, ilang saglit lang ay nag-aalala na tayo. Ganoon din naman ako dati. Hindi ko inisip na ang pag-aalala ay isang anyo ng paghamon sa responsibilidad ng diyos. Habang iniisip ko iyon, lalo kumikintal sa aking isipan na pag-aaksaya lamang ng lakas at panahon ang pag-aalala. Sabi nga sa kanta, "Sa akin mo sabihin ang problema mo/ At magtiwala kang di ka mabibigo/ Kasama mo ako/ Sa hirap at ginhawa/ At magtiwala kang di ka magdurusa", meaning kapag nasabi mo na sa diyos ang iyong problema, wala ka na dapat ipinagaalala. Dapat na may tiwala tayo sa Diyos na gagawin Niya ang kanyang tungkulin, na higit pa sa pagtitiwala natin sa jeepney driver na ihahatid tayo sa abot ng ating pamasahe. Ngunit sa awiting iyon, hindi nangangahulugan na hindi na natin gagawin ang ating mga responsibilidad. Ang alam natin, kailangang resolbahin natin ang lahat ng ating problema, at kapag hindi tayo nakaisip ng napakagandang solusyon, tiyak na mas malaki ang problemang ating haharapin. +Kuwento sa amin ng kampo ng aktor, nalaman lang niya ang mga offer nang makausap mismo niya ang mga agent o producer ng shows na kinukuha siya pero parati raw sinasabi ng road manager ng, "busy at maraming shows" gayong wala naman daw. +Ang mga ito ay ilan lang sa mga karamdamang ininda ng 60 sa mga nakipagsiksikan sa ilalim ng ulan upang masilayan si Pope Francis sa kanyang pagbisita sa University of Sto. Tomas at pagmimisa sa Quirino Grandstand kahapon. +Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na ipopormalisa na nila ang binuong draft agreement sa susunod na linggo upang maipasa ang kinakailangang dokumento sa lupain na nasa pamamahala ng Clark International Airport Corporation (CIAC) upang ipagkatiwala sa ahensiya. +Hawak na ngayon ng Mandaluyong City Police si Chito Jimenez, 35, ng Bgy. San Isidro, Paranaque City, habang nilalapatan pa ng lunas sa Mandaluyong City Medical Center si Angelo Eyo, 32, security guard ng Groove Town House na nasa Bgy. Plainview. Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong 2:00 ng hapon nang mangyari ang krimen sa Bamboo Groove Town House. Kuwento mismo ng suspek, dati niyang kasamahan sa trabaho si Eyo ngunit nitong Mayo ay nalipat siya ng destino sa Paranaque, pero wala pang isang buwan ang nakalipas ay nabalitaan niyang ang biktima na ang kinakasama ng kanyang nobya. Nagalit si Jimenez, sinabing kahit na noong nakaraang taon pa sila huling nagkita ng kanyang nobya ay wala pa silang formal breakup. Sinabi ni Jimenez na nang puntahan at kumprontahin niya si Eyo ay tinawanan at tinalikuran lang siya nito kaya hinamon niya ito ng barilan hanggang sa paputukan niya ang biktima sa tagiliran. Tiyempo namang papadaan sa lugar ang mga nagpapatrulyang tauhan ng Police Community Precinct 2 (PCP-2) ng Mandaluyong Police at naaktuhan si Jimenez na hawak pa ang sumpak, kaya kaagad na inaresto. +Ayon kay Porferio De Peralta, researcher ng Phivolcs-Ilocos Sur, naramdaman ang lindol dakong 10:37 ng gabi nitong Sabado at ang epicenter ay nasa 48 kilometro, hilaga-kanluran ng Luna, La Union, at may lalim na 64 kilometro. Naramdaman ang intensity 3 sa San Fernando City, La Union at sa Baguio City. +Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Aminodin Guinto at at Marizen, kapwa 21-anyos, at residente ng Barangay 648 C. Palanca Street, San Miguel, Manila. Sa report ng PDEA, ganap na 4:00 ng hapon nasukol ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Jeoffrey Tacio, PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa ilalim ni Director Erwin Ogario at PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) matapos ang bentahan ng 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon sa poseur-buyer ng PDEA sa Arlegui Street, San Miguel, Manila. Nakumpiska rin kay Guinto ang isang identification card na nagsasabi na isa siyang miyembro ng MILF. +Nasa limang milyong deboto ang taya ng Philippine National Red Cross na dumalo sa Traslacion para sa Mahal na Poong Nazareno kahapon, sa kabila ng naranasang bahagyang pag-ulan at iba pang aberya sa prusisyon. Habang isinusulat ang balitang ito, umabot pa lang sa tapat ng National Museum sa Padre Burgos Street ang Traslacion dakong 2:00 ng hapon, o halos anim na oras makaraang umalis ang Mahal na Poon mula sa Quirino Grandstand, na pinagdausan ng misa na pinangunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle. +Kabilang sa mga reporma ngayong taon ang mas mabilis at mas maginhawang pakikipagtransaksiyon sa BOC, mas mahusay na koleksiyon ng buwis, at isang pinaigting na kampanya laban sa smuggling. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang modernisasyon at automation ng mga serbisyo na nakaangkla sa pagpapatupad ng updated e-commerce technology bilang paghahanda sa paglulunsad ng ASEAN Economic Community. Sa Hunyo 2015, ang BOC, sa pamumuno ni Commissioner John Philip P. Sevilla, ay tinatanaw ang katuparan ng mga sumusunod na programa: fully electronic, paperless bureau; single, centralized assessment service; single, centralized valuation database; sale or disposition ng mga produktong inabandona, kinumpiska o isinuko bilang penalty sa loob ng dalawang buwan matapos ibaba ng resolusyon ng legal proceedings; at full electronic record-keeping para sa Customs-bonded na mga warehouse. Magiging katuwang ito ng limang taon na Strategic Plan (2013-2017), na isang action-oriented initiative upang gawing mahusay ang administrasyon ng Customs sa pamamagitan ng goal-setting at resource allocation hanggang 2017. Mayroong open engagement ang BOC sa pribadong seKtor sa pagbabalangkas ng mga polisiya, kung saan ginagawa ang karamihan ng mga aktibidad sa pakikipagkonsulta sa aktibong partisipasyon ng mga partner nito. Ang isang katanggap-tanggap na BOC project ay ang online tracking system (www.customs.gov.ph) na inilusad noong Disyembre 2014, kung saan maaaring makita ng mga tatanggap at nagpadala ng mga balikbayan box ang status nito. Laman ng tracker ang listahan ng lahat ng balikbayan box shipment na tangan ng mga lokal na cargo forwarder sa Customs, ang bansang pinanggalingan nito, ang papasukang daungan nito sa Pilipinas, at ang bills of lading na may bilang ng mga shipment. +Noong 2014, pumalo sa 1.4 milyong ang mga panauhin sa Boracay na mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Natamo ng White Beach ng Boracay ang top rank para sa "calm warm waters, gently sloping sand," na inilarawan ng website bilang "very relaxing", at posibleng pinakamagandang beach sa Asia. Ang pinakamainam na panahon upang magtungo sa Boracay, ayon sa site, ay mula Disyembre hanggang Mayo. Ang Boracay din ang tinaguriang 24/7 Island ng Asia. Ang Yapak Beach (Puka Shell Beach), na matatagpuan din sa Boracay Island, ay nasa listahan din ng best beaches sa Asia. Nasa ikalimang ranggo naman ito at ang Secret Lagoon Beach sa El Nido, Palawan ang nasa ika-16 na ranggo. Katanggap-tanggap ang pinakabagong karangalang ito para sa Department of Tourism, at ng Municipality of Malay sa pangunguan ni Mayor John P. Tap, Yapak Barangay officials sa pangunguna ni Hector Casidsid, at Boracay Foundation, Inc. sa pamumuno ni Chairman Dr. Henry Chusuey. +Kahit ang baguhang si Arra, hindi nagpahuli sa mga mas beterano sa kanya sa pag-arte. Gumaganap si Arra bilang si Anne, isa ring doctor at girlfriend ni Josh (Ken). Sabi ni Direk Mark, si Arra ang favorite niya sa batch ng Starstruck na sinalihan nito dahil maganda at marunong umarte. Alam niyang may ibubuga sa pag-arte si Arra lalo na nang maidirek niya sa Encantadia at ngayon, sa The Cure. Nagtataka siya Direk Mark kung bakit hindi pa ito inilu-launch ng GMA-7 dahil may potential sumikat. Nag-agree si Direk Mark sa pinansin ng press people na malakas na chemistry nina Ken at Arra sa trailer ng The Cure. Sana raw, pagtambalin pa ang dalawa sa iba pang shows ng network. Mawawala kasi ang karakter ni Ken sa epidemic drama dahil may gagawing ibang soap. Naging controversial na rin si Arra nang pagselosan ng ilang fans nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Naging close kasi sina Arra at Ruru nang magkasama sa Encantadia at nag-date pa minsan sa Tagaytay. Pero hanggang isang date lang 'yun at hindi na nasundan. Anywway, sa April 30, pagkatapos ng 24 Oras, mapanood ang premiere telecast ng The Cure. Siniguro ni Direk Mark na tatakutin at gugulatin ang viewers ng serye nilang ito. +Napag-alaman ng Office of the Ombudsman-Visayas na may sapat na dahilan upang kasuhan ng graft sina Manuel Mejorada at anim na iba pa sa umano'y overpricing ng mga laptop computer na binili noong 2008 noong ang una ay nagsisilbi pa bilang provincial administrator ng noo'y Iloilo Governor Niel Tupas Sr. Si Mejorada, na dating tauhan din ni Drilon, at anim pang iba ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Nag-ugat ang kaso sa resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman matapos mailathala sa pahayagan sa Iloilo ang 2008 annual report ng Commission on Audit (CoA) hinggil sa pagbili ng lokal na pamahalaan ng Acer Aspire 5920G laptop computer para sa Iloilo Provincial Health Office sa halagang P99,000. Subalit nang magbenta ang isa pang supplier na Seven-Seven Trading sa Iloilo provincial government noong Pebrero 2009, lumitaw sa CoA report na nagkakahalaga lamang ang isang Acer Travel Mate 6292 laptop computer ng P59,000. +Sa 8-pahinang desisyon, pinaboran ng Sandiganbayan First Division ang petition for Writ of Preliminary Attachment/Garnishment na inihain ng prosekusyon laban sa mambabatas. +Si Howard, na hindi nakapaglaro sa huling 11 laro dahil sa strained right knee, ay nakaabot din sa isang milestone nang maitala ang 10,000 rebounds sa kanyang career. +Ngunit sa kabila ng malaki nilang kalamangan at pumapanig din sa kanila ang kasaysayan kung saan wala pang koponan na nakabalik at nagwagi matapos maiwan sa 0-3, gusto pa ring makatiyak ng Beermen na 'di mabubulilyaso ang kanilang pag-atake. Sariwa pa sa kanila ang alaala sa nangyaring pagkabigo sa kamay ng Tropang Texters kung saan lamang sila sa 3-1 sa kanilang semifinals series sa nakaraang Philippine Cup, taglay pa nila noon ang pangalan bilang Petron, natamo nila ang nakapanlulumong 91-92 kabiguan sa Game 7, 3-4. At para makasiguro sa panalo, 'di nagbakasyon ang Beermen at bagkus ay nagensayo pa rin sila sa bisperas ng Pasko. "Tapos na 'yun, pero hindi pa rin namin nakalilimutan ang nangyari at kung puwede ayaw na naming maulit 'yun," pahayag ni Arwind Santos. Para naman sa Tropang Texters, aminado naman si coach Jong Uichico na hirap silang depensahan ang Beermen dahil sa lalim ng bench ng mga ito at sa dami ng sumusuporta sa kanilang main man na si Junemar Fajardo. "In Game Two it`s Cabagnot (Alex) who played well. Then the next game another one (Arwind Santos) .They have so many poisons, so we just have to do the best that we can in containing everyone because they made shots," ayon kay Uichico. +Ganito rin ang prinsipyong pinaiiral ng kilalang negosyante at sportsman na si Jean Henri Lhuillier pagdating sa isports. Si Lhuillier ang nasa likod ng Cebuana Lhuillier, ang isa sa pinakamalaking tagasuporta ng palakasan sa Pilipinas, partikular na sa tennis. +"He is the FATHER you thought you knew. The Cosby Show was my today's tv reality show. Thank you. That's all I would like to say :)," pahayag ni Evin, 38. +Ayon sa police report, namataan na nagsimula ang pagliliyab sa kagubatan sa Sitio Bincul sa Mangusu nitong Huwebes at kumalat sa mga kalapit na sitio. Pinaniniwalaang ang pagliliyab ay dulot ng matinding tagtuyot na nararanasan ng siyudad simula noong Nobyembre ng nakaraang taon. +Ayon kay PO2 Benedict Soluta, nasa P24,000 cash ang natangay kay Romero Castro, 54, kagawad ng Bgy. Sta. Maria, ni Joselito Niquid, 20, na nagawang makatakas. +Kabuuang 25 koponan mula sa iba't ibang subdibisyon sa Salawag ang sasabak sa liga na tatampukan ng mga nanay na nahihilig sa larong basketball. Pag-aagawan nila ang unang korona ng kakaibang torneo na suportado ni PSC Commissioner Gillian Akiko Thomson Guevarra. "We wanted all women, especially our nanay to be involved in sports and physical activities for them to have a healthy condition and be away from any kind of sickness," sinabi ni PSC Games chief Atty. Jay Alano. Sisimulan ang torneo, sa pakikipagtulungan ni Salawag Barangay Chairman Eric Paredes, sa Abril kung saan ay isasagawa ang mga laro sa iba't ibang kasaling subdibisyon upang mahimok ang mga nanay at iba pang kababaihan na magpartisipa sa sports. "Alam naman natin na ang mga nanay ay lagi na lamang nasasabak sa gawaing bahay at hindi na nila naaasikaso ang kanilang pisikal na kondisyon kung kaya ini-encourage natin ang mga ganitong aktibidad para mabigyan natin sila kahit kaunting pagpapakondisyon na maalagaan ang kanilang kalusugan," giit ni Alano. +Katulad ng sa pagdaan-daan sa fast-food chain o pagkain ng processed food, isa rin ang vending machines sa itinuturong dahilan ng pagdaragdag ng timbang sa mga nagtatrabaho. Kapag nasa back-to-back meetings kayo ay hindi maiiwasan na mapadaan sa cafeteria kahit hindi pa naman oras ng pagkain. Hindi rin maiwasan na subukan ang vending machines upang kumuha ng processed food. Karamihan sa mga nakapaketeng pagkain na iyon ay mataas ang calories at salat sa nutrients. Pagsakay sa elevator +Iniluwal si Gabriella dakong 5:04 ng hapaon (1604 GMT) at sumunod ang kanyang kapatid na si Jacques pagkalipas ng dalawang minuto, ayon sa pahayag ng palasyo. Ang Monaco ay may lawak na two-square kilometer (0.8 square mile) at pinalilibutan ng mga paupahan at magagarbong tindahan sa French Riviera at may 30,000 populasyon. Si Albert na anak ng yumaong American actress na si Princess Grace, ay nagkaroon ng problema sa kanyang mga subject noong siya ay nag-aaral. At pinakasalan niya si Charlene Wittstock, ipinanganak sa Zimbabwe, South Africa. Mayroong dalawang dahilan upang magsaya ang tiny royal state. "This is going to create an immense joy. Immense!" pahayag ni Isabelle Roux, isang residente sa Monaco. "They are awaited like the messiah. ... Everyone is talking only about that." +"Ayokong mapahlya sa business partners ko na sina Chito Rono at Coco Martin kaya ipinagdasal ko na kahit man lang doble ang bumalik sa kanilang investments happy na ako," saad ng Queen of All Media. May dulot bang buwenas ang Feng Shui? "Oo naman, kung negosyo ang pag-uusapan. Pero pagdating sa love, hindi nagwo-work sa akin," natawang sabi ni Kris. Paboritong pelikula ni Coco Martin ang unang Feng Shiu at matagal niyang pinangarap na makagawa rin ng horror film at makasama si Kris. Nabanggit ito ni Coco sa kanyang Ate Kris, na agad namang tumawag kay Direk Chito para pag-usapan ang sequel. Kaya ang Feng Shui 2 ay katuparan ng pinangarap ni Coco na ang pakiramdam ngayon ay kumpleto na ang kanyang film career. +"I'd like to tell you something that displeases me," pahayag ni Pope Francis sa pamamagitan ng isang interpreter. "The plan today was that the plane will leave at 5:00 this afternoon but there's a storm around us and the pilots of the airplane have insisted that we have to leave at one o'clock," pahayag ng lider ng Simbahang Katoliko. Sa puntong ito, biglang tumahimik ang mga dumalo sa pagtitipon, na pawang nakasuot ng kapote. Agad na humingi ng paumanhin ang Papa at humiling ng dasal. "Let us leave everything to Our Lady...I have to go now." Dahil sa masamang lagay ng panahon, hindi na natuloy ang pagpapasinaya ni Pope Francis sa bagong tayong Pope Francis Center for the Poor. +Binanggit ng grupo sa kanilang 63-pahinang reklamo na pinupuntirya lamang ng pamahalaan ang mga miyembro ng oposisyon na kasangkot sa pork barrel fund scam pero ang mga kaalyado nito ay hindi kinakasuhan sa nasabing usapin. "Is it because Congressman Gonzales is one of the pillars of the ruling Liberal Party ... that the prosecutorial arms of the government refrain from investigating and prosecuting criminal cases against him?" bahagi ng reklamo. Ayon sa grupo, ibinatay nila ang kanilang reklamo sa inilabas na special audit report ng Commission on Audit (COA) na nagsaaad na nagkaron ng mga deficiency ang mga pork barrel project ni Gonzales at binanggit ang mga ghost project kung saan itinatanggi ng mga supplier ang kanilang transaksiyon. +Maaaring makabili sa unang Style Setters Christmas Garage Sale ng modern and antique furniture, silverware, Persian carpets, Chinese porcelaine, home fashion accessories, designer clothes, mga sapatos, at bags mula sa personal collections ng ilang sikat na personalities sa fashion, beauty, broadcast, culinary, furniture at entertainment. Kasama ni Korina sa charity project na ito sina Pepito Albert, Margarita Fores, Inno Sotto, Patrick Rosas, Kaye Tinga, Ian Giron, Agnes Desiderio, Tim Yap, Tessa Prieto- Valdes, Zsa Zsa Padilla, at maraming iba pa. +ILANG shooting days na lang, matatapos na ang MMFF entry ng Star Cinema starring Vice Ganda, Richard Yap at Bimby Yap na The Amazing: Praybeyt Benjamin na nagpresscon na kahapon. Kung ganado sa shooting si Vice, mas ganado si Sir Chief kaya nakapag-comment ang una na ang galing-galing ni Richard sa nasabing movie. +Ikaw rin may naririnig na pangungusap na ganito: "Ipinapangakko ko, magpapakabait na ako." "Magpapapayat na ako." "Hindi na ako maninigarilyo." "Hindi na ako iinom ng alak." "Makinig na ako sa nanay ko." "Hindi ko na pahihirapan ang aking mga estudyante." "Hindi na ako kakain sa mga fastfood resto." "Magbabasa na ako ng Biblia simula ngayon." Lahat tayo gumagawa ng ganyang mga pangungusap - matitinding deklarasyon ng mga gusto nating mangyari sa ating buhay. Ngunit hindi magkapareho ang pagsasabi ng isang pangako at pagtitiyak na mangyayari iyon. Mangangailangan ito ng pagsisikap at dedikasyon, at maaari ring hindi mangyayari ang mga nais nating mangyari. Hindi ganoon ang Diyos. Ayon sa Mabuting Aklat, kapag nagsalita ang Diyos, nangyayari ang Kanyang mga sinasabi. Halimbawa, ayon sa berso sais ng Mga Salmo, "Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, nalikha ang mga langit." Nagsalita ang Diyos, at nalikha nga ang mundo. Isa itong pagpapatunay ng kadakilaan ng Diyos. Ipinaaalala nito ang kaibahan ng Manlilikha at Kanyang mga nilikha. Kapag tayo ang nagsalita, binibigyan natin ng tinig ang ating mga inaasam sa buhay; kapag ang Diyos ang nagsalita, lumilikha siya ng realidad. +Sa pahayag ni Dra. Sicat sa pulisya, tinutukan siya ng baril at ang kanyang sekratarya na si Corason Geocanica, iginapos at tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng P80,00 cash, iPhone, MyPhone Nokia phone na nagkakahalaga lahat ng P37,000 at mga ATM card na may lamang P20,000. Tumakas ang mga suspek sakay ng tinangay na itim na Toyota Fortuner (TQD- 883) na nakaparada sa tapat ng klinika. +Naospital si Lee, 91, noong unang bahagi ng Pebrero dahil sa malalang pneumonia. Sa nagdaang linggo ay lumala ang kanyang kondisyon at araw-araw na nagbibigay ng update ang gobyerno. +Batid ni Recio ang problema ng mga nagbibiyahe patungo sa mga airport dahil sa paggawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Elevated Expressway 2. +Tatalakayhin sa Singapore forum ang mga paraan upang matamo ang malawak na paglago ng ekonomiya sa "new normal" na tumutukoy sa mga situwasyon ng malimit na pagkaabala sa ekonomiya dahil sa masasamang lagay ng panahon bunsod ng climate change. Ang PECC forum ay inisponsor ng Singapore National Committee for Pacific Economic Cooperation Council (SINPEC) at ng Philippine Pacific Economic Cooperation Committee (PPECC). Tatalakayin ni Gov. Salceda ang "Inclusive Growth: Building Capacity at Individual and Community Levels". "We would like to invite you... and share with us your views and experiences on how communities can better prepare for natural calamities that frequently impact our region," saad ng invitation letter. Pag-aaralan sa komperensiya ang kahusayan ng DRR at climate change adaptation (CCA) programs in Albay ni Salceda na nagtamo ng tagumpay at pagkilala ng daigdig kung kaya pinangalanan siya bilang UN Senior Global Champion in DRR-CCA, at ang Albay bilang Global Model. "The challenge is how regional economies can implement programs that will ensure regional growth is not only sustainable but also inclusive," anang naturang liham na nilagdaan nina PECC co-chairmen Jusuf Wanandi at Don Campbell, SINCPEC chairman Tan Khee Giap, at PPECC chairman Antonio I. Basilio. +Kinuha bilang 8th overall pick si Lazaro ng Foton sa nakaraang draft na ginanap sa SM Aura sa Taguig City. Ngunit noong nakaraang Martes, sa ginanap na press conference ng liga sa MOA Arena, inihayag ng Foton na mawawala si Lazaro sa lineup. " She still has commitments with Ateneo. The team as a whole still has commitments. And personally mayroon siyang mga plano on what to do right after the season which can conflict with the tournament," pahayag ni Foton team captain Ivy Remulla. "And she has plans of pursuing her studies so magiging tight ang schedule para sa kanya if she will play," dagdag pa ni Remulla. Bagamat hindi maglalaro si Lazaro, nakatakda namang lumaro para sa Tornadoes ang kakampi nitong si Ella de Jesus na gaya ng una ay nagtapos na rin ng playing year sa UAAP. Bukod kay De Jesus, nariyan din ang kanilang first round pick na si Angeli Araneta ng University of the Philippines (UP). Samantala, sinabi naman ni Remulla na sakaling gumaan ang schedule ni Lazaro sa hinaharap, maaari pa naman aniya itong maglaro para sa koponan kung gugustuhin nito. +"Ang LPA ay inaasahang magdadala ng matinding ulan at thunderstorms sa Mindanao at Eastern at Central Visayas sa susunod na 24 oras," babala ng PAGASA. Kapag tuluyang naging bagyo ay tatawagin itong 'Ruby'. Kaugnay nito, lumakas pa at bumilis ang bagyong 'Queenie' habang kumikilos papalayo ng bansa. +Sinentensiyahan ni Associate Justice Oscar Herrera, ng Sandiganbayan 2nd Division, ng anim na taong pagkakakulong si dating Koronadal City Mayor Fernando Miguel. +Ayon kay Tolentino, limang estratehikong lugar na maraming insidente ng aksidente at paglabag sa batas trapiko, ang ikinokonsidera nilang pagtayuan ng mga roadside court. +Ni Elayca Manliclic, trainee MAGKASAMANG humarap sa local media sina Monique Wilson at Eve Ensler kasama ang kinatawan ng Gabriela upang isulong ang One Billion Rising campaign na nananawagan sa pagwawakas ng karahasan sa kababaihan. +Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na wala silang magagawa kundi ipasara at ipadlock ang opisina ng PVF sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex base na rin sa ipinasusunod na kautusan ng ahensiya na tanging lehitimo at accredited na national sports associations (NSA's) lamang ang may karapatang gamitin ang pasilidad. "They (PVF) don't have the POC recognition," sinabi ni Garcia. "Mahigpit na ipinagbabawal sa ating batas ang paggamit ng pasilidad na 'di lehitimong miyembro dahil kami ang makakasuhan kung hindi namin ipatutupad ang ito. Our facilities are good for accredited NSA's only." Tuluyang naitsapuwera ang PVF matapos maglabas ng pahayag ang International Volleyball Federation (FIVB) kay POC President Jose Cojungco Jr. na nagbibigay ng probationary recognition sa bagong tatag na Larong Volleyball ng Pilipinas (LVP) na kinikilala nito bilang miyembro sa Pilipinas. Mismong si FIVB President Ary Graca ang sumulat sa POC para ipaalam ang kaganapan kung saan magiging opisyal ang pagkilala sa LVP kung maisasakatuparan ang isang eleksiyon sa Pebrero 15. Tanging mga NSA na miyembro ng POC at international federation lamang ang maaring suportahan ng PSC mula sa pagbibigay ng allowance, matitirhan at pagbibigay ng tanggapan sa NSA sa pasilidad ng ahensiya. Pamumunuan naman ni POC 1st Vice-President Jose Romasanta ang LVP bilang incorporators kasama sina POC 2nd VP Jeff Tamayo, POC Legal Counsel Atty. Ramon Malinao, POC consultant Chippy Espiritu at Shakey's V-League President Ricky Palou. Apat na iba pa ang hinihintay na makakasama sa pamunuan na inaasahang magmumula sa Philippine Super Liga, University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Athletic Association (NCAA) at Shakey's V-League. Kasalukuyan naman kinakausap ng pamunuan ng LVP ang piling manlalaro para sa pagbuo ng pinakamakalas na koponan na isasabak nila sa dalawang malaking kompetisyon na sasalihan ng bansa. +Hindi magkandaugaga ang mga tindahan ng bulaklak sa dagsa ng demand habang nagmistula nang dagat ng mga bouquet ang impromptu memorial sa Martin Place, na rito nangyari ang 16 na oras na hostage drama nitong Lunes. +"Matagal na pong inaasahan ng sports fans 'yan, lalo na po ng ating mga kababayang masigasig na sumusuporta sa ating Pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao," sabi ni Coloma sa panayam ng government station na dzRB nang tanungin kung ano ang kanyang komento tungkol sa hamon ni Mayweather kay acquiao para sa isang laban sa Mayo 2 ng susunod na taon. "Sana nga po ay mapagbigyan na 'yung matagal nang inaasamasam ng karamihan," dagdag niya. Ang pag-asang magaganap na ang "Fight of the Century" ay mas lumakas nang magbigay ng petsa si Mayweather para rito sa US television noong Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila). Napaulat na sinabi ni Pacquiao na sisiguraduhin niyang mangyayari na ang laban kahit pa mangahulugan ito na tatanggap siya ng mas maliit na hati sa bayad. +"The President has asked me to represent him and the Filipino people as we join the nation of Singapore in this time of grieving for the loss of a great Asian leader, former Singaporean Prime Minister Lee Kuan Yew," ayon kay Drilon. Aniya, ang state funeral ay gaganapin sa Marso 29, sa Singapore University Cultural Center. Kasama ni Drilon sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Finance Secretary Cesar V. Purisima. Aniya, apektado ang sambayanan sa pagpanaw ni Lee lalo pa't marami rin itong naitulong sa Pilipinas at nagsilbi ring inspirasyon sa buong mundo. +Sinabi ni Cojuangco na ang akusasyon na may karagdagang P1 bilyon na gagastusin sa re-routing ay mas kapaki-pakinabang sa nabanggit na proyekto kaya hinikayat niya ang DPWH na pag-aralang mabuti ang panukalang re-routing. Ayon kay Cojuangco, ang panukala na inihain may limang taon na ang nakalipas ay dati nang kinatigan ng mga kongresista. Matatandaang,lumagda sa resolusyon ang mga Sangguniang Bayan ng Sison at Pozzorubio, maging ang mga pamahalaang panglalawigan ng Pangasinan, La Union, gayundin ang 20 kongresista ng Pangasinan, Tarlac, Ilocos Sur, La Union, Ilocos Norte, Ifugao, Abra, Baguio at Benguet, kabilang si Cosalan, para suportahan at iendorso sa DPWH ang planong rerouting dahil mas diretso ang ruta at makababawas pa sa oras ng biyahe. Nakasaad din sa posisyon ng mga kongresista, na may petsang Mayo 11, 2011, na ang re-routing ay mas kapaki-pakinabang at may malawak na access sa komunidad. "The new route also provides for a more scenic drive with elavated vistas of Western Panagsinan and Lingayen Gulf going south, the coastal areas of La Union and South China Sea going north. This will be a boost to our tourism and it will promote a greater appreciation by foreigners and all country's beauty," saad sa pirmadong resolusyon. Sinabi pa ni Cojuangco na ang disenyo ng ruta ng TPLEX ay "defective". "The route design of TPLEX is defective in that no public consultations on it were ever held. Maybe a non-issue in Central Luzon which has huge tracts of flat land, but definitely an issue in Sison which has small arable area and is naturally divided by rivers, hills and even the MNR," ani Cojuangco. +Sinabi niya sa isang statement, sa edad na 34, ''the time has come to think about ending my career at the professional level'' at nais niya itong gawin sa CSKA. Inilahad ng CSKA na ang kanyang kontrata ay tatakbo hanggang sa pagtatapos ng season. Nagbalik si Kirilenko sa Russia ng isang beses noon, ginugol ang 2011-12 season sa CSKA matapos lisanin ang Utah Jazz, bagamat nagbalik siya sa NBA upang maglaro para sa Minnesota Timberwolves. +Ipinahayag ng liga kahapon na si Beverley ay ipapares kay Isaiah Thomas ng Phoenix Suns sa eight-player challenge. Si Beverley ay may averages na 10.7 puntos, 4.4 rebounds at 3.2 assists sa kanyang ikatlong NBA season sa Rockets. Ang defending Skills Challenge champion ay si Trey Burke ng Utah Jazz. +Nabuhayan pa ng pag-asa upang makahabol sa huling slot sa playoff round, sasabak ngayon ang baguhang MJM Builders-Far Eastern University (FEU) kontra sa baguhan din na Racal Motors sa nakatakdang triple header ngayon sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao. Pinataob ng Builders ang MP Hotel, 93-68, noong nakaraang Lunes upang umangat sa barahang 3-5 (panalo-talo). +Sinimulan ang imbestigasyon apat na araw makaraang umamin ang Singaporean na si Chan Chun Hong sa ilang kaso ng "transmitting obscene materials by electronic means, 3 counts of distributing information to promote commercial sex, and one count of having obscene films" at inamin din ng dayuhan na nag-organisa ito ng mga sex tour sa mga bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas, Indonesia at Cambodia. Sa isang panayam, kinumpirma ni NBI-Anti Human Trafficking Division Chief Cesar Nuqui na tumanggap ang kanyang opisina ng mga impormasyon tungkol sa pagkakaroon ng sex tour sa bansa at noong nakaraang taon pa ito sinisiyasat. "Concern natin ito dahil nagbibigay ito ng maling mensahe na hindi ginagawa ng gobyerno ang trabaho nito na sugpuin ang mga kanilang ilegal na aktibidad, gayung proactive naman tayo laban sa human trafficking," sabi ni Nuqui. Ang isa sa maraming impormasyon sa sex tour na natanggap ng NBI, ayon kay Nuqui, ay ang karaniwang pagpapanggap ng mga sex tourist bilang mga casino player. Ang tour ay inorganisa ng isang may mga koneksiyon sa mga "girly" club na pag-aari ng mga dayuhan. Aniya, bahagi ng itinerary ng mga tinatawag na casino players ang bumisita sa mga club, karaniwang nasa Maynila o Subic. Matapos mag-casino, ibibiyahe na ng shuttle ang mga turista patungo sa mga red light district na roon sila makikipag-usap sa mga prostitute. "Kung nagustuhan nung turista 'yung babae, i-inform niya sa sex tour organizer na gusto niya makasama sa hotel 'yung babae. Tapos 'yung babae raw ay ihahatid sa room nung client," ani Niqui. +Nagtanong kami kung ano pa ang lumakas at humina na nang mga nagdaang araw at binanggit lahat sa amin na hindi na namin isusulat pa kung ano ito, basta ang sabi sa amin, "Nu'ng hindi pa po nananalo ang English Only Please, parating sold out (mga pelikula), pero ngayon, humina na po, baka kasi napanood na ng karamihan o baka hindi pa nanoood 'yung iba, abangan natin sa New Year. Pero itong kina Jennylyn (plus Derek), parati pong sold out, 'dami nga po nagsasabing 'bakit iisa lang ang sinehan." Natutuwa kami para sa pelikula nina Derek at Jennylyn dahil ito ang bukod tanging walang napapanood na trailer sa telebisyon dahil hindi pinayagan ng ABS-CBN at GMA-7 na parehong may mga entry tulad ng The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui, Kubot: The Aswang Chronicles, Shake Rattle and Roll. Mabuti pa nga ang Bonifacio at Magnum Muslim .357 ay napapanood din namin ng ilang beses sa ABS-CBN. Sa social at print media plus word of mouth lang ang pinaka-promo ng English Please Only at sana nga mas lalo pa itong lumakas. Napanood namin ang Kubot: Aswang Chronicles ninaDingdong Dantes, Joey Marquez, Lotlot de Leon atIsabelle Daza na nagandahan kami lalo na sa special effects at kulay na habang pinapanood namin ay ang premyadong direktor na si Quentin Tarantino ang nasa isip namin dahil ganito ang estilo ng mga pelikula niya. Medyo nakulangan kami sa action kung ikukumpara saTiktik: Aswang Chronicles pero okay na rin at dahil matagal na kaming hindi kumakain ng hotdog dahil nga processed meat ito ay mas lalo pa kaming nandiri nang ipakita kung paano ito ginagawa at kung ano ang laman nito maski hindi naman ganito talaga. At dahil dog lover kami, naawa kami sa asong ginamit (maski hindi ipinakita) para ipakain kay Makki na anak ni Dingdong sa pelikula na isa nang asawang. Wala pa kaming kalahati sa seating capacity sa loob ng Cinema 7 pero sabi naman ng tagabantay ay hindi na raw talaga gaanong tinatao 'pag last full show na. +ISA ang Instagram account ni Rafael Rosell sa mga paborito naming bisitahin dahil ang dami naming natututuhan. Hindi lang OOTD o Outfit Of The Day, selfie pictures, food at mga kababawang bagay ang nakikita namin sa IG account niya. +Maagang masusubukan kung epektibo ba para sa tropa ng pinakapopular na ballclub ng liga, ang Barangay Ginebra San Miguel ang istilong `run-and -gun` na ibinalik ng kanilang balik-head coach na si Ato Agustin sa pagsalang nila ngayong gabi sa pagbubukas ng 2015 PBA Commissioner's Cup sa MOA Arena sa Pasay City. +Una nang sinabi ni Energy Sec. Jericho Petilla na siguradong tataas ang presyo ng oil products dahil sa delivery cost lalo kung magmumula pa sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila ang supply ng langis. +TILA epektibo ang pamamaraan ni Dr. Phil. Kasalukuyang ginagamot sa rehab ang kasintahan ni Bobbi Kristina na si Nick Gordon matapos makapanayam ng TV doctor, ayon sa mga ulat na lumalabas. Sa inilarawang "emotionally charged intervention," umupo si Dr. Phil sa tabi ni Gordon at ng kanyang ina na si Michelle Gordon sa isang episode ng palabas na mapapanood sa susunod ng linggo. Nahayag sa naturang guesting na si Gordon pala ay kasalukuyang lumalaban kontra alcohol at drug addiction. +"The aircraft was formally handed over in Seville, Spain where the final assembly line is located and is now being ferried to the Philippines. In PAF service the C-295 will play a key role in the modernization of the force's transport fleet and will undertake a wide variety of military and humanitarian missions," saad sa pahayag ng kompanya. Ang turnover ay isinagawa nitong Marso 18. Bago ito, sinabi ni Fernando Manalo, Department of National Defense undersecretary for finance, modernization and material, na ang aircraft ay darating sa Pilipinas sa Marso 23 o 25, 2015. Ang delivery date ngayong Marso ng unang C-295 ay limang buwan na mas maaga sa itinakda sa Agosto, ayon kay Manalo. Sa maagang pagdating ng eroplano, inaasahan ng DND undersecretary na ang dalawang iba pang aircraft ay mapapaaga rin ang delivery. Napanalunan ng Airbus ang medium lift aircraft program bid ng DND sa halagang P5.29 bilyon para sa tatlong eroplano noong nakaraang taon. Ito ay mas mababa kumpara sa P5.3 bilyon na nakasaad sa kontrata. Ang medium lift capability ng PAF ay kasalukuyang pinupuno ng tatlo nitong F-27 "friendship" aircraft. "These aircraft will help in troop and limited equipment movement," ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin. +Si SPO2 Garcia ay nakatalaga bilang security/driver sa Office of the Deputy District Director for Administration (ODDDA) ng SPD. Noong Lunes ng hapon, sakay ng kanyang motorsiklo ang pulis galing sa duty at pauwi sa kanilang tirahan sa San Pedro City,Laguna nang matagpuan nito sa kalsada ang isang iPhone 5S sa Holiday Homes,San Antonio,San Pedro City. Ang isang brand new iPhone 5S ay nagkakahalaga ng halos P30,000. Hindi naman sumagi sa isip ng pulis na pag-interesan ang naturang mamahaling cellphone dahil ang kanyang unang naisip ay isauli sa may-ari ito. Inakala pa ni Garcia na naka-lock ang cellphone hanggang sa makipag-ugnayan ito sa tatay ng may-ari kaya agad na naibalik ito sa may-ari ng gadget. "Hindi madaling magsauli ng nawalang cell phone, subalit hindi ito dahilan (para angkinin ko na ang gamit). Kailangan gawin natin ang tama. Hindi ibig sabihin kapag may napulot ka ay pagaari mo na 'yun," pahayag ni Garcia. +Batay sa Committee Report 582 ng HB 5511, ang MIMAROPA Region ay bubuuin ng mga lalawigan ng Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan, kabilang ang mga siyudad ng Calapan at Puerto Princesa. Ang HB 5511 ay kapalit ng orihinal na HB 4295 na inakda ni Rep. Josephine Y. Ramirez-Sato. +Nagdududa ang mga mamamahayag at tinanong si Garin kung nakararanas ito ng makating lalamunan. "Napaos lang talaga.... After the budget hearing yesterday [Lunes], because the regional directors are all here, I took advantage of the opportunity to meet them and identify the gaps, what help they need in the central office, and what help we need from them. We ended at midnight. And then, early morning today, we had to comply with all the requirements needed by the senate in compliance with our conditional approval of the budget. So medyo puyat ho talaga," paliwanag ng opisyal. Iginiit din ni Garin na hanggang kahapon, wala rin sa mga sundalo sa Caballo Island ang napatunayang positibo sa Ebola. Samantala, apat pang Pinoy peacekeeper ang dumating sa Pilipinas mula Liberia nitong nakaraang linggo. +Ayon kay Senior Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, inutil si Pangulong Benigno S. Aquino III sa pagresolba sa napipintong pagtaas ng singil sa kuryente, tubig at sunud-sunod na oil price hike. +Ito ay matapos magsampa ang pulisya ng kasong alarm and scandal laban sa walong suspek sa Narvacan Municipal Circuit Trial Court. Kinasuhan na sina Cezar Funtanilla, Mark R-Jay Cabana, Jumar Cabreros, Ian Christopher Calixterio, Russel Funtanilla, Philip Andrew Funtanilla, Geronimo Gomez at Mark Cachola, pawang taga-Bgy. San Antonio. "Hindi ko kukunsintihin ang ganitong insidente dahil ako mismo ang nanguna ng pagseselyo ng baril ng mga responsableng civilian gun owner bago ang bisperas ng Bagong Taon," pahayag ni Singson. "Dapat na magsilbing aral itong insidenteng ito para sa walong lalaki," dagdag niya. Sinabi ni Senior Supt. Nestor Felix, director ng Ilocos Sur Provincial Police Office, na hinahanap na rin nila ang baril na ginamit ng walong suspek, na nakitang ipinuputok nila sa mga larawan na naipaskil sa Facebook. Lumitaw sa isang Facebook account ang larawan ng mga suspek habang halinhinang nagpapaputok ng isang .45 caliber pistol at isang M-16 rifle. +Si Murray ay mayroon dating four-year sponsorship deal sa Adidas. Inumpisahan niya ang career na gamit ang Fred Perry clothing. Napanalunan ni Murray ang Wimbledon noong 2013 at U.S. Open noong 2012. Siya ay kasalukuyang ranked No. 6 sa mundo. +NAGSU-SHOOTING na si Iza Calzado ng Hollywood movie na Showdown in Manila kasama ang ilang Hollywood stars gaya nina Casper van Dien, Alex Nevsky, Cary Tagawa at ang Fil-Am actress na si Tia Carrere. Si Mark Dacascos ang director ng kanilang pelikula. Kahit dito lang sa Manila ang shooting ni Iza, masaya siya na siya ang napili sa Pinay actresses na nag-audition kabilang sina Vina Morales, Isabelle Daza at Andrea del Rosario. +Ang dinobleng burial assistance - bagamat maituturing na huling biyaya para sa mga beterano at retiradong kawal sapagkat ito ay ipagkakaloob sa kanilang pagpanaw sa daigdig - ay sumasagisag sa kanilang kabayanihan sa pagtatanggol ng ating kasarinlan. Tulad ng sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV, awtor ng nasabing batas, marapat lamang dagdagan ang benepisyo ng naturang mga sundalo sapagkat buhay at dugo ang kanilang ibinuwis para sa ating bansa. Maaaring hindi na nga nila pakinabangan ang nasabing dagdag na biyaya, subalit ito ay tiyak na makatutulong, kahit paano, sa kanilang mga naulila. Ang ganitong pagsisikap ni Trillanes na ginawa bilang isang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ay isang panggising sa mga mambabatas na minsan ay naging bahagi rin ng Philippine National Police (PNP). Hindi ko matiyak kung nagkaroon na ng gayong mga dagdag na biyaya para naman sa ating mga retiradong pulis na tiyak na gumanap din ng mahalagang tungkulin sa pagtatanggol ng ating bansa at mga mamamayan. Dapat ding dagdagan ang kanilang burial benefits upang makatulong din sa kani-kanilang mga pamilya. Sa kabila ng pagkakaloob ng nabanggit na mga biyaya, kabilang ako sa mga naniniwala na ang anumang pag-ayuda sa mga beterano at retiradong sundalo at pulis ay dapat sanang ipagkaloob habang sila ay nabubuhay; at hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang mga mahal sa buhay. +"Madami akong natutunan sa kanya," sabi ng isang televiewer, "mula sa outfit ng Santo Papa, sa pinanggalingan nito sa Argentina, at mas nakita ko pa ang humanity ni Pope Francis dahil sa kanyang spiels. Halatang prepared din siya at hindi kung anu-ano lang ang sinasabi. "Kaya naman para sa akin, standout talaga siya mula pa lang sa paglapag ng eroplanong lulan si Pope Francis sa unang araw nito sa Pilipinas, hanggang sa pag-alis nito pauwi ng Roma." Pero hindi lang si Willard ang napansin sa coverage ng ABS-CBN sa papal visit kundi maging sina Karen Davila at Henry Omaga-Diaz. +Ayon kay Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police, dakong 10:30 nang nangyari ang shoot-out sa bahay ni Menor. Nakatanggap umano ng impormasyon ang awtoridad na nasa bahay niya ang suspek. Kaagad na sinalakay ng mga tauhan ng North Extension Office (NEO) at ng Special Reaction Unit-Special Weapon anfd Tactics (SWAT) ang kinaroroonan ni Menor. Pinasusuko na ng mga pulis ang suspek, subalit tumanggi ito at sa halip ay pinaputukan pa ang awtoridad na naging dahilan para paulanan ito ng bala. Makalipas ang 10-minutong putukan ay wala nang buhay si Menor na nakasuot pa ng class A bullet proof vest at armado ng granada at .45 caliber pistol. +SA lakas ng tawa ni Carl Guevarra nang tawagin namin siyang "adopted talent" ng TV5, ibig sabihin, tinatanggap niyang adopted nga siya ng network. Walang kontrata sa network ang aktor, pero lagi siyang may show sa istasyon. +Ang Oh My G na pagbibidahan nina Janella Salvador, Manolo Pedrosa at Mario Mortel ay inspired sa Indian movie na OMG (Oh My God) na ipinalabas noong Setyembre 2012. Marami ang nagaabang sa magiging reception ng publiko sa launching serye na ito ni Janella na nag-umpisang sumikat sa Be Careful With My Heart. Ayon sa napagtanungan naming taga-Dos, pagkatapos ng It's Showtime naman eere ang Flordeliza nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na susundan naman ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na pagbibidahan nina Vina Morales, Jane Oneiza, Loisa Andalio, Jerome Ponce, Joshua Garcia, Christian Vasquez, at Denise Laurel mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial under Ginny M. Ocampo's production unit. Matatandaang naging pelikula na ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (1986) na pinagbidahan nina Ms. Susan Roces, Hilda Koronel, Snooky Serna, Janice de Belen, Richard Gomez, Aga Muhlach at Mr. Eddie Garcia mula sa script ni Ricky Lee at direksyon ni Mel Chionglo. Kuwento pa ng source namin, bubuhayin daw kasi muli ng ABS-CBN ang panghapong Kapamilya Gold sa pamamagitan ng mga nabanggit na programa. Pawang magaganda ang projects ng business unit head na si Ms Ginny M. Ocampo na sabi ng ABS-CBN insiders ay mahilig mag-experiment dahil sino nga naman mag-aakala na bagay palang love team sina Jodie Sta. Maria at Richard Yap sa Be Careful With My Heart na umere ng halos dalawang taon. Matagumpay din ang Pure Love na pinagbidahan nina Alex Gonzaga, Arjo Atayde at Joseph Marco. +Ang pag-eehersisyo ay isa sa pinakamaiinam na maaari mong gawin para sa iyong sarili, hindi lamang para sa iyong pisikal na pangangatawan kundi pati na rin sa iyong isipan. Narito ang ilang dahilan kung bakit dapat kang mag-exercise para na rin sa kalusugan ng iyong isipan. +Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda na puntirya ng administrasyong Aquino na siguruhin na kayang gawin at magagawa sa lalong madaling panahon ang pagkakaroon ng final peace agreement ng dalawang grupo, kahalintulad ng matagumpay na negosasyong pangkapayapaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang pahayag ni Lacierda ay bilang reaksiyon sa kondisyon ng CPP-NPA-NDF na palayain muna ang kanilang mga consultant, ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, bago bumalik ang grupong komunista sa pakikipagnegosasyon sa gobyerno. "Mayroong nakabimbin na kasong kriminal laban kay Ginoong Tiamzon," giit ni Lacierda. Tulad ng kanilang naging posisyon sa MILF sa prosesong pangkapayapaan, sinabi ni Lacierda na dapat walang kondisyon hinggil sa pakikipagnegosasyon ng gobyerno sa mga komunista. +Sinabi ng 41-anyos na sentro ng Road Warriors na sanay naman siyang tumatakbo at naglalakad ng nakayapak o kaya'y naka-tsinelas at kapag naglalaro lamang ng basketball nagsusuot ng sapatos kaya naman hindi na siya nanibago nang isuot ang lumang modelo ng sapatos na siyang ginagamit noon ng mga basketball player. "When I'm around the park with the kids, I'm more comfortable running around with Chucks. I'm either barefoot or with slippers so wearing shoes is just normal. Anything comfortable with me," ani Taulava na nagsabing susunod niyang gagawin ay ang ibalik ang dating maliit na uniporme at maikling shorts. "I want my uniform really small. I think it was long overdue," ani Taulava sa ilang sportswriters na nagkober ng laro sa Ynares Sports Center. "If I have short shorts, small jerseys, now I have the shoes it will be perfect." Gaya ng isang tipikal na Pinoy, ayon kay Taulava ay "pahiyang" lamang ang ginawa niya dahil sa naranasang tatlong sunod na pagkatalo ng kanilang koponan. At kung susuwertihin sa pagsusuot ng naturang sapatos, hindi malayong ulitin niya ito sa susunod nilang laro. "He said we've been losing for the last three games. Change of shoes will hopefully bring a change in our game and he is right. I give credit to him but I warned him that I'm worried about the shoes and he said in our days, we play Chuck Taylor shoes high-cut and low-cut," pahayag ni NLEX coach Boyet Fernandez. +Pinataob ng University of the Philippines (UP) ang season host University of the East (UE), 6-0, upang manatiling namumuno sa pagpapatuloy ng UAAP men's football tournament sa Moro Lorenzo Football Field sa Ateneo. Ang Fighting Maroons ay nagkaroon lamang ng sampu players matapos na magawaran ng dalawang yellow cards si Albert Yatco sa 69th minute na naging dahilan upang mapatalsik siya sa labas ng field. +DAHIL sa pelikulang English Only Please ay muling pinag-uusapan si Jennylyn Mercado na pawang positibo. Dati kasi ay naging laman siya ng mga pahayagan pero hindi naman maganda ang mga nasulat dahil tungkol iyon sa lovelife niya na hindi naman nagtatagal at kung anu-ano pang resulta ng pagluluka-lukahan niya noon. +Ito ay matapos ibasura ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, ng QC-RTC Branch 221, ang apela ng prosekusyon na payagang makapagpiyansa si Ampatuan, anak ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at kapatid ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. Ang mag-amang Ampatuan ay kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City matapos ituro bilang utak sa pamamaslang sa 58 katao, kabilang ang 30 mamamahayag. Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Gregorio Marquez, naglagak si Sajid ng surety bond na nagkakahalaga ng P11.6 milyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Subalit epektibo pa rin ang hold-departure order na inilabas ng korte laban kay Sajid kaya hindi siya makalalabas ng bansa habang nililitis sa kasong multiple murder. Si Sajid ang unang suspek sa Maguindanao massacre na pinayagang makapagpiyansa ng korte. "For the court, the mere presence of the accused during the meetings, albeit the argument that he occupied a government position, does not... translate to a conclusion of a strong evidence of guilt," saad sa limang-pahinang desisyon ni Solis. Ayon sa prosekusyon, si Sajid ang tumatayong officer-in-charge ng Maguindanao nang mangyari ang pamamaslang noong Nobyembre 23, 2009. +"massively anticipated" na Floyd-Manny showdown ang magpapataob sa superfight na ito, ani Hagler. Si Thomas Hearns, na nilabanan sina Hagler at Leonard noon, ang nagsabi na ito ay magiging "awesome fight" ngunit sa pagalay niya si Floyd ang mananalo. Si Roberto Duran, na lumutang din ang katanyagan sa boxing sa pakikipaglaban kina Hagler, Leonard, at Hearns, ang nagsabi, "I have always thought Pacquiao would win." Ang huling sport heroes ay hati rin ang opinyon. Sinabi ni former heavyweight champion Evander Holyfield at middleweight champion Miguel Cotto na kay Manny sila. Sinabi naman ni Oscar Dela Hoya na parehong matinding sumuntok ang dalwa ngunit si Floyd ang may perfect timing. Anang mga oddsmaker (tagahula ng magiging resulta ng tunggalian sa sports) sa Amerika, bahagyang paborito si Mayweather. Undefeated sa 47 laban, kilala siya sa kanyang mahusay na depensa. Ngunit si Pacquiao, na isang southpaw na may record na 50 panalo, limang talo, at dalawang draw, ay kilala sa bilis ng kanyang mga suntok. Magiging labanan ito ng dalawang magkaibang estilo sa boxing - superb defense versus perpetual motion. Sa pagitan ng stamina at bilis ng kamao. Ang mga dakila sa boxing sa daigdig ay magdedebate sa dalawang estilong ito sa susunod na anim na linggo at sa pagsapit ng dakilang araw na iyon - Sabado nang gabi, Mayo 2, sa Las Vegas, na Linggo nang umaga, Mayo 3, sa Pilipinas. +Kasunod nito, dalawang bahay naman sa Sitio Mambog sa Bgy. Sula, San Jose, ang nilamon ng apoy. Ang mga bahay ay pag-aari nina Marlon Doctolero, 49; at Jimboy Doctolero, 22, kapwa magsasaka. +PORT WASHINGTON, Wis. (AP) -- Humarap na sa korte ang Saved by the Bell aktor na si Dustin Diamond para sa kasong inihain laban sa kanya sa usaping pananaksak sa Wisconsin bar noong araw ng Pasko. Ayon sa kanyang abogado, wala kahit isa sa mga nakasaksi ang nakakita na nanaksak ang aktor, ngunit ayon sa Ozaukee County judge ay mayroong sapat na ebidensiya upang ipagpatuloy ang kaso sa hukuman. +"With 13 continental and two national squads, the 2015 Le Tour will definitely be the most exciting," sabi ni Lina-Flavier. "Unlike in the past editions when club teams joined the race, this time, the Le Tour has made its name as one of the most competitive in Asia." Ang continental teams na magbabalik sa Le Tour ay ang Satalyst Giant Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Astana Continental Team (Kazakhstan), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), TPT Cycling Team (Iran), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan) at 7-Eleven (Philippines). Sila ay sasamahan ng Le Tour first-timers na Team Novo Nordisk (USA), RTS Carbon (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Pishgaman Yazd Pro Cycling Team (Iran) at Singha Infinite Cycling Team (Thailand). Ang pambansang koponan ng PhilCycling ay sasabak din bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa Asian Road and Track Championships sa huling bahagi ng Pebrero at ng Singapore Southeast Asian Games sa Hunyo. Ipapadala rin ng Uzbekistan ang pambansang koponan nito upang maging matalas at handa para sa Asian championships. Ang 2015 Le Tour ay magbabalik sa maalamat na ruta sa Kennon Road patungong Baguio City sa Stage Four. Ang Kennon Road ay kinilala sa kasaysayan ng Philippine cycling bilang "maker of champions" - kung saan ang mga tunay na "sports heroes on two wheels" ay naiuukit ang kanilang mga pangalan - sa local Tour. Ang Stage One sa Pebrero 1 ay ang 126-kilometrong Balanga-Balanga route sa Bataan, ang Stage 2 sa Pebrero 2 ay isang 153.75-km ride mula Balangan hanggang Iba sa Zambales at ang Stage 3 sa Pebrero 3 ay sasakupin ang 149.34- kilometro mula Iba hanggang Lingayen, Pangasinan. Para sa Stage 4 sa Pebrero 4, ang Le Tour, na napasama sa Visit the Philippines 2015 program ng Department of Tourism, ay ang karera mula Lingayen hanggang Baguio City sa pamamagitan ng Kennon Road at may habang 101 kilometro. +Granada, Joe Aspiras, at Blas Ople. Noong 1959, sinabi sa akin ng aking editor-publisher at Manila Times correspondent Felipe "Pep" Delfin na makipagkita ako kay Blas Ople sa isang event ng Capiz Press Club sa Roxas City. Ipinarating ko sa kanya ang pagnanais ng Aklan journalists at student leaders na makipagkita sa kanya. Pumayag siya at bumiyahe kami ng 25 minuto lulan ng isang eroplano mula Loctogan airport patungong Kalibo. Kahit noon pa man, pamilyar na si Ka Blas sa mga personalidad sa Aklan tulad nina Congressman Godofredo Ramos, Dr. Artemio Nabor, at magkapatid na Beato at Roman Dela Cruz, lahat kilalang manunulat. Sa loob ng isang linggo, nakapulong niya ang Aklan nationalist advocates ng National Progress Movement (NPM) kung saan naglingkod siya bilang national vice chairman sa ilalim ng chairman nito na si retired Col. Mohammad De Venancio. Sapagkat batid niya ang aking pagiging College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Vice president, at Conference Delegates Association (CONDA) Asian Youth Forum chairman, pati na ang mga limitasyon sa paglinang ng aking aktibong interes sa student at youth movements, isinama niya ako sa Maynila at ipinakilala sa kanyang mga kaibigan at mga kakilala at kay NPC president Mac Vicencio, na humimok sa aking maging aktibo sa mga gawain ng NPC bilang isa sa mga halal na opisyal nito. Kalaunan, hiniling sa akin ni Vicencio na organisahin ang Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines (FPPCP) kung saan binuo nina Ka Doroy Valencia, Ople, Ernie Granada, Mao Chanco, Leon Aureus ng Bicol at Joe Aspiras bilang kaakibat ng NPC, naging premyadong kapatiran ng mga peryodista ng bansa. Taglay ang inspirasyon at patnubay ni Ka Blas, naging pangulo ako kalaunan ng Manila Overseas Press Club and the Publishers Association of the Philippines, Inc. bukod sa pagiging director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Philippine National Red Cross governor, UNESCO commissioner, National Book Development Board (NBDB) governor, at National Development Company director at Philippines Graphic publisher. Ginawa rin niya akong miyembro ng kanyang maraming misyon sa ibayong dagat. Bukod sa kanyang legasiya ng overseas employment program, tumulong din si Ka Blas sa pagpapahusay ng major players sa gobyerno at sa pribadong sektor. +Isiniwalat nina Butch Antonio, SBP Executive Director for International Affairs, at itinalagang men's national basketball head coach na si Thomas Anthony "Tab" Baldwin, na sinimulan nila noong Lunes ng gabi ang pagsasama-sama ng kabuuang 25 manlalaro na napili nila mula sa iba't ibang pangunahing kolehiyo sa bansa. "We started last Monday," sinabi ni Antonio. "We invited 25 athletes, which we can't say are the best but based on the criteria wanted by our head coach," dagdag pa ni Antonio hinggil sa binubuong koponan sa cadet program na siya ding ipadadala sa SEAG sa Singapore. "They are all non-PBA players, other than Marcus, who has an existing contract with SBP and is now playing for Blackwater. Some of them are either from D-League or best collegiate league in the country. We even have a player coming from Cebu," pahayag naman ni Baldwin, dating Australian national team coach. Hiniling naman ng SBP sa Team Philippines SEA Games Management Committee na bigyan sila ng karagdagang panahon para sa pagpasa ng kanilang pinal na listahan na ilalahok sa SEA Games kung saan ay sunud-sunod na iniuwi ng bansa ang ginto maliban lamang noong 1989. "We ask for a little extension for at least a month because we just really started with the try-out. We will trim the numbers down to 16 after four weeks and at end to just 12. These 12 players will be the one playing for SEABA and to the SEA Games," giit pa ni Antonio. Hindi naman ikinabahala ni Antonio at Baldwin ang ulat hinggil sa pagpapalakas ng mga karibal na bansa na tulad ng Singapore na kumukuha na rin ng kanilang naturalized players. "It is up to the coaches now with regards to the scouting. We know that other countries are trying to strengthen their team but we are optimistic that our national coaching staff knows their responsibility well under coach Baldwin," ayon kay Antonio. +Tama ka riyan Mr. President sapagkat kung ang pipiliin mo ay liyebo 40 o 50 na, maliit ang pag-asang magka-anak ka pa upang siya ay maging Benigno S. Aquino IV. Binanggit niya sa panayam ang dalawang nakarelasyon niya noon, sina Grace Lee at isang hindi pinangalanan, Binanggit din niya ang beauty stylist-writer na si Liz Uy, pero malabo ang pahayag kung naging GF ito. Habang sinusulat ko ito, dalawang magkahiwalay na petisyon ang isinampa sa Supreme Court laban sa implementasyon sa fare increase ng MRT at LRT nitong Enero 4. Hiniling ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco sa SC na mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) o status quo ante order para ipatigil ang fare adjustments na ipinatupad noong Linggo. Naniniwala ang Bayan at si Syjuco na ang makikinabang lamang sa pagtataas ng singil sa MRT at LRT ay ang mga pribadong kompanya na nag-o-operate sa mass transit sa kapanganyayaan ng milyun-milyong commuter. Maganda ang payo ni ex-Sen. Panfilo Lacson na dati ring PNP chief kay PNP Officer-in-Charge Leonardo Espina: "Regain the PNP's old glory." Ibig sabihin nito, dapat ang mga pulis ay protector ng bayan at hindi mandurugas ng mamamayan. Si Espina ang hinirang na PNP OIC matapos suspindehin ng Ombudsman si PNP Chief Alan Purisima dahil umano sa kurapsiyon. +Ayon kay Police Senior Inspector Fidl Gentalian, bagong hepe ng Boracay PNP, nakikipag-ugnayan na sila sa Korean community para mapabilis ang imbestigasyon sa nasabing insidente. +Agad na lumutang ang tanong: Bakit humiling ang tatlong mahistrado na matanggal sa paghawak ng kaso? Karaniwang nangyayari ito kapag sa pakiramdam ng isang mahistrado na hindi maaari siyang hindi kumiling dahil sa kanyang malapit na kaugnayan sa akusado, o dahil sa may iba pang koneksiyon ito sa kaso na maaaring magdulot ng pagdududa mula sa ibang tao. May mga usapan na ang kanilang hakbang ay may kaugnayan sa isang umano'y hakbang ng Bureau of Internal Revenue na suriin ang kanilang Statements of assets, Liabilities, and Networth (SaLNs). Nagkaroon ng espekulasyon hinggil sa umano'y panggigipit mula sa Malacanang, gayong hindi naman ito nilinaw sa kung anong anyo o direksiyong tinahak, at kung saan magtatapos. Noong Miyerkules, sa isang pulong kasama ang iba pang mahistrado ng Sandiganbayan, ang tatlong mahistrado - Fifth Division Chairman Roland Jurado, associate Justice alexander gesmundo, at associate Justice Ma. Theresa Dolores gomez Estoesta - ay nagpasiyang bawiin ang kanilang orihinal na request for inhibition at napagkasunduang ipagpatuloy ang paghawak sa kaso ni Estrada. Ito ang iisang pagkakataon na walang makapagsasabi ng "all's well that ends well". Para sa Sandigan na pinangungunahan ni Presiding Justice amparo Cabotaje Tang, tumangging ibunyag ang kung anong napag-usapan sa kanilang pagpupulong noong Miyerkules. Sinabi lamang niya na nagpahayag ang tatlong mahistrado ng kani-kanilang dahilan kung bakit nais ng mga ito na mag-ihibit ngunit, dagdag niya, "we felt the reasons were not compelling enough and we advised them not to pursue their request". Sabi ni Presiding Justice ang na si Justice Jurado ay may isang "more serious concern". +Kung gusto mong matapos ang iyong sinimulan, kailangang alam mo kung ano ang magiging hitsura nito. Karamihan sa mga proyekto ay may natural na kalalabasang hitsura (halimbawa: painting, cross-stitch, web design, at iba pa) - at marami rin ang walang kalalabasang anyo (halimbawa, pagtutugtog ng gitara, piano, pag-aaral ng ibang wika at iba pa). Kung ang target mo ay ang "sumulat ng isang nobela", kailangang maging malinaw sa iyo kung "susulat ka lang" o "tatapusin mo iyon agad" o "ipa-publish mo iyon". Ang mga ito ay iba-ibang target na may iba-iba ring "finish line". Kung ang cross-stitch design na napili mong gawin ay disenyo ng "The Last Supper" kung saan si Jesus ang nasa gitna ng dibuho at plano mong tapusin iyon bago mag-Pasko, masasabi mong dakilang tagumpay mo kapag mukha lamang Niya ang natapos mo pagkalipas ng tatlong linggo mula nang simulan mo ito. Ngunit kung ang layunin mo ang mai-display iyon sa iyong bahay, ang "finish line" mo ay ang maipa-frame mo iyon. Maaari rin naman na ang pinagkakainteresan mong gawin ay walang finish line. Kung gusto mong pumayat, hindi mo agad matatamo iyon tapos titigil ka na sa programa. Kung ang target mo ay ang pumayat, kailangan mong magtakda pa ng iba pang target upang mapanatili mong payat ang iyong pangangatawan. Puwede kang lumahok sa alay-takbo o alay-lakad ngayong taon at sasali uli sa susunod na taon. Maaari ka ring magpasya na magpalaki ng katawan at sumubok ng iba't ibang weights. +Ibinahagi ng Pangulo ang kanyang personal na buhay matapos ang prayer assembly ng iba't ibang Christian religious leader sa Malacanang kamakalawa ng hapon. +Ang naturang urgent motion ay pormal na iniharap kahapon sa anti-graft court ng mga abogado ng senador. Binanggit ng senador sa kanyang mosyon na nais lang niyang masiguro na ligtas at stable na ang kalagayan ng anak sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City. "[Senator] Revilla, himself shocked about this very unfortunate incident, feels helpless and distraught about this serious threat to the life of his son, Jolo. Revilla--as any father would feel--bears that it is his obligation to visit his son to ensure that he is already safe and in a stable medical condition and to spend a few minutes with him to provide support and assurance in this life-threatening situation," saad sa mosyon ng mambabatas. Nauna nang lumabas ang balita na nagtangkang magpakamatay ang bise gobernador nitong Sabado, pero agad itong itinanggi ng abogado ni Revilla na si Atty. Ramund Fortun, na nagsabing aksidenteng nabaril ni Jolo ang sarili habang nililinis nito ang sariling baril. +Ang ilan sa karaniwang Amerikano ay naglalakbay ng 25.4 minuto bago makarating sa kanilang trabaho at parehas na oras muli pauwi sa kanilang tahanan. Ayon sa US Census Bureau, nakita sa The American Community Survey na halos 86% ng mga manggagawa ang gumagamit ng kotse papasok sa trabaho. Ang mga sumasakay naman sa pampublikong sasakyan patungo at pabalik sa trabaho ay mas mababa ang body mass index (BMi) kaysa mga nakakotse, nakita sa isang pag-aaral noong 2014 na nailathala sa British Medical Journal, gayundin sa mga naglalakad at nakabisikleta. Stress sa trabaho +PARA sa gobyerno, maaaring nakasentro sa apat hanggang anim na buwang pagsasara ng isla ng Boracay ang pangunahing isyu ng rehabilitasyon ng kapaligiran. Para sa mga residente ng isla, gayunman, pangunahing isyu ang kawalan ng hanapbuhay na higit na makaaapekto sa kaligtasan ng kanilang pamilya. +Katunayan ang laging pagiging trending topic ng show sa Twitter at noong Monday (December 29) ng "Agnes" at ng official hashtag ng programa na "#ForevermoreTheChallenge." Bumuhos ang tweets ng viewers at netizens dahil sa panghihiyang dinanas ni Agnes sa kamay ng ina ni Xander na si Bettina (Lilet) at ng VIP guest sa hotel na si Steph (Marina Benipayo). Lalo pang nalungkot ang maraming netizens at nakisimpatiya sa kalungkutan ni Agnes nang aksidenteng matapunan niya ng hot choco si Steph. Mangiyak-ngiyak si Agnes sa kahihiyang naganap sa harap mismo ng lola ni Xander na si Dona Soledad (Marissa Delgado) at pinsan nitong si Julius (Kit Thompson). Inaabangan ng loyal viewers ng Forevermore kung susuko na ni Agnes sa kanyang pangarap na makapagtapos o mas patatatagin siya ng mga nangyayaring ito. Sinusubaybayan din kung paano makabawi si Xander kay Agnes na wala pa naman sa tabi niya ngayong kailangan niya ito nang husto. +Napanatili ng 25-anyos ang tangan sa overall individual classification matapos ang apat na podium finishes, tampok ang tatlong stage victory para makalikom ng kabuuang 21 oras, isang minuto at 56 segundo -- halos pitong minuto ang layo niya sa kasangga at two-time defending champion Jan Paul Morales. Nakabuntot si Go for Gold Developmental team's Jay Lampawog (21:19:31). Kabilang sa top 10 sina Pfc. Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology (21:20:02), Navy's John Mark Camingao (21:20:24), Go for Gold's George Oconer (21:20:51), Go for Gold Developmental team's Ronnel Hualda (21:21:29), Navy's Rudy Roque (21:21:42), CCN Superteam's Irish Valenzuela (21:22:04) at Navy's Junrey Navara (21:22:08). Sa kabila nito, ayaw pakumpiyansa ni Oranza. Aminado siya na hindi pa sapat ang kanyang bentahe at isang pagkakamali lamang ay maaring magdulot nang kabiguan. "Hindi puwede mag-relax. Kailangan maging matalino sa laban. Walang makapagsasabi na magkakaroon ka ng aberya o ma-involved sa aksidete. Siyemre extra ingat kami, wala tayong magagawa kapag sinubok ng pagkakataon," pahayag ni Oranza. Tunay na mapaghamon ang susunod na tatlong ruta, simula ang 207.2km Silang-Tagaytay Stage Nine sa Huwebes, 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa Biyernes at 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Sabado. Naghihintay ang P1 milyon sa kampeon sa pamosong cycling marathon na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, Philippine Rabbit, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling. +Kasama sa mga paparangalan sa kategoryang ito sina Atty. Romulo Makalintal ng DZMM, ang Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Radyo; si Tirso Cruz III para sa Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Telebisyon; at si Chito Rono para sa Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Pelikula. Si Dindo Balares ay homegrown writer ng Liwayway, Balita, at Manila Bulletin. Noong 1989, bilang fresh graduate ng Literature sa Ateneo de Naga ay nagsimula siya bilang isang staff writer ng Liwayway, at naging entertainment editor nito bago nagbukas ang Movies and Friends magazine, at inilipat sa Balita. Siya ay nakapagsulat ng mahigit sa 20 nobela sa iba't ibang publikasyon. Noong 2013 ay inilabas ang kanyang pinakahuling libro, ang Walang Katulad, na tumatalakay sa pinanggalingan at pagkakalinlan ng mga Pilipino. Ang Gawad Tanglaw ay binubuo ng mga professor na pawang may doctorate at masteral degree mula sa iba't ibang paaralan sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya. Narito ang kumpletong listahan ng 13th Gawad Tanglaw awardees: PRINT +Base sa monitoring ng MMDA Metrobase, usad-pagong ang mga sasakyan sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan simula 10:00 ng umaga kahapon, bagamat lagpas na sa 7:00 hanggang 9:00 ng umaga na itinuturing na rush hour. +Ang Lakers star ay naglaro ng halos 32 minuto sa kanyang ikalawang laro mula nang magbalik galing sa pahinga. Naglista si Carlos Boozer ng 19 puntos at nagdagdag naman si Ronnie Price ng season-high na 18. Kapwa nagtapos sina Ty Lawson at Jusuf Nurkic na may 16 puntos para sa Nuggets na natalo sa apat ng kanilang huling limang laro. Si Wilson Chandler, isa sa top scorers ng Nuggets, ay nagtapo ng bruised right quadriceps sa first half at hindi na nagbalik. Nagtapos siya na may siyam na puntos. Bukod dito, ilang player na ng Nuggets and hindi nakapaglaro dahil sa injuries: Danilo Gallinari (right knee), JaVale McGee (strained left leg) at Randy Foye (right quadriceps). Hindi rin naglaro si Darrell Arthur (lower leg). Naipasok ng Lakers ang kanilang unang pitong attempt at may 61 porsiyento sa opening half upang kunin ang 62-46 abante patungo sa locker room. Bago ang laro, nagkuwento si Nuggets coach Brian Shaw tungkol sa pagiging teammate ni Bryant isang dekada na ang nakalilipas at kung paano magbiro si Bryant tungkol sa mga beteranong naglalagay ng yelo sa tuhod. ''I told him that one day ice was going to be his best friend,'' sabi ni Shaw. Ilang sandali pa, dumaan si Bryant upang yakapin si Shaw. "'I'm sharing stories about when you used to laugh at me (for using ice),'' turan ni Shaw. ''Now I've got to do it before the game. How about that?'' sagot ni Bryant. At habang naglalakad palayo si Bryant, isinigaw niya: ''Tell them the story about how I beat you in shooting when I was 12.'' +Gaganapin ang libreng medical mission sa Pebrero 23 hanggang Marso 3, 2015 para sa mga siyam na buwan hanggang pitong taong gulang. Maaaring tumawag sa 0918-9219463, 0906-8883926, at 0922-8490174. Para sa screening requirements ng mga pasyente, maaaring mag-email sa rcsta.rosacentro@yahoo.com o personal na magsadya sa Doray's Paanakan sa No. 784 F. Gomez Street, Barangay Ibaba, Sta. Rosa, Laguna. +Ito ang sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma kung saan mahigpit ang naging tagubilin ng Pangulo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan na magsisiuwi sa kanilang probinsiya upang makapiling ang mga kamag-anak at kaibigan. Sinabi ni Coloma, sa direktiba ng Pangulong Aquino, sakop ang kaayusan sa mga bus terminal, pantalan at paliparan at ang kaligtasan ng lahat ng uri ng sasakyang pampubliko. Ayon pa sa kautusan ng Pangulong Aquino, na bigyan ng mabilis na pagtugon ang mga pangangailanan ng mga magbabakasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng public assistance desks sa mga terminal na inaasahang dadagsain ng libu-libong pasahero. Iniutos din ng Pangulo na maging maayos at mabilis ang pagbabayad ng motorista sa mga toll sa expressway na kinabibilangan ng SLEX, STAR, CAVITEX, COASTAL HIGHWAY, NLEX, SCTEX, at TPLEX na taliwas sa nagyari noong nakaraang taon na umaabot ng ilang kilometro ang pila. Mahigpit din ang bilin ng Pangulo sa DoTC at LTFRB na tiyakin na sapat ang bilang ng mga pampublikong sasakyan, walang overloading, at maayos ang mga terminal. Ipinagbabawal din ang pagbiyahe ng mga kolorum at tiyakin na may kaukulang special permit ang mga sasakyan. Ipinag-utos din ng Pangulo sa Philippine Port Authority at Philippine Coast Guard na siguruhing maayos ang mga pier, walang overloading, maayos ang mga terminal, walang palusutan sa manifesto, may sapat na safety devices ang mga barko, ang lahat ay seaworthy at magtalaga ng Public Assistance Center sa bawat pantalan. Pinatitiyak din sa DoTC ang maayos na mga paliparan, maayos ang pagpila at pagpasok ng mga biyahero, gumagana ang mga X-ray machine, may sapat na tao para tugunan ang mga pangangailangan (maging ang airline companies), hindi maulit ang mga karanasang nangyari noong nakaraang Pasko at magtalaga ng Public Assistance Desk sa bawat paliparan. Inatasan din ang DPWH na dapat ay nasa ayos ang mga kalsadang dadaanan ng mga pampublikong sasakyan at motorista, walang mga sagabal, walang mga nakabinbing repair na maaring maging dahilan ng mabagal na trapiko. Inatasan din ang Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng public assistance centers sa mga strategic na lugar sa loob ng expressway at daraanan ng iba't ibang pampublikong mga sasakyan at motorista. Mahigpit din na inutos sa PNP ang pagtatalaga ng sapat na tauhan sa lahat ng pantalan, paliparan, at estasyon ng bus na mangangalaga ng kaayusan, katahimikan at kaligtasan ng maglalakbay. Laging paghadaan din ng PNP ang mabilis na pagtugon sa mga emergency, lalo na sa mga nangyayaring aksidente, at maging sa sunog na rin (sa Metro Manila), at kriminalidad. Ibinilin din sa mga hospital ang madaliang pagresponde sa anumang maging pangangailangan sa mga sakuna sa lansangan at karamdamang maaring idulot ng tag-init. +"AYAW lang sigurong pag-usapan para walang isyu," bungad sa amin ng taong malapit kay Jasmine Curtis Smith nang muli naming kulitin kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Sam Concepcion. +Ang limang milyong katao na nagtipun-tipon sa Luneta nang magmisa si Pope John Paul II ay itinuturing na "largest outdoor gathering" ng Guinness Book of World Records. "Humihiling po kami ng kooperasyon sa lahat. Maghanda po tayo, hindi lamang ispiritwal, subalit maging ang ating pangangatawan at isipan para sa susunod na linggo upang maging matagumpay ang kanyang pagbisita para sa lahat," pahayag ni Valte sa radyo DzRB. Idineklara ng Malacanang ang Enero 15, 16 at 19 bilang holiday sa National Capital Region (NCR) bunsod ng papal visit. Itinuring din ng Palasyo ang Traslacion para sa Mahal na Poong Nazareno noong Biyernes sa Maynila--na mahigit limang milyong deboto ang dumalo sa prusisyon bilang "dry run" ng awtoridad sa pagbisita ng Papa. +Subalit iginiit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kailangan munang aprubahan ni Justice Secretary Leila de Lima ang panukala ni Roxas dahil ang Department of Justice (DoJ) ang nangangasiwa sa Bureau of Corrections (BuCor), na nagpapatakbo naman sa NBP. +- Ang pagbawi sa unobligated allotments mula sa implementing agencies at pagdedeklara nito bilang savings bago pa man magtamos ang fiscal year. - Ang cross-border tranfers ng savings ng executive branch upang pondohan ang mga programa ng non-executive agencies, tulad ng lehislatura, hudikatura, ang Commission on Audit, at ang Commission on Elections. - Ang paggamit ng unprogrammed funds nang walang sertipikasyon mula sa National Treasurer na ang koleksiyon ng buwis ay lumampas na sa inasintang buwis. Gayunman, binago ng Hukuman ang mass invalidation nito sa lahat ng proyektong nasa ilalim ng DAP. Pinahintulutan nito ang pagdadagdag ng pondo para sa 116 proyekto ng DAP na mayroon nang nakalaan sa ilalim ng General Approporiations Act (GAA). Tungkol sa maraming proyektong isinagawa sa nakaraang mga taon ng DAP, itinaguyod ng Hukuman ang Doctrine of Operative Fact. Sa madaling salita, ang P144 bilyong halaga ng proyektong pang-imprastraktura at iba't ibang social at economic program na pinondohan ng DAP bago ito ipinasyang unconstitutional ay idineklarang balido. At tungkol naman sa kung sino ang dapat na managot sa unconstitutional na paggamit ng pondo ng bayan, ipinasya ng SC na ang "may-akda" lamang ng DAP, hindi ang "proponents" at "implementors" ang dapat managot. Kung sinasabi nila "in good faith" sila, kailangang patunayan iyon sa isang angkop na hukuman. Ang mga may-akda ng DAP ay sina Pangulong Aquino at Budget Secretary Florencio Abad. Sapagkat si Pangulong Aquino ay maaaring makasuhan sa impeachment proceedings, si Secretary Abad lamang ang maaaring sampahan ng kaso sa hukuman dahil sa paggamit ng bilyun-bilyong halaga ng pondo ng bayan. Ang anumang kaso laban sa Pangulo na may kaugnayan sa DAP ay maaari lamang isampa pagkatapos ng kanyang termino sa 2016. Magpahanggang ngayon, hindi pa batid kung magkano talaga ang nagastos mula sa DAP na parang ang Pangulo at ang Budget Secretary lamang ang nagdedesisyon sa mga proyekto. Sa isang pagkakataon, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) sa website nito na mahigit P157 bilyon ang nai-release. Sa kanyang memorandum noong Disyembre, 2013, na nagrerekomendang ihinto ang DAP, inilagay ni Secretary Abad ang halaga sa P144 bilyon. Wala pang komprehensibong pagtutuos ng DAP funds. +Sinabi ni Coloma na wala pa siyang impormasyon kung may revamp kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Enrique Ona noong nakaraang buwan. Bukod kay Ona, sinasabing may balak tumakbo sa 2016 elections ang ilang miyembro ng gabinete kaya posibleng magbitiw din sa kanilang mga puwesto bilang paghahanda sa kanilang kandidatura lalo pa't sa Oktubre na ang pagsusumite ng certificate of candidacy. +Ayon sa report, pinagbabato ng mga tagasuporta ni Rivilla ang mga bintana sa ikatlong palapag na inookupa ni David at kasabay ng pananalangin ay lumabas ng gusali si David sa pagitan ng 7:30-8:00 ng gabi. +Paliwanag ni weather forecaster Meno Mendoza ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa inaasahang paglakas na naman ng northeast monsoon o hanging amihan. +"I think he is (the best of all-time), the numbers say so," lahad ni Toni Nadal sa Spanish radio station na Cadena COPE. "Federer is the best in the history of the game alongside Rod Laver and, unfortunately for us, it is like that." Ngunit naging consistent si Nadal sa pagkakaroon ng bentahe sa world number two sa kahabaan ng kanilang career. +Isinampa kahapon ng BOC ang kaso laban kina Elmer Caneta at Michael Abella, may-ari ng EC Peninsula Commercial at New Dawn Enterprises, ayon sa pagkakasunod, sa Department of Justice (DoJ). +Ani Rey, "Reading the response of the supposedly 'public apology' of Ms. Mendez, I immediately made up my mind to pursue my cases against her. I was hoping for a more heartfelt reply, where she would not only apologize but also own up to the lies that she said on TV to defend herself while destroying my reputation." Ayon sa nakuha naming impormasyon, hindi diumano matanggap ni Rey ang paghingi ni Melissa sa social media ng apology bagkus gusto ng model/realtor na sa telebisyon gawin ang public apology ng aktres. Umani naman ng batikos sa netizens ang tila 'malupit' na 'parusang' hinihingi ni Rey kay Melissa. Narito ang ilan sa komento ng netizens, ipa-publish namin unedited. Mula sa FB page ni Allan Sarmiento Ting Medrano: "Ang OA nmn nitong Rey Pamaran na toh..daig pa ang babae umarte..Respect Women bro. 50/50 ako pero marunong ako rumespeto at gumalang ng babae..kahit sila me kasalanan yun na sila eh..ano bang nawala sayo kasikatan mo?nawalan ka ba ng pera sa ngyari..Forgive and Share Love na lng tayo since yun ang tinuro ni GOD satin.." Galing naman kay Christian Israel Nacion: "If a woman apologises to you, you should accept it whole-heartedly whether it's delivered personally or via social media. You should act as a gentleman and be forgiving to anyone who caused you harm and just move on." Say naman ni Todjie Tan, "Hnd ka tunay na maginoo." Nag-quote naman si Quen Ni Ekoy mula kay Mahatma Gandhi: "The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong." +Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang biktima ay si Sing King Deep, 34, may asawa, nakatira sa Agnesville sa Bgy. Mambugan, Antipolo City. +Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, kabilang sa dalawang namatay ang 44-anyos na si Renato Gorion, miyembro ng Hijos del Nazareno, na tauntaong umaalalay sa imahen ng Nazareno. +Umabante ang Americans sa playoffs sa Abril at may tsansang makabalik sa World Group na bubuuin ng top eight teams. Dinispatsa ni Venus Williams, ika-11 sa mundo, ang pag-asa ng Argentina na makabalik matapos niyang talunin si Maria Irigoyen, 6-1, 6-4. +Naramdaman ang 6.8 magnitude na lindol malapit sa lungsod ng Nagano pasado 10:00 ng gabi (1300 GMT) at may lalim na 10 kilometro (6 miles), ayon sa Japan Meteorological Agency. +Ito ang apela kay Pangulong Aquino ng pamilya ng ilan sa 44 tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), na napatay sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao, matapos na madiskubre na hindi sila mabibiyayaan ng death benefits dahil wala pang asawa ang kanilang napaslang na mahal sa buhay. +Nguni't ang mga nakahihindik na kalamidad na ito, at ang pinsalang idinudulot - libo-libong buhay ang nakikitil, maraming pamilyang nawawalan ng tahanan at kabuhayang naglalaho - ay bahagi na ng normal na pamumuhay sa Pilipinas, isang bansang kabilang sa tinatawag na Pacific Ring of Fire at sa likas na landas ng mga unos. Ang kalagayan ng bansa ay lalo pang pinasama ng climate change o pagbabago ng klima sa daigdig, kaya inaasahang magiging pangkaraniwan na ang matitinding mga bagyo na darating sa atin. Noon lamang nakaraang Sabado ay sumalubong kay Pope Francis ang malakas na hangin at ulan dahil sa bagyong Amang sa kanyang pagdalaw sa Leyte. Nakatakda sanang manatili ang pinuno ng simbahang Katoliko ng halos kahalating araw upang magmisa at makapaniig ang mga biktima ng bagyong Yolanda, nguni't napilitang bumalik sa Maynila ng mas maaga upang maiwasan ang lalo pang malakas na hangin. Sinabi ng papa na alam niya ang nangyari sa Leyte noong Nobyembre 2013 kahit nasa Roma siya, nguni't sa pagdalaw niya sa lalawigan, masasabing personal niyang naranasan ang dinaranas ng maraming Pilipino sa kanilang buhay. Umaabot sa 18 hanggang 20 ang mga bagyong humahagupit sa bansa bawa't taon. Ang Pilipinas, Indonesia, Japan, New Zealand, United States, Canada, Chile, Mexico at Russia, mga bansang nasa Pacific Ring of Fire, ay siyang nakararanas ng mas maraming lindol na nangyayari sa daigdig. Sariwa pa sa alaala ng mga Hapones ang lindol noong 2011, na lumikha pa ng tsunami at naging dahilan ng nuclear meltdown at nag-iwan ng halos 16,000 patay. Mas mahina ang 7.2 magnitude na lindol na yumanig sa Bohol noong Oktubre 15, 2013 kaysa sa magnitude 9.0 na naminsala sa Japan, nguni't isa sa ito sa pinakamalakas na natala sa Pilipinas, at kumitil sa mahigit 200 mamamayan at sumira sa maraming makasaysayang simbahan. Bilang bahagi ng Pacific Ring of Fire, ang Pilipinas ay may mahigit 30 bulkan, at mahigit sa 20 sa mga ito ang aktibo, kabilang ang Mayon at Taal na palagiang binabantayan. Ang Mount Pinatubo, na sa maraming siglo ay bahagi lamang ng kabundukan ng Zambales, ay pumutok noong 1991, at ang epekto nito ay naranasan sa buong daigdig. Dahil sa dami ng abo at kemikal na ibinuga ng Pinatubo, bumaba ang pandaigdig na temperature ng 0.5 degree Centigrade. Ang milyon-milyong toneladang umagos ay nagpabago sa daloy ng mga ilog sa Gitnang Luzon. May palagiang babala ang US Embassy sa Maynila para sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas upang manatiling nakahanda sa anumang kalamidad. Ang binigyang-diin ng nasabing babala ay preparasyon. Sa aking pananaw, ang matagumpay na preparasyon ay suportado ng sistemang may kalakip na tamang impormasyon gaya ng pagtaya sa panahon o weather forecast, na mangangailangan naman ng makabagong teknolohiya at kagamitam. May sapat tayong weather forecasters, volcanologists at iba pang siyentista (kaya nga pinipirata ng ibang bansa), nguni't kailangan nila ang pinakamabagong teknolohiya at kagamitan upang magawang mabuti ang kanilang trabaho. Bilang isang bansang lantad sa mga kalamidad, ang Pilipinas ang dapat nangunguna sa weather forecasting. Napakalaki ng kabayaran para sa isang bansang hindi preparado sa kalamidad: libo-libong nasasawi, mga pamilyang nawawalan ng tirahan, mga pasilidad na napipinsala at kabuhayang nauuntol. Nakita at naranasan natin ang lupit ng bagyong Yolanda noong 2013, Noong 2014, sinasabing tama ang ginawang preparasyon kaya hindi gaanong nakapaminsala ang bagyong Ruby, na unang kinatakutan na maging super typhoon. Sa kabila nito, nag-iwan pa rin ng mahigit limang bilyong pisong pinsala at 18 bangkay ang nasabing bagyo. Ang huling bagyong tumama sa Pilipinas, ang bagyong Ruby, ay mahina lamang nguni't nagdala ng maraming ulan at lumikha ng malawak na pagbaha, kay umabot sa 66 ang nasawi at mahigit 100,000 pamilya ang nawalan ng tahanan. Ang pinakahuling mga unos na ito ay nagsisilbing panggising at paalala sa pamahalaan na gawing makabago ang ating teknolohiya at kagamitan sa weather at disaster forecasting. Dahil sa ating sitwasyon, dapat maging palagiang layunin natin na gawing pangunahin ang Pilipinas sa larangang ito. Sa panghuli, nakikigalak ako sa aking mga kababayan at nagpapasalamat sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas. +Tampok sa documentary ang mga haligi sa industriya na sina ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio, Cinema One Channel Head Ronald Arguelles, batikang actor na si Joel Torre, at award-winning directors na sina Brillante Mendoza, Erik Matti, Wenn Deramas, at Chris Martinez. Idedetalye nila ang mayamang kasaysayan ng Philippine films at ang kahalagahan nito sa bagong henerasyon. +"As amended by the Senate Committee on Finance, it will cover 100 percent of the 'severely wasted' and 100 percent of partially wasted. Pati pondo kasi para sa pagkain ng mga bata sa paaralan ay kulang din. There is also such a thing as budget malnutrition. So dinagdagan namin ng pondo," ayon kay Escudero. Aniya, prayoridad kasi ng gobyerno ang pagkain kumpara sa kakulangan ng mga silid-aralan, guro at kagamitang pang-eskuwela. Ang naturang halaga ay dagdag na rin sa P3.36 bilyon na ibibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa DepEd kaya aabot na ito sa kabuuang P7.3 bilyon. Balak ng DSWD na mabigyan ng isang pagkain sa loob ng apat na buwan ang may 205 milyong estudyante na hanggang limang taong gulang na nag-aaral sa mga day care center. Suportado naman ni Senator Grace Poe ang paglalaan ng karagdagang budget upang matiyak ang kalusugan ng kabataan sa bansa. +Gabi-gabi ay gising na gising tuloy ang viewers dahil sa mapangahas at mabilis na daloy ng kuwento nito na tungkol sa buhay ng magkapatid na sina Gael (Jericho) at Carlos (Paulo), na nagkalayo dahil sa malagim na trahedya at muling pinag-ugnay ngayon ng pagkabighani nila sa kaakit-akit na club dancer na si Mia (Maja). Pero hindi lang ang magkapatid ang nabighani sa alindog ni Mia kundi maging ang televiewers. Katunayan ng pagkahumaling ng mga manonood sa Bridges of Love ang resulta ng viewership survey ng Kantar Media na humataw ito sa national TV ratings mula nang mag-pilot noong nakaraang Lunes. Tinalo ng serye nina Jericho, Paulo, at Maja sa national TV ratings na 21.9%, 24.4%, 24.4%, at 24.1% (mula Lunes hanggang Huwebes) ang Second Chances na katapat nito sa na nakakuha lang ng 13.6%, 12.3%, 14.1% at 14.8%, ayon sa pagkakasunod. Tiniyak ng kakilala naming sa Star Creatives production unit na lalong tututok ang viewers sa love triangle sa Bridges of Love dahil lalong titindi ang pagtingin nina Gael at Carlos kay Mia. Susubukin daw ng pagmamahal ang minsan nang nasirang relasyon ng magkapatid. +Inabangan ng televiewers ang Oh My G dahil hindi lamang sa ratings ito nanguna kundi pati na sa social networking sites tulad ng Twitter na naging nationwide trending topic ang #OhMyGTheBeginning. Lalo pang napatutok at nahu-hook ang mga manunuod dahil sa mabilis na takbo ng kuwento ng Oh My G na ngayong episode week ay mas napalapit si Sophie (Janella) sa kanyang Daddy Paul (Eric Quizon), pero nagtapos ang linggo na mawawala rin pala ito sa kanya. Ang mapapanood sa mga susunod na kabanata at kung ano ang magiging epekto nito sa buhay ni Sophie. Ang Oh My G ay tungkol sa teenager na si Sophie na biglang guguho ang halos perpektong buhay dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, mula sa direksyon nina Roni Velasco at Paco Sta. Maria. +SAYANG at hindi namin nakausap si Piolo Pascual sa ginanap na ASAP 20 presscon para naklaro sana ang tsikang hindi niya natapos ang triathlon competition sa Melbourne, Australia noong Pebrero 1. Kuwento sa amin ng isa sa mga sumali sa nasabing competition, "Hindi natapos ni Piolo kasi nagkaroon ng bike crash." +MALA-STAR CINEMA ang presscon sa Dolphy Theater kahapon ng seryeng Bridges of Love sa garbo at laki. Sa March 16 na ang pilot ng soap na may tatlong director. Bukod kina Dado Lumibao at Richard Somes, kasama na rin nila si Will Fredo. +Ikatlong sunod na panalo ng Filipino-American na si Viloria ang pagwawagi kay Vasquez matapos unang dispatsahin sina Puerto Rican Juan Herrera (UD 10) at Mexican Jose Alfred Zuniga (KO 5) kaya umaasa siyang haharapin ni Estrada sa isang rematch. "Former two-division world champion, Brian Viloria (35-4-0-2, 20KO) just hours ago got to show the boxing world that he is well on his way back to regain the belts he lost to Juan Francisco Estrada of Mexico at the Cotai Arena in Macau, China," ayon sa ulat ng Philboxing.com "Viloria with a one picture perfect left hook to the liver, dropped Armando Vasquez (20-14-2, 5KO) of Mexicali, Mexico. Vasquez tried in vain to get up on his feet while the referee counted and barely got up before the count reached 10. However, he was wobbly and definitely in pain as he sunk to the canvas again. With that, Referee Jack Reiss waved of the fight giving Viloria a TKO victory at 1:37 of round No. 4." Samantala, pinatunayan naman ni Alvarez na posible siyang maging kampeong pandaigdig nang makipagsabayan kay Estrada na nanalo lamang sa puntos sa tatlong hurado na pawang Mexican. "Estrada (31-2, 22 KO) won a unanimous decision in ten rounds over 25-year old Joebert Alvarez (14-1-1, 6 KO) of the Philippines, in a bout marred by accidental head clashes from start to finish that saw both men cut," ayon sa ulat ng BoxingScene.com. Straight lefts in the frame, struggling to time the moving southpaw. He found the range he wanted late, working Alvarez into the ropes with a flurry.Round nine started strong for Alvarez as he found contact with the pressuring Estrada. Alvarez continued to find the target in the late going." +Ito ay matapos na buuin at kilalanin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang bagong pederasyon na siyang mangangasiwa sa volleyball at tuluyang alisin ang dating pinag-aagawang asosasyon na Philippine Volleyball Federation (PVF). +Nakataya ang kanilang tsansa na maipagtanggol ang hawak na titulo, nagsanib-puwersa sina Jan Berlin Paglinawan, Season 75 MVP Peter Den Mar Torres at Reuben Inaudito upang makahirit ng do-or-die game. Kapwa nagtala ng tig-19 puntos sina Paglinawan at Torres habang nag-ambag naman ng 17 puntos si Inaudito para pamunuan ang nasabing panalo ng NU. Naging malaking rebelasyon naman at nakatulong sa nabanggit na panalo si Riben Baysac na nagposte ng kanyang personal best na 12 puntos ngayong season. Humakot din ng 18 hits si Paglinawan habang 14 naman kay Torres at 4 blocks samantalang may 2 aces si Inaudito, bukod pa sa 7 digs. Nakalamang pa sa hits ang Tigers, 62-59, sa pangunguna ni Mark Gil Alfafara na nagposte ng season high na 34 hits, bukod pa sa dalawang aces, na nakapaloob sa kanyang season high na 37 puntos. Gayunman, kinapos sa suporta si Alfafara na sinundan ni Arnold Bautista na mayroong 14 puntos habang nakapag-ambag lamang ng tig-8 puntos ang mga inaasahang sina Romnick Rico at Patrick Balse. Dahil dito, magtutuos ang dalawang koponan sa isang do-or-die match sa Sabado. +Ayon kay Roxas, nagsimulang makipag-ugnayan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Manila Police District (MPD) mula noong Disyembre para epektibong mamantine ang kapayaan at kaayusan sa taunang selebrasyon. +Inihayag ni DFA Spokesman Charles Jose na isang 56-anyos ang kabilang sa tatlong Pinay nurse na sinadyang hindi pinangalanan at nakadestino sa magkakaibang pagamutan sa nasabing bansa. Kasalukuyang inaasikaso at nasa isolation facility ang mga Pinay nurse ngunit hindi pa tiyak ang estado ng kondisyon ng kanilang kalusugan. Gayunman, sinabi ni Jose na maaaring maagapan ang lagay ng tatlo dahil maagang kinakitaan ang mga ito ng mga sintomas ng MERS-CoV. Muling nanawagan ang DFA sa mga Pinoy sa Middle East na boluntaryong magpasuri sa mga doktor bago umuwi ng Pilipinas upang magamot sakaling tinamaan ng naturang sakit. Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagpositibo sa MERS-CoV ang isang Pinay nurse mula sa Saudi Arabia matapos siyang umuwi ng Pilipinas, pero agad siyang gumaling at idineklara ng Department of Health (DoH) na MERS-CoV free. +"Actually, mag-iistart din ang boxing, chess at table tennis on the 9th of December pero wala pang nakatayang medal. Only the triathlon, na isasagawa ang kanilang National Finals in three days will have a medal at stake," sinabi ni Alano ukol sa torneo na para sa mga batang atleta na may edad 15 pababa. Maliban sa triathlon, apat na iba pang sports na hindi nagsagawa ng qualifying leg sa Mindanao, Visayas at Luzon ang hahataw din sa kanilang kampeonato na binubuo ng cycling (New Airport Access Road), pencak silat (Rizal Elementary School), wushu (Trinity Christian School) at ang isinamang fencing na gaganapin sa Manila. Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang sports na fencing sa torneo na matatandaan na nagsimula noong 1998 bilang Philippine National Youth Games sa pangunguna noon ni Bacolod City Congressman at ngayon ay Mayor na si Monico Puentebella. Magsasama naman ang mahigit na 3,000 kabataang atleta na nakuwalipika matapos magsipagwagi ng ginto at pilak sa ginanap na tatlong leg. Maaari ring lumahok ang mga nagsipagwagi ng tansong medalya subalit sagot nila ang kanilang pagsabak sa torneo. +Nakatakip ang mukha ng mga tipster, na itinago sa mga alyas na "Omar", "Reggie", "Machete", "Kulot" at "Coleen Sarmiento", nang dumalo sa seremonya. Pinakamalaki ang tinanggap ni "Coleen Sarmiento" na P1.5 milyon bunsod ng pagkakabuwag ng malaking laboratoryo ng droga sa Camiling, Tarlac na naging dahilan din sa pagkakakumpiska ng 16.51 kilo ng shabu at pagkakaaresto ng anim na dayuhan na pinaghihinalaang miyembro ng international drug syndicate. Si "Reggie" ay tumanggap ng P732,414.84 pabuya matapos magbigay ng impormasyon sa PDEA sa isang laboratoryo sa Binondo, Maynila, na nadiskubre ang 10,831.30 gramo ng shabu at naaresto ang dalawang katao na umano'y nagmamantine ng pasilidad. +Isa sanang maagang pamasko sa aktor-pulitiko ang naunang desisyon ng korte na siya'y makalabas nitong nakaraang linggo, pero dalawang araw bago siya palayain ay may nakialam at nabago ang lahat. +Siyempre, ang isa sa mga naging pasimuno sa pag-iimbita ng showbiz friends ni Atty. Toto ay ang showbiz people na board members ng ahensiya at isa na rito si Gladys Reyes. +Sinabi ni Jerome Valentos, ng PDEA, na tinutugaygayan nila si Malala sa nakalipas na mga buwan dahil sa pagkakasangkot nito sa bentahan ng ilegal na droga. +Base sa datos mula kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., mula sa kabuuang 2,785 preso, 1,715 sa mga ito ay senior citizen, 489 ay may kapansanan, 575 ang naka-confine sa NBP Hospital at anim na iba pa ang naka-confine sa mga ospital sa labas ng pasilidad. Hindi rin mabatid ng NBP kung ilan sa 2,785 ang kuwalipikado para sa executive clemency. Sa pagdinig sa NBP ng House Committee on Justice noong Oktubre, sinabi ni Public Attorney's Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta, na madalang ang pagbibigay ng executive clemency sa mga sakitin at matandang preso. Ang bagong batas sa Good Conduct Time Allowance, na may layuning mabawasan ang sentensiya ng mga preso na nagpamalas ng magandang asal upang mabawasan ang mga bilanggo, ay kinuwestiyon din ng ilang sektor sa Korte Suprema. Pinagtatalunan ng iba't ibang sektor kung ang RA 10592 (GCTA) ay matuturing na "prospective," na sumasaklaw lamang sa ilang preso na pumasa, o "retroactive" na saklaw lahat ng bilanggo. +Isang petisyon laban sa taas-pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ang ihahain sa Korte Suprema sa Lunes, isang araw makaraang simulan ng gobyerno ang bagong pasahe na P11 sa parehong mass transport na may karagdagang P1 singil sa kada kilometro ng biyahe. +Agad namang nakatakas si Elarde Calogmaton, nasa hustong gulang, security guard, ng Bgy. San Francisco, Gen. Trias. Sa imbestigasyon ni PO2 Allan John Edoria, dakong 12:30 ng umaga at natutulog si Obordo sa kanilang barracks kasama ang nobya nitong si Liezel Punzalan nang kumatok ang suspek at nang pagbuksan ay agad itong kinumpronta ng suspek at hinahanap sa biktima ang pritong bangus. +Sinabi ni Valmoria na nagbukas ang PNP ng account sa lahat ng cash donation para sa ayuda sa mga nasugatan at naulilang pamilya ng SAF 44. Ang mga nagnanais na magkaloob ng kanilang tulong pinansiyal ay sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines sa PNP Special Assistance Fund Account 1862-1027-77 at maaaring tawagan ang awtorisadong kinatawan ng PNP na si Chief Insp. Renante F. Pinuela ng PNP Directorate for Comptrollership sa 0917-270-5533 at 0917-857-6026. Nilinaw pa ni Valmoria ang NCRPO ay hindi nagso-solicit ng suportang pinansiyal para sa pamilya ng SAF 44 gayunman ay nagpaabot ang opisyal ng kanyang pasasalamat sa lahat ng donor na nagkaloob ng tulong. Hinikayat ng NCRPO chief ang publiko na agad i-report sa anumang himpilan ng pulisya o magsumbong sa NCRPO hotline number 838-3203, 0915-888-8181 at 0999-901-8181; i-Tweet sa @NCRPOReact o sa facebook account na NCRPOReact kung may indibidwal o grupo na gumagamit o nagbibigay ng hindi awtorisadong account o numero para sa SAF 44 donations. Mahigpit na binalaan ni Valmoria ang mga indibidwal na magsasamantala sa nasabing sitwasyon. Samantala, pinayuhan kahapon ng NCRPO director ang mga bagong nagtapos na pulis ng Police First Responders Course, Civil Disturbance Management Training at Explosive Ordinance Reconnaissance Agent Course na gawing mabuti ang kanilang tungkulin at gamitin ang lahat ng estratehiya at teknikal na operasyon na kanilang napag-aralan mula sa training courses. +Ayon sa mga eksperto, hindi ang pagdami ng salapi kundi pagbalik ng tiwala ng mga investors upang ibuhos ang ipapasok na negosyo ang ibinunga ng Papal visit. +Saklaw ng P900-milyon pondo ang hindi nabayarang pensiyon ng mga retiradong tauhan ng INP mula 1991 hanggang 2006. Naantala ng halos 15 taon ang pamamahagi ng pensiyon para sa mga retiradong pulis dahil sa kalituhang idinulot ng pagtatatag ng PNP matapos mabura sa listahan ng legible pensioners ang ilang benepisyaryo. +Inaasahang mapupuno hanggang sa atip ng arena ang daragsang manonood para masaksihan ang duwelo na tunay na nagpapataas ng dugo sa bawat isa. "Alam naman nating itong finals againts Ateneo ang inaabangan. Sa parte naming, naghahanda kami para naman hindi kami maging kahiya-hiya,"sambit ni La sale coach Ramil de Jesus. "Medyo lamang sila sa pahinga dahil nakaabante sila sa finals ng maaga," aniya. Taliwas sa Blue Eagles na agad na nasibak ang University of the Philippines sa kanilang Fibnal Four showdown, dumaan sa matandang kawikaan na "butas ng karayom" ang Lady Spikers matapos maipuwersa ng Far Eastern U Lady Tamaraws ang kanilang serye sa 'do-or-die'. Kahit, nagwagi ang La Salle sa straight set sa "sudden death", lumaban ng todo ang FEU. Iginiit naman ni Ateneo Thai coach Tai Bundit na walang nakalalamang sa serye. "Ateneo is better, La Salle is also better.," pahayag ni Bundit. "We are alike in training and in tactics so the players who will play better during the game will win," aniya. Target naman ng Ateneo na makumpleto ang "twin victory" sa pagabak ng Blue Eagles kontra National U Bulldogs sa best-of-three series sa men's division. +Orihinal na itinakda ang eleksiyon noong Disyembre 2014 subalit inilipat na lamang sa ikalawang linggo ng Enero 2015 dahil sa kinailangang asikasuhin ng itinalagang opisyales sa interim board ang mga dokumentong hinihingi ng POC para makamit ang permiso sa pagsasagawa ng eleksiyon. Gayunman, nauna nang nagpasabi ang POC, partikular si Vice-president at Membership Committee chairman Jose Romasanta na hindi nito kikilalanin ang eleksiyong isasagawa ng PVF dahil sa kasalukuyang pag-aagawan sa liderato at pagkakaroon ng dalawang rehistrasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ito ay matapos na lumutang ang dating mga opisyal ng asosasyon na sina Gerardo "Boy" Cantada, kasama ang nasa indefinite leave na dating pangulo na si Gener Dungo, upang kunin ang pamamahala sa unti-unti nang bumabangon na asosasyon. Ipinaliwanag ng itinalagang PVF secretary general na si Dr. Rustico "Otie" Camangian na kanilang napag-alaman, matapos ang naganap na pagbibitiw ni Dungo sa puwesto, na "revoked" na ang rehistrasyon ng grupo noong 2005 kung kaya inasikaso nila na makakuha ng bagong rehistrasyon noong 2013. "We presented everything sa SEC including the decision of the PVF creating an interim board. Puwede naman nila itanong sa SEC kung kinukuwestiyon nila ang current registration ng asosasyon," pahayag ni Camangian. Dagdag na kontrobersiya pa sa asosasyon ang biglaang pagbuo ng POC ng 5-man committee na hahawak sa lahat ng aktibidad ng asosasyon habang hindi naisasakatuparan ang isang lehitimong eleksiyon na may basbas din ng pribadong organisasyon. Binubuo naman ni Romasanta ang 5-man committee bilang chairman kasama ang dating volleyball player na si Mozzy Ravena, ang POC legal counsel na si Atty. Ramon Malinao, Ateneo board representative at V-League organizer Ricky Palou at si Chippy Espiritu na kasama sa working group sa Singapore SEA Games Task Force. Una nang nagbitiw si Ramon "Tats" Suzara, na opisyal ng FIVB at AVC, bilang miyembro ng 5-man board. Ipinag-utos din ni Romasanta ang agad na pagbuo ng pinakamalakas na koponan sa Women's Under 23 national team na gagabayan nina Roger Gorayeb at Sammy Acaylar habang isinasantabi muna ng komite ang pagresolba sa liderato ng PVF. +"ACHTUNG! voter registration and validation sa NCR, TULOY! Jan 15, 16, 18, and 19. Pls RT. #VoterReg2015," tweet pa ni Jimenez. "REMINDER: Meron pong voter registration and validation sa NCR, sa Jan 15, 16, 18, and 19. Please be advised, RT and share. #VoterReg2015," tweet naman ng Comelec, gamit ang official Twitter account nito na @COMELEC. +Iprinoklama ang Mandaluyong bilang highly urbanized city ng Metro Manila noong Pebrero 9, 1994, bilang pagtalima sa Republic Act 7675. Sa naunang 45 taon, nakamit nito ang kalayaan mula sa Japanese Imperial Army noong Pebrero 9, 1945. Ito ay isang special non-working holiday sa naturang lungsod. Si City Mayor Benjamin C. Abalos Jr. ay inaasahang magtatalumpati sa kanyang taunang State of the City Address. Ang mga residente ng lungsod, mga kawani, mag-aaral, mga manggagawa na nakabase sa Mandaluyong, at mga negosyante ay makikilahok sa iba't ibang aktibidad na kinabibilangan ng beauty pageant, job fair, medical mission, paggawad ng parangal sa mga natatanging mamamayan at mga top taxpayer, isang magarbong parada ng sibiko at militar, pagtatanghal ng banda, dancesports competition, fun run, inter-highschool quiz bee, oratorical at declamation contests, at isang fluvial parade. Kilala bilang "Tiger City" dahil sa kahanga-hanga nitong progreso sa larangan ng negosyo at ekonomiya, ang Mandaluyong ay tahanan ng isang central business district, malalaking shopping mall, entertainment centers, commercial at industrial areas, mga paaralan, call centers, matatayog na gusali, mayayamang village, condominium at mga hotel. Ito ay may 27 barangay, kabilang ang mataong Addition Hills, Barangka Drive, Wack-Wack Greenhills, Hulo, Plainview, at Pleasant Hills. Ang San Felipe Neri Church na nasa Boni Avenue ay isa sa pinakamatatandang simbahan sa metropolis. Tumanggap ang Mandaluyong City ng Presidential Award for Most Child-Friendly City sa kategorya ng Highly Urbanized City, ang Kabalikat Award para sa Local Government Unit sa National Capital Region sa larangan ng manpower program, ang Green Banner Award para sa Nutrition Program nito, at ang Galing Pook Award para sa pinakamaiinam na pamamaraan sa lokal na pamamahala. Ang kasaysayan ng Mandaluyong ay nagsimula sa Majapahit Empire noong 1300. Ito ay isa sa mga baryo ng Sta. Ana de Sapa, na inihiwalay noong 1841 at pinangalanang San Felipe Neri. Pinag-isa ito sa munisipalidad ng San Juan del Monte noong panahon ng Amerikano at naging sentro ng lokal na pamamahala noong 1904. Muling pinangalanan ang San Felipe Neri bilang Mandaluyong noong Marso 27, 1907. +"I feel really blessed to sign a contract, three years pa as a Kapamilya and I'll still be doing the same shows that I am doing now and we have a new reality show that we are starting and we are gearing up for the 10th year of PBB. We are opening it up this June," update ng ultimate multi-media star sa kanyang fans. Hindi lang hosting ang sakop ng kanyang trabaho sa bagong kontrata, ita-try din niyang magdrama sa teleserye. "I think I'm going to be doing, finally after a long time, a teleserye. Parang first time ko 'ata in 8-9 years. 'Yung una kong soap talaga was with Dreamscape, Crazy For You pa. Una ko sa ABS-CBN kasi nag-concentrate ako sa mga reality shows kaya 'yun magkakaroon kami ng pitching so hopefully mag-materialize lahat pero excited kami sa pelikula na ginagawa namin ni Coco (Martin)." Magampanang lahat ito ni Toni kahit matataon sa pagpapakasal nila ni Direk Paul Soriano dahil binusisi niya ang kontrata para walang maging conflict sa kanyang career at personal na buhay. +Hinikayat ni CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang lahat ng Catholic school na magkaroon ng retraining at re-tooling sa mga guro at kawani na posibleng mawalan ng trabaho kapag tuluyang ipinatupad ang K to 12 program sa sektor ng edukasyon. Naniniwala si Villegas na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga gurong mawawalan ng trabaho na makapagpaturo sa high school. "Charity is a law for Catholic schools that takes precedence over all human law, for its origin is the very reason that our Catholic schools exist--the Lord Jesus. Turning away many of the faithful co-workers we have had who have been loyal to our schools and to the local Church for all these years is a most unwelcome prospect," ani Villegas. "We strongly exhort our school administrators to provide opportunities for the re-tooling and re-training of our instructors and professors in tertiary education to be able to handle subjects in the academic track of senior high school. Our Catholic school teachers and instructors should not be left to their own devices," aniya pa. +Sa kanyang pahayag matapos sunugin nang buhay si Maaz al-Kassasbeh, nanawagan ang Cairo-based authority para sa "killing, crucifixion and chopping of the limbs of Islamic State terrorists". +Ang nanalo bilang Best Actor in a Leading Role ay si Pierre Png (para sa kanyang pagganap sa Zero Calling ng MediaCorp Pte Ltd/Channel 5) ng Singapore. Nominado rin si Pierre sa The Journey: A Voyage ng MediaCorp Pte Ltd/Channel 8. Siya lang ang nag-iisang aktor na tumanggap ng dalawang nominasyon sa ATA2014. Nominado naman si Dennis sa role niya bilang Eric del Mundo sa My Husband's Lover ng GMA Network, ang nagpanalo sa kanya sa 5th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (Enpress, Inc.) nitong nakaraang Marso bilang Outstanding Performance by an Actor in a Drama Program. Second nomination na ito ng aktor ng Hiram Na Alaala sa ATA. In 2007, nakakuha rin siya ng nominasyon sa APT-produced Unico Hijo sa 12th Asian TV Awards. Hindi na rin nasayang ang pagpunta ng bida sa "Ulam" episode ng Shake, Rattle & Roll XV ng Regal Entertainment dahil sa ipinagkaloob sa kanyang certificate citing him as highly commended. Hindi rin naman umaasang maiuuwi ni Dennis ang tropeo. +Nakita ng mga diver at ng isang unmanned underwater vehicle noong Miyerkules ang buntot ng Flight 8501 na bumulusok sa Java Sea sakay ang 162 katao noong Disyembre 28, 2014. Ito ay isang mahalagang tuklas dahil ang mga black box -- na makatutulong sa pagtukoy sa sanhi ng crash -- ay matatagpuan sa bahaging ito ng eroplano. +Sa Ganap na alas-6:00 ng umaga paglalabanan ang unang nakatayang gintong medalya sa women's10,000m run bago sundan ng men's shot put sa ganap na alas-8:00 kung saan ay tatangkain ng 2016 Rio Olympics hopeful at Fil-Heritage na si Caleb Stuart na maitala ang panibagong Philippine record. Kasabay nito, lalarga naman ang women's high jump kung saan ay hangad ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) na makadiskubre ng bagong talent, bukod pa sa hahataw ang espesyal na kategorya na master's high jump na para sa mga dating miyembro ng pambansang koponan. Sinabi ni PATAFA Secretary General Renato Unso na nagsidatingan na rin ang mga lalahok na atleta na mula sa nagkumpirmang 12 bansa o kabuuang 1,500 lokal at mahigit sa 150 foreign tracksters para sa apat na araw na torneo. Sa pangkalahatan, kabuuang 73 gintong medalya ang paglalabanan habang may anim na espesyal na awards din ang nakataya sa torneo. Nakasalalay din sa torneo ang tsansa ng mga nagsipagwagi ng medalya sa nakaraang 27th Myanmar SEA Games upang mapasama sa pambansang delegasyon na sasabak sa 28th Singapore SEAG. Matatandaan na nagwagi ng ginto sina Edgardo Alejan Jr., Archand Bagsit, Isidro del Prado Jr. at Julius Felicisimo Nierra Jr sa men's 4 x 400m relay, Jesson Ramil Cid sa men's decathlon, Christopher Ulboc Jr. sa men's 3000m steeplechase, Eric Shauwn Cray sa men's 400m hurdles, Bagsit sa 400m run at Henry Dagmil sa men's long jump. Nagwagi rin ng pilak sina Mervin Guarte sa men's 800m, Narcisa Atienza sa women's heptathlon, Arniel Ferrera sa men's hammer throw at Alejan sa men's 800m habang tanso naman kina Jessica Barnard sa women's 3,000m steeple chase, Eric Panique sa men's marathon at Riezel Buenaventura sa women's pole vault. Isasagawa ang opening ceremony sa ganap na ala-1:00 ng hapon bago sundan muli ng aksiyon sa alas-2:00 ng hapon. Optimistiko naman ang PATAFA na maihahalintulad ang edisyon ng torneo sa prestihiyosong Olympics. "There will be giant screens, just like in every staging of the Olympics na sa bawat isasagawang events at takbo ng mga atleta and every results will be posted digitally right after the performances of the athletes," sinabi ni Edward Kho, media and marketing chief ng PATAFA. "Inuumpisahan kasi namin na ma-professionalize ang staging ng lahat ng event ng PATAFA not just for us, but for the athletes para masanay na sila sakaling sumali sila sa malalaking events sa kind and quality ng environment like sa SEAG, Asian Games at sa Olympics," giit pa ni Kho. "Maiiwasan din ang dayaan at talagang makikita natin ang data sa mga results. Saka madali na rin maresolbahan iyong mga photo finish dahil sa cameras sa finish line," paliwanag pa ni Kho. Nakataya rin ang anim na espesyal na karangalan sa apat na araw na torneo na inaasahang dadaluhan ng 150 internasyonal at Class A na mula sa 12 bansa. Ang espesyal na award ay Most Valuable Player, Most number of gold won, fastest men at women, Man of Steel, Iron Maiden at Powerhouse Team. Sasabak din sa aksiyon ang mga atleta sa China, Chinese Taipei, South Korea, Hong Kong, Brunei, Thailand, Malaysia, Vietnam, Singapore, Indonesia at Myanmar. +Sina Josephine at Tim Desmond, mataas na opisyal ng isang marine theme park dito, ay itinampok sa "Above & Beyond,'' isang special multimedia series of stories na kumikiala sa mga karaniwang tao na nakagawa ng hindi pangkaraniwang bagay sa Asia. +"Saan ba nagmula 'yun?" bungad ni Tito Alfie sa amin. "Wala naman kaming alam d'yan. Baka may offer na hindi ko alam. Wala naman sinasabi sa akin si Malou (Santos)." Sabi namin kay Tito Alfie, kung walang offer, bakit may nasabi si Juday na okay sa kanya ang muli nilang pagsasama ni Claudine? "Aba, malay ko, basta ako walang alam," mabilis na sagot ng manager ng aktres. Hindi lang din naman si Tito Alfie ang nagtataka kundi maging ang mga taga-Star Cinema, dahil sa pagkakaalam nila ay wala silang offer kay Claudine. Hanggang sa may nagsabi sa amin na sa Viva Films pala may offer sina Judy Ann at Claudine. Natawa kami sa reaksiyon ni Tito Alfie, "Kung sa Viva, Sharon (Cuneta), Juday at Sarah (Geronimo), Magkakapatid. 'Di ako papayag kasama si Claudine." At kung sa Star Cinema, "Juday-Coco (Martin), puwede." +"Nakita at naranasan natin ang unang bugso ng mga turista noong Disyembre 26 na nagdulot ng matinding trapiko sa loob at labas ng siyudad. Maging ang ating opisyal at pulisya ay nabigla sa dami ng turista, puno ang maliliit na hotel, transient houses at ang iba ay sa parke na nagpalipas ng gabi, bago pa ang Pasko," kuwento ni De Leon. +"Leading man na leading man ang dating mo sa pelikula," wika ni Mario kay JM. Istorya ng two heartbroken characters ang That Thing Called Tadhana na sa tunay na buhay ay naranasan ni JM, dahilan upang mapabayaan niya noon ang kanyang umaabanteng acting career. Salamat at naka-recover na ang aktor at babawi daw siya sa taong ito. May payo si JM sa mga kapwa niya kabataan kapag nakaranas ng kasawian sa pagibig. "Burahin mo ang lahat ng memories at magsimula kang gumawa ng panibago," sabi niya. Unang ipinalabas ang That Thing Called Tadhana for a limited screening bilang kalahok ng Cinema One Originals Film Festival last November. Muli itong itatanghal sa February 4 sa select mainstream theaters kaya wala nang dahilan para palagpasin ang bagong obra ni Direk Jadaone na pinuri ng mga kritiko. +Iniimbestigahan ngayon ang mag-amang sina SPO1 Rolando Doroja at PO2 Percival Doroja, kapwa nakatalaga sa Station 1 ng Manila Police District (MPD) at residente ng 1708 Velasquez St., Tondo, Manila. Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente 1:15 ng madaling araw sa 1691 Velasquez St. corner Baltazar St. sa Tondo. +MATAPOS masangkot sa Sony hacking scandal at naging usap-usapan sa Golden Globes, ngayon naman ay tinubuan ng bulutong si Angelina Jolie. Dahil dito, napilitang ang aktres na kanselahin ang kanyang pagdalo sa pelikulang Unbroken. "I just wanted to be clear and honest about why I will be missing the Unbroken events in the next few days, which is I found out last night I have chickenpox," pahayag ni Angelina, 39, sa YouTube video ng Universal Pictures. "So, I will be home, itching and missing everyone and I can't believe it because this film means so much to me. I just can't believe it. But such is life, there it is and send everyone my love and hope everything goes well." +Sa kabila ng mga akusasyon ng katiwalian, namamayagpag pa rin si Vice President Jejomar C. Binay bilang frontrunner sa mga presidentiable sa 2016 election, ayon sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS). +Hindi pa nakikilala ang nasabing volunteer. Iniulat ng DZRH News na nadaganan ang biktima ng loudspeaker scaffolding na tinangay ng malakas na hangin na dulot ng 'Amang'. +Sinabi ng ahensya na napansin nila ang naging epekto ng cocolisap noong nakalipas na buwan. Sinabi ng mga magniniyog sa lugar na bukod sa lumiliit ang kanilang ani, hindi na rin masyadong lumalaki ang bunga ng niyog dahil sa peste. Tiniyak ng PCA na mino-monitor nila ang mga lugar sa lalawigan sa posible pang tamaan cocolisap. +Nakatsikahan kasi namin ang taga-ABS-CBN, "Babalik si Roxanne, may bagay na role sa kanya sa (bagong serye), look test muna siya." Nabanggit namin na kaya umalis ng ABS-CBN noon ang aktres ay dahil naging pasaway at hindi na nabigyan ng projects hanggang sa lumipat ng GMA na wala ring nangyari sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa nabalitaang nag-asawa na at nagkaanak, pero gusto pa rin daw magbalik-showbiz kaya pinabalik ng ABS-CBN. E, parang anim na buwan na ang nakararaan simula nang malaman namin ito, pero nakailang palit na ng bagong serye, wala pa rin si Roxanne. +MEMPHIS, Tenn. (AP)- Isinalansan ni Marc Gasol ang unang 7 puntos sa ikalawang overtime, habang nagposte si Zach Randolph ng 27 puntos at 17 rebounds upang dispatsahin ng Memphis Grizzlies ang Phoenix Suns, 122-110, kahapon. Tumapos si Gasol na may 12 puntos upang tulungan ang Memphis na tapyasin ang two-game losing streak. Nag-ambag si Mike Conley ng 25 puntos at 8 assists habang nagtala si Courtney Lee ng 18 puntos. +LABIS-LABIS din ang pasasalamat ni Inigo Pascual sa magagandang projects na ibinibigay ng ABS-CBN sa kanya. Wala pa ngang isang taon siyang nananatili sa Pilipinas, nakailang big projects na siya at heto, may soap drama na rin siya, ang And I Love You So. +Sinabi ni Woods na ang injury na pumuwersa sa kanya na umatras mula sa event sa Torrey Pines noong nakaraang linggo ay walang kaugnayan sa back surgery niya sa nagdaang spring. Ayon sa kanya, siya ay araw-araw na sumasailalim sa physical therapy at "feeling better." Plano niyang mag-ensayo sa darating na linggo sa kanyang home course sa South Florida at masusing pag-aaralan ang laro. "I am committed to getting back to the pinnacle of my game," aniya. "I'd like to play the Honda Classic - it's a tournament in my hometown and it's important to me - but I won't be there unless my game is tournament-ready. That's not fair to anyone. I do, however, expect to be back playing again very soon." Nagtamo ang dating World No. 1 ng iba't ibang injury sa mga nagdaang taon, sa leeg, tuhod, Achilles' tendon, siko, at likod. Noong nakaraang Huwebes, umatras si Woods sa first round ng Farmers Insurance Open dahil sa pananakit ng kanyang lower back. Ito ang ikatlo niyang withdrawal sa kanyang huling walong PGA stars, at ikasiyam sa kanyang career. Mula nang mahirang na PGA Tour Player of the Year noong 2013, nakapagtala lamang si Woods ng isang top 25 sa siyam na pag-uumpisa sa pagsadsad ng kanyang world ranking mula sa No. 1 sa kasalukuyan nitong posisyon na No. 62, ang kanyang pinakamababang ranking mula sa kanyang rookie year noong 1996. Noong Marso, sumailalim si Woods sa surgery upang maayos ang pinched nerve sa kanyang likod at nagbalik may tatlong buwan ang nakalipas, ngunit hindi ito naging masyadong matagumpay. Siya ay umatras mula sa WGC-Bridgestone Invitational dahil sa back spasms, muntik na hindi makaabot sa cut ng PGA Championship at nagpahinga ng sumunod na tatlong buwan upang sumailalim sa rehabilitasyon sa kanyang mga injury. Nang siya ay magbalik sa kumpetisyon noong Disyembre sa World Challenge, sinabi niya na ang kanyang likod "felt great," bagamat ang kanyang laro ay bumaba. Tumabla siya sa panghuling puwesto sa 18-man field. Sa kanyang unang start para sa 2015, ang Phoenix Open, nahirapan si Woods sa kanyang short game, ipinoste ang kanyang pinakapangit na iskor sa ikalawang round (82), hindi napasama sa cut (lampas ng 12 shots) at tumabla sa panghuling puwesto. Sinundan ito ng withdrawal mula sa event sa Torrey Pines noong isang linggo, kung saan walong beses na siyang nagwagi, kabilang ang kanyang huling major noong 2008 U.S. Open. +Kamakailan din nakipag-agapayan ang SP Philippines sa SM Prime Holdings Inc. para sa instalasyon ng solar panels sa SM City North EDSA. Makikipag-ugnayan din ang SP sa iba pang entity para sa proyekto sa layuning ipalaganap ito sa buong bansa. Napapanahon ang pagkilos na itong SP sapagkat naririto na ang summer at mas malamang na matindi pa ang sikat ng araw sa mga darating na araw. Mainam itong paghahanda para sa napipintong mga brownout tulad na inanunsiyo na ng mga kinauukulan. Ang solar energy ang pinakamainam na pagkukuhanan ng enerhiya sapagkat ito ay banayad sa kalikasan. Isa itong lunas sa problema ng climate change. Malinis na enerhiya mula sa sikat ng araw. Malinis din na hangarin. +"Wala pong katotohanan na binayaran ng gobyerno 'yung mga armas. Kusang loob naming isinauli ito sa gobyerno," sinabi ni Iqbal. "Hindi ko po maintindihan kung ano ba ang nasa isip ni Fr. Jun kaya niya nasabi ang mga bagay na ito," dagdag ni Iqbal. +Imbes na tradisyunal na pagpapalitan ng pagbati sa Pasko, pinangaralan ng papa ang Curia, ang central administration ng Holy See na namamahala 1.2-bilyong Simbahang Katoliko. Nilinaw niya na ang kanyang mga plano para sa radikal na reporma sa istruktura ng kapangyarihan ng simbahan ay dapat na samahan ng mas radikal na ispiritwal na reporma ng mga taong sangkot dito. Inisa-isa ang 15 "ailments of the Curia", hinimok ni Francis ang mga pari na nakaupo sa Sala Clementina na gamitin ang Pasko para magsisi at magbago at gawing mas malusog at mas banal na lugar ang simbahan sa 2015. Sinabi ng Vatican watchers na ngayon lamang sila nakarinig ng mabibigat na salita mula sa isang papa at ipinalagay na ipinabatid na kay Francis ang mga resulta sa lihim na imbestigasyon na iniutos ni Emeritus Pope Benedict XVI matapos ang pagpuslit ng mga papeles noong 2012. Inatasan ni Benedict ang tatlong pinagkakatiwalaang cardinal nito na mag-imbestiga sa back-stabbing culture ng Vatican upang matukoy kung ano ang nagtulak sa isang papal butler na nakawin ang mga incriminating documents at ilabas ito sa isang mamamahayag. Ang kanilang ulat ay ipinaalam lamang sa dalawang papa. Mabibigat ang mga salita ni Francis: Kung paano ang terrorismo ng tsismis "[can] kill the reputation of our colleagues and brothers in cold blood." Kung paanong ang mga clique o paggrupo-grupo "[can] enslave their members and become a cancer that threatens the harmony of the body" at kalaunan ay papatayin ito sa pamamagitan ng "friendly fire." Kung paano ang iba ay naghihirap sa "spiritual Alzheimer's," nakakalimutan kung ano ang nagtulak sa kanilang mag-pari sa simula. "The Curia is called on to always improve itself and grow in communion, holiness and knowledge to fulfill its mission," sabi ni Francis. "But even it, as any human body, can suffer from ailments, dysfunctions, illnesses." Si Francis, ang unang papa na Latin American at hindi nagtrabaho sa Italian-dominated Curia bago siya mahalal, ay hindi rin nagpatumpik-tumpik sa pagreklamo sa mga tsismisan, careerism at bureaucratic power intrigues na nakaaapekto sa Holy See. Nagpahaging din siya tungkol sa mga kasalanang ito sa kanyang 2013 Christmas address. "This is a speech without historic precedent," sabi ng church historian na si Alberto Melloni, contributor sa Italian daily na Corriere della Sera, sa isang panayam sa telepno. "If the pope uses this tone, it's because he knows it's necessary." Hindi natuwa ang mga cardinal. Iilan lamang ang ngumiti habang nagtatalumpati si Francis, at sa dulo ay napilitan lamang na pumapalakpak sa talumpati. Binati ni Francis ang bawat isa ngunit, matamlay ang Pasko sa silid. Sinimulan ni Francis ang kanyang listahan sa "ailment of feeling immortal, immune or even indispensable." At isa-isa: Ang pagiging magkakaribal at pagpapayabangan. Pagnanais na magkaroon ng mga bagay. Pagkakaroon ng "hardened heart." Panunuyo sa mga superior para sa personal na kapakinabangan. Pagkakaroon ng "funereal face" at pagiging "[too] rigid, tough and arrogant," lalo na sa mga nasa mababa. +Muling lalaban para sa kampeonato ang Cignal HD Spikers matapos takasan ang matinding Cavite Patriots Fourbees sa nakaririnding matira-matibay na limang sets, 3-2, sa iskor na 23-25, 25-18, 31-33, 25-16 at 15-6 sa men's division ng 2014 Philippine Super Liga Grand Prix presented by Asics sa Muntinlupa Sports Complex. Hinawi ng Cignal HD Spikers ang muling pakikipagharap nito sa 3-time champion na PLDT Telpad matapos lamang nitong umahon sa balag ng kabiguan at dumaan sa nakakaneribiyos na hamon ng Cavite Patriots na nagawa pang iposte ang 2-1 set na abante sa pagwawagi sa ikatlong set, 31-33. +Ang resignation ni Darren Wilson ay kaagad na nagkabisa, ayon kay Atty. Neil Bruntrager. Si Wilson ay nasa administrative leave simula ng pamamaril noong Agosto 9, na nagbunsod ng ilang araw na bayolenteng protesta. +In fairness, bangungot na matatawag ang naging buhay ni Aktres sa piling ng hiniwalayang asawa. Ilang taon silang nagsama, at bagamat hindi nagpabaya si Aktor sa obligasyon sa aktres at sa mga anak nila ay nalosyang naman si Girl dahil sa sobrang dinanas na konsumisyon sa asawa. Ngayon, single na at maganda na ulit ang aktres at nakabalik muli sa showbiz nang bongang bongga. Sey pa niya, ngayon ay nagagawa niya ang anumang gusto niya na noon ay ipinagkait daw sa kanya. Kamakailan ay may nakakakita na lumabas si Aktres ka-date ang mas nakabatang aktor. Sey ng drama aktres, "friendly date" lang naman daw 'yun at hindi raw naman niya kasalanan kung mas bata pa ang nagkagusto sa kanya. Kamuntik-muntikan nang magkaroon ng relasyon ang dalawa, pero may malalapit na tao sa aktres na nagpayo sa kanya na huwag patulan ang actor na hindi pa naman nahihiyang umamin na noon pa ay "crush" na siya. Ang haba ng hair ni Girl! Nagkasama sa isang serye ang dalawa at doon nagkalapit ang loob at kamuntik nang mabuo ang relasyon. +Ayon kay Catalbas, nadagdagan ng P8.78 milyon ang kinita ng Western Visayas sa turismo noong nakaraang taon. Nasa P78.94 bilyon lang ang kabuuang kinita ng rehiyon sa turismo makaraang makaakit ng 3.56 milyong turista. Sa anim na probinsiya, pinakamalaki ang kinita ng Aklan noong 2014 na nasa P43.78 bilyon. Ang malaking bahagi nito ay nagmula sa 1.6 milyong patuloy na tumatangkilik sa world-famous beach destination na Boracay Island sa Malay. +Kamakalawa na-rescue ng Russian authorities ang pitong indibidwal, kabilang ang isang Russian official, isang South Korean crew member, tatlong Pilipino at 3 Indonesian habang narekober naman ang isang bangkay ng South Korean. +Apatnapu't apat na tauhan ng Special Action Force pinaslang. OUTRAGE. Ang fallen men na ito ay napaslang habang tumutupad ng tungkulin. Para sa taong may pakiramdam, ito talaga ang panganib ng kanilang trabaho. Ang mga lalaking ito ay sumupang tuparin ang kanilang tungkulin at tanggapin ang mga mapanganib na misyon na maaari nilang ikamatay. Ngayon, patay na sila. May kilala tayong mga sundalo sa Armed Forces of the Philippines ang inilipad pauwi sa kanilang mga tahanan matapos mapaslang sa labanan sa pagtamo ng kapayapaan sa Mindanao. Sayang na mga buhay ngunit kailangang gawin iyon at ang mga bayaning ito ay pinili ang tungkuling ito. Gayundin ang kanilang mga pamilya. Dumalo si Pangulong Aquino sa inagurasyon ng isang planta ng Mitsubishi sa halip na abangan ang paglapag ng eroplano na naghatid sa Fallen 44. OUTRAGE. Kawalan ito ng pakiramdam base sa kulturang Pilipino. Sa pagkakataong ito, ang mga pader ng opensiba ay itinaas. Walang dahilan ang maaaring katanggap-tanggap. Para sa taong may pakiramdam, totoo ngang emosyonal ito. Kailangan nating maunawaan na ang Pangulo ay pinalaki sa Amerika kung saan at, mula sa pananaw ng isang Amerikano, hindi ito malaking isyu. Kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa ating pakiramdam. Si Philippine National Police Director General Alan Purisima ang umano'y namuno sa misyon ng Fallen 44. OUTRAGE. Isipin na lamang ang isang suspendidong opisyal ang namuno sa isang maselang misyon nang hindi alam ng PNP Officer-in-Charge. Ang suspendidong hepe, na malapit na alalay ng Pangulo, ay nasa naturang misyon sa loob ng maraming buwan. Ang magpalit ng kabayo sa gitna ng karera ay hindi talaga pinapayo. Ang pananatiling lihim nito sa ilang nakatataas ay madalas na kailangan para maiwasan ang pagtagas ng impormasyon. O marahil iginigiit na ng panahon. Hindi ito huwaran pati na ang kawalan ng protocol at hindi pagsunod sa chain of command. Ngunit madalas na nangyayari ito rito at sa ibang bansa. Sa mabigat na casualty ng 44 na may impormasyon na hiningi ang tulong at hindi ibinigay kahit mayroon naman ito. OUTRAGE. Mahinang koordinasyon at marahil hiwalay na kaharian at kanya-kanyang interes. Walang pagkakaisa sa diwa. Hindi tayo kasing galing ng mga Israeli at ng CIA sa ganitong uri ng trabaho. Ang pag-awit at pagsasayaw. Oo. Puwede tayong magpantasya palagi. +Ngunit sa pagkakataong ito ay isa lamang ang dapat magsaya sa panalo. Nagbalik si James sa Miami bilang kalaban. Umiskor si Wade ng 24 sa kanyang 31 puntos sa unang half, nagposte si Luol Deng ng 25 puntos kung saan ay nadepensahan nang husto si James sa kabuuan ng laro, at talunin ng Heat ang Cleveland Cavaliers, 101-91, sa kainitan ng Christmas matchup kahapon. ''We didn't have a bad breakup,'' pagmamalaki ni Wade. ''We played against each other for seven years, man. The weirdness just wasn't there. It wasn't like we played against each other our whole career and the breakup happened. We played against each other for seven years, then with each other for a period of time, then he went back to the same situation and I'm in the same place.'' At ito ang example kung gaano umusbong ang kanilang malapit na relasyon: Nang si James ay magbalik sa Cleveland sa offseason matapos ang apat na seasons at dalawang titles sa Heat, at dumating ang Cavaliers sa South Florida noong Huwebes, nagpunta ang four-time NBA MVP sa bahay ni Wade para makihalubilo sa Christmas Eve. Nagselebra ng ika-30 kaarawan si James noong Miyerkules. May mga katanungan siya sa 32-anyos na si Wade kung ano ang kaibahan ng nasabing mga edad. At ito nga ang pinag-usapan nila at 'di na pinag-usapan pa kung hahantong ba ang Cavaliers bilang championship contender at kung paano ang Heat na makarating sa .500 mark. ''We only play this game for so long,'' saad ni James, tumanggap ng warm ovation nang ang video ng kanyang Heat highlights ay ipinalabas sa unang quarter. ''You've still got life afterwards. For us we're going to compete, we're going to go about our business and do what we need to do in our profession. You'll never let friendship come in between that.'' Tumugma ang kanilang pag-uusap hinggil sa kanilang buhay makaraan ang edad 30, dahil sa ikapitong pagkakataon sa kanilang head-to-head meetings ay kapwa sila umiskor ng mahigit sa 30 puntos. Nagtala si James ng 30 puntos at 8 assists para sa Cavaliers, nakakuha ng 25 mula kay Kyrie Irving at 14 mula kay Kevin Love. ''Couple of the best in this generation,'' pahayag ni Heat coach Erik Spoelstra hinggil kay James at Wade. ''Spectacular. I wish I could sit back and enjoy it like a fan, because it's just fantastic basketball. ... However long these two guys play, you'll get your money's worth.'' Inasinta ni Deng ang 8 puntos at 8 assists sa Miami. Nagsalansan si Chris Andersen ng 12 para sa Heat, umungos ng mahigit sa 17, napag-iwanan pansamantala sa fourth quarter bago muling umarangkada. Wala sa hanay ng Miami si Chris Bosh, patuloy na pinagpapahinga sanhi ng calf injury. Taglay lamang ni Wade ang 2-for-12 matapos ang halftime. Taglay din ng kanyang backcourt mate na si Mario Chalmers ang 2-for-12 sa laro. Nakakita ng daan ang Miami, kahit pa humulagpos ang kanilang 17-point lead, naging kahalintulad din sa 23-pointer laban sa Philadelphia kamakailan. Naikasa ni James ang go-ahead dunk sa transition sa nalalabing 11:20 sa orasan. Makaraan ang nasabing slam, itinarak ng Cleveland ang 78-77 kalamangan, subalit nakakuha siya ng technical foul sa matagal na pagsabit sa rim. Isinagawa ni Wade ang free throw matapos ang technical para itabla ang laro. At angat sa 90-87 sa huling bahagi ng laro, umatake ang Heat tungo sa 11-4 spurt. ''We're not that good right now,'' sambit ni James. ''We've won some really good games, we've lost some games, but we're not that good right now.'' TIP-INS +Umabante ang Americans sa playoffs sa Abril at may tsansang makabalik sa World Group na bubuuin ng top eight teams. Dinispatsa ni Venus Williams, ika-11 sa mundo, ang pag-asa ng Argentina na makabalik matapos niyang talunin si Maria Irigoyen, 6-1, 6-4. +Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na hindi pa tinatalakay ang usapin ng diborsiyo sa gabinete at hindi pa nagbabago ang pagkontra rito ng Pangulong Aquino. +Sa kasong pumukaw ng galit sa publiko at pangungutya sa kanyang pagtrato sa flight crew, pinagalitan ni Heather Cho, anak ng chairman ng kumpanya at pinuno ng in-flight service, ang cabin crew chief at isa sa kanyang mga flight attendant na naghain sa kanya ng nuts na nakalagay sa supot, at hindi sa plato. +Limang batters ang na-struck out ng pitcher na si Andy Tan nang igupo ng Blue Eagles ang Adamson University (AdU) Falcons, 5-3, sa Rizal Memorial Baseball Stadium. +Panalo sa professional category sina Dave Arjay Tan at Salvador Banares, kapwa mula sa Valenzuela City, habang ang mga stamp design naman nina Bryan Michael Bunag at Mark Leo Maac, na parehong taga-Bulacan, ang nanguna sa student category, ayon sa PHLPost. Bawat isa sa kanila ay tatanggap ng P15,000 premyo. Pero higit pa rito, ang kanilang mga stamp design ang mga opisyal na entry sa national at international circulation para sa pagbisita sa bansa ng Papa sa Enero 15-19, 2015. "Espesyal ang mga stamp na ito dahil igigiit naming personal na maiprisinta kay Pope Francis ang mga disenyong ito sa kanyang historic visit," ani Postmaster General Josie Dela Cruz. +Binigo ng BCNHS sa matira-matibay na limang set na labanan ang University of the Cordilleras para iuwi ang korona ng torneo na para sa edad-18 pababa na torneo na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) Women In Sports at sa ilalim ng Sports For All program sa ilalim ni PSC Commissioner Gillian Akiko Thomson-Guevarra. +Tinutukan ng mga suspek ng patalim at sapilitang kinuha ang mga gadget, alahas at pera ng mag-asawa. Natangay ng mga suspek ang isang tablet computer na nagkakahalaga ng P19,200, isang cellular phone, isang wristwatch, isang Samsung Note na nagkakahalaga ng P30,000, isang gintong singsing at P5,000 cash. +"When I prayed for Feng Shui, I asked God to bless our hard work & please reward Direk @chitorono & @mr.rodelnacianceno (Coco Martin) for their trust in me for sharing financially w/ our production cost. "I told Coco, prayer ko talaga that Feng Shui will be his 1st P200 million movie because the Primetime King should also be certified movie royalty. And Direk Chito & I silently held our breath to see if Feng Shui could surpass the 1st installment as well as our Sukob. "Thank You for entrusting us w/ your hard earned Christmas money. Thank You for making us so grateful for the fruits of our labor. Thank you to all of you who gave us 2 hours of your time to be part of the Feng Shui experience. Thank You! #grateful #blessed #humbled #JOY." Samantala, malaki ang lamang ng Praybeyt Benjamin sa Feng Shui dahil as of January 4 ay naka-P380M na ito. Wala namang nakarating sa amin kung nakakamagkano na ang My Big Bossing ni Vic Sotto na nanatiling nasa ikatlong puwesto. Ang English Only Please na kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto ay lampas na raw sa P100M. +Ang kasunduan ay nilagdaan ng mga negosyador sa isang masayang seremonya sa Malacanang noong Hulyo, at si Malaysian Prime Minister Najib Razak ang isa sa mga saksi. Nagkaroon ng aberya ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) bunga ng pagrepaso ng mga opisyal ng Malacanang at nirebisa ang ilang probisyon nito sa pinagdududahang konstitusyonalidad. At pagkatapos, inihain ito sa mga leader ng Kongreso sa isa pang seremonya sa Malacanang noong Setyembre. Sapagkat nagdeklara ang mga opisyal ng MILF na hindi dapat magkaroon ng pagbabago sa panukalang batas, sinabi ng mga leader ng Kongreso na hindi maiiwasan ang ilang pagbabago. Nagkaroon ng mga pagtutol sa ilang probisyon, partikular na sa larangan ng depensa at seguridad, buwis at pagbabahagi ng yaman, at ang Bangsamoro system of government. Malinaw na naghahanda ang mga leader ng gobyerno para sa isang paghamon sa konstitusyonalidad ng BBL sa Supreme Court. Ngunit tiwala ang Malacanang at ang mga kaalyado nito sa Kongreso na maipapasa ang bill. At pakiramdam ng publiko na umuusad ang lahat na naayon sa schedule. At nangyari ang Mamasapano. Apatnapu't apat na Special Action Force commando ng Philippine National Police ang minasaker - karamihan doon sa brutal na paraan - ng mga fighter na nakilalang mga miyembro ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Ang lahat ng usapin sa BBL ay huminto sa Kongreso, habang walong hiwalay na grupo ang nagsasagawa ng mga imbestigasyon sa kung ano ang totoong nangyari. Ngayon nagtatanong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung may backup plan ang pambansang pamahalaan kung sakaling magiba ang peace process. Hindi uusad ang BBL sa Kongreso sa loob ng maraming linggo o buwan. Hindi na masusunod ang timetable para sa pag-apruba nito. Nagiging mas malinaw na ang mga indikasyon ng namumuong karahasan sa Central Mindanao, ayon pa sa mayor. +Binati namin si Jennylyn hindi lamang sa best actress award niya kundi sa success din ng kanyang Valentine concert na Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan 'Nyo Naman Ako at ng kanyang primetime drama series na Second Chances sa GMA-7 na nagti-trending gabi-gabi sa Twitter dahil kinikilig ang viewers sa kanila ni Raymart Santiago. Magaganda ang comments ng followers nila, malakas daw ang chemistry nila kaya may nagtatanong kung hindi raw ba puwedeng maging sila na rin off-camera. "Naku, ginagawa lang namin kung ano ang hinihingi ng script," natatawang sagot ni Jennylyn. "Siyempre, dahil mag-boyfriend-girlfriend kami sa story, meron talagang kissing scenes. Kaya sinusunod lang namin kung ano ang iutos ni Direk Laurice Guillen." Hindi lang ngayon na-link sina Jen at Raymart na dati nang nagkasama sa drama series noong may boyfriend si Jennylyn at alam naman ng lahat na may asawa na si Raymart. "Matagal na kaming magkaibigan talaga ni Raymart. Siya nga nag-introduce sa akin ng triathlon, pero hindi na kami nagkakasama dahil pareho kaming busy. Wala naman kaming ilangan doing our scenes together. Tulad nga ng sabi ko, ginagawa lamang namin kung ano ang hinihingi ng eksena at in'uutos ng director. "Pero nagpapasalamat kami ni Raymart kung nagugustuhan ng televiewers at fans ang pagkakaroon namin ng chemistry. Sana tuluy-tuloy nila kaming panoorin dahil marami pang mangyayari. Sa ngayon kasi sa story, nagkahiwalay kami, pero pareho pa naming mahal ang isa't isa. Kaming dalawa ang second chances na upang muling lumigaya pagkatapos namin parehong namatayan ng asawa. Ako namatay din ang anak ko kasama ng asawa ko nang ma-ambush sila. Namatay naman sa airplane crash ang asawa ni Raymart, wala silang anak pero inampon nila si Billy (Joshen Bernardo) na kinuha ni Coleen (Chynna Ortaleza) kay Rebecca (Camille Prats) sa simbahan nang malingat ito habang nagdadasal. +Ito ang tweet ni Tiangco kay Senator Antonio Trillanes IV hinggil sa preliminary investigation ng Office of the Ombudsman na "tama" ang imbestigasyon ng Senado kay Vice President Jejomar Binay at inasahan ng senador na maglalabas ng mandamiyento de aresto sa lalong madaling panahon. "Senator Trillanes is against shooting from the hip. He should really learn to read news stories carefully. In the first place, the preliminary investigation is not for plunder as he had claimed. And more importantly, based on the Ombudsman press release, they did not see any overpricing but alleged procedural lapses in procurement," pahayag ni Tiangco. "'Yan ang hirap ng mahilig magsabi na merong pasabog laban kay Vice President pero ang nangyayari hindi bomba kundi kwitis lang pala," dugtong nito. Inihayag pa ng UNA official na 'tila isang "express lane" ang pagtrato ng administrasyon sa mga alegasyon laban sa bise-presidente at sa anak nitong si Makati Mayor Junjun Binay na kabaligtaran sa mabagal na imbestigasyon sa mga mambabatas na kasapi sa Liberal Party na isinasangkot sa pork barrel fund scam. "Malinaw at halatang selective political prosecution na itong ginagawang panggigipit dahil minadali ang fact-finding sa alegasyon laban kay Vice President Binay at Mayor Junjun Binay pero 'yung reklamo sa mga taga-Liberal Party na sangkot sa pork barrel scam hindi umuusad," paliwanag ni Tiangco. +Better na mag-concentrate ka sa work kaysa iba in this cycle. Darating ang opportunity para sa family in the next cycle. SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21] +Tulad ng nakaraang mga taon, saan man nakatira o nagtatrabaho ang ating mga kababayan, magsisiuwi sila sa kani-kanilang lalawigan para sa Christmas holidays. Magiging maluwag sa karaniwang masikip na trapiko ang Metro Manila sapagkat karamihan sa mga residente nito ang magsisiuwi sa pamamagitan ng bus, kotse, barko o eroplano, upang makaping ang kani-kanilang mga mahal sa buhay sa mga probinsiya. Nagsimula na ang exodus noong nakaraang linggo sa ilalim ng pagbabantay ng Philippine Coast Guard sa mga daungan upang matiyak na sinusunod ng mga barko ang lahat ng panuntunan sa seguridad, partikular na ang mga pamantayan laban sa overloading. Sa mga terminal ng bus sa bansa na dinadagsa ng mga pasahero, nag-organisa ang pamahalaan at pribadong grupo ng aid projects upang matiyak ang ligtas na paglalakbay sa mga highway. Ito ay isang tradisyon ng mga Pilipino na nagaganap din sa mga pista opisyal sa Santa Semana. Bahagi ito ng ating kultura bilang isang bansa na nagnanais maibahagi ang makahulugang mga selebrasyon sa ating mga mahal sa buhay. Ang matibay na tradisyong pampamilya ay nakaiimpluwensiya sa bawat aspeto ng ating buhay, kabilang ang pulitika, negosyo, at buhay-panlipunan. Sa loob ng maraming taon, ang ating mga sistema ng parehong highway at inter-island travel ay humusay na. Ang pagbiyahe sa Baguio at sa buong Northern Luzon, halimbawa, ay karaniwang gumugugol ng mula walo hanggang sampung oras; ngunit ngayon nabawasan na ito ng kalahati dahil sa lumalawak na network ng mga expressway. Posible na ngayon ang mga isla sa Visayas at kahit na sa Mindanao sa pamamagitan ng bus dahil sa roll-on, roll-on (RORO) na sistema ng transportasyon na nakatutulong pag-isahin ang buong kapuluan na magkakahiwalay ang mga isla. +Kinilala ni Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, direktor ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang mga nasawi na sina PO3 Jacinto Gregorio Jr. y Luna, 43, ng Bgy. Sangitan West, Burgos Avenue, Cabanatuan City, miyembro ng Provincial Public Safety Company (PPSC) assault team; at Bernardo Magno y Santiago, 43, may asawa ng Purok 2, Bgy. Calaba. +Naghihimutok si Gov. Amado Espino Jr., na ang pamilya ay may sibuyasan sa Bautista, sa biglaang pagbaba ng presyo ng sibuyas, sinabing posibleng dahil ito sa napakaraming ani at sa presensiya ng imported onions na sibuyas sa merkado. Bagamat nasa P12 kada kilo ang farmgate price ng sibuyas, ibinebenta lang ito ng P20 bawat kilo sa mga palengke sa lalawigan. Masyado pa ring mura ang P20 kada kilo dahil kakapiranggot na lang ang kikitain ng mga magsasaka, na ginastusan din naman ang pagtatanim sa mga ito. Sinabi pa ni Espino na ang isa pang dahilan sa mababang presyo ng sibuyas ay ang umano'y manipulasyon ng mga middleman na bultu-bulto kung bumili ng sibuyas. +Kailangang maramdaman ng iyong kausap ang positivity in your voice. Talk as if friend mo siya. Aakit ka ng positive vibrations. CANCER [Jun 22 - Jul 22] +Aniya, sa maling prescription ng ilang doktor ay na-develop ang simpleng karamdaman na tinatawag na multi-drug resistant tuberculosis na hindi na kaya ng ordinaryong gamot. +Sinabi ni Supt Bernard Mendoza, tagapagsalita ng PNP-Region 10 Police Office, ang naglagay ng improvised explosive device (IED) gamit ang 81mm mortar at cellphone bilang triggering detonator ay kinilalang si Macmoud Manikbil na nagmula umano sa lungsod ng Kidapawan. +Sinabi ni Poe na hindi sapat ang pangunguna sa mga survey para ikasa ang kandidatura katulad ng nangyari sa kanya noong 2013 na wala naman siya sa Top 5 pero nang lumabas ang resulta ay nanguna pa siya sa Senado. +"Nagulat ako kasi wala namang ganu'n. Itinanggi ko, pero siyempre di ba, may isyung ganu'n? Hiyang-hiya ako kay Aiza kasi hindi totoo at nakita ko kung paano magtrabaho si Aiza para sa panggastos sa kasal nila ni Liza. Talagang kayod-marino si Aiza kaya unfair naman sa sinasabing sinagot ko ang gastos hindi totoo 'yun," bungad paliwanag ni Ibyang nang tumawag sa amin noong Linggo ng gabi pagkatapos niyang mapanood ang The Buzz. Dadalo sa kasal nina Aiza at Liza ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia. "Kasi ninong si Art sa kasal nila sa Amerika, 'tapos 'yung kasal na gaganapin dito sa Pilipinas, ako naman ang ninang. Dalawang beses ikakasal sina Aiza at Liza, eh. Kaya, Reggs, pakilinaw na lang, kasi nakakahiya talaga kay Aiza, hindi totoo," diin ni Ibyang. Timing na rin ang pagpunta ng mag-asawa sa Amerika kasama ang mga anak na sina Ria at Arjo Atayde para makapagpahinga dahil may bagong project daw ulit si Ibyang sa Pebrero 2015. +Suddenly, marami ang hihingi sa iyo ng iba't ibang tulong. Ingat lang na huwag kang abusuhin, or else hihingi ka na rin ng tulong. SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] +talumpati ay sinabing ang tagumpay ng mga nagtapos sa TESDA ay hindi dahil sa suwerte kundi dahil may sapat silang kaaalaman at kakayahan sa mga kursong kinuha sa ahensiya. "TESDA is about jobs, for jobs," sabi ni Villanueva na ginawang halimbawa ang karakter sa komiks na si Darna. "Nais po ng TESDA na tayo ang parang maging bato ni Narda, na 'pag nilulon ni Narda ang bato at sisigaw siya ng 'Darna!' ay nagbabagong anyo, nagbabagong buhay." +Ang nangyaring upset, ang pinakamalaki sa pinagsamang WTA at ATP Masters event sa ngayon, ay inabot ng 1 oras at 49 minuto at minarkahan ang worst defeat ng five-time Grand Slam winner na si Sharapova na kanyang nalasap sa Miami mula nang matalo sa kanyang debut noong 2003. +Ang kawayan ay naging pangunahing produkto ng bayan dahil sa lawak ng lupain natatamnan nito at sa rami ng produkto o napaggagamitan dito upang lumakas na pinagkakakitaan ng mga mamamayan ng San Nicolas. Ilan lamang ang kagamitan o kasangkapan at pangdekorasyon sa bahay sa pinaggagamitan ng kawayan na inaangkat din ng mga mangingisda o mga negosyante sa pangisda upang gamitin sa fishponds at fishpens. Naging bida sa selebrasyon ng 2nd Kawayan Festival ang street dancing competition na tinampukan ng masiglang pagsayaw at makukulay na kasuotang nilikha mula sa iba't ibang parte ng kawayan. Nagkaroon din ng parada ang mga estudyante sa elementarya na nagpaligsahan naman sa pinakamalikahaing kasuotan na nagmula sa kawayan. Sumali rin sa parada ang naglalakihan at makukulay na karosang dinekorasyunan ng mga bulaklak at kawayan sakay ang magagandang dilag ng bawat barangay, kasama ang mga opisyal ng bayan at mga barangay. Itinampok din ang isa sa mga bagong aktibidad ng Kawayan Festival, ang kumpetisyon sa paggawa ng magarang bahay-kubo. +Dahil sa panalo, tumapos na ikaapat ang Junior Archers sa eliminations at makakatunggali nila ang defending champion at twice-to-beat na National University (NU) sa second stepladder semifinals match na gaganapin bukas sa ganap na ala-1:00 ng hapon sa Blue Eagle Gym. +Sa isang panayam kay Izar Nacionales, bunsong kapatid ni PO2 Omar Nacionales, ng Luna, La Union, sinabi niya na nangako sa kanya si Secretary Roxas na tutulungan siyang matupad ang kanyang pangarap na maging pulis. "Nais ko pong maging pulis para sundan ang mga nagawang sakripisyo ng kuya ko para sa bayan," pahayag ni Izar kay Roxas. +Halos mabasag ang bungo ni Julio "Butch" Ballesteros dahil sa malakas na paghataw ng matigas na bagay ni Alex "Jumong" Basilio, 31, kapwa ng nasabing barangay. +Ayon sa MPD, ang naturang puting Nissan Urvan Estate (WOW-232) ay isinuko sa tanggapan ng MPD-Anti-Carnaping Section nitong Huwebes ng may-ari nitong si Joebert Ricarte, 34, matapos na mapanood sa telebisyon na isinasangkot ang kanyang sasakyan sa tangkang pagdukot sa mga bata. Sinabi ni Ricarte na noong Nobyembre 27 ay hiniram sa kanya ng kababatang si Ronnel Millares ang van dahil nakisuyo umano rito ang isang kaibigan na nakilalang si Melanio Labarda, na isasama ang pamilya para magsimba sa Quiapo. "Hindi ko naman masasabing arkila 'yon, para pakisuyo lang, dadalhin daw sa Quiapo kasama ang kanyang pamilya para magsimba," ayon kay Ricarte. +Magsisimula na ngayon ang best-of-three series para sa kani-kanilang quarterfinal pairings ng mga koponang pumasok na No. 3 seed hanggang No. 6 sa pagtatapos ng eliminations ng 2015 PBA Commissioners Cup. +"I am not discounting that possibility, na magba-back out siya sa pagkandidato. Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataon na may inurungan ang Vice President," sinabi ni Trillanes sa panayam ng DZBB. "Kahit na sinabi pa niyang handang-handa na siyang maging presidente at wala nang urungan ang kanyang kandidatura, walang dudang uurong siya. Narinig ko na 'yang mga ganyang linya niya, wala na talaga akong tiwala sa mga sinasabi niya," ani Trillanes. "Tingnan na lang natin kung 'di mangyari 'yan sa kalagitnaan ng taon," sabi ng senador. By default, aniya, ay ieendorso ng Pangulo si Interior and Local Government Secretary Manuel "Mar" Roxas II bilang standard bearer ng Liberal Party. "Hindi ko nakikitang ieendorso siya (Binay) ng Presidente. Ang nakikita ko [na susuportahan], by default, eh, si DILG Secretary Mar Roxas. It's just a matter of time," aniya. Ipagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon sub-panel, na pinamumunuan ni Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III, sa Enero 22 ang imbestigasyon sa umano'y ill-gotten wealth ng mga Binay at iba pang anomalya na nauugnay sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. Nag-ugat ang kaso sa resolusyong inihain ni Trillanes nang hiniling niya sa Senado na imbestigahan ang mga alegasyon ng overpricing sa pagpapatayo ng Makati City Hall Parking Building 2. Sinabi niyang may mga bagong ebidensiyang ipiprisinta laban sa Bise Presidente sa susunod na pagdinig, na tiyak nang higit pang magpapadausdos sa ratings ni Binay. +Ang batas na nilagdaan ni President Juan Carlos Varela at nagkabisa noong Lunes, ay ipinagbabawal ang konstruksiyon at pagtanggal ng mga gulayan mula sa mahigit 200,000 ektaryang muddy mangroves na umaabot hanggang sa Pacific Ocean coastline ng bansa. +FERGUSON, Mo. (AP/Reuters)-- Libu-libong katao ang nag-rally noong Lunes ng gabi sa mga lungsod sa United States upang iprotesta ang desisyon ng grand jury na huwag kasuhan ang isang puting pulis na pumatay sa isang hindi armadong 18-anyos na itim na lalaki sa Ferguson, Missouri. Pinangunahan nila ang mga martsa, nagwagayway ng mga bandila at sumigaw ng "Hands Up! Don't Shoot," ang slogan ng mga protesta sa police killings sa buong bansa. Nagpaplano na ang mga aktibista ng protesta bago pa man ang paglabas ng desisyon noong gabi na si Officer Darren Wilson ay hindi kakasuhan sa pamamaril at pagkamatay ni Michael Brown noong Agosto. +MULA sa pagganap bilang mahusay na songwriter, ang fast-rising Broadway star na si Jessie Mueller na nanalo ng lead actress Tony Award ngayong taon sa kanyang performance sa Beautiful: The Carole King Musical, ay gaganap naman bilang tagapagsilbi sa restaurant. Ayon sa hindi pa nakukumpirmang ulat ng The New York Times, gaganap si Mueller bilang waitress sa kanyang susunod na proyekto. +Inaasahang apat hanggang anim na milyong Pinoy ang dadalo sa misa na pangungunahan ni Pope Francis sa Rizal Park sa Enero, 2015. Sa bilang na ito, hindi pa kasama ang libu-libo o milyun-milyong Katoliko at mananampalataya na mag-uusyoso at lilinya sa mga lansangan na daraanan ng papal motorcade. Sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, miyembro ng Papal visit central committee, na inaasahan nilang mapupuno ang mga kalye o lansangan sa paligid ng Rizal Park. Determinado ang Sandiganbayan na kumpiskahin ang siyam na painting paintings ni dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos, na naka-adorno sa tanggapan niya sa Mababang Kapulungan. Ang siyam na painting ay kabilang sa 24 obra na saklaw ng writ of attachment na inisyu ng Sandiganbayan noong Setyembre 29. Nabawi na ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang 15 painting mula sa tahanan ng pamilya Marcos sa San Juan City. Maghihintay pa raw ang mga Pilipino ng lima hanggang 10 taon bago nila maramdaman ang mga biyaya ng long-term economic growth dahil sa napakataas na high birth o malimit na pagsisilang ng mga sanggol sa Pilipinas. Talaga yatang kailangan nang mapigil ang patuloy na panganganak. +"While Pacquiao rebounded from the losses with a decision win over Brandon Rios in 2013 the 'comeback' was fully completed in 2014, as Manny Pacquiao set the record straight with Timothy Bradley in April to put the controversial loss in the rear view mirror," ayon sa sikat na boxing radio show. "Pacquiao ended his 2014 with a outstanding, dominate win in a November bout with unbeaten light welterweight, Chris Algieri in which Pacquiao managed to send Algieri to the canvas six times." Nilinaw ng OTRB, na si Pacquiao lamang ang tumalo sa isang boksingerong nakalista bilang No. 5 sa pound-for-pound list ng The Ring Magazine sa katauhan ni Bradley at nagpalasap ng unang pagkatalo kay dating WBO light welterweight champion Chris Algieri. "The real deciding factor in naming Manny Pacquiao our 'Fighter of the Year' was he accomplished what no one else did during the calendar year, as Pacquiao secured a win over a top 5 P4P fighter, with his win over Timothy Bradley. Bradley was not only coming off a terrific win over the dangerous Ruslan Provodnikov, but he also definitively beat Juan Manuel Marquez who had just come off a knockout win over Pacquiao," paliwanag ng boxing show. "This factor separated Pacquiao from a close field that included Terence Crawford and Gennady Golovkin." +Sinabi ng PCG na nahuli ng joint team ang M/B Ada-Jay ni Capt. Rolly Capollo na may kargang mga isdang nahuli sa dinamita sa Barangay Ungos na dadalhin sana sa Real, Quezon. Sa Maynila, nakatanggap ng impormasyon ang PCG hinggil sa dininamitang isda na ikinarga sa M/B Jemma II, na pagaari ng San Nicholas Shipping Inc., nang dumating ito sa Delpan Wharf. Ang mga isdan ay natagpuan sa 16 kahon na puno rin ng yelo, ayon sa Marine Environemental Protection unit (MEPU). +Makamit ang pansamantalang pamumuno ang tatangkain ng San Miguel Beer sa kanilang pakikipagtuos sa Globalport ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum. Kasalukuyang kasalo ng Alaska sa pangingibabaw hawak ang barahang 6-1, panalo-talo, target ng Beermen na maiposte ang ika-apat na sunod at pampitong pangkalahatang panalo upang masolo ang liderato. +Be patient and understanding dahil lilitaw na parang monggo sprout ang isang old problem in this cycle. Mauuwi rin ito sa mabuti. GEMINI [May 21 - Jun 21] +Kapwa ibinasura ng Kataastaasang Hukuman ang writ of amparo na inihain ni Memie Sultan Boratong, asawa ng inmate na si Amin Imam Boratong at writ of data na inihain ni Atty. Anthony Bombero para sa bilanggong si Herbert Colangco . Ang writ of amparo ay iginagawad sa isang tao na ang buhay, kalayaan at seguridad ay nanganganib at nalalabag din ang kanyang karapatan dahil sa isang hakbang na labag sa batas habang ang habeas corpus ay isang aksiyong legal na nagbibigay relief sa isang tao na nasa isang unlawful detention. Subalit iginiit ng SC na wala ang mga ito sa kaso ng dalawang petitioner. Sina Boratong at Colangco ay kabilang sa 19 na inmate na mula sa Maximum Security Compound ng NBP na inilipat sa NBI matapos na rin mabuking ang kanilang magarbong pamumuhay sa loob ng piitan. Una nang ipinaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima na pansamantalang dinala sa NBI detention cell ang 19 high profile inmate habang isinasaayos pa ang kanilang bagong selda sa loob ng Bilibid. +7pm -- San Miguel Beer vs. Alaska Diskarte? Lakas at tatag? Utak? o puso? Kung sino ang mangingibabaw at makakakuha ng bentahe sa nabanggit na apat na aspeto ang inaasahang uuwing kampeon ngayong gabi sa huling pagtutuos ng dalawang finalist ng 2015 PBA Philippine Cup na San Miguel Beer at Alaska sa kanilang pagtatapat sa do-or-die Game Seven ng kanilang finals series sa Smart-Araneta Coliseum. +"Accused Juan Ponce Enrile, by counsel, respectfully expresses his reservations over and objections to the Honorable Court's proposals made in open court on January 14, 2015 regarding (1) the termination of the preliminary conference in all the cases, and (2) the consolidation of all cases," pahayag ng mga abogado ni Enrile. Puntirya ng Sandiganbayan Third Division na mapabilis ang proseso ng paglilitis at hihilingin nito sa Korte Suprema na tapusin na ang preliminary conference na rito mamarkahan ang mga ebidensiya at magsasagawa ng joint trial sa mga kasong plunder at graft ni Enrile. Naglilitis ang Third Division sa isang kaso ng plunder at 15 bilang ng graft na inihain laban kay Enrile. "All told, while justice is intended to be administered with dispatch, this does not mean mere speed for speed's sake. The anxiety in concluding and disposing a case must not result in a deprivation of due process. The constitutional right of the accused to speedy trial is in place for his protection, it is not intended to be wielded as a weapon against him," pahayag ng depensa. +Hinikayat ng Legal Network for Truthful Elections (Lente) ang mga botante na huwag iboto ang mga "epal" na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14. +Sa panayam ng Balita sa turnover ceremony ng silyang gawa ng PNoy Bayanihan project sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City, sinabi ni Villanueva na maipupursige rin nito ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal logging. "Ibinabalik lamang natin ang mga ninakaw sa mga kabataan," aniya. +Ito ang ikalawang pagtatangka ng US na palayain si Somers sa loob ng 10 araw at sinabi ni Kerry na inaprubahan ang operasyon dahil sa mga impormasyon na nanganganib ang buhay ni Somers. "It was our assessment that that clock would run out on Saturday," sabi ng isang US official. +Aniya, kung nais ng mga mambabatas na bawasan ang kinokolektang buwis sa mamamayan "so be it", ngunit idinagdag na dahil dito ay liliit din ang makokolekta ng gobyerno. Kinokolekta ng BIR ang nasa 60 porsiyento ng kabuuan ng taunang koleksiyon nito mula sa income tax o nasa P718 bilyon noong 2013. Ang bersiyon ng Senado ng nasabing panukala ay nagtatakda ng 24 na porsiyentong maximum tax rate, mula sa orihinal na 32 porsiyento. Gayunman, sinabi ng iba pang opisyal ng BIR na tumangging pangalanan, na layunin ng nasabing panukala na isinusulong ng mga mambabatas ang magkaroon ng "pogi points" para sa eleksiyon sa susunod na taon. "Congress has been discussing the proposal for the longest time and I am sure solons will pass it shortly in time for the national and local elections in May next year," ayon sa isang opisyal ng BIR. +Ngayong Linggo, samahan si Jessica Soho na kumustahin ang Kapuso homegrown artist na si Jen sa isang espesyal na one-on-one interview sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Mapapanood din ngayong gabi ang mga putaheng gawa sa karne ng tupa, lalo pa nga't Year of the Wooden Sheep ngayong taon. Saan ba matatagpuan ang pinakamasasarap na kebab sa bansa? At tunghayan ang mga lamb dish na pwedeng-pwede rin palang lutuin -- Pinoy style! Samantala, isang batikang feng shui expert ang nagsabi na magiging masagana, masuwerte at taon ng mga oportunidad para sa maraming Pilipino ang 2015. Pero para sa mga mapamahiin, ano nga ba ang diumano'y mga pampabuwenas sa taong ito? Tampok din sa KMJS ang bagong Internet sensations tulad nina Lyle na pinahanga ang lahat sa rendition niya ng Bang Bang at Blaine ng Davao City na kilala naman sa kanyang cover ng Thinking Out Loud ni Ed Sheeran. Pag-uusapan din kung gaano katotoo na maaring yumaman sa networking at ang hottest trends ngayon 2015 pagdating sa pagpapaganda, pagpapasexy, at gadgets. +Sensitibo ang isyung kinasangkutan ng aktor noon na hanggang ngayon ay hindi pa gaanong nalilinawan, at bagamat nagpaliwanag na nitong huli ang aktor ay malabo pa rin ang isyu dahil ang taong naging dahilan ng paglamlam ng karera niya ay hindi pa rin nagsasalita. Panalangin ng kilalang talent manager, "Sana mag-come-out in the open na si _____ (taong dahilan ng paglamlam ng career ng aktor) para klaro na, kasi ilang taon na rin naman siyang nabubuhay sa kasinungalingan at ilang tao na rin ang niloko niya." Oo nga, bakit nga ba biglang nag-disappear ang taong naging dahilan ng pagkawindang ng career ng aktor? E, kailan lang panay ang painterbyu niya at labas sa lahat ng social media, ngayon bilang nananahimik. +Ang riders na sina Zachary David at Gabriel Tayao Cabrera ay sasamahan ng golfer na si Mikhaela Fortuna, chesser Paulo Bersamina, at swimmer na si Kyla Soguilon sa huling batch ng mga kabataang atleta na pararangalan ng espesyal na award na ipinangalan sa yumaong Manila Standard sports editor na si Tony Siddayao, ang kinikilalang Dekano ng Philippine sportswriting. Ang parangal ay ibinibigay ng pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa sa mga natatanging atleta na may edad 17 pababa na nagpakita ng kakaibang galing sa kanilang isports. Sina David at Cabrera ay namayani sa kanilang dibisyon sa Asian Karting Open Series na idinaos sa Macau. Sa kabilang dako, nanguna si Bersamina sa U-20 event ng 15th ASEAN Age Group Chess Championships upang makuha ang kanyang International Masters title. Para naman kay Fortuna, nakopo niya ang US Kids-Teen World Golf Championship 13-division sa US, habang nagningning si Soguilon sa dalawang internasyonal na torneo, kabilang ang 16th Royal Bangkol swimfest kung saan nakahakot siya ng anim na gintong medalya. Silang lima ay kabilang sa mahabang listahan ng honor roll, na pangungunahan ni PSA Athlete of the Year Daniel Caluag, na kikilalanin para sa kanilang achievements noong 2014 sa isang pormal na pagititipon kung saan principal sponsors ang Meralco, Smart, at MVP Sports Foundation habang major sponsor naman ang Philippine Sports Commission. Si PSC chairman Richie Garcia ang magsisilbing keynote speaker para sa event. Ang back-to-back UAAP cheerdance competition champion na National University ay muling ipapakita ang kanilang galing na nagbigay sa paaralan ng kanilang dalawang sunod na titulo sa kanilang pagbibigay ng aliw sa mga awardee at bisita sa kanilang espesyal na numero. Ang awards rite, na suportado rin ng 1Esplanade, Globalport, El Jose Catering, PCSO, Rain or Shine, PBA, Maynilad, Accel, ICTSI, PAGCOR, National University, at Air21 ay kikilalanin din ang NU Bulldogs (President's Award), Hans Sy (Executive of the Year), MVP Sports Foundation Inc. (Sports Patron of the Year), the 1973 Philippine men's basketball team (Lifetime Achievement Award), Tim Cone (Excellence in Basketball), Mitsubishi (Hall of Fame), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), at sina Princess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year). +Ayon sa 903rd Infantry Brigade, nasa 30 miyembro ng rebeldeng grupo ang responsable sa pagsunog sa bahay ni Barangay Kagawad Oscar Rejuso. Mabilis umanong kumalat ang apoy sa kabahayan na naging sanhi upang matupok agad ito. +Pinakiusapan din ng DTI ang mga manufacturer na tiyakin na sapat ang suplay ng kanilang produkto partikular sa sardinas, noodles, kandila at posporo. Umapela ang opisyal sa mga manufacturer na makibahagi sa ikakasang DTI Diskwento Caravan sa mga naapektuhang lugar sa Visayas na agad aarangkada naman pagkatapos ng pahagupit ng baturang bagyo. Ginarantiya pa ni Domingo na mas abot-kaya ang mabibiling processed foods,canned goods, noodles,bigas at iba pang bilihin. +Ayon kay Senior Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, inutil si Pangulong Benigno S. Aquino III sa pagresolba sa napipintong pagtaas ng singil sa kuryente, tubig at sunud-sunod na oil price hike. +Hanggang 11:00 ng umaga kahapon, sinabi ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na 57 sa mga nabigyan ng first aid ng Philippine Red Cross (PRC) ay babae habang ang tatlo ay lalaki. Isang babae ang isinugod sa Ospital ng Maynila dahil nahirapang huminga habang anim ang dumanas ng pagsisikip ng dibdib. Dalawang babae, na edad 18 at walo, ang nahilo habang ang iba ay hinika. Sa hiwalay na ulat, sinabi ng PRC na umabot sa 123 tagasuporta ng Papa ang nakaranas ng pagkahilo habang tatlo ang nahirapang huminga. +Sabi ng taong malapit kay Bret, "Grabe Reggs, sobrang nasaktan si Bret, at para maaliw ay naglaro ng video games at kung anu-ano pa." Nakita rin namin ang post ni Bret na, "Sit back relax and enjoy the show" na may photo kuha sa isang premiere night na katabi ng upuan niya ang may pangalang Andi Eigenmann habang kumakain siya ng popcorn. Tila ginawa na lang katatawanan ni Bret ang ginagawa ni Andi na sala sa init, sala sa lamig na desisyon nito pagdating sa lovelife. Naging maginoo pa rin si Bret dahil nag-post siya ng, "People mad like I was keeping them (Andi at Jake) apart. I was just kissin' the scrapes on her knees and telling her she would be OK. Her happiness is mine." Samantala, inamin na ni Andi na okay na ulit sila ni Jake base sa kanyang post sa Twitter na, "4 yrs isnt a joke. There's no harm in being human enough to not throw it all away and learn to be friends. #letitrainchillpills." Sinundan niya ito ng, "Just how is having the same group of friends, similar interests, and being okay state that two people are back together? Just. How?" +Saklaw ng minimum fare reduction ang unang apat na kilometro, habang mababawasan din ng 10 sentimos ang P1.50 kada susunod na kilometro na kasalukuyang sinisingil sa mga pasahero. Patuloy namang pagkakalooban ng 20 porsiyentong diskuwento ang pasahe ng mga persons with disability (PWD), senior citizen at estudyante sa Southern Tagalog region. Matapos ang masusing ebalwasyon sa mga komento at petisyon ng iba't ibang grupong tranportasyon sa rehiyon, nagdesisyon ang ahensiya na bawasan ang minimum fare para sa mga public utility jeepney (PUJ) bunsod ng petisyon na inihain ni Rep. Manuel M. Iway (First District, Negros Oriental) noong Oktubre 22, 2014. Si Iway ay dating miyembro ng board ng LTFRB. "Matapos mabigyan ng pagkakataon at panahon ang mga transport organization na maiprisinta ang kanilang mga petition at opinyon sa suhestiyon ng ating mambabatas na ibaba ang pamasahe, nakapagdesisyon ang board na ipatupad ang bawas-pasahe sa Southern Tagalog," pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez, Kabilang sa mga dumalo sa serye ng public hearing sa petisyon ni Iway ay mga kinatawan ng iba't ibang transport group tulad ng Alliance of Transport Organzation (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Batangas Capitolio Jeepney Operators Drivers Association Inc., at Pinagsama-samang Tsuper at Operator sa Lucena City (PISTOL Federation). +In fairness, humingi naman ng dispensa at pang-unawa ang namahala ng event. Sa shooting pa kasi nanggaling ang mga bida ng Star Cinema movie, na nang magsidating ay unang pinapasok si Coco na sa halip na dumiretso sa presidential table ay isa-isang nilapitan ang mga mesa upang kamayan, tapikin at kumustahin at masayang nakipag-selfie sa entertainment writers close man o hindi sa kanya. Sa isang iglap, napawi ang pagkainip na nadama ng lahat. We sensed sincerity sa ipinakita ng aktor na puwedeng bansagang Darling of the Press. We are not close to Coco pero noon pa man ay bilib na kami sa kanyang kahusayan sa pag-arte. Lalo kaming natuwa nang saluhin siya ng ABS-CBN, binigyan ng magagandang proyekto at naging bankable star. Cutting the story short, ang pagpapahalaga niya sa trabaho and maintaining a good relationship with the press ay sinusuklian ng ibayong tagumpay. +Magsisimula ang best-of-five series ng Elasto Painters at Bolts sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. "We are just an experienced team but not talented against Meralco," pahayag ni RoS head coach Yeng Guiao kasunod sa pag-usad nito sa semis matapos ungusan ang Barangay Ginebra, 92-91, sa quarterfinals. Ngunit para kay Bolts coach Norman Black, kailangan nilang magdoble-kayod kontra sa elimination top notcher na Elasto Painters. "Let's see what we can do against Rain or Shine. They uses all their players and it means we have to get a very good effort from our import and our players," pahayag ni Black. "We know how strong Rain or Shine is, it's gonna be tough for us," dagdag pa ni Black makaraang mawalis ang best-of-three quarterfinal series nila ng NLEX sa pamamagitan ng 91-85 panalo sa Game Two noong nakaraang Linggo. Muli, aasahan ni Guiao para pangunahan ang kampanya nila na makausad sa finals ang import na si Wayne Chism, ang pagpapatuloy sa maturity ng laro ni Raymund Almazan at manatiling mainit ang shooting capacity ni Jeff Chan katulong ang iba pang beterano na sina Paul Lee, Gabe Norwood, Jervy Cruz at JR Quinahan. +Hindi muna ako sasama sa mga amiga ko sa galaan. Magtitipid ako ng kuryente at tubig. Iiwasan ko muna ang imported chocolates. Kukuwentuhan ko na lang ang aking dalagita sa halip na magsine kami. Handa akong pigain ang aking esposo para sa extra cash. Handa rin akong magtrabaho ng todo-todo mabili ko lang ang bestidang iyon! Ikaw ba nakaranas na rin ng ganoon? Na may nakita kang isang magandang bagay at handa kang magtrabaho at mag-ipon para roon? Paano kung ang talagang gusto mo ay maging maayos ang relasyon mo sa Diyos? Mag-iipon ka ba ang mabubuting gawa, sapat na kabutihan sa kapwa, at handang magtiis upang makamit ang pagpapala ng Maykapal? Hindi po. Hindi tinatanggap ng Diyos ang mga tao na nag-aakalang mayroong silang espirituwal na salapi upang mabili ang Kanyang pagpapala. Sa totoo lang, sinabi Niya na tinatanggap lamang Niya yaong umaamin na talagang wala silang maibibigay sa Diyos. "Mapalad ang mga dukha sa espiritu," sabi ni Jesus. Hindi niya tinutukoy ang mga tao na mahirap pa sa daga o walang pera kundi yaong dukha sa espiritu. +Magsa-side trip din ang dalawa sa bayan ng Maria Aurora para makita ang Millenium Tree, na sinasabing pinakamalaki at pinakamatandang puno ng Balete sa Asya. Madidiskubre rin nila ang Dicasalarin Cove na bukod sa may private beach at light house, ay artist's haven din. Gutom naman ang magdadala kay Iya sa Kusina Luntian, isang bahay kubo na pag-aari ni Biboy Cruz. Isa siyang city-boy-turned-surfer na nagtayo ng maliit na kainan para sa kanyang surfing lifestyle. Dito ay naghahanda siya ng kanyang sariling version ng tapsilog at patok na pako salad. Si Solenn naman ay bibisita kay Nanay Pacing na sikat dahil sa kaniyang peanut butter, atsara, at coco jam. +Sa nakalipas na dalawang araw ay kumalat sa maraming bahagi ng Mindanao ang mga text message ng bomb threat na sinasabing nagmula sa intelligence community at sa AFP. Target ng nasabing mga text message ang mga pangunahing siyudad at lalawigan sa Mindanao. Sinabi ng EastMinCom na ang kumakalat na mga text message "are meant to cause undue panic and scare to the public." +Nagsimula ang naiibang love story nina Fr. Francis at Sister Joanna nang himukin ng huli ang una na makiisa sa isang non-government organization na tumutulong sa mga militanteng grupo. Mula sa pagiging simpleng magkakakilala na sabay nagmamartsa sa Mendiola, nagkalapit sina Fr. Francis at Sis. Joanna dahil sa maraming bagay na pinagkukwentuhan nila gaya ng kanilang piniling bokasyon, ang hangaring makatulong at makapagsilbi sa kanilang kapwa, at ang kanilang personal na buhay. Dahil sa labis na saya na dulot ng madalas nilang pag-uusap at pagsasama, umusbong sa pagitan ng magkaibigang Fr. Francis at Sis. Joanna ang isang espesyal na pag-ibig--isang damdaming nagtulak kay Sis. Joanna na iwan ang kanyang bokasyon upang iligtas ang kanyang minamahal sa posibleng pagbitaw sa kanyang pagpapari. Pero ano ang mangyayari kapag nalaman ni Fr. Francis ang sakripisyong ginawa ni Sis. Joanna? Paano higit na mapapalalim ng kanilang pag-ibig ang kanilang relasyon sa Panginoon? Makakasama nina Arjo Atayde at Yen Santos sa MMK episode na ito sina Gio Alvarez, Jopay Paguia, Abby Bautista, Minco Fabregas, Aleck Bovic, Melissa Mendez, Jerry O'Hara, Peewee O'Hara, Bodjie Pascua, Rubi Rubi, at Dale Badillo, mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Elfren Vibar. +Dalawa pa lamang sa 56 miyembro ng NSA's na kabilang sa Philippine Olympic Committee (POC) ang patuloy na hindi nakakapag-ulat ng kanilang mga pinagkagastusan mula sa hininging pondo sa Philippine Sports Commission (PSC). +PINAGSAMA-SAMA ng Regal Entertainment, Inc. sa pinakamalaki at nakakatakot na Shake, Rattle & Roll XV ang apat sa hot actors ngayon na sina Dennis Trillo, Matteo Guidicelli, JC de Vera at Daniel Matsunaga. Total Christmas package ang tawag ng Regal sa kanilang entry sa Metro Manila Film Festival 2014 dahil equally hot actresses of the generation din ang kanilang female leads na sina Lovi Poe, Carla Abellana at Erich Gonzales plus napakaganda pa ng mga istorya ng tatlong episodes nila. +Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), ang cargo volume sa buong bansa ay tumaas sa 211.20 milyong metric tons (MMT) noong 2014 mula sa 201.91 MMT na naitala noong 2013. +GENERAL SANTOS CITY - Isang hinihinalang miyembro ng carnapping syndicate ang napatay sa pakikipagbakbakan sa awtoridad sa Pikit, North Cotabato nitong Martes. Kinilala ni Senior Supt. Danilo Peralta, Cotabato Police Provincial Office director, ang napatay na si Muslimen Kawil, 20, ng Barangay Bulol sa Pikit. +Maglalaban-laban sa susunod na live shows sina Alisah Bonaobra, Bradley Holmes, at Mackie Cao ng Team Apl; Jason Dy, Kokoi Baldo, at Douglas Dagal ng Team Sarah; Arnee Hidalgo, Rence Rapanot, at Tanya Diaz ng Team Bamboo; at Casper Blancaflor, Miro Valera, at Timmy Pavino ng Team Lea. +IKATLONG project na nina Coco Martin at Julia Montes ang Wansapanataym Presents Yamishita's Treasure na ayon sa announcement sa kanilang presscon ay aabutin ng anim na buwan sa ere. Ano ang pakiramdam ni Coco na muli niyang katambal si Julia? +Ayon sa report ng Teresa Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, inaresto si Sgt. Gorgonio Bugado, 40, may asawa, nakadestino sa 6th Infantry Division ng 6th Army Training Group sa Awang, Cotabato at nakatira sa Sitio Abuyod, Barangay Dalig, Teresa, Rizal. +CEBU CITY - Isa si Norman Solamo, 40, sa mga maagang pumila upang mag-apply ng trabaho sa pagbubukas ng Manila Bulletin Classified Jobs Fair sa SM City Cebu Trade Hall kahapon, at puno siya ng pag-asa na makahahanap na ng oportunidad sa pagkakakitaan para makatulong sa kanyang pamilya. +Sa puntong ito, noong Huwebes ay bumandila sa mga pahayagan ang balitang 119 katao, kabilang ang dating hepe ng Bureau of Plant Industry (BPI) at dalawa nitong tauhan, ang sinampahan ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman dahil sa diumano sa pagkakasangkot sa biglaan at nakalululang pagtaas ng presyo ng bawang! Sa imbestigasyon ng NBI na iniutos ni DOJ Sec. Leila De Lima, lumitaw na isang garlic cartel ang nago-operate kasabuwat ang ilang opisyal ng BPI. Lumabas ding pinagkalooban ng dating hepe ng BPI ng garlic importation permits ang ilang kuwestiyunableng importers o dummy companies kapalit ng P240,000. Sangkaterbang anomalya at kurapsiyon ang umiiral ngayon mula sa bilyun-bilyong pisong Priority Development Assistance Fund o pork barrel, Disbursement Acceleration Program (DAP), hanggang sa MRT, LRT, BOC, LTFRB, LTO at ngayon nga ay sa BPI. "Kung walang corrupt, walang mahirap." Samaktuwid, dahil marami pa rin ang mahirap at walang trabaho, ang kurapsiyon na binabaka ni PNoy ay nananatili. Kahindik-hindik ang naganap na pagsalakay at pagpapasabog ng mga terorista sa tanggapan ng "Charlie Hebdo" Magazine sa Paris, France. Napatay ang 10 journalist at dalawang pulis. Ang magasin o pahayagan ay tinarget diumano ng mga militante na kasapi ng ISIS dahil binibira nito ang relihiyong Islam at nilagyan pa ng caricature si Prophet Mohammed. +Nang makita naman ang insidente, biglang huminto ang isang Ford Everest pero bumangga sa likuran nito ang isang Isuzu Crosswind. Agad naman isinugod sa ospital ang limang biktima na nagtamo ng sugat at galos sa iba't ibang bahagi ng katawan. Nagdulot ang matinding ng trapik na umabot ng dalawang kilometro. +Ayon kay Health Secretary Janette Garin, Pebrero 1 nang dumating sa bansa ang 32-anyos na nurse mula sa pagtatrabaho sa Saudi. Tumangging pangalanan ng DoH ang Pinay nurse upang maproteksiyunan ang pasyente at kanyang pamilya. Nitong Pebrero 10 na-confine ang biktima sa isang negative pressure room sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City. "Testing was done on the patient and yielded positive results. The patient is currently confined in a negative pressure room at RITM. Patuloy syang sinusubaybayan ng ating mga doctors at health workers," ayon kay Garin. Nasa stable naman na kondisyon sa ngayon ang pasyente. Nagsasagawa na rin ang DoH ng contact tracing sa iba pang pasahero na nakasabay nito sa biyahe pag-uwi sa Pilipinas bagamat nilinaw ng mga eksperto na maliit naman ang posibilidad na nahawahan ang mga ito. Matatandaang noong Setyembre 2014 ay may isa na ring Pinay nurse na unang naiulat na nagpositibo sa MERS-CoV. Nasa Pilipinas na ito nang lumabas ang positibong resulta ng test sa Saudi Arabia. +-kalimutan But about simply accepting the fact that hindi siya para sa iyo at hindi ka para sa kanya. -# withheld upon request Good evening po. Salamat nga pala, marami na akong friends. Thank you so much! -09374088335 Understand that people will blame you for your failures or mistakes - it is normal. Rejections and criticisms are the baptism of fire that make men great and strong. Good morning po. -09287384936 Hi, I need a textmate, 40 y/o, may work only, hindi bastos at tatanggapin ang totoong ako. -09054991117 +Taong 1832 nang nagka-ideya si Morse sa electric telegraph matapos malaman ang tungkol sa electromagnetic technology. Kasama ang mga partner niyang sina Leonard Gale at Alfred Vail, gumawa si Morse ng mga telegraph prototype sa loob ng maraming taon. Noong 1843, matagumpay na nahimok ni Morse ang U.S. Congress na maglabas ng pondo para sa unang telegraph line sa Amerika, na mula sa Washington D.C. hanggang sa Baltimore, Maryland. +Sinabi ni PSC Games chief Atty. Ma. Fe "Jay" Alano na hindi na mapipigilan pa magdala man ng ulan at hangin ang bagyong Ruby ang tradisyunal na parada at panimulang seremonya kung saan panauhing pandangal ang kinikilala bilang tatay ng Batang Pinoy na si Bacolod City Mayor Monico Puentevella. +Ayon sa mga magulang ng biktima, tatlong araw na ang nakalilipas nang makagat ang kanilang anak ng isang asong may rabies at kaagad nila itong dinala sa pagamutan at tinurukan ng anti-rabies. +Kaya dumulog at kumonsulta sa kanyang abogado ang sikat na aktor kung mananatili pa ba siya sa TV network na nagpasikat sa kanya o tatanggapin ang offer ng ibang network na triple ang ibibigay na talent fee sa kanya. Katwiran daw ng sikat na aktor, hindi na siya bagets para pumayag pa rin sa talent fee na alok sa kanya ng network na kinabibilangan niya. Timing naman kasing patapos na ang kontrata ng sikat na aktor sa TV network at sa payo na rin ng abogado niya ay nag-demand siya ng taas na talent fee na ikinagulat mga bossing ng network. Matagal na negosasyon nangyari sa mga bossing network at sikat na aktor ang abogado nito. Umabot halos tatlong buwan ang habang nakaabang naman ibang network na may nakahanda na ring kontrata para sa sikat aktor, na triple nga ang offer talent fee, kapag hindi nagkaayos ang sikat na aktor network na nagpasikat sa kanya. Naging open aktor sa mga ng TV network naghihintay na ang kabilang network. Ending, kinausap mabuti si sikat ng top management ng network at ng guaranteed security ang niya bukod malaking talent hiniling nito. "Actually, ibinigay 'yung price ni _____ aktor), pero ang maganda ro'n, ang pamilya habambuhay," amin ng taong sa aktor. Nalulula kami ikinukuwento amin. Ganito kaimportante na aktor? Grabe, pala isang salita niya sa network, agad ang management. At dahil naman isang equally na aktor din iisip kung ano ang gimik niya nag-expire na kontrata niya. Ang sarap sikat, 'no, DMB? Management sumusunod sa artista nila, kesehodang management din ang nagpasikat Classic example ng pinalaking na ang nag-alaga biktima sa huli. +Ito'y habang isinasagawa ang konstruksiyon at pagpapalapad sa naturang tulay kung kayat pinayuhan ng Kagawaran ang mga motorista at bumibiyaheng publiko na bawasan pansamantala ang pagdaan dito. +Binitbit ng mga mandaragat na Espanyol ang mga pinya sa kanilang paglalakbay upang maiwasan ang scurvy, isang sakit na nagdudulot ng anemia at panghihina ng katawan. "Hala kahiki," ang tawag ng Hawaiians sa pinya, na ang ibig sabihin ay "plant of Tahiti." Taong 1900 nang magsimulang magtanim si James Dole ng pinya sa Hawaii. Itinatag naman ng Dole at Del Monte ang kanilang mga plantasyon ng pinya noong 1901 at 1917, ayon sa pagkakasunod. Noong 1920, ang prutas ang naging pinakamalaking industriya sa Hawaii. +Iniimbestigahan ng mga prosecutor si Heather Cho, anak ng chairman ng airlines, sa kasong paglabag sa aviation law at isa pang airline official sa pagsuporta sa kasinungalingang sinumpaang pahayag. +Marapat lamang na asahan ng pamilya Servando ang hindi usad-pagong na paggulong ng katarungan, tulad ng nangyayari sa maraming kasong sibil at kriminal. Naririyan pa rin, halimbawa, ang mga hazing victims na ang sinapit na kamatayan ay nasa investigation stage pa lamang, wika nga. Uhaw na uhaw na sila sa hustisya, at tulad ng laging sinasabi natin - sila ay patuloy na nagbibiling-baligtad sa kani-kanilang mga libingan. Ang kaso ni Leni Villa, halimbawa, ay tumagal ng maraming taon bago nahatulan. Ito ay dapat na rin nating ipagpasalamat. Yamang nakasampa na ang nabanggit na asunto, hindi na natin sasalangin pa ang merito nito. Pagtuunan na lamang natin ng pansin ang maka-hayop na pagpaparusa sa ilang fraternity. Lagi itong tinatampukan ng hindi makataong aktibidad na tila hindi na naglalayong paigtingin ang pagkakapatiran sa naturang organisasyon. Sa ibang salita, hindi na ito matatawag na society of brotherhood kundi society of barbarism. Tayo man ay naging miyembro rin ng fraternity - ang Delta Sigma Lambda Fraternity, society of student leader ang scholars sa Far Eastern University. Ang fraternity rites ay kinapapalooban ng tinatawag na human approach at fruitful lectures and psychological initiation. Walang gumagamit ng matitigas na bagay upang ipampalo sa mga neophytes; at makatao ang mga Masters. Naniniwala ako na hindi dapat ipagbawal ang mga fraternity. Kailangan lamang iwasan ang mga kalupitan na talagang hindi matatanggap ng lipunan. +Inihayag ng China na ang Dalai Lama, na napakupkop sa India matapos ang bigong pag-aaklas laban sa pamahalaang Chinese noong 1959, ay isang marahas na separatist. Itinanggi naman ng Buddhist monk na karahasan ang isinusulong niya, at iginiit na tunay na awtonomiya lang ang hinahangad niya para sa Tibet. +Sa ulat kay Chief Insp. Rey Apolonio, hepe ng La Paz Police, naaresto sa buy-bust sina Marivic Emas, 50; at Renato De Guzman, 66, kapwa residente ng nasabing lugar. +Samantala, nakatakdang bawiin ang suspension order kay Revilla sa Enero 31, 2015. Nangangahulugan ito na maaari nang maghain ng mga panukala o resolusyon sina Estrada at Enrile at makatatanggap na rin sila ng suweldo at iba pang benepisyo mula sa Mataas na Kapulungan, ayon kay Mejia. +Makamit ang karapatang harapin ang naunang semifinalists na Cagayan Valley at Hapee ang pag-aagawan ngayon ng mga koponang Bread Story at Cafe France gayundin ng Cebuana Lhuillier at Jumbo Plastic sa pagpapatuloy ng quarterfinals ng 2015 PBA D-League Aspirants Cup sa Fil-OIl Flying V Arena sa San Juan City. +Nagsalansan si Kyrie Irving ng 25 puntos sa Cleveland, habang nagtala si Tristan Thompson ng 10 puntos at 13 rebounds. Itinarak ng Cavaliers ang 7 puntos sa third quarter, ang pinakamababa sa season. Umarangkada ang Milwaukee sa huling bahagi ng first quarter kung saan ay itinayo nila ang 17-point lead sa unang half. Nakuha pang mailapit ng Cleveland +It's time na pakinggan mo ang problems ng iba. It doesn't mean na iso-solve mo ang mga iyon but listening is also helping. CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19] +Mauunang maghangad para sa kanilang pangalawang tagumpay ang Racal Motors Alibaba at ang AMA University Titans sa kanilang pagtutuos sa pambungad na laro ganap na alas-12 ng tanghali. Susundan ito ng pagsalang ng MP Hotel Warriors kontra Jumbo Plastic Lionelum Giants na target naman ang solong ikalawang posisyon kung saan kasalukuyan silang magkaslo ng Cafe France taglay ang barahang 3-1, panalo-talo sa likod ng mga namumunong Hapee Toothpaste at Cagayan Valley na kapwa wala pang talo matapos ang apat na laro. Sa huling laban naman magtatapat ang MJM-Builders at ang Bread Story ganap na ika-4 ng hapon. Sa nabanggit na mga koponan, may malaking problema ang MJM Builders na ka-tie-up ng Far Eastern University at naghahangad pa naman ng unang back-to-back win dahil nagkataon din na pasok sila sa elite 8 ng ginaganap na Philippine Collegiate Champions League. Halos magkasunod ang laban ng Builders at ng Tamaraws sa dalawang liga kung kaya't mapag-aalaman ngayong hapon kung paano nila hahatiin ang kanilang koponan. Alas-2 ng hapon laban ng Tamaraws kontra De La Salle University sa PCCL na gaganapin sa Yanres Sports Center sa Pasig City habang alas-4 naman ng hapon sa PBA D-League ang laban ng Builders. Ayon kay FEU coach Nash Racela, nasa MJM ang commitment ng FEU kaya't posibleng ang kanilang mga second stringers ang siyang lalaban sa Green Archers habang ang kanilang mga starters na sina Mike Tolomia, Mac Belo, Carl cruz, Raymar Jose at Achie Inigo ay sa D-League maglalaro. Gayunpaman, problema pa rin nila dahil mawawala pa rin sa MJM ang kanilang mga National University players na may laro rin sa PCCL ganap na alas-4 naman ng hapon kontra San Beda College. Nakabalik sa winning track matapos maiposte ang kanilang ikatlong panalo sa pamamagitan ng 81-65 na pagdurog sa Wangs Basketball noong nakaraang Huwebes, pinapaboran ang Giants kontra sa baguhang MP Warriors na sumadsad naman sa dalawang sunod na pagkabigo makaraang maipanalo ang ikalawa nilang laban kontra rin sa Wangs. "It will be another physical game and we just have to be wary with our execution," pahayag ni Giants coach Steve Tiu. +"Inirerespeto ko ang kanilang posisyon. Subalit hindi ko sila maaaring samahan sa kanilang panawagan," sinabi ni Bello tungkol sa hakbang ng pitong miyembro ng makabayan na patalsikin si PNoy. Isinisi ng makakaliwang grupo sa Kamara ang administrasyong Aquino sa palpak na operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) laban sa international terrorist na si Zulkifli Bin Hir, alyas "Marwan," sa Mamasapano, Maguindanao, na ikinamatay ng 44 sa SAF. "Kasi out of my sentimentality. Kasi six years ako kay Cory. Parang napaka-ungrateful ko naman," pahayag ni Bello. Inilarawan ng mambabatas ang dating Pangulo, na kanyang pinagsilbihan bilang justice secretary, bilang "pinakamabait na pangulo na kanyang nakatrabaho." "Hindi siya marunong mag-utos nagtatanong lang siya ng opinyon ko," sinabi ni Bello tungkol kay Ginang Aquino. Pumanaw si Tita Cory noong Agosto 1, 2009 dahil sa colon cancer. Matapos ang isang taon, kumandidato at nanalong pangulo ang anak niyang si Benigno Simeon Aquino III. Itinuturing naman ni Bello si PNoy bilang "impulsive" noong kabataan nito. +"Smoke from fires, which is made up of chemicals and particles from burning materials, is hazardous to health and should be avoided," sinabi ni Aileen Lucero, coordinator ng environmental watchdog na EcoWaste Coalition. Paliwanag ni Lucero, depende kung ano ang nasusunog, na kalimitan namang kumbinasyon ng pinaghalong combustible materials, ang usok ay maaaring makapagpalala ng problema sa kalusugan, partikular na sa mga paslit, matatanda at mga may sakit sa puso at baga, maging sa mga sensitibo sa kemikal. Nabatid na nagbabala ang grupo bilang suporta sa fire safety campaign ng Department of Interior and Local Government-Bureau of Fire Protection (DILG-BFP). Nababahala rin ang EcoWaste dahil napapansin nilang sa mga lugar na may sunog ay maraming tao ang nag-uusyoso at nalalantad ang mga ito sa panganib na hatid ng usok nito. Ayon kay Lucero, bukod sa carbon dioxide, carbon monoxide at dust particles, ang usok ay maaari ring magtaglay ng iba't ibang uri ng air pollutants, kabilang na ang acid gases, benzene, heavy metals, nitrogen oxides, polycyclic aromatic hydrocarbons, sulfur dioxide at persistent organic pollutants, tulad ng dioxins, na nabubuo sa pagkasunog ng mga may taglay na chlorine. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang air pollutants ay iniuugnay sa iba't ibang malalang problemang pangkalusugan, tulad ng impeksiyon sa baga, sakit sa puso at lung cancer. +Habang suportado ang kalalagdang "free tuition law," sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na dapat ikonsidera ng pamahalaan ang pagkakaloob ng subsidiya sa "small private schools" na labis na maaapektuhan. Ayon sa dating national treasurer and public finance expert, habang ang libreng matrikula ay malaking tulong, "the challenge really is the financial side which is the issue right from the beginning." +Punong-puno siya ng emosyon tuwing magsasalita sa TV, radio at lalung-lalo na sa one-on-one interviews ng pinakamamahal niyang movie reporters na siyang tunay na nakakakilala at nakakaunawa sa tunay na Robin Padilla, ang "Robinhood ng Pelikulang Pilipino." Abot-langit din ang pagpuri niya sa pagkaganda-gandang si Rina Navarro, isa sa dalawang producers ng pelikula, dahil sa paghihimutok nito nang mabalitaang inaaral niya (Robin) ang buhay ni Jose Rizal. "Hindi ikaw si Jose Rizal," sigaw ni Rina, "ikaw si Andres Bonifacio." Nakarating kay Robin ang alingawngaw ng boses ni Rina at napagtanto niyang tama ang sinasabi nito. At pinatunayan din ni Rina na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para matiyak ni Robin na siya nga ang una at huli nilang choice kapag natuloy ang pag-produce nila ng tunay na kasaysayan ng unang pangulo ng ating bansa. Kung tutuusin, angkan ng mga dating konkestadores ang pinanggalingan ng executive producers nito, pati na rin ang director na si Enzo Williams. Pero, mulat na mulat na ang kanilang mga mata na ipaalam sa lahat ang tunay na kasaysayan at hindi ang maling pagkakakilala natin sa tinatawag ni Robin na "Andres Bonifacio, Atapang Atao!" "Dito sa pelikula namin, itatama natin ang maling kasaysayan," saad ni Robin. "Ako, nalulungkot dahil marami tayong hindi alam tungkol sa sarili nating bayan, sa sarili nating mga bayani. "Tama si Madam Rina, mas malapit ang buhay ko kay Andres Bonifacio at hindi kay Jose Rizal na narito din sa kasaysayan at ginagampanan ng kaibigan kong si Jericho Rosales. "Hindi ko hihimayin ang dapat malaman ng madlang pipol dahil mas makulay kapag napanood. Makabayan at maka-Bonifacio si Direk Enzo, kahit Amerikano ang kanyang ama. Hiling niya sa mga producers na kunin niya ang serbisyo ng award-winning production team na kinabibilangan ng cinematographer na si Carlo Mendoza, production designer na si Roy Lachica, music scorer na si Von de Guzman at Hollywood stunt director na si Sonny Sison. "May 'sayad' din ang director ko, tulad ko, dahil hindi siya pumayag na hindi ibigay sa kanya ang mga kailangan para matupad ng pangarap niyang pelikula. "Actually, tulad ko, hindi lang 'sayad,' kundi may 'sapi' ang director ko, dahil, nakukuha niya ang kanyang gusto basta gastusan lang ang pelikulang magpapabago ng ating kasaysayan," patuloy ni Robin. "Hindi dahil Teen King ang pamangkin kong si Daniel Padilla, basta isasalang ko siya sa isang role para pasukin lang ng mga fans niya ang pelikula. "Itinuring ng pamangkin ko, kahit "Teen King pa siya na ang imulat din ng mga katulad niya, at kaedad niya, at magsisilbing simbolo siya, si Jasmine Curtis, Vina Morales at Eddie Garcia ang ugnayan ng kasaysayan at ng bagong henerasyon." +Sa panayam ng ESPN Deportes, inamin ni Marquez na gusto niyang lumaban sa huling bahagi ng taong 2014 pero laging sumasakit ang kanyang mga tuhod na unang napinsala bago ang kanyang laban kay dating world light welterweight champion Mike Alvarado na tinalo niya sa puntos. +Kinunan na ng salaysay ng NBI Anti-Organized Transnational Crime Division, na pinamumunuan ni Manny Eduarte, ang mag-asawang Ronel at Glenda Salvador matapos maiulat na nawawala ang kanilang unang sanggol matapos ito iluwal noong Marso 5 sa Dr. Montano Ramos General Hospital sa Quezon City. +Ito ang nalantad kahapon sa naganap na Philippine Olympic Committee (POC) General Sssembly kung saan ay nagkaroon ng bahagyang kaguluhan matapos na dumating ang liderato ng Philippine Volleyball Federation (PVF) kasama ang mga miyembro ng binuong koponan na Amihan at Bagwis. "The FIVB hereby recognizes the Larong Volleyball ng Pilipinas under the leadership of its president, Mr. Jose A. Romasanta, as the legitimate authority to govern volleyball in the Philippines, provided that the debt of USD 80,000 is paid to the FIVB on or before April 30, 2015," nakasaad sa sulat na ipinadala ng FIVB noong Marso 24, 2015. Nakatakda sanang igawad ng POC sa isinagawang General Assembly ang pagkilala sa LVPI bilang bagong national sports association (NSA) sa volleyball gayundin sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) bago ang pagdating ng PVF na kasalukuyang pinamumunuan ni Edgardo "Boy" Cantada. Pinilit ng PVF na maipahayag ang kanilang karapatan sa nasabing asembliya subalit agad silang pinigilan at hindi binigyan ng pagkakataon dahil na rin sa hindi imbitado at hindi na rin umano sila kabilang sa organisasyon. Napag-alaman din sa isang opisyal na humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) ang PVF upang mapigilan ang POC na kilalanin bilang bagong asosasyon at bigyan ng rekognisyon ang LVPI. Posible umanong mapigilan ng TRO ang lahat ng aktibidad ng LVPI sa bansa, kabilang na ang pagbuo ng koponan para sa lalahukang 28th Southeast Asian Games (SEAG). +Kaya naman masaya siya, at aminadong feeling leading man na, nang dumating siya sa second presscon niya for that day nitong Martes. Una ang presscon nila ng leading lady niyang si Valeen Montenegro para sa movie nilang The Write Moment, na ipalalabas na, produced by IdeaFirst Company at Viva Entertainment. Ipinalabas na last year ang nasabing pelikula sa Quezon City Film Festival. Kuwento ni Jerald, sa movie ay gagampanan niya ang karakter ni Dave, isang professional wedding videographer na sideline ang pagiging movie scriptwriter. Girlfriend niya si Valeen, as Joyce, na bigla na lamang siyang hiniwalayan nang walang dahilan. Hindi niya matanggap iyon, kaya naman napasulat tuloy sila ng movie script para sa kanilang dalawa ni Joyce, ang kaibahan, happy ang ending ng isinulat niyang story. Sa huli, na-realize niya na kailangan lang pala niyang sundin ang sarili niyang script para magkatuluyan sila. Ang daming hugot lines sa movie na tiyak na magugustuhan ng mga manonood. Sa direksiyon ni Dominic Lim, showing na ang The Write Moment sa Wednesday, June 27, in cinemas nationwide. May premiere night sila sa Monday, June 25, sa Robinson's Galleria. "Sa palagay ko po, sa The Write Moment ay nabuksan ang doors sa akin, na puwede pala akong maging leading man," biro ni Jerald. "Kaya very thankful po ako na in-accept nila ako, na from drama sa theatre, nagpapatawa ako. At kita poi to sa live audience sa Sunday Pinasaya ng GMA-7. "May gagawin din akong three movies, ang Nakalimutan Kong Kalimutan Ka with Alex Gonzaga at Vin Abrenica; Pangarap kong Holdup with Paolo Contis; at Mina Anod with Dennis Trillo. "Sa Real, Quezon kami magsu-shoot (ni Dennis), dahil tungkol sa surfing ang story nito. Sa August po ay mapapanood na rin ako sa Rak of Aegis sa PETA, sa third year na presentation nito." Kumusta naman ang love life ni Jerald, may gusto ba talaga siya kay Valeen? "Hindi po totoo, kulitan lang naming 'yun ni Valeen sa Sunday Pinasaya. Nagkikita pa rin kami ng French girlfriend ko, like noong minsang dumating siya, kasama ang boyfriend niya," kuwento pa ni Jerald. "Dati ay pinasusunod niya ako sa France, pero hindi ko ginawa. Sayang naman 'yung career ko rito, na medyo bumobongga na ngayon. "Mas gusto kong mabigyan muna ng magandang buhay ang pamilya ko. Gusto kong mabigyan ng bahay ang nanay ko at maipasyal siya sa ibang bansa kapag nakaipon pa ako," seryoso nang sabi ni Jerald. +Dahil sa balitang papasok na sa militar si Presley, nag-alok ng special treatment ang United States (US) Navy kasama ang Army at Air Force, kung lalagda siya nang mas maaga (nag-alok ang Navy ng "Elvis Presley Company"). +CALASIAO, Pangasinan - Naperhuwisyo ang mahigit 1,000 mag-aaral sa elementarya matapos i-padlock ang main entrance ng Buenlag Central Elementary kahapon ng umaga dahil lang sa isang petisyon kontra sa principal ng paaralan. Nabatid na ilang katiwalian ang ibinabato sa principal na si Digna Bauzon, presidente ng teachers' association sa Region 1, ng Bued, Calasiao, kabilang na ang umano'y madalas na pangongolekta nito ng kontribusyon para sa ilang proyekto. Tinagurian din siyang money maker, absentee, bukod pa sa pambabatikos sa personal nitong buhay. +Actually, isa kami sa inalukan ng ginawang ahente ng aktres sa pagbebenta ng Rolex junior size at talagang ang ganda, Bossing DMB dahil may diamonds pa sa gilid pero maski na gustung-gusto namin ay wala kaming pambili, he-he-he. Bumilang ng ilang buwan bago naibenta ng aktres ang mamahaling relo dahil maraming namahalan at ang nakakatawang parte, nalaman ng ex-boyfriend niyang nagbigay na ibinenta ng ex-girlfriend niya ang regalo niya. "Hayun, nanghinayang si _____ (aktor) kasi sana siya na lang daw ang kumuha dahil may sentimental value pala ang relong iyon na hindi lang niya mabawi nang maghiwalay sila kasi nahihiya siya. Inisip niya na itatago iyon ni _____ (aktres) dahil mahal nga, kaya naloka nang malamang ibinenta," kuwento ng source namin. +Kabilang sa mga respondent sa kaso ang 119 importer at opisyal ng iba't ibang kooperatiba ng mga magsasaka na pinangungunahan ni Lilia Matabang Cruz, alias "Leah Cruz," na tinaguriang "Janet Lim Napoles" ng Department of Agriculture (DA). Malaking bulto ng dokumento laban sa mga respondent ang iprinisinta sa mga mamamahayag sa isinagawang pulong-balitaan na pinangunahan ni Justice Secretary Leila de Lima. "The NBI's investigation revealed the presence of collusion among the Bureau of Plant Industry (BPI) Officials and importers of Vieva (Vegetable Importers and Exporters Incorporated) and that their complementary acts brought about unreasonable increase of garlic cartel activity," pahayag ni De Lima. +Hindi pa rin ligtas sa imbestigasyon si dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado kahit pa isa siya sa mga whistleblower sa umano'y overpriced na Makati City Hall Building 2 at iba pang sinasabing anomalya na iniuugnay kay Vice President Jejomar Binay, ayon kay Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano. Ayon kay Cayetano, binibigyang bigat din ng Senate Blue Ribbon subcommittee ang pag-amin ni Mercado na minsan din itong nakinabang sa korupsiyon sa Makati, kasama si Binay. +Kasabay nito, iuukit nina outgoing DepEd Secretary Br. Armin Luistro at incoming Secretary Dr. Leonor Briones ang makasaysayang pagbabalik-eskuwela nang magkasabay na bibisita sa mga paaralan ngayong araw. Personal na pangungunahan ang pagbubukas ng 2016-2017 school year, taon din ng full implementation ng Kto12 program, sa pagbisita sa Commonwealth High School, sa Barangay Commonwealth, Quezon City. Ayon sa DepEd nasa 1.2 milyong Grade 11 ang unang batch ng SHS. +Bukod sa pagsibak sa serbisyo, ipinakakansela rin ng kataastaasang hukuman ang retirement benefits ni Sahi, maliban sa leave credit, at pinagbawalan din siyang magtrabaho sa alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong administratibo na inihain ni Judge Juan Gabriel H. Alano, ng 2nd MCTC, laban kay Sahi sa pagtayo nito bilang "padrino" sa mga may nakabimbin na kaso na hiningan nito ng salapi bilang kapalit sa paborableng desisyon. +Pinakawalan ng Elasto Painters ang 19 na puntos na kalamangan sa Game 5 at isinisi ito ni Guiao sa kanilang nakagawiang mag-relax makaraang makakuha ng malaking abante. "It's very similar to Game 1. We had a good lead, we had the momentum but again it's a game of runs," ani Guiao. "The first half, we still had a good six-point lead and to me, that was still okay because I expect runs from both sides. But in the second half, again it's a question of sustaining the energy because we got outrebounded and we couldn't sustain the pace," dagdag pa niya. Sinabi ni Guiao na ang mahabang pahinga ang magbibigay sa kanila ng pagkakataon na makarekober matapos sumabak sa limang laro sa loob ng walong araw. Ang Painters, na binigyan ng three-day break ni Guiao, ay magpapatuloy ng kanilang ensayo sa Biyernes bilang paghahanda sa Game 6 sa Linggo sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City. +Sinabi ni Te na mas pinahalagahan ng SC ang kaayusan sa loob ng courtroom at karapatan ng mga partido sa desisyon nitong hindi payagan ang media coverage. Una nang iginiit ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at mga kaanak ng mga biktima sa massacre na mahalaga ang live media coverage sa paglilitis lalo pa at marami sa kanila ang hindi makakadalo sa hearing na karamihan ay nakatira sa Mindanao at isa umanong paraan ang pagkakaroon ng media coverage para masiguro na umuusad ang kanilang kaso. +Kinumpirma ng NBA kahapon na naselyuhan ni Kerr ang puwesto matapos ang 126-113 panalo ng Warriors kontra sa Houston noong Huwebes na nagbigay sa kanyang koponan ng pinakamagandang rekord sa conference hanggang Pebrero 1. +Ayon kay HRAB President Anthony de Leon, ang bilang ng turista ay base sa mga hotel accommodation sa lungsod, na naging fully booked bago ang Pasko hanggang bago sumapit ang Bagong Taon. +MINSANG naka-face-to-face ni Victor Basa ang press people sa opisina ng Cotton Club. Nauwi ang maliit na pagtitipon sa simpleng usapan tungkol sa mga paboritong isuot na underwear. Kuwento ni Victor, mas masarap matulog kung ang suot ay medyo maluwag na boxer shorts. Mas komportable at mahimbing siyang nakakatulog. At idinagdag pang "para madaling hubarin". +Ayon sa CTA, kapag tumanggi ang akusado na magpasok ng plea matapos isailalim sa arraignment proceedings ay awtomatikong ang hukuman ang maghahain ng "not guilty" plea para rito. Sinabi naman ng abogado ni Corona na si Atty. Reinhard Sanchez na hindi sila nagpasok ng plea dahil plano nilang iapela ang desisyon ng CTA na i-arraign ang dating chief justice. +Ayon sa website ng Irrawaddy magazine, kinondena ng mongheng Buddhist na si U Wirathu ang human rights rapporteur na si Yanghee Lee sa isang public rally noong nagkaraang Biyernes kontra sa boto sa UN General Assembly na nanawagang pagkalooban ng citizenship ang Rohingya Muslims sa bansa, kilala rin bilang Burma. +Positibong may coliform organism ang tubig na nainom ng mga biktima batay sa report ng water analysis ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Provincial Health Office ng Surigao del Sur. +"Kahit ako, hindi rin nagtaka sa naging aksiyon ng MTRCB," kuwento ng tanging babaeng bida ng pelikula na si Andi Eigenmann. "Kahit ang mga kasama ko sa pelikula na sina Christopher de Leon at John Estrada ay nagkibit-balikat na lang dahil pinayagan itong isapelikula, pero hindi puwedeng banggitin kung ano'ng tunay na pangyayaring naganap na pinag-usapan at kakila-kilabot na napatunayang totoong nangyari ilang taon na rin ang nakaraan." Tiyak na babalik sa alaala ng lahat kung anong trahedya itong tinatalakay sa Tragic Theater. Maging mga kasama natin sa panulat ay binanggit na naroon sila sa mismong lugar na pinangyarihan ng trahedya na may kinalaman sa industriyang ating pinakamamahal. May tanong na sasagutin ang bagong pelikulang ito ng Viva Films. Minsan pang mapapatunayan na ang katapangan ng movie outfit na ito sa pagsisiwalat ng mga pangyayari. Noong unang bahagi ng dekada '80, nauwi sa malagim na aksidente ang madaliang paggawa sa isang sinehan. Bumagsak ang scaffolding sa mataas na bahagi ng itinatayong gusali at natabunan ang mga trabahador na nagtatrabaho. Ayon sa ulat sa isang pahayagan, pito lamang ang namatay sa aksidente at ang mga ito ay nabigyan ng marangal na libing. Pero ayon sa kuwento ng mga nakasaksi, na siyang pinaniniwalaan ng marami, ang totoong bilang ng mga nasawi ay tinatayang aabot sa 150 hanggang 168 katao. Ang mas kahindik-hindik na kuwento, marami raw sa mga trabahador ay buhay pa ngunit hindi makawala sa pagkakaipit sa nagbagsakang bakal. Pero sa halip na saklolohan, iniutos daw ng isang mataas na opisyal na buhusan na lamang sila ng semento upang hindi maantala +Suddenly, marami ang hihingi sa iyo ng iba't ibang tulong. Ingat lang na huwag kang abusuhin, or else hihingi ka na rin ng tulong. SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] +Kasalo ng Elasto Painters ang defending champion Purefoods Star (5-3) sa ikatlong posisyon na kasalukuyan namang may laban kontra sa league leader Talk 'N Text sa isang out of town game sa Davao City habang sinasara ang pahinang ito. Sa kabilang dako, kabuntot naman nila ang Kings na nasa ikaapat na posisyon na hawak ang barahang 4-4 (panalo-talo), kasalo ng magtutuos sa unang laro na NLEX at Globalport. Kapwa galing sa kabiguan, ang Elasto Painters noong nakaraang Biyernes sa kamay ng San Miguel Beer, 114-129, at ang Kings sa Road Warriors noong nakaraang Miyerkules, 90-96, tiyak na magiging dikdikan ang salpukan ng magkabilang panig na naghahangad na makabalik sa winning track para makakuha ng mas magandang posisyon papasok sa 8-team quarterfinals. Base sa format ngayong mid-season conference, walong koponan ang uusad sa playoff round kung saan ay may bentaheng twice-to-beat ang top two teams kontra sa No. 8 at No. 7 squads habang best-of-three naman ang magiging hatawan ng koponang papasok sa No. 3 hanggang No. 6. May tsansa pang humabol para sa top two spots, kinakailangan ng Elasto Painters na makabalik sa winner's circle at walisin ang nalalabing dalawang laban at umasang mabigo sa huling dalawang laro ang mga nangingibabaw na Talk 'N Text at Meralco Bolts na kapwa may barahang 6-2 (panalo-talo). Una rito, maghihiwalay naman ng landas ang NLEX Road Warriors at Globalport Batang Pier na hangad makapagtala ng ikalimang tagumpay upang umangat sa ikaapat na posisyon kung saan ay magkakasama sila ngayon ng Kings. Hangad ng Road Warriors na dugtungan ang naitalang tatlong sunod na tagumpay, ang pinakahuli ay kontra sa Kings noong Marso 11 sa Ynares Sports Center sa Antipolo, 96-90. Gaya ng dati, aasahan ng NLEX ang masipag na import na si Al Thorton na nagtala ng 50 puntos sa nakaraang laban nila ng Kings kasama ng mga beteranong lokal na sina Asi Taulava, Mac Cardona, Rico Villanueva at KG Canaleta. +Dahil sa hindi mabatid na dahilan, kumuha si Llamas ng isang bolo at lumusob sa bahay ng isang Rocky Navnes sa Filemon St., Barangay San Isidro Zone-1, bago tinangay na hostage ang tatlong biktima - sina Rosalie De San Juan Navnes, 25; Ralph Ian Navnes, 15; at Macy Garcia, 21 - dakong 8:00 ng umaga. Sa pakikipagnegosasyon ng mga pulis upang sumuko ang suspek at palayain ang mga biktima, hiniling ni Llamas na makausap ang kanyang kapatid na Cristina. Matapos ang isang oras ng pakikipagnegosasyon ng awtoridad, sumuko na rin si Llamas at ligtas na pinalaya ang mga biktima. +Ang reklamo ay kaugnay ng kontratang pinasok ni Tupas at ng National Power Corporation (Napocor) na nagpapatakbo sa Green Core para sa supply ng kuryente sa loob ng apat na taon mula Setyembre 26, 2007 hanggang Disyembre 25, 2011. Inaasahan ang pagkakumpleto ng ipinanukalang konstruksiyon ng Iloilo Multi-Purpose Convention Center, ang supply contract ay nagbibigay ng karagdagang enerhiya mula 185,000kWh kada buwan hanggang sa 400,000kWh kada buwan. Dahil sa pagkakabalam ng konstruksiyon ng convention center noong Disyembre 2009, humiling si Tupas ng adjustment at pagbabawas ng contract energy mula 400,000kWh sa 17,000kWh kada buwan. Bilang tugon, ginawa ng Green Core ang adjustment para lamang sa panahong sakop ng Hunyo 26, 2010 hanggang Disyembre 25, 2011. Bilang resulta, nabayaran ang Green Core ng halagang kumakatawan sa contracted energy na 1,084,814.50kWh bagamat ang aktuwal na energy consumption ng Iloilo ay halos kalahati sa 515,180.50kWh. May kabuuang P5.88 milyon ang binayaran para sa higit na isang milyong kWh ng Green Core bagamat ang aktuwal na nagamit ng probinsiya ay nagkakahalaga ng P1.88 milyon lang. Sinabi ni Ombudsman Morales na ito ay nagresulta sa over payment ng halos P4 milyon para sa billing period ng Disyembre 2009 hanggang Abril 2010. +Tinanggap na ng Pangulo ang "personal responsibility" sa operasyon sa Mamasapano at nananatiling committed sa pagpupursige ng katotohanan at hustisya kaugnay ng insidente, ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr. "We are determined to work even harder to continually earn our people's trust and confidence," sinabi ni Coloma sa press briefing sa Palasyo. "Patuloy pa rin naman ang pagpapaliwanag, ang pagbibigay ng explanation doon sa mga aspeto ng naganap na maraming agam-agam. Hindi po itinigil 'yung proseso ng pagpapaliwanag dahil kailangan pong maunawaan ng ating mamamayan ang buong kaganapan at mabatid ang buong katotohanan," dagdag niya. Ito ang pahayag ni Coloma matapos niyang aminin na bumagsak ang approval rating ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa 38 porsiyento ngayong Marso 2015 mula sa 59 na porsiyento noong Nobyembre 2014, batay sa huling survey ng Pulse Asia. Bumaba rin ang trust rating ni Aquino sa 36 na porsiyento ngayong buwan, kumpara sa 56 na porsiyento noong Nobyembre ng nakaraang taon. Sinabi ni Coloma na ang huling rating ng Pangulo ay sumasalamin sa sentimiyento ng publiko sa operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) para hulihin ang international terror suspects sa Mamasapano, Maguindanao. Sinabi ni Coloma na inako na ng Pangulo, bilang ama ng bansa, ang Mamasapano carnage na nangyari sa kanyang termino at dadalhin ito hanggang sa mga huling araw sa Palasyo. +Kung hindi, maaring maganap ang sagupaan sa huling bahagi ng taon. "When I see the [contracts] signed, then I'll believe this fight will happen. I do not see it for May, perhaps for September," paliwanag ni Valcarcel. "But only when they sign and have the press conference with both of them...then it is done. Until then I will say that the fight won't happen." Ipinahiwatig ng WBO official na kahit nagkita ang dalawang boksingero sa laro ng Miami Heat kamakailan sa Florida, hindi siya naniniwalang matutuloy ang laban hangga't hindi sila nagsisilagda sa kontrata. +Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggagawad ng 9,278 proyektong imprastraktura ng kagawaran sa mga interesadong kontratista para sa first quarter ng 2015. +Tatlong taon ang bagong kontrata na pinirmahan niya sa Kapamilya Network noong nakaraang linggo. Very obvious na nakapag-isip siya nang husto sa US pagbalik niya sa bansa ay nag-renew agad siya ng kontrata sa network na nagpasikat sa kanya nang husto. So, hindi pa talaga niya pakakasalan si Angelica? "At this pont, kakapirma lang natin, di ba? I'd like to show my bosses na nasa top priority natin ngayon ang trabaho and gusto natin ma-achieve yung content ng kontrata, maka-deliver tayo sa pinirmahan natin, sa commitment natin sa network," sey ni Lloydie. Pero hindi naman daw nangangahulugan na isasantabi niya ang paglagay sa tahimik. Gusto rin naman daw niya 'yun pero hindi naman ibig sabihin ay magpakasal na sila ni Angelica. Aminado ang aktor na nakakaramdam na siya ng pressure sa bagay na 'yun. "I am not getting younger naman, I'm 31, imposible na hindi ko naramdaman 'yung pressure. But it's good to know your priorities and sabi nga nila, 'buti lalaki ka, kasi mas madali raw sa lalaki, di ba?' say ng aktor. +Si Bert ang naging gabay ng staff members ng naturang peryodiko sa pagsulat ng halos lahat ng anyo ng sulatin o panitikan. Palibhasa'y mga baguhan sa larangan ng peryodismo, sinikap naming isapuso at isaulo ang lahat ng kanyang tagubilin upang mahasa ang aming mga kaalaman sa pagsusulat. At ang mga ito ang tinaglay namin hanggang sa kami, kahit paano, ay naging professional journalists na rin. Mula sa pagiging patnugot ng Advocate, kaagad ipinatawag si Bert sa orihinal na Manila Times upang maging isang ganap na reporter: itinalaga sa iba't ibang beat o assignment. Hindi naglaon, siya ay ipinadala sa Vietnam upang mangalap ng mga ulat tungkol sa pagsiklab ng madugong Vietnam War. Bilang isang fearless and passionate journalist, ginawaran siya ng iba't ibang parangal, tulad ng Pamana ng Filipino Award, Presidential Award para sa mga outstanding Filipino Overseas. Mahigit nang apat na dekada nang namamalagi si Bert sa New York. At doon nga niya itinatag ang Filipino Reporter, ang peryodiko na naging behikulo ng Filipino immigrants at ng mismong mga Amerikano sa pagtatamo ng makabuluhang mga impormasyon mula sa mga bansa sa Asia, lalo na nga sa Pilipinas. Dahil dito, hindi lamang ang kanyang journalistic achievement ang kinilala kundi maging ang kanyang epektibong pagtulong sa Filipino-American community. +Sa una niyang religious service sa bansa, nabigo si Wesley sa pag-ibig, at hindi siya gaanong sinuportahan sa kanyang methodical Anglicanism. Naramdaman niya ang pagmamahal ng Diyos matapos niyang makilala ang German Moravians nang bumalik siya sa London. Nagsimula siyang magturo sa mga bakanteng lugar matapos siyang pagbawalang magbahagi ng salita ng Diyos sa mga simbahang Anglican. Noong 1739, gayunman, ay dumistansiya si Wesley sa Moravians, ngunit nanatiling Anglican. Pormal nang tumiwalag ang mga Methodist sa Church of England noong 1795. Tinuturuan ng Kristiyanong sekta ang mga mananampalataya na mamuhay nang simple. +Tuloy ang pagiging alkalde ng Lungsod ng Maynila ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, matapos ibasura ng Korte Suprema ang disqualificaton case laban sa kanya kahapon. Sa botong 11-3, binigo ng Supreme Court (SC) ang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng pagtakbo ni Estrada sa presidential race noong 2010 kahit ito ay sinintensiyahan na sa kasong plunder noong 2007. +"As chair of the Senate peace, reconciliation and unification committee, and as a senator from Mindanao, I am calling today for the creation of truth commission which will conduct a thorough and impartial probe on the massacre of more than 40 members of our elite Special Action Force Unit of the Philippine National Police in Mamasapano, Maguindanao. It will be a cruel injustice if the truth behind the incidents that led to their death is not uncovered," ani Guingona. +Kung patuloy na iinit ang isyu sa kustodiya ni US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, na itinuturong pumatay sa isang Pinoy transgender sa Olongapo City noong Oktubre, ipaiiral pa rin ng mga opisyal ng US government ang diplomasya bilang pagbibigay-halaga sa "sensibilities at sensitivities" ng mga Pinoy. Ito ang inihayag ni US Ambassador to Manila Philip Goldberg sa telebisyon habang idinedepensa ang desisyon ng gobyerno ng Amerika na panatiliin ang kustodiya ni Pemberton sa Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) compound sa Camp Aguinaldo, Quezon City. +Ang tatlong naarestong tulak ay sina Albert Cambay, 18, estudyante; Joel Martinez, 22, helper; at Felizardo Puno, 43, residente ng Mapagbigay St., Barangay Pinyahan, Quezon City. +Sinabi ni PSC Planning and Research chief Dr. Lauro Domingo Jr. na dinumog ng text messages ang ahensiya mula sa mga lumalahok sa kada Sabado at Linggo mga aktibidad upang agad na masimulan ang programa kung saan itinuturo ang zumba, arnis, badminton, chess, football, volleyball, karatedo at taekwondo. +"These people are the ones who need the applause. Kasi eversince I started, sila talaga 'yung nagpu-push sa akin," pahayag ni Jed na namumuo ang luha habang nagkukuwento sa video na napanood sa YouTube (in-upload ng isa niyang supporter). "Last month, nawala 'yung boses ko and nobody was there," dugtong pa ng biriterong singer. "Siyempre, 'yung pamilya ko sa Iloilo, they kept calling but it was different. Sina Tito at Tita were there beside me every step of the way. So thank you." Pagkatapos ng kanyang matinding pagsubok ay blessed ang pakiramdam ni Jed dahil isa siya sa mga inimbitahang kumanta sa "Encounter With The Youth" during Pope Francis visit sa University of Santo Tomas last Sunday. At mukha ngang blessed na si Jed dahil okay na ang kanyang boses nang kantahin niya ang Light of A Million na sinabayan ng palakpakan mula sa libu-libong dumalo sa event. +Ang Wizards ay may 61 porsiyento mula field sa second half, at nagtapos na 13-of-26 mula sa 3-point range. Umiskor ang reserve na sina Rasual Butler at Bradley Beal ng tig-14 puntos para sa Wizards, na nanalo ng tatlong sunod at lima sa kanilang huling pitong laro. Ang 3- pointer ni Ramon Sessions ang nagbigay sa Washington ng kanilang unang tikim ng kalamangan, 89-88, may 10:11 natitira. Nagtala si Butler ng limang sunod upang iangat ang bilang sa 94-88 at ang sumunod na 3-pointer ni Wall ang tumapos sa kanilang 16-0 run. Nagtala si DeMarcus Cousings ng 30 puntos para sa Kings bago nag-foul out may 5:34 pang nalalabi at nagkasya na lamang na panoorin si Wall, ang kanyang kakampi sa Kentucky, na maipanalo ang laro. ''We want to beat one another, we want to be able to go back later on in the summer and talk trash about it,'' ani Cousins. ''He had an incredible performance. He came out and led his team in the second half.'' Ang Kings, naglaro sa kanilang ikalawang back-to-back, ay nagtapos na 2-6 sa kanilang eight-game road trip. ''Maybe we got a little tired,'' ayon kay Kings coach George Karl. ''Our defense was a step slow, a second behind, whatever you want to say, but we were very ordinary at both ends of the court probably.'' Kapwa naglaro ang dalawang koponan na wala ang kani-kanilang starting forwards. Si Rudy Gay (left patellar tendon strain) ay naupo para sa Sacramento, habang si Nene ng Washington (personal reasons) ay wala sa ikalawang sunod na laro. Si Wall, na nagbuhos ng 15 puntos sa third quarter, at Pierce (12) ang nagpaapoy sa kanilang 19-2 run na naglapit sa kanila sa 79-77 sa huling 2:45 ng quarter. Ang 3-pointer ni Wall ang tumapyas sa abante ng Kings sa 85-84 matapos ang tatlong yugto. +Si Morales, ang 3rd Fil-Am Criterium awardee, ay napasama sa tatlo-kataong Philippines Track Cycling Team na ang hangad ay masungkit ang mga medalya at maging ang importanteng mga puntos para sa nakatayang silya sa gaganaping 2016 Rio de Janeiro Olympic Games. Agad nakakubra ng Olympic qualifying points si Morales bunga sa pagwawagi ng medalyang pilak sa paboritong men's elite scratch event habang nasiguro rin nito ang isang silya para sa paglahok ng pambansang koponan sa nalalapit na 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16. Napantayan ni Morales ang huling nagwagi ng pilak sa internasyonal na torneo na ACC sa road race na si Arnel Quirimit at sa track scratch race na si Paulo Manapul sa men's division. Ang 29-anyos na mula sa Marikina ay pumangalawa kay Benham Khalilli-Khos-Roshani ng Iran sa 15 kilometrong karera na nilahukan ng matitinding 12 riders. Maliban sa kanyang unang hakbang tungo sa Rio de Janeiro Olympic, pinutol din ni Morales ang 14 na taong pagkauhaw ng bansa sa medalya sa torneo o noong 2001 ACC sa Kaohsiung, Taiwan. Si Morales, na naging multi-stage winner sa Ronda Pilipinas, ay umatake sa huling tatlong lap matapos na bantayan ng kanyang mga kalaban, partikular ang tinanghal na Incheon Asian Games medalist na si King Leuk Chong. Sinandigan ng miyembro ng Philippine Navy Standard Insurance ang kanyang kahusayan bilang 1-kilometer time trialist kontra sa malamig na panahon sa Thailand upang biguin sa huling hiritan ang mga kalaban na mula sa Korea, Taiwan at Iran. +Noong unang panahon, ang mga traffic signal ay gumagamit ng lighting schemes, armatures, at gas lamps. Bago pa man ang imbensiyon ni Sirrine, mayroon nang ilang traffic signal system sa ibang mga lungsod sa Amerika at United Kingdom. +WALA na talagang kumabog sa The Amazing Praybeyt Benjamin bilang top-grosser sa nakaraang MMFF. Kumita ng P415-M sa takilya ang pelikulang ito nina Vice Ganda at Bimby Yap at nasa top 2 naman ang Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin kaya nagkaroon ng double thanksgiving party ang Star Cinema last weekend for their big success. +ISA kami sa mga nagulat nang ipahayag ni Coach Bamboo noong Linggo na hindi na mapapasama sa finals ang isa sa contestant ng The Voice of the Philippines 2 na si Joniver Robles. "Dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon, I'm sad to announced that Joniver Robles will not be going forward in the competition. His journey on the show ends here today," sabi ni Bamboo. "After much deliberation, napag-usapan ni Joniver at ng programa na it's best for him not to continue with the show, due to personal reasons." +Sinabi ni government chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer na tatalakayin din ng dalawang grupo ang planong paglilipat ng unang batch ng armas sa International Decommissioning Body (IDB) na siyang mangangasiwa sa pagsusuko ng mga baril at pagbibigay tulong sa kanilang pagbabagong buhay bilang mga ordinaryong sibilyan. Itinalaga ang IDB na magbigay seguridad sa mga isinukong armas na ilalagay sa isang weapon storage area. Ang IDB ay binubuo ng isang personalidad mula Turkey, iba pang eksperto sa baril at bomba mula Norway at Brunei. "Ang signatories dito sa protocol implementing guidelines (ay) yung panel chairs, ang chair ng IDB at tsaka yung facilitator ng Malaysia," ayon kay Ferrer. +Ayon sa pulisya, matapos paslangin ang biktima ay nagbaril din sa sarili ang suspek na si Argie Basan, 32, may-asawa, at security guard ng Golden Meadows Subdivision sa nasabing lugar. Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabalit na naglalakad ang biktima kasama ang kanyang misis sa loob ng nasabing subdivision nang lapitan at barilin ni Basan. Pinagsabihan ni Basan ang negosyanteng misis ng biktima na tumakbo palayo ng crime scene at Pagkatapos ay nagbaril din sa ulo ang sekyu. Narekober sa crime scene ang isang cal. 38 revolver, dalawang bala at tatlong basyo. +CLEVELAND (AP)- Ang sold-out arena ay napuno ng 20,000 fans na suot ang kulay gintong mga T-shirt. Mayroong national TV audience, dalawang high-profile teams at All-Stars na nasa loob ng court. +MAITUTURING na collector's item ang wedding invitation ng tinaguriang Royal Couple ng GMA Network na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Alam mong pinag-isipang mabuti ang pagbuo ng imbitasyon na ipinamigay nila sa kanilang invited guests. Para lamang sa reception sa Arena ng SM Mall of Asia ang imbitasyon. +Ayon sa abogado ni Bobby Brown, ama ni Bobbi Kristina, maaaring bumisita ang asawa nito na si Nick Gordon kung papayag ang ama at gagawin ang isang kondisyon. +Sinabi ni Salgado na mananatili ang mga tagasuporta ni Binay sa quadrangle hanggang ngayong Lunes. "Around 2,000 supporters of Mayor Binay are now at city hall quadrangle because of confirmed reports that the camp of Vice Mayor Pena will attempt to enter main building on Monday, after the flag raising ceremony," saad sa text message ni Salgado. Kapag itinuloy ni Pena ang kanyang plano, sinabi ni Salgado na ito ay lantarang pagsuway sa temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Court of Appeals (CA) laban sa anim na buwang suspensiyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman kay Binay. Kinumpirma ni Salgado na nananatili si Binay sa tanggapan nito sa city hall sa kabila ng tensiyong namumuo hinggil sa isinilbing suspension order laban dito. Nitong nakaraang linggo, naglabas ng memorandum si Pena sa lahat ng opisyal ng pamahalaang lungsod na kilalanin siya bilang acting mayor ng Makati City. +Lumiham noong Huwebes ang DTI sa mga manufacturer upang pakiusapan ang mga ito na magpatupad ng price rollback sa mga produkto upang makinabang naman ang mga mamimili sa epekto ng mababang presyo ngayon ng petrolyo. +Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ni Association of Barangay Captains Chairman Magno Reyes; at mga konsehal na sina Janeem Reyes, at Elmer Aguirre, na nag-akusa kay Palencia ng ilegal na pag-oorganisa ng apat na pasabong sa loob ng municipal gym noong Pebrero 2014 para sa umano'y personal na interes. Sa kanyang depensa, sinabi Palencia na ang pasabong ay bahagi ng mga aktibidad para sa ika-73 anibersaryo ng Banga na inaprubahan ng Sangguniang Bayan. "This Office finds no sufficient basis to criminally fault respondent Palencia for his action. There is no probable cause to indict respondent for violation of Anti-Graft and Corrupt Practices Act," ayon sa resolusyon ng Ombudsman. +Ang viral hemorrhagic fever ay unang natuklasan sa isang gubat sa rehiyon ng Guinea sa unang bahagi ng taon bago kumalat sa kalapit na Liberia at Sierra Leone kung saan may pinakamataas na bilang ng nahawahan, ayon sa WHO. Sa kasalukuyan, wala pang nade-develop na pamuksa sa naturang virus. Kaya naman doble ingat ang ating pamahalaan sa pagku-quarantine ng ating mga umuuwing kababayan. Umaasa na lamang tayo sa galing ng mga kinauukulan. +Isinapelikula ang teribleng 1912 Titanic maiden voyage, nang lumubog ang barko sa north Atlantic Ocean matapos sumalpok sa isang iceberg. Bida sa pelikula sina Leonardo DeCaprio bilang Jack Dawson at Kate Winslet bilang Rose DeWitt Bukater. Aabot sa $200 million ang nagastos sa pelikula, mas mahal kumpara sa karamihan ng ibang pelikula sa kasaysayan ng Hollywood. Kinunan ang pelikula sa Mexico, at ilan sa cast at crew members ang nagreklamo dahil kinailangang tuluy-tuloy na magtrabaho nang mahigit 20 oras, habang tinitiis ang lamig sa dagat. +Sa pangunguna ng presidente ng UFCC na si Rodolfo Javellana, pinangalanang respondent sa petisyon ang Department of Transportation and Communication (DoTC), Metrorail Transit Corporation (MTC) at Light Rail Transit Corporation (LRTC). Hiniling ng grupo na magisyu ang hukuman ng Temporary Restraining Order (TRO) na pipigil sa pagpapatupad ng DoTC Department Order No. 2014-014 na nagdedeklara ng fare hike sa LRT at MRT. Nais din nilang ideklara na unconstitutional ang kautusan. +Nobyembre 22, 2011 nang natagpuan ang batang si "Joey", noon ay limang taong gulang, sa Perpetual Village sa Barangay San Martin de Porres sa Paranaque City. Mula sa pulisya, inilipat ang kostudiya ng bata sa DSWD, na simula noon ay nag-aruga sa paslit. +Manatiling nakaluklok sa liderato ang tatangkain ngayon ng reigning champion Purefoods sa pagsagupa sa NLEX sa pagpapatuloy ng elimination round ng 2015 PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum. Habang sinusulat ang balitang ito ay nasa 3-way tie sa unahan ang Star Hotshots, Barako Bull at Meralco Bolts na may laro kahapon kontra sa Rain or Shine na pawang nagtataglay ng kartadang 3-0 (panalo-talo). +Ayon sa report ni PO1 Diana Siscar, Disyembre 14 nang inaresto ang suspek dahil sa pangmomolestiya umano sa isang dalagita. Dakong 5:00 ng hapon noong Sabado, kumukuha umano ng tubig ang biktima nang isama ng suspek sa bahay nito at doon umano minolestiya. Tinakot umano ng suspek ang dalagita kaya hindi ito nagsumbong sa ina. +Nagsimula ang munisipyo ng Calaca na maglagay ng Christmas display noong nakaraang taon mula sa ideyang bigyan ng pag-asa ang mga nabiktima ng bayong Yolanda. Sa halip na ilayo sa mga empleyado at mga taga-Calaca ang kasiyahan ng Pasko dahil sa malakas na bagyo, naging inspirasyon nila ang mga taong hindi nawawalan ng pag-asa sa kabila ng sakuna. Naglagay sila ng White Christmas Display noong nakaraang taon na naipalabas sa iba't ibang TV networks. Kaya ngayong Disyembre, pagkaalis ng bagyong Ruby, inilagay din nila ang bagong display na sadya nang nakaplano bago pa man magkaroon ng bagyo. Bawat palapag ng munisipyo ay may kani-kaniyang toka at gastos sa Christmas display na tanging 'pride' ang premyo "Pagdating ng hapon mga bandang 6:00 PM, nakaabang kami sa harap ng munisipyo, tinitingnan namin kung kaninong display ang maraming pumupunta at nagpapakuha ng picture, asaran na kami kung kaninong display ang dinudumog," masiglang kuwento ni Mayor Ona. +WELL-LOVED pala talaga ng mga taga-production si Kim Chiu dahil marunong makisama sa mga katrabaho mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang posisyon. "Saludo kami sa ugali ni Kim," kuwento ng kaibigan namin na ilang beses na niyang nakatrabaho. "Minsan barubal makipag-usap kasi diretso lang magsalita, lalo na yata 'pag iniinterbyu ng press, pero lahat ng katrabaho niya sa production walang masabi sa kanya, sobrang bait talaga. +Nagdagdag si Klay Thompson ng 29 puntos para sa Warriors, na ang franchise-long winning streak ay kinabibilangan ng club-record na 10 sunod na road victories. ''This winning streak feels great and we don't want it to end any time soon,'' ani Thompson. Umiskor si Tyreke Evans ng 34 puntos para sa Pelicans bago nag-foul out may tatlong minutong natitira sa overtime. Gumawa naman si Jrue Holiday ng 30 puntos, nine assists at limang steals para sa New Orleans, na naglarong wala si Anthony Davis ngunit nakalamang pa rin sa 107-99 sa huling 4:16 ng regulation. ''Our guys fought their tails off tonight. We just came up short,'' saad ni Pelicans coach Monty Williams. ''To have a chance to win against the best team in the league says a lot about our guys.'' Si Andre Iguodala ay nagkaroon ng season-high na 20 puntos habang nakaiskor si Shaun Livingston ng 12 para sa Golden State. Matapos hindi makakuha ng isang field goal sa last quarter-and-a-half of regulation, binuksan ni Curry ang overtime sa isang pull-up jumper. Sinundan ito ni Draymond Green ng kanyang three-point play mula sa isang driving lay-up nang ma-foul ni Ryan Anderson. Nagpakawala si Curry ng isang 3-pointer mula 26 feet at makaraan ang ilang possessions, sinundan nito ito ng isa pa. Naipasok ni Marreese Speights, na nagtapos na may 10 puntos, ang isa sa dalawang free throws sa huling 43.5 segundo ng fourth quarter upang itabla ang bilang sa 111. Hindi na nakaiskor ang dalawang koponan hanggang matapos ang regulation. Ang game-winning attempt ni Evans sa buzzer ay minadali at off-balance. +"Tita ko ang nagma-manufacture, meron din kaming lotion, revitalizing toner, cream soap. New product business for 2015," banggit pa ni Chic-chic (tawag namin kay Gladys). Subok na rin daw niya ang nasabing mga produto dahil siya mismo, at pati na ang mga miyembro ng pamilya niya, ang unang gumamit ng mga ito. Bukod sa kalusugan, maingat at maalaga si Gladys sa kutis niya na siyempre isa sa mga puhunan niya kung bakit hanggang ngayon ay nasa showbiz pa rin siya. "More exercise and be healthy ang New Year's Resolution ko ngayon," sey pa ni Gladys. Sa totoo lang naman, isa sa may pinakamagandang kutis sa mga artista si Gladys. Pantay na pantay ang kulay ng balat niya na lagi niyang ipinagmamalaki sa amin noon pa dahil ginagamitan daw siya ng kalamansi ng nanay niya sa buong katawan niya. Naghahanap ngayon si Gladys ng mga distributor at reseller ng sabon na aniya'y very effective dahil kitang-kita ang epekto nito sa kanyang makinis at maputi na balat. Busy pa rin siya sa career niya at nadagdagan na naman ang pagkakaabalahan niya. Bukod sa pagiging active member ng MTRCB, siya pa rin ang executive producer ng Moments show niya sa Net 25, isa pa rin siya sa hosts ng Basta Everyday Happy ng GMA-7. +Si Paterno ay naging senador mula 1987 hanggang 1992. Naging Deputy Executive Secretary for Energy naman siya ni dating President Cory Aquino mula 1986 hanggang 1987; Chairman ng Board of Investments mula 1970 hanggang 1974; Minister of Industry (1974-1979); Minister of Public Highways (1979-1980) noong panahon ni dating Pangulong Marcos, at Founding chairman ng Philippine Seven Corporation noong Oktubre 1982. +Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator ng limang taxi unit na hinuli ng ahensiya makaraang mapatunayan na hindi sumunod ang mga ito sa direktibang bawasan ng P10 ang flagdown rate ng taxi. +Sinabi ni Solinap na mas maraming Visayan cyclists ang magkakaroon ng pagkakataon na mapasabak at makuha ang oportunidad na makahanap ng koponan para makapagpartisipa sa isa sa dalawang stage na gaganapin sa eliminasyon para sa Mindanao, Visayas at Luzon. Ipinaliwanag nito na mas maraming provincial teams na tulad ng Negros ang kaya nang ngayong lumahok sa Ronda dahil hindi na nila kailangan na maghanap ng P200,000 entry fee at kailangan na lamang gumastos para sa araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga siklista sa pinakapinal na yugto. Umaasa ang Team Negros sa kanilang unang napiling miyembro na sina Arjay Fuentes, Edwin Nacario, Ederson Loren, Roy Carboneta at magkapatid na Junvie at Jaybop Pagnanawon na makapasa sa eliminasyon kung saan ay matagal na silang nagsasanay sa ilalim ni dating Tour champion at ngayon ay coach na si Rolando Pagnanawon. Hangad ng Team Negros, na magpapartisipa sa Mindanao at Visayas trials, na makumpleto ang kanilang komposisyon sa pagkakadagdag ng talento na eksaktong kakasa sa sistema ng koponan. +IBINIBIGAY po sa akin, hindi ko hinihingi ang bridal shower," natatawang sagot ni Marian Rivera nang biruin kung pang-ilang shower na niya ang ibinigay ni Dra. Belo noong Biyernes sa Il Terrazo in Quezon City. "Pang-anim na po ito na mga kaibigan at mga taong nagmamahal sa akin ang nagbigay. Nang sabihin sa akin ni Dra. Vicki bibigyan niya ako ng bridal shower ang ko, 'salamat Dra. Vicki', sagot niya sa akin, ka pa ba p'wedeng mag-practice tawagin ninang?' Kaya p'wede ko bang tanggihan offer ng isa sa mga ninang namin ni Dong Dingdong Dantes)?" +ALIW na aliw kami sa Ultimate Showdown ng finalists ng Kalokalike Grand Finals sa Showtime last Saturday. Nang una naming napanood ang Vice Ganda from Davao City, Daniel Aliermo ang tunay na pangalan, may kutob kaming malaki ang chance niyang manalo. Kasi nga, it was like seeing double dahil kinarir niya nang husto ang panggagaya sa real Vice Ganda mula sa kilos, taas, pananamit at hanggang sa ayos ng buhok. Sa timbang puwedeng magkatalo dahil slim si Vice. +Pagkagaling sa state dinner ay dumaan pa siya sa St. Luke's Hospital sa The Fort para dalawin si Jam Sebastian na matagal nang may request na makita sila ni Vice Ganda. Matatandaang si Vice lang ang nakadalaw two weeka ago dahil laging super busy si Kris kaya nitong Huwebes lang siya nakadalaw. Ito ang post ni Kris sa kanyang Instagram account na @withlovekrisaquino: "It was a long day & night. I received several texts from Gretchen Fullido regarding Jam. Immediately after Malacanang, I went to St. Luke's, I didn't want to waste time changing so I went in my gown because the texts' urgency was evident. "Tonight I had the privilege of meeting a mother whose LOVE for her two sons mirrors mine. Mommy Maricar was so appreciative of my effort & I realized all of us mothers will be grateful for kindness shown to our children. +Ito ang naging babala ni Vice President Jejomar C. Binay kasabay ng tagubilin na mga opisyal ng pamahalaang Aquino na alinmang kasunduang pangkapayapaan na papasukin nito ay dapat naayon sa umiiral na batas partikular sa Konstitusyon. "I am hoping and praying that we can have lasting peace. Ang giyera, kailangan iwasan. Pagka-giyera, may namamatay. Pero, it must be peace with justice. Bastat tama lang. At saka 'yong magiging kasunduan ay in consonance with our laws, particularly the Constitution," pahayag ni Binay sa panayam matapos ang isinagawang mass wedding sa Mandaue ng Pag-IBIG. Muling nanawagan ang Vice President sa pagbuo ng independent fact-finding commission na mag-iimbestiga sa insidente para maalis ang lahat ng hinala ng cover-up o pagtatakip sa tunay na resulta sa pagsisiyasat. "Ang dami-dami kasing mag-iimbestiga eh. Walo yata. Sana, ito sinasabi ko noon, sana magkaroon ng independent commission,"dugtong ni VP. Samantala, kinontra din ni Binay ang panawagan sa pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Aquino. +Hiniling din nito sa hukuman na bigyan sila ng sapat na panahon upang maisumite ang dokumento sa korte dahil karamihan aniya sa mga ito ay confidential alinsunod na rin sa mga batas sa bank secrecy at anti-money laundering. Agad namang tinutulan ito ni Paul Arias, abogado ni Senator Jinggoy Estrada kung saan sinabing binigyan na sila (ALMC) ng sapat na oras upang maihanda ang tinutukoy na dokumento at maaaring magpapaantala lamang ito sa pagdinig. Ibinasura ng anti-graft court ang argumento ni Arias at sinabi ng korte na humihingi lamang ng karagdagang panahon ang AMLC upang maiprisinta ang dokumento. +Si Senator Miriam Defensor Santiago, chairperson ng Senate constitutional amendments committee, pa rin ang pinakamaimpluwensiyang senador sa social media. Ito ay makaraang dumoble ngayong buwan ang followers ng kanyang mga Facebook at Twitter account kumpara sa kaparehong panahon noong 2014. +Dininig ng sala ni Olongapo City RTC Judge Roline Ginez-Jabalde ang apat na mosyon na inihain ng dalawang kampo, kabilang ang suspensiyon ng arraignment ni Pemberton. Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ng pamilya Laude, nagbabanggaan ang dalawang kampo sa kani-kanilang mosyon na may kaugnayan sa usapin ng kostudiya ni Pemberton at kung papayagan ang media coverage. Iginiit ni Roque na karapatan ng publiko na malaman ang mga kaganapan sa pagdinig sa kaso, tulad ng live coverage sa Maguindanao massacre case, na nililitis ang ilang miyembro ng maimpluwensiyang pamilya Ampatuan. Nakasaad din sa mosyon na inihain ni Roque na ilipat si Pemberton sa regular na piitan dahil ang sundalong Amerikano ay nananatili sa kustodiya ng Amerika kahit pa nahaharap ito sa reklamong pagpatay sa Olongapo RTC. +Nagsimula ang usaping ito kay Sir Brian Vickers nang minsang dumalaw siya sa isang unibersidad sa London. Ayon kay Vickers, mali ang pahayag sa librong Times Literary Supplement na ang sonnet 116 ay isinulat na may "primarily homosexual content", ayon sa ulat ng Daily Star. +Naglaro si Federer sa buong Davis Cup noong nakaraang taon, kung saan tinalo ng Switzerland ang France, 3-1, sa final. Ang Davis Cup ang natatanging major competition na hindi pa noon napapanalunan ng 17-time Grand Slam champion. +PAREHONG kampeon sa mixed martial arts. Kapwa may malasakit sa Pinoy fighters. Ang nagkakaisang damdamin ang nagtulak kina Burn Soriano ng Hitman MMA at Irishman Laurence Canavan ng Cage Gladiators upang magbigkis at itatag ang Cage Gladiator: Fight Night na naglalayong pataasin ang level ng kompetisyon sa local MMA at mabigyan nang sapat at maayos na pagtrato ang mga fighters. "Local MMA, we have been here since 2007. We've seen a lot of abuses on the part of the fighters. So when I met Laurence we decided to unite and promote MMA, level up the sports and help our local fighters," pahayag ni Soriano, isa sa kilalang Pinoy fighter na nagtagumpay sa international MMA promotion. "We are here for the fighters and that is the truth. We do these events for the fighters," sambit ni Soriano. Hindi naman estranghero sa kalagaran ng sports si Canavan na naninirahan sa bansa nang mahigit 15 taon. Ang dating rish Ranger 2nd Regiment Cobra Coy Division member ay isang undefeted military kickboxing champion. "I've seen some of the local organizations ran by Filipinos using these young fighters to make off of their blood and sweat," pahayag ni Canavan. "They're actually charging their own fighters to fight in their own event. That is outrageous." Ikinalulungkot ni Canavan ang pang-aabuso sa mga fighters na nagnanais na magkaroon ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang talento. "The fighters are charges with P1,000 and the event would also charge 750 pesos as audience entrance fee.That's tantamount to abuse," aniya."We hope there would be a regulatory body to step here at some stage and stop this from happening." Sa tambalan nina Soriano at Canavan, target ng dalawa na makapag-promote ng maraming event para mas mabigyan ang mga fighters nang tam,ang venue at makamit ang tamang kabayaran sa kanilang sakripsiyo sa mahabang pagsasanay. "I believe in giving back to the community. I've done a lot of programs for the poor children like feeding programs, but one of my passions is really MMA. When I found out about the fighters here, and I started to take a closer look at the fighters, we really have a deep talent pool in this country for MMA. Eventually I find out that there's no assistance for them, so I formed a non-profit organization," pahayag ni Canavan. Pinaka magagawa namin ngayon is to support the up-and-coming fighters. Tapos gumagawa kami ng palaro, inaayos namin, Kinocompensate namin sila ng maayos. We make sure na safe sila, may mga taga-medical, lahat. At saka may mga programs kami na tumutulong kami sa mga nangangailangan para maiwas sila sa mga bisyo, through MMA sports," pahayag naman ni Soriano. Sa tambalan ng dalawa, higit na napataas ang kalidad ng MMA, habang nabibigyan ng pagkakataon ang maliliit na fighters na makaahon mula sa grassroots level. Sa ikatlong edisyon ng binuong Fight Night nina Soriano at Canavan nitong Abril 14 sa Skydome sa SM North EDSA, itinampok ang pinamahuhusay na local at Korean fighters. "I'm so happy. All of the fans enjoyed the fight, and all of the fighters will get compensated and that's what we want. We are gonna go every month. We are going to do it. I want everyone to be happy, from the fighters, to the crowd, to everyone involved," said Soriano. +Pero gusto ba ng mga OFW na umalis ng Yemen? Anang isang ulat, hindi nagpaparamdam ang mga OFW ng kanilang pagnanais na takasan ang gulo sa Yemen. Gayunman, ipinarating ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz sa mga recruitment agency ng mga OFW sa Yemen ang planong repatriation. Ani Baldoz, nakipagpulong ang Philippine Overseas Employment Administration sa mga recruitment agency upang talakayin ang posibilidad na sagutin nila ang gagastusin sa repatriation ng mga OFW na kanilang ipinadala sa Yemen. Noon pa kasing Pebrero na ipinagbawal na ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Yemen dahil sa matinding kaguluhan. Kawalan ng trabaho rito sa Pilipinas ang dahilan kung bakit mahirap himukin ang ating mga kababayan na pauwiin sila. Mas nanaisin pa nilang tiisin ang kaguluhan sa pag-asang mapapawi rin ito kalaunan kaysa umuwing nakanganga at walang makain, dilat sa gutom at walang pag-asa. +PINADAPA kaagad ng Dream Dad nina Zanjoe Marudo at Jana Agoncillo ang katapat nitong programa sa GMA-7 sa una at ikalawang gabing palabas nito. Sa viewership survey ng Kantar Media noong Lunes (Nobyembre 24), naging number one TV program agad sa buong bansa ang pilot episode ng Dream Dad sa national TV rating na 29%. Katorse puntos ang lamang nito sa katapat na programa sa GMA na More Than Words(15.5%). +"Maghahain kami ng alarm and scandal case sa korte habang nagsasagawa ng search operation sa mga baril na ginamit sa indiscriminate firing, gaya ng nakita sa Facebook," sabi ni Felix. Ang mga bala at baril na ginamit sa kanilang pagpapaputok noong Bagong Taon ay lumabas noong Enero 1 sa Facebook account ni Philip Andrew o Drew Lutchina, ng Barangay San Antonio, Narvacan, Ilocos Sur noong Enero 1. Sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na inaalam na nila ngayon kung may lisensiya o wala ang mga ginamit na baril ng mga suspek. +Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, ang paglalaan ng pondo para sa mga sasakyan ng mga law enforcement ay malaking bagay sa pagmamantine ng peace and order sa Caloocan City. Ang 10 ay gagamitin ng South Caloocan Police, habang ang natitira ay dadalhin sa North Caloocan Police, na may mataas na antas na krimen. Nagpapasalamat ni P/Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan Police, sa mga ipinamigay na sasakyan ng alkalde. Idinagdag na walang dahilan upang magtamad-tamaran ang kanyang mga tauhan, gayung todo-supotra ang local government sa kanila. Sa kasalukuyang may 780 pulis ang Caloocan Police kaya tumatayo sa 1: 1, 983 ang police-to-resident ratio na malayo sa ideal na 1: 500 ratio. +"I thank you wholeheartedly, for the witness of faith and endurance which your people showed me in the midst of their trials. I will never forget this -- may the Lord never permit me to -- and I will keep them in my prayers," saad sa liham ni Pope Francis na agad niyang isinulat pagbalik niya sa Rome, Italy mula sa limang araw niyang pagbisita sa Pilipinas nitong Enero 15-19. Ang liham ay may simpleng lagda na 'Francis.' Nagpahayag din ng kalungkutan ang Santo Papa na dahil sa napakalakas na hangin at ulan na dulot ng bagyong 'Amang' ay napilitan siyang iwan agad ang Leyte, na mismong sinadya niya sa papal visit Matatandaang sa press conference sa Vatican Accredited Media sa kanyang biyahe pabalik sa Rome mula sa Metro Manila ay inamin ni Pope Francis na ang pinaka-makabagbag-damdamin sa kanyang pagbisita sa Pilipinas ay ang pagmimisa niya sa Tacloban City. +"We are saddened by this horrific event that has once again cast Muslims as rampaging over-zealous demagogues, belying the fact that a vast majority are peaceful, law-abiding members of their respective communities. "While many would take offense at the satirical lampooning characteristic of the Charles Hebdo magazine, no one could countenance the brutal massacre in Paris last Wednesday. Such violent intolerance contravenes the precepts of Islam, which values the sanctity of human life," diin ng PCID sa kanilang pahayag. "There are other venues to vent our vehement disgust or raging fury over the pointed mockery of our beliefs or the cavalier treatment of our spiritual icons. We no longer take umbrage through the strength of our fists and the edge of our swords. +"Marami na ang humihiling na isagawa uli kaya napilitan kami na agahan kahit hindi pa natin naaasikaso ang lahat at wala pang suporta para sa operational natin," sinabi ni Domingo. Dapat sana'y sa Pebrero 6 pa sisimulan ang aktibidad sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite ngunit agad na isinagawa ito noong Enero 30 dahil na rin sa mga nakiusap, gayundin sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City at Burnham Green sa Luneta Park. Umabot sa kabuuang 210 katao ang nagpartisipa sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite kung saan ay 148 sa zumba, 9 sa badminton, 40 sa volleyball at 13 sa taekwondo. Mayroon namang 247 sa Quezon Memorial Circle kung saan ay 203 ang sumali sa zumba, 13 sa badminton, 12 sa volleyball at 20 sa football. Umarangkada naman ang 3 sa arnis, 30 sa zumba, 7 sa badminton at 1 sa volleyball sa Paranaque Laro't-Saya noong Sabado. +SA ginanap na Ala Eh! Festival 2014 launch/presscon ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na sponsored ni Mother Lily Monteverde ay inamin ng Star for All Seasons na bumagsak ang immune system niya kaya siya nagkasakit. "Ang nag-trigger talaga ay noong mawala si Ate Aida (Fandialan, ang kanyang personal accountant at itinuring nang kapamilya), doon lumabas ang stress ko. Pero okey naman na lahat ngayon. Nag-lie-low muna tayo at nagpalakas," say ni Governor Vi. +Ayon sa ulat, umabot na sa 13 munisipalidad ang naapektuhan simula nang ilunsad ang opensiba laban sa BIFF na nagresulta sa paglikas sa mga government evacuation center ng 19,075 pamilya o 93,402 indibidwal. Naapektuhan din ng kaguluhan ang klase sa 42 paaralan, na roon nagaaral ang 16,000 elementary at high school student. Tinaguriang "Tabang Sibilyan, Isulong ang Kapayapaan," sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman na target ng relief and peace advocacy campaign ang makapagbigay ng pagkain at tulong medikal sa mga naapektuhang residente. Kada linggo, gumagastos ang pamahalaan ng ARMM ng P12 milyon para sa food pack ng mga evacuee, bukod pa ang gastusin sa iba pang uri ng ayuda at kagamitan para sa relief operations. Sinabi ni Hataman na posibleng magtagal ang kampanya laban sa mga bandidong BIFF sa Maguindanao hanggang Hunyo o higit pa. +Sa pang-MMFF na handog ni Bossing Vic, kasama ang mga kasosyo niyang OctoArts,APTFilms at sarili niyang M-ZetFilms, kasama niya sa tatlong episodes ng My Big Bossing si Ryzza Mae na pumapel bilang "Sirena," with Marian Rivera in "Taktak" at "Prinsesa" willi Nikki Gil. Buong-buo ang loob ni Bossing Vic na ka-tandem si Ryzza Mae sa halip na mga leading lady niyang pawang ubod ng gandang sina Marian, Nikki Gil, at Pauleen Luna. Hindi magiging buo ang pelikula o ano mang project niya ngayon kung wala si Ryzza Mae, or vice versa. "Ang wish ko this Christmas ay makasama lagi si Bossing Vic sa susunod na MMFF," ani Ryzza. Nakalimutan niyang dagdag ang "forever and ever." "Marami na po akong toys, sapatos, damit, gadgets, kaya iba naman ang wish ko. Ang makasama niyang lagi. Pati kasi bahay, lupa at Fortuner (sasakyan) ay mayroon na rin po ako. May teacher pa ako from international school na pumupunta sa bahay ko once a week. Kaya, puwede ko nang labanan si Alonzo (Muhlach) sa inglesan," patuloy niya. Noon daw kasing gawin nila ni Bimby Aquino Yap ang My Little Bossings, nag-nosebleed siya. "Ngayon, si Alonzo na ang sumusuko sa akin. Pikon na pikon 'yan kapag tinutukso ko na crush niya ako. Four years old lang kasi si Alonzo, malikot pa. Nahihilo ako sa kaiikotniya. Parang trumpo," patuloy ni Aling Maliit. Kung si Aiza ang lucky charmni Vic noong 1990s, walang dudang si Ryzza naman ang pampasuwerte niya ngayon. Naalaala ko rin si Aiza noong bata pa ito. Ayaw sa mga lamang pambabae, at "baril-barilan ang gusto ko at kotse-kotsehan" ang lagi niyang sagot kapag natatanong kung ano ang gusto niyang regalo 'pag Pasko. Iyon, noon pa man ay hinulaan na ni Bossing Vic na magiging karibal pa niya si Aiza sa mga chicks niya. Kung nasaan si Bossing Vic noon, naroon din si Aiza. Kahit noong panahong humina ang career ni Aiza dahil nagdadalaga/ nagbibinata na ay suportado pa rin siya ni Bossing Vic. Walang project sa pelikula at TV na wala si Aiza. Nariyang anak, ampon, nakababatang kapatid o ano pa man, basta nariyan siya anuman ang project ni Bossing Vic. Nitong ikasal si Aiza sa kapwa babae niyang beauty queen na si Liza Dino, nariyan pa rin si Bossing Vic. +Sa lungsod ng Maynila, pinangunahan ni Manila Police District Director P/Sr. Supt. Rolando Nana ang pagseselyo sa service firearms ng mga pulis kasabay ang babala sa sinumang pulis na mahuhuling nagpaputok ng baril nang walang pahintulot ay mahaharap sa kasong kriminal at administratibo. Sa Quezon City, ganap na 7:30 ng umaga senelyuhan ang baril ng lahat ng mga pulis ng Quezon City Police District sa isang simpleng seremonya na pinangunahan ni Director Chief Supt. Joel D. Pagdilao sa grandstand sa Camp Karingal. +Ayon sa Vatican Radio, dakong 5:40 ng hapon ng Lunes sa Italy o 12:40 ng madaling araw ng Martes sa Pilipinas, nang lumapag ang Shepherd One (Philippine Airlines flight PR 8010) sa Rome Ciampino Airport. +NATATANDAAN pa ba ninyo ang kontrobersiyal na kaso ng panunuhol ng P50 milyon sa dalawang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI), na bahagya pang lumitaw na kinasangkutan din ng ilang mataas na opisyal sa Department of Justice (DoJ)? +"It has been a long while since the Cagayanos witness high caliber competition," sinabi ni Cagayan Governor Alvaro "Bong" Antonio sa pagbubukas noong Linggo ng State Colleges and Universities Athletics Association (SCUAA) National Olympics sa napakalawak na Cagayan Sports Complex. +"Hintayin na lang natin ang resulta ng imbestigasyon upang masagot namin ang inyong katanungan hinggil sa madugong engkuwentro," sinabi ni Cerbo. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang PNP kaugnay ng pagkakasangkot ng suspendidong si PNP chief Director General Alan Purisima sa nasabing operasyon. +Hindi lang iisa o dalawang tao ang nagsabi nito sa amin, noon pa, pero hindi namin pinansin kasi baka ginagawan lang ng isyu ang kilalang aktor. Pero nitong halos buong team o production na ang nagkukuwento, sumabay pa ang mga direktor na nakatrabaho na rin ng aktor, ay saka lang kami naniwala na totoo nga, hindi pala charos lang. "Naku, Reggee, ugali na niya talaga 'yan gusto niya siya ang tama parati, gusto niya siya ang masusunod, gusto niya bida siya, ayaw niya ng second lead, ayaw niya ng napagsasabihan. Feeling superstar siya. Kaya maraming galit sa kanya," kuwento sa amin ng nakatrabaho na ng kilalang aktor. Dagdag pa ng spy namin, wala na lang daw magawa ang production people kapag ang kilalang aktor ang kasama sa mga project nila dahil utos nga naman ng management. Oo nga naman, kaysa mawalan sila ng trabaho, e, di pagtiisan na lang nila si Kilalang Aktor na nagbibigay sa kanila ng work. "Hindi rin, titiisin ko ang ugali niya? Maraming raket na iba, mas gusto ko pang tumunganga kaysa katrabaho siya," katwiran sa amin ng taong ayaw na ayaw nang makatrabaho ang kilalang aktor. +PINAKAUNANG naglabas ng teaser ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonso para sa kanilang MMFF 2014 official entry na English Only, Please, starring Derek Ramsay at Jennylyn Mercado. Unang in-upload last August 26 ang first teaser nito na agad umani ng napakaraming likes sa social media. Pagdating ng Oktubre, naging viral na ito. +Halos 18 koponan ang inaasahang lalahok sa dragon boat race at karamihan sa kanila ay kinabibilangan ng pambansang atleta na napasabak na sa international championships. +Sa pagbabawas ng timbang, kung ang pipiliin mong inumin ay red wine, hindi mo kinakailangang magmadali. Nadiskubre ng mga mananaliksik sa Purdue University na ang wine ay nagtataglay ng isang compound na tinatawag na piceatannol na nagkokonekta sa insulin receptors ng fat cells at pumipigil sa pagdami nito. Sa madaling sabi, nakatutulong ito upang mapigilan ang pagtaba. +Sa panayam ni Edward Chaykovsky ng BoxingScene.com, pabor si De La Hoya kay Pacquiao kung naglaban ang dalawa may limang taon na ang nakararaan dahil mas mabilis noon ang Pilipino kaysa kay Mayweather. "A few years ago, Pacquiao was the quicker fighter, but I feel the Filipino star has slowed down since I faced him," ani De La Hoya. "It's different [kinds of] speed. Mayweather is a guy who times you. He'll throw a fast shot and boom. Mayweather will not throw a combination [of punches] . He's not that type of fighter. A three or four punch combination ...... he' s not that type of fighter." +Asahan ang pagsunod ng ibang oil company sa ipinatupad na rollback sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito. Ang bagong bawas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ito na ang ika-23 beses na rollback sa diesel at gasolina na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong taon. Dahil sa patuloy pang pagbaba ng presyo ng petrolyo, inihirit ng mga pasahero sa gobyerno na panahon na rin upang maibaba ang pasahe sa bus, UV Express at flag down rate sa taxi sa Metro Manila. +Paliwanag ni Direk Richard, ang walang tigil na demand ng fans na ibalik ang tambalang Xian Lim at Kim Chiu ang talagang dahilan kaya nawala ang aktor sa teleseryeng pagbibidahan din nina Jericho Rosales at Maja Salvador. "Sobrang maganda ang demand ng fans ng Xian and Kim Chiu. That's why pinagsama sila ulit kasi nami-miss na ang partnership nila. I think 'yon ang narinig ko at nabasa ko sa social media. Aside from that, wala nang ibang problema," sabi ni Direk Richard. Kabaligtaran naman daw 'yung mga nasusulat tungkol kay Xian na hindi raw maka-deliver nang maayos sa hinihinging acting. Wala naman daw siyang naranasang problema kay Xian, lalo na pagdating sa pag-arte. "Alam mo naman ang actors ng Dos, they are all very good in terms of acting and how they deal sa set. Honestly, outsider akong director, pero I haven't seen any problem. Kung anuman 'yung isyu kay Xian or kung bakit pinalitan, wala akong problemang nakita," sey pa rin ni Direk. Nakikita raw niya ang dedikasyon ni Xian sa trabaho at napapansin niya kung gaano kamahal ng aktor ang papel na gagampanan. Hindi na raw dapat bigyan ng iba pang kulay ang pagkawala ni Xian sa Bridges of Love. "Huwag na lang natin pansinin kasi hindi totoo 'yan," sey pa ng direktor ng Liwanag Sa Dilim na malapit nang ipapalabas ng APT Entertainment. +SAN RAFAEL, Bulacan - Isang 46-anyos na lalaki na sinasabing isang big-time drug pusher sa lalawigan ang binaril at napatay ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Barangay Pinacpinacan kahapon ng umaga. Kinilala ni Senior Supt. Ferdinand Divina, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, ang napatay na si Noel Castro, alyas Tasyo, 46, may asawa, ng Bgy. Pansumaloc. +LUMIPAD pala patungong Los Angeles, USA si Sam Milby kasama ang manager niyang si Erickson Raymundo noong Pebrero 1 dahil may commitment doon ang aktor. Matagal na ang commitment na ito ni Sam na hindi niya puwedeng hindi siputin kaya pansamantalang nahinto muna ang shooting ng pelikula nila ni Coleen Garcia na Ex With Benefits sa Star Cinema. +Ang sagot sa tanong na iyan ay nakalundo sa tinatawag ng management experts natin na 'development governance', na inilalarawang climate change adaptation. Kaakibat nito ang pagtanggap ng katotohanang madalat na natural na kalamidad, comprehensive situation analysis, forward planning, positive thinking at paggamit ng mga natamong ganansiya upang maibsan ang pagkaluging dulot ng kalamidad. Ang konseptong ito ay pinakamainam na ipinakita ng Albay. Taun-taong sinasalanta ng malalakas na bagyo, ang Albay ay isang hindi mahalagang probinsiya sa loob ng maraming dekada, hanggang dumating si Gov. Joey Salceda. Ngayon, makikita ng lahat ang dokumentadong mga tagumpay nito. Kabilang dito ang pinakamaiinam na pamamaraan sa kaligtasan, pati na ang permanenteng evacuation centers at relocation sites; ang pagpapatuloy ng mga kabuhayan na tumitiyak sa kaunlaran; solidong "green credentials" na kinatawan ng 88% increase sa forest cover at 300% expansion ng mangrove areas sa loob ng anim na taon; at mahigpit na pagbabawal sa pagmimina, paninigarilyo, at walang habas na paggamit ng plastic. Umaasa ang Albay na maisusulong nito ang kaunlaran sa turismo ngayong taon, at nangangako ng masasaya at makukulay na karanasan para sa mga panauhin. Bukod sa pagiging host nito sa limang major international event, kasama ang XTERRA Triathlon sa Pebrero, ang tatlong Senior Officials' Meeting (SOM) ng 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Hulyo hanggang Setyembre, at ang Pacific Asia Travel Association (PATA) travel mart sa Oktubre. +Sa halip na gamitin sa magarbong selebrasyon sa Makati City tulad ng mga nakaraang taon, ilalaan na lang ang isang bahagi ng P30-milyon budget upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ruby sa Visayas at ilang lugar sa Bicol. Magpapadala rin, aniya, ng mga Christmas bag ang pamahalaang lungsod para sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad. Kung umaapaw na ang relief goods sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ruby, tiniyak ni Binay na mga medisina at medical team ang kanilang ipadadala sa calamity areas. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hinagupit ng bagyong Ruby ang maraming lugar sa Western at Eastern Visayas, Bicol at Southern Tagalog. Kabilang sa matinding naapektuhan ay ang mga bayan ng Dolores at Boronga sa Eastern Samar. +At hindi pa nahahanap ang salarin magpahanggang ngayon. Sa maningning at sikat na sikat na lungsod ng Makati, isa ang patay at walo ang sugatan sa pamamaril ng kung ilang armadong lalaki noong isang araw; hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa pamamaslang sa 22-anyos na binatilyo. Umarangkada na uli ang bentahan ng shabu at lantaran na itong isinasagawa, partikular na sa Caloocan City; ngunit kumikilos na ang mga awtoridad upang supilin ito. Hindi naman puwedeng laging naririto ang Papa upang tumino tayo. Hindi rin naman puwedeng laging makikipagbakbakan si Pacman upang bumaba ang ating crime rate. Nasa ating pagpapasya ang pagbabago upang humilom ang ating bansa, ang ating daigdig. +Si Matteo Guidicelli ang leading man ni Alex sa MMK at naging maganda ang working relationship nila. "Kami naman ni Matteo, eh, matagal na rin naman kaming magkaibigan. Masayang kasama siya. Dahil matagal na nga kaming magkaibigan, eh, parang ano lang, 'yun bang magkaibigan na nagtratrabaho ang naramdaman namin at wala kaming ilangan," sey pa rin ni Alex. Wala silang naging problema sa anumang ipinapagawa sa kanila ng direktor nila. "It's easy, kasi hindi ako ilang sa kanya dahil friends nga kami. Ayaw ko lang nga 'yung kissing scene. Hindi ako ilang kasi kilala ko na siya at alam naman namin na ang personal na buhay namin sa isa't isa, so walang ilangan talaga," banggit pa rin ng isa sa mga dalaga ni Mommy Pinty. Ayaw magkomento ni Alex tungkol sa proposal o engagement rumors ng ate niyang si Toni Gonzaga kay Direk Paul Soriano. "Let's just wait na lang for the right time," sey niya agad. Samantala, ipinagmamalaki ni Alex na abalang-abala rin siya ngayon bilang writer. Ang libro niyang Dear Alex, Break na Kami, Paano? ay isa sa mga best-seller ngayon sa bookstores. +Ito ang sinabi kahapon ni Senator Aquilino "Koko" Pimentel III, at inihayag na maghahain siya ng panukalang batas na gaya ng ipinasa ng mababang kapulungan kasabay ng paghaharap ng dalawa sa pinakamahuhusay na boksingero sa kasaysayan, sa Las Vegas, Nevada sa Mayo 2. "Manny being a Filipino promotes the Philippines," sabi ni Pimentel, idinagdag na ang karapat-dapat na ang special tax incentive bilang pagbibigay-pugay sa walang katulad na pagbibigay ng karangalan ni Pacquiao sa bansa, na muling magpapakitang-gilas sa mundo at lalaban para sa bayan. "The marketing value for the country is priceless," sabi ni Pimentel upang bigyang-diin ang panukalang magkakaloob ng special tax exemption kay Pacquiao sa kanyang kikitain sa world welterweight unification bout sa Mayo 2 sa Amerika. Hindi pa tapos ang gusot ni Pacquiao sa Bureau of Internal Revenue (BIR), na nagsabing hindi pa nakababayad ang kongresista sa P2.7 bilyon na utang nito sa buwis nitong Abril 2014. Itataya ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Organization title habang itataya naman ni Mayweather, minsan man ay hindi natalo sa 47 niyang laban, ang kanyang WBC at WBA belt sa pinakaaabangang laban na nagkakahalaga ng mula $250 million hanggang $400 million. Iginiit ni Pimentel na kailangan ni Pacquiao, dating eight-division world champion, ang lahat ng inspirasyon at suporta na makukuha niya habang abala ngayon sa pagsasanay sa laban na inabot ng mahigit limang taon bago naisakatuparan. +"We request the PET to inform the public of the complete procedure and duration of the recount and to allow the Comelec accredited citizens' arms and media to observe the process," saad sa pahayag ng Namfrel. Sinabi Namfrel Secretary General Eric Alvia na palalakasin ng transparency ang integridad ng recount process sa mata ng publiko. "The Namfrel looks forward to the PET finally commencing the vote recount, which could hopefully settle the dispute on the alleged miscount on the Vice Presidential race of the 2016 National and Local Elections," saad ng grupo. +Sinabi ng Islamic State group, sa isang video message na inilabas noong Martes, na pupugutan nila ang mga hostage sa loob ng 72 oras kapag hindi nakapagbigay ang gobyerno ng $200 million. Batay sa release time ng video, papaso ang deadline ngayong Biyernes. +Sabi ng aming source sa ABS-CBN, "Puro celebrities lang ang contestants, kung baga level-up lang ito ng Look-Alike segment ng Showtime. "Ang pagkakaiba lang, sa Showtime, kailangan ka-look-alike talaga, sa Your Face Sounds Familiar, maski hindi mo kamukha ang isang singer, magiging kamukha mo kasi dadaanin sa make-up. Kaya nga sounds familiar." Kakaiba nga at tiyak na magbubukas ito sa mga personalidad na hindi na aktibo sa kanilang karera. Ano na ang mangyayari sa Pilipinas Got Talent at X Factor, hindi na ibabalik? "'Yung PGT, alam ko ibabalik, kaso hindi ngayon kasi may Asia's Got Talent at may representative ang Pilipinas doon, ang ABS-CBN ang nakabili ng TV rights, pero hindi naman sa Channel 2 ipalalabas, sa cable channel. "Yung X-Factor, walang balita pa. As of now, itong Your Face Sounds Familiar ang pinagkakaabalahan at magpapa-audition naman na 'yung Voice Kids season 2," sagot ng aming espiya. Bongga si KZ Tandingan dahil solo niya ang titulong X-Factor grand winner na talagang kakaiba nga siya literally and figuratively. Tinanong namin kung sino ang host ng Your Face Sounds Familiar, "saka na," mabilis na sagot sa amin. +Nagbahagi si Gilbert, 33, ng larawan na makikita ang ulo niya at ni Williams na tila ikakasal at ito ay inilarawang: "Popped the question on Christmas Day! #micdrop." +PAREHONG nawawala sa sirkulasyon ngayon sina Sharon Cuneta at Claudine Barreto pero sa magkahiwalay na post ay binanggit nila ang kanilang nakatakdang pagbabalik showbiz. +Ayon kay CBCP president at Lingayen- Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang aksyon ng pangulo ay pagpapakita na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maging nasyon na puno ng pagpapala at pakikiramay. +"The NCFP officials wishes him well," sabi ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Executive Director at GM Jayson Gonzales matapos na iuwi ni So ang ikaapat nitong sunod na titulo bago matapos ang taon bagaman inirerepresenta na nito ang bansang Estados Unidos. +Sinabi ni Engr. Benedict Ekwey, mines specialist ng MGB, na magsasagawa ang kanilang grupo ng pagsusuri sa apektadong lugar upang matukoy ang dahilan at laki ng pinsala. Ayon kay Alvin Veneracion, chairman ng Bgy. Dadiangas South, nasa 45 pamilya o mahigit 200 residente ang inilikas matapos na tumaas ng mahigit dalawang metro ang tubig sa lugar. Pansamantalang tumutuloy sa gymnasium ng Ireneo National High School ang mga inilikas. Sinabi ni Veneracion na magpapadala ng mga disaster at rescue team sa lugar upang ma-monitor ang galaw ng tubig. Ayon sa mga residente, napansin nila nitong Linggo ng umaga na hindi payapa ang bahagi ng dagat may 10 metro ang layo mula sa pampang, hanggang biglang tumaas ang tubig. Sinabi ng mga residente na tinangka nilang sisirin ang sink hole at natuklasan doon ang hukay na bahagi ng dagat na may sukat na 10 metro ang diameter at nasa pitong metro ang lalim. +"As you can observed, wala tayong itinakdang criteria o qualification because SEA Games is the lowest tournament among the international meets pero we give chance to the young athletes and those previous SEA Games, Asian at World medalist in our campaign," sinabi ni Camacho. Nakatakda namang magpulong ang SEA Games Management Committee sa Enero 21 upang pagusapan ang mga isinumiteng short list ng National Sports Associations (NSA's) na kabilang sa paglalabanang sports sa kada dalawang taong torneo. "More than half has submitted their lineup from the 33 out of 36 sports na sasalihan natin. As procedure, we submit a complete list in our entry by number but we will discuss and maybe trim down the list to a maximum of 400 athletes in the delegation," dagdag ni Camacho. Ilang asosasyon naman na sangkot sa kaguluhan o may problemang internal ang nagbibigay kabagalan sa dapat sana'y pagsisimula ng paghahanda at pagsasanay ng pambansang atleta kung saan isa na dito ang tinukoy ni Camacho na volleyball "We are waiting for the decision of the POC Board with regards to volleyball. It could be any of them or one of them. In our last meeting, the POC had to decide dahil nagkakagulo sa liderato ng volleyball. So the POC Board has to take charge of the athletes pati na rin sa kanilang training," giit pa ni Camacho. Bagamat nagsumite ng kanilang lineup ang PVF, hindi naman ito sigurado kung papayagan ng POC dahil sa patuloy na pagsuway ng mga namumuno sa asosasyon sa una nang hiniling ng POC Board. Hindi naman sasali ang Pilipinas sa tatlong sports na hockey, netball at floorball habang inaasahan na nito ang pagkakabawas ng makukubrang gintong medalya sa taekwondo, judo, wushu, billiards at swimming. +Kasama sa aktibidad ng Papa sa kanyang pagbisita sa Tacloban City sa Enero 17 ang isang misa malapit sa Tacloban Airport, panananghalian kasama ang mga biktima ng bagyong 'Yolanda', pagbabasbas ng Pope Francis Center for the Poor at pulong kasama ang mga pari at iba pa sa Cathedral of Our Lord's Transfiguration sa Palo. Inaasahan ding magmimisa ang Papa sa Manila Cathedral at Rizal Park sa Maynila. +"Given naman na isang araw bago ang Pasko, that is 24, eh, nasa mga pamilya kami pero pagdating ng 25, eh, walang istorbo na dahil magkasama na kaming dalawa," napatawang kuwento ni Luis. Matagal na rin daw na nasa isip ni Luis ang ireregalo niya kay Angel ngayong Pasko pero "secret" pa rin daw ito kaya hindi niya sinabi sa amin. Pero natitiyak niyang mapasaya niya nang husto si Angel ngayong araw ng Pasko. Ang hindi na inilihim ni Luis sa amin ay ang madalas na nilang napag-uusapan na planong pagpapakasal. "Doon naman talaga kami pupunta, eh. But we're talking everything in stride," sey pa niya. Ipinagmalaki na rin sa amin ni Luis na todo suporta ang kasintahan niya sa kanyang planong pagpasok sa pulitika sa 2016. +"All the champions and the top collegiate teams from all over the Philippines will be taking part so this will be a battle of the best of the best," pahayag ni Nestea Beach Volley technical director Rustico Camangian. Gayunman, inaasahan na magiging mahigpit ang labanan sa women's division kung saan ay idedepensa ng La Salle ang korona. Isa lamang sa koponan ang magbabalik at ito ay si Kim Fajardo matapos na ang kapares nito na si Ara Galang ay hindi makapaglalaro dahil sa tinamong injury. Matatandaan na nagtamo si Galang ng iba't ibang injury habang nasa stepladder semifinals ng katatapos na UAAP at hindi makapaglalaro sa loob ng anim na buwan kung kaya maiiwan kay Fajardo ang responsibilidad upang ipagtanggol ang hamon ng pinakamahuhusay na collegiate team sa torneo sa dinarayong Boracay. Posibleng humalili kay Galang si Cyd Demecillo upang makatambal ni Fajardo. "La Salle has tentatively named Cyd Demecillo as her partner. But the lineup will only be finalized by next week," giit pa ni Camangian. Makakasagupa ng Lady Spikers ang tinanghal na kampeon sa UAAP na University of Santo Tomas (UST), NCAA titlist San Sebastian, Perpetual sa NCAA South, University of Negros-Recoletos sa NOPSSCEA, Southwestern U ng CESAFI, University of Mindanao-Tagum sa Governor's Cup, Mindanao State U-Tawi-tawi sa Tawi-Tawi Open, Unigames holder University of Mindanao-Davao, University of Baguio at nakaraang taong Nestea runner-up na Adamson U. +Kasamang sinampahan ng kaso ng PSL, sa anim na pahinang reklamo, ang mga PSC Commissioner na sina Atty. Jose Luiz Gomez, Salvador Andrada, Gilian Akiko Thomson-Guevara, Wigberto Clavecilla at ang PSC Executive Director na si Atty. Guillermo Iroy Jr. Ang reklamo na isinampa sa isang joint complaint-affidavit ni dating Senador Anna Dominique Coseteng at Susan Papa, PSL president at delegation head ay nagsimula sa hindi pagbibigay suporta ng PSC sa partisipasyon ng PSL sa international swimming competitions. Inireklamo nina Coseteng at Papa ang hindi pagtanggap ng PSC sa kanilang hinihinging tax exemption at travel orders para makasali sa torneo sa swimming sa Singapore noong Hunyo 2012 at sa Thailand nito lamang nakaraang Setyembre 2014. Napag-alaman sa PSL na inatasan sila ng PSC na kumuha muna ng clearance sa Philippine Olympic Committee (POC) bago aprubahan ng ahensiya ang kanilang kahilingan. Ipinaliwanag naman ni Garcia na tanging mga lehitimong pambansang koponan lamang ang nakasaad sa batas na bumuo sa ahensiya ng PSC na karapat-dapat na gawaran ng travel tax exemptions kung magsasanay o lalahok sa mga internasyonal na kompetisyon sa labas ng bansa. +Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, magsasagawa pa lang ang kagawaran ng kaukulang beripikasyon kung nasa bansa na nga si Jeane Catherine. Una nang lumabas sa mga balita na namataan noong Marso 10 si Jeane Catherine habang kumakain sa isang five-star hotel sa Pasay, kasama ang kanyang ama at mga kapatid. Tumanggi naman ang abogado ng mga Napoles na si Atty. Bruce Rivera na kumpirmahin ang nasabing impormasyon. Una nang inirekomenda ng DoJ na sampahan ng kasong tax evasion si Jeane Catherine matapos makitaan ng probable cause sa reklamong inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban dito. +Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, commander ng Task Force Pikit, ang mga namatay na sina Asrap Mohammad, 28, at Jhomar Palaguyan, alyas "Gapor," kapwa residente ng Barangay Balatikan, Pikit, na kilalang dating base ng MNLF. +Nagulat ang TV host/actress nang banggitin sa kanya na nasa labas ng bahay niya si Bistek at kaagad naman niya itong nilabas at tinanong kung ano ang pakay at sinabing gusto lang bumati sa tagumpay ng pelikulang Feng Shui 2 ngayong 2014 Metro Manila Film Festival kasama na rin si Bimby na kinamayan pa ni Mayor Herbert para sa Praybeyt Benjamin. Wala pang limang minutong nagtagal si Bistek sa bahay nina Kris at hindi na nga siya pumasok sa loob ng bahay kung saan naghanda rin ng hapunan ang TV host/actress. Tama ba ang narinig naming sabi ni Kris kay Herbert, "Chos ka na naman." Anyway, maraming netizens ang worried na baka masaktan na naman si Kris at may mga nagkokomento pa na may ibang pakay si Bistek kay Tetay, hindi lang tumuloy sa loob ng bahay nang makita niyang marami palang tao at may TV camera na nakatutok. Kaya kunwari na lang sinabing babati lang siya ng 'congratulations' at kitang-kitang nagmamadaling umalis na. Oo nga, puwede namang mag-text o tumawag lang si Herbert kay Kris para bumati, di ba, Bossing DMB. (Kailangan nating dalawin si Kris para sa mahaba-habang interbyuhan, Regs. -DMB) Samantala, tuloy ang dagsa ng tao sa Feng Shui. Last Sunday, kumita ang Feng Shui sa Metro Manila ng P9.9M at P10.4M naman sa provincial theaters. Sa loob ng apat na araw at P103.5M na ang kabuuang kinikita ng pelikula at nananatili ring no. 2 sa box office. +Nababahala si Mc Givney sa mga natatanggap na diskriminasyon ng kanyang mga parishioner dahil sa relihiyosong paniniwala ng mga ito. Oktubre 2, 1881 nang tipunin niya ang ilan sa kanyang laymen upang resolbahin ang problema ng kanilang mga mananampalataya. Ipinangalanan ang nabuong organisasyon kay Christopher Columbus. Binigyang-halaga nito ang kawanggawa, pagkakaisa at solidong samahan at binuo upang tumulong sa mga may pangangailangang pinansiyal sa pamamagitan ng life insurance at iba't ibang programang pangkalusugan. Isinulong din nito ang social at intellectual discourse sa mga miyembro nito at kani-kanilang pamilya. Sa kasalukuyan ay aabot na sa 14,000 ang konseho nito, at may 1.8 milyong miyembro sa mundo. +Muli ring iginiit ni Brillantes na hindi midnight deal ang pagbibigay nila sa refurbishment contract sa Smartmatic at nilinaw na hindi buong refurbishment contract ang iginawad nila sa naturang kumpanya kundi ang first phase lamang nito para sa diagnostic examination, repair, at maintenance ng precinct count optical scan (PCOS) machines. Ayon kay Brillantes, hindi pa aktwal na nagkakapirmahan ng kontrata at hindi pa rin nagkakabayaran dahil hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakasundo ng presyo. Gayunman, sa oras na mapagkasunduan ang presyo ay handa umano si Brillantes na pirmahan ang kontrata kahit sa huling araw pa ng kanyang panunungkulan. Si Brillantes ay nakatakda nang magretiro sa Pebrero 2. +"I like the idea of being Just Julia, kasi parang I'm always associated with being a Barretto, everything na lang that I am accorded to, all that I achieved is because I am a Barretto. And then 'yung mga judgement sa akin, siyempre iba 'yung tingin nila sa akin but then here sa special na 'to the title is Just Julia will gonna showcase who I really am behind the camera, what makes me a normal teenager like everybdy and that makes me just Julia." No'ng una raw ay nagdalawang-isip pa si Julia kung itutuloy niya ang pagsi-celebrate ng kanyang birthday. "I never thought I would have debut kasi I always wanted to travel around Europe." 'Yun nga lang pinayuhan siya ng mga kaibigan at ng kanyang Mommy Marjorie Barretto na dapat niyang i-celebrate ang debut dahil minsan lamang ito mangyayari sa buhay niya. "(And I realized), since it's a very special day for me, especially that I'm turning 18 'tapos I told myself why not spend it with eveybody that I love, (people) close to me especially 'yung mga fans ko. I want to be able to share them the whole experience and saying goodbye to the childhood with them. So I ended up liking it all and I'm happy I'm having a debut actually." Maraming nakapansin sa pagiging kalmado at husay sumagot ng teen actress sa mga tanong sa kanya. Bukod sa kanyang mastery sa wika ni Uncle Sam. Malaman at makabuluhan ang kanyang mga sukling sagot, gaya ng, kung paano niya i-handle ang mga isyung kakambal na yata ng kanyang pagpasok sa showbiz. "Siguro, number one is because I grew up na nakasanayan ko na (ang mga isyu), it was something I expected when I entered the industry. But it's different kapag ikaw na ang nakaka-experience, di ba? But then along the way you realized that these negative issues... they don't actually last forever and at some point they end, they don't even last a month." Minsan 'pag grabe na, iniiyakan na niya ang mga isyu sa kanya at sa kanyang pamilya, gaya ng isyu sa kanilang mag-ama na sobrang ikinainis ng netizens sa kanya. "Siyempre, I'm only human, nakaka-affect din siya, I have feelings too. But I choose to be strong and went on na lang with my life. I can't let them dictate how I'm gonna feel." Naitanong din ang reaksiyon ni Julia sa sinabi ng amang si Dennis Padilla sa Aquino and Abunda Tonight na kung gusto niyang magpalit ng apelyido sa legal papers, isang katanungan lang ni Dennis ang maririnig sa kanya, if she's happy kung mag-agree itong magpalit ng apelyido. 'Pag nag-yes daw si Julia, hindi na magdadalawang-salita pa ang ama. "But he's also a father. I don't believe that if I'll do that, he'll be happy. I mean, clearly he won't be happy, so as a daughter too. Not for anything else, why would I do anything that would make my father unhappy?" makahulugan niyang sagot. Sa kanyang debut, dalangin ng teen actress na magkabati-bati na ang kanyang mga tiyahing sina Claudine Barretto at Gretchen Barretto, maging ang kanyang mommy Marjorie na nakatampuhan ng dalawa. Kaya nga raw gaganapin ang debut para magkita-kita at magkabati-bati na ang mga dating nagkasamaan ng loob. +Ito, ayon sa PCGG, ay matapos maglabas ang Pangulong Aquino ng executive order na nagpapahintulot sa pagsusubasta sa naturang ari-arian upang magamit ang pondo sa pagpapabuti sa industriya ng pagtatanim ng niyog. +Kaya hindi kataka-taka na kinuha sila bilang "Katinko Healing Ladies" ng sikat din na Asian brand, ang ointment na matagal nang bedside buddy ng bilang pamparelaks para makatulog ng mahimbing at lunas din sa muscle pain at pangangati. +Ayon sa report, bandang 4:30 ng hapon nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang biglang pasukin ng suspek at pinagbabaril. Lumalabas na kakilala ni Lapiza ang pumatay sa kanya dahil kabisado nito ang loob ng bahay. +Isang makulimlim na hapon, habang kumakain kami at ipa bang kustomer, may isang lalaking pulubi ang nagmamasid sa mga kumakain. Lumapit ito sa vendor at pabulong na nagsabi, "Makahingi po sana ng kape." Kumuha ng mangkok ang vendor at nilagyan niya iyon ng lugaw na may itlog at tokwa, binudburan ng bawang at paminta, iniabot sa pulubi kasabay ng isang kutsara. "Sa akin?" buong pagtataka at hindi makapaniwalang sabi ng gusgusing lalaki. Tumango ang vendor at pinaupo siya sa isang bangko na malayo sa iba pang kumakain. Sabi ng vendor sa pulubi, "Kasunod na ang kape mo." Nahiya ako sa aking sarili. Minsan, dahil sa aking pagiging abala, itinataboy ko ang naghihingi sa akin gayong mayroon naman akong maiaabot. Ngunit natitiyak ko na ang pulubing iyon ay nakalasap ng pag-ibig ng Diyos. Noong panahon ni Jesus, pinili niyang makaulayaw ang maralita at mga inaapi. Namuhay Siya na maralita at nagpalabuy-laboy, at ang Kanyang ministeryo at nakaangkla sa pagmamalasakit sa mga walang-wala. Lahat tayo ay pinagbilinan ni Jesus na magmahalan; ang ibigin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa atin sarili. Kung ito ang nakatatak sa ating isipan at damdamin, wala sigurong maralita sa ating paligid - sapagkat tintutulungan natin ang isa't isa, sa abot ng ating makakaya, na mamuhay nang marangal at nakakapit sa Diyos tuwina. +Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na pangunahing aktibidad sa selebrasyon ng kanilang "Silver Anniversary" ay ang pagbuo sa Philippine Sports Hall of Fame at pagkilala sa 25 personalidad na nag-ambag ng kanilang panahon at talento upang bigyan ng tagumpay ang Pilipinas sa lokal at internasyonal na mga torneo. "We (PSC Board) decided to have a year-long celebration of Philippine sport on the agency's 25th year," sinabi ni Garcia. "We will be implementing a lot of sports development program and some major activities to highlight the founding anniversary of the agency," pahayag pa ni Garcia. Una sa listahan ni Garcia ang pagkilala sa kabuuang 25 personahe, atleta man o opisyal, na iluluklok sa Hall of Fame habang itinakda din ang pagsasagawa ng fun run, sports seminars at expo, maliban pa sa pagpapatuloy ng mga sinimulan nilang programa na Laro't-Saya sa Parke, Batang Pinoy at Philippine National Games. Nakatakda ring isagawa ang coffeetable book kung saan ay ilalahad dito ang tulong na nagawa sa kampanya ng Pilipinas sa iba't ibang lokal at internasyonal na torneo na tulad ng Southeast Asian, Asian at Olympic Games hinggil sa nakalipas na 25 taon ng ahensiya. Ilang bagong programa ang nakatakda ding ilunsad ng ahensiya ngayong taon na nakatuon sa mga Senior Citizen, Women in Sports, Sports for All at Sports for Peace. Matatandaan na ang PSC ay itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 6847 noong 1990 upang magsilbing "sole policy-making and coordinating body of all amateur sports development programs and institutions in the Philippines". +Tulad ngayong iniutos ni Secretary leila De lima ng Department of Justice ang two-storey house at swimming pool sa NBP, sino ang hindi maniniwala sa kapabayaan ng mga namumuno, noon at ngayon, ng naturang bilangguan? Nakalampas ang konstruksiyon nito - o talagang pinahintulutan - ng naturang mga pinuno upang maghari ang kagustuhan ng mga preso, lalo na ng tinaguriang mga high profile inmates? Hindi ba maliwanag na ang nabanggit na mga NBP officials ay bulag, bingi at pipi sa kanilang pamamahala? Marami nang pagkakataon na iniulat na ang ilan sa ating mga kapatid na bilanggo ay namamayagpag sa paglabag sa reglamento ng NBP. Isipin na lamang na ang isang preso ay nakalalabas at halos magbakasyon sa mga lugar na nais nilang patunguhan? ano ba ang katumbas nito upang sila ay pagkalooban ng gayong pribelehiyo na isang maliwanag na halimbawa ng kasumpa-sumpang diskriminasyon? Inireklamo rin at pinaimbestigahan ang sinasabing pagpapagawa rin ng mga kubo at sleeping quarters sa NBP na ang iba ay kumpleto sa mga kagamitang tulad ng air-conditioners, refrigerators, television at iba pa. Hindi ko matiyak kung saan na nakarating ang naturang isyu. Anupa't ang kailangan ngayon ay puspusang pagbabago at rehabilitasyon sa mga bilangguan. Kabilang na rito ang mismong mga opisyal at tauhan ng NBP at ng iba pang bilangguan. Kung kailangang sila ay bigyan ng dagdag na mga benepisyo, dapat lamang. Marapat lamang tiyakin na sila ay laging nagpapahalaga sa maayos ng pagtupad ng tungkulin. +Nakulong ang 67-anyos na si Anwar noong Pebrero 10, sa pagsisimula ng limang taong sentensiya sa kanya matapos ibasura ng Korte Suprema ng Malaysia ang kanyang apela, makaraang magkaroon ng sapat na ebidensya laban sa kanya sa kasong kinasasangkutan ng dati niyang male aide. +Nilagdaan nitong Disyembre 15, 2014, hangad ni Aquino na maging "free, orderly, honest, peaceful, and credible" ang eleksiyon ng Sangguniang Kabataan. "The foregoing law enforcement and other concerned agencies are hereby directed to coordinate and cooperate with the Comelec in the performance of their duties and functions," saad sa memorandum order. Alinsunod ng Konstitusyon, binigyan ng kapangyarihan ang Comelec, katuwang ang Pangulo at mga law enforcement agency, na tiyakin ang kaayusan sa halalan. Ang SK elections ay orihinal na itinakda noong Oktubre 28, 2013 pero ipinagpaliban ito ni Pangulong Aquino upang mabigyan ng sapat na panahon ang Kongreso na lumikha at magpasa ng mga batas kaugnay ng reporma sa SK system. Sa huli nitong Resolution No. 9905, itinakda ng Comelec ang special SK polls sa Pebrero 21, 2015. Magsisimula ang election period sa Enero 22 hanggang sa Marso 2, 2015. Ang paghahain ng kandidatura ay itinakda sa Pebrero 7, 9 at 10, habang ang pangangampanya ay hanggang Pebrero 11-19. Maghahalal ang mga botante ng isang SK chairman at pitong SK kagawad sa Pebrero 21. +Hindi tulad ng ibang diesel engine, ang 4JJ1-TC (HI) powerplant ng D-Max at MU-X ay gumagamit ng Common Rail Direct Injection at Variable Geometry System turbocharger na may intercooler kaya malakas sa arangkada. At kahit lagare sa pagbiyahe, mababa rin ang maintenance cost ng mga Isuzu vehicle dahil kilalang matibay ang mga makina at pang-ilalim ng mga ito. Ayon kay Koso, kayang-kaya makipagsabayan ng MU-X at D-Max 3.0-liter sa mga kakumpitensiya ng mga ito dahil ipinako ang presyo ng mga ito sa P1,398,000 sa MU-X 4x2 LS-A/AT; at P1,708,000 sa MU-X 44x44 LS-A A/T). +Nanunuot sa kamalayan ng mga Pilipino ang madamdaming pakiusap ng batang-batang biyuda ni Senior Inspector Ryan Pabalinas, si Erica sa misang idinaos sa Immaculate Heart of Mary Parish, Quezon City noong Linggo. "Muli, Ginoong Pangulo, nakikiusap po kami na matamo ang hustisya at malaman ang katotohanan." Ang okasyon ay ika-44 araw ng pagkakapaslang sa 44 PNP-SAF na hanggang ngayon ay nababalutan ng pagtuturuan at pagsisisihan. Hindi naniniwala ang taumbayan na basta maglulunsad ng sensitibong operasyon si ex-SAF commander Director Getulio Napenas kung walang basbas ito ng nakatataas sa kanya. Inamin niyang ang nasa likod nito ay si suspendidong PC chief Purisima. Eh, bakit naman pinayagan ng Pangulo na hayaan ang suspendidong hepe sa na mamahala laban sa high-value targets na sina Marwan at Usman, at iniwan sa kangkungan sina DILG Sec. Mar Roxas at PNP OIC Deputy Director Leonardo Espina? Malapit nang matapos ang termino ni PNoy. Sana, hindi ang Mamasapano tragedy ang maging legacy niya at hindi rin ang Tuwid Na Daan, pagpapakulong kina GMA, JPE, Sens. Bong Revilla at Jinggoy Estrada at pagpapatalsik kay ex-Supreme Court Justice Renato Corona. +Si SPO2 Garcia ay nakatalaga bilang security/driver sa Office of the Deputy District Director for Administration (ODDDA) ng SPD. Noong Lunes ng hapon, sakay ng kanyang motorsiklo ang pulis galing sa duty at pauwi sa kanilang tirahan sa San Pedro City,Laguna nang matagpuan nito sa kalsada ang isang iPhone 5S sa Holiday Homes,San Antonio,San Pedro City. Ang isang brand new iPhone 5S ay nagkakahalaga ng halos P30,000. Hindi naman sumagi sa isip ng pulis na pag-interesan ang naturang mamahaling cellphone dahil ang kanyang unang naisip ay isauli sa may-ari ito. Inakala pa ni Garcia na naka-lock ang cellphone hanggang sa makipag-ugnayan ito sa tatay ng may-ari kaya agad na naibalik ito sa may-ari ng gadget. "Hindi madaling magsauli ng nawalang cell phone, subalit hindi ito dahilan (para angkinin ko na ang gamit). Kailangan gawin natin ang tama. Hindi ibig sabihin kapag may napulot ka ay pagaari mo na 'yun," pahayag ni Garcia. +Kabilang din sa Bracket 2 ang mga lungsod ng Marikina, Muntinlupa, Las Pinas, Valenzuela at Paranaque. "Makati-PESO got four out of eight awards for DOLE core programs. These are: "Best PESO in Career and Employment Coaching" reaching the highest number of participants as compared to the five other LGU-PESOs under the same bracket; "Best Peso for Highest SPES Placement" after placing the highest number of students in the SPES program vis-a-vis its target; "Best PESO in the Skills-Registry System" for encoding the highest number of registrants; and "Best PESO in Phil-jobnet Registration" after posting and registering the highest number of job vacancies and establishments," sabi ni Aldon. Si Aldon, na presidente rin ng PESO Association of Metro Manila (PAMM) at PESO Managers' Association of the Philippines (PESOMAP), ay ginawaran din ng "Active Involvement Award" para sa pagpapakita ng positibong pananaw sa pamamagitan ng pagpapakita ng galing sa organisasyong kanyang nirerepresenta, pakikisalamuha sa isang positibong pamamaraan, pagpapakita ng mataas na lebel ng enerhiya at commitment at suporta sa DOLE-NCR at PAMM. Tinanggap ni Aldon ang award kasama ang iba pang PESO managers na sina : Norman Mirabel, Taguig City; Gil Munar, Marikina City; Flourescelle Austria, Malabon City; at Genesis Sanoy, Navotas City. +IKINUWENTO ni Coco Martin na nahirapan siya sa shooting ng Feng Shui 2, ang MMFF entry nila ni Kris Aquino na mapapanood na simula December 25. "Mahirap siya kasi, like ako, first time kong gagawa ng horror movie, nakaka-challenge dahil unang-una direktor ko dito si Chito Rono, hindi ka pupuwedeng hindi ko alam ang trabaho at hindi mo kaya 'yung eksena," bungad ni Coco. +Bagamat limang araw lang sa bansa ang Papa, ipinaliwanag ni Mayor na tatlong araw bago dumating ang leader ng Simbahang Katoliko ay itinalaga na ang mga pulis sa kani-kanilang puwesto bilang paghahanda sa makasaysayang okasyon. "P300 ang budget sa pagkain sa kada pulis. Tamang tama na 'yun," pahayag ni Mayor. Hindi naman nakapaloob sa P67-milyon budget ang iba pang gastusin, tulad ng gasolina sa paglilipat-lipat ng mga pulis sa iba't ibang lugar. Habang aminado si Mayor na hindi sapat ang pondo, iginiit ng PNP spokesman na dapat na maging kuntento sila dahil mahirap kumuha ng karagdagang pondo sa mga panahong iyon bunsod ng mahabang prosesong kakailanganin sa budget release. Ipinag-utos noong Biyernes ni PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina ang pagsibak kay Supt. Elizabeth Martos bilang budget officer ng Police Security Protection Group (PSPG), bunsod ng mga reklamo na P700 lang ang natanggap ng ilang pulis na nagbigay-seguridad kay Pope Francis sa halip na ang itinakdang P2,800 meal allowance. +"We will implement the integration on February 1, 2015 despite an appeal from OFWs sector and impending motions which has yet to be resolved by the court," pahayag ni Villaluna. Nagpahayag na si OFW Family Club party-list Rep. Roy Seneres na maghaharap sila ng contempt charges sa Pasay Regional Trial Court laban kay MIAA Gen. Manager Angel Honrado dahil sa pagsama ng terminal fee laban sa umiiral na regulasyon na hindi saklaw ang OFWs mula sa pagbabayad ng naturang bayarin. +Natunton ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang hotel sa Bacolod City noong Huwebes si Miguel Omayao, 33, sinasabing dating opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP)-West Central Mindanao front. +Ang suspek ay kasapi ng Barahama Ali KFRG na kumikilos sa Zamboaga Sibugay. Nabatid na isinagawa ng pulisya ang operasyon dakong 9:00 ng umaga nang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong kidnapping at murder ngunit nanlaban ito. Nabawi mula sa suspek ang isang .45 caliber pistol, isang hand grenande at mga bala. Isinasangkot si Enriquez sa pagdukot sa Australian na si Richard Warren Rodwell, sa Korean na si Piejie Li, Reynaldo Drapeza at kay Joel Indino Jr., na dinukot sa Zamboanga Sibugay. +Nasa pag-iingat na ng pulisya ang naarestong si Ronald Allan Villegas Domingo, 37, binata, matapos ang dalawang oras na pangho-hostage nito sa kasintahang si Elaine Lachica Valerio, kapwa residente sa lugar. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nauwi sa hostage drama ang pag-aaway ng magkasintahan dahil nais ng biktima na makipaghiwalay na sa suspek. +Sina Josephine at Tim Desmond, mataas na opisyal ng isang marine theme park dito, ay itinampok sa "Above & Beyond,'' isang special multimedia series of stories na kumikiala sa mga karaniwang tao na nakagawa ng hindi pangkaraniwang bagay sa Asia. +"Saka bukod sa ipinagdarasal ko ngayon, siyempre mag-thank you ka, eh, sana ito na nga," pag-amin ni Pokwang kay Kris Aquino. "Sana ito na, tama na 'yung ano, Lord, sana ito na po," kinikilig pa niyang sabi. Kinumpirma ni Pokwang na they became a couple nito lang nakaraang January 20 pagkatapos nilang magpunta sa Boracay. "Dumating at bonggang promo, (premiere night) 'tapos nag-Boracay. 'Tapos three days after bumalik ng Manila, 'yun na, nagkasarinlan kaming dalawa, may quality time para mag-usap kung ano ba tayo, ano talaga," sabi pa ni Pokwang. Siyempre pa, sa kanilang private talk sa Boracay, siniguro ni Pokie kay Lee na ayaw niyang may kaagaw. Na siya lang at wala nang iba pa sa buhay ng American actor. "Mahirap, baka mamaya... hindi ba mahirap na ako lang 'yung in love? 'Tapos doon ko nalaman, sinabi niya na alam mo ba first shooting day pa lang mayroon na siyang keme (feelings for me). Sinabi ko, ano tayo? 'Tapos hinalikan niya ako, 'tapos sinabi niya gusto niya ako, masaya siya kapag nakikita niya ako, kapag magkasama kami, 'yun 'yon," natatawang kuwento pa niya kay Kris. Nakabalik na ng Amerika si Lee na nangako sa kanya na babalik sa Manila sa April in time for summer vacation sa ating bansa at para makapiling muli ang komedyana.. Bilang single mother, naikuwento na niya sa anak na si Ria Mhae ang ugnayan nila ni Lee . "Actually nahirapan ako kay bagets. 'Paano ba ito?' 'Yun pala naghihintay lang siya na magsabi ako pero okay naman sa kanya," tawa nang tawang kuwento pa ni Pokie. Payag siyang maging Mrs. O' Brien at tumira na sa Amerika with Lee. +Limang miyembro ng isang pamilya ang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa San Juan City kahapon. Kinilala ang mga nasawi bilang ang mag-asawang Luis at Roxanne Hsieh, 53, at mga anak nilang sina Amanda Hsieh, 18; Jeffrey Hsieh, 13; at John Hsieh, 12 anyos. +Inaalam ng mga tauhan ng Paranaque City Police ang pagkakilanlan ng driver ng Jethro Bus na may biyaheng Cavite-Bulacan na tumakas matapos ang insidente. Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, dakong 8:00 ng umaga nang mawalan ng preno ang bus kaya inararo nito ang dalawang taxi, dalawang van, dalawang kotse, isang SUV, isang pick-up, isang jeep at isang motorsiklo sa kanto ng MIA Road at Coastal Road sa nasabing lungsod na ikinasugat ng mga pasahero buhat sa iba't ibang sasakyan. Ayon sa awtoridad, walang nakitang dokumento sa loob ng bus para matukoy ang driver gayunmang nakikipagugnayan na ito sa kumpanya ng bus kaugnay sa insidente. +eat much more of it than if it was tucked away in a desk drawer out of sight." Kasama na rito ang natirang desserts o doughnuts sa kusina, "if there's a common area for sweets and you know it's a weakness, you may need to steer clear and not let yourself be tempted." Madalas na kasiyahan sa opisina +Nakuhang lampasan ng 23-anyos na si Oconer ang nakasabayan sa lead group na sina 2011 Ronda champion Santi Barnachea, Rudy Roque, Cris Joven at ang kakampi sa pambansang koponan na si Rustom Lim tungo sa pagsuot ng simbolikong LBC red jersey. Naitala nito ang 1 oras, 13 minuto at 15 segundo. Pumangalawa sa hatawan si Roque, pumangatlo si Joven, ikaapat si Lim at ikalima si Barnachea sa kahalintulad ding oras sa karera na suportado ng major sponsor na Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron at Mitsubishi at maging ang mga minor sponsor na Cannondale, Standard Insurance, Tech1Corp., Maynilad at NLEX kung saan ang padyakan ay may basbas ng PhilCycling sa pamumuno ni Cavite Congressman Abraham "Bambol" Tolentino. Ang TV5 at Sports Radio ang tumatayong media partners sa labanan. "Hinintay ko po muna kung sino ang unang aangat," sinabi ni Oconer, na anak ng national coach at premyadong dating track cyclist at Olympian na si Norberto. Si Oconer ay kagagaling lamang sa paglahok sa Asian Cycling Championships sa Nakhon Ratchasima, Thailand na siyang qualifying stage sa 2016 Rio de Janiero Olympics. "Masyadong malakas ang hangin kaya nang makabreak-away kami ay itinuloy na namin. Medyo matagal pa po ang labanan kaya didepensa na lang muna at bantay-bantay sa mga beterano," giit pa ni Oconer na 3rd overall noong 2011 habang 4th overall sa Intenational at 3rd sa All-Filipino noong 2014. Isang taimtim na panalangin ang isinagawa ng Ronda Pilipinas bago ang opisyal na pagsisimula ng kampeonato upang ialay ang karera sa mga miyembro ng PNP-SAF na nasawi sa isinagawang operasyon sa Mamasapano sa Maguindano. Ang panalo ay ang pangkalahatang ikatlong stage lap ni Oconer kung saan ay inaasahang tutulungan siya ng mga kasamahan sa pambansang koponan, naghahanda para sa paglahok sa gaganaping 28th Southeast Asian Games, upang masungkit ang korona at ang nakatayang premyo na P1-milyon. Tumapos naman sa Top 10 sina John Paul Morales (6th), Rey Nelson Martin (7th), Marvin Tapic (8th), Arjay Peralta (9th) at ang Spaniard na si Edgar Nieto (10th) na pawang nagsumite ng oras na 1:15:39. Dahil sa panalo ay nakamit ni Oconer ang premyong P25,000, maliban pa sa pagsuot nito ng red jersey at tanghaling overall leader (1:13:05). Pumangalawa si Joven na nakakuha ng bonus sa sprint para sa oras na 1:13:07 habang ikatlo si Roque na may 1:13:09 oras. Tinanghal namang Stage Best Junior at overall leader si Jay Lampawog ng 7-11 sa oras na 1:16:52, pumangalawa si Daniel Ven Carino (1:16:52) at ikatlo si Edalson Ellorem (1:28:33). Ang Stage Best Young rider ay si Rustom Lim (1:13:15) habang ikalawa si Arjay Peralta (1:15:39) at ikatlo si Angel de Julian Vazquez ng Spain (1:16:52). Isinuot ni Lim ang puting Standard Insurance jersey. Aarangkada naman ang Stage Two sa ganap na ala-1:00 ng hapon kung saan ay babagtas ang mga siklista sa 146.8 kilometrong lakbayin na magmumula sa Calamba City patungo sa Quezon National Forest Park sa Atimonan, Quezon. Ang mga rider ay tatahak din sa kinatatakutang liku-liko at matatalas na kurbada sa tinaguriang Tatlong Eme (3 Ems). Binubuo naman ng 11 koponan na may siyam na riders ang karera kung saan ay kabilang ang binuong Under 19 na ipiprisinta ang bansa sa darating na 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16. Sinabi ni Ronda Race Director Ric Rodriguez na ang mga koponan ay binubuo ng Cycle Line Butuan, 7-11 ByRoad Bike Philippines, Philippine Navy Standard Insurance, PSC-Philcycling, Philippine Army, Cebu-V Mobile, Team Negros, Northern Luzon, N-C-R, Mindanao at ang composite team ng mga dayuhang siklista. Kabuuang 99 riders ang nakuhang makuwalipika sa Visayas at Luzon qualifying leg na makakasama ang mga miyembro ng seeded na national team. +Sinabi ng state-run Beijing News na ang Modern College of Northwest University, sa Xian, ay nagsabit ng mga banner sa buong campus na may nakasulat na "Strive to be outstanding sons and daughters of China, oppose kitsch Western holidays" at "Resist the expansion of Western culture". Sinabi ng isang estudyante sa pahayagan na maparurusahan sila kapag hindi sila dumalo sa isang mandatory three-hour screening ng propaganda films, na ayon sa ibang estudyante ay kinabibilangan ng isang tungkol kay Confucius, at nakabantay sa kanila ang mga guro upang matiya na walang aalis. +Ito ang binigyang-diin ni Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado nang umapela siya sa Commission on Elections (Comelec) na itama ang proseso sa isinusulong na recall proceedings laban sa kanya. +Sinabi ni Haramen na una silang pinaputukan ng noon ay hindi pa nila batid na mga tauhan pala ng PNP-SAF sa bahagi ng maisan at dalawa sa kanyang mga tauhan ang agad na tinamaan kaya kinailangan nilang gumanti. Sa isang maikling panayam sa kinikilalang "Operation Officer", sinabi niyang ang anumang pagkilos ng kanilang hanay ay nakabatay sa utos ng MILF Central Committee sa kanilang pinuno at sa mga tinatawag na field commander. Sinabi rin ni Haramen na hindi siya likas na rebolusyonaryo, kundi isang simpleng magsasaka na handang itakwil ang karahasan kapalit ng kapayapaang kanya ring inaasam para sa Bangsamoro, pero inamin niyang hindi pa malinaw kung susuko sila--at ang kanilang mga armas, alinsunod sa Bangsamoro Basic Law--hanggang sila ay nabubuhay. Dagdag pa nito, sinabi ni Haramen na kung ipag-uutos ay handa silang kumilos para dakpin ang bomb expert na si Bassit Usman, na inilarawan niya bilang isang rebolusyonaryo. +Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa T'boli-Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang matandang nasawi sa apelyidong Veniales, habang ang isa pang namatay ay ang apo niyang si Greziele Veniales, 22 anyos. Kinilala lang sa pangalang Jun ang sugatang apo. +Maraming katanungan ang inilutang tungkol sa insidente, lahat naghahangad ng mga kasagutan na maaaring hindi maibibigay sa loob ng maraming buwan habang inoorganisa ng mga opisyal ang lahat ng uri ng imbestigasyon. Samantala, inihinto ang lahat ng pagdinig sa panukalang BBL sa Senado at sa Kamara de Representantes. Ang unang kailangang gawin ay ang alamin kung ano talaga ang nangyari. Sinabi na ipinadala ang 392 miyembro ng PNP force upang tugisin ang wanted na Malaysian na suspek sa terorismo at ang kanyang kakutsabang Pinoy sa liblib na teritoryo ng MILF nang walang abiso sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na matagal nang kumikilos sa lugar. May sinabing $5 milyong pabuya na inalok ng mga Amerikano para sa Malaysian. Sinabi ng MILF na walang koordinasyon sa PNP sa MILF mismo, bilang paglabag sa kasunduan nito sa gobyerno. Ngunit kung totoo man ito, ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, sapat ba na dahilan iyon upang imasaker ang 44 na pulis? Isa si Cayetano sa 13 miyembro ng Senate na co-author ng hakbanging BBL sa Senado. Iniurong ngayon niya ang kanyang co-authorship. Ang PNP mismo, sa utos ni Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, ay bumuo ng isang Board of Inquiry upang suriin ang insidente. Titingnan nito kung sino ang nag-utos ng operasyon na lumilitaw na sumuway sa isang kasunduan ng gobyerno sa MILF. Kailangang tingnan din nito ang kakapusan ng paghahanda ng naturang mga pulis, na ang karamihan ay kararating lang mula Metro Manila, na nakipagsapalaran sa isang hindi kilalang teritoryo. Maraming isyu ang kailangang maresolba - ang waring kawalan ng kontrol ng MILF sa kanilang hanay na sinisisi sa pagpaslang, ang responsibilidad ng pag-uutos ng operasyon sa umpisa pa lang, pati na ang pabuyang $5 milyon. Malalaman ba ng Board of Inquiry ang lahat ng ito o may ilang katotohanang masyadong sensitibo ang hindi nila ilalagay sa liwanag? +Unang inendorso ng Pangulong Aquino ang pagbibigay ng pondo sa may 372 bagong posisyon ng plantilla item para sa labor laws compliance officers upang palakasin ang kapasidad na maipatupad ang lahat ng batas sa paggawa. +Sa kanyang website, nagbigay ng pahaging ang star mula sa French-speaking na Quebec tungkol dito, sinabing, "Good news on the horizon!" habang makikita ang kanyang asawa at one-time manager na si Rene Angelil, 73, na nanonood ng television footage ni Dion. "It is very emotional for me and I'm anticipating the emotions to grow even more as the date gets closer," pahayag ni Dion sa magazine. Dahil dito, labis na natuwa ang mga tagahanga ni Dion. "I am super excited I have been waiting for this moment for a very long time!! I love you Celine and I am so excited for your return!" komento ng isa sa kanyang mga tagahanga. Nagtanghal ang five-time Grammy winner sa Sin City ng mahigit tatlong taon, pinahanga ang mga manonood sa kanyang biggest hits kabilang na ang theme song ng 1997 Hollywood blockbuster na Titanic na pinagbidahan nina Leonardo DiCarpio at Kate Winslet -- ang My Heart Will Go On. +Para sa nobyo ang nobya. Naroon ang abay ng nobyo para makinig sa kanya at ikinagagalak niya ang makinig sa nobyo. Ganito rin lubos ang aking kagalakan. Dapat Siyang humigit at ako nama'y lumiit." +Pero gusto ba ng mga OFW na umalis ng Yemen? Anang isang ulat, hindi nagpaparamdam ang mga OFW ng kanilang pagnanais na takasan ang gulo sa Yemen. Gayunman, ipinarating ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz sa mga recruitment agency ng mga OFW sa Yemen ang planong repatriation. Ani Baldoz, nakipagpulong ang Philippine Overseas Employment Administration sa mga recruitment agency upang talakayin ang posibilidad na sagutin nila ang gagastusin sa repatriation ng mga OFW na kanilang ipinadala sa Yemen. Noon pa kasing Pebrero na ipinagbawal na ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Yemen dahil sa matinding kaguluhan. Kawalan ng trabaho rito sa Pilipinas ang dahilan kung bakit mahirap himukin ang ating mga kababayan na pauwiin sila. Mas nanaisin pa nilang tiisin ang kaguluhan sa pag-asang mapapawi rin ito kalaunan kaysa umuwing nakanganga at walang makain, dilat sa gutom at walang pag-asa. +Magkakapatid sina Aiko, Dimples at Carlo at ang batang si Louise naman ay ala-alaga ni Ka Eddie na mag-isang namumuhay sa probinsiya. Biyudo na at maysakit si Ka Eddie kaya't hinihintay niya ang araw ng Pasko dahil makikita niya ang kanyang mga anak. Nakakatawa kasi habang nagpupunasan ng luha ang entertainment press ay dire-diretso rin pala ang tulo ng luha nina Dimples at Aiko dahil naalala nila ang kani-kaniyang ama. Sila na nga raw ngayon ang bagong 'crying ladies'. "Sorry ha, I started everything (umiyak) kasi sa soap na 'to, makaka-relate talaga lahat sa bawa't character namin," simulang kuwento ni Aiko. "Ako talaga tinamaan dahil nga maagang kinuha sa akin ng Panginoon ang tatay ko, pero masaya ako dahil alam ko while I'm doing this soap, the Gift Giver, alam kong this Christmas, ang Papa Jimi (Melendez) ko po ay proud po sa akin dahil tinanggap ko po ito." "Ako naman, pinipigil-pigilan ko rin (umiyak) kasi my papa naman passed away when I'm 16 and my sister passed away about 4 years before that," sabi naman ni Dimples. "And this project, really for some reason, hindi ko nga alam kung ako lang ang maemosyon dahil buntis ako, pasensiya na po, ha. Ano kasi 'to, very dear to my heart and in fact, I wasn't expecting to do a teleserye until I gave birth. I was telling them nga (production) kasi buntis nga ako, so tinayming ko na patapos na 'yung taon at wala na akong gagawin. "But with this project, it just reminded me of how much pain I still have of losing my papa. Kasi everyday, tini-take for granted lang natin na nandidiyan lang ang magulang natin kasi busy tayo sa sarili nating pamilya, sa mga kailangan nating gawin para sa sarili natin. "And when this project came along, parang siguro this is my papa's way of telling me na 'you know, it's Christmas and I miss you.' Something like that. This project hits the mark of the heart of the Filipino family whether you lost someone, you didn't lose someone, the fact you miss somebody at some point in your life tuwing Pasko... 'yun, eh. Bawat isa dito mayroon kang konekta." Wala namang maikuwentong sakit na nararamdaman sina Carlo at Louise dahil pareho pang kumpleto ang pamilya nila. Tinanong sina Aiko at Dimples na panay ang punas ng mga mata kung naging mabuting anak ba sila at kung may pagsisisi ba sila ngayong wala na ang kanilang ama. "Ito po ba ay workshop?" natawang tanong ni Dimples. "Ako kasi 16 lang (nang maulila sa ama), so you can imagine I really started working. Kasi my mama wanted me to work, work and my papa, we had the path na, 'mag-school muna ako ha, tigil muna ako mag-artista', sabi niya (papa), 'okay-okay' "Two months bago ako mag-college, nawala si Papa, actually aneurysm siya, that's why maraming regrets sa akin kasi hindi ako nakapag-goodbye. So, tuwing may ganitong kuwento, malapit talaga sa puso ko and siyempre sa atin bilang artista, mas gusto ko po na maibigay 'yung totoong nararamdaman ko. "So 'yung mga regrets ko lang as a daughter, hindi lang enough, akala ko kasi ang dami kong oras dahil akala ko marami akong oras, hinayaan ko lang. Hindi ako masyadong tumawag, hindi ako masyadong nangumusta, so 'yun lang naman 'yung mga regrets. "Ang laking pasalamat ko kasi sa bawat ginagawa kong eksena ngayon, bago ko iarte or whatever I always have a silent corner kay papa, which I want to know if I do this, will I make him proud? If I do this, matutuwa ba siya sa akin? Ano ba'ng sasabihin niya sa akin, so kahit wala na siya, buhay na buhay siya sa akin," naiiyak na kuwento ng aktres. Madamdamin ang naging relasyon ni Aiko sa ama dahil tatlong buwan lang niya itong nakasama. "Ako kasi, open book naman 'yung naging relationship ko sa dad ko, Jimi Melendez. Hindi kami naging okay nu'ng una, pero 'yung regret ko is noong naging okay na kami, three months after, kinuha siya ni Lord sa buhay ko," unang pahayag ng aktres. "Nag-Hong Kong kami, nandoon na 'yung bonding namin ng tatay ko ulit. 'Yung regret ko, 'yung kuwestiyon ko kaya nga siguro 'yung pagkakaiba ko ng personality hanggang sa ngayon is 'yung bakit ganu'n, kung kailan lahat okay na, doon pa kinuha si Papa," sabi ni Aiko na nasabayan ng pagtulo ng luha. "Saka 'yung papa ko, hindi naman siya namatay dahil sa sakit, eh. Namatay ang papa ko nanonood ng pelikula ko sa Cinema One, pinapanood niya 'yung MMK, The Movie, na-choke 'yung papa ko dahil naiyak siya sa eksena sa movie, so I missed him by five minutes sa hospital. So, 'yung pakiramdam ko, ganu'n pala ako kamahal ng tatay ko, akala ko kasi nu'ng iniwan niya kami nu'ng bata kami, 'pinagpalit sa ibang pamilya, 'dinenay na may anak siya kasi, di ba dati ang uso kapag matinee idol ka dapat wala kang anak. That's why nga nu'ng una akong i-launch, Paredes ang aking apelyido hindi Melendez kasi nga sabi ng tatay ko hindi kami puwedeng malaman na kami 'yung unang pamilya. "So hindi naging maganda 'yung relationship namin, pero nu'ng okay na, sabi ko magiging mabuting anak ako kasi mahal ko tatay ko kasi naman sa itsura pa lang, halata naman na pinagbiyak kaming bunga, female version ako ako ng tatay ko. "'Tapos nu'ng kinuha nga 'yung tatay ko, nanonood ng pelikula ko, so feeling ko kasalanan ko pa na namatay ang tatay ko, bitbit ko 'yun. "Kaya nu'ng i-offer sa akin itong 'Gift Giver'," napatigil sa pagsasalita dahil nahihirapan nang huminga sa kakapigil ng iyak, "sabi ko, 'para sa 'yo 'to, Papa kasi, sandali," nabilaukan na, "baka 'cause of death ko naman 'to," tawanan ang lahat sa sinabing ito ni Aiko. +"Ito ay hindi ordinaryong rebolusyon. Holy War ito ng mga Muslim dito sa Mindanao," babala pa ni Mama. Ayon sa Philippine Army, isang sundalo ang namatay at tatlong iba pa ang nasugatan sa huling pag-atake ng BIFF sa Maguindanao at Sultan Kudarat. Nilinaw din ni Mama na sa kabila ng paglaki ng BIFF ay hindi sila magpapadala ng mga kasapi sa Middle East para makipaglaban kasama ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). "'Yung mga miyembro namin na nandoon na sa Middle East ay sila na ang nagboluntaryo na sumapi sa ISIS. Wala po kaming ipapadalang miyembro galing dito," paglilinaw ni Mama. +Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 kilometro hilagang-kanluran ng Dumaguete City taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometer per hour (kph). Nananatili naman ang bilis ng bagyo sa 24 kph pakanluran matapos nitong tawirin ang landmass ng Negros provinces. Kabilang din sa nasa public storm warning signal (PSWS) No. 1 ang mga sumusunod: Palawan, kasama ang Calamian Group of Islands at Cuyo Islands, Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occidental, Siquijor, Guimaras Island, Iloilo, Antique, Zamboanga del Norte. +Aniya, ang lokal na pamahalaan ay may mahalagang papel sa pagpapatupad ng proyekto na nangangailangang higit na palawakin ang agricultural productivity at mapalaki ang kita ng mga farmer-beneficiary at ibang maliliit na magsasaka sa nabanggit na lugar. "The DAR expects that these projects will help increase household income of farmers and their organizations on a sustainable basis through more profitable income-generating activities," dagdag ni Abella. Ayon kay Abella , ang naturang proyekto ay kapapalooban ng usapin sa agrikultura, agribusiness at agroforestry development support kaakibat ang farm-to-market road at tulay gayundin ng irrigation at common service facility,rural water supply; institutional development support at project management. +Gayunman, hinimok ng PHLPost ang publiko na bumibili online na isumite ang kanilang mga stamp order sa Pinoy eMall site upang makabili sa aktuwal na presyo. "Upang protektahan ang interes ng publiko, hinihikayat namin ang lahat na magkaroon ng bahagi sa Pope Francis memorabilia sa pamamagitan ng mga selyo na mabibili online sa pamamagitan ng PHLPost web portal, at face value," sabi ni Postmaster General Josie Dela Cruz. Ito ang naging panawagan ng PHLPost kasunod ng mga ulat na ibinebenta sa black market ang mga kopya ng nasabing commemorative stamp nang doble sa aktuwal na presyo nito. Upang makabili ng mga stamp, mag-log on sa www.phlpost.gov.ph at i-click ang Pinoy eMall na magbubukas sa website na Pinoy e-Mall. +NANGGULAT pero kinakiligan nang husto ng karakter na ginagampanan ni Liza Soberano ang Forevermore viewers nitong nakaraang Martes nang lakas-loob na aminin ni Agnes ang namumuong pagmamahal para kay Xander na ginagampanan ni Enrique Gil. Napanood sa naturang episode ng most-watched romantic-drama series ngayon ang biglaang pagbuhos ng emosyon ni Agnes sa harap ng kanyang tatay at mga kababayan sa La Preza kaugnay ng kanyang tunay na nararamdaman. Umabot siya sa sukdulan nang lumapit siya kay Xander at sinabing, "Ay ayaten ka," na nangangahulugang "mahal kita" sa mga Ilokano. +Ayon kay Atty. Virgie Suarez, abogado ng pamilya Laude, noong Pebrero 2 itinakda ni Judge Rolie Ginez-Jabalde ang pagbasa ng sakdal laban kay Pemberton ngayong Lunes kung kailan isasagawa rin ang pretrial, preconference at presentasyon ng mga ebidensiya sa Olongapo Regional Trial Court (RTC) Branch 74. Lumabas ang desisyon matapos maghain ang kampo ni Laude ng omnibus motion na humihiling kay Jabalde na iurong ang suspensiyon ng paglilitis at simulan na agad ang pagbasa ng sakdal laban kay Pemberton. Inihain ang mosyon dalawang araw matapos katigan ng Department of Justice (DoJ) ang desisyon ng Olongapo City Prosecutors' Office na kasuhan ng murder si Pemberton. "This (February 23) will certainly be a whole day affair," pahayag ni Suarez. +Umani ng palakpakan at tawanan mula sa audience at maging sa tatlong judges na sina Gary Valenciano, Jed Madela at Sharon Cuneta ang performance ni Melai with matching nunal sa pisngi maging ang buhok ng aktres. "Noong pumasok ka, sabi ko kay Jed, 'Si Ate Guy ba 'to, o si Maria Leonora Teresa?' Ang galing ng pagkaka-interpret mo, pero siyempre 'pag si Ate Guy, talagang ano siya, hindi siya comedy. Pero 'yun naman ang naging tatak ni Melai," sabi ni Sharon. "Alam natin na sobrang hirap i-impersonate si Ate Guy, kasi iconic eh, iconic 'yung kanyang mukha, 'yung kanyang boses, 'tapos huli ka pa, di ba, so sobrang hirap," sabi naman ni Jed. "Sobra akong bilib sa 'yo, you took the challenge, at napasaya mo kaming lahat." Bilib din si Gary V. sa ginawa ni Melai. "Kung ang mga ibang artist, eh, ginaya nila, at talagang kamukhang-kamukha nila 'yung artist na in-impersonate nila, ikaw, alam mo 'yung mga caricature?" pabirong sabi ni Mr. Pure Energy. "Pero grabe 'yung ginawa mo kanina, kaya challenge din ngayon sa iba kasi ikaw, caricature na maganda 'yung pagka-emote. Kung isa ako sa nanonood ngayon, kunyari may listahan na sila, ito 'yung ranggo, pero paglabas mo, parang malilito sila." Kasama sa celebrity performers sina Karla Estrada na ginaya si Sharon Cuneta; Nyoy Volante bilang Michael Jackson; Jay-R na si Pepe Smith naman ang ginaya; Tutti Caringal as Freddie Aguilar; Maxene Magalona bilang si Taylor Swift; Edgar Allan Guzman na kopyang-kopya ang impersonation kay Usher; at si Jolina Magdangal as Lady Gaga. +Sinabi ni weather forecaster Samuel Duran ng PAGASA, ito na ang pinakamalamig na temperaturang naitala sa Science Garden sa Quezon City ngayong buwan. +SA pamamaalam sa ere ng Let's Ask Pilipinas ay may bagong programa agad na kapalit ang TV5 para kay Ogie Alcasid na mapapanood sa Pebrero, ang singing competition na Rising Stars na iho-host nila ni Venus Raj. Sa pakikipagtsikahan namin kay Ogie sa launching ng Kapatid Network sa sampung bagong show nila para sa first quarter ng 2015 ay damang-dama ang kanyang kasiyahan at positivity sa naturang mga programa. Nang itanong namin kung alin sa mga ito ang papalo nang husto sa rating, ang mabilis na sagot ni Ogie: "Lahat!" +Nalaglag ni Wozniacki ang unang set kay Barbora Zahlavova Styrcova ng Czech Republic, 6-4, at tabla ang bilang sa 1-1 sa ikalawang set nang siya ay maglakad patungo sa net at sinabing hindi na niya kayang magpatuloy. +Sa isang pahayag, inabisuhan ni POEA Administrator Hans Cacdac ang mga OFW na interesadong magtrabaho sa New Zealand na magsumite ng kanilang aplikasyon sa mga awtorisadong recruitment agency upang hindi mabiktima ng mga illegal recruiter. +Lumahok ang mga kinatawan ng mga tribung Batak, Tagbanua Tandulanen, Cagayanen, Agutaynen at Cuyunon, pawang nakatira sa bayan ng Roxas sa hilagang bahagi ng Palawan, sa pagtatanghal ng palakasan na nagtatampok sa paggamit ng pana at pag-akyat sa puno sa tulong ng mga hibla ng rattan. +Ito ay kasunod ng pamamaril sa isang perya noong Lunes na ikinasawi ng dalawang menor de edad at ikinasugat ng anim na sibilyan. Ayon kay Navarosa, rido ang nasa likod ng insidente dahil matagal na itong problema sa kanilang bayan at sa mga katabing lalawigan ng Antique, Iloilo at Capiz. +Makikita sa video ang 19-anyos na si Musallam habang nakaupo sa isang silid suot ang isang orange jumpsuit at nagkukuwento kung paano siya na-recruit at sinanay ni Mossad. Sinabi niya na hinikayat siya ng kanyang ama at nakatatandang kapatid na sumapi sa IS. Makalipas ang ilang sandali, ineskortan si Musallam sa labas at doon ay binaril sa noo ng isang batang lalaki, na inilarawan ng isang nakatatandang miyembro ng IS bilang isa sa "cubs of the caliphate". Hindi naman makumpirma ng Reuters, maging ng mga security official ng Israel, ang authenticity ng 13-minutong video. Sa isang hiwalay na ulat, isinapubliko naman ng IS ang pamumugot sa tatlong lalaki sa hilagang Iraq, na ang dalawa sa mga ito ay nagsagawa ng homosexual acts. +Sa unang pagkakataon, napanood ng publiko ang digitally restored at remastered na mga kopya ng Anak directed by Rory Quintos, Kapag Langit ang Humatol directed by Laurice Guillen at Bata, Bata, Paano ka Ginawa ni Chito Rono. Mabusising inayos, pinalinaw at pinaganda ng ABS-CBN Film Archives at Central Digita Labs ang naturang mga pelikula. Dumating ang ilang ABS-CBN executives at director na kinabibilangan nina Ms. Malou Santos, Chit Guerrero, Olive Lamasan, Rory Quintos, Laurice Guillen at Chito Rono sa UP Film Center para panoorin ang Bata, Bata.... Dumating din sina Cherrie Pie Picache at Albert Martinez, na kasama sa cast nito. In full force din na dumating sa event ang Vilmanians at press people. Sa totoo lang, aakalain mong bago ang kopya ng restored films. Kung hindi nga lang naroroon sina Carlo Aquino at Serena Dalrymple na mga totoy at nene pa ang itsura sa movie, aakalain mong bagong pelikula ang Bata... Bata.... Salamat sa modernong teknolohiya. Sabi sa speech ni Leo Katigbak, ang ABS-CBN Film Archives head, anim nang classic film ni Ate Vi ang na-restore nila at baka nga lumobo pa ito sa maraming kopya dahil sa magandang pagtanggap ng publiko. Sa talumpati naman ni Ate Vi, aniyang pabiro, "Anim pa lang? Bakit hindi 15?" At idinagdag na, "Modesty aside, marami tayong classic films na nagawa na kailangan munang i-restore dahil sa kalumaan." "Gusto naming i-restore ang mga natatanging pelikula ni Vilma mula sa iba't ibang direktor," kuwento pa ni Mr. Katigbak. All in all, nakapag-restore na ang ABS-CBN Film Archives ng 72 pelikula since 2011 at ang ilan sa mga ito ay pinalad na maipalabas sa international filmfest at sa katunayan ay may red-carpet pang premiere na naganap at naiere sa free-to-air/cable television. Napapanood din ang mga ito sa pay-per-view at video-on-demand, nabibili sa DVD at nada-download din sa iTunes. Sa tanong kay Ate Vi kung ano pa ang nagawa niyang pelikula na gusto niyang panoorin, ang excited niyang sagot, "T-Bird at Ako." +Dakong 6:20 ng umaga nang maramdaman ang 18.1 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City, mas mababa kumpara sa 18.5 degrees Celsius na naitala noong Lunes ng umaga. +Ayon sa isang ulat mula sa Shariff Aguak sa Maguindanao, nagsasagawa ng graduation exercises ang education officials sa ARMM para sa mga batang mag-aaral sa 11 bayan ng Maguindanao na apektado ng labanan ng puwersa ng gobyerno at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Sabi ni ARMM Education Secretary Jamar Kulayan, may 19,000 batang mag-aaral ang lumikas bunga ng labanan, at naging evacuation centers ang kanilang mga paaralan. Ngunit nagpapatuloy ang mga rehearsal para sa graduation, habang pinanonood ng mga evacuee, aniya pa, at ang commencement rites ay idaraos sa Marso 25-28. Sa isang local autonomy, hindi ito parang isang "bigong eksperimento", na sinasabi ng mga pambansang opisya na nagsusulong ng kapalit ng ARMM sa pamamagitan ng Bangsamoro. Sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman na nagpapatuloy ang regional government sa operasyon, nakukuha ng evacuation centers ang kanilang mga pangangailangan, at matutuloy ang graduation rites sa nakatakdang panahon, kahit na idaos pa ito sa evacuation centers. Nagsimula ang ARMM sa Tripoli Agreement ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari noong 1976. Nag-isyu si Pangulong Marcos ng Presidential Proclamation 1628 noong 1977 na lumilikha sa "Autonomous Region in Southern Philippines" ngunit tinutulan ito sa isang pambansang plebisito. Isinulong ni Pangulong Cory Aquino ang bagong peace negotiations sa Moro National Liberation Front (MNLF) at nilagdaan ang Jeddah Accord noong 1987. Kaya isinama ng Aquino government sa 1987 Constitution - na umiiral ngayon - ang paglikha ng autonomous regions in Muslim Mindanao pati ang Cordilleras. Nilagdaan ang RA 6734 ni Pangulong Cory Aquino bilang batas na lumilikha ng ARMM noong 1989 at inaprubahan ito sa isang pambansang plebisito. Matapos ang kanyang pagkahalal noong 2010, itinalaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III si Hataman bilang acting governor ng ARMM upang pangunahan ang mga reporma ng kanyang bagong administrasyon sa rehiyon. Mahusay ang pagsisikap ni Hataman at nang tumakbo siya sa halalan noong 2013, malaki ang kanyang panalo. +Ayon kay Kari Clark, "the first time Dick saw Taylor perform, he knew she was something special." Kasabay ng pagtanggap ng parangal, siya ay mag-aalay ng isang kanta na Blank Space, ang kanyang pinakabagong kanta na kasalukuyang numero uno sa Billboard's Hot 100 chart. +Sinabi ng isang opisyal ng PVF na nagpadala ng kanyang pagsuporta si FIVB president Dr. Ary S. Graca ng Brazil sa pagsasagawa ng demokratikong proseso upang tuluyan nang mareresolbahan ang kaguluhan sa liderato ng asosasyon sa bansa. Una nang nagpadala ang FIVB noong Nobyembre 19, 2014 ng isang attestation na kinikilala ang PVF bilang lehitimong miyembro bagamat patuloy itong binabalewala ng POC na bumuo ng sariling asosasyon na kinilala bilang Larong Balibol sa Pilipinas (LBP). "We hereby confirm that the PVF has been affiliated to the FIVB since 1951 and is also a member of the Asian Volleyball Confederation (AVC). This federation is in good standing with the FIVB, pays its affiliation fees and attends the World Congresses," sinabi sa attestation ng FIVB. "The FIVB recognizes this Federation as the legitimate and exclusive authority, under the leadership of its President, WM Karl Geoffrey Chan II and its secretary general Dr. Rustico Camangian, to govern Volleyball and Beach Volleyball in the Philippines," ayon pa sa sulat. Gayunman, tuluyan nang tinuldukan ng POC, sa isinagawang general assembly noong Miyerkules, ang pagkilala sa PVF na matagal nang hindi miyembro ng sports governing body sa bansa. Sinabi ni POC secretary general Steve Hontiveros na napagtanto sa Executive Board meeting na kinakailangan uli ng PVF na magre-apply upang makunsidera ang pagiging miyembro sa asosasyon. Nabuo ang desisyon ng POC Executive Board matapos na maberipika na mayroong dalawang magkahiwalay na grupo na bumibitbit sa pangalan ng PVF na binuo sa magkahiwalay na taon sa listahan ng Securities and Exchange Commission, ang una ay noong 2005 at ang ikalawa ay noong 2014. Ipinaliwanag ni Hontiveros na ang 2005 PVF na siyang kinikilala ng POC ay lubhang kaiba mula sa 2014 PVF na nakasaad na sina Chan at Camangian ang presidente at secretary general. Idinagdag ni Hontiveros na para maisaayos ng PVF ang kaguluhan at upang muling kilalanin ng POC ay muli silang mag-apply para sa membership. "They have to apply again and go through the process of getting recognition from the international federation," pahayag ni Hontiveros. Huling nagtalaga at inaprubahan ng pamunuan ng PVF, sa isinagawang Board of Directors meeting noong Mayo 30, 2013 sa Vito Cruz, Manila, ang liderato matapos na magbitiw sa posisyon ang dating pangulo na si Gener Dungo. Pinalitan nila si Dungo sa pagluklok kay Chan bilang presidente habang ang chairman ay si Pedro Mendoza. Si Mendoza ay namayapa noong nakaraang taon at pinalitan naman ni Edgardo Cantada. Pumalit sa puwesto ni Chan si Artagnan Yambao bilang bise-presidente. Ang iba pang opisyales ay sina Victor Abalos (Commissioner), Roger Banzuela (Treasurer), Minerva Dulce Pante (Auditor), Nestor Bello (Referees Chairman), Yul Benosa (Rules Chairman) at Adrian Paolo Laurel (PRO). +"Ang drug lords at terorista ay mga intelihente, mayroon silang pera at may malakas na koneksiyon kaya mahirap silang i-manage at kailangan dito ay ihiwalay sila sa 'common criminals'," ani Umali. +Ang proyekto ay dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng iba't ibang PUV association sa Benguet, kasunod ang pagdidikit ng mga sticker sa sasakyan ng mga ito. +Mauunawaan ang pangamba ng Pilipinas simula nang magdatingan ang ilan nating kababayan mula sa West Africa. Mahigit sandaang Pilipino na miyembro ng United Nations Peacekeeping Mission sa Liberia ay kinailangang ibukod sa loob ng 21 araw sa ilalim ng quarantine protocols na pinagkasunduan sa UN World Health Organization. Nagsimula ring magdatingan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) para sa Pasko. Handa ang Department of Health sa mga itinalagang mga quarantine center kasama ang mga ospital na kumpleto sa kasangkapan kung sakaling may makadebelop ng sintomas ng Ebola. Sa loob ng maraming linggo, walang naiulat tungkol sa Ebola sa ating bansa. Ang mga UN Peacekeeper na naka-confine sa Caballo Island sa bokana ng Manila Bay ay nakauwi na sa kani-kanilang pamilya at kani-kanilang unit. Wala namang naiulat tungkol sa lahat ng OFW na na-isolate noong panahon ng Pasko. Ayon sa huling ulat mula abroad, bumababa na ang bilang ng mga kaso ng Ebola sa tatlong naturang bansa. Tumaas ang death toll sa halos 9,000, ayon kay UN Ebola coordinator David Nabarro, nunit ang bilang ng mga bagong kaso ay bumababa nang lingguhan. Ang Liberia, kung saan minsang naitalaga ang ating UN Peacekeepers, ay umaasa na wala nang bagong kaso sa susunod na buwan. Inamin ng WHO na ang hakbang nito laban sa epidemiya ay hindi sapat. Nagawang kumalat ng sakit dahil walang sapat na pasilidad sa mga ospital sa tatlong bansa sa West Africa at mabagal ang pagdating ng ayuda mula sa iba't ibang bansa. May mga bagong panukala na ngayon na magtayo ng isang African institution na kahalintulad ng US Centers for Disease Control and Prevention. +Nakatakdang humarap sa altar si Gaga at ang aktor na si Taylor Kinney na nag-alok sa kanya ng kasal noong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, ayon sa US Weekly. Matapos yayain ni Kinney si Gaga, sila ay nagdiwang sa Joanne Tratttoria, ang restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Gaga sa Upper West Side ng Manhattan, ayon sa Times Herald-Record executive editor na si Barry Lewis. +Ayon kay Rev. Fr. Felix Warli Salise, Social Action Center Director ng Diocese of Tagbilaran, siya at ang mga pari na labis na naapektuhan ng magnitude 7.2 na lindol, ang personal na pumili sa mga makakasalo ng Papa. +Nagkaisa ang mga netizen sa pagsasabing bukod sa nakakainsulto ang pagpapasuot ng adult diaper para sa mga rumorondang traffic enforcer at sidewalk clearing personnel ay hindi rin ito komportable lalo na kung basang-basa na sa loob. Habang ang iba ay hinamon si Tolentino na magsuot ng adult diaper upang mapatunayan niya kung talagang epektibo ito. "Diapers are used by Beijing police during the 2008 Beijing Olympics and used by National Aeronautics and Space Administration (NASA) during all space shuttle launches and reentry into the earth atmosphere," depensa ni Tolentino. Sa kanyang panig, sinabi ni Carlos na pinag-aralan nila ang panukalang pagsuotin ng diaper ang kanilang tauhan. +"Majiha was laid flat in the cold ring by that darting punch from Ancajas and the he was not able to recover as the referee counted him out with a full 10 count. Time of stoppage was at 1:48 of the third round," dagdag sa ulat. "Ancajas, who now fights under Pacquiao's MP Promotions is also trained by Nonoy Neri, one of Pacquiao's co-trainer. He improved his lot to 22 wins against a loss and a draw. This is his 14th career knockout." Kamakalawa, minalas naman sa Yokohama, Japan si dating OPBF flyweight titlist Rocky Fuentes na nabigong masungkit ang belt ni WBC champion Roman "Chocolatito" Gonzalez ng Nicaragua sa 6th round TKO. "Gonzalez dropped Fuentes in the sixth round and with what were described as merciless combinations upstairs and downstairs and then caught the Filipino with a flurry of punches to earn a stoppage at 2:11 of the round," ulat naman ng Fightnews.com. +Lilibutin uli ng KMJS ang magical world na Wizarding World of Harry Potter sa Osaka , Japan . Mamangha kung paanong naisabuhay ang mga eksena mula sa libro at pelikula sa isang amusement theme park. +Personal na namahagi si Sanchez ng bigas at mga regalo, kabilang ang mga souvenir bracelet, sa may 1,000 mahihirap na pamilya sa Barangay Bayan Park nitong Lunes bilang pasasalamat sa mga manonood ng kanyang programa sa ABS-CBN na nagdiriwang ng ikasampung anibersaryo. Sinabi ni Sanchez na maliit na bagay lang ang kanyang naitutulong pero dama niya ang suporta ng mga residente sa kanyang programa. "Walang kinalaman si Secretary Roxas sa ginagawa kong ito at ito ay mula sa aking trabaho. Tumulong siya, pero wala itong kinalaman sa pulitika," sabi ni Sanchez. Sa usapin kung kakandidato si Roxas sa 2016, sinabi ni Sanchez na hindi pa nila ito napag-uusapan, pero kung sakali, aniya, na may plano ang kalihim ay siya at ang Liberal Party ang makapagsasabi kung magpapatuloy si Roxas sa 2016. Sa ngayon, ayon kay Sanchez, ay abala si Roxas sa trabaho bilang kalihim ng DILG. +"I've talked to may parents about it before turning it down. I had really had a hard time deciding if I would stay here or with the band and I like had sleepless nights because I wanted to be with the band but also I wanted to be here with my parents. You know, it was a hard decision like we just decided not to do it anymore because I wanted to spend time with my dad," sabi sa amin ng binatilyong anak ni Papa P. So, ang main reason kaya ni-reject ng bagets ang offer sa US ay dahil sa ayaw niyang patuloy na mapalayo sa mga mahal niya sa buhay. Dagdag pa niya, may inilatag na pitong taong kontrata ang management ng grupo at iyon ang hindi niya kayang panindigan. "The contract was seven years and I would be housed with the other guys on it so I'd be stuck, I won't be able to go away if it's my dad's birthday and I'd be stuck," sey pa ni Inigo. Isa rin sa dahilan ang kanyang pag-aaral na kailangan niyang bigyan ng konsentrasyon. "I don't want to speak bad about the contract but let's just say it wasn't the best choice for me in this point of my life," lahad pa ni Inigo. Malapit nang mapanood ang pangalawang project niya sa Dos, ang Wansapanatym kasama si Julia Barretto kaya sobrang saya ang nararamdaman niya. +Sa kabilang dako, halos mag-isa namang binalikat ng rookie na si Edward Camposano ang laban para as Red Warriors sa itinala nitong 20 puntos. Dahil sa pagkabigo, nanatiling wala pa ring panalo ang UE matapos ang anim na laro. Samantala, pinangungunahan nina University of Santo Tomas ace spiker Mark Gil Alfafara at reigning MVP Marck Espejo ang mga nangungunang kandidato para sa MVP race sa. Nangingibabaw ang Season 75 MVP na si Alfafara sa scoring sa kanyang naitalang 106 puntos na nanggaling sa 95 spikes, 8 blocks at 3 service aces habang nakasunod sa kanay si ESpejo na may 93 puntos, 8 blocks at 7 aces. Kasama nila sa top 5 best scorers sina University of the East rookie Edward Camposano (82 puntos), ng kakampi ni Alfafara na si Romnick Rico (81) at National University hitter Fauzi Ismail (76). Tatlo namang players ng Bulldogs ang siyang nangunguna sa spiking, blocks at service batay na rin sa inilabas na statistics ng league official statistician na TMX Sports. Si Ismail ang siyang namumuno sa spiking na may 56.80 success rating, habang ang Season 76 Finals MVP na si Peter Torres ang may hawak ng league-best 1.11 average per set sa blocks at si Vince Mangulabnan naman ang nangingibabaw sa service sa kanyang 0.56 average per set. +Napag-alaman sa mga opisyal ng PVF, na huling nagpulong noong Enero 10 upang ayusin ang kaguluhan sa loob ng asosasyon, na mapupuwersa silang ilapit sa CAS sa pinakamataas na asosasyon sa sports sa mundo na IOC, ang kanilang sitwasyon kung hindi kikilalanin ng POC. "We are in good standing with our international association FIVB, in fact, they just recently gave us attestation on our effort to uplift volleyball in the country," ayon sa opisyal ng PVF na tumangging pangalanan. Kinumpirma rin ng opisyal na itutuloy ng PVF ang kanilang halalan sa Enero 25 kahit hindi magpadala ng kanilang representante ang POC. Ang CAS ay ang komite ng IOC na nakatalaga upang resolbahin ang anumang kaguluhan sa lahat ng mga miyembro ng National Olympic Committee (NOC). Una nang humingi ng permiso sa POC para sa gaganaping eleksiyon ang PVF subalit tumanggi ang una nang mahalukay ang magulong mga dokumento ng huli. Gayunman, umaasa ang pamunuan ng PVF na papanigan sila ng kinaaanibang internasyonal na FIVB at Asian Volleyball Confederation (AVC) sa paniniwalang tama ang kanilang hakbangin at mapagsama ang mga paksiyon sa loob ng samahan. Ipinaliwanag naman ng POC na matagal nang hindi miyembro ang PVF dahil wala itong lehitimong dokumento na anila'y ay wala nang saysay ang isasagawa nilang eleksiyon dahil hindi kasapi sa pribadong organisasyon ang PVF. "Technically, the PVF is not an NSA under the POC. There is no existing NSA for volleyball right now," sinabi ni POC 1st Vice President Jose Romasanta. +Ayon sa mga kaanak ni Jolo at sa spokesman ng pamilya na si Atty. Raymond Fortun, nakatulong nang malaki ang pagbisita ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla na nakakulong ngayon sa Camp Crame, para kumustahin ang kalagayan ng anak. Matatandaan na pinayagan ng Sandiganbayan si Bong na makadalaw sa anak na kritikal pa noong mga oras na iyon. Kung malaking tulong ang pahaharap ng mag-ama sa ospital, ipinagpapalagay ding nakabuti ang presence at pag-aalaga ni Jodi Sta. Maria sa kanyang hospital bed gaya ng pagpapakain at pagpapainom ng gamot. "Malaking tulong talaga si Jodi kasi katulad kanina, ang nagpapakain sa kanya si Jodi. In fairness talaga si Jodi pa talaga 'yung naglilinis ng benda niya," salaysay ni Lolit Solis, talent manager ni Jolo at ng mga Revilla sa isang taped interview sa The Buzz last Sunday. "Malaking bagay kasi siyempre mahal naman niya si Jodi so baka 'yung pagmamahal ni Jodi makatulong sa kanya," dagdag pa ni Manay Lolit. Sa isang banda, kahit sabihin pang on-guard ang actress-GF ni Jolo sa kanya sa ospital, may nagpapakalat naman ng tsismis na hiwalay na ang dalawa. Pero saksi raw si Atty. Fortun sa pagpapahalaga ng aktres sa boyfriend at aniya'y walang katotohanan na wala na silang relasyon. "Hindi po sila split ni Jodi. Nakikita ko talaga at sobra pong nagmamahalan ang dalawa," ayon sa spokesman ng pamilya Revilla. Pinabulaanan din ito mismo ni Jolo at ayon sa bise gobernador ng Cavite, laging nasa kanyang tabi si Jodi simula nang mangyari ang aksidente. "Umaga't gabi nandodoon si Jodi," dagdag pa ni Atty. Fortun, "I'm pretty sure nakapag-boost talaga ito sa morale ni Jolo para talagang lumakas na siya at hopefully makalabas sa lalong madaling panahon." +Nauna nang nagpahiwatig si Prime Minister Prayuth Chan-ocha, na pinangunahan ang military coup noong Mayo, na maantala ang ipinangakong halalan sa huling bahagi ng 2015. Sinabi ni Deputy Prime Minister Prawit Wongsuwan, na siya ring defense minister, na magaganap ang eleksiyon sa 2016, tinukoy ang mga grupong kontra sa junta, o National Council for Peace and Order, bilang isa sa mga dahilang ng pagkaantala. +Sinabi ni Disposado sa pulisya na kapatid niya ang nagkagutay-gutay ang katawan sa pagsabog kahapon. Ang back pack ni Develos ay binuksan ng mga kasapi ng Explosive Ordinance Division ng Philippine Army ng Rehiyon 6 at nabatid na granada ang laman ng bag. Walang masabi si Disposado sa pagsabog at sa bombang itinatago ng kapatid, dahil bihira lang umano sila magkausap. +Kamakailan lamang, inilabas ang ulat tungkol sa pagpapatiwalag ni Pope Francis sa isang pedophile Argentine priest dahil sa pagkakasangkot nito sa tinatawag na clerical abuse. Ang naturang pari ay hinatulan ng 14 na taong pagkabilanggo dahil sa pag-amin niya sa pang-aabuso sa apat na teenager. Ang desisyon ng Pope ay pinuri ng mga biktima ng pagsasamantala ng ilang alagad ng Simbahan. Ang gayong desisyon, kung sabagay, ay naiulat na rin noong panunungkulan ng nakaraang mga lider ng Vatican. Maaaring ngayon lamang pinaiigting ang implementasyon ng mga pagbabago sa Simbahang Katoliko na binubuo ng 1.2 bilyong mananampalataya. Sa isa pang ulat, ipinasiya ni Pope Francis ang pagtitiwalag sa isang church court official na sinasabing nagbebenta ng annulments o pagpapawalang-bisa ng kasal. Ang nakagigimbal na pahayag ay ginawa niya sa mga estudyante na dumadalo sa Roman Rota tribunal; katumbas ito ng Supreme Court for cannon law. Tahasang sinabi ng Pope na dinismis niya ang naturang church court official dahil sa pagsasabi nito na sa pamamagitan ng 10,000 dolyar ay mapapadali niya ang annulments sa pamamagitan ng civil at ecclesiastical procedures. Hindi tinukoy ang iba pang detalye hinggil sa naturang katiwalian; sapat nang mabatid natin na nais ng Pope ang madali, mabilis at hindi magastos na pagpapawalang-bisa ng kasal, lalo na sa mga maralita at pangkaraniwang mamamayan. Hindi isang proceso na nakaukol lamang sa mga masalapi. +Napuwersa ng 3rd seed Tigresses ang rubber match makaraang burahin ang twice-to-beat advantage ng second seed Lady Maroons sa pamamagitan ng 7-2 panalo sa second game stepladder semifinals. Taliwas sa naging tunggalian nila para sa No. 2 seeding, kung saan napabayaan ng Tigresses ang naiposteng 3-0 kalamangan, naging maingat na sila sa ikalawang pagkakataon at inalagaan na ang naitalang 4-0 panimula. Muli, ito ang misyong gagawin ng Tigresses ngayon upang malimitahan ang kanilang mga error para muling makapasok sa finals mula ng huli silang magkampeon noong 2011. +Umabot sa kabuuang 61 miyembro sa buong bansa ang dumalo sa itinakdang eleksiyon ng mga bagong opisyal ng ASAPhil subalit napagkasunduan ng board na sinundan sa iniutos ni POC Secretary General Hontiveros na itakda na lamang ang eleksiyon dalawang taon mula ngayon. +Ang dahilan: Ang inaasahang magandang lagay ng panahon. Sinabi ni DPWH Secretary Rogelio Singson na ang bidding sa mga proyekto na nagkakahalaga ng P270 bilyon ay umuusad na sa iba't ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng programang imprasktraktura ng gobyerno para sa susunod na taon. Dahil sa paglobo ng puhunan na ibubuhos sa imprastraktura base sa 2015 national budget, dumarami rin ang mga proyekto ng ahensiya para sa mga interesadong kontratista at kinakailangang kumilos na ang mga ito sa lalong madaling panahon, ayon pa sa kalihim. Bigo naman ang kalihim na tukuyin ang mga proyektong ikinakasa ng kagawaran. Subalit, ayon sa DPWH-Public Information and Assistance Division (PIAD), kabilang sa mga proyektong ito ang pagpapalapad ng Villasis-Malasiqui-San Carlos Road sa Pangasinan, upgrading ng Sta. Maria-Norzagaray sa Bulacan, Lanao del Norte Interior Circumferential Road upgrading, at rehabilitasyon ng Daywan Bridge sa Surigao-Davao Coastal Road. Tinagubilinan ni Singson ang mga kontratista na sumunod sa mga patakaran at regulasyon sa bidding at huwag makipagkutsabahan sa mga tiwaling tauhan ng ahensiya upang paboran ang kanilang kompanya. +"The NSAs, just now, are submitting supporting documents," sabi ni Garcia. "Dati walang data, ngayon meron na. Matagal na namin sinabi sa mga NSAs na magpasa ng shortlist pero long list ang ipinasa kaya ngayon, eto na naman tayo manghuhula kung sino ang dapat na ipapadala," paliwanag ni Garcia. Sinabi ni Garcia na nais ng SEA Games management committee na maging "lenient" sa mga atleta subalit dapat naman itong malinaw na ipaliwanag ng kanilang mga namumunong opisyales at NSA's kung bakit sila nararapat na makasama sa pambansang koponan. Niliwanag rin ni Garcia na ang mga NSAs na magpupumilit na isama ang kanilang atleta na walang "performance justification" ay sila ang magbabayad sa partisipasyon, uniporme at lahat ng gastusin na ibabawas ng ahensiya sa itinakdang badyet para sa buong taon. "Malinaw na ipinaliwanag na ito sa lahat ni Chief of Mission Julian Camacho na kapag ang isang NSA ay nagpilit ng atleta at ito ay tinanggap at ipinadala sa SEA Games pero hindi nanalo, ibabawas namin ang gastos ng atleta sa exposure o training budget ng NSA," ani Garcia. Taliwas ang paliwanag ni Garcia sa naunang pahayag na papayagan ang mga NSA na gumastos sa kanilang mga atleta para sa kanilang partisipasyon at ibabalik ang kanilang magagastos kung magwawagi ng anumang kulay ng medalya ang atleta. Ikinadismaya rin ni Garcia ang pagmamadali ngayon ng mga NSA na makapagsumite ng kanilang hinihinging mga dokumento para sa kanilang isinumiteng kandidato para makapagpartisipa sa kada dalawang taong SEA Games lalo na na at malapit na ang itinakdang deadline na Marso 1. Patuloy na tumatanggap ng atleta ang management committee bagaman sinabi ni Camacho na nasa 350 hanggang 400 lamang ang magiging bilang ng bubuo sa delegasyon ng Pilipinas. +Chain of command. Palagian nating naririnig ang terminong ito sa isinasagawang imbestigasyon sa pagkakapaslang sa 44 commando ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP). Ito ang pagkakaayos ng kapangyarihan sa isang organisasyon kung kanino ito nakatalaga at ang magpapatupad. Sa isang korporasyon, ang line of authority ay dumadaloy mula top management hanggang sa division chiefs, sa department, section, at unit heads. Sa Armed Forces of the Philippines (AFP), dumadaloy ito mula sa Commander-in-Chief - ang Pangulo - pababa sa Secretary of National Defense hanggang sa AFP Chief of Staff at sa iba't ibang combat units. +Kinilala ni Supt. Rex dela Rosa, director ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, ang mga biktima na sina Rahid Pangilamen, 36, ng Paglat, Maguindanao; Mylene Vargas ng Poblacion; at isang 16-anyos mula Barangay Kalawag-Dos, Isulan. Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon pa rin si Pangilamen bunsod ng tinamong tama ng shrapnel sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ayon sa mga saksi, isang hindi kilalang suspek naghagis ng granada sa isang tindahan sa pamilihang bayan at agad itong sumabog. Sinabi sa report na bago naganap ang pagsabog, tumanggap ng banta ang isang residente sa lugar mula sa hindi kilalang suspek. +Hindi malinaw sa recordings kung bakit umalis ang pilot sa cockpit o kung bakit hindi na siya muling makapasok habang tuluy-tuloy na bumababa ang eroplano pabagsak sa liblib na bahagi ng French Alpine region noong Martes. Pinag-aaralan na ng mga imbestigador ang voice recordings mula sa isa sa "black boxes" para sa mga kasagutan habang patuloy ang paghahanda ang ikalawang black box. "The guy outside is knocking lightly on the door and there is no answer," sabi ng isang hindi pinangalanang imbestigador sa Times, tinukoy ang recordings. "And then he hits the door stronger and no answer. There is never an answer. You can hear he is trying to smash the door down." +ALIW na aliw kami sa panonood ng Banana Nite last Saturday dahil minsan pang ipinamalas ni Angelica Panganiban ang kanyang kakayahan na gayahin si Kris Aquino. Riot sa katatawanan kapag ginagaya niya ang Queen of All Media. +Mahinahong nagpaalam sa mga pulis si Arthur Mondella, 57, may-ari ng Dell'd Maraschino Cherries sa Brooklyn, nagtungo sa banyo, at nagbaril sa sarili, iniulat ng media. +Ayon kay Inigo nang makausap namin siya sa presscon ng pelikulang Crazy Beautiful You ay natutuwa nga raw siya at isinama siya ng Star Cinema sa newest KathNiel movie. "It is an honor to be working with them. I'm very thankful that I'm part of their partnership," sey pa ni Inigo. Bukod sa kanilang tatlo ay kasama rin sa movie ng Star Cinema sina Lorna Tolentino at ama ni KC Concepcion na si Gabby Concepcion na naging kasintahan ng ama naman niyang si Piolo Pascual. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa dalawang beteranong artista? "Well, at first, eh, I was really nervous to work with them pero nu'ng nakita ko na ang set na sobrang happy, kaya medyo nadalian akong makisama sa kanila. They were all kind and generous, so it was very easy," kuwento pa ni Inigo. Aniya pa, ibang-iba na ang ginawa niya ngayon kung ikukumpara sa naunang pelikula niya. +Ayon kay Senator Miriam Defensor-Santiago, tatalakayin din nila sa Lunes kung may mga paglabag sa Saligang Batas ito, partikular na sa usapin ng mga base militar. +SI Vice Ganda kaya ang peg ni Coco Martin bilang si Paloma na going places na? Akala namin noong una, magsusuot ng damit pambabae lang si Coco bilang Cardo sa Ang Probinsiyano dahil gusto nga niyang mapasok ang sindikato ni Olga (Gina Pareno) at na-pick up nga siya ng isang negro. +Ayon kay TATAP President at dati ring numero unong paddle wielder ng bansa na si Ting Ledesma, ang nasa likod ng unang pagdaraos ng top-level ITTF event sa bansa, na sisikapin nilang mas maging matagumpay ang ikalawang edisyon ng torneo na tatampukan ng mas malaking premyo. "TATAP will be taking table tennis to new heights this year. Last year we hosted the ITTF GAC Group World Tour Challenge Series Philippine Open, and now we want to make it better and more exciting," ani Ledesma. "We have attracted some of the top players last year, including Singapore's Feng Chang Wei, and the country has vowed to double their participation this year." Noong nakaraang taon, ang event ay ginanap sa Subic Bay, Olongapo kung saan ay naging mainit ang pagtanggap na ipinakita, hindi lamang ng mga player, kundi ang maging ang lahat ng table tennis afficionados kaya nagdesisyon ang TATAP na ulitin ito. Kasama din sa nakahanay na mga aktibidad ngayong taon ang pagdaraos ng Super League, isang event kung saan ay kabalikat nila ang local government units (LGUs) na ang layunin ay tumuklas ng mga bagong talento mula sa iba`t ibang bahagi ng bansa sa darating na Marso. Target din ng TATAP na ipadala ang kanilang top ten national players sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Singapore sa Hunyo. +"If Floyd doesn't take the fight against myself or Pacquiao, why don't we fight each other?" sabi ni Khan sa BoxingScene.com. "I think that would be massive. "I want the biggest fights in boxing and the biggest names in boxing are Mayweather and Pacquiao. Styles make fights and Pacquiao is a totally different fight to Mayweather," giit ni Khan. "Mayweather is more of a technician and throws a lot of single punches whereas Pacquiao throws combination after combination. He has a lot of movement, great footwork and is very explosive." Ngunit inamin ni Khan na mas magbibigay sa kanya ng malaking problema si Pacquiao kaysa kay Mayweather. "I think Pacquiao would probably cause me more problems than Mayweather but it would be a very explosive fight and a good one to be in," diin ni Khan. "We have also sparred with each other when we trained with Freddie Roach so we have that background together and we would take that into the fight as well." Idinagdag ni Khan na masaya siyang muling nakita si Pacquiao na kaibigan niya at matagal na sparring partner. "It was great seeing Manny again as it's been a while since we last met up. He's a good friend and we chatted about the past when we were training together, his visit to London and also a bit about the future," ani Khan. "Even though we have that friendship, if it makes sense then it's a fight that can certainly happen between us. I want to fight the biggest and best names out there and Manny is definitely among them." Ayon kay Khan, malalaman nilang dalawa sa susunod na dalawang linggo kung magsasagupa sila ni Pacquiao sa ibabaw ng ring. "Within the next few weeks, who I'm fighting should be a lot clearer. I want to give the fans the most exciting and entertaining fights in 2015 - so watch this space," dagdag ng Briton. Ipinahiwatig naman ni Pacquiao sa Sky Sports News na posible talagang magharap sila ni Khan. "Yes, there's a big possibility, nothing personal, we're just doing our job in the ring. It's not difficult for us because we respect each other and we're just doing our job in the ring," pahayag ni Pacquiao na hinihintay na lamang ang paglagda ni Mayweather sa kontrata ng kanilang laban. +"The PNP-SAF's operation in Mamasapano was doomed to fail, and the fault lies squarely with Aquino," pahayag ni Labog. Sinabi ni Labog na tinangka ni Aquino na ilihis ang kanyang pananagutan sa operasyon sa pag-aresto sa dalawang international terrorist na sina Zulkifli bin Hir alias "Marwan," at Basit Usman nang tumanggi itong sagutin ang katanungan kung sino ang nag-apruba sa misyon ng PNP-SAF matapos ang kanyang talumpati sa telebisyon noong Miyerkules. "This was belied by Chief Supt. Getulio Napenas, the sacked commander of the SAF, who claimed that the chief executive had knowledge of the operation," ani Labog. Samantala, iminungkahi rin ni University of the Philippines (UP) Prof. Clarita Carlos, na nagsilbi bilang pangulo ng National Defense College of the Philippines (NDCP), ang pagbibitiw ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa puwesto matapos niyang aminin na wala siyang alam sa ikinasang operasyon ng PNP-SAF. "Kung ako si Mar Roxas, magre-resign ako. Bakit ang dami mong hindi alam? Kung meron ka pang respeto sa sarili mo, mag-resign ka kasi mukhang mayroong ibang gumagalaw at iba 'yung namamahala, nakikialam d'yan sa PNP," ayon kay Carlos. +Naipasok ni Ginobili ang isang driving layup kasunod ang isang 3-pointer sa fourth quarter matapos matapyas ng Hornets ang abante ng Spurs sa isa sa huling 4 minuto ng laro. ''In the past few games I've had the opportunity to have the ball in my hands a lot of times,'' ani Ginobili. ''Sometimes it is not that easy against very athletic teams. Today I made a couple of shots and made better decisions, so I am happy about it.'' Ang Spurs, ikapito sa Western Conference standings, ay naglaro sa ikalawang sunod na araw sa kanilang road trip. Susubukin ng defending NBA champions na tumulak sa standing sa kanilang paglalaro ng walo sa kanilang susunod na 10 laban sa kanilang bakuran. ''We had an opportunity to win some other games and we've blown them,'' sabi ni Spurs coach Gregg Popovich. ''Tonight we came through so it feels pretty good.'' Si Kemba Walker ay gumawa ng 28 puntos sa kanyang 9-of-24 shooting matapos mag-average ng 30.2 puntos sa winning streak ng Hornets. Si Bismack Biyombo ay nagtapos na may 12 puntos, 15 rebounds at 5 blocked shots sa kanyang paghalili kay Al Jefferson. Nagbalik si Lance Stephenson mula sa kanyang 14-game absence dahil sa pelvic sprain at nagtala ng 8 puntos sa loob ng 19 minuto. Bagamat tangan ang kalamangan sa malaking bahagi ng laro, nahirapan ang Spurs na dispatsahin ang Hornets. Dumikit ang Hornets sa 86-85 sa huling 4 na minuto matapos matapik ni Jason Maxiell ang nagmintis na free throw sa perimeter, kung saan naipasok ni P.J. Hairston ang isang 3-pointer na nagpaingay sa crowd. Sinagot ito ni Ginobili, umatake sa kanang bahagi ng court, at ipinasok ang isang high-banking shot bago ang isang 3-pointer sa sumunod na possession para sa 6 puntos na bentahe. Matapos nito ay ipinasa niya ang bola kay Tiago Splitters para sa layup upang itulak ang kalamangan sa 93-85. +Kabuuang 40 siklista na mula sa 62 nagpartisipa ang nakapasa matapos ang tatlong araw na pinagsamang Mindanao at Visayas qualifying leg sa pangunguna ng tinanghal na kampeon na si Boots Ryan Cayubit at runner-up na sina Marcelo Felipe at Rey Nelson Martin. "We will fully evaluate the time of the riders as we want the best riders to make it to the finals," sinabi ni Ronda Race Director Ric Rodriguez, na ipinaliwanag na depende sa porsiyento ng isinumiteng oras ang pagbabasehan para sa mga makukuwalipika sa anim na araw na kampeonato. Tumapos naman sa Top 10 ang mga dating kampeon na sina Irish Valenzuela (4ht), Baler Ravina (5th), Cris Joven (6th), Leonel Dimaano (7th), Junrey Navarra (8th), ang nagtatanggol na kampeon na si Reimon Lapaza (9th) at Alvin Benosa (10th) sa karerang may basbas ng PhilCycling at suportado ng MVP Sports Foundation, Petron at Mitsubishi. Bunga nito ay madadagdagan ang nakatayang silya para sa Luzon leg na unang itinakda lamang sa 34 puwesto. Kabuuang 84 siklista ang hinahanap sa qualifying races para isama sa seeded riders na tulad ng nagdedepensang kampeon na si Lapaza, mga kasapi ng national team sa pamumuno ni Mark Lexer Galedo at isang European composite team. Matatandaan na nagwagi bilang overall champ sa Visayas leg at Sprint si Cayubit habang napasakamay ni Marcelo Felipe ang King of the Mountain. Overall champion naman sa Under 23 si Kenneth Solis habang overall Junior titlist si Daniel Ven Carino. Ang mga hindi nakapasa sa Visayas at Mindanao leg ay maari pang sumali sa gaganaping Luzon leg na gaganapin bukas kung saan ay magsisimula ang karera sa Tarlac Provincial Capitol at Pebrero 17 na tatahakin naman ang mga bulubundukin ng Antipolo. Kabilang naman sa tumapos sa Vis-Min leg para sa 11th-20th place sina Denver Casuyuran, Jaybop Pagnanawon, Kenneth Solis, Reynaldo Navarro, Oscar Rindole, Cezar Lapaza Jr., Elmer Navarro, Arjay Peralta, Warren Vinan at Edwin Nacario. +Ito ay dahil sa bagong format ng taunang torneo kung saan ay inalis ang regional elimination at pagtapatin na lamang ang mga naging kampeon sa isinasagawang torneo sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa. +Ito ang naging pahayag ng alkalde kasunod ng pangamba ng mga mangingisda na magkaroon ng malawakang fish kill dahil sa mga ilegal na fish pen at fish cage sa lungsod. Sinabi ni Fernandez na simula nang maluklok siya sa puwesto ay sinimulan na ang paglilinis sa Dagupan River sa pagbaklas sa mahigit 1,000 fish pen na ang ilan ay pag-aari ng maiimpluwensiyang tao. Binaklas ang mga fish pen sa Tapuac, Carael, Salapingao, Pugaro, Calmay, Lucao, Lomboy at Tambac. Matatandaang nagpahayag ng pagkabahala si Alfredo Dawana, pangulo ng Fishpond Owners, Operators, Fisherfolk Association of Dagupan, Inc. (FOOFADCI), dahil sa aniya'y maling pangangasiwa ng City Agriculture Office sa mga ilog at daluyan sa lungsod. +Sinabi ni Joel Leybag, radio technician, na dumating si Batican sa istasyon dakong 12:00 ng tanghali at nagpaalam na makikigamit ng telepono dahil hihingi siya ng tulong sa pulisya bunsod ng banta sa kanyang buhay. Agad na tumawag si Leybag sa Police Station No. 6 upang hilingin sa pulisya na magtungo sa kanilang istasyon at tulungan si Batican. Subalit sa pagdating ng mga pulis, biglang naburyong si Batican at pinagsusuntok ang mga ito. Nagtangkaing arestuhin ng mga pulis, hinataw pa umano ni Batican ang salamin ng radio booth bago hinostage ang mga disc jockey na sina Angel Untal, Jairish Albios at Junie Baticbatic. +Sa nasabing buy-bust operation nitong Marso 5 ay nadiskubre rin ang isang drug den sa loob ng compound na kinatatayuan ng fraternity house ng Tau Gamma Phi-Aguinaldo Chapter. Sinabi ni Ledesma na ito na ang ikalawang beses na nahuli ng PDEA-6 ang mga miyembro ng Tau Gauma Phi-Aguinaldo. +Maaaring magpadala ng mensahe at greetings bago pa man siya makarating sa ating bansa. Maaari ring magpadala ng prayer requests at mag-share ng mga kuwento. Sa social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at Instagram gamitin lang ang #DearPopeFrancis para makiisa sa mga paghahanda sa pagdating ng Santo Papa. Maa-access din sa naturang website ang lahat ng news articles, exclusive photos at kung anu-ano pang pangyayari kay Pope Francis. Sa mga gusto namang makita siya nang live, may livestreaming din ang nasabing TV5 website. +Sinabi ni NBP Superintendent Richard Schwarzkopf na hindi muna papayagan ang mga kaibigan ng mga preso na makapasok sa pasilidad. Aniya, tanging mga miyembro lang ng pamilya ng mga preso ang maaaring makabisita sa MSC. Inatasan ni De Lima ang mga opisyal ng BuCor na mahigpit na ipatupad ang mga probisyon ng BuCor Operating Manual, gaya ng pagbabawal sa mga bilannggo na gumamit at magkaroon ng sariling cell phone sa loob ng piitan. +Unang natagpuan ang bangkay ng isang bagong silang sa loo b ng isang thermal bag at sunod na nadiskubre ng mga opisyal ang apat pang mga bangkay sa loob ng isang freezer sa kanilang paghahanap sa isang bahay sa Louchats, malapit sa lungsod ng Bordeaux, ayon sa source, kinumpirma ang ulat ng French television channel na iTele. Nasa kustodiya na ang 40-anyos na ama habang ang 35-anyos na ina ay nasa ospital pa rin, ayon sa source. Lumalabas na mag-isang nanganak ang ina at dinala sa isang ospital sa Bordeaux "for gynaecological and psychiatric examinations". Sa puntong ito ang babae " does not appear to have a history of mental illness". +Sinabi ni Ferdi Raquelsants, pangulo ng PhUV, tukoy na nang gobyerno na ang mga jeepney na tumatakbo sa kurdo ang pinagmumulan ng polusyon sa Metro Manila at tumitindi na ang panawagan na ang mga ito ay i-phase out na. +LONDON (AP) -- Kinumpirma ng Iron Maiden na ang singer na si Bruce Dickinson ay nagpapagamot upang labanan ang cancer sa dila, at umaasang gagaling kaagad. Ibinahagi ng nasabing banda sa kanilang website noong Huwebes na nalaman ang sakit ng singer nang siya ay komunsulta sa doktor noong Disyembre, at sumailalim sa chemotherapy at radiotherapy sa loob ng pitong linggo. +Linisin ang Friendship Department dahil dadalawin ka ng Angel of Goodwill in this cycle. Inuutusan kang magpatawad ng isang friend. SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] +Ayon kay Nieves, naaresto ang mga suspek habang isinasagawa ang operasyon ng NEPPO laban sa anumang uri ng krimen, partikular ng mga sindikato ng ipinagbabawal na gamot. +Itinuturing 'perennial rival' ng Pinoy sa international meet, kumamada ang Koreans ng 10 sa 18 three-pointer. Nakipagtagisan ang Pinoy sa outside shooting, ngunit lima lamang sa 27 na tira sa three-point area ang naibuslo ng Team Philippines. Huling nakadikit ang Pinoy sa 71-79 mula sa fastbreak layup ni Thirdy Ravena may 6:00 minuto ang nalalabi sa final period. Ngunit, tuluyang nakalayo ang Korean mula sa back-to-back three-pointer nina Heo Ilyoung at Heo Ung. Tumapos si Ravena na may 14 puntos, limang steals, apat na rebounds, at apat na assists, habang kumana si Ivorian reinforcement Angelo Kouame ng 10 puntos at 16 rebound. Nagawang manalo ng Team Philippines laban sa Chinese-Taipei Team sa opening game. Sunod na makakaharap ng Pinoy ang Canada Martes ng gabi. Nanguna sa Koreans si Ricardo Ratliffe sa naiskor na 15 puntos at pitong rebounds. Iskor: South Korea (90) - Ratliffe 15, Heo I 15, Heo U 12, Lee J 9, Heo H 6, Kang 6, Jeon 6, Kim J 6, Park 5, Choi 4, Lee S 4, Kim S 2. RP-Ateneo (73) - Ravena 14, Nieto 12, Kouame 10, Wong 9, Verano 5, Mendoza 5, Go 5, Navarro 5, Maagdenberg 3, White 3, Mamuyac 2, Andrade 0. +LUMAGDA ng limang taong management contract sa Viva Artist Agency si Billy Crawford. Maraming plano para sa aktor ang Viva, isa na rito ang pagbabalik-recording. +Habang abala ang mga obrero sa paglalagay ng finishing touches sa entablado, dumadayo naman sa lugar ang mga turista, na ang ilan ay nanggaling pa sa Mindanao, Bohol at Cebu, para kumuha ng kani-kanilang selfie na background ang entablado. +"No, we're still together," sabi ni Jasmine. "Magkasama kami noong Valentine." Wala kasing pinost na litrato sina Sam at Jasmin na magkasama noong Valentine's Day kaya inakala ng followers niya na break na sila at naungkat pa na hindi raw kasi boto ang Ate Anne Curtis ng dalaga. Pero hindi itinanggi ni Jasmin na kung minsan ay nagkakaproblema sila ni Sam. "We do have our own simple conflicts but all couples naman go through that, lalo na pareho kaming busy with our own careers." Pero hindi raw magiging dahilan ang maliliit na bagay para maghiwalay sila ni Sam. Samantala, masaya si Jasmin dahil maganda ang feedback ng programang Move It, Clash of the Streetdancers na talagang inaabangan daw tuwing Linggo. "Nakakatuwa kasi everywhere I go, people are talking about the dancers who are competing in Move It that I host with DJ Tom Taus," masayang tinig ni Jasmin. +Nakikipagdiskusyon ang Boston Celtics para sa posibleng trade ng All-Star guard na si Rajon Rondo, nangunguna rito ang Dallas Mavericks, ayon sa sources ng Yahoo Sports. Nakikipagpalitan ng proposal ang Boston sa ilang koponan tungkol kay Rondo, kabilang ang Mavericks at Houston Rockets, sabi ng mga source. Isang package na kinabibilangan ng 2015 first round draft pick na may limitadong proteksiyon at papatapos na kontrata ang nais ng Celtics. +Nagkaisa ang mga netizen sa pagsasabing bukod sa nakakainsulto ang pagpapasuot ng adult diaper para sa mga rumorondang traffic enforcer at sidewalk clearing personnel ay hindi rin ito komportable lalo na kung basang-basa na sa loob. Habang ang iba ay hinamon si Tolentino na magsuot ng adult diaper upang mapatunayan niya kung talagang epektibo ito. "Diapers are used by Beijing police during the 2008 Beijing Olympics and used by National Aeronautics and Space Administration (NASA) during all space shuttle launches and reentry into the earth atmosphere," depensa ni Tolentino. Sa kanyang panig, sinabi ni Carlos na pinag-aralan nila ang panukalang pagsuotin ng diaper ang kanilang tauhan. +Kinuha ng pamahalaan ng UCPB matapos ang EDSA People Power 1 dahil itinatag ito nina Eduardo "Danding" Cojuangco at Maria Clara Lobregat gamit ang coco levy funds. Inihayag din ng Pangulo na pinagaaralan na rin ng Palasyo ang paggawa ng isang executive order habang hinihintay na magkaroon ng batas sa paggamit ng coco levy funds. Nilinaw ng Pangulo na ang coco levy fund ay bukod pa sa pondong inilalaan sa Philippine Coconut Authority (PCA), mula sa pambansang budget. Pabor din si PNoy na tanging interest income mula sa coco levy fund ang gagamitin upang ang mga susunod na henerasyon ng mga magsasaka ay mapakinabangan din ito. +Hindi lahat ng baguhan ay kayang gawin ang body of works niya sa napakaikling panahong pananatili niya sa entertainment industry. Super talented naman kasi si Marion, kaya tambak ang assignments. "It started when Star Magic signed me up again for another year. I had the biggest thrill of my life dahil naging madalas ang paggi-guest ko sa iba't ibang shows ng ABS-CBN. I got the exposure I needed not only as a singer but also as a composer. +Sa totoo lang, grabe ang hitsura ng dating matinee idol na kapanta-pantasya pa naman noon. Hindi nga namin siya agad nakilala kung hindi pa namin siya nakausap mismo. Inamin naman niya agad sa amin na epekto raw iyon ng sobrang paggamit ng steroids. +Pormal nang idineklara ng gobyerno ng Malaysia ang nawawala pa ring Malaysia Airlines Flight 370 na isang aksidente noong Huwebes at sinabi na ang lahat ng sakay nito ay ipinapalagay na patay na, upang mabigyang daan ang pagsisimula ng claims. Karamihan ng mga pamilya ng mga biktima sa China -- kung saan nanggaling ang karamihan ng mga pasahero -- ay umaasa pa rin na buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. +Nakuha ng mga operatiba ng Cardona Police mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu, isang plastc sachet na may traces ng shabu, tatlong aluminum foil at dalawang disposal lighter. +Hindi natitinag ang Kapamilya Network sa pamamayagpag sa ibat't ibang panig ng bansa kabilang ang Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) sa average total day audience share na 45%, sa Visayas na may 56%, at sa Mindanao na mayroong 48%. Nakakuha naman ang GMA ng 36%, 26%, at 31% audience share sa mga nasabing lugar, ayon sa pagkakasunod. Patuloy na nangunguna ang primetime (6PM-12MN) block ng ABS-CBN sa average audience share na 47%, lamang ng 14 na puntos sa 33% ng GMA. Pinakamahalagang timeblock ang primetime dahil sa mga oras na ito pinakamarami ang nanonood kaya't importante ito sa advertisers na nais maabot ang mas nakararaming Pilipino. Nanatiling malakas ang Primetime Bida ng Kapamilya network tampok ang mga de-kalibreng teleserye kabilang ang Dream Dad (25.8%), Forevermore (24%), at Two Wives (18.9%). Panalo rin ang espesyal na coverage ng ABS-CBN sa pagbisita ng Santo Papa noong Enero 15-19 na pinamagatang "Thank You sa Malasakit: Pope Francis sa Pilipinas." Nagtala ito ng average national TV rating na 13.2%, kumpara sa nakuha ng coverage ng GMA na "Ang People's Pope sa Pilipinas: A GMA News Special Coverage" (10.9%). Tinutukan din ng viewers ang live coverage ng Kapamilya network ng ika-63 Miss Universe beauty pageant noong Enero 26 (Lunes) na umabot ng national TV rating na 16.8%. Samantala, mainit namang tinanggap ng mga manonood ang pinakabagong feel-good daytime TV program na Oh My G na nakakuha ng average national TV rating na 14.4% kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na may 7.5%. +NASA ligtas nang kondisyon si Cavite Vice Governor Jolo Revilla matapos isugod sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City dahil sa isang tama ng punglo sa kanang itaas na bahagi ng kanyang dibdib. +Aniya, bibigyan ng scholarship ang mga naulilang anak ng mga tinaguriang Mamasapano heroes upang masiguro na makatapos sila ng kolehiyo. Sinabi pa ni Luistro na gawing magandang halimbawa ng mga guro sa pagtuturo ang kabayanihan ng mga namatay na PNP-SAF bilang mahalagang leksyon para makamtan ang kaayusan at kapayapaan, hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa. "Instill values of heroism, bravery, tolerance, and compassion among Filipino students in paving the path to peace," wika ni Luistro. "We look to our educators to serve as proper beacons of light, faithful to the search for truth, justice, and peace." +Anong pakiramdam na nasa ibang 'bakuran' na siya? "Ano lang 'to, guesting lang. Actually, bago ako pumasok dito, hindi ko alam 'yung Wattpad, eh, ang alam ko lang parang mini-series ito or teleserye. Hindi ko alam," kuwento ni Steven sa amin. "Actually, matagal nang nire-request ng TV5 na mag-guest ako sa kanila 'kaso busy ako sa La Cage aux Folles (isang musical na ipinalabas sa RCBC Plaza), as in for the last months, wala akong ginawa kundi panay lang rehearsals. From Mondays to Fridays 'yung rehearsals namin." Mabuti pinayagan siya ng GMA. "I think, okay naman sila. All I know, may agreement sila. Na puwede namang mag-guest 'yung mga artist ng GMA sa TV5," sey ni Steven. Wala ba naman siyang tampo sa GMA knowing na Ultimate Survivor ng kanilang reality artista search? "Wala namang mangyayari kung magtatampo ako," mabilis na tugon ni Steven. "Actually, naging busy din naman ako sa theater. La Cage is my third theater production at second sa 9 Works kasi 'yung first ko was 'Greese' and at that time, wala akong masyadong ginawa. So sabi ko, mag-theater na muna ako. 'Tapos nawala rin naman ako sa Sunday All Stars. At hindi naman nila ako pinapakanta roon, eh, so sabi ko, dahil ang passion ko naman is more on singing. At madalas nangyayari sa akin sa SAS pinasasayaw lang nila ako. So, nakapasok ako sa theater," mahabang kuwento ng aktor. Maraming natutuhan sa teatro si Steven. "Aminin na natin na sa theater, there's no money. Wala talagang pera at kinakain talaga 'yung oras mo pero you don't notice as in you'll really enjoy at talagang may fulfilment. And I think, after three musicals, I've grown a lot. Ang dami ngang nagsasabing parang gumanda raw yung boses ko. Mas gumaling ako sa mga performance ko. So, I think, ang kapalit doon sa theater, you don't get money but you get good experience," sambit ng binata. Hindi ba siya naiinggit sa ibang artists ng GMA na pinu-push talaga? "Meron naman, meron naman," tugon niya. "Sana i-push din naman nila 'yung ibang artists. Kasi at the end of the day, lahat kami nasa isang network, di ba? Sana, mai-push ng network ang lahat ng artists na parehas lang, hindi lang isa kundi lahat." Leaving GMA for good na ba siya? "Kung ako ang tatanungin, I wanna stay with GMA. As of now, wala na akong kontrata sa kanila but we're still talking about the renewal of the contract. Nag-exprire yung contract ko sa kanila nung February 21." So ano'ng plano? +Ang Wansapanataym Presents Remote ay iikot sa kuwento ni Eric (Harvey), isang batang matigas ang ulo at ayaw makinig sa utos ng kanyang mga magulang. Unti-unting magbabago ang buhay niya nang pagkalooban siya ng mahiwagang remote control na makapagbibigay sa kanya ng kakayahang kontrolin ang mga tao sa paligid niya. Matutuhan kaya ni Eric ang halaga ng pagsunod sa kanyang mga magulang kapag nalagay siya at ang kanyang pamilya sa panganib dahil sa paggamit niya ng mahiwagang remote control? +Sa isang kalatas, sinabi ni Binay na hindi siya pabor sa Truth Commission bill na inihain nina Senador Teofisto "TG" Guingona III, Aquinlino "Koko" Pimentel III, at Paolo Benigno "Bam" Aquino IV. +Sinabi ni Espina, nakasaad sa initial ng SAF, aabot 392 commando ang kasama sa operasyon para arestuhin ang international terrorist Zulkifli bin Hir, alyas "Marwan," at Basit Usman. Tinatanong ni Espina kung bakit hindi rumesponde ang ibang SAF member habang nakikipagbarilan sa MILF at BIFF na ikinamatay ng 44 na commando at pagkasugat ng 11 iba pa. Sinabi pa sa report na may kabuuang 41 tauhan ang assault team at 36 commando ang tinalaga bilang blocking force. "Why were the commandos in the assault team and blocking force wiped out and why did the teams on standby not respond to augment the forces?" pagtatanong sa sarili ng PNP OIC. Sabi pa sa report na nakatalaga na commandos mula sa 45th SAC na inatasan bilang reinforcement para sa mga kasamahan. Lumalabas sa report na ang 44 na pulis ay namatay sa operasyon matapos ang barilan ng mahigit sampung oras sa mga rebeldeng MILF at BIFF sa Barangay Tukanalipao, Maguindanao. Ito ang inaalam sa isinasagawang imbestigasyon ng binuong Board of Inquiry ng PNP. Samantala, lumakas ang panawagan na natuluyan ng sibakin ang suspendidong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Alan Purisima at magtalaga ng bagong hepe na direktang manununo sa pambasang pulisya. Ang panawagan ng pagtatalaga ng bagong PNP chief kay Pangulong Benigno S. Aquino III ay kinuha ang opinion ng mamamayan. +Aniya, maging siya ay makakapagpatunay na talaga namang tikom ang bibig ng ilang leader ng Simbahan noong panahon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Sinabi ni Trillanes na may mga nasuhulan na pari at obispo kaya dapat lang na ipaalam ito sa Santo Papa. Para naman kay Senator JV Ejercito, hindi dapat na isapubliko ni Pangulong Aquino ang mga hinaing ito. Aniya, may pribadong usapan ang dalawang pinuno at dapat doon na lang ito binanggit. +"Ako talaga kasi, bawat proyekto, siyempre nilo-look forward ko na makasama rin 'yung ibang magagaling na artista, and then, para sa akin, siguro, napakalalim na ng pundasyon namin ni Julia as a love team. Kumbaga, 'pag in-overall ko siya, si Julia talaga 'yung inaano ko na 'pag sinabing 'sino talaga 'yung naka-love team ko noong araw?' si Julia 'yun." Then, nu'ng nag-Moment in Time (pelikula nila) kami, medyo nagkakahitsura na, nagkakaroon na ng dating sa akin, then sa Ikaw Lamang, nakita ko ang maturity niya as an actress. "And then nakita ko ngayon, nagdadalaga na, paganda na nang paganda, parami na nang parami ang mga umaaligid na gustong manlgaw," kuwento ni Coco na halatang may pinaghuhugutan. Nagkukuwento ba sa kanya ang leading lady niya? "Hindi, pero ipinaparamdam ko sa kanya na hindi siya puwedeng magpaligaw. Bata pa, eh." Ano ba talaga ang relasyon nila, may naudlot ba o tuluy-tuloy lang? "Walang naudlot, kasi kahit noon pa, mula nang Walang Hanggan hanggang nu'ng Ikaw Lamang and hanggang ngayon, kung ano 'yung trato namin ni Julia sa isa't isa at kung ano ang pagkakaibigan namin, ganu'n pa rin po talaga," salag ni Coco. Sa madaling salita ay magkaibigan lang talaga sila. "Opo, wala nang tataas do'n," diretsong sabi ni Coco. So, ibig sabihin, totoo ang sinasabi niya noon pa na hindi pa siya nanliligaw kay Julia na inamin niya sa interview ng ibang katoto na minamahal niya. +Narito ang iba pang paraan kung paano nagiging iyo ang pangarap ng ibang tao at kung bakit kailangang manaig ang sa iyo: Maaari rin ang eksenang ito: Dalawa o tatlo sa barkadahan ang nagbago ng kurso, mapipilitan kang kunin din ang kurso nila sapagkat iyon ang naging desisyon nila at mukhang bagay sa iyo. Kalaunan, matutuklasan mong hindi mo pala gusto iyon at nag-aksaya ka lamang ng pera at panahon. Isa pang mapait na halimbawa nito ay kapag ang pangarap ng iyong mga kasama ay magkaroon ng limpak-limpak na salapi sa kahit na anong paraan, mahihirapan kang manatili sa kung ano ang mas mahalaga sa iyo: ang magtrabaho nang marangal at maging responsableng mamamayan. +AKLAN - Dalawang menor de edad ang namatay at anim na iba pa ang nasugatan nang bigla na lang mamaril ang isang lalaki sa isang perya sa kabundukan ng Libacao sa Aklan, noong Lunes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Antonina Ricablanca, 16; at Saraki Katiniko Viray, 14 anyos. Sugatan naman at isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa Kalibo sina Gilda Nalangan, 37; Clery Javier, 18; JR Agudes, 21; at tatlong menor de edad. +Ayon kay Tolentino nananatili sa kritikal na kondisyon ang traffic constable na si Sonny Acosta sa intensive care unit ng Saint Luke's Medical Center sa lungsod ng Quezon sanhi ng pamumuo ng dugo sa ilalim ng utak. Inihayag ng opisyal na sinita ni Acosta ang Isuzu Sportivo (AABA 197) na pag-aari ni Dante F. Borguete, residente ng Guillermo Village San Miguel sa Bulacan, dahil wala sa tamang linya ang sasakyan. Ipinasok ni Acosta ang kamay nito sa loob ng Sportivo upang hingin ang lisensiya ni Borguete subalit bigla umanong isinara ang bintana bago pinasibad ang sasakyan dahilan upang makaladkad ng ilang metro saka humampas ang ulo ng traffic constable sa ilalim ng nasabing sasakyan. Ibinalita ni Tolentino na naaresto ng mga tauhan ng Bulacan Police si Borguete at nakadetine ngayon sa Camp Karingal. +"Nabalitaan ko rin, okay lang, wala naman kaso sa sa akin. Kung sakaling magtutuluy-tuloy sila ni Pau (tawag kay Paulo), eh, at least kilala na siya ni Aki," kaswal na sagot ng aktres. +Umalis noong Miyerkules ang 43-anyos at tubong Cebu City na si Gonzales na ang hangad ay malampasan ang iniuwi nitong tansong medalya sa torneo noong 2014 kung saan ay tampok ang pinakamagagaling na manlalaro sa buong mundo. "Sanay na sanay si Richard doon sa paddle kaya maganda ang chance niya na maimprove niya ang last placing niya na naiuwi niya ang bronze medal," sinabi ni TATAP Vice President Arnel Beroya. "Hopefully, sana maiuwi niya ang silver o kung susuwertihin ay ginto na." Matatandaan na huling kinubra ni Gonzales ang tansong medalya noong 2013 SEA Games sa Myanmar kahit iniinda nito ang natamong pilay habang nasa kasagsagan ng labanan para sa Oredoisang silya sa kampeonato. Samantala, umaasa naman ang TATAP na makakapaghablot ng pinakamimithing gintong medalya ang mga manlalaro sa kada dalawang taong SEA Games na gaganapin sa Singapore matapos ang nakalipas na produktibong kampanya kung saan ay tampok ang mga batang manlalaro. Ipinagmalaki ng TATAP ang napasakamay na gintong medalya ng Pilipinas sa girls doubles sa ginanap na ASEAN School Games sa bansa, gayundin sa ASEAN University Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia kung saan ay nagbulsa ng tansong medalya ang 18-anyos na si Ian Lariba. +Ang management ni Richard ang nagdesisyong hindi na siya tumuloy sa nasabing show. Samantala, ipinakita ng producer na si Jacob Fernandez ang isang dokumento sa ibang mga katotong kumuha ng panig niya na kaya raw niya kinansela ang show ay dahil kulang sa preparasyon at 56 tickets lang ang naibenta at aasa sana sila sa walk-in, pero sa bandang huli ay dinesisyunang hindi na ituloy ang pre-Valentine concert ni Ms A. May nagsabi naman na ang nasabing 56 tickets ay pawang fans daw ni Richard Yap at nang malamang hindi na kasama ang aktor ay nag-urungan at pilit nang inire-refund ang ibinayad. "Kasi, people who bought the tickets were expecting to see me there, siyempre kung ako lang ang gusto nilang panoorin, siyempre magba-back out sila. Of course hindi mo ma-expect na manonood sila kung ayaw nila sa iba. "I don't think it was because of that, kasi I'm sure sina Ms. Ai has own audience naman, failure lang talaga buuin 'yung concert kasi hindi nabayaran 'yung venue, hindi nabayaran 'yung mga tao, paano kayo magku-continue with the concert, saka hindi rin naman nila ibinalik 'yung bayad, 'yung iba nagrereklamo, hindi ni-refund. Mayroon din yata ni-refund, I'm not sure," paliwanag na mabuti ni Papa Chen/Ser Chief. Samantala, sobra-sobra ang tuwa ni Richard dahil pagkatapos ng successful kilig-serye nila ni Jodi Sta. Maria na Be Careful With My Heart ay may kasunod na uli siyang gagawing project at si Judy Ann Santos naman ang kasama. Biniro nga namin si Mr. Yap kung ipina-feng shui ba ng management company niya ang mga makakasama niya sa project dahil magkatunog ang Jodi at Judy? "Ha-ha-ha-ha, hindi naman, nagkataon lang," sumakay namang sagot ng tsinitong aktor. Habang iniinterbyu namin siya ay wala pang alam si Richard kung ano ang istorya ng teleserye nila ni Juday dahil this week pa lang daw ang story conference at ang alam lang niya ay ang magdidirek na sina Trina Dayrit at Onat Diaz mula sa Dreamscape Entertainment sa pamumuno ni Deo T. Endrinal. Isang serye at dalawang pelikula ang gagawin ni Richard ngayong taon pero ayaw pa niyang banggitin ang detalye sa movies dahil bawal pa raw, pero nabanggit niya na ang isa ay si Direk Wenn Deramas ang magdidirek. Bukod dito ay may tatlong restaurant siyang pinapatakbo, dalawang Wang Fu (sa El Terrazo at sa Tomas Morato) at ang J Luna sa may El Terrazo rin at may dalawa ibang branch pa. "We just opened at UP Town Center and soon in Serendra (The Fort) this April, kung aabot," nakangiting sabi ni Richard. May pet store rin si Richard sa Paranaque City, sila raw mismo ang gumagawa ng dog shampoo na ibinebenta nila at iba pang accessories na kailangan ng mga alaga natin. Tinanong namin ang handler niyang si Kate Valenzuela kung siya ang nag-suggest ng pet store kay Richard dahil mahilig din ito sa aso, "Hindi, si Sir Deo (manager niya), kasi di ba, marami siyang alaga?" Samantala, sa estado ngayon ng aktor ay wala na raw siyang mahihiling pa kundi para sa mga anak na lamang niya na pareho pang nag-aaral, isang disiotso at isang labing-isang taong gulang. "I want to see my kids to be successful on their chosen careers someday," napangiting sabi ng aktor. Okay na raw silang mag-asawa na dalawa lang ang anak at napag-usapan na raw nila iyon. Masyadong seryoso ang interbyu namin kay Papa Chen kaya sinubukan ni Katotong Roel Villacorta na tanungin kung paano kino-control ng mag-asawa na hindi na madagdagan ang kanilang mga anak. "Wala lang, we just do the right thing, no contraceptives, no whatever kasi mahirap kapag may iniinom ka, may 'pinapasok sa katawan mo, it's just natural," seryoso pa ring sagot ng aktor. Sa madaling salita, follow-up ng aming katoto, gumagamit ng condom o rhythm method si Richard. At dito na natawa ang aktor na halatang nailang, "Ano...," sabay natigilan, "basta, natural lang," sambit niya. 'Rhythm method', hirit ulit ng Katotong Roel. "Yes, yes," nailing na sagot ni Richard. Bakit natatawa ang aktor? "Eh, kasi baka 'yung mga nagbabasa mailing, ha, ha, ha," At humirit na rin kami kung may kumuha na kay Richard na mag-endorse ng underwear. "Ha-ha-ha, wala pa naman," humalakhak na sagot ng aktor na halos hindi na makita ang mata. Kulit ulit namin, boxer shorts? "Ha-ha-ha wala, wala," tawa ulit ni Papa Chen/Ser Chief. Kinuha naman si Richard ni Ben Chan para sa Bench Skin kaya wala siya sa mga damit dahil Giordano ang unang nakakuha sa kanya. +Maipakikita mo in this cycle, ang abilities na wala sa iba. Impressive, magaling, at good performer, ang masasabi tungkol sa iyo. CANCER [Jun 22 - Jul 22] +Sa text message, pinabulaanan ni Mendez ang paratang na nilabag niya ang karapatan ng 20 bilanggo nang ilipat ang mga ito sa NBI detention facility matapos madiskubre ang mga kontrabando sa kanilang selda sa NBP noong Disyembre 15, 2014. Base sa mga ebidensiyang nakalap ng NBI, nabuking din ang operasyon mula sa selda ng ilan sa 20 "Bilibid King" na may kaugnayan sa ilegal na droga. Ito ay bilang reaksiyon ni Mendez sa paghahain ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman laban sa kanya ng apat sa 20 bilanggong inilipat sa NBI detention center. Kabilang din sa kinasuhan sina Justice Secretary Leila de Lima at NBI Security Management Office Chief Ramon Alba. "We have records of the visitations to prove it. Based on newspaper accounts, Atty. [Ferdinand] Topacio even admitted having visited his clients in the NBI detention," pahayag ni Mendez. Binigyang-diin ng NBI chief na handa siyang harapin ang mga kasong inihain laban sa kanya. Kabilang sa apat na naghain ng kaso sina Noel Martinez, Willy Sy, Michael Ong at German Agojo. +Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima matapos niyang isumite sa Malacanang ang listahan ng mga preso na inirekomendang mabigyan ng pardon ng Pangulo. +NAKASAMA kami sa pa-dinner ng negosyanteng si Nino Lim para sa Atayde family sa pangunguna nina Papa Art, Sylvia Sanchez, Arjo at Ria at best friend Rohn Romulo sa Lawry's Prime Rib sa Beverly Hills, California nitong nakaraang Lunes. Si Nino ang napangasawa ng aktres na si Krista Ranillo at may tatlong anak na sila sa loob ng limang taong pagsasama sa US. +"Maganda ang papel na ko. Si Celine ang character ko, na nangarap na magkaroon ng perfect wedding, 'tapos kung ilang beses na rin siyang nagkamali sa pagpili ng lalaki then na-realize niya through time na mas importante ang marriage kaysa wedding sa pagsasama ng couple," sey ni Alex. +Walang raw problema si Daniel sa karelasyon ng ina. Katunayan, kasundo raw ng Teen King si Mark. Matagal nang hiwalay si Karla sa ama ni Daniel na si Rommel Padilla pero kahit may kanya-kanya nang buhay ay napanatili ng dalawa ang pagiging magkaibigan. At hindi nagkaroon ng anumang problema ang mga ito sa pagmamaniobra sa career ni Daniel. Kasalukuyang nasa Europe si Karla na ayon sa kausap namin ay may nilalakad doon para sa bubuksang negosyo nila ni Daniel. +Ayon kay MMDA Director Rod Tuazon, ngayon ay umabot na sa 11 bangka mula sa dating pitong ferry boat ng Pasig River Ferry System na epektibong alternatibong transportasyon upang iiwas ang mga pasahero sa mabigat na trapik sa mga lansangan partikular sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA). +Ayon kay Senate President Franklin Drilon, mas mainam kung agad na magpalabas ng desisyon ang SC hingggil dito para malaman na kung naaayon sa Saligang Batas ang EDCA. +Ganap na mawalis ang finals series at makamit ang asam na back-to- back championships ang tangkang maisakatuparan ng defending champion Ateneo de Manila University (ADMU) sa muli nilang pagtuutuos ng archival na De La Salle University (DLSU) sa UAAP Season 77 women's volleyball tournament. +Suddenly, a-appear in this cycle ang someone lost a long time ago. Create the time na mag-usap kayo and enjoy happy times together. CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19] +Sinabi ni BIR Commissioner Kim S. Jacinto-Henares na ang tax agency ay magkakaroon ng monitoring team para sa Internal Revenue Stamps Integrated System (IRSIS) matapos magpaso ang deadline noong Marso 1, 2015. +Kabuuang 25 koponan mula sa iba't ibang subdibisyon sa Salawag ang sasabak sa liga na tatampukan ng mga nanay na nahihilig sa larong basketball. Pag-aagawan nila ang unang korona ng kakaibang torneo na suportado ni PSC Commissioner Gillian Akiko Thomson Guevarra. "We wanted all women, especially our nanay to be involved in sports and physical activities for them to have a healthy condition and be away from any kind of sickness," sinabi ni PSC Games chief Atty. Jay Alano. Sisimulan ang torneo, sa pakikipagtulungan ni Salawag Barangay Chairman Eric Paredes, sa Abril kung saan ay isasagawa ang mga laro sa iba't ibang kasaling subdibisyon upang mahimok ang mga nanay at iba pang kababaihan na magpartisipa sa sports. "Alam naman natin na ang mga nanay ay lagi na lamang nasasabak sa gawaing bahay at hindi na nila naaasikaso ang kanilang pisikal na kondisyon kung kaya ini-encourage natin ang mga ganitong aktibidad para mabigyan natin sila kahit kaunting pagpapakondisyon na maalagaan ang kanilang kalusugan," giit ni Alano. +Ayon sa Manila Fire Department, tinatayang nasa 700 bahay ang natupok sa unang sunog at apektado ang mahigit 1,000 pamilya, na mula sa Barangay 275 sa District 3, ng Parola Compound. Lumilitaw sa ulat ng Manila Fire Department na dakong 6:00 ng gabi ng Lunes nang magsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa iba pang kabahayan na gawa sa light materials at nakatirik sa mahigit isang libong hektaryang lupain na pagmamay-ari ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Umabot ang sunog ng general alarm at naideklara lamang fire out pasado 6:23 ng umaga nitong Martes. Nabatid na nahirapan ang mga bumbero na apulain ang apoy dahil bukod sa walang hydrant na mapagkukunan ng tubig sa lugar, matindi rin ang trapik at maraming tao sa kalsada. Sinasabing sa bahay ng isang Edgar Angapo nagsimula ang sunog, bunsod ng isang nag-short circuit na electric stove ngunit iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad. +Ayon sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), si Yllana ay tubong Naga City at inordinahan bilang pari sa Archdiocese ng Caceres noong Marso 1972. +Kinilala ang mga biktimang sina Leonardo De Vera, 64, at Merlita, 60. Dakong 11:00 noong gabi ng Sabado, nang makarinig ng putok ng baril ang kapitbahay ng mga biktima na si Rommel Madi. +Tinagurian ng ilang U.S. conservative ang unang Latin American pope bilang Marxist dahil sa kanyang madalas na pagpuna sa consumerism at pagbibigay-diin sa isang simbahan "that is poor and for the poor". Ngunit sa isang panayam sa bagong libro, ipinaliwanag ng Papa na ang kanyang mensahe ay mula sa Gospel at binanggit na ng ilang pari. +7 pm Alaska vs. San Miguel Beer Umangat mula sa kanilang kinalalagyan sa team standings ang tatangkain ng apat na koponan sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2015 PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum. +Batay sa report ng Caba Police, dakong 7:30 ng umaga nitong Disyembre 20 sa Barangay Gana sa Caba nang isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng La Union-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), LUPPSC at Caba Police ang search warrant para halughugin ang bahay ni Estallila. Nasamsam sa operasyon ang isang .45 caliber pistol na walang lisensiya at may magazine na may pitong bala, isang magazine ng M-16 na may 28 bala, isang one-shot magazine ng M-16, dalawang maiikling magazine para sa .45 caliber pistol, tatlong bala ng .22 caliber revolver, tatlong holster at isang bag. +Sa panayam sa isang government radio, tiniyak ni Coloma na titipunin ng awtoridad ang mga ebidensiya at testimonya mula sa mga saksi upang maisiwalat ang katotohanan at masigurong matibay ang kasong isasampa laban sa mga responsable sa massacre. "Mahalaga muna 'yung malaman ang katotohanan, mahalaga na matiyak muna kung sino ang mga responsable, at magkakaroon naman ng proseso ng pagsisiyasat, prosekusyon, at paglilitis kapag sila ay nasampahan na ng mga demanda sa hukuman," sinabi ni Coloma nang tanungin kung hindi ba magkakaloob ang gobyerno ng amnestiya o pagpapatawad sa mga rebeldeng pumatay sa 44 na kasapi ng SAF. Sa gitna ng patuloy na pagluluksa ng bansa para sa mga napatay sa engkuwentro ng SAF at mga miyembro ng MILF, napaulat na inamin ng chief government peace negotiator na si Miriam Coronel-Ferrer na ang amnestiya at pagpapatawad ay bahagi ng kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan noong Marso 2014. Gayunman, itinanggi ni Ferrer ang mga espekulasyon na ito ay isang blanket amnesty, iginiit na may ilang dapat ikonsidera sa pagpapatupad ng nasabing probisyon. Noong nakaraang taon, sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na sasaklawin lang ng amnesty program ang mga kasong may kinalaman sa pagrerebelde ng mga kasapi ng MILF. Layunin ng pinaplanong amnestiya, na kailangan pang aprubahan ng Kongreso, na paghilumin ang mga sugat ng digmaan at ibalik sa normal ang buhay ng mga kasapi ng MILF. Samantala, wala namang nakikitang masama ang Palasyo sa mga imbestigasyong isinasagawa ng iba't ibang organisasyon sa engkuwentro sa Maguindanao dahil lahat naman umano ng mga ito ay layuning magsiwalat ng katotohanan. Bukod sa PNP board of inquiry, nagtatag din ang MILF ng special body na magsasagawa ng sariling pagsisiyasat sa insidente. May hiwalay na imbestigasyon din ang Senado at ang Commission on Human Rights. +Ang 30-anyos na bagong kasal kay Evan Ross noong Agosto 31, ay magkakaroon na ng una nilang anak, ayon sa isang source ang nagkumpirma nito sa Yahoo. Si Ashlee ay may isang anak, si Bronx, na ngayon ay anim na taong gulang na, sa dating asawa niya na si Pete Wentz. +Sinabi ng organizers na ang mga volunteer ay nagmula sa 26 estado ng Brazil, ang federal district ng Brasilia at 192 bansa. Matapos ang Brazil, ang mga may pinakamaraming nagparehistro ay mula sa United States, Russia, China at Britain. +Halimbawa na lamang nito ay ang komento ng mga tao sa pagmamanas ng hita at bilugang mukha ni Rubin, o kaya naman ay ang guwardiya na nagtanong kay Rachel Turow, abogado sa District of Columbia, kung paano ito nabuntis. Isa pang halimbawa nito ay ang pagrekomenda ng barista sa Starbucks kay Kristen Wilson, software consultant sa Arlington, Virginia, na isang kahon lamang ng pagkain ang dapat bilhin nito dahil siya ay tataba. Narito ang ilan sa mga hindi puwedeng sabihin sa mga buntis: Normal lamang na makaramdam ng pangamba ang mga buntis tungkol sa panganganak at matapos manganak -- hopefully in a healthy, planning way," saad ni Holmstrom. Ngunit kapag ang mga magulang ay nagbigay ng maling detalye -- maaaring magbunga ito ng matinding takot sa magiging ina na makaaapekto sa magiging anak. +Ayon sa EcoWaste Coalition, bumili sila ng 20 Chinese New Year good luck charm at ornament sa mga specialty store at sidewalk vendor sa Binondo at Quiapo, Manila, na nagkakahalaga lamang ng P20 hanggang P50. +Sugatan ang hita ng 12-anyos na si Apple Gian Lim, matapos tamaan ng bala ng baril habang naglalakad sa loob ng kanilang subdibisyon sa Catalina Village, Barangay Sico sa lungsod. +Agad na nasawi sina Alcera at Suriao, habang malubha naman ngayon si Andaya. Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang truck kaya nagpagewang-gewang ang takbo nito. +WALANG duda, anak ka nga ni Kris Aquino!" Ito ang tanging nasabi ni Vice Ganda nang ibuking siya ni Bimby na Kevin ang pangalan ng boyfriend niya. Nagkatawanan ang lahat ng tao sa studio ng The Buzz noong Linggo dahil sa sinabi ni Bimby. Maging ang ina nitong si Kris Aquino ay tawa nang tawa kasama ni Boy Abunda +Inihayag ni Alicia noong Linggo sa pamamagitan ng Instagram na siya ay masaya. "The joy of joy is joy!! It's a boy!!" paglalarawan niya sa litrato. "We are so grateful!! #blessings!!" +Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nakatanggap ang Omanfil International Manpower Development Corporation ng mahigit 270 job order para mga nurse sa tatlong ospital sa UK. +Ito ay matapos na buuin at kilalanin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang bagong pederasyon na siyang mangangasiwa sa volleyball at tuluyang alisin ang dating pinag-aagawang asosasyon na Philippine Volleyball Federation (PVF). +Kung maapektuhan naman sa balat ay hugasan ng mabuti ang apektadong lugar, alisin ang kontaminadong damit at tiyaking nalabhan ito nang maayos bago muling gamitin. Kung nakasinghot ng Piccolo, hayaang makalanghap ng sariwang hangin ang pasyente at panatilihin siyang komportable. Sa lahat ng pagkakataon, tiyaking matapos na mabigyan ng first aid ang mga pasyente ay kaagad na kumonsulta sa doktor o pagamutan upang mabigyan ang mga ito ng kaukulang lunas. +Sa isang advisory, ipinapaliban ng PRC ang Civil Engineer licensure exams sa Legazpi City, Albay sa Bicol region at Tacloban City sa Leyte bago manalasa ang Bagyong Ruby sa mga lugar na ito. +Aabot sa 2,500 pari at 200 obispo ang kasama ni Pope Francis sa concelebrated mass sa Quirino Grandstand sa Manila sa Enero 18 na inaasahang dadagsain ng milyungmilyong Katoliko. +"I appeal for a deeper public support and understanding of the role of the government peace panel in the realization of our goal of providing lasting and genuine peace in Mindanao, which for four decades suffered from all forms of insurgency and criminality," ani Drilon. +May 22 kumpanya ang lalahok sa job affair, sa pangunguna ng platinum sponsor at BPO company na Concentrix. Higit sa mga posisyon sa mga industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) at Knowledge Process Outsourcing (KPO), ang mga job hunter at maaari ring maghanap ng trabaho sa manufacturing, marketing, customer relations, manpower at information technology (IT), at iba pa. +Aniya, sa bahagi ng proyekto na agro forestry, 2,050.66 sa tinarget na 2,174.04 ay nakapagtanim habang ang nalalabi na 123.34 ay itatanim din sa pagtatapos ng 2014. Ang CHARM2 ay ikalawang bahagi ng proyekto ng Department of Agriculture at ang CHARM1 ay nakatuon sa pag-unlad ng mga komunidad ng katutubo sa tatlong lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR) -- ang Abra, Benguet at Mountain Province. Dahil sa pag-unlad ng CHARM1, lumawak ang CHARM 2 sa kasalukuyang implentasyon sa Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province. Ayon kay Sec. Alcala , kailangan ng mas malakas ang institutional structure ng katutubo sa ilalim ng CHARM1. Sa pagtatapos ng Oktubre, 312 reforestation at agroforestry people's organization ay dumaan sa proseso, kabilang ang 602 livelihood interest groups, 55 irrigators' associations at 28 barangay waterworks and sanitation associations sa 170 proyekto ng barangay. +Subalit higit na nakagimbal na isyu ang tungkol sa mga nabulgar na pagmamalabis sa Curia sa Vatican. Ang naturang Curia ang central administration ng Holy See na namamahala sa 1.2 bilyong Katoliko. Ito ay pinakikilos ng mga cardinal, obispo at mga pari. Walang pangingimi na binatikos ni Pope Francis ang naturang mga lider ng Curia na sinasabing gumamit ng kapangyarihan upang magkamal ng salapi, nagkaroon ng mapagkunwaring pamumuhay at nakalimot na sila ay dapat mga masayahing nilalang ng Diyos. Kabilang ako sa mga nadismaya sa pagbubulgar ng ating Pope. Isipin na lamang na ang Curia ay binubuo ng mga alagad ng Diyos na kinikilala bilang mga tapat, banal at itinuturing na instrumento ng ating Panginoon sa pagpapalaganap ng Kanyang mga aral. Hindi ba nakapagtataka na sila pa ang nagbibigay ng nakaririmarim na impresyon sa Simbahang Katoliko? Ang Curia ay walang pinag-iba sa mga central government sa mga bansa sa daigdig. Binubuo naman ito ng mga hinirang at inihalal ng lingkod ng bayan na inaasahan nating makapagbubunsod ng mga pagbabago sa lipunan. Subalit isang malaking kabaligtaran na may pagkakataon na ang naturang mga opisyal ang sila pang nangunguna sa iba't ibang alingasngas, pagsasamantala sa kaban ng bayan at sa pag-aagawan ng kapangyarihan sa kasiraan ng kanilang kapwa at sa mismong mga kapamilya. +Mismong si POC president Jose Cojuangco Jr. ang nagpatawag ng detalyadong dayalogo para sa matagal nitong inaasam na maisaimplementa na sistema sa "quartering" na nakatuon sa mga kandidatong atleta at kanilang coach na asam makasama sa pambansang delegasyon. Isasagawa ang dayalogo na inaasahang dadaluhan ng mahigit na 400 atleta at coaches sa darating na Enero 27 hanggang 29 sa Multi-Purpose Arena o Ultra. Ipinaliwanag ni Cojuangco na nais nitong makumpirma ang lahat ng mga nagnanais na sumailalim sa sistematikong plano sa quartering na kung saan hindi lamang sasailalim ang mga atleta sa malalim na pagsasanay sa kanilang partikular na disiplina kundi dadaan din sa modernong proseso sa sports science. "The athletes will undergo scientific approach on strength and conditioning, proper nutrition and recovery intake and foremost is the psychology session among others," sabi ni Cojuangco. Siniguro rin ni Cojuangco na paglalaanan nito ng pondo ang buong implementasyon ng program na matagal na nitong ninanais na makumpleto at maisagawa sa nakalipas na taon. +Ayon sa ulat, umabot na sa 13 munisipalidad ang naapektuhan simula nang ilunsad ang opensiba laban sa BIFF na nagresulta sa paglikas sa mga government evacuation center ng 19,075 pamilya o 93,402 indibidwal. Naapektuhan din ng kaguluhan ang klase sa 42 paaralan, na roon nagaaral ang 16,000 elementary at high school student. Tinaguriang "Tabang Sibilyan, Isulong ang Kapayapaan," sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman na target ng relief and peace advocacy campaign ang makapagbigay ng pagkain at tulong medikal sa mga naapektuhang residente. Kada linggo, gumagastos ang pamahalaan ng ARMM ng P12 milyon para sa food pack ng mga evacuee, bukod pa ang gastusin sa iba pang uri ng ayuda at kagamitan para sa relief operations. Sinabi ni Hataman na posibleng magtagal ang kampanya laban sa mga bandidong BIFF sa Maguindanao hanggang Hunyo o higit pa. +Ayon sa imbestigasyon ng Davao City Police Office (DCPO), nangyari ang insidente sa Purok Pag-asa, Paquibato District. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na bago nangyari ang krimen ay nagtalo ang dalawa hinggil sa kanilang subsistence allowance contribution at re-enlistment promotion. Nauna rito, kinausap umano ang dalawa ang kanilang senior officer na si Sergeant Nino Ladan na ayusin na ang pinagtatalunan nilang subsistence allowance contribution. +Ayon kay Ishmael Narag, officer-in-charge ng Earthquake Prediction Division ng Phivolcs, ang epicenter ng lindol, na naramdaman dakong 12:50 ng hapon, ay nasa layong 20 kilometro sa timog-silangan ng Masbate. +Nakasaad sa mosyon na sa bawat araw na lumilipas, napipigil ang kinabukasan ni Cudia, partikular na ang paghahanap niya ng trabaho at pagpursige ng mas mataas na edukasyon dahil nakasaad sa kanyang transcript of records na siya ay naka-indefinite suspension mula sa PMA. Hindi naman kasi maitatanggi na napakahusay na estudyante ni Cudia at hanggang hindi nalulutas ang kanyang kaso, hindi siya makakapagpursige ng kanyang karera. Naniniwala ang kampo ni Cudia na tanging ang Korte Suprema lamang ang may kapangyarihan na tugunan ang kanyang sitwasyon. Si Cudia, sa pamamagitan ng Public Attorneys Office (PAO), dumulog sa Korte Suprema at hiniling na iutos ang pagsasama ng kanyang pangalan sa listahan ng mga graduate ng PMA Siklab Diwa Class of 2014 at ibigay sa kanya ang parangal na nararapat para sa kanya. Pero ngayon ay bukas na si Cudia na sumubok sa ibang larangan labas sa PMA. +Binigyan ng importansiya ng organizing LBC ang maaayos na implementasyon ng karera kung saan ay kapwa nararamdaman ng riders at officials ang magiging magandang ekperiyensiya sa karera o "real racing" kung saan ay nasusundan nila ang UCI rulings na mula sa Commissaires. Ito ang nagbibigay benepisyo sa mga siklista na sumasabak naman sa internasyonal na karera upang makakuha ng mga bagong kaalaman sa pagsali sa mga torneo. Si Bruin, nakasama na sa unang edisyon ng Ronda noong 2011, ay namahala na sa Grand Tour, Tour de France, Giro D' Italia, La Vuelta A Espana, World Championships at Great Classics. Si Robb, na nagsimulang tumulong sa Ronda noong 2012, ay miyembro ng 5-man UCI Commissaire Commission at nag-officiate sa malalaking karera na tulad ng Olympics, World Championships, World Cups, Grand Prix kung saan ay siya ang resident Race Director ng popular na Le Tour de Langkawi. Si Mahmood ay dating UCI Asia Tour Advisor at Le Tour de Langkawi Technical Director at sa ngayon ay IGP Indonesia Tour Consultant. Si Lajawa ay isa sa inaasahan sa rehiyon bilang babaeng Commissaire matapos mamahala sa Road, Track, BMX at Mountainbike. Si Park ay isang Korean Commissaire na siyang namuno sa UCI World Satellite Training Center sa South Korea habang si Cruz na makakasama sa Ronda sa unang pagkakataon ang ipinagmamalaki ng Pilipinas bilang natatanging Pilipino na napasama sa International Commissaire. Namahala na ito sa Track races at ParaCycling. Magsisimula ang 2015 Ronda Pilipinas ngayon sa tatlong-yugtong qualifying race sa Visayas (Dumaguete/Bacolod) (Pebrero 10-13), kasunod ang Luzon eliminations sa Pebrero 16-17 bago ang championship round na sisikad sa Pebrero 22-27. +Sa isang pahayag, sinabi ng PRC na ipinatutupad na nito ang Memorandum Circular No. 2015-01, na nag-oobliga sa mga kumpanya ng gamot na i-accredit ang kani-kanilang medical representative, o mga professional sales representative, sa PRC-Board of Pharmacy (PRC-BOP). Ito, ayon sa PRC, ay alinsunod sa Section 12 ng RA 5921 o ang Act Regulating the Practice of Pharmacy and Settings of Pharmaceutical Education in the Philippines. Naging epektibo nito lang nakaraang linggo makaraang malathala noong Pebrero 5, 2015, sinabi ng PRC na may hanggang Hunyo 30, 2015 lang ang mga medical manufacturer o distributors para makumpleto ang pagrerehistro sa kani-kanilang medical representative. +"Kung meron mang hindi makapaniwala, eh, meron din namang mga close kina Erik at Angeline na masaya para sa dalawa," sey pa ng tao na laging nakakasama ng dalawa sa mga lakaran may kinalaman man sa showbiz o wala. Kuwento pa niya, sa tuwing nakakasalubong nga raw ng fans sina Erik at Angeline ay halos lahat naman nagsasabing bagay na bagay ang dalawa. E, 'yun nga lang, ibunuking din ng aming source na hindi smooth ang relasyon nina Angeline at Erich ngayon dahil merong "lover's quarel" ang mga ito. May isang linggo na raw na hindi kinakausap ni Angge si Erik at pati text messages ng una ay dinidedma ng una. +Sinabi ni Devina na dakong 10:00 ng umaga nitong Biyernes nang ipatupad ang mga awtoridad, sa pangunguna ni Supt. Frankie C. Candelario, BPPSC, company commander at ng PDEA-3, ang search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Primo Sio Jr. ng Regional Trial Court-Third Judicial Region, Cabanatuan City, sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Nakumpiska ng pulisya mula sa mga suspek ang 102 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na nagkakahalaga ng P500,000; 14 na sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana; dalawang .22 caliber revolver na may siyam na bala; isang .38 caliber revolver na may 11 bala; isang digital weighing scale; at iba't ibang drug paraphernalia. +Unang nasakote ng pulisya ang umano'y kilabot na drug pusher na si Rolando Javier Jr. y Santos, 42, may asawa, ng 371 Leonor Village, Barangay Aduas Sur, Cabanatuan City sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). +Ayon kay Senate Finance Chairman Sen. Francis Escudero, ang P24 bilyon pondo ng ARMM ay sapat para sa rehabilitasyon at konstruksyon ng mga kalsada at patubig na aabot sa P10,642 bilyon ang ibinigay sa regional government ng Department of Public Works and Highways (DPWH). +Nagposte si Brandon Knight ng 26 at nagdagdag si Giannis Antetokounmpo ng 16 para sa Bucks, sumadsad sa kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo sa sariling pamamahay. Napasakamay ng Suns ang 9 na pagwawagi sa loob ng huling 11 mga laro at binuksan ang four-game road trip sa kanilang ikatlong sunod na tagumpay. Naingat din nila ang kanilang record sa 8-1 laban sa Eastern Conference opponents. Matapos ang tatlong leads changes at pagtatabla upang simulan ang fourth quarter, biglang umarangkada ang Suns para sa magandang posisyon nang panatilihing buhay ni Markieff Morris ang offensive rebound at saka ipinasa kay Marcus Morris na nagsagawa ng three-point play para sa 81-76 lead sa kaagahan ng quarter. Umasa ang Phoenix sa napakasamang shooting ng Milwaukee upang mapasakamay ang kalamangan na 'di lalayo sa 7 puntos. Naisakatuparan lamang ng Bucks ang 9-of-27 shots sa naturang quarter. Ang tres ni Khris Middleton sa nalalabing 1:49 ang nagtulak sa Bucks sa 94-92, subalit umatake ang Suns mula sa jumper ni Goran Dragic, sa 3-pointer ni Markieff Morris at nang free throw mula kay Thomas. Nagbigay ng karagdagang enerhiya sina Antetokounmpo at Knight mula sa opensa ng Bucks nang kapwa nila idinakdak ang bola tungo sa 12-4 surge at ibigay sa Milwaukee ang 62-58, may 4:44 pa sa orasan sa third quarter. Naisagawa ng Bucks ang 10-of-25 shots sa nasabing quarter at naikasa ang one-point lead patungo sa fourth. Hindi naman naging mabuti ito sa Suns, naisalansan lamang ang 11-of-23 mula sa floor. Napagwagian ng Suns ang pito sa walong road games laban sa Eastern Conference sa season na ito at limang sunod sa pangkalahatan. TIP-INS +Ayon kay Marie Lualhatim ng public information office, magkakaroon din ng karagdagang pagkukunan ng tubig ang mga barangay ng Balete, Mabacong at Mahabang Dahilig upang matugunan ang pangangailangan sa patubig ng dumaraming residente. +Ayon sa ulat, aaminin ni Silva sa kanyang pagharap sa Nevada Athletic Commission ngayong buwan, wala pang tiyak na petsa ang naitatakda, ngunit para lamang tulungan siyang magpagaling, at walang anumang pagtatangka na magkaroon ng bentahe sa kanyang kalaban. Si Silva ay kasalukuyang nasa ilalim ng temporary suspension na ipinataw ng Nevada Athletic Commission matapos magpositibo para sa Drostanolone at Androstane noong Enero 9 sa isang out-of-competition drug test, at pagkatapos ay nagpositibong muli para sa Drostanolone noong Enero 31 sa isang fight-night drug test. Ang test noong Enero 31 ay nagbigay din ng mga positibong resulta para sa Oxazepam at Temazepam, mga anti-anxiety medications na madalas ginagamit para sa sleep deprivation. Ang anti-anxiety medications ay hindi banned substances, ngunit si Silva ay nabigong ilahad ang mga ito sa kanyang pre-fight medical questionnaire. +Narito ang iba pang paraan kung paano nagiging iyo ang pangarap ng ibang tao at kung bakit kailangang manaig ang sa iyo: Maaari rin ang eksenang ito: Dalawa o tatlo sa barkadahan ang nagbago ng kurso, mapipilitan kang kunin din ang kurso nila sapagkat iyon ang naging desisyon nila at mukhang bagay sa iyo. Kalaunan, matutuklasan mong hindi mo pala gusto iyon at nag-aksaya ka lamang ng pera at panahon. Isa pang mapait na halimbawa nito ay kapag ang pangarap ng iyong mga kasama ay magkaroon ng limpak-limpak na salapi sa kahit na anong paraan, mahihirapan kang manatili sa kung ano ang mas mahalaga sa iyo: ang magtrabaho nang marangal at maging responsableng mamamayan. +"As the City Treasurer it is incumbent upon accused to make sure that public funds are properly used and accounted for, this accused Ofelia Oliva miserably failed to do so," saad sa komento ng prosekusyon sa motion for reconsideration na inihain ni Oliva sa Sandiganbayan kamakailan. +Ni NITZ MIRALLES A1 INFORMATION ang tip ng source namin, na sinulat namin kahapon, dahil pumirma na nga si Willie Revillame - bilang chairman ng WBR Entertainment Productions, Inc. -- ng airtime agreement sa GMA Network para sa airing ng kanyang variety show na Wowowin na mapapanood tuwing Linggo sa GMA-7 simula April 26. +Ayon sa pangunahing playmaker ng Rising Suns, na ngayo'y inaasahang mas pasisiglahin ng kanilang tie-up sa Gerry's Grill na si Abel Galliguez, kailangan na ng koponan na imulat ang kanilang mga mata sa katotohanan na wala na silang maaasahang Tautuaa kung kaya kailangang mag-step-up lahat ng players at magtulungan para makamit nila ang asam na tagumpay. "I know (Tautuaa) has moved on and he's playing well for Cebuana. And I know that we should move on as well," pahayag ni Galliguez. Ito ang hinahangad ni Galliguez na aniya'y dapat nilang gawin kung nais nilang makabawi sa natamong kabiguan sa Hapee Fresh Fighters noong nakaraang Aspirants Cup finals. Nakita ang malaking kakulangan sa iniwan ng top overall pick sa nakaraang draft na si Tautuaa nang masilat ang Rising Suns sa MP Hotel-Letran, 107-106, sa ikalawa nilang laro noong nakaraang Huwebes. "All the players have to step up, especially in the center slot and I think we've been doing alright without Mo. It's the same system minus one player," paliwanag ni Galliguez. Sa ngayon, ayon pa sa Fil-Am point guard, kailangan nilang maging pokus at lumaro bilang isang koponan sa lahat ng aspeto ng laban. "I think just being consistent from our input, defensive wise, offensive wise we got to play more as a team collectively on the court." Gayunman, sa kabila ng natamong kabiguan sa Warriors, optimistiko pa rin si Galliguez na kaya nilang makamit ang tagumpay. +Emosyonal pa rin ang mga Australian sa kinahinatnan ng balitang pinasok ng isang armadong lalaki ang sikat na Lindt Chocolate Cafe at binihag ang mga nasa loob ng establisimyento. +Habang sa ibang banda, nakakalungkot ang naging reaksyon ni ARMM Governor Mujib Hataman na porke pinasaringan ni Cayetano ang MILF bilang teroristang grupo, damay daw siya bilang isang Moro pati mga taga-suporta ng Senador sa ARMM. Siyempre pa, may koro agad sa Katimugang Mindanao na agad bumatikos kay Cayetano, at sabay pakulo (larawan) na lumabas sa mga pahayagan na ang mga "Muslim hindi terorista". Maitanong nga, ang sinipat ni Cayetano ang frente ng MILF, hindi ang mga Moro. At hindi rin ang kapatirang Muslim. Kaya bakit nagpamalas ng sama ng loob si Hataman? Na parang pinipersonal niya ang turing? Hindi naman siya kasapi ng MILF. Huwag na kasi tayong lahat magbulag-bulagan. Kahit ipagsigawan pa natin na hindi teroristang grupo ang MILF, subalit kung namumugot ng ulo at ari; katawan ng mga sundalo ginagawang litson sa kawayan, at nagpapasabog ng bomba na ang puntirya mga sibilyan hal. madre at bata sa mga matataong lugar, hindi ba asal ng terorista yan! Wala akong paki-alam kung MILF pa yan, BIFF o kahit Christian Liberation Front, basta ang tinuran ng grupo ay ang mga nabanggit, tumapak lang na ibansag sa ganitong grupo ay "terorista". +Ang insidente ay sinundan ng serye ng legal maneuvering mula sa lahat ng sangkot, nang kasuhan ni Vhong si Cedric at mga kasama ng serious physical injuries, serious illegal detention, grave threat, grave coercion, illegal arrest at blackmail. Nagpaigting sa drama ang aspiring beauty queen na si Roxanne Cabanero na nag-akusa rin kay Vhong ng panggagahasa sa kanya noong Abril 2010. Kalaunan ay ibinasura ang kaso, nang magpasya ang Department of Justice (DOJ) na ang pahayag ni Roxanne ay "contradictory, suspicious and of doubtful nature." Bukod kay Vhong, ang iba pang pangalan at mga paksa na pumasok sa Google Philippines' top trending searches list ay ang Flappy Bird, Robin Williams, Rude (Magic!), Frozen, Cedric Lee, Paolo Bediones, Jennifer Lawrence, Malaysia Airlines at Meteor Garden. Sina Cedric, Deniece, at Roxanne ay kapwa nakapasok sa Google Philippines' Top 10 Newsmaker list in 2014. Kasama nila sina Darren Espanto, Paul George, Helena Belmonte, Bryan Gahol, Michael Christian Martinez, Natalia Poklonskaya at Michelle Ann Bonzo. Sa panayam ng Manila Bulletin, sinabi ni Gail Tan, head of Communications and Public Affairs ng Google Philippines, na makikita sa trending searches list ngayong taon na karamihan ng Internet users ay naghahanap ng entertainment and news. "People really troop to the internet to search for entertainment but I would like to believe that there's now a good balance between the two," aniya. "If you look at the trending searches that we have, it's a combination of entertainment and news. Even if Vhong Navarro is the number 1, it is still news, it wasn't really entertainment. Something happened and it captured the people's attention." Idinagdag ni Tan na ang mga Pilipino ay mas nagiging conscious na sa global affairs batay sa Top 10 news terms na nakapasok sa kanilang listahan kabilang na ang MH370, Ebola virus, Typhoon "Glenda," SONA 2014, ISIS, MH17, Gaza, Ukraine, blood moon at Crimea. "We're very glad to see a consciousness in the Filipino about things that are happening globally like Ebola (outbreak) and Gaza (siege). It shows that they are now more mature about their searches," aniya. Bukod sa entertainment and current events, nagpakita rin ang mga Pinoy ng mainit na interes sa sports sa 70% ng top 10 events searches na karamihan ay may kinalaman sa boxing, football at tennis. Narito ang kumpletong listahan ng Google Philippines' top search items for the year batay sa category: +Sa pulong balitaan kahapon ng tanghali sa kanyang tahanan, nanindigan si Gomez na bababa lamang siya sa puwesto pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 2019. Ayon kay Gomez, hindi niya tatanggapin ang naturang recall election na inihain laban sa kanya ng mga tagasuporta ni dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora, at inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec), dahil paano umano mawawalan ng tiwala sa kanya ang kanyang constituents gayong napakarami niyang proyekto at dalawang magkasunod na taon (2016 at 2017) pa nakatanggap ng Seal of Good Governance award mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang San Juan. Tiniyak din ni Gomez na iaapela nila ang naturang desisyon ng poll body sa legal na paraan at naaayon sa tamang proseso. "I will not accept this recall and will allow my lawyers to challenge it legally and according to the right process," ani Gomez. "The recall petition castrated by Francis Zamora, is not the true will of the people of San Juan. It is the project of their machinations. I will not allow myself to fall in his ill motives." Pinayuhan din ni Gomez si Zamora na maghintay na lamang na matapos ang kanyang panunungkulan dahil hindi na siya muling tatakbo sa susunod na eleksiyon, dahil ito na ang kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng San Juan. "I will step down as mayor of San Juan in June 30, 2019 as I finish my term in 18-months. Ewan ko ba kung bakit di pa siya (Zamora) makapaghintay," aniya pa. Pinabulaanan din ni Gomez ang akusasyon ni Zamora na nagtatago siya at hindi pumapasok sa kanyang opisina upang iwasang matanggap ang notice of sufficiency ng Comelec kaugnay ng recall election. Gayunman, aminado ang alkalde na wala siyang planong tanggapin ang naturang notice of sufficiency, dahil kailangan muna niya itong ikonsulta sa kanyang abogado. Yes! Dedma lang po dapat, cuz for us, Z is DEAD..hahaahahahhaarsh.. such a cry baby boy. no need to do recall. fake nman mga signatures..also fake naman ung mga scholarships & medical assistance. alam nya nman talgang walang mapupuntahan petition nya. makulit lang siya, kala nya mababali nya batas. lol wag kasing assuming Sir Francis.napahiya ka tuloy. hahaha, kung ako sau paghandaan mo ung mga pakulo mong medical assistance at scholarships. Karma lang tlga sasalubong sau. +Sa nasabing bilang, 580 ang direktang nasugatan sa paputok, tatlo ang firework ingestion at 10 naman ang biktima ng stray bullets, na kinabibilangan ng dalawang nangangailangan ng operasyon. Ang naturang January 2 tally ay 338 kaso o 36 porsiyento na mas mababa kumpara sa five-year-average (2009-2013) at 393 kaso o 40 porsiyentong mas mababa kung ikukumpara sa katulad na petsa noong nakaraang taon. Wala pa namang iniulat ang DoH na nasawi sa mga biktima, dahil ayon kay Acting Health Secretary Janette Garin, ang Philippine National Police (PNP) ang maghahayag nito. Kabilang sa mga biktima ng stray bullet na nagtamo ng seryosong pinsala ang isang 13-anyos na babae na taga-Batasan Hills, Quezon City na tinamaan ng bala sa ulo bago maghatinggabi noong Disyembre 31. Ang biktima ay kasalukuyang inobserbahan sa East Avenue Medical Center (EAMC) matapos isailalim sa surgical opening ang kanyang bungo upang maalis ang mga namuong dugo doon at gayundin ang bala. Nasa maayos nang kondisyon ang biktima, ayon sa DoH. Ang ikalawang kaso naman ng "serious stray bullet injuries" ay ang isang tatlong taong gulang na lalaki na mula sa Cotabato City na tinamaan ng bala sa kaliwang mata habang natutulog sa loob ng tahanan. Ang biktima ay kasalukuyang nasa Cotabato Regional Medical Center matapos operahan ang mata at palitan ng silicon eye replacement. Nasa maayos na kondisyon na umano ang paslit. Sa 580 katao naman na direktang nasugatan dahil sa paputok, 471 kaso o 81 porsiyento ang lalaki at nagkakaedad lang ng mula anim na buwan hanggang 84 na taong gulang. Karamihan sa mga biktima ay mula sa Metro Manila (313 kaso o 54%) at 119 o 38% ay mula sa Maynila. Ang 465 sa mga kaso o 80% ay nagtamo ng blast injury without amputation, 25 kaso naman o 4% ang nagtamo ng blast injury with amputation, at 103 o 18% naman ang nagkaroon ng eye injuries. Nananatiling ang piccolo ang pangunahing dahilan ng pagkasugat ng mga biktima na nakapagtala ng 223 kaso o 38%. +Nagtala ng 10 puntos at 9 na digs si Michael Sudaria habang nag-ambag naman ng pinagsamang 16 na hits sina Juan David at John Yulde para pamunuan ang nabanggit na panalo ng Falcons. Namuno naman para sa losing cause ng Tamaraws na nagtapos na may barahang 2-6 (panalo-talo) si Greg Dolor na nagtala ng 14 puntos. Magkasalo naman sa ikalawang puwesto na hawak ang barahang 5-2 ang University of Santo Tomas (UST) at Ateneo habang nakasunod naman sa kanila ang University of the Philippines (UP) na may barahang 3-4. Nakasunod naman sa kanila ang La Salle na nagtapos na may 1-6 kartada habang wala pang naipapanalo ang season host University of the East (UE). +Umatake si Messi sa 38th minute laban sa APOEL sa Group F upang bigyan ang Barcelona ng 2-0 abante matapos na buksan ni Luis Suarez ang scoring. Ito ang ika-91 laro ni Messi sa top club competition ng Europe. Ang dating Real Madrid at Schalke striker na si Raul ay umabot sa 142 matcher upang maitala ang dating rekord na 71. +Sa ikalawang pagbisita ng crew ni Cook makalipas ang isang taon ay nagdiriwang ang mga Hawaiian para sa fertility ng kanilang diyos na si Lono. Matapos pumanaw ng isa sa mga crew ni Cook, ang mga natira sa grupo ay naging mortal sa kanilang paningin, na nakaapekto sa kanilang relasyon sa mga katutubo. +Pormal na makopo ang isa sa nakatalagang outright semifinals berth ang tatangkain ngayon ng Rain or Shine sa kanilang pagsagupa sa Barangay Ginebra San Miguel sa penultimate day ng elimination round ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum. Kasalo sa kasalukuyan ng San Miguel Beer sa liderato na tangan ang barahang 8-2 (panalo-talo), kailangang maipanalo ng Elasto Painters ang laban nila sa Gin Kings upang masiguro ang awtomatikong pag-usad sa semifinal round. +"Ang bongga rito, ni-restore sa high definition ang mga mapapanood na pelikula, ang Anak na dinirek ni Rory Quintos; Kapag Langit Ang Humatol directed by Laurice Guillen at Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? ni Direk Chito Rono,"sabi ni Jojo. +Ipinost ni Bianca sa Instagram ang gift ni Miguel at marami ang nag-like. Lalo pang kinilig ang BiGuel fans nang i-post ni Miguel ang old photo ni Bianca during Mulawin days. Ibig sabihin, nagkasama na ang dalawa noong bata pa sila. +Kasabay nito, pinaboran din ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kahilingan ng mga bidder na ipagpaliban ang deadline ng pagsusumite ng pre-qualification documents sa Pebrero 27 mula sa orihinal petsa nito na Enero 14. +Tatlong Papa na ang dumalaw sa Pilipinas sapul noong 1970s, 1981-1995 at 2015. Sila ay sina Pope Paul VI, Pope John Paul II at ngayon ay si Pope Francis, ang dating Cardinal Jorge Mario Borgoglio ng Argentina. Si Pope Francis ay kilala sa kababaang-loob, ayaw ng karangyaan o pagpapasikat. Mapalad ang Pinas sa pagdalaw ni Pope Francis at ng dalawa pang Papa. Sana ay subaybayan nila ang tanging bansang Katoliko sa Asia na ngayon ay may 100 milyon nang populasyon, kasama ng mga Muslim, lumad, mangyan, badjao at iba pang katutubo mula sa Cordillera, mga Aeta, at iba pa. Dahil sa taglay na karisma ni Pope Francis, naniniwala si dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na siya ang magiging susi sa paglutas sa maraming problema at karahasan sa daigdig. Si Puno na lider ng grupong protestante na Philippine Bible Society, ay isa sa 10 religious leader na nakipagpulong sa Papa sa University of Santo Tomas. Bukod sa kanya, inimbitahan din at nakipag-diyalogo ang mga lider ng Muslim, Jewish, Hindu, Buddhist, evangelical orthodox at Katoliko. Binanggit ni Puno ang taglay na impluwensiya ni Lolo Kiko bilang lider ng may 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo. Sabi niya: "The Pope is a servant-leader who can really contribute to the mitigation of the worsening problems of the world." Mukhang matutuloy na ang pinakahihintay na sagupaan nina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao. Pumayag na si Pacman sa lahat ng kondisyon ni Mayweather, kabilang na ang hatiang premyo na 60-40 pabor sa US boxer, drug test atbp. +Kalahati nito ay ini-release na para sa mga paghahanda at pagsasaayos ng mga pasilidad para sa naturang Palaro. Kasama na rito ang pagtatayo ng Albay Sports Complex sa bayan ng Guinobatan bilang main venue, kung saan magkakaroon ng international standard oval track at malaking grandstand para sa libu-libong manunood. Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang pamahalaang panlalawigan nila ay magtatalaga rin ng P150 million bilang karagdagan budget sa inaprubahan ng Pangulo. *** +INAMIN ni Kim Kardashian na nahihirapan sila ng kanyang asawa na si Kanye West na makabuo ng pangalawang anak. "When you're not planning it, it happens. It's just how God works," pahayag ni Kardashian,34, sa Daily Mail. Ngayon na sinusubukan nilang sundan at bigyan ng nakababatang kapatid ang kanilang anak na si North West, sinabi ni Kardashian na marami na silang ginawang paraan. +Sa kanyang report, kinilala ni Gerona Police chief, Supt. Ariel Rebancos Red, ang napatay na si Reynaldo Sembrano, 43, ng Barangay Sulipa, Gerona, habang ang suspek naman ay si Fernando Ines, kabarangay ng biktima. Nabatid na pamangkin ng suspek ang biktima. +Sa Executive Order No. 1, series of 2015 ni Gov. Faustino G. Dy III ay iniutos ng gobernador ang pagkansela ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, eskuwelahan at trabaho sa buong probinsiya upang magkaroon ang mga Isabelino ng pagkakataong mapagyaman ang kanilang pananampalataya sa mga aktibidad kaugnay ng pagbisita ng Papa sa bansa sa Enero 15-19. +Ayon sa pulisya, naaktuhan ni Danilo Cachero Ronquillo, 61, piloto ng Cebu Pacific, at residente ng No. 35 Bethel St., Remelville Subd. Noveleta, Cavite; ang suspek na nakilalang si Jefferson Arisga, 35, ng Tondo, Manila habang kinukulimbat ang P5,000 sa wallet ng biktima na nakalagay sa kanyang flight bag habang sila ay sakay ng shuttle bus na nakaparada sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. +Ang militanteng natatakpan ng itim na tela ang mukha habang may hawak na kutsilyo ang napanood sa mga video na inilabas ng Islamic State sa pagpugot sa mga bihag, kabilang ang ilang Amerikano, Briton at Syrian. +EXCITING ang Year of the Wooden Sheep para sa ilan sa mga pinakasikat sa bansa kung magkakatotoo ang mga hula sa kanila ng mga soothsayer na sina Robert Das at Maricell Gaskell: +Nakakuha ang UP ng kabuuang 178 puntos upang ungusan ang Company of Ateneo Dancers (167.3) at ang two-time titlist na La Salle Dance Company-Street (167) upang iuwi ang unang premyo na P120,000. +Sinuspinde na ng kamara ang inumpisahang niyang pagdinig. Natakot na ang liderato nito dahil, ayon sa mga kongresistang tutol dito, ay umaabot na sila sa kanilang pagtatanong kay Pangulong Noynoy. Maaari, dahil ang pabara-barang suntok kahit paano ay tumatama rin. Totoong nagsimulang magulo ang pagdinig ng kamara, pero may mga tanong na hindi mo alam kung saan nanggaling na nakasasakit din. Hihintayin munang matapos ang imbestigasyon ng PNP Board of Inquiry, wika ni Speaker Belmonte, bago namin itutuloy ang amin. Ang senado naman ay ipinakikita lamang ang bahagi ng pangyayaring gusto nitong ipaalam sa mamamayan sa kanyang publikong pagdinig. Pero kapag sumapit na ito sa parteng mabubuo na ang larawan, itinatago na niya ang kanyang imbestigasyon sa executive session na ang mga senador lang ang nakakaalam. +Inimbitahan ang Protestantism leader na si Martin Luther upang ito ay tanggihan o kumpirmahin ang paniniwala at siguruhing ligtas ang patutunguhan ng nasabing Diet. Abril 16 nang dumalo si Luther sa isang diet session habang tinanong siya ng assistant ng Archbishop of Trier na si Johann Eck kung ang mga prinisintang libro ay gawa niya at kung ang mga itinuturo ay nanggagaling sa libro. Nang sumunod na araw, sinagot ni Luther na hindi niya hinihingi ang opinyon ng mga pope at council sa kanyang spirituwal na buhay, at hindi niya pinagsisisihan ang mga pinaniniwalaan bilang Protestant. +Mahusay na artista, ilang beses na ring nanalo ng award si Nico na hindi tumatanggi sa kahit anong role, mabait man o masamang character, kahit bilang beki, okey lang sa kanya. Ang katwiran niya, artista siya at hindi siya dapat tumanggi sa anumang role na ibibigay sa kanya ng director. +Ang mga nasabing stickers ay tila nagbibigay-suporta para sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa sa gita ng mga alegasyon ng korupsyon na kanyang kinakaharap. +Ang Uncle Tetsu ay ang 66-year-old Japanese traveller na nasa likod ng popular na Uncle Tetsu Cheese Cake. Matatagpuan ang Uncle Tetsu Cheese Cakes sa China, Taiwan, Thailand, Singapore, Malaysia, Cambodia, at maging sa US. Dumating ang Uncle Tetsu brand sa Manila noong nakaraang taon at agad ding naging paborito ang cheese cakes nito, katunayan ang laging maraming kustomer sa stores nito sa SM Fairview, SM Mall of Asia, SM San Lazaro, SM Bacoor, SM Manila, The Podium, at Alabang Town Center. Pinakabago nga ang branch sa Megamall, na dinaluhan ni Heart bilang brand ambassador. "The popular Japanese CheeseCake brand recognizes Heart's gentle, elegant, and multi-dimentional image as a reflection of the light, delicate, and flexible character of its cheesecake achieved through a tradition of careful selection of the finest and freshest all-natural ingredients," sabi ng kinakatawan ng kompanya. Ang Uncle Tetsu's popular Japanese-style cheesecake ay may sangkap na premium cheese at butter at farm fresh eggs and milk. Hindi ginagamitan ng preservatives ang lahat ng cake na freshly-baked araw-araw. Ang eleganteng lasa nito ay nasa katamtamang tamis ang sekreto, at kinawiwilihan ang natatanging lambot at melt-in-your-mouth texture. +Dumagdag pa sina Zanjoe Marudo at Beauty Gonzales na marami na rin palang fans ang love team bilang sina Baste at Alex sa Dream Dad, sayang nga at wala si Matt Evans bilang si Paul na ka-love triangle nila. Nahirapan ang security personnel sa pagkontrol ng mga taong gustong makita ang mga bida ng Dream Dad dahil siksikan na sa nasabing park na sa tantiya ay nasa 22,000 katao. Kaya naman pala humahataw sa ratings game ang Dream Dad, haling na haling sa kanila ang publiko. Katunayan, pinadapa nila ang pilot episode ng Pari Koy na nagtala lang ng 17% kumpara sa 32.5% ng una. Kaya labis-labis ang pasalamat ng Team Dream Dad sa mga tagasubaybay nila. At dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ay extended ang programa. Hala, matagal pa ang ipaghihintay ni Bimby kay Baby para sa gagawin nilang pelikula? +Ang pinakamalaking Ebola unit na itinayo sa kabisera ng Liberia, ang Monrovia, na may 120 higaan noong Agosto 17, 2014 ngunit kaagad na napuno, at napipilitan ang mga staff na itaboy ang mga pasyente sa kanyang pintuan, sa kabila ng mahigit pagdoble sa kanyang kapasidad. +Ayon sa kanya, ang P3 bilyon ay gagamitin sa konstruksiyon ng mga tulay na mag-uugnay sa North at South Harbor at isang flyover mula sa port areas patungo sa South Luzon Expressway (SLEX). Ang nalalabing P4 bilyon ay gagamitin naman sa relokasyon at pabahay para sa informal settlers. +Batay sa imbestigasyon ng Cebu Police, ang insidente ay naganap sa Barangay Baliwagan sa naturang lungsod. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Merkel Pilapil, may-ari ng welding shop, habang sugatan naman sina Nestor Pinili, Grace Capangpangan, Rodolfo Minoras at Angelo Babor. +FIRST major concert ng tinaguriang Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang Hologram: The Concert sa SM Mall of Asia Arena on December 13. Sa presscon given by GMA Network and GMA Artist Center, sinagot ni Julie Anne ang ilang intriga na may koneksiyon sa concert, tulad ng nabalitang umiyak siya nang hindi pumayag si Pia Magalona, mother ng dating ka-love team na si Elmo Magalona, na mag-guest sa concert niya ang young actor. +Mahigit isang libong estudyante ang nakinig sa pagsasalita ng mga ehekutibo ng ABS-CBN sa pangunguna ni President/CEO Charo Santos-Concio na nagbigay payo na mahalaga ang ang good values at pagiging responsable sa paggamit ng media para maghatid ng inspirasyon sa publiko at hindi sa negatibong paraan. "Your talent may win you your dream. But only your good values that will make you feel proud of yourself," sabi ni Charo Santos sa kanyang keynote address sa Pinoy Media Congress Year 9 sa St. Paul University Manila nitong nakaraang linggo. Kasama ni Charo sa kanyang homecoming sa kanyang alma mater ang ilang ABS-CBN executives na nagsilbing resource speakers sa PMC, na ang layunin ay upang maihanda ang mga estudyante sa kanilang magiging propesyon. Sila ay sina ABS-CBN executives Fernando Villar, Maria Concepcion Alcedo, March Ventosa, Marah Faner-Capuyan, Roxy Liquigan, Ging Reyes, Donald Lim, Leo Katigbak, Enrico Santos, Vivian Tin, at Laurenti Dyogi. Nagbahagi rin ng kaalaman sina Asian Institute of Journalism and Communication President Prof. Ramon Tuazon, ABS-CBN News correspondent Atom Araullo, at Movie and Television Review & Classification Board Chairman Atty. Eugenio Villareal. Kabilang sa panelists ng PMC sina ABS-CBN Publishing Inc. President Ernie Lopez, ang ABS-CBN Film Productions Inc. (AFPI) creative director na si Vanessa Valdez, AFPI consultant Angie Yu-Pineda, at ABS-CBN business units heads Linggit Tan-Marasigan, Deo Endrinal, Julie Ann Benitez, Ginny Ocampo, Lui Andrada, Joyce Liquicia, at Reily Santiago. Pagkatapos ng mga sesyon na layong mas naintindihan ng mga estudyante ang mga bagong sistema at teknolohiya sa media, nakipagdayalogo rin sa mga estudyante ang ABS-CBN bosses sa pangunguna ni Free TV Head Cory Vidanes. Paulit-ulit na ipinaalala sa mga estudyante ang kahalagahan ng tamang pag-uugali sa industriya. Ani Vidanes, kailangan ng sipag at sakripisyo. Pagiging kritikal naman ang sabi ni Reyes. Sabi ni Tin, kailangan ding buo ang loob at puso ng mga gustong pumasok sa media. Payo naman ni Dyogi, matuto silang magkuwento ng magagandang istorya at kaya nila itong simulan sa kani-kanilang tahanan. Sorpresa ang pagdating ng ilang Kapamilya stars tulad nina Nash Aguas, Alexa Ilacad, Loisa at Joshua ng Pinoy Big Brother, Rayver Cruz, JM de Guzman, at Alex Gonzaga na nagbigay aliw sa mga estudyante. Ipinahayag ng mga delegado na nagmula pa ang karamihan sa malalayong probinsiya tulad ng Baguio, Tacloban, at Cagayan de Oro ang kasiyahan sa pakikibahagi sa PMC, na isinasagawa sa pagtutulungan ng ABS-CBN Corporation at Philippine Association of Communication Educators Foundation (PACEF). Sabi ni Ysabel Bonifacio sa Twitter, "It was the best congress I have attended for this school year." Si Majji Porcalla naman ay nag-tweet ng "I feel so honored to be a part of the event. I learned a lot!" Bumuhos maging sa Instagram ang posts tungkol sa PMC. Ani Jonah Garcia, "It was nice to hear it all from the professionals of the Communication Industry," at ang sabi naman ni Angelica Gallardo, "We got the chance to hear the insights and experiences of the prominent people in the industry and we also got the chance to see artists perform." Sa tagumpay ng ikasiyam na taon ng PMC, umaasa si ABS-CBN Integrated Corporate Communications Division Officer-in-Charge Kane Errol Choa na mas marami pang estudyante ang kanilang matutulungan sa hinaharap. +Paano na kung talagang ni anino ni Mang Floyd ay ayaw magpakita sa lona? May balak si Rep. Pacquiao na ipapalit sa kokorokok na Floyd kung patuloy itong magsasawalang-kibo. Lalabanan niya si Amir Khan ng England at posibleng mangyari ito sa Mayo 30. Ito ang backup plan nila ng kanyang Promoter na si Bob Arum kung sakaling hindi matuloy ang bakbakang Floyd-Manny sa Las Vegas o sa Abu Dhabi o sa London. Si Khan ay dating welterweight champion at top contender din para kay Floyd kung ayaw ni Manny sa kanya. Sparring partner noon ni Manny si Khan sa pagsasanay sa kanilang dalawa ni Freddie Roach. May iba pang maaaring kalaban ni Rep. Paquiao, ani Arum - sina Russian former junior welterweight champion Ruslan Provodnikov at Lucas Matthysse ng Argentina. Pero ang first choice talaga ni Pacman ay ang chicken, este si Floyd. +Ang mga programa sa national meteorological at hydrological services sa lipunan ay inorganisa upang ipagdiwang ang WMD 2015 sa temang "Climate Knowledge for Climate Action". Misyon ng WMO ay ang suportahan ang mga bansa sa pagkakaloob ng meteorological and hydrological services upang protektahan ang buhay at ari-arian mula sa mga kalamidad, ang pangalagaan ang kapaligiran, at mag-ambag sa tuluy-tuloy na kaunlaran. Ang epektibo at mahusay na pagtaya ng lagay ng panahon ang umaayuda sa agriculture, aviation, shipping, at iba pang decision-makers, at mga manggagawa sa weather-sensitive sectors sa pagpaplano ng kanilang aktibidad, pati na rin ang paghahanda sa mga kalamidad. Salamat sa siyensiya at teknolohiya, ang mga pagtaya ng lagay ng panahon ay mas maaasahan at mas nakapagtataya ng natural cycles at malalawak na pattern ng climate sytem para sa panahon ng El Nino/La Nina phenomenon, at greenhouse gas emission. Isang bagong blueprint para sa mga hakbangin sa disaster risk reduction, na kapalit ng unang Hyogo Framework for Action, ay nasa agenda ng Third UN World Conference hinggil sa Disaster Risk Reduction na idinaos ngayong buwan sa Sendai, Japan, isang preparasyon para sa UN Framework Convention on Climate Change na idaraos sa Disyembre sa Paris sa layuning magkaroon ng bagong universal agreement upang salungatin ang climate change. Ang pagdaraos ng WMD ngayong taon ay pinangungunahan ng Department of Science and Technology-PAGASA. Kabilang sa mga aktibidad ang isang exhibit na "PAGASA: Then and Now," paglulunsad ng isang bagong serbisyo tulad ng storm surge warning signals, bagong website, at Be Secure Project; isang scientific forum tungkol sa WMD 2015 theme; isang poster-making contest, sa pakipagtulungan ng Department of Education; paggawad ng Wind Vane Award sa mga indibiduwal o organisasyon na nakapag-aambag sa pagkamit ng mandato ng ahensiya; loyalty awards para sa PAGASA employees; motorcade, aerobics, at fun games. +Maging ang itinuring na mga henyo ng panitikan ay manaka-naka ring nag-uusisa - sa pamamagitan ng kanilang mga obra maestra na tulad ng tula, sanaysay, maikling kuwento, lathalain at nobela - kung paano madadama ang tunay na mensahe ng Pasko; kung paanong ito ay ipagdiriwang nang taos sa puso at walang pagkukunwari. Maaaring palasak na o pangkaraniwan, subalit nakagawian nang unahin ng ating mga kababayan ang pagsabit ng parol at iba pang dekorasyong pamasko sa kanilang mga tahanan; mumurahing Christmas decor para sa mga maralita at mararangya para sa mga nakaririwasa. Sa paghahanda ng mga pagkain, makikita ang malaking agwat ng mayaman at mahirap. Higit na naiiba ang mga lutong-bahay, native fruit at simpleng inumin kaysa sa mga hamon, red wine at mga prutas na inangkat pa sa ibang bansa; mga pagkain ito na sa pangarap lamang makikita at malalasahan. Sa paggunita ng Christmas season, magiging tampok ang kabi-kabilang selebrasyon na tulad ng raffle o paripa, exchange gifts, at may mga pabinyag at kasalan. Nagbabakasyon sa iba't ibang resort na dinarayo ng local at foreign tourists. Hindi maaaring palampasin ng maririwasang pamilya ang pagtungo sa mga tanyag na siyudad sa iba't ibang panig ng daigdig. Halimbawa, papasyalan nila ang mararangyang Christmas decor sa Oxford Street sa London, Tokyo, Australia, Hong Kong, Bangkok at iba pa. +Nagsimula ang repair work ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dakong 10:00 kahapon ng hapon at inaasahang matatapos ito dakong 10:00 ng Linggo ng gabi. Ang mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng Mindanao Avenue - mula Road 8 hanggang North Avenue, second lane; at C-5 Road Pasig Blvd. hanggang Bagong Ilog ServiceRoad, southbound. Isasara sa mga motorista ang Commonwealth Avenue COA main gate hanggang COA exit gate, second lane mula median island; Commonwealth Market Extension Overpass hanggang Bicol-Leyte Overpass, second lane mula median island na kapwa northbound; at Batasan Road mula Filinvest II hanggang Payatas Road, second inner lane at CP. Garcia Avenue - mula University Avenue hanggang Maginhawa St., second lane, eastbound. Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang mga naturang lugar at sa halip ay gumamit ng alternatibong ruta upang makaiwas sa trapik. Inirekomenda ni DPWH-National Capital Region Director Reynaldo Tagudando ang pagsasagawa ng reblocking at rehabilitasyon ng mga naturang lansangan ngayong weekend bilang bahagi ng maintenance work ng mga ito. +Ang Simbang Gabi ay siyam na sunud-sunod na madaling-araw na pagsisimba bilang paghahanda sa pagsilang ng Dakilang Mananakop, ang pangakong Dakilang Alay ng Diyos Ama upang tumubos sa sangkatuhan. Natatapos ang Simbang Gabi sa madaling-araw ng Disyembre 24. Kasunod na nito pagsapit ng hatinggabi ang Christmas Eve Mass na pasasalamat sa pagsapit ng araw ng Pasko o ng pagsilang ni Kristo Jesus. +GENERAL SANTOS CITY- Nag lunsad ang pulisya ng malawakang manhunt operations laban sa bodyguard ng isang alkalde sa Sultan Kudarat na isinasangkot sa pagpatay sa dating correspondent ng Balita sa lalawigan, noong nakaraang taon. +Ang rookie na si Mirotic ay muling nagpakita ng kahusayan sa paglalaro, nagtapos na may 5 puntos na kakulangan para sa kanyang career-high. Naitala naman ni Gasol ang kanyang league-leading na ika-48 double-double sa pagkubra ng Chicago ng ikalimang panalo sa kanilang huling anim na laro. ''I think our mindset at this point is we're building toward something, we have more than enough right now,'' ani Mike Dunleavy Jr. ''When (the injured) Derrick (Rose) gets back, it's a bonus. We're pulling for him.'' Pinangunahan ni Andrea Bargnani ang New York sa kanyang 14 puntos at 7 rebounds. Umiskor si Gasol ng 11 sa first quarter at 13 sa half sa pagtangay ng Bulls ng 54-34 abante. Naibuslo ni Mirotic ang tatlong 3-pointers at umiskor ng 11 sa half, habang sina Butler at Aaron Brooks ay kapwa naglista ng 10. Lumamang ang Bulls sa 28-17 matapos maikasa ang 12-of-21 shots nila sa first quarter. Na-outscore ng Chicago ang New York, 19-7, sa kabuuan ng half upang magbalik sa 35-27 bentahe tungo sa paglamang ng 20 sa break. ''I think we're getting there,'' sabi ni Gasol. ''We can't get too complacent. We can't get satisfied by a few good games. We just need to continue because the challenges are going to come and they're going to come quickly.'' +Ang Pilipinas ang nag-iisang bansa sa Asia na rumanggo sa pandaigdigang top 10 para sa bansang may mataas na bilang ng mga babaeng nasa managerial posts, ipinakita ng pag-aaral. Nanguna ang Jamaica sa listhaan na may 59.3%, sinundan ng Colombia na may 53.1%; Saint Lucia, 52.3%; Panama, 27.4%; Belarus, 46.2%; Latvia, 45.7%; Guatemala, 44.8%; Bahamas, 44.4%; at Moldova, na may 44.1%. Sinundan ng Mongolia ang Pilipinas sa Asia rankings, ngunit ito ay nasa ika-17 puwesto. "Our research is showing that women's ever increasing participation in the labor market has been the biggest engine of global growth and competitiveness," ayon sa ILO. Ang mga developing region, ipinakita ng pag-aaral, ay mas malamang na magkaroon ng mas mataas na persentahe ng mga babae sa matataas at managerial position, sa kabila ng mas maraming babae ang nakararating sa matataas na uri ng trabaho sa mga lokal na kumpanya sa halip na sa multinational o malalaking korporasyon. Sa Pilipinas, ayon pa rito, saklaw ng mga babae ang malaking bahagi ng labor market, lalo na sa mga industriya tulad ng business process outsourcing. Sa pag-aaral, na inilabas noong Enero 15, 2015, nakabalangkas ang nagbabagong trend sa dalawang huling dekada na naghatid sa mga babae sa puwesto ng 40% ng senior at middle-level management positions. Karaniwan pa rin ang company board na ang mga miyembro ay lalaki ngunit kumakaunti na ang bilang, sapagkat saklaw na ng mga babae ang 20% o higit pa ng lahat ng mga board sa iilang bansa, ayon pa rito, na sinabing ang Norway ang may pinakamataas na global proportion ng mga kumpanya (13.3%) na may isang babae bilang chairperson ng company board, sinundan ng Turkey (11.1%). Pinatatakbo ng kababaihan ang halos 30% ng mga negosyo sa daigdig, ngunit nasa micro at small enterprises lamang ang mga ito, ipinakita ng pag-aaral. Gayong mga babae ang mas malamang na magmay-ari o mangasiwa ng isang negosyo ngayon kaysa dati, hindi naman mas malamang na humawak sila ng isang posisyong may kapangyariyan sa kahit na anong pinakamalalaking korporasyon sa daigdig. Limang porsiyento lamang ng mga chief executive officer ng pinakamalalaking korporasyon sa daigdig ay mga babae; kung mas malaki ang kumpanya, mas kakaunti ang pinuno na babae, ayon pa rito. +HANGGA'T maaari ay ayaw nang magbigay ng komento ni Sunshine Cruz hinggil sa patutsada ngayon ng kampo ng dating asawa niyang si Cesar Montano. Ito ay may kinalaman sa isinampa niyang reklamo laban sa ama ng kanyang tatlong anak. Sabi ni Sunshine, marami na ang tumawag sa kanya para lang makuha ang panig niya pero pinagbawalan daw siya ng kanyang abogado na magbigay ng komento. +Nakuha ng Argentina ang pagkakataon na makaharap ang top seed US Team sa knockout phase quarterfinal ng men's basketball competition sa Rio Olympics matapos mabigo sa Spain, 82-90, nitong Lunes (Martes sa Manila) sa pagtatapos ng elimination round. Bunsod ng kabiguan, nahulog sa No.4 sa Group B ang Argentina at naisaayos ang quarterfinal match-up sa Group A No. 1 US. Winalis ng US ang limang laro sa elimination, ngunit pawang dikit ang laro ng all-NBA stars. Ang Argentina, pinangungunahan ng apat na NBA player kabilang si three-time champion Manu Ginobili ng San Antonio Spurs, ang huling koponan na gumapi sa USA sa Olympic competition--sa semifinals ng 2004 Athens Games. Nakamit ng Argentinian ang gintong medalya sa naturang edisyon. Ito ang unang pagkakataon na nabigo ang Americans na makamit ang gintong medalya mula nang buksan ang kompetisyon sa NBA pro noong 1992. Makakaharap naman ng Spain sa knockout phase ang European rival France sa Miyerkules (Huwebes sa Manila). Sa iba pang quarterfinal match-up, magtutuos ang Australia at Lithuania, habang magkakasubukan ang Croatia at Serbia sa tinaguriang 'Balkan showdown'. "I feel very fortunate to be here at 39 (years old). We're going to try and play our best basketball possible, no matter who we play," pahayag ni Ginobili. Malakas ang suporta ng crowd sa Argentina kung kaya't hindi inaalis ang posibilidad na makasilat ang koponan, higit at hindi nakapagpamalas ng dominasyon ang Americans sa kabuuan ng elimination round. Tumapos ang Spain ng silver medal sa nakalipas na dalawang Olympics, ngunit nalagay sa alanganin ang kanilang kampanya matapos ang magkasunod na kabiguan. Nakabawi ang Spaniards nang maipanalo ang huling tatlong laro, kabilang ang tagumpay sa Argentinian. "We have been through this situation before," sambit ni Spanish coach Sergio Scariolo. +Matatandaang nag-ugat ang lahat sa loob ng Cebu Pacific flight patungong Pagadian City noong Biyernes, March 19 nang magkaengkuwentro sina Melissa at Rey. Naging dahilan ang insidente para i-offload ng naturang airline si Melissa sa NAIA terminal. Sa IG post ni Melissa nitong Martes, March 24, sinabi niyang, "In the light of the recent incident that involved me and Mr. Rey Pamaran, I would just like to simply apologize for my untoward actions and move on from this. This incident has caused a lot of pain and trouble to me and my family, as well as the other party involved. I am owning up to my mistake. No matter what the reason might be, I had no right to physically hurt Mr. Pamaran. Again, my deepest apologies to Mr. Pamaran and everyone else who have been affected by this." Ilang oras pagkaraang mai-post ni Melissa ang paghingi ng dispensa, nag-post naman si Rey sa kanyang Facebook page ng reaksiyon hinggil dito. +Ang Tahanan ni Maria ay nagsisilbing kanlungan ng matatanda simula noong 1996. Kalahating ektarya ang lawak nito at may 30 lolo at lola na inaalagaan dito. Ngunit ang misyon nila na magbigay ng serbisyo sa mga may edad ay nalilimitahan dahil sa kanilang pasilidad. Luma na kasi ang ilang kagamitan at sira na ang ilang bahagi ng kisame ng kanilang tahanan. +Game na game sa pagsayaw ang first lady ng Uptown Funk ni Bruno Mars kasabay si Ellen at back up dancers. "There is some hip-thrusting," pabirong sabi ng first lady, 51, nang mahulog ang kanyang mikropono. "There is a lot of it." +Nakarekober ang mga tauhan ng Philippine Army-Explosives and Ordinance Team ng mga detonating device at explosive residue sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog, ayon kay Insp. Roel Abejero, tagapagsalita ng Tacurong City Police Station. +Mainit na tinanggap si Willie ng Kapuso Network sa pangunguna ni GMA Network Chairman/CEO Atty. Felipe L. Gozon na nagsabing, "We are pleased to have Willie Revillame's program in the network. Willie has a very large following. Through our partnership with WBR Entertainment, GMA Network will be a part of the long awaited return of Willie Revillame on television." "We are very grateful and glad to have our program Wowowin shown in GMA Network, the number one TV station in the country. We will see to it that we deserve the trust reposed on us by GMA Network," sabi naman ni Willie. Kilalang "overtime king" si Willie dahil mahilig mag-overtime ng kanyang show, naaapektuhan tuloy ang airing time ng kasunod niyang show. Nangyari ito sa ABS-CBN noon at naulit sa TV5. Nabanggit ito ng ilang press people sa isang bossing ng GMA-7, pero ang sagot nito, ipaaalala nila kay Willie na 'pag mag-overtime siya, puputulin ang kanyang show, kaya kailangan niyang sumunod sa oras. Kapag mapuputol ang show niya, hindi siya dapat magtampo dahil sinusunod lang ng network ang airing time ng shows nila. Noon pa nabalitaan na sina Mike Enriquez at Joey de Leon ang tumulong para makapasok si Willie sa GMA-7. Samantala, isa ang pangalan ni Jennylyn Mercado sa nabanggit ng spy namin na magiging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin. Ni-request daw ang aktres na maging co-host , hindi lang malinaw kung si Willie mismo o ang staff niya ang nag-request sa management ng network. Kung matutuloy sa show ni Willie si Jennylyn, magiging dalawa ang show niya pagkatapos ng drama series niyang Second Chances. Isa rin siya sa three judges ng nagbabalik na Starstruck kasama sina Joey de Leon at Regine Velasquez. May experience na sa hosting si Jennylyn dahil naging host siya sa reality show na Anak Ko 'To at sa Showbiz Central and in fairness, kaya ng power niyang mag-host. Pansamantala, nagpapakaaktres muna siya sa Second Chances na may mainit na talakayan sa social media kung kanino mas nababagay ang karakter ni Jennylyn na si Lyra -- kay Bernard (Raymart Santiago) o kay Jerome (Rafael Rosell). +Bumulusok ang F-16 dakong 3:20 p.m. (9.20 a.m. EST) ilang sandali matapos lumipad sa isang training center sa Albacete, 260 km (160 miles) sa timog silangan ng kabiserang Madrid. +Ayon kay Umali, ang lahat ng 17 sports disciplines na nakahanay sa kalendaryo ng Palaro ay isinasaad at iniatas sa batas na kinabibilangan ng archery, arnis, swimming, athletics, badminton, baseball, boxing, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, tabale tennis, taekwondo, tennis, at volleyball. Kabilang din sa pinag-aaralan ng DepEd para isama sa Palaro ang sports na biliards, futsal, wushu at wrestling. "Tinitiyak po namin na ang lahat ng ito ay pinag-aaralan naming mabuti kasama ng apat pang demosntration sports kung kinakailangan at nararapat na isama sa mga event ng Palarong Pambansa," pahayag ni Umali. +Sa buong panahon ng ban, na tatagal hanggang Marso 1, 2015, ay ipagbabawal ng BFAR ang pagpatay o paghuli ng sardinas sa conservation area, gayundin ang pagbebenta o pag-iingat ng nasabing isda mula sa conservation area. Ang Zamboanga Peninsula ay may 454 na bangkang pangisda na naghahango ng sardinas. +Ayon sa production staff na nakausap namin, wala pang napipili sa stars na dumating para sumalang sa pilot episode na mapapanood na ngayong araw, Lunes. Ginagamay lamang ng celebrities na naroroon kung paano lalaruin ang "tawaran portion" with Luis with the usual 24K ladies para hindi na sila mangapa kung nakatoka na silang maglaro sa show. Sa same source din namin nalaman na sa Family Feud isasalang si Edu kapag tuluyan nang maaayos ang usapan para i-franchise ng ABS-CBN ang nasabing programa sa bansa. +Ito ay matapos mapag-alaman ni Binay na ang Pinay na hinatulan, na nakilalang si Mary Jane Veloso, ay biktima lang ng sindikato ng droga. "'Yun naman ho ay fifty-fifty [chance] kasi nga ang nakasabay nito na pinatawan ng execution ay talagang sindikato," pahayag ni Binay sa panayam sa radyo. Nais ni Binay na mapagaan sa habambuhay na pagkabilanggo ang parusang kamatayan na ipinataw kay Veloso. "Talagang 'yun na ang naging hanap-buhay. 'Yung sa atin naman, isang biyahe lang 'yun, supposed to be," giit ni Binay. Inihayag ng abogado ni Veloso sa korte na ang kanyang kliyente ay "minanipula at nilinlang" lang upang bitbitin ang bagahe, na naglalaman ng heroin, mula sa Malaysia noong 2010. Ayon sa ulat ng Indonesian Foreign Ministry, naaresto si Veloso sa Yogyakarta Airport noong Abril 2002 habang may bitbit na 2.6 kilo ng heroin mula Malaysia. Naghain na ng request for judicial review ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa District Court of Justice ng Sleman, Yogyakarta. +Sa tulong ng pagpapa-rehab sa aktor, nanumbalik ang kanyang sigla sa buhay at sa pag-arte. Katunayan, kasama si JM sa cast ng That Thing Called Tadhana, na pinuri ng mga kritiko nang ipalabas last year sa Cinemalaya Originals filmfest at ngayong February 4 ay mapapanood na sa mainstream theaters sa buong bansa. +Magkakapatid sina Aiko, Dimples at Carlo at ang batang si Louise naman ay ala-alaga ni Ka Eddie na mag-isang namumuhay sa probinsiya. Biyudo na at maysakit si Ka Eddie kaya't hinihintay niya ang araw ng Pasko dahil makikita niya ang kanyang mga anak. Nakakatawa kasi habang nagpupunasan ng luha ang entertainment press ay dire-diretso rin pala ang tulo ng luha nina Dimples at Aiko dahil naalala nila ang kani-kaniyang ama. Sila na nga raw ngayon ang bagong 'crying ladies'. "Sorry ha, I started everything (umiyak) kasi sa soap na 'to, makaka-relate talaga lahat sa bawa't character namin," simulang kuwento ni Aiko. "Ako talaga tinamaan dahil nga maagang kinuha sa akin ng Panginoon ang tatay ko, pero masaya ako dahil alam ko while I'm doing this soap, the Gift Giver, alam kong this Christmas, ang Papa Jimi (Melendez) ko po ay proud po sa akin dahil tinanggap ko po ito." "Ako naman, pinipigil-pigilan ko rin (umiyak) kasi my papa naman passed away when I'm 16 and my sister passed away about 4 years before that," sabi naman ni Dimples. "And this project, really for some reason, hindi ko nga alam kung ako lang ang maemosyon dahil buntis ako, pasensiya na po, ha. Ano kasi 'to, very dear to my heart and in fact, I wasn't expecting to do a teleserye until I gave birth. I was telling them nga (production) kasi buntis nga ako, so tinayming ko na patapos na 'yung taon at wala na akong gagawin. "But with this project, it just reminded me of how much pain I still have of losing my papa. Kasi everyday, tini-take for granted lang natin na nandidiyan lang ang magulang natin kasi busy tayo sa sarili nating pamilya, sa mga kailangan nating gawin para sa sarili natin. "And when this project came along, parang siguro this is my papa's way of telling me na 'you know, it's Christmas and I miss you.' Something like that. This project hits the mark of the heart of the Filipino family whether you lost someone, you didn't lose someone, the fact you miss somebody at some point in your life tuwing Pasko... 'yun, eh. Bawat isa dito mayroon kang konekta." Wala namang maikuwentong sakit na nararamdaman sina Carlo at Louise dahil pareho pang kumpleto ang pamilya nila. Tinanong sina Aiko at Dimples na panay ang punas ng mga mata kung naging mabuting anak ba sila at kung may pagsisisi ba sila ngayong wala na ang kanilang ama. "Ito po ba ay workshop?" natawang tanong ni Dimples. "Ako kasi 16 lang (nang maulila sa ama), so you can imagine I really started working. Kasi my mama wanted me to work, work and my papa, we had the path na, 'mag-school muna ako ha, tigil muna ako mag-artista', sabi niya (papa), 'okay-okay' "Two months bago ako mag-college, nawala si Papa, actually aneurysm siya, that's why maraming regrets sa akin kasi hindi ako nakapag-goodbye. So, tuwing may ganitong kuwento, malapit talaga sa puso ko and siyempre sa atin bilang artista, mas gusto ko po na maibigay 'yung totoong nararamdaman ko. "So 'yung mga regrets ko lang as a daughter, hindi lang enough, akala ko kasi ang dami kong oras dahil akala ko marami akong oras, hinayaan ko lang. Hindi ako masyadong tumawag, hindi ako masyadong nangumusta, so 'yun lang naman 'yung mga regrets. "Ang laking pasalamat ko kasi sa bawat ginagawa kong eksena ngayon, bago ko iarte or whatever I always have a silent corner kay papa, which I want to know if I do this, will I make him proud? If I do this, matutuwa ba siya sa akin? Ano ba'ng sasabihin niya sa akin, so kahit wala na siya, buhay na buhay siya sa akin," naiiyak na kuwento ng aktres. Madamdamin ang naging relasyon ni Aiko sa ama dahil tatlong buwan lang niya itong nakasama. "Ako kasi, open book naman 'yung naging relationship ko sa dad ko, Jimi Melendez. Hindi kami naging okay nu'ng una, pero 'yung regret ko is noong naging okay na kami, three months after, kinuha siya ni Lord sa buhay ko," unang pahayag ng aktres. "Nag-Hong Kong kami, nandoon na 'yung bonding namin ng tatay ko ulit. 'Yung regret ko, 'yung kuwestiyon ko kaya nga siguro 'yung pagkakaiba ko ng personality hanggang sa ngayon is 'yung bakit ganu'n, kung kailan lahat okay na, doon pa kinuha si Papa," sabi ni Aiko na nasabayan ng pagtulo ng luha. "Saka 'yung papa ko, hindi naman siya namatay dahil sa sakit, eh. Namatay ang papa ko nanonood ng pelikula ko sa Cinema One, pinapanood niya 'yung MMK, The Movie, na-choke 'yung papa ko dahil naiyak siya sa eksena sa movie, so I missed him by five minutes sa hospital. So, 'yung pakiramdam ko, ganu'n pala ako kamahal ng tatay ko, akala ko kasi nu'ng iniwan niya kami nu'ng bata kami, 'pinagpalit sa ibang pamilya, 'dinenay na may anak siya kasi, di ba dati ang uso kapag matinee idol ka dapat wala kang anak. That's why nga nu'ng una akong i-launch, Paredes ang aking apelyido hindi Melendez kasi nga sabi ng tatay ko hindi kami puwedeng malaman na kami 'yung unang pamilya. "So hindi naging maganda 'yung relationship namin, pero nu'ng okay na, sabi ko magiging mabuting anak ako kasi mahal ko tatay ko kasi naman sa itsura pa lang, halata naman na pinagbiyak kaming bunga, female version ako ako ng tatay ko. "'Tapos nu'ng kinuha nga 'yung tatay ko, nanonood ng pelikula ko, so feeling ko kasalanan ko pa na namatay ang tatay ko, bitbit ko 'yun. "Kaya nu'ng i-offer sa akin itong 'Gift Giver'," napatigil sa pagsasalita dahil nahihirapan nang huminga sa kakapigil ng iyak, "sabi ko, 'para sa 'yo 'to, Papa kasi, sandali," nabilaukan na, "baka 'cause of death ko naman 'to," tawanan ang lahat sa sinabing ito ni Aiko. +Ang lahat ng bagay na na itinuturo ng mga magulang sa anak ay mahalaga. Napakabait ng Diyos sa atin kung kaya binigyan Niya tayo ng mga magulang na handang magturo sa ating ng lahat ng kailangan nating malaman upang magsilbing ating gabay habang naglalakbay tayo sa mundong ito. Ngunit may isang bagay na ipinagkatiwala ng Diyos sa mga magulang na ituro sa kanilang mga anak, isang bagay na nais ng Diyos na matutuhan ng mga anak kaysa ano pa mang bagay: ang matutong magtiwala sa Diyos. Nais ng Diyos na turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magtiwala sa Diyos kaysa kahit kanino. Hindi maaaring puwersahin ng mga magulang ang kanilang mga anak na magtiwala sa Diyos, ngunit maaari nilang ituro sa kanila ang tungkol doon. Minsan, ang pagkatuto ay nagmumula sa direktang pagpapanuto - tinatalakay sa mga anak ang iba't ibang aspeto ng ating pananampalataya. At mahalaga rin na pag-aralan ang Mabuting Aklat - ang mga Salita ng Diyos - at ang kahulugan ng pagtitiwala sa Diyos. Ngunit ang pinakamainam na paraan ng pagtuturo sa mga anak tungkol sa pagtitiwala sa Diyos ay sa pamamagitan ng halimbawa. +Ito ay makaraang ibasura ng Kataas-taasang Hukuman sa botong 9-5, ang petisyon ni Jinggoy na kumukuwestiyon sa desisyon ng Ombudsman na may sapat na batayan para sampahan ng kaso sa Sandiganbayan ang mambabatas. +Kinilala ang sumukong forklift operator si Sonny de Pedro, 43, ng San Jose Del Monte, Bulacan, habang ang nasawi ay si Emterio Beto, 20-anyos, ng Balut, Tondo, Manila. +Nakatakdang lumabas si Kardashian sa nasabing serye na pinamagatang Bigg Boss sa India sa Sabado ng gabi para makipag-usap sa contestants. Ang housemates ay binubuo ng mga modelo at aktor na mananatili ng 90 araw sa loob ng bahay na walang Internet at bawal gumamit ng telepono o kahit anong kagamitan na maaaring gamitin sa pakikipag-ugnayan sa labas ng bahay. +ISA ang Instagram account ni Rafael Rosell sa mga paborito naming bisitahin dahil ang dami naming natututuhan. Hindi lang OOTD o Outfit Of The Day, selfie pictures, food at mga kababawang bagay ang nakikita namin sa IG account niya. +Sa unang pagkakataon, masasaksihan ang love team nina Jake Vargas at Bea Binene sa kakaibang konsepto ng pelikula na malayung-malayo sa mga pa-sweet at pa-cute na mga movies at TV shows na kanilang pinagsamahan. Kumbaga, isa itong malaking hakbang tungo sa mas malaking challenges at pagle-level up sa career para sa tinanghal na Yahoo Celebrity Couple of 2014 ang hatid ng movie. Kasama nina Jake at Bea sina Igi Boy Flores at Sarah Lahbati na napasabak din sa non-stop adventures na ikagigitla at ikasisindak ng manonood! Ayon kay Direk Richard Sommes, saktung-sakto si Jake sa kanyang role bilang isang pasaway na teenager na walang pakialam sa kanyang responsibilidad. Perfect and beautiful naman ang deskripsyon kina Bea at Sarah habang si Igi Boy naman ay umakma sa role niyang nerd na natural na natural ang husay sa pagbibitiw ng punchlines. "They are also fresh and exciting faces sa screen. This is a coming of age movie na matagal ko nang gustong gawin in the tradition of foreign films like Stand By Me. Gusto kong ihatid na as teenager or young adult, they each have responsibilities sa mundo nilang ginagalawan," katwiran ni Direk Richard +EXTENDED ang seryeng Dream Dad nina Zanjoe Marudo, Beauty Gonzales at Jana 'Baby' Agoncillo kasama sina Ketchup Eusebio, Katya Santos, Ariel Ureta at Ms Gloria Diaz. Ito ang dahilan kaya nagkaroon ng presscon ang main cast ng Dream Dad noong Biyernes, at para magpasalamat sa mga manonood sa kanilang pagiging No. 1 sa ratings game. +Speaking of Baby, base sa umeereng kuwento ng Dream Dad ay hindi na matutuloy ang pag-ampon ni Baste (Zanjoe) kay Baby kaya babalik ang bagets sa orphanage. Kaya balik na naman sa pagiging malungkot si Baste na sobrang apektado sa nangyari dahil nga itinuring na niyang anak talaga si Baby at gayundin ang bata na itinuring na siyang 'dad' bukod sa pagtawag nito ng president. Ipapakita rin ang birthday celebration ni Ms. Gloria Diaz bilang si Nenita at ang tanging wish niya ay matuloy na ang adoption ni Baby. Samantala, ang love-interest cum secretary ni Baste na si Beauty sa karakter na Alex ay magbabago ng imahe as in ikagugulat ng televiewers dahil total make-over na para hindi na maging manang look. +Ang Pangulo, gayunman, ay naantala sa seremonya, hindi dahil dumating siya nang atrasado sa Camp Bagong Diwa. Sa totoo lang, dumating siya sa takdang oras, ngunit nagpasyang makipagkita sa mga SAF commando na nakaligtas sa Mamasapano clash. Ang pagpupulong na wala sa schedule ay tumagal ng tatlong oras, kaya kinailangang isagawa ang turnover ceremony ng 1:30 ng hapon. Ang nakatakdang presidential speech ay nakansela, kasabay ng coverage ng People's TV na pag-aari ng estado. Simpleng pinangunahan lang ng Pangulo ang pagsasalin ng kapangyarihan mula sa SAF officer-in-charge Chief Supt. Noli Talino sa bagong SAF chief, Chief Supt. Moro Virgilio Lazo. Marahil gugugol ng mahabang panahon bago lumipas ang mabigat na kaloobang dulot ng massacre. Ang dating SAF chief na si Director Getulio Napenas, at ang nagbitiw na si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima, ang tumanggap ng halos lahat ng paninisi para sa palpak na operasyong nagresulta sa pagkamatay ng 44 kabataang SAF commando. May mga naniniwala na dapat ding sisihin ang Pangulo, sapagkat ipinagpatuloy niya ang pagtalakay sa plano ng operasyon sa suspendidong PNP chief, at nagpaubaya sa hindi paglahok sa mga pagpupulong ng acting PNP chief, Deputy Director General Leonardo Espina at kahit na ang kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Mar Roxas. Kailangang tiisin ng Pangulo ang tuluy-tuloy na pagdududang pinagtatakpan siya. Maaaring mapahupa niya ang kritisismo sa pagtupad ng ilang schedules upang hindi naman maghintay ang mga tao na kasing tagal ng tatlong oras. +Ang pagsasampa ng kaso laban sa Liteware Computers Corporation ay kasunod ng reklamo ng broadcaster na si Ted Failon ng ABS-CBN na nagsabing bumili ang kanyang anak na babae ng 15-inch Apple MacBook Pro laptop computer na nagkakahalaga ng P90,500. +Sasagupain ng HD Spikers ang wala nang tsansa sa kampeonato na Foton Tornadoes sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang magkakasukatan nang lakas ang nangungunang Petron Blaze Spikers at nagpapakita ng kalidad na Generika sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa women's division para sa prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners. Pag-aagawan din ng baguhang Cavite Patriots-Fourbees at beteranong Maybank ang matira-matibay na salpukan para sa ikatlong puwesto sa pagkikita nila sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa men's division. Hindi makakasama ng Generika ang head coach nila na si Ramil de Jesus bagamat hangad ng Life Savers na ituloy ang itinala nilang apat na sunod na panalo upang agawin ang solong ikalawang puwesto matapos na huling biguin ang RC Cola Raiders sa iskor na 25-15, 25-21, 15-25, 25-21. "Our game against Petron will test not only their mental toughness but their whole character. Hindi porke pasok na kami sa top 4 ay puwede na kaming mag-relax. We want the game to gain as much possible advantage if ever we could meet them again," sinabi ni De Jesus, na binitbit ang Life Savers sa 6-3 (panalo-talo) karta. Anuman ang maging resulta ng laban sa pagitan ng Petron at Generika ay hindi na makakaapekto sa kanilang silya sa semifinals. Okupado ng Blaze Spikers ang unang puwesto na bitbit ang 8-1 karta at pumangalawa naman ang Life Savers. Importante naman para sa Cignal HD Spikers ang unang laro kung saan ay kailangan nilang manalo kontra sa Foton Tornadoes upang makapantay sa kartada ang nasa ikatlong puwesto na RC Cola-Air Force na may 5-5 marka. Bitbit ng HD Spikers ang 4-5 marka. Base naman sa format ng torneo ay ookupahan ng Blaze Spikers ang unang puwesto habang malalaglag ang Generika sa ikatlong puwesto dahil sa mas mababa ang ranking na dedetermina sa match point, bilang ng panalo, set quotient at points quotient. Ookupahan ng RC Cola-Air Force (5-5) ang ikalawang puwesto habang ang Cignal (4-5) ang ikaapat anuman ang maging resulta ng laro nila kontra sa Foton. Dahil sa istatistika ay sasagupain ng Petron ang Cignal habang muling magsasagupa ang RC Cola-Air Force at ang Generika sa sudden-death semifinal sa Biyernes. Ang dalawang magwawagi ay uusad sa kampeonato na gaganapin naman sa Linggo. "Hindi madaling kalaban ang Foton. They have nothing to lose. Kailangan talaga na ibigay namin ang best namin para umangat ang standing namin at mas gumanda pa ang chances namin na makahabol sa finals," sinabi ni Cignal coach Sammy Acaylar, na pinutol ang apat na sunod na kabiguan matapos biguin sa kontrobersiyal na laro ang RC Cola Air Force, 3-2 set, sa iskor na 23-25, 22-25, 25-21, 25-16, 16-14. +Nabali rin ang ilong ni Rondo nang matuhuran siya sa mukha ng kanyang sariling teammate na si Richard Jefferson habang tumatayo ang una at inaalis ang hita ni Orlando's Elfrid Payton sa kaagahan ng laro noong Enero 31. +"The toll-free eves of Christmas and New Year has been a tradition followed on the Skyway System, SLEX and Star Tollway for many years as our way of sharing holiday cheers and expressing our gratitude to our motoring patrons," pahayag ni Ado Diaz, hepe ng South Tollway Collection Group. Samantala, tuloy ang paniningil ng toll ng mga motoristang daraan sa North Luzon Expressway (NLEx) at Manila-Cavite Toll Expressway (Cavitex) Ang NLEx at Cavitex ay nasa pangangasiwa ng Metro Pacific Tollway Corp. habang kontrolado ng San Miguel Corp. ang TPLEx, Skyway at STAR. +Naniniwala si MMDA Chairman Francis Tolentino na makatutulong ang mga express bus hindi lamang upang maibsan ang matinding trapiko kundi upang maibsan ang pagsisiksikan ng mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) 3. Subalit naglatag ng apat na kondisyon si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya sa pagpapatupad sa programa sa express bus. Hindi dapat, aniya, madagdagan ang bilang ng mga bus at ipalit lang sa mga ordinaryong bus ang mga express bus. Nais din ni Abaya na hindi payagan ang mga express bus na dumaan sa mga tunnel sa EDSA at panatiliing 60 porsiyentong napunan ang kapasidad nito bago payagang bumiyahe. Iginiit pa ng kalihim na hindi dapat gawing exempted ang express bus sa mga umiiral na batas trapiko. Bilang mga express bus, hindi rin dapat payagang magbaba at magsakay ng pasahero ang mga ito bukod sa terminal at destinasyon. Dapat din aniyang obligahin ang mga express bus na gamitin ang mga itinalagang bus stop ng MMDA. Aniya, dapat ding lagyan ng uniformed designated color ang mga express bus upang madaling matukoy ang mga ito. Balak ng MMDA na magsagawa ng trial run ang mga express bus mula Fairview sa Quezon City, na rito sasakay ang mga pasahero at diretsong bibiyahe sa destinasyon ng mga ito sa Ayala Business District sa Makati City. +Ayon sa report ni PO2 Roswell Sandicon, dakong 7:30 ng gabi noong Sabado at nagluluto ang lola ng bata nang marinig ang iyak ng biktima, na naabutan niyang nakahandusay sa sahig. +Ang 14-time Grand Slam winner ay nagkaroon ng isang groundbreaking ceremony para sa nasabing academy sa kanyang bayan ng Manacor. Sabi ni Nadal, ''this is a special day for me, this project that we have been working on for many years is finally a reality.'' +Tumapos si Hill na mayroong 20 puntos, habang nagposte rin si David West ng 20 puntos at 13 rebounds. Umungos ang Cleveland (31-21) sa mahigit na 13 puntos, ngunit biglang nanlamig upang mapanatili ng Indiana ang magandang distansiya. Isinara ng Pacers (19-32) ang huling 4 na minuto sa third quarter patungo sa 14-2 run na nagdala sa kanila sa 3 puntos na kalamangan. Ang 3-pointer ni Miles sa natitirang 5 minuto ang nagkaloob sa Pacers sa kanilang unang lead sa nasabing laro. Nagsalitan ang kanilang kalamangan ng pitong beses sa loob ng 4 minuto hanggang sa palayong umarangkada ang Indiana ilang segundo na lamang ang nalalabi sa laro. Nagtala si J.R. Smith ng dalawang 3-pointers sa huling 12 segundo kung saan ay tumapos siya na mayroong 17 puntos. Naikasa ni Kyrie Irving ang isa sa kanyang pinakamagandang performances sa season ngunit 'di pa rin ito naging sapat. Umiskor siya ng 29 puntos at 5 assists. Naglista si LeBron James ng 25 puntos, 5 assists at 6 rebounds sa kanyang unang laban sa Indianapolis simula sa nakaraang taong season's Eastern Conference finals kasama ang Miami. +Ang pagsusuot ng mga damit na formfitting na nakakaliit ng katawan ay nagiging rason para kumain ng marami. "Feeling good in your outfit is a great way to reinforce moderate eating and drinking," sabi ni Zied. 8. Makisali sa masasayang gawain (tulad ng shopping) +"Nakumpirma ng aking pag-iisip na ang may pangunahing pananagutan dito sa pagkamatay ng 44 SAF troopers ay walang iba kundi ang suspendidong Director General Alan Purisima," pahayag ni Roxas. Ang pahayag ni Roxas ay hindi tumugma sa sinabi ni Aquino kamakailan na si Napenas ang dapat sisihin sa pagkamatay ng 44 commando. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Roxas na sa simula pa lamang, si Purisima ang responsible sa palpak na operasyon sa Mamasapano. Bagamat iniatas niya sa noo'y SAF chief Director Getulio Napenas na tutukan ang operasyon laban sa Malaysian bomb expert na si Zulkifli bin Hir, alyas "Marawan," at Pinoy na kakutsaba nito na si Basit Usman, hindi dapat nakialam sa operasyon si Purisima dahil suspendido na ito noong panahon na iyon. "Hindi lang na hindi niya ipinasa, sinabihan pa niya si Director Napenas na ilihim ito kay Espina at sa akin," giit ni Roxas. Aniya, dalawang beses inatasan ni Pangulong Aquino si Purisima na makipagkoordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan sa unang pagkakataon ay suspendido na ito bilang PNP chief subalit hindi nito sinunod ang utos ng commander-in-chief. "Hindi nangyari ang 'resbak' dahil sa kawalan ng coordination at inilihim din ito sa AFP kahit pa inutos ng pangulo icoordinate sa AFP," pahayag ng kalihim. +Nang makita niya ang bahagi ng lubid ng kanyang baka sa isang madamong lugar, natagpuan niya na ang kanyang alaga at ang suspek habang nasa aktong nakikipag-sex ito sa hayop. Bagamat hindi pinangalanan, sinabi ni PO3 Robert Vito Dimailig, na ang suspek ay 46-taong gulang, may asawa at mga anak, at residente ng Asuncion Subdvibision, Barangay Biga I. Sinabi ni Dimailig na posibleng sabog sa droga ang suspek dahil may nabawing aluminum foil, na karaniwang ginagamit sa pagbatak ng shabu, sa kanyang bulsa. Base sa salaysay ng mga residente, hindi ito ang unang pagkakataon na tinira ng suspek ang baka. Agad namang dinala ang manyakis na suspek sa Silang Police Station upang sumailalim sa imbestigasyon. +Umaasa ang Association of Major Religious Superior of the Philippines (AMRSP) na mayroong nakahandang alternatibong paraan ang pamahalaan para sa mga guro sa bansa na maapektuhan ng pagpapatupad ng naturang programa. +Ayon sa mga naglabasang ulat, batay na rin sa naging pahayag ni Ginebra team manager at alternate governor Alfrancis Chua, nag-ugat ang gulo sa pagkapikon ni Romeo sa matinding depensang ginawa sa kanya ni Monfort. +Napag-alaman ng Office of the Ombudsman-Visayas na may sapat na dahilan upang kasuhan ng graft sina Manuel Mejorada at anim na iba pa sa umano'y overpricing ng mga laptop computer na binili noong 2008 noong ang una ay nagsisilbi pa bilang provincial administrator ng noo'y Iloilo Governor Niel Tupas Sr. Si Mejorada, na dating tauhan din ni Drilon, at anim pang iba ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Nag-ugat ang kaso sa resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman matapos mailathala sa pahayagan sa Iloilo ang 2008 annual report ng Commission on Audit (CoA) hinggil sa pagbili ng lokal na pamahalaan ng Acer Aspire 5920G laptop computer para sa Iloilo Provincial Health Office sa halagang P99,000. Subalit nang magbenta ang isa pang supplier na Seven-Seven Trading sa Iloilo provincial government noong Pebrero 2009, lumitaw sa CoA report na nagkakahalaga lamang ang isang Acer Travel Mate 6292 laptop computer ng P59,000. +INIULAT sa Bandila noong Biyernes ang pag-amin ni Nikki Gil na engaged na siya sa kanyang boyfriend na si BJ Albert, isang businessman. "I am confirming it. I got engaged last year," bungad ni Nikki. Ang proposal ay naganap noong December 13, 2014 o 12-13-14, na inakala ni Nikki noong una na corporate event ang ipinag-imbita sa kanya ng mga kamag-anak ni BJ. Pagkatapos ng proposal, isa-isang naglapitan ang kanilang close friends at binati silang dalawa. +Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Magdangal de Leon, sinabi ng CA na nararapat ang naging desisyon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) na ibasura ang petisyong inihain ng Sangguniang Bayan ng Pateros hinggil sa inaangking lupa ng munisipalidad sa Fort Bonifacio. +Bale ba narinig ni Zoren ang kuwento ni Carmina sa press na nenerbiyos at naasiwa siya nang kunan ang eksenang magho-holding hands sila ni Paulo. "Parang 18 years old ako sa nerbiyos at naasiwa talaga ako dahil hindi kami close ni Paulo 'tapos may kissing scene pa. Thankful ako na professional si Paulo," sabi ni Carmina. "Madali namang bumawi, puwede akong gumawa ng intimate scene, pero kailangang may six-pack abs ako," sabi naman ni Zoren. "Alam niya 'di ko gusto na gumawa siya ng mga ganu'ng eksena, kaya lang, nasa showbiz tayo." Magpa-pilot ang Bridges of Love sa May 16, samantalang nasa Book Two na ang Forevermore at dahil patuloy na mataas ang rating, baka may Book Three ito at ma-extend pa nang ma-extend. Sa kanilang mag-asawa, mas apektado si Carmina sa bashers ng anak na si Casey dahil sa isang interview, binanggit ni Darren Espanto na crush niya ang 14-year-old dalagita nina Zoren at Carmina. "Wala akong masasabi tungkol sa isyung 'yan dahil hindi maiiwasan ang bashers. Lalo na 'pag nag-showbiz ang mga anak ko, mas dadami ang bashers nila," reaction ni Zoren. +Sa pakikipagrelasyon kay Jesus, kailangan mong pumili, at ang pagpili iyon ang kailangan gawin nang personal. Nasa loob ka ba o sa labas ng relasyong iyon? Sasama ka ba sa Kanya o magpapaiwan ka? Pupunta ka ba sa pupuntahan Niya o sa kabilang direksiyon ka? Dahil sa pagpipiliang ito, hati ang paniniwala ng mga tao. May ilan sa atin ang "nasa loob" ng pakikipagrelasyon kay Jesus, ang iba naman "nasa labas" ng relasyong iyon. May ilan sa atin ang namumuhay sa kasalanan at itinanggi nila ang biyaya at kapatawarang iniaalok sa kanila ni Jesus. Ang iba naman ay nagkasala rin ngunit hindi nila mararanasan ang paghuhusga, sapagkat pinili nilang magtago kay Jesus na Siyang humarap sa paghuhusga kapalit nila. Marami sa atin ang ayaw magkaroon ng pagpipilian. Hindi nila gusto na may pumipili para sa kanila. Nakikita nila na ang mga taong katig sa Diyos ay superyor o eksklusibo samantang ang iba naman patuloy sa paggawa ng kasalanan na parang walang Diyos. Ang imbitasyon ni Jesus ay para sa lahat. "Magsiparito kayo sa akin... at kayo'y aking pagpapahingahin," sabi ni Jesus. May pagpipilian tayo: ang tanggapin ang Kanyang imbitasyon o isnabin na lang ito; ang sumama tayo kay Jesus o magpaiwan na lamang tayo. +Ang mga manok ay pag-aari nina Marlon Bautista, 39, may asawa, na natangayan ng walong sasabungin na nagkakahalaga ng P16,000; at Carlos Tangal, nasa hustong gulang, na natangayan ng dalawang sasabungin na nagkakahalaga ng P4,000. +Dakong 11 a.m. nang isinara ang trapiko sa mga motorista sa bahagi ng Paseo De Roxas Avenue at Makati Avenue upang masuri ng mga kasapi ng Makati explosive ordnance disposal (EOD) ang nilalaman ng kahon. +Sinabi ng biktima na nakilalang si Rocky Mhar Dalangin, residente ng Lot 15, Block 233 Pioneer St., Makati City na sakay sa ng isang taxi na may plakang UVU-793 nang magdeklara ang driver nito ng holdap sa C-5 Road, Barangay Ugong, Pasig dakong 4:30 noong Miyerkules ng madaling araw. +Aniya, kulang na nga ang tauhan ng BOC ay mas mahirap pa para sa kanila ang tugisin ang mga smuggler na dumadaan sa karagatan. "Undermanned kami," ani Nepomuceno. "Ang sagot dyan ay ang agad na makapag-recruit at mag-deploy." Napaulat kamakailan ang talamak na smuggling sa Zamboanga at Mindanao Container Terminal, isang sub-port ng Cagayan de Oro. Iniulat na ginagamit ang Zamboanga sa pagpupuslit ng 5,000 sako ng bigas mula sa Sandakan sa Malaysia. Galing naman sa Vietnamn ang iba pang ilegal na kontrabando ng bigas. +Sinabi ni Cacdac na iniulat ni Johansen ang mga natatanggap na reklamo ng mga Canadian employer na nagbibigay ang GoWestJobs ng employment contract na may pinekeng lagda. +Mas mababa ito sa 18.1 degrees Celsius na naitala sa Metro Manila nitong Enero 27. Sinabi ni De Paz na naitala rin ang 10.4 degrees Celsius sa Baguio City dakong 4:30 ng umaga kahapon. Batay sa mga record ng PAGASA, ang peak ng Amihan Season, o iyong naitatala ang pinakamababang temperatura, ay karaniwang nangyayari sa huling dalawang linggo ng Enero hanggang sa unang linggo ng Pebrero. +Sa kanyang ulat kay Senior Supt. Rodolfo Recomono Jr., direktor ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO), sinabi ni Riego na positibong kinilala si Pangan ng mga saksi bilang may suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa mag-inang sina Jovita Salon, 35; at Carl Christian Salon, 9. Sinabi ni Riego na si Pangan ay bayaw ng kapatid ng biktima "kaya madali siyang nakilala ng dalawang batang witnesses na ang tawag pa sa kanya ay Kuya Macmac". Batay sa salaysay ng mga testigo, isang 11-anyos at isang 15-anyos na parehong pamangkin ni Jovita, naulinigan nila ang sigaw ng paghingi ng saklolo ng kanilang tiyahin mula sa silid nito dakong 4:00 ng umaga noong Biyernes. Nang sumilip sila sa kuwarto ay nakita umano ng mga bata ang kanilang "Kuya Macmac" habang tumatakas mula sa terrace ng ikalawang palapag at nang tinangka nitong lapitan sila ay nagtakbuhan sila pabalik sa kanilang silid at ikinandado ito. Bukod sa salaysay ng dalawang menor de edad, sinabi rin ng dalawa pang saksi--sina Ramon Yumul, 57; at Martin Francisco, 42, kapwa kapitbahay ng mga biktima, na nakita nila si Pangan na tumatalilis mula sa bahay ng mga biktima hanggang sa makasakay ng tricycle. Sinabi rin ni Riego na hindi pumalag ang suspek nang arestuhin ng mga pulis, pero halatang tensiyonado at takot ito. "Naiiyak siya at mukhang nakokonsensya sa kanyang ginawa," ani Riego. Sinabing posibleng pinagnanakawan ni Pangan ang bahay nang magising ang mag-ina, idinagdag pa ni Riego na kapwa namatay ang mga biktima sa pagkabasag ng bungo at may tama rin ng matigas na bagay sa mukha at bibig. "Kaawa-awa ang sinapit ng mag-ina sa kamay ng suspect dahil basag ang bungo at wasak ang mukha ng dalawa at halos hindi na makilala sa lakas ng palo," sabi ni Riego. +Tumapos si Hill na mayroong 15 puntos, 10 rebounds at 12 assists, kung saan ay napasakamay niya ang unang triple-double sa kanyang karera na may tatlong free throws sa huling 30 segundo upang iselyo ng Indiana Pacers ang 93-86 victory kontra sa Cleveland Cavaliers kahapon. +Sinabi ni Cynthia Ortega, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), na ang taya sa naapektuhan ng baha ay ibinatay sa pagsusuri sa post-flood data na patuloy pang kinukumpleto. +Sa pagpatuloy ng pagdinig sa kaso sa Malolos Regional Trial Court, nabatid kay Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, isang magsasaka na sinasabing dinukot din noong 2006 ang haharap bilang saksi sa kaso. Ibinunyag ni Raymond Manalo sa kanyang testimonya kung saan sila dinala noong siya ay dinukot at kung may kinalaman ang dating heneral. +INIHINTO ni Justin Timberlake ang kanyang concert noong Linggo sa Barclays Center sa Brooklyn, N.Y., nang makuha ng isang 10 taong gulang sa audience ang kanyang atensiyon. Matapos tanggapin ang regalo mula sa manonood, naging emosyonal ang singer sa mga pangyayari. +Ayon sa komedyanteng host, ang Rising Stars ang contest na pinakamadaling salihan. Hindi na kasi kailangang pumila upang mag-audition dahil sapat nang ipadala ang video selfie via the mobile app o kaya'y sumali sa series of regional contests na gaganapin sa mga pangunahing siyudad sa bansa. Malapit sa puso ni Ogie ang singing search dahil umiinog ang kanyang daigdig sa pagkatha at pagpapalaganap ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) na siya ang chairman. Nang mapag-usapan namin ang ilang showbiz personalities na nagbabalak kumandidato sa 2016 elections, tinanong namin siya kung may balak ba siyang mapabilang sa senatorial line-up ng partido ni PNoy na sinusuportahan niya. "Naku, wala akong kabalak-balak na maging isang public servant. I don't feel the urge. Mas matimbang sa akin ang magkonsepto ng mga proyektong magdudulot ng ligaya sa publiko. Dapat panindigan ko na sa TV5, dapat lahat ay happy. Susuportahan ko na lamang ang candidate na sa tingin ko ay karapat-dapat," matatag na sagot ni Ogie. May ilalabas na bagong album si Ogie na magtatampok ng mga orihinal na komposisyon niya. May duet cuts din sila ng kanyang misis na si Regine Velasquez. +Makumpleto ang isang malaking upset at makamit ang tinatarget na unang pagtuntong sa finals sa women's division ang tatangkain ng third seed na National University (NU) sa muli nilang pagtutuos ng second seed na La Salle sa pagpapatuloy ng stepladder semifinals sa UAAP Season 78 volleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City. +Sinabi ni MRT 3 General Manager Roman Buenafe na hindi kayang tapusin ang proseso ng pre-welding sa 190 linear meter ng riles bago maikabit ang mga ito sa pagtatapos ng linggong ito. "We have no rail replacement activity this weekend because the pre-welding of rails will take more time and could not be finished in time for the weekend installation," ani Buenafe. Subalit ayon sa opisyal, nailatag na nila ang 150 linear meter ng stabling rail sa pagitan ng Taft Avenue at Magallanes station bilang kapalit ng mga lumang riles. Ito ang naging dahilan ng pansamantalang tigil-operasyon ng MRT 3 nitong nakaraang Sabado ng gabi na tumagal hanggang Linggo ng tanghali. Nakaimbak ang mga stabling rail sa MRT 3 depot kung saan nakaparada ang mga tren kung hindi bumibiyahe. Bago ilatag sa dinaraanan ng mga tren, pinuputol sa loob ng depot ang mga stabling rail sa habang 12-metro, at inililipat sa mainline, inilalagay sa gilid ng track at ikinakabit sa pamamagitan ng welding bago tuluyang ilatag ang mga riles. Ang mga luma at bitak-bitak na riles ang karaniwang pinaguugatan ng aberya ng MRT 3 nitong mga nakaraang panahon. +Una nang sinabi ng Smart Communications na wala silang kakayahan na tingnan ito at ang maaari lamang makita ay ang petsa at oras ng palitan ng SMS. "Smart telecom has formally replied to the committee that its system is not capable of tracking the contents of SMS but only the log of the time and numbers and that it would require either a court order or written consent from the subscriber for it to comply," ani Poe sa kanyang text messages sa mga mamamahayag ng senado. Aniya, pinag-aaralan pa ng komite ang ibang paraan para magkaroon ng rekomendasyon sa kanilang gagawing committee report. +Mula sa isang piitan sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, matatandaan na ang 91-anyos na mambabatas ay inilipat sa PNP-General Hospital kung saan siya nakasailalim sa hospital arrest kaugnay sa multi-bilyong pisong pork barrel scam. Ayon kay Santos, maselan ang pneumonia lalo na sa mga nakatatanda at ito ay dapat maagapan para hindi na umabot sa komplikasyon. Bandang hatinggabi nang lumala ang kondisyon ni Enrile at kinailangan mailipat agad sa naturang hospital, dagdag ni Santos. Iniulat ng pagamutan na ang ubo ng mambabatas ay mayroong bakas ng dugo. +Sa kanyang pagbisita, manana-wagan si Hollande at si Pangulong Benigno Aquino III sa mga lider ng mundo na isapinal na ang climate change pact sa pagpupulong nila sa Disyembre, sinabi ni French ambassador to the Philippines Gilles Garachon sa mga mamamahayag. Isasama ni Hollande ang French actress na si Marion Cotillard at ang British actor na si Jeremy Irons, kapwa tumanggap ng highest acting honor sa Hollywood, ayon kay Garachon. Isasama rin niya si Patriarch Bartholomew I ng Orthodox Church at isa pang French actress, si Melanie Laurent, ayon sa envoy. "All these people will be there to show support for this cause," aniya. Darating si Hollande sa Manila sa Pebrero 26. Sa araw ding iyon, makikipagpulong siya sa local businessmen sa tanghali, at sa climate change forum at makikipagkita kay Aquino sa presidential palace. +Ipinost ni Bianca sa Instagram ang gift ni Miguel at marami ang nag-like. Lalo pang kinilig ang BiGuel fans nang i-post ni Miguel ang old photo ni Bianca during Mulawin days. Ibig sabihin, nagkasama na ang dalawa noong bata pa sila. +Napilitan si Rodriguez na bitiwan ang WBO minimumweight title na natamo niya nang patulugin ang Pilipinong si Merlito Sabillo sa 10th round, gayundin ang IBF title na inagaw naman niya kay Katsunami Takayama ng Japan sa 12-round unanimous decision sa mga sagupaang ginanap sa Mexico. May kartadang 16-2-1 (win-loss-draw) na may 11 panalo sa knockouts, umaasa si Rodriguez na makabawi sa pagtatabla kay Fajardo na kailangang magwagi sa knockout para manalo sa Mexico na tanyag sa hometown decisions. +Noong 2013, nakapagtala ang RBOI ng investments na aabot sa P1.463 bilyon, 157 porsiyentong mas mataas sa P569 milyon noong 2012. Karamihan sa naitalang pamumuhunan sa ARMM noong 2012 ay sa agribusiness, renewable energy at mining. Ang ARMM, na saklaw ang mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at mga lungsod ng Marawi at Lamitan, ay papalitan ng bagong autonomous political entity sa bisa ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) at ng apat na annexes na napagkasunduan ng gobyerno at ng MILF noong 2014. Bukod sa ARMM, kabilang din sa panukalang teritoryo ng Bangsamoro region ng mga siyudad ng Cotabato at Isabela, anim na bayan ng Lanao del Norte at 39 na barangay ng anim na bayan sa North Cotabato. Ang karamihan sa kabuuang investments sa ARMM noong 2013 at 2014 ay nairehistro Maguindanao, na tahanan ng mahigit 10 pangunahing kampo ng MILF at pinangyarihan ng karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag, noong Nobyembre 23, 2009. +Ayon kay Bishop Francisco De Leon, Apostolic Administrator ng Diocese of Caloocan, sa halip na pisikal na pagpapakasakit, mas nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga mananampalataya ang pagsasabuhay sa ginawang pagsasakripisyo ni Hesus para sa sangkatauhan. +Sinabi pa ng dating pangulo na hindi niya kailanman maaaring ipag-utos na ipapatay si Dacer dahil kumpare niya ito. "Nagpapasalamat ako at naliwanagan ang isip niya at nagsasabi siya ng pawang katotohanan," ani Erap. "Alam n'yo, si Bubby Dacer ay parang magkapatid po kami niyan. Inaanak ko iyung anak niya sa binyag. Hanggang ikinasal, ako pa rin ang ninong. Proud [ako] sa pagkakaibigan namin niyan. Imposibleng mangyari sa akin na ako makasali d'yan," pahayag ni Estrada. Pinayuhan naman nito si Mancao na harapin nito ang paratang laban sa kanya. Paliwanag ni Erap, kung walang kasalanan si Mancao ay tiyak na malilinis niya ang kanyang pangalan. Ang mensahe ni Erap ay kasunod nang pagpapahayag si Mancao nang kagustuhan sumuko mula sa dalawang taong pagtatago sa kamay ng batas matapos na tumakas mula sa National Bureau of Investigation (NBI) noong 2013, isang araw bago siya ilipat sa Manila City Jail, dahil umano sa mga banta sa kanyang buhay. +To the surprise of many na um-attend sa pa-thank you party ng Star Cinema ay ang isang bahagi ng speech ni Bimby addressed to Ms. Malou Santos, head ng Star Cinema. Ani Bimby, "Thank you Tita Malou for my new solo movie." Tuloy, nalaman na may nilulutong project for the child superstar na kanyang pagbibidahan ngayong 2015. Kaya nang makatsikahan ng ilang writers si Kris sa party, no choice na siya kundi aminin na meron ngang regalong solo movie for her son ang Star Cinema. Hindi pa plantsado kung sinu-sino ang big stars na makakasama ni Bimby sa kanyang first solo film pero tiniyak ng Star Cinema na Bimby will be portraying himself sa nasabing project. Bago simulan at i-announce ang buong cast na makakasama ni Bimby, at bilang paghahanda sa mas malaking assignment, sasalang muna si Bimby sa daily morning show ng ina, sa KrisTV. Binigyan ng sariling segment ang bagets na pangkabataan ang mga paksang tatalakayin. Nang tanungin si Bimby kung ano ang unang topic na gusto niyang pag-usapan sa kanyang segment, ang sabi ng 7 year-old best child actor ng 13th Gawad Tanglaw ay gusto niyang i-try ang Parkour. +Kinumpirma kahapon ni Supt. Leland Benigno, tagapagsalita ng Ilocos Sur Police Provincial Office, ang pagkamatay ni Jerome Bagitay, 46, residente sa lugar. +Kinilala ng Danao City Police Office (DCPO) ang bangkay ng mga biktima na sina Ernesto Ogabao, 49; Jesschristian Miguel, 21; Diomel Mayol, 19, at Amick Bunconsejo. +"We are hoping na magkaroon ng sufficient exposures and foreign training ang mga bata. But for now, we will be continuing our daily regimen and our plan of staging a box-off sa mga candidate sa bawat weight division," pahayag ni Picson. Hangad ni Picson na mapatupad ang exposures sa iba't ibang local government units (LGU's) kung saan ay ihahanay nila ang mga exhibition bout sa elite athletes at pagdiskubre na rin sa mga lokal na boksingero na posibleng maging miyembro ng pambansang koponan. "We wanted it to be held sa iba't ibang open venues para makita ng LGU's kung paano isinasagawa ang mga tournament natin. Once a week dapat but we are still looking for LGU's na pagdadausan. It will be a venue for those local boxers to show na kaya nilang talunin ang national boxers," sinabi pa ni Picson. "Kung wala namang lalaban, magiging bahagi na rin iyon ng screening at ranking system kung sino ang dapat na makasama sa national team at maipadala sa SEA Games," giit ni Picson. +Handog ng GMA kasama ang Yakult, ipapakita sa pelikulang Regalo na mayroong magandang ibubunga sa ating kapwa ang pagpapakita ng kabutihan. Kasama si Miguel Tanfelix, kung paano sinuklian ng isang pamayanan ang kabutihan ng isang Yakult vendor na si Nay Lorna. Ibinabahagi naman sa pelikulang Happiest Pinoy ang kuwento ng buhay nina Rommel Arellano at Winston Maxino. Sa pakikipag-isa ng Cebuana Lhuillier, ang istoryang ito ay magsisilbing halimbawa na sa kabila ng sakit at karamdaman, maaari pa ring lampasan ang mga pagsubok sa buhay. Sa pelikulang Santa, katuwang ng GMA ang Ladies Choice sa isang istoryang pinagbibidahan nina Bettinna Carlos at Kevin Santos, nakakatuwa ang kuwento tungkol sa isang batang lalaki na gustong malaman ang katotohanan tungkol kay Santa. Ngunit ang matutuklasan niya sa huli ay mas mahalaga pa kaysa sa una niyang gustong imbestigahan. Sa Sorpresa, nakipag-isa sa KFC ang GMA sa paghahatid ng kuwento tungkol sa isang doktor na iniwan ang kanyang kinagisnang buhay upang makatulong sa mga pasyenteng kapuspalad. Habang malayo sa sariling pamilya, makakahanap si Doc Louie ng tahanan sa katauhan ng isang pasyente at ang kaniyang pamilya na magbibigay sa kanya ng sorpresa sa bisperas ng Pasko. Abangan si Benjamin Alves sa pagganap niya bilang Doc Louie. Sa pamamagitan ng maiikling kuwentong ito, hinihikayat ng GMA ang mga manonood na ibahagi ang pagmamahal ngayong Pasko. Sa pamamagitan ng social media, maaari nang maglagay ang mga manonood ng personal na mensahe sa kanilang mga paboritong short films at ibahagi ito sa social media account para sa kanilang mga mahal sa buhay. Panoorin ang iba pang Christmas short films ngayong Disyembre mula sa Kapuso Network. +Blocktimer si Willie, hindi station produced ang show at tila P2M every Sunday ang production cost ng gagawing programa. Tinawagan na raw ni Willie ang mga kaibigan na gustong mag-sponsor sa kanyag shows, sila rin ang sponsors ng show noong nasa ABS-CBN at TV5 pa ang show niya. Ang pagpasok ng show ni Willie ang nakita naming rason kung bakit biglang na-move sa April ang airing ng InstaDad na naka-schedule umere ng March 22. Pagkatapos ng Sunday All Stars ang dapat na time slot ng InstaDad na time slot ngayon ng show ni Willie. Kaya ang tanong, saan na ilalagay ang InstaDad ngayon? Kung titingnan, walang problema sa airing, ibalik sa 12 ng tanghali ang SAS, saka ipasok ang Instadad at isunod ang show ni Willie o puwedeng unahin ang show ni Willie bago ang comedy show ni Gabby Eigenmann. +Ayon sa MMDA, ang dry run ay bahagi ng inihahandang security measure sa limang araw na papal visit. Simula sa Villamor Airbase, na inaasahang lalapag ang eroplano ni Pope Francis galing sa Sri Lanka dakong 5:45 ng Huwebes ng hapon, ay magtutungo ang convoy sa Apostolic Nunciature sa Taft Avenue sa Maynila at doon ito pansamantalaang manunuluyan. "Ito ay magiging aktuwal na simulation ng pagdating ni Pope Francis sa airport, na magtutungong Andrews Avenue, Roxas Blvd., Quirino Avenue at sa papal residence," pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino kasabay ng apela ng pang-unawa mula sa mga motorista na maaapektuhan ng dry run. +Kabilang sa kinakailangan ang 1,277 area coordinator, 6,383 area supervisor, 31,908 enumerator, 4,038 encoder, at 4,038 verifier na aatasang kumolekta ng impormasyon mula sa 15.3-milyong tahanan sa 1,490 munisipalidad at 144 na siyudad sa bansa. +Kasabay sa naganap na paglulunsad ang pormal ding pagtanggap ng pamunuan ng Alaska, ang pangunahing tagapagtaguyod ng Jr.NBA at Jr. WNBA Philippines program, ang nagbabalik na si Jeffrey Cariaso. +Kung patuloy na iinit ang isyu sa kustodiya ni US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, na itinuturong pumatay sa isang Pinoy transgender sa Olongapo City noong Oktubre, ipaiiral pa rin ng mga opisyal ng US government ang diplomasya bilang pagbibigay-halaga sa "sensibilities at sensitivities" ng mga Pinoy. Ito ang inihayag ni US Ambassador to Manila Philip Goldberg sa telebisyon habang idinedepensa ang desisyon ng gobyerno ng Amerika na panatiliin ang kustodiya ni Pemberton sa Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) compound sa Camp Aguinaldo, Quezon City. +Base sa report ni P/Insp. Vicente Tayo ng Kamuning Police Station 10, dakong 7:00 ng umaga nang holdapin ng pitong armadong lalaki ang Kenny Rogers Restaurant sa kanto ng Quezon Ave. at Scout Albano, Quezon City. +Ayon kay committee chairman Senator Teofisto Guingona III, pag-aaralan nila kung ang dalawa na ang isasalang sa ginagawan imbestigasyon. "Most likely, sila na ang susunod, pero hindi ko pa masagot kung kailan kasi nga may Christmas break, pero definitely ipatatawag natin sila," ani Guingona. +Wala na nga sana kaming planong panoorin dahil masyado nang gabi at ihahatid pa namin ang anak naming si Patchot sa Maynila, pero nagpumilit na gusto niyang mapanood ang Feng Shui dahil napanood niya ang una at gusto raw niyang maikumpara kaya wala kaming choice kundi pagbigyan ang bagets. +Sinabi nina Bayan Muna Reps. Neri J. Colmenares at Carlos Isagani T. Zarate na ang system loss charge ay kumakatawan sa walong porsiyento ng total electricity bill batay sa pag-aaral ng independent think-tank na Ibon Foundation. +Sinabi ni ABAP Executive Director Ed Picson na sisimulan nila, matapos ang pagbisita sa bansa ni Pope Francis, ang kada linggong salpukan o box-off ng national athletes at miyembro ng training pool sa kanilang weight divisions na dedetermina sa ipapadalang boksingero sa kada dalawang taong torneo. +Sa isang pambihirang eksena, inihayag ng ambassador ng Saudi Arabia na si Adel al-Jubeir sa United States ang bibihirang military operation ng kanyang bansa sa isang news conference sa Washington halos kalahating oras matapos magsimula ang mga pambobomba dakong 7 p.m. (2300 GMT). +Asahan ang pagsunod sa kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo ang ibang kumpanya ng langis ngayong Martes. Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan at demand ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Sa unang taya posibleng bumaba ngayong linggo ng mahigit piso ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel habang halos piso naman sa sa halaga ng kerosene. +Kinailangan lamang ng five-peat seeking Lady Falcons ng anim na innings para maiposte ang kanilang ikawalong sunod na mercy rule win at pahabain ang kanilang unbeaten run sa 56 games. Sa iba pang laban, napanatili naman ng De La Salle University (DLSU) ang kanilang kapit sa solong ikalawang puwesto matapos ang naiposteng 4-2 panalo laban sa University of the East (UE). Ang panalo ang ikaanim ng Lady Batters sa loob ng walong laro na nagpalakas sa kanilang tsansa na umusad sa Final Four. Sa kabila naman ng kabiguan, nanatiling nasa ikatlong puwesto ang Lady Maroons na may 5-4 (panalo-talo) baraha. Nagwagi rin ang two-time runner-up na National University (NU) kontra sa Ateneo, 9-6, upang makisalo sa ikaapat na puwesto na hawak ang kartadang 4-5 (panalo-talo) kasalo ang Lady Warriors. +"It is moving," sinabi ni Garcia. "Taus-puso nating pinasasalamatan ang mga mambabatas natin na naniniwala na kailangan na talaga natin iangat ang kalidad ng ating mga pasilidad para bigyan ng maayos na pagsasanay ang ating pambansang atleta." Umaasa si Garcia, na siyang pinakamatagal na naupo bilang PSC Chairman mula nang itatag ang ahensiya, na agad na maaaprubahan ang ipinanukalang batas sa Senado at Kongreso upang hindi na ito magkaproblema sa paghahanap ng pondo at hindi na rin maibenta ang makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC). +In fairness, cute naman ang puppy na ibinigay at sa tuwing lalabas ang magkasintahan ay dala-dala nila with matching stroller pa. Heto na ang siste, naghiwalay na sina TV host/actor at TV host/actress dahil babaero raw ang una bukod pa sa hindi rin boto ang pamilya ng huli. Siyempre, naiwan si Puppy kay TV host/actress. Ito ang naging kasa-kasama niya noong nalulumbay siya hanggang sa naka-move on na siya. "Sobrang love ni _____ (TV host/actress) si _____ (puppy) kasi first baby niya kay _____ (TV host/actor), kaya maski nasaan siya, kasama 'yan. Ang problema 'pag nagpunta ng _____ (ibang bansa) siya, paano saan niya iiwan? Hindi pa kasi napapagawan ng passport." +Ito ay matapos kapusin ang 26-anyos at 2014 Asian Games silver medalist na si Suarez sa kanyang laban noong Disyembre 20 sa Lightweight Division (60kg) sa Daulet Sports Complex sa Astana, Pakistan kontra sa 25-anyos mula Uzbekistan at naging Beijing 2008 Olympian na si Hurshid Tojibaev. Nabalot ng kontrobersiya ang laban sni Suarez matapos na magtabla ang dalawa sa puntos sa Judge A sa iskor na 57:57. Napag-iwanan si Suarez sa Judge B sa iskor na 56:58 bago naman nakabawi sa Judge C sa iskor na 58:56. Gayunman, iginawad ang panalo sa Uzbekistan. Si Tojibaev ay pamilya na sa labanan sa APB matapos itong makasama sa dalawang magkaibang koponan sa isa pang revolutionary tournament ng AIBA na World Series of Boxing (WSB) kung saan naging miyembro ito ng Mexico City Guerreros at Azerbaijan Baku Fires. Dahil sa kabiguan ay nabigong makatuntong si Suarez sa kampeonato na dapat sanang magiging tiket nito para sa isang silya sa mapipiling boksingero na sasabak sa 2016 Rio Olympics. Kinakailangan ngayon ni Suarez at maging si Barriga na dumaan sa mas mahahabang laban sa susunod na mga qualifying tournament na Continental at World Championships upang makaagaw ng silya sa Olimpiada. Nabigo naman si Barriga kontra Bin LV ng China sa Light Flyweight Division (46-49kg) sa split decision. Nakuha ng 20-anyos na si LV, na naging gold medalist noong 2012 AIBA Youth World Boxing Championships sa Yerevan at bronze medalist sa ASBC noong 2011, ang unang round sa iskor na 55-59 bago nakabawi si Barriga sa ikalawang round sa iskor na 58:56. +Hindi pinaiskor ng Blue Eagles ang Bulldogs sa unang apat na innings habang binigyan ni Inigo Untalan ang Katipunan-based batters ng bentaheng 6-0 matapos ang kanyang hit sa kaliwa ng diamond malapit sa gitna. Mula doon ay hindi na nakabangon pa ang NU habang nakamit naman ng Ateneo ang ikapitong sunod na panalo. Dalawang laro na lamang ang nalalabi para sa Blue Eagles upang ganap na mawalis ang eliminations na magbibigay naman sa kanila ng bentaheng twice-to-beat sa finals. Sa iba pang mga laro, nagtala ng pitong runs ang De La Salle University (DLSU) sa third inning na idiniretso nila sa abbreviated 13-0 pagblangka sa University of Santo Tomas (UST) habang pinasadsad naman ng Adamson University (AdU) ang University of the Philippines (UP), 8-1, para sa ikalawa nilang panalo ngayong season. Dahil sa panalo, umangat ang Green Batters sa barahang 5-2, dalawang laro ang agwat sa Fighting Maroons (3-4) na kaagaw nila sa ikalawa at huling championship berth. +"Ang tagal na kasi ng plano na 'yan, eh. Three years pa 'ata plano na nilang i-remake 'yang Pangako Sa 'Yo, 'tapos tinatanong nila ako kung sino 'yung para sa akin ay pabor ako na maging Amor. Ako naman... eh, bahala sila... kasi sila naman ang magdedisisyon diyan, di ba? "Nung nakita ko 'yung final choice nila para sa role... happy ako na ire-remake nila, pero para sa akin, sa tingin ko lang ito, ha, parang ang babata nila. Pero I'm sure magkiklik pa rin 'yon kasi ang dami nilang (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) fans," sey ni Eula. Nagbigay siya ng advice kay Jodi na gaganap na Amor Powers. "May nagsabi kasi sa akin na sobrang ginagaya ni Jodi eksakto 'yung pagka-Amor Powers ko dati, sabi ko do'n sa nakausap ko, sabihin niya kay Jodi na huwag niyang gayahin. Dapat gumawa siya ng sarili niya, di ba? Para hindi siya ma-pressure. "Marami akong ginawa sa Pangako na do'n ko lang din ginawa. Grabe, 'binuhos talaga namin lahat do'n sa show, yung time, yung pag-iisip kung ano ang magiging itsura ko - sa buhok, make-up, damit. Kanya-kanya talaga no'n. +Nangyari ang air raid kasunod ng matinding barilan sa paliparan at mga sagupaan sa iba pang lugar, kasabay ng babala ng mga analyst na ang hating Yemen ay patungo sa all-out civil war. +Payo ni Bauer, piliing maigi ang mga party na pupuntahan. Masayang maimbitahan sa lahat ng pagdiriwang pero ang pagpunta sa lahat ng ito ay nakakapagod at maaaring maging sanhi ng pagkain ng marami. +"We will be reaching high in 2015," sinabi ni Ledesma, na nakasama ang mga opisyal na sina Vice President Arnel Beroya, Chairman Domingo Panlilio, Secretary Rene Legaspi, women's head coach Noel Gonzales, men's head coach Lauro Crisostomo at Team Manager Jose Nicolas Cawed. Nakataya sa top level na ITTF World Tour Challenge ang qualifying points na makakapagbigay karapatan sa mga manlalaro para makuwalipika sa gaganaping 2016 Rio de Janeiro Olympics sa Brazil. Dagdag sa ikalawang hosting ng bansa sa torneo, na may nakatayang kabuuang P45,000 premyo, ang doubles event. "It will be our first exposure tournament on our preparation for the SEA Games," pahayag ni Ledesma. "We will also be joining the World Tennis Championships in Zunchen, China on April 26 to May 3 before finalizing our training for the Singapore Games." Bilang panimula, magsasagawa ng libreng clinic ang TATAP sa buong bansa bago ang ITTF Coaching Course Level 1 at Level 2 para madagdagan ang kabuuan nilang 24 na certified level 1 coach. Asam ng programa na mabigyan ng tulong ang mga coach at mapalawak ang grassroots program nila. Gaganapin din ang pangunahing Super League kung saan tampok ang mga manlalarong ipiprisinta ang kanilang local government units (LGU's) na magsisimula sa Abril. Ang torneo ay team event na bukas para sa lahat ng mga manlalaro ng table tennis. Balak naman na ipadala ang junior at training pool members sa Singapore SEA Games upang bigyan ng tsansa ang mga papaangat na miyembro, gayundin ang ilan nilang binabalak na sasalihang international exposures. Hangad din na maisakatuparan ang Corporate Social Responsibility (CSR) program para sa mga under-privileged, less fortunate at incarcerated community sa pagtungo sa Tacloban City sa susunod na buwan upang isagawa ang dalawang araw na clinics. +"As we push for the modernization of our transportation systems, we are mindful of the significant role that women play in nation-building," pahayag ni DoTC Secretary Jun Abaya. +Kinuha bilang 8th overall pick si Lazaro ng Foton sa nakaraang draft na ginanap sa SM Aura sa Taguig City. Ngunit noong nakaraang Martes, sa ginanap na press conference ng liga sa MOA Arena, inihayag ng Foton na mawawala si Lazaro sa lineup. " She still has commitments with Ateneo. The team as a whole still has commitments. And personally mayroon siyang mga plano on what to do right after the season which can conflict with the tournament," pahayag ni Foton team captain Ivy Remulla. "And she has plans of pursuing her studies so magiging tight ang schedule para sa kanya if she will play," dagdag pa ni Remulla. Bagamat hindi maglalaro si Lazaro, nakatakda namang lumaro para sa Tornadoes ang kakampi nitong si Ella de Jesus na gaya ng una ay nagtapos na rin ng playing year sa UAAP. Bukod kay De Jesus, nariyan din ang kanilang first round pick na si Angeli Araneta ng University of the Philippines (UP). Samantala, sinabi naman ni Remulla na sakaling gumaan ang schedule ni Lazaro sa hinaharap, maaari pa naman aniya itong maglaro para sa koponan kung gugustuhin nito. +TAKOT palang sumakay sa eroplano at may fear of heights si Lovi Poe, kaya malaking challenge sa kanya nang i-offer ng Regal Entertainment, Inc. ang "Flight 666" episode ng Shake, Rattle & Roll XV. Suki na si Lovi ng Shake, Rattle & Roll kaya hindi siya tumanggi sa offer lalo pa at first time lang niyang makakatrabaho ang director na si Perci Intalan. +Muling nagpakita ng kanyang matinding talento si GM So, isang araw matapos nitong patumbahin ang defending champion na si Levon Aronian ng Armenia, sa ikatlong round nang magmatigas ang 21-anyos sa paglatag ng matinding depensa kontra sa atake ni Caruana upang itulak ang laban sa draw. Dahil dito ay nanatiling walang talo si GM So, matapos ang apat na round na bitbit na ngayon ang United States, tungo sa pagtala ng kabuuang 2.5 puntos bunga ng kanyang isang panalo at tatlong draw, kabilang ang isa sa kasalukuyang world champion na si Magnus Carlsen ng Norway sa unang round. Naagaw naman ni dating world challenger Vassily Ivanchuk ng Ukraine ang solong liderato sa itinalang 3.5 puntos matapos biguin si Maxime Vachier-Lagrave ng France sa 30 moves ng Sicilian encounter. Dumausdos si Caruana sa two-way tie sa ikalawang puwesto kasama si Ding Liren ng China sa kinubrang 3 puntos, na kalahating puntos na abante kay GM So, na katabla si Radoslaw Wojtaszek ng Poland sa ikaapat na puwesto na may 2.5 puntos. Ang draw ang nagtulak din kay GM So para umangat sa 2778.1, ang pinakamataas na naabot nito at mapanatili ang kanyang ranking bilang world No. 9. +"Since there is very little time for a full recovery and training, my appearance at the Australian Open is unfortunately under a big question mark. "I have not cancelled my appearance in Melbourne. I will leave it for another seven to eight days to see how the situation will develop." Iniulat ng Croatian media kamakalawa na kinansela ng world number nine na si Cilic ang kanyang partisipasyon sa Australian Open dahil sa nasabing injury na kanyang natamo ilang buwan na ang nakararaan ngunit mas grumabe noong nagdaang buwan. +"May mga pag-atake kaming ginawa sa Maguindanao. Meron din sa President Quirino sa Sultan Kudarat at sa Baliki, Midsayap sa North Cotabato," ani Mama. Nagbabala siyang maglulunsad pa ng mga pag-atake ang BIFF bilang bahagi ng 'Jihad' o Holy War ng grupo sa Mindanao, lalo na, aniya, dahil mayroon na silang mga bagong kasapi. "Maraming mga totoong 'Mujahiden' ang sumanib na ngayon sa BIFF, ang iba ay 'yung mga hindi sumang-ayon sa pag-uusap (usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front)," dagdag pa ni Mama. Ang nasabing usapan ay nagbunsod sa paglagda sa kasunduan para sa pagtatatag ng bagong Bangsamoro region sa Mindanao. +Nakapiit na ngayon sa NBI detention facility si Harrel Barzaga, 39, at apat na iba pang kasama nito na nahuli sa akto habang nagpa-pot session sa Barzaga Compound sa Dasmarinas. +Humingi na rin umano ng ayuda ang Taiwan sa Argentina at Chile sa ikinasang paghahanap sa barko at sa mga tripulanteng lulan nito. Nakikipag-ugnayan ang DFA sa employer ng mga Pinoy at nakatutok din sa nasabing operasyon ang Taiwanese authorities. Dakong 3:00 ng umaga nitong Pebrero 26 nang inulat ng mga tripulante ang pagtagas ng tubig sa deck ng Hsiang Fu Chun hanggang sa nawalan na ng contact ang barko nang hindi man lang nakapagpadala ng mayday call o signal. Batay sa satellite data, naglalayag ang barko sa tinatayang mahigit 3,100 kilometrong layo mula sa Falkland Islands nang maglaho ito. Sinabi ni Taiwanese Fisheries Agency Spokesman Huang Hong-yen na walang ebidensiya na nagtuturong lumubog ang barko at tiniyak na nagpapatuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng gobyerno ng Taiwan sa naturang lugar. +KAHAPON naka-schedule ang first taping day ng Rich Man's Daughter, ang bagong soap ni Marian Rivera sa GMA-7. Kahit sa first week pa ng May ang airing ng soap, kailangan nang mag-taping dahil aalis si Marian para sa GMA Pinoy TV event sa US at Canada. Kabilang sa MGA nagpaabot ng good luck kay Marian ay ang inang si Amalia Rivera. Nag-text ito sa aktres ng "Anak, good luck sa taping mo tomorrow (kahapon). Pahinga ka na, text mo lang ako kung may kailangan ka. Okey? Love you!" +Ang Globe at TM users ay magkakaroon ng access sa Viva library na naglalaman ng mga video katulad ng movie clips, bloopers, outtakes at behind-the scenes, movie promo segments, classic movie lines, music and lyrics videos, press conferences, event clips, concert highlights at iba pa na tiyak na ikasasaya ng users. Available ang mga video sa teleco's one-stop shop virtual video store, ang Piso Mall. Sa halagang P1 maaari nang mapanood ang halos 200,000 video. "With Piso Mall, we are bringing entertainment at the comfort of one's mobile phone. We are proud to have Viva as our first local content partner as we only partner with the best. Globe and Viva share the same vision and commitment to giving the Filipino consumers what they want. Filipinos are entertainment lovers--we sing, we dance, we watch movies, we love our celebrities. There's no better partner than Viva, and Globe is bringing an amazing portfolio of video content from Viva to our consumers who now live a very digital lifestyle," masayang pahayag ni Issa Cabreira, SVP ng Consumer Mobile Marketing ng Globe. +NA-SURPRISE ang fans -- pati na ang napakaraming tagahanga sa Pilipinas -- ng One Direction, ang British-Irish pop band na isa sa pinakasikat na boy band ngayon sa buong mundo, sa biglaang pagko-quit ng isa sa pinakaguwapong member ng grupo na si Zayn Malik. +Ayon kay Tolentino nananatili sa kritikal na kondisyon ang traffic constable na si Sonny Acosta sa intensive care unit ng Saint Luke's Medical Center sa lungsod ng Quezon sanhi ng pamumuo ng dugo sa ilalim ng utak. Inihayag ng opisyal na sinita ni Acosta ang Isuzu Sportivo (AABA 197) na pag-aari ni Dante F. Borguete, residente ng Guillermo Village San Miguel sa Bulacan, dahil wala sa tamang linya ang sasakyan. Ipinasok ni Acosta ang kamay nito sa loob ng Sportivo upang hingin ang lisensiya ni Borguete subalit bigla umanong isinara ang bintana bago pinasibad ang sasakyan dahilan upang makaladkad ng ilang metro saka humampas ang ulo ng traffic constable sa ilalim ng nasabing sasakyan. Ibinalita ni Tolentino na naaresto ng mga tauhan ng Bulacan Police si Borguete at nakadetine ngayon sa Camp Karingal. +Iyon ang araw na ilalabas ng Sandiganbayan ang hatol sa asuntong graft laban kay Marquez dahil sa pagbili ng mga bala noong siya pa ang alkalde ng Paranaque City na overpriced ng mahigit P1 milyon at binili sa isang hindi lisensiyadong trader. +Ipinagdarasal ng ating mahal na Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na maibsan ang nararamdamang pighati ng mga naulila ng mga pulis na namatay dahil sa pagtugon sa kanilang tungkulin. Noong Biyernes, hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat ng pari sa Archdiocese of Manila na isama sa kanilang misa ang panalangin para sa kanilang kaluluwa. Hindi rin maitago ni Cardinal Tagle ang kaniyang pangamba sa karumaldumal na pagpaslang sa mga kagawad ng PNP-SA F. "Personal ko ito, nasa harapan tayo ng misteryo ng dilim. Bakit kayang saktan ng tao ang kapwa tao? Bakit kayang balewalain ang isang magandang hangarin ng kapayapaan? Kasi maganda naman ang kapayapaan, maganda naman ang magmahal pero bakit mayroong bahagi ng ating pagkatao na ayaw sumang-ayon diyan? Nakakikilabot," pahayag ng ating mahal na cardinal. * * * +Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan. Lumitaw sa imbestigasyon, na diskubre ni Panguat na may kalaguyo ang kinakasama nitong si De la Cruz kaya kinompronta niya ito na nagresulta sa kanilang pagtatalo. Habang nagpapaliwanag si De la Cruz, bigla na lang umanong nagdilim ang paningin ng pulis, binunot ang kanyang .40 caliber pistol at binaril ang live-in partner. +Ipinakita pa ngang dumating sa piitan ang ama niyang si dating Senador Ramon Revilla, Sr. Nagdatingan din ang mga pagkaing kanilang pagsasaluhan pangunahin na dito ay ang lechon baboy. Naluha si Lani nang sabihin niyang una nilang ipagdiriwang ang Pasko sa labas ng kanilang tahanan. Ipinakita sa telebisyon ang kanilang malaking tahanan sa Alabang, marangya... maluho... Dahil sa piitan nga magno-Noche Buena at magpa-Pasko ang pamilya ni Bong, kakalog ang kanilang bahay. Sa kabilang dako, ipinakita ng balita ang isang mahirap noong Bisperas na ng Pasko na tulak-tulak pa ang kariton at nagkukumahog pang kumita ng paghaharapan nila ng kanyang pamilya sa Noche Buena. Hapon na ay wala pa raw siyang gaanong kinikita dahil nga umuulan. Ang nakadelehensiya ay ang kanyang maybahay na hinalukay ang mabahong basura. Pinalad siyang may naihiwalay dito na naibenta niya. Sa ilalim ng tulay hinihintay ang ama dahil iyon palang tulak-tulak niyang kariton ay ang pinakabahay nila. Dito nila paghaharapan ng kanilang mga anak ang nadelihensiya nila para sa kanilang Noche Buena. Dukha man ang pamilyang ito, walang nakitang lumuluha sa isa man sa kanila sa araw na ito. +Ito ang isiniwalat ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey's Malate kung saan ay sasabak sa aksiyon ang mahigit sa 1,500 atleta, kabilang na ang mga manlalaro sa Silangang Asya at mga kapitbahay sa Asya. +"These simple yet challenging meditation practices provide the opportunity for people to expand their nonjudgmental awareness of sensory experiences arising in each moment," ani David Black, ang unang sumulat ng pag-aaral mula sa University of Southern California sa Los Angeles. +ISA si Coco Martin sa mga nabanggit ni Sharon Cuneta sa presscon noong Lunes na gusto niyang makasama sa ABS-CBN artists kung gagawa siya ng teleserye. Marami raw kasi siyang naririnig at nababasa kung gaano kabait at kahusay makisama sa nga katrabaho ang Primetime King. +Sinabi rin ni Secillano na ang hindi pagdalo ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal at iba pang pinuno ng grupo ay isang implikasyon ng pagmamaliit sa maaaring maging epekto ng Mamasapano encounter lalo na sa usapin ng Bangsamoro Basic Law. "In Iqbal's absence, it's going to be a one-sided account of the incident. It also implies that the MILF is downplaying the effects of the incident in the ongoing debate on the BBL," ani Secillano sa panayam ng Radio Veritas. Ipinaliwanag ng pari na tanging ang mga pagkukulang ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang natalakay sa Senado gayung mahalaga rin na malaman ang naging papel ng MILF sa naganap na engkwentro lalo't may umuusad na usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan. +Nauna nang tinukoy ng CoA na nabigyan ang mga ito ng subsidy para sa conditional cash transfer (CCT) ng DSWD. Binanggit pa ng CoA na nakinabang din sa programa ang mga government employee at overseas Filipino worker (OFW) kahit hindi kuwalipikado ang mga ito. +Emosyonal pa rin ang mga Australian sa kinahinatnan ng balitang pinasok ng isang armadong lalaki ang sikat na Lindt Chocolate Cafe at binihag ang mga nasa loob ng establisimyento. +Nabanggit sa nasabing report na nagharap ng reklamo ang VACC kaugnay ng nawaldas umanong P25 milyon na halaga ng pondo ng bayan sa pamamagitan ng pagmanipula rito. Ayon pa sa ulat, nailabas umano ang magkahiwalay na P10 milyon at P15 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng dalawang party-list representative ngunit walang nai-deliver na proyekto. Bukod sa gobernador, kinasuhan din sina ABS Party-list Rep. Catalina Leonen-Pizaro, 1 CARE Party-list Rep. Michael Angelo Rivera, Atty. Noel Manuel Lopez, provincial administrator; Ma. Theresa Araneta-Flores, treasurer; Pete Gerald Javier, accountant; Rodrigo Sawit, BAC chairman; Lucila Ambatali, social welfare officer; Teresita Rios, auditor ng Commission on Audit (COA); Atty. Allan Uy; Jimmy Pua, ng Jimmy Pua Enterprises, Inc.; corporate officers ng Sanitary Mart Corporation; Roda Ramirez, GSO inspectorate provincial capitol at iba pa. +Sinabi ng isang tagapagsalita ng koponan kahapon na kumunsulta ang Thunder sa representation ni Ibaka at nagkasundo silang dalhin ito sa isang espesyalista sa New York. +Sa panayam kahapon kay PO2 Irine Roboza, nakilala ang mga suspek na sina Danilo Imbisan, 22; Bernard Mayugba, 22; at Richard Mati, 27, overseas Filipino worker, pawang taga-Bgy. Aramal. +Kasi, nadismaya siya sa mga sagot ng dalawa na animo'y pumapanig sila sa MILF. Hindi natin maiaalis na ganito kumilos ang dalawa. Sa totoo lang hindi nila pinapanigan ang MILF kundi ipinagtatanggol nila ang Bansamoro Basic Law (BBL) na kanilang pinaghirapan. Ipinagtatanggol nila ang usaping pang kapayapaan na pinasok ng ating gobyerno sa MILF sa pamamagitan nila. +Lumitaw sa imbestigAsyon ni PO2 Allan Barangan, dakong 9:35 ng gabi ay mabilis na tumatakbo sa Marcos Highway, Bgy. Mayamot, Antipolo patungong Cubao ang jeep na minamaneho ni Jefferson Estrada, 22, ng Bgy. San Isidro, Antipolo City. Pagsapit sa tapat ng isang tindahan ng goma sa Marcos Hghway, Bgy. Mayamot, nag-overtake ang jeep sa sinusundan nitong isa pang pampasaherong jeep. Sa bilis ng takbo, nabangga ang kaliwang gulong sa unahan sa Center Island at nagpagewanggewang bago bumaligtad. +Ito ay matapos ihayag ni Rep. Winston "Winnie" Castelo ng Ikalawang Distrito ng Quezon City na muli niyang ihahain ang kanyang panukalang "Entertainment and Information Personnel Act" na magbibigay proteksiyon sa karapatan ng mga nasa industriya ng pelikula laban sa pang-aabuso upang mapangalagaan ang kanilang kapakanan at kalusugan. Sinabi ni Castelo na puntirya ng panukala ang limitahan ang oras ng trabaho ng mga talent ng cinema, radyo, telebisyon, teatro at iba pang media na saklaw ng talent o service contract. "The backbreaking production hours and erratic work schedules in the entertainment industry take their toll on the health of this distinct set of workers," ayon kay Castelo, na muling nahalal bilang kongresista. "The recent passing of two widely-acclaimed film directors attest to this work blight and in order to meet deadlines and cut back on production costs, some crew members and talents even work for 24 hours on end," dagdag niya. Aniya, sino man ay maaaring maging biktima ng atake sa puso kung siya ay madalas na isinasalang sa mahabang oras ng trabaho. "No statutory policy has been instituted to address this gray area in the work force. The Labor Code is silent as to the prescribed number of hours of work for this unique group," aniya, tungkol sa mga "talent" sa industriya ng pelikula. +BAGAMAT nakangiting sinagot ni Piolo Pascual ang tanong namin tungkol sa nasusulat noon pa na hindi raw niya tunay na anak si Inigo dahil anak daw ito ng nakatatanda niyang kapatid ay halatang nairita siya. "How sad," sabi ng aktor. "Sa kanila na, sa kanila na 'yung bata." +"So upon consultation with the coaches, the unanimous vote was for Donovant Arriola to be sent to SEA Games and then held a jump-off for Dagmil, Fuentes and Marayag. Dagmil was advised not to have competition until mid-April but in the month of May na makakatalon pero deadline na ng SEA Games. So nagdecide ang mga coaches na ipag-performance jump kasama ang dalawa pang nakapasa sa isang jump-off ," sabi ni Unso. Ipinaliwanag ni Unso na anuman ang mangyari sa jumpoff, ipapadala na rin nito sina Fuentes at Marayag para lumahok sa 3A's na gaganapin pagkatapos ng Singapore SEA Games. Idinagdag ni Unso na tapos na ang entry by names noong Marso 15 kung saan ay 34 lahat ang ipapadada nitong miyembro ng track and field team. +Ito ang ikalawang sunod na taon na sinuportahan ng Smart ang kompetisyon sa paniniwalang makapagdudulot ito sa paghubog ng mga mahuhusay na badminton players. +Una nang ikinasal sina Aiza at Liza nitong nakaraang Disyembre sa California na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Naging madali ang kanilang pagpapakasal doon dahil allowed ang same-sex marriage sa Amerika. Isa pa'y permanent resident ang status ni Liza sa US. Kaya't nilinaw ng singer-actress na seremonyas lamang at hindi kasal ang naganap sa Batangas. "We didn't sign any papers here, hindi kami nagpunta sa city hall. It's a ceremony with friends and family," paglilinaw ni Aiza. "We call it it a symbolic ceremony kasi, of course, we're married na in the US," sey pa niya. Para nga daw ma-witness ng mga kamag-anak at mga kaibigan na hindi nakadalo sa US. After ng kasalan, moving forward na sina Aiza at Liza sa susunod nilang plano, ang magka-baby. Pahayag ng nanay ni Aiza na si Caridad Seguerra, napag-uusapan na ang pagkakaroon nila ng baby. +Kinilala ni Senior Supt. Oliver Enmodias, direktor ng Mountain Province Police Provincial Office (PPO), ang mga kinasuhan na sina SPO4s Rolando Bagangan, Michael Napa-eg; SPO3 Lester Faba-an; SPO2 Gaspar Suagen at PO3 Raul Fagsao, pawang operatiba ng Bontoc Police nang mangyari ang krimen at ngayon ay nasa PPO holding center na. +Ang karera ay tatawaging "The Tour for Heroes" na magsisimula sa Bataan kung saan ang lugar ay isang makasaysayan para sa mga Pilipinong sundalo na ibinuwis ang buhay laban sa pagkubkub ng Japanese forces sa World War II. "To start the 2015 Le Tour in Bataan at a time the nation is in mourning for the 44 slain SAF forces in Mamasapano [Maguindanao] inspires us to dedicate the race to our fallen heroes," saad ni Donna Lina Flavier, presidente ng race organizer na Ube Media Inc. "The Le Tour de Filipinas is not only about sports and competition, it's about fostering lasting peace among nations through cycling," dagdag ni Lina-Flavier. Isang panandaliang pananahimik ang iaalay sa mga nasawing SAF troopers (Fallen 44) sa pagbubukas ng makulay na seremonya kung saan si Bataan Gov. Abet Garcia at Balanga Mayor Joet Garcia ang magpapasinaya sa karera na iprinisinta ng Air21 at co-presented ng MVP Sports Foundation at Smart. Mag-aalay din ng taimtim na pagdarasal ngayong umaga bago ang flag off para sa Balanga-Balanga 126-km Stage One ng International Cycling Union Asia Tour race na suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon kasama ang Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX bilang road partners. Mamumuno sa kampanya ng Pilipinas para sa 15-team race, ang 13 ay foreign squads, ay si defending champion Mark John Lexer Galedo ng PhilCycling's national men's team at Baler Ravina, ang 2012 winner para sa 7-Eleven by Road Bike Philippines. Batid nina Galedo at Ravina, at anim na iba pang Filipino riders na nakahanay sa mix, kung gaano kabigat ang labanan, partikular ang dalawang Iranian teams na pangungunahan ng dalawang mga dating kampeon at Asia's No. 1 sa UCI rankings. "We cannot promise anything but what is definite is that I and my teammates will do our best," saad ni Galedo na itinuon ang nagdaang dalawang taon, noong 2012 at 2014, na ang Le Tour ay pinagwagian ng Filipino kung saan ay walang nagpartisipang Iranian team. +IDINAAN sa malakas na tawa ng bida ng MMFF entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 na si Dingdong Dantes nang hingan siya ng reaksiyon tungkol sa pagkakapasok diumano niya sa latest survey ng possible senatoriables sa 2016 elections. "Talaga? Tumawa lang talaga ako," patanong na winika ng Kapuso Primetime King. "If you ask me right now, I really don't have any plans. Sa ngayon po talaga ang concentration ko is to build my family. +"Kinikilala ng Palasyo ang karapatan ng Senado na magsagawa ng mga pagdinig in aid of legislation at alinsunod sa oversight functions nito," sabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. "Walang komento ang Pangulo sa bagong hearing tungkol sa Vice President," dagdag ni Coloma. Ito ang naging tugon ni Coloma sa mga katanungan ng media kung naniniwala ang Malacanang na inosente si Binay sa mga akusasyon laban dito at kung hihimukin ba ni PNoy ang Bise Presidente na humarap sa imbestigasyon ng Senado. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee nitong Miyerkules, inakusahan ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado si Binay ng pagkakamal ng P200 milyon halaga ng kickback mula sa bilihan ng lupain sa pagitan ng BSP at ng Alphaland Corp. para sa development ng isang ari-arian ng BSP sa Makati. Idinagdag pa ng dating kaalyado at malapit na kaibigan ni Binay na ang nasabing halaga ng kickback ay ginamit umano ni Binay nang mangampanya para Bise Presidente noong 2010. Itinanggi ni Binay, pangulo ng BSP, na nakinabang siya sa nasabing proyekto at binatikos ang aniya'y hindi patas na imbestigasyon ng Senado na layunin lang, aniya, na siraan siya kaugnay ng pagkandidato niyang Presidente sa 2016. Ilang buwan na ang nakalilipas nang hiniling ni Binay ang isang closed-door meeting kay Pangulong Aquino at sinasabing hinimok ng ikalawang pangulo ang Presidente na hilingin sa mga kaalyado sa Senado na itigil ang imbestigasyon laban sa kanya. +Sa kanyang talumpati sa mga nakapasa ng dentistry board sa Manila Hotel kamakalawa, sinabi ni Estrada na dapat maging maingat ang pamahalaang Aquino sa pakikitungo sa mga rebelde dahil ilang beses na rin na unsiyami ang usapang pangkapayapaaan sa ilang rebel group. "Is their (MILF and other groups) agenda for lasting peace or an agenda to get a budget from the national government from which they can strengthen their forces?" tanong ni Estrada. Bago siya napatalsik sa Malacanang noong 2001, naglunsad si Estrada ng all-out war laban sa MILF na nagresulta sa pagkakakubkob ng Camp Abubakar sa Maguindanao, kung saan matatagpuan ang punong tanggapan ng rebeldeng grupo, at 13 iba pa nitong kampo. Iginiit ni Erap na all-out war lamang ang tanging solusyon upang maresolba ang kaguluhan sa Mindanao matapos pumalpak ang tangkang mapagtibay ang mga kasunduang kapayapaan sa iba't ibang rebeldeng grupo sa katimugang bahagi ng bansa. "When I was president, we pursued numerous peace talks which lapsed into a disgusting cycle of peace talk and ceasefire, which eventually resulted again in fighting. And if ever we are able to forge a Bangsamoro basic law or substate, or an autonomous territory with the MILF, we will again have to deal with the BIFF and other splinter groups that may rise, just like the MILF growing out from the MNLF?" pahayag ng dating aktor. "I was roundly criticized for my all-out war policy when I was president. Let me emphasize that like everyone, my objective was peace - honorable and lasting peace - but on our terms," dagdag niya. +Kasalukuyang nag-aaral si Korina ng Master of Arts in Journalism sa Ateneo de Manila University at nag-apply din siya ng simultaneous course sa London School of Economics kaya kailangan niyang bumiyahe sa Europe. Paliwanag ni Koring, "I've talked about this with network management since middle of last year. The bosses were all for it. My advanced studies have taken the backseat for too long and if I don't do this now, I may never. Kaya nga pinagsasabay sabay ko na. It's not easy but I'm optimistic I can do this." Kinumpirma ng business manager ni Korina na si Girlie Rodis na nag-file sila ng leave of absence para sa katapusan ng taong ito pero baka mapaaga pa ito, depende sa travel plans ni Koring para sa pagbabakasyon sa Pasko. "I encouraged Korina to do this because education is important at any stage of one's life. And she's been planning this for so long. I'm happy she finally decided to take this seriously," say ni Ms. Girlie. Maging ang ABS-CBN news head na si Ging Reyes ay inaming natanggap niya ang leave of absence request ni Korina. "Yes it is a leave of absence of three months which management has granted to Korina. The company values higher education, as it is always a plus among our ranks. Many in our stable have also taken leaves of absence to pursue further studies. When they come back, there is always better output. We wish Korina the best of the experience," say naman ni Ms Jing. Habang on leave si Sanchez sa kanyang daily live newscast, ipagpapatuloy pa rin niya ang weekly magazine program na Rated K at ang kanyang occasional, award-winning interview show na Up Close and Personal sa ANC. +Kinilala ni Rev. Federico Lombardi ang isa sa mga pari na si Monsignor Bronislaw Morawiec, administrator ng St. Mary Major Basilica, isang simbahan sa Rome na pinagdadasalan ni Pope Francis. +Ganap na mawalis ang finals series at makamit ang asam na back-to- back championships ang tangkang maisakatuparan ng defending champion Ateneo de Manila University (ADMU) sa muli nilang pagtuutuos ng archival na De La Salle University (DLSU) sa UAAP Season 77 women's volleyball tournament. +SA PBB house napansin ang chemistry nina Jane Oineza at Joshua Garcia. Inakala ng maraming fans na sumubaybay sa kanilang dalawa sa Bahay ni Kuya, mas magiging matatag ang team-up nila kahit natapos na ang programa. In fact, noong ganapin ang debut ni Jane sa Sulu Hotel, dumating ang kanilang fans all over Philippines para simulan ang kanilang fan base na "Joshane" bilang suporta sa panibagong journey nila sa kanilang career. +Natamo ni Yap ang titulo sa pagpapatulog sa dating kampeong si Takahuri Yamamoto noong Nobyembre 11, 2016 sa Kobe at naidepensa kina Kentaru Masuda at Seizu Kono via knockouts. Umangat si Yap sa WBC rankings bilang No. 6 contender sa kampeong si Luis Nery ng Mexico na magdedepensa ng korona sa inagawan nito ng titulo at matagal na kampeong si Shinsuke Yamanaka sa Marso 1 sa Tokyo, Japan. Malaki ang posibilidad na kung impresibong tatalunin ng 29-anyos na si Yap ang beterano rin at dating world rated na si Nakajima ang sunod niyang makakalaban. Nakalista rin si Yap na No. 8 contender kay IBF bantamweight champion Ryan Burnett ng United Kingdom kaya maaari rin niyang hamunin ang Briton. +Bago ang rebelyon, nilimitahan ni Bligh -- na nakilala bilang isang matapang na leader--ang kalakalan ng trapiko sa kolonya, at inakusahan ang militar ng korupsiyon at kawalan ng sapat na kakayahan. Aktibong nakikibahagi ang sandatahan sa kalakalan ng rum noon. Ang pagdakip ni Bligh sa mga dating opisyal ng militar at sa pangunahing negosyante na si John MacArthur ay nagbunsod ng rebelyon. Tungkulin dapat ng militar ang suportahan ang gobernador ng kolonya. +AKLAN - Dalawang menor de edad ang namatay at anim na iba pa ang nasugatan nang bigla na lang mamaril ang isang lalaki sa isang perya sa kabundukan ng Libacao sa Aklan, noong Lunes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Antonina Ricablanca, 16; at Saraki Katiniko Viray, 14 anyos. Sugatan naman at isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa Kalibo sina Gilda Nalangan, 37; Clery Javier, 18; JR Agudes, 21; at tatlong menor de edad. +MABITUIN ang 13th Gawad Tanglaw awarding ceremony na ginanap sa University of Perpetual Help-Las Pinas City dahil sa pagdalo ng halos lahat ng awardee na karamihan ay pawang mga sikat na personalidad sa showbiz at media. +HANGGA'T maaari ay ayaw nang magbigay ng komento ni Sunshine Cruz hinggil sa patutsada ngayon ng kampo ng dating asawa niyang si Cesar Montano. Ito ay may kinalaman sa isinampa niyang reklamo laban sa ama ng kanyang tatlong anak. Sabi ni Sunshine, marami na ang tumawag sa kanya para lang makuha ang panig niya pero pinagbawalan daw siya ng kanyang abogado na magbigay ng komento. +Kumpiyansa si Pangulong Aquino na maituturing na "pivotal year" ang 2015 para sa sektor ng turismo at larangan ng international relations para sa kanyang administrasyon. Ayon kay Aquino, ang kasalukuyang taon ay hindi lamang simula ng kampanya ng "Visit the Philippines" subalit panahon din upang palakasin ang relasyon ng bansa sa mga kaalyado nito. +Inilalabas ang imahe mula sa Simbahan ng Quiapo upang pagpugayan ng publiko: tatlong beses sa isang taon - New Year's Day, Enero 9, at Biyernes Santo. Ang traslacion sa Enero 9 na nilalahukan ng mahigit isang milyong deboto, ay ang pinakamalaki sa tatlo. Laksa-laksang naka-paang deboto na nakadamit ng maroon, na lalaki ang karamihan, ang kalahok sa gahiganteng prusisyon na gumugugol ng halos sampung oras. Ang Itim na Nazareno ay lulan ng isang sinaunang pulang karosa o andas na hila ng mga namamasan ang lubid na abaca patungo sa mga landas ng Maynila. Sa himig ng awiting Viva Senor, layunin nilang mahipo ang imahe o makahawak sa lubid. Ang mga manonood, kabilang ang mga lokal at banyagang turista, sa mga daraanan ay naghahagis ng mga tuwalya o mga panyo sa hijos na nakasampa sa karosa at pupunasan ng mga iyon ang imahe saka ibabalik sa naghagis. Pinaniniwalaan na ang lubid sa kanang balikat ang pinaka-sagrado sa pahalik na una sa traslacion. Naroon ang paniniwalang may nakagagaling na kapangyarihan ang tuwalya o panyong naipahid sa imahe. Karaniwang idinedeklara ng Manila City government ang pisa bilang special holiday. Isang 24-hour security plan ang inilalatag taun-taon ng Manila Police District at ng Metro Manila Development Authority upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng okasyon. Nagdidispatsa naman ang Philippine Coast Guard ng mga tauhan nito malapit sa mga tulay sa Pasig River. Nagde-deploy ang Philippine Red Cross ng medical staff at mga ambulansiya. Hatid ng mga prayleng Augustinian Recollect mula Mexico ang imahe ng Itim na Nazareo, na inukit ng isang karpinterong Aztec, sa Pilipinas noong Mayo 31, 1606. Ang dahilan ng itim na kulay nito ay isang sunog na barko habang naglalayag. Una itong idinambana sa Rizal Park na ngayon, at doon din inilipat kalaunan ng noo'y Manila Archbishop Basilio Rufina noong 1608. Hindi naman nagalaw ang imahe sa mga sunog na naganap noong 1791 at 1929, at mga lindol noong 1645 at 1863. Noong World War II, binomba ang Maynila, ngunit hindi nagalaw ang Itim na Nazareno. +Naaalala ko pa na ilang dekada na ang lumipas nang tanggapin ng pamahalaan ang programan liberalisasyon na ipinatutupad sa mga bansang Kanluranin, nang walang proteksiyon para sa mga industriyang Pilipino. Ang resulta, maraming lokal na industriya ang bumagsak dahil sa kumpetisyon sa mas makabagong industriyang ibang bansa. Ang bigas ang pinakamahalagang produkto ng ating agrikultura dahil ito rin ang ating pangunahing pagkain. Kabilang ang Pilipinas sa mga pangunahing nagtatanim ng palay, ngunit isa rin ang ating bansa sa pinakamalakas umangkat nito. Malaki ang ginugugol ng pamahalaan upang pataasin ang produksiyon ng palay, sa layuning magkaroon ng sapat para sa ating pangangailangan. Ang bumabangong tanong sa aking isipan ay kung paano ito maaapektuhan ng ASEAN economic integration, at sa huli, ano ang magiging epekto sa ating mga magsasaka. Bilang kaanib ng World Trade Organization (WTO), obligado ang Pilipinas na umangkat ng 350,000 metro tonelada ng bigas bawat taon, sapat man o hindi ang lokal na produksiyon. Sa kasalukuyan, umaangkat pa ang bansa ng karagdagang bigas upang mapunuan ang pangangailangan. Walang kapangyarihan ang mga magsasaka, kaya inaasahan ko na itataguyod ng pamahalaan ang kanilang kapakanan habang ipinatutupad ang integrasyon sa rehiyon. +Namatay sina Adis at Godayon habang ginagamot sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City dahil sa mga tinamong bali sa buto at sugat sa katawan habang dead on arrival sa Cagayan Valley Medical Center si Bon-as. Patuloy na ginagamot sa Kalinga Provincial Hospital ang angkas ni Adis na si Melvin Pascua, ng Bgy. Agbanawag, Tabuk City. +Ito ay nang mapasakamay ng LVPI ang rekognisyon mula kay Asian Volleyball Confederation (AVC) Vice-president at Secretary General Shanrit Wongprasert matapos na isagawa kamakailan ang drawing of lots ng AVC Women's Under 23 Championships na hahataw sa Mayo 3-9 sa Pilipinas. "We have to respect the decision of the National Olympic Committee, because all the international federation has to work with the NOC's. We, in the AVC and FIVB, have to work with the group recognized by the NOC as we have to work and run our championships in coincidence with the rules of FIVB and AVC," sinabi ni Shanrit. Ipinakilala sa naturang okasyon ang mga opisyal ng LVPI na binubuo nina POC 1st Vice-President Jose Romasanta bilang pangulo, Victorico Chavez bilang chairman, Peter Cayco bilang Vice-President-NCAA at Ricky Palou bilang Sec. Gen.-Shakey's V League. Ang mga director naman ay sina Rodrigo Roque (UAAP), Atty. Ramon Malinao, (POC Legal Counsel) at LVPI resident Board Member at IOC Managing Director Dr. Benjamin Espiritu, gayundin ang national coaches na sina Roger Gorayeb and Sammy Acaylar. Ipinaliwanag ni Romasanta na hihingin ng LVPI ang basbas ng POC Executive at mismong kabuuang 52 miyembro NSA's ng general assembly upang tuluyan nilang maisakatuparan ang pagbibigay direksiyon at programa ng volleyball sa bansa. "We are committed to participate in all six events that were calendared as well as follow the program of AVC and the FIVB. We are also set to discuss the immediate long term program of the LVPI and organize the administration as well as the committee that will run the association," pahayag ni Romasanta. Inaasahan na makatatanggap ng matinding hamon si Romasanta at LVPI mula sa dating asosasyon na Philippine Volleyball Federation (PVF) na nais harangin ang pagkilala sa bagong organisasyon sa pamamagitan sa paglapit sa korte at paghingi ng Temporary Restraining Order (TRO). Matatandaan na inihalal ng PVF ang kanilang bagong mga opisyal matapos resolbahin ang kanilang panloob na problema base sa iniatas ng POC sa pagsasagawa ng general assembly noong Enero 25 at iniluklok ang 9 kataong board of officers. Inihalal naman ng board of officer na binubuo ni Karl Chan, Boy Cantada, Roger Banzuela, Ricky Palou, Victorico Chavez, Arnel Hajan, Al Mendoza, Mariano Diet-See at Mozzy Ravena ang pito katao nito lamang nakaraang Marso 1. +Nagkandasuka ang mga biktima na kinilalang sina PO1 Michael Angelo Daquiado at PO1 Reynaldo Florentino, na nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion (RPSB) na nakain ng tinapay na may bulate. +Ayon kay DoH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, dapat na tiyakin na akma sa edad ng bata ang laruang ireregalo sa kanila. Dapat ring ligtas ang mga ito, hindi choking hazard at walang halong nakalalasong kemikal. +MIAMI (AP)- Walang anumang paghuling magaganap kay LeBron James sa kanyang homecoming. Walang dapat ikatakot, walang tunay na pag-aalala sa kanyang kaligtasan. Ngunit 'di naman klasipikadong homecoming ito dahil 'di naman tunay na tirahan niya ang Miami, ang lugar na namalagi siya sa loob ng apat na taon. +Pormal nang idineklara ng gobyerno ng Malaysia ang nawawala pa ring Malaysia Airlines Flight 370 na isang aksidente noong Huwebes at sinabi na ang lahat ng sakay nito ay ipinapalagay na patay na, upang mabigyang daan ang pagsisimula ng claims. Karamihan ng mga pamilya ng mga biktima sa China -- kung saan nanggaling ang karamihan ng mga pasahero -- ay umaasa pa rin na buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. +Ayon kay Palo Archbishop John Du, ito na marahil ang tamang panahon para ibalik ng Yolanda survivors ang mga natanggap nilang tulong sa pamamagitan ng pagtulong din sa iba. +Malaking kumperensiya ang ISOM na pasimula at magbibigay ng tono sa mahigit 100 pagpupulong ng 2015 APEC sa Pilipinas. Mahigit sampu sa mga kumperensiyang ito ang gaganapin dito sa Albay. Ang iba ay sa Clark, Cebu, Iloilo at Manila. Magwawakas ang mga ito sa APEC Leaders Summit sa Nobyembre 2015. +Sa isang kalatas, sinabi ni Migrante International Chairman Garry Martinez na kasalukuyang nagtatago si Isidro Rodriguez sa Granada, Spain kung saan ang illegal recruitment operation nito halos isang taon matapos tumakas sa Pilipinas. +Hindi magtatagumpay ang anumang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno S. Aquino III na may kaugnayan sa madugong Mamasapano operation dahil wala itong basehan, ayon sa isang opisyal ng Palasyo. At dahil kumpiyansa rin ang Malacanang na hindi susuportahan ng mga mambabatas ang ano mang hakbang na patalsikin si Pangulong Aquino, naniniwala rin si Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na hindi nilabag ng Punong Ehekutibo ang Konstitusyon o trinaydor ang sambayanan hinggil sa naturang isyu. "The President has kept faith with the people's mandate. In all of his actions, he has abided by his sworn duty to preserve and defend the Constitution, do justice to every Filipino and promote the national interest," pahayag ni Coloma sa text message. "Fair minded representatives will find no basis for an impeachment complaint," dagdag niya. Ito ang reaksiyon ni Coloma sa mga ulat na tinutumbok ng ilang mambabatas ang posibilidad na maghain ng impeachment complaint laban kay Aquino dahil sa pumalpak na operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, na 44 na police commando ang brutal na pinatay. Lumutang ang usapin sa impeachment matapos ihayag ng PNP Board of Inquiry na nilabag ng Pangulo ang chain of command matapos niyang pahintulutan ang suspendidong PNP chief na si Director General Alan LM Purisima na makialam sa operasyon laban sa wanted na Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir, alyas "Marwan," at kanyang Pinoy na kakutsaba na siya Basit Usman. Binatikos ng Malacanang ang BOI report dahil sa pag-akusa kay Aquino na binalewala ang chain of command sa Mamasapano operation. +Ayon kay Eduarte, nakakuha ang NBI ng video footage mula sa closed-circuit television (CCTV) camera ng ospital na posibleng makatulong sa pagtukoy sa pagkakilanlan ng isang babae na tumangay sa sanggol. "Nakita natin sa video na may isang babae ang pumasok at lumabas sa ospital na may kakaibang ikinikilos. May dala rin siyang bag at puting damit na parang sa doctor," pahayag ni Eduarte. Ayon sa NBI official, nakunan ng CCTV habang nagmamadaling umalis ang babae sa ospital at sumakay ng taxi. Sa panayam, sinabi ni Glenda na pinangalanan niya ang kanyang nawawalang sanggol na lalaki bilang "Cyrone." Aniya, huli niyang nakapiling si "Cyrone" noong Linggo bago siya lapitan ng isang babae na nakasuot ng uniporme ng doktor at sinabihan siya na kanilangan bigyan ng bakuna ang kanyang sanggol. Ilang oras matapos niyang makausap ang babae ay nawala na si "Cyrone" mula sa kinalalagyan niyang crib. +Kinabibilangan ito ni UAAP back-to-back MVP Alyssa Valdez, NCAA MVP Grethcel Soltones at dating UAAP MVP Abby Marano. "Actually, matagal na kaming nag-uusap nina coach Roger (Gorayeb) at ni coach Sammy (Acaylar) about this things. The list that we have is based on what we see and what's on record," ayon kay Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. (LVPI) president Joey Romasanta na siyang nagbigay ng nasabing listahan sa mga kagawad ng media na nagkober sa opening ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Confernce 2015 sa MOA Arena noong Sabado ng hapon. "Of course kasama na rin 'yung age limitation na kailangan ay 22 sila." Bukod sa tatlong nabanggit na manlalaro, makakasama rin sa 14-man pool ang mga kakampi ni Valdez na sina Bea de Leon at Jia Morado ng UAAP back-to-back champion na Ateneo de Manila University (ADMU). Ayon kay Romasanta, mismong ang Ateneo pa ang nag-alok na gawing practice venue ng binuong koponan ang kanilang Blue Eagle gym sa Katipunan. Kabilang din sa listahan ang UAAP Season 77 Rookie of the Year na si EJ Laure at kakampi nito na si Ria Meneses ng University of Sto. Tomas (UST), ang magkapatid na Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago kasama ang kakamping si Myla Pablo ng National University (NU), Alyssa Eroa ng San Sebastian College (SSC), Cristine Joy Rosario ng Arellano University (AU), Tin Agno ng Far Eastern University (FEU) at Kim Fajardo ng De La Salle University (DLSU). Napiling head coach sa koponan si Roger Gorayeb ng NU at SSC habang assistant coach naman si Sammy Acaylar ng University of Perpetual Help. Makatutulong naman nila, bilang bahagi na rin ng pagsuporta ng Ateneo sa national team, ang head coach nila na si Anusorn Bundit ng Thailand na tatayong trainer at consultant. Ang Team Pilipinas ay napabilang sa Group A sa ginanap na draw para sa Asian Women's under-23 Championships kung saan ay nakasama nila sa grupo ang Kazakhstan at Iran. Ibinalita rin ni Romasanta na pinaplano ng LVPI, sa tulong ni PSL President Ramon "Tatz" Suzara na siya ring head ng Asian Volleyball Confederation (AVC) marketing and development, na ipadala ang koponan sa Japan para makapagsanay sa loob ng dalawang linggo bago sumabak sa kompetisyon. "But this is just for starters kasi we need to start somewhere and hopefully when things settle down then we can probably have a better view of how things should be and how we are," ayon pa kay Romasanta. Kaugnay nito, nanawagan din si Romasanta sa publiko na iwasan na ang mga negatibong komento tungkol sa nabuong koponan. "Nakikiusap kami na sana, kung puwede, ay i-encourage na natin itong mga manlalarong nakalagay sa listahan and hopefully with the encouragement they will perform better. Hindi na natin kailangan 'yung psychological baggage na dapat si ganito, dapat si ganoon. There will always be comments like that but let's be kinder whatever team we'll be able to come up with," dagdag pa ni Romasanta. Ayon pa kay Romasanta, karamihan sa mga manlalarong ito ang posibleng bumuo na rin ng core ng koponang isasabak sa 28th Southeast Asian Games sa Hunyo sa Singapore. Ngunit plano nilang dagdagan ang mga ito ng mas senior at mas beteranong mga manlalaro na gaya nina dating UST standouts Aiza Maizo Pontillas, Rhea Katrina Dimaculangan, Jovelyn Gonzaga at Rachel Daquis. Samantala, sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Acaylar na nagkataong head coach din ng Cignal HD Spikers sa PSL, na hindi pa naman pinal ang nasabing listahan kung kaya may posibilidad pa itong madagdagan bago sila magsimulang mag-ensayo sa Abril 6. +Ayon kay Atty. Virgie Suarez, abogado ng pamilya Laude, noong Pebrero 2 itinakda ni Judge Rolie Ginez-Jabalde ang pagbasa ng sakdal laban kay Pemberton ngayong Lunes kung kailan isasagawa rin ang pretrial, preconference at presentasyon ng mga ebidensiya sa Olongapo Regional Trial Court (RTC) Branch 74. Lumabas ang desisyon matapos maghain ang kampo ni Laude ng omnibus motion na humihiling kay Jabalde na iurong ang suspensiyon ng paglilitis at simulan na agad ang pagbasa ng sakdal laban kay Pemberton. Inihain ang mosyon dalawang araw matapos katigan ng Department of Justice (DoJ) ang desisyon ng Olongapo City Prosecutors' Office na kasuhan ng murder si Pemberton. "This (February 23) will certainly be a whole day affair," pahayag ni Suarez. +"Uulitin ko po: Hindi naming sisirain ang isang heritage structure sa Sariaya. Iiwasan naming mangyari 'yan," sinabi nitong Lunes ni DPWH Secretary Rogelio Singson. Ito ang tiniyak ng kalihim sa harap ng dumaraming reklamo mula sa mga concerned group na babaklasin ng DPWH ang isang bahagi ng Governor Natalio Enriquez Mansion, partikular ang bakod nito, para bigyang-daan ang isang proyekto ng kagawaran. Nababahala ang Sariaya Heritage Council sa umano'y planong pagsira sa tinatawag na "bahay na bato" dahil sa kahalagahan nito sa kasaysayan, sining at kultura. Itinayo noong 1931 at idinisenyo ni Andres Luna De San Pedro, idineklara ng National Historial Institute na heritage house ang mansiyon noong 2008. Ayon kay Danny Galera De Luna, pangulo ng Sariaya Heritage Council, dahil sa road-widening project ng DPWH ay kakailanganing gibain ang bakod ng mansiyon, na "obstructs the two-meter area that needs to be paved." Sinasabing maaapektuhan ng proyekto ang may isang kilometro ng Daang Maharlika na tumatagos sa Barangay Poblacion na kinatitirikan din ng Saint Francis of Assisi Parish Church, na itinayo noong 1599. +Sa deliberasyon ng mga mahistrado kahapon, ibinasura nito ang motion for reconsideration na inihain ni Estrada. Walang naipakitang sapat na argumento ang kampo ng senador para katigan ang hinihingi niyang pagbaligtad sa naunang desisyon ng hukuman. Sa kanyang petisyon, iginiit ni Estrada na napagkaitan siya ng due process dahil sa pagtanggi ng Ombudsman. Pero ayon sa Korte Suprema sa kanilang desisyon noong Enero 21, 2015, walang naging grave abuse of discretion sa panig ng Ombudsman dahil wala namang batas na nagsasabing obligado ang Ombudsman na magbigay sa isang respondent o inirereklamo ng kopya ng counter affidavit ng iba pang respondent sa kaso. +Kuwento ni Barbie, nanibago siya sa character niya, pero happy rin siya dahil marami siyang bagong experience. Nagkaroon siya ng chance na i-explore pa ang kanyang acting skills. "Naging challenge sa akin ng konti na kinailangan kong matuto ng konting Korean. Siyempre kasi dapat, tama 'yung pronunciation," sabi ng 2014 Cinemalaya Best Supporting Actress. Inihayag din niya na marami siyang natutuhan maging sa character niya sa pelikula. "May dahilan kung bakit nagiging bully ang ibang tao. That's how they get attention, kasi deep inside they feel alone kaya nila nagagawa 'yun. Marami pa silang matutuklasang realidad sa aming pelikula about school and teen-age life." +Base sa advisory ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, kapag ang empleyado ay pumasok sa Enero 15, 16 at 19 na idineklarang mga special non-working holiday ay bibigyan siya ng 30 porsiyentong dagdag sa arawang sahod sa unang walong oras at karagdagang 30 porsyento kada sumobrang oras o overtime. Kung ang empleyado ay pumasok sa araw ng kanyang day-off, babayaran siya ng 50 porsiyento sa arawan niyang sahod sa unang walong oras at karagdagang 30 porsiyento paglagpas ng walong oras. Kaugnay nito, inabisuhan naman ng Department of Education (DepEd) na suspendido ang klase sa Metro Manila sa Enero 15, 16, 17 at 19. +Kinilala ni Tantanga Police Station chief Rick Medel ang suspek na si Romeo Buhat, na itunuturong humataw ng air gun rifle ang kanyang 70-anyos na ama sa kainitan ng pagtatalo sa kanilang bahay sa Barangay Dumadalig. +We delayed its implementation one last time until after the Christmas season. While 2015 will see increased fares, it will also see marked improvements in our LRT and MRT services," pahayag ni DoTC Secretary Emilio Abaya. Binanggit ng kalihim na P11 ang base fare at piso ang dagdag sa kada kilometro sa MRT 3 at LRT 1 at 2. Sinabi ni Abaya na huling nagtaas ng pasahe sa mass transport noong 2003 at pinagsikapan ng gobyerno na balikatin ang gastusin sa operational cost, lalo ang subsidiya na P12 bilyon kada taon, at inflation sa nakalipas na mga taon. Umaasa si Abaya na bubuti ang serbisyo ng mass transport dahil gagamitin ang malilikom na halaga sa fare hike para pagandahin ang pasilidad at gamit dito. Kumilos naman agad ang Train Riders Network (TREN) at inihanda ang petisyon para kuwestiyunin sa Supreme Court ang naturang fare hike. "The reason why fare hikes have been overwhelmingly opposed and always delayed is simple: They are unjustified," pahayag ni James Relativo, tagapagsalita ng TREN. +"Six months after eating his way out of a junior flyweight title reign, John Riel Casimero eyes a crown in a second weight class. The free-swinging Filipino scored two knockdowns en route to a 2nd round knockout of Armando Santos in their flyweight eliminator Saturday evening in Nuevo Leon, Mexico," ayon sa ulat ni boxing writer Jake Donovan ng BoxingScene.com. +Naglabas na ng HDO ang Sandiganbayan Third Division laban kay Dangwa at 32 kapwa akusado, kabilang ang kanyang anak na si Erwin at tinaguriang "utak" ng pork barrel fund scam na si Janet Lim Napoles. Samantala, sinabi ni Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma na kapwa naghain ng P520,000 piyansa sina dating Congressman Dangwa at anak niyang si Erwin, na nagpiyansa naman ng P420,000, bagamat wala pang inilalabas na mandamiyento de aresto laban sa dalawa. Si Erwin ay nahaharap sa kasong six counts of graft at six counts of malversation habang ang nakatatandang Dangwa ay kinasuhan ng six counts of graft, six counts of malversation at five counts of bribery. +"I didn't really get to spend much time with him growing up and I want to be able to maximize our time together. Kapag nakita mo siya with someone, you're going to feel jealous pero normal naman po 'yun as a son," sey ng sikat na ring anak ni Papa P. Pero nilinaw ni Inigo na hindi naman siya hahadlang kung muling magkaroon ng karelasyon ang kanyang ama. Kaya anytime na gustuhin na ni Piolo na magka-girlfriend ay wala itong maririnig sa kanya. Pero pahabol agad niya, sana raw ay hindi naman kasing edad niya ang maging kasintahan ng ama niya. "I'm seventeen and if he gets a girlfriend who is twenty, I'm not going to feel comfortable. I woudn't want a stepmom to be twenty," medyo napatawa pang banggit ni Inigo. Si KC Concepcion ang huling naging karelasyon ng kanyang ama. Paano kung magkabalikan ang dalawa, tututol kaya si Inigo? +Sa halip na humingi ng tawad, nagpakumbaba si PNoy sa paggiit ng pag-unawa mula sa sambayanan hinggil sa nangyaring palpak na operasyon na ikinamatay ng 44 police commando. Sa kanyang talumpati sa graduation ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa bayan na ito, sinabi ng Pangulo na ito na ang huling pagkakataon na siya ay magsasalita hinggil sa Mamasapano incident bukod sa mga okasyon na siya ay ipapatawag ng iba't ibang lupon na nag-iimbestiga sa kaso upang magbigay-linaw sa isyu. "I am aware of this: that no words will suffice to explain the deaths of our brave policemen. A report or a speech can never reflect the entirety of what is felt by a parent who lost a good child. All I can do, after saying all that must be said, and after doing all that must be done, is to ask for your deep understanding," pahayag ni Aquino. "Regardless of my anger for the disregard for the orders I gave, regardless of my regret for trusting people who concealed the truth from me, I can never erase the fact: 44 members of our police force are dead. And this happened under my term. Let me stress it: I will bear this basic truth with me to my grave," dagdag ni Aquino. Tinalakay din ng Pangulo ang resulta ng imbestigasyon ng Board of Inquiry ng Philippine National Police at Senado hinggil sa brutal na pagpatay sa 44 tauhan ng PNP Special Action Force na kanyang itinuring na kapwa sumusuporta sa kanyang posisyon sa simula pa tulad ng kakulangan sa koordinasyon ng militar at pulisya. +Sa ilalim ng wage rules, maaari lang itaas ng RTWPB ang minimum wage rate sa hurisdiksiyon nito isang taon matapos ipatupad ang huling wage hike na dinesisyunan nito. Sa Metro Manila, ang huling wage adjustment ay ipinatupad noong Oktubre 4, 2013, na nagpatupad ng P10 dagdag sahod sa NCR at integrated FernandezP30 cost-of-living allowance. Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na tanging ang mga RTWPB sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, Davao, Socsargen at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang nakapag-apruba ng bagong wage hike para sa 2014. "Ang ibang Regional Tripartite Wage and Productivity Board ay nasa iba't ibang antas na ng pagsusuri ng mga socio-economic condition at nagsasagawa ng konsultasyon sa iba't ibang sektor na magiging basehan ng kanilang desisyon upang i-adjust ang minimum wage," paliwanag ni Baldoz. +Ang pagkakaloob ng parangal kay Paterno ang nilalaman ng House Resolution No. 1685 na inihain ni Rep. Eric L. Olivarez (1st District, Paranaque City). "the Award recognized Hon. Paterno's exemplary personal life and professional career, marked by outstanding achievements in public service and his distinguished career as a socially-responsible entrepreneur," ayon kay Olivarez. +Ang Bagong Taon ay isang maginhawang pagsisimula, isang pag-aasam, na may mga paghahangad para sa mabuting taon. Karaniwang sinasalubong ang Bagong Taon sa kasiyahan, street dancing, at mga party sa Bisperas ng Bagong Taon. Lumilikha ng ingay at sinisindihan ang mga kuwitis at paputok, upang palayasin ang luma at salubungin ang bagong taon sa pamamagitan ng pagkakapit-bisig at pag-awit ng "Auld Lang Syne". Sinasalubong ng mga Pilipino ang Bagong Taon ng may mga paputok, paghahampas ng mga kaserola, pagbubusina ng mga sasakyan, at pag-aalog ng mga barya, na pinaniniwalaang nagtataboy ng masasamang espiritu at pumipigil sa pagpasok ng kamalasan sa Bagong Taon. May piging sa mga hapagkainan bilang Media Noche, noodles para sa mahabang buhay, at 12 bilugang prutas para sa mabuting kalusugan at magandang kapalaran para sa susunod na 12 buwan. Ang tradisyonal na simbolo ng New Year's Day ay isang sanggol na lalaki (tinatawag na Baby Boy New Year) na may sash kung saan nakasulat ang bagong taon. Sa pagtatapos ng taon siya ay isa nang matanda (tinatawag na Father Time o Old Year) na may sash kung saan nakasulat ang nagdaang taon na ipinapasa ang kanyang tungkulin sa susunod na sanggol ng Bagong Taon. +Ayon sa tagapagsalita ng pamilya Revilla na si Atty. Raymond Fortun, delikadong manatili si Jolo sa ICU sapagkat mahina ang pangangatawan nito na maaaring makuha ang iba't ibang mikrobyo sa pasilidad. Paliwanag ng abogado, nakuha ni Jolo ang kumplikasyon sa pneumonia sa ibang bahagi ng kaliwang baga at nagkaroon pa ng hangin sa bandang itaas nito. Patuloy naman itong minomonitor ang kalagayan ni Jolo ng mga doktor, partikular ang acute abdominal distension o paglaki ng tiyan ng bise gobernador. Aniya, Martes ng gabi sumailalim sa ikatlong CT scan ang vice governor at iniulat na bumubuti na ang kondisyon nito batay sa resulta ng mga medical test. Noong Sabado, dinala sa ICU si Jolo matapos aksidente umanong mabaril ang kanang dibdib habang nililinis ang kanyang .40 caliber Glock pistol sa kanilang bahay sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City. +Nakatutok sa kanyang back-to-back gold medal showing noong 2013 World Wushu Championships, siniguro ni Aligaga ang kanyang kaparehong kampanya sa World Cup nang pataubin si India's Chandra Singh Mayanglamban sa dalawang rounds. +Isa ring learning experience kay Richard ang pagtatrabaho niya sa pang-MMFF na The Amazing Praybeyt Benjamin. "Marami rin akong natutunan kina Direk Wenn (Deramas) at Vice (Ganda) at sa kanilang lahat din naman. Si Alex Gonzaga marami rin akong nakuha sa kanya na p'wede ko ring magamit. Sa totoo lang, ang galing nilang lahat magbitaw ng mga linya kahit 'yung wala sa script, off the top of their heads they can just come up with something funny," seryoso pa ring kuwento ni Richard. Pressure nga raw siya dahil medyo tahimik lang siya sa tabi at wala siyang masasabi sa niyang naging contribution niya sa movie. "I'm just trying to learn from them and see how to be a better comedian also. Maybe next time, I can contribute to the movie," banggit pa niya. +Matapos ipagdasal ang Pangulong Aquino ng mga pastor, masigla ang kanyang talumpati at pagsagot sa kanilang mga tanong. Ngunit sa halip na magpaliwanag at akuin bilang commanmder-in-chief ang pananagutan sa Mamasapano masaker sa 44 na SAF commando, ginawa niyang scapegoat o sangkalan ang sinibak na direktor ng SAF na si General Getulio Napenas Nabola at niloko siya ni Napenas sa operation sa dalawang terorista. Hindi sinunod ang utos ni PNoy na magkaroon ng koordinasyon sa AFP Sinabi pang tatanga-tanga si Napenas. Binatikos din ni PNoy ang kanyang mga kritiko; tinawag na mga KSP o kulang sa pansin ngunit wala naman maibigay na mabuting payo. +Ayon kay Regencia, bukas siya sa anumang imbestigasyon upang mabigyang linaw ang nangyari kay Belmonte. Binanggit ni Belmonte na dahil sa plano niyang pagtakbo bilang alkalde sa lungsod ng Iligan sa 2016 ay pinag-interesan ang kanyang buhay. Galing sa Laguindingan Airport ang convoy ni Belmonte nang tambangan ito ng grupo ng armadong kalalakihan na nagresulta sa pagkasawi ng apat katao at ikinasugat ng tatlong iba pa. Kabilang sa mga nasawi sina PO3 Mark Andres, Eustaquio "Yoyong" Silawan at Ian Dumaguing. +Pauwi na sana ang biktima na si Wilfredo Esma, 37, ng Barangay Dalandanan, nang salpukin ng isang Fuso truck, na minamaneho ni Joseph Legaspi, 26, ang kanyang sinasakyang Honda motorcycle na may plakang 632-XY dakong 2:45 ng madaling araw sa MacArthur Highway sa Barangay Malanday. +"Naku, because of them, talagang aalis kami dapat," sabi ni Kris sa presscon ng Feng Shui 2. "So, na-move lahat, sa December 31 na lang kami aalis ng mga kids. I promised the kids kasi a white mountainside holiday. "Kasi, they never saw snow na totoong snow. Pupunta kami ng Japan. Aalis kami ng December 31. 'Tapos, ninang kasi ako ulit ng January 6, non-showbiz friend naman." Sa dami ng trabaho, may re-shoot pa sila sa Feng Shui 2, hindi sila nakadalo ni Boy Abunda sa kasal nina JC Intal at Bianca Gonzales, sa Lagen, Palawan kaya ang regalo niya ay personal na lang niyang inabot sa mga bagong kasal. "Tickets are all ready, pero parang kinabahan siya (Boy). 'Yung parang may agam-agam ba ang tawag du'n? May feeling daw siya na parang ayaw niyang tumuloy. So, okay, if you're feeling that way, let's not. "Actually, after that, meron pa akong isang wedding, partner ko sa Chow King, December 20. Yes, hindi na ako Queen of All Media, Ninang of All Media na!" natawang sabi ng TV host/actress. Samantala, inamin naman ni Kris na nag-re-shoot at nagdagdag talaga sila ng mga eksena sa Feng Shui base sa idea ni Coco Martin na inaprubahan naman ng direktor na si Chito Rono at ng Star Cinema. +Iginawad ng USAID sa DOH ang titulo ng "TB Champion," na ibinibigay nito sa mga indibidwal, mga organisasyon o institusyon, na naging daan sa pagkamit ng pandaigdigang target upang mapababa ang kaso ng TB sa buong mundo. "The USAID recognizes the Department of Health as a champion in the global fights against TB for its exemplary commitment and leadership in the fight against TB in the Philippines," saad ng USAID sa ibinigay nitong citation. Binanggit nito ang nabawasang mga insidente at pagkamatay sanhi ng TB sa bansa, na ngayon ay bumaba na ng mahigit 50 porsiyento mula 1990. +Sinabi ni P/Insp Michael Santos, hepe ng Maasim Municipal Police Station, na hinihintay pa nila ang inisyal na resulta ng report ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Sarangani kung anong uri ng eksplosibo ang sumabog sa ilalim ng Siguel Bridge. Sa paunang pagsisiyasat nakakolekta ng mga tela sa lugar na amoy pulbura, subalit walang nakitang crater at splinter sa pinangyarihan ng pagsabog. Walang iniulat na tinamaan sa pagsabog dahil malayo ito sa kabahayan. Patuloy na nadadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang tulay. +Ayon kay Senator Cynthia Villar, suportado rin ng National Economic Development Authority (NEDA) ang R&D upang mapataas ang productivity rate at magkaroon ng mas malaking oportunidad sa trabaho ang mas maraming Pinoy. +Nakatarak pa rin ang patalim sa katawan ng biktima na si Michael Espartero Ogatez, 39, nang matagpuan ang labi nito sa driver's seat ng Toyota Vios (UWK-149) ng JERM Transport Service sa gitna ng kalsada. +Sa panayam kay Abu Misry Mama, tagapagsalita ng BIFF, sa isang lugar sa Maguindanao, tiniyak niya ang paninindigan ng kanilang grupo sa "Separate Islamic State in Mindanao" na tanging opsiyon para mapayapa ang rehiyon. +Ito ay sa kabila ng pagtanggi ng Papa na magsuot ng bullet-proof vest at sumakay sa bullet-proof na pope mobile. Sa kabilang dako, naniniwala si Cruz na sinadya ng gobyerno na dalhin sa isang magandang resort sa Batangas ang may 100 pamilyang mahihirap sa Maynila upang "itago" ang mga ito kay Pope Francis. +Thesis project lang ang "Ang Ospital", na hinalaw sa isang totoong mental hospital sa Baguio City, ang Bridgerough National Institute for Mental Health noong 1920. Isinara ang pagamutan noong 1979 matapos mapabalita ang umano'y pananakit at pagpapabaya ng mga tauhan ng ospital sa mga pasyente nito. Sa "Ang Ospital", na tinatawag na survival horror game, hindi puwedeng saktan o patayin ng player ang kanyang mga kalaban, kailangan lang niyang makaiwas sa mga ito, magtago o tumakbo, at mahalagang manatili siyang buhay habang naglilibot sa buong ospital. Maraming makakaharap na kalaban, o "boss" kung tawagin, na may kani-kanyang back story. Pero hindi na bago ang ganitong klase ng video game. Sa katunayan, naikukumpara ang "Ang Ospital" sa "Outlast", kung saan kinakailangang maka-survive ng isang journalist habang iniikot ang isang abandonadong ospital. Kahit hindi na bago ang ganitong klase ng laro, wala tayong dahilan para hindi ito subukan, lalo na't gawang Pinoy ito, batay sa isang pasilidad sa ating bansa, at likha ng mga estudyante na tiyak na naipasa ang kanilang thesis. Tinatalakay din ng video game ang kasaysayan ng orihinal na ospital, at iba pang paksang kaugnay nito, tulad ng mental health at illness, child abuse, medical malpractice, at iba pa. Ang "Ang Ospital", na nasa ilalim ng Underdog Games, ay inilabas pa lang para sa isang beta test, pero hindi pa available sa publiko. Bagamat nasa stage pa rin ito ng pag-aaral, inaabangan na ang tuluyang pagre-release ng "Ang Ospital" ngayong 2019. +Ito'y sa kabila nang marami na rin namang tao ang dumalo sa mga anticipated mass na isinagawa noong Lunes ng gabi. Naging masaya ang misa kahit hindi na halos makapasok sa simbahan ang mga nagsisimba dahil sa dami ng parokyano. +Dahil dito, naniniwala si Felloni na makaka-relate ang Santo Papa sa mga Pinoy, lalo na ang mga nasalantan ng super typhoon "Yolanda" sa Eastern Visayas noong Nobyembre 2013. "May mga traits na. I think he will identify very much with Filipinos," ayon sa parish priest ng Our Lady of Lourdes sa Camarin, Caloocan City. Ang mahabang panahon na kanyang pananatili sa Pilipinas ang naghasa kay Fr. Felloni sa pagbigkas hindi lamang ng Tagalog ngunit maging Ilokano. "Yung isa is, anak ng immigrants siya. Maraming mga Filipino na OFW. Tatay niya ay naging OFW in Argentina," paliwanag ni Felloni. Aminado rin ang Argentinian na pari na maging ang kanyang lolo't lola ay mga migrant worker din. "Yung mga ninuno namin na mga Argentinian ang karamihan ay mgaOFW na dala ng kahirapan ay tumakas ng sariling bansa para maghanap ng kapalaran." +May magagawa pa ba si Jacob upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng kanilang pamilya? Tuluyan na nga bang matutuldukan ang relasyon nina Anna at Christian o maibabalik pa ba nila ang tamis ng kanilang pag-iibigan? Sa huli, maisasantabi ba nina Anna at Christian ang kanilang mga hindi pagkakaintindihan para sa kanilang kaisa-isang anak? Ang Give Love on Christmas ay binuo ng tatlong kuwento na umikot sa pamilya, relasyon, at pag-ibig. Nauna nang napanood ang The Gift Giver nina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Dimples Romana, Carlo Aquino, at Louise Abuel, at ang The Gift of Life nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Ito ay pamaskong handog ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang. +Ibinahagi ni Alden kung gaano kasaya at ka-challenging na makatrabaho ang superstar. "Siya 'yung epitome ng perfect acting, eh. Natural na natural. Alam mo na 'yung mga words na ginagamit niya ay galing sa puso talaga. Sobrang nag-enjoy talaga ako na nakatrabaho ko siya at mas lalong nadagdagan ang self-confidence ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makatrabaho ang nag-iisang superstar." Proud siya na kinatawan niya ang bansa sa nasabing international film festival. "It's such a blessing to experience attending this film festival. I was able to meet the stars and directors from different countries at paniguradong isa ito sa highlights ng aking career bilang isang aktor. The experience inspires me to do more and be the best that I can be." Samantala, napansin naman ng isang Vietnamese entertainment website na www.ngoisao.net si Alden at tinawag pa nila itong "Dien vien noi tieng cua" o sa Ingles ay Philippines' Famous Actor. +May kartadang perpektong 36 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts, magaan na karibal para kay Menayothin si Galero na wala ring talo sa rekord na 11 panalo, 5 sa knockouts subalit wala pang karanasang lumaban sa ibayong dagat. +Ngunit gaya ng inaasahan, pinadaan muna ng Lady Bombers ang Lady Stags sa butas ng karayom bago nakamit ang tagumpay. Bagamat nagtala ng game-high na 32 hits, hindi pa rin nakuntento si coach Roger Gorayeb sa naging laro ng kanyang team skipper na si Gretchel Soltones. +Sa ika-9 na taon ng film festival, katuwang ipinagpapatuloy ng GMA ang tradisyong pagbukludin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng mga kuwentong nakatuon sa tunay na diwa ng Pasko. Tampok sa mga kuwento ng inspirasyon at pag-asa ang ilan sa Kapuso stars tulad nina Benjamin Alves, Bettinna Carlos, Kevin Santos, Joshen Bernardo at Miguel Tanfelix. Bahagi rin ng kuwento ang pampasaherong jeepney at ang mga relasyong nakapalibot dito na sumisimbulo ng kulturang Pinoy. +Nakasaad sa kanyang House Bill 5566 ang pagbabawal sa mga aktibidad sa pagmimina gaya ng "exploration feasibility, development utilization and processing, and large-scale quarry operations involving cement raw materials, marble, granite, sand, and gravel construction aggregates" upang maprotektahan ang probinsiya na aniya hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin sa masamang epekto ng Marcopper mining catastrophe noong 1996. Sinabi ni Reyes na winasak ng Marcopper mining disaster ang buong lalawigan sanhi ng pagtagas ng may 23 milyong tonelada ng mine and toxic wastes sa 26 kilometrong Boac River. Ang pagtagas ng may lasong tubig ay nagresulta sa flashflood na nakaapekto sa may 4,400 residente mula sa limang barangay malapit sa ilog. "The Marcopper tragedy is known to be one of the largest and worst mining catastrophes in the world. This tragedy resulted in the destruction of homes, displacement of families residing near the rivers, and contamination of agricultural lands and livestock," ayon kay Reyes. +Ito ang napag-alaman mula sa athletics consultant ng Philippine Sports Commission (PSC) na si Andrew Pierre matapos na apat sa inaasahang mga mahuhusay na atleta na naging multi-medalist sa nakalipas na Palarong Pambansa ang umatras sa paglahok sa torneo. +Sinabi ni MARINA administrator Dr. Maximo Mejia na ang grupo ay binubuo nina Atty. Hershel F. Magracia, officer-in-charge ng MARINA law enforcement service, at Samuel L. Batalla, hepe ng standards of training, certification, and watchkeeping (STCW) service ng ahensiya. Inatasan silang kumpletuhin ang kanilang imbestigasyon at agad na magulat. Umalis ang dalawang opisyal patungong Vietnam noong Enero 8, ani Mejia. Kinumpirma ni Magsaysay Maritime Corp. (MMC) president Marlon R. Rono na namatay sa aksidente sa karagatan sina Capt. Ronel Aquiza Andrin, master ng M/V Bulk Jupiter; at ang kanyang third officer (third mate) na si Jerome Maquilang Dinoy, habang nag-iisang nakaligtas si Angelito Capindo Rojas, ang chief cook. Nagbalik na sa bansa si Rojas habang patuloy ang search and rescue (SAR) operations ng Vietnamese, Japanese at Singaporean navy at coastguard para sa 16 na nawawalang crew. +Karamihan sa mga benepisyaryo ng Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay ay mga babae na nagtrabahong household service worker (HSW) o kasambahay, at caregiver habang ang iba ay mga lalaking skilled worker mula sa mga bansang nakararanas ng kaguluhan at tensiyong pulitikal, gaya ng Libya at Syria. Ang nasabing starter kit ay ginamit sa pangkabuhayan tulad ng buy-and-sell, karinderya, food processing, salon, spa, cell phone repair, computer repair, electrical repair, bakery, dress-making, tailoring at paggawa ng kandila. +Kinumpirma ni Stevie Wonder, 64, masayang ama sa kanyang walong anak sa mga nakaraang karelasyon, na inaasahan niya ang pagdating ni Nia nang siya ay lumabas sa The View noong nakaraang buwan. +Magsisimula ang SOM1 sa serye ng mahigit 30 working group at committee-level meetings na magko-cover sa iba't ibang topiko: Trade and Investment, Economic and Technical Cooperation, Anti-Corruption, Counter Terrorism, Competition Policy, Ocean and Fisheries, Customs, E-Commerce, Life Sciences, Health, Illegal Logging, and Services. Tatalakayin din sa iba't ibang pagpulong kung paano maisusulong ng bawat APEC working group ang mga prayoridad at tema ng APEC 2015 na "Building Inclusive Economies, Building a Better World." Ang serye ng working group and committee-level meetings (mula Enero 26 hanggang Pebrero 5) ay magtatapos sa Senior Officials' Meeting na gaganapin sa Pebrero 6 hanggang 7, 2015 sa Fontana Leisure Park, Clark Freeport Zone, Pampanga. Bilang host, idadaos din sa Pilipinas ang Public-Private Dialogue (PPD) sa Information Technology and Business Process Management (IT-BPM), Creative Industries, at Research and Development Services sa Pebrero 3, 2015. Ang PPD on Services ay ang una sa "Dialogue Series," na naglalayong gabayan ang APEC Senior Officials and the APEC Business Advisory Council (ABAC) sa pagsusulong sa trade in services sa Asia-Pacific region. Ang APEC Leaders' Summit ay gaganapin sa Nobyembre ng taong ito. +Pinangunahan ni Konrad Krajewski, ang arsobispong namamahala sa charity work ng papa, ang operasyon ng isang minibus na puno ng 400 sleeping bags na may papal ensign na umikot sa buong kabisera ng Italy noong Miyerkules ng gabi at naghahanap ng mga taong mapagbigyan nito. +Lumitaw sa imbestigasyon na dakong 9:45 ng gabi noong Lunes nang mag-check in si Manalo kasama ang nobya niyang si Vismelyn Jardinel, residente ng Imus, Cavite, sa Relax Apartelle sa Barangay Socorro, Cubao. Matapos ang ilang sandali, narinig ng security guard na si Vicente Bea ang pagsigaw ng babae sa loob ng motel room. Nang puntahan ni Bea ang silid ay hindi ito binubuksan ng dalawa kaya humingi siya ng tulong sa pulisya. +Hindi naipagtanggol ni Ranola ang kanyang gintong medalya sa 2011 Palembang SEA Games matapos na matanggap ang ulat na sumakabilang-buhay na ang kanyang ama ilang araw bago ang pagsisimula ng kanyang torneo sa Nay Pyi Taw, Myanmar. Dahil sa pighati, nabigong magwagi si Ranola sa paboritong 9-Ball event kung saan ay tanging tansong medalya lamang ang nakubra nito sa Women's 10-Ball single. Gayunman, muling makakasama nito ang matalik na kaibigan na si Rubilen Amit at ang papa-angat na batang cue artist na si Cheska Centeno na inaasahang dodominahin ang mga event sa Singapore SEAG. "Hindi po namin maipapangako pero maganda po ang tsansa namin ngayon na makapag-uwi ng maraming medalya dahil medyo malakas po ngayon ang team," pagmamalaki ni Amit, na target maipagpatuloy ang kanyang medal-winning streak sa kada dalawang taong SEA Games. Si Amit ay 2-time world 10-Ball at No. 8 sa World Pool-Billiard Association. Mula pa noong 2005 Philppines SEA Games, hindi pa nabobokya si Amit, ang Pinay cue artists na humablot ng world title. Napasakamay din nito ang limang gintong medalya, dalawang pilak at dalawang tanso. Ang tanging hindi nakakubra ng gintong medalya si Amit ay noong 2011 Indonesia SEA Games matapos na mabigo kay Ranola sa 9-Ball singles finals. Nagwagi ang 15-anyos na si Centeno sa Asian juniors at nagbulsa ng bronze medal sa 2014 World Junior Championship. +Bagamat kaya ng probinsiya na maging host ng taunang multisport event para sa student-athletes anumang oras, sinabi ni Del Rosario na sisiguraduhin ng Davao del Norte na aayusin lahat hanggang sa pinakamaliit na detalye upang maging sukatan ang probinsiya para sa mga magiging host ng kumpetisyon ng Department of Education. Nakuha ng Davao del Norte ang 16 sa 18 boto mula sa selection committee para sa 2015. Tinalo nito ang Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Surigao del Norte, at South Cotabato. Idaraos ang 2015 Palaro, nakatakda sa Mayo 3 hanggang 9, sa Davao del Norte Sports Complex sa kabisera ng Tagum City. Sinabi ni Del Rosario na prayoridad ang upgrading ng water pipes sa soports complex at satellite competition venues maging sa billeting centers para sa event na inaasahang dadaluhan ng 10,000 atleta, mga opisyal at fans mula sa 17 rehiyon ng bansa para sa may kabuuang 15,000. Ang naturang complex ay mayroong eight-track oval, isang Olympic-size pool na may kanugnog na warm up pool na may kapasidad na 500-person grandstand, isang multi-purpose gymnasium, dalawang tennis courts, at clubhouse. Ang seguridad ang nangunguna sa listahan at magpapadala ang Davao del Norte Provincial Police office ng may isang libong personnel mula sa pulisya, Army, at iba pang force multipliers dalawang linggo bago ang pagbubukas at tatlong araw matapos ng Palaro. Sila ay itatalaga sa billeting areas, mga venue, matataong lugar, at iba't ibang entry points sa lungsod. Magkakaroon din ng VIP express lane mula sa Davao airport sa Tagum City upang makaiwas ang mga partisipante ng Palaro sa mabigat na trapiko. +Ayon kay Tito Aguirre, tagapagsalita ni Abu, inamyendahan sa committee hearing sa Senado ang naunang resolusyon at isinama ang Lipa City na nasa ikaapat na distrito. Sinuportahan ni Lipa City Mayor Meynardo A. Sabili at department heads ang resolusyon gayundin ang pamunuan ng Sangguniang Panlalawigan ( SP) na pinangunahan ni Vice Governor Mark Leviste at board members. Pasado rin sa NSO ang populasyon ng mga lungsod para maging distrito. Kapag naaprubahan sa plenaryo ng Senado, uusad ito sa Malacanang at magiging distrito na ang dalawang lungsod sa oras na nilagdaan ito ng Pangulo. +Unang tumapos si Acuna sa ikalimang puwesto sa likod ng karibal mula sa Myanmar, dalawang Vietnamese at isang Thai shooter bago nito nagawang makipaglaban para sa unang tatlong puwesto. Nakatakda pang sumagupa ang 3rd year high school student mula sa St. Paul College sa Pasig sa isa pang event na 50m air rifle three positions kung saan huli nitong nagawang makapag-uwi ng tansong medalya sa isinagawa noong 2013 edisyon ng torneo sa Malaysaia. Ang torneo ay parte ng paghahanda ni Acuna para naman sa mas matatas na kompetisyon na kinabibilangan ng isang qualifying tournament para sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil. Si Acuna, na national record holder sa ilang events kabilang ang 50m air rifle prone, ay regular na lumalahok sa SEASA at ISFF World Cup. +"I've been in this kind of situation many times in my previous fights. It doesn't scare me. I love being the underdog," ani Pacquiao, sa gitna ng mga ulat na ibinigay ng oddsmakers sa Las Vegas, ang pagdarausan ng kanilang laban sa Mayo 2, ang bentahe sa kanyang kalaban. "It even motivates me to train hard and go for the crown," ayon pa sa 36-anyos na boxer. Mukhang relaxed ang boxing champ at pupunta pa ito sa isa pa niyang trabaho, ang pagiging playing-coach ng Kia Carnival. "I will play on Wednesday," lahad ni Pacquiao sa ABS-CBN television. Ilang taon nang naghihintay ang boxing fans para sa laban sa pagitan ng dalawang boksingero, ang mga kinukonsiderang pinakamagaling na "pound-for-pound" na mga boksingero sa kanilang henerasyon. Makaraan ang ilang taong pagbabangayan at negosasyon, inanunsiyo nila noong Sabado na maghaharap sila sa isang laban na magpapaisa sa world welterweight crowns. Nag-umpisa na si Pacquiao sa kanyang light training para sa laban ilang linggo na ang nakararaan at nakitang tumatakbo na ng ilang laps at sumusuntok sa bag bilang paghahanda kay Mayweather. Kasunod ng mga ulat mula sa kampo ni Mayweather na pinupuna umano ang kanyang istilo sa paglaban, sinabi ni Pacquiao na malalaman ng American ang pagkakaiba ng panonood sa kanya sa screen at pagharap sa kanya sa ring. Ang 38-anyos na si Mayweather ay hindi pa natatalo sa loob ng 47 laban. Si Pacquiao ay mayroong 57 panalo at 5 talo, kabilang ang dalawang naranasan noong 2012. Kinumpira ng American promoter ni Pacquiao na si Bob arum na ang dalawang fighters ay hindi nagbigay ng anumang probisyon para sa rematch. +Sa pagtatanong na halos nanggagalaiting mga Senador sa mga opisyal ng militar, halatang-halata ang pagtatakipan at pagtuturuan sa isyu hinggil sa koordinasyon at pagbibigay ng saklolo sa pinapatay ng mga Heroic 44. Kahabag-habag ang nabanggit na mga bayani. Naging biktima na ng kanilang mga kalabang rebelde ay naging biktima pa ng tandisang pagkakait ng saklolo ng AFP. Ang ganitong mga pananaw ay paulit-ulit na ibinabandila ng mga mambabatas at maging ng halos lahat ng sektor ng sambayanan. Ganito rin ang ipinamalas na umano'y pagtataksil ng MILF sa mga probisyon ng peace agreement. Sa kabila ng pag-iral ng ceasefire o tigil-putukan, buong-galit pa nilang pinaputukan ang mga bayaning SAF. May mga sapantaha na naging katuwang pa nila sa kalupitan ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kahit paulit-ulit nilang itinatatuwa na ang naturang grupo ay mahigpit nilang kalaban. Gayunman, nalantad pa rin ang sinasabing pagka-traidor ng ilang miyembro ng MILF. +Ito, ayon sa PSA, ay bunga ng maluwag na inflation rate bunsod ng mababang presyo ng langis sa mga nagdaang buwan. Binanggit ng PSA na natapyasan ng isang porsiyento ang November inflation rate para maitala sa 2.7 porsiyento sa Disyembre. +Bagamat aminado ang grupo na naapektuhan ang tiwala at kumpiyansa ng sambayanan sa peace process, binigyan-diin nito na hindi dapat masakripisyo ang peace process lalo ang panukalang Bangsamoro Basic Law, na magtatatag sa Bangsamoro region na papalit sa Autonomous Region for Muslim Mindanao. "The peace process cannot and should not be held hostage by the Mamasapano incident, tragic though it may be," pahayag ng PCID. Nakiisa rin ang grupo sa pagluluksa at pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi gayundin ang pagkondena sa insidente at umaasang makakamit pa rin ang +"Unlike the public perception, our region is generally peaceful because we are located in a metropolitan area," pagmamalaki nito. "Besides, we will have 1,500 military and police personnel looking after the peace and safety of our Palaro athletes and officials." Ipinamalas din ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro ang kanyang kumpiyansa pagdating sa security plan ng probinsiya. "Sometimes Manila media has to be more precise where the disturbances occur and not generalize," pahayag nito. Tumuon ang atensiyon sa kapuluan kamakailan sa direksiyon ng Mindanao matapos na 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang nasawi sa naganap na encounter sa pagitan ng Moro National Liberation OredoFront (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao noong nakaraang Enero 26. Sadyang pinili ng probinsiya ang slogan na, "Sports: Breaking Borders, Building Peace". Binigyang-pugay din ni Luistro ang kahandaan ng probinsiya sa termino ng playing venues at billeting sites. "In my knowledge, in the past Palaro, not a single one of those who hosted had the facilities ready by the time we inspected it," saad ni Luistro. "I could sleep very well with the fact that the team that went around assured me that all the major facilities are already in place. And if we held the Palaro tomorrow, at least facilities-wise, they are ready." Ilan sa major sports sa Palaro ay kinabibilangan ng archery, arnis, aquatics (swimming), athletics, badminton, baseball, boxing, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball. Ito ang unang pagkakataon na magiging punong-abala ang Davao del Norte sa prestihiyosong sports meet. +Magkasamang inorganisa ng EcoWaste Coalition at Care for the Earth Ministry of Our Lady of Remedies Parish, isinulong ng mga grupo ang kampanyang "Iwas PapuToxic" para sa isang mas malinis at mas ligtas na selebrasyon ng Bagong Taon. Nakibahagi rin sa kilos-protesta ang mga miyembro ng Animal Kingdom Foundation, Inc. (AKF), Compassion and Responsibility for Animals (CARA Welfare Philippines) at Philippine Pug Lovers Club. Matapos ang isang maikling programa at makaraang basbasan ni Father John Leydon, nagmartsa ang grupo sa paligid ng simbahan hanggang sa kalapit na Plaza Rajah Sulayman, bitbit ang mga karatula na may mensaheng "Be Kind to Animals: Say No to Firecrackers." Sinabi ni Atty. Heidi Caguioa, ng AKF, na ang matagal na pagkakalantad sa nakabibinging ingay ng mga paputok, nakabubulag na mga liwanag ng mga pailaw, at makapal at mabahong usok ay makapipinsala sa sensitibong pandinig, pang-amoy at paningin ng mga hayop. +Ito ang napag-alaman sa isang mataas na opisyal ng POC na matagal nang ipinag-utos ang pagpapatawag ng isang general assembly sa asosasyon matapos magsumite ng kanyang indefinite leave of absence ang dating pangulo na si Gener Dungo subalit hindi naganap sa nakalipas na dalawang taon. +Tumawag sa pulisya ang mga nagulantang na kapitbahay at binigyan ng pangunang lunas ang mga sugatang biktima bago dumating ang mga rescuer. Nangyari ang barilan dakong 3:00 ng hapon, sa kanlurang bahagi ng Atlanta, ayon kay Douglas County Sheriff's Lt. Glenn Daniel. +HINDI maiwasang interbyuhin si Ricky Davao tungkol sa actress-of-the-hour na si Jennylyn Mercado sa presscon Second Chances ng GMA Network. Si Ricky kasi ang may pinakamaraming eksena kasama ni Jennylyn sa drama series. Siyempre, hindi mahila si Jennylyn crowd dahil bukod sa siya ang pinalakpakan nang husto among the cast of Second Chances ay mabangung-mabango sa movie press dahil sa pagkakapanalo niya ng best award para sa English Only, Please ng Quantum thanks to his katambal na si Derek Ramsay at director nilang si Dan Villegas. +Ayon kay Gil Genio, Globe chief operating officer for business and international markets, na ang mga bansang nabanggit ay kabilang sa mga tinukoy na may pinakamataas na bilang ng mga migranteng Pinoy at expatriates sa mundo. "We realize how important it is for our kababayans abroad to get in touch with their families especially during calamities. This is why we have set up free calling stations in these eight countries where Globe is directly serving the Filipino communities there," aniya. Sa Italy, ang free calling services ay available sa Globe Stores sa Milan at Rome. Para sa Spain, UK, Saudi Arabia, Canada, Singapore at Hong Kong, ang public service ay nagsimula noong Disyembre 7, 2014 at iniaalok sa pamamagitan ng ilang accredited Globe retailers. Sa US, ang Libreng Tawag service sa West Coast ay magiging available sa lahat ng sangay ng Seafood City habang ang Pilipino sa East Coast ay pagsisilbihan sa pamamagitan ng subscribed access service ng Lunex. +Ipinaaaresto ni Sultan Kudarat Provincial Director Rex De la Rosa si PO2 Pauya Panguat, nakatalaga sa Provincial Public Safety Company, na nahaharap sa kasong frustrated murder matapos barilin si Marlyn De la Cruz noong Enero 28. +Sa 23 parangal na nakuha ng Quezon City ay naibuslo ng pamahalaang lungsod ang Pinakamahusay na Lungsod sa Kalakhang Maynila Award, habang si Vice Mayor Joy Belmonte naman ang Pinakamahusay na Ikalawang Punong-lungsod, sa Gawad Sulo ng Bayan 2015 sa Metro Manila government sector. Si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang pinakamahusay na alkalde sa Metro Manila, kasunod si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ang parangal ay inorganisa ng grupo ng mga propesyunal, tulad ng Golden Torch Creative Consultants Association, Inc. +"It is an additional layer (of security) that the Comelec added. It's just to make sure that you won't be able to vote if you don't have biometrics data," pahayag ni Jimenez. Ang biometrics data ay isang automated identification system ng isang botante na naglalaman ng kanyang larawan, fingerprint at lagda. Base sa Republic Act 10367 o Mandatory Biometrics Registration Act of 2013, ang mga botante na hindi maisusumite ang kanilang sarili sa validation process bago ang May 2016 elections ay tatanggalin sa voters' list at hindi na maaaring muling makaboto. Bukod sa VVS, kasabay na isasalang sa pilot testing sa iba't ibang lugar sa Metro Manila ay ang karagdagang Optical Mark Reader (OMR) machine, ayon pa kay Jimenez. Kasabay na gagamitin sa May 2016 ang mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine na ginamit din noong May 2013 midterm polls. Sa inilabas na Invitation to Bid, inihayag ng Comelec-Bids and Awards Committee (BAC) na naghahanap ito ng 23,000 VVS na uupahan ng ahensiya sa halagang P90,000 kada unit o may kabuuang halaga na aabot sa P690 milyon. +"People need to be told in a language they can understand the dangers that they face," sabi Roberto Anonuevo, executive director ng Filipino Language Commission ng pamahalaan. "Typhoons and storms are a common occurrence, so they become complacent. This will help them to respond. This is potentially lifesaving," aniya sa AFP. Ang mga higanteng pader ng tubig mula sa dagat, na tinatawag na "storm surges" na dulot ng bagyong Yolanda, ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa, ang sinisi sa pagkamatay ng halos 7,350 katao sa Central Visayas isang taon na ang nakalipas. Kahit na nabigyan ng babala ang mga lugar na pinakamatinding tinamaan, kalaunan ay inamin ng for the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) at iba pang mga opisyal na bago sa pandinig ng mga biktima ang terminong "storm surge," na hindi nila lubusang nauunawaan ang peligrong hatid nito. Kabilang si Pangulong Benigno Aquino III sa mga nangungunang kritiko ng PAGASA na madalas niyang pangaralan ang mga forecaster na gumamit ng mga katagang nauunawan ng karaniwang tao sa kanilang mga bulletin. Halos 20 bagyo ang tumatama sa bansa bawat taon, na nagdudulot ng mga baha at pagguho ng lupa na ikinamamatay ng daan-daang katao. Ang mga lindol at pagputok ng bulkan ay kabilang sa mga namamayaning banta sa kapuluang ito sa Asia na bumubuo sa bahagi ng "Ring of Fire" ng mga isla sa Pasipiko. "People with lower levels of education at times have trouble understanding technical terms," pagamin ni Lani Aquino, public relations officer sa PAGASA. "So what happens is they do not make the necessary precautions for certain meteorological events," wika ni Aquino sa AFP. Sinabi ng tagapagsalita ng weather service na nirerepaso nila ang 300-word glossary ng mas madaling maiintindihan na mga termino sa panahon na inihanda ng komisyon ng wika, kabilang na ang mga salita para sa storm surge sa mga pangunahing diyalekto sa bansa. Bukod sa Filipino-language weather bulletin, sinabi ni Anonuevo na hahanapan din nila ng mas simpleng termino ang mga Englishlanguage weather bulletin, na mahirap mauunawaan gaya ng "intertropical convergence zone." +May pagka-weird ang pagkilos ng ilan sa iyong close friends. Reaction lang ito sa pag-align ng ilang planets. Don't worry. SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21] +Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, naitala kahapon ang pagyanig dakong 12:38 ng madaling araw. +Sinabi ni ABAP Executive Director Ed Picson naIpinaalam ni Team Negros Manager Marciano Solinap na mas mabibigyan ng pagkakataon ang kanilang koponan na makapili nang mas mahuhusay na siklista sa bagong format bago isagawa ang pinakaimportanteng yugto ng karera na sisimulan sa Pebrero 22 hanggang 27 sa Luzon. +Sinabi ni DND Sec. Voltaire Gazmin, nagpadala na ang departamento ng notice to terminate sa joint venture ng Rice Aircraft Services Inc. at Eagle Copters Ltd., dahil sa kabiguang sumunod sa schedule ng delivery ang kompanya. Inihayag pa ni Gazmin, na kung pagbabatayan ang procurement law, ay dapat nang ideklara na partially terminated ang kontrata sa pagbili ng UH-1 helicopters dahil sa naitalang liquidated damages na aabot sa mahigit 10 porsiyento. Ang pagkakabalam ng delivery ay itinuturing umano ng DND na isang option para itigil ang kontrata sa mga nasabing contractor. "You failed to comply with the agreed schedule of requirement of the contract agreement which provides that the delivery should be within 180 calendar days upon the opening of the letter of credit," ani Gazmin. Pinasok ng DND ang kontrata noong Marso 27, 2014 at ang deadline para sa delivery ay noong Setyembre 23, 2014. +"Kung hindi mo kayang sukatin, hindi mo ito kayang pangasiwaan," sinabi ni Roxas tungkol sa kahalagahan ng programa, sadya at patuloy na pakikipaglaban sa mga kriminal. Mula noong Hunyo, sumusunod si Roxas sa utos ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na solusyunan ang lumalalang problema sa krimen sa Metro Manila. Sa mga nagdaang linggo ng pakikilahok ng kalihim, natukoy ni Roxas ang mga puno't dulo ng hindi epektibong pagkilos ng kapulisan. "Hindi na puwede ang patsamba-tsamba, kanya-kanya at ningas-kugon," diin ni Roxas na idinetalye ang 900 hanggang 1,000 insidente ng nakawan kada linggo noong Hunyo, bumaba ito nang kalahati sa 520 noong ikatlong linggo ng Nobyembre. "Ngayon, alam na natin na may kaugnayan ang pagdami ng mga operasyon kontra krimen at ang pagbaba ng bilang ng krimen." Ang Oplan Lambat ay magsisilbing lambat upang mahuli ang mga kriminal. Kada "sinulid" ng lambat na ito ay isang operasyon kontra krimen na tulad ng Oplan Katok, Oplan Bulabog at Oplan Bakal Sita. Mayroon ding tinatawag na Pasadya, kung saan naaayon sa partikular na lugar at kapaligiran ang uri ng operasyong inilalaan ng pulisya na tulad sa mga mall, istasyon ng LRT at MRT at mga terminal. Ang Oplan Sibat naman ay para sa mga kriminal na itinuring na target at most wanted ng PNP. "Kung kriminal ka, hindi lang ang anti-kidnapping group (AKG) o ang highway patrol group (HPG) ang maghahanap sa iyo. Buong PNP ang hahabol sa iyo," paliwanag ni Roxas tungkol sa "whole of PNP approach" na sinimulan niya sa kagawaran. Ayon sa kalihim, ang paggamit ng datos ang magiging susi upang masiguro ang pananagutan at integridad ng mga opisyal ng pulisya. +Sa report kay Police Sr. Inspector Gina DC Parinas, hepe ng Women's and Children Concerned Desk (WCPD), kinilala ang suspek na si Larry Cabangunay, 27, ng No. 207 Feliza Bukid, Barangay Parada ng nasabing lungsod. Sa salaysay ng biktima, 17, kina PO2's Ana Grace Mendoza at Cherbim Baluli ng WCPD, kasama niya ang kanyang live-in partner at namamalengke sa Bgy. Parada, dakong 6:00 ng gabi. Nasalubong ng mag-live-in partner si Cabangunay na matagal umano nilang hindi nakita at nagkayayaan na mag-inuman sa bahay ng suspek. Pumayag ang mag-live-in partner at nagtungo sa bahay ni Cabangunay at nakipag-inuman kasama ang dalawang kalugar ng suspek at inabot ng hanggang 10:00 ng gabi. Dahi l sa kalasingan, nagdesisyon si Cabangunay na patulugin ang mag-live-in partner sa kanyang bahay. Pagsapit ng 1:00 ng madaling araw, hinipuan ng suspek ang biktima. "Hindi po ako makasigaw kasi may hawak siyang patalim at nakatutok sa tagiliran ko," sabi ng biktima. Nagising ang live-in partner ng biktima at nakitang inaabuso ni Cabangunay ang kinakasama kaya tinadyakan niya ito hanggang sa kumaripas. Makalipas ang ilang minuto, nadakip si Cabangunay ng mga tauhan ng PCP 10 sa loob mismo ng kanyang bahay. Kinasuhan si Cabangunay ng Rape in Relation to 7610 (Child Abuse). +Hindi kinasuhan ang aktres, 28, matapos siyang arestuhin dahil sa Driving Under the Influence (DUI) noong Setyembre. Gayunman, hindi pa rin siya lubusang malaya at absuwelto dahil kasalukuyan siyang nahaharap sa isang probation violation. +Enero 1951, nagdesisyon si Dean na ipagpaliban ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, at nagsimula siyang dumalo sa mga drama workshop na pinamunuan ni James Whitmore. Matapos noon ay marami na siyang ginampanang papel. Taong 1955, naging sikat si Dean para sa teenage revolution. Siya ay lumabas sa pelikulang "Rebel Without A Cause," kung saan gumanap siya bilang isang palaaway na teenager na kilala bilang Jim Stark. +Ang tatlong nakakuha ng kanilang unang Women Grandmaster norm ay sina Women International Master Janelle Mae Frayna (ELO 2167), Jan Jodilyn Fronda (ELO 2121) at si Mikee Charlene Suede (ELO 2069). "We wanted for 2015 na makapag-debelop ng mas maraming batang chess players and to produce our very first lady WGM," sabi ni Gonzales. "With the help of PSC, we will organize local and international tournament and also join some tournament abroad for them to get their needed two more norms," paliwanag pa ni Gonzales. Nakamit ni Frayna ang kanyang unang WGM norm sa isinagawang Battle of the GMs dito sa bansa habang sina Fronda at Suede ay sa isinagawa naman na Asian Championships sa Macau. Ang ranking nina Frayna, Fronda at Suede ang pinakamataas naman na naabot ng mga babaeng woodpushers ng bansa matapos ang huling nagkamit ng ranggo na International Master na si Germie Fontanilla. Puwersado ang NCFP na mag-organisa ng mga lokal at internasyonal na torneo sa bansa at makilahok sa iba't-ibang torneo sa labas ng bansa matapos naman tanggalin ang sports na Chess sa isasagawa sa susunod na taon na 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5-16, 2015. "We already had some tournaments lined-up for them in Bangkok, Thailand and in Vietnam. Plus, we will have several local tournaments and then organized international meet dito to give them chance to earn their last two WGM norms," sabi pa ni Gonzales. +Sa pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino, sinabi niyang kanselado ang number coding sa Abril 1-3 (Miyerkules Santo, Huwebes Santo at Biyernes Santo), gayundin sa Abril 6 (Lunes) at Abril 9 (Huwebes) kaugnay naman ng paggunita sa Araw ng Kagitingan (Day of Valor). +Sinabi ni Joey Salgado, public information officer ng Makati City, na mahigit 2,000 tagasuporta ni Binay ang dumagsa sa city hall matapos makatanggap ng impormasyon na tatangkain ni Vice Mayor Romulo "Kid" Pena na pasukin ang gusali upang simulan ang kanyang tungkulin bilang acting mayor ng siyudad. +"Tatlo lang ang Bingo cards na ginamit ko na kanina ko lang din nakuha," wika ng ginang, na nakaugalian na ang pagbabasa ng Balita araw-araw. Ayon kay Estolas, makatutulong nang malaki ang kanyang napanalunan sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya. Kasal siya sa isang retiradong guwardiya at mayroon silang apat na anak. Bukod kay Estolas, nagwagi rin sa Balita Bingo Pa-Premyo sina Arnel Madayag, ng Sto. Domingo, Quezon City, na nanalo ng isang Cherry Mobile cell phone at grocery items na nagkakahalaga ng P3,400; Jeho Annalyn Mendoza, ng Sta. Mesa, nag-uwi ng Cherry Mobile tablet at isang sako ng bigas na nagkakahalaga ng P2,200; Jheng Mendoza, P2,500; Nora Katipunan, P2,000; Veronica Castillo, P1,500; at Evangeline Bontidekar, P500, pawang taga-Sta. Mesa. Si Pio Magtangob naman, na dumayo pa mula sa Caloocan City, ay nakapag-uwi ng P1,000. Sakay ng kanyang wheelchair kasama ang kanyang misis at limang taong gulang na anak na babae, isinara pa ni Michael Pachoco, 35, ang kanyang watch repair shop para dayuhin ang Balita Bingo Pa-Premyo sa pagbabaka-sakaling mananalo siya. "Gusto kong makipagsapalaran palagi, opportunity na eh, hangga't may pagkakataon, susubukan ko na makuha iyon," sabi ni Pachoco. "Hindi mo rin masasabi eh, baka nandiyan ang tsamba." Bagamat hindi pinalad na magwagi sa unang beses na pagsali sa nasabing palaro, nananatiling positibo ang pananaw ni Pachoco na darating din ang panahon na makakaraos sila sa buhay. Si Pachoco at ang asawa niyang si Catherine ay kapwa biktima ng Poliomyelitis o polio. "Mahilig talaga akong magbasa ng tabloid. Iba pa ang binibili ko noon pero noong mabasa ko nga na mayroong pa-Bingo ang Balita, binili ko na nang binili ito," ani Pachoco. +Ang maralitang bansa ay nahulog sa kaguluhan nitong mga nakaraang buwan, sa pagkubkob ng militia, kilala bilang mga Huthi sa kontrol ng kabiserang Sanaa at pagpuwersa kay President Abedrabbo Mansour Hadi na umalis sa lungsod ng Aden. Nagdaos ang UN Security Council ng emergency session noong Linggo sa pagtindi ng kaguluhan, na kinabilangan ng mga suicide bombing na inako ng Islamic State group na pumatay ng 142 katao sa Sanaa noong Biyernes. Nagpahayag ang 15 miyembro nito ng nagkakaisang suporta kay Hadi, na nanawagan sa isang liham sa council para sa "urgent intervention by all available means". +Kung intention mo to keep a secret, then tumahimik ka. Iwasan mo rin ang leading questions na maaaring sumira ng iyong reputation. SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] +Sa kaniyang homiliya, pinayuhan ni Cardinal Rosales si Bishop Maralit na sikaping maging isang mabuting obispo "Huwag magiging magagalitin dahil hindi ganito ang isang mabuting pari, ang isang mabuting obispo. Pinili kang maging obispo dahil nagtitiwala ang mga pari, at isa kang biyaya para sa diocese ng Boac, nawa ay maging mabuting pastol, ama, at kapatid ng mga pari at mga layko roon," hayag ni Cardinal Rosales. Si Bishop Maralit ay itinalaga bilang obispo ng Diocese ng Boac, Marinduque nitong nakaraang March 17. +"We enjoyed making 'Frozen Fever' so much and being back in that world with those characters," pahayag ni Lasseter . "[Directors] Jennifer Lee and Chris Buck have come up with a great idea for a sequel and you will be hearing a lot more about it and we're taking you back to Arendelle. We are so excited about that." Nagpahayag naman ng kagalakan gamit ang kanyang Twitter account si Kristen Bell, voice over ni Anna sa pelikula. "Dreams really do come 2!!! #FROZEN2 #itsofficial," saad ni Bell. +Noong Miyerkules, nakatikim ng parusa ang isang grupo ng pulis na itinalaga sa motorcade security ng Papa mula sa Tacloban City patungong Palo matapos utusang mag-push up dahil sa pagsuway sa direktibang ito. Sinabi ni Chief Supt. Asher Dolina, commander ng police unit na magbibigay seguridad sa Papa sa Leyte, na siya ang nagpataw ng parusa matapos niyang namataan na lumingon ang mga naparusahang pulis sa kanilang convoy, sa isinagawang dry-run ng awtoridad sa ruta ng papal convoy sa Leyte. "Hindi lang nila tinalikuran ang mga taong dapat nilang bantayan, nagdaldalan pa sila habang dumaraan ang convoy," pahayag ni Dolina. "Pinag-push up ko sila bilang parusa at pinaalalahanan na dapat silang mag-concentrate sa kanilang trabaho," dagdag ni Dolina. Isang pulis ang itinalaga sa kada limang metro sa magkabilang panig ng kalsada sa ruta ng papal motorcade mula Tacloban patungong Palo sa Sabado. Mahigpit ding ipinagbawal sa mga pulis ang "mag-selfie" gamit ang kanilang cell phone. Ang direktiba sa mga pulis ay humarap sa mga tao at huwag lumingon sa pagdaan ng papal convoy upang hindi masalisihan ng masasamang elemento. "Puwede silang lumingon kung kinakailangan. Ang layunin natin ay tumutok siya sa trabahong iniutos sa kanila," giit ni Dolina. +ISA si Coco Martin sa mga nabanggit ni Sharon Cuneta sa presscon noong Lunes na gusto niyang makasama sa ABS-CBN artists kung gagawa siya ng teleserye. Marami raw kasi siyang naririnig at nababasa kung gaano kabait at kahusay makisama sa nga katrabaho ang Primetime King. +Pinangungunahan ng Department of Health (DOH) ang selebrasyon sa mga programa na naglalayong turuan ang kababaihan tungkol sa mga pamamaraan at paggagamot upang maiwasan ang mga sakit na nakaaapekto sa kanilang kabuhayan at mga aktibidad sa tahanan. Ang sakit sa puso ang numero unong banta sa kababaihan sa bansa, dahil sa paraan ng kanilang pamumuhay. Makikita sa statistics na mas maraming babae ang naninigarilyo at umiinom ng alak, at ang kanilang kinakain ay matataba, matatamis at maaalat. Ang top five na cancer ng mga Pinay ay breast cancer, cervical cancer, lung cancer, colon cancer, at ovarian cancer. Hinihimok ng gobyerno ang kababaihan na sumailalim sa screening programs, partikular na ang pap smear at bakuna bilang preventive at curative measures sa cervical cancer management. Hinihimok ang kababaihan na regular na magpa-checkup sa mga pampublikong health unit at mobile clinic sa buong bansa. Ang mga health facility ay nagkakaloob ng libreng gamot at laboratory testing. Nakikipag-ugnayan ang mga pharmaceutical, pribadong institusyon, at mga non-government organization sa gobyerno upang mapabuti ang kalusugan ng maralitang kababaihan sa mga lalawigan, lalo na yaong nagtatrabaho sa sakahan at sa mga probinsiyang tinamaan ng kalamidad. Nakatalaga ang Pilipinas sa United Nations Millennium Development Goals (MDGs) na umaasinta sa pagpapababa ng kahirapan, kagutuman, at pagkakasakit ngayong taon. Hinaharap nito ang paghamon na itaguyod ang mga adhikain para sa kababaihan tungo sa pagtamo ng AMDG 5 o ang pagpapahusay ng maternal health. Ang pagbubuntis ang panganganak ay kabilang sa nangungungunang dahilan ng kamatayan, pagkakasakit at disabilidad ng kababaihan na nabibilang sa reproductive age sa mga umuunlad na bansa. Ang commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa MDGs ay nagsisikap tungo sa pagpapababa ang maternal mortality ratios sa three-quarters ngayong taon, sa pamamagitan ng epektibong family planning health services, antenatal care, at access sa health facilities. Mayroon ang mga Pilipino ng universal, libreng access sa contraception at expanded health education sa mga health center ng gobyerno, sa pamamagitan ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (RH Law). Binibigyan ng naturang batas ng kapangyarihan ang kababaihan, sa pamamagitan ng informed choices at volunteerism, tungkol sa kalusugan nila at ng kanilang pamilya. +IKINASAL noong Abril 1998 sina Richard Gomez at Lucy Torres kaya ngayong taon ay magsi-celebrate sila ng kanilang 17th anniversary as a married couple. Maraming ibang showbiz couples na naiinggit sa uri at itinatagal ng kanilang pagsasama. Sa kabila ng hectic schedules at sa maintrigang mundo na kanilang ginagalawan, sa showbiz at politics, walang puwang ang intriga kina Richard at Lucy. +Kapag nagkataon at nasilat pa sila ng Kings, bababa sila at papantay sa Alaska at Talk 'N Text na may kartadang 8-3 at malamang na ang Tropang Texters pa ang umusad sa semis dahil sa mas mataas na quotient. Gayunman, sakaling mabigo silang makamit ang hinahangad na outright semifinals spot, may konsolasyon pa rin silang twice-to-beat advantage papasok ng quarters kung saan ang kasunod na walong koponan sa mangungunang dalawa matapos ang eliminations ang maglalaban sa double phase playoffs. Batay sa format, ang No. 3, 4, 5 at 6 teams ang may bentahe ng twice-to-beat kontra sa makakatapat nilang No. 10, 9, 8 at 7 squads, ayon sa pagkakasunod, sa Phase 1 ng quarterfinals kung saan ang magwawaging apat na koponan ay magtatagpo sa knockout phase para sa nalalabing dalawang semis slots. Sa panig naman ng Kings, tiyak namang hindi ito basta na lamang bibigay sa kabila na wala na sila sa kontensiyon para sa outright semifinals berth. Siguradong maghahabol ang tropa ni coach Jeff Cariaso na dugtungan ang huling panalo (101-92) kontra sa dating lider na Alaska Aces para mapaganda ang buwelo nila sa pagsabak sa playoffs. Samantala, ganito rin ang hangad ng NLEX sa unang laban sa kanilang pagsalang kontra sa eliminated ng Kia Sorento. +Sinabi ni Maranan, bagamat hindi nila kinontra ang pagbabawas ng piso mula sa P8.50 na minimum fare ay ilegal ang pagpapatupad nito dahil sa hindi dumaan sa public hearing. Magugunita noong Disyembre ay ibinaba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P7.50 mula sa P8.50 na minimum fare bunsod na sunudsunod na tapyas sa presyo ng produktong petrolyo. Bagamat itinuturing na ilegal ang ipinatupad na bawas-pasahe, hinayaan lamang ito ng transport group dahil sa mababang presyo ng krudo. Subalit nang obserbahan ng mga jeepney driver na hindi bumababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ang piyesa ng sasakyan, pumalag na ang mga ito sa panukalang dagdagan ng 50 sentimos ang ibabawas sa pasahe sa pampublikong jeep. +Inasinta naman ni Thaddeus Young, namuno sa pag-atake sa third-quarter, ng season-high na 29 puntos para sa Minnesota, nabigo sa siyam sa kanilang sampung mga laro. Ibinuslo ni Shabazz Muhammad ang 21. Ang foul shooting ang sadyang nagpahirap sa Timberwolves. Naisalansan lamang nila ang 20-for-35 sa shooting, at naimintis ang 10 sa kanilang 14 na baskets sa unang half kung saan ay napag-iwanan sila sa 46-36. Pinamunuan ni Young ang Minnesota pagsapit ng ikalawang half, nagposte ng 19 puntos sa third quarter at may shooting na 9-for-10 mula sa field. Umungos ang Wizards sa 74-69 matapos ang ikatlong yugto. Pinangunahan naman ni Butler ang Washington makaraan ang 18 fourth-quarter points kung saan ay umarangkada sila sa kaagahan ng quarter. Taglay sa ngayon ng Wizards ang 18-6. Sila'y 12 games over .500 sa unang pagkakataon simula sa pagtatapos ng 1978-79 season. TIP-INS +Katulad ng sa pagdaan-daan sa fast-food chain o pagkain ng processed food, isa rin ang vending machines sa itinuturong dahilan ng pagdaragdag ng timbang sa mga nagtatrabaho. Kapag nasa back-to-back meetings kayo ay hindi maiiwasan na mapadaan sa cafeteria kahit hindi pa naman oras ng pagkain. Hindi rin maiwasan na subukan ang vending machines upang kumuha ng processed food. Karamihan sa mga nakapaketeng pagkain na iyon ay mataas ang calories at salat sa nutrients. Pagsakay sa elevator +Ang aktor naman na kasama ng TV host/ actress sa programa niya ang naging escort ng dalaga sa utos din ng EP nila. Heto na raw ang drama ... "'Kaloka, pagdating sa venue ay hindi naman sila ang magka-table at hindi rin nag-uusap dahil may kanya-kanya silang kausap at hindi na rin nagpansinan hanggang sa naguwian." Naibulong din sa amin na plastikan lang ang batian ng TV host! actress at ng aktor na kasama niya sa programa kapag may media dahil kapag sila-sila na lang sa set ay hindi naman talaga nagpapansinan. +Sobra akong nababahala sa kanyang pinagdadaanan ngayon. Mas ikinalulungkot ko pa na wala akong magawa bilang ama para maibsan ito o kahit masamahan man lang siya nang walang limitasyon sa pagsubok niyang ito. Higit po sa paglingon sa mga nangyari o pagbunton ng sisi kanino man, naniniwala akong ang higit na mahalaga ay makapiling ko kahit sandali si Jolo na sa sitwasyong sinumang mga magulang ay hindi nanaisin. Kaya po lubos ang aking pasasalamat na kahit sa maikling sandali ay pinayagan akong masilayan siya. Patuloy po kaming nanalangin at nagpapasalamat sa bumubuting kondisyon ng aking anak. Ako ay naniniwala na ang lahat ng ito ay bahagi lamang ng pagsubok sa aming pamilya upang kami ay mas lalo pang maging matibay sa pangalan ng Panginoon. Muli, ay akin pong hinihingi ang inyong patuloy na panalangin upang mas mapabuti pa ang kalagayan ni Jolo. +Gayundin ang injuries sa Heat, at ngayon may iniinda na namang sakit si Dwyane Wade. Gumawa si Brandon Knight ng 17 puntos at 6 assists at pitong manlalaro ng Milwaukee Bucks ang nagtapos sa double figures patungo sa kanilang 109-102 panalo sa Heat kahapon. +Aabot sa 110 Australian ang umalis upang makipaglaban kasama ang mga militante sa Middle East at ayon sa security officials, nasa 30-40 babae ang kabilang sa mga ito o aktibong sumusuporta sa nasabing grupo sa Australia. +Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 12:05 ng madaling araw noong Enero 1, naglalakad ang biktima kasama ang mga kaibigan malapit sa basketball court nang tamaan siya ng ligaw na bala. +Isang bansa sa East Mediterranean sea, ang Lebanon ay nasa hangganan sa hilaga at silangan ng syria at sa timog ng Israel. Ang Beirut ang pinakamalaking lungsod at kapital ng bansa. Mahigit 4.8 milyon ang populasyon ng Lebanon. +Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang proyektong labanan ng mga chef ay suporta rin sa kampanyang 'Flavors of the Month' ng Department of Tourism's (DOT). Ipinaliwanag ni Salceda na ang pagkain ay hindi lamang maliit na sangkap ng industriya ng turismo kundi isang industriyang hiwalay na nagbibigay ng naiiba at hindi nalilimutang karanasan sa dila ng mga turista, Pilipino man o banyaga. Kasali sa DMF 2015 food festival sina Chef Gene Gonzales at anak niyang si Chef Gino, Chef Boy Logro, Chef Rolando Laudico at asawa niyang si Chef Jackie. Tinaguriang Albay: Coco Spice Tour, ang proyekto ay bahagi at unang edisyon ng Madrid Fusion Manila sa lalawigan. Ang Madrid Fusion ay kinikilalang napakahalagang "gastronomic congress" ng Spain. +Dismayado aniya ang mga pamilya ng mga biktima dahil limang taon makalipas ang naganap na malagim na krimen ay mabagal pa rin ang pag-usad ng kaso. Unti-unti na ring nababawasan ang mga testigo na isa-isang pinapaslang. +ILANG shooting days na lang, matatapos na ang MMFF entry ng Star Cinema starring Vice Ganda, Richard Yap at Bimby Yap na The Amazing: Praybeyt Benjamin na nagpresscon na kahapon. Kung ganado sa shooting si Vice, mas ganado si Sir Chief kaya nakapag-comment ang una na ang galing-galing ni Richard sa nasabing movie. +Batay sa Comelec Resolution No. 9934, inirekomenda ng Comelec na idaos ang SK polls sa Abril 25. Nakatakda sana ang pagsisimula ng election period sa Marso 26 ngunit hindi ito natuloy. May mga panukala ring ipagpaliban na ang araw ng halalan ng SK sa Oktubre 2016 ngunit wala pa ring desisyon ang Pangulong Aquino hinggil dito. +NALAMAN namin mula sa isa naming source na may matinding away ngayon sina Gretchen Barreto at Marjorie Barretto. Kung dati ay magkakampi ang dalawang magkapatid against sa kanilang ina at kay Claudine, ngayon naman daw ay magkaaway ang dalawa. +Who cares kung emotional ka? In this cycle, sundin mo ang dictates ng iyong heart kaysa brain. LIBRA [Sep 23 - Oct 22] Maaaring abusuhin mo ang iyong authority in this cycle. Remember the law of karma. Huwag sanang lumampas sa line. SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] +Sinabi rin ni Senior Supt. Ramon Rafael, director ng La Union Police Provincial Office, na inaresto rin ang Pilipinang asawa ni Tomoaki Ishii na nakilalang si Joy, 33, makaraang maaktuhan sa pot session ang huli. +Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia kahapon na isang batas ang itinataguyod ni Senate Committee on Youth and Sports chairman Senador Sonny Angara Jr. kung saan ay nakasaad ang pagtakda ng pondong P2B para gamitin sa pagpapatayo ng National Training Center. +Hinadlangan ng masamang panahon ang paghahanap, kayat hindi maaninag ng divers ang wreck ng Airbus A320-200, na bumulusok noong Linggo sa biyahe nito mula sa lungsod ng Surabaya sa Indonesia patungong Singapore sakay ang 162 katao. +Ang fund drive para sa mga namatay na commando ang nakasaad sa House Resolution No. 181, kasama na ang House Resolution 186 na pinagtibay ng kapulungan. Ang tulong-pinansiyal ay boluntaryong kontribusyon ng mga kongresista sa pamamagitan ng one-time donation na P10,000 na aawasin sa buwanang sahod ng bawat mambabatas. Gayunman, maraming kongresista ang nagkaloob ng higit pa sa P10,000. Ang simbolikong pagkakaloob ng fund collection ay ginanap sa session hall at dinaluhan ni House Speaker Feliciano Belmonte, at ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sina Police Director for Comptrollership Rolando Purugganan, Budget Division Chief, DC, Senior Supt. Emmanuel Luis Licup at Finance Service Deputy Director Senior Supt. Lurimer Detran. Ang P5.3 milyon donasyon ay binubuo ng P4,889,000 mula sa 285 kongresista, P100,000 mula sa Party List Coalition Foundation, Inc.; P225,800 mula sa mga empleyado at opisyal ng Secretariat; P65,100 mula sa congressional staff; at P20,100 mula sa contractual employees. +Matapos ang dalawang matagumpay na laban upang umpisahan ang kanyang career sa ONE FC, itataya ni Askren ang kanyang titulo laban sa beteranong si Luis Santos ng Brazil. +Noong araw na nawala si Analiza, may lakad ang babae at ibinilin na lamang nito sa lola ang bata. Dalawa lamang sila sa bahay noong araw na iyon. Marahil, dala ng katandaan, nalingat si Lola at nakalabas ng bahay si Analiza. Ngayon, nawawala si Analiza at hindi na mahagilap, dahilan ng pagdulog ng babae sa estasyon ng TV. Nakalulungkot ang mga balitang ganito. Na dahil sa kapabayaan, nangyayari ang hindi dapat. Kung pinaglalaanan ng mga magulang ang batang may diperensiya ng higit pang atensiyon at pagmamahal, hindi mawawala ito o gumala nang walang kasama. May kilala akong pamilya na may anak na may diperensiya sa pag-iisip. Dahil hindi naman siyempre mapigilan ang bata na tumuklas ng kanyang kapaligiran, madalas din itong nakaaalpas at gumala sa komunidad. Nangyari rin na halos maloka ang ina sa kahahanap. At nang matagpuan, lalo nilang hinigpitan ang pagbabanta... At naulit ang paggala ng bata. Kaya nagpasya ang ina na magpagawa ng espesyal na bangle (pulseras na malaki) na gawa sa silver at de-susi. Ang naturang bangle ay at naaalis lamang sa pamamagitan ng susi na nasa ina ng bata. Nakaukit sa bangle ang pangalan ng bata, ang address, telephone number ang pangalan ng mga magulang. Sa gayong paraan nagkakaroon ng pag-asa na may mabubuting puso na makapagsasauli sa bata sa naturang address. Inuulit ko, kung mahal natin ang ating mga anak, maging anuman ang kalagayan ng kanilang kalusugan, subaybayan natin sila sa lahat ng sandali. +Nasubaybayan natin ang journey ni Japoy sa daigdig ng taekwando na naghatid sa kanya sa ABS-CBN para sa isang teleserye. Pero hindi na iyon nasundan dahil mas naging busy siya sa pakikipag-compete sa iba't ibang bansa na naghatid uli sa kanya ng Silver Medal noong 2013 at nitong 2014 ay nadagdagan pa ng Silver Medal sa Asian competition at sa Poomsae ay Gold Medal uli. "Naging Silver Medalist din po si Janice noong 2012," may pagmamalaking sabi niya sabay tingin sa kanyang ka-holding hands na nobya. "Kaya isinama ko na po siya dito sa Appefize para lumawak ang kanyang mundo, tulad ko." Sa totoo lang, wala pa ibang ipinakikilalang girlfriend si Japoy magmula nang makilala ko siya sa pamamagitan ng mga anak kong sina Fatima at Farah. Pero nang hapong iyon, ipinagtapat niyang one year and eight months na silang magkarelasyon ni Janice. At totoong taekwando ang naglapit sa kanila sa isa't isa. Hindi magtataka ang inyong lingkod kung makita natin sina Japoy at Janice na maging tampok sa isang pelikula tungkol sa taekwando sa pamamagitan ng Appefize media expertise. Pareho kasing artistahin ang itsura ng magdyowa. Kahit ang mga babasa ng artikulong ito ay tiyak ding sasang-ayon sa aming obserbasyon. Hindi rin kami magtataka kung isang araw ay sorpresahin tayo ni Japoy ng isang proposal na mauuwi sa kasalan, courtesy of Appefize. We can never tell. Nabanggit ko kay Japoy na huwag nang pakawalan si Janice dahil bukod sa bagay na bagay sila, eh, puwede rin silang mag-produce ng maraming anak na magpapatuloy ng kanilang passion sa taekwando. Nakausap din namin nang hapong iyon sina Jim Paredes, Tessa Prieto, at RegineTolentino na punong-puno ng sigla sa bagong karanasan at mga kaalamang matutuklasan nila sa Appefize. +Madaling araw nang araw na iyon ay nagdasal si Hooper. Ganap na 8:00 ng umaga ay dinala siya ng mga armadong tauhan ng sheriff sa lugar na roon siya susunugin. Ang kilalang-kilalang si Queen Mary I ang nag-utos na silaban si Hooper sa sarili nitong diyosesis. +Magtatapat sa pambungad na laban sa ganap na alas-4:15 ng hapon ang wala pang panalong NLEX (0-3) at ang inspiradong Blackwater (1-3) habang magtutuos sa tampok na laro sa ganap na alas-7:00 ng gabi ang Alaska (1-2) at ang winless pa ring Philippine Cup champion na San Miguel Beer (0-3). Matapos mabigo sa unang tatlong laro, nabuhayan ng dugo ang Elite nang matikman ang pinakaaasam na unang panalo sa liga magmula pa noong Philippine Cup nang pataubin nila ang Beermen sa nakaraan nilang laban noong Miyerkules, 80-77. Inaasahan ni Elite coach Leo Isaac na magiging inspirasyon para sa kanyang koponan ang nasabing panalo na tumapos sa pinagdaanan nilang 14 na sunod na kabiguan. "We can use this victory to inspire us more and to be more competitive," pahayag ni Isaac na asam ang kanyang unang back-to-back win bilang professional mentor. Habang huhugot ng inspirasyon ang Blackwater sa nasabing panalo, sisikapin naman itong ibaon sa limot ng Beermen na magsisikap na gumising at bumangon mula sa bangungot na tatlong sunod na kabiguan matapos nilang magkampeon sa season conference opener. Ayon kay Philippine Cup finals MVP Arwind Santos, tumimo sa isip niya ang binitawang salita ni Austria na proud-na-proud ito sa team dahil nag-champion sila ngunit nahihiya ito ngayon sa mga nangyari. "Kaya kung nakakaintindi ka, gagawa ka ng paraan para maging proud ulit ang mga coach mo sa iyo," ani Santos na nangakong sisikapin nilang maibalik ang pagmamalaking nararamdaman ng kanilang mentor para sa team. Sa panig naman ng kanilang makakatunggali, magtatangka naman ang Road Warriors na makabasag sa win column makaraan ang tatlong sunod na kabiguan habang target ng Aces, gaya ng Elite, ang unang back-to-back win ngayong second conference. +GENERAL SANTOS CITY - Isang hinihinalang miyembro ng carnapping syndicate ang napatay sa pakikipagbakbakan sa awtoridad sa Pikit, North Cotabato nitong Martes. Kinilala ni Senior Supt. Danilo Peralta, Cotabato Police Provincial Office director, ang napatay na si Muslimen Kawil, 20, ng Barangay Bulol sa Pikit. +Ayon kay Col. Edgard Arevalo, Navy spokesman, ang iba pang mga sasakyang pandagat ay galing pa sa World War II noong 1960 gaya ng BRP Laguna na binili sa US Navy noong 1976. +Sinabi ng Friends to Lovers cast mate ni Plitt na si Charley Cullen Walters sa US Weekly na "The whole cast is shaken up as we just had our premiere party the other night and were so excited about Greg and Melanie joining the show mid-season. I hope people still get to know what a great guy he was via those episodes and his fitness legacy." Naghayag naman ng saloobin ang Bravo veteran na si Andy Cohen sa kanyang Twitter noong Enero 18, sinabing "We couldn't take our eyes off Greg Plitt after we cast him on Work out--was as nice as he was beautiful. Seemed invincible, like Superman." Matatandaang napanood si Plitt sa bagong palabas ni Bravo na Friends to Lovers, na ipinalabas noong Enero 12. +MUKHANG light and positive drama series ang type na subaybayan ng mga manonood sa telebisyon ngayon. Ito na siguro ang epekto ng feel-good serye na pinasimulan ng Be Careful With My Heart na napanood sa umaga pero umabot na maging sa gabi. Sinusubaybayan ng marami nating mga kababayan ang Dream Dad na nakapagpauso na kaagad ng mga katagang "magandang buhay" at "Mr. President." +Ang pabuya ay inialok ni 3rd District Rep. Alex "AA" Advincula upang mapabilis ang paghahanap sa umano'y mga tunnel ng mga rebolusyonaryo na ilang dekada nang nababanggit sa mga umpukan sa Imus. +Sa kanyang privileged speech sa konseho sinabi ni Feliciano sa kanyang mga kasangguni na magpadala ng liham sa LTFRB upang hilingin na magsagawa ang mga ito ng imbestigasyon kaugnay sa naturang isyu. Ayon sa konsehal, isang taxi driver mula sa Pinalagad, Barangay Malinta ang personal na nagtungo sa kanyang tanggapan at ibinunyag ang umano'y pagpapagamit ng mga taxi operators ng ibang lisensiya kapag hindi sila nakapagbigay ng boundary at gusto nilang muling bumiyahe. Layon ng mga tiwaling taxi operators ang nasabing modus-operandi na huwag matengga ang kanilang mga sasakyan at hindi ito kumita kung kaya't kahit walang driver's license ang nag-a-apply na driver, pinahihiram ito ng ibang lisensiya na kahit hindi pangalan ng driver. "Napakapeligroso sa driver ang ganoong kalakaran kasi once na nahuli ang driver ng mga traffic enforcers, tiyak mas malaki ang multa nito," ani Feliciano. +Nasa 3-way tie ang dalawang koponan na taglay ang barahang 4-6 (panalo-talo), kasama ang Alaska, kung saan ay kasunod sila ng mga nauna nang quarterfinalists na Rain or Shine (8-3), Talk 'N Text (8-3), Purefoods (8-3), NLEX (6-4), Meralco (6-4), at Barangay Ginebra (5-5). Kung maipapanalo ng dalawang koponan ang kanilang laban ngayon, ang Energy Cola na sasabak sa Road Warriors sa ganap na alas-4:15 ng hapon kontra sa Road Warriors at Batang Pier laban sa ousted na San Miguel Beermen sa ganap na alas-7:00 ng gabi, sila ang uupo sa huling dalawang bakanteng slots sa playoffs. Ito'y kahit pa maipanalo rin ng Aces ang kanilang huling laban kontra sa Barangay Ginebra bukas dahil kapwa nanaig ang dalawang koponan sa kanilang laban kontra Aces sa eliminations. Maghahabol ang Energy Cola, sa pamumuno ng Nigerian import na si Solomon Alabi at mga beteranong lokal na sina Sol Mercado, JC Intal, Chico Lanete, RR Garcia at rookies na sina Jake Pascual at Justine Chua, upang makabangon sa kinasadlakang apat na sunod na pagkabigo upang hindi mauwi sa wala ang maganda nilang panimula. Ngunit tiyak namang hindi sila hahayaan na lamang ng NLEX na nanggaling sa panalo para sa mas magandang buwelo papasok sa susunod na round. Samantala, sa huling laban, tiyak din na 'di basta na lamang patatalo ang Beermen na tiyak na gustong isalba ang pride makaraang ma-eliminate matapos na magkampeon sa nakaraang Philippine Cup. +Inihayag ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, na katatapos lang ng blessing at turnover ceremony ng mobile radar sa storm chaser team. Paglilinaw naman ni Landrico Dalida Jr., chairman ng storm chaser team, halos pareho ang kapasidad ng regular at mobile radar, pero mas maliit ang nasasaklawang radius ng huli na 250 kilometro. Ang naturang weather equipment ay magbibigay ng oras-oras na taya ng panahon sa mga local weather forecaster sa Samar at Leyte habang bumibisita sa lugar ang Papa. May kakayahan din itong tumukoy kung may paparating na ulan sa loob ng 12 oras at ang actual rainfall amount. +"Nakikiusap kami sa operator ng mga eskuwelahan at shopping mall na payagang magamit ng mga motorist ang kanilang parking lot maski pa may bayad," pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino. +Matapos manguna sa statistical points, nakuha din ng Cebuano center ang boto ng media na nagkokober ng liga, gayundin ang players vote para ungusan ang mahigpit na katunggaling si Alaska forward Calvin Abueva. +Sa ulat ni Chief Insp. Eleno Ramos Mangrobang, hepe ng Bamban Police, sumuko sa kanya si Adrian Lugtu, 23, binata, ng Virgen Delos Remedios, Bamban, Tarlac. +Ayon kay Rev. Fr. Felix Warli Salise, Social Action Center Director ng Diocese of Tagbilaran, siya at ang mga pari na labis na naapektuhan ng magnitude 7.2 na lindol, ang personal na pumili sa mga makakasalo ng Papa. +Na-disbar si Raul H. Sesbreno na napatunayan ng Cebu City Regional Trial Court (RTC) na nagkasala sa murder. Subalit, sa isang apela, ibinaba ng SC ang krimen sa homicide at nahatulan siyang makulong ng siyam hanggang 16 na taon. +Ni JENNY F. MANONGDO Pinayuhan ni dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada si Pangulong Aquino na tigilan na ang sisihan at akuin ang responsibilidad sa madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao upang manumbalik ang tiwala sa kanya ng sambayanan. +Wala naman tayong alam na siya ay nagsumite ng kanyang resignation sa Pangulo. Ang alam natin ay hinihintay niya na matapos ang kanyang anim na buwang suspension para makabalik sa puwesto kaya OIC lang ang itinalaga ng Pangulo na kapalit niya. Maugong nga ang balita na kaya siya ang lumalabas na namuno ng Mamasapano operation ay dahil kung naging matagumpay ito na walang namatay SAF commando ay madali ang pagbalik niya sa puwesto. +Ito ang naging pahayag ng alkalde kasunod ng pangamba ng mga mangingisda na magkaroon ng malawakang fish kill dahil sa mga ilegal na fish pen at fish cage sa lungsod. Sinabi ni Fernandez na simula nang maluklok siya sa puwesto ay sinimulan na ang paglilinis sa Dagupan River sa pagbaklas sa mahigit 1,000 fish pen na ang ilan ay pag-aari ng maiimpluwensiyang tao. Binaklas ang mga fish pen sa Tapuac, Carael, Salapingao, Pugaro, Calmay, Lucao, Lomboy at Tambac. Matatandaang nagpahayag ng pagkabahala si Alfredo Dawana, pangulo ng Fishpond Owners, Operators, Fisherfolk Association of Dagupan, Inc. (FOOFADCI), dahil sa aniya'y maling pangangasiwa ng City Agriculture Office sa mga ilog at daluyan sa lungsod. +Ito ay matapos na isauli ni SPO2 Rodel Ignacio Garcia ang isang mamahaling cellphone na kanyang napulot sa kalsada habang pauwi sa kanyang bahay sa San Pedro City, Laguna. +Sinabi ni Quezon City Rep. Winston Castelo na dapat kumpiskahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at hindi na muling ibalik ang lisensiya ni Joseph Russell Ingco matapos nitong saktan at laitin si Traffic Constable Jorbe Adriatico nang hulihin ang una sa panulukan ng Quezon Avenue at Araneta Avenue sa Quezon City noong Nobyembre 27. +Kapag muling binalikan ang science, malalaman na walang dapat ipag-alala--sa katunayan, makakatulong ang patatas upang mabawasan ang timbang. Sa isang pag-aaral na isinagawa sa Australia, nadiskubre ng mga mananaliksik na ang patatas ay mas nakakapag-satisfy kumpara sa "healthy" carbs katulad ng brown rice at oatmeal. Coconut Oil +"I really like Kim. Pero ang hirap lang kasi, eh, medyo mahirap siyang imbitahin ngayon. Kumbaga, kahit isang simpleng date lang kagaya ng manood ng sine, maraming kasama, so, maraming ililibre, so nahihirapan ako," napatawag banggit ni Xian. Pero mas komportable na raw sila ngayon sa isa't isa kahit may ilang buwan din na hindi sila nagsama sa proyekto bago dumating ang pelikulang Past Tense na pinagbibidahan nila ngayon. "Ako naman, eh, natatanggap ko na rin 'yung mga pang-iintriga nila sa akin, sa aming dalawa ni Kim. Parang it takes two of us to make a scene work at siyempre 'yung tiwala namin sa isa't isa na 'yung hindi naman namin papabayaan ang isa't isa," sey pa niya. Kahit napatunayan nang may sariling hatak ang tambalan nila ni Kim both sa pelikula at sa telebisyon, paminsan-minsan ay sumasagi sa isipan niya na parang hindi siya nababagay kay Kim Chiu bilang ka-love team. "Sa totoo lang, wala sa isip ko noon na makaka-tandem ko siya. Pero ipinagdarasal ko ito," sey pa ni Xian. +"Nasa 300 hanggang 400 katao ang nakakapunta dito araw-araw lalo na sa gabi para lang makita ang Christmas display namin," ayon kay Mayor Ona. Sa gabi makikita ang makikinang na ilaw at maririnig ang mga awiting pamasko kaya aliw na aliw umano ang mga dumarayo. Bukod sa mga taga-Calaca, dinarayo ng mga taga-ibang bayan at maging mga turistang dayuhan ang display. Karamihan sa mga bumibisita ay kumukuha ng mga larawan at inilalagay sa Facebook kaya nakikita nilang nagmula sa iba't ibang lugar ang dumadalaw ngayong Kapaskuhan sa Calaca. Sa buhos ng maraming tao, isinasara ang kalsada sa harap ng munisipyo pagdating ng Biyernes ng hapon hanggang Linggo para sa seguridad ng mga tao at iwas-aksidente. DAHIL SA BAYONG YOLANDA +Iniulat ng pahayagang Lebanese na As-Safir na dinetina siya bilang koordinasyon sa "foreign intelligence". Sinabi ng isang mataas na Lebanese security official na ang asawa ni Baghdadi ay bumibiyahe kasama ng isa sa kanilang mga anak na babae. +Agad na masusubukan kung may magiging malaking pagbabago sa koponan ng crowd favorite Barangay Ginebra sa pagbabalik ng kanilang run-and-gun game sa ilalim ng nagbabalik din nilang head coach na si Ato Agustin sa pagbubukas ng 2015 PBA Commissioner`s Cup sa Enero 27 sa MOA Arena sa Pasay City. Nakatakdang sumalang ang Kings sa opening day ng second conference ng 40th season kontra sa Meralco. +Ayon sa imbestigasyon ng Estancia Police ang biktima ay kinilalang si Andrefel Tenefracia, 24, manager ng ACF International. Batay sa pulisya, limang beses pinagbabaril ang biktima ng kalibre .45 ng dalawang hindi pa kilalang suspek. +Ipinagtaka ng Korean authorities kung paano nakarating sa South Korea si Leah Castro Reginio nang walang kaukulang travel document sa pagsakay sa Philippine Air Lines (PAL) Flight 490 mula sa Kalibo patungong Incheon International Airport noong Huwebes ng hapon. +Ayon sa ECC, maaari nang makubra ng mga benepisyaryo ng mga napatay na commando ang P20,000 financial assistance sa alinmang sangay ng Government Service Insurance System (GSIS). Base sa ulat ni ECC Executive Director Stella Banawis, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na ipinaalam na nila sa pamilya ng mga napatay na pulis ang tungkol sa death benefit. Ang P20,000 funeral benefit ay bahagi ng standard Employees Compensation Program (ECP) na ibinibigay sa mga empleyado na ang pagpanaw ay may kinalaman sa kanilang trabaho o bunsod ng karamdaman. Sa pagkuha ng benepisyo, gagabayan ng mga kawani ng ECC ang naulila ng mga commando sa pagkumpleto ng form para sa mabilis na pagpoproseso ng kanilang monthly death benefit pension. Tiniyak ni Baldoz na agad na maibibigay ang death benefit sa mga naulilang pamilya kapag naisumite na ng mga ito ang minimum documentary requirement. Nitong nakaraang linggo, nagpasa ng resolusyon ang ECC upang mapabilis ang pagpoproseso ng employees compensation package ng 44 na miyembro ng SAF. +"'Yan ang mahirap sa live, eh," sambit ni Kris kay Kuya Boy sabay senyas sa anak na lumabas na ng stage. "Si Bimby masarap maging anak," hirit ni Vice Ganda, "si Kris Aquino masarap maging ina, pero hindi sila masarap maging kaibigan lalo na sa akin." Kaya lalo pang nagkatawanan. At kaya rin naman pala alam ni Bimby ay naririnig nita ang voice messages nina Vice at Kevin kapag nag-uusap sila, say ni Kris. Inamin din naman ito ng bida ng Praybeyt Benjamin. "Kasi lagi siyang nangingialam ng phone ko, merong voice message sa akin 'tapos sinagut-sagot niya, sila na pala ang nag-uusap," sabi ni Vice. Maya-maya ay lumapit si Bimby kay Vice at humingi ng sorry, at tumatawa namang pinalalabas ng TV host/ comedian ang bagets dahil baka kung ana pa ang mabanggit. Hindi naman mapigilan muli nina Kris at Kuya Boy ang pagtawa dahil sa kateklasahan ni Bimby. Nagbiro naman si Vice na dahil sa pambubuking ni Bimby ay baka mauna pa siya sa 1010 niya na kasalukuyang maysakit. Samantala, mas nakakatawa raw ngayon ang Praybeyt Benjamin kaysa sa una dahil nga kasama na si Alex Gonzaga na maski hindi malaki ang papel ay nakakatawa na sinundan pa ni Bimby na maloloka ang lahat sa kataklesahan at kikiligin naman ang kababaihan kay Richard Yap. +Ang pagsasanib ay kinabibilangan ng pagpapabuti sa Department of Social Welfare and Development's (DSWD) National Resource Operation Center sa Pasay City at sa kanyang mga bodega sa mga rehiyon sa pag-preposition ng relief items at operational support equipment, gayundin ang development at implementasyon ng mga training program ng gobyerno na nagbibigay-diin sa disaster response, logistics at supply chain management. +LUMAKI si Marian Rivera-Dantes sa kanyang Lola Francisca, ang kanyang guardian noong panahong nagtatrabaho pa sa ibang bansa ang kanyang Mama Amalia, kaya very close siya rito. Nang bumalik na sa bansa ang mama niya, sila ang dalawang babaeng nag-alaga at pinakamamahal niya. +Nguni't ang mga nakahihindik na kalamidad na ito, at ang pinsalang idinudulot - libo-libong buhay ang nakikitil, maraming pamilyang nawawalan ng tahanan at kabuhayang naglalaho - ay bahagi na ng normal na pamumuhay sa Pilipinas, isang bansang kabilang sa tinatawag na Pacific Ring of Fire at sa likas na landas ng mga unos. Ang kalagayan ng bansa ay lalo pang pinasama ng climate change o pagbabago ng klima sa daigdig, kaya inaasahang magiging pangkaraniwan na ang matitinding mga bagyo na darating sa atin. Noon lamang nakaraang Sabado ay sumalubong kay Pope Francis ang malakas na hangin at ulan dahil sa bagyong Amang sa kanyang pagdalaw sa Leyte. Nakatakda sanang manatili ang pinuno ng simbahang Katoliko ng halos kahalating araw upang magmisa at makapaniig ang mga biktima ng bagyong Yolanda, nguni't napilitang bumalik sa Maynila ng mas maaga upang maiwasan ang lalo pang malakas na hangin. Sinabi ng papa na alam niya ang nangyari sa Leyte noong Nobyembre 2013 kahit nasa Roma siya, nguni't sa pagdalaw niya sa lalawigan, masasabing personal niyang naranasan ang dinaranas ng maraming Pilipino sa kanilang buhay. Umaabot sa 18 hanggang 20 ang mga bagyong humahagupit sa bansa bawa't taon. Ang Pilipinas, Indonesia, Japan, New Zealand, United States, Canada, Chile, Mexico at Russia, mga bansang nasa Pacific Ring of Fire, ay siyang nakararanas ng mas maraming lindol na nangyayari sa daigdig. Sariwa pa sa alaala ng mga Hapones ang lindol noong 2011, na lumikha pa ng tsunami at naging dahilan ng nuclear meltdown at nag-iwan ng halos 16,000 patay. Mas mahina ang 7.2 magnitude na lindol na yumanig sa Bohol noong Oktubre 15, 2013 kaysa sa magnitude 9.0 na naminsala sa Japan, nguni't isa sa ito sa pinakamalakas na natala sa Pilipinas, at kumitil sa mahigit 200 mamamayan at sumira sa maraming makasaysayang simbahan. Bilang bahagi ng Pacific Ring of Fire, ang Pilipinas ay may mahigit 30 bulkan, at mahigit sa 20 sa mga ito ang aktibo, kabilang ang Mayon at Taal na palagiang binabantayan. Ang Mount Pinatubo, na sa maraming siglo ay bahagi lamang ng kabundukan ng Zambales, ay pumutok noong 1991, at ang epekto nito ay naranasan sa buong daigdig. Dahil sa dami ng abo at kemikal na ibinuga ng Pinatubo, bumaba ang pandaigdig na temperature ng 0.5 degree Centigrade. Ang milyon-milyong toneladang umagos ay nagpabago sa daloy ng mga ilog sa Gitnang Luzon. May palagiang babala ang US Embassy sa Maynila para sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas upang manatiling nakahanda sa anumang kalamidad. Ang binigyang-diin ng nasabing babala ay preparasyon. Sa aking pananaw, ang matagumpay na preparasyon ay suportado ng sistemang may kalakip na tamang impormasyon gaya ng pagtaya sa panahon o weather forecast, na mangangailangan naman ng makabagong teknolohiya at kagamitam. May sapat tayong weather forecasters, volcanologists at iba pang siyentista (kaya nga pinipirata ng ibang bansa), nguni't kailangan nila ang pinakamabagong teknolohiya at kagamitan upang magawang mabuti ang kanilang trabaho. Bilang isang bansang lantad sa mga kalamidad, ang Pilipinas ang dapat nangunguna sa weather forecasting. Napakalaki ng kabayaran para sa isang bansang hindi preparado sa kalamidad: libo-libong nasasawi, mga pamilyang nawawalan ng tirahan, mga pasilidad na napipinsala at kabuhayang nauuntol. Nakita at naranasan natin ang lupit ng bagyong Yolanda noong 2013, Noong 2014, sinasabing tama ang ginawang preparasyon kaya hindi gaanong nakapaminsala ang bagyong Ruby, na unang kinatakutan na maging super typhoon. Sa kabila nito, nag-iwan pa rin ng mahigit limang bilyong pisong pinsala at 18 bangkay ang nasabing bagyo. Ang huling bagyong tumama sa Pilipinas, ang bagyong Ruby, ay mahina lamang nguni't nagdala ng maraming ulan at lumikha ng malawak na pagbaha, kay umabot sa 66 ang nasawi at mahigit 100,000 pamilya ang nawalan ng tahanan. Ang pinakahuling mga unos na ito ay nagsisilbing panggising at paalala sa pamahalaan na gawing makabago ang ating teknolohiya at kagamitan sa weather at disaster forecasting. Dahil sa ating sitwasyon, dapat maging palagiang layunin natin na gawing pangunahin ang Pilipinas sa larangang ito. Sa panghuli, nakikigalak ako sa aking mga kababayan at nagpapasalamat sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas. +Sa panayam kay Chief Insp. Reynaldo Medina Jr., hepe ng Bagong Barrio Sub-Station 1 (SSI) ng Caloocan Police Station, 20 minuto lamang ang itinagal ng hostage drama kung saan kaagad niyang nadakip ang suspek na si Joshua Jerico Ramirez, ng Raja, Bago, Tondo Manila. +Kinilala ni PO2 Christian Rirao ang nasawi na si Billy Joe Capitulo, 19, ng Bgy. Iba, San Jose, na malubhang nabaril sa iba't ibang bahagi ng katawan, habang grabe naman ang lagay sa ospital ng kaangkas niyang si Melchor Ancheta, 20, estudyante ng Tarlac College of Agriculture (TCA) sa Camiling. +Pero knows naman marahil ni Ai Ai na pinagtaasan siya ng kilay ng isang tao na dating pinagkakatiwalaan niya at malapit sa kanya. Ang taong ito kasi mismo ang kausap niya nang aminin niya na nakikipag-usap na siya sa management ng Kapuso Network. Knows ng naturang source namin, na dating malapit kay Ai Ai, ang gagawing proyekto ng komedyana sa GMA-7. "Isang May-December affair na drama-serye ang gagawin ni Ai Ai na may working title na Let the Love Begin. Siya ang talagang bida rito siyempre, dahil yun ang gusto niya," sey ng kausap namin. Isang kakaibang role raw ang gagampanan ni Ai Ai sa seryeng ito na ang magiging leading man niya ay si Ruru Madrid at makakasama rin nila si Regine Velasquez. Bagay na bagay daw kay Ai Ai ang papel niya na parang hawig sa kanyang tunay na buhay na meron siyang boyfriend na halos kasing edad lang ng kanyang bunsong anak. Hindi rin dapat itanggi ni Ai Ai dahil nu'ng unang pinag-usapan ang proyekto ay ipinadala agad ng Kapuso Network ang draft ng script sa kanya at nagustuhan agad niya ang magiging papel niya. May portions nga lang daw na ipina-revise si Ai Ai dahil ayaw niyang malapit na malapit sa katotohanan ang magiging istorya ng nasabing serye. "Sa totoo lang, may mga taga-GMA nga na medyo naloka agad kay Ai Ai. Kumbaga, hindi pa man siya pormal na nagiging Kapuso ay nag-prima donna na agad siya. Hindi pa nga siya nakakasigurado na maghi-hit sa televiewers ang pagbabalik-TV niya," sey pa ng source namin. +Patay sa lugar ng aksidente si Rodel Darunday dahil sa matinding pinsala sa katawan matapos sumemplang ang sinasakyan niyang motorsiklo at minalas pang masagasaan siya ng Seven Sky Express Liner bus (TYM-816) na minamaneho ni Alberto Abatayog. +Inaasahang magiging kapana-panabik ang laro ganap na 7:00 ng gabi sa pagitan ng FEU-NRMF, binubuo ng mga dating PBA stars at collegiate standout, at Wang's Ballclub, na tinatampukan naman ng mga papasikat na cage stars na nahasa sa commercial leagues +Kuwento ni Paul Christian Victorio, kawani ng DPSTM, nakita niya si Almodiente na nakasuot pa ng kanilang uniporme na kulay orange sa A. Mabini St., Barangay Maypajo, dakong 3:00 ng hapon noong Linggo. "Pinapara n'ya yung mga jeep na dumadaan kahit walang violation at kinokotongan pa," ani Victorio. +Inihayag ni Senate President Franklin Drilon na dapat na pag-aralan ng Office of the Ombudsman ang posibilidad na makasuhan ng usurpation or authority si dating Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Alan Purisima. Sinabi ni Drilon na malinaw na hindi sinunod ni Purisima ang utos ni Pangulong Benigno S. Aquino III na makipag-ugnayan ang una sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP. +Nagposte si C.J. Miles ng 22 points at itinarak ni C.J. Watson ang 17 para sa Pacers (15-25), nabigo ng tatlo sa kanilang apat na mga laro. Ikinasa ni Wiggins ang put-back dunk at isinalansan ang 3-pointer upang ipagkaloob sa Timberwolves ang 93-90 lead, may 4:29 pa sa orasan. Ngunit si Williams ang halos nagpalakas sa Wolves para sa kanilang ikatlong road victory. Makaraan ang ilang 3-pointers sa kaagahan ng fourth quarter, itinabla nito ang laro sa 83 mula sa tatlong free throws, kasama na ang isa na mula sa tinawag na technical kay Ian Mahinmi sa nalalabing 7:10 sa korte. Nalagpasan ni Williams ang 46 puntos sa season na inasinta nina Carmelo Anthony at Pau Gasol, pawang nakakaangat sa NBA. Muling nabigo ang Pacers sa isa sa may pinakamasamang record sa liga, kung saan ay naibigay lamang sa Philadelphia ang ikapitong panalo noong Linggo, 93-92. Naiwasan ng Minnesota na mapalawig ang kanilang losing streak sa 16 na mga laro sa unang pagkakataon matapos ang 16-game skid noong Pebrero 24 hanggang Marso 28, 2010. Hindi umungos ang Pacers sa mahigit na 8 puntos sa unang half at angat sila sa 52-46 sa break. +"This is to further hone their talents and skills after winning medals in the Avesco Philippine International Open Memory Championship last year," sinabi ni Racasa na siya ring presidente ng Pinoy Memory Athletes Association Inc. Sasabak sa unang pagkakataon sina Marie Ann Andrade Yambalia, Richard Sarcos, Joel Micus Lolong, Dorothy Elenzano, Philip Benitez at Nico Angelo Esperanza sa labas ng bansa. Sinabi ni Racasa na aakuin ng Hotel Sogo ang registration fees, plane ticket at hotel accommodations ng delegasyon sa Singapore. Nagbigay din si Marikina City Mayor Del de Guzman at ang City Council ng tulong pinansiyal bilang suporta sa koponan. "This tournament will be very challenging since 52 of the world's finest memory athletes are also competing including Simon Reinhard, the world's number two ranked player from Germany," giit ni Racasa, na tumulong na makilala ang Pilipinas sa world map ng memory sports matapos na ito at si Johann Abrina ay unang sumali sa ginanap na World Memory Championships sa London noong 2010. Sasabak din sa torneo ang memory athletes ng Mongolia, China, Japan, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Indian at host Singapore. +Sinabi ni Mendoza na binaril si Guliman makaraang sapakin ng suspek sa gitna ng kanilang pagiinuman, kasama ang dalawang iba pa. Pansamantalang hindi pinangalanan ni Mendoza ang suspek habang hindi pa ito naaaresto. Sinabi rin ng pulisya na hawak na rin nito ang dalawa pang kasama nina Guliman at ng suspek. +"The president's symptoms are consistent with soft tissue inflammation related to acid reflux and will be treated accordingly," pahayag ng doktor ni Obama na si Captain Ronny Jackson sa Walter Reed military hospital. +"We are alarmed with the latest development of lung cancer already overtaking breast cancer as the leading cause of cancer death among women in the United States," pahayag ni Emer Rojas, pangulo ng New Vois Association of the Philippines (NVAP). Isinusulong ng grupo ang pinag-ibayong pagpapatupad ng Graphic Health Warning sa mga pakete ng sigarilyo sa bansa. Inahayag kamakailan ng American Cancer Society at International Agency for Research on Cancer na ang lung cancer ang itinuturing na pangunahing dahilan sa pagkamatay ng mga babaeng nagkakasakit ng cancer. Naniniwala ang mga researcher na malaki ang papel ng paninigarilyo sa pagdami ng namamatay sa lung cancer, ayon kay Rojas. Sinabi rin ng Philippine Cancer Society na aabot sa 3,000 Pinoy ang namamatay kada taon dahil sa lung cancer, na karaniwang nagmumula sa second-hand smoke. Mula sa tinatayang 24 na milyong Pinoy na nakalalanghap ng tobacco kada araw, 66.7 porsiyento sa mga ito ay nakasisinghot ng second-hand smoke sa trabaho habang 75.7 porsiyento ay sa mga lugar na hindi ipinagbabawal ang paninigarilyo. Aabot din sa 55 porsiyento ng edad 13-15 ang nakasisinghot ng second-hand smoke sa bahay habang 65 porsiyento sa mga ito ay sa mga pampublikong lugar. Samantala, sinabi ng Department of Health (DoH) na tumaas din ang bilang ng mga Pinay na naninigarilyo sa bansa noong 2012. +Desidido si Roque, abogado ng pamilya ng ilan sa mga biktima, na kasuhan si PNoy dahil sa mabagal na usad ng kaso at hindi pa rin pagpapapanagot sa mga pumaslang sa 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag, noong Nobyembre 23, 2009. +Ni NITZ MIRALLES MARAMI ang bumilib kay Chynna Ortaleza nang ipagupit ang mahabang buhok para maging makatotohanan sa lesbo role na gagampanan sa The Rich Man's Daughter. Positive ang feedback ng netizens nang i-post niya ang kanyang litrato na super iksi ang buhok. +Ayon kay Binay, kasalukuyang isinasagawa ang screening ng mga pasyente para sa libreng surgical at dental mission sa Enero 18-23 sa Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martirez City. Suportado rin ng Junior Chamber International (JCI) ng Trece Martirez at General EAMH ang proyekto. +Hawak ang barahang 3-2, panalo-talo, puntirya ng Lady falcons ang ika-apat na panalo na magpapatibay ng kapit nila sa ikatlong puwesto kasunod ng mga namumunong De La Salle (6-0) at defending champion Ateneo (5-0) sa pagsagupa nila sa Lady Maroons ngayong ika-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Lady Bulldogs at ng University of Santo Tomas Tigresses sa unang women`s match ganap na alas-2. Matapos mabigo sa unang dalawa nilang laro sa kamay ng Lady Spikers at ng Lady Eagles, bumalikwas ang Lady Falcons at nagposte ng tatlong sunod na panalo,pinakahuli ang 3-1 panalo laban sa Tigresses na nagluklok sa kanila sa solong ikatlong puwesto. Bagamat pinapaboran kontra UP, hindi puwedeng magkumpiyansa ang tropa ni coach Sherwin Meneses kontra sa Lady Maroons na siyang natatanging koponan na nakakuha ng set win kontra sa Lady Eagles sa nakaraan nilang laban. Mauuna rito, tiyak namang aabangan kung anu-ano ang mga pagbabagong makikita sa laro ng Lady Bulldogs sa ilalim ng bagao nitong coach na si multi-titled coach Roger Gorayeb. Pinalitan ni Gorayeb, ang nasa likod ng matagumpay ngayong volleyball program at tinatamasang tagumpay ng koponan ng Ateneo Lady Eagles, ang dating head coach na si Ariel de la Cruz. Makakatunggali ng Lady Bulldogs ang hindi naman maintindihan kung bakit patuloy ang pagsemplang matapos manalo sa una nilang laban na UST TIgresses. Mula sa pagiging title contender, marami na ngayon anag nagdududa kung makukuha ang bumangon ng UST matapos masadlak sa barahang 1-4 panalotalo para sa solong ikapitong puwesto. Pupuntiryahin ng NU ang kanilang ikatlong panalo na magtatabla sa kanila ika-apat na puwesto sa Far Eastern University (3-3). Mauuna rito, pag-aagawan naman ng Adamson University at UST ang pagsosolo sa ikalawang puwesto sa men`s division sa kanilang pagtatagpo sa ikalawang laro ganap na alas-10 ng umaga. Magkasalo sa ngayon ang Falcons at ang TIgers sa ikalawang posisyon sa likod ng defending champion NU Bulldogs (6-0) hawak ang parehas na barahang 4-1, panalo-talo. +Kaya lang, hindi marahil kakayahin ng kalusugan ng mom ni Derek na pumunta sa nasabing okasyon dahil kagagaling lang nita sa isang operasyon. Hindi rin puwedeng iwan ni Derek ang kanyang dad, dahil hindi pa balanse ang kilos nita kapag tumatayo at kailangan din ang kanyang attention kapag lalakad. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa MMFF awards night na nanalo pa naman siyang best actor. He was with his mom and dad. Kaya, labis-Iabis niyang pinasasalamatan si Kris. "She's really a blessing to our family," sabi ni Derek nang makausap namin sa grand presscon ng TV5 sa Sampaguita Gardens nitong Martes para sa mga bagong show na ipapalabas ng Kapatid Network. Opening salvo ang Mac & Chiz ni Derek at ng "hunk wannabee" na si Empoy Marquez. Tuwing Linggo starting January 25 ito mapapanood, 8 PM. It can also be told this time na mahal na mahal din ng mom ni Derek si Madam Kris, katunayan siya mismo ang bumili ng kuwintas na ibinigay ni Derek kay Kris. "I just told my mom na mahilig si Kris sa cross. We didn't even bother to check kung ano ang tatak ng kuwintas, which turned out to be HB (Hans Bruman)," natatawang kuwento pa ng aktor. "Incidentally, I know you will be excited to learn na matutuloy na ang pagsasama namin ni Kris sa isang pelikula ng Star Cinema at Regal Entertainment. Kasama dinnamin si Uge (Eugene Domingo). "Ito ang mauuna kaysa follow-up movie naminni Jennylyn Mercado also from Quantum Films after English Only Please. Gusto ko kasing paghandaang mabuti ang follow-up movie 'coz malaking pressure sa amin na gawing mas maganda ang kasunod. Malaki ang expectations ng lahat ng nanood ng movie sa Metro Manila Film Festival week at hanggang ngayon." Binanggit ko rin kay Derek na pati foreigners ay nanonood pala ng kanyang pelikula, kahlt hindi nila naintindihan ang dialogue. Naging tagahanga agad sila ni Derek. Sa Greenbelt nang magkita si Derek at anak kong si Farah, natulala ang kaibigang Italian model ng daughter ko. 'He's so handsome even in person. I want to take my picture with him, pero I was speechless'," anang kaibigan ni Farah. Natatawa tuloy ang anak ko. "Sa halip na sagutin kung ano ang nangyari sa gap nila ng ABS-CBN noon, ang nasabi niya: "Please remember that I also owe ABS-CBN a lot for whatever I am today. I was sad when it happened, pero maging happy na lang tayo. Let's talk about Mac and Chiz namin ni Empoy," aniya. Guess who's playing the mother of Derek and Empoy in their sitcom? +Noong Sabado ay hinangaan namin si Jay R bilang si Stevie Wonder na gayang-gaya at kaboses pa. Stand out siya kumpara kina Jolina Magdangal na ginaya si Sampaguita, Tutti Karingal bilang si Adam Levine, Melai Cantiveros as Britney Spears at ginaya naman si Ms. Pilita Corales ni Maxene Magalona. Pero napa-wow kami nang mapanood namin sa Sunday episode ng YFSF si Karla Estrada bilang si Chaka Khan sa awiting Through The Fire, doon lang namin nalaman na mataas pala boses ng mama ni Daniel Padilla. Kaya standing ovation ang ibinigay sa kanya ng jury na sina Jed Madela at Sharon Cuneta samantalang nalaglag naman daw sa kinauupuan niya si Gary Valenciano. Kaya taob si Stevie Wonder kay Chaka Khan, pero hindi naman siya binigyan ng mataas na boto nina Jed at Gary V at si Sharon lang ang nagbigay ng perfect 8 kaya tumabla ang singer/actress kina Jay R at Nyoy Volante na si Yoyoy Villame naman ang ginaya. At ang humatak nang husto kay Karla para manalo ay nang bigyan siya ng mataas na score ni Nyoy. In fairness, gustung-gusto rin namin si Nyoy dahil kuhang-kuha niya ang mga kilos, galaw at boses ni Mang Yoyoy. Hindi type ng mga kasama namin sa bahay si Nyoy maski na maganda ang boses, pero nang mapanood nila bilang si Yoyoy ay napahanga sila nang husto. Mahusay sumayaw si Edgar Allan Guzman, pero sad to say, hindi niya nagaya si Gary V pati boses. Nagtanong kami sa taga-ABS-CBN kung kumusta ang ratings ng Your Face Sounds Familiar, "Mataas at binati ng management ang buong team, ang ganda raw. Another viewing habit 'pag weekends." Sulit ang hirap ng grupo ng business unit head na si Lui Andrada. Bongga si Lui, after YFSF ay ang Gandang Gabi Vice naman na mataas ang ratings at money-maker pa ang kasunod.Sabi nga ni Lui sa amin nang makatsikahan namin, "It's a group effort, at hindi naman magiging successful ang shows namin kung hindi dahil sa mga staff na magagaling, masisipag at mababait pa." +Ano kaya ang dahilan kung bakit laging mababa ang preference at approval ratings ni DILG Sec. Mar Roxas sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station gayong wala namang mga alegasyon ng kurapsiyon laban sa kanya kumpara kay Vice President Jejomar Binay? Masipag naman sa pagtatrabaho at laging kasama ni PNoy sa mahahalagang okasyon. Noong nananalasa ang Typhoon Ruby, siya ay nasa Eastern Samar, nag-iinspeksiyon at tumutulong sa rescue operations sa mga biktima. Lumabas pa nga sa social media ang pagsemplang niya sa motorsiklo nang walang helmet sa isang lugar sa Samar habang nag-iinspeksiyon. Sabi nga ni kaibigang columnist Mon Tulfo, sa halip na purihin o makakuha ng simpatiya, napakalupit ng mga netizen at kritiko. Binatikos pa si Mar Roxas na nagtatrabaho naman! +Sa kainitan ng pagkakasibak kay Michael Malone noong Lunes, nangalap na si Ranadive ng mga mungkahi hinggil sa kandidatura ni Mullin kung saan ay lalong lumawak ang intriga ukol sa star power na si Mullin, ang ownership adviser para sa Kings, ayon sa sources. +Gayundin ang injuries sa Heat, at ngayon may iniinda na namang sakit si Dwyane Wade. Gumawa si Brandon Knight ng 17 puntos at 6 assists at pitong manlalaro ng Milwaukee Bucks ang nagtapos sa double figures patungo sa kanilang 109-102 panalo sa Heat kahapon. +Ang kanyang German teammate na si Nico Rosberg, ang karibal na tinalo niya para sa titulo noong Linggo sa Yas Marina circuit, ay pumayag na sa bagong deal sa maagang bahagi ng taon. Ang pagpirma ni Hamilton ang magpapatuloy sa laban sa pagitan nila hanggang sa 2016. Ilang ulat sa media ang nagsabi na si Hamilton ay posibleng mabigyan ng five-year deal na nagkakahalaga ng potensiyal na 100 million pounds ($156.96 million), upang maging isa sa highest-paid athletes ng Britain. +Maghaharap sina Mayweather at Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sa $200-M welterweight unification bout ngunit puwede ring itaya ng Amerikano ang kanyang WBC at WBA super welterweight titles na tulad ng ginawa nito sa huling pagdepensa kay Argentinian Marcos Maidana noong Setyembre 13, 2014. Sa panayam ni boxing writer Phil D. Jay ng World Boxing News kay WBA vice president Gilberto Mendoza, inihayag nito na ang tanging hiling lang ni Mayweather ay pahintulutan itong idepensa ang lahat ng WBA at WBC belts nito. "The WBA is open to a proposal but haven't received any request from Floyd Mayweather or his team," ani Mendoza na naniniwalang papayag din si WBC president Mauricio Sulaiman sa panukalang ito. "Mayweather vs Pacquiao could be the best event that has ever happened to boxing." +Tumatakbo sa layong siyam na milya kada oras, nagawa ng tren na humila ng 10 tonelada ng iron at magsakay ng 70 katao sa Merthyr Tydvil, South Wales sa Australia. May single vertical cylinder, isang eight-foot flywheel at mahabang piston-rod, nagtungo ang tren sa cast-iron rails sa Penydarren Tramroad. +Ipinakita ng Tigers ang pangil kung bakit sila kinukonsiderang matinding title contender ngayong taon makaraang padapain ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa loob ng apat na sets, 22-25, 25-19, 27-25, 25-22. +MILWAUKEE (AP)- Sinabi ng isang personahe na may direktang kaalaman sa sitwasyon na mawawala si Milwaukee Bucks rookie Jabari Parker sa kabuuan ng season sanhi ng injury sa kaliwang tuhod. Ito ang sinabi ng source na ayaw ipabanggit ang pangalan sa The Associated Press kahapon dahil na rin 'di sila otorisado hanggang sa 'di ipinapahayag ang isyu. +Napaulat na papasok si Tui sa kanyang bahay nang pagbabarilin siya ng suspek gamit ang hindi pa tukoy na uri ng baril. Nasapol ng bala sa kilikili si Tui at namatay. +Nakatikim na ng kampeonato ng maging head coach ng Welcoat sa dating amateur league na Philippine Basketball League (PBL) at ASEAN Basketball League para sa San Miguel Beer, dumanas din ng kabiguan si Austria sa kanyang pagiging head coach ng Adamson sa UAAP. "Sobrang saya at talagang napakasarap nito kasi talagang unexpected ito," ani Austria tungkol sa muling pagbibigay sa prangkisa ng Beermen ng All-FIlipino title na huli nilang nakamit noon pang 200l. "Siyempre, PBA ito, ito na 'yung pinakamataas na liga sa Pilipinas kaya I'm very happy and proud of my players," ayon pa kay Austria na tinutukoy ang hindi pagbitaw ng kanyang mga manlalaro matapos ang ikaapatna pagkakataonnang burahin ng Aces ang kanilang naitayong malaking kalamangan na umabot pa sa 23 puntos. "Lahat ng hirap na dinaanan ko sa amateur at sa collegiate, nagbunga lahat iyon dito sa PBA. And with this championship, it means I can compete," wika pa nito na hindi man nagpaliwanag ay may pahiwatig tungkol sa kanyang mga kritiko sanhi na rin ng tatlong beses na pagkatalo nila sa Aces sa finals series na ang lahat ay pawang came-from-behind victory. Kabilang na dito ang Game One, Game Three at Game Six kung saan ay nakalamang sila ng 21, 16 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod, ngunit natalo pa rin sila ng Aces. Samantala, kahit tinalo ang Aces, hindi naman itinago ni Austria ang malaking paghanga sa dati nitong manlalaro na si Alex Compton sa nagawa nito para sa koponan. +Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, commander ng Task Force Pikit, ang mga namatay na sina Asrap Mohammad, 28, at Jhomar Palaguyan, alyas "Gapor," kapwa residente ng Barangay Balatikan, Pikit, na kilalang dating base ng MNLF. +Gabi-gabi ay gising na gising tuloy ang viewers dahil sa mapangahas at mabilis na daloy ng kuwento nito na tungkol sa buhay ng magkapatid na sina Gael (Jericho) at Carlos (Paulo), na nagkalayo dahil sa malagim na trahedya at muling pinag-ugnay ngayon ng pagkabighani nila sa kaakit-akit na club dancer na si Mia (Maja). Pero hindi lang ang magkapatid ang nabighani sa alindog ni Mia kundi maging ang televiewers. Katunayan ng pagkahumaling ng mga manonood sa Bridges of Love ang resulta ng viewership survey ng Kantar Media na humataw ito sa national TV ratings mula nang mag-pilot noong nakaraang Lunes. Tinalo ng serye nina Jericho, Paulo, at Maja sa national TV ratings na 21.9%, 24.4%, 24.4%, at 24.1% (mula Lunes hanggang Huwebes) ang Second Chances na katapat nito sa na nakakuha lang ng 13.6%, 12.3%, 14.1% at 14.8%, ayon sa pagkakasunod. Tiniyak ng kakilala naming sa Star Creatives production unit na lalong tututok ang viewers sa love triangle sa Bridges of Love dahil lalong titindi ang pagtingin nina Gael at Carlos kay Mia. Susubukin daw ng pagmamahal ang minsan nang nasirang relasyon ng magkapatid. +Sa 33-pahinang petisyon, sinabi ng C3E na dapat na hindi payagan ng Comelec Bids and Awards Committee na makilahok ang Smartmatic at TIM hindi lang sa procurement process para sa 2016 elections ngunit maging sa iba pang government procurement program sa loob ng dalawang taon. +Magkakasabay na isasagawa tuwing Sabado ang Laro't Saya sa Paranaque (LSP) sa kahabaaan ng Dr. A. Santos Ave. malapit sa Air Force One sa Paranaque City, sa Kawit sa Freedom Park sa Brgy. Kaingen sa Kawit, Cavite at sa Quezon Circle (LSQC) sa Quezon Memorial Circle sa Diliman, Quezon City. Tuwing Linggo naman gaganapin ang Laro't Saya sa Luneta sa Burnham Green grounds sa Roxas Blvd., Ermita, Manila sa harapan ng makasaysayang Manila Hotel at ng kalabaw sa Kilometer 0 marker. Ang proyekto ay pinangangasiwaan ni PSC chairman Ricardo Garcia, PSC executive director Atty. Guillermo Iroy, Jr. bilang project director, project manager si PSC Research and Planning chief Dr. Lauro Domingo, Jr., marketing and promotions director si Merlita Ibay, Kawit area coordinator si Alona Quinto at coordinator si Julia Llanto. Gumagabay sa programa sa LSQC sina Fred Joves, Lina Colendrino, Warren Gabriel, Violeta Tuazon, Maita Linco, Oscar Papelera, Eric Palanca, Arnel Agdinaoay, Eddie Montalban at Jorge Sambre. Umaayuda sa LSK sina Anna Christine Abellana, Beth Agulan, Olive Caballero at Rudy Caparas. +Sumiklab ang bakbakan dakong 3:30 noong Lunes ng hapon sa liblib na lugar ng Tugal, Barangay Datal Anggas, Alabel, Sarangani. Nagsasagawa ng pursuit operation ang mga tauhan ng 73rd Infantry Battalion sa pamumuno ni 2Lt. Jerson F. Sanchez na matiyempuhan ang mga rebelde sa lugar ng Tugal. Ayon sa militar, tumagal ang engkuwentro ng 30 minuto bago tumakas ang mga rebelde sa bulubunduking lugar ng Barangay Datal Anggas. +Ang lindol na tectonic ay lumikha ng lalim na 13 kilometro. Naitala ang intensity 4 sa Baguio City at La Trinidad sa Benguet, intensity 3 sa Itogon, Benguet, intensity 2 sa Dagupan City, Pangasinan at intensity 1 naman sa Palayan City, Nueva Ecija. +Nagsumikap si Christian na maging achiever sa pag-aaral at kalauna'y naging miyembro pa ng isang orchestra -- isang karangalang inakala ni Christian na lubusang makapagbabalik ng mga ngiti ng kanyang ina. Anong uri ng kalungkutan ang bumabalot sa isang tao para kitilin ang sariling buhay? Paano kinakayang maging malakas ng isang anak para sa isang ina na suko na sa mga pagsubok ng buhay? +Mula pa rin sa direksyon ni Chito Rono at sa kanyang panulat kasama si Roy Iglesias, siguradong magiging patok ang entry na ito sa 40th Metro Manila Film Festival. Muling kasama ni Direk Chito ang tatlo pa sa mga haligi ng horror genre, ang Star Cinema, si Kris Aquino, at ang nanakot sa atin sa naunang Feng Shui na si 'Lotus Feet'. Ang master storyteller na si Direk Chito rin ang gumawa ng mga certified modern horror classics tulad ng Sukob (2006), The Healing (2012) at iba pa. Siya ang lumikha sa Queen of All Media bilang 'horror queen' dahil sa malaking success ng Feng Shui noong 2004. Co-producer din si Kris ng entry nito ngayong Pasko. Paboritong panakot si 'Lotus Feet' hanggang ngayon. Sa pamamagitan ng bagua ay nangunguha siya ng mga kaluluwa ng sinumang tumingin dito. Ang mga suwerteng natatamasa ni Joy (Kris) ay may kapalit na buhay. Nang lumaon ay unti-unting nauubos ang miyembro ng kanyang pamilya kaya sinira niya ang bagua para mawakasan ang masamang sumpa. Ngunit pagkaraan ng sampung taon, madidiskubre niyang may bago nang nagmamay-ari sa bagua, si Lester. Magtutulungan silang tuluyang putulin ang nakakatakot na pangyayari sa buhay nila. Gagampanan ni Coco Martin sa kanyang unang horror film ang karakter ni Lester. Sa tambalan nila ng Queen of All Media, siguradong doble ang saya, doble ang katatakutan at doble din ang kilabot dahil doble ang suwerte at kamalasan ng sino mang mangahas na tumanggap ng kahit na ano mula sa bagua. Higit sa lahat, magiging dalawa na rin si 'Lotus Feet'. +Nabatid sa pagsisiyasat ni PO3 Dennis Pengson na dakong 9:40 ng umaga, abala si Evaristo Gamboa Bunag, 62, ng Bgy. Pambuan, sa pag-o-operate ng payloader ng lokal na pamahalaan at sinisinop sa isang lugar ang nakatambak na basura nang hindi nito napansin at tuluyang naatrasan ang biktima. +Nangyari ang air raid kasunod ng matinding barilan sa paliparan at mga sagupaan sa iba pang lugar, kasabay ng babala ng mga analyst na ang hating Yemen ay patungo sa all-out civil war. +Nilinaw ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na ang Pebrero 25 ay special holiday para lang sa mga paaralan sa bansa at mananatiling isang working day para sa mga empleyado. +Sinisi ni Hadi, isang dating heneral, ang pagkontrol ng mga Houthi sa Sanaa sa dalawang taon nang pagtatangka na ilihis ang Yemen sa katatagan matapos ang ilang taon ng panggugulo ng iba't ibang grupo, lumalalang kahirapan at US drone strikes sa Islamist militants. +Nilinaw ng alkalde na magpapakulong siya dahil mali na, aniya, ang ginagawa ng Senate Blue Ribbon Committee, na pinamumunuan ni Sen. TJ Guingona, at sub-committee nina Senators Koko Pimentel, Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV. "Batid ko po na ako ay isang mayor lamang kung ihahambing sa malalaki at makapangyarihang senador ng Senate Blue Ribbon sub-committee," pahayag ni Binay, "at kahit minsan ay hindi ko po inisip na kalabanin ang Senado." "Ngunit napansin ko po na ang katotohanang gusto nilang paniwalaan at panigan ay 'yun galing sa mga nagaakusa sa amin na walang ebidensiya," pahayag ng alkalde. Bukas ang kampo Binay sa pagdulog sa korte, partikular sa Korte Suprema, upang iapela ang desisyon at maghain ng motion for reconsideration. +Sa ulat ni Insp. Manuel Catacutan, hepe ng Lupao Police, kay Senior Supt. Crizaldo Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, kinilala ang nagpakamatay na si Anthony Aquino y Imperio, na natagpuang nakabitin sa nakabitin sa kisame ng bahay. +Nagsimula ang repair work ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dakong 10:00 kahapon ng hapon at inaasahang matatapos ito dakong 10:00 ng Linggo ng gabi. Ang mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng Mindanao Avenue - mula Road 8 hanggang North Avenue, second lane; at C-5 Road Pasig Blvd. hanggang Bagong Ilog ServiceRoad, southbound. Isasara sa mga motorista ang Commonwealth Avenue COA main gate hanggang COA exit gate, second lane mula median island; Commonwealth Market Extension Overpass hanggang Bicol-Leyte Overpass, second lane mula median island na kapwa northbound; at Batasan Road mula Filinvest II hanggang Payatas Road, second inner lane at CP. Garcia Avenue - mula University Avenue hanggang Maginhawa St., second lane, eastbound. Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang mga naturang lugar at sa halip ay gumamit ng alternatibong ruta upang makaiwas sa trapik. Inirekomenda ni DPWH-National Capital Region Director Reynaldo Tagudando ang pagsasagawa ng reblocking at rehabilitasyon ng mga naturang lansangan ngayong weekend bilang bahagi ng maintenance work ng mga ito. +Magsisimula na ngayon ang best-of-three series para sa kani-kanilang quarterfinal pairings ng mga koponang pumasok na No. 3 seed hanggang No. 6 sa pagtatapos ng eliminations ng 2015 PBA Commissioners Cup. +Senentensiyahan ng korte ang retired military doctor na si Norberto Atilio Bianco, 69, ng 13-taon, at ang midwife na si Yolanda Arroche, 85, ng pitong taon. Sila ay nilitis sa pagtatrabaho sa isang lihim na paanakan sa Campo de Mayo prison. Sa panahon ng diktadurya, dinukot ng militar ang mga buntis, pinosasan, piniringan at ikinulong hanggang manganak. Ang kanilang mga anak ay ibinigay sa military staff o mga tagasuporta ng gobyerno dala ang mga pekeng pangalan. Hinatulan din ng korte si Santiago Omar Riveros, 91, at dating diktador na si Reynaldo Bignone, 86, ng 30 at 16 taon ayon sa pagkakasunod. Nahaharap sila sa habamubuhay na pagkakakulong sa iba pang krimen laban sa sangkatauhan. +Kinilala ni Senior Insp. Maricris Y. Mulat, hepe ng Tagoloan Police, ang mga arestadong dayuhan na sina Gouwen Wu, Jianxin We, Yungcheng Liu, Zhongru Wu at Tomas Wong, habang ang kapitan ng barko ay si Rodolfo Meneses Gabinete. Sinabi ni Mulat na nagpapatrulya ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa baybayin ng Tagoloan nang mamataan ng mga ito ang barko ng mga Chinese. Aniya, ilang buwan nang sinusubaybayan ng PCG ang nasabing barko sa suspetsang may kahina-hinalang aktibidad ito sa lugar. Pinatigil ang barko sa karagatan ng Misamis Oriental at dinakip ang mga sakay nito sa paglabag sa RA 7942 (Mineral Resources Act of the Philippines). Sinabi ni Mulat na ang barko ay in-impound ng PCG sa isang pribadong pantalan sa lugar. Nakapiit naman sa himpilan ng Tagoloan Police ang limang Chinese at Pinoy na kapitan ng barko. +Sinabi ni Atty. Ma. Theresa Pabulayan, clerk of court, na inaprubahan ni Fifth Division Chairman Roland Jurado ang mosyon ng maybahay ni Vice President Jejomar Binay matapos itong humingi ng permiso sa korte. +DUMEPENSA ang brother ni Cesar Montano na si Jing Manhilot para isiwalat ang ilang nalalaman sa nagkahiwalay na mag-asawang sina Cesar at Sunshine Cruz. Sa kanyang interbyu sa The Buzz nitong nakaraang Linggo, aminado si Jing na very much in love pa rin daw ang Kapamilya actress sa kanyang kapatid. Ang nararamdaman pang ito raw ni Sunshine kay Cesar ang nag-udyok para kasuhan nito ang ex-husband ng Violence Against Women and Children. +Napilitan si Rodriguez na bitiwan ang WBO minimumweight title na natamo niya nang patulugin ang Pilipinong si Merlito Sabillo sa 10th round, gayundin ang IBF title na inagaw naman niya kay Katsunami Takayama ng Japan sa 12-round unanimous decision sa mga sagupaang ginanap sa Mexico. May kartadang 16-2-1 (win-loss-draw) na may 11 panalo sa knockouts, umaasa si Rodriguez na makabawi sa pagtatabla kay Fajardo na kailangang magwagi sa knockout para manalo sa Mexico na tanyag sa hometown decisions. +"It did change," pagsisiwalat ni Angelina, 39. "We were fortunate enough to be in that unusual situation, we got married with our [six] children and they were part of the ceremony." Matatandaan na naging parte ng kanilang kasal ang kanilang anim na anak. Sinamahan nina Maddox, 13 at Pax, 10, ang kanilang ina nang maglakad patungo sa altar, naging flower girls naman sina Zahara, 9, at Vivienne, 6, at naging ring bearers sina Shiloh, 8, at Knox, 6. Sabi pa ni Angelina, "It was all of us agreeing to be together and to just commit to this life together. Not because we had to... because we were absolutely sure we felt that much of a family." Inamin ng Unbroken director na nagkaroon siya ng sariling pangarap simula ng ikasal sila ni Brad Pitt. +In fairness, cute naman ang puppy na ibinigay at sa tuwing lalabas ang magkasintahan ay dala-dala nila with matching stroller pa. Heto na ang siste, naghiwalay na sina TV host/actor at TV host/actress dahil babaero raw ang una bukod pa sa hindi rin boto ang pamilya ng huli. Siyempre, naiwan si Puppy kay TV host/actress. Ito ang naging kasa-kasama niya noong nalulumbay siya hanggang sa naka-move on na siya. "Sobrang love ni _____ (TV host/actress) si _____ (puppy) kasi first baby niya kay _____ (TV host/actor), kaya maski nasaan siya, kasama 'yan. Ang problema 'pag nagpunta ng _____ (ibang bansa) siya, paano saan niya iiwan? Hindi pa kasi napapagawan ng passport." +Sa interview kay Paolo after the presscon, biniro siya ng ilang press na humirit siya ng block screening sa mga kaibigan niya sa showbiz. At naisip nga niya ang best friend niyang si Dingdong Dantes. Puwede rin daw siguro siyang mag-request ng block screening kay Alden Richards, at pabirong nanawagan siya sa Pambansang Bae. "Alden, dati noong hindi ka pa sikat, binigyan kita ng shoes, 'di ba? Ano ba 'yung bigyan mo si Kuya Pao ng block screening?" sabi ni Paolo, na ikinatawa ng mga kaharap niya. Kuwento ni Paolo, magkasama raw sila noon nina Alden, Dingdong at Marian Rivera sa teleseryeng My Beloved. Kailangan daw ni Alden ng leather shoes sa eksena, kaya pinahiram ni Paolo ng charol na Zara shoes niya ang binata. Nagandahan daw si Alden sa shoes kaya ibinigay na lang ito ni Paolo sa kanya. Sabi pa ni Paolo, natutuwa siya na kapag sinilip ang Instagram ni Alden ay naroroon pa sa mga unang post ng bida ng Victor Magtanggol ang picture ng shoes na ibinigay niya rito. "Gusto kong kumita itong Through Night and Day bilang pasasalamat ko sa Viva Films at Octo Arts Films dahil nagtiwala sila sa akin," seryoso nang sabi ni Paolo. Dahil isang Kapuso, kahit masipag mag-promote si Paolo ay hindi siya puwedeng mag-promote sa ibang network, maliban sa GMA. Kaya naman this Saturday ay nasa Eat Bulaga siya, at sa Sunday, mapapanood naman siya sa Sunday PinaSaya. +"Actually, mag-iistart din ang boxing, chess at table tennis on the 9th of December pero wala pang nakatayang medal. Only the triathlon, na isasagawa ang kanilang National Finals in three days will have a medal at stake," sinabi ni Alano ukol sa torneo na para sa mga batang atleta na may edad 15 pababa. Maliban sa triathlon, apat na iba pang sports na hindi nagsagawa ng qualifying leg sa Mindanao, Visayas at Luzon ang hahataw din sa kanilang kampeonato na binubuo ng cycling (New Airport Access Road), pencak silat (Rizal Elementary School), wushu (Trinity Christian School) at ang isinamang fencing na gaganapin sa Manila. Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang sports na fencing sa torneo na matatandaan na nagsimula noong 1998 bilang Philippine National Youth Games sa pangunguna noon ni Bacolod City Congressman at ngayon ay Mayor na si Monico Puentebella. Magsasama naman ang mahigit na 3,000 kabataang atleta na nakuwalipika matapos magsipagwagi ng ginto at pilak sa ginanap na tatlong leg. Maaari ring lumahok ang mga nagsipagwagi ng tansong medalya subalit sagot nila ang kanilang pagsabak sa torneo. +Naglaho ang AirAsia Flight 8501 noong Linggo sa kalawakan na binabalot ng makapal na ulap sa kanyang daan mula Surabaya, Indonesia, patungong Singapore. Pinalawak na ang paghahanap noong Lunes, ngunit wala pa ring nakikitang anumang bakas ng Airbus A320. "Based on the coordinates that we know, the evaluation would be that any estimated crash position is in the sea, and that the hypothesis is the plane is at the bottom of the sea," sinabi ni Indonesia search and rescue chief Henry Bambang Soelistyo sa isang news conference. Sinabi ni First Adm. Sigit Setiayana, ang Naval Aviation Center commander sa Surabaya air force base, na 12 navy ship, limang eroplano, tatlong helicopter at ilang warship ang tumutulong sa paghahanap, kasama ang mga barko at eroplano mula sa Singapore at Malaysia. Nagpadala na rin ng search plane ang Australian Air Force. Pinahirapan ang paghahanap ng malakas na ulan noong Linggo, ngunit sinabi ni Setiayana noong Lunes na bumuti na ang visibility. "God willing, we can find it soon," aniya sa The Associated Press. Ang paglaho ng eroplano at pinaghihinalaang pagbulusok nito ang nagsara sa nakakamanghang trahedyang taon para sa air travel sa Southeast Asia. Nangunguna sa mga trahedya ng Malaysia-based carrier ang hindi pa rin maipaliwanag na paglaho ng Malaysia Airlines Flight 370 noong Marso at ang pagbagsak ng Malaysia Airlines Flight 17 noong Hulyo sa Ukraine. Ang huling komunikasyon ng cockpit sa air traffic control ay naitala 6:12 a.m. (23:12 GMT Saturday), nang hilingin ng isa sa mga piloto na magtataas sila ng altitude mula sa 32,000 feet (9,754 meters) sa 38,000 feet (11,582 meters), sinabi ni Murjatmodjo. Ang jet ay huling nakita sa radar dakong 6:16 a.m. at naglaho makalipas ang isang minuto, ayon sa mamamahayag. Lumipad si AirAsia group CEO Tony Fernandes sa Surabaya at sinabi sa isang news conference na ang pokus nila sa ngayon ay sa paghahanap at sa mga pamilya sa halip na sa sanhi ng insidente. "We have no idea at the moment what went wrong," ani Fernandes, isang Malaysian businessman na itinatag ang low-cost carrier noong 2001. "Let's not speculate at the moment." +Nakapaglaro ang 40-anyos na si Rivera sa World Cup sa Poland nang maghari sa BWC National Finals noong Agosto matapos ding makopo ang Masters title sa Philippine National Games noong Mayo para sa rekord na ikawalong Male Bowler of the Year award. "It feels good to win again. It would definitely be tougher to repeat in 2015 as more talented youth bowlers start to emerge," sambit kahapon ng international campaigner na si Rivera. Tampok sa makinang na performance ni Tabora, patungo sa Female Bowler of the Year, ang unang career perfect game, pamamayagpag sa PBA Open Masters ladies at ang pagiging kasapi ng PH team sa Incheon 17th Asiad 2014. Hinirang namang 2014 top Cebu bowlers sina BALP Open Masters champion GJ Buyco (men) at Sinulog Open Masters champion Samantha Lagcao (women) sa una nilang pagtanggap sa parangal. Ang 18-anyos na si Enzo Hernandez na kinubra ang limang medalyang ginto sa Manila Asian Universities Championships at anim na 300 perfect games ang tinanghal na Male Youth Bowler of the Year. Iniuwi ni Bea Hernandez ang Female Youth Bowler of the Year sa impresibong pagsabak sa Chinese Taipei, Singapore at Malaysian International Opens, bukod pa sa pagwawagi sa PBC Youth Quarterly tournaments. Most Improved Bowler of the Year naman sina Ray Snyder (male) at Dale Lazo (female). Idineklara si Eboy Farr na Cyclist of the Year sanhi ng 15 international at national titles, kabilang ang ASEAN MTB Cup Series- overall men masters at ipinutong kina Sonny Montilla at Camille Gotohio ang Badminton Player para sa kalalakihan at kababaihan. +Sinabi nj Rigoros, na ikinasa ang recall election ng isang Alroben Goh, noong Marso 17, 2914 o siyam na buwan matapos manalo si Bayron. "Recall elections are part of the democratic experience. However, it can also be a double-edged sword. Rightly used, it can promote greater good. Wrongly used, it can result in greater evil. The recall election petition against Mayor Bayron falls under the latter category," ayon kay Rigoroso, Tinukoy pa ng abogado ang mga paglabag ng Comelec, kabilang na ang premature na pag-apruba, kabiguan na magkaroon ng malayang evaluation ng mga lumagda sa petisyon, pag-apruba nito sa kabila ng paliwanang ng ilang lumagda na hindi nila alam ang laman nito, at pagkabigo na maabot ang itinakdang porsiyento ng mga lumagda. +Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. na dapat na maberipika ang nasabing ulat bago ito tugunan ng Department of Foreign Affairs (DFA). "Ito ay dapat na maberipika at kapag na-verify ng Philippine Coast Guard (PCG) o Philippine Navy ay maaaring gumawa ng appropriate action ang DFA at ipagbigay-alam ito sa bansang kinauukulan kung totoong ang sangkot dito ay mga Vietnamese fishermen," sabi ni Coloma. Samantala, sinabi ni Coloma na nagpahayag ng pagkabahala ang gobyerno sa mga ulat na nagtatayo ngayon ang China ng istrukturang kasing laki ng shopping mall sa may Burgos Reef sa West Philippine Sea. "Yung mga pagkilos na 'yan ay matagal nang tinututulan at inilalantad ng ating pamahalaan bilang paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea dahil may umiiral pang mga usapin hinggil sa mga maritime entitlements na dapat munang maresolba," ani Coloma. Gayunman, sinabi ni Coloma na patuloy na gagamitin ng gobyerno ng Pilipinas ang paraang diplomatiko at alinsunod sa mga umiiral na patakaran sa territorial dispute nito sa China. "'Yung isinasagawang reclamation activities ay tinutuligsa at tinutulan din ng ibang bansa na mayroong kahalintulad na maritime entitlement claim sa ating bansa," sabi ni Coloma. +Itutuloy bukas ng Blue Ribbon Sub-committee, na pinamumunuan ni Sen. Aquilino "Koko" Pimentel Jr., ang pagdinig sa umano'y multi-bilyon pisong anomalya sa kontrobersiyal na gusali, na nakakomisyon umano ang mag-amang Junjun at Vice President Jejomar Binay. Tiwala si Cayetano na mareresolba na bukas ang isyu hinggil sa quorum at arrest order na ipinalabas laban sa alkalde na nilagdaan na ni Senate President Franklin Drilon. Ibinitin ng Blue Ribbon Committee ang paghahain ng detention order laban kay Mayor Binay matapos kuwestiyunin ni acting Senate Minority Leader Vicente Sotto III ang kakulangan ng quorum dahil dadalawa lang na senador--sina Pimentel at Antonio Trillanes IV--ang dumalo sa pagpupulong na roon inihain ang reklamong contempt laban sa nakababatang Binay. +Inatasan ng Sandiganbayan ang Bureau of Immigration (BI) na ilagay sina dating Benguet Rep. Samuel Dangwa, dating Masbate Rep. Rizalina Seachon-Lanete at kanilang mga kapwa akusado sa Hold Departure List upang hindi sila makaalis ng Pilipinas nang walang permiso mula sa anti-graft court. +Ani Roxas, ang OPLAN Lambat-Sibat ay unang hakbang lamang sa pagbaka sa kriminalidad at hindi pangkalahatang solusyon sa mga krimen. Subalit ipinangako niya na magpapatupad ng mga istratehiya laban sa mararahas na krimen na palalaganapin niya sa ibang rehiyon. +Sa ulat sa pulisya ni Evelyn Quijano, 45, may asawa, negosyante, ng Tandang Sora, Quezon City, ang Vios (AAK-6899) ay sinasabing kinarnap sa Baguio City nina Arthur Seneca, 44, ng Barangay Palayan, Makati City; at Joseph Patrick Villa, 37, ng Bgy. San Josef, Jaen, Nueva Ecija. +Ayon pa kay Autsria, gaya ng nangyari sa kanila sa Game One, napakarami na naman nilang nagawang turnovers na napuwersa ng matinding depensang ipinakita ng Alaska. Inamin din ng Beermen mentor na wala naman siyang magawa kundi ang magpaalala lamang sa kanyang mga manlalaro kung ano ang dapat na gawin sa loob ng court. At kahit gaano pa katindi ang pisikal na nangyayari, hindi naman sila puwedeng umangal na lamang ng umangal dahil inaasahan na ito sa ganitong level ng laro. "You cannot expect for fouls from the refs because it`s the finals. We got turnovers from entry passes. We tried to get the ball to Junemar (Fajardo ) on the shaded area but it doesn`t get there," paliwanag pa nito. Dahil dito, nawala sa focus ang kanyang mga manlalaro na naging sanhi upang tuluyan silang mawala sa laro. "Alaska they have a lot of talented players. They have veterans there they know what the situation is. We panicked. I congratulate Alaska for the job well done," ayon pa kay Austria. Sa kabila ng muling pagkaiwan sa serye, optimistiko pa rin ang Beermen coach sa kanilang tsansa. +HUMATAW ng sayaw si Michelle Obama sa Ellen DeGeneres show nang imbitahan siya upang pag-usapan ang buhay nila sa White House ng kanyang asawa na si US President Barack Obama. +Iniakda ni Councilor Eufemio Lagumbay ang Ordinance No. SP 2348 S2014 , na nagsusog sa item II Section 39 Article 15 sa amusement activities ng Quezon City Revenue Code, pagbabawas sa tax rate ng walong porsiyento hanggang limang porsiyento. +Base sa mensahe, "Uy, let's all pray for _____ (kilalang asawa ng aktor), malubha na ang kalagayan niya, that's why all the members of the family were all praying na at talagang natataranta na sila." +Suportado ng migrants' ministry ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang planong total deployment ban ng gobyerno sa mga bansang walang batas na nagbibigay ng proteksiyon sa mga karapatan ng mga overseas Filipino worker (OFW). +Kabilang sa isusubasta ang 43,160 na 50-kilo bag ng long grain white rice at 4,160 na 50-kg bag ng malagkit na bigas mula sa Thailand at Vietnam. Ang mga kargamento ay inangkat ng San Carlos Multi-Purpose Cooperative (SACAMUCO) at dumating sa Davao noong Setyembre 2013. Kinumpiska ito ng BoC dahil sa kabiguang magpakita ng kaukulang import permit mula sa National Food Authority (NFA). Sinabi ni POD Acting District Collector Ricardo Butalid Jr., na ang malagkit na bigas ay nasa P49 kada kilo, habang ang long grain white rice ay nasa P27 kada kilo. +Nagtapos sila sa isang 13-0 run upang idispatsa ang New Orleans (26-23) at malampasan ang 11-point third quarter deficit upang manalo sa ikatlo lamang na pagkakataon sa huling pitong laro. Gumawa ng 23 puntos si Anthony Davis para sa New Orleans kasama ang 8 rebounds, habang nagdagdag si Ryan Anderson ng 19 mula sa bench. Kasalukuyang may iniindang big toe injury si Durant at nagawa lamang makapaglaro ng 22 sa 49 laban ng Thunder. Mas iniangat ni Westbrook ang kanyang laro at nagtapos na may 58 porsiyento mula sa court. Umiskor siya ng 25 first half points, kabilang ang career-best para sa isang quarter sa kanyang 19 sa unang yugto. Ngunit nasagot ito ng Pelicans sa malakas na pagpapakita ng kanilang bench, at itinabla ang kanyang point total upang tulungan ang New Orleans sa 57-51 halftime lead. Sa kalaunan ay napalawig ng Pelicans (26-23) ang kanilang bentahe sa 66-55 sa unang 4 minuto sa ikatlong yugto bago nagtambal sina Westbrook at Serge Ibaka upang agawin ang momentum pabalik sa Thunder. Nagsanib-puwersa sila para sa 15 puntos na kalamangan sa isang 4 minutong stretch na nagtabla sa laro at nagdala sa Thunder patungo sa panalo. Nagtapos si Ibaka na may 13 puntos, ang lahat ay nanggaling sa second half, kasama ang 7 shot blocks. Muling maghaharap ang dalawang koponan bukas (Sabado) sa Oklahoma City. +Umatake si Messi sa 38th minute laban sa APOEL sa Group F upang bigyan ang Barcelona ng 2-0 abante matapos na buksan ni Luis Suarez ang scoring. Ito ang ika-91 laro ni Messi sa top club competition ng Europe. Ang dating Real Madrid at Schalke striker na si Raul ay umabot sa 142 matcher upang maitala ang dating rekord na 71. +Ayon kay Alvin ay nagpapahinga na si Kris sa bahay at mahigpit ang bilin ng doktor na bed rest siya ng Saba do at Linggo at huwag kalimutang inumin ang mga iniresetang gamot. Kaya wala ulit si Kris Aquino sa programa nila ni Boy Abunda na Aquino & Abunda Tonight noong Biyernes at maging sa The Buzz ngayong hapon. Gamot ng anak na si Josh na may ibuprofen ang nainom ni Kris noong Lunes kaya na-allergy siya. Ang problema, dahil sa pagiging super professional, maski na namamaga ang mata at ilong ay sinipot pa rin niya ang live episode ng KrisTV kinaumagahan. Dahil umayus-ayos na ang pakiramdam, sinipot na rin niya ang lahat ng iba pa niyang appointments hanggang noong Huwebes sa kanyang gift giving activity sa Baclaran Church, pero sumuko na talaga ang katawan niya. Umaasa ang lahat lalo na ang Queen of All Media na gumaling na siya kaagad para makadalo siya sa Metro Manila Film Festival Parade kasama sina Coco Martin, at Cherie Pie Picache para sa entry ng Star Cinema at Kris Cojuangco Aquino Productions na Feng Shui 2 sa Disyembre 24, Martes. Panalangin din ng grupo na kumita ang Feng Shui 2, na lumaki lalo ang gastos dahil nag-abono sila para sa additional shooting na inabutan ng deadline. Ito ang post ni Kris sa kanyang social media accounts nitong Biyernes. "KRIS HEALTH CONDITION UPDATE: Nurse Jordee is removing my IV LINE. I must commend St. Luke's Global. (I actually stayed in the same room my best friend Boy Abunda was confined in.) "Doc Nick Cruz came by with Dr. de Guzman to explain that my IT Scan was good. My migraine headache came from muscle spasms from exhaustion coupled with the extreme heat during yesterday afternoon's gift giving event. The pain was what caused me to throw up & made my BP to go up to 150/100. "I am being allowed to go home (I asked because I feel so uneasy being away from Kuya & Bimb) but with strict instructions to take my medication and have bed rest this weekend. Thank you to all of you who sent me texts and prayers for my recovery. "Important realization for me is that having a professional work ethic is admirable but not when it's already detrimental to my health. +SA Instagram nalaman ng publiko ang pagsisilang ni Cristine Reyes. Ipinost niya sa kanyang account na isinilang niya ang kanyang premature baby last Sunday. Bagamat nagkaroon ng komplikasyon ang kanyang panganganak, masaya siya na naisilang na ang kanyang baby. +Kaugnay nito, iniulat ng DoH na umakyat na sa 176 fireworks-related case simula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga kahapon. Mas mababa ang naturang bilang ng 125 kaso o 42 porsiyento kumpara sa nakaraang taon. +Nakatakdang lumabas si Kardashian sa nasabing serye na pinamagatang Bigg Boss sa India sa Sabado ng gabi para makipag-usap sa contestants. Ang housemates ay binubuo ng mga modelo at aktor na mananatili ng 90 araw sa loob ng bahay na walang Internet at bawal gumamit ng telepono o kahit anong kagamitan na maaaring gamitin sa pakikipag-ugnayan sa labas ng bahay. +Gayunman, inaasahan na ni Hapee coach Ronnie Magsanoc na hindi susuko ang Rising Suns sa kanilang pagtatagpo. "I expect it to be a lot tougher on Thursday," ani Magsanoc. Ngunit gaya sa Game One, muli sasandigan ni Magsanoc ang kanyang big men na sina Ola Adeogun at Troy Rosario na siya ring nanguna sa Fresh Fighters sa finals opener. "I'm hopeful that Adeogun and Rosario will continue to hold the fort for us," dagdag pa ni Magsanoc. Nagtala ang Nigerian center na si Adeogun ng 21 puntos at 15 rebounds habang nag-ambag naman si Rosario ng 16 puntos at 4 rebounds. Bukod sa dalawa, inaasahan din ang pagbawi ng conference MVP na si Bobby Ray Parks na nalimitahan lamang sa 6 puntos, 5 rebounds at 3 assists sa Game One. Sa panig naman ng Rising Suns, tiyak na muling mamumuno sa kanila si Fil- Tongan Moala Tautuaa na tumapos na may 16 puntos at 15 rebounds ngunit kinakailangan nito ng sapat na suporta ng kanyang teammates, partikular sa endgame. +Nakipag-ugnayan na si Roxas kay PNP OIC Chief Supt. Leonardo Espina upang masigurong nakatutok ang mga awtoridad sa mga lugar na pinamumugaran ng mga krimen na tulad ng mga mall, istasyon ng LRT at MRT at terminal ng bus. +Sinabi ni Woods na ang injury na pumuwersa sa kanya na umatras mula sa event sa Torrey Pines noong nakaraang linggo ay walang kaugnayan sa back surgery niya sa nagdaang spring. Ayon sa kanya, siya ay araw-araw na sumasailalim sa physical therapy at "feeling better." Plano niyang mag-ensayo sa darating na linggo sa kanyang home course sa South Florida at masusing pag-aaralan ang laro. "I am committed to getting back to the pinnacle of my game," aniya. "I'd like to play the Honda Classic - it's a tournament in my hometown and it's important to me - but I won't be there unless my game is tournament-ready. That's not fair to anyone. I do, however, expect to be back playing again very soon." Nagtamo ang dating World No. 1 ng iba't ibang injury sa mga nagdaang taon, sa leeg, tuhod, Achilles' tendon, siko, at likod. Noong nakaraang Huwebes, umatras si Woods sa first round ng Farmers Insurance Open dahil sa pananakit ng kanyang lower back. Ito ang ikatlo niyang withdrawal sa kanyang huling walong PGA stars, at ikasiyam sa kanyang career. Mula nang mahirang na PGA Tour Player of the Year noong 2013, nakapagtala lamang si Woods ng isang top 25 sa siyam na pag-uumpisa sa pagsadsad ng kanyang world ranking mula sa No. 1 sa kasalukuyan nitong posisyon na No. 62, ang kanyang pinakamababang ranking mula sa kanyang rookie year noong 1996. Noong Marso, sumailalim si Woods sa surgery upang maayos ang pinched nerve sa kanyang likod at nagbalik may tatlong buwan ang nakalipas, ngunit hindi ito naging masyadong matagumpay. Siya ay umatras mula sa WGC-Bridgestone Invitational dahil sa back spasms, muntik na hindi makaabot sa cut ng PGA Championship at nagpahinga ng sumunod na tatlong buwan upang sumailalim sa rehabilitasyon sa kanyang mga injury. Nang siya ay magbalik sa kumpetisyon noong Disyembre sa World Challenge, sinabi niya na ang kanyang likod "felt great," bagamat ang kanyang laro ay bumaba. Tumabla siya sa panghuling puwesto sa 18-man field. Sa kanyang unang start para sa 2015, ang Phoenix Open, nahirapan si Woods sa kanyang short game, ipinoste ang kanyang pinakapangit na iskor sa ikalawang round (82), hindi napasama sa cut (lampas ng 12 shots) at tumabla sa panghuling puwesto. Sinundan ito ng withdrawal mula sa event sa Torrey Pines noong isang linggo, kung saan walong beses na siyang nagwagi, kabilang ang kanyang huling major noong 2008 U.S. Open. +Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr. na 14 na miyembro ng Constitutional Commission na bumuo sa 1987 Constitution ang nagsabing walang ilegal sa BBL. +"Noon, ang huling northbound trip mula sa Alabang ay umaalis ng 7:30 ng gabi at ang biyaheng southbound ay umaalis naman sa Tutuban ng 7:07 ng gabi. Simula noong Disyembre 2, nag-deploy kami ng karagdagang northbound trip ng 7:50 ng gabi at soundbound trip ng 7:37 ng gabi," ani Dilay. Ang pagpapalawig ng biyahe ng MSC ay dahil sa 20 porsiyentong pagdami ng araw-araw na pasahero ng PNR, pero sinabi ni Dilay na magiging regular na ang nasabing dagdag na biyahe kahit pa matapos na ang Disyembre. Hindi gaya ng PNR, mag-o-operate sa regular nitong schedule ang mga tren ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, at Metro Rail Transit (MRT) Line 3 kahit pa pinalawig ang operasyon ng mga shopping mall sa Metro Manila ngayong Christmas season. Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Honorito Chaneco, kung palalawigin ang biyahe ng LRT at MRT ay masasakripisyon ang pagmamantine sa mga tren at mga elevated rail system. +Ito ay bilang reaksiyon sa pahayag ni Estrada na mas pipiliin niyang suportahan si Poe kay Vice President Jejomar Binay sakaling magdesisyon ang una na sumabak sa presidential race sa 2016 dahil itinuturing ni Erap na anak ang senadora. +Ngunit sa isang ulat para markahan ang World AIDS Day noong Disyembre 1, nagbabala ang ONE campaign, isang advocacy group na nagtatrabaho upang wakasan ang kahirapan at preventable disease sa Africa, na ang pag-abot sa milyaheng ito ay hindi nangangahulugan na malapit nang magwakas ang AIDS. "We've passed the tipping point in the AIDS fight at the global level, but not all countries are there yet, and the gains made can easily stall or unravel," sabi ni Erin Hohlfelder, director of global health policy ng ONE. Ang human immunodeficiency virus (HIV) na nagdudulot ng AIDS ay naikakalat sa pamamagitan ng dugo, semen at gatas ng ina. Wala pang gamot para sa impeksiyon, ngunit ang AIDS ay maaaring maantala sa loob ng maraming taon sa tulong ng paginom ng maraming antiretroviral drugs. Ipinakikita ng datos ng United Nations na noong 2013, 35 milyon katao ang nabubuhay na may HIV, 2.1 milyong katao ang bagong nahawaan ng virus at may 1.5 milyong katao ang namatay sa AIDS. Sa talang ito, ang pinakamalaking bahagi ng bigat ng HIV/AIDS ay nasa sub-Saharan Africa. Ang pandemya ng AIDS ay nagsimula mahigit 30 taon na ang nakalipas at pumatay na ng umaabot sa 40 milyong katao sa buong mundo. Sinabi ng United Nations AIDS agency, UNAIDS, na nitong Hunyo 2014, may 13.6 milyong katao sa buong mundo ang mayroon nang access sa AIDS drugs, isang malaking pagbabago sa 5 milyon na nakakukuha ng treatment noong 2010. "Despite the good news, we should not take a victory lap yet," sabi ni Hohlfelder. Binigyang diin niya ang ilang banta sa kasalukuyang progreso, kabilang na ang $3 bilyong kakulangan sa pondo na kinakailangan bawat taon para kontrolin ang HIV sa buong mundo. +Pero sinabi ng hinahangaan nating si De Lima, kung sasamahan ito ng pagtupad sa mandato, pagkakaroon ng malinaw na direksiyon mga layuning nais abutin at ang pagiging proactive, tiyak na makakamtan ang pagbabago sa BuCor. Kahapon nang pormal nang nilagdaan ang naturang IRR na nakasaad ang ilang improvements sa mga pasilidad ng BuCor at dagdag sweldo sa mga kawani nito. Naroon din ang mga balakin na gagawing regional ang mga pasilidad ng pambansang bilangguan upang madalaw nang mas madalas ng mga kaanak ang mga nakapiit. Base sa pag-aaral, mas madali ang pagbabago ng isang bilanggo kapag palagiang nakakausap ang mga kapamilya. Mayroong balak na ilipat sa Laur, Nueva Ecija ang NBP na nasa sa Muntinlupa City na popondohan ng P50 billion, na layunin magkaroon ng bagong segregation system ng mga bilanggo depende sa kanilang mga nagawang krimen. Ibig sabihin, ihihiwalay sa mga ordinaryong kriminal ang mga tanyag at maiimpluwensiyang inmate, mga sugapa sa droga, at yaong mga notorious. Nasasangkot ngayon sa matinding kontrobersiya ang Bucor at NBP dahil sa pamamayagpag umano ng mga convicted druglord sa kanilang mga illegal drug trade kasabwat ang mga opisyal at tauhan ng naturang kulungan. Mangyayari ang mga pagbabago, kung willing at proactive lang sana ang mga kinauukulan. +Ang proyekto ay dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng iba't ibang PUV association sa Benguet, kasunod ang pagdidikit ng mga sticker sa sasakyan ng mga ito. +Subalit sa Barangay Gabon, Calasiao, naging kabuhayan na ito ng mga residente na kung tawagin ang kanilang sitio ay Pandayan. Pangalawa ito sa pangunahing produkto ng bayan, una ang kinikilalang white gold o ang puto ng Calasaio. Sa mithiin na maitaguyod ang kabuhayan ng mga residente ay nabuo ang Aliguas Blacksmith Workers Association, samahan ng mga panday na binubuo ng 83 miyembro, na nairehistro naman agad sa DOLE noong Setyembre 2011. Nasusuplayan ng nasabing produkto ang ilang probinsiya ng Region 2 sa Cagayan, Bulacan sa Region III at maging ang ilang parte ng Mindanao at ang iba naman ay suplay sa lokal market ng Pangasinan. Naging presidente si Joel Magalong ng asosasyon na ito at sa pagnanais ng grupo na mapalawig ang kanilang produksiyon at mas maging moderno ay humingi sila ng tulong sa DTI para makinabang sa Shared Service Facility. Mabilis na tumugon ang DTI upang matulungan ang mga panday sa produksiyon at maitaas pa ang kalidad at maaaring mailuwas ng bansa. "DTI in November 2013 initially granted P285,000.00 worth of improved tools and equipment that will be use by the craftsmen in Calasiao as Shared Service Facility," pahayag ni Magalong. Sinabi pa ni Magalong na kasabay ng tulong ng DTI ang inihahanda ng pamahalaang lokal ng Calasiao sa pamumuno ni Mayor Mark Roy Macanlalay na isang production center. Maglalaanan ng P1 million pondo ang local government unit para sa konstruksiyon ng production center sa Sitio Pandayan. Umaaasa si Magalong na sa pamamagitan ng shared service facility at production center ay magkakaroon ng mas malaking production at income ang mga panday; mapatataas ang kalidad ng mga produkto para mabilis na maibenta at makalilikha ng 100 job opportunities. "The Shared Service Facility (SSF) when fully established and operational, expected to help metalcrafts workers double bolos and knives production to 4,000 assorted pieces weekly. And projected total sales with the introduction of SSF will increase by P328,000.00 weekly," pahayag pa ni Magalong. +Kinumpirma ng South Korean Foreign Ministry na kabilang sa mga narekober ng awtoridad doon ang pitong Indonesian, tatlong South Korean at isang Pinoy. +Naglaan ng P300,000 ang lokal na pamahalaan at P200,000 naman ang pribadong sektor bilang pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon para sa kinaroroonan ng suspek. +3:30 n.h. -- San Sebastian vs Letran (srs) SINO ang huling uusad at kukumpleto sa Final Four? Mabibigyan ng kasalukuyan ang pinananabikang senaryo sa paghaharap ng season host San Sebastian College at Letran sa do -or-die match sa NCAA Season 93 men's basketball tournament ngayon sa MOA Arena sa Pasay City. +Si Sula ang nangangasiwa sa Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation (MAMFI), habang ang isa pang akusado sa nasabing kaso na si Anita Tansipek, pinuno ng Samahan ng mga Manininda ng Prutas sa Gabi, Inc. (SMPGI), ay responsable sa pagbili at pamimigay ng irrigation pumps na nagkakahalaga ng P3 milyon. Kasama rin si Sula sa mga akusado sa amended affidavit of complaint na isinampa ni Joson laban kay Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali kaugnay ng paggawa mismo ni Umali ng sarili nitong bersiyon ng fertilizer scam noong kongresista pa ang incumbent governor. Kaugnay nito, ipinasususpinde ni Joson si Umali habang hindi pa inilalabas ng Ombudsman ang resolusyon sa reklamong may kaugnayan sa umano'y maanomalyang pagbili at pamamahagi ng overpriced bottled fertilizers at irrigation pumps. +Orihinal na itinakda ang pagbubukas ngayong weekend subalit iniurong na lamang ito ng liga dahil gamit ang Rizal Memorial Sports Complex ng Philippine National Police para sa kanilang ginagawang pangangalaga sa katiwasayan ng Papal visit. +Sa panayam sa isang government radio, tiniyak ni Coloma na titipunin ng awtoridad ang mga ebidensiya at testimonya mula sa mga saksi upang maisiwalat ang katotohanan at masigurong matibay ang kasong isasampa laban sa mga responsable sa massacre. "Mahalaga muna 'yung malaman ang katotohanan, mahalaga na matiyak muna kung sino ang mga responsable, at magkakaroon naman ng proseso ng pagsisiyasat, prosekusyon, at paglilitis kapag sila ay nasampahan na ng mga demanda sa hukuman," sinabi ni Coloma nang tanungin kung hindi ba magkakaloob ang gobyerno ng amnestiya o pagpapatawad sa mga rebeldeng pumatay sa 44 na kasapi ng SAF. Sa gitna ng patuloy na pagluluksa ng bansa para sa mga napatay sa engkuwentro ng SAF at mga miyembro ng MILF, napaulat na inamin ng chief government peace negotiator na si Miriam Coronel-Ferrer na ang amnestiya at pagpapatawad ay bahagi ng kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan noong Marso 2014. Gayunman, itinanggi ni Ferrer ang mga espekulasyon na ito ay isang blanket amnesty, iginiit na may ilang dapat ikonsidera sa pagpapatupad ng nasabing probisyon. Noong nakaraang taon, sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na sasaklawin lang ng amnesty program ang mga kasong may kinalaman sa pagrerebelde ng mga kasapi ng MILF. Layunin ng pinaplanong amnestiya, na kailangan pang aprubahan ng Kongreso, na paghilumin ang mga sugat ng digmaan at ibalik sa normal ang buhay ng mga kasapi ng MILF. Samantala, wala namang nakikitang masama ang Palasyo sa mga imbestigasyong isinasagawa ng iba't ibang organisasyon sa engkuwentro sa Maguindanao dahil lahat naman umano ng mga ito ay layuning magsiwalat ng katotohanan. Bukod sa PNP board of inquiry, nagtatag din ang MILF ng special body na magsasagawa ng sariling pagsisiyasat sa insidente. May hiwalay na imbestigasyon din ang Senado at ang Commission on Human Rights. +Kinilala ng National Post newspaper ang lalaki, matatas sa English, na si John Maguire, isang Muslim convert mula sa Ottawa. Pinaniniwalaang bumiyahe siya sa Syria para sumali sa Islamic State fighters. +Ang balita ay senyales na itinataas ng Apple ang kanyang mga ambisyon para sa automotive technology, na naging prime area of interest ng mga kumpanya sa Silicon Valley mula sa Google Inc hanggang sa ride-sharing firm na Uber hanggang sa electric car-maker na Tesla Motors Inc . Ang research lab ay itinayo noong nakaraang taon, matapos ihayag ng Apple ang kanyang forthcoming smart watch at latest iPhones, ayon sa naunang ulat ng Financial Times. +Kasabay nito, tiniyak ni Senate Finance Committee chairman Senator Francis Escudero na ipaglalaban ng Senado ang sarili nitong bersyon sa pambansang pondo na aniya'y hindi taglay ang "pork barrel" taliwas sa akusasyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago. +Ang Globe at TM users ay magkakaroon ng access sa Viva library na naglalaman ng mga video katulad ng movie clips, bloopers, outtakes at behind-the scenes, movie promo segments, classic movie lines, music and lyrics videos, press conferences, event clips, concert highlights at iba pa na tiyak na ikasasaya ng users. Available ang mga video sa teleco's one-stop shop virtual video store, ang Piso Mall. Sa halagang P1 maaari nang mapanood ang halos 200,000 video. "With Piso Mall, we are bringing entertainment at the comfort of one's mobile phone. We are proud to have Viva as our first local content partner as we only partner with the best. Globe and Viva share the same vision and commitment to giving the Filipino consumers what they want. Filipinos are entertainment lovers--we sing, we dance, we watch movies, we love our celebrities. There's no better partner than Viva, and Globe is bringing an amazing portfolio of video content from Viva to our consumers who now live a very digital lifestyle," masayang pahayag ni Issa Cabreira, SVP ng Consumer Mobile Marketing ng Globe. +Nabali rin ang ilong ni Rondo nang matuhuran siya sa mukha ng kanyang sariling teammate na si Richard Jefferson habang tumatayo ang una at inaalis ang hita ni Orlando's Elfrid Payton sa kaagahan ng laro noong Enero 31. +TOKYO (AP) - Sindak at gigil na kinondena ng Japan at ng iba pang bansa kahapon ang pagpugot ng grupong Islamic State kay Kenji Goto, ang mamamahayag na binihag habang iniuulat ang kaawa-awang kalagayan ng mga refugee, mga bata at iba pang biktima ng digmaan sa Syria. +Magkasalo sa ngayon ang Lady Chiefs at ang San Sebastian College sa liderato ng women's taglay ang parehas na malinis na kartadang 6-0, panalo-talo. Bagamat pinapaboran na manaig kontra JRU Lady Bombers, hindi pa rin nakasisiguro ang una dahil ang dating "whipping girls" ng liga ay hindi na puwedeng basta-basta ipagwalang-bahala dahil kung mabibigyan ng tsansa ay kaya nilang makasilat ng mas malalakas na koponan. Sa katunayan, naitala na ng Lady Bombers ang kanilang pinakamagandang rekord sa liga magmula nang lumahok sila sa volleyball tournament na 3 panalo sa anim na laro na nag-angat sa kanila sa solong ika-apat na puwesto kasunod ng defending champion Perpetual Help na may kartadang 4-1 at St. Benilde na may malinis na barahang 4-0. Mauuna rito, patatagin naman ng Lady Altas ang kanilang pagkakaluklok sa ikatlong puwesto sa paghahangad ng panlimang panalo sa anim na laro sa pagsagupa nila sa hanggang ngayo'y winless pa ring San Beda. Ngunit bago ang nasabing salpukan, magtutuos muna ang kani-kanilang juniors at men's squads sa unang dalwang laro na magsisimula ng alas-8 ng umaga. Nakatakda namang magsagupa sa huling laban ang men's team ng JRU at Arellano na may taglay na magkabaligtarang kartada na 1-4 at 4-1, panalo-talo ayon sa pagkakasunod. +"Yes, I made sure of my promise of not letting Igor finish the fight," lahad ng Filipino-American MMA superstar sa mga mamamahayag ilang sandali makaraan ng kanyang pagkapanalo. "But honestly, man, I tell you, out of all my fights, this is my most nerve-wracking one. I tried not to show it, but I was so nervous. Kasi, 'di ba, it's my first time to fight in the Philippines, and all I can think of was I have to do good," dagdag ni Vera. Agad na nagpakita ng kanyang tikas at bilis si Vera sa pagtunog pa lamang ng bell. Nagawa pang makipagsabayan ni Subora sa striking ni Vera, ngunit nakakita ng opening si Vera para sa isang takedown at hindi na niya tinantanan ang Ukranian hanggang itigil ng referee ang laban. Ani Vera, malaking bagay ang pagdalo ng kanyang pamilya, na kanyang pinag-alayan ng laban, sa kanyang pagsungkit ng impresibong panalo laban kay Subora. "To have my family, friends, and second family - the fans, come out here to support me and cheer for me, that meant a lot. Having them here, all of you here, that's where I draw my energy and inspiration from. Thank you. Maraming salamat sa lahat," sinabi niya. Nang tanungin kung ano ang kanyang reaksiyon sa pagpapahayag ng ilang heavyweight fighters mula sa ibang promosyon na interesado silang makatapat si Vera sa mga hinaharap na ONE FC events, sinabi ng 37-anyos na hindi niya aatrasan ang anumang hamon. +Ayon kay Senior Insp. Arsenio Francisco, hepe ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela City Police, dakong 3:15 noong Lunes ng hapon nang kanilang damputin si James sa Mapulang Lupa National High School sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 172 Judge Nancy Rivas Palmones. Noong Oktubre 2014, unang dinakip si James sa loob ng Malinta National High School, matapos ireklamo ng dalawa nitong estudyante sa kasong child abuse. Sinasabihan umano nito ng masasakit na salita at pang-iinsulto ang kanyang mga estudyante lalo na ang isang mag-aaral niya na ngongo at pilit pang pinababasa sa harap ng mga kaklase. Lingid sa kaalaman ng guro, may tatlo pang estudyante ang direktang nagreklamo sa Women's and Children Concerned Desk (WCCD) laban kay James tulad ng nauna niyang kaso hanggang sa bumaba ang warrant of arrest. +Mayroon nang dalawang outs at nakatungtong ng first base ang kakamping si John Christopher Pantan, hinataw ng Herrera ang naturang winner kontra kay rookie pitcher Paolo Macasaet upang giyahan ang Fighting Maroons sa ikaapat nilang panalo sa loob ng walong laro habang ipinatikim naman nila sa Blue Eagles ang una nilang talo kontra pitong panalo. Sa iba pang laban, umangat ang De La Salle University sa kartadang 6-2 panalo- talo sa pamamagitan ng 11-5 panalo Laban sa Adamson University,na bumagsak naman sa barahang 1-7, panalo-talo. Sa softball, nagposte naman ang De La Salle ng 10-0 four-inning na panalo kontra Ateneo, habang ginulantang naman ng National University ang University of Santo Tomas, 9-3 at namayani naman ang UP laban sa University of the East (UE), 8-2. Ang panalo ang ikalima ng Lady Archers sa pitong laban na nagpanatili sa kanila sa ikalawang posisyon sa likod ng defending champion at unbeaten Adamson University (6-0) na nanaig naman kontra Ateneo, 4-3. +Sa panayam sa isang government radio, tiniyak ni Coloma na titipunin ng awtoridad ang mga ebidensiya at testimonya mula sa mga saksi upang maisiwalat ang katotohanan at masigurong matibay ang kasong isasampa laban sa mga responsable sa massacre. "Mahalaga muna 'yung malaman ang katotohanan, mahalaga na matiyak muna kung sino ang mga responsable, at magkakaroon naman ng proseso ng pagsisiyasat, prosekusyon, at paglilitis kapag sila ay nasampahan na ng mga demanda sa hukuman," sinabi ni Coloma nang tanungin kung hindi ba magkakaloob ang gobyerno ng amnestiya o pagpapatawad sa mga rebeldeng pumatay sa 44 na kasapi ng SAF. Sa gitna ng patuloy na pagluluksa ng bansa para sa mga napatay sa engkuwentro ng SAF at mga miyembro ng MILF, napaulat na inamin ng chief government peace negotiator na si Miriam Coronel-Ferrer na ang amnestiya at pagpapatawad ay bahagi ng kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan noong Marso 2014. Gayunman, itinanggi ni Ferrer ang mga espekulasyon na ito ay isang blanket amnesty, iginiit na may ilang dapat ikonsidera sa pagpapatupad ng nasabing probisyon. Noong nakaraang taon, sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na sasaklawin lang ng amnesty program ang mga kasong may kinalaman sa pagrerebelde ng mga kasapi ng MILF. Layunin ng pinaplanong amnestiya, na kailangan pang aprubahan ng Kongreso, na paghilumin ang mga sugat ng digmaan at ibalik sa normal ang buhay ng mga kasapi ng MILF. Samantala, wala namang nakikitang masama ang Palasyo sa mga imbestigasyong isinasagawa ng iba't ibang organisasyon sa engkuwentro sa Maguindanao dahil lahat naman umano ng mga ito ay layuning magsiwalat ng katotohanan. Bukod sa PNP board of inquiry, nagtatag din ang MILF ng special body na magsasagawa ng sariling pagsisiyasat sa insidente. May hiwalay na imbestigasyon din ang Senado at ang Commission on Human Rights. +Ipinakita pa ngang dumating sa piitan ang ama niyang si dating Senador Ramon Revilla, Sr. Nagdatingan din ang mga pagkaing kanilang pagsasaluhan pangunahin na dito ay ang lechon baboy. Naluha si Lani nang sabihin niyang una nilang ipagdiriwang ang Pasko sa labas ng kanilang tahanan. Ipinakita sa telebisyon ang kanilang malaking tahanan sa Alabang, marangya... maluho... Dahil sa piitan nga magno-Noche Buena at magpa-Pasko ang pamilya ni Bong, kakalog ang kanilang bahay. Sa kabilang dako, ipinakita ng balita ang isang mahirap noong Bisperas na ng Pasko na tulak-tulak pa ang kariton at nagkukumahog pang kumita ng paghaharapan nila ng kanyang pamilya sa Noche Buena. Hapon na ay wala pa raw siyang gaanong kinikita dahil nga umuulan. Ang nakadelehensiya ay ang kanyang maybahay na hinalukay ang mabahong basura. Pinalad siyang may naihiwalay dito na naibenta niya. Sa ilalim ng tulay hinihintay ang ama dahil iyon palang tulak-tulak niyang kariton ay ang pinakabahay nila. Dito nila paghaharapan ng kanilang mga anak ang nadelihensiya nila para sa kanilang Noche Buena. Dukha man ang pamilyang ito, walang nakitang lumuluha sa isa man sa kanila sa araw na ito. +Makamit ang karapatang harapin ang second seed na La Salle para sa huling finals berth ang pag-aagawan ngayon ng Far Eastern University (FEU) at 3rd seed National University (NU) sa pagsisimula ng stepladder semifinals sa women's division ng UAAP Season 77 volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum. +"I have been close already, but I really hope that day will come," dagdag nito. Napanalunan ni Kvitova ang kanyang ikalawang titulo sa Wimbledon nitong taon, ngunit umabot lamang siya sa ikatlong round ng French at US Opens at natalo sa unang round ng Australian Open. "Wimbledon was the highlight of the year. I won my second Grand Slam and to have two Wimbledon trophies in my parents' house means absolutely everything to me," ani Kvitova, na nagwagi rin sa torneo noong 2011. Noong Nobyembre, iginiya ni Kvitova ang Czech Republic sa ikatlo nilang Fed Cup trophy sa loob ng apat na taon matapos talunin si Angelique Kerber ng Germany sa finals sa Prague. Nag-umpisa nang magsanay si Kvitova para sa darating na season sa ilalim ng bago niyang fitness coach na si Alex Stober, na nakuha niya matapos magretiro ang Chinese star na si Li Na. "He has a lot of experience and he knows what to do. He arrived with a very specific plan to make me stronger and faster on court," saad ni Kvitova. +"With 13 continental and two national squads, the 2015 Le Tour will definitely be the most exciting," sabi ni Lina-Flavier. "Unlike in the past editions when club teams joined the race, this time, the Le Tour has made its name as one of the most competitive in Asia." Ang continental teams na magbabalik sa Le Tour ay ang Satalyst Giant Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Astana Continental Team (Kazakhstan), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), TPT Cycling Team (Iran), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan) at 7-Eleven (Philippines). Sila ay sasamahan ng Le Tour first-timers na Team Novo Nordisk (USA), RTS Carbon (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Pishgaman Yazd Pro Cycling Team (Iran) at Singha Infinite Cycling Team (Thailand). Ang pambansang koponan ng PhilCycling ay sasabak din bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa Asian Road and Track Championships sa huling bahagi ng Pebrero at ng Singapore Southeast Asian Games sa Hunyo. Ipapadala rin ng Uzbekistan ang pambansang koponan nito upang maging matalas at handa para sa Asian championships. Ang 2015 Le Tour ay magbabalik sa maalamat na ruta sa Kennon Road patungong Baguio City sa Stage Four. Ang Kennon Road ay kinilala sa kasaysayan ng Philippine cycling bilang "maker of champions" - kung saan ang mga tunay na "sports heroes on two wheels" ay naiuukit ang kanilang mga pangalan - sa local Tour. Ang Stage One sa Pebrero 1 ay ang 126-kilometrong Balanga-Balanga route sa Bataan, ang Stage 2 sa Pebrero 2 ay isang 153.75-km ride mula Balangan hanggang Iba sa Zambales at ang Stage 3 sa Pebrero 3 ay sasakupin ang 149.34- kilometro mula Iba hanggang Lingayen, Pangasinan. Para sa Stage 4 sa Pebrero 4, ang Le Tour, na napasama sa Visit the Philippines 2015 program ng Department of Tourism, ay ang karera mula Lingayen hanggang Baguio City sa pamamagitan ng Kennon Road at may habang 101 kilometro. +Matatandaan na ibinulgar ni Atty. Renato Bondal sa Senate Blue Ribbon Committee na nagkakahalagang P1,000 ang isang cake na ipinamamahagi ng Makati government sa bawat citizen sa siyudad na nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Subalit kinalaunan ay lumitaw na nagkakahalaga ang bawat birthday cake ng P308 base sa mga dokumentong iniharap ni Sen. Nancy Binay, anak ni VP Binay. Lumitaw sa imbestigasyon ng BIR na inupahan ng lokal na pamahalaan ang CMK bilang supplier ng mga birthday cake, at caterer ng Makati City Hall cafeteria at Ospital ng Makati mula 2009 hanggang 2011. Sa nabanggit na tatlong taon, nagdeklara ang CMK ng gross income na umabot sa P43.2 milyon. Subalit lumitaw sa audit ng mga tax fraud investigator na binayaran ng Makati government ang cake supplier ng P107.6 milyon. +Inihayag kamakailan ni Lady Gaga na engaged na siya sa bida ng Chicago Fire na si Taylor Kinney. Sa isang litrato ay nakita ang singer, kasama ang walang damit pang-itaas na si Taylor habang magkasamang papunta sa lawa. Lumublob din si Vince Vaughn. Nakasuot ang tubong Lake Forest ng Chicago Blackhawks jersey at jeans. Noong una ay hanggang tuhod lang lumubog ang aktor, hanggang sa unti-unti siyang lumublob sa nagyeyelong lawa. Noong nakaraang taon ay lumublob din sa lawa ang komedyanteng si Jimmy Fallon habang nakasuot ng suit and tie, at nakatulong siya sa paglikom ng mahigit $1 million. +CHARLOTTE, N.C. (AP)- Maaaring ang Detroit Pistons ay 11 games under .500, ngunit sinimulan na nilang isipin ang hinggil sa postseason, sinasabing may posibilidad na katotohanan sa kanilang paglalaro sa Eastern Conference. ''We're in the hunt right now,'' pahayag ni forward Greg Monroe. ''We're jockeying for position. There are a lot of games left but these are the games with people right in front of us that mean a lot. Every game we have to come knowing that we are jockeying for position.'' +Ito ay nang makipagkasundo ang pinakamalaking produkto ng telecommunication na may mass market brand na TM upang mas mapalawak at matulungan ang mga lugar at mahihirap na kabataan sa bansa. Kikilalanin ang programa bilang "TM Football Para Sa Bayan," ang ikatlong sports program na uusad bilang isang malaking inisyatibo upang magbigay ng pagkakataon sa hindi pa nadidiskubre ngunit may mga talento kabataan sa komunidad ng football, bukod pa para maipakita ang kanilang husay kontra sa magagaling na bansa. Ilulunsad ang event para sa isang taong eksklusibong programa upang tulungan ang mga kabataang umangat sa kahirapan at maipamalas ang kanilang natatagong talento sa football. "For three years now, the "Football para sa Bayan" program has positively affected thousands of marginalized Filipino youth by providing them a venue to fulfill their dreams for a better life through sports. We want to grow this initiative further not only by honing their skills and increasing the level of play even at a very young age, but also helping pave the way for them to become productive and responsible citizens of our country," sabi ni Trina Sebastian, Director for Portfolio and Brand Management ng TM. Ang programa ay binubuo ng clinics, festivals at iba't ibang sesyon na magsisilbing lugar para sa skills development at maging sa rapport-building sa mga barangay at lokal na gobyerno. Ito ay pangungunahan ng tagapagtaguyod ng football na si Globe Ambassador, dating Azkals team captain at kasalukuyang Green Archers United co-captain/central midfielder Emelio "Chieffy" Caligdong. Inilunsad noong 2013, nakapagbigay ng oportunidad ang programa sa mahigit na 5,000 mahuhusay na kabataan sa 40 komunidad upang bigyan ng pagkakataon na umangat sa kanilang buhay. Halimbawa na dito ang dalawang manlalaro na nabigyan ng sports scholarship sa De La Salle-Zobel, University of the Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines(PUP). Isasagawa ang programa sa mga pangunahing lugar sa bansa kung saan ang festivals ay lalarga sa lungsod ng Dumaguete, Iloilo, Davao at maging sa mga probinsya ng Palawan at Capiz. Pinaghusay na rin ang pagtuturo, pasilidad at suporta sa coaching sa pakikipagkasundo sa Green Archers United kung saan ay bahagi sa programa ang pagpili ng 40 komunidad upang isali sa pagbubukas ng United Football League summer tournament. Sisimulan ng "TM Football Para sa Bayan," sa una nilang serye, ang Football Festival sa pagsasagawa ng 7-side na torneo kung saan ay muling ituturo ni Caligdong ang kanyang mga natutunan sa mga kabataan ng Barotac Nuevo sa Iloilo City sa Marso 7 at 8. Gaganapin din ito sa Tondo at Payatas Football Club. +PARANG, Maguindanao - Pito katao ang malubhang nasagutan matapos sumabog ang isang granada sa bayang ito noong Biyernes. Kinilala ng pulisya ang mga sugatang biktima na sina Jamila Tomas, Abdullah Tomas, Salahudin Tomas, Saima Raoro, Camlon Rairo, Sirikit Magayan at isang Lucman. +Si Bjorkman, isang dating world number four na nagretiro mula sa professional tennis noong 2008, ay makakasama sa coaching set-up ni Murray pagkatapos ang kanyang involvement sa isang Swedish television dance show. "I don't think he has a huge ego so I wouldn't envisage that being a huge problem," sabi ni Murray sa mga mamamahayag sa Miami Open kung saan siya ang third seed. "They have spoken to each other a number of times on the phone, both have said to me that it went very well, they both like each other and know each other from their playing days which is good. "But obviously until we spend a bit of time together it would be tough to know for sure." Nais ni Murray, natalo sa Australian Open final ni Novak Djokovic, na dagdagan ang kanyang support crew dahil na rin sa abalang iskedyul ni Mauresmo. Sinabi ni Murray na madalas siyang makipag-usap kay Bjorkman sa mga torneo at pakiramdam niya na ang dating Wimbledon at U.S. Open semifinalist, na magaling ding doubles specialist na may siyam na grand slam titles, ay maraming maitutulong sa kanya. "A lot of the things that I want to work on and improve in my game (are things) that he was very good at himself," ani Murray. "Mentally he was very strong. He got the most out of his game. He was a very good competitor. He was obviously physically very strong as well, he played singles and doubles most weeks and had a very long career." "So, I decided to chat to him, we ended up speaking for two and a half hours on the phone and it went by very quickly, talking about the game, all parts of the game really." +Kaugnay nito, iginiit ni Senator Loren Legarda na dapat maging handa ang sambayanan sa bagyo. Ayon kay Legarda, dapat ay regular ang pag-monitor ng mga balita, weather advisories at anunsiyo tungkol sa paglikas lalo na ng mga nakatira sa lugar na nasa ilalim na ng public storm warning signals. Aniya, dapat na handa din ang mga ahensiya ng gobyerno na tumugon sa pangangailangan ng mga komunidad na inaasahang maaapektuhan ng bagyo. Pinaalala ni Legarda ang mga paghahandang dapat gawin base Ni Jun Ramirez sa Disaster Preparedness and First Aid Handbook na binuo ng Senate Committee on Climate Change kasama ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno. Ano ang dapat gawin kapag may paparating na bagyo?: Nagbabala din si Legarda sa posibleng storm surge sa mga lugar na tatamaan ng bagyo. Ang storm surge ay biglaang pagtaas ng tubig-dagat na magreresulta sa marami at naglalakihang alon. Kadalasan itong nangyayari kapag ang isang bagyo na may dalang malakas na hangin ay papalapit sa mga baybaying lugar. +Itinatag noong 1974 ni General Hans M. Menzi, ang PAPI ay isang propesyonal na organisasyon na nagtataguyod ng malayang pamamahayag at ulirang peryodismo bilang instrumento ng serbisyo publiko, lalo na sa mga lalawigan. Ito ang pinakamalaking grupo ng publishers, community editors, columnists, broadcasters, at correspondents. Lumago ang bilang ng mga miyembro nito na sumasaklaw ang iba pang media practitioners, bukod sa print, na bilang associate members. Ang kaalyadong publications nito sa mga rehiyon ay humantong sa lingguhang print circulation sa mahigit isang milyong kopya. Ang PAPI ang mangangasiwa ng core event - ang 19th National Press Congress - sa Pebrero 19-21, 2015, sa Sacred Heart Center, Jakosalem Avenue, Cebu City, sa pakikipagtulungan ng media companies at associations. Ang banner theme ay "Forward to ASEAN Integration" na nakatuon sa preparasyon ng ASEAN Economic Community in 2015. Inanyayahan ang tanyag na local at foreign resource persons upang magbahagi ng kanilang karunungan at imporma;syon, at magsasagawa ng mga diyalogo sa inaasahang 700 kalahok na ang karamihan ay mula sa media, sa tatlong araw na pagtitipon. Iikot ang mga talakayan sa ASEAN Integration, partikular na sa kung paano ito makaaapekto sa local community newspaper publishing industry, pati na rin ang industry interventions upang harapin ang mga paghamon at oportunidad sa integration. Mayroon ding workshops hinggil sa press fredom at press ethics, media in the digital age, online reporting/editing, marketing trends, branding, photo journalism, public relations, at advertising. +Tikom ang bibig ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa mga ispekulasyon na suportado niya ang kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pampanguluhan sa 2016. +HINDI na nagawang ilihim pa ni Erich Gonzales ang naudlot na panliligaw sana sa kanya ni Coco Martin. Itatago na sanang tuluyan ni Erich ang hindi itinuloy na panliligaw sa kanya ng super sikat na aktor pero naipit ang aktres kaya for the first time ay inilahad niya iyon sa Aquino & Abunda Tonight nina Kris Aquino at Boy Abunda. +Ayon sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 39, wala isa man sa tatlong pinakamalalaking kumpanya ng langis ang nagsumite ng kani-kanilang relocation plan bago ang pag-alis nila sa lugar noong Hulyo 15. +MATAPOS masangkot sa Sony hacking scandal at naging usap-usapan sa Golden Globes, ngayon naman ay tinubuan ng bulutong si Angelina Jolie. Dahil dito, napilitang ang aktres na kanselahin ang kanyang pagdalo sa pelikulang Unbroken. "I just wanted to be clear and honest about why I will be missing the Unbroken events in the next few days, which is I found out last night I have chickenpox," pahayag ni Angelina, 39, sa YouTube video ng Universal Pictures. "So, I will be home, itching and missing everyone and I can't believe it because this film means so much to me. I just can't believe it. But such is life, there it is and send everyone my love and hope everything goes well." +Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot sa P3.2 bilyon ang halaga ng nasalantang ari-arian at agrikultura bunsod ng pananalasa ng bagyong "Ruby." Sa ilalim ng Tax Code, maaaring isumite ang statement of loss sa loob ng 45 araw matapos nangyari ang kalamidad. Dapat ding magsumite ang aplikante ng tax deduction ang detalye ng pananalasa ng bagyo, oras nang mangyari ito at lugar kung saan may nasirang ari-arian. Ang mga loss na saklaw ng insurance ay hindi tax deductible, ayon sa BIR. +Ayon kay Bulos, inutusan ni DENR-Region 6 Director Jim Sampulna ang grupo na magsagawa ng water sampling upang matukoy kung kontaminado ng coal ang baybayin ng Bgy. Balud. Una nang nagpahayag si Commodore Athelo Ybanez, hepe ng Maritime Security and Law Enforcement Command ng Philippine Coast Guard (PCG), ng pangamba na magdudulot ng pinsala sa kalikasan ang insidente makaraang mamataan ang namuong coal sa lugar. +Batay sa Executive Order No. 75 series of 2014 na pinirmahan ni Mayor Estrada, kanselado ang pasok sa lahat ng paaralan sa lahat ng antas, pribado man o pampubliko, gayundin sa mga tanggapan ng gobyerno sa Maynila sa nasabing mga petsa. +Inihayag din ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bagama't sarado ang mga bangko, tuloy ang serbisyo ng Philippine Payments and Settlements Susytem o PhilPaSS sa Lunes, upang mabigyan daan ang transaksyon sa malaking halaga sa pagitan ng mga bangko at central bank. Bukas din ang ATM services, ayon pa BSP. Idineklara ng Malacanang na holiday ang Enero 15, 16 at 19 dahil sa pagdalawa ng Papa sa Pilipinas. +Kaya naman masaya siya, at aminadong feeling leading man na, nang dumating siya sa second presscon niya for that day nitong Martes. Una ang presscon nila ng leading lady niyang si Valeen Montenegro para sa movie nilang The Write Moment, na ipalalabas na, produced by IdeaFirst Company at Viva Entertainment. Ipinalabas na last year ang nasabing pelikula sa Quezon City Film Festival. Kuwento ni Jerald, sa movie ay gagampanan niya ang karakter ni Dave, isang professional wedding videographer na sideline ang pagiging movie scriptwriter. Girlfriend niya si Valeen, as Joyce, na bigla na lamang siyang hiniwalayan nang walang dahilan. Hindi niya matanggap iyon, kaya naman napasulat tuloy sila ng movie script para sa kanilang dalawa ni Joyce, ang kaibahan, happy ang ending ng isinulat niyang story. Sa huli, na-realize niya na kailangan lang pala niyang sundin ang sarili niyang script para magkatuluyan sila. Ang daming hugot lines sa movie na tiyak na magugustuhan ng mga manonood. Sa direksiyon ni Dominic Lim, showing na ang The Write Moment sa Wednesday, June 27, in cinemas nationwide. May premiere night sila sa Monday, June 25, sa Robinson's Galleria. "Sa palagay ko po, sa The Write Moment ay nabuksan ang doors sa akin, na puwede pala akong maging leading man," biro ni Jerald. "Kaya very thankful po ako na in-accept nila ako, na from drama sa theatre, nagpapatawa ako. At kita poi to sa live audience sa Sunday Pinasaya ng GMA-7. "May gagawin din akong three movies, ang Nakalimutan Kong Kalimutan Ka with Alex Gonzaga at Vin Abrenica; Pangarap kong Holdup with Paolo Contis; at Mina Anod with Dennis Trillo. "Sa Real, Quezon kami magsu-shoot (ni Dennis), dahil tungkol sa surfing ang story nito. Sa August po ay mapapanood na rin ako sa Rak of Aegis sa PETA, sa third year na presentation nito." Kumusta naman ang love life ni Jerald, may gusto ba talaga siya kay Valeen? "Hindi po totoo, kulitan lang naming 'yun ni Valeen sa Sunday Pinasaya. Nagkikita pa rin kami ng French girlfriend ko, like noong minsang dumating siya, kasama ang boyfriend niya," kuwento pa ni Jerald. "Dati ay pinasusunod niya ako sa France, pero hindi ko ginawa. Sayang naman 'yung career ko rito, na medyo bumobongga na ngayon. "Mas gusto kong mabigyan muna ng magandang buhay ang pamilya ko. Gusto kong mabigyan ng bahay ang nanay ko at maipasyal siya sa ibang bansa kapag nakaipon pa ako," seryoso nang sabi ni Jerald. +Sinabi ni Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, ang bayarin sa terminal para sa international flights ay bahagi ng gastos sa tiket bilang pagsunod sa memorandum Agreement na nilagdaan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng mga kumpanya ng airline sa bansa. +Aba, e, mukhang ini-enjoy na ni Coco ang pagdadamit babae, dahil bukod sa pagiging prosti ay naging saleslady na rin siya dahil nga dinukot naman si Dawn ng PBB 737 na nagtatrabaho sa department store. Ang nakakaloka pa, nilalandi siya ni Jason Francisco at humiling pa ng halik na pinagbigyan naman sa pisngi na malapit sa labi. Ang landi-landi ng reaksiyon ni Paloma dahil bagay na bagay sa kanya ang mata niyang singkit na tila nanunukso. Pero hindi tapos ang sorpresa dahil sa ipinapakitang trailer ngayon ay sasali si Coco sa beauty contest. Ano ito? Halatang nag-e-enjoy na ang tigasing aktor sa pagiging girl ng role niya. Kaya bigla naming naalala si Vice na sa beauty queen sa pelikula nilang Beauty and The Bestie. Hmmm, baka naman nahingahan na ng GGV host ang bestie niya? Nakakaintriga tuloy ang biro ni Coco sa nakaraang thanksgiving presscon naman niya na, "Panay ang tanong ninyo kung may girlfriend ako, ngayon alam n'yo na." Hala ka Coco, baka mahipan ka ng hangin, ikaw rin! Tiyak na malayo pa ang tatakbuhing kuwento ng Ang Probinsiyano. Trulili kaya ang naririnig naming tsikang hanggang Setyembre na ito? E, kaka-announce pa lang na hanggang Hulyo ito? +KAHIT naipangako na niya last election na pang-isang termino lang siya kaya iiwanan niya sa kanyang ka-tandem na si Vice Mayor Isko Moreno ang pamamahala sa Manila City Hall, tila binawi na ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada ang pangakong iyon. +Matapos kausapin ang Filipino community sa pamamagitan ng Twitter, nagpadala naman si Pope Francis ng mensahe kay President Benigno Aquino III-- sa pamamagitan ng makalumang telegrama-- habang siya ay bumibiyahe mula Manila pabalik sa Rome noong Enero 19. Ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng Pilipinas at sa lahat ng Pilipino para sa natanggap niyang hospitality sa kanyang apat na araw na pagbisita. "As I depart from the Philippines, I extend to you, the government and all the people of the nation my heartfelt gratitude for your warm welcome and every kindness shown to me during my visit. I renew to your Excellency and the entire country the assurance of my prayers for peace and prosperity," sulat niya. Nagpadala rin siya ng mga telegrama sa mga pinuno ng iba pang bansa habang sakay ng Philippine Airlines' Airbus A340, ang eroplano na naglipad sa kanya mula Villamor Airbase patungong Italy. Sa mga head of state ng China, Mongolia, Russia, Belarus, Poland, Czech Republic, Slovakia, Austria, at Slovenia, sinabi niya: "I send cordial greetings to your Excellency as I fly over the country on my way from the Philippines to the Vatican." Ang Vatican at ang China ay walang diplomatic relations. Habang dumaraan siya sa air space ng mga bansang ito, tiniyak niya sa mga mamamayan na ipinananalangin niya ang mga ito, hiniling para sa kanila ang "God's blessings of peace and prosperity." FIRST TIME SA AFRICA +Ipinaskil ng DepEd sa Facebook account nito ang anunsiyo na may titulong "(TY Ruby) Class suspension for December 8, 2014" kung saan nakasaad ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa Cavite (hanggang bukas, Disyembre 9) Quezon Province, at Rizal Province sa Region 4-A; Oriental Mindoro sa Region 4-B; Camarines Sur, Camarines Norte sa Region 5; Talisay City, Lapu-lapu City, Mandaue City at Carcar City sa Region 7; Paranaque, Pasay, Navotas, Valenzuela, Pasig, Muntinlupa, Pateros, Quezon City, Makati, Marikina, Mandaluyong, San Juan, Las Pinas at Malabon sa National Capital Region. +Hindi nagawang labanan ng mga pulitikong Democrat ang pagsisikap ng Republicans na tanggalin ang tubo, at umani ito ng batikos mula sa abogadong si George Felos, na naging abogado ni Michael Sciavo, asawa ni Terri. Marso 21, 2005 nang ipasa ng United States Congress ang Terri's Law II, na nagpahintulot sa mga magulang ni Terri na maghain ng federal court review upang malaman kung hindi ipinagkait ang mga karapatan ni Terri. Pumanaw si Terri dahil sa malalang dehydration noong Marso 31, 2005. +Ito ang napag-alaman sa LTFRB makaraan ang isinampang petisyon ni Negros Congressman at dating board member ng ahensiya na si Manuel Iway na gawing P8.00 ang minimum na pasahe sa bus at P30.00 ang flag down rate ng taxi Ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines, isasalang sa Enero 2015 ang mga petisyon ni Iway upang agad na matalakay bago dumaan sa proseso at mahingi ang posisyon ng mga operator ng bus at taxi Pangunahing basehan ni Cong Iway sa kanyang petisyon ang tuloytuloy na pagbaba sa presyo ng langis. Una nang binawasan ng LTFRB ang P8.50 minimum fare na pasahe sa jeepney at ginawa itong P7.50 dahil sa tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo +Sinisiguro ng magkaibigan na mayroon silang sapat na oras para sa isa't isa. Matapos ipagdiwang ang ika-18 na kaarawan ni Hailey sa NYC kasama sina Kendall at Kylie Jenner noong Nobyembre 19, ang dalawa ay muling nagkaugnayan sa Los Angeles. Disyembre 13, sila ay nakitang magkasama sa Runyon Canyon at noong Disyembre 14 ay magkasalo silang naghapunan sa Sugarfish sa Beverly Hills. Ayon sa mga nakakita, ang dalawa ay "didn't seem to be romantic" at "were on their phones a majority of the meal" hanggang si Kylie Jenner at dalawa pang kaibigan ay nakisalo sa kanila. Ang grupo ay nakipagtagpo rin sa singer na si Chris Brown. Sa kanyang Instagram, inilarawan ni Bieber ang isang litrato na, "Had fun with the homey @Chrisbrownofficial,". +Tiniyak ni prosecution panel chief Joefferson Toribio na desidido sila na matuloy na mailipat si Revilla sa isang piitan na pangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). +Nauna nang nagpahiwatig si Prime Minister Prayuth Chan-ocha, na pinangunahan ang military coup noong Mayo, na maantala ang ipinangakong halalan sa huling bahagi ng 2015. Sinabi ni Deputy Prime Minister Prawit Wongsuwan, na siya ring defense minister, na magaganap ang eleksiyon sa 2016, tinukoy ang mga grupong kontra sa junta, o National Council for Peace and Order, bilang isa sa mga dahilang ng pagkaantala. +MY ideal age to get married before is 30, pero hindi nasunod kasi 33 na ako at still single," napangiting sabi sa amin ni Christian Bautista nang kumustahin namin kung kailan siya ikakasal. "Sana next year, meron na, ha-ha-ha. Ready na naman ako, 'kaso wala pa." Magkakaroon muna ba siya ng anak bago magpakasal? +HULING napanood sa Annaliza last year si Denise Laurel na happy sa muling pagbabalik niya sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, with Vina Morales and bagets stars mula sa PBB All-In na sina Joshua Garcia, Loisa Andalio, Jerome Ponce at Jane Oineza. Excited si Denise na nakasama niya sa unang pagkakataon si Vina. +Makamit ang karapatang harapin ang second seed na La Salle para sa huling finals berth ang pag-aagawan ngayon ng Far Eastern University (FEU) at 3rd seed National University (NU) sa pagsisimula ng stepladder semifinals sa women's division ng UAAP Season 77 volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum. +Sinabi ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez na ang board ang pipili ng rutang tatahakin ng Express Bus Service na tinatayang aabot sa 20 base sa road transit rationalization study ng Metro Manila at ng mga karatig lugar nito na isinagawa ng World Bank nitong nakaraang taon. +Matatandaan na ibinulgar ni Atty. Renato Bondal sa Senate Blue Ribbon Committee na nagkakahalagang P1,000 ang isang cake na ipinamamahagi ng Makati government sa bawat citizen sa siyudad na nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Subalit kinalaunan ay lumitaw na nagkakahalaga ang bawat birthday cake ng P308 base sa mga dokumentong iniharap ni Sen. Nancy Binay, anak ni VP Binay. Lumitaw sa imbestigasyon ng BIR na inupahan ng lokal na pamahalaan ang CMK bilang supplier ng mga birthday cake, at caterer ng Makati City Hall cafeteria at Ospital ng Makati mula 2009 hanggang 2011. Sa nabanggit na tatlong taon, nagdeklara ang CMK ng gross income na umabot sa P43.2 milyon. Subalit lumitaw sa audit ng mga tax fraud investigator na binayaran ng Makati government ang cake supplier ng P107.6 milyon. +Kinilala ng mga anak ang biktimang si Zusima Juan Tailan, 48, ng Barangay Dona Loreta, Pudtol, Apayao. Nangyari ang insidente dakong 4:20 ng umaga noong Pebrero 1. +Sa ulat, dakong 9:15 ng umaga nang magsimula ang sunog sa loob ng bahay ng isang Imelda Calpe sa BF Resort Village, Barangay Talon Dos ng nasabing lungsod. Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng bahay na umabot sa ikalawang alarma ang sunog at naapula ito makalipas ang 30 minuto. Sa pahayag sa pulisya ng kaanak ng biktima, Sabado ng gabi nang nagsimulang magkulong sa kuwarto si Balse matapos umanong gumamit ng ilegal na droga. Lumitaw sa imbestigasyon na sinadya ng biktima na harangan ng mga upuan, gamit at iba pang kasangkapan ang pintuan bago ang sunog. +Kinumpirma ng ipinalabas na statement ng Swiss Tennis Federation na ang pares ay: "have decided to not make themselves available" para sa tie na nakatakda sa Liege sa Marso 6-8. +Pinalad na walang nasawi o nasugatan sa insidente dahil kaunti lang ang nakadalo sa misa at mabilis silang nakakubli sa ligtas na lugar, ayon sa mga testigo. Kadalasang puno sa mga nagsisimba, nagsilbing volunteer sa Papal Youth Encounter sa "Papal Youth Encounter" sa University of Sto. Tomas (UST) ang mga residente noong Linggo ng umaga, bukod pa sa dumalo rin sa Papal mass sa Quirino Grandstand nang hapon kaya hindi sila naguhuan ng kisame. Matatandaang nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pari ng mga paroko na kanselahin ang kani-kanilang misa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nananampalataya na makadalo sa misa ni Pope Francis sa Luneta noong Linggo. "Nakatulong din 'yung Papal mass. Kung hindi cancelled 'yung mga mass (sa Calamba Church), malamang na maraming church-goer ang naapektuhan," pahayag ni Worship Ministry Coordinator Maurice Distor. Ang Calamba Church ay isinasailalim sa rehabilitasyon simula pa noong nakaraang taon. +Hindi magiging problema kung English speaking man si Bimby dahil tiyak na makakasagot naman si Jana o Baby. Pero baka pressured ngayon ang Star Cinema na kailangan nilang ituloy ang pelikulang pagsasamahan nina Bimby at Baby dahil ngayon pa lang ay marami na ang natutuwa sa kanilang team-up at higit sa lahat, naibalita na ito ni Kris maski na wala pang pormal na usapan kung plano pa lang. Jackpot ang Star Cinema kung pang-Metro Manila Film Festival ito dahil lumalabas sa naturang filmfest ang young moviegoers at maraming bagets ang gustung-gusto sina Bimby at Baby. Uy, bagay pala, Bimby at Baby, magka-rhyme. At di ba mahilig ang bunso ni Kris sa tisay? So, hindi lang ang dream dad niyang si President Baste (Zanjoe Marudo) ang may ka-love team (nagkakagusto na sa sekretarya niyang si Alex, Beauty Gonzales, na ang tawag ng viewers ay BasLex). Susme, katunog ng Bataan-NLEX o NLex, Nash Aguas at Alexa Ilacad ng Bagito. Kung anu-ano na lang ang nauusong pangalan ng love team ngayon, Bossing DMB. +MASAYANG isinalubong kay Derek Ramsay ng TV5 sa presscon last Monday ang mataas ang rating ng first time niyang pagganap sa sitcom sa Mac & Chiz. Gumaganap silang kambal ni Empoy Marquez sa Mac & Chiz. Sa story, maayos na ang buhay ni Mac (Derek) nang iutos sa kanya ng amang hanapin ang nawawala niyang kakambal na si Chiz (Empoy). Kung saan-saan siya naghanap ng kamukha niyang guwapo at kasing-talino, pero ang nawawala pala niyang kakambal ay ang lugaw vendor na si Francisco Espinosa (Chiz). Dito na nagsimula ang riot sa kanilang buhay at bahay. +"Dahil ito sa pagpapakita ni Dobles ng katapangan at katapatan niya sa tungkulin matapos makipagbakbakan sa hindi pa nakikilalang armadong grupo sa Surigao noong Miyerkules ng hatinggabi (Nobyembre 19)," sabi ni Roxas sa pagdalaw sa Butuan City, Agusan del Norte kamakailan. "Talagang sinasaluduhan ko siya sa kanyang katatagan, katapangan, at sa kanyang pagiging tapat sa tungkulin." +"Cash advances totalling P340,407,490.54 granted to Special Disbursing Officers were mostly used for the procurement of goods and services thru over the counter purchase contrary to the provisions of COA Circular 97-002 dated February 10, 1997 and pertinent provisions of RA 9184," saad sa audit report. Nadiskubre rin ng mga state auditor ang kinaugalian ng PN na maglabas ng buwanang cash advance sa mga special disbursing officer upang matugunan ang kanilang operational requirements. Karamihan sa mga ginastusan ay mga regular na gamit at serbisyo para sa regular na operasyon ng Navy. Kabilang sa malalaking pinagkagastusan ang supplies, na pinaglaanan ng P113.8 milyon; representation expenses, P26.89 milyon; training expenses, P156.7 milyon; at iba pang supplies at expenses, P30 milyon. +Isang gabi matapos maitabla ang single-season loss mark ng koponan mula sa nakaraang taon, nalaglag ang Knicks sa kanilang ikapitong sunod na pagkatalo at ika-14 sa 16. +Sinabi ni Senior Insp. Rey Sumagaysay, naganap ang pagsabog sa Abanilla St, Barangay Lapuz, Iloilo City makaraang matagpuan ng tatlong estudyante ng Grade 7 ng Jalandoni Memorial National High School ang IED. Ayon pa kay Sumagaysay, natagpuan ng mga biktima ang bomba at pinakialaman itong buhatin hanggang sa mabitawan dahilan upang ito ay sumabog. Sa takot napatakbo ang mga biktima palabas ng gym at nagtamo sila ng minor injuries sa katawan. +Sa 69-pahinang petisyon, hiniling ng grupo na ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang 2015 GAA at pigilan ang pagpapatupad nito sa pamamagitan ng writ of prohibition at preliminary injunction. Partikular na kinuwestiyon ang legalidad ng lump sum at discretionary funds na aabot sa mahigit P1 trilyon at bumubuo sa halos 50 porsiyento ng pambansang pondo. Kasama sa lump sum appropriations na kanilang tinutukoy ay ang P2 billion contingent fund; P1 bilyon inilaan para sa programang rehabilitasyon; P31.1 bilyong alokasyon para sa mga lokal na pamahalaan; P7.4 billion international commitment fund; P118.1 billion miscellaneous personnel benefits fund; P140.6 billion pension and gratuity fund; at P372.9 billion debt service fund. Kinuwestiyon din nila ang P47 bilyon na umano'y legislators' insertion na kanilang itinuturing na "pork barrel" fund. +Nananawagan si Father Rey Hector Paglinawan, parish priest ng Most Holy Redeemer Parish ng Barangay Apolonio Samson sa Quezon City, ng pakikiisa at pagtutulungan para sa mahigit 2,000 pamilya na pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga covered court at ilang paaralan, matapos na masunugan nitong Huwebes. +Noong Oktubre, sinabi ng modelo sa E! News na mayroon siyang "some ideas" para sa pangalan ng kanyang baby, ngunit, "I want to wait until the baby is born." Ito na ang pangatlong anak ni Kourtney, 35, sa kanyang nobyo na si Scott Disick, 31. Ang kanilang pangalawang anak ay si Penelope, 2. "I'm so happy we're having a boy," pahayag ni Kourtney matapos malaman ang kasarian ng kanyang anak. "It's going to be perfect for our family." "I love being pregnant in general," sabi ni Kardashian sa Fit Pregnancy noong Nobyembre. "This time I'm more tired than I was the other times. I think it's because I'm always running around and working on different things. But I feel comfortable with how I look and feel. I find a pregnant body to be beautiful and an incredible reminder of what a woman's body is made to do." +Ibinasura kahapon ng Sandiganbayan First Division ang mosyon ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr., at dalawa pang akusado sa multi-bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam, na makapagpiyansa sa kinakaharap na kasong plunder. Idinahilan ng anti-graft court ang kawalan ng sapat na merito sa nasabing mosyon at pagkatukoy ng "strong evidence" laban kay Revila, sa sinasabing utak sa scam na si Janet Lim-Napoles at sa dating Chief of Staff ng senador na si Richard Cambe. +Sa text message, pinabulaanan ni Mendez ang paratang na nilabag niya ang karapatan ng 20 bilanggo nang ilipat ang mga ito sa NBI detention facility matapos madiskubre ang mga kontrabando sa kanilang selda sa NBP noong Disyembre 15, 2014. Base sa mga ebidensiyang nakalap ng NBI, nabuking din ang operasyon mula sa selda ng ilan sa 20 "Bilibid King" na may kaugnayan sa ilegal na droga. Ito ay bilang reaksiyon ni Mendez sa paghahain ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman laban sa kanya ng apat sa 20 bilanggong inilipat sa NBI detention center. Kabilang din sa kinasuhan sina Justice Secretary Leila de Lima at NBI Security Management Office Chief Ramon Alba. "We have records of the visitations to prove it. Based on newspaper accounts, Atty. [Ferdinand] Topacio even admitted having visited his clients in the NBI detention," pahayag ni Mendez. Binigyang-diin ng NBI chief na handa siyang harapin ang mga kasong inihain laban sa kanya. Kabilang sa apat na naghain ng kaso sina Noel Martinez, Willy Sy, Michael Ong at German Agojo. +Sinabi ni Noriaki Niwa, chief representative ng Japan International Cooperation Agency (JICA), na saklaw ng loan ang mga pangunahing kalsada upang resolbahin ang matinding traffic sa Metro Manila, kabilang ang mga flyover at road links. +Nakamit ng bansa sa cycling ang nag iisa nitong gold medal sa nakaraang 17th Asian Games noong Setyembre as Incheon,South Korea as pamamagitan no Daniel Caluag na nagpaplano namanv muling sumabak sa kanyang ikalawang Olympics kasunod nv 2012 London Games sa kanyang paglahok sa UCI-qualifying races sa 2015. Nakahanay na rin ngayon sa kalendaryo ng PhilCycling ang ikalawang edisyon ng Asean MTB Cup na idaraos sa Cebu sa Pebrero 23 at 24. +Nagsimula ang naiibang love story nina Fr. Francis at Sister Joanna nang himukin ng huli ang una na makiisa sa isang non-government organization na tumutulong sa mga militanteng grupo. Mula sa pagiging simpleng magkakakilala na sabay nagmamartsa sa Mendiola, nagkalapit sina Fr. Francis at Sis. Joanna dahil sa maraming bagay na pinagkukwentuhan nila gaya ng kanilang piniling bokasyon, ang hangaring makatulong at makapagsilbi sa kanilang kapwa, at ang kanilang personal na buhay. Dahil sa labis na saya na dulot ng madalas nilang pag-uusap at pagsasama, umusbong sa pagitan ng magkaibigang Fr. Francis at Sis. Joanna ang isang espesyal na pag-ibig--isang damdaming nagtulak kay Sis. Joanna na iwan ang kanyang bokasyon upang iligtas ang kanyang minamahal sa posibleng pagbitaw sa kanyang pagpapari. Pero ano ang mangyayari kapag nalaman ni Fr. Francis ang sakripisyong ginawa ni Sis. Joanna? Paano higit na mapapalalim ng kanilang pag-ibig ang kanilang relasyon sa Panginoon? Makakasama nina Arjo Atayde at Yen Santos sa MMK episode na ito sina Gio Alvarez, Jopay Paguia, Abby Bautista, Minco Fabregas, Aleck Bovic, Melissa Mendez, Jerry O'Hara, Peewee O'Hara, Bodjie Pascua, Rubi Rubi, at Dale Badillo, mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Elfren Vibar. +Bukas ang nasabing torneo sa lahat ng residente ng Lipa City, Batangas at miyembro ng Lipa City Christian-Muslim Chess Association (LCCMCA) na ipapatupad ang 20 minutes five seconds delay time control format. Maibubulsa ng magkakampeon ang P2,000 plus tropeo, nakalaan naman sa ika-2 puwesto ang P1,500 plus medal, maibubulsa ng ika-3 puwesto ang P1,000 plus medal, matatangap naman ng ika-4 na puwesto ang P700 plus medal at maiuuwi naman ng ika-5 puwesto ang P500 plus medal. +Walang kagatul-gatol ang ating naging tugon sa naturang katanungan: Sa sariling sikap. Ibig sabihin, ang BKF ay tahimik subalit aktibong kumikilos sa paglulunsad ng scholarship program para sa mga estudyante na uhaw sa karunungan. At sa pamamagitan ng kinikita sa napagbibilhan ng mga aklat ni Dr. Prudente - ang The Revolutionists at ang Quest for Justice - ang nabanggit na program ay umuusad, kahit paano. Katuwang sa pagsisikap na ito ang mismong mga miyembro ng BKF Board of Trustees na mula sa iba't ibang sektor - academe, media groups at religious organizations. Bagamat mangilan-ngilang mag-aaral lamang ang naaayudahan ng BKF, mabunga naman ang aming pagsisikap. Sabi nga ni Prof. Romulo Martia, isa sa trustees at siyang nagpapakilos ng naturang Foundation, ang 20 estudyanteng pinagkalooban ng scholarship ay nakapasa sa Accountancy Board Examination. At ang isa sa kanila ay napabilang pa sa topnotchers. Ang BKF ay hindi tulad ng ibang Foundation na laging inaayudahan ng malalaki at mauunlad na korporasyon, mga business enterprises at ng mga pulitiko. At lalong hindi ito katulad ng mga fake foundation na sinasabing nakinabang sa P10 billion PDAF scam na gumimbal sa bansa. Kinasasangkutan ito umano hindi lamang ng mga gahamang pulitiko kundi ng ilang tiwaling opisyal ng administrasyon. Katunayan, kasalukuyang nagdurusa sa mga detention cell ang mga idinadawit sa naturang kasumpa-sumpang anomalya. +Ngayon, tanging sina Kareem Abdul-Jabbar at Karl Malone na lamang ang may nakaiskor ng mas maraming puntos kaysa kay Bryant. ''I congratulate Kobe on reaching this milestone,'' pahayag ni Jordan, ang may-ari ng Charlotte Hornets, sa isang statement na ipinadala sa The Associated Press. ''He's obviously a great player, with a strong work ethic and has an equally strong passion for the game of basketball. I've enjoyed watching his game evolve over the years, and I look forward to seeing what he accomplishes next.'' Hindi nabasag ni Bryant ang rekord noong Linggo ng gabi. Si Abdul-Jabbar ay mahigit 6,000 puntos pa ang lamang sa kanya at mahirap pang mahabol. Ngunit ang malampasan si Jordan ay isang dahilan upang magdiwang. Ang dalawang manlalaro ay ilang taon nang pinaghahambing at madalas na ginagawa ni Bryant si Jordan mula noong kanyang unang pagtapak sa liga, sa pamamaraan ng kanyang pagsuntok sa hangin matapos ang isang malaking play hanggang sa fade-away jumper sa pag-usad ng kanyang career. Itinigil ng Timberwolves ang laro, at ang Lakers-heavy crowd ay nagbigay kay Bryant ng standing habang ang may-ari ng Wolves na si Glen Taylor - ang chairman of the board ng NBA - ang nag-abot sa kanya ng game ball. May malaking ngiti sa kanyang mukha, tumanggap si Bryant ng yakap mula sa mga kakampi at mga manlalaro ng Timberwolves, at kumaway sa crowd sa panandaliang pagkakatigil ng laro. Halos dalawang dekada nang hinahabol ni Bryant si Jordan. Isang titulo pa ang kanyang kulang kumpara sa anim ni Jordan sa Bulls, ngunit sa ngayon ay nahabol na niya si Jordan sa defining individual statistic ng laro. Tangan ni Bryant ang 32,284 puntos nang umapak sa court laban sa koponan ng Timberwolves na kinabibilangan ng 19-anyos na rookies na sina Andrew Wiggins at Zach LaVine, dalawang manlalaro na kapapanganak pa lamang nang unang sumabak si Bryant sa NBA noong 1996. Nagmintis siya sa apat ng kanyang unang limang field goal attempts, ngunit naipasok ang isang 3-pointer sa kalagitnaan ng second quarter upang makalapit sa dalawang puntos. Muntik na niyang malampasan si Jordan sa kanyang patented na fall-away jumper mula sa baseline, ngunit tumalbog ito sa rim at sa nalalabing 5:24 at 24 segundo sa shot clock, nagtungo si No. 24 sa linya at kalmadong ipinukol ang dalawang freebies. Tinapos niya ang gabi na may 26 puntos at 32, 310 para sa kanyang career. Kinailangan ni Bryant ng 1,269 laro upang makatuntong sa career scoring podium ng NBA. Nakahakot ni Jordan ang kanyang 32,292 puntos sa loob ng 1,039 regular season games. Umusad si Jordan sa ikatlong puwesto noong 2003, at ang ituktok ng NBA scoring mountain ay hindi nagalaw sa loob ng halos 12 taon. Mula nang mag-umpisa si Bryant sa liga at maging elite scorer sa kanyang ikaapat na taon sa NBA, siya ay kinunsidera bilang siyang magkakaroon ng isang puwesto sa record books. ''Just like we've never seen another player like Michael Jordan, we will never see another player like Kobe Bryant!'' ani ni Lakers Hall of Famer Magic Johnson sa Twitter. Ang mas makaangat sa listahan ay magiging malaking hamon. Si Malone (36, 928) ay mahigit 4,500 puntos ang layo mula sa 36-anyos na si Bryant sa ikalawang puwesto at si Abdul-Jabbar (38, 387) ay nasa ituktok na may malaking margin. Kung hindi man nalampasan ni Bryant si Jordan sa kanilang bakuran, at hindi ito nagawa kontra sa karibal na Celtics sa Boston, wala nang mas gaganda pang lugar na magawa niya ito kundi sa Minneapolis, ang pinagmulan ng Lakers franchise. Ang maalamat na "Laker Nation" ay malakas rito, at libo-libong fans na nakasuot ng purple at gold ang nanonood tuwing sila ay bumibisita. +"Mag-uumpisa na naman kami sa wala," naluluhang himutok ni Kamsa, isang magsasaka na may apat na anak. Sinabi ni Kamsa na napinsala ang wala pang dalawang ektarya nilang maisan at hanggang ngayon ay nawawala ang alaga nilang kalabaw matapos silang lumikas nang sumalakay ang mga tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa lugar para tugisin ang dalawang wanted na terorista, na nauwi sa sagupaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). PAULIT-ULIT NA PAGLIKAS +Kasabay nito, iuukit nina outgoing DepEd Secretary Br. Armin Luistro at incoming Secretary Dr. Leonor Briones ang makasaysayang pagbabalik-eskuwela nang magkasabay na bibisita sa mga paaralan ngayong araw. Personal na pangungunahan ang pagbubukas ng 2016-2017 school year, taon din ng full implementation ng Kto12 program, sa pagbisita sa Commonwealth High School, sa Barangay Commonwealth, Quezon City. Ayon sa DepEd nasa 1.2 milyong Grade 11 ang unang batch ng SHS. +Sa kanyang talumpati sa Lima, sinabi ni Steinmeiere na magkakaroon ng "huge damage" sa Europe kung lalabagin ng mga kalaban ang ceasefire, na nagsimula noong Sabado ng hatinggabi (2200 GMT). +"We will not be able to meet the deadline of the enactment of the BBL," pahayag ni Biazon, miyembro ng ad hoc committee sa Kamara na tumatalakay sa kontrobersiyal na panukala. +Blocktimer si Willie, hindi station produced ang show at tila P2M every Sunday ang production cost ng gagawing programa. Tinawagan na raw ni Willie ang mga kaibigan na gustong mag-sponsor sa kanyag shows, sila rin ang sponsors ng show noong nasa ABS-CBN at TV5 pa ang show niya. Ang pagpasok ng show ni Willie ang nakita naming rason kung bakit biglang na-move sa April ang airing ng InstaDad na naka-schedule umere ng March 22. Pagkatapos ng Sunday All Stars ang dapat na time slot ng InstaDad na time slot ngayon ng show ni Willie. Kaya ang tanong, saan na ilalagay ang InstaDad ngayon? Kung titingnan, walang problema sa airing, ibalik sa 12 ng tanghali ang SAS, saka ipasok ang Instadad at isunod ang show ni Willie o puwedeng unahin ang show ni Willie bago ang comedy show ni Gabby Eigenmann. +Sa Leyte, naparalisa rin ng bagyong 'Seniang' ang transportasyon sa kasagsagan ng pananalasa nito kahapon. Sinabi ni Leyte Vice Governor Carlo P. Loreto sa panayam ng DYVL Aksyon Radyo sa Palo, na itinigil ang biyahe mula sa Baybay City hanggang Tacloban kasunod ng matinding pagguho ng lupa sa national highway ng Barangay Villa La Soladirad sa Baybay City noong Lunes ng gabi. Ayon kay Loreto, dahil sa landslide ay na-stranded ang mga kalsada sa national highway. Dagdag ng bise gobernador, hindi makabibiyahe ang mga sasakyang patungong Tacloban mula sa Baybay at sa iba pang bahagi ng Southern Leyte dahil hindi pa madadaanan ang mga kalsada sa nabanggit na lugar. Napaulat din ang matinding baha sa bayan ng Abuyog at inilikas na ang mga apektadong residente, ayon kay Abuyog Mayor Octavio Traya Jr. Sinabi naman ni Alang-alang Mayor Loreto Yu na hindi madadaanan ang dalawang tulay na napinsala ng baha, kaya paralisado rin ang biyaheng Ormoc-Tacloban. Wala namang Internet at cell phone signal sa Tacloban, at hindi rin magamit ang mga ATM dahil apektado ang mga ito ng bagyo. Sinabi ni Leyte Vice Governor Carlo P. Loreto sa panayam ng DYVL Aksyon Radyo sa Palo, na itinigil ang biyahe mula sa Baybay City hanggang Tacloban kasunod ng matinding pagguho ng lupa sa national highway ng Barangay Villa La Soladirad sa Baybay City noong Lunes ng gabi. Ayon kay Loreto, dahil sa landslide ay na-stranded ang mga kalsada sa national highway. Aniya, gumuho ang lupa dahil sa malakas na ulan na dulot ng bagyo. Dagdag ng bise gobernador, hindi makabibiyahe ang mga sasakyang patungo sa Tacloban City mula sa Baybay at sa iba pang bahagi ng Southern Leyte dahil hindi pa madadaanan ang mga kalsada sa nabanggit na lugar. Napaulat din ang matinding baha sa bayan ng Abuyog at inilikas na ang mga apektadong residente, ayon kay Abuyog Mayor Octavio Traya Jr. +Ayon sa website ng Irrawaddy magazine, kinondena ng mongheng Buddhist na si U Wirathu ang human rights rapporteur na si Yanghee Lee sa isang public rally noong nagkaraang Biyernes kontra sa boto sa UN General Assembly na nanawagang pagkalooban ng citizenship ang Rohingya Muslims sa bansa, kilala rin bilang Burma. +Noong Abril 1931, nang pumanig ang mga botante sa isang liberal republic imbis sa noon ay namumunong tagapamahala. Nilisan ni Spanish King Alfonso XIII ang bansa at naitatag ang Second Republic. Sa unang limang taon ng nasabing republic, naranasan ng probinsiya ng Basque at Catalonia ang pagiging malaya, at isinulong ng labor advocates at leftists ang iba't ibang liberal reforms. +Ayon kay Rowena Paraan, chairperson ng National Union of Journalists in the Philipines (NUJP), sulat-kamay lamang ang liham na nais nilang maibigay sa Papa, na nakatakdang bumisita sa bansa sa Enero 15 hanggang 19, 2015. +Nagsimula nang mag-taping si Dingdong ng Pari 'Koy, ang kanyang bagong inspirational drama series sa GMA-7. First time siyang gaganap bilang pari. Enjoy siya sa taping dahil second time siyang ididirek ni Maryo J. delos Reyes, after ng Pahiram ng Sandali. Makakasama niya sa Pari 'Koy sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Luz Valdez, Chanda Romero, Raymond Bagatsing, JC Tiuseco, Raf Fernanadez, Jeric Gonzales, Hiro Peralta, Diego Castro, Dexter Doria at Jillian Ward at sa March 9 ang premiere telecast nila, bilang kapalit ng matatapos nang More Than Words. Last Monday, nag-judge si Dingdong, as Commissioner of the National Youth Commission, with Sen. Bam Aquino ng Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) Year XII na ginanap sa Senado at Tuesday, ang awarding ng winners na ginanap sa Malacanang. Sunud-sunod naman ang pictorial ni Marian sa mga bago niyang endorsements. Sa Saturday, ilo-launch na siya ng Bench sa kanyang Inner Beauty Scent. Sa March 3 naman ang launch niya as the cover of The New Hair Asia magazine ni Elvie Alvaran. Natapos na rin niya ang pictorial ng isa pa niyang bagong endorsement na malapit na rin ang launch. At basta may free time, sa halip na once a week lamang siya "Juan For All All For Juan" segment ng Eat Bulaga, sinosorpresa niya sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paulo Ballesteros kung sa lugar na sinusugod ng mga ito. Nag-taping na rin si Marian ng isang episode para sa Holy Week presentation ng Eat Bulaga. Pinaghahandaan na ring mabuti ni Marian ang bago niyang drama series na The Richman's Daughter (tentative title) na ang story ay tungkol sa family traditions and values. Gaganap siya bilang si Jade, isang magandang babaeng mai-in love sa isa ring wonderful woman. Ayon sa head writer ng soap na si Suzette Doctolero, hindi ito tulad ng My Husband's Lover na una niyang ginawa. Pero ididirek din ito ni Dominic Zapata at makakasama ni Marian sina Luis Alandy, Mike Tan, TJ Trinidad, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Glydel Mercado, Al Tantay at si Ms. Gloria Romero. Sa susunod na buwan na magsisimula ang taping nila nito at after Holy Week naman ang airing. Samantala sina Marian at Dingdong ang first guests sa season six ng The Tim Yap Show at maraming kilig moments sa mag-asawa sa mga tanong ni Tim. After the wedding and honeymoon na ang questions like ano ang feeling ngayong mag-asawa na sila? "Nagugulat pa ako kapag tinatawag akong Mrs. Dantes," sagot ni Marian. "At napapangiti ako sa realization na kasal na nga pala ako kay Dingdong." "Napapatigil naman ako kapag nagpi-fill up ako ng document na pagdating sa civil status, napapangiti ako dahil hindi na nga pala ako single," natatawang sagot ni Dingdong. Nakumusta ni Tim ang ama ni Marian na na-meet niya una sa wedding then sa Boracay. "Promise ni Papa, babalik siya muli sa Pilipinas kapag nalamang preggy na ako. Kung sakali, sa akin unang magkakaapo sina Papa at Mama," sabi ng Primetime Queen ng GMA-7. May pangalan na ba silang nakahanda para sa magiging anak nila? "Since Jose Sixto III ako, hindi pa namin alam kung magiging Jose Sixto IV if boy ang magiging anak namin pero kapag girl, laging magkakaroon iyon ng Maria." Simple lang ang wishes ng mag-asawa. Si Dingdong, ayaw niyang mawawalan ng charge ang cellphone niya kaya lagi siyang may dalang powerbank para lagi niyang nakakausap ang esposa. Gusto ni Marian na laging malinis ang kanilang room hanggang banyo kaya siya ang laging naglilinis nito. Hindi siya nagbubukas ng ilaw habang natutulog pa si Dingdong. +BEIRUT (AP) -- Nakikilala sa kanyang halimaw na boses sa conservative Arab world, ang Lebanese singer, aktres, at entertainer na si Jeanette Feghali na kilala bilang Sabah na tila hindi nalaos sa loob ng kanyang anim na dekadang karera. Napaligiran man ng bago at mas batang singers, nanatili pa ring kuntento ang singer sa kanyang nagbagong hitsura at pigura dahil sa pagtanda. "I'm proud that I'm a village girl but I had a lot of ambition," ani Sabah noong 2008. +Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), ang cargo volume sa buong bansa ay tumaas sa 211.20 milyong metric tons (MMT) noong 2014 mula sa 201.91 MMT na naitala noong 2013. +Maaaring nagkataon lamang ito, ngunit ang halagang tinanggal mula sa lumang budget at ang bagong halagang nakasama sa bago ay halos pareho. Nagdulot ito ng pagdududa na binigyan lamang ng DBM ng bagong pangalan ang PDAF. Sapagkat 2015 ang taon bago ang pambansang halalan sa Mayo 26, may karagdagang pagdududa na ang bilyun-bilyon sa GPBP para sa 2015 ay gagamitin sa pangangampanya ng administrasyon para sa mga kandidato nito. Bukod sa P20 bilyong GPBP fund, may P33 bilyon para sa Assistance to Local Government Units (ALGU) at muli nasa ibabaw ito ng kanilang legal na mandatong Internal Revenue Allotments (IRA). Inilutang kamakailan ni Sen. Miriam Defensor Santiago na ang budget ay waring labis na nakahilig sa Department of Interior and Local Government (DILG) na pinamumunuan ni Secretary Mar Roxas. Noong nakaraang taon, idinaan ng DILG ang release ng P6.6 bilyong ayuda sa iba't ibang LGU sa iba't ibang rehiyon, partikular na sa Eastern Visayas, Cordillera Administrative Region, at Bicol. Madaling ipaliwanag ng administrasyon ang malalaking alokasyong ito bilang bahagi ng proseso ng pamamahala. Naging ganito na ang paraan ng dating mga administrasyon. Maaaring magsaya ang oposisyon mula sa katotohanan na sa kabila ng parehong paggastos sa pangangampanya sa nakalipas, ang waring nananatiling mga opisyal at partido ay hindi nagwawagi sa kanilang kampanya. +Dinaluhan ang misa ng personnel na mula sa PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at mga sibilyan kasabay ng paggunita sa ika-40 araw sa nangyaring Mamasapano carnage. +Kinabibilangan nina Terrence Romeo, KG Canaleta, Rey Guevarra, at Aldrech Ramos, tinanggalan ng korona ng koponan ang world champion na Doha ng Qatar sa FIBA 3x3 World Tour Manila Masters dito sa bansa upang makakuha ng puwesto sa world championship. Pamumunuan ng 3x3 team ang 23 iba pa na pararangalan sa kanilang nagawang achievements at contributions sa Philippine sports sa Pebrero 16 event sa 1Esplanade sa Pasay City kung saan ay tumayong principal sponsors ang MVP Sports Foundation, Meralco, at Smart at major sponsor ang Philippine Sports Commission. Tatanggap din ng citations mula sa 66-anyos na media organization, ang pinakamatanda sa bansa, na pinamumunuan ni Jun Lomibao ng Business Mirror, ang NU Lady Bulldogs, San Beda Red Cubs, Anita Koykka, Maybelline Masuda, Annie Ramirez, Geylord Coveta, ang Philippine Taekwondo team (male under-30), Francis Aaron Agojo, at ang PH taekwondo team na kinabibilangan nina Jeordan Dominguez, Juvenile Faye Crisostomo, Jaylord Seridon, Joe Vanni Colega, Rodolfo Reyes Jr., McAvyngyr Alob, Clement Tsulong Tan, Elisabella Cesista, Leanarda Nicole Landrito, Rinna Babanto, Jocel Lyn Ninobla, at Janna Dominique Oliva. Kukumpleto sa listahan ay sina Kenneth San Andres, Peter Gabriel Magnaye at Paul Vivas, August Benedicto, Claire Adorna, Bong Lopez, Philippine Basketball Marathon, University of the East juniors volleyball team, Adamson women's softball team, Saturday Afternoon Gentlemen Sailors, Pagpupugay, Philippine Collegiate Champions League, Accel, Unilab Active Health, at ang Junior Golfers League. Si cycling's Daniel Caluag ang makatatanggap ng pinakamataas na individual honor para sa gabi ng parangal na iprinisinta ng PCSO, PBA, Rain or Shine, Maynilad, ICTSI, Accel, PAGCOR, National University, Globalport, El Jose Catering, at Air21 kung saan ay pinangalanan siya bilang PSA Athlete of the Year para sa 2014. Makakasama sa limelight ng 27-anyos na si Caluag sa formal event ang National University (President's award), MVP Sports Foundation Inc (Sports Patron of the Year), ang 1973 Philippine men's basketball team (Lifetime Achievement Award), coach Tim Cone (Excellence in Basketball), Mitsubishi (Hall of Fame), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), at Pirncess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year). +Sumagot naman ang mga anak ng aktor na sina Zachary, Zelda at Cody, na si Susan ay "adding insult to a terrible injury" sa pamamagitan ng pagbago sa kasunduan. "The Williams' children are heartbroken that Petitioner, Mr. Williams' wife of less than three years, has acted against his wishes by challenging the plans he so carefully made for his estate,'' sabi ng abogado ng mga bata. Ayon naman sa abogado ni Susan na si James Wagstaffe, ang kanyang kliyente ay humihimgi lamang ng gabay mula sa korte hinggil sa kahulugan ng mga kasunduan. "This is not ugly,'' pahayag ni Wagstaffe. "I would not say this is anticipated to be a highly contested proceeding.'' Matatandaang pumanaw si Williams noong Agosto sa kanyang Tiburon home. Ayon kay Susan, ang aktor/komedyante ay dumanas ng depresyon, anxiety at Parkinson's disease. Sumailalim si Williams sa substance abuse program bago ito pumanaw. Ayon sa ulat ng coroner, sinabi ni Susan sa isang imbestigador na hindi pumunta roon si Williams dahil sa drug or alcohol abuse, kundi para ulitin ang paggamot. Base sa dokumento sa korte, ipinagkaloob ni Williams sa kanyang mga anak ang ilan sa kanyang mga memorabilya, parangal sa entertainment industry at iba pang personal na gamit. Sinabi ito ni Susan dahil nais niyang manatili sa Tiburon home. "Any other interpretation would lead to Mrs. Williams' home being stripped while Mrs. Williams still lives there,'' ayon sa sulat ng kanyang abogado. +Napanood din namin ang naturang episode na tuwang-tuwa si Vice sa pambubuking ng una. Ganoon naman talaga ang concept sa GGV, laglagan, at kapag napikon ka, talo ka. Ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga nga grabe rin kung maglaglagan at maglaitan sa national TV pero wala namang kumukuwestiyon, paliwanag namin sa mga nagtanong. "Iba naman kasi 'yung kina Toni at Alex, cute ang dating saka hindi naman sila umabot sa underwear na naghihiraman at wala ring sinabi si Toni na siya ang nagpapakain sa pamilya niya though alam naman ng lahat na umangat ang buhay nila dahil sa kinikita niya at magandang na-handle ng magulang niya," katwiran naman sa amin. Inanalisa namin ang mga pahayag ni Gerald pero wala talaga kaming makitang off, dahil siguro lalaki siya kaya naging direct to the point lang siya at pati 'yung sinabi niya sa presscon ng Halik Sa Hangin under Star Cinema na nabanggit nga niyang hindi pa siya handang mag-asawa dahil, "I have so many mouth to feed" na totoo naman talaga dahil nga sa kanya nakaasa ang mga kapatid at magulang niya. Nagiging honest lang si Gerald o siguro 'yung choice of words o tono ng pagkakasabi niya ang hindi nagustuhan ng iba, pero para sa amin ay naging totoo lang siya. At tungkol naman sa magiging imahe ni Ken sa tao, e, okay lang naman 'yun at lalaki naman siya at siya rin naman mismo ang umamin na lahat ng gamit niya pati underwear ng kuya niya. +Matapos ang dalawang conferences, kung saan nahirapan nang husto ang Kings at naapektuhan ang kanilang performance dahil sa adjustment sa triangle offense na nais sanang maituro sa kanila ni coach Jeffrey Cariaso, napilitan ang San Miguel Corporation management na palitan ang huli at ibalik si Agustin dahil na rin sa kahilingan ng mga player. Sa kanyang muling pag-upo bilang Kings head coach, nilinaw naman ni Agustin na muli nilang gagamitin ang kanilang naging istilong run-and-gun game para mas maging epektibo ang kanilang mga beteranong guards na sina Mark Caguioa, LA Tenorio, Chris Ellis at Joseph Yeo. Mahuhusgahan kaagad ang epekto ng pagbabalik nila sa nakasanayang uri ng laro sa pagsalang nila laban sa Bolts na malaki rin ang naging pag-angat na ipinakita sa laro matapos gapiin ang dating grandslam champion na Purefoods Star sa nakaraang quarterfinals ng kasalukuyang Philippine Cup. Magtutuos ang Kings at Bolts sa ganap na alas-7:00 ng gabi matapos ang unang laro sa pagitan naman ng Kia at Globaport Batang Pier sa ganap na alas-4:15 ng hapon. +Sinabi ng Blazers na ang 6-foot-11 power forward ay sumailalim sa evaluation ng isang espesyalista noong Martes at isang MRI ang nakaiskedyul ngayong linggo. +Pinakamataas ang naitalang trust ratings ni Duterte sa Mindanao sa 90%, habang 74% sa NCR, 67% sa Luzon, at 84% sa Visayas. Kung socio-economic class ang pag-uusapan, nakakuha si Duterte ng trust ratings na 84% mula sa Class A-B-C, 76% sa Class D, at 74% sa Class E. Sa kanyang performance rating, mula sa 83% na naitala noong Disyembre ay bumaba ito ng limang puntos sa 78% ngayong Marso. Sa tala ng Pulse Asia, 73% ng mga taga-Metro Manila ang kuntento sa performance ng Punong Ehekutibo, 71% sa Luzon, 86% sa Visayas, at 88% sa Mindanao. Batay sa socio-economic class, 86% ang nakuha ni Duterte mula sa class A-B-C, 78% mula sa Class D, at 77% mula sa Class E. Ginawa ang survey nitong Marso 15-20, at 1,200 ang respondents na edad 18 pataas. Sinabi naman ni Senator Francis Pangilinan, presidente ng Liberal Party, na nananatiling mataas ang rating ng Pangulo sa kabila ng pagbaba nito. Paliwanag ni Pangilinan, karaniwan nang bumababa ang performance at trust ratings ng presidente makalipas ang ilang buwan sa puwesto, at nangyari rin ito sa iba pang nauna kay Duterte. "All Presidents before him also experienced very high trust ratings at the start of their terms and eventually these ratings all dipped so there is really nothing unusual with the five-point drop," saad sa pahayag ni Pangilinan. Natuwa naman si Senator Antonio Trillanes IV sa resulta ng bagong survey. "I am very much encouraged by the declining numbers of Duterte," ani Trillanes, isa sa mga pangunahing kritiko ng Pangulo. +Ayon kay Senior Supt. Rhoderick C. Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, kasong robbery ang isinampa kina Glen Cedungog, 38, ng Karuhatan Road; at Ryan Gulmatico, 31, ng Santos Subdivision, Barangay Gen. T. De Leon, ng nasabing lungsod. +Nagawa si Saso ng bogey sa No.11 at No.15 at birdie a No.12. Umiskor naman si Grace ng 69, habang kumana si Nobilio ng 72 para magtabla na may parehong two-day aggregate na 140 puntos, habang nakabuntot si Emma Spitz ng Australia (70) at Hoyu An of Chinese Taipei (72). "I'm hoping for a windy day tomorrow. We handled it well yesterday and hopefully a different wind tomorrow will give us a different look at the golf course, fresh perspective,'' pahayag ni Gibson. Carl Jano Corpus also struggled the entire day, limping home with a 76 to fall 10 strokes behind the lead. The 17-year-old bogeyed twice on the front nine and registered three more bogeys on hole nos. 13, 14, 15 after a double bogey on the 10th. Karl Vilips of Australia grabbed the lead (69-68-137) while the only highlight for Corpus was a single birdie on the par-5 No. 11. "Carl had the same problem today. They putted really well yesterday but didn't putt as well today,'' said Gibson. +Sa katotohanan, ang Pilipinas ay gumagalaw kasabay ng makabagong panahon, at ang tanawin ay nagbabago dahil sa pagtatayo ng malalaking pamilihan, mga planadong komunidad at ang mga nagtataasang gusaling yari sa bakal, salamin at kongkreto. Ang malaking kredito ay para sa pribadong sektor, na ang alab ay nagpapalakas at nagpapatagal sa tinatawag na real estate boom ilang taon mula nang tumama sa atin ang Asian financial crisis noong 1997. Sa pagdami ng mga lokal at dayuhang turista, lumalaki ang pangangailangan sa mga hotel at iba pang pasilidad. Kaya naman kahit mga kilalalang tatak ng mga hotel sa daigdig ay nakikilahok na rin sa pagtatayo ng mga hotel sa Pilipinas. Ang kahirapan ay mas matindi sa mga lalawigan kaysa sa mga lungsod. Sa aking pananaw, nakatutulong ang real estate boom upang mabawasan ang suliraning ito dahil ang positibong epekto ng industriya ay lumalaganap sa maraming lalawigan sa labas ng Metro Manila, mula sa Luzon hanggang sa Visayas at Mindanao. Ang malalaking kumpanya sa real estate, gaya ng Alliance Global, Ayala, SM. Vista Land at Filinvest ay pawang naglulunsad ng malalaking proyekto sa iba't ibang panig ng kapuluan. Ang mga proyektong ito ay kinabibilangan ng malalaking mall, mga master-planned communities, mga hotel at gusaling tanggapan para sa industriya ng business process outsourcing (BPO). Maganda rin ang epekto ng real estate boom sa negosyong tingian. +Sinabi ng biktima na nakilalang si Rocky Mhar Dalangin, residente ng Lot 15, Block 233 Pioneer St., Makati City na sakay sa ng isang taxi na may plakang UVU-793 nang magdeklara ang driver nito ng holdap sa C-5 Road, Barangay Ugong, Pasig dakong 4:30 noong Miyerkules ng madaling araw. +Inamin mismo ng kalihim sa mga mamamahayag na binisita siya ni Comelec Chairman Sixto Brillantes nitong Huwebes para personal na kumbinsihin na maging kapalit nito sa puwesto. +"Well, I follow the teachings of my parents has taught me, church has taught me, so kanya-kanya naman 'yan, 'di ba... your own set of views in the world," sagot ng singer. "My view is to follow what my parents has taught me." Kaya kampante si Christian na wala siyang anak sa pagkabinata. "Confident naman na wala. DNA test lang ang katapat n'yan." Paano kung aksidenteng may nangyari sa kanila ng girlfriend niya 'tapos may nabuo pero hindi ito handang magpakasal? "Hindi mo mapipilit 'yun, eh, so kung may mabuo at hindi pa ready 'yung babae, irerespeto ko siya. Pero 'yung anak, ipaglalaban ko na pareho kaming may rights. Ako right to see, meron kasi ibang babae, ayaw 'yung anak, pero iba gusto," pananaw ni Christian. Walang kaso kay Christian kung umibig siya sa single mom. "Yes, I will be willing to marry her, kasi it's not fair na kapag nagkamali siya or ako, eh, itataboy mo na lang. So may responsibilidad ka do'n at nangyayari 'yun to some friends of mine whether in the industry or not or whether together or not, 'yung anak, eh, tinutulungan pa rin. "'Daming kuwento like Jennylyn (Mercado) and Patrick Garcia, ngayon okay na, ring bearer na nga (si Jazz sa kasal ni Patrick at magiging asawa nito)," paliwanag niya. May lahi ba sila na nagiging matandang binata o dalaga? "Mabilis kaming mag-asawa, ako lang yata ang pinakamatagal, 'yung dalawang kapatid ko may girlfriend na. Sabi ko nga sa kanila, 'oy, kung gusto na ninyong magpakasal okay lang, mauna na kayo walang problema," natawang sabi ng binatang singer. Si Christian ang panganay sa magkakapatid at hindi naman daw siya pini-pressure ng magulang niya na bigyan sila ng apo. "'Yung lola ko nangungulit, 90 plus na kasi siya," dagdag na kuwento niya. Noong bata-bata ay marami rin siyang kapilyuhan, pero hindi na niya ikinuwento sa amin. "Sa akin na lang 'yun, ha-ha-ha. Too bad to say." Inamin niya na kung minsan ay naiinggit na siya sa mga kaibigang nag-asawa na, tulad ng naugnay sa kanya noon na si Karylle na asawa na ngayon ni Yael Yuzon. "Sorry ha?" natawang sabi sa amin, kasi nga boto kami sa kanilang dalawa. "Ang ganda ng kanta namin (ni Karylle sa kanyang bagong album), After All," dugtong pa. Hindi naman daw seloso si Yael dahil, "One of the links ako sa kanilang dalawa kaya hindi siya nagseselos. Cool kausap si Yael, pareho kaming nagba-basketball," say pa ng singer. May pabirong nagtanong, bakit sa kanya hindi nagseselos si Yael samantalang kay Vice Ganda... "Ay, hindi na ako makikisawsaw d'yan," natawang sagot ng binata. Samantala, single pa rin si Rachel Ann Go na planong dalawin ni Christian sa London sa Enero. Posible ba ang reconciliation lalo't ang ganda rin ng duet nilang ng The Way We Were na kasama rin sa kanyang Soundtrack album sa Universal Records? May pinagdaanan daw kasi sila ni Rachel kaya ang The Way We Were ang napili nilang kanta, pabirong sabi ng binata. "Hanggang ngayon magkaibigan kami, hindi naman malungkot na kanta, eh. Kasi it's the laughter you remember so it's a bitter-sweet (song). Okay kami ni Rachel, friends pa rin. Wala bang possibility for reconciliation? "Tingnan natin, pero sa ngayon, walang plan kasi wala lang," natawang sabi pa niya. Wish ni Christian na extrovert sana ang susunod niyang girlfriend na puwede siyang mahila dahil introvert siya. Pero hindi lang si Rachel ang dadalawin niya sa London kundi maging ang kaibigan nilang si Mark Bautista. "I'm happy for them, sina Mark at Rachel, dumadating sa atin 'yung news doon na hindi natin pinipilit, hindi natingsinusulat, dumadating dito, so masarap ang feeling," say pa ng binata. Kung may dumating na tamang role para sa kanya, gusto rin niyang subukan na mapasama sa musical play sa ibang bansa. "Kaya dapat mag-aral na akong sumayaw talaga para maging ready. So kung gusto ko talaga ng international career, kailangan karerin ko ang pagsayaw talaga. Hindi naman ini-expect na maging Gary V or Billy Crawford, pero 'yung confidence lang," pahayag pa ng binata. +Napatunayan ng Supreme Court en banc, sa pamumuno ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, na guilty sa grave misconduct si Padma L. Sahi, court interpreter ng 2nd Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Sumisip, Maluso at Lantawan, Basilan. +Sinabi ni ABAP Executive Director Ed Picson na pinaghahandaan ngayon ng mga boksingero ang World Junior and Youth Championships sa Mayo sa Chinese Taipei at maging ang World Men's Championships sa Doha, Qatar sa Oktubre 11 hanggang 27. +Mauunang maghangad para sa kanilang pangalawang tagumpay ang Racal Motors Alibaba at ang AMA University Titans sa kanilang pagtutuos sa pambungad na laro ganap na alas-12 ng tanghali. Susundan ito ng pagsalang ng MP Hotel Warriors kontra Jumbo Plastic Lionelum Giants na target naman ang solong ikalawang posisyon kung saan kasalukuyan silang magkaslo ng Cafe France taglay ang barahang 3-1, panalo-talo sa likod ng mga namumunong Hapee Toothpaste at Cagayan Valley na kapwa wala pang talo matapos ang apat na laro. Sa huling laban naman magtatapat ang MJM-Builders at ang Bread Story ganap na ika-4 ng hapon. Sa nabanggit na mga koponan, may malaking problema ang MJM Builders na ka-tie-up ng Far Eastern University at naghahangad pa naman ng unang back-to-back win dahil nagkataon din na pasok sila sa elite 8 ng ginaganap na Philippine Collegiate Champions League. Halos magkasunod ang laban ng Builders at ng Tamaraws sa dalawang liga kung kaya't mapag-aalaman ngayong hapon kung paano nila hahatiin ang kanilang koponan. Alas-2 ng hapon laban ng Tamaraws kontra De La Salle University sa PCCL na gaganapin sa Yanres Sports Center sa Pasig City habang alas-4 naman ng hapon sa PBA D-League ang laban ng Builders. Ayon kay FEU coach Nash Racela, nasa MJM ang commitment ng FEU kaya't posibleng ang kanilang mga second stringers ang siyang lalaban sa Green Archers habang ang kanilang mga starters na sina Mike Tolomia, Mac Belo, Carl cruz, Raymar Jose at Achie Inigo ay sa D-League maglalaro. Gayunpaman, problema pa rin nila dahil mawawala pa rin sa MJM ang kanilang mga National University players na may laro rin sa PCCL ganap na alas-4 naman ng hapon kontra San Beda College. Nakabalik sa winning track matapos maiposte ang kanilang ikatlong panalo sa pamamagitan ng 81-65 na pagdurog sa Wangs Basketball noong nakaraang Huwebes, pinapaboran ang Giants kontra sa baguhang MP Warriors na sumadsad naman sa dalawang sunod na pagkabigo makaraang maipanalo ang ikalawa nilang laban kontra rin sa Wangs. "It will be another physical game and we just have to be wary with our execution," pahayag ni Giants coach Steve Tiu. +Maraming tao ang karapat-dapat na makasama mo, yaong nagbibigay s sa iyo ng lakas, ng ganang magpatuloy kahit higante ang dusang iyong dinaranas; sila ang nagdudulot sa iyo ng inspirasyon sa tuwina at komportable kang ipakita ang iyong galing. +Bagamat tumanggi na pangalanan ang limang personalidad na iniuugnay sa ilegal na aktbidad, sinabi ni BI spokesperson Atty. Elaine Tan na agad na inatasan ni Immigration chief Siegfred Mison na isailalim sila sa imbestigasyon matapos maimpormahan hinggil sa insidente na naganap sa isang condominium sa Makati City noong Disyembre 2014. +SA presscon ng Class A: The Aicelle Santos Live in Concert na tipong birthday concert na rin, pilit na iniintriga ng ilang showbiz writers ang GMA Artist Center Power Belter -- at younger ka-look-alike ni Jaya -- kay Gian Magdangal. Pero smile at deny to the max lang ang Aicelle kahit na may nagsasabi na may relasyon talaga sila. +Kasabay nito, namarkahan ng pagkatalo ang rekord ni Pinoy boxer Joebert Alvarez matapos matalo sa hometown 10-round unanimous decision kay WBA at WBO flyweight champion Juan Francisco Estrada sa Centro de Usos Multiples sa Hermosillo, Sonora, Mexico. +Sa madaling sabi, hindi 'happy' si WG dahil sa itinuturing ng mga taga-Singko na pambabastos sa kanila ni Bayani na dapat pala kasi ay kasama sa sitcom na 2 1/2 Daddies na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari. +Sabi ng isa sa ABS-CBN executives, inaayos na raw ni Derek ang natitira pang panahon sa kontrata nito sa TV5, sa payo naman daw ng may hawak ng isa sa mataas na posisyon ng Dos. After Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Nora Aunor at iba pang talents na umalis sa Singko, iiwanan na rin pala ni Derek Ramsay ang TV5? Tinawagan namin ang isa sa mga taong malapit kay Derek pero kahit anong pilit namin ay wala siyang ibinigay na komento hinggil dito. Pero pasaring niya, abangan na lang daw namin bago matapos ang taon dahil may pasabog daw sila. +Unang bibisitahin ng young actors na sina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla, at ng Cebuanang si Steph Yamut ang Borromeo Brothers Elementary School sa Cansojong, Cebu sa ganap na ala-10 ng umaga. +Kinumpirma noong Linggo ng gabi ni player-agent Sheryl Reyes na nakatakdang magbalik sa Philippine Basketball Association (PBA) si Michael Dunigan matapos lagdaan ang kontrata upang maging import ng Gin Kings sa susunod na conference. +Sinabi ng mga commentator na ang huling pagkakataon na nasaksihan nila ang ganitong karaming tao na pumuno sa mga lansangan ng kabisera ay sa Liberation of Paris mula sa Nazi Germany noong 1944. +Si Howard, na hindi nakapaglaro sa huling 11 laro dahil sa strained right knee, ay nakaabot din sa isang milestone nang maitala ang 10,000 rebounds sa kanyang career. +Sinabi ni SFO1 Tristan Tadatada, ng Cebu City Bureau of Fire Protection (BFP), nagluluto ang may-ari ng isang tindahan nang biglang sumabog ang gas stove at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing tindahan. Kabilang sa mga sugatan ay sina Arenato Catarongan, 41; Fibua Lauron, 35; Jelly Ann Dedicatoria, 17; Jenelyn Tuburan, 15, at Janice Tabar, 40, gayundin ang siyam na estudyante at isang administrative officer ng CTU. Sinabi ni Dr. Rogelio Villamor ng nasabing unibersidad, ligtas na ang kondisyon ng mga estudyante maliban sa isang mag-aaral na nananatili pa rin sa pagamutan na nakararanas pa rin ng matinding pagkahilo dahil sa makapal na usok. Aaabot sa sampung tindahan ang naabo at dalawang iba pa bahagyang nasira sa nasabing sunog. +Sa isang pahayag, sinabi ni Alex Yague, PBOA executive director, na nagdesisyon ang mga miyembro ng mga grupo ng bus operator na tumalima sa provisional authority na ipinalabas noong Mayo 17, 2008 na nagtatakda sa pasahe ng mga provincial bus sa P9 para sa unang limang kilometro at karagdagang P1.40 sa kada kilometro para sa mga ordinary o hindi airconditioned na mga bus. Ang mga regular air-conditioned bus ay sisingil ng P9 sa kada kilometrong biyahe at may P1.80 dagdag sa mga susunod na kilometro habang ang mga air-con deluxe ay P1.70/km at ang luxury ay nasa P2.25 kada kilometro. Sinabi ni Yague na ang nasabing mga pasahe ang umiiral simula noong 2008 at nananatili ito sa kabila ng pagtaas ng mga toll fee, pagtapyas sa presyo ng petrolyo at pagmamahal ng gastusin sa pagmamantine, bukod pa sa tumataas na inflation rate. Ayon kay Yague, pinili ng mga kumpanya ng bus na sagutin ang tumataas na presyo ng motor oil at motor parts sa nakalipas na anim na taon, sinabing ang presyo ng motor oil ay tumaas mula P86 kada litro ay naging P132/liter ngayong 2014 habang ang presyo ng gulong at iba pang piyesa ng bus ay tumaas ng 38 porsiyento mula 2008 hanggang 2014. +Kabuuang 12 sports ang nakahanay sa Tagum matapos idagdag ang lawn tennis, boxing, 3-on-3 at futsal sa mga ituturong sports, maliban pa sa mga regular na zumba, arnis, badminton, chess, karatedo, football, taekwondo at volleyball. Pinag-iisipan naman ni dating national football player at ngayon ay San Carlos City Mayor Gerardo P. Valmayor Jr. ang pagkakadagdag ng dancesports sa nauna na nitong 12 napiling sports, kasama ang boxing at 3-on-3 basketball. Optimistiko naman si Kalibo, Aklan Governor Florencio "Joeben" Miraflores at Vigan, Ilocos Sur City Mayor Eva Marie Singson Medina na makatutulong ng malaki ang programa sa pangangatawan ng kanilang nasasakupan, lalo na sa pagpapalawak ng kanilang programa sa sports sa mga kabataan sa probinsiya. "Last week kami nagkasundo ng Aklan and they are very optimistic on the program. The governor even said during summer time ay dadalhin once a month ang Laro't-Saya sa Boracay," sinabi ni Domingo. "We have yet to decide kung ano ang mga isasagawa nilang sports o may gusto silang idagdag," giit pa nito. Samantala, magkakaroon ng culminating activity ang Laro't-Saya sa Disyembre 28 sa Burnham Green sa Luneta Park kung saan ay hahataw ang zumba marathon na may nakalaang premyo at gayundin ang volleyball challenge at football festival na lalahukan ng mga manlalaro sa iba't ibang lugar. Nakatakda ring ilunsad ang espesyal na aktibidad na PSC Laro't-Saya Senior Citizen na sisimulan sa mga siyudad ng Bacolod, Cebu, Davao at Iloilo. Inilunsad din noong Nobyembre 29 ang PSC Laro't-Saya sa Baguio City bilang ika-12 nilang pinagsasagawaang lugar. May kabuuang 217 katao naman ang nagpartisipa sa Aguinaldo Freedom Park sa Kawit, Cavite kung saan ay isinagawa ang zumba (157), taekwondo (18), badminton (15) at volleyball (47). +Ang seventh-seeded na si Bouchard, na nakaabot sa semifinals sa unang tatlong Grand Slam tournaments noong nakaraang taon, ay nanalo naman sa siyam sa huling 10 games laban kay Irina-Camelia Bagu, ngunit nabigo sa pito sa sumunod na siyam upang mapuwersa ang ikatlong set sa unang pagkakataon sa torneo. Matapos mag-serve ng double fault sa isang set point sa second set, sandaling nagpahinga si Bouchard bago nagbalik upang makumpleto ang 6-1, 5-7, 6-2 na panalo laban sa No. 42-ranked na si Begu, na tinalo ang No. 9-seeded na si Angelique Kerber sa first round. ''I gave myself a good, long hard look in the mirror,'' paliwanag ni Bouchard tungkol sa kanyang panandaliang pagkawala mula sa Rod Laver Arena. ''I said, 'Genie, this is unacceptable.' I really kind of kicked myself in the butt a little bit.'' Ang five-time Grand Slam winner na si Sharapova ay may 3-0 career record laban kay Bouchard, kabilang ang isang comeback semifinal win sa French Open noong isang taon. Natalo si Sharapova sa fourth round sa Melbourne Park noong nagdaang taon, kung saan umabot si Bouchard sa semifinals ng kanyang tournament debut. ''I feel like something or someone gave me another chance,'' ani Sharapova. ''Last year I lost in the fourth round here, getting to the quarters is really special.'' Sinabi ni Sharapova na si Bouchard ang pinaka-consistent na manlalaro sa Grand Slams noong 2014, at kailangan niyang mag-doble kayod laban sa 20-anyos na Canadian. ''She's playing really well, confident tennis. So aggressive,'' saad ni Sharapova. ''I have a tough match ahead of me, but I always look forward to that.'' +Matataas at naglalakihang alon ang nakikitang dahilan sa paglubog ng naturang barko. Masuwerte namang nailigtas sa pamamagitan ng limang Russian fishing vessel ang pitong crew member habang ang isa ay patay na nang matagpuan. Sa ngayon ay nawawala pa rin ang 35 Indonesian, 13 Pilipino, 11 South Korean at isang Russian inspector. Ayon sa Russian authorities na 62 ang lahat ng lulan ng nasabing barko na lumubog sa kanlurang bahagi ng Bering Sea malapit sa Russia. Nasa ligtas nang kalagayan ang pitong crew na kasalukuyang ginagamot sa Russia. Ang pinagyarihan ng paglubog ng barko ay malapit lamang sa lugar kung saan ay ginaganap ang shooting ng isang reality show na "deadliest catch" na mapapanood sa isang science channel. +Idineklarang dead on arrival ang nakatatandang Cuyom sa Asia Medic Hospital sa Dasmarinas, na roon din isinugod ang kanyang anak na nagpapagaling pa sa tinamong sugat sa katawan. Sinabi ni Senior Insp. Fermel V. de la Cruz na magkahawak-kamay na tumatawid ang mag-ina sa Aguinaldo Highway upang sumakay ng bus patungo sa Silang nang biglang mahagip ng isang provincial bus na may plakang DWV-379. Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon pa umano si Angeli Joy sa kabilang bahagi ng kalsada at muling nahagip ng isang dumaraang kotse (MRX-868) na patungo naman sa Pala-pala. +NAGISING kami sa mensaheng natanggap namin kahapon na pumanaw na si Liezl Sumilang-Martinez, asawa ng aktor na si Albert Martinez, sa edad na 47. "Anna Lisa 'Liezl' Sumilang Martinez, peacefully passed away in her sleep at 6:15 this morning, 14th of March 2015. She was 47. +Naungkat ang umano'y pagsuporta ni Ramos matapos ihayag ng dating Pangulo na ang kanyang napupusuan na susunod na president ng bansa ay mula sa Mindanao. Ayon sa mga ulat, inihayag ito ni Ramos matapos siyang magsasagawa ng closed-door meeting kasama si Duterte kamakailan. Sa halip na sagutin ang tanong ng mga mamamahayag kung totoong susuportahan niya si Duterte sa 2016, tumugon si Ramos ng pambiro. "Who am I supporting in 2016? No, but I am looking at 2022," pahayag ng 87-anyos na dating Pangulo. Nang maging seryoso ang talakayan, sinabi ni Ramos na nais niyang maging lider sa bansa ang nakababatang henerasyon. "We need younger leaders. So where are the young ones? Come out, come out," aniya. Sinabi ni Ramos na karamihan ng mga susunod na kandidato sa pagkapangulo sa 2016 ay "oldies" habang ang mayorya ng mga namuno sa ibang bansa ay mula sa nakababatang henerasyon. "Look at the Prime minister of United Kingdom, Dave Cameron he was leader of opposition in UK in the Cabinet of Tony Blair at age 38 but within 4 years he was prime minister, age 42. How old are the candidates here? I was oldest to enter Malacanang at age 64 and retire at 70 still able to do 10 pushups," humahagikhik na inihayag ni Ramos. Sa kalagitnaan ng press conference, hinamon din ni Ramos ang mga cameraman at photographer na sabayan siya sa pag-push up. Binansagan pa ni Ramos ang kanyang sarili bilang "Manny Pacquiao Jr." Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia sa mga presidentiable sa 2016, pumuwesto si Duterte sa top five ng mga posibleng kandidato. +Target ng Tanduay Light at AMA University na makisalo sa ikalawang puwesto habang nakatutok naman na makapagtala ng panalo ang baguhang Liver Marin at ang reigning Aspirants Cup titlist Hapee sa pagpapatuloy ngayon ng 2015 PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Quezon City. +Nasugatan at dinala sa kalapit na pagamutan ang walong kaibigan ni Garcia na natamaan din ng mga bala. Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga tauhan ng Makati City Police para tugisin ang mga nasa likod ng pamamaril na agad tumakas matapos ang krimen. Sa inisyal na ulat ng pulisya, masayang nakatambay at nagkukuwentuhan ang grupo ng mga biktima sa Mckinley Street sa Barangay Pio del Pilar nang dumating ang gray na AUV na hindi naplakahan at kinalululanan ng mga armadong suspek. Rumesponde ang mga pulis at barangay tanod sa lugar at dinala sa ospital ang mga biktima. Sa pahayag sa pulisya ng mga kaibigan ng biktima na nakakita sa insidente, pagbaba ng salamin ng bintana ng naturang sasakyan ay agad na pinagbabaril ang grupo ni Garcia na ikinasawi ng huli. +Itatayo ang MRT 7 sa tapat ng SM North Edsa na tatawaging LRT-MRT unified central terminal ng LRT Line 1, MRT 3, at MRT 7 na magsisilbing iisang istasyon na lamang. Mula Quezon City ay dadaanan nito ang North Avenue sa kanto ng Edsa, liliko sa Quezon Memorial Circle kung saan naroon ang ikalawang terminal at tatahakin ang Commonwealth Avenue para daanan ang istasyon sa Philcoa, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Dona Carmen, Regalado Highway, Mindanao Avenue, Quirino at Sacred Heart, Tala sa North Caloocan at San Jose del Monte sa Tungkong Mangga. +"Maganda naman ang panahon dito. The sky is clear and the air is cool," pagmamalaki ni PSC Secretariat at Technical chief Annie Ruiz habang inaasikaso ang naunang nagsidatingang delegasyon mula sa rehiyon ng Mindanao, na tulad ng mga probinsiya ng Davao at Zamboanga. "Actually, our registration starts December 7 to 9 pero nandito na sila na mas maaga. We will still accept registration pa rin naman up to the 10th kung sakaling may mga maka-cancel na air at sea travel dahil sa bagyo," sinabi pa nito. Gayunman, hindi nito binabalewala ang posibleng epekto ng bagyong 'Ruby' na inasahan nang nag-landfall kagabi sa bansa at posibleng lumabas sa Miyerkules. Unang hahataw ang kampeonato sa triathlon kung saan ay paglalabanan ang unang ginto ng 2014 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Finals sa Disyembre 9 hanggang 13 na muling magbabalik sa Bacolod City. Tanging nag-usog ng kanilang iskedyul ang chess na imbes na magsisimula sa Disyembre 9 ay itinakda sa 10. Ipinaliwanag naman ni PSC Games chief Atty. Maria Fe "Jay" Alano na walang nabago sa kabuuang 27 sports na nakatakdang paglabanan kung saan ang unang ginto sa taunang grassroots sports development program ng PSC ay agad masusungkit sa triathlon event. "Magsisimula rin ang boxing at table tennis on the 9th of December pero wala pa silang nakatayang medal. Only the triathlon, na isasagawa ang kanilang national finals in three days will have a medal at stake," giit ni Alano ukol sa pinakahuling torneo na maglalaban ang mga pinakamagagaling na batang atleta. Maliban sa triathlon, apat na iba pang sports na hindi nagsagawa ng qualifying legs sa Mindanao, Visayas at Luzon ang aarangkada rin sa kanilang kampeonato na binubuo ng cycling (New Airport Access Road), pencak silat (Rizal Elementary School), wushu (Trinity Christian School) at ang bagong saling fencing na gaganapin sa Manila. Ang unang torneo sa Bacolod City ay isinilang noong 1998 na kilala pa noon na Philippine National Youth Games (PNYG) sa pangunguna noon ni Bacolod City Congressman at ngayon ay Mayor Monico Puentebella. Magsasama naman ang mahigit sa 3,000 kabataang atleta na pawang nakuwalipika makaraang magsipagwagi ng ginto at pilak sa ginanap na tatlong leg. Maari ring lumahok ang mga nagsipanalo ng tansong medalya subalit sagot nila ang kanilang gastusin. +Lumaki ang tiyansa sa megabout na tinatayang aabot ang premyo sa $200 milyon matapos magwagi si Pacquiao nitong Nobyembre 23 sa Macau, China na anim na beses niyang pinagulong sa ring ang walang talong challenger na Chris Algieri. Ibinunyag ni Roach na kasama siya nang magpulong sina Arum at Moonves sa loob ng limosina ng huli kung saan nagmalaki ito na kayang tuparin ang Mayweather-Pacquiao bout. "I was there," pag-amin ni Roach sa Los Angeles Daily News. "I was the third party. I just listened a lot. But they spoke about what they could do and how to make the fight happen. Moonves said he can deliver Mayweather, and, obviously, Bob said he could deliver Pacquiao." Sa pag-uusap, natiyak ni Roach na matutuloy na ang pinakahihintay na sagupaan sa kasaysayan ng boksing na inaasahang tatanggap ng pinakamaliit na $80 milyon si Pacquiao sa ginarantiyahang premyo pa lamang. +Bandang 6:10 ng gabi nang marinig nina Ramonsito De Leon, 28, ng Bgy. Sta. Orusla, Betis, Guagua, Pampanga at Boujie Van Venrooij, 46, isang Dutch, ang daing ni Doria sa comfort room at nang kanilang puntahan ay nakita nila itong nakahandusay sa sahig. Kaagad na isinugod si Doria sa Central Luzon Doctors' Hospital subalit siya ay idineklarang patay. +Sinabi ni PAF spokesman Lt. Col. Enrico Canaya, ang 22 sundalo ay sinampahan na ng kaso. Siyam dito ang inirekomendang itiwalag sa serbisyo habang ang 13 ay isasailalim sa preliminary investigation. +Dakong 9:00 ng gabi naman ng araw na iyon nang biktimahin ang Ambida Dental Clinic sa Poblacion 3 sa Bauan. Tinutukan naman ng balisong ang sekretaryang si Jocelyn Aldovino at nakuha ng suspek ang P50 halaga ng barya mula sa kaha. +Sinabi ni Helen Flores, pinuno ng Comelec Bids and Awards Committee (BAC), na tanging ang Scytl Secured Electronic Voting ang bumili ng bidding document para sa lease ng mga DRE machine habang wala pang bidder para sa mga OMR. Ang bid document ng OMR ay nagkakahalaga ng P75,000 habang ang DRE ay P25,000 at ang mga ito ay mabibili sa BAC secretariat sa Intramuros, Manila hanggang Marso 30. Nang tanungin kung ano ang posibleng dahilan sa kakaunting bidder, sinabi ni Flores na may epekto ang inihaing protesta ng Smartmatic-TIM matapos itong diskuwalipikahin sa bidding sa isang en banc session. "The protest filed by Smartmatic-TIM at the commission en banc will directly affect this bidding process. Because the commission en banc may affirm or reverse our decision... If they sustain our decision, we can proceed with this second round. If they reverse it, then we can totally abandon the second round and go back to the first round," dagdag niya. Nagsagawa kamakalawa ng pre-bid conference ang Comelec BAC para sa OMR at DRE sa main office ng komisyon sa Intramuros. Isinagawa ang ikalawang bidding matapos ideklara na "failed bidding" ang proseso para sa lease project ng OMR at DRE nang madiskuwalipika ang Smartmatic-TIM at isa pang bidder na Indra Sistemas S.A. +Kinasuhan si Uera dahil sa ilegal na pagsuspinde at pagsibak sa tungkulin sa 40 permanenteng kawani ng pamahalaang bayan may siyam na taon na ang nakalipas. Inihayag naman ni Huerta na walang "revenge" at sa halip ay "reconciliation" na may hustisya ang isusulong ng kanyang pamumuno. Si Huerta ay running mate ni Uera noong 2013 elections at opisyal na pinagkalooban ng assumption order ng DILG para maupong bagong alkalde ng Pantabangan. +Bumagsak ang mga helicopter habang bumibiyahe malapit sa Villa Castelli sa probinsiya ng La Rioja, 730 milya (1,170 kilometero) hilagang kanluran ng Buenos Aires, pahayag ni La Rioja Secretary of Security Cesar Angulo. Kumpirmadong patay ang 10 pasahero. +Nagtalaga ang gobyerno ng 50,000 pulis at mga sundalo, halos sangkap at ng kanyang puwersa, upang masupil ang anumang banta, mapanatiling maayos ang sabik na madla na umabot sa tinatayang anim na milyon sa sukdulan na pagkaguluhan si Pope Francis, at upang maiwasan ang mga stampede at krimen. Ipinakalat ang manipis na puwersa kahit habang hinaharap nila ang mga komunista at rebeldeng Musin at ba pang mga banta. Sinabi ng mga opisyal na malaking bulto ng puwersa ang kinailangang dalhin sa kabisera mula sa mga probinsiya. Gumastos para sa kanilang accommodation, transportasyon, pagkain at mga allowance. Gayunman, wala pang ibinibigay na numero ng ginastos ang mga opisyal. Sinabi ni presidential spokesman Herminio Coloma noong Huwebes na ang hindi pa malinaw ang ginastos ng gobyerno, dahil tinitipon pa ang mga datos ula sa iba't ibang ahensiya. Isang miyembro ng central committee na nag-organisa sa pagbisita ang nagsabi na ang pamahalaan ay maaaring gumastos ng hindi bababa sa P200 milyon sa seguridad at pisikal na kaayusan, kabilang ang mga itinayong barrier sa 11-kilometro (6.8 km-haba) ruta mula sa air base kung saan lumapag ang eroplano ni Pope Francis hanggang sa diplomatikong misyon ng Vatican sa Manila. Kung magkano ang iginugol ng simbahan at nakolektang donasyon , ay hindi pa malinaw. Sinabi ni Archbishop Socrates Villages, pangulo ng governing body ng mga obispo at pari sa Pilipinas, binabayaran pa nila ang mga ginastos at hindi pa naisasapinale ang pagbilang. Ang pinakamalaking gastos, sinabi niya, ay ang higanteng LED screen at speaker na inilagay sa Rizal Park, na pinagdarausan ng huling misa at sa iba pang venue. Ngunit pagdating sa hanapbuhay, mayroong mga nanalo at natalo. Matulin ang kalakalan sa mga hotel, restaurant at mga nagbebenta ng souvenir vendor. Ngunit ang outsourcing, semiconductor at industriya ng pananalapi ay kabilang sa mga nalugi. Nagreklamo si Hans Sicat, pangulo ng Philippine Stock Exchange, tungkol sa deklarasyon ng tatlong araw na trabaho bilang pista opisyal sa Metro Manila, kasunod ng mahabang Christmas break. Ayon kay Sicat, kapag may pista opisyal, nalulugi rin ang pamahalaan sapagkat nangongolekta ito ng buwis sa bawat kalakalan ng stock na nagkakahalaga ng P4,500,000 sa isang average na araw ng kalakalan. Sa isang ulat ng Makati Business Club, tinatantya na ang 20 public holiday noong nakaraang taon ay ikinalugi ng outsourcing industry, na nagbibigay ng trabaho sa mahigit isang milyon, P19.3 bilyon sa dagdag na bayad sa trabaho tulad ng holiday pay. Samantala, ang airlines ay nagkansela ng ilang dosenang flights dahil sa ilang oras na idineklarang "no-fly zone" sa Manila bago ang pagdating at pag-alis ng eroplano ni Pope Francis. Ngunit sinabi Transportation Secretary Jose Emilio Abaya na wala pa siyang datos sa lugi dahil ni-rebook naman ang mga biyahe. Ang mga hotel sa paligid ng Manila Bay, malapit sa karamihan ng lugar ng pagbisita ng papa, ay halos fully booked ang lahat kahit na siningil nila ng mas mataas na presyo. Sinabi ni Vanessa Suatengco, general manager ng Diamond Hotel na tinuluyan ng Vatican-accredited media, mga obispo at isa sa dalawang media center, na ang kanilang 210-square-meter presidential suite na nagkakahalaga ng $2839 sa isang gabi ang tanging hindi sumakop sa 500 guest room ng hotel. +SA ikalawa at huli gabing lamay sa burol ng mga labi ni Liezl Sumilang-Martinez sa Heritage Chapel ay maraming touching scenes na na-sight at nakunan ng picture si Yours Truly. +Batay sa mga personal na obserbasyon, naniniwala rin ako na may mga nagaganap na milagro, wika nga, sa pagpapasiya sa mga dapat parangalan sa anuman at alinmang paligsahan, tulad, halimbawa ng literary contest, sports competition at iba pa. Nangangahulugan ba ito na ang mga lupon ng inampalan ay napakikiusapan at nagagawa nilang papanalunin ang nais nilang magwagi? +3 p.m. Keramix vs. MP Hotel Isang baguhang koponan at isang team na magpapakilala sa bagong pangalan ang nakatakdang magsimula sa kanilang kampanya ngayon sa pagsisimula ng season ending conference ng PBA Developmental League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. +Huling namataan, aniya, ang LPA sa bahagi ng Casiguran, Aurora. Gayunman, magdadala pa rin ito ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Northern at Central Luzon. +Isang siyam na gabing serye ng mga konsiyerto ang itinatanghal, nagtatampok ng mga lokal na musikero at mga international artist na tumutugtog ng classical church music sa bamboo organ, kabilang ang "Gloria" at "Agnus Dei" mula sa B minor Mass, isa sa pinakadakilang obra ni Johann Sebastian Bach. Magkakaroon ng isang "Concert Under the Trees" ang Philippine Philharmonic Orchestra sa ilalim ni Olivier Ochanine, na itatanghal sa bakuran ng simbahan; dalawang recital ng kilalang Swiss organist Guy Bovet; at isang paraliturgy na pinamagatang "Exodus" na may musikang gumugunita sa Kuwaresma, Pasko ng Pagkabuhay, at Pentecostes na komposisyon ni Fr. Nic Sengson, at sa ilalim ni conductor Eudenice Palaruan. Ang special guest ay ang Belgian trumpeter na si Simon Van Hoecke, na tutugtog ng Concerto for Three Trumpets. Tutugtog naman ang organista na si Prof. Armando V. Salazar at ang Last Pinas Boys Choir naman ang magpapahanga sa mga panauhin. Ang festival ay inisyatiba ng St. Joseph Parish, ang permanenteng tahanan ng bamboo organ, sa pakikipagtulungan ng Bamboo Organ Foundation, Inc., na may suporta ng mga pribadong indibiduwal, ng national at local agencies, local corporations, at volunteer-parishioners. Ang mga pangunahing sponsor ay ang Manila Hotel, ang European Community, ang Las Pinas City government, ang National Commission for Culture and the Arts, ang Department of Tourism, ang Cultural Center of the Philippines, at ang St. James the Greater Parish. Ang tanyag na bamboo organ ay gawang-kamay gamit ang mga pipa na gawa sa kawayan na sinimulan noong 1816 at nakumpleto noong 1824 ni Fr. Diego Cera Dela Virgen Del Carmen, isang Augustinian Recollect na unang kura paroko ng Las Pinas. Ang kabuuang bilang ng mga pipa ay 1,031, kung saan 902 rito ay gawa sa kawayan at ang natira ay metal. Nasira ang organ case sa bagyo noong 1880s, kaya puwersado itong nanahimik sa loob ng mahabang panahon. Kinumpuni ito ni Fr. Cera ngunit hindi niya maibalik ang maluwalhating musika. Muli itong natuklasan noong 1917 sa isang lumang sacristy. +MAGPAPABUGBOG AKO * Dahil sa tagumpay ni Cong. Manny Pacquaio, halos lahat na yata ng boksingerong Mexicano ay gustong magpabugbog sa ating Pambansang Kamao. Nagpahayag si Mexican-American boxer Jessie Vargas na hahamunin niya ng basagan ng mukha si Manny kapag hindi natuloy ang bakbakang Pacquiao-Mayweather sa susunod na taon. Ani Vargas, na isang undefeated right-handed, naniniwala siyang kayang-kaya niyang pabagsakin si Manny. Sa isip ko, baka hindi nalalaman nito ang sinasabi niya. Mas angkop yata na sabihin niyang 'Magpapabugbog ako kay Manny'. Si Manny, habang nasasaktan, lalong lumalabas ang tapang. Pero natalo daw ni Vargas ang protege ni Freddie Roach na si Antonio DeMarco. Sana matuloy ang laban ni Manny kay Mayweather at mapatulog ng ating Pambansang Kamao nang makita ni Vargas ang hinahanap niya. +Matindi ang akusasyon at kontra-akusasyon ng US at North Korea tungkol sa insidente ng "hacking" sa Sony movie na may pamagat na "Interview" na kagagawan daw ng Nokor. Nagalit yata ang liderato ng Nokor dahil iniinsulto raw ang supreme leader nilang si Kim Jong-Un. Ginantihan daw ng US ang North Korea ng kontra-hacking kaya dumanas ang "hermit nation" ng 9 oras na Internet outage. Pinagbintangan ng Nokor ang US na nasa likod ng cyber attack na puminsala sa kanilang websites. Mabait si Pope Francis, pero mabagsik pala siya sa pagpuna sa mga kamalian ng Vatican bureaucracy at ng Curia na nangangasiwa sa lahat ng aktibidad sa Holy See. Inakusahan niya ang mga cardinal, obispo at pari noong Lunes sa kanyang Christmas message sa Sala Clementina sa paggamit ng puwesto para mangamkam ng poder at kayamanan, pamumuhay ng doble-kara, at pagkalimot na sila ay naroroon upang maglingkod sa Diyos. Binanatan niya ang Curia, ang central administration ng Holy See, na nangangasiwa sa 1.2 bilyong Katoliko sa mundo. Inilarawan niya ang Vatican na pinaghaharian ng "existential schizophrenia", "social exhibitionism", "spiritual alzheimer's" at pagkaganid sa kapangyarihan. Parang mga bato ang mga cardinal na pinatutungkulan ng Papa. +Main goals mo for today ang panatiliing in good professional shape ka at ang iyong colleagues. Silipin mo kaya ang iyong health department. CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19] +Sa botong 9-5, idineklara nitong unconstitutional ang utos ng Comelec na alisin ang nasabing tarpaulin na inilagay sa pader sa harapan ng San Sebastian Cathedral sa Bacolod City noong Pebrero 2013. +ANG pagiging maarte ang dahilan kaya hindi ni-renew ng TV network ang kontrata ng isang aktres na naging dahilan kaya nag-iiyak ito sa kanyang boyfriend. Tsika ng source namin sa naturang TV network, "Maraming staff ang naartehan sa kanya, may mga ipinagagawa, ang daming tanong, hindi naman diretsong nagrereklamo, pero 'yung tanong nang tanong at parang dini-delay ang trabaho at late na ngang dumarating sa set, kaya hindi na siya ni-renew ng management. +Dahil dito, nakipagtulungan ang Department of Health (DoH) sa Philippine Coalition Against Tuberculosis (PhilCAT), isang samahan ng mga healthcare practitioner at TB-prevention organization sa bansa, upang palawakin ang kampanya sa pagbibigay ng impormasyon laban sa nakamamatay na sakit. +Ipinalabas ang petisyon to bail resolution ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes at ito ay may kaugnayan sa kasong multiple murder sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009. +Sa kabila nito, sa isang ulat, hindi yata payag ang Ama ng Maynila na si Mayor Joseph Estrada sa ideya ng kanyang pamangkin. Bilang beteranong aktor at pulitiko, hindi niya nakikita ang dahilan upang gawan ng pelikula ang sinapit ng Fallen 44. Sinabi pa ni Mayor Erap, na hindi maipagmamalaki ang nangyari sa Mamasapano at magiging isang pagkakamali ito para sa kanyang pamangkin kung sakaling igigiit nito ang pagsasagawa ng naturang pelikula. Matapos man ang mga imbestigasyon, hindi angkop na gawing pelikula ang karumaldumal na pangyayari sa bahaging iyon ng ating bansa. Hindi nga lang tuwirang sinabi ni Mayor Erap ngunit dama natin ang kanyang saloobin, isang pakiusap na huwag nang pag-aksayahan ng salapi at panahon ang paggawa ng naturang pelikula sapagkat magdudulot lang ito ng karagdagang tensiyon sa gobyerno at sa MILF/BFF. Tiyak na malalagay sa spotlight ang kalupitan ng kapatid sa kapatid. +Ito ang inihayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima matapos makausap ni Pangulong Aquino si Malaysian Prime Minister Najib Razak hinggil sa kaso ni Amalilio sa ginanap na 25th ASEAN-Republic of Korea commemorative summit sa Seoul. +Ito ang napag-alaman mula mismo kay POC Membership Committee chairman at 1st Vice President Joey Romasanta dahil sa pagkakaroon ng national sports association (NSA) sa volleyball ng dalawang rehistrasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC). "The PVF has two SEC registration which had two different sets of officials," sabi ni Romasanta na kinuwestiyon ang pagiging lehitimo ng dalawang umaangking grupo base sa rehistrasyon ng SEC. "Kailangan nilang ayusin ang mga dokumento nila," sabi pa nito. Inamin naman ni PVF secretary general Dr. Rustico "Otie" Camangian na may dalawang SEC registration kung saan ang isa na ipinarehistro noong taong 2005 na nasa liderato ng dating pangulo ng asosasyon na si Pedro Mendoza kasama bilang opisyal sina Victor Abalos, Minerva Pante, Vangie De Jesus ay "revoked." "We communicated with POC Secretary General Steve Hontiveros and he said they cannot sent an observer in the election because dalawa ang SEC registration ng PVF. If they (POC) really want to know the legality, then they should ask the SEC kung sino ang real at legal personality sa PVF," paliwanag ni Camangian. Ipinaliwanag pa ni Camangian na kinailangang iparehistro ang PVF noong 2005 base sa kagustuhan ng PSC para makakuha ng pondo at tulong pinansiyal sa ahensiya. Gayunman, bunga ng hindi pagsusumite ng annual report at financial statement ang asosasyon ay inalisan o narevoked ang rehistrasyon nito sa SEC. Idinagdag pa ni Camangian na kahit hindi walang opisyales ang POC ay kanilang ipagpapatuloy ang itinakdang eleksyon sa darating na Enero 9 na matagal nang inaasahan ng mga stakeholders ng asosasyon mula sa lugar ng Tawi-Tawi hanggang sa liblib ng lugar ng Baguio City. +HINDI mailarawan ni Jamie Rivera ang kanyang naramdaman sa pag-awit niya ng We Are All God's Children sa harap ni Pope Francis sa Meeting with the Families na ginanap sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City nitong Biyernes. "Siyempre ninenerbiyos ako! Ang saya namin nung mga bata. Enjoy lang kami. Tsaka we're very grateful and we feel so blessed," kuwento ni Jamie sa panayam sa kanya ng Bandila ng ABS-CBN noong Biyernes ng gabi. Bukod sa napakasaya niya sa pagkakataong umawit sa harap ng Papa, higit na naging espesyal para kay Jamie na nagawa niyang maiparating kay Pope Francis ang mensahe ng awiting isinulat niya. "Nakikita ko kasi, tinatranslate ni (Archbishop Luis Antonio) Cardinal Tagle (sa kanya). Natutuwa ako. Ibig sabihin naiintindihan ng Santo Papa 'yung kinakanta ko," sabi ni Jamie. At mayroon din siyang personal encounter sa Papa. "Masaya siyempre! Akyat daw [sa entablado], eh ! Parang, 'Tara akyat tayo, akyat daw eh,'" kuwento ni Jaime. "Nagpapasalamat ako kasi nakaakyat ako, nakapagmano ako sa kanya, at the same time nakapagmano 'yung mga bata na kasama ko." Higit pang natuwa si Jamie sa nasabing pambihirang oportunidad nang inabutan siya ng mga stampita ng mga aide at mga kasamang pari ng Papa. "I think blessed ng Santo Papa 'yun. Pinamigay ko sa mga bata." Paano na lang ang plano niyang mag-selfie kasama si Pope Francis? +Sinimulan na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpapalabas ng rainfall warning bukod pa sa babala sa lakas ng hangin. Ito ay matapos na ang ulan na dulot ng habagat ay magdulot ng matinding baha at pinsala kahit wala namang bagyo. Habang papalapit ang Yolanda sa bansa noong 2013, naghanda ang mamamayan ng Eastern at Central Visayas sa malakas nitong hangin at ulan, tiwalang makakayanan nila ito gaya sa mga nakalipas na kalamidad. Pero iba ang bantang hatid ng Yolanda--ang delubyo. Dahil sa napakalakas na hangin, tumaas ang dagat at nilamon ang lupa, rumagasang gaya ng tsunami, winasak ang maraming komunidad at tinangay ang libu-libong tao sa pagbalik ng dambuhalang alon sa dagat. Makalipas ang isang taon, noong nakaraang buwan, nang manalasa ang 'Ruby', ay mas handa na ang mamamayan at kakaunti lang ang nasawi--27 na lang, kumpara sa mahigit 6,193 na namatay at 1,061 nawawala sa Yolanda. Noong nakaraang linggo, inakala ng mga tao na handa na sila sa pangkaraniwan na ngayon na napakalakas na hangin at matinding baha na idudulot ng bagyong 'Seniang'. Sa pagkakataong ito, bukod sa karaniwang baha at hangin, may 12 pagguho ng lupa na nagdulot ng maraming pagkamatay. Dalawang landslide ang pumatay sa 19 na katao makaraan nitong ilibing ang isang komunidad sa Catbalogan City sa Samar. Dalawa pang pagguho ng lupa ang pumatay din sa siyam na katao sa Leyte. Posibleng pinatindi ng climate change ang pananalasa ng mga bagyo at buhos ng ulan kaya naman naging mas mapanganib ang mga ito kaysa rati. Napaulat din ang matitinding klima sa iba pang panig ng mundo. Mga baha, snow storms at sobrang lamig na panahon ang puminsala sa maraming lugar na hindi nakararanas nito noon. +Sa kabila nang maraming detalye hinggil sa kaso na inilabas niya sa mga unang pagdinig, napansin ng mga mahistrado ng Sandiganbayan Third Division na marami nang katanungan na hindi niya nasagot hinggil sa kaso nang siya ay humarap sa witness stand kahapon. +Isa lamang ang PABA sa national sports association's (NSA's) na may magulong liderato matapos na hindi kilalanin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang isinagawa nilang eleksiyon. Puwersado naman ang PH batters na sumagupa sa East Asia Cup sa Marso sa bansa na isang qualifying para sa mga bansang nagnanais na mapasabak sa prestihiyosong World Baseball Cup. Ito ay matapos na mabalitaan na kinilala ng POC ang liderato ni Marti Esmendi bilang presidente ng PABA na hindi naman sinang-ayunan ng mga namumuno ng baseball sa bansa. "Ang pangunahin naming problema ay makapagpatuloy sana kami ng training sa Rizal," sinabi ni national coach Egay delos Reyes. "Wala kaming permit, kaya hindi kami nakagagamit ng field. Sa gilid-gilid lang kami ng Rizal Memorial muna nagpapraktis." Ipinaliwanag ni Delos Reyes na dahil sa kawalan ng permit ay hindi makagagamit ang mga manlalaro, partikular ang mula sa probinsiya at maging ang hindi kabilang sa military, sa dormitory na nasa stadium. Ipinagpasalamat naman nila sa biyuda ng namayapang presidente ng PABA na si Hector Navasero na nagrenta ng apartment para sa kanilang matitirhan. Nakipag-usap na rin ang koponan sa bagong PABA Board na ipiprisinta nina Ely Baradas, Ping Remollo, Pepe Munoz at Norman Macasaet ang hinggil sa kanilang kahilingan. Nangako naman ang board na ipararating nila sa matataas na opisyal sa sports ang kanilang mga hinaing. Matatandaan na binuo ang koponan noong 2014 upang isali sana sa Incheon Asian Games subalit hindi nakasama sa delegasyon dahil na rin sa kaguluhan sa loob ng asosasyon. Puwersado rin sila na idepensa ang korona sa East Asian Cup na dapat sana'y isinagawa noong Disyembre sa bansa ngunit iniliban na lamang sa Marso habang hinihintay na maisagawa ang eleksiyon. "Ang champion dito ay makukuwalipika sa Asian Championships na importante naman para tumaas ang ranking natin para sa World Baseball Classic kaya hindi kami puwedeng magpabaya sa training," pahayag ni Delos Reyes. Magugunita na dahil sa matagal na kaguluhan sa PABA, napilitan ang PSC na tanggalin ang buwanang allowance ng 24-kataong koponan. +Hinihikayat din ang mambabasa na subukin ang kanilang konsiyensiya, iwasan ang paggamit ng kakaibang termino at kataga dahil ito ay "vulgar," at huwag dumura sa sahig. Hinimok ang mga magulang na huwag ipahiya at maliitin ang kanilang mga anak. +Si Caluag, na bumiyahe pa mula Kentucky, USA upang personal na tanggapin ang parangal na iginawad sa kanya ng pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa sa seremonyang ginanap sa 1Esplanade, ay pinangunahan ang kabuuang 79 personalidad at entities na pinarangalan sa espesyal na gabi na dinaluhan ng pinakamatataas na opisyal ng isports, prominenteng mga atleta at mga espesyal na bisita. Dumalo upang ibigay kay Caluag ang kanyang Athlete of the Year trophy ay sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose 'Peping' Cojuangco, Philippine Sports Commission chairman at keynote speaker ng pagtitipon na si Richie Garcia, Philcycling president Cavite Congressman Bambol Tolentino, at PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror. Ang BMX rider, na sinamahan sa event ng kanyang mga kamag-anak mula Nueva Ecija, ang nagbigay ng nag-iisang gintong medalya ng bansa sa Asiad noong nakaraang taon sa Incheon, South Korea. Kinukunsidera niya ang 2014 bilang isang "eventful year" para sa kanya. "It was a great year being a new dad, graduating at nursing school, along with the Asian Games gold medal, and to top it off with the Athlete of the Year," dagdag ni Caluag sa pormal na pagititpon kung saan principal sponsors ang Meralco, Smart, at MVP Sports Foundation habang major sponsor naman ang PSC. Isa pang highlight ng gabi ang paggagawad ng Lifetime Achievement Award sa 1973 Philippine men's basketball team. Ang dating senador na si Robert Jaworski Sr. ang nanguna sa koponan na napanalunan ang Fiba-Asian Men's Championship 42 taon na ang nakararaan sa Manila. Kasama ni Big J sa entablado ang mga kakamping sina Bogs Adornado, Yoyong Martirez, Manny Paner, Leo Arnaiz (kumatawan sa kapatid na si Francis Arnaiz), Richie Melencio (kumatawan sa yumaong amang si Tembong Melencio) at Joey Campos, bilang representante ni coach Juan Cutillas. "This group was given an opportunity to show together that we have the best athletes (here in Asia)," ani Jaworski sa kanyang mensahe para sa koponan na iginiya ng yumaong si Valentin 'Tito' Eduque at itinaguyod ni Dante Silverio. Ang buong koponan ng National University, sa pangunguna ni coach Eric Altamirano at school owner Hans Sy, ay dumalo rin upang tanggapin ang President's Award para sa kanilang pagputol sa 60 taong tagtuyot ng Bulldogs para sa UAAP men's basketball title. Si Sy din ang ginawaran ng pagkilala bilang Executive of the Year sa event na suportado rin ng PBA, Maynilad, Accel, Rain or Shine, ICTSI, PCSO, PAGCOR, El Jose Catering, National University, Globalport, Air21, at 1Esplanade. Ang iba pang special awards na ipinamigay ay kina coach Tim Cone (Excellence In Basketball), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), Tony Lascuna and Princess Superal (Golfers of the Year), Mitsubishi (Hall of Fame), at MVP Sports Foundation (Sports Patron of the Year). +Tuwang-tuwa at touched si Juday sa gagawing pangungumusta ni Pope Francis sa kalagayan ng Yolanda survivors. Ibinahagi ng award-winning host ng hit game show na Bet On Your Baby na paraan din ito ni Pope Francis para himukin ang sambayanan na tibayan ang tiwala sa Diyos. +Paliwanag nito, mas lalamig pa o makakukuha pa ng mas mababang temperatura ang mga lugar na ito sa susunod na mga araw. Aniya, magpapatuloy ang mababang temperatura sa Luzon lalo na at peak season ng amihan ngayong buwan. "Talagang halos 'yung tail-end natin ay mas bumaba pa ang epekto, ibig sabihin niyan mas lumalakas pa 'yung amihan natin so asahan talaga na bababa pa 'yung temperature natin," anito. Kaugnay nito, patuloy na nakaaapekto sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindanao ang tailend ng cold front. +Na-disbar si Raul H. Sesbreno na napatunayan ng Cebu City Regional Trial Court (RTC) na nagkasala sa murder. Subalit, sa isang apela, ibinaba ng SC ang krimen sa homicide at nahatulan siyang makulong ng siyam hanggang 16 na taon. +Ang Listahan ay isang information management system na maaaring gamitin ng mga national agency, local government unit, at iba pang social protection stakeholder upang magkaroon ng listahan ng maralitang pamilya na nangangailangan ng tulong. Sasanayin ng mga area coordinator ang mga area supervisor na mamumuno sa lupon ng mga enumerator sa pagsasagawa ng field assessment. Magsasagawa ang enumerator ng panayam sa mga pamilya gamit ang Family Assessment Form (FAF), isang apat na pahinang questionnaire at 52 variable na tutukoy sa antas ng kabuhayan ng isang pamilya. Ang datos na makokolekta ng mga enumerator ay ipapasok ng mga encoder sa database ng Listahan habang sisiyasatin ng mga verifier kung tama ang mga ipinasok na impormasyon. +Dahil sa inaasahang holiday exodus ng mga pasahero, mas mabigat ang trapiko ang tiyak na mararanasan ng mga biyahero na papunta sa mga probinsiya ilang araw bago ang Pasko. +Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 6:10 ng umaga nang maramdaman sa National Capital Region (NCR), partikular na sa Science Garden sa Quezon City, ang 19 degrees Celsius. +Gayunman, 6:00 pa lang ng umaga ay marami ng mga tao ang nag-aabang sa kanya sa 11-kilometrong ruta na daraanan ng kanyang motorcade. Karamihan sa mga ito ay grupu-grupo nang dumating at nangakasuot pa ng iba't ibang kulay ng T-shirt na may mga larawan ng Papa. Kahit ilang oras silang naghintay sa Papa ay hindi alintana ng mga mananampalataya ang init ng panahon at pagod, gutom at uhaw, dahil nasulit ang lahat ng kanilang sakripisyo nang masulyapan na ang pinakamamahal na si Pope Francis. Marami sa mga relihiyoso ay nagdasal ng rosaryo at umawit ng mga relihiyosong awitin habang naghihintay sa gilid ng mga kalsada sa pagdating ng Papa. Kabilang sa mga rutang dinaanan ng Papa mula sa Villamor Air Base, na pinaghintayan ng libu-libong Katoliko ay ang Andrews Avenue, Airport Road, Domestic Road, NAIA Road, Roxas Boulevard, kanan ng Quirino Avenue hanggang Taft Avenue patungo sa Apostolic Nunciature, o Vatican Embassy, na magsisilbing official residence ng Papa habang nasa Pilipinas siya. +Sinabi ni Radwanska, na nakaabot sa final ng Wimbledon noong 2012 ngunit hindi pa napapanalunan ang kanyang unang career grand slam victory, sa kanyang opisyal na Facebook page: "So happy to announce Martina Navratilova as the newest member of my coaching team". +KAKAIBANG Lady Gaga, na talaga namang ikinagulat ng lahat, ang napanood sa 87th Academy Awards noong Linggo, Pebrero 22, nang awitin niya ang The Sound of Music medley sa Dolby Theatre sa Los Angeles. Inawit ng singer ang ilang medley song kabilang na ang The Hills Are Alive, Edelweiss at Climb Ev'ry Mountain. Ayon sa ulat ng US Weekly, ang My Favorite Things ay isa rin sa presentasyon ni Gaga -- ito ang una niyang pagtatanghal simula nang isiwalat niya noong Valentine's Day ang planong pagpapakasal sa aktor na si Taylor Kinney. +Ito ang reaksiyon ni "First Take" host Skip Bayless sa programa niya sa ESPN sa United States hinggil sa matagal nang paghahamon ni Pacquiao kay Mayweather. +DAHIL sa patuloy na sobrang mataas na ratings ay extended ang seryeng Two Wives hanggang Marso. Ito ang tsika sa amin ni Erich Gonzales, ang isa sa mga bida ng primetime series. Kaya masayang-masaya si Erich, hindi lang dahil sa mga papuring natatanggap niya kundi pati na sa pagkakaroon ng loyal viewers na hindi bumibitaw sa pagsubaybay sa teleserye nila. +TINANGHAL na unang grand champion ng "PINASikat" ang brother duo na Spyros para sa kanilang nakakabilib at makapigil-hiningang performance gamit ang diabolo o Chinese yoyo sa grand finals ng talent competition sa Ynares Center noong Sabado (Enero 24). +Nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Mylene De Claro-Justiniani, 31, at hindi na umabot nang buhay sa Southeast Asian Medical Center san Barangay Molino II sa Bacoor. +Habang walang ganoong probisyon ang iba pang bansa sa kani-kanilang saligang batas, ang malayang pamamahayag at ang press ay naging isang huwaran sa daigdig ngayon. Ang mga editor ng Charlie Hebdo, isang French satirical magazine, ay inilutang ang huwarang ito nang ilabas nila ang marming cartoon na naglalarawan sa propetang Mohammed ng Islam. Ang mga Muslim, lalo na ang mga Sunni Muslim, ay tinuligsa ang mga debuho ng Propeta, sapagkat hinihimok umano nito ang idolatriya. Kaya, isang magkapatid na Muslim ang kumilos laban sa Charlie Hebdo; sinugod nila ang tanggapan nito at pinagbabaril ang editor-in-chief, limang karikaturista, at marami pang staff member. Nakaroon ng kilos protesta sa buong Europe. Ang mga leader ng western world, kasama ang French President Francois Hollande, United States President Barack Obama, the Prime Minister David Cameron ng United Kingdom, and Chancellor Angela Merkel ng Germany, na nakiisa sa pagkondena sa pag-atake. Ngunit matapos maglabas ang Charlie Hebdo ng isa pang mapangahas na isyu, na muling naglalarawan kay Propeta Mohammed sa pabalat nito, sumiklab ang counter-rallies ang mga Muslim sa Senegal, Mauritania, Jordan, Algeria, at Pakistan. Niransak ng galit na galit na madla ang tatlong simbahang Kristiyano at sinunog ang isang French cultural center sa Niger. Ilang araw bago ang marahas na counter-rallies, nangusap si Pope Francis sa mga reporter na kanyang kasama sa eroplano patungong Pilipinas. Ang malayang pamamahayag ay isang pundamental na karapatan ng tao, aniya, at walang hurisdiksiyon para sa pagpatay sa mga peryodista ng Charlie Hebdo. Ngunit, aniya, may mga limitasyon sa malayang pamamahayag, lalo na kung iniinsulto o nililibak nito ang pananampalataya ng ibang tao. Bilang isang bansa na nagdadambana sa malayang pamamahayag sa Konstitusyon nito, nakahanda tayong makiisa sa mga nagtatanggol niyon. Ngunit si Pope Francis, sa kanyang karunungan, ay nakikita ang pangangailangang kilalanin ang mga limitasyon sa mga kalayaan. Wala ngang tunay na absolute - ang ugat na salita sa absolutism - sa daigdig na ito. Nang sabihin ng Papa, sa pagpapatupad ng malayang pamamahayag, na naiinsulto ang pananampalataya ng iba, sila ang nagpasimula ng kaguluhan at dapat ngang asahan ang matinding reaksiyon. +Dati nang laman ng mga haka-haka bilang reinforcement ng Gin Kings para sa 2015 PBA Commissioner's Cup na maguumpisa sa Enero 27, dumating Sabado ng madaling araw si Michael Dunigan lulan ng Philippine Airline flight PR103 mula Los Angeles, California. +In good taste ang mga kuha ni Coleen na ipinost nila sa social media at puwede itong gamitin din para sa promo ng Ex With Benefits na si Sam Milby ang leading man ng TV host/actress. Ang sexy ni Coleen at ang gaganda ng swimsuit na suot niya kaya tiyak na maraming female personalities ang nagka-idea na gayahin din nila ang pictorial session na ito ng dalaga sa isang napakagandang lugar sa ibang bansa. Tiyak na nakita na ni Sam ang mga litrato ni Coleen at siguradong humanga rin siya sa kaseksihan ng girlfriend ni Billy. Mabuti na lang at hindi bantay-salakay si Sam kaya maski na magkasama sila sa pelikula ni Coleen ay walang kakaba-kaba si Billly at matinong girlfriend din naman ang dalaga. In fact, marami ang nakakapansing malaki ang ipinagbago ni Billy simula nang maging magkarelasyon sila dahil pumayat siya nang husto at higit sa lahat, hindi na rin daw madalas uminom at gumimik tulad nang dati. May nagkuwento rin sa amin na, "Takot si Billy na iwan siya ni Coleen, sobrang in love ni Billy kay Coleen. Hindi nga rin namin alam kung paano napatino ni Coleen si Billy." +Sa likod nito, ang MVP Sports Foundation Inc. ay itinaguyod may apat na taon na ang nakararaan na layong makatulong sa grassroots development at maging elite programs ng walong national sports associations. Bukod sa basketball, ang iba pang isports na tinutulungan ng foundation ay ang boxing, taekwondo, badminton, football, cycling, tennis, at running. "Here's a perfect opportunity, a perfect vehicle to further help Philippine sports, while at the same time, encourage everyone to live like a winner by leading a more active and healthier lifestyle," ani Pangilinan nang pormal na ilunsad ang foundation noong 2011. At unti-unting naani ang magagandang resulta. Nagtapos bilang runner-up ang Gilas Pilipinas sa 2013 Fiba-Asia Men's Championship at nakakuha ng tiket para sa Fiba World Cup sa unang pagkakataon matapos ang halos apat na dekada, ang Philippine Azkals ngayon ay ang pinakamagaling na football team sa rehiyon ng Southeast Asia, at naibigay ng cycling ang unang ginto sa Asian Games sa pamamagitan ng BMX rider na si Daniel Caluag. "Nawa'y mas marami pa ang makamit kahit pa," ayon kay Pangilinan na chairman ng foundation. "There will be challenges up ahead." Bilang pagkilala sa kabuluhang naibigay nito para sa Philippine sports sa maikling panahon, pinili ng Philippine Sportswriters Association (PSA) na igawad sa MVP Sports Foundation Inc. ang unang Sports Patron of the Year honor sa pagdaraos nito ng Annual Awards Nights na handog ng MILO at San Miguel Corp. isang linggo mula ngayon sa 1Esplanade sa Mall of Asia Complex. Si Caluag, ang natatanging nag-uwi ng ginto para sa bansa sa Incheon Asiad, ay nasa ituktok ng honor list para sa event sa Pebrero 16 kung saan ay principal sponsors ang Smart, MVP Sports Foundation at Meralco habang major sponsor naman ang Philippine Sports Commission, at tatanggapin ang prestihiyosong Athlete of the Year award. Bukod dito, ang MVP Sports Foundation Inc. ay kabilang sa iba pang personalidad at entity na kikilalanin sa pagtitipon na suportado rin ng PAGCOR, ICTSI, Rain or Shine, PCSO, PBA, Maynilad, Accel, National University, El Jose Catering, Air21, at Globalport. Ang National University ay gagawaran ng President's award, ang 1973 Philippine men's basketball team ang tatanggap ng Lifetime Achievement Award, Excellence in Basketball naman si coach Tim Cone, Hall of Fame ang Mitsubishi, kikilalanin si Alyssa Valdez bilang Ms. Volleyball, si Jean Pierre Sabido bilang Mr. Taekwondo, at sina Princess Superal at Tony Lascuna bilang Golfers of the Year. +Masayang-masaya naman ang gay community sa proyekto, sinabing isa itong oportunidad para sa mga tinaguriang "third gender" na ipakita ang kanilang mga kakayahan at talento, partikular sa pagmamando ng trapiko. "Nakakatuwa para sa aming grupo na pagkatiwalaan sa ganitong maselang trabaho. Maraming salamat sa henyong nakaisip nito at sa pagkakataon na maihanay kami sa pagpapatupad ng batas-trapiko," sabi ni Alex Samonte, pinuno ng Ikatlong Lahi, isang samahan ng mga bisexual sa Rosario. ANG SQUAD +Sinabi ni Catapang, ang pagdedeklara ng suspension of military operations (SOMO) laban sa NPA ay isang patunay na sinsero ang gobyerno sa hangad nitong makamit ang kapayapaan. Subalit iginiit ni Catapang na pananatiliin ng mga puwersa ng gobyerno pagpapatupad ng batas, pagsasagawa ng humanitarian assistance at disaster response (HADER) at defensive operations, partikular ang nagbibigay seguridad sa mga vital installation at proyektong imprastraktura, upang matiyak na ligtas ang mga mamamayan sa panahon ng Pasko. Tulad ni Catapang, naniniwala si PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina na tatapatan ng rebeldeng komunista ang pagdedeklara ng gobyerno ng SOMO. +Umaasa rin ang Malacanang na ang megafight sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr. at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ay magaganap na. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. kahapon na pangarap ng bawat Filipino sports fan na mapanood ang sagupaan ng wala pang talong American fighter at ng Pambansang Kamao. +Kinumpirma ni SBMA Director Philip Camara, sa pakikipagpulong sa ibang grupo ng mga empleado ng SBMA na nakatalaga sa iba't ibang departamento, ang kanilang petisyon sa lupon na payagan ang implementasyon ng SSL. +Sa report ni Supt. Marlo Martinez kay QCPD Director Chief Supt. Joel D. Pagdilao, kinilala ang suspek na si Manny Limjoco, 39, tubong Pangasinan at naninirahan sa 13th Avenue, Barangay Socorro, Quezon City. +Ginamit ng Papa ang kanyang Christmas Day blessing na "Urbi et Orbi", upang bigyang-diin ang mamamayan, partikular ang mga bata sa Middle East "who for too long now have suffered the effects of ongoing conflict," aniya, tinukoy ang digmaang sibil sa Syria at ang lumalalang kaguluhan sa Iraq dahil sa Islamic State. Nanawagan ang Papa ng awa at malasakit para sa refugees "so that all who now are suffering may receive the necessary humanitarian help to overcome the rigors of winter." +Gamit ang walis bilang panuro, sinabi ng lalaki, "Liko ka sa kanan, pangalawang kanto... ay, teka, pangatlong kanto pala tapos liko ka sa kaliwa, may building doon... ay kubo pala, tama, kubo tapos sa likod niyon may kalye pero sa kabila pa niyon ang babagtasin mo tapos sa pang-apat na poste... hindi, pangatlo yata... tama, pangatlo nga, tanaw na ang simbahan tapos liko ka sa may building... library yata... hindi, opisina pala..." Sa totoo lang, hindi na guwapito si Tonio nang kumulubot ang mukha niya sa parang sapot ng gagambang direksiyon na ibinigay ng lalaki. Pagkatapos ng pag-uusap, may nagtanong kay Tonio, "Ano? Nakuha mo ang sabi niya?" Tumango si Tonio. "Dalawa raw ang hahanapin natin, ang simbahan at isa pang mapagtatanungan." Ang karanasang ito ang nagpapaalala sa akin ang malaking kapahamakan na susuungin natin kung hindi dumating si Jesus sa daigdig. Naghahangad tayong makarating sa Langit sa sarili nating mga paraan at dahil sa kasalanan, kung sinu-sino na lang ang ating hinihingan ng tulong upang akayin tayo sa tamang direksiyon na hindi naman natin maramdaman na tamang landas nga iyon; hanggang isang araw may magtatanong sa atin: "Saan kayo pupunta?" at ang isasagot natin: "Hindi namin alam, naliligaw po kami." +Inialay ni McCartney ang kanyang natanggap na parangal sa kanyang mga kabanda, at sa mga taga-Liverpool. Inamin niya na ninerbiyos siya bago magsimula ang seremonya, ngunit ipinagmamalaki niyang siya ay isang British. +7:00 ng gabi -- NLEX vs Globalport MAKAMIT ang ikalawang sunod na panalo upang makaagapay ng mga namumuno ang tatangkain ng Magnolia sa pagsagupa sa Columbian Dyip sa unang laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum. Nakabawi sa pagkabigo sa una nilang laro ang Hotshots matapos magwagi nitong Sabado kontra Globalport,92-87, sa larong idinaos sa Angeles City sa Pampanga. Hawak ang markang 1-1, nais ng tropa ni coach Chito Victolero na umangat sa ikatlong puwesto kasunod ng mga kasalukuyang pumapangalawa na Meralco, Alaska at TNT Katropa na may tig-3 panalo at tig-isang talo. Sa kabilang dako, tatangkain naman ng Columbian Dyip na maitala ang unang back-to-back wins sa limang laro. Muli, inaasahang mamumuno para sa Hotshots sina import Vernon Macklin, Ian Sangalang, Paul Lee, Marck Barroca at Rome de la Rosa. Para naman sa Dyips, sisikapin ni import John Fields III na mapatunayang hindi nagkamali ang koponan nang ipalit siya sa dating import na si CJ Aiken katulong ang mga locals na sina Rashawn McCarthy, Jeremy King at Carlo Lastimosa upang dugtungan ang nakaraang malaking panalo kontra league leader Rain or Shine. Sa tampok na laro, ikalawang dikit na panalo rin ang hangad ng NLEX matapos makaahon sa unang tatlong pagkabigo sa pamamagitan ng 120-115 na panalo sa Phoenix nitong Biyernes. Pagbawi naman ang hangad ng katunggali nilang Globalport mula sa natamong kabiguan sa kamay ng Hotshots na nagbaba sa kanila sa patas na markang 2-2. +Ang 64-anyos na si Valdez ay inakusahang nangomisyon ng P57.787 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nailaan sa mga pekeng non-government organization (NGO) ng negosyanteng si Janet Lim Napoles. Agad namang naibalik sa kanyang kulungan si Valdez sa Camp Bagong Diwa sa Taguig Citykung saan doon din nakakulong ang iba pang akusado sa pork barrel scam tulad ni Napoles at Atty. Jessica "Gigi" Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile. Ginamit ng whistleblower na si Benhur Luy ang alyas "kuryente" kay Valdez dahil sa paggamit ng mga bogus na electric cooperative upang makakomisyon sa pork barrel fund. Sinasabing inindorso umano ni Valdez kay Napoles ang PDAF nito para ilaan sa ghost project ng mga pekeng electric cooperative. +Ang 22-metro ang haba at 15-metro ang taas na bagong entrance gate ay donasyon ng Binondo Filipino-Chinese community sa pamahalaang lungsod ng Maynila. Itatayo ito sa Quintin Paredes Street, malapit sa paanan ng Jones Bridge. Si Architect Saul Simon Tan ang nagdisenyo ng bagong Binondo arch, na tatampukan ng moderno at tradisyunal na disenyo na may tatlong Pagoda sa Chinese carvings. Itinakda ng pamahalaang lungsod ang inagurasyon nito Hunyo 24, Araw ng Maynila. +Sinabi ni Sam Watson ng Haymon Boxing sa BoxingScene.com na wala siyang maibibigay na detalye ngunit anumang araw ay ihahayag ang resulta ng lahat ng negosasyon. +Nagposte ng 15 puntos si Jolo Mendoza upang giyahan ang Blue Eaglets sa panalo kontra sa Adamson, 66-61, at palawigin ang kanilang winning streak sa siyam na mga laro. +Nangailangan lamang ang five-peat seeking Lady Falcons ng 5 innings para makamit ang pang anim na sunod na panalo na nagpalawig sa kanilang kahanga hangang winning run sa 54 na laro mula pa noong Season 74. +Patunay sa pagtutok ng buong sambayanan ang pangunguna ng Forevermore sa timeslot nito base sa resulta ng viewership survey ng Kantar Media. Ang "Ay ayaten ka" episode ay humataw ng national TV rating na 27.6%, mas mataas ng 12 puntos sa katapat nitong serye sa GMA na Strawberry Lane (15.8%). Nanguna rin ang Forevermore maging sa Twitter. Naging number one trending topic sa Twitter Philippines at worldwide ang official hashtag ng episode na #ForevemoreConfession. At dahil na rin sa buhos ng tweets ng netizens kaugnay ng nakakikilig na pag-amin ni Agnes kay Xander, kapwa nag-trend rin sa Pilipinas ang "Agnes" at "Xander." Ayon sa ABS-CBN insider, hudyat ang "Ay ayaten ka" episode ng simula ng love story nina Agnes at Xander. +Tawa naman kami nang tawa habang kakuwentuhan namin ang source dahil unti-unti nang naglalabasan ang importanteng detalye sa magiging kasal nina Toni at Direk Paul Soriano. Reception at principal sponsors na lang ang hinihintay namin dahil nasulat na naming si Vera Wang ang tatahi sa gown at sa Hunyo 12 ang petsa ng kasal at sa simbahan ng Taytay, Rizal ikakasal ang dalawa. Nabanggit din sa amin na hindi pa nababasa ni Toni ang mga nasulat namin pero tiyak daw na maloloka ang bride-to-be ni Direk Paul na leading lady naman ni Coco Martin sa pelikulang You're My Boss mula sa Star Cinema. Isipin mo, Bossing DMB kung gaano kangarag si Toni, sa Hunyo na ang kasal, pero heto at kaliwa't kanan pa ang trabaho ng TV host/actress at magiging busy pa sa promo ng pelikula nila ni Coco. At balita namin ay may teleserye pang gagawin ang dalaga sa Hulyo, ano 'yun, hindi sila magha-honeymoon ni Direk Paul? +Sa pitong taong itinagal ng relasyon nila ni Paul Soriano ay nakita ni Toni ang maraming sakripisyo at wagas na pagmamahal na iniukol sa kanya ng binata. Iginalang at sinunod ni Direk Paul ang mga kagustuhah ng future in-laws niya. May pagkakataong hindi niya naitago ang hinampo niya kay Toni dahil lumalabas na sa mga prioridad nito sa buhay ay palagi siyang nasa hulihan. Pero walang tatalo sa naging susi sa kanilang relasyon, ang malawak na pang-unawa at ang Diyos na ginawa nilang sentro ng buhay nila. Gaano niya kamahal si Toni? "Siya ang babaeng gusto kong pakasalan, maging ina ng mga anak ko, the woman I want to spend the rest of my life. She is my biggest blessing," sabi ni Paul. +Wala pang mantsa ang kanyang fighting career, at isang laban pa lamang niya ang lumampas sa first round. Tinalo niya ang pito sa kanyang 11 kalaban ng wala pang 1 minuto. +Personal niyang tinanggap ang parangal ng NCAA. Sa dinami-dami ng awards na ipinagkaloob sa kanya bilang artista at public servant, excited pa rin ba siyang umakyat sa stage at tumanggap ng awards? "Oo naman! Sa totoo lang naman, eh, karangalan ko bilang isang artista for so many years at isa na akong public servant and yet ang ganitong karangalan, nakaka-boast ng morale ko," sabi ni Ate Vi nang makausap namin sa mismong venue. Tuwing tatanggap siya ng acting award o pagkilala sa kanyang kahusayan bilang artista ay lalo niyang name-miss ang pag arte. "Parte ng na buhay ko ang showbiz at eversince, nasa puso ko ang pag-aartista at alam din naman 'yan ng constituents ko at hindi mawawala ang pagiging Vilma Santos ko na artista at lagi andiyan 'yan at utang na loob ko rin 'yan kung saan ako andun, eh, dahil 'yan sa pagiging artista ko," lahad pa niya. Umugong din sa venue ang usap-usapan na kasunod na raw ng pagkilala ng NCAA ang paggawad naman sa kanya ng National Artist. Itinanong naming ito kay Ate Vi pero tanging iling lang ang isinagot niya sa amin. Tiniyak ni Ate Vi na sa magkakapelikula na siya ngayong taon. "Pakiusap ko naman 'yan sa mga taga-Batangas na payagan nila ako na makagawa kahit isang pelikula lang. Kumbaga, mapagbigyan lang nila ang hiling ko kahit every two years isang movie lang, eh, okey na ako. 'Wag lang mawala kasi hinahanap ko rin talaga," seryosong lahad ng Star for All Seasons. Pinasalamatan niya ang Vilmanians at ang lahat ng madlang pipol na hanggang ngayon ay sumusuporta pa rin sa kanya, dahil sila, sunod sa kanyang pamilya, ay nananatiling inspirasyon niya. Samantala, tinututukan din pala ni Ate Vi ang mga nagaganap simula nang lumabas ang balita sa madugong engkuwentro sa Mamapasano hanggang sa imbestigasyon sa pagpatay sa SAF 44. Aniya, hindi biro ang trabaho ng mga pulis. "In fact, I always tell them na napakalaki ng respeto ko sa trabaho nila. Alam naman nating kahalati ng buhay nila, eh, laging nasa delikadong sitwasyon. So, kung meron man d'yan na gumagawa ng kalokohan, eh, higit na mas marami ang nakahandang magbuwis ng buhay laban sa kanila para sa atin. "Kumbaga, para iligtas tayong lahat at para sa bayan. Kaya I truly sincerely salute them. And please continue to protect us. Maraming maraming salamat sa inyo,"sey pa ni Ate Vi. "Siyempre, tuloy pa rin ang prayers ko hindi lang para sa pamilya ng mga namatayan nating miyembro ng SAF kundi pati na rin sa mga kapatid nating mga Muslim na namatayan din. May pamilya din 'yun and I guess the most important thing, we can only have peace when we get justice," dugtong pa niya. Nabanggit ni Ate Vi ang pag-iyak ni General Espina sa Senate hearing aniya ay na natural na reaksiyon. +Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, nagtamo ng tama sa iba't ibang bahagi ng katawan at agad na namatay si Rey Nandy de Guzman, may live-in partner, ng Barangay San Luis, Antipolo City. +"The NCFP officials wishes him well," sabi ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Executive Director at GM Jayson Gonzales matapos na iuwi ni So ang ikaapat nitong sunod na titulo bago matapos ang taon bagaman inirerepresenta na nito ang bansang Estados Unidos. +Game na game sa pagsayaw ang first lady ng Uptown Funk ni Bruno Mars kasabay si Ellen at back up dancers. "There is some hip-thrusting," pabirong sabi ng first lady, 51, nang mahulog ang kanyang mikropono. "There is a lot of it." +Sa isang resolusyon na nabuo sa kanilang nakaraang board meeting, kaalinsabay sa pagsisimula ng ASEAN Mountain Bike Cup Series sa Danao City, Cebu noong nakaraang Sabado, napagkasunduan ng PhilCycling, sa pangunguna nina chairman Bert Lina at president Abraham "Bambol" Tolentino, na kailangang suportahan ng Palarong Pambansa ang kanilang grassroots development program na naglalayong makatuklas ng mga kabataang talento at mga potensiyal na maging miyembro ng national team. Ngunit hindi lamang sa aspetong iyon nakatuon ang layunin ng PhilCycling kundi maging sa iba pang bagay na nagagawa at naitutulong ng cycling sa mga mahiligin sa pagbibisikleta. "Cycling is no longer just a sport or a hobby or a form of physical fitness--it is an advocacy to help save the environment," pahayag ni Tolentino. Gagawin ng PhilCycling ang kanilang representations sa mga bagay na nabanggit kina Department of Education (DepEd) Secretary Bro. Armin Luistro at Assistant Secretary Tonisito Umali na siya ring Palarong Pambansa Secretary General. "The campaign to use the bicycle, practically every day--as a mode of transportation to and from the work place and schools--has gone global and almost every country in the world is one in promoting the bicycle to help halt global warming," pahayag naman ni Lina. Nagsimula ang kanilang adhikain na maibalik ang cycling sa Palaro kay dating Tour champion Modesto Bonzo ng Pangasinan na sinuportahan naman ng kanyang kapwa ex-champion na si Paquito Rivas at mga dating tanyag at mahuhusay na siklista na sina Juancho Ramores at Cornelio Baylon na kapwa nagsimula sa kanilang pagiging siklista sa Palarong Pambansa noong nasa high school pa lamang sila mula dekada 70's hanggang 80's. Nangako naman sina Danao City Administrator Oscar "Boying" Rodriguez, ang PhilCycling Technical Commission head, na hikayatin nila ang kanyang mga kababayan sa Cebu na suportahan ang kampanya na maibalik ang cycling sa Palaro kasabay ang paglikha ng mountain bike program na angkop sa mga kabataang nasa elementarya at high school. +Sa ginanap na lagdaan kamakailan sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng probinsiya at Department of Education (DepEd), isinantabi ni Del Rosario ang pangamba kung ang sitwasyon ng kapayapaan ang pag-uusapan, matapos ang naging problema na nanagap sa Mindanao region. +KAHIT may mga nagtataas kilay sa relasyong Erik Santos at Angeline Quinto ay ipinagdiinan sa amin ng isang taong malapit sa kanila na totoo na may relasyon na ang dalawang magaling na singer na parehong regular sa ASAP. Aminado rin naman ang kausap namin na may mga kasamahang taga-showbiz na nagsasabing hindi sila naniniwala na may relasyon sina Erik at Angeline, pero pilit na ipinaglalaban ng dalawa ang pagmamahalan nila. +Aniya, ang lokal na pamahalaan ay may mahalagang papel sa pagpapatupad ng proyekto na nangangailangang higit na palawakin ang agricultural productivity at mapalaki ang kita ng mga farmer-beneficiary at ibang maliliit na magsasaka sa nabanggit na lugar. "The DAR expects that these projects will help increase household income of farmers and their organizations on a sustainable basis through more profitable income-generating activities," dagdag ni Abella. Ayon kay Abella , ang naturang proyekto ay kapapalooban ng usapin sa agrikultura, agribusiness at agroforestry development support kaakibat ang farm-to-market road at tulay gayundin ng irrigation at common service facility,rural water supply; institutional development support at project management. +PATAY ang isang negosyante at kanyang driver, samantalang sugatan ang babaeng pasahero matapos ang nangyaring pamamaril sa southbound lane ng Edsa malapit sa Reliance st. sa Mandaluyong City, ngayong hapon. Dumikit ang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa puting Toyota HiAce van na sinasakyan ng mga biktima at pinaputukan ang kanang bintana ng backseat, ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran Jr., chief ng Mandaluyong City Police Station. Nadurog ang salamin ng bintana sa backseat ng sasakyan. Kitang-kita naman ang dalawang butas na dulot ng bala ng baril sa passenger seat. Dinala ang mga sugatan sa VRP Medical Center na nasa kanan lamang kung saan huminto ang sasakyan. Sinabi ni Villaceran na nasawi ang negosyanteng si Jose Luis Yulo, taga Alabang, Muntinlupa at kanyang driver na si Allan Romer Santos matapos ang pamamaril. Nakaligtas naman ang 38-anyos na si babaeng sakay na si Esmeralda Ignacio. Base sa tweet ng Metropolitan Manila Development Authority, tna nangyari ang pamamaril ganap na alas-3:23 ng hapon. Inaalam pa ang motibo ng pagpatay. +PINAG-AARALAN ng Department of Education na pagbawalan ang mga kandidato na magsalita sa graduation rites ng mga paaralan. Ayon kay Education Usec. Nepomuceno Malaluan wala sa guidelines ng ahensya na pagbawalan ang mga kandidato na magsalita sa graduation rites kapag panahon ng halalan pero kanila itong pag-uusapan matapos ang panawagan ni Commission on Elections spokesman James Jimenez sa mga paaralan na huwag mag-imbita ng mga kandidato. "Pag-uusapan namin 'yan dahil, obviously, it's not a political activity," ani Malaluan. "It is not meant directly to ask for the vote of a person. Pero kung mauwi sa ganun ay 'yun ang pinagbabawal." Sinabi ni Malaluan na maaaring maharap sa kasong administratibo ang mga opisyal ng paaralan kung lalabas na humihingi ito ng boto para sa partikular na kandidato. Nagsimula na ang kampanya para sa mga senador at partylist noong Pebrero 12. +TINATAYANG kalahating milyong pisong halaga ng mga baril at bala ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Pasay City noong Miyerkules. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC kabilang sa mga nakumpiska ang walong pistola, 20 ammunition magazine at 226 bullets bala sa isinagawang operasyon. Kabilang sa mga nakumpiska ang isang Glock 19 at isang Heckler & Koch P2000 V3. Idinagdag ng BOC na natagpuan ang mga baril at bala sa dalawang package na papunta sanang Taiwan na idineklarang "Solar Panel" at "Tool Cart." Nadiskubre ang mga kontrabando matapos dumaaan ang mga ito sa X-ray. +PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan First Division ang hiling ng kampo ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na bigyan ito ng 20 araw upang magkomento sa petisyon ng prosekusyon na ipabalik sa kanya at kanyang mga kapwa akusado ang P124.5 milyong pondo na nawala sa gobyerno. Sa pagdinig, hiniling ni Atty. Estelito Mendoza, abugado ni Revilla, sa korte na bigyan sila ng 20 araw para makapaghain ng komento. Pinagbigyan ito ng korte at nag-utos na mayroong 10 araw ang prosekusyon para sagutin ang komento na ihahain ng kampo ni Revilla. Sa inihaing petisyon ng prosekusyon, sinabi nito na dapat maglabas ng utos ng korte at pabayaran na ang P124.5 milyong pondo ng gobyerno sa mga akusado kasama si Revilla. "[The decision was] based merely on reasonable doubt and not due to the absolute failure of the prosecution to prove his guilt," saad ng prosekusyon. Nauna ng sinabi ng kampo ni Revilla na hindi ito dapat pagbayarin dahil siya ay pinawalang-sala ng korte sa kasong plunder. "Had the Court wanted to exclude Revilla, it could have simply and easily named Cambe and Napoles in the third paragraph, as it did in the first paragraph. It would not have used the collective term accused without exception and distinction," saad ng prosekusyon. Guilty ang hatol ng korte kay Janet Lim Napoles at Richard Cambe, dating aide ni Revilla. +APAT katao ang nasawi at mahigit 40 pa ang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang tourist bus sa isang trak, sa bahagi ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) na sakop ng Concepcion, Tarlac, Huwebes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi bilang ang tour guide na si Ruel Castillo, at mga sakay na sina Ricardo Aledia, Isidro Brabante, at Laila Abito, pawang mga taga-Naic, Cavite. Naganap ang insidente sa bahagi ng northbound lane ng SCTEX na nasa Brgy. Santiago, dakong alas-5:10. Minamaneho ni Michael Sangcajo, 37, ang Jumbo Transport bus (BEK-523) nang sumalpok sa likuran ng trailer truck na dala ni Antonio Bulante, 43, sabi ni Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ng Central Luzon regional police. Tinatayang nasa 48 katao ang sakay ng bus nang maganap ang insidente, aniya. Patungo sa Baguio City ang mga sakaya ng bus, na pawang mga empleyado't opisyal ng barangay sa Naic, ayon sa isang ulat sa radyo. Itinakbo ang mga sugatan sa walong ospital sa Tarlac at Pampanga. Inaalam pa ang sanhi ng insidente, pero tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na nakatulog ang driver ng bus. +APAT pang establisyimento ang ipinara dahil sa pagtatapon ng wastewater sa Manila Bay, ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu. Sinabi ni Cimatu na pinatawan ng cease and desist order (CDO) ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang apat matapos mapatunayang hindi pumasa ang mga ito sa Effluent Standards para Class 'SB' waters. Kabilang sa mga pinasara ang Billion Building o Philippine Billion Real Estate Development Corporation ( Roxas Blvd, Pasay City); HK Sun Plaza (Roxas Blvd., Pasay City; Tramway Bayview Buffet Restaurant (Roxas Blvd. kanto ng Layug st., Pasay City) at D. Circle Hotel (M. H. Del Pilar St. Malate, Maynila) "They have to stop operations until na ma-correct yung kanilang violations," dagdag ni Cimatu. Nauna nang ipinasara ng DENR ang tatlong restaurant na napatunayang nagdudulot ng polusyon sa Manila Bay. +IGINIIT ng Palasyo na sapat ang naging ayuda ng gobyerno sa 39-anyos na Pinay matapos na bitayin sa Saudi Arabi noong Martes dahil sa kasong murder. Sa isang briefing, nagpahatid din ng pakikiramay si Presidential Spokesperson at Chief Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo sa pamilya ng nabitay na Pilipina. "First, I would to express our condolences to the family, the bereaved family of the OFW that has been--who has been executed. Our government extended help to this Filipino, we provided lawyers or a lawyer for her and we gave regular updates to the family... ," sabi ni Panelo. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ipinatupad ng mga otoridad ng Saudi ang parusang kamatayan laban sa Pinay matapos siyang mapatunayang guilty sa kasong murder. "It's just unfortunate that this particular case, the Sharia law does not apply where blood money can be a reason to stop the execution. So we condole with the family, but we tried... the DFA tried very hard to help," giit ni Panelo. (Bella Cariaso) +NAG-ALOK ng P3 milyon reward ang Quezon City government para sa agarang pagkakaaresto sa pumaslang sa kapitan ng Barangay na tumatakbong kongresista. Ayon kay National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar malaki ang maitutulong ng reward money upang makakalap ng impormasyon sa pumaslang kay Kapitana Crisell "Beng" Beltran, ng Brgy. Bagong Silangan. Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy nag motibo sa pamamaslang. Isang special investigation team ang binuo ng Quezon City Police District upang tutukan ang kaso. Sakay si Beltran ng isang SUV ng pagbabarilin ng riding in tandem sa JP Rizal Street malapit sa Filinvest 2. Nasawi rin ang kanyang driver. Papunta sa isang meeting ang biktima at galing sa barangay hall. +NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 3 ang Cagayan kaninang umaga. Naramdaman ang lindol alas-3:52 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ang epicenter nito ay 39 kilometro sa silangan ng bayan ng Gonzaga at may lalim na 19 kilometro. Nagresulta ito sa Intensity I paggalaw sa Gonzaga. +NAIS ng prosekusyon na pabayaran na kay dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., at mga kapwa akusado nito ang P124.3 milyong pondo ng gobyerno na nawala dahil sa pork barrel fund scam. Sinabi ng prosekusyon na bagamat pinawalang-sala si Revilla sa kasong kriminal nakasaad sa naturang desisyon na "accused are held solidarily and jointly liable to return to the National Treasury the amount of One-Hundred Twenty-four million, Five hundred Thousand pesos". Ang mga kapwa akusado ni Revilla na sina Janet Lim Napoles at Richard Cambe, dating aide ng senador, ay hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong. "As regards Revilla, while he was acquitted, the same was based merely on reasonable doubt and not due to the absolute failure of the prosecution to prove his guilt. This is why the judgment did not declare him to without civil liability," saad ng prosekusyon sa inihain nitong mosyon. Ginamit din ng prosekusyon sa kanilang argumento ang Article 100 ng Revised Penal Code na hindi nagsasabi na ang maaari lamang civilly liable ay ang mga criminally liable. "Thus, a person acquitted may still be civilly liable if there is basis to hold him/her so. Courts can acquit an accused on reasonable doubt but still order payment of civil damages in the same case. That is what the majority did in the present case." +NIYANIG ng magnitude 4.8 lindol ang Eastern Samar kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Naramdaman ang lindol alas-11:27 ng umaga. Ang epicenter nito ay 36 kilometro sa silangan ng Hernani at may lalim na anim na kilometro. Nagresulta ito sa Intensity IV na paggalaw sa Hernani. Intensity III naman sa Tacloban City, Palo, Leyte; General MacArthur, Llorente sa Eastern Samar at Borongan City. +ISANG estudyante ang nasawi at di bababa sa lima pa ang naospital matapos diumanong malason sa kinaing cookies, na gawa ng kaklase, sa Imus City, Cavite, Martes ng hapon, ayon sa pulisya. Anim ang dinala sa Medical Center Imus, pero binawian ng buhay ang 18-anyos na si Mark Joseph Tan habang nilulunasan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Kinilala ng pulisya ang lima pang dinala doon bilang sina Mher John Tan, 18; Justin James Canete, 18; Mercy Grace Benialon, 18; Eden Joyce Beckham, 19; at Rovic Elli, 17. Naganap ang insidente dakong alas-5:30, sa bahay ng kaklase nilang si Daniela Grace Bolo, sa Brgy. Palico 4. Gumawa ng chocolate cookies ang 18-anyos na si Bolo, at inihain ito sa mga kaklase. Kumain din umano ang dalaga ng mga inihandang cookies. Matapos iyo'y dumanas na umano pangangati at hirap sa paghinga ang kanyang mga kaklase, ayon sa ulat. +ANIM na kasapi ng New People's Army ang napatay nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaaan ang rebeldeng grupo sa Tinambac, Camarines Sur, Miyerkules ng umaga, ayon sa militar. Ayon kay Capt. Joash Pramis, Army 9th Infantry Division public affairs officer, naganap ang sagupaan sa Brgy. Lupi, dakong alas-6.Nagsasagawa ng operasyon ang mga miyembro ng 83rd Infantry Battalion nang maengkuwentro ang aabot sa 15 rebelde, aniya. Tumagal nang 20 minuto ang bakbakan, at inulat ng naturang unit na anim na rebelde ang napatay, ani Pramis. Nakarekober din ang mga kawal ng Troops apat na M16 rifle, isang grenade launcher, at mga dokumento, aniya. Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga sundalo habang isinusulat ang istoryang ito. +INIREKOMENDA ng Department of Health sa Central Visayas (DOH-7) ang pagdedeklara ng dengue outbreak sa siyam na bayan at lungsod sa rehiyon sa harap naman ng mga batang tinatamaan ng dengue. Sinabi ni Dr. Ronald Jarvik Buscato, DOH-7 dengue program coordinator, na lumagpas na ang mga apektadong lugar sa "epidemic thresholds for the number of dengue cases" at kailangan nang magdeklara ang kani-kanilang lokal na pamahalaan ng outbreak. Kabilang sa mga ipinadedeklara ang dengue outbreak ay Lapu-Lapu City at Sibonga town sa Cebu; Tagbilaran City at bayan ng Trinidad, Cortes, Dauis, Clarin, at Loon sa Bohol; at bayan ng Lazi, Siquijor. "The World Health Organization says an "epidemic threshold" is the critical number or density of susceptible hosts required for an epidemic to occur. The epidemic threshold is used to confirm the emergence of an epidemic so as to step up appropriate control measures," sabi ni Buscato. Idinagdag ni Buscato na tumaas din ng 10 porsiyento ang mga kaso ng dengue sa nakalipas na limang taon. Base sa datos ng Regional Epidemiology Surveillance Unit mula Enero 1 hanggang Pebrero 9, nakapagtala ng 3,076 ng kaso ng dengue na may 24 na mga nasawi sa Central Visayas. Mas mataas ito ng 215 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2018. +SINABI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar na hindi totoo ang isang mensahe na umiikot sa social media kaugnay ng umano'y bantang pambobomba sa SM supermalls. Ito'y matapos naman ang mensahe mula sa isang Kyla Avonahceh na nakatanggap ang mga opisyal ng shopping mall mula sa Abu Sayyaf Group at humingi ng $15 million "or else they're going to bomb the mall." Hindi naman binanggit ng mensahe ang partikular na SM branch. "This is a replay of a similar hoax meant to sow alarm and panic among the citizens in Metro Manila and done by people who are clearly enemies of the State or by irresponsible pranksters," sabi ni Eleazar sa isang pahayag. Idinagdag ni Eleazar na ganito rin ang umikot sa social media matapos ang pamboboma sa Roxas Night Market in Davao City noong Setyembre 2016, kung saan 15 ang namatay. "Moreover, if the said threat is real, a more responsible company and a sane organization like SM would immediately go to us here at the NCRPO and any announcement will likely be done in the sober traditional media such as television, radio and print, rather than just in social media where fake news is already a permanent fixture," ayon pa kay Eleazar. "Let us go by the required daily activities of life with our families, friends and co-workers. Let's continue to enjoy our lives. I ask our fellow Metro Manilans to be patient and cooperative with our heightened security procedures which is for the good of all," ayon pa kay Eleazar. +INAPRUBAHAN ng House committee on basic education ang pagbabalik ng mandatory Reserve Officers Training Corps. Sa ilalim ng panukala, sasailalim sa ROTC ang mga Grade 11 at 12 o senior high school sa pampubliko at pribadong paaralan. Walang maaaring magtapos ng senior high school ng hindi dumadaan dito. Naghain ng mosyon si Batangas Rep. Raneo Abu, may-akda ng panukala, upang aprubahan na ito ng komite. Bago inalis, ang mga sumasailalim sa ROTC ay ang mga 1st at 2nd year college students. Wala pa noong senior high school. Exempted sa ROTC ang mga may kapansanan, sumasailalim na sa military training, at varsity player. Suportado ni Pangulong Duterte ang pagbabalik ng ROTC. +KINONDENA ng Bayan Muna partylist ang pagpatay sa kanilang regional coordinator sa Cagayan Valley na pinagbabaril habang natutulog sa bus. Pinatay ang National Democratic Front of the Philippines peace consultant at Bayan Muna regional coordinator for Cagayan Valley na si Randy Felix Malayao isang araw matapos na muling sabihin ni Pangulong Duterte na hindi na itutuloy ang peace talk ng gobyerno at Communist Party of the Philippines. "It is as if the perpetrators were just waiting for a go signal to execute their standing orders," ani Bayan Muna chairman Neri Colmenares. Sinabi naman ni bayan Muna Rep. Carlos Zarate na mas lalong lumabo na magkaroon ng peace agreement dahil sa pangyayaring ito. "This is another nail on the coffin of the peace negotiations. It is truly tragic that while we are going all out to resume the peace negotiations, the militarist hawks in the Duterte administration are the ones running the show," ani Zarate. Ayon sa mga ulat, umakyat ang gunman sa bus kung saan natutulog si Malayao alas-2 ng umaga at pinagbabaril ito. +ISANG kapitan ng barangay na tumatakbo sa pagkakongresista ang pinagbabaril at napatay ng riding-in tandem sa Quezon City ngayong araw. Dead on arrival sa FEU Hospital si Crisell 'Bheng' Beltran sanhi ng mga tama ng bala. Nasawi rin ang driver ni Beltran na si Melchor Salita na dinala sa General Malvar Hospital. Sakay si Beltran at tatlong iba pa ng puting Ford Everest (NDO 612) at binabagtas ang JP Rizal, Brgy. Bagong Silangan ng tabihan ng apat na lalaki na nakasakay ng dalawang motorsiklo alas-11:40 ng umaga. Pinagbabaril ng mga suspek ang sasakyan ng biktima. Nasugatan din sa pangyayari ang apat pang katao. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. +MAYORYA ng mga Pinoy at Indonesian domestic helper sa Hong Kong ang nagtatrabaho ng 13 oras kada araw. Sa isang university survey, nadiskubre na karamihan ng mga banyagang domestic helper sa Hong Kong ay pinagtatrabaho ng mahigit sa 13 oras araw-araw. Tinanong ng Chinese University of Hong Kong Research Center on Migration and Mobility ang mahigit 2,000 kasambahay na Pinoy at Indonesian sa lungsod. Isinagawa ang survey noong 2017. Base sa survey, 61.7 porsiyento ng 2,017 helper ang nagtatrabaho mula 13 oras hanggang 16 na oras kada araw. Samantala, 8.9 porsiyento naman ang nagsabi na nagtatrabaho sila ng mahigit 16 na oras, samantalang 26.5 porsiyento ang nagtatrabaho ng siyam na oras hanggang 12 oras kada araw. Napag-alaman din ng center na 5.6 porsiyento ng mga helper ang hindi binibigyan ng day off kada linggo na "a violation of standard employment contract." Tinatayang 20 porsiyento naman ang nagsabi na hindi nila nakuha lahat ang 12 holida. Umabot naman sa 43 porsiyento ang nagsabi na may sarili silang kuwarto sa bahay ng kanilang amo. Napag-alaman din na apat na porsiyento sa mga kasambahay ang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso ng kanilang mga employer. Sinabi naman ni professor Roger Chung Yat-nork na posibleng mas mataas ang datos. "Some people would find this question too sensitive. It is safe to say that some people may refrain from telling the truth," ayon pa kay Yat-nork. Tinatayang aabot sa 370,000 ang mga banyagang kasambahay na nagtatrabaho sa Hong Kong, base sa datos mula sa Hong Kong employment agency HL&C Employment Agency Ltd noong Enero. Sa kabuuang 370,000 helper, tinatayang 200,000 ay mga Pinoy at 160,000 ay Indonesian. +MAYROON umanong mga pabango na maaaring makamatay kapag naamoy. Ayon sa EcoWaste Coalition may mga pabango na nagtataglay ng allergenic at hormone disrupting substance kaya sumulat ito sa Food and Drugs Administration upang mapigilan ang pagbebenta nito. Hindi umano nakalagay ang sangkap na ginamit sa paggawa ng pabango kaya walang kamalay-malay ang mga mamimili kung ito ay may kemikal na makapagdudulot ng allergy, asthma, migraine headache at mga katulad na sakit. May mga pag-aaral din na nag-uugnay sa pabango sa pagkasira sa reproductive system. "Our monitoring shows that fragrance products carrying different brand names are widely available in the informal market, particularly in the streets of Quiapo, Manila, where we managed to procure 16 different items," ani Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste. Hindi umano dumaan sa quality at safety assessment ang mga produkto na nabili ng EcoWaste sa mga vendor kaya hiningi nila ang tulong ng FDA. +APAT na buntis na nasa 20s ang nagpositibo sa HIV noong Disyembre. Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo, isa sa may-akda ng Philippine HIV-AIDS Policy Act, ang apat ay kabilang sa 877 bagong kaso ng HIV na naitala noong Disyembre. "All the adolescents (52) found to have been infected with HIV got it through sexual intercourse and two of them were in the 10 to 14 years age range. The four pregnant with HIV are in the 22 to 25 age range," ani Salo. Sinabi ni Salo na nakababahala ang pag-amin ng 108 pasyente na nagsabi na tumanggap sila ng bayad kapalit ng pakikipagtalik. Ang mga ito ay edad 17-53. Ang mas nakababahala umano ay ang mga edad 10-16 na nakipagtalik ng "'no money involved' so other factors like rape, sexual abuse, molestation or experimentation would have been present." "We really need more prevention, education, and other forms of effective intervention. The new law must be implemented fast." Makatutulong umano ng malaki ang bagong batas dahil maaari ng magpa-HIV test ang mga edad 15-18 kahit walang parental consent. "Persons younger than 15 who are pregnant or engage in high-risk behavior making them open to infection can also choose to be tested but with the assistance of a licensed social worker or health worker," saad ng solon. Sa 71 namatay sa HIV-AIDS noong nakaraang taon, ay edad 15-24 taong gulang. +PATAY ang isang hinihinalang kasapi ng New People's Army at nabawi ang pinagkutaan ng rebeldeng grupo nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan sa Luisiana, Laguna, Huwebes. Narekober ang bangkay ng di pa kilalang rebelde matapos ang dalawang magkasunod na engkuwentro, sabi ni Brig. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, commander ng Army 202nd Brigade. "Ito 'yung mga nagsunog sa Infanta," ani Burgos, patukoy sa panununog kamakailan sa heavy equipment na ginagamit para sa pagpapatayo ng gobyerno sa Kaliwa Dam sa naturang bayan ng Quezon. Ang naturang dam, na nagkakahalaga ng halos P19 bilyon, ay inaasahan ng gobyerno na makatutulong sa pagsu-suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig-lugar. Sumiklab ang sagupaan sa Sitio Pinamintian, Brgy. San Buenaventura, pasado alas-9. Aabot sa 20 rebelde ang nakasagupa ng mga miyembro ng 1st Infantry Battalion, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Nakubkob ng mga kawal ang pinagkutaan ng mga rebelde, kung saan narekober ang isang bangkay, dalawang magazine ng M16 rifle, mga gamit panggawa ng improvised na bomba, mga tolda, at cellphone, ayon sa ulat. Habang isinusulat ang istoryang ito'y patuloy ang pagtugis ng mga kawal sa iba pang rebelde. Inatasan naman ang mga alagad ng batas sa mga bayan ng Luisiana, Lucban, at Sampaloc na magsagawa ng checkpoint para maharang ang mga rebelde, ayon sa pulisya. (John Ros +NIYANIG ng magnitude 4.1 lindol ang Maguindanao kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:37 ng umaga. Ang epicenter ng lindol ay 50 kilometro sa kanluran ng Cotabato City. May lalim itong 21 kilometro. Naramdaman ang Intensity III sa Cotabato City, Kalamansig at Lebak sa Sultan Kudarat. Intensity I naman sa Zamboanga City. +MISMONG Valentine's Day (Feb. 14) ibinandera ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang relasyon nila ni Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita. Ilang araw ding usap-usapan sa social media kung sino nga ba ang bagong girlfriend ni Jolo matapos mapabalita na may ipinalit na nga ito kay Jodi Sta. Maria. Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Jolo ang sweet photo nila ni Angelica na may caption na, "Angel, happy valentine's day! Totoong masaya ang puso ko ngayon because I have you in my life. "You've been caring, loving and supportive to me.I love you and will always will. (heart emoji)," aniya pa. Ikinagulat naman ni Angelica ang ginawang pag-amin ni Jolo sa kanilang relasyon sa mismong Araw ng mga Puso. Sa kanyang Instagram Story, ipinakita ng dalaga ang bouquet of roses na galing kay Jolo. Aniya, "I got a little confused when I saw you running towards the door, the only time I saw you run that fast was when you heard the binatog vendor pass by (peace, laughing with tears emojis). "May pasabog ka pala (double hearts emoji). Thank you bebi. Happy valentine's day. @jolo_revilla," mensahe pa ng beauty queen. Kasunod nito, nag-post uli ang dalaga sa IG kung saan ibinandera niya ang pagmamahal para kay Jolo. Dito rin ikinuwento ni Angelica ang hindi malilimutang hiking date nila ni Jolo sa Hollywood sign sa Los Angeles, California. Narito ang kabuuang caption ng dalaga sa photo nila ni Jolo, "Paakyat tayo ng Hollywood sign pinili mong gumawa ng sarili mong trail pero dahil game ako di ako nagreklamo, nangangalahati na tayo sabi mo 'Balik na tayo' tumawa ako kasi naisip ko medyo naduwag ka na so sabi ko 'Kaya natin yan!' "Hindi ko naisip na wala pala tayong dalang tubig, around 100ml lang tapos mag share pa tayo (laughing with tears emoji). Wag na natin ulitin yun, okay? "Pag dating natin sa taas naawa ako sayo kasi tagaktak na pawis mo [water drops emoji] kaya mas kinilig ako kasi nung sinabi kong pagod na ako binuhat mo ako. "Ayan ang story behind this picture, ayaw ko na sana ikwento pero binaba nya din ako after mga 30 seconds kasi hindi nya na kinaya ang bigat ko. "Ang ending nakarating din naman kami sa destination namin tapos naligaw kami pabalik. Haha. Happy Valentine's day Pogi @jolo_revilla. Mahal kita." +INARESTO ang Chief Executive Officer ng Rappler na si Maria Ressa sa loob ng opisina nito ngayong araw. Isinilbi ng mga miyembro National Bureau of Investigation (NBI) ang warrant laban kay Ressa. +NASAWI ang isang lalaki at sugatan ang kanyang asawa nang pagtatagain ng kanilang anak, sa Negros Occidental nitong Martes. Matapos mapatay ang 55-anyos na amang si Helardo Benarao ay sinunog pa ng suspek na si Jun-Jun Benarao, 36, ang katawan ng una, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Patuloy namang nilulunasan sa isang pagamutan sa Bacolod City ang 58-anyos na si Sinona Benarao, ang ina ng suspek, dahil sa taga sa iba-ibang bahagi ng katawan. Naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga, sa masukal na hangganan ng Sitio Kinabong 3, Brgy. Igmayaan, Don Salvador Benedicto, at Brgy. Minoyan, Murcia. Pinagtataga ni Jun-Jun ang magulang gamit ang isang itak, at nang mapatay ang ama'y sinilaban pa ang katawan nito, ayon sa ulat. Nakatanggap ang pulisya ng impormasyon na tumakas ang suspek patungo sa Brgy. Codcod, San Carlos City, kaya nagsagawa ng pagtugis doon, pero di ito natagpuan. Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at inaalam kung anong nagtulak dito para pagtatagain ang magulang. +IKINATUWA ng Department of Education ang paglalaan ng Senado at Kamara de Representantes ng P800 milyon para sa allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan na ibibigay sa World Teachers' Day. Umaasa ang DepEd na kasama ang probisyong ito sa pipirmahang bersyon ng 2019 national budget ni Pangulong Duterte. "The Department negotiated for the allocation as a simple yet necessary expression of gratitude for our teachers' hard work and contributions to nation-building." Sinabi ng DepEd na patuloy itong gumagawa ng hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga guro. "The national budget's ratification enables the Department to forge ahead with its programs and reforms to ensure that quality, accessible, relevant, and liberating basic education is attained by all Filipinos." +NAGSIMULA nang magbigay ng Performance-Based Bonus ang Department of Education. Inanunsyo ng DepEd ang simula ng pamimigay ng PBB para sa taong 2017 Regions IV-A (CALABARZON), IV-B (MIMAROPA), V, VII, XI, XII, at the National Capital Region. Ang Region III ang unang nagpabalas ng 2017 PBB sa mga school-based personnel noong Enero 21. Inendorso na rin ng Department of Budget and Management Central Office ang pagproseso at pagpapalabas ng pondo para sa Regions I, II, VIII, IX, X, at Cordillera Administrative Region. Kasalukuyan namang pinoproseso ng DBM CO ang para sa Regions VI at XIII (CARAGA). +NASAMSAM ang sari-saring baril, bala, at mga granada nang salakayin ng mga pulis at sundalo ang bahay ng mayor ng Batuan, Masbate, at resort ng ama niyang vice mayor, Miyerkules ng umaga. Isinagawa ang operasyon isang araw matapos paalalahanan ni National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang mga PNP unit na sumunod sa 8-point security plan para sa palapit na eleksyon, kabilang ang pagpigil sa mga naglipanang di lisensyadong baril. Ni-raid ng mga pulis at sundalo ang bahay ni Mayor Charmax Jan Yuson at resort ng ama niyang si Vice Mayor Bodgie Yuson III, sa Brgy. Canvanez, dakong alas-6, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. Isinagawa ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, Drug Enforcement Group, Special Action Force, lokal na pulisya, at Army 903rd Brigade ang operasyon sa bisa ng mga search warrant para sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, aniya. Nakuha sa bahay ni Mayor Yuson ang isang Bushmaster M16 rifle, magazine at tatlong bala ng naturang baril, at isang fragmentation grenade. Nasamsam naman sa resort ni Vice Mayor Yuson ang isang Baby armalite rifle, magazine at tatlong bala ng naturang baril, dalawang 12-gauge shotgun na may 19 bala, isang kalibre-.45 pistola, tatlong kalibre-.38 revolver na may siyam na bala, at isang granada. Di natagpuan ang mag-amang Yuson nang isagawa ang raid, pero naaresto ang isang Jeason Clemente, na nagtatrabaho bilang security guard sa resort, ani Calubaquib. +ITINUTURING na himala ng mga kaanak ang pagkakaligtas ng apat na taong gulang na batang babae na nakulong sa nasusunog nilang bahay sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Nasa loob ng bahay sa Cubao, Brgy. Socorro ang batang si Precious Tabuena ng kumalat ang apoy sa kanilang bahay mula sa napabayaan umanong kandila alas-8 ng gabi. May isang buwan ng walang suplay ng kuryente ang bahay. Tinangkang isalba ng mga kaanak ang bata pero malakas na ang apoy at nakasarado ang pintuan ng bahay. Sa lakas ng apoy ay natupok ang mga pader ng bahay at bumagsak ang bubong nito. Naapula ang sunog makalipas ang isang oras pero walang nahanap na bangkay ang mga bumbero. Hindi naman nawalan ng pag-asa ang lolo ng bata na si Carlos Flores na nagpatuloy sa paghahanap sa mga sukal. Nagulat ito ng bigla siyang tinawag ng bata na nasa isang sulok ng nasunog na kuwarto. +AABOT sa 1.4 milyong Grade 12 student sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang sasalang sa Basic Education Exit Assessment Miyerkules at Huwebes. Ang Assessment test ay pangangasiwaan ng Department of Education at naglalayong tulungan ang ahensya na matukoy kung naaabot ng mga estudyante ang itinakda nitong pamantayan. Magagamit ng DepEd ang resulta ng pagsusulit upang mas mapaganda ang instructional method at makabuo ng mga kinakailangang polisiya. Ang resulta ng exam ay lalabas sa Abril at makikita sa Certificate of Recognition na ibibigay ng mga Schools Division Offices. +NIYANIG ng magnitude 5.1 lindol ang Davao Occidental ngayong hapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:01 ng hapon. Ang epicenter nito ay 103 kilometro sa silangan ng Sarangani. May lalim itong 93 kilometro. Naramdaman ang Intensity I sa bayan ng Kiamba at Alabel. Nagbabala ang Phivolcs ng aftershock sa pagyanig na ito. +PATAY ang umano'y lider ng isang gunrunning syndicate at apat nitong tauhan habang isang pulis ang sugatan, nang magkabarilan sa operasyon sa Quezon City, Martes ng hapon. Dead on the spot si Michael Desuyo at kanyang mga tauhan, habang sugatan si PO1 Ronald Pornea, ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District. Nakasagupa ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ang grupo ni Desuyo sa De Vega Compound, na nasa panulukan ng Dahlia st. at Iris st., Brgy. Fairview, dakong alas-5:10. Nagsagawa ang DSOU ng buy-bust operation, kung saan nagpanggap na buyer si Pornea at "nakabili" ng 12 unit ng kalibre-.38 revolver. Nang dumating ang mga back-up na pulis para arestuhin sina Desuyo ay bumunot ng baril at nagpaputok ang mga suspek, kaya gumanti ang mga operatiba, ayon sa ulat. Sa gitna nito'y tinamaan si Pornea sa kaliwang braso. Dinala ang pulis sa pinakamalapit na ospital para malunasan. Bukod sa 12 kalibre-.38 revolver, nakuha sa buy-bust ang P1,000 marked money at 95 piraso ng pekeng P1,000 na ginamit sa operasyon. Narekober naman sa bangkay ng mga suspek ang dalawang kalibre-.45 pistola at tatlong kalibre-.38 revolver na pawang may mga bala. +ARESTADO ang isang Tsino na nangmolestiya umano ng tatlong babae sa isang amusement park sa Pasay City. Sa police report na isinapubliko kahapon, kinilala ng Pasay police ang suspek na si Zang Yang, 19, na naaresto noong Pebrero 7. Sinabi ng isa mga biktima na kasama niya ang mga kaibigan sa horror house ng Star City noong Huwebes nang hipuan sila ni Zang. Agad na nagsumbong ang mga biktima sa security guard na agad namang hinuli si Zang. Nagsampa na ang mga biktima ng kasong acts of lasciviousness laban kay Zang noong Biyernes. "I think kailangan talaga siyang maparusahan kasi parang wala lang. Tapos nandito siya tapos wala siyang pakialam e hindi siya gumagalang sa kahit na sino," sabi ng ina ng isa mga biktima sa panayam ng dzMM. "Ang gusto pa i-settle. Ise-settle na parang yung mga Pilipino bayaran? Hindi ko matanggap 'yun na parang ganun kaliit yung tingin nila sa 'tin. Kailangan talaga panagutan nila ito," dagdag pa niya. Sinabi naman ng Bureau of Immigration (BI), na maaaring sampaham ang Tsino para ma-deport at mablacklist. "Pwede silang mag-file ng charge against sa Chinese para ma-deport at ma-blacklissa Pilipinas," sabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval. "Hindi natin tino-tolerate itong mga action ng foreigners dito sa ating bansa. Ang visa ay hindi free pass para gawin n'ya lahat ng kalokohan n'ya dito," sabi pa niya. +PATAY ang isang chairman ng barangay matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Tondo, Maynila Martes ng hapon. Binaril si Marcelino Ortega, chairman ng Barangay 199, Zone 18 sa panulukan ng Hermosa at Pilar st. ganap na alas-2:58 ng hapon, ayon kay Police Officer 3 Jimmy Pelagio. Idinagdag ni Pelagio na dinala si Ortega sa ospital bagamat idineklarang dead on arrival. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kaugnay ng motibo sa pagpatay. +TULUYAN na nga kayang nagkabati ang half brothers na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joseph Victor Ejercito? Sa pagsisimula ng kampanya kahapon ng mga kandidato ng Hugpong Ng Pagbabago sa Pampanga ay nagkamayan ang magkapatid sa entablado. Nang tawagin ng emcee si Ejercito upang magsalita ay sumunod si Estrada at itinaas ang kamay ng kanyang kapatid. "Mukhang ilang taon kaming hindi nagkamayan, sa inyong harapan lang," ani Ejercito na nagsabing nagulat siya sa ginawa ng dating senador. Nauna rito, sinabi ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na tinawagan siya ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada upang hilingin na mamagitan sa magkapatid. Sagot naman n Duterte: "Yes daddy! Yes papa! Naki-daddy na lang din ako sa kanya," kuwento ng alkalde. +MULING inulit ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ngayong araw na siya ay titigil na sa pulitika sa pagtatapos ng termino nito sa Hunyo. "I will write my memoire," ani Arroyo ng muling matanong ng media kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kanyang ikatlong at huling termino bilang kongresista. Ngayong araw ay dumalo si Arroyo sa kick off rally ng Hugpong Ng Pagbabago sa Pampanga. Sinabi ni Arroyo na 'all out' ang kanyang suporta sa mga kandidato ng HKP na inendorso ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte. Pero hindi umano nangangahulugan na siya ay sasama sa pag-iikot ng mga kandidato sa iba't ibang bahagi ng bansa. "As needed only not necessarily. I think they're doing very well," dagdag pa ng lider ng Kamara de Representantes. Nagpasalamat din si Arroyo sa pagpili sa Pampanga bilang lugar ng pagsisimula ng kampanya ng HNP. "Oh we're very honored we think it's a recognition of the fact in the last elections the biggest majority of (votes) of mayor Duterte outside his bailiwick was in Pampanga. We hope we can duplicate that," saad ni Arroyo. +NANAWAGAN ang Gabriela kay Pangulong Duterte na agad na pirmahan ang panukalang expanded maternity leave ng Social Security System at huwag itong i-veto gaya ng ibang panukalang inaprubahan ng Kongreso. Ayon kay Rep. Emmi de Jesus dumaan sa masusing pagsusuri ang panukala na mas mabigat umano kaysa sa ilang bulong kay Duterte. "Bakit biglang ikokonsidera ng Pangulo ang ilang bulong at panukala na kontra sa hiling ng mga kababaihang manggagawa? He should sign it now," ani de Jesus. Sinabi ni de Jesus na hindi dapat gamitin ang kapalpakan ng SSS na makakolekta upang hindi mapaganda ang benepisyo ng mga miyembro nito o kaya ay taasan pa ang ikinakaltas sa suweldo ng mga empleyado. "Instead of floating the cost, why not find ways to the plug the leaks at SSS by improving collection rate and dispose costly idle assets? Bakit kailangang pagkaitan ang mga buntis dahil sa koleksyong mintis?" tanong ni de Jesus. Naniniwala naman si Rep. Arlene Brosas na pinalobo ng SSS ang inaasahang gastos nito sa expanded maternity benefit sa P6.4 bilyon upang makumbinsi ang Pangulo na i-veto ang panukala. "Tandaan natin na karamihan ng SSS members ay minimum wage earners kaya mababa lang talaga ang salary credit, bukod sa less than 10 percent lang talaga ang nag-aavail ng maternity leave sa kasalukuyan," ani Brosas. Sa ilalim ng expanded maternity benefits gagawin ng 105 araw ang maternity leave mula sa 60 araw. "If President Duterte vetoes the bill, he should expect a loud outrage by mothers who have long demanded the passage of the expanded maternity leave," dagdag pa ni Brosas. +INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magdeklara National Day against Homophobia, Biphobia and Transphobia. Sa ilalim ng House bill 9094 gagawin ang selebrasyon tuwing Mayo 17 bilang bahagi ng kampanya laban sa diskriminasyon at pang-aapi sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender. Ang panukala ay akda ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Manila Rep. Tul Servo. Lahat ng ahensya ng gobyerno, pribadong institusyon, at eskuwelahan ay inaasahan na makikiisa sa pagpapalaganap ng pantay na pagtrato sa mga LGBT. "Much still needs to be done for LGBTs in the country to achieve full legal and social equality for them. People who do not conform to socially prescribed sexual and gender codes continue to be targets of stigma, discrimination, and violence," ani Zarate. Ayon sa Hate Crime Watch mayroon itong naitalang 54 kaso pagpatay sa mga LGBT mula 1996. "But it is the undocumented cases outside media coverage which are estimated to be much greater," ani Zarate. "It hopes to provide more opportunities to discuss and search for solutions to the problems confronted by our fellow human beings." +ARESTADO ang isa umanong miyembro ng gang matapos magpanggap na pari at mangulekta ng pera para sa misa sa Tondo, Maynila. Kilala ang suspek na si Marlon Fonterez, isa umanong miyembro ng Sputnik Gang, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer. Nakasuot si Fonterez ng abito at may dala-dalang bibliya at umano'y holy water habang nagmimisa sa mga bahay sa Tondo kapalit ng P1,000. Nauna nang nakulong si Fonterez dahil sa kasong carnapping. Narekober mula sa suspek ang P700 cash at isang identification card ng Apostolic Catholic Devine Holy Trinity na nagsasabing isa siyang missionary priest. Nakakulong ngayon si Fonterez sa Manila Police District Station 1 at mahaharap sa kasong robbery, extortion at usurpation of authority. +AGAW-EKSENA si Baron Geisler sa ginanap na 3rd FDCP Film Ambassadors Night last Sunday sa Samsung Hall ng SM Aura, BGC, Taguig City. Maraming natuwa sa pagdating ni Baron sa nasabing event lalo na nang tanggapin na niya ang award para sa pelikula niyang "Alpha: The Right to Kill." Pinalakpakan pa siya pagkatapos ng kanyang speech. Ani Baron, "Maraming salamat kay Direk Brillante (Mendoza) sa pagkuha sa akin at sa pagbibigay sa akin ng mga chances. "Gusto ko ring kunin ang pagkakataon na ito na humingi ng tawad sa lahat ng mga kalokohan na ginawa ko before. "Ginagawa ko po ang lahat. I will not make promises but by God's grace, in time. Time will only tell kung tatanggapin niyo pa ako. "Pero nandito lang po ako, at gusto na talagang magbago. Maraming-maraming salamat. At maraming salamat sa opportunity na ito, at sa pag-invite sa akin. "Kay Miss Liza Dino-Seguerra, maraming-maraming salamat," pahayag ng award-winning actor. Nagtuluy-tuloy na ang pagbabago ni Baron matapos sumailalim sa rehabilitation programa dahil sa pagiging lasenggo. Madalas din siyang kinukuhang speaker sa mga drug and mental health symposium, pati na sa mga seminar on depression and suicide. +PITO katao, kabilang ang isang sanggol, ang nasugatan nang mabundol ng trak ng Army ang isang van at kotse, sa Murcia, Negros Occidental, nitong Linggo. Sugatan ang van driver na si Ariel Opilario at anim niyang sakay, na kinabibilangan ng 1-taong gulang na sanggol, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Bumaligtad ang sinakyan nilang Isuzu Carry van nang mabundol mula sa likod ng KM450 truck na dala ni Tsgt. Bonifacio Silvano, sa Purok Sambag, Brgy. Lopez Jaena, pasado alas-12 ng tanghali. Sa kabila nito'y patuloy pang pinatakbo ni Silvano ang trak, hanggang sa mabundol din ang likod ng Honda City sedan na dala ni Albert Rivera, ayon sa ulat. Dinitine si Silvano sa Murcia Police station para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso. Dinala naman ang mga sugatan sa isang pagamutan sa Bacolod City para malunasan. (John Roson) +IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang pag-endorso ni Pangulong Duterte kay dating senador Jinggoy Estrada na nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano'y pagbulsa sa kanyang pork barrel. Sa isang briefing, iginiit ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi pa naman napapatunayang guilty si Estrada. "Former senator Estrada is charged with corruption and the Constitution says unless you are convicted with a final judgment, you are presumed innocent. So the assumption is Estrada is innocent," sabi ni Panelo. Matatandaang kabilang si Estrada sa ilang kandidato na ikinakampanya ni Duterte bilang senador. Iginiit pa ni Panelo na nangangahulugan lamang na mahina ang kaso laban kay Estrada matapos naman siyang payagang makapagpiyansa. "And the reason for the court's grant of probational liberty is anchored on the fact that evidence of guilt is not strong," giit pa ni Panelo. Ito'y sa harap naman ng mga batikos sa pag-eendorso ni Duterte kay Estrada sa kabila ng kanyang kampanya kontra katiwalian. +NATAGPUAN ng mga mangingisda ang mahigit P5.4 milyon halaga ng cocaine sa bahagi ng dagat na sakop ng Vinzons, Camarines Norte, nitong Linggo. Nadiskubre ni Alfredo Vega, 61, at anak niyang si Alfredo Jr. ang driga sa loob ng isang kahong lumulutang malapit sa Quinamnucan Island dakong alas-11:55, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. Itinurn-over nila ang droga kay Brgy. Sula chairperson Rose Marie Abogado nang makauwi, at inulat ito ng huli sa pulisya, aniya. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Senior Supt. Godofredo Tul-o, direktor ng Camarines Norte provincial police, na nag-positibo bilang cocaine ang laman ng kahon nang suriin sa provincial crime laboratory. Umabot sa 1,026.19 gramo ang cicaine at tinatayang nasa P5.438 milyon ang halaga, aniya. Ayon kay Tul-o, di pa mabatid kung saan galing ang droga dahil wala silang na-monitor na pagdaan ng barkong may dala ng cocaine malapit sa Camarines Norte. Wala pa ring nahuhuli na lokal na dealer na may ganoong droga, aniya. Noong nakaraang Abril, matatandaan na aabot sa P170 milyon ng cocaine ang naatagpuan sa bahagi ng dagat na sakop ng katabing lalawigan ng Quezon. Noon namang Hulyo, isang mangingisda sa Quezon ang nakuhaan ng P21 milyon halaga ng cocaine na kapareho ng unang nakuha sa dagat. Sinabi ng pulisya na ibinibenta ng suspek ang droga nang "tingi-tingi." +UMABOT na sa mahigit 4,000 kaso ng tigdas ang naitala, kabilang ang 70 nasawi sa nakalipas lamang na mahigit isang buwan, ayon sa Department of Health (DOH). Base sa datos mula sa DOH Epidemiology Bureau, mula Enero 1 hanggang Pebrero 9 ngayong taon, nakapagtala ang DOH ng 4,302 kaso ng tigdas na may 70 mga nasawi. Idinagdag ng DOH na 79 porsiyento sa mga nasawi ay may edad na isang buwan hanggang 31-anyos, at pawang hindi nagpabakuna. Samantalang ang edad naman ng mga apektado sa tigdas ay mula isang buwan hanggang 75-anyos, kung saan 34 porsiyento ay may edad na isa hanggang apat-anyos at 27 porsiyento sa mga kaso ay wala pang siyam-na-buwan. Sinabi pa ng DOH na 66 porsiyento ng mga apektaso ng tigdas ay pawang hindi nagpabakuna. Pinakamaraming kaso ng tigdas ang naitala sa National Capital Region na may 1,296 kaso at 18 nasawi, sinundan ng Calabarzon, na may 1,086 kaso at 25 na nasawi. Nakapagtala ang Central Luzon ng 481 kaso na may tatlong nasawi; Western Visayas, 212 kaso na may apat na nasawi; at sa Northern Mindanao, na may 189 kaso at limang nasawi. Nauna nang nagdeklara ang DOH ng measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, Western at Eastern Visayas. "The causes of measles outbreak involved a number of factors or elements. Loss of public confidence and trust in vaccines in the immunization program brought about by the Dengvaxia controversy has been documented as one of many factors that contributed to vaccine hesitancy in the country," sabi ng DOH. +NAIS itama ng Bandera ang pagkakamali sa isang istorya nito na naipost sa website noong Pebrero 4. Nagpapasalamat ang Bandera kay Sheila Mateo, kamag-anak ng pinaslang na si Boyet San Buenaventura, sa pagtawag sa atensyon sa Bandera ukol sa pagkakamali nito. Si San Buenaventura ang may-ari ng tindahan na pinaslang umano ng bumibili na si Jessie Mark Batugon; at hindi gaya nang napaunang ulat hindi lang Bandera kundi sa iba pang mga news website. (Read more) http://https://bandera.inquirer.net/208320/lalaking-bumili-ng-noodles-patay-matapos-barilin-ng-may-ari-ng-tindahan-sa-quezon Narito ang itinamang istorya: PATAY ang isang 37-anyos na lalaki matapos barilin sa kanyang tindahan sa Gumaca, Quezon bago maghatinggabi noong Linggo, Pebrero 3, ayon sa pulisya. Kinilala ni Senior Supt. Osmundo de Guzman, Quezon police director, ang nasawi na Boyet San Buenaventura. Isang police manhunt naman ang inilunsad laban sa suspek na si Jessie Mark Batugon, 19, sa Barangay Progreso. Sa kuwento ng kamag-anak ng biktima na si Sheila Mateo, pumunta si Batugon sa tindahan upang bumili ng noodles. Ang nagbabantay sa tindahan ay ang misis ng nasawi na si Cristina. Nakita umano ng suspek ang biktima na nagtungo sa likuran ng tindahan at doon ay umiihi; pinuntahan ito ng suspek at doon binaril ang biktima sa likod gamit ang .22 kalibreng baril. Binawian ng buhay ang biktima habang dinadala sa San Diego Hospital. Narekober ng mga pulis ang baril, bagamat nakatakas ang suspek. Nanawagan ng hustisya ang mga kamag-anak ng biktima +ISANG apat na taong gulang na batang lalaki ang nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Quezon City kagabi. r ang nasawi na si Alexir Jumalon, ng Phase 8, Brgy. North Fairview. Naiwan umanong natutulog ang biktima sa kanilang bahay matapos na lumabas ang kapatid nito para bumili ng pagkain alas-9 ng gabi. Ang ama ng biktima na si Almario ay nasa trabaho at ang kanyang ina ay mayroon namang pinuntahan sa Laguna. Tumagal ng dalawang oras ang sunog na pinaniniwalaang nagmula sa napabayaang kandila. Wala umanong suplay ng kuryente sa bahay ng biktima. +IPINALIWANAG ng Palasyo na nagdesisyon si Pangulong Duterte na i-veto ang panukalang batas sa coconut levy dahil matutulad lamang daw ito sa kontrobersiyal na Road Board kung saan napunta sa katiwalian ang pondo. Ani Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa ilalim ng panukalang Revised Coconut Industry Code ay maglalaan ng P10 bilyon ang gobyerno na hahawakan ng PCA Board. "The PCA is set up like the Road Board which is heavily criticized for allegations of corruption and misappropriation of funds. The PCA Board, like the Road Board which disburses the Motor Vehicle User's Charge, is given full authority to disburse P10-billion every year in perpetuity without a terminal date, and subject only to review by Congress after six years," sabi ni Pa-nelo. Nauna nang nagpadala ng liham si Duterte sa Senado at Kamara kaugnay sa kanyang desisyong huwag lagdaan ang isinumiteng panukala sa Palasyo. "While the President recognizes and commends the efforts of both Houses for their zealousness and selflessness in passing the measure, it is therefore with a heavy heart that he exercises his veto power pursuant to Article 6, Section 27, Paragraph 1 of the Constitution over the said bill, with the thought and confidence that the lawmakers can re-craft one that will provide more safeguards to protect the taxpayers' money and shield the levy funds from irregular and unlawful use, as well as guarantee its proper management," ayon pa sa opisyal. +KINUMPIRMA ng Palasyo na tumulak pa-Hong Kong si Pangulong Duterte kasama ang kanyang long-time partner na si Honeylet Avancena at bunsong anak na si Kitty para magbakasyon. Sinabi ni Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na regalo ito ni Duterte kay Honeylet na nagdiriwang ng kanyang kaarawan. "Yup. He is in Hong Kong with Honeylet. It's the latter's birthday today," sabi ni Panelo. Sinabi naman ni dating Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go na si Kitty ang humiling sa kanilang bakasyon sa Hong Kong. "It was actually Kitty who requested her father for the trip, as a gift. Nagawa na ito nila noon kahit nung Mayor pa ng Davao City si PRRD. The weekend getaway is for rest and recreation," sabi ni Go. idinagdag ni Go na itinalaga ni Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer in charge. Umalis ang First Family kahapon at nakatakdang bumalik bukas, ayon pa kay Go. +SA halip na i-cite for contempt, sasampahan na lamang ng kaso ng mga mambabatas si Budget Sec. Benjamin Diokno kaugnay sa maanomalyang proyekto na napunta sa kompanya ng kanyang balae. Ayon kay House committee on appropriations chairman Rolando Andaya Jr., ipagpapatuloy ng House oversight committee na pinamumunuan ni Quezon Rep. Danilo Suarezang pagdinig . "Unang-una (po si Sec. Diokno for) conflict of interest ho 'yan. Kaso po 'yan. 'Pag nakinabang ang anak ng isang opisyal, ba-wal po 'yon," ani Andaya. Ang oversight committee ang inaasahang mag-rerekomenda ng mga kasong isasampa kay Diokno at iba pang sangkot sa ire-gularidad sa Office of the Ombudsman. "Inaayos na po [ang mga dokumento]. Kinukuha na sa akin...tina-transfer ko na 'yong mga dokumento sa kanya (Suarez)," dagdag pa ni Andaya. Naglaan si Diokno ng bilyong pondo sa mga proyekto sa Casiguran, Sorsogon at nakuha ito ng CT Leoncio Construction and Trading na mayroong joint venture sa Aremar Construction, na pagmamay-ari ng balae ni Diokno. Itinanggi ni Diokno na alam niya na nakaupo sa puwesto ang kanyang balae kung saan napunta ang kinukuwestyong mga proyekto at ang nanalong bidder ay may kaugnayan sa Aremar. Sinabi ni Andaya na ipagpapatuloy rin ang pag-imbestiga sa P75 bilyong isiningit na pondo ni Diokno sa Department of Public Works and Highways. Inilagay umano ang P75 bilyong proyekto ma-tapos na magsumite ng budget proposal ang DPWH. +KAHON-kahong pekeng panty liner na nagkakahaga ng mahigit P60,000 ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) sa raid sa Antipolo City, Rizal. Ayon kay Isaac Carpeso, team leader ng NBI-IPRD na nagsagawa ng operasyon, alas-2 ng hapon kamakalawa nang salakayin ang Misumi Direct Sales sa Unit 5, Okinari Building, Circumferential Road, Antipolo, sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court branch 46. Ang naturang establisimento, na pag-aari ni Donnah Mae Miranda, ay nakuhanan ng mahigit limang kahon ng pekeng Shuya panty liner. Ani Carpeso, isinagawa ang operasyon matapos silang makatanggap ng reklamo mula sa totoong gumagawa ng Shuya panty liner ukol sa pagkalat ng mga peke nilang produkto. Matapos ang ilang test buy, agad na nagkasa ng operasyon ang mga operatiba na nagresulta sa pagkakumpiska ng mga nasabing pekeng produkto. Wala naman ang may-ari na si MIranda nang isagawa ang raid. Nahaharap si Miranda sa kasong paglabag sa trademark infringement o paglabag sa Republic Act 8293. +NIYANIG ng magnitude 4.5 lindol ang Surigao del Norte kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pagyanig na ito ay aftershock ng magnitude 5.9 lindol sa Surigao del Norte noong Pebrero 8. Naramdaman ang lindol alas-11:06 ng umaga. Ang epicenter nito ay 47 kilometro sa silangan ng General Luna. May lalim itong anim na kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate. Nagresulta ito sa Intensity IV paggalaw sa General Luna. +PASADO na sa ikalawang pagbasa ang panukalang OFW Remittance Protection bill upang mas maging mura ang gastos sa pagpapadala ng remittance ng overseas Filipino workers sa kanilang pamilya na nasa bansa. Ayon kay Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., may-akda ng House bill 9032, nababawasan ang pinaghihirapang kita ng mga OFW pagdaan nito sa mga remittance center. "These OFW remittances are transferred from the OFWs to intermediaries, such as financial and non-bank financial institutions, before they reach their beneficiaries. In the course of the fund transfer, the amounts remitted are subject to several fees and high remittance charges which result in the depletion of the amount to be remitted and received," said Gonzales. Ayon kay Gonzales marapat lamang na bigyan ng discount ang remittance ng mga OFW bilang pagbibigay pugay sa kanilang sakripisyo na nagpapaganda ng takbo ng ekonomiya ng bansa. Sa ilalim ng panukala bibigay ng discount ang mga OFW at tax incentives naman sa mga remittance center na magbibigay nito. +INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na palawigin ang listahan ng vaccine-preventable diseases na saklaw ng mandatory basic immunization para sa mga sanggol at bata. Inaamyendahan ng panukala ang Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 upang mas dumami pa ang mga bakuna laban sa sakit na ibinibigay ng libre sa mga health center. Sa kasalukuyan ang libreng bakuna ay para sa mga sakit na tuberculosis, Diphtheria, Tetanus at Pertussis; Poliomyelitis, Tigdas, Mumps, Rubella o German Measles; Hepatitis-B, at H. Influenza Type-B. Sa ilalim ng panukala, isasama na ang Rotavirus, Japanese Encephalitis, Pneumococcal Conjugate Vaccine, Human Papilloma Virus at iba pang sakit na tutukuyin ng kalihim ng Department of Health batay sa rekomendasyon ng Formulary Executive Council and the National Immunization Committee. +NASAWI ang isang barangay chairman ng Pili, Camarines Sur, matapos saksakin ng lasing na lalaking kanyang inawat sa panggugulo, Sabado ng madaling-araw. Itinakbo pa sa ospital si Daniel Bismonte, chairman ng Brgy. Tinangis, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Bicol regional police. Naganap ang insidente sa Zone 1B, Upper Lampog, ng Tinangis, dakong alas-12:20. Pinapayapa noon ng 59-anyos na si Bismonte ang di kilalang lalaki, na nanggugulo't may dalang patalim habang lasing. Sa kasagsagan nito'y biglang sinaksak ng lalaki ang leeg ng chairman, ayon sa pulisya. Dinala si Bismonte ng kanyang mga tanod sa ospital ng Army 9th Infantry Division, pero idineklara siyang dead on arrival ng doktor. Pinaghahanap pa ng lokal na pulisya ang suspek, na mabilis tumakas matapos ang insidente. +ARESTADO ang isang intelligence operative ng Army matapos na walang habas umanong magpaputok ng baril habang lasing, malapit lang sa kampo ng militar sa Tanay, Rizal, Huwebes ng gabi. Nadakip si Rick Jay Icaro, aktibong miyembro ng Armed Forces at nakatalaga sa Army 2nd Infantry Division bilang intelligence operative, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Dinampot ng mga tauhan ng Tanay Police si Icaro dakong alas-9:45 sa Brgy. Sampaloc, kung saan naroon ang kampo ng 2nd ID. Lasing umano si Icaro nang paputukin ang baril. Walang naiulat na nasugatan dahil sa lupa ipinutok ng kawal ang armas, ayon sa ulat. Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre-.45 pistola, tatlong magazine, at 10 bala. +SINUNOG ng mga hinihinalang kasapi ng New People's Army ang apat na heavy equipment na ginagamit para sa pagpapatayo ng gobyerno ng isang dam sa Infanta, Quezon, Biyernes ng umaga. Sinilaban ng aabot sa 15 rebelde ang tatlong back hoe at isang bulldozer na pag-aari ng Northern Builders Corp., sa Sitio Queborosa, Brgy. Magsaysay, dakong alas-6:30, sabi ni Senior Supt. Osmundo de Guzman, direktor ng Quezon provincial police. Ang mga naturang equipment ay ginagamit para sa road widening na isinasagawa kaugnay ng pagpapatayo sa Kaliwa Dam, aniya. Ang naturang dam, na nagkakahalaga ng halos P19 bilyon, ay inaasahan ng gobyerno na makatutulong sa pagsu-suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig-lugar. Nagpakalat na ng tauhan ang pulisya at Philippine Army para tugisin ang mga salarin, ani De Guzman. +HABANG maraming may sakit na nakahiga sa sahig dahil walang bakanteng kuwarto sa mga public hospitals, itinatago lamang umano ng Department of Budget and Management ang bilyun-bilyong pondo ng gobyerno. Sa pagdinig kahapon, sinabi ni House committee on appropriations chairman Rep. Rolando Andaya Jr., na may P207 bilyong ibinalik ang DBM sa National Treasury noong 2017. "Trabaho ba ng gobyerno na mag-impok sa bangko. Buwis yan ng tao, kaya nga hirap na hirap kang maipasa yung buwis eh, dahil hindi nakikita ng tao kung saan nagagamit ito P200 billion idineposito sa bangko, nakatingga, na pag pumunta ka sa mga ospital nakalatag yung mga tao sa daan, kulang ang gamot, nagugutom, walang trabaho tapos yung pera nakatago lang sa bangko," ani Andaya. Sinabi ni Andaya na "alam ko kumokolekta tayo ng buwis sa tao at yung buwis na yan ibinabalik mo yan sa pamamagitan ng serbisyo." Nagsasagawa ng pagdinig ang komite kaugnay ng P75 bilyong pondo na idinagdag ng DBM sa Department of Public Works and Highways. Iginiit ni DPWH Usec. Catalina Cabral na bahagi ng "normal budget process" ang ginawa ng DBM na dinagdagan ang budget ng kanilang ahensya ng P480 bilyon. "I recall the Secretary (Mark Villar) saying we consider it a budgetary adjustment and therefore DBM has the prerogative to add or reduce. We took the NEP as it is," ani Cabral. +IPINAGPALIBAN ng Sandiganbayan Third Division ang arraignment ni Toledo City Mayor John Henry Osmena kaugnay ng kinakaharap nitong graft kaugnay ng pagkabigo umano na ibigay ang kita ng barangay mula sa nakolektang real property tax. Ayon kay Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang mayroon pang mga 'pending incidents' na kailangan munang resolbahin bago ituloy ang pagbasa ng sakdal. Si Osmena ay nahaharap sa anim na kaso ng graft matapos hindi umano ibigay ng lokal na pamahalaan ang share ng Brgy. Daanlungsod sa koleksyon ng real property tax noong 2014 at 2015. Ayon kay Osmena mayroong boundary dispute ang Brgy. Daanglungsod at Sangi at kailangan muna itong malinawan bago magpalabas ng pondo. Pero ayon sa prosekusyon, noon pang 2011 naging penal ang desisyon ng Cebu Regional Trial Court sa boundary issue batay sa resolusyon na inaprubahan ng city council noong 2008. +DALAWANG bumbero at isang retiradong pulis ang nasawi habang di bababa sa pito katao ang nasugatan nang salpukin ng pampasaherong bus ang isang utility vehicle sa Lopez, Quezon, Biyernes ng gabi. Dead on the spot sina FO3 Ronaldo Alcala, SFO2 Cleto Natano, at retired police Insp. Juanito Untiveros, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Kabilang sa mga sugatan ang kasama nilang si Roderick Odi, tauhan din ng Bureau of Fire Protection. Sugatan din ang government employee na si Reynold Talain; estudyanteng si Aimee Lerum, 19; Marlex Mendegorin, 20; Dandy Severa, 21; Ariel Cris Principe, 22; at Lenon Earl Tagulinao, 19, pawang mga pasahero ng P&O passenger bus na sangkot sa salpukan. Naganap ang insidente dakong alas-9:40, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Pansol. Tinatahak nina Alcala, Natano, Untiveros, at Odi ang direksyon patungong Bicol lulan ng Mitsubishi Adventure (WGC-954) nang ang sasakya'y masalpok ng P&O bus (UYD-646) na dala ni Julio Mayores. Sa lakas ng impact ay napinsala ang Adventure, na minaneho ni Alcala, at naitulak pa ito patungo sa Nissan Urvan VX (AAO-3398) na dala ng isang Senen Regencia, pati na sa isang bahay sa gilid ng kalsada. Itinakbo ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at BFP ang mga sugatan sa ospital. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na inunahan ng bus ang isa pang sasakyan sa isang kurbada, hanggang sa nasalpok ang kasalubong na Adventure. Ayon naman sa isang ulat sa radyo, ang mga bumberong sakay ng Adventure, pawang mga residente ng Tagkawayan, Quezon, ay galing sa Camp Vicente Lim, Laguna, kung san sila nagsumite ng mga requirement para sa promotion. Sumama sa kanila ang 71-anyos na si Untiveros, residente din ng Tagkawayan, para naman magpa-proseso ng pensyon, ayon sa ulat. +MULING ipinagtanggol ng Palasyo si Budget Secretary Benjamin Diokno matapos namang muling isnabin ang pagdinig sa Kamara. "Secretary Benjamin Diokno has already manifested his position on the matter and his explanation for not attending the congressional hearing today is well-founded in fact and in law. We thus respect the Budget Secretary's decision and we are hopeful that knowledgeable men and women of Congress would similarly find the circumstances surrounding the said official's explanation justifiable as they perform their best in passing this year's budget," sabi Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Tumanggi namang magkomento ang Palasyo sa panibagong alegasyon ng umano'y panunuhol ni Diokno na P40 bilyon sa Kamara. +NANUHOL umano ng P40 bilyon si Budget Sec. Benjamin Diokno sa Kamara de Representantes upang itigil na ang isinasagawa nitong imbestigasyon kaugnay ng P75 bilyong insertion sa 2019 national budget. "...Sec. Diokno tries to buy our cooperation. He offered the House (of Representatives) P40 billion for us to shut up about the P75 billion insertion," ani Andaya sa pagdinig ng House committee on appropriations kahapon. Mayroon umano siyang mga text message bilang patunay na inimbita siya sa pagpupulong. Ang P40 bilyon ay para umano sa proyekto ng mga kongresista at kukunin sa 2018 savings na kontrolado ng Department of Budget and Management. Ginawa umano ni Diokno ang alok sa isang lunch meeting. "You can offer to buy us out, to bribe us for our silence and as to the amount, you're only saying half the truth there a bigger amount involved but it might involve another institution so let Sec. Diokno talk first, react first to my statement and I will follow through with the other half of it," ani Andaya. Itinanggi ni Diokno ang alegasyon. Muling hindi dumating si Diokno sa pagdinig kahapon at sinabi na nakasaad sa rules ng Kamara na dapat ay mayroong tatlong araw mula sa pagtanggap nito ng subpoena bago ang pagdinig upang siya ay makapaghanda. Natanggap ni Diokno ang subpoena noong Huwebes. Nagpadala naman siya ng dokumento sa komite kaugnay ng saving ng gobyerno noong 2017 at 2018. "Sablay na naman ang advise sa'yo kasi pinadala mo na 'to (dokumento), hindi ka rin sisipot, contempt ka pa rin kasi you waved your right over the three-day rule by submitting these documents," ani Andaya. Sinabi ni Andaya na "Maybe may franchise ka (Diokno) ng breast chicken. Chicken na chicken na 'yung dating mo eh, takot na takot kang humarap dito." Iniimbestigahan ng komite ang P75 bilyong 'insertion' umano ni Diokno sa 2019 budget na hindi alam ng Department of Public Works and Highways. May mga proyekto rin umano para sa 2019 budget na nai-bidding na kahit hindi pa naipapasa ng Kongreso ang budget. +TATAAS ng P0.5682 kada kilo Watt hour ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan. Mula sa P9.8385 noong Enero, ang kada kWh ngayong buwan ay magiging P10.4067. Nangangahulugan ito ng dagdag na P114 sa bill ng kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan. Tumaas ang generation charge o ang gastos sa paggawa ng kuryente mula P4.9119 kada kWh ay naging P5.8939 o pagtaas na P0.9820/kWh. "The generation charge increase is primarily due to higher charges from plants under Power Supply Agreements and Wholesale Electricity Spot Market," saad ng Meralco sa isang pahayag. Tumaas ang singil sa Wholesale Electricity Spot Market ng P1.4141/kWh dahil sa mas mababang suplay bunsod ng maintenance outage ng mga planta ng kuryente. Bumaba naman ng P0.0042/kWh ang kuryente mula sa Independent Power Producers dahil sa paglakas ng peso kontra dolyar. Bumaba rin ang transmission charge sa mga residential customer, buwis at iba pang singilin ng kabuuang P0.4138/kWh. Hindi naman nagbabago ang distribution charge na napupunta sa Meralco mula pa noong Hulyo 2015. +TATLO ang patay, samantalang anim na iba pa ang nasugatan, kabilang ang dalawang pulis matapos ang pamamaril sa Teresa, Rizal Huwebes ng gabi. Sa ulat mula sa Rizal Provincial Police Office, sinabi nito na nasa harap ng kanyang bahay ang biktimang si Ruben Francisco nang bigla na lamang siyang barilin ng isang John Albert Araojo. Sumunod na binaril ni Araojo si Wildredo Lukban na nasa bisinidad at isang Celso Bernales Jr., isang tricycle driver na naghihintay ng pasahero nang mangyari ang insidente, ayon sa pulisya. Dead on the spot ang tatlong biktima, ayon kay Senior Insp. Marinell Fronda, chief ng Teresa Municipal Police Station. Rumesponde sina Police Officer 3 Emillano Pantaleon at Police Officer 1 Eleuterio Mina ngunit pinaputukan din ng suspek. Apat pang iba pa ang nasugatan sa pamamaril, ayon sa pulisya. Idinagdag ng pulisya na gumanti ng putok ang mga pulis bagamat nagawang makatakas patungong munisipalidad ng Morong sakay ng kanyang motorsiklo. Nagsasagawa na ng manhunt lanan sa suspek. Dinala ang mga biktima sa Saint Therese Hospital para magamot. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril. +PATAY ang limang-anyos na batang babae matapos masagasaan ng isang van sa Caloocan City, Huwebes ng gabi. Sinabi ng Caloocan City police, na naglalaro ang biktima sa Tanigue st., sa Samatad Compound nang imaneobra ng isang Cesar Garana, 58, ang Isuzu closed van para iparada sa loob ng kanyang bahay ganap na alas-8 ng gabi. Idinagdag ng pulisya na tinamaan ang biktima ng kaliwang bahagi ng sasakyan, dahilan para bumagsak ang bata sa semento. Nagulungan pa ng hulihang kaliwang gulong ng van ang ulo ng bata. Dinala ang biktima sa Caloocan City Medical Center ngunit binawian ito ng buhay makalipas ang ilang minuto. Nahaharap si Garana sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. Inquirer.net +PIRMA na lamang ni Pangulong Duterte ang kulang para maging ganap na batas ang panukalang magpapataw ng parusa sa mga sisipol at mambabastos sa mga babae. Ito'y matapos na ratipikahan ito ng Kamara de Representantes. Nakatakdang ipadala sa Malacanang para papirmahan kay Duterte upang ito ay maging isang batas. Sa ilalim ng panukala, ituturing na gender-based street and public spaces harassment ang wolf-whistling, cat-calling at mga katulad na bagay. Ang parusa rito at P10,000 multa at 12 oras na community service at Gender-Sensitivity Seminar sa Philippine National Police. Sa ikalawang paglabag ang multa ay P20,000 at kulong na hanggang 30 araw. Sa ikatlo at P30,000 multa at hanggang 30 araw na pagkakakulong. Ang mga maglalabas naman ng ari o gagawa ng offensive body gesture ay pagmumultahin ng P30,000 at 12 oras na community service at seminar. Sa ikalawang paglabag ay hanggang 30 araw na kulong at P40,000 multa at sa ikatlo ay P50,000 multa at isa hanggang anim na buwang pagkakakulong. Ang manghihipo naman ay parurusahan ng P100,000 multa, hanggang 30 araw na kulong sa unang paglabag at seminar. Sa ikalawa ay P150,000 multa at kulong na isa hanggang anim na buwan. Sa ikatlo ay P200,000 multa at isa hanggang anim na buwang kulong. Gender-based online harassment naman o sexual harassment sa pamamagitan ng internet ay may parusang P100,000-P500,000 multa at kulong na anim na buwan hanggang anim na taon. "We want to replace this pervasive culture of machismo with a culture of respect and acceptance. Women, LGBT persons, and even men do not deserve to be the target of sexist, misogynist, homophobic or transphobic remarks or become the target of harassment," ani Siquijor Rep. Rav Rocamora, isa sa may-akda ng panukala. +DUMULOG sa Ombudsman ang ina ng 17-anyos na lalaki na napatay umano ng mga pulis at pinalabas na nanlaban. Inireklamo ni Christine Pascual ng murder, planting of evidence at obstruction of justice sina Rosales Municipal Police officer-in charge Chief Insp. John Corpuz, PO2 Arvin Abella, PO2 Roy Sarmiento, PO2 Ronald Casareno, SPO3 Oliver Vingua, at SPO1 Hilario Taquiqui Jr. Ayon sa complaint affidavit, pumunta ang anak ni Pascual na si Joshua at dalawa niyang kaibigan sa Baguio City noong Agosto 15. Ang tatlo ay mga DOTA player. Naligaw ang tatlo at nang dumilim ay nagpasya na umuwi na. Hinala ni Pascual sina Joshua at Julius Sebastian ay naglalakad umano malapit sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway sa Pangasinan nang damputin ng mga pulis. Hanggang ngayon ay hinahanap pa si Sebastian. Ayon sa mga pulis, nagsasagawa sila ng checkpoint nang dumaan umano si Joshua na sakay ng motorsiklo. Nagpaputok umano ito ng baril kaya gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng bata. Sinabi ni Pascual na hindi adik at walang baril si Joshua. Hindi rin umano ito marunong magmotorsiklo. Hindi rin umano totoo na sangkot sa holdapan ang kanyang anak. "All killings in police operations must be investigated and prosecuted. Each incident comes with the stark admission that police committed the crime, of at least, homicide. 'Nanlaban' is a legal defense which they have to establish in court," ani Atty. Maria Kristina Conti, abogado ni Pascual. +ARESTADO ang kasambahay na nahaharap sa kaso para sa pagpatay sa isang dalagita sa Baguio City, nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Alaminos City, Pangasinan, nitong Miyerkules. Nadakip si Marites Rilloraza Judan, itinuturing na number 1 most wanted person sa Baguio para sa pagpatay sa 15-anyos na si Allery Wagayen sa lungsod noong Mayo 2016, sabi Chief Supt. Romulo Sapitula, direktor ng Ilocos regional police. Dinampot din ang live-in partner niyang si Manuel Balangatan, na nakitang kasama niya sa Dampay st. Brgy. Poblacion, Alaminos, Miyerkules ng umaga. Isinagawa ng mga tauhan ng PNP Intelligence Group, Alaminos City Police, intelligence operatives ng Pangasinan at La Union, at iba pang police unit ang operasyon sa bisa ng mga arrest warrant na inisyu ng iba-ibang korte laban kay Judan para sa robbery with homicide, qualified theft, at adultery. Matatandaang pinagsasaksak hanggang sa mapatay si Wagayen sa loob ng kanilang bahay sa Baguio, nang maiwan sa pangangalaga ni Judan habang nagtatrabaho ang kanyang magulang. Bukod dito'y suspek din si Judan, na gumamit ng mga alyas na "Marites Relloraza," "Florence Macaalay," "Marites De Guzman," "Brenda Mendoza," at "Brenda Ducusin," sa isang insidente ng pagnanakaw sa Bangar, La Union, at itinuturo sa mga nakawan sa Sta. Cruz, Ilocos Sur, ani Sapitula. Dinala sina Judan at Balangatan sa Alaminos City Police Station matapos maaresto. +INILABAS na ngayon araw ng Kamara de Representantes ang subpoena para piliting pumunta si Budget Secretary Benjamin Diokno sa pagdinig na isinasagawa kaugnay ng paggastos ng budget ng gobyerno noong 2017 at 2018. "You are hereby ordered to appear before the Committee on Appropriations in its scheduled committee hearing," saad ng subpoena na pinirmahan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. "Failure to comply with this order is subject to penalty under the law." Itinakda ang pagdinig alas-10 ng umaga ngayong araw sa Speaker Nograles Hall sa South Wing Annex building. Nagpalabas din ang Kamara ng Subpoena Duces Tecum at inutusan si Diokno na dalhin ang records ng savings at ginawang paggastos sa budget ng 2017 at 2018. Limang beses na hindi sumipot si Diokno sa pagdinig ng House committee on appropriations na pinamumunuan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. Kinukuwestyon ni Andaya ang umano'y pagsisingit ng budget ni Diokno sa mga ahensya at ang mga proyekto ng gobyerno na napupunta construction company ng balae nito. +BUBURAHIN ng Kamara de Representantes ang death penalty provision sa panukala na magpapalakas sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot. Ito ang sinabi ni House Majority Leader Fredenil Castro kahapon matapos na ibalik sa House committee on dangerous drugs ang House bill 8909 na magaamyenda sa Dangerous Drug Act of 2002. Inaprubahan ng Kamara ang panukala sa ikalawang pagbasa. Tatangkain itong na ipasa ikatlong pagbasa bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso ngayong araw. "We decided to reconsider final reading approval in order to clarify provisions of the bill that refer to the death penalty. This will prevent double or multiple interpretation of the death penalty provisions that might mislead Filipinos into believing that death sentence has been restored," ani Castro. Mayroong nakasingit sa probisyon ng HB 8909 na nagsasabi na kamatayan ang parusa sa mahuhulihan ng ipinagbabawal na gamot sa mga party at iba pang pagtitipon. "In order to be clear, we are going to amend by substitution, erasing all provisions that refer to death penalty. We have to be categorical that the maximum penalty to be imposed is reclusion perpetua or life imprisonment," ani Castro. Noong 2017 ay inaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukala na magbabalik sa death penalty. Hindi naman ito inaksyunan sa Senado. +NASAWI ang isang miyembro ng Marines nang aksidente umanong maputukan ng sariling baril, sa Sta. Cruz, Manila, Biyernes ng umaga. Dinala pa sa ospital si Cpl. Michael Arceo, 26, dahil sa tama ng bala sa ulo, ngunit binawian ng buhay, ayon sa ulat ng Manila Police District. Naganap ang insidente sa bahay ni Arceo at kinakasamang si Sushmita Tayo, sa Malabon st., Brgy. 338, dakong alas-3:20. Sinabi ni Tayo sa pulisya na bago iyo'y nakita niya si Arceo na naglilinis ng baril sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Matapos iyo'y bumaba ang babae sa kanilang videoke bar sa unang palapag, at ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nakadinig na siya ng putok ng baril mula sa taas. Nang magtungo sa kanilang silid ay natagpuan na lang ni Tayo si Arceo na nakahandusay at duguan, kaya humingi ng saklolo sa kanilang mga empleyado't dinala ang huli sa University of Santo Tomas Hospital. Idineklarang patay ng doktor si Arceo alas-4:17. +SUPORTADO ng Department of Education ang panukala na itaas ang buwis sa kada kaha ng sigarilyo sa P60. "Significant increase in tobacco tax will lead to higher prices of cigarettes, making them less affordable and less available especially for the youth," ani Education Sec. Leonor Briones. Ayon sa DepEd ang dagdag na buwis ay katulad ng layunin ng ahensya na mailayo ang mga estudyante sa paninigarilyo. "In school, we teach our learners to reject tobacco use. But education alone is not enough. Outside the school, we need policies that will help reinforce our learners' health-promoting choices, complementing what we teach them in school," ani Briones. Isa umanong epektibong paraan ang pagtataas ng buwis upang mabawasan ang naninigarilyo. Sa National Nutrition Surveys ng Food and Nutrition Research Institute of the Department of Science and Technology noong 2008, 2013 at 2015, mapapansin umano ang pagbaba ng mga naninigarilyo sa mga edad 20 taon pababa matapos ipatupad ang Sin Tax Law. "If we succeed in preventing our learners from smoking, perhaps until they graduate from Grade 12, there are high chances that they will never smoke in their lifetime," dagdag pa ng kalihim. +NADAGDAGAN pa ang mga lugar kung saan idineklara ang measles outbreak matapos namang isama ng Department of Health (DOH) ang Luzon, Central Luzon at Eastern Visayas sa mga lugar na apektado ng pagkalat ng tigdas. "The DOH today is raising the red flag for measles in other regions of Luzon, Central and Eastern Visayas aside from yesterday's declaration in the NCR," sabi ni Health Secretary Francisco Duque III. Idinagdag ni Duque na base sa ulat ng DOH epidemiology bureau, patuloy na tumataas din ang mga kaso ng tigdas sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region. Nakapagtala ang DOH ng 525 kaso ng tigdas na may siyam na nasasawi sa Calabarzon (Region IV-A); 441 kaso, na may apat na nasawi sa NCR; 192 kaso na may apat na nasawi sa Central Luzon (Region III); 104 na kaso ng tigdas na may tatlong nasawi sa Western Visayas (Region VI); at 71 kaso na may isang nasawi sa Central Visayas (Region VII). Samantala, umabot na sa 70 ng tigdas sa Mimaropa (Region IV-B); 64 kaso na may dalawang nasawi sa Ilocos Region (Region I); 60 kaso ng tigdas sa Northern Mindanao (Region X); 54 kaso na may isang nasawi sa Western Visayas (Region VIII); at 43 kaso ng tigdas sa Soccsksargen (Region XII.) +NA-TRAUMA ang entertainment news reporter ng ABS-CBN na si Marie Lozano matapos maaksidente habang tumatawid sa isang kalsada sa Salcedo Village, Makati City. Ikinuwento ni Marie sa kanyang Instagram account ang nangyari at dito rin niya ibinahagi ang sama ng loob sa nakabangga sa kanya dahil sa halip na humingi ng dispensa sa kanya ay nanisi pa ito. Narito ang kabuuang kuwento ni Marie: "I am so thankful to be alive and in one piece. I want to share a very traumatic experience that happened to me yesterday. "As my best friend and I were beginning to cross a very quiet one way street in Salcedo village just after brunch, a car turning left that showed no signs of stopping hit me. "I tried to run away like my friend did but at that time, the bumper had already hit my knee causing me to fall on my back and hit my head on the pavement. It all happened so fast, but in my mind everything happened in slow motion. "My brain processed everything as it happened, anticipating the next thing. I was afraid the tire was going to run over my leg if the car didn't stop, and then I thought of my son just before I thought that I could die at that moment. "It was then that the car stopped. A woman in her 60's wearing a medical mask came out, already in defense saying it was the fault of another car passing and that she didn't see us. "At that point I was laying flat on my back in shock. She asked if I wanted her to take me to the hospital. After years of working as police reporter, I knew not to move a person who got injured in the head. I wanted to see if I could move my arms and my legs. "The lady went back into her car with the engine still running and waited there. I was taken to the hospital for a scan. I was relieved that I had no broken bones, just possibly PTSD. "Today I woke up, with bruises, a sore back, a painful neck (like I was strangled) but more than the physical manifestations... It is the mental trauma that will take time to heal. "What I could not get over is the behavior of the woman who hit me, she seemed educated but she was just about self-preservation and denial. How can some people not have kindness and compassion? "The passersby and witnesses that came to the rescue showed more care than this woman. One even told her she should apologize to me. "How do we clear the streets of people like these? If she didn't kill me, I keep thinking she could hurt someone someday. "I am thankful to have survived this in one piece and I know there are worse drivers out there. How do we save the streets from drivers like these?" +INATASAN ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na paigtingin ang kampanya para sa pagbabakuna sa buong bansa sa harap naman ng measles outbreak sa maraming lugar kung saan 55 na ang nasasawi dahil sa tigdas. Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kabilang ang lumalaganap na problema sa measles outbreak sa mga tinalakay sa pulong ng Gabinete kahapon. "The Department of Health's immunization program was likewise tackled. The President ordered a vigorous campaign to promote the complete immunization for children," sabi ni Panelo. Ito'y matapos unang idineklara ang measles outbreak sa Metro Manila matapos namang tumaas ang mga kaso ng tigdas sa 550 porsiyento. "I think one of the reasons why we have an outbreak of measles is because the lack of immunization on the part of children. I think that the Secretary was saying that the--some of our people are reluctant to undergo immunization by reason of the Dengvaxia scandal - natakot in other words kaya hirap daw sila ngayon," dagdag ni Panelo. Base sa datos ng Department of Health (DOH) tumaas sa 21,000 ang kaso ng tigdas noong 2018 kumpara sa 4,000 kaso lamang noong 2017. +ARESTADO ang apat katao na nahulihan ng P3.5 milyong halaga ng shabu sa isang apartelle sa Quezon City kaninang ng umaga. Kinilala ang mga nahuli na sina Joshua Salazar ang kanyang tiyahin na si Mineya Amorine, Ruby Balani at Mary Jane Duran. Nagsagawa ng buybust operation ang pulisya laban sa mga suspek na nag-check in sa isang apartelle sa Araneta Ave., Brgy. Dona Imelda. Matapos makabili ang police poseur buyer ay pinasok na ng mga pulis ang kuwarto at nahuli ang mga suspek. Narekober sa mga suspek ang kalahating kilo ng shabu. Sa mga suspek umano kumukuha ng ipinagbabawal na gamot ang mga nagbebenta sa Maynila at mga karatig na probinsya. Ayon kay Salazar nautusan lamang siya ng isang Kristie upang dalhin ang isang plastic container kapalit ng P500. +NIYANIG ng magnitude 5.6 lindol ang Pangasinan ngayong gabi (Miyerkules), ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Naramdaman ang lindol alas-6:25 ng gabi. Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa bayan ng Mabini. May lalim itong 107 kilometro. Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Malolos, Bulacan; at Guagua, Pampanga. Intensity I naman sa Laoag City; Pasuquin, Ilocos Norte; at San Ildefonso, Bulacan. +INIREKOMENDA ng House committees on health at on good government and public accountability ang pagsasampa ng kasong kriminal at sibil laban kay dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III at iba pang opisyal kaugnay ng Dengvaxia vaccination program. Ayon sa komite dapat masampahan ng kasong graft, technical malversation at civil charges sina Aquino, dating Budget Sec. Butch Abad, dating Health Sec. Janette Garin at iba pang sangkot sa kontrobersyal na pagbabakuna. "These officials provided shortcuts in the process to favor Sanofi Pasteur, the manufacturer of a commercially available dengue vaccine. These officials may therefore be held liable for, conspiring and confederating with one another for the purpose of 'giving any private party any unwarranted benefits, advantage or preference,'" saad ng committee report. Ang Aquino government ang nagpatupad ng Dengvaxia program. Mayroon umanong sabwatan ang mga opisyal upang gamitin ang Dengvaxia kahit na hindi pa tapos ang pag-aaral dito. "This was done even though the safety and efficacy of Dengvaxia had not been clearly established." Noong Nobyembre 2017, inamin ng French pharmaceutical company Sanofi Pasteur na mayroong masamang epekto ang Dengvaxia vaccine sa mga tao na hindi pa nagkakaroon ng dengue. Umabot sa 700,000 estudyante ang nabakunahan nito. Ibinalik ang hindi pa nagagamit na bakuna sa Sanofi at ang ibinalik na bayad ay ginamit sa pagbabantay sa mga nabakunahan. +MATAPOS ideklara ang measles outbreak sa Metro Manila, nanawagan ang isang solon sa Department of Health na magbahay-bahay para mabakunahan ang mga bata. Sinabi ng DoH na tumaas ng 550 porsyento ang mga bata na nagkatigdas mula Enero 1 hanggang Pebrero 6. Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na dapat ay gumawa ng paraan ang DoH matapos na maraming magulang ang hindi nagpapabakuna ng kanilang anak dahil sa Dengvaxia scare. "We are scoring the DOH for not addressing this attitude. There should be solid and massive campaign for people to accept the efficacy of vaccine," ani Lagman. Sinabi ni Lagman na kung abala ang mga magulang kaya hindi madala ang kanilang mga anak sa health center upang makapagpabakuna dapat ang mga health workers ang pumunta sa mga bahay. "I don't think that's acceptable reason. Because If parents or mothers can not bring their children to the center for vaccination then people from the center should go to the homes to make the vaccination," ani Lagman. Ayon sa DoH, umabot sa 169 ang kaso ng tigdas sa Metro Manila mula Enero 1 hanggang Pebrero 6, mas mataas kumpara sa 26 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. +NAGDEKLARA ang Department of Health (DOH) ng measles outbreak sa National Capital Region (NCR) at Central Luzon matapos namang umabot na sa 55 ang mga naitalang nasawi dahil sa tigdas. Base sa datos ng DOH, umabot na sa 55, na may edad na tatlong buwan hanggang apat-na-taong-gulang, ang nasawi sa San Lazaro Hospital sa Maynila. Umabot na rin sa 550 porsiyento ang itinaas ng kaso ng tigdas sa NCR mula Enero 1 hanggang Pebrero 6, 2019, ayon kay Health Secretary Francisco Duque. Sinabi ni Duque na kabilang sa mga naitala ang 169 kaso sa NCR, na mas mataas ng 26 porsiyento kumpara sa kahalintulad na panahon noong isang taon. Samantala, aabot na sa 248 bata ang ginagamot San Lazaro Hospital dahil sa tigtas. Aabot naman sa 253 kaso ng tigdas ang naiulat sa Central Luzon. Umabot naman sa 21,000 kaso ng tigtas ang naitala noong 2018 kumpara sa 2017 na may 4,000 kaso lamang. Sinisisi naman ang Dengvaxia scare kayat maraming Pinoy ang takot na magpabakuna. +ARESTADO ang isang lalaki't babae nang makuhaan ng shabu na inipit sa bouquet ng bulaklak, sa buy-bust operation na isinagawa sa Bacoor City, Cavite, nitong nakaraang Valentine's Day. Nadakip sina Jayson Jordan dela Cruz alyas "Papa G," 27, ng Brgy. Molino 3, at Mary Isabelle Gahisan alyas "Mabel," 22, na mula pa sa Tondo, Manila, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Isinagawa ng lokal na pulisya at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon sa Marcos Alvarez road Brgy. Molino 2, dakong alas-5 ng hapon. Sa buy-bust, nakumpiska kay Dela Cruz ang isang sachet na may P5,576 halaga ng shabu na nakaipit sa flower bouquet at ang P1,000 marked money. Nang kapkapan, nakuhaan naman si Gahisan ng coin purse kung saan nakalagay ang tatlo pang sachet ng shabu na aabot sa P82,824 ang halaga, at isang timbangan. Ikinasa ang operasyon dahil sa reklamo ng isang residente tungkol sa bentahan ng iligal na droga sa barangay. +BINAWI ng Kamara de Representantes ang inaprubahan nitong panukala na nagpapataw ng death penalty sa mga mahuhulihan ng ipinagbabawal na gamot sa party, meeting at social gathering. Ang House bill 8909, na inaprubahan noong Lunes sa ikatlong pagbasa sa botong 172-0 at walang abstention, ay ibinalik sa House committee on dangerous drugs. "... on February 4, we approve on third reading HB 8909 I move that we reconsider the approval," ani House Majority Floor Leader at Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma. Walang tumutol sa mosyon at inaprubahan ito ni House Deputy Speaker Mercedes Alvarez, presiding officer ng sesyon ng plenaryo. Ipinarekonsidera rin ang pagkaka-apruba ng panukala sa ikalawang pagbasa upang maibalik ito sa House committee on dangerous drugs. "I move that we recommit HB 8909 to the committee on dangerous drugs to allow the committee to make necessary amendments thereto," ani Palma na inaprubahan ni Alvarez. Ayon sa panukalang pagbabago sa Section 13 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang sinumang mahuhuli na may dalang droga, gaano man karami, sa isang party, social gathering o meeting ang parusa ay habambuhay na pagkakabilanggo hanggang kamatayan. Ito ay bukod pa sa P500,000 hanggang P10 milyong multa. Sa kasalukuyan ay walang parusang kamatayan sa bansa. May panukala na ibalik ang death penalty na naipasa na ang Kamara subalit hindi ito naaprubahan sa Senado. +MAY isiningit na death penalty provision ang Kamara de Representantes sa mas mabigat na Dangerous Drugs law na inaprubahan nito sa ikatlo at huling pagbasa. Sa botong 172-0 at walang abstention, inaprubahan ng Kamara de Representantes ang House bill 8909. Ayon sa panukalang pagbabago sa Section 13 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang sinumang mahuhuli na may dalang droga, gaano man karami, sa isang party, social gathering o meeting ang parusa ay habambuhay na pagkakabilanggo hanggang kamatayan. Ito ay bukod pa sa P500,000 hanggang P10 milyong multa. Sa kasalukuyan ay walang parusang kamatayan sa bansa. May panukala na ibalik ang death penalty na naipasa na ang Kamara subalit hindi ito naaprubahan sa Senado. Isinama na rin sa mga maaaring maparusahan ang mga may-ari ng lugar kung saan may itinayong drug den. Ang sinumang tao na malapit sa isang drug laboratory ay ituturing na sangkot sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot. Sa ilalim ng panukala, kailangang sumailaim sa drug test ang mga atleta, propesyonal man o hindi, ng dalawang beses kada taon. +NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Davao Occidental kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-7:17 ng umaga. Ang epicenter nito ay 447 kilometro sa silangan ng Sarangani. May lalim itong 61 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Ayon sa Phivolcs posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito bagamat walang inaasahang pinsala. +NASUNOG ang pabrika ng goma na ginagamit sa paggawa ng tsinelas at bota sa Quezon City kaninang umaga. Alas-5 ng umaga ng magsimula ang sunog sa NSR Rubber Corp., sa Brgy. Baesa. Mabilis na lumaki ang apoy dahil sa combustible materials na nasa loob kaya iniakyat ito kaagad sa ikalawang alarma. Nagsimula umano ang sunog sa stock area. Inaalam pa ang sanhi ng sunog. Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog. Nabatid na ito na ang ikatlong beses na nasunog ang pabrika mula noong 2014. +PANTY ang ginamit na pantakip sa mukha ng isang lalaki upang hindi makilala kapag nahagip ng surveillance camera matapos na magnakaw sa Quezon City. Ang panty na ginamit ng lalaki ay kinuha umano siya sa sampayan ng pinasok na bahay sa Brgy. Bahay Toro noong Sabado. Pinasok ng lalaki ang bahay ng biktima na ayaw magpabanggit ng pangalan at nagnakaw ng pera. Para makatakas ay tumawid ito sa kabilang bakod kung saan mayroong CCTV kaya kumuha ito ng panty kanyang ipinantakip sa kanyang ulo bago muling umakyat sa bakod para makalabas. Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na may nanakawan sa lugar. +BUMABA noong Enero ang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa. Sa datos ng Philippine Statistic Authority naitala sa 4.4 porsyento ang inflation rate, mas mababa sa 5.1 porsyento na naitala noong Disyembre. Pero ito ay mas mataas sa 3.4 porsyento na naitala noong Enero 2018. Ang 4.4 porsyento rin ang pinakamataas sa nakalipas na limang taon--1.5 porsyento noong Enero 2015, 0.7 porsyento noong 2016, at 2.5 porsyento noong 2017. Patuloy ang paghupa ng pagtaas ng bilihin sa National Capital Region na naitala sa 4.6 porsyento noong nakaraang buwan na mas mababa sa 4.7 porsyento na naitala noong Enero 2018. Pinakamaliit naman ang inflation rate na naitala sa Cordillera Administrative Region (3.1 porsyento), at ang pinakamataas naman ay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (6.1 porsyento). +NASAWI ang isang negosyante nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Candelaria, Quezon, Lunes ng gabi, wala pa isang taon matapos siyang mabawi ng mga pulis sa mga kidnaper. Ikinasawi ni Ronaldo Arguelles, 41, ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Naganap ang pamamaril dakong alas-7:20, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Mangilag Sur. Nakatayo si Arguelles sa road shoulder nang lapitan at paulit-ulit na paputukan ng isa pang lalaking may maigsing baril, ayon sa ulat. Itinakbo pa si Arguelles sa United Candelaria Doctors Hospital pero binawian ng buhay alas-8:31, habang nilulunasan. Narekober sa crime scene ang walong basyo ng kalibre-.9mm baril, habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanla't kinaroronan ng gunman. Si Arguelles, residente ng Cristina Village, Brgy. Mangilag Sur, ay nabawi ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group at Candelaria Police sa mga kidnaper sa San Pablo City, Laguna, noong Abril 10, 2018. Matatandaan na sa naturang operasyo'y napatay ang limang kidnaper na pawang mga naka-police uniform at isang babaeng pulis, habang di bababa sa apat pa katao ang nasugatan. Dinukot ng walong armadong naka-camouflage uniform si Arguelles sa kanyang bahay ng gabi bago iyon, at tumangay pa ng sari-saring kagamitan, mga alahas, cash, at kotse. Humingi umano ang mga kidnaper ng P800,000 kapalit ng pagpapalaya kay Arguelles, na diumano'y may kinalaman sa kalakalan ng iligal na droga. +NIYANIG ng magnitude 4.8 lindol ang Ilocos Sur kagabi. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:55 ng gabi. Ang epicenter nito ay isang kilometro sa kanluran ng Bauguen at may lalim na 84 kilometro. Naramdaman ang Intensity IV sa Santiago, Ilocos Sur; Currimao at Badoc, Ilocos Norte. Intensity III sa Vigan City, Sinait, Magsingal, San Vicente, Cervantes, San Ildefonso, Burgos, Caoayan, San Esteban, Sigay, San Juan, San Emilio at Nagbukel sa Ilocos Sur. Intensity II naman sa Baguio City at Intensity I sa Dagupan City. +NAKUMPISKA ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 100 pares ng pekeng PNP rubber shoes sa isinagawang entrapment operation sa Quezon City. Kinukuha ang mga orihinal na pares mula sa mga otorisadong gumagawa na eksklusibo lamang para sa mga miyembro ng PNP. Sinabi ng pulisya na nakatanggap sila ng reklamo mula sa JP Group of Companies, Inc., isa sa tatlong opisyal na supplier ng PNP rubber shoes. Idinagdag ng JP Group na ginagawa ang mga pekeng PNP shoes at ibinibenta sa ilang outlet. Nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng CIDG at naaresto ang tatlong suspek na nagdeliber ng P170,000 halaga ng pekeng sapatos sa mga undercover na pulis. Kinilala ang tatlong naaresto na sina Mark Corporal, 33; Lorenzo Celestial, 35 at Rail Ramirez, 25. Sinabi ni Aristemedes Segismar, factory manager ng lehitimong shoe manufacturer, na nagkakahalaga ng P2,000 ang isang pares ng orihinal na PNP rubber shoes. Iginiit ni Aristemedes na mababa ang kalidad ng mga pekeng rubber shoes kumpara sa mga orihinal. Idinagdag ni Segismar na ibinibenta pa ng mahal ang mga pekeng sapatos para magmukhang orihinal. Sinabi ni Supt. Raymund Liguden, chief of the CIDG Anti-fraud and Commercial Crimes Unit, na pinapayagan ng PNP Directorate for Research and Development ang pagbebenta ng mga orihinal na PNP rubber shoes sa mga otoridadong outlet. Ani Liguden, mabibili rin sa online ang mga pekeng sapatos. Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. +INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbabawal sa paghuli at pagbebenta ng mga pating, rays at chimaeras. Sinabi ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, may akda ng panukala, na bagamat kinatatakutan ang mga pating sila ay mahalagang bahagi ng ecosystem na kailangan sa pagbalanse ng kalikasan. "Sharks are typically depicted as apex predators that have significant top-down effects on food webs. They help keep prey populations healthy by feeding on weak, sick, or old fishes, and prevent overgrazing of critical marine habitats," nai Arroyo. Kung mawawala umano ang pating sa ecosystem magbabago ang predatory-prey interaction. "Aside from ecological benefits, sharks and rays have also been proven to boost local economies through sustainable tourism activities, and through fisheries in many developing countries." Ang mga manghuhuli at magbebenta ay makukulong ng anim hanggang 12 taon at multang P100,000 hanggang P1 milyon. +UMABOT sa 40 kandidato ang isinama ng Commission on Elections (Comelec) sa umano'y sangkot sa illegal campaign posters. Isinapubliko ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa tweet ang mga pangalan ng mga senadotrial bets. Kabilang sa mga umano'y sangkot sa illegal campaign posters ay si Senator Aquilino "Koko" Pimentel, presidente ng PDP-Laban at kabilang sa 11 kandidato na inendorso ni Pangulong Duterte. "I have very few posters. Hence, most unlikely yan," sabi ni Pimentel. Sinabi naman ni Senator Nancy Binay na nagulat siya nang marinig ang balita. "Medyo nagulat din ako sa balita tungkol dun sa illegal posters daw. I'm not sure where the reports are coming from, but as far as I'm concerned, wala pa kaming tarps o kahit posters na inilalabas," sabi ni Binay. "I find it very offensive that I'm being tagged as a violator sa mga campaign materials," ayon pa kay Binay. Kinuwestiyon din ni Binay kung bakit hindi nakasama sa listahan ang mga kandidato na kalat ang mukha sa buong bansa. "In fact, I have no tarpaulins. I only have one billboard na di pa ako nagpagawa pero dahil sa pakiusap ko, tinanggal na ang billboard before the deadline," ayon pa kay Binay. Pumalag din si Teddy Casino, campaign manager ni Neri Colmenares, sa listahan ng Comelec. "Our instructions were clear to our supporters: post only in designated poster areas. Given Neri's limited resources, it is to his interest that posters be confined to poster areas as we can't afford a poster war," sabi ni Casino. +UMAABOT sa 240 Filipino ang namamatay araw-araw sa mga smoking related diseases. Kaya kung papatawan ang sigarilyo ng P90 bawat kaha ay maraming buhay ang maililigtas. Ayon sa HealthJustice Philippines mababawasan ng 1 milyon ang mga naninigarilyo sa 2022 kapag natuloy ang pagtataas sa buwis na ipinapataw sa sigarilyo na nangangahulugan na mas marami ang maililigtas. "We are expectant that our champions in health will approve the raise in excise tax to 90 pesos to effectively curb smoking among Filipinos and to help fund the UHC that is set to be signed by anytime now," ani Mary Ann Mendoza, pangulo ng HealthJustice Philippines. Ayon sa cancer survivor na si Engr. Emer Rojas, pangulo ng New Vois Association of the Philippines, bumababa ang bilang ng mga naninigarilyo kapag mataas ang buwis nito. "It is our responsibility to help the next generation to live in a smoke-free environment. 240 Filipinos die every day because of smoking re-related diseases in the Philippines. We urge our senators to fast track the deliberations on the tobacco tax bills because the health of the Filipinos is at stake here," ani Rojas. Umaasa ang HealthJustice Philippines na maipapasa ng Senado ang panukala bago mag-adjourn ang sesyon sa Biyernes. "We are hopeful that the committee on Ways and Means headed by Senator Sonny Angara will pass the further increase in excise tax on tobacco before the Congress will go on break on February 9, considering that President Rodrigo Duterte has recently certified the increase in tobacco tax bills as urgent," dagdag pa ni Mendoza. Sa pagdinig noong Enero 29 ay nabigo ang Senate Ways and Means committee na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara na aprubahan ang committee report na ipadadala sa plenaryo upang pagbotohan sa ikalawa at ikatlong pagbasa. Bukod sa mababawasan ang mga nagkakasakit dahil sa sigarilyo, ang pondo na kikitain sa dagdag na buwis ay gagamitin upang punan ang kakulangan sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act. Kakailanganin ng P257 bilyon sa implementasyon ng UHC subalit ang DOH, PhilHealth, PCSO, at PAGCOR ay mayroon lamang P217 bilyon. +PATAY ang isang lalaki na bumili ng noodles matapos barilin ng may-ari ng tindahan sa bayan ng Gumaca sa Quezon bago maghatinggabi noong Linggo, ayon sa pulisya. Sinabi ni Senior Supt. Osmundo de Guzman, Quezon police director na bumibili ng noodles si Boyet San Buenaventura, 37, sa isang tindahan na pinapatakbo ng suspek na Jessie Mark Batugon, 19, sa Barangay Progreso ganap na alas-10:30 ng gabi. Habang bumibili, kinompronta ng biktima si Batugon, na kayang inakusahan ng pagnanakaw ng kanyang uling, sabi ni De Guzman. Matapos mairita sa akusasyon, bumunot ang suspek ng isang homemade caliber .22 revolver at binaril ang biktima sa likod habang paalis ng tindahan. Nagtamo ang biktima ng tama sa kanyang batok at nasawi habang dinadala sa San Diego Hospital. Narekober ng mga pulis ang baril, bagamat tumakas naman ang suspek. +SINAKSAK umano ng 15-anyos na menor-de-edad ang isang Grade 11 na estudyante ng Malabon City, matapos umanong matalo ang suspek sa kanilang suntukan noong Linggo ng gabi. Iniulat ng Malabon City Police na nag-away ang isang alyas Tambol at 16-anyos na biktima ganap na alas-11 ng gabi bagamat natalo ang suspek sa nangyaring suntukan. Idinagdag ng pulisya na kapwa umuwi na ng bahay ang dalawa, bagamat naghamon muli ang suspek sa biktima para sa isa pang suntukan ganap na alas-11:45 ng gabi, kung saan nangyari ang pananaksak. Sinaksak ni Tambol ang biktima sa likod ng dalawang beses, na natunghayan ng dalawa sa mga kaibigan ng biktima, ayon sa pulisya. Dinala ang biktima sa Tondo Medical Center. Tambol, samantalang agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente, ayon kay Senior Supt. Jessie Tamayao, commander ng Malabon City Police Station. Sinabi ni Tamayao na personal na isyu ang pinag-awayan ng dalawa na magkaibigan din. Idinagdag ni Tamayao na wala namang planong magsampa ng kaso ang mga magulang ng biktima. Iginiit naman ni Tamayao na magpapatuloy pa rin ang paghahanap ng pulisya laban sa mga suspek. +BUMABA ng 71 porsyento ang bilang ng mga inihaing kaso ng Ombudsman noong 2018. Mula sa 2,513 kaso noong 2017, bumaba ito sa 739 kaso noong nakaraang taon. Umupo si Ombudsman Samuel Martires noong Hulyo 26, 2018 kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales. Mula Agosto-Disyembre 2018, 178 kaso ang naisampa ng Ombudsman, mas mababa sa 978 kaso na naisampa mula Agosto-Disyembre 2017. Sa panahon ni Martires, pinakamarami ang naihang kaso kaugnay ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (341), sumunod ang malversation (144) at falsification (115). Sa Sandiganbayan, bumaba naman ang bilang ng mga nadesisyunang kaso ng 15 porsyento o mula 1,264 noong 2017 ay naging 1,075 kaso noong nakaraang taon. Kabilang sa pinakamalaking kaso na nadesisyunan ang kaso ni dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na nahatulan ng guilty at ang pagkakabasura ng kaso ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr. +SA halip na suwertehin, baka malasin ang iyong New Year dahil sa mga pampasuwerte na may sangkap ng cadmium at lead. Ayon sa EcoWaste Coalition nagsagawa ito ng pagsusuri sa mga lucky charm na mabenta ngayong Chinese New Year of the Earth Pig. Bumili ito ng 20 piraso ng lucky charm na nagkakahalaga ng P25-P300 bawat isa sa Binondo at Quiapo at sinuri ito gamit ang X-Ray Fluorescence analytical instrument. "Some lucky charms and amulets that are supposed to attract energy, health, fortune and happiness are unluckily contaminated with cadmium and lead, two highly hazardous substances that belong to the WHO's list of 10 chemicals of major public health concern," ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste. Sa mga sinuri, 15 ang mayroong lead at cadmium na lagpas sa pinapayagan ng batas ng bansa, sa Estados Unidos at European Union. "Cadmium and lead, which can accumulate in the body and damage human health, should not be present in consumer products, especially for items that are supposed to enhance good health and better life," ani Dizon. +NANANATILING positibo sa red tide ang walong probinsya, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Ayon sa pagsusuring isinagawa ng BFAR at lokal na pamahalaan, positibo pa rin sa red tide ang Matarinao Bay sa Eastern Samar; Cancabato Bay; Tacloban City sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City, Palawan; aat coastal waters ng Pampanga at Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal). "All types of shellfish and alamang gathered from the area are not safe for human consumption," saad ng advisory ng BFAR. Maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango na makukuha sa mga lugar na nabanggit basta kailangang ito ay sariwa, aalisan ng laman -oob at lulutuing mabuti. +ITINANGGI mismo ni Pangulong Duterte ang kumalat sa social media na siya ay pumanaw. "My reactions to my passing away. I will ask God first if I... if He's available for interview kasi pupunta na ako 'dun. Ano mga mensahe ninyo? Dadalhin ko pari, obispo, lahat. And yung last wish ng mga durugista, ilista ninyo. Ako na ang magdala doon sa langin o sa impyerno. Depende lang," sabi ni Duterte sa video na ipinost ng kanyang long-time partner na si Honelet Avancena, bagamat naka-pribado ang account nito. Matatandaang hindi nakadalo si Duterte sa pagtitipon sa Palo, Leyte noong Biyernes dahil sa masama ang kanyang pakiramdam. "For those who believe in the news that I passed away, then I request of you, please pray for me, for the eternal repose of my soul. Thank you," dagdag ni Duterte sa ikalawang video. Ipinost ni Avancena dalawang video ganap na alas-4 ng hapon. +PINATAWAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30-araw na suspensyon ang Jumbo Transport Inc. matapos ang aksidente na nagresulta sa pagkamatay ng lima katao sa Tarlac. Nauna nang bumangga ang isa sa mga bus ng Jumbo Transport sa isang trak sa kahabaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) sa Concepcion, Tarlac, noong Huwebes. Nagresulta ang aksidente sa sa pagkamatay ng limang pasahero at pagkasugat ng 49 na iba pa. Pinahinto ng LTFRB ang operasyon ng 10 sa mga bus ng kompanya na may biyaheg Las Pinas City at sa anumang lugar sa Luzon at pabalik. Kabilang sa mga apektadong plate number na BEK 523, TYY 357, TYY 285, TYY 257, TYY 266, TYY 717, TYY 727, at TXS 774. Bawal din ang mga plate number na KN2GBB7211K101476 at KN2GBB721YK000348. Inatasa din ng LTFRB ang Jumbo Transport na ibigay ang mga lisensiya sa ahensiya. "Respondent-operator is hereby directed to surrender the for hire plates of the aforesaid ten (10) tourist buses to the Legal Division of this board on Monday, 11 February 2019 between 9:00 a.m. and 5:00 p.m.," sabi ng kautusan. Naglabas din ng show cause order ang LTFRB kung saan pinagpapaliwanag ito kung bakit hindi kailangang bawiin o isuspinde ang prangkisang ibinigay. Binigyan ang Jumbo Transport ng 72 oras para isumite ang paliwanag sa board. "Failure on the part of the respondent-operator and its driver involved in the accident to appear before this Board on the date mentioned above shall be considered as waiver on their part to be heard and this case shall be decided on the basis of the records of the board," sabi pa ng kautusan. +NAARESTO ng pulisya ang apat na lalaki na sangkot umano sa pagpatay sa isang kapitana na tumatakbo sa pagkakongresista sa Quezon City. Kinilala ang mga suspek na sina Teofilo Formanes at ang magkakapatid na sina Ruel Juab, Orlando Juab at Joppy Juab. Pinaghahanap naman ang dalawa pang kasama nila na sina Warren Juab at Dutchboy Bello. Ayon sa pulisya inaresto rin nila ang limang lalaki na nagtangkang harangin ang mga pulis sa pag-aresto sa mga suspek. Sakay ng kanyang SUV si Crisell Beltran, kapitana ng Brgy. Bagong Silangan, ng pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa mga motorsiklo noong Miyerkules. +INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukalang pagtatayo ng Office for Social Welfare Attache na tututok sa kaso ng mga overseas Filipino workers na inaabuso. Sa ilalim ng House bill 8908, aamyendahan ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 upang maipasok ang bagong tanggapan. Ang mag attache ay manggagaling sa Department of Social Welfare and Development at ipadadala sa mga lugar kung saan maraming OFW. Ang bagong tanggapan ay hahawak sa mga OFW na nangangailangan ng psychological services, at magbabantay sa kanilang kaso. Sa pamamagitan ng mga datos na makakalap mula sa attache ay makagagawa umano ng hakbang ang gobyerno upang mabawasan o mawala ang mga pangaabuso. +PATAY ang isang intelligence operative ng pulisya at isang armadong lalaki nang magbarilan sa isang gymnasium sa Cavite City, Biyernes ng gabi. Nakilala ang mga nasawi bilang sina PO1 Joseph Tan, na intelligence operative ng Cavite City Police, at Musanip Palao, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong alas-7:40, sa Montano Hall na nasa Brgy. 41 Caridad. Binabantayan ni Tan ang isinasagawang liga ng basketball sa naturang gymnasium, nang paputukan siya ni Palao, ayon sa ulat. Sa kabila ng tinamong sugat, nagawa pang paputukan ni Tan nang ilang beses si Palao, hanggang sa mapatay ang armado. Matapos iyo'y itinakbo si Tan sa Bautista Hospital, pero di na umabot nang buhay. +UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga deboto, hihigpitan ang seguridad ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church sa Maynila. Ayon sa parochial Vivicar ng Quiapo Church na si Rev. Fr. Douglas Badong, nagdagdag ng K-9 units at mga security personnel na umiikot sa simbahan. Maya't maya aniya ay sinusuri ang mga upuan at maging ang mga natutulog kapag gabi ay inoobserbahan. Umaapela naman ang pari sa mga mananampalataya na maging mapagmatyag sa loob at labas ng simbahan. Matatandaang nagdeklara ng heightened alert ang PNP kasunod ng pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo noong Linggo na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 20 katao. +INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na mag-asawang Indonesian suicide bombers ang nasa likod ng pambobomba sa Jolo, Sulu kung saan 22 ang nasawi at mahigit 70 iba pa ang nasugatan. "Ang talagang nagpasabog dun ay Indonesia suicide bombers. Pero yung mga Abu Sayyaf ang nag-guide sa kanila, nag-aral ng target, nagreconnaissance, surveillance at inihatid yung mag-asawa doon sa loob ng simbahan," sabi ni Ano. Idinagdag ni Ano na walang kinalaman ang Bangsamoro Organic Law (BOL) sa nangyaring pambobomba. "Tapos na yung BOL eh. Dapat kung they're trying to influence the votes, dapat during or before the BOL. Although alam natin anti-BOL yung Abu Sayyaf at saka yung mga ISIS. But para sa akin, they are after mass casualties and they are after killing Christians to elevate the war into a religious war," dagdag pa ni Ano sa isang ambush interview. Kinatawan ni Ano si Pangulong Duterte matapos namang hindi makadalo sa isinagawang Barangay Summit on Peace and Order sa Palo, Leyte dahil sa hindi maganda ang pakiramdam. +ARESTADO ang isang lalaki nang makuhaan ng 20 baril at daan-daang bala sa raid sa Jaen, Nueva Ecija, Biyernes ng umaga. Inaalam pa kung sangkot sa krimen ang naarestong si Roderick Mauricio o nagamit sa krimen ang mga baril, sabi ni Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ng Central Luzon regional police. "Sa ngayon, ang alam namin ay worker siya (Mauricio) sa antique shop at nagko-collect ng baril, kaya lang hindi licensed," ani Grenas. Sinalakay ng mga tauhan ang bahay ni Mauricio sa Gumamela st., Brgy. Langla, dakong alas-8:30. Nasamsam doon ang pitong kalibre-.45 pistola, dalawang kal-.9mm pistola, isang kal-.22 rifle, kal-.30 Carbine rifle, M4 rifle na may scope ay silencer, kal-.25 pistola, kal-.38 pistola, kal-.380 pistola, kal-.357 revolver, apat na air gun, at mga balang nakalagay pa sa mga magazine, ammunition box, at tray. Hinahandaan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at election gun ban ang suspek. +DINAMPOT ng mga pulis ang isang kandidato sa pagka-alkalde sa Batangas, Huwebes ng gabi, para sa pagtatago sa isang most wanted person, na nagsisilbi umano bilang kanyang bodyguard. Dinakip si Lester De Sagun, 40, residente ng bayan ng San Nicolas at mayoralty candidate doon, sabi ni Chief Supt. Edward Carranza, direktor ng Calabarzon regional police. Naaresto din ang bodyguard na si Miko Michael Caguitla, 26, residente ng Candelaria, Quezon, na number 2 sa mga most wanted person sa rehiyon, aniya. Nahaharap si Caguitla sa warrant of arrest para sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 53 sa Lucena City, Quezon, noong Oktubre 26, 2016, ani Carranza. Kasama ni De Sagun si Caguitla sa isang Mitsubishi L200 pick-up (DNV-778) nang maharang ng mga alagad ng batas mula Quezon, Batangas, at regional police, dakong alas-10:20 sa Brgy. Bagong Sikat, Lemery. Dinampot din ang mga kasama nilang sina Vicente Andal, 53, at Exequiel Caringal Jr., 59, kapwa residente din ng San Nicolas. Nakuhaan si Caguitla ng body bag na may kalibre-.9mm pistolang kargado ng pitong bala at isang ammo box na may 27 bala. Nakumpiska naman si Andal ng kalibre-.45 pistola na may pitong bala, at bag na may dalawang magazine na kargado ng tig-10 bala at tatlo pang bala. Si Caringal nama'y nakuhaan ng isang kalibre-.9mm Uzi sub-machine pistol na may 20 bala, at isa pang magazine na may 25 bala. Hinahandaan sina De Sagun, Andal, at Caringal ng kasong harboring of criminal dahil kasama nila si Caguitla. Kasama naman nila si Caguitla sa mga hinahandang kaso ng paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at election gun ban. +HINAMON ng isang kongresista si Sen. Panfilo Lacson na tumulong sa Kamara de Representantes sa pagpilit sa kanyang mga kapwa senador na ilabas ang listahan ng isiningit nilang mga proyekto sa 2019 budget. Ayon kay COOP NATCCO Rep. Anthony Bravo, miyembro ng Bicameral Conference Committee, makabubuti kung malalaman din ng publiko ang P190 bilyong insertion ng Senado sa budget. Sinabi ni Bravo na inilabas ng Kamara de Representantes ang listahan ng pupuntahan ng P51 bilyong pondo na ginalaw nito. "The senator kept on saying that their amendments were institutional and not individual amendments. If that is so, why are they so afraid of itemizing their amendments? Dahil ba makikita ng publiko 'yung mga isinali nila o isinaksak nila na billion peso?" tanong ni Bravo. Sa pagdinig ng bicameral conference committee, sinabi ni Sen. Loren Legarda na isa si Lacson sa naglipat ng P50 bilyong pondo sa budget na bahagi ng P190 bilyon na ginalaw ng Senado. Pero ayaw tawagin ng mga senador na pork barrel ang mga ginalaw nilang pondo kundi institutional insertions. "Kung sa House galing ang amendment, ano ang tawag ng publiko including the Senate? Pork po 'yan. Pag galing po sa Senate anong tawag nila? Institutional amendment ho 'yan," punto ni Bravo. Giit pa ni Bravo malinaw sa simula na nais ng Kamara na isapubliko ang laman ng budget pero ayaw itong gawin ng Senado. "Our position was clear. Every amendment to the 2019 budget must be known to the public and approved by the senators and congressmen. No media coverage, in our position, no bicam," dagdag pa ni Bravo. "Senator Lacson did not attend the first bicam... Maybe he was busy. Nagpakita lang po siya sa susunod na session nang malaman na may media coverage." +INIHAYAG ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang pag-atras sa kanyang kandidatura sa pagka-senador dahil sa isyu sa kanyang kalusugan. "It is with a truly heavy heart that I announce the withdrawal of my senatorial bid. I have recently undergone a percutaneous coronary intervention following the discovery of an unstable angina coronary disease earlier this week. In the days since the procedure, my family and I have been forced to confront the reality of my physical situation and what it ultimately means for my aspirations to public service," sabi ni Roque sa isang pahayag. Kasabay nito, nagpasalamat si Roque sa mga sumuporta sa kanyang planong pagtakbo sa Senado. "I wish to thank all who have been so kind and supportive of my candidacy. I ran for senator because I wanted to be of service in a way that I know I will be highly effective. Whatever they may think of my politics, those who have seen my work in both the public and private sector can attest to what I would have brought to the Senate. Unfortunately, for the moment, it seems that God has other plans," ayon pa kay Roque. Umaasa naman si Roque na makakapagserbisyo siya muli sa publiko. "It is my sincere hope that I will someday again have the honor to serve the Filipino people as a legislator, or in whatever other capacity I may be of service. I continue to support our President and this administration and wish only the best for our country. God bless us all!" dagdag ni Roque. Nagpaabot naman ng mensahe si Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Roque. "I personally wish him good health," sabi ni Panelo. +INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman ang isang kongresista at mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development Region 12 kaugnay ng overpriced na relief goods para sa mga biktima ng gera sa Marawi City. Sa inihaing reklamo ni Berteni Causing dapat umanong kasuhan ng plunder at graft sina South Cotabato Rep. Ferdinand Hernandez, DSWD Region 12 Regional Director Bai Zoraida Taha, Rohaifa Calandaba, accountant ng DSWD Region 12, Jackie Lao, chairperson ng Bids and Awards Committee, Emerita Dizon, Vice Chairperson ng BAC at Mohammad Fayez Sarip, provisional member ng BAC. Isinama rin sa kaso ang mga stockholder ng Tacurong Fitmart Inc., na sina Maria Virginia Villaruel, Derrick Villaruel, Deangelo Villaruel, Dexter Villaruel, at Ramona Ang, kung saan umano binili ang mga overpriced na relief goods. Nadawit si Hernandez sa kaso dahil siya ay kapatid ni Maria Virginia. Sa kanyang bahay din umano ginawa ang repacking ng mga relief goods. Noong Hunyo 5, 2017, nakuha ng Tacurong Fitmart ang P7 milyong kontrata para sa hygiene kit. Muling bumili ng hygiene kit ang DSWD noong Hulyo 24, 2017 na nagkakahalaga ng P10.7 milyon. Noong Setyembre 22, 2017 ay ibinigay ng DSWD-12 ang supply contract sa Tacurong Fitmart na nagkakahalaga ng P77.5 milyon. At ang naturang kompanya rin ang nakakuha ng P31.8 milyong kontrata para sa kitchen kit noong Oktobre 11, 2017. Nagkakahalaga naman ng P589.1 milyon ang kontratang nakuha ng kaparehong kompanya noong Nobyembre 17, 2017 para sa pagbili ng family food pack. Ayon sa reklamo, sa halip na bumaba ang presyo dahil bultuhan ang pagbili ay mas lalo pang tumaas ang halaga na binayaran ng DSWD-12. Hiniling sa Ombudsman na suspendihin ang mga inirereklamo upang hindi maimpluwensyahan ang kaso alinsunod sa batas. +ISINAPUBLIKO ng Quezon City Police District (QCPD) ang composite sketch ng isa sa mga itinuturong pumatay kay Barangay Bagong Silangan chair Crisell Beltran. Sinabi ni QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ginawa ang sketch matapos makalap ang testimonya mula sa isang testigo na nakakita ng pananambang. Idinagdag ni Esquivel na umabot na sa 11 testigo ang nakuhaan ng pahayag. Ani Esquivel, nakita ng isa sa mga testigo ang mukha ng gunman nang tanggalin nito ang kanyang helmet para maglagay ng bala. Idinagdag ni Esquivel na anim na suspek ang tinitingnang bilang ng mga sangkot sa krimen matapos namang tambangan ang sinasakyan ni Beltran at kanyang driver na si Melchor Salita habang binabagtas ang kahabaan ng J.P. Rizal st. sa Barangay Bagong Silangan noong Miyerkules. Sinabi pa ni Esquivel na apat ang tinitingnang anggulo sa pagpatay kabilang ang pulitika, negosyo, ang kaugnayan ni Beltran sa mga illegal settlers, at love angle. "[Tinitingnan] natin dito [ang] apat na direksyon ng imbestigasyon. Meron na rin tayong tinitingnan na persons of interest (We are looking at four directions of the investigation. We also have persons of interest)," sabi ni Esquivel. Itinaas na sa P5 milyon ang pabuya para sa makakapagbigay ng impormasyon para mahuli ang mga suspek. +NAIS humingi ng kasiguruhan ng isang solon sa gobyerno na ang ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay ay magreresulta sa reclamation ng Manila Bay. Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao suportado nito ang paglilinis sa Manila Bay subalit may nababalitaan umano siya na ginagawa ito bilang paghahanda sa gagawing reklamasyon ng 32,000 hektaryang coastal area para tayuan ng 43 infrastructure projects. "Ano ang silbi ng rehabilitasyon mo kung magtatambak ka ng lupa.... para itayo ang mga proyekto ng Build, Build, Build?" tanong ni Casilao. Ayon kay Casilao, gumawa ang National Reclamation Authority ng draft 2019 reclamation plan sa Manila Bay. "Mawawalan ng saysay ang rehabilitation na ito kung itutuloy pa rin naman pala ng gobyerno ang pagtatambak ng lupa to pave the way for private projects, malalaking negosyo." +Isiniwalat ng isang tribal leader ang kabalbalang pinaggagawa umano ng mga New People's Army (NPA) laban sa mga lumad. Ayon sa panayam ng PTV sa nagpakilalang lumad lider, ginagahasa umano ng mga rebeldeng kumonista ang ilang mga lumad. Ang iba naman ay pinapatay. Kinakamkam din daw ng mga NPA ang kanilang mga ari-arian. Dahil sa pinaggagwa ng mga NPA, magsasampa ang mga lumad lider laban sa mga bandidong komunista. "So, ang importante sa amin ngayon ,kailangan masampahan ang CPP-NPA ng kaso. Headed by Jose Maria Sison. Marami silang ginagawa. Ang mga kabataan namin ay pinag-aaral sa hindi totoong paaralan. Pangalawa, ang mga matatanda ay pinapatay pag hindi sumama sa kanila. Pangatlo, ang mga kabataan namin ay may mga abusong ginagawa. Pang-apat, ang aming ancestral domain, sila na ang nag-occupy. 'YUng army at sunadlo na ng NPA na ang nag-occupy. "sabi ng Lumad Lider. Ikinagalit naman ng mga kababayan natin ang natuklasan nilang ginagawa ng mga NPA. "Sayang bakit naputol yong vedio..ang sarap pakinggan pag tutuong lumad ang mgsasalita dhil malalaman mo tlga ang tutuong nangyayari sa kanila laban sa mga NPA teroristang grupo..patuloy po tayong sumportahan ang mga lumad laban sa mga rebelding NPA."- Joban Brix. "nsaan na si Gabriela at yong kabataan partylist hindi nag ingay,,, mga NPA ne rape ang mga dalagita na lumad. pero ang police ng rape sa 15 anyos khit nasibak na at nakulong na, napakaingay nila binanatan si president Duterte, hoy nsaan na kayo kabataan partylist at gabriela lumabas na kayo sa bahay nyo! No To NPA huwag iboto kalaban ng gobyerno!"- Leojane Domingo. "Sa wakas may nagsampa rin ng kaso sa CPP-NDF, mabuhay suportado kayo namin at gov.lahat ng baho at panamamantala.ikaso ninyo..ng matauhan si matandang baliw joma sison. Magsampa din kayo sa ICC sa EJK pati na rin sa UNCHR sa mga kasong genocide pagpatay sa inyo kundi sasapi.nasaan na ang Gaston ng CHR at si Etang Rosales tagapagtangol ng demokrasya kanila lamang..mga salot anay ng bayan."- Nilo Serdua Santos. "wala akong alam sa international policies,, perk hindi ba pwedeng kasuhan nila si joma sison? kasi xa nman ang utak ng mga rebeldeng yan.... kung may bayag si Joma, umuwi xa at harapin nya ang gobyernong kinakalaban nya."- Sid Ney. " i hope tulungan ni tatay digong ang mga lumad sa pagsampa nila ng kaso against hukluban joma !! at wala atang nag iingay na yelloshit ah!! gabriela ayan na ung mga babaeng lumad na ginagahasa at chr naman sa mga taong pinapatay nung mga kampon ni joma!! mag-ingay na kau!"- Sinay Frei. Source: PTV +Kilala ang Univeristy of the Philippines (UP) dahil isa ito sa 4 na sikat na unibersidad sa ating bansa. Pero sa mga nagdaan na panahon, unti-unting nababawasan ang paghanga ng ilang kababayan natin sa naturang paaralan. Ito ay dahil sa pagiging inggrato ng ilang estudyante nito laban sa kasalukuyang pamahalaan, sa kabila ng pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "Universal Access to Quality Tertiary Education Act". Mukhang hindi mali ang mga kababayan natin na mabawasan ang kanilang paghanga sa UP. Sa pinakahuling listahan kasi ng Top University sa Asya, hindi man lang nakapasok ang UP sa top 10 ng Asian university list of British company Quacquarelli Symonds. Sa katunayan umabot lang ito sa ika-72 na pwesto. Maalalang isa ang UP sa mga paaralan na pinangalanan ng Armed Forces of the Philippines na recruitment center umano ng Rebeldeng Komunista para sa kanilang 'Red October Plot' o "Oust Duterte Movement". Basahin ang ilang sa mga komento ng mga kababayan natin sa sinapit ng UP. Source: Philippine Star | CNN Philippines | CNN Philippines 2 +Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipatanggal ang mga banners at posters na nagpapasalamat sa Presidente sa paglinis at pagpapa-rehabilitate sa Boracay. Base pa sa kwento ni Puyat, hindi raw nagustuhan ng Pangulo ang mga papuri at naisawa pa umano ang punong ehekutibo. "I saw a post - someone sent it to me - which says, 'Thank you PRDD for Saving Boracay'... He said that is corny. He doesn't like it. He doesn't want to be glorified,"ani Puyat. Ang Boracay Island ay magbubukas ngayon buwan matapos ang 6 na buwan na pag-rehabilitate sa isla. Matatandaang tinawag ng Pangulo na "cesspool" ang top tourist destination ng bansa dahil sa maruming sewage at piping system. Ilang ulat ang nagsabi na mataas ang coliform bacteria level sa isla. Ang coliform bacteria ay karaniwang nagmumula sa dumi ng mga tao at hayop. Base sa pahayag ng ilang kababayan natin, hindi na raw bago kay President Duterte ang ginawa nito. Kahit daw kasi sa Davao City, kung saan naging alkalde ito ay hindi niya ipinalalagay ang kanyang litrato sa mga proyekto ng lungsod. Ang ilang netizens naman ay ikinatuwa ang lideratong ipinakita ni Pangulong Duterte sa pagpalilinis ng Boracaay. Source: Philippine Star +Sa opisyal na pagpapakilala ng mga taga-oposisyon sa kanilang mga kandidato para sa 2019 midterm elections, hindi mabigilan ni Leni Robredo ang kanyang bunganga at pinasaringan ang Duterte Administration. Ayon kay Leni, may mali daw na nangyari noong halalan 2016 at kailangan daw ito itama. "Ano ba 'yung kung bakit binoto natin yung mga ibinoto natin noong 2016? Sana po ngayon 2019, kung may pagkakamali tayong nagawa noong eleksyon ng 2016, panahon po ito para itama natin ang 'yung ating mga mali,"sabi ni Uson Ang mga lumabas sa bunganga ni Leni ay hindi nagustuhan ng karamihan sa mga kababayan natin. Kung kayo ang tatanungin, ano ang mali noong 2016 elections? Source: News5 +Hindi pinalampas ni dating Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson ang tila pagpapalabas ng taga-oposisyon na si Senador Bam Aquino ang tila nasa likod ng libreng matrikula sa kolehiyo. Sa opisyal na pagpapakilala kasi ng mga kandidato ng oposisyon, nakalagay sa screen ang mukha ni Bam at may salitang, "Free Higher Education for All". Matatandaang noong panukalang batas pa lang ang REPUBLIC ACT No. 10931 o "UNIVERSAL ACCESS TO QUALITY TERTIARY EDUCATION Law", hindi lang si Bam kundi 7 pang senador ang nagpanukala nito (Senators Recto, Villanueva, Ejercito, Gatchalian, Pangilinan, Angara, at Legarda), na kalunan ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. "Sabi na nga ba gagamitin mo ito sa kampanya. KAPAL NG MUKHA MO BAM, Mahiya ka naman sa taumbayan. Kelan pa naging sayo yan. Tax ng bayan yan eh,"sabi ni Uson Basahin ang naging komento ng mga kababayan natin sa opinyon ni Uson kay Bam. Source: Mocha Uson Blog | Senate of the Philippines +Para kay Senadora Risa Hontiveros, minamalas daw ang mga Pilipino dahil sa pamamahala ni Pangulong Duterte sa bansa. Reklamo ng senadora na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte, puro korapsyon umano ang kasalukuyang gobyerno at wala raw maayos na tugon laban sa droga. Matatandaang isa si Hontiveros sa mga bumabatikos noong kasagsagan ng kampanya kontra-droga ni Presidente Duterte. "Minamalas ang mga Pinoy sa murang shabu at mahal na bigas dahil sa korapsyon at kawalan ng maayos na tugon ng gobyerno ni Pangullong Duterte," sabi ni Risa sa kanyang Facebook page. Nakakapagtaka lang na panay ang puna ni Hontiveros tungkol sa pagtaas ng presyo ng bigas kahit may mga ulat na diumanoy may mga negosyanteng na nagho-hoard ng bigas para manipulahin ang presyo nito sa merkado. Naligo naman ng batikos si Risa mula sa mga netizens sa mismong Facebook post niya. Source: Risa Hontiveros | UNTV | Greco Belgica +Nagsidatingan na ang mga makabagong air-conditioning units (ACU) na binili ng gobyerno para pagandahin ang serbisyo ng MRT3. Inaasahan ng Department of Transportation na magiging mas kumportable ang pagbiyahe ng mga kababayan natin sa pamamagitan ng mga bagong ACU. Aabot sa 78 na ACU ang nabili ng pamahalaan at nagkakahalaga ang mga ito ng P116.5 milyong piso. Ito ang ilan sa mga litrato habang ikinakabit ang mga nasabing ACU. Ikinatuwa naman ng mga kababayan natin ang aksyon ng gobyerno para pagandahin ang isa sa mga transport system ng bansa. Pakikalat po ang magandang balita na ito para malabanan natin ang mga paninira ng ilang grupo sa ating gobyerno. Source: ABS-CBN | DoTR +Pinagpi-piyestahan ngayon ng mga kababayan natin ang kumakalat na video sa social media tungkol sa diumano'y dayaan na nangyari daw sa SM Bacoor sa isinagawang raffle promo. Ang premyo sa naturang promo ay isang bagong kotse (Suzuki Dzire Swift). Nag-ugat ang pagdududa ng mga kababayan natin dahil sa naging kilos ng opisyal ng SM Mall habang isinasagawa ang raffle draw. Ayon sa mga netizens, kapansin-pansin daw na hindi inalis ng SM official ang kaliwang kamay nito sa kanyang bulsa habang kumukuha ng raffle entry sa tambiolo. At nang may nakuha daw na winning raffle entry, sabay na ginamit umano ng opisyal ang kanyang kaliwa't-kanang kamay at ibinigay ang winning entry sa kawani ng Department of Trade and Industries (DTI). Ayon sa uploader ng video na si Norman Sanez Ramirez, galing daw ang video sa Facebook page mismo ng SM Bacoor pero binura na daw ito sa FB page ng SM. Nai-save niya daw ang naturang video para malaman kung totoo bang may nangyaring dayaan. "This was originally a live video from Sm Bacoor page but it seems that the video was already been deleted. This post was not intended to hurt or ruin someone else's life or family please stop bashing guys, gusto lang din naman pong malaman nang iba kung totoo ba o hindi yung nakitang pandaraya, i know they are just doing their job haiz"sabi ni Ramirez. Binura na po ng original uploader ang kanyang video, pero may ilang Facebook pages na nakapag-upload ng nasabing video. Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa mahigit 30,000 ang nag-bahagi ng video at umani na rin ng sari-saring reaksyon mula sa mga kababayan natin. May hokus-pokus nga ba na nangyari? Ano sa tingin niyo? Source: Norman Sanez Ramirez +"I like Duterte, your president very very much. I know some people don't like Duterte, however, Duterte is a geniune Pinoy, genuine man who want to save the Philippines." Ganito ang naging pahayag ng isang Emirati na nakilala lamang sa pangalang Dr. Salem. Sa Facebook video na kumakalat na ngayon, ibinahagi ni Salem ang kanyang paghanga sa Pangulo ng Pilipinas. Ayon kay Selam, dapat daw suportahan ng mga Pilipino si Presidente Duterte para umunlad muli ang Pilipinas at ginagawa raw ng Pangulo ang lahat para bigyan ng dangal ang lahat ng Pilipino. "I know many Pinoys and Pinays who are doctors, nurses, engineers, but they are working in my country as waiters, they work in hospitals as a cleaners, janitors, not as doctor because of the corruption in the Philippines. And Duterte worked very hard to give Philippines honor, to give Philippines good opportunity to rise again. Philippines is a very rich country but because of lots of corruptions and lots of people who steal the country goes down. But I am sure with your support to this man (Duterte) and with good people like you, the Philippines will flourish again."sabi ni Salem. Ikinatuwa naman ng mga kababayan natin ang naging komento ni Dr. Salem sa ating Pangulo. Source: Filipino Viewer +Ayon sa pinakahuling Social Weather Station survey, naniniwala ang karamihan sa mga Pilipino na tumutungo ang bansa natin sa tamang direksyon. 75% ang nagsasabing tamang direksyon ang tinatahak ng Pilipinas, 22% naman ang may opinyon na mali ang direksyon ng bansa, habang 3% naman ang naguguluhan. Matatandaang noong Hunyo 2018, lumabas sa survey na 70% lang ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa. Samakatuwid, tumaas ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa pagpapatakbo ng gobyerno sa bansa at hindi na-apektuhan ng mga balita tungkol sa inflation. Sari-saring reakssyon naman ang naging tugon ng mga kababayan natin sa naturang survey. Sang-ayon ba kayo sa naging resulta ng survey? Paki-kalat po ito kung OO. Source: News5 +Sapul sa video ang kabalastugan ng mag-asawa na bumabatak ng iligal na droga sa harap ng kanilang musmos na anak. Kita sa video kung paano lumalapit ang bata sa foil na ginagamit ng mag-asawa sa kanilang bisyo. Nahuli na ang mag-asawa na nakilalang sina Jon-jon Del Rosario at Ana Marie Gilos. Nasagip na rin mula sa mga suspek ang bata. "Bilang ama, masakit din tignan na yung batang walang kamuwang-muwang at ang napansin nga namin ang malakas na usok ay napupunta sa bata, makikita nantin sa surveilance iyan. Ibig sabihin ay talamak na talaga itong mag-asawang ito. Hindi nila iniisip ang kalusugan ng bata. May possibility na mag-positive ang bata kung i-drug test natin iyon," sabi P/Supt Vic Cabatingan ng Bacoor Police. Ikinagalit naman ng mga netizens ang kabalbalan ng mga durugistang magulang. Sang-ayon ba kayo na dapat ituloy at pabagsikin ang giyera kontra-droga? Source: GMA News +Viral ngayon ang video ng nahuling babaeng durugista. Mensahe ng suspek sa mga kapwa niya adik, maganda raw ang tama ng droga dahil magiging masipag daw sa gawaing bahay ang sinumang hihithit ng ipinagbabawal na gamot. Halata sa naturang video na sabog na sabog ang babae habang kinakausap. Ayon sa original uploader ng mga videos, nahuli ang babae sa isinagawang buy-bust operation ng San Luis Police Station. Ito po ang ilang video habang kinakausap ang durugista. Isa lang ang panayam sa babaeng ito sa mga viral videos ng mga sabog sa droga na kung anu-ano ang sinasabi. Ano ang dapat gawin sa babaeng ito? Suportado niyo ba ang kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga? Source: Jimjim Hipolito +Sa talumpati ni Presidente Rodrigo Duterte sa 44th Philippine Business Conference and Expo sa Manila Hotel, binunyag ng Pangulo na na-iyak siya dahil sa ginagawang pang-aapi sa kanya ni dating United Nations High Commissioner for Human Rights (UNCHR) Zeid Ra'ad Al Hussein. Matatandaang sinabi ni Zeid na kailangan daw ni Pangulong Duterte na magpatingin sa psychiatrist matapos magbanta si Presidente Duterte na sasampalin si UN special rapporteur Agnes Callamard dahil sa pangingialam nito sa Pilipinas. "Ang presidente nila (sa UN High Commission on Human Rights) sinabi na, 'Duterte you need to see a psychiatrist... Kapatid pala ng King of Jordan. Napaiyak tuloy ako kasi inaapi-api ako ng mga tao," pagsisiwalat ng Pangulo. Source: RTVM +Humihiling ngayon ng tulong ang 12-years old brain cancer patient na si Jinn Sam sa mga taong may mabubuting puso at lalo na kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapagamot siya. Sa kanyang video na in-upload ng kanyang ina, makikita ang hirap sa pagsasalita ng bata, habang may nakatusok na tubo sa kanyang ilong. "Hello po. Ako po ulit si Jin Samm. Ako po ay nananawagan kay Presidente Duterte na sana po tulungan niyo po ako na sana po ipaabot kay Dra. Farrah para mapa-immuno. Please po," pagsusumamo ni Jinn Samm. Sa hiwalay na video naman ng kanyang ina, umiiyak na nagmamakawa ang nanay ni Jinn Sam na si Benjie Rosadino sa publiko para matulungan sila sa pinansyal para mapagamot ang kanyang anak. Tulungan po natin ang mag-ina. Paki-kalat po ang artikulong ito para makarating sa mga kinauukulan ang kalagayan ng bata. Source: Benjie Rosadino +Sa kumakalat na video clip ng programang "It's Showtime", naging laman ng katatawanan ang dalawa sa mga kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Senator Antonio Trillanes at Leila De Lima. Mapapanood sa nasabing video clip na binanggit ni Vice Ganda ang pangalan ni De Lima at ipinatungkol ito sa kayang co-host. At nang tanungin kung ano ang mensahe nito kay Trillanes, pabiro nitong sinabi na inaantay na daw nila si Trillanes. Si De Lima ay nakapiit ngayon sa Camp Crame at hinaharap ang mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga. Ikinatuwa naman ilang kababayan natin ang banat ng mga host kay Trillanes. Source: It's Showtime via jym bwrdn +"Ahhhhhhhh kaya.....kala ko tonyo dinaanan ka ng suwerte kang kumag ka" Ganito ang naging reaksyon ni former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte matapos hindi katigan ni Regional Trial Court Judge Andres Soriano ang pagpapa-aresto at Hold Departure Order ng Department of Justice (DOJ) laban kay Senador Antonio Trillanes kaugnay sa Kasong kudeta noong 2003. Kalakip sa post ni Paolo ay ang screenshot ng balita mula sa GMA news, kung saan ipinapakita na appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Judge Soriano. Hindi ikinatuwa ng karamihan sa mga kababayan natin ang naging desisyon ni Judge Soriano sa kaso ni Trillanes. Hindi rin ba kayo pabor sa naging hatol ni Judge Soriano? Source: Vice Mayor Pulong Duterte - Official | GMA News +"This is just the beginning, this is not the end. Nobody has to claim total victory here. Umpisa pa lang ito, marami pang pupuntahan itong kasong ito." Ganito ang naging pahayag ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra matapos pigilan ni Makati Regional Trial Court Jusge Andres Soriano ang pag-aresto kay Senador Antonio Trillanes. Inilutang din ni Guevarra ang ideya na dalhin sa mas mataas na hukuman ang kaso ni Trillanes. "We expect both parties may elevate this ruling of the RTC to a superior court," sabi pa ni Guevarra. Sa kaugnay na isyu, binuko ni Presidential Son at former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na appointee umano ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Judge Soriano. Maalalang si Aquino ang nagbigay ng kwestiyonableng amnestiya kay Trillanes. Naniniwala ba kayo na hindi tama ang naging desisyon ni Judge Andres Soriano? Source: ABS-CBN | News5 +Sapul sa video ang pangingialam ng isang retiradong hukom sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa suspek na si Jesus Restuto Alagar sa Ilocos Sur. Si Alagar ay lider ng notoryus Alagar drug group. Mapapanood sa programang BITAG ang biglang pagdating ng tiyuhin ng suspek na isa palang retired judge at pinagsesermonan ang mga operatiba ng PDEA. Pero ang angas ni judge ay hindi umubra sa karakas ng batikang journalist na si Mr. Ben "BITAG" Tulfo ng magka-usap ang dalawa sa telepono. 24 na pakete ng ng hinihinilang iligal ng droga ang nakumpiska kay alagar. TInatayang aabot ang halaga nito sa humigi't-kumulang P300,000. Source: BITAG Official +Butata ang inabot ng mga militanteng estudyante at ng makakaliwang kongresista sa sagot ng aktress na si Aiko Melendez sa Instagram post ni Davao City Mayor Sara Duterte. Sa social media post ni Duterte, binanatan nito si ACT Teachers Representative Antonio Tinio sa tila paggamit sa ilang kabataan sa kanilang rally habang panahon ng pag-aaral. Ang post naman ni Mayor Sara ay sinang-ayunan ni Melendez. "Imbes na pag aaral ang atupagin, rally at puro reklamo nalang ang ginagawa. Maraming mga bata ang ninanais na makapag aral at pinapangarap na sana sila ang nakakapag aral than sa inyo na ala inatupag kundi magreklamo. Do they even know why they are there? If they love our country as they always claim, shouldn't they prioritize our children to study instead of being in the streets?!!," sabi ni Melendez Ito po ilan pa sa opinyon ni Melendez tungkol sa party-list na iniwan niya sa social media post ni Mayor Sara. "kng mahal po ng mga party list na yan ang mga bata na pinagrarally nila, bakit di nila ibigay ang parte ng budget nila para sa edukasyon ng mga bata na po yan dba mam? Kaso mali na ang paraan nila po mam. Kng ang mga bata na yan ay bayad para me makain? Hindi ba pansamantala din ang ginawa nilang aksyon? Kng maka reklamo po sila sa gobyerno naten ganun ganun nalang po. Eh sila ano po ba ang nagawa na nila po?" dagdag pa ni Melendez Sang-ayon ba kayo sa sinabi ng aktress? Source: indaysaraduterte Instagram Account +Ito ang dahilan kung bakit nasisira ang imahe ng buong kapulisan. Sapul sa dashcam video noong Oktubre 19 ang pagpalo at pagsira ng police escort sa side mirror ng taxi na minamaneho ni Joseph Barreno. Mapapanood sa video na dahan-dahan tumabi si Barreno sa isang gate sa may Andrews Avenue nang sumenyas at nag-sirena ang mga pulis pero laking gulat na lang niya na may narinig siyang humapas sa kanyang side-mirror. Ang mga pulis ay nag-e-escort ng isang negosyante. Napag-alaman na ang mga naturang pulis ay naka-off-duty noong pagkakataon na iyon. Nakilala ang mga pulis sa viral video na sina Police Officer 2 Ralp Tumanguil ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at si Jay Templonuevo ng Paanaque Police. Ayon kay Tumanguil, tinap niya lang umano ang side-mirror ng taxi ni Barreno. "Tinap ko lang po 'yung side mirror, para ma-flag down kasi papasok na po kami sa gate... Hindi ko po napansin na nasira na pala siya,"sabi ni Tumanguil. Mahaharap ang dalawang pulis sa kaong administratibo at maaring masuspinde ng 1 hanggang 2 buwan, ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar. KUng kayo ang masusunod, ano ang dapat na parusa sa mga nasabing pulis? Source: ABS-CBN +Binulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang talumpati kung umano'y ginagawa ni Senador Antonio Trillanes noong nag-aarala pa lang sa Philippine Military Academy. Ayon sa Presidente, hindi daw ito sumasali sa training at parating nasa opisina ng tatay na opisyal sa militar. "Si Trillanes, hindi naman pala sumasali dun sa mga training na iihi ka talaga sa pantalon mo, kasi he was favored, because he was always in the office of his father, who was working in the government and also a military man. Siya pala ang nilakad ng tatay niya,"sabi ni Presidente Duterte. Source: RTVM via Innovation Politics +Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nakaranas diumano ng sexual harassment mula sa pari si Miss International 2013 Bea Rose Santiago. Nangyari daw ito noong bata pa ang dating kandidata sa Miss International. Rebelasyon pa ni Santiago, nangangaral pa rin raw ang pari hanggang ngayon. "Sexual harassment is real not just in pageants but everywhere. I was molested when I was a child by a priest. He is still preaching somewhere in Masbate"sabi ni Santiago Ang pagbubunyag ni Santiago ay kasunod ng pagputok ng balita tungkol sa nangyaring sexual harassment sa ilang kandidata ng Miss Earth sa kamay ng isa sa sponsor ng patimpalak. Nakisimpatya naman ang mga tao sa naranasan ni Mss. Santiago. Source: Manila Bulletin | Bea Rose Santiago +Naging laman ng balita ng mga mainstream media kamakailan lang ang diumano'y pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa isang talumpati sa Boacay. Ang balita naman na ito ay agad pinaniwalaan nila Roxas at ni vice president Leni Robredo. Sa katunayan, nagpasalamat at ikinagalak pa nila Roxas at Leni ang diumano'y pag-endorse ng Pangulo. Nagtataka ngayon ang mga tao kung naintindihan ba nila Roxas at Leni ang konteksto ng pahayag ni Pangulong Duterte. Sa kabila kasi ng sarkastikong tono ng pananalita ng Pangulo, ay tila natuwa pa ang dalawa. Kaya sa isang social media post, binanatan ng Pro-DUterte blogger at foreign university lecturer na si Sass Rogando Sasot ang naging tugon nila Mar at Leni sa sinabi ng Presidente. "Sabi ni Duterte nun, isa itong si Gen. Garbo na protekto ng droga sa Visayas. Ngayon itong si Garbo, ang sabi ng Pangulo ay security aide or political aide ni Mar Roxas. Ngayon ang sabi ni Duterte sa same speech, sige iboto niyo kasi Ilonggo. Pero hindi niya ine-endorse. Ang sabi niya, iboto iyo pero ito ang background niya (Roxas) is political aide niya si Garbo... Si Leni naman, sumakay, nag thank you. Nag welcome sa endorsement pero wala naman endorsement... Ang sinasabi ni PRRD, itong si Roxas, pagbinoto niyo iyan, ito ang baggage niyan. Senior aide niya ang protector ng shabu trade sa Visayas. Bakit ang tanga niyo?"sabi ni Sasot. Ito po ang buong sarkastikong komento ni Presidente Duterte tungkol kay Roxas na pilit binaligtad ng mga taga-mainstream media. Source: Sass Rogando Sasot +Hindi na nagpigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sarili sa talumpati niya sa Boracay noong Huwebes. Sa pahayag niya kaharap ang mga benepisyaryo ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA), sinabi ng Pangulo na dapat agad patayin ng mga militar ang mga fixers sa Bureau of Customs. Ang pagbabanta ng Pangulo, ay paraan ng Presidente para ipakita kung gaano ka-seryoso ito sa paglaban sa korapsyon sa ahensiya. "Soldiers will be fielded there to hunt down fixers. I told them, if you see fixers, shoot them and throw them into the sea. Do not admit to the killing. Damn those criminals. You must kill all the fixers because you will be swallowed by the corrupt system there,"sabi ni Presidente Duterte. Matatandaang matapos pumutok ang shabu/magnetic lifter controversy sa Customs, binalak ng palasyo na ipa take-over sa militar ang kontrol sa naturang ahensiya. Source: Philstar | RTVM +Ikinatutuwa ngayon ng mga netizens ang personal na pagbati at pagkanta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaarawan ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde. Ayon sa ilang mga netizens, ito raw ang unang pagkakataon nilang makita ang isang Presidente na bumati at kantahan ng birthday song ang isang Director General ng PNP. Ikinatutuwa din daw ng mga netizens na makita ang dalawa sa kanilang mga hinahangaang personalidad sa public service na magkasama. Si Albayalde ay itinalaga sa pwesto ni Pangulong Duterte noong Abril 2018 para palitan ang magreretirong si General Ronald "Bato" Dela Rosa. Sa kabila ng hindi galing sa balwarte ni Pangulong Duterte (Davao City), nagulat ang lahat nang siya ang napili ng Presidente para pamunuaan ang pambansang pulisya. Nakilala si Albayalde sa istriktong pagdidisiplina sa hanay ng kapulisan. Source: Oscar Albayalde +Sa isang social media post, sinabi ng prominenteng mamamahayag na si Jay Sonza na hindi daw dapat magtaka ang mga tao kung bakit nag-iingay si Senador Kiko Pangilinan patungkol sa isyu ng pagpasok ng pangatlong Telco sa Pilipinas. Ayon kay Sonza, pamangkin daw kasi ito ng may-ari ng Philippine Long Distant Company (PLDT) na si Manny V. Pangilinan. Ibinunyag din ni Sonza na si Many Pangilinan din daw ang nagpondo sa kandidatura ni Kiko. Alam ng lahat na ang PLDT ang isa sa duopoly pagdating sa larangan ng telecommunications sa bansa. Si Manny din daw ang may-ari sa ilang mass media prganization sa bansa, tulad ng TV5, Philippine Star, Cignal Direct TV at part owner din daw ng Inquirer radio DZIQ. Ang naturang post ni Sonza ay umani ng iba't-ibang reaksyon na naibahagi na rin ng 3,000 beses sa social media habang isinusulat ang artikulong ito. Source: Jay Sonza | Philippine Star +Sapul sa lente ng programang BITAG ang matensyong engkwentro sa pagitan ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) at ng sindikato ng credit card identity theft sa Lungsod ng Quezon. Mapapanood sa video na kargado ng armas ang mga suspek pero hindi nakapalag dahil sa mabilis na aksyon ng otoridad. Dinala agad sa headquarters ng Quezon City Police District ang mga kawatan. Nang makaharap ng host ng programang Bitag na si Ben Tulfo ang mga salarin ay tila naging mga maamong tupa ang mga ito. Source: BITAG OFFICIAL +Kalunos-lunos ang sinapit ng 17-anyos na si Sophia Julie Postanes matapos siyang mahagip ng tren ng Philippine National Railways sa Cabuyao, Laguna. Ayon sa ulat ng GMA News, pinigilan umano ng mga tao ang dalaga na tumawid ng tren pero hindi naririnig ang mga tao dahil naka-headset ang dalaga. May payo naman ang otoridad tungkol sa pagsusuot ng headset habang nasa pampublikong lugar. "It is a total distraction. Unang-una hindi mo naririnig ang kapaligiran mo noh. Pati ang mga busina. Yung mga ambient noises na may sasakyan ka sa gilid, hindi mo naman naririnig iyan eh, if you are wearing your headset," ayon kay Metro Manila Development Authority Bong Nebrija. Nagpakita naman ng pakikiramay ang ilan nating kababayan sa kinasapitan ng dalaga.. Source: GMA News +Nababahala ang ilang miyembro ng oposisyon sa pagpili sa Mislatel Consortium para maging provisional 3rd telco player ng bansa. Ayaw raw kasi nilang mangyari muli ang mga maanomalyang proyekto na konektado sa China, na kung hindi daw nalantad ay baka may nakinabang sa bilyong-bilyong pondo ng bayan. Kinuwestiyon din ng mga senador ang pagpili sa pangatlong player sa telco. "We don't want a China Telecom joint venture to be NBN-ZTE Part 2 ($329 million) and North Rail project ($421 million) in our midst. If not exposed, it will rob the people billions of pesos... What qualified it in the first place? Why were the other bidders booted out? What is the track record of the winning bidder in the telecommunications business? Was the government opening up the bidding to other players just a formality? Masabilang that the government went through the process?" sabi nila Senators Franklin M. Drilon, Francis N. Pangilinan, Antonio F. Trillanes IV, Leila de Lima, at Risa Hontiveros sa isang pahayag. Hindi naman nagustuhan ng ilang kababayan natin ang naging pagpuna ng mga senador. Source: News5 | MB +Sa isang talumpati sa pamamahagi ng lupa sa Malay, Aklan. Nagbanta muli si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin nito ang pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso na sa 2020. Inalala ng Presidente ang ginawa umano ng TV network sa kanya noong halalan 2016. Matatandaang inere ng istasyon ang mapanirang advertisement ni Trillanes ilang araw bago ang mismong araw ng eleksyon. "Alam mo yung ginawa ng mga p*****g i*a kayo, ikaw Gabby. Inuna mo pa yung advertisement ni Trillanes na hindi ikaw. Pinaniraan ako ng mga bata, ay si Duterte killer yan. Sa batas, there was an injunction na hindi pwede yan kasi bawal na gamitin mo ang bata. And yet pumunta talaga kayo, went ahead with the show and made it public... ung franchise ninyo, matatapos. But let me ask you questions first. Kasi ako talaga mag-object na marenew kayo. Alam mo bakit? Magnanakaw kayo. Estapador. Ginawa ninyo sa amin, marami kami,"sabi ng Pangulo. Sari-saring reaksyon naman ang naging tugon ng mga kababayan natin sa pahayag ni Presidnte laban sa network giant. Source: News5 +Sa katatapos lang na ika-31 na Cabinet Meeting sa Malacanang, sinabi ni Presidente Duterte na tama lang na patayin ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga. Magbibigay din daw siya ng pabuya sa mga pulis na makakapatay ng kanilang mga superior na konektado sa kalakaran ng iligal na droga. "I am going to reward that policeman. Any policeman who will kill his superior because the superior is into drugs, I will give you a prize and a trip to Hong Kong,"sabi ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo ang pahayag na ito matapos pumutok ang balita tungkol sa pagkakapatay kay Superintendent Santiago Ylanan Rapiz sa isang anti-drug operation. Si Rapiz ay chief of the logistics branch of the Zamboanga del Norte police. Matatandaang noong Agosto, nag-alok ng P5-milyon si Pangulong Duterte sa sinumang makapapatay ng pulis iskalawag. Suportado niyo ba ang sinabi ng Presidente? Paki-kalat po itong artikulo kung OO. Source: GMA News | News5 +Sa isang instagram post, sinabi ng beteranong talent manager na si Lolit SOlis na swerte pa ring umano ang Pilipinas kung ikukumpara sa ilang bansa. Ikinumpara ni Solis ang Pilipinas sa ilang bansa gitnang Amerika kung saan ang mga tao ay gustong pumunta sa Estado Unidos para takasan ang kahirapan na nararanasan nila sa kanilang inang bayan. Hindi daw ito katulad ng karamihan sa mga Pilipino na kuntento sa sariling bansa sa kabila ngkahirapan. "Kung ikukumpara mo Salve iyon bayan natin sa mga nangyayari ngayon sa ibang bansa, parang matutuwa ka pa na mas maganda ang katayuan natin kaysa sa iba. Iyon mga tumatakas sa bayan nila para mag-migrate, iyon binabantayan ang Mexican borders dahil sa dami ng gustong pumasok sa US, ang mga nalulunod sa dagat dahil ayaw tanggapin sa borders ng mga bansang gusto nilang pasukin, you feel lucky na tayo may sariling bayan, na tayo hindi tumatakas para mapunta sa ibang bansa, na tayo secure pa rin ang feeling sa loob ng bayan natin," sabi ni Solis. Ikinalungkot naman ng prominenteng talent manager ang inaasal ng ilan nating kababayan. Panay reklamo pa rin daw ang ilan sa mga Pilipino. Pero naniniwala siya na pag nagtagumpay ang kampanya kontra-droga ng kasalukuyang administrasyon, mas magiging ligtas ang Pilipinas. "Ang dami pa rin natin dapat ipagpasalamat, hindi nga ganun kaganda ang ibang pangyayari, pero mas maganda pa rin ang kinalalagyan natin. Hindi nga lang makontento ang marami, kahit ano complaint pa rin ang ginagawa but when you see the sad situation of the other, then makikita mo na nasa much better situation tayo. Na mahal pa rin tayo ni God, na siguro mas matindi ang prayers natin kaya lang siyempre meron pa rin mga tao na sagad ang kasamaan kaya may mga nasasaktan, mawala lang ang drugs sure ako tatahimik na tayo. Kaya nga we should be thankful and pray more," dagdag pa ni Solis. Source: akosilolitsolis +Sapul sa CCTV, ang pag-atake ng isang lalake sa kapwa niya motorista sa Pampanga. Dahil sa pagsuntok ng suspek, napuruhan ang mata ng biktima. Ayon sa salaysay ng biktima, nagpakilala pa raw ang suspek na anak ng isang kongresista. Nahagip din naman sa camera ang plakang "8" ng Toyota FJ Cruiser SUV na sinasakyan ng suspek. Ito po ang raw version ng CCTV footage ng panununtok ng nagpakilalang anak ng kongresista. Ayon sa isang netizen, nakagitgitan din daw niya ang nasabing barumbadong driver sa Congressional Road sa Lungsod ng Quezon. Kita sa video ng naturang netizen na parehong-pareho ang itsura ng likod ng sasakyan ng nanggitgit sa kanya at ng nanuntok ng motorista sa Pampanga. Pansinin ang "AUTOBOT" na decal na nakadikit sa likod ng sasakyan ng suspek. Source: ABS-CBN | Rakizim Kimpololoy +Sa pinakahuling talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado, inihayag ng Presidente na dapat mapanagot na sa batas ang mga batang criminal na may edad 14-anyos pababa. May nakabinbin ng panukalang batas sa kongreso para mapababa ang criminal liability ng mga kabataan. Mula 15-anyos, gustong gawin 9-anyos ang mga mapaparusahang mga bata. Si Senador Tito Sotto din ay naghain na rin ng resolusyon para pababain ang criminal liability ng kabataan. "15 years old, hindi mo makulong. Doon tayo nagkaroon ng great injustice. Labas pasok (sa kulungan) all through out of the country. Ang nagkasala rape with homicide, balewala," sabi ng Pangulo. Umangal naman ang rights group sa ideya na babaan ang edad ng criminal liability, habang ang ilang nating kababayan ay pumabor naman. Source: ABS-CBN +Umaani ngayon ng batikos si Magdalo Representative Gary Alejano mula sa mga netizens dahil sa mga lumabas sa kanyang bunganga. Sa isang talumpati na nakunan ng video, sinabi ni Alejano na mauuna daw na papanaw si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa ilang impormasyon, sinabi daw ito ni Alejano sa harap ng iilang Pilipino sa United Kingdom. "It's a start! You have to go thorugh that. Kung mayroon man tayong dinadaanang kahirapan, o may present situation tayo ngayon, dadaan lang iyan. Si Duterte dadaan lang yan, naniniwala ba kayo? Dadaan lang sya dahil ang term nya 2022 na noh. Puwede ng matapos yung term nya, e puwede na rin syang matapos sa mundong ito. Ganun lang yun no. I BELIEVE MAUUNANG MAMATAY SA ATIN YUN KASI MATANDA NA SYA E 'DI BA? Baka sabihin na naman pinagdadasal natin," sabi ni Alejano. Source: Jay Sonza +Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang ulat kamakailan lang ng ABS-CBN patungkol sa pagdami umano ng mga Pilipinong walang trabaho. Ayon sa artikulong may pamagat na "Mga Pinoy na walang trabaho, umabot sa 9.8 milyon", milyon-milyon na daw ang walang hanap-buhay na kababayan natin kung pagbabasehan ang pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS). Tanong nga mga kababayan natyn, paano nalaman at umabot sa 9.8 million ang resulta ng survey kung sa mismong artikulo ay sinabing 1,500 lang ang tinanong. "Idinaos ang SWS survey mula Setyembre 15 hanggang 23 sa pamamagitan ng mga face-to-face interview sa 1,500 Pinoy na may edad 18 pataas. Mayroon din itong +/-6 percent margin of error para sa national percentages," sabi sa ulat ng ABS-CBN. Hindi tuloy maiwasan ng mga kababayan natin na kuwestiyonin ang nasabing ulat at ang resulta ng survey. Source: ABS-CBN | ThinkingMinds +Sapul kay Danish Ambassador to the Philippines Jan Top Christensen ang ilang media organizations sa Pilipinas. Sa isang pagtitipon ng mga mamamahayag na pinangunahan ng Asian Institute of Journalism and Communication and International Media Support, sinabi ni Christensen na madalas daw ay nagiging negatibo ang pag-uulat ng media pagdating sa isyu tungkol sa gobyerno at tinawag niya ang mga ito na kulang sa Professionalism at Ethical Standards. Ayon pa kay Christensen, dumadating pa sa puntong "systematically negative" ang ilang media organizations dahil hindi daw naipapakita ng mga ito ang mga nagagawa ng gobyerno. "I read many different media everyday and I must say some of these media are systematically negative. To me, it's lack of ethical standards, lack of professionalism" sabi ni Christensen. Sang-ayon naman ang ilang netizens sa mga sinabi ng envoy ng Denmark. Pabor din ba kayo na kulang ang Professionalism at Ethical Standards ng ilang media sa ating bansa? Ano-anong media organization ang sa tingin niyo ang tinutukoy ni Christensen? Paki-kalat po ang artikulong ito kung sang-ayon kayo kay Christensen. Source: ABS-CBN +Inuudyukan nila Reps. Neil Abayon ng Aangat Tayo at Bernadette Herrera-Dy ng Bagong Henerasyon si Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ang continuing professional training program ng Professional Regulation Commission (PRC). Hindi daw kasi ma-implement ng maayos ang PRC ang programa at naging bulag at bingi na umano ang mga taga-PRC sa mga hinaing ng mga propesyonal ukol sa perwisyong training. Ayon pa sa mga mambabatas, tila naging paraan na raw ito para pagkakitaan ng iilan. "Mr. President, please suspend this broken program indefinitely for the sake of Filipino professionals here and abroad, including tens of thousands of overseas Filipino workers (OFWs)... There are entities and people out there who charge tens of thousands of pesos for training. Given current difficult economic times, how can our professionals cope with that? There are even some event organizers who are of dubious character, yet they flourish," sabi ng mga kongresista. Sumang-ayon naman ang ilang kababayan natin sa mga sinabi ng mga mambabatas at tila sinisisi ng ilang si Senador Antonio Trillanes sa pahirap na kanilang nararanasan. Si Trillanes ang isa sa may akda ng Continuing Professional Development program law. Source: Philstar | Senate of the Philippines +Viral ngayon ang pang-aalaska ni Attorney Larry Gadon sa ginawang pagta-trapik ni Mar Roxas noong Secretary pa ito ng Department of Interior and Local Government. Sa isang video, kinutya at kinuwestiyon ni Gadon ang hand sign na ginawa noong ni Roxas habang nagmamando ng trapiko. Ang video ni Gadon ay naibahagi na ng mahigit 16,000 habang isinusulat ang blog post na ito. "Hi mga ka-tropa! Ano ba ang ibig sabihin ng sign na ito? Ganyan. Anong klaseng traffic sign iyan? GUmagawa niyan ay bobo," sabi ni Gadon. Nakihalubilo na rin ang mga netizens sa pang-aalaska sa ginawang traffic sign ni Roxas, Ito po ang ilan sa kanila. Source: Atty Gadon +Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Puerto Princesa City, Palawan noong Sabado, binanatan ng Presidente si Liberal Party President Kiko Pangilinan kaugnay sa inakdang batas ng senador na "Republic Act 9344 of the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006", na nag-aabswelto sala sa mga batang kriminal na may edad 15-anyos pababa. "If you do not have anything to say except to criticize like Pangilinan, well, I'm sorry, pero shut up... ikaw yung abogadong alam kong pinaka-bobo sa lahat... Pangilinan 'yan, mag-isip lang kayo noong hindi panahon sa batas ni Pangilinan at ngayon ang nangyari... Hindi mo talaga ma-detain ang bata whatever the crime may be. It could even be genocide. Walang sasagutin,"sabi ng Pangulo. Sinang-ayunan naman ng ilang kababayan natin ang mga banat ni Pangulong DUterte laban kay Pangilinan. Source: Presidential Communications | GMA News +Binabatikos ngayon ng mga netizens ang paandar ni Vice President Leni Robredo sa isang day care center sa Tondo, Maynila. Sa kanyang storytelling session sa mga kabataan ng Tondo, binasahan ni Leni ng libro ang mga mag-aaral na may pamagat na "Digong Dilaw". Ang istorya ng naturang libro ay tungkol sa batang lalaking may pangalang Digo na mahilig sa dilaw. Si Leni ay kasapi sa Partido Liberal na kilala sa kulay dilaw. Source: Philstar +Nahalungkat ng prominenteng Pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot ang isang artikulo noong 2012 (Aquino Government Era), kung saan ipinapakita na ang Pilipinas ang numero uno sa paggamit ng iligal na droga sa rehiyon ng Silangang Asya. Ang post ni Sasot ay nag-ugat sa pagkumpara kamakailan ni Senator Risa Hontiveros sa presyo ng bigas at shabu sa panahon ng Duterte Government. "Noong panahon ni PNoy ang Pilipinas ay dineklara ng UN na #1 user ng shabu sa East Asia. Bakit tahimik noon sina Bam Aquino, Leni Robredo, at bakit hindi kinumpara ni Risa Hontiveros noon ang presyo ng shabu sa presyo ng bigas?" sabi ni Sasot. Ayon sa ulat noong 2012 ng United Nations World Drug Report, 2.1 porsyento ng mga Pilipinong may edad 16 hanggang 64 ang lulong sa methamphetamine o mas kilala sa tawag na shabu. Source: Sass Rogando Sasot | Inq +Nawarak ang bibig ng 17-anyos na si King Sardea habang himihithit ng vape o electronic cigarette kahapon. Ayon sa ulat ng GMA News, wasak ang gilagid at bibig ng biktima at halos wala ng natira sa mga ngipin nito. Base sa salaysay ng ina ng biktima, humihina na raw ang baterya ng vape kaya nakipag-swap daw ang anak nito sa ka-chat pero hindi daw tugma ang bateryang naibigay sa biktima. "Noong binigay na daw po ang battery, sinalpak na daw ng anak ko iyon, pagka-salpak ng anak ko doon at nung sinubukan niya ay biglang sumabog. Hindi ata match yung battery na nilagay doon kaya sumabog,"sabi ni Grace Sardea, ina ng biktima. Sari-saring reaksyon naman ang naging tugon ng mga kababayan natin sa balitang ito. Pabor ba kayo na dapat bigyan ng matinding parusa ang sinumang nagbebenta ng e-cigarette sa mga menor de edad? Paki-kalat po itong artukuo kung OO. Source: GMA News +Galit na hinarap ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar ang pulis na naaktuhang humihithit ng droga sa isang club sa Bonifacio Global City, Tgauig City. Ang pulis ay nakilalang si Police Officer 1 Redentos Bautista, na naka-designate sa anti-crime. "Nagpe-prepare lahat sa Undas. Lahat tayo naghahanda. Full alert status. Ikaw, anong ginagawa mo? Nasa isang club, nagco-cocaine. Anong klaseng pulis ka? Sumagot ka nga? Anong duty mo? Anong assignment mo? Sinong immediate supervisor mo?"sabi ni NCRPO Chief Eleazar. Natuwa naman ang mga kababayan natin sa ginawang aksyon ng Philippine National Police laban kabalbalan ng ni PO1 Bautista. Source: Manila Bulletin | Philstar +Ayon sa social media post ng pro-government blogger na si RJ Nieto a.k.a. ThinkingPinoy, nagsalita na umano si Presidential Spokesperson Salvador Panelo tungkol sa kaso ng pagkakapaslang sa bodyguard/aide ni election whistle blower Attorney Glenn Chong. na si Richard "Red" Santillan. Mariing kinukundina umano ng Malacanang ang brutal na insidente kung saan napatay si Santillan. Punag-utos na din daw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang masusing imbestigasyon sa kaso para mapanagot ang mga may kasalanan. "The Palace strongly denounces the brutal and brazen incident which led to the death of Mr. Richard Red Santillan. President Rodrigo Roa Duterte has ordered a fair and thorough investigation of the case until the killers, including the mastermind, are put behind bars," sabi umano ni Panelo. Hindi din daw kinukunsinte ng Pangulo ang mga pulis na lumalabag sa batas. Commited din daw ang Pangulo na mabigyan ng hustisya ang mga kamag-anak at mga kaibigan na naiwan ni Santillan. "As we know by now, PRRD does not condone erring men in uniform who grossly violate the law. Similar to the Batocabe murder case, he certainly has the same commitment of getting justice done for the family, relatives, friends and for all those Mr. Santillan left behind." ayon daw kay Panelo. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa pahayag ng Palasyo ukol sa Santillan case. Panoorin naman ang video kung saan inilahad ni Attorney Glenn Chong ang update sa kaso. Source: TP | PTV +Matapos maliitin ni Senador Antonio Trillanes ang "very good" rating na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) Survey, ito na naman siya at binanatan na naman ang Duterte Administration habang nasa ibayong-dagat. Sa isang mensahe, sinabi ni Trillanes na matinding krisis daw ang idinulot ng gobyerno ni Pangulong Duterte at hindi raw nagtatagumpay ang Duterte Administration na magtayo ng diktadurya dahil nagsasama-sama daw ang mga tao. "Sa aking mga kababayan all over the world na sumusubaybay sa nangyayari sa ating bayan, nagpapasalamat po ako sa inyo sa patuoy na paniniwala sa kabutihan sa Pilipino. Alam niyo ho tayo ay dumaan sa matinding krisis na ginawa nitong Duterte Administration pero dahil nagsasama-sama tayo at alam natin ang tama sa mali, ay hindi niya nagagawa sa ngayon ang kanyang hangarin na magtayo ng diktadurya. Pero marami pang kailangang gawin, kailangang magkaisa pa rin tayo. Patuloy pa rin natin ang panalangin at magsabi ng katotohanan sa mga kababayan natin. At 'yan lang tanging paraan.," Ito po naman ang sinabi niya tungkol sa gradong nakuha ni Pangulong Duterte mula sa publiko. Panoorin ang ulat tungkol sa pagtaas ng satisfaction rating ni Pangulong Duterte bago magtapos ang taon. Source: Gene Alcantara +Matapos lumabas ang pinakahuling Social Weather Station survey tungkol sa "very good" rating ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglabas naman ng pahayag ang kritiko niya na si Senador Antonio Trillanes. Ayon kay Trillanes, wala raw maniniwala sa naturang survey dahil puro kapalpakan daw ang ginagawa ng Pangulo para sa kanya. Patuloy niya pang siniraan ang naturang survey nang sabihin nito na nakakaramdam lang daw ng takot ang mga naging respondents. Malalaman daw ang totoong sentimiyento ng mga Pilipino sa mid-term elections sa susunod na taon. Sa isa namang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sampal sa mukha ng mga kritiko ang kalalabas na survey. "The consistent satisfaction rating of PRRD puts a lie to critics and detractors who find nothing good in his style of governance. The support of the Filipinos for our Chief Executive also sends a strong message to foreign human rights groups and foreign governments to put a stop to their baseless and unkind accusations on his war on drugs. In addition, the survey result is a slap on their faces for their outrageous intrusion on the sovereignty of our country," sabi ni Panelo. Matatandaang sinabi ni Trillanes noong nakaraang tao na babagsak daw ang mga numero ng ating Pangulo. Pero matatapos na ang 2018, nananatili pa rin na pasado ang mga gradong nakukuha ng Presidente sa mga surveys. Source: Antonio "Sonny" Trillanes IV | CNN +"Hindi ko na ang wifi dahil nagkakaroon ng away... Kaya ngayon wla ng wifi para wala ng away." Sapul sa video ng netizen na si Romar Deocadiz ang paghihinagpis ng kanyang kapitbahay matapos niyang patayin ang wifi o Wireless internet sa kanilang computer shop. Makikita sa video na unang nagtungo ang isang babae sa shop para magtanong kung bakit nawala ang koneksyon sa wifi. Kalaunan ay sumunod ang isang lalaking nagagalaiti dahil sa pagkakawala ng internet connection. Ang litrato sa ibaba ay si Deocadiz, ang nagbabantay sa computer shop at nagreklamo laban sa kanyang kapitbahay na nakiki-connect sa kanilang wifi. "Huwag mong sasabihin sa akin na wala kang magagawa ah. P- ina! Noong wala ka dito, nakaka-connect ako ng walang problema. Dumating ka dito, hindi ako maka-connect kahit kanino... T-- ina ka! Bumalik ka nga sa [inaudible]. I don't give a f-- who's watching me," sabi ng lalake napatayan ng wifi. Ito po ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa inasal ng lalakeng nakiki-wifi. Source: Romar Deocadiz +Hindi nakaligtas kay Manila Times Columnist at dating Ambassador to Cyprus Bobi Tiglao ang naging banner headline ng Inquirer. Inalmahan ni Tiglao ang pag-quote kay Senador Antonio Trillanes kaugnay sa pasadong gradong nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalalabas na survey ng Social Weather Station. Sa naging pahayag kasi ni Trillanes, sinabi ng senador na maaaring natatakot daw ang respondents sa survey kaya nakakuha ng pasadong marka ang Pangulo. Ayon kay Tiglao, kung sisipi ang Inquirer ng pahayag sa bobong source, tila nagiging mas bobo daw ito. "This is the dumbest banner headline I've seen in many years. Quoting the dumbest senator. Why don't you guys read up what an opinion poll is? You're saying people are afraid of Duterte so they approve of his leadership? And "By the Inquirer Staff". And if you quote a dumb source, then you're dumber," sabi ni Tiglao. Basahin ang naging komento ng mga kababayan natin sa mga sinabi ni Tiglao. Source: Bobi Tiglao | INQ | News5 +"I think he is real people's President who thinks of his people. As the saying goes, there is no other way except what he does. He thinks about people, youth and future. His fight is fight for future. It's so wonderful. People like Duterte exist. We pray for him." Ganito ang naging paglalarawan sa video blog na inilabas ng isang Russian national, kung saan kinakapanayam niya ang kanyang kababayan na isang Russian Orthodox Woman at inilahad nila ang mga aniya'y pananaw at opinyon nila sa Administrasyong Duterte, at sa mga kasalukuyang polisiyang ipinatutupad sa Pilipinas. I-LIKE po natin ang Facebook page ni Kuya GJ. Sa kanyang Facebook Page na "Kuya GJ", naglabas din siya ng isa pang video kung saan ipinakita naman niya ang aniya'y naging epekto ng Pamahalaang Duterte maging sa kanilang bansa. Isa sa mga tinalakay niya ang umano'y pagkakaroon ng ilang mga produktong gawa sa Pinas sa kanilang mga merkado na ayon sa kaniya ay dating wala. Buong pagmamalaki niyang ipinakita sa video ang produktong "Filipino Sun Dried Mango". "You see, this is just a simple mango from the Philippines. But the thing is that, before Duterte became President, we had never had anything from the Philippines here in Russia. And only if I'm not mistaken, in 2016, for the first time in Russian History, Russian Groceries started buying Filipino sweets. It's just a simple mango, but that's how Filipino culture slowly goes to Russian society," ani Kuya GJ. Pinuri din ni Kuya GJ ang aniya'y mga programa ng Pamahalaang Duterte na tumututok sa mga usaping pang-ekonomiya ng bansa at naging parte umano nito ang mapukaw ang interes ng Russia sa ating mga produktong lokal. Source: Kuya GJ +Sa Facebook post ng CNN Philippines reporter na si Rex Remitio, ipinakita niya ang mga instrumento gagamitin ng mga doktor sa mga kababayan nating mapuputukan ngayong pagsapit ng bagong taon. Ilan dito ay ang panlagare ng buto, drill, bone rengeur, mallet o maso, bone holder, wire passer, bone hook at marami pang iba. Sa video na ibinhagi ni Remitio, mapapanood si Department of Health Secretary Francisco Duque na nagbibigay babala sa publiko na huwag gumamit ng paputok para hindi magamit sa kanila ang mga instrumento. "Iwasan po natin itong posibleng gamitin sa inyo. Simple lang ho. Ilayo niyo ang sarili niyo sa peligro. Huwag gumamit ng paputok. Kung hindi, ito ang kapalit," sabi ni Duque. Source: CNN Philippines | Rex Remitio +Ayon sa 2:37 pm paunang ulat ng Manila Bulletin, isang malakas na pagsab0g ang nangyare sa sa tapat ng South Seas Mall, Magallanes Street, Cotabato City. Base sa impormasyon mula sa Philippine National Police (PNP), naganap ang insidente ng mga 1:59 ng hapon at 11 biktima ang dinala sa ospital. Sa ulat naman ng One Mindanao, walo sa mga biktima ang nakilala na. Ito ay sina Bai sandra Ayunan, 16yo, student ,res of sagingan . Kalanganan, cot; Kutin Sedik , 65yo, male, res of marquez mb pob .cot; Hamida Solaiman, 21yo, female, res of sk, mag; Norlyn Biruar, 4yo, female; Tarhata Biruar,43yo,female, sagingan kalanganan cot.; Marissa Torres, 49yo, res of penafrancia rh11 cot; Aida Dalandag, 58yo, pob 1 cot.; Joey Api, 31yo, male, res of pob 2 cot. Ito naman po ang mga larawan at litrato ng insidente na mula rin sa One Mindanao Page. Panoorin ang kuha ng CCTV. Ito pa po ang mga karagdagang larawan sa insidente. Panoorin ang pinaka-huling ulat tungkol sa insidente. Source: Manila Bulletin | One Mindanao | ANC +Hindi pinalampas ng kilalang Pro-Duterte Blogger at Foreign University professor na si Sass Rogando Sasot ang mga pagka-dismaya ni Vice President Leni Robredo sa pagkaka-deport sa Misyonasryong si Sister Patricia Fox. Matatandaang sinabi ni Leni na mas Pilipino pa umano si Sis Fox kaysa sa ilan sa mga kababayan natin. "Talagang babad na babad at nakakalungkot na pinaalis siya dito sa atin. Sabi ko nga, parang mas Pilipino pa siya kaysa sa marami sa atin," sabi ni Leni. Ayon kay Sass, bakit hindi narinig ang boses ni Robredo noong sinipa palabas ng bansa ng Aquino Government ang foreign activist na si Thomas van Beersum dahil pagsali sa mga political activities. "Nakakaloka ka! Bakit ka malulungkot na may nade-deport? Eh yun ang policy. Eh di mag hain ka ng batas na pwede ang foreigners na mag participate sa mga political activities sa Philippines. Mahilig kayo manggamit ng mga isyu na kunwari concern kayo etc. Pero noong kayo ang nasa kapangyarihan, Over Acting din naman kayo magpa-deport ng mga foreigners na nagpa-participate ng mga political activities. Di ba si Thomas van Beersum? Ang plastic ni Leni Robredo. Hindi ka naman nag-ingay kay Van Beersum," sabi ni Sasot. Ang opinyon ni Sasot laban kay Leni ay sinang-ayunan naman ng karamihan sa ating mga kababayan. Source: Sass Rogando Sasot +Kalunos-lunos ang sinapit ng 16-anyos na grade 9 student matapos siyang bugbugin umano ng lasing na Brgy. Chairman na si Felipe TJ Falcon Jr ng Brgy. 350 sa Maynila. Ayon sa ulat, napagkamalan daw ng biktima na isang kagawad si Kapitan Falcon kaya ito binugbog. Nakisali din daw sa pambubogbog ang mga alipores (kagawad at tanod) ni Kapitan Falcon noong tinangka dumepensa ng binatilyo sa pananakit ng punong barangay. "Hindi daw siya (Brgy. Captain Falcon) nakilala, para nabastusan sa kanya. Pero noong humingi na siya ng despensa, hindi pa rin siya pinalabas, inumpisahan na siyang banatan sa loob ng barangay hall. Pinalo ng cellphone sa mukha, sinampal ng dalawang beses, tapos paluin ng matigas na dry seal sa panga, atsaka brass knuckle. Pinasubo din ang dulo ng baril," sabi ni Ranero Gelizon, ama ng biktima. Inulan ng batikos at tuligsa ngayon ang ginawang pang-aabuso ni Brgy. Chairman Falcon. Naniniwala ba kayo na ito ang dapat na tutukan ng mga human rights group at ng CHR? Sang-ayon ba kayo na matanggal sa serbisyo ang suspek na chairman? Paki-kalat po ang artikulong ito para malaman ng buong bayan ang kabalbalan ng kapitan na ito. Source: News5 +Kung marami ang natuwa dahil sa ginawang rehabiltasyon sa Boracay ng Duterte Administration, iba naman ang naging reaksyon ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate. Sa isang panayam, kunwestiyon ng kongresista ang ginawang ng kasalukuyang administrasyon sa isla. "Boracay's problem is a complex problem. It's not just the water pollution where there is a lot of coliforms or the volume of garbage in the wetlands... Na-rehabilitate ba talaga nila yung buhay ng Boracay... I doubt it that the environmental problems have been duly addressed. In six months you can't solve that," sabi ni Zarate. Ipinasara ng Duterte Government ang Boracay noong Abril para mai-rehabilitate ang isla dahil sa kapabayaan ng ilang opisyal sa naturang lugar. Matatandaang lumabas sa ilang ulat na mataas ang coliform bacteria sa dagat ng isla. Ang coliform ay bakterya na nanggagaling sa dumi ng tao at hayop. Hindi naman nagustuhan ng mga tao ang mga pinagsasabi ng makakaliwang kongresista. Source: Manila Bulletin | archive +May bagong birada si Senador Kiko Pangilinan laban sa Duterte Government. Sa kanyang social media post, sinabi ni Pangilinan na natatakot daw ang Duterte Government na mawala sa kapangyarihan dahil sa pagpapa-deport ng gobyerno kay Sister Fox. "Deporting a 70 year old, ailing Nun is not a sign of power and strength. It is a sign of great fear, of cowardice and of weakness. This administration is deathly afraid of losing its grip on power and so even a 70 year old, ailing nun critical of government's abuse must be deported. Takot at kaduwagan at hindi tapang ang tunay na nasa likod ng mga kilos ng adminsitrasyon laban kay Sister Patricia Fox,"sabi ni Kiko. Hindi naman pinalampas ng mga netizens ang bagong boladas ni Kiko sa Duterte Administration at inilutang ang ilang balita kung saan ipinakita na kahit ang Aquino Government noon ay nagpa-deport din ng mga banyagang aktibista sa Pilipinas at tila walang narinig kay Kiko noong panahon na iyon. Source: Inquirer | VOVph +Bumoladas si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa naging komento ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa mga santo. Ayon sa Facebook post ng obispo, ipagpanalangin na dapat ng publiko si President Duterte dahil "very sick" daw ito. "I think it should obvious to people by now that our country is being led by a very sick man. We pray for him. We pray for our country,"sabi ni David. "Happy All Saints'...Bakit naman...tarantado talaga itong mga Katoliko ang puta, bakit ba may All Souls' Day at All Saints' Day?Hindi natin alam kung sino mga santo na 'yun. Mga gago na iyon, mga lasenggo. Dito na lang kayo. I'll give you a patron. Get hold of a picture of mine, iyan lagay niyo sa altar, Santo Rodrigo,"sabi ng Pangulo sa isang conference noong Huwebes. Hindi naman nagustuhan ng karamihan sa mga kababayan natin ang mga pinagsasabi ng pari laban kay Pangulong Duterte Source: Pablo Virgilio David | Inquirer +Patay ang 66-anyos na retiradong guro matapos siyang patayin ng binatilyong na pick-up sa mall sa may Recto, Maynila. Ayon sa suspek na pinangalanang Jeff, nagawa niya lang daw ang krimen dahil binantaan siya ng biktima na hindi siya babayaran. Ito na umano ang ikalawang pagkakataon na nagkita ang dalawa para magtalik. "Pagkapasok po namin, hinubaran niya na po agad ako. Tapos, ayun na po. Akala ko pagkatapos ko, tapos na po. Humiga po siya at sabi niya 'ako naman daw po'. Tapos pinipilit niya ako pero ayaw ko na po. sabi niya, hindi niya daw ako babayaran. Nabuwisit ako, nagsuntukan po kami doon at sinakal ko po siya,"sabi ni Tumanguil. Sari-saring reaksyon naman ang naging tugon ng mga netizens sa balitang ito. Source: News5 +Sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, lumabas na bahagyang bumaba ang trust ratings ni Bise Presidente Leni Robredo. Ayon sa survey ng SWS, 59 porsyento na lang ng mga Pilipino ang may tiwala kay Robredo. Kakaiba naman ang nagiging direksyon ng survey na isinasagawa sa website na Yahoo.com. Habang isinusulat kasi ang artikulong ito, umabot na sa 86% ang nagsabi na wala silang tiwala kay Leni, habang 13% lang ang nagsabing may tiwala pa rin sila sa bise presidente. Kapansin-pansin na ang survey ng Yahoo.com ay nakakalap ng mahigit 120,000 na respondents, habang ang survey ng SWS ay karaniwang umaabot lang sa iilang libong mga respondents. Sang-ayon ba kayo sa naging sa itinatakbo ng survey ng website na Yahoo.com. Paki-kalat po itong artikulo kung OO ang sagot niyo. Punta na rin po tayo sa Yahoo.com para makaboto. Source: Yahoo.com +Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa distribution of Certificates of Land Ownership Award sa Cagayan de Oro, muling binanatan ng Presidente ang grupong Magdalo na kinabibilangan nina Senador Antonio Trillanes at Congressman Gary Alejano. Sa dayalektong Bisaya, sinabi ng Pangulo na manggugulo lang daw ang 2 dating sundalong rebelde sa ating bansa. "Kung doon kayo kay Trillanes, sa Magdalo, sige, wala 'yang gagawin kundi manggulo. Saan ka makakita ng nag-rebolusyon, nagdala ng armas, tapos mag-senador? Mas marunong pa sa lahat. Kung 'yan gusto n'yo sina Alejano..." sabi ni Presdiente Duterte laban kina Trillanes at Alejano. Matatandaang sinabi na rin ni Pangulong Duterte na nakikipagsabwatan umano ang Magdalo sa Liberal party at sa mga komunista para siya ay mapatalsik sa pwesto. Sa mga nauna ng talumapti ni Pangulong Duterte sa Jerusalem noong Septiyembre, hinimok nito ang mga Pilipino na mamili ng tamang iboboto sa paparating na halalan 2019. "Pero sa totoo lang gusto ninyo ng worker? Iyong tao na -- totoo. Congressman pwede kayong mamili maski sino pero 'yung mga senator lalo na, tutal malayo naman sa inyo, choose the best," ani Duterte. Source: News5 | RTVM +Isang hindi kanais-nais ang nangyari sa flag raising and wreath laying ceremonies na ginawa sa Rizal Park sa Maynila para ipagdiwang ang Rizal day na pinangunahan ni Vice President Leni Robredo. Nasira at napunit kasi ang bandila ng Pilipinas. Kinailangan pang palitan ito ng bago ng mga Philippine Marines. Hindi tuloy napigilan ng mga netizens na magkomento sa nangyari. Ito po ang ilang kwelang opinyon ng mga kababayan natin sa nangyari sa bandila ng Pilipinas. Source: GMA +Inuulan ngayon ng batikos ang dilawang mamamahayag na si Philip Lustre Jr. dahil sa naging komento nito laban sa mga kababayan natin na nakatira sa Mindanao. Ayon kasi kay Lustre, maituturing daw na mahihina ang kukote ng mga taga-Mindanao. Ito po ang ilang komento mula sa mga kababayan natin. Hindi tuloy napigilan ng ilan na halukayin ang nakaraan ni Lustre. Ilang taon na kasi ang nakararaan nang nai-ugnay si Lustre sa insidente ng panununog. Si Lustre ay kritiko ni Pangulong Duterte. Panoorin niyo po kung paano niya banatan ang ating Pangulo. Source: Twitter | Philstar +Viral ngayon ang video ng pagkumpronta ng isang pamilya sa service crew ng Pizza Hut sa Araneta Colliseum. Ayon sa uploader ng video na si Olin Ovlac, inaway daw ng pamilya ang service crew matapos ipatupad lang nito ang polisiya sa estabilisimiyento. Ayon sa ilang netizens, bawal dalhin sa loob ng colliseum ang mga takip ng mineral water. Humantong pa daw sa pagbabato ng pagkain sa crew ang insidente. Lubos na naawa si Ovlac sa sinapit ng babaneg crew dahil tuloy pa din daw ito sa pagta-trabaho at pagbebenta kahit umiiyak pa. Base naman sa isang pang saksi na si Jemard Bariso, nag-umpisa daw ang kumprontasyon nang magalit ang matandang babae dahil hindi ito nakabili ng popcorn sa Pizza Hut at nang pakiusapan ng crew na bumili na lang sa Snaxx (tindahan ng popcorn na katabi ng Pizza Hut). Lalo pa raw tumindi ang kumprontasyon nang ayaw pumayag ng kasamang lalake ng babae na tanggalin ang takip ng bottle water. At gumulo ng husto ang eksena nang batuhin na raw ng mas nakababatang babae ng pagkain ang crew. Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa mahigit 67,000 na ang nagbahagi ng video at mayroon naring mahigit 29,000 na komento. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natins ainsidenteng ito. Source: Olin Ovlac +Arestado ang isang pari sa Barangay Canduman, Mandaue City matapos paluin ng kahon ang likurang bahagi ng 15-anyos na babae. Ayon pa sa ulat ng Cebu Daily News, sinipa rin umano ng pari ang bata ang bata. Ang dahilan ng pananakit ng pari ay dahil lang hindi napakain ang mga alagang aso nito. Kinilala ang suspek na si Rev. Fr. Decoroso Olmilla, 61-anyos, ng Nativity parish. Ang bata at ang ina nito ay nakatira sa kumbento. Ang pag-aresto sa pari ay nangyari noong Miyerkules, mga ala-7 ng gabi. Ayon sa pahayag ni PO1 Jinalyn Formentera ng Women's Desk of the Canduman Police Station, humingi ng tulong ang biktima sa mga kapitbahay para iulat sa mga pulis ang nangyare. Umamin din daw ang paring suspek sa nagawa nito. Boluntaryo namang sumama ang pari sa mga umaaresto sa kanya at hindi pa muna magbibigay ng pahayag ukol sa nangyari. Nananatili pa rin si Olmilla sa Canduman Police Station. Mahaharap sa kasong Republic Act 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang pari. Sumasailalim na ang bata sa isang medical examination sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at ang magiging resulta ng pagsusuri ay gagamitin bilang ebidensiya laban sa pari. Ang nanay ng biktima ay disididong sampahan ng reklamo ang pari. Ito po ang ilan sa naging komento ng mga kababayan natin sa pananakit ng pari. Source: CebuDailyNews | SuperBalita Cebu | Mindavote | ABS-CBN +Kaawa-awa ang sinapit ng pulis na si PO3 Federico Macaya sa mga kamay nila Iloilo 1st District Rep. Oscar "Richard" Garin at ng ama nito na si Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin. Ayon sa mga ulat, pinagtulungan ng mag-ama na bugbugin ang pulis dahil sa insidente rin ng pagbubugbog na nangyari noong Disyembre 22 sa Guimbal Plaza.Base pa sa ulat, dinuraan at pinabantaan pa daw na ipapapatay ang pulis sa mga NPA. Ayon kay Western Visayas police Director CSupt. John Bulalacao, plano nilang maghain ng mga kasong physical injuries, alarm and scandal, direct assault against an agent of person in authority and grave coercion charges laban sa konresista. Ni-recall na rin ni Bulalacao ang lahat ng mga security escort ni Mayor Garin. Ipinatatanggal din ang kapangyarihan ni Garin sa mga pulis. TInanggal din ni Bulalacao ang provincial police chief dahil hindi umano tinulungan ang tauhan nito. Dagdag pa ni Bulalacao, hiniling na rin ng mga pulis sa Guimbal na maalis sa bayan ng Guimbal. Sa isa naman pahayag, inamin ni Representative Garin ang pangyayari at humihingi ito ng kapatawaran. Si Rep. Garin ay asawa ni dating Department of Health Secretary Janette Garin. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa nangyaring insidente. Source: ABS | CNN +Sa ulat ng GMA News, binulgar ni Mario Ludades na ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ay isa sa mga legal front ng Communist Party of the Philippines (CPP). Si Ludades ay kasapi sa No to Communist Terrorist Group Coalistion (NTCC) at isa ding Ingenous People leader sa Cordillera Administrative Region. Ayon pa sa artikulo ng GMA, isa din daw si Ludades sa mga 18 na orihinal na nagtatag ng CPP at 18 taon namalagi sa grupo. Ilan pa sa mga pinanglanan ni Ludades na kasama sa legal fronts ng CPP ay ang League of Filipino Students, College Editors Guild of the Philippines, and Students Christian Movement of the Philippines. "Bukod sa kabataan, patuloy din ang panloloko sa mga miyembro ng urban poor, maralitang magsasaka, manggagawa at iba't ibangmarginalized sectors," sabi ni Ludades. Binanatan din ni Ludades si CPP Founder Jose maria "Joma" Sison. Ayon kay Ludades, isa-isa umanong nag-alisan ang founder ng CPP dahil sa "self-centered style" na pamumuno at pagiging diktador daw ni Joma. Sa isang pahayag, itinanggi ng NUJP ang mga sinabi ni Ludades. "The charge of being a "legal front" of the communists is so absurd it is tempting to dismiss it outright," sabi ng NUJP. Panoorin ang isang dokumentaryo na nagpapakita sa kasamaan ng CPP at ng armed wing nito na New People's Army (NPA). Basahin ang reaksyon ng mga tao laban sa NPA. Source: GMA | PTV | GMA +Sa isang pahayag na ipinadala sa mga media, ibinunyag ng umano'y dating miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Ka Danny ang mga kabalastugan ng New People's Army. Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi ni Ka Danny na ang mga party-list groups na Bayan Muna, Anakpawis at ACT-Teacher ay mga "legal fronts" ng CPP. Inamin din ni Ka Danny na pagkilos ng mga komunista ay mabibigo lang dahil sa mga kasamaan at kasinungalingan nito sa masa. Ayon ka kay Danny, naging miyembro siya ng CPP ng mahigit 18 taon at nagsilbi bilang opisyal sa Legal and Unification Committee. "If they (communists) are really sincere in what they are fighting for, there will come a time that they will succeed. But in reality, they are just using past peace talks to deceive the youth and try to teach them that the country is experiencing a rotten political system," sabi ni Ka Danny. Binanatan din ni Ka Danny si CPP Founder Jose Maria "Joma" Sison. Habang ang mga miyembro ay nagkikipag-giyera, si Joma daw at mga matataas na miyembro ay may kumportableng buhay sa ibayong-dagat. "This is one of the reasons why we left the organization. While we stake our lives in the war we are waging, Jose Maria Sison and other members of the higher organ are living comfortable lives abroad," dagdag ni Ka Danny. Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa ika-50 anibersaryo ng CPP. Ibinunyag naman ni Mario Ludades ng No to Communist Terrorist Group Coalition (NTCC) at isa sa mga 18 founders ng CPP ang mga iba pang legal fronts ng CPP. Ilan sa mga pinagalanan niya ay ang League of Filipino Students, National Union of Journalists of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines, and Students Christian Movement of the Philippines. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa mga pagbubunyag ng mga dating miyembro ng kilusan. Source: GMA | ABS +Ibinunyag ng mga dating pinuno ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si CPP Founder Jose Maria Sison ang mga pakana sa pagpapasabog sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971. Matatandaang 9 ang binawian ng buhay at mahigit isan-daang tao ang sugatan sa naturang inisdente. Nagtatag din daw sila ng mga grupo sa ilalim ng Kabataang Makabayan at nagsagawa rin ng mga pakilos laban sa gobyerno. Nagkipagkutsabahan din daw ang grupo nila sa kay mao zedong, pinuno ng Communist Party of China para sa mga suportang pinansiyal at armas. Naisiwalat din na ipinapapatay din ng ilang lider ang mga sariling miyembro. "Ang pumalit kay Sison, si Tiamson, Benito Tiamzon, siya ang gumagawa ng polisiya na lahat ng tao ay iimbestigahan sa bawat lebel ng unit. Talagang papatayin ka nila," pagsisiwalat ni Ben Tepaet, dating Executive Committee member. Ayon naman sa isa pang dating kasapi ng komunista, umabot daw ng isang libo ang naipapatay. "More or less 1000 ang pinagpapatay na sarili nilang kasamahan," sabi naman ng dating Miyembro ng New People's Army (NPA)-Sandantahan Yunit Propaganda Chito Herbolingo. Ayon pa sa ulat, wala daw respeto sa mga tribu ang mga komunista. Panoorin ang buong dokumentaryo tungkol sa mga dating miyembro ng NPA. Basahin ang naging reaksyon ng mga tao sa pagbubunyag ng mga dating pinunu ng partido omunista. Source: PTV +May bagong boladas na naman si Communist Party of the Philippine (CPP) founder Jose Maria "Joma" Sison laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam sa kanya sa ANC, sinabi ni Sison na isang modernong manyak ang Pangulo. Hindi pa siya nakuntento at sinabi pa niya na nakalusot lang daw sa pwesto ng kapangyarihan si Duterte. Para kay Sison, pangkaraniwang estudyante lang daw ang Pangulo at hindi raw akma para mamuno sa bansa. "There is a fast rate of deterioration of decomposition of the ruling system. You see, Duterte has become the President as someone that is not fit and has managed to sneak into power and this shows very much the degradation and the state of decomposition of the entire ruling system. If mediocre student like Duterte and someone who is only good for being mayor and even bad as he was engaged in extra-judicial killings. Now you have a modern maniac in power trying to put on a national scale his blood thirsty kind of character," sabi ni Joma. Basahin ang ilang banat ng mga kababayan natin kay SIson. Source: ANC +Sa panayam ng ANC kay Communist Party of the Philippine (CPP) Founder Jose Maria "Joma" Sison, natanong si Joma kung ano ang importansiya ng CPP sa kasalukuyang panahon. Isa sa mga sinabi ni Sison ang nakapagpataas ng kilay ng mga kababayan natin at ito ay ang pagtataguyod ng demokrasiya ng kanyang grupo. "This party (Communist Party of the Philippines) upholds defense anf promotes national sovereignty, democracy, economic development thriugh land reform, nationalization, social justice cultural progress that soothes the people, and ," sabi ni Joma. Ayon pa kay Sison, pinangungunahan daw ng CPP ang maliwanag na rebolusiyonaryong pagkilos. Basahin ang naging bwelta ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Sison. Source: ANC +Noong Sabado, tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng mga rebeldeng komunista para sa isang unilateral ceasefire at inatasan na ang mga kasundaluhan na puksain ang mga bandidong New People's Army (NPA). Dapat din daw isama sa laban ang mga legal fronts ng mga komunista. "We do not subscribe to their ceasefire. We are ready for anything and I said change your paradigm. Do not fight them. Destroy them. Destroy them. Kill them. Basta destroy... Law and order means you have to destroy, not really fight, but destroy the Communist Party of the Philippines, including its legal fronts and infrastructure," sabi ng Pangulo. Sa isang pahayag, sumagot si Communist Party of the Philippine Founder Jose Maria Sison. Ayon kay Sison, ang Pangulong Duterte daw ang numero unong lumalabag sa karapatan pantao at may karapatan daw ang mga tao na tanggalin ang Presidente sa pwesto nito. "Duterte is the abominable No. 1 violator of human rights and is the precise target of the Filipino people's exercise of their sovereign right to free themselves from tyranny and to undertake all necessary actions to oust him from his position," sabi ni Sison na nasa netherlands. Inalmahan ng ilang kababayan natin ang mga boladas ni Sison sa Pangulo. Basahin ang kanilang mga komento. Source: GMA +Wala ba talagang disiplina ang mga Pilipino pagdating sa pagtatapon ng basura sa tamang lugar? Kung pagbabasehan ang Facebook video ng News5, alam niyo na ang sagot. Sa video na inilathala ng News5, mapapanood ang samu't-saring basurang iniwan ng mga namasyal sa Rizal Park kahapon, araw ng pasko. Ayon sa News5, ang Department of Public Works ang Highway ang nagtanggal ng mga basura mula Luneta sa Maynila haggang Cultural Center of the Philippine (CPP) sa Pasay City. Ipinakita ng mga kababayan natin ang pagkadismaya nila sa ginawa ng mga namasyal sa Luneta. Ayon sa isang nag komento, kahit sino pa daw ang maging Presidente ay wala na daw pagbabago dahil kasama na raw sa ugalng Pilipino ang kawalan ng disiplina. Source: News5 | Philstar +Sa isang pahayag na nilabas ng Office of the Presidential Spokesperson, malugod na tinatannggap ng Malacanang ang pinakahuling resulta ng satisfaction survey ng Social Weather Sttation (SWS) kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapakitang lalong tumaas ang dami ng mga kababayan natin na nasisisyahan sa performance ng Presidente. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinabubulaanan ng survey ang mga bintang ng mga kritiko. Ito rin daw ay magbibigay ng malakas na mensahe sa mga foreign human rights groups and foreign governments na ihinto na ang mga walang basehang akusasyon laban sa giyera kontra-droga ng Duterte Administration. Ayon pa kay Panelo, sampal sa pagmumukha ng mga kritiko ang pinakahuling survey. "In addition, the survey result is a slap on their faces for their outrageous intrusion on the sovereignty of our country," sabi ni Panelo. Nagpapasalamat din ang Palasyo sa walang-sawang suporta ng publiko sa pamumuno ni Pangulong Duterte. Ito raw ay lalong magtutulak sa gobyerno na magtrabaho ng maigi. Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa pinakahuling satisfaction rating survey ni Pangulong Duterte. Ito po ang ilang reaksyon ng mga kababayan natin sa pinakahuling survey sa performance ng pangulo. Source: Office of the Presidential Spokesperson | GMA +Tuloy-tuloy ang pagpapalakas sa pwersa ng ating kapulisan. Sa tulong ng San Miguel Corporation (SMC), sa pamamagitan ni SMC President Ramong Ang, magkakaroon ng 50 units ng BMW G 310 R motorcycles ang Philippine National Police - Highway Patrol Group (PNP-HPG). Ayon sa ulat ng Inquirer, base daw sa impormasyon sa website ng BMW motorcycles, ang isang motorsiklo ay may halagang P250,000. Kaya kung susumahin. aabot sa P12.5 milyon ang 50 units na ibinigay ng SMC sa kapulisan. Ito raw ang unang pagkakataon na nabigyan ng high-class motorcycles ang PNP. Nagpasalamat naman ang liderato ng Kapulisan sa pagtulong ni SMC President Ang. Makakatulong daw ng husto ang mga bagong sasakyan sa mga operasyon ng patrolling units sa EDSA. "First time in the sense na BMW ito. Kasi siguro mga 50 years ago pa 'yung last time na nagkaroon ng BMW ang PNP. We are very thankful for the SMC through Ramon S. Ang for his generosity," PNP-HPG director Chief Supt. Roberto Fajardo. Alam niyo bang si SMC President Ramon Ang ay kaibigan ni Pangulong Duterte at isa sa mga nagbigay ng pondo sa kanyang kandidatura noong 2016? Panoorin ang mga sinabi ni Ramong Ang sa pagpasok ng Duterte Administration noong 2016. Source: Inquirer +Anim na miyembro ng New People's Army -Special Partisan Unit (NPA-SPARU) ang napulbos ng otoridad sa isinagawang "Oplan Sauron" ng Armed Forces of the Phiippines at ng Philippine National Police (PNP) sa Negros Occidental. Arestado din sa operasyon ang 17 NPA habang 1 naman ang boluntaryong sumuko. 5 na sari-saring mga armas ang nakumpiska ng mga tropa ng gobyerno at mayroon din nakuhang subersibong dokumento. Matatandaang kamakailan lang ay inatasan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pwersa ng gobyerno na puksain na ng tuluyan ang mga rebeldeng komunista. "We do not subscribe to their ceasefire, we are ready for anything. Change your paradigm, do not fight them, destroy them. Destroy them," sabi ng Pangulo. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pagpurga sa mga bandido. Source: PTV +Baka tumaas na naman ang mga kilay ng kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS). Nakapagtala kasi ng satisfaction rating +60 ang Pangulo sa pinakahuling datos na inilabas ng SWS, ito ay anim na puntos na mas mataas kumpara sa +54 points noong Septiyembre. Bumaba naman ng isang puntos dissatisfaction rating ng Presidente. Habang ang 11 porsyento ng mga Pilipino ay "undecided". Ang ibig sabihin nito ay mayorya sa mga Pilipino ay kuntento sa trabaho ng kasalukuyang gobyerno. Ginawa ang survey noong Disyembre 16-19 sa 1,440 na adult respondents. Natatandaan niyo ba yung panayam kay Senador Antonio Trillanes sa Programa ng BBC na Hardtalk noong 017 kung saan sinabi niya na baba daw sa 50 ang ratings ng Pangulo? Ito po ang reaksyon ng ilan nating mga kapwa Pilipino sa pinakahuling survey na inilabas ng SWS. Source: CNN | ABS | News5 +Baka tumaas na naman ang mga kilay ng kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS). Nakapagtala kasi ng satisfaction rating +60 ang Pangulo sa pinakahuling datos na inilabas ng SWS, ito ay anim na puntos na mas mataas kumpara sa +54 points noong Septiyembre. Bumaba naman ng isang puntos dissatisfaction rating ng Presidente. Habang ang 11 porsyento ng mga Pilipino ay "undecided". Ang ibig sabihin nito ay mayorya sa mga Pilipino ay kuntento sa trabaho ng kasalukuyang gobyerno. Ginawa ang survey noong Disyembre 16-19 sa 1,440 na adult respondents. Natatandaan niyo ba yung panayam kay Senador Antonio Trillanes sa Programa ng BBC na Hardtalk noong 017 kung saan sinabi niya na baba daw sa 50 ang ratings ng Pangulo? Ito po ang reaksyon ng ilan nating mga kapwa Pilipino sa pinakahuling survey na inilabas ng SWS. Source: CNN | ABS | News5 +"Alang-alang sa tatay niya," Sa isang Facebook live video, pinagmalaki ni Ruby Villanueva aka Mystica ang pag withdraw niya ng P100,000 sa bangko. Ito raw ang pantapat niya sa Canadian Army instructor na naghamon nng suntukan sa tatay ng Ateneo bully na nag-viral kamakailan lang. Sa parehas na video, pinagtanggol din ni Mystica ang mga kabalbalan ng bully. "He did something because it was his own decision. Just like what I said, that his own personal choice. Para maipakita sa mga tao na kahit ganun siya kaliit, at kahit na binu-bully bully na na siya. So I am sure na 'yun din ang dahilan kung bakit 'yun ang ginawa niya. Para ipatunay sa tao sa mundo na kahit na maliit siya na you can not compete with him... I am sure na hindi niya ito ginagawa para ang sumikat at magyabang lang," sabi ni Mystica. Binanatan din ni Mystica si Raffy at Ben Tulfo sa kanyang video. Ayon kay Mystica, sinira daw ni Raffy ang kanynag karera at kinabukasan. Hindi naman nagustuhan ni Mystica ang mga sinabi ni Ben nong kasagsagan ng isyu tungkol sa bullying incident sa Ateneo. Ito po ang video ng paghahamon ng Canadian Army instructor sa tatay ng basagulerong Atenista na tinutukoy ni Mystica. Basahin ang naging tugon ng ilan nating kababayan sa mga pinagsasabi ni Mystica. Source: Mystica via The Philippine News +Sa isang bukas na liham ng British National na si Malcolm Conlan, may mga mahahalagang tanong ito kay Senador Antonio Trillanes patungkol sa pagbiyahe ng mambabatas sa London. Ilan sa mga katanungan nito ay kung sino umano ang nagpopondo sa mga biyahe ni Trillanes sa London? Napansin din ni Conlan ang panahon ng pagpunta ni Trillanes sa ibayong dagat. Ayon kay Conlan, mas pinili pa umano ni Trillanes na i-celebrate ang Pasko sa piling ng mga supporters nito sa ibang bansa o kaysa sa pamilya at magulang. Basahin ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga kababayan natin sa sa mga tanong ni Conlan kay Trillanes. Source: Malcolm Conlan +Matapos pumutok ang balita tungkol sa pambubugbog ng mag-amang Guimbal town Mayor Oscar Garin at anak ntong si Iloilo 1st District Rep. Richard Garin sa isang pulis, lumalabas ngayon na may iba pang mga insidente ng pambubugbog na kinasasangkutan ang mag-ama. Ayon kay Western Visayas Police Director Chief Supt. John Bulalacao, may mga retiradong pulis at mga sibilyan ang nagsasalita na laban sa mag-amang abusado. "Retired na 'yung mga nagsasalita ngayon. May mga kwento sila na sad experiences sa mga Garin... they have been very arrogant. They have the tendency to do physical harm and then bibigyan nila ng pera para hindi magreklamo," sabi ni Bulalacao. Ang iba pang mga biktima ng mga Garin ay ayaw umanong magsampa ng kaso at halos karamihan sa mga Guimbal Municipal Police Station ay nagboluntaryo na ma-relieved na sa kanilang mga psosiyon. Panoorin ang mga kaugnay na ulat tungkol sa mga Garin. Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa bagong rebelasyon na ito laban sa mag-ama. Source: Inq +Nagtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) para bisitahin at bigayan ng regalo ang ilang kabataan sa Children Cancer Institute ward ng ospital. Ayon sa mga ulat, kinantahan pa umano ng isang bata ang Pangulo. Namalagi ang Presidente sa medical center ng mahigit 3 oras para makapiling ang mga batang may karamdaman. Ang pagbisita sa mga cancer patients ng SPMC ay ginagawa na ni Pangulong Duterte kahit na mayor palang siya ng lungsod ng Davao. Ito naman po ang ulat ng ABS-CBN kaugnay sa pagdalaw ng Pangulo sa mga cancer patient. Basahin ang naging reaksyon ng mga tao sa pagdalaw ng Pangulo sa mga kabataang may matinding karamdaman at sa pag-uulat ng mainstream media. Source: ABS | GMA +"WORST TAXI EXPERIENCE" Ganito inilarawan ni Mary Vennice Oronce ang kanyang naging karanasan nang masakyan niya ang taxi ng Angel Mars na may plate number WJO 456. Maririnig sa video kung paano siya pinagsisigawan at pinagmumura ng tsuper ng taxi. Humantong pa sa pagbabanta ang galit ng driver sa babae. Kahit na ganoon pa man ay maririnig sa video na kalmado at mahinahon lang si Oronce. Ayon sa biktima, wala raw siyang masakyan na ibang mode ng transportation kaya napilitan siyang sumakay sa taxi ng bastos na driver. Basahin ang buong kwento ng kababayan natin na naabuso ng husto ng taxi driver. "This happened yesterday, sumakay ako ng taxi near Mcdo Buendia. Since walang e-trike, grab, angkas and all, no choice ako kung hindi dun nalang sa taxi na 5 person sakay, 50 pesos per head. Bago ko sumakay, tinanong ko na agad yung barker kung dadaan ng Sea Residence, tinanong naman nya yung driver at OO YUNG SAGOT. Pagsakay ko, I asked the same thing, 'tatay, dadaan po ba kayo? Kung hindi kahit sa double dragon mall mo nalang po ako ibaba", sagot nya sakin, 'Oo neng.' So okay na, tas biglang sa MOA nya ko gusto ibaba, the only thing I said was 'TAY, DUN PA PO AKO SA UNAHAN, SA MAY DOUBLE DRAGON. Salamat po'. Dun na sya nagstart magalit at mura murahin ako. Actually di ko alam san nanggagaling yung galit nya. Kaya sabi ko nalang ibaba ako sa tamang babaan, yung safe. Mas lalo sya nagalit kasi sayang daw sa gasolina nya! HELLO TAY! ANG LAPIT LANG NG SAFE NA BABAAN DON! IDIDIRETSO MO LANG. Di na nga ako nagpababa sa mismong destination ko dapat. Sobrang mixed emotions, kailangan kong kumalma throughout the ride kasi baka mas lalo maghysterical si tatay driver. Nung sinabi nya na 'Kahit saan na tayo makarating', dun nako kinabahan ng sobra. Kaya sabi ko, 'IBABA NYO NA HO AKO'. Buti nalang at may enforcer ako nakita malapit sa moa arena, kaya mejo malakas na loob ko bumaba. TAY, gusto kitang intindihin, lalo na magpapasko. KASO YUNG MURA MURAHIN MO AKO, SIGAW SIGAWAN AT TAKUTIN, HINDI HO YUN TAMA! MAGBAGO NA HO KAYO!!!!!!," Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa inasta ng walang modong taxi driver. Source: Mary Vennice Oronce +Kung kamakailan lang ay may naghamong Canadian Army veteran ng suntukan sa tatay ng basagulerong atenista, ngayon ay kumakalat naman ang isang netizen na naghahamon sa ina ng bully. Sa Facebook page ni Madam Kilay, hinamon nito ang nanay ng bully na payagan siyang disiplinahin ang nitong basagulero. Ayon kay Madam Kilay, kailanga daw ay nakakaranas ng matinding leksyon at pagdi-disiplina ang bata para tumino. "Ako hamunin ko naman ang nanay. Hindi kami magsusuntukan ng nanay. Turuan ko ang nanay kung paano mag-disiplina ng anak. Eh mukhang hindi marunong mag-disiplina ng bata. Siyempre mayaman. Iba kasing mayayaman diyan, ang pagdi-disiplina nila sa anak nila ay malumanay. Hindi mo madadaan sa malumanay ang bata. Hindi iyan matatakot. Ang kailangan sa bata, sunggaban mo sa bunganga. Sunggaban mo ng amba para matakot iyan sa iyo. Ang ibang mayayaman kasi hindi nila binibigyan ng leksyon ang mga anak nila... Hamunin kita. Kung hindi ka marunong mag-disiplina ng anak, turuan kita mag-disiplina ng bata,,"sabi ni Madam Kilay. Nagbigay pa ng tips si Madam Kilay sa nanay ni Taekwondo kid. Dapat daw ay bumili ito ng weapon para sa pagdidisiplina sa anak. "Ang weapon ko, turuan kita ah, bumili ka ng walis tambo, baka wala kang walis tambo, puro ka vaccum. Walis tambo o walis tingting,"dagdag pa ni Madam Kilay. Sa hiwalay na video naman ay nagbigay ng reaksyon si Madam Kilay sa inasta ng basagulerong atenista na nanggulpi ng kapwa ka-eskwela. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga tao sa sinabi ni Madam Kilay. Source: Madam Kilay +Nilabas na ng Ateneo De Manila University ang naging pasya nila sa basagulerong estudyante nag-viral dahil sa pananakit sa kapwa estudyante sa loob ng palikuran ng paaralan. Sa isang pahayag na inilathala sa Facebook page ng eskuwelahan, sinabi ni Ateneo de Manila University president Fr. Jose Ramon T. Villarin, S.J. na dini-dismiss na nila ang estudyante. "After a thorough investigation that included listening to all parties involved, the decision of the administration is to impose the penalty of DISMISSAL on the student caught bullying another student in the comfort room of the school... This means he is no longer allowed to come back to the Ateneo,"sabi ni Villarin. Ang insidente ng pambu-bully ng naturang estudyante ay nagdulot ng galit sa mga kababayan natin. Dumating pa sa puntong pati ang mga magulang ng bata ay hinahamon na rin ng mga netizens. Mayroon din lumilitaw na istorya na isang pulis iskalawag ang tatay ng basagulerong estudyante. ( I-skip po sa 8:00 mark ng video para mapakinggan agad ang sinabi ni Ex-DILG Secretary Alunan tungkol sa pagiging iskalawag umano ng ama ng abusadong Atenista.) Source: GMA +Sa isang social media post sa Facebook, ibinunyag ni Attorney Glenn Chong na matagal na raw na-neutralized ang sindikatong highway boys. Ang impormasyon na ito ay galing umano sa kanyang informant sa kapulisan. Ang highway boys ay sindikatong sangkot umano sa mga robbery, gun running at pagbebenta ng droga. Matatandaang iniuugnay ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang napaslang na si Richard Santillan, aide ni Chong, sa naturang grupo. Ayon kay Chong, nag-imbento na lang umano si PNP CALABARZON Director Ted Carranza para makalusot ang mga tauhan nito sa nangyaring pagpatay kay Santillan. "Matagal ng na-neutralized ang highway boys. Wala ng highway boys ngayon. Gawa-gawa lang talaga ang mga paratang ng kapulisan laban kay Richard Santillan," ayon sa post ni Chong. Aming sinuri sa Youtube ang mga balita kaugnay sa highway boys at may nakita kaming ulat mula sa GMA News. Ang ulat ay inilathala sa kanilang YOutube channel noon pang Pebrero 7, 2018, at ayon sa report, nadakip ng otoridad ang "remnants" o nalalabing miyembro ng highway boys. "Yung mga purok leader po natin, yung mga chairman, nagbigay sa akin ng sms,'Sir, nandito po ang mga remnants ng highway boys'," pahayag ni Taytay Police Chief P/SUpt. Resty Damaso. Sa isa namang ulat na may petsang Disyembre 29, 2016, apat na highway boys ang naiulat na napatay ng otoridad. Matatandaang lumabas sa paunang pagsusuri ng Public Attorney's Office na pinahirapan umano si Santillan bago ito napatay. Source: Glenn Chong | MB via Press Reader| GMA +Sa kanyang social media post, may banat ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle. Dahil mainit ang isyu ngayon tungkol sa pambubugbog ng Ateneo student sa kapwa estudyante nito, tinanong ni Sonza si Tagle sa naging sermon nito kamakailan kung saan tinalakay ang pambu-bully. "Cardinal Tagle anong nangyari sa sermon mo tungkol sa bullying? sa mismong bakuran (Ateneo) nyong mga Jesuits pala ang Breeding ground ng mga Bully!," sabi ni Sonza. Matatandaang sa pasimula ng simbang gabi ay nag-sermon si Cardinal Tagle tungkol sa maling paggamit ng kapangyarihan para mangyurak umano ng kapwa. "Do not bully anyone. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan para mambastos. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan para piitin, coerce ang iba...Hindi por que mayroon kang posisyon, ikaw ay may karapatan na para mangyurak sa kapwa... Sa katunayan, ang bully, ang gumagamit ng kapangyarihan para maliitin ang kapwa, iyan ang pinakatakot at insecure na tao," sermon ni Tagle. Walang pinangalanang pulitiko si Tagle pero kamakailan lang ay madalas batikusin at banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Simbahan Katoliko at ang mga pari nito. Ibinunyag din ni Sonza na mismong ang anak niya ay nakaranas ng pambu-bully sa Ateneo. "Ang anak ko nabully din sa Ateneo. una, tinalikuran. ikalawa, isinumbong sa titser. ikatlo, nireport kay principal. ikaapat, kumasa na ang anak ko. isang job, straight, upper cut at left cross. Bagsak at tanggal 3 ngipin ng lalaking bully. babae ang anak kong si teejae.," ani Sonza. Kaugnay pa rin sa isyu ng basagulerong atenista, sinabi ni former Department of Interior and Local Government Secretary Raffy Alunan na ayon sa kanyang impormasyon na nakalap ay isa umanong pulis iskalawag ang tatay ng basagulerong atenista. Na-insinuate din daw sa kanya na maaring sangkot daw ang ama sa droga. Source: Jay Sonza | Jay Sonza | Philstar | ABS | GMA +Sapul sa video ang kahalayan ng isang lalake nang kumprontahin siya ng babaeng binabastos niya sa loob ng bus. Ayon sa original uploader na si Ms. Karol Permejo, nangyari ang insidente sa lungsod ng Makati habang papauwi siya. Sumakay daw ang lalake sa bus sa bandang RCBC. Hindi daw niya napansin ang kumikiskis sa balat niya dahil gamit niya ang kanyang cellphone, pero laking gulat niya nang lumingon siya. Ang maselang bahagi ng lalake ay nakalawit na pala. Dito na pinaliguan ni Permejo ng mura ang bastos na lalake. Hindi daw pinababa ng konduktor at ng bus driver ang salarin. Pero biglang pinindot ng suspek ang emergency button dahilan kung bakit bumukas ang pinto at nakalabas ng bus. Panandalian daw naharang at nabugbog ng mga vendor sa paligid ang lalake pero mabilis na nakatakas bago pa makarating ang kapulisan. Hinanap daw ng mga otoridad pero hindi na raw naabutan. Photo from Ms. Permejo Facebook account. Basahin ang buong kwento ni Ms. Permejo. "On my way home. December 22, 2018 around 2pm Galing akong work. Sumakay ako sa Ayala, Makati ng bus pa-Lrt Buendia. Sumakay 'tong gago na to around Rcbc ata or somewhere. Di ko na napansin since busy mag cellphone eh. May kumikiskis sa balikat ko, di ko na pinansin kase akala ko bag lang or di sadya kase punuan bus, siksikan. Nakaupo ako eh. Ito nakatayo. Nung paglingat ko nakita ko t*ti netong gago na to' nakalabas. Ito pala yung kumikiskis sakin. Hayuuuup na 'to! Bineast mode mo ko! Bandang Washington ko nakita eh. Buti traffic sa Mayapis. Buti na lang okay si Manong driver at koyang konduktor. Di nila pinapalabas 'to. Kaso nakatakas eh. Pinindot daw yung button para bumukas pinto sabay takbo. Tapos pagbaba nya. Nakaabang mga vendor pinagsusuntok 'to Thank you din sa mga vendor sila nagtawag ng pulis. Ambilis rumesponde ng nga kapulisan. Talagang hinanap nila. Kaso di na naabutan. Dahil padami daw malulusutan sa area. Naiyak talaga ako ng very light pagdating nila. Huehuehue. Nanginginig ako sa takot mukha lang hindi! Actually, natakot talaga ako baka kase habang nagdadakdak ako. Sapakin na lang ako. Anlaki kaseng tao ne'to. Animaaaal! Andami mo na sigurong nabiktima. Di lang kumikibo dahil natatakot. Paluhod luhod ka pa! Di mo alam yung trauma na maidudulot mo sa mga nabiktima mo koya! Lakas ng loob mo! Last mo na yaaan! Kung kilala nyo man to, tell me! Thanks. Sorry kung puro pagmumura. Ginigigil ako ne'to Ps: nakapants at shirt ho ako para sa magiging bashers. Charrrr! Sorry sa face ko chinecheck ko kase kung nakavideo na. Ingat kayo giiiiirls!" Source: Karol Permejo +(Correction: Matapos pabulaanan ng PNP ang naging pahayag ni former DILG Secretary Alunan, binago at inayos namin ang pamagat ng artikulo at idinagdag namin ang mga pahayag ng kapulisan sa loob ng artikulo.) Lalong lumalalim ang istorya patungkol sa abusadong estudyante ng Ateneo highschool na nag-viral dahil sa pambubugbog ng ka-eskwela. Ayon sa impormasyon na nakalap ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael Alunan sa kanyang mga source sa loob ng Philippine National Police (PNP), ang tatay umano ng basagulerong atenista ay isang pulis iskalawag na ipinatapon sa Mindanao. Ang mga rebelasyon na ito ay ibinahagi ni Alunan sa radio program ng Radyo Pilipinas. "Nagtatanong-tanong ako kung bakit ganoon itong batang ito, parang they feel that they are untouchable and entitled to hurt others. Ang balita sa akin at chineck ko ito sa PNP, iskalawag pala itong tatay eh. Tinapon ata sa Mindanao for being a iskalawag. I'm looking to his background kung bakit iskalawag itong lokong ito. Because PNP should not tolerate that. If this guy is (really a) iskalawag they should file cases against him and kick him out of the force," sabi ni Alunan. Dapat din daw maimbistigahan ng pormal ang tatay ng basagulerong atenista dahil may insinuation sa kanya na drug protector din diumano ang tatay. "Yun ang lumabas sa inquiry ko sa mga kaibigan ko sa loob ng PNP. Ang banggit sa akin, ganoon ang reputation niya sa loob ng PNP... Ang insinuation sa akin that this guy might be involved in drug dealing or drug protection. 'Yung ang pagkakasabi sa akin, kaya sabi ko nga this guy needs a formal investigation," dagdag pa ni Alunan. ( Lumaktaw sa 8:00 mark ng video para mapakinggan agad ang pahayag ni former DILG Secretary Alunan tungkol sa pagiging iskalawag na tatay ng basagulerong Atenista.) Sa kaugnay na ulat, ipina-blotter na sa kapulisan ng mga magulang ng biktima ang nangyari sa kanilang anak. Dahil sa pagiging malupit ng basagulerong atenista. Ilang kababayan natin ang nanggalaiti sa galit at naglabas ng sama ng lob sa social media. Humatong pa sa puntong hinahamon na rin ng away pati ang magulang ng batang salarin. (Update 12/23/2018) Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana, base daw sa kanilang Personnel Accounting Information System (PAIS) and Record Management Division (RMD) ng Directorate for Personnel Records Management, wala raw nakitang Joaquin Montes Sr. sa kanilang records. Ang tatay daw ng basagulerong atenista ay nasa ibang linya ng trabaho. Nagsalita na rin si PNP Chief Oscar Albayalde sa isyu. +Dahil mainit ngayon ang usapin tungkol sa karahasan sa loob ng paaralan. Balikan natin ang naging rebelasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nangangampanya pa lang ito para sa pagka-presidente. Isa sa mga rebelasyon ng Pangulong Duterte ay ang dinanas niyang pambu-bully sa paaralan noong nasa kolehiyo pa ito at kung paano siya gumanti sa taong iyon. Ayon sa Pangulo, madalas daw kutyain ng bully ang pagka-bisaya niya. Kinutya din daw ng nasabing estudyante ang mga mag-aaral na Muslim. Dumating daw sa puntong napuno na siya at dito na niya binaril ang kanyang brother sa fraternity sa loob mismo ng campus ng kanyang paaralan. Nangyari daw ang insidente noong graduating student na si Presidente Duterte sa San Beda College noong 1972. "I was a graduating student at San Beda when I shot a man... I waited for him, I told myself I'll teach him a lesson... I said you son -- - --- if I get hit I will shoot you. I was hit in the nose. Aaah! Bang," sabi ng Pangulo. Ayon sa source ng Inquirer sa Lex Talionis fraternity, ang nabaril daw ay si Octavio Goco. Tinamaan daw si Goco pero hindi namatay. Si Goco at si Presidente Duterte ay pareho noong mga miyembro ng fraternity. Dahil sa insidente, hindi nakasama sa graduation rites si Pangulong Duterte. Ayon naman sa isa pang source ng Inquirer, naitago umano ang insidente sa tulong ng fraternity at ng opisyal ng paaralan para hindi na magkaroon ng iskandalo. Hindi namin sinasabi na gayahin natin ang ginawa ni Pangulong Duterte. Sana lang ay matutunan natin ang moral lesson sa istoryang ito na huwag mang-argabyado ng kapwa dahil baka karamahin balang araw. Panoorin ang isa pang video kung saan ikinuwento ng Pangulo ang parehas na istorya sa ibang pagkakataon. Source: Inq | GMA +Hindi pa maaaring sampahan ng kasong kriminal ang Ateneo highschool student na nag-viral dahil sa pambubugbog nito sa kamag-aral sa loob ng palikuran ng paaralan. Ayon kay Women and Children Protection Desk ng Anonas Police Station Police Officer 1 Rowena Darline Felizario, ang salarin ay 14-anyos pa lamang. Sabi pa ni Felizario, civil liability lang daw ang mayroon sa nangyari. Ipinaliwanag pa ni Felizario maaaring humingi lang ng danyos ang pamilya ng biktima, o pagbayarin ang pamilya ng salarin sa mga hospitals bills, pero hindi pwedeng kasuhan ng physical assault ang abusadong atenista. Nagtungo na ang mga magulang ng batang nagulpi sa kapulisan para ipatala ang nangyaring insidente ng pananakit. Dahil ang batang salarin ay 14-anyos pa lamang, protektado ito ng Juvenile Justice Law. Matatandaang ilang ulit ng binira ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pangilinan dahil sa inakda nitong batas. Ayon sa Pangulo, nawalan na raw ang mga kabataang kriminal ng "sense of accountability". "The entire Philippines for the last two decades, right after the -- itong Pangilinan law, nagkalat. Kasi alam ninyo, pagka-minor, he goes out. 'Pag sinabi niya, 'I am just 14 years old,' he goes out. Walang seremonya," sabi ni Presidente Duterte. Panoorin ang ulat kaugnay sa isyu ng pananakit ng Ateneo Student sa kapwa nito estudyante. Dahil sa isyu na ito, hindi mapigilan ng mga kababayan natin na manggalaiti sa galit. Isa na dito ang canadiam army instructor na humahamon ngayon ng suntukan sa tatay ng batang abusado. Source: Manila Bulletin | Rappler | GMA +Iniulat na ng tuluyan ang abusadong estudyante na nambugbog sa ka-eskwela nito. Dumulog na kasi ang mga magulang ng biktima sa kapulisan. Ayon sa ulat ng GMA News, nagtungo ang mga magulang ng biktima sa Quezon City Police Distirct Station 9 na kasama ang kanilang abogado para i-report ang insidente. Kunimpirma naman ng pamunuan ng Ateneo De Manila University ang nangyaring pananakit ng isang estudyante sa loob ng kanilang eswkelahan. Ang video ng pananakit ng abusadong atenista ay lumaganap ng lubos sa social media matapos manggigil sa galit ang mga tao. Ilang sikat na personalidad na rin ang nagsalita patungkol sa nangyaring inisdente. Pati ang Malacanang ay nag-komento na rin sa naturang isyu. Nakiki-usap naman sa publiko ang Ateneo De Manila University na huwag ng ikalat ang naturang video sa social media pero ang panawagan na ito ay hindi tiugon ng mga kababayan natin. Ayon sa ilang netizensnatin, ang pagpapakalat daw ng video ay paraan para maging aware ang bawat isa sa isyung ito. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga tao sa isyung ito. Source: GMA | ABS +Sapul sa beteranong radio commentator na si Ben Tulfo ang mga paring nangangasiwa sa Ateneo Highschool. Sa kanyang programang Bitag Live, binanatan ni Ben ang mga pari dahil sa ginagawang pagra-rally laban sa gobyerno pero may problema pala na kinakaharap sa loob ng eskwelahan. "Mga pari ang gagaling niyo mag-criticize at tuturuan nila ang anak ninyo mag-rally sa kabubutan pero sa loob ng eskwelahan may problema pala kayo. Iyan pala ang bahong tinatago ninyo. Kaya kayong mga magulang na magpapa-aral sa Ateneo de Manila dapat you should be concerned about this. 'Yung bata na iyon, he needs to be disciplined, he needs to be expelled,"sabi ni Tulfo Ayon pa kay Tulfo, maaring maging sociopath ang batang salarin. "Baka itong paglaki ng bata ay magiging sociopath ito eh. May pattern ho doon sa bata kung titignan natin. You look at the pattern, may series ho yung bata. There a series of incident repeatedly done, ang tawag diyan ay serial bullying. Paulit-ulit,"dagdag pa ni Tulfo Naging isang malaking isyu ngayon ang karahasan sa paaralan matapos kumalat ng husto ang video ng isang estudyante ng Ateneo Highschool na nambubugbog ng mga kapwa niya mag-aaral. Sa kumalat na video, makikita ang isang batang lalaki na naghahamon ng away. Pinapili niya ang kanyang biktima kung bugbog o mawalan ng dignidad. Kung mawalan ng dignidad ang pipiliin ng biktima, hahalikan daw dapat ng biktima ang sapatos at maselang bahagi ng salarin. Panoorin ang buong episode ng Bitag Live. Ito po ang reaksyon ng mga tao sa naging pahayag ni Mr. Tulfo Source: Bitag Official +Sa kanyang mensahe isang araw bago ang Pasko, nananalangin at hinihiling ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na tanggapin ng bawat isa lalo na ng kabataan ang kapayapaaan at kasiyahan na dala ng batang hesukristo. Humihingi din daw siya ng kapatawaran sa kadiliman na minana ng mga kabataan. "My prayer ang wish or all Filipinos and for the whole of humankind, especially for our beloved young people, if for us to welcome and live the joy and peace of the Child Jesus, who is God pure love, tenderness and gentleness. To the youth, we elders ask pardon if the world we are bequeathing to you is darkened by toxic falsehood, violence, bullying, vices, greed and corruption. Please do not swallow or inhale this toxicity. Jesus the Child is with you. With him, renew humanity, society, religions anf creation with love's pure light, tenderness and gentleness. Christmas is for you,"sabi ni Tagle. Itong nagdaang araw ay napa-ulat ang sermon ng obispo noong pasimula ng simbang gabi. Matatandaang sinabi ni Tagle na hindi porke't nasa posisyon ay may karapatan na mangyurak. Walang pinangalanang politiko si Tagle pero maaalalang naging sunod-sunod ang batikos ni Presidente Duterte sa simabahan katoliko. Basahin natin ang naging tugon ng ilang kababayan natin sa mga sinabi ni Tagle tungkol sa kapatawaran sa kadiliman. Source: News5 +Sa kanyang mensahe bago magpasko, muling nagpahayag si Vice President Leni Robredo ng negatibo niyang pananaw sa ating bayan. Ayon sa pangalawang pangulo, patuloy daw na umiiral ang galit at awayan. "Sa panahong patuloy na umiiral ang galit at awayan, sa panahong tila hinihila tayo palayo sa mga bagay na dapat nagbubuklod sa atin, piliin natin ang tama alang-alang sa mga kababayan nating nangangailangan. Huwag nating hayaang may maiwan. Bawat buhay ay mahalaga; bawat Pilipino ay may karapatan sa binibigay ng Diyos na kaligtasan,"sabi ni Robredo. Ang mga ganitong klase ng pahayag ay hindi na bago kay Leni. Sa katunayan, noong Enero 2018 ay sinabi na rin niya na binabalot daw tayo ng kadiliman. Basahin natin ang reaksyon at tugon ng mga kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Robredo na patuloy daw na umiiral ang galit at awayan. Source: News5 +Matapos mag-deklara ng holiday ceasefire ang Communist Party of the Philippines (CPP), ito na naman ang kanilang armed-wing na New People's Army (NPA) at naghasik ng lagim. Ayon sa ulat ng Daily Tribune, 3 sundalo mula sa 8th Infantry Battalion ang nasugatan matapos ang pag-atake ng mga rebeldeng komunista. Papunta na sana ang mga sundalo sa Higaonon tribal village ng Dumalaguing sa Impasugong, Bukidnon, para tumulong sa Christmas gift giving at medical mission nang bigla silang tambangan ng mga NPA. Ang insidente ay nangyari noong Disyembre 20, 2018. Sa kabila ng pananambang ng mga rebeldeng komunista ay naisagawa parin ang medical mission at ang pamimigay ng regalo. Dineklarang "stable condition" ang mga nasugatang sundalo ng mga army doctor. Ang mga NPA na nang-ambush ay pinaniniwalaang mula sa Sub-Regional Committee (SRC)-1, North Central Mindanao Regional Command na naghahasik ng kasamaan sa Bukidnon, Agusan and Misamis Oriental. Nananawagan naman si 2ID Army commander Maj. Gen. Rhoderick Parayno sa mga bandido na bumalik sa kanilang pamilya para ipagdiwang ang kapaskuhan at pagbabagong taon. At para na rin makabalik sila sa normal na buhay. "We are banking on the help of our various stakeholders, local government chief executives and the media, especially this Christmas season to help us convince our brothers who have lost their way to just come back to the fold of the law. Be productive and responsible citizens... It's a different feeling to be back home and be around with the family and hug your children. If you could feel that way, you will realize the need to live in peace and be productive" sabi ni Parayno. Sa isang pahayag sa harap ng mga sundalo, sinabi naman ng Pangulong Rodrigo Duterte na wasakin na ng militar ang mga rebeldeng komunista. "Law and order, means you have to destroy, not really fight, but destroy the Communist Party of the Philippines, including its legal fronts and infrastructure... Unless we are able to destroy every one of them, ang ating mga anak o apo ninyo ganun pa rin ang haharapin," sabi ng Pangulo. Source: Daily Tribune +Matapos ang ilang araw nang lumabas ang viral video ng basagulerong atenista na nambubugbog ng kapwa estudyante gamit ang kaalaman sa taekwondo. Nagdesisyon na ang Philippine Taekwondo Association (PTA) ukol sa insidente. Sa isang pahayag, sinabi ng asosasyon na pinapatawan nila ng "indefinite ban" ang batang salarin. Ang ibig sabihin ay hindi na ito pwedeng ma-involve sa mga taekwondo related events at pumunta sa mga pasilidad ng mga member institution. At ito ay ipatutupad agad-agad. "The Philippine Taekwondo Association ad hoc committee tasked to probe and evaluate the violent incident involving a young taekwondo practitioner recomments a sanction of an indefinite ban of the student involved from all sanctioned events not limited to taekwondo-related events, belt promotions, tournaments or facilities of member institution effective immediately,"sabi ng PTA. Inererekomenda din ng asosasyon na sumailalim ang batang basagulero sa rehabilitation o counselling. At kung hindi papayag ang magulang nito, expulsion ang aabutin ng salarin sa PTA. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa inilabas na pahayag ng PTA. " Better format than Ateneo's. Anyway, buti may action. I sent a message to PTA through FB and Google Mail 2 days ago, wala man response pero at least they've shown a concrete action," - Pat. " A more lasting and supervised rehabilitation to give also a chance to reform lastingly," - Emmanuel. "let him clean the streets of manila for 1 year every day...clean the toilets for 1 year everyday.. let him do social work.. if he is in Singapore...he won't ever even try fighting anyone anymore ever.. he willst get 100 rattan strokes," - Lily. "If the bully gives sincere apology, he should be given a chance...he is young and I'm sure he learned something from this," - Richie. Source: Manila Bulletin +Itong nagdaan na araw ay naging mainit ang mundo ng social media sa Pilipinas dahil sa isyu ng isang Ateneo student na nambugbog ng kapwa nito mag-aaral. Sa gitna ng kontrobersiya, nanawagan ang Ateneo de Manila University sa publiko na huwag ng ibahagi at mga videos ng nasabing insidente. Dahil dito, lalong nag-init ang mga kababayan natin at ikinalat ng husto ang mga litrato ng batang suspek at ang video ng pambubogbog nito sa kawawang biktima. Pati ang family picture ng nasabing 14-anyos na salarin ay ikinalat na rin. Ayon sa mga netizens, ito ang paraan nila para bigyan ng kamalayan ang nakararami tungkol sa isyu ng bullying. May ilan tayong mga kababayan at mga pulitiko na kumukundena sa pagpapakalat sa larawan ng batang salarin. Pero sa isang pahayag, nilinaw ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) na hindi mananagot ang sinuman na nagpapakalat sa video at larawan ng basagulerong Atenista. Paliwanag ng kapulisan, kung ang larawan ay nakuha sa social media, ibig sabihin ito ay para sa public consumption. "With regard to the family picture, we presume that it was taken from their social media account. And if you post anything in the social media, then that is considered as if it is for the consumption of the public,," sabi ni ACG Cybercrime Group director Chief Superintendent Marni Marcos Jr., base sa mensahe na ipinadala ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana, Jr. Dagdag pa ng opisyal, hindi rin daw masasabing iligal na nakuha ang mga litrato dahil ang mga social media platforms ay open source sa cyberspace. Panoorin ang kaugnay na ulat patungkol sa pagkaka-dismiss ng batang basagulero sa Ateneo. Inayunan naman ng ilang netizens ang pahayag ng kapulisan tungkol sa pagbabahagi ng videos at larawan ng batang salarin. Source: GMA +Hindi nakapagtimpi ang prominenteng pro-government lawyer na si Attorney Trixie Cruz-Angeles sa mga tila nagtatanggol sa basagulerong atenista na nag-viral dahil sa pambubugbog ng kamag-aral sa Ateneo Highscool. Ayon sa abogada, mas marami ng biktima ng bullying ang matatakot mag-sumbong dahil tila mas inaalala pa ang mga nanggigipit kaysa doon sa nabiktima. "Oo bata yung bully. Bata rin ang biktima. Puro kayo protect the bully from online hate. Gets namin na menor de edad. Pero syanamankayo. Yung BIKTIMA naririnig kayo. Marami nang matatakot magreport ng bullying dahil lumalabas na mas mahalaga ngayon yun nanakit kaysa sa nasaktan," sabi ni Angeles Para kay Angeles,sumasawsaw lang ang ilang pulitiko sa isyu para magpa-cute. Tinawag niya pang dilawan ang pangangatwiran ng mga ito. "Dilaw reasoning amfootah. Tigilan nyo na yung pa-cute statements kayong mga politikong sumasawsaw. Wala man lang kayong palubag sa BIKTIMA. You make me sick," dagdag pa ni Angeles. Walang pinangalanan si Atty. Angeles pero nitong mga nakaraang araw ay nagbigay ng pahayag sina Liberal Party Senator Kiko Pangilinan at si Senator Nancy Binay kaugnay sa natatatanggap na batikos ng Ateneo bully sa mga netizens. Ayon sa dalawang senador, hindi daw dapat i-bully ang bully. "Bullying will continue to grow if we behave like bullies.... Shaming the bully is not the solution. Let's strive to heal even the tormentors," sabi ni Binay. "Galit tayo sa isang bully at dapat lang pero sa galit natin 'binubully' naman natin siya sa Facebook? So kung ganun ano ang pinagkaiba natin sa kanya?... We should never, never become the monster we seek to defeat," sabi naman ni Pangilinan. Ito po ang ilang opinyon ng mga kababayan natin sa naging banat ni Atty. Angeles. Source: Luminous | MB +Nagbigay na rin ng opinyon ang mga mix martial artists at organizers sa bansa kaugnay sa kumalat na video ng batang atenista na nambubugbog ng kapwa estudyante gamit ang kaalaman sa taekwondo. Ayon sa mga personalidad sa MMA coomunity, dapat daw ay panagutin ang basagulerong atenista sa pinagagawa nito. "Walang respeto sa Martial Arts at walang respeto sa tao. Martial arts in fighting is about development ng pagkatao mo," sabi ni Kashmir Yap, dating Light heavyweight division champaion. Bumuhos ang galit ng sambayanan nang mapanood ang video ng basagulerong atenista na nanggigipit ng kapwa mag-aaral. Sa naturang video, mapapanood kung paano pinapili ng bully ang biktima kung gugustuhin daw ba nito na mawalan ng dignidad o mabugbog. Dahil hindi sumagot ang biktima, tinuluyan ng batang salarin ang biktima at pinaputok ang mukha. Kani-kanina lang ay naglabas na ng desisyon ang Ateneo de Manila University tungkol sa insidente ng bullying. Ayon sa kanila, pinagpasyahan na daw na i-dismiss ang salarin at hindi na ito tatanggapin sa paaralan. Basahin ang naging reaksyon ng mga tao sa bagong update sa kasong ito. "He forget the very important Ethics of Martial Arts, look at individual ethics, "Treat a Fellow-Man Right...di mo sinunod ang Tenets of Taekwondo 1.Courtesy, 2.Integrity, 3.Perseverance, 4.Self control. 5.Indomitable spirit. A Taekwondo student should never be dominated by, or have his spirit broken by another. SI JOAQUIN WALA SYA NITO....HE IS FAILED," - Ernest Blain. "Tama lng yan.. Ma dismiss.. At sana wala ng tumanggap na skwelahan sa kanya dahil sa kanyang pangit na ugali," - Valinte. "dapat sampahan din ng kaso ang admin ng ateneo n yn ilang taon na pla nambubully ang animal n yan bakit ngaun lng nila inaksyunan,ibig bang sabihin dati binabayaran lng sila,kung di lng nag viral ngayun dahil my social media saka pa nila inaksyuna," - Ken. "a saudi dapat yan paaralin pag pag nangbubug sya ,sya naman ang lalatiguhin ewan ko lng kung di sumabog ihi nyan cgurado tanggal ang angas niyan," - Romuelo. "Dapat lahat ng sangkot d.lng sy,for sure may mga kasama yan kaya malakas ang loob," - Cherryvic. Source: ABS +Hindi na nakapagtimpi si Senator Sherwin Gatchalian sa isyu na kinasasangkutan ng basagulerong atenista. Ayon sa mambabatas, ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin daw humihingi ng paumanhin ang mga magulang ng salarin. Dagdag pa ng senador, kung nagkataon na siya ang magulang ng bata ay agad-agad daw siya magpapaumanhin. Para kay Gatchalian, kinikunsinte daw ng mga magulang ang anak. "Dalawang araw nang nangyari 'to pero 'yung magulang ay hindi pa humihingi ng paumanhin doon sa naging biktima at hindi pa humihingi ng paumanhin sa nangyari, so kinukunsinte ito ng kanyang magulang...Dahil kung ako 'yung magulang, kaagad akong hihingi ng paumanhin du'n sa biktima at hihingi ako ng dispensa,"sabi ni Gatchalian. Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Gatchalian na dapat makatapat ng bata si Senator Manny Pacquiao. "Sasabihin ko sa aking colleague na si Senator Manny Pacquiao na pagsabihan niya itong bully ng Ateneo... Tingin ko hindi makakapalag itong bully kay Sen. Manny at baka matanto nitong tao ang masamang ginawa niya sa kapwa... Mag 'one-on-one' sila at pagusapan nila na hindi dapat ginagawa iyan sa kapwa estudyante. Itong tao ay dapat makausap ng masinsinan ng isang katapat niya - Sen Manny Pacquiao ang pwede... Responsibilidad 'yan nga mga magulang. Sila ang dapat managot sa ginagawa ng kanilang mga anak,"pahayag ni Gatchalian. Ang ginawa ng basagulerong atenista ay nagdulot ng lubos na galit sa mga kababayan natin. Ang iba ay gumawa pa ng mga reaksyon videos para kastiguhin ang mga magulang ng salarin. Basahin ang ilang opinyon ng mga kababayan natin sa naging pahayag ni Senador Gatchalian. Source: GMA | Inq +Dismayado si Senator Nancy Binay sa ginagawang pambabatikos ng mga netizens sa estudyanteng nambugbog ng kapwa mag-aaral sa Ateneo Highscool. Ayon kay Binay, lalo lang daw lalala ang kultura ng galit dahil sa ginagawa ng mga kababayan natin at hindi daw matatapos ang karahasan kung gagantihan ang salbaheng estudyante. "We must condemn all forms of bullying. But what's bothersome, though, is the vicious cycle of bullying. Bullying does not end by bullying the bully. It only worsens the culture of hate... Bullying will continue to grow if we behave like bullies.... Shaming the bully is not the solution. Let's strive to heal even the tormentors, and work for a bully-free society" sabi ni Binay. Kumalat kahapon ang video kung saan ang isang mag-aaral ng Ateneo Highschool ay nambubogbog ng kapwa nito estduyante. Nanawagan na ang Ateneo na itigil na ang pagpapakalat ng nasabing viral video pero kinontra ito ng mga netizens. Ayon sa ilang kababayan natin sa social media, ang pagbahagi ng nasabing video ay paraan para maturuan ng leksyon ang salbaheng bata at para maging aware ang mga tao sa kaso ng karahasan sa mga eskwelahan. Panoorin niyo po ang kaugnay na ulat tungkol sa nangyaring pannanakit sa Ateneo Highschool Basahin ang naging tugon ng mga kababayan natin tungkol sa ideya na huwag banatan at batikusin sa social media ang Ateneo Student na nanakit ng kapwa niya estudyante. Source: MB | GMA News +Matapos kumalat ng husto ang video ng pambubugbog ng Ateneo highschool student sa kapwa estudyante, bumuhos ang reaksyon mula sa social media. At kahit na ipinatitigil na ng Ateneo sa publiko ang pagpapakalat ng video ay tuloy pa rin ang karamihan sa mga netizens sa pagbahagi ng naturang video. Ayon sa mga kababayan, ang pagbahagi daw nila ng video sa social media ay para mamulat ang lahat sa nangyayaring karahasan sa eskuwelahan at hindi para pahiyain ang salarin sa naturang video. Pero iba ang pananaw ni Senator Kiko Pangilinan. Ayon sa senador, hindi daw dapat atakehin ang batang salarin dahil wala raw magiging pagkakaiba ang mga bumabatikos sa salarin sa mismong salarin. "Galit tayo sa isang bully at dapat lang pero sa galit natin 'binubully' naman natin siya sa Facebook? So kung ganun ano ang pinagkaiba natin sa kanya?... We should never, never become the monster we seek to defeat...Bullying is totally unacceptable and is a sad reality as old as time so to speak that needs to be addressed hopefully in a much better way by this generation of parents and teachers" sabi ni Pangilinan. Panoorin ang ulat patungkol sa insidente sa Ateneo. Ito naman po ang reaksyon ng mga tao sa pahayag ni Pangilinan. Source: MB | GMA News +nahukay ng mga otoridad ang kalansay ng lumad na si Datu Ula Salngani na pinatay noong 2015. Si Salangani ay miyembro noon ng Militia ng Bayan ng New People's Army (NPA) pero pinaslang ng mga kasamahan niyang komunista matapos mapaghinalaang nakikipagsabwatan sa militar. "Sa-sunbmit namin ang mga evidence na nakalap namin ngayon sa ating task force para ipunin nila ang mga nakalap na ebidensiya, hindi lamang dito sa Davao City o Davao Region, kundi sa buong Pilipinas para pagtibayain pa ang pagpa-file ng complaint against the communist terrorist groups sa kanilang violation sa human rights,"sabi ni Regional Director PRO XI PCSupt. Marcelo Morales. "May listahan ako sa lahat ng mga lumad na pinatay dito sa Talaingod. Masakit sa akin na unti-unting pinapatay ang aking mga kanayon,"pahayag ni Bae Pilar Libayao. Basahin ang ilang sa mga reaksyon ng kababayan natin sa sinapit ng kawawang lumad sa kamay ng NPA. Source: PTV | PNA +Napuno na talaga si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinaggagawa ng mga New People's Army (NPA). Sa kanyang talumpati sa Barangay Summit on Good Governance sa Davao City, nag-isyu na ang Presidente ng "shoot-to-kill" order laban sa mga bandido. Kamakailan lang kasi ay may bagong pag-atake na naman na ginawa ang mga rebeldeng komunista na ikinasugat ng 3 pulis at isang sibilyan sa Magallanes, Sorsogon. Ito ay kahit deklarasyong ceasefire ang CPP-NPA. Nagbanta rin ang Pangulo na hindi na tatanggap ng mga surrenderees dahil sa patuloy na pag-atake. "Darating ang panahon na hindi na ako tatanggap ng surrenderees. P-- ina huwag na kayo mag surrender... Pag nakita ko kayo babarilin ko kayo. Wala na surrender-surrender because you are a cruel and brutal people. You do not deserve mercy," sabi ng Pangulo. Nagbanta rin ang Pangulo na hindi na tatanggap ng mga surrenderees dahil sa patuloy na pag-atake. Ayon pa sa Pangulo, hindi daw kailngan ng warrant of arrest sa mga miymbro ng New People's Army dahil ang rebelyon ay isang continuing crime. "Why do I need to have a warrant? By the fact that you are a rebel you are a 24-hour violator of the Revised Penal Code. It attaches to your person unless you surrender or you die," ani Pangulong Duterte. Hindi rin daw mga rebolusyonaryo ang mga NPA kundi mga mamamatay tao at kriminal. "Puro kriminal 'yan sila. I do not consider them revolutionary. They are just plain bandits and that is the way we should treat them," dagdag pa ng Presidente. Source: DWIZ | GMA +Sa pagkakapanalo ni Ms. Catriona Gray sa Ms. Universe 2018 beauty pageant. Maraming Pilipino ang natuwa at nagbigay ng pagbati sa dilag. Siyempre, hindi papahuli si Vice President Leni Robredo. Sa isang mensahe, sinabi ni Leni na winner daw si Gray sa kanyang puso. "I wish you the best, and may you make full use of your new role as an ambassador to continue bringing the message of hope to the world. Mabuhay ang mga Bicolana!" sabi ni Leni. Panoorin ang highlights ng Miss Universe 2018. Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa naging pagbati ni Leni kay Ms. Universe 2018 Catriona Gray. Ang reaksyon ng mga kababayan natin sa pagkapanalo ni Ms. Gray. Source: ABS-CBN | MB +Hindi pa tapos si Mystica sa kanyang banat sa beteranong mamamahayag na si Raffy Tulfo. Ngayon naman ay gumagamit na siya ng salita ng Bibliya para buweltahan si Tulfo. Matatandaang tinangkang tulungan ni Tulfo si Mystica dahil sa mga batikos na nararanasan nito online. Pero itinigil ni Tulfo ang pagtulong nang maglabas si Mystica ng isang video kung saan pinaratangan niya si Tulfo na kumontrol at nagmanipula umano sa kaniya noong dumulog ito sa programa ng boradcaster. "I thought he is the right person para ako ay matulungan pero ano ang ginawa niya? Tinadyakan niya ako. Hindi niya lang ako tinadyakan, pinugutan niya pa ako ng ulo. Iyan ba ang totoong disipilo ng Diyos? Hindi. 'Yun ay katulad ng isang hudas. Anong ginagawa niya ngayon? Pingkakakitaan niya sa pamamagitan ng gawain ni HesuKristo na magaganda, pagtulong sa tao. Pero hindi natin alam na ibenebenta niya na ang gawain ng Diyos. Ang totoong gawain ng Diyos ay hindi niya muna ipapa-drug test muna ang isang tao bago niya tulungan," sabi ni Mystica. Ito po ang panibagong batikos na natanggap ni Mystica dahil sa mga binitawan niyang salita laban kay Rulfo. Source: Ruby Villanueva via Raffy Tulfo Supporters +Matapos manalo ni Ms. Catriona Gray sa Miss Universe 2018, marami sa mga kababayan natin ang natuwa at nagpaabot ng pagbati kay Gray. Naging headline din si Catriona sa maraming pahayagan sa ibang parte ng mundo. Pero may mga banyagang pahayagan ang nakakuha sa atensyon ng ilang Pilipino. Ito ay ang THe Courier Mail ng Australia. Makikita sa kanilang headline na inekisan pa nila ang salitang Philippines at tila inaangkin ang pagkapanalo ni Ms. Gray. Hindi kaila sa ilan na lumaki si Gray sa Australia at lumipat sa Pilipinas para magtrabaho bilang modelo. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa ginawa ng banyagang pahayagan. Source: GMA | PGAG +Mahaharap sa kaso ang mga pulis na nakapatay sa bodyguard/aide ni election whislte blower Attorney Glenn Chong na si Richard "Red" Santillan. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, magsasampa ng kaso ang Public Attorney's Office (PAO)laban sa mga pulis. Sumulat na rin ang PAO kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde upang mahingi ang spot reports at iba pang dokumento. Hinihiling din ng PAO na maibigay na sa asawa ni Santillan ang iba pang personal na gamit ni Richard. Para kay PAO Chief Persida Acosta, hindi daw maituturing na lehitimong operasyon ng mga pulis ang pagkamatay ni Santillan. Base sa pagsusuri ng forensic team ng PAO, may senyales umano ng torture ang katawan ni Santillan. Umabot din daw sa 63 sugat ang natuklasan nila sa biktima. "Mukhang tinorture po si Richard bago siya pinatay... One is sa tingin po namin noong buhay pa siya ay sinasaksak siya, multiple puncture wounds at binugbog si Richard at may mga tama rin po sa kanyang ulo si Richard,... Consistent po iyon na inilagay sya sa kotse at doon binaril pero at that time mukhang patay na siya because there is no more tissue reaction..Total po ay 63 injuries ang nakita namin... Nabasag po ang kanyang panga... Pinalo ang kanyang ulo ng maraming beses," sabi ni Dr. Erwin Erfe ng PAO Forensic Team. Makailang ulit na rin sinabi ni Attorney Glenn Chong na dumaan sa abduction, interrogation at torture si Santillan bago ito napatay ng mga pulis. Ayon pa kay Chong, mayroon 3 oras na pagitan mula sa pag-alis ni Santillan sa gift giving event na dinaluhan nito hanggang sa mapatay ito ng mga pulis. Ito po ang rekasyon at opinyon ng mga tao sa mga impormasyon na isiniwalat ng PAO. Source: ABS-CBN | Friends of Public Attorney's Office - PAO +Sa isang Facebook post, nanawagan ang abogada at kapatid ni former Senator Miriam Defensor-Santiago na si Paula Defensor Knack kay Pangulong Rodrigo Duterte na makialam na sa kaso ng pagpaslang sa bodyguard/aide ni Attorney Glen Chong na si Richard Santillan. Ayon kay Knack, nagtamo umano ng 64 na sugat si Santillan dahil sa torture na ginawa ng mga pulis. Nananahimik din daw ang liderato ng Philippine National Police (dahil) magkaka-mistah ang mga ito. "How can we continue supporting a drug war if the police tortures a civilian bodyguard of a lawyer exposing electoral fraud against the supposed Vice-President ? Drug courier raw sya, pero tahimik ang PNP officials kung anong solid evidence nila na sya o ang amo nyang abogado ay sangkot sa droga maliban sa ginawa nilang encounter set-up!," sabi ni Knack Basahin ang komento ng mga kababayan natinsa naging panawagan ni Knack kay Pangulong Duterte kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Santillan. Source: Paula Knack +Sa live Facebok video ng Pro-government blogger na si Maharlika, hindi nito napigilan na maglabas ng sama ng loob sa ginagawang aksyon ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng pagpaslang sa bodyguard ni Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan. Hindi rin nakaligtas kay Maharlika ang mga naging pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde sa naturang isyu. Binanggit din ni Maharlika ang forensic findings na kalalabas pa lang na nagsasabing may senyales nga ng torture kay Santillan. Pati ang intel holdings na hindi pa binibigay kay Attorney Glenn Chong ng mga kapulisan ay tinalakay din ni Maharlika sa kanyang video. "Nakikita ko po ngayon na maraming taong itinalaga si Pangulong Duterte na tahimik, isa na dito si Albayalde. Galit na galit ako... Anong sabi ng PNP? Si Albayalde, napanood niyo kahapon, very safe ang sagot, napaka-generic. Si, sinusuportahan namin ang PNP pero ang put- inang PNP murder hindi ko mapapalampas... Simula pa lang ng isyu na ito, hinihingi na ni Attorney Glenn Chong ang solid intel holding na PNP. Kung ito ay minanmanan ninyo, bakit hindi maibigay itong dokumento na ilang araw na hinihingi sa inyo na totoong nagkaroon kayo ng tao na involved sa droga... PNP Chief Albayalde, magkaroon naman kayo ng bay4g para maliwanagan ito. Hindi puro "kailangan natin imbestigahan at silipin natin". Gasgas na iyan bag pa ako pinanganak. Anong kaput-- ina iyan?"sabi ni Maharlika. Ito po ang pahayag ng Public Attorney's Office forensic kaugnay sa natukalasan nila sa bangkay ni Santillann Ito naman po ang ilang sa mga komento ng mga kababayan natin sa naging pahayag ni Maharlika. "Sana talaga mag number 1 sa eleksyon si Atty. Glenn Chong at manalo ang mga adminstration senators tulad nila Bato, Bong Go etc. para maibalik na ang death penalty...," - Emmanuel Yambao Limbo "Nong una bilib ako ky albayalde siga sigahan lng pla sa kaya nya lng pero dto TAHIMIK BEESITTTT." - Joselita Carteciano Pateres * "So disappointing this time to Gen.Albayalde and to the president ,it is too much torture so heartbreaking," - Yolly Camus "Madam maharlika napaka tahimik yata ng PNP chiep ngayon.Don sa issue ng teleserye ng Ang Probinsyano nag iingay sya,bkt sa issue sa pagpatay kay Richard RED Santillan napaka tahimik nya." - Lagabog Wek "nakakawalang tiwala ang mga pulis ultimo general puta ina walang bay4g dapat dyan al bayagle at Pangulo sana magsalita na rin kayu wag kayung tumahimik itigil mo na ang war on drugs mo palpak pala yan !dapat yan war on PNP lahat ngayun pwdeng mangyari sa amin kung hindi nyo kaya maigi pa si lugaw ipalegal na lang nya ang drogadegdeg," - Bongbong Bongar Source: Maharlika +Mukhang tama ang hinala ni Election whislte blower Attorney Glenn Chong na tinorture muna ang kanyang bodyguard/aide na si Richard Santillan bago ito pinatay. Sa katatapos na pagsusuri ng Public Attorney's Office (PAO) Forensic sa pangunguna ni Dr. Erwin Erfe, napagalaman na may mga sugat na tinamo ang biktima nang ito ay buhay pa. Mayroon din nakitang senyales ng pambubugbog kay Santillan. Ayon pa kay Erfe, natuklasan din nila na may mga baling buto si Santillan at pinagsasaksak pa umano. "For more than 8 hours of forensic examination, ito po ang aming prelimary findings, nakakita po kami ng 2 sets of injuries, those injuries, yung una po, are those inflicted while Richard was still alive, and those injuries number 2 while he was already dead. So dalawa po yun, may mga sugat siya noong buhay pa siya at may mga sugat po noong patay na siya. Mayroon po kami nakitang sign of torture sa kanyang katawan... Fructure po ay lima. Bali po ang buto ni Richard sa kanyang braso, paa at panga... Bali-bali ang kanyang buto... Mayroon po kaming nakitang tama sa kanyang ulo. Mukha po ito ay pinalo ng isang matigas na bagay... Mukhang pinagsasaksak sa likuran si Richard,"sabi ni Dr. Erfe, PAO forensics. Kung nahihinaan kayo sa audio ng video ng Friends of Public Attorney's Office - PAO, mayroon po kaming inilakip na video na may mas malakas na audio. Ito po ang mga naging reaksyon ng mga tao sa naging findings ng PAO sa bangkay ni Richard. "Ang sakit ng ginawa nila Ke Richard santillian bakit thimik c gen albayalde dito. Mga demonyong pulis n gumawa Ke sir Richard santillian mamamatay n Sana kayo. Makakarma din kayo mga hinayupak," - Lara Joyce Antolin * "#general_albayalde wag lang sana sa mga tulog ang tapang mo, ngayon mo ipakita ang angas mo sa mga tiwaling pulis, parang kayo po yata ang natutulog sa pansitan ngayon? #justiceforRedSantillian," - Cielo Busadre Duterte "Sa iyong mga kamay Panginoon ko pinagkatiwaLa ang hustisya. Sapagkat ang mga bagay kaya mong gawin. Justice for Richard Santillan.. Count my vote Atty I kampanya pa Kita!," - Helenna Ceballos Momblan "Walang kalaban laban. Set-up talaga ang ginawa ng mga kapulisan jan. My nagutos at binayaran ang mga pulis nayan. Kailangan makulong ang mafiring squad ang gumawa nyan," - Jonathan Gabriel Oria Source: Friends of Public Attorney's Office - PAO +Sa panimula ng simbang gabi, may mahiwagang mensahe si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga katoliko na nagtungo sa simbahan. Parte ng kanyang naging sermon ay ang mga mapang-api umano na nasa kapangyarihan. Wala naman binanggit na politiko si Tagle pero itong mga nagdaang araw ay panay ang banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahan Katolika. Matatandaang sinabi din n Presidente Duterte na huwag ng magpunta sa simbahan ang mga tao. "Do not bully anyone. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan para mambastos. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan para piitin, coerce ang iba... Hindi por que mayroon kang posisyon, ikaw ay may karapatan na para mangyurak sa kapwa... Sa katunayan, ang bully, ang gumagamit ng kapangyarihan para maliitin ang kapwa, iyan ang pinakatakot at insecure na tao," sabi ni Tagle. Ang ilang mga netizens ay tila na-dismaya sa mga sinabi n Tagle. Kaya batikos tuloy ang inabot ni Tagle sa mga kababayan natin. Source: DZMM - ABS-CBN +"I'm gonna teach you a lesson." Lubos na nagdulot ng galit sa mga kababayan natin ang kumalat na video tungkol sa batang atenista na nambugbog ng kapwa mag-aaral. Kaya hindi na nakapagpigil ang mga netizens naglabas ng opinyon laban sa pamilya ng salarin. Isa na dito ay ang Canadian Army Instructor na si Joseph Perez Otazu. Sa Facebook video nito ay hinamon niya ang ama ng abusadong Atenista ng suntukan. At para raw lalong mahikayat ang tatay na lumaban, bibigyan pa niya daw ito ng P100,000 kung matatalo siya, pero kung mananalo siya ay dapat humingi ng tawad ang tatay sa pamilya ng biniktima ng anak nito. Sa naturang video ay ipinaskil din ni Otazu ang kanyang mga mobile numbers para ma-contact siya ng ama ng salarin. Inalok din niya ang nabiktima ng salarin na tuturuan ito ng self-defense ng libre. Ginagawa ito ni Otazu dahil tatay din daw siya at dapat daw ay matigil na ang nangyayaring karahasan sa eskwelahan. Dalawang linggo na lang raw mananatili sa Pilipinas si Mr. Otazu kaya gusto niya ng mangyari ang laban sa lalong madaling panahon bago siya umuwi. "Mr. Montes, if you are watching this video, this is my offer to you, obviously hindi mo tinuturuan properly ang mga kids mo. So this I'm gonna do to you, I'm challenging you to a fight, tayong dalawa. If you want, sa harap pa ng mga kids mo. I don't care. You name the time and the place, I'll be there. I'll even make a sweeter deal for you. If you beat me, I'm gonna give you P100,000 but if I beat you, you are going to apologize doon sa bata, sa family niya, in front of me. Kasi this kind of behavior has to stop," sabi ni Otazu. Para sa mga hindi updated sa isyu na ito. Panoorin niyo po ang balita tungkol sa batang atenista na nambubogbog ng mga kapwa niya estudyante sa loob ng palikuran ng Ateneo. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging pahayag ni Otazu laban sa ama ng abusadong atenista. Source: Joseph Perez Otazu +Naglabas na rin ng opinyon si Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin sa nangyaring insidente sa Ateneo Junior Highschool kung saan isang bata ang nakita sa viral video na nambubugbog ng kamag-aral nito sa loob ng palikuran. Ayon kay Locsin, hindi dapat tinuturing na sanggol ang abusado kundi dapat ay bugbugin din ito. Sa isa pang social media post ni Locsin, sinabi nito na dapat ilagay na ng magulang ng na-argabyadong bata ang batas sa kanilang kamay at turuan ng leksyon ang abusadong estudyante. Kumalat ng husto ang video ng Ateneo student na nang-aargabyado ng ka-eskwela nito. Sa video, makikita ang abusadong bata na pinapapili ang biktima nito kung bugbog o dignidad. Kung pipiliin daw ay dignidad, hahalikan daw ang sapatos niya at ipapahalik din daw ang maselang bahagi ng katawan sa biktima. Panoorin ang report ng GMA News kaugnay sa kasong ito. Source: Teddy Locsin | Teddy Locsin | GMA News +Matapos ang public outrage patungkol sa pagkakapaslang sa bodyguard/close-in security aide ni Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan, mahigpit na binabantayan na umano ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang imbestigasyon sa kaso. Matatandaang lumabas sa paunang pagsusuri ng Public Attorney's Office na may palatandaang pinahirapan muna si Santillan bago ito pinagbabaril. Nagtamo rin daw si Santillan ng 63 na sugat. Sinabi ni ALbayalde na daw managot ang mga sangkot na pulis kung mapapatunayan ang kanilang pagkakasala. Si Chong ang nagsiwalat ng umano'y nangyaring dayaan noong 2016 elections. Hanggang ngayon naman ay naghihintay pa rin si Attorney Vhong sa mga dokumento na hinihingi niya sa PNP. "Ito hinihingi ko 14 documents, niisang dokumento ay walang binigay. Yung isa, nakuha ko, pinuwersa ko pa," sabi ni Chong. Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa bagong kaganapan sa kaso ng pagpaslang kay Santillan. Source: PTV +Sa isang panayam kinuwestiyon ni Philippine National Police CALABARZON Director Chief Supt. Edward Caranza ang panawagan ng hustisya sa pagkamatay ng bodyguard/aide ni Attorney Glenn Chong. Ayon sa opisyal ng PNP, mukhang napo-politika ang isyu at may taong nakakakuha umano ng media mileage sa isyu. Matatandaang naging masigasig si Attorney Chong sa pagbanat sa PNP dahil sa pagkamatay ng kanyang aide. Ayon kay Chong, hindi lehitimong police operation ang ginawa ng kapulisan at maaaring siya pa raw ang talagang target at papatayin. Sa pagsusuri ng Public Attorney's Office, lumalabas na na-torture pa umano si Santillan bago ito napatay. Sinabi naman ni Carranza na dapat irespeto ng kampo ni Atty. Chong ang ginagawang imbestigasyon at proseso ng pulisya. Kamakailan lang ay hiniling ni Chong na makuha ang opisyal na dokumento kaugnay sa ginawang operasyon. "I told him that we have proper procedures in the PNP. Hindi kami bara-bara dito at basta na lang nagre-release ng mga documents," sabi ni Carranza. Panoorin ang video kung saan sinabi ng PAO na may nangyaring torture kay Santillan bago ito namatay. Basahin ang naging tugon ng mga tao sa mga sinabi ni Carranza. Source: MB +Matapos ang siyam na araw mula ng mapaslang ang bodyguard/close-in security aide ni Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan, wala pa rin daw report o anumang dokumento na naibibigay kay Chong ang kapulisan kahit maayos niya itong ni-request. Sa isang briefing, sinabi ni CALABARZON Director Ted Carranza na hindi daw siya pinaunlakan ni Attorney Chong para isang meeting para linawin ang ipinaparatang sa kapulisan na pag-torture kay Santillan. Ayon pa kay Carranza, may flagdown operation umano ang kapulisan at kaya nagkaroon ng engkwentro ay dahil nanlaban daw si Santillan. Iginiit din ng kapulisan na may drug dealings si Santillan. Ang mga sinabi ni Carranza ay agad pinasinungalingan ni Atty. Chong. Sa pamamagitan ng screenshots ng usapan niya sa isang kaibigan na konektado kay Carranza, mababasa na sumang-ayon si Chong para sa isang meeting at naghihintay na lang kung kailan ito gagawin. Ang mga sinabi ni Carranza ay agad pinasinungalingan ni Atty. Chong. Sa pamamagitan ng screenshot ng usapan niya sa isang kaibigan na konektado kay Carranza, mababasa na sumang-ayon siya para sa isang meeting at naghihintay na lang kung kailan gagawin. Pero ang meeting ay naantala nang ipa-reschedule ni Carranza ito. Ito po ang buong pahayag ni Attorney Chong laban kay Carranza. "THE BUCK STOPS AT GENERAL CARRANZA Sa kasong pagtorture at pagp4tay kay Richard Santillan ng mga kasapi ng kapulisan sa Calabarzon sa ilalim ni Police Regional Director Edward Carranza, nagtangkang pagtakpan ni Carranza sa isang press briefing kahapon ang kanyang mga kapulisan. Isang bagay lamang ang aking kailangan upang masira ang buong script ni Carranza. Nakipagmeeting daw siya sa akin noong Sabado gamit ang kanyang classmate na kakilala ko bilang emissary. Tinawagan ko sila na pwede ako 3.30 ng hapon. Hindi raw pwede dahil 5.30 ng hapon pa si Carranza available. Tinanggihan ko dahil hindi ako pwedeng lumabas sa gabi dahil pap4tayin at mamamatay lang ako sa gabi. Pwede raw ba sa Lunes, 4.00 ng hapon sa Camp Crame. Hindi na ako sumagot dahil nakaschedule na ang forensic examination ng katawan ni Richard Santillan ng mga oras at araw na iyon. Pinapalabas ni Carranza na "hindi ko pinaunlakan" at "tinanggihan" ang kanyang mga imbitasyon. Basahing maigi ang screenshot ng texts ng emissary ni Carranza - "sa Mon na lang daw kayo meet." Hindi ako ang nagreschedule, si Carranza ang nagreschedule. Pero sa kanyang press briefing kahapon, pinapalabas niyang ako ang may kasalanan. Sadyang mapanlinlang ang kasinungalingan ng kapulisan! Sabi ni Carranza sa briefing, may standard police flag-down operation. Kasinungalingan! Ayon sa aming ebidensiya, walang legal na basehan ang sinasabing flag-down operation ng kapulisan. Sa dinami-dami ng sinabi ni Carranza, isa lang ang nanatiling malinaw - hanggang ngayon, 9 na araw na ang lumipas mula ng "pinaglaruan at pinahirapan ng husto" si Richard Santillan bago pinatay at sinetup sa kalsada, wala pang ni isang pahinang dokumento at ebidensiyang ipinakita si Carranza sa akin kahit pa pormal ko ng hiningi ang mga ito sa kanyang opisina. Hanggang ngayon, ang cellphone ni Richard Santillan ay itinatago pa rin ng kapulisan. Ayaw itong ipakita at ibigay sa amin. Nagtataka si Carranza sa registration ng sasakyan. Si Jo Ann Chong ay aking kapatid. At ang sasakyang ito ay bitbit at gamit ko dito sa Manila. Ang bilis mo namang mabitag. Akala ko ba ay police ito at marunong mag-imbestiga bago bumuka ang bunganga. Kung totoong ginamit ni Richard Santillan ang aking sasakyan sa mga illegal activities, dapat ipakita ni Carranza ang mga eksaktong araw at oras kung saan nangyari ang mga aktibidad na ito. Meron ba siyang detalye? Wala. Matrix lang ang ipinakita. Kahit college student marunong gumawa ng matrix. Are you insulting our intelligence, General Carranza? Matutuwa kaya si Carranza kung gagawan ko siya ng matrix at ilalagay siya bilang pinuno ng isang sindikato at gagamit ako ng mga larawan na galing sa social media? But why is Carranza so defensive? He is defensive because the buck stops with him. Hindi maaring maisagawa ang ganitong operasyon laban sa walang kalaban-laban na si Richard Santillan kung hindi aprubado ng opisina ni Carranza." Ito po ang ilan s mga naging opinyon ng mga kababayan natin sa pahayag ni Atty. CHong kay General Carranza. Source: Glenn Chong +Itong nagdaang araw, naging laman ng social media ang pagpanaw ni Richard Santillan, ang bodyguard/close-in security aide ni election whistle blower Attorney Glenn Chong. Si Santillan ay napatay ng mga pulis Rizal sa isang operasyon. Ayon sa mga pulis sa naturang lugar, mayroon umano silang intel na kriminal si Santillan. Ang intel na ito ay mariin namang pinabulaanan ni Atty. Chong, pamilya nito at ng mga kilalang personalidad sa social media. Noong Martes ay inihatid na sa huling hantungan si Santillan. Sa video ng CinEmotion Digital Films, makikita ang lubos na pagdadalamhati ng mga kaanak at kakilala ni Santillan. Kita rin sa video ang paghihinagpis ng employer nito na si Atty. Chong. Sa pinakahuling balita kaugnay sa pagpaslang kay Santillan, magsasampa na ng kaso ang ahensiyang pinamumunuan ni Atty. Persida Acosta, ang Public Attorney's Office (PAO). Ayon kasi sa pagsusuri ng PAO Forensics, may senyales daw na pinahirapan muna si Santillan bago pinatay. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natin sa kaso ng pagpatay kay Santillan. Source: CineEmotion Digital Films +Kaawa-awa ang nangyari sa mga miyembro ng banda sa Bacoor, Cavite nang maararo sila ng isang kotse habang naglalakad sa kalsada. Ayon sa ulat, nagbabanda umano ang mga ito upang magising ang mga tao para mag-simbang gabi. Ang driver ng kotse ay aminadong nakatulog dahil sobrang haba ng oras sa trabaho sa isang hotel. Humingi na ng kapatawaran ang driver ng kose at tiniyak na tutulungan ang mga biktima niya. Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury at damage to property ang driver. Nagbigay paalala naman ang Bacoor police sa mga motorista. "Kung alam niyong antok na, humanap kayo ng lugar na safe at huwag naman sa madilim. Doon kayo at itulog niyo muna,"pahayag ni Bacoor City Police Chief Supt. Vicente Cabatingan. Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa nangyaring pagkakasagasa sa mga miyembro ng banda. Source: ABS-CBN +Kalunos-lunos ang sinapit ng 24-anyos na babae sa kamay ng isang durugistang contruction worker sa lungsod ng Quezon. Wala ng buhay, wasak ang mukha at ginahasa pa. Ayon pa sa ulat, nagkasama pa umano sa isang birthday party ang biktima at ang suspek. Napag-alaman din na nangungupahan sa bahay ng biktima ang suspek na si Rommel Formento. "Noong nakapasok na siya, 'yun na, ginawa niya na ang kahalayan. Kaya lang sumigaw ang babae. Kaya nagising at nagawa niya na ang gusto niya. Inuntog-untog niya,"pahayag ni QCPD CIDU Chief C/Insp, Elmer Monsalve. "Walang konsyesiya. Pinakasamahan ko lang siya. Sumasakit ang llob ko sa kanya sa karumal-dumal na ginawa niya,"Sabi ng tatay ng biktima. Ito po ang naging komento ng mga kababayan natinsa nangyaring krimen. Source: ABS-CBN +Sa isang episode ng Programang Gandang Gabi Vice, nailabas na beteranong aktor na si Aga Muhlach ang kanyang saloobin tungkol sa mga pinaggagawa ni Senador Antonio Trillanes. Ayon sa former heartrob, nakakapagod na raw ang ginagawang pambabatikos ni Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ginagawa naman daw ng Presidente ang trabaho nito at sana ay tullungan na lang daw ito ng mga tao sa gobyerno. "Nakakapagod na! Bakit ba? Ano bang gustong mong mangyari? Tumulong ka na lang. Nakakapagod na kung minsan. Kahit kung sinong presidente na lang na umuupo ay sinisiraan, eh ito ginagawa ng presidente natin na nakaupo ang ginagawa niya. Maraming mang hindi masaya sa kanya pero ang punto ko, yung mga naka-pwesto rin, tumulong na lang kayo sana," sabi ni Muhlach. Ikinatuwa naman ng mga kababayan natin ang naging komento ng aktor. Source: GGV via Filipino News Central +Isinugod at naratay sa ospital si SPO3 Mario Asilo matapos maparusahan ni Manila Police District (MPD) Special Weapons and Tactics (SWAT) Chief Inspector Reynante Parlade. Base sa salaysay ni Asilo, sumaludo daw ito sa opisyal pero ng tanungin siya kung kilala daw ba niya ang mga opisyal, na agad naman sinagot ng hindi ay dito na siya pinarusahan ni Parlade. Habang ginagawa ang parusa ay biglang hinimatay si Asilo. Ayon sa kapatid ni Asilo, may sakit sa puso ang biktima. "Yung victim, habang naglalakad siya, passed-by doon sa grupo ng mga officers at siguro hindi siya naka-render ng salute. So form of [punishmentment], pinag squat thrust ata siya," sabi ni MPD Chief PCR P/SUPT Carlo Magno Manuel. Batikos mula sa mga netizens naman ang inabot ni Parlade. Isang uri bang power-tripping ang ginawa ni Parlade kay Asilo? Kayo na po ang humatol. Source: GMA News +Viral ngayon ang social media post ng sikat na Duterte supporter at political blogger na si RJ Nieto a.k.a. ThinkingPinoy laban kay Senador Bam Aquino. Binanatan kasi ni Nieto ang tila pananahimik ni Bam tungkol sa ikinaganda ng isla ng Boracay matapos ito ipa-rehabilitate ni Pangulong Rodrigo Duterte. Matatandaang kasi na isa si Bam sa mga politiko na tumuligsa sa pagpapasara ng Boracay. "Noong nagsara ang Boracay, todo epal si Bam Aquino, maka-kontra lang. Six months later, tameme. #Mema" sabi ni Nieto. Suportado naman ng mga tao ang naging opinyon ng prominenteng blogger. Ito pa po ang video pa ng isang vlogger kung saan ipinapakita ang pagbabago sa Boracay. Naniniwala ba kayong epal si Bam? Source: Rj Nieto aka Thinking Pinoy | Horse Guide +Naliligo ng batikos ngayon sa social media ang isa sa mga senatoriables ng Liberal Party matapos nitong ipagtanggol sina Ex-Bayan Muna Congressman Satur Ocampo at Act Teachers Party-list Congresswoman France Castro sa kinasasangkutan krimen ng dalawa. Ayon kasi kay Representative Erin Tananda, isang makataong gawain daw ang ginawa nila Ocampo at Castro. Para kay Tanada, hindi daw siya magdadalawang-isip na gawin ang mga ginawa nila Ocampo at Castro. Ayon sa ilang ulat, sinampahan ng kasong kidnapping at human trafficking sina Ocampo at Castro nang ibiyahe ng mga ito ang ilang kabataan lumad na walang permiso ng mga magulang. Sa isang Facebook video, binanatan ng Pro-Government blogger na si Byron Cristobal si Tanada. Tanga, buwitre at walang kwenta daw si Tanada para sabihin makataong gawain ang ginawa nila Ocampo at Castro. Ayon kay Cristobal, mga magulang na daw mismo ang nagsabing walang pahintulot sa kanila sila Castro at Ocampo para kuhin ang mga anak nila. Tinawag din ni Cristobal na ulol ang kongresista at sasampalin daw niya ito kung siya daw ang magulang ng mga kabataang lumad na tinangay nila Ocampo at Castro. Ito naman po ang nagin reaksyon ng mga tao sa sinabi ni Tanada. Panoorin ang ilang kaugnay na ulat tungkol sa kinasasangkutang isyu nila Castro at Ocampo. Source: News5 | Byron Cristobal | ABS-CBN +Inaresto nitong nagdaang araw sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo and ACT-Teachers Partylist Congresswoman France Castro sa dahil sa paglabas sa Republic Act 7610 or the "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act", matapos mahuli ng otoridad na ibinabiyahe ang ilang kabataang lumad. Base sa kwento ni Ocampo, nagtungo lang daw sila sa itio Igang, Barangay Palma Gil sa Davao Del Norte para tulungan lang ang mga kabataang inuusig. Inakusahan pa nito ang militar. Sabi ni Ocampo, ipinasara raw ng militar ang Salugpungan learning center. Agad naman pinabulaanan ng ilang indigenous Leaders ang mga akusasyon ni Ocampo. Ayon sa mga kababayan nating indigenous Leader, ang tribal leaders umano ang nag-pasara mismo ng nasabing learning center dahil nagagamit umano ito ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People's Army (NPA) upang i-brainwash ang mga kabataan na lumaban sa gobyerno. Ibinunyag ng mga tribal leaders na tinangay ng grupo nila Ocampo ang mga bata ng walang permiso ng tribo. "Hindi man sila inano doon, bakit kunin ng hating gabi, anong problema? May giyera bang nangyari sa bundok?," sabi ni Municipal Executive Tribal Chieftain Bae Pilar Libayao. "Isipin niyo ma'am estudyante namin pinap*tay ninyo, mga datu pinap*tay ninyo, maraming datu na pin*tay ninyo, tuwing papasok kayo dito may giyera," pahayag naman ni Datu Andigao Agay. Ito pa po ang ilang karagdagan videos kaugnay sa isyu na ito. Source: Quiet No More PH | Hukbo | Kalinaw News +Bineperika na ng kapulisan ang raw information na natanggap nila tungkol sa pinaplanong pagganti ng mga drug lords sa Cebu. Ayon kay Cebu Provincial Police Office (CPPO) Director Senior Supt. Manuel Abrugena, magbabayad daw ang mga drug lords ng P20,000 sa bawat pulis na mapapatay. Natanggap umano nila ang impormasyon matapos ang ginawa nilang sunod-sunod na anti-drug operations sa naturang lugar. Dahil daw sa walang-humpay na kampanya kontra-droga sa buong probinsiya, lubos na naapektohan ang kalakaran ng bawal na gamot sa lugar. Madami-daming pulis na rin ang nakakatanggap ng pagbabanta. Titignan na rin ng kapulisan ang ilang ulat tungkol sa mga opisyal sa Talisay City na tumatanggap umano ng protection money mula sa mga drug lords. Pinayuhan naman ni Abrugena ang mga tauhan niya na maging mapagmatyag dahil parte ito ng kanilang trabaho bilang pulis. "I have advised the men and women of the CPPO not to be affected by the threats and remain vigilant. Threats are part of their job," sabi ni Abrugena Naawa ang ilang kababayan natin sa mga matitinong pulis kung sakaling maging totoo ang raw information na ito. Kaya ang ilang sa mga netizens ay nananawagan na ipatupad ang martial law sa buong Pilipinas para masugpo na ng husto ang mga personalidad sa likod ng kalakaran ng droga. Source: PNA | Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan +Kalunos-lunos ang sinapit ng kababayan nating mangingisda na si Cornelio Bonete nang matagpuan ng otoridad sa baybayin ng Barangay Malaking Ilog. Wala na kasi ang isang binti at isang kamay ng maningisda. Ayon sa ulat, pumanaw si Bonete at hinihinalang buwaya ang nakapatay sa kanye dahil may mga bakas pa umano ng mga ngipin ng buwaya ang katawan ng biktima. Martes daw ng madaling araw nang magpaalam ang mangingisda na manghuhuli ng isda. Ayon sa kapulisan, 4 na pinaniniwalaang pag-atake ng buwaya ang naitala ngayon taon lang. Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natinsa balitang ito. Source: GMA News +Sa pagpapatuloy ng kampanya ng Duterte Admnistration laban sa iligal na droga, nasakote sina Marvin Yu at ang kasama nitong Koreano na si King Jong Hi matapos ang anti-drug operation sa Ortigas, Pasig City. Nakumpiska ng kapulisan sa mga naaresto ang tinatayang P2.2 halaga ng ephedrine, pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu. "We have confiscated or seize 26 bags of suspected ephedrine. And per bag, kung ito ay 25 kilos, ibig sabihin nun 650 kilogram siya. And based on the imformation that we obtained, pag ito ay na-manufactured sa shabu, assuming kalahati ang napo-produced, kung 650 kilogram ng ephedrine, so, ang end product niyan ay 325 kilogram. And 325 kilogram ng end product, kung iko-compute natin based on the value of 6.8 million per kilogram, that is around 2.2 billion," sabi ni National Capital Region Police Office Chief Guillermo Eleazar Panoorin niyo naman po ang karagdagang ulat mula sa GMA News. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa balitang ito. Source: Philippine Star | GMA News +Nabuwisit ng husto ang nagpapanggap na presidente ng Pilipinas na si Elly Pamatong nang tawagan siya ng isa sa mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa Facebook live video ni Nino Ruelo Barzaga, pinagkatuwaan niya si Pamatong sa puntong naasar ito ng tuluyan. Kita sa video kung paano binuska ni Barzaga si Pamatong na dahilan para mapamura ng husto ang nagpapanggap na presidente. Nag-viral kamakailan lang si Pamatong dahil sa pagmumura nito kay Pangulong Duterte sa isang Facebook video. Medyo mahaba po ang video pero kung gusto niyo pong mapanood agad kung paano kinusap ni Barzaga si Pamatong, i-skip sa 10-minute mark ang video. Tiyak iiyak at sasakit ang tiyan niyo sa kakatawa. Ito po ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin sa ginawa ni Barzaga kay Pamatong. Source: Nino Ruelo Barzaga Social Media Volunteer +Isang high-value target ang nahulog sa kamay ng otoridad matapos maaresto si Jabonga Vice Mayor Glecerio Monton sa isang anti-drug operation. Nakuha sa Alkalde ang 12 na pakete ng shabu na may halagang P708,000 at isang granada. Ang asawa ni Glicerio na si Jasmine Monton ay kasalukuyang Alkalde ng Jabonga. Haharapin ni Monton ang kasong paglabag sa dangerous drug act of 2002 at comprehensive law on firearms ang explosives. Tignan ang ilang litrato patungkol sa ulat na ito. Source: GMA | Cup of Politics-Surigao Today +"'PINAGLARUAN' SI RICHARD SANTILLAN BAGO PINATAY NG KAPULISAN," Ganito ang naging caption ni Attorney Glenn Chong sa bago niyang social media video kung saan idenedetalye niya ang kanilang natuklasan sa forensic examinations ng Public Attorney's Office (PAO) kung papaano pinahirapan umano ng mga kapulisan ang kanyang bodyguard na si Richard Santillan bago ito pinaslang. Nanawagan din sa parehas na video si Attorney Chong kay PNP Chief Albayalde patungkol sa kaso ng pagpatay sa kanyang aide. "Sinabi ng kapulisan na si Richard Santillan ay napaslang dahil nagkaroon ng habulan at nagkaroon ng encounter si Richard at ang kapulisan. Pero ngayon araw po, sa huling burol po ni Richard, naisaganap ang forensic examination ng Public Attorney's Office. Lumabas po na pinahirapan ng husto, sobrang pagpapahirap ang ginawa nila kay Richard Santillan habang siya ay buhay pa. Pinalo ng malakas ang ulo niya sa bandang kaliwa. Nag blood clot sa bandang kanan. Ang palo sa ulo ay tatlo. Mayroon siyang 6 na punture wounds sa likod, 2 sa harap... Karamihan po ng kanyang sugat ay downward trajectory. Tingin ko ay baka nakaluhod si Richard bago siya binaril," sabi ni Atty. Chong. "Tama ka sir glen chong..and take note po..pinatigil nila ang pag portray sa masamang imahe ng kapulisan sa isang teleserye..eh ang lumalabas sa totoong buhay mas malala ang ginawanang kawalanghiyaan at kahayupan ng mga pulis na yan sa iyo'ng tauhan..," - Eddie Suarez "mga gawain lang yan ng mga taong duwag.. hindi makalaban ng harapan at patas.. ginawa nila sa isang taong wlang kalaban laban sa knila.. mga gumawa nya ay nagtatago sa lakas ng knilang mga armas at knilang bilang o dami.. pero ang totoo wla silang mga bayag.. #JusticeForRichardSantillan #JusticeForTheVictimsOfPower," - Prince ChrisLouise Capon "Organisasyon ng kulto ang babangain kaya kailangan ang ating suporta. Nagagawa nila butasin ang batas , .sa panlilinlang at pagtakpan ang ng tama ang mali.," - Oler Lero Source: Glenn Chong +Matapos manalo ni Catriona Gray sa isinagawang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand, nagpahayag si Mariel De Leon ng saloobin tungkol sa tinamong tagumpay ni Gray sa patimpalak. Sa kanyang twitter account, binati ni De Leon si Gray sa pagkakapanalo nito sa 2018 Miss Universe at sinabi din ni De Leon na ipinagmamalaki daw niya at ng lahat ang pagkakasungkit ni Gray sa korona. Matatandaang noong Marso ay nagbigay ng komento si De Leon patungkol sa paraan ng pagsagot ni Gray sa mga tanong sa Binibining Pilipinas shoot ng "The Road to the Crown". Ayon kay De Leon noong panahon na iyon ay "scripted" umano ang sagot ni Gray. "I really love your confidence and the way you speak, but sometimes it seems just a tiny bit scripted," sabi ni De Leon kay Gray. Si De Leon ang naging pambato ng Pilipinas sa Miss International 2017, ngunit bigo itong masungkit ang korona. Naging usap-usap din si De Leon noong nakaraang taon matapos nitong punahin si PCOO Assistant Secretary Asec. Mocha Uson at makasagutan sa social media si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte. Panoorin po natin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging tagumpay ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Ito naman po ang highlights sa Miss Universe 2018. Source: Mariel De Leon | Niceguyitachi Network | MB +Isa-isa ng nagbibigay opinyon ang mga government aligned journalist tungkol sa pagkakapaslang kay Richard Santillan, bodyguard/aide ni electon whistle blower Attorney Glenn Chong. Sa isang live Facebook video, binanatan ni DZME journalist Leo Palo ang mga pulis na sangkot sa pagkakapatay kay Santillan. Ayon kay Palo, matagal siyang nag-cover ng mga police operations kaya diskumpiyado siya sa mga sinasabi ng mga pulis. Nagbigay din ng opinyon si Palo sa anggulo ng torture sa biktima. Umaasa din ang mamamahayag na makarating kay Pangulong Duterte ang kaso at matulungan ang biktima. "Ang sinasabing napatay nga ay mga miyembro daw ng highway boys, isang organized crime syndicate daw na sangkot sa robbery hold-up, arms dealing at illegal drug operations sa CALABARZON sa region 4a. Eh putang ina ng mga ito. Kung kayo po ay mali sa inyong mga espiya at sa inyong mga impormasyon ay talagang mapapamura ako sa ganito. Sayang kasi ang pina-pasweldo sa inyo puro palpak ang ginagawa niyo. Pasensiya na sa pulis Rizal pero hindi ko nilalahat. Dahil nag sanib pwersa kayo at may operasyon kayo na ganito, tapos mali ang identity ay P- ina! Pinatay niyo 'yung tao na walang kalaban-laban," sabi ni Palo. Basahin niyo ang reaksyon ng mga tao sa mga sinabi ni Mr. Palo kaugnay sa pagkakapatay kay Santillan. Source: Leo Palo +Sa pakikipag-usap ng US-Based pro-government blogger na si Maharlika kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Bato Dela Rosa patungkol sa kaso ng pagkakapaslang sa bodyguard/aide ni election whislte blower Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan, hiningan niya ng reaksyon si Dela Rosa sa impormasyon na konektado umano si PNP CALABARZON Director Edward Carranza sa isang narco general na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Caranza ang nakakasakop sa lugar kung saan nangyari ang pagpatay kay Santillan. "In fairness, totoong si Carranza ay naging bata ni Garbo, but I can bet my balls right now if he's still taking orders from Garbo. He is taking orders from the chain of command sa PNP. Noong ako ay Chief PNP, in-appoint ko iyan sa isang posisyon but mayroon magrereklamo sa Malacanang na porke't bata ni Garbo, dapat na kahit gaano siya kagaling, gaano siya ka-sloppy mag-trabaho, kasi bata ni Garbo, 'wag papormahin. So tinanggal ko uli. Iyak ng iyak ang opisyal na iyan. Kasalanan daw ba niya na naging bata siya ni Garbo?," sabi ni Gen. Bato. Ayon kay Gen. Bato, gusto niya lang umano maging fair sa lahat kaya itinalaga niya pa rin si Carranza. Nahihinaan ba kayo sa sagot ni Gen. Bato sa unang video? Panoorin niyo po dito ang sagot ni Gen. Bato sa video na mas malakas ang audio. Panoorin ang panayam ng journalist na si Erwin Tulfo kay Carranza. Ito po ang naging reaksyon ng mga tao sa pakikipag-usap ni Maharlika kay Gen. Bato. Source: Maharlika | Erwin Tulfo +Sa kanyang programa sa radyo, inihayag ng beteranong mamamahayag ang kanyang opinyon sa pagkakapaslang kay Richard Santillan, bodyguard/aide ni clean elections advocate Attorney Glenn Chong. Napag-alaman kasi ni Tulfo na tinanggalan umano ng kuko sa paa si Santillan. Kaya hindi maiwasan na pagdudahan ni Tulfo ang naging operasyon ng mga pulis laban kay Santiilan. Sa naturang programa, nakapanayam din ni Tulfo ang PNP Official na si CALABARZON Director Chief Supt. Edward Carranza at si Attorney Chong. Natakalakay din ni Tulfo si Highway Patrol Group Chief Roberto Fajardo na hepe ng mga pulis na nakapatay kay Santillan at siya ring hepe ng mga pulis na nakapaslang kay Kian Delos Santos. Ayon kay Tulfo, suportado niya ang anti-drug campaign ng Duterte Administration pero hindi ito dapat nagagamit ng mga mapagsamantala. Naniniwala din si Tulfo sa integridad ni Attorney Glenn Chong. "Karumal-dumal pala ang sinapit ng driver/bodyguard ni Attorney Glenn Chong na si Ginoong Richard Santillan. Noong sinuri na ng mabuti ni Attorney Chong, nakita niyang walang kuko ang kanyang driver/bodyguard. Eh paano nangyari 'yun? Encounter pero wala ng kuko? Ano? Puro kalokohan na yata ito. Pero kung ganito na ang sinabi na wala ng mga kuko, ay lintek. Eh malinaw na ito ay extra-judicial killing. Pinahirapan muna 'yung biktima. Hindi na ako naniniwala na ito ay related to drugs. Ginagamit na lang na kasangkapan ng mga demonyo," sabi ni Tulfo. Ito po ang naging komento ng ilan nating kababayan sa programa ni Tulfo. Source: Erwin Tulfo +Matapos mag-negatibo ang bodyguard ni Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan sa paraffin test, isa na namang bagay ang natuklasan sa bangkay ni Santillan. Ang kuko nito sa hinlalaki ng paa ay tanggal at may dugo pa. Palaisipan tuloy kung paano natanggalan ng kuko si Santillan. Kung tinamaan man daw ito ng bala sa daliri ng paa, bakit hindi sabog ang daliri? "Kung natamaan ito ng bala, sabog sana ang daliri ng paa ni Richard Santillan. Pero hindi ito sabog. Tinanggal ang koko kaya may dugo. Paano ngayon ipaliwanag ng mga pumatay kay Richard Santillan ang isang lehitimong engkwentro kuno pero natanggal ang koko ng daliri ng paa ng biktima?," sabi ni Atty. Chong. Isa pa sa mga tinitignang anggulo ni Atty. Chong ay ang oras sa pagitan ng pag-alis ni Santillan sa Give-a-Gift program na dinaluhan nito at sa pagkamatay nito sa kamay ng kapulisan. "Ayon sa mga testigo, umalis si Richard Santillan mula sa despidida party na isinagawa sa bahay ng kanyang coordinator para sa Give-a-Gift program bandang alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 9, 2018. Ayon naman sa Police Spot Report, nangyari ang engkwentro bandang ala-1:00 ng umaga ng Disyembre 10, 2018. Kung gayon, may 3 oras na pagkakaiba sa sinabi ng mga testigo at sinabi ng mga kapulisan. Saan pumunta si Richard Santillan sa loob ng 3 oras na ito? Ito ba ang panahon na tinanggalan siya ng koko sa daliri sa paa? Ito ba ang panahon na siya ay tinorture ng mga salarin?," ani Chong. Ayon pa kay Chong, may ilang pang palatandaan na tinorture umano si Santillan. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natin sa bagong rebelasyon ni Atty. Glenn Chong. Source: Richard Santillan - Glenn Chong, Tuloy Ang Laban by Atty Glenn Chong | DZRH +"I would need your help." Ganito ang naging hiling ni Attorney Glenn Chong sa Pro-DUterte Lawyer na si Attorney Trxie Cruz-Angles kaugnay sa pagkakapatay ng kanyang bodyguard at aide na si Richard Santillan sa kamay ng mga pulis sa Cainta. Sa isang maikling sagot, kinumpirma ni Attorney Trixie na tutulong sila para mapanagot ang mga may sala. "We weill help you in anyway that we can. Nire-request ko rin sa lahat ng mga followers ko dito to remember Attorney Chong in your prayers ang kung may kailanganin kami ay mananawagan kami," sabi ni Trixie. Nagnawagan din si Attorney Chong sa mga followers ni Attorney Trixie na panatilihing buhay ang isyu kaugnay sa pagkakapatay kay Santillan. "Ang aking pong panawagan sa ating kababayan is huwag po nating payagang mawala ang isyu kay Richard Santillan. I really ask for your help," sabi ni Chong. Basahin po ang reaksyon at mensahe ng mga tao sa bagong kaganapan sa kaso ng pagpatay kay Santillan. Source: Luminous +Tinanggal na sa katungkulan ang opisyal ng Philippine National Police (PNP) at mga pulis na nasasangkot sa pagkamatay ng bodyguard/aide ni Attorney Glenn Chong na si Richard "Red" Santillan. Kinumpirma mismo ni CALABARZON Regional Director Chief Supt. Edward Carranza, pagsibak sa provincial director ng Rizal, highway patrol team, at ilang miyembro ng intel team na may kaugnayan sa pagkamatay ni Santillan. "This is a strong message to the PNP personnel, that we will not allow abuses of our PNP personnel it can be a violation of the police operational procedure then we will investigate our men and if indeed our personnel have used excessive force then we will file administrative charges," sabi ni Carranza. Nakulangan naman si Attorney Chong sa aksyon ng kapulisan. Ayon kay Chong, dapat daw maibigay na ng kapulisan ang ebidensiya at mga mukha. "GENERAL CARRANZA, KULANG PA ITO. ANG EBIDENSYA NINYO ANG GUSTO KONG MAKITA AT MAKUHA. IBIGAY MO NA. PADALA AKO NOW NG OFFICIAL COMMUNICATION DEMANDING THE SUPPORTING REPORTS AND EVIDENCE NG THEORY NG KAPULISAN. MALINAW ANG SINABI KO. ARAW LANG ANG BIBILANGIN KO, HINDI LINGGO. WE DEMAND FOR THE HEADS OF THESE CRIMINALS IN UNIFORM!," sabi ni Chong sa kanyang Facebook account. Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa naging tugon ng PNP sa kaso ng pagpatay kay Santillan. Source: PTV | Glenn Chong +Maraming kailangan ipaliwanag ang ilang miyembro ng kapulisan na nakapatay sa bodyguard/aide ni Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan. Sa social media post ni Attorney Trixie Cruz-Angeles, sinabi nito na nag-negatibo umano si Santillan sa isinagawang paraffin test. Ang paraffin test ay ginagawa para malaman kung ang isang tao ay nagpaputok ng baril. Base din sa paunang impormasyon ni Angeles, nagtamo ng 15 na bullet wounds si Santillan. Hindi rin daw "encounter" ang nangyari, kundi, ito ay isang execution. Para lang may ideya kayo sa istoryang ito. Madaling araw noong Lunes nang mapatay si Santillan ng kapulisan sa may Rizal. Pinalalabas ng pulis na si Santillan ay miyembro umano ng isang sindikato na nag-ooperate sa naturang lugar. Ang mga akusasyon ng pulis laban kay Santillan ay mariing tinututulan ni Attorney Chong. Ayon kay Chong madalas niya raw kasama si Santillan at nagpunta lang si Santillan sa Rizal para sa isang gift giving. Si Attorney Chong ang isa sa pinaka-maingay na kritiko ng COMELEC, Smartmatic at kampo ni VP Leni RObredo. Dumalo ito sa ilang senate hearing para ibunyag ang nangyaring dayaaan noong 2016 elections. Panoorin ang panayam ni Kabayan Noli De Castro kay Attorney Chong. Panoorin ang ulat sa pagkakapaslang kay Santillan. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa isiniwalat ni Attorney Angeles sa kanyang social media account tungkol sa negatibong paraffin test result kay Santillan. Source: Luminous | DZMM +Sa social media post ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza, natanong nito kung nagkataon lang ba na ang hepe ng mga pulis na nakapatay kay Kian Delo Santos noon ay siya ring Hepe ng mga pulis na nakapatay sa bodyguard/aide ni Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan sa Rizal. Ang tinutukoy niya ay si Highway Patrol Group Chief Roberto Fajardo. Sa hiwalay pang post, sinabi naman ni Sonza na kababayan nila opposition Senator Leila De Lima at Vice President Leni Robredo si Fajardo. Halos parehas ang tinutumbok ng post ng isa pang mamamahayag na si Jojo Robles. Si Fajardo ay pansamantalang ni-relieved sa puwesto noon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa dahil sa command responsibility sa pagkamatay ni Kian. Naitilaga muli si Fajardo sa kapulisan bilang hepe ng Highway Patrol Group noong Hunyo 2018. Ito po ang ulat ng mainstream media sa nangyari kay Santillan na may kalakip na actual video footage ng pamamaril. Ito naman po ang reaksyon ng mga tao sa social media post ni Sonza. Source: Jay Sonza | Jay Sonza 2 | Jojo Robles | GMA | Philstar +Matapos ang ilang oras na paghihintay ng mga netizens para ibalita ng mga mainstream media ang nangyaring pagpatay sa bodyuguard/aide ni Former Congressman Atty. Glen Chong, ibinalita na rin sa wakas ng isang primetime news program ang insidente. Kaakibat sa kanilang ulat ay ang footage kung saan makikita ang isang SUV na napapalibutan ng mga police mobile at maririnig din ang alingawngaw ng mga putok ng baril. Mariing tinutulan naman ng mga kamag-anak ni Santillan ang mga paratang ng pulis sa nasawi. "Nag-gi-gift giving siya, kasama niya mga pulis. Tapos ang pumatay sa kanya mga pulis," sabi ni Jeanette Santillan, asawa ni Richard Hindi naman kumbinsido ang ilan nating kababayan sa mga sinabi ng mga pulis. Ito po ang ilan sa kanilang mga komento at opinyon sa nangyari kay Santillan. Source: ABS-CBN - TV Patrol +Sa isang social media post, iniulat ng PTV ang pananambang ng New People's Army (NPA) kay Lumad Leader Jomar "Marcos" Bocales -- "Datu Jumar Bucalis" sa San Isidro, Liangga, Surigao De Sur. Nalaligtas ang biktima sa ginawang ambush. Si Bocales ay isa sa mga tribal leaders na mariing tumututol sa paggamit sa mga lumad sa mga rallies. Ito po ang panayam ni former Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa lider ng mga lumad. Sa ika-4 minute mark ng video, maririnig niyo ang pagbubunyag ni Bocales. Basahin ang naging reaksyon ng mga tao sa bagong panggigipit ng mg anPA sa mga lumad. Source: PTV | Mocha Uson Blog | Philstar +Hindi napakinabangan ng mga New People's Army ang kanilang 2 kuta na gagamitin sana nila para sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines - New People's Army (CPP-NPA). Matatagpuan ang mga nasabing kuta ng NPA sa Bukidnon at Agusan del Sur. Nakubkub ng kasundaluhan ang mga kuta ng terorista matapos ang serye ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng mga rebeldeng komunista na nagsimula noong Disyembre 12. Ayon sa ulat, 40 armadong NPA ang unang nakabakbakan ng militar. Nasamsam sa dalawang kuta ang mga baril, pampasabog, medical kits at ilang dokumento ng mga rebelde. Ito po ang ilan sa mga naging komento ng mga kababayan natin sa pagkakasakop sa mga kuta ng NPA. "Dapat na kabahan ang mga party list ng terroristang npa.. Maubos na kayo para peaceful na manirahan sa bukid, may negosyante na papasok di na sila takot...,"- Mc Ariston Katipunan "Dapat di nyo muna kinubkob, hinintay nyo muna anniversary para double kill! Founding at Death Anniversary sana.,"- Rodelio B Socito "Dapat kapag may nahuli NPA Live na Ipakita sa CNN at sa Buo Mundo na Pinupugitan natin sila ng ULO! Parang un ginagawa sa Saudi Arabia. Tgnan lng natin kung may gumaya pa sa knila!," - Rolando Parumog Jr. "NPA is one of the reason why Philippines become a third world country, and they should vanished, ang bansang walang terorismo is maunlad, Sabi nila may pinag lalaban sila! That's bulshit all they do is destroying lives," - Mikalaki Treyandafelya "Di pa pala sila ginamitan ng maraming sundalo ilang scout ranger.lang pala so ibig sabihin saglit lang.sila kung.may.airstrike.pa kaya dapat sumuko nalang kau mahal kau.ng inyong pamilya wag kau magpauto sa mga amo nyo naginagamit lang kau at sarap pa.buhay.nila.. walang silbi.ang mga pinaglalaban nyo terorista na.nga turing.sa inyo tumulong nalang kau sa.mga.mamayan para makabawi kayu sa inyong kasalanan higit sa lahat hingi.na.kau.tawad sa Dios," - Jonathan John Clamor Reginaldo Source: PTV +Tila marami na ang nakakapansin sa pananahimik ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa kaso ng pagpaslang kay Richard Santillan, ang bodyguard/aide ni election whistle blower Atorney Glenn Chong. Sa Facebook post ng pro-government blogger at kapatid ni Senator Miram Defensor-Santiago na si Atty. Paula Defensor-Knack, natanong nito kung bakit tila napaka-tahimik umano ni Albayalde sa isyu ng pagkakapatay kay Santillan. Para kay Knack, sirang-sira na raw ang imahe ng mga pulis. Pinatotohanan din ni Knack sa parehong post na kasama nga parati ni Atty. Chong si Santillan. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natin sa naging pahayag ni Knack. Hindi napigilan ng ilang na banatan si PNP Chief Albayalde sa naging isyu nito sa programang "Ang Probinsyano". Source: Paula Defensor-Knack +Sa bawat araw na dumaraan, may bagong impormasyon na inilalabas si Attorney Glenn Chong kaugnay sa pagkakapaslang sa kanyang bodyguard/aide na si Richard Santillan. Ayon sa dating kongresista at election whistle blower, hindi daw ipinaalam ng kapulisan sa pamilya ni Santillan ang nangyari dito kahit na kumpleto ang pagkakakilanlan nito. Umabot pa raw ng 16 oras bago nalaman ng pailya ni Santillan ang nangyari sa kaanak nila at nanggaling pa umano ang impormasyon sa isang anonymous test. Kaya hindi maiwasan ni Attorney Chong na pagdudahan ang naging proseso ng otoridad. It po ang naging opinyon ng mga tao sa bagong impormasyon na nilabas ni Attorney Chong. Source: Glenn Chong +Matapos maiulat nitong nagdaang araw na nag-negatibo sa paraffin test ang bangkay ng bodyguard/aide ni Attorney Glenn Chong na si Ricahrd Santillan, isang bagong impormasyon ang lumitaw tungkol sa kaso. Ayon sa kampo nila Attorney Chong, nawawala umano ang cellphone ni Santillan at kaduda-duda ito para sa kanila dahil alam nilang may dalang cellphone si Santillan noong gabing napaslang ito. Ang cellphone laman ang tanging bagay na nawawala kay Santillan. Ayon kay Chong, natatakot daw ang mga pulis dahil ipinaalam nito na ipapa-forensic examination niya ang gadget sa ibang bansa. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa bagong update sa aso ng napatay na aide ni Atty. Chong. Source: Glenn Chong +Arestado si Teri Marina Silva Colmenares, 22-anyos, dahil sa pagtutulak ng droga. Ayon sa ilang ulat, inginuso umano ng ilang tao si Colmenares na source umano ng high-grade party drugs at ng marijuana. Natunton si Colmenares matapos magkaroon ng kaso ng rape kung saan isang disk jockey ang nanghalay gamit ang droga. Ang mga ibinebentang droga ni Colmenares ay ikinukubli bilang mga fruit pops para hindi mahuli ng otoridad. Si Colmenares ay naging kandidata sa 2018 Binibining Cebu. Pero ang nakakagulat dito ay ang impormasyon na kaanak umano ito ni dating Bayan Muna Congressman Neri Colmenares. Sa isang pahayag, sinabi ni Colmenares na maaring kamag-anak nga niya ang dilag pero hindi raw patas na gamitin ang sinapit ni Teri para siraana ng kanyang pangalan. "It is is certainly unfair and malicious to use her predicament to try to besmirch my or any person's reputation, including those of far distant relatives who happen to share her last name...I am told that her great grandfather and my grandfather may be cousins,"sabi ni Neri. Inaasahan naman ni Neri na rerespetuhin daw ang karapatan ng nahuling durugista at itrato ito ng patas. "Having said that, I expect the authorities to treat her with fairness... Whether she is involved in drugs or not, her due process rights, like the rights of any other accused, deserve respect,"dagdag pa ni Nei. Si Neri ay kritiko ng giyera kontra-droga ng Duterte Administration. Sa katunayan, suportado nito ang communication laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). Source: Inq +Wala na talagang pinipili ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, pati ang isang inosenteng charity Christmas party sa Amerika na inorganisa ng Pro-government blogger na si Maharlika ay ginulo nila. Sapul sa video kung paano nambulahao ang mga taong ito habang idindaos ang private event. Umalma din ang isa pang pro-government blogger na si MJ Quiambao Reyes na nasa naturang event din. Ayon kay Maharlika, naitaboy naman ang mga nanggulo sa kanilang event nang tumawag siya sa 911. 4 na LAPD police car at isang LAPD helicopter ang rumesponde para palayasin ang mga nanggulo. "Nagpa-party kami para sa charity. May special guest pa nga tayo, blogger din na si Mdam MJ Quiambao, tapos biglang sumugod yung mga dilawan... Mga bitter, mga inggit, palibahasa wala silang supporters na ganito, volunterism. Mga volunteers ang mga tao dito. Nagwawala sila doon,"sabi ni Maharlika. "Ganyan ang ugali ng dilawan. Nanggugulo sila sa party namin ngayon."dagdaga naman ni Quiambao. Panoorin pa ang karagdagang pahayag ni Maharlika sa nangyaring insidente. Source: MJ Quiambao Reyes | Maharlika +Arestado ang kandidata ng 2018 Binibining Cebu at kasabwat nito dahil sa pagbebenta ng party drug. Nakuha rin sa beauty queen ang mga pakete ng high-grade marijuana. Kinilala ang beauty queen na si Teri Marina Colmenares,22-anyos at nakatira sa Echavez Street sa Cebu City. Habang ang kasabwat naman niya ay nakilala sa pangalang Nicole Allan Casino ng Barangay Apas, Cebu City. Si Teri umano ang itinuturong source ng party drugs na ginagamit sa mga kaso ng date-rape. Natunton si Teri nang may nagreklamong rape victim sa mga pulis. Ayon sa rape victim, minolestiya siya ng isang disc jockey sa pamamagitan ng paggamit ng date-rape drug. Matapos maaresto ang rape suspect, binunyag nito na kay Nicole Allan Casino niya na nabibili ang mga droga. Nang mahuli naman ng otoridad si Casino, itinuro naman nito si Colmenares. Ayon kay Guadalupe Police Precinct Chief Senior Inspector Dexter Basirgo, gumagamit si Colmenares ng mga fake id para maitago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan. Source: Inq | Sunstar | Bombo Radyo Cebu +Matapos magdeklara ang New People's Army (NPA) na magsasagawa ito ng mga opensiba sa iba't-ibang parte ng Pilipinas, inatasan na ngayon ng militar ang 2 batalyon nito sa Negros Occidental na atakehin na ang mga rebeldeng komunista. Inudyukan ni 303rd Infantry Brigade commander Col. Benedict Arevalo ang mga kababayan nating Negrenses na kundinahin ang mga bandido at ang mga bogus na human rights group na konektado sa grupo. Ayon pa kay Arevalo, hindi lang ang mga NPA ang dapat kundenahin, kkundi ang mga grupong Communist Party of the Philippines at National Democratic Front. Matatandaang sinabi kamakailan lang ng bagong talagang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff, Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr. na ang pagpuksa sa mga NPA ang magiging prayoridad niya. Ito po ang ilang reaksyon ng mga kababayan natin sa gagawin pag-pulbos sa mga NPA ng mga kasundaluhan. Source: Philstar | PNA +"Parang hindi ko alam kung pinapatay ba ang istorya na ito. Tinatago? Whatever is happening? Wala sa mga telebisyon," Nakarating na sa kaalaman ng beteranong mamahayag na si Erwin Ulfo ang sinapit ng bodyguard ni election whistle blower Attorney Glenn Chong. Sa kanyang programa ay nakausap nito si Attorney Chong tungkol sa nangyaring pananambang sa aide nito na si Richard Santillan. Nagtataka si Tulfo kung bakit hindi man lang naipalabas ang istorya sa mga kilalang news program sa bansa. Ayon kay Tulfo, bibigyan niya ng numero ng mga matataas opisyal ng Philippine National Police (PNP) si Chong para mapa-imbestigahan ng maayos ang nangyari kay Santillan. Naka-usap din ni Tulfo ang opisyal ng PNP sa Rizal na si Ssupt. Lou Frias Evangelista. Panoorin niyo po kung paano sumagot si Evangelista sa mga tanong ni Tulfo. Maraming mga kababayan natin ang nagtataka kung bakit hindi nga lumalabas sa mga mainstream media ang nangyari kay Santillan. Source: Erwin Tulfo +Habang hindi masyadong tinututukan ng media ang balita tungkol sa pagkakapaslang sa bodyguard ni Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan, isa-isa na pong nagsasalita ang mga pro-government bloggers tungkol sa pangyayari. Sa Facebook video ng US-based Pro-Duterte blogger na si Maharlika, hinimay nito ang isyu sa pagkamatay ni Santillan sa kamay ng pulisya. Hindi rin niya napigilan ang sarili at kinuwestiyon nito ang ginawang operasyon ng mga pulis laban kay Santilan. "Bakit kailangan tamnam ng droga si Richard? Kasi gusto palabasin ng mga pulis na involved (sa pagpatay kay Santillan) na sangkot si Richard sa droga, at ngayon magagalit si Pangulong Duterte... Palalabasin nila na masama ang taong ito, which is hindi. Sabi ni P/SSupt. Lou Frias Evangelista, magkakaroon ng masusing imbestigasyon. Diyos ko naman! Papatay muna kayo ng tao bago niyo imbestigahan. Anong kapalpakan iyan? Anong kahinaan ng utak iyan?...Matapos i-ambush o mapatay, tsaka lamang magkakaroon ng malalim na imbestigasyon ayon kay Rizal Police Senior Superintendent Lou Frias Evangelista, " sabi ni Maharlika. Ito po ang interview na tinutukoy ni Maharlika sa pagitan ni Attorney Glenn Chong at Police Director Evangelista. I-skip lang po sa 29:15 mark para mapakinggan agad ang usapan ng dalawa. Basahin ang naging opinyon ng mga kababayan natin sa naging pahayag ni Maharlika. Source: Maharlika | Katipunan +Sa isang video, sinagot ni TV/Radio host Raffy Tulfo ang mga paratang ni Mystica na hindi umano niya binigyan ng sapat na airtime sa kanyang programa ang singer/actress at kinontrol at minanipula umano niya si Mystica sa kanyang programa. Para sa kaalaman ng lahat, nagsimula ang isyu na ito nang magtungo si Mystica sa programa ni Tulfo para isumbong ang mga nakaalitan niyang mga pro-government bloggers na sina Nino Barzaga at Drew Olivar. "Nito pong weekend, marami pong kumalat na mga videos sa social media kung saan si Mystica raw ay hindi masaya sa naging resulta ng kanyang paglapit sa amin noong nakaraan linggo. Kung mapapansin niyo po, ito (mic) ay off air. Ako po ay naka-lapel (mic) ng sa ganoon ay hindi na po masayang ang airtime ng wanted sa radyo para sa araw na ito ang bawat minuto ay mailalaan para sa mga taong talagang nangangailangan ng tulong. Anyway, agad ko pong binigyan ng instructions ang reporter na nakatutok sa kaso ni Mystica na stop na ang lahat ng action na gagawin niya para kay Mystica. Pinul-out ko na po siya sa kaso. Ibig sabihin, Mystica is own her own sa kanyang away Nino Barzaga at Drew Olivar," sabi ni Tulfo. Ayon pa kay Tulfo, naaawa daw siya sa kalagayan ni Mystica. Malaki daw ang problema ng singer/entertainer sa sarili at malala na daw ang pinagdadaaanan nito. Nangangailangan din daw ito ng propesyunal na tulong sa aspetong medikal. Ito po ang video na tinutukoy ni Mr. Raffy Tulfo. Basahin ang naging reaksyon ng mga tao sa naging pahayag ni TUlfo tungkol kay Mystica. Source: Raffy Tulfo in Action +Naligo ng kritisismo si ABS-CBN news anchor na si Karen Davila dahil sa kanyang social media post patungkol sa kinahinatnan ng kaso ni dating Senador Bong Revilla Jr., ang Chief of Staff nito na si Richard Cambe at ang diumano'y pork-barrel mastermind na si Janet Lim-Napoles. Sa kanyag twitter post, kinuwestiyon ni Davila ang kung ano ang magiging epekto ng pagkaka-acquit kay Revilla, sa kasong kinakaharap nila dating Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na may kaugnayan din sa PDAF scam. Pero ang naging kapansin-pansin sa mga netizens ay ang huling tanong ni Davila sa kanyang tweet. Tinanong niya kung ano daw ang magiging hatol kay Napoles? Ma-acquit din daw ba ito? Kasabay kasi sa inilabas na desisyon sa kaso ni Revilla ay ang pag-convict kina Napoles at kay Cambe. Dito na tinadtad ng batikos si Davila. Basahin ang naging banat sa kanya ng mga netizens. Source: Harold Tan | TNT Abante +Tampok sa programang I-juander ang kwento patungkol sa isang pari sa Pampanga na nakapatay ng mahiigit 50 katao noong 1812. Nakilala ang pari sa pangalan na Padre Juan Severino Mallari, ang kauna-unahang Pilipinong Kura Paroko ng Magalang. Noong 1840 ay hinatulan ito ng kamatayan at binitay. "Si Padre Juan Severono Mallari, tubo siya ng Macabebe, Pampanga. Nakapagtapos siya ng kanyang pag-aaral ng pagpapari sa University of Santo Tomas. Ilang beses na siyang nailipat sa mga parokya sa ibang bahagi ng Pilipinas. And then in 1816, nakuha niya ang pagka-paroko ng Magalang, Pampanga... Nakilala siya sa pagiging bihasa sa caligrphy, sa pagguhit ng kanyang records, sa pamamgaitan ng kanyang kamay... 'Yung pong mother po niya, accodring to spanish documents, siya po daw ay nagkasakit dahil siya daw ay kinulam. Bawat buhay po ng kanyang pinapatay, doon po naniniwalang na gagaling ang nanay niya sa kulam," ayon kay Louie Aldrin Bartolo, Local Historian sa Magalang Pampanga Heritage. "What's inside the criminal's mind, ang pagtingin nila saibang tao, pagtingin nila sa mundo ay kalaban eh, adversarial. Kaya sila nagkakaganoon is maaring mayroon silang hindi magandang karanasan noong lumalaki sila. The extent ng pagpatay nila, reflects the inner destruction that they feel within them," sabi ni Cristina Lope Rosello, isang Psychologist. Basahin ang komento ng ilan nating kababayan sa episdoe ng I-juander patungkol kay Padre Mallari. Source: GMA +Sapul sa dashcam ang ginagawang kabalastugan ng ilang kabataan sa kalsada. Ayon sa ulat ng GMA, may mga batang nambabato o di kaya ay ginagasgasan ang kotse ng mga motoristang hindi nagbibigay ng limos. Ang mas matindi pa ay ang pambubuhos ng asido kapag hindi nabigyan ng limos. "After ng hindi mo mabigyan, nang-i-scratch ng sasakyan... Pinapauwi namin ang mga bata, and sometimes kinukuha natin at dinadala natin sa DSWD,"sabi ni MPD Station 8 Station Commander P/Supt. Ruben Ramos. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi pwedeng arestuhin ang sino mang pusakal na kabataan dahil sa Republic Act 9344 of the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 ni Senador Kiko Pangilinan, kaya ang iba sa mga kababayan natin ay hindi mapigilan na sisihin ang senador dahil sa naging resulta umano ng batas na inakda nito. Source: GMA +Matapos bumaba ng bahagya ang presyo ng langis at inflation sa bansa, bumaba naman ngayon ang presyo ng ilang commercial rice sa merkado. Ayon sa ulat ng PTV at GMA News, may mabibili ng commercial rice na nagkakahalaga ng P34 hanggang P39 per kilo. Resulta ito ng administrative order No. 13 na inaprubahan ng National Food Authority (NFA) na nagpapahintulot sa mga piling retailers na makapag-angkat ng bigas na hindi na kailangan dumaan sa mga traders. "Yan ang magandang balita ngayon na may P34 hanggang P39 (per kilo) na bigas,... Dito sa programa natin na kapag sila ay nag-import, makakabenta sila ng diretso. In other words, 'di na sila dadaan ng maraming traders. Makakabenta na sila ng murang bigas... Ito ang ginawa natin para mas mura...para diretso na sa consumer... Ang unang nakapag-comply diyan yung Robinsons Supermarket. Dito po sa Manila, 88 branches nila. Meron na silang bigas lower than P40 (per kilo)" sabi ni Department of Trade and Industries Secretary Ramon Lopez. Maliban sa Robinsons Supermarket, inaasahang makakapagbenta na rin ng murang bigas ang Puregold at Gaisano sa mga susunod na linggo. Basahin ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga kababayan natin sa pagbaba ng presyo ng bilihin. Ang ilan sa kanila ay kinukutya ang mga anti-DU30 dahil mababawasan na naman daw ang maibabatong isyu laban sa Duterte Administration. Source: PTV | GMA +Ayon sa social media post ng DZMM, magsusunog na naman ang mga miyembro ng militanteng grupo para sa pagunita ng International Human Rights Day bukas. Makikita sa mga larawan na inilathala ng DZMM Facebook page ang ilang bersyon ng mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginuhit ng mga militante. May isang hawig ni Hitler, mayroon naman na mukhang demonyo at ang isa naman ay inihalintulad sa isang aso. Mayroon din isang larawan na may salitang "DU30" at sa loob nito ay may guhit ng mga isyung ipinupukol laban sa Duterte Adinistration. Magtataka ka na lang kung saan nila kinukuha ang budget para sa mga ganitong gawain at kung bakit hindi sila nanghihinayang sa ginagawa nilang pagsusunog. Ito po ang naging reaksyon ng ilang kababayan natins amga pinaggagawa ng mga militante. Source: DZMM +Sa isang pahayag, binutata ng palasyo ang panibagong patutsada ni Senador Antonio Trillanes na baliktad raw ang hustisya sa panahon ng Duterte Administration. Matatandaang nag-labas ng arrest warrant ang Davao Regional Trial Court laban kay Trillanes kaugnay sa kasong libelong isinampa ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Dutere. Ayon kay Presidential Spokesperson Sal Panelo, parang sanggol na iyakin daw si Trillanes dahil imbis na harapin ang kaso ay inatake na naman nito ang Duterte Government. "The Davao City Regional Trial Court ordered on December 7 the arrest of Senator Antonio F. Trillanes IV for the crime of libel. Instead of facing this squarely, however, the Senator from Bicol ranted and released a fiery statement before the media attacking the Administration, as his usual style. Senator Trillanes is certainly out of his wits. His latest remarks prove once and for all that he is an incorrigible rouble rouser and perennial whiner, a false accuser who, when hailed to court, cries like a baby reminiscent of staging a coup and surrenders instantly even without a gun being fired from the government forces. Everyone must be accountable for any wrongdoing or infraction of any law. His being a Senator can not excuse him from prosecution from those he has wronged. Instead of employing squid tactics and smearing the Administration, he should focus on the legal remedies available to him,"sabi ni Panelo. Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa krimen na kinasasangkutan ni Trillanes. Ito po ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa pag-angal ni Trillanes sa arrest warrant na inilabas kaugnay sa libel case laban sa kanya. Source: Office of the Presidential Spokesperson +Kamakailan lang ay nagtungo si Mystica sa programa ni Raffy Tulfo (Raffy Tulfo in Action) para humingi ng tulong laban sa mga Duterte Vloggers na sina Nino Barzaga at Drew Olivar na ayon kay Mystica ay lumapastangan sa kanya. Matapos matulungan ni Tulfo si Mystica, naglabas ng bagong video ang singer/actress at inihayag ang kanyang hinaing dahil sa maikling airtime na ibinigay sa kanya ng programa ni Tulfo. Ayon kay Mystica, tila minanipula at kinontrol daw siya dahil sa limitadong oras na pinagkaloob sa kanya sa programa. Kung nag-research lang sana si Mystica, malalaman niya na limitado lang talaga ang oras na binibigay sa mga taong nagpupunta sa programa ni Tulfo. "Raffy Tulfo has trapped me and left with no choice but to say yes... but when I wanted to say on my 2nd segment that I have thought about it and I finally realized that after hearing his apology...my heart and soul wasn't convinced at all about his scripted apology message that he read over the phone....but, to my big disappointment, he never gave me anymore airtime in order to say the most important thing and that is to change my decision and push my case against Nino Barzaga himself," sabi ni Mystica. Basahin ang ilang reastion ng mga kabaayan natin sa mga pinagsasabi ni Mystica laban kay Tulfo. Source: Ruby Villanueva +Huli sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police - Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) at ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sina MANILA Bureau of Internal Revenue (BIR) - Revenue District Officer Bethshiba Bautista at si Manila BIR Examiner Rachel Villanueva. Mahaharap ang mga suspek sa kasong direct bribery. Ginawa ang pambibitag sa dalawa sa 3rd floor ng BIR building sa Intramuros, Manila. "Pagbigay ho ng pera, kaagad-agad ay umakyat na ang mga tao na natin doon and nakuha mismo sa suspek yung money na ginamit," sabi ni CIDG Deputy Director for Administration C/SUpt. John Luglug. Ayon sa otoridad, nais nilang maalis ang kalakaran ng korapsyon sa BIR. "The powers of examiners, the RDO and supervisors has to be cut and they will have no more power and discretion over assessment, process has to be simplified, tax rates has to be simplified, para 'yung kapangyarihan ng mga examiners at BIR officials sa discretion kung magkano ang babayaran mo ay mawawala," pahayag naman ni PACC Commissioner Graco Belgica.. Basahin ang naging komento ng ilan nating kababayan sa pagkakahuli sa dalawang kawani ng BIR. Source: ABS-CBN +Mino-monitor na ng Philippine National Police (PNP) ay mga galawan ni Senador Antonio Trillanes matapos maglabas ng warrant of arrest si Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao Regional Trial Court laban sa senador kaugnay sa kasong libelong isinampa ni former Davao City Vice Mayor at Presidential son Paolo DUterte kay Trillanes. Sa isang panayam noong Sabado, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Guillermo Eleazar na wala pa silang natatanggap na kopya ng warrant of arrest mula Davao, kaya sinusubaybayan na lang muna nila ang mga galaw ng senador. "Ang pinakamagandang gawin natin is monitor his whereabouts so that 'pag magkaroon na tayo ng hawak na warrant, we can inform him na meron tayong ganoon... Saturday naman ngayon, so wala naman magiging problema kung ito man ay [matatanggap] sa susunod na araw, bukas, hanggang sa Monday makakakuha kami ng kopya," sabi ni Eleazar. Naniniwala si Eleazar na hindi pa muna makalalabas ng bansa si Trillanes hangga't hindi pa ito nakakapag-piyansa sa Disyembre 11. Apiyansa ay may halagang P24,000 kada kaso. Nahaharap si Trillanes sa 4 counts ng libel. Ito po ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga kababayan natin sa pagmo-monitor ng kapulisan sa mga kilos ni Trillanes. Source: GMA News +Itong Martes ay tinanghal ng Time Magazine ang ilang journalists para kanilang "Person of the Year". At kasama dito ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa. Hindi ito nagustuhan ng ilan nating kababayan. Ayon sa kanila, si Ressa ay isang tax evader at tila naging joke na raw ang Time Magazine dahil sa paghirang nito kay Ressa. Ito po ang ilan sa mga komento ng mga netizens. Hindi naman mapigilan ng ilang netizens na banatan ang hilatsa ng pagmumukha ni Ressa. Source: GMA News +Hindi kumbinsido ang political analyst at university professor na si Antonio Contreras sa kwento ng pulis ukol sa pagkakapaslang kay Richard Santillan, bodyguard ni election whistle blower Attorney Glenn Chong. Ayon kay Contreras, nakilala niya ng personal si Santillan at isa umano itong taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi din ni Contreras sa kanyang video na wala masyadong media coverage sa pagkakapatay kay Santillan. Nilinaw naman niya na may narinig siyang ulat sa DZBB sa pagkakapaslang kay Santillan, ngunit ipininta daw sa ulat na miyembro ng isang gang ang aide ni Attorney Chong. "Punong-puno ng tama ng bala, talagang tinambangan. Ang interesting dito at medyo nakakayanig din, 'yung sasakyan na iyon ay sasakyan ni Glenn (Chong) na pinahiram niya kay Richard, kasi close nga tong dalawa, parang halos magkapatid. So parang lumalabas ngayon na angulo ay parang hindi si Richard ang talagang inaabangan kundi si Glenn Chong... Kung totoong si Richard ay miyembro ng gang na pinapasubalian ni Glenn, parang nakakapanibago naman na parang ganoon-ganoon lang at ngayon lang ito lumabas (miyembro ng gang si Santillan), mas malamang ako naniniwala na hindi iyan totoo, ano ang kinalaman ng pulis dito? So yun ang medyo interesting at nakalulungkot. Sana mag-ingat si Attorney Glenn,"sabi ni Contreras. Panoorin ang naging pahayag ni Attorney Chong sa pagkakapatay sa kanyang bodyguard at kaibigan na si Santillan. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa pagkakapaslang kay Santillan. Source: Antonio P. Contreras +"Wala akong kalaban, maliban sa COMELEC at Smartmatic... Mr. President, nagmamakaawa ako para sa hustisya." Sa isang Facebook video, naiyak sa sama ng loob ang election lawyer na si Attorney Glenn Chong dahil sa pagkamatay ng kanyang bodyguard na si Richard Santillan sa kamay ng ilang miyembro ng kapulisan. Kinuwestiyon ni Chong ang bersyon ng istorya ng pulisya na tila pinalalabas na miyembro umano ng isang sindikato si Santillan. Ayon kay Chong, nagpunta lamang si Santillan sa isang gift giving event. Ikinuwento din ni Chong ang naranasan niya sa kamay ng mga tiwaling pulis. Ayon kay Chong, mahaharap sa kaso ang mga pulis na tumapos sa buhay ng kanyang kaibigan at bodyguard. Nagmakaawa din si Chong kay Pangulong Rodrig Duterte para mabigyan hustisya ang sinapit ni Santillan. Si Atty. Chong ang isa sa mga matinding nagsusulong na maibestigahan ang umano'y pandaraya noong 2016 elections. Humarap na siya sa mga senate inquiry para patunayan na may dayaan na nangyayari sa kamay ng COMELEC at Smartmatic. "Hindi po ako handang akusahan ang institusyon (ng PNP). Pero ang nangyari ngayon, ibang usapan na ito. Ang sabi ng kapulisan, miyembro si Santillan ng tulisan sa Cainta, Taytay at Pasig. Aabot din tayo sa punto na magkasuhan tayo. Kakasuhan ko talaga kayo ng murder. Ihehelera ko lahat ng tao, lahat ng politiko na kausap ko... Sa lahat ng kausap ko nandiyan si Richard sa gilid ko. Ini-introduce ko siya dahil ang turing ko sa kanyn ay kapatid. Sobrang tiwala ko sa taong ito," sabi ni Chong. Ito po ang ilang videos kung saan ibinunyag ni Chong ang umanoy dayaan na nangyayari sa COMELEC at Smartmatic. Source: Katipunan ng Demokratikong Pilipino +Matapos kumalat sa social media ang impormasyon patungkol sa pagkamatay ng bodyguard ni election fraud whistle blower Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan, tila tahimik ang mainstream media sa isyu ayon sa pro-government blogger/foreign University lecturer na si Sass Rogando Sasot. Banat pa ni Sasot, bakit mabilis ang mainstream media sa pagbabalita pag nagkakamali si former PCOO Assec. Mocha Uson at pag may isyung pinupukol sa Duterte Administration. "Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Idi-discuss ko na itong napaka-init na balita. Sa hindi pa nakakaalam, inassassinate po ang bodyguard ni Glenn Chong na si Richard Santillan... Right now, Glenn Chong is very relentlessly exposing the alleged cheating committed by Liberal Party of the Philippines, Vice President Leni Robredo, Smartmatic at COMELEC during the 2016 elections... Ang kaaway niya lang talaga ay Liberal Party, Vice President Leni Robredo, Smartmatic at COMELEC. That's the immediate political enemy. Sa ganitong angle, you would expect mainstream media write news linking the two. Can you imagine, more than 9 hours na ata ang nakakalipas, mainstream media has not done anything about this, pero ang pagkakamali ni Mocha about Mayon Volcano, pagmumura ni Duterte, superbalita sila, may namatay na pusher, super nili-link nila kaagad kay Duterte. Pag may nangyare sa mga perceived enemies ni Duterte, super link sila. Wala pang one hour iyan, sobrang magli-link ang mga iyan (media)... Pero sa assassination ng bodyguard ni Glenn Chong, walang balita linking this assassination to the exposes of Glenn CHong. Napakalinaw naman ng koneksyon. Napakalinaw naman na ito ang motibo kung bakit gustong patahimikin si Glenn Chong pero hindi sila nagsusulat," sabi ni Sasot Para patunayan ni Sasot ang kanyang paratang sa mainstream media, nag-post ito ng screenshot ng google search tungkol kay Glenn Chong. Katulad ng inaasahan, wala lumabas sa search result kaugnay sa pagpatay sa bodyguard ni Chong. "MOTIVE: TO SILENCE HIM. Whenever something happens to the perceive enemies of Duterte, mainstream media (including foreign media), will always find a way to link and blame Duterte for it no matter how trivial the incident is. Now, why is mainstream media not connecting the assassination of Glenn Chong's bodyguard to his quest in exposing alleged cheating done in the 2016 elections by the Liberal Party of the Philippines, VP Leni Robredo, Smartmatic, and COMELEC? Kailangan pa bang i-memorize yan?," dagdag pa ni Sasot. Habang isinusulat ang blog post na ito ay may nailabas na ang ABS-CBN na balita tungkol sa insidente pero kapansin-pansin na hindi nila nailathala ang panig ng kampo ni Attorney Glenn Chong. Ayon sa Facebook post ni Chong, mariin niyang itinanggi na miyembro ng sindikato ang kanyang bodyguard at nagpunta lamang sa isang gift giving event si Santillan. Mapapansin din na may katotohanan ang sinabi ni Sasot na hindi man lang binigyan ng anggulo ang ginagawang expose ni Glenn Chong sa umanoy dayaan noong 2016 elections sa nangyari sa kanyang bodyguard. Source: For the Motherland - Sass Rogando Sasot | ABS-CBN | Sass 2 +Naglabas na ng pahayag si Attorney Glenn Chong kaugnay sa pagkakapatay sa kanyang bodyguard at kaibigan na si Richard Santillan. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Chong na miyembro ng kapulisan umano ang nang-ambush sa sinasakyang ni Santillan habang na sa Cainta, Rizal para sa isang gift giving. Naniniwala din si Chong na tinaniman lang ng baril ang kanyang bodyguard dahil rehistrado umano ang baril nito at siya mismo ang nag-regalo ng baril kay Santillan. Wala sa loob ng sasakyan ang nasabing baril kaya diskumpiyado siya sa naging spot report. Para kay Chong, ang pananambang sa kanyang aide ay isa lamang mensahe. Wala daw kasi siyang ibang kalaban kundi ang COMELEC at Smartmatic. Si Chong ang naging whistle blower sa mga isinagawang senate at congressional inquiry patungkol sa electoral fraud. "REST IN PEACE, BROTHER! (Tingnan po ninyo ang aking sasakyan. Ito ba ay "encounter" o ito ba ay ambush. They riddled my car with bullets!) I did not simply lose an aide. I lost a great friend and a brother in every real sense. Kahapon ng madaling araw, inambush ng kapulisan ang aking aide na si Richard Y. Santillan sa Cainta, Rizal. Iniwan niya ako sa Naga City dahil may gift giving siya para sa mga mahihirap ng mga kabataan sa Cainta, Rizal. Tuwing pasko, nangangalap siya ng mga regalo para sa mga batang mahirap upang may pamasko sila. Pangatlong taon na ito. Ang partner niya sa gift giving ay mga sundalo, kapulisan, bombero at jail officers. Pero nang gabing iyon, matapos ang gift giving, walang-awa pinagbabaril siya at ang kanyang kasama ng mga kapulisan. Ang sabi niya ay "encounter" daw ito. Nakita ko ang police spot report. May dala raw siyang mga baril at granada. Ang baril ni Richard Santillan ay regalo ko sa kanya. Nakarehistro ito sa kanyang pangalan. Wala sa loob ng sasakyan ang nasabing baril. Ibig sabihin, planted ang mga baril sa loob ng sasakyan. Wala siyang kalaban-laban ng tinadtad siya ng bala ng mga kapulisan At paano nagkaroon ng granada sa loob gayong ang sasakyang ito ay personal kong sasakyan. Pinagamit ko ito sa gift giving operation niya. Ibig bang sabihin ng mga kapulisan, bitbit ko ang granda araw-araw habang sumasakay ako ng aking sariling sasakyan? Katarantaduhan!!! Sabi pa ng kapulisan, kasapi si Richard Santillang ng Highway Boys operating in Taytay, Cainta at Pasig. Papatunayan ko sa husgado na si Richard Santillan ay katabi ko halos 24/7. Lahat ng kaibigan ko, kilala si Richard Santillan. Kung si Bong Go ay kay Pangulo, si Richard Santillan naman kay Glenn Chong./b> +Pumanaw ang close-in aide ni Attorney Glenn Chong na si Richard Red Santillan matapos paulanan ang bala ang sasakyang minamaneho nito noong Linggo. Ayon sa ilang sources, 30 bullet holes ang natagpuan sa kotse ni CHong na minamaneho ni Santillan. Ang balita ng pagkamatay ni Santillan ay ibinahagi nila Professor Antonio Contreras at RJ Nieto aka ThinkingPinoy sa kanilang mga social media accounts. Si Chong ay kilalang kritiko ng Smartmatic at ni Vice President Leni Robredo. Tumestigo rin siya sa senate at congressional hearing kaugnay sa electoral fraud. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa pananambang kay Santillan. Source: ThinkingPinoy | Antonio Contreras +Isiniwalat ni DZME Radio host na si Mark Lopez sa kanyang social media account ang natukalasan niya tungkol sa taktika na ginagamit umano ng kampo ni Liberal Party senatoriable Mar Roxas para makabalik sa senado. Base sa mga impormasyon at screenshots na pinost ni Lopez sa kanyang Facebook account, tila gumagamit daw ang kampo ni Roxas ng mga taong may maraming followings sa social media para magmukhang marami ang sumusporta kay Roxas. Halimbawa daw ng mga taong kinukuha ng Roxas Camp ay mga car show models na may marami ang followings sa mundo ng social media. Ayon sa impormasyon ni Lopez, hindi naman daw mahilig sa pulitika ang mga car show models na ito. marami lang daw kasi ang nakakakita sa mga pino-post nila. "THE MAR ROXAS "INFLUENCERS" People of the Philippines, I wish to present to you my personal discovery of how Mar Roxas is paying off social media influencers for his senatorial comeback. The thing is, he is really going all out that even car show models are fair game.. Just to give you a snap shot of how I validated this - A car show model friend alerted me on a surprising trend in her circle of fellow models. She noticed a non stop posting of pro Mar Roxas news and blogs from her colleagues, which is unusual, as they were not inclined to be so engaged in politics So she sent me a screenshot of the posts of these car show models. I validated the identity of these models, and she confirmed them to be authentic FB accounts of the models. I then sent friend requests to 3 of these models and also texted them via the messenger app. One model responded. I introduced myself and pretended to be a PR strategist for an unnamed candidate for senator. Peeps, see and read for yourself our conversation thread below. Ako mismo ang kausap nyan. And this is one clear proof of how MAR ROXAS is manipulating social media to fool the people. Quite pathetic of him and his strategists to employ such deceptive tactics. PS... I have blurred the identity of the model in the convo. Our exchange remains in my messenger app, and I personally vouch to its authenticity." sabi ni Lopez. Ito po ang mga screenshots na ibinahagi ni Lopez. Habang isinusulat ang blogpost na ito ay umabot na sa 2,900 ang nag-share ng post ni Lopez. Source: Mark Lopez +Hindi nagustuhan ng singer/actress na si Mystica ang naging tugon ni TV host Raffy Tulfo sa mga paratang niya na hindi umano siya nabigyan ng sapat na airtime sa programang Raffy Tulfo in Action. Sa video na inilabas ni Tulfo, sinabi ng beteranong broadcaster na matapos mapanood ang iba pang video ni Mystica ay nangingibabaw umano ang awa niya sa entertainer at sa tingin niya ay kailangan na umano ni Mystica na magpatingin sa medical professional. Sa kanyang Facebook video, nanggalaiti si Mystica sa mga sinabi ni Tulfo at nagbanta na idedemanda ang mamamahayag kung magiging negative ang medical test niya. "This is in response to the post of Raffy Tulfo. Ayaw ko na sanang umiyak, ayaw ko na sanang magalit o magsalita, but because I am entitled to defend myself, dahil kung gusto talaga niyang lumaban ng patas, hindi sa ganoong paraan. Isa siyang duwag. Kung matapang ka talaga Raffy Tulfo, sagutin mo kung ano ang mga sinulat ko doon... Magpapa-medical test ako. Katulad noong sinabi mong magpa-drug test, and once the result is going to be negative sa mga pinparatang mo, I'll sue all the damages," sabi ni Mystica. Ito po ang video na pinanggagalaiti ni Mystica. Ito naman po ang mga videos kung saan mapapanood niyo kung paano nagsimula ang hidwaan nila Mystica at Tulfo. Reklamo ni Mystica sa programa ni Tulfo.. Source: Ruby Villanueva +Nag-labas na ng warrant of arrest si Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao Regional Trial Court Branch 54 laban kay Senador Antonio Trillanes noong Disyembre 7, 2018 kaugnay ito sa libel case na isinampa ni former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinampahan ni Paolo si Trillanes ng libelo dahil sa mga mapanirang akusasyon ni Trillanes na sangkot umano ang anak ng Presidente sa smuggling ng bilyong halaga ng shabu at pangingikil. Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na haharapin niya daw ang kaso ang magpa-piyansa sa Lunes, Disyembre 10. Nahaharap si Trillanes sa 4 counts ng libel at bawat kaso ay P24,000 ang piyansa. Sa social media post naman ni Paolo, sinabi nito na kuntento na siya sa inilabas na warrant of arrest laban kay Trillanes. Source: GMA News +Matapos maharap sa kontrobersiya sina dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampo at ACT Party-list Representative France Castro dahil sa umano'y kidnapping at human trafficking, nahaharap naman ngayon ang dalawa pang leftist congressmen na sina ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio and Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao sa kasong child abuse. Ang kaso ay kaugnay sa pangunguna ng 2 sa rally na ginawa noong Octobre 23 kung saan ini-impluwensiyahan umano ang ilang menor de edad na magalit sa gobyerno. Ayon kay Chief of the Women and Children's Protection Desk of the Davao City police Senior Inspector Lilibeth Liza Remolar, pinangunahan umano ng 2 ang rally na may kasamang menor de edad. "They were leading the group, including the children with them, prompting them to listen to what their leaders and speakers were talking and saying," sabi ni Remolar. Ayon sa ulat, nalabag umano ang Republic Act 7610, or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act and Presidential Decree (PD) 603 at maaaring makulong ang mga lalabag dito ng 6 na taon at isang araw. Ito po ang ilan sa naging komento ng mga kababayan natin sa bagong kaso isasampa laban sa miyembro ng Makabayan bloc. Source: CNN Philippines +Iba talaga pahalagaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kababyan natin Overseas Filipino Workers (OFW). Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit marami sa mga kababayan nating OFW ang sumusuporta sa kanya. Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na kung maari ay walang "human contact" sa mga kababayan natin para masigurado ang seguridad ng mga bagahe. "Kung mayroon improvement sa public service airport, one is that no more inspection sa bagahe papasok. Dala kayong dinamita, bala, marijuana, ok lang, walang bukas na iyan, pero pagdating mo sa labas doon naghihintay ang PDEA pati ang mga pulis. Pero I'd make it a point kasi gusto ko lang na no more opening of the bag at ngayon po wala na 'yung human contact sa immigation. All you have to do is to slide mo lang ang ano mo diyan. You just swipe your passport angd you can go, no more questions sa immigration. Ayt 'yung pagbalik palabas, I'm requiring them altogether to adapt the same system. Paglabas ninyo, swipe lang ninyo. No more human (contact) or question," sabi ni Presidente Duterte. Basahin ang naging komento ng mga kababayan natin sa naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa pagbabawal sa inspeksyon sa mga bagahe ng OFW. Source: RTVM via Maharlika

+Muli na naman nabanata ni Atty. Larry Gadon ang ilang miyembro ng oposisyon nang maging guest ito sa DZMM. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Gadon na kasama sina Senador Antonio Trillanes, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan sa mga senador na maituturing daw na bobo. Tinawag ni Gadon na bobo ang mga nasabing senador dahil daw hindi mulat sa mga nangyayaring katotohanan. "Para sa'kin bobo si Trillanes. Si Risa Hontiveros, bobo 'yan. Si Mr. Sharon Pangilinan, si Mr. Sharon Cuneta bobo yan Maraming bobo diyan. Yun nga lang ginawa nilang pumirma ng resolution na bawiin dapat ng supreme court ang kanilang desisyon doon sa Qup Warranto against kay Attorney Maria Lourdes Sereno, eh nagpapakita lang na bobo sila. Buti pa si Senator Ping lacson na hindi abogado eh, nalalaman kung ano ibig sabohin ng desisyon ang kapangyarihan ng supreme court. Ang ibig sabihin lang naman ng bobo hindi ka mulat sa katotohanan. Hindi mo tinatanggap kung ano yung totoo at ano yung tama. Iba naman yung sa sinasabi na tanga or ignorant" banat ni Gadon. Ang ilang mga kababayan namin natin ay tila sumasang-ayon naman sa mga naging banat ni Atty. Gadon laban kina Trillanes, Hontiveros at Pangilinan. Source: ABS-CBN-DZMM +Hindi nakaporma ang taxi driver na holdaper pa sa babaeng biniktima nito sa Novaliches, Quezon City. Nakatakas ang biktimang babae matapos gamitin ang toothbrush para tusukin ang mata ng suspek. Kinilala ang suspek na si Zaldy Macatiag. Ayon sa ulat, pagdating sa Sauyo, Novaliches nagdeklara raw ng holdap ang suspek at pinaghahataw ng bakal na tubo ang babaeng biktima. Buti na lang at alisto ang biktima at nakakuha agad ng toothbrush sa bag nito at iniamba sa mata ni Macatiag. Agad nakatakas ang biktima. Umalis din ng mabilis ang suspek pero nahuli ito kalaunan matapos magpunta sa ospital para ipagamot ang natusok na mata. Kakailanganin operahan ang mata ng suspek. Nagtamo rin ng sugat ang biktima dahil sa pamamalo ni Macatiag. Si Macatiag ay mahaharap sa kasong robbery holdup at frustrated murder. Umani naman ng iba't ibang komento mula sa mga netizens ang sinapit ng taxi driver sa kamay ng kanyang biktima. Source: GMA +Kaawa-awa ang sinapit ng isang-taong sanggol matapos itong maputulan ng ulo habang nakasakay sa motorsiklo. Ayon sa ulat, minamaneho ng lola ng sanggol ang sasakyan habang tanga-tangan naman ito ng isang babae nang biglang sumabit ang telang nakabalot sa ulo ng sanggol sa gulong ng motorsiklo. Nangyari ang insidente sa Northern Samar. Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang babae at ang lola ng sanggol. Base sa datos ng Department of Healt, anim sa bawat sampung namamatay sa mga road crash ay mga naka-motorsiklo. Ayon naman sa impormasyon mula sa Philippine Statitics Authority, mula 2006-2015 ay may mahigit 600 na bata ang namamatay kada taon. Sa isang forum, binanggit ng opisyal ng Land Transportation Office na balak na umano nilang ihiwalay ang pagsusulit para sa mga motorcycle rider pag kukuha ng exam para sa driver's license. "Specific to the restriction code you are applying for. Let's say for example, your restriction code is 1, So, all of the questions will be for motorcycles,"sabi ni LTO Field Enforcement Division Robert Valera Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natin. Source: ABC-CBN +Dedo ang inabot ng isang miyembro ng New People's Army (NPA) nang atakehin nila ang ilang militar na nagbibigay security protection sa mga medical workers sa bayan ng Malapatan. Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nagtungo ang mga Integrated Provincial Health Office personnel kasama ang ilang sundalo ng 73rd Infantry Battalion sa naturang lugar para tugunan ang paglaganap ng tigdas nang bigla na lang silang tambangan ng 5 suspected NPA. Nakilala ang dedo na NPA na si Sue Boding. Si Boding ay miyembro umano ng NPA Guerilla Front 71 at residente ng Barangay Little Baguio, Malia, Davao Occidental, ayon kay Civil Military Operations Officer First Lt. Leah Canseran. Nakuha sa rebelde ang isang .45 caliber pistol. "The firefight lasted for 20 minutes which resulted in the death of one NPA rebel," sabi ni Canseran. Base sa ulat, hiniling umano ni Sarangani Governor Steve Solon ang tulong ng militar para bigyan ng security protection ang mga medical personnel na rumiresponde sa pagdami ng kaso ng tigdas sa Barangay Upper Suyan. Ayon pa sa report ng Manila Bulletin, umabot na raw sa 20 bata namatay sa tigdas at 100 naman ang na-ospital. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa kabalbalang pinaggagawa ng NPA. Source: MB | Luminous +Nagsalita na sa unang pagkakataon sa harap ng media si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa krimen na kinasasangkutan ni dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampo at ng mga kasama nito. Ayon sa Presidente, kidnapping daw talaga ang ginawa ng kampo ni Ocampo dahil walang pahintulot ng mga magulang ang ginawang pagbiyahe sa mga kabataang lumad. Banat pa ng Pangulo, nialalgay sa kapahamakan ng mga komunista ang mga lumad. Nagpahayag din ng suporta ang Pangulo sa mga pulis at militar. "I support the police and the military. You know an ordinary person, lalo na kung senador (mambabatas) ka, you must be aware that you cannot remove children from one community to another without the consent of the parents. That is actually kidnapping... Eh nagreklamo 'yung mga victims. You heard they were lectured upon by the Lumads. And it's like controlling the lives of the natives... Iyan ang mahirap sa komunista, ginagamit nila ang Lumad. Kaya ang karamihan ngayon ang namamatay Lumad.... When they started to go to the mountains and wage a war there, they recruited ang pinaka vulnerable... Bakit pa tayo magbobolahan? Satur Ocampo is fronting Bayan. Bayan is a front of the CPP. We know that KMU, Gabriela, they're all communist fronts or being used by the communists. Alam ninyo lahat yan.,"sabi ng Pangulo. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa naging pahayag ni Presidente Duterte sa isyu nila Satur Ocampo. Source: PTV | ABS-CBN | MPC POOL +Magiging maginhawa na ang pagbiyahe ng mga kababayan natin dahil binuksan na ang pinalawig na ruta ng Philippine National Railways (PNR). Kasama sa bagong linya ay ang Governor Pascual Station sa Malabon City at FTI Station sa Taguig City. P25 lang ang magiging pamasahe para sa mga airconditioned na bagon habang P20 para sa mga on-airconditioned. Tinatayang magiging 1-oras ang biyahe mula Malabon patungo Taguig at magkakaroon ng walong biyahe kada araw sa ruta ng Gov. Pascual-FTI habang ang rutang Tutuban-Gov. Pascual ay magkakaroon ng 4 na biyahe kada araw, ayon sa Department of Transportation (DOTr). Base sa pahayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade, magkakaroon pa ng maraming pagbabago sa PNR. "Sabi ho ni Junn Magno, 'Hihilamusin natin ito sa Enero. Promise ko, sir, pagdating ng mga bagong bagon natin, 'yang gusgusing bagon na 'yan, magiging bago ho sa Hunyo',"sabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens sa pagbubukas ng bagong linya ng PNR. Source: DOTr | GMA +Nakalaya pansamantala sina dating Bayan Muna COngressman Satur Ocampo, ACT party-list Congresswoman France Castro at iba pa matapos magkapag-piyansa sa mga kaso laban sa kanila. Pero sa isang pahayag, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na sasampahan uli ng reklamo ang grupo kaugnay sa nangyari umanong kidnapping sa Davao Del Norte. "We are filing the case because there are five parents who signed their affidavits and are planning to file a case of kidnapping laban sa dito kina Satur Ocampo. We are not making this up. Pumunta sila dito, alam na alam ng mga bata, umiiyak yung mga bata na sila ay pinapapasok sa school na iyon pero iba ang tinuturo. Ang tinuturo nila ay kung paano mag-rally at tinuturuan nila ng kung-anu-ano para doon sa kilusan. Sila din ang mga hinahakot nila from Mindanao going here in time of SONA pag may big events dito. So kawawa po ang mga kapatid nating IPs at ine-exploit ng kung sino-sino,"sabi ni Albayalde. Isa sa mga itinuturing na patunay ng mg netizens na nag-kidnap nga talaga sina Ocampo at Castro ay ang viral video kung saan kinumpronta ng mga tribal leaders sina ang grupo ni Ocampo dahil sa pagtanggay sa mga bata na walang pahintulot. Ito po ang ilan sa mga komento ng kababayan natin tungkol sa kinasasangkutang krimen nila Ocampo at Castro. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa balitang ito. Source: News5 +Ibinunyag ni Armed Forces Chief of Staff Carlito Galvez, Jr. na mga aktibong miyembro ng New People's Army (NPA) sina dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampo at si ACT party-list COngresswoman France Castro. Sina Ocampo, Castro at iba pa ay kinasuhan ng child trafficking at kidnapping dahil sa pagtanggay umano sa ilang kabataang lumad na walang pahintulot sa mga magulang ng mga ito sa Talaingod, Davao del Norte. Ayon pa kay Galvez, nawawalan na ng suporta ang mga komunista, kaya ang sinusubukan na nilang lokohin ay ang mga lumad. "Nakikita natin na talaga si Satur Ocampo is a propagandist of the CPP-NPA. Ang nakikita natin is Talaingod, 'yung Salugpungan, at saka Alcadev [Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development] ginagamit talaga 'yan...the people must know that Salugpungan at saka yung Alcadev are a breeding ground for NPA... Wala na silang mautusan doon sa baba, so ngayon nakikita natin ang last bastion na lang ng CPP-NPA is 'yung IPs. Ito na lang ang pinaka-vulnerable sector na kaya nilang lokohin,"sabi ni Galvez. Sa isang ulat naman ay Umangal ang mga kampo ng makakaliwang grupo sa mga sinabi ni AFP Chief. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa balitang ito. Source: ABS-CBN | GMA +"There is a rule in the CPP-NPA against recruitment of minors so definitely that cannot be a part of the program... There are lumads that join the NPA but they are not minors," sabi ni dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampo. Nang dahil pinabulaanan ni Ocampo ang akusasyon na nagre-recruit ng menor de edad.ang New People's Army (NPA), nahalungkat ng isang blogger ang lumang ulat ng programang Magandang Gabi Bayan tungkol sa ginagawang recruitment ng NPA sa mga kabataang 9-anyos pataas. Ayon sa ulat, pinapangakuan daw ng mga NPA ang mga kabataan ng magandang buhay. Ang ibang musmos naman ay sinasamantala ang murang pag-iisip. Sa interview ng Magandang Gabi Bayan kay alyas Johnny na 10-taong gulang pa lang noong ginawa ang panayam, isinalaysay ni Johnny ang nanging karanasan nito sa piling ng mga NPA. Pinangukuan umano siya ng mga ito na tutulungan ang mga magulang kung sasama sa grupo. "Sumama ako sa kanila kasi gusto ng armas. Gusto ko na may hawak-hawak akong armas, kaya sumama ako. Wala kaming ibang ikinabubuhay at sa bukid lang kami umaasa. Nang makakita ako ng NPA, sumama ako, sinama ako nila, sumama din naman ako dahil nandoon ang aking kapatid... Pinagluluto nila ako, pagkatapos magluto, kakain. Tapos, uutusan nila ako sa bayan upang bumili ng anu-ano, kape, toothpaste, inuutusan nila ako... " kwento ni Johnny. Source: vovPh +Isa na namang kabalbalan ang ginawa ng New People's Army (NPA) sa mga kababayan natin sa Arakan, North Cotabato. Ayon sa ulat, inatake ng mga NPA ang plantasyon ng saging ng Lapanday Banana Group of Companies, matapos hindi pansinin ng kumpanya ang paghingi ng revolutionary tax ng mga rebeldeng komunista. Sugatan sa pag-atake ng NPA ang 6 na security guards ng kumpanya. Kinilala ang mga sugatan na sina Jerry Cansico, Ramar Embay, Naseran Embana, Joel Algocoy, Nelson Ampugo, at Christoval Felix. Naniniwala naman ang mga otoridad na may nasugatan din sa panig ng mga rebelde nang gumanti ng putok ang mga security guards. Ayon kay Arakan town police chief Senior Insp. Jose Mari Molina, mayroon mga bakas ng dugo sa rutang pinagtakasan ng mga bandido. Nag-talaga na ng mga pulis at sundalo sa bayan ng Dallag kung saan nakatayo ang banana farm para masawata ang pag-atake ng NPA. Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa kalokohang pinaggagagawa ng NPA. Source: PTV +Ilang buwan lang ang nakaraan ay nag-viral ang singer/actress na si Mystica matapos itong umiyak sa kanyang live Facebook video at humingi ng tulong kay Coco Martin para magkaroon ng trabaho at maging parte ng hit series na "Ang Probinsyano". Naawa ang ilang kaabayan natin sa sinapit ni Mystica noong panahon na iyon. Ngunit, ang pagsusumamo niya sa trabaho ay pinagdududahan na ng mga tao ngayon dahil kasalukuyang kumakalat ang video ni Mystica noong Nobyembre kung saan makikitang tumatawa ito at nagkukunwaring humihiling ng tulong. "Maghanap muna tayo ng trabaho bago mag-gas... (halakhak). Manawagan muna tayo para makabalik tayo sa showbiz... (halakhak). Para makapag-gas. Sandali, kailangan iiyak ka.. Tignan mo ready na dapat ako eh. Sayang napurnada ang iyak ko. Ready na dapat ako mag-drama. Nanawagan po kami.. (halakhak), wala na po kaming pang-gas. May kotse nga kami, pero walang gas,"sabi ni Mystica. Si Mystica ay nag-viral na rin noong bago maupo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidente. Matatandaang binatikos ni Mystica sa isang viral video si Duterte dahil sa balak nitong pamamalakad sa ating bansa. Kamakailan lang ay na-feature pa sa programang TV Patrol kung paano nasadlak umano sa kahirapan ang entertainer. Ang tunay na pangalan ni Mystica ay Ruby Villanueva. Basahin ang naging reaksyon ng mga tao matapos mapanood ang video ni Mystica habang tumatawa at nagpa-practice kung paano niya sasabihin ang pagmamakaawa niya para makapasok muli sa showbiz. Source: Ruby Villanueva +Sa kanyang Facebook post, binanatan ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza si Rappler CEO Maria Ressa. Ayon kay Sonza, una pa lang daw niya na nakita si Ressa sa ABS-CBN noong taon 1987 ay hindi na raw magandang ang naging kutob niya dito. Noon pa lang araw ay kalat na raw ang utak ni Ressa. Si Ressa ay nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ng tax evasions. Kamakailan lang ay nag-labas ng arrest warrant laban kay Ressa kaugnay sa tax evasion pero agad itong nakapag-piyansa. "1987 una kong makita ito sa abs-cbn, kinutoban ako hindi gagawa ng mabuti ang ulikbang tibo nato. noon pa kalat na ang utak nito," sabi ni Sonza Panoorin kung paano pinagtanggol ni Ressa sa media ang kanyang sarili laban sa mga kinakaharap niyang tax evasion cases. Ito po ang ilan sa mga naging komento sa social media post ni Sonza. laban kay Ressa. Source: Jay Sonza +Sa programa ng CNN Philippines para sa mga gustong tumakbo bilang senador, sinagot ni Magdalo Congressman Gary Alejano kung ano ang mga nagawa niya para sa bayan. Ayon kay Alejano, muntik na raw siyang namatay sa pakikipag-gyera sa kalaban ng bayan. "Ako po ay dating sundalo na nakipag-giyera sa kalaban ng estado. Tayo po ay muntik ng mamatay. Nagbabago lamang ang ating larangan ng digmaan, noon kalaban sa estado. Dahil sa ating desire na magkaroon ng pagbabago, tayo po ay nagprotesta sa gobyerno. Dahil diyan ay nagnais po tayong maka-impluwensiya ng polisiya sa ating gobyerno, kaya nga sumali tayo sa pulitika. But it went through a great debate dahil alam ho natin na parang kakainin ho tayo ng sistema, sa persepsiyon ng mga Pilipino ay marumi ito, pero dahil naniniwala tayo sa ipinaglalaban, kami po ay sumali," sabi ni Alejano. Diskumpiyado naman ang ilan nating kababayan sa mga lumabas sa bibig ni Alejano. Ayon sa uploader ng video clip ng CNN na si Ernie Sagabaen De Vera, paanong muntik mamatay, sa hotel pa lang na kinukob daw ng magdalo ay sumuko agad ang mga ito. Basahin ang ilan pang reaksyon ng mga kababayan natin sa mga pahayag ni Alejano. Source: CNN Philippines via Ernie Sagabaen De Vera +WARNING: YOU CAN'T UNSEE. PROCEED AT YOUR OWN RISK Iyan ang babala ng Facebook page na Ang Malayang Pilipino (AMP) sa mga gustong makita ng kanilang edited photos ng mga politiko at ilang media personalities. Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang post ng AMP. Sa koleksyon ng mga larawan ng AMP, makikita ang mga litrato ng mga kilalang personalidad sa larangan ng politika at media na binaligtad ang kasarian at ginawan din ng ibang pangalan. Ang koleksyon ng mga litratong ito ay pinagalanan na "Alternate Philippines". Tampok sa koleksyon ng mga litrato ang mga kilalang katauhan sa panig ng Yellow o "dilawan", mga lumalaban sa gobyerno, mga pro-government na minsan ay tinatawag na "DDS" at mayroon din mga kilala sa pagiging netural. Habang isinusulat ang blogpost na ito ay umabot na sa mahigit 25,000 ang nag-share ng social media post ni AMP at nakakalap na rin na rin ng mahigit 3,000 mga komento. Source: Ang Malayang Pilipino +Kamakailan lang ay pinabulaanan ni dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo ang sinabi ni Philippine National Police (PNP)Director General Oscar Albayalde na tinuturuan ng ibang bersyon ng pambansang awit ang mga kabataan sa lumad school. "Nahuli po 'yan [Satur Ocampo] sa checkpoint. Most likely natimbre po 'yan dahil merong sinasama na minors, dinadala sa isang lumad school. Dito dinadala ang mga lumad at iba ang itinuturo... Nu'ng nakausap natin ang mga lumad, sabi nila kahit na 'yung Pambansang Awit iba ang itinuturo. Pinipilit po nilang isama sa school na 'yan, 14 minors para mag-aral kuno pero iba po ang tinuturo," sabi ni PNP Chief Albayalde. Pero sa dokumentong nakalap ng tropa ng gobyerno noong Enero 2014 sa Salugpongan Ta'Tanu Igkanogon Community Learning Center Inc (STTICLC) sa Compostela Valley, makikita ang ibang bersyon ng pambansang awitin na may pamagat na "Bayang Sinira". Ang naturang dokumento ay pinatotohanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office chief Col. Noel Detoyato. Ayon sa ulat ng PNA, layon umano ng awitin ng NPA na ituro sa mga kabataan ang paglaban sa gobyerno at pagmukhaing masama ang mga sundalo. "That has been confirmed years ago by a minor who was once in a Salugpungan school. It ("Lupang Sinira", the rebel version of "Lupang Hinirang") teaches the children to fight the government and it demonizes the soldiers," sabi ni PDetoyato. Ito po ang ilang videos na magpapatunay sa mga sinabi ng otoridad. Ito naman po ang liriko ng kanta ng mga rebelde. Bayang mahiwaga sa malayong Silangan Alab ng puso, sa dibdib mo'y apoy Lupang sinira, bayan ng magigiting Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay Sa nayon at lungsod itinatag makabayang pamahalaan May tilamsik ng dugo at awit sa paglayang minamahal CHORUS Ang pula ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning Ang karit at kamao niya'y hindi magdidilim Laya ay langit kaluwalhati't pagsinta Buhay ay lupa sa piling mo +Sa pinagsamang pwersa ng US Homeland Security at ng Philippine Bureau of Immigration, nadakip sa Biliran ang Amerikanong pari na si Fr. Kenneth Bernard Hendricks, 78-anyos. Base sa ekslusibong ulat ni John Consulta, aabot sa 50 kabataan ang nahalay umano ni Hendricks. Karamihan sa mga biktima ay sakristan at ang pinakabata ay 7-anyos. Si Hendrick ay 50 taon o 5 dekada ng naninilbihan sa Biliran bago ito naaresto. Dinala muna si Hendricks sa Biliran Provincial Hospital bago ito dalhin sa Maynila. Dagdag pa ni Lorenzana, karamihan sa mga pipiliin para makasama sa squad na lalaban sa mga NPA ay manggagaling sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP). Ayon kay Lorenzana, suportado niya ang pagbuo ng nasabing squad para ma-protektahan naman ang mga miyembro ng militar sa mga pag-atake ng hitmen ng NPA. Basahin ang naging reaksyon ng mga tao sa bagong insidente ng pangmomolestiya na kinasasangkutan ng simbahan. Source: GMA +Mukhang seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa deklarasyon nito noong nagdaang araw tungkol sa pagbuo ng isang unit na tututok sa pag hunting sa mga hitmen ng New People's Army (NPA). Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, bubuuin na ang naturang squad ngayon buwan. Dagdag pa ni Lorenzana, karamihan sa mga pipiliin para makasama sa squad na lalaban sa mga NPA ay manggagaling sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP). Ayon kay Lorenzana, suportado niya ang pagbuo ng nasabing squad para ma-protektahan naman ang mga miyembro ng militar sa mga pag-atake ng hitmen ng NPA. "I think now the core of this unit will be (from) ISAFP. Meron namang intel units ang Army, Air Force, Navy, Marines so they could form the core of this anti-SPARU unit... I'm supporting it per se. I support the anti-SPARU unit that will protect our soldiers but I said let us be very careful in organizing these people, " sabi ni Lorenzana. Napag-isipan ng Pangulo ang pagbubuo ng death squad laban sa NPA matapos umabot na sa 136 na katao ang napapatay ng mga rebeldeng komunista sa nagdaang 3 taon. Karamihan sa mga napatay ay pulis. militar at mga rebel surrenderees. Panoorin ang pahayag ni Presidente Duterte tungkol sa pagbuo ng special unit laban sa NPA hitmen. Mukhang suportado naman ng mga tao ay balak ng Pangulo. Basahin ang kanilang reaksyon sa pagbubuo ng death squad laban sa NPA noong Nobyembre 27. Source: PTV +Hindi na napigilan ang damdamin ng ilang miyembro ng Ata Manobo at naglabas na sila ng sama ng loob laban kay dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampo. Ayon sa Spokesperson ng Talaingod Tribal Council Leaders na si Datu Lomansad Sibogan, saksi umano siya kung paano nagagamit ng mga New People's Army ang Salugpungan school. Tinuturo daw sa loob ng eskwelahan ang paggamit ng mga baril at paglaban gobyerno. "Tuwing-gabi sila pupunta sa eskwelahan para magbigay ng instruction an ang dapat gawin at pinagbabawalan kami na dalawin ang mga anak namin, isasara na ang mga pintuan. Pagka-gabi iba na yung itinuturo, sinasanay na nila ang mga bata kung paano mag dismantle ng baril at magbigay ng lecture kung paano salakayin ang detachment ng mga sundalo. Ito ang nakasira sa aming kultura. Pagka-graduate ng mga bata dahil wala silang diploma, aataki na iyan sila sa military dahil tinuruan nila ang mga ito kung paano umatake sa mga kampo at paggawa ng mga pasabog," Datu Sibogan. Ibinunyag naman ni Bago, isang 20-anyos na manobo, ang pang-aabusong seksuwal na naranasan nito sa kamay ng mga guro ng Salugpungan school. Dagdag pa ni Bago, hindi niya papayagang na makaligtas si Ocampo sa pagyurak sa kaniyang karapatang-pantao. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natin sa balitang ito. Source: PTV +"I'm not a tax evader. I overpay my taxes." Sa isang panayam kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa, sinabi nito na pananagutin niya raw ang gobyerno dahil tinawag siyang kriminal. Ayon pa kay Ressa, nai-issue na raw ang arrest warrant laban sa kanya. Nahaharap si Ressa sa patung-patong na kasong ng tax evasions na nagkakahalaga ng milyon-milyon. "I'm going to hold my government accountable for publicly calling me a criminal. I am not a criminal. I have been a journalist my entire life. I will conture to hold the government accountable, " sabi ni Ressa. Inakusahan pa ni Ressa ang gobyerno ng panggigipit. Ayon kay Ressa, binabali daw ng gobyerno ang batas. "I think that is the point, right? The point is for the government to actually make you feel its power. Including bending the law to the point that it is broken," dagdag pa ni Ressa. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natins amga pinagsaabi ni Ressa. Source: Rappler +May bagong paandar ang mga anti-DU30, at ito ay pag-po-post ng mga black ang white videos ng mga peronalidad sa mundo ng showbiz at sining kung saan pinahahapyawan nila ang Duterte Administration. Ngunit sa serye ng mga videos na kanilang inilathala sa kanilang Facebook page, ang video ni Director Joel Lamangan ang pinagpiyestahan ng husto ng mga netizens. Ayon kasi kay lamangan, walang respeto daw ang kasalukuyang gobyerno at iboto daw ang mga taga-oposisyon para mapatunayan ang pagiging tunay na Pilipino. "Ako po si Joel Lamangan ng Art Forces of the Philippines. Isang aktor, direktor sa telebisyon, sa tanghalan, at sa pelikula. Napakahirap po pagsamahin ang mga artista pero nagsasama kami ngayon dahil sa isang dakilang layunin. Nanganganib po ang ating bayan. Pinamumunuan ito ng isang rehimen na walang paggpapahalaga sa buhay ng tao. Walang respeto sa saligang batas. Walang respeto sa soberanya. Walang habas po ang pagtaas ng bilihin na sanhi ng ating kahirapan. Kung nais natin matigil po ito, iboto po natin ang oposisyon sa Mayo 2019. Diyan po natin mapapatunayan na tayo ay isang tunay na Pilipino," sabi ni Lamangan Hindi naman pinalampas ng mga tao ang mga pinagsasabi ni Lamangan. Source: Art Forces of the Philippines. +"Ka Satur and congresswoman France and the four pastors are honorable people. It is hard to imagine or think that they will be charged with child abuse and trafficking," Ganito ang naging reaksyon ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Chito Gascon nang marinig ang balita ng pakaka-aresto kina former Bayan-muna Congressman Satur Ocampo at kat ACT Party-list Representative France Castro dahil sa pagba-biyahe ng mga menor de edad na walang pahintulot ng mga magulang. Ayon kay Gascon, iniimbestigahan na nila ang nangyari. "Nung nabanggit sa amin na may kaganapan doon, nagpadala po kami ng QRT (quick response team) fact-finding team. Hindi pa bumabalik yung report," sabi ni Gascon. Nasampahan na sina Ocampo, Castro at 16 na iba ng reklamong human-trafficking. Ayon sa mga kapulisan, walang parental-consent at iligal umano ang pagdala ng mga grupo sa mga kabataang lumad. Ayon sa mga ulat, hindi na daw kukwestiyonin nila Ocampo ang legalidad ng pagkaka-aresto nila. Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa krimeng kinasasangkutan nila Castro at Ocampo. Alam niyo bang si Representative Castro ang umipit sa budget ng PCOO noong naroon pa si former Assistant Secretary Mocha Uson? Ito naman po ang video ng pagkumpronta ng mga tribal leaders at mga magulang ng mga kabataang lumad kina Castro at Ocampo matapos ibiyahe ang mga bata ng walang pahintulot sa kanila. Basahin ang naging opinyon ng mga kababayan natin sa mga sinabi ni Gascon tungkol sa kasong kinasasangkutan nila Ocampo at Castro. Source: GMA | MB +Matapos ang pagkaka-aresto kina ex-Bayan Muna Congressman Satur Ocampo at ACT Party list Representative France Castro dahil sa kasong kidnapping at human trafficking, daan-daang lumad at mga katutubo ang nagsama-sama para ipahiwatig ang nararamdaman nila laban sa mga makakaliwang grupo. Tinatayang aabot sa 700 ang nakisali sa pagtitipon. Ipinanawagan nila na itigil na ang paggamit sa mga kabataang lumad. Ayon sa ilang kababayan nating lumad, gusto nilang ipasarado ang Salugpongan School dahil nagagamit lang umano ito ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People's Army (NPA) para mang-hikayat ng mga kabattan para lumaban sa gobyerno. Naging sentro ng balita nitong mga nakaraang araw sina Ocampo at Castro matapos mahuli na ibinabiyahe ang ilang kabataang lumad na walang permiso ng mga magulang. Basahin ang naging komento ng mga kababayan sa pakakaisa ng mga lumad para magsalita laban sa NPA. Source: Mocha Uson Blog | Hukbo +"Patikim pa lang iyan," Ito ang natanggap na text message ni Chief Inspector Esmael Madin ilang oras matapos pasabugin ang kanyang pamamahay sa Maguindanao. Nangyari ang insidente ng ala-2 ng madaling araw noong Biyernes sa Sultan Kudarat. Hindi nasaktan si Madinn at ang pamilya nito pero kinailangan lumipat ng bagong tirahan para sa kanilang seguridad. Ayon kay Madin, naniniwala umano siya na ang may pakana ng pagpapasabog ay may drug personalities na na naapektohan sa sunod-sunod na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kamakailan lang. "Yung patikim mo, walang lasa," ganito naman ang naging tugon ng opisyal sa nagpadala sa kanya ng text message. Sa salaysay pa ni Madin, nakatanggap din daw ng pagbabanta ang buong unit ng CIDG sa Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos ang agresibong operasyon kontra-droga kung saan ilang kriminal ang nasakote at iba't ibang armas at droga ang nakumpiska. "Soon the investigation zeroes in to this suspect. Then he will have a taste of our response too," sabi ni Madin. Matatandaang may lumabas ding ulat kamakailan lang na may ilang drug personalities umano sa Cebu na handang mag-bayad ng P20,000 para sa kada pulis na mapapatay. Ito po ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa nangyaring pag-atake sa bahay ng PNP Official. Source: GMA News +Nagva-viral ngayon ang mga larawan kung saan makikita ang ilang basurang nakakalat-kalat sa paligid ng Manila Bay Area. Nakakalungkot lang na may ilan pa ring mga kababayan natin na mas piniling maging dugyot at tila walang pakialam sa hirap ng paglilinis sa Manila Bay. Habang isinusulat ang artikulong ito ay dalawang oras pa lang ang lumilipas ng pinost ng Facebook page ang naturang mga larawan pero umani na ito agad ng daang-daang komento mula mga netizens at naibahagi na rin ng mahigit tatlong libong beses. Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa pag-iwan ng kalat ng ilang bumisita sa Manila Bay "Dapat ang mga guard naka assign sa lahat ng public spaces may shoot to kill order sa lahat ng mga baboy," sabi ni R. Gutierrez. "Sa ibang bansa Hindi uubra style tlaga ng pinoy.dun mahuli ka iwan mo pinag kainan mo padadala sau...dto lng nman ubra lhat ng mAli," sabi ni L. Tan. "Dapat may Guard na sumita na dyan at mag banday. tapus kapag nahuli Paglinisin ng buong araw o may Kuta na 1 sakong basura dapat bago makaalis dyan," sabi ni R. Mercado. " Cctv lahat ng makuhan community service plus multa dpat maging mahigpit ultimo kapirasong kalat para mabago n ugali ng mga pinoy," sabi ni S. Barrientos. "Police visibility ang kailangan sa bay walk. Na mag iimplement ng batas tungkol sa kalinisan," sabi ni D. Alfonso. " Hirap talaga ayusin ng ugali ng mga pinoy. Siguro dagdagan na lang din ung mga basurahan dyan para naman magkusa na yang mga yan magtapon ng basura.," sabi ni M. Cayaban. Source: Facebook +Iba-ibang kwento ang umusbong matapos isagawa ang Manila Bay Rehabilitation Kick-Off Program noong Enero 27, 2019. Mayroong mga estudyanteng kinainisan ng mga netizens dahil sa pagkakalat sa bagong linis na Manila Bay. Ang isa naman ay ang kwento ni Mang Cris Abria na naglilinis mag-isa sa Manila Bay kahit sa katirikan ng araw. Kumakalat naman ngayon ang video ng dayuhan na si Liana Meyer. Sa kanyan video, hindi niya mapigilang maluha dahil sa ikinaganda ng Manila Bay matapos ang paglilinis dito. "Hi! I'm standing here of all places. I never thought I would live to see the day where I'm standing on the edge of Manila Bay, on the actual sand. Previously, for weeks, and weeks, and months, I've been walking here everyday. This whole area is full of trash. Not only to the sand, but all the way to the water. And look at it (now). Everyone is enjoying the view, enjying the sand, taking selfies. Very beautiful and very inspiring. Filipinos deserve better. This is what Filipinos deserve," sabi ni Meyer. "Live(ish) from sparkly clean Manila Bay. Forgive the tears...I was unexpectedly overcome with emotion by the pride and happiness this rehabilitation effort has given people!" dagdag pa ni Meyer sa caption sa kanyang post. Ang paglilinis sa Manila Bay ay isa sa mga prayoridad ng Pangulong Rodrigo Duterte. Magugunita pa nga na piangbantaan ng Panulong DUterte ang mga negosyante sa paligid ng Manila Bay kung hindi sila mag-i-install ng water treatment system sa kani-kanilang mga negosyo. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa video ni Meyer. "Thank you for the video Miss Liana Meyer this is all because of the inspiration and influence from our President Duterte and the hard work of all those who volunteered . thank you for sharing," sabi ni D. Duran. "Hi Liana! Thanks for sharing this wonderful phenomenon! Mabuhay!," sabi ni M. Bernardo. "We need to credit President Duterte for a job well done. You made us proud as a filipino. Change is already coming. Others might not be aware and conscious about it, but Tatay Digong is doing his best of his ability to build a better and great nation even if the opposition is not recognizing it because of political differences.," sabi ni P. Technique. "Thanks to all supporters of our beloved President...congratulations for a job well done....thank you, Pres.Duterte for your strong political will....never mind your detractors, they are just making nonsense noise, not really talking but they are nuisance to our country....God bless you, Mayor President Duterte and all your faithful followers who have high regards on your leadership...We love you, Pres...," sabi ni F. Palma. Source: Liana Meyer +Naging usap-usapan sa social media nitong mga nagdaang araw ang ginawang pangunguna ng Duterte Government sa paglilinis ng Manila Bay. Marami ang namangha nang tumambad ang walang duming Manila Bay matapos itong pagtulungang linisin ng mga volunteers. Pero isa sa mga nakakuha ng atensyon ng mga netizens ay si Mang Chris Abria na nakitang naglilinis sa Manila Bay isang araw matapos gawin ang Kick-off program para sa rehabilitasyon. Sa video na ibinahagi ni Lorenz Tanjoco ng Ronda Pilipinas, makikitang kahit na nasa katirikan ng araw ay patuloy at mag-isang nililinis ni Mang Chris ang Manila Bay. Nang dahil sa pagkakawang-gawa ni Mang Kris ay maraming kababayan natin ang sumaludo sa kanya. Ang ilang ay nag-alok pa ng tulong kay Manong Chris. Dahil sa mga natanggap ni Tanjoco na mga mensahe mula sa mga netizens, binalikan niya si Mang Chris sa Maila Bay para kumustahin. Dito niya napag-alaman na mayroon ngang mga kababayan natin na nagbigay ng gamit at tulong na kay Mang Chris. SInabi rin ni Tanjoco na balak daw alukan ng trabaho si Mang Chris ng Local Government Unit (LGU). Basahin ang naging reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa pagtulong kay Mang Chris ng mga tao. "Bigyan nyo na din ng makain at mainum si kuya baka gutom at nauuhaw na po si kuya God bless you po," sabi ni R. Engqueen "Mabuhay ka kuya Cris .. Sana mabigyan ka ng trabaho .. Napakabuti mong tao sana lahat ng tao kagaya mo," sabi ni M. Dela Cruz "BGod bless po sa lahat ng naglinis sa Manila Bay,good job po nkkproud kau laha," sabi ni T. Jumuad "B pagpalain ka kuya cris ,,mabigyan sana yan sila ng pakunsuelo man lang para sa pamilya nila," B. Bacalla "Nakakahiya sa taga up ginastosan ng govenrno hindi naman nakabawi ang governo sa kanila dapat ang mga estudyante ng up ang maglinis lahat para makabawi ang governo," sabi ni E. Manantan Source: Lorenz Tanjoco - Ronda Pilipinas RP1 +Itong mga nagdaang mga araw ay naging laman ng social media ang ginawang paglilinis sa Manila Bay. Matapos kasi linisin ang lugar ay lumitaw ang kagandahan nito. Pero hindi lahat ay bilib sa ginawa ng gobyerno ni Pangulong Duterte. Isa sa mga kritiko ay si Francis Baraan IV, isang human rights advocate. Para kay Baraan, madali lang naman daw ang paglilinis sa Manila Bay at Boracay. At kaya lang daw to ginawang prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay para takpan daw ang kapalpakan ng Pangulo bilang Presidente ng bansa. Sana lang daw ay nag-janitor na lang ang Presidente. Si Baraan IV ay anak ni dating Justice Undesecretary Secretary Fransico Baraan III. Ang ama ni Baraan IV ay nanilbihan sa Justice Department sa ilalim ng panunukulan ni former Justice Secretary at ngayo'y Senadora Leila De Lima. Iniugnay si Baraan III sa kalakaran ng droga sa New Bilibid Prison ni druglord Herbert Colangco. Mariin namang pinabulanan Baraan III ang mga paratang sa kanya. Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang mga komento ni Baraan laban sa ating Presidente. Source: Francis Baraan IV Twitter +"Fake rehabilitation is what they're doing at the DENR under Duterte," Hindi kumbinsido si Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) Chairperson Gloria "Ka Bea" Arellano sa naging inisiyatibo ng pamahalaan para linisin ang Manila Bay. Ayon kay Arellano, iba ang tunay na hangari ng gobyerno sa paglilinis ng Manila Bay. "Ginagamit panakip butas at panghatak sa publiko ang di umano'y paglilinis lamang sa Manila Bay... Pero ang nasa likod nito'y pagbebenta ng teritoryo ng Pilipinas sa malalaking dayuhang kumpanya gaya sa China at paglalagay sa panganib ng kalikasan," sabi ni Arellano sa isang pahayag. Sa parte naman ng mga makakaliwang mambabatas, inuudyukan nila ang pamahalaan na itigil muna ang rehabilitasyon sa Manila Bay. Kailngan daw muna magkaroon ng dayalogo sa mga pamilyang maapektohan sa paglilinis sa naturang lugar. Dumipensa ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga akusasyon na [ara sa reclamationa ng ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay. Ayon sa mga opisyal ng DILG, ito ay isang "misinformation". "Again, this is clearly misinformation. There is no place for reclamation in the rehabilitation program. In fact, [DILG] Secretary [Eduardo] Ano is personally opposed to reclamation projects," buwelta ni DILG Asec. Jonathan Malaya.. Panoorin ang pekto ng paglilinis sa Manila Bay. Basahin ang naging reaksyon ng ilang netizens sa naging komento ni KADAMAY leader Arellano. "Animal na mindset yan. Hahanap at hahanap talaga ng issue , kaya lunod ung pinas kc d kayo marunong sumuporta .mga salot," sabi ni J. Oplimo. "Lakumpake kung panakip-butas nila yan or whatever. Ang importante eh nabawasan ang kabulukan dyan. Kung panakip-butas man 'to, aba, walang kasong dalas-dalasan nila ang pananakip-butas na yan. Galingan nyo. K,thanks, bye," sabi ni E. Desacula. "Actually KADAMAY is the non-sense group that really oppresses the poor!!! What the heck have you been doing for several years to alleviate poverty and clean the environment??? Tapos may ginagawang mabuti ang government to clean Manila Bay saka kau magrereklamo and take note, it's together with DENR. So PLEASE lang- if you have nothing good to contribute KADAMAY, just ," sabi ni C. Brey. "Kapag madumi ang manila bay reklamo ngayon malinis na reklamo padin.. pinoy nga naman kaya di na asenso pilipinas dami kontra pweh!," sabi ni R. Dofredo. "If its not yours, don't own it, simple as that... manila bay is for everyone's use, so there is no reason to settle there not by one, hundreds, thousands or even hundred of thousands of pinoys... be humble yet be a responsible and disciplined Filipino and follow the rule of law... no excuse.," sabi ni V. Sibal. Source: Philstar | Archived +Viral ngayon ang serye ng mga videos na ibinahagi ng kababayan natin na si Warfe Rabago. Sa mga videos makikita sina Liberal Party senator Bam Aquino at VIce President Legal Counsel Attorney Romulo Macalintal na naghahantay Laguindingan Airport. Mapapanood na tila hindi sila napapansin ng mga tao. O baka hindi talaga pinapansin? Kayo na po bahalang humusga. "Certified yellow senator,Bam epal Aquino and Atty.Romulo Macalintal the legal council of VP at laguindingan airport,parang dinaanan ng semana santa grabe nilalangaw yung dalawang yellow candidate," sabi ni Rabago sa caption sa kanyang post. Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa 1,400 mahigit ang nagbahagi ng mga videos at umani na rin ng lagpas 100 komento mula sa mga kababayan natin. Ito po ang ilan sa mga komento ng mga netizens. "Hahaha kawawa hindi man lang pinansin ng mga Tao ang dalawang yellow nato," sabi ni R. Robles "Nakakahiya naman senador wala man lang pumapansin," sabi ni N. Sypongco "Kawawa naman tong mga to! Siguro ramdam na nilang sinusuka na talaga sila ng sambayanang Pilipino! Tsk! Asa pa kayong mananalo kayo. Never," sabi ni M. Aoi. "Kung si Pres. Duterte yan nagka gulo na lahat gusto magpa picture," sabi ni J. David. "Wala man lang pumansin pano pa mananalong Senator yan," sabi ni G. Belardo. "Wala man lang pumansin kay Bam hahaha parang si trililing lang wapaki ang mga tao siguro yung iba dyan gustong gusto s---n ang k--g na yan," sabi ni V. Siron. Source: Warfe Rabago +Pinalagan ni dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampoa ang sinabi ng militar na nire-recruit umano ang mga menor de edad para sumali sa New Peoples' Army (NPA), ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP). Pero umamin si Ocampo na may presensiya ng mga rebeldeng komunista sa mga lugar ng mga Lumad. "There is a rule in the CPP-NPA against recruitment of minors so definitely that cannot be a part of the program... There are lumads that join the NPA but they are not minors," sabi ni Ocampo. Inakusahan naman ni Ocampo ang militar na tina-target umano ang mga paaralan ng mga lumad bilang parte ng kampanya kontra-komunista ng gobyerno. "One component of this counter-insurgency is to eliminate indigenous schools which they accuse or they say... are being exploited or being run by the New People's Army... They are directly targeting these schools as part of the campaign of the government," sabi ni Ocampo. Dahil sa mga naging pahayag ni Ocampo, hindi tuloy napigilan ng mga netizens na tanungin kung bakit alam ni Ocampo ang patakaran sa NPA. Naging sentro ng balita sina Ocampo, ACT Partylist Representative France Castro at iba pa, nang mahuli ang mga ito ng otoridad habang tangay-tangay ang ilang kabataan lumad na walang pahintulot sa mga magulang. Kinasuhan na ang grupo ni Ocampo ng kidnapping at human trafficking. Nag-viral na rin ang kumprontasyon sa pagitan nila Ocampo at ng mga tribal leaders. Source: GMA +Dahil kulelat ang karamihan ng pambato ng oposisyon koalisyon sa senado, nananalig na lang sila sa paniniwalang baka manalo sila pag ginaya nila ang naging taktika ng kampo ni Vice President Leni Robredo noong 2016 vice presidential elections Sa paglulunsad ng Team Pilipinas sa Sagul Malingap Foodpark, Quezon City noong Huwebes, ibinida ni Alicia, Isabela Mayor Jeng Reyes kung paano nanalo si Leni noong 2016. Gagawin daw nila ulit ito sa 8. "Di ba meron tayong isang kandidato na from one percent to Vice President? Nasubukan na po natin noon. Uulitin natin para sa walo," sabi ni Reyes. Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Senator Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros. Kasama sa Oposisyon Koalisyon senatoriable line-up ay sina reelectionist Senator Bam Aquino, Chel Diokno, LP vice president for external affairs Erin Tanada, and dating interior secretary Mar Roxas. Ang pagkapanalo ni Leni noong 2016 ay tinututulan ng kampo ni former senator Bongbong Marcos. Sa katunayan, may isinasagawa ng recount sa Korte Suprema, Matatandaang malaki ang lamang ni Marcos noong una pero nang mag-madaling araw na ay biglang umalagwa ng husto ang boto ni Leni. Ayon sa Information Technology Expert Toti Casino, maari ngang nagkaroon ng dayaan noong 2016 elections. Basahin ang naging reaksyon ng mga tao sa pinagsasabi ng oposisyon. Source: MB | ThinkingPinoy +"Our lawyers have verified. A warrant of arrest was issued," Kinumpirma na mismo ni Rappler CEO Maria Ressa na nailabas na umano ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay sa kasong tax evasion. Ayon sa kampo ni Ressa, magpa-piyansa sila agad-agad sa Lunes kung sakaling arestuhin ito ng Linggo. Nahaharap sa 4 na kasong tax evasion si Ressa. Isa pang kaso ang inihain sa Pasig court kaugnay naman sa paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC) at ang hindi pagsusumite ng ulat tungkol sa total quarterly sales receipts na mula sa Philippine Depositary Receipts (PDR) noong 2015. Alam niyo bang naging laman ng balita ang Rappler noong Pebrero 2018 dahil sa malisyosong impormasyon ikinalat nila laban kay kay dating Special Assistant to the President Bong Go? Panoorin kung paano sinermonan ni Presidente Duterte ang reporter ng Rappler dahil sa maling impormasyon na ikinalat ng mga ito kay Go. Tila positibo naman tinanggap ng ilang netizens ang balitang ito. Source: GMA +Sa groundbreaking ng 3.7 kilometers Panguil Bay Bridge sa Lanao del Norte, dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte para pangunahan ang okasyon. Pag naitayo ang tulay, ito na ang magiging pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas. Ang nasabing tulay ay libreng magagamit ng mga kababayan natin at magiging laging bukas. Ang Panguil Bay Bridge ay kauna-unahan sa 16 na tulay na itatayo ng Duterte Administration sa ilalim ng Build Build Build program. Inaasahang maikokonekta nito ang Luzon, Kabisayaan at Mindanao. Ang proyekto ay nakatakdang matatapos sa 2022. Pinondohan ito sa ilalim ng Korean Economic Development Cooperation at nagkakahalaga ng P7.8 Billion. "Korea has a special atttachment to the Filipino. You know why? We fought in the Korean War," sabi ni Presidente Duterte. Inaasahang makakatulong sa ekonomiya ng Cagayan De Oro, Iligan, Ozamiz, Marawi, Oroquieta, Dipolog, Dapitan at iba pa ang tulay. Umaasa naman si Lanao De Norte Governor Imelda "Angging" Quibranza-Dimaporo na papasok ang mga investments sa kanilang lugar dahil sa nasabing tulay. Panoorin ang buong talumpati ni Presidente Duterte sa groundbreaking ng Panguil Bay Bridge. Ito po an ilan sa mga reaksyon ng mga tao sa balitang ito. Source: PTV +Sa kanyang mensahe sa harap ng mga kalahok sa Vatican conference on drug addiction, hinimok ng Pope Francis na sugpuin ang paggawa at pagpapaakalat ng iligal na droga. Ayon pa sa Santo Papa, kamatayan daw ang inilalako ng mga drug traffickers kaya tungkulin ng mga gobyerno na labanan ang mga drug traffickers. "It is the duty and responsibility of governments courageously to undertake this fight against those who deal in death," mensahe ni Peope Francis. Ang mga mensahe ni Pope Francis ay tila sumasalungat sa mga binulalas dati ni Activist Priest Father Robert Reyes noong Oktubre 2017. Nabapalita noon na sinabi ni Reyes na ang droga ay hindi krimen. Ang simbahang katoliko naman sa Pilipinas ay kontra din sa kampanya ng Duterte Administration laban sa iligal na droga. "You do not solve a health issue with police force. Ang droga, hindi crime. That's what you have to address first. He is sick and therefore, he needs medical attention," sabi dati ni Fr. Reyes. Ang naging pahayag ni Pope Francis ukol sa paglaban sa droga ay malugod namang tinanggap ng Malacanang. "We consider Vatican's remarks as a boost in our campaign as we battle the twin evils of crimes and drugs," ani Spokeperson Salvador Panelo. Basahin ang naging komento ng ilang kababayan natin tungkol sa naging mensahe ni Pope Francis. Source: MB | GMA | GMA | PTV +"We will not take this sitting down. We will not let this pass by na hindi kami gaganti dahil kung ginawa nila ito sa isang kongresistang si Rep. Castro, incumbent member of the Congress, long-time activist Satur Ocampo, ginawa nila sa apat na mga pastor, kaya nilang gawin kahit sino," Ganito ang naging pahayag ni Anakpawis Party-list Representative Ariel Casilao kaugnay sa pagkaka-aresto kina ACT Teachers party-list Congresswoman France Castro at dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampo sa Talaingod, Davao Del Norte dahil sa pagtangay sa ilang kabataang lumad na walang permiso ng mga magulang. Para kay Casilao, ang mga kaso laban kina Ocampo at Castro ay gawa-gawa lamang. Wala raw kapasidad ang mga ito na magsagawa ng human trafficking. Tinitignan ng grupo ni Casilao ang posibilidad na magsampa ng reklamong abuse of authority at negligence of duty laban sa mga otoridad na humuli kina Ocampo at Castro. Sa isang panayam naman kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, sinabi nito karapatan ng grupo ni Casilao na magdemanda at welcome naman daw sa kanila ang gagawin ng mga makakaliwang gurpo. Basahin ang naging tugon ng mga kababayan natin sa mga lumabas sa bibig ni Casilao. Panoorin ang naging kumprontasyon sa pagitang ng mga magulang ng kabataang lumad at ng kampo nila Satur Ocampo. Source: GMA +Ang video na ito ay matagal na pero napapanahon dahil sa isyung kinasasangkutan nila dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at Act Party-list France Castro. Sa programang Talk Back with Tina Palma noong Sep 6, 2015, ibinulgar ni Lumad youth leader Asenad Bago ang kalokohang itinuturo ng New People's Army (NPA) sa mga kabataang lumad. Isiniwalat din niya kung paano sila ginagamit ng Bayan Muna para mag-kilos protesta laban sa militar. "Bigla ako tumakas dahil hindi maganda ang tinuturuo sa amin... Pinapasara na namin (ang eskwelahan). Tinuturuan kami kung paano mag-attack ng detachment. Pag wala kaming klase, isasama kami ng mga maestra papunta sa posting (bahay-bahay) ng mga NPA. Pinapakitaan kami ng sine (video) at tinuturuan kami kung paano mag-atake ng detachment... Sabi nila, ito ang gobyerno natin, ang New people's Amry (NPA). Isa pa sa naka-sira o naka-istorbo sa pag-aaral ay ang Bayan Muna. Kahit nagka-klase kami ay tinatawagan kami para pumunta ng Davao para mag-rally at palayasin ang militar"sabi ni Bago. Naging laman ng balita kamakailan lang sina Ocampo, Castro at iba pa dahil sa pagbiyahe ng mga ito sa mga kabataang lumad na walang permiso ng mga magulang. Kinasuhan ang grupo ni Ocampo ng Kidnapping at Human trafficking dahil sa insidente. Panoorin ang kumprontasyon sa pagitan ng mga tribal leader, magulang ng mga Lumad youth at ng grupo ni Satur Ocampo. Source: Talk Back with Tina Monson via VOVph +Naligo ng batikos mula sa mga kababayan natin ang Liberal party Senatoriable na si Florin Hilbay matapos niyang pulitikahin ang Finals ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) sa pagitan ng University of the Philippines at Atenro University. Makikita sa viral na larawan ang litrato ni Hilbay na hawak na karatulang "Atin To! Tulad ng Weast Philippine Sea". Nakatikim naman ng banat si Hilbay kay Pro-Government blogger ThinkingPinoy aka Rj NIeto. Ayon kay ThinkingPinoy, hanggang laro daw ng kabataan ay pinupulitika na. Huwag din daw tularan si Hilbay dahil kulang daw ito sa pansin. Sarap din daw sargohin ang lintik, sabi ni ThinkingPinoy. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga tao sa pinaggagawa ng Liberal Party senatoriable. Binatikos naman ni University of the Philippines Executive Vice President Ted Herbosa ang kampanya ng ilang student councils para mag-suot ng itim sa UAAP finals. "This is not the place and time. This is Basketball. Bakit nakikisali ang agenda ng iba? Such disrespect for the UPMBT who fought tooth and nail to get here! This is their Show not you freeloaders.... UP MBT this is your Spotlight! Let none take that stage away from you! Sports teaches us life lessons.... Those who wear black are showing their disrespect for the hard work that these #16strong did the whole season. The UP Figthing Maroons worked hard to get to the UAAP Finals! This is their show and this is their time!," sabi ni Herbosa Matatandaang inudyukan ng ilang student councils ng UP at Ateneo ang mga manonood ng championship game na magsuot ng itim para sa kampanya nilang "unite against violence, impunity and misogyny". Source: GMA | TP +Nagtumpok-tumpokan ang ilang estudyante ng University of the Philippines Diliman para muling ipagsigawan ang pagpapatanggal sa martial law sa Mindanao. Ayon sa mga aktibista ng Unibersidad, hindi raw ito epektibo at ang ginawa nilang pruweba ay ang nangyari kamakailan lang ng pagsabog sa Jolo Cathedral kung saan 20 katao ang binawian ng buhay at dose-dosena ang nasugatan. Hindi naman pinalagpas ng ilang kababayan natin na taga-Mindanao ang pagkakataon para magsalita tungkol sa mga aktibista na taga-Luzon. Source: Michael Delizo - ABS +Nagpakawala na ang ating kasundaluhan ng mga air strikes sa Sulu. Ito ay matapos mag-deklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng all-out war laban sa mga teroristang grupong Abu Sayyaf. Ayon sa ulat, ang Patikul, Sulu ang isa sa mga tinarget ng militar at ang isa naman ay sa Indanan. Sa mga lugar na ito nakita ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf. Nagdeklara ng all-out war ang ating Presidente matapos ang nangyaring pagsabog sa Jolo Cathedral kung saan mahigit 20 katao ang masawi at dose-dosena naman ang sugatan. "I ordered you to destroy the organization. I'm ordering you now: Pulpugin ninyo ang Abu Sayyaf by whatever means... Meron man tayong helicopter, may eroplano, may mga barko. Eh iyong mga bala natin diyan sa mga kanyon ninyo...paputukin na ninyo. I-bomba muna ninyo lahat, magbili na tayo ng bagong stock... Iyong ISIS, kayo rin ang humingi. Uupakan ko talaga kayo. Gagamitin ko lahat," sabi ng Pangulo Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa ginawang operasyon ng mga kasundaluhan laban sa ASG. "Dapat gamitin yung figther jet para pinong pino yang mga abu sayaf na yan.. at hindi na sila tatawaging abu sayaf kundi "abu abu"," sabi ni R. Unggay. "Kalbohin na ninyo ang gubat ng Jolo para wala na clang matataguan.Take care soldiers pray to God always." sabi ni A. Ayashy. "Ubusin at pulbusin na ang mga yan! Napakarami na nilang dinamay na mga inosente! At kung sino mang mga politiko ang nasa likod nyan dapat ay hatulan nang death penalty," sabi ni M.Suarez. "yun oh....isa sa mga wish ko Air Strike... bago papasukin ang mga ground troops sa area. ..smpre di mawawala mga naka poste nting mga SNIPERS.," sabi ni G. EWstrellado. "Tama yan.bombahin nyo ng bombahin mga yan d nman mga tao yan.d din hayop..cla ay mga bagay lng bagay walang kaluluwa.wala ding pakinabang cla ay mga salut s bagay s bansa. Sana lng tlga naubos n cla," sabi ni G. M. Vega. Source: GMA +Ayon sa ulat ng Philstar, umabot sa P42.7 billion ang tinubo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Enero hanggang Nobyembre ng 2018 dahil sa pagbabagu-bago foreign exchange. Ang kita ay umangat ng 3.9% (P61.35 billion). Tumalon din ang Interest income sa international reserves at domestic securities ng 31.1 percent sa P69.56 billion para mabura ang mga nawalang P8.1 billion. Basahin ang reaksyon ng mga followers ng Facebook page na Flying Ketchup nang ibahagi nito ang balita sa kanyang blog. Source: Philstar | Flying Ketchup +Kumakalat ngayon ang ilang larawan na nagpapakita ng pagkakaiba ng Manila Bay noon at ngayon. Sa unang larawan, makikita gilid ng Manila Bay na puno ng basura at ng kung anu-anong dumi. Ang mga sumunod na larawan naman ay nagpapakita ng malinis ng Manila Bay matapos ang unang araw ng rehabilitation. Nitong Linggo, Enero 27, 2019, umabot sa 5,000 katao ang nagtipon para sa kick-off program ng Manila Bay Rehabilitation. Ang programa ay pinangunahan ng mga cabinet secretaries na konektado sa naturang proyekto tulad nina Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Tourism Secretary Bernadette Puyat, at iba pa. Ang pagsasaayos sa Manila Bay ay isa sa mga hakbang ng kasalukuyang pamahalaan para protektahan ang kalikasan. Ayon sa ilang ulat, mataas na rin daw ang coliform level sa nasabing lugar. Ang colirform ay isang uri ng bacteria na nagmumula sa dumi ng mga tao at hayop. Magugunita noong Abril nakaraang taon ay isinarado ng Duterte Government ang isla ng Boracay para isailalim sa rehabilitasyon. Matapos ang anim na buwan mula nang isara ang Boracay ay muli itong binuksan sa mga turista noong Octubre 2018. Ngayon ay namamangha na ang mga dayuhan sa ikinaganda at ikinalinis ng Boracay. Panoorin ang ilan pang ulat tungkol sa ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay. Source: Alex Tigno +Sa programa ng CNN Philippines para sa mga senatoriables, nagbigay ng opinyon si dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas tungkol sa napapanahong usapin sa pagpapababa sa edad ng crimnal liability sa mga kabataan. Sa kanyang pahayag, inihambing niya ang ang edad ng pag-toma (18 years old) sa edad na binabalak ibaba ang criminal liability (12 years old). "Alam niyo simpleng lang ito eh. 18 years old bago ka pwede bumoto. 18 years old bago pwede kang uminom ng alak. 18 years old bago ka pwde pumasok sa armed forces. 18 years old ang age of maturity. Bakit natin paparusahan? Bakit natin ikukulong ang mga kabataan sa mas murang edad, sa 12 o sa 9?," sabi ni Roxas. Suportado niya daw ang kasalukuyang batas. ung mayroon man daw na pagkukulang ay mahain daw ng mga panukala para mapagana ang juvenile justice act ng husto. "Para sa akin, hayaan natin 'yung kasalukuyang batas. Suportahan natin ng todo at tignan talaga natin kung kulang ito, at sa ganoon ay doon tayo maghain ng mga proposals para baguhin ito. The law as it exist right now has not worked to its full extent. So, pondohan natin, suportahan natin, at ilagay natin sa tama," sabi ni Roxas. Basahin ang reaksyon ng lang netizens sa sinabi ni Roxas sa social media post ni former PCOO Assec. Mocha Uson. "Yes 18 ang legal age to drink and smoke. But does that stop kids below that age from smoking and drinking and even use drugs? NO. THAT'S WHY WE NEED "LAWS" LIKE THIS FOR THEIR PROTECTION TOO. JUSKO IBOBOTO NYO YANG GANYAN MAG ISIP? THE FUCK," sabi ni D. Lao. "Ang pag inom ng alak at pag boto ng isang 18 years old ay bahagi ng kanyang karapatan bilang isang indibidwal na tinatawag na nasa hustong gulang (hinde yan criminal responsibility o liability ,kundi isang karapatan). Samantalang ang krimin ay krimen kahit anong edad payan (kaakibat ng krimen ay responsibilidad na nakasaad sa batas.. sa mga nasa hustong gulang na, dun sila dadalhin sa pasilidad na naaayun sa batas at reformation o bahay pag-asa naman sa mga mas bata ang edad..magkapareha man ng lvl o antas ng kriminalidad magkaiba naman sa consequence sa pagaatang ng responsibilidad o accountability sa magkaibang edad ng may sala. Halimbawa may anak ka dalawa yung isa edad 18 at yung isa naman ay 10 at nakagawa sila ng parehong kasalanan pede natin silang bigyan ng disiplina halimbawa ang nakakatanda ay magsibak ng kahoy na dipa kaya ng 10 years old na pede naman sya atangan ng paghuhugas o paglilinis...," sabi ni F. Lafable. "Alcohol drinking is different with age liability. Para mo na ding sinabi wala age limit ang paggamit ng shabu na alam mo kung saan nakakabili. Ekonomista ka pa sa lagay na yan ha? Isa ka ngang good example ng dilawan. VOTE NO TO DILAWAN, LEFTIST GROUP AND GRACE POE," sabi ni E. Macapagal. Source: CNN | Mocha Uson Blog +Sa pagsisimula ng Manila Bay Rehabilitation na pinangaunahan ng Department of Environment and National Resources (DENR), umabot sa 11 trucks ng basura ang nakolekta ng mga nakibahagi sa proyekto. Ayon sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bigat ng mga basura ay aabot umano sa 45.59 na tonelada. Nag-isyu naman ng cease-and-desist orders ang Laguna Lake Development Authority sa Aristocrat Restaurant sa Roxas Boulevard, Gloria Maris Restaurant sa CCP Complex, at Esplanade (San Miguel By The Bay) dahil sa paglabag sa environmental law. Kaninang umaga ay nagsama-sama ang hindi bababa sa 5,000 katao para makilahok sa soilidarity walk para sa proyektong pinagalanang "Battle for Manila Bay". Ikinatuwa ni DENR Secretary ROy Cimatu ang dfami ng taong nakilahok. Sinamahan si Cimatu ng iba pang cabinet secretaries ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilan dito at Department of Public Works and Highway Secretary Mark Villar, Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, Communication Technology Secretary Eliseo Rio Jr at iba pa. Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa Manila Bay Rehabilitation. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa aksyon ng mga gobyerno para malinis ang Manila Bay. "I'm very glad that they rehabilitate the Manila Bay to bring back the sustainability of the bay before and to be one of the tourist spots in the Philippines. I hope that it would be successful for the cleanliness and become an eco friendly, I hope too that they will plant more trees and reduce throwing some wastes in the bay to avoid marine debris," sabi ni A. Yu. "I wonder why atienza and Lim allowed Manila Bay to be in that state. Shouldn't they be held accountable for it? Now, atienza talks like he knew better when he actually failed miserably," sabi ni R. Ruga. "Kung ganito kaya gagawin ng ibang mga pulitiko hindi ung paninira lng sa admin ang ginagawa.. tumulong nalang kaya sila sa iba mga dapat nilang gawain sa gobyerno na nakakabuti sa sambayanang pilipino," sabi ni N. Matula. "The Manila Bay mess has been unresolved for decades. It took a put--- ina to mobilize govt resources," sabi ni M. Baldago. Source: MB | GMA +Ngayon araw ay isinagawa na ang kick-off program para sa Manila Bay Rehabilitation na dinaluhan nila Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano, Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Puyat. Kasabay ng kick-off program ay isang estabilisimiyento ang nakatikim ng malupit na hagupit mula sa Duterte government dahil ito sa paglalabas umano ng polluted waste water. Ang naturang restaurant ay ang The Aristocrat sa Manila Bay Area. Ito naman ang video mula sa PTV. Panoorin ang video mula sa kababayan natin na si Bruce Dionisio. Ito naman po ang ulat sa ginawang solidarity march para sa Manila Bay Rehabilitation Kick-off program mula sa News5. Ito po ang reaksyon ng mga tao sa parusa ipinataw ng pamahalaan sa sikat na kainan. "Lagot ang City Health at Mayor lol. Proud #PRRD voter. Change is real. Ang dami ng naAccomplished at na Disiplina. This government his administration will go down in history as the Golden Age of Philippines ," sabi ni J. Tagle. "Ngayun pantay pantay walang mayaman o mahirap imagine kungdi pa si PDU30 ang naging pangulo walang mangyyaring pagmamalasakit.Yung mga dating nakaupo kasi puro pa photo ops lang ang alam kunwari magttanim ng puno or maglilinis sa kapaligiran pero pag wala ng lente ng kamera tapos na. Saka basta kakampi nila kinukunsinti nila," sabi ni X. Hpesoj. "PERFECT !! Ang tanong, sa tagal ng panahon paanong nagkaroon ng Yearly Permit ? Dapat managot din ang mga nag issue ng permit / Licence !!!," sabi ni J. Villarba. "Sikat na kainan yan,,, 24hrs open dami customer,,, lakas nio kumita lakas nio rin palang dumumi sa dagat" sabi ni B. Mashod. Source: CNN | Bruce Dionisio | PTV +Matapos isara ng Duterte Government ang top tourist destination spot ng Pilipinas na Boracay ng anim na buwan para sa rehabilitasyon. Isusunod naman ngayon ang isa pang tanyag na lugar sa ating bansa, ang Manila Bay. Lumabas sa ilang ulat na mataas din ang coliform level sa bay. Ang coliform ay isang bacteria nag nagmumula sa dumi ng tao at ng mga hayop. Ngayon araw ay nagsama-sama ang libo-libong katao para sa isang soidarity walk para sa kick off program ng Manila Bay rehabilitation. Tignan ang ilang litrato sa ginawang pagtitipon. Panoorin naman ang ulat ng News5. Ito naman po ang aerial view mula sa Philstar. Basahin ang reaksyon ng ilan nating kababayan sa kick off program para sa Manila Bay rehab. "Amazing..Duterte is an excellent leader..Kita natin ang pagsasaayos niya ng bansa..so happy we voted for him..God bless to all volunteers and participants..looking forward for a better if not the best country in th e near future!," sbi ni S. Alcantara. "Yan ang tunay May political will mabuhay po kayo President Duterte!!!!," sbi ni A. Badua. "O dilawans, gayahin nyo ito, hindi yung puro paninira o gumagawa ng black props laban sa kasalukuyang admin ang pinaggagagawa nyo o di kaya tumulong kayo sa paglilinis ng nasabing lugar para nmn may pakinabang kayo, ok," sbi ni A. Corpuz. "I am glad this thing happening not like before full of "BS" demonstration provided by a leftist. Now we can show to the world FILIPINO not an undisciplined related to waste product. No littering on the road, please pick up your mess. Thanks," sbi ni A. Calima. Source: MB | News5 | Philstar +Isa na namang magandang balita ang bubungad sa unanag buwan ng taong 2019. Naitala lang naman ang Pilipinas na ika-50 sa best country sa buong mundo. Ito ay base sa global survey na nilahukan ng mahigit 21,000 katao mula sa mahigit 180 bansa. Ang survey ay isinagawa ng United State Department sa pakikipagtulungan ng US news anf world report. Ang naturang survey ay ibinase persepsyon ng International Community na kumikilala sa gender equality, negosyo, pamumuhunan environment, religious freedom at human rights. . Nananatili pa rin na numero uno ang Switzerland sa nakalipas na tatlong taon. Sinundan naman ito ng mga bansang Japan, Canada, Germany at United Kingdom. Ito po ang reaksyon ng ilan nating kababayan sa pagkakapasok muli ng Pilipinas sa top 50 ng best country in the world. "sa 195 countries in the world, ika 50 na best country ay Pilipinas. nakaka angat pa rin tayo and we must proud for it.Sinisiraan pa yan ng mga opposition, congrats sa mga nationalistic na mga pinoy na nagbibigay karangalan sa ating bansa! sa lahat ng antas," sabi ni T. Valencia "asan na kaya yung clueless na US NGO na nagsabi na ang Pilipinas daw ay war zone in disguise...warzone ba yan e 7.1 milyong turista pa nga ang dumating para mamasyal sa war zone," sabi ni R. Bellen "Nako... ayaw ng dilawan yan. Dagdagan ang pondo ng mga kakontsaba para sirain nyo ang pamamalakad ni pd30," sabi ni A. Lopez "Aba nakakabahala ito sa mga kritiko NG administrasyong Duterte! Sampu NG MGA lider NG simbahan! Baka Hindi lang sampu! Marami Sila!," sabi ni A. Otaza Source: Philstar | PTV +Sa paggunita ng pamilya Aquino sa ika-86 na kaarawan ng namayapang dating Pangulong Corazon Aquino, pinangunahan ni Fr. Catalino Arevalo, spiritual adviser ng mg Aquino, ang isang misa. Ang pagtitipon ay dinaluhan na ilang kaanak at kaibigan ni COry. Matapos ang misa, hiniling ng kapatid ni Kris Aquino na si Viel Aquino-Dee na magdasal kay Cory para maglagpasan daw ng ating bansa ang hirap na pinagdadaanan nito. Para naman kay Pinky Abellada, ikalawang anak ni Cory, alam daw ng buong mundo ang ginawa ng kanyang ina at patuloy daw ang papuri sa kanyang nanay kahit matagal na itong namayapa. "So this tells me, when you live your life according to God's will, you accept the trials that come your way as graciously as you can - and she did accept all the many trials that came her way, that is what is right. And in the end, the whole world knows about it and will keep praising it," sabi ni Abellada Hindi nakadalo sa pagtitipon sina dating Pangulong Noynoy Aquino at si Kris Aquino. Alam niyo bang inilutang noon ang ideya na gawing santo si Cory? Panoorin ang ulat noong 2010. Basahin ang reaksyon ng mga followers ni former Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson ng i-post ng dating kalihim ang screenshot ng artikulo sa kanyang blog. "Praying to a dead person is forbidden and it is a great sin," sabi ni B. Caturan. "hindi nga na solve ni cory ang problema ng Pilipinas noong buhay sya ngayon pa na patay na sya?," sabi ni J. Uy. "Dapat ipaalam sa mga pamilya ng mga aquino na kapag patay na angtao wala na: Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan. Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw. Ecclessiastes 9:5-6," sabi ni C. Roberto. "Pati pagiging Santo gusto na i award kay Cory ahm Hahaha..Santa Cory pagalingin mo mga pag iisip ng mga anak mo..Hindi na tlaga sila normal..hehe," sabi ni J. Jubillo. Source: Philstar | Mocha Uson Blog +Matapos pumutok ang usapin tungkol sa panukalang batas na pagpapababa sa edad ng criminal liability sa mga kabataan, nagsalita na rin si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa isyu. Sa kanyang instagram account, tila may binabanatan itong isang babae na nagsabing "immoral, unscientific and ineffective" ang panukalang batas. Ayon sa alkalde ng Davao, hindi raw konektado sa realidad ang nasabing kritiko. "The Madame who said that lowering the age of criminal liability to 12 years old as immoral, unscientific and ineffective is clearly out of touch with reality. This person has not regularly read police reports, have not talked to social welfare workers or has worked on grassroots issues," sabi ni Sara. Sapul din kay Sara ang mga taong kaparehas mag-isip ng nasabing babae. "This Madame and her like minded friends compare other well developed countries to the Philippines as if the culture, the psyche, the circumstances are the same," banat pa ni Sara. Ano rin daw ang pwede niyang gawin para mailagay ang nasabing babae sa isang kwarto kasama ang isang batang gang member? "What I would give to lock you in a room for one night with a 13 year old Sukarap gang member, para makatilaw ka. Eto pa, hindi sila criminal, they are children in conflict with the law. Eh dba its the same banana?" hamon ni Sara. Pinaalalahan din ng Mayora ang lahat na kayang na kayang gumawa ng krimen ang mga kabataan at kailangan bigyan ang mga ito ng pananagutan. "Ladies and gentlemen, children are capable of commiting crimes. Put that in your head. Wag na sana kayo mag pretend na anghel ang mga bata, wala po tayo sa langit. We have documented cases of 12,13,14 year old children committing rape, murder, theft, robbery, drug smuggling, drug peddling even arson. If you do not want them in jail with adults put them in your child in conflict with the law age appropriate jail. The issues may be a complicated web of poverty, illiteracy, broken families, abuse and a simpleton Madame (who supports children criminals for the reason that they are children. phew) but all these are no excuse to spare the rod and let the problem of underage criminals fester," ani Sara. May payo din si Sara sa babaeng kontra ng kontra sa panukalang batas at hinamon uli ito ng maglakad ng mag-isa sa kalsada ng Maynila ng gabi. "Take your head out of your butthole Madame and walk Metro Manila streets at night. Alone. Awon nato," buwelta pa ni Sara. Hindi pinangalanan ni Sara ang nasabing babae. Pero noong mga nagdaang araw ay ibinalita ng ilang pahayagan na sinabi ni Senadora Risa Hontiveros na "immoral, unscientific and ineffective" ang panukalang batas na pababain ang edad ng criminal liability sa mga kabataan. Basahin ang reaksyon ng ilan nating kababayan sa sinabi ni Mayor Sara. "Sino pa eh di yong nag sasabing, mag trabaho ka naman Duterte, diba sya yon, Specialist super TALINO , CAPABLE , AT HARD WORKING SENATOR na walang ginawa kundi e discredit ang ating Pangulong Duterte. HontiviRus," sabi ni M. Lapatis. "Lhat ng madame n utak t--. Nangunguna n c hontivirus... Wla n nga naitulong s bansa pbgat p mppamura k n lng tlg ih noh...," sabi ni S. Faustino. "Obvious naman and tinutukoy dyan ay Yung Alien na Senadora si Ms. Risa Hontivirus, sa tuwing bubuka ang bibig ng Alien na Senadora laging out of this world ang mga sinasabi. ilan Lang iyan mga kababayan , kasalanan ng mga bobotante at cumolek kung bakit may mga politikong ganito kababa ang IQ. Mga walang silbi sa bayan," sabi ni D. Monteza. Source: indaysaraduterte | Philstar | Inq | Mocha Uson Blog +Sa isang panayam sa beteranong aktor na si Efren Reyes, nag-bigay ito ng saloobin tungkol sa mga taong panay ang batikos sa pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Reyes, naranasan din daw niya ang pinagdadaanan ngayon ng Presidente at ang masasabi niya lang ay napakahirap daw nito dahil hindi maisulong ang mga agenda na gusto niyang gawin. "May gusto kang gawing panukala tapos yung mga kasama mo nakontra sayo, hindi mo maipapatupad, so ang hirap kapag may mga oposisyon na maingay masyado na kumokontra, mahirap ang progreso," sabi ni Reyes. Hindi daw susulong ang bayan kung masyadong maraming nagsisiraan. Wala mang pinangalanan si Reyes pero kilala naman natin kung sino-sino ang kumo-kontra sa kasalukuyang gobyerno. "Ang hirap ng progreso ng bayan, kapag masyado tayong naghihilahan pababa, kapag masyado tayong nagsisiraan, tigilan na po sana natin," banat pa ni Reyes. Si Reyes ang gaganap bilang Mayor Duterte sa upcoming movie na "BATO" na pinagbibidahan ng kapwa niya batikang na aktor na si Robin Padilla. Baka iniisip ng ilan na baka nagsalita lang ng positibo si Reyes kay Pangulong DUterte dahil gagampanan niya ito sa pelikula. Sa naturang panayam, kanya ring inilahad na sinuportahan niya talaga ang Pangulo noong nangangampanya pa lang ito para maging Presidente ng bansa. Nagbigay din si Reyes ng lubos na pagsuporta sa Pangulong Duterte para ituloy ang laban sa kriminalidad at bawal na gamot. Isa sa naging rebelasyon ni Reyes sa panayam ay ang estado ng industriya ng showbiz at ng droga. Basahin ang naging reaksyon ng ilan nating kababayan sa sinabi ni Reyes. "tama ka sir efren saludo ako sa sinabi mo.. walng manyayari kung puro kontra at hilaan pababa, kasi wanlng mangyayaring improvement," sabi n J. Laure. "Idol Efren malabong mang yari yong sinabi mong magkaisa. Kasi tulad nalang ng inaasal ni Trillanes," sabi n A. Leghidan. Source: RideR. pH +Gustong ipagpaliban ng mga makakaliwang kongresista ang Manila Bay Rehabilitation Program. Kasama ang ilang magsasaka at mangingisda, nagsumite ng resolusyon sina Anakpawis Congressman Ariel Casilao, Alliance of Concerned Teachers Representatives Antonio Tinio and France Castro, Bayan Muna Representative Carlos Zarate, Kabataan Representative Sarah Elago, Gabriela Representatives Arlene Brosas at Emmi de Jesus. Nais umano ng mga kongresista na irekomenda ng kongreso sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isapubliko ang rehabilitation master plan, magsagawa ng public consultation para sa mga maapektohan ng rehabilitasyon. Kailangan daw na magkaroon ng masusing pag-aaral tungkol sa epekto nito sa mga marginalized sectors. Hindi din daw dapat malabag ang mga karapatan at kabuhayan ng mga sektor na ito. Ayon sa mga makakaliwang mambabatas, humigit-kumulang 250,000 na informal settlers ang mawawalan ng tirahan dahil sa Manila Bay Rehabilitation. Itong mga nakaraang araw ay naging laman ng balita ang pagsasama-sama ng mga Piipino para linisin ang Manila Bay noong Linggo. Umabot sa 5,000 ang mga taong nakilahok sa ginawang pagkilos. Matapos ang isang araw ay nakita sa social media ang naging resulta ng pagtutulungan ng mga Pilipino. Panoorin ang video ng isang netizens tungkol sa pagbabagong nangyari sa Manila Bay. Ang paglilinis sa Manila Bay ay isa sa mga agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kamakailan lang ay inatasan niya ang DENR na linisin ang naturang lugar. Magugunita rin na pinagbantaan niya na ipapasara ang mga negosyo sa paligid ng Manila Bay kung hindi magpapakabit ang mga ito ng water treatment systems. Source: Rappler +Sapul sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 15 pabrika sa Bulacan dahil sa paglalabas ng mga marurumng tubig sa ilog na konektado sa Manila Bay. Sa ulat ng inilabas ng DENR noong Enero 25, 12 leather and tannery firm sa Bulacan at 3 sa Marilao ang inisyuhan ng cease-and-desist order dahil sa mga paglabag Clean Water Act. Simentuhan na rin ng ahensiya ang mga drainage canal sa limang pabrika para hindi na umanog ang waste water ng mga ito sa ilog. Ayon kay DENR Region 3 Director Emerlyn Claudio, malaki raw ang kontribusyonn ng mga ito sa polusyon at wala umanong mga waste water treatment ang mga pabrika. Hindi rin daw nakitaan ng permit ang mga ito. Nakakaperwisyo din da sa mga residente ang operasyon ng pabrika. "Ito nga tayo masakit na sa dibdib. Nakakasulasok na ang amoy. Kung yung mga nasa paligid, lalo na yung may exposure, I think this is one of the reasons why may complaint dati. Pero nag-stop sila and then nag resurface naman ang operation nila," sabi ni Claudio Nagbabanta ang DENR na ipapasara ang mga kumpanya o negosyo na mapapatunayang lumalabag sa mga violating environmental law. Sa katunayan, nasampolan na ang ilang establisimiyento sa may Manila bay Area nito lang Linggo. Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duteret si DENR Secretary Roy Cimatu na linisin ang Manila Bay. Magugunitang nagbanta din ang Presidente sa mga establisimiyento sa paligid ng Manila Bay na magkaroon ng water treatment system at kung hindi ay ipapasara niya ang mga ito. Nitong lang Linggo ay nagkaroon ng Manila Bay Rehabilitation kick-off program para umpisahan na ang paglilinis sa Manila Bay. Pinangunahan ito ng ilang ahensiya ng gobyerno at ito po ang naging resulta ng pagkilos ng pamahalaan. Source: UNTV +Matapos ang matagumpay na kick-off program para sa Manila Bay Rehabilitation noong Linggo kung saan dumalo ang humigit-kumulang 5,000 katao, isang kababayan natin ngayon ang patuloy na naglilinis ng mga natitirang kalat sa Manila Bay. Ginagawa niya ito kahit mag-isa lang siya at tirik ang araw. Sinimulan niya daw ang paglilinis ng 8 am at tatapusin niya raw ito ng mga 5pm. Nakilala ang lalake na si Christopher Abrea. "Pag hindi kasi alisin iyan (mga kalat), mananatili lang dito iyan eh. Walang hirap basta galing sa kalooban. Nakakasaya nga para sa mga kababayan natin at para rin sa mga dayuhan para makita nila na ang bansa natin ay malinis. Gagawin ko ito hangga't nandito itong (basura). Hindi ko ito tatantanan," sabi ni Abrea. Habang isinusulat ang artikulo na ito ay umabot na sa mahigit 8,000 ang nagbahagi ng video at umano na rin ng positibong reaksyon sa ting mga kababayan. May mga netizens na gustong tulungan si Mr. Abrea. "Sir baka maiko-connect mo kami sa kanya. Bilhan natin ng matibay na sapatos at gloves. Nakaka proud ung ginagawa nya pero ayaw din naman natin mapahamak sya at magkasakit. baka makaapak sya ng matulis na bagay at ma infect eh," sabi ni G. Amoroso. "Saan ka pwede mag abot man lang sana ng pagkain at maeuwi niya rin sa pamilya Ang sarap kasi tumulong din sa taong taon pusong gumagawa din ng ikakaganda sa kalikasan," sabi ni C. Medillo. "nkkahawa spirito mo kuya..balik ako dyan bukas sana mkita kita dalhan kita pagkain at tubig manlng...," sabi ni D. Hermoso. Ang isa naman nating kababayan, ay ikinumpara ang pagkakawang gawa ni Abrea laban sa mga militanteng grupo. "Calling the attention of kadamay , anakbayan, LFS, Gabriela, anak ng kamote, KMU, KKK, anak ni hudas... mas may pakinabang pa sa inyo si kuya.. hindi po bayad yan!" sabi ni J. Villaruel. Source: Lorenz Tanjoco +Nagpahiwatig si Russian President Vladimir Putin ng tulong sa Pilipinas matapos ang ginawang pag-atake ng mga terorista sa Jolo Cathedral nitong Linggo kung saan 27 katao ang sumakabilang-buhay at dose-dosena ang nasugatan. "I would like to reiterate our readiness to further step up interaction with our Philippine partners in combating the terrorist threat in all its forms and manifestations," sabi sa opisyal na website ng Russian President. Nakiramay din ang Pangulo ng Russia sa mga nabiktima ng pagsabog sa Jolo. "People in Russia share the grief of the victims' friends and families and hope for a prompt recovery of the injured," sabi pa sa pahayag. Dapat din daw managot ang mga may kasalanan sa nangyaring pambobomba. "A crime committed against civilians who had congregated for church services is shocking in its cynicism and cruelty. I expect that the masterminds and perpetrators of this crime will sustain the punishment they deserve," ayon sa pahayag. Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa pamboboba sa simbahan sa Jolo. Basahin ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin sa sinabi ni Putin. "Pls help us fight terrorism I know may kinalaman talaga ang mga taong ayaw nang mga pag babago.. Lalo na pag may isyung napupukol o na cocorner na sila gagawa talaga sila ng eksena no matter what would be the out come basta ma lihis Lang ang usapan," sabi ni R. Bacus. "Pahiram muna kami President Vladimir Putin ng kahit 5 SU35 at MIG 35 pang pulbos lang sa mga terroristang to gaya ng ginawa nyo sa mga ISIS sa Syria..thanks," sabi ni M. Bisco. "Welcome Russia and thank you so much Sir President Vladimir Putin," sabi ni G. Martinez. "Oh Yes please! Nakakabwisit na yong mga paring puro puna lang tapos thoughts and prayers lang pala ang kayang tulong sobrang ingay pa sa maintream media.," sabi ni M.A. Pino. Source: MB | en.kremlin.ru +Sa isang video message, nagbigay ng leksyon si Catholic Bishops' Conference of the Philippines President Bishop Socrates Villegas sa mga Pilipino kung paano bumoto. Ayon kay Villegas, ang pagboto ay pagpapahayag daw ng kalooban ng Panginoon. Hindi rin daw pwedeng ihiwalay ang Diyos sa pagboto. Sinabi rin niya na namamayani daw ang kultura ng kabastusan, kasinungalingan at kamatayan sa ating bansa. "Ang pagboto ay kapangyarihan, kapangyarihan ng mamamayan. Ang pagboto ay banal, sapagkat ang pagboto ay dapat nantin gamitin bilang papapahayag ng kalooban ng Diyos para sa ating bayan. Ang pagboto ay pagpili, at sa ating pagpili hindi natin maaaring ihiwalay ang Diyos. Sapagkat ang pagpiling walang Diyos ay hindi nakakabuti sa atin. Sa katunayan, ito ay makakasama para sa atin. Ano ang una nating dapat gawin? See, look around, see what is going on. Ano ang pinakamahalagang problema sa ating bansa? Nandiyaan ang kahirapan, nandiyaan ang korapsyon, nandiyaan ang kamatayan, nandiyaan ang karahasan, nandiyaan ang kabastusan, nandiyaan ang kasinungalingan. Ito ang namamayani sa ating bayan. At kung tayo ay mamimili ng mamumuno sa atin, hanapin natin yung makatutulong upang yung kahirapan, yung korapsyon, yung kultura ng kamatayan, yung kultura ng kabastusan, yung kultura ng fake news at kasinungalingan ay baligtarin natin upang makabuti para sa ating bayan," sabi ni Villegas. Pinatamaan din ni Villegas ang ilang politiko pero hindi niya pinangalanan ang mga ito. Dapat daw bawiin ng mga tao ang kapangyarihan na naibigay sa mga government officials na ito dahil pinaglaruan lang daw at inabuso. "Tayo ay bumoto ng may tapang. Panindigan natin ito. Minsan hindi tayo pinakikinggan, nagiging mahalaga lang tayong botante kapag panahon ng eleksyon. Sapagkat kailangan nila tayo. Tapangan natin 'yung mga lumapastangan sa atin, yung mga nag walang bahala sa atin, 'yung mga nagnakaw sa atin, 'yung mga pumatay ng mga mahal natin sa buhay. Tapanga natin, panindigan natin at alisin natin sa kanila ang kapangyarihang pinaglaruan at kanilang inabuso," banat ni Villegas. Alam niyo bang nitong mga nakaraang mga taon ay naging laman ng balita ang ilang pari na nasangkot sa mga krimen? Mayroong pari na nasangkot sa tangkang panghahalay ng menor de edad. Ang isa namang pari ay inuugnay sa pagpaslang sa isang babae. Source: NYK +Ikinatuwa ng karamihan ang hakbang ng Duterte Government na paglilinis ng Manila Bay. Noong Linggo ng umaga, nag sama-sama ang publiko at ang ilang ahensiya ng gobyerno para simulan ang rehabilitasyon ng Manila Bay. Umabot sa mahigit 5000 katao ang nakilahok sa pagtitipon. Sa kick-off program ng Manila Bay Rehabilitation, nasampolan agad ang ilang establisimiyento sa paligid ng Manila Bay. Isa dito ay ang tanyag ng kainan na The Aristocrat. Inisyuhan ng ahensiya ng gobyerno ng cease-and-desist order ang nasabing restaurant dahil umano sa paglalabas ng wastewater diretso sa Manila Bay. Ilan pa sa mga ipinasasara ng gobyerno ay ang Gloria Maris Shark's Fin Restaurant at San Miguel by the Bay at the Esplanade. Sa isang social media post, ibinunyag ng university lecturer at pro-government blogger na ang kaanak ng asawa ni Bam Aquino na si Mary Fatima "Timi" Gomez-Aquino ang may-ari ng The Aristocrat restaurants, at para patunayan ang kanyang rebelasyon ay ibinahagi nito ang isang artikulong mula sa Inquirer kung saan nakasaad nga na pagma may-ari ng kaanak ni Gomez ang restaurant chain. Ito po ang nilalaman ng artikulo ng Inquirer na may petsang Marso 17, 2013. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa rebelasyon ni Sasot. "Ordering restaurants owned by a family having connections to the Aquinos closed for polluting Manila Bay. That's political harassment. LOL," sabi ni M. Llacuna. "Buti na lng we didn't go there for a lovely dinner when we were in manila.... mrami pa nmn ng recommend sa amin..hahahahha now i know ..never na ako mgtry jan and hopefully ipasara na yan," sabi ni M. Perrett. " Lintek, bka sabihin n naman pulitika. Disente kuno, dugyot!!! Kaya pla wala naglakas loob nuon n maglinis may tatamaan. Manalangin ka kay sta corikong!!! Buset," sabi ni S. Santiago. Source: Sass | Inq | CNN Phil | PTV +Pinag-uusapan ngayon ang social media post ang netizen na nagngangalang Charlene Subong. Sa kanyang post, ikinuwento nito ang ginawa ng ilang kabataan matapos paghirapan ng gobyerno at ng publiko na linisin ang nasabing lugar. Ayon kay Subong, nagtungo umano sila ng mga kaibigan niya para makita kung tunay nga bang nalinis ang Manila Bay. Nakakita daw siya ng ilang estudyante na na may kinakain at naninigarilyo. Laking dismaya niya nang makitang tinapon na lang basta-basta ng mga kabataan ang pinagkainan at ang upos ng sigarilyo sa buhangin sa may Manila Bay. "So ayun nga kanina pumunta kami ng Manila bay para makita kung totoong malinis na nga, then itong idk kung taga OLFU ba sila base sa pants ni kuya. na tumambay din sa tabe lang namin, nag yoyosi sila and may kinakaen sila di ko alam kung chichiria ba yun or what?, then yun nga, after mag yosi dun nila tinapon mismo sa sand yung pinag sigarilyuhan nila and tinago pa nila sa ilalim ng sand, kaya we decided na tignan kung mag tatapon pa sila, while they're eating tinapon nila yung balat ng pinagkainan nila dun din mismo," salaysay ni Subong. Sa buwisit ni Subong, pinadampot nito sa mga kabataan ang mga ikinalat ng mga ito. "Sobrang nakaka dismaya na makita na andami talagang bobo no? nakita ng kakalinis lang. So ayun pinadampot ko kay kuya yung kinalat nya kailangan papahiyain mo pa talaga ?!," ani Subong Isa pa sa ikinaiinis ni Subong ay ang reaksyon ng mga kabataan nang sitahin ang mga ito. "Tas mag tatawanan pa sila na kala mo kinacool nila yun?? nag aaral naman siguro kayo diba?? gamitin nyo minsan yung pinag aralan nyo," ani Subong Habang isinusulat ito ay umabot na sa mahigit 11,000 ang nagbahagi ng post ni SUbong at umani narin ng sari-saring komento mula sa mga kababayan natin. Ang paglilinis sa Manila Bay ay isa mga proyekto ni Pangulong Duterte para mapangalagaan ang kapaligiran. Magugunitang pinagbantaan pa ng Presidente ang mga business establishments sa Manila Bay Area kung hindi sila magtatayo ng waste water treatment system. Ang inasal ng mga estudyante ay hindi pinalagpas ng mga kababayan natin. Basahin ang komento ng mga netizens. "Yan ang Pangit sa Desiplina ng isang tao, hndi marunong umunawa sa Paligid nila.. kala Nila Dagdag Pogii sa Kanila.. tsk.. Dagdag Bobo kamo Estuyante may Bisyo pa. Suot pa panglan ng School Nila .. Grabe .. kuNg Barkada Ko yan Kaltukan Ko Nyan," sabi ni R. Ceriola. "Maglagay ng pulis jan at kung mahuli Community service. At multa.," sabi ni A. Tangonan. "Sana may rule na pwede damputin mga yan kapag nag tapon ng basura intentionally. Dami talagang cancer at bugok na kabataan sa pinas eh. Asan ba mga utak nyo or kung meron ba hahaha taena kahiya kayo isuspend sana kayo sa school nyo mga bobo," sabi ni K. Mediavillo Jr. Source: Charlene Subong | GMA +Ibinahagi ni Daisy Smith-Owen, anak ni Joey "Pepe" Smith, na sumakabilang buhay na ang kanynag ama. Si Smith ay itinakbo sa ospital kaninang umaga. Noong 2017 ay na-stroke si Smith at kamakailan lang ay sumailalim ito sa isang operasyon sa mata. "Thank you for everything papa bear ko. Thank you for being the best dad in the world. I know you're in the best place now, no more pains papa.. i will see you in few days. I love you to the moon and back," sabi ni Daisy. Si Smith ay naging parte ng bandang Juan dela Cruz Band. Kasama niya sa iconic band sina Mike Hanopol at Wally Gonzalez. nNakilala ang ang kanilang bansa sa mga kantan tulad ng "Himig Natin", "Beep Beep", "Kahit Anong Mangyari", at iba pa. Panoorin ang live performance niya ng kantang "Laki Sa Layaw" kasama si Hanopol sa Wish 107.5 Bus. Source: ABS | Wish +Pinagkakatuwan ngayon ng mga netizens ang glass door decal ng isang establisimiyento. Makikita kasi ang larawan ni Senador Antonio Trillanes sa pintuan ng tindahan at nakadamit pang security guard. Ayon sa original uploader ng mga larawan na si SDa Mancao, sa Davao daw matatagpuan ang nasabing shop. Habang isinusulat ang blog post na ito, umabot na sa 150 ang nagbahagi ng mga social media post ni Mancao at umani na rin ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. "Kaya pala nawawala si Trillanes Andito Lang Pala sa Davao," sabi ni Mancao Ito po ang ilang sa mga naging komento ng mga kababayan natin sa mga litrato. Source: SDa Mancao +Arestado sina dating Bayan Muna party-list Congressman Satur Ocampo and ACT Teachers party-list Congresswoman France Castro dahil umano sa human trafficking ng 14 na menor de edad, ayon sa Philippine Army's 1003rd Brigade. Sa isang pahayag, sinabi ni Capt. Erick Calulot, Public Information Officer ng 1003rd Brigade na pinahinto ng otoridad ang 5 vans na may lamang 74 na katao sa Talaingod, Davao del Norte, kasama dito sina Ocampo at Castro. Ayon pa kay Calulot, kinukundina raw ng local government ng Talaingod ang grupo nina Ocampo at Castro. Sa katunayan ay naglabas pa daw ng resolusyon ang local na opisyal ng Talaingod sa pamamagitan ni Mayor Basillio Libayao na kumukundena sa aktibidades ng grupo nila Ocampo at Castro. Matatandaang si Castro ay nang-ipit sa buget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa kamara at gusto kwestyunin si dating Assec. Mocha Uson. Ito po ang pahayag ng mga Bai Pilar Libayao at Datu Andigao Agaysa tungkol sa nangyari sa kanilang lugar. Ito po ang ilang sa mga komento ng kababayan natin sa insidenteng ito. "Konti nalang mga Naloloko ng mga CPPNPA, iyong mga nasa mga liblib na lugar nalang na hindi naaabot ng mga nasa Gobyerno," - Alquinto Alquin "Abduction of minors that's a big crime dapat kulong for life yan Kasuhan na agad yan ng gobyerno ," - Mgee Ocasla "dpat e itumba n yan c Satur! isa lng sa sakit ng ulo ng gobyerno yan!," - Ronald Suarez "Buti na lng dinakip ang mga animal.. Baka sila yong nangguguko sa talomo..," - Jhano Espiritu "Bitayin si satur! Dapat tlg alisin na ang mga partylist sa congress na galamay Ng mga teroristang NPA na Yan Dyan nanggagaling ang pondo nila," - Jerry Ramos Source: Mocha Uson Blog | Elcid Salonga | INQ +Kahapon ay kaarawan ni former Senator Ninoy Aquino at may ilan sa mga kababayan natin ang inaalala ang araw na ito. Para sa kanila, si Ninoy ay isang bayani. Dahil dito, napapanahong talakayin kung dapat nga bang tawaging bayani si Ninoy. Sa 1972 US Embassy airgram na nahalungkat ng blogger na si RJ Nieto aka ThinkingPinoy. Lumalabas na payag umanong makipag-alyansa si Ninoy sa mga rebeldeng komunista noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos para matupad ang ambisiyon nito. "He believes that President Marcos intends to stay in power indefinitely and that his chances of becoming head of government by legitimate means are slight. He thus may be willing at some point in the future to ally himself with the Communists as the leader as the leader of a revolution, if he is convinced that this is the best way for him to realize his ultimate political ambition," sabi sa US Embassy document na may pamagat na Senator Aquno and Communist Dissidence in the Philippines. Sa hiwalay naman na declassified document ng Central Intelligence Agency, sinabi sa ulat na isang oportunista si Ninoy at may ambisyon itong maging presidente ng Pilipinas. "although the press has characterized Aquino as a man committed to democratic processes and integrity in government, his political career shows that (Aquino) was an opportunist and was consumed with ambition to run the Philippines as President," nakasaad sa dokumento ng CIA na may petsang Agosto 26, 1983. Ito po ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa ibinahaging parte ng kasaysayan ni ThinkingPinoy. Kayo na po ang humatol kung karapat-dapat nga bang tawaging bayani si Ninoy. Source: ThinkingPinoy | GMA News | CIA | Mindanation +Hindi naisakatuparan ng walong hinihinalang holdaper ang kanilang plano nang magsumbong ang driver ng bus sa pulis. Ayon sa salaysay ng original uploader ng video na si MJ Gonza, nangyari ang insidente sa may Ayala MRT habang nakasakay siya ng bus patungong Fairview. Nakutuban daw ng bus driver ang 8 holdaper na sumakay sa minamaneho nitong pampublikong sasakyan, kaya agad itong itinimbre sa isang pulis. Inabisuhan naman niya ang mga kababayan natin na maging mapagmatyag ,lalong-lao na at palapit na ang kapaskuhan, at maraming masasamang loob na gumagala at nambibiktima. Makikita sa video, na matapang na kinapkapan ng mamang pulis ang mga hinihinalang kawatan at pinababa ng sasakyan. Mabuti na lang at walang nangyaring putukan sa loob ng bus. Sa huli nagpapasalamat si Gonza, na naging ligtas sila ng mga pasahero ng bus at walang nangyari di kaaya-aya. Ang video ng insidente ay nag-viral. Sa katunayan, habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa mahigit 17,000 ang nag-share ng viral video at umani na rin ng humigit kumulang 5,000 komento mula sa mga netizens. Source: Pilipino Star Ngayon +Sa isang speaking engagement, binunyag ng dating rebelde na si Ka Tina na pinagsisisihan niya ang pagsali sa New People's Army at inabusahan ang mga kabutaan na layuan ang nasabing grupo. Isiniwalat rin niya sa kabataan ang taktikang ginagamit ng mga makakaliwa para makapanghikayat ng mga miyembro. Ayon kay Ka Tina, madalas na paraan ng mga NPA recruiter ay galitin ang emosyon ng mga tao para mag-aklas laban sa gobyerno. Ayaw din daw ng mga NPA sa mga taong nag-iisip. Sa kalagitanaan ng kanyang pagsasalita, nagpahayag ito ng pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte. "May Presidente tayong nagta-trabaho, inaaway pa natin. I would rather have a President who have a foul mouth. Kahit mag-mura siya minu-minuto, oras-oras. Kita mo naman nagta-trabaho eh. Kahit sampung milyong Duterte ang ilagay mo diyan, kung kayo mismo hindi nag-aaral ng matino, sama kayo ng sama sa grupo, tandaan ninyo ang unang hakbang patungong sa kabundukan ay ang iapak ang inyong paa sa lansangan, sumama sa malawak at sistematikong pagkilos sa lansangan," sabi ni Ka Tina. Binanatan din ni Ka Tina, ang kabalbalan ng NPA sa bayan. Isa na dito ay pagpapasabog ng mga NPA sa mga imprastruktura at pangingikil sa mga kumpanya. Ikinwento rin niya ang naging buhay niya sa bundok habang siya ay kasama pa sa kilusan. Si Ka Tina ay naging NPA ng isang dekada. Ayon sa ilang mga netizens, gusto nilang magsalita si Ka Tina sa mga unibersidad na pinamumugaran ng mga aktibista. Source: Raoul C Esperas +" "Inubos po nila President" Ganito na lang ang mga salitang lumabas sa bibig ng kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) na na-deport mula Jeddah. Ayon sa uploader na si Mah Fe Moskila, na-deport daw sila noong Nobyembre 17, 2018 mula sa bansang Saudi Arabia. Kwento pa ni Moskila, pinagbawalan daw sila ng mga immigration sa Jeddah na magbitbit ng mga mahahalagang gamit tulad ng cellphone, alahas at pera, bagkus ipinalagay daw ito sa kanilang bagahe. Laking gulat na lang daw nila nang nakita nilang nagkalat na ang kanilang mga gamit noong padating nila sa paliparan s Pilipinas. Lumapit na umano sila sa mga pamunuan ng Saudi pero wala raw pananagutan ang mga ito sa mga nawalang gamit ng mga OFW. Maririnig sa video na halos humagulgol na ang isa sa mga OFW habang ang lalake naman sa video ay nagmamakawa sa Pangulong Duterte na sila ay tulungan. "Presidente Duterte, tulungan niyo po kami. Deported na nga po kami. Wala natira sa pinaghirapan namin. Inubos po nila. " sabi ng lalakeng OFW sa video. Ito pa pong ilang larawan na pinost ng kababayan natin Source: Mah Fe Moskila +Kamakailan lang ay naglabas ng Memorandum Order 32 ang Palasyo para dadagan ang pwersa ng mga miltar at kapulisan sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region para sugpuin ang "lawless violence". Layon ng memorandum na magtulungan ang Armed Forced of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ) at iba pang law-enforcement agencies para sa mas maigting na operasyon laban sa mga kawatan ng lipunan. Ang mabuting hakbang na ito ng gobyerno ay agad inalmahan ni Senador Bam Aquino. Ayon sa senador, hindi daw basta-basta ang pagdaragdag ng tauhan ng PNp at AFP sa ilang lugar sa Visayas at Southern Luzon dahil karaniwan daw nagkakaroon ng active violence. "Hindi basta-basta ang pag-de-deploy ng military sa iba't ibang lugar, Gaya ng dati, ang boto ko sa martial law na dapat itigil na ito, kasi ang pag-de-deploy usually may active violence na nangyayari,"Sabi ni Bam. Hindi naman pinalampas ng ilang kababayan natin ang pagkontra ni Bam sa mabuting hakbang ng gobyerno. Source: News5 +Sa kanyang talumpati sa Camp Rajah Skatuna sa Carmen, Bohol, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harapan ng mga sundalo ang kanyang plano na bumuo ng unit na pupuksa sa mga hitmen ng New People's Army (NPA) na mas kilala sa tawag na "Sparrow". Ilan sa mga karaniwang biktima ng mga sparrow unit ng NPA ay mga government officials at mga otoridad. Ayon sa Pangulo, gusto niya ng kapayapaan pero tuloy pa rin ang pagpaslang ng mga makakaliwang rebelde sa mga miyembro ng kasundaluhan at kapulisan. Nagbabala si Pangulong Duterte sa pag-usbong ng sparrow unit ng NPA noong Marso 2018 matapos maudlot ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines. Inabusahan na rin ni Pangulong Duterte na maging mapagmatyag ang kanyang mga sundalo at pulis laban sa mga sparrow. "One of these days I'll be forced also to create my own Sparrow. Walang hanapin kundi mag-istambay na mga tao diyan, suspected NPAs, at bibirahin din sila...kung makakita kayo ng tatlo o apat na NPA na nakaupo lang, patayin ninyo agad... Ngayon ang kulang talaga is ang Sparrow ko rin. Diyan lang naman sila makalamang. Sa bukid fight man 'yan. Mag-create ako ng Sparrow. Duterte Death Squad against the Sparrow. Wala namang problema kasi kalaban naman natin sila," sabi ni President Duterte. Ang ilang kababayan natin ay sumusuporta sa plano ng Pangulong Duterte. Ito pa ang ilan sa kanilang komento. Source: GMA News +Binuksan na ng Duterte Administration ang kauna-unahang "Eco-friendly" Airport sa Pilipinas, ang Panglao-Bohol International Airport. Ayon sa impormasyon galing sa Department of Transportation (DOTr), ang naturang paliparan ay environmentally sustainable structure. Ang bubong ng airport ay gawa sa solar panels na makakatulong para makatipid sa gastos sa kuryente. Mayroon din sistema ang paliparan para ang mga waste water ay maibalik muli sa kalikasan sa pamamagitan ng solid waste disposal system and waterworks system. Kaya din ng paliparan na mag-accomodate ng 2 milyon pasahero bawat taon. Ang paradahan naman ng paliparan ay kayang maglaman ng 350 na mga sasakyan. Base sa ilan pang imporasyon, ang naturang proyekto ay 48 porsyentong delayed noong pumasok ang Duterte Administration at mula June 2015 hanggang June 2016 ay 6.48 porsyento lang daw ang naumpisahan. Kung susumahin, natapos ng Duterte Government ang paliparan sa loob lamang ng 2 taon. "This is the kind of airport we should be building, an airport that has regard for the environment and the future generations," sabi ni DOTr Sec. Tugade. Ito po ang video ng pagdalo ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ng paliparan. Basahin ang naging komento ng mga kababayan natin sa mabilis na trbahao ng Duterte Government. Source: Mindavote | Presidential Communications | MB| DOTr | Sec. Andanar +Mas bibilis na ang paglalakbay ng mga kababayan natin mula La Union patungong Baguio City at Benguet matapos pasinayaan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang 14.24 kilometer Aringay-Tubao Alternate Road at Anduyan Bridge sa La Union nitong Nobyembre 26, 2018. Ayon kay Secretary Villar, mula 2 oras, ang biyahe mula Tubao, La Union patungong Benguet ay magiging 35 minuto na lang sa pamamagitan ng Aringay-Tubao Alternate Road. Ang Anduyan Bridge naman ay makakatulong naman daw sa mga kababayan natin sa Barangay Rizal at Alog East sa Tubao na kailangan pa umano mag-balsa para lang makatawid sa Aringay River. Ayon pa kay Villar, maiibsan din daw ng mga nasabing proyekto ang mabigat na trapiko sa Marcos Highway. "Another impact of this project is that it will decongest traffic along Marcos Highway specially that the landslide-prone Kennon Road is still closed. Those who would like to spend the holidays in Baguio can use this bridge" sabi ni Villar. Nagpasalamat naman si La Union Governor Francisco Emmanuel Ortega III sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtapos sa proyekto. Ito ang mga larawan galing po sa Facebook page ni Sec. Villar. Basahin ang ilang komento ng mga netizen sa ginagawang trabaho ng kasalukuyang gobyerno. Source: MB | PNA | Sec. Mark Villar +Sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas, napirmahan ng dalawang bansa ang joint oil and gas exploration memorandum of understanding (MOU). Matatandaang hindi agad isinapubliko ng palasyo ang nilalaman ng MOU pero biglang naglabas si Senador Antonio Trillanes ng draft copy umano ng dokumento. Ayon kay Trillanes, galing daw ito sa kanyang impormante. Binalewala naman ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang draft ng MOU na iwinagayway ni Trillanes sa media kamakailan lang. Sa panayam sa kalihim sa ANC, sinabi ni Locsin na iisa lang ang Memorandum of Agreement na pinirmahan nila President Rodrigo Duterte at Xi na kung saan siya mismo ang nag-draft. Para kay Locsin, non-sense ang mga lumabas na balita tungkol sa dokumento ni Trillanes at baka sinulat pa umano ito ng isa sa mga staff ng senador. "It was waived to me... I've never seen anything like that. It's like a 16-point large, this big, three spaces between and there were pointers... and said, 'Chinese...' I just put it aside because I'm trained in Angara law office to look at memorandum of agreements in a certain way... How can I response to non-sense? It's not even a draft. It may have been written by Trillanes' staff. I can't respond... I'm dealing with a foreign power. He's dealing with a staff member," sabi ni Locsin.. Ito po ang ilan sa mga naging komento ng mga kababayan natin sa isyung ito. Source: GMA News | ABS-CBN +Hindi lang po sa Makati nagwala itong si Yuksel Ibrahim, pati pala sa Maynila ay naging pasaway din itong mayabang na banyagang ito. Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang Turkish National na si Ibrahim dahil sa panunulak, pang-aalipusta at pagbabanta sa kababayan nating traffic enforcer sa Makati. Katulad sa lungsod ng Makati, gusto rin ipa-deport ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) si Ibrahim. Pati ang kasama nitong nagpakilalang sundalo ay balak kasuhan ng mga otoridad. "Hiningan ko ng I.D yung foreigner, yung Turkish po, wala siyang mai-present, kahit anong identification po. Tapos, lumabas yung kasama niyang parang backer po niya na nagpakilalang sundalo, binigay po yung I.D., saka kinuha po agad, hindi ko nakita po, " sabi ni Miguel So, Head ng MTPB Central Impounding. "Nagalit po ako kasi malakas yung boses. Nagtaas po siyang ng boses dito. Tapos parang prenteng-prenteng siyang nanigarilyo pa dito," kwento ng releasing officer ng MTPB. Ito po ang video ng insidenteng kinasangkutan ng banyaga sa Makati kung saan nahagip niya sa baywang ang Makati traffic enforcer. Basahin ang ilang komento ng mga kababayan natin sa mayabang na dayuhan. Source: ABS-CBN +Sa pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa groundbreaking ng airport modernization project sa Ozamiz, tinanong ng Presidente ang mga tao sa naturang pagtitipon kung gusto ba nilang maibalik si Chief Inspector Jovie Espenido sa kanilang lugar. Positibo ang naging sagot ng mga tao, kaya agad tinawagan ng Pangulo si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde para maibalik si Espenido sa Ozamiz. Si Chief Inspector Espenido ang nanguna sa madugong raid sa bahay ng mga pamilya Parojinog, kung saan namatay ang Alkalde ng Ozamiz na si Mayor Reynaldo Parojinog at 15 pang iba. Si Parojinog ay kasama sa drug-list ni Pangulong Duterte. Ayon sa Pangulo, patuloy pa rin daw ang pananakot ng mga Parojinog sa lugar, kaya gusto niyang ubusin ang lahi ng mga ito. "'Yang pamilya Parojinog, ihinto niyo na ang pananakot. I will wipe you from the face of the earth. Uubusin ko talaga kayo. Pati 'yang mga police. Ipatatawag ko kayo sa Maynila, pero sa airport palang papaihaw ko na kayo... I am here at the Ozamiz airport. They said they want him (Espenido) back... Ipaubos ko itong, ang order ko kay Espinido, ubusin niya ang putanginang angkan ni mayor," sabi ni ng Pangulo. Tila suportado naman ng mga kababayan natin ang naging pahayag ng Presidente laban sa mga Parojinog. Source: News5 +Nagbabala si Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Chito Gascon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa balak nitong pagbuo ng Death Squad na lalaban sa mga hitmen ng New People's Army (NPA) o mga sparrow unit. Ayon kay Gascon, labag daw ito sa International Humanitarian Law (IHL) dahil pwede lang daw gamitin ng isang estado ay ang regular na militar. "The state always has a duty to protect its citizens from all forms of harm including lawless violence and terrorist acts... must at all times be undertaken in accordance with established rules of engagement, due process and rule of law guarantees; and International Humanitarian Law principles," sabi ni Gascon Kumontra rin si Liberal party Senator Kiko Pangilinan sa mabuting plano ni Pangulong Duterte. Si Gascon ay dating Director General ng Partido Liberal. Hindi naman nagustuhan ng ilang mga kababayan natin ang hirit ni Gascon kay Pangulong Duterte at naligo na naman ito ng batikos mula sa mga netizens. Source: GMA News | News5 +Kuryente ang inabot ng Liberal Party-aligned blogger na Silent No More Ph nang maglabas sila ng balita tungkol sa pagkamatay umano ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chief Greco Belgica. Ayon sa post ng Silent No More Ph, namatay daw si Belgica sa isinagawang anti-drug operation ng Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency. Agad naman binura ng Silent No More Ph ang kanilang post nang malaman nilang nakuryente sila. Ang screenshot na ito ay mula sa GMA News pero binago nila ang caption para ikalat na patay na nga si Commissioner Belgica. Basahin ang pahayag ni PACC Chief Belgica sa pekeng impormasyng ikinalat ng dilawan blogger. Hinihikayat naman ng mga netizens na kasuhan ni Belgica ang mga tao sa likod ng Silent No More Ph blog. Ayon sa pagsisiyasat ng mga Pro-Government bloggers na sila RJ Nieto aka ThinkingPinoy at Sass Rogando Sasot, ang nasa likod umano ng Silent No More Ph blog ay isang taong nagngangalang Cocoy Dayao. Source: Greco Belgica +Ayon kay ACT-TEACHER party-list Representative Antonio Tinio, tila inuuduyukan daw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sibilyan na pumatay nang ideklara nito ang planong pagbuo ng kill squad para labanan ang mga teroristang New People's Army(NPA). "He is inciting civilians to commit murder in blatant disregard of the right to life and the constitutionally guaranteed right to due process. It appears that Presidente Duterte is ready to make his death squad go publis as part of his administration's counter-insurgency campaign,"sabi ni Tinio Kahapon ay inanunsyo ni President Duterte ang balak niya na bumuo ng unit na ha-hunting sa mga hitmen ng NPA. Ayon sa Pangulo, hindi katanggap-tanggap ang pagpatay ng mga NPA sa mga sundalong walang armas. Basahin ang nagingtugon ng mga kababayan natin sa sinabi ni Representative Tinio laban sa Pangulo. Source: News5 +Bumiyahe na patungong impiyerno ang dalawang kawatan matapos makipagpalitan ng putok sa mga kapulisan sa Novaliches, Quezon City. Ang hobbies ng 2 suspek ay mangholdap at mangarnap. Hindi pa nakuha ang pakakakilanlan ng mga salarin pero ayon sa mga tatoo sa katawan, mga miyembro ito ng Sputnik. Nakuha sa mga suspek ang motor at 2 baril. "While approaching dito sa Veronica Street, nagkaroon ng konti habulan at pinutukan yung tropa natin, hanggang sa iskinita, hanggan sa masukol ang mga suspek at neutralize natin dito... probably ito nga ang moduis nila na mangangarnap ng motor para gamitin as tool para makapang-holdap,"sabi ni Quezon City Police District Station 4 Commander P/Supt. Rossel Cejas. Ikinuwento naman ng isa sa mga nabiktima ang sinapit niya sa kamay ng mga holdaper. "Nung pagsakay ko sa motor, bale tinutukan agad ako ng baril. Sabi s akin, 'dapa-dapa'. Tapos yun nga ang ginawa nila at umalis kaagasd" sabi ng biktima. Kuntento ba kayo sa anti-crime campaign ng Duterte Government? Sang-ayon ba kayo sa sinabi ng Pangulong Duterte na paglumaban ang mga kriminal, patayin agad? Source: GMA News +Kahapon, ibinunyag ni Pangulong Rodrigo DUterte ang isa sa kanyang plano para masugpo ang kasamaan ng New People's Army (NPA). Isa sa mga balak gawin ng Presidente ay bumuo ng kills squad na tutumba sa mga NPA hitmen. Habang ang ilang kababayan natin ay pabor sa gustong mangyari ng Presidente, si Senador Kiko Pangilinan naman ay kumontra agad dito at sinabing hindi raw ito ang solusyon sa problema ng bansa. "Creating death squads, sowing violence and daily killings is not a solution to our nation's ills, it is part of the problem,"sabi ni Kiko. Tulad ng inaasan, umangal at kinundena ng mga personalidad sa makakaliwang ang binabalak ni Pangulong Duterte para sa ikabubuti ng Pilipinas. "He wants to do to revolutionaries and activists what he did to alleged drug addicts. He is inciting a killing spree against government critics, human right defenders and just about everyone else tagged by the government as 'Red,'... The death squads are of course illegal and should not be the least tolerated" sabi ni agong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes . Alamin kung ano ang naging reaskyon ng mga tao sa pag-alma ng mga peronalidad na ito sa planong pagbuo ng hitmen para sugpuin ang NPA. Panoorin ang pahayag ng Pangulong Duterte tungkol sa pagbubuo ng death squad laban sa mga NPA. Source: GMA News | News5 +Napapakinabang ng husto ng OPM singer na si Jim Paredes ang demokrasya na sinasabing patay na ng mga anti-DU30. Sa mga social media posts ng mang-aawit, tinawag nitong bobo at traydor si Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa pakikipag-kaibigan ng Presidente sa China sa kabila ng sitwasyon sa West Philippine Sea. Sa kanyang Facebook post, tinawag ni Paredes ang bagong batikos ni Pangulong Duterte sa simbahan na "distraction" sa tunay na isyu. Ang isyu para kay Paredes ay ang China. Hindi pa nakuntento ang laos na singer at pati sa Twitter ay binanatan niya rin ang Presidente ng Pilipinas. "Don't let him distract you from China issue. The traitor is playing tricks," ani Paredes. "Stop ranting against the church. It's about China and treason, stup*d!," dagdag pa ni Paredes. Hindi naman pinalampas ng mga kababayan natin ang bunganga ng dating miyembro ng singing group na APO Hiking Society. Alam niyo ba na ang nanay ni Paredes ay miyembro ng Light-a-fire movement na nagpasabog ng ilang establisimiyento noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos? Source: Jim Pares FB and Twitter | GMA News +Nahuli na ng kapulisan ang 11 na miyembro ng kilabot na "Gapos-gang" na bumibiktima sa mga kabahayan sa San Jose Del Monte sa Bulacan. Nakumpiska sa mga kawatan ang ilang baril at mga mamahalin gamit tulad ng alahas, laptop at appliances. Nakumpiska din ng otoridad sa mga kawatan ang 4 na sasakyan at mga motor. "Pumapasok sila sa loob ng bahay, tapos pag may makita silang tao, ang style nila ay igagapos talaga nila. Lahat ng mapapakinabangan, dinadala agad ng grupo," sabi ni Supt. Orlando Castil Jr., Chief of Police ng San Jose Del Monte, Bulacan. "Ito ay isang malaking grupo ng sindikato. Nangho-holdap din sila at nangangarnap" pahayag naman ni Bulacan Provincial Director S/Supt. Chito Bersaluna. Iknuwento rin ng ilang biktima kung paano ang ginagawang taktika ng mga kawatan. "Nagbabahay-bahay sila, naka-uniform, tapos may mga papel. Tapos siguro magse-census or something, magkakakatok," salaysay ng babaneg biktima. Kinamumuhian ng mga kababayan natin ang mga kawatan at sinabing huwag ng bigyan ng pagkakataon ang mga suspek. Kuntento ba kayo sa ginagawang anti-crime campaign ng Duterte Administration? Source: ABS-CBN +Sa kanyang social media post, inalala ni Senador Bam Aquino ang kapanganakan ni dating Pangulong Corazon Aquino. Ayon kay Bam, itinuturing niya itong 'Ina ng demokrasya'. Pero ina nga ba ng denokrasya si Cory? Itong mga nagdaang mga taon ay kanya-kanyang posts ang mga netizens patungkol sa nangyari sa kapanahunan ng panunungkulang ni Cory bilang Presidente ng Pilipinas. Isa na dito ay ang Masaker sa Mendiola kung saan pinagbabaril ang ilang magsasaka na nagsasagawa ng kilos-protesta. Magugunita din na kinasuhan ni Cory ang isang mamamahayag dahil sa isinulat nito. Nagsampa ng kasong libelo si Cory laban kay Louie Beltran ng the Philippine Star dahil isinulat nito na nagtago umano si Cory sa ilalim ng kama habang kinukudeta ito ng mga rebeldeng sundalo. Noong 2017, bumulaga din sa mga Pilipino ang ulat ng News5 patungkol sa paghiling daw ni Cory na atakehin ng mga Amerikano ang mga rebeldeng sundalong Pilipinong nagku-kudetra laban sa kanya. Source: Bam Aquino | CIA | Washington Post +Sa kanyang social media post, inalala ni Senador Bam Aquino ang kapanganakan ni dating Pangulong Corazon Aquino. Ayon kay Bam, itinuturing niya itong 'Ina ng demokrasya'. Pero ina nga ba ng denokrasya si Cory? Itong mga nagdaang mga taon ay kanya-kanyang post sang mga netizens patungkol sa ginawa dati ni Cory habang ito ay nanunungkulan bilang Presidente ng bansa. Isa na dito ay ang Masaker sa Mendiola kung saan pinagbabaril ang ilang magsasaka na nagsasagawa ng kilos-protesta. Magugunita din na kinasuhan ni Cory ang isang mamamahayag dahil sa isinulat nito. Nagsampa ng kasong libelo si Cory laban kay Louie Beltran ng the Philippine Star dahil isinulat nito na nagtago umano si Cory sa ilalim ng kama habang kinukudeta ito ng mga rebeldeng sundalo. Ang isinulat ni Beltran ay isang "FIGURE OF SPEECH" lamang. Bumulaga din sa mga Pilipino ang isang ulat patungkol sa paghiling daw ni Cory na atakehin ng mga Amerikano ang mga rebeldeng Pilipinong sundalong nagku-kudetra laban sa kanya. Source: Bam Aquino | CIA +Hindi makakaila na isa ang social media sa dahilan kung bakit nanalo bilang Presidente si noo'y Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ilan sa mga kilalang blogger na taga-suporta ng Pangulo ay sina former Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assec. Mocha Uson at si RJ Nieto aka Thinking Pinoy. Kamakailan lang ay naglabas ng sama ng loob si Thinking Pinoy sa mga tao sa PCOO dahil sa pagiging "tanga, tamad, o tuliro" umano ng mga ito. Isa sa mga pinagbuntunan ni Thinking Pinoy ng inis ay si PCOO social media usec. Lorraine Badoy. Ayon sa kilalang blogger at radio host, nasaan daw ang mga tao sa PCOO ngayong matindi ang isyu tungkol sa pagpapababa sa edad ng criminal liability sa bansa. "PAGPAPALIWANAG NG LOWERING OF AGE OF CRIMINAL LIABILITY, NASAAN NA SI PCOO SOCIAL MEDIA USEC LORRAINE BADOY? Magha-hatinggabi na at gumagawa pa ako ng mga flowchart infographic comparing how the law handles children in custody... Siguro e masasabi kong ginagawa ko na ang trabaho ng PCOO since 2016 nang walang tulong mula sa pamahalaan at oras na sigurong katukin natin yung mga tanga, tamad at tulirong taga-PCOO para gawin na nila ang trabaho nila.... HOY, LORRAINE, TIGILAN MO NA ANG PAGPUP*TA DIYAN AT MAGTRABAHO KANG GAGA KA. I-SHARE NIYO NGA ITO AT BAKA SANA TABLAN PA NG HIYA IYANG P*TANGINANG YAN," sabi ni TP. Ang pagpapababa sa edad ng criminal liability ay isa sa mga hangarin ng Presidente, kaya kataka-taka na tila hindi maramdaman ang galaw ng PCOO ukol dito. Magugunitang hindi rin naramdaman ng karamihan ang PCOO para ipaliwanag ang pederalismo. Tumatak lang sa kamalayan ng publiko ang usapin sa pederalismo noong naglabas ng video sina Mocha at ang vlogger na si Drew Olivar ng "pepe-dede-ralismo" video. Naglabas na din ng opinyon ang isa pang pro-Duterte blogger tungkol kay Usec. Badoy. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa mga sinabi ni TP laban kay Usec. Badoy. "She loves Digong! That's all that matters. Wag syang gambalain. Umawra ka nalang, TP. Wag ng umasa.," sabi ni D. Benaldo. "Thank you TP for all the things you have done for our country. Our officials may not appreciate what you have done but we do. That's why it is you, not the PCOO, that we follow.," sabi ni J. Ponz. "Yong ibang mga government officials gusto lang ng posesyon pero hindi alam ang tungkulin sa bayan. Magtrabaho ka Badoy sayang binabayad nmin sayo. Mahiya ka nman.. Si tatay digong abala.. Kayo anu gingawa nyo.. Galaw galaw nman dyan," sabi ni A. Pacheco. "Badoy na nga ang apelyido badoy pa sa trabaho..lintik ka lumayas ka jan..mula nubg sinira nyo si mocha.wla na kming narinig na magagndang achievement ni ttay digong sa bnsa natin..pnu nlang kung wla rin si TP SASS AT ATTY TRIXIE.NGA ANG TAONG BYAN..," sabi ni D. Castillo. "Malaki ang pagkukulang ng PCOO. Mabuti pa si Mocha active na active sa ginagawa ng president. TP maraming hindi nakakaalam sa mga achievement ni Duterte. Lalo na sa probinsya," sabi ni A. Guevara. "Same sentiments here Thinking Pinoy. Kaka-post ko lang din kanina nyan. Mukhang kaming mga OFW dito sa labas ng bansa ang gumagawa ng trabaho nila to the point of risking our jobs here and enduring the stigma dahil sa mga negative publicities at fake news na kumakalat sa international media na di man lang hina-handle ng PCOO na yan!," sabi ni J. Olos. Source: ThinkingPinoy +"Pogi si Duterte!" Kinatutuwaan ngayon mga netizens ang isang batang babaeng tagahanga ni Presidente Rodrigo Duterte. Ayon sa nagsasalitang matanda sa video, kinuha pa raw sa barangay ng bata ang kaldendaryo ng Pangulo. Ilalagay daw ng bata ang litrato ng Pangulo sa kanyang unan. Habang binibiro ng matanda na "pangit" ang Pangulo, pinagtatanggol naman ito ng bata. Habang sinusulat ang blogpost na ito ay umabot na sa mahigit tatlong libo ang nagbahagi ng social media post at umaani na rin ng mga reaksyon mula sa mga netizens. Ang video ay in-upload ng nanay ng bata na si Maria Grasya. Basahin ang ilang komento ng mga kababayan natin sa cute na bata. "Your so cute baby girl. Parihas tayo ng idol . na share ko na para makita ka ni tatay digong mapag mahal din sya sa mga bata kagaya mo...," sabi ni G. Lozano "Sir Christopher Bong Go. Sana pagbigyan si baby na makita ang idol President niya," sabi ni J. Galay "Ang bata hind nag sisinungaling.god bless sayo cute na baby sana pag laki mo maging huwaran ka ng mga kbataan," sabi ni E. Balobar Source: Maria Grasya +Viral ngayon ang larawan kung saan makikita ang isang madre na nakikipag fist sign kay Pangulong Rodrigo Duterte. Nangyari ito nang dumalo ang Presidente sa Tricycle Operators and Drivers' Association (TODA) Summit sa Cuneta Astrodome sa Pasay City nito lamang Enero 23, 2019. Nagkaroon pa raw ng kaunti kwentuhan ang dalawa. Ang pangalan ng madre ay si Sister Gloria Felix. Ang Pangulo at ang simbahang katoliko ay may matinding sigalot. Simula pa lamang ng panahon ng kampanya noong 2016 ay nagkakairingan na ang dalawang panig. Nito lamang nagdaan na mga linggo ay naging panay ang banat ng Pangulo sa simbahan. Humantong pa ito sa paghahamon ng isang pari na paglakarin si Presidente Duterte sa lansangan na walang bodyguard. Alam naman ng lahat na matitindi ang kalaban ng Pangulo. Nandiyan ang mga durugista, kriminal, narco cops at politicians at mga oligarchs. Ito po ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin. "MAGALANG SI PRES. DUTERTE. TINATAPATAN NYA LANG KAWALANG MODO AT PAMBABASTOS NG ILANG PARI. NA AKALA KO YJNG INSTITUSYON NILA AY PERPEKTO UN PLA AY MGA RAPIST ANG ILAN. KATOLIKO AKO, PERO DMO MASISISI SI PRES. DUTERTE TO LAMBAST THEM. SURE KUNG ANG INSTITUSYON NA KUMUKINDINA KAY DUTERTE AY PERPEKTO MALAMANG DI MAGSASALITA SA DUTERTE. PERO SILANG MAHILIG MANIRA KAY DUTERTE AY NUMERO UNONG HUMAN RIGHTS VIOLATORS AT NATIONAL RULE VIOLATORS," sabi ni G. Edralin. "Si Pres.digong walang balak sana mambastos sa mga alagad ng simbahan pero noong walang habas nilang binabatikos ang pangulo doon na nag-uumpisa lalo na yong mga pari at obispo na akala mo mga totoong banal pero sila rin pala ay may mga malaking pagkukulang sa kanilang responsibilidad para sa mamamayan," sabi ni S. Pancho "Meron nman tlgang Pro-Duterte na taga simbahan! Sila yung matitino ang isip at may common sense na taglay! Ang mga against ksi, yun yung mga na-spoiled ng mga Abnoy at nkinabang sa DAP/PDAP ksi need nila pera para sa mga bisyo nila! Saka attached sila sa material na bagay! Parang PNP din yan, may Scalawgs May Bishop nga may vacation house p sa Tagaytay 3-Storey! Ordinary priest din nagbulgar nyan!," sabi ni F. Asuncion "Thank you po Sister. You are a true Catholic that only knows God who is LOVE. Hindi gaya ng ibang kabaro ang god nila eh PERA ! Tapos pag napagsabihan eh nandadamay at sasabihin tayong lahat na. Eh sila lang naman ang god eh PERA !," sabi ni E. Roquel " Yes I also know of some catholic priests and religious who supports the president but are just quiet kaya I salute this brave nun who come up into the open. I am exoectung that someday all the rest will follow without inhibitions! I firmly believe that...See More," sabi ni L. Adlao Source: Radyo Pilipinas | JP Mortel Fajura +Isang mainit na usapin ngayon ang pagpapababa sa age of criminal libility sa mga kabataan. Napagpasiyahan na ng mga mambabatas natin na itaas ng kaunti ang edad mula 9-anyos patungo 12-anyos. Pero may ilan pa rin na maiingay na kritiko na pumupuna sa hakbang na ito. Nagbgay na din ng opinyon si Kapamilya host at UNICEF Advocate Anne Curtis tungol sa kontrobersyal na isyu na ito. "Nakakalungkot isipin na ibaba nila ang crim!nal responsibility to the age of 9. At that age they are very much children. They still have a chance to change their ways if they happen to cause or get into any trouble instead of beig sent to jail and sentenced as an adult," sabi ni Curtis Ang mga naging pahayag ni Curtis ay hindi naman pinalampas ni dating PCOO Assec. Mocha Uson. Pinuna ni Mocha ang tila maling pagkaunawa ni Curtis sa balak ng gobyerno at pinayuhan ang aktres na magbasa muna bago mag-komento. "Mam pakibasa po muna yung provision hindi po react ng react. Mali mali po kasi. Hindi po 9yrs old, 12 na po. Hindi rin po sa jail dadalhin, sa reformative institution dadalhin ang bata. Lastly, iba po ang treatment sa kanila hindi tulad sa adult. Read before you react mam. Salamat po," banat ni Mocha. Panoorin ang komento ng isa pang vlogger na si Byron Cristobal sa mga sinabi ni Curtis. Lumaktaw sa ika 18:20 ng video para mapakinggan agad ang mga pahayag niya sa aktres. Basahin ang ilang komento ng mga followers ni Miss Mocha Uson laban kay Anne Curtis. "Ang mga naging pahayag ni Curtis ay hindi naman pinalampas ni dating PCOO Assec. Mocha Uson. Pinuna ni Mocha ang tila maling pagkaunawa ni Curtis sa balak ng gobyerno at pinayuhan ang aktres na magbasa muna bago mag-komento," sabi ni S. Pantaleon "Kunwari concern sa mga bata e yung biktima ng dengvaxia may narinig ba kau dito?," sabi ni V. Decious "Hay naku! Bibig lang malaki sa babaeng eto pero utak e singkitid ng isdang dilis...," sabi ni B. Febria "Hoy idol anne.. nakakalungkot din na ganyan ka pala ka bobo... hahahaha... wala na akong gana sayo..," sabi ni D. May "Pero di nagrereact pag nangahasa,pumatay o nagbenta ng droga yun mga bata? Ano yun? Advocate ka ng UNICEF? Ano ba nakakabuti sa mga bata gumawa ng krimen o itama ang pagkakamali?.namo anne curtis!.," sabi ni E. Ward Source: Mocha Uson Blog +Sa isang forum sa lungsod ng Quezon, ibinahagi ng ilang dating rebelde ang kanilang karanasan sa kilusan at gayun din ang kanilang pananaw tungkol sa usapin sa pagpapababa sa edad ng criminal liability sa mga bata. Ayon sa mga dating rebelde, suportado daw nila ang pagpapababa ng edad ng criminal liability dahil mahihinto daw nito ang pang-aabusong ginagawa ng Communist Party of the Philippines - New People's Army (CPP-NPA) sa mga kabataan. Ayon kay Ka Jamie, isang guro at dating miyembro sa kilusan, tinuturuan daw ang mga bata para maging terorista. Ang mga paaralan na pinatatakbo ng mga rebeldeng komunista ay dinesenyo para magturo ng pagre-rebelde sa mga estudyante. Ang mga isiniwalat ni Ka Jamie ay pinatotohanan naman n Ka Mario. Inudyuan ni Ka Mario ang publiko na suportahan ang panukalang batas. "Halos pabata nang pabata ang mga child combatants at pagdating ng araw sila ding mga bata ang gagawing human bomb ng ilang extremist group gaya ng nakikita sa Iraq at Afghanistan," sabi ni Ka Mario Panoorin ang kaugnay na reort tungkol sa mga dating rebelde na nagsasalita para suportahan ang pagpapababa sa edad ng criminal liability. Basahin ang ilang koento ng mga kababayan natin sa naging rebelasyon ng mga dating komunista. "Eliminate all communist/s sa pinas mpa legal fronts man yan o illegal. Unahin lang si Renato Reyes at si Sarah Elago na #1 recruiter mismo ng NPA," sabi ni N. QUimbo "Halos lahat ng sektor ng lipunan eh napasok na ng NPA. Simbahan, mga eskwelahan, sector ng paggawa. Sa dami ng kompanyang nagsara dahil sa mga union. Pero ang nagkapera eh ang kanilang mga lider. Buhay na halimbawa si Renato Reyes at Teddy Casino. Yong lider ng Kadamay," sabi ni M. Ramos " Ito ay magandang desisyon para magkaroon ng takot at disiplina ang mga kabataan. Kapag lumabag ka sa batas ikaw ay may pananagutan. Hindi lang bullying kundi maging yung mga minor crimes at mga krimen na sinadya. Maparusahan ang mga nagkasala ayon sa batas maging ang mga corrupt officials at drug lords," sabi ni J. Gutierrez Source: PTV +Partida pa! Kahit isinara ang top destination na Boracay ng anim na buwan noong nakaraang taon para i-rehabilitate, pumalo pa rin sa all-time high ang mga turista na bumisita sa Pilipinas. Ayon sa Department of Tourism (DOT), umabot sa 7,127,168 ang tourist arrival noong 2018. Ito ay mas mataas ng 7.65 porsyento kumapara sa 2017 na mayroon lamang 6.62 million arrivals. Ilan sa mga naging alternatibong tourist destination noong isinara ang Boracay ay ang Siargao, Iloilo, Palawan, La Union, Romblon, and Siquijor. "The challenging act of closing down Boracay- a flagship destination, the country's top sun-and-beach destination has evidently become a blessing in disguise for secondary tourism spots to have a share of the lime light and attention they truly deserve... It shows that turning off the faucet when the water is unclear can bring a fresher flow in just an unexpected period of time" sabi ni Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa balitang ito. "Ayos kaya pala dumagsa turista dito sa Cebu ng Dec at Jan. Pinaka madami ang Korean, 2nd Chinese, Americans, Japan. Malaking tulong to lalo na sa trabho nmin... Thank you po," sabi ni C.Espaniola "Laki ng kinita ko nung pumunta ako ng Palawan last year. Madami dun foreigners. Sana Dept of Tourism pag ibayuhin nyo pa ang pag promote sa mga foreign tourist para mas marami din kami income.," sabi ni B. Altamirano "Hope our government and LGU to continue strengtened their eviromnental policy/campaign against any form of pullution to maintain and protect the beauty of Phil. island that boost our tourism," sabi ni R. Paguiringan "Sanay ma orient ang mga tourist, ang epekto sa dagat ng pag ligo sa dagat ng may nakalagay na mga sunscreen/sunblock, cosmetics/make-up, nail polish, pang kulay ng mga suot habang naliligo sa dagat, hair conditioner, bagong kulay ng buhok(6months o mas maaga pa) at madami pang iba," sabi ni M. Pach Source: ABS +Ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA), pumapangalawa si Senador Antonio Trillanes na may pinakamalking ginastos sa senado noong 2017. Base sa COA report, may ginastos na P87 milyon ang pinakamalalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagbayad din daw si Trillanes ng P15.7 million para sa kanyang mga consultants. Ang senador na may pinakamalaking ginasta ay si Senador Koko Pimentel. Ayon sa ulat, P127 milyon ang ginastos nito noong Senate President pa ito noong 2017. Sa isang pahayag, sinabi ni Pimentel na expected daw ang halagang ginastos niya dahil siya ang namumuno sa senado. "The Senate President is allocated a higher budget because as the head of agency, he also has many additional responsibilities and functions," sabi ni Pimentel Hindi naman nakaligtas si Trillanes sa mga komento ng mga taga-suporta ni Pangulong Duterte. "Si asong u--, 15.7 Million binayad para sa mga consultants niya pero excel sheet, kathang isip na michael de mesa at kwentong barbero lang ang kayang ilabas nyang patunay sa mga kanyang mga alegasyon laban kanino man," sabi ni Moses Adaza "wala namang ginawa bukod sa paupo upo at presscon lang ganun na kalaki gastos ng mga gunggong na yan dami namin nghihirap sana sa mga nangangailngan nalang nilustay ganun kalaking pera," sabi ni Raymond Guzman "pera ng taong bayan ang pinagagastos nyo nagbabayad kami ng tax ngayon ginagamit nyo sa hnd magandang kalakaran!lalo na ikaw Tonyo ang laki ng pasahod mo sa mga consultant mo," sabi ni Venancio lazarte "Ang laki-laki ng gastos para lang sa mga taong naninira sa gobyerno! nagmamagaling dami palang consultant na tagabulong! haha," sabi ni Wendell Sarsonas "Maraming bahay na sana naipatayo para sa mga taga marawi.. Sayang lang pera nang taong bayan," sabi ni Eric Buenavista "Grabe ang expenditures nina Pemintel at trillanes... mahigit 200 million ang ginastos nila sa loob ng isang taon gamit ang pera ng bayan samantalang halus hindi makakain ang mga naghihikahus na dukhang mamamayan...," sabi ni Geron Traspoto Source: INQ | VOVph +Nagparamdam na ng pagka-dismaya ang kilalang pro-government radio host na si Erwin Tulfo sa inaasal ng Philippine National Police at ng pinakapinuno nito na si Chief Oscar Albayalde. Ito ay dahil sa naging komento ni Albayalde tungkol kay Red Santillan, bodyguard/aide ni election whislte blower Attorney Glenn Chong. Magugunita na sumakabilang-buhay si Santillan noong Disyembre 2018 dahil sa ginawang operasyon ng PNP Rizal. Sa isang panayam ni Albayalde tila kini-kuwestiyon nito kung bakit si Atty. Chong ang tila nag-iingay at hindi kamag-anak ni Santillan. "Kamakailan noong ma-interview daw itong si PNP Chief Oscar Albayalde sa isang radio interview. Hindi po dito sa akin. Ang sabi ni General Albayalde, 'Bakit ba itong si Attorney Glenn CHong ay nag-iingay, eh hindi naman kamag-anak ni Red Santillan'. Eh bayan, kayo ang tatanungin ko, may karapatang bang mag-ingay si Attorney Glenn CHong? Kung ako ang tatanungin niyo, mayroon. Eh tao niya iyon eh. Sus maryosep. Common sense," sabi ni Tulfo. Sa programa ni Tulfo, nagpaunlak ng panayam si Attorney CHong para magbigay ng opinsyon sa mga sinasabi ni Albayalde. Ayon kay Chong, siya ang tumatayong legal counsel ng kampo ni Santillan. Pinabulaanan niya rin na ginagamit niya lang si Santillan sa pangangampanya. Ipinagbigay alam din ni Attorney Chong na magkaklase umano si Albayalde at si Carranza. "Sir, akala ko ba marunong siyang magbasa. Ang dami kong sulat doon sa kanya sir. Either directly addressed to him, or copy furnished ang office niya. Ang nakalagay po doon, Attoorney Glenn Chong, CPA, counsel and representative of the faily of Richard Santillan.. Ang sinasabi po ni General Albayalde ay tugma doon sa mga sagot ni General Carranza. 'yung classmate po niya. Magkapareho po yung linya na pinalalabas nila na pinopulitika ko itong kay Santillan," sabi ni Attorney Chong. Basahin ang reaksoyn ng mga kababayan natin sa kinasasangkutang isyu ni General Albayalde. "indi nya pweding ilaglag si Caranza kc pag nilaglag nya, kakanta ngayon si Caranza kung ano ang baho ni Albayalde, kaya mas maganda ideath pinalty nayang dalawang yan, Yan ang tunay na big fish na crimina," - Bayan Mauricio "Mr. Albayalde,...nakakahiya po ang mga sinasabi nyo....before,..ang taas taas ng tingin ko sa yo...pero ngayon... wala kang pinag kaiba sa mga scalawag na pulis... you need to step up and show to the world na wlang kai-kaibigan sa hustisya... what a shame... umalis na lang po kayo... nakakabuwisit lang..so much annoying... sana madinig ito ni tatay digong ang dalamhati namin at ang peligro ng election... expedite the case of Glenn Chong and show to the world na you are making a significant change sa loob ng PNP. Aba ay,..is ka rin pala sa kanila... you are a wolf in a sheep skin...nakakatakot ka... we cannot believe you anymore... save your face...kung hindi madadamay ka....bilis...!," - Maqueeh Diaz Panoorin ang sinasabing panayam kay Gen. Albayalde. Lumaktaw po sa ika-30 minuto para mapakinggan agad ang bahagi ng interview kay Chief PNP Albayalde. Source: Erwin Tulfo via Malayang Pilipino +Sapul sa nakatagong video camera ang kabalbalang pinaggagawa ng isang yaya sa kanyang alagang isang-taong gulang na bata. Nakunan ang biglang pananakit nito sa bata habang pinapakain kahit hindi naman anglilikot ang paslit. Mayroon din pagkakataon na nginudngod ng unan ang bata habang nakahiga ito. Siniko din ng yaya ang bata sa may bunbunan. Ang pinaka-malala sa lahat ay ang pagpaparaos ng yaya sa tabi ng natutulog na paslit. Base sa pahayag ng nanay ng biktima, hindi niya luibos maisip na magagawa ito ng yaya dahil magiliw daw ito kapag nakaharap sila. Ipina-blotter na sa barangay ay kalokohang pinaggagawa ng yaya. "Ate, sorry na. Patawad na. Ayaw ko pong makulong. Nasampal ko, nasaktan ko, alam ko pong mali. Nagsisisi naman po ako. May problema po kasi ako," sab i ng inerereklamong yaya. Hindi naman mapigilan ng ina ang kanynag galit sa yaya. "Hindi naman naglilikot 'yung bata eh. Natutulog lang. Gumalaw-galaw lang ng kaunti, binatuk-batukan niya sa ulo ng ganyan. Ang iniisip ko po, paano kung na-ano 'yung leeg. Galit na galit ako, tapos, nanghihin ako eh," sabi ng ina ng bata. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa kahayupang ginawa ng yaya. "Ayy ka bwesiit.. Pa iyak-iyak kaa.kng hindi ka pa nahuhuli hanggang kailan kaya mtatapos yang pagmamaltrato sa bata.. Sa kulongan ka magparaos..Taena mo," sabi ni R. Pacunla. "Siraulo ka pla bruha ka. Kung matino ka dimo magagawa yan sa bata. !!! Ka!! Dapat sayo makulong para maranasan MO ang ginawa MO sa bata. Hindi kana naawa, embyerna ka!!," sabi ni M. Tabinas. "Ngaun iiyak yak ka at tinatago mo yang mukha mo bata yon walang laban syo at wala ka rin krapatan saktan cia magulang nga nya d nanakit saknya ikw pa na yaya lang nya ate sana ginawa mo yong trabaho mo nang maayos d ka sinasahoran para saktan mo ang alga mo sinasahoran ka para alagaan ang bata nang maayos.," sabi ni G. Cacho. "Ayaw mo pala makulong peste ka!! dapat iniisip mo angel yan sinasaktan mo wlang pang muang sa mundo grrr wlang ka patawaran yan ginawa mo kht cguro ina ng baby na yan. Kulungan bagsak mo," sabi ni T. Temilear. Source: ABS-CBN +Nangigil sa galit ang pro-government blogger na si Maharlika sa mga naging pahayag ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa iang panayam sa radyo. Hindi nagustuhan ni Maharlika ang tila pagkuwestiyon ni Albayalde sa koneksyon ni Atty. Glenn Chong kay Richard Santillan. Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon ay napaslang si Santillan sa kamay ng mga pulis Rizal na nasa ilalim ng pamumuno ni CALABARZON Police Director Ted Caranza. Si Santillan ay aide/bodyguard ni Atty. Chong. Si Chong naman ay ang whistleblower sa dayaan umano noong 2016 elections. Ayon kay Maharlika, tila takot daw si Albayalde kay Caranza o baka may alam si Caranza na baho ni Albayalde. Matatandaang ilang ulit ng hiningi ni Atty. Chong ang ilang doumentong pangkapulisan kay Carranza ukol sa surveillance umano sa kay Santillan pero hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay kay Atty. Chong. Dahil sa pagmamatigas ni Carranza na magbigay ng dokumento, nagsampa na ng kaso ang kampo ni Atty. Chong sa Ombudsman. Panoorin ang panayam kay Gen. Albayalde. Lumaktaw sa ika-30 minuto para mapakinggan agad ang bahagi ng panayam kay Chief PNP. Kayo na po ang bahalang humusga sa pahayag ni Gen. Albayalde. Basahin ang reaksyon ng ilan kababayan natin sa mga sinabi ni Maharlika laban kay Albayalde. "Make a petition na magresign silang 2 sa pagiging palpak nilang pulis...sa sinabing iyan ni Albayalde pinapaboran at pinoprotektahan niya ang kumag na fraternity classmate and friend niyang pulis na mamamatay tao...well Albayalde the way you talk and handle the situations I think the punishment to those CRIMINALS will be the same to what they did to Red SANTILLAN. Sir Albayalde is this what you wanted to happen? Dukutin, itorture, patayin at saka kunwari tadtarin ng bala ang isang pulis na parang nanlaban ang pinatay na!...sooner or later it will be civil war against criminal Police kung hinde pa rin matuldukan at mabigyan ng hustisya si Red Santillan," sabi ni Lorenzo Maryjane "Albayalde sir,anong pinag sasabe mo na hindi related si attorney Glenn Chong si Richard Santillan kung may utak ka ba naman Albayalde,si Richard Santillan ay tinuturing na KAPATID na si Attorney Glenn kasi nga naging bodyguard nya for 11 1/2yrs hanggat namatay si Richard Santillan at nag serbisyo sa kanya ng tapat kay Attorney Glenn Chong.kung pinapanood mo ba naman itong mga sinasabe ni attorney.Kung may bayag ka Albayalde,dapat nakikipag communicate ka kay attorney kung hindi mo pinagtatakpan si CARRANZA..kasi nga may tinatago kayo kaya ganun kayo mag salita.nag 40days na,wala pa kayong ibinibigay na mga dokumento at ebidensya na hinihingi ni attorney..anong klasi kang Chief?! Nangangahulugan may tinatago at nagsisinungaling kayo..kung anu ano nalang ang mga pinagsasabe ninyo.Aba ay gumising ka Albayalde hindi na nakakatuwa to.Kailangan ipakita mo na may bayag ka..hindi puro daldal.Nakakagalit na talaga!!Nadadamay tuloy ang mga ibang matitinong Kapulisan,dahil ikaw/kayo mismo ang gumawa ng kapalpakan! Kayo mismo namumuno ay iyong pinagtatakpan dahil may tinatago kayo.Dapat talaga linisin mo itong mga kapulisan na gumagawang Katarantaduhan.Nakakapikon na po Albayalde.Karamihan sa ating mga mamayan ay hindi na masaya," sabi ni Alita Hughes Panoorin ang sinasabing panayam kay Gen. Albayalde. Lumaktaw po sa ika-30 minuto para mapakinggan agad ang bahagi ng interview kay Chief PNP Albayalde. Source: Maharlika | DZRJ +Nahanapan ng butas ni Minority Leader Senator Franklin Drilon ang prangkisa ng Mindanao Islamic Telephone Company (Mislatel). Ang Mislatel ay napili ng gobyerno para maging pangatlong telco sa ating bansa. Ayon sa senador, Abril 1998 pa raw nang mabiyayaan ng prangkisa ang kumpanya pero hindi ito nakapag-operate sa loob ng isang matapos ma-grant ang franchise. "The franchise is a privilege and one of the condition is you must operate within one year and operate continuously... Mislatel is basically a paper corporation," sabi ni Drilon. Base naman sa Presidente at Chief Executive Officer ng Mislatel na si Nicanor Escalente, nabigyan daw ng provisional authority para mag-operate sa Parang, Maguindanao ang kumpanya noong 2001. Handa na raw ang Mislatel noong 2003 pero dahil sa sitwasyon ng peace and order sa lugar, hindi daw nakapag-operate ang kumpanya. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin ginagawa ng ilang senador natin sa isyu sa Mislatel. "hindi pa nga naka pag serbisyo yong telco player kung ano ano kinakalat nyo...mga kurap din naman ..kala kalinis linis.mga bwisit talaga kayong trapong politiko," sabi ni J. Cagapay "Sige lang mga bobong senador!Tuwang tuwa nanaman globe and smart dahil mapapahaba pa ang pag nanakaw nila!Tsk," GC. Only "Yan tayo pag pulitika pabangohan para maboto sila pero sa makakabuti sa nakakarami para sa new telco bigla nio isasara ang deal ano klase gobyerno meron tayo talaga korap talaga gusto lang makuha yung pera..... Mga bobobobo," "Hayaan niyo muna kasi mag operate ng isa to dalawang taon kung maganda. Edi yun Pag pangit di bawiin. Simple kasi komtra kayo ng komtra agad.," sabi ni R. Carpio "Kaya gusto nio alisin kc hihina na ang kita ng globe at smart na mgkano kya bayad nio kay pangilinan mga ugok imbis na makatulong sa mamamayan perweso kau," sabi ni R. Torres Source: News5 | GMA +Napapanahon ang video na ito dahil habang mainit na usapin ngayon ang pagpapababa sa edad ng criminal liability sa mga kabataan, kasalukuyang kumakalat naman ang isang video ng bagong insdente ng bu11ying. Sa video makikita ang grupo ng mga kabataang kababaihan na pinagtutulungan ang isang pobreng dalagita. Mapapanood kung paano nila isa-isang sinampal ang biktima. Hindi pa nakuntento ang isa sa mga suspek at kinaladkad pa ang biktima sa pamamagitan ng pagsabunot dito. Ang nakakalungkot sa insidente ay wala man lang nagtangkang umawat sa pananakit. Makikita pa ang ilang bata sa paligid na nanonood lamang at kinunan pa ng video ang ginawang pangmamaltrato. Matatandaang noong nakaraang buwan lang ay naging matinding usapin din ang bu11ying dahil sa pambubugbog ng batang atenista sa kaklase nito sa Ateneo Junior Highschhol. Basahin ang reaksyon ng ilan nating kababayan sa ginawa ng grupo ng mga kababaihan na ito.. "wag nman sana mangyari sa anak ko yan.....eto lang masasabi ko pag sa anak ko yan dudukutin k kau kahit nsa loob n kau ng bahay nyo......," sabi ni E. Eel "Kung Anak ko ginanyan naku po d ko yan ipapopolis o ipakulong kami na ng ankan ko bahala kung ano karapat dPat sa mga ganyan sapung beses nya pagbabayaran ginawa nya at baka magtago n lng sya habang buhay," sabi ni R. Salmazan "Ganyan talaga pag marami ang lakas ng loob matatapang try mo mag isa lng yan baka kawawa yan batang sinampal.kung sa kapatid ko nangyari yan wag silang papakita sakin kahit babae pa mga yan.," sabi ni R. Gonzales III "Pesti pag ganyanin ang anak ko patawarin ako ng diyos kung anu ang ginawa niya gagawin ko din sa knya pesti," sabi ni S. Go Source: Facebook +Nasakote ng mga otoridad ang alleged Bishop na si Richard Alcantara ng Bishop of Sacred Order of Saint Michael matapos mahulog sa isinagawang buy-bust operation sa Tagumpay Compound, Tabing Ilog Dagat, Brgy. Alima Bacoor City, Cavite. Nahuli rin sa operation ang isa pang suspek. Ayon sa paunang ulat sa DZMM Teleradyo, nakumpiska sa suspek ang P200 halaga ng shabu. Sa isang pahayag, sinabi ng pari na nagdo-droga lang daw siya para sa research.. Basahin ang ilang piling reaksyon mula sa mga kababayan natin. " Dyan ba napupunta yung mga donations sa simbahan? Minsan 2 beses pa sila humingi ng donasyon mga hypocrito. Lakas tama pa si Bishop," sabi ni A. Simangan "No matter what religion ang issue ay addict na religious leader," sabi ni J. Cuevas "Nagkakaloko pa ung mukha patawa tawa pa, praning na praning..Hehe! rekta na yan," sabi ni M. Arabis "ayan ebidensya sa bakuran nyo mismo padre, hudas Barabas hmmmmm," sabi ni Rose Villafranca "maliwanag pa sa sikat ng katanghaliang araw connected talaga kayo sa drugs na sumisira sa buhay at kinabukasan ng mga pilipino," sabi ni Edna Vallena. Paglilinaw ng kapulisan, hindi miyembro ng Roman Catholic Church ang nahuling pari. Source: MB | Philstar | DZMM | News5 +Hindi na siguro lingid sa kaalaman ng mga taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon ang pelikulang "BATO" na hango sa istorya ng buhay ni Philippine National Police (PNP) Chief General Ronald "Bato" Dela Rosa. Gagampanan ng batikang aktor na si RObin Padilla ang titular character. Kasama rin na ipapakita sa pelikula si ang noo'y alkalde ng lungsod ng Davao na si Pangulong Rodrigo Duterte. Siya naman ay gagampanan ng beteranong aktor na si Efren Reyes. Sa social media account ni Padilla, ibinahagi nito ang larawan ng cast kasama si Reyes na gumaganap na Mayor DUterte. Sa isang panayam, ibinunyag ni Reyes na humihingi siya ng payo mula kay Padilla kung paano niya gagampanan ng maayos ang dating alkalde ng Davao City. Isa pa sa rebelasyon ng aktor ay kung paano niya sinuportahan si Pangulong Duterte noong nangangampanya pa lang ito. Binanatan din niya ang mga kritiko na panay ang puna sa mga magagandang hangarin ng kasalukuyang administrasyon. "May gusto kang gawing panukala tapos yung mga kasama mo nakontra sayo, hindi mo maipapatupad, so ang hirap kapag may mga oposisyon na maingay masyado na kumokontra, mahirap ang progreso... Ang hirap ng progreso ng bayan, kapag masyado tayong naghihilahan pababa, kapag masyado tayong nagsisiraan, tigilan na po sana natin," sabi ni Reyes. Ibinunyag din niya na ang industriya ng showbiz ay apektado na rin ng droga. Kaya inuudyukan niya ang Presidente na ituloy lang ang paglaban sa droga at kriminalidad. Panoorin ang trailer ng pelikulang "BATO". Source: Robin Padilla +Huli ka! Nabitag ang isang alagad ng simbahan sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite. Base sa mga paunang impormasyon ng DZMM TeleRadyo, nakabili ng P200 halaga ng hinihinalang shabu ang mga kapulisan sa nasabing suspek. Hindi pa pinapangalanan ang naturang pari pero nangangalap na ng karagdagang impormasyon ang reporter ng DZMM patungkol sa insidente. Isa itong malaking dagok sa hanay ng mga nagpapakilalang alagad ng Diyos kung mapapatunayan ang nangyaring buy-bust sa pari. Itong mga nagdaang mga taon ay nasangkot ang ilang alagad ng simbahan sa mga matitinding iskandalo. May isa paring na muntik ng makapanghalay ng menor de edad, ang isa naman ay iniuugnay sa pagkakapaslang sa isang babae. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin patungkol sa balitang paring pusher. "Kahit Anong sekta kapa o anuman religion mo talaga laganap na mga demonyo sa Mundo. Mapapulitika man o kahit ano pang position mo sa buhay. Maraming nagbabait baitan pero demonyo pala ang katauhan," sabi ni L. Cruto. "Ayan tayoy eh... Lolo Bacani ano ito pwede ba mag ingay ka at ttukan kaso ng mga ksmahan mo mukhang banal pero nagbvinta pla ng droga," sabi ni R. Peneyra. "Nasaan mga bishop na puro kontra sa War on Drugs ng Administrasyon Duterte yung alagad niyo Pari timbog sa buy-bust Operation mag salita kayo ngayon mga Bishop ," sabi ni J. Derck. "Oh ayan di lng pla rapist at manyakis ang mga pari nagtu2lak na rin ..iba na hawak ng pari ngaun sa halip na bible shabu na," sabi ni L. Ocampo. Ayon sa pahayag ng pulisya, ang pari ay si Richard Alcantara at ang nasabing pari ay hindi miyembro ng Catholic Church. Source: DZMM Teleradyo +Itong mga nagdaang mga araw ay naging maugong na balita ang panukalang batas sa kongreso na magpapaaba sa edad ng criminal liability ng mga kabataan. May mangilan-ngilan sa atng mga kababayan na tila nangangamba sa magiging epekto ng naturang panukalang batas sa mga kabataan. Sa isang social media post, ipinaliwanag ng abogado na si Attorney Carlo Ybanez ang panukalang batas sa mga kababayan natin online. Ayon kay Atty. Ybanez, gusto lang daw ibalik ng kongreso ang dating batas na ipinatupad noong 1930 hanggang 2013. Idenetalye din niya na hindi naman agad-agad ikukulong ang mga batang lumabag sa batas dahil may mga proseso pa itong dapat pagdaanan para malaman kung may 'discerment' ito. Ang 'discerment' ay ang estado ng kaisipan ng bata para malaman ang tama at ang mali. Ayon sa abogado, sa rehabilitation institution muna ilalagak ang bata. Kung sakali tumakas daw ang bata, ay saka ito dadahilhin sa hukuman at ilalagay sa detention. Hindi pa rin daw kailangan mag-alala ng mga tao dahil ihihiwalay pa rin ang mga bata sa ma matatanda. "I do not understand what the clamor is about lowering the age of criminal liability. May mga poster pang "bata hindi criminal". First of all, nabasa nyo na ba ang proposed bill? Alam nyo ba, na since the revised penal code was enacted in 1930 up to 2013 (more than 80 years), ang excemption from criminal liability talaga is up to 9. If over 9-15 ka, pwede kang masintensyahan as a criminal. Gusto lang nila ibalik ito. But does this mean, na from 1930-2013, itinatapon lang ang mga bata sa kulungan with all the seasoned criminals? HINDI!!! May mga safeguards yan. Unang una, kailangan ng findings of discernment. Ibig sabihin, kailangan mapatunayan na yung bata, alam niya na crimen ang ginagawa niya. Kung musmos pa talaga ang pagiisip niya, hindi siya pwedeng mabigyan ng criminal sentence. Sino ang magsasabing may discernment? Hindi pulis, hindi korte, hindi abugado. Mga ispesyalista ng DSWD. Papagaralan nila ang bata based sa kanilang proseso. Pwedeng interviewhin. Pwedeng iconduct ang psychological test. Only then, sasabihin nila kung may tinatawag na criminal mind ang bata. Kung may discernment talaga, pano na yan? Itatapon na ba siya kasama ng ibang kriminal? HINDI PA DIN. Ang bata, kahit alam niya talaga na krimen ang ginawa niya, ay hindi agad agad makukulong. Merong tinatawag na suspension of sentence. Ibig sabihin, wait muna ang kulong. Ibibigay muna siya sa care ng DSWD at ipapasok siya sa isang institution at may programa sila upang marehabilitate ang bata. Sa programang ito, nakatira ang bata sa isang school or orphanage or isang building kasama ang ibang "children in conlfict with the law". Dito tuturuan silang maging mabait na citizen at hindi lumaking kriminal. May programa ito at may rules. Pag tinapos nila ang programa at sumunod sa rules, makakalaya sila ng hindi makakatikim ng isang araw man lang sa kulungan. Ngayon, pag itong bata, may discernment, hindi tinapos ang programa, tumakas or nagviolate ng mga rules. Ibabalik siya sa korte. Wala nang magagwa ang batas. Binigyan na siya ng lahat ng pagkakataong magbago. Ibig sabihin, hindi na talaga batang isip ito, Kriminal na talaga siya. Kailangan na siyang patawan ng sintensiya. In other words ikukulong na siya. Pero ikukulong ba siya kasama ng ibang mga kriminal? HINDI PA DIN!!! Sa kulungan, hinihiwalay ang mga babae at lalake. Hinihiwalay din ang mga bata. In fact, as much as possible, ang mga bata ilalagay sa agricultural na kulungan. May mga ganyan tayo. Ang alam ko is yung Iwahig sa Palawan. Meron pang iba. Eto ung isang malaking farm ang kulungan na pwedeng lumakad lakad ang mga bata. Para lang silang nasa probinsya. Ganyan ang batas from 1930 to 2013. Madaming safeguards. Nung 2013 lang namam tinaasan ang criminal age from 9 ginawang 15 ng isang magaling na senador (alamin nyo kung sino). 5 years pa lang and kitang kita na that it does not work. Kaya nga ibabalik lang sa dati. Kasi, yung dati worked for almost 90 years. yun lang naman ang babaguhin. Hindi naman tatanggalin ang mga safeguards ng batas. Isa ako noon na super against nung tinaasan ang criminal age. 15 years old? Totally exempt from criminal liability? Isipin nyo nga nasan kayo nung 15 kayo. 2nd year high school yan. Alam nyo na ang tama't mali niyan. Alam nyo na pag nagmakaw kayo, makululong kayo. Alam nyo na mali ang drugs. Alam nyo na bawal manakit ng ibang tao. Di na tayo bata nyan. Kung alam nyo lang ginagawa ko nung 15 ako, OMG!!! All Im saying is, relax. Its not as people make it appear to be. Hindi tayo makakarating sa sitwasyon na itatapon natin ang isang bata sa isang kulungan along with all the seasoned criminals. Relax.," pahayag ni Attorney Ybanez Ang naturang post ng abogado ay umani na ng iba't-ibang reaksyon mula sa publiko. Naibahagi na rin ito ng mahigit apat na libo habang isinusulat ang blogpost na ito. Kung kayo ang tatanungin, sang-ayon ba kayo na babaan ang criminal liability sa mga kabataan? Source: Atty. Carlo Ybanez +Matapos magbigay ng reaksyon si dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa Kapamilya actress Anne Curtis ukol sa naging pahayag nito sa pagpapababa sa criminal liability ng mga kabataan, ang pro-government blogger at Maastricht University Lecturer naman na si Sass Rogando Sasot ang nagbigay ng komento nito tungkol sa sinabi ng talent ng ABS-CBN. Ayon kay Sasot, dapat ay magbasa muna si Custis bago ito mag-react sa isyu. "Ms. Anne read before you react. BUT YOU can still buy me, my friends, and this club," sabi ni Sasot Si Curtis ay isang United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF) Ambassador at nagpahayag ngpatutol tungkol sa napapanahong isyu. "Nakakalungkot isipin na ibaba nila ang crim!nal responsibility to the age of 9. At that age they are very much children. They still have a chance to change their ways if they happen to cause or get into any trouble instead of beig sent to jail and sentenced as an adult," sabi ni ni Curtis sa kanyang social media account. Hindi pinalampas ng ilang netizens na punahin ang katayuan sa buhay ng aktres. Ayon sa ilang kababayan natin walang alam daw sa realidad ng mundo ng kalye at squatters ang kapamilya host. At nakakalungkot daw na sumasaw ito sa isyu. Hindi rin napigilan ng ilang kababayan natin na punahin ang talento at pagkanta ng artista. Kung nagtataka kayo kung bakit nasabi ni Sasot ang linyang, "BUT YOU can still buy me, my friends, and this club", matatandaang noong 2013 ay naging laman ng balita si Curtis dahil sa kinasangkutang gulo sa isang bar sa The Fort, Taguig. Panoorin ang isyung kinasangkutan ni Curtis noong 2013 kung saan sinampal umano nito ang kapwa artista na si John Lloyd-Cruz at nakaalitan ang isa ring host na si phoemela Baranda. Basahin ang reaksyon ng ilang netizens sa pangaral ni Sasot kay Curtis. "Liberals din tong si Anne Curtis, obvious walang alam sa Realidad sa Mundo ng Kalye, Squatters Areas, Rural Areas at Informal Settlers sa Pilipinas... nakakalungkot lang isipin sa mga taong ito na sumasaw sa issue na walang experienced kung paano ma buhay sa mundong maraming Pasaway at Snatchers sa paligid," sabi ni M. Fortis "Marunong ngang magsalita ng Ingles, di lang marunong magbasa at makaintindi. What a shame," sabi ni G. Zapanta "And so like Anne and Dingdong. I wonder if these celebrities have the effort to read. Baka mas may alam pa siguro mga yaya nila pagdating sa mga issue na ganito," sabi ni L. Cacho "Tong MgA artista kasi di Muna magbasa at intindihin bago mag react. Although agree ako na parang masyadong mababa ang 9?, but then kung duon magsisimulang ma rehabilitate ang MgA bata na delingkuwente? Then so be it. It's all up to the parents to guide and teach their children. Ang siste kasi napapabayaan na ang MgA anak nila kaya nagagamit ng sindikato. O kaya Nman e naimpluwensyahan ng bisyo.kung alam na ng MgA bata ang kahahantungan nila sa murang edad nila, matatakot na silang gumawa ng masama. And hindi Nman sila isasama sa mga beteranong kriminal. The goal here is to rehabilitate them and save them from syndicate,vices ,bad influence,their abusive parents and themselves," sabi ni Y. Chang "Anne Curtis should read the proposed law first before making such ill-advised comments. She might at least do some due diligence in finding first if it will affect her person and showbiz career.," sabi ni O. Eya Source: Sass Rogando Sasot +Hindi na nagkapagpigil ang isa nating kababayan at naglabas na ito ng buwisit sa mga kumokontra sa pagpapababa sa edad ng criminal liability sa mga kabataan. "Makikita mo sa Facebook, 'yung Grabiela, woman's party-list. May plaka pa silang nakalagay eh. Children are not criminal. T*ng* hindi criminal ang mga bata, unles gumawa sila ng krimen.... Sa mga magulang na nagra-rally, parang kinunsinte niyo lang ang mga anak niyo (gumawa ng krimen)," sabi ng netizen. Sapul din sa kanya ang mga politikong kontra ng kontra sa adhikain ng kasalukuyang pamamahala. "Para naman dito kay Leni Robredo at kay Risa Hontiveros, ayaw niyo pala iababa 'yung age ng criminal liability, ganito pag may nahuling mga batang na-rape at pumatay, kukupin niyo, itabi niyo sa pagtulog ng mga anak niyo. Bigyan ng pagkakataon magbagong buhay. Huwag niyong ikulong, isama niyo sa bahay niyo, pakainin niyo, itabi niyo sa pagtulog ng anak niyo para may pakinabang naman ang dinadakdak niyong maawa tayo sa kabataan," banat pa ng netizen. Ibinahagi rin ng kababayan natin ang kanyang kinaroroonan. Ayon sa netizen, nasa likod niya lang daw ang libingan ng anak ng kaibigan niya na pumanaw dahil sa pambibiktima ng batang kriminal na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makulong. "Alam niyo kung bakit tayo nandito sa sementeryo ngayon? Kasi isa sa mga anak ng kaibigan ko ni-rape tapos pinatay. Alam niyo kung ilan taon ang gumawa> Mag-o-onse anyos. Ganun ba? O ngayon nasaan 'yung bata? 'YUng kriminal. Hindi makulong. Kasi protektado ng law ni Kiko. Tama nga si President Duterte. Sa lahat ng bobo iyan ang pinaka-bobo. Ano kaya kayo ang mabiktima ng ganyan? Gamtin niyo utak niyo!" kwento ng netizen. Source: Facebook +Tinadtad ng komento ang social media post ng pro-goverment blogger at radio host na si RJ Nieto na kilala din sa tawag na Thinking Pinoy. Sa kanyang post ngayong araw, ibinahagi nito ang larawan kung saan makikita ang dalawang magkatabing litrato. Sa kaliwa ay may mukha ni Kris Aquino na nag-e-endorso ng isang serbisyo, habang sa kanan ay ang mukha ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa parehas na lokasyon. Hindi pa malinaw kung saang lugar at kailan nakunan ang billboards. Matatandaang nasasangkot sa patung-patong na isyu ngayon si Kris. Mula sa pagpopondo sa anti-government blogger na si Jover Laurio (Pinoy Ako Blog), hanggang sa pagbabanta sa buhay ng dati niyang financial manager na si Nicko Falcis. Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa daan-daan ang nagkomento sa post ni Thinking Pinoy at umabot na rin sa mahigit tatlong daan ang nagbahagi nito. Matatandaang noong pumotok ang isyu ng pagpopondo ni Kris kay Laurio, may ilang taga-suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte na nagpahayag at nanawagan na i-boycott ang mga produkto at serbisyong ine-endorso n Kris. Paraan ba ito ng naturang kumpanya para idistansiya ang sarili sa mga isyung kinasasangkutan ni Kris? Ito po ang ilan sa mga komento ng mga kababayan natin sa litratong ibinahagi ni Thinking Pinoy. Ngayon araw naman ay may matinding rebelasyon ang aktres na si Gretchen Barretto laban kay Kris. Ayon kay Barretto, tinulungan daw ni Kris ang isang nagngangalang Alice Eduardo sa tax liabilities nito para mapababa ang babayaran na buwis. Nangyari daw ito noong panahon ni dating Presidente Noynoy Aquino na kuya ni Kris. Nagpatulong daw si Kris sa dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Chief Kim Henares. Source: Thinking Pinoy +Napasakamay ng Maastricht University lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot ang litrato ng kasal ng anti-government blogger na si Jover Laurio (Pinoy Ako Blog). Makikita sa larawan ang ilang personalidad sa oposisyon tulad nila Vice President Leni Robredo, Senador Antonio Trillanes, Senador Bam Aquino, Senador Kiko Pangilinan at Congressman Gary Alejano. Sapul din sa lente ng camera ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa. Sa social media post ni Sasot, binanatan nito si Jover. Ayon kay Sasot, 'yung larawan na nakipag-diner sila sa kampo ni former senator Bongbong Marcos ay ginamit daw na ebidensiya na bayaran daw sila ni Marcos. Eh paano naman daw ang wedding pictures ni Laurio na dinaluhan ng mga kilalang taga-oposisyon? "Noong nag-dinner kami with BBM, iyong pic namin eh ginawang "evidence" na bayaran raw kami ni BBM. Eh iyong WEDDING SPONSOR mo itong mga ito? LOL," sabi ni Sasot. Si Laurio ay nasasangkot sa isyu ng pagtanggap ng pondo mula sa dating presidential sister Kris Aquino para maipa-boost ang mga social media posts nito sa Facebook. Umamin na si Kris na nagbibigay siya ng pondo sa blogger pero sabay paliwanag na hindi niya daw inutusan na atakehin ang mga Duterte. Pero sa blog ni Laurio, halos karamihan ay mga laban sa Duterte Administration ang nilalaman. Ito po ang larawan ng kasal ni Laurio kasama ang ilang miyembro ng oposisyon at media. Pinagkatuwaan naman ng mga netizens ang larawan sa kasal ni Laurio. Source: Sass Rogando Sasot +Sa weekly media forum sa senado, nagbigay ng pahayag si Senador Antonio Trillanes tungkol sa planong pamamagitan ni Senador Vicente "Tito" Sotto III para mapag-ayos si Pangulong Rodrigo Duterte at ang simbahan katolika. Ayon kay Trillanes, "good luck" na lang daw kay Sotto dahil ang Presidente ay hindi daw maisasalba. "Di ba ilang beses na nilang sinubukan, talagang satanista itong si Duterte wala nang magagawa doon. Nakita niyo naman pati si Jesus ininsulto na. Wala na magagawa diyan, beyond salvation na 'yan kumbaga sinusunog na ang kaluluwa nyan," sabi ni Trillanes. Panoorin ang video ng panayam kay Trillanes mula sa PolitikoTV Channel. Sa nasabing video, ay hindi nasama ang quote ng GMA News kay Trillanes. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa mga pinagsasabi ni Trillanes laban sa ating Pangulo.. Source: GMA News | PolitikoTV Channel +Sari-saring kontrobersiya ang kinasasangkutan ni former presidential sister Kris Aquino nitong nagdaang mga araw. Matapos pumutok ang isyu na nagpopondo siya ng mga anti-government bloggers, hanggang kumalat ang leaked phone conversations kung saan pinagbantaan niya na ipapatay ang dati niyang financial manager na si Nicko Falcis. Matatandaang naging laman ng balita kamakailan lang ang paghahabla ni Kris kay Nicko dahil ninakawan daw siya nito ng P40 million. Ngayon, isang tanong ang ipinukol ng pro-government blogger na si RJ Nieto aka ThinkingPinoy kay Kris. Sa isang social media post, tinanong ni ThinkingPinoy kung bakit P1.2 million lang ang ikinaso ni Kris sa dati nitong financial manager pero P40 million ang sinasabing ninakaw umano sa kanya. Sa ilang panayam kay Nicko, mariin niyang itinatanggi ang mga akusasyon ni Kris laban sa kanya. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging tanong ni TP tungkol sa isyu ni Kris kay Nicko. Source: ThinkingPinoy +Sa programa ng ABS-CBN News Channel (ANC) na Early Edition, nagsagupa si Duterte Youth Party-list Chairman/National Youth Commission USec. Ronald Cardema at si Kabataan party-list Raoul Danniel Manuel. Sa isang bahagi ng talakayan, inilutang ni Cardema ang parating pagpuna ng mga makakaliwa sa gobyerno pero tila tikom ang bibig sa ginagawang kabalbalan at pamemerwisyo ng mga New People's Army (NPA). Mapapansin na hindi ito masagot ng direkta ni Manuel at tila paiwas ang mga sagot sa mga puntong inilulutang ni Cardema, tulad ng pagpatay ng mga komunista at ang panununog ng mga cell sites. "Kahit sinong presidenteng umupo, lagi nilang nilalabanan. Sige, ok lang, 'yung part na iyon. Kaya parati naming sinasabi, kahit labanan niyo ang presidente, ok lang. But kahit sinong presidente ang umupo, hindi man lang kayo nagre-rasie ng punto laban sa armed rebels na pumapatay, nanununog ng cell sites na ginagamit ng milyong-milyong Pilipino, pumapatay ng sundalo't pulis, kahit isang statement wala, bakit ganoon?," banat ni Cardema kay Manuel. Si Cardema po ay isa sa pinakamasugid na taga-suporta ni Pangulong Duterte. Matatandaang naging viral siya noong 2017 nang tindigan niya ng harapan si Jim Paredes. Ito po ang ilang komento ng mga kababayan natin tungkol sa naging paitan ng pahayag ni Cardema at ni Manuel. Source: ANC via Ronald Gian Carlo Cardema +Para kay Vice President Leni Robredo, isa sa paraan pa raw daw iparinig ang boses laban sa polisiya ng gobyerno ay ang pagboto sa paparating na mid-term elections ngayong Mayo 2019. Ito ang sinabi ni Leni sa teachers at transport sector nang makaharap niya ang mga ito sa Office of the Vice President sa Quezon City. Ang pakikipag-pulong niya sa mga grupo ay sumabay sa panimula ng 150-day election period (Enero 13-Hunyo 12). Sinusuportahan ni Leni ang 8 kandidato ng oposisyon na binansagang "Otso Diretso" dahil DAW sa malinis na track record ng mga ito. Kasama sa senatoriables ng oposisyon ay sina Florin Hilbay, Romulo Macalintal, Chel Diokno, Mar Roxas, Erin Tanada, Sumira Gutoc, Gary Alejano at ang reelectionist na si Bam Aquino. "Sinabi ko sa kanila na dapat magkaisa kayo, magkaisa tayong lahat, kasi kung maraming boses na naririnig, at iyong boses ay iba-iba, hindi tayo maiintindihan at pakikinggan," sabi ni Leni. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Leni. Source: Manila Bulletin +Inaasahang mapapalakas ng kapulisan ang hanay nito sa bagong biling modernong kagamitan na may halagang P694 milyon. Ang mga bagong biling gamit ay ang Undershirt bullet proof vest level IIIA (11,245 units), waistcoat vest level IIA with tow plates level IV (4,169 units), high frequency/single sideband manpack (133 units), rotary blade/propelled wing unmanned aerial vehicle (UAV) o drones (700 units), mini bus (20 units) at Taurus TS9 striker fired pistol (2,000 units). Ang blessing ng mga nasabing kagamitan ay ginanap sa Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame, Quezon City. Ayon sa PNP, ang mga bullet proof vest ay ipapamahagi sa mga Police Regional Offices (PROs) at National Support Units (NSUs) para sa capability enhancement. Ang mga baril naman ay para sa mga PNP recruits. Habang ang PROs and Logistics Support Service ang tatanggap ng mga mini buses. Nagpasalamat din ang kapulisan sa natanggap nilang forensic kits na donasyon mula sa Korea. Sa kabuuan, 120 units ang naibigay ng Korea sa PNP. Makakatulong daw ang mga forensic kits sa mga imbestigasyon ng kapulisan. Basahin ang reaksyon ng ilan nating kababayan sa mga bagong gamit ng pulis at donasyon mula sa Korean Government. Source: MB | PNP +Isa sa mga tinutugunan ng husto ng kasalukuyang pamahalaan ay ang sektor ng transportasyon. Ito ay upang maging maginhawa at mabilis ang pagbiyahe ng mga kababayan natin. Noong nakaraang taon ay pinirmahan ng gobyerno at ng Indonesian Company na PT Inka ang kontrata na nagkakahalaga ng P2.5 bilyong piso para magkaroon ng karagdagang tren ang ating Philippine National Railways (PNR). Ngayon taong 2019 ay inaasahang maide-deliver na ang siyam na bagong tren. Tinatayang aabot sa 120,000 na pasahero ang kayang serbisyuhhan ng mga nasabing bagong tren. Sa kasalukuyan, mayroon lamang 11 train sets ang PNR at karamihan sa mga ito ay mga second hand galing sa bansang Japan. Panoorin ang kaugnay na ulat noong 2018 patungkol sa pagbili ng karagdagang tren para sa PNR. Basahin ang ilang reaksyon ng mga kababayan natin magandang balita na ito sa larangang ng transportasyon. Source: News5 | Motoring Today +Sari-saring isyu ang kinasasangkutan ni Kris Aquino. Mula sa pagpopondo ng anti-government blogger, hanggang sa nagleak na phone conversation kung saan maririnig na pinagbantaan na ipapapatay ang dati niyang financial manager na si Nicko Falcis. Nagsimula ito noong nakaraang taon nang sampahan ni Kris si Falcis ng kaso dahil umano sa pagdispalko sa pera niya. Nagtungo si Kris sa Singapore para ipatingin ang kanya umanong auto-immune disease na lupus. Habang usap-usapan ang nag-leak na phone conversation niya kay Nicko dito sa Pilipinas, naglabas ito ng video kung saan sinabi nito may gumagamit na politiko sa mga Falcis. Nagpahapyaw din si Kris na magpapalakas siya para sa 2022. Alam ng lahat na ang 2022 ay taon ng halalan. "This has to do with 2022. Alam ko naman na sila ang pumo-pondo sa mga trolls, sila ang pumu-pondo sa machinery backing Nicko. DI nila nage-gets, I'm not healthy enough for 2022. But, lets be honest, sa ginawa niyo sa akin, magpapalakas ako, humanda kayo. Pero di ba ganun iyon? Turo ng dad ko, 'Don't tell them your plans, just do it'. Bago pa nauso si Nike, nasabi na ng dad ko iyan. So handa kayo, papalakas talaga ako," sabi ni Kris. Basahin ang reaksyon ng ilang kapwa Pilipino natin sa mga pinagsasabi ni Kris. Source: Kris Aquino via VOVph +Sa talumpati ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena sa state banquet sa Malacanang Palace, sinabi nito na hinahangaan niya kung paano tinutugunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu ng droga at kriminalidad. Para kay Sirisena, dapat daw tularan ang ginawang hakbang ng ating Presidente para labanan ang droga. "The war against crime and drugs carried out by you is an example to the whole world and personally to me... Drug menace is rampant in my country and I feel that we should follow your footsteps to control this hazard," sabi ni Sri Lankan President Sirisena. Sa panayam kay Pangulong Duterte sa ilang miyembro ng media matapos ang pakikipagpulong sa Presidente ng Sri Lanka, sinabi nito na kinilala ng Pilipinas na kasangga ang Sri Lanka sa paglaban sa human smuggling at drug trafficking. "We both recognized that the proliferation of illegal drugs is a threat to our nations and peoples and to the very fabric of [our] growing societies," sabi naman ni Pangulong Duterte. Ito po ang ilang reaksyon mula sa ating mga kababayan. Source: CNN Philippines | MB | PCOO +Sinimulan gawin ang Mindanao Avenue road extension sa lungsod ng Quezon noong 1980's ngunit dahil sa isyu ng right of way, naantala ang paggawa sa nasabing kalsada. Pero dahil naresolba na ng gobyerno ang isyu sa "right of way", ang 2.7 na kilometrong kalsada ay malapit ng makumpleto. Ayon kay Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark Villar, maaari ng mapakinabangan ang kalsada sa first quarter ng 2019. Nagsasagawa na lang daw ang ahensiya ng finishing works sa pagko-kongkreto ng karagdagang 600-meter segment ng Mindanao Avenue Extension. Sabi ng kalihi, natutuwa sila na sa ilalim ng Duterte Administration maide-deliver ang naturang proyekto. Matapos ang deka-dekadang pagkaantala ng proyekto, naipagpatuloy muli ito noong 2017 dahil na-acquire na ng gobyerno ang mga pinagtatalunang mga lupa. Ayon kay Secretary Villar, nasa 87.78 porsyento na raw ang kalsada at nakakahalaga ito ng P118 Milyon. "The project was started in the 1980s but was stopped for decades due to right-of-way issues. We are happy that it was during the term of President Duterte that we are able to deliver this project... The P118-million project which is now 87.78 percent also involves construction of drainage and slope protection, reinforced concrete box culvert, and street lighting," sabi ni Sec. Villar. Basahin ang ilang reaksyon at tugon ng mga kababayan natin sa performance ng DPWH sa ilalim ng Duterte Government. Source: Mark Villar | Manila Standard +Matapos mag-viral ang leaked audio conversation ni Kris Aquino at ng kanyang dating financial manager na si Nicko Falcis kung saan maririnig na pinagbabantaan ni Kris si Nicko, lumabas naman ngayon ang ilang screenshots kung saan makikita ang detalyadong listahan ng mga blog posts na pinondohan umano ni Kris. Matatandaang inamin ni Kris na pinondohan niya si Jover Laurio aka Pinoy AKo Blog. Si Jover ay isa sa mga maingay kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa social media. Kilala rin si Laurio sa pag-atake nito sa mga taga-suporta ng Presidente. Sa screenshots na inilabas ng Radio host na si Mark Lopez, makikita na halos umabot sa P200,000 ang ginasta para pondohan ang mga social media posts ni Jover. Ilan sa mga inatake ni Jover sa kanyang blog ay sina Erwin Tulfo, Ex-PCOO Assec Mocha Uson, Imee Marcos, Bongbong Marcos at Maastricht University Lecturer/Pro-Duterte blogger Sass Rogando Sasot. Pati ang Motoring journalist na si James Deakin ay hindi pinalagpas ni Jover. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa isyung ito. Source: Mark Lopez

+Alam naman na siguro ng lahat na tutol si Senadora Risa Hontiveros sa pagpapababa sa edad ng criminal libility sa mga kabataan. Pero sa isang pahayag nitong Huwebes, iminungkahi niya na dapat pa nga daw taasan ang edad. Ang kasalukuyang edad para magkaroon ng criminal liability ang isang bata ay 15-anyos. "We won't bring it back to 9. We won't also bring it back to 12. What's the difference between 9 and 12? Keep it at 15, and move it up... Kesa ibaba yung minimum age ng criminal responsibility na paatras sa global trend," sabi ni Hontiveros. Ayon kay Hontiveros, base daw sa pinakahuling paanaliksik, nagma-mature daw ang mga kababaihan sa edad 22-anyos. Ang mga lalaki naman ay nagma-mature sa edad na 25. Hindi idinetalye sa ulat ng GMA kung saan research sinipi ni Hontiveros ang mga pinagsasabi nito. Panoorin ang isang video kung saan makikita kung paano umaabuso ang ilang kabataan. Hindi tuloy mapigilan ng ilang kababayan natin na batikusin si Hontiveros. " Eto ang patunay na maraming nanalong pulitiko pinanalo ng makinarya . Hindi na kayo mananalo ulit itaga nyo sa bato... maawa kayo sa mga pilipino at sa bansang pilipinas. Yaya ang gamot ko ... tumataas nanaman ang BP ko!" sabi ni M. Canlas. "Ayoko magsalita ng masama pero nagtataka ako bkt ka pa nanalo bilang senador lisa hontiveros ndi ko tlga maintindihan kung bkt ka pa nging senador!!" sabi ni Y. Pereira. "Ito hindi na to fake news legit na to na paurong ang utak nito" sabi ni W. Cobello. "Putcha tung Hontevirus na to walang ibang alam kundi ang kumukontra parati,,kaya nga rin di umuusad ang pilipinas dahil din sa inyo,,kayo tung paurong mga utak gong2x!!! Baklang tttoowwww." sabi ni R. Peteros. "Gawin na natin 60 yrs old..pra sabay na sa pagging senior ctzen..wahahah..taba ng utak ni mam" sabi ni V. Jl " Seryoso? San to kumuha ng research team nia??? i feel sorry sa bulsa ko sa taba ng utak neto. sayang tax ko." sabi ni M. Sanchez Source: GMA +Bumulaga ngayon sa social media ang ilang larawan sa kasal ni anti-DU30 blogger Jover Laurio kasama ang mga ka-tropa niya. Ilan sa mga nakita sa wedding pictures ay ang mga personalidad na dilawan at ang mga kontra sa Pangulo. Ang ilan ay mula sa larangan ng politika, media at showbiz. Basahin ang naging reaksyon at komento ng ilang ordinaryong Pilipino sa mga larawan sa kasal ni Jover. Source: Sharielynz Tioga Palalisan +Nagsampa na ng reklamo grave threaths ang kampo ni Nicko Falcis laban sa aktres/online endorser na si Kris Aquino nitong Biyernes sa opisina ng City Prosecutor ng Quezon City. Si Nicko ay ang dating managing director ng kumpanya ni Kris na KRIS COJUANGCO AQUINO PRODUCTIONS (KCAP). Nakalakip sa reklamo ang pagbabanta ni Kris laban sa kanya noong Septiyembre 2018 kung saan binalaan siya ni Kris na ipapatay kung babalik sa Pilipinas. Ang pagsasampa ng kaso ay gnawa matapos kumalat ang leaked phone conversation kung saan may maririnig na babaeng nagbabanta sa kausap nito na ipapapatay. Inamin ni Kris sa publiko na kanya ang boses na narinig sa nasabing leaked conversation pero isa lamang daw itong bluff kay Nicko. Matatandaang hinamon ni Kris na kasuhan siya ni Nicko matapos kumalat ang leaked conversation nila. Sa reklamo ni Nicko laban kay Kris, sinabi umano ni Kris na, "we just hire someone to kill for us, that's why we befriend the killers in our circle". binanggit daw ito ni Kris noong wala pang lamat ang kanilang samahan. Kasama rin sa inilakip ng kampo ng Falcis sa kanilang reklamo ay ang screenshot ng mensahe ni Kris kay Nicko kung saan makikita ang mga international travels ni Falcis. Ito daw ay nagpapatunay na may-access si Kris sa impormasyon tungkol sa kinaruruunan ni Nicko. Ang sigalot sa pagitang ni Kris at ni Nicko ay isa lang sa madaming isyu kinakaharap ng online endorser. Matatandaang pumutok din na si Kris ang pumupondo sa anti-government blogger na si Jover laurio (Pinoy Ako Blog). Ngayong araw lang ay naglabas ng pasabog ang aktres na si Gretchen Barretto tungkol sa pakikialam umano ni Kris sa tax liability ng isang nagngangalang ALice Eduardo sa pamamagitan ni dating Bureau of Internal Revenue Chief Kim Henares. Source: ANCX +Hindi pa talaga natatapos ang mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Kris Aquino. Nitong nakaraang araw ay pumutok ang phone conversation ng pagbabanta ni Kris sa dati nitong financial manager na si Nicko Falcis. Ngayon naman ay idinadawit ito sa pangingialam sa tax ng kaibigan. Sa Instagram post ni Gretchen Barretto, ibinulgar ng aktress ang umano'y pangingialam ni Kris sa tax liability ng isang nagngangalang Alice Eduardo. Ayon kay Barretto, aabot daw sa hundred of million ang problema sa tax ni Eduardo pero tinulungan daw ito ni Kris sa pamamagitan ni former Bureau of Internal Revenue Chief Kim Henares para mapababa. "Nagkaproblema po si Alice Eduardo sa tax niya po dito sa Pilipinas. She was being charged hundred of millions or billion of pesos at tinulungan po ni Kris Aquino thru (former BIR Commissioner) Kim Henares para mapababa ang ibabayad niya sa gobyerno natin... Tinulungan kasi ni Kris Aquino at the time si Alice Eduardo sa kanyang tax na bumaba ang bayad sa tax niya. Alam nanim iyon dahil pinagkakalat din ni Alice Eduardo at ng kanyang mga kapatid na tinulungan ni Kris Aquino," sabi ni Baretto. Sapul din kay Gretchen ang kapatid ni Kris na si dating Pangulong Noynoy Aquino. Totoo ba ang mga alegasyon ni Gretchen kay Kris? Naniniwala ba kayong dapat tignan ng kasalukuyang administrasyon ang mga ibinunyag ni Gretchen? Panoorin ang tugon ni Sass Rogando Sasot sa pasabog ni Barretto tungkol kay Kris. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa bagong isyung pinupukol ngayon kay Kris. Source: Mark Lopez +Sa isang social media post, binanatan ng pro-government blogger at radio host na si RJ Nieto (ThinkingPinoy) si Senador Bam Aquino dahil sa agenda na isinusulong ng senador nitong mga nagdaang araw. Matatandaang binabalak ni Bam na taasan ang Social Security System (SSS) pension para sa mga senior citizens. Diskumpiyado si Nieto sa gustong mangyari ng senador. Ayon sa prominenteng blogger, ang plataporma daw ni Aquino ay i-bangkarote ang gobyerno. Isa si Aquino sa pinaka-maingay na kritiko ng TRAIN LAW ng Duterte Government. "Gusto ni Bam Aquino na gawing libre ang kolehiyo at taasan pa ng P1,000 ang SSS pension, pero pinapipigil naman niya ang TRAIN Law na malaking bawas-kita sa pamahalaan. ANG PLATAPORMA BA NITO AY I-BANGKAROTE ANG GOBYERNO?," sabi ni Nieto. Si Aquino ay tumatakbo muli sa pagkasenador sa darating na mid-term elections ngayong Mayo 2019. Parte siya ng 'Otso Diretso' ng oposisyon na kinabibilanagan nila Magdalo Congressman Gary Alejano, Election Lawyer Romulo Macalintal, Lawyer Chel Diokno, Former Solicitor General Florin Hilbay, Samira Gutoc, Erin Tanada at former DILG Secrtary Mar Roxas. Habang isinusulat ang blogpost na ito ay umanot na sa mahigit 700 ang nagkomento sa post ni Thinking Pinoy at naibahagi na rin ito ng mahigit isang libong beses. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging buwelta ni Thinking Pinoy kay Bam. Source: TP +Sa mga hindi nakakaalam, kinasuhan ni Jover Laurio a.k.a. Pinoy Ako Blog ang influencer/blogger na si Franco Mabanta ng libelo noong Disyembre 2017. Si Mabanta ay ang media strategist ng kampo ni former senator Bongbong Marcos. Nag-ugat ang paghahabla dahil tinawag ni Mabanta si Laurio na "super ugly" at "ogre lady". Matapos ang mahigit isang taon, inilabas ng hukuman ang kanilang desisyon. Sa kasamaang palad ay talo si Jover sa naturang kaso. Matatandaang humihingi pa ng danyos na kalahating milyon si Laurio laban kay Mabanta. Sa resolusuyong inilabas ng Office of the City Prosecutor of Makati nitong Enero 17, 2019, pumabor kay Mabanta ang naging hatol. "A thorough re-evaluation of the matter was made wherein this Office arrived at the same conclusion, that is, the pieces of evidence submitted are insufficient to find probable cause to indict respondent with the offense complained of... As it is, the complainant has not forwarded any significant evidence or alleged errors of fact or law that can otherwise give merit to the motion for reconsideration," sabi sa dokumento ng korte. Ikinatuwa naman anng ilang taga-suporta ng Pangulong Duterte ang naging hatol ng hukuman. Basahin ang reaksyon ng pro-government blogger na si Sass Roagando Sasot sa naging desisyon ng korte. Si Laurio ay nasasangkot ngayon sa isyu ng pagtanggap ng pondo mula kay Kris Aquino. Source: Ahmed Paglinawan | Sass Rogando Sasot +Ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, aprubado na raw ni Pangulong ROdrigo Duterte ang pagbili ng gobyerno ng Black Hawk helicopter mula sa bansang Poland. Pinayagan daw ng Presidente ang pagbili ng mga sasakyang pamhimpapawid dahil sa gusto umano ito ng Air Force. "We talked to him sometime na, 'Sir this might be in violation with your pronouncement that you are not going to buy from US (United States) but the Air Force wants that,' Sabi niya, 'Yan ba talaga ang gusto niyo?' Nandoon 'yung air force chief e, 'yan ba talaga ang gusto niyo?' 'Yes, Sir.' 'Okay, go ahead,"kwento ni Lorenzana sa mga reporters Dagdag pa ng kahilim gawang Poland daw ang mga helicopters. Matatandaang sinabi ng Pangulo na hindi bibili ang Pilipinas ng mga gamit ng kasundaluhan sa Estados Unidos dahil sa pagpuna ng naturang bansa sa kapanya kontra bawal ng gamot ng kasalukuyang administrasyon. Ibunuyag din ng Pangulo na tinitignan niya ang posibilidad na bumili ng gamit ng mga sundalo sa Israel at South Korea. Panoorin ang panayam kay Sec. Lorenzana noong nakaraang taon. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pag-apruba ng Pangulo ng pagbili ng mga helicopters sa Poland. Source: GMA +Kahit kulelat sa senatorial surveys para sa 2019 mid-term senatorial elections, tia hindi nawawalan ng pag-asa si Magdalo Congressman Gary Alejano at nag-labas pa bagong video para suyuin ang mga tao na iboto siya para sa senado. Sa kanyang pinakahuling campaign advertisement, nanumpa siya kung paano niya ipaglalaban ang mga Pilipino. Mapapanood sa video na naka-damit pang-sundalo pa ang kongresista at may bandila ng Pilipinas sa likuran. Nakataas ang kanang kamay na tila nagpapanatang makabayan. "Ako ay nanunumpa na ipagtatanggol ko ang sambayanang Pilipino. Pag Inaagaw ang ating Inang Bayan, ako ay lalaban. Pag ginugutom ang taong bayan, ako ay lalaban. Pag may inaapi, niloloko, abusado sa gobyerno, ako ay lalaban ng buong tapang at buong puso. Ako si Gary Alejano, sundalo ng Pilipino," sabi ni Alejano. Si Alejano ay ka-alyado ni Senador Antonio Trillanes, isa sa pinaka matinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa katunayan, magkasama sila sa grupong MAGDALO at sabay na pumunta pa sa ICC para maghain ng communication laban kay Presidente Duterte. Isa rin si Alejano sa mga taong nagsampa ng impeachment laban kay Pangulong Duterte noong 2017. Ang impeachment complaint niya laban sa Pangulo ay hindi nagtagumpay at tuluyang ibinasura sa House of Representative. Bago naging kongresista, si Alejano ay dating miyembro ng kasundaluhan pero nag-aklas noong panahon ni ex-president Gloria Macapagal-Arroyo. Matatandaang hindi nagtagumpay ang ginawa nilang pagre-rebelde sa pamahalaan ni ex-president Arroyo. Ang ginawa nilang pag-aaklas ay hindi man lang umabot ng ilang araw. Madalas din kantyawan ni Pangulong Duterte ang ginawang pag-aaklas ng MAGDALO. Maaalalang puro magagarang hotel ang pinipili pagdausan ng pag-aaklas ng mga ka-grupo ni Alejano. Si Alejano ay parte ng opposition slate na may bansag na "Otso Diretso". Kasama niya na tatakbo bilang senatoriables ng oposisyon ay sina Erin Tanada, Chel Diokno, Samira Gutoc, Romulo Macalintal, Mar Roxas, Bam Aquino at Florin Hilbay. Basahin ang ilang reaksyon mula sa mga netizens na nakapanood ng campaign advertisement ni Alejano. Source: Gary Alejano +Habang isinusulat ang blogpost na ito ay nasa ika-17 pwesto sa trending videos ng Youtube ang panayam kay Nicko Falcis, ang dating financial manager ni Kris Aquino. Matatandaang kinasuhan ni Kris ng qualified theft si Nicko noong nakaraang taon dahil sa hindi otorisadong paggamit sa credit card ng aktress. Noong panahon na nagsampa ng kaso ang kampo ni Kris kay Nicko, si Nicko ay nasa ibayong dagat. Ngayong naririto na si Nicko sa Pilipinas, gusto niyang isiwalat sa publiko ang kanyang panig. Ilan sa mga rebelasyon ni Nicko ay ang mga pagbabanta ni Kris sa kanyang buhay. "'You f--- a--- Nicko', that was the first bungad. You know, she never said those things. Never. And I'm, never gonna forget that na ako yata 'yung nasabihan ng ganun ng isang Kris Aquino." sabi ni Nicko. Sa bahagi ng panayam, inilarawan ni Nicko na isang bully si Kris. "Thank God, you know, let's be honest, recently, bullying is a core topic now and I think I've experienced the worst evolved form of bullying and that is a Kris Aquino - the bully." saad ni Nicko. Pinanindiganan ni Nicko na hindi siya nagnakaw kay Kris at gusto niya raw mangyari ay aminin ni Kris na hindi siya nagnakaw sa aktress. Hindi kasama sa panayam kay Nicko ang ginawa ni Kris na pagpopondo sa anti-DU30 blogger na si Jover Laurio (aka Pinoy Ako Blog). Matatandaang naglabas ng ilang screenshots ng chat conversations ang kampo ni Falcis para ipakita na si Kris ang pumopondo sa mga anti-government bloggers. Sa comment section sa Instagram Account ni Kris, inamin nito na nagpondo nga siya ng mga political blogger. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging rebelasyon ni Nicko kay Kris.. Source: ABS-CBN | ABS-CBN | ABS-CBN +Sa kanyang artikulo, may banat ang kilalang broadcaster at TV host na si Korina Sanchez-Roxas kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinaliwanag nito kung bakit tila galit ang Presidente sa Commission on AUdit (COA) at Commission on Human Rights(CHR). Ayon sa misis ni Liberal Party (LP) senatoriable Mar Roxas, ang CHR at COA ay balakid daw kay Pangulong Duterte. Banat pa ni Sanchez-Roxas, pati daw ang sinumang oposisyon sa kongreso ay kinamumuhian din ng Pangulo. Hindi daw gusto ng Presidete na may pumipigil sa mga gusto nitong hakbang at plano sa bansa. "Malinaw na ayaw ni P-Duterte na may nagbabantay sa kanya. Ayaw nito ng COA dahil 'balakid umano sa gobyerno. Ayaw ng (CHR) dahil balakid sa kanyang madugong kampanya kontra sa iligal na droga na hanggang ngayon ay patuloy pa rin halos magtatatlong taon nang nagaganap," sabi ni Sancez-Roxas. Ayon sa TV host, dapat daw mayroong nagmamasid sa mga taga-gobyerno para iwas-korapsyon. "Ayaw ng oposisyon sa Kongreso, ano ba ang tawag kapag ayaw nang nababantayan o nasasabihan? Hindi ba, kailangan ng mga tagabantay sa gobyerno para walang mang-abuso at maiwasan ang korupsiyon?," dagdag pa ni Sanchez-Roxas. Ilang araw lang ang nakalilipas, matatandaang nagbiro ang Pangulong Duterte tungkol sa pagkidnap sa mga miyembro ng COA. Ang COA daw kasi ang rason kaya usad pagong ang mga proyekto ng gobyerno. "Ah p---- 'yang COA na 'yan. Letse kasi yung COA, everytime may mali talaga. Ano ba naman itong COA na ito?" biro ng Presidente. Pinahihirapan din daw ng COA ang mga publc officials. "Sino ba gusto makulong nang ano? Pero yung ano, pahirapan, 'yan ang ayaw ko, yang pahirapan," sabi pa ng Presidente. Source: Abante | News +Kaawa-awa ang sinapit ng isang 5-taong gulang na lalaki sa kamay ng kanyang madrasta. Base sa ulat ng ABS-CBN news, bugbog ang inaabot ng bata kapag tumatanggi itong manlimos. Ang nakukuha sa panlilimos ng bata ay ginagamit daw ng madrasta pang-alak. Ayon sa nakatatandang kapatid ng biktima, pinalo umano ng madrasta ang kanyang kapatid ng pako. Inamin din ng batang biktima na tinadyakan siya ng madrasta sa leeg at tagiliran. Kaalaunan ay namatay ang biktima. Madalas daw saktang ng madrasta ang biktima, sabi ng women's desk. Nahuli na ang salarin at inihahanda na ang kaso ihahain laban sa kanya. "Sinisipa siya sa hips, sa troat," sabi ni SPO1 Cyrail Seseh ng WCPD. Bumuhos naman ang reaksyon mula sa mga kababayan natins a sinapit ng bata. "Juskooo! Grabi nkakaawa yung baby.. RIP baby boy. Ako i have step daughter twins but i treat them as my daughter and they treat me as mother also, namatay kc mama nila nung 11 days old. Palang sila. Now they are 10 years old already Grade 4, pru before Minsan mapagalitan at mapalo sa pwet pru part lang yun nag pag discipline ko Minsan kc matigas ulo,. Pru love ko sila.. Kaya ngayon nag abroad ako para makaipon pang aral nila for college," - B. Nes "Rest in peace baby.. Hindi kn msasaktan.. Naiyak ako knina kse halos d kn mkatayo.. Kaedad mo lng anak ko kya sobrang nadurog puso ko.. Pahinga kn, your in God hands now, no more pain only happiness!!... At sa gumawa sau nyan.. Buhay kp pero nkhanda n ang impyernong kalalagyan moh!," - B. Joshua "Anong klaseng hayop tong madrasta na to, hindi pala hayop isang demonyo! Sana hanggang sa huling hininga mo makaranas ka rin ng paghihirap gaya ng mga ginawa mo sa bata," - P .Ley "di tunay na ina kaya walang pakialam...ginagawa sa ganyan babae dpat pila balde sabay bugbugin din...o paiyot sa 10 kabayo...hanapin yan dapat...sino makakita dyan sa babaeng yan malaya kau bugbugin," - E. Bautista Source: ABS +Sa kanyang talumpati sa San Jose del Monte City, Bulacan, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas ito ng Executive Order (eo) para tuluyan ng ipagbawal ang paggamit ng mga paputok kahit na bumaba ng husto ang mga nasugatan nitong bagong taon. Para sa Pangulo, isa sa mga rason kaya niya gustong maglabas ng kautusan ay para maprotektahan ang mga bata. Ayon pa sa Pangulo, hindi daw siya naniniawala na makakapagtaboy ng masamang espiritu ang mga paputok. "I will issue the executive order this early para warning na doon sa lahat that I am banning firecracker altogether... I will ban firecrackers. Wala na. Bakit ako papayag na noon 700 dead tapos maski isang bata lang mawalaan ng kamay. As a president, why would I allow it?" sabi ng Pangulo. Noong nakaraang taon, hiniling ng Palasyo sa Kongreso na magpasa ng batas para sa firecracker ban. Ayon sa Department of Health (DOH),mula Disyembre 21 hanggang Enero 4, 305 mga tao ang naitalang nasugatan dahil sa paggamit ng paputok. Ang mga datos ng mga nasugatan ngayon taon ay mas mababa kumpara sa mga nasugatan noong 2018. Matatandaang noong Hunyo 2017 ay naglabas si Pangulong Duterte ng EO No. 28 para limitahan ang paggamit ng paputok sa bansa. Ayon sa DOH, ang kautusan ng Pangulo ang isa sa dahilan kung bakit bumaba ng lubos ang mga nasugatan sa paputok. Basahin ang ilang reaksyon sa hakbang na gustong ipatupad ni Pangulong Duuterte tungkol sa pagbabawal sa mga paputok. Source: ABS | GMA | News5 +Ilang buwan matapos kasuhan ni Kris Aquino ng qualified theft, nagpaunlak ng panayam si Nicko Falcis sa ANCX para magbigay ng panig sa isyung kinasasangkutan niya. Sa naturang panayam, isiniwalat ni Nicko ang kanyang 18 na buwang karanasan bilang business partner/financial manager ni Kris Aquino. Ibinunyag din ni Nicko kung paano nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan. Isa sa mga nakatawag pansin sa naturang panayam ay ang pagsisiwalat ni Nicko na reyna ang tingin ni Kris sa sarili nito. Ayon kay Nico, gusto daw ni Kris na inaalagaan at pino-protektahan. "Specifically, she said, 'I wanted to be nurtured Nicko. I have to be supported. I am the queen. Yes. She said that 'the queen needs to be guarded at all costs. And you forgot that.'" sabi ni Nicko Ibinahagi rin Nicko ang tungkol sa paghihiwalay ng landas ni Kris at ng dati nitong istasyon na ABS-CBN. Ayon kay Nicko, lubos na apektado si Kris sa nangyari. Si Kris ay binabatiko ng ilang mga kababayan natin sa social media matapos aminin nito na nagpopondo siya ng mga anti-government bloggers. Isa sa mga bloggers na ito ay si Jover Laurio o mas kilala bilang si Pinoy Ako Blog (PAB). Basahin ang ilang reaksyon mula sa mga netizens sa sinabi umano ni Kris tungkol sa pagiging reyna. " Might need to get a psychiatric evaluation. On my personal and professional experience and opinion, Mga borderline personality ang mga nagpapacute ng ganyan," - E. Ramos "Queen??on what kingdom?pucha dka nga tnuring na reyna ng mga lalaki mo,kami pa kaya...lagyan mo ng korona c #thingkingpinoy mas bagay pa s kanya tingnan... Marami ang sumuporta sau nung pnahon na dpa lumalabas baho ng pamlya nyo,nagbago ang lahat nung kau mismo nagsiwalat at nagising ang mga pilipino..slamat sa makabagong teknolohiya na ayang nkatulong para lumabas baho nyo," - N. Silvestre "OMG! If the "spill out" was true, she sounded like something is really wrong up there. Shucks!!," - A. Leon "She need a kick fungi maybe ....### i like her before ( being a good mom to the two kids ) but since then because of the news its all nawala nah .... paboost naman jan !!!" - S. Lyrajen "Perhaps Kristita needs more than just a business partner to manage her business but "maybe" an all-in-one "partner" to "fill" the emptiness of having a "cold" "lonely" "nights" and "days" without a "REAL" partner! Tao lang din po si Tetay who needs a biological boost, lol.," - A. Sinoy Source: ANCx | ThinkingPinoy +Sapul sa video ang ginawang paghamak ng isang customer sa mga crew ng tinahan. Mapapanood sa video kung paano nito nilait ang mga naghahanda ng kanyang pagkain. Madidinig din sa video ang pagmamalaki nito na nanggaling daw siya sa Singapore. Ayon sa post ng Pinoy Viral Video Facebook page, pumila daw sa saradong counter ang lalaki kaya walang lumalapit na cashier dito. Naiyak na lang daw sa hiya ang crew dahil sa ginawa ng customer. "Alam ko yang mga style niyo ha! Mga B0b0! I was coming from Singapore. Ang babagal niyong kumilos. Biis! Ang pagkain ko! Ang pagkain ko! Ang babagal niyo," sabi ng Lalaki sa video. Habang isinusulat ang blogpost na ito ay umabot na sa mahigit 23,000 ang nagbahagi ng video at umani na rin ng mahigit 11,000 komento mula sa mga netizens. Mayroon na rin itong 1. million views. Basahin ang ilan sa mga opinyon ng mga kababayan natin sa inasal ng lalaki. "yabang mo hayop ka mag tataray akala mo kagwapohan peste pwra gaba yang pagmumukha mo tinerno mo pa ugali mo mukha kng mangkukulam," - Z. Divinagracia "tukmol na yan parang bagong ahon Sa libingan Ang boses sinungalngalan mo sana nang sandamakmak na sili bunganga.. di ako naniniwala sa policy nang customer na "The customer is always right," - M. Lomboy "Hahaha matandang. bakla panget at panget p ang ugali. All in one. Care ng mga crew if dto ka singapore galing.. B0b0 ka. Kht san kpa bansa mangaling oi. Ol0l pinoy kpa rin. Bastos," - A. Repullo "Tragis yan bwesit makamando eh akala mo hari ayus ahh lagyan mo lason pagkain nya.sarap tampalin ng sili pagmumukha nya"," - MJRose Source: Pinoy Viral Video +Sa isang ekslusibong panayam, humarap na sa GMA News ang atenistang basagulero na nambugbog ng kapwa niya estudyante sa loob ng palikuran sa Ateneo Junior Highschool. Humingi ng paumanhin ang ina nito pero ayon sa ulat ni Arnold Clavio, pangit-ngiti daw ang bata. Ayon sa tinagurian Ateneo BuIIy, hiling niya daw ay hindi dapat siya binatikos ng publiko dahil pinagtatanggol niya lang daw ang kanyang sarili. "I just wish na hindi nila sinabi 'yung mga sinabi nila in the first place. Kasi yung sinasabi nila na in-attack ko raw sa bathroom 'yung guy, eh sabay nga kaming pumasok. I'm just defending myself. Hindi naman ako nambuIIy for no reasoneh.," sabi ng basagulerong atenista. Ayon pa sa dismissed highschool student, nag mukha lang daw siyang agresibo sa video pero ang totoo daw ay pinagtatanggol lang daw niya ang sarili niya. "Para sa akin, hindi naman buIIying 'yung ginawa ko because I was also defending myself naman in a way, kaso nga lang, in the video, mukhang ako talaga yung mas aggressive," dagdag pa ng basagulerong atenista. Basahin ang naging komento ng ilang kababayan natin laban sa sinabi ng dismissed highschool student. "Nag public apology pero.. tintago ang mukha..??? Does it sincere? O Mema lng.. at wag mo nio nga kaming pinag loloko.. mukha bang dinepensahan nia lng ang sarili nia .. E kitang kita nman n sya ung nang provoke ng kawawang estudyante.. Wag kami GMA.. pera pera nlng ba tlga ang labanan sa media," - R. Abraham "Black belter ka, kahit sinong tao di ka hahamunin dahil yang kaalaman mo sa martial arts e pwede ng makapatay. Umiihi yung lalaki. Nagsasara na nga ng pantalon ng hamunin mo tapos sasabihin mo sabay kayo pumasok. May ginawa man sayong di maganda o wala di ka dapat ganyan. Pati magulang mo kinukunsinti ka. Di katwiran na bata ka. May isip ka na. Alam mo na ang tama sa mali. Wag mong bigyan ng excuse yang sarili mo at maling gawing excuse na bata ka. Malakas kasi kapit ng magulang mo e. Kaya ngayon iba na tugtugin ng media. Dapat sayo sa boys town ng magtanda ka," - J. Sotto "That's BS , your trying to apologize but your justifying your actions. It's not apology at all.," - R. Cabil "Pogi alam ng kaeskwela mo blackbelt k. Palagay mo hahamunin ka nya ng suntukan... next time kung mambubully k hanap k ung me alam sa self defense tulad mo....," - M. Mallari Source: GMA News +Nasira ang banal at sagradong okasyon para sa mga deboto ng Nazareno nang sumiklab ang gulo sa ilang namamanata. Sapul sa unang video kung paano nagkagulo sa gitna ng Traslacion 2019. Ayon sa caption ng Inquirer sa unang video, isang deboto at opisyal ng simbahan ang nagsuntuan, Nangyari ang buntalan sa kahabaan ng Vergara Street sa Quiapo, Manila habang hinihintay dumaan ang Black Nazarene. Sa ikalawang video na galing din sa Inquirer, makikita na sumama na sa away ang lagpas sampung katao. Nangyari daw ang gulo ng bansang ala-singko ng hapon. Isa ang nasugatan, pero nabigyan na rin ito ng lunas. Hindi pa alam kung ano ang pinag-ulan ng gulo. Ayon sa ulat, nag-usap na ang dalawang partido kasama si Quiapo church parish priest Msgr. Hernando Coronel. Basahin ang naging reaskyon at tugon ng mga netizens sa mga inasal ng ilang deboto ng Nazareno. "According to an expert, the poorest countries are also the most religious. Coz rather than being realists and solve life problems, they'd rather live their lives based on the superficial, evident in the ugali "bahala na lang ang diyos". And FYI, this does not reflect only on the Roman Catholic religion. There are some religions that urge devotees to give titings than spend it on more important things. This is just my opinion and you may agree to disagree," - W. Rosal "Patunay na pakitang taong pananampalataya....maraming araw para sa sampalataya sa poong Nazareno....hinde kailangan siksikan....sakitan.....nakawan...maluwag ang Quiapo Church araw araw. Hinde ganyan ang turo at aral ng Panginoon.," - B. Roforsado "Yan ang pinamana ng mga paring kastila sa ating mga filipino.. At dahil ayaw ni DR. Jose Rizal sa mga paring katoliko kaya pinapatay sya sa Luneta," - R. Diesta " Mga uto uto.....Matagal na kayong ginagag0 ng lahi ni Padre Damaso.Magbasa kyo ng biblia Exodus 20:3-5 na hindi ipinapangaral ng mga Pari pra kyo habang panahon na gawing TANG4 at SUNOD SUNURAN sa pang uuto nila sa mga katulad ninyo.Salot sa simulat sapol ang turo ng Kastila isipin mo ilang arsw ang idudulot na traffic sa buong NCR yang kagaguhang yan at ikinslat na basura.Sa halip na kumita yang mga taong nauto tuwang tuwa nman si Padre Damaso. HINDI NA Ito NAKAKABUTI. Pwe...," - C. Macam Source: Inq | Inq | Inq +Nakarating na sa kaalaman ng radio host na si Erwin TUlfo ang ginawang pagpopondo ni Kris Aquino sa mga anti-government bloggers. Sa kanyang programa, binanatan nito ang pinaggagagawa ni Kris. "Speaking of dilawan, lalong gumaganda ang drama ngayon parang teleserye. Ang reyna ng intriga at talakan na si Kris Aquino ay may bagong na raw title ngayon. Siya na po ang reyna ng mga boostings, pagbo-boost ng post. Bakit kanyo? Inamin po ni Madam Kris Aquino na nagbabayad siya para i-boost ang mga post nila Jover Laurio ng Pinoy Ako Blog at ng iba pang dilawan. Inain po ni Kris Aquino iyan, na siya ang nasa likod, na siya ang nagpo-pondo para i-boost ang mga posts nila Jover Laurio at ng iba pang mga dilawan. Iyan ang katothanan bayan. Kaya ngayon, maraming nagagalit kay Kris Aquino. Ikaw palang loko-loko ka ang nasa likod ng iyan. Winawaldas mo ang salapi para labanan ang Duterte Administration.," sabi ni Tulfo. Hindi rin nakaligtas kay Tulfo ang tila dalawang mukha ng aktress. Ayon kay TUlfo, sasabihin daw na hindi kaaway ang kampo ng mga Duterte pero pino-pondohan ang mga bloggers na kumakalaban sa administration. "Pero ngayon ang sinasabi ni Kris, 'friends naman kami ni kuya Bong Go'. Anong friends? Titirahin ng mga pinagbo-boost mo pagkatapos sasabihin mo suddenly, friends kayo ni kuya Bong Go? May friends bang ganun? Binabanatan nila Jover Laurio si Tatay Digs, binabanatan si kuya Bong Go, binabanatan ang pamilya niya, tapos ibu-boost mo ang mga posts?," dagdag pa ni Tulfo. Ang pagpopondo sa mga anti-DU30 bloggers ay inamin ni Kris sa comment section ng kanyang Instagram account ng tanungin siya ng isang user tungkol sa #PABoost isyu. Panoorin naman ang opinyon ng pro-government blogger na si Attorney Trixie Cruz-Angeles tungkol sa pag-amin ni Kris. Source: Erwin Tulfo | Luminous +Hindi nangustuhan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Pinol ang naging komento ni Vice President Leni Robredo tungkol sa plano ng kanyang ahensiya na nationwide dredging sa mga pangunahing ilog para maibsan ang mga pagbabaha at landslide. Ayon sa online news site na Politics.com.ph at sa radio program ni Leni, diskumpiyado ang bise presidente sa nasabing proyekto dahil posibleng magiging sanhi ng korapsyon ang proposal. "Naalala ko noong time yata ni Secretary Singson, dine-discourage yung desilting dahil nakita na pinagkukunan ito ng maraming korapsyon. Pinagmumulan ng marami korapsyon kasi hindi mo nakikita eh. Kasi hindi mo makikita dahil nasa ilalim ng tubig," sabi ni Leni. Sa Facebook post ni Pinol, sinabi ng kalihim na ang pagiging silted ng mga ilog ang dahilan kung bakit umaapaw ang mga ito at nakakasira sa mga sakahan tuwing umuulan o panahon ng bagyo. "These major rivers are heavily SILTED causing water to overflow the banks and destroy farmlands during the rainy months or the typhoon season," sagot ni Pinol. Nagulat daw si Pinol sa naging sagot ni Leni at nag-iisip siya kung ano pa ang dapat na pwedeng maging solusyon. "Vice President Robredo's reaction, however, left me dumbfounded and wondering what other options should be considered," dagdag pa ni Pinol. Dahil mas binibigyang-diin ang posibilidad ng korapsyon sa halip na ang magandang maibubunga ng paghuhukay ng lupa sa ilalim ng ilog, ipinamalas lamang ni VP Robredo ang isang mas makitid na pananaw at pag-unawa kung paano nararapat na kumilos at magtrabaho ang pamahalaan. "By giving more weight on the possibility of corruption instead of the benefits that the dredging of the rivers will bring, Vice President Robredo has exposed a narrow-minded perspective of how government should work and operate... The fear of corruption, however, should not tie our hands and prevent us from taking risks as government servants. If this is the kind of mindset our officials in government have, we will never be able to do anything or accomplish projects which would benefit our people," ayon kay Pinol. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging buwelta ni Pinol kay Leni. "What would you expect from the mouth of this ill advised and narrow minded VP? She is in the group of corrupt individuals so what to expect? How pity she is... Instead of pushing for a project for common good and be guardian for corruption free implementation. Perhaps people will find her useful in the end," - C. Doria. "Exactly. Anong klaseng logic meron yang "VP" na yan? Wag daw gawin dahil baka magkaroon ng corruption? E di wag na lang mag-undertake ng kahit anong project. At magsara na lang lahat ng ahensya ng gobyerno. At mauna na ang office of the VP dahil malaki ang chance na magkurakot dun dahil di nagcocomply sa FOI.," - R. Guzman. "She just prove herself a non sense government officials. Walang pakinabang ang taong bayan sa gaya nitong narrow minded and afraid to take risks for the good of the people. Nakakahiya. You must resign and repksced by more able real VP.," - E. Pau. Panoorin ang naging pahayag ni Leni tungkol sa paghuhukay ng lupa sa ilalim ng ilog. Source: Manny Pinol | News5 | Politiko | Biserbisyong LENI +Unti-unting naglalabas ng mahahalagang impormasyon ang kampo ni Nicko Falcis sa ginawang pagpopondo ni Kris Aquino sa mga anti-government/anti-DDS bloggers. Si Nicko Falcis ay ang dating financial manager ni Kris na kinasuhan ng aktres dahil sa pagdispalko umano sa pera nito. Ang mga akusasyon ni Kris ay mariing pinabulaanan naman ng kampo ng Falcis. Sa post ngayong araw ni Nicko sa kanyang Instagram account (nix722), binunyag nito na si Kris mismo ang nagbilin sa kanya na humanap ng MGA anti-administration blogger(s) para bigyan ng pondo. Ginawa raw ito ni Kris para protektahan ang umano'y "queendom" ng product endorser. "Your specific instructions were to identify anti-administration / anti-dds blogs and give them funds to protect your 'queendom' through fb boosts. In addition to the Kris Aquino FB Page, I boosted Jover Laurio's Pinoy Ako Blog page as an advertiser," sabi ni Nicko. Binuking din ni Nicko na si Kris ang nagpakilala sa kanya kay Jover Laurio (Pinoy Ako Blog). Ito ay kabaligtaran sa sinabi ni Jover na si Nicko ang lumapit sa kanya para i-boost ang mga anti-du30 blogposts. "YOU introduced her to me. Jover magically appeared in YOUR HOUSE when we were in a meeting," pagbubunyag ni Nicko. Isiniwalat din ni Nicko na pera ang ibinigay sa kanya ni Kris para hindi daw ma-trace o magkaroon ng paper trail ang mga transaksiyon. "You told me you will give me cash so that there will be no paper trail," pagsisiwalat ni Nicko. Ipinaalala pa ni Nicko kay Kris na isa siyang accountant at dokumentado ang bawat paggastos sa pondong ipinagkatiwala sa kanya. Mayroon daw siyang resibo ng mga Facebook boostings. "I used the cash you gave me properly, every peso and centavo. Remember, I'm an accountant, so there's proper FB documentation. There is no way that 'baka may nabulsa sa pondo.' I never stole from you, and you know that!," banat ni Nicko. Sa huli, sinabi ni Nicko na huwag ng i-bully ni Kris ang kanyang pamilya dahi hindi daw sila magpapabiktima sa aktress. Basahin ang mga komento ng mga kababayan natin sa bagong rebelasyon tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Kris at ni Jover. Source: Nicko Falcis | Sass | Luminous +Isang video ang kumakalat ngayon patungkol sa kababayan natin na nanghingi ng damit kay former Special Assistant to the President (SAP) Bong Go at tapos ay ginawang sapin ng kanyang bag. Sa panimula ng video ay may makikitang caption na "OMG (Oh My God), It's a trapo.". Mapapanood ang twitter user na si AG. (@alfreddygutz) na pumunta pa malapit sa sinasakyan na kotse ni former SAP Go at nagpanggap na hindi kritiko para maka-hingi ng t-shirt. Maririnig na nagpasalamat pa ito kay Go nang makuha ang gusto. Ayon sa beki, nakahuli daw siya ng traditional politician. Hindi pa nakuntento at minura pa ang dating aide ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nangyari daw ito sa La Union. "It's Bong Go! Charot! Ako din! Ako din! Ako din! Thank you! I caught a trapo. UL0I," sabi nni Twitter user alfreddygutz. "Share ko lang yung trapong nakuha namin for free sa La Union from Bong Gag0," banat pa niya sa kanyang Twitter account. Ayon sa Facebook at Twitter account ng nagmura kay Ex-SAP Go. Siya daw ay nagtapos ng kursong architecture sa University of the Philippines Diliman at Sun Life Financial Advisor. Base rin sa kanyang Facebook profile, ang kumpletong pangalan niya ay Alfred Gutierrez. Si Go ay tatakbo sa 2019 mid-term elections bilang senador. Kamakailan ay nag labas ng pekeng balita ang mga kritiko ng administrasyon laban kay Go. Ayon sa Anti-DU30 Twitter account na AltGovPH, bumagsak daw ang sinasakyang helicopter ni Go. Dahil sa paninira kay Go, naglaan ang grupong Truth and Justice Coalition ng P50,000 pabuya sa sinumang magkakapagturo sa mga taong nasa likod ng nasabing account. Dinagdagan din ng socio-political online group na Mindavote ang pabuya ng P20,000. Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa ginawang pagpapasikat ni Gutierrez. Source: Alfreddygutz | DZRH | Alfred Gutierrez FB +Sa isyung kinakaharap ng Department of Foregin Affairs (DFA) tungkol sa pagtangay ng dating passport maker sa mga pribadong datos ng mga kababayan natin, isa sa mga sinisisi ngayon ni DFA secretary ay ang mga dilawan. Ayon sa kalihim, isang dilawan na babae ang naging parte ng problema. Ang terminong dilawan o yellow ay kadalasang ginagamit ng mga taga-suporta para ilarawan ang mga taga-Liberal Party. Ang dilaw ay ang kulay ng Partido Liberal. Sa isang social media post, sinabi ng kalihim na iimbestigahan niya ang mga dilaw dahil sa passport deal. Ayon pa sa kalihim, hindi lang dilaw ang sangkot sa passport isyu kundi berde din. Wala din daw makakapigil sa kanya sa gagawin niyang imbestigasyon. Mayroon din daw isang babaeng dilawan ang sangkot sa kontrobersiya. Sino kaya ito? Marami ding mawawala sa mga dilaw, ayon kay Sec. Locsin. Panoorin niyo po ang ilang ulat na may kaugnayan sa kontrobersiya sa paggawa ng passport. Source: SFA Teddy Locsin +Sa isang pahayag sinisi ni Senadora Risa Hontiveros ang gobyerno ni Pangulong Duterte patungkol sa passport data issue. Ayon sa senadora, "gross incompetence" daw ang ginawa ng kasalukuyang pamahalaan pagdating sa pagprotekta sa pribadong datos ng mga tao. Matatandaang pumutok ang isyu ng pagtangay ng passport data ng dating outsourced passport maker nang ibunyag ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. "The recent admission that a privately contracted firm took the entire physical database of all of the country's passport holders indicates a serious national security risk, and is evidence of the Duterte government's gross incompetence in protecting the people's private data," sabi ni Hontiveros. Sa isang tweet, sinagot ni Secretary Locsin ang mga boladas ni Hontiveros at sinabing hindi nangyari ang isyu sa passport sa ilalim ng Duterte Government. Sa mga serye ng tweets, sinisi ni Secretary Locsin ang mga dilawan at ang mga dati pang administrasyon patungkol sa sigalot sa passport data. Sa panayam noon ng media kay dating foreign affairs secretary Allan Peter Cayetano, nilinaw ng dating kalihim ang problemang kinahaharap ng DFA. Source: SFA Teddy Locsin | INQ +Hindi lang umento sa sahod ang ipinagkaloob ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, pati mga dekalibreng bahay ay ipinamahagi sa mga magigiting nating sundalo't pulis na sumabak sa Marawi City para labanan ang mga Maute Brothers. Sa kanyang talumpati sa San Jose, Bulacan, kinilala ng Presidente ang hirap at sakripisyo ng pwersa ng gobyerno. Umabot sa 100 bahay ang ipinamigay sa mga tropa ng pamahalaan. Ayon sa ulat ng People's Television Network (PTV), dekalidad ang pagkakagawa sa mga bahay at may desenyong mala-condominium. Ang isang unit ay 24 square meters ang laki pero nilinaw ng mga arkitekto nito na dalawang units ang ibinahagi sa bawat isang awardee na sundalo't pulis. Mayroon din livelihood center ang lugar. Matatagpuan din ang isang covered court sa pabahay. Ang pabahay ay bahagi ng comprehensive social benefits program ng gobyerno. Sa taong 2019, 13 housing projects ang balak itayo ng pamahalaan para sa mga tropa ng gobyerno. "This housing units that we turn over today to the desreving recipients. It is testament to this administration's resolve to provide our uniformed personnel, and their families, not only just and decent shelter, but also a home where they can build their dreams for brighter future," sabi ni Presidente Duterte. Ipinangako naman ng National Housing Authority (NHA) na magiging tuloy-tuloy ang paggawa nila ng magandang pabahay. "The one hundred units may not be enough for everyone, but NHA will continue to construct decent housing for everyone. Something that is near, something that it beautiful and good, and something that is spacious," pahayag ni NHA General Manager Marcelino Escalda Jr. Ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin ang pag-aalaga ng kasalukuyang gobyerno sa mga sundalo at pulis. " Kung ganito lang sana ibinabalita ang mga magagandang pangyayari Sa pilipinas Sa araw araw at hinde kasinungaligan maraming pilipino ang magigising Sa mahimbing na pag kakatulog napaka ayos ng gobyerno ngayon sa kasalukuyan." - M. Yosa "atay digong ung mga polobi po sa lansangan bigyan nyo din ng chance para wala ng polobi sa daan makikita, taas din ang mga sahod sa provnce damihan ng trabaho para hinde na mag siksikan sa manila ned tlga Federalismo." C. TIbong "They deserved that good job PRRD and PTV for showing this in public:)" - M. Waker "DESERVING NAMAN PO SILA..RISKY ANG TRABAHO NG MGA SUNDALOT PULIS..HINDI MO ALAM KUNG BUKAS E BUHAY PA SILA. DUTERTE GIVES IMPORTANCE SA MGA SUNDALOT PULIS PERO.MERON PADING HAYOP SALOT AT ANAY SA KANILA" - L. DM Source: PTV +Sa isang talumpati, hindi nangimi si Pangulong Rodrigo Duterte na banatan ang mga nagpapatakbo ng mga hotels at business establishments sa paligid ng Manila Bay. Ayon sa Pangulo, kung hindi maglalagay ng water treatment system ang mga ito ay mapipilitan siyang ipasara ang mga hindi susunod. Handa rin daw ang gobyerno sa pagkaunti ng turista kung sakaling ipasara ang mga naturang hotel at negosyo. Matatandaang noong nakaraang taon ay inanod ang basura pabalik sa sea wall ng Roxas Boulevard matapos ang malalakas na alon. Ayon sa isang ulat, sinabi ng Presidente na karamihan sa mga basurang nakokoleta ay galing sa mga turistang nakatira sa mga hotels malapit sa Manila Bay. Kinukunsidira naman ng pamahalaan na gamitin ang pondo mula sa bubuwagin road board para maisaayos muli ang Manila bay. Ayon sa datos mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), umabot na sa 330 million MPN per milliliters ang coliform level sa Manila Bay. Ang coliform level ay bacteria mula sa dumi ng tao at hayop. "So, mga hotel, 'yung palabas niyo mga tae ng mga turista... Kaya ko ang tae ng Pilipino pero kung tae ng kung sinu-sino diyan. Lagyan ninyo ng water treatment ang hotel ninyo. Kapag hindi, sarhan ko 'yan... Huwag ninyo akong hamunin. Kung wala tayong turista, eh di wala. Hindi naman tayo mamamatay... You do something about your waste there, otherwise I will close you. Sigurado yan ," sabi ng Pangulo. Sa isang ulat, umalma naman ang ilang business owners sa banta ng Presidente. Hindi daw patas na isisi lang ang basura sa mga hotels at mga establisimiyento. "We are not sure as to why we were singled-out. Because, alam naman natin that the there also other contributory factors to the waste in Manila Bay," pahayag ng business owners. Nilinaw naman ni Environment Undersecrertary Sherwin Rigor na hindi nila pinag-iinitan ang mga hotels at negosyo sa Manila Bay Area. "Part lang sila doon sa sinusuri namin, at hindi lang po sila, kasama ang industriya, kasama ang mga government institutions," sagot ni Rigor. Source: Eagle News | One News | MB | RMN +Itinampok sa programang Tutok Erwin Tulfo ang modernong sasakyang pandagat na makakapabigay ginahawa sa mga kababayan natin. Ang MV XGC EXPRESS ay ferry ng 1Bataan Integrated Transport System. Ang ferry ay maaring magsakay ng 300 katao. Bumababiyahe ito ng apat na beses kada araw mula Pasay papuntang Orion, Bataan. Halos walang ginastos ang gobyerno sa naturang proyekto dahil nasa ilalim ito ng Publi-Private Partnership (PPP). Ayon sa Presidente ng 1Bataan Intergrated Transport System na si Attorney Gary Palmero, galing Japan ang sasakyan. Kumportable daw ang pagbiyahe sa ferry dahil hindi masikip. Mapapansin sa video na mayroon itong individual seats, fully airconditioned, may mga TV at internet connection ang MV XGC EXPRESS. May business class section din ang naturang ferry. Aabot lang sa P450 paasahe sa modernong ferry, mas mataas na kaunti sa bus na may P300 na pamasahe, pero mas maginhawa naman ang pagbiyahe. "Ito ay binili galing Japan, at talagang pinili siya para makapagbigay ng magandang serbisyo sa taga-Bataaan at taga-Manila na din. Mas kumportable, hindi siya masikip, pwede kang matulog kung kailangan mo, lalo na paggaling ka sa trabaho. Tinake-in consideration natin ang mga pasahero natin para kakaibang experience. Kung pwede lang five-star, five-star experience," sabi ni Atty. Palmero. Ayon sa mga nangangasiwa sa passenger vessel, sumusunod daw sila sa regulasyon ng gobyerno at sinisigurado ang kaligatasan ng mga biyahero. "Sumusunod kami as safety regulations... Lalo na sa operation ng passenger, laging standard. Mayroon kaming maritime, 2, minsan may pulis, may coastguard, minsan 4 ang escorts namin. Walang problema, safety ang tao," pahayag ni Capt. Rowy Esterella ng MV EGC EXPRESS. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa proyekto. Source: Erwin Tulfo +Sa Facebook page ng Department of Transportation (DOTr), ipinaalam ng ahensiya sa publiko ang modus ng ilang kawatan na nagnanakaw ng ng materayales at bakal sa riles ng Philippine National Railways (PNR). Huli sa akto ng PNR Civil Security Office ang 11 salarin habang binabaklas ang ang mga track materials ng PNR. Base sa impormasyon na binahagi ng DOTr, nangyari ang insidente ng pagnenenok noong Enero 10, 2019 sa PNR Carmona SPur Line. Ayon sa PNR, hahabulin nila ang sinumang grupo o mga indibiduwal na mapapatunayang nagnanakaw ng gamit ng PNR. Inanyayahan din ng PNR ang mga kababayan natin na isumbong ang mga katulad na gawain sa pinakamalapit na himpilan ng kapulisan o ng PNR. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawa ng mga kawatan. "good job po. putulan ng kamay ang mga magnanakaw na yan," - S. Nards "Sana po maipasa na frustrated murder ang kaso ng mga illegal na nagbabaklas ng riles ng tren. Higit sa abala, delikado ang derailment accidents at nakamamatay," R. Sui "Mga loko din hindi nila naisip pag gumanda na byahe ng tren dadami turista , bibili ng lupa sa lugar at magiging komersyal at trabaho," - E. Mendoza "tsk tsk... tindi nyo men... buwis ng mga manggagawang Pilipino yan tapos gaganyanin nyo. Mahiya kayo!," - J. LRSC "Good job sa paghuli ng mga yan! Mga anay ng lipunan.. inde magwork ng tama. Inaayos na nga riles pr mapaunlad ang bayan at mabigyan serbisyo nakakarami. Haaay naku...," -M. Lawas Source: DOTr +Isang masigabong palakpakan ang naging tugon ng mga nakikinig sa talumapti ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin niya na magkakaroon ng umento sa sahod ang mga guro. Sinabi ng Pangulo ang pahayag na ito sa groundbreaking ceremony ng Gregorio Del Pilar National Highschool sa Bulacan. "I am willing to strike a deal in the presence of Seceretary Briones, sa mga maestra, you can choose a date January, bilisan lang ninyo, then we can make an agreement or manifesto, or choose whatever kind of documents, kayo ang isusunod ko this year. Kayo ang pinakamarami," sabi ng Pangulo. Nilinaw ng Presidente na nakaplano na talaga ang umento sa sahod ng mga public school teachers pero napilitan siyang unahin taasan ang sweldo ng mga sundalo dahil sa mga banta sa seguridad sa ating bansa. "Inuna ko na ang sundalo dahil alam ko na ang mangyayari. Nasilip ko na ang future. And it will cost lives at marami dito ang mamamatay. Inunahan ko na sila. The intelligence, the way they are picturing it, puputok ito. Pumutok nga, kaya medyo ipit ako ma'am ," ani ng Presidente. Nagbabala naman ang Presidente na hindi makakatanggap ng dagdag sweldo ang mga guro na kumikiling sa mga makakaliwang grupo. "I can maybe accomodate your representative, punta kayo sa Malacanang. Wag yung left, ayaw ko yung left. Magsabi pa sila na hindi sila komunista. Magbolahan pa tayo, galing ako diyan. I've been a socialist all my life," dagdag pa ng Pangulo. Plano rin raw ng Presidente na bigyan ng libreng pabahay ang mga guro at nakikipagugnayan na ito kay Budget Secretary Benjamin DIokno. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging pahayag ng Presidente. "Kaya majority ng mga Filipino mahal po kayo tatay Digong, ok lang po sa amin kahit palagi kang nag mumura maganda namn ang inyong ginagawa sa bansa," - S. Villas "Ung mga anti du30 na guro wag nyo pong tangpapin ung increase ng sahod nyo..hehehe," - L. Agujetas "Kung ganun..salamat po Mr PRESIDENT... wag naman po sanang un 1000pesos na increase ay gawin ding hulugan na umabot ng 3 years bago mabuo...Tondo High School Teacher here..with 65students per section for 5sections plus 1 advisory class..tenchuuuuu," - L. SUmang "sana magkatotoo. kung alam lng sana ni tatay jan nadadali ang teacher sa pagloloan, bahay, edukasyon ng anak sana my skolarship si anak ng ticher sa PAMPUBLIKONG UNIBERSIDAD," - J. Lai "Napka swerte nyo Sa panahon ni dadee digs spoiled kayo. Kaya kayong mga teacher sana maganpanan nyo bilang pangalawang magulang ng mga batang estudyante at hinde mga pasaway na kung ano anong walang kwentang prodject ang hinihingi nyo Sa mga estudyante! Good job dadee digs ashiteru ," - M. Yosa Source: PTV +Trending ngayon ang balita tungkol sa bagong kabit na CCTV cameras sa baggage handling area ng Ninoy Aquino Interantional Airport (NAIA). Sa pamamagitan nito ay makikita na ng mga biyahero kung paano pino-proseso ng mga tauhan ng paliparan ang kanilang mga gamit mula sa baggage carousel area ng paliparan. Ipinakabit ito ng mga nangangasiwa sa paliparan para matugunan ang reklamo ng ilang pasahero. Matatandaang naging malaking isyu noong nakaraang taon ang nakawan na nangyari sa Clark International Ariport kung saan ang bagahe ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay binuksan at nilimas ng ilang tauhan ng nasabing paliparan. Ayon sa ulat, mayroon isang CCTV feed monitor sa bawat carousel sa lahat ng NAIA terminals. Ang halaga ng surveillance cameras at monitor ay humigit-kumulang 1 milyon piso. "Ang claim ng mga pasahero na dumarating ay minsan ay binabalibag ang bagahe nila at sinasabi na tina-tamper, o may mga pagna-nakaw. Isa iyan sa mga initiatives namin na ipakita sa mga dumarating na pasahero na ang mga bagahe ay dapat i-handle ng maayos... Minsan siyepmpre ang mga tao sa baba ay minsan napapagod siguro. Hindi maayos nahahawakan ang mga bagahe, ayan ho ay made-deter ho sila (dahil) buong arrival ay nakikita sila. Isa ito sa makakatulong sa pagha-handle ng mga bagahe. Pagdating dito, punit na o bukas na ang mga bagahe, may mga ganoong pangyayari. Pero dito mami-mishandle ang bagahe, maiiwasan natin 'yun," sabi ni Manila Internatonal Airport General Manager Ed Monreal. Ito po ang binabanggit namin na insidente ng pagnanakaw sa Clark International Airport na nag-viral noong nakaraang taon dahilan kung bakit kinansela ng Duterte Gvoernment ang kontrata ng MIASCOR, ang airport service provider ng paliparan. Panoorin kung paano tinutugunan ng Presidente ang insidente. Basahin ang ilang komento tungkol sa improvement sa NAIA mula sa mga kababayan natin. "Nakakatuwa. Kahit hindi ako die hard ni Pres. D, hanga ako sa political will niya pati sa mga kawani niya. 1m lng pla may pagbabago na, noon billion billion ang nakukurakot wala tayo napapala. Congrats prrd," - M. Bartosis "Para sa mga anti digong kung labas pasok kayo ng bansa pagawa kayo ng sariling airport wag nio idaan jan mhiya nman kayo birada ng birada sa du30 administration tpos nkikinabang nman kayo sa mga nagawa nlang improvement," - J. Abarquez "Ok na ok yan! Pero mas ok kung tayong mga filipino marunong maghintay behind the yellow line hindi nmn lahat pero madami padin ang hindi sumusunod.," - L. Lenamae " Tama yan lahat naka cctv at ang mga walang pusong nagnanakaw sibak agad dahil Kaming ofw dugot pawis, homesick ang puhunan para maibilhan ng konteng pasalubong ang pamilya," D. Bauzon "dapat lng n ganyan kasi minsan sira2x n bagahe nmn nawawala p ang iba..binabayaran nmn yng bagahe nmn so dapat ingatan rin sana.pinaghirapan nmn yan s ibang bansa pra lng may maibigay s aming mga anak o mga pamilya," - L. Bebelone Source: News5 | ABS-CBN +Sa kanyang talumpati sa San Jose del Monte City, Bulacan, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas ito ng Executive Order (eo) para tuluyan ng ipagbawal ang paggamit ng mga paputok kahit na bumaba ng husto ang mga nasugatan nitong bagong taon. Para sa Pangulo, isa sa mga rason kaya niya gustong maglabas ng kautusan ay para maprotektahan ang mga bata. Ayon pa sa Pangulo, hindi daw siya naniniawala na makakapagtaboy ng masamang espiritu ang mga paputok. "I will issue the executive order this early para warning na doon sa lahat that I am banning firecracker altogether... I will ban firecrackers. Wala na. Bakit ako papayag na noon 700 dead tapos maski isang bata lang mawalaan ng kamay. As a president, why would I allow it?" sabi ng Pangulo. Noong nakaraang taon, hiniling ng Palasyo sa Kongreso na magpasa ng batas para sa firecracker ban. Ayon sa Department of Health (DOH),mula Disyembre 21 hanggang Enero 4, 305 mga tao ang naitalang nasugatan dahil sa paggamit ng paputok. Ang mga datos ng mga nasugatan ngayon taon ay mas mababa kumpara sa mga nasugatan noong 2018. Matatandaang noong Hunyo 2017 ay naglabas si Pangulong Duterte ng EO No. 28 para limitahan ang paggamit ng paputok sa bansa. Ayon sa DOH, ang kautusan ng Pangulo ang isa sa dahilan kung bakit bumaba ng lubos ang mga nasugatan sa paputok. Basahin ang ilang reaksyon sa hakbang na gustong ipatupad ni Pangulong Duuterte tungkol sa pagbabawal sa mga paputok. Source: ABS | GMA | News5 +"Kung ano ang puno, siya ang bunga," Hindi pinalagpas ng prominenteng mamamahayag na si Ben Tulfo ang nanay ng Ateneo BuIIy matapos lumabas sa exclusive interview sa GMA News para magpaumanhin sa ginawang pambubogbog ng anak nito. Sa kanyang programang Bitag LIVE nitong Enero 10, 2019, sinita ni Tulfo kung paano humingi ng paumanhin ang nanay ng Ateneo buIIy. Binanatan ni Tulfo ang paggamit ng nanay sa pagiging bata ng anak nito. "Sabi ng nanay, hindi daw sapat 'yung masakit, or talagang gibang-giba, o devastated, kasi yung pangarap ng isang magulang sa anak ay pinutol ng Ateneo. Anak ka ng tipaklong ikaw na nanay ka rin. Doon mo makikita kung anong klaseng magulang... Ang may problema ay 'yung magulang. Kung ano ang puno, siya ang bunga. At kung ang puno ay may deperensiya, sa dahon palang makikita mo kahit wala pang bunga," sabi ni Tulfo. Hindi rin nakaligtas kay Tulfo si Arnold Clavio at ang asta ng paghingi ng paumanhin ng Ateneo BuIIy. "Arnold are you listening? Kasi ang tanong mo sa bata, 'Ikaw ba ay nagsisisi sa ginawa mo'. Ang sabi ng bata, 'A-ha'. Anong 'a-ha'?... Arnold Clavio, naisahan ka ba ng bata o scripted lang ang mga tanong mo?" dagdag pa ni Tulfo. Ito po ang exclusive interview ni GMA News talent Arnold Clavio sa mag-ina. Panoorin kung paano ginamit ng ina ang pagiging bata ng anak niya para dipensahan ito. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang mga netizens sa opinyon ni Mr. Tulfo. Source: BITAG +Kumakalat ngayon sa social media ang mga screenshots ng usapan ng Dilawan / anti-DU30 Blogger na si Jover Laurio (aka Pinoy Ako Blog) at ang dating financial manager ni Kris Aquino na si Nicko Falcis. Sa mga screenshots na nagva-ciral ngayon, mababasa na pino-pondohan ni Nicko ang mga Facebook posts ni Laurio upang umabot sa mas maraming tao ang mga inilalathala anti-Duterte posts ni Jover. Matatandaang naging laman ng balita kamakailan lang si Nicko dahil inakusahan ito ni Kris ng pagdispalko sa kanyang pera. Ang mga akusasyon ni Kris ay mariing pinabulaanan naman ng kampo ni Falcis. Sa isa namang screenshot, makikita na magkakasama sa isang group chat sina Jover, Nicko at Kris. "Si Kuya, the former finance guy ni Kris Aquino, ang lumapit sayo para i boost ka? Haha ano kala mo sa mga Pilipino, naive at pinanganak kahapon! Awww ang close nyo pala, ang cute nyo! Kaya pala mega defend ni Jover Laurio si Kris Aquino against Mocha Uson, Jay Sonza, at iba pa! Ayun kahit pribadong tao tulad ng Kuya ko, nag blog si Jover at pumanig sa side ni Kris Aquino kahit presumed innocent ang Kuya ko. San na napunta ang due process na iniiyak mo against EJKs and Duterte, Jover Laurio?," sabi ni Attorney Jesus Falcis, ang kapatid ni Nicko Falcis. Hindi tuloy maiwasan ng pro-government blogger at university lecturer na si Sass Rogando Sasot na ikonekta si Kris sa isyu. Pinopondohan daw ba ni Kris si Jover Laurio? Isa sa mga pina-boost ni Jover ay ang artikulo nito laban kay Sasot. "IS KRIS AQUINO FINANCING JOVER LAURIO? Jover Laurio to Nicko Falcis the ex financial guy of Kris Aquino: 'Nicko, puwede paboost naman nito, please?' Boost = pay Facebook to make sure the post reaches a lot of people. Saan kukuha ng pera si Nicko Falcis? Kailangan pa bang i-memorize yan??," sabi ni Sasot. Dumepensa naman si Jover sa mga ipinaparatang sa kanya. Hindi daw siya nanghihingi ng card. "I asked a new card from you? When the screenshot reveals na nagkwento lang ako na hindi tinanggap ang card ko sa boosting hence I need a new one? Saang part diyan na humingi ako ng card sa yo?," sabi ni Jover. Para maging klaro sa inyo ang nangyayare, panoorin ang video sa ibaba. Source: Sass | Falcis | Byron +Sa isang pahayag, sinabi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria "Joma" Sison na bukas daw ang mga komunista na makipagdayalogong muli para sa usaping pangkapayapaan pero ang numero uno daw nilang paroyoridad sa taong 2019 ay ang pagtanggal kay Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon nito. "The NDFP (National Democratic Front of the Philippines) is authorized to be open to peace negotiations with the current and prospective regime of the reactionary government but its principal work now is to work for the ouster of the Duterte regime," sabi ni Sison. Matatandaang noong nahalal bilang Pangulo si Duterte, isa sa mga gustong mangyari ng Presidente ay magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at sa mga makakaliwang grupo para mawaksan na ang 5 dekadang pag-aaklas ng mga makakaliwa. Sa katunayan, pinakawalan pa ang mga nakakulong na top leaders ng mga rebeldeng komunista para dumalo at makibahagi sa mga peace talks. Pero dahil umano sa paglabag sa mga unilateral ceasefire, nag-desisyon na ang Presidente na itigil na ang pakikipag-usap sa mga rebelde. Matatandaang hindi tumugon ang Duterte Government sa dineklarang unilateral ceasefire ng mga bandido nitong holiday season. Ayon kay Departmet of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, gagamitin lang daw ito ng mga rebelde para mandukot ng mga tropa ng gobyerno. Kamakailan lang ay hiniling ng gobyerno sa korte na ideklara bilang terorista ang CPP at ang armed wing nito na New People's Army (NPA). Basahin ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natins a binabalak ni Sison at ng mga alpores nito. Alam niyo na kung sino ang makikinabang pag natanggal si Pangulong Duterte sa pwesto kung sakali. Source: CNN Philippines +Maari umanong mapulbos na ng tuluyan ang mga New People's Army (NPA) sa Agusan Del Norter at Bukidnon ngayong 2019. Ito ay pahayag ni 4th Infantry Division Commander Major General Ronald Villanueva sa panayam sa kanya sa media company na DZRH. Ayon kay Major General Villanueva, madami-dami na daw nagawang hakbang ang kasundluhan para makubkob ang mga rebeldeng komunista sa mga nasabing lalawigan, kaya lubos na naniniwala ang 4th infantry division na mapupuksa na ng tuluyan ang mga bandido grupo ngayong taon. "Possible. Kasi sa 2018 pa lang ay malaki-laki na ang nagawa natin. It is just a foloow-up or sustained the efforts of the military. This year, this should be complimented bu a whole-of-government or a whole-of-nation approach," sabi ni Villanueva. Kamakailan lang ay binanggit ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez Jr., na mauubos na nga ang mga bandido ngayong 2019. Ang kampanya laban sa mga NPA ay ipinangakong itutuloy naman ng kasalukuyang Chief of Staff ng AFP na si Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr. Ang pagpuksa sa mga rebeldeng komunista ay alinsunod din sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kaugnay na balita, 2 ang nadedo sa panig ng mga NPA sa mabundok na bahagi ng Bukidnon at ng Agusan Del Sur matapos matuklasan ang lungga ng mga NPA. Nakumpiska sa nasabing lugar ang ilang armas. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin tungkol sa magiging lagay ng mga NPA sa 2019. Source: DZRH +Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbubukas ng NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10 PROJECT , ipinaalam ng Presidente sa publiko na hindi dapat ikini-credit ang mga proyekto ng gobyerno kahit kaninuman. "Before anything I"d like to talk about this penchant of political commentators and politicians themselves, to just say a few words for them, that we are not into a claim and credit syndrome," ani Presidente Duterte. Ang dapat daw bigyan ng pasasalamat ay ang mga taong nakibahagi para maisakatuparan ang proyekto at ganun din ang mga Pilipino. "All of the projects that we undertake and will do for the rest of my term be - -- give our gratitude to the builders, to the contractors, the partners of government and to -- we place it in the name of the people of the Republic of the Philippines.," ayon pa sa Pangulo. Ang mga proyekto daw ay naging posible dahil sa pera ng taumbayan kaya hindi dapat ito ikredito kahit kanino. "We do not claim any... Just because we mentioned it in passing sometimes it"s not because that we are claiming any credit. Nobody can claim credit in the name of the people, it is their money and for all of us. Iyon lang ho just a reminder to...," dagdag pa ng Presidente. Ang NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10 PROJECT ay ang bagong expressway na na magiging daan para mapabilis ang biyahe ng mga motorista mula Valenzuela patungo ng Camloocan. Ayon kay Department of Pubic Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, ang biyahe daw na isang oras dati ay matatapyas ng husto at magiging 5 minuto na lang. Ang expressway ay may anim na lanes. Source: VOVph +Sa panayam kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jacinto Paras sa programa ng mamamahayag na si Erwin Tulfo, isiniwalat ni Paras na si Senador Antonio Trillanes daw ang magiging nominee ng MAGDALO Partylist group para sa kongreso. "Siguro Erwin baka pwedeng tulungan kasi napakalakas ng appeal mo sa publiko. Tulungan natin na huwag iboto itong Mr. Trillanes. Kasi ngayon pagka-senador, lumipat naman sa pagka party-list member. Hindi siya nag-file pero nag-substitute siya at nag giveway ang isang MAGDALO member. Paano magtatrabaho ito kung haharapin niya ang karami-raming kaso pagkatapos niya maging senador," sabi ni Paras. Natanong tuloy ni Tulfo kung saan nakuha ni paras ang impormasyon niya tungkol kay Trillanes. Magugunitang sinabi ni Trillanes na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon pagkatapos ang termino niya sa senado. Ang maikling sagot ni Paras ay sinungaling daw si Trillanes "Sinungaling iyan siya eh! Sinasabi niya maraming pera ang ating Pangulo pero hindi niya na-aprubahan," ani Paras. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pagbubunyag ni Usec. paras. "Binoto ko yang hayop na yan noong 2013, nagsisisi talaga ako. But this time kilala na pagiging hayop at demonyo ng trililing na yan. No way," sabi ni N. AlaCabs. "Pag yan nanalo pa, wala na ko masasabi sa mga kapwa natin pilipino! No to trillianes No to magdalo party list," sabi ni A. Bogs. "Katakut takot kpag nanalo yang Magdalo Partylist na yan...Si trillanes kasi imbes mgtrabaho ng maayos,malamang kung anu ano na nmang mga issues against administration ang ippadiscuss nyan sa congress.kaya ang bagal ng pag-asenso d2 sa atin kasi kung anu ano pa ang mga isinisingit na issues pra pagusapan. Kung gus2 mkatulong tlaga sa bansa,gawin nya ito ng tama at sa tamang paraan. Pampagulo lang si trillanes sa pag-angat ng bansa ntin e," sabi ni E. Mirabel. "kilala na ng tao si trillanes panahon na para bomoto tayo ng mga bgong karapat dpt.wag na tayong pagamit sa,mga paawa ng mga katulad ni trilling kya nanalo yan ay dahil ndala tayo sa awa sa knya.isama na yamg.pangalan.na yan sa inidero doon.yan.bgat para umusad at umunllad pa,lalo ang MAHARLIKANG PILIPINAS," sabi ni R. Llanita. Source: Erwin Tulfo +Sapul sa lente ng TV Crew ang ginagawang pagdumi ng isa nating kababayan sa may breakwater sa may Baseco Beach. Kinilala ang dumumi sa may Baseco Beach na si April Dela Cruz. Ayon kay Dela Cruz, nagpapahangin lang daw siya nang biglang sumakit ang bahagi ng kanyang katawan. Kahit ganun pa man hindi pa rin alintana ng ilang kababayan natin na lumangoy dito. Pinaalalahanan naman ng otoridad ang mga kababayan natin na huwag munang lumangoy sa Manila Bay dahil peligroso pa ito habang hindi pa tuluyang nalilinis. Magugunitang nagkaroon pa ng bayanihan para sa clean-up ng Baseco beach. Kaya hindi napigilan ng ilang kababayan natin na batikusin si Dela Cruz. "Para kang nag hilamos sa inidoro na mas malinis ng konti. Typical squatter lalo na yung bakla," sabi ni M. Adonis. "Yaks kadiri Kong saan saan nalang dudumi kaloka... Tapos sisi nu Kay pangulo lahat n a probelma NG bansa... Dapat simula mismo sa mga sarili natin... Hindi Na tayo bata Para mag isip bata...," sabi ni P. Maluyamaluya. "Ambaboy nung bakla amputa! Ang tanda mo na alam mo na siguro kung saan ka dapat dumudumi hinayupak ka! babuuy!!! eeeeewww!!!!," sabi ni A. Villegas. "Wala na sanang kaso maligo gusto niyo yan eh..ayaw papigil basta hwg niyo lng lapastanganin at babuyin ang dagat hwg na kayong nagkakalat nakita niyo nmn malinis na yan... respeto lng sana sa kalikasan..," sabi ni N. Dale. "prang aso lang c bakla ang galing ano po. dhil yan kasuhan ng gobyerno gawing janitor fish s baseco! nililinis nga tataihan mo nman dugyot.," sabi ni D. Yalong. "NAGPAHANGIN LANG KASI NAMAN. SIYEMPRE PINASOK NG LAMIG HAHAAHAH SUMAKIT AHAHHHAH," sabi ni C. Norombaba. "Ang lapit ng robinson d ka maka punta.don ka mag cr libre lng doon. Elagay sa tama ang basura," sabi ni C. Buizon. Source: ABS +Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo DUtert eang pagbubukas ng NLEX Harbor Link Segment 10. Ito ay isang 5.65-kilometer elevated expressway na kokonekta sa Valuenzuela hanggang Caloocan. Ang kalsada ay mayroong din anim na linya. Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary, Mark Villar, ang isang oras na biyahe daw mula sa Valenzuela papuntang Caloocan ay magiging 5 minuto na lang. Sa talumpati ni Presidente Duterte sa pagbubukas ng expressway, tinawag niya itong "heaven". "This will definitely improve access and mobility in the area and result in greater socio-economic gains for our industries and communities. I am hopeful that the remaining portions of the NLEX Harbor Link Project will be completed within the next two years," sabi ng ating Pangulo. 60 kph ang minimum speed limit sa naturang kalsada at ang maximum naman ay 80 kph para sa mga trucks at 100 kph sa mga class-1 na sasakyan. Ayon kay Villar, inaasahan nilang 30,000 na sasakyan ang dadaan sa bagong expressway. Magiging libre sa loob ng 3 linggo ang pagdaan Harbor Link "Kaya ang tawag dito ay harbor Link dahil connected sa port. And ang expectation namin ay more than 30,000 a day ang dadaan sa Harbor Link. So napakalaking bagay sa decongestion ng Metro manila," ani DPWH Sec. Villar. Panoorin ang talumpati ni Pangulong Duterte sa pagbubukas ng Harbor Link. Source: GMA | CNN Philippines | Presidential Communications | Mark Villar +50 armadong rebeldeng komunistang New People's Army ang namerwisyo sa Mindoro. Winasak at sinunog lang naman nila ang hydro power project site ng Sta. Clara Power Corp (SCPC). Pinasok daw ng mga rebelde ang SCPC Power Plant compound ng alas-3 ng hapon at sinunog ang power plant. Ilan pa sa mga sinunog ng mga makakaliwang rebelde ay 3 Volvo articulated dump trucks, 1 backhoe, 2 KIA service vehicles, 1 fuel truck, 2trucks, 2 loaders, 2 transit mixers, 2 mobile cranes, 1 crawler crane, 1 batching plant at 1 crushing plant. Kinundina naman ni Maj. Gen. Rhoderick M. Parayno ang kabalbalang pinagagawa ng NPA. Ayon kay Parayno, paglabag sa International Humanitarian Law ang ginawa ng NPA. "The NPAs have violated, and is continuously violating IHL to prevent the people to develop, enjoy development and remain poor and hard up so that they will forever be under the clutches of insurgency," banat ni Parayno. Ayon naman kay Commander of the 203rd Brigade Col. Marceliano V. Teofilo, ang elektrisidad na malilikha sana ng planta ay makatutulong sana sa mga tribal communities. Ginawa din daw ito ng NPA para lituhin ang mga tropa ng gobyerno na humahabol sa mga terorista. "The Communist NPA Terrorists have already destroyed it and they are hampering the developments in Mindoro province," sabi ni Teofilo. Base pa sa ulat ng Philippine News Agency, ninakaw din ng mga rebelde ang apat na laptops, dose na handhel radios, dalawang cellphones, isang shotgun at isang 9-mm na pistola. Ang NPA ay ang armed-wing ng Communist Party of the Philippines (CPP). Ang CPP ay itinatag ni Jose Maria Sison na kasalukuyang nasa Netherlands. Source: PNA +Nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng Phiippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Dr. Banjo Rufo De Guzman, isang emplyado ng Department of Health (DOH). Isinagawa ang operasyon sa mismong condo unit ni De Guzman. Sa ilang ebidensiya at video na nakuha ng PDEA, mapapanood na nakahubad pa si De Guzman habang nagtuturok ng bawala na gamot sa sarili. 50 gramo ng shabu, 5 bote ng ecstacy ang nakumpiska sa bahay ni De Guzman "Siya yung supplier and at the same time siya yung nag-aadminister nginjectible shabu... May mga info kasi kami na afte nila gumamit ay nagse-sexual orgy sila," sabi ni PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz. Arestado din sa opersyon ang university varsity player na si Angela Flores. Nasakote din si Francis Fajardo na isang events organizer. Si Fajardo daw ang supplier ng mga droga sa mga concerts. Ayon kay De Guzman, user lang daw siya at nahihiya siya sa kanyang pinagta-trabahuan. "Kahihiyan sa work. Nag-use po ako. Hindi po ako supplier," ani De Guzman. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa balitang pagkakasangkot ng doktor sa kalakaran ng bawal na gamot. "Naalala ko nung elementary ako.. May subject kami DARE. at ang slogan 'say no to drugs'...nagtataka ako sa inyo mga users kayo. Alam na ninyong masama ang dulot. Sige pa rin kayo. Dumaan ako nghighschool at college. At meron ako maging mga kaibigan at kaklase. Talaga nmn mga user at mga adik. Pero hindi ako sumasama sa masama ng gawa nila. Kaya ako hindi ko hinanap yan. Dahil nasa tao yan. Lagi natin tatandaan. Sa droga walang panalo lagi kang talo.. Walang successful. Stop na. Finish na.," sabi ni M. Gahaman. "SAYANG Lang DIPLOMA nimo DOCTOR...Walang UTAK ka pla..kasing laki lng ng mongo UTAK mo...mabuti pa akong walang DIPLOMA..dahil ALAM kung MALING MALI ANG DRUGA," sabi ni A. Medidas. "DOH doctor pasimono?saan nayong mga educate nyo sa tao na ang drugs ay makakamatay?bakit buhay kapa?," sabi ni C. CUbin. Source: ABS +Binabatikos ngayon ng ilang kababayann ang nagin pahayag ni MADGALO Congressman at Otso Diretso senatorial candidate Gary Alejano tungkol sa mga nadiskubreng bloke-bloke ng cocaine sa karagatan sadalampasigan ng Davao Oriental at Nueva Ecija. Ayon kay Alejano, ito raw ay senyales na palpak ang paglaban sa droga ng kaslukuyang gobyerno. Ang mga cocaine bricks na nakumpiska ay nakakahalaga ng P200 million. "Pagkatapos ipagmalaki ng administrasyon ang mga tagumpay umano ng drug war policy nito, patuloy naman ang pagpapasok ng bulto-bultong ilegal na droga sa ating bansa... The drug war is a failure," sabi ni Alejano. Banat pa ni Alejano, tanda raw ito na kumpiyansa daw ang mga durugista na maipasok ang droga sa bansa dahil hindi daw sila hinahabol ng gobyerno. "Three years of government's crackdown on illegal drugs and thousands of drug suspects killed did not deter the continuous entry of drugs in our country. Those who continue to bring in illegal drugs are obviously confident that the government will not go after them," boladas ni Alejano. Hindi naman pinalampas ng mga kababayan natin ang bagong pahayag ni Alejano. Ayon sa ilang netizens, paano magiging failure ang drug war kung may nadidiskubre at nakukumpiskang droga? Source: MB +"No, Kris Aquino. This is not going to be the first and last that you will address this (issue), kasi napakasinungaling mo!" Matapos umamin si Kris Aquino sa kanyang Instagram account na nagbibigay siya ng pondo sa mga anti-Duterte bloggers, hindi ito nakaligtas sa mga maaanghang na batikos mula sa mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isa sa bumatikos kay Kris ay si Sass Rogando Sasot, lecturer sa Maastricht University. Ayon kay Sasot, magulo ang mga sinabing dahilan ni Kris sa isyu. Sa kanyang live Facebook video, hinimay ni Sasot ang mga hindi tugmang pahayag ni Kris sa totoong nangyayari. Ayon kasi sa sagot ni Kris, walang siyang isyu sa mga Marcos, pero agad itong pinasinungalingan ni Sasot. "Ang daming mong disclaimer, na huwag isama si Bongbong (Marcos). Eh ano ba ang mga posts ni Pinoy AKo Blog? Di ba marami siyang against kay Bongbong," sabi ni Sasot. Binanatan din ni Sasot ang pagiging mapagmanipula umano ni Kris. Matatandaang isa sa mga pina-boost ni Pinoy Ako Blog kay Kris ay ang artikulo laban kay Sasot. "Saka nakakaloka ka! Ngayon kung sa tingin mo ay troll ako, eh gaga ka pala, eh bakit ka nagme-message ka sa akin sa Instagram? Dahil sinabi ko sa iyo na mayroon tayong common person sa buhay natin, yung taga-ayos mo ng buhok na roommate ko before sa Makati. Nag-message ka sa akin, ang civil-civil mo... Binigay mo pa yung cellphone number mo at sinabi mo na makipagkita sa iyo. Samakatuwid kung ako ay troll sa buhay mong trantadang kang babae ka, bakit gagawin mo sa akin ito," dagdag pa ni Sasot. "Walang specific instruction to attack Bongbong Marcos, pero inatake ni Pinoy Ako Blog using your money si James Deakin for simply doing a gig with BBM and saying na he talks to everyone including Kris Aquino? PLASTIC." banat ni Sasot. Source: Sasot +Dahil siguro sa pangungulit ng mga netizens sa isyu ng #PABoost, umamin na si Kris Aquino na nagbibigay siya ng pondo para sa mga anti-government bloggers tulad ni Jover Laurio (Pinoy Ako Blog). Ang pag-amin ay ginawa niya sa comment section ng kanyang Instagram account. Ayon kay Kris, ginawa niya lang daw ito para protektahan lang ang kanyang kuya na si dating Pangulong Noynoy Aquino laban sa mga trolls. Ibinilin din daw niya sa kanyang dating financial adviser na si Nicko Falcis na kaibigan umano niya si Bong Go at hindi niya daw kaaway ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Wala din daw siyang isyu sa mga anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sa Facebook post ni Falcis, ikinatuwa niya ang pag-amin ni Kris at pinabulaanan niya ang sinabi ng aktress na kaibigan umano nito si Bong Go at walang isyu sa Duterte Family. "Straight from the horse's mouth. Pahiya kayo lahat mga trolls and haters. Eat your words! Hahaha! Pero peke yung part about Bong Go and Duterte. Doble kara ka girl! Act pa more," sabi ni Falcis. Ang pag-amin ni Kris ay umano ng negatibong reaksyon mula sa mga taga-suporta ng Pangulo at lalong-lalo na sa mga pro-administration bloggers tulad nila RJ Nieto AKA Thinking Pinoy at Sass Rogando Sasot. Ayon kay Thinking Pinoy, hindi nagtutugma ang mga sinabi ni Kris sa mga nangyayari. Ito naman po ang naging reaksyon ni pro-government blogger at Maastricht University lecturer Sass Sasot sa isyung ito. Source: TP | Sasot | Falcis | Jesus Falcis Blog +Ipinahayag ng aktres na si Gretchen Barreto ang kanyang "simpatya" sa dating project manager ni Kris Aquino na si Nicardo "Nicko" Falcis. Si Falcis ay kasalukuyang humaharap sa mga reklamong "qualified theft" at paglabag umano sa "Access Devices Regulations Act" na isinampa ng mismong "Queen of All Media" laban sa kanya. Ayon kay Kris, ginamit umano ni Falcis ang kanyang company credit card para sa personal nitong mga gastusin. Sa Instagram post ni Gretchen Barreto ay makikita ang isang artikulong may headline na "Nicko Falcis swears Kris Aquino said: 'PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO'". Ganito ang nakasulat sa post ni Gretchen: "I feel for Mr. Nicko Falcis after reading this article. I salute him for his courage to speak the truth, fight for his family name and reputation in spite of the threat to his life". Pahabol pa ni Gretchen, "No to bullies!!!! STOP POWER TRIPPING". Ano'ng masasabi niyo rito mga kaibigan? Source: INQ | Gretchen Barreto +Update: Sumagot na si Kris sa isyu ng pagpopondo kay anti-du30 blogger Jover Laurio (Pinoy Ako Blog). Umamin ang aktress na pinondohan nga niya. Basahin ang kanyang pag-amin dito. Ilang oras lang ang nakakalipas ay nag live sa kanyang mga social media account si Kris Aqino at ang kanyang legal team para pag-usapan ang isyu patungkol sa dati niyang financial manager na si Nicko Falcis. Matatandaang kinasuhan ni Kris si Nicko dahil umano pagdispalko ng financial maanger sa pera ng aktress. Maluha-luhang tinalakay din ni Kris ang tungkol estado ng kanyang kalusugan at ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Kapansin-pansin sa naturang video na hindi nag-komento si Kris sa isyu tungkol sa #PABoost. Ang #PABoost isyu ay tungkol sa pagpopondo umano ni Kris sa anti-government blogger at kritiko ni Presidente DUterte na si Jover Laurio aka Pinok Ako Blog (PAB). Sa mga naturang leaked chat conversations na inilabas ng kapatid ni Nicko na si Attorney Jesus Falcsis, makikita na tumatanggap ng pondo si PAB kay Nicko na may hawak ng credit card ni Kris. Basahin ang reaksyon ng ilang pro-government bloggers sa hindi pag-komento ni Kris sa isyu ng #PABoost. "So, to recap. Kris Aquino went Live on various socmed platforms, had her lawyers "argue" against the Falcis brothers. Then, she made an announcement. With great drama she says she was not entirely truthful about her disease (but she "did not lie," daw, ha) but that she has a form of lupus and that she is allergic to everything that can cure her. Then she went on to say that the admission might cost her 5 pending contracts. But ... Anyway she starts crying about her boys...and then says she should not be stressed or she might die (her sons might "lose her") Then she announced she is flying out to Singapore tomorrow for 14 days and that she is quitting all forms of socmed bec her doctors say she might get stressed. Then ended the Live. Interesting that she did not address the PAB issue. Made no mention of the Falcis revelation that she was funding the virulent anti Admin posts. There is a principle in evidence that says, that when the occasion calls for a Denial and one does not, then one's silence is an admission. Kris had the chance to loudly deny funding PAB. But SHE DID NOT. Make your conclusions now. sabi naman ng Pro-Duterte lawyer na si Atty. Trixie Cruz-Angeles. "Daming hanash ni Kris, di na lang sagutin kung destabilizer sya. Calling the companies who hire her, please don't get an endorser who is a destabilizer. Unless she is able to clear herself, everyone should know that destabilization efforts ruin the economy, which is bad for your business," sabi naman ni Krizette Laureta Chu. Source: Kris | Luminous | TP | Mocha | Krizette Chu +Bago matapos ang 2018, inilabas ang survey ng social weather stations (SWS) kung saan nakakuha ng "very good" na marka si Panguloong Rodrigo Duterte. Sa naturang survey, 74 porsyento ng mga Pilpino ay nagsabing satisfied sila sa pagganap ng Presidente sa kanyang tungkulin, habang 15 porsyento naman ang nagsabing hindi sila satisfied. 11 prosyento ang nagsabing, hindi sila makapag-desisyon. Ang survey na ito ay ginawa ilang linggo bago ang naging kontrobersiyal na pahayag ng Pangulo tungkol sa kasambahay nito noong kabataan pa niya. Kaya gustong malaman ng Yahoo Philippines kung ano na ang opinyon ngayon ng mga tao sa Presidente matapos ang kontrobersiyal na pahayag nito. Sa online poll ng Yahoo Philippines noong Disyebre 31, 2018, tinanong nila ang mga tao kung nasisiyahan pa ba sila sa Pagkapangulo ni Presidente Duterte. At mukhang hindi natinag ang mga tao sa nakakagulat na pahayag ng Pangulo. Habang isinusulatnag blog post na ito, nakakalap na ng mahigit 67,000 na boto ang online poll. 84% ang nagsabing satisfied sila sa presidency ni Pangulong Duterte, 16% naman ang hindi sumang-ayon at 0% ang undecided. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa comment section ng Yahoo Philippines. Source: Yahoo +Kasabay ng pagkalat ng #PABoost isyu, lumabas din ngayon sa social media ang kasal ng anti-government blogger na si Jover Laurio (Pinoy Ako Blog). Kapansin-pansin sa kanyang wedding invitation na ilang kilalang personalidad mula sa mundo ng media at politika ang kanyang mga wedding sponsors. At ang karamihan pa sa mga ito ay mga kilalang oposisyon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Para magkaroon kayo ng ideya kung ano ang #PABoost isyu, basahin ang kaugnay na artikulo dito.) Ilan sa mga kilalang politiko sa kanyang invitation ay sina Vice President Leni Robredo, Senador Risa Hontiveros, Antonio Trillanes, Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Congressman Gary Alejano. Makikita rin sa imbitasyon sina Rappler CEO Maria Ressa at si Kris Aquino. Isa sa madalas na binabanat kay Jover ng pro-government blogger at university lecturer na si Sass Rogando Sasot ay ang sinabi noon ni Jover na isa lang umano siyang ulam vendor. Pero malinaw na ngayon na may koneksyon pala ang taong ito sa ilang politiko sa oposisyon. Matatandaang may pinahapyawan na blogger si Attorney Jesus Falcis na tumatanggap daw ng P25,000 mula sa isang crazy rich asian. Hindi pinangalanan ni Falcis ang blogger. Pero noong panahon na iyon ay nagkakagirian na sila ni Jover dahil sa isyu ni Kris Aquino at ng kuya ni Jesus na si Nicko Falcis, dating financial manager ng aktress. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa wedding invitation ni Jover. Source: 1 | 2 | 3 | +Itong mga nakaraang araw, nagsilabasan ang mga screenshots ng mga pag-uusap umano ng anti-government blogger na si Jover Laurio (Pinoy Ako Blog) at ang dating financial manager ni Kris Aquino na si Nicko Falcis. Ang mga screenshots na ito ay galing sa kapatid mismo ni Nicko na si Attorney Jesus Falcis. Laman ng mga chat conversations ang tungkol sa pagpo-pondo para i-boost ang mga social media posts ni Jover sa Facebook. Ang pag-"boost" ng Facebook posts ay ang pagpapabayad sa Facebook para lalong makarating sa maraming tao ang isang social media post. Karamihan sa mga bino-boost ni Laurio na mga posts ay mga laban sa mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilan sa mga binabanatan ni Laurio sa kanyang mga posts ay ang mga pro-government bloggers na sina RJ Nieto aka ThinkingPInoy, Sass Rogando Sasot at si dating Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson. Lumabas din ang mga screenshots ng viber group chat kung saan magkakasama sina Jover, Niko at si Kris. Ang pangalan ng group chat ay Resibo Group. Mapapansin na aktibo si Kris sa nasabing group. Ang mga rebelasyon na ito ay hindi tinantanan ng pro-government blogger at Maastricht University lecturer na si Sass Rogando Sasot. Sa kanyang social media account, sinabi nito na dumadami na ang mga ebidensiya na si Kris nga ang pumupondo sa anti-government blogger na si Jover. At dahil si Kris Aquino ay isang product endorser, natanong tuloy ni Sass kung pinapayagan ba ito sa kontrata ni Kris sa mga produktong ine-endorso nito. "Dear Companies Sponsoring Kris Aquino: There's mounting evidence that Kris Aquino finances anti-government blog Pinoy Ako Blog. Is this allowed in your contract with her?" sabi ni Sasot. Ayon naman sa website na GetRealPhilippines (GRP), wala naman daw masama sa pagtanggap ng pondo. Ang masama daw ay ang hindi pagiging tapat ni Jover. Gusto daw ni Jover na lumabas na isang independiyente at walang pinapanigang blogger. "'Don't get me wrong. Accepting funding is not evil'. What is wrong with what Laurio did was she was not transparent about it. She should have informed her readers that her blogs are being sponsored by Kris Aquino. We already know that she is a staunch Aquino and Liberal Party supporter so why hide it? Because Laurio wanted to keep the image of being "independent" before the public as long as possible. She wanted to be perceived as non-partisan, which she definitely is not. She also wanted to keep projecting the image that she is penniless obviously to attract more pity and sponsorship. Another reason Laurio had to keep it a secret is perhaps Kris Aquino didn't want her name to be associated with her blogs. But one of the screenshots provided by Falcis includes Aquino in a chat group with Laurio. They were cooking up something," sabi ni Ilda ng GRP. Habang isinusulat ang blog post na ito ay walang pang sagot ang kampo ni Kris sa isyung ito. Panoorin ang opinyon ng isa pang blogger patungkol sa kontrobersiya na ito. Source: Sass Rogando Sasot | Jesus Falcis Blog | GRP +Sa papalapit na panahon ng kampanya para sa 2019 midterm elections, iba't-ibang taktika at pamamaraan ang ginagamit ng mga kakandidato. Mayroon gumagamit ng tradisyunal para makapanghikayat ng mga botante, ang paglalagay ng mga posters. Ang ilan naman ay ginagamit ang kapangyarihan ng social media para mas maraming taong makakita ng kanilang mensahe. Isa ngayon si senatorial candidate at ex-presidential candidte na si Mar Roxas ang nagpaparamdam na sa mga netizens natin. Sa video na inilabas niya sa kanyang Facebook page, sinasabi ng dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tatakbo daw siya muli sa politika, hindi para sa sarili, kundi para sa kinabukasan ng bansa. "It's not anout me. It's not about anyone. It's about how we love our country. How we do all that we can for her. She is the only one we have,"sabu ni Roxas sa panimula ng kanyang video. Sa video ni Roxas, isinalaysay niya kung paano nagbago ang kanyang buhay matapos ang pagkatalo niya noong 2016 presidential elections. Mas nagkaroon daw siya ng mahabang oras sa mga kapamilya at itinuturing niya daw ito na "most enjoyale moments" ng kanyang buhay. "Mula noong 2016, nagbago na ang anyo ng buhay ko. More time with the family, live away from the public life, at panahon para mag-enjoy kasama ang mga mahal sa buhay. Tese have been some of the most enjoyable moments in my life," kwento ni Roxas. Marami din daw siyang mga nakasalamuha at nakausap na mga tao sa iba't-ibang parte ng lipunan. Nakakita din daw siya ng mga taong gustong tumulong ng kusa sa mga kababayan natin. Nasa harap na daw ng mga Piipino ang pinakamahusay na mga araw. Nilinaw din niya na hindi karugtong ng presidential elections ang pagtakbo niya sa senado. "Ang aking pagtakbo ay hindi round two ng 2016, Ang aking pagtakbo ay tungkol sa ating mga kababayan, sa ating kinabukasan, at sa ating magandang parating," dagdag pa ni Roxas. Naniniwala ba kayo sa mga sinasabi ni Mar? Source: Mar Roxas +Para kay opposition senator Antonio Trillanes, mapapahiya lang daw si Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling ipa-subpoena ng punong ehekutibo ang kanyang ina. "Duterte is threatening to subpoena my mother. Just do it and let it be another humiliating episode for you," sabi ni Trillanes. Ayon sa senador, hindi daw siya kaya ni Pangulong Duterte kaya ang nanay niya na lang daw ang tina-target. "Mahirap dito kay Duterte hindi lang ako kaya, kaya ang Nanay kong may sakit ang pinagdidiskitahan. Sige lang, do your worst while I count the days," banat pa ni Trillanes. Nakadamayan na talaga ng magulang ang dalawang magka-away sa politika. Matatandaang, binanggit dati ni Trillanes na kaya lang daw pumasa si Pangulong Duterte sa abogasya ay dahil nilakad ito ng tatay ni Pagulong Duterte na si Governor Vicente Duterte. "Sorry sa San Beda College of Law, but I am not impressed with your product which is Mr. Duterte... Ang kailangan review-hin kung nakapasa ba talaga ng bar itong si Duterte. Baka nilakad lang ito ng tatay niya kasi governor ang tatay niya noon," ani Trillanes. Ang boladas ni Trillanes ay agad binutata ng Pangulo. Ayon sa Presidente, matagal ng patay ang kanyang ama noong nakapagtapos siya sa kolehiyo. Magugunitang sinabi ng Pangulong Duterte sa isa sa kanyang talumpati na ipapa-subpoena niya ang nanay ni Trillanes dahil sa mga naging transaksyon nito sa Philippine Navy. Source: GMA +Kinumpirma ng Palasyo ngayon araw na hindi pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang pinagsamang Senate Bill No. 1477 and House Bill No. 8239 o binansagang'anti-palo' bill na naglalayon na pagbawalan ang pamamalo o pananakit sa mga bata bilang pagdidisiplina. Ang naturang panukalang batas ay inihain ni opposition senator Risa Hontiveros. Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, gusto daw ng Pangulo na magkaroon ng otoridad ang mga magulang sa kanilang mga anak pagdating sa pagdidisiplina sa mga ito. "Yung paternal authority sa bata nandoon [sa mga magulang], sila unang magdi-discipline sa mga anak nila. 'Wag lang yung sobra... Alangan namang ikaw papabayaan mo anak mo iba bubogbog," sabi ni Medialdea. Base naman sa pahayag ni dating Special Assistant to the President Christophe Bong Go, isa sa mga rason ng Presidente sa pag-vetoed sa panukalang batas ay dahil ayaw sundan ng Pangulo ang nauuso sa mga bansa sa kanluran. Pabor ba kayo sa naging hakbang ng Malacanang ukol sa panukalang batas na ito? Source: MB | ABS | ABS +Nakitaan ng probable cause ng Pasay Prosecutor ang kasong inciting to sedition laban kay Senador Antonio Trillanes. Ang kaso ay nag-ugat sa talumpati ng senador noong Oktubre 3, 2017 kung saan inakusahan ni Trillanes ang Pangulong Rodrigo Duterte na may P2 billion transaksyon sa bank account nito at pag-uudyok umano sa mga sundalo na barilin ang Presidente. Ang kaso ay isinampa ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Jacinto Paras na ngayo'y labor undersecretary. "Kung makikita ito ng mga sundalo, M60 machine gun ang gagamitin sa 'yo. Marami-rami itom maubos magazine kung P40 million hinahanap mo Mr. Duterte," sabi ni Trillanes sa kanyang speech. Panoorin ang ulat mula sa ABS-CBN tungkol sa bagong kaganapan sa kasong inciting to sedition laban kay Trillanes. Panoorin ang isang panayam kung saan sinabi muli ni Trillanes na M60 machine gun ang aabutin ni Pangulong Duterte sa mga sundalo. Basahin ang mga reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa bagong sigalot na kinakaharap ni Trillanes. "yan ang medisina sa taong nagmamarunong na hindi nagbabasa,. ung isang pahina palang ng libro ang nabasa kala mo alam na lahat ng nilalaman ng buong libro,. putak kasi ng putak may mga batas pong sinusunod ang bawat pilipino sir mambabatas ka wag ka sanang mang mang o ayan sabihin mo nanaman inaataki ka ni Digong,. kung maniwala sila sayo,. abay marami na kayong mang mang," sabi ni J. Pamansag. "Dahil sa kabunganga yan ang mapapala sayo trililing patay nanaman ang demokrasya sa pinas," sabi ni R. Ranan. "Yari ka ngayon marami kang kaso ngayon n sa june 30 2019 hindi kna Senador. Weather2 lang yan.," sabi ni A. Lubay. "so panu ba yan serrr malupit pagdating sa batas ang binangga mu bawat pitik nang bunganga mu pweding pwedi gamitin laban sayo.. kaya lahat nang mga kritiko ni pduts mag isip2 na kayo at tumulong nalang kng paanu mapaunlad ang bansa," sabi ni R. Padronia. Source: ABS +Kasabay ng pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Long Distant Telephone (PLDT) na ipapasara ang kumpanya kung hindi idadagdag ang hotline 8888 sa kanilang trunklines, isiniwalat din ng Presidente na mayroong utang na P8 billion ang telecommunicatin company sa gobyerno. Ang pagbubunyag na ito ay ginawa ng Pangulong Duterte sa PDP Laban Cebu Campaign Rally. "The present setup can't accommodate all the calls. It's always busy. Tell PLDT. If not, I'll shut down their business. Oo, that's true. I don't want to brag, but they owe government eight billion. No President has ever asked for payment," pagsisiwalat ng Presidente Dahil sa pahayag ng Pangulong Duterte, naglabas ng pahayag ang PLDT at sinabi gagawa daw sila ng hakbang para maisaayos ang hotline 8888 sa kanilang network "We are currently taking steps to address the concern expressed by the President to improve the public's access to the Citizen's Complaint Center 8888 hotline number," sabi ni Ramon Isberto, tagapagsalita ng PLDT. Ito po ang ilan sa naging reaksyon ng netizens sa mga sinabi ng Pangulong Duterte laban sa PLDT. "Langya pldt o! May utang pala kayo sa gobyerno pro pag kami d nakabayad agad putol agad!!," sabi ni Z. Dking. "Pati Globe kasi mas malakas pa ang connection ng mga chismosa kaysa Globe," sabi ni N. Rabaja. "Kilangan na talaga ipasok ang chinese at korean telecom sa bansa ng d na tayo mgka problema sa signal 200mbps kompara sa PLDT,GLOBE,SMART na 8mbps lang ang regular kong gsto mo mapalakas 10mbps tapos dagdag singil pa?galing tlga mg negosyo kya d uunlad ang pilipinas mllugi tlga ang mahihirap dahil sainyo," sabi ni O. Ver. Source: ABS | ABS +Naglabas ng pahayag ang Philippine Long Distant Telephone (PLDT) Company matapos sila pagbantaan na ipapasara ni Pangulong DUterte sa isang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Cebu City. "We are currently taking steps to address the concern expressed by the President to improve the public's access to the Citizen's Complaint Center 8888 hotline number," sabi ni PLDT head of public affairs Ramon Isberto Nag-ugat ang pagbabanta ng Pangulo sa telecommunication company bunsod sa serbisyong binibigay ng PLDT sa citizens' complaint hotline 8888. Gusto ng Pangulong maging mas epektibo ang naturang hotline laban sa korapsyon. "If you see corruption, tell me. Call 8888. Bong [former Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go], add another trunk line. The present setup can't accommodate all the calls. It's always busy. Tell PLDT. If not, I'll shut down their business," banat ng Pangulo sa harap ng mga tao sa Cebu City. Itinatag ng Duterte Government ang hotline 8888 para maging sumbungan ng publiko laan sa mga korap at hindi nagtatrabahong government officials. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging pagbabanta ng Presidente sa PLDT. "very poor service of pldt. i had been many times calling their repair service for my unserviceable pldt line. it took them 3 to 5 days to act on my complaint. I have been paying my pldt bills and yet my phone is many times not operational," sabi ni D. Pobar. "laging busy kasi pag tumatawag ka sa pldc pag may problema sa internet, ngayon pa nga lang nawawala wala na internet, (intermittent) ang bagal mag loading... samantalang ung bill nandyan na agad hindi pa katapusan ng buwan ah.. grabe sa bill. ADVANCE samantalang connection nila bagal-bagal," sabi ni L. Silva. "Si PLDT pg 1 day kang d bayad after due wala ka na connection at pag ang PLDt 1month 2 months tuloy ang bill walang bawass ,,,tawag dun scammer meron pa cla nalalaman na requested approval pa katagalan wala na tuloy tuloy bill pahirapan pahhirapan ka talaga! The best PLDT so weak!," sabi ni A. Avelino. Panoorina ng buong talumpati ni Pangulong Duterte sa Cebu City. Source: GMA +Tutol ang Archdiocese of Manila sa mga pinaplanong reclamation projects sa Manila Bay. Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, ang makikinabang lang daw dito ay ang mga mayayaman aat mga banyaga. "We, in the Archdiocese of Manila, are against the Manila Bay reclamation due to ecological grounds. It is against ecology... It is a project for the rich and foreigners while the poor will suffer due to congestions and floodings in Manila,"sabi ni Pabillo. Sabi pa ni Pabillo, dapat daw ay dalhin sa probinsya ang mga proyekto at huwag puro sa Maynila lang. "It is against the poor since it will concentrate projects in Manila rather than spreading it out in the provinces,"dagdag pa ni Pabillo. Noong Nobyembre 2018 ay pinirmahan nila Manila Mayor Joseph E. Estrada and Pasay City Mayor Antonino Calixto memorandum of agreement (MOA) para sa Manila Bay reclamation project. Layon ng proyekto na makalikha ng trabaho at mapalago ang ekonomiya. "Not only will these reclamation projects substantially increase the revenues of our city, it will also generate approximately 500,000 new jobs for our residents...So in a sense, these reclamation projects are the answer to our prayers. We will be able to provide decent jobs opportunities to our citizens... With this milestone project, we are getting close to achieving our dream of regaining the City of Manila's old title, the Pearl of the Orient. This will mean a lot to us in terms of revenues, and employment and business opportunities," sabi n Estrada sa kanyang talumpati sa Manila City Development Council Convention. Panoorin ang binabalak na maambisyong reclamation project na may panagalang Manila Bay City of Pearl Project. Source: MB | BM +Ito na ata ang unang pagkakataon na binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang People Power Movement. Sa kanyang talumpati sa 1st National Assembly of Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, binanatan ng Prresidente ang pagiging elitista ng nasabing pagkilos. "Ang sinabi ko lang nitong sa military pati pulis, kayo rin kasi, may move power -- power movement diyan ang mga -- 'tong mga mayaman, mga... Eh 'di ito silang -- kita mo nga spokesman nila saan nakatira? Sa Forbes Park. Kuno. 'Di ba 'yung crowd ni Roxas. 'Yan sila ang -- mga elitista. Tapos 'yan sila ang magpower-power movement," sabi ng Pangulo. Tila napagalitan din ni pangulong DUterte ang pwersa ng gobyerno dahil sa pagsali sa mga pagkilos.. "Tapos kung kayo naman military pati pulis, sumasali kayo tapos sabihin niyo, 'O dito kami sa kampong ito.' And you have done that several times. So that ibigay mo doon sa... Kanino mo i-turn over ang gobyerno? Doon sa kalaban niya sa pulitika. Anak ng boss -- you better stop it. Kung ganun 'wag kayong makialam if that is your habit. What for?," banat pa ng Pangulo. Ayon sa Pangulo, kung magkukudeta din naman ang mga pwersa ng gobyerno. Humanap daw ng mga matatalino na hindi politiko o kaya ay maghanap ng magagaling sa hanay ng milita. "Sabi ko kanila kung mag-kudeta kayo, mag-mutiny kayo, 'wag mong isauli sa pulitiko isauli mo sa Pilipino. Maghanap kayo ng dalawa o tatlong pinakabright na military. Maghanap kayo diyan sa Makati pinaka-bright na mga bata o matatanda na... Then sabihin ko -- sabihin ninyo, "Oh we will guarantee your term for seven years." Gawain mo lahat para sa bayan. Kayong pulitiko pahinga kayo lahat. Eh 'di tapos. 'Di aangat tayo. ," dagdag ng Pangulo. Source: CNN | PCOO +Sa kanyang pahayag sa programang Harapan 2019, sinabi ni Otso Diretso Senatorial Candidate Attorney Romulo Macalintal na hindi sapat ang free tuition fees dapat daw ay may baon ang mga estudyante na ibibigay ng gobyerno. "Oo nga, binigyan mo nga siya ng libreng tuition fees. Eh pano ang kanyang baon papunta sa eskwelahan? Yan ang problema sa ating bansa, bigay tayo ng bigay ng free tuition fees pero hindi natin naiisip na kailangan ang sustenance para sila ay makapag-aral... Kaya para sakin, allowance ng mga estudyante ay dapat mabigay ng ating pamahalaan," sabi ni Macalintal Magugunitang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 ang Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Kayon ng batas na gawing libre ang matrikula sa mga state universities at colleges sa buong bansa. Ang pahayag naman ni Macalintal tungkol sa free tuition fee ay pinalagan ng ilang netizens. Ang pahayag naman ni Macalintal tungkol sa free tuition fee ay pinalagan ng ilang netizens. "Nilibre na nga ng tuition pati ba naman pang baon problemahin pa ng gobyerno? Aba eh gusto ata ni Macalinta..maging palabigasan ang gobyerno.," sabi ni A. Dela Cruz. "Tongue ina. Buti na nga libre na eh. Nung panahon natin dyamante pa lahat. Sarap sagasaan itong mamang ito," sabi ni M. Santos. "hnd lahat libre. taeh boplaks ng ampaw nato. kami ngang nagddialysis may libreng 90 session from philhealth alangang umasa pa kmi libre gamot galing saknila. tinuturuan mo mga kabataan maging pala asa. tse!," sabi ni P. Lealrvian. Source: MB | Odette Dequito-Javier +Kumakalat ngayon ang video ng netizen na si Rebreb Sanchez tungkol sa pagbabago sa dalampasigan ng Baseco. Kung dati-rati kasi ay puno ito ng basura, ngayon ay tila nagmimistulang parang beach na ito dahil sa ginawang paglilinis ng mga kababayan natin sa naturang lugar. Ayon kay Sanchez, lumaki daw siya sa Tondo pero hindi niya daw akalain na may tagong beach dito. Ayon sa Facebook profile ni Sanchez, siya ay isang Information Technology professional. "Guys nandirito po ako sa Baseco, Tondo. Lumaki ako sa Tondo pero hindi ko ma-imagine na mayroon palang tagong beach dito sa Maynila. So kahit paano ay kami ay naglilinis ng kaunti para mas lalong lumitaw ng ganda nito," sabi ni Sanchez. Nanawagan din si Sanchez sa mga kababayan natin huwag magdumi kung saan-saan at makipagtulungan para manatiling malinis ang ating kapaligiran. "Sana magtulungan po tayo na linisin ang kapaligiran natin. Huwag po tayong tapon ng tapon ng basura kung saan-saan," dagdag pa ni Sanchez. Habang isinusulat ang artikulo na ito ay umabot na sa mahigit 7,000 ang nag-share ng video ni Sanchez atumani na rin ng papuri mula sa ilang netizens. Basahin ang ilang komento sa Facebook post ni Sanchez. "Wow.. Grabe napanga-nga ako. Sana tuloy tuloy ang pag-babantay at pag-lilinis sa kapaligiran. Pwede ng di tumawid ng probinxa pag- safe na paliguan ang dagat. Pag- na Duterte nga naman," sabi ni S. Dime. "Nakakatuwa kasi kahit nagpapakitang tao ung ibang groups and organization at least ginagawa nila ung paglilinis sa Manila bay hahaha sino pa ba mga magpapakitang tao hahaha mas nakakatuwa sila kaysa ung mga walang inambag sa bayan na puro bash lanh sa alam at hindi marunong maghugas ng plato," sabi ni O. Cuico. "gyon lng nalinis ng maupo c tatay digong pero mga nag daan administration wla wenta pinbyaan lng kumapal ang basura kgya ng pag mumuukha nila mkpal ang mukha ay este mkpal pla ang bulsa," sabi ni L. Fetalco. "Wow na wow?? Baseco ba tlga to?? Di ako makapaniwala!!.. nakapunta nako jan.. punong puno yan ng basura..," sabi ni M. Canes. Source: RebReb Sanchez +Sinisisi ni Otso Diretso Senatorial Candidate ang tila pagtatago ng ilang locals officials sa kanilang mga Campaign Rallies kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Alejano, natatakot daw ang mga opisyal sa resbak ni Presidente Duterte dahil pikon daw ang Pangulo. Hindi daw pangangalanan ni Alejano kung sino ang mga local officials na ito pero nangyayari daw ito sa buong bansa. "So a lot of them are playing it safe because they do not want to be marked by the person in power because he is 'pikon' and scaring those officials sitting in office... I cannot mention them, (but) it's all over the country," sabi ni Alejano. Ang mga akusasyon ni Alejano ay hindi pinalampas ni MindaVote Owner/blogger na si Carlos Munda. Ayon kay Munda, bakit pati ang nilalangaw na campaig rallies ng oposisyon ay kailangan isisi sa Pangulo? "Isa raw sa rason kung bakit kakaunti ang pumupunta sa kanilang mga rallies ay takot at iniiwasan daw sila ng mga local government officials dahil takot daw na mabalikan sila ng Duterte Administration. Pati ang nilalangaw niyong rallies ay sinisisi niyo pa kay President DUterte ," buwelta ni Munda. Tinalakay din ni Munda ang ilang isyu tungkol sa People Power. "The snowflakes and idiots in the Liberal Party have accused President Duterte of trying to revise Philippine history with regard to the Marcoses and Martial Law. But the truth is, it was Cory Aquino weakness in the face of Enrile and Ramos, the architect and executioner of Martila Law, that led to the betrayal of promises of 1986," sabi ni Munda. Source: Inq | Mindavote +Kinakantyawan ngayon ng mga netizens ang hand sign ng ilang kandidato ng oposisyon na kilala sa bansag na "Otso Diretso". Sa litratong ibinahagi ng pro-government blogger at university lecturer na si Sass Rogando Sasot, makikita ang mga sina Magdalo Congressman Gary Alejano, Erin Tanada, Attorney Romulo Macalintal, Attorney Chel Diokno at former Solicitor General Florin Hilbay na may kakaibang hand sign. Ayon sa ilang netizens, "pitik kulangot" daw ang nasabing pose ng mga senatorial candidates. Umabot na ng mahigit 2,500 ang nagbahagi ng naturang litrato habang isinusulat ang blog post na ito at umani na rin ng libo-libong komento sa mga netizens. Ito po ang reaksyon mula sa mga followers ni Sasot. Ito pa po ang ilang paandar ng oposisyon. Source: Sass Rogando Sasot | VOVph +Natandaan niyo ba ang dalawang tagasuporta ng Pangulong Rodrigo Duterte na sina Mark Lopez at Jovy Bev Aquino na nagtungo sa opisina ng Rappler para mag-protesta laban kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa? Ngayon ay nagsagawa muli sila ng peaceful protest pero mas marami na. Nagsama-sama ang mga "Duterte Diehard SUpporters" sa isang coffee shop sa Estancia Area kung saan matatagpuan din ang opisina rin ng Rappler. Ginawa nila ito para patunayang hindi bayaran ang mga tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon. Magugunitang may ilang pagkakataon na inaakusahan ni Ressa na trolls ang mga sumusuporta sa Duterte Government. Ang accountni Lopez ay na-block sa Facebook matapos mag live video sa labas ng opisina ng Rappler. Sa mga video, inilathala online, ipinakita ni Lopez na hindi bayaran ang mga tagasuporta ngpangulong Duterte. Sa katunayan, halos mapuno na nila ang coffee shop na naging meet-up place ng mga DDS. "Kung nabalitaan niyo po, kami po ni Jovy Bev ang mga bumisita sa Rappler Office noong Thursday. Kami dalawa ang nagprotesta na sinasabi namin na hindi kami bayaran, trolls at hindi kami working for the government. Ito nga nag-invite po tayo ng ordinaryong Pilipino na galing pa sa Pangasinan, Bulacan, Nueva Ecija. Ayan po sila pwede niyong kunan. Hindi po iyan bayaran at wala pong bayolente... Halos mapuno na namin ang Coffee Bean... Like what Reppler's Maria Ressa isa saying na kai daw ay paid trolls and acting on orders from somebody, wala pong kinalaman si Presidente Duterte dito sa ginagawa namin. Ito po ay aming bugso ng dadamin at mga sentimiyento. Wala pong nagkukumpas sa amin. Lahat po iyan nakatanggap ng imbitasyon sa Facebook. First po namin na magkitakita ng karamihan dito. Kaya hindi po toto iyang sinsabi ni Maria Ressa sa international communities. Maira Ressa is really peddling lies about what really happening in this country," sabi ni Lopez. Natungo rin sa pagtitipon ang pro-government lawyer na si Attorney Trixie Cruz-Angles at ang blogger na si Drew Olivar. Makikita rin sa ilang larawan na nagpunta din sa okasyon ang senatorial candidate na si Attorney Larry Gadon. Ayon kay Attorney Trixie, may umaaligid na raw na pulis sa lugar dahil sa bilang ng Duterte SUpporters na nagpunta. Source: Mocha Uson Blog | Luminous | Teresa Parreno +Isang senior official ng Simbahang Katolika ang makukulong matapos mahatulan ng guilty dahil sa kasong ng pangmomolestiya. Kinilala ang suspek na si Australian Cardinal George Pell, 77. Ayon sa ulat ng CNN Philppines, si Pell daw ay vatican treasurer at close adviser ni Pope Francis. Si Pell ang pinaka-senior sa mga serye ng mga paring kinasuhan ng pangmomolestiya. Lumantad ang biktima umano ni Pell noong 2015. Ayon sa biktima na ngayon ay 35-anyos na, 13 taong gulang lang daw siya ng inabuso ni Pell. Nangyari daw ang insidente noong 1996 at 1997. Ayon pa sa biktima, pinag oral sex daw siya ni Pell. Nangyari daw ang krimen matapos ang misa. Base sa ulat ng RT, may 10 pa raw na nabiktima si Pell. Noong unang bahagi ng 2000s, inimbistigahan na rin si Pell dahil sa pangmomolestiya umano sa isang sakristan. Nanindigan si Pell na siya ay inosente. Pero tinanggal na siya ni pope Francis sa sanggunian ng vatican nitong lang Disyembre bago lumabas sa publiko ang conviction sa kaso ni Pell. Source: RT | CNN Philippines | Nine News Australia +Isa na namang kaso ng panghahalay na kinasasangkutan ng pari ang lumutang matapos ireklamo ng mga magulang ng 4-anyos na bata ang isang pari sa Cadiz, Negros Occidental. Nagsampa ng kasong rape ang mga magulang ng biktima laban kay Father Aaron Buenacosa, 41-anyos. Ayon kay Cadiz City Police Chief Inspector Robert Mansueto, mismo ang batang biktima raw ang nagsalaysay sa nanay nito patungkol sa kahalayang ginawa ng pari. Noon pa raw Pebrero 8 nangyari ang pangmomolestiya pero naireklamo lang ng pamilya sa kapulisan ang insidente nitong Pebrero 23. Base sa pahayag ng ama ng biktima, madalas daw hiramin ni Father Buenacos ang bata. Nais daw dumulog ng mga magulang ng biktima kay Presidente Rodrigo Duterte. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa bagong isyung kinakaharap ng simbahan. "Ako Catholic po ako, pero simula nung gawing politics yung wali ng mga pari ay hindi na ako pumupunta sa simbahan at taimtim na lang akong mag dasal sa bahay. kasi yung habol ko po ay word of the lord, hindi word of a politician," sabi ni J. Agbay. "Nang dahil ky duterte maramj ng mga biktima naglakas loob e sumbong ang mga pari sa kanilang mga kawalang hiyang ginagawa.tapos c duterte na naman ang isisihin ng mga pari..bistado na mga galawan ng pari ngayon," sabi ni W. Encarnacion. "Ito ang mga dapat mabitay...kaya pala ayaw nang simbahan nang death penalty dahil malaking kasalanan daw ang pumatay. Pero ang rape kapag pari ang gumawa okay lang....CBCP, GABRIELA, CHR at iba pang ayaw nang death penalty anyare? Ang dami palang dapat nyong bigyan nang pansin sa mga alagad ng simbahan, bkit tahimik lang kayo?," sabi ni E. Quirante. Source: ABS-CBN +Hindi na nakapag-preno ang prominenteng mamamahayag na si Erwin TUlfo laban sa mga bumabatikos kay Pangulong Rodirigo Duterte at binanatan niya ang mga ito sa kanyang radio program. Ibinida ng mamamahayag ang nagawa ng Duterte Administration at sinabi nito na diktador na kung diktador ang Pangulo pero may mga nagagawa naman. "Sabihin niyong walang ng patutunguhan ang ating bansa. Papunta na sa basurahan. Paanong pupunta sa basurahan kita ninyo ang mga hindi nagawa ng ilang pangulo simula kay Corazon Aquino hanggang kay Benigno Aquno III ang napakasimpleng paglilinis sa Mania Bay. Napakasimple. Hindi ginagamitan ng kung anu-ano iyan. Nagsabi lang ang Pangulo sa Department of Environment and Natural Resources na linisin niyo iyan, pagkatapos maraming dumating na volunteers, e di nalinis ang Manila Bay. Nalinis ang Baseco compound,"sabi ni Tulfo. Ayon kay Tulfo, naniniwala din daw siya sa adhikain ng EDSA pero hindi daw dapat itong baluktutin ng iilan. "Sasabihin niyo EDSA People Power at bumabalik tayo sa diktadurya. Bumabalik tayo sa martial law. Naniniwala ho ako sa adhikain ng EDSA pero huwag ho natin baluktutin ang diwa ng EDSA dahil pareho-pareho tayo nandoon. Kayo ngawngaw ng ngawngaw, ako ng ko-cover noon. Kaya itigil niyo ang kataranta-han ninyo. Sasabihin niyong diktador ang mama na ito. Walang ng nagawa. Anong walang nagawa? Buksan niyo mga paningin ninyo. Kasi kahit anong gawin ng mama kung sarado ang utak ninyo ay walang mangyayari," banat pa ni Tulfo. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga banat ni Tulfo. " Xia lng nman ang nag iisang presedente na nagbigay ng kapayapaan sa aming mga muslim... Kaya habang buhay nmin yan tatanawin na utang na luob sayo tatay digong Mahal na mahal ka ng taga mindanao," sabi ni R. Arsad " Pag ito si tulfo at si gadon talaga magkasanib pwersa iwan ko nalang kung di pa umiri tumbong ng mga dilawan sa kaka trashtalk ng dalawa... HAHAHAHAHAHAH we filipino people, needed this dictatorship!" sabi ni J. Wamelda "Mas ok talaga si president du30 mga bobo at mangmang lang ang nang babastos sa kanya mamatay na kayo lahat ng mga taong bumabatikos sa kanya napaka dami niyang nagawa sa bansa hindi gaya ninyo puro komento puro welga .. bakit hindi kayo maglinis sa mga ilog at sapa pati sa quiapo bridge.. at mag walis sa harapan ng bahay ninyo mga gago ang lilinis ng mga pota wala naman nagawa sa bansa pasahurin lang ng bansa at palamunin lang naman ng pamilya maka salita sa pangulo bakit may nagawa kaba sa bansa?? Bago kayo mag mura at mag batikos sa pangulo tignan ninyo kung ano naging maganda sa mga nagawa niya may mali man siya nagawa sa mga mata ninyo...!! eiiii million to trillion na tao ang natuwa sa lahat ng nagawa niya note lang walang boboto sa lahat ng naka dilaw kahit yung nag sasabing nag wawalis daw sila eh hindi naman...AND I THANK YOU," sabi ni M. Bico Source: Erwin Tulfo via Pinoy Kami +Hindi nagustuhan ni Kris Aquino ang biro ni dating Special Assistant to the President at ngayo'y senatorial candidate Bong Go tungkol sa dating niyang karelasyon na aktor na si Philip Salvador. Sa isa kasing campaign rally ng PDP-LABAN, pabirong sinabi ni Go na naloko umano ni Salvador si Aquino na naging daan para tumawa ang mga tao. Naging usap-usapan noong dekada nobenta ang relasyon ni Philip at Kris na nagbunga ng isang anak, si Joshua. Ang naturang video clip ng pagbibiro ni Go ay ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account. "Si Ipe parati ko po itong kasama dahil kaibigan talaga namin ni Pangulo at unofficially po kung meron po kayong nagawang kabutihan sa isang siyudad, ina-adopt po siya bilang adopted son of the city. Pero si Ipe po kakaiba 'yung recognition na binigay sa kaniya, adopted father of Davao City po siya kasi po nag-iwan po siya ng apat na anak sa Davao... Totoo naman eh... naloko mo nga si Kris Aquino eh," biro ni Go. Ayon sa Instagram post ni Kris, nasaktan daw siya sa biro ni Go. "So much hurt deeply in the past few days. I was shown this video while in Japan and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko, panindigan mo na good sport ka... 'Yun ang pagkakamali ko, may black eye nung Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga 'naloko' ako," sabi ni Kris. Naging laman ng balita si Kris kamakailan lang dahil sa pagsasampa nito ng kaso laban sa kanyang dating financial manager na si Nicko Falcis. Nitong mga nagdaang araw ay ibinasura ng korte ang kasong isinampa ni Kris laban kay Falcis. Noong Enero ay may nag-viral na audio recording ng isang babae na nagbabanta sa buhay ni Falcis. Inamin ni Kris na siya nga ang babae sa video pero dumipensa na pangba-bluff lang daw ang ginawa niya. Inamin din ni Kris noong Enero na pinondohan niya ang isang anti-government blogger na si Jover Laurio (aka Pinoy AKo Blog) sa pamamagitan ni Falcis. Source: GMA | Kris Aquino +Ibinida ng Department of Transportation (DOTr) ang groundbreaking ng konstruksyon ng Metro Manila Subway. Ayon sa Facebook page ng DOTr, ito raw ang kauna-unahanag subway sa Pilipinas. Ilan daw sa mga katangian ng subway na ito ay pagiging mabilis, malawak at disaster resilient din daw. Hindi basta-basta ang subway dahil gagamit ito ng teknolohiya mula sa bansang Japan. May bilis din daw itong 80 kilometer per hour. Ang itatayong subway ay mayhabang 36 kilometro. Tatakbo ito mula Quirino Highway sa Quezon City hanggang FTI. Magkakaroon ito ng 15 istasyon. Magkakaron dinng 4 na common station ang subway para maikonekta sa LRT, MRT at iba pang transport terminals. Ang biyahe daw mula Quezon CIty patungo Ninoy Aquino International Airport ay aabutin lang daw ng mahigit 30 minuto. Inaasahang magiging partially operable na ang subway sa unang tatlong istasyon nito sa 2022. Ang full operation naman ay tinatarget sa taong 2025. Panoorin ang ulat mula sa News5. Source: DOTr | News5 +Mukhang malilintikan ang nanay ni Senador Antonio Trillanes kung itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta nito. Sa talumpati ng Pangulo sa General assembly of the League of Municipalities of the Philippines, sinabi ng Presidente na ipapa-subpoena niya ang ina ng senador. Magugunitang inilutang ng Presidente noong nakaraang taon ang umano'y kahinahinalang transaksyon ng nanay ni Trillanes sa Philippine Navy bilang supplier. "Sumobra ka. We will initiate an investigation kagaya mo and I will subpoena your mother sa ayaw mo at sa hindi... Baka sabihin mo walang power (Maybe you will say we have no power). There is. We also have the contempt power but we have to go to court," sabi ng Pangulo. Hindi rin pinalampas ng Pangulo ang tatay ni Trillanes. Ayon sa Pangulo, nabigyan daw ng pabor si Trillanes habang nag-aaral ito sa Philippine Military Academy (PMA) dahil ang ama nito ay isang opisyal.. Magugunitang sinabi na ni Pangulong Duterte noong Nobyembre 2018 na pina-iimbistigahan niya na ang mga naging aktibidades ng mga magulang ni Trillanes. "We are investigating 'yung mga deals sa panahon ng tatay pati nanay niya. You can be very sure na lalabas lahat 'yan," banat ng Pangulo noong nakaraang taon. Mukhang nagkakadamayan na talaga ng miyembro ng pamilya sa sigalot ng dalawang personalidad. Matatandaang si Trillanes din ay minsan na rin idinamay ang anak ni Pangulong Duterte na si former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa mga kontrobersiya. Source: RTVM via Tokhang TV | ABS-CBN +Nagpaumanhin si Philippine Long Distant Telephone (PLDT) Chairman Manny Pangilinan matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasara ang kanyang kumpanya kung hindi aayushin ang trunk lines para sa hotline 8888 ng gobyerno. "We are gonna put more lines than the 20 mandated in the contract with the government and we will man it ourselves... We apologize for that. We are glad that the President caught our attention to it," sabi ni Pangilinan. Magugunitang nabanta si Pangulong Duterte laban sa PLDT dahil parati daw busy ang hotline 8888 na gagamitin ng gobyerno laban sa mga empleyado ng pamahalaan na korap at hindi nagtatrabaho ng mabuti. "If you see corruption, tell me. Call 8888... The present setup can't accommodate all the calls. It's always busy. Tell PLDT. If not, I'll shut down their business," banat ni Presidente Duterte. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging pahayag ng PLDT. ' "Yan ang diktador ba? paulit ulit kong iboboto yan kahit diktador yan dahil lilinis ang bansa sa ganyang pamumuno kesa naman katulad ni ng mga aquino at gloring erap at fidel na puro kurakot lang noong naging pangulo walang pagbabago," sabi ni F. Tugano. "They are glad daw dat da president caught their attention... Bkit nung dating president hindi ba na caught ang attention nyo kc special child yon!!!!?? Kelangan pa tlga kayo pokpukin ng presidente para matauhan kayo eh," sabi ni A. Quioyo. "Diktador ka talaga tatay digong dahil jan baka mas mapaganda pa tuloy ng PLDT ang kanilang serbisyo ? Kasalanan mo na naman talaga yan," sabi ni L. Aniledac. "gulatan lang talaga ang kailangan ngayon sa mga PINUNO...ng bayan ...kakatawa talaga kayo...buhay talaga ng Pilipinas....good job Mr Duterte...praying to god na mahaba pa ang maging buhay mo u are the legendary talaga," sabi ni Y. Fonseca. Source: GMA News | Newsblast +Para kay Senador Antono Trillanes, hindi daw dapat bigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa problema sa traffic na kinakaharap ngayon ng EDSA. Kinuwestiyon ng senador kung mayroon na bang naipakitang plano ang kasalukuyang gobyerno para bigyan ng emergency powers. Ayon sa senador, kokornerin lang daw ng Davao group ang mga infrastructure projects sa pamamagitan ng emergency powers. "Paano sya bibigyan ng emergency powers, eh nung tinanong kung ano plano nila, Wala silang maipakita... Gusto lang niya ma-corner ulit ng Davao group ang mga infra projects with the emergency powers," ani Trillanes. Ang pahayag ni Trillanes ay bunsod sa naging lomento ng Pangulong Duterte na natupad niya ang karamihan sa kanyang ipinangako maliban sa pagresolba sa trapiko. Sa isang Facebook post, kinuwestiyon naman ng pro-government blogger at university lecturer na si Sass Rogando Sasot ang senador. "So papaano po i-resolve ang traffic sa EDSA senator?," banat ni Sasot. Ito naman ang komento at reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Trillanes tungkol sa emergency powers. " Itong si trillanes ang daming alam nito. Akalain mo. Alam lahat ng nasa isip ni prrd. Yung casino sa boracay. Daw. Yung tagong yaman daw. Mga pinatay daw ng davao death squad. Ngayon naman. Eto nanaman. Jusko. Trillanes. Ikaw na mismo ang sumisira sa sarili mo. Kung anu ang pumasok sa isip mo. Yun na ang sasabihin mo. Kahit walang basehan. Kahit walang ebidensiya.tpos pag kinasuhan ka. Sasabihin mo. Pinupulitika ka," sabi ni S. Banaobra. "Natatawa ako sa davao group. Hoy trililing gumising ka! Mukhang nananaginip ka ng gising! Nung pinasirado boracay sinabi mo may casino ipapatayo pero ulol wala pala, tas ngayon davao group na naman!? Hahaha. Lakas mo siguro makahithit," sabi ni K. Mercado. "Ganyan din ang tanong ni Trollanes, kung anong plano ng pamahalaan sa Boracay, kaya na surprise sila nang ipamigay ng pamahalaan sa mga aeta ang Boracay matapos linisin. Kaya kung sasabihin ng pamahalaan kung anong mga plano ay uunahan na naman ng opposition ang pag kontra," sabi ni J. Cimatu. Source: News5 | Sass +Kung ito ay magtuloy-tuloy at papatulan ng Department of Justice (DOJ), isang malaking sakit ng ulo na naman ito para kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa. Ikinakampanya ngayon ng netizen na si Rene Astudillo ang pagpapawalang-bisa sa dual citizenship ni Ressa dahil sa paglabag daw ng mamamahayag sa batas ng Pilipinas. Ayon kay Astudillo, noong sumumpa ng katapatan si Ressa bilang parte ng proseso ng pagkuha ng dual citizenship sa Pilipinas, nakasaad daw sa "Oath of Allegiance" na dapat sundin ang lahat ng batas sa bansa. "When Ressa took her oath of allegiance as part of the dual citizenship process, she swore to support and defend the Constitution of the Republic of the Philippines, obey the laws and legal orders promulgated by the duly constituted authorities of the Philippines and to recognize and accept the supreme authority of the Philippines by maintaining true faith and allegiance thereto," sabi ni Astudillo. Si Ressa ay nahaharap ngayon sa kasong cyber libel na isinampa ng isang private citizen na si Mr. Wilfredo Keng. Bukod sa cyber libel, mayroon din tax evasion case si Ressa. Noong 2018, pinawalang bisa ng Security and Exchange Commission (SEC) ang rehistrasyon ng Rappler dahil umano sa paglabag sa patakaran sa foreign ownership sa mass media. Ayon kay Astudillo, siya din daw ay sumailalim sa proseso ng pagkuha ng dual citizenship kaya alam niya ang mga nakasaad sa "Oath of Allegiance". Sa katunayan, ipinakita ni Astudillo ang kanyang dokumento sa isang Facebook post. Habang isinusulat ang artikulo na ito ay umabot na sa mahigit 4,400 ang pumirma sa petisyon sa website na change.org. Gusto niyo bang makibahagi at pumirma din sa petition? Pumunta lang sa website ng change.org o i-click ang imahe sa baba. Kung sakaling mapawalang-bisa ang dual citizenship ni Ressa, maaring maging butas na naman ito sa kanyang kumpanya na Rappler. Source: Change.org | Rene Astudillo +Watch! 'Wala dapat Duterte Forever sa Pilipinas' - Gary Alejano! Sa isang press conference, natanong ang mga kandidato ng Opposition slate aka Otso Diresto kung ano ang opinyon nila sa naging pahayag ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara DUterte tungkol sa pagtakbo sa Presidential elections sa 2022. Matatandaang sinabi ni Sara na na magdedesisyun siya sa pagtakbo sa pagka-presidente sa 2021. "Yung pagtakbo kasi ng presidente hindi 'yan overnight na decision... It needs money, machinery at pinaka importante sa lahat yung wisdom at guidance ng Panginoon. Siguro gawa nalang tayo ng deadline, January of 2021," sabi ni Mayor Sara. Para kay Magdalo Congressman Gary Alejano ang giunagawa daw ni Mayor Sara ay early campaigning para sa 2022. "Ang ginagawa ni Sara Duterte ay maagang pangangampanya para sa 2022, and I don't think there should be a Duterte Forever sa Pilipinas," banat ni Alejano. (Lumaktaw sa ika-10:32 minuto ng video para mapanood agad ang mga pahayag ng senatoriables ng Otso Diretso tungkol sa sinabi ni Mayor Sara.) Ilang araw lang ang nakalilipas ay nagpahayag ng mga positibong pananaw ang ilang personalidad sa politika tungkol sa ideya na maging Pangulo ng Pilipinas si Mayor Sara. "I said this before, sometime in August last year and I'll say it again - speaking of Mayor Sara Duterte, if the next leader of our country would emerge from the young, fresh, and new faces in national politics, my top choice right now is Sara Duterte," sabi ni Senator Panfilo Lacson. Tinawag naman ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na "rising star" ang anak ng kasalukuyang Presidente. "Let me just say she is a rising star in Philippine politics even Senator Ping (Panfilo) Lacson saw that but let's take it one election at a time lets make sure first the good people are elected now and let us talk about 2022 later on," sabi naman ni Arroyo. Source: Otso Diretso | Inq | Inq +Sa sexual abuse conference ng Simbahang Katolika, mangiyak-ngiyak na umamin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kabalbalang ginagawa ng ilang pari sa mga kabataan. "We humbly and sorrowfully admit that wounds have been inflicted byh us, bishops, on the victims and in fact the entire body of Christ," sabi ni Tagle. Kasama din sa pahayag ni Tagle ang isyu ang pagtatakip ng ilang opisyal ng simbahan katolika sa mga kaso ng pang-aabuso seksuwal at ang pagbabalewala sa mga nabiktima ng mga kapwa niya pari. "The wound of Christ carried the memory of innocent suffering. They also carried the memory weakness and sinfulness," dagdag pa ni Tagle. Sumang-ayon naman si Father Jerome Secillano sa mga naging pahayag ni Cardinal Tagle. "Ang simbahan ay kailangan din ng reporma. Ang simbahan ay kailangang mag move forward. At bago niya magawa ang moving forward, kailangan muna linisin ang simbahan," sabi ni Secillano. Ito po ang naging tugon at reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga sinabi ni Cardinal Tagle. "O ano na? Kung makabanat kayo ky PRESIDENTE parang ang lilinis nyo... Membro Rin pala kayo ng mga rapist.... CHR saan na kayo?" sabi ni Y. Duhaylungsod. "Wag kasi makialam sa gobyernong pinapatakbo ng presidente. Pakialaman nyo ang problema ng simbahang katolika. I am a pure catholic kaya dapat malinis na. Hindi ung kada homily eh c duterte tinitira nyo ayan tuloy sinampal kayo ng katotohanang matagal nyo ng dinedeny," sabi niC. Anyang. "Ano na ngayon di ba totoo ang sinasabi ng Pangulo panay banat u sa Pangulo pero pari pala ang mas demonyo ... rapist durugista babaero pa," sabi ni R. Pascua. "pa iyak iyak pah!! drama pa more.... ibig nyo sabihin ngayon nyo lang yan nalalaman? eh di sinungaling pala kayo!!!" sabi ni O. Etneilav. "MAKAPUNA AT HUSGA KAY PRESIDENT AKALA MU PERFECTO, Whoah mas malagim at karumaldumal pala kau!! Linisin nyu bakuran nyu muna bgo magmagaling mga damaso!!!" sabi ni E. Senesio. Source: News +Sa isang panayam, halos paliguan na ng lait at mura ni Attorney Larry Gadon ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Senadora RIsa Hontiveros at Senador Antonio Trillanes. Ayon kay Gadon, lahat na lang ata ay kinokontra ng mga nasabing senador. Para kay Gadon bobo daw ang mga senador na ito. Kinuwestiyon din ni Gadon ang pagkapanalo ni Hontiveros. Ang mga pahayag ni Gadon ay sinabi niya ng makapanayam niya ang pro-government blogger na si RJ Bieto o mas kilala sa tawag na "ThinkingPinoy". "Alam mo ba na nakakasabay ko sa campaign iyan, yung mga debate debate noong 2016. Halos malaglag ako sa upuan sa mga kabobohang sinasabi niya.Sobrang babaw ng utak . 'Yung tipng nakakahiya pagdi-discuss mo siya. Tignan mo yung sinasabi niya lahat palpak. Isnisisi niya 'yung passport (controversy) kay DUterte. Hello? Panahon ni Noynoy nangyari 'yung pagpalit ng (service provider). Walang silang ginawa kundi isisi kay DUterte. Kahit anong gawin ni DUterte isisisi nila. Hindi na sila nag-iisip ng para sa bayan. Ang iniisip nila ay paano kontrahin si Duterte," sabi ni Gadon. Binanatan din ni Gadon ang parating pagpapa senate hearing ng mga senador. Para kay Gadon, nakikipagtulungan daw dapat ang senado sa ehekutibo. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan sa mga sinabi ni Gadon kay Hontiveros. "Gadon iba ka talaga pinapahanga mo kami di maka interap ang nagtatanong syo dahil sasabihin palang nila sinasagot mona alam mona agad ang sagot .kya nomber 1 ka sa list ko," sabi ni J. Caadlawon. "Mas totoo pa tlga yung mga panget ang tabas ng dila kaysa sa maamong puro paamo ang salita. Mas gusto ko pa puro mura atleast totoo kaysa sa puro pakitang tao lng..," sabi ni J. Bradecina. "ama hindi potket taga oposisyon ka oppose ka lang oppose sa administration.dapat tanggalin mo lang ang sa tingin mong hindi nakakaganda sa bansa," sabi ni M. Movera. "Ok na ok ang mga banat ni Atty. L. Gadon at tama lang mga messages nya dhil ang pinas ay lubog na lubog sa katotohanan dhil sa rampant, really contaminated ng corruption majority of all gov'nt agency, from top to bottom high ranking official is involved in previous adm. Spearheaded by abnoy aquino.," sabi ni M. Formes. Source: ThinkingPinoy via Para sa Bayan +Hindi na nakaporma ang isang holdaper ng pagtulungan siyang bubugin ng taumbayan sa may 8th Avenue, Caloocan. Ayon sa uploader ng video na si Jahyr Cazar, sinabunatan daw ng holdaper ang biktima nito at tinutukan ng patalim. Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong robery. Ang naturang post ni Cazar ay nagviral na ng tuluyan. Habang isinusulat ang artikulo na ito ngayon ay umabot na sa maigit 39,000 ang nag-share ng pangyayari at libo-libo na rin ang nagkomento. Basahin ang reaksyon ng ilang netizens sa sinapit ng holdaper. " reverse psychology tayo mga idol. Iba kc naawa sa holdaper iligay natin yung situation mas lumala pa at wlang naka kita sa hinoldapan nya na babae.. Yung victim na rape at pintay tpos ninakawan.. After a day nabalita yung victim.. Nabalita sa tv or sa social media.. tpos sasabhin nyo potaenang sa gumawa nyan sana mmtay kana. Wla kang awa.. Mmty kana eh di wow.. Mas naawa kpa sa victim ngaun kesa holdaper kaya tama lang sa knya yan he deserved for that punishment kc kung sa ibang bansa yan kpg nag nakaw in public place pa patayin ka para di kana pamarisan kaya sa. Mga naawa jan.. I hope dis wont happen to ur relatives bka kc kainin din yung sinasabi nyu at the end gagawin nyo prin pla ang ginawa ng taong bayan na ginulpi si suspect ," sabi ni E. Marnelli. "Kahit anong ingat mo kasi kung gagawan ka ng masama wala kang laban. Like me. Nakakapraning maglakad since graveyard shift and madaling araw na uwi ko. Tapos tong mga lintik na bus na to sa MCU pa nagbababa.," sabi ni S. Bautista. Source: Jhayr Cazar +Magkasabay na nasunog ang mga building ng Bureau of Customs (BOC) nito lang gabi ng Biyernes. Sapul sa aerial shot ng Manila Bulletin ang sunog sa Gate 3 ng customs sa South Harbor at pati sa Gate 1 sa may Parola compound.Ang layo daw ng mga building sa isa't-isa ay mag-iisang kilometro. Inaalam pa ng tagapagsalita ng customs kung anu-anong opisina ang nadamay sa sunog. "[We are] securing Customs personnel as of the moment. Firemen are already in the building," sabi ni Customs Spokesperson Atty. Sandino Austria. Umabot daw sa 30 trak ng bumbero ang rumisponde sa sunog. Nakapagpalala daw sa sitwasyon sa Parola compound ang mga light materials na ginamit sa mga bahay sa nasabing lugar. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa nangyaring sunog sa customs. "Malapit na kasi ang Feb. 25 anniversary kuno ng edsa...baka may drama to the max ang mga demonyong kalaban ng gobyerno. Naisip ko lang naman," sabi ni M. Gratuito. "Pinagsabay talaga ang sunog para hindi makapagfocus sa isa ang mga bumbero. Gusto talaga nila lumaki ang sunog sa magkabilang lugar.," sabi ni R. Dellosa. "Alam na this tapos sasabihin nasunog ang mga papeles na importantes style bulok boc boc," sabi ni W. Mendez. "My nararamdaman nanaman akong drama neto kinabukasan. Sana wala lang buhay ang nawala sa pagkasunog. Keep safe and God bless Pilipinas!," sabi ni I. Nieves. Source: Philstar | MB +Matapos mag-viral ang panayam ni boxing legend turned senator Manny Pacquiao kay ABS-CBN host Karen Davila, nagbigay na ng pahayag ang senador tungkol sa naging kontrobersiyal na panayam niya sa journalist. Ayon sa opisyal ng pahayag ni Senator Pacquiao, hindi daw siya na-opendi sa asta at asal ng pagtatanong ni Davila. "I was never offended by her manner of questioning. Isa po siyang batikan sa larangan ng broadcasting. Kung may formal training sa boxing, may formal training din sa education," sabi ni Pacquiao. Patuloy daw ang kanyang pag-aaral niya. Naki-usap din ang boxing champion na tigilan na lang ang pagbatikos kay Davila. "I continue learning not only in academics but also in life. Pakiusap lang po: Let us stop the hate. Magtrabaho lang po tayo para sa kapakanan ng ating bayan," dagdag pa ni Pacquiao. Nitong mga nakaraang araw ay binatikos ng husto si Davila dahil sa paraan ng pagtatanong nito kay Sen. Pacquiao. Sa programa ni Davila sa ABS-CBN News Channel (ANC), tinalakay nila Davila at Pacquiao ang panukala na magkaroon ng college degree ang mga namumuno sa bansa. Sinang-ayunan ito ni Pacquiao pero paulit-ulit na tinatanung ni Davila kung may college degree na ba ang senador. Hindi naman pinalampas ng ilang kilalang blogger sa hanay ng Duterte supporters ang inasta ni Davila sa interview. "Here in Europe, when I say I'm studying, the next question is: What are you studying? Which university seldom come up. Where is always about the place and not the name of the university... Karen Davila is NOT interested in what Manny Pacquiao is studying. She's interested in what social climbers are interested: anything that would bolster one's status," sabi ng university lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot. "I believe journalists should also file SALN, since journalism is the fourth estate. Since Karen Davila grilled Manny Pacquiao re his college degree, do you think its OK to ask her-just ask-what her sources of income are?" banat naman ni Krizette Laureta Chu. Source: ABS-CBN +Napirmahan na pala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11215 o National Integrated Cancer Control Act. Ang naturang batas ay naglalayon na matulungan ang mga kababayan nating mayroon cancer at mapigilan ang mga kaso ng cancer sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng bagong batas, magiging libre o abot kaya ang cancer treatment para sa mas marami nating kababayan. Ang batas ay napirmahan ng Pangulo noong pang Pebrero 14 pero noong Pebrero 19 na ng inanunsyo ng Palasyo ang pagpirma dito. Ayon kay Senador JV Ejercito, ang cancer daw ang pangatlong nakakamatay na sakit sa Pilipinas. Si Senador Ejercito ang isa sa mga nagpanukala ng batas. Base sa ilang ulat, humigit kumulang 110,000 bagong kaso ng cancer ang naitatala kada tao. 66,000 naman ang namamatay daw kada taon. "May limitasyon kami dahil sa dami ng pasyente na aming hinaharap araw-araw. 'Yung ibang mga gamot ay P100,000 more or less. Mula anim hanggang walo kada tatlong linggo. Ang isa sa gusto natin makita ay mawala ang pagkakaiba ng mayaman at mahirap," sabi ni Dr. Jorge Ignacio ng Philippine General Hospital Cancer Institute. "Ang benefit package ng Philhealth ay limited sa prostate cancer, breast cancer at cervical cancer. COvered niya ay P125,000 to P175,000. Dito sa bagong batas na ito ay madadagan na ang atingpondo para sa medical assistance program... Kailangan ay paigtingin natin ang preventive at promotive. Mabawasan ang ating bisyo katulad ng paninigarilyo," pahayag ni Dr. Nap Arevalo ng Officer-in-charge Director ng Department of Health para sa Disease Prevention ang Control Bureau. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa bagong pirmang batas ni pangulong DUterte para matulungan ang mga cancer patient. "Hindi paman ito napirmahan ni Pangulong Duterte sa Davao City libre na po ang pagpapagamot ng cancer. I can attest to this kasi kaibigan ko po mismo ang nagpapagamot..Glad it's already implemented nationwide. I was once a cancer patient also..Hindi po basta basta ang gastos pagpapagamot. Every session would cost me 50T every 21 days for 6 sessions..Sa hospital bills palang yan hindi pa kasama ibang gamot na bibilhin mo paglabas ng hospital and accomodation mo pa to stay near the hospital just in case of emergency kasi galing probinsya ako and sa Cebu City ako nagpagamot. May radiation therapy pa na ang mahal mahal.. Thankful ako at least now the government is extending their help those who cannot afford chemotherapy and radiation treatment. It's really a big help and mababawasan na po ang mortality rate for cancer patients..Kudos to President Duterte!" sabi ni Y. Regalado. "Ang sarap maging Pinoy! We can now feel our importance with the laws signed by our President! Finally, the only President that listens and provides the need of the Filipinos!," sabi ni A. Casihan. Source: ABS-CBN | ABS-CBN +Nananawagan si senatorial aspirant Attorney Larry Gadon kay Pangulong Rodrigo DUterte na ipatigil na ang commemoration ng EDSA people power. Ayon sa abogado, nagdala lang daw ito ng sangkatutak ng problema sa ating bansa. Nagmahal daw ang singil sa kuryente noong ibinalik ng gobyerno ni dating Pangulong Cory Aquino sa oligarko ang kontrol sa electricity company. "Nananawagan ako kay Pangulong Duterte na itigil na ang pagbigay ng milyon-milyong pondo sa EDSA COmmission na iyan. Ang buwis ng tao ay ginagamit lamang sa propaganda ng mga dilawan. GInagamit nila iyan pag indoctrinate at pag brainwash sa mga Aquino na iyan na pekeng hero. Kaya dapat huwag ng mag-celebrate niyan. Ang mga nagse-celebrate niyan mga bob*," sabi ni Atty. Gadon. Sa isa pang pahayag, sinabi ni Gadon na hindi na dapat inaalala ang okasyon dahil nilalangaw na rin daw ito. "tigil na 'yang celebration ng EDSA 1 na 'yan dahil nilalangaw na 'yan. Matagal nang panahon, kung ilan taon na, na nilalangaw 'yan. Wala nang nagpupunta diyan, pailan-ilan na lang. Kaya dapat itigil na 'yan," dagdag niya. "Kaya dapat huwag nang inaalala 'yan," sabi ni Atty. Gadon. Ayon kay Gadon, dapat daw ay inilalaan na lang daw ang milyon-milyong sa mga nabiktima umano ng Dengvaxia kaysa sa EDSA commission. "Dapat yang pondo diyan, inilalaan na lang doon sa mga biktima ng Dengvaxia, kaysa diyan sa walang kakwenta-kwentang EDSA 1 na 'yan," banat pa ni Atty. Gadon. Sinabi na rin ng Malacanang na hindi muli dadalo si Pangulong Duterte sa nasabing okasyon sa Lunes. Magugunitang hindi rin sinipot ni Pangulo ang pagdiriwang noong nakaraang taon. "Did he attend the event last time? He did not. He has not done so for two years. So most likely, he will not attend. I remember he issued a statement right? He always issues a statement in support. So it's important... It's just a celebration. Many will be there to represent him," pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Source: PTV | Philstar +Kamakailan lang ay nag-trending ang panayam ni Karen Davila kay Senador Manny Pacquiao hindi dahil sa maganda ang takbo ng interview, kundi dahil sa paraan ng pagttanong ni Davila kay Pacquiao. Mapapanood sa panayam ang asta ng pagtatanong ni Davila kay Pacquiao tungkol sa college degree ng boxing champion na naging senador. Pinilit din alamin ni Davila ang eskwelahan ni Pacquiao kahit na sinabi na ni Pacquiao na hindi niya ito pwedeng sabihin. Ngayon, isang netizen ang umalma sa naging asal ni Davila sa programa nito. Ayon kay Krizette Laureta Chu, naniniwala siyang dapat maghain ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ang mga journalists dahil itinuturing ang mga ito na fourth estate. "I believe journalists should also file SALN, since journalism is the fourth estate. Since Karen Davila grilled Manny Pacquiao re his college degree, do you think its OK to ask her-just ask-what her sources of income are?" sabi ni Chu. Isa pa sa ibinunyag ni Chu ay ang magarang tirahan umano ni Davila. Base kay Chu, ang marangyang pamumuhay ay hindi basta basta makakaya ng isang news anchor. "Her husband works for TV, she works for TV, and yet they live in a very, very, very, very luxurious address that a news anchor of a local TV show should not be able to afford? Her bags are Hermes, she travels in style with people like Alice Eduardo, and gets photographed with her Hermes-toting barkada in places like Rodeo Drive. To be able to live in that condo, she should be pulling in millions a month to buy that place or even rent that place," banat pa ni Chu. May natatandaan din daw siyang mga kontrobersiyang kinasangkutan umano ni Davila kaya ito Pro-Aquino. "I remember a few of the controversies surrounding her and why she's so pro Aquino," pagsisiwalat ni Chu. "Asking questions shouldn't be the sole territory of Karen. As a news anchor, her credibility is very important, so we have a right to ask." dagdag pa ng netizen. Source: Krizette Laureta Chu +Hindi man lang nakapasok sa Top 100 ng Times Higher Education World (THE) - University Rankings ang University of the Philippines (UP). Ang UP ang isa sa itinuturing na premyadong unibersidad sa bansa pero nakakalungot ng ang ranking na nakuha nito ay hanggang (501-600) lang. Mahigit 1,250 na unibersidad sa buong mundo ang napabilang sa THE World University Rankings 2019. Base sa website ng THE, ang rankings para sa 2019 ay isinailalim sa independiyenteng pagsisiyasat ng pribadong kumpanya na PricewaterhouseCoopers (PwC). "The calculation of the rankings for 2019 has been audited by professional services firm PricewaterhouseCoopers (PwC), making these the only global university rankings to be subjected to full, independent scrutiny of this nature," sabi sa wesbsite ng THE. Napasama din sa rankings ang pribadong unibersidad na De La Salle University. Kaya lang ay na sa pang (801-1000) lang ito. Nangunguna sa listahan ang University of Oxford at ang University of Cambridge. Nakapasok naman sa top 10 ang Yale University. Ang Chinese University naman na Tsinghua University ay nag number one sa rehiyon ng Asya. "Yale University is the only newcomer to the top 10, joining at eighth place, up from 12th. Meanwhile, Switzerland's ETH Zurich has fallen out of this elite group, dropping from joint 10th to 11th place. Tsinghua University is now the top university in Asia, after rising eight places to 22nd, becoming the first Chinese institution to lead the continent under the current methodology (since 2011). China as a whole has increased its standing, driven by improvements in citation impact.," saad pa sa website ng THE. Source: Times Higher Education +Hindi pabor si Vice President Leni Robredo sa pinakahuling pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpapaigting ng kampanya kontra droga. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Malacanang, sinabi ng Presidente na mas magiging marahas ang paglaban sa bawal na gamot hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022. "I am declaring war. I am not declaring a punitive police action. It cannot help and it would not help. So early on I decided but I think I'd be more, well, I said harsher in the days to come... will not allow my country to be destroyed by drugs. I will not allow my country to end up a failed state because of drugs. And I am declaring war and I said I will kill anybody who stands in the way," sabi ni Pangulong Duterte. Ayon kay Leni, dapat daw matuto sa naging karanasan nitong nagdaang dalawa't kalahating taon. "Ang sagot ko diyan, matuto tayo sa nangyari over the last two and a half years. Ang daming buhay yung ibinuwis, pero hindi naman natin na-resolve ang problema sa droga," ani Robredo. Itong mga nagdaang araw ay may lumabas na balita tungkol sa survey kung saan iniulat na maraming Pilipino ang nanniwala na nabawasan ang mga durugista sa kanilang paligid. Ang resulta ng survey na ito ay malugod na tinanggap ng Palasyo. "The political opposition and the detractors of the President have been most vocal in using the drug war to vilify the Chief Executive and his Administration even bringing the issue to the International Criminal Court. They remain skeptical, unimpressed and indifferent of the significant strides made by our authorities in relation to prohibited narcotics even pointing out there remains demand and supply on illegal drugs. We ask them to stop playing blind dumb and instead listen to the people: 83% of people of Mindanao say there are less drug addicts there; 71% in the Visayas say there is a decrease; 67% in Metro Manila likewise say there is a decrease; while 54% in Luzon share the same sentiment. ," pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Source: GMA +Sa kanyang talumpati kahapon sa People Power Mnument, isinigaw ni Otso Diretso Senatoriable Samira Gutoc ang kanyang mensahe sa mga "Duterte Diehard Supporters" o mas kilala sa tawag na "DDS" na sumama sa paggunita ng People Power Revolution sa Febrruary 25. A . "Hoy, mga DDS, sumama na kayo dito sa People Power. Pilipino din kayo, tao din kayo, babae din kayo, may ina din kayo," sabi ni Gutoc. Ayon kay Gutoc, walang hiya daw ang mga DDS kung hindi raw makikipag-isa ang mga ito sa selebrasyon ng People Power. "Walang hiya naman kayo kung sasabihin niyo hindi ito pang DDS kaya hindi kayo sumasama," banat ni Gutoc sa mga tagasuporta ng Presidente. Bumoladas din si Gutoc laban sa kampanya kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo DUterte. "Sa bawat namatay sa tokhang niyo, Presidente Duterte, sana hindi kayo magigising sa iyak ng isang ina na hindi mo man lang binisita dahil namatay (ang anak) sa tokhang mo," dagdag pa ni Gutoc. Hindi naman pinalampas ng mga tagasuporta ng Pangulong Duterte ang pinagsasabi ni Gutoc laban sa kanila. "Hoy Gutoc wala kaming oakialam ss EDSA na yan.Ysn ang nahpdlubog sa ating bansa sa corruption.Kaya kayo lng mga dilawan ang maghasik ng lagim dyan," sabi ni J. Juguilon "Hoy ka din ikaw ang walanghiya! Huwag mo kaming diktahan marunong ka pa samin,kapal ng mukha mo!," sabi ni A. Po. "S inaasal mo gutoc lalong wlang bubuto s u. Akala m sikat k? Pwee!!. Kht maglulupasay k p d k mnnalo," sabi ni M. Dataya. "Ikaw ang walang hiya gutoc, sana ikaw ang hindi na magising at bangungutin ka sa kahibangan mo, kahit kapwa mo taga marawi hindi nga boboto sa iyo, paano nalang ang hindi taga marawi mas lalong hindi boboto sa iyo.....," sabi ni W. Rara. "wag nyo kami idamay sa mga bugok nyong utak!...hahaha walang kwenta yang people power nyo...dapat mag people power kami laban sa inyo nga otso dretso sa hell....mga walang hiya plastik epal!," sabi ni E. Delfin. Source: Otso Diretso | Tokhang TV | Abante +Sapul sa komentaryo ng radio host at pro-government blogger na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy ang ginugunitang EDSA People Power Anniversary. Ang naturang okasyon ay konektado sa kasaysayan ng pamilya ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Magugunitang nang dahil sa EDSA People Power ay napaalis sa pwesto ang mga Marcoses at naging daan para mailuklok si Cory Aquino bilang Pangulo. Pero sa Facebook post ni Thinking Pinoy, iba daw ang alam niyang People Power. Ito daw ay nangyari sa Hacienda Lusita noong 2004. Ang tinutukoy ni Thinking Pinoy ay ang massacre sa mga magsasaka sa Gate 1 ng Central Azucarera de Tarlac sugar mill. Ang mga rallyista ay nagpo-protesta para sa umento sa sahod at benepisyo. 7 katao ang namatay sa insidente at humigit-kumulang 121 ang sugatan. Ang Hacienda Luisita ay konektado sa mga Aquino. Ang post ni Thinking Pinoy ay naibahagi na ng mahigit 2,000 beses at umani narin ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens habang isinusulat ang artikulo na ito. Isa pa raw na People Power na alam ni Thinking Pinoy ay nangyari noong April 2016 (Noynoy Aquino's Term) sa Kidapawan. Ito naman ay tungkol sa mga kababayan natin na humihingi ng bigas pero bala ang natanggap mula sa otoridad. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa post ni Thinking Pinoy. "The late Pres. Marcos held back the military and police so as not to harm civilians at EDSA. He could have bombed Camp Crame on day one, in fact His efforts and great love to the Filipinos was known by the RESULTS..." sabi ni F. Reyna. "Tama k tp maraming namatay sa hascienda luisita.. Mga tao nghahanap buhay pr sa kanilang pamilya.. mga body guard ng mga coujanco n ngdmit sundalo pr pgbbarilin ang mga mgsasaka" sabi ni B. Flores. Source: ThinkingPinoy +Ayon kay dating Pangulong Noynoy Aquino, tila nagyu u-turn daw ang Duterte Administration patungo sa Martial Law Era. Ilan daw kasi sa mga panukalang ng kasalukuyang gobyerno ay nagpapaalaala sa kanya ng panahon ng yumaong Pangulo na si Ferdinand Marcos. "Ako po medyo nagugulat sa ibang naririnig ko. Ngayon meron na naman tayong Ministry of Human Settlements... Gagawin na raw ho tayong 'Maharlika'... Tila nagbabalik 'yong mga ugali at pamamaraan na ating pong nilabanan na no'ng panahon ng kadiliman ng batas militar. Ngayon ho, kumbaga, baka na-detour tayo. Nasa sa atin na po 'yan kung itong detour na ito ay lumalim nang lumalim," pahayagni Noynoy sa mga dumalo sa ika-33 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Sa isang ambush interview, kinuwestiyon ni Noynoy ang naging pahayag ni Pangulong Duterte na palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawing 'Maharlika'. "It's not just a poor choice of words. You don't like the [name] Philippines. You're a nationalist, you say it's named after a Spanish king. OK, you can accept that. Pero to choose that particular word, and it was Marcos who was floating that idea, was that a conscious choice to indicate a preference?," sabi pa ni Noynoy. Ang pamilya ni dating Pangulong Noynoy aquino ay kilalang karibal ng pamilya Marcos sa larangan ng pulitika. Sa naturang pagtitipon, dinipensahan din ni Noynoy ang kanyang sarili laban sa mga batikos sa kanya tungkol sa Dengvaxia program. "Despite medical evidence, they chose to repeat the charges by people who are not even experts in this field... The flip side of that is, should we sacrifice the welfare of the 837,000 patients over those of the 16?" banat ni Noynoy. Inudyukan naman ni Noynoy ang publiko na huwag na raw magpaloko muli. "This coming election, I believe this expression is apt: 'Fool me once, shame on you; fool me twice, shame on me," dagdag pa ng dating Pangulo. Source: INQ | INQ +Sa programa ng DZRH New Television na Pimentel Hour, nakapanayam ng host na si Cesar Chavez ang mga miyembro ng Spirit of EDSA foundation na sina Cecile Alvarez at Maan Hontiveros para ipaliwanag ang kahalagahan ng EDSA People Power na gugunitain sa Pebrerp 25, 2019. Ayon kay Hontiveros, hindi daw dapat kalimutan ang pagkakaisa para mapatalsik ang diktadurya. "Di ba tinatawag natin iyan na people power. Kasi sa Edsa dun nangyari na nagkatipon-tipon ang mga Filipino. First time talaga nagkaisa tayo para kunin yung ating future sa ating kamay. Doon napakita natin yung pinakamagandang character of the Filipino. Number one, we are peaceful. We also wanted to make sure we protected our soldiers. Kaya gumitna ang mga civilians doon sa EDSA para huwag magkaroon ng bloody encounter. It was really the people who went out there to protect Ramos and Enrile and the reformist soldiers para hindi maging bloody revolution," sabi ni Hontiveros. Dahil sa mga sinabi ng mga guest ay hindi napigilan ng mga listeners ng programa na tutulan ang mga pinagsasabi ng mga guests. Ayon sa mga listeners, palpak umano ang EDSA People Power at lalong lang humirap ang ating bansa dahil dito. "Sige pagtanggol niyo pa ang EDSA revolution na puro kapalpakan lang ang naging resulta. Nagkanda loko-loko ang mga buhay Pilipino dahil sa kalintikan ng mga dilawan. Mga dilawan, oligarchs, elites. simbahan at drug lords lang ang nakinabang," sabi ni Gigi Moore. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa ulat ng DZRH. "33yrs na ang lumipas simula umalis si marcos sa kapangyarihan..walang magandang pagbabagong nangyari, bagkus nagsimulang bumagsak ang pilipinas, mula sa masagana at maunlad na bayan ay nalublob sa kahirapan... ..ibig sabihin nun ay wala kay Marcos or hindi si Marcos ang problema....," sabi ni A. Ng. "Palpak ang EDSA Revolt.lalong naghirap ang mga Pilipino si Marcos ang tunay na nagbigay ng ginhawa sa mga Pilipino," sabi ni M. Coloma. "30 years na mula ng edsa. Ano pinaglalaban kalayaan? Napaganda nyo ba ang buhay ng mga pilipino? O napalakas lalo ang rebeldi at lalong nalugmok ang bayan.. 30 years is enought para umasenso sana at patunayan.. Ang n ung mithiin.. WALA kwenta edsa nyo.. Ngayon ilang taon plang dami ng magandang ngyari.. So.. Dapat na kaung lumayas sa kapangyarihan.. Palitan na ang kasaysayan nang edsa walang kwenta.. Kalayaan para sa mayayamang umaalipin sa mga pobreng pilipino.. Ibagsak ang edsa..," sabi ni I. Empz. "Umasenso ba ang sa edsa madam?? May nagawa bang tulong sa taong bayan ang edsa nawalan ng regular na trabaho taas ng kuryente,namayagpag ang kurapsyon lahat ng ginawa ni marcos para taong bayan sinira at inangkin ng mga aquino palitan ba nmn ng mga pangaln sino kaya sakim," sabi ni M. Tan. Source: DZRH +Watch! Pagtanggal ng Burak sa Manila Bay, Sinimulan na! Inumpisahan na ngayong araw ang desilting sa Manila Bay upang matanggal ang mga burak at basura nakatambak sa ilalim ng tubig. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Gumamit ang ahensiya ng mga amphibious excavator. Layon ng DPWH na malaman kung akma ba ang istratehiya nila sa pagbungkal ng burak para sa gagawin nilang launching sa Marso. nGusto rin malaman ng ahensiya kung may mga kuryente at ibang delikadong materyal sa ilalim ng tubig. Pansamantala namang sinira ng gobyerno ang ilang istruktura sa may sidewalk para sa maneuverability ng mga excavator. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang mga netizens sa ginagawa ng kasalukuyang pamahalaan sa Manila Bay. "Tinatanggal na nang administrasyon ang mga burak. Kaya tayong lahat tanggalin din ang burak na gustong dumihan ang bansa. Ideretcho agad sa inodoro," sabi ni M. Abellana. "O diokno no smoking lang ba nagawa ni Duterte?manood ka gusto mo inudnod ko yang gilagid at ngipin mong puro Bagang jan sa burak?haha," sabi ni J. Arcilla. "he only president who value our nature and value our natural resources whether in the province or in manila. 2nd best president ever after president marcos so far. T," sabi ni R. Latiguera. " Duterte lng gumawa nyan. Yan ang tunay na may malasakit sa bayan hnd ung iba na malasakit kono. Pero walang pakialam sa bayan.. Sa mga boboto iboto nyo pa ung otso deretso sa inodoro para madaming komontra sa gagawin pa ni pangulong duterte..." sabi ni A. Ebuen. Source: PTV | News5 +Sapul sa drone footage ang daming ng tao sa isinagawang pagtitipon sa People Power Monument sa Edsa. Ang naturang aerial footage ay ibinahagi ng VPVph Facebook page. Ayon sa VOVph, kuha daw ito ng 5:15 ng hapon, ngayon araw (Feb 23, 2019). Ginugunita ngayon ng ilang kababayan natin ang anibersaryo ng EDSA People Power. Kung may kuha sa himpapawid, may kuha rin ang mamamahayag na si Rex Remitio ng CNN Philippines sa ground area ng pagtitipon. Naiulat din ang ilang media ang pagtungo ng ilang kababayan natin sa EDSA Shrine. Ayon sa mga ulat, umabot daw ng 3,000 ang dumalo sa pagtitipon. Panoorin ang mensahe ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa naturang pagtitipon. Source: VOVph | Rex Remitio | Philstar +Nagtungo ngayon ang ilang tao sa EDSA Shrine at sa People Power Monumnet para gunitain ang ika-33 anibersaryo ng People Power Revolution. Ayon sa ulat ng GMA, sinabi daw ng Mandaluyong Police na umabot umano sa 3,000 katao ang nagtungo sa lugar. Ilan sa namataan sa pagtitipon ay sina dating Education Secretary Armin Luistro, dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at ang aktibistang si May Paner o mas kilala sa tawag na "Juan Change". Mayroon tayong ilang kababayan na ikinumpara ang pagtitipon sa EDSA sa nangyaring Manila Bay Clean-up event. Magugunita noong Enero ay isinagawa ang kick-off event para sa Manila Bay Rehabilitaton na dinaluhan ng humigit-kumulang 5,000 katao. Basahin ang ilang reaksyon mula sa Facebook post ng GMA News page. "Yan pala ang libo nyu?mas marami pa ata dumalo s pglilinis ng manila bay eh!andami po ntatawa promise," sabi ni Y. Cassie. "Mas marami pa ung ng linis ng manila bay...otso derecho plagay ko nmn alam nu na kng saan kau pu2lutin..wla.kau pagkukunan ng boto," sabi ni E. Oali. "marami parin ang mga naglinis sa Manila Bay..nkatulong pa sila..mga ungas Move On na..alam na nangyari sa kasaysayan..tama na yan," sabi ni D. Gipa. "Pustahan mga nanjan. 1988 above pinanganak . Tas pag tinanung mu bakit sila nanjan.. Di nila alam ," sabi ni S. Manuel. "Libo libo ba yan eh mas marami pa yata yung naka deploy na pulis? at isa pa bkit need i celebrate ang EDSA? Wala nman naging magandang resulta sa mga pinoy ang edsa...2 aquino ang naging pangulo may nagawa ba sila hindi pat puro corruption at pagpapayaman lang ginawa nila...kudeta,at pondo ng yolanda victims," sabi ni M. Lumibao. "letche kayo dahil sa inyo na traffic ako sa pupuntahan ko... next time dun n lang kayo mag punta sa harap ng bahay ng mga aquino sa tarlac.," sabi ni T. Villanueva. Source: GMA News | GMA FB post |ABS-CBN +Matapos mag-viral ang panayam ni ABS-CBN News anchor Karen Davila kay Senator Manny Pacquiao tungkol sa tila mapangutyang tono nito sa pakikipag-usap sa senador, inulan ng batikos si Davila. Magugunita na habang tinatalakay nila Davila at Pacquiao ang isyu kung dapat bang magkaroon muna ng college degree ang mga senador at Presidente ay pilit tinatanong ni Davila si Pacquiao kung nakatapos na ba ito ng kolehiyo. Mapapanood sa panayam na sumagot si Pacquiao na kasalukuyan itong nag-aaral para magkaroon ng college degree. Pero pilit na tiniatanong ni Davila kung mayroon natapos niya na ba ang kolehiyo. Alam ng karamihan na si Pacquiao ay lumaki sa hirap at hindi nakapagtapos ng pag-aaral noon kaya pinasok ang mundo ng boxing. Hindi pinalampas ng kilalang pro-government blogger na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy ang inasta ni Davila. Hamon ni THinking Pinoy kay Davila, imbitahin daw siya ni Davila sa programa nito para mapakitaan niya ang ABS-CBN host kung paano maging mabait. "Invite me to your show, Karen, and I'll show you in the kindest way how to be kind to those whose lives weren't kind to them," sabi ni Thinking Pinoy. Si Thinking Pinoy ay dating estudyante sa University of the Philippines pero nag drop-out dahil sa kahirapan. Matatandaang naging laman ng social media si Thinking Pinoy noong binara niya ang mga senador na miyembro ng oposisyon. Magugunitang nagbigay na ng reaksyon si Senador Pacquiao sa nangyaring interview sa pagitan nila ni Davila. At nakiusap sa publiko na huwag na taikusin si Davila. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na naging mapangutya si Davila. Matatandaang noong 2017 kung kailan kasagsagan ng senate hearing sa fake news, sinabi ni Davila na ang naging highlight daw ng pagdinig sa senado ay ang pagtanggi ni former PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na sumagot sa mga tanong. Source: Thinking Pinoy +Sa panayam kay senatorial aspirant Neri Colmenares sa ABS-CBN News Channel (ANC), sinabi nito na nabigo daw si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang lahat ng ipinangako noong panahon ng kampanya. Isa sa ginawang example ni Colmenares ay ang giyera kontra-droga ng pamahalaan. "First, for me, the problem with the drug problem here, una muna, you go after the officials in government who encourages this. Hindi naman magpo-proliferate iyan kung there's no congressman, mayor, senator, governor who allows it... I don't think he is even succeeding in his drug war. That's one more proof that it coninues (drugs coming into the country)," sabi ni Colmenares. Ang inerereklamo ni Neri paghahabol sa mga narco-politician ay ginagawa na ng ating gobyerno. Sa panunukulan ni Pangulong Duterte, mayroon ng 3 alkalde ang napatay dahil sa koneksyon sa droga. Isa dito ay ang high-profile operation laban sa mga Parojinog. Ang video sa baba ay patunay na hinahabol ng kasalukuyang pamahalaan ang mga tao sa gobyerno na sangkot sa bawal na gamot. Hindi rin ata nabalitaan ni Colmenares ang survey kung saan sinasabi na maraming Pilipino ang naniniwalang nabawasan ang mga durugista sa kanilang mga lugar. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging komento ni Colmenares sa performance ng Duterte Administration. "Failed pa daw??? Bulag kasi kayo sa katotohanan na maraming nagawa ang Pangulong Duterte!!! Inggit lang yan, di nyo matanggap na magaling talaga ang Presidente!!! The Best President!!!" sabi ni E. Tan. " Ikaw ba colmenares na hiwi ang bunganga mo ano ba nagawa mo sa tagal mo na sa gobyerno?? Ptang ina kung maka batikos kala mo me nagawang maganda sa bayan pwe!" sabi ni B. Baker. "Neri Colmenares puro na lang puna at ngawa pero wala naman nagawa. As Rod Stewart was singing Some guys have all the Luck,Some guys have all the Pain, some guys take all the breaks, "Some guys Do NOTHING BUT COMPLAIN". You be the judge," sabi ni R. Palsario. Source: ANC 24/7 +Noong pumutok ang balita ng paglilinis ng Manila Bay sa may malapit sa United States Embassy sa Malate, Manila, nagsunuran na rin linisin ng ilan nating kababayan ang kani-kanilang mga lugar. Isa na dito ay ang Baseco sa Tondo. Tunay ngang nakakahawa ang ginawang Manila Bay Rehabilitation. Kamakailan lang ay kumalat naman ang litrato ng "before and after" ng Baseco. Sa aerial video naman na ibinahagi ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo, mapapanood ang malaking pinagbago ng nasabing lugar. Ito po ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin sa naging pagbabago sa Baseco. "Masama talaga ugali ni duterte tsk tsk makakatipid na mga taga manila sa summer outing sa gastos sa mga provinces magnalinis na mg husto manila bay haha bad ka talaga duterte mayor erap wag kana magkalat jan pang photo ops ha," sabi ni A. Okol. "Wow God bless sa pangulo natin,,,,, sana malinis narin ang utak ng mga buang na humahadlang sa pag babago ng Filipinas," sabi ni N. Tuldac. "Wow iba talaga pag may political will ang namumuno pwera bola at may mamahayag na tulad nyo uunlad ang pilipinas," sabi ni C. Romero. "Another legacy President duterte kamay n bakal pero surebol n may masasabi di yung mangangako magpapasagasa daw sa train hehe o train to busan," sabi ni C. Balod. "Anong masasabi ng mga yellowtards ,Wala ,dahil wala at d nyo nagawa yan nung panahon nyo na pwede rin naman palang malinis ang BASECO," sabi ni F. Abellanosa. "ABasta magtulungan kaya nmn tlaga..susunod tayo sa batas,at may malasakit sa ating kapaligiran...kaso lang may mga politika na sobrang kapal ang mukha at hindi nila matatanggap na ang isang taga PROBENSYA Lang pala ang makapabago sa SISTEMA..KAYA PANAY ANG PANIRA NILA.SALAMAT PANGULO DUTERTE," sabi ni L. Reyes. Source: ThinkingPinoy | Erwin Tulfo +Binabatikos ngayon ng ilang netizens ang naging sagot ng kandidato ng oposisyon na si Chel Diokno sa isang tanong sa programa ng ABS-CBN. Sa naturang programa, tinanong ng host si Diokno kung magiging pabor ito sa parusang bitay kung sakaling may anak siya na magahasa o mapatay ng isang kriminal. Ayon kay Diokno, hindi raw siya papayag na magkaroon ng death penalty dahil ito ay anti-poor. Si Diokno ay abogado at isang human rights advocate. Parte din si Diokno ng opposition slate na binansagang "otso diretso". Ang naging sagot ni Diokno sa tanong ay inulan ng kritisismo, lalo na sa mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Panoorin ang ilan pang sagot ni Diokno sa mga tanong sa kanya. Basahin ang reaksyon ng ilang kaabayan natin sa sagot ni Diokno. "Kung sarili mo ngang anak hindi mo man lang mabigyan ng hustisya paano pa ibang tao?" sabi ni N. Ojoitna. "Kung ako anak ni diokno na babae sampalin ko ito ng 100 beses tapos ingugngod ko ang mukha sa inidiro," sabi ni R. Buban. "inatay at nirape ang anak mo ah take note pinatay at gnahasa.. Ok lang sau?? Anong klaseng utak yan??!! At nasan pusong ama mo eh kung sa iba yan baka barilin na agad ng magulang ang mangrape o pumatay sa anak nila tpos ikaw tutol ka sa death penalty pag gnawa sa anak mo un,, napaka ogag mo!!! Napakahindot!!,, Yung anak mo iyak ng iyak sabe "si daddy walang pakielam samen kahit rapin at patayin kami ok lang sa kanya.." Mas gsto pa niyang mabuhay ang kriminal kaysa sa anak nia na walang kamalay malay. Hindot ka NO NO NO sayo!! Tumanda kang bobo!!," sabi ni B. Mendoza. "Hala ang bobo mo naman anak pinag usapan d2 ayaw mo ma death penalty paano na pag nanalo ka d sabhin mo bahala na kami sa buhay namin abno ang gago" sabi ni M. Barbon. Source: ABS-CBN via VOVph +Nananawagan si National Youth Commission Chairperson Ronald Gian Carlo Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisan ng scholarship ang mga mag-aaral na sumasali sa mga pag-kilos laban sa gobyerno. Ayon kay Cardema, hindi daw dapat bigyan ng scholarship ang mga estudyante na hindi pumapasok sa paaralan at madalas nakikita sa mga rally. Isa pa sa rason ni Cardema ay ang mga insidente kung saan nasasangkot ang ilang government scholars sa paglaban sa mga kasundaluhan bilang mga miyembro ng New People's Army. "The Filipino People formed the Government to govern, to regulate, to discipline, to collect taxes, and to allocate the Filipino People's funds into government scholarships & programs. Fighting the government means fighting the majority of the Filipino People and also not fulfilling their roles as the expected breadwinners who will uplift their families and as our hope in strengthening our country. As Chairman of the National Youth Commission, I am requesting our Head of Government, Philippine President Rodrigo Duterte, to issue an Executive Order removing the government scholarships of all anti-government scholars, specifically those students who are allied with the leftist CPP-NPA-NDF, a terrorist group that is trying to overthrow the Philippine Government and killing our government troops," sabi ni Cardema. Magugunitang nanawagan din si Cardema sa mga otoridad na arestuhin ang mga kabataang gustong ibagsak ang kasalukuyang gobyerno. Ang panawagan ni Cardena ay may kaugnayan sa ikinakasa ng ilang youth leaders na kilos protesta laban sa kasalukuyang pamahalaan. Ang mga youth leaders na ito ay kilalang taga-suporta ni Communist Party of the Philippines - National Democratic Front Chairman Joma Sison. "I am directing all pro-government youth leaders of our country, the Sangguniang Kabataan (SK) Officials in the barangays, municipalities, cities, & provinces and all the ROTC Officers, CAT Officers, fellow nationalistic student leaders & youth org leaders in schools & communities, to report to the National Youth Commission all government scholars who are known in your area as anti-government youth leaders allied with the leftist CPP-NPA-NDF. It is the duty of every Filipino Youth to become our hope, in strengthening our nation, & to fight those who are trying to crush our Republic.," dagdag pa ni Cardema. Source: PNA | Ronald Gian Carlo Cardema | Erap J De Guzman +Sa social media account ng Department of Transportation - Philippines (DOTr), malugod na ipinaalam ng ahensiya sa mga kababayan natin ang ginawa nilang pag-iinspeksyon sa tunnel boring machine sa JIMT Tsurumi Factory sa Tokyo, Japan. Ang tunnel boring machine ang ginagamit sa konstruksyon ng mga subway systems. Kasama ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa pag-iinspeksyon ay sina Usec. for Railways Timothy John Batan, Philippine Natiional Railways General Manager Junn Magno, at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at ilang senior officials ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Ayon sa DOTr, ang Technology Corporation ay isa daw sa nangunguna sa paggawa ng mga tunnel boring machines. Gaganapin na ang groundbreaking ng Metro Manila SUbway sa February 27, 2019, base sa impormasyon sa Facebook page ng DOTr. Panoorin ang kaugnay na video kung paano gumagana ang tunnel boring machines. Source: DOTr +Isiniwalat ng isang mataas na opisyal ng ating kasundaluhan na ang dating estudyante ng Ateneo De Davao na si Alvin Luque y isa na ngayon lider ng rebeldeng komunistang New People's Army sa Northeastern Mindanao. Base sa impormasyon na ibinahagi ni Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) Chief Major Gen. Felimon Santos, sunod-sunod pa rin daw ang recruitment ng mga NPA sa mga sektor ng estudyante. Ayon sa heneral, ilan pa raw sa mga estudyanteng nalinlang ng mga NPA ay sina Ryan Edpan Cagula at Prince Wendel Olorfenes. Si Cagula ay dating estudyante ng University of the Philippines sa Mindanao na napatay oong Nobyembre 4, 2014 sa Maasim, Sarangani. Habang si Olorfones ay estudyante ng University of Mindanao na responsable sa pag-atake sa istasyon ng Mati Police. Nananawagan naman si Heneral Santos sa mga magulang at mga opisyal ng mga paaralan na gabayan at bantayan ang mga estudyante para hindi maloko ng mga rebeldeng komunista. Ito po ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin tungkol sa estudyante ng Ateneo na piniling maging NPA. "Mga bobo mga estudyante. Peste kami noon tumira kami sa isang baryo na kung saan sentro na daanan ng mga NPA mula Estern Samar tagos ng Western Samar,northern samar to western samar pero never kami na pa recruit sa mga yan kung saan ang tatay namin kapitan....," sabi ni M. Garcia. "So ano napala niya. nakatikim ba ng freshly oven chicken not like JOMA Sison who is enjoying his remaining life in THE NETHERLANDS while the rests of NPA are in the mountains fighting for nothing and mosquitoes are their companions. so think a million times before joining this group.," sabi ni J. DeGuzman. "I think the government in its crackdown on illegal drugs should also do such crackdown on universities that has allegations on recruitment by this communist affiliated groups e.g this Sarah Elago et al.," sabi ni A. Lapeceros. "Tigilan nyo na ang paghihikayat sa mga magaaral ng mga kolehiyo sayang ang mga pangarap nilang makapagtapos at pamilya nila ang kawawa at tayong kapwa pilipino ang talo sa ganyang sitwasyon mamuhay tayo at hindi paghahasik ng maling kapangyarihan at pananaw," sabi ni J. Olivera. Source: Philstar +Sinilbihan nna ng limang warrant of arrest ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang banyagang pari na si Fr. Kenneth Bernard Hendricks, 78-anyos. Ito ay kaugnay sa kasong 'acts of lasciviousness' na kinakaharap nito. Ayon sa ilang ulat, nakipagtalik umano si Hendricks sa mga menor de edad. Ilan daw sa mga nabiktima ng pari ay mga Pilipinong Sakristan. Kasalukuyang nakakulong si Hendricks sa Bureau of Immigration Detention Cell sa Camp Bagong Diwa. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa sinapit ni Hendricks. "CHR left the group, CBCP left the group," sabi ni R. Akizuki "CBCP comment nyo? Tagle? Villegas? Pag sa gobyerno dami nyo sinasabi....ngayon tahimik kayo," sabi ni R. Co. "Tagle and Soc Villegas anong say nyo dito mga chupadre damaso,"sabi ni R. Panaligan. "Hsi? Putsa ibig sabihin ngttgo dito yan. Lintik kalokohan ng simbhan dito sa atin malamng kinkanlong nila mga may kasong ganyan,"sabi ni J. Data. Source: News5 | Philippine Star +Matapos mag-viral nitong mga nakaraang linggo ang isang Chinese National na nansaboy ng taho sa isang pulis sa istasyon ng tren, isa na namang banyaga ang laman ng balita matpos naman pasuin ng sigarilyo ang isang pulis sa Puerto Galera. Kinilala ang suspek na si Fereshteh Najafi Marbouyeh, 31-anyos, isang Irnanian National. Ayon sa ilang ulat, nagwala daw ang suspek sa Tabinay village dahilan kung bakit ito hinuli ng kapulisan. Nang nasa istasyon na ng kapulisan ang dayuhan ay lalo daw itong nagwala at dito na raw sinipa, sinuntok at pinaso ng sigarilyo ng Iranian si Police Officer 1 Ferr Henrick Mangarin ng Puerto Galera. Mahaharap sa kasong direct assault upon person in authority si Marbouyeh. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa inasta ng dayuhan na ito. "Ginagawa lng nila taung gago dto sa sarili nating bansa...samantalang dayo lng sila dto saten...dapat turuan din naten sila ng leksyon para malaman ng ibang bansa na hndi tau ginaganun lng...kaya tuloy maliit lng tingin sateng mga pinoy lalo n mga ofw...kung tratuhin nila masahol pa sa hayop....real talk," sabi ni R. Principio. "Foreigns are not respecting our policemen.. same goes to other filipinos.. Not all of our policemen are doing unlawful things. their lives are at stake the time they wear their uniform. So, lets give them the respect that they deserve," sabi ni J. Fer. " Pag nasa ibang bansa tayo.. magalang and behave tayo pag nakakakita tyo ng police.. Dito yung mga banyaga binabastos ang kapulisan natin.. Ano pa kaya sila sa mga regular na tao lang.. Pag ako nakakakita ng pulis dito nginingitian ko.. Tapos tong mga to binabato ng taho at pinapaso.. Grabe.," sabi ni A. Kalan. "Law is a law and must be obeyed and respected no matter what nationality goes to the country. If this person committed a crime then she has to suffer the consequence, she will be detained and punished. Maybe three months behind the bars. No fine penalty, foreigners can afford to pay fines they've got the money in any shape or form so locking them will be most recommended. What right has she got to burn anyone's hand you can't even do that to a dog let alone a human being," sabi ni A. Bean Source: News5 | CNN Philippines +Siguro naalala niyo pa 'yung pagkakamali ni dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson tungkol sa sinabi niya na ang bulkang Mayon ay nasa Naga? Magugunita na ang maliit na pagkakamali na ito ay pinalaki ng husto ng mga taga-mainstream media. Ang malala pa, may ilang kababayan tayo na tinawag itong 'fake news' kahit na malinaw na nagkamali lang si Uson. Ngayon naman ay bumuwelta si Uson sa Inquirer, isang mainstream media news outfit. Sa artikulo kasi ng Inquirer tungkol sa kasong kinakaharap ni Rappler CEO Maria Ressa. Tinawag nilang National Bureau of Immigration ang NBI. Mali po iyon, dahil ang letrang I sa NBI ay Investigation hindi Immigration. "Noong tayo po ay nagkakamali ang tawag ng mga MEDIA- FAKE NEWS na kaagad. Iba po ang Fake news sa Wrong News o yung hindi sinasadyang mali. Ibig sabihin walang intention manlinlang ng tao. Tulad nitong pagkakamali ng Inquirer.net, hindi masasabing FAKE NEWS ito. Nagakamli sila tulad ko din po dati. Kaya yung pag sabi nila ng FAKE NEWS dati ay malisyosyo. Yan tuloy kinakarma na ang mga teroristang media," banat ni Uson sa mga taga-mainstream media. Aming pong in-archive ang pagkakamali ng Inquirer, kaya kahit baguhin nila at itama ay hindi nila maitatanggi ang kanilang pagkakamali. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa pagkakamali ng Inquirer. "Buti di bureau of irrigation hahahaha," sabi ni J. Tudtud. "What!!!! This big a newspaper do not proof read their printing ? What a shame, if i were the chief, i will demote the editor and chief to become type setter.," sabi ni L. Ebersole. "ngaun ko lng nalaman na may bago na palang ahensya ang ating Gobyerno... kakaiba tlga ang pangulo naten ngaun.. build build build.. daming accomplishment ahhaha," sabi ni J. Dapien. "Mali mali na namanAng Philippine Inquirer. Imbes na Bureau of Investigation naging Immmigation. Hahaha," sabi ni A. Nudas. " For a big newspaper, especially one that is quick to "bash" errors of others, there is no excuse. Ever heard of proofreading before publication? (o baka naman the writer does not really know the meaning of NBI? chereet)," sabi ni D. Dapiawen. Source: Archive | Inq | Mocha Uson Blog +Natandaan niyo ba 'yung nag-viral na video ng netizen na si Pio Gerona Fortuno Jr. tungkol sa utility cables na nakaharang sa viral footbridge? Balak panagutin sa batas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naturang kababayan natin. Ayon sa opisyal ng MMDA, hindi pa daw operational ang naturang tulay at ilang beses na raw nakipag-ugnayan ang MMDA sa mga kumpanyang may-ari ng mga kable na tanggalin ang mga ito. Para sa MMDA, iba daw ang motibo ni Fortuno. "Tapos nung pinasok niya, kukunan niya ng video, ofcourse... kumbaga iyong motibo.. Puwedeng kasuhan pala natin ng malicious mischief 'yan and trespassing. Kasi hini pa siya allowed gamitin, tinanggal niya iyong harang at pinasok niya," sabi ng General Manager ng MMDA na si Jojo Garcia. Nanindigan naman si Fortuno na wala siyang nilabag na batas. At buong giting na sinabing walang makikita ang MMDA na CCTV na may tinanggal siyang barriers. "They will not see any CCTV video of me taking down the barriers because there were o barriers when I entered that," sagot ni Fortuno Jr. sa pagbabanta ng MMDA. Hindi rin nagustuhan ng ilang netizens ang inasta ng MMDA. Basahin ang ilang komento ng mga netizens. Source: Bandila +Ibinunyag ng Manila Times Columinist na si Rigoberto Tiglao ang pagkatao ni Maria Ressa, ang Chief Executive Officer ng Rappler na kamakailan lang ay inaresto ng National Bureau of Investigation dahil sa kasong Cyber Libel. Ayon kay Tiglao, si Ressa daw ay isang American Citizen sa mahabang panahon. "RAPPLER CEO and editor in chief Maria Angelita Aycardo Ressa is an American citizen, who of course uses US passports that identify her nationality. She has been deliberately, yet cleverly, hiding this fact.... Ressa became a US citizen shortly after her family migrated to the US in 1973, and swore the oath of allegiance required of naturalized Americans," sabi ni Tiglao. Para daw maging American Citizen ang isang banyaga kailangan daw sumumpa ito ng katapatan sa Amerika. Isa sa mga kailangan sambitin ay ang pagtalikod sa bansang pinagmulan. "I hereby declare, on oath, that I absolutely and entirely renounce and abjure all allegiance and fidelity to any foreign prince, potentate, state, or sovereignty, of whom or which I have heretofore been a subject or citizen," ang katagang dapat isumpa ng sinumang nagnanais maging American Citizen. Nilinaw din ni Tiglao sa kanyang column na nakakuha muli ng Philippine Citizenship si Ressa noong 2004 sa pamamagitan ng "Dual Citizenship Law" ng Pilipinas. Pero ito ay para lang daw sa kaginhawahan, para makabili ng pag-aari sa Pilipinas. "While she acquired Philippine citizenship in 2004 under the country's "dual citizenship law," this has been only for convenience, for her to own property in the country.," pagbubunyag ni Tiglao. Ang pagiging American Citizen din daw ni Ressa ang dahilan kung bakit naglabas ng pahayag ang US embassy nong kasagsagan ng pag-aresto sa Rappler CEO. "Right after Ressa was arrested, the US embassy issued a statement -- a rare one, her media outfit Rappler itself reported -- which said: 'We hope the charge against journalist and Rappler CEO Maria Ressa will be resolved quickly in accordance with relevant Philippine law and international standards of due process.' The statement was not due to US concerns over a purported attack on the press, as Rappler implied. It was simply because Ressa is a US citizen, and US embassies are required to publicly express concern over a high-profile citizen being arrested and charged in local courts," ani Tiglao. Kaya hindi rin raw nag-aalinlangan si Ressa na gawan ng kasinungalingan si Pangulong Duterte. "No wonder Ressa is so bold in spreading lies against Duterte. Behind her to defend her is the most powerful nation on earth. If ever Ressa is convicted of the crimes she is charged of and ordered jailed, she could just flee to the US," banat pa ni Tiglao. Source: Manila Times +Patok na patok sa mga netizens ang naging performance ni Attorney Larry Gadon sa programa ng ABS-CBN para sa mga senatoriables. Sa programa, natanong ni Davila si Gadon kung naniniwala ba itong may nakaw na yaman ang mga Marcoses. "Hindi (ako naniniawalang may nakaw na yaman ang mga Marcos). Sapagkat, yung ginawa ng PCGG, marami silang tinatawag na alleged cronies na kinumpiska nila yung pera, hindi lahat yun ay sa mga Marcoses, In fact, maraming ng naisauli sa mga Marcoses. Kagaya ng ma bahay nila, Sto. Nino shrine, yung ibang mga paintings. Wala(ng nakaw na yaman ang mga Marcoses)," sagot ni Gadon kay Davila. Sa isang bahagi ng pagtatanong ni Davila, inilutang ng host ang binibintang na human rights violations noong Martial Law sa mga Marcoses. Ito ay agad na binuweltahan ni Gadon at binanatan ang mga pinaggagawa ni COry at Noynoy Aquino. Mapapansin na sinusubukan sabayan ni Davila ang pagsasalita ni Gadon pero hindi natinag ang senatoriable. "Mas maraming human rights violation noong panahon ni Cory Aquino. Nandiyan ang Mendiola Massacre. Nandiyan yung pinatay ang mga union leaders ng Hacienda Luisita. Sa panahon ni Noynoy, yung SAF 44. Mas maraming human rights violations sa mga Aquino," resbak ni Gadon kay Davila. Habang isinusulat ang naturang artikulo, ang video clip ay naibahagi na ng mahigit 18,000 na beses at umani na ng mahigit 4,000 komento mula sa mga netizens natin. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa sagutan nila Davila at Gadon. "Direct to the point, kahit yung issue sa saba alam nya kung bakit ginugulo ng mga ribelde yung mindanao. Walang paki alam kahit sino matamaan sa mga sagot ng walang pag aalinlangan ibig sabihin buo yung loob nya at sigurado sya sa mga sagot nya," sabi ni J. Cruz. " I like Atty. GADON when he openly critcized Cory Aquino about human rights abuses during 2 Aquino's term, and defended Marcos' Martial Law.," sabi ni D. Once. "Atty. Gadon bigyan mo na malupet na shout out si Karen sa blog mo, halatang dilawan eh.," sabi ni R. Lingat. "ung feeling n gusto mu pigilan sya sa pag sasalita tungkol sa pamilya ni panot pero wala k nagawa kasi naka live," sabi ni R. Li. "Halatang halata c karen mga tanong mu puro marcoses supalpal ka tuloy ... sana mkpasok kayo iboto nten to mga kbabayan c atty gadon magaling to at pra sa ikabubuti ng pinas ang gusto nya," sabi ni I. Henson. Source: ABS-CBN +Binabatikos ngayon sa social media ang gagawing hakbang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa concerned citizen na si Pio Gerona Fortuno Jr. na nag-upload ng viral video ng isang footbridge kung saan makikitang may mga utility cables na nakatagos. Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Piallago, mahaharap sa maraming kaso ang si Fortuno Jr. Hindi rin daw kasi kinuha ang kanilang panig bago ilagay ang video sa internet. "Ang instruction po ni GM Jojo Garcia na nasa legal na namin ay kasuhan ng trespassing. Kasi hindi pinadadaanan, dinaanan. Malicious mischief, because you can see the intention. Why do you have to upload that in that way wthout asking us. Ang cyberlibel," sabi ni Pialago. Umalma naman ang nagpakilalang kapatid ni Pio na si Teresa Fortuno Tejada sa gagawin ng MMDA. Ayon kay Tejada, hindi gagawin ng kapatid niya ang pag-upload ng video para makakuha lang ng libo-libong likes. Ang kapatid pa nga niya daw ang may karapatan na maghabla sa MMDA dahil sa akusasyon ng ahensiya na may tinanggal si Pio na mga barrier. "Actually, it's my brother who has the right to file a suit against the MMDA... They have claimed that he has removed the barrier when there was actually none, just to take a video of the unfinished footbridge?!? Dear MMDA, my brother would not make up a story just to gain a thousand shares and likes in Facebook... It's not worth his time to do such nonsense... Please act responsibly naman... This is not the only footbridge that has issues... There are others that you have neglected for so long so please keep your act together naman... Plus there are also others who have crossed this footbridge, will you file a suit against them as well?," sabi ni Tejada. Sa isang panayam, nilinaw ni Pio na wala siyang tinanggal na barrier. "They will not see any CCTV video of me taking down the barriers because there were o barriers when I entered that," sagot ni Fortuno Jr. sa MMDA. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa hakbang ng MMDA na kasuhan ang concerned citizen. Source: News5 | Teresa Fortuno Tejada +Huli sa lente ng kamera ang paraan ng pakikipagkamay ni Erin Tanada sa isang tindera ng isda sa palengke. Makikita sa naturang litrato na imbes na sa kamay niya hawakan ang tindera, ay sa bisig niya lang ito hinawakan. Si Tanada ay isa sa walong pambato ng oposisyon sa pagka-senador at miyembro ng Liberal Party. Ang naturang litrato ni Tanada ay ibinahagi ng kilalang pro-government blogger at radio host na si RJ Nieto (aka ThinkingPinoy) sa kanyang Facebook page. Umani ito ng sari-saring batikos mula sa mga taga-suporta ng gobyerno at nai-share na rin ito ng mahigit 8,000 beses. "Yung parang diring-diri si #OtsoDiretso Erin Tanada sa kamay ni Ate na ipinanghawak sa isda. Chinito ba talaga si Erin o takot lang matilamsikan ng tubig na malansa?" banat ni Thinking Pinoy. Basahin ang komento at opinyon ng ilang kababayan natin sa naging paraan ni Tanada ng pakikipagkamay sa ordinaryong tao. "Plastic na kumag tokung ako ginawan mo ganyan hawakan kita ng kanan kong kamay na hinawak ko ng wagas sa isda," sabi ni E. Albarida. "Plastic na kumag tokung ako ginawan mo ganyan hawakan kita ng kanan kong kamay na hinawak ko ng wagas sa isda," sabi ni E. Albarida. "Yan..yan ang Ocho Deretchoooo nyo! Saka kelan pa naging Derecho ang Ocho? Haaayys kung si Tatay Digong yan baka maglinis pa ng isda yan," sabi ni L. Villacruz. "wala ng marami pang paliwanag, kesyo sign ng respeto un, tangna kumakandidato ka, kung kinakailangang madumihan ang kamay mo gawin mo, amoy malansa man yan o amoy tae tangna tiisin mo sa ganun paraan man lang ipakita mo na kaya mong gawing ibaba ang pagkatao mo, after nyan kung manalo magnanakaw k lng dn nmn.," sabi ni R. Nellas. "Hahahaha imbes sa palad hahawak sa wrist hahaha malantsa kasi kamay ni aleng tindera siguro kung di lang eleksyon di yan hahawak o pupunta dyan sa palengke at after ng election who you kayo ngeeek," sabi ni M. Alvarez. Source: ThinkingPinoy | archive +Kung akala niyo ay tapos na ang isyu tungkol kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa at sa kumpanya nito, nagkakamali kayo. Nagtungo ngayong araw ang isa sa mga kilalang peronalidad sa hanay ng mga Duterte Supporters para personal na kumprontahin si Ressa. Sa live video ng radio host na si Mark Lopez, makikitang umabot na siya sa may pintuan ng headquarters ng Rappler. Kasama ni Lopez si Jovey Bev Aquino, isa ring taga-suporta ng Pangulong Duterte. Mapapanood sa video na may mga empleyado ng Rappler at security guard na nakabantay sa pintuan ng opisina. Ang rason n Lopez sa pagpunta sa opisina ng Rappler ay dahil sa tweet ni Ressa na tila inaakusahan na trolls ang mga nagsasalita pabor sa pagkaka-aresto niya. Magugunita na inaresto si Ressa noong isang linggo dahil sa kasong cyber libel na isinampa ng businessmanna si Mr. Wilfredo Keng. Ang kaso ay nag-ugat sa artikulo ng Rappler noong 2012 kung saan naiugnay si Keng sa pagpupuslit ng droga at human trafficking. Inalmahan ni Ressa ang pag-aresto at inakusahan ang gobyerno ng paninikil sa kalayaan ng pamamahayag. Habang ang ilang kababayan natin ay natuwa sa nangyari kay Ressa, may ilang foreign media naman na napeke sa impormasyonn tungkol sa pag-aresto kay Ressa. Sa ilang ulat mula sa foreign media, iniulat nila na kaya inaresto si Ressa ay dahil sa pagiging kritiko nito sa Pangulong Duterte. Sa katunayan, binura ng The Associated Press ang nauna nilang ulat tungkol kay Ressa. "Hindi po namin (tinatanggap) ang tweet ni Ressa. Malaking sampal po iyan sa atin. Dahil ang sinasabi po diyan ay tayo ay mga trolls lang na tumatanggap lang ng marching orders from somebody else. So we are here, kaming dalawa ni Jovy Bev to prove to Miss Ressa na we are not trolls, that we are here to express our outrage," sabi ni Lopez. Source: Mark Lopez | Maria Ressa | The Associated Press +Ang suhesityon ni National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng lumalaban sa gobyerno ay naging laman ng balita. May ilang kababayan natin na sumuporta dito at may ilan din naman na hindi sang-ayon sa panukala ni Cardema. Pati ang ilang senador ay nagbigay na rin ng opinyon sa naging pahayag ni Cardema. Tinutulan at hindi ikinatuwa ni Senador Chiz Escudero ang panukala ni Cardema sa Pangulong Duterte. Ayon kay Escudero, dapat daw sibakin si Cardema sa kanyang puwesto. "If we're kicking someone out, it should be him and not the students... The sycophantic and obsequious suggestion of the NYC head shows his ignorance of the Constitution and, far from helping, is surely doing a disservice to President Rodrigo Duterte and the government," sabi ng Escudero. Dagdag pa ni Escudero, hindi daw dapat parusahan ang hindi pag sang-ayon. Si Escudero ay chair ng Senate committee on education, arts and culture. "Both the president and the government should serve every Filipino without distinction and regardless of political beliefs. Dissent in a democracy should never be frowned upon, much less penalized in any way," sabi ng Escudero. Sa panayam kay Pangulong Duterte sa Malacanang, sinabi ng Presidente na walang isyu sa kanya ang pagsali ng mga estudyante sa mga rallies laban sa gobyerno pero ang hindi niya raw palalampasin ay ang mga sumusuporta sa armadong pakikibaka ng mga New People's Army. Ayon sa Pangulo, ipapaaresto niya daw ang mga student leaders na mapapatunayang sumusuporta at tumutulong sa NPA. Ang naging pahayag ng Pangulo sa isyu ay ikinatuwa naman ni Cardema. "After ka banatan today ng 3 Senators, 2 Secretaries, 1 Vice-President, biglang sesegunda sayo ang Pangulo ng Pilipinas. PRICELESS. Salamat po sa pag-intindi ng punto ko, mahal na Pangulo.," sabi ng Cardema sa kanyang Facebook post. Source: News5 | Philstar | Ronald Gian Carlo Cardema +Naging usapin nitong mga nakaraang araw ang pahayag ni National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema tungkol sa pagtanggal ng scholarship sa mga mag-aaral na sumasali sa mga anti-government rallies. May mga netizens na tumutol at may mga sumuporta sa panukala ni Cardema. "The Filipino People formed the Government to govern, to regulate, to discipline, to collect taxes, and to allocate the Filipino People's funds into government scholarships & programs. Fighting the government means fighting the majority of the Filipino People and also not fulfilling their roles as the expected breadwinners who will uplift their families and as our hope in strengthening our country. As Chairman of the National Youth Commission, I am requesting our Head of Government, Philippine President Rodrigo Duterte, to issue an Executive Order removing the government scholarships of all anti-government scholars, specifically those students who are allied with the leftist CPP-NPA-NDF, a terrorist group that is trying to overthrow the Philippine Government and killing our government troops," pahayag ni NYC Chair Cardema. Sa isang panayam kay President Rodrigo Duterte sa Malacanang, sinabi ng Presidente na walang problema sa kanya ang pagsali sa mga anti-government rallies ng mga scholars pero kung susuporta na ang mga ito sa New People's Army at maninira na ng gobyerno, ibang usapan na raw iyon. Payag na ang Pangulo na alisan ng scholarship ng mga nasabing estudyante "If you disagree with my move, you disagree or you don't find consonance in our decisions, fine," sabi ng Pangulo. "If you go and say, 'let us go out and join the NPA, give food to the NPA, money to the NPA, then you espouse the destruction of the duly constituted government... If you espouse to overthrow the government then you are committing the crime of rebellion... It carries with it the penalty of no bail... When the time comes I will arrest all of them and they will lose everything the government has offered them," dagdag pa ng Presidente. Basahin ang komento ngn ialng kababayan natin sa isyu ng pagtatanggal ng scholarship sa mga rebeldeng estudyante. "O ngayon narinig niyo na ang pahayag ng presidente tungkol sa inyong mga perwisyo at subersibong estudyante na pinagaaral at sinusuportahan ng gobyerno na sa kabila ng Lahat ay kinakalaban niyo pa at pilit na ibinabagsak! Malapit na kayong husgahan! Kumukuha lang ng sapat na ebidensiya at katibayan upang kayoy arestuhin at kasuhan!Kaya takpan niyo pang mabuti mga pagmumukha ninyo!dahil me kalalagyan na kayo!," sabi ni T. Delarosa. "Tama lang tantanggalin sila sa scholar. Tanungin ko nga itong mga nagmamagaling na ayaw patanggal sa scholarship ang mga walang kwentang estudyante na yan. Kelan ba sa history ng bansa na nakatulong sa ekonomiya ng bansa ang mga pagrarally nyo? Kelan ba sa history ng bansa na nakatawag ng pansin sa ibang bansa sa mga investor ang mga pagrarally nyo. Kayo ang sumisira sa imahen ng bansa kayo nagpapagulo sa gobyerno kayo ang anay ng lipunan kaya sa mga katulad nyo wala kayong lugar para sa bansa. Kayo ang nagsasadlak sa bansa sa kahirapan minsan nauto nyo na sambayanan sa EDSA1 na naglugmok sa bansa sa kahirapan ngayun gising na taong bayan walang nangyari sa DEMOKRASYA nyong mga sinasabi kalayaan lang sa mga magnanakaw sa gobyerno at sa mga kriminal sa bansa ang napala ng bayan. Kaya dapat lang tanggalin ang mga walang kwentang kabataan na yan na sumasali sa mga pagkilos mali ang kanilang paniniwala kung gusto pala nila rally dapat mamundok na lang sila. Mas maraming deserving na kabataan na hilig talaga mag aral na dapat bigyan ng pagkakataon kesa sa mga kabataan na walang ginagawa kung di manggulo sa bansa," sabi ni P. Tolentino. Source: News5 | ABS-CBN | NY Chair Ronald Cardema +Binabatikos ngayon ng ilang kababayan natin si ABS-CBN news anchor Karen Davila dahil sa paraan ng pagtatanong nito kay Senador Manny Pacquiao. Sa programa ng ABC-CBN News Channel (ANC), napag-usapan nila Davila at Pacquiao ang tungkol sa pangangailangan ng college degree para sa mga senador at Pangulo. Tinanong ni Davila si Pacquiao kung pabor ba ito sa panukala. Ang naging simpleng sagot ni Pacquiao ay sang-ayon siya dito. Ayon kay Pacquiao, kumukuha na raw siya ng college degree. Pero ang pagtatanong ni Davila tungkol sa college degree ay hindi natapos doon. Pinipilit din ni Davila na alamin kung saan nag-aaral si Pacquiao kahit na sinabi ni Pacquiao na sikreto ito. Mapapanood sa video kung paano inulit-ulit ni Davila ang pagtatanong kay Pacquiao kung nakatapos na ba ito. Ang inasta ni Davila tungo Pacquiao ay hindi pinalampas ng ilang netizens. Ang naturang video clip ng pagtatanong ni Davila kay Pacquiao ay umani na ng libo-libong reaksyon at naibahagi na rin ng mahigit 6,000 na beses habang isinusulat ang artikulo na ito. Basahin ang reaksyon ng ilang netizens sa inasal ni Davila sa kanyang programa. "Ikaw Karen my degree pero wlng moral. Grabe k makadiin s degree. Ung kinakausap muh mas maraming natulong at magandang parangal s bansa ntin. Ikaw Anu b nagawa muh? K bwisit k, Lam muh Ikaw ung tipong Tao n nkadamit, balot Ang katawan, pero tanaw n tanaw Ang kalooban (itim Ng budhi)," sabi ni R. Java. "Hahahhaha obvious... Please Davila.. Wag Kang obvious.... You can not put down upright and man of God.... Leaders doesn't base on education... Si fake vp nga abogado.... Question mark naman.. How she made decisions... Arithmetic nga d PA masundan...," sabi ni A. Alonzabe. "Si Pacquiao walang Degree pero mas mukhang may pinag-aralan pang makitungo at makipag-usap s tao hindi mapanghusga, si Karen may degree pero..... Ewan ang ugali kyo na humusga... Si Pacquiao Khit walang degree pero may krangalan na naipasok s bansang pinas kesa sa Karen na may degree kuno," sabi ni G. SJ. Source: ANC via Kapitbahay FB Page +Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care Act. Ang batas ay pinirmahan ni Pangulong Duterte sa isang pagtitipon sa Malacanang. Layon ng nasabing batas na gawing miyembro ng Philhealth ang lahat ng Pilipino. Ang kailangang pondo para sa batas ay P257 billion. Magiging prayoridad ang konstruksyon ng mga barangay health units sa mga 4th at mga 6th class municipalities, para ang mga pasiyente ay hindi na kailangan magpunta sa mga ospital. Ilan pa sa mga hangarin ng batas ay ang pagpapabuti ng doctor-to-patient ratio, pagpapaganda sa mga gait at pasilidad ng mga gamutan at pagpapagawa ng ospital sa mga lilib na lugar. Panoorin ang buong video ng pagpirma ng Pangulo sa Universal Health Care Act. "Wala ka manlang tanong tanong digong! Pakialamero ka talaga. Tignan mo ngaun ang dami nanamang pilipino ang matutulungan at gagaan ang buhay. Grabe kana. Bumaba kana sa palasyo. Dito ka nalang sa bahay gawin kitang tatay. Lol. Peace!" sabi ni L. Cinco. "Very Good to my fellow countrymen, malaking bagay eto para sa inyo..But for me Pano kung ayaw ko magpaMember sa PhilHealth? I already have Voluntary SSS and Pagibig..meron na kasi aq Health Insurance and Life time Insurance here in Abroad" sabi ni J. Mrez. " Kumusta President nyo? Eto palamura. Mapapamura ka sa mga ginagawa nyang kabutihan sa ating bansa Good Job again Mr President Ok lang madaming haters, pero mas maraming naniniwala sa inyo," sabi ni R. Dela Paz. "asta para sa ikabubuti at kapakanan ng mga pilipino lalot ng mga naghihirap nating kababayan. Hinde po sa lahat ng pagkakataon ay babatikusin ko kayo depende po sa ginagawa ninyo.. Dis time saludo ako sa inyo.. Salamat po Presedent Duterte," sabi ni M. Yu. Source: GMA News | News5 +Ibinida ni Department of Public Works and Highway Secretary Mar Villar ang final inspection at dry run ng Noth Luzon Expressway Harbor Link Segment 10 para sa pagbubukas nito sa susunod na linggo (Martes, Pebrero 26). Ayon sa kalihim aabot sa 30,000 na motorista ang maseserbisyuhan ng proyekto at matatapiyasahan ng lubos ang oras ng pagbiyahe mula sa Valenzuela City hanggang C-3 sa Kalookan. Kung dati ay umaabot daw ng isang ras ang biyahe, magiging 5 munuto na lang daw pag binuksan na ang nasabing kalsada. Lubos na hinangaan ng mga kababayan natin ang naturang post ni Secretary VIllar. habang sinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa mahigit 6,000 ang nagbahagi ng nasabing post at umani na rin ito ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens. "The NLEX Harbor Link Segment 10 will be a traffic game changer since this will drastically cut travel time from Caloocan to NLEX from one hour to only five minutes. It will be opened next Tuesday - Feb 26" sabi ni Secretary Villar sa kanyang Facebook post. Panoorin ang video mula sa DZBB. Ito po ang ilan sa mga naging komento ng ilang kababayan natin sa isa na namang matatapos na proyekto sa ilalim ng DUterte Government. "Tatak Duterte! Mabuhay ang administrasyong Duterte. Thank you Sir Mark Villar, great job po! " sabi ni R. Dela Cruz. "Mark Villar and Art Tugade. Two names I will never forget if ever you two decide to run as Senators. Mabuhay po kayo," sabi ni N. Mercado. "Grabe talaga ang mga cabinete ng Duterte admin, nagpapaligsahan sa galing! Salamat po Sec Mark Villar sa taimtim na pagtulong sa mahal na pangulo." sabi ni O. Ocitog. "Sec Mark yung mga dilawan hinahanap yung mga nagawa ng DPWH at ng administrasyon .. paki Sampal nga po sa kanila itong harbor link..thanks .. and by the way congrats sec.. for the job well done," sabi ni Y. Jesalva. "Yan ang tunay ng pagbabago may gawa at maasahan sina Tatay Digong, Mark Villar at iba pang membro ng DDS salamat at mabuhay mahal nga pangulo!!!," sabi ni L. Aboloc. Source: DPWH Secretary Mark Villar | DZBB +Ikinatuwa ng Malacanang ang ang resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na nagpapakita na maraming Pilipino ang naniniwalang kumonti ang mga durugista sa kanilang lugar. Ayon sa Palasyo, ito raw ay patunay na matagumpay ang kamapanya ng pamahalaang Duterte laban sa bawal na gamot. "This survey, conducted last December 16-19, 2018, is a validation of the success of the Duterte Administration's campaign against illegal drugs. As we all know, it is a major campaign platform of President Duterte and remains a centerpiece program of his Administration, notwithstanding the harshest criticisms, brickbats and pressures the current government is receiving here and abroad," sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Kung ikinalugod ng Malacanang ang survey SWS, iba ang naging reaksyon ni Senador Antono Trillanes sa balitang ito. Ayon kay Trillanes, walang awa daw si Pangulong Duterte. "Since libu-libo ang pinatay niyo na addicts without due process anf without giving them the opportunity to be rehabilitated, di ba natural lang na mababawasan ang addicts? So, what are you celebrating, Mr. Panelo, the ruthlessness of your boss?" boladas ni Trillanes. Ito naman po ang bahagi ng pahayag ni Secretary Panelo laban sa mga taga-oposisyon. Basahin ang tugon ng ilang kababayan natin sa naging pahayag ni Trillanes tungkol sa survey. "So ano gusto mo, hindi mabawasan. Tapos sasabihin mo nman walang nangyayari sa administrasyon. Napakabugok mo talaga, kaya tama lang na hindi ka na maging senador ulit. Kabobohan ung tumatakbo sa isip mo," sabi ni R. Orana. "shut up ka na lang trillanes. ilang linggo nalang naman mawawala ka na sa senado. at nangangako kami di ka na makakabalik pa dahil di ka namin iboboto kung tatakbo ka ulet after 3 years," sabi ni F. Hidalgo. "Yong opinion nya sa isyu parang d senador.mabuti pa ang komento ng mamamayan na nakabubuti sa lipunan na nabawasan ang mga adik dahil ang nakataya ay kaligtasan ng bawat mamamyan.si trillanes at ang pamilya nya ay malayong mabiktima ng mga adik dahil karapatan ng isang senador na mayroong syang tanod at ang kanyang pamilya at sino naman ang nagpasahod ng kanya at kanyang mga tanod?d ba ang taong bayan bilang ganti namn dapat tignan mo rin sana ang seguridad ng mga taong nagpasahod sa iyo at nagloklok bilang senador kahit walang kang kwenta.malapit ka nang ma-game over boy laking kaginhawaan ng bayan kung maalis ka sa departamento nawa maging sa mundo," sabi ni E. Tangguihan. "mas gusto pa ata ng mamang ito na mas marami ang ma biktima ng addict..nag barilan nanga ang police at mga drug related suspect gusto pa nya ng due process sa gitna ng labanan! bat kaya naging senador to?" sabi ni A. Tan. Source: News5 | Office of the Presidential Spokesperson +Tila inulan ng puna ang naging social media post ng news anchor ng ABS-CBN na si Karen Davila. Hind nagustuhan ng ilan kababayan natin ang naging post ng mamamahayag tungkol sa kapwa nito journalist na si Rappler CEO Maria Ressa at sa kinakaharap nitong cyber libel case. Sa Facebook post ni Davila, sinabi ni Davila na ang cyber libel case ni Ressa ay nagmula sa artikulo noong 2012, bago naisabatas ang Cyber Crime Law. Pero hindi binanggit ni Davila na ni-republished o in-update ang nasabing artikullo noong 2014. Katwiran naman ng ilang kababayan natin, pasok pa din daw sa cyber libel ang nasabing artikulo ng Rappler dahil muli itong inilathala o ni-republished noong 2014. Ganito din ang naging opinyon ng Manila Times Columnist na si Rigoberto Tiglao. "This is a total lie. Yes, the story was published first on May 29, 2012, or before the Anti Cyber-Libel Law was enacted in July and came into force the next month. But the story was "updated" on Feb. 19, 2014 -- two years after the law had been in full force. 'Updated' If an article in the internet that was posted years ago is "updated" today, for example, it is as if it was reported only today," sabi ni Tiglao. Ito po ang social media post ni Davila na binatikos ng ilang kababayan natin. Matatandaang noong kasagsagan ng balita tungkol sa pag-aresto kay Ressa, nag post si Davila sa kayang twitter account tungkol sa pag depensa sa press freedom. Si Ressa ay kinasuhan ng negosyanteng si Mr. Wilfredo Keng dahil sa artikulo ng Rappler noong 2012, kung saan naiuugnay si Keng sa pag-smuggle umano ng bawal na gamot at human trafficking. Si Ressa ay nahaharap din sa kasong tax evasion. Noong 2018, binawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang registration ng Rappler dahil sa paglabag daw sa patakaran ng foreign ownership sa mass media. Source: Karen Davila | Manila Times | Rappler | Karen Davila's Twitter +Matapos arestuhin kamakailan dahil sa cyber libel case na isinampa ng negosyanteng si Mr. Wilfredo Keng, isa na namang problema ang kakaharapin ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa. At ito ay ang kaso ng kanyang kumpanya na may kaugnayan sa buwis. Binutata ng Court of Tax Appeals (CTA) 1st Division ang apela ng Rappler Holdings Corp. at ng CEO nito na si Ressa na maibalik sa Department of Justice (DOJ) ang P70-million tax deficiency cases. Dahil sa pagtanggi ng CTA, ikinasa na ng korte ang preliminary conference para sa marking of exhibits sa Marso 6. Ang pre-trial na naman ay gaganapin sa Marso 13. Magugunitang binawi ng Securities and Exchange COmmission (SEC) ang incorporation certificate ng Rappler noong 2018 dahil sa paglabag umano sa foreign ownership of mass media. Inalmahan ni Ressa ang mga kaso at tinawag itong panggigipit ngestado laban sa kanya at para kitilin ang kalayaan sa pamamahayag. Sa programa ng CNN Philippines, nagkasagutan sina Ressa at ang tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo DUterte na si Sec. Salvador Panelo. Sa naturang pagtutuos, tila pinangaralan ng kalihim si Ressa tungkol sa kinasasadlakan nitong problema. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa problemang kinakaharap ni Ressa. "Sa panahon kasi ni Pnoy pinabayaan lang silang di mkabayad ng buwis total maganda nman binabalita ngyon sinisingil sila sa panahon ni Duterte todo paninira tirada nila tpos pag binalikan iiyak ng harassment daw," sabi ni D. Leopardas. "IKULONG ETO ULI... ALAM mo bah Madam na nagkahiraphirap ako sa buhay... Kahit kakarampot ang sweldo, ang laki pa nang kaltas sa Tax pero okay lang kasi obligasyon yun... Pero letche kah, karamirami nyo palang tax na hindi binabayaran.... DAPAT KANG MAKULONG," sabi ni J. Ubas. "asan na kaya yong mga anti duterte ngyon may rally pang nagaganap sa at pinaglalaban ang press freedom..anu na asan ang press freedom niyon mga honghang..eh kami nga nagbabayad ng tamang buwis tapos kayo hindi hanep eh harassment agad at pangigipit ang isasagot," sabi ni A. Macalua. "See ang dami mong satsat pala utang ka pala at ang laki nyan ha dapat nayaran mo kami nga mha ultimo lng ng babayad kami ng buhis ngayun pg hinuli ka dami mo recklamo kesyo injustice ang pg huli sayo huhulihin kaba kung wala kang nagawang labag sa batas? Tapos sasakay pa ang bese presedinte at amg CHR nko mg ayos ayos nga kayo para wlang gulo," sabi ni J. Agreas. Source: ABS +Isang magandang balita ito para sa mga kababayan natin. Inumpisahan na po ng ating gobyerno ang konstrusyon ng Phase 1 ng Philippine National Railway Clark. Layon ng proyekto na mapabilis at maibigay sa mga tao ang kaginhawaan sa pagbiyahe. Sa pamamagitan ng proyekto ito ay maidurugtong ang Tutuban, Maynila at Malolos, Bulacan. Kung datirati ay inaabot ng isa at kalahating oras ang pagbiyahe mula Bulacan patungong Maynila. Ngayon ay magiging 35 minuto na lang ito. Base sa social media post ng Department of Transportation (DOTr), kung magiging operational na ang nasabing proyekto ay makakapagsakay daw ng 340,000 pasahero araw-araw ang nasabing linya ng tren. Unang bahagi pa lamang po ito ng PNR Clark Project sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng Duterte Administration. Sa mga susunod na phases ng project ay gagawin ang station ng PNR sa may Clark, Pampanga. "This is the President's gift not only to the people of Bulacan and Pampanga, but more importantly, to the people of this country, in high hopes of providing them with an efficient and comfortable mode of transport. The President would like to reiterate his commitment, that we are committed to give a comfortable life without any temptation or badge of corruption... During my watch, I want this system to be fast and sure, and I expect that the philosophy of 'fast and sure' will be implanted in this project so that this portion will be completed by the last quarter of 2021," sabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade. Ito po ang video ng ground breaking ceremony ng PNR Clark Phase 1 construction. Source: DOTr | RTVM via Build Build Build FB page | Newsblast +Nagkatapat sa programa ng CNN Philippines sina sa Presidential Spokesperson Salvador Panelo at Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa para pag-usapan ang mainit na isyu tungkol sa pag-aresto kay Ressa kamakailan lang ng Nationa Bureau of Investigation. Sa naturang programa, tila pinangaralan ni Secretary Panelo si Ressa tungkol sa proseso ng kasong kanyang kinahaharap. "So there was a preliminary investigation. The prosecutor found probable cause. That is why you were charge in court. The court again under the constitution, the judge will evaluate if there is a probable cause and found it. You must remember Maria that the complainant is a private person and I don't think the President (Duterte) knows this person. And it (libel case) happened before the time of the President. You should be arguing against the private complainant, not us, because I don't have anything to with it. It is the duty of the Deparment of Justice to find probable cause, it is the duty of the judge to find probable cause," banat ni Secretary Panelo. Sa isang bahagi ng tapatan ni Paneo at Ressa, sinabi ni Ressa na may malisya daw sa pagse-serve ng arrest warrant laban sa kanya at inireklamo rin ni Ressa ang hidi pagbibigay agad ng bail sa kanya pero agad itong binutata ni Panelo. "You want that the warrant of arrest to be serve to you the day after it was issued. You want to be treated differently from the rest of the people subject of warrant of arrests. Any police officer has to effect the arrest immediately after its issuance. Now you want to be treated differently. That can not be done... Something is wrong with way your lawyer handle you case. Because your lawyer could have argued to the court, 'You honor, my client is entitled to bail'. Yung mga abgado mo pala yung mali tapos sisisihin mo ang gobyerno," resbak ni Secretary Panelo. Ito po ang komento ng ilang kababayan natinsa naging sagutan nila Panelo at Ressa. "I bet panelo had working experience at kenny rogers because he just roasted maria," sabi ni B. Falame. "What is wrong with this woman? Why is she blaming the government considering the fact that the one who filed a case is a private citizen! Napaka walang KWENTA," sabi ni R. Montero. " Hahaha... Good job Panelo. Kasalanan pala ng polpol na abugado ni maria ressa kaya nakulong sa NBI tapos isisisi sa gobyerno?," sabi ni X. Lumabo. "Nagsasabi si Sec. Panelo ng facts. Ikaw Ressa, nagsasabi ng opinion mo. Tinuturuan ka ni Sec. Panelo. Nilelecturan ka nya. Pero dinadaan mo sa pakapalan ng mukha," F. Ginez. "I can't believe this intelligent woman speaks like a crazy girl. Why blame the government of your misery? Once and for all, sino ka ba kasi para pag-ukulan ng panahon ng pangulo? Nagpapagamit ka ba sa yellowtae para masira ang kredibilidad ng presidente? Sorry po ah, pero nakakainis makita mukha mo sa newsfeed eh," R. Piodena. Source: CNN Philppines via DU30CORRESPONDENT +Habang pinalalabas ng Rappler na kaya inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang boss na si Maria Ressa ay dahil ginigipit sila ng gobyerno, nagiging malinaw naman sa ilang kababayan natin ang tunay na dahilan kung bakit pinananagot ng batas si Ressa. Ayon sa ilang ulat, nang-ugat ang cyber libel case ni Ressa sa isang artikulo ng Rappler na may pamagat na "CJ Using SUVs of Controversial Businessman" noong 2012 (Aquino Administration era) kung saan naiugnay ng Rappler ang negosyanteng si Mr. Wilfredo Keng sa drug smuggling at human trafficking. Naisulat din ng Rappler na pinahihiram umano ni Keng ang kanyang sasakyan sa dating Chief Justice Renato Corona.. Hindi lang pala dito natapos ang kalbaryo ni Keng. Sa artikulo ng Manila Times columnist na si Rigoberto Tiglao, napag-alaman ni Tiglao na nalugi din umano si Mr. Keng ng mahigit P100 million dahil sa isinulat ng Rappler. Nagmukha daw kasing laban siya sa Aquino Government dahil lumalabas na sinusuportahan umano nito si Corona na dumadaan sa impeachment trial noong mga panahong iyon. Ang mga dapat na magiging kasosyo ni Mr. Keng sa negosyo ay umatras. "I was told that Keng, the businessman who filed the charges, was reportedly so angry at Rappler, since it refused to admit its lies and take down the article from the internet. This is because, after the publication of the article, Keng lost business worth more than a P100 million, as the article practically identified him as against the Aquino administration because of his alleged support of Corona. His would-be partners got spooked by this and backed off from their planned deals," rebelasyon ni Tiglao. Sa pahayag ni Mr. Keng tungkol sa pagkaka-aresto kay Ressa, sinabi ng negosyante na hindi kinuha ng Rappler ang kanyang panig. Nakipag-usap din daw siya sa Rappler na tanggalin ang artikulo. Nangako daw ang Rappler na tatanggalin ang artikulo pero hindi daw ginawa ng news site. "Rappler, Ressa, and Santos never attempted to obtain my side on the crimes they wrongly imputed to me or to fact-check their baseless attacks against my name... In turn, Rappler, likewise through formal and informal channels, repeatedly promised me that they will take down the subject article, but never did. The libelous attacks remain posted on their website until now," sabi ni Mr. Keng. Source: MT | MB +Tila napuno na si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang mamamahayag. Sa kanyang talumpati sa Proclamation at Kick-off rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan sa San Jose Del Monte, Bulacan, nitong Pebrero 14, 2019, pinagbantaan niya ang kolumnista na sasampalin niya ito. Ang tinutukoy ni Pangulong Duterte ay si dating senador Francisco "Kit" Tatad na ngayo'y nagsusulat para sa Manila Times. Magugunitang nagsulat si Tatad tungkol sa diumano'y pagpapa kidney transplant ng Pangulo. "Kay ako daw may kidney tran... Ito si Tatad, Ikaw Tatad, you know there's a border between press freedom and pambabastos ng tao. 'Pag una kitang makita iwasan mo ako. P***** i** sampalin kita. Maniwala ka, sampalin kita sa maraming tao," banat ng Presidente sa mamamahayag. Buwelta pa ng Pangulo, si Tatad daw ay may sakit na diabetes at wala ng kakayahan makipagtalik. "'Yung magbiro ka nang ganun na, "Si Duterte ano may cancer." P***** i**. Ikaw 'yang may diabetes. Kaya ikaw ay hindi na pwede mag ganun. Ikaw Tatad 'yan. Kami? Cabochan, ganun 'yan... Gusto mo talagang subukan kung meron pa kami o wala? May asawa ka? Ipahiram mo sa akin. P***** i** ka ," resbak ng Pangulo. Ito po ang bahagi ng artikulo sa Manila Times kung saan sinabi ni Tatad na mayroon siyang source na nagbigay sa kanya ng impormasyon na sumailalim sa kidney transplant ang Presidente. "TWO complementary sources, neither of which wants to be named, have claimed that on Wednesday morning, Jan. 29, 2019, President Rodrigo Duterte underwent a successful kidney transplant surgery amid rumors that he had fallen seriously ill," sabi ni Tatad.. Panoorin ang talumpati ng Pangulo kung saan binanatan niya si Tatad. Source: Philstar | PCOO | Manila Times +Isa na namang estudyante mula University of the Philippine Los Banos (UPLB) ang natodas matapos makipagbakbakan sa militar. Ayon sa ulat ng Inquirer at DWIZ, John Carlo Capistrano Alberto ang panagalan ng nasawi. Si Alberto ay undergraduate student sa college of Veterinary Medicine. Pumasok daw ito sa UPLB noong 2013. Graduate din daw si Alberto sa Pandan School for Arts and Technology. Base sa mga pahayag ng kapwa mag-aaral ni Alberto, sumapi daw ito sa New People's Army (NPA) noong Enero 2019. Nangyari daw ang engkwentro sa Sitio Pinamintian, Barangay San Buenaventura, Luisiana, Laguna, mga alas-9 ng umaga, ayon sa information officer ng Army's 2nd Infantry Division na si Captain Patrick Jay Retumban. Mayroon din daw dalawang babaeng NPA ang nasugatan sa sagupaan. Nakumpiska naman ng mga militar sa kampo ng NPA ang mga improvised explosives, detonator, magazine, tents, walong mobile phones at isang computer tablet. Mayroon ilang dating miyembro ng NPA na nananawagan sa mga estudyante at kabataan na huwag ng sumali sa rebeldeng komunista. Isa na dito si Ka Tina na naging miyembro ng NPA ng isang dekada. Magugunit noong Nobyembre 2017 ay namatay din si Josephine Anne Lapira. Si Lapira ay estudyante din ng UP. Napa-ulat na miyembro din si Lapira ng Gabriela Women's Party, isang makakaliwang grupo. "Pinakamadaling source ng recruitment ay ang mga left-leaning groups... Ang gagawin nila, 'pag meron silang prospective member na ginawa nang miyembro ng mga ganitong grupo ay isinasama ito sa iba't ibang rally, at 'pag nakita nila na buo ang loob ng kanilang recruit, itataas nang itataas ang level ng kanilang participation at ito ay magku-culminate sa tinatawag na immersion o sa tinatawag nilang tour of duty... Itong tour of duty, ito na 'yung dadalhin sila sa larangan kasama ng mga armadong grupo," sabi ni Major General Rhoderick Parayno noong panahon na nasawi si Lapira. Panoorin ang ulat tungkol sa pagkasawi ni Lapira noong 2017. Source: DWIZ | INQ | GMA +Sari-saring opinyon ngayon ang namumutawi sa social media kaugnay sa pagkaka-aresto sa Chief Executive Officer ng Rappler na si Maria Ressa. May ilang politiko na ang sumawsaw sa isyu at tinawag itong pag-atake umano sa kalayaan sa pamamahayag. Pero hindi papahuli ang kapwa mamamahayag ni Ressa na si ABS-CBN news anchor Karen Davila. Ayon sa social media post ni Davila, malinaw na panggigipit umano ang ginagawa ng gobyerno kay Ressa at sa mga sa susunod na araw ay baka sa ibang mamamahayag naman daw mangyari ang sinapit ni Ressa. Naglagay si Davila ng hashtag #DefendPressFreedomsa kanyang tweet. Ang twitter post ni Davila ay hindi pinalampas ng radio host at pro-government blogger na si Mark Lopez. Banat ni lopez, tila kabobohan ang pinag-ngangawa ni Davila dahil malaya itong nakakapag post sa social media at nasasabi kung ano ang gustong niyang sabihin. "Defend Press Freedom? Bakit, buhay pa naman kayo ah... and malayang malaya na mag ingay at ngumawngaw hangga't gusto nyo. Ikaw talaga Karen Davila, mema lang," sabi ni Lopez sa kanyang Facebook post. Si Ressa ay inaresto kahapon ng ilang kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kinahaharap nitong cyber libel case. Ang kaso ay may kinalaman sa artikulo ng Rappler noong 2012 kung saan iniugnay ang negosyanteng si Wilfredo Keng sa smuggling ng bawal na gamot at himan trafficking. Si Ressa ay nanatili sa compound ng NBI magdamag pero nakapagpiyansa at pansamantalang nakalaya. Source: Mark Lopez +Matapos ang pag-aresto kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa, isa-isang naglabas ng pahayag ang ilang personalidad sa mundo ng politika. Isa sa mga nagbigay ng opinyon ay si Senadora Nancy Binay. Ayon kay Binay, nakakalungkot daw isipin na ang mga media ngayon ay tinatakot at pinatatahimik. "It is saddening to see how journalists around the world are being restricted, intimidated, silenced, attacked, and constantly threatened even in countries where there is seemingly a democratic space," pahayag ni Binay. Pinaghirapan daw ipalaban ng mga Pilipino ang kalayaan sa pamamahayag sa ating bansa. At ngayon daw ay mas malala raw ang banta sa media kumpara noong 1986. "We have fought hard to regain press freedom, and Philippine media has never been more under threat as it is now since 1986," dagdag pa ni Binay. Hindi direktang tinukoy ni Binay kung anong parte ng kasaysayan ang gusto niyang patungkulan pero magugunita na natapos ang presidensiya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1986. Inaakusahan din ng ilang grupo ang gobyerno ni Marcos ng pninikil sa kalayaan sa pamamahayag. Si Ressa ay inaresto ng mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon kaugnay sa kasong cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng. Sa artikulo ng Rappler noong 2012, isinulat nila ang pagkaka-ugnay umano ni Keng sa smuggling ng bawal na gamot at human trafficking. Ipinahiram din daw ni Keng ang kanyang sasakyan sa dating Punong Mahistrado na si Renato Corona. Panahon ng impeachment trial ni Corona noong isinulat ng Rappler ang kanilang artikulo kung saan nabanggit si Keng. Si Nancy ay anak ni dating Vice President Jejomar Binay. Si Jejomar ay kinasuhan noon ng plunder at graft. Tumakbo rin ang tatay ni Nancy bilang Presidente noong halalan 2016 pero natalo ni Presidente Rodrigo Duterte. Si Nancy ay tatakbo muli sa paga-senador ngayong 2019 elections para sa ikalawang termino. Source: INQ +Iprinisinta ng mga estudyante sa media ang kanilang bersyon ng "warrant of arrest" laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Inisyu daw nla ang "arrest warrant" sa Presidente dahil sa pag-atake daw ng pamahalaan sa press freedom. Ilan pa sa mga inginangawa nila ay ang human rights violation, pagkakasil at murder. Naglabas ng sariling warrant of arrest ang mga estudyante matapos isyuhan ng korte ng warrant of arrest si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa. Inaresto kahapon si Ressa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kasong cyber libel. Ang kaso ay may kinalaman sa isinulat ng Rappler noong 2012 tungkol sa negosyanteng si Wilfredo Keng. Base sa artukulo ng Rappler, iniuugnay ang businessman na si Keng sa smuggling ng droga at human trafficking. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pinaggagawa ng mga estudyanteng ito. "if you are freely speaking out against a man you accuse of ending free speech, your very actions have defeated your argument," sabi ni L. Napalinga. "Anong the filipino people?mga putangina nyo magsiuwi na nga lang kayo!kung wala kayong magawa,magpakamatay na lang kayo.pwede kaming mag anak ng mga papalit sa inyo!," sabi ni G. Cruz. "Wag nyo kami idamay sa mga kagaguhan nyo at kabobohan nyo. ilagay nyo dyan NPA ANG PRESIDING JUDGE kayo na lang nagpapagulo sa pinas. Di talaga lahat ng taga UP matalino. PPPWWWEE," sabi ni M. Rosario. "Wag nyo kami idamay sa mga kagaguhan nyo at kabobohan nyo. ilagay nyo dyan NPA ANG PRESIDING JUDGE kayo na lang nagpapagulo sa pinas. Di talaga lahat ng taga UP matalino. PPPWWWEE," sabi ni M. Rosario. "The very instance na naibabalandra nyo pa yang banner na yan at wala pang humuhuli o bumabaril sa inyo, is enough to dismiss the whole bullshit na ibinabato nyo. Iedit nyo yang banner nyo, anong "Filipino People" yang nasa dulo, wag nyo kami idamay sa katangahan nyong mga komunista kayo. Kayo lang yan, the very few you.," sabi ni S. Pascal. Source: DZUP Balita | archive +Para kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa, ang sinapit daw niya ay isang abuse of power. Kahapon ay inaresto ng ilag tauhan ng National Bureau of Investigation si Ressa dahil sa kasong cyber libel na isinampa ng businessman na si Wilfredo Leng. Sa artikulo ng Rappler noong 2012, iniuugnay si Keng sa human trafficking at drug smuggling. Maliban sa cyber liberl ay nahaharap din si Ressa sa kasong tax evasion. Magugunita noong 2018 ay ni ni-revoke ng Securities and Exchange Commission's (SEC) ang articles of registration ng online news site Rappler dahil sa paglabag sa patakaran sa foreign ownership. "This is the sixth time that I posted bail. I will pay more bail than convicted criminals, I will pay more bail than Imelda Marcos... (I'm) aghast. It is unbelievable that this can happen in a democracy. I'm processing it and I'm trying to figure out if they want to send a message. The message is clear, it's an abuse of power, it's a weaponization of the law." sabi ni Ressa. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging pahayag ni Ressa. "Imagine, 2012 pa yung kaso. Hindi pa si Duterte ang Pangulo. Si Aquino pa ang nasa pwesto. Hindi rin si Duterte ang nagsampa ng kaso. Kasalanan ba ni Duterte na nagsampa ng kaso si Wilfredo Keng? Kasalanan ba ni Duterte na hindi dinismiss ng nakaraang administrasyon ang kaso ni Ressa? Lahat na lang ba kasalanan ni Duterte?" sabi ni W. Martinez. "D porke may domokrasya tayo ay malaya na kayong magsasalita ng kahit ano sa kapwa nyo May limitasyon yan Kung ikaw siraan sa publiko... D ka ba magagalit? Dapat isipin ng maraming beses kung tama ba ang term na gagamitin sa pagbabalita....." sabi ni M. Duga.. "You always used DEMOCRACY as an excuse to tell lies and malign the people? As a journalist you should exercise the fairness and neutral representation. In as much you should be number 1 model to be a law abiding citizen, but contrary... rappler is not even 100% filipino owned corporation.," sbai ni G. Malasan. Source: CNN Philippines +Sa survey na isinagawa ng Social Weather Station, lumabas na 7 sa 10 mga Pilipino ang naniniwalang kumonti na ang mga durugista sa kanilang mga lugar. Ginawa ang naturang survey noong Disyembre 16, 2018 hanggang Disyembre 19, 2018 sa may 1,400 na respondents. Sa survey, 66% Pilipino ang nagsasabing nabawasan na ang mga durugusta, 14% naman ang nagsabing tumaas ang bilang ng mga ito, habang 7% ang nagsabing walang pinagbago. Malugod namang tinanggap ng Malacanang naturang baita. Ayon sa tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Secretary Salvador panelo, ito raw ay tanda ng tagumpay ng kampanya ng pamahalaan laban sa bawal na gamot. "The Palace welcomes the latest Social Weather Stations (SWS) showing that more than 6 out of 10 Filipinos, or 66%, believe that the number of drug addicts in their area has decreased over the past year. This survey, conducted last December 16-19, 2018, is a validation of the success of the Duterte Administration's campaign against illegal drugs. As we all know, it is a major campaign platform of President Duterte and remains a centerpiece program of his Administration, notwithstanding the harshest criticisms, brickbats and pressures the current government is receiving here and abroad... Even as our people acknowledge the Administration's efforts to bring down the number of drug personalities, our focus and drive remain unwavering in destroying the drug apparatus and putting behind bars the drug pushers, with strict observance to operational protocols, until the last day of the President's term of office in 2022.," pahayag ni Panelo. Basahin ang reaksyon mula sa ilang kababayan natin sa ulat na ito. "Natural bababa yan. Gusto mo bang matokhang? Maraming trabahong mapapasukan para lang mabuhay. Ang droga ay salot sa buhay natin," sabi ni B. Victorino. "otoo yan,malaki ang pagbabago ngayon kaysa noon na para kalang bibili ng candy sa tindahan laganap tlaga ang shabu sa panahon ni Pinoy abnoy..Salamat Tatay Digong," sabi ni J. Ellarina. "Sobrang bumaba na sa cavite mga kapit bahay namn mga pala simba mga kagalang galang mga pag mumukha pero mga drug user... ngaun nag tigil na kasi takot ma tokhang... sa pasay ilang beses ako dumaan sa malibay pinag tripan akong hampasin ng walis tambo habang nakasakay ako sa jeep. Kasi ang kalsada pag aari na mga tao dun na sila nagiinuman nag susugal nag kukutohan , pag dadaan ka ikaw ang mag aajust. Pero ngaun hnd man 100% pero almost 80% na maayos.," sabi ni K. Saavedra. "Ayaw ng mga anti ADMINISTRATION yang balitang yan.... gusto nila yung masama si PDuts ang ibabalita kasi yun ang masarap pakinggan ng tainga nila.," sabi ni Y. Paler. "lamang..! marami paring user/pusher noon na pinapahalagahan ang sarili ..with or w/o surveys.. Filipino people feel that..atleast dahan dahan nababawasan di na nadadagdagan," sabi ni M. Teves. Source: MB | ABS | PTV | Office of the Presidential Spokesperson +Sa isang Facebook live video, naglabas ng opinyon ang dating tagahanga ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa. Ayon kay Hedda Joy Gonzales Tady, bumilib daw siya kay Ressa dahil sa ginawa daw nito bilang Pilipino sa larangan ng foreign media. "When Rappler came out as an online publication, I was really excited about it and the reason for that is I always admired Maria Ressa for the way the she handled herself when she was working for foreign media. I think she worked for CNN. So I was proud and admired her because she was a Filipina, who is making very well in the foreign media. And I felt like the Filipinos are well represented because of the things she was doing," sabi ni Tady. Pero ayon kay Tady, nagbago daw ang Rappler noong nanalo si Pangulong Rodrigo Duterte. Sampal daw kay Ressa at sa organisasyon nito ang pagkapanalo ng Presidente. "I followed Rappler anf then Duterte came into the scene. And I know before Duterte won, Rappler ran stories that were very fair, still fair. And I knew that because I was still a follower then. The changes that came about was when Duterte won. I think it was really a big slap for Maria Ressa and Rappler and everything else they stand for... What is wrong is the way that they present themselves outside the world and the lies that they are making people think, " banat ni Tady. Hindi rin nakaligtas sa dating tagahanga ni Ressa ang mga foreign media lalo na si Christiane Amanpour. Matatandaang nag-komento si Amanpour sa kinasasangkutang problema ni Ressa. Ayon kay Amanpour, malalaman daw na desperado ang gobyerno kapag ipinapa-aresto ang mga mamamahayag. Si Amanpour ay journalist sa international news network na CNN at dating katrabaho ni Ressa. "Your articles in the foreign media, Amanpour, can you please tell all of your colleagues, try to be very factual, and try to be fair about what you write. You just write about Maria Ressa, as if she is being victimized, and press freedom is not alive in the Philippines, " buwelta ni Tady. Source: Hedda Joy Gonzales Tady +Matapos maging laman ng social media at ng balita si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa dahil sa pagkaka-aresto nito sa kasong cyber libel, nagtipon-tipon ang ilang grupo at journalists para kundenahin ang sinapit ni Ressa. Inilathala ng Rappler ang ilang larawan sa ginawang nilang Black Frieday protest pero kapansin-pansin na tila walang bird's eye view shots o aerial shots. Si Ressa ay nahaharap sa kasong cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Mr. Wilfredo Keng. Si Keng ay naiugnay sa smuggling ng bawal na gamot at human trafficking sa isang artikulo ng Rappler noong 2012. Sa isang pahayag, sinabi i Keng na nakipag-usap daw siya noon sa Rappler para ipatanggal ang nasabing artikulo pero hindi daw ito ginawa ng Rappler. Si Ressa ay inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Miyerkules. Namalagi si Ressa ng magdamag sa NBI pero nakalaya din matapos makapagpiyansa noong sumunod na araw. Ito naman po ang mga larawan na ibinahagi ng Facebook page na VOVph. Source: Rappler | VOVph | Bandila +Nitong lang Biyernas, nagsama-sama ang ilang mamamahayag para magsagawa ng Black Friday Protest upang kundenahin ang ginawang pag-aresto kay Rappler Chief Executive Office (CEO) Maria Ressa. Isa sa mga nagsalita sa naturang pagtitipon ay si Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes. Ayon kay Reyes, peligroso daw na maging mulat sa ilalim ng pamamahala ni pangulong Rodrigo Duterte. "Mapanganib at peligroso din po na maging mulat sa panahon ni Duterte. Umabot na po tayo sa sitwasyon na nagiging mapanganib na ang maging mulat sa panahon ni Duterte. Kasi kung mulat ka, sasabihin nila sayo, 'bakit hindi ka nalang tumakbo bilang presidente? o ikaw na lang mamuno sa bansa, masyado kang maraming alam,'" pahayag ni Reyes. Nagtungo din sa nasabing pagtitipon si Ressa at naglabas ng pahayag laban sa gobyerno. "Malinaw po ang dalawang bagay dahil sa detention ko po sa National Bureau of Investigation. Ang pag-abuso ng kapangyarihan at paggamit sa batas bilang armas laban sa kaaway o ang sinasabi naming weaponization of the law,'" sabi ni Ressa. Si Ressa ay inaresto ng mga otoridad nitong Miyerkules dahil sa kasong cyber libel na isinampa ng private citizen na si Mr. Wilfredo Keng. Si Keng na isang negosyante ay naging laman sa artikulo ng Rappler noong 2012 kung saan naiugnay siya sa smuggling ng bawal na gamot at human trafficking. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin mula sa ulat ng Bandila. "loslos ninyo!!! Ressa you are not exempted for being a journalist on libelous you made! to those ngak2x staging a protest, why are you not ask mr. keng about the legal libel case file against your lovely journalist in the named of maria ressa?....mas lalo lang kayong nagmumukhang bopols talaga!," sabi ni G. Tombiga. "Paano kaya sila nakakapag rally ng ganyan, nakakapagpahayag ng anti-government sentiments, tapos sasabihin nila wala silang freedom of speech... hmmm," sabi ni A. Roque. Sa isang pahayag, sinabi ng palasyo na walang kinalaman ang pamahalaan ni pangulong Duterte sa kasong isinampa ni Keng laban sa Rappler. Sa isang pagtatapat sa programa ng CNN Philippines, napangaralan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si Ressa tungkol sa kasong kinahaharap nito. Ayon kay Panelo, huwag daw isisi ni Ressa sa gobyerno ang kapalpakan ng abogado nito. Source: ABS-CBN - Bandila +Ang mga kasamahan ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa sa industriya ng pamamahayag ay nagsasalita na at hindi lahat ay pabor sa kanya. Kamakailan lang ay nagpahayag ng opinyon laban kay Ressa si Daily Tribune journalist Ninez Cacho-Olivares. Tinawag ni Olivares na pekeng drama ang inaasta ni Ressa kaugnay sa cyber liberl case na kinahaharap nito at hindi daw dapat palabasin ni Ressa na ang pamahalaan ang nasa likod ng kinasasangkutan nitong problema. "Another Palace move to silence you, Maria? Oh, puhleez. Spare us the false indignation! Stop saying the government resorted to legal acrobatics, as well as the 'pettiness of forcing' you to spend the night in jail... Government's way to silence Ressa? What amateurish drama Maria makes. How can this be taken as a move to silence her when Rappler is still functioning and she can write as freely as she wants and she is not being censored?" pahayag ni Olivares. Ngayon, isa pang journalist ang nagsalita na rin laban din kay Ressa. Sa kanyang Facebook post, idinetalye ni Jogin Rey Tamayo ang kayang karanasan bilang mamamahayag. "Sometime on August 2000, I was among 27 other Baguio journalists who went to jail for the crime of libel. We never cried persecution. We didn't take it against the government because we were sued by a private citizen- a publisher at that. But we fought on the courts, not on press conferences crying to the high heavens of shutting off press freedom. We won that case." sabi ni Tamayo. Mas masuwerte pa nga raw si Ressa dahil hindi ito pinosasan at nakapalibot ang mga reporters habang inaaresto ito. "You are lucky Maria you were not even handcuffed and had reporters around you when you were arrested-it certainly became a circus when they came to arrest you. C'mon Maria Ressa, libel suits come with the territory. Yet here you are getting all the attention on print, on air and online," banat ni Tamayo. Para kay Tamayo, pinalalaki lang daw ni Ressa ang isang maliit na isyu. "(Wo)man up Maria Ressa! A journalist worth her salt would not even be making mountains out of molehills. You are a disgrace to the profession and a classic example of an irresponsible journalist," dagdag pa ni Tamayo. Base sa aming online research, Si Tamayo ay nagsulat sa Baguio Midland Courier, isang provincial newspaper. Ayon sa Facebook page ng Baguio Midland Courier, naitatag ito noong April 28, 1947. Si Ressa ay nahaharap kasong cyber libel na isinampa ng businessman na si Mr. Wilfredo Keng. Si Keng ay naging laman ng artikulo ng Rappler noong 2012 kung saan naiulat na may kaugnayan umano ito sa drug smuggling at human trafficking. Source: Jogin Rey Tamayo | Daily Tribune +Ilang araw bago ang naging pag-aresto kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa, nagbigay ng opinyon ang dating reporter ng GMA 7 na si Jiggy Manicad tungkol sa estado ng kalayaan ng pamamahayag sa Pilipinas. Ayon kay Manicad, hindi niya nakikita na inaatake ang press freedom sa ating bansa. Mayroon din daw basehan ang gobyerno sa pagsasampa ng kaso laban sa Rappler dahil sa isyu ng foreign ownership. "Now, because of that handling, someone got angry and ordered an investigation, does it really translate to an attack on press freedom? How come in other networks, it's not like that?... "I think the government has basis to say there are foreign funds that went into Rappler and it's a violation of the constitution" sabi ni Manicad Ang pahayag ni Manicad na ito ay kabaliktaran sa isinisigaw ng ilang kasamahan niya dati sa media. Dahil hindi matanggap ng mga dating kasamahan ni Manicad ang naging pahayag nito sa Rappler, naglathala ang pahayagang Inquirer ng isang artikulo kung saan tinawag na traydor si Manicad. Sa kabila naman ng kritisismo sa kanya ng mga dati niyang kasamahan sa media, sinabi ni Manicad na dapat ay patas ang maging pagtrato kay Ressa. "Dapat ay patas ang trato sa lahat ng mga akusado. Dapat ma-review ng DOJ (Department of Justice) ang kanilang procedures kaugnay nito," sabi ni Manicad. Si Manicad ay tumatakbo sa pagka senador sa ilalim ng regional party na Hugpong ng Pagbabago na pinamumunuan ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte. Si Ressa ay nahaharap sa kasong cyber libel dahil sa isinulat na istorya ng Rappler noong 2012 kung saan naiugnay ang negosyanteng si Mr. Wilfredo Keng sa drug smuggling at human trafficking. Source: PS | PS | INQ | One News Ph +Habang ang ilang media personalities ay kinukundina ang nangyaring pag-aresto kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa dahil sa kasong cyber libel, mayroon nang ilang taga-media na nagsasalita na laban sa inaasal ni Ressa. Isa na dito ay ang veteran journalist na si Ninez Cacho-Olivares ng Daily Tribune. Ayon kay Olivares ay dapat na daw tigilan ni Ressa ang pag-arte. Tinawag pa ni Olivares na pekeng drama na ginagawa umano ni Ressa. "Oh, c'mon Maria. Cut the dramatics, please. You are a better journalist to resort to such fake drama, especially as you certainly know you could not have been shocked at all, considering the fact that the warrant of arrest for you was already issued a day before the agents came to arrest you. In fact, I would wager that even before the warrant was issued, you would have already been tipped off by other journalists and even court sources of an arrest warrant against you having been signed by the judge," banat ni Olivares. Hindi din daw dapat palabasin ni Ressa na ang gobyerno ang nasa likod ng kinahaharap nitong kaso. "Another Palace move to silence you, Maria? Oh, puhleez. Spare us the false indignation! Stop saying the government resorted to legal acrobatics, as well as the 'pettiness of forcing' you to spend the night in jail... Government's way to silence Ressa? What amateurish drama Maria makes. How can this be taken as a move to silence her when Rappler is still functioning and she can write as freely as she wants and she is not being censored?," ani Olivares. Gusto lang din daw palabasin ni Ressa at ng mga kasama nito na ginigipit sila ng gobyerno. "It is clear, however, that Ressa and her staff wanted to make her arrest look like she is again being politically persecuted -- and for the bailable crime of libel which journalists know is part of the territory.," buwelta pa ni Olivares. Si Ressa ay inaresto ng National Bureau of Investigation dahil sa kasong cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Mr. Wilfredo Keng. Si Keng ay nasama sa artkulo ng Rappler noong 2012, kung saan iniuugnay ito sa smuggling ng droga at isa pang krimen. Sa isang pahayag, binunyag ni Keng na nakipag-usap umano siya sa Rappler noong para tanggalin ang artikulo. Nangako daw ang Rappler pero hindi daw tinupad. "Rappler, Ressa, and Santos never attempted to obtain my side on the crimes they wrongly imputed to me or to fact-check their baseless attacks against my name... In turn, Rappler, likewise through formal and informal channels, repeatedly promised me that they will take down the subject article, but never did. The libelous attacks remain posted on their website until now," sabi ni Mr. Keng. Source: Daily Tribune | MB +Matapos ang nangyari pag-aresto kay Maria Ressa ng mga kawani ng National Bureau of Investigation. Hindi nagpapigilan ang ilang kilalang kritiko ng kasalukuyang gobyerno na magsalita laban dito. Ayon sa ilang politiko, ang sinapit ni Ressa ay pag-atake daw sa kalayaan ng pamamahayag. Ang mga akusasyon na ito ay agad sinalag ni Presidential SPokesperson Salvador Panelo. Sa isang pahayag, sinabi ni Panelo na walang kinalaman ang gobyerno sa kasong isinampa ng private citizen na si Mr. Wilfredo Keng laban kay Ressa. Itong Pebrero 13, naglabas ang Presidente ng De La Salle Philippines na si Br. Armin Luistro FSC na isang pahayag na nag-uudyok sa mga Lasalista na suportahan ang Rappler at dipensahan daw ang press freedom. Si Brother Luistro ay nagsilbing Department of Education secretary noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Ang pag-uudyok ni Br. Luistro ay hindi nagustuhan ng ilang Lasalista. Basahin ang kanilang mga reaksyon. Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa mahigit 2,000 ang nag komento sa post ni Bro. Luistro at karamihan ay nagatibo ang naging tugon sa panawagan niya na suportahan si Ressa. Magugunita nong 2012 ay may isinulat ang Rappler tungkol sa negosyanteng si Mr. Keng na nagpahiram umano ng sasakyan kay dating Chief Justice Renato Corona. Sa naturang artikulo, naiuugnay si Keng sa drug smuggling at human trafficking. Source: De La Salle Philippines +Maria Ressa, Nag-NINANG sa KASAL ng Bayarang Anti-DU30 Blogger! Laman ngayon ng balita ang Chief Executive Officer ng Rappler na si Maria Ressa dahil sa pagkaka-aresto nito sa kasong libel na isinampa sa kanya ng negosyanteng si Wilfredo Keng. Sa artikulo ng Rappler noong 2012, iniuugnay si Keng sa drug smuggling at human trafficking. Ipinahihiram din daw ng businessman ang kanyang sasakyan sa pinatalsik na Chief Justice Renato Corona. Sa isang social media post, binanatan ng pro-government personality ang kredibilidad ni Ressa. Tinuligsa ni Krizette Laureta Chu ang pagiging ninang ni Ressa sa kasal ni anti-goverment/Duterte blogger na si Jover Laurio aka Pinoy Ako Blog. "A 'journalist' who stands as godmother in the wedding of a PAID, UNPRINCIPLED OPPOSITION BLOGGER who has published lies, wished the President death, and called ME, ME HA, ME, 'bayaran' without presenting any proof that I am one, is NOT fair, unbiased, or brave... Here, Maria is escorted by a rebel. I think it's time she owns up to her biases and allegiances and alliances and stop pretending to be this poster girl of good journalism. Maybe before, but Maria Ressa is no longer the fair, idealistic fighter for freedom she desperately projects herself to still be," sabi ni Chu. Si Laurio ay isa sa pinaka-maingay na kritiko ni Pangulong Duterte sa social media. Kadalasan sa mga posts ni Laurio ay pagtatanggol sa mga taga-Liberal party at pagtuligsa sa kasalukuyang pamahalaan. Nasangkot ito sa kontrobersiya noong nakarang buwan dahil nabunyag na tumatanggap ito ng pondo galing kay Kris Aquino, kapatid ni dating Presidente Noynoy Aquino.Inamin mismo ni Kris na nagbibgay ito ng pondo sa blogger sa kanyang Instagram post. Ito po ang ilang larawan mula sa kasal ng opposition blogger na si Laurio. Ang imbitado sa kasal ni Laurio ang ilang personalidad sa oposisyon. Makikita rin sa kanyang wedding invitation ang pangaln ni Ressa sa ilalim ng "Principal Sponsors". Source: Krizette Laureta Chu +Hindi nagustuhan ng grupong Let's Organize for Democracy and Integrity - LODI ang pagkaka-aresto sa Chief Executive Office ng Rappler na si Maria Ressa. Sa kanilang social media post, sinisisi nila si Pangulong Rodrigo Duterte sa kamalasang sinapit ni Ressa. Ang nangyari daw kay Ressa ay atake sa pamamahayag dahil sa "kritikal" na pag-uulat. "LODI BLASTS ARREST OF MARIA RESSA. We in the media and arts alliance LODI condemn in the strongest terms the irregular and high-handed serving of a warrant of arrest against Maria Ressa on the basis of trumped-up and politically-motivated charges. We hold President Duterte accountable for this latest frontal attack on a journalist and her media outlet for the "crime" of critical and courageous reportage.," sabi ng LODI sa kanilang Facebook post. Tinawag din ng grupo na balat-sibuyas si Pangulong Duterte at gusto lang daw ipasara ang Rappler at parusahan si Ressa. "the onion-skinned tyrant Duterte simply wants to shut down and punish both Maria and Rappler," banat ng LODI. Nanawagan din ang grupo sa kapwa nila media at publiko na punahin at panagutin ang Pangulo. "We call on media and the public to defend press freedom and our right to freely report on, criticize and hold the president accountable," dagdag pa ng grupo. Ayon sa post ng LODI, ang kasama sa kanilang steering committee ay sina Mae Pane aka Juna Change at Tonyo Cruz. Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Maria Ressa nitong Miyerkules ng hapon dahil sa kasong cyber libel laban sa kanya. Ang kaso ay may kinalaman sa ulat ng Rappler tungkol kay Wilfredo Keng. Sa nasabing ulat, iniuugnay si Keng sa drug smuggling at human trafficking. Pinahiram din daw umano nito ang sasakyan sa dating napatalsik na Chief Justice Renato Corona. Source: Let's Organize for Democracy and Integrity - LODI +Mukhang hindi pa natatapos ang problema ng anti-Duterte blogger na si Jover Laurio o mas kilala bilang Pinoy Ako Blog. Matatandaang naging laman ng social media si Laurio noong nakaraang buwan, matapos aminin ni Kris Aquino na pinopondohan niya ang blog ni Laurio. Napilitan umamin si Kris sa pagpopondo kay Laurio dahil sa mga ebidensiyang inilalabas ng kampo ng nakaalitang dating business partner na si Nicko Falcis. Ngayon naman ay nagpahapyaw na ang political strategist at Pro-Duterte personality na si Franco Mabanta tungkol sa gagawin niyang hakbang laban kay Laurio. Ayon kay Mabanta, nakagawa raw ng several counts of perjury si Laurio at may ebidensiya umano ang mga abogado niya. Hindi rin daw siya makikipag-ayos kay Laurio at itutuloy daw niya ang paghahabla laban sa anti-government blogger. Si Mabanta ay kinasuhan ni Laurio ng libel noong 2017. Naghabla si Laurio laban kay Mabanta matapos siyang tawagin ni Mabanta na pangit. Ilang buwan lang ay natalo si Laurio sa kaso niya kay Mabanta. Basahin ang bahagi ng social media post ni Mabanta para kay Laurio. "I'M SICK AND TIRED OF BEING LIED ABOUT BY THIS SICK, FRAUDULENT, MANIPULATIVE HUMAN BEING. I FU-- HATE IT. Enough's enough. After three years of her consistent and unacceptable bullsh--, it's time Jover gets what she deserves. NOW IT'S MY TURN. Over a dozen friends and strangers have told me they're either considering or have already straight up decided to file cases against her -- most of them primarily because her vile FB posts deeply hurt their families. I personally hope they all file, but what we all learned over the last few months was this...Jovey Bear seems to be transferring from place to place so that she can't get served the papers and the legal process. Scared and hiding? Yeah, I think so. So, Miss Laurio, I know you went through hell and back all throughout January -- musta been tough. Do you know why I held back and participated just a few times while everyone else was dropping grenades on your head everyday? 'Cause I was saving the nuke. WHAT YOUR LAWYERS DIDN'T TELL YOU IS THAT YOU COMMITTED SEVERAL COUNTS OF PERJURY BY LYING UNDER OATH ON TWO SEPARATE OCCASIONS. AND MY LAWYERS HAVE ACTUAL PHYSICAL EVIDENCE FOR YOUR CRIMES. YOU'RE IN A SITUATION RIGHT NOW THAT IS SO DAMNING AND COMPLETELY INDISPUTABLE. EVEN MORE THAN THE FIRST TWO TIMES YOU LOST TO ME, THESE COUNTS OF PERJURY ARE FUCKING BULLETPROOF. YOU CANNOT AND WILL NOT WIN THESE CASES. EVERY TOP TIER LAWYER I'VE SPOKEN TO SAYS IT'S GAME OVER. DONE, DONE, DONE. I hope they let you run your stupid blog in prison because you're facing a combined prison term of up to seven years. And, mind you, I'm absolutely not going to settle. I don't need your money. I WANT YOU BEHIND BARS. THIS IS FOR ALL THE GOOD PEOPLE YOU SLANDERED AND IRRESPONSIBLY, HEARTLESSLY LIBELLED OVER THE LAST THREE YEARS. It's gonna feel so goddamn glorious. (By the way, I can also hit you with three more libel cases on top of the two counts of perjury. Ask your lawyer.) " sabi ni Mabanta Mapapansin na hindi pa idenetalye ni Mabanta kung bakit mahaharap sa kasong perjury si Laurio. Pero isa lang ang kapanapanabik dito, talagang kaabang-abang ang magiging hakbang ni Mabanta laban kay Laurio sa mga susunod na buwan. Pabor ba kayo na makasuhan na si Laurio? Source: Franco Mabanta +Umani ng samu't saring batikos mula sa ilang netizens ang isang larawang naka-post sa social media, kung saan makikitang dumalo sa isang misa sa Caloocan Cathedral ang opposition coalition na Otso Diretso. Ang nasabing larawan ay kuha umano matapos ang kick-off rally ng kuwalisyon, kung saan kabilang ang LP Senatorial Candidate na si Samira Gutoc Tomawis. Matatandaang si Tomawis ay naging miyembro ng Bangsamoro Transition Commission na naatasan sa pagbalangkas ng Bangsamoro Basic Law o BBL. Komento ng isang netizen, kataka-taka umano ang pagpasok sa isang simbahan at pagdalo ng misa ni Tomawis. "Ibubuto ko sana si samira gutoc ,kaso na na turn off na ako sa pagsama niya pati sa loob ng simbahan ,pwd naman hindi siya sumali jn maitindihan naman ng mga ka line up niya dahil isa siyang muslim," sabi ni Hasmin Min. Tinawag ding "pakitang-tao" ng ilang netizens ang pagdalong ito ni Tomawis at ng kanyang mga kaalyado sa nasabing misa. "Hala bakit pati ung muslim na babae nag simba rin.Ano pakitang tao hahaha," sabi ni M. Castro. Samantala, pinuna rin ng ilan ang tila umano "paggamit" ng ilang pulitiko sa Simbahan para sa kanilang pangangampanya. "OTSO DIRETSO SA INODORO. T-- -- nyo talaga pati simbahan ginagamit nyo na sa pamumulitika mga animal kayo.," sabi ni G. Tolentino. Sa kabilang dako, kinontra rin naman ng ibang netizens ang mga nasabing pahayag ng ilan dahil ayon sa kanila, bahagi lang umano ito ng "pakikisama" ng mga nabanggit na kandidato Tignan niyo po kung paano na lang ipag-pray over ng mga taga-simbahan ang mga oposisyon. Ano'ng masasabi niyo, mga kaibigan? Source: News5 +Tampulan ngayon ng tukso ang isinagawang Caravan ng Liberal Party para sa kanilang Otso Direcho senatorial candidates. Makikita sa mga nakuhang larawan na ibinahagi ng Facebook page na VOVph kung gaano lang kadami ang mga tao. Hindi naman nakaligtas sa mga kababayan natin ang isang lalakeng may hawak na drone. Ayon sa ilang ulat, maninindigan daw ang Otso Diretso na harangin ang anumang hakbang na baguhin ang konstitusyon. Magugunita na isa sa mga naging pangako ng Pangulo Rodrigo Duterte noong nangangampanya pa lamang ito ay ang pagbabago sa sistema ng gobyerno mula sa Unitary system patungong Federal. Basahin ang ilang opinyon ng mga followers ng VOVPh blog sa mga litrato. "Pota kapag yan ocho na yan nanalo sigurado magkakagulo sa pilipinas. Tingnan mo yan supporters. Bilang na bilang. PCOS lang talaga chance nila," sabi ni J. Abe. "Hayop haha wala na mga LP. Burado na kayo sa pilipinas.," sabi ni J. Fernandez. "Dito sila mangampanya sa laguna magbabalot ako ng tae para ibato sa kanila tingnan ko lang kung di magtalonan sa service nila yang mga hayop na yan," sabi ni L. Dela Cruz. "Inodoro bagsak nyan hahaha wag magpalinlang mga kabayan sa mga pulitiko na trapo isaalang alang ang kinabukasan ng bansa at magkaisa at labanan ang curraption sa lipunan," sabi ni N. Molit. "Wag na kayo gumamit ng drone sayang kaya naman bilangan sila lahat nasa higit kumolang hahahaha.bente kasama driver," sabi ni M. Gabin. Source: VOVph | ABS +Umalma si Senadora Risa Hontiveros sa mga pahayag ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanya. Matatandaang sinabihan ni Hontiveros si Public Attorney's Office (PAO) Chief Persida Acosta na mag-bitiw sa pwesto dahil sa naging epekto umano ng Dengvaxia "politically-motivated" investigations ng PAO Chief sa Measles Vaccination program ng gobyerno. Nang dahil sa naging pahayag ni Hontiveros laban kay Acosta, naglabas ng opinyon si Mayor Sara sa kanyang social media account tungkol sa pinaggagawa ng senadora. Ayon sa alkalde, si Hontiveros ang dapat mag-resign. Puro sablay daw ang pinagsasabi ni Hontiveros. Ayon kay Mayor Sara, ginagawa lang daw ng PAO CHief ang trabaho nito at parati daw nakupasok ang ulo ng senadora sa pwet nito. Nabanatan din ni Sara ang pagiging human rights advocate ni Hontiveros. "Ikaw dapat magresign dahil wala ka ng sinabi na tama. Lahat sablay. PAO Chief Acosta is doing her job in assisting indigent litigants who want to sue. Dengvaxia eroded the parents' confidence in vaccines and you can easily verify this if you talk to the people in barangays instead of putting your head inside your behind all the time... Devangxia killed innocent individuals, bakit wala ka human rights angle dito?," sabi ni Mayor Sara sa kanyang Instagram account. Naglabas naman si Hontiveros ng pahayag tungkol sa sinabi ni Mayor Sara. Ayon sa senadora, ang track record daw niya bilang mambabatas ang magsasalita. "As for solutions, my legislative track record speaks for itself," pabibida ni Hontiveros Hindi din daw nakasuksok ang ulo niya sa kanyang pwet. Sa bawat banat daw ng alkalde ay nalalaman na tama daw ang kanyang pinaggagagawa. "Sa bawat banat niya, nalalaman natin na tama ang ating ginagawa," sabi ni Hontiveros. "Pardon my French, but I'm not the one with my head in my ass...," angal pa ni Hontiveros. Source: Inq | Hontiveros +Sa kasalukuyan, pinaghaharian ng Smart Telecommunications at Globe Telecoms ang industriya ng mobile telecommunications sa ating bansa at hindi kaila sa mga kababayan natin ang estado ng telecommunications na mayroon ngayon ang Pilipinas. May mga kababayan tayo na inis na inis na sa natatanggap nilang serbisyo mula sa mga telecommunication companies, kaya ikinatuwa ng ilang Pilipino ang pagpasok ng pangatlong telco sa ating bansa. Pero ang isang ginang ay hindi na nakapagtimpi at sinugod na ang opisina ng isa sa mga telco companies. Ayon sa video uploader na si Aizell Mc Khuleth, nagreklamo ang isang ginang sa Globe Office sa SM Megamall dahil sa serbisyong nakukuha niya mula sa kumpanya. Makikita sa video ang pagsisigaw at pagmumura ng babae sa stuff ng nasabing opisina. Binantaan din niya na ipakukulam ang isang empleyado. Ang naturang video ay naibahagi na ng mahigit 2,000 beses at umabot na rin sa libo ang nagkomento dito. Ang ilang kababayan natin ay kinampihan ang ginang dahil nararanasan din daw nila ang parehas na serbisyo mula sa Globe Telecoms. Basahin ang ilang reaksyon ng netizens sa pagbi-beastmode ng customer. "Blogger yata si ate. Baka nagfreelancer din tapos hourly ang salary rate. So paano nga naman kasi makakapagwork kung walang internet? Pero actually pu--- ina talaga ng Globe nagfacebook ka lang ng 1 hour more than 1GB na nabawas sa data allocation pero puro naman refreshing feed ang lumalabas sa bagal ng internet kung nanjan ako nakipagsanib pwersa ako kay ate girl," sabi ni M. Sayson. "ung sobrang mahal tapos pangit ng service, eh aba... may dahilan nga para magalit si madam. lume-level na ba sa pldt?," sabi ni L. Espiritu. "Minsan kasi nakaka frustrate din yung service tas pagdating sa Globe, ang tagal mo mag aantay. Kaya ayan napuno na siguro sya haha," sabi ni A. Salvacion. "magaling cla maningil pero pag ikaw naniningil s kanila ng sobrang bayad mo at sablay n serbisyo ayaw nila mag balik ng pera," sabi ni S. Lee. "If ok sana aftersales nila hindi magwawala. Alm nila naka lock in pa customer nila kaya pa easy easy lang sa Service nila," sabi ni D. Mulsid. Source: Aizell Mc Khuleth +Binida ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang ginawa sa isang pier sa Southern Leyte. Kung noon ay luma, bulok at delikado ang kondisyon ng Limasawa port, ngayon ay maganda na ito. Ayon sa social media post ng DOTr, nakumpleto nila ang pagsasa-ayos ng nasabing pantalan noong ika-25 ng Hunyo noong nakaraang taon. Dahil sa pagsasa-ayos sa Limasawa Port ay magiging madali na ang pagdaong sa isla. Matutulungan din daw nito ang mga kababayan nating mangingisda sa naturang lugar. Base sa Facebook post ng DOTr, ang isla ng Limasawa ay ang pinakamaliit na munisipalidad sa Southern Leyte. Umabot na sa mahigit 1,800 ang nagbahagi ng post habang isinusulat ang blog pot na ito. Umani na rin ito ng sari-saring reaksyon mula sa ilan nating kababayan. Ito po ang ilan reaksyon ngmga kababayan natin sa mabuting balita na ito na hatid ng DOTr. "Sa Tubigon Bohol rin, nabisita lang ni dotr sec ng march 2018 ay tapos kaagad ang rehab ng port dec 2018. Ang bilis natapos at ang ganda pa," sabi ni J. Asuque. "Nakakabilib na ngaun ang DOTr nagtrabaho at nagsikap para sa ikabubuti ng nakakarami....ndi kagaya dati panay papogi lamang," sabi ni J. Ondoy. "good job dotr! kaya ang kapal talaga ng mukha ni grace TraPoe para sabihin na bumagsak ang dotr. si trapoe tlaga yung tipo ng kaklase sa skul na walang kontribusyon sa project pero puro reklamo at dada kasi hindi naka perfect score," sabi ni H. Seville. "i was a witness of how bad the old port was - kudos! TeamPRRd and DOTr!," sabi ni M. Saladaga. "Excellent Job DOTR! the people of limasawa deserve a stable and good sea port.," sabi ni M. Meneses. Source: DOTr +Sa press briefing sa Malacanang, nagbigay ng reaksyon ang palasyo sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo tungkol sa nangyaring insidente kung saan sinabuyan ng isang babaeng Chinese National ng taho ang Pilipinong Pulis sa LRT station. Matatandaang naging laman ng social media at ng balita si Jiale Xhang dahil sa pagsaboy nito ng taho kay PO1 William Cristobal. Dahil sa insidente, nagsalita si Robredo at sinabing 'wake-up call' na umano ito sa Pilipinas. Ang nangyaring pagsasaboy ng taho ay pambabastos daw sa bansa natin. "[W]ake-up call iyon sa ating lahat. Ano ba talaga? Maraming reklamo na iyong mga trabahong dapat sana sa Pilipino, nabibigay pa sa Instik. Tapos ito pa, parang kinakalinga natin sila tapos binabastos nila tayo," sabi ni Robredo. Sa naging tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pahayag ni Robredo, sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na huwag ng gatungan ni Robredo ang isyu na lalong makakapagpalala sa insidente. "That particular issue happens almost anywhere. Kumbaga 'wag na nating palakihin. Moreover she has been charged, one. Number two, I think they are considering her deportation... Maybe it's a wake-up call for her to stop speculating and stop giving statements that may inflame incidents that need not be so," banat ni Panelo. Mayroon bang naging komento si Robredo tungkol sa pambabastos ng isang Turkish National sa mga traffic enforcers ng Makati? May narinig din ba kayo na komento galing kay Robredo tungkol naman sa caucasian na nandura sa Pilipinong Tricycle driver? Source: RTVM +Sa pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga Agrarian reform beneficiaries sa Maguindanao. Sinabi ng Presidente sa kanyang talumpati na pabor siya sa ideya ni dating Presidente Ferdinand Marcos na palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawin itong "Maharlika". Ayon sa kasalukuyang Pangulo, wala daw choice ang ating bansa noong nadiskubre ito ng Espanya na pinamumunuan ni King Philip II noong 1521. "Wala na tayong magawa. Philippines. Philippines because it was discovered by (Ferdinand) Magellan using the money of King Philip. Kaya pagdating ng ulol ginawang Philippines. Pero okay na 'yan, balang araw palitan natin," pahayag ng Pangulong Duterte. Magugunitang nagkaroon ng 1978 parliamentary bill na naglalayon na palitan ang pangalan ng ating bansa at tawagin itong "Maharlika". Ang bill ay inihain ni dating Senador Eddie Ilarde na umano'y konektado kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Actually, tama si (Ferdinand) Marcos. Panahon ni Marcos, tama talaga si Marcos. Gusto niya palitan (ng) Maharlika... the Republic of Maharlika. Gusto niya palitan it means... more of concept of serenity and peace," sabi pa ng Pangulo. Ang Pangulo ay nasa Buluan, Maguindanao upang mamahagi ng mahagit isang libong certificates of land ownership awards (CLOAS). Source: Presidential Communications | INQ +Dumulog sa programa ng sikat radio host na si Raffy Tulfo si Aling Ellenor Saguion para ireklamo ang pinaggagawa ng kanyang mister na si Alex Saguion. Ayon kay Aling Ellenor, wala na raw problema kung may kinakasama ng ibang babae ang kanyang mister pero ang ikinasasama niya lang ng loob ay ang pagtatayo ng mister at ng kabit nito ng tindahan sa harap ng kanyang tindahan. Para kay Aling Ellenor, ito raw isa ng malaking insulto. Nilinaw din ni Aling Elanor na walang siyang kinakasamang lalake at nasa kanyan pa rin ang marriage contract nilang mag-asawa. "Ang pinakamasaklap po sir, tanggap ko na may chicks siya at nagsasama na sila forever pero wag niya ng dalhin ang babae niya sa pwesto ng tindahan. Minsan nagkakasalubungan po kami (ng kabit). GUsto ko, lumayo na lang sila. Hindi 'yung parang kulang na lang idikdik sa pagmumukha ko na ganoong siya ka-ano sa akin. Sa almost 7 years ay nanahimik na lang ako dahil ayaw ko po ng gulo," sabi ni Aling Ellanor. Nakapanayam din sa programa ni Rulfo ang kabit ni Mang Alex na si Chanda Abnuja. Napansin ni Tulfo ang pagiging matapang ng kabit. Sa isang bahagi ng diskusyon ay sinita ni Tulfo ang kabit dahil sa pagrereklamo nito sa paghingi ni Aling Ellanor ng sustento sa mister. "Wala ka ng pakialam doon sa sustento para sa mga anak nila ang hinihingi ni Ellanor," buwelta ni Tulfo. Basahin ang reaksyon ng mga kabababayan natin sa istorya ng kabitan. "Ngayon ko talaga napatunayan hindi lang gwapo ang mangloloko pati panget mangloloko na din," sabi ni M Pharsa. "di na maghahabol si ate sa mukha ba naman nung asawa niya jusko kung pwdi pa lang ipamigay na lang wla na ngang hitsura malandi pa lol daming kabit," sabi ni R. Volkov. "Kung sinu pa walang itsura SA ngayon sila pa Yung babaero. Kaya mas ok pa talaga dun ka nalang SA gwapo. Lokohin ka man. Gwapo naman hahaha real talk," sabi ni A. Palomer. " kawawa naman legal wife ....ito naman asawa lalaki di na hndi nahiya ipinapakita nya pa sa mga anak nya pang babae nya ..ito naman si ate kaw na kabit kaw pa matapang sa dami lalaki bakit sa may asawa ka ba pumatol ..kawawa pamilya sinira mo...Nako ayaw ko na talaga earth," sabi ni V. Nolan. Source: Raffy Tulfo in Action +Mahigit 1,500 katao ang lumahok at dumalo sa isinagawang beach clean-up sa Borangan City sa may Eastern Samar nito lang Sabado. Ang naturang proyekto ay pinangunahan ni Borongan City Tour Guides Association President Cherrie Ann Calacal. Ginawa daw ang clean-up para mag-raise ng awareness sa mga kapwa nila Boronganons. Lalo na ang mga kabataan. Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, 5 trucks ng dumi ang nakalap sa isinagawang proyekto. 70 organisasyon ang sumali rin sa aktibidades. "When our group was formed in December, our first project was to conduct an information drive to remind the public where to dispose their trash. Then the Manila Bay cleanup happened. We were inspired to create a bigger project involving the community, so the coastal cleanup of Baybay Borongan came about," sabi ni Calacal Ito po ang ilang reaksyon mula sa ating mga kababayan. "Wow nationwide pala ang clean up.. Well done. God will bless our country prosperous," sabi ni C. Apple. "Very gud, everybody are moving fir clean up drive in our beutipol phils," sabi ni N Pasigna. "The bandwagon is now moving to change attitude with polical will in effect from PRRD G,GOD BLESS US," sabi ni V. Infante. "Watdapak! Anong nangyayari sa Pinas ngayon? Bakit puro na lang linis cmula nang maupo c PRRD? Lintek na diktador to!," sabi ni R. Montalbo. "Ito ang magandang nakakahawa. Ito yong bayanihan spirit ng mga pinoy. Thank you sa dictador daw na PRRD!," sabi ni A. Mores. Source: MB | Este News +Naglabas ng pahayag ang opisina ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo tungkol sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng social media giant Facebook sa online-only news website na Rappler. Ayon sa chief legal counsel at tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Duterte, rumiresponde sila sa mga nakarating sa kanilang hinaing galing sa ilang grupo. "We respond to serious concerns raised by several groups regarding Facebook's decision to partner with Rappler in pursuing its Third Party Fact Checker Program," sabi ni Sec. Panelo. Kaisa ang gobyerno sa layunin ng pagsugpo ng mga pekeng balita pero kakatwa umano na ang napiling fact-checker ng Facebook ay ang Rappler na may kasaysayan sa pagkakalat ng pekeng impomarsyon. "We agree with its resolve in combatting disinformation, misinformation and all kinds of false or fake news....We find it ironic, however, that the one (Rappler) chosen by Facebook to verify posts by media outfits or bloggers, whether a story or content is hoax, false or misleading, has a record of spreading fake news. This, not to mention that its chosen partner also has a reputation of being predisposed against majority, if not all, of the policies of this Administration, as can be easily gleaned through the form of its published articles," banat ni Sec. Panelo. Naniniwala din daw ang gobyerno sa kakayahan ng mga Pilipino na kumilatis ng balita. "As the ultimate audience, our people have become more knowledgeable and more discerning in reading and analyzing the news. They too have become more critical against those licensed media companies which resort to negative propaganda and biased and distorted stories. As such, we leave the matter to the netizens in determining which online media outlet they wish to patronize or believe in," ani Sec. Panelo. Sa huli, sinabi ng kalihim na umaasa ang gobyerno na ang Fact Checking Program ng Facebook ay hindi magiging daan sa pagsikil sa magagandang balita mula sa gawa ng pamahalaan. "We just hope that the program being pursued by Facebook will not evolve into a tool which censors the good news arising out of the programs of this Administration," dagdag pa ni Sec. Panelo. Inilabas ng Palasyo ang pahayag sa parehas na araw kung saan inaresto si Rappler CEO Maria Ressa dahil sa kasong cyber libel. Panoorin ang video ng CNN Philippines kung saan inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang boss ng Rappler na si Ressa. Source: Office of the Presidential Spokesperson +Kung noong Disyembre 2018 ay nagkapag piyansa si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa sa kasong tax evasion, ngayon ay minalas ito matapos tanggihan ng Pasay night court ang paghahain niya ng piyansa sa kasong cyber libel. Ang cyber libel ay tungkol sa artikulo ng Rappler sa isang negosyante noong 2012. Base sa nasabing artikulo ng Rappler, ang businessman na si Wilfredo Keng ay iniuugnay sa human trafficking at drug smuggling. Ipinagagamit din daw ng naturang businessman ang kanyang sasakyan sa dating Punong Mahistrado Renato Corona. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, magdamag daw na mananatili sa cybercrime division ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ressa. Ito po ang kopya ng arrest warrant ni Ressa. Sa isang pahayag, tinawag ni Ressa na isang paglapastangan sa hustisya ang nangyaring pag-aresto sa kanya. "We will file an MR (motion for reconsideration) because the case is ridiculous and the fact that they issued an arrest warrant is a travesty of justice. This is something that journalists of the Philippines now have to go through," sabi ni Ressa. Ang warrant of arrest laban kay Ressa ay inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 46 ni Judge Rainelda Estacio-Montesa. Nitong hapon ay nagtungo ang mga tauhan ng NBI sa mismong opisina ng news online site na Rappler para arestuhin si Ressa. Panoorin ang video mula sa CNN Philippines kung saan makikita ang pagsama ng Ressa sa mga tauhan ng NBI. Sa panayam kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. sinabi nito na walang koneksyon sa press freddom ang nangyaring pag-aresto kay Ressa. "I said that has nothing to do with freedom of expression or freedom of the press. The past administrations regardless of who commits any crime, she or he will be charged in a court of law... They're making a fuss about anything they perceive to be wrong. A warrant of arrest can be issued on a weekday. The only prohibition is you issue a warrant on a weekend and that will not give the respondent an opportunity to file bail. [The arrest] was on a weekday so what's the complaint... Unfortunately, the judge refused to accept the bail despite having the power to do so under Rule 114 Section 17 of the Rules of Court," sabi ni Ressa. Source: ABS-CBN| GMA | ANC | ABS-CBN +Kani-kanina lang ay inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Chief Executive Officer ng Rappler na si Maria Ressa dahil sa kasong cyber libel na kinahaharap nito. Ang kaso ay nag mula sa isang artikulong inilathala ng Rappler noong 2012 tungkol sa isang negosyante. Ayon sa naunang pahayag ni Ressa, ang cyber libel law daw ay nagagamit bilang armas. Si Ressa ay nahaharap din sa kasong tax evasion. Noong Disymbre 2018 ay may inilabas na rin arrest warrant laban kay Ressa pero hindi ito nakulong dahil nagkapaghain ng piyansa. Sa isang panayam ng News5, umalma si Vice President Leni Robredo sa nangyari kay Ressa. Para kay Robredo na may kinahaharap na election protest, isang malaking dagok daw sa press freedom ang nangyari sa CEO ng Rappler. "Nakakalungkot kasi... Ito ay isa na namang yugto na nagpapakita sa atin kung gaano iniipit 'yung mga naglalakas ng loob na makapag-salita laban sa mga polisiya ng administrasyon. Ito napakalaking dagok ito sa press freedom. Napakalaking warning na binibigay sa anyone na nagkakaroon ng lakas ng loob na magpahayag ng kanilang saloobin ay napaparusahan," reaksyon ni Robredo. Panoorin ang video ng pag-aresto kay Ressa ng mga tauhan ng NBI. Ang video po ay mula sa CNN Philippines. Ito po ang reaksyon ng ilang netizens sa sinabi ni Robredo tungkol sa pagkaka-aresto ni Ressa. Galing po ito sa comment section ng News5 Video. "kahit kagagaling mo lang sa simbahan, pag ito talaga nagsalita at nagcomment sa mga bagay-bagay or certain issues- mapapaputang ina ka talaga eh," sabi ni E. Emi. " Utot mo...! Mas dagok yung FAKE NEWS...mga mapanlinlang kayo..ang tagal ninyong ginago ang mga Pilipino noong wala pang social media..ang masama ginawa nyong mabuti at santo..samantalang isinantabi ninyo ang totoo...but not anymore the Filipinos have legit source of information...salamat sa social media..salamat sa teknolohiya dahil hindi nyo na kami mapapaniwala at hindi na kami magiging TANGA...NO TO LP..mga salot sa lipunan," sabi ni . Boudreaux. "Ganun po ba yon kapag kayo naninira sa gobyerno at Kay PRRD consider niyo freedom piro pag kayo hinuhuli sa pag labag sa batas sa sabihin niyo walang freedom o patay ang demokrasya. Well Filipinos now a days are very much aware of what is right. You cannot fool us.," sabi ni T. Dimakiling. Source: News5 +Inaresto na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Chief Operating Officer ng Rappler na si Maria Ressa ngayong araw. Ang kaso ay may kaugnayan sa cyber libel case tungkol sa artikulo ng Tappler noong 2012. Maliban sa cyber libel case, nahaharap din si Ressa sa kasong tax evasion. Magugunita noong nakaraang tao ay may nailabas din na arrest warrant laban kay Ressa pero agad itong nakapag-piyansa kaya hindi nakulong. Isang artikulo na may pamagat na "Journalists, institutions decry 'absurd legal attack' against Rappler" na inilathala noong Pebrero 7, 2019, ang ibinahagi ng Rappler sa kanilang Facebook page kasabay sa araw ng pag-aresto kay Ressa. Sa naturang artikulo, sinabi ni Ressa na ang cyber libel law daw ay tila ginagawang armas. "Evidence that the law has been weaponized," banat ni Ressa. Panoorin ang video ng CNN Philippines sa pag-aresto ng NBI kay Ressa. Panoorin pa ang ilang video ng pag-aresto sa CEO ng Rappler. Source: Rappler +Ngayon araw ay nagpost ng video mismo ang Facebook page ng Rappler tungkol sa gagawin umanong pag-aresto sa kanilang Chief Executive Officer na si Maria Ressa. Wala pang detalye kung saan kaso kaugnay ang gagawin na pag-aresto. "BREAKING: Maria Ressa to be arrested at Rappler Headquarters," sabi sa Facebook post ng Rappler. Si Ressa ay nahaharap sa mga kasong libel at tax evasion. Matatandaang nag-isyu ang Pasig Regional Trial Court Branch 265 ng arrest warrant kay Ressa noong Disyembre 2018. Naka-iwas naman sa pagkaka-aresto si Ressa matapos magpiyansa. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, an arrest warrant ay kaugnay sa cyber libel case tungkol sa 2012 Rappler Article. Nasa loob daw ng opisina si Ressa nang hainan ito ng warrant ng mga otoridad. Kasama sa mga nagtungo sa headquarter ng Rappler ay ang pinuno ng National Bureau of Investigation - Cybercrime Division. Basahin ang reaksyon mula sa ilang netizens tungkol sa napipintong pag-aresto kay Ressa. Source: Rappler | ABS-CBN | ABS-CBN +Ito lamang mga nakaraang araw ay bumulaga sa mga kababayan natin ang balita tungkol sa isang Chinese National na babae na nangsaboy ng taho sa Pilipinong Pulis na si PO1 William Cristobal sa MRT station. Kinilala ang Chinese na si Jiale Zhang. Si Zhang ay humingi na ng paumanhin sa kanyang inasal pero sinampahan pa rin itong ng kaso. Inulan ng batikos ang inasta ni Zhang sa social media. Inererekomenda naman ng Bureau of Immigration (BI) na ipa-deport na ang nasabing dayuhan. Ngayong araw ay nagtungo ang mga kawani ng BI para arestuhin na si Zhang pero makikita sa video na nagpupumiglas ito. Limang opras pa raw na nagkulong ang Chinese national sa isang kuwarto sa Mandaluyong Poice Station matapos magpiyanse dahil umano sa takot niya sa mga taga-BI. Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa nangyari. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin tungkol sa nangyari kay Zhang. "Kung yung mga OFWs natin at ang ibang mga pang Pinoy na nasa ibang bansa kapag gumawa ng mga bagay na labag sa host country na kanilang tinitirhan at pinagtatrabahuhan, sila ay hinuhuli, ikinukulong at idinedeport pabalik dito sa ating bansa, what more kaya dito sa mga dayuhan na nandirito sa ating bansa. Since we are the host country, foreigners should abide and respect our laws at kung lalabag sila sa ating mga batas, sila ay pwedeng makulong at madeport pabalik sa kanilang bansa," sabi ni M. Miranda. "Tama lng yan bigyan ng sample para di na pamarisan at malaman ng ibang dayuhan na matindi rin ang batas natin dito...! Mga chinese na yan abusado eh mahilig murahin nyan pilipino eh," sabi ni A. Quioyo. \ "Tama lng yan na maranasan nya kung paano ang mangbastos ng person with authority at mga pilipinos. Bka dati na nyang ginagawa na bastusin ang mga pilipino," sabi ni S. Tabujara. Source: News5 | GMA +Dahil panahon na naman ng eleksyon, sari-saring paandar at gimik ang ginagawa ng mga tumtakbo para sa mga posisyon sa gobyerno. Mayroong nagbabahay-bahay para magpakilala sa mga tao. Ang iba naman ay gumgamit ng social media sa kanilang kandidtura. Siyempre, hindi pa rin mawawala ang paggamit ng campaign jingle. Sa video na pinost sa Facebook, mapapanood ang singer at actress na si Celeste Legaspi na hinihikayat ang mga tao na kabisaduhin ang campaign jingle ng mga pambato ng oposisyon o mas kilala sa tawag na Otso Diretso. Ang Otso Diretso ay kinabibilangan nila Liberal Party Senator Bam Aquino, former DILG Secretary Mar Roxas, Erin Tanada, Attorney Chel Diokno, Attorney Romulo Macalintal, Samira Gutoc, Magdalo Representative Gary Alejano at former Solicitor General FLorin Hilbay. "Ito ang i-memorize natin. Gutoc, Roxas, Macalintal, Diokno, Hilbay, Tanada, Aquino, Alejano. Gutoc, Roxas, Macalintal, Diokno, Hilbay, Tanada, Aquino, Alejano. Iboto sa senado, Otso Diretso." sabi ni Legaspi. Si Legaspi ay nakilala noon sa mga kantang "Mamang Sorbetero", "Saranggola ni Pepe" at iba pa. Hindi naman papahuli ang mga taga-suporta ng kasalukuyang gobyerno at gumawa sila ng isang video clip na nagpapakita ng kung ano ang gagawin nila sa mga kandidato ng otso diretso. TInawa nila itong Otso DIretso sa Inidoro. Source: Anthony Comedia +Hindi pa natatapos ang palitan ng patutsada ni Davao City Mayor Sara Duterte at ni Akbayan Senator Risa Hontiveros. Maaalalang nagsimula ang sagutan ng dalawang government officials nang ipinawagan ni Hontiveros ang pagbibitiw sa pwesto ni Public Attorney's Office (PAO) Chief Persida Acosta. Ayon kay Hontiveros, ang imbestigasyon ni Acosta sa Dengvaxia ay politically motivated at ito daw ang naging dahilan kaya naapektuhan ang measles vaccination program. Dahil sa naging pahayag ni Hontiveros kay Acosta, binanatan siya ni Mayor Sara. Sinabi ng alkalde ng Davao na ginagawa lang ni Acosta ang trabaho nito at si Hontiveros ang dapat mag-resign. Buwelta pa ni Mayor Sara, nasa puwetan daw ang ulo ng senadora. Sa isang pahayag, sinagot ni Hontiveros ang mga pasaring sa kanya ni Mayor Sara. Ibinida din niya ang kanya umanong track record. Wala din daw sa puwetan niya ang kanyang ulo. Sa bawat atake din daw ng Presidential daughter ay lalong nalalaman daw na tama ang ginagawa niya at napapatunayan kung gaano ka-epektibo ang kanyang opisina sa pagsusulong ng democratic interest. "Every time she attacks me, she validates my work and vindicates my positions on important issues. Every insult from the Mayor is a reading on the barometer I can use, second to none, to confirm how effective my office is in advancing democratic interests and goals. Sa bawat banat niya, nalalaman natin na tama ang ating ginagawa... my legislative track record speaks for itself," sabi ni Hontiveros sa kanyang social media account. Hindi naman pinalampas ni Mayor Sara ang boladas ni Hontiveros. Ayon sa Davao City Mayor, hindi daw dapat pagsamahin ang mga salitang "attack" at "vindicate" sa isang pangungusap. "Ai naku po, an attack is an attack. Don't use attack, validation and vindication in one sentence. Otherwise, your attacks against the administration are validations to say that PRD is correct and therefore he is vindicated. And you still believe your head is on your shoulders? #dropmic a wall is a wall at sa bawat banat mo ke PRD ay nasasabi ng lahat na tama si Presidente Duterte," resbak ni Mayor Sara kay Hontiveros. Sa pagitan nila Mayor Sara at Hontiveros, kanino kayo kampi? Source: Inday Sara Duterte +Magugunita na pinagbibitiw ni Senador Risa Hontiveros si Public Attorney's Office (PAO) Chief Persida Acosta. Sinisisi ng senadora ang hepe ng PAO sa tigdas/measles outbreak dahil umano sa politically-motivated investigations nito sa Dengvaxia. Ang mga imbestigasyon daw ng PAO ang naging sanhi sa pagkawala ng tiwala ng mga magulang sa vaccination programs. "I call on Acosta: resign your post... She has brought shame and embarrassment on an office sustained by the selflessness, dedication and sacrifice of its idealistic lawyers and rank-and-file staff... Because of her antics, faith in the advice of vaccine experts and doctors is on the decline... A responsible public servant would have called for calm. Instead, she sowed panic," sabi ni Hontiveros sa isang pahayag. Hindi nagustuhan ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang mga pahayag ni Hontiveros laban kay Acosta. Para sa Alkalde ng Davao, si Hontiveros ang dapat mag-bitiw sa pwesto at hindi si Acosta. Ginagawa lang daw kasi ng PAO ang trabaho nito. "Ikaw dapat magresign dahil wala ka ng sinabi na tama. Lahat sablay. PAO Chief Acosta is doing her job in assisting indigent litigants who want to sue. Dengvaxia eroded the parents' confidence in vaccines and you can easily verify this if you talk to the people in barangays instead of putting your head inside your behind all the time," sabi ni Mayor Sara sa kanyang Instagram Account. Binanatan din ni Sara si Hontiveros sa anggulo ng karapatang-pantao. "Devangxia killed innocent individuals, bakit wala ka human rights angle dito?," buwelta pa ni Sara. Hindi rin daw magiging solusyon sa tigdas outbreak ang pagbibitiw ni Acosta sa pwesto. Pinaalalahanan niya ang senadora na mag-isip ng solusyon at huwag puro kontra. "Paano masolutionan ang outbreak sa pagpapa resign ke Atty Acosta? Mag isip po tayo ng solution, hindi opposition para lng may masabi. Kapag gusto natin magsalita pagisipan muna para hindi nakakahiya," dagdaga pa ni Sara. Source: News5 | Sara Duterte | Inq +Viral ngayon ang isang babaeng nangunguha umano ng bata. Pinag-iingat ng netizen na si Danalyn Orella Tayag ang publiko sa babaeng na sa kanyang social media post. Ayon kay Tayag, nahuli sa Barangay 870 ang naturang babae Naaktuhan umano na papasok na ng gate ng isang bahay ang suspek. Base sa pahayag ng babae, may kasama daw siya na nangunguha ng bata. Paratang ni Tayag, dumating daw sa punto na nagbabaliw-baliwan at paiba-iba ang sinasabi ng babae. Pinakawalan din ang babae ng mga otoridad. Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa mahigit 17,000 ang nagbahagi ng ng video at umani na rin ng sari-saring komento sa mga kabaayan natin. Ayon sa post ni Tayag, nangyari daw ang babae sa barangay 870. Base sa Google Map, ito ay nasa Pandacan sa Manila. Ito po ang video ng kumprontasyon sa pagitan ng mga mamamayan ng Barangay 870 at ng babaeng nangunguha ng bata. Source: Danalyn Orella Tayag +Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang paglilinis ng gobyerno sa Manila Bay kung saan 45 tonelada ng basura ang nahakot sa naturang lugar. Sa isinagawang kick-off program para sa Manila Bay Rehabilitation, 5,000 Pilipino ang dumalo at nakibahagi sa paglilinis. Na-isyuhan din ng cease-and-desist order ang ilang establimisimiyento sa Manila Bay Area dahil sa pagtatapon umano ng waste water sa dagat. Hindi naman papahuli ang mga taga-Tacloban. Mahigit 700 na Taclobanon ang dumalo sa ginawang pagkilos para linisin ang mga baybayin ng Sabang and Siren. Ang clean-up actibidad ay pinangunahan ng local government at ng An Waray. Limang truck ng basura ang nahakot sa ginawang aktibidad at layunin ng grupo na gawing ito kada buwan. Naglagay na rin ng bio-fences sa may Mangon-bangon bridges para maharang ang mga basura na mapunta sa dagat. "We can make this a regular activity for different groups whole year round rather than just one big time. We can make a schedule or calendar of activities wherein everyone who is willing to help can join," sabi ni Eastern Visayas Tourism Association Public Information Officer Rhoel Ladera. Ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin ang ginawa ng mga Taclobanon. "It only takes one good move from a president to start a chain of events that will change our country for the better. Good job," sabi ni R. Juan. "That's how our Beloved President lead our country, he inspires us all! Thank you to all of you! Mabuhay kayo!," sabi ni T. Helson. " Nice, domino effect.. or should we say Duterte effect," sabi ni L. Santos. "Grabeng epekto ng utos ni PRRD halos lahat na yata ng probinsya may mga ganitong gawain na gaya dito sa Pangasinan..kung ganito lahat ang ugali ng pinoy walang imposible sa pag unlad.," sabi ni A. Mores. "GWhen people see prosperity all around them, it is hard for them not to want to become a part of it, it becomes even harder when they see no hope of becoming part of it. Thank you President R.R.Duterte for leading the nation to prosperity," sabi ni R. Paras. Source: MB | An Waray +Matapos mag-cutting classes ang 11 grade 9 students ay nahuli ang mga itong nagpa-pot session sa lungsod ng Makati. Ayon sa ulat ng GMA News, nahuli ang kabalastugan ng mga estudyante nang may magreklamong kapitbahay dahil sa pag-iingay ng mga ito. Bumungad sa mga pulis at tanod ang amoy ng marijuana sa tinatambayang lugar ng mga estudyante sa Barangay Southside. "Nagresponde ang mga Bantay Bayan kasama ang ating mga pulis, pagdating don, pagbukas ng pintuan, nadatnan ang mga kabataan na nangangamoy marijuana," pahayag ni Makati Police Senior Inspector Gideon Ines Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, natuklasan nila na ang ama ng grade 9 student na nag-host ng pot session ay kasama sa drug watch list ng kinauukulan. Nangatwiran ang binatilyo at sinabing hindi niya raw alam ito. "Wala akong alam dun, sir. Wala naman sinasabi papa ko sa akin," sabi ng binatilyo. At dahil sa underage pa ang mga binatilyo ay dadalhin muna ang mga ito sa social welfare department. Natatandaan niyo ba ang sinabi ni Hontiveros noong kasagsagan ng isyu tungkol sa pagpapababa sa edad ng criminal liability ng mga kabataan?. Basahin ang reaksyon ng ilan nating kababayan sa balitang ito. "Hindi rason na minor sila nag aaral mga yan im sure napag aralan nila ang tama sa mali..kaya nga mabuti lng na my criminal liability at age of 9 para hindi na sila tuluyang mawala sa landas." sabi ni L. Alombro. "oh dba yn ung ayaw nio n ibaba ung edad ng criminal ages ng mga bata eh kitang kita nman n khit bata p marunong n s mga bgay n kalokohan." sabi ni C. Urbina. " O, wag na naman sabihin na hindi pa nila alam na mali at bawal yan ginagawa nila...! Minors nga sila but they already know what is right & wrong...! Wala sa edad ang pagiging isang criminal...! " sabi ni R. Montemayor. Source: GMA | Hontiveros +(Paglilinaw: Ang artikulo na ito ay aming binago ng bahagya. Maliban kay Senadora Risa Hontiveros, inimbitahan din para maging principal sponsors sa kasal ni Kenneth Dong sina Senator Miguel Zubiri, Kiko Pangilinan at Joel Villanueva.) Kinumpirma ni National Bureau of Investigation Deputy Director Ferdinand Lavin sa CNN na naaresto na nila ang Filipino-Chinese Businessman na si Kennth Dong nitong Lunes. Si Dong ay ang itinuturong middleman sa smuggling ng P6.4 billion shabu shipment noong Mayo 2017. Naaresto si Dong sa Katarungan Village sa Muntinlupa City. Mahaharap si Dong sa kasong paglabag Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act. Ilan pa sa mga kinasuhan kaugnay sa P6.4 shabu shipment ay sina Richard Tan, may-ari ng warehouse kung saan nakumpiska ang mga droga. Sabit din ang fixer na si Mark Taguba, Customs Brokers na si Teejay Marcellana, import company owner na si Eireene May Tatad at ang mga negosyanteng Taiwanese na sina Jhu Ming Jhun, Chen I-Min at Chen Rong Huan. Sa panayam kay Senador Risa Hontiveros sa ABS-CBN, inamin ng senadora na nag-ninang siya sa kasal ni Dong. Ibinunyag din ni Hontiveros na inimbitahan din daw ng negosyante sina Senator Miguel Zubiri, Kiko Pangilinan at Joel Villanueva para maging ninong sa kasal nito. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa pagkaka-aresto kay Dong. "Pusta di rin sasabit yan eh halos kakilala nya mga senador di ba nung nakaraang hearing campaign donor yan ni risa hontiveros at mga congressman hahahaha," sabi ni M. Orlain. "Bwahahaha trip ko lang kantahin ang "Killing me Softly" heartily dedicated para sa mga anti na yellow tae," sabi ni B. Lee. "Paging Risa Hontiveros, yung inaanak mo at contributor sa campaign mo.. hinuli na po...tulongan niyo po" sabi ni J. Alimpangog. "Ngyon. Alam na kng bkt nung panahon ni abnoy lagamak ang droga. Akalain mo nmn INAANAK NI HONTIVIRUS yan. Tpos ung kinasangkotan pa ni QUEEN OF SABA na c DE LIMAW...." sabi ni A. Otnab. " Hahahaha inaanak pala ni risa hontivirus alam na. Ano ngayon troll pahiya kayo." sabi ni M. Barciso. Source: CNN | ABS | GMA +Pinagkaguluhan ng mga Pilipino ang mga impersonators nila Presidenter Rodrigo Duterte at ni North Korean Leader Kim Jong-Un sa Hong KOng Nkunan din ng lente ng camera ng dalawa habang kumakain sa sikat na FIlipino restaurant na Jollibee habang nag-uusap tungkol sa politika. Ang mga litrato ay naibahagi na ng mahigit 1,600 ne beses habang isinusulat ang blog post na ito. Umani na rin ng iba't-ibang reaksyn mula sa mga kababayan natin. Ito naman po ang video mula sa AFP news agency. "Infairness kamukha nga tlga nakita k sya knina sa worldwide,mejo makinis lang face nya hehe," sabi ni C. Kee. "Panalo to sa Kalook a like.. hahaha," sabi ni J. Murillo. "Hahaha putek parang totoo," sabi ni A. COmpoc. Source: Philippine Star +Viral ngayon ang litrato kung saan pinapatawan ng parusa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel ang isang binatilyo. Ayon sa News5, nahuling nagtapon ng balat ng ice candy ang lalake sa Manila Bay na isinasailalim sa rehabilitasyon. Ang binatilyo ay pinagko-community service ng MMDA dahil sa pagdudumi. Sa inilathalang regulasyon ng MMDA, nakasaad dito na ang pagbabawal ng pagtatapon ng basura sa kahabaan ng Manila Bay. Nakalagay din dito na papatawan ng 500 pesos na multa at community service ang sinumang mahuhuling lalabag sa regulasyon. Inulan ng batikos ang naturang binata sa social media. Ito po ang ilang sa komento ng mga netizens. "Mga balatuba... ugali sa bahay dinadala sa labas. Mga hindi naturuan ng magulang! Dapat dyan lunurin!!!," sabi ni G. Gina. "Bukod sa community service dapat may multa na 10k...at kung walang pambayad kulong ng 2 month," sabi ni T. Bonador. "Galing aq khpon sa Manila bay, malinis tlga. Khit ang mga nagtitinda may kanya kanyang basurahan at lahat ng tao dinadala sa basurahan ang pinagkainan. Kaya ano ka ba nman Otoy, nagkalat ka pa.. Ayan tuloy nag community service ka," sabi ni M. Erebete. "Yan tlga ang dapat gawin s mga taong wlang pakialam s paligid at pasaway... kailangan tlga n umpisahan n ng bawal isa ang pg bbago s sarili dhil tyo rin nmn ang mkikinabang ng lahat ng ito...," sabi ni R. Celo. "haist ewan ko ba sating mga pinoy number 1 na pinakaburara sa kapaligiran , kahit malinis magtatapon ng basura, dudura at magdudumi, guilty ako jan ,... dapat pagaralan natin maging malinis sa kapaligiran , ansarap kaya tignan ang malinis na lugar.... simulan yan sa bahay at makakasanayan yan ... sa mga magulang train your kids to keep their room clean kakalakihan nila yan :)," sabi ni L. Castillo. Panoorin ang pagbibigay ng flyers ng MMDA personnel para paalalahanan ang mga bumibisita sa Manila Bay na pwwede silang patawan ng parusa at multa kapag sila ay nagkalat sa lugar. Source: News5 | Jen Calimon +Matapos ang humigi't kumulang dalawang buwan, ito na at tatalakayin na sa senado ang pagkakapaslang sa bodyguard/aide ni Attorney GLenn CHong na si Richard "Red" Santillan. Ayon kay Chong na nagsisilbi rin bilang legal counsel ng pamilya Santillan, gaganapin daw ang pagdinig sa senado sa Lunes, Pebrero 4, 2019, mga ala-10 ng umaga. Ang naturang senate investigation ay pamumunuan ni Senador Panfilo Lacson na chair ng Committee on Public Order. Hinamon din ni Attorney Chong si Philippine National Police CALABARZON Director Ted Carranza na dumalo sa gagawing senate hearing at magkatapat sila. Si Santillan ay napaslang noong Disyembre, nakaraang taon. Pinalalabas ng mga Police Regional Office 4A (Calabarzon) na isa daw miyembro ng sindikato si Santillan at nanlaban daw ito kaya nila pinaputukan. Ang mga akusasyon ng pulisya ay mariing itinanggi ng kampo nila Santillan. Naglabas a rin ng ilang ebidensiya si Attorney Glenn Chong na nagpapatunay umano na tinorture muna si Santillan bago ito pinatay ng kapulisan. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa bagong kaganapan na ito sa kaso ng pagpatay kay Santillan. "Sana pati si Police Director Gen. Oscar Albayalde ay mag-attend sa hearing dahil siya ang pinuno ng PNP. By virtue of command responsibility, dapat managot din siya," sabi ni B. Contreras. "Senate hearing must be LIVE nationwide! Pls support by informing all Filipinos to watch the proceedings - Battle Royale between Truth and Evil Cabal.," sabi ni R. Cavada. "We support atty glenn. Chong malakas na malakas napo kau ngaun sa mga ofw mas nakikilala ka habang papalapit ang election.godbless," sabi ni M. Manalo. "Please have you own live broadcast during the hearing. Pa accredit po cya to be allowed to broadcast online," sabi ni Okkin D. "Patay kayo ngayong animal kayong mga tulisang pulis..Hindi lahat ng araw sa inyo!," sabi ni J. Escobal. Source: Glenn Chong +Sa isang pahayag sa DZBB, ipinagmalaki ni Liberal party Senatoriable Mar Roxas ang kanyang ginawa noong kapanahunan niya bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ayon kay Roxas, siya daw ang tagatugis ng mga durugista noong nanunungkulan siya sa DILG. Magugunitang iniuugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte si Retired Police Deputy Director General Marcelo Garbo sa droga. Ayon sa Presidente, si Garbo daw ang security aide ni Roxas. Ang sinabing ito ni Roxas na tagatugis siya ng droga ay tila kinutya lang ng ilang kababayan natin sa social media. Ito po ang ilan sa kanilang mga komento. Ito po ang video clip na madalas ginagamit ng mga kritiko ni Mar laban sa kanya. Source: DZBB +Isa sa tampok na mangyayari ngayon taon ay ang pagho-host ng ating bansa sa 2019 Southeast Asian Games. Ang opening ceremony nito ay isasagawa sa New Cark City, at puspusan na talaga ang ginagawang konstruksyon sa mga psilidad na gagamitin. Isa sa mga ginagawa at ang athletic stadium. Panoorin ang video presentation tungkol sa konstruksyon ng SEA Games Facilities. Source: Rising Philippines | Innovation Philippines +Lumabas sa Corruption Perception Index (CPI) ranking na less corrupt na ang Pilipinas kumpara sa dati nitong kalagayan. Ayon sa international group na Transparency International (TI), umakyat ng 12 puntos ang Pilipinas. MUla sa ika-111, ngayon ay nasa pang 99 na pwesto na tayo. Nakakuha ng gradong 36 out of 100 ang ating bansa. Kung ang isang bansa ay nakakuha ng 0, iig sabihin nito ay "highly corrupt" ito. Maituturing naman na "very clean" kung 100 ang grado. Nangunguna ang mga bansang Denmark (88) at New Zealand (87) sa listahan. Habang ang mga bansang SOmalia (10), Syria (13) at Sudan (13) naman ang nasa ibaba. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa inilathala ng Transpearency International. "99th na tayo out of 180 countries. This means that humihina na ang corruption sa ating bansa," sabi ni D. Juarana. "We can feel it.," sabi ni J. Salamia. "Great improvements hurrah. Tatay Digong," sabi ni H. Paguio. "Kasalanan na namn ni DUTERTE YAN! magagalit na naman mga dilawan," sabi ni A. Santos. Source: CNN Philipines | PTV +Ipinagmalaki ng Department of Science and Technology (DOST) na hinog na ang Pilipinas para magkaroon na ng sarili nitong space agency. Ayon sa DOST, may sapat na daw na manpower at pasilidad ang bansa. "We are proud to say that we are capable and ready for a Philippine Space Agency," ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Pena sa isang press conference. Sabi pa ni De la Pena, makakatulong daw sa iba't-ibang larangan ang bubuuin na ahensiya. "National added security, improved hazard management, progressive climate studies, refined space research, and modernized farming and environmental monitoring, among others," sabi pa ng kalihim Magugunita na mayroong ng panukalang batas na ipinasa sa kongreso nitong Disyembre 2018 para sa pagbuo ng nasabing ahensiya. Ang parehas na batas nama sa senado ay nakabinbin pa rin. "With this milestone, we are now able to receive information that can be translated to the enhancement of our capabilities in weather forecasting, disaster management and preparedness, national security, industry building, research, education and international cooperation," dagdag pa ni DOST Undersecretary Rowena Guevara. Panoorin ang ilang video na tumatalakay sa pagbuo ng space agency ng Pilipinas. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa balitang pagkakaroon ng space agency ng Pinas.. "Good luck and God bless DOST! Praying for immediate approval and implementation of that bill establishing the Philippine Space Agency," sabi ni D. Brylle. "Yes congrats DOST scholars...for making the talents of pinoys known to the world..that we can make and advance our system...profit din ng bansa mkagain ng investors through our efforts...sana magtulong2x po ang lahat para sa improvement nman ng bansa...thank you for the effort..pangarapko rin sana before na mmaging scientist pero di kinaya ng utak..pero natutuwa ako at sna maabutan ko pa," sabi ni R. Alinsasaguin. "hmmm if thats the case ang dami ng dumaan na presidente pero wala pang nakakagawa ng ganyan to open an space agency a country needs atleast 1 Billion pesos to start with it for research facilities and others stuffs.," sabi ni E. Salcedo. "Our government needs to fully support our scientists, researchers, etc. Hindi man natin mapakinabangan ngayon, mapapakinabangan ng susunod na mga henerasyon. Kesa naman ibang bansa na naman makinabang sa talino nila...," sabi ni J. Sia. Source: ABS-CBN +May bagong impormasyon na nasagap ang batikang radio anchor na si Mr. Erwin Tulfo tungkol sa recount na ginagawa para sa vice presidential election. Sa kanyang radio program, ibinungad niya ang mga salitang, "soon to be vice president Bongbong Marcos". Ayon sa impormante ni Tulfo sa loob ng supreme court, may natuklasan daw na fake na mga ballots habang ginagawa ang bilangan. "Sa mga nagtatanong tungkol po sa recount ni dating senador Bongbong Marcos, ongoing po ang recount pero may mga natuklasan pong fake ballots. Eh yung mga makina ang nagsabi. Eh doon sa ibinigay sa akin ng impormante. Doon sa isang pahina, anim ang sinaksak, 3 doon ay pekendos. Sa Camarines Sur, sa Iloilo at sa Negros Oriental. Yung mga balwarte ng mga Liberal, madaming fake ballots. Mga taga-Supreme court na ang nakakakita. Hindi lang sabi-sabi lang. Kundi ang makina ang nagsasabi na fake ballots. Eh papaano pa maitatanggi," sabi ni Tulfo. Kinontra din ni Tulfo ang mga sinabi ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Attorney Romulo Macalintal. Magugunitang sinabi ni Macalintal na game over na daw ang recount. "Yung sinasabi po ng kampo ni Madam Leni, yung kaibigan kong si Attorney Macalintal na game over na, baka game over kayo ng game over, kayo ang ma game-over. Baka pagdating ng panahon sasabihin ng taga-SC, madam Vice President game-over umalis ka na diyan sa opisina mo, 'wag kayong maniwala," banat pa ni Tulfo. Pinaalalahanan din ni Tulfo ang mga taga-suporta ni Marcos na maghintay na lang kaunti at malalaman na rin ang resulta. Source: Erwin Tulfo +Isa na namang good news ito mg a kababayan! Matapos ang isinagwang paglilinis sa Manila Bay ng gobyerno. Bumaba na raw ang coliform bacteria level sa ilang bahagi ng nasabing lugar. Ang coliform ay bacteria na nanggagaling sa dumi ng mga tao at hayop. Kung dati-rati ay 330 million Most Probable Number (MPN) ang mayroon sa Padre Faura Outfall, ngayon ay mayroon na lamang itong 7.9 Million MPN. Ang Remedios Outfall naman na dati ay nakapagtala ng 160 Million MPN ay mayroon na lang 35 Million MPN. Ang Manila Yatch Club na na may pinakamaring bacteria level na nasa 1.3 billion MPN ay napababa na rin sa 52 million MPN. Pero pinaalalahanan pa rin ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko na hindi pa rin ligtas na languyan ang Manila Bay. Magsasagawa ng pipe laying ang gobyerno para i-divert ang maruming tubig patungong Manila Yatch Club at doon lilinisin ang waste water sa pamamagitan ng itatayong sewerage treatment facility. Basahin ang ilang reaksyon ng ilang netizens natin sa mabuting balita na ito. "pati yung mga baranggay samin dito sa mah sampalocc.. natuwasa initiative ni duterte kaya sila mismo nag linis din.. tulong tulong mga baraggay.. sayang d ko lang mapost yunh picture.. go duterte," sabi ni S. Duran. "Nagawa n ng PANGULO ang unti unti nating pagkakaisa ang kulang n lng ay DISIPLINA hintayin p bang sabihin ni DU30 yan," sabi ni C. Jialon. "Kapag malinis na lahat pati ung mga Creek at na-enforce ang law na bawal magtapon ng basura sa mga iyan baka Hindi na magbabaha sa kaunting ulan.," sabi ni M. Febre.. "Good at sana din ang presidente natin magtalaga ng law sa magtapon ng basura ...kung magtapon ng basura kung saan saan may multa pag ayaw magbayad ikulong..dami kz balahura na tao parang hayop lang ang lagay...damihan po ang cctv para ma trace mga nagtatapon ng basura at mga van na nangunguha ng mga bata para mabilis ang sulusyon," sabi ni Z Zoroh. Source: GMA | CNN +Tila naghuhurumentado ang ilang militanteng estudyante nanag sumugod ang mga ito sa opisina ng Commission on Higher Education o (CHED). Nakita sa ilang mga vdieo kung paano sila nag-vandalize o nambaboy ng gate ng CHED para ipagmaktol ang pagtataas umano ng tuition fees, mandatory Reserve Officers' Training Corps (ROTC) at drug testing sa mga estudyante. Itong mga nagdaang araw ay naging usap-usapang ang pagpapanumbalik ng ROTC sa grade 11 at 12 matapos aprubahan ng kongreso ang panukalang batas sa second reading. Ayon sa isa sa mga nagsasalita sa ginawang rally, tinitiktikan daw ang isa sa mga kasamahan nilang mass leader. Umabot pa daw na nagtago ito sa palikuran ng eskwelahan. Sa isa sa mga placard ng mga militanteng estudyante, mababa ang "ANAKPAWIS-UST" Hindi naman pinalampas ng ilang kababayan natin ang pagkakataon at binanatan ang mga mag-aaral sa social media. Basahin ang kanilang komento. "Dpat lang sundan kau kz mga rebelde kau salot..dpat sa nyo dna tinatanggap sa school..mga bwesit kau..sarap nnyo ilibing ng buhay," sabi ni A. Hossain. "Kung anak ko yan hahagupitin ko ng makapal na sinturon ang lintek na yan. Kulang na sa palo ang mga kabataan ngayon kaya kung anu-anong grupo na ang sinasalihan. Mga magulang ang naghihinagpis sa mga kabataan na gaya ng mga ito pwera na lang kung komunista din mga magulang nila," sabi ni P. Makalindol. "Tuition fee increase.? Well I guess yung parents, guardian or benefactors yata ang dapat na nag rarally dyan diba? Kse sila taga bayad tuition nyo yang sumisigaw na yan dapat ipasok ng trabaho para sya mag paaral sa sarili nya at tignan ko lang kung may time pa yan mag sisigaw sa kalye straight shift 12hrs work 1 day OT tapos sabay aral...ano mag rereklamo ka pa?," sabi ni J Caparas. "Ayusin mo mag Salita ineng..kulang ka sa rehearsal ineng..so what now ano napala mo sa mag hapon na winakal sa kalye..?? Kung nag laba ka at nag linis ka ng bahay nyo at mag simba manalangin ka at mag isip ng maraming beses kung nasa matino ka bang ka isipan may mas maganda pang resulta ineng..tatanda ka jan sa pinalalaban mong wla sa ayos khit noon paman ilang dekada na ang dumaan at kahit mapa igit ka jan sa wakal wala parin ineng," sabi ni J. Bravo. "Dpat lang sundan kau kz mga rebelde kau salot..dpat sa nyo dna tinatanggap sa school..mga bwesit kau..sarap nnyo ilibing ng buhay," sabi ni A. Hossain. Source: Glen Juego | DZBB +Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon na ngang outbreak ng tigdas sa National Capital Region (NCR) at sa Gitnang Luzon. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, pumalo daw sa 550 porsiyento ang itinaas ng kaso ng tigdas mula Enero 1, 2019 hanggang Pebrero 6, 2019 kung ikukumpara ito noong nakaraang taon. Nakapagtala ang health department ng 196 na kaso ng tigdas mula Enero 1 hanggang Pebrero 6 ngayon taon. 55 kamatayan naman ang naitatala sa San Lazaro Hospital simula Enero. Karamihan sa mga namatay ay 3 hanggang 4 na buwang gulang. Mayroon naman 248 na batang kasalukuyang ginagamot sa San Lazaro Hospital. Sa Gitnang Luzon naman ay may naitalang 442 na pinagsusupetsahang kaso ng tigdas. Kasama ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Caraga Region sa mga lugar. Ayon sa tagapagsalita ng Health Department na si Roland DOmingo, inoobserbahan narin ang ibang rehiyon. Nanawagan naman si Health Undersecretary Eric Domingo sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak. Ang bakuna laban sa tigdas ay libre sa lahat ng local health centers. Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa tigdas. Source: ABS | GMA +Sa isang pambihirang pagkakataon, umamin na ang pinakamataas na opisyal ng simbahanag katoliko tungkol sa nangyayaring pang-aabusong seksuwal ng ilang pari. Sa kanyang pakikipag-usap sa ilang reporters, inamin ni Pope Francis na mayroong mga kaso ng mga madre na inabuso ng mga pari at obispo. Humahantong pa raw ito sa sexual slavery. "Pope Benedict had the courage to dissolve a female congregation which was at a certain level, because this slavery of women had entered it - slavery, even to the point of sexual slavery - on the part of clerics or the founder,"< sabi ni Pope Francis Sinabi ito ni Pope Francis matapos ang kanyang makasaysayang pagbiyahe sa Middle East noong Martes. Ginagawan na raw ng paraan ng simbahan para resolbahin ang nasabing isyu. Sa katunayan, mayroon na raw nasuspending mga pari. Ayon sa ulat ng BBC, mayroon kaso sa India kung saan ang isang madre ay 13 beses ginahasa ng obispo. Pinaimbestigahan naman ng Vatican ang ilang ulat ng pang-aabuso ng mga pari sa mga madre sa bansang Chile. Nai-ulat din ng Associated Press News Agency noong nakaraang taon ang mga kaso ng pang-aabuso sa Italy at Africa. Mayroon din mga ulat na pwesahan pinalalaglag sa mga madre ang nagiging supling ng paring nakabuntis sa kanila. Magugunitang madalas banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alagad ng simbahan sa Pilipinas. Source: BBC | WION +Matapos pumutok ang balita na paglilinis sa Manila Bay, hindi napigilan ang ilan nating kababayan na bisititahin ang naturang lugar para makita ng kanilang sariling mata ang pinagbago nito. Nitong lang Chinese New Year ay dinumog din ang lugar ng napakaraming tao para doon mag-celebrate ng okasyon. May iba naman tayong mga kababayan na piniling lumangoy sa Manila Bay kahit na ipinanawagan na ng otoridad na hindi pa pwedeng languyan ito. Kaya gumawa na ng hakbang ang otoridad para makontrol na rin ang mga tao sa Manila Bay. Naglagay na ng orange barriers ang mga kinuukulan para mag-bigay daan sa todong rehabilitasyon ng Manila Bay. Nagpaskil na rin ng mga posters para paalalahanan ang publiko na hindi pa pwedeng languyan ang dagat dahil hindi pa lubusang nalilinis ang Manila Bay. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin. "Ang dapat sa buong kahabaan ng Manila Bay beach front ay baruran ng pansamantala habang ginagawa ang paglilinis ng Manila bay waters. Hanggat hindi ito binabakuran ay hindi titigil ang ilan nating mga kababayan na likas na yata ang katigasan ng ulo at pagiging walang displina. Paano malilinis iyang Manila Beach front na yan kung dinadagsa naman ng mga tao na nagkakalat at nagdudumi diyan. Pwede rin na itong mga taong pumupunta diyan ay mga bayaran ng mga kalaban ng gobyerno at walang gustong gawin kung hindi isabotahe ang magandang plano ng gobyerno na linisin ang Manila bay beach front. Pwede kasing "kumitang pangkabuhayan" na naman ito ng mga taong bayaran at uutusan silang pumunta duon para magkalat upang ipakita na hindi epektibo ang gigawang paglilinis ng gobyerno. Put a tall perimeter fence on the whole stretch of Manila bay beach front to prevent public from going there. This will also give the local governments in and around Manila bay waters to clean and rehabilitate the creeks and rivers in their areas flowing to the Manila Bay...With the tall perimeter fence installed in the beach front, the government together with the LGU can initiate plans to rehabilate, improve and beautify the areas around Manila beach front," sabi ni D. Roman. "Ang daming pasaway.....pag sinabing rehab muna.pahingahin nyo nman ang kalikasan....yong mga pasaway yan dapat ang eg ReHab..," sabi ni D. Robert. "Talagang wala tyong disiplina. Matitigas mga ulo, d makaintindi, mga pasaway. Pag nadisgrasya iba sinisisi. ," sabi ni R. Escoto. Source: ABS | GMA +Magugunitang nilinis ng Duterte Government ang Boracay noong 2018 na inabot pa nga ng anim na buwan. Nitong mga nagdaang araw naging laman ng social media ang resulta sa paglilinis sa Manila Bay na pinangunahan ng ating pamahalaan. Matapos makita ang ikinaganda ng Manila Bay ay tila nahahawa na ang ilang kababayan natin at sinisimulan na rin linisin ang kanilang kapaligiran. Tulad na lamang ng nangyari sa Baseco, TOndo kung saan maraming Pilipino ang nakilahok para linisin ang lugar. "Along side with the Manila Bay Cleanup or Rehabilitation na Naganap sa Roxas Blvd ay nagkakaroon rin ng Clean-up sa Kahabaan ng BASECO Tondo Linggo Linggo na pinangungunahan ni Pasig River Rehabilitation Commission - PRRC Executive Director Pepeton Goitia... Saludo kami sa inyo...," sabi ni Benjamin Cruz Cruz, original poster ng paglilinis sa Baseco, Tondo. Basahin ang ilang komento mula sa mga kababayan natin. "Tuloy tuloy na sana eto. Wag mag sasawa. Pag luminis na ang Manila Bay tayo naman lahat ang makikinabang," sabi ni M Fainsan "Bayanihan at its best! Mabuhay ang Pilipino! Nakaka proud naman," sabi ni N. Crisostomo "Woww yan ang pinoy kahit nagsisiraan nagtutulungan parin good job God bless sa atin MABUHAY PHILIPPINES," sabi ni M. Acabo. "kailangan po ng educational campaign sa mga residente jan na sila din makikinabang kapag malinis ang dalampasigan. Ilang beses na rin akong nakapunta sa lugar na yan at masarap paliguan kapag mahal na araw (minus the basura). At marami po sa mga nanjan, nasa dagat ang kabuhayan. BTW, masarap ung tahong sa Breakwater Jan!," sabi ni J. Gotis. "Wow mabuhay po kyo lahat ng tumulong tulong sa paglilinis ng lugar nyo..sinu pa nga ba ung magtutulungan kundi tyo tyo lng mga pilipino..dahil kay digong..naging maayos ang kapaligiran ntin kasama kasi kyo sa pag babago ng bansa ntin..," sabi ni C. Dionaldo. Source: Benjamin Cruz Cruz +Dinakip ng mga otoridad ang limang menor de edad matapos silang ireklamo ng halinhinang panggagahasa sa isang babaeng may problema daw sa pag-iisip. Ang insidente ay nangyari sa Laoag, Ilocos Norte. Kapitbahay umano ng biktima ang mga suspek. Lumabas sa medical examination na positibong nagalaw ang biktima. Dumepensa naman ang isa sa mga batang kriminal. Ayon sa binatilyo, ang babae daw ang nagayaya. Humingi naman ng kapatawaran ang ina ng isa sa mga suspek. Kinasuhan na ng rape ang mga menor de edad na kriminal at dadalhin muna sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sumailalim sa counselling. Isa na namang kaso ng krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan. Matatandaang naging mainit na usapin ang pagpapababa sa age of criminal liability noong nakaraang buwan. Nag-ingay ng husto ang ilang nagpapakilalang human rights advocate para kontrahin ang hakbang ng pamahalaan na ibaba ang criminal liability ng mga kabataan. Si senadora Risa Hontiveros ang isa sa mga maingay na kumokontra sa lowering of age of criminal liability. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng publiko sa pangga-gang rape ng mga binatilyo. "Dun sila dalhin sa bahay ni Risa Hontiveros kasi hindi daw krimen yang ginawa ng mga yan kundi isa lang pagkakamali ng walang muwang na kabataan, wag daw sirain ang kinabukasan yung mga kabataang rapist na yan," sabi ni D. Abala. "Patirahin muna pangsamantala sa bahay ni risa hontivus o ky kiko pangilinan ..sila naman ang taga pagtanggol," sabi ni W. Encarnacion. "Kiko matsing at hontivirus. Ano na masasabi nyo dito?! Lintik namimihasa mga yan eh. Malakas ang loob kc menorde edad alam nila hindi sila makukulong.," sabi ni M. Young. " I really wish for Riza Hontiveros & Kiko Pangilinan to comment on this issue and the also the newly-sprung news about Gr. 9 students caught cutting-classes in pot session," sabi ni P. Ramas. Source: GMA +"Siguro ito na ang pinakamagandang regalo ng government sa athletes ngayon," Ito ang naging pahayag ng isang atleta matapos makita ang ginagawang world-class sports complex sa New Clark City sa Tarlac. Ayon naman sa kababayan nating boksingero, naramdaman umano nila ang pagbabago. Dama din daw ng Philippine Hockey Team ang suporta sa kanila ng pamahalaan. Para sa mga miyembro naman ng Philippine Badminton Team, lahat ng pinangarap nila ay naibigay at masarap daw mag-sanay dahil sa suporta sa kanila ng gobyerno. "Para po talaga ito sa inyo mga atleta. Alam naming ilang dekada na kayong nagtitiis at nagtiyatiyaga sa mga luma at minsan ay delikado pang mga pasilidad. This is just one of the many project being built under the Duterte Administration's Build Build Build program," sabi ni former Special Assistant to the President Bong Go. Ang New Clark City Sport Complex ay inihahanda para sa gaganaping South East Asian Games sa susunod na taon. Ayon sa ilang ulat, mayroon ito athlete's village at mga aqutic sports facilites din. Source: Mindanation +Sapul kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko niya. Sa kanyang talumpati sa groundreaking ng Davao City Bulk Water Supply Project, binanatan ng Presidente ang pagkahumaling ng mga taga-simbahan at oposisyon sa kanyang kamatayan. Ayon sa Presidente, ang mga kritiko niya ang mauuna dahil sa mga pinaggagawa nila. "You know, as you grow old, yung pigmentation nasunog at umitim. Tignan mo talaga ang simbahan, pati ang oposisyon, ang binabantayan ang pwet ko, colonoscopy, ang bunganga ko, pati ang changes ng mukha ko. Kasi nga naman kung may kidney (problems) ka, diabetes, magda-dialysis ka. So sabi nila, si DUterte may kidney problen na iyan, kasi maitim. Tignan mo kung anu-ano na lang, they speculate on my death, na ako ay may cancer. Makita mo, sila ang maunang mamatay tignan mo. Pusta kayo, sila ang maunang mamatay. So if you are that desperate to be a president, why do you to dwell on such issue ng kamatayan ng tao. Ako 73-years old. Mag-tanong ka sa aki, 'Kamusta? Wlaa ka bang sakit?'. Eh loko-loko ka pala, sinong 73-years-old walang sakit?" sabi ni Presidente Duterte. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natins a banat ni Pangulong Duterte sa mga kritiko niya. Ito po ang isa sa mga example ng pahayag ng kritiko ni Pangulong Duterte laban sa kanya. Source: News5 +Sapul na sapul si Winnie Monsod sa komento ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza sa Facebook post nito. Sa social media post ni Sonza, ipinagtataka nito kung anong nangyari kay Monsod? Bakit daw tila naging tanga at kalahati umano ang Bawal ang Pasaway Host? Ayon kay Sonza, dati naman daw ay matino si Monsod. Hindi nagbigay ng dahilan si Sonza kung bakit niya binanatan si Monsod. Pero kamakailan lang ay may nag-viral na panayam si Monsod kay Vice President Leni Robredo kung saan makikitang ngiting-ngiti ito habang nagke-kwento si Robredo tungkol sa pagkapanalo niya noong halalan 2016. Si Monsod ay kilalang taga-suporta nila Mar Roxas at ni Leni Robredo, samantalang si Jay Sonza ay sumusuporta naman sa Duterte Government. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa sinabi ni Sonza kay WInnie Monsod. Source: Jay Sonza | Atty. Glenn Chong +Sa talumpati ni Presidente Rodrigo Duterte sa 35th FOUNDING ANNIVERSARY ng ARMY RESERVE COMMAND (ARESCOM), muling binanatan ng Pangulo si Liberal Party Senator Kiko Pangilinan. Ayon sa Pangulo, tumaaas umano ang mga krimen na sangkot ang kabataan dahil sa ginawang batas ni Pangilinan. Sinabi din ng Presidente na wala siyang personal na galit kay Pangilinan. Sa katunayan may utang na loob umano siya sa senador dahil ito ang kinausap niya para maibigay ang birthday wish ng anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte na personal na makilala si Sharon Cuneta. "For all I care, he can become the president of the Republic of the Philippines. Wala akong personal sa iyo. Kay kung may personal ako sa iyo, sa totoo lang, matagal na kitang sinuntok sa harap... Ayyy. Totoo. Eh wala man 'yan. Suntukin mo lang, mag-iyak 'yan. Bunutan ko pa ng baril. Tang ina ka... I said I really do not care. If he wants to f-- with the presidency, go ahead. I'd be happy. Pero kung -- can he have the sense to run a country? Common sense na lang. Ewan ko. Kayo lahat ang Pilipino ang magsagot diyan. Nakita naman ninyo 'yung lahat ng presidente dumaan sa buhay ninyo," banat ng Presidente. Ito po ang ilang reaksyon ng mga kababayan natin sa sinabi ng Presidente laban kay Kiko. Source: GMA News | PCOO | VOVph +Sa isang social media post, binanatan ni Manila Times' Columnist Bobi Tiglao ang mga pinag-aasta ni Vice President Leni Robredo laban sa Duterte Administration. Ayon kay Tiglao, pwedeng ihambing sa 2 katangian si Robredo, at ito ay napakatanga o di kaya ay sabik na sabik na mapabagsak si Pangulong Duterte. Para kay Tiglao, kung makikipagtulungan lang si Leni kay Duterte, nahawaan pa sana ito ng kasikatan ng Presidente. Natulungan pa din daw sana ni Leni ang mga kababayan natin kung nakapanatili pa ito sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Kung matalino lang daw si Leni, saka na lang ito hihiwalay sa Duterte Administration kung sakaling darating ang panahon na hindi na suportado ng sambayanan ang kasalukuyang gobyerno. Inihambing pa niya si Leni sa ginawa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nakipagtulungan sa Erap Administration bilang DSWD Secretary pero humiwalay sa gobyerno noong palubog na ang Erap Government. Ayon pa kay Tiglao, kahit barangay chairwoman pa ay hindi papasa si Leni. Hindi na raw sana mapapansin ng mga tao si Leni kung hindi inilalathala ng mga pahayagan ang mga kabobohang pinagsasabi ni RObredo. Hiniling din ni Tiglao na huwag i-post ang pagmumukha ni Leni sa Facebook. Basahin ang naging reaksyon at tugon ng mga kababayan natin sa banat ni Tiglao kay Leni. Source: Bobi Tiglao +Para kay alleged Vice President Leni Robredo, ang Pilipinas daw ngayon ay watak-watak at mahihirapan daw ang susunod na Presidente ng Pilipinas kung mananatiling watak-watak ang mga tao. Sa pagdalo ni Leni sa ika-49 anibersaryo ng Rotary Club of Makati West, sinabi niya ang mga gagawin niya kung sakaling siya ang magiging Presidente ng bansa. Isa sa mga isasagawa daw niya ay ang panunumbalik ng "decency" sa serbisyo publiko at ibabalik din daw niya ang tiwala ng mga tao. "What happened during the past two years, there is a lot of shaping up to do as far as culture of governance is concerned. Bringing back decency to public service, regaining the trust of the people, and unifying the entire Filipino nation," sabi ni Lomi, ang palayaw na binabansag ng mga Kritiko ni Leni sa kanya. Panoorin niyo po ang naging opinyon ni Dante Maravillas sa mga pinagsasabi ni Leni. Si Maravillas ay isang media personality sa Bicol. Hindi rin nagustuhan ng ilang kababayan natin ang sinabi ni Leni Ang pagkapanalo ni Leni bilang bise-presidente noong 2016 ay malaking palaisipan sa ilan nating kababayan. Naging kaduda-duda pa ito nang lumabas ang ilang iregularidad sa VP recount na isinasagawa ng korte suprema. Maalalang may mga sira-sirang balota na nakuha sa balwarte ni Leni. Source: MB +Ibinida sa news program ng PTV ang isa sa mga sinusubaybayan na proyekto ng Duterte Administration. Ito ang ginagawang New Clark City Complex sa Tarlac. Ayon sa ulat, isa ang lugar sa pagdarausan ng South East Asian games sa susunod na taon. Ang unanag bahagi ng proyekto ay inaasahang matatapos sa Agosto 2019. Ang New Clark City Complex ay may laking 9,450 hektarya. Isa sa mga itatayo sa complex ay ang stagium na may 20,000 seating capacity. Magkakaroon din ng athlete's village at mga aquatic facilities. Ito pa po ang ilan pang video patungkol sa maambisyong proyekto na ito. Basahin ang reaksyon mula sa mgakababayan natin. Source: PTV +Sa talunmpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng Cavite Gateway Terminal, inakusahan ng Presidente ang isang obispo na gumagamit daw ng donasyon ng simabahan para sa pansariling pangangailangan. Hindi hayagang pinangalanan ni Pangulong Duterte ang naturang obispo pero tinawag niya itong "Bishop David" pero isa sa mga maiingay na kritiko ni Presidente Duterte ay si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David. "Alam mo sa totoo lang, sabihin ko sa inyo, iyong mga offerings, iyong mga pinya, avocado, saging, saan napupunta 'yan? Gusto niyong malaman? Gusto niyo ng video? Ibigay ko sa inyo. Doon sa pamilya niya... Ikaw, David, tumahimik ka ha. Sige ka lang hingi ng contribution diyan sa mga... Saan ang pera ng mga tao? Ang g*** sige lang hingi, may second collection pa," sabi ng Presidente. Umangal naman si Bishop David sa naging pahayag ni Presidente Duterte. Hindi daw siya tinuruan ng mga magulang niya na magnakaw. "I am the only Bishop 'David' in the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP). I think he has confused me for someone else... My parents never taught me to steal... You see, people who are sick sometimes do not know what they are talking about, so we should just bear with them," sabi ni Bishop David. Source: GMA News | Inq +Nasa kustudiya na ng kapulisan ang 24-anyos na Turkish national na si Yuksel Ibrahim matapos manakit at alipustahin ang kababayan nating traffic enforcer na si Michael Orcino. Si Ibrahim ay ang kontrabida sa viral video kung saan makikitang tinutulak at akmang sasapalin nito si Orcino. Nangyari ang insidente sa siyudad ng Makati. Ayon sa ulat, nagmamando lang si Orcino ng trapik nang masagi ito ng sasakyan minamaneho ni Ibrahim pero imbis na humingi ng paumanhin ay dumeretso lang daw si Ibrahim, at dito na nagsimula ang habulan hanggang sa makorner ng otoridad si Ibrahim sa may Sen. Gil Puyat Avenue corner Bautista Street. Itinumba pa raw ni Ibrahim ang motorsiklo ng enforcer at pinagbantaan na papatayin. Mahaharap sa patong-patong na kaso si Ibrahim, tulad ng direct assault, threat at resisting arrest. Desidido naman ang Makati City Legal Department na ituloy ang paghahabla, pagpapa-deport sa dayuhan. Gusto din daw ng syudad na ideklarang persona non-grata si Ibrahim. Iimbestigahan din si Felix pancha, ang Pilipino tumutulong umano para makatakas si Ibrahim. Si Pancha ang lalaking naka-suot na asul na t-shirt habang pumapagitna sa kumprontasyon. Nagpakilala din daw itong retiradong sundalo. "We will not tolerate Mr. Ibrahim's disrespectful and abusive behavior. Our traffic enforcer, Michael Orcino, was at his designated post performing his duties when the incident happened. Mr. Ibrahim had no right to assault an officer who only asked to see his driver's license. His behavior was arrogant and uncivilized. He should be deported and declared 'persona non grata'" ani Makati Mayor Abigail Binay. Source: GMA News | MB +Sapul sa CCTV, ang pagsagasa ng armored van sa isang babae. Nangyari ang aksidente sa may P. Ocampo Street sa may Malate, Maynila. Pumailalim pa ang biktima sa sasakyan. Nadala pa ang babae sa ospital pero kalaunan ay binawian din ng buhay. Napag-alaman na Overseas Filipino Worker (OFW) pala ang biktima. Para kay barangay chairman Jaime Adriano na nakasasakop sa lugar, dapat ay mag-silbing matinding babala ang insidente sa publiko at mag-ingat parati. "Parehas may mali eh. 'yung babae nagmamadali siguro, hindi siya napansin. Ang armored car kasi, limited din ang kuan no'n (view) sa harapan e. Pinakamaganda talaga ang jaywalker at saka ang mga driver, parehong mag-iingat," sabi ni Adriano. Nakiramay naman ang mga netizens natin sa naulila ng biktima. Pabor ba kayo na lakihan ang bintana ng mga armored vehicles? Source: GMA News +Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ng Cavite Gateway Terminal, hindi nagpigilan ng Pangulong Duterte na banantan ang mga pulis na gumagawa ng kalokohan. Ayon sa Presidente, ayaw niyang makita ang mga pulis na gagala-gala sa Okada Hotel dahil namumugad daw ang mga usurers at kidnappers sa naturang lugar. Ang Okada ay isang prestihiyosong hotel and casino resort sa lungsod ng Paranaque. Sabi ng Presidente, sasagasaan niya at tatanggalin sa serbisyo ang mga pulis na makikitang gagala-gala sa casino. Hindi rin daw siya magtitimpi na mag-assign ng army sa naturang lugar makipag-barilan sa mga pulis iskalawags. "Iyong Okada diyan p**** ina niyan. I'd like to announce, lahat kayong mga pulis umalis kayo diyan. It's crawling with usurers, kidnappers. So ako ang magdaan diyan 'pag nakita ko kayo, sagasaan ko kayo. Better go away, lahat ng law enforcement... I do not want even a police car there... If you violate my order, I will dismiss you from the service. That's an order because you are there to commit a crime. You are not assigned there. Or I will assign the Army to patrol. Which do you want? Magbarilan kayo o sumunod kayo?.... And if I lose my patience, I'll call the [Scout] Rangers. Kayo ang mag-patrolya diyan. Diyan sa galing ng Fort Magsaysay. Mamili kayo, either the military will do the patrolling there or you go out of that place there. I do not want to see any law enforcement guy there, either in uniform or in civilian clothes," sabi ng Pangulo. Naglabas din ng sama ng loob ang Pangulo dahil kahit na dinoble niya na ang sahod ng mga pulis, mayroon pa ring ibang natutuksong gumawa ng iligal. Ang pagbabawal sa mga pulis, sundalo at government officials na magpunta sa casino ay naka-base sa Presidential Decree 1067B noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Basahin ang ilan sa mga naging reaksyon ng netizens sa balitang ito. Sang-ayon ba kayo sa hakbang ng Pangulo? Source: GMA News +Sapul sa video ang pinaggawa ng isang mayabang na dayuhan habang inaalipusta ang kababayan nating traffic enforcers sa may kahabaan ng Buendia, Makati. Sa unang bahagi ng video, makikita na dumadaing sa sakit ang traffic enforcer dahil naipit siya sa harapang parte ng sasakyang ng banyaga. Makikita rin sa video kung paano itulaktulak at akmang sasampalin ng dayuhan ang kababayan natin. Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na ng mahigit apat na libo ang nagbahagi ng video at umani na rin ng sari-saring reaksyon mula sa kababayan natin. "Ano sa tingin niyo mga kabayan pag ganitong dayuhan umasta? Dapat nabang e deport? Kayo na bahalang humusga " sabi ng original uploader ng video na si Jake Rojo. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natin sa nangyari. "Naku dpat dyang banatan agad pag ganyan kagago dayuhan n yan" - Mhine Rojo "T--- ina mlapit lng s post qu yan bro ah.. yabang stranger lng yan dito dapat yan baril n katapat niyan,"-Warren Mindoro Source: Jake Rojo +Sa isang forum sa lungsod ng Quezon, nagpahayag ng saloobin si Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Jose Luis Gascon tungkol sa isinampang communication laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). Umaasa si Gascon na sana ay maumpisahan na raw ng ICC ang pormal ng imbestigasyon laban sa Presidente sa first quarter ng 2019. "We are hoping very soon... that in the first quarter of the next year, we hope the ICC will look into the next stage of formal investigation. Even if Mr. Duterte has withdrawn from ICC, he is still subject to the jurisdiction of the ICC until 2019," sabi ni Gascon. Matatandaang noong Marso 17, 2018, nagpahayag ng pagkalas ang Pilipinas sa ICC base sa kautusan ni Pangulong Duterte. Ginawa umano ito ng Pangulo dahil sa mga walang basehang paratang laban sa kanyan ng United Nation officials. Hindi naman nangustuhan ng mga kababayan natin ang mga binitawang salita ni Gascon. Si Gascon ay nagsilbi bilang Director General ng Liberal Party noong 2008-2011. Ayon sa Presidente, ang Liberal Party ang isa sa mga grupong may nais na mapaalis siya sa pagka-Pangulo. Source: GMA News +"We believe there was grave abuse on the part of the presiding judge," Maaring maharap sa kasong "grave abuse of discretion" si Makati City Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Soriano dahil sa pagharang nito sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes. Sa sulat ni OIC Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa opisina ng Solicitor General, hiniling nito ang paghahain ng reklamong "petition for certiorari" laban kay Judge Soriano. "A petition for certiorari under Rule 65 of the Rules of Court questions the lack or excess of jurisdiction of a tribunal, or the grave abuse of discretion in the exercise of its jurisdiction," ayon sa ulat ng ABS-CBN Matatandaang naging usap-usapan si Judge Soriano ng mga netizens nang ibuko ni former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na isa pa lang appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang hukom. "Ahhhhhhhh kaya.....kala ko tonyo dinaanan ka ng suwerte kang kumag ka...." sabi ni Paolo noong hindi payagan ni Judge Soriano ang paglalabas ng warrant of arrest laban kay Soriano. Source: ABS-CBN | Vice Mayor Pulong Duterte - Official +Sa kanyang pagdalo sa groundreaking ng Davao City Bulk Water Supply Project. Inihayag ni Presidente Rodrigo Duterte na iniimbistigahan na ang mga umano'y transaksyon ng mga magulang ni Senador Antono Trillanes sa gobyerno. Ayon sa Presidente, posibleng may conflict of interest sa pagiging supplier ng ni Estrelita Trillanes dahil si Antonio noong ay isang navy officer. "We are investigating 'yung mga deals sa panahon ng tatay pati nanay niya. You can be very sure na lalabas lahat 'yan," sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati Matatandaang naunang dinamay ni Senador Trillanes ang ama ni Pangulong Duterte sa kanilang sigalot nang sabihin nito na nilakad lang daw ni former Governor Vicente Duterte ang pagiging abogado ni Pangulong Duterte. Ang mga sinabi ni Trillanes laban sa tatay ng Pangulo ay agad nabutata dahil ibinulgar ng Presidente na matagal ng pumanaw ang kanyang ama noong nakatapos ito ng abogasya. Source: GMA News | ABS-CBN +Ikinagagalit at ikinalulungkot ni Vice President Leni RObredo ang nangyaring insidente sa West Philippine Sea kung saan pinaalis ng mga Chinese coast guard ang isang Filipino news outlet sa Scarborough shoal. Sa kanyang radio show na "BISErbisyo Leni", naglabas ng hinaing si Robredo sa nangyari sa media outlet. "Nakakatakot na nakakagalit... Nakakalungkot kasi ito iyong pinapamukha sa atin: na talagang iyong mga dapat may karapatan naman tayo, inaangkin ng iba-inaangkin ng China," sabi ni Leni. Ang insidente ay kinasasangkutan ni GMA-7 reporter Jun Veneracion na nagtungo sa dagat para makapanayam ang ilang mangingisda para sa kanyang segment sa programang "Reporter's Notebook". Hindi nama nagustuhan ng ilan nating kababayan ang mga pinagsasabi ni Leni Source: News5 | RMN +Para kay Bise Presidente Leni Robredo, ang mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa South China Sea ay parang pagbebenta umano ng soberanya ng bansa. Ayon kay Leni, irresponsable umano ang mga naging pahayag ng Pangulo at ng mga opisyal nito. "Noong nakaraan lang na mga araw, mayroong deklarasyon si Pangulo na sinasabi na, 'Wala na tayong magagawa.' Kapag iyong Pangulo na iyong nagsabi na wala nang magagawa, parang na-give up na natin iyong pakikipaglaban... Iyong mga irresponsible na comments galing sa Pangulo, galing sa spokesman, galing sa ating ibang officials, tantamount ito sa pagbebenta ng sovereignty natin"sabi ni Leni. Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na nasa kamay na raw ng China ang bahagi ng South China Sea at iniiwisan niya na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Pilipinas at China. Sa mga dating pahayag ng mga opisyal ng Palasyo, sinabi na madedehado at maraming mamamatay sa Pilipinas kung makikipag-giyera sa China kaya dapat ay daanin sa diplomasya ang pakikitungo dito. Ang mga pahayag na ito ng Malacanang ay patunay na pinoprotektahan lamang ni kasalukuyang administrasyon ang mga mamamayan ng Pilipinas. Hindi naman nagustuhan ng mga kababayan natin ang mga pinagsasabi ni Leni. Source: GMA News | RMN DZXL 558 Manila +Sa isang Facebook post, ibinida ng Department of Transportation (DOTr) ang mabilis na konstruksyon sa Bohol-Panglao International Airport. Ayon sa DOTr, noong nadatnan ng Duterte Administration ang naturang paliparan, 48% daw itong delayed. Base umano sa official record ng proyekto, mula Hunyo 2015 hanggang Hunyo 2016 ay 6.48% pa lang umano ang nagagawa sa paliparan. Dahil sa kalagayan ng paliparan, ipinag-utos umano ni DOTr Secretary Arthur Tugade na gawing 24/7 ang konstruksyon sa airport. Ang Bohol-Panglao International Airport ay bubuksan na sa ika-27 ng Nobyembre. Itinuturing ito na kauna-unahang "eco-airport" sa bansa. Dalawang milyon pasahero ang kayang i-accomodate kada taon. Ang passenger terminal building ng paliparan ay malawak at mayroon pa raw itong 3 boarding bridges at baggage handling system. Ibinida rin ng ahensiya ang environmentally sustainable structure at technology ng Bohol-Panglao International Airport. "Bilang kauna-unahang eco-airport sa bansa, bida ang mga environmentally sustainable structure at technology sa paliparang ito. Gawa sa solar panels ang bubong ng Passenger Terminal Building, at ito ang inaasahang magbibigay ng 30% ng electrical requirements ng gusali. Maaari ring magamit muli ang waste water mula sa airport o ibalik ito sa kalikasan dahil pasado sa mga pandaigdigang pamantayan ang solid waste disposal system and waterworks system ng paliparan," sabi ng DOTr. Panoorin ang ilang videos habang ginagawa pa ang naturang paliparan. Ang ibang kababayan naman natin ay dumepensa agad laban sa mga taga-suporta ng Liberal Party at ni dating Pangulong Noynoy Aquino na madalas ay kine-credit grab ang mabilis na paggawa ng Duterte Administration. Ayon sa mga kababayan natin, kung hindi dahil sa Duterte Government, malamang ay hindi pa rin natatapos ang proyekto. Kaya hindi dapat angkinin ng mga Yellow supporters ang credit sa proyektong ito. Source: DOTr +Sa Facebook post ng Geopolitical Analyst at UK Political commentator na si Adam Garrie, sinabi nito na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaka-mahusay na lider sa kasaysayan ng Pilipinas at masuwerte daw tayo na makita ang kahusayan ng Presidente. Si Garrie ay nagsisilbi din bilang director ng Geopolitical Website na www.eurasiafuture.com. Ito naman po ang ilang videos ni Garrie na nagpapakita kung paano niya suportahan si Pangulong Duterte laban sa mga tumutuligsa sa Pangulo tulad ng mga Liberal. Ang pinakahuling pahayag ni Garrie tungkol kay Pangulong Duterte ay ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin. Source: Adam Garrie | Nedka +Umaani ngayon ng batikos ang ABS-CBN host na si Robi Domingo dahil sa naging social media post nito noong mga nakaraang araw. Ayon kasi sa twitter post ni Domingo, hindi daw ibinebenta ang Pilipinas. Ipinost ni Domingo ang kanyang tweet habang bumibisita si Chinese President Xi Jinping sa bansa. Sa pagbisita ni President Xi, matatandaang lumagda ng 29 na kasunduan ang Pilipinas at China. Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang mga pinagsasabi ni Domingo. Ito po ang ilan sa kanilang reaksyon. Source: Robi Domingo Twitter +Lumalaki na talaga ang hidwaan sa pagitan ni pro-government blogger RJ Nieto aka ThinkingPinoy at ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy. Ayon kay Nieto, inakusahan daw ni Badoy na tumatanggap daw ng suhol ang mga bloggers na na lumalaban sa Dengvaxia mess. "PCOO USEC. BADOY: DENGVAXIA VICTIMS' ADVOCATES RECEIVED BRIBES. Ayon kay PCOO Usec. Badoy, shamelessly claimed that bloggers like me received bribes in exchange for defending Dengvaxia victims. Tagalugin ko ha: sinuhulan lang raw ako para ipaglaban iyong isang milyong batang ginawang laboratory rat ng gobyernong Noynoy Aquino.," sabi ni Thinking Pinoy. Hindi na rin napigilan ng isa pang pro-government blogger at university lecturer na si Sass Rogando Sasot ang kanyang sarili at nagbigay na rin ng opinyon sa sinabi umano ni Badoy. Si Badoy ay dating taga-suporta ni Vice President Leni Robredo. Panoorin ang naging komento ni Sasot sa isyu.. Basahin ang naging reaksyon ng ilang Duterte supporters laban kay Badoy. "Mga unthinking follower daw tau? What a lame defense. Pati readers iniinsulto pa. It is time for her to prove why she is the USEC of PCOO and not telling us how she enjoys the trust of the President. She must be serving the people whom the president love. So ano na madam USEC PLS GIVE US A GOOD REASON TO BELIEVE YOU ARE WORTHY OF YOUR SALARY," sabi ni C. Santiago. "As I've said before...I just hope that President Duterte will realize the " stupidity " of this woman Badoy! Wag na Sana sya magpadala sa mga akap ek ek ng babaeng ito!..Wala nmn silbi eh!,"sabi ni L Peralta. "Hoy badoy mag resign ka na. Wala ka nmang naggawa jan sa pcoo. Imbes na inform mo ang mga tao sa ginagawa ng gobyerno.. waley... puro self interest ka lang.. dun na nga lang sa federalism di nyo magawa na mainform ang mga tao.. pwede ba. Di mo kami madadala sa mga pa digong my labs mo. Mag Resign ka na. Pati si miss Mocha na ginagawa nya yung trabaho pinagkaisahan nyo. ngayon naman sa dengvaxia.. ano ba.. resign badoy.. wala kang silbi.," sabi ni E. Euqil Source: TP | Sass +Nagsagawa ng rally ang ilang mga miyembro ng makakaliwang grupo na Kilusan Mayo Uno (KMU) sa harap ng Commission on Election sa Maynila para ipa-disqualify ang AA-Kasosyo Partylist ni Mocha Uson at DUterte Youth Partylist. Ayon sa grupo, hindi naman daw nirerepresenta ng mga naturang partylist ang mga marginalized sector. Sa kanyang social media page, bumuwelta si former Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha uson sa naturang grupo at tinawag itong mga terrorist symphatizers. Maglalabas din daw siya ng pahayag para sagutin ang KMU. Ilan sa ikinakampanya ni Uson sa kanyang blog ay huwag pagboto sa mga makakaliwang organisasyon sa mid-term elections. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa resbak ni Mocha sa mga leftist group.. "Nilinis ang mga karagatan at ilog ngayon lilinisin ang mga terrorista sa kongreso," sabi ni C. Peres. "talaga lang ha..lahat gagawin niyo, kasi alam niyo na dina kayo uubra sa taong Bayan..kaya ganyan ginagawa niyo..the end is near sa mga katulad niyo..na taliwas ang paniniwala...bakit papa disqualify niyo for what reason..puro kayo imbento ng dahilan..," sabi ni C. Pebenito. "hoy hoy hoy mga kmu members: Kilusang Mga UGOK!!!!!! yan na ang mga huling baraha at PAMAMAALAM ninyo at pwedeng gawin sa ngayon.... dahil WALA NA PO KAYONG MADEDENGGOY pang muli!!! tuloy tuloy na po ang ang inyong pagBULUSOK SA KAWALAN hindi na kayo makakabangon pang muli dahil kayo mismo ang magtatraydor sa isa't isa dahil LAOS na ang samahan ninyo!!!," sabi ni M. Murray. "Wala kayong silbi ni Hindi nga kayo tumulong mag linis ng manila bay Tapos uutusan nyo ang taong bayan wag iboto ang mga taong malaki ang tulong sa lipunan. Ito lang masasabi ko sa inyo mga pu-- ina nyong lahat magpa-matay na kayo .," sabi ni E. Bailando. "etong mga to masyado ng pampagulo eh,gusto cla lang me mga partylist,sakim...eto lang hah,laos na mga kagaya nio dhil buking na lahat ng mga gawain nio pampagulo kau ng bansa,salot sa bayan..no vote for any partylist na konektado sa npa...isingle vote ko yang k tatay digs.," sabi ni A. Caballero. Source: Philippine Star | Mocha Uson Blog +Sa panahon ngayon, masusing pagbabantay at pag-iingat ang kailangan ng ating mga anak mula sa atin na kanilang mga magulang. Mapa-babae o mapa-lalaki man, hindi sila ligtas sa panganib na naka-amba sa kanilang paligid. Kung minsan pa, 'yung mga inaaakala nating taong mapagkakatiwalaan ay sila pang nagdadala ng kapahamakan sa mga mahal natin sa buhay. Isa na namang kaso ng panggagagahasa sa isang 7-anyos na bata ang lumabas mula sa ulat ng ABS-CBN News. Ang suspek, isang 20-anyos na construction worker na kasamahan pa mismo sa trabaho ng ina ng kaawa-awang biktima. Batay sa imbestigasyon, napag-alamang ang suspek na nakilala sa Alyas na "JP" ay nakikitira sa bahay ng pamilya ng batang biktima sa barracks ng kumpanyang kanilang pinapasukan. Sa salaysay ni Sampaloc Police Station Police Capt.Edwin Fuggan, Miyerkules, Marso 27 nang magpunta sa kanilang tanggapan ang mga magulang ng nasabing bata upang dumulog sa pulisya. Habang pinapaliguan daw kasi ng magulang ang bata ay nakita nitong may dugo sa salawal nito at may inirereklamo ring pananakit ng katawan. Doon na umano nagsumbong ang bata sa ginawang pangmomolestiya sa kanya ng suspek. Samantala, inamin naman umano ng suspek ang krimen, at sinabi pang mula Enero ay apat na beses na niyang hinalay ang bata sa tuwing siya'y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o di kaya naman ay nalalasing. Dagdag pa ng pulisya, itinityempo umano ng suspek na walang ibang tao sa bahay maliban sa bata, sa kapatid nito at sa kanya bago isakatuparan ang panghahalay. Hindi umano ito pumapasok sa trabaho o di kaya ay mauunang umuwi. Pinakakain niya pa raw ang bata ng merienda o binibigyan ng pera pagkatapos niya itong gahasain. Haharap sa kasong rape ang suspek at aniya, nagsisisi na raw siya sa kanyang ginawa sapagka't may mga kapatid din daw siyang babae. Ano'ng magagawa ng pagsisisi sa huli kung isang inosenteng buhay at kinabukasan na ang nasira? Mga magulang, bantayan po nating mabuti ang ating mga anak. Tayo ang kanilang pinakamatibay na sandalan at panangga laban sa mga taong mapagsamantala. Source: ABS +Sa pagpapatuloy na operasyon ng kapulisan laban sa kriminalidad, napatay ang 14 na alleged criminals sa ilang lugar sa Negros Oriental. Base sa imporasyon na ibinhagi ni Negros Oriental Provincial Police Office head Colonel Raul Tacaca, labing-apat na suspek ang natodas sa mga hiwalay na operasyon sa Canlaon City at sa mga bayan ng Manjuyod at Sta. Catalina. Ayon sa ulat ng GMA News, nanlaban umano ang mga napaslang. 12 na suspek naman ang naaresto ng otoridad sa parehas na operasyon. Pinalalabas naman ng makakaliwang grupo tulad ng Bayan Muna at Kabataan Party-list na mga magsasaka lang daw ang mga napatay. Tinuturing din daw nila na masaker ang nangyari. "We hold the Duterte administration and his armed forces accountable for this crime against our farmers. The youth stands with our farmers as we call for justice for the victims of the Canlaon and all the victims of state-perpetrated violence and bogus land reform programs," sabi ni Kabataan Party-list Representative Sarah Elago. Para naman kay Bayan Muna Chairman at senatorial aspirant na si Neri Colmenares, kakasuhan daw nila ang mga kapulisan at kasundaluhan sa nangyari. "We warn the police that we will pursue justice so that the police involved will suffer the fate of Gen. Jovito Palparan who is now languishing in prison. We demand that the PNP [Philippine National Police] and AFP (Armed Forces of the Philippines) release the names of all those involved so that we can file criminal cases against them... This is beyond words and the height of impunity of state forces. Justice must be served," banat ni Colmenares. Nanindigan naman si Tacaca na legal ang naging operasyon nila at may mga arrest warrant na dala ang hanay ng gobyerno. Ayon pa kay Tacaca, ang mga napatay ay mga hitmen umano ng NPA at sangkot sa mga pananambang sa ilang miyembro ng kapulisan at kasundaluhan. Source: GMA | INQ +Hindi nakatakas sa mga awtoridad ng Light Railway Transit (LRT) station sa Mendiola, Maynila ang isang college student na lalaki, matapos itong mahulihan ng hinihinalang marijuana nang papasok ng istasyon, ayon sa ulat ng ABS-CBN News. Batay sa imbestigasyon sa pangunguna ni Sampaloc Police Station Police Capt. Edwin Fuggan, isang lalagyan ng hair wax na naglalaman ng mga dahon ng hinihinalang marijuana ang nakita at nakumpiska sa loob ng bag ng 21-anyos na suspek. Kwento ng guwardiya na noo'y nakatalaga sa istasyon, pagdaan umano sa x-ray ng bag ng suspek ay nakita mula rito ang nasabing lalagyan kaya't kaagad niyang pinabuksan ang bag nito. Napansin daw nilang hindi ipinadaan ng suspek sa x-ray machine ang wallet nito kaya't pinakapkapan nila ito at doon naman nila natuklasan na may dala itong dalawang glass tube na may mga pinatuyong dahon sa loob. Dagdag pa ng guwardiya, natakot na raw ang suspek dahil may mga dala pa raw itong bag at kasama nito ang kasintahan nang mangyari ang insidente. Lahat umano ng hindi isinu-surrender sa x-ray machine ay pinaghihinalaan nila. Ito na rin daw ang ika-limang beses na may nahuli silang estudyante na may dala-dalang pinaghihinalaang marijuana sa iba't ibang istasyon na kanyang nabantayan. Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek na haharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act at kasalukuyang nakakulong sa Manila Police District Sampaloc Station. Source: ABS | GMA +Hindi nangimi si Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev na magpahapyaw sa mga miyembro ng media tungkol sa paraan ng pag-uulat ng ilang kasamahan nila sa industriya. Sa isinagawang kauna-unahang media soiree sa kanyang tirahan sa Makati, sinabi ni Khovaev na dapat mag-report ng naaayon sa katotohanan ang mga media. "As a guy who grew up in the former Soviet Union, in a closed society, I know what propaganda is. Unfortunately, the quality of foreign mass media from a professional point of view, is much lower, too much propaganda, too many fake news, too many rumors, and gossips, and very very few are facts," banat ni Khovaev. Inalmahan din niya ang ilat ulat na nagsasabi na isa ang Pilipinas sa mga delikadong bansa sa mundo. "I have already spent four years in your country and that's why I have all rights to state that the Philippines is a safe country. As a country, the Philippines is safe, it's a beautiful country, very interesting. There are all necessary conditions in developing, establishing a new partnership and friendship with this country... Please provide your readers and viewers with true information. No rumors and gossips," dagdag pa ng Ambassador. Sa parehas na okasyon, inihayag din ni Khovaev ang magandang ugnayan na namumuo sa pagitan ng Pilipinas at ng kanyang bansa simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidente ng Pilipinas. "A new chapter was opened in the history of our bilateral relations due to a new policy pursued by His Excellency President Duterte. I'd like to emphasize that I strongly believe that Russia and the Philippines deserve to be reliable partners and close friends, objectively speaking," sabi ni Khovaev. Source: PNA +"We hope these charges will be resolved quickly, in a way that fully respects the freedom of expression, allows Ms Ressa and Rappler to continue to operate freely, and is consistent with the Philippines' tradition of a free and independent press," Ilang mainstream media ang nabalita ngayong araw na inuudyukan umano ng Estados Unidos ang gobyerno ng Pilipinas na hayaan ang Rappler at ang CEO nito na si Maria Ressa na maayos na magsagawa ng operasyon sa bansa. Pero sa kanilang mga artikulo ay hindi nila tinukoy kung sino sa mga opisyal ng State Department ang nagsabi nito. Pero sa isang video mula sa DZRH, pinangalanan ng istasyon ang personalidad na tila nangingialam sa batas ng bansa. Ayon sa ulat ng DZRH, ito raw ay si Heather Nauert, spokesperson ng State Department ng Estados Unidos. Hindi naman nagustuhan ni Senador Dick Gordon ang ulat na pang-uudyok ng Amerika sa Pilipinas. Para sa Senador, maituturing daw ito na pangingialam sa ating bansa. "'Di tama na nakikialam ang US sa atin," banat ni Gordon. Si Ressa ay nahaharap sa samu't-saring kaso mula sa cyber libel na inihain ng private citizen, tax evasion, at ang pinakahuli ay ang anti-dummy law. Magugunitang kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang rehistrasyon ng Rappler dahil sa paglabag umano sa patakaran ng foreign ownership sa mass media companies. Base sa mga naglabasang mga ulat, si Ressa ay mayroong dual citizenship. Ang ibig sabihin siya ay parehong citizen ng Pilipinas at Estados Unidos. Source: ABS | GMA | DZRH | MB | Manila Times +Humarap na ang 29-anyos na suspek sa hit-and-run incident sa Pasig City na ikinaresulta sa pagkakabali ng paa ni Joseph Belen at pagkaka-comatose naman ng live-in partner nito sa si Rossana Ugto na kalaunan ay pumanaw din. Ayon sa suspek na nakilalang si Adrian Russel King Carlos, nakagulatan daw at purong aksidente an nangyari. "Nasa maayos naman akong kondisyon. Nagkagulatan kami. So it was purely an accident. Yun pabalik na ako ng lane, hindi ko napansin na may tinamaan pala ako. Nalaman ko na lang the day after. So after that, medyo hindi pa ako sigurado kung ako ba talaga 'yung napanood ko sa footage. So, it took me sometime to face ang ano na ito," sabi ni Carlos. Hindi kinagat ni Belen ang mga pinagsasabi ni Carlos. "Kung may sasakyan kayo at kakalampagin ko lang ng kamay ko, maririnig niyo ma'm. Eh yung pa kayang may binaga ka," resbak ni Belen. Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Pasig City Police. Nagbigay naman ng opinyon ang hepe ng Pasig Police sa nangyaring krimen. "Unang-una yung pag overtake sa kanan kasi blindside na yung sa kaliwa mo. Kaya nga hindi iyan kasama sa road safety na sinasabi. That is a classic example na hindi ka umo overtake sa kanan," pahayag ni Pasig City Police Chief Rizalito Gapas. Nais daw tumulong ng suspek sa pinansyal na pangangailangan ng mga biktima pero tinanggihan ito ng kampo nina Belen. Dahil sa pagpanaw ni Ugto, tinitignan ng panig ng biktima kung pwede nilang iakyat sa kasong murder ang isasampa nilang reklamo. Source: CNN Phil +Hindi umubra ang mga Barangay Tanod ng Brgy. Commonwealth sa Quezon City nang lusubin sila ng mga pulis ng Batasan Police Station dahil sa sumbong ng pangingikil mula sa mga residente sa lugar. Naganap ang insidente nito lamang Marso 18, 2019. Nahuli sa isinagawang operasyon si Berly Pol, 52-anyos. Nahulog din sa kamay ng kapulisan si Reynaldo Ferrera, 58-anyos. Ayon sa kwento ng kapatid ng biktima, hinuli ang kanyang kapatid na namamalengke lamang sa Commonwealth market. Kinasuhan daw ng barangay ng pagbebenta ng bawal na gamot ang kapatid niya. At para makalaya ang kapatid niya, nanghihingi ng P50,000 ang mga taga-barangay. "Kakasuhan po sila ng section 5. Hindi ko po naiintindihan (yung ikakaso). Ang pinagawa sa kapatid ko, pinahubad ang mga damit niya lahat at ininspeksyon ang katawan niya. Wala namang nakuha sa kanya. Ang umang usapan P40,000. Ang asawa ng kapatid ko nakikipagtawaran sa mga hayop na iyan. Hanggang sa mauwi sila sa P30,000," paglalahad ng kapatid ng biktima na tatawagin na lamang natin sa pangalang Gina. Sa ikinasang operasyon ng kapulisan, kinuha ni Pol ang marked money. Natukalasan din sa barangay hall ang kulungan kung saan pinagsasama-sama ang mga lalaki at babae. Daing ng mga nakakulong ay pati sila ang hinihingian ng pera ng mga taga-barangay. Nakakatikim din daw sila ng pagpapahirap mula sa mga opisyal. Ayon naman kay Kagawad Rowena Lucas ng Barangay Commonwealth, wala daw katotohanan ang mga akusasyon ng mga ikinulong nila. Nakuha sa opisina ng barangay ang mga baril, patalim, pera at mga droga. Source: Radyo Pilipinas +Nasa kustodiya ng ng kapulisan ang barumbadong driver na nang hit-and-run ng motorsiklo na sakay ang mag live-in partner na sina Mark Joseph Belen at Rosana Ugto. Kinilala ang suspek na si Adrian Ruseel King Carlos, 29-anyos. Paliwanag ng suspek, hindi daw siya lasing o naka-droga noong nangyari ang krimen. Sumuko si Carlos na naka-itim na cap at t-shirt. Nitong nagdaang mga araw naging viral ang isang dashcam footage kung saan mapapanood ang pagsagi ng kotse sa isang motorsiklo sa Marcos Highway sa Pasig City. Makikita na mabilis ang patakbo ng kotse at nang makalapit ito sa motorsiklo ay sabay kumabig ng pakaliwa dahilan ng pagkahulog ng mga sakay nito. Bali ang paa ni Belen, habang ang live-in partner niya na si Ugto ay na-comatose at kalaunan ay namatay. Kamakailan lang ay lumapit ang kapatid ni Ugto sa programa ni Raffy Tulfo para humingi ng tulong. Nagsumamo ito para mahuli ang salarin. Source: GMA | CNN phil | DZBB +Sunud-sunod na suntok, balibag, bugbog. Ganito ang sinapit ng isang kawatan matapos siyang mahuli sa akto ng mismong may-ari ng motor na tinangka niyang nakawin sa harap ng isang KTV Bar sa Barangay Dadiangas, South General Santos City, mula sa ulat ng GMA News. Sapul sa CCTV kung paanong dahan-dahang lumapit ang suspek na nakilalang si Jan-jan Ebrahim Edon sa isa sa apat na motorsiklong nakaparada sa tapat ng nasabing bar, kasama ang isa pang kasabwat niyang look-out. Sa video, makikitang habang dahan-dahang inaalis sa pwesto ng suspek ang motor ay nagulat ang dalawa nang biglang lumabas ang isang lalaking may malaking pangangatawan na napag-alamang bouncer ng nabanggit na bar, at siyang may-ari pala ng motorsiklong tinatatangay ng suspek. Kaagad nitong binitbit ang suspek at saka malakas na ibinalibag sa sementong sahig, at pagkatapos ay pinaulanan ng sunud-sunod na suntok. Hawak na ng pulisya ang suspek na si Edon na sinasabing inutusan lamang daw siya ng kanyang kabarkadang kunin ang nasabing motorsiklo kapalit ng salapi. "First time ko lang sumama sa kanila," saad ng suspek. Mahaharap sa kasong pagnanakaw ang suspek. Source: GMA +Kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita sa telebisyon, radyo, pahayagan at maging sa social media ang isang insidente kung saan isang motorsiklo ang nabangga ng isang kotse sa Marcos Highway sa Santolan, Pasig City. Sakay ng nasabing motor ang mag-live-in partner na mga biktimang sina Mark Joseph Belen at Rossana Ugto Ngayon, mula sa ulat ng GMA News, kinumpirma umano ng ilang kaanak na pumanaw na si Ugto matapos ang ilang araw na pagkaka-comatose nito dahil sa insidente. Matatandaang sa isang video noon na kuha mula sa dash cam na inilabas sa social media post ng isang netizen, makikitang habang binabagtas ng mag-partner na motorista ang kahabaan ng Marcos Highway, madaling araw noong Marso 26, isang humaharurot na kotse ang biglang nag-overtake sa mga ito. Ang kotse, muling nagtangkang bumalik sa lane saka walang kaabug-abog na nasagi ang motorsiklo na ikinatumba ng dalawang sakay nito. Sa halip na huminto ang kotse ay tuluy-tuloy lamang ang mabilis nitong pagtakbo na tila walang nangyari habang ang mga kawawang biktima ay naiwang nakahandusay sa kalsada. Nabalian naman ng paa ang noo'y nagmamaneho ng motorsiklo na si Belen. Sa kuwento ni Belen, galing umano siya noon sa trabaho at sinundo lamang ang kanyang kasintahang si Ugto bago nangyari ang trahedya. Itinanggi rin ni Belen ang ilang kumakalat na pahayag sa social media na tila nakagitgitan na raw nila ang nasabing kotse bago pa man maganap ang hit-and-run na ito. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang nagmamaneho ng nasabing kotse at suspek sa nasabing insidente. Sa kasamaang palad, kung pagbabasehan ang kuha ng video na naka-upload sa social media ay hindi gaanong malinaw na makikita ang plate number ng nabanggit na kotse. Isang buhay na naman ang nasayang dahil sa iresponsableng pagmamaneho ng iba sa daan at kawalan ng pakialam kung may madidisgrasyang kapwa. Nawa ay mahuli na ang suspek sa insidenteng ito at maibigay ang hustisya sa pamilya ng mga biktima sa lalong madaling panahon. Naglaan naman ang journalist na si Raffy Tulfo ng pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa suspek. Source: GMA | Raffy Tulfo in Action +Palapit na ng palapit ang mid-term elections at may ilang artista na ang nagko-komento sa larangan ng pulitika. Isa na dito ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Sa kanyang social media post nitong Enero 27, 2019, Nagpahayag ito ng opinyon tungkol kay Liberal Party senatorial candidate Mar Roxas. Ayon kay Dantes, stand out daw si Roxas sa ginanap na senatorial forum ng CNN Philippines. Bida rin kay Dantes sina Florin Hilbay at Samira Gutoc. Sina Roxas, Gutoc at Hilbay ay mga kandidato ng oposisyon. Bilib dinsiya kay Neri Colmenares. Si Colmenares ay kilalang tumutuligsa sa ilang polisiya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Dantes ay isa sa mga pangalang ikinunsidera para isama sa senatorial slate ng oposisyon. Gusto naman ni Dantes na sumipot ang lahat ng bibigyan ng imbitasyon sa gagawin daw na senatorial forum ng GMA Network. Panoorin niyo po ang isang bahagi ng CNN Senatorial Forum kung saan nagsalita si Mar tungkol sa isyu ng pagpapababa sa edad ng criminal liability ng mga kabataan. Ikinumpara niya ang edad ng criminal liability sa edad kung kelan pwede ng lumaklak ng alak ang isang tao. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging post ni Dantes tungkol kay Roxas. Kinontra naman ng ilang kababayan natin ang sinabi ni Dantes. Ayon kay twitter usernmae abmescallado, ang kailangan daw ng mga tao ay mga kandidatong may political will at malasakit sa bayan. Kaya hindi siya naniniwala sa mga nabanggit na politiko ni Dantes. Wala raw matatanggap na boto ang mga opposition senatoriables sa kanya. Mayroon ibang pang mga kababayan natin na hindi pumabor kay Dantes. Ayon sa isang commentator sa post ni Dantes, idol niya daw si Dantes pero NO to Liberal Party daw siya. Ang iba ay nagkomento na lang sa pisikal na kaanyuan ng aktor. Source: Dingdong Dantes Twitter +Sa kanyang programang pinamagatang "BISERbisyong LENI" sa RMN-DZXL, binolodas ni Vice President Leni Robredo na dapat mabigyan leksyon ang mga "online trolls". Ang pahayag niya ay kaugnay sa 200 pages na tinanggal ng Facebook sa kanliang site dahil umano sa "coordinated and inauthentic behavior". Ayon kay RObredo, dapat daw alamin kung sino ang mga nagpapatakbo dito at kung mapatunayuag nambu-bully ay kasuhan. "Maybe it would be better if they look into these pages to see if cyberbullying is involved so that online trolls will be given a lesson," sabi ni Leni. Nanawagan din si Robredo sa publiko na i-report ang mga nagpapakalat ng pekeng balita. Ang panawagan ni Leni ay tila kontra sa mga pinaggagawa niya dati. Magugunitang mismong si Leni ay nagpakalat din ng pekeng balita tungkol sa palit ulo scheme ng PNP. Isa pa sa maling balita na ikinalat niya ay ang tungkol sa pagiging kabilang ng Ilocos Norte sa pinakamahirap na probinsiya. Source: INQ | DZXL +Sa kanyang programa sa radyo sa dzXL, nagbigay ng opinyon si Vice President Leni RObredo tungkol sa kinakaharap na suliranin ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa. Ayon kay Robredo, kung nagkaroon daw ng pagkakasala si Ressa ay kasuhan na lang daw ito para mapanagot sa bata. "Hindi naman natin sinasabi na bigyan ng special treatment. Pero iyong sa atin lang, kung nagkasala, eh 'di kasuhan para panagutin kung may pagkakasala," sabi ni Leni. Ang tingin ni Leni ay tila nasi-single-out daw si Ressa. "pero ito kasi, parang nakikita natin na sini-single-out," pahayag pa ni Leni. Ang mga sinabi na ito ni Robredo ay agad pinuna ng ilang kababayan natin. Ayon sa ilang netizens, kaya nga daw inaresto ay dahil may kaso. Source: GMA +Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa South Cotabato, nagbiro ang Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpanaw niya sa pamamagitan ng pagbagsak ng eroplano. "Ah nag-take off na? Ah na-crush na 'yun kasi una-una. Pero ako I'm flying back to Davao, mag-chopper pa ako magpunta pa ako ng airport. Maghanap pa ako ng bukid na para mabangga sa chopper. Kung makalusot ako magsakay ako ng eroplano pauwi," sabi ng Pangulo. Napansin ng Presidente na tila hindi sang-ayon ang kanyang audience sa sinabi niya, kaya sabay pahapyaw siya kay Vice President Leni Robredo. "Takot pala kayo mamatay ako? 'Yung si... Bakit wala kayong ano kay Leni?" banat ng Pangulo. Si Robredo ay dating housing czar ng Duterte Administration pero napilitang mag-bitiw dahil pinagbawalan dumalo sa mga cabinet meetings. May isang pagkakataon na sinabi ng Presidente na mas pipiliin niya na ibigay ang kapangyarihan sa militar kaysa ipasa ito kay Leni. Magugunita din na sinabihan ng Presidente Duterte na "incompetent" si Leni. Source: Politiko | RTVM +Ayon sa pahayagang Bulgar, ibinunyag na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang military intel patungkol sa mga partylists at grupo na konektado umano sa teroristang Communist Party of the Philippines - New People's Army (CPP - NPA). Ang mga sumusunod ay mga partylists at grupong may uganayan sa CPP-NPA, ayon sa AFP. Bayan Muna Anak Bayan Anak Pawis Gabriela Kabataan Piston Kadamay Katribu Migrante Magsasaka Kalikasan League of Filipino Student (LFS) Kilusang Mayo Uno (KMU) Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Kalumihan Pasaka Partido Manggagawa Aksyon Health Workers People's Surge ACT-Teachers Courge Karapatan Alyansa ng Maralitang Pilipino Matatandaang sinabi din ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Bayan Muna at Gabriela ay fronts ng mga komunista. Sa ulat naman ng UNTV, inilabas ng militar ang ugnayan umano ng NPA sa ilang human rights groups. Source: Bulgar | One News | UNTV +Iimbestigahan ng Commission on Human Right ang pagkakapatay sa 14 magsasaka sa Negros Oriental sa isinagawang police operation sa lugar. Ayon sa kapulisan, ang mga napaslang ay mga pusakal na kriminal na nanlaban. Ang ilan daw dito ay mga hitmen at supporters na New People's Army Pero para kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, ang pahayag ng kapulisan na nanlaban ang mga namatay ay kailangan patunayan sa korte. "At this point, our interest is finding out the truth... The regional sub-office of CHR-Region VII has already been instructed to investigate this case," sabi ni De Guia. Ayon sa mga makakaliwang grupo, ang mga napaslang daw ay mga magsasaka lamang nanapagsuspetsahan ng otoridad. Balak din daw maghabla ng mga makakaliwa laban sa mga pulis at sundalo na kasama sa operasyon. "We warn the police that we will pursue justice so that the police involved will suffer the fate of Gen. Jovito Palparan who is now languishing in prison. We demand that the PNP [Philippine National Police] and AFP (Armed Forces of the Philippines) release the names of all those involved so that we can file criminal cases against them," sabi ni Bayan Muna Chariperson at senatorial candidate Neri Colmenares. Iginiit naman ng tropa ng gobyerno na legal ang ginawa nilang operasyon. Sa katunayan daw ay may mga dala silang arrest warrant. "Legal po 'yung ginawa namin at hindi po kami basta pumasok sa bahay nila... We just performed our duty as police officers," buwelta naman ni Col. Raul Tacaca, director of the Negros Oriental Police Provincial Office. Source: INQ | ABS +May panibago na namang batikos si Senator Leila De Lima kay Pangulong Duterte. Saad ni De Lima, mukhang napapanahon na raw upang magsagawa ng seryosong soul-searching si Duterte. Ayon pa sa Senadora, hindi umano niya alam kung hindi ba nararamdaman ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na dumarami na umano ang mga taong umaayaw dito. Ganito ang naging maaanghang na pahayag ni Senator De Lima patungkol kay Pangulong Duterte noong Sabado, mula sa ulat ng Inquirer: "I don't know if Mr. Duterte realizes that more and more people hate him. Really hate him. I haven't seen any other Philippine President in recent memory, or even in our distant history, eliciting so much hatred and contempt. Not even the dictator Marcos or Gloria Arroyo had invited such level of authentic scorn or virulence," ani De Lima. Dagdag pa ng Senadora, tila nagiging "panatiko" na umano ang mga nananatiling sumusuporta kay Pangulong Duterte sa kabila ng mga batikos na ibinabato rito. Tinawag niya ring "bulag na pagsunod" ang ginagawang ito ng mga nasabing supporters ni Pangulong Duterte. "That's what fanaticism is all about- a blind devotion, coupled with a perverse notion about the invincibility of a demagogue idol," saad ni De Lima. "Time to do some serious soul-searching, Mr. President. Are you still capable of bringing any good or righteous normalcy to our country? Or is it now a road to perdition all the way? Are you even capable of pure enlightenment?,"wika pa ng Senadora. Source: INQ +Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na dapat sumailalim sa volutnary drug testing ang mga showbiz personalities para ipakita ng mga ito na sumusuporta sila sa kampanya ng gobyerno laban sa droga. Sinabi ito ni Gatchalian sa programang "Usapang Senado" sa DWIZ matapos isiwalat ng Philippne Drug Enforcement Agency na mayroong 31 celebrities na kasali sa drugs watchlist ng pamahalaan. "If you ask me, showbiz personalities should volunteer to undertake drug testing to show the public that the showbiz industry is supporting the anti-drug war," sabi ni Gatchalian. Magugunitang inudyukan ni PDEA Chief Aaron Aquino ang mga tv stations na magsagawa ng mga surprise drug testing sa kanilang mga artista. "That is a good message for the public and it would enhance the image of an institution if it would conduct voluntary drug tests and show the country that it is supporting the campaign against illegal drugs," dagdag pa ni Gatchalian. (Lumaktaw sa 56:00 mark para mapakinggan agad ang pahayag ni Sen. Gatchalian). Source: DWIZ | INQ | GMA News +Ibinida ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Pinol ang inagurasyon ng kauna-unahang monolithic dome sa ating bansa. Ang nasabing dome ay magsisilbi bilang warehouse para sa mga grains sa DA experimental station sa probinsiya ng Cagayan. Ayon kay Pinol, ang paggastos ng gobyerno ng milyon-milyon para ipagawa at mapanatili ang mga lumang istruktura at warehouses na nasisira ng bagyo ay matatapos na. Ang mga monolithic dome ay kaya raw makipagsabayan sa signal 5 na bagyo. Isa pa sa mga kayang gawin ng dome ay panatilihin ang maayos na temperatura sa loob nito. "While the temperature outside when I arrived at 3:30 p.m. was a scorching 36C degrees, it was only 21C inside the Monolithic Dome," Ang modernong warehouse at dinesenyo ng mga German engineers. Ang monolithic dome ay nakakahalaga ng P10-million at naipatayo sa napakabilis na panahon. Ang unang 8 units ng mga nasabing warehouses ay balak itayo sa mga rehiyon na madalas tamaan ng mga bagyo. Mayroon din daw ng mga dome na nakakahalaga ng P5-milyon pero mas maliit at itinatayo na sa Cagayan Valley Region. Ang mga dome ay suporta sa mga adhikain ni Pangulong Rodrigo DUterte na mabigyan ng maayos na buhay ang mga Pilipino. Source: DA Sec. Pinol +Pinakamalaking "krisis" na nangyari at nangyayari sa bansa. Ganito inilarawan ni Senator Leila de Lima si Pangulong Duterte sa kanyang muling panawagan na nararapat na umanong bumaba sa pwesto ang kasalukuyang Presidente ng Pilipinas. Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ito ni De Lima kaugnay ng naunang pahayag ni Pangulong Duterte na kung minsan ay nakararamdam din umano siya ng pagod sa pagsisikap na masugpo ang kriminalidad sa bansa. "Kung pagod ka na Ginoong Duterte, mag-resign ka na lang. Pagod na pagod na rin ang bansa sa mga drama at kabuktutan mo. Si Duterte ang pinakalamalaking krisis na nangyari at nangyayari sa bansa," saad ni Sen. De Lima. Matatandaang sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa PDP-Laban Campaign Rally noong nakaraang linggo sa Lungsod ng Marikina ay di naiwasan nitong maglabas ng kanyang saloobin sa mga isyung kinakaharap ng bansa. "Ako matanda na. Ngayong buwan na ito mag-74 na ako. Pagod na ako sa inyo (drug lords at mga kriminal). Naghahanap lang ako ng lusot. Ke magbarilan tayo o kaya-- huwag ninyo akong.. naghahanap lang talaga ako ng lusot para makapagpahinga na. Pagod na rin ako kaya do not f*** with me," ani Duterte sa kanyang talumpati. Source: INQ +Sa mga hindi nakakaalam, ngayong araw ang ika-74 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa talumpati ng Presidente sa proclamation rally ng PDP-Laban sa South Cotabato kamakailan lang, ayaw niya daw ng magarbong handaan para sa kanyang birthday. Gusto lang daw ng Presidente na manatili sa bahay, magpahinga at makasama ang mga kaanak. "I really do not want to celebrate. I just want to stay at home and sleep, and if there is somebody welcome to me, it's my children and grandchildren," sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kilala ang Presidente sa simpleng pagdiriwang sa kanyang kaarawan. Magugunita noong nakaraang taon ay nanatili rin ito sa kanyang bahay para ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga apo. Pero ilang oras ang nakalipas ay sinupresa si Pangulong Duterte ng mga staff ng Palasyo para sa kanyang kaarawan. Naghanda ang mga emplyado ng Malacanang ng simpleng "boodle fight" meal para sa Pangulo. Ang video ng okasyon ay ibinahagi ng Facebook page na Mindanao Daily Mirror. Maririnig sa video na kinakantahan ng mga kawani ng Malacanang ang Pangulo. Ang video ay naibahagi na ng lagpas 8,000 beses habang ginagawa ang artikulo na ito at umani na rin ng libo-libong reaksyon mula sa mga kababayan natin. Source: Mindanao Daily Mirror | MB +Kaawa-awa ang sinapit g isang 9-anyos na babae sa kamay ng kanyang tiyuhin at 5 construction worker nitong Martes ng gabi sa bayan ng Argao sa Cebu City. Base sa paunang imbestigasyon, dinala daw ng tiyuhin ang pamangkin sa lugar kung saan nagta-trabaho ang mga kapwa niya construction workers. Nagdala pa daw ng mga dahon ng saging ang tiyuhin ng biktima para dito ipahiga ang bata. At dito na halinhinan ng ginahasa ang paslit. Huminto lang daw ang mga salarin nang nagdugo ang maselang bahagi ng biktima. "Umiiyak ang biktima. Nagsumbong at nagpunta sa police station," sabi ni Desk Officer ng Argao Police Station na si POw3 Roy Repolidon. Umamin ang tiyuhin ng biktima na hindi ito ang unang pagkakataon na ginahasa niya ang bata. Tumangi naman ang ibang suspek sa akusasyon laban sa kanila. SObrang sama ng loob naman ng ama ng biktima sa nangyari sa kanyang anak. Lalo ng malaman niya na ang isa sa mga suspek ay ang tiyuhin nito. Sumasailalim na sa trauma intervention ang biktima at nasa pangangalaga na ng local social welfare ng Argao. Source: GMA | MB +Sapul sa video ang pananakal ng isang vendors sa tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) habang nagsasagawa clearing operation ang MMDA sa may Baclaran. Ayon sa social media post ni Gadget Addict (GA), nakatikim daw ng sapak at panunulak ang mga tauhan ng MMDA sa mga vendors. Ang lalaking nakakulay t-shirt na berde ay isa pa lang kagawad at lider din umano ng mga vendors sa Baclaran. Base sa post ni GA, ang mga vendors daw sa Baclaran ay organisado at mga propesyunal. Ang isang araw na kita ng mga vendor ay mas malaki pa sa isang linggong sinisuweldo ng mga tauhan ng MMDA. Ang problema daw sa mga vendors na ito ay nakakaperwisyo na sila mga kababayan natin na bumababa sa LRT Baclaran dahil nahaharangan ng mga vendors na ito ang kalsada sa may Baclaran. Ipinaalam din ni GA sa publiko na ang mga nakunan niya sa Baclaran ay hindi ang totoong Baclaran dahil kumokonti lang ang mga vendors pag may mga dumadating na tauhan ng MMDA. "Remember, what you see in my video is not the real Baclaran. That's just how it looks when they know the MMDA are coming. The rest of the time, the road is completely impassable, except to motorcycles. I've shown that in a previous video when I visited the area without the MMDA.," sabi ni GA. Source: Gadget Addict +"Iyon ang karanasan natin sa loan sa China. Tapos balik tayo doon. Parang hindi ba pwedeng maawa tayo sa sarili natin na maghanap tayo ng pinaka maganda para sa atin?" Sa pakikipag-usap ni Noynoy Aquino sa mga reporter sa campaign sortie para sa opposition slate Otso Diretso sa Cebu City, pinuna ng dating Pangulo ang pinasok na utang ng kasalukuyang administrasyon sa China. Pangamba ni Aquino, pwede daw makuha ang ari-arian ng Pilipinas kung hindi makapagbayad ang ating gobyerno. "Marami na namang mga loans. Talagang nakatatakot 'yung kapag hindi tayo nakabayad, pwedeng kunin 'yung ari-arian natin," sabi ni Noynoy. Para kay Aquino, ang kinakaharap ngayon ng Duterte Administration ay isang "recycled" na problema na kinaharap din daw ng kanyang gabinete noong administrasyon niya. Isa sa proyekto na tinukoy niya ay ang North Luzon Railways Corporation (Northrail) sa Bulacan. Dapat daw ay natuto na daw ang kasalukuyang administrasyon. "Parang recycled. 'Yung mga problemang dinaanan ko tila ginagawa ho nila ngayon... Parang hindi na tayo natuto doon sa Northrail... Nandoon na naman yung mga mali doon sa Northrail, ano ang governing law dito? Batas ng China. Saan tayo magde-demandahan kung sakaling merong hindi pagkakaunawaan? Sa artbitration ng China," sabi ni Noynoy. Basahin ang tugon at reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga boladas ni Aquino laban sa DUterte Administration. "Ul-l! Wind mill pano kung walang hangin,solar pano kung makulimlim," sabi ni M. Polo. "Ibahin mo c digong sayo abnoy kung sa pamamalakad lang malayong malayo ang pinag kaiba nyo alam ni digong ang ginagawa nya at nakikita na nmim ang pagbabago kaya wag ka na umepal," sabi ni J. Alcantara. "Nagmamagaling si Abnoy... kung kailan wala na sa pwesto. Natapos ang termino nang walang maayos at natapos na proyekto. Tahol pa more. Ubo! Ubo! Ubo! ," sabi ni M. Jaro. Source: CNN Phil | News5 +Nanawagan si dating Presidente Benigno "Noynoy" Aquino sa mga residente sa Cebu City na suportahan ang mga kandidato ng oposisyon o mas kilala sa tawag na Otso Diretso. Nilagawan ni Noynoy ang mga botante sa isang forum. Sinabi ni Noynoy na pwedeng simulan ang pagbabago o di kaya ay magbulagbulagan. Para kay Noynoy, dapat ay diretso sa sigurado at kailangan ay Otso Diretso. "Kung happy ka na sa hindi tumutupad sa pinagkasunduan niyo, sa pinangako sa inyo, eh 'di karapatan mo iyun. Pero baka naman mas maganda na kumuha ka nung hindi lang panniwalaan mo pero nakaksigurado ka rin na tutuparin ang pinagkasunduan niyo at pinangako sa inyo," sabi ni Noynoy. Ang mga kasama sa senatorial slate ng oposisyon ay sina dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, Senator Bam Aquino, Attorney Romulo Macalintal, Attorney Florin Hilbay, Magdalo Congresmman Gary Alejano, Samira Gutoc, Attorney Erin Tanada at Humang Rights Advocate Attorney Chel Diokno. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Noynoy tungkol sa Otso Diretso. "Puro k lng pangako. ang ganda mo mgsalita pro ni isa wlang nagawa..nasan n ung pangako mo mgpasagasa k s train pg d nagawa ang LRT extension..pra mniwala kmi s mga snasabi mo.mgpasagasa n kau ni abaya s train..now na," sabi ni D. Yoshi. "Bwesit.. Hanggang pangako lng Kayo... mabawasan na ang mga pilipinong uto uto....bket nung panahon ba ni pnoy gumanda ba buhay naten mas malala nga eh....anjan ang laglag bala, mga sundalo naten ginawang pain sa mga rebelde, benenta ni pnoy ang ilang mga establishment ng gobyerno na ngaun ay mga private na...marami pang iba tapos gusto nyo iboto ulit...wag na please!!!!" sabi ni M. Emplica. "lolokohin mo pa kmi ha..ilang taon kau mula sa nanay mo d nman gumanda buhay nmin ah..tama na ang panlilinlang mo," sabi ni C. Dallosa. Source: DZRH | GMA +Matapos makasuhan ng tax evasion, cyber libel at makansela ang registration ng Rappler sa Securities and Exchange Commission, isa na namang dagok ang kakaharapin ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa. Kinasuhan si Ressa at ang mga miyembro ng 2016 board ng Rappler ng paglabag sa Anti-DUmmy Law sa Pasig Regional Trial Court. Inakusahan ni Senior Assistant City Prosecutor Randy Esteban si Ressa at anim pang iba ng pagpayag sa Omidyar Network Fund, isang banyagang korporasyon, na mangialam sa operasyon ng Rappler sa pamamagitan ng pag-i-isyu ng Philippine Depositary Receipts noong 2015. Kinilala ang mga board members noong 2016 na sina James Bitanga, Felicia Atienza, James Velasquez, Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo at Glenda Gloria. Nagkapagpiyansa ang mga akusado ng P90,000. Si Ressa ay nasa ibayong dagat. Mahaharap din sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code ang mga naturang tao. Magugunitang ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng Rappler na baliktarin ang kautusan ng SEC sa pagpapakansela sa rehistrasyon ng media company. "The grant of control to a foreign entity over a mass media entity, regardless of the actual exercise of such foreign control, is already considered a violation," sabi ng CA. Source: GMA | ABS +Inudyukan ng nakakulong na senador na si Leila De Lima si former Senior Supt. Eduardo Acierto na isapubliko ang intelligence report nito tungkol sa pagkakasangkot ng ilang personalidad sa hanay ng kasalukuyang gobyerno sa kalakaran ng iligal na droga. Magugunitang isinasangkot ni Acierto si former presidential adviser Michael Yang sa drug trade. Ayon kay De Lima ang report ni Acierto ay dapat mausisa ng lubos at mapatunayan. Para kay De Lima, makukuwestiyon ang kaugnayan ng Pangulo sa bentahan ng droga sa bansa. Si De Lima ay kasalukuyang nakakulong dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga. "The intel report of Acierto, if publicized and verified, will raise questions as to Duterte's real involvement in the drug trade in the country," sabi ni De Lima. Kinuwestiyon din ni De Lima ang integridad ni Pangulong Duterte. "Kung malinis talaga si Mr. Duterte, bakit naduduwag siyang paimbestigahan si Yang at ang kasabwat nito? Nakikinabang ba siya sa 'drug business' o siya ba ang totoong mastermind?," Boladas ni De Lima. Hinamon din ni De Lima ang Presidente na pa-imbestigahan si Yang. "Kung galit ka talaga sa ilegal na droga at sa drug users at pushers, patunayan mo yan ngayon Mr. Duterte, at paimbestigahan si Yang. Hindi yung puro mahihirap at walang kalaban-laban ang pinagdidiskitahan mo," banat ni De Lima. Sa pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino, sinabi nito na hindi sangkot si Yang sa drug trade. Ganito din ang naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa mga akusasyon ni Acierto kay Yang. p>"Wala naman tayo so far nakikita talaga. As of this time, walang nakikitang involvement ni Michael Yang sa illegal drugs," paliwanag ni Albayalde. Nagsalita na rin si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pinagsasabi ni Acierto. Ibinunyag ng Pangulo ang pagkatao ni Acierto. Nasangkot umano ang dating pulis sa pag-import ng AK-47 rifles na napunta sa kamay ng New People's Army at sa pagkamatay ng Korean National na si Jee Ick-Joo. Source: GMA +Umabot na sa Middle East ang kakaibang traffic hand signal ni Opposition Senatorial Candidate Mar Roxas. Sa video na ibinahagi ng Facebook page na Filipino in UAE Content Creator, makikita ang isang Arabo na gayang-gaya ang sikat na video ni dating DILG Secretary Roxas na nagmamando ng trapiko gamit ang kakaibang hand signal habang umuulan. Ang video ng FUCC ay pumalo na ng lagpas 46,000 dalawang oras matapos mai-upload ito sa Facebook at umani na rin ng libo-liong reaksyon mula sa mga netizens. Ang video ay pinamagatang, "MAR-RABO". Ang Arabo sa video ay si Alawe Enoc. Ayon sa impormasyon sa kanyang Facebook page, siya ay Half Arab/Half Filipino. Ito po ang video clip kung saan makikita si Mar na basa sa ulan at nagta-trapik sa kalsada, gamit ang kanyang trademark na hand signal. Bago pa umabot sa ibang bansa ang pang-aalaska kay Mar, mayroon na tayong ilang kababayan na ginagawang katatawanan ang paraan ng pagmamando ni Roxas. Mayroon din isa pang video kung saan mapapanood na ginaya ng mascot ng Jollibee ang traffic sign ni Roxas. Source: Filipino in UAE Content Creator +Hindi natuwa si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pasya ng prosecutor na palayain ang menor de edad na suspek sa karumaldumal na pamamaslang sa 16-anyos na si Christine Silawan na tinadtad ng saksak at binalatan pa ang mukha. Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Koronadal City, South Cotabato, kinausap niya raw ang piskal na nagpalaya sa suspek sa Silawan Case. "'Yung nakapatay sa bata ni-release upon orders of the prosecutor. Tinawagan ko siya pagka-umaga...sabi ko i-recall mo 'yang order ninyo of dismissal and have the guy re-arrested kasi piskal ako, piskal ka... Yang habulan na 'yan continuous 'yan hanggang mahuli mo then you file a case. Kayong mga abogado, panero, how do you apply that stupid principle? Sige daw. Pagka-ganun wala nang maaresto. Alam ninyo 'yan. Paano mo aarestuhin 'yan?," sabi ng Pangulo. Hindi daw makakapayag ang Pangulo na basta-basta palayain ang suspek sa pagpatay kay Christine. "Di ako papayag na ganunin mo lang ang tao. Patayin mo ang bata, balatan mo tapos magsibat ka lang, mahuli ka after six days tapos ma-release ka kasi hindi hot pursuit... For as long as there is somebody who conducted the investigation and made a follow up everyday that is still hot pursuit to me. Imposible mo 'yang sabihin mo na hot pursuit 24 hours lang ngayon," banat ng Presidente. Naging usapan ngayong buwan ang kaawa-awang sinapit ni SIlawan sa kamay ng kanyang dating nobyo. Ayon sa mga ulat, ang menor de edad na ex-lover ni Silawan ang huling kasama nito bago nangyari ang krimen. Selos ang tintignang motibo sa nangyari sa dalaga. Ilang kababayan natin ang nananawagan na ibalik na ang parusang kamatayan dahil sa nangyari kay Silawan. Si Christine ay inihatid na sa kanyang huling hantungan nito lamang Marso 23. Ang pamilya niya ay patuloy na humihingi ng hustisya matapos palayain ang suspek sa pagpaslang kay Christine.. Source: GMA | Presidential Communications +Sa pangangandito ni dating Pangulong Noynoy Aquino para sa mga pambato ng oposisyon na Otso Diretso, nagpahapyaw ito sa kasalukuyang administrasyon. Ayon kay Noynoy, iboto daw dapat ng mga Pilipino ang mga kandidato ng Duterte Government kung masaya raw sila sa mga pagmumura at pananakot. "Happy ka ba sa lahat ng nangyayari? Mamili ka na kung anong nangyayari. Sa lengguwaheng ginagamit, sa inaatakeng mga institusyon, sa pangangamba... Kung happy ka, eh di paramihin mo pa ang angkan nila. Kung hindi ka happy, eh maghanap tayo ng magbibigay ng solusyon. At sa akin, Otso Diretso ay bahagi ng solusyon na yun," boladas ni Aquino. Ayon kay Aquino, dapat daw ay may balanse daw sa gobyerno.. "May thesis... at may anti-thesis. Kapag nag-usap yung dalawa... baka mapaganda yung mungkahi ng bawat isa, magkakaroon ng synthesis... E yun na yata yung kailangan natin. Hindi oo lang nang oo. Pero o-oo dahil tama, um-oo, at hihindi dahil tama ang hihindi. So kailangan ng ganung boses sa ating mga representante," dagdag pa ni Aquino. Source: GMA | ABS | FB +Sa hindi malamang kadahilanan ay nauuso ngayon ang mga memes kung saan sinasabi ng may malambing na tono ang pangalang Jonel. Ang naturang meme ay hango sa pangalan ni Jonel Sanchez, ang security aide at itinuturong ex-lover umano ni Senator Leila De Lima. Magugunitang naging laman ng balita si Sanchez nang dumalo ito sa congressional hearing sa kalakaran ng droga sa Bilibid Prison noong Oktubre 2016. Sa gitna ng panggigisa ng mga mambabatas kay Sanchez, natanong ng mga kongresista kung paano ang paraan ng pagtawag sa kanya ni De Lima. Dito na inilahad ni Jonel ang tila malambing na tono ni De Lima. Matapos ang mahigit dalawang taon, tila nagiging patok sa mga netizens ang Jonel memes. Sa katunayan, sa isang graduation rites kung saan may graduating student na kapangalan ni Sanchez, sabay-sabay na sinabi ng malakas at malambing ng mga kapwa niya graduates ang pangalang "Jonel". Ang naturang video ay umabot na ng 3.1 million views habang isinusulat ang artikulong ito. Naibahagi na rin ito ng lagpas 114,000 beses. Isa pa sa mga patok na Jonel Meme ay ang video ng concert ng rock band na Queen. Sa naturang video, pinalitan ang boses ng lead singer ng banda. Umabot naman ito ng mahigit 4 million views. Magugunitang inalmahan ni De Lima ang alegasyon na karelasyon niya si Sanchez. "Kung may ka holding hands man ako sa mga security ko, hindi naman holding hands, inaalayan kung medyo dangerous yung dadaanan... at anyone of my security can do that to me, hindi lang sila Jonel. Hindi lang sina Ronnie Dayan... not in a romantic way," sabi ni De Lima noong 2016. Source: Moem Marcial Delacruz | INQ +Hindi pinalagpas ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino ang klase ng pagtatanong ng isang reporter sa kanya. Sa isang panayam, tinanong ng reproter kung wala daw bang malaking durugista na tinatarget ang PDEA. Agad itong sinagot ni PDEA Chief Aquino, ibinida ang ang mga nagawa ng ahensiya sa loob ng 2 buwan. Magugunitang bilyon-bilyon halaga ng droga ang nakukumpiska ng PDEA nitong mga nagdaang mga araw. "Di mo ba nababasa ang mga diyaryo? Siguro nakikita mo naman ang ginagawa ng PDEA. For the past 2 months we were able to confiscate P5 billion pesos (worth of drugs). Don't you know that?," buwelta ni Aquino. Tila hindi pa nahimasmasan ang reporter at tuloy pa rin ang tanong niya. Sa follow-up question, tinanong niya kung may drug lord daw ba na nahuli ang PDEA. "YES! We are now focusing on international drug syndicates. Hindi mo pwede sabihin na ito lang ang tirahin namin. Lahat pati kabataan ay tinutulungan namin. In fact, nagka-conduct kami ng sagip batang solvent. Are you angry with me?" banat ni Aquino. Sa sobrang inis ng hepe ng PDEA ay tinalikuran niya na lang ang reporter dahil sa paraan ng pagtatanong nito.. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa Youtube video. "Hay media makulit kau....ano klaseng tao ang iupo ninyong na presidente," sabi ni Leen Pasmala. "Walk out like a boss! Good job sir! Kingineng mga media kayo!," sabi ni Darch Angel. Panoorin ang video ng panayam kay PDEA Chief Aquino. Source: Politiko TV Channel +Hindi na nakaporma ang kawatan nang ibalibag ito ng buncer habang ninanakaw ang motorsiklo. Ayon sa ulat ng Ronda Brigada, ang motorsiklo ay pag-aari pala ng isang bouncer. Mapapanood sa CCTV na may look out pa pala ang salarin pero nakatakas ito nang kumprontahin sila ng bouncer. Hindi lang balibag ang natikman ng suspek, pinakain din ito ng sapak ng bouncer. Basahin ang reaksyon at komento ng mga kababayan natin sa ginawa ng bluncer sa kawatan. " Di naman daw niya kasi alam na bouncer ang may ari nung motor eh.. malay niya ba... ha ha ha!," sabi ni C. Dionisio. "Ang sarap panoorin parang WWE langdapat ganyan gawin sa lahat," sabi ni N. Berri. "Maswerte ka pa rin, dahil kung naiba ang nakahuli sa inyo at may baril! nasa morgue na kayo ngaun..pumarehas kayo," sabi ni R. Ocampo. "Sa panahon ngayon lahat ng trabaho ay mahirap, mapa opisina man o maging tendira. Kahit maging profesional na magnanakaw kapa dahil minsan kong hindi ka ma baril ma bugbog kanaman ng ninakawan mo..hahaha," sabi ni H. Villacanas. Source: Ronda Brigada via VOVph +Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang modernong self-renewal kiosk ng Land Transportation Office (LTO) na ilalagay sa mga malls sa Pilipinas sa mga darating na buwan. Layon ng proyektong ito na mismong mga kababayan natin ang magpo-proseso ng pagre-renew ng kani-kanilang mga lisensiya. Ang kiosk ay may mga biometrics at face detection systems para maging madali ang transaksyon. Malalaman din kung mayroong mga paglabag ang magre-renew at kung kailangan muna nilang i-settle. Ang lisensiya ay pwedeng ipadala sa rehistradong tirahan ng motorista at maaari din personal na kunin sa tanggapan ng LTO. Inaasahan na ang proyektong ito ay magdudulot ng mabilis at maayos na serbisyong publiko sa mga kababayan natin. Basahin ang reaksyon at tugon ng mga kababayan natin sa social media post ng DOTr. Panoorin ang ulat patungkol sa self-renewal kiosk ng LTO. Source: ABS | DOTr +"May nakita ako doon na mga love team sa mga artista," Isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na may love team na kasama sa listahan ng mga artista na konektado sa kalakaran ng bawal na gamot. Nagbanta na rin si PDEA Chief sa mga artista na magsitino na. "Marami na rin kaming nahuling mga artista. And 'wag n'yo nang hintayin mahuli namin kayo. 'Wag n'yong sabihin nasa hotel kayo, nasa condominium, nasa exclusive subdivision, bibirahin at bibirahin namin kayo," banat ni Aquino. Inudyukan din ni PDEA Chief Aquino ang mga tv networks na magsagawa ng suprise at mandatory drug testing sa mga kani-kanilang mga artista. Dapat din daw na mayroong mga PDEA personnel na su-surpervise sa testings. "I just hope that na kung mangyari man, lahat sana ng celebrity present just to be, just to show to the public that they are clean," sabi ni Aquino. Magugunitang sinabi ni Aquino na may listahan sila ng mga artistang sangkot sa droga at karamihan sa mga ito ay sikat. Dismayado din siya na wholsome ang mga ginagampanang mga roles ng ilan sa mga artista sa kanilang listahan. "Nakalagay po dito, merong user ng ecstasy, cocaine, shabu, party drugs. Karamihan party drugs. Mga sikat itong mga 31 na ito, wala akong nakikitang mga laos dito," pagsisiwalat ni PDEA Chief. Ayon kay Aquino, tatapusin lang daw muna nila ang narco-politician at ilalabas na rin nila ang mga pangalan ng mga hukom, celebrities at mga taga-media na sangkot sa droga. Source: GMA | PNA +Inaresto ngayong umaga ng Biyernes si Rappler Chief Executive Officer (CEO) Maria Ressa matapos itong lumapag sa Ninoy Aquino International (NAIA) mula sa biyahe nito sa ibayong dagat. Ang pag-aresto ay may kaugnayan sa inilabas na arrest warrrant ng Pasig Regional Trial Court branch 265 patungkol sa paglabag umano ni Ressa at n 2016 board members ng Rappler sa Anti-Dummy Law. Ilan sa mga board members na inakusahan ng paglabag sa Anti-Dummy law ay sina Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza, Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, at James Velasquez. Lahat sila ay nakapag-piyansa na ng P90,000 bawat isa. Mula NAIA, nagtungo si Ressa sa Pasig Police Station para sa booking procedure. Si Ressa ay nahaharap rin sa iba pang kaso tulad ng cyber liberl at tax evasion. Magugunitang noong nakaraang taon ay ipanakansela ng Securities ang Exchange Commission (SEC) ang registration ng Rappler dahil umano sa paglabag ng kumpanya sa pagbabawal ng foreign ownership sa mga mass media companies. Ang Anti-Dummy na kasong kinakaharap ni Ressa ay may kaugnayan sa kautusan ng SEC. Source: GMA | DZMM | ABS-CBN | News5 +Kaninang mga alas-3 ng madaling araw ay inatake ng tinatayang 50 miyembro ng New People's Army (NPA) ang Victoria Municipal Police station sa Northern Samar. Liyamado ang mga rebeldeng komunista dahil mas madami silang tao kaysa sa mga pulis. 15 lang ang kapulisan sa kanilang himpilan. Pero hindi nagpatalo ang tropa ng gobyerno at inokupahan ng mga pulis ang roof top ng kanilang police station. Dahil dito, nagkaroon ng high vantage point ang mga pulis na naging daan para maitaboy nila ang mga NPA. Tatlong teroristang NPA ang nadedo. 2 naman sa hanay na kapulisan ang nagtamo ng minor wounds. Isang NPA naman ang nahuli ng otoridad. Nakilala ang NPA na nauli na si Aljon Cardenas, 18-anyos. Ayon sa ilang ulat, estudyante daw ito sa University of Eastern Philippines at may kursong Criminology. Pina purihan naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang mga pulis dahil sa ginawa nilang pagdepensa sa kanilang himpilan. "We would like to commend the Victoria Municipal Police Station doon sa Samar at nagpakita talaga sila ng tapang, wherein they were harassed by more or less 50 NPA (New People's Army) rebels but they were able to repulse 'yung pag-atake sa kanila," sabi ni Albayalde. Source: RMN | Sunstar +Sa pangunguna ni Chief of Police PLT Eladio Alo, matagumpay na nadipensahan ng kapulisan ang Victoria Municipal Police station sa pag-atake ng teroristang New People's Army (NPA) sa Northern Samar nito lang 3:30 ng madaling araw. Nagtapos daw ang bakbakan mga 6:40 ng umaga. Base sa mga naglabasang mga ulat, 3 NPA terrorists ang nautas ng mga kapulisan. Habang 1 naman ang nahuling NPA. Kinilala ang nahuli na si Aljon Cardenas, 18-anyos at naninirahan sa Calbayog City. Nagtamo naman ng mga minor wounds ang 2 sa mga pulis. Pinuri ni Police Brigadier General Dionardo Carlos ang ginawang pagdepensa ng Victoria MPS sa kanilang himpilan. "I am directing all PNP personnel to always be extra vigilant and alert in their tour of duty within their jurisdiction to preempt similar attacks," sabi ni Carlos. Nakuha sa mga NPA ang mga matataas na kalibre na mga baril (1 M60 light machinegun, 2 M16 Rifle at 1 M14 Rifle). Source: Radyo Pilipinas | Philstar | Philstar +Huling-huli ni Civil Service Commission Commissioner Aileen Lizada ang kabalbalan ng ilang empleyado ng gobyerno nang magsagawa siya ng ilang suprise inspection sa mga government offices. Sa kanyang paglilibot, may nakita siya na isang empleyado na gumagamit ng social media o Facebook habang oras ng trabaho. Mapapanood na nagpapalusot pa ang salarin at sinabing may sine-send lang umano siya. Sa isa naman opisina, nakita ni Lizada ang pag-petiks ng ilang government workers. Nahuli niya pa na nagke-candy crush ang isang kawani ng gobyerno. Ang Candy Crush ay isang laro sa mobile phone. "Mukhang nakakalimutan na nila ang 'yung the do's and the don'ts of being in public service. MUkhang kampante na ang iba na mayroong silang sweldong 15-30, allowances, security of tenure na they forget that they are there doing work official time. Bawal ho ang ginagawa niyong personal concerns," sabi ni Commissioner Lizada. Hinikayat naman ang publiko na iparating sa contact centers ng gobyerno ang hindi magandang serbisyo o pamamalakad sa ahensiya ng gobyerno. Ito po ang mga contact information kung may gusto kayong isumbong. Ang website ay contactcenterngbayan.gov.ph. Ang telephone number naman ay 0908-8816565. Ikinasama naman ng loob ng ilang kababayan natin ang ginagawa ng ilang empleyado ng gobyerno. "Tanggalin na sana lahat nang nahuli para naman mabigyan nang chance ang ibang gusto mag apply na seryoso sa layunin," sabi ni J. Nebs. " Marami ang ganyan,ang masaklap p s iba,parang ikw pa ang magmamakaawa pra lng bigyan ka ng pansin,hndi nila naiisip na ang taong bayan ang nagpapasahod s kanila.," sabi ni J. Tanda. "At ikatlong complain is sobrang susungit nila na tila iniistorbo mo sila. Buset tagal mo naghintay tapos susungitan ka pa na akala mo isa kang mababang nilalang," sabi ni R. Vidal. Source: GMA +Hindi na nagpatumpik-tumpik si Pangulong Rodrigo Duterte at agad binuweltahan si Former Sr. Supt. Eduardo Acierto sa mga paratang nito na sangkot sa droga ang negosyante na si Michael Yang ,economic adviser ng Presidente. Maguguninitang lumutang si Acierto sa media nitong mga nakaraang araw para ikonekta si Yang sa kalakaran ng bawal na gamot. Sinabi din ni Acierto na mayroon daw pagbabanta sa buhay niya at ang impormasyon niya daw ay galing umano ito sa Davao Group. Sa talumpati ng Pangulong Duterte sa isang pagtitipon sa Koronadal City, South Cotabato, ibinunyag ng Presidente ang pagkatao ni Acierto. Base sa pahayag ng Pangulo, nasangkot si Acierto sa iba't-ibang klase ng krimen. Isa daw sa kinasangkutang kontrobersiya ni Acierto ay ang pag-import nito ng mga baril na AK-47 na napunta sa kamay ng mga rebeldeng komunista. "Tanungin ko kaya ang military ang pulis, bakit buhay pa ang p****g i***g yan? He was the guy na nag-import ng AK-47, 1,000 something pieces. Tapos, dineliver niya sa NPA," banat ng Pangulo. Nauugnay din daw si Acierto sa pagpatay sa Korean National na si Jee Ick-Joo. Matatandaang namatay si Jee sa loob ng krame at kinalaunan ay crinimate ang labi nito at flinush ang abo sa kubeta ng isang funeral parlor sa Caloocan. "Yung Koreano na pinatay sa Crame, Iyan si Acierto at pari si Fajardo, they are the ones who killed the Korean," pagsisiwalat ng Pangulo. Binasa din ng Pangulo ang ulat tungkol kay Acierto. Base sa ulat, extortionist daw si Acierto at nagre-recycle daw ng droga. "Drug activity, head of the group that spent most of his career in the anti-narcotics operation with reputation of amassing wealth by recycling drug that they have confiscated. Known as extortionist from apprehended suspects, especially Chineses Nationals ," pagbubunyag ng Presidente. Ayon pa sa Pangulo, tila ginagamit ng mga dilaw si Acierto. Ang dilawa ay ang opisyal na kulay ng Liberal party. "Ginagamit sa mga yellow ngayon, pero andyan lahat," dagdag pa ng Pangulo. Source: RTVM via VOVph | ABS +Matapos ang nakakapanlumong nangyari kay Christine Lee Silawan ng Lapu-Lapu City, Cebu kung saan pinatay ito at binalatan ang mukha, isa na namang kaso ng pagpatay at pambababoy sa mukha ng biktima ang naitala sa Antipolo, Rizal. Natagpuan wala ng buhay, tagpas ang mukha at wala ng damit pang-ibaba ang 16-anyos na grade 10 student na si Ronna May Castillo. Ayon sa otoridad, maari rin daw na nagahasa ang biktima dahil wala na raw itong saplot sa ibabanag bahagi ng katawan. "Walang ng saplotpang-ibaba kaya malakas ang paniniwala namin na rape victim 'yung bata. Parang lamog yung mukha ng bata, at may putik at parang pinukpok siya," sabi ni Baragay Calawis Chairman Allan Abonio. Ang itinuturing na primary suspect sa karumal-dumal na krimen ay ang tiyuhin ng biktima na si Jimmy Castillo. Ito raw ang huling nakita kasama ng dalaga noong buhay pa. Hindi daw nagko-konekta ang mga pliwanag nito. "As of now hindi pa namin ma-determine ang cauise of death. May school I.D> na posibleng naisakal," pahayag ni BPCP 2 AntipoloDeputy COmmander Edwin Caimoso. Hindi naman mapigilan ng ilang kababayan natin na maglabas ng sama ng loob sa nangyari sa dalagita. "D lng death penalty katapat nyan,dpat parusahan yang nga hayop n Yan n mga rapist/killer n Yan...ung parusang sila n mismo magmamakaawa n patayin sila!d n Yan mga tao!mga demonyo n Yan," sabi ni M. Tablatin. "Dapat naaalarma na Ang kapulisan sa Dami ng kasong rape ngayon! At s mga Magulang naman plz ingatan nyo n Ang mga Anak nyo naglipana na Ang mga hayuk sa Laman.ang masaklap Mnsan sa loob PA ng Tahanan Ang panghahalay," sabi ni M. Alba. "Kung me death penalty sana para magsilbing deterrent sa mga gagawa, kung di man maging deterrent mababawasan naman ang mga halang ang kaluluwa," sabi ni J. Razo. Source: GMA | Mav Gonzales +Nagtamo ng minor injuries ang paring si Claude Grou nang pagsasaksakin ito ng hindi pa nakikilalang salarin sa St. Joeseph Oratory sa Montreal, Canada. Nangyari ang insidente sa harapan ng 60 katao dumalo sa misa. Akala daw ng isa sa mga testigo ay luluhod ang suspek sa harapan ng altar para manalangin pero nabigla sila ng undayan nito ng saksak ang pari. Natumba ang pari habang ang mga kandila at ang banner ay natumba. Nakatayo naman agad ang pari at pinalibutan ng mga security personnel ang suspek. Naidala naman sa ospitala ng biktima at nasa maayos na raw na kalagayan. Nagtamo lang daw ng mabababaw na sugat ang pari. Hindi pa ipinapaalam sa publiko ng mga pulis ang motibo ng suspek sa pag-atake nito sa pari. Source: MB +Matapos maaresto nitong mga nakaraang araw ang 17-anyos na suspek sa pagpatay at pagbalat sa mukha ni Christine Lee Silawan, pinakawalan ito mula sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ipinag-utos ng Prosecutor Office sa Lapu-Lapu Cty ang paglaya ng suspek dahil sa inbalidong warrantless arrest. Hindi daw kasi natupad ang "hot pursuit" doctrine. Nangyare daw kasi ang pag-aresto sa salarin lagpas isang linggo nang mangyari ang krimen. Ang paglaya ng suspek ay kinumpirma mismo ng nanay nito. Ang menor de edad na suspek ay dating kasintahan ng biktima. Ayon sa ilan ulat, nag-ugat daw ang krimen dahil sa matinding selos nito sa dalaga. Nai-ugnay ang salarin sa krimen dahil sa nakalap na pag-uusap ng biktima at ng suspek sa cellphone at ilang CCTV footage. Inihatid naman ngayong araw sa huling hantungan si Silawan. Source: ABS-CBN | GMA News +Isa na namang dagok sa imahe ng kapulisan ang nangyaring insidente sa Quezon kung saan napatay ang anak ni Quezon Mayor Marcelo Gayeta na si Christian at ang security aide nito na si Chrsitopher Manalo noong Marso 14. Kinilala ang mga pulis na sangkot sa insidente na sina Supt. Mark Laygo, PO2 Somalpong, and PO1 Legaspi. Panoorin ang paghihinagpis ni Mayor Gayeta sa nangyari sa anak niya. Base sa mga affidavit ng mga pulis na nakuha ng CNN Philippines, plinano daw ang pagpatay sa anak ni Mayor Gayeta. Nilagyan pa raw ng gun powder burns ang mga biktima para mag mukhang nanlaban ang mga ito. Plinantahan din daw ng mga armas ang mga nasawi. Nag-komento na rin si Atty. Glenn Chong sa nangyari sa anak ni Mayor Gayeta. Magugunitang napatay ng mga pulis ang security aide nito noong Disyembre 2018. Source: CNN Phil | TV Patrol +Na-corner ng mga otoridad ang tinatayang 276 kilo ng shabu mula Vietnam sa Manila International Container Port nito ang Biyernes ng gabi. Ayon sa ilang ulat, aabot daw ito sa halagang P1.8 bilyon. Base sa impormasyon mula sa Bureau of Customs (BOC), natagpuan ang mga bawal ng gamot sa isang 40-pulgadang container na naka-consigned sa Wealth Lotus Empire Corporation. Dumating daw ito sa bansa noon pang Marso 17 pero naka-deklara bilang plastic resin. Ang mga iligal na droga ay nakabalot sa mukhang packaging ng tsaa na kulay green. Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) General Director Aaron Aquino, ang mga kargamentong ito ay may pagkakaparehas sa nangyaring drug bust sa Ho Chi Minh, Vietnam. "Of course malaki-laki ito, definitely medyo magmamahal na naman shabu (This is a big shipment, this will definitely cause the higher price of shabu). Price now range from P4,000 up per gram, before it went down to around P1200 per gram," sabi ni PDEA Director General Aquino. Ang consignee at broker ng naturang argamento ay sasampahan naman ng kaso ng mga otoridad. "We have already revoked the customs accreditation of the involved consignee, Wealth Lotus Empire Corporation, and customs broker Castillo. Also, we will also file appropriate criminal and administrative charges against those involved in the importation of illegal drugs," ani MICP District Collector Sandino Austria. Boladas daw ng mga durugista, hindi daw sila hihinto sa paggawa at pag-import ng droga sa bansa dahil wala naman daw parusang kamatayan sa Pilipinas. Pwede naman daw suhulan ang mga hukom at otoridad, pagbubunyag ni Aquino, base sa ginawa nilang interrogation sa mga chemist. "They will never stop drug trafficking and smuggling of illegal drugs in our country. They will never stop putting up drug laboratories in our country. When we interrogate Chinese chemists or anyone involved in the illegal drug trade, the first thing they will tell is that there's no death penalty in the Philippines, and that's the main reason. That they will continue to smuggle drugs. They can buy anybody--judges, prosecutors, even law enforcers and return to their country safely," pagsisiwalat ni Aquino. Source: PTV | BOC | MB +Malugod na ibinalita ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang social media account ang pagdating ng mga bagong aircon units na siguradong makakapagbigay solusyon sa problema sa init na nararanasan sa pagsakay sa MRT-3. Sa pamamagitang nito ay inaasahan na mas magiging kumportable at malamig ang biyahe ng mga pasahero. Ayon sa DOTr, 60 brand new aircon na raw ang nasa atin at 18 na lang ang hihintayin. Magugunitang noong Octubre 2018 daumting ang 42 sa 78 na kabuuang bilang ng mga bagong air conditioning units (ACU). Ang 42 na ito ay kasalukuyang naka-install at nagagait na ng mga kababayan natin. Ang natitirang 18 ACUs naman ay inaasahang makakarating sa Pilipinas sa Abril. Natuwa namana ng mga tao sa campaign material ng DOTr tungkol sa mga bagong aircon ng MRT. Ang graphics mula sa kanilang Facebook page ay hango mula sa sikat na international show na "Game of Thrones". Nasiyahan naman ng ilang kababayan natin sa trabaho ng DOTr. Basahin ang ilan sa kanilang mga komento at reaksyon. "Hinay hinay lang mga kabayan ika nga one at a time ang importante nakikita natin na may determinasyon ang gobyerno natin na itaas ang kalidad ng serbisyo para sa kapakanan ng mga mamamayan," sabi ni R. Luna. "Ganito dapat ang mga service announcements!!! Great job DOTR," sabi ni E. Batt. "Ang galing ng ahensyang ito laging may good news at good vibes..updated lageh ang taong bayan salute din sa admin ng page na to Ganda ng graphics!! Ipagpatuloy inyo lang mga Sirs and madame po for the motherland!! Good job may your tribe increase!," sabi ni K. Mel B. Source: DOTr | DOTr +"Masyado nilang ginagamit ang fake news para ma-suppress ang freedom ng ibang tao," Punto por punto binutata ng abogado at pro-government blogger na si Attorney Trixie Cruz-Angeles ang panukala ni Vice President Leni Robredo na ipa-regulate ang mga posts social media. Nitong nagdaang araw naglabas ng pahayag si Leni patungkol sa fake news at paano lalabanan ito. Iminungkahi niya sa kongreso na gumawa ng batas para ma-regulate ang mga posts sa social media. "Kailangan talaga iyong Kongreso magpasa ng mga batas na kahit paano may control saka regualtion iyong mga post sa social media. Kasi kung anybody can post anonymously, ang daming nabibiktimang hindi naman dine-deserve na siraan. Iyon nga, sana iyong accountability na ine-expect from traditional edia, dapat ganoon din sa social media," sabi ni Leni. "Ito ang problema kay VP Leni, first, she assumes that social media has no accountability daw. Tapos ang sinasabi niya is traditional media is accountable. But to whom?," ressbak ni Angeles. Ayon kay Angeles, lahat ng Pilipino ay accountable sa batas ng libel, sedition, false publication at iba pa. "Sa madaling sabi, mapa-social media ka, o mapa-traditional media ka, mananagot ka sa batas pag ikaw ay nag-commit ng libel o cyber-bullying," paliwanag ni Angeles. Tila napipikon din daw si Leni sa mga batikos sa kaniya ng mga netizens. "VP Leni is quite possibly is pikon... Kasi maraming salita sa kanya... It shows her own mindset. It shows na wala siyang pasensiya sa free speech.. Ang problema niya ay binabash daw siya. Is bashing fake news? Paano kung totoo at may basehan," buwelta ni Angeles. Source: Luminous +Hindi na nakaporma ang isang resort sa Boracay nang ipagiba ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa paglabag sa alintutunin at patakaran ng pamahalaan. Sa pangunguna ng Boracay Inter-Agency Task Force, giniba ang istruktura ng Boracay Plaza Beach Resort na matatagpuan sa Station 1 ng isla. Ang naturang resort ay isa sa 10 estblisimiyento na hindi tumalima sa babala ng gobyerno kaugnay sa 30-meter easement zone. Magugunitang nagpatupad ang gobyerno ng no-build zone 30 metro mula sa dalampasigan. "All 10 establishments, including Boracay Plaza, were the last remaining structures along the White Beach to be demolished, making the area fully compliant to the 30-meter beach easement law," sabi ng DENR. Natuklasan din na ang Boracay Plaza ay nagsasagawa ng operasyon ng walang kaukulang permiso sa pamahalaan. Bahagya o tuluyan namang ipinagiba ng siyam na establisimiyento na kasama sa listahan ng non-comliance ang kani-kanilang mga istruktura. Bago daw isinagawa ang paggiba, binigyan pa daw ng pamahalaan ng 15-araw na palugit ang mga estabilisimiyento para makasunod sa patakaran. Matatandaang ipinasara ng Duterte Administration ang isla ng Boracay dahil sa pagiging madumi nito. Sinimula noong Abril 2018 ang rehabilitasyon nito na tumagal ng anim na buwan. Binuksan muli ito sa mga turista noong Oktubre 2018. Source: CNN Phil| INQ +Habang pinipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang relasyon ng Pilipinas at ng China na nagkalamat noong panahon ni Ex-president Noynoy Aquino, ang mga dating opisyal sa Aquino Administration naman ay naghain ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping. Sinamahan nina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio MOrales ang ilang mangingisda sa paghahain ng communication sa ICC. "Though widely publicized, these atrociously inhumane actions of Chinese officials in the South China Sea and within Philippine territory remain unpunished, and it is only the ICC that can exact accountability on behalf of Filipinos and the international community, respecting the rule of law," sabi nila. Ayon sa reklamo, nagsasagawa daw ng sistematikong paraan sina Xi at mga opisyal ng China para makontrol ang South China Sea. "The situation is both unique and relevant because it presents one of the most massive, near permanent and devastating destruction of the environment in humanity's history," sabi sa reklamo. Ang bansang Tsina ay hindi bahagi ng Rome Statute, ang nagtatag ng ICC. Ang Pilipinas naman ay kumalas na dito. Noong Marso 17 ay naging opisyal na ang pagtiwalag ng Pilipinas sanaturang korte. Source: ABS | PS +"And you know the likely -- most likely victims would really be the children. Habang, 'bless me father for I have sinned,'yung bayag namin hinihipo,pinapaikot," Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Marikina, ikinuwento ni Presidente Duterte ang katauhan umano ng karamihan sa mga pari. "Kami noon... Alam mo kung Ateneo kayo, you guys who studied at Ateneo, Friday 'yan mag-confession tayo, then mag-communion tayo. Automatic 'yan lahat sa Ateneo -- buong Pilipinas ganun 'yan... Marami naman kasing bakla -- karamihan naman talaga sabihin mo sa... Wala naman akong ano pero karamihan sa mga pari bakla talaga sa totoo lang.[laughter] Hindi ako naga-ano. I'm just telling you the truth. Sabi nga ng Vatican, 4 out of 5 na pumasok sa Europe na mga pari bakla," sabi ng Pangulo. Isang halimbawa na ginamit ng Presidente ay ang pag-amin ni Pope Francis na may ilang pari na nang-aabuso sa mga madre. "Well, I'd like to address myself to the Roman Catholic faithful, better just let the truth out para wala na tayong ano. Tutal sabi ni Pope doon sa Dubai mismo he was there and he announced that the -- itong mga madre were sexually abused by the priests and made sex slaves -- konsumo ng pari. And it was the Pope who announced it, why should not I? Ang akin nauna lang ako kasi 'yon sabi nila ako raw babaero, extrajudicial killings, so I have you know -- didipensahan ko ang sarili ko," banat pa ni Presidente Duterte. Source: RTVM +Isang magsasaka sa Urdaneta City sa Pangasinan ang pinaulanan ng saksak ng isang umano'y tinderong naingayan sa tambutso ng motorsiklong minamaneho ng biktima. Ayon sa ulat ng GMA News, batay sa imbestigasyon ay kasalukuyan umanong natutulog noon ang suspek na si Rodolfo Mellon nang magising sa maingay na tambutso ng motor ng biktimang si Richard Espanola. Nagkaroon umano komprotasyon sa pagitan ng dalawa na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima. "Maingay 'yung motor niya. Maingay 'yung tinatawag nating open pipe, 'yung muffler. So, nagising itong suspect natin, kinompronta niya itong si Richard Espanola. So, nagkaroon ng mainit na pagtatalo, nagpambuno sila hanggang papunta ng rice field," ani P/Supt. John Guiagui, Hepe ng Urdaneta City Police Station. Sa kalagitnaan umano ng mainitang pagtatalo ay doon na raw naglabas ng patalim ang suspek at saka pinagsasaksak ang biktima sa iba't ibang bahagi ng katawan. Naisugod naman kaagad ang biktima sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling doon matapos ang madugong pangyayari. Arestado na ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso. Samantala, muling nagpaalala ang mga awtoridad ukol sa kanilang kampanya laban sa maiingay na open pipe o muffler. "Hundreds na 'yung nakumpiska naming mga mufflers, at sa check point natin, talagang kung sino'ng mapadaan diyang maingay ang ano [tambutso], talagang tini-ticket-an natin sila. At the same time, pinapabaklas na sa kanila, pinapapapalitan," saad ni Guiagui. Sa mga ganitong pangyayari, napakahalaga ng pagiging mapagtimpi at pagpapairal ng mahinahong pakikipag-usap. Sa kabilang dako, upang maiwasan naman ang mainitang pagtatalo at di inaasahang pagkakasakitan, kailangan marunong rumespeto ang bawat isa sa kailang kapwa, lalo na sa ipinatutupad na batas. Source: GMA +Kritikal ngayon ang lagay ng isang ginang matapos masagi ng humaharurot na kotse ang sinasakyan niyang motor. Kinilala ang mga biktima na sina Mark Joseph Belen na nagtamo ng bali sa kanyang paa. Si Rosanna Ugto naman ay nakaratay sa ospital dahil na-comatose. Kitang-kita sa dashcam ng isa pang kotse ang pabarumbadong pag-overtake ng kotse sa mga nakasakay sa motor. Nang masagi ang mga biktima ay sabay humarurot ito na tila walang nangyari. Nangangalap na ng posibleng karagdagang CCTV footage ang mga otoridad para matunton ang suspek. Humihingi naman ng tulong ang tiyahin ni Joseph Belen na si Divina sa publiko para mabilis na mahuli agad ang suspek. "Pamangkin ko po yang nakamotor. Magkasama sila NG asawa niya. Sinundo galing sa trabaho mga bandang 1 am to 1:30 am sa may Santolan, Pasig. Kitang Kita naman po na nasa tamang Lane siya at smooth naman ang pagpapatakbo niya bigla silang parang sinadya na pitikin ng puwet ng kotse tapos iniwan lang... Yung pamangkin ko po ay bali ang paa, yung asawa niya po comma, may dalawang anak po silang maliliit pa, Kaya sobrang malaking perwisyo po ang ginawa. Kung sino man po ang nagdadrive ng kotse na Yan.. tulungan niyo po kami na matunton Ang may ari ng kotse at panagutan Ang dapat niyang panagutan," pakiusap ni Divina Belen sa publiko. Labis naman ang paghihinagpis ang naramdaman ni Joseph sa insidente. Hiling niya ay makonsensiya ang driver at sumuko na. "Sana makonsensiya ang driver ng kotse sa ginawa nia sa asawa ko kasi may dalawang anak po 'yung dinisgrasya niya. Sana magpagaling na po ang asawa ko alang-alang po sa mga anak namin. Sana gumaling na po siya. Mahal na mahal ko po siya," sabi ni Joseph. Source: GMA | GMA | Divina Belen +"REPUBLIKANG WALANG PLAKA" NO MORE! Malugod na ibinihagi ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang social media page ang modernong robotic equipment ng Land Transportation Office (LTO) na ginagamit sa pag-produce ng mga vehicle license plates para sa pasilidad ng LTO sa Lungsod ng Quezon. Ang pangalan ng makabagong makina ay IDeROBOT. Ayon sa DOTr, kaya daw gumawa ng 700 na license plates ang IDeROBOT sa loob lang ng isang oras. Inaasahang aabot sa lagpas 5,600 na plaka ang magagawa sa loob lang ng 8-oras na shift kada araw. Mas magiging sistematiko at ligtas na ngayon ang paggawa ng mga license plates. Panoorin kung paano gumagana ang Plate making robot ng LTO. Ito naman po ang ulat ni Gadget Addict tungkol sa robot making plates. Ito naman po ang ulat ng reporter na si Jacque Manabat. Source: DOTr | DOTr | Gadget Addict | Jacque Manabat +Natimbog ng mga otoridad ang dating paring katoliko at ngayo'y pinuno ng Communist Party of the Philippine - New People's Army (CPP-NPA) sa Negros Island at SIerra Madre na si Father Frank Fernandez, 71-anyos. Kasama sa nahulog sa kamay ng tropa ng gobyerno ay ang asawa nito na si Cleofe Lagtapo. Si Fernandez ay rin daw consultant ng National Democratic Front (NDF). Sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ay nasakote ang mga rebelde sa Barangay Calumpang, Laguna. May warrant of arrest sa kasong murder si Fernandez mula sa Cadiz City regional trial court. Nahuli si Fernandez dahil sa impormasyong ibinigay ng isang NPA. Nahuli sa mga rebeldeng komunista ang 3 baril, mga bala, mga ID at subersibong dokumento. "They were the principal targets of the government troops who were there to serve their warrant of arrest... the law enforcement operation was triggered by the information given by one of their NPA comrades as to their current location which was subsequently validated by locals from Nagcarlan who became suspicious of their actions," sabi ni Brigadier General Arnulfo Marcelo B Burgos Jr, Commander ng 202nd Infantry (UNIFIER) Brigade. Ayon kay Commander of the Philippine Army's 2nd Infantry Division Major General Rhoderick M Parayno, tuloy-tuloy ang hangarin ng gobyerno na makamit ang kapayapaan at hindi nila tatantanan ang mga rebeldeng komunista. "The government will be unrelenting in our pursuit for peace and prosperity whoever, whatever and wherever the threat may be... we have been hitting them at all fronts and keeping them on the run, thus, I urge the few remaining members of the NPAs to give up their arms and return to mainstream society because sooner or later we will catch them. This arrest is a loud and clear reminder that no one can escape the long arms of our country's law," sabi ni Parayno. Source: Southern Luzon Command, AFP | DZRH +Hindi pinalagpas ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang naging patutsada sa kanya ng nakakulong na senadora na si Leila De Lima. Sa isa kasing pahayag, sinabi ni De Lima na si Presidential Spokesperson Salvador Panelo at si Mayor Sara ay representasyon ng kung ano ang mali at maaring magpapalala sa gobyerno. Ito ay kaugnay sa sinabi ni Mayor Sara tungkol sa isyu ng pagiging tapat ng mga kumakandidato. "Sal Panelo and Sara Duterte represent what is wrong and how things could be worse for our government. It appears that these two pro-administration mouthpieces do not consider that matter of honesty as an important election issue. Bago pag-usapan kung magaling o edukado ang kandidato, ang unang tanong dapat ng ating botante: Nagsasabi ka ba ng totoo? Naglilingkod ka ba ng tapat?," pahayag ni De Lima. Naligo naman ng resbak si De Lima galing kay Mayor Sara. Pinaghalo daw ang katalinuhan at kabobohan sa ulo ni De Lima dahil sa hindi man lang binasa at inintindi ng senadora ang buong pahayag niya tungkol sa isyu. "I thought it best to write a letter since you probably do not have access to a television. If I am an example of what is wrong and what could be worse for our government, you just described yourself as well. You are the worst because you are intelligent and dumb all in one head. You are the only person from the Black Hole who said it right, dapat ang botante ang nagsasabi kung ano ang hinahanap niya sa kandidato. But you are dumb as well, for attacking me without reading the entire transcription of my statement and comprehending what I said," resbak ng alkalde ng Davao. Nilinaw muli ni Sara ang kanyang pahayag tungkol sa sinabi niya na hindi kuwlipikasyon ang pagiging tapat sa pagkandidato. "Ang sabi ko, hindi ang opposition ang magsasabi kung ano dapat ang isang kandidato at hindi issue ang honesty dahil hindi yan requirement para ka maging kandidato. Therefore, Black Hole candidates, who are themselves liars, should not attack a candidate in that manner. I used the same argument on the issue of a college degree or inclusion in the narco list," paliwanag ni Mayor Sara. Inungkat din ni Maayor Sara ang kinasasangkutang kaso ni De Lima kaugnay sa kalakaran ng droga. "You are a senator -- honesty about your involvment in the illegal drugs business under scrutiny by the courts -- how about you make a law adding honesty as a requirement for all Filipinos before they can run for public office. Maybe then you can save the government from yourself, Inday Sara, Leni, Digong, Panelo, Alejano, Hilbay, and the all the de Limas of the universe," buwelta pa ni Mayor Sara. Source: Brigada News Davao | News5 | ABS +Isang senadora ang naging dahilan kung bakit tila kinalimutan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghanap ng lunas sa napakalaking problema sa trapiko sa EDSA. Sa kanyang talumpati sa PARTIDO DEMOKRATIKO PILIPINO-LAKAS NG BAYAN (PDP-LABAN) MARIKINA CAMPAIGN RALLY, ibinahagi ng Presidente ang rekomendasyon ng kanyang economic managers ukol sa paghingi ng emergency powers para solusyunan ang problema sa EDSA pero agad daw kinontra ito ng senadorang hindi niya pinangalanan. Nangangamba umano ang babaeng mambabatas na baka mapunta lang kung saan ang perang gagamitin sa paglutas sa problema sa EDSA. Dahil sa pagkuwestiyon ng senadora, hindi na lang daw ipinagpilitan ng Pangulo ang paghingi ng emegency powers para hindi mapagdudahan tungkol sa pera. "May isang senadora, kakaumpisa lang sinabi kaagad niya, 'Ah wala, malaking pera 'yan. Alam mo, mako-corrupt lang 'yan'. Kaya sumagot ako, sabi ko 'Hindi naman'. Let EDSA rot there. Wala akong pakialam," sabi ni Pangulong Duterte. Naghanap na lang daw ng ibang solusyon ang Pangulo para maayos ang trapiko, At ito ay ang paggawa ng karagdagang kalsada. "O ngayon, nauna ko na 'yung itaas. Wala pang EDSA pero if you -- matapos ko 'yung mga skyway, then you will be freed of the traffic problem. But 'yan ang history ng EDSA. May isang senadora na mas marunong. 'Yun nga 'yung magpakamarunong," buwelta ng Presidente. Source: Abante | PCOO +Sa isang screenshot na ibinahagi ni Davao City information officer Jefry Tupas sa kanyang Facebook account, mababasa ang panlalait ni Jboy Gonzales SJ kay Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte. Ito ay kaugnay sa isyu tungkol sa pagiging tapat ng mga naninilbihan sa gobyerno. Ayon kay Tupas, ang naturang pari daw ay taga-Ateneo de Davao Highschool. "Father JBoy Gonzales is with Ateneo de Davao Highschool. Here, he badmouths the Mayor of Davao City over the issue of honesty while saying 'hirap magturo ng values kasi...'," resbak ni Tupas. Binanatan din ni Tupas sa sarkastikong pamamaraan si Father Gonzales. "Ang linis ni father. Hindi sya hypocrite. Naiintindihan din nya ang context ng sinasabi ni Mayor Sara tungkol sa honesty -- ang talino. Kung ako may anak, kampante ako na magiging matuwid siya kung tuturuan siya ni Father Jboy. Magsimba tayo. Magdasal. Tularan natin si Father.," buwelta pa ni Tupas. Hinapyawan din ni Tupas ang pagiging tapat ni Father Gonzales sa kasarian nito. "Basta ako, bakla ako. I don't know lang ha, dahil honest na honest naman si Father Jboy, kung siya ba isang Jboy o isang Jgherl," dagdag pa ni Tupas. Ano ang masasabi niyo sa bunganga ni Father? Source: Davao City information officer Jefry Tupas +Isa na namang ambisiyosong proyekto ang nakakasa na sa ilalim ng Duterte Administration. Ayon sa ulat ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo, itatayo daw ang proyekto sa Cagayan. Tatawaging daw ito na "City Polaris". Nakaahalaga daw ito ng $4.5 billion o P237 billion. Papangasiwaan ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ang proyekto na inaasahan makukumpleto bago matapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte. Walang gagastusin daw ang gobyerno dito dahil ang mga pribadong kumpanya ang sasagot sa pondo. Base sa ulat ni Tulfo, ang ilan sa mga pasilidad sa gagawing syudad ay world-class at moderno. Magtatayo din daw ng theme park sa lugar na kagaya ng Disney Land o Unidersal Studios. "Mayroong mga condominiums, mayroon mga shopping malls, mayroong mga theme parks na itatayo doon. Mayroong silang private villas na itatayo at townships to provide lodging or accomodations to the increasing number of investors coming in," sabi ni CEZA Senior Deputy Administrator Usec. Raymundo Roquero. Ang itatayong bagong siyudad ay malapit sa Palui Island. Balak daw ng pamahalaan na ipalit ito sa Boracay. Nakilala ang ang lugar nang ma-feature ito sa isang programa sa Estados Unidos noong 2013. "Naging attraction tayo globally. Nalaman ng buong mundo na may paradise pala sa North Luzon na hindi pa na-discover. And we want to develop this island. In fact, 3 years ago, we were the only beach in South East Asia which was included in the top 10 in the world ," dagdag pa ni Roquero. Aayusin din daw ng gobyerno ang mga pantalan at mga paliparan para maging kumbinyente ang pagbiyahe ng mga turista. Inaasahan naman makakatulong ang bagong satellite city sa mga residente sa lugar dahil mabibigyan sila ng dagdag kita. Ang ulat na ito ni Tulfo ay kumalat ng husto. Sa katunayan, habang isinusulat itong artikulo, lumagpas na ng 28,000 ang nagbahagi ng istroya at umani na rin ng libo-libong komento mula sa mga netizens. Source: Erwin Tulfo +Nakababahala ang tila sunud-sunod na pangyayari at krimeng kinasasangkutan ng mga menor-de edad na suspek sa ating bansa nitong mga nakakaraang araw. Mga kaso ng rape, pagnanakaw, pagpatay: ilan lamang ang mga ito sa mga nakabibiglang balitang kumalat sa telebisyon, radyo, dyaryo at social media, na ang karamihan sa atin ay halos di makapaniwalang magagawa ang mga ito ng mga kabataang wala pang 18 taon ang mga edad. Ngayon, tatlong menor-de-edad na namang kalalakihan ang nahuli ng mga awtoridad sa isang anti-criminality operation sa Tondo, Maynila, mula sa ulat ng GMA News. Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan mula sa Manila Police District (MPD) Station 1 sa San Sebastian Street corner Herbosa Street sa Tondo. Ang mga nasabing suspek, nakumpiskahan ng armas at ipinagbabawal na gamot. Isang .38 kalibreng baril ang nakuha umano sa 15-anyos na lalaki habang tig-iisang sachet ng marijuana naman ang nakuha mula sa kanyang dalawang kasamahan, na pawang mga 17-anyos lamang. "We launched the intensified simultaneous anti-criminality operations because few days ago, meron tayong gang war dito kung saan 'yung suspek natin, isang 14-year old, nakapatay ng isang adult sa pamamagitan ng pagsumpak," saad ni MPD Station 1 Commander Police Lieutenant Colonel Rey Magdaluyo. Kasalukuyan nang nasa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong binatilyo, na posibleng maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act at Illegal Possession of Fire Arms kaugnay na rin ng Comelec Gun Ban. Samantala, inamin ng dalawang 17-anyos na suspek na sa kanila umano ang mga nakuhang pakete ng marijuana subalit itinanggi naman ng 15-anyos na pag-aaari niya ang baril na nakumpiska. Ano na nga ba ang nagyayari sa ilan nating mga kabataan? Tuluyan na ba nilang ibabaon sa limot ang kasabihang sila ang pag-asa ng ating bayan? Nawa, sa pamamagitan ng pagkilos ng pamahalaan, at ng pagtutulung-tulungan nating mga mamamayan, muli nating maibangon ang ating mga kabataan upang hindi sila tuluyang malugmok sa putik ng karahasan. Parusahan ang may kasalanan, at gabayan sila sa kaliwanagan. Noong Enero 2019 naging maugong ang balita tungkol sa pagpapababa sa edad ng crimial liability sa Pilipinas. Isa sa mga tutol dito ay si Senadora Risa Hontiveros. Ayon kay Hontiveros, immoral daw ang panukala. Source: GMA | ABS +"Dyan sa Senado, I could only- kasi focused tayo sa Senate eh. There are a lot of those there who should not be there". Ganito ang ilan sa mga naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagsuporta sa kanyang mga kandidiato noong nakaraang PDP-Laban Campaign rally na ginanap sa Lungsod ng Makati noong Miyerkules, mula sa ulat ng Manila Bulletin. Kasama sa mga dumalo sina re-electionist Senators Cynthia Villar, JV Ejercito, Sonny Angara, Aquilino Pimentel III, dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan at dating presidential political adviser na si Francis Tolentino. Nagpahayag ng pagkadismaya ang Pangulo sa mga umano'y nasa katungkulan sa Senado na wala raw ibang ginawa kundi mamuna at mambatikos upang magmukhang marurunong. "Ang personality, then he was supported by, walang ginawa except to criticize para lang masabi nila mas marunong sila at may alam sila," saad ng Pangulo. "There is one lady who is eternally sarcastic. Wala namang utak. Every time she talks, she does not consult a lawyer. She commits blunder all the way. Parang nagmakamarunong na aktibista na wala namang laman at walang ginawa. Iyung mga ganun, maingay," dagdag pa ni Duterte. Samantala, may mensahe rin ang Pangulo kay Senator Antonio Trillanes IV, patungkol sa umano'y pagsuko noon ni Trillanes sa mga awtoridad matapos ang ginawa nitong pag-aalsa noong ito ay rebeldeng sundalo pa. "Trillanes, kung talagang matapang ka, nagpakamatay ka doon pasigaw-sigaw. Ay nako. Tapos pumunta ka sa Peninsula, nagkain ka ng steak, nag-surrender ka. Ano'ng klaseng sundalo 'yan?,"pahayag ni Duterte. May pahapyaw din ang Pangulo kay Senator Bam Aquino, bagama't wala siyang direktang sinabi rito. "Bam Aquino, except for the namesake sa surname, anon'ng? Sige lang presscon," ani Duterte. Sa huli, muling nagpaaalala ang Pangulo ukol sa aniya'y mahusay na pagpili ng kandidatong iboboto at susuportahan sa darating na eleksiyon. "Kaya pagka nandiyan ka, huwag kang magreklamo na wala itong ginawa.. ang.. puro daldal. Eh inilagay ninyo eh. So ang politika mo, your dimension sa pagtingin mo sa bayan pati politics is you are who you elect.That's the price that you have to pay. Marami naman kasi d'yan eh, nagpapadala kayo," dagdag pa ng Pangulo. Source: MB | RTVM +Kung noon ay kalunoslunos ang kalagayan ng pangunahing paliparan sa NOrthern Samar na Catarman Airport, ngayon ay pwede ng ipagmalaki ng lalawigan ang sarili nilang paliparan sa mga turistang lumalapag dito. Ipinaayos at pinaganda ng Duterte Government sa pamamagitan ng Department of Transportation (DOTr) ang Passenger Terminal Buildng (PTB) ng paliparan at ang runway nito ay pinalawak din. Ayon sa DOTr, mas matibay daw ang bagong PTB ng airport. Ito daw ay magbibigay ng kaginhawahan sa mga biyahero na bibisita sa lalawigan ng Northern Samar. Pwede na rin daw tumanggap ng mas malalaking sasakyang pamnghimpapawid ang bagong Catarman Airport dahil sa bagong gawang runway nito. Ang Catarman Airport ay isa sa mga itnuturing na "principal airport" ng Civil Aviation of the Philippines (CAAP.) Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa ginawang pagpapaganda ng DUterte Administrastion sa paliparan ng Northern Samar. "And DZR Airport of Tacloban looks like a renovated 70's era terminal, Ormoc and Catarman is fortunate enough to get Duterte's graces. While our Airport which has 100 flights per week looks outdated. Good job! DOTR... May budget na and the appropriated budget is missing and bidding is cancelled for the nth time... Great job! Tugade!," sabi ni W. Gonzales. "wow! if i am not mistaken eto un airport na na feature sa imbestigador nuong 2007 n Katarman airport. kung eto un... astig! Good job guys," sabi ni J. Lee. "Bkit pa kasi naging presidente si duterte ayan tuloy gumaganda na ang bansa natin. Haist. Jusko kupo. Sana maraming maraming duterte pa ang umupo . Dhil hindi kaya ng isang termino. Haist!!," sabi ni S. Clemente. Source: DOTr +Kailangan magtungo ng mga opisyales ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Malacanang matapos ipatawag sila ni Pangulong Rodrigo DUterte sa palasyo kaugnay ng water crisis na nangyari sa ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lugar. Magugunitang nagkaroon ng malawakang problema sa tubig noong nakaraang linggo. Humingi naman ng paumanhin ang presidente ng Manila Water sa nangyari. Sa pagdinig sa kongreso kahapon, nagisa ng husto si MWSS Chief Regulator Patrick Ty ng mga mambabatas. Basahin ang reaksyon at komento ng ilang kababayan natin sa pagpapatawag ni Pangulong Duterte sa mga opisyales ng MWSS. "Haha sabi nga ni tatay digong wag sa panahon ko..marami naghahanap ng trabaho..madami pwede pumalit sa inyomga CHR tulungan nyo mga opisyales ng NWSS pag mumurahin ni tatay digong yan," sabi ni M. Agoncillo. "Sibakan time na. Murahin muna bago sipain sa pwesto. Hindi namin kailangan ng ganyang inutil na empleyado sa gobierno," sabi ni H. Echague. "nayari na.. di yan magtatawag na walang concrete evidence.. umayos kayo MWSS mag start na kayong magtuturo kung sino pasimuno nang fake water shortage nyo!," sabi ni E. Cipres. Source: ANC | GMA | RP +Para kay International Criminal COurt (ICC) prosecutor Fatou Bensounda, itutuloy pa rin daw ng opisina niya ang eksaminasyon sa crime against humanity nlaban sa gobyerno ng Pilipinas kahit kumalas na ang ating bansa sa ICC. "Pursuant to article 127.2 of the Statue, and based on prior ICC judicial ruling in the situation in Burundi, the Court retains its jurisdiction over crimes committed during the time in which the State was party to the Statute and may exercise this jurisdiction even after the withdrawal becomes effective," sabi ni Bensouda s sa isang pahayag. "My office's independent and impartial preliminary examination into the situation in the Philippines Continues," dagdag pa ni Bensouda. Magugunitang naging pormal ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019, isang taon matapos ipaalam ng ating bansa sa ICC ang pag-alis sa organisasyon. Sa isa naman pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipapa-deport nila ang sinumang taga-ICC na magpupunta sa Pilipinas para mag-imbestiga. "Just smile at them and tell them nicely, 'you can't do it here.' But if you persist, you will be deported," banat ni Panelo. Panoorin ang aktuwal na pahayag ni Sec. Panelo sa isyu. Source: ICC | PTV | PNA +Sapul sa video ang pagpukpok ng itlog sa ulo ng isang senador sa Australia habang ito ay nagsasalita sa press conference patungkol sa nangyaring pamamaril sa Mosque sa New Zealand. Nakunan din ng mga cameraman kung paano gumanti ang senador sa binatilyo at kung paano ito pinagtulungan ng mga taga-suporta ng senador. Si Senator William Fraser Anning ng Australia ay nagbitaw ng mga kontrobersiyal na pahayag kaugnay sa malagim na insidente sa New Zealand kung saan 50 katao ang nasawi at mayroon din mahigit 50 ang sugatan. Tila sinisisi kasi ni Anning ang immigration policy ng bansa kaya nakakapasok daw ang mga muslim fanatics sa naturang lugar. "However, while this kind of violent vigilantism can never be justified, what it highlights is the growing fear within our community, both in Australia and New Zealand, of the increasing Muslim presence... The real cause of bloodshed on New Zealand streets today is the immigration program which allowed Muslim fanatics to migrate to New Zealand in the first place," sabi ni Anning. Ang mga pahayag ni Anning tungkol sa pamamaril sa Mosque ay hindi nagustuhan ng ilang Australiyano, kabilang na dito ang Australian Prime Minister. "These comments are appalling and they're ugly and they have no place in Australia," sabi ni Australian Prime Minister Scott Morrison. Dapat din daw managot si Anning sa panununtok kay Will Connoly, ang 17-anyos na nanghampas ng itlog sa ulo ng senador, ayon kay Morrison. Panoorin ang komento ng isang banyagang netizen sa nangyaring pagbasag ng itlog sa ulo ng senador. Source: Telegraph | NYTimes | | News.com.au | ABS +Sa isang pahayag, binanatan ni Attorney Larry Gadon ang mga politiko, simbahan at human rights advocates na nanahimik ngayon sa kaso ng pagpaslang sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan na tinadtad ng saksak at tinalupan pa ang mukha. "Dapat nang ibalik ang death penalty, nakakalungkot, nakakangitngit at nakakagalit ang nangyari kay Chrsitine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City. Kapag drug addict ang namamatay ang mga ipokritong politiko ay panay ang dalaw at sigaw ng katarungan pero itong pagpatay at pagtalop ng mukha ni Christine Lee Silawan," banat ni Gadon. . Wala rin daw ginagawa ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi isisi sa Presidente ang lahat pero tikom ang bibig samga karumaldumal na mga krimen. "Wala kayong kibo puro kayo ipokrito. Puro kayo sisi kay Duterte pero ang sarili niyo hindi niyo tinitignan, ang pagka-ipokrito niyo," banat ni Gadon. Naniniwala din si Gadon sa na sayang lang ang mga buwis na ginagamit para sa pagpapakain sa mga kriminal na nakagawa ng mga karimarimarim na krimen. Ito po ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa komento ni Atty. Gadon sa Silawan case. "Maka kriminal kasi ang mga simbahan, CHR at mga dilawan. Nag iingay lng pag kriminal ang namatay. Mga buang," sabi ni M. Coja. "sa lahat ng gustong ibalik ang bitay dpat iboto nyo un senador na pabor dto para tuloy tuloy na," sabi ni J. Bayan. "Your right atty gadon.. ang mga anti Duterte ay mga malisyoso mga hipokrito at hipokrita... Ang tunay na layunin ng administrasyon pag babago.. sila ay Hindi ang layunin ay sariling bulsa .. pondo..," sabi ni W. Resuento. "Support! sa panahon kasi ngayon malaki na masyado pinagbabago ng panahon natin. Kaya hindi na na uuso ngayon ang pa santo2han at santa2han pa sa senado natin ngayon. I-dispose na sa basurahan deretso iyang mga matagal nang nag bo-bobohan parin dyan masyado na mga mambabatas dyan sa itaas di naman na iyan sila kailangan.," sabi ni T. Rodilla. Source: PTV +Pangmomolestiya sa isang janitor, pag-antala sa negosasyon ng Collective Bargaining Agreement (CBA) at hindi pagkakaloob ng tamang benepisyo sa mga empleyado ng paaralan: ito ang ilan lamang sa mga reklamong ipinupukol sa isang pari sa isang Catholic School sa Maynila, na siya rin umanong direktor ng paaralan. Sa eksklusibong ulat na inilabas sa social media page ni Erwin Tulfo, tinalakay doon kung paano lumapit ang Presidente ng Paco Catholic Church and School Labor Union na si Erandy Cator upang ihayag ang mga hinaing nila ukol kay Fr. Maxell Lowell Aranilla, Phd, School Director ng Paco Catholic School. Ayon kay Cator, naghain sila ng petisyon dahil nais umano nilang mapatalsik si Aranilla sa kasalukuyan nitong posisyon. Dagdag pa nito, sana raw ay walang iba pang estudyanteng naging biktima ng pangmomolestiya ang pari nang gaya umano nang sinapit ng isang nagrereklamong janitor. Batay sa salaysay ng janitor na itinago sa pangalang alyas "Toto", sinubukan na umano niyang magpadala ng liham kay Cardinal Tagle upang ireklamo ang ginawang pangmomolestya sa kanya ni Aranilla, taong 2015, kung saan "pinahimas" umano nito sa kanya ang maselang bahagi ng katawan nito. Daing niya, ibinigay lamang daw ni Tagle ang nasabing sulat sa mismong paring si Aranilla, at pinakiusapan siya ng kampo ni Aranilla na bawiin ang kanyang mga naunang pahayag kaya't hindi ito umusad. Gayunman,desidido na raw siya ngayong muling buksan at panindigan ang nabinbin niyang reklamo. Samantala,sa isang sulat na ginawa ng Board of Directors ng Paco Catholic School Alumni Association Inc., nanawagan din sila kay Cardinal Tagle upang maghain ng pormal na reklamo laban sa nasabing paring direktor na si Aranilla. Ibinunyag din nila ang dating kasong "Acts of Lasciviousness" laban kay Fr. Maxell sa korte sa Makati, na isinampa umano ng kanyang 14-anyos na seminaryong estudyante sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary. Bukod dito, inirereklamo rin ng ilan pang mga magulang ang kawalan umano ng aksiyon ng nasabing pari hinggil sa isyu ng pagpasok ng ilegal na droga sa nabangit na paaralan. Kamakailan lamang daw kasi ay ilang estudyante na ang nahulihan ng marijuana sa loob mismo ng kanilang eskuwelahan. Dagdag pa ni Cator, sinubukan nilang kausapin nang personal si Tagle upang iparating ang kanilang mga hinaing subalit sa loob ng tatlong taon ay wala rin umanong nangyari. Ito umano ang nagtulak sa kanila upang lumapit na sa media. Source: Erwin Tulfo +Ipinakita na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga miyembro ng media ang CCTV footage kung saan makikita si Christine Lee Silawan at ang kanyang dating nobyo at suspek na nalalakad. Ito ang cctv kung saan makikita na buhay pa ang biktima. Posible umanong pinatay si Silawan noong Marso 10, mga ala-6 hanggang ala-7 ng gabi. Nito lamang nagdaang linggo ay bumungad sa bayan natin ang balita tungkol sa pagkakapaslang kay Silawan, isang 16-anyos na grade 9 student. Tinadtad ito ng 30 saksak, binalatan ang mukha at nawawala pa ang ilang lamang loob nito. Selos ang tinitignang motibo ng otoridad sa kaso ng pamamaslang kay Silawan. Ayon sa Cebu Daily News, makikita daw sa cctv footage nanag-aaway pa raw ang biktima at suspek sa Pajac Street. Ang nobyo ng biktima ay 17-anyos. Naniniwala naman si NBI-7 Cybercrime Division Francis Senorana may matibay silang kaso laban sa suspek. Dahil menor de edad pa lang ang suspek ay ilalagay muna ito sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Bago nahuli ang binatilyong suspek sa pagpaslang kay Silawan, itinuring ng otoridad na person of interest si Jonas Bueno. Ayon sa ilang ulat, sangkot si Bueno sa pagpaslang sa isang magsasaka at ang paraan ng pagpaslang sa magsasaka ay halos parehas sa sinapit ni Silawan. Panoorin ang kaugnay na ulat mula sa GMA News. Source: CDN | GMA | DXBN +Mukhang hindi lang sa pangingikil rumaraket ang mga miyembro ng New People's Army (NPA). Kahapon ay isinagawa ang operasyon laban sa NPA sa may Barangay Nalus, Kiamba, Sarangani Province. Sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng Police Regional Office (PRO) 12 at Armed Forces of the Philippines (AFP), natunton ang taniman ng marijuana. Nagsimula ang operasyon ng 6 ng umaga at nagtagal ito ng 13 oras. Nagkaroon pa raw ng 15-minutong barilan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng mga NPA. Nakatakas daw sa engkwentro ang hindi pa alam na bilang ng mga rebelde na pinamumunuan umano ni Kumander Gorio. Wala naman daw na naiulat na nasaktan o nasugatan sa panig ng pwersa ng gobyerno. Narekober sa lugar ng engkwentro ang 1 .30 caliber carbine rifle, 1 bandolier na may walong magazines, apat na lalagyan ng bigas at kagamitan sa pagluluto, bandila ng NPA, mga dokumento ng NPA at dalawang caliber .38 na pistola. Habang tinutugis ang mga nagsitakasan ng tauhan ng NPA ay natuklasan ng pwersa ng pamahalaan ang taniman ng marijuana ng NPA sa lugar. Ayon sa lumalabas sa ulat, nakuha umano ng NPA ang karamihan sa mga tanim na marijuana at naiwan ang ilang tuyong tangkay at binhi ng nasabing halaman. Dinala na sa Kiamba ang mga narekober na ebidensiya laban sa NPA. Ang mga NPA ay kilala sa pangingikil na tintawag nilang 'revolutionary taxes'. Mayroong ilang ulat na nagsasabi na sinusunog o sinisira ng NPA ang mga gamit ng kumpanya na hindi nagbibigay ng pera sa mga rebeldeng komunista. Source: Radyo Pilipinas +Nahulog sa kamay ng kapulisan ang dalawang durugista mula sa mga sikat na Cahtolic School sa ating bansa nitong Lunes. Nakumpiska mula sa mga estudyante ng De La Salle University (DLSU) at College of St. Benilde (CSB) ang mga hinhinalang party drugs at shabu na may halagang P1.5 million. Ayon sa ulat ng Inquirer, nahuli ang mga durugistang estudyante dahil sa sumbong ng GrabExpress driver sa Police Community Precinct 3 na inumpahan ng mga estudyente para magdala ng mga kontrabado. Base sa testimonya ng driver, ang mga droga ay kaniyang kinuha mula kay Ryoichi Temporosa Suzuki at dadalhin dapat sa Bonifacio Global City sa Taguig. Si Suzuki ay 24-anyos na Japanese-Filipino Student mula sa CSB. Na-aresto si Suzuki sa kanyang tahanan sa isang condominium unit sa Makati at doon ay tumambad sa otoridad ang mas marami pang stocks ng shabu at party drugs. Habang ini-imbertaryo ng kapulisan ang mga drogang nakumpiska sa bahay ni Suzuki, biglang nag-text ang supplier nito para sabihin na mayroon pang ipapadalang droga sa kanya. Dito na nagkasa ng entrapment operationa ng mga kapulisan para ma-aresto si Ralph Jeffrey Tulio Esteban, 23-anyos at estudyente naman ng DLSU. Mahaharap ang mga erstudyenteng durugista sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Source: INQ +Sa pinakahuling kaganapan sa kaso ng karumaldumal na pamamaslang sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkaka-aresto sa bagong suspek. Ayon kay NBI 7 Director Attorney Tomas Enrile, ang suspek ay isang menor de edad at dating karelasyon ni Silawan. Naaresto ang suspek sa Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu City. Base sa ulat ng Sunstar Cebu, inamin ng dating karelasyon ng biktima na isa sa mga rason kung bakit niya pinaslang ang dalaga ay dahil nagseselos siya. Binunyag na rin ng suspek ang mga kakuntsaba niya sa krimen at magsasagawa na ng follow-up operation ang otoridad. Ang bagong impormasyon tungkol sa Silawan case ay tila kontra sa mga naunang ulat. Magugunitang lumabas sa ilang ulat ng mainstream media ang larawan ni Jonas Bueno na sinasabing primary suspect sa pagpaslang kay Silawan. Si Bueno ay may kinahaharap na kaso ng pagpatay sa isang magsasasaka. Ang paraan ng pagkakapaslang sa magsasaka ay nakitaan ng pagkakaparehas sa nangyari sa bangkay ng grade 9 student. Noong nakaraang linggo, tumabad sa publiko ang balita ng kalunos-lunos na sinapit ni Silawan. Ang dilag ay nagtamo ng mahigit 30 na saksak, binalatan ang mukha at ang ilang bahagi ng laman loob ay nawawala. Si Silawan ay isang volunteer sa simbahan malapit sa kanila at nasisilbing kolektor dito. Dahil sa kaawa-awang nangyari sa biktima, may ilang kababayan tayo na gustong ibalik ang parusang bitay. Kinontra naman ito ng ilang senatorial candidates ng Otso Diretso habang ang ilang kandidato ng administrasyon ay pumabor sa panawagan. Source: Sunstar | CDN | DYHP RMN CEBU | ABS +Para kay Vice President Leni Robredo, kailangan na raw gumawa ng batas para ma-regulate ang mga posts sa social media. Ang paggamit daw kasi ng mga social media platforms ay naaabuso na raw. "Kailangan talaga iyong Kongreso magpasa ng mga batas na kahit paano may control saka regualtion iyong mga post sa social media. Kasi kung anybody can post anonymously, ang daming nabibiktimang hindi naman dine-deserve na siraan. Iyon nga, sana iyong accountability na ine-expect from traditional edia, dapat ganoon din sa social media," sabi ni Leni. Ang panukala ni Robredo ay agad binutata ng pro-government blogger na si MJ Quiambao Reyes. Ayon kay Reyes, kung magkakaroon ng regulations sa social media, dapat mas malaki ang parusa sa mga public officials katulad ni Robredo na ilang beses na rin naglabas ng mga maling impormasyon. "Ayos yan! But please ensure that such law also applies to mainstream media and politicians (including yourself). More so, the sanctions on fake news peddled by the mainstream & politicians (i.e. EJK bloated figures or that distorted palit-ulo scheme as presented by you) must be 1000x heavier!" resbak ni Reyes. Ito po ang video ni Leni noong 2017 na tinutukoy ni Reyes kung saan nagbigay si Leni ng ibang interpretasyon tungkol sa palit-ulo scheme na ginagawa ng ating kapulisan. Ang mga maling interpretasyon ni Robredo tungkol sa palit-ulo scheme ay agad inalmahan ni dating Philippine National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa noong panahong iyon.. Isa pa sa mga maling impormasyon na ikinalat ni Robredo ay tungkol sa Ilocos Norte na kabilang daw sa mga pinaka-mahirap na lalawigan sa bansa. Ang mga pinagsasabi ni Leni ay agad binutata ni Governor Imee Marcos. Source: News5 | GMA | Reyes +"Modernizing Agriculture!" Ganito ang mga salitang ginamit ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol nang ibahagi niya ang isang artikuo tungkol sa makabagong gamit pang-agrikultura. Masayang nasaksihan ng mga kababayan nating magsasaka sa San Guillermo, San Nicolas Ilocos Norte ang unang paglipad ng isang "autopilot drone sprayer" nitong nakaraang Huwebes, mula sa ulat ng Philippine News Agency. Ang nasabing mekanismo ay may kakayahang makapagsaboy ng pataba sa lupa, herbicide, insecticides, seeds at aqua feeds, nang higit na mabilis kaysa sa tradisyonal na pamamaraan. Tumagal nang higit dalawang minuto ang nasabing drone demonstration sa sakahan. Ang nabanggit na drone ay may kapasidad umanong magkarga ng 10 liters per load, at kayang mag-spray ng field crops na aabot sa 5000 square meters o kalahating ektarya ng lupain kada sampung minuto. Pinalilipad ang drone na ito ng isang lisensyadong pilot sa kaliwanagan ng umaga maging sa gabi. Ayon kay Roger Barroga, Manager ng FutureRice farm program, at siya ring head ng Information System Division of the Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa Nueva Ecija, maituturing na isa na namang "milestone achievement" sa agrikulturang sektor ng bansa ang naturang drone sprayer, na malaki umano ang maitutulong upang mapagaan ang buhay at trabaho ng ating mga lokal na magsasaka. Ipinaliwanag ni Barroga na kung ihahambing umano sa manu-manong spray operation, ang paggamit ng drone technology na ito sa pagsasaka ay isang epektibong paraan upang mabawasan ang gastos sa produksiyon ng mga magsasaka. Sa unang resulta kasi ng eksperimentong ginamitan ng drone tecnhology, napag-alamang higit na mababa ang volume ng pesticides na magagamit sa mga pananim. Mula sa 160 liters na pesticide kada hektarya sa pamamagitan ng tradisyonal na paggamit ng knapsacks, napababa ito nang 16 liters lamang. Dagdag pa ni Barroga, kung dati ay isang buong araw ang itinatagal ng manual spraying, sa pesticide spraying-drone technology ay aabot lamang ito ng 16 hanggang 20 minuta kada ektarya ng lupa. "Using autopilot drones can determine if the plant has the right nutrients, if it has enough fertilizer or its growth is stunted. And this could be done over a wide scale," ani Barroga. Sa kasalukuyan ay maaaring rentahan ang nasabing drone-spraying technology sa pamamagitan ng service providers na tinatayang P850 kada ektarya ng lupa. Panoorin kung paano gumagana ang mga agricultural drone sprayer sa kaugnay na video. Source: PNA | Sec. Pinol +Sa isang panayam sa ABC-CBN News kay Otso Diretso / Opposition Senatorial Candidate Samira Gutoc, natanong ni Karen Davila kung pabor ba ang senatorial aspirant na maparusahan ng kamatayan ang suspek sa pagpaslang sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan. Sagot ni Gutoc, hindi niya raw isusulong ang kamatayan ng kriminal, mas gugustuhin niya daw na makulong ang suspek. "Alam niyo Ma'm Karen, I come from a culture na pinapatay agad ang tao. It's not even reported. It's not gonna be told. It's an internal regulation. But I won't advocate for that," sabi ni Gutoc. Si Silawan ay isang 16-anyos na dalaga na taga Cebu. Natagpuan ito na wala ng buhay sa isang bakanteng lupain noong Marso 11, tadtad ng saksak at binalatan pa ang mukha. Nasa kustudiya na ngayon ng otoridad ang 17-anyos na dating nobyo ng biktima na itinuturi rin suspek sa karumaldumal na krimen. Habang ang ilang kandidato ng administrasyon sa pagka-senador ay pabor sa parusang kamatayan para sa suspek, ang mga taga-oposisyon naman ay naninindigan na dapat ipataw ang death penalty. Hindi rin pabor si Gutoc na maparusahan ng bitay ang mga terorista. Basahin an reaksyon ng ilang kababayan natin sa sagot ni Gutoc patungkol sa Silawan case. "Hoy madam gutoc..never ka makatikim s akin ng boto sampo ng pamilya ko at mga kaibigan.alam mo kung bakit? Ang dali niyong sabihin na rot in jail lang.alam mo anong ginagawa ng pumatay s kanya binalatan.sa pamilya mo kaya mngyari yan..death penalty s mga criminal n walang awang pumaslang at mang rape na mga inosenteng biktima.bakit binigyan b nila ng chance ang biktima na buhayin.wow huh gigil na gigil ako sayo ahhhhhh," sabi ni R. Oberez. "Huy grabe kayo mambash kay gutoc, wala naman syang ginagawang tama.," sabi ni O. Cirpo. "Rot in jail, tapos yung family ng mga biktima nagbabayad ng buwis para makakain yung mga criminal sa kulungan. Asan ang hustisya?," sabi ni L. Elmido. Source: ABC | FB +Alam kaya ni Opposition Senatorial Candidate Mar Roxas na tila napagti-tripan siya ng mga nagpapa-picture sa kanya? Sa social media post ng pro-government blogger at radio host na si RJ Nieto a.k.a Thinking Pinoy, makikita ang isang lalaking kaakbay ni Roxas na nagha-hand signal. Ang hand sign na ito ay mula sa sikat na video clip ni Roxas kung saan nata-trapik ito habang umuulan. Ang traffic signal ni Roxas ay nagbunga ng sari-saring memes at kaaliwan. Isa sa mga personalidad na ginagawang katatawanan ang traffic signal ni Roxas ay ang kapwa niya senatorial aspirant na si Attorney Larry Gadon. Ang post ni Thinking Pinoy ay naibahagi na ng lagpas 4,000 beses habang ginagawa ang artikulong ito. Umani na rin ito ng libong reaksyon mula sa mga netizens. Hindi lang sa isang pagkakataon napagtripan ng kababayan natin ang hand signal ni Roxas. Sa isa pang larawan o "groupie" kung tawagin, makikita ang isang lalaking ginagaya si Roxas. Maging sa isang report ng mainstream media, may makikita sa background ni Roxas na nagha-hand signal.. Source: TP|Atty Larry Gadon +Ibinida ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol ang gulong na pagmamay-ari ng mga ruber farmer sa kanyang Facebook page. Ayon sa kalihim, mas mura ito kumpara sa mga imported na gulong sa merkado. Ang mga naturang gulong ay ilulunsad sa mga pamilihan sa susunod na buwan. Ang pangalan ng brand ng gulong na ito ay "Pilipinas Agila Tires". "Pilipinas Agila Tires, the first farmer-owned motorcycle tire brand using locally harvested rubber cup lumps, will be in the market next month at prices lower than imported tires," ani Pinol. Inaasahan naman ng Department of Agriculture na magkakaroon ng sariling planta ang mga rubber farmers bago magtapos ang termino ng Presidente sa 2022. "The DA projects that before the end of the term of President Duterte in 2022, the country's rubber farmers will have their own tire manufacturing plant in Mindanao," ani Pinol. Ayon kay Pinol, suportado ng Presidente ang naturang proyekto. "We thank President Duterte for his support and we promise him, we will handle this project well and we will move forward and liberate ourselves from the bondage of middlemen and traders who buy our produce at very low prices and sell us expensive tires," dagdag pa ni Pinol. Source: Sec. Pinol +Kagabi nagkipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyales ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Maynilad at Manila Water kaugnay sa nangyaring water shortage nito lang nakaraang linggo. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinagbantaan ni Presidente Duterte ang mga opisyales ng MWSS ng pagsisisante at pagkansela naman sa mga kontrata ng mga water concessionaires. Pinagsusumite ng Pangulo ng ulat ang mga taga-MWSS bago mag Abril 7 atsaka siya magdedesisyun kung sino ang mananagot. "The meeting which was more of a presidential monologue lasting for about forty minutes abruptly ended by the President ordering the officials to submit a report on the water shortage before April 7, after which he will decide whether heads will roll or whether the contracts of the concessionaires will be terminated," ayon kay Panelo. Banat din daw ng Pangulo, nangyari umano ang kiris sa tubig dahil sa kapabayaan ng mga ito at mas iniisip lang kung paano pagkaperahan ang mga tao. "The Chief Executive told them he was not going to listen to their explanation as to why there was a water shortage as such would be just plain excuses. They simply did not do their job. 'All they care about is get profit from the water of the people' and to their sufferance as well. The President told them they could have simply anticipated such shortage and could have done something about it. They had to wait for him to threaten them with personally rushing to Manila from Davao to grapple with the crisis before they moved to end it. The Chief Executive bluntly told them to 'shape up or ship out!'," ani Panelo. Ilan sa mga dumalo sa pulong ay sina MWSS Chairman Franklin Demonteverde and Administrator Reynaldo Velasco. Source: GMA News | Office of the Presidential Spokesperson +Hanggang sa kasalukuyan ay palaisipan pa rin sa nakararami kung paano naisakatuparan ng suspek na menor de edad sa biktimang si Christine Silawan mula sa Lapu-Lapu City ang krimeng ikinasawi ng biktima, kung saan natagpuan si Silawan na walang buhay, tadtad ng saksak, binalatan ang mukha at nawawala ang ilang internal organs. Brutal ang pagkakapaslang sa biktima na nag-iwan ng malaking tanong sa lahat: ano'ng klaseng tao ang kayang gumawa ng ganitong uri ng karahasan? Sa pinakabagong balita mula sa ulat ng GMA News, batay umano sa naging imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ay ang dating nobyo ni Silawan ang siyang mismong salarin, kasama ang dalawa pang suspek na kasabwat nito. Umamin na umano ang 17-taong gulang na suspek na hindi pinangalanan dahil menor de edad, sa nagawa niyang krimen. Ang itinuturong dahilan: labis na selos. Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development office sa Cebu ang naturang suspek. Batay sa ulat ng "24 Oras", mula sa pagsisiyasat ng NBI ay napag-alaman umanong gumamit ng pekeng Facebook account ang dating nobyo ni Silawan upang linlangin ang biktima, at nagpanggap umano itong "bagong manliligaw". Nakatakda umano sanang magkita sina Silawan at ang kanyang bagong "suitor" noong Marso 10, ika-6 ng gabi. Ayon sa CCTV footage na hawak ng mga awtoridad, makikita umano na naghintay ang biktima malapit sa simbahan kung saan siya nagsisilbi bilang kolektor. Sa halip daw na ang kanyang bagong manliligaw ang magpakita, ang kanyang dating nobyo ang sumulpot sa nabanggit na lugar. May ilang bahagi umano sa kuha ng CCTV kung saan kapansin-pansin ang tila pagtatalo sa pagitan ni Silawan at ng dati nitong nobyo. Saad ni NBI Region 7 Director Tomas Enrile, maaaring nagulat si Silawan dahil hindi ang dating nobyo ang inaasahan niyang darating sa nabanggit na tagpuan dahil hindi umano ito ang kausap nito sa social media messenger Inaalam pa ng pulisya kung paano nakumbinsi ng suspek si Silawan na sumama sa kanya noong araw na iyon. Nawa, sa paglipas ng mga araw ay mabigyang-linaw na ang totoong pangyayari sa likod ng karumal-dumal na krimen na ito at mapanagot ang mga tunay na may sala, upang makamit na ng pamilya ng biktima ang isinisigaw nilang hustisya sa sinapit ng dalagita. Source: GMA News | GMA News +Taliwas sa pahayag ng Secretary General ng human rights group na Karapatan na wala umano silang kaugnayan sa CPP-NPA, kahun-kahung ebidensiya naman ang ipinrisinta ni Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations o J7 Brig.Gen. Antonio Parlade Jr. upang patunayang totoo ang kanilang sinasabi. Mula sa ulat ng UNTV, ipinakita ni Parlade ang mga dokumentong nilagdaan umano mismo ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison, kaugnay ng 5th International Assembly na ginanap sa Hongkong, kung saan kasamang dumalo ang Karapatan Ayon pa kay Parlade, hindi gawain ng Gobyerno ang mag-"fabricate" ng report, bagkus ang mga nabanggit na grupo umano ang gumagawa nito "And by the way, hindi si AFP, hindi ako, hindi ang Gobyerno ang nag- red tag sa kanila. Tingnan niyo 'yung website ng Philippine Revolution Web Central. Tingnan niyo 'yung website ng ILPS. Tingnan niyo rin 'yug website ng NDF International. Lahat 'yan. Makikita niyo dun itong mga pangalan ng Karapatan, ng Ibon. Nandyan 'yung ACT, 'yung Gabriella, itong mga Makabayan blocs, nandyan lahat. At signed mismo ni Jose Maria Sison," ani Parlade. Samantala, ilang video at larawan din ang inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kung saan makikita ang mga armadong kabataang estudyante ng salugpungan schools na pinatatakbo ng non-government organizations. Ilang aklat din ang ipinakita ni Parlade, na umano'y iniimprinta ng Ibon Foundations para sa Salugpungan Community Learning Centers. Naglalaman umano ang mga librong ito ng radical informations, kung saan isa sa mga miyembro ng Editorial Board ay asawa ng sekretarya ng Southern Mindanao Regional Commitee ng New People's Army (NPA). Pagkagalit at paglaban sa Gobyerno umano ang itinuturo ng mga nasabing aklat. "Natatakot sila na 'yung kanilang funding, maaaring matapos na. We found out na meron palang isa sa UN Declaration, Resolution 47,133. Ito 'yung tinatawag nilang Declaration on the Protection from Enforced Disapperances. Malinaw po doon sa Article 8, Paragraph 2 nitong Declaration na ito, ang isang kriminal o isang activist ay hindi puwedeng ibalik sa isang bansa kung saan siya nanggaling if there is danger of persecution," saad ni Parlade. Ayon pa sa Deputy Chief, ang mga nakalap nilang ebidensiya ay ilan lamang sa kanilang ipiprisinta sa European Union upang ipatigil ang higit sa isang bilyong pisong suportang pinansiyal na ipinagkakaloob sa mga nasabing organisasyon. Nais din umanong palabasin ng Karapatan na magulo at maraming paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas, upang hindi rin umano mapauwi si Joma Sison sa Pilipinas. Isang debate sa National Television ang hamon ni Parlade sa Karapatan upang malaman ng publiko kung sino ang nagpapahayag ng totoo. Samantala, mariin pa ring pinabulaanan ng grupong Karapatan ang mga paratang na ito laban sa kanila at sinabing dapat na umanong itigil ni Parlade ang pag-uugnay nito sa kanila sa NPA. Sa isang pahayag ni Karapatan Deputy Secretary General Roneo Clamor, ay ganito ang mababasa: "B' Gen. Parlade should cease from making public statements against Karapatan especially linking us to the CPP-NPA as a front organization without an iota of evidence. Para siyang aso na kahol nang kahol at wala namang dating ang kagat ng mga sinasabi niya". Panoorin ang kaugnay na ulat mula sa PTV. Source: UNTV | PTV +Nitong Marso 17, 2019 ay naging opisyal na ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court o (ICC). Magugunitang naghain ng communication ang ilang personalidad sa ICC para pa-imbestigahan ang mga namatay dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga. Noong nakaraang taon, inanunsyo ng ICC na magkakaroon ito ng prelimanary examination sa communication na hinahain ng ilang grupo laban sa kasalukuyang pamahalaan. Dahil sa ginawa ng ICC, nag desisyon ang Duterte Administration na kumalas na sa ICC. Matapos ang isang taon nang kumalas ang Pilipinas sa ICC ay naging pormal na ito. Pero sa kabila nito ay ipinipilit pa rin ng ilang miyembro ng oposisyon na dapat mapanagot si Pangulong Duterte sa ilalim ng ICC. "I'm sorry, Mr. President, but you cannot evade calls for justicce and accountability with a simple goodbye to the ICC. If President Duterte is half the 'fearless leader' he tries to portrat himself to be, he should submit himself to the ICC's processes and face the complaint filed against him," boladas ni Senadora Risa Hontiveros. Ayon naman sa nakakulong na si Senadora leila De Lima, natatakot daw ang Pangulo sa ICC. "Instead of facing the music, Duterte is running scared. Behind the delusional bravado of a tyrant is a man who hides ehind the legal acrobatics of his men," sabi ni De Lima. Naniniwala naman si Otso Diretso Senatorial Candidate at Magdalo Congressman Gary Alejano na magpapatuloy pa rin ang imberstigasyon ng ICC. "The ICC continues to maintain jurisdiction to investigate complaints for extra-judicial killings that were committed before the effectivity of the withdrawal. I daresay the enablers of extra-judicial killings in this country will pay the price in full," banat ni Alejano. Nanindigan naman ang Palasyo na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at hindi daw makikipagtulungan ang gobyerno sa ICC kung itutuloy nito ang imbestigasyon laban kay Pangulong Duterte. "They don't have jurisdiction. They cannot do anything against us... Wala ngang jurisdiction, bakit ka naman mag-cooperate kung walang jurisdiction? We're not bound by the rules," sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Source: News5 | Sunstar | CNN Philippines +Para kay Vice President Leni RObredo, kailangan daw magpalawanag ang gobyerno sa publik patungkol sa angyari water shortage nitong mga nagdaang araw sa ilang parte ng kamaynilaan at sa Rizal. "Iyong tanong nga, ano ba talaga? Ano ba talaga 'yung kwento? Gusto sana nating marining sa pamahalaan bakit ba tayo umabot sa ganito," boladas ni Robredo sa kanyang programa sa Radyo na may pamagat na "BISErbisyong Leni" Ayon kay Leni, naapektuhan din daw siya pati ang kanyang kapamilya. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa pinagsasabi ni Leni. "Hindi ka ba parti nang gobyerno bruha ka? Pagkaka alam ko VP ka pa naman kahit fake ang pagka panalo mo. Tas ngayon tinatanong mo? Anong silbi nang posisyon mo pokpok ka. Tumulong ka VP. Mag trabaho ka at wag puro pa interview," sabi ni I. Batestil "Di ba to taga pamahalaan bat di nya alam ang mga nangyayari at sya ang magkwento sa taong bayan. T-NGA LANG??????? Inamin mo na ba na di ka talaga VP right? B-BA!!!," sabi ni G. Reyes. "Putcha naman VP ka so ano ka hindi ka ba kasali sa pamahalaan taga ibang planeta ka ba? Namumukod tanging pekeng VP na walang ginawa kundi kontrahin ang pamahalaan kung saan kabilang sya," sabi ni E. Jay. Source: MB | MB FB | DZXL +Ikinagalit ng husto ng Pangulong Rodrigo Duterte ang sinapit ng dalagitang si Christine Lee Silawan na walang awang pinaslang at binalatan pa ang mukha. Ayon pa sa ilang ulat, nawawala pa umano ang mga laman loob ng biktima. Sa kanyang talumpati sa event ng PDP-Laban sa isabela, iginiit ng Presidente na ang punot-dulo ng karumaldumal na sinapit ni Silawan ay dahil sa bawal na gamot. "Kahapon may pinatay ang mga pu-- ina, binalatan ang mukha. Tapos 'yung iba nag-rape ng 4-months old," banat ng Pangulo. Si Silawan ay grade 9 na student na nagsisilbi rin bilang kolektor sa isang simbahan malapit sa lugar nila. Ipinag-utos naman ng Pangulo sa mga otoridad na lalong paigtingin ang paglaban sa bawal na gamot. Naglabas din ng sama ng loob ang mga ka-alyado ng Pangulo sa nangyari sa dalaga. Tulad nila Ex-PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa at ni Senator JV Ejercito. Sa kaugnay na balita, pumalo naman na sa P2 million ang pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon para mahuli ang mga suspek. Inilabas naman ng kapulisan ang litrato ng primary suspect sa krimen. Kinilala ang suspek na si Jonas Bueno, residente uman ng Cebu. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa balitang ito. "Mga kabayan ang big solusyon dito mag rally ang buong filipinas sa chr at human rights kung wala silang silbi lumayas nalang sila...," sabi ni M. Avey. "Bkt kc ndi nlng pagbotohan ng buong pilipino yang death penalty na yan idaan nlng sa halalan isama na sa balota tutal mageeleksyon nmn dapat isama n yan s pagbobotohan pwde nmn cguro un taumbayan na magdidisisyon ng batas n yan jan ntn mlalaman kung ano masmatimbang kesa umasa tau sa mga senador o kung cno pang nagfefeeling santo jan ng matapos n yang putang inang mga dimonyo na yan.. Bkt kz kylangan pa nting sumunod sa mga pulpul na hustisya na yan baka umabot na sa libo2ng babae ang magahasa bago mapatupad yang death penalty na yan.. Dpat idaan nlng sa halalalan yang pagsasabatas nyan ng maumpisahan na ang pagpatay sa mga dimonyong mga yan.. Tang ina nyo mga otso diretso kau wla kaung silbi sa mundo sarili nyo lng iniisip nyo mga bobo..," sabi ni J. Nama. " Ibalik ang DEATH PENALTY! Wag kayong paepal kong wala naman lng din kayong maitulong otso diretso pdong imperno, chr...kung ang mga adik napatay grabeeh mag tanggol tong mga bobo nato ehh ngayon sa sinapit ni CHRISTINE SILAWAN anong say noh? Inhumane inhumane pa kayo mga criminal yan di yan tao," sabi ni B. Delima. Source: PTV | Philstar +Inilantad na sa publiko ng Philippine National Police (PNP) ang larawan ng primary suspect sa karumal-dumal na pagpatay kay Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City. Si Silawan ay isang grade 9 student at nagsisilbi sa isang simbahan. Nailathala ang larawan ng salarin sa social media page ng Philster. Kinilala ang suspek na si Jonas Bueno, residente ng Cebu. Isa ito sa 3 suspek na tinutugis ng kapulisan. Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, Umabot na sa P2 million ang pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga suspek sa pagpaslang kay Silawan. Nananalangin naman ang mga kapamilya ni Christine na sana ay madakip na ang mga salarin na pumutol sa buhay ng kanilang kaanak.. "She was a very good daughter. I couldn't understand why someone had to do something bad to her. She was very kind, a silent type. She was my buddy, she was very obedient. She would do everything I tell her to do without complaining... It keeps flashing in my mind. All I'm asking is justice. I am really hoping that the culprits will be captured right away. My daughter didn't deserve what happened to her," Source: Philstar| CDN +Sa isang press conference ng mga kandidato ng Otso Diretso, nanindigan sila na hindi dapat ibalik ang parusang bitay. Ayon kay Human Rights lawter Chel Diokno, ang kaso ng pagpatay kay Christine Lee Silawan ay hindi magandang rason para ipanumbalik ang parusang bitay. "I do not believe that this is a good reason to restore the death penalty," ayon kay Diokno. Para naman kay dating solicitor general Florin Hilbay, ang panawagan daw ng publiko para sa ibalik ang bitay ay isang emosyonal na reaksyon ng mga tao. "Ang nakakatakot lang minasn ay nagagamit ang emosyonal na response ng mamamayan sa isang karumal-dumal na nangyari para magkaroon ng emotional policy response which is 'yung pumatay," pahay ni Hilbay. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng n mga kababayan natin sa mga pinagsasabi ng mga kandidato ng Otso Diretso.. "You've just placed the last nail in your ambtion to become a senator!!!' You and your teammates will never win !!!!!!!," sabi ni D. Silao. "Ayusin muh sarili muh. Padala muh anak dito sa Cebu, okay lang naman ma rape, ma saksak 20x, balatan ang mukha pisuta ka. Kung anu-ano pa palusot muh para sa kapakanan nang Kriminal at adik sa ngalan nang Kriminal Human Rights," sabi ni N. Mangapis. "kung ayaw nyo diwag basta ang gusto ng taong bayan ang masunod at ndi ang gusto ng politikong polpol abg kailangan.namin death penalty kabayaran sa buhay na sinira ng mga salit sa bawat biktima at igun ang tama para makamit ang patas na hustisya ndi patas kung nakakulong ang mga animal," sabi ni E. Oyao. . "Ayusin ang justice system pero wla dn naman cyang nairekomendang sulosyon kung pnu ayusin....tulig dn tlaga tng mga otso diretso," sabi ni R. Burne. Source: News5 +Sa isang panayam sa CNN Philippines kay opposition senatorible at Otso Diretso candidate Samira Gutoc, sinabi nito na tutol siya na ibalik ang parusang kamatayan. Ito ay matapos ungkatin ng host ang kaso ng Grade 9 student na pinatay at binalatan pa ang mukha. Para kay Gutoc ang dapat daw ay lutasin ang pinaka-ugat ng problema. Kinuwestiyon niya kung nasaan ang mga pulis at iyon daw ang isyu. "Ang problema natin diyan bakit nangyari, the roots of ciminality. Bakit hindi siya naproteksyunan? Where were the police patrolling at night? That is the issue," banat ni Gutoc. Ipinaliwanag din ni Gutoc kung bakit ayaw niya sa parusang bitay. "The constitution says no inhumane, excessive punishment shall be done," dagdag pa ni Gutoc. Kabaligtaran naman ang naging tugon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa kaso ng pagpatay kay Silawan. "Ilang [biktima] pa ba ang hihintayin natin upang magising na tayong lahat na kailangan na natin ng parusang kamatayan para sa mga demonyong kriminal na gumagawa ng mga karumal-dumal na krimen," sabi ng VACC. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa naging pahayag ni Gutoc kaugnay sa sinapit ni Silawan. "napaka obob ng ga put- inang dilaw na to.. hinahanap mo yung mga pulis during that night bakit alam ba nilang dun maitatapon yun? at isa pa kung ikaw ang may gawa nun itatapon mo ba sa alam mong may police? putang ina mo ka..," sabi ni E. Samo. "hahaha.. but coming from a maranao where clan wars are rampant.. i would say that all of this are lip service," sabi ni E. Ambor. "Wear the shoes of the victims parents, then speak up, putak ng putak kasi, napaka insensitive..," sabi n M. Huertas. "Isinisi na naman sa pulis. Mind you all that crime prevention is an all complete efforts of police and the community. Hindi puro pulis lang," sabi ni C. Ariquez. Source: CNN | FB +Nitong nagdaang mga araw bumulagta sa publiko ang walang-awang pagpatay sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan. Hindi lang kasi nakuntento ang mga pusakal na kriminal sa pagpatay, binalatan pa ang mukha ng dalagita. Sa pinakahuling impormasyon na natukalasan ng mga eksperto na nag-iimbistiga sa kaso ni Silawan, nagpag-alaman na may mga nawawalang laman loob sa bangay ng biktima. Ayon kay Superintendent Benjamin Lara, MD, director of the Philippine National Police Crime Laboratory in Central Visayas, hindi na matagpuan sa katawan ng biktima ang dila nito. Pati ang lalamunan at tracha ay nawawala din. Ilang parte din daw ng leeg ay wala na. Lumabs din sa ilang ulat na hindi umano nahalay ang dalaga. Si Silawan ay nagsisilbing volunteer church collector sa isang simbahan malapit sa kanila. Base sa pahayag ng ina ng biktima, nagpaalam lang daw ang kanyang anak na pupunta sa simabahan. Hindi alam ng ina ni Silawan na ito na pala ang huling pagkakataon na makikita niya ang kanyang anak. Natagpuan ang wala ng buhay na katawan ni SIlawan sa isang malawak na lote. Tanggal ang damit nito pang-ibaba at tanggal din ang balat sa mukha. Ayon sa testigong nakausap ng kapulisan, may 3 lalaki daw na nakitang kasama ni Christine noong huling namataan ang dalaga. Posible din daw na durugista ang mga ito. Ang nakakgimbal na pagpaslang kay Christine ay kinundina ng mga kababayan natin. May mga humihiling na na ibalik na ang parusang kamatayan sa mga kahindik-hindik na krimen. Source: CDN | CDN +Nitong umpisa ng linggo ay tumabad sa publiko ang balita ng nakakapanlumong sinapit ng 16-anyos na si Christine Lee Silawan. Natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng dalagita na wala ng saplot pang-ibaba at binalatan pa ang mukha sa Lapu-Lapu City sa Cebu. Posibleng ginahasa pa raw ang biktima, ayon sa kapulisan. Mariin daw kinukundena ng makakaliwang grupong Gabriela Women Party ang nangyaring karumal-dumal na pamamaslang kay Siwalan pero nangangamba ang grupo na baka nagagamit na daw ang kaso ni Silawan para isulong ang pagpapatupad ng parusang kamataya.. "We strongly condemn this monstrous act as we join calls for a thorough investigation so that justice may be attained. We are however wary that this death is now being used to push for the reimposition of the death penalty," sabi ng Gabriela. Si Silawan ay grade 9 student at nagsisilbing kolektor sa isang simbahan malapit sa kanilang tahanan. Sa pagkasawi ni Silawan, bumohos ang pagka-awa ng mga kabaayan natinsa dalagita. Ang iba pa nga ay hinihiling na ipatupad muli ang parusang bitay para sa mga karumal-dumal na krimen. Ang death penalty ay isa sa mga batas na gustong ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte. Panoorin ang kaugnay na ulat sa kaso ni Silawan mula sa GMA News. Source: Abante +Matapos umalingawngaw ang karumal-dumal na pagpaslang sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan, kung saan ginahasa pa ito at binalatan ang mukha, may nga kababayan tayo na nananawagang ibalik na ang parusang bitay. Para kay Commission on Human Rights (CHR) 7 Director Arvin Ordon, naiintindihan daw niya ang sentimiyento ng mga kababayan natin at susuportahan ang mga otoridad sa paghuli sa mga pusakal na kriminal. Pero pinaalalahanan niya ang lahat na hindi dapat malabag ang karapaatan pantao ng mga suspek sa pagtugis sa mga ito. Babantayan daw nila ang gagawing pagtugis ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng mga pulis sa mga kriminal para masigurong walang malalabag na human rights. Ayon kay Odron, kung mapapatunayan na nagkasala ang mga suspek ay mahaharap ang mga ito sa reclusion perpetua or lifetime imprisonment. Ayon sa ilang ulat, si Silawan ay isang grade 9 student at collector sa isang sibahan. Bago ang nangyaring krimen, may saksi daw na nakakita na may kasamang 3 tao si Silawan. Base sa pahayag ng isang opisyal ng pulis, maaring lango sa droga ang mga gumawa ng kalapastanganan sa dalagita Panoorin ang kaugnay na ulat patungkol sa pagpaslang sa dalagita. Nag-aalok na ang lokal na pamahalaan ng P100,000 para sa mga makakapagturo sa mga kriminal na pumatay kay Silawan. Source: CDN | GMA +Matapos mag-viral ang video ng Facebook page na VOVph tungkol sa comparison sa ulat ng ABS-CBN at obserbasyon ng mga kababayan natin sa Hong Kong tungkol sa bilang ng tao sa campaign rally ng Otso Diretso. Hindi napigilan ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza na banatan ang ABS-CBN reporter na si Ron Gagalac dahil sa umao'y 'kasinungalingang' ulat nito. "akala ng abs-cbn bulag, pipi at bingi tayo at tatanggapin ang kanilang kasinungalingan hook, line and sinker. their news crew lied thru their teeth by feeding the viewers with false information. OFWs testified and posted footages in Honkong to disproved the network," sabi ni Sonza. Pasalamat din daw si Gagalac na hindi sila nagkatagpo ng landas sa ABS-CBN dahil puro kahihiyan ang aabutin daw ng reporter. "ron gagalac, mabuti na lang hijo hindi mo kami inabutan diyan sa abs-cbn kundi lahat ng kahihiyan aabutin mo sa ginawa mo sa hongkong report. magtanong ka sa mga nandiriyan pa tulad nina claude at iba pa. sayang ang bata mo pa corrupted na utak at pagkatao mo," banat pa ni Sonza. Sa ulat ni Gagalac, sinabi nito na marami daw taong nagtungo sa campaign rally ng mga taga-Otso Diretso sa Hong Kong. Iniulat din ni Gagalac na mayroon daw nagsabi na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) daw sa Hong Kong ay ayaw na sa kasalukuyang administrasyon. Sa isang video mula sa OFW, mapapanood ang malayuang kuha sa rally ng Otso Diretso at makikita ang bilang ng mga tao. Sa video naman ng isa pang OFs, maririnig ang mga kabbayan natin sa Hong Kong na isinisigaw ang pangalan ng Pangulong Rodrigo Duterte habang nagsasagawa ng programa ang oposisyon. Ang comparison video mula sa VOVph ay napanood na ng mahigit isang milyong beses at naibahagi na ng lagpas 49,000. Source:Jay Sonza | Jay Sonza | VOVph +Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Steve John Pasion matapos maka-engkwentro ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Nagtangkang umano maanggaw ng baril sa pulis ang durugista kaya pinaputukan ito. Tinamaan ng bala sa dibdib si Pasion na agad bumawi sa buhay nito. Nangyari ang insidente sa Sta. Cruz, Maynila nito lang Lunes ng Gabi. Base sa pahayag ni PDEA-NCR Director Joel Plaza, si Pasion umano ang mga pinaka big-time na supplier ng party drugs sa Metro Manila. Nakumpiska sa sasakyan ng suspek ang mga shabu at estacy na may halagang P300,000. Ilang sa mga parokyano ay mga mag-aaral at mga modelo. "Ang background nitong si Steve Pasion, isa siya sa talagang big-time supplier ng party drugs at shabu dito sa Metro Manila. However, parang naka-timbre siya na sinusundan na siya, kaya 'yong ibang stocks niya nalipat na sa ibang lugar," pahayag ni PDEA Special Enforcement Service (SES) Acting Director Levi Ortiz. Ayon kay Ortiz, ilan sa mga kliyente ng suspek ay mga artista. "Isa sa mga parokyano niya mga celebrities. Marami tayong namonitor pero 'yung naconfirm talaga natin based on text messages we extracted from his (Pasion) cellphone, dalawang artista," dagdag pa ni Ortiz. Panoorin ang ulat ng GMA News. Source: INQ | INQ | MSN | GMA | Allan Gatus | +Aabot daw sa 3 milyong boto ang nawala umano kay Pangulong ROdrigo Duterte noong halalan 2016, base ito sa pagbubunyag ng anak ng Presidente na si Davao City Mayor Sara Duterte. Aabot daw sana sa 17 hanggang 19 milyon ang kabuuang bilang ng botong nakuha sana ni Presidente Duterte kung hindi lang daw ito inilipat sa ibang kandidato. Buti na lang daw at nanalo ang kanyang ama kundi maghahain daw ito ng electoral protest. "Alam mo kung pwede lang magprotesta si President Duterte for the votes that he lost because of cheating. Ang ini-estimate namin it's about 2-3 million votes that President Duterte lost because nilipat sa ibang kandidato... Tinitingnan natin yung boto ng mga senators, 'yung boto ni Leni Robredo, nung ibang candidates, makikita kung nasaan 'yung mga boto," pagsisiwalat ni Mayor Sara. Isiniwalat ito ni Mayor Sara sa gitna ng bangayan nila ni Vice President Leni Robredo. Magugunitang pinagsabihan ni Mayor Sara si Leni na huwag mag komento tungkol sa isyu ng katapatan at integridad dahil si Robredo mismo ay nahaharap din sa electoral protest. Ayon sa palaban na anak ng Pangulong Duterte, matagal na raw kinu-kwestiyon ang pagiging tapat ni RObredo. "She is not called fake VP for no reason," banat ni Mayor Sara kay Leni. Hindi nagtapos ang banat ni Mayor Sara tungkol sa electoral protest na kinakaharap ni Leni, pati ang alegasyon na nakikipag-relasyon ang bise sa lalaking may-asawa ay inilutang din ni Sara. Dumepensa naman ang tagapagsalita ni Robredo at tinawag na pekeng balita ang sinabi ni Mayor Sara. "Salamat Mayor Sara, pinatunayan mong di ka talaga bilib sa honesty in public service. Banat mo, fake news ang gamit na ilang beses nang napatunayang peke. Magtotoong balita din pag may time," boladas ni Barry Gutierrez, spokesperson ni Leni. Bumuwelta naman si Sara sa naging tugon ng kampo ni Leni. Ayon sa alkalde, si Leni daw mismo dapat ang sumagot sa mga banat niya at huwag daw ito magtago sa mga tagapagsalita nito. "A reminder to Leni Robredo: Kapag umatake ka, at sinagot ka ng inatake mo to question your authority to speak on integrity and honesty, do not retreat behind a "Robredo Camp" to answer for you and the argument you started," resbak ni Sara. Source: Philstar | MB +Sinintensiyahan ng anim na taon pagkakakulong si Cardinal George Pell matapos itong mapatunnayan ng hukuman ang ginawa nitong pang-aabuso sa mga 2 batang lalaki. Si Pell ang pinaka mataas na miyembro ng kaparian ng Iglesia Katolika na nahatulan dahil sa pang-aabuso. Panoorin ang isa pang video mula sa Guardian News. Ayon sa ulat ng CNN Philippines, si Pell ay treasurer ng Vatican at close adviser ni Pope Francis. Bago pa lumabas ang conviction sa kaso ni Pell sa publiko, tinanggal na ito ni Pope Francis sa pagiging miyebro ng saggunian sa Vatican. Panoorin ang video sa ibaba para makilala niyo ng lubusan kung sino itong pari na ito. Source: CBS | Guardian News | RT | CNN Philippines | Nine News Australia +Matapos lumantad ang mga pari na sina Father Albert Alejo, Robert Reyes at Falvie Villanueva para isapubliko ang natatanggap daw nilang pagbabanta sa buhay dahil sa kanilang pagkastigo sa kapanya kontra-droga ng kasalukuyang gobyerno, bumuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawa nilang paninisi sa kanya. "P***** i** wala akong pakialam. Kung mamatay kayo sa kagaguhan ninyo, inyo 'yan. You started the g***** b***** fight. Kayo 'yung in a solemn sacrament of the mass of the Catholic Church, hiningi ninyo ang kamatayan ko sa Diyos... Mabuti't na lang ang Diyos hindi nakinig, eh kung nakinig? Eh 'di nahulog na 'yung eroplano ko," sabi ng Pangulo sa isang pagtitipon. Ayon sa ulat ng Philstar, nakatatanggap din daw ng pagbabanta sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas and Caloocan Bishop Pablo Virgilio David. Banat ng Presidente, huwag daw gamitin ng mga pari ang pagiging banal para takutin ang mga tao. "So stop scaring people about your holiness. Do not scare me about you dying and getting me blamed," dagdag pa ng Pangulo. Sabi pa ng Presidente, kasalanan din daw ng mga pari na nakipagsagutan ang mga ito sa kanya. "Ngayon mag-ganti ako sa kanila. And they tried to picture me na 'pag namatay sila, 'yung may... I should be blamed because of my outburst. The hell. Wala akong pakialam kung mamatay kayo ngayon lahat. Maluwang pa ang ating cemetery," resbak pa ng Pangulo. Source: PS | PS | GMA +Hindi bilib si Otso Diretso senatorial candidate at Magdalo COngressman Gary Alejano sa pagsasapubliko ni Pangulong Rodrigo DUterteng listahan ng mga umano'y pulitikong sangkot sa droga. Tinawag pa ni Alejano na desperado ang naging hakbang ng kasalukuyang gobyerno para isalba ang laban kontra droga sa mata ng mga kababayan natin. "This is a desperate act to save their fake drug war before the eyes of the public," sabi ni Alejano. Hinalintulad din ni Alejano ang kampanya ng pamahalaan sa isang palabas. "Para tayong nasa narcoserye na ang pabida ay ang Pangulo. Paulit-ulit lamang ang mga patutsada, maglalabas ng mga pangalan, magkakaroon ng susunod na kabanata pero wala namang nakukulong. Let us not fall into their propaganda," boladas pa ni Alejano. Para pa kay Alejano, pang-aabuso lang daw sa kapangyarihan ang ginawa ng gobyerno. Ang mga banat ni Alejano sa kasalukuyang administrasyon ay tila salungat sa naging resulta isang survey. Magugunitang may survey na nagsabi mas kakaunti na raw ang mga durugistang nakikita ng mga Pilipino sa kailang lugar. Sa kampanya ng kasalukuyang pamahalaan ay mayroon din mga big-time personalities na napulbos tulad na lang ni Ozamiz Politician Reynaldo Parojinog na kasali sa drug watch list ng pamahalaan. Isa pa sa mga high-profile personalities ay si Senadora Leila De Lima na nakapiit ngayon dahil na rin sa pagkakasangkot nito sa kalakaran ng droga. Source: INQ +Nanawagan ang isang opisyal ng simbahang katolika sa mga netizens na bawas-bawasan ang paggamit ng social media bilang parte ng kanilang sakrispisyo para sa papalapit na semana santa. Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick S. Pabillo, dapat daw ibuhos ang oras sa pagdarasal. "Set aside or limit the use of social media such as Facebook, Instagram, and Twitter this season of Lent as part of your Lenten sacrifice. Instead, spend the time on prayer and reflection," sabi ni Pabillo. Imbes din daw na mag-babad sa social media ay pagyamanin na lang daw ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagbabasa ng banal na kasulatan. "We can devote the time that we spend on social media on enriching our faith by praying, reading the Holy Bible, or by spending time with the sick. You give to others what you have denied yourself," ani Pabillo. Isang uri din daw ng pagdedesiplina ang pag-iwas sa social media. "Restraining ourselves from doing the things that we enjoy such as social media use is a form of sacrifice and self-discipline," dagdag pa ni Pabillo. Sang-ayon ba kayo sa naging payo ni Bishop Pabillo? Source: MB +Matapos ang walang humpay na pagtugis ng kapulisan kay Jonas Bueno, nahuli na ito ngayong araw sa Davao. Si Bueno ang itinuturong primary suspect sa pagpatay kay Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu. Naging usap-usapan ang karumaldumal na pagpaslang kay Silawan dahil 30 saksak na tinamo nito at binalatan pa ang mukha ng 16-anyos na dalagita. Ang pabuya para mapadali ang paghahanap sa suspek ay umabot na nga ng P2 million. Si Bueno rin ang itinuturong suspek sa pagpatay sa isang 62-anyos na magsasaka na binalatan din ang mukha sa Danao City, Cebu. Ang nangyari kay Christine ay mariing kinundina ng publiko at ang ilan pa ay nananawagan na maibalik ang parusang bitay. Ayon sa ulat ng Sunstar Cebu, si Bueno daw ay dating miyembro ng New people's Army at miyembro din ng isang kulto. Si Silawan ay nagsisilbi bilang church collector sa isang simbahan malapit sa kanila. Bago ang pagkamatay ng dalagita, may nakakita daw na isang testigo na may kasama itong tatlong tao. Nagbigay na rin ng opinyon ang ilang personalidad sa mundo ng politika sa nangyari kay Silawan. "Hindi na gawa ng normal na tao, demonyo na gumagawa niyan... Kung ako ang magulang ng bata, siguro kahit na makulong ako talagang hindi ko na bubuhayin (ang mgasuspek) sa ginawa nila," sabi ni Sen. JV Ejercito. "Ang ginawa niya, sobra 'yun, Kahit na mabitay siya, hindi maiibsan ang kalungkutan. Sobra ang ginawa," pahayag ni former Philippine National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa. Source: News5 | Brigada News Davao | Sunstar | PTV +"Hindi na gawa ng normal na tao, demonyo na gumagawa niyan," Ganito na lang ang naging reaksyon ni Senator JV Ejercito sa kaso ng pamamaslang sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan na binalatan pa ang mukha. Ayon sa senador, kung sakaling siya daw ang magulang ng biktima ay baka mailagay niya ang batas sa kanyang kamay. "Kung ako ang magulang ng bata, siguro kahit na makulong ako talagang hindi ko na bubuhayin (ang mgasuspek) sa ginawa nila," sabi ni Sen. Ejercito. Agn reaksyon ni Senador JV ay taliwas sa paniniwala ng Otso Diretso. Habang may mga kababayan tayo na nananawagan ng ibalik ang parusang bitay, ang mga kandidato ng Otso Diretso ay naninindigan na hindi rason ang pagkamatay ng dalagita para muling ipatupad ang death penalty. Awang-awa naman si former Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa sa sinapit ni Silawan. Ayon sa dating head ng PNP, hindi mawawala ang sakit sa mga kaanak ng dalagita. "Ang ginawa niya, sobra 'yun, Kahit na mabitay siya, hindi maiibsan ang kalungkutan. Sobra ang ginawa," pahayag ni Dela Rosa. Kahapon ay inilabas na ng kapulisan ang litrato at impormasyon tungkol sa suspek. Kinilala ang salarin na si Jonas Bueno. Sa ulat ng Sunstar Cebu, sinasabing posibleng naging miyembro ito ng New People's Army (NPA) at isang kulto. Nadadawit din umano ito at ang mga kapatid nito sa isa pang kaso ng pagpatay at pagbabalat ng mukha. Ang mga kapatid ni Bueno ay napatay na ng kaplisan sa isang operasyon. Source: PTV | Sunstar +Tuloy-tuloy ang pamimigay ng Duterte Administration ng mga lupa sa mga kababayan natin. At ngayon ay tinatarget ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipamigay ay ang mga lupang napunta sa simbahan noong panahon ng kastila. Sa kanyang talumpati sa Sagay City Government Center, Negros Occidental, sinabi ng Presidente na pinapa-survey niya na raw ang mga naturang lupain. "Let's reach an understanding about the land titles that you have now... Just wait, I'm still having lands surveyed," sabi ni Presidente Duterte. Base sa ulat ng Daily Tribune, noong napirmahan ang kasunduan ng Estados Unidos at Espana noong 1898 (Treaty of Paris), isa sa mga nakasaad ay ang pagpo-protekta ng gobyerno ng Amerika sa lupain ng mga pari. Ang mga naturang malalaking lupain daw ay pagmamay-ari daw ng "predominant Spanish religious orders". Ayon kay Pangulong Duterte, namuhay ng kumportable daw ang mga simbahan at panahon na raw ngayon para magsakrispisyo ito. Sinabi ng pa ng Presidente na ang ilang kababayan natin ay naninirahan lamang sa simpleng bahay-kubo. "The Church needs to realize that there is a time where you live comfortably, but there is also a time (to sacrifice). The world is becoming more populated," banat pa ng Presidente. Sa hiwalay naman na ulat, binuweltahan ni Pangulong Duterte ang paninisi ng pari sa kanya. Magugunita na may mga pari lumantad at sinabing nakakatanggap daw sila ng mga banta sa buhay dahil sa walang tigil na atake ni Pangulong Duterte sa hanay nila. "They tried to picture me na 'pag namatay sila...I should be blamed because of my outburst. The hell. Wala akong pakialam kung mamatay kayo ngayon lahat. Maluwang pa ang ating cemetery... Stop scaring people about your holiness. Do not scare me about you dying and getting me blamed," buwelta ng Pangulo. Source: Tribune | GMA +Kahapon ay ibinunyag na ng Philippine National Police ang larawan at pagkakakilanlan ng suspek sa malagim na pagpaslang at pagbalat sa mukha ng grade 9 student at church collector na si Christine Lee Silawan. Ayon sa otoridad, ang pangalan daw ng salarin ay Jonas Bueno. Pero noong Marso 12 pa lang ay may nailathala na pala ng Sunstar Cebu ang impormasyon tungkol sa suspek. At ayon sa ulat ng Sunstar, si Bueno at ang mga kapatid nito na sina Juvy at Junrey ay dati umanong miyembro ng New People's Army at miyembro ng kulto. Nasangkot din daw ang tatlong magkakapatid sa isa pang kaso ng pamamaslang at pagbalat sa mukha. Noong Enero 11, 2019 ay natagpuan patay at binalatan ang mukha ng 60-anyos na si Trinidad Batucan. Nagsasagawa daw ng operasyon ang mga magkakapatid sa mga barangay ng Danao at Carmen. Napatay ng kapulisan ang mga kapatid ni Jonas sa isang follow-up operation noong Enero 13. Ayon kay Danao City Director Maribel Getigan, hindi pa masigurado ang koneksyon ng dalawang kaso ng pamamaslang pero may mga pending arrest warrant ang mga magkakapatid na Bueno. Ang nangyari kay Silawan ay ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinag-utos na rin ng Presidente ang pagtugis sa salarin. Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol dito. Source: Sunstar | Philstar +Kalunos-lunos ang sinapit ni Christine Lee Silawan sa kamay ng mga kawatan na umabuso sa kanya sa Lapu-Lapu City. Natagpuan ang walang buhay na katawan ni 16-anyos nitong umaga ng Marso 11, 2019. Kalahati ng mukha ni Silawan ay binalatan at kita na ang kanyang bungo. Ayon sa kapulisan. maaaring nagahasa ang biktima dahil wala na ang pangibabang saplot nito. Si Silawan ay naninirahan sa barangay Mactan sa Lapu-Lapu City at nagsisilbi bilang kolektor sa Sacred Heart Parish Church. Ayon kay Police Officer 3 Dan Gacosgacos, ang main investigator sa kaso, ang biktima daw ay grade 9 at nag-aaral sa Maribago National High School. Nawala daw si Silawan nito lang Linggo matapos ang misa sa simbahan. Natagpuan ang katawan ni Silawan sa isang 2 hektaryang lupain. Ang bangkay ni SIlawan ay posibleng kinilala ng kanyang magulang. Nire-review na ng otoridad ang closed-circuit television ng simbahan para malaman kung sino ang kasama ng biktima bago mangyari ang insidente. Ayon kay Lapu-Lapu City Police Office director Senior Supt. Lemuel Obon, may mga saksi daw na nakita na may kasamang tatalong tao si Silawan. Ayon kay Obong, maaaring lango sa bawal na gamot ang mga suspek.. Naaalala niyo ba ang sagot ni opposition senatorial candidate na si Chel Diokno nang tanungin siya tungkol sa death penalty para sa mga kriminal? Tutol daw siya dito dahil anti-poor umano ang parusa. Iba naman ang naging sagot ni Attorney Larry Gadon sa isyu ng parusang bitay. Pabor ba kayong maibalik ang parusang bitay? Source: Cebu News Daily | CNN Phil +Viral ngayon ang comparison video ng VOVph tungkol sa ulat ng ABS-CBN reporter na si Ron Gagalac at ang video ng mga kababayan nating Overseas Filipino WOrkers (OFW). Mapapanood sa video na sinabi ni Gagalac na malaki daw ang naging campaign rally ng mga kandidato ng Otso Diretso sa Hong Kong at mayroon daw nagsabi na ayaw na raw ng mga OFW sa kasalukuyang pamahalaan. "Sumama sa campaign rally dito sa Hong Kong si Vice President Leni RObredo. Pinangunahan ni VP Leni ang malaking campaign rally kanina na ginawa sa Central District... Ayon sa mga taga-suporta ng Otso Diretso marami nang OFWs dito sa Hong Kong ang hindi na sumusuporta sa administrasyon," sabi ni Gagalac. Ang mga sinabi ng reporter na ito ay tila tinabla ng mga sumunod na eksena. Makikita sa mga sumunod na footage ang malayuang kuha sa campaign rally ng oposisyon. Mapapansin kung gaano lang ang bilang ng tao sa rally. Mapapanood din ang pagsigaw ng mga OFWs ng pangalan ni Presidente Rodrigo Duterte habang nagsasagawa ng programa ang Otso DIretso. Ang video ng Facebook page na VOVph ay kumalat ng husto. Tatlong oras matapos mai-upload ang video ay pumalo na ito sa 262,000 views. Lagpas 17,000 naman ang nagbahagi ng video at umani na rin ng libong komento at reaksyon mula sa mga netizens. Panoorin naman ang video ng kababayan nating OFW na si Jeanette Angel Aries at ang reaksyon niya sa kampanya ng Otso Diretso sa Hong Kong. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa ginawang pag-uulat ng ABS-CBN reporter. "Thanks for featuring my vidclip VOVph. Yang vidclip ko na po na yan ay partida pa dahil si Leni ang nasa stage nung mga panahon na yan. Kitang-kita na walang gustong makinig sa kanya. Paki-kalat po mga kababayan para naman mabigyan nang hustisya ang paghihirap naming mga OFW dito na imbis na tulungan ay kinakasangkapan pa sa pamamagitan ng pagkakalat ng maling balita ng mga mainstream media tulad ng ABS-CBN" sabi ni J. Olos. "D ba nila alam dami live witnesses na OFW sa Hongkong na kita lahat ng pangyayari? Na live nila covered sa FB ? SOCIAL MEDIA ?" sabi ni T. Reyes. "Konte lang ang tao maniwala kayo sa amin na nakakita mas marami pa ang mga nasa mga Park" sabi ni L. Veras. "Ang otso deretso nagdala pa ng reporter nila sa HK para magsinungaling..bayaran..hahahah." sabi ni K. Dinglasan. Source: VOVph +"Leni Robredo should avoid commenting about honesty and integrity," Rumesbak si Davao City Mayor at Presidential Daughter Sara Duterte sa pagsawsaw ni Vice President Leni Robredo sa pahayag niya tungkol sa isyu ng 'honesty' sa pagkakaroon ng pwesto sa gobyerno. Ayon kay Mayor Sara, si Leni daw dapat ang pinakahuling taong dapat magsalita tungkol sa pagiging tapat. Inungkat ng alkalde ng Davao ang pagkuwestiyon ng ilang kababayan natin sa pagka-bise ni Robredo. "Her honesty has been questioned since day one of her term as Vice President. She is not called fake VP for no reason. She has tried to copy her late husband but has failed at every turn. She is facing an electoral protest for massive fraud during the 2016 elections," sabi ni Mayor Sara. Magugunitang sinimulan nitong lang 2018 ang recount sa vice presidential election dahil umano sa malawakang dayaan noong eleksyon 2016 na inaakusa ni former senator Bongbong Marcos. Binanatan din ni Mayor Sara ang mga alegasyon kay Leni na mayroon itong relasyon sa lalaking may-asawa. "She has refused to answer allegations of her relationship with a married man. She may or may not get away with these but we all know she is not forthcoming in everything," buwelta pa ni Mayor Sara. Matatandaang itinanggi ni Robredo na may namamagitan sa kanila ni Congressman Bolet Banal sa isang video interview. Pero hindi kumbinsido si Mayor Sara. "The reason why good moral character is not a requirement to run for Vice President is because we have so many Leni Robredos in this world," ani Mayor Sara. "And if she insists in saying that you have to be honest to run for public office, then she must say goodbye to her dreams of becoming Presiden," dagdag pa ng anak ni Presidente Duterte. Source: ABS | Eagle +Sa panayam ng ABS-CBN sa law student na si Ivan Salmasan, tila diskumpiyado ang estudyante ng abogasya sa motibo ng paglilinis sa Manila Bay. Kinuwestiyon ni Salmasan ang petsa ng Mannila Bay Rehabilitation. Magagamit lang daw ito sa pangangampanya. "Malapit na 'yung election atsaka umingay ng ganoon kaingay 'yung clean up drive sa Manila Bay which is hindi naman dapat gamitin as panghikayat ng tao na bumoto sa isang specific tao o grupo ng tao," sabi ni Salmasan Reklamo pa ni Salmasan, sampung taon daw ang lumipas atsaka inaksyunan ang paglilinis sa Manila Bay. "Naging matagal ang pag-implenta ng mandamos na iyon. Iisipin mong 2008 lumabas 'yung case, bakit ngayong 2019 lang siya napansin? Binigyan pansin sa social media.," sabi ni Salmasan. Hindi naman nagustuhan ng ilang kababayan natin ang pahayag ni Salmasan. Basahin ang ilang komento mula sa youtube channel ng ABS-CBN. "Gustong palabasin nung isa na naka blue na ginagamit ng administrasyong Duterte ang Manila Bay cleanup sa pangangampanya, wala namang nabanggit tungkol dyan sa Manila Bay ang mga kandidato ng administrasyon. Kahit walang clean up dyan, iboboto parin namin lineup ni Duterte dahil dismayado kaming lahat sa mga nakaraang administrayson simula Cory," - iRon322 "Sino ba nag e rehabilitation si President Duterte lang naman. At wala naman ibang may power na nag utos ng pag lilinis kundi si President Duterte lang.... Gulo din ng batang eto sino ba manggagamit. Ni wala nga bakat ng pangalan na na ukit dyan sa manila bay pagkatapos mapaganda... Pasalamat ka nalang sa utak mismo ng katapuran na yan period," - MEDICAL CARE INNOVATION "Huwag natin haloan ng politika ang pagsasaayos at paglilinis sa manila bay,bagkus magpasalamat nalang tayo sa mga taong nagkawanggawa at nakipagtulongan sa programa ng ating gobyerno para ating kalikasan! Ang pagsasaayos at paglilinis ng boracay,ilog pasig at iba pang mga pampublikong lugar sa pilipinas ay programa ng ating gobyerno para maisalba at mapaganda ang ating kalikasan...hindi para maipanalo at mailoklok sa pwesto ang mga kandidato sa politika lalo na ang mga trapo na magpapakitang gilas at "madaling lapitan sa panahon ng halalan at kapag nakaupo na sa pwesto ay mahirap hanapin".Hesus maryosep!," - orex ponebe Source: ABS +Isang paring Pilipino na naman ang nasasangkot sa kontrobersiya matapos kasuhan ng panghahalay sa teenager na babae sa Philadelphia, United States. Ang malupit pa ay ni-record pa raw ng pari ang pakikipagtalik nito sa biktima. Ang krimen ay nangyari noong Agosto 2014. Kinilala ang suspek na si Rev. Armand Garcia, 49-anyos. Si Garcia nagpiyansa matapos bayaran ang 10 porsyento ng kanyang $250,000 bail. Kinumpirma din ng abogado ni Garcia na si Attorney William Brennan na na-arraigned na ang kanyang kliyente sa kasong rape, pagre-record ng pagtatalik at korapsyon ng menor de edad. Lumantad ang biktima ni Garcia, matapos mailipat ang pari sa bagong parokya nito lang 2017. Gagawin ang preliminary hearing sa kaso sa Marso 14. Si Garcis ay nagsilbi bilang regional representative para sa National Association of Filipino Priests. Basahina ng reaksyon ng ilang kababayan natin sa sigalot na kinahaharap ni Fr. Garcia. "Nasaan na si vellegas? Haja cbcp comment dali, would you betray God ka pang nalalamn dyan," sabi ni H. White. "Mga bishops kaparian anyare sa kakadakdak nu father Robert takbo Reyes hindi ka ba magpapas-an ng ataul sa pagtakbo mo 'yan ang sinasabi ko sa inyo ang galing nyong manuligsa sa gobyerno pero kayo at mga kabaro nu mas mabaho pa pala sa pusali.. mangumpisal na kayo!!!" sabi ni N. Evangelista. " CBCP Villegas It's your turn to speak. Kasi dami mong sabi about sa administration ni Presidnt time na para magbasa ka ng Bible at ipaliwanag ito.," sabi ni M. Tacardon. "Sinabi ni Jesus Mateo 7:15Mag-ingat kayo sa huwad na mga propeta na lumalapit sa inyo na nakadamit-tupa, pero sa loob ay hayok na mga lobo. 16 Makikilala ninyo sila sa mga bunga nila. Ang mga tao ay hindi makapipitas ng ubas o ng igos mula sa matitinik na halaman, hindi ba? 17 Maganda ang bunga ng mabuting puno, pero walang silbi ang bunga ng bulok na puno. 18 Ang mabuting puno ay hindi mamumunga ng walang-silbing bunga, at ang bulok na puno ay hindi mamumunga ng magandang bunga19 Bawat puno na hindi maganda ang bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy. 20 Kaya makikilala ninyo ang mga taong iyon sa kanilang mga bunga," sabi ni S. Laturgo. Source: ABS | phillyvoice | FB +Suportado ng Pangulong Rodrigo Duterte ang naging hakbang ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Guillermo Eleazar laban sa kotong cop na nahuli kahapon. Magugunita na dinibdiban, dinuduro at sinabunutan ni Eleazar ang tiwaling pulis dahil sa sobrang galit nito. Panoorin ang ulat tungkol sa naging reaksyon ni Eleazar sa kotong cop. "'Yung isa was being -- ano ni Eleazar and he was criticized for that. Sabihin mo kay -- sir, sabihin mo kay Eleazar okay 'yon.[laughter] Ah oo. 'Yung -- ay ano ba naman 'yang ganun-ganun? Sumasayaw nga iyan sila na tao. Sabi mo I have his back covered. Kasi nung pag-umpisa nitong drug war sinabi ko talaga sa kanya. Ito magprangkahan tayo, ilan ang nakita ninyo sa previous administration na nag-surrender? Huli siguro? One or two or three. Buy bust diyan -- malaki dito and then one time.," sabi ng Pangulo. Source: PS | ABS | ABS +"Hindi niyo karapatan na alisan kami ng disciplining powers," Binanatan ng kilalang broadcaster na si Mr. Erwin Tulfo ang mga may akda ng "anit-palo" bill na kamakailan ay vineto o tinanggihan pirmahan ni Pangulong Rordigo Duterte. Sa kanyang programang, ilang mahahalagang tanong ang pinakawalan ni Tulfo laban kina Senadora Risa Hontiveros at Rep. Bernadette Herrera-Dy. "Pag lumaki ang bata at nakulong, papiyansahan niyo Senadora Hontiveros at COngresswoman Herrera-Dy? Pag naging adik-adik ang anak namin dahil hindi ko pwede palusin at nagma-marijuana na at nagsha-shabu, bibigyan niyo ba ako ng pang-rehab ng anim na buwan? At kung makapatay ang bata, pwede ba kayo ang sumalang sa lethal injection? Isip-isip naman," banat ni Tulfo. Ayon pa kay Tulfo, nasa kultura daw ng mga Pilipino ang pagdi-disiplina sa mga bata. Kinumpara pa ng beteranong mamamahayag ang pagpapalaki sa mga kanluraning bansa laban s Pilipinas. "Nasa kultura natin na hindi tayo bayolent pero nasa kultura natin na dinidisiplina natin ang mga bata para lumaki ng tama. Tignan niyo sa Amerika, pag napagalitan may dalang machine gune, mina-machine gun ang mga kaklase," ani Tulfo. Basahin ang ilang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging pahayag ni Tulfo laban sa "anti-palo" bill. "Tulad qu single mum,tatlo mga anak qu 2lalaki bunso ko palagi sa computer shop pag kkagaling sa school ala na na nagagawa sa bahay dahil na adik na sa pag computer pati pag kain nappabayaan na puro lng aqu noon paala ala warning sa kanya ala na epek. ginawa qu pinalo qu hangang ma upos ang walis tingting sa katawan niya.yon awa ng dios okay na siya ngaun nagtino na. bahay at school nlng.kong pinabayaan qu yon malamang isa sa mga adik ngaun.kaya kayo mga mambabatas wag niyo na paki alaman ang mga magulang sa pag deciplina ng aming mga anak dahil km mismo ang nakaka alam kong paano namin disiplinahin mga anak namin," sabi ni M. Tapalla. "Ang dami daming batas na pwdeng gawin riza hontiveros juskolord naman pati ba naman pag palo sa bata lalagyan mo na din ng batas. Bobo ka ba? Paano madidisiplina ang bata kung mag sasagawa ka ng ganyan," sabi ni C. Bunsoy. Source: Erwin Tulfo via Pinoy Kami +Nangako ang San Miguel Corporation (SMC) ng tulong na P1 bilyon sa gobyerno para sa paglilinis ng Tullahan river bilang parte ng rehabilitasyon ng Manila Bay. Pumirma ang SMC ng memorandum of agreement (MOA) kasama ang Deparment of Environment andf Natural Resources (DENR) para sa isang komprehensibong paglilinis at dredging ng 59.24 kilometrong ilog. Nagsisimula ang ilog ng Tullahan sa La Mesa Reservoir at dumadaan ito sa Valenzuela at Malabon, bago dumating sa Manila Bay. "Yes, SMC will support DENR... The cleanup of the Tullahan River, like other river systems going out to Manila Bay, is crucial to bringing back the glory of the Manila Bay...We are proud to partner with the DENR on this project. In the last couple of months, we have seen what can be done when our government has both political will and a clear understanding of what can be done to make a difference," sabi ni SMC President at Chief Operating Officer Ramon Ang. Sa ulat ng Manila Bulletin, tinawag ni Ang ang Tullahan RIver na isang patay na ilog. "when you think of the Tullahan, you think of a dead river, an eyesore and a health hazard. But with the leadership and resolve of DENR Secretary Roy Cimatu and President Rodrigo Duterte, we know all this will change, just like in Boracay and the Manila Bay," ani Ang. Sa ilalim ng pinirmahan na MOA, ang SMC ang pangangasiwa sa implementasyon ng cleanup at dredging plan ng DENR. Maglalagay din ng trash trap ang SMC. Source: GMA | MB +Nagliyab sa galit si National Capital Region Police Office (NCRPO) director Guillermo Eleazar matapos mahuli ng Regional Special Operation Unit ng NCRPO ang isang pulis sa isinagawang entrapment operation sa fast-food chain sa Pasig City dahil sa reklamong pangingikil. Kinilala ang iskalawag na pulis na si Police Cpl. Marlo Quibete. Nakuha sa tiwaling alagad ng batas ang P20,000 na marked money. Naktalaga si Quibete sa Eastern Police District (EPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU). Ayon sa mga ulat, nangikil daw ng datung si Quibete kapalit ng paglaya ni Aries Ochoada na nahuli sa isang anti-drug operation sa Marikina City. Ang kinakasama ni Ochoada na si Eva Cabansag ang nagsumbong sa otoridad dahil sa dami ng hinihingi ni Quibete. "Hiningan kami ng P200,000. Sabi ko, 'di ko kaya. Sabi P100,000 na lang, hindi pa rin kaya. Kung ano na lang meron kami. May pinapirmahan pang deed of sale nung motor naming na kunwari binenta ko sa kanila,," Lumalabas pa sa imbestigasyon ng NCRPO na sangkot din umano ang iba pang tauhan ng EPD-DDEU, pati ang hepe ng mga ito. Lahat ng pulis sa nasabing unit ay ipinatatanggal na ni NCRPO Chief Eleazar at maaring maharap sa roberry at extortion. Panoorin ang isang video mula sa Philippine Star Ngayon. Source: ABS | Philstar +Nito lamang Martes, naglabas ng 8-minute video si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas kung saan mapapanood ang compilation ng pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahan Katolika. Sa umpisa ng nasabing video, mababasa ang quote na "I believe... therefore I reject!". Mapapanood din sa video ang pagtatanong ni Villegas sa mga botante kaugnay sa papalapit na eleksyon. "My dear brothers and sisters, are you going to betray God? Are you going to deny your faith, by your vote?" tanong ni Villegas. Makikita rin ang pagbabasa ni Villegas ng mga berso mula sa Bibliya sa pagitan ng mga video clips ng mga talumpati ng Presidente. Sa pagtatapos ng video mapapanood ang duguang katawan ni Kristo na ipinapako sa Krus. Si Villegas ay isa sa mga obispong kinabibuwisitan ng Pangulo. Matatandaang binanatan din ito ni Davao City Mayor at Presidential Daughter Sara Duterte dahil sa pagbatikos sa kampanya kontra-droga. Habang isinusulat ang artikulo na ito ay pumalo na sa lagpas 1,700 ang nagbahagi ng video. Pero kapansin-pansin na naka-disbaled ang comment section nito. Source: Socrates Villegas +Naisabatas na ang Republic Act 11228 o ang "MAGNA CARTA FOR PERSONS WITH DISABILITY" matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo DUterte ang naturang panukalang batas. Layon nito na mabigyan ng mandatory Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) coverage ang mga kababayan nating may kapansanan o Person With Disabilities (PWD). Ang batas ay napirmahan noong Pebrero 22 pero ang kopya ng batas ay inilabas ng Malacanang nitong lang Lunes. Sa ilalim ng bagong batas, ang mga premium contribution ng lahat ng mga may kapansanan ay babayaran ng national government. Mangagaling naman ang premium payment sa sin tax collection ng gobyerno. Inaatasan din ng batas ang Philhealth na gumawa ng exclusive packages para sa mga PWDs para masolusyonan ang pangangailangan ng bawat isa. Ang Department of Health (DOH), National Council on Disability Affairs at iba pang government units ang magsasagawa naman ng pagsusuri sa pagpapatupag ng batas. Inaatasan din an DOH sa pagmimintina sa database para sa PWDs at ang mga medikal na pangangailan ng mga ito. Ang pagpirma ng Presidente sa republic Act 11228 ay nangyari ilang araw matapos aprubahan ng Pangulo ang Universal Health Care Act na naglalayon naman na gawing miyembro ng Philhealth ang lahat ng Pilipino.. Source: GMA News +Pinag-uusapan ngayon sa social media ang video ng netizen na si Indai Joffee kung saan makikita ang malakas na pagbulwak ng natural gas deposit. Nangyari daw ang insidente sa may Purok 8, Poblacion, Magallanes, Agusan del Norte. Ang video ay ini-upload sa Facebook noong pang Linggo. Pumalo na sa 322,000+ na ang nakapanood at umabot na sa mahigit 10,000 netizens ang nagbahagi nito. Ayon kay Joffe, hinihintay lang daw nila ang kumpirmasyon mula sa Department of Energy (DOE) kung tunay nga bang natural deposit ang natagpuan sa nasabing lugar. Sa isa pang video makikita na tila naging apoy na ang nasabing gas deposit. Hindi pa malaman kung sinilaban ito. Matatandaang pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Ceremonial Commencement ng Oil at Gas Production sa Alegria Oilfield sa Cebu. Source: Indai Joffee +Naglabas ng opinyon ang kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong na si Jeanette Angel Aries sa pagtungo ng mga miymbro ng Otso Diretso Senatoriables sa Hong Kong para sa campaign rally. "Ito lang masasabi namin sa inyo madam Gutoc, wala ba kayong isip? Ang laki na ng pasasalamat namin dito sa Hong Kong Government. Talaga masasabi naman na hindi talaga kayo nag-iisip. Bakit hindi nagawa ito ng Aquino Government noon kung talagang may totoong malasakit kayo sa Pilipino at OFWs. Ang totoo lang po ngayon lang po naibalik ang kredibilidad at pagmamahal sa aming mga OFWs since ng maupo si Tatay Digong. Ang laki ng katangahan ninyo at balwarte pa ng Hong Kong ang pinuntahan ninyo.," sabi ni Aries. Kuwento pa ni Aries, tila pinandidirihan daw ang mga miyembro ng Otso Diretso ng ilang mga OFWs sa Hong Kong. Binida rin ni Aries, mainit na pagtanggap ng mga OFWs sa Hong Kong sa ma ka-alyado ni Presidente Rodrigo Duterte. "Kanina nung naglilibot kayo, kayo pa nga ang kumakamay. Hindi tulad ng guest sa Duterte Administration, ang mga tao talagang ang nagdudumugan. Talaga nakikiselfie at masayang-masaya. Yung kanina, yung mga tao parang diring-diri. Tapos yung mga tao sa gilid sumisigaw ng 'Duterte... Duterte... Duterte'," banat pa ni Aries. Ang video ni Aries ay naibahagi na ng lagpas 2,000 na beses, umani na rin ito ng daang-daang reaksyon sa mga netizens. Ito naman po ang video na tinutukoy ni Aries kung saan isinisigaw ng mga OFWs ang pangalang ng Presidente habang nagra-rally ang mga Otso Diretso. Ibinahagi din ni Aries ang video ng malayuang kuha sa campaign rally ng Otso Diretso. Makikita ang bilang ng mga tao. Source: Jeanette Angel Aries +"Ang mga tao talaga dito ay hindi mga Otso Diretso pero ang sigaw nila ay 'Duterte'," Habang nagsasagawa ng campaign rally ang mga kandidato ng Otso Diretso sa Hong Kong, ipinakita ng mga taga-suportang Overseas Filipino WOrkers (OFW) ni Pangulong Rodrigo Duterte na buong pa rin ang kanilang suporta sa Presidente. Sa video na ibinahagi ng OFW na si Joy Nerie, makikitang ang mga OFWs na sumisigaw ng "Duterte" habang ipinapakilala ang mga kandidato ng oposisyon. Ayon sa ilang ulat, mataas ang nakuha ni Pangulong Rodrigo na boto sa mga OFWs sa Hongkong noong nakaraang eleksyon para sa pagka-presidente. Ang mga Otso Diretso candidates na nasa event ay sina ex-solicitor general Florin Hilbay, ex-congressman Erin Tanada, attorney Romulo Macalintal, civic leader Saira Gutoc at attorney Cel Diokno. Naroroon din sila Vice President Leni RObredo at ang artistang si Agot Isidro. Ayon sa analyst na si Michael Henry Yusingco ng Ateneo Policy Center , nakapagdesisyon na ang mga kababayan natin OFWs bago pa nagsimula ang kampanya at baka masayang lang ang pagkukumbinsi ng mga miyembro ng Otso Diretso sa mga OFWs. "OFWs in Hong Kong have a close affinity now to the President. Not only to the President himself but to his family. Therefore, their minds now are, in a way, conditioned to favor the President, and those affiliated with the President...I think overseas Filipinos have already made up their minds even before the campaign period has begun. The wooing, 'yung panliligaw sa OFW, dapat that should happen even before the campaign period. If you reach out to them now, most likely they are just going to say why only now," Source: Joy Nerie via DU30Corner | ABS +Sapul na naman si Vice President Leni Roredo sa bagong tirada ni Davao City Mayor Sara Duterte. Hindi nagustuhan ng Presidential daughter ang tila pag-urong at pagtatago umano ni Leni sa spokesman nito para sagutin siya. "Salamat Mayor Sara, pinatunayan mong hindi ka talaga naniniwala na kailangan ang honesty sa public service. Babanat ka na nga lang, mga fake news pa ang ginamit mo... Ilang beses nang napatunayang peke ang mga ito. Magbasa din kasi ng totoong balita pag may time," boladas ng spokesman ni Robredo na si Barry Gutierrez. Para kay Mayor Sara, hindi daw dapat umurong si Leni sa argumentong inumpisahan nito. "A reminder to Leni Robredo: Kapag umatake ka, at sinagot ka ng inatake mo to question your authority to speak on integrity and honesty, do not retreat behind a "Robredo Camp" to answer for you and the argument you started," banat ni Mayor Sara. Ayon pa kay Mayor Sara, nagpapatunay lang daw na peke ang katapangan ni Leni. "It says a lot about your fake courage," buwelta pa ng alkalde ng Davao. Matatandaang binanatan ni Mayor Sara si Robredo dahil sa pagkokomento ng bise presidente tungkol sa "honesty" at "integrity". Para kay Mayor Sara, ang pagiging bise ni Robredo ay kinukuwesityon simula noong naupo ito sa pwesto kaya hindi ito dapat nagsasalita tungkol sa pagiging tapat. Si Leni ay nahaharap sa electoral protest na inihain ni former senator Bongbong Marcos. Magugunitang inilutang din ni Mayor Sara ang mga alegasyon ng pagkaka-ugnay ni Robredo sa isang lalaking may-asawa. "Her honesty has been questioned since day one of her term as Vice President. She is not called fake VP for no reason. She has tried to copy her late husband but has failed at every turn. She is facing an electoral protest for massive fraud during the 2016 elections... She has refused to answer allegations of her relationship with a married man. She may or may not get away with these but we all know she is not forthcoming in everything," pahayag ni Mayor Sara nitong mga nagdaang araw lang. Source: PTV | INQ | MB +Sumakabilang-buhay na ang komedyanteng si Jonathan Aguilar Garcia o mas kilala sa tawag na Chokoleit matapos ang show sa Abra na Kawayan Festival 2019. Mapapanood sa kanyang last performance kung paano niya hinahabol ang kanyang hininga. Nakilala si Chokoleit sa mga palabas sa ABS-CBN kung saan kasama siya. Bumuhos naman ang pakikiramay sa social media. "Thank you Lord for giving me a chance to meet Chokoleit and become his friend. I'm sad that we lost him... But happy that he'll be in a much peaceful and happier place now with you. Thanks for everything Chokie. I love you!," sabi ni Vice Ganda. Nag-post din sa social media ang aktor na si Paulo Avelino ng pakikiramay. "RIP @chokoleitWiTS. The laughter and happiness you brought to everyone will surely be missed. Such a sad day," sabi ni Avelino. Panoorin ang kanyang last performance sa ibaba. Source: ABS +"Siya ang walang HONESTY," Matapos banatan ni Mayor Sara Duterte si Vice President Leni RObredo dahil sa pagkokomento ni Robredo sa isyu tungkol pagiging tapat. Si Attorney Larry Gadon naman ang bumuwelta kay Leni. Sang-ayon at pabor si Gadon sa mga naging pahayag ni Mayor Sara laban kay Leni. Para kay Gadon, panloloko umano sa bayan ang pagkaka-upo ni Leni bilang bise presidente. "Tama si Mayora Sarah Duterte, na nababalot sa kababalaghan at kawalan katapatan sa puso at punongpuno ng palilinlang sa bayan ang pag upo ni Atty. Leny Robredo bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. ," sabi ni Gadon. Nanghihinayang din daw si Gadon dahil nagpagamit umano si Leni sa ilang grupo. "Sayang at nagpagamit siya sa pandaraya ng mga Dilawan at Liberal Party para dayain ang nakaraan 2016 (vice) Presidential Elections," banat pa ni Gadon. Ayon pa kay Gadon, ang totoo daw na nanalo sa pagka-bise at si former senator Bongbong Marcos. "Ang hinalal ng bayan bilang Pangalawang Pangulo nuong 2016 ay si VP Bongbong Marcos," ani Gadon. Kalakit ng social media post ni Gadon ay isang caricature kung saan makikita ang isang babaeng naka-dilaw na nililinis ang PCOS machine. Si Leni ay binanatan ngayong araw ni Sara dahil sa pagkokomento ni Leni tungkol sa isyu ng honesty at integrity. Source: Atty Larry Gadon | News5| PTV +Viral ngayon ang rebeldeng estudyante na si Kara Taggaoa matapos umani ng sari-saring reaksyon ang kanyang video kung saan tila mapapanood na ipinagmamalaki niya ang pagsapi ng mga alumni sa teroristang grupong New People's Army (NPA). Maririnig sa video na tila malalagot na ang kanyang hininga habang nagsisisigaw sa kalye. Si Taggaoa ay miymbro ng League of Filipino Students, isang makakaliwang grupo. Habang ginagawa ang artikulong ito ay lumagpas na sa 2,300 ang nagbahagi ng video at umabot na rin sa libo ang nagkomento dito. "Sinasabi ng gobyernong ito na sa ilalimng mandatory ROTC ay matututunan natin makidigma para ipaglaban ang ating bayan. Hindi iyan totoo dahil napatunayan iyan ng kasaysayan na kaya natutong makidigma ang mga mamamayang Pilipino at kabataan dahil kami ay makabayan. SInasabi ni Cardema na tanggalan ng scholarship ang mga nage-NPA. Una sa lahat, wala ng scholarship ang mga NPA dahil hindi na sila pumapasok. Pangalawa, sinasabi niya sa aming organisasyon nanggagaling ang mga kabataang NPA. Una sa lahat, proud kami na ang aming mga alumni ay naging NPA dahil pinagtanggol nila ang sambayanang Pilipino mula sa mga dayuhan, mula sa mga imperyalistang mandarambong at sa mga naghaharing-uri. Pangalawa, nakakabastos iyan dahil maraming organisasyon sa buong bansa sa New People's Army. Kaya kabastusan na hindi kilalanin ang nagluwal ng hukbo ng mamamayan," sabi ni Taggaoa. Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Taggaoa. " G-go....gusto mo makatulong sa bayan...magaral k mabuti para makakuha k ng magandang trabaho at magbayd ka ng tamang buwis....yan para may silbi ka sa bayan at masuklian mo ginastos ng bayan sa yo bilang iskolar....ano nagagawa ng kasisigaw mo sa kalsada? Nakakatulong b yan sa bayan mo? Nakakatulong ka ba sa pamilya mo? Nakakatulong ka ba sa kababayan mong mahirap? T-ngina nyo mga istorbo lang kayo sa daan," sabi ni R. Co. "bago ka. maging makabayan, maging makapamilya ka muna. maawa ka sa mga magulang mo. hindi sila proud sa pinaggagawa mo," sabi ni N. Ys. "hay naku ibang level ng tupak nito. pinapaaral kayo ng mabuti at may allowance pa galing gobyerno yan lang isusukli nyo?! balik nyo tax namin! kapal," sabi niV. Cano. "Kung sa Demokracian bansa katulad ng Singapore at sa kalye doon ka nagsisigaw tyak kalabuso ka Ining,tingnan mo ang karatig bansa ng Asia nag asensuhan na dahil doon sa kanila walang bayaran at pasaway tulad mo.Litce pisting yawa kamong mga alagad ng suholan.," sabi ni J. Sanico. Source: Hukbo +Inamalhan ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes ang ginawa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar sa pulis iskalawag sa kumalat na viral video. Magugunitang kinuwelyohan, dinibdiban, dinuroduro at pinagmumura ng galit na si NCRPO CHief Eleazar si Eastern Police District's Drug Enforcement Unit member Police Corporal Marlo Quibete dahil sa pangingikil umano nito ng P200,000 sa isang drug suspect. "Maaaring may na-violate siya doon sa right to dignity, right to presumption of innocence, right to humane treatment and all that. Iyan 'yung mga posibleng karapatang pantao na nalabag," sabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia sa isang panayam sa DZMM. Hindi naman nagustuhan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang mga pinagsasabi ng CHR. Tila pinagtatanggol pa umano ng ahensiya ang "kotong cop" at binabalewala ang mga biktima. "CHR has no human side. The General is just passionate in cleansing their ranks of scalawags as the public is crying for total cleansing... Nasaan 'yung human rights ng mga biktima? Some are already 6 feet below the ground," banat ni VACC Spokesperson oy Evangelista. Inaakusahan si Quibete na humihingi ng lagay kapalit ng kalayaan ng drug suspect. Panoorin ang lang video mula sa ABS-CBN at Philippine Star Ngayon. Source: ABS +Sapul sa CCVT ang ginawang kabalbalan ng isang tulisan habang hinoholdap ang isang shop sa Cebu. Hindi pa nakuntento ang kriminal, sinaktan ang tindera, kinaldkad at hinalay pa ito bago umeskapo. Sa kabutihan palad, nakunan ang buong insidente sa CCTV. Malinaw din na bumlandra ang pagmumukha ng kriminal. Inaasahang makatutulong ito sa gagawing imbestigasyon ng kapulisan. Ayon sa salaysay ng original uploader ng video na si Anne Dionson Batucan sa kanyang Facebook account, March 7 daw noong nangyari ang insidente. Nagtungo daw ang suspek sa tindahan para umano bumili ng candy habang ang tindera ay naglilinis sa labas ng tindahan. Nang pumasok na tindera para pabilhan ang suspek, agad sinabayan daw ito ng kawatan at kinuha ang mga kinita mula sa tindera. Hindi na nakapanlaban ang biktima dahil sa labis na takot. Nakablotter na umano ang krimen at pinaghahanap na rin ng otoridad ang kawatan. Nakikiusap naman si Batucan sa mga kababayan natin na ipagbigay alam sa kapulisan ang kinaroroonan ng suspek kung sakaling may makakita dito at para maresolba na rin ang karumal-dumal na ginawa nito sa biktima. Source: Anne Batucan +Matapos ibutata ng hukuman ang kaso ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) laban sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa ginagawa umanong profiling ng kapulisan sa hanay ng mga guro, tiniyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde na hindi magdadalwang-isip ang otoridad na kasuhan ang mga miyebro ng ACT na mapapatunayang nakikisali sa pag-aaklas laban sa gobyerno. Tiniyak naman ni Alabayalde na walang ginagawang profiling ang PNP sa hanay ng mga guro. Ang ginagawa lang daw nila ay bahagi lamang daw ng kanilang intelligence effort para maprotektahan ang bansa sa mga kumakaaway dito. Magugunitang inamin mismo ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison na ang ACT ay kabilang sa kanilang front organization. Itinanggi naman ito ng ACT. Matapos ma-abswelto ang PNP sa kasong isinampa ng ACT, nasa proseso na raw ang PNP ng paghahanap ng matitibay na ebidensiya laban sa mga kasapi ng ACT. At kung mapapatunayang sangkot ang mga guro sa rebelyon, hindi lang kaso ang kakaharapin ng mga ito, kundi pati ang pagkakatanggal sa kanilang lisensiya. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa hakbang na balak gawin ng PNP laban sa mga gurong mapapatunayang kasapi sa rebelyon. "ASUHAN NYO PARA MAGTANDA SILA AT NG HUWAG NG PAMARISAN NG IBANG MATINONG GURO. NAWIWILI SILA DAHIL SOBRA NA ANG.PILIPINAS SA DEMOLKRASYA.," sai ni R. Franciso. "ama tangalan ng lisenya mga titser na yan..baka tinuturo pa nyan e comonismo sa mga bata at pagsama sa mga rally," sabi ni L. Dole "Dapat lang kasuhan kung sasama sa rebellion at alisan sa pagtuturo . Stiff penalty at pasaway , kapanalig ni Sison hulihin At itapon sa bundok nasanay, maganda na nga ang gawa ng government DUTERTE ano pa ang gusto nila," sabi ni N. Miyaguni Source: DWIZ | FB +Malugod ng ibinabalita ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsisimula ng konstruksyon g Light Rail Transit (LRT) - 1 extension na gagawin na sa Abril. Sa pamamagiatan ng proyektong ito ay madurugtong ang Bacalaran at Bacoor, Cavite. Ang karagdagang railway project ay mayroong habang 11.7 kilometer ay 8 istasyon. Kabilang sa mga itatayong istasyon ay ang Redemptorist, Manila INternational Airport, Asia World, Ninoy Aquino, Dr. A. Santos, Las Pinas, Zapote, at Niyog. Tinatarget ng DOTr at ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na makumpleto ang nasabing proyekto sa ika-4th quarter ng 2021. Ayon sa pahayaag ng DOTr, madaragdagan daw ang pasaherong mapagsesebisyuhan ng LRT sa oras na matapos ito. Kung sa kasalukuyan ay 300,000 lang ang naisasakay kada araw, magiging 800,000 na raw ito pag natapos ang proyekto. Ang pagsisimula ng konstruksyon para sa LRT-1 extension ay ikinatuwa naman ng ilan nating kababayan. Ito pa ang kanilang mga reaksoyn.. "Wow ang galeng talaga ng mga taga DOTR yan po ang tunay na serviscio publico salute sa inyong lahat sir art TUGADE and president DUTERTE ADMIN nakakamangha ang inyong kasipagan," sabi ni C. CUndangan. " Waaaaaaa grabeeeee salamat pooooooi yan po yung hinihintay namin nakuuuu kung pwede lang ihug kayong lahaaat hehehe. Yass! Travel is real na kapag usable na yan. ," sabi ni M. Yhel. "Napaksipag n ahensya ng gobyerno tong DoTR! Trabaho ng trabaho. Gud job! Sana tumakbo sa senado si sec. Tugade," sabi ni J. Lim. Panoorin ang dating ulat ng GMA News kaugnay sa proyektong ito. Source: News | DOTr +Viral ngayon ang post ng magandang anak ni Attorney Larry Gadon na si Alarice. Sa kanyang social media post, ipinagmalaki niya ang katangian ng kanyang ama at kung bakit iboboto niya ang kanyang tatay. Ayon kay Alarice, iboboto niya si Attorney Gadon hindi dahil daddy niya ito. "#BOBOto ko sya not just because he's my dad. Iboboto ko sya dahil alam ko kung paano sya magmahal. Mapagmamalaki ko din na he's the type na hindi humihingi ng kapalit. Katunayan nyan, sa dami ng tinulungan ng papa ko, hindi sya yumaman sa pera. Yumaman sya sa mga kaibigan ," kwento ni Alarice. Ayon kapa kay Alarice, matalas lang daw talaga ang dila ng kanyang ama dahil passionate daw ito sa mga bagay na pinaniniwalaan. "Hindi din sya plastic, matalas man minsan ang dila nya pero it's because he's very passionate with the things he really believes in," sabi pa ni Alarice. Noong una raw ay ayaw da ni Alarice na pasuking ng kanyang ama ang mundo ng pulitika dahil alam niya kung gaano kagulo ito. Pero naniniwala siya ng lubos na may maitutulong ang kanyang ama sa bayan. "Sabi ko nga nung 2016 sa post ko, ayoko sana sya tumakbo dahil magulo ang mundo ng pulitika. Gusto ko man syang ipagdamot, mas naniniwala akong may maitutulong sya lalo na kung mahal nya yung ginagawa nya... #Boboto kita Atty Larry Gadon dahil alam kong mamahalin mo ang magiging tungkulin mo kung sakaling pagpalain ka. Iboboto kita dahil alam ko kung paano ka magmahal, maglaan ng oras at magsakripisyo," dagdag ni Alarice. Ibinunyag din ni Alarice na ika-61 kaarawan na din ni Atty. Gadon. "Birthday nya today and my only wish is for him to have more healthy years to come, kasi kailangan nya maging strong para sa mga bagay na mahal nya.... Happy 61st birthday Papa, dati pa man ikaw lang Senator ko," pagbati ni Alarice sa kanyang ama. Banag isiusulat ang blog post na ito ay umabot na sa 2,000 mahigit ang nag-share ng post ni Alarice at bumohos angpagbati sa kanyang ama sa coment section. Source: Alarice Gadon +Tinanggap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang alok ng network giant ABS-CBN na magbayad ng P152.44 million bilang parte ng compromise agreement na inaprubahan ng Court of Tax Appeals (CTA) kaugnay ito sa tax deficiency case ng media company. "The BIR has accepted the amount equivalent to 40 percent of the basic tax assessed for deficiency income tax, value-added tax and documentary stamp tax and the amount equivalent to 100 percent of the basic tax assessed for deficiency expanded withholding tax, compensation withholding tax, and final withholding tax," sabi ng CTA Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi daw ng CTA na si ABS-CBN Chief Financial Officer Aldren Cerrado ang humiling ng kumpromiso. "After careful scrutiny of the documents submitted by the parties in support of the judicial compromise, the court finds the same in order and in compliance with the established laws, rules and regulations. Hence, the court approves the same," Ayon sa CTA. Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Juanito Castaneda Jr. Sa hiwalay namang isyu, magugunitang inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN na nanghiram umano ng billion sa Development Bank of the Philippines at hindi binayaran. "Kaya ako 'pag binira ko ang p**** i***** ABS-CBN na 'yan kaya kitang babuyin. Wala kang masilip sa akin. Kayo ang mga kawatan... ABS-CBN? Pagkatapos ni Aquino, there were the Lopez Group of Companies. You remember that? You borrowed money from the Cen -- from the DPWH, it was a financing institution. You borrowed close to P7 billion at the end of the day it was condoned. Tinabla ninyo because you were in power, because you are the media," banat ng Pangulong Rodrigo Duterte. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin mula sa Facebook post ng GMA. "Alam na reason kng kayat gsto ng media pabagsakin c digong ksi may tinatagong kdemonyohan mga media sunod kayu GMa," sabi ni G. Alfreda. "Susss ganyan talaga ginagawa ng mga companya hindi magbabayad yan ng buo.. Tapus over 150million lang ang tax. Well alam na," sabi ni J. Calipay. "mga masahol pa sa hayup! walang kabusugan n ubod na ng yayaman ayaw pang ibigay ang para sa bayan. mga gahaman mga walng hiya!," sabi ni J. Pedraja. "So..mayroon ngang deficiency ng tax ang ABS CBN.Kung si Roxas nanalo nuon,wala na ito.Nagkalimutan na.This excludes yung mga tinubo nila sa campaign na hindi naman pinalabas tulad ng kay Duterte at Escudero.Good at lumalabas at nagkakaroon ng agreement to pay.Takot mawala franchise nila sa 2020.Follow what is in the law and pay whatever is due to you," sabi ni L. Tab. Source: GMA News | GMA FB | DWIZ +Ayon sa ulat ng Manila Standard, titignan daw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang online petisyon na nag-uudyok sa kanyang ahensiya na ipawalang-bisa ang dual citizenship ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa. Ayon kay Guevarra, maaring kanselahin ang dual citizenship. Si Ressa ay may citizenship sa bansang Pilipinas at Estados Unidos. "Subject to further study, any grant of dual citizenship is revocable on grounds specified by our laws such as fraud and misrepresentation," ani Sec. Guevarra. Ang naturang online petition ay inilunsad ng netizen na si Rene Astudillo. Sa kasalukuyang, umabot na sa mahigit 15,000 na ang pumirma sa petisyon. Ayon kay Astudillo, nilabag daw ni Ressa ang batas sa Pilipinas kaya dapat daw ipawalang-bisa ang dual citizenship ng mamamahayag. Mababasa daw kasi sa "Oath of Allegiance" na dapat sundin ang lahat ng batas sa Pilipinas. Para patunayan ito, ipinost ni Astudillo ang kopya ng kanyang "Oath of Allegiance". Si Astudillo ay may hawak na dual citizenshp tulad ni Ressa. "When Ressa took her oath of allegiance as part of the dual citizenship process, she swore to support and defend the Constitution of the Republic of the Philippines, obey the laws and legal orders promulgated by the duly constituted authorities of the Philippines and to recognize and accept the supreme authority of the Philippines by maintaining true faith and allegiance thereto," banat ni Astudillo. Si Ressa ay nahaharap ngayon sa mga kasong cyber libel at tax evasion. Noong 2018 ay ni-revoke ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang registration ng Rappler dahil sa paglabag ng patakaran patungkol sa foreign ownership sa mga mass media. Sang-ayon ba kayo na ipawalang-bisa ang dual citizenship ni Ressa? Kung OO, magtungo lang sa website ng change.org para pumirma. Source: Manila Standard | Rene Astudillo +Mga kababayan, mag-doble ingat po tayo lalo't napakainit ng panahon, delikado lalo ang mga kabahayan sa sunog. Anim na bahay ang nilamon ng apoy sa Sandico corner Soriano Street Brgy. 35, Tondo, Maynila, mula sa ulat ng ABS-CBN News. Dahil sa dikit-dikit na kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy at itinaas ang sunog sa ikalawang alarma. Bukod dito, masikip din ang eskinita kaya't nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang daan upang kaagad na maapula ang sunog. Kanya-kanyang hakot at likas ng kanilang mga mahahalagang gamit ang mga residente habang inaapula ang apoy ng mga bumbero. Kuwento ng ilang nasunugan, akala nila umano ay may nagaganap lamang na gulo kaya't maingay sa labas ngunit nagulat umano nila nang makitang malaki na ang apoy mula sa sunog. Idineklarang fire-out ang lugar makalipas ang isang oras, subalit ilang sandali lamang ay muling sumiklab ang apoy sa isa sa mga bahay. Sa kalagitnaan ng sunog ay isang ina ang nagmamadaling lumapit sa mga bumbero at nagsabing natutulog umano sa loob ng kanilang bahay ang dalawa nilang anak. Wala nang natira sa naabong bahay ng nasabing ginang at ganun na lamang ang kanilang panlulumo ng kanyang asawa nang makumpirmang hindi na nakalabas pa nang buhay ang dalawa nilang anak. Ang mga biktimang nasawi ay nakilalang sina Francine Hagunos, 15 anyos at Lance Hagunos, 12. Ayon sa mga bumberong rumesponde, inabutan pa nilang magkayakap ang magkapatid na wala nang buhay sa loob ng natupok na bahay ng mga ito. "Mayroong secondary exit sila na puwedeng pababa doon sa may cr daw sabi ng tatay. Hindi na siguro sila nakababa kasi na-suffocate na sila ng usok. Hindi tayo mamamatay sa apoy kaagad eh. Mamamatay muna tayo sa suffocation sa usok, bago tayo masusunog. Wala nang option 'yung dalawang magkapatid, siguro nagyakapan na lang sila," saad ni F/Insp. Jose Juaneros, Sub-station Commander ng Tondo Bureau of Fire Protection. Tinatayang nasa P100,000 halaga ng danyos ang natupok ng apoy at may labindalawang pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog. Nakadudurog ng puso ang mga ganitong eksena. Wala nang mas mahalaga pa sa ating mga buhay kaya't lagi po tayong maging maingat at alerto sa lahat ng pagkakataon. Source: ABS-CBN News +Nitong mga nakaraang linggo, ilang media ang naglabas ng ulat tungkol sa panggigipit umano ng Tsina sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough shoal. Kaya nagpunta ang news crew ng PTV sa Zambales para makapanayam mismo ang mga mangingisda sa lugar. Sa kanilang ulat, tila pinasisinungalingan ng mga mangingisda ang ulat ng ilang media. Nangangamba din ang isang mangingisda na baka dahil sa ulat ng mga ito baka maghigpit muli sa pagbabantay ang mga Tsina. "Ok naman kami doon. Wala kaming problema sa pangingisda. Labas pasok nga kami doon ngayon. Ang na-anuhan ko lang ay mayroon pumutok na balita na hina-harass na naman daw ang mga Pilipinong fishermen doon. Kaya nababahala ako na baka magalit ang mga nagbabantay,"sabi ng mangingisda na si Ramil Guela. Ayon naman sa isa pang kababayan nating mangingisda, naging maayos daw ang kanilang trabaho sa lugar simula nang maupo sa Malacanang si Presidente Rodrigo Duterte. "Noong naka-upo si Duterte, wala na, nagka-ayos na talaga. Malaya kaming nakakapasok sa Scarborough,"sabi ng mangingisda na si Enocentes Forones. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga isiniwalat ng mga mangingisda. "Mas kapanipaniwala ang sinasabi ng mangingisda dahil sila ang pumapalaot kesa yong nagsasalita na nasa opisina lang," sabi ni N. Penaverde. "Dito n lang ako manood yung ibang station niloloko lang tayo bini brainwash mga tao para lalong magalit sa presidente," sabi ni A. Satiada. "Gawa gawa lang kasi ng mga anti Duterte ang mga kumakalat na balitang yun," sabi ni M. Bisco. Source: PTV | Philstar | ABS +Ang init! Ramdam niyo rin ba ang init ng Summer sa Pinas? Hay, ansarap magpalamig at uminom ng buko! Tama, fresh buko juice! 'Yung dating madalas nating makitang itinitinda ng suki nating si "kuya" sa kariton, aba, bumibida na ngayon sa Palarong Pambansa: iyan ay walang iba kundi ang Buko! Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa nitong nakaraang Abril 28 sa Davao City na nilahukan ng higit sa 20,000 atleta at manonood, ipinakilala ang "Buko Water" bilang opisyal na energy drink. Ayon sa social media post ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Pinol, napagkasunduan ng Department of Education (DepEd), City Government ng Davao at ng DA na i-promote ang ating berdeng buko bilang isang masustansyang energy drink para sa nasabing national tournament. Dagdag pa ni DepEd Secretary Leonor Briones at Palarong Pambansa Secretary General Revsee Escobedo, ang nasabing "Buko Water" na umano ang magiging opisyal na energy drink maging sa mga susunod pang mga pambansang paligsahan at palaro. Ang pagpapakilalang ito sa Buko Water bilang opisyal na energy drink sa isang mahalagang pambansang pangyayari ay inaasahang makapapagpapataaas ng kamalayan ng mga konsyumer sa magandang benepisyo ng buko sa ating katawan at kalusugan. Bukod sa nabanggit na 'Buko Water", ibinida rin sa Palarong Pambansa ang paggamit ng "Bamboo Straw" para inumin ang buko, sa halip na ang nakasanayang plastic straw. Makakatulong ang paggawa at paggamit ng mga nabanggit na bamboo straw na mula sa maliliit na kawayan upang mabigyan ng dagdag na hanapbuhay at kita ang mga komunidad ng Indigenous People sa ating bansa. Sa pamamagitan nito, natulungan na ang ating mga kababayan ay hindi pa masisira ang ating inang kalikasan. Ano pang hinihintay niyo, halina't uminom ng buko! Hmnn.. sarap! Source: Department of Agriculture Manny Pinol +Naaresto ng otoridad ang dating opisyal ng Alliance for the Advancement of People's Rights-Southern Mindanao (Karapatan) na si Kelly Delgado, 39-anyos, matapos itong mahulian ng mga drug paraphernalia at shabu sa isang checkpoint nito lamang Sabado. Nakadetine ngayon si Delgado sa Bunawan Police Station. Nakuha kay Delgado ang improvised tooter at mga residue ng shabu nang inspeksyunin ang kanyang sasakyan. Si Delgado ay madalas dati na kasama sa mga rallies sa Davao City. "While conducting joint checkpoint operations at Sitio Licanan, Barangay Lasang, Bunawan District, Davao City, apprehended a certain Mr Kelly Munez Delgado, 39 years old, single, a resident of the IFI Compound, F Torres St, Barangay 9-A, Davao City," ayon sa spot report. Ang dating grupo ni Delgado na Karapatan ay isang a leftist human rights group at pinagsususpetsahang front organization ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng armed wing nito na New people's Army (NPA). Pinagplanuhan daw dati ni Delgado patayin si TF-Davao deputy commander Col. Randolph Cabangbang noong 2010 dahil pinagbintangan daw ni Delgado si Cabangbang na kumuha at pumatay sa anak ni Leoncio Pitao, napatay na NPA Commander. Mahaharap si Delgado sa kasong Republic Act 9165 or possession of illegal drug paraphernalia. Source: PNA | Rappler | Newsline +Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsisimula ng aktuwal na konstruksyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 Cavite Extension sa susunod na linggo, May 8, 2019. Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, pagkokonektahin ang Bacalaran sa Pasay at Bacoor sa Cavite. Pag natapos ang proyekto, inaasahan mababawasan ng lubusan ang oras ng biyahe ng mga kababayan natin. Kung dati-rati ay inaabot ng isa't kalahating oras ang biyahe, magiging 25 minuto na lang daw ito. Madaragdagan ng 11.7 kilometro ang kasalukuyang linya ng LRT at magkakaroon din daw ng bagong 8 istasyon. Mas maraming biyahero at mananakay ang mapagsisilbihan pag nakumpleto ang extension project. Tinatarget ng DOTr at ng Light Rail Manila Corporation na makumpleto ang nasabing proyekto sa huling bahagi ng 2021. Ang proyektong ito ay inabutan at pinagpatuloy ng Duterte Administration. Ikinatuwa naman ng mga kababayan natin ang impormasyon na ibinahagi ng DOTr.. "Another thumbs up for DOTR Sec. Art Tugade group and Pres. Duterte Adm. tandem , keep up doing excellent job guys , the best Philippine President and Cabinet Secretary," sabi ni E. Cowan. "The best thing to decongest traffic in Edsa and other metro manila roads is to improve drastically the mass transportation system. The more effective and efficient the public transport of metro manila, the more people will choose to ride in those utilities instead of using privately owned vehicles. Well done DOTr," sabi ni A. Bristol. "Wow naman!! Sawakas!! Ayos na ayos sa amin itong mga taga south!! Kung kanino man project ito mapa last admin o ngayon SALAMAT na rin kasi matutuloy na talaga! The best!!," sabi ni L. Galicia. Source: DOTr +"They're not the proper body or authority to say that it is unconstitutional or not. Hindi po sila ang Supreme Court. Hindi sila ang Kataas-taasang Hukuman dito sa Pilipinas. So, hindi po sila ang pwedeng magsabi if it's unconstitutional or not." Ilan lamag ang mga ito sa naging apela ni Philippine National Police (PNP) General Oscar Albayalde, matapos ang naging pahayag ng Ateneo Policy Center na bumabatikos sa kampanya ng pamahalaan na "War on Drugs", kung saan inilabas ng Ateneo Human Right Center (AHRC) ang resulta ng kanilang pag-aaral na umano'y lumabag sa Konstitusyon ng Pilipinas ang nasabing "Oplan Tokhang" ng Gobyerno. Ayon kay Albayalde, bukas umano ang PNP sa mga posibleng imbestigasyon ng Unibersidad sakaling gustuhin nitong maging mas balanse ang isinasagawang pag-aaral, bagama't hindi sila direktang nakatanggap ng imbitasyon mula sa mga ito upang kuhanin ang panig ng pulisya. "Pangalawa po doon, that is voluntary in nature. Remember 'yung Tokhang, sabi nga eh, paulit-ulit po natin na sinasabi na ito ay voluntary in nature. Wala pong ginamit na puwersa rito. At wala pong namatay because of Oplan Tokhang. These all surrendered. Nag-surrender sila for rehabilitation," dagdag pa ng PNP Chief. Handa umano ang PNP na makinig at hikayatin ang ilan pang sektor na nagmamalasakit na tulungan ang Philippine National Police sa laban nito kontra ilegal na droga. "What we are open here, they might have something here that we do not know. We are open for suggestions. We have no monopoly of intelligence here. We have no monopoly of strategies here," saad ni Albayalde. "We are open to suggestions that could improve, number one, our law enforcement, 'yung aming pagtataas ng standard namin, and of course how we enforce the law. Malay natin mayroon silang bright idea? Remember they are in the academe," pahayag pa ng Hepe ng Pulisya. Source: PTV GMA News via MSN +Sa isang social media post, nagpahayag ng suporta si Senate Presidente Vicente "Tito" Sotto tungkol sa kampanya kontra-droga na isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon. Ayon sa senador, dapat daw ipagpatuloy at walang katapusan ang kampanya laban sa bawal na gamot. "War vs Drugs should be continuing and perpetual," sabi ni Sotto. Hindi rin daw totoong may nananalo o natatalo sa kampanya laban sa droga at madami lang daw na pumapapel na wala daw alam. "No such thing as FAILED or WON. Ang dami kasing epal na hindi naman alam ang laban!," buwelta ni Sotto. Walang pinangalanan na personalidad si Sotto. Pero ang twitter post ng senate president ay kanyang inilathala mapatos ang senatorial debate ng CNN Philippines. Sa naturang programa, sinabi ni Otso Diretso Senatoriable Florin Hilbay na pumalya daw ang war on drugs ng pamahalaan. "Pagkatapos ng maraming patayan, ang problema ng droga mas malaki pa ngayon. Your war on drugs has failed," sabi ni Hilbay kay former PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa. Rumesbak naman si Bato at ginamit na reperensiya ang isang survey. Ayon umano sa isang survey, 66% ng mga kababayan natin ang nagsasabing kumonti daw ang bilang ng mga durugista o adik sa kanilang lugar. Source: Senate President Tito Sotto | CNN Philippines +Sa talumpati ni Panfuong Rodrigo Duterte para sa kanyang political party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Mayor Vitaliano D. Agan Coliseum sa Zamboanga City, binanatan ng Presidente si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary at ngayo'y senatorial aspirant Mar Roxas. Ikinuwento ng Pangulo sa kanyang speech kung paano naging arogante si Roxas noong alkalde pa lang siya ng Davo City. Hindi raw pinansin ni Roxas ang ilang local government official sa isang pagtitipon, bagkus ibinaling daw ng dating DILG secretary ang pansin nito sa mga justices na dumalo sa okasyon . Wala rin daw pag-asa si Roxas na manalo laban sa kanyang dating aide na si Christopher "Bong" Go sa paparating na eleksyon. "Kung yung kampanya niya (Roxas) ginawa niya the best niya, hindi siya manalo kay Bong," sabi ni Duterte. Tinanong din ng Pangulo ang mga supporters ni Roxas kung ano daw ang nagawa ng kanilang iniidolo. "Kayong mga liberal, magtanong lang ako diyan, anong nagawa niya? anong nagawa niya na naiwan niya sa bayan? secretary of trade kay Macapagal (Arroyo), pagkatapos nong eleksyon, lukso siya kay Aquino.. secretary of Finance.. tapos secretary of communications.. tapos DILG... Nadaanan niya naman lahat yan.. ano ang nagawa niya.. bigyan mo ko isa. Dinaanan na niya lahat. Ngayon babalik ka na naman. Ano na naman ang dadalhin mo?" banat ni Duterte. Binanatan din ng Pangulo ang ibang miyembro ng Otso Diretso. Panoorin ang kanyang talumpati sa video sa ibaba. Source: RTVM +Isang propesora mula sa University of the Philippines (UP) - Cebu ang maaring maharap sa kasong administratibo daw umano sa pagsira ng boom barrier ng Camp Sergio Osmena. Kinilala ang guro na si Dr. Phoebe Zoe Sanchez, isang public sociologist at propesora ng UP Cebu. Ayon sa ulat ng SUnstar Cebu, maghahain ang kapulisan mula sa Police Regional Office 7 (PRO 7) ng kasong kasong administratibo laban kay Sanchez. Si Sanchez ay may kasamang pang 9 na demonstrador na kakasuhan din ng kapulisan matapos komosyon noong ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Ang mga demonstrador ay mga miyembro daw ng mga grupong Karapatan, Bayan at Makabayan. Tinangka din umano ng mga ito na harangin ang mga sasakyyan ng kapulisan na aalis ng kampo. Ayon naman kay Sanchez, hindi daw sila ang may sala sa pagkakasira ng gamit ng gobyerno. Isinisi niya ito sa mga kapulisan. "The people knocked on the gate, and banged it. And we also have a video... actually, the bar that they said was destroyed was interior to the gate. It's not outside, so it was not us holding it," sabi ni Sanchez. Si Sanchez ay chairperson ng human rights group na Karapatan sa Central Visayas. Nagsimula daw ang komosyon ng magkabilang panig nang magpatutog umano ang PRO 7 ng theme song ng VOltes V habang nagpo-programa ang mga demonstrador. Ayon kay Sanchez, handa raw siyang harapin ang reklamo ng PRO 7 pero kakasuhan din daw ng mga kasamahan niyang aktibista ang kapulisan dahil sa paglabag sa sa police protocols at konstitusyon. Source: Sunstar | FB | Phoebe Zoe +Umangat ng tatlong pwesto ang Pilipinas ngayong taon sa 2019 RUle of Law Index ng World JUstice Project (WJP) . Kung noon ay nasa ika-93 na pwesto ang Pilipinas, ngayon ay nasa ika-90 na ito. 126 na bansa ang isinailalim sa survey. 3,800 surveys ang isinigawa sa 120,000 households sa 126 na bansa para malaman ang pwesto ng bawat bansa. Ilang sa guidelines sa survey ay ang limitation of power from government, law leel of corruption, opennes of the government, order anf security regulatory enforcement at criminal justcie. Ayon naman sa ulat ng Manila Bulletin, sa ikalawang taon ng pagsu-survey ng WJP, bumababa daw ang rule of law sa ilang bansa. . Sa positibo naman pahayag ng WJP, sinabi ng organisasyon na mas maraming bansa ngayon ang umayos ang index score pagdating sa kawalan ng korapsyon. Ikinatuwa naman ng Malacanang ang naging resulta ng World Justice Project Rule of Law Index 2019. Ayon sa Palasyo, patuloy na magtatrabaho ang gobyerno para makamit ang mga layunin nito. "The Duterte Administration has been tirelessly working on these since Day One and we are pleased of the Philippines' improved global rank in 2019," sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Ayon pa kay Panelo, ang pagtaas daw sa survey ng Pilipinas ay dahil umano sa mga ginagawa ng gobyerno. "[These] are all embodied in the Duterte Administration's Philippine Development Plan 2017-2022 with the following strategic outcomes: enhancing the social fabric, inequality-reducing transformation and increasing growth potential," dagdag ni Panelo. Sinabi naman ni Panelo, na kailangan tumulong din ang iba sangay ng gobyerno para masigurado na ang katarungan ay naibiigay.. "The Executive Branch, however, cannot do it alone. The four universal principles of the World Justice Project rule of law framework, which include accountability, just laws, open government, and accessible and impartial dispute resolution require the support of all branches of the government," ani Panelo. Source: PTV | MB |MB +Ayon sa Depaartment of Interior and Local Government (DILG), aabot na sa 5 milyong kilo ng Basura ang natanggal na ng gobyerno sa Manila Bay simula nang inilunsad ang rehabilitation program nito noong Enero 27. Nilinaw naman ng kalihim ng DILG na si Eduardo Ano na bagamat mas malinis na ngayon ang Manila Bay, hindi pa rin daw ito ligtas para languyan. Pinagkaka-abalahan na rin raw ngayon ng gobyerno ang paglilinis ng mga kanal na nagdadala ng maruming tubig sa Manila Bay. "We need to shut down the companies discharging waste," sabi ni Ano. Inaayos na rin daw ng gobyerno ang mga detalye kung paano ililipat ang mga pamilya ng informal settlers na isa sa mga nagdudulot ng dumi sa Manila Bay. Inatasan na daw ng DILG ang mga kawani ng mga Barangay na mag-imbentaryo ng mga pamilya ng informal settlers na naninirahan sa paligid ng Manila Bay. 178 naman ng local government units naman ang ang magsasagawa ng kani-kanilang lingguhang clean-up drives para sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Manila Bay. Bashin ang reaksyon galing sa ilang netizens tungkol sa 5 milyong kilo ng basura natanggal sa Manila Bay. "pwedi nman pala....! bwesit yong naunang mga presidente," sabi ni E. Tulang. "Miski anong linis ng mla bay pag-walang disiplina ang madlang people natin?back the same story ang MLA Bay," sabi ni R. Padilla. "Dapat yung mga adik pag community service sila paglinisin nyo then balik sa kulungan," sabi ni J. Elemos. "A good job indeed by prrd..let join him for a better philippines...mag kaisa at magsamasama..iwas na ng subra puna at ngakngak hindi proactive yan nakakatulong sa atin...," sabi ni M. Garlejo. Source: Philstar | FB +Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang joint resolution ng Kongreso para sa pagpapalawig ng pondo para sa mga biktima ng mga human rights violations. Ang naturang resolusyon ay pinirmahan ng Presidente noong February 22 at inilabas sa mga mamamahayag nitong lang Feb 28. Sa pamamagitan ng resolusyon mabibigyan ng kapangyarihan ang Landbank of the Philippines at Bureau of Treasury na maglabas ng pondo at siguraduhin ang bayad sa mga claims. Inaatasan din nito ang Commission of Human Rights (CHR) na gawin ang epektibong pamamahagi ng pondo sa mga biktima ng human rights victims o mga representante ng mga ito. Umabot na ng 11,103 ang na-aprubahang lehitimmong claimants ng Human Rights Victims' Claims Board (HRVCB) noong simulang ito noong May 2018. Para kay Executive Secretary Salvador Medialdea, mabagal pa rin daw ang pagpo-proseso at paglalabas ng pondo para sa mga claimants. "It took them so many years, natengga, kasi mahirap daw mag-interview," sabi ni Medialdea. Si CHR Chair Chito Gason ay isa sa mga miyembro ng claims board, ayon kay Medialdea. Ang naturang balita ay ikinatuwa ng ilang kaabayan natin. Ilan sa mga nagbahagi ng ulat ay ang pro-government blogger at university lecturer na si Sass Rogando Sasot at ito ang ilang sa mga komento sa kanyang Facebook post.. "Langya, iyan ba ang presidente na Diktador at walang pake sa Human Rights? Mga salot na Dilawan talaga kahit kelan," sabi ni M. Sarmiento. "Yung diktador at palamura pimirmahan na naman ang tulong pinasyal para sa mga viktima ng human rights itong si tatay digong walang magawa hahahaha ano ang say ninyo mga reklamador," sabi ni M. Begornia. "Ano CHR Wala lang bang pa thank you diyan sa diktador naming president??? O baka naman di na kayo marunong mag thank you," sabi ni N. Radz. "Hehehehehe yan ang Tatay nang Pilipinas sabi nila yellowish diktador daw LOL ayannnnn ohhhhhh," sabi ni M. Pagao. Source: PNA | Sass +Tuloy tuloy ang mga taong pumipirma sa petition ni Rene Astudillo na ipa-revoke o ipawalang-bisa ang dual citizenship ni Rappler CEO Maria Ressa. Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 24,654 ang pumirma sa petisyon sa website na change.org. Ang naturang petisyon ay sinimulan ng kababayan natin na si Rene Astudillo noong February 24. Ayon kay Astudillo, nakasaad daw sa "oath of allegiance" na dapat sundin ng aplikante ng Dual Citizenship ang mga batas sa Pilipinas. Si Astudillo ay mayroon din dual citizenship. Sa katunayan, ipinakita pa nito ang kanyang sariling "oath of allegiance" sa kanyang social media account. "When Ressa took her oath of allegiance as part of the dual citizenship process, she swore to support and defend the Constitution of the Republic of the Philippines, obey the laws and legal orders promulgated by the duly constituted authorities of the Philippines and to recognize and accept the supreme authority of the Philippines by maintaining true faith and allegiance thereto," sabi ni Astudillo. Si Ressa ay nahaharap sa kasong tax evasion. Kamakailan lang ay naging laman ng balita si Ressa nang arestuhin ito ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong cyber libel na isinampa ng isang private citizen at businessman na si Mr. Wilfred Keng. Ni-revoke din ng Securities sand Exchange Commission (SEC) ang registration ng kumpanya nito na Rappler noong 2018 dahil umano sa paglabag sa patakaran ng foreign ownership. Ayon sa ulat ng Manila Standard, nakarating na rin sa kaalaman umano ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang naturang petisyon at sinabing titignan daw nila ito. "Subject to further study, any grant of dual citizenship is revocable on grounds specified by our laws such as fraud and misrepresentation," sabi ni DOJ Sec. Guevarra. Pabor ka ba na ipawalang-bisa ang dual citizenship ni Ressa? Kung sang-ayon ka, pumunta lang sa website ng Change.org para makibahagi at makapirma. Source: Change.org | Manila Standard +Para kay Akbayan Party-list COngressman TOm Villarin ang hindi pagpirma ni Pagulong Rodrigo Duterte sa "anti-palo" bill ang nagpapakita lamang na ang Presidente ay walang pakialam sa mga kabataan. "The veto of the positive discipline bill by President Duterte shows his lack of care and compassion towards children. It is unfortunate and at the same time disturbing that Malacanang does not appreciate the values of positive discipline and reinforcement among children... It is unfortunate because children nowadays are subjected to all forms of physical and mental violence," sabi ni Villarin. Ayon kay Villari, ang "anti-palo" bill ay naglaayon lamang ng protektahan ang mga kabataan sa mga pang-aabuso. "Compassionate measure that seeks to protect our children by prohibiting beating, kicking, slapping, lashing on any part of a child's body, with or without the use of an instrument... The law also seeks to prohibit verbal abuse or assaults, including threats, intimidation, swearing or cursing, ridiculing a child or making him look foolish in front of other children or the public,," dagdag ni Villarin. Ang panukalang batas ay hindi pinirmahan ni Pangulong Duterte dahil ayaw pangunahan ng palasyo ang paraan ng pagdidisiplina ng mga magulang sa kanilang mga anak. "I am gravely concerned that the bill goes much further than this as it would proscribe all forms of corporal punishment, humiliating or not, including those done within the confines of the family home. I do not share such an overly sweeping condemnation of the practice... I am of firm conviction that responsible parents can and have administered corporal punishment in a self-restrained manner, such that the children remember it not as an act of hate or abuse, but a loving act of discipline that desires only to uphold their welfare," sabi ng Presidente. Source: Politiko | News5 +Sinumulan na isuko ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) fighters ang kanilang mga armas sa gobyerno. Ito ay matapos maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law o "BOL". Sa ginagawang MILF Decommissioning, inaasahang magbabalik loob ang 30,000 hanggang 40,000 MILF combatants patungo sa buhay sibilyan. Ang decommissioning ay nakapaloob sa kasunduan ng pamahalaan at ng MILF. Ang listahang isusumite ng MILF patungkol sa decommissioning ng armas ay susuriin at beberipikahin ng isang independent decommissioning body na pinamumunuan ng mga banyaga. "On going ang validation ng independent commissioning body. So hopefully we can finish it. Kasi ang sabi nila, ang validation will take around 3 months," sabi ni Bangsomoro Transition Authority Interim Chief Minister Al Hadj Murad Ebrahim "Our enemy is graft and corruption... Our enemy is nepotism. Our enemy is all those ills of the government," sabi ni Ebrahim. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pag-usad ng kapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at MILF. "i support this thank you duterte I love my country especially my birth land Mindanao," sabi ni X. Ibong. "Well welcome to the other side.... hope it will last longer than we expected... no more wars and help our nation," sabi ni S. Melendres. "May mindanao prosper more and the people live in peace and harmony.thanx to the president and to our muslim brother," sabi ni J. Mozar. "Tignan mo ang Pangulong DU30 lng ang naka gawa nyan : KAPAYAPAAN PARA SA KAPATID NATING MGA MUSLIM patuloy na umasenso ang bansa," sabi ni M. Castro. "Sana tuloy tuloy na ito. Maraming challenges ang darating pero sana laging pagusapan. Huwag na sanang bumalik sa dati .Heto na ang simula ng peace sa buong Pilipinas. This can start making Philippines great and not being looked down by other countries," sabi ni G. Touting. Source: GMA News +Kamakailan lamang ay naging maingay at laman ng mga balita sa main stream at maging sa social media ang mainit na pagtatalo ng magkapatid at political rivals na sina Incumbent Makati City Mayor Abigail (Abby) Binay at Junjun Binay. Ngayon, ang isa pa nilang kapatid na si Senator Nancy Binay naman ang may pahayag ukol sa kanyang nararamdaman sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang kapatid na si Junjun, mula sa ulat ng GMA News. Maluha-luhang inilahad ni Senator Nancy Binay ang kanya umanong pangamba para sa buhay ng kapatid na si Junjun, na simula pa umano noong nakaraang taon ay ilang beses nang nakatanggap ng death threats. Gayunpaman, nilinaw naman ni Senator Nancy Binay na hindi umano magagawang saktan ni Abby si Junjun. "Natatakot ako for him. Baka saktan nila pag nag-away. Because alam ko 'yung kapatid ko hindi niya kaya pero 'yung mga nakapaligid sa kanya kaya," saad ng Senadora. "I was really fearing for his life. Unang-una 'yung mga pamangkin ko kawawa naman, wala na ngang nanay, baka mawalan pa ng tatay kasi nga magiging ganun kainit 'pag naglaban sila," dagdag pa ni Senator Nancy Binay. Samantala, ayon naman kay Junjun ay nakatanggap na umano siya ng mga impormasyon tungkol sa mga taong nais siyang saktan mula pa noong nkaraang taon, gayundin sa mga taong araw-araw siyang sinusubaybayan, bagama't tumanggi siyang pangalanan ang mga ito. "Kasi 'yung last year I was already getting information na there were people who were planning to hurt me. I just told my mom kasi ayaw ko naman palakihin. They were actually getting my schedule. There was a person checking on me practically the whole day, 'yung mga activities ko. And my mom feared for my safety because I go around without a security," ani Junjun Binay. "I'd rather not comment at this point but keeping it within the family, at least I had the opportunity to tell my mom and my sisters about it. Monette died, my assistant died," dagdag pa ni Junjun Source: GMA +Tila humanga ang ilang kilalang personalidad sa ating lipunan kay former Philippine National Police Chief at Senatorial Aspirant Ronald "Bato" Dela Rosa sa ipinakita nitong performance sa katatapos na senatorial debate ng CNN Philippines. Ayon kay Senator Panfilo "Ping" Lacson, mag-isa daw giniba ni Bato ang mga senatorial candidate ng Otso Diretso. "Watching Ronald "Bato" de la Rosa single handedly and gamely taking on Otso Diretso (minus 2) candidates on a number of issues makes me stop wondering why he consistently ranks high in the senatorial surveys," sabi ni Lacson. Para naman sa beteranong mamamahayag na si Jay Sonza, nag mukhang eng-eng daw ang mga kandidato ng oposisyon kay Bato. "Nagmukhang tanga lang ang kandidato ng otso diretso sa senatorial debate ng CNN. nilampaso sila ni Bato Dela Rosa sa isyu ng Chinese workers at war on drugs," Banat ni Sonza. Pinuri din ni former ambassador Rigoberto "Bobi" Tiglao ang pagtindig ni Bato laban sa senatoriables ng oposisyon. "Brilliant move. Duterte's candidates were clever to just let Bato debate with the Otso Inidoros. Bato single-handedly made all of the seven present there look stupid and ignorant. The former police chief showed he could debate with the inidoros on any issue. Mga bobo to fall for the trap of this 'debate'," ani Tiglao. Base naman sa social media post ng direktor na si Manny Castaneda, noong una daw ay hindi siya sigurado kay Bato pero matapos ang senatorial debate ay nakuha daw ni former PNP chief ang kanyang boto. "At first I was unsure of Bato for the Senate but after his performance at the CNN debate, he has won my admiration and my vote as well. Unlike many candidates who obviously performed to impress, Bato was sincere and spoke not only from experience but also from the heart. No attempt at intellectual discourse, no pretentiousness, but stood as himself - a human being. I just hope that when he does make it to the senate, if he is able to maintain his present disposition and not morph into a despicable political monster like many of those who eventually had become a traditional politician," sabi ni Castaneda. Source: Politiko | Bobi Tiglao | Jay Sonza | Manny Castaneda +Sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel, nagbigay ng opinyon si Senadora Cynthia Villar tungkol sa kung ano ang dapat gawin ng isang bise-presidente. Ayon kay Villar, dapat ay marunong sumunod sa Presidente ang bise nito at kung hindi, ito raw ang mauuwi sa gulo. "Maski na iyun, pareho din yun (with running for president), mahirap pa yung Vice President you make sure that you can follow your President or else you're in a mess," sabi ni Villar. Para kay Villar, kung hindi daw kayang sumunod ng bise sa kanyang Presidente ay dapat tumahimik na lang. May pag-aaral din daw na nagsasabi na kapag ang isang bise-presidente ay hayagang kumokontra sa Pangulo ay nagiging hindi popular ito. "Ako kasi kung ako ang Vice President if I cannot follow my President I'll just keep quiet. You know there's a study na pag ikaw ay Vice President palagi mong inaaway ang President nagiging unpopular ka," dagdag pa ni Villar. Suportado ni Villar ang bopto ng tandem sa Pangulo at at sa bise para maiwasan ang gulo. Magugunitang noong umpisa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay inanyayahan pa si Bise Presidente Leni Robredo para maging parte ng gabinete ng kasalukuyang gobyerno. Habang cabinet member si Robredo ay may pagkakataong pinupuna nito ang Pangulo. Dumating sa punto na hindi na inimbitahan si Robredo para dumalo sa mga cabinet meetings. Dahil dito, nagbitiw si Robredo sa kanyang posisyon sa gabinete. Source: Inq | politiko +Labis ang hinapis ni Girlie Jane Raymunde sa nangyari sa kanyang 10-anyos na kapatid na lalaki na si Armando Raymunde nang bawian ito ng buhay dahil sa ginawang pag-atake ng mga rebeldeng komunistang New People's Army (NPA). Hindi raw mapapatawad ni Girlie ang ginawa ng mga NPA sa kanyang kapatid. Ayon kay Girlie, pangarap daw ng kanyang kapatid na maging sundalo. "What the NPA did is heartless, cruel, and inhuman. I was shocked and speechless to see the fatal wounds of my young brother from head to toe after the landmine attack. It's even hard to accept condolences. He's too young to die!" sabi ni Raymunde. Mga hapon ng Abril 17, nang magpasabog ang mga rebeldeng komunista ng landmine sa lugar ng pansamantalang patrol base ng Army's 20th Infantry Battalion (IB) Charlie Company sa may San Miguel Village. Ayon sa ama ng biktima, walang sundalo at anak niya lang ang nasa lugar nang magpasabog ang mga NPA ng landmine. Sa pahayag ng ina ng biktima, sinabi nito na ang pagkamatay ng anak ay pruweba na ang communist insurgency ay pumpatayng mga inosente at nandadamay din ng mga menor de edad. Ang NPA ay ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPO). Ang CPP ay itinatag ni Joma Sison. Si Sison ay nasa ibayong dagat. Source: PNA +"The biggest lie is that this drug war is meant to eradicate illegal drugs," Para kay Caloocan Bishop Virgilio David, isang malaking kasinungalingan daw sa mga tao ang kampanya kontra-droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang pahayag sa isang forum sa Taguig City, iginiit niya ang importansiya sa paglaban sa mga kasinungalingan sa social media at pagtulong sa mga biktima ng EJK at sa mga kapamilya ng mga ito. "Truth is not just a political issue. It is, above all, a moral and spiritual issue... t matters a lot that we know what the truth is when families claim that their loved ones did not fight back and that they did not have a gun or (illegal drugs) in their possession," sabi ni Bishop David. Si Bishop David ay madalas bumatikos kay Pangulong Duterte pero paliwanag niya ay hindi personal ang kanyang kritisismo. Magugunitang ilang beses, binanatan ni Presidente Duterte si David sa mga talumpati nito. Rumesbak naman ang Malacanang sa mga boladas ni Bishop David. at ibinida ang survey kung saan sinabing 66% ng mga Pilipino ang nakaramdam ng pagbaba ng mga drug users sa kanilang lugar. "It is only under this administration where the real situation on illicit drugs in the country has been exposed in all its ugliness and terrifying magnitude... The voice of satisfaction of the great majority of Filipinos with the drug war has been consistently resounding," buwelta ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Banat pa ni Panelo kay Bishop David ay tumulong na lang sa mga kababayan nating nabiktima ng lindol imbes na batikusin ang kampanya ng gobyerno laban sa droga.. Source: Inq | ps +Isa sa mga gagawin daw ni former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary at senatorial aspirant Mar Roxas pagnanalo siya bilang senador sa darating na eleksyon ay ang pag-repeal o pagkansela sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Ang TRAIN Law ay isa sa mga legislative agenda ng Duterte Administration. Layon ng batas na mabigayan ng kaukulang pondo ang mahahalagang proyekto ng kasalukuyang administrasyon. Plano din ni Roxas na gumawa na mas mahigpit ng patakaran sa pagkuha ng mga manggagawang Tsino sa ating bansa. Nangako naman si Mar sa mga lokal na opisyal ng pagpapabuti sa kalagayan ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mapagkakakitaan at oportunidad. "I'm here again to borrow your trust. I promise to pay your trust through honest, clean, and real service," Si Roxas ay nasa Catarman, Northern Samar, nitong Lunes bilang parte ng kanyang campaign sortie. Nagpasalamat siya sa suportang ipinakita ng mga Nortehanons noong halalan 2016 kung saan nanalo umano si Roxas sa 24 probinsya nito. Umaasa ang dating kalihim ng DILG ng parehas na suporta para sa kanyang kandidatura bilang senador. Source: Inq +Humantong na sa hamunan ang naging pagbatikos ni Asia's songbird Regine Velasquez-Alcasid kay Duterte Administration foreign affairs secretary Teddy "Boy" Locsin. Magugunitang binatikos ni Regine si Locsin dahil sa isyung West Philippines Sea at kinuwestiyon ang antas ng katalinuhan ng kalihim. Hindi ito pinalampas ng radio host na si Ben Tulfo at sinabing sumasakay lang si Regine sa isyu dahil palaos na. Wala din daw alam si Regine sa naturang usapin. "Ang mensahe ko sa 'yo, Regine Velasquez, next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo yung isyu and you can talk about it. Hindi mo ito balwarte. Yung kaalaman mo, itago mo na lang... Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang, kung di man career na medyo dwindling down. And so, speaking up like may alam pag dating sa foreign relations or foreign affairs ang isang entertainer," sabi ni Tulfo. Hindi nagustuhan ni Ogie Alcasid ang mga tirada ni Tulfo sa asawa niya at rumesbak na siya na lang daw ang pagtuunan ng pansin ng radio host. "Sir @bitagbentulfo . I offer my cheek to you. After you have maligned my wife I ask that you focus on me. She is after all a lady. God bless you sir," banat ni Ogie. Sumagot din si Tulfo kay Ogie at sinabing wala siyang planong manakit. Nagbibgay lang daw siya ng opinyon niya. Iginiit din ni Tulfo na hindi dapat nakikialam si Regine sa usapin ng foreign affairs. "I am not here to hurt anyone. I am talking with sincerity and truthfulness. this is a serious issue. Tell your wife to focus on her career. Please, not Foreign relations and issues. I do respect you and your wife," ani Tulfo. Source: Ogie | Tulfo | Tulfo | PS +Nitong semana santa ay naging laman ng balita ang mang-aawit na si Regine Velasquez dahil sa naging komento nito laban kay Department of Foreign Affairs Secretary Teddy "Boy" Locsin tungkol sa isyu ng pangunguha ng kabibi ng mga mangingisdang Intsik sa Scarborough Shoal. "Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan," ani Regine. Ang batikos ni Regine ay sinagot agad ni Locsin. Sa kanyang paliwanag, sinabi ng kalihim na hindi sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough Shoal kundi Exclusive Economic Zone (EEZ) lamang. Dahil sa pagkomento ni Regine sa isyu, hindi napigilan ng beteranong radio host na si Ben Tulfo na banatan si Regine. Ayon kay Tulfo, ang mga usapin tungkol sa foreign affairs ay para sa mga eksperto at hindi para sa mga trying hard. "Kumanta kana lang ng kumanta hangga't gusto mo, hanggat lumaos ka. Eh palaos ka na eh. Eh ngayon papasok ka sa isyu ng politika? Give me a break," banat ni Tulfo. Binanatan din ni Tulfo si Vice President Leni Robredo dahil sa pag-udyok sa celebrity na magsalita tungkol sa isyu. "VP Leni, if I were have to talk to you about this, please don't encourage celebrities because they are not expert in the field. Huwag mong hikayatin ang mga celebrities lalung-lalo na ang mga pipit atmga laos na. Kasi naghahanap lang ng career ang mgaiyan sasocial media para mapansin," resbak ni Tulfo. Source: Bitag Official | INQ +Matapos ang lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Luzon noong Lunes, sunod naman na tinamaan ng pagyanig ay ang Eastern Samar. Ayon sa ulat ng DWIZ, may humigit-kumulang 20 miyembro ng New People's Army (NPA) ang nabaon ng buhay sa Eastern Samar dahil pagtama ng 6.5 na lindol nito lang Martes. Nagbigay ng diretkiba ang Presidente sa mga opisyal na huwag tulungan o pag-aksayahan ng panahon ang mga rebeldeng komunista. Hindi rin daw dapat gumastos ang gobyerno kahit singkong duling para hukayin ang mga katawan ng mga bandidong NPA. "Pagka ang NPA ay nabaon doon ay huwag mong tulungan. Gastos lang ako samga p... Sabi may nabaon na sampu or twenty na NPAs there. Just tell them that Duterte doesn't want to spend fuel or equipment to retrieve your comrades. He is angry at you," banat ng Presidente Duterte. Kung kayo ang tatanungin, sang-ayon ba kayo na pabayaan na lang ang mga rebeldeng komunista tulad ng sinabi ng Pangulo? Source: DWIZ | RTVM +"Like I said families are divided, it is a reality," Sa panamayam sa ANC's Head Start, umamin si Senador Francis "Kiko" Pangilinan na hati ang kanyang pamilya pagdating sa usapin ng politika. Hindi alintana ng asawa ni Kiko na si Mega Star Sharon Cuneta na magpakita ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng madalas na pagbatikos ni Kiko sa Presidente. Kahit ganunn pa man, mahal pa din daw ni Kiko si Sharon. "Unfortunately, in the country many families of the country are divided on what is happening in the country and our family is no exception," sabi ni Pangilinan. Magugunitang ibinahagi ni Sharon sa kanyang social media account ang pagbati sa kanya ng Pangulong Duterte nang hindi nakadalo sa kanyang shows ang Presidente. Maaalalang pinagtanggol din ni Sharon ang kapatid niyang si Chet na tumatakbo bilang alkalde ng Pasay matapos i-endorso ng Pangulong Duterte. Nang mapag-usapan kung i-endorso ni Sharon ang mga kandidato ng oposisyon na mas kilala sa pangalang 'Otso Diretso', sinabi ni Kiko na hahayaan niya na lang ang asawa niya ang magpasya. Source: ABS | INQ | Sharon Cuneta +Sa panamayam ng ilang reporters kay Vice President Leni Robredo, napag-usapan ang "Oust Duterte" matrix na ibinunyag ng Malacanang kamakailan lang na nagdadawit sa ilang miyembro ng media sa diumano'y planong pagpapabagsak sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Robredo, hindi daw dapat nilalabas ito ng pamahalaan dahil hindi daw ito validated. "Kaya ito naman, kung mayroong ebidensya, ilabas, kasuhan. Pero hindi yata maganda na iyong basta-basta lang magbibigay ng suspicions na wala namang basehan... Pero para kasi sa akin, sana hindi naglalabas ng mga ganito na hindi pa validated, kasi maraming mga reputation ng mga tao ang madadamay," sabi ni Leni. Itong nagdaang araw, naglabas ang palasyo ng isang matrix kung saan makikita na ang mismong fact-checker ng Facebook Philippines at Presidente ng Vera Files na si Ellen Tordesillas ay kasama sa mga grupo ng mamamahayag na nagpapakalat ng mapanirang video laban sa pamilya ni Pangulong Duterte. Sa video series na may pamagat na "Ang Totoong Narco list", ipinakilala ang isang lalaking may pangalang alyas "Bikoy" na dati umanong miyembro ng sindikato ng droga. Isinasangkot ni Bikoy ang mga miyembro at malapit na tao kay Pangulong Duterte sa kalakaran ng droga. Para patunayan ang mga akusasyon niya, nagpapakita ito ng mga bank documents. Napatunayan na hindi totoo ang ilang sinasabi ni Bikoy nang maglabas ng pahayag ang RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC (RGBI). dahil lumabas ang logo ng kanilang bangko sa mapanirang video. Ayon sa RBGI, walang katotohanan ang mga pinagkakalat ni Bikoy. "The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous... RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos," sabi sa pahayag ng RBGI. Source: ABS | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. +Kahapon sa isang pagpupulong kasama ang ilamg miyembro ng gabinete para talakayin kung paano aaksyunan ang epekto ng 6.1 magnitude na lindol na tumama sa ilang parte ng Luzon, naglabas ng sama ng loob si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa basurang pinadala ng isang Canadian company papuntang Pilipinas noong panahon ni ex-president Noynoy Aquino. Magugunitang 103 containers ang dumating sa port ng Pilipinas mula Canada ang may kargang mga gamit na adult diapers, plastic bottles at iba. Nagbanta ang Pangulo na magdedeklara ng giyera laban sa Canada dahil sa mga basurang dinala sa Pilipinas. "Yung basura ng Canada, I want a boat prepared. I'll give a warning to Canada maybe next week that they better pull that thing out or I will set sail doon sa Canada, ibuhos ko 'yang basura nila doon... Eh di ano? Awayin natin ang Canada. We'll declare war against them, kaya man natin sila. Isauli ko talaga ah tingnan mo," banta ng Presidente. Matapos ang banta ng Presidente, naglabas ang embahada ng Canada ng pahayag at sinabing makikipagtulungan sila para maayos ang isyu. "Canada is strongly committed to collaborating with the Government of the Philippines to resolve this issue," sabi ng Canadian Embassy. Sa isang panayam, sinabi ni Canadian Ambassador to the Philippines John Holmes na nabigla siya sa naging banta ni Pangulong Duterte. "That's why frankly I was surprised by the comments because we are working closely with the government of the Philippines to resolve this issue... I won't comment on the specific words of the President or his tone but I will say this. Our Prime Minister committed and has recommitted to resolving this issue, including taking the waste back to Canada," pahayag ng ambassador. Source: ABS | ABS +"Death where is your sting? Grace where is your victory? No weapon formed against us will prosper. The gates of hell won't stand," Sa isang homily sa Mass of Holy Chrism nito lamang ika-19 Abril 2019, sinabi ni Archbishop of Lingayen-Dagupan Socrates Villegas na dapat daw magkaroon at kumprontahion ng may banal na galit ang isyu tungkol sa libo-libong namatay sa ngalan ng hindi totoong drug free society. We must confront with holy anger the more than thirty thousand senseless murders of the poor in the name of a false drug-free society," boladas ni Villegas./ Wala namang binanggit na politiko si Villegas sa kanyang homily pero alam siguro ng lahat na si Presidente Rodrigo Duterte ang may direktiba sa paglulunsod ng kampanya laban sa iligal na droga. Nito lang mga nakalipas na buwan ay may lumabas na survey kung saan sinabi umano ng 66% ng ating mga kababayan na nabawasan ang mga durugista sa kanilang lugar. Kung kayo ang tatanungin, makikinig at tatalima ba kayo sa mga pinangsasabi ni Villegas? Source: Leila De Lima FB | PTV +Sa isang pambihirang pagkakataon, humingi ng kapatawaran ang presidente ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na si Davao Archbishop Romulo Valles nitong Sabado dahil sa pang-aabusong seksuwal na ginawa ng ilang pastor nila sa mga kabataan. "We bow in shame, we beg for forgiveness. We continue to say: We are so sorry and beg for forgiveness from the Lord and from those this hurt and wrongdoing has been done," sabi ni Valles. Tiniyak naman ni Valles na ginagawa na ng Simbahang Katoliko ang mga paraan para mahinto ang pang-aabuso ng ilang pastor at mapanagot ang mga gumagawa ng kawalanghiyaan sa hanay nila. "We are all committed and do all that we can that's a broad statement to stop this. There are procedures on what to do ... to bring justice to all," ani Valles. Sa kabilang banda, sinusulong ni Pope Francis na mapanagot ang mga obispo hindi makakapag-resolba sa mga kaso ng pang-aabuso sa kani-kanilang mga dioceses. Magugunita na ang mga kaso ng pang-aabusong seksuwal ang madalas na binabala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alagad ng simbahan tuwing siya ay nakakatanggap ng kritisismo mula sa mga pari. Source: GMA News +Isa ka ba sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho para sa pang-araw-araw na pamumuhay at maging sa kapakanan ng iyong pamilya? Huwag nang palampasin ang pagkakataon para makakuha ng hanapbuhay ngayong darating na ika-1 ng Mayo, sa selebrasyon ng Labor Day. Ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, aabot sa 200,000 multi-skill job vacancies dito sa bansa at maging sa ibang bayan ang magiging bakante para sa mga Pilipino sa isasagawang simultaneous nationwide job and business fair ngayong darating na Mayo 1, kasabay ng pambansang pagdiriwang ng "Araw ng Mga Manggagawa". Ito ay ang 31 Trabaho, Negosyo at Kabuhayan Job and Business Fair. Hinihikayat ni Labor Secretary Bello III na samantalahin ng mga naghahanap ng trabaho ang pagkakataong ito mula sa mga kalahok na employer na nag-aaalok ng iba't ibang hanapbuhay. Ilan sa mga nagungunang bakanteng trabahong panlokal, ayon sa Bureau of Local Employment ay may kinalaman sa pagiging call center agents, production machine operators, micro-finance officers, factory workers, carpenters, security guards, at customer service representatives. Samantala, para sa overseas deployment naman ay nanguguna umano ang mga trabaho para sa technicians, bakers, nurses, nursing aides, food servers, service crew, bartenders, auto repair personnel, factory workers at cleaners. Karamihan umano sa mga bansang nangangailangan ng manggagawa ay Germany, New Zealand, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Australia, Bahrain, Poland at Taiwan. Pinaaalalahanan din ni Bello ang mga jobseekers na magdala ng mga sumusunod na dokumento sakaling interesado ang mga ito sa naturang job fair: maraming kopya ng resume, 2x2 id photo, PRC license kung mayroon, diploma, kopya ng training certificates at certificate of employment, para sa mga dati nang nagtrabaho. Good luck sa job at opportunity hunters! Maging mapanuri at alerto rin tayo sa lahat ng pagkakataon! Source: Manila Bulletin +Nitong mga nakaraang araw lamang ay inilathala ng programang Raffy Tulfo in Action ang pagdulog sa kanila ng ang mister na si Juanito Mirabueno na tinangayan ng misis. Ang masama pa dito, ang tumangay ay ang mismong barkada at kapwa tsuper nito na si Roberto. Ayon sa mister, madalas daw makipag-inuman ang asawa na si Genalyn Mirabueno sa kalaguyo nito at mga kapit-bahay. Ipina-barangay niya na daw ang kanyang kabiyak at kalaguyo nito pero tuloy pa rin daw ang kaligayahan ng dalawan. "'Yun ang masakit po sa akin sir. Kaibigan ko pa man din iyun. Niloko pa nila ako. Iyong lalaking iyun, may asawa din iyan, iniwan din niya (ang asawa niya), gawa ng asawa ko," sabi ni Isa pa sa mga ibinunyag ni Juanito ay bulag daw ang isang mata ni Roberto n na agad naman napuna ni Tulfo. Ayon kay Tulfo, bawal mag-drive ng pampasahero sasakyan ang mga may problema sa paningin dahil malalagay sa alanganin ang mga pasahero nito. Gagawa daw ng paraan si Tulfo para makansela ang lisensiya ni Roberto. Ayon pa kay Juanito, adik din daw ang kalaguyo ni misis kaya natatakot siya na baka may mangyari sa kanyang anak na babae. Nagkausap din mismo sa programa ni Tulfo ang mag-asawa at nagbanta si mister na kakasuhan si misis kung hindi ititigil ang pakikipag-relasyon sa kalaguyo nito. Agad namang umangal si misis at sinabing kaya lang daw gustong magkaso ni mister ay dahil ayaw niya lang itong balikan. Source: Raffy Tulfo in Action +Habang papalapit nang papalapit ang eleksyon, tila patindi naman nang patindi ang alitan sa pagitan ng magkapatid na sina Incumbent Makati City Mayor Abigail (Abby) Binay at election rival nitong si Junjun Binay. Matapos nga ang naging mainit na pagtatalo ng magkapatid sa loob mismo ng simbahan sa isinagawang election forum kung saan nagpang-abot ang magkapatid, muling nagasalita si Abby Binay tungkol sa umano'y walang batayang pagbibintang sa kanya ng kapatid na si Junjun, mula sa ulat ng ABS-CBN News. Ang nasabing forum ay inorganisa ng Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa San Ildefonso Parish. "Nag-aakusa siya sa akin tungkol sa asawa. Adik daw o meron kami kinalaman sa pagpatay sa sekretarya niya," saad ni Abby. "Hindi dapat ganun ang klase ng kampanya. Basta ang sabi ko sa kanya, ikaw ang nag-umpisa. He must be hearing things because I didn't say anything after that. Nag-freak out siya, I was just sitting there," dagdag pa ni Abigail. Samantala, humingi naman ng paumanin si Abby Binay sa mga parishioners kaugnay ng naganap na mainitang pagtatalo nila ng kapatid na si Junjun. "I would like to apologize to PPCRV. Gusto natin sa simbahan kasi gusto natin mag-behave. Kung may supporters na hindi nag-behave, ako na nag-aapologize," saad ni Abby. "This is the first time that I met him. Hindi ko siya nakita noong Makati peace covenant. First time tapos we were seated in very close proximity," dagdag pa ni Abigail. Samantala, ayaw na raw pahabain pa ni Junjun ang nasabing isyu,bagama't sinabi niyang sinigawan at inangilan umano siya ng kapatid na si Abby. Hindi namn ikinatuwa ng ama ng dalawa na si dating Vice President Jejomar Binay ang nasabing alitan ng magkapatid at ang ikinilos ng mga ito. Ayon sa dating pangalawang pangulo, siya na umano ang bahala kung kinakailangan niyang kausapin ang magkapatid. "Nagpupuntahan sila doon kaya nagpunta na rin ako. Cool lang, 'di maganda iyun," saad ni Jejomar Binay. Source: ABS-CBN +Handa na ba kayo sa muling pagbubukas ng klase, mga kababayan? Sulitin na ang nalalabing mga araw ng bakasyon, dahil sa darating na Hunyo 3, 2019, pasukan na muli sa mga pampublikong paaralan ng Elementarya at Hayskul, ayon sa Department of Education (DepEd), na iniulat ng Philstar Global. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, batay sa isang memorandum noong April 22, ang nasabing school year ay bubuuin ng 203 araw at magtatapos sa April 3, 2020. Dagdag pa ni Briones, maaari naman umanong i-adjust ang kalendaryo ng nabanggit na school year, sakaling may mga mahahalagang selebrasyong panlokal at pang-nasyonal na kailangang ipagdiwang o idaos para na rin sa kapakanan ng mga estudyante. Samantala, sa mga pagkakataon namang nagkakaroon umano ng mga di-inaasahang kalamidad at suspensyon ng klase, inirerekomenda ng DepEd ang pagkakaroon ng make-up classes para sa mga mag-aaral. Naka-schedule naman ang Christmas Break ng public Elementary at High School mula Disyembre 15 hanggang Enero 5. Sinabi rin ni Briones na ang pagpapatupad ng mga nasabing aktibidad ay nararapat pagkasunduan ng mga pinuno ng bawat paaralan, guro at maging ng mga magulang ng mga mag-aaaral. Bahagi rin umano ng implementasyon ng mga gabay sa darating na pasukan ang paghimok ng DepEd sa mga paaaralan na magsagawa ng "non-classroom based activities for learners" gaya ng science fair, trade fair, job fair, career orientation, pagpapakita ng portfolio, school sports at campus journalism. Ito ay kaugnay pa rin ng layunin ng K-12 para sa pangkabuuang ikauunlad ng mga estudyante. Nauna nang ipinag-utos ni Briones ang pagbuo ng Oplan Balik-Eskwela (OBE), isang inter-agency task force na magiging responsable sa pagkakaroon ng maayos at payapang pagbubukas ng klase. "The OBE is part of the department's efforts to ensure that the learners are properly enrolled and able to attend school on the first day of classes. The OBE aims to address problems, queries and other concerns commonly encountered by the public at the start of classes," saad ni Briones. Sa kabilang dako, ang nasabing schedule ng pasukan ngayong school year ay maaaring hindi sundin ng mga pribadong paaralan, basta't susundin nila ang batas na nagsasaad na ang pagbubukas ng klase ay nararapat simulan nang hindi mas maaga sa unang Lunes ng Hunyo at hindi rin lalampas sa huling araw ng Agosto. Source: Philstar +Nagka-iringan sa loob ng San Ildefonso Parish ang mga anak ni former Vice President Jejomar Binay na sina Junjun Binay at ABigail Binay na parehas tumatakbo bilang alkalde sa lungsod ng Makati. Sa talumpati ni Makati Mayor Abby, nanawagan ito na tigilan ang pagpapakalat ng kasinungalingan habang kampanya. "Sa natitirang panahon sa ngayon sa kampanya tigilan na ang pagkakalat ng kasinungalingan, tigilan na ang pagkakalat. Tigilan ang pagyuyurak sa aking pagkatao at sa aking asawa. Hindi kayo mananalo nang ganyan," sabi ni Abby. Panoorin pa ang iringan ng dalawa sa ibang anggulo. Matapos ang kanyang talumpati, umupo ito sa tabi ng kanyang kapatid at dito na nagsimula ang sagutan ng dalawa. Makikita tumayo pa si Junjun at biglang lumuhod sa kanyang ate. Mapapanood din na may pulis na lumapit para awatin ang dalawa. "Alam mo ate Abby, nandito tayo. Pwede po katahimikan, pinandidilatan po ako ng kapatid ko. Bakit ko gagawin? Nagsasabi raw ako ng kasinungalingan. Ibang klase. Wala ako ginawa sa 'yo nandito tayo sa simbahan, ate, dapat may paggalang," resbak ni Junjun. Dismayado naman si ex-vp Binay sa inasta ng dalawa niyang mga anak. "Nagpupuntahan sila doon kaya nagpunta na rin ako . . . Cool lang. Di maganda 'yun," paliwanag ng dating bise presidente. Source: ABS-CBN +Sa debate ng mga senatorial aspirants sa programa ng CNN Philippines, nagtapat ang mga kandidato ng administrasyon at ng oposisyon at pinag-usapan ang ilang mahahalagang isyung kinakaharap ng ating lipunan. Isa na dito ay ang war on drugs ng Duterte Government. Isa sa naging highlight sa debate ay ang paghaharap nila Ex-Philippine National Police Chief General Ronald "Bato" Dela Rosa at former Solicitor General Florin Hilbay. Hindi nakapagtimpi si Bato sa banat ni Hilbay na palpak umano ang kampanya kontra-droga ng Duterte Government. "How dare you say that the war on drug is a failure? Napakasakit sa amin (mga pulis). Marami sa amin namatay sa gyera na ito. Failure pa rin? Paano mo ngayon sasagutin ang survey ng SWS na nagsasabi na 66.66% og Filipinos believed that the number of drug addicts in their area has gone down? Paano mo iyan masasabi?" resbak ni Bato kay Hilbay. Magugunita nitong Pebrero 2019 lamang ay may lumabas na survey tungkol sa dami ng Pilipino na naniniwala bumaba ang bilang ng mga durugista sa kanilang lugar. Source: CNN Phil | PTV +Inilabas na ng pamahalaan ang kuha ng mga closed-circuit televisions (CCTV) sa loob ng Clark Intrnational Airport noong Abril 22, habang kasagsagan ng 6.1 magnitude na lindol. Mapapanood sa naturang video clip ang pagyanig ng ilang bahagi ng paliparan tulad ng check-in counter, domestic pre departure entrance, pre departure area international at iba pa. Ipinakita din sa video ang resulta ng lindol. Matapos tamaan ng lindol ang paliparan sa Pampanga ay agad nagbigay ng direktiba ang Department of Transportation (DOTr) na kumpunihin ang mga napinsalang bahagi ng airport. Naging mabilis naman ang tugon ng Clark International Airport Corporation (CIAC) at naisaayos ang mga nasirang pasilidad. Ibinalita ng DOTr na wala pang 48 oras ay naayos na ang mga nawasak na bahagi ng airport. Balik normal na rin daw ngayon ang operasyon sa paliparan. Source: DOTr +Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang ginawa nilang pagsasa-ayos sa mga nasirang bahagi ng Clark International Airport matapos yanigin ito ng 6.1 magnitude na lindol noong Lunes. Ayon sa DOTr, balik operasyon na ang paliparan sa Pampanga. Ipinagutos ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang na madaliin ang pagsasaayos sa airport para maserbisyuhan ang mga pasahero. "Wala pang 48 oras matapos mapinsala ng magnitude 6.1 na lindol, agad na naisaayos at mamayang ika-4:00 ng hapon ay balik-operasyon na ang Clark International Airport (CRK) sa Pampanga."sabi sa official social media page ng DOTr. Matapos ang lindol: Estado ng Clark International Airport ngayon: Pumalo sa P30 milyon ang halaga ng pinsala sa mga nawasak na bahagi ng Clark International Aiport. Umabot naman sa 110 flights ang naapektuhan matapos ipasuspinde ang operasyon sa airport dahil sa lindol. Ikinatuwa naman ni Sec. Tugade ang ang mabilis na aksyon ngmga kawani ng sektor ng transportasyon at ng paliparan. "Ang nangyari 'ho ay isang kalamidad na kailangang agad na tugunan. Sa mga ganitong panahon, napakahalaga ng transportasyon upang dalhin sa kaligtasan ang mga tao. Ang sabi ng Pangulong Duterte, siguraduhin na agad maisasaayos at matutulungan ang mga tao. Kaya kami 'ho sa DOTr, CIAC at BCDA ay puspusan ang ginawang pagkukumpuni ng mga istruktura upang maibalik sa normal ang operasyon dito sa Clark Airport. Lahat po ng maaaring ibigay, mula sa pagkain, libreng sakay, ibinibigay ho namin," pahayag ni DOTr Secretary Tugade. Source: DOTr +Kinumpirma ng palasyo ang Oust-Duterte Matrix na inilathala ng Manila Time kani-kanina lang. Ayon sa palasyo, ang parehas na impormasyon ay ilalabas din daw ng Malacanang ngayong araw. Nakapaloob sa nasabing matrix ang mga impormasyon tungkol sa ilang media groups na kasabwat sa pagpapabagsak sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilan sa mga sangkot na media organizations sa matrix ay ang Vera Files, Rappler at Philippine Center for Investigatice Journalism (PCIJ). Kasabwat din daw ang National Union of People's Lawyers (NUPL). Mapapansin sa itaas na bahagi ng matrix ang pangalan ni Ellen Tordesillas, presidente ng Vera Files at isa sa fact-checkers ng Facebook. Matatandaang sinabi ni Tordesillas na "professionally done" at "riveting" ang video na nagsasangkot sa pamilya Duterte sa kalakaran ng droga na may pamagat na "Ang Totoong Narco list". Ang first episode ng mapanirang video series ay nabutasan ng ilang pro-government bloggers dahil sa mga kahina-hinalang dokumento. Mayroon din isang alkalde mula sa Maguindanao ang umalma matapos makita ang kanyang pirma sa video. Ayon kay Mayor Datu Zamzamin, ninakaw daw ang kanyang pirma para gamitin sa mapanirang video. Matapos ang ilang araw ay binura ng original uploder ang first episode video sa kanyang Youtube channel. "The source of that (matrix) is from the Office of the President, from the President himself. I don't know how he got one, but it's coming from the President," sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Hindi pa muna magsasampa ng kaso ang gobyerno. Inilabas ng palasyo ang impormasyon para ipaalam sa publiko ang pinaggagawa ng mga nasabing media groups at ipaalam din sa mga nais magpabagsak sa gobyerno na alam ng pamahalaan ang masamang balak nila. "Eh basta lumabag na sila. Pag meron na silang overt acts to bring down this government, that's a different story... Pero kung ito ito lang muna, eh dati dati naman nilang pinagagagawa ito eh hindi naman sila nagsa-succeed. But the public has the right to know. They have to know," ayon kay Panelo. Source: INQ | Manila Times | Manila Times | PC | ABS-CBN | PNA | Datu Zamzamin +Ibinida ng Department of Agricuture (DA) ang pagbili ng isang Russian Company ng 2 toneladang mangga kada linggo sa mga kababayan natin sa Guimaras. Ayon kay DA Secretary Manny Pinol, isa raw ito pambihirang tagumpay na makapasok sa merkado ng Silangang Europa. "The Exim Pacific company... has initially placed an order of 2 metric tons of Guimaras mangoes every week as soon as the farmers are able to export... It's a major breakthrough for us in the Eastern European market. We're hoping that this will be the beginning of our entry into the European market," sabi ni Pinol. Inaasahan ng DA na mai-export ang mga mangga sa Russia sa unang bahagi ng Abril. Lumalakas din daw ang pangangailangan sa mangga sa mga nakalipas na dalawang taon. Napag-alaman din ng DA na ang mga mangga sa Russia ay ibinebenta ng P1,000 kada piraso at nanggagaling ang mga ito sa bansang Pakistan, India, at Thailand. Tinitignan din ng DA ang posibilidad na makapag-export ng mga saging, hipon at coconut oil sa Russia. Ang balitang ito ay ikinalugod naman ng ilang kababayan nantin. "Good job, Sec. Hopefully the sweet mangoes can also be sold here in Toronto, Canada....Guimaras is my father's hometown, been there once," sabi ni M. GPV. "Very good choice! Guimaras mango, the sweetest mango in the world! Good job sec!" sabi ni Y. Julienne. "Good job Mr. Pinol. You are making our country great with your exports. Our country will be known more with lots of fruits exports," sabi ni R. Ochiai. "Thank you Sec Manny.. All the more that the government should support our agriculture initiatives particularly po ang organic produce natin. I hope one day, the Philippines will be known as the organic producer of the world- our laudable contribution to the health of all people!!" sabi ni N. Porras. Source: BusinessWorld | Sec. Pinol +Tumagilid at sumandal sa kabilang guasali ang Emilio Aguinaldo College building sa San Marcelino Street sa Maynila. Nangyari ito matapos ang pagyanig ng Luzon dahil sa 6.1magnitude na indol kaninang hapon. Sa kaugnay na balita, napinsala din ang gusali ng SM Olangapo matapos ang pagyanig. Makikita sa mga litrato angmga bahagi ng building na nagkabitak-bitak. Naiulat naman ang pagkasira ng ilang bahagi ng Clark International Airport dahil sa lindol. Panoorina ng ulat mula sa ABS-CBN. Source: ABS-CBN |ABS-CBN | Manila Bulletin +Pumalo sa ikalawang puwesto ang Pilipinas sa 10 emerging markets na mangingibabaw sa pangdaigdigan ekonomiya sa susunod na dekada.Ang ranking ay nagmula sa Oxford Economics. Ayon sa artikulo ng Business Insider, karamihan sa 10 fastest emerging markets ay nasa Asya. "Currently led by the brash strongman Rodrigo Duterte, the Philippines are, much like Indonesia, a large island group with huge economic potential. The Philippines is set to have the highest increase in its labour force of any of the top 10 which, alongside its GDP growth of 5.3%, means it will be one of the world's fastest growing economies sooner rather than later." sabi sa artikulo ng Business Insider. Numero uno naman sa listahan ang India na may Gross Domestic Product (GDP) grwoth na 6.5%. Kasali din sa listahan ay ang mga bansang Indonesia, China, Malaysia, Turkey, Thailand, Chile, Poland at South Africa. Ang ranking na ginawa ng Oxford Economics ay kabaligtaran sa gustong ipinta ng mga kritiko ng Duterte Administration. Pinalalabas kasi ng ilang kontra sa kasalukuyang administrasyon na bumabagsak daw ang ating ekonomiya. Magugunitang ginamit ng ilan ang mataas na inlation rating noong nakaraang taon para banatan ang pamahalaan. Ngayon bumaba na ang inflation ay tahimik namuli sila. Naibalita ba ito ng mga mainstream media sa Pilipinas? Kung hindi niyo ito nabalitaan mula sa mga local media, pakikalat po ang artikulo na ito para malaman ng mga kapwa Pilipino natin ang estado ng Pilipinas sa global economy. Source: Business Insider +Matapos ang naging banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay former Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas tungkol sa Mamasapano Encounter kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nasawi, sinabihan ni Senador Kiko Pangilinan ang Presidente na mag move-on na at huwag maging sirang plaka. "The matter has been investigated by the Senate. Charges have been filed and the courts are now handling the matter... If we act like a broken record, we will not be able to move forward and attend to the real issues at hand,," sabi ni Pangilinan. Magugunitang binoljak ni Pangulong Duterte sina dating Presidente Noynoy Aquino at Mar sa nangyari sa Mamasapano. Sinayang umano ni Roxas ang buhay ng 44 na SAF commandos noong 2015. "For the first time ilalabas ko, nakaupo na kami doon.. andyan yung mga generals.. tinanong niya (Noynoy Aquino) yung general na medyo na assign dito banda sa away.. tapos ang tanong niya.. 'kung ikaw general ang nandoon anong gawin mo?' p**** i** tumindig ako... It's a very ignorant .. magtanong ka ng ganon pagkatapos ng araw wala na ang mga sundalo.... Tapos ibalik niyo ito [Roxas] sa Senate? DILG? he wasted 44 lives for nothing they could not even explain why it was the police went there? who's totally ignorant of the topography and physical arrangement of the bukid..," buwelta ng Presidente. Para kay Pangilinan, pamumulitika lang daw ang ginagawa ng Pangulo laban kay Roxas. Mas mabuti raw na pagtuunan daw ng pansin ay ang kahirapan at angmga akusasyon ng korapsyon laban samga pambbato ng gobyerno sa senado. Source: Philstar +Hindi pinalagpas ng palasyo ang mga patutsada ni Senador Kiko Pangilinan laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Magugunitang binanatan ng Presidente si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas tungkol sa Mamasapano encounter na kumitil sa 44 na miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police. Umangal dito si Pangilinan at sinabing diversionary tactic ito ng Presidente para ilihis ang atensyon sa kahirapan at korapsyon daw sa kasalukuyang administrasyon. "Like the other critics and detractors, Senator Pangilinan is deaf and blind to the unprecedented survey numbers of the President... It is about time he and others in the opposition wake up from their self-destructive illusion lest they are swept away to oblivion by the horses of change galloping in the country," resbak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Binida rin ni Panelo ang mga nagawa ng Duterte Administration laban sa mga nagawa ng Aquino Gov't sa loob ng 6 na taon. "The achievements of the administration far exceed that of the administration of his idol, PNoy [Aquino], where incompetence and trust issues among its top officials were prevalent, such as what were exhibited during the Mamasapano incident and the destructive storm Yolanda, an incontrovertible truth that is beyond forgetting," buwelta pa ni Panelo. Maliban kay Roxas, ilang pa samga oposistion senatorial candidates ang nakatikim ng batikos mula kay Pangulong Duterte. Ilan sa mga ito ay sina Otso Diretso member Chel Diokno at Florin Hilbay. "Florin Hilbay. Hindi mo malaman kung lalaki pati babae. 'Yang Chel Diokno, Florin... Ano ba ito? Member ng LGBT?" pasaring ng Pangulo laban sa oposisyon. Source: INQ | MB +Hindi pinalampas ni Caloocan Bishop Virgilio David ang semana santa para pag-usapan ang halalan 2019 na gagawin na sa susunod na buwan. Sa kanyang social media account, ikinuwento ni David sa kanyang mga tagasubaybay ang istorya ng Gubernador sa Roma na si Poncio Pilato. Base sa nakalagay sa bagong tipan ng Bibliya, binigyan ni Pilato ng pagkakataon na bumoto ang mga tao sa pagitan ni Jesus Kristo at ni Barabas. Pinili ng mga tao na mapalaya si Barabas at kalaunan ay naipako si Kristo sa krus. Matapos ikuwento ni David ang istorya tungkol kay Kristo at kay Barabas , tinanong niya ang kanyang mga tagasubaybay kung mas pipilliin pa rin ba nila si Barabas na kilalang bandido. "Binigyan sila ni Poncio Pilato ng pagkakataong bumoto. Ang pagpipilian ay si Hesus o si Barabbas. Ibinoto nila si Barabbas at ipinapako sa krus si Hesus. Sa darating na Mayo, para kanino ang boto mo? Kay Barabbas o kay Hesus?" sabi ni David. Sa mga naunang niyang posts, tinalakay ni David ang halalan sa mga tagasubaybay niya sa social media. "Can we allow our moral convictions to take flesh in our pursuit of social justice and a more equitable social order?Even more concretely, in the coming election, can we consciously renounce evil and stand courageously for the values upheld by our Christian faith through our votes this coming May?" ani David. Si David ay kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isa si David sa mga naging maingay noong kasagsagan ng isyu patungkol sa pagkamatay ni Kian Delos Santos. May ilang pagkakataon na rin binanatan ni Pangulong Duterte si David sa kanyang mga talumpati. Source: Bishop David | Bishop David +Sa isang talumpati, siniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaya umano nagalit ang China sa Pilipinas ay dahil sa iringan ng banyagang bansa laban kina dating Presidente Noynoy Aquino at Senador Antonio Trillanes IV. Binunyag din ng Pangulong na "inotso" umano nina Trillanes at Aquino ang pera ng China pero hindi idinetalye kung pangyayari. "Galit ang China sa atin di ba because if their tiff with Trillanes and Noynoy. Inotso nila yung intsik diyan eh. Pera. So hindi ko sinasabi pumunta kay Noynoy but sinabi ng Intsik," pagbubnyag ni Pangulong Duterte. Magugunitang kinumpronta ni ex-senator Juan Ponce Enrile noon si Trillanes sa senado dahil sa makailang beses na pagbiyahe ni Trillanes sa China pero imbes na sumagot sa mga banat noon ni Enrile ay nagwalk-out si Trillanes sa plenaryo ng senado. Binanatan din Pangulong Duterte si Trillanes at sinabing walanginatupag ito kundi mang-away at manakot. "Anong ginawa nila? Trillanes anong ginawa nila kung hindi manakot. Akala mo kung sinong gago. Sinong tinatakot mo? Wala puro away, insulto,"buwelta ni Pangulong Duterte. Source: Abante | RTVM | Rappler +Itong mga nagdaang araw ay naging laman ng balita ng ilang mainstream media ang pangunguha ng mga Chinese Fishermen ng mga yamang dagat mula sa Scarborough Shoal. May mga kababayan tayong umalma sa ginawa ng mga Tsino. Nagpaliwanag naman si Department of Foreign Afairs Secretary Teddy Locsin na hindi ito sapat na rason o dahilan para makipag-giyera ang ating bansa sa China. Ayon sa DFA Secretary, naghain na ng reklamo ang ating bansa ukol dito at binibigyan na ng kaukulang pansin. "I am not going down in history as a clam defender, okay? It's a complaint; we're looking into it; but these are just f-king food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market," sabi ni Locsin sa kanyang socialmedia account Hindi naman nagustuhan ng mang-aawit na si Regine Velasquez-Alcasid ang sinabi ng opisyal ng Duterte Administration. Ayon kay Regine, hindi lang daw ito basta usapin tungkol sa mga clams, kundi paninira daw ng mga Intsik sa ating teritoryo. "Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pagiisip, These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan!!!!" banat ni Regine. Sinagot naman ni Locsin ang mga patutsada ni Regine at pinangaralan ang mang-aawit tungkol sa usapin ng teritoryo at ang tinatawag na exclusive economic zone (EEZ). "Pero ang problem ay hindi po territorio natin yun. EEZ [exclusive economic zone]." resbak ni Locsin. Ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid ay nangampanya para kay Noynoy Aquino noong 2010 Presidential Elections. Ang tatay naman ni Alcasid na si Herminio Alcasid Sr. ay naging appointee ni Noynoy bilang miyembro ng board of directors sa Philippine National Oil Co. Development and Management Corporation (PNOC). Source: ABS | INQ | ABS +Ibinunyag ng dating liaison officer ng Electoral Unit ng National Democratic Front (NDF) na si alyas "Ka Nonoy" Alcantara na nagbayad umano sina Senator Nancy Binay, Grace Poe, Bam Aquino, former congressman Erin Tanada, dating senador Serge Osmena at iba pang "Traditional Politician" ay nagbayad umano ng milyon-milyon sa NDF, Communist Party of the Philippines (CPP), New People's Army (NPA), Makabayan partylist coalition at iba pang communist terrorist groups para makakuha ng endorsement mula sa mga makakaliwang grupo. Ayon sa ulat ng Manila Standard, si Tanada pa lang daw ang nagsalita para itanggi ang mga pahayag ni Ka Alcantara. Base sa pagbubunyag ni Alcantara, nagbayad daw sina Poe, Binay at Bam ng tig-20 milyon. Habang si Osmena naman daw ay nagbayad ng P10 million. Si Tanada naman ay nakakuha ng diskuwento dahil matagal na daw ka-alyado ng pamilya nito ang mga CPP-NPA-NDF. "They have exchanged their loyalties for huge sums or simply forgotten about them... It's clear that the movement is now all about money, especially when it is tightening the collection of permit to campaign fees in the countryside" sabi ni Alcantara. Binanatan ni Alcantara ang pagka-desperado daw ng CPP-NDF-NPA dahil gagawin ang lahat at makipag-alyado sa mga trapo para kapalit ang kapangyarihan. "Do these 'trapos' still have hearts and consciences? Why are they helping the devilish CPP/NPA/NDF that has cruel and bloody goals? Or maybe they don't know? Please have pity on our children and their future" banat ni Alcantara. Source: Manila Standard +Pagkatapos ang malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Luzon kahapon ng hapon, hindi napigilan ng singer at Liberal party supporter na si Leah Navarro na batikusin si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Navarro, mas pinili daw ng Pangulo na matulog imbes na magpakita para sa mga tao. "Earthquake in Luzon, water shortage and rotating brownouts in Manila, TRAIN Law troubles, Chinese incursions into our homeland. So many crises and problems requiring govt. attention and solutions. But Duterte is too tired to even attend a conference! #NasaanAngPangulo? Asleep!" banat ni Navarro. Ibinida din ni Navarro sa kanyang mga serye ng social media posts ang Aquino Government. "Sure, but they get their directives from the President. That's not what you guys said when PNoy was around. You hounded him at every turn, complained and whined. PNoy and his Cabinet would've been in NDRRMC HQ hours ago. Meanwhile, your Duterte is fast asleep," boladas ni Navarro. Ipinagmalaki din ni Navarro ang mga gabinete ni Aquino tulad nina former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman. "During PNoy's term, you wouldn't have had to ask. Aside from sending @MARoxas @dinkysunflower @dawende Babes Singson, Volts Gazmin to the earthquake epicenter, he would've made sure @MMDA and AFP, PNP got moving with their free ride programs," pagmamalaki pa ni Navarro. Ayon sa Palasyo, ang Pangulong Duterte ay sobrang pagod sa kakatrabaho kaya nagpahinga muna. Ilang oras matapos ang lindol sa Luzon ay pinamunuan ni Pangulong Duterte ang pulong para alamin ang sitwasyon ng mga naapektohan ng kalamidad. Source: Twitter | 2 | 3 | PS +"Eh di ano? Awayin natin ang Canada. We'll declare war against them, kaya man natin sila. Isauli ko talaga ah tingnan mo," Sa briefing sa Pampanga para talakayin ang resulta ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Luzon, hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ipahayag ang kanyang pagka-inis sa Canada dahil sa basurang ipinadala sa Pilipinas. Magugunitang 103 na containers ang dumating sa Pilipinas mula Canada noong 2013-2014. Ang mga containers na ito ay may lamang sari-saring mga basura tulad ng adult diapers,mga plastic na bote at iba pa uri ng dumi. Ang mga basura ay misdeclared na mga plastic scraps nang dumating sa bansa. "Yung basura ng Canada, I want a boat prepared. I'll give a warning to Canada maybe next week that they better pull that thing out or I will set sail doon sa Canada, ibuhos ko 'yang basura nila doon," banat ng Presidente. Ayon sa Pangulo, kainin daw ng Canada ang mga basura kung gusto nila dahil ibabalik niya ang mga ito kung saan ito nagmula. "I cannot understand why they are making us a dumpsite... I will advise Canada that your garbage is on the way, prepare a grand reception, eat it if you want to. Kinakaya-kaya tayo di ako papayag ng ganun," resbak pa ng Presidente. Panoorin ang kaugnay na ulat ng CGTN noong 2014 tungkol sa basura mula Canada na ipinadala sa Pilipinas. Source: ABS | News5 | CGTN +Magugunitang naging laman ng balita ang paghuhubad ni former Special Assistant to the President Bong Go sa harap ng media upang ipakita ang kanyang likod para pasinungalingan ang mga akusasyon ni alyas 'Bikoy' na mayroon siyang tattoo na katunayan umano ng kaungayan niya sa sindikato ng droga. Matapos ang ginawang pagsupalpal ni Go kay Bikoy, naglabas si Bikoy ng pang-apat na video at sinabing binura lang daw ni Go ang mga tattoo. Para patotohanan ni Bikoy ang kanyang akusasyon, naglabas ito ng footage ng isang basketball game kung saan naglalaro si Go. Sa naturang video clip, makikita na may markings sa likuran ni Go na umuusli sa kanyang sportswear. Ang basketball footage na ipinakita ni Bikoy ay galing sa TV station na UNTV. Kaya naglabas ng paliwanag ang UNTV ukol sa nasabing video clip. Sa kanilang video response, ipinakita ng UNTV ang lahat ng laro ni Go sa kanilang UNTV CUP Basketball Tournament. Mapapanood na isang beses lang nagkaroon ng marka si Go sa kanyang likuran at ito ay noong Mayo 13, 2018. Ayon kay Go, nagpapa-ventosa siya kaya mayroon markings sa kanyang likod. Ang video na ikinakalat ng mga kalaban ng Duterte Administration ay makailang ulit ng nasupalpal. Magugunitang umalma si Mayor Datu Zamzamin sa pagnakaw sa kanyang pirma para gamitin sa video series na naninira sa pamilya Duterte. Nagsalita na rin ang RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. matapos isangkot ni Bikoy ang kanilang bangko sa kalakaran ng iligal na droga. "The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous... RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos," sabi sa pahayag ng RBGI. Kahapon ay naglabas ng matrix ang Malacanang tungkol sa mga tao at grupong sangkot at pasimuno sa pagpapakalat ng mapanirang video para pabagsakin ang gobyerno. Source: UNTV | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. | PNA | Datu Zamzamin +Sa isa sa mga videos ng "Ang Totoong Narco List" series na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte, may ipinakitang bank documents na makakapagpatunay daw na sangkot si Mans Carpio sa kalakaran ng droga. Si Carpio ay manugang ni Presidente Duterte. Sa naturang dokumentong ipinakita sa video, makikita ang logo na hawig na hawig sa logo ng bangkong RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. (RGBI) na matatagpuan sa Albay. Kaya hindi na nagpatumpik-tumpik ang RGBI at mariing sinupalpal ang mga kasinungalingan ni Bikoy. "The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous... RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos," sabi sa pahayag ng RBGI. Nagpaliwanag din ang RGBI na wala silang kakayahan na magsagawa ng international money transfer at magproseso ng napakaling halaga ng pera, kabaligtaran sa sinasabi sa video ni Bikoy. "Given the nature of the bank's small size, simple operation and microfinance niche, we do not have the capacity to handle such stupendous amount nor the facility for international money transfers. Suspicious transactions and amounts beyond five hundred thousand are automatically reported and scrutinized by the AMLC," ayon pa sa RBGI. Base pa sa pahayag ng bangko, hindi daw sila makakapayag na magsagawa ng mga kaduda-dudang transaksyon na makakasira sa kanila. "RBGI's corporate values do not in any way tolerate doubtful transactions nor will it allow its facilities to be used in unscrupulous bank transactions that will not only besmirch our reputation but erode the trust and confidence of our valued clients," dagdag ng RBGI. Source: RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. +Ininahagi ni Rogelio Pacelo ang naging karanasan niya sa kasagsagan ng lindol na tumama sa ilang parte ng Luzon kahapon. Ikinuwento ni Pacelo kung paano siya at ang kaniyang pamilya ay nakaligtas sa pagguho ng supermarket sa Pampanga kung saan sila namimili nang nangyari ang 6.1magnitude na lindol. "Noong lindol kasama ko ang asawa ko at anak ko namimili po kami. Noong nagkaroon ng lindol, unang bumigay ang beam, lumagapak 'yung sa bandang dulo sa may exit. Natuluyan 'yung sa fourth floor sa entrance." pahayag ni Pacelo. Ayon kay Pacelo, nasugatan ang kanyang misis. Masuwerte naman na hindi siya nagtamo ng mga sugat habang pino-protektahanniya ang kanyang 6 na buwan na anak. "Ako po ay walang galos pero ang asawa ko nagkapasa siya, gawa ng noong lumindol yung anak ko kinalong niya. So, ang ginawa ko naman, prinoteksunan ko ang anak ko. Tinitignan ko 'yung mga nalalaglag," ani Pacelo. Ayon sa opinyon ni pacelo, marami daw ang na-trap sa gumuhong shopping market at marami din daw siyang nakitang sugatan. "'Yung mga naiwan po marami. Ang mga naiwan, hindi lang singkuwenta, marami kasi... Yung mga tao nagkakagulo na, umiiyak at sumisigaw," dagdag pani Pacelo. Nagpasalamat naman si Pacelo sa Panginoon dahil nakaligtas ang siya ang kanyang pamilya. Source: ABS +Hindi pa nakakabuwelo ang ilang kababayan natin sa naging lindol kahapon sa Luzon na nakapinsala ng mga ari-arian, isa na naman malakas na lindol ang naranasan ng mga kapwa natin Pilipino sa bahagi ng Visayas region. Ayon sa ilang ulat, tumama ang lindol sa Eastern Samar ngayon hapon wala pang 24 oras matapos ang lindol sa Luzon. Napaulat na naramdaman daw ang yanig sa iba't-ibang lugar ng Visayas, Caraga at Bicol. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, hindi daw konektado ang lindol sa Samar at ang pagyanig na nangyare kahapon sa Luzon. Source: ABS | CNN | PS +Nakunan ng ilang kababayan natin ang pagkasira sa ilang bahagi ng Clark International Airport matapos ang malakas na lindol kaninang hapon. Ayon sa mga ulat, pumalo daw sa 6.1magnitude ang lindol na tumama sa ilang bahagi ng Luzon. Wasak naman ang isang bahagi ng simbahan sa Porac, Pampanga.. Sapul naman sa video ng netizen ang pagbigay ng tangke ng isang gusali sa lungsod ng Quezon. Sinuspinde naman ng mga transport officials ang operasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3. Source: Facebook | ABS-CBN | GMA +Isang pamilihan ang nagiba at gumuho habang nangyayari ang lindol kaninang hapon. Ayon sa ulat ng GMA News, may ilan daw tayong kababayan ang nasawi at nasaktan sa pangyayari. Base sa pahayag ng opisyal sa Porac, Pampanga, may mahigit 40 na katao ang na-trap sa gumuhong supermarket. Habang nag-uusap ang newscaster at ang opisyal ng lungsod ay nagsasagawa naman ng rescue operation para masagip ang mga tao. Nanawagan naman ang opisyal ng lungsod ng tulong tulad ng pangangailangang medikal at rescuers. Kanya-kanya naman ng upload ang mga netizens ng mga nakunan nila habang nagaganap ang lindol. Sapul sa video ng isang netizen ang pagyanig ng isang condominium sa Binondo at ang pagtapon ng tubig ng swimming pool. Nakunan naman ng isang netizen ang paggalaw ng gusali habang yumayanig. Isang kababayan namin natin ang nagbalita sa nangyari sa Subic-Clark-Tarlac Expressway. Makikita sa video ang mga cracks sa kalsada matapos ang lindol. Source: GMA | PSN | MB +Nakarating na sa beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo ang mga hinaing ng ilang kababayan natin na Overseas Filipino Workers (OFWs) tungkol sa paraan ng pagbotong ginawa sa ibayong dagat. Magugunitang may ilan tayong kababayan na inereklamo na ipinadadala daw sa pamamagitan ng liham ang kanilang boto, imbes na aktuwal na isuksok sa PCOS machine ang kanilang mga boto. Ang ikinatatakot nila ay baka hindi naman ipasok ng mga tauhan ng embahada ang mga balota nila sa makina dahil wala daw silang matatanggap na resibo. "Hindi ko maatim ang mga posts ng mga kababayan natin, mga OFWs, 'yung kanilang mga videos na pinost sa Facebook na nagrereklamo tungkol sa halalan, itong absentee voting sa ibayong dagat. Ang reklamo ho nila, na-mail na nila yung mga boto dahil no choice sila dahil yun ang gusto daw ng COMELEC pero wala naman resibo. Ikalawa, sinasabi nila na walang guarantee kung talagang yung na-mail nila na balota ay 'yun talaga isinuksok sa PCOS machine kasi nga walang resibo. And I can understand the sentiments and frustrations," banat ni Tulfo. Binanatan din ni Tulfo ang paraan ng pagta-trabaho ng COMELEC at ang patuloy na paggamit sa PCOS machine. "Kung inayos ba niyo ang trabaho, kung totoo at tapat ang inyong ginawa COMELEC at mga emmbahada, magkakarooon ba tayo ng mga recount?" banat ni Tulfo. Source: Erwin Tulfo +Isang kababayan natin ang nabiktima ng kawatan na airport taxi driver sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) Terminal 2. Ang laking perwisyo at takot ang inabotng kababayan natin si Karen Mitschek nang pagbantaan siya na babarilin ng taxi driver kung hindi ibibigay ang mga kagamitan nito. "Baba ka, bastahuwag kang sisigaw, sabi niya sa akin. Kasi pag sumigaw ka o humingi ng tulong, babarilin kita," sabi ni Mitschek. Si Mitschek ay bumalik sa Pilipinas para panahon ng semana santa. "Kakauwi ko nga lang po. Eight days lang po ako dito sa Pilipinas. Sabi ko sa driver 'parang awa niyo na kararating ko lang po, hindi ko pa nakikita anak ko.' Basta buhay ako kahit ano ibibigay mo na," dagdag pa ni Mitschek. Gumawa naman ng aksyon ang mga tagapamunuan ng NAIA. Titiyakin nila mananagot ang kumpanya ng taxi kung saan nagmula ang dorobong driver. "Nagbigay na ako ng kautusan na i-ban 'yung buong fleet ng taxi na 'yon dahil pasaway at peste 'yan sa mga mananakay. Hindi ko nilalahat. May ilan talagang ganu'ng pangyayari but definitely we will act on it," sabi ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal. Ayon sa ulat, natagpuan na ang taxi. Inabandona ito ng suspek malapit sa paliparan. Source: ABS-CBN +Pumalo sa 35 na bus drivers at 17 konduktors ang nagpositibo sa shabu matapos isagawa ang drug testing. Ang drug testing operation ay bahagi ng "Oplan: Huli Week" na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa paghahanda sa transport sector sa semana santa para masigurong ligtas ang mga mananakay sa kanilang mga biyahe. Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mayroon din isang dispatcher na nagpositibo sa droga. Isa rindaw sarason kung bakit nagsagawa ng mandatory drug testing ay ang dumadaming insidente ng aksidente sa kalsada kung saan ang mga drivers ay lango sa droga. "We are doing this to curb incidents of vehicular accidents caused by drugged drivers and make the roads safer, especially this Lenten Season's travel rush" sabi ni Aquino. Umabot sa 7,729 na mga manggagawa sa transport sector ang sumailalim sa mandatory drug testing. Ayon kay Aquino, ang sinumang driver na magpo-positibo sa droga ay kukumpiskahin ang lisensiya atkailangan dumaan sa rehabilitation process bago makuha ang kani-kanilang lisensiya. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa balitang ito. "Suspend their license and revoke it after the confirmarion test! Mga chauffer license iyan napaka-raming buhay ang dala-dala nila every trip ( no pun intended )." sabi ni C.Charlie " Good Job PDEA!!!! Kasuhan lahat ng positive... Alisan ng lisensya para wala ng madisgrasya pang iba.. ." sabi ni J. Pangan. "Juicekopo.... ilang buhay ang nasagip sa panganib dahil sa ginawang drug test na ito... pakage po g nagddrug test sila. Lumalabas na ngayong ay talagang hapit sa byahe mga driver at conductor kaya bumalik na naman sa droga..." sabi ni N. Cloma. "Ayun..huli-week nga...buti nga sa inyo..kesa madami pang buhay ang ma-disgrasya!!!!!." sabi ni A. Ceniza. Source: Inq | PTV +"It's working. And his approval ratings is through the roof, like 80 plus percent. So, people of the Philippines for the most part loves Duterte. He is getting the job done and he loves his country," Ganito ang naging opinyon ng Amerikanong blogger at US Army Veteran kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Youtube channel na "Coffee with the Goose", hindi dadaanin ng Pangulo ang mga tao sa mga matatamis na salita. "He is not a politician a lot like Donald Trump. He tells it like it is. He doesn't just speak in sweet platitudes and (doesn't) tell you things that you want to hear. That's not how he operates. He sees things as they are and he goes from there," sabi ng blogger. Suportado din daw niya ang human rights pero naiintindihan niya ang anti-drugs campaign ng Presidente. "You can scream human rights all you want. Yes, I'm in favor of human rights but these 5100 people, weight that against the number of people who actually been killed by drugs in the Philippines, it is miniscule. Duterte says, 'it's all about our nation and our nation's youth being destroyed (by drugs)'. And that's true. It's a painful thing to say but it's true," dagdag ng blogger. Para pa kay Goose, tama ang Pangulo sa mga binabanat nito sa simbahang katolika. "Duterte is correct. The Catholic church needs to clean its house. Wehave serious problems with the Catholic church for years," sabi pa ni Goose. Ayon sa impormasyon sa Youtube channel ng blogger, ito daw ay United States army veteran na nagtrabaho sa media ng mahigit 30 taon. Source: Coffee with the Goose +Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban Campaign Rally sa Bacolod City, pinatamaan ni Presidente Rodrigo Duterte ang magpinsan na sina dating Presidente Noynoy Aquinoat Senador Bam Aquino. Ayon sa Pangulo, wala naman daw naging contribution ang dalawa sa ating bansa. Banat ng Pangulo, puro pagne-negosyo daw si Bam at hindi naman nabago ang buhay ng mga Pilipino. Si Bam ay kasapi sa Otso Diretso senatorial candidates. "Bam Aquino, susmaryosep. Anong ginawa nito? Sige lang istorya, sige negosyo to improve the lives of the Filipinos. Wala namang nag-improve sa ginawa niya. 'Yung tiyuhin niya o pinsan ba niya ito? Siguro 'yung si Ninoy. Pero itong dalawang sumunod na Aquino? Tsk. Wala. What is his con -- or was -- or is his contribution? Matanong ko lang kayo. 'Yong magtinginan tayo sa mata. Lalabas ako. Ano? Ay sige bayaan mo 'yang'" banat ng Presidente. Source: Remate | RTVM +Isang haligi ng tahanan ang naulila matapos madatnan ang wala ng buhay ang mga katawan ng kanyang mag-iina. Kaawa-awa ang sinapit ng babaeng buntis na si KC Montemayor at ang anak nito na 4-anyos na si Chelsea Jade sa kamay ng menor de edad na salarin. Ang suspek ay 12 taong gulang at pinsan pa ng biktimang buntis. Nangyari ang krimen sa Lubao, Pampanga. Base sa pahayag ng menor de edad na suspek sa mga pulis, may bumulong daw sa kanya kaya niya pinaslang ang mag-ina. Ginamit umano niya ang kutsilyo at gunting para maagawaang kanyang masamang layunin. Ayon naman sa kapulisan, hindi sangkot sa droga ang suspek at walang nawawalang gamit sa bahay ng mga biktima. Pero base sa ulat ng Inquirer, pinatay daw ng 12-anyos na suspek ang mag-ina matapos mag-nakaw ng P100. Source: Kami | GMA | Inquirer +Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang balita tungkol sa lagay ng LRT line 2 East Extension Project sa kanilang social media account. Ayon sa DOTr, malapit na sa final phase ang proyekto. Sa final phase gagawin ang track laying at pagkakabit ng electromechanical system (EMS). Mangyayari daw ito bukas, April 16, 2019. Sa naturang proyekto, itatayo ang dalawang bagong mga istasyon - ang Masinag Satation sa Antipolo, Rizal at Emerald Station sa Marikina. Base sa impormasyon mula sa DOTr Facebook page, nasa 60% na ang completion rate ng kabuuang proyekto. Plano ng DOTr at Light Rail Transit Authority (LRTA) na makumpleto ang proyekto sa fourth quarter ng susunod na taon (2020). Ayon pa sa DOTr, ang biyahe na mula sa Antipolo patungo Recto, Manila na inaabot ng 3 oras ay magiging 40 minuto na lang. Ikinalugod ng ilang kababayan natin ang impormasyon na ibinihagi ng DOTr. "the best solution Sa Traffic Sa metro Manila is Buildbuildbuild DUTERTE adminestration Lang ang nakagawa Ng Ganito.." sabi ni J. Lumacang. "Wow thank you so much duterte admin bakit ngayon lang kayo dumating ang tagal na nmin pangarap ang ganetong administration" sabi ni U. Pontillas. "Highly appreciated! Thank you! DOTR for performing very very well! God bless you all people who keep on working for better and better Philippines! " sabi ni N. Maniba. Source: DOTr +Ilang buwan din naantala ang pagpirma ng Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang national budget para sa 2019. Pero ngayong araw ay nalagdaan na ito ng Presidente. Mukhang hindi matutuwa ang ilang kongresista dahil ang P95.3 bilyon sa P3.757 trillion na panukalang pondo ay Vinetoe ng Presidente. Sa madaling salita, sinupalpal. "The President, among others, vetoed P95.3 Billion pesos items of appropriations in the details of DPWH Programs/Projects, which are not within the programmed priorities," sabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Matatandaang sinabi ng Pangulona hindi niya pipirmahan ang "illegal" budget. Ikinatuwa naman ng ilang netizens ang ginawa ng Presidente. "Tama yan its about time to end the happy days of those GANID SA PERA mga CONGRESSMAN," sabi ni R. Barcos. "Now, this is the President who has the political will to stand up for the right! Pera ng bayan, para sa bayan! He knows, he cares, he leads," sabi ni A. Bautista. "Mga buwaya iyak ngayon hahaha! Wala na maibubulsa, buti nga ," sabi ni R.Lopez. "yung isertions na yan na vetoe iiyakan ng mga kongresista, bawas ang mananakaw nila. bumoto ng karapat dapat sa darating na election," sabi ni W. Batag. " Tama yan tatay digong... naghahangad na nmn sna ang mga ganid sa pera kxo naisahan cla..kya wla cla manakaw.," sabi ni T. Andrade. Source: ABS | CNN +Naglabas ng sama ng loob ang ilang kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFW) sa naging karanasan nila sa isinagawang overseas absentee voting. Ayon sa ilang OFWs sa Hongkong, pumapalya daw ang mga PCOS machine na magbabasa dapat ng mga boto. Ayon naman sa ilang OFWs sa London, hindi daw sila ang mismong nagfi-feed sa machine ng kanilang balota kundi isa-submit lang sa embahada. Paano daw nila malalaman kung ifi-feed sa makina ang kanilang mga boto. Ang iba naman ay inilagay lang daw sa kahon ang balota. "Pangulong Duterte sana makarating sa inyo ang mga concerns ng mga tao. Kasi we are not in this election for nothing. We want change and we want to continue with the changes na na-lay niyo. Paano kung ang smartmatic at COMELEC ay nagkaroon ng pandaraya. Hindi maalis sa amin ang ganyang isipin, " sabi ng isang OFW sa London. Katulad ng reklamo ng ilang OFWs sa London, ganito din ang naging hinagpis ng mga taga-Italy. Lumiban pa raw sa trabaho pero walang makina sa lugar na pagbobotahan nila. "Ito po ay amoy dayaan na. Kung baga kung malamig, amoy pasko daw. Ito na amoy dayaan na. Fill-up ng balota pero ibang tao ang mapapasok sa machine. Ilang porsyento ba ang ating kasiguraduhan na ipapasok nila, " banat ng OFW sa Italy. Source: Jeanette Angel Aries | Jeanette Angel Aries | Uk-Dds Activities and Event | Rezza Mae Cabrera +"There's a cyberlibel ngayon. That's part of the anti-cybercrime law," Mukhang malilintikan kung magkakataon si alyas Bikoy, ang lalaki sa video na may pamagat na "Ang Totoong Narcolist". Sa naturang video, pinaratangan ni Bikoy ang mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Paolo at Veronica na sangkot umano sa kalakaran ng droga. Ayon kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, hahanapin at kikilalanin daw nila ang tao sa likod ng nasabing libelous video. "As of this time, wala pa namang lumalapit na complainant kasi sa amin (no one has filed a complaint yet). But we will do the initiative to identify the person," sabi ni Albyalde. Posibleng ginagamit din umano ang video para linlangin ang mga botante. Si Paolo Duterte ay tumatakbo bilang kongresista. "We really do not know kung nagpapagamit siya sa kung sino-sino, kung nagja-jive ito sa upcoming midterm election, baka nagpapagamit siya kung kani-kaninong group or political party. 'Di natin masabi. For all you know, this is part of a propaganda this coming midterm elections," dagdag pa ni Albayalde. Magugunitang umalma si Maguindanao Mayor Datu Zamzamin sa video. Ayon sa alkalde, ninakaw daw ang kanyang pirma at ginamit sa mga dokumento na ipinakita ni Bikoy sa video. Ang nasabing video ay nakitaan din ng mali ng mga taga-suporta ng Duterte Administration. Ang video ay binura na sa nasabing Youtube channel. Source: CNN | INQ | Rap +"Attack and collect money, defend and collect money," Sa kanyang talumpati sa Malaybalay, Bukidnon, binulgar ng Pangulong Rodrigo Duterte ang taktika ilang miyembro ng miyembro ng media para makakolekta ng pera. Ayon sa Presidente, ang iba daw ay nang-aatake ng politiko upang kumita. "They accept [payment] from clients to [write] political attacks. ACDC [attack and collect money, defend and collect money]. You attack to get paid. So don't believe that they are clean," banat ng Presidente Duterte. Ang iba naman journalist ay tumatanggap ng pera para ipagtanggol ang mga mayayaman. "You protect the rich and hide their secrets, but attack us politicians who genuinely want reform. That's the truth. You are just being paid," resbak pa ng Pangulong Duterte. Ang pahayag na ito ay binanggit ng Presidente matapos maglabas ng ulat ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) tungkol sa hindi umano maipaliwanag na kayamanan ng pamilya Duterte at ang hindi umano rehistradong law firm ng Presidente. Ang alegasyon ng korapsyon laban sa Pamilya ng Presidente ay ipinagbikit-balikat lamang ng Pangulo. Ayon sa Presidente, ang law firm ay ang kanyang "back-up plan" sakaling hindi siya manalo sa eleksyon. "Having a law office was my backup plan in the past years in case I lose in the elections. At least if I lose, I would have a sanctuary and a source of income which is my law office," paliwanag pa ng Pangulong Duterte. Iginiit din ng Palasyo na maayos na nakadeklara ang mga ari-arian ng Presidente. Source: PTV | RTVM +Habang ang ilang miyembro ng oposisyon sa senado ay nanawagan na buksan muli ang imbestigasyon laban kay Presidential son at former Davao City Vice Mayor Paolo "Polong" Duterte kaugnay sa alleged smuggling ng illegal drugs sa Bureau of Custom (BOC), si Senador Dick Gordon naman ay nanindigan na hindi na ito dapat buksan. Sa isang phayag, sinabi ni Gordon na hindi niya pwedeng buksan muli ang immbestigasyon kung walang matibay na ebidensiya ang mga nag-aakusa. "Hindi ko pwedeng buksang muli ang imbestigasyon at magsagawa ng hearing base lamang sa mga alegasyon," sabi ni Gordon. Hinamon niya rin sina former PSSUPT Eduardo P. Acierto at ang alyas 'Bikoy' na lumantad at magsumite ng sworn affidavit. "Magpapatawag lang ako ulit ng hearing kapag haharap sa min si Acierto at Alyas Bikoy at kapag nagsumite ng kanilang sinumpaang salaysay kakabit ang matitibay na ebidensya," banat pa ni Gordon. Si Bikoy ay ang karakter sa mapanirang video laban sa pamilya Duterte na ikinakalat ng ilang kontra sa kasalukuyang administrasyon. Sa mga video, sinabi ni Bikoy na sangkot ang ilang kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng droga. Pati ang menor de edad na ank ng Pangulo na si Veronice "Kitty" Duterte ay siniraan din ni Bikoy. Matatandaang lumantad ang isang alkalde sa Maguindanao at sinabing ninakaw ang kanyang pirma at ginamit ito sa mga dokumentong ipinakita ni Bikoy laban sa pamilya Duterte. Source: News5 | PNA +Isang istorya na naman ng pagtataksil ang inaksyunan ni News5 Host Raffy Tulfo sa kanyang programa. Dumulog kay Tulfo si Ginoong Sosimo Munoz, 42-anyos. Ayon sa kwento ni Mr. Sosimo, siya daw ay isang guwardiya at nabaril habang nagtatrabaho. Ang pagkaka-baril sa kanya ay naging sanhi ng kanyang kapansanan. Pero dahil mayroon siyang disability pension at nakapag-negosyo, naka-ipon umano siya ng kalahating milyon. Ang problemalang daw ay tinangay ng kanyang misis na si Nenita Munoz, 52-anyos, ang pera at sumama sa kalaguyo nito na si Vergel Briones, 24-anyos. Inubos daw ng misis niya ang mga naipong pera. Nang tawagan ng programa si Misis, ang agad na bungad ni Nenita ay baliw daw si Mr. Sosimo. Akusasyon pa ni Nenita, binubugbog daw siya ni Sosimo. Ang sinabi naman na ito ng ginang ay hindi pinaniwalaan ni Tulfo. Ayon kay Tulfo, paano mambubugbog kung may kapansanan si mister? Ayon naman sa kalaguyo ni misis, hindi pera ang habol niya kay babae kundi dahil mapag-alaga daw ito. Desidido naman si Mr. Sosimo na ipakulong sina Nenita at si Vergel. Inanyayahan naman ni Tulfo si Nenita na magtungo sa himpilan ng News5 para makapag-usap muna sila ni Ginoong Sosimo. "Papakulong ko na lang po iyan kasi wala naman akong ginagawang masama diyan. Marami ang magsasabi. Sumasahod ako, dose, trese, kinsenas. Lahat na pera po (binibigay ko sa kanya)," sabi ni Sosimo. Source: News5 +"You want to match China? Develop your nuclear weapons like North Korea," Ibinunyag ni dating senador Juan Ponce Enrile na kasama sa mga plano sa paggawa noon ng Bataan Nuclear Power Pant ay ang pagkakaroon ng Pilipinas ng nuclear weapons. Ito daw ay para hindi minamaliit ng mga ibang lahi ang ating bansa. "Plinano namin 'yun para magkaroon tayo ng nuclear weapon para hindi tayo inaapi nang maski sino, kaya nating manindigan. Eh manindigan tayo ngayon, ano gagamitin natin? Kwitis?" sabi ni Enrile. Kung mayroon lang daw sanang armas nukleyar ang Pilipinas, mai-enforce sana ng Pilipinas ang 2016 international tribunal ruling. At kung may sapat na pera lang ang ating bansa ay walang makakapigil sa atin na makagawa ng nuclear weapon. "If Iran, Pakistan, Israel, North Korea and even Cuba, before, could do it, if we went through it, I don't think they could have stopped us," pahayag ni Enrile. Ang Bataan Nuclear Power Plant ay sinimulang gawin noong panahon ni dating Presidente Ferdinand Marcos. Layon nito na matugunan ang pangangailangan sa enerhiya ng Pilipinas. Ayon sa isang environmentalist, makakatulong daw ang Bataan Nuclear Power Plant para makatipid ang Pilipinas sa milyon-milyong dolyar na ginagastos sa elektrisidad. Source: CNN Philippines | ABS-CBN +Isang magandang regalo ang natanggap ng mga sundalong naputulan ng bahagi ng katawan dahil sa pakikipaglaban sa mga teroristang Maute sa Marawi noong 2017. Biniyayaan sila ng Duterte Govertment ng pag-asang makalakad muli, makatulong sa kanilang pamilya at makapag lingkod muli sa bayan sa pamamagitan ng mga high-tech prosthetic limbs. Ang programang ito ay ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ma-liberate ang Marawi sa kamay ng mga Maute. "Nahihirapan akong umakyat sa hagdanan. Nahihirapan akong mag-travel at sumakay sa sasakyan. Nung gamit ko na 'yung bagong prothetics, 'yung high-tech, nakakapag-travel na ako mag-isa kahit walang gamit na saklay," sabi ni First Scout Ranger Regiment Sergeant Jeric Millar. Sa ulat ng CNN Philippines, mapapanood na hindi na kakailanganin ng mga sundalo ng saklay dahil sa makabagong teknolohiyang taglay ng prosthesis. Pinapaggana ng baterya ang mga high-tech prosthetic limbs at may micro-processors na nagko-kontrol. Kumportable din daw ito gamitin at binibigyan din daw nito ang mga amputee ng pagkakataon para makagalaw ng normal. "Kaya po natin sila binigyan ng state-of-the-art prosthesis kasi gusto po natin makabalik sila sa battlefield. Hindi 'yung nandun lang sila sa offices at limited ang ginagalawan nila, " paliwanag ni RJ Arroyo, Business Development Manager ng Ottobock Philippines, ang manufacturer ng mga prosthetic limbs. Panoorin ang presentation video ng Ottobock kung saan ipinapakita nila ang nagagawa ng kanilang prosthesis products. Source: CNN Philippines | Ottobock +Nitong mga nagdaang araw naging laman ng balita ang ilang kandidato ng opposition slate na Otso Diretso nang hamunin nila ang Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang pangakong mag-jetski para ipagtanggol ang Pilipinas laban sa China. Magugunitang humingi pa ng permiso si Alejano sa Philippine Coast Guard para makapaglayag patungong Scarborough shoal. "Ang hamon natin, gawin niya yung pagsakay sa jetski sa West Philippine Sea, kaso nangalawang na ang jetski. Tayuan niya ang mga Pilipino. Di tatagal, magiging probinsya na tayo ng China... Kung di tatayo ang president, tayo ang tatayo," banat ni Senatorial Aspirant Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte. Ngayon, ang aktor na si Robin Padilla naman ang naghahamon kay Alejano. Naniniwala si Padilla na walang kakayahan ang Pilipinas na ipagtanggol ang bansa laban sa China kaya sila na lang daw ni Alejano ang lumusob sa Spratly Islands. "Gayahin natin ang mga Tausug ng Sultanate of Sulu ipakita natin sa ninunong China na handa rin tayong mga Katipunero na sundan ang yapak ng mga [rebolusyonaryong] Tausug," resbak ni Padilla kay Alejano. Ayon kay Padilla, huwag daw idamay ang buong Pilipinas sa isyu dahil kawawa naman ang mga mahihirap. Susundin niya daw ang plano ni Alejano dahil sa karanasan nito bilang sundalo. "Sarilinin natin itong lakad lumusob tayo sa Spratlys lumusob tayo gayahin natin ang mga Tausug at wag kang mag-alala susunod ako sa plano mo dahil marines ka, marahil mas magaling ka sa akin sa military tactics kaya gawin na natin ito... Wala akong kokontrahin sa plano, yakapin na natin ang pagiging bayani sa panahon na ito," resbak ni Padilla kay Alejano. Nagkapagpaalam na rin daw si Padilla sa kanyang asawa na si Mariel. Kakasa kaya si Alejano sa hamon ni Padilla? Source: ABS | MB | INQ | Instagram +Hindi nakalampas si Otso Diretso Senatorial Candidate Florin Hilbay sa banat ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Presidente, ginagamitlang daw na "cover" umano ni Huilbay ang aktres na si Agot Isidro para pagtakpan ang kabaklaan nito. "He acts like a man and pretends that Agot is his girlfriend. Be true to yourself. You're gay. Don't hide behind a cover. You were made by God. God made a mistake. Just because he's a God does not mean he is incapable of making mistakes," banat ni Presidente Duterte. Ang mga pahapyaw na ito ng Pangulo laban kay Hilbay ay sinabi ng Presidente sa kanyang talumpati sa Tuguegarao City. "Florin Hilbay is a lawyer. But he's gay. His girlfriend is Igot Isidro. They're always together. Agot rather, not Igot. Do you think he's gay? I don't have a problem with gays, but this particular gay is a bully. They always criticize me, Hilbay and Agot, until they ended up being couple. Because they're always together," banat ni Presidente Duterte. Sa kabila ng mga banat niya kay Hilbay, sinabi ni Presidente Duterte na wala naman daw siyang problema sa mga bakla. Sa katunayan, naging bakla din daw siya dati. "I was once gay. Am I straight or a gay? So what if I'm gay? What is it to them? It's my life. I deserve to be happy. Why stop the gays when they're made by the government -- God? It's already God's problem why he made gays," dagdag ng Pangulo. Source: Inq | PC +Sapul sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tuguegarao sina dating Presidente Benigno "Noynoy" Aquino III at former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas dahil sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano kung saan nasawi ang 44 na miyembro ng Philippine National Police - Special Action Force (PNP - SAF). "Hindi ko talaga maintindihan at gusto ko talagang tanungin, bakit pumasok ang SAF alas otso tapos ang away ang firefight was almost one day hanggang hapon.. ang kampo may regiment doon just a few kilometers.. bakit walang tulong na pumunta doon?" sai ng Pangulo. Ikinuwento din ng Pangulo kung ano ang nangyari sa command conference sa Zamboanga City na pinangunahan ni ex-president Aquino noong Enero 25, 2015. Ayon sa Pangulo, mayroong isang opisyal ng militar na gusto na tumulong sa SAF pero hindi umano makagalaw dahil walang utos ang commander-in-chief. Nag walk-out umano si Duterte nang marinig si Aquino na nagtanong sa mga heneral kung ano ang gagawin matapos masawi ang mga sundalo. "For the first time ilalabas ko, nakaupo na kami doon.. andyan yung mga generals.. tinanong niya yung general na medyo na assign dito banda sa away.. tapos ang tanong niya.. 'kung ikaw general ang nandoon anong gawin mo?' p**** i** tumindig ako... It's a very ignorant .. magtanong ka ng ganon pagkatapos ng araw wala na ang mga sundalo," banat ni Presidente Duterte. Hindi rin nakaligtas si Roxas sa mga pasaring ng Pangulong Duterte. "Tapos ibalik niyo ito [Roxas] sa Senate? DILG? he wasted 44 lives for nothing they could not even explain why it was the police went there? who's totally ignorant of the topography and physical arrangement of the bukid..," buwelta ng Presidente. Banat ng Pangulo, kung maipapaliwanag ni Roxas ang nangyari sa araw na iyon ay iingganyuhin niya umano ang mga tao na iboto ang dating DILG secretary na tumatakbo ngayon para sa pagka-senador. "Kung may masagot kayo na maganda.. pwes ang i-number one niyo [sa balota] si Roxas" dagdag ng Pangulo. Source: News5 | PC +Nagsalita na rin sa wakas si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa serye ng videos na nagpaparatang na sangkot umano sa droga ang ilang kaanak ng Presidente. Magugunitang idinamay din sa naturang videos si Veronica "Kitty" Duterte, ang menor de edad na anak ng Pangulo. Nagbanta ang Pangulo ng pagganti sa mga taong nasa likod ng nasabing black propaganda videos. "Kayong mga black propaganda, pati 'yang anak ko na si Veronica, 14 years old, drug addict? May ipalabas ako you just wait," buwelta ng Presidente Duterte. Ayon sa Presidente, nakakuha siya ng intelligence report patungkol sa paggawa ng nasabing mapanirang video. "What you did not know is that you are being listened to habang ginagawa ninyo 'yang mga kalokohan niyo. Ilabas ko 'yan in a few days, pine-perfect ko lang ang ano. It was an intelligence report not from us but from another country," banta ng Pangulo. Ang unang kabanata sa video series na may pamagat na "Ang Totoong Narco List" ay nagsabing miyembro umano ng drug syndicate si Presidential son Paolo "Polong" Duterte. Nagpakita pa ito ng dokumento at pirma para patotohanan ang mga akusasyon. Pero agad itong nabutata nang lumutang si Maguindanao Mayor Datu Zamzamin para sabihin na ang pirma niya ay ninakaw at ginamit sa mga dokumentong ipinakita sa mapanirang video. Sa ikatlong kabanata ng video series ay pinaratangan din si dating Special Assistant to the President Bong Go na konektado din daw sa droga at may tattoo umano ito sa likod na katunayan na kasapi nga ito sa sindikato. Ang paratang na ito ay agad sinupalpal ni Go nang ipakita niya ang kanyang likod na walang tattoo sa mga reporters. Panoorin ang talumpati ng Presidente sa Tuguegarao. Source: GMA | PNA| Datu Zamzamin +Sa talumpati niya Bukidnon nito lang mga nakaraang araw, binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang GMA host na si Solita Garduno Collas-Monsod, o mas kilala sa tawag na Mareng Winnie. Ayon sa Presidente, madami daw mgabar sa Dewey Boulevard pero hindi daw siya magbabayad ng P550 para makita ang mukha ni Monsod. "That's the story there. Monsod. Monsod looks like... There are many bars there along Dewey Boulevard. But I will not pay to see that face even for 550 pesos." banat ng Presidente. Binanatan din ng Pangulong Duterte ang pagpuna ng host sa mga politiko pero tila pino-protektahan daw ang mga mayayaman. "She just keeps on criticizing. You protect the rich and hide their secrets, but attack us politicians who genuinely want reform. That's the truth. You are just being paid." dagdag pa ng Pangulo. Si Monsod ay kasalukuyang host ng programang "Bawala ng Pasaway" sa GMA News TV at naging parte ng 2018 Board of Directors ng Rappler. Nagsusulat din ng column si Monsod sa pahayagang Inquirer. Ilang beses niya na rin pinahapyawan ang gobyerno sa kanyang mga bi-weekly columns. +Kamakailan lang ay ibinunyag ni dating Sulu Governor Abdusakur Tan na ang 70% hanggang 80% ng boto sa kanyang lugar ay pineke. Ayon sa dating gobernador, nabunyag daw sa ginawang technical examination ng COMELEC na hindi tumugma ang mga lagda at thumbmark ng mga rehistradong botante sa aktuwal na lagda at thumbmark ng mga bumoto sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). "Lumabas na ang technical examination ng Comelec, ang findings 70 to 80% ng mga pirma sa ARMM hindi tugma o peke. Hindi tugma yung thumbprints ng tunay na registered voters at saka yung mga bumoto, ganun din ang mga signatures. Kitang-kita ang pagnanakaw ng boto" pagbubunyag ni Tan. Ang panayam na ito kay dating gobernador Tan ay ibinahagi ng US-based blogger na si Maharlika sa kanyang blog. Kapansin-pansin sa video na may mikropono ng ABS-CBN habang nagsasalita ang dating gobernador, kaya nagtataka ang blogsite na Deconstructed Media 2.0 kung bakit hindi man lang daw inere ng ABS-CBN ang panayam kay ex-gov. Tan. Ibinunyag din ni Tan sa naturang panayam na pinigilan umano siya ni dating pangulong Noynoy Aquino na tumakbo noong 2016 elections at pinagbantaan pa umano. Habang isinusulat ang blog post na ito ay sinubukan po namin i-google search ang panayam ni ex-governor tan sa ABS-CBN pero wala po kaming nakita. Ito po ang mga serye ng interview kay former governor Abdusakur Tan at kayo na po ang humusga. Ayon kay Attorney Glenn Chong, isa sa tumututok sa nangyari umanong dayaan noong halalan 2016, maaring mapawalang-bisa ang resulta ng eleksyon sa naturang lugar kung mapapataunayan ang mga alegasyon ni Ex-Gov. Tan. Malaking boto daw ang mawawala kay Leni at pwedeng daw ma-overtake ni former Senator Bongong Marcos si Leni kung magkakataon. Source: Deconstructed Media 2.0 | Maharlika +May napurga na naman na masasamang loob nang manlaban ang mga ito sa kapulisan sa Batangas. Ayon sa ulat ng GMA News, 3 miyembro ng notorious na gun-for-hire group ang naka-engkwentro ng mga pulis. Patay sa operasyon ang lider ng grupo na si Solomon Panan at ang 2 alipores nito na sina Vergilio Hernandez at si Efren Cruzada. Natrimbrehan ng mga otoridad ang gagawing operasyon ng grupo sa isang negosyante kaya nakapag-handa agad ang kapulisan. Tatlong armas ang nakuha sa mga kawatan. Sangkot din daw ang mga miyembro ng sindikato sa mga serye ng nakawan at patayan sa Batangas, Metro Manila, Bulacan at Pampanga. Ayon sa kapulisan, naniniwala sila na mababawasan na ang mga gun-for-hire activities sa Batangas dahil sa pagkakapuksa sa mga suspek. Ito ang patunay na patuloy na ginagawa ng Duterte Administration ang kampanya nito kontra-kriminalidad para protektahan ang mga mabubuting Pilipino Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa sinapit ng tatlong kawatan. Source: GMA News +Ang source ng artikulong ito ay matagal ng ulat pero napapanahon pa rin dahil sa mga naglabasang impormasyon nitong mga nakaraang buwan patungkol sa "Red October" o Oust Duterte Plot ng mga makakaliwang grupo o Komunista. Ayon mismo sa Pangulong Rodrigo Duterte sa isang panayam noong Septiyembre, nagsanib pwersa umano ang mga Magdalo at komunista para patalsikin siya. Umangal naman si Senador Antonio Trillanes sa pahayag ng Pangulo at sinabing hindi totoo ang mga akusasyon sa kanila ng Presidente. Sa katunayan daw ay may mga pahayag pa daw ang Magdalo laban sa mga komunista. Pero totoo bang walang ugnayan ang Magdalo at ang mga komunista? Matatandaang may lumabas na ulat noong 2006 tungkol sa pakikipagsabwatan ng Magdalo sa mga rebeldeng komunista para pabagsakin ang Arroyo Government. Sa ulat ng Philstar, kinumpirma umano ng dating Magdalo leader na si 1Lt. Lawrence San Juan na nagkaroon ng ugnayan ang ang kanyang grupo sa mga New People's Army para pabagsakin ang Arroyo Government. Si San Juan ay isa sa pinakamagagaling na anti-terrorism experts ng militar na nagrebelde sa gobyerno at kinalaunan ay nagbalik-loob. "I did not expect that the goals I was pursuing would lead to talks with the Communist Party of the Philippines and the New People's Army... I am ready to face the punishment for my actions in accordance with legal processes. I would rather willingly admit my mistakes than stand by the wrongs I have committed... deeply embarrassed and guilty of what I did... I was blinded by my self-centeredness, arrogance, and ego... My solitude gave me time to communicate with God and reflect,"sabi ni San Juan. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin nang mabasa nila ang kumpisal ng dating Magdalo leader. Source: Philstar | UNTV | VOVph +Walang habas na tinabangan ng mga rebeldeng New people's Army (NPA) ang mga Philippine National Police (PNP) sa region 5 na nagsasagawa lamang ng medical mission sa isang liblib na lugar sa Bicol. Ikinagagalit ngayon ng isang pulis ang sinapit ng mga kasamahan niya dahil sa tusong pag-atake ng mga rebelde. Sa Facebook post ni Raymund Raposa, natanong niya kung bakit kailangan pang tambangan ng NPA pati ang mga medical teams na tumutulong sa mga kababayan natin na mahihirap. Isa sa mga nasugatan ay na sa kritikal na kondisyon matapos tamaan ng shrapnel. Buti na lang at may sapat na puwersa ang mga pulis at sundalo para depensahan ang mga kasamahan nilang nasugatan. Kinilala ang mga sugatan na sina PO3 Roland Hermogeno, PO1 Vladimir Guadalupe, PO1 Roy Carbonell, PO1 Eliseo Jomar Palaroan, PO1 Mikhail Jose Concina and PO1 Daisy Bhel Genova. Ayon sa ilang ulat, nangyari ang pag-atake ng mga rebeldeng komunista sa medical team sa Sitio Patag, Barangay Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur, mga bandang ala 4:30 ng hapon. Ipinakita rin ni Raposa sa kanyang post ang mga litrato ng sasakyan na ginamit ng medical team na tinadtad ng bala ng NPA. Pinost din ni Ramosa ang larawan kung saan makikita na gumagawa nga ng medical mission ang mga kasamahan niyang pulis. Basahin ang bung post ni Raposa tungkol sa insidente. Ito naman po ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natin sa ginawang kabalbalan ng mga NPA. Source: Raymund Raposa | Camnortnews +Naghain na ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Ramon O. Cojuangco, Jr., pinsan ni dating Pangulong Noynoy Aquino at presidente ng Palay Asya, Resort, Incorporated. Ayon sa ulat ng GMA News, kasama din sa kinasuhan ay ang 7 pang opisyal ng kumpanya at 7 opisyal ng aklan dahil sa paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines. Ilan sa mga provision na pinagbasehan ng reklamo ay ang hindi naayon sa batas na pag-okupa ng lupa at pagsira ng kalikasan. Ang Playa Asya ang nag-o-operate ng Asya Boracay at Asya Premier Suites. Ang Asya Premier Suites ay nakatayo sa 4,666 square meters ng forest land. Mahaharap din sa reklamong Anti-Graft and Corrupt Practices Act and the Local Government Code of 1991 sina Cojuangco, Malay, Aklan mayor Ceciron Cawaling, dating alkalde John Yap 18 pang opisyal. Inihain ng gobyerno ang relklamo laban sa mga akusado, ilang lingo matapos buksan muli ang Boracay sa mga turista. Matatandaang ipinasara ni Pangulong Duterte ang Borcay para sa rehabilitasyon dahil nabababoy na ng husto ang isla dahil sa maling pamamalakad ng mga lokal na opisyal dito. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa balitang ito. Source: GMA News +Nakatikim ng malutong na mura ang Inquirer mula kay Deparment of Foreign Affairs Teddy "Boy" Locsin dahil sa ikinalat nilang pekeng balita tungkol sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Papua New Guinea. Ayon kasi sa ulat ng radyon.inquirer.net, kinumbinsi umano ni Locsin ang Pangulo na tapusin ang APEC Summit sa Papua New Guinea. Agad naman pinabulaanan ni Locsin ang maling impormasyon na ikinalat ng Inquirer. Ayon mismo kay Locsin, siya pa nga raw ang nagsabi kay Pangulong Duterte na gawing isang araw lang ang pagbisita sa Papua New Guinea pero hindi daw sinunod ng Presidente ang kanyang suhestiyon. "Gago. The opposite. I told Duterte one day only in Papua but he's ignored me by two days now," sabi ni DFA Sec. Locsin sa kanyang Twitter post. Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan sa pagsupalpal ni Locsin sa pekeng balita ng Inquirer. Source: Teddy Locsin Twitter | Radyo Inquirer | Odette Dequito-Javier +Sa isang resolusyon na may petasang Nobyembre 19 2018, Ideneklara na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Mislatel Consotium bilang pangatlong telco sa Pilipinas. Ito ay matapos ang 12 araw nang isagawa ang bidding. Ang resolusyon ay pinirmahan nina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Deputy Commissioners Edgardo Cabarios, and Delilah Deles, and Oversight Committee chair Eliseo Rio Jr. "Mindanao Islamatic Telephone Company Inc. with Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holdings Corp., and China Telecommunications Corp. (is declared) as the New Major Player," sabi sa resolusyon. Ang Mislatel ay binubuo ng Udenna Corporation, China Telecommuncations Corporation at ng Mindanao Islamatic Telephone. Inaasahang makikipag-kumpetensya ang Mislatel sa dalawang telco giants na PLDT Inc. and Globe Communications Inc. Ayon sa ulat ng GMA News, nangako ang Mislatel ng 27 mbps minum average broadband speed sa unang taon at gagawin naman nilang 55 mbps ang ang kanilang minimum average broadband speed sa susunod na apat na taon. Ang pagpapapasok ng pangatlong telecommunication company sa Pilipinas ay isa sa ipinangako ni Pangulong Duterte noong ito ay nanalo bilang Pangulo. Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natins a balitang ito. Source: GMA News | GMA News +"Suntakan na lang, tanggalin mo ito (posas)." Matapos mahuli si Dennis Balucan dahil sa pang-aararo ng tatlong taxi sa Timog Avenue, Quezon City, nakipagbuno pa ito sa mga pulis na rumesponde kahit na naka-posas na ito. Makikita sa video kung paano natumba ang isang pulis habang pilit inaaresto ang suspek. Ayon sa ulat ng GMA News, naka-inom umano si Balucan at mabilis ang pagpapatakbo nito sa minamanehong UV express kaya nabangga nito ang 3 taxi na nakaparada sa lugar. Nahagip din ni Balucan ang isang Koreyano na nag-aabang lang ng masasakyan. Kita din sa video kung paano hamunin ni Balucan ang mga tao sa paligid. Base sa ulat, hindi si Balucan ang totoong driver ng UV Express kundi ang isa sa mga pasahero nito na lasing din. Pinagmaneho lang daw ang suspek. "Nagkaroon po ng maximum tolerance, hindi po namin siya pinatulan. Siya po yung nag-amok sa amin. Halos tadyakan po (kami). Noong wala po (kayong taga-media), siya po talaga yung nag-aamok sa amin. Ayaw niya makipag-cooperate sa aamin." kwento ni PO1 Mark Anthony Velaco ng Kamuning Police Station. "Alingasnga ang sagot niya.Talagang mabubogbog siya dahil kung ano ang pinagsasagot niya. Kung ano ang pinagsasabi niya. Siya na nga itong nakabangga, hindi pa sya umayos," sabi naman ni Romeo Ortega, Liason Officer ng Johdyan Transport. Basahin niyo po ang reaksyon ng mga tao sa inasta ni Balucan. Source: GMA News +Kalunos-lunos ang sinapit ng isang motorista sa Marilao, Bulacan. Habang bumabaybay ang magkapatid na sina Melchor at Mario DeBorja sa McArthur highway, nasagi sila ng isang itim na kotse at nang kausapin nila ang driver ng kotse ay niyabangan na sila nito. Ang argumento ng dalawang panig ay nauwi sa pamamaril. Patay si Melchor nang barilin ng malapitan sa ulo, habang himalang naka-iwas sa bala ang kapatid nito na si Mario. "'Yung pagbaba ng driver, sa halip na tignan ang pagkakabangga kung ano ang damage, ang banat niya agad sa kuya ko, 'kasalan mo kaya kita nabangga', pero kung titignan mo yung lane ay nasa right lane kami. Ang sabi niya, 'bago kayo makipag-away sa akin kilalanin niyo kung sino kausap niyo'. Siyempre ang banat ng kuya ko, 'bakit sino ho ba kayo?'. Pagkuha ng baril, tutukan agad, pinaputukan agad. Hindi mo iniisip ang papatayin mo may pamilya. May tatlong anak, mga bata pa. Siguro may anak ka rin, sana huwag mangyari sa pamilya mo ang ginawa mo sa kapatid ko," kwento ni Mario De Borja, Kapatid ng biktima. Pina-berika na sa Land Transportation Office (LTO) agn plate number ng sasakyan na znr 321, pero naibenta na umano ang sasakyan na ginamit ng suspek sa isang insurance company. Patuloy pa rin na tinutugis ng mga otoridad ang suspek. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa nangyari kay Melchor. Sana po ay matulungan po natin ang mga biktima. Paki-kalat po ang artikulong ito para mapanood din ng iba baka sakaling makarating sa mga may alam. Source: GMA News +Sa panayam ni US-based pro-Duterte blogger na si Maharlika kay dating Sulu Governor Abdusakur Tan, isiniwalat ng dating opisyal na 70% hanggang 80% umano ng mga pisikal na balota ay ginamit sa pandaraya ng mga pekeng botante. Nahayag daw sa technical examination na hindi parehas ang mga lagda at thumbmark ng mga rehistradong botante sa aktuwal na lagda at thumbmark ng mga bumoto sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Ito ay isang patunay daw na ang mga botante na bumoto noong Halalan 2016 ay mga peke. Commission on Election (COMELEC) na raw ang gumawa ng technical examinations sa mga pisikal na balota mula sa ilang lugar sa ARMM at partial results pa lamang ang mga ito. "Lumabas na ang technical examination ng Comelec, ang findings 70 to 80% ng mga pirma sa ARMM hindi tugma o peke. Hindi tugma yung thumbprints ng tunay na registered voters at saka yung mga bumoto, ganun din ang mga signatures. Kitang-kita ang pagnanakaw ng boto" pagbubunyag ni Tan. Sa opinyon ni Attorney Glenn Chong na inilathala niya sa kanyang Facebook account, kapag napatunayan na pineke nga ang 50% ng mga boto sa ARMM, maaring mapawalang-bisa ang resulta ng eleksyon noong 2016 sa naturang lugar. "Sa ilalim ng umiiral na jurisprudence ngayon, kapag napatunayan na higit 50% ng mga balota ay apektado ng ganitong uri ng anomalya, maaring mapawalang-bisa ang resulta ng halalan. May malaking epekto ito sa protesta ni BBM laban kay Leni Robredo. Dahil 70%-80% ng mga bumoto ay peke o "multo... maari itong mapawalang-bisa. Dahil malaki ang panalo ni Leni Robredo sa mga lugar na ito, kapag nakaltas ang mga botong ito sa official tally, malaking boto ang mawawala kay Leni Robredo. Baka ma-overtake na siya ni BBM dito pa lang sa mga lugar na ito. TIYAK MANGINGINIG SA KABA SI LENI ROBREDO SA BALITANG ITO!" pagbubunyag ni Tan. Basahin ang naging reaksyon ng ilang nating kababayan sa pagbubunyag ni former ARMM Governor Tan. Source: Maharlika | Atty Glenn Chong +Tumitindi na talaga ang awayan sa kubol ng mga dilawan. Itong mga nakaraang araw, pumutok ang balita patungkol sa nanakaw na milyones kay Kris Aquino mula sa kanyang kumpanyang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP). At ang tinuturong salarin ni Kris ay si Nicko Falcis, financial adviser ng aktress. Ayon kay Kris, ginamit daw ni Nicko ang kanyang credit card sa mga hindi otorisadong transaksyon na aabot sa P1.2 milyon. Dumepensa naman ang kapatid ni Nicko Falcis na si Dilawan blogger Atty. Jesus Falcis. Ayon kay Jesus, gumaganti lang si Kris sa kapatid niya dahil ayaw umano ni Nicko na mag full-time sa kumpanya ng aktress. Isiniwalat din ni Jesus ang naging pagbabanta ni Kris sa buhay ng kanyang kapatid. "She said, you f--- as--- Nicko! Huwag kang tatapak dito sa Pilipinas. Dare to step in this country and you will be dead," pagbubunyag ni Jesus. Panoorin ang buong panayam kay Dilawan Blogger Atty. Jesus Falcis. Ito naman po ang reaksyon ng ilan sa mga Pro-Duterte bloggers sa isyung kinasasangkutan ni Kris Aquino at ng mga Falcis. Source: News5 +Nagkakagulo ngayon sa kampo ng mga dilawan. Marahil ay nabalitaan niyo na yung nangyari kay Kris Aquino na ninakawan umano ng P1.270 million ng kanyang financial adviser. Ang financial adviser ni Kris ay si Nicko Falcis na kapatid naman ng dilawan blogger na si Attorney Jesus Falcis. Todo ngayon ang pagsalag ni Jesus sa mga akusasayon laban sa kanyang kuya, na kahit mga kapwa niya dilawan ay binibuweltahan niya na rin sa social media. Sa mga serye ng twitter posts ni Jesus Falcis, binanatan nito ang kapwa niya dilawan blogger dahil nakikisali sa isyu ng kanyang kapatid at ni Kris Aquino. Sa mga social media posts ni Falcis, may tinatawag itong "Crazy rich Asian" na nagbibigay umano ng 25 thousand pesos kada buwan sa isang dilawan na blogger. Si Kris Aquino ay naging parte ng pelikulang "Crazy Rich Asian". Madalas ay puro politika at laban sa Duterte Administration ang mga posts ng mga kakarampot na dilawan bloggers pero kapansin-pansin ang ilang posts ni Jover Laurio o mas kilala sa tawag na "Pinoy Ako Blog". May mga post ito tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kuya ni Jesus Falcis at ni Kris Aquino. Siya kaya ang tinutukoy ni Falcis na pinopondohan umano ni Crazy Rich? Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa isyu na ito. Happy ba kayo na nakikitang nag-aaway sila? Paki-kalat po ang artikulong ito kung OO. Source: Jesus Falcis Twitter | News5 +Dilawan versus Dilawan, tumitindi na talaga! Kinasuhan ngayong araw ni Kris Aquino si Dilawan Blogger Attorney Jesus "Jess" Falcis ng Cyber Libel dahil sa paninira. Si Jesus Falcis ay kapatid ni Nicko Falcis, ang dating financial adviser ni Kris. Matatandaang kinasuhan din ni Kris si Nicko dahil umano sa pagdispalko ng pera ng aktress. Kamakailan sinabi ni Atty. Jesus Falcis na kaya hindi umuuwi ng bansa ang kanyang kuya ay dahil pinagbantaan umano ni Kris Aquino ang buhay ng kapatid. "Alam niyo rin naman na kaugalian namin na hindi kami ang nambu-bully, pero hindi talaga ako papayag na ang pinaghirapan kong pangalan at ang pangalan ng pamilya namin ay lalapastanganin lamang ng pamilya na hindi pa rin sinasagot hanggang ngayon ang in-accuse doon sa kapatid. To this day, hindi pa rin nagfa-file ng counter-affidavit, eh dalawang buwan na ako naghihintay. And ang in-accuse sa akin at lahat ng paninira, ang nilalagay sa alanganin ay trabaho ko. Dahil ang trabaho ko ay pag-e-endorse ng mga produkto," sabi ni Kris. Nitong mga nakaraang araw, binanggit din ni Jesus Falcis sa kanyang social media account na sinusustentohan daw ni Kris ang kapwa niya dilawan blogger ng P25,000 kada buwan. Ito ang ulat kung saan sinabi ni Jesus na pinagbantaan umano ni Kris Aquino ang kanyang kapatid. Source: News5 +Pinirmahan na ng Chinese Steel manufacturer Panhua Group Co., LTD, Department of Trade and Intdustries (DTI), Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at ng PHIVIDEC Industrial Authority ang isang memorandum of agreement (MOU) sa pagtatayo ng steel mill sa Pilipinas. Ang MOU ay pinirmahan habang nasa bansa si Chinese President Xi Jinping para sa isang state visit. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, makatutulong daw ang kasunduan para lalong mapatatag ang relasyon ng Pilipinas at ng China. Magbibigay daan di daw ito para maisakatuparan ang plano ni Pangulong Rodrigo DUterte na mapaunlad ang steel industry sa bansa. "The signing of this MOU is a testament to the strengthened relations between Philippines and China. A completely private undertaking, Panhua, is set to accomplish President Rodrigo Duterte's vision of growing the integrated iron and steel industry so it can cater to the growing domestic and external market demand, "sabi ni ni Lopez. Base sa ulat ng Philippine News Agency, kasama sa investment plan ng Panhua ay ang pagtatayo ng manufacturing plant na may kapasidad na 10 million metric tons. Iinaasahang makakalikha ito ng mahigit 50,000 na trabaho para sa Pilipino. Panoorin ang kaugnay na ulat patungkol sa mga kasunduang pinirmahan ng Pilipinas at ng China noong bumisita si Chinese President Xi Jinping sa Bansa. Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa balitang ito. Source: PNA | Sass Rogando Sasot | GMA News +Sinubukan na ng Department of National Defense (DND) ang bagong biling Spike ER Missile Weapon ng Philippine Navy. Pinangunahan ni DND Secretary Delfin Lorenzana at Philippine Navy flag officer-in-command, Vice Admiral Robert Empedrad ang test fire sa nasabing missile system. Kayang maglakbay ng 8 kilometro ang missile, may "fire ang forget" targeting system pa ito at may kakayahan pang tumagos sa 39-pulgadang homogeneous armor. Ang bawat missile ay nagkakahalaga ng P11 million. Base sa ulat ng Philippine News Agency, inaprubahan ni Lorenzana noong Abril 15, 2017 ang Notice to Proceed para sa pagbili ng nasabing armas. Ikinatuwa din ni Lorenzana ang naging resulta ng pagsubok sa missile. "Impressive. Not one (missile) round was wasted... (Modern) technology has come to the Navy and we will use this technology to protect our seas, "sabi ni ni Lorenzana. Sari-sari naman ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa pagdating ng makabagong armas ng Navy. Source: GMA News | News5 | PNA +Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng relo at pitaka ng ilang menor de edad sa isang lalaki sa Caloocan City. Makikita sa video kung paano kinuyog ng mga kabataan ang biktima nila. Matapos gawin ang pagnanakaw ay nagawang kumaway ng isang suspek sa CCTV, tila binubuska pa ang mga otoridad. Ayon sa opisyal ng barangay sa naturang lugar, may dalang panaksak umano ang ilan sa mga suspek at nasa 12-16 anyos daw ang mga edad ng mga ito. Nananawagan naman ang kapitang barangay na amiyendahan na ang REPUBLIC ACT NO. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act ni Senador Kiko Pangilinan "Amiyendahan po talaga (ang Juvenile Justice and Welfare Act) at ang mga kabataang 12-years old pataas, bigyan po natin ng kaukulan parusa. Pagka bata sampahan man namin ng reklamo sa police station, sabihin sa amin i-turn over na lang sa DSWD at pagka dating nila sa DSWD, temporary lang sila nakukulong, "sabi ni Barangay Kapitan Angel Cruz. Sinisisi naman ng ilang netizens si Pangilinan sa pagiging pangahas ng ilang kabataan dahil sa inakda nitong batas. Source: GMA News +Sa Facebook post ng Pilipino Star Ngayon, ibinahagi nila ang nakakalumong naranasan ng kababayan nating si Vallerre Jhoy na muntik ng mabiktima ng kawatan habang naglalakad sa Bacoor, Cavite. Ayon sa kwento ng biktima, tinabihan umano siya ng holdaper para bigyan ng liham. Nakasulat sa liham ang "Wag kang sisigaw, kpag sumigaw ka, babarilin kita sa ulo." Basahin ang buong kwento ni Jhoy. Ito naman po ang ilan sa naging reaksyon ng mga netizens natin sa naranasan ni Jhoy. Source: Pilipino Star Ngayon +Matatandaang sa harap ng Filipino Community sa Papua New Guinea ay hinalintulad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Magdalo sa teroristang ISIS. Ayon sa Presidente, dapat daw mag-ingat ang mga tao sa Magdalo dahil mapanira daw ang ang mga ito. Ang Magdalo ay kinabibilangan nila Senador Antonio Trillanes at Congressman Gary Alejano. Sumikat ang grupo ni Trillanes dahil sa mga palpak nilang kudeta laban kay dating Pangulong GLoria Macapagal-Arroyo. "Be careful with Magdalo. Ito yung mga rebeldeng sundalong nagkalat diyan sa Makati, pati sa Peninsula. They destroyed everything. Parang ISIS ang mga buwang. Maghamon, magbastos,"sabi ni Presidente Duterte. Kaya tinanong ng website na Yahoo.com ang mga netizens kung naniniwala sila sa pagkumpara ni Pangulong Duterte sa Magdalo sa ISIS. Habang isinusulat ang blog post na ito, umabot na sa 87% ang nagsabing naniniwala sila na terorista ang Magdalo, 12% naman ang hindi naniniwala. Panoorin ang talumpati ng Pangulo patungkol sa Magdalo. Basahin ang mga reaksyon ng ilan nating kababayan sa online survey na isinagawa ng yahoo.com. Kung ikaw ang tatanungin, naniniwala ka bang mala-terorista ang grupo ni Trillanes? Source: Yahoo +Kumakalat ngayon ang video ng isang negosyanteng Pakistani na nagpapahayag ng matinding paghanga kay Pangulong Rodrigo Duterte habang kausap ang isang Pilipino. Ayon sa Pakistani national, si Pangulong Duterte raw ang numero unong Presidente para sa Pilipinas. Maririnig rin sa video na pilit nagsasalita sa wikang tagalog ang banyaga. "I love Philippines! Duterte is the best best President for the Philippines. He is the number one Filipino in all over the world. Great person. Nice person. I love Duterte and I love Philippines... Because the people of the Philippine is nice and Duterte is number one," sabi ng Pakistani National. "WoW! Mabuhay ka aming Presidents Duterte. nakaka proud na Isang Pakistani national Businessman dito sa UAE ang nag sasalaysay kung gaano nya kamahal ang ating Mahal na Presidente Duterte," ayon naman sa original uploader ng video. Isa lang ang Pakistani national na ito sa mga banyagang nagpapakita ng paghanga kay Pangulong Duterte. Kamakailan lang ay may nag-viral din na video tungkol sa isang UAE National, bilib na bilib kay Pangulong Duterte. Source: Roger Luna +Habang ang karamihan sa mga kababayan natin ay excited na at inaabangan ang pagseserbisyo ng bagong deklarang 3rd telco na Mislatel, si Senador Antonio Trillanes naman ay tila diskumpiyado sa pagkakapili sa nasabing kumpanya bilang pangatlong telco sa bansa na makikipagkumpitensya sa Philippine Long Distant Telephone at Globe. Kinuwestiyon ni Trillanes ay kakayahang pinansyal ng isa sa mga personalidad sa likod ng Mislatel na si Dennis Uy. "Itong third telco na ito, hindi natin malaman kung saan naggaling ba itong si Mr. Dennis Uy na ito di ba? Titignan natin ang kanyang financial capability. Saan ba nanggaling ang yaman nito? Alam niyo iba't-ibang imimpormasyon na ang nakukuha natin, at malalaman natin iyan once na humarap ito sa senado," sabi ni Trillanes. Sinalag naman ni Udenna Corporation Spokeperson Adel Tamano ang mga pinagsasabi ni Trillanes patungkol sa Mislatel. Ang Udenna Corporation ay isa sa mga kumpanyang nasa likod ng Mislatel. "Anyone who knows Presidente Duterte, he is not the type of person who will give personal favors for commercial transactions, that's number one. Number two, this whole process of selecting has been so transparent, has been so fair," banat naman ni Tamano. Basahin ang reaksyon ng mga tao sa pinagsasabi ni Trillanes. Source: News5 +Umamin si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na siya ay nasasaktan sa mga akusasyon ibanabato laban sa kanya patungkol sa hindi maayos na paggamit umano ng pondo para sa rehabilitasyon ng Super Typhoon Yolanda. "Tao lang tayo. Of course nahu-hurt tayo. Pero, nilalagpasan ko na lang yan. I mean, tanggap ko na hindi lahat, magkakagusto sa akin. Hindi lahat, susuporta sa akin," sabi ni Roxas. Sinisi ni Roxas ang mga trolls at mga pekeng balita sa social media kung bakit tila kinamumuhian siya ng ilang kababayan natin. "Kung galit kayo sa akin, ayaw niyo sa akin, karapatan ng trolls na magpahayag ng kanilang nararamdaman pero doon tayo sa totoo. Baka nadadala lang kayo ng fake news," banat pa ni Roxas. Nilinaw din ni Roxas na hindi niya ninakaw ang Yolanda funds at ginamit niya pang patunay ay ang ulat mula sa Commission on Audit (COA). "Kasi malinaw naman ang katotohanan. Yung COA report mismo. Yung Ombudsman report mismo. Lahat ng dokumentasyon pati na yung Yolanda Czar mismo na si Ping Lacson, nagsasabi na hindi naman sa akin dumaan ang pera," banat pa ni Roxas. Kamakailan lang ay naglabas ng opinyon ang dating mamamahayag at ngayo'y senatorial candidate na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad, maaring peke nga ang balitang hindi paggamit ng wasto sa Yolanda fund pero ang pagiging incompetent ng nakaraang administrasyon sa pagtugon sa bagyong Yolanda ay may katotohanan. "We thought we were going to die. We were the first and only network to go live then. To the horror of the victims in the hours, days following the typhoon, wala pa ring tulong. Konti pa lang ang rumeresponde (no help arrived. Few responded)," sabi ni Manicad. Si Manicad at ang news crew niya ay nasa Leyte noong kasagsagan ng bagyong Yolanda. Source: INQ | Philstar +Isa na namang kawawang paliparan ang pinaganda ng gobyerno. Binuksan kamakailan lang ng pamahalaan ang bagong-ayos at pinagandang Marinduque Airport. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), noong 2013 nang mahinto umano ang operasyon ng airport at matagal din na nanatiling maikli ang runway ng paliparan. Natengga din daw na sira ang Passenger Terminal Building (PTB) nito. Ngayon, halos mahigit dalawang taon ng pagkukumpuni, napaganda na ito ng gobyerno. Nalagyan na ito ng aircon at mayroon na rin mga x-ray machines. Sa pakikipagtulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), napalaki ang runway ng paliparan nitong Nombyembre 19, 2018, upang makatanggap ng mga mas malalaking sasakyang panghimpapawid. Nito namang April 1, 2019 ay nakapaglunsad na muli ng mga commercial flights ang paliparan. Ang Marinduque ay mayroong isa sa mga pinaka-sikat na okasyon sa Pilipinas - ang "Moriones Festival". Makikita rin sa lugar ang mga pinakamatatandang mga imprastruktura sa bansa, tulad ng simbahan. Ang magandang balita na ito ay ikanagalak naman ng ilang kababayan natin. "Congratulations it is very nice and it gives comfort just to see rehabilitations and developments happening to our country. Thank you very much and do not waiver your enthusiasm in doing great means for our beloved Countrymen, they deserve these facilities which have long been deprived of them. Again thank you!" sabi ni F. Mie. " Im glad to see this DOTrPH achievement, im not from Marinduque but im very happy. keep it up Sir Tugade, work well done" sabi ni E. Balais. " Keep up the good work mga Sir and Madam thank you very much for supporting our President.one for all all for one God bless po sa inyong lahat." sabi ni J. Angat. Source: DOTr +Ito ay isang video na ginawa pa noong nakaraang taon kung saan nakapanayam ng ilang miyembro ng media ang beteranong aktor na si Eddie Garcia. Sa kanilang pag-uusisa sa aktor na noo'y parte ng pelikulang tumatalakay sa batas militar, hindi napigilan ng ilang reporter na tanungin si Garcia kung ano ang naging karanasan niya noong ipanatupad ang martial law. "Wala naman problema ang mga artista noon (sa Martial Law) because you'll get a curfew pass at pwede kang mag-shooting magdamag. I never experience a nightmare in martial law. Ngayon, kung kokontra ka sa gobyerno, mae-experience mo di ba? Wala akong kaibigan na (nakulong at na-tortue noong martial law) dahil puro mababait ang mga kaibigan ko eh. Wala kang problema. Ngayon, kung kokontra ka sa gobyerno, magkakaproblema ka," sabi n Garcia. Ayon pa kay Garcia, wala siyang problema kung ipatupad muli ito. "Well kung masyadong sungaya na ang mga tao, pwedeng mag martial law di ba? Ngayon, if you just tow the line, wala kang problema. Sa akin wala akong problema (sa Martial Law). I'm apolitical," sabi n Garcia. Si Garcia ay lumabas na sa 400 pelikula at programa sa telebisyon. Ang pinakahuling sikat na palabas na kanya kinabilangan ay ang FPJ's Ang Probinsyano kung saan gumanap siya bilang Don Emilio Syquia / Gustavo Torralba. Source: Allan Diones +"Sabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) humupa raw ang inflation, pero inflation pa rin." Tila hindi pa kuntento si dating Department of Interior and Local Government Secretary at Otso Diretso Senatorial Candidate Mar Roxas sa balitang bumaba na sa 3.3 ang inflation ngayong Marso 2019. "Tuloy-tuloy pa rin ang pag-taas ng presyo ng bilihin" sabi ni Roxas. Ang inflation ay ang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Matatandaang pumalo pa sa 6.7% ang inflation noong nakaraang taon. Dahilan kung bakit naging panay ang puna ng ilang oposisyon sa Duterte Administration noong panahon na iyon. "The real enemy is inflation. The so-called strongman shjould get tough on inflation, not the opposition," sabi ni Opposition Senator Risa Hontiveros noong Septiyembre 2018. "Aminin mo na lang kasi na hindi mo kaya, Duterte, at mabuti pa, magresign ka na lang," banat ni Opposition Senator Leila De Lima noong Septiyembre 2018. Panoorin ang komento ng pangkaraniwang Pilipino sa ulat na ito. Source: ABS-CBN | CNN Phil | INQ | De Lima +Sa isang panayam kay dating Philippine Natioanl Police (PNP) Chief Ronald "Bato" Dela Rosa, nagbigay ito ng reaksyon patungkol sa video na pinapakalat ng mga kalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan isinasangkot ang ilang kapamilya ng Presidente sa droga. Ayon sa dating hepe ngkapulisan, puro kabalbalan land daw at halatnag scripted ang video. "Wala akong pakialam kung sino ang behind diyan. Halata namang scripted, ginagawang melo-dramatic at kung anu-ano pang style nila diyan. Wala akong pakialam dun. That's bullsh*t!" banat ni Bato. Hinamon din ni Bato na magsampa ng kaso ang mga tao sa likod ng video kung totoo ang mga paratang ng mga ito. "Puro naman kasi iyan accusations. Mag-file sila ng akso kung mayroon talaga silang ebidensiya. Wala naman. Dumaan naman ng hearing sa congress, may nakuha ba silang ebidensiya? Wala! Dapat kung mayroon, kasuhan na nila. Mahirap iyan na sisiraan nila ang tao by trial by publicity. Sige lang kayo ngak-ngak diyan. Puro kayo salita, wala kayong gawa. Gawin ninyo ang dapat gawin. ," sabi ni Bato. Nitong mga nagdaang araw ay pilit ikinakalat ng ilang kontra sa kasalukuyang administrasyon ang isang video na nag-uugnay daw sa mga kaanak ng Pangulo sa droga. Ang nasabing video ay nagpalabas ng ilang dokumento at pirma para patunayan ang kanilang akusasyon. Agad naman lumantad ang isang alkalde mula sa Maguindanao at sinabing ninakaw umano ang kanyang pirma para gamitin sa video laban sa pamilya ng Presdiente. Source: Politiko TV Channel | PNA | Datu Zamzamin +Hinikayat ni Vice President Lei Robredo ang mga taong nasa likod ng mga online videos na nagdadawit sa mga kamag-anak ni Presidente Rodrigo Duterte sa droga na maghain na kaso. "Pareho, pareho iyong aking sagot: very serious iyong accusations, mas mabuti ilagay sa proper forum... Pero iyong pinakamabuti talaga sa lahat, i-file ito sa proper forum, para mayroong independent na imbestigasyon, mayroong paglilitis na maririnig, iyong tatanggap ng ebidensya maririnig kung ano iyong depensa ng nasasakdal,," sabi ni Leni. Sa serye ng mga video na inilathala ng YOutube account na "Ang Totoong Narco list", inakusahan sina presidential son at former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na tumatanggap umano ng payola mula sa kalakaran ng droga. Pati ang menor de edad na anak ng Pangulong Duterte na si Veronica "Kitty" Duterte ay hindi nakaligtas sa libelous na pag-atake. "Mahirap kasi itong narcolist nakalista, o video, o nilalagay sa social media, kasi wala tayong basehan kung ito ba ay totoo o hindi... Mas mabuti na iyong mga persons concerned, sagutin iyong accusation... Pero mas mabuti sa tamang proseso," dagdag pa ni Leni. Ang mapanirang video laban sa pamilya ng Pangulo ay naging kahina-hinala matapos mabutasan ng mga pro-government bloggers tulad nila University lecturer Sass Rogando Sasot at Radio host na si Thinking Pinoy o RJ Nieto. Lumantad din ang isang alkalde sa Maguindanao na si Datu Zamzamin at sinabing ninakaw umano ang kanyang pirma at ginamit umano ito sa mapanirang video. Source: GMA | PNA | Datu Zamzamin +Sa isang video, tinalakay ng senatorial apirant Attorney Larry Gadon ang naging komento ng kampo ni Vice President Leni RObredo tungkol sa banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklar ito ng Revolutionary War. Magugunitang sinabi ng abogado ni Robredo na si Attorney ROmulo Macalintal na si Leni ang papalit na Pangulo kapag itinuloy ng Presidente angbanta nito. Ayon kay Gadon, mali ang pagkaka-unawa ng abogado ni Leni. "Mali ang sinasabi ni Attorney Romy Macalintal na pagnagdeklara ng revolutionary government si Presidente Duterte ay ang papalit ay si Leni Robredo. Maling-mali iyon. Unang-una ganito, kapag nagdeklara ng revolutionary government, ang mangyayari diyan ay binubuwag ang lahat ng istruktura ng gobyerno na nakatalaga sa present constitution upang magawa ng Presidente ang gusto niyang ipatupad na mga pagbabago. 'Yung sinasabi ni Macalintal na si Leni ang papalit ay kapag nag-resign si Presidente Duterte during his term or siya ay incapacitated. Pero 'yung revolutionary government tulad ng kay Cory Aquino matapos ang EDSA kudeta na kung saan iligal sila namayani ng gobyerno. 'Yun ang pagkakaiba niyan," sabi ni Atty. Gadon. Ilohikal din daw na magdedeklara ang Pangulo ng revolutionary government kung si Leni lang din daw ang papalit. "Bakit magdedeklara ng revolutionary government si Pangulong DUterte kung ang papalit ay si Leni Robredo? Napaka-illogical premise ni Attorney Macalintal. Dinadaan nila sa pagka-dilaw. Hindi sila nagsasabi ng totoo. Sa prinsipyo ng revlutionary government, binubuwag mo ang kalakaran at sistema para mapalitan ito ng pagbabago na gusto gawin ng Presidente. Nagagawa lang ito kapag kontrolado ng Presidente ang military at ang mamamayan naman ay pumapayag," banat pa ni Gadon. Matatandaang tinawag ni Pangulong Duterte na mahina at incompetent si Robredo. Source: Atty Larry Gadon +Isa sa ambisiyosong proyekto ng Duterte Administration ay ang Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC)sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija pero hindi ito masyadong napapansin dahil sa mga negatibong pag-uulat ng ilang media sa anti-drug campaign ng pamahalaan. Sa report ng pro-government journalist na si Erwin Tulfo, ibinahagi niya ang mga nagawa ng nasabing center at kung ano ang mga naging epekto nito sa mga kababayan natin nalulong sa masamang bisyo. Ang center ay kayang mag-accommodate ng 10,000 drug dependents at may iba't-ibang pasilidad, tulad ng gym at classrooms. P7 milyon ang inilaan ng gobyerno para patakbuhin ang rehab center. May mga maaayos na kwarto at maaayos na kusina. Ang proyekto ay patunay na may malasakit ang kasalukuyang gobyerno sa mga kababayan nating naligaw ng landas. Taliwas sa ibinibintang ng ilang kritiko na basta na lang pinapatay ang mga durugista. "'Yan ang gusto namin mabago na pananaw sa ating community, na hindi lang ganun (pagpatay) ang ginagawa ng pamahalaan. Mayroon po tayong rehab center na tumutulong sa mga nangangailangan," sabi ni MEGA DATRC Officer in Charge Dr. Nelsn Dancel. Basahin ang mga tertimonya ng mga kababayan nating sumailalim sa pagpapagamot sa Mega Drug Rehabilitation Center ng pamahalaan. "Sa sobrang hirap ng buhay na-involve po ako sa drugs. Siguro mas ok na po na nahuli ako kasi natatakot po kami na baka ganun (mapatay) ang mangyari sa amin. Marami po kaming natutunan mag-asawa dito... Pangulong Duterte po napakaswerte po namin na napunta kami sa mega rehab nang dahil sa kanya marami kaming natutunan," sabi ni Ella, dating drug dependent at pusher. "Kaya po ako napasok dito, gawa ng kapatid ko. Pinag-usapan po namin na ire-rehab niya ako kasi masyado na pong bpangit ang behaviour ko. Namumura ko ang pamilya at laging nag-aaway... Paglabas ko po aayusin ko ang buhay ko at magfo-focus sa pamilya ko," sabi ni Kevin, drug dependent. Source: Erwin Tulfo +Nagsalita na ang common-law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avancena sa mapanirang video na ikinakalat ng mga kalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi nagustuhan ni Avancena ang pagdawit sa menor de edad niyang anak na si Veronica "Kitty" Duterte sa isyu ng kalakaran ng droga. Itong mga nagdaang mga araw ay naglabas ang ilang anti-DU30 ng video na may pamagat na "Ang Totoong Narco List". Ipinakilala sa naturang video ang dati umanong miyembro ng drug syndicate na may alyas na "Bikoy". Malisyosong idinadawit ng video ang mga kamag-anak ng Pangulo sa kalakaran ng droga. Dipensa ni Avancena, kung totoo ang video, bakit naman niya ipapangalan sa anak niya ang transaksyon sa droga. "Tell them, pag sure oi. Napaka walang hiya ko naman na nanay kung ipangalan ko sa anak ko," sabi ni Avancena. Ang unang episode ng "Ang Totoong Narco List" ay agad binutata ng mga taga-suporta ng Pangulong Duterte. Nakitaan ng butas ng kilalang pro-government blogger na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy ang naturang video. Ilan sa napansin ni Nieto ay ang mga diskumpiyadong mga pirma. Umalma na rin si Maguidanao Mayor Datu Zamzamin dahil ginamit umano ang pirma niya sa video laban sa Pamilya Duterte. Source: GMA | PNA | Datu Zamzamin +Kaawa-awa ang lagay ngayon ng isang student teacher at beauty pageant contestant nang paliguan ito ng suntok ng isang manyakis na lalaki. Ayon sa ulat ng GMA News, natutulog ang biktima nang pasukin ng suspek ang kwarto niya. Nagulat na lang daw ang biktima nang magising at makita ang lalaki na gumagawa ng kahalayan sa tabi niya. At nang humingi ng tulong ay dito na raw pinagsususuntok ng suspek ang biktima. Labis na awa ang naramdaman ng nanay ng biktima sa sinapit ng anak nito. "Naiyak ako. Parang naawa ako sa kanyang mukha nang makita ko dahil iba na," ayon sa ina ng biktima. Nakilala ang pusakal na kriminal na si Angelo Panes, 19-anyos. Tinangka pa ng suspek na tumakas. Mahaharap ang kriminal sa mga kasong serious physical injury, unjust vexation at trespass to dwelling. Base sa report, may kapansanan daw ang suspek sa pagsasalita at pandinig. "Pagsigaw na ng biktima na humihingi ng tulong, sinuntok na siya ng suspek kaya hinimatay at nasugatan sa mukha," sabi ni MINA Police Chief P/LT Sheila Bito-Onon. Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natin sa ginawa ng suspek na may kapansanan. "Dapat sa hayop nayan..PATAYIN SA BUGBUG din... babae ako pro gawin mu sakin yan..saksakin kuyang leeg mo hayop ka!!" sabi ni C. Ybanez. "Grabeh nakakapang gigil! Bakit hindi taposin ang buhay ng hinayupak na yan!" sabi ni D. Besanes. "Hinayupak ka may kapansanan kananga di kapa gumawa ng tama" sabi ni S. Bermejo. Source: GMA +Isa na namang alagad ng simabahan ang nasasangkot sa kabalbalan matapos itong mahuli na ginagawan ng kahalayan ang batang babae na kasama niya sa restaurant. Nakilala ang suspek na si Victorino Abot Jongco na lay minister pa naman ng Quiapo Church. Si Jongco ay 69-anyos. "This is very alarming. Number one, ginawa ito ina a public place. It was done in broad daylight. 'Yung victim is a minor at kailangan namin ma-recue," sabi ni Philippine National Police (PNP) Anti-Trafficking in Person Division Chief P/Col. Maria Sheila Portento. Ayon sa kawawang biktima, mahigit 3 beses daw siya minolestiya ng lay minister. Basahin ang mga naging opinyon ng ilang kababayan natin sa pinaggagawa ng suspek. "Kaya hindi lahat ng nagmumura masamang tao. At lalong hindi lahat ng nasa simabahan, mabubuting tao," sabi ni M. Tapang. "Grabe talaga mga alagad ng simbahan mga manyakoL kaya tutol sa death penalty mga simbahan baka maubos tauhan nila," sabi ni C. Viado. "Hahahaha! Kaya pikon kayo sa presidente eh ang dudugyot nyo kasi mga panggap na banal!," sabi ni J. Legazpi. Source: GMA +"Lumaban po kayo for the sake of your daughter" Hinikayat ng university lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot ang common-law wife ni Pangulong Rodrigo DUterte na si Ma'm Honeylet Avacena na maghain ng reklamo laban sa Google sa Estados Unidos para ibunyag kung sino ang nasa likod ng mapanirang propaganda video kung saan idinadawit ang menor de edad na si Veronica "Kitty" Duterte sa droga. "I suggest that you file a case in the US versus Google, concerning this YOutube Account: 'Ang Totoong Narco List'," sabi ni Sasot. Ang naturang Youtube account ay responsable sa mga mapanirang video ipinagkalat ng mga kumakalaban sa kasalukuyang administrasyon. Matapos maglabas paninira laban kay Presidential son Paolo Duterte, idinawit naman nila sa kalakaran ng droga ang menor de edad at bunsong anak ni Pangulong Duterte na si Kitty. "Your daugther, a minor, has been defamed through false and malicious Youtube video, claiming your daughter receives drug money," ani Sasot Ang unang video ng nasabing Youtube account ay binutata na ng mga taga-suporta ng Pangulo matapos makita ang mga pinekeng pirma sa nasabing video. Umalma na rin ang isang alkalde at sinabing pirma niya ang ginamit sa malisyosong video. Source: Sass Rogando Sasot | PNA | Datu Zamzamin +Sa kanyang talumpati sa campaign rally sa Malaybalay City, Bukidnon, binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyales ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa hindi paghanda sa "seasonal" El Nino. "MWSS. Anak ka ng p***, kada [season] may El Nino. Bakit hindi ninyo napaghandaan? Hindi pa nga dumating ang El Nino wala nang tubig. P*****-i**. Saan na ba napunta ang tubig sa mundong ito? banat ng Presidente. Hindi tuloy napigilan ng Pangulo na balikan muli ang nangyari water interruption kamakailan lang. "Kung hindi ko pa sinabi na pupuntahan ko sila, ayan, kinabukasan nagkatubig na," buwelta pa ng Pangulong Duterte. Magugunitang nagkaroon ng water shortage nito lamang nakaraang buwan. Noong panahon na iyon ay nagbanta ang Pangulo na kakanselahin niya kontrata ng mga water concessionaires at sisisantihin ang opisyales ng MWSS kung hindi nila aayusin ang problema sa tubig. "In a stern message delivered without even once looking at the officials, the obviously outraged President threatened to fire the MWSS officials and terminate the concessionaires' contracts" salaysay ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Source: GMA| Presidential Communications +Tila naging sunod-sunod ang mga patamang posts ng dating lead vocalist ng bandang Yano na si Dong Abay sa kasalukuyang Presidente at mga taga-suporta nito. Sa mga serye ng social media posts ni Abay, binanatan ni Abay ang itsura ng Pangulo at pati ang posisyon ng Presidente tungkol sa West Philippine Sea. "Parehas lang ang itsura ng ilong at t*t* ng presidente," banat ni Abay. "At mas pakyu sa Tatay nyong humahalik sa pwet ng China," boladas ni Abay sa kanyang Facebook account. Sa isang naman post, nagbigay siya ng opinyonkasabay ng pagkalat ng scandal video ng kapwa niya mang-aawit na si Jim Paredes. "Kahit magsals*l, magjak*l, magbate ang buong Pilipinas, isang malaking bur*t pa rin si Duterte" sabi ni Abay. Base sa ilang post ni Abay, sumusuporta ito sa bawal na droga na Marijuana. "Marijuana is safe. Safer than alcohol, tobacco, pharmaceuticals, synthetic drugs and genetically modified organisms on our food," ayon sa post ni Abay noong 2017. Source: 1 | 2 | 3 | 4 +Hindi pinalampas ni Presidential son at dating Vice Mayor ng Davao City na si Paolo "Polong" Duterte ang mga kritiko niya na pinipilit siyang maghubad para makita kung totoo bang may tattoo ito sa likod. Magugunitang inakusahan ni Senador Antonio Trillanes si Paolo na may dragon tattoo sa likod at ito raw ang patunay na may konektado si Paolo sa sindikakto ng droga. Kamakailan lang din ay may inilabas na video ang isang anti-DU30 youtube channel kung saan inulit nila ang mga pinagsasabi ni Trillanes. Sa isang social media post, sinabi ni Agot Isidro na si Polong naman daw ang dapat magpakita ng likod matapos ipakita ni former SAP Bong Go ang likod nito. Ang panawagan ni Isidro ay agad binara ni Polong. Ayon kay Polong, si Isirdro na lang daw ang dapat maghubad at ang napapalitang karelasyon niya na si Otso Diretso Senatorial Candidate Florin Hilbay. "Nanawagan ako kay Agot Isidro kung gusto nya ng hubaran, magsolo na lang sya. Or sila na lang ng gf nyang si Flor Hilbay. G?" sabi ni Polong Source: Polong +Nagpakitang gilas agad sa unang niyang amateur boxing match ang anak ni "Pambansang Kamao" Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquaio. Sa kanyang unang laban, mabilis na pinabagsak ni Jimuel si Miguel Egan sa round 2. Magugunitang naging balita ang balak ni Jimuel na pasukin ang mundo ng boxing. Ito ay mariing tinutulan ng kanyang ina na si Jinkee Pacquiao. Napabalita din na naiyak pa raw si Jinkee dahil gustong sundan ni Jimuel ang yapak ng ama ito. Pero kamakailan lang ay kumalat ang video ng pagsasanay ni Jimuel kasama ang kanyang ama. Source: ABS | GMA | Rappler +Tila nakahanap ng katapat si "Bikoy", ang bida sa black propaganda video na nagdadawit sa ilang miyembro ng pamilya Duterte sa droga. Sa video ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director V Arnell Ignacio, tila pinagkatuwaan niya si Bikoy. "Ako po si Tikoy the second. Hindi ko na matiis na hindi niyo malaman ang mga nalalaman ko. Kaya dapat ay sabihin ko na ito. Magbabanggit na ako ng Pangalan para diretsahan na. Hindi na yung kung anu-anong paligoy-ligoy. Kasi ang dami-dami ng nadadamay, pati ang Presidente, pati anak ng Presidente, pati si SAP. Hindi na tama ito kaya dapat magkaalaman na tayo," sabi ni Igncaio. Hindi rin nakaligatas kay Ignacio ang ilang miyembro ng senado na gustong buksan muli ang imbestigasyon kay Paolo Duterte nang dahil lang sa online video. "Pulong, tapatin mo nga ako. 'Yung order ko ba na durian, mangusteen, suha at marang. Ano ba talaga? Eh worth yun. Wala pa. Hindi pa dumadating dito. Pangako niyo sa akin dadalhin niyo dito. Gusto mo susumbong ko na ito sa senado. Alam mo naman doon, lahat pinapansin," pahapyaw ni Ignacio. Pati ang pinag-iinitan ni Bikoy na dragon tattoo ay naging kengkoy din sa resbak ni Ignacio. "Saka ano ba iyang dragon-dragon niyo? Ang alam ko kasama sa order ko eh 'yung dragon fruit. Mayroon pang tattoo-tattoo ng dragon," banat ni Ignacio. Sa mga hindi pa nakakaalam, may inilabas na mapanirang video ang mga kontra sa Duterte Administration. Sa naturang video, pinaratangan ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa droga. Pati ang menor de edad na anak ng Presidente na si Veronica "Kitty" Duterte ay hindi pinatawad at dinamay din. Ang mga akusasyon sa video ay agad nabustasan ng mga taga-suporta ng Duterte Government. May isa din Mayor sa Maguindanao na lumutang at sinabing ninakaw ang kanyang pirma para gamitin sa video. Source: Diego Silang FB | PNA | Datu Zamzamin +Matapos ang binitawang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nagbanta siyang sususpindihin niya umano ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus at magdedeklara umano siya ng isang revolutionary war sakaling hindi siya tigilan ng kanyang mga kritiko, isang sagot naman ang ibinato ni Senator Leila De Lima ukol dito. Sa pinakabagong komento ni Senator Leila De Lima patungkol kay Pangulong Duterte, inihalintulad niya sa isang "asong ulol" ang Pangulo na tila nawawala na umano sa kanyang sariling katinuan, mula sa ulat ng DWIZ. Ayon sa Senadora, ipinagwawalang-bahala na umano ni Pangulong Duterte ang ang Saligang Batas ng Pilipinas, at wala raw umano itong pakialam maliban sa kanyang sarili. Rebolusyon ng kunsensya raw ang kailangan ayon kay Senator De Lima at hindi madugong rebolusyon. Ganito ang mababasa sa liham ni Senator Leila De Lima: "Para na siyang isang asong ulol. Threatening to declare 'revolutionary war' (whatever that is) and jail critics. This President does not really care about the constitution and the rule of law. All he cares about is his psychotic self. The kind of revolution that we need, and urgently, is a revolution of conscience, among the enablers, and all others who still cannot see or refuse to see though the moral bankruptcy of this regime." Source: DWIZ +Bumuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na nag-ulat ng pagkuwestiyon sa pinanggalingan ng yaman ng pamilya Duterte. Base sa ulat ng PCIJ, nagkaroon umano ng malaking pagtaas sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Pangulo at gayun din sa mga anak nito sa sina Davao City Mayor Sara Duterte at former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte habang nanunungkulan sa gobyerno. Ayon sa PCIJ, mayroon daw hindi rehistradong law firm ang mga Duterte at mga tagong negosyo. "Eh ngayon, tinitira kami ng mga anak ko, all about lawyering. Ano ba naman pakialam nila na what happened to my law office," banat ng Pangulo. Buwelta ng Presidente, pera ang tumatakbo sa mga kokote ng mga investigative journalist. "You can see the minds of investigative journalists, it's all about the money. They are being paid big amounts. They notice even my lawyering and motorcycle shop," dagdag pa ng Presidente. Banat ng Presidente sa mga dilaw, matagal siyang nakitira sa kanyang ina na nagbigay ng pagkain at bahay sa kanya. "Yung mga dilaw, all the time I was with my mother. Maski na noong mayor na ako, ang nagpapakain sa akin nanay ko. 'Yung nanay ko ang may pera. 'Yun ang nanay ko nag-iwan ng pera sa amin. Pero kung magkano, eh bakit sabihin ko sa inyo? Wala akong bayad sa bahay. Wala akong bayad sa kain. For the longest time, I was living with my mother, libre lahat, pati mura," resbak ng Pangulo. Ang dilaw ay ang ginagamit na kulay ng mga taga Liberal Party. Habang papalapit ang eleksyon ay sunod-sunod ang mga negatibong ulat na pinalalabas ng ilang media laban sa pamilya ng Pangulo. Kamakailan lang ay pinatulan ng ilang media ang libelous na online video na nagsasangkot sa pamilya Duterte sa droga. Source: INQ +Nakisali na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pang-aalaska sa kanyang masugid na kritiko na si Jim Paredes. Hindi niya direktang pinangalanan si Paredes pero napapanahon ang kanyang komento patungkol sa isang video scandal. "May isang hindi naman bakla, nagpakita ng titi niya ganun lang kataas. Susmaryosep... Nagpakita sa akin 'yung pulis na -- nandoon sa likod oh. Sabi niya, 'Sir, nakita mo na ba ito? 'Yung mukha hindi masyadong ano eh...' 'Ano 'yan?' Magtingin ako. Matagal nang tumindig, maliit pa gyud," sabi ng Presidente. Ayon sa Presidente kung maliit lang din daw ang ibibigay sa kanya ng Maykapal ay puputulin niya na lang daw ito. "Pagwapo-gwapo ka diyan tapos paglabas ng t*t*, maliit pala. Sus... Hindi man ako... Kaya ang una kong sabi dito sa mga -- sabi ko, "Iyan 'yan? P***, ang liit naman." Ako bigyan ng Diyos nang ganun kaliit, putulin ko 'yan sa harap ng altar. Ha, t*** i** mo, 'yun lang pala ibinigay mo. Todohin na natin," banat pa ng Pangulo. Nitong unang linggo ng Abril ay nagulantang ang mga kababayan natin sa social media ng magsulputan ang mga screenshots at video copies ng paglalaro ni Paredes sa kanyang sarili. Mapapanood sa video na dumila-dila pa ito atsaka nilaro ang ari. Noong una ay itinanggi ni Paredes na siya ang lalaki sa video pero umamin din siya kinalaunan. Matapos maging usap-usapan ang ginawa ni Paredes ay nagpaalam pansamantala sa social media ang babaeng anak niya na si Erica Paredes. Source: Politiko +" If he has nothing to hide, Polong must go for it," Dahil sa mapanirang video na pinagkalat ng mga kumakalaban sa Duterte Administration, isa-isa ang ilang miyembro ng oposisyon sa pagko-komento. Hinamon ni Senadora Leila De Lima si Presidential son at former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na ipakita na ang kanyang tatoo. "There's just one easy thing to do on the part of Paolo Duterte to put closure to this lingering issue about his alleged involvement in the illegal drug trade. Show his back. Does he have a tattoo or not? If so, what tattoo? Simple! Is that too much to ask? Aren't tattoos meant to be shown or displayed?... So, again, unless he has something to hide, Polong better show the tattoo. Hindi pa naman nya siguro pinabura," sabi ni De Lima. Sa malisyosong video na may pamagat na "Ang Totoong Narco List", binanggit na may tattoo na dragon sa likuran si Paolo at dito daw makikita ang isang code. Isa pa sa akusasyon sa video ay ang pagiging konektado daw ni Paolo sa kalakaran ng iligal na droga. Ang black propaganda video laban sa pamilya ni Pangulong Duterte ay agad sinupalpal ng mga taga-suporta ng administrasyon. Ilan sa mga butas na nakita dito ay kahina-hinalang pirma. Umangal na din ang isang alkalde at sinabing ginamit ang kanyang pirma sa naturang video. Source: GMA | MB | PNA +Matapos magkomento si Pangulong Duterte na magdedeklara ito ng "revolutionary war" at ipapadampot ang mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon, nagbigay ng pahayag si oposisyon member at vice president Leni RObredo sa deklarasyon ng Presidente. Ayon kay Robredo, handa daw siya na palitan ang angulo dahil iyon naman daw ang mandato ng kanyang opisina. "Lahat naman ng kumakandidatong Pangalawang Pangulo dapat ready sa ganyang eventuality kasi 'yan naman 'yung mandato ng opisina," sabi ni Robredo. Ayon sa abogado ni Leni na si Attorney Romulo Macalintal, kung sakaling magdeklara ang kasalukuyang Presidente ng revolutionary government, ang bise presidente daw ang magte take over bilang Pangulo ng bansa. Kahapon ay nagbanta si Pangulong Duterte na agdedeklara siya ng "revolutionary war" matapos magkomento si senator Franklin Drilon tungkol sa mga kasunduan na pinapasok ng gobyerno. "P--- how dare you say that to me Mr. Drilon. Sa inyo 'yan eh... Ayusin ninyo 'yan. I will not honor 'yung bullshit ninyo. Eh ano kung magkagulo tayo? .... I have enough problems with criminality, drugs, rebellion and all.. Pero pag ako ang pinaabot ninyo nang sagad, I will declare the suspension of writ of habeas corpus and I will arrest all of you. Kasama kayo sa mga rebelde, mga kriminal pati mga durugista," banat ng Presidente. Source: INQ | ABS-CBN +Ramdam ni Paolo "Pulong" Duterte ang mga senyales na si Senador Antonio Trillanes ang may pakana sa bagong paninira sa kanya na lumabas sa social media kamakailan lang. "If there's anything admirable about Mr. Antonio Trillanes, it is his relentlessness and talent to turn the absurd into something ridiculous, if not bizarrely entertaining," sabi ni Pulong. Wala na rin daw nagawa si Trillanes kundi atakihin ang gobyerno. Halatang-halata daw na sangkot si Trillanes sa bagong black propaganda. "He may deny it, but the video supposedly showing my involvement in the illegal drug trade in the country has been clearly stamped with the indelible Trillanes signature of being a desperate mercenary, one who has done nothing good but attack the government.," ani Pulong. Dahil sa panibagong paninira, makakatikim daw muli ng bagong kaso si Trillanes. "I have filed cases against Mr. Trillanes for ruining my name. I will file another string of cases for his continued attempts to destroy my reputation," banta ni Pulong. Hindi din daw niya ipapakita ang kanyang likuran para mahirapan ang kampo ni Trillanes. "And no, I will not show the tattoo on my back and make things easier for Mr. Trillanes. Instead, I dare him and everyone behind the stupid and empty video expose to back their claims against me," banta ni Pulong. Panoorin ang video expose na tinutukoy ni Pulong. Ito naman po ang reaction video ng prominenteng DDS blogger na si RJ Nieto. Sa kanyang video, inilantad niya ang tila butas sa bagong black propaganda laban sa mga Duterte at ang kahina-hinalang pirmang ipinakita dito. Source: Pulong Duterte | Thinking Pinoy +Nitong mga nagdaang araw ay naglabas ang mga kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte ng isang video na may pamagat na "Ang Totoong Narco list". Sa nasabing video, direktang pinangalanan si former Davao City Vice Mayor at Presidential son Paolo "Pulong" Duterte na principal daw sa kalakaran ng droga sa bansa. Sa naturang video, nagpakita ng ilang papeles at dokumento ang nagsasalita bilang ebidensiya umano na sangkot nga talaga si Pulong sa droga. Ang video ay hindi nakaligtas sa pagbubusisi ng mga bloggers na sumusuporta sa kasalukuyang gobyerno. Ayon sa University Lecturer na si Sass Rogando Sast, bakit may paper trail ang drug syndicate. Daig pa raw ng instruction ni Kris Aquino sa dati nitong Financial Adviser na si Nicko Falcis. Magugunita noong Enero ay naging usapan sa social media ang pagbabayad ni Kris sa anti-government blogger na si Jover Laurio. Isa umano sa tagubilin ni Kris kay Falcis ay huwag hayaang magkaroon ng paper trails ang pagpopondo niya sa mga bloggers. "Mas magaling pala itong modus operandi ni Kris at Jover sa pa-boost at payola. Kasi sabi ni Nicko Falcis, ang unang instruction ni Kris eh dapat walang papertrail. Vice Mayor Pulong Duterte - Official, masyadong amateur ang drug syndicate ninyo. OA sa papertrail," sabi ni Sasot. Isa pa sa napansin ni Sasot, ay mga kahina-hinalang pirma sa mga papeles na ipinakita sa video. "Hi BIKOY, Patulong naman po kung papaanong pumirma na ang cursive na L ay nahahati sa gitna ng loop kapag tumama sa ROW ng table. Dalawang tao ba yang pumirma? Pareho ng talent? Bakit MIRROR image ang dalawang signature?," dagdag pa ni Sasot. Naglabas din si Rj Nieto aka Thinking Pinoy ng reaction video tungkol sa isyu. Tinalakay niya ang tungkol sa mga pirma. Panoorin ang video ng mga kalaban ng gobyerno na tinutukoy namin. Mapapansin na anonymous ang source ng kanilang impormasyon. Kayo na po ang humusga kung tunay ba ito o paninira lamang sa pamilya ng Pangulong Duterte. Source: Sass | Sass | Thinking Pinoy +Hindi daw masisigurado ng National Privacy C0mmission kung mate-trace nila ang source ng nagpakalat ng pribadong video ng singer-composer na si Jim Paredes. "Iyang bagay na iyan ay hindi pa natin masisiguro," sabi ni NPA Chairman Raymund Liboro. Ang aksyon o remedyo na pwede daw gawin ni Paredes ngayon ay makipag-ugnayan sa mga social media websites para ipatanggal ang mga kopya ng kontrobersiyal na video. "Bawat isa atin ay may karapatan na kung ang isang pagpoproseso ng personal data, kabilang d'yan ang video, ay nakakasama, nakakasirang puri sa iyo, walang ibang benepisyo para sa kanino man, karapatan mong ipa-block ito, ipabura ito," ani Liboro. Nitong mga nagdaang araw ay kumalat ng husto ang video ng mang-aawit sa mga social media websites. Noong una ay itinanggi ni Paredes na siya ang tao sa video, pero kalaunan ay inamin din niya na sa nga ang lalaki sa kontrobersiyal na footage. Matapos pumutok ang isyu tungkol sa video footage ni Paredes, nagpaalam panandalian sa social meda ang anak ng singer na si Erica Paredes. Source: ABS +Sa isang speaking engagement sa Malabon, gumamit na ng bullet-proof glass panel ang mga taga Presidential Security Group (PSG) para masigurado ang seguridad ng Pangulong Rodrigo DUterte laban sa mga may balak magtangka sa buhay ng Presidente. "Whether the threats are real or imagined, we take them seriously and the Palace commends the PSG for doing a good job," sabi Presidential Spokesperson Savador Panelo. Isa sa mga dahilan sa paggamit ng PSG ng bullet-proof glass ay ang pagiging "open area" ng lugat na pinagdausan ng event. Ayon kay Panelo, tungkulin ng PSG na bigyan ng pinakamataas na uri ng proteksyon ang Preisdente. At kailangan nni Presidente Duterte na sumunod sa security protocols sa ayaw at gusto nito. "PRRD is, however, bound by security protocols and, whether he likes it or not, these protocols are mandatorily attached to the position he holds," paliwanag ni Panelo. Hindi rin daw lingid sa kaalaman ng lahat na maraming nakakabangga ang Pangulo dahil sa pagbabago gusto ipatupad nito. "It is public knowledge that the Chief Executive has made many powerful enemies for spearheading this reform agenda in the two-and-a-half years of his presidency... has made enemies in all fronts when he declared a war against drugs, criminality, corruption and all forms of illegality," ani Panelo. Nagpasalamat din si Panelo sa mga nkakaunawa sa sitwasyon. "We also thank the overwhelming majority of Filipinos who understand the complexities involved in protecting the President's welfare and show genuine concern on the security of PRRD,," dagdag pa ni Panelo. Source: GMA | PNA +Normal na sa pamilyang Pilipino na kapag may mga pagkakataong nangangailangan tayo ng tulong, kadalasang ang una nating nilalapitan ay ang ating mga kaaanak o di kaya'y malalapit na kaibigan. Subalit, paano kung sa mismong mga kamay ng inaasahan nating "katuwang" pala tayo mapapahamak? Nadakip na ang dalawang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa isang ginang at sa dalawa nitong mga anak sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan, ayon sa ulat ng GMA News. Nahuli sa follow-up operations ng pulisya ang mga suspek na sina Wilson Cortez sa Caloocan, at Joselito Cortez sa bayan ng San Jose. Ang isa sa mga suspek sa walang habas na pamamaslang na si Wilson, napag-alamang pinsan pa mismo ng biktimang ginang na si Jaymee Casabuena, 28-anyos. Si Casabuena at ang dalawa nitong anak na sina Anton Gabriel, 8-anyos, Joaquin Mateo, 5 at maging ang kanilang alagang aso ay natagpuang mga duguan at pawang wala nang mga buhay sa loob mismo ng kanilang tahanan. Ayon sa mga suspek, pagnanakaw lamang daw ang kanilang plano noong una,kung saan binalak nilang kunin ang cellphone ng biktima, subalit nanlaban daw ang mga ito kaya't napatay nila ang mga kawawang biktima sa saksak. Batay sa salaysay ng mga kapitbahay ng mga biktima, namataan pa raw nilang may dalawang lalaking pumasok sa loob ng bahay ng mag-iina bago naganap ang kalunus-lunos na krimen. Isa sa mga suspek ay nakita pa raw nilang tumutulong sa paglalagay ng trapal sa bahay ng mga biktima. Sabi naman ng isa sa mga opisyal ng kanilang barangay, isang kapitbahay din umano ang nakakita na may isang lalaking kumatok sa bahay nina Casabuena, na pinagbuksan naman ng isa sa mga anak ng ginang. Ayon din sa pulisya, wala umanong bakas na pwersahang binuksan ang pinto ng bahay ng mga biktima, palatandaan na kakilala umano ng mga biktima ang mga suspek. Maging maingat po tayong lagi, mga kababayan. Huwag basta-basta magtitiwala, para na rin sa ating seguridad at kaligtasan. Source: GMA +"Sila ang dapat nang matagal nang nag-resign." Ganito ang naging banat ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa mga mambabatas na aniya'y nananawagan na patalsikin na siya sa kanyang puwesto bilang kasalukuyang hepe ng pulisya, mula sa ulat ng Inquirer. Bagama't hindi direktang pinangalanan ni Albayalde ang mga tinutukoy niyang tao, kinumpirma naman umano ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac na ang pahayag na ito ni Albayalde ay para sa mga mambabatas na nanawagan ng kanyang pag-alis sa katungkulan, sa isang phone interview ng Inquirer kay Banac. Matatandaang sa isang press briefing na ginanap nitong Miyerkules, nanawagan sina Anakpawis Representative Ariel Casilao at Gabriela Rep. Arlene Brosas na dapat na umanong alisin sa kanyang pwesto si Albayalde, kasunod ng kontrobersiyal na isyu ng pagkamatay ng labing-apat na magsasaka sa isang joint police and military operations sa Negros Oriental noong Sabado. Ayon pa kay Albayalde, wala umanong sapat na basehan ang pambabatikos sa kabuuan ng PNP kaugnay ng nasabing operasyon dahil aniya, tinanggal na niya sa kani-kanilang pwesto ang hepe ng Negros Oriental Police, gayundin ang mga hepe ng pulisya sa Sta. Catalina, Manjuyod at Lungsod ng Canlaon. Sinigurado rin ni Albayalde na masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng PNP Internal Affairs Service upang makamit ang tamang hustisya at katotohanan para sa nangyaring insidente. "Let me express it that in the name of delicadeza, which is obviously not in their moral virtues, they should be the ones who have long since resigned while enjoying the perks and privileges shouldered by the Filipino people," saad ni Albayalde. Source: INQ +"It is the best that the Senate Blue Ribbon Committee resume its investigation in order that those named in the video, Mr. Duterte and Agriculture Undersecretary Waldo Carpio can clear their names." Ganito ang isa sa mga naging pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Kapihan forum sa Senado nitong Huwebes, mula sa ulat ng Inquirer. Ang suhestyon na ito ay sinabi ni Drilon matapos umanong kumalat sa mga balita, gayundin sa social media ang isang video, kung saan idinadawit ang dating Bise Alkalde ng Davao City at anak ni Pangulong Duterte na si Paolo Duterte, na may kinalaman umano ito sa mga transaksyon ng ilegal na droga. Matatandaang noong Setyembre 2017 ay dumalo si Duterte sa isang hearing ng committee tungkol sa umano'y smuggling ng may P6 Milyong halaga ng shabu sa bansa. "The Senate Blue Ribbon Committee will provide him (Paolo Duterte) with the opportunity to disprove all of these allegations which to him are invented and unfounded," dagdag pa ni Drilon. Samantala, sa kanyang social media account ay may patutsada naman si Paolo Duterte sa isang tinawag niyang "J.S", kaugnay ng nabanggit na video na nagdadawit sa kanyang pangalan sa mga transaksyon ng ilegal na droga, mula sa ulat ng Philstar Global. "Wow ha, kung makaimbento ka wagas. Galit ka kay Waldo kasi binabara niya lahat ng smuggling mo ng bigas at asukal diba JS. Galit ka sa akin kasi diba hindi kita pinansin sa eroplano kasi hambog ka! Ngayon pansinin na kita kasama ng kamay ko na kasinglaki ng mukha mo kapag nangyari iyan. 'Yan ang totoong balita," ani Paolo Duterte sa kanyang Facebook Page. Ayon naman kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, kwestyunable umano ang "timing" at motibo sa likod ng nasabing kumakalat na video., na lumabas isang buwan bago ang midterm elections. 'I don't even know if that is admissible in court because anybody can do that video. We are warning netizens of these videos that are self-serving," ani Albayalde. Source: INQ | Philstar +"Nagjajakol ka pala at 67 years old, kamalian iyon," Hindi pinalampas ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo ang kontrobersiyal na video ni Jim Paredes kung saan makikitang nilalaro ng singer/songwriter ang kanyang pototoy. Ayon kay Tulfo, ang lakas daw pumuna sa Pangulo pero masa masahol pa pala ang ginagawa. "Ang punto lang natin dito bayan, bago ka pumuna ng kamalian ng iba. Puna ka ng puna ng kamalian ng Pangulo mayroon palang mapupuna sa iyo at mas matindi pa. Puna kayo ng puna na ang Pangulo ay palamura, bastos at mamamatay tao, e tignan mo ngayon. Hindi nga kayo mamamatay tao pero kahiya-hiya ang ginagawa ninyo. Pumuna kayo ng kamalian ng iba kung kayo ay spotless," sabi ni Tulfo. Isa pa sa ipinunto ni Tulfo ay ang pagvi-video ng maselan na gawain. Hindi daw dapat kinukunan sa camera ang paghuhubad at mga sensuwal na bagay. (Lumaktaw sa 58:00 minute mark para mapakinggan agad ang opinyon ni Tulfo sa pinaggagawa ni Paredes.) "Ang pakikipagtalik, hindi dapat bini-video iyan. Paghuhubad sa camera dahil sabi ng gf at bf mo, huwag kang uto-uto. Baka maraming nanonuod... Magtitikol ka, huwag mo na videohan. Anak ng baka! Tapos padila-dila ka pa parang sarap na sarap ka. Parang kumakain ng ice cream ," banat pa ni Tulfo. Si Jim Paredes ay naging laman ng balita nitong mga nagdaang araw dahil sa video nito na kumalat sa social media. Mapapanood si Paredes na dumidila-dila at ilang sanadali lang ay inilabas ang pototoy ay nilaro sa harap ng camera. Noong una ay itinanggi pa ni Paredes na siya ang lalaki sa video pero kinalaunan ay umamin din ito. Ang anak ni Paredes na si Erica Paredes ay pansamantala namang nagpaalam sa social media matapos ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang ama. Source: Erwin Tulfo +Sa kanyang Instagram account, sinabi ng babaeng anak ni Jim Paredes na si Erica Paredes na pansamantala muna daw siyang aalis sa social media dahil hindi na daw masaya tulad ng dati. "Taking a break from my personal social media for a it. Too much toxic and honestly, it's not as fun as it used to be," sabi ni Erica. Naglabas ng pahaag si Erica matapos kumalat ng husto at nabatikos ng mga netizens ang kanyang ama dahil sa malaswang video. Sa nasabing video, mapapanood si Jim na dumidila-dila sa camera at kalaunan ay nilaro ang pototoy. Pinayuhan din niya ang mga tao na mag post ng mga bagay na makakatulong sa lipunan. "In the mean time be nice. Mind yah business. Post things that will actually benefit the society," dagdag pa ni Erica. Panoorin ang ilang reaksyon mula sa mga personalidad sa social media sa suliraning kinakaharap ni Paredes. Source: MB +Isa-isa nang sumusulpot ang mga tag-suporta ng Liberal Party (LP) para ipagtanggol ang mang-aawit at LP supporter na si Jim Paredes sa kinasasangkutan nitong kontrobersiyal na video kung saan makikita itong naglalaro ng kanyang pototoy. Naglabas na ng reaksyon ang kapwa singer at LP supporter ni Jim na si Leah Navarro. Gusto ni Navarro na makasuhan daw ang mga nagpakalat ng video. Isa pa ngayon na todo-tanggol kay Jim ay ang anti-government blogger na si Jover Laurio o mas kilala sa tawag na Pinoy Ako Blog (PAB). Ayon kay PAB, ang mga taga-suporta daw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang totoong ipokrito dahil pinapalakpakan daw ang "kabastusan" ng Presidente pero nandidiri daw sa paglalaro ni Jim sa kanyang ari. "Tinatawag niyong ipokrito si Jim Paredes? Dahil disente pero nagjajakol? Kayo yung mga ipokrito. Kasi nandidiri kayo kay Jim pero pinapalakpakan niyo ang kabastusan ni Digong," boladas ni Laurio. Ang mga pinagsasabi ni Laurio ay nauna nang pinabulaanan ng mga taga-suporta ng Pangulo. Ayon sa mga sumusuporta sa Presidente, wala silang pakialam sa pribadong buhay ni Paredes. Pero ang pinupuna nila ay ang pagmamalinis ni Paredes tuwing binabatikos nito ang kilos at pananalita ng Pangulo. "Lahat naman tayo merong pribadong buhay. Ang problema kasi yung pagiging pagmamalinis mo (Jim Paredes). Ilang beses mo tinira ang Pangulo sa kanyang mga salita at gawa na may kaugnay sa babae yun pala ikaw ang ganun. Mr. J. Paredes alam mong alam ko ang tunay mong pagkatao.," sabi ni former PCOO Assistant Secretary Mocha Uson. "What was disgusting was his Holier Than Thou attitude against a lot of us. Typical of disente folks who think they aren't dirty like the rest of us," banat ng University Lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot. Noong Enero, nasangkot din si Laurio sa #PABoost controversy matapos aminin ni Kris Aquino na pinopondohan niya si Laurio para magsulat. Si Kris ay kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino na miyembro naman ng Liberal Party. Source: Mocha | Sass | PAB | INQ +Umalma si Maguindanao Mayor Datu Zamzamin sa propaganda video na inilabas kamakailan lang ng mga lumalaban sa Duterte Administrastion. Ayon kay Zamzamin, ninakaw daw ng mga tao sa likod ng video ang kanyang pirma. Nitong umpisa ng Abril ay naglabas ng isang black propaganda video ang mga kontra sa kasalukuyang administrasyon. Sa naturang video, ipinakilala ang isang dati umanong miyembro ng drug syndicate na si alyas "Bikoy". Isinasangkot ni "Bikoy" si Presidential son at former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kalakaran ng droga. Idinawit din ni "Bikoy" ang asawa ni Mayor Sara Duterte na si Attorney Mans Carpio sa droga. Para patunayan ang mga akusasyon niya, nagpakita si "Bikoy" ng ilang dokumento at pirma. "Why is my signature there? This was supposed to be list of remittances from Southern Luzon and Southern Visayas drug syndicates... One of the signatures on the list, which connects Paolo and Mans Carpio was mine. My signature was there but I did not sign it. Why am I being dragged into this?," sabi ni Zamzamin. Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na kuwestiyonable ang timing ng pagpapalabas ng video, pati ang motibo sa likod nito. Ubos oras rin daw kung pag-aaksayahan ng panahon ng PNP ang nasabing video. Panoorin ang black propaganda video na pinagkakalat ng mga anti-Duterte. Sa mga social media posts ng mga pro-government bloggers, nagbigay sila ng reaksyon kung bakit naniniwala sila na peke ang mga dokumento at pirma na ipinakita ni "Bikoy". Panoorin ang pagsisiyasat ni RJ Nieto o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy. Source: PNA | Datu Zamzamin | Sass +Supalpal ang inabot ng black propaganda video na ikinakalat ng mga kumakalaban sa Duterte administration. Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, ubos oras lang daw kung papatulan ang nasabing video. "Kung papatulan natin ang lumabas at lalabas pa na mga video na ganyan baka maubos po ang ating ras diyan," sabi ni Albayalde. Kuwestiyonable din daw ang motibo at panahon ng pagpapalabas ng video. Nanawagan din si PNP Chief samga kababayan natin na huwag basta maniwala sa mga paninira. "Self-serving po itong mga video na iyan. Hindi natin alam kung ano ang gustong ipahayag niyan at ano ang motibo sa pagpapalabas ng video na iyan. Remember, election season po ngayon, so maraming propaganda na lalabas. At huwag po sana tayo maniwala basta-basta sa ganito," sabi ni Albayalde. Hindi rin pinalagpas ni PNP Chief ang pagkakaprisenta sa ebidensiya. Ayon kay Albayalde, kadalasan ang mga payola ay nasa isang maliit na notebook lang at hindi naka formal letter. "It is very unlikely na kung ikaw ay magbibigay ng tara na nasa isang formal report form. Sa previous years, kagaya ng nakukuha sa blue book sa sugal at jueteng ay nasa maliit na notebook lang iyan. Hindi iyong formal letter na ganun. So very questionable po ang motive at we don't want to glorify the video," sabi ni Albayalde. Ilan sa mga kilalang taga-suporta ng Pangulong Duterte ay nagsagawa na ng kani-kanilang pagsisiyasat sa nasabing mapanirang video. Sa social media post ni RJ Nieto aka Thinking Pinoy, binunyag niya ang mga kuwestiyonableng pirma na ipinakita sa video. Source: PTV +Tila ikinatuwa ni Senador Antonio Trillanes ang video ipinakalat ng mga kontra sa kasalukuyang gobyerno tungkol sa pagkakadawit umano ng ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng iligal na droga. . "First of all, let me congratulate the people behind the videos that linked the Duterte family to illegal drugs! The accusations of the witness were very serious, quite pointed and well-explained. ," sabi ni Trillanes. Ayon sa senador, hindi daw siya naging parte sa paggawa ng video pero ikalulugod daw niya kung naging bahagi siya sa pagbuo ng video. " I really wish I was part of the making of the videos so I could relish these moments but sadly I am not," dagdag pa ni Trillanes. Ayon kay Paolo Duterte, naniniwala siya na si Trillanes ang nasa likod ng naturang video at plano niya magsampa ng bagong kaso laban sa senador. Sa video na may pamagat na "Ang Totoong Narco List", ipinakilala ang isang tao na pinangalanang "Bikoy". Inakusahan ng naturang Bikoy sina Paolo Duerte at ang bayaw nito na si Mans Carpio na tumatanggap daw ng payola sa kalakaran ng droga. Ang video na ipinagkakalat ng mga kontra sa kasalukuyang administrasyon ay hinimay at binutasan ng mabuti ng mga taga-suporta ng Presidente. Natuklasan na ang video ay nagpakita ng mga kahina-hinalang papeles at minanipulang pirma. Source: CNN +Para sa senatorial aspirant at election lawyer na si Attorney Romulo Macalintal, si Vice President Leni Robredo daw ang magiging Presidente kung magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng revolutionary government. "(Leni) becomes President once Duterte declares a revolutionary government... he ceases to be President having divested himself of the Presidency... such act will pave the way for Robredo to take over the vacant position of President and assume the functions and the Office of the President," sabi ni Macalintal. Ito ang naging reaksyon ni Macalintal matapos magbanta ang Pangulo na magdedeklara ito ng "revolutionary war" at ipapaaresto ang mga kritiko. Nagbabala din ang Pangulo na suspindihin ang writ of habeas corpus sa kanyang talumpati kahapon sa Puerto Princesa. Ayon kay Macalintal, masusubukan daw ang katapatan ng mga sundalo kung itutuloy ni Pangulong Duterte ang pagdedeklara ng revolutionary government. "It will put to a test the loyalty of the Armed Forces of the Philippines (AFP) as to which government they will pledge their loyalty - to the revolutionary government of Duterte or the constitutionally existing government led by Robredo as successor president as provided under our constitution,," dagdag pa ni Macalintal. Source: Manila Bulletin +Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino - Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) sa Puerto Princesa, tinukoy ng Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang nasa likod ng bagong paninira sa kanyang anak na si Paolo Duterte. Ayon sa Pangulo, mga dilaw daw ang utak sa nasabing blaack propaganda. Ang kulay na konektado sa mga taga-Liberal Party ay dilaw. "Then after the election three months pa lang, kasama ang mga komunista, ang mga yellow ngayon may ginawa namang propaganda si Pulong drug.. Pati ako," sabi ng Presidente Banat pa ng Presidente, bakit siya makikhalo sa droga kung inuubos niya na ang mga durugista. "Kinakatay ko na kayo mga p***** i**, bakit pa ako magano diyan sa droga?" sabi ng Presidente Itong mga nagdaang araw ay may inilabas na video ng paninira sa pamilya ni Pangulong Duterte. Laman ng video ang patunay umano na sangkot sa droga si Paolo Duterte. Sa naturang video, nagpakita pa ng mga dokumento at mga pirma para idiin si Paolo. Ang mga paninira sa pamilya ng Pangulo ay agad binutata ng mga taga-suporta ng Presidente. Sa reaction video ni RJ Nieto o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy, tinalaky niya ang tila kahina-hinalang mga pirma na ipinapakita ng mga anti-DU30.. Source: VOVph via RTVM +Itong mga nakaraang araw ay naging laman ng balita ang singer at kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Jim Paredes dahil sa isang video. Sa naturang video, mapapanood si Paredes na dumidila-dila at kalaunan ay nilaro ang kanyang pag-aari. Noong una ay itinanggi pa ni Paredes nia siya ang lalaki sa video pero umamin din kinalaunan. Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino - Lakas ng Bayan sa Puerto Princesa, tila nag pahapyaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa viral video ni Jim Paredes. Ayon sa Pangulo, isa sa pulis na kasama niya ang nagpakita sa kanya ng video. "May isang hindi naman bakla, nagpakita ng t*t* niya ganun lang kataas. Susmaryosep. Nagpakita sa akin 'yung pulis na -- nandoon sa likod oh. Sabi niya, 'Sir, nakita mo na ba ito?' 'Yung mukha hindi masyadong ano eh...','Ano 'yan?'. Magtingin ako. Matagal nang tumindig, maliit pa gyud." banat ng Pangulo. Matapos kumalat ang video ni Paredes ay nagpaalam muna sa social media ang anak nito na si Erica Padilla. Ilang kilalang personalidad na rin ang nagkomento tungkol sa isyu. Ilan sa mga ito ay sina former Presidential Communications Operations Office Assisatant Secretary (PCOO) Mocha Uson at at dating deputy executive director V ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio.. Source: RTVM via VOVPh | PCOO +Hindi pinalagpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging komento ni Senador Franklin Drilon patungkol sa kontrata ng Pilipinas at China. Magugunitang inuduyukan ni Drilon ang gobyerno na maging maingat sa pagbubusisi sa mga kontrata ng pamahalaan. "But I must caution that existing and binding contracts cannot simply be classified as onerous and cancelled...The government must avail of the procedure outlined in the contract," babala ni Drilon. Ang mga pinagsasabi ni Drilon ay hindi nagustuhan ng Pangulo. "P--- how dare you say that to me Mr. Drilon. Sa inyo 'yan eh... Ayusin ninyo 'yan. I will not honor 'yung bullshit ninyo. Eh ano kung magkagulo tayo? ," banat ng Presidente. Nagbabala rin ang Pangulo na susupindihin niya ang privilege of the writ of habeas corpus at ipaparesto ang mga kritiko atinihanay niya ang mga ito sa mga rebelde at mga kriminal. "I have enough problems with criminality, drugs, rebellion and all.. Pero pag ako ang pinaabot ninyo nang sagad, I will declare the suspension of writ of habeas corpus and I will arrest all of you. Kasama kayo sa mga rebelde, mga kriminal pati mga durugista," buwelta ni Pangulong Duterte. Nagbanta pa ang Presidente na magdedeklara siya ng revolutionary war. "Then pahirapan mo ako, I will declare a revolutionary war until the end of my term. Then pasesnsyahan tayo,"dagdag pa ng Presidente. Source: CNN Philippines | ABS-CBN +Walang na atang titindi pa sa bagong paninira ng mga kalaban ng kasalukuyang gobyerno. Kamakailan lang ay naglabas ang mga anti-DU30 ng video na may titulong "Ang Totoong Narco list". Sa nasabing video, hayagang inakusahan si Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na principal umano sa kalakaran ng droga. Ang video expose ay agad binutata ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinakita ng mga kilalang blogger ang kanina-hinalang pirma sa nasabing video. Ayon kay Paolo, si Senador Antonio Trillanes daw ang nasa likod ng nasabing video. Nagbanta ito na maghahain ng bagong kaso sa senador. Pero hindi nakuntento ang mga naninira sa Pangulo. Sa ikalawa nilang video, dinamay na nila ang menor de edad na anak ni Presidente Duterte kay Honeylet Avancena na si Veronica "Kitty" Duterte. Isa pa sa kasinungalingan sinabi sa video ng mga anti-DU30 ay wala daw napatay na big-time drug lord sa ilalim ng Duterte Administration. Ang bintang na ito ay agad binutata ng university lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot. "Sabi sa video wala raw ni isang big tima drug lord ang naitumba ni Mayor. Naku...mga taga Ozamis agree kayo na hindi big time drug lord si Parojinog? lol," banat ni Sasot. Binanatan din ni Sasot ang paratang ng video laban kay Veronica. "Pati si Kitty dinamay na sa tumatanggap ng payola sa droga. PUT--INA. Guyzzzzzz.... ano ba toh? lol," buwelta pa ni Sasot. Source: Pulong Duterte | Thinking Pinoy | Sass | Sass +Sa kanyang social media account, pinagtanggol ng singer at taga-suporta ng Liberal party na si Leah Navarro ang kapwa niya mang-aawit na si Jim Paredes matapos itong madawit sa kontrobersiyal na viral video kung saan makikita itong nilalaro ang sarili. Laughing at my friend Jim Paredes and his predicament doesn't make you, video thieves and sharers, any better than him," sabi ni Navarro. Gusto din ni Navarro na makasuhan ang mga nag-leak ng video scandal ni Paredes. "The lengths you went through to reveal his private data are CRIMINAL and you should be charged. You violated his privacy," boladas pa ni Navarro. Kahapon naging usap-usapan sa social media ang video ni Paredes. Sa nasabing video, makikita ang mang-aawitna didila-dila at pagkatapos ay nilaro ang kanyang ari sa harapan ng camera. Si Paredes ay masugid na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Madalas niyang binabatikos ang ugali ng Pangulo. Habang nanggagalaiti ang mga dilaw sa pagkalat ng video ni Paredes, ang ilan netizens ay ginawan ng challenge ang nangyari kay Jim. Ginaya ng ilang kababayan natin ang senyas at itsura ni Paredes sa video. Source: Inq | Twitter +Madalas nating sabihin na ang mga guro ang tumatayo bilang pangalawang magulang ng ating mga anak, kung sila ay wala sa bahay at nasa paaaralan. Subalit, masakit isipin na may ilang taong ginagamit pa mismo ang kanilang posisyon na sa halip na gabayan ang ating mga anak ay sila pang nagtutulak sa mga ito sa kapahamakan. Arestado ang isang public high school teacher sa loob mismo ng kanyang bahay sa Novaliches, Quezon City sa isinagawang drug buy-bust operation doon ng mga pulisya nitong nakaraang Linggo. Batay sa ulat ng GMA News, ang suspek ay nakilalang si Ronaldo Ugto, 36, kasama ang iba pa niyang kasabwat na sina Joshua Palileo, 19, at Eugene Clemente, 26. Sina Palileo at Clemente ay napag-alamang mga dating estudyante rin daw ni Ugto, ayon kay Chief of Station Drug Enforcement Unit and Intelligence branch Police Captain Dennis Francisco. Walong sachet ng hinihinalang shabu, foil at drug paraphernalia, at P300 halaga ng buy-bust money ang nakuha sa mga suspek. Sa imbestigasyon ng awtoridad at salaysay ni Police Lieutenant Colonel Rossel Cejas, Novaliches Police Station Commander, ilang araw bago pa man ang nasabing buy-bust ay minamanmanan na nila si Ugto dahil na rin sa natanggap nilang impormasyon mula sa isang concerned citizen ukol sa ilegal na transaksyon ng droga na kinasasangkutan ng suspek sa mismong tahanan ni Ugto. "Several complaints na 'yung na re-receive natin dito sa bahay ng teacher na ito at iba't ibang mukha nga ang nakikita nila sa compound. Ang hinala nga nila na ginagamit na batakan ang bahay. Na-validate nga natin na itong teacher mismo ang nagtutulak ng droga,"saad ni Cejas. "Yung mga validation na na-conduct sa kanya eh positive talaga na may mga estudyante na kumukuha sa kanya. Doon mismo sa bahay niya nag-aabutan, minsan sa kalye sa tapat nila, At kung gusto mag-jam doon na rin gagamit sa bahay," saad ni Francisco. Source: GMA +" Ang tradisyon ng seniority ay iginagalang," Ganito ang naging pahayag ni Senador Franklin Drilon para sa mga bagong halal na senador na gustong manguna sa mga major committees sa senado. Ayon pa kay Drilon, dapat daw ay [ag-aralan muna ng mga bagong halal na mambabatas kung paano ang sistema sa senado. "Mag-aral muna sila at makinig sa aming nakakatagal na diyan, tignan muna kung paano ang trabaho sa Senado... Ang payo ko sa kanila ay mag-observe muna, tignan kung paano kung paano tumakbo [and Senado] at mag-aral. Yan naman siguro ay hindi mahirap gawin," sabi ni Drilon. Ilan sa mga personalidad na ngayon pa lang naging senador ay sina former Special Assistant to the President Bong Go, former MMDA Chief Francis Tolentino, former Governor Imee Marcos at former PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa.. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa sinabi ni Drilon mula sa Facebook page ng GMA News. Source: GMA News +Kung hindi pa tapos ang ilang naging kandidato ng Otso Diretso sa pagbatikos nila kay Pangulong Rodrigo DUterte, hindi rin papatalo ang Presidente sa kanila. Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino Community sa Tokyo, Japan, sinabi ng Presidente na wala umanong kontribusyon ang mga pambato ng oposisyon kundi pumuna. "Kung 'yan lang rin ang mga politiko, 'yung mga Otso Diretso sa impyerno, remember those guys, kung sino 'yang naiwan diyan, walang ginawa kung hindi magdaldal, walang contribution," sabi ng Presidente Duterte. Ilang araw lang ang nakakalipas ay pinuna ni . former Otso Diretso candidate Gary Alejano ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Japan kasama ang ilang kaalyado at kaibigan. Ayon kay Alejano, ito raw ay isang uri umano ng korapsyon dahil hindi naman daw kailangan sa naturang aktibidad ang ilan sa sumama. "It has been circulating in social media that other friends and allies of the administration, who have no clear roles in official business, are also part of the delegation. This means that public funds could be used to shoulder their expenses. This could be considered corruption... Ang lumalabas, nagamit na nga ang kaban ng bayan nung eleksyon, pati ba naman sa victory party sagot pa ng taumbayan?... Habang ang taumbayan ay kumakayod at nagbabayad ng buwis, napakasagwa naman na ang mga opisyal ay marangya ang pamumuhay. Kaunting delicadeza naman sana," boladas ni Alejano. Sa parehas na pagtitipon, pinuri naman ni Pangulong Duterte ang mga kredensyal ng bagong halal na senador na si former Philippine National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa na pambato ng administrasyon noong nakaraang halalan. Source: GMA News | Inquirer | RTVM +Hinakot na pabalik sa bansang Canada ang mga basurang iligal na ipinadala sa Pilipinas noong 2013 at 2014. Ang mga containers na naglalaman ng basura ay ikinarga sa barkong Maersk's MV Bavaria na dumating kahapon sa Pilipinas. Hihinto pansamantala ang ang MV Bavaria sa Taiwan bago ito didiretso sa Canada kung saan susunugin ang mga basura. Ayon sa ulat ng CNN Philippines, umabot 69 container na puno ng basura ang natengga sa Pilipinas ng halos kalahating dekada. Sa isang pahayag, sinabi ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Wilma Eisma na ang paghakot sa mga iligal na kargamento ay isang napakadakilang okasyon para samga Pilipino. Nagpapasalamat din siya sa naging hakbang ni Presidente Duterte. "We thank President Rodrigo Duterte for his decisive action that brought about a satisfactory conclusion to this sordid chapter in our history. This is one proud moment for all Filipinos," sabi ni Eisma. Ayon naman kay Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, nagbayad daw ng tinatayang P10 million ang bansang Canda para sa fumigation, ship side loading, and shipping. Magugunitang nagbanta ang Malacanang na ipapadala sa Canada at itatapon sa territorial waters nito ang mga basura kung sakaling hindi ito tanggapin ng nasabing bansa. Ito ay matapos nagmintis sa ang Canada sa palugit ng paghakot ng mga basura sa Pilipinas noong Mayo 15. Source: CNN Philippines | ABS-CBN | Time +"I would like to advise Comelec now: dispose the Smartmatic. Look for a new one, free of fraud,". Ayon sa ulat ng People's Television (PTV), ipinag-utos na raw ni Presidente Rodrigo Duterte sa Commission on ELection (COMELEC) na i-dispose na ang serbisyo ng Smartmatic at maghanap ng bago na makakapagbigay ng serbisyo na walang aberya. Base sa social media post ng reporter ng Daily Tribune na si Kristina Maralit, sinabi daw ito ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa harap ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Japan. "You have 3 years, katatapos lang ng eleksyon. Palitan na ninyo because it is no longer acceptable to the people, to the congressmen, or you -- anything that promotes cheating. Why are you insisting on Smartmatic?" sabi ni Presidente Duterte. Magugunitang nagbigay din ng pahayag si Senador Tito Sotto laban sa Smartmatic. Ayon sa senador, dapat na daw ihinto ang paggamit sa kumpanya sa susunod na eleksyon.. "It's about time we stop using Smartmatic," sabi ni Sotto matapos ang eleksyon. Sa kaugnay naman na isyu, sinabi noon ng Public Relation Strategist na si Franco Mabanta na dapat ay lumipat na daw ang Pilipinas sa blockchain system. Ang naturang teknolohiya ay ginagamit daw ng Bitcoin. "Let's switch from SmartMatic to a blockchain electoral system by 2025; same tech used by Bitcoin. I'll be able to prove to you how well it works in 12 months, early enough to make Pulse and SWS irrelevant come the 2022 Presidential elections. It is utterly uncheatable." ayon kay Mabanta. Source: PTV | News5 | Daily Tribune's Kristina Maralit | Inq | Franco Mabanta | Presidential Communications via Thinking Pinoy +Nasa Pilipinas na po ang cutter head na gagamitin ng Tunnel-Boring Machine (TBM) para sa paghuhukay sa Metro Manila Subway project. Ang konstruksyon ng nasabing proyekto ay sisimulan sa mga huling bahagi ng taon. Target ng gobyerno na magamit ang unang tatlong stations ng 15 stations ng subway system sa 2022. Ang Metro Manila Subway ay isa sa natatanging proyekto ng Duterte Goverment sa ilalim ng Build. Buil. Build program nito. Sa pagdating ng cutter head ng TBM, mapapawi ang agam-agam ng ilang kababayan natin na isang maambisyong ideya lamang. Basahin ang mga reaksyon at komento ng ilang nating kababayan sa bagong kaganapan sa Metro Manila Subway project. " Sagot sa traffic !!!thank God for this project finally... Salamat sa admin du30," sabi ni R. Agpalo. "Sec. Art Tugade made this happen.. Lets thank him for his compassion in his work," sabi ni I. Lammawin. "Ang tamad talaga ng du30 admin... No smoking lang daw ang... na gawa sabi nung isang tang* na natalo kya na talo eh ka bob*han overload ," sabi ni N. Fuentes. Panoorin ang audio visual presentation kung paano ginagawa ang isang subway. Source: Tribune | News5 | Insider +Hindi nagustuhan ni Magdalo congressman Gary Alejano ang bagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan na kasama ang mga kaalyado at kaibigan nito. Ayon sa mambabatas, maiku-kunsidera daw ito na isang uri ng korapsyon. Base sa pahayag ni Alejano, mayroon daw isang social media post na makikita ang 200-member delegation na ang karamihan ay hindi daw opisyal ng gobyerno at hindi naman daw kailangan sa mga gagawing aktibidad sa Japan. "It has been circulating in social media that other friends and allies of the administration, who have no clear roles in official business, are also part of the delegation. This means that public funds could be used to shoulder their expenses. This could be considered corruption," boladas ni Alejano. Dahil dito, pinagpapaliwanag ni Alejano ang palasyo pagsama ng malaking delago sa working visit ng Presidente sa Japan. Inakusahan pa ni Alejano na ginamit daw ng gobyerno ang kaban ng bayan sa eleksyon noong nakaraang eleksyon. "Ang lumalabas, nagamit na nga ang kaban ng bayan nung eleksyon, pati ba naman sa victory party sagot pa ng taumbayan?... Habang ang taumbayan ay kumakayod at nagbabayad ng buwis, napakasagwa naman na ang mga opisyal ay marangya ang pamumuhay. Kaunting delicadeza naman sana," angal pa ni Alejano. Itong Martes lang ay sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V na ang mga opisyal na sasama sa biyahe ni pangulong Duterte sa Japan ay "nagatimpalaan" dahil sa pagkakapanalo ng pambato ng Administrasyon nitong nakaraang senatorial elections. Ang pahayag na ito ni Laurel ay pinabulaanan nina Executive Secretary Salvador Medildea at Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Magandang balita naman! Napirmahan po ang 26 agreements na nagkakahalaga ng P288.8 billion sa isinagawang working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan. Inaasahang lilikha ito ng lagpas 80,000 na trabbaho para sa mga kababayan natin. Source: Inquirer | Philstar | PTV +Pumalo sa ika-46 na puwesto ang ating bansa sa most competitive economy, ayon sa World Competitiveness Yearbook. Nakaraang taon ay nasa ika-50 ang Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pag-angat ng daw Pilipinas ay nagpapakita lang na nanatili ang kumpiyansa ng mga foreign investor sa ating bansa. "The improved ranking of the Philippines in this year's World Competitiveness Yearbook by the International Institute for Management Development (IMD) augurs well for the country and our economy. There is an emerging investor confidence in our country. It shows our trade environment remains attractive and viable to foreign businesses," sabi ni Panelo. Isa rin daw sa naging kadahilanan ng pagbuti ng antas ng Pilipinas sa ranking ay ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. "The strong and effective style of governance by President Rodrigo Roa Duterte makes Palace optimistic that further improvements will take place. Putting premium on cutting down red tape and promoting ease in doing business while we begin to implement the nation's most ambitious infrastructure program, Build-Build-Build, boost the government's strategy for sustained and inclusive growth. There is every reason to look forward to a bright future for our country's economy and our people.," dagdag pa ni Panelo. Ang pag-aaral ay isinasagawa kada taon ng Switzerland-based business school International Institute for Management Development (IMD). "The Philippines saw an improvement in the ranking of all four factors. Economic Performance posted a twelve-notch improvement in 2019 - the largest increase among the four factors - from 50th to 38th. Government Efficiency rose from 44th to 41st; while Business Efficiency improved from 38th to 32nd,," sabi naman ng Asian Institute of Management, ang partner ng IMD sa Pilipinas. Nangunguna sa naturang ranking ang Singapore. Habang ang Estados Unidos ay napunta sa ikatlong puwesto. Ang Hong Kong ay nasa ikalawang puwesto. Source: ABS-CBN | CNN Philippines | Presidential Spokesperson +Itong mga nakaraang araw naging laman ng balita ang pagbalik ng mandatory Reserve Officers' Training Corps (ROTC) program para sa mga estudyante sa grades 11 and 12. Isa si Pangulong Rodrigo Duterte na sumusuporta sa hakbang na ito. Ayon sa mga nakaraang pahayag ng Presidente, magiging daan daw ito para maging makabayan ang mga kabataan. Pero para kay Senadora Risa Hontiveros, ang panukalang batas ay lalabag sa Optional Protocol to the United Nations Convention on the Rights of the Child. Base daw sa protocol, hindi daw pwede sapilitang i-recruit ang mga menor de edad sa armed forces. Dapat daw ay maging optional ito sa mga estudyante. "Since the Armed Forces of the Philippines (AFP) is also composed of a 'citizens' armed force which shall undergo military training,' we would be violating our international commitment if we compulsorily recruit into the reserved forces those who are not of the age of majority," sabi ni Hontiveros. Kinuwestiyon din ni Hontiveros ang pagkukunan ng pondo sa ROTC program. "How do we overcome the financial burden of institutionalizing ROTC in all these high schools? How can we assure the public of proper implementation when we can barely sustain our K to 12 program?" dagdag pa ni Hontiveros. Samantala, si Senador Sherwin Gatchalian naman ay in-endorsed na ang panukalang batas para sa plenary aprroval ng senado. Source: Inq +"Kamangha-mangha". Ganito umano kung ilarawan ng mga Hapon ang Asministrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, mula sa ulat ng The Philippine News Agency. Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, hindi lamang umano si Japan Prime Minister Shinzo Abe, na siyang nag-imbita kay Pangulong Duterte sa kanilang bansa upang daluhan ang 25th Nikkei Conference on the Future of Asia sa Tokyo, ang nagsasabing interesante ang Pangulo, kundi maging ang mga mamamayan din ng bansang Japan mismo. Sinabi ni Laurel na nasa 200 katao umano, kabilang na ang mga opisyal ng Gabinete, local government officials at kanilang mga staff ang makakasama ni Pangulong Duterte sa kaniyang biyahe patungong Japan. Ito na ang ikatlong biyahe ng Pangulo sa Japan simula nang siya ay umupo bilang Presidente ng Pilipinas noong 2016. Ganunpaman, binigyang-diin ni Laurel na hindi umano ito "junket" dahil lahat ay sadyang kasama umano sa imbitasyon ng Nikkei. Nakatakdang dumalo si Pangulong Duterte sa ikalawang araw ng nasabing conference sa darating na Mayo 31, at makikipagkita rin ito sa Filipino Community roon. Ang Nikkei Conference on the Future of Asia ay taunang pagpupulong ng mga pinuno ng Gobyerno at business leaders, kung saan ibinabahagi ng mga ito ang kanilang mga pananaw at pagsusuri sa sa iba't ibang prospect at ideya ng Asya patungo sa tamang direksiyon nito. Paliwanag ni Laurel, hinahanggaan ng mga Hapon ang kalidad ng kakayahan ni Pangulong Duterte sa pamumuno ng bansa. "It's the Japanese that are in themselves fascinated by this government. The Japanese are always fascinated with leadership that is recognized, affirmed by their own people at the same time a tremendous political will insofar as his programs are concerned," saad ni Laurel. Dagdag pa ni Laurel, isa rin umano sa mga posibleng kinamamanghaan ng mga Hapon kay Pangulong Duterte ang magagandang pamamalakad at resultang nagawa nito para sa ekonomiya ng bansa. Pinabulaanan din ni Laurel ang karaniwan nang naririnig na "kontrobersiyal" umano ang Pangulo, bagkus interesante raw ang tamang termino para rito. "He is not controversial but interesting. Ibang klase for the Japanese," wika ni Laurel. Source: The Philippine News Agency | Manila Bulletin +Sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan, inaasahang lalagdaan ng mga Filipino at Japanese companies ang mahigit 20 kasunduan na nagkakahalaga ng P300 billion, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Hindi naman baba sa 80,000 na trabaho ang malilikha ng mga kasunudan para sa mga kababayan natin. Pipirmahan ang mga business agreement sa sideline ng biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan para sa 25th NIKKEI Conference on the Future of Asia na gaganapin sa May 30 hanggang 31. Karamihan sa mga investment pledges ay may kaugnayan sa marine manpower industries, food manufacturing, automotive, transportation, electircity, business processing outsource, medical services, electornics at infrastructure. "Japanese investors remain bullish on the sustained growth momentum under the administration of President Duterte, given its aggressive infrastructure build-up, meaningful investment and financial reforms, and demographic advantages," sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez. Pagkatapos ng keynote address ng Pangulong Duterte sa Nikkei Conference sa Mayo 31, makikipagpulong ito kay Japan Prime Minister Shinzo Abe. Panoorin ang pagdating ni Pangulong Duterte sa Haneda International Airport sa Japan. Matapos ang paglapag ng Presidente sa paliparan ay dumiretso ito sa Imperial Hotel sa Tokyo. Source: CNN Philippines | Presidential Communications (Government of the Philippines) +Inulan ng batikos online ang isang video na ipinost ng isang netizen sa kanyang social media account kung saan tila umaarte siyang isang "Person With Disabilty" habang ang mga kaibigan niya ay nagtatawanan, mula sa ulat ng DZRH. Sa nasabing viral na video, mapapanood at maririnig ang malulutong na halakhakan ng mga babaeng kasama ng nagpapanggap na may kapansanan habang itinutulak siya ng isang kaibigan sakay ng wheel chair. Sa huling bahagi ng video ay tumawa rin ang nasabing nagpapanggap na may PWD. Ayon sa iba't ibang tweets ng netizens, hindi nila nagustuhan ang ginawang ito ng magkakaibigan sa nabanggit na video. Isa umano itong uri ng panghahamak sa mga taong may kapansanan na hindi dapat ginagawang katuwaan. Sabi pa ng isang pumuna, mayroon din umano siyang kapatid na may "cerebral palsy" at kung may makikita umano siyang nanunuya rito o gagawin itong tampulan ng katatawanan maging ang mga katulad nitong may kapansanan ay hindi niya umano ito mapapalampas. Labag sa batas ang anumang panunuya sa mga taong may kapansanan. Batay sa Republic Act (RA) 9442 o ang Magna Carta for Persons With Disability, mahigpit na ipinagbabawal ang panggagaya, pangungutya o gawing katatawanan ang anumang uri ng kapansanan. Maaaring makulong mula anim na buwan hanggang anim na taon, o pagmultahin mula P50,000 hanggang P200,000 ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas na ito. Kahit kailan, hindi naging katawa-tawa ang pagkakaroon ng kapansanan, lalung-lalo na ang panlalait o pangungutya sa mga ito. Maging sensitibo at makatao sana tayo sa mga ginagawa at ipinopost natin lalo na sa social media, dahil ang makasakit sa kapwa-tao ay isang napakalaking pagkakamali. Kurot sa puso ng mga kaanak na may kapamilyang may kapansanan ang makapanood o makakita ng mga ganitong klase ng video na tila nang-iisulto. Masaya ba ang makapanakit ng damdamin ng iba? Sabi nga nila, "Think Before You Click". Source: DZRH +Kahapon ay isa-isang nagsulputan sa social media ang screenshots at videos ng singer / song writer na si Jim Paredes na dumidila sa camera at naglalaro ng kanyang pag-aari. Mapapanood din sa video ang pag-senyas ni Paredes na tila pinatatahimik ang kausap nito sa chat. Wala pang isang linggo ang nakalilipas ay ginawan na agad ng mga kababayan natin ng challenge ang video scandal ni Paredes. Sa mga litratong ipino-post ngayon ng mga netizens, ginagaya nila ang "quiet sign" ni Paredes. Ang ilang kababayan natin ay todo kopya pa talaga sa itsura ni Paredes sa nasabing viral video. Walang damit pang-itaas at naka earphone. Kahapon ay pinabulaanan pa ni Paredes na siya ang tao sa viral video pero matapos ang ilang oras ay inamin niya na siya nga mismo ang lalaki sa video. Ito pa po ang ilang larawan mula sa mga netizens. Source: Miguel Flores Hofilena | Jayar Monino | Jumar Rush Oechim Campsum | Mero Joe | Qklaudio DGutano II +Timing na timing ang banat ni former Presidential Communications Operations Office (PCOO) Asec. Mocha Uson sa musikero na si Jim Paredes. Kumalat kahapon sa social media ang video ni Paredes na nilalaro ang sarili at padila-dila pa sa harapan ng camera. Kaya hindi na nag-atubiling resbakan ni Uson si Paredes sa mga pagmamalinis nito. Isa sa mga binatikos ni Mocha kay Paredes ay ang ilang beses na pagtira ng musikero kay Pangulong Rodrigo Duterte. "Alam mo ang problema sayo hindi naman yang pag video na nagsosolo. Walang pakialam ang tao kung gawin mo yan. Buhay mo yan. Lahat naman tayo merong pribadong buhay. Ang problema kasi yung pagiging pagmamalinis mo. Ilang beses mo tinira ang Pangulo sa kanyang mga salita at gawa na may kaugnay sa babae yun pala ikaw ang ganun," resbak ni Mocha. Ayon pa kay Mocha, kilala niya raw ang pagkatao ni Paredes at hindi niya ito binanatan ng husto dati kahit panay ang batikos sa kanya. "Mr. J. Paredes alam mong alam ko ang tunay mong pagkatao. Hindi na nga kita pinuruhan dati kahit panay ang banat mo sa akin dahil matanda ka na at marunong akong rumespeto sa mga nakakatanda pagdating sa mga musikero dahil isa din akong artist. Kaya ayan KARMA na ang humabol sayo. Wag kang mag alala may bukas pa. May panahon pa magsisi. Wag po kasing magmalinis," buwelta ni Mocha. Sa parehas na social media post ni Mocha, may binanggit din ang dating Assistant Secretary ng PCOO tungkol sa iba pang media personalities na nagmamalinis at nagkukunwaring disente. "Itong pangyayari na ito ay isang babala sa mga naglilinis linisan. Marami pa akong kilalang mga disente kuno na media personality pero matindi ang kamanyakan. Wag niyong kalimutan dati akong nasa industriya ninyo at kilala ko ang mga binobook ninyo. Kaya umayos kayo. PLS LANG. WAG AKO," pagsisiwalat ni Mocha. Nagbigay si Mocha ng mga pahiwatig kung sino ang mga ito. "Ikaw matandang ubo ng ubo. Araw araw mo akong binabanatan noon sa programa mo. Antay ka sa karma. Alam ko sikreto mo. At ikaw namang mahilig sa pipino panay banat mo din sa akin na wala akong karapatan manilbihan sa gobyerno dahil isa lang akong hamak na sexy dancer dati. Ingat baka ma ospital ka dyan, O na ospital na nga ba?," pagbubunyag ni Mocha. Source: Mocha Uson Blog +Nakatikim ng banat kay dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director V Arnell Ignacio ang ang singer/songwriter na si Jim Paredes matapos lumabas ang video scandal nito sa social media. Ayon kay Ignacio, binabatikos ni Paredes si Pangulong Duterte pero mas matindi daw ang ginagawa nito. "Eh si Presidente, sinasabi mo bastos, eh ano ngayon gagawin sa iyo ng Presidente kung makaharap mo siya? Gaganunin ka niya oh. (Labas dila)," sabi ni Ignacio. Ayon pa kay Ignacio, sinabihan daw ni Paredes na hindi disente ang mga taga-suporta ng Presidente. "Ano ba iyan? Bakit may ganun kang video? Susmaryosep! Sabi mo lahat kaming (Duterte Supporters) ay hindi disente, pagkatapos ikaw maglalabas ng ganyan," banat pa ni Ignacio. May hamon ngayon si Ignacio kay Paredes. "Na-inspire ako. Parang gusto ko rin maghubad. Gusto mo sabay tayo? Tapos magpaboto tayo kung sino ang lalabas na disente, kung hubo't-hubad," dagdag pa ni Ignacio. Kahapon ay kumalat sa social media ang video ng isang lalaking dumidila-dila sa harap ng camera at kalaunan ay nagpakita ng pribadong bahagi ng katawan. Maraming netizens ang nagsabing si Paredes ito dahil sa nunal sa dibdib at tatoo sa balikat na kaparehas na kaparehas ng kay Paredes. Itinanggi ito ng musikero pero ilang oras matapos niyang itanggi ay inamin ni Paredes na siya nga ang nasa video. Source: Jim Paredes +Matapos itanggi ng mang-aawit na si Jim Paredes na siya ang lalaki sa video scandal, ngayon ay nag-post si Paredes sa kanyang personal blog para sabihin na totoo na siya ang lalaki sa video na kumalat sa social media. Ayon kay Paredes, pang-pribado daw ang video at hindi para sa publiko. "The video was real. It was private, and not meant for public consumption," sabi ni Paredes. Tila sinisisi pa ni Paredes ngayon ang politika. Para kay sa singer/songwriter paraan din daw ito para masira ang kanyang impluwensiya. " I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work," boladas ni Paredes. Kilala si Paredes na kiritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilang beses din binanatan ni Paredes ang ikinikilos ng Pangulo. Sa katunayan, binatikos nito ang ginawang paghalik ng Pangulong Duterte sa isang OFW sa South Korea. Nagsilabasan sa social media kahapon ang videos at screenshots ng paglalaro ni Jim Paredes sa kanyang pribadong bahagi ng katawan. Sa simula ng video, makikita si Paredes na didila-dila pa sa harapan ng camera. Humingi naman ng kapatawaran si Paredes sa mga nasaktan dahil sa kanyang video. "I know many of you have judged me and condemned me, and those who held me in high esteem are disappointed in me, to put it mildly. I apologize for my irresponsibility. But most especially, I stand in bottomless sorrow and contrition before my family who are reeling from the hurt and aggravation, and the embarrassment and shame," dagdag ni Paredes. Source: GMA | Jim Paredes +"Ayaw ko nyan. Bigyan nyo ako ng sardinas," Ibinahagi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chief Greco Belgica ang nangyari habang nagsasagawa ng ika-36 na cabinet meeting ang mga pinakamatataas na opisyal ng bansa. Sa mga larawan na pinost ni Belgica sa kanyang social media account, ilang larawan ng . Ibinahagi ni Philippine Anti-Corruption Commission Chief Greco Belgica ang nangyari habang nagsasagawa ng ika-36 na cabinet meeting ang mga pinakamatataas na opisyal ng bansa. Sa mga larawan na pinost ni Belgica sa kanyang social media account, makikita ang ilan kubiyertos at platong may tila seal ng Malacanang na may lamang sardinas. Ang mga larawan ay galing daw kay Executive Secretary Salvador Medialdea. Isang oras pa lang ang lumilipas pero umabot na sa mahigit 400 ang nag-reshare ng post ni Belgica at umani na rin ito ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens. Ayon kay Department of Agriculture Secretary Manny Pinol, habang ang mga gabinete ay hinainan ng baby back ribs na may kasamang gulay at kanin, tinanggihan daw ito ng Pangulo at humiling ng sardinas. Source: Greco Belgica | Sec. Pinol +Masyang ibinalita ng Department of Transportation (DOTr) na pwedeng nang magamit ang ginagawang bagong passenger terminal building ng Clark International Airport sa 2020. Ayon sa ahensiya, nasa 53 porsyento na ang completeness ng proyekto. Inaasahan daw na papalo sa 12.2 million ang maseserbisyuhang mga pasahero ng pag nakumpleto ang proyekto at maging operational sa susunod na taon. Makakatulong din daw ang Clark International Airport para mabawasan ang dami ng mga biyahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at makakapagbigay din daw ito ng trabaho sa mga kababayan natin sa Gitnang Luzon. Isa sa kapansin-pansin na katangian ng paliparan ay ang mga magagandang wooden beams. Mayroon din idurugtong na mga railways mula Clark patungong Subic Bay. Dumalo sa progress briefing at site inspection sina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Senator JV Ejercito, Senator Joel Villanueva, BCDA President and CEO Vince Dizon, CDC President and CEO Noel Manankil. Source: DOTr | GMA | INQ +Maghihimas muli ng rehas si Renato Mendoza matapos maaresto ng mga otoridad dahil sa pagtutulak ng bawal na gamot. Si Mendoza ay nakulong na noong 2016 at kakalaya lang noong Septiyembre oong nakaraang taon. Timbog si Mendoza sa isang buy-bust operation sa may Barangay Pasong Tamo nang mabilhan ito ng mga otoridad ng shabu na may halagang P200. 4 na pakete pa ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek. Ayon sa durugista, pampalakas daw ng katawan niya ang bawal na gamot. "Ginagamit ko po iyan, pampa-sipag at pampa-pogi. Ginagamit ko ho talaga 'yan para pagka-na-lowbatt ho ako, medyo lumakas po ulit yung katawan ko." Ayon sa ulat ng GMA News, kadalasan ay tindero at tricycle driver daw ang mga bumibili kay Mendoza. Ang sinabi ni Mendoza ay tila naging tampulan ng tukso ng mga netizens. Ito po ang ilan sa mga reaksyon mula sa mga kababayan natin. "Potek n yan.. Kung mag aadik ako tas ganyan kakalabasan.. Magtitinda n lng ako ng yosi," sabi ni C. Noman. "laugh trip pang pa pogi ang potek Hahahsha talagang wala na sa katinoan ang sama talaga ng epekto ng druga hanep," sabi ni R. Pacaldo. "Grabe naman kayo!!! Masisisi niyo ba siya kung ganyan siya kapanget? Kailangan na kailangan niya eh," sabi ni T. Jizelle. Source: GMA | FB +"Lahat ng bawal ginagawa ko!" Ganito ang pagmamayabang ng lalaki sa video habang nagda-drive habang nasa passenger seat. Mapapansin na ang driver seat ay bakante. Mapapanood din sa video na nagsi-sigarilyo pa ang lalaki habang nag mamaneho sa passenger seat. Ang kabalbalan ng lalaki ay nakarating na sa Department of Transportation (DOTr). Ayon sa DOTr, hindi daw dapat kinu-kutya ang kakayanan ng gobyerno. "Wag natin i-mock ang kakayanan ng gobyerno by clearly disobeying traffic rules. Nakaligtas ka man noong oras na ginawa mo 'yan, we will make sure you will get penalized. Let this be a stern warning to everyone else. We enjoin the citizenry to report these kinds of violations and we will act on it swiftly," sabi ni DOTr Undersecretary for Road Transport Mark De Leon. Base sa comments section ng video ng DOTr, ang lalaki ay nakilala sa pangalan Miko Lopez at ipapatawag daw ito sa opisina ng Land Transportation Office (LTO). "Miko Lopez will be summoned to appear today in LTO," ayon umano kay LTO Executive Director Romeo Vera Cruz. Sisiguraduhin daw ng DOTr na hindi na makakakuha ng lisensiya ang balbal na driver. Source: Department of Transportation +Sa bisa ng arrest warrant, nasakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Ryan Martin Cabanas, stuntman ng TV network na ABS-CBN, dahil sa illegal recruitment. Bumungad din sa otoridad ang mga hindi lisensiyadong baril ni Cabanas. Nahuli ang suspek sa kanyang tahanan sa Cainta, Rizal. Ayon sa mga ulat, nagpakilala pa umanong tauhan ng National bureau of Investigation (NBI) si Cabanas sa mga otoridad. Marami na daw nabiktim si Cabanas na nagsumbong sa CIDG. Sa isinagawang operasyon laban kay Cabanas, natukalan ang sari-saring baril sa suspek. Tulad na lang ng .22-caliber rifle na mayroong scope, isang sniper rifle na mayroon ding scope, isang pistolang 9mm Beretta, dalawang units ng magazine para sa .45 caliber, apat na units ng magazine para sa 9mm, dalawang units ng magazine para sa .22 caliber, 234 na bala, isang firearm supressor, at isang bulletproof vest na may marka ng NBI. Maliban sa illegal recruitment, mahaharap na din si Cabanas sa mga kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Law at RA 9516 o ang Illegal Possession of Explosives. Si Cabanas ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG pero ilalagak din ito sa Makati City Regional Trial Court branch 146. Source: PNA | Tribune | PTV | GMA News +Nag-privilege speech kani-kanina lang si outgoing Senator Antonio Trillanes at dito ay inamin niya na naka-usap niya noong nakaraang taon si Peter Joemel "Bikoy" Advincula. Ayon kay Trillanes, nakinig daw siya sa kuwento ni Advincula pero hindi na daw niya binigyang pansin ang kanilang pag-uusap dahil magulo daw ang detalye ni Advincula. "Una nang inilapit sa akin ng mga pari si Bikoy August last year dahil siya daw ay papatayin ng sindikato ng illegal na droga. Pinakinggan ko siya pero nakulangan ako at naguluhan sa mga detalye kaya isinantabi ko at tuluyan nang kinalimutan ang usapang ito," pahayag ni Trillanes. Si Advincula ay nagpapakilalang si alyas Bikoy, ang lalaking nag-aakusa sa mga kaanak ni Pangulong Duterte na sangkot umano sa droga sa mga serye ng anti-Duterte videos. Kamakailan lang ay lumantad ito sa publiko para sabihin na si Trillanes at ilang personalidad sa Liberal party ang may pakana ng mga anti-DUterte Videos. Ayon kay Trillanes, binalikan daw siya ng mga pari nitong unang bahagi ng taon para magbigay ng dokumento na may lamang impormasyon tungkol sa mga account sa bangko ng mga lider ng sindikato ng droga. Ibinigay niya raw ang mga nasabing dokumento sa mga investigative journalists para mausisa. "Sometime in Feburary, binalikan ako ng mga pari at binigyan ng mga dokumento na naglalaman ng mga detalye ng bank account ng mga lider ng sindikato. Galing ito sa mga kasamahan ni Bikoy na miyembro ng sindikato... They said the validation process might take a while but if the account details are accurate, the money trail could be traced...Ang sabi naman nila ay ire-report na lang nila ito sa publiko pag ito ay nakumpirma na,"sabi pa ni Trillanes. Muling itinanggi ni Trillanes na sangkot siya sa paggawa ng mga videos laban kay Pangulong Duterte at sa pamilya nito. "Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paggawa ng mga videos na 'yun. To my PMAer upperclassmen here, All Right, sir. Malamang siya rin ang gumawa ng mga video na 'yan. To be fair, maganda nga po ang pagkakagawa ni Bikoy ng mga video at nakakuha ito ng atensyon ng publiko,"ani Trillanes. Ito naman po ang naging reaksyon noong ni Trillanes noong unang lumabas ang Bikoy videos. Kayo na po ang humusga. "First of all, let me congratulate the people behind the videos that linked the Duterte family to illegal drugs! The accusations of the witness were very serious, quite pointed and well-explained... Having said that, I really wish I was part of the making of the videos so I could relish these moments but sadly I am not. In the meantime, I am looking forward, as everyone else, to the next episode," sabi ni Trillanes noong Abril. Source: GMA News | News5 +Matapos ang naging rebelasyon ni Peter Joemel "Bikoy" Advincula na plano di umano ng ilang personalidad mula sa oposisyon na pabagsakin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng black propaganda para mailuklok si Vice President Leni Robredo, nagkita na si Pangulong Duterte at si Leni sa graduation ceremony ng Philippine Military Academy. Sa kanilang pagtatagpo, nagawa pang biruin ni Presidente Duterte si Robredo. Biro ng Presidente, bakit hindi na daw siya nginingitian ni Robredo. "Bakit noon ma'm nag-smile ka sa akin. Ngayon hindi na. Ikaw ha," sabi ni Presidente Duterte. Magugunita na noong unang lumabas ang mga black propaganda videos ng pagsasangkot sa pamilya ni Pangulong Duterte sa droga, isa si Robredo sa nag-bigay ng opinyon tungkol dito. Gusto ni Robredo na magkaroon ng independent investigation sa mga alegasyon ni Bikoy laban sa kaanak ni Presidente Duterte. "very serious iyong accusations, mas mabuti ilagay sa proper forum... Pero iyong pinakamabuti talaga sa lahat, i-file ito sa proper forum, para mayroong independent na imbestigasyon, mayroong paglilitis na maririnig, iyong tatanggap ng ebidensya maririnig kung ano iyong depensa ng nasasakdal," sabi ni Robredo noong unang bahagi ng Abril kung kailan lumabas ang mga Bikoy videos. Sa hiwalay na pahayag ay nilutang pa ni Robredo ang ideya na ilagay si Bikoy sa witness protection program. "Di ba dapat, kasi parang whistleblower din siya? Hindi ba dapat bigyan ng proteksyon para malaman kung totoo o hindi ang sinasabi? Kasi hindi naman natin, wala naman tayong way of knowing kung totoo o hindi," ani Leni noong unang bahagi ng Mayo, bago bumaliktad si alyas Bikoy. Matapos naman bumaliktad ni Advincula nitong Mayo at ituro ang Liberal Party at si Senator Antonio Trillanes na may pakana ng mga videos, tila nag-iba ang tono ni Robredo. "Ni anino niya hindi ko talaga nakita so sigurado ako sinungaling siya," pahayg ni Robredo matapos bumaliktad si Advincula. Source: News5 | ABS-CBN | CNN Philippines | GMA News | Inquirer +Nabiyayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bahay at lupa ang valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 na si Cadet First Class Dione Mae Umalla sa graduation rites na ginawa ngayong araw sa Fort Del Piar sa Baguio City. Ang certificate ng bahay at lupa ay personalan na ibinigay ng Pangulo. Si Umalla ay nagmula sa Ilocos Sur at ikalimang babaeng nag top sa PMA graduating class mula noong 1999. Nakatanggap din si Umalla ng labing-tatlong awars at ng presidential saber. Madalas binigbigya ni Pangulong Duterte ang mga valedictorian ng PMA at ng Philippine National Police Academy (PNPA) ng house and lot. Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito sa mga bagong graduates magsilbi ng mabuti sa bayan at ialay ang buhay kung kakailanganin. "Serve your country well. Die for your country if it needs be... Remember the young Filipinos yet to come, the children and those who are now studying. Huwag mong kalimutan ninyo 'yan. And if you think that the country is not run the way it is and if it will destroy your country, you should know what to do," Panoorin ang talumpati ng ating Presidente para sa mga nagtapos sa PMA. Source: Inq | Manla Bulletin | Presidential Communications via ABS-CBN +"Gusto mo ng gibaan?" Sa programang Bitag Live ng kilalang broadcaster na si Ben Tulfo, binanatan nito ang mamamahayag ng ABS-CBN na si Antohony Taberna. Ito ay kaugnay sa pagpuna umano ni Taberna sa plunder case na kinasasangkutan ng mga magkakapatid na Tulfo. Ipinaliwnag din ni Tulfo ang kontrata nila sa isang istasyon. "Anong nangyari sa partylist ni Erwin? Sumirit! Sinubukan kaming gibain sa pamamagitan ng plunder. Kami may kontrata lang naman, sinunod lang ang kontrata dahil may principal kami. Ito ang sinasabi ni Anthony Taberna," sabi ni Tulfo. Ayon kay Tulfo, si Taberna daw ay corrupt. Bininuyag din ni Tulfo ang mga negosyo ng talent ng ABS-CBN. Banat pa ni Tulfo, aligned din daw si Taberna kay Trillanes. "Anthony Taberna, show me your papers. Listen kid. Grow up. Bago ka tumingin sa bakod ng iba, you are so corrupt. Once upon a time, sabit-sabit ka lang sa jeepney at mga bus, all of a sudden, how come ang dami mo ng fleets ng sasakyan. Explain that to me now. Anthony Taberna, aligned with Tonio Trillanes... Kung titignan mo ang weldo mo diyan sa iyong pagiging anchor sa radyo, milyones ba ang halaga niyan? Oh ABS-CBN, paliwanag nga. Magkano ba suweldo niyan? Oh ngayon, sino ang corrupt? Iba talaga pag sinasabing 'attack and collect, defend and collect'. Kaya ayaw mismo sa iyo ng network mo eh," banat ni Tulfo. Resbak pa ni Tulfo, may mga kasamahan daw si Taberna na nagbigay ng impormasyon sa kampo niya. "Binigyan kami ng mga bala laban sa iyo. Kasamahan mo sa network mo nagbibigay ng bala. You want me to prove that? O sige. I will make this a series. Anyway, you fired the first shot, I am only trying to fire back. Let us see kung sino ang maa-annihilate dito," buwelta ni Tulfo. Source: Bitag Official +Kinundena ng nakakulong na senadora Leila De Lima ang pagpaslang sa 5-anyos na bata ng durugistang suspek pero kasabay nito ay sinisi ni De Lima ang kampanya ng Duterte Government laban sa droga. "Saan po ba humantong ang bansa makalipas ang tatlong taon sa puwesto ng rehimeng Duterte? Libo-libo na ang pinaslang ng War on Drugs ng kanyang gobyerno, pero bakit patuloy pa rin ang mga karumal-dumal na krimen sa lipunan, pati na ang lalong paglubha ng kalakaran ng ilegal na droga?" Ayon kay De Lima, isang pruweba daw ang nangyari sa biktima na hindi umano epektibo ang ginagawa ng gobyerno na paglaban sa bawal na gamot. "Patunay lang ito na talagang hindi epektibo ang marahas at madugong polisiya ni Duterte. Nakababahala na sa mga susunod na taon, kapag patuloy na nanahimik at kinunsinte lamang ng ibang mga pinuno ang araw-araw na patayan, ay magpatuloy lamang ang ganitong karahasan at kawalang pananagutan sa bansa," Noong Mayo 20, iniulat ng GMA News ang nangyari sa 5-anyos na batang babae sa Laguna na pinaslang at isinilid sa eco bag. Naaresto naman ng otoridad si Glenn Ford Manzanero, ang suspek sa krimen. Ayon sa ulat, umamin daw ang suspek na lulong ito sa droga nang ginawa ang krimen. Base sa impormasyon ng pulisya, si Manzanero ay isang kilalang durugista sa naturang lugar. Source: GMA News | GMA News +Sa hunyo 30, 2019 ay magtatapos na ang termino ni outgoing senator Antonio Trillanes at dahil idto ay may makabuluhang mensahe ang palasyo para sa dating rebelde na naging mambabatas. Sa isang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hangad daw ng Duterte Government na dumating ang kabutihan kay Trillanes. "While many will wish Mr. Trillanes good riddance as he is about to leave the hallowed hall of the senate at the end of June of this year, we will instead wish him luck as he faces another prospect of being placed behind bars again as the self-confessed balack propagandist turns against his master," banat ni Presidential Spokesperson Panelo. Ayon pa kay Panelo, isang malaking serbisyo daw ang pag-lisan ni Trillanes sa senado. "Mr. Trillanes' greatest service to the antion is his mandatory exit from the senate where he distinguished himeself as a destroyer of reputations of people, including causing the self-extinction of a gentleman military officer whom he disrespected and humiliated before the nation," dagdag pa ni Panelo. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa ulat ng PTV4 patungkol sa mensahe ng Palasyo kay Trillanes. "Mukhang babaguhin na ang date ng Indpendence Day sa June 'Sa araw ng hatol mo sir'," sabi ni J. Maligsay. "Mag papainom ako dito sa qatar sa araw ng na dumating Ang hatol sa iyo," sabi ni H. Kinse. "Ahihihi exited aq sa mga susunod na mga kabanata...mlamang mag alsabalotan yan," sabi ni A. Cawas. Source: PTV +Hindi nagustuhan ni GMA News program host Mareng Winnie Monsod ang reaksyon umano ng gobyerno matapos lumantad kamakailan lang si Peter Joemel "Bikoy" Advincula upang pasinungalingan ang mga nauna nitong paratang laban sa kaanak at malalapit na tao kay Pangulong Rodrigo Duterte. Magugunitang noong unang bahagi ng Abril ay inilathala sa Youtube ang video series na may pamagat na "Ang Totoong Narco List". Sa naturang serye ng videos, iniugnay ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng droga. Ilang araw ang nakalipas ay lumantad sa publiko si Advincula upang sabihin na siya si alyas Bikoy at pinandiganan ang mga paratang laban sa kapamilya ni Presidente Duterte. Pero matapos ang eleksyon ay muling lumitaw si Advincula at binawi ang lahat ng mga paninira na sinabi niya sa pamilya ng Pangulo. Ayon kay alyas Bikoy, si Senador Antonio Trillanes at ang ilang personalidad sa Liberal party ang may pakana ng mga videos. Ginamit daw ang video para lumakas ang tsansa ng ilang Otso Diresto candidates na makapasok sa senado. Pinangakuan din daw siya ng kalahating milyon para tumulong sa paggawa ng nasabing mga videos. Ayon kay Monsod, tila may double standard na nangyayari sa isyu ni Bikoy. Pag daw ang pinaratangan ay kampo ni Presidente Duterte, nagsasabi ng kasinungalingan si Bikoy. Pero pag laban kay Trillanes at LP ang paratang, totoo daw ang sinasabi ni Bikoy. "Charges against the Duterte clan and friends, Bikoy is a liar. Charges against the Liberal Party and Trillanes, Bikoy is telling the truth. Is that fair? Is that just? Is that the rule of law?" sabi ni Monsod sa kanyang column sa Inquirer. "The government swallows his story hook, line and sinker. And is now ready to investigate the Liberal Party and Trillanes, since Bikoy is now credible," boladas pa ni Monsod. Ang akusasyon ni Monsod laban sa gobyerno ay tila bkabaligtaran sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Magugunita na sinabi ng tagapagsalita ng palasyo na hindi siya basta-basta naniniwala kay alyas Bikoy. Dapat daw itong maglabas ng ebidensiya sa bago nitong paratang. "As a lawyer, I just don't believe in what a person says. He (Advincula) has to substantiate (his claim). He has to submit proof," boladas pa ni Monsod. Maski ang bagong halal na senador at ka-alyado ni Presidente Duterte na si former PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa ay hindi rin naniniwala basta-basta kay alyas Bikoy. "Hindi ko sinasabi na paniwalaan ninyo si Bikoy kasi ako mismo ay walang credibility ang tao na yan," boladas pa ni Monsod. Saan kaya nakuha ni Mareng Winnie ang kritisismo niya na may double standard ang gobyerno? Source: Inquirer | Sunstar | UNTV +Nasakote ng otoridad ang 49-anyos na pastor mula sa Cainta dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, isang buwan din tiniktikan ang suspek. Sampung pakete ng shabu ang nakuha sa suspek na dinadala nito mula pa Cainta. "Kasi pag may nahuhuli kami sa may bandang Aurora, binabanggit po sa amin na isa ito sa nagbibigay sa kanila... Talagang nagduda muna kami sa una hanggang sa nakabili ang poseur buyer namin," sabi ni Cubao Police Station Police Capt. Ramon Aquiatan. Umamin naman ang pastor na dalawang buwan na siyang tumitira ng bawal na gamot dahil na rin sa impluwensiya ng mga kaibigan niya. "Wala pong nakakaalam na nagbibisyo ako, walang nakakaalam even po mga kamag-anak even asawa ko... Di po talaga ako nagbebenta sir. Nagkataon lang kanina, kinapos po ako sa pera," paglalahad ni Pastor Durugista. Natuklasan ng kapulisan na nagtuturo pa umano ng values formation ang suspek sa mga mag-aaral at sa mga pulis. "Sabi ko pano ka makakahikayat kung ikaw mismo sa sarili mo ay nagbebenta at gumagamit ng droga?" banat ni Police Captain Aquiatan. Humingi naman ng kapatawaran ang suspek sa kanyang pamilya at sa mga pulis. Sa hindi pa malamang kadahilanan ay hindi muna pinangalanan ang nasabing pastor at kung saan ito kaanib. Source: ABS-CBN +Hindi pinalampas ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga tirada ni Senador Antono Trilanes laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Panelo, hindi pa raw natuto si Trillanes sa pagkakakulong nito noon. "After having been set free from incarceration by the previous administration, one would expect him to learn his lesson and repay the nation that educated, fed and clothed him, with a record of selfless public service," sabi ni Panelo. Tinawag din ni Panelo na isang aso o political attack dog si Trillanes. Posible din daw na makulong muli ito. "Instead, he evolved to be a political attack dog. We will wish him luck as he faces another prospect of being placed behind bars again as the self propagandist turns against his master," sabi ni Panelo. Banat pa ni Panelo, magiging malaking serbisyo sa bayan ang pag-alis ni Trillanes sa senado. Tinawag din ni Panelo na maninira ng reputasyon ang dating rebelde na naging senador at inungkat ang ginawang pagpapakamatay ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Angelo Reyes na binastos umano ni Trillanes sa senado noon. "Mr. Trillanes' greater service to the nation is his mandatory exit from the Senate where he distinguished himself as a destroyer of reputations of people, including causing the self-extinction of a gentleman military officer whom he disrespected and humiliated before the nation," buwelta pa ni Panelo. Ito po ang reaksyon dati ni Pangulong Duterte sa ginawa ni Trillanes kay Gen. Reyes. Source: News5 | Office of the Presidential Spokesperson +Ibinahagi ng bagong halal na senador na si former Philippine National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa ang naging pag-uusap nila ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang manalo bilang mambabatas. Ayon kay Bato, inudyukan daw siya ng Pangulo na magsilbi para sa mga Pilipino at hindi para sa Presidente. "Sir, bago ako mag-assume sa senado, any guidance, any advice, kung ano ang habilin mo sa akin? Alamop kung ano ang sagot ni Presidente sa akin? Bato, you are now a senator of the FIlipino People. You are not a senator of Duterte," sabi ni Bato. Maiyak-iyak sa tuwa daw si senator-elect Dela Rosa sa naging payo sa kanya ng Presidente. Ayon pa kay Bato, sinabi daw ng Pangulo na hindi siya mangingialam sa magiging trabaho ni Bato sa senado. "Gawin mo ang karapat-dapat para sa kapakanan ng taumbayan, hindi para sa akin. Sabi ko napakagaling na wisdom ang ibinigay sa akin ng Pangulo. At sabi pa niya, 'Hindi kita pakikialaman diya sa trabaho mo. Magtrabaho ka para sa taumbayan, hindi para sa akin'. So para akong maiiyak sa tuwa,"kwento pa ni Bato. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa inilahad ni Senator Dela Rosa. "Congratulations general bato!and now you are a senator'yes we believe in you and yes we believe that the president says like that to you...I admit my self that my vote on May 13 election is in you...god bless senator bato...," sabi ni J. Marquez. "Gen BATO, I appreciate your HUMILITY. But, BELIEVE ME YOU ARE BRIGHTER THAN OUR EXISTING SENATORS. CONGRATULATIONS," sabi ni O. Rigor. "Congratulations!!! General Bato now Senator Bato...Dreams come True...Actuallly, What The President said to you was Totally Correct, Keep up the good job. God Bless!," sabi ni A. Abdullah. Source: UNTV +Pasado na sa kamara de representante o kongreso ang panukalang batas na naglalayon na mabigyan ng libreng dialysis treatment ang mga mahihirap nating kababayan sa mga national, regional and provincial government hospitals. Sa botong 177, naaprubahan ang House Bill 9156 o ang "Comprehensive Renal Replacement Therapy Act". Layon din ng panukalang batas na palawakin ang Philhealth coverage para sa kidney transplant. Maia-angat din nito ang PhilHealth Z-benefit package rates para sa peritoneal dialysis at hemodialysis matapos ang kidney transplant procedures. Ang mga kuwlipikadong pasyente ay maisasailalim sa "No Balance Billing Policy". Ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang magpopondo naman sa natitirang sessions ng peritoneal dialysis and hemodialysis kung sakaling magamit na ng lubusan ng pasyente ang kanyang benefit package mula sa PhilHealth. Ikinatuwa naman ng ilang kabbaayan natin pagpasa sa naturang panukalang batas sa kongreso. "Very good news indeed! A big help not only for the patient but to the whole family. Thank you," sabi ni S. Omer. "Good news indeed! Thank you Lord for using your faithful servant in the government..You are amazing Lord," sabi ni S. Gamolo. "Wow this is the best new i read for today...Long live Pilipinas...Thank you God form the continous improvent our our government," sabi ni A. Manglicmot. Source: GMA News | ABS-CBN +Base sa ulat ng financial and media company na Bloomberg, naging Asia's best currency ang pera ng Pilipinas nitong Pebrero at maaring magtuloy-tuloy pa daw na malagpasan ng piso ang pera ng karatig bansa. Lalo din daw bubuti lagay ng pera ng Pilipinas sa tulong ng record remittances, rising investment at lumalagong domstic economy. "The peso has been stronger recently and could continue to outperform in the region, amid sustained net foreign portfolio investments on a widely expected further declining trend of local inflation," sabi ng ekonomista mula sa Rizal COmmercial Banking Corporation na si Mke Ricafort. Ayon pa sa impormasyong nakalap ng Bloomberg, tumataya umano ang mga namumuhunan sa peso matapos pumalo sa $763 million nitong Enero ang net inflow ng Philippine stock at bonds. Nakatulong din daw ang mga ipinadalang pera ng mga Overseas Filipino WOrkers sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Lumakas din daw ang Piso laban sa Dolyar nitong Pebrero. "Investors are betting on the peso after foreign investment into Philippine stocks and bonds recorded a net inflow of $763 million in January, more than four times the level a year ago. Remittances from Filipinos working abroad climbed to an all-time high of $2.85 billion in December," ulat ng Bloomberg. Sa hiwalay naman na ulat, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Pilipinas ay papasok sa 25 na pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo. Binanggit ito ng Presidente noong huling bahagi ng Abril. "The Philippines, along with the rest of Asia, is on the path of economic resurgence... By 2020, the combined economies of Asian countries will be larger than that of the rest of the world. The Philippines, in particular, is set to join the ranks of upper-middle-income countries as it is projected to become the 25th largest economy in the world in PPP terms," sabi ni Presidente Duterte. Magugunitang naglabas ng artikulo ang website na Business Insider at inilagay ang Pilipinas sa ikalawang puwesto sa mga bansang mangunguna sa global economy sa susunod na dekada. Source: Bloomberg | Manila Bulletin | Business Insider +Dahil sa maugong na pagbabalik ng Mandatory Reserve Officers' Training Corps (ROTC) program para sa grades 11 at 12 na mga estudyante, ilang oposisyon ang nagsalita na laban dito. Isa sa mga kontrata sa nasabing programa ay si Kabataan Partlist Representative Sarah Elago. Ayon kay Elago, karagdagang gastos lang daw ang ROTC sa mga estudiyante. Hindi rin daw ito makapagtuturo ng pagmamahal sa bayan kundi bulag na pagsunod. "[ROTC would] instill a false sense of nationalism based on blind obedience and discipline," boladas ni Elago. Para naman kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, mamumulot lang daw ang mga kabataan sa pananakot. "The passage of this measure and the institutionalization of the mandatory ROTC for senior high will only expose the youth to more harassment in their schools," sabi ni Tinio. Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapanumbalik ng ROTC. Ayon sa Presidente, matuturuan daw ng programa na ito ang mga kabataan na magmahal sa inang bayan. Sa bagong isinusulong na batas, oobligahin ang mga senior high school students na sumali sa ROTC program ng 2 taon. Source: GMA News | Manila Times +Kahapon ay nag-privilege speech si Senador Antonio Trillanes sa senado para depensahan ang sarili sa pagsasangkot sa kanya ni Peter Joemel "Bikoy" Advincula sa serye ng mga anti-Duterte videos na ini-uugnay ang Pamilya ng Presidente Rodrigo Duterte sa droga. Base sa talumpati ni Trillanes, inamin nito na naka-usap niya si Advincula noong nakaraang taon pero hindi niya binigyan ng halaga ang mga sinabi nito dahil nakukulanagan daw siya at magulo umano ang detalye. "Una nang inilapit sa akin ng mga pari si Bikoy last year dahil siya daw ay papatayin ng sindikato ng illegal na droga. Pinakinggan ko siya pero nakulangan ako at naguluhan sa mga detalye kaya isinantabi ko," sabi ni Trillanes. Pero ang bagong pahayag na ito ni Trillanes ay agad hinimay ng radio host at pro-government blogger na si RJ Nieto (Thinking Pinoy). Ayon kay Thinking Pinoy, kinontra daw ni Trillanes ang sarili nito sa isyu ng Bikoy videos. Isa sa mga ipinunto ni Thinking Pinoy ay ang pahayag ni Trillanes noong unang lumabas ang mapanirang video. Magugunita na sinabi ng senador na maayos daw na naipaliwanag ang koneksyon ng Pamilya Duterte sa droga. Bagama't hindi daw siya bahagi sa paggawa ng video, sana daw ay parte siya sa pagbuo ng video. "First of all, let me congratulate the people behind the videos that linked the Duterte family to illegal drugs! The accusations of the witness were very serious, quite pointed and well-explained... Having said that, I really wish I was part of the making of the videos so I could relish these moments but sadly I am not. In the meantime, I am looking forward, as everyone else, to the next episode," sabi ni Trillanes noong Abril. Ang pangalawang punto ni Thinking Pinoy ay ang sinabi ni Trillanes noong nahuli si Rodel Jayme, ang web administrator ng MetroBalita.net, isa sa mga website kung saan unang in-upload ang video. Mapapansin na tila gustong palitawin ni Trillanes na mayroong butil ng katotohan sa mga sinasabi sa Bikoy videos. "Ang tanong dito, totoo ba o hindi yung mga akusasyon ni Bikoy? Kung totoo, eh ano ang kasalanan nitong Jayme na ito at nitong si Bikoy. Eh di wala. KASI HINDI KRIMEN ANG MAGSABI NG TOTOO," sabi ni Trillanes nang nasakote si Jayme. Ito po ang buong paliwanag ni Thinking Pinoy sa isyu. "It's clear that Trillanes, after seeing the videos, was so impressed by them that he even said they were "well-explained" and that he wished to have had a part in making them. He even gave credence to the claims as he defended Rodel Jayme's alleged involvement in the videos, saying "it's not a crime to tell the truth." After Advincula changed sides and implicated Trillanes in making the scurrilous libel that is the Bikoy Videos, he said he had nothing to do with it. A week or so later, Trillanes said he in fact met Bikoy/Advincula months before the videos' release to talk about Advincula's supposed expose, but he said he didn't give Advincula much credence because he didn't "pass the vetting process". Judging from his recent statements, Trillanes knew of the story Advincula's peddling even before the publication of the Bikoy videos. Trillanes initially said the claims appear to be well-explained and possibly truthful. But now that he's implicated, he said the claims failed the vetting process? If Advincula's claims failed Trillanes' vetting process, why would Trillanes even give the videos the benefit of the doubt (which he did)? That simply doesn't add up. I smell something rotten going on here." sabi ni Thinking Pinoy. Source: Thinking Pinoy | Inquirer | Manila Times +Pirmahan na po ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magna Carta of the Poor (Republic Act 11291) noong Abril 12, 2019. Inilibas ng Palasyo ang kopya ng batas sa publiko nitong Lunes lang. Layon ng nasabing batas na umabot sa mga mahihirap ang mga serbisyo ng gobyerno. Nais din ng batas na ma-engganyo ang mga pribadong sektor na maglaan para sa programa sa pagpapagaan ng kahirapan. Base sa ulat ng Philippine Star noong 2013, hindi daw ito pinirmahan ni dating Presidente Noynoy Aquino. Ayon sa report, namomroblema daw ang Aquino GOvernment kung saan kukunin ang pondo para sa programa. "A highly placed source told The STAR Aquino found objectionable certain rights that the poor could demand from the government, as provided under the proposed law," sabi sa ulat ng Philippine Star Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan ang mga ahensiya ng gobyerno na magarantiya ang pangangailangan ng mga mahihirap tulad ng pagkain, trabaho, mataas na kalidad ng edukasyon, tirahan at maayos na kalusugan. Ilan sa mga ahensiya ng gobyerno na makikibahagi sa pagpapatupad ng bagong batas ay ang Department of Agriculture (DA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) . Source: GMA News | Tribune | Philstar | News5 +Sa isang social media post, ikinumpara ng Amerikanong sports at political commentator na si Keith Olbermann sa basura si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay reaksyon niya sa ulat ng CNN Philippines sa kautusan ng Presidente na ibalik sa Canada ang basurang ipinadala sa Pilipinas noong panahon ng dating Administrasyon. "Wait--Duterte is shipping HIMSELF to Canada?" sabi ni Olbermann. Si Olbermaan ay kilala sa pagiging kritiko ng mga kilalang personalidad sa mundo ng politika. Ilan sa mga binatikos ni Olbermann ay ang dating Presidente ng Etados Unidos na si George Bush at ang kasalukuyang Pangulong ng Amerika na si Donald Trump. Sina Bush at Trump ay bahagi ng Republican party sa United States. Si Olbermann ay nagbigay ng donasyon sa kandidato ng Democratic Party, ang katunggaling partido ng Republican. Kamakailan lang ay nag-atas si Presidente Duterte na maghanap na ng private shipping company na magdadala ng basura patungo sa Canada at kung hindi raw ito tatanggapin ng Canada, itapon daw sa karagatan ng naturang bansa ang basura. Source: RMN | Keith Olbermann's Twitter Account +Kani-kanina lang ay tumindig sa senado si outgoing Senator Antonio Trillanes para magbigay ng privilege speech para pabulaanan ang pagsasangkot sa kanya ni Peter Joemel "Bikoy" Advincula sa mga serye ng anti-Duterte videos na lumabas nitong unang bahagi ng Abril. Ayon kay Trillanes, nagka-usap daw sila ni Advincula noong nakaraang taon. Pero hindi niya daw binigyan ng halaga ang mga pagbubunyag ni Bikoy sa kanya dahil kulang-kulang umano ang mga detalye at magulo ang pahayag nito. "Una nang inilapit sa akin ng mga pari si Bikoy August last year dahil siya daw ay papatayin ng sindikato ng illegal na droga. Pinakinggan ko siya pero nakulangan ako at naguluhan sa mga detalye kaya isinantabi ko at tuluyan nang kinalimutan ang usapang ito," pahayag ni Trillanes. Sa video na ibinahagi ng website na Politiko sa kanilang social media page, mapapanood ang talumpati ni Trillanes sa ibang Angulo. Kapansin-pansin na habang nagtatalumpati si Trillanes ay tila abala ang lahat sa paligid niya. Hindi tuloy maiwasan ng ilang netizens na magbigay ng reaksyon ukol dito. Basahin ang mga komento ng ilang kababayan natin sa mismong video ng Politiko. Source: Politiko +Matapos ang ilang taon, muling ipinagpatuloy ang kasong rebelyon ni outgoing Senator Antonio Trillanes nitong Lunes. Magugunita na ang kasong ito ay may kaugnayan sa 2007 Manila Peninsula Siege. Na-dismissed na ang nsabing kaso noon pang 2011 pero muling binuhay matapos ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya ni Trillanes nakaraang taon. Hindi dumalo sa nasabing paglilitis sa Makati Regional Trial Court Branch 15 si Trillanes pero naroon ang kanyang abogado na si Reynaldo Robles. Ayon sa ulat ng GMA News, di daw umabot ng isang oras ang proceeding. Itutuloy na lang daw ito sa Hulyo 22. Magugunitang isa si Trillanes sa nanguna sa pagmartsa ng mga sundalo patungong Manila Peninsula Hotel para ipinawagan ang pagbaba ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Ang panawagan ni Trillanes ay hindi pinansin ni Arroyo at nagpadala ito ng mga Armored Personnel Carriers sa hotel. Hindi pa natatapos ang araw ay sumuko agad ang grupo ni Trillanes. Ang pagpapawalang-bisa ni Pangulong Duterte sa amnestiya ni Trillanes ay idinulog na ng senador sa Korte Suprema. Panoorin ang ilang dokumentaryo tungkol sa 2007 Manila Peninsula Siege. Source: GMA News | Ed Lingao | leahcflor +Nagsalita na ang kilalang broadcaster na si Erwin Tulfo patungkol sa isyu kinasasangkutan ngayon ni Senador Antonio Trillanes. Magugunita na noong huling bahagi ng Abril ay lumitaw si Peter Joemel Advincula para sabihin na siya si alyas Bikoy, ang lalaki sa video series na "Ang Totoong Narco List", kung saan yinuyurak ang mga kaanak ni Pangulong DUterte sa pamamagitan ng pagdawit sa mga ito sa droga. Kahapon ay lumantad muli si alyas Bikoy pero nag iba na ang tono nito. Ayon sa pinakahuling pahayag ni alyas Bikoy, puro kasinungalingan daw ang mga pinagsasabi niya sa mga videos at ang mga may pakana daw ng videos ay ang ilang Liberal Party personalities at si Trillanes. Ayon kay Tulfo, na-karma daw si Trillanes. "Bumalik sa iyo ang mga pinagsasabi mo. Ang katarantaduh*n mo...," banat ni Tulfo. Napagdiskitahan din ni Tulfo ang sinabi ni Advincula na gumagamit daw na code name na Stella si Trillanes.. "Diyos ko po naman. Hindi ako makapaniwala na ginawang Stella ang pangalan nito. Sa dinami-dami, eh pwede namang tonyo, Bruno, Komander, pwedeng ranger o navy seal. Sa dinami-daming pangalan sa buong mundo, Stella pa ang nampili nitong si Antonio. Yan po ang code name niya sa katarantaduh*n video ni Bikoy. Siya raw ay tawaging Stella," sabi pa ni Tulfo. Isa pa sa tinalakay ni Tulfo ay ang sinabi ni Bikoy na hindi umano siya nabayaran ng P500,000 ng kampo ni Trillanes. "Alam mo Bikoy, kawawa ka naman totoy. Sinira mo na pangalan mo, kalaboso ka pa ngayon, nabukulan ka pa ng kalahating milyon. Kinahoy ang kalahating milyon ni Bikoy. Kawawa si Bikoy, nadenggoy ng mga unggoy. Kalahating miyon ay lumipad," dagdag pa ni Tulfo. Source: Erwin Tulfo +Mukhang disididong-disidido si newly-elected Senator Bong Go na malaman kung sino ang mga taong may pakana ng Bikoy videos na yumurak sa kanyang pagkatao at sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Go, dapat magsagawa ng masinsinang imbestigasyon tungkol sa isyu. "Sabi ko nga, bilog nga ang mundo. So, hantayin na lang po natin. Manangot ang dapat managot. Grabe ang pahirap niyo sa akin noong nakaraang eleksyon. Ako ay binugbog niyo talaga," banat ni Go. Naniniwala din si Go na hindi lang nag-iisa si Peter Joemel "Bikoy" Advincula noong ginawa ang mga mapanirang videos. "Hindi po kaya gawin ni PJ Advincula o Bikoy ang video na iyon. 'YAung paninirang yun, dinamay pa ang anak ni pangulong Duterte na bata. Hindi niya kayang gawin mag-isa iyon. So, sinamahan po ito ng iba't-ibang tao na talagang gustong sirain kami thru balck propaganda... Maraming involved dito at malalaking personalities ang involved dito," ani Go. Ito po ang mas komprehensibong ulat mula sa News5. Source: AMP | News5 +Sa pagsulpot muli ni Joemel Advincula sa publiko para baliktarin ang mga nauna niyang paratang laban sa Pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte, isinalaysay niya kung paano niya nakilala si Senador Antonio Trillanes. Base sa pahayag ni Advincula, sa pamamagitan ni Father Albert Alejo ay nagkaroon daw siya ng koneksyon sa kampo ni Trillanes. Nito huling bahagi ng Abril ay lumitaw sa isang press conference si Advincula para sabihin na siya si alyas Biloy, ang lalaki sa libelous online video series na naninira sa mga kaanak ni Presidente Duterte sa paraang pagdawit sa mga ito sa droga. Kaninang umaga ay sumupot muli siya sa harapan ng media at inamin na hindi totoo ang lahat ng sinabi niya laban sa Pangulong Duterte. Ang mga paninira ay gawa-gawa lang at ang mga nasa likod daw nito ay ang ilang personalidad sa Liberal party at si Trillanes. Kung pamilyar sa inyo ang pangalang Father Alejo na binanggit alyas Bikoy, ito ay dahil nasangkot na rin ito sa isyu ng panunuhol umano ng testigo noong 2017 para magsalita laban kay Pangulong Duterte. Isa sa testigo sinuhulan umano ni Father Alejo ay si Guillermina "Grace" Barrido Arcillas. Si Father Alejo din ang isa sa mga pari na nagsalita noong Marso 11, 2019 para sabihin na nakakatanggap na daw sila ng mga pagbabanta sa buhay. Ang mga pagbabanta daw ay nangyari sa ilalim ng Duterte Administration. Source: News5 | UNTV | Rappler +Hinamon ni Joemel Advincula si outgoing senator Antonio Trillanes na magharap sila ng personal para magkaalaman. "Ang maganda niyan ay magharap kaming dalawa. Kapag nagharap kami, doon makikita kung sino ba talaga ang nagsisinungaling," sabi ni Advincula. Sinagot din ni Advincula ang balak ni Trillanes na kasuhan siya. Ayon kay Advincula, handa daw siya sa mga asunto ng senador." "Wala akong problema kung kasuhan niya ako. Nakahanda ako harapin 'yung ikakaso niya," ani Advincula. Isa pa sa ibinunyag ni Advincula ay ang mga ebidensiya na hawak niya na magpapatunay umano na may kinalaman nga si Trillanes sa mga mapanirang videos laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. "Lahat ng ginawa namin noon ay may hawak akong ebidensiya na makakapagpatunay na siya ang nasa likod," dagdag pa ni alyas Bikoy. Magugunitang lumabas si Advincula sa isang press conference noong hulingbahagi ng Abril para aminin na siya si alyas Bikoy. Si Alyas Bikoy ay ang lalaking nagsasalita sa mapanirang video series na may pamagat na "Ang Totoong Narco list". Sa nasabing video series, isinasangkot ang mga kaanak ni Presidente Duterte sa kalakalan ng bawal na gamot. Kaninang umaga ay lumitaw muli si Advincula para sabihin na gawa-gawa lang ang mga paninira laban sa first family. Ikinanta din niya ang mga tao sa likod ng video. Base sa pagbubunyag ni Advincula, isa si Trillanes sa may pakana ng video. Mayroon din daw ilang personalidad mula sa Liberal Party na tumulong sa paggawa ng mga libelous na videos. Source: Philnetizen | GMA News +"Trillanes, hintayin mo rin. Baka ikaw rin ang ipatawag ko," Ganito ang naging banat ng bagong halal na senador na si Bong Go kay outgoing Senator Antonio Trillanes matapos bumaliktad si Joemel Peter Advincula. Magugunita na Si Advincla ay lumantad sa publiko upang sabihin na siya si alyas "Bikoy", ang lalaki sa video series na "Ang Totoong Narco List" na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga ito sa bentahan ng droga. Kanina ay lumantad muli si Advincula pero iba na ang tono. Ngayon ay itinuturo niya ang Liberal party at si Senador Trillanes na may pakana umano ng Bikoy videos. Ayon pa kay Advincula, nakonsensiya daw siya sa paninira sa pamilya ni Pangulong Duterte. Plano daw ni Trillanes na mailuklok sa Malacanang si Vice President Leni Robredo bago matapos ang termino nito sa senado. Matatandaang noong nakaraang taon ay ipinatawag ni Trillanes si Go sa senado dahil sa bintang na nakialam umano si Go sa multi-billion peso warship deal ng Philippine Navy. Ang mga bintang kay Go ay pinabulaanan ng opisyal ng Navy. Dinepensahan din ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. Source: ABS-CBN +Kaninang umaga lang ay sumuko sa Philippine National Police (PNP) si Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang alyas "Bikoy". Ayon kay Advincula, babayaran daw dapat umano siya ng kampo ni Senador Antonio Trillanes ng kalahating milyon para lumabas sa video series na "Ang Totoong Narco List". Ang naturang mga videos ay naglalaman ng mga paninira sa mga kaanak ni Presidente Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga ito sa kalakalan ng droga. Base sa mga pahayag ni Advincula, kasama din daw si Senadora Risa Hontiveros at ilang personalidad sa Liberal Party sa paggawa ng mga videos. Mukhang hindi naman palalampasin ng bagong halal na kongresista na si Paolo DUterte ang sitwasyon. Balak paimbestigahan ni Paolo ang mga taong sangkot sa ma mapanirang videos. "Without a doubt, as I have said before, Senator Antonio Trillanes was behind it. And now that many names have also surfaced, to include Sen. Risa Hontiveros and several lawyers, I believe a proper investigation is in order," banat ni Davao Representative-elect Paolo Duterte. Layunin daw ng mga videos na sirain ang tiwala ng publiko sa kasalukuyang gobyerno. "It was obviously designed to inspire public disgust against the government... All the lies presented were also meant to crush the trust of the Filipino people in the government and the Duterte administration," dagdag pa ni Paolo. Si Paolo at si Antonio Trillanes ay matagal ng nagkakairingan. Magugunitang ipinatawag ni Trillanes ang presidential son sa isang senate hearing para imbestigahan ito tungkol sa droga. Source: Representative Paolo Duterte | ABS-CBN +Umalma si Senador Francis "Kiko" Pangilinan matapos inguso ni Joemel Advincula ang Liberal Party at si Senador Antonio Trillanes na nasa likod umano ng mga mapanirang video series na "Ang Totoong Narco list". Magugnitang lumantad kamakailan si Advincula sa publiko para sabihin na siya si alyas "Bikoy", ang lalaking nagsasalita sa mga videos na naninira sa mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagdawit sa mga ito sa kalakalan ng droga. Ngayon ay nag-iba na ang tono ni Advincula at itinuturo na ang oposisyon ang nasa likod umano ng nasabing mga videos. Sa pagbaliktad ni Advincula, dumpensa si Pangilinan at sinisi pa ang Duterte government. "Kahit ano sasabihin ng testigo kahit kasinungalingan laban sa LP sa takot na masaktan ng Administrasyon. Wala kaming ugnayan sa video at kay Bikoy. Kasinungalingan lahat ang mga paratang na yan. Gawa-gawa lang ng Administrasyon. Laging dinadamay ang LP sa mga ouster plot na gawa-gawa lang para pagtakpan ang mga palpak at kurakot sa Administrasyon," boladas ni Pangilinan. Banat pa ni Pangilinan, paraan daw ito ng kasalukuyang gobyerno para pagtakpan ang nangyaring gusto sa Bureau of Customs kung saan tone-toneladang shabu ang naipuslit. "Hanggang ngayon wala pa rin mga drug lords at sindikato na nahuhuli o nakakukulong sa pagpuslit ng toneladang shabu sa BoC. Yan ba ang pinagtatakpan nila? Pekeng drug war? Yang mga sindikato ng droga ang dapat nilang habulin, hindi mga kritiko at mga nasa oposisyon," angal pa ni Pangilinan. Baka hindi pa nalalaman ni Pangilinan na pina-paaresto na ng korte ang mga sangkot sa shabu shipment. Base sa ulat ng ABS-CBN, naglabas na ng arrest warrant ang Manila RTC Branch 35 laban kina dating pulis Eduardo Acierto, former Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) deputy chief Ismael Fajardo, Jr., and former Customs intelligence officer Jimmy Guban. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa sinabi ni Pangilinan. "Remember Espinosa ...Parohinog ..and so many others ..arent they BIG time drug Lord," sabi ni M. Tadlas. "Nung lumutang si bikoy-LP kailangan imbistigahan yan. Nung umamin na LP may pakana, LP- Pakana ng administration yan," sabi ni R. Rosal. "The government should file a case. Put Trillanes and allies on hold departure order. If proven true, Magdalo party list should also be removed from the lower house.," sabi ni J. Andrada. Source: PTV | ABS-CBN | PTV +Sa isang pambihirang pagkakataon kanina, lumantad muli si Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang alyas "Bikoy" na nagsasalita sa video series na "Ang Totoong Narco List" kung saan idinadawit ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng droga. Sa pagharap muli ni Advincula sa publiko, ibinunyag nito na scripte o gawa-gawa lamang ang mga paninirang sinabi niya laban sa Pamilya ng Presidente at kay former SAP Bong Go. Ayon kay Advincula, ilang personalidad mula sa Liberal party at si Senador Antonio Trillanes daw ang may pakana sa nasabing mga videos. Umalma si Trillanes sa naging pahayag ni Advincula at sinabing bagong paraan daw ito ng gobyerno para gipitin ang oposisyon. "I deny the allegations made by this Bikoy character. This could be another ploy of the administration to harass the opposition," sabi ni Trillanes. Ayon kay Trillanes, kakausapin niya daw ang kanyang mga abogado para makapagsampa ng kaso laban kay Advincula. "For now, I willbe consulting with my lawyers so that we could also file the appropriate charges against him," dagdag pa ni Trillanes. Source: GMA News | News5 | PTV | PTV +Isang malaking kaganapan ang nangyari ngayon araw. Sumuko na sa otoridad si Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang si alyas "Bikoy". Ayon kay alyas Bikoy, scripted lang daw ang mga sinabi niya sa video series na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga malalapit na tao sa Presidente. Base sa pagbubunyag ni Advincula, si Senador Antonio Trillanes at ilang personalidad sa Liberal Party ang kasama sa paggawa ng mapanirang video. Isiniwalat din niya na plano daw ni Trillanes na mailuklok sa pwesto si Vice President Leni Robredo bago matapos ang termino ng senador ngayon taon. "Ilang beses kami nagpupulong (ni Trillanes), nagpa-plano upang isakatuparan ang Project Sodoma. Ang project Sodoma ay isang proyekto para pabagsakin si Presidente Duterte at ang makaupo sa posisyon ay si Vice President Leni Robredo. Hinahabol ni Senator Trillanes bago magtapos ang term niya ngayong June 30, 2019," sabi ni Advincula. Ayon kay Advincula, nasilaw daw siya sa mga ipinangako sa kanya. Ilan sa ipinangako ay pagpapardon sa mga kasalukuyang kasong kanyang kinhaharap kung sakaling masira si Presidente Duterte at maupo sa Malacanang si Robredo. Isa pa sa ipinangako daw kay Advincula ay pwesto sa gobyerno. Panoorin ang ulat ng PTV ukol dito. Ito naman po ang buong press conference ni Advincula mula sa Facebook page ng PNP. Source: PTV | PNP +Nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) si Peter Joemel "Bikoy" Advincula at inamin na gawa-gawa lang ang mga paninira sa video series na "Ang Totoong Narcolist". Ayon kay Advincula, nakokonsensiya na raw siya sa mga kasinungalingan na ibinato sa Duterte Administration. Sinabi din nito na scripted lang daw ang mga pinagsasabi sa mga naturang videos. "Siguro ito na po 'yung totoong tawag ng konsensya ko. Mahirap po mabuhay sa kasinungalingan. Napakahirap mabuhay na merong mga nagdi-direct, nagsi-script ng gagalawin mo at gagawin mo," sabi ni Advincula. Ayon kay Advincula, parte daw ng Oplan Sodoma ang mga videos na in-upload sa Youtube para siraan ang mga kaanak ni Presidente Rodrigo Duterte at si Senador Bong Go. Plinano daw ito ng siyem na buwan at ang mga nasa likod daw nito ay ilang personalidad ng oposisyon at si outgoing Senator Antonio Trillanes. "Itong kay Bikoy, para madiscredit si Senator-elect Bong Go, na wala naman talaga. Walang katotohanan lahat iyon. Pawang orchestrated lang ng Liberal Party under the handling of Senator Antonio Trillanes IV," pagbubunyag ni Advincula. Base pa sa pahayag ni Advincula, ilang beses daw sila nagplano ni Trillanes. Hinahabol daw ni Trillanes na mailuklok si Vice President Leni Robredo sa Malacanang bago magtapos ang termino ng senador sa Hunyo 30, 2019. Ilan sa mga kasinungalingan sinabi sa mapanirang video series ay ang pagsangkot sa menor de edad na anak ni Pangulong Duterte na si Veronica "Kitty" Duterte sa kalakalan ng droga. Source: ABS-CBN +Hindi nagustuhan ng makakaliwang grupong Kabataan Partylist Laguna ang pagpasa kamakailan lang ng Reserve Officers' Training Corps (ROTC) bill sa kongreso. Ayon sa grupo, gumamit daw ang Duterte regime ng taktika para ma-railroad ang pagpasa ng panukalang batas. Banat pa nila, ang ROTC daw ay sanhi ng korapsyon, hazing at pasismo. "We have - and always will - take the firm stance against Mandatory ROTC. The ROTC program historically has been a vehicle of corruption, hazing, and fascism.," boladas ng Kabataan Partylist. Angal pa ng Kabataan Partylist, makakasira daw ito sa Kabataan. "It is not only disingenious but also damaging to the nation's youth that a historically broken policy would be enacted ," banat pa ng grupo. Noong Mayo 20, inaprubahan ng kamara ang panukalang batas na mandatory (ROTC) program para sa mga grades 11 and 12 students. Umabot sa 167 ang affirmative na boto, apat naman ang kumontra. Nakasaad sa panukalang batas na requirement sa graduation ng mga estudyante sa pampubliko at pribado na sumailalim sa ROTC. Ang ROTC bill ay isa sa mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo DUterte. Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng ROTC, matuturuan nito ang mga kabataan na maging makabayan. Basahin ang reaksyon ng ilang netizren sa pagkontra ng makakaliwang partylist group sa ROTC. "These are the same people who wanted to fight head on with China but are not willing to go through training and just wants to lay pretty and depend on our government most of the time.," sabi ni R. Malinao. "Yes to mandatory ROTC no To tarantadong KABATAAN NPA PARTYLIST.. MGA BUG-K," sabi ni D. Onerom. "Siyempre ayaw niyo kasi mas dadami ang susupil sa rebellion niyo. Hahaha. Bilang na mga araw niyo NPA partylist wala na kayong mauuto.," sabi ni A. Mesa. Source: Kabataan partylist Laguna | CNN Philippines +Nabuo na ang isa sa dalawang barkong pandigma na binili ng ating bansa sa South Korea. Papangalanan ito na BRP Jose Rizal. Ayon sa ulat ng GMA News, ito daw ang pinakamalakas na warship ng ating bansa at magsisilbi daw ito para sa pagdepensa sa teritoryo ng Pilipinas. Sa 2021 naman makukumpleto ang isa pang warship at bibigyan ito ng pangalang BRP Antonio Luna. Ang BRP Jose Rizal ay ginawa ng South Korean company na Hyundai Heavy Industries at nagkakahalaga ito ng P18 bilyon. Ang kontrata sa naturang proyekto ay pinirmahan noong October 24, 2016 ng Philippine's Department of National Defense, Philippine Navy high command officials, Hyundai Heavy Industries executives, at ng South Korean ambassador to the Philippines sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila. Ilan sa mga malupit na armas ng barko ay ang 76 milimeter main gun at 30 calibre remote-controlled gun. Mayroon din itong anti-ship system, anti-aircraft missiles, sonar systems at torpedo. Mayroon din itong Command Management System (CMS) na nagsisilbing utak ng warships. Ang CMS ay gawa ng hanwha systems. Ang BRP Jose Rizal ay parte ng Frigate Acquisition Project ng Department of National Defense noong 2013. "The forthcoming frigate that we will going to launch is the most advanced and the most powerful weapon system that not only the navy has but also the entire Armed Forces of the Philippines (AFP)," pahayag ni Philippine Navy PIO Chief Captain Jonathan Zata. Magugunitang may ilang media na nag-ulat na nangialam daw si noo'y Special Assistant to the President Bong Go sa pagbili ng warship. Pero ang akusasyon kay Go ay pinabulaanan mismo ng opisyal ng navy. Dinepensahan din ni Pangulong Duterte si Go sa mga bintang dito. Source: GMA | Wikipedia | INQ | GMA +Kahapon ay binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing senator Antonio Trillanes matapos pumutok ang balita ng pagbaliktad ni Peter Joemel "Bikoy" Advincula na ngayo'y itinuturo si Trillanes bilang may pakana ng video series na naninira sa pamilya DUterte. "Anong ginawa mo? Binaboy mo ang Senado. And you use that power to run after people... This time, si Bikoy naman ang source mo. Henyo ka talaga, Duts," banat ng Pangulong Duterte. Ngayong araw ay bumoladas naman si Trillanes laban sa Presidente ng Pilipinas. Para kay Trillanes, palpak daw ang Pangulo. "Ayan ka na naman. Hindi ka pa nga nakakabawi sa kapalpakan mo dun sa inimbento mong offshore bank accounts na bintang mo sa akin, pati na rin dun sa mga sinabi mo laban sa Nanay ko, tapos may bago ka na namang bintang," boladas ni Trillanes. Kinutya niya pa ni Trillanes si Pangulong Duterte dahil si Bikoy daw ang napiling source ng Presidente. "This time, si Bikoy naman ang source mo. Henyo ka talaga, Duts," dagdag pa ni Trillanes. Ang boladas ni Trillanes laban sa Presidente at kay alyas Bikoy ay tila iba ang tono laban sa pahayag niya noong Abril 5. Magugunitang pinuri ni Trillanes ang mga Bikoy videos noong unang lumabas ang mga ito. "First of all, let me congratulate the people behind the videos that linked the Duterte family to illegal drugs! The accusations of the witness were very serious, quite pointed and well-explained," sabi ni Trillanes noong unang lumabas ang mga Bikoy videos. Source: GMA News | Antonio Trillanes | ABS-CBN +Ayon sa source ng politics.com.ph, papalit daw bilang pinuno ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang beteranong broadcaster na si Erwin Tulfo. Ang kasalukuyan naman na kalihim ng PCOO na si Martin Andanar ay itatalaga raw bilang political adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Tulfo ay kilala bilang masugid na taga-suporta at tagapagtanggol ng Duterte Administration. Binibira din nito ang patutsada ng taga-oposisyon, lalo na si outgoing senator Antono Trillanes. Sa isang panayam sa media, sinabi ni Andanar na pasok para sa kanya si Tulfo bilang bagong kalihim ng PCOO pero kailangan pa raw niyang maka-usap si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa ugong-ugong na pag-appoint kay Tulfo sa PCOO. "We've been good friend and I see the capacity of Erwin to run an office like Presidential Communications Operations Office. I think he is qualified to be the next press secretary, if you ask me," sabi ni Andanar. (Lumaktaw sa 18:34 na bahagi ng video para mapakinggan agad ang komento ni Secretary Andanar) Source: Politiko | Presidential Communications +Sa July pa uupo bilang senador ang bagong halal na si Bong Go pero maymahiwagang mensahe na ito kay outgoing Senator Antonio Trillanes. Base sa ulat ng PTV, hinihintay na raw ng dating Special Assistant to the President, ang subpoena laban kay Trillanes. Papaimbestigahan din daw si Trillanes kaugnay sa naging pagbubunyag ni Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang alyas Bikoy. Kahapon ay isiniwalat ni Advincula na si Trillanes ang isa sa mga taong may pakana ng mapanirang video series na "Ang Totoong Narco List" kung saan isinasangkot ang mga kaanak ng Presidente ng Pilipinas sa droga. Naniniwala si Go na dating ng may masamang balak si Trillanes laban sa Duterte Administration. Basahin ang reaksyon ng ilang netizens sa balita ng PTV. "Oh how I love this!!!! When the tide turns! Humanda ka na ngayon Trillanes!!! Lintik lang daw ang walang ganti," sabi ni A. Manahan. "Bilog ang bola Trillanes kaya ikaw naman gigisahin sa Senado ni Sen.Bong Go assisted by Congressman Paolo Duterte at sigurado PRA kanang asong ulol nito," sabi ni L. Dino. "Parang palabas s sine ito mr trillanes dhil nuon ikaw ang bida ngayon ikaw nman ang kontrabida. Ito ang gusto mpanuod ng taong bayan nsi senator bong go nman ang magtanong syo," sabi ni C. Enriquez. Source: PTV +Halatang nainis si Philippine National Police Chief Oscar Abbayalde sa paraan ng pagtatanong ng isang reporter sa press conference ng PNP kahapon kung saan lumantad si Peter Joemel "Bikoy" Advincula para ituro kung sino ang mga taong nasa likod ng paggawa ng mapanirang video series na yumuyurak sa pagkatao ng mga kaanak ni Pangulong Rodrigo DUterte sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga ito sa kalakalan ng bawal na gamot. Sinubukan ikumpara ng mamamahayag ang paglantad ni Advincula sa pasilidad ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa press conference na ginawa sa Head Quarters ng PNP sa Camp Crame. Sinabi pa ng reporter kay Albayalde ang naging pahayag ni Solicitor General Jose Calida sa IBP na maging "apolitical" at huwag ipagamit ang pasilidad ng organisasyon para sa mga political propaganda. Ang mga pinagsasabi ng reporter ay agad sinagot ni Albayalde. "What is political on this?! Tell me! Ang nagsalita dun, hindi kami. We are a police officer! He's asking for a custody! Nag surrender po siya sa amin! This is not a political exercise! This is part of freedom of speech of anybody! This is part of democracy," Banat pa ni Albayalde, iimbestigahan pa rin daw nila si Advincula. "Siya po ang nagsabi non, hindi kami. So let him prove his statements.. that is part of his statement, not ours. Wala kaming sinasabi sa kanya at hindi namin siya tinuruan whatsoever, unlike nung sinabi niya na tinuruan siya before," resbak ng pinuno ng kapulisan. Kung sakaling burahin ng uploader ang video, ito po ang full video mula mismo sa PNP. Kung gusto niyo agad mapakinggan ang banat ni PNP Chief Albayalde, lumaktaw lang sa 15:23 parte ng video. Source: PNP +Ilang araw bago lumantad si Joemel"Bikoy" Advincula at ituro si Senador Antonio Trillanes at ilang personalidad ng Liberal Party na may pakana sa mapanirang video series na "Ang Totoong Narco List" kung saan isinasangkot ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng droga, naglabas ng pahayag si Trillanes sa kanyang social media account. Ayon kay Trillanes, dapat daw magka-isa ang mga oposisyon sa pamumuno ni Vice President Leni Robredo. Inilarawan pa niya si Robredo na isang lider na may kakayanan at matalino. "We must unite and consolidate the opposition under Vice President Leni Robredo. She is not only a charismatic, intelligent, strong and very capable leader," boladas ni Trillanes. Para kay Trillanes, si Pangulong Duterte daw ay kabaligtaran ni Robredo. Tinawag pa niya ang Presidente ng Pilipinas na isang imoral. "(Robredo) is polar opposite of the immoral and amoral Duterte," banat ni Trillanes. Sa paglantad ni alyas Bikoy kahapon, sinabi nito na plano daw ni Trillanes na mailuklok sa Malacanang si Vice President Leni Robredo bago matapos ang termino ng senador. Source: Antonio "Sonny" Trillanes IV | PTV +Ilang oras matapos lumantad muli sa publiko si alyas Bikoy para bumaliktad at ituro si Senador Antonio Trillanes at Liberal party na utak umano sa mapanirang "Ang Totoong Narco List" video series na isinasangkot ang kapamilya ni Presidente DUterte sa droga, nagsalita na ang Pangulo laban kay Trillanes sa isang pagtitipon. "Pinaaral kayo sa Philippine Military Academy (PMA). Medyas, sapatos, t-shirt, pagkain ay gastos ng tao. Then you stage a mutiny. Ang because the president was so unpopular, nanalo itong si Trillanes. Anong ginawa mo? Binaboy mo ang senado. You use that power to ran after people. Hindi alam ng mga sundalo na marami kang kotse at properties na nakalista sa ibang tao. Ikaw 'yung number one na gumamit ng DAP," banat ni Pangulong Duterte. Pagbubunyag pa ng Pangulong Duterte, marami daw ari-arian si Trillanes na ipinangalan sa ibang tao. "Hindi alam ng mga sundalo na marami kang kotse at properties na nakalista sa ibang tao. Ikaw 'yung number one na gumamit ng dummies. Lalabas din iyan," pagsisiwalat ng Presidente. "Walang-hiya ka at hindi ka lalake," dagdag pa ng Pangulo. Source: ABS-CBN +Isa si Senadora Risa Hontiveros sa mga personalidad mula sa oposisyon na nagbigay ng pahayag nang unang lumabas ang mapanirang videos series na may pamagat na "Ang Totoong Narco List". Sa naturang mga videos, nagsasalita ang isang alyas Bikoy at idinadawit ang mga kaanak ni Presidente Duterte sa kalakalan ng droga. Base sa pahayag ni Hontiveros noong Abril 5, hindi raw dapat balewalain ang mga sinabi sa mga videos at susuporthan daw niya ang imbestigasyon sa bawal na gamot. "I fully support the move to reopen the hearing on illegal drugs, especially in light of these videos. The videos presented disturbing documents and data trail that cannot be ignored," boladas ni Hontiveros. Kahapon ay lumantad si Joemel Advincula, ang lalaking nagpapakilalang alyas Bikoy. Ibunyag niya na ang mapanirang videos ay gawa-gawa lamang. Itinuro niya rin na si Senador Antonio Trillanes at ilang personalidad mula sa Liberal Party ang sangkot sa paggawa ng mga videos. Binanggit niya rin ang pangalan ni Hontiveros. Matapos ang presscon ni Bikoy, naglabas muli si Hontiveros ng pahayag. Ngayon naman ay para dumipensa naman sa mga sinasabi ni alyas Bikoy at sinisi pa ang Malacanang sa isyu. "This is fanciful and another attempt by this administration to distract the public. Just like the President's matrices, it is another product of Malacanang's wild imagination," sabi ni Hontiveros. Panoorin ang press conference ni alyas Bikoy. Kapansin-pansin na wala siyang binabasang script at pinayagang magtanong ang mga media sa kanya. Source: INQUIRER | ABS-CBN +Kahapon ay naglabas ng pahayag ang mang-aawit at taga-suporta ni Pangulong DRodrigo Duterte na si Jimmy Bondoc patungkol sa pananabik niyang makita na magsarado ang isang malaking istasyon ng telebisyon. Ayon kay Bondoc, slanted ang mga ibinabalita ng istasyon at tumatanggap pa daw ng bayad ang istasyon para i-slant ang balita. Pati daw ang mga pa-contest ay niluluto din. Hindi rin pinalagpas ni Bondoc ang mga isyu ng sexual allegation sa mga empleyado ng naturang network. Hindi man pinangalanan ni Bondoc ang naturang himpilan pero ilang beses nang sinabi ni Pangulong Duterte na balak niyang harangin ang franchise renewal ng ABS-CBN. Ayon sa Pangulo, dinispalko daw ng ABS-CBN ang pinampayad niya sa campaign ads noong 2016 at malisyoso din daw angparaan ng pagbabalita ng ABS-CBN. Ito po ang buong pahayag ni Bondoc. Ang pahayag na ito ni Bondoc ay nag-trending. Sa katunayan, pumalo sa lagpas walong libo ang nagbahagi nito. Ilang personalidad din ang nag-react sa banat ni Bondoc at ang isa dito ay ang talent ng ABS-CBN na si Angel Locsin. Ayon kay Locsin, isang kasamaan daw na maging masaya habang maraming ang mawawalan ng trabaho. "The network might not be perfect but for you to be happy about thousands of people losing their jobs is pure evil." resbak ni Locsin. Si Locsin ay kaanak ni leftist personality at talunang senatorial aspirant na si Neri Colmenares. Si Colmenares ay isa sa mga kritiko ni Pangulong Duterte. Ang patutsada ni Locsin ay sinagot naman ni Bondoc sa pamamagitan ng isang Facebok video. Ito pa po ang buwelta ni Bondoc sa hiwalay pang social media post. "Why would I be happy for loss of jobs? That is a false assumption. Kayo po ang nag-generalize, hindi ako. When a network (any network) closes, it can mean a change of management or ownership. Ibig po sabihin, deserving employees would probably be retained. Therefore, there is nothing in my post that connotes happiness over the termination of employees, but rather, the termination of the network's system. let me ask: if u acknowledge the imperfection of the network, do you have any comments on the acquisition of ownership by its current owners in light of the allegations that it was transferred to them to the disadvantage of the government?" banat ni Bondoc. Source: Jimmy Bondoc | Philstar | Mindavote +Sa botong 15-0, inaprubahan na ng senado ang sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na "An Act Strengthening Workers Right to Security of Tenure". Noong nakaraang taon ay sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na "urgent" ang naturang panukalang batas. Layunin ng nasabing bill na wakasan na ang kontraktuwalisasyon. Ayon sa Pangulo, ang contractualization daw ang dahilan kung may naghihirap sa ating bansa at marami ang walang trabaho. "It is now certified urgent by the President, in line with his promise to put an end to endo (end of contract)," sabi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pagkakapasa ng nasabing panukalang batas sa senado. "Thank you for staying true to your promise Mr. PRESIDENT! This may have been authored by another person but the political will to move and take action is from your leadership!" sabi ni A. Capistrano. "Mag iisip na naman ang mga RALLYISTA kng anu isisigaw nila sa kalsada," sabi ni A. Abelarde. "alright o ayan mga welgistang mang gagawa sinunog nyo pa mukha ni dady digong masaya n kayo," sabi ni K. Tomie. "Ang Dami Palang mga Ganitong magagandang Batas na Dapat aprubahan at kayang gawin bakit ngaun lang lahat na aprubahan, kung naisip agad ng mga nkaraang admin at senador ang mga ganitong batas sana marami ng natulungan mga kababayan ntin...sana noon pa lang ginawa na.. Salamat s gumagawa ng magagandang batas n mga kababayan ntin ang makikinabang at Salamat President Duterte," sabi ni C. Fabellar. Source: GMA | CNN Philippines | Philstar +Nangako si incoming Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na papayagan niyang ipagpatuloy ng mga kababayan nating tindero sa bangketa at kalsada ang kanilang paghahanapbuhay sa ilalim ng kanyang administrasyon sa lungsod ng Maynila kapalit ang isang kondisyon: sumunod sa batas at kaayusan ang mga ito. "Papayagan ko silang magbenta. Wala akong problema sa naghahanapbuhay. Live and let live principle but I cannot allow tyranny and anarchy in the streets of Manila," saad ng 44-anyos na incoming Mayor. Binigyang-diin din ni Isko ang aniya'y nararapat lang na mahigpit na pagsunod sa kaayusan at sa umiiral na batas ng bawat isa, bilang mga sibilisadong mamamayan. "In a civilized world, civilized time, we have to be guided by law and order. Ibig sabihin, 'sabi ko dito ka lang, diyan ka lang," ani Domagoso. Parehong trato raw at patakaran ang susundin maging ng mga hindi lokal na taga-Maynila na nagtatrabaho rin sa lungsod. "Kayo namang mga hindi taga-Maynila na hinikayat ng mga enterprising individual ng city hall, sumunod kayo. Nakakaawa naman na mga taga-Maynila pa 'yung nakikisama. 'Yun ang mawawalan?" wika pa ni Isko. Samantala, tinalakay din ni Isko ang aniya'y kasalukuyang sitwasyon sa Divisoria at Recto, kung saan karamihan sa mga sidewalk vendors ay inookupa na ang buong kalsada, na nagdudulot ng buhul-buhol at masikip na daloy ng trapiko sa lugar. Ang resulta, nagka-cutting trip ang mga drayber ng pampasaherong dyip kaya't naoobliga ang mga pasahero na lumakad nang malayo patungo sa kanilang dapat na destinasyon. Muli niyang pinaalalahanan ang mga tindero, gayundin ang mga drayber kaugnay ng nasabing isyu. "Ang nangyayari for the past six years mula Cubao papuntang Divisoria, kakanan ng Abad Santos, umiikot, nagka-cutting trip. Tapos babalik ng Recto. Oh ibig sabihin 'yung mga matatanda naman na sasakay ng Juan Luna, Tondo, maglalakad simula Abad Santos hanggang Juan Luna, Recto. Oh 'di una cutting trip na 'yung dyip," ani Domagoso. "I will not allow it. I'ts either you go to your houses or you go to your city. You're not welcome in Manila if you will not follow this rule. It was given to you as a privilege, given to you by state, the franchise. You're not following it for certain reason dahil may hinihingi sa'yo ang mga taga-MTPB (Manila Traffic and Parking Bureau)," saad pa ng newly-proclaimed Manila Mayor. Source: Manila Bulletin +Hindi basta pinapasok si Former Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Hong Kong matapos ito harangin ng mga immigration officials ng nasabing bansa. Nagpunta si Morales sa Hong Kong upang magbakasyon sana. "Why would the HK Chinese detain a 78-year-old former anti-corruption Ombudswoman as a security threat in HK-China? ... She has committed no crime. She's only exercised her democratic rights as a Filipino citizen!" sabi ng abogado ni Morales na si Attorney Anne Marie Corominas. Magugunita na si Morales at former Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, mga appointee ni dating Presidente Noynoy aquino, ay naghain ng reklamo laban kay Chinese President XI Jinping sa International Criminal Court. Ang Hong Kong ay parte na ng China. Hindi naman nagustuhan ni Liiberal Party Senator Kiko Pangilinan ang pagpapa-deport kay Morales sa Hong Kong. Si Morales ay isa sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa nangyari kay Morales. "Mga galit sa china nag babakasyon naman sa hk. Hahahhah!" sabi ni S. Parayno. "demanda mo ba naman ang China sa ICC e ano expect mo papayagan ka pumasok sa bansa nila? nakakalimutan ata ni Atty. Conchita Morales na hindi na under British Government ang Hongkong," sabi ni E. Corpuz. "Nawala sa isip nya na si Xi Jinping ang Presidente ng HK at part ito ng One Country Two Systems ng China. Ang dami kasing galit sa China pero mahilig naman mag travel sa HK.," sabi ni Balcueva. Source: GMA News | ABS-CBN | PTV +"ANAK NG GARAPATA NAMAN!!!" Hindi na nakapagtimpi ang beteranong radio anchor na si Erwin Tulfo sa mga umaatungal sa naging resulta ng eleksyon. Ayon kay Tulfo, porke hindi nanalo ang mga pambato ng mga taong ito ay may dayaan agad. "Porket hindi ninyo napakyaw ang Top 10 ng partylist, MAY DAYA NA??? Porke ba na ZERO ang OTSO DERETSO may dayaan na???" resbak ni Tulfo. Banat pa ni Tulfo, sawa na raw ang taumbayan sa mga pinaggagawa ng mga nasabing pangkat ng tao. "Bakit di ninyo tignan na baka sawa na ang taumbayan sa pambobola ninyo at pasigaw-sigaw sa kalye pero wala namang nangyayari sa Pilipinas???" buwelta pa ng prominenteng radio anchor. Kalakip ng social media post ni Tulfo ay ang larawan ng rally ng makakaliwang grupo na Kabataan Partylist. Ang partylist na ACT-CIS na inindorso ni Tulfo ay nananatiling nangunguna sa pinakahuling tala ng COMELEC (May 20, 2019, 7:00 PM). Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging pahayag ni Tulfo. " We hindi nga bakit nuong panahon na election nuong 2016 nang daya c leni robredo hindi kayo nagrarally ah bakit ngayon lang kc talo lahat ng otso dertso sa impyerno,,hahaha," sabi ni L. Saludes. "Hahaha...galit cla kc wlang pasok s otso dritso..lahat dritso s inodoro.... Hnd na malinlang ang taong bayan..Kaya manahimik na kau antayin nalang ang death penalty para pagbabago ng ating bayan.....," sabi ni S. Shy. "WALANG NAGING DAYAAN YAN ANG GINUSTO NG TAONG BAYAN TANGGAPIN NYO ANG KATOTOHANAN," sabi ni R. Santos. Source: Erwin Tulfo +Saktong-sakto ang pagkakagawa ng 17 bagong school buildings bago ang pasukan ng mga basic education learners sa susunod na buwan. Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways' (DPWH) engineering office ng Leyte ang pagpapagawa ng mga naturang imprastruktura. Ang mga naturang school buildings ay matatagpuan sa mga campuses ng Pinamopoan Senior High School (SHS), Mariano National High School (NHS), at Asuncion Melgar NHS sa Capoocan town; Patoc NHS sa Dagami; Barugo Central School I at Barugo NHS sa Barugo, Leyte; at Agapito Amado NHS sa Jaro, Leyte. Ang mga school buildings ay kumpleto ng pasilidad tulad ng mga palikuran at mga emergency exits para sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at mga guro. Kaya din daw labanan ng mga naturang gussali ang mga malalakas na bagyo at lindol. Ang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng PHP371.39-million Basic Educational Facilities Fund (BEFF) ng Department of Education (DepEd). ANg BEFF ay taunang pondo ng DepEd para sa mga pagpapagawa ng mga gusaling paaralan. Ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin ang balitang ito. Basahin ang kanilang mga reaksyon. "More news like this pls!!! Nakaka good vibes, nakakawala ng lagnat!!! Kudos to the persons behind these projects.!!! God Bless po!!" sabi ni R. Solomon. " I'm proud taga Leyte ako, god bless our beloved president duterte ," sabi niM. Pitcher. "again ikaw talaga Idol abuso kana nakakadami ka na ng very good pero slamat po ikaw na congrats," sabi ni F. Fely. Source: PTV | Flying Ketchup +Para sa opinyon ng nakakulong na senadora na si Leila De Lima, talo daw ang Pilipino dahil hindi maluloklok sa puwesto ang mga kandidato ng oposisyon na kilala sa tawag na "Otso Diretso". "They may have won no seats, but that is not their loss. It is our loss," boladas ni De Lima. Ayon kay De Lima, pagkakataon na raw sana ng mga Pilipino na makapaghalal ng matatapang at mahabaging mga kandidato pero tinanggihan daw ito ng mga tao. "We had a chance to elect brave, competent, independent-minded and compassionate people, who understood and were committed to the true meaning of 'public service', but we, as a nation, turned their offer down," banat ng senadora. Kahit na napakasakit daw ng pagkatalo ng mga pambato ng oposisyon, kailangan daw ituloy ang laban. "This fight is perhaps the most important fight of our entire history as a nation. We are fighting for our future, our children's future. We are fighting for our soul as a nation," ani De Lima. Sa pinakahuling tala ng Commission on Election, wala ni-isa sa mga pambato ng Otso Diretso ang nakapasok sa Top 12. Si Bam Aquino lang ang panaka-nakang nakakalapit sa magic 12 sa mga partial results. Inaasahan naman na may maipo-proklama ng mga senador at partylist ang COMELEC ngayong araw. Source: ABS-CBN | News5 +Sa isang panayam, sinabi ng dalawang dating mambabatas na kulang daw ang edukasyon ng mga Pilipino pagdating sa pagboto. Ito raw ay makikita sa resulta ng eleksyon. Pero ayon kay former Bayan Muna Neri Colmenares, hindi daw totoo ang terminong "bobotante". "The people should not be blamed for the [skewed] results here. It's the system that really compromised the election," sabi ni Colmenares Kahit wala na serbisyo publiko ay ipagpapatuloy daw niya ang pagsulong sa electoral reform. "I will continue to advocate for electoral reforms, but more than that, societal reforms para sa ikabubuti ng ating bayan," ani Colmenares. Sinegundahan naman ni Otso Diretso candidate Erin Tanada ang mga pinagsasabi ni Colmenares. "The problem here really is not the people who voted. It's understanding [and] reaching out to them to tell them how important the votes they are going to cast... I think theres a need to go reach out and organize people that this vote is not just about voting for the popular. [It's not about] voting for those who can dance," banat ni Tanada. Ayon sa ulat ng News5, si Colmenares ay nananatili sa ika-24 na puwesto sa nagdaang halalan habang si Tanada naman ay nasa ika-27. Source: News5 +Susuportahan ng bagong halal na alkalde ng Pasig City na si Vico Sotto ang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa programang Headstar ng ANC, sinabi ni Sotto na suportado niya ang kampanya kontra-droga ng Presidente. "Kung ano man iyung (whatever the) programs, especially sa anti-drugs ng President Duterte, we will support it. We don't need to be in the same party necessarily," sabi ni Mayor Sotto. Nais din daw niyang manatili sa kanyang lokal na partido (Aksyon Demokratiko) para magpagtuunan ang syudad ng Pasig. "I think I'll stay with my party. I'd rather be in a small party... Tahimik lang (it's just quiet), focus on our local government," sabi ni Mayor Sotto. Si Mayor Vico ay anak ni Eat Bulaga host Vic Sotto at ng aktres na si Connie Reyes. Magugunita na bago ang Mayo 13 na halalan ay binisita ni Pangulong Duterte ang syudad ng Pasig at binanatan ang isang alkalde na hindi nito pinagalanan. Ayon kay Pasig Representative-elect Roman Romulo, napakalaking tulong daw ang naging pahayag ni Presidente Duterte at "big factor" daw ito sa kampanya ni Sotto. "You needed someone to say don't get scared," sabi ni Pasig Representative Romulo. Source: ABS-CBN +Hindi nagustuhan ng aktor na si Dingdong Dantes ang paraan ni dating National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema para maging representative ng Duterte Youth sa kongreso. Napaulat kamakailan lang na naghain si Cardema ng petisyon para maging substitute representative ng grupo sa kamara. Ayon kay Dantes, tila na-railroad daw ang proseso. "Clearly, if the petition will be granted, parang na-railroad ang democratic process of choosing the rightful representative. I think we all agree that the young people should never be disenfranchised, especially in governance. But with the country's Youth Chief getting into this? Teka lang," boladas ni Dantes. Para kay Dantes, baka nagkaroon daw ng unfair advantage si Cardema noong kampanya. "Kung may balak siyang maging congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag-resign siya bilang NYC Chairman. Pwede bang nagising na lang siya isang araw at nag-decide na trip niya? Maaari kasing nagamit ang ahensiya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya." dagdag pa ni Dantes. Si Dantes ay dating Commissioner-at-large ng NYC noong panahon ni dating Presidente Noynoy Aquino. Supporter din siya ni Chel Diokno, kandidato ng opisisyon. Si Cardema naman ay isa sa mga masugid na taga-suporta at tagapagtanggol ng Duterte Administration. Basahin ang komento at reaksyon ng ilang kababayan natin sa banat ni Dantes kay Cardema. "kung natuloy to nagkandidato sa pagkasenador,Deritsu rin to si dingdong e flush sa inidoro," sabi ni W. Garcia. "kawawang dingdong filing sikat. inindorso pa mga salot na otso. pero di umubra ," sabi ni K. Saquing. "hindi nga namin alam na nasa NYc ka dati tapos ngayon nag iingay ka hahahaha oh please stop this your tickling us..." sabi ni E. Solayao. Panoorin kung paano pinagtanggol ni Cardema ang gobyerno laban sa mga oposisyon. Source: News5 +"Alam niyo, ang President, kapag hindi niyo nakikita, nagtatrabaho 'yun. Ayaw naiistorbo nun." Ganito ang ilan sa mga naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang press conference, kaugnay ng pagtatanong ng taumbayan kung bakit hindi nila madalas makita si Pangulong Duterte sa publiko nitong mga nakakaraang araw. Matatandaang ang huling public appearance ni Pangulong Duterte ay nitong nakaraang May 13, 2019 Elections sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Barangay Martina, Davao City kung saan siya bumoto. "Kasi 'pag nasa labas siya ang daming gustong makipag-usap sa kanya, eh napakabait naman niyang tao, hindi naman tumatanggi, so 'yung focus niya dun sa kanyang signing papers, reading documents, reading memo, hindi niya magawa kaya siguro he decides to stay put," saad ni Panelo. Ayon pa kay Panelo, dumating ang Presidente sa Maynila noong nakaraang Biyernes at dumiretso umano ito sa Bahay Pagbabago sa Malacanang Complex. "Ang alam ko lang, Friday nandito na siya. Parang sinabi ata the day after the election na nagpapahinga siya," dagdag pa ng Tagpagsalita ng Palasyo. "He's strong, the voice is strong. Tumatawa pa nga eh. Makikita niyo siguro siya mamaya kung may activities siya mamaya," wika ni Panelo. Nauna nang ipinaliwanag ni Panelo na hindi umano itinuturing na seryosong bagay ni Pangulong Duterte ang ilang kumakalat na balita ukol sa kalusugan nito, kung saan usap-usapan na dinala umano ang Presidente sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan. "Sabi niya, 'I neither confirm nor deny'. You draw your own conclusions. 'Di na akonag-ano kasi palagi naman 'yun ang sinasabi niya 'pag may lumalabas na ganoon," ani Panelo. "In other words, para sa kanya, it's not a serious matter kasi kung serious 'yun, he always tells the public about it," dagdag pa ni Panelo. "Let me assure the nation that if there is anything wrong with the President's health serious enough to be of our concern, he will tell us and he said so himself. 'Di ba he tells you 'pag meron siyang.. kung nagpunta siya, nagpatingin siya ng ganito. Para sa kanya settled na 'yun. Nakikita niyo naman 'yung ayos niya. Nakita niyo nang walang nangyari sa kanya. In other words, hindi siguro importante 'yung bagay na pinagtsi- tsismisan siya," saad pa ni Panelo. Source: GMA News GMA News +Bagong 6 na PNR Stations, Sisimulan ng Gawin Ngayong Araw ng Gobyerno! Tuloy-tuloy ang mga proyekto sa "Build. Build. Build." project ng Duterte Government. Sisimulan na ngayong araw ang konstruksyon ng bagong 6 na istasyon ng Philippine National Railways (PNR). Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga istasyon na gagawin ay Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao and Bocaue na bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project. "The six stations will be built following the signing of the contract for the civil works of the PNR Clark Phase 1," sabi ng DOTr. Inaasahang maseserbisyuhan ng naturang proyekto ang tinatayang 340,000 na pasahero kada araw pag nagsimula na ang operasyon nito sa 2021. Umaasa din ang DOTr na mababawasan ang oras ng pagbiyahe mula Bulacan hanggang Maynila. Kung dati ay umaabot ng isa't kalahating oras ang biyahe, iikli daw ito ng 35 minuto. "Mas magiging mabilis at maginhawa rin ang biyahe mula at patungong Bulacan dahil ang kasalukuyang travel time na 1.5 ORAS ay magiging 35 MINUTO na lang.," ayon sa social media post ng DOTr. (Lumaktaw sa ika-35 minuto ng video para mapakinggan agad ang talumpati ni DOTr Secretary Arthur Tugade patungkol sa PNR project.) Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa isinusulong na proyekto ng Duterte Government. "Kita mo nga nmn kapag tapat lang tlga ang mga namuno sa gobyerno ang dami daming nagagawa. God bless the President!" sabi ni D. Tan. "Wow, tuloy tuloy lang ang pagawa, tulong sa mangagawang at sa mananakay na Pilipino. The time has come," sabi ni T. Lorenzo. " TATAK TUGADE TATAK DUTERTE.. Good job DOTR... Na way gabayan Kyo NG ating DIOS Ama... Mabuhay ang sambayanang Filipino....," R. Abacahin. Source: DOTr | PNA +Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol ang napipintong pag-angkat ng bansang Singapore ng mga pagkain sa Pilipinas. Nagpa-abot ng mensahe si Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong sa kalihim na balak ng Singapore na mag-import ng mga pagkain sa ating bansa. Base sa ulat na ibinahagi ni Secretary Pinol, karne, itlog at mga gulay ang mga produktong aangkatin ng Singapore mula saPilipinas.. Ikinalugod naman ng ilang kababayan natin ang pagnanais ng Singapore na umangkat ng mga produkto mula Pilipinas. "Good thank you Singaporeans for helping our country Philippines to export their farm products. Hoping it help a lots for our country economy especially for the farmers,"sabi ni C. Capistrano. "Good News for Our beloved Farmers to uplift their Life living. Congratulations to Sir Manny Pinole for giving full support to Our Beloved farmers makes Our Beloved country Philippines great,"sabi ni R. Badi. "Good news to pra sa mga farmers kc halos ung kramihan inaangkat ng singapore mga produktong gulay galing vietnam, indonesia, thailand, Malaysia, Australia, china,, kahit nga ung for export na mangga natin ay wala kang makikita sa singapore,"sabi ni A. Dimalanta. Source: Secretary Pinol | PTV +Matapos umugong ang balita kaugnay ng naging resulta ng isinagawang pagsasaliksik ng Department of Science and Technology, kung saan 15 umano mula sa 18 brands ng suka ang gumagamit ng artipisyal na pampaasim o synthetic acetic acid, idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang paglulunsad ng "Natural Vinegar Production Program" sa darating na ika-28 ng Mayo, 2019. Sa ilalim ng nasabing programa, maglilibot sa iba't ibang panig ng bansa ang DA katuwang ang Philippine Coconut Authority (PCA) upang magturo sa publiko at sa mga magsasaka ng wastong paraan ng paggawa ng ligtas na suka. Kasabay nito, isang buong araw din na Orientation- Workshop ang isasagawa sa Agricultural Training Institute (ATI) sa Quezon City. Ayon kay Agriculture Secretary Manny Pinol, magiging kapaki-pakinabang ang nasabing programa hindi lamang para sa mga kababayan nating magsasaka na maaaring madagdagan ang kita, kundi pati na rin sa consumers dahil sa pamamagitan nito ay makasisiguro na ang mga mamimili na hindi gawang synthetic acetic acid ang sukang kanilang bibilhin at gagamitin. "The DA will now go all over the country with PCA, at magtuturo kami kung papaano gumawa ng suka sa pamamagitan ng paggamit ng tubig ng niyog. At kung kinakailangan ng special equipment pati bottling, pagbobote, ay tutulong kami, para 'yung ating mga magsasaka ng niyog ay makikinabang sa paggawa ng sukat na ito at maibenta natin sa palengke. 'Yung atin namang consumers, ay wala nang kakaba-kaba, na bibili sila ng suka, na siguradong galing sa niyog," saad ni Pinol. Bagama't nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na wala umanong dapat ipangamba ang publiko sa paggamit ng mga sukang may acetic acid na nabibili sa mga pangunahing merkado dahil mababa lamang umano ang konsentrasyon ng mga ito at makasasama lamang sa kalusugan kung sobrang taas, hindi pa rin kumbinsido si Pinolkung bakit hindi umano ito kaagad ipinaalam sa publiko. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Food and Drugs Authority (FDA) sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) upang isumite ang mga resulta ng nauna na nilang pag-aaral sa mga nasabing ilang produkto ng suka na gumagamit ng synthetic acetic acid. Source: DZRH News Television Secretary Manny Pinol Facebook Page +Pumalo na raw ng lagpas 1,700,000 plaka ng sasakyan ang nagawa ng IDeRobot, ang plate-making robot ng gobyerno. Ayon kay Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante, balak daw ng ahensiya ng bumili pa ng ikalawang IDeROBOT para sa nakaambang pagpapatupad ng "doble plaka" law. Ang isang IDeROBOT ay kayang gumawa ng 700 na plaka kada oras at makakatulong ito ng husto sa paggawa ng mas maraming plaka bago maipatupad ang batas. Ibinahagi naman ni Department of Transportation Asec. for Communications Goddes Hope Libiran kung paano gumagana ang IDeROBOT sa kanyang social media account. "Matatandaan na noong pumasok ang administrasyong Duterte, dalawa sa pinakamatinding problema na kinaharap nito ay ang kawalan ng plaka ("Republikang Walang Plaka"), at problema sa lisensya (papel imbes na card)," ani Libiran. Malugod din ibinunyag ni Libiran ang estado ng mga driver's license. "Ngayon, ang lisensya, hindi na papel kundi card na-- may additional security features at extended pa ang validity hanggang limang taon," sabi ni Libiran sa kayang social media account. Source: TopGear PH | DOTr Asec. Goddes Hope Oliveros Libiran +Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Israeli comapany na Ratio Petroleum Ltd. para magsagawa ng oil exploration sa East Palawan Basin. Base sa pinirmahang kontrata, magsasagawa ng exploration ang Ratio Petroleum sa 416,000 hektarya sa kahabaan ng East Palawan Basin para makahanap ng natural gas at langis. Tinatayang aabot ng $34.35 million ang kasunduan. Inaasahan ng Palasyo na sa pamamagitan ng nasabing proyekto ay mababawasan ang pagdepende ng Pilipinas sa mga inaangkat na langis. "If you remember, the President made statements that (the country) needs to attain energy security and sustainability at the soonest possible time. The problem is we do not have oil so we are experiencing difficulties... We've been dependent on oil-producing countries for our oil. So we need to boost the exploration of our own resources," pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Tamang direksyon naman kung ilarawan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagbigay ng kontrata sa Ratio Petroleum. "The President has been very clear - our country needs to attain energy security and sustainability at the soonest possible time. We are currently experiencing how our dependence on importation has left us at the mercy of price movements in the global oil markets," sabi ni Secretary Cusi. Magugunitang sinabi noon ni Pangulong Duterte na isa sa mga dahilan kung bakit mabagal ang pag-unlad ng ating bansa ay dahil sa kakulungan sa oil resources. Source: Philstar | ABS-CBN +Tinapos na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagbibilang ng mga boto para sa mga senador ngayong araw. Dumating kagabi ang mga Certificates of Canvass (CoCs) mula sa bansang Estados Unidos. Hindi na nakahabol si reelectionist senators JV Ejercito at Bam Aquino sa kapwa nila reelectionist na si Nancy Binay. Si incumbent Senator Cynthia Villar ay nanatiling nangunguna sa senatorials election na may 25,283,727 na boto at sinundan naman ito ni Senadora Grace Poe. Pasok naman si former Special Assistant to the President Bong Go sa ikatlong puwesto. Ayon sa ulat ng CNN Philippines, umabot sa 47,296,442 na balota ang nabilang ng National Board of Canvassers (NBOC). Ang voter turout naman ay umabot ng 74.31 porsyento. Ito na po ang opisyal at pinal na bilang mula sa COMELEC. Panoorin ang coverage ng proklamasyon ng mga nanalong senador. Source: CNN Philippines | News5 +Para sa talunang kandidato ng Otso Diretso na si Magdalo Representative Gary Alejano, mas makakabuti daw na bumalik na lang sa mano-manong bilangan sa eleksyon sa precint level para maging malinaw ang pagbibilang ng mga boto. Ayon kay Alejano, posible daw na mayroong pagmamanipula ng mga codes sa mga SD cards. "I suggest that we go back to manual counting at the precinct level to do away with malfunctioning VCM (vote counting machines) and SD (secure digital memory) cards and possible manipulation of codes in the SD cards," sabi ni Alejano. Mas makakabuti daw ito para sa mga poll watchers dahil masisigurado ng mga ito ang bilangan sa presinto. "provides a way for poll watchers at the precinct level to verify the counting of votes," ani Alejano. Nilinaw naman ni Alejano na ang pagta-transmit ng mga datos mula sa municipal at national level ay kailangan pa rin gamitan ng teknolohiya. "Transmission to municipal and national levels will still be done electronically to ensure fast processing," ani Alejano. . Base sa ulat ng Manila Bulletin, nasa ika-23 na pwesto daw si Alejano sa pinakahuling (10:42 a.m. Tuesday) partial at unofficial count ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Si Alejano ang unang kongresistang naghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pahayag ni Alejano. "Kahit mag manual counting pa... Talagang walang bobotong mayorya sa inyong otso diretso.. Asan yung silent majority pinagsasabi nyo? ...wala nman kayong nagawa lalo nung panahon ni panot tas ang lakas nyo mamulitika at mag fake news... Back fire sa inyo lahat ng kabalbalan nyo lalo yang bikoy at sa kakasira nyo sa administrasyon... Subukan nyo gumawa ng matinong bagay para sa bayan...," sabi ni E. VP. " Computer age na tayo just accept defeat move on," sabi ni J. Cahilig. "Accept defeat you are no longer in power. Do good things to others instead," sabi ni S. Acacio. Sang-ayon ba kayo sa panukala ni Alejano? Source: Manila Bulletin | FB +Sa isang pahayag, nanawagan si Sr. Mary John Mananzan of St. Scholastica's College sa mga Pilipino na magsagawa muli ng People Power. Para kay Mananzan, nagkaroon daw kasi ng dayaan sa eleksyon. "Ako, I'm really calling for People Power. Kung wala tayong maaasahan sa gobyerno, sino ang ating aasahan? Tayo po mismo. Kaya po let's go, and again, ibalik natin ang magic ng People Power," boladas ni Mananzan. Ang pandaraya daw sa eleksyon ay nagsimula daw noon pang nag-endorso si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga kandidato ng administrasyon. "Napagkayarian namin, na talagang mandaraya, talagang mapanlinlang ang eleksyon na 'to. At ang cheating na ito ay hindi lamang nangyari sa araw na 'to kundi matagal na, magmula pa noong nage-endorse si Duterte sa kanyang mga kasama sa Senado na gusto niyang ilagay doon," angal pa ni Mananzan. Hindi rin nagustuhan ni Sister Mananzan ang negatibong pangangampanya laban sa ilang grupo at personalidad. "At saka 'yung mga red-baiting, 'yung sasabihing "ayan, wag niyo iboto 'yan dahil 'yan ay komunista," dagdag pa ni Mananzan. Si Mananzan daw ay beterano ng People Power, ayon sa Facebook na "Now You Know". Isa din si Mananzan sa kritko ni Presidente Duterte. Sa katunayan, lumahok ito dati sa isang pagtitipon kung saan ipinananawagan ang pagbibitiw ni Presidente DUterte. Source: Now You Know | Inday Espina-Varona | Marc Erlwin Flores +Kinumpirma ni Ramon Ang na mapapasa sila ng panukala sa susunod na dalawang linggo sa gobyerno para makapagtayo ng bagong water source project. Si Ang ay Presidente at Chief Operating Officer ng San Miguel Corporation. ANg naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P35 Billion at makakapagbigay ng mas murang tubig sa mga consumer na aabot lang sa 5 pesos per cubic meter. "Magsa-submit ako ng unsolicited proposal within two weeks a new water source of 3,800 million liters per day [MLD]... I think we can build this 3,000 MLD, private funding--mga P35 billion 'yung project cost, five years to build," sabi ni Ang. Magugunita nitong unang bahagi ng 2019 ay nagkaproblema sa tubig ang ilang bahagi ng Metro Manila. Bumaba kasi ang tubig sa La Mesa Reservse sa kritikal na lbel na 69 metro dahilan kung bakit hindi natugunan ng Manila Water Company Inc. ang demand na 150 million liters per day. Noong Hunyo nakaraang taon, naiulat ng Manila Times na pumalo sa P25.50 per cubic meter ang singil ng Manila Watert. Habang ang Maynilad naman ay naningil ng P35.48 per cubic meter. Si Ang ay kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte at tumulong sa kandidatura nito. Ito po ang sinabi ni Ramon Ang noong umpisa ng Duterte Administration. Source: GMA News | CNN Philippines' Reporter Rex Remitio | Manila Times +Matapos ang sinapit ng mga kakosa ni Senador Antonio Trillanes sa oposisyon, naglabas na ng pahayag ang outgoing senator sa kanyang social media account. Ayon kay Trillanes, ang masang Pilipino ay hindi daw naliwanagan. "In other words, the Filipino masses are not stupid and blind; they are just not as enlightened as you are," boladas ni Trillanes. Hindi rin niya pinalagpas ang pagkakataon na banatan muli ang Duterte Administration. Ayon sa dating rebelde, minanipula daw ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga ka-alyado nito ang pag-iisip ng publiko para makapanatili sa puwesto. "Duterte the Master Propagandist. Unfortunately for us, Duterte and his allies are well aware of these dynamics too. As a policy, they have constantly distorted information and disrupted the information flow to deceive and manipulate the minds of the general public. Duterte himself, as mayor of Davao City for almost three decades, has mastered this propaganda game as an essential element to his hold on power," angal pa ni Trillanes. +10 hotels sa sikat na tourist destination na El Nido ang mahaharap sa malaking problema dahil ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipasara ang mga ito matapos matuklasan na iligal na naglalabas ng dumi sa Bacuit bay ng El Nido. Ayon kay DENR Environmental Management Bureau for Mimaropa DIrector Michael Drake Matias, nilabag ng mga estabilisimiyento ang mga Clean Water of 2004. Lgpas din daw sa exceeded pollutant limits ang binubugang dumi ng mga hotels. Naglabas ng cease-and-desist order ang DENR laban sa El Nido Sea Shell Resorts and Hotel, Buko Beach Resort, Four Seasons Seaview Hotel, Doublegem Beach Resort and Hotel, Panorama Resort (Mangonana Inc.), Stunning Republic Beach Resort, The Nest El Nido Resorts and Spa Inc., El Nido Beach Hotel, Sava Beach Bar/Sava Nest Egg Inc at Cuna Hotel. "The result of the laboratory analysis on the wastewater taken from said establishments went beyond the DENR General Effluent Standards for Biochemical Oxygen Demand (BOD)... BOD is a measure of the quantity of oxygen used by microorganisms when decomposing organic materials are present in water," sabi ni Matias. Sinisiyasat na rin ng DENR ang iba pang establisimiyento sa El Nido. Ayon naman kay DENR regional executive director Henry Adornado, patuloy nilang ipapatupad ang batas para maprotektahan ang El Nido sa polusyon. Maigting ang ginagawang kampanya ng Duterte Administration para maprotektahan ang mga tourist spot ng bansa. Magugunitang, ipinasara ng gobyerno ang Boracay ng anim na buwan noong nakaraang taon para maipanumbalik ang dati nitong ganda. Ito namang umpisa ng 2019 ay nagsagawa ang pamahalaan ng clean-up drive sa Manila Bay kung saan madaming kababayan natin ang nakibahagi sa paglilinis sa look. Source: INQ +Matapos ang halalan kung saan karamihan sa mga mananalo ay mga ka-alyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, nahalungkat ng ilang taga-suporta ni Presidente ang social media post ng aktres na si Agot Isidro noong nakaraang taon. Patungkol ito sa pagbababala ng artista laban sa Duterte Administration. Sa naturang social media post, sinabi ni Isidro na walang magpakailanman at darating din daw ang araw ng mga opisyales ng Duterte Administration. Nagbigay naman ng pahayag si Presidential Communication Operations Office Undersecretary Lorraine Marie Badoy sa dating social media post ni Isidro. Banat ni Badoy, hindi kasing bulok ng pag-iisip ni Isidro ang mga nagta-trabaho sa ilalim ng DUterte Administration. "No, Ms. Isidro, NONE of us in this Administration think the rotten way that you do... The party that got royally trounced in the recent senatorial elections where a grand total of ZERO of your candidates got the nod of the Filipino people and where the President's allies all but filled up all those senatorial slots. All you need to know about why such an abject and complete rejection of the Filipino people for your boyfriend and his pals happened, Ms Isidro, is contained in this Tweet of yours: the total and almost pathetic ignorance over what public service means. No, Ms Isidro, a public office is not that one chance you have to settle scores the way that bastard, Mar Roxas, did when Yolanda struck when he uttered that obscene line: 'You are a Romualdez, the president is an Aquino.'," banat ni Badoy. Buwelta naman ng pro-government blogger na si Krizette Laureta Chu, umasa daw si Isidro na maging asawa ng senador. "Yung natalo yung "boypren" mo despite everythaaaang. Yung umasa kang maging Senator's wifey, naunsyami pa. SHAKET Agot, this is real life, wag mo kaming linyahang pang B movie mo. And in real life, araw na namin.," resbak ni Chu. Si Isidro ay napabalitang kasintahan na umano ni Otso Diretso candidate Florin Hilbay. Si Isidro ay isa sa mga pinaka-maingay na kritiko ni Pangulong Duterte sa mundo ng social media. Magugunitang tinawag ni Isidro na "Psychopath" ang Pangulo ng Pilipinas. Source: Agot Isidro | PCOO Usec. Lorraine Badoy | Krizette Chu | INQ +Bagama't hindi pa isandaang porsyentong natatapos, sunud-sunod na nga ang mga inilalabas na resulta (partial and unofficial count) ng Commission on Elections mula sa COMELEC Transparency Servers kaugnay ng nakaraang May 2019 Senatorial Race. Batay sa mga nasabing resulta, kapansin-pansin na walang pumasok na kandidato ng oposisyon o ng Otso Diretso sa Magic 12, bagay na binigyang-opinyon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar. Ayon kay Andanar, maaari umanong ang mga paninira o propaganda ng mga kalaban sa pulitika patungkol kay Pangulong Duterte ay naging kadahilanan din kung bakit ang karamihan sa ibinoto ng taumbayan ay ang mga suportado ng Administrasyon. "Sobrang dumi ng propaganda noong mga kalaban natin sa pulitika, propaganda laban kay Presidente, sa pamilya niya, sa mga kandidato niya. Palagay ko nakaapekto rin iyon eh," saad ni Andanar. "Palagay ko nainsulto ang masang Pilipino doon sa pinagsasasabi ng mga kalaban natin," dagdag pa ng PCOO Secretary. Binigyang-diin din ni Andanar na marami na umanong nagawa si Pangulong Duterte para sa bansa simula nang ito'y manungkulan bilang Pangulo, at patunay lamang daw ang matataas na resulta ng satisfaction survey ratings nito. Ayon pa kay Andanar, panahon na umano upang baguhin ng oposisyon ang kanilang estratehiya at makinig sa boses ng taumbayan. "Although we have to be magnanimous in victory, kailangan din sigurong isipin na rin ng mga kalaban natin sa pulitika kung saan sila nagkamali sa kanilang mga strategy at siguro, iyung tipong pagbigyan naman, pakinggan naman ang puso ng masang Pilipino," wika ni Andanar. "Ang satisfaction rating ng mga kababayan natin, adult Filipinos, 81 percent kay Duterte so siyempre, it rubs off on the candidates," dagdag pa ni Andanar. Samantala, ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, handa at bukas daw ang Palasyo na gawin ang kani-kanilang mga tungkulin kasama ng oposisyon mula sa ginanap na halalan. "We are putting our hands and offering our friendship to the opposition. As I said in my statement, let us unite and build a better Philippines. It's about time we do that," ani Panelo. Source: Manila Bulletin +Naging maingay nitong panahon ng kampanya hanggang sa mismong araw ng halalan ang viral political ad ni dating Senador Ramon "Bong" Revilla Jr., kung saan sumasayaw siya ng "budots" dance. Nagkalat ang memes at videos sa social media kung saan nilapatan ng iba't ibang senaryo ang nasabing pagsasayaw ni Revilla. May mga positibo at negatibong reaksiyon ang nasabing pagsasayaw ni Revilla mula sa taumbayan. May mga natuwa at nakisayaw at mayroon din namang nagsasabing sila ay nadismaya. Ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), nasa P128,719,571 halaga ang kabuuang nagastos ng kampo ni Revilla para sa kampanya nito, kabilang na ang nasabing viral campaign ad ni Revilla. Ngayon, sa inaasahang muling pagbabalik ni Revilla sa Senado kung sakaling magtuluy-tuloy ang pagpasok nito sa Magic 12, kinontra ni Revilla ang mga usap-usapan na tila wala naman umano siyang gagawin bilang Senador maliban sa pagsasayaw. Binigyang-diin din ni Revilla kung papaanong aniya'y ginagawa niya ang kaniyang tungkulin nang naaayon sa kanyang posisyon. "You know kung paaano ako magtrabaho. Kung anuman ang komiteng ating mahawakan, tayo'y magsisislbi sa bayan," saad ni Revilla. "Tayo'y magpe-perform sa Senado. Hindi tayo magsasayaw lang diyan," dagdag pa ni Bong. Nagbiro pa ang dating senador na tuturuan umano niyang magsayaw ang kanyang mga katrabaho sa Senado upang aniya'y sumaya naman ang mga ito. "Pero don't worry, tuturuan kong sumayaw ng budots 'yung mga kasamahan natin sa Senado para maging masaya sila at at hindi seryoso sa buhay, diba?" saad pa ni Revilla. Samantala, aminado naman si Revilla na malaki rin ang naging ginampanang papel ng nasabing campaign ad para sa "ranking" niya sa kasalukuyan, kung saan pumapasok siya sa "Magic 12" base sa Partial Unofficial Results ng Commission on Elections (COMELEC) Transparency Server. "Siyempre malaking bagay din 'yung mga ad. 'Yung budots malaking bagay din. Dun sa budots kinagat dahil siyempre, 'pag magma-market ka, tulad ng pelikula, kailangan magugustuhan ng viewers kung ano 'yung gagamitin mo," dagdag pa ni Revilla. Source: ABS-CBN News PCIJ +Hindi talaga matanggap ng ilang kababayan natin ang naging resulta ng halalan, lalo na ang nangyaring aberya sa transparency server na naging sanhi ng pagkaantala ng paglalabas ng mga partial and unofficial results. Diskumpiyado naman si Colmenares sa nangyarin sa tranparency server at sinabing ang mga mamamayan daw ay nabilaukan dahil sa aberya. "Sabi nila, 'Eh nabilaukan lang kasi ang mga servers, kaya hindi gumana'. Ay hinde. Ang taumbayan ang nabilaukan kinaumagahan noong nakita na may resulta na ang eleksyon," banat ni Colmenares. Pati ang madre na si SIster Mary John Mananzan ay nakialam na rin sa usapin ng eleksyon. "7 hours na silence, hindi ba anomaly yon? Sila mismo nagsabi na that is not supposed to be regular na..," Sister Mananzan. Source: ABS-CBN +Sapul sa litrato ang paglahok sa rally ni Otso Diretso Candidate Erin Tanada. Ang pinoprotesta sa rally ay ang umano'y dayaan na nangyari noong katatapos lang na eleksyon. Nagmartsa ang mga taong ito patungo sa Philippine International Convention Center (PICC). Ang PICC ang nagsisilbing lugar kung saan binibilang ang mga boto. Sa mga miyembro ng Otso Diretso slate, si reelectionist senator Bam Aquino lang ang nakalapit sa magic 12. "Huwag na nating hintayin na ang buong canvass matapos kasi there's a little question kung paniniwalaan ba ng taumbayan 'yung halalan o hinde," boladas ni Tanada. Ito po ang reaksyona t opinyon ng ilang netizens patungkol sapagraraly ng mga taong ito. "Sige pabuksan niyo mga balota at siguradong laglag c trapoe at pasok Sina Atty Glenn Chong, Atty gadon at Dr Willie ong," sabi ni G. Navarro. "katakot dmi nyo...sa election nga d kayo umubra sa rally pa kaya..wla na kayo mauuto..bye," sabi ni J. Ecko. " Magsipagbalik kayo sa inyong tahanan at magtanim ng kamote," sabi ni M. Logan. " Mga kawawa naman mga talunan di kayang tanggapin pagkatalo.," sabi ni G. Cat. Source: News5 | News5 Archived | ABS-CBN +Nagssagawa ng welga ang grupong Akbayan sa labas ng PICC na nagsisilbi bilang lugar kung saan kina-canvass ang mga boto. Mga iregularidad daw sa kattapos na halalan ang gustong ireklamo ng grupong ito. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawang pagwewelga ng Akbayan. "Nung c BBM natalo at nag protest sabi nyo Mga hay-p na leftists kayo mag move on na c BBM, now please apply it to yourselves...," sabi ni M. Zambrano "Nasaan kayo noong dinaya si BBM? Diba okay lang sa inyo na dinaya siya kasi ayaw niyo sa kanya dahil Marcos ang pangalan niya," sabi ni A. Sanchez "AA kasosyo nga na may pagasang manalo nirespeto ang pagkatalo, makikiisa sana ako kung kay Fake VP2016 elections ginawa nyo yan," sabi ni D. Sanchez Source: PTV +Hiniling ng Partido Liberal sa Commission on Election (COMELEC) na tignan ang mga aberyang nangyari nitong nagdaana geleksyon. Sa mosyon na isinumite ng Liberal Party, hiniling ng partido sa COMELEC na gumawa ng independent body para imbestigahan ang umano'y iregularidad kaugnay sa 7 oras na aberya sa tranparency servers. Gusto din ng LP na ilabas ng COMELEC ang mga tranparency server's audit and logs at lahat ng ulat tungkol sa mga technical glitches. Sinabi naman ng COMELEC na ginagawa na nila ang hiling ng partido. "All of the suggestions made in the Liberal Party's manifestation echo the steps already being taken by the COMELEC," sabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez. Naniniwala namana ng Malacanang na naging maayos at may kredibilidad ang nagdaang eleksyon. Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Koko Pimentel na magkakaroon ng joint congressional panel para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa gusto mangyari ng Liberal Party. "Isali na sana nila yung oag iimbestiga sa vice presidential race sa 2016," sabi ni R. King. "Kung aaksyonan nyo yan eh unahin nyo muna electoral protest ni bbm vs. Lugaw ... Ano yan palakasan," sabi ni A. Lim. "Just give us a break LP! isn't obvious na ayaw na ng taumbayan sa inyo!," sabi ni A. Mie. Source: CNN Phil | Philstar +Humihingi si reelectionist senator Bam Aquino ng panalangin mula sa taumbayan habang sumasabit siya ngayon sa ika-12 na pouwesto sa senatorial eletions. Kung papalarin, ito ay magiging ikalawang termino ni Bam sa senado. "Just want to tell everyone out there that I'm ok! Please continue praying for me, better yet, please continue praying for and loving our country," sabi ni Bam. Hindi daw mawawala ang pagmamahal niya sa bayan kahit anu man ang maging resulta. "Hindi mauubos ang pagmamahal ko sa ating mga kababayan maganda man o hindi ang resulta ng eleksyon," dagdag pa ni Bam. Si Bam ay kasama sa opposition slate na kilala sa tawag na Otso Diretso. Magugunita na isa siya sa mga pambato ng oposisyon na inaasahan ng mga kapartido niya na makakapasok sa magic 12. Magugunitang sinabi ni Otso Diretso campaign manager senator Kiko Pangilinan na umaasa silang magkakaroon ng "miracle win" para sa kanilang mga pambato. Source : ABS-CBN +Hindi pinalampas ni incoming senator Ronald "Bato" Dela Rosa ang pangmamaliit sa kanya ng isa niyang kritiko. Sa social media post ni Jonathan Yap, tila kinukutya niya si Dela Rosa dahil sa naging sagot ng dating heneral sa panayam sa CNN Philippines tungkol sa unang gagawin sa senado. Ang post ni Yap ay umani na ng iba't-ibang reaksyon at komento mula sa mga kababayan natin. Sinagot naman ni Dela Rosa ang mga banat ni Yap. Buwelta ni Dela Rosa, ang lakas daw manghusga ni Yap. Pero kahit na ganun ay nag-alok pa rin si Dela Rosa na gamutin ang mahapding sugat nito. "Grabe naman manghusga itong batang ito. Mahapdi pa ba ang sugat mo? Tulungan kitang gamutin yan dong," resbak ni Bato. Sa mga hindi nakakaalam, si Dela Rosa ay may master's degree sa public administration at may doctorate degree sa development administration. Ito po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging buwelta ni Dela Rosa sa mapanghusga kritiko. "Jonathan yap ikaw, ano alam mo? Abot mo b ang narating ni gen. Bato? Bk hanggang tanod k lng, pahirapan pa. Lol! Humble lng xa at least willing xa pgaralan kung ano pa ang kkailanganing aralin para maging krapatdpat xang senador. D nya ipinangalandakan ang kanyang sangkatutak na credentials. Halos lahat nmn ng naging senador, ng-umpisang baguhan. Mag-isip isip k rin," sabi ni Z. Pomegas. "I fully sympathise with all the people who believe in the competence of classmate Bato. Let us not give mileage to his detractors by answering their stupidity. We can not win them. Answering them does not dignify us either. Let us continue our support by giving him agenda for the Senate. Something he can legislate and advocate for the people (including Bato's detractors). I think this is the best thing we can do at the moment," sabi ni E. Martinez. "This kid has taken literally your statement Senator. I bet he didnt realize that it was your ticket to become a senator. So many people who were knowledgeable in public governance, yet did not made it. I've been in elective positions for 13 years as SK Federated Prexy, I too admit had no formal training in it but what I did was just help the common tao, feel them and act for their benefit. Their acknowledgment of your effort is very pleasing to the ears and you can say, at the end of the day - i did a good job! I voted for you and the rest of my family and relatives, and I am proud of it. Tungod kay bahalag bisaya basta hilas! More power, sir!," sabi ni M. Tawakal. Source: Ronald Dela Rosa | Jonathan Yap | CNN | Interaksyon +Hindi pa man nakakaupo bilang senador si ex-Philippine National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa ay binabanatan na siya ng human rights group na Human Rights Watch (HRW). Ayon sa HRW, dapat imbestigahan ng International Criminal Court (ICC) si Bato dahil sa naging partisipasyon daw nito sa anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte. "Dela Rosa may still have a date with justice... "However one views the election results, it won't change the fact that victorious candidates implicated in 'drug war' crimes shouldn't receive a get-out-of-jail-free card... The Duterte government has shown it won't carry out necessary investigations, but the International Criminal Court (ICC) could," sabi ni Carlos Conde, Asia Division Researcher ng HRW. Para kay Conde, kahit kumalas na ang ating bansa sa ICC ay maaari pa rin daw nito imbestigahan ang mga umano'y "crimes against humanity" na nangyari habang si Bato ay pinuno ng PNP. "Now that Dela Rosa is a policymaker, there is renewed urgency in bringing all those responsible for 'drug war' crimes to justice," boladas pa ni Conde. Sa pinakahuling official at partial tally ng National Board of Canvassers, pumalo na sa 14,529,585 ang nabilang na boto para kay Bato. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa pinagsasabi ng Human rights group. "Hindi pa nakakaupo si Bato eh binabato na....this is obviously a crab mentality of a typical filipino....tsk...tsk....kaya wala tayong asenso sa buhay dahil sa pag-uugali na yan na minana natin sa mga kastila," sabi ni C. Pabia. "Lahat gagawin kasi di matanggap ang naging desisyon ng mga "bobotante" na tinatawag nila. Haguy Pilipinas, di ka talaga uunlad, sa dami ng mga talangka na naka abang humila sayo pababa," sabi ni D. Bioc. "Wahahaha ampalaya tlga tong mga dilawan kaya walang lumusot sa kandidato nyo ganyan pag uugali nyo," sabi ni J. Fajutnao. Source: GMA | FB +Nakasingit muli si reelectionist Bam Aquino sa magic 12 ng senatorial elections. Sa pinakahuling (9:30 pm) tala ng Commission on Election (COMELEC) partial and OFFICIAL count ay nakakuha si Bam ng 11,001,047 boto para mapunta sa ika-12 puwesto. Nananatili naman sila senators Cynthia Villar at Grace Poe sa una at ikalawang puwesto. Si former senator Bong Revilla naman ay laglag sa ika-13 na puwesto. Kabaligtaran ito sa resulta ng pinakahuling (May 16, 2019, 10:26 PM) UNOFFICIAL result, kung saan si Revilla ay nasa ika-10 na puwesto. Si Senador JV Ejercito ay nasa ika-14 na puwesto sa OFFICIAL and partial tally. 129 certificates of canvass na ang natatanggap ng National Board of Canvassers (NBOC). Inaasahan pa ang 167 certificates of canvass na maipasa sa NBOC. Habang ginagawa ang canvassing, napansin ng tabulation and audit group ang maliit na discrepancies sa mga certificate of canvass at statement of votes mula sa mga lugar na The Hague, Netherlands; Dilli, Timor Leste; Cairo, Egypt; Jakarta, Indonesia at Dhaka, Bangladesh. Naayos naman ang discrepancies sa tulong ng National Board of Canvassers. Source: GMA News +Hindi nagustuhan ng opisyal ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na si Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang naging resulta ng halalan na ginanap kamakailan lang dahil karamihan sa mga mananalong senador ay ka-alyado ng Duterte Administration. Ayon sa pari, ang nakalipas na eleksyon daw ay nakakagambala at nakakabigo. Sabi ni Tirona, kailangan daw mapangaralan ng husto ang mga botante para makapili ang mga ito ng mga lingkod bayan na talagang magsisilbi. "Catholics must be more persistent in changing the mindset and voting preferences of the public. We must take seriously the need for voters' education beginning with our youths through our Catholic schools, parishes, and youth organizations," boladas ni Tirona. Inudyukan din ni Tirona ang mga tao na ipinalangin ang mga bagong halal na opisyal. "for the newly elected officials to deliver what they promised during the campaign period. Likewise, we pray and remain vigilant that the important principle of check and balance may not be lost. May the elected leaders do their fresh mandate with dedication and unselfish service for the common good," boladas ni Tirona. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natinsa sinabi ng obispo. "I think, the Catholic Church leaders have to undergo intensive training/education about separation of the Church and State," sabi ni P. Inggo. "You are destroying the Catholic church and driving away it's followers why can't you be like the Pope in Vatican? Focus on spiritual and moral issues and NOT on the political side of things! Render caesar unto caesar! You will never hear priests here in eu dwell on political matters like you do! Only in the Philippines, the church has been corrupted!," sabi ni Z. Alejandro. "The people have spoken through their votes. Accept it.. your influence about politics is getting slimmer. Focus on church matters rather than meddling with the government.," sabi ni R. Martin. Source: Manila Bulletin +Sa isang kakatuwang kaganapan, hinamon ng grupo ng mga obispo si Pangulong Rodrigo Duterte na patunayan na hindi siya nakialam sa eleksyon at hindi niya pinilit ang Commission on Election (COMELEC) na manipulahin ang halalan para manalo ang mga kandidato ng administrasyon. "He must disprove that he coerced and coopted the Comelec to manipulate election results, as the breach in the transparency in the Smartmatic automated election system (AES) and the suspicious failure of Vote Counting Machines (VCM) are widely believed to be merely ploys to guarantee the victory of his administration's candidates through wholesale election fraud," sabi sa isang pahayag ng Ecumenical Bishops Forum (EBF). Kailangan din daw sagutin ni Presidente Duterte ang mga bintang na ginamit pondo ng bayan para suhulan ang mga botante. "We challenge President Duterte to answer accusations that he has engaged in, and tolerated electoral malpractices that will allow him to establish a political regime based on a concentration of power at his hands," dagdag pa ng EBF. Ang EBF ay samahan ng mga obispo mula sa mga grupong Iglesia Filipina Independiente (IFI), United Church of Christ (UCCP), Episcopal Church in the Philippines (ECP), United Methodist (UMC),at ng Iglesia Katolika. Hindi naman angustuhan ng ilang kababayan natin ang mga pinagsasabi ng mga obispo laban kay Pangulong Duterte. "Accuser has Burden of proof," sabi ni Atty. D. Canete. "You have the burden of proof not the pres and if indeed he manipulated the election then why mangudadatu did not make it to the top 12?!," sabi ni N. Berry. "the burden of proof is on the accuser, show proof mga fathers," sabi ni F. Feranil. "Nagkakabobohan na yata tayo ah. Shouldn't the burden of proof be on you, EBF, to prove that Duterte committed that which you accuse him of? As far as law and common sense are concerned, our president doesn't owe you any explanation.," sabi ni E. Arellano. Source: Manila Bulletin | FB +Tila may matinding regalo si soon-to-be-senator Ronald "Bato" Dela Rosa sa mga kabataang nagbabansag na Team China daw ang Duterte Administration. Ayon sa social media post ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP), tatrabahuin niya daw na maibalik ang Reserve Officer Training Corps (ROTC) para mapalakas ang pagdedepensa sa teritoryo ng Pilipinas. Inaasahan niya na makikilahok dito ang mga kabataan. "Para doon sa mga kabataan na nagbigay ng team china monicker sa duterte administration, I admire your patriotism. I will work for the return of mandatory ROTC in order to strengthen our territorial defense in case of foreign invasion. Konting tiis lang mga anak for the sake of our country. Ok?" banat ni Bato. Ilan sa mga binabatikos sa Duterte Government ng mga oposisyon at ng mga makakaliwang grupo ng mga kabataan ay ang pagiging malapit ng Pangulo sa bansang Tsina. Ang panunumbalik ng ROTC ay iminungkahi na dati Pangulong Rodrigo Duterte. Pero mariing tinututulan ito ng ilang kabataan dahil hindi daw sa ROTV nakasalalay ang pagiging makabayan. "As history has shown, it is not President Duterte nor the Armed Forces of the Philippines (AFP) nor even the Philippine National Police (PNP) who can instill discipline and nationalism in the hearts of the youth. In reality, these very institutions harm, harass, rape, and worst, kill the youth and the Filipino,"sabi ni Kabataan Partliys Representatative Sara Elago. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa banat ni Bato sa mga kabataang bumabatikos sa Duterte Admnistration. "The abolition of the ROTC has given rise to the radicalization of the campuses not only in SCUs but schools run by the church who meddles so much with state affairs, cuddles radicals and insurgents and support sedition and rebellion. The rise of the Aquinos and the LP have place our country and the future of our children at risks. Now that the people have spoken and have expelled the LPs, we should raise from the ruins left by these demons and join hands in rebuilding our country's future. Let us do our share in making our country great again,"sabi ni J. Bolinao. "Tama ibalik ang ROTC. Sa totoo lang marami sa kabataan ngayon patriotic lang sa fb,"sabi ni A. Ante. "Gusto ko yan Sir...Ibalik dapat ang ROTC. ... or Di kaya pareho sa Singapore , korea and Israel na May mandatory military service lahat ng kabataan,"sabi ni T. Sablada. Source: Ronald Dela Rosa | Inquirer +May matinding hamon si former Philippine National Police (PNP) Chief Ronald "Bato" Dela Rosa sa mga kritiko niya na nanlalait sa kanya matapos niyang aminin na kailangan niya ng training para sa pagiging senador. Ang hamon niya sa mga taong nagsasabi na bobo siya ay sabay na magpa IQ test para malaman kung sino talaga ang mas matalino. "Ang katalinuhan ng tao doon 'yan nasusukat sa IQ test. 'Yung tumutuligsa sa akin na ako'y bobo, sabay tayo, mag-exam tayo ng IQ test kung sino mas mataas sa atin ang IQ," Si Bato ay tapos sa Philippine Military Academy at may master's degree sa public administration. Isa pa sa mga hindi alam ng ilang kababayan natin ay mayroon ding doctorate sa development administration ang dating hepe ng PNP. Hindi ikinakahiya ni Bato ang kanyang limitasyon at handa daw siya pag-igihin ang kanyang sarili. "Bakit ka magmayabang porke't senador ka na, ayaw mong aminin na kulang ka sa alam, hindi mo tanggapin limitasyon mo... If you stop learning, you'll stop growing," banat pa ni Bato. Base sa datos ng Commission on Election (COMELEC) Transparency server (11:00am, Saturday), nakakuha na si Bato ng 18,763,572 na boto. Ayon kay Bato, gagawa siya ng mga batas na kapakipakinabang sa mga tao. "Magtrabaho nang magtrabaho, hindi matutulog, pagsikapan ng husto na 'yung mga batas na magagawa natin ay pawang magaganda at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino," dagdag pa ni Bato. Source: ABS-CBN | CNN Philippines +Ayon sa pinakahuling ulat ng Inquirer, pumalo sa 29 na pasahero ang nasaktan at dinala sa pagamutan dahil sa aksidente na nangyari sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Ayon sa mga ulat, nagbanggaan ang dalawang train coaches ng LRT-2 sa pagitan ng Cubao Station at Anonas Station nito lamang Sabado ng gabi. Base sa mga nakalap na impormasyon ng mga media, bumangga ang isang tren na patungo sa Santolan sa isa pang tren na nakahinto. Ang tren na nakahinto ay nawalan daw ng kuryente. Tumilamsik naman sa kalsada ang ilang debris mula sa mga tren. Makikita sa ilang video sa social media ang nangyari sa ilang pasahero sa loob ng tren matapos ang aksidente. Ang ilang ay napa-upo na lang sa sahig ng tren at ang iba ay nahihilo. "Nagtalsikan talaga kami sa gitna. 'Yong iba tumama sa bakal," sabi ng saksing pasahero. Panoorin ang naunang ulat ng DZMM sa nangyaring insidente. Source: GMA | ABS-CBN | Inquirer +Kapapasok pa lang na balita. Sapul sa video ng netizen na si Fritz Realubit ang pinsalang inabot ng dalawang tren ng Light Rail Transit (LRT) 2. Nanyari ang akisente sa pagitan ng istasyon ng CUbao at istasyon ng Anonas. Walang detalye pa sa ngayon ang ilang media tungkol sa nangyareng aksidente. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natins a nangyari ito mula sa Facebook pages ng ABS-CBN at CNN Philippines. "Been here an hour ago, going to Cubao. Hoping everyone's safety," sabi ni K. Escaro. "Buti na lang mabagal mga tren dito, sana walang nasaktan," sabi ni C. Patino. "Sana walang nasaktan," sabi ni J. Dionisio. "Sana Wala Namang Nasaktan oh Nagtamo ng Malalang Pinsala," sabi ni Z. Manuel. Source: ABS-CBN News | CNN Philippines +Ilang media ang nag-ulat kamakailan na may mga kababayan daw tayo na nagnais mag ibang bansa matapos lumabas ang inisyal na resulta ng senatorial elections. Sa ulat ng Philstar website, nadismaya umano ang mga Otso Diretso supporters nang walang nakapasok sa mga pambato ng oposisyon sa unang bugso ng election results. May banat naman daw si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa mga taga-suporta ng Otso Diretso na nagbabalak umano mag-migrate sa mga bansang Canada, New Zealand at Australia. "We wish them luck.They should remember that there's no place like home," banat ng tagapagsalita ng Pangulo. Inalaska pa ni Panelo ang mga nagbabalak na lumipat ng Canada na baka masama ang mga ito sa basura ng bansa. Sa pinakahuling tala ng COMELEC partial and unofficial tally (May 18, 2019, 9:10 PM), pasok pa rin sina former SAP Bong Go, former PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa, former Presidential Political Adviser Francis Tolentino at Senador Koko Pimentel sa Top 12. S Source: Philstar | Abante +Habang masaya ang ilang kandidato na naka-pasok sa top 12 ng senatorial elections, ang mga kritiko ng Duterte Administration ay panay naman ang banat sa kredibilidad ng katatapos lang na halalan. Sa isang pahayag, sinabi ng GMA Show host na si Solita "Winnie" Collas-Monsod na may naka-usap daw siyang mga information technology experts at sinabi daw sa kanya na maaaring nagkaroon ng dayaan nitong Mayo 13. "Is it possible that there was tampering in the 2019 elections anf manipulation of the results? I asked acouple of IT experts. The answer was a resound yes," boladas ni Monsod. Ito po ang ilang kababayan nati na nagbigay ng reaksyon sa pahayag ni Monsod. "There were shortcomings in the election like faltering machines, sds, etc etc.. but i think there were no manipulations...the national result is quite the same with the surveys done before election., even social media is full of anti-otso dritso.. people lets just get over it.. hahaha aren't you all excited of this unconventional politicians and government..? I'd most certainly prefer dis kind of andmin for they yeild results SOLID results.. compared to the traditional politicians so called TRAPO who are sounding very good, calm, diplomatic, intelligent, but only GOOD IN WORDS...thanks," sabi ni J. Sinday. "How abt 2016 did u ask to ur IT experts as well? You should resolve this issue first to ur It experts n move on to resolve 2019 issue, is it fare for u madam?" sabi ni J. Rivera. "Bat di ka nag ingay nong biglang lumamang si leni? Nawala bilib ko sayo mareng winnie," sabi ni R. Magali. Source: Inq +Hindi nagustuhan ng singer ng Buwan na si JK Labajo ang naging takbo ng eleksyon kamakailan lang. Sa kanyang mga social media posts ay binira niya ang ilang kababayan natin. "Wala na bang standards ang ating mga kababayan? Mukhang wala na talaga. Kakabuyset," sabi ni Labajo. Ayon sa mang-aawit, gusto na niya daw umalis ng Pilipinas dahil ang gobyerno ay tila nagiging aliwan na lang. "Yoko na. alis nako lipat nako sa ibang bansa. Source of entertainment yung gobyerno natin dito," sabi ni Labajo. Matatandaang umalma ang ilang kababayan natin sa pagkakapasok ni former senator Bong Revilla sa top 12 ng unang bugso ng partial at unofficial results ng Commission on Election (COMELEC) data. Pero hindi pa sigurado kung sino at ano ang tinutukoy ni Labajo dahil sa iba niya pang social media post ay tila pinahapyawan nito ang palasyo o ang Malacanang. "Nagiging showbiz narin. literal ang daming artistang pulitiko. LOL. Malacanang TV," sabi ni Labajo. Naging laman ng balita kamakailan lang ang alitan ni Labajo at ng kapwa niya singer na si Darren Espanto. Source: Inq | ABS | Cinema One +Tablado ang mga taga-suporta ng Otso Diretso sa beteranong radio host na si Erwin Tulfo. Sa kanyang programa, binanatan niya ang mga nagbabalak na umalis ng bansa dahil sa kinalabasan ng halalan na ginanap kamakailan lang. "'Yung mga dilawan daw, masyadong dismayado at nalulungkot. Kaya ang karamihan sa kanila ay nag-iisip na mag ibang-bayan, mag ma-migrate na daw... Payag ba kayo na mag-migrate sa ibang bansa ang mga dilawan dahil hindi raw nakapasok ang Otso Diretso? At sa mga lokal na kandidato, mga mayor, governor, eh 30 lang ang pumasok sa halos isang libong puwesto. So dismayado sila at gusto nang mag-ibang bayan," banat ni Tulfo sa kanyang programa. Kamakailang lang ay naging laman ng balita ng ilang mainstream media ang pagdami daw ng online search results tungkol sa "migrate" o "migrating" matapos lumabas ang inisyal na resulta ng halalan. Sinegundahan ni Tulfo ang pahayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na tutulungan pang umalis ng bansa ang mga taong dismayado sa naging kinalabasan ng eleksyon. "Walang problema! Kung gusto niyo ng lumayas at hindi niyo na masikmura ang pagbabagong ginagawa ni Pangulong Duterte, eh hindi naman kayo pinipigilan di ba? Ang sabi pa nga ni Foreign Affairs Secretary Locsin, tutulong daw siya sa pag-isyu ng passport," banat pa ni Tulfo. Magugunitang sa isang social media post ay tila hinamon pa ni Locsin ang mga gusto ng mag ibang-bayan dahil dismayado sa naging takbo ng eleksyon. "Bebot Bello and I will help. It's our job. We will expedite," sabi ni DFA Secretary Locsin. Banat pa ni Tulfo, bigyan daw dapat ng one-way na pasaporte ang mga ito para hindi na makabalik sa Pilipinas. Source: Erwin Tulfo | Politiko | ABS +Naglabas ng sama ng loob sa kanyang social media account si Attorney Larry Gadon dahil sa naging resulta ng halalan. Ayon sa sikat na abogado, biktima daw siya ng pandaraya at naniniwala siya na ang mga boto niya ay binawasan para ilipat sa mga mahihinang kandidato ng administrasyon. "Ang nakaraan ne eleksiyon ay naparumi at madaya. Ako ay naniniwala na nabiktima ako ng dagdag bawas. Na-shave ang aking mga boto para idagdag sa mga admin candidates... Ang boto ko ay idinagdag sa mga admin (candidates) na mahina," banat ni Gadon. Isa sa mga ginamit na pruweba ni Gadon ay ang mainit na pagtangkilik sa kanya ng mga tao. Mula sa online polls hanggang sa mga pag-iikot niya sa iba't-ibang lugar. "Mula pa noon, sa social media, at sa mga mock elections sa mga malalaking universidad, palagi akong nagta-top 1 or top 5. At sa mga social media surveys sa mga OFW palagi ako na nasa top 5, pinaka-malas ko na ang 7... Sa pag-ikot ko sa mga syudad at mga probinsiya ay pinagkakaguluhan ako. Even in those far places na hindi ako nagkaroon ng kahit isang posters," sabi ni Gadon. Pinagtataka rin ni Gadon na noong 2016 ay hindi siya nangampanya pero umabot ng 2 milyon ang boto. Samantalang ngayon na todo ang exposure niya sa mainstream media ay 1 milyon lang ang naidagdag sa kanyang boto. "Noong tumakbo ako ng 2016 ay nakakuha ako ng 2 milyon na boto, kahit hindi ako nangampanya at kahit hindi pa ako sikat noon. Itong 2019 elections, grabe ang naging exposure ko sa TV, sa news, sa mga interviews, sa radyo, dahil sa Sereno impeachment, at dahil sa effective social media campaign, kaya imposible na 1 million lang ang nadagdag sa akin," pahayag ni Gadon. Naniniwala ba kayo sa mga paratang ni Attorney Gadon. Sino kayang administration candidate ang tinutukoy niya? Source: Atty Larry Gadon +"Sa puso ko, parang hino-hope ko pa rin na mayroong ganoon na miracle," Nangangarap si Vice President Leni Robredo na sana ay may mangyaring milagro at may manalo sa mga kandidato ng oposisyon na kilala sa tawag na Otso Diretso. Magugunitang si ex-senator Bongbong Marcos ang nangunguna noong 2016 elections sa mga surveys pero naungusan ito ni Leni para sa pagka bise presidente. Sa walong pambato ng oposisyon, si Senator Bam Aquino lang ang malapit-lapit sa magic 12. Matapos man daw ang eleksyon ay dapat tuloy pa din daw ang laban. Kailangan din daw nag magkaisa ang mga tao. "Hindi natatapos iyung laban sa eleksyon na ito. Kailangan iyung mga tao na nag-unite, magkaisa kami para magdesisyon kung papaano lalabanan iyung mga bagay na pakiramdam namin mali," ani Leni. Naniniwala si Leni na mayroong mga local government officials na hindi sinuportahan ang kandidato ng oposisyon. Pero manalo man o matalo, nagtagumapay daw ang oposisyon para pag-isahin ang mga tao na kaparehas nila ng paniniwala. "Pero sa akin naman, whatever the outcome of the election is, tingin ko panalo na kami -- panalo na in uniting a lot of people na pareho ang paniniwala about things that are happening," dagdag pa ni Leni. Sa kasalukuyang (May 14, 2019, 8:22 PM ), lamang pa rin ang mga manok ng administrasyon at lahat ng miyembro ng Otso Diretso ay hindi mahagilap sa top 12 ng senatorial elections. Source: ABS-CBN +Hindi nagustuhan ng makakaliwang grupo ng kabataan ang naging resulta ngayong halalan kaya nagsilabasan sila sa kalye para ipagsigawan na tutol sila sa kinalabasan ng eleksyon. Nagsagawa ang mga ito ng kilos-protest sa harap ng opisina ng Commission on Election (COMELEC). Sa mga larawan na ibinahagi ng News5 na mula sa grupong Kabataan partylist, makikita ang ilang estudyante na may hawak na banner na may nakasulat na "Labanan ang Dayaan at Atake sa Mamamayan". Sa ginanap na halalan, halos karamihan sa mga nakapasok sa Maic 12 ay mga kandidato ng Duterte Administration. Ang mga pabato naman ng oposisyon ay laglag base sa pinahuling tala (5:53 pm) ng partial at unofficial data ng COMELEC. Ang Kabataan Partylist ay lumahok din sa halalan at nakakuha lang ng 191,541 na boto at nasa ika-48 na puwesto, base sa pinahuling pagbabago (5:54 pm) sa website ng ABS-CBN. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pinaggagawa ng mga kabataan ito. "Mga g-g- .... di naman bumoto pero maraminng nalalaman.... mag linis nga kayo nang bahay nyo At nang makatulong naman kayo sa magulang nyo ... mga ul-l," sabi ni R. Nakamura. "Wala na. Finished na! No. 48. Kabataan Partylist. Goodbye. Hahaha. Nasaan na si Congressman Elago nyo?" sabi ni A. Albacite. "Naku ha akala niyo naman porke kabataan kayo sa inyo na ang boto ng tao? Hello nagising na po mga netizens! Kayo rin ang sumira sa kasabihang " kabataan ang pag asa ng bayan" hindi na!! Dahil ang kabataan ngayon walang alam kundi mag rally, sarili lng nakikita walang paki alam sa bansa. Baluktot ang pangangatwiran. Ayaw sumunod sa magulang puro gadget lng alam," sabi ni S. Omer. Source: Kabataan Partylist | News5 +Eksplanasyon mula sa Commission on Elections. Ito ngayon ang malaking panawagan ng kampo ng Otso Diretso senatorial slate, sa pangunguna ng kanilang campaign manager at Liberal Party President na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan, kaugnay pa rin ng nangyaring "glitches" sa nakaraang May Elections, gayundin sa pagbibilang ng mga boto. "Halimbawa 'yung pitong oras na hindi lumabas ang resulta sa transparency server, never naman nangyari ito. Pagkatapos pagdating ng madaling araw, 90 plus percent na, wala na lahat 'yung Otso Diretso. That by itself needs an explanation. How did that happen?" saad ni Pangilinan. Kinuwestiyon din ng senador ang aniya'y lima hanggang anim na oras na walang ibinigay na paliwanag ang Comelec habang hindi pa umano naita-transmit ang mga datos. Hindi rin daw lumabas at hindi nagsalita ang departamento na parang walang nangyaring problema, at dapat umano nila itong linawin. Binigyang-diin din ni Pangilinan ang kahalagahan ng transparent transmission lalo na sa mahigpit at dikit na laban partikular na sa ika- 12, 13. at 14 na puwesto. Si Senator Paolo Benigno "Bam" Aquino IV ng Otso Diretso ang kasalukuyang nasa ika-14 na slot, batay sa partial and unofficial results ng Comelec. "Itong mga ganitong kakaibang pangyayari ay malaking katanungan na dapat magkaroon ng paliwanag," wika ni Pangilinan. "Baka sakaling sa nasabing nalalabing pitong porsyento ay maipanalo pa ng isa o dalawa nating mga kandidato ang kanilang kandidatura. Mananatili tayong mapagbantay hanggang sa dulo," dagdag pa ni Pangilinan. Samantala, binatikos din ni Otso Diretso spokesperson lawyer Barry Gutierrez ang aniya'y pagma-malfunction ng daan-daang vote counting machines sa mismong araw ng halalan. Ilang mga ulat din ang kanilang natanggap na kinailangan umanong iwan ng ilang mga botante ang kanilang mga balota sa mga presinto at hinayaang ang mga election personnel sa lugar ang magpasok ng mga ito sa machine dahil sa pangyayari. Sa Tarlac, na siyang sinasabing balwarte ni Aquino ay may 14 mula sa kabuuang 18 SD cards ang umano'y iniulat na nag-malfunction din, ayon sa kampo ng Otso Diretso. "Obviously, that's a huge source of concern. We're talking about 500,000 voters potentially affected. And if the gap between number 14 where Senator Aquino is right now and number 12 is something like 300,000 votes, that's obviously going to matter," paliwanag ni Gutierrez. "We're not saying na may deliberate conspiracy dito na ginagawa, but what we're saying is merong mga tanong na kailangang sagutin ang Commission on Elections. And right now, the explanations that they have given have not fully addressed 'yung mga concern," dagdag pa nito. Source: GMA News +Nagkataon na sumabay ang kaarawan ni Mar Roxas sa araw ng eleksiyon ngayong taon, kaya binati ni ABS-CBN's Rated K host na si Korina Sanchez-Roxas sa social media ang kanyang asawa nitong Mayo 13 at hinangad na sana ay muling makapagsilbi sa bayan ang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DIILG). "[I] am so excited you may get this chance to serve again. I love you. Happy Birthday," sabi ni Sanchez. Kaya lang may problema. Dahil sa pinakahuling bilang ng partial and unofficial result (as of 4:50pm) ay hindi pa rin nalakapasok si Roxas sa Top 12. Umabot lang si Roxas sa ika-16 na puwesto. Pati ang mga kasamahan nito sa Otso Diretso ay hindi rin nakakuha ng sapat na boto. Karamihan ng mga nasa magic 12 ay tila mga pambato ng administrasyon. Sinabi naman ni Korina na mataas pa rin daw ang paghanga niya kay Mar kahit napapaligiran ito ng mga demonyo. Hindi naman pinangalanan ni Korina kung sino ang mga demonyong tinutukoy niya. "Honey, bilib ako sayo tiniis mo lahat ng demonyo sa paligid mo; am in awe at what you've accomplished and contributed to the poor and to this country," sabi ni Sanchez. Source: Abante | Inq +Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Palasyo at nagbigay na agad ng pahayag patungkol sa mga numerong lumabas sa partial at unofficial count ng Commission on Election (COMELEC). Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isa raw sa dahilan kung bakit lumamang ang mga kandidato ng administrasyon ay ang "Duterte Magic". Itinakwil din daw ng mga botante ang mga paninira at atake ng oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. "The voters rejected the negative propaganda unleashed by the opposition against PRRD and his Administration, e.g. issues of extra-judicial killings, drug war, South China Sea, among others," sabi ni Panelo. Isang malaking senyales din daw ang pangunguna ng mga kandidato ng administrasyon na gusto ng mga tao ang ipagpatuloy ang mga repormang itinataguyod ng gobyerno ni Pangulong Duterte. "The victory of the Administration's candidates and the shut out of the Otso Diretso candidates send a strong message that our people yearn for stability and continuity of the genuine reforms that the Administration started. They yearn for a constructive - not obstructionist - Senate which will help in crafting the President's legislative agenda," ani Panelo. Pinuri din ng palasyo ang mga botanteng Pilipino na nakipagkaisa ngayong eleksyon. "We laud the Filipino electorate for expressing their will in the strongest and unequivocal manner. With the successful holding of the elections, we have demonstrated to the world that we have a great order for democracy that can rise above the loud political noise.," dagdag pa ni Panelo. Source: Presidential Communications | Presidential Spokesperson +Nasa mga huling bahagi na ng pagbibilang para sa halalan 2019 at ang lahat ng kandidato ng oposisyon ay hindi mahagilap sa top 12. Sa pinakahuling tala (1:53pm), 94.85 porsyento na ng election returns ang nabibilang. Pero ayaw pa rin bumitaw ni Otso Diretso campaign manager Senator Kiko Pangilinan at nangangarap siya na baka magkaroon pa ng milagro. "Let's wait for the results. Who knows baka may milagro," pahayag ni Kiko. Ayon kay Kiko, mayroon ilang porsyento na nalalabi sa unofficial tally at baka magamit ito para maipanalo ang isa sa mga pambato ng Otso Diretso. "Baka sakaling sa nasabing nalalabing pitong porsyento ay maipanalo pa ng isa o dalawa nating mga kandidato ang kanilang kandidatura. Mananatili tayong mapagbantay hanggang sa dulo," sabi ni Kiko. Kahit na masaklap ang sinapit ng oposisyon ay itutuloy pa rin daw nila ang laban. "Tuloy pa rin ang laban para sa katarungan, para sa kasarinlan at sa mas maunlad na bukas para sa ating mga kababayan. Tuloy ang laban!" sabi ni Kiko. Source: ABS | GMA | Rappler +Kahit na laglag ang mga kandidato ng Otso Diretso sa Halalan 2019, inudyukan ni Vice President Leni Robredo ang publiko na bantayan ang mga natitirang mga boto na kailangan pang bilangin. "May laban pa tayong hinaharap. Hindi pa tapos ang bilangan, at kailangan pang bantayan," sabi ni Robredo. Sa mga kandidato ng oposisyon, si Senator Bam Aquino lang ang pinakamalapit sa Top 12. As of 11:26 am, nasa ika-14 na puwesto si Bam. Sumunod ay si Roxas na nasa ika-16 na puwesto. Ang ibang pambato ng Otso Diretso naman ay nasa labas na ng top 20. Para kay Robredo, panahon daw para magkapit-bisig at huwag bumitaw sa mga nalalabing oras ng bilangan. "Ipinamalas ng ating mga kandidato at volunteers ang tapang at dedikasyon sa ating adhikain. Huwag natin ito bitawan. Paghugutan natin ng lakas ang bawat isa," dagdag pa ni Robredo. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Robredo. "Instead of making that your battle cry, why not chanel it towards something positive, Leni.. drop the negative word fight, and inspire the people by using positive words like - "lets HELP the government" by being good abiding citizens etc etc.. something like that sana!!! Kaya kayo lumulubog eh! The people do NOT see and feel your sincerity to truly help the country. Hayyy aling Leni," sabi ni A. Gayanelo. "Fight??? Gusto mo talaga laging kaguluhan madam. We need a happy life and peace of mind and peace country thats all we ned madam," sabi ni M. Dizon. "Fight for what? Mas maganda pow yata vice Pres. eh kung help the government para sa better future.," sabi ni A. Luna. Source: ABS-CBN | FB +Sa isang panayam, tatlong buwan na ang nakararaan, ibinahagi ng ilang kababayan natin sa Pampanga ang rason nila kung bakit iboboto si former senator Bong Revilla Ayon sa kanila, iboboto daw nila si Revilla dahil sa itsura nito at sa pagiging mabait. "Kasi guwapo siya at mabait," sabi ng babae. Sa kasong kinasangkutan ni Revilla na plunder ay hindi daw sila naniniwala dahil mayaman naman na daw si Revilla. "Hindi na kami naniniwala (sa pork barrel case), kasi mayaman na ang mga Revilla," paliwanag ni ate. Magugunitang "not guilty" ang naging hatol ng korte kay Revilla kaugnay sa multi-million peso pork barrel scam na kinasangkutan nito. At nang tanungin kung anong batas ang nagustuhan nila na ginawa ni Revilla, ito ang kanilang naging sagot. "Basta guwapo lang siya," sabi naman ng mas matandang babae. Ang video ay umani na ng mahigit 4 million views at sari-saring komento ang natanggap mula sa mga kababayan natin. Sa pinakahuling tala (9:46 am) mula sa partial at unofficial count ng Commission on Election (COMELEC), nasa ika-11 na puwesto si Revilla. Ang kapwa akusado ni Revilla naman na si Jinggoy Estrada ay nasa ika pang 15 na puwesto. Source: Rappler | ABS-CBN +Mukhang patungo na nga sa kabiguan ang mga kandidato ng oposisyon na mas kilala sa tawag na Otso Diretso. Sa 9:16 am results ng partial at unofficial counting sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), 93.91% na ng elections results ang nabilang at wala ni isa sa Otso Diretso ang nakapasok sa Magic 12. Ang pinakamalapit lang na taga-Otso Diretso sa Magic 12 ay si Bam Aquino na nasa ika-14 na puwesto. Si former DILG Secretary Mar Roxas naman ay nasa ika-16. Kani-kanina lang ay nag-concede na ang isa sa mga miyembro ng Otso Diretso na si Attorney Romulo Macalintal. "From the results coming from all the clustered precincts, it is clear that a great majority of our voters have chosen other candidates. And I respect their decision as I concede defeat in this senatorial race... I sincerely congratulate all the winners who were so fortunate to get the trust and confidence of the people to serve for six years as their Senators," pahayag ni Atty. Macalintal. Ito po ang mga nakapasok sa Top 12, as of 9:16 ng umaga. Ito po ang mga komento ng ilang kababayan natin sa pinakahuling partial at unofficial results. "GOD HAS JUST SAVED THE PHILIPPINES! LET'S WORK HAND IN HAND FOR A BETTER PHILIPPINES," sabi ni C. Romeral. "#PRRD... God bless.... Hoping for unity for our country.... Hoping for a brighter future ahead.... Praying for all who win this election to serve our country very well.... Congratulations to all the winners ... ," sabi ni H. Jangas. "Mali kasi ang way nila ng pangangampanya imbes na sabihin nila ang plataporma nila ehh ang una nilang ginagawa sinisisi nila at sinisiraan ang gobyerno. lesson learned ," sabi ni N. Castro. " Kung kayo ba naman mga otso deretso eh pinuri ang ibang nagawa at magandAng nagawa ni President duterte baka pumasok pa ang iba sa inyo.kaso kapag sinabi ni President duterte kHit mGamda sa maraming tao.mali na sa inyo. Ayan tuloy deretso lahat sa inidoro. Ni isa walang pumasok sa inyo," sabi ni R. Alfonso. Source: ABC-CBN | ABS-CBN | Philstar +Tila nasapul sa komento ni Senador Manny Pacquiao ang mga talunang kanidadato at mga taga-suporta ng mga ito. "Ang problema dito sa atin, hindi lang talaga natin kayang tanggapin na natatalo tayo. Ganun talaga e, sa larangan ng pulitika o sports man, may talo talaga at may panalo. Kapag talo ka dapat tanggapin mo," pahayag ni Pacquiao sa isang presscon. Ayon pa kay Pacquiao, siya man din daw ay dumaan sa kabiguan pero imbes na mag-reklamo ay tinanggap niya ang hatol ng mga tao. "Ako man dumaan ako sa pagkatalo, tinanggap ko, 'yun ang desisyon ng taumbayan e," sabi pa ni Pacquiao. Sa limang pambato ng PDP-LABAN, apat sa mga ito ang nakapasok sa top 12. Ito ay sina Ex-PNP Chief Ronald "bato" Dela Rosa, Francis Tolentino, ex-SAP Bong Go at Senador Koko Pimentel. Ayon sa partial and unofficial tally nf COmmission on Election, nasa ika-19 na puwesto si Dong Mangudadatu. Naniniwala din daw si Pacquiao sa kredibilidad ng katatapos na eleksyon. "Tanggapin na lang nila kung ano ang desisyon ng taumbayan. Siguro me plano ang Panginoon sa kanila, na hindi ito ang time nila... Of course we still believe in the capability of Comelec, kaya naman nila, kaya nilang patakbuhin hindi lang talaga nila ma-control ang mga nasirang machines sa dami ng taong bumoboto. Bago naman gamitin 'yan may testing na ginagawa at gumagana naman... Walang tayong nakikitang dayaan dito, pinili ng taumbayan 'yan. I believe in the result," dagdag pa ni Pacquiao. Source: GMA News | News5 +Inakusahan ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago ang Duterte Administration ng pandaraya sa eleksyon. Ayon kay Elago, nanadaya daw ang palasyo para paboran ang mga kaalyado ng kasalukuyang gobyerno. "Palace has effectively admitted in using the Duterte 'magic' - an ongoing campaign to magically rig the elections in the administration's favor!" boladas ni Elago. Sa pinakahuling tala (May 16, 2019, 7:05pm) sa partial and unofficial result mula sa Commission on Election (COMELEC) data, nasa ika-50 na puwesto ang Kabataan partylist ni Elago. "Right now, Kabataan is ranked 50 in the party-list results -- one of the last to be offered seats in Congress. Who knows what the Duterte magic can do -- our votes are now susceptible to manipulation by moneyed party-lists, in an attempt to bring down the progressive voices in Congress... It's not about our position in the polls, however. It's the highly questionable and rigged process by which the elections were held," angal pa ni Elago. Kinukundena daw ng kanilang grupo ang nangyari umanong krisis sa eleksyon at ang pag-atake ng estado. Hindi rin daw sila basta bibitiw ng walang laban. "We won't give in without a fight. We're not just talking about the polls, we're talking about the implications here - a rubber-stamp Senate and Congress that will promote federalism, charter change, and possible threats of term extension and martial law,," dagdag pa nmakakaliwang kongresista. Source: Politiko +"It's about time we stop using Smartmatic," Tila napuno na si Senador Tito Sotto sa kapalpakan at perwisyong dulot ng Smartmatic, supplier ng vote counting machines (VCMs) na ginamit sa tatlong nakaraang automated elections ng Pilipinas. Magugunitang daan-daang VCMs ang naiulat na nasira sa araw mismo ng eleksyon. Isa sa mga nabiktima ng sirang VCMs ay si dating vice President Jejomar Binay. Umabot din daw sa 1,000 SD cards ang nagkaproblema sa araw ng halalan. Sa isang text message, pinahayag ni Senador Koko Pimentel ang posibilidad na magpatawag ng senate investigation dahil sa aberya nangyari sa pagpo-proseso ng mga boto sa transparency server. "Glitches are enough to call for a congressional investigation. Why are we still having all these glitches? Cannot Comelec (Commission on Elections) anticipate them?" sabi ni Koko. Sinisi naman ng COMELEC ang edad ng mga VCM kaya nagka-problema ito sa eleksyon ngayon taon. Ayon sa ulat ng Politiko, nagbayad pa daw ang COMELEC ng P8.1 billion sa Smartmatic noong 2018 para bilhin ang mga 97,517 na VCMs. Source: GMA News | Politiko | Philstar +"There should be no proclamation until the fraud tainted results are validated," Gustong ipasuspindi ng social action arm ng the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang proklamasyon ng mga nanalong senador dahil sa mga bintang ng pandaraya. Kailangan daw maimbestigahan at maresolba muna ang mga akusasyon ng dayaan bago iproklama ang mga nanalo, sabi ng CBCP National Secretariat for Social Action Justice and Peace. "We are calling to suspend the proclamation of winning senatorial candidates until the issue of fraud is resolved... We demand for an independent and impartial investigation of the alleged fraud and manipulation of automated canvassing by Comelec and Smartmatic," pahayag ni Father Edwin Gariguez, executive secretary of CBCP Nassa. Iginiit ni Gariguez na ang panawagan nila ay hindi para paboran ang Otso Diretso candidates. Kahina-hinala din daw ang naging resulta dahil sa delay ng paglalabas ng resulta sa transparency server ng COMELEC. Sa isinagawang halalan nitong Mayo 13, lumitaw na naging dominante ang mga pambato ng Duterte Administration. Habang ang mga kandidato ng oposisyon na mas kilala sa tawag na Otso Diretso ay hindi makita sa Top 12. Basahin ang reaksyon at komento ng mga kababayan natin sa banat ng CBCP. "How about stopping leni from being a VP until the case has beem resolved? Uhmmmm.. Irony of life ika nga," sabi ni M. Zeravla. "Juice colored.Stop being salty father at saka wag maki alam.Mag misa na lang po kayo.," sabi ni B. Abril. "We are calling the suspension of the vice presidency for 2016 until the issue of fraud is resolved," sabi ni D. Cuartero. "Hoy manahimik kayo talo otsodiretso fraud agad yun kay lugaw nataulog lang lumamang na wala kayo reklamo buset," sabi ni G. Anton. Source: Manila Bulletin | FB +Isa sa mga personalidad na hindi matanggap ang naging kinalabasan ng halalan ay ang aktres na si Agot Isidro. Si Isidro ay napabalitang kasintahan ni Otso Diretso candidate Florin Hilbay na kritiko din ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Isidro ay masugid na taga-suporta ng Liberal Party. Sa isang social media post, binulalas ni Isidro ang kaniyang opinyon sa ginanap na eleksyon nitong Lunes. "Klaro kung sino ang nanalo dito. China," Ilang beses na pala, ipinipilit ni Isidro ang ideya na ibenenta daw ni Pangulong Duterte ang Pilipinas sa bansang Tsina. "Let this be known. Rodrigo Duterte is the president who sold our country to China," sabi ni Isidro sa kanyang Twitter account noong Nobyembre 2018. Sa pinakahuling partial at unofficial tally ng Commisson on Election (COMELEC), nakakuha lang si Hilbay ng 2,699,871 na boto. Kahit na talunan ang kaniyang kasintahan, nagpasalamat pa rin si Isidro sa mga bumoto sa kanyang nobyo. "Friends have been sending me messages, calling me to say they voted for Pilo, or are on their way to vote for him. On my heart, Maraming Salamat," sabi niya. Matatandaang binawian ni Pangulong Duterte si Isidro at Hilbay nang kutyain nito ang relasyon ng dalawa. Ayon sa Presidente, ginagamit lang daw ni Hilbay si Agot para pagtakpan ang umano'y kabadingan nito. Source: Agot Isidro | Agot Isidro | Archived | Archived +"It was the systematic cheating and rigging of the elections which gave us these results," Hindi matanggap ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes ang naging kinalabasan ng eleksyon. Para kay Reyes, wala daw kredibilidad ang naganap na halalan dahil sa "Duterte Magic". Ayon kay Reyes, ang Duterte Magic ay binubuo ng mga sumusunod: - Martial Law sa Mindanao - Pagkakalat mismo ng kasalukuyang gobyerno ng maling impormasyon - Hinokus-pokus daw ang automated elections at kinontrol daw Commission on Elections (COMELEC) - Paggamit daw ng government resources para paboran ang mga pambato ng gobyerno. - Paggamit daw sa pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para gipitin ang mga oposisyon at mga progresibong partylist groups. Nanghihikayat si Reyes ng mga tao sa Biyernes para mag kilos-protest para ikundena ang naging resulta ng eleksyon.. Para kay Comelec Commissioner Luie Guia, ang anumang pagbibintang ng pandaraya sahalalan ay dapat suportado ng matibay na ebidensiya. "It is best to present specific proof that the votes credited to a particular candidates should not have been credited, or that what should not have been credited was credited. Proof of 'systematic cheating' is also welcome," sabi ni Guia Basahin ang naging komento ng ilang kababayan natin laban sa pahayag ni Reyes. "You mean to say, my vote that i cast on may 13 is not credible?!.... HELLO.?!... di lang kayo ang tao sa pilipinas... nandito din kami... ," sabi ni F. Onarebos. "E ano magagawa mo e marami pa ang bilib kay Duterte ngayon. It only means that Digong is credible becoz many Filipinos are believing him and are relying to him," sabi ni R. Cabuhat. "Ito ang taong ipinaglihi sa inggit at sama ng loob,sana sinals-l ka na lang ng tatay mo babalu," sabi ni J. Misahon. Source: GMA News | FB +"Tuloy ang laban!" Hindi matanggap ni senatorial candidate Neri COlmenares ang kanyang sinapit o ang kanyang pagkatalo sa ginanap na halalan nito lamang Lunes. Ayon sa dating kongresista, namanipula daw ang mga Pilipino na bumoto ng pinakamasasamang pinuno. Base sa ulat ng GMA News, kasalukuyan daw na nasa ika-24 na puwesto si Colmenares at nakakuha lang ng 4,581,688. "I will never concede defeat to a rotten electoral exercise that has basically deceived, bribed, intimidated and manipulated our people into electing the worst kinds of leaders imaginable," banat ni Colmenares Si Colmenares ay naging representante ng makakaliwang partylist na Bayan Muna sa kongreso. Isa din siya sa mga matitinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito na ang pangalawang pagkakataon na nabigo si Colmenares na maging senador. Una itong tumakbo para senador noong 2016 elections. Pinangungunahan ngayon ng mga administration candidates ang top 12 sa partial at unofficial results ng COMELEC. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging pahayag ni Colmenares. "Election is always unfair when you lose, but is always fair when you win," sabi ni J. Castro. " Sir ok lang yan, we never voted for u anyways," sabi ni Y. Suba. "why then did u run? hopeful ka rin, db? so, if d outcome didn't favor u, be a sport n accept it rather than mock d system which u embraced wen u won...life is sucks so don't suck it up by bitterness. help na lang in nation building for d many pinoys who still dream to see the light shines....," sabi ni R. Ibong. "Then why you run for candidacy if you already know na "rotten elections" meron sa Pilipinas? Or now nyo lang nalaman yan?" sabi ni G. Simplicio. Source: GMA News | FB +Tume-trending ngayon ang ulat ng ilang media kung saan sinasabing natanggal sa top 12 senators si Bong Revilla habang si Otso Diretso candidate at opposition senator Bam Aquino naman ang nakapasok. Si Revilla ngayon ay nasa ika-14 na puwesto at si Bam ay nasa ika-12. Gaya naman sa partial at unofficial result, nananatili pa rin si Senator JV Ejercito sa ika-13 na puwesto. Ayon sa mga reports, galing umano ang datos mula sa 9:30 pm partial and official results ng Commission on Election (COMELEC) na tumatayo bilang National Board of Canvassers. Ito po ang listahan. Kung naliliitan kayo sa kopya ng partial and official result, ito po ang listahan na mas malaki ang texts. Basahin ang komento ng ilang kababayan natin sa kaganapan na ito. "Sana malaglag sya at di maka pasok. Si JV nalang pls. Wag na. No more Aquino pls. Pls wag Naman," sabi ni M. Ernest. "Impossible to happen how much they pay over million votes away I sleep for only four hours when I wake up Bam is in 12 ridiculous ," sabi ni T. Beltran. Pinuna naman ng isang kababayan natin ang ulat ng media at sinabing 34 clustered precints pa lang ang nabilang. "top 12 sa 34 prescint si bam. relax lang kayo nasa 350k pa ang lamang ng top 12 na si nancy kay bam. so malabo din magtop 12 nationwide si bam," sabi ni E. Quintano. Source: GMA | Inq +Trending ngayon ang social media post ng radio host at pro-government blogger na si RJ Nieto, o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy. Sa pamamagitan ng screenshot mula sa website ng ABS-CBN, ipinakita ng blogger kung gaano lang kakaunti ang nakuhang boto ni Mar Roxas sa unang bugso ng election results para sa Tacloban City. Base sa 6:15 pm data ng first wave ng election results mula sa transperancy server ng Commission on Election (COMELEC), nakakuha lang si Roxas ng 32 boto sa lunsod ng Tacloban. Si Roxas ang ikalawa sa grupong Otso Diretso na may pinakakaunti na nakuhang boto sa syudad. Kumamada si Imee Marcos ng 528 na boto at sinundan siya ni dating Special Assistant to the President Bong Go na may 396. Pumangatlo naman si ex-PNP Chief Bato Dela Rosa na mayroong 353. Naniniwala ang ilang kababayan natin na kaya naging mababa ang boto ng mga taga-Tacloban kay Roxas ay dahil sa naging aksyon nito noong 2013 Yolanda Typhoon kung saan pinamumunuan ni Roxas ang operasyon ng Department of Interior and Local Government. Magugunita na mayroong video clip na kumalat sa social media noong 2013 kung saan tila nag mukhang pinu-politika ni Roxas ang sitwasyon sa Tacloban. "You have to understand you are a Romualdez and the President is an Aquino. So, we just want to legalize, if not legalized, well ok you are in charge, we can't help you, bahala na kayo sa buhay niyo," ang mga salitang sinabi ni Roxas na nakunan sa video. Dumipensa naman si Roxas at sinabing hindi kumpleto ang ipinakita sa naturang video footage. Naging maingat lang daw ang national government sa pakikitungo sa local government unit. Ang post ni Thinking Pinoy ay naibahagi na ng lagpas 9,000 beses habang isinusulat ang artikulo na ito. Umabot na rin sa libo-libo ang nagkomento rito. Magugunita na dinalaw pa ni Roxas ang mga taga-Tacloban noong huling bahagi ng Abril para mangampanya. Sa ngayon ay nagkaka-aberya ang COMELEC kaya naantala ang pag-update sa partial at unofficial count para sa mga senatoriables. (UPDATE: Sa pinakahuling bilang sa partial at unofficial data ng COMELEC (May 17, 2019, 4:03 PM), 6,255 na ang nakuhang boto ni Roxas at nasa ika-25 na puwesto na sa Tacloban ang dating DILG Scretary.) Source: ABS-CBN | Thinking Pinoy | CNN Phil | ABS +Sa kanyang social media account, pinikita ni senatorial aspirant Attorney Glenn Chong ang pagsugod niya sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) para ireklamo ang mga natanggap niyang ulat tungkol sa hindi paglabas umano ng pangalan niya sa ilang resibo. "PINAPAGPALIWANAG KO ANG COMELEC TUNGKOL SA MGA REPORTS NA NATANGGAP NAMIN NA HINDI LUMABAS ANG AKING PANGALAN SA RESIBO KAHIT IBINOTO AKO," sabi ni Attorney Chong. Binunyag din ni Chong na may nasagap siyang sumbong ng isang botante. Ayon daw sa botante, 2 sila ni former DILG Secretary Mar Roxas na binoto pero ang pangalan lang ni Roxas ang lumitaw sa resibo. "I posted it on my Facebook acount. Ang binoto niya dalawa, si Glenn Chong at si Mar Roxas, ang lumabas sa resibo si Mar Roxas lang. Wala ang pangalan ko sa resibo," pahayag ni Attorney Chong. Sa isa naman daw na pagkakataon, si Magdalo Representative Gary Alejano ang lumabas kahit na siya ang ibinoto ng botante. "SA BATANGAS: GANITO RIN ANG NANGYARI SA ISANG BOTANTE. SI GLENN CHONG ANG IBINOTO, SI ALEJANO ANG LUMABAS SA RESIBO," pagbubunyag ni Chong. Kasalukuyang lumalabas ang mga ulat na nagkakaroon ng aberya sa COMELEC dahilan ng pagkaantala ng pagdi-display ng mga partial at unofficial count para sa mga senador. Ayon sa COMELEC, ginagawan na raw nila ng solusyon ang problema. Source: Attorney Glenn Chong | [2] +Matapos payagan ang inihaing Motion for Reconsideration ni Gretchen Fulido, binigyan na ng "go signal" ng Quezon City (QC) Prosecutor's Office si Fulido na magsampa ng kasong "libel" laban kina broadcast journalist Cecila "Ces" Orena Drilon, showbiz news reporter Marie Milagros Lozano at news executive Venancio Borromeo. Sa resolusyong may petsang Abril 29 na pinirmahan ni QC Chief Prosecutor Barcellano, nakitaan umano ng sapat na basehan ang reklamo ni Fullido laban sa tatlong akusado. Ayon sa prosecutor, "acted in bad faith" umano ang tatlo nang magbitaw ang mga ito ng mga mapanirang- puring pahayag habang nagsasagawa ng internal investigation ang kanilang network, kaugnay ng isinampang reklamong "sexual harrassment" ni Fullido laban kina dating news executive Cheryl Favila at news segment producer Maricar Asprec. Sinabi umano ng tatlong akusado na ginawa ito ni Fullido upang umangat ang kanyang employment status sa ABS-CBN. Inirekomenda rin umano ng QC Chief Prosecutor ang paglabas ng warrant of arrest laban sa tatlong akusado. Batay pa sa abogado ni Fullido na si Atty. Marvin Aceron, isinaad din daw ni Fullido sa kanyang Complaint Affidavit ang ginawang "victim-shaming" ni Drilon sa kanya, at ang imputasyong pahayag daw nito na kaya umano na-harass si Fulido, dahil willing naman daw itong magsuot ng bikini sa inflatable pool na may mga bula upang umangat ang rating ng TV Patrol. Nauna nang ibinasura ng QC prosecutor's Office noong Marso ang inihaing libel case ng kampo ni Fullido, dahilan upang mag-file sila ng Motion for Reconsideration. Sa nasabing April resolution, tinawag na "act of malice" ng prosecutor ang claim ni Drilon na nakita niya umano si Fullido na tinawanan lamang ang mga komento ng mga kalalakihang anchors ng TV Patrol patungkol sa katawan, pananamit at pagkilos ni Fullido. Ganito ang nakasulat sa nabanggit na resolusyon, batay sa ulat ng The Manila Times: "Respondent acted with malice when the imputation contained in her Affidavit appears to be absolutely discreditable tending to impeach the virtue and reputation of complainant. Respondent went beyond board and what is relevant on the case when she linked the act complained of to an alleged incident where complainant have many times received inappropriate comments from other members of TV Patrol, which in her opinion also constituted acts of sexual harassment. Respondent went farther when she said that complainant was willing to wear a bikini on television for TV Patrol's rating. It can be deduced from the words of respondent that she jumped into a conclusion or assumption that Complainant could easily ignore such unpleasant acts, as if she welcomed the same." Source: The Manila Times PEP.ph +Sa kanyang talumpati sa Davao City, ilang araw bago mag halalan, muling binanatan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidato ng Otso Diretso. Isa sa binanatan ng Presidente ay si reelectionist senator Bam Aquino. Ayon sa Pangulo, panay daw pagsasalita ng Ingles at credit grabber pa ito. "Bam Aquino are just the same. They like to speak in English. But he would take credit for works that are not his," sabi ni Presidente Duterte sa wikang Cebuano. Hindi rin nakaligtas si Otso Diretso candidate Gary Alejano sa mga patutsada ng Pangulo. Base sa pahayag ng Presidente, bugok daw daw ang Magdalo Representative at nagtatapang-tapang dahil nakapagtapos sa Philippine Military Academy (PMA). "There's this one guy. I"ll name him. Gary Alejano. What has he done? He participated in a coup d"etat, nag-mutiny, and threatened people. Afterwards, he retreated in the Manila Peninsula, ordered steak, occupied the bedrooms and slept there. Then they stole the expensive glasses. And then he ran for senator. He"s still a liar. He keeps on making up issues. Bugok eh. They thought that just because they were able to finish a four-year course, just because they graduated from PMA, that they are the toughest ones here," banat ng Pangulo kay Alejano. Source: Presidential Communications +Sa kanyang talumpati sa isang campaign rally sa Davao City, pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidente Ferdinand Marcos. Ayon sa kasalukuyang Pangulo, si Marcos lang daw ang nag-iwan ng mga proyektong makikita natin. Ilan sa mga proyektong na nagawa noong panahon ni Presidente Marcos ayon kay Pangulong Duterte ay ang Cultural Center of the Philippines, Philippine International Convention Center at Manila's light rail transit system. "Alam ninyo sa totoo lang, sa lahat ng mga naging presidente, sinong presidente ang may mga nagawa na makikita natin? Marcos lang," sabi ni Presdiente Duteret sa wikang Cebuano. Matapos ibida ang mga nagawa ni Marcos ay sabay banat naman si Pangulong Duterte sa ibang politiko. Hindi na pinangalanan ni Pangulong Duterte kung sino ang mga ito. "It was only Marcos. At least in his time, Marcos had these built: the Cultural Center of the Philippines, PICC, and MRT. And the others? Wala. All they do is talk and criticize,," banat ng Pangulo. Source: GMA News | Presidential Communications +Kalaboso ang inabot ng durugistang si Jake Obrero, 29-anyos, matapos nito saksakin ang kanyang mismong nanay. Nangyari ang insidente sa Talisay CIty, Cebu. Ayon sa ulat ng GMA News, nagalit daw ang suspek nang hindi siya bigyan ng P20 ng kanyang ina. Gagamitin daw sana ng suspek ang pera pambili ng sigarilyo. Base sa ilang impormasyon, sangkot din daw si Jake sa kalakalan ng droga. "Sabi niya, 'Ma pahingi ng bente. Bibili ako ng sigarilyo.' 'Wala nga akong pera Jake'. Nagalit siya at muntik na niya akong siuntok. DUmating na 'yung isa ko pang anak, siya 'yung pumigil'," sabi ni Merciditas, ina ng suspek. Nasugatan naman ang kapatid ng suspek nang tangkain nito na awatin ang kaguluhan. "Namalayan ko na sinaksak na. Nakaiwas sin ako, Tapos nakakita ako ng madadaanan, tumakbo talaga ako palayo. Hinahabol niya pa rin ako. Pinaktakbo ko mama ko. Sabi ko, 'Takbo ma. Kasi aabangan ka niya'," sabi ni Buo na ang loob ng mga kaanak ni Jake na ipakulong ang suspek, Ayon sa nanay ni Jake, puro perwisyo daw ang dala ng suspek sa kanilang pamilya. "Ipapakulong ko talaga kasi hindi na kaya. Nagdadala talaga siya ng gulo sa pamilya," sabi ni Source: GMA News +Isang manonood sa Philippine Basketball Association (PBA) game ang inaresto matapos pumasok sa loob ng basketball court habang naglalaro ang mga players. Ang matindi pa ay nakasuot ito ng costume ni Spider-man. Nang tanungin kung bakit niya ito ginawa, sumagot ito ng, "Gusto ko lang na magmahalan tayong lahat". Ang ulat ng Manila Bulletin ay umani na ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens at naibahagi ng arin ng lagpas 9,000 beses. In-upload naman ng Facebook page na PBA / NBA Forum ang bahagi ng laro kung saan nanggulo ang taong nakasuot ng Spider-man. Ito naman po ang video kung saan tinanggal na ang maskara ng lalaki. Source: MANILA BULLETIN | PBA / NBA Forum +Paalala sa mga kababayan natin sa Singapore: maging maingat at panatilihin ang kalinisan at sanitasyon sa lahat ng oras. Naitala ngayon sa Singapore ang kauna-unahang kaso ng rare monkeypox virus na nakapasok sa kanilang bansa, mula sa ulat ng ABS-CBN News at Rappler. Ang nasabing monkeypox ay kahalintulad umano ng human smallpox na tuluyang napawi noong 1980, kasunod ng global immunization campaign sa pangunguna ng World Health Organization. Hindi naman umano madaling maikalat at makahawa ang nabanggit na monkeypox subalit sa mga ilang pagkakataon, maaari itong magdulot ng kamatayan sa magiging biktima nito. Karaniwan daw na tumatagal ang monkeypox sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo. Magsisimula ito sa mataas na lagnat o trangkaso, at di kalauna'y magdudulot ng "bumps" na kung tawagin ay "pustules" at kumakalat sa iba't ibang bahagi ng katawan ng pasyente. Ayon sa US-based Centers for Disease Control and Prevention, tatlong beses pa lamang nakapagtala ng mga kaso ng monkeypox infections sa labas ng Africa, sa United States, sa United Kingdom at Israel. Batay sa ulat ng Ministry of Health (MOH) ng Singapore nitong Huwebes, nakapasok ang nasabing monkeypoxvirus sa kanilang bansa dala ng isang 38-taong gulang na Nigerian na dumating sa Singapore noong Abril 28 ng kasalukuyang taon. "While risk of spread is low, MOH is taking precautions," saad ng Singapore Ministry of Health. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, bago umano dumating sa Singapore ang nasabing monkeypox virus-infected na Nigerian ay dumalo muna ito sa isang kasalan sa Nigeria. Maaari umanong nakakain ito roon ng bushmeat na siyang posibleng pinagmulan ng virus transmission. Ang "bushmeat", o 'yung tinatawag ding "wildmeat", ay bahagi ng dyeta ng mga Africano na maaaring mula sa karne ng gorilla, chimpanzee, antelope, birds, o maging rodents. Kasalukuyan na rin umanong naka-quarantine ang 23 kataong nagkaroon ng close contact sa nasabing Nigerian at oobserbahan sila sa loob ng 21 araw. Source: ABS-CBN News Rappler +Inilunsad na ng Philippine National Police (PNP) ang pag hunting kay Peter Joemel Advincula dahil sa mga kasong estafa at illegal recruitment. Si Advincula ay lumantad kamakailan sa media para sabihin na siya si alyas "Bikoy", ang lalaking nagsasalita sa video series na nangyuyurak sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagbanta naman ang Department of Justice na kakasuhan nila ang mga taong nagkakanlong kay Advincula. Nahalungkat naman ng ilang kababayan natin ang mga lumang videos ng mga tao nagre-reklamo laban kay Advincula. "Isang taga Donsol, Sorsogon na nagngangalang PJ DE LEON ADVINCULA, nag-organize ng isang beauty contest sa Polangui, Albay. Pinangakuan na mananalo ng limpak na salapi ang mga magwawagi sa nasabing contest gamit ang pangalan ng Ardeur Perfume and Scents Intl," sabi ni Wow Edgar A. Tumangan . Source: PTV | Philstar | Wow Edgar A. Tumangan +Kahit na napulbos na ng Duterte Administration ang kilabot na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog na itinuturong sangkot sa droga, may ilang kritiko pa rin ang nagsasabi na walang big-time na nahuhuli at napapatay sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pero sa katotohanan, mayroon pang ilang alkalde na nadedo dahil anti-drug campaign ng Pangulo. Ito ay sina Mayor Rolando Espinosa at Mayor Samsudin Dimaukom. Ngayon ay madadagdagan pa uli ang listahan. Hindi man natodas ang mayor na ito, napasakamay naman siya ng otoridad. Nahuli nito lang Huwebes si Lingig town mayor Roberto Luna Jr. Nakumpiska mula sa alkalde ang mga armas (Colt caliber .45 pistol, a magazine loaded with .9 millimeter-caliber ammunition, magazines of .45-caliber pistol and KG9, rifle grenade) at marijuana. Si Luna ay kasama sa listahan ni Presidente Duterte ng mga politikong sangkot sa kalakalan ng droga. Nakuha din ng mga otoridad kay Kuna ang P2 milyon. Pinagsusupetsahan na gagamitin daw ito ng alkalde para bumili ng boto dahil nakalagay umano ang pera sa mga envelopes na may sample ballots. Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Mayor Luna. Source: News5 | INQ +Tatlong araw bago maghalalan ay ibinunyag ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko na natukasan daw nilang corrupted ang mahigit 400 na Secure Digital (SD) Cards na gagamitin para sa eleksyon sa Mayo 13. Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimnez nasa final testing at sealing (FTS) ang mga vote counting machine (VCM) nang malaman na corrupted ang mga SD cards. "Right now, we have a report of up to 473 cards corrupted. This is out of the 43,000 SD cards that are in play right now," sabi ni Jimenez Nilinaw naman ni Jimenez na papalitan agad nila ang mga SD cards para masolusyunan ang problema. "We respond by preparing replacement cards, which are then swapped for the corrupted SD cards. We don't issue out new SD cards unless we get the corrupted SD cards in return... It's good that we are seeing these problems now. This is the actual purpose of the FTS," dagdag pa ni Jimenez Source: INQ | GMA | Manila Bulletin +"Talagang dumadapo ang ipis sa basurang bulok, at malinaw na kasama sa dinadapuan nito ay 'yung may bastos at basurang bunganga gaya ng sa Pangulo." Ganito ang isa sa mga naging pahayag ng grupong Gabriela patungkol kay Pangulong Duterte, matapos ang naging komento ng Pangulo kay Bohol Mayor Baja Gallantes, kung saan pabirong pinuri ni Duterte ang aniya'y kagandahan ng alkalde. "If it were me, why would I break up with you? I will really grab and hold on to your panty if you try to leave me, even until the garter snaps," saad ni Duterte kay Gallantes. Ayon sa grupong Gabriela, hindi na umano nila ikinagulat ang naging pahayag ni Pangulong Duterte dahil normal naman daw itong nagsasalita ng mga ganoong bagay, at natural lamang daw na dapuan ng ipis ang isang basurang nabubulok. Matatandaang sa gitna ng pagtatalumpati ni Duterte sa isang campaign rally sa Bohol nitong Miyerkules nang gabi ay isang ipis ang lumipad at aksidenteng dumapo sa balikat ng Pangulo. "No wonder the cockroach cozied itself with the President in Bohol as he yet again spewed putrid material- this time flaunting his machismo on Garcia-Hernandez Mayor Tita Baja-Gallantes during a local campaign rally on Wednesday night," saad ng Gabriela. Kasabay ng pagbatikos na ito ng Gabriela sa Pangulo, muli ring nanawagan ang grupo sa mga botante na huwag suportahan ang anila'y sinumang opisyal o kandidato na kinukunsinti ang kawalang respeto sa mga kababaihan sa darating na May 13, 2019 elections. "We, in Gabriela Women's Party strongly condemn this sick and disgusting display of machismo, infidelity and ethical bankruptcy," wika ng Gabriela. "We call on women to make May 13 elections a platform for the resounding rejection of misogyny and macho-fascist leadership. Duterte allies who'd never bat an eye every time the President degrades, humiliates and sexualizes women do not deserve election to public office," dagdag pa ng Gabriela. Source: GMA News +Kaya pala nahinto na sa pagbibilang ng partial at unofficial count ang ilang media groups ay dahil nagkaproblema daw ang transparency server ng Commission on Election (COMELEC). Ayon sa ulat ng GMA News, kanina pang 6:15 ng gabi ang huling update sa server at hanggang ngayon ay .38% pa lang ipinapakitang naprosesong election results (ER). Inamin mismo ng information technology department ng COMELEC na nagka-aberya sa pagpapasa ng ERs patungo sa transparency server kung saan kinukuha ng mga media groups ang datos ngayong eleksyon. Kinumpirma din ni Comelec director for information and communications James Jimenez na mayroon ngang technical issues na kinakaharap ang kanilang ahensiya. Inaayos na raw ng COMELEC ang aberya at sana ay maayos ito bago maghating gabi. Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa kinakaharap na problema ng COMELEC. "Terminate all comelec officials. So incompetent!!!! 3 years to prepare for a one day event and yet may palpak pa rin. :((( or may milagro ginagawa ," sabi ni A. Abella. "DELAYED CANVASSING !!! This is the main issue why we, in the IT Community, say that Comelec is the most unqualified implementor of the AES & Smartmatic is the grossly incompetent contractor for the past 4 elections. But as we speak, data tampering is now on-going due to non-update on Comelec official website and the posting on mainstream media is only at 0.40%. And yet Comelec has announced for the suspension on the canvassing until 1 pm tomorrow. So, WHERE ARE ALL THESE FIGURES COMING FROM ??? THIS IS A CLEAR CASE OF ELECTION FAILURE AND YET COMELEC IS NOT DECLARING IT FOR OBVIOUS REASON," sabi ni senatorial aspirant Toti Casino. "What's new... expect the unexpected. Mamaya magugulat ka na lang sa mga results," sabi ni M. Ungui. Source: GMA News | archive | Toti Casino | CNN Phil +Nagtungo nitong hapon si Attorney Glenn CHong sa command center ng Commission on Elections (COMELEC) para magreklamo sa ulat ng mga umano'y iregularidad na nakarating sa kampo niya. "I'm here. I'm demanding from COMELEC an explanation kung bakit 'yung pangalan ko ay hindi lumalabas sa resibo. We have call center, manned by 24 persons. We have been monitoring the results from across the country. We have problems in Cagayan De Oro, Iloilo, Batangas, Manila, Biliran and Cagayan Provinces," sinabi ni Chong, Isa pa sa mga pinunto ni Attorney Chong ay ang mga nasisirang makina o mga VOte Counting Machines (VCM) sa mismong araw ng halalan. "Hindi lumalabas ang pangalan ko sa resibo and we are demanding COMELEC answers. And including 'yung mga nasisirang makina. We believed na may magic 'yun," dagdag pa ni Chong. Napaulat kani-kanina lang na may ibang pangalan na lumabas sa voter's receipt ni Senator Cynthia Villar. Sa isang panayam, sinabi ni Villar na nagulat siya sa nangyari. Hindi naman inaalis ng senadora ang posibilidad na nagkamali siya. Magugunitang nanggalaiti naman si former vice president Jejomar Binay kaninang umaga dahil hindi daw nabasa ng VCM ang kanyang boto. Ayon kay Binay, walong beses umano hindi tinanggap ang kanyang boto. Nagtungo si Binay sa tanggapan ng COMELEC para ireklamo ito. Ayon sa ilang ulat, pinalitan na ng COMELEC ang VCM para makaboto si Binay. Source: News5 | DZRH | DZRH +"Huwag na nila pakialamanan yung results ng botohan," Binalaan ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang Information Techology service provider na Smartmatic na huwag mangingialam sa midterm election. Sinabi ni Mayor Sara ang babala matapos niyang bumoto sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City. Para kay Sara, dapat maging tapat ang Commission on Election at Smartmatic. "That's why it is an election, that's why it is a democracy. People are allowed to choose kung sa kanila yung gusto nilang botohan that's why we remind also the COMELEC and Smartmatic to be faithful sa mga choices ng mga tao," dagdag pa ni Mayor Sara. Magugunitang sinabi ni mayor Sara nitong unang bahagi ng taon na natapyasan ng boto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections. Hindi lang daw kasi 16 milyon ang nakuha ng kasalukuyang Pangulo, pumalo pa raw sa 17-19 milyong boto ang inani ni Presidente Duterte. "Alam mo kung pwede lang magprotesta si President Duterte for the votes that he lost because of cheating. Ang ini-estimate namin it's about 2-3 million votes that President Duterte lost because nilipat sa ibang kandidato... Tinitingnan natin yung boto ng mga senators, 'yung boto ni Leni Robredo, nung ibang candidates, makikita kung nasaan 'yung mga boto," sabi ni Mayor Sara nito lang Marso. Source: GMA News | Politiko | Edge Davao| Philstar +Isinapubliko na po ng ilang media ang partial at unofficial count ng naibatong numero mula sa Commission on Election (COMELEC) Transparency Mirror Server. Ang makikitang niyong datos ay inilabas nito lang 6:15 ng gabi. 168,692 na boto palang ang nabibilang, Ang rehistradong botante ay 63,662,481. .03% pa lang ang napo-prosesong ER. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa partial and unofficial result na inilabas ng GMA News. "Kawawang Pinas pumasok na naman ang mandarambong at mandedenggoy," sabi ni H. Regalado. "Thanos please come here in the Philippines," sabi ni K. Constantino. "Nakakalungkot lang na yung tulad ni JIGGY MANICAD na tunay na nakakakita ng hirap ng pinas eh di nakakapasok. Sa tagal nya sa pagiging news caster at journalist, nakita niya yung struggle ng karamihan. He deserved the slot, not Revilla," sabi ni E. Celiz. "Sana naman gumawa ng batas na dapat lahat ng botante , college graduate haissstt dami bobo binoto din nila mga kagaya nila di graduate at puro sayaw lang alam," sabi ni E. Malobago. Source: GMA News +Bayan Muna, Harapang Binutata ni DU30 Official Ronald Cardema! Naging mainit ang tagpo nang magkaharap sina Bayan Muna Representative Carlos Zarate at si National Youth Commission Chairman (NYC) Ronald Cardema sa programa ng ABS-CBN News Channel. Sa kanilang diskusyon, napag-usapan ang mga kabataang nahihikayat sa armed rebellion ng mga makakaliwang grupo at ang layunin ng Duterte Youth Partylist. Ibinunyag din ni Cardema na may mga miyembro ng Kabataan patylist dahil naging miyembro ng New People's Army (NPA). "Isa lang naman ang youth party list sa kongreso at ito ay Kabataan party list. At sa aming datos, nakita namin na mayroong miyembro ng Kabataan partylist na napatay na as NPA," sabi ni Cardema. Para kay Cardema, dapat ay mayrong tumapat sa mga youth group ng mga makakaliwa sa kongreso. Hindi rin daw maaari na puro makakaliwang kabataan daw ang nagsasalita. "Sinusuportahan namin ang Duterte Youth Partylist dahil walang ibang kabataan na gustong lumaban sa kanilang hanay. Hindi pwede na sila lang ang nagsasalita dahil dinadala niyo sa armed rebellion ang iba niyo pong miyembro. Ngayon, kung walang haharang diyan na hardliner na pro-military at pro-government, ano pang mangyayari?" banat pa ni Cardema. Sinisiraan din daw ng mga makakaliwa ang mga dating miyembro nito na nag balik loob sa gobyerno.. "NPA fighters surrendering to the government. They are telling us that they are member of your organization. Sinungaling ba sila? Sila na nakasama ninyo sa makabayang pag-aklas, sa makabayang adbokasiya. Ngayon na ayaw na nilang lumaban at gusto na nilang bumalik sa gobyerno, gusto nila ng kapayapaan, sila pa ang sisiraan ninyo? " buwelta ni Cardema. Ito po ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin. "laglag salawal ni bigote hahaha upakan nio pa sir nuon pa nmn alam ng lahat NPA member yan sila. at lahat naka upong presidente tlgang kontra yan sila mga kampon ng kadiliman yan at kamag anak ni Pinocchio sa pgsisinungaling," sabi ni Z. Centi. "Go Duterte youth. Parang kinkakabhan c zarate!" sabi ni J. Racaza. "At least some one tell the real score of bayan party group," sabi ni A. Miranda. Source: ANC 24/7 +Sa isang pahayag, sinabi ni Pope Francis na ang pag-uulat na nakabase sa tsismis ay isang uri daw ng terorismo. Ayon sa lider ng Simbahang Katolika, puwede daw ikamatay ng isang tao ang maling paraan ng pamamahayag. "terrorism, of how you can kill a person with your tongue," sabi ni Pope. Mas malaki din daw ang responsibilidad ng mga nagta-trabaho sa inudstriya ng pamamahayag dahil mas nakakarating ang mga boses ng mga ito sa mas maraming tao. Hindi din daw dapat gamitin ang pamamahayag para sirain ang sinuman. "This is even more true for journalists because their voice can reach everyone and this is a very powerful weapon," dagdag ni Pope. Dapat din daw pag-igihin ng mga mamamahayag ang pagkalap ng katotohanan lalo na sa pan ahon na ang mga news coverage ay round-the-clock. Ang mga komento na ito ni Pope Francis ay sinabi niya para sa mga lider ng Italy's national journalists' guild. Pero kung tatanungin kayo, naa-ayon din ba ito sa bansa natin? Anong news organization ang una niyong nai-isip pag sinasabi ang mga salitang "irresponsible journalism"? Source: Huffpost +Sa kabila ng pamba-bash na natatanggap ni former senator Bong Revilla mula sa mga kritiko niya, ramdam pa rin daw niya ang pagmamahal ng mga taga-suporta niya. Muling pinanindiganan ni Revilla na hindi siya nagnakaw sa kaban ng bayan. Sabi pa ni Revilla, hindi daw niya kailangan ng pera dahil nagkapera daw siya sa pagiging artista niya noon. Ibinunyag din ng dating senador na nangalap pa raw ng P50 million na pondo ang mga kontra sa kanya para lang siraan siya. Ayon sa ulat ng Abante, nagbigay pa daw ng mensahe si Revilla sa mga kritiko at bashers nito. "Si Bong Revilla, mandirigma, habang nasasaktan, lalong tumatapang, habang sinisiraan, lalo ako popogi," boladas ni Revilla. Magugunitang naglabas ng warrant of arrest ang hukuman kaban kay Revilla noong 201 dahil sa pagkaka-ugnay nito sa Napoles' pork barrel scam pero nakalaya ito matapos i-acquit ng korte noong 2018. Si Revilla ay tumatakbo muli para sa pagka-senador. Hindi naman nagustuhan ng ilang kababayan natin ang mga binitawang salita ni Revilla. "Habang tumatagal lalong kumakapal.. Dyusmio pag pinanalo niyo ito... Magkakaself confidence na naman itong animal na to.. Magbibilang n a kami ng bobong bobo to sayo," sabi ni G. Wun. "kabobohan na ng mga pinoy pag siya ang binoto..wag tatanga tanga," sabi ni F. Kenneth. Source: Abante | MSN +Isang babae ang galit na galit na dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang umano'y ikinalat na larawan ng marumi niyang underwear sa social media. Ang nagreklamo ay nakilalang si Joan Roa, 26 anyos at isang lady guard na taga- Caloocan City. Inireklamo niya si Emelita Caalim, 34 anyos, isang online seller sa Makati City, dahil umano sa pagpo-post nito ng litrato ng may mantsa niyang panty sa Facebook. "Paninira, bilang isang babae, na hindi kaaya-aya. 'Yung pambababoy niya sa akin, hindi makatarungan. Hindi respectful," ayon sa complainant na si Roa. Ayon pa kay Roa, ipinagkalat umano ni Caalim sa social media na burara siya at ganung klase siyang babae. Hinimok ni Raffy Tulfo na pag-usapan na lamang ng dalawang panig ang nasabing isyu at pinayuhan ang inirereklamong si Caalim na burahin na ang nasabing malaswang larawang ipinost nito. Pumayag naman si Caalim na magtungo sa himpilan ni Tulfo upang personal na kausapin si Roa at i-delete ang nasabing post. Nang magkaharap-harap ay napag-alamang pera pala ang naging puno't dulo ng bangayan ng dalawa. Ayon sa kuwento ni Caalim, dati silang magkakasama sa bahay dahil kaibigan umano nila ng kanyang asawa na isa ring security guard si Roa. Sinubukan umanong manghiram ni Roa ng halagang 50 libong piso mula kay Caalim subalit wala umano siyang maipahiram dito, at iyon daw ang naging dahilan ng samaan nila ng loob. Kuwento pa ni Caalim, hindi umano marunong magbayad nang kusa si Roa at maging ang anak daw ni Caalim na menor deedad ay nagawang utusan ni Roa upang mangutang, bagay na itinanggi naman ni Roa. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa harap ni Raffy Tulfo at nauwi pa sa hamunan ng demandahan sa korte. Matindi ang panininidigan ni Roa na ilalaban umano niya ang ginawang paninirang-puri at pagyurak sa kanyang dignidad ni Caalim subalit hindi naman nagpatinag si Caalim dahil ayon sa kanya, mayroon din umanong "messages" si Roa sa kanya na maaari niyang gamitin laban dito. Nang tanungin ni Tulfo si Roa kung magkano ang inaasahang danyos nito sakaling ituloy sa hukuman ang kaso ay sumagot ito ng P50k, at inakyat pa sa P150k, bagay na ayon kay Tulfo ay napakalaking halaga. Mariin namang tumanggi si Caalim na humantong sa bayaran ang nasabing isyu kaya't muling hinimok ni Tulfo na magkaayos na lamang at magpatawaran ang mga ito upang hindi na lumala pa ang gulo. Sa huli, nagkapatawaran at nagkaayos din ang dalawa at nagyakap pa nang mahigpit. Source: Raffy Tulfo in Action +"Umulan man o bumagyo, Otso Diretso pa rin," Sa kabila ng pagiging kulelat sa survey at hindi pag-endorso ng Iglesia ni Cristo, naniniwala si Otso Diretso senatorial candidate Florin Hilbay na kahit anu pa raw ang maging resulta ng eleksyon ay nanalo raw na ang kanyang grupong Otso Diretso. "Kahit anong mangyari, nanalo na tayo. Tayo ay nakapagtayo ng napakalaking pamilya, ang pamilya ng Otso Diretso. Simula ngayon hanggang Mayo 13, ang pangalan nating lahat ay Otso Diretso," sabi ni dating Solicitor General Hilbay. Ang mga pahayag ni Hilbay ay sinegundahan naman ni reelection senator Bam Aquino. "Alam niyo po, mga kaibigan, napakaraming lugar na po ang napuntahan po namin. Napakarami po ang naka-usap na po namin. Noong una, iikot po kami sa palengke. Pabulong: 'Senator, Otso Diretso po kami,'" ayon kay Bam. Magugunita sa isang panayam, sinabi ni Senador Kiko Pangilinan na posibleng magkaroon daw ng "suprise win" para sa Otso Diretso. "Sabi nga nila ang pinakamahalagang survey, ay 'yung araw ng halalan. At sa aking labing-walong taon bilang senador... nakita natin, may mga pangyayari na sa huling dalawang linggo ng eleksyon, 'yung mga nasa labas ng top 12 pagdating ng araw ng halalan ay 'come from behind' ika nga at naipapanalo nila," sabi ni Pangilinan. Matatandaang na sa kabila ng pangunguna ni former senator Bongbong Marcos sa mga surveys at pag-endorso ng Iglesia ni Cristo, biglang nanalo si VP Leni Robredo noong halalan 2016. Ngayon ay dinidinig na sa Korte Suprema ang petisyon ni Marcos para kuwestiyunin ang pagkapanalo ni Robredo. Source: INQ | GMA | INQ +Sa kanyang social media account, inihayag ni Kapamilya celebrity, comedian at It's Showtime host Vice Ganda ang pagsuporta niya senatorial candidate ng Otso Diretso na si Chel Diokno. Para kay Vice Ganda o Jose Marie Viceral sa tunay na buhay, si Diokno daw ay matalino at matino. Kaya hinikayat niya ang mga tao na iboto ang pambato ng oposisyon. "Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO. Iboboto ko sya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya. Sana maisama nyo rin sya sa iboboto nyong 12," sabi ng komedyante. Ito po ang ilan opinyon ng netizens sa pag endorso ni Vice kay Diokno mula sa CNN Philippines Facebook page. " I love u vice I still love u but will never support Diokno," sabi ni E. Mabasag. "Alam mo vice kahit e indorse mo yan.. di ko iboboto.. tingnan mo naman sa debate.. ano maganda nagawa ni du30 ang sagot nya no smoking!! Ang bobo naman.. halatang di gusto sa mga magagandang pagbabago sa bansa natin. Ordirnayong tao lang ako pero may malasakit ako sa bayan ko," sabi ni J. Mandras. "Titulado bilang isang abogado. Disenteng tao. Pero pu-- ina kung mangampanya. Paninira ang mga pinagsasabi imbes na plataporma. Mga ganyang politiko, tablado ang mga yan. Paking sheyt!!! ," sabi ni A. Morano. Matatandaang kinainisan ng ilang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Diokno dahil sa mga patutsada nito laban sa Pangulong Duterte. Source: Vice Ganda | CNN Philippines +Nagtungo ngayong araw ang ilang artista, mang-aawit, at basketball players sa Malacanang para makipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ilan sa mga celebrities na nakitang naka Duterte fist sign ay sina Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Eva Marie Poon, Ryan Bang, Ice seguerra, Jhed Madella at jayson Gainza. Naroroon din ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga. Kapansin-pansin na ang ilang mga artista ay mula sa Kapamilya network o ABS-CBN. Alam ng lahat na galit si Pangulong Duterte sa ABS-CBN dahil ginantso daw siya noong panahon ng eleksyon. Ayon sa Presidente, hindi daw binalik ng himpilan ang binayad niya sa political ads niya kahit hindi ito inere ng istasyon. Nagbanta pa nga ang Pangulo na hindi niya pipirmahan ang license renewal ng ABS-CBN na malapit na mag-expire. Nakita rin ang ilang dati at kasalukuyang basketball players tulad nina Sonny Thoss, Cyrus Baguio, JV Casio at Willie Miller. Source: Manila Bulletin +Sa press conference na isinagawa sa Malacanang, ibinunyag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagkakadawit ng isang Filmore Rull sa "Bikoy" videos na nangyuyurak sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pero sino ba si Filmore Rull? Ayon kay Panelo, si Rull ay security officer ni Senador Antonio Trillanes. Base sa impormasyon ng pahayagang The Daily Tribune, si Rull ay dating Air Force at miyembro din ng Magdalo. Nakibahagi din daw ito sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege. Ito daw ang dapat mag pa-facilitate sa pagtatago kay Rodel Jayme, ang web developer ng metrobalita.net, ang isa sa mga unang website na nagbahagi ng Bikoy videos. Magugunitang lumitaw ang pangalang "Filmore" sa ulat ng National Bureau of Investigations (NBI). Bago ang pagsisiwalat ni Panelo, ilang concerned citizens na rin ang nagbahagi ng mga larawan ni Rull sa social media. Panoorin ang kabuuan ng pagbubunyag ni Secretary Panelo. Source: Presidential Spokesperson | The Daily Tribune +Kasunod ng inilabas na matrix ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kanyang press briefing sa Malacanang kung saan inihayag niya ang umano'y pagkakaugnay ng ilang grupo, media at iba pang personalidad sa umano'y planong pagpapabagsak sa Administrasyong Duterte at diumano'y pagpapalakas sa kandidatura ng opposition senatorial bets, may buwelta naman sa kanya si Senator Antonio Trillanes IV. Kasama kasi sa nasabing matrix na ipinrisinta ni Panelo ang Liberal Party, Philippine Center for Investigative Journalism, National Union of People's Lawyer, mga mambabatas na sina Neri Colmenares at Carlos Zarate, ilang personalidad mula sa Vera Files, at ang grupong Magdalo-kung saan ang lider ay si Trillanes. "Si Duterte ang nagpapatay ng libu-libong Pilipino, may bilyun-bilyong pisong tagong yaman, gumigiba sa mga democratic institutions, ang nagmumura sa Diyos, at nag-iimbento ng mga akusasyon sa mga kritiko niya, tapos kami ang nagdi-discredit?," saad ni Trillanes. "May pa-matrix matrix ka pa nalalaman, umayos ka nga, Mr. Panelo," dagdag pa ng senador. Samantala, nauna na ring pinabulaanan ni Senator Kiko Pangilinan ang nasabing akusasyon at sinabing gawa-gawa lamang daw ito at diversionary tactic lamang daw ito upang ilihis ang usapin ukol sa mga isyung kinasasangkutan umano ng Administrasyong Duterte na kailangang bigyang-kasagutan. Mariin ding itinanggi ni Vera Files President Ellen Tordesillas ang kanilang pagkakadawit sa nasabing matrix at hinamon nito si Panelo na patunayan ang mga paratang nito sa pamamagitan ng pagpiprisinta ng matibay umanong ebidensya. "I deny allegations by Presidential Spokesperson Salvador Panelo linking me to any imagined destabilization efforts against the administration. I challenge him to present evidence, not just silly diagrams," saad ni Tordesillas. Source: GMA News Inquirer +Pinabulaanan at tinawag na "diversionary tactic" ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan ang ipinrisintang matrix ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung saan iniuugnay ang Liberal Party, gayundin ang grupong Magdalo at iba pa sa umano'y planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte. Ayon kay Pangilinan, walang katotohanan at tanging imbento lamang daw ito upang mailihis ng Administrasyon ang mga isyu at usaping ipinupukol laban dito at sa mga kaalyado nito. Si Pangilinan ang kasalukuyang presidente ng LP at siya ring campaign manager ng senatorial slate ng oposisyon na "Otso Diretso". "This is the nth time that the administration, when confronted with controversy, falsely accuses the LP of being involved in ouster plots. Gawa-gawa lang 'yan at nililihis ang usapin sa mga akusasyon laban sa administrasyon at mga kaalyado nito," saad ni Pangilinan. Ayon pa kay Pangilinan, sa halip umano na mag-imbento ng kuwento ang Administrasyon laban sa Liberal Party, dapat daw umano nitong aksyunan at ipaliwanag kung bakit walang drug lord, at walang opisyal ng Customs na naaaresto sa kabila ng paulit-ulit na kaso ng smuggling ng ilegal na droga sa bansa. Sa isang press briefing sa Malacanang, ikinuwento ni Panelo ang umano'y natanggap nilang intelligence information na kanilang na-validate, at aniya'y nagpapakita na mayroong pagtatangka upang i-discredit ang Administrasyon, at palakasin ang mga senador at kandidatura ng oposisyon. "And it appears that there are certain groups who are working together to achieve this goal. This group appears to be the Liberal Party. Some personalities identified as advocates or very active in social media, dishing out anti-Duterte statements, and sentiments and validated to be allied with the Liberal Party," saad ni Panelo. "The other group by the way is Magdalo. It appears from this diagram that Liberal Party, the Magdalo and other groups indicated in the matrix are working hand-in-hand," dagdag pa ng Tagapagsalita ng Palasyo. Source: Inquirer +Magandang balita para sa tuluy-tuloy na pagbangon ng Marawi! Kasabay ng pagsisimula ng selebrasyon ng Ramadan, isang Memorandum of Understanding (MoU) ang nilagdaan ng Satsuma Russian Exchange Council (SREC), isang Japanese non-government organization at ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), bilang bahagi ng pormal na pangangako ng mga ito ng donasyon na nasa 24,800 na units na mga pre-fabricated na mga kabahayan para sa mga residente ng Marawi na nawalan ng tirahan noon. Kasama rin sa kanilang pangako ang pag-aalok ng iba't ibang oportunidad sa trabaho sa kanilang bansa, ayon sa ulat ng Manila Bulletin. Pinangunahan nina SRC President Norio Akahori at NCMF Secretary Saidamen Pangaruan ang paglagda sa nasabing MoU, kung saan nakasaad ang mga mekanika ng ipagkakaloob na donasyon, gayundin ang pag-aalok ng Japanese visa para sa mga displaced residents ng Marawi na na naniising makakuha ng trabaho sa Japan. Ang bawat isang housing unit ay nagkakahalaga umano ng tinatayang apat hanggang anim na milyong piso. Ayon kay Pangaruan, "movable" ang mga nabanggit na housing units na nasa 150 square meters. Bawat kabahayan umano ay may dalawa hanggang tatlong kuwarto, kusina, palikuran, at sala kung saan maaaring tumanggap ng bisita. Sisikapin daw ng NCMF na walang maging problema para sa timeline ng homecoming ng displaced persons. Dagdag pa ni Pangaruan, napakahalaga umano ng donasyon ng nasabing pre-fabricated na mga kabahayan bilang bahagi na rin ng paghahanda ng mga residente ng Marawi na makabalik sa normal nilang buhay sa loob ng Ground Zero sa pagitan ng Hulyo at Setyembre ng kasalukuyang taon. Source: Manila Bulletin +Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang sabuwatan sa pagitan ng grupong Magdalo, Liberal Party (Yellow), ilang media groups at mga naunang pinangalanan sa "Oust DU30" matrix para siraan ang Duterte Administration. Ito po ang ilang piling yugto sa pasabog ng Palasyo. Isang Bong Banal daw ang nagsasalita sa video series na "Ang Totoong Narco List". Lumutang din ang mga pangalan nina Armand Pontejos at Filmore Rull, mga miyembro ng Magdalo. Si Rull ay security officer daw ni Senador Antonio Trillanes. Si Rull din daw ang mag-aayos sana para sa maitago si Rodel Jayme, ang web developer ng Metrobalita.net, isa sa mga unang websites na nag-share ng Bikoy videos. Lumabas ang pangalan ni Jerry Mae Maghinay. Si Maghinay umano ang may-ari ng Now You Know Facebook page. Ang naturang Facebook page ay naglalathala ng mga laban sa Duterte Administration at isa rin sa nagpakalat ng Bikoy videos. Lumitaw din ang pangalang Maru Nguyen, Maru Xie at Maria Kristina Elvira na isang taga-suporta ng Liberal party at Otso Diretso. Ito daw ang nagpagawa ng website kay Jayme. Sangkot din daw si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Joma Sison sa paninira sa gobyerno. Binunyag din ng Malacanang ang ginawang pamemeke sa dokumento ng Rural Bank of Guinubatan Inc. (RGBI) para gamitin sa black propaganda laban sa pamilya ni Presidente Duterte. Nagsalita na ang RGBI tungkol sa isyu at sinabing hindi totoo ang dokumento ni Bikoy. Napuna din ni Panelo ang pagkokomento ni Vera Files President Ellen Tordesillas ng "Professionaly done" sa video na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Source: Presidential Communications +Nang dahil sa isinasagawang paglilinis sa Manila Bay, natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 200 ektaryang mga yamang-dagat. Ayon sa ulat ng PTV, sari-saring coral reefs at high-value fishes ang nakita sa look sa kabila ng malabong tubig at makapal putik. Namataang ang mga yamang dagat sa bandang Maragondon, Coregidor at Cabalio Island. Nang dahil sa mga nakita ng ahensiya, lalong lumakas ang paniniwala ng gobyerno na posible talagang maisalba ang Manila Bay. Magugunitang pinagbantaan ipapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga estabilisimiyento na nagtatapon ng maruming tubig sa Manila Bay. Sinimulan ang paglilinis sa Manila Bay nitong Enero sa pangunguna ng mga ahensiya ng gobyerno. Ang balitang ito ay ikinatuwa ng mga kababayan natin. "Wow Kaya pala marami ang interesadong pasukin ang bansa Dahil sa yaman dagat na laman nito. Hindi nga nagkamali ang Du30 govt na linisin ang mnLa Bay. Thank you lord sa mga biyayang dagat na bigay mo# Protect n Preserved mnLa Bay," sabi ni R. Mendoza. "Slamat mhl nming pangulo..dhil syo nadiskubre ang mga yamang dagat jn sa manila bay..sna tuloy tuloy n ung paglilinis sa dagat," sabi ni Z. Otto. "kudos talaga sa duterte admin ke sir roy cimatu tama pagkalukluk na mga afp general dati ang ipanglalagay kasi aaksyunan talaga. mga brgy. unit di na kailangan mga tamad," sabi ni E. Pai. Source: PTV +"This could indicate the truth that some people are helping them in the New People's Army," Nakumpiska ng mga sundalo ang ilang campaign materials ng partylist groups na Bayan Muna at Kabataan sa hinihinalang kuta ng New People's Army (NPA) sa bayan ng Rizal sa Palawan. Ayon sa kasundaluhan, ito daw ay katunayan na ang mga naturang partylist groups ay konektado sa mga rebeldeng komunista. Maliban sa mga campaign paraphernalia, nakumpiska din ng mga military intelligence operatives ang ilang bala, sniper rifle at silncer para sa M14 na rifl, ayon kay spokesman of the Armed Forces of the Philippines (AFP) Brig. Gen. Edgard Arevalo. Magugunitang sinabi na dati ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang ilang partylist groups at front legal organization ng NPA. Ganito din ang opinyon ng militar. Basahin ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin tungkol sa balitang ito. "Hmmnnn... A home-made .50 caliber flimsy rifle from BAYAN MUNA and Kabataan Partylist. They are a threat to our National Security," sabi ni O. Gent. "What's this!? Biting the hand that feeds you! Pera ng taong-bayan ang tinatanggap niyo yet ito rin ang paraan para isulong ang idelohiya na matagal ng isinusuka ng isang demokratikong bansa... ang Pilipinas. And lastly, yung pinuno niyo at founding chairman,anduuun sa malayo!!!!! Kailan kayo magigising sa realidad?" sabi ni E. Maddara. "hay salamat lumabas din ang totoo, kaya lagi nalang sila nasa kalsada kahit sinong maupong presidente. dapat talaga inaabolish na partylist eh," sabi ni J. Romero Jr. Source: Manila Bulletin +Wala pang opisyal na pahayag ang Iglesia ni Cristo (INC) tungkol sa mga kandidato na kanilang susuportahan sa paparating na araw ng halalan pero ilang impormasyon na ang lumalabas kung sinong mga senatoriables ang makakakuha ng endorsement mula sa religious group. Pero ayon sa social media post ng broadcaster at DZRH Station Manager na si Cesar Chavez, susuportahan umano ng INC sina ex-Special Assistant to the President Bong Go, ex-PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa, ex-presidential advicser Francis Tolentino, Ilocos Governor Imee Marcos, Taguig City Congresswoman Pia Cayetano, ang mga re-electionist na sina Senator Sonny Angara, Cynthia Villar, Grace Poe at Nancy Binay, at ang mga datin senador na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Lito Lapid. Ang mga sinabi ni Chavez sa kanyang social media account ay sinegundahan ng pahayagang The Daily Tribune. Kapansin-pansin na walang sinumang taga-Otso Diretso ang napasama sa susuportahan ng INC. Kilala ang religious group sa kanilang bloc voting at makikita sa Lunes kung ano ang magiging epekto nito sa resulta ng eleksyon. Magugunitang naglabas din ang El Shaddai ng listahan ng kanilang susuportahan sa eleksyon pero isa lang mula sa Otso Diretso ang napasama, si Bam Aquino. Source: DZRH's Cesar Chavez| The Daily Tribune | Politiko +Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, ibinunyag ng hepe ng kapulisan na dati daw seminarista itong si Peter Joemel Advincula, ang lalaking lumitaw kahapon para sabihin na siya si alyas "Bikoy", ang lalaki sa mapanirang video na nangyuyurak sa kaanak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagdawit sa droga. "We found out that he was a former seminarian baka ginagamit niya iyon para maloko ang mga tao," sabi ni Albayalde. "Mukhang talagang magaling siyang mang-estafa, at magaling siya most probably magsalita. You could just imagine you will be charged for large scale recruitment. Ibig sabihin ang dami niyang naloko," dagdag pa ni Albayalde. Nagkomento rin si Chief PNP tungkol sa natatanggap umano ni Advincula na pagbabanta sa buhay nito. "We will assess kung talagang kailangan niya or not kasi baka imagination din niya that his life is in danger. He will undergo the process also, kahit sino naman eh," dagdag pa ni Albayalde. Base sa pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI), wala daw records si Advincula tungkol sa pagkakasangkot sa droga. Ang mga natuklasan umano nilang kaso laban kay Advincula ay kaugnayan sa mga panggagantso at panloloko ng mga tao. Source: News5 | Inquirer +"Naku! That's 3 vs 1!" Ganito ang naging reaksyon ng mamamahayag na si Luchi Cruz-Valdez nang makatapat ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema ang mga kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte sa programa ng News5. Kahit 3 vs 3 ang format ng programa ay nangibabaw ang pakikipag tagisan ni Cardema sa mga anti-DU30 personalities. Sa naturang talakayan, pinag-uusapan ang asta at paraan ng pagsasalita ng Presidente. Habang panay ang puna ng mga kritiko ng Presidente, magiting naman na pinagtanggol ni Cardema ang Pangulong Duterte laban sa kabilang panig. Ikinatuwa ng ilang kababayan natin ang naging performance ni Cardema sa debate. Sa condensed version ng video na in-upload sa blog na "Kamay na Bakal PH" na mula sa News5, mapapansin na umabot na sa lagpas 5,000 ang nagbahagi at umani na rin ng sari-saring komento ang ginawang paninindigan ni Cardema. Ito po ang ilan sa mga komento ng mga kababayan natin. "Wow na Wow!!! Your the best of the best and brilliant guy Ronald Cardema. I am very proud of you sir R Cardema mabuhay po kayo," sabi ni O. Alagus. "wasak kayong lahat kay cardema..Mabuhay ka NYC Chairman Ronald cardema.. keep up the good work," sabi ni S. Davin. "Sapul kayo ano...kahit ilan pa kau jan na critiko mo pangulo at isa lang ang nagtatangol nagmukha kayong tanga sa isa kasi xa lang ang nagsasabi ng totoo...ikaw bacani matanda kang walang pinag tandaan..kulang na kasi pera napasok sa simbahan kaya galit kayo," sabi ni F. Cagampang. Source: News5 via Kamay na Bakal PH +Bugbog-sarado sa taumbayan at halos hindi na makilala ang mukha sa dami ng sugat at pasa. Ganito ang inabot ng isang notoryus na holdaper sa Paranaque City, na kamakailan lamang ay nakuhanan pa ng closed circuit television (CCTV) habang nanghoholdap ng kanyang mga babaeng biktima sa Airport Road. Kitang-kita sa video na iniulat ng ABS-CBN kung paano tinutukan ng nasabing notoryus na holdaper ng baril sa mukha ang mga walang kalaban-labang biktima nito. Batay sa imbestigasyon, kinilala ang suspek na si Fernando Concepcion. Ayon kay Police Maj. Omar Bognot, naghahanap umano ang suspek ng panibagong mabibiktima habang nakapuwesto malapit sa Paranaque Integrated Terminal Exchange nang mamukhaan ng taumbayan, kaya't kinuyog nila ito hanggang sa maaresto na ng mga kapulisan. "Joint operation ng tropa, sakto mayroon na naman siyang binibiktima roon, at nakita na rin, tumulong na rin ang taumbayan at nakuha ng ating mga kapulisan," kuwento ni Bognot, Commander ng PCP1. Nakumpiska sa suspek ang ginamit niyang baril sa panghoholdap na napag-alamang isa palang replica. Katwiran pa ng suspek, hindi naman daw siya nananakit kahit nanghoholdap siya. "Gumawa po ako ng ganun pero hindi po ako nananakit ng tao. Kasi 'yung ibang mga nanghoholdap po nananakit talaga," saad ng suspek na si Concepcion. Samantala, muli namang nanawagan si NCRPO Chief PMGEN Guillermo Eleazar sa ating mga kababayang nabiktima rin ng nasabing suspek. "Tayo'y nananawagan sa ibang mga kababayan natin, na kung sila'y nabiktima nitong suspek na ito, agad po silang mag-report sa atin pong pulis para madagdagan ang kaso at hindi na makalabas pa itong naaresto nating suspek," saad ni Eleazar. Kasong robbery-hold up at paglabag sa Omnibus Election Code ang isinampa laban sa suspek. Ang isa sa mga babaeng nabiktima ng suspek, nakaranas umano ng trauma dahil sa pangyayari subalit nakahinga na nang maluwag nang malaman niyang arestado na ito. "Sana huwag niya na lang ulitin sa iba, kasi malaking perwisyo eh," saad ng biktimang si Diana Kakilala. Source: ABS-CBN News +Sapul sa patagong cellphone video ang pagbabanta ng alkalde ng Candelaria, Quezon, sa mga kawani ng munisipyo na hindi boboto sa kanya sa paparating na araw ng halalan. Mapapanood sa video kung paano na lang takut-takutin ng Mayor ang mga tauhan nito. Base sa ulat ng DZRH, nakilala ang alkalde na si Mayor Macky Boongaling. Hindi pa alam kung sino ang kumuha at nag-upload ng video. Natatakot na raw ang ilang residente ng Candelaria dahil sa naging pagbabanta ni mayor. "Alam ko na kung saan ko kayong dadalhing mga departamento. Kung kayo ay nasa malamig, dadalhin ko kayo sa mainit na lugar para ito ay maging pahirap sa inyo," banta ni Mayor Boongaling Ayon pa sa alkalde, titiktikan daw niya ang mga empleyado ng munisipalidad at pasensiyahan na lang daw kung malaman niya na hindi siya ang ibinoto. "Pag hindi niyo ko binoto, alam ko kung sino sa inyo, dahil lahat kayo ay papa-ispayan ko. Lahat ng nagta-trabaho sa pamahalaang bayan, pag hindi niyo kami sinamahan, pasensiyahan tayo," pananakot pa ni Mayor Boongaling Ito po ang ilang reaksyon mula sa social media page ng DZRH. "Wag iboto ang mayor na yan mayor sport ka lang xa sa ginWa mong yan e matatalo ka na malamang zure bol yan talo kan sa tkot ng mga taga munisipyo sau wala kA BOTO SA KANILA," sabi ni R. Nidnum. "Wag iboto ang mayor na yan mayor sport ka lang xa sa ginWa mong yan e matatalo ka na malamang zure bol yan talo kan sa tkot ng mga taga munisipyo sau wala kA BOTO SA KANILA," sabi ni R. Nidnum. "Kapal ng mukha mo mayor,,Kaya nga demokrasya Ang bansang Pilipinas Ng sa ganun meron tayong sariling disisyon bawat isa sa atin,, wag kang dektador mayor ikaw din baka balikan ka ng mga taong tinatakot mo...," sabi ni F. Abarracoso. "Ano b yan ...desperado n ..ayan tuloy nakunan ng video ...ang tama kc dapat bahala n kayo kung cno iboboto nyo may kalayaan kayo cno pipiliin nyo," sabi ni A. Origenes. Source: DZRH | archive +Ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang nalalapit na May 13, 2019 elections, ngunit mainit na usapin pa rin ang naging viral video na "Ang Totoong Narco List" o kilala rin sa tawag na "Bikoy" video, kung saan idinawit ang ilan sa mga kapamilya at malalapit na kaibigan ni Pangulong Duterte sa umano'y ilegal na kalakaran at transaksyon ng droga sa bansa. Iba't ibang tao na ang humarap at nagpaliwanag sa media upang linawin at pabulaanan ang kanilang pagkakasangkot sa nasabing isyu. Kasalukuyan na ring hawak ng National Bureau of Investigation si Rodel Jayme, ang sinasabing administrator ng website kung saan inupload ang naturang video. Isang Myra Devilla naman ang nagpakilala sa ABS-CBN at ibinunyag na isa umano siya sa mga naka-chat ni Rodel Jayme bilang mga supporters ng Magdalo Group, gayundin ng Otso Diretso, ang senatorial slate ng oposisyon. Si Devilla ay Vice President for Operations ng Democratic Alliance Movement Incorporated (Dampi), isang grupong sumusuporta sa mga proyekto ni VP Leni Robredo para sa mahihirap, at ngayon ay sa kampanya ng Otso Diretso. Sa salaysay ni Devilla, tatlong taon na umanong wala sa hanay nila si Jayme dahil sa isyu sa pera. "I didn't hear from this guy for so long because he left the Dilawan community. This was when I was already talking to the authorities na ipapa-entrap ko siya. So, nawala na siya. Totally nagtago siya," saad ni Devilla. "April 24 ng gabi doon, ah, 25 dito sa atin eh. I had an SOS call from Maru, at ang sinasabi niya, mayroong riding-in-tandem na umaaligid sa harapan ng bahay ni Rodel Jayme, and may mga tinted cars na paikut-ikot lang dun na sinusubaybayan siya," dagdag pa ni Devilla. Ganunpaman, nakaramdam umano sila ng pagdududa sa intensiyon ni Jayme nang tanggihan nitong sundin ang lahat ng kanilang suhestyon upang mailayo ito sa kapahamakan. Ilan umano sa mga ito ang pagkuha ng abogado o kaya'y paglapit sa pari. Sa halip ay humingi umano ng pera si Jayme. Hinala daw ni Devilla, nais umanong ipakita ni Jayme ang money trail o may koneksiyon ito sa grupong Dampi, "Nung ayaw na niya sa lahat ng options, ano, ah, sabi ko, what do you want from us? Ang sabi niya, gusto kong magtago nang isang buwan, kailangan ko lang ng assistance sa money," pahayag ni Devilla. Pinabulaanan naman ni Jayme ang pahayag na ito ni Devilla dahil ayon sa kanya, sina Maru Nguyen at Devilla umano ang nagsabi sa kanya na magtago. Nadawit lamang umano siya matapos pakiusapan na gumawa ng website. "Sa akin, medyo naiintindihan ko kahit papaano, kasi nga naman medyo malaking isyu kasi ito, gusto nilang dumistansya. Pero kasi, makikita naman kasi doon na sila 'yung nag-offer," saad ni Jayme. Sina Devilla at Nguyen din umano ang nag-alok na tutulungan siya ng Magdalo Group. "Hindi ako pumayag kasi nga hindi ko alam kung Magdalo ba talaga ang kukuha sa akin.Hindi ko sure kung pagkakuha nila sa akin, saan ba talaga nila ako dadalhin? Ang sinasabi ko, kung gusto niyo talaga, pera na lang, ako na ang bahala," kuwento pa ni Jayme. Samantala, kasama si Devilla sa kasalukuyang iniimbestigahan ng NBI kaugnay ng nasabing kaso. Isang Bobot Consolacion naman ang nagbahagi ng larawan ni Devilla na kasama si Senador Antonio Trillanes. Source: ABS-CBN News | Bobot Consolacion +Isa na namang paliparan ang inayos at pinaganda ng Department of Transportation (DOTr). Sa social media page ng DOTr, ibinida ng ahensiya ang naging pagbabago sa airport ng Ormoc. Ayon sa DOTr, nawasak ang paliparan noon pang 2013 dahil sa Supertyphoon Yolanda. Ilang beses daw nakiusap ang mga lokal na opisyal sa lugar para maipakumpuni ito, pero sa kabila ng paki-usap ay naiwan itong nakatengga. Noong 2017 daw nang makita ni DOTr Secretary Arthur Tugade kaawa-awang kalagayan ng paliparan. Ipinangako ni Tugade kay Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng mabnilis na aksyon ang nasirang airport. Inabot ng 4 na buwan (February 2018-Hune 2018)ang pagkukumpuni at pagpapaganda sa nasirang Passenger Terminal Building (PTB) ng paliparan. Inaasahan ng gobyerno na mas lalong uunlad ang ekonomiya ng lalawigan dahil mas magiging madali na ang pagpunta sa lugar ng mga turista at mga negosyante. Ikinatuwa ng ilang kababayan natin ang ulat ng DOTr. Sa katunayan, umabot na sa 1,500 mahigit ang nag-share ng post at umani na rin ng positibong mga komento mula sa netizens. "Best administration with collaboration of DoTr Kudos to all. Mabuhay and God bless Pilipinas," sabi ni W. Salao. "Best performing cabinet secretary! Kudos Sec Tugade! God bless you po," sabi ni M. Mendoza. "Wow! Grabe ang sipag ng Duterte admin. Thank u DOTR, thank u Sec.Tugade," sabi ni J. Tiongco. Source: DOTr +Nananawagan si former Quezon City Councilor Anthony Castelo sa mga Pilipino na ipinalangin ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maaring may banta daw ng pagapapatay sa Pagnulo lalo't lumabas na mayroong tangkang pagpapabagsak sa gobyerno. "I strongly believe that there's a serious 'Oust Duterte' plot now in full swing that may include the assassination of the President as an option... We must pray for the safety of the President and protection of our country," sabi ni Castelo. Sinabi ni Castelo ang kayang opinyon ilang linggo matapos ilabas ng Malacanang ang matrix kung saan ilang mamamahayag ang lumalabas na sangkot sa pagpapabagsak sa gobyerno ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng black propaganda. Ang matrix ay may kaugnayan sa Bikoy videos na naglalaman ng paninira sa pamilya at malalapit sa Pangulong Rodrigo Duterte. Sinisiraan ni alyas Bikoy ang mga ito na sangkot daw sa droga. "We've seen this happen during the time of president [Ferdinand]Marcos in 1986 and president [Joseph] Estrada in 2001 -- where a planned assassination of both presidents were indeed an option, it just did not materialize," dagdag pa ni Castelo. Hindi naman nababahala si Presidential Spokesperson Sal Panelo sa kaligtasan ng Pangulo. Ayon kay Panelo, ginagawa naman daw ng Presidential Security Group ang trabaho nito at hindi rin takot ang Pangulo na mamatay para sa mandato nito. "The PSG knows its job. Another thing, alam mo, this President couldn't care less whether you assassinate him. 'Yun nga ang kagandahan sa Presidenteng ito, e, daredevil. He dares everyone, 'e 'di patayin niyo kung gusto niyo, basta I'll work, that's my mandate," pahayg ni Panelo. Magugunitang ilang ulit na rin sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika ang dapat sisihin kung sakaling mapatay siya. Sinabi na rin dati ng Pangulo na may ilang media organizations sa ating bansa na nakakatanggap umano ng pondo mula sa CIA. Source: The Manila Times +Kahit kulelat sa survey ang mga pambato ng Otso Diretso ay malakas pa rin ang fighting spirit ni Senador Kiko Pangilinan para sa mga kandidato ng oposisyon. Ayon sa senador, posibleng may mangyari come-from-behin win sa darating na halalan. Si Pangilinan ay ang campaign manager ng Otso Diretso. "Surveys have been wrong before. Labing walong toan akong nasa senado. Marami akong halalan na nakita. Maraming resulta na nagiging surpresa sa dulo. Naniniawala tayo na this will be an opportunity for us also for this election na magkaroon ng come from behind suprise finish. 'Yung polls na iyan, that was conducted last week of April, first week of May at mayroon pang dalawang linggo. And in the previous eletion o mas maraming pagkakataon, mga wala sa magic 12 in the last 2 weeks ay biglang mayroong arangkada," sabi ni Kiko. Ramdam din daw ni Kiko na gusto ng mga kababayan natin ang Otso Diretso. "Nararamdaman natin ang gigil sa pagsuporta sa ating kandidato. Sinasabi inila, 'Gusto namin ang Otso DIretso, bigay niyo sa amin ang listahan kung sino-sino lahat iyan para maisama natin'," sabi ni Kiko. Ito naman po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Pangilinan. "Of course surely surprising ..shaded na ang balota di ba? Kailan pa naging honest and clean ang election sa Pinas," sabi ni J. Deveras. "Confident na comfident cla kht alam nla na kulelat na xla mukhang may milagro ng nakahanda sa smartmatic abra kadabra...," sabi ni R. Bathala. "Sa pan daraya at magic..it can happen! Just like Leni Robredo! Dapat si Bongbong Marcos ang Vice President eh.. ang layo na nang lamang ni Bongbong at bigla na lang nag lead si Fake V.P.Robredo! Natulog lang ang madlang pipol den it happened!!! Edi...wow!!! W mamagic na naman nila yan! When that happens..mag pipol power tayo uli..against otso diretso! Mangugulo at pababagsakin lang ng mga yan ang Pinas! My gaad!," sabi ni R. Bocala. Source: ABS-CBN +Hindi nagustuhan ni senatorial aspirant at social media personality Attorney Larry Gadon ang ginawa ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) nang pagsalitain ng grupo ang nagpakilalang "Bikoy" na si Peter Joemel Advincula sa pasilidad ng IBP para yurakan ang pamlya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Niresbakan ni Gadon ang pamunuan ng IBP dahil sa ginawa umanong pag-aaruga kay Advincula na may criminal records. Ayon kay Gadon. hindi tama ang ginawa ng asosasiyon at hindi lahat ng miyembro ay sang-ayon sa ginawa ng IBP kay Advincula. Si Gadon ay miyembro din ng IBP. Para kay mas mainam daw na tanggalan na ng P25 million per year allowance ang IBP. Magugunitang nitong umpissa ng linggo ay lumantad si Advincula sa media sa pasilidad ng IBP upang sabihin na siya si Bikoy. Ayon sa ilang ulat, hindi na background check ng IBP ang mga pahayag ni Advincula na laban sa first Family bago ito magsalita sa media. Lumabas sa mga ulat na sangkot si Advincula sa large scale estafa.. "Dapat ay putulin ang P25 million allowance ng IBP na nanggagaling sa gobyerno para matigil ang kalokohan nila. Saan ba napupunta 'yung P25 million taon-taon ng gobyerno? Mayroon kayong allowance na nakukuha sa Supreme Court. Saan niyo dinadala iyan? Dapat ipa-audit kung saan dinadala ang pera na iyan... Galing iyan sa buwis ng bayan," buwlta ni Gadon. Source: DZRH | Eagle News +Hindi lang mga Pilipino sa Papua New Guinea ang sabik na makita si Pangulong Rodrigo Duterte, pati umano si Papua New Guinea Prime Minister Peter O'Neill ay gusto na rin makilala ng personal ang Pangulo ng Pilipinas, ayon kay Philippine Ambassador to Papua New Guinea Bienvenido Tejano "In fact, the excitement here does not only involve the Filipino community even the Prime Minister himself. Every now and then when we meet, he would always ask me, 'So make sure that President Duterte will come.' I said, 'He made a commitment, he always fulfills his commitment.' So the country is excited," sabi ni Tejano. Maliban kay Prime Minister O'Neill, sabik din daw na makilala ni Port Moresby City governor Powes Parkop si Presidente Duterte. Tinawag pa umanong Idol ni Powes si Presidente Duterte, base sa kwento ng ambassador "In fact the city governor of Port Moresby, we just had a meeting the other day and he was saying, please give me a chance to shake hands with your President. I said, 'Why?' He said, 'He's my idol," dagdag pa ni Tejano. Si Pangulong Duterte ay nagtungo sa apua New Guinea para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit. Inaasahan naman na babalik si Pangulong DUterte sa Pilipinas sa Linggo ng gabi. Ito po ang video ng pagdating ni Pangulong Duterte sa Jackson International Airport sa Papua New Guinea. Pansinin ang red carpet na nakalatag. Source: RTVM | Manila Bulletin +"We will seriously consider filing legal action and imposing sanctions," Posibleng malagay sa alanganin ang teleserye ng ABS-CBN na "Ang Probinsyano" dahil pinag-iisipan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsampa ng kaso laban sa mga producers ng nasabing programa. Ito ay dahil sa hindi maayos na pagsasalarawan ng teleserye sa kapulisan. Isa pa sa tinitignan na anggulo ay ang paggamit ng programa sa uniporme, sasakyan at acronym ng Philippine National police (PNP), ayon kay DILG Spokesperson Jonatahan Malaya. Dagdag pa ni Malaya, maaring nalabag din ng programa ang Children's Television Act of 1997. Sa isang pahayag naman, sinabi ng ABS-CBN na ang programa ang produkto ng kathang i-isip lamang at walang intensyon na siraan ang anumang organisasyon. "There is no intention to smear the reputation of any organization or portray any person in a negative light. The program has also portrayed its main character, Cardo, as a hardworking police officer dedicated to saving lives and serving his fellowmen," pajhayg ng ABS-CBN Para naman kay DILG Secretary Eduardo Ano, mukhang intensyonal umano ang mensaheng inihahatid ng programa sa publiko. "Hindi namin sinasabi na lubos na malinis ang PNP. We have a few bad eggs but they are never tolerated and the DILG and PNP leadership is sweeping the ranks of the police organization to ensure that those 'rotten tomatoes' will be out of service," sabi ni Ano. Panoorin ang naging panayam ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson kay PNP Chief Oscar Albayalde tungkol sa isyu na ito. Kung kayo ang tatanungin, pabor ba kayo na kasuhan ang mga producers ng "Ang Probinsyano"? Source: ABS-CBN +Naglaan na ng EUR450,000 o mahigit P26 million pesos ang gobyerno ng France sa gobyerno ng Pilipinas para pag-aralan ang pagtatayo ng kauna-unahan cable car mass transport system sa Pilipinas. Ginanap ang kick-off ceremony sa opisina ng Department of Transportation (DOTr) sa Clark, Pampanga nito lang Miyerkules. Ang pag-aaral ay gagawin ng French Firm na MDP COnsulting and Systra at malamang ay umabot ng 10 buwan. "We are gathered here to address the issue of transportation and traffic that is happening in the country today. Admittedly, not one system can solve the situation of transportation and traffic in the Philippines.... Not a cable system alone can solve the problems; it has got to be a basket of solutions, procedures, and systems, and one of those baskets is certainly cable," sabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade. Ito po ang kaugnay na video tungkol sa binabalak na cable car system sa Pinas. Ito naman po ang aktuwal na video sa kickoff ceremony para sa feasibility study ng cable car na pinangunahan ni Sec. Tugade. Basahin ang reaksyon ng ilan sa ating kababayan. Source: DOTr | News5 +Sa isang press conference, naghayag ng saloobin si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa programa ng ABS-CBN na "Ang Probinsyano" kung saan masama ang naging paglalarawan sa mga pulis, lalong-lalo na sa paglalarawan sa PNP Chief. Sa naturang programa, ipinapakita na magkasabwat si PNP chief Alejandro Terante (ginagampanan ni Soliman Cruz) at bise presidente Lucas Cabrera (ginagampanan ni Edu Manzano) sa iligal na gawain. Ang ABS-CBN ay madalas pagbantaan ni Pangulong Duterte na hindi ire-renew ang prangkisa dahil umano sa panlolokong ginawa sa kanyang noong eleksyon. "Things are quite unusual here and it gives us a bad impression actually. It's a bit unfair to PNP when you portray that kind of (bad) activity that doesn't really happen in our organization...Parang hindi naman fair sa PNP. Lets be realistic. It is very disturbing at para kasing nakikita nung mga tao ay instant yung justice. Parang it is ok, it is not. We are a nation of law, not of men," sabi ni Albayalde. Sinuportahan naman ng karamihan sa mga kababayan natin ang naging pahayag ni PNP Chief Albayalde. Sang-ayon din ba kayo sa naging pahayag ni Sir Albayalde? Source: News5 | PTV4 +Nahuli na si Jojo Valerio, ang lalaki sa viral video na nananakit, nanggitgit at nagpakilalang anak ng kongresista sa nakaaway niyang motorista. Pero sa isang panayam, umaatungal at nagagalit ang nanay ng suspek. Ayon sa ina ni Valerio, hindi raw maganda ang naging paraan sa paghuli sa anak niya. "Kinuha at dinukot ang anak ko, binugbog ang anak ko, yun ang pakialam namin." sabi ng nanay ng suspek. Si Valerio ay bida din sa isa pang viral video kung saan ginigitgit at sinundan pa nito ang isang babae dahil lang nasingitan siya sa kalsada. Bukod sa pananakit, nakita rin na gumagamit ang suspek ng palakang numero 8. Ang plate number 8 ay protocol plate para lang sa mga kongresista. Hindi naman nagustuhan ng mga kababayan natin ang tono ng pagsasalita ng nanay ng road rage suspect. Ito pa po ang karagdagang ulat mula sa GMA News kaugnay pa rin sa suspek na si Valerio. Source: News5 | GMA News +Kaawa-awa ang sinapit ni Meiji Fernandez sa kamay ng isang notoryus na durugista. Pinagnakawan na ng motor ang 21-anyos na dalaga, hindi pa nakuntento at pinagbabaril pa ito ng suspek. Nangyari ang krimen sa isang subdibisyon sa Bacoor, Cavite. Si Fernandez ay kaatatapos palang sa kolehiyo ngayon taon at pupunta sana sa isang job interview. "Iyan ang anak kong makulit, palakaibigan. HIndi na nga natutulugan iyan eh. " sabi ng nanay ni Meiji na si Josefina. Nahuli naman agad ang suspek na nakilalang si Domingo Pagar na isang notoryus na pusher. Mahaharap si Pagar sa murder, carnapping at paglabag sa anti-drug law. Naki-simpatya naman ang mga netizens sa pamilya ni Meiji at hinihiling na huwag ng patagalin ang buhay ng suspek. Sinisisi rin ng iba ang Commission on Human Rights at mga grpong kontra sa anti-drug campaign ni Pangulong Duterte. Source: ABS-CBN +Itong mga nagdaan na mga araw, pumutok ang balitang ibabalik na diumano ng Estados Unidos ang Balangiga Bells na kinuha ng mga Amerikano sa Pilipinas bilang war trophy. Matatandaang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisauli ang naturang bell dahil pagma may-ari nga naman ito ng Pilipinas. Sa isang maalaskang social media post, tinanong ng beteranong mamamahayag na si Jay SOnza kung maibabalik ba ang nawawalang pondo ng Philhealth kung mumurahin din ni Pangulong Duterte si Senador Risa Hontiveros. "Duterte minura Amerika, ibinalik Balangiga bells. kung murahin kaya niya si Hontiveros , isauli kaya missing Philhealth funds?," sabi ni Sonza. Ito po ang ilang reaksyon ng mga kababayan natin sa sinabi ni Sonza. Source: Jay Sonza +Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayon na bawalan ang sinuman na magsagawa ng "marahas" na pagdidisiplina sa mga bata. Layon din nito na marespeto ang karapatan-pantao ng mga kabataan. Ang naturang panukala ay nakakuha ng suporta sa 160 na mambabatas habang 2 naman ang tumutol dito. Hindi naman nagustuhan ng karamihan sa mga kababayan natin ang naturang panukalang batas. Ayon sa kanila, didisiplinahin nila ang kanilang mga anak ayon sa pamamaraan na kailangan. Kinastigo din ng mga netizens ang mga mambabatas na sumuporta sa panukala. Kung kayo ang tatanungin, sang-ayon ba kayo sa panukalang batas na ito? Source: PTV +Naaresto na ng otoridad ang road rage suspect sa viral video na nanakit ng kapwa niya motorista sa may Pampanga na nagpakilalang anak pa ng kongresista. Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si Jojo Valerio at walang koneksyon ito kay Congressman Jon Lazatin. Nagtatrabaho ito bilang entertainer at lead vocalist ng isang banda. Hindi pa malaman kung saan nakuha ng suspek ang numero 8 plaka na karaniwang ginagamit lang ng mga miyembro ng kongreso. Si Valerio ay nasakote sa isang bar sa Tarlac ng mga operatiba ng Police Regional Office 3 and the Criminal Investigation and Detection Group. Mahaharap sa kasong usurpation of authority, serious physical injury, grave threats, at paglabag sa batas trapiko ang mokong na suspek. Source: GMA News | News5 +Tila gustong maka-diskusyon ng mga Pilipino sa United Kingdom si MAGDALO Representative Gary Alejano ng magpunta ang kongresista doon para sumalang sa isang speaking engagement. Nagtungo sa lugar na pagdadausan ng speaking engagement ni Alejano ang mga miyembro ng Duterte Die-Hard Supporter pero nabigo silang makaharap si Alejano. Ayon sa ilang tao na nakunan sa video, duwag daw ang kongresista dahil hindi sila hinarap. Source: DDS-UK thru Flick-Clicks +Sapul na sapul sa hidden video ng impormante ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica ang umano'y pangingikil ni District Engineer Lorna Ricardo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang contractor. Ayon sa ulat ng GMA News, nanghihingi umano ng P20 million ang nasabing opisyal. "These are ordinary people, then they encounter this. The video is enough to prove that she violated R.A. 6713, which is the ethical standard of a public employee. Sa akin, Kung tinotokhang natin ang adik, dapat tinotokhang natin ang korap, "sabi ni Belgica. Source: GMA News +Sa isang open letter, ipinahayag ni British citizen Malcolm Conlan ang pagtutol niya sa pagbisita ni MAGDALO representative Gary Alejano sa United Kingdom. Ayon sa Briton, magtutungo lang si Alejano sa kanyang bansa para lang sirain si Presidente Rodrigo Duterte. " I am sure you appreciate though that there are many Filipinos in the UK and foreigners like myself, who do not welcome your visit. One of the reasons of course was because in 2016, you maliciously reported President Rodrigo Duterte to the ICC, falsely claiming that he was on some kind of killing spree in the Philippines? You are also here to spread fake news, I can say this for a fact, as one of the topics you are apparently speaking about is 'Rodrigo Duterte's Drug Killings' which there are none as President Duterte has not killed even one person. It's all just fake news by biased international media and trouble makers who wish to make the President look bad."sabi ni Conlan. Panoorin ang video ni Conlan matapos ang speaking engagement na nangyari sa U.K. kung saan speaker si Alejano. Source: Malcolm Conlan +Kaaba-aba ang sinapit ng mga batang mag-aaral sa Magpet, Cotabato. Ayon sa ulat ng GMA News at Remate, sinunog diumano ng mga suspected New People's Army (NPA) mula sa Guerilla Front 53 ang day care center kung saan nag-aaral ang mga musmos. Nagpanggap umano ang mga pesteng komunista na mga miyembro ng kasundaluhan, pinalabas ang mga batang estudyante at mga guro, at saka sinilaban ang silid aralan, ayon kay Magpet Police Chief Inspector Jun Napat. Iginapos pa umano ng mga rebelde ang mga guro habang nagsisi-iyakan ang mga bata. Nangingikil umano ng P50,000 ang mga komunista bilang revolutionary tax sa barangay at nang hindi naibigay ang kapritso nila ay saka sinunog ng mga kawatan ang day care center. Hindi naman agad naka-responde ang mga otoridad dahil may itinanim umanong mga bomba ang mga rebeldeng komunista sa mga kalsada. "That was relayed to us by our contacts in the area saying that other members of Guerilla Front 53 of the New People's Army will conduct roadside bombing and ambuscades to any government troops who will proceed to the area to conduct investigation and pursuit operation," sabi ni Napat. Bumuhos ang simpatya ng mga kababayan natin sa naapektohan sa pamemerwisyo ng mga komunista. Ang NPA ay ang armed group ng Communist Party of the Philippines kung saan ang chairman nito ay si Jose Maria Sison. Source: GMA News | Remate +Hindi pinalagpas ng prominenteng Pro-government blogger na si RJ Nieto a.k.a. ThinkingPinoy ang mga pinagsasabi ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary Loraine Badoy sa isang forum. Sa sidelines kasi ng Facebook Community Standards Feedback Forum, pinagsabihan ni Badoy ang mga taga-suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte na huwag magkalat ng pekeng balita tungkol sa Presidente at ginawa pang ehemplo ang sarili niya sa hindi pagpapakalat ng maling impormasyon. "I'm very pro-Duterte, but why am I not spreading any fake news? ... If there are pro-Dutertes who think that they need to spread fake news, I have to tell them that you don't need to... " sabi ni Badoy. Ipinaalala naman ni Nieto kay Badoy ang ginawa nitong pekeng istorya laban kay Senator Manny Pacquiao. Maaalalang kinumpronta ni Pacquiao si Badoy sa isang senate hearing tungkol sa ikinalat nitong tsismis laban sa kanya. Kalaunan inamin ni Badoy na nakuha niya lang ang impormasyon niya sa magtataho at security guard ng subdivision. "I still remember, pinicturan mo iyung bahay ng tao ko and then sabi mo, this is the house of the mistress of Manny Pacquiao, a Christian" banat ni Pacquiao kay Badoy. "Usec. Lorraine Badoy passive-aggressively accused Duterte supporters of spreading fake news, even going as far as citing her own immaculate self as the Exemplar of Responsible Citizenry," buwelta ni ThinkingPinoy kay Badoy. Hindi nagustuhan ng ilang taga-suporta ng Pangulo ang pinagsasabi ni Usec. Badoy. Si Badoy ay sumuporta sa kandidatura ni Vice Presidente Leni Robredo, ayon sa Women for Leni Facebook page. Source: ThinkingPinoy | ABS-CBN | Inquirer | Women for Leni +Binuksan na sa publiko ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Laguna Lake Highway noong Nobyembre 15, 2018. Ang naturang kalsada ay toll-free at may bike lanes pa. Inaasahang makakatulong ito para mabawasan ang tagal ng biyaheng Bicutan-Taytay dahil mula 1 oras ay magiging 30 minute na lang daw. Ang proyekto ay sinimulan noong May 2016 at nagkakahalaga ng P1.2 billion. Sa pamamagitan ng nasabing highway, maiibsan din daw ang bigat ng trapiko sa EDSA at C5 ayon kay DPWH Secretary Mark Villar. Magsisilbi din daw itong dike para sa Lungsod ng Taguig. "This toll-free road will be able to cut travel time from Bicutan to Taytay and vice versa from an hour to just 30 minutes or less... This is the first national expressway with bicycle lanes. The improved highway will ensure safety of motorists, bikers, pedestrians, as well as protection of residents from the backflow of lake water,"sabi ni Presidente Duterte. Dumalo sa pagbubukas ng Laguna Lake Highway sina Taguig City Mayor Lani Cayetano, dating Department of Foeign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, Taguig City Vice-Mayor Ricardo Cruz, Taguig City-Pateros 1st District Rep. Pia Cayetano, Lower Bicutan Barangay Chairman Roel Pacayra, Budget and Management Secretary Benjamin Diokno at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO Vivencio Dizon. Ikinatuwa naman ng mga tao ang pagbubukas ng bagong kalsada. Ito po ang ilan sa mga komento nila. Panoorin ang ulat ng PTV. Source: PTV | GMA News | Manila Times +Magpapatupad na ng crackdown ang Philippine National Police - Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga motoristang gumagamit ng mga plakang numero 8. Ito ay matapos magbigay ng direktiba si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na i-recall ang lahat ng plate number 8. Ang plate number 8 ay karaniwang gamit ng mga miyembro ng kongreso. Ang ilan ay ginagamit ito para makapanindak ng mga kapwa motorista sa lansangan. Katulad na lang ni Jojo Valerio, ang road rage suspect na nakunang sa viral video na nanapak at nanggigitgit ng mga kapwa motorista habang gumagamit ng plakang may numero 8. "Nag-issue na ako sa lahat ng ating chiefs nationwide na mag-conduct ng crackdown sa plaka na 8 at mabuti nga naman na ang ating Congress nag-issue na rin na i-surrender na ang ganitong plaka. Tutulungan naming ang Congress na hanapin 'yung mga plaka and we will crack down on plate number 8," sabi ni HPG director Chief Supt. Roberto Fajardo. Binilinan naman ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mga kapulisan na huwag magpasindak sa mga motoristang may plakang 8. Mayroon din daw gumagamit pekeng plakang 8. "There is nothing wrong in flagging down these vehicles for as long as our personnel would do it in a proper way. While the Land Transportation Office (LTO) allows its use, there are restrictions," ani Albayalde. Source: ABS-CBN | PTV +Ibinulgar ni Public Attorney's Office (PAO) Chief Persida Acosta na inabisuhan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghain ng kasong murder sa mga tao sa likod ng pagkamatay ng ilang kabataan dahil umano pagkakaturok ng Dengvaxia vaccine. Ayon kay Acosta, sinabi ito sa kanya ni Pangulong Duterte noong nag-pulong sila noong Pebrero kasama sina dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Dr. Anthony Leachon, former-VACC chair Dante Jimenez and PAO forensics chief Dr. Erwin Erfe. Sinabi din ni Acosta na confidential dapat ang gagawin pagkakaso sa mga itinuturong salarin sa Dengvaxia scam pero nadulas daw siya kaya nabanggit niya sa isang panayam sa media. Sa ngayon ay may 29 na reklamong nakahain sa Department of Justice kaugnay sa Dengvaxia controversy. Basahin ang ilang komento galing sa mga kababayan natin. Source: ABS-CBN | GMA News +Hinangaan ng sikat na Canadian Travel Vlogger na si Christian LeBlanc ang naging resulta sa rehabilitasyon sa Boracay ng Duterte Administration. Ayon sa prominenteng vlogger, mas mae-enjoy na raw ng husto ang isla dahil nalinis na ito. Dinokumento rin ni LeBlanc ang konstruksyon ng mga bagong kalsada sa isla at bagong prosesong kailangan pagdaan ng mga turista para makapasyal sa sikat na tourist spot ng Pilipinas. Ikanulungkot lang ng vlogger ang pagbabawal ng pag-inom sa may dalampasigan pero naiintindihan niya raw kung bakit ito ginagawa ng gobyerno. Sa huli, ikinatuwa niya ang bagong Boracay dahil sa bagong anyo nito. "I am definitely excited about some of the new directions they are taking... It is a place I'd like to come and relax. Have internet, have good food, all the modern conveniences in a beautiful island. And if you wanted to check it out, I think now is the time to do it while the tourism is still a little low. I'm definitely giving it a thumbs up. I like less people here," sabi ni LeBlanc. Basahin ang ilang reaksyon ng mga netizens sa mga naging komento ng banyagang travel vlogger. Source: Lost LeBlanc +Pansamantalang nakalaya na si Jojo Valeria, ang bida sa viral videos kung saan siya na hulicam na nanuntok at nanggitgit ng mga motorista sa lansangan. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nakalaya ang suspek matapos magbayad ng piyansa. Hindi humihingi ng paumanhin, dumidepensa pa ngayon ang salarin at sinabi na walang siyang ni-name drop na politiko. Pero ang hindi niya masagot ay ang paggamit niya ng Number 8 Protocol Plate, na ibinibigay lang sa mga miyembro ng kongreso. "Masaya at the same time malungkot. To make the story short lang. I just want to make things clear about the issues, ngayon lang ako magsasalita. Is this GMA po ba? Ngayon lang ako magsasalita sa isyu, siguro it's high time for me to speak for the event na nangyari. About sa pangyayari, gusto ko lang paikliin ah. Unang-una, wala akong ni-name drop na tao. Ngayon lang ako magsasalita, sa lahat ng accusations, sa lahat ng ginawa sa akin. Walang akong ni-name drop in the first place at hindi ako nag-pretend na somebody or what. Second this is, lahat ng pangba-bash sa akin, tinatanggap ko ang lahat because of the actions na lumabas sa social media na mali na kung sino-sino nag-transfer ng maling impormasyon. The plate number, it is not a fake plate number but let my lawyer speak,"sabi ni valerio. Ito naman po ang naging reaksyon at tugon ng mga tao sa mga pinagsasabi ni Valerio. Source: ABS-CBN +Usapan ngayon ang teleserye ng ABS-CBN na "Ang Probinsyano" matapos almahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayade ang hindi magandang depiksyon ng programa sa mga kapulisan at lalo na sa hepe ng PNP. Sa panayam ni former Presidential Communications Operation offfice Assistant Secretary Mocha Uson kay Albayade, napag-usapan na mayroon umanong nalalabag ang programa sa tutunin at regulation ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). "Napansin ng iba at kami na no less than the Chief PNP ay nada-drag at nagiging villain at parang kontra-bida. When you involved the Chief PNP, it involves the whole organization already. You could just imagine, no less than the chief PNP kung ganoon kasama ang ginagawa aymagkakaroon ng maling impresyon sa ating mga kababayan. Yun lang ang appeal natin sa production outfit ng 'Ang Probinsyano'.... Kung talaga hindi sana dini-depict ang PNP doon, they don't use the word Philippine National Police and they don't wear the uniform,"sabi ni Chief PNP Albayalde. Base sa nga sa IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS ng MTRCB, mukhang may nalalabag nga ang naturang programa sa tuntunin ng ahensiya. Sabi sa alituntunin ng MTRCB, ipinagbabawal ang pagpapahina sa kumpiyansa ng mga tao sa gobyerno at mga otoridad. "Any television program that does not conform to the "G", "PG" or "SPG" classification shall be disapproved for television broadcast. The material shall be disapproved for television broadcast if, in the judgment of the Board applying contemporary Filipino cultural values as standard, it is objectionable for being immoral, indecent, contrary to law and/or good customs, injurious to the prestige of the Republic of the Philippines or its people, or with a dangerous tendency to encourage the commission of violence, or of a wrong, or crime, such as but not limited to: (4). The work tends to undermine the faith and confidence of the people in their government and/or duly constituted authorities," sabi sa IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS ng MTRCB. Basahin ang ilan reaksyon mula sa mga kababayan natin. Source: Mocha Uson Blog via Flick-Clicks| MTRCB +"Parang ano lang siya dito, 'pawn' o ginagamit lang," Ganito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo laban kay Peter Joemel Advincula na lumantad kahapon para sabihin na siya si alyas "Bikoy", ang lalaki sa video series na "Ang Totoong Narco List" na nangyuyurak sa kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagsasangkot sa pamilya ng Presidente sa droga. Ayon kay Panelo, sirang-sira daw ang kredibilidad ni Advincula at mukhang nagagamit lang ito. "Ang kredibilidad niya ay bagsak. Convicted pala siya, tapos marami palang kaso," sabi ni Panelo. "Kasi tignan niyo, 'yung lang kay Bong Go, nasira na siya doon. Nilabas na naman kahapon ang likod niya, ang linis. Number two, 'yung binanggit niya na Rural Bank of Guinubatan, nagsalita na rin, walang katotohanan (ang bintang ni Bikoy). 'Yung isa pang resort (misibis bay), ganun din," dagdag pa ni Panelo. Banta ni Panelo, baka sa mga susunod na araw daw ay magpasabog sila ng bomba laban sa isyung kinasasangkutan ni Advincula. "At mayroong... Hindi ko pa puwede sabihin ngayon but mayroong nakikita ang mga nag-iimbestiga na could be a bombshell from the way I look at it... It's very obvious na its a black propaganda," babala ni Panelo. Source: PolitikoTV Channel +Kahapon ay lumantad sa harap ng media si Peter Joemel Advincula para sabihin na siya si alyas "Bikoy", ang karakter sa libelous na video series na "Ang Totoong Narco List" na naninira at nag-uugnay sa mga kaanak at malapit na kaibigan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa negosyo ng droga. Ayon sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigations (NBI), si Advincula ay walang koneksyon sa droga. Base sa impormasyon ng NBI, halos karamihan ng kaso ni Advincula ay tungkol sa swindling o panloloko. "'Yung diversification from swindling to drugs, ang drug industry maingat din sila sa mga taong pinipili nila. At dapat may purpose kung bakit ka nila pinili... ," sabi ni NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo. Pati si Rodel Jayme na web developer ng metrobalita.net kung saan in-upload ang mga Bikoy videos ay diskumpiyado sa pag-amin ni Advincula na siya si Bikoy . "Hindi ko sure. Pero bahala na ang batas ang mag-confirm kung siya nga talaga," sabi ni Jayme. Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), sinabi ng pambansang kapulisan na mahirapan paniwalaan si Advincula dahil sa mga records nito ng panloloko ng mga tao. Hindi rin kumbinsido ang political blogger at radio host na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy kay Advincula. Nahihirapan umano siya paniwalaan si Advincula dahil mula sa droga ay biglang nanloloko ng mga tao sa beauty pageant industries. "Kung ikaw ay dating miyembro ng drug syndicate, mamumublema ka sa pera para mang-estafa ka pa? Tapos beauty pageant pa ang in-estafahan mo? Sana man lang kung ang in-estafa mo ay yung mga bayad sa drug lord pero beauty pageant i-estafahan mo?" sabi ni Thinking Pinoy. Source: ABS-CBN | News5 +Lumantad ngayong araw sa media si Peter Joemel Advincula para aminin sa madla na siya umano si alyas 'Bikoy', ang misteryosong lalaking nagsasalita sa video series na "Ang Totoong Narco List". Ang naturang video series ay naninira sa mga kapamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at isanasangkot ang mga ito sa kalakaran ng droga. Ayon kay Advincula, humarap daw siya sa publiko dahil may banta sa kanyang buhay at sa tawag ng konsensiya. Pinanindiganan din ni Advincula ang mga paninira sa nasabing video series. Sa paglantad ni Advincula, naungkat ng ilang netizens ang artikulo na nagsasabing estapador si Advincula at naging most wanted din sa Naga City. "Advincula admitted that aside from his theft case in Sorsogon, he is also facing charges of illegal recruitment and large scale estafa in Naga City and Albay," sabi sa ulat ng ABS-CBN tungkol kay Advincula. May mga kababayan din tayo sa social media na nagsasabi na nabiktima sila ni Advincula. Diskumpiyado naman ang mga pro-government supporters at mga bloggers sa katauhan ni Advincula. Naungkat ng ilang supporters ang artikulo na nagsasabing estapador si Advincula at naging most wanted din sa Naga City. Panoorin ang naging komento ni Thinking Pinoy sa paglantad ni Advincula. Source: ThinkingPinoy | ABS | ANC +Tila hindi matanggap ng ilang miyembro ng Otso Diretso ang line-up ng mga kandidatong susuportahan ng religious group na El Shaddai. Magugunitang nag-deklara na ang grupo ng susuportahan nila sa papalapit na araw ng botohan pero tanging si Senator Bam Aquino lang ng Otso Diretso ang napasama. Halos lahat ay mga kandidato ng administrasyon. Sinabi ni Otso Diretso candidate Erin Tanada na may posibilidad na mawalan ng taga-supporta ang El Shaddai kung hindi nito maipapaliwanag ang ginawa nilang pagpili. "Ano ba ang ibig sabihin ng honesty sa kanila? Kung hindi nila maipapaliwanag yan eh baka mamaya ay mawalan rin sila ng mga supporters," sabi ni Tanada. Umapela naman si Samira Gutoc sa pamunuan ng El Shaddai na ikonsidera sila dahil sila daw ang boses ng konsensiya. "Pasensya na po El Shaddai, I appeal that you consider me, consider us sa Otso Diretso dahil kami po ay voice of the conscience," dagdag ni Gutoc. Umaasa naman sina Attorney lawyer Romulo Macalintal at Chel Diokno na makakakuha ng supporta mula sa mga katoliko at mga millennials. "Hindi papayag ang mga katoliko na bastusin ang ating Panginoon at bastusin ang ating pananampalataya at ating kaparian," banat ni Macalintal. Ang mga senatoriables na susuportahan ng El Shaddai ay sina former Philippine National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa, Bong Go, Grace Poe, Cynthia Villar, Nancy Binay, Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, Bong Revilla, Sonny Anggara, JV Ejercito, Jinggoy Estrada at Willy Ong. Source: ABS-CBN +"We must end their youth recruitment now and we will start by removing all the recruitment propaganda/ vandalism on our own walls, streets and barangays throughout the entire country starting this month." Ganito ang naging pahayag ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema kaugnay ng kanilang pangako ng pagkilos laban sa anumang uri ng bandalismo o panghihikayat sa mga kabataan upang sumapi sa New People's Army (NPA), isang galamay ng pinakamalaking komunistang grupo sa ating bansa, ang Communist Party of the Philippines (CPP), batay sa ulat ng CNN News. Ayon kay Cardema, nakausap na niya ang ilang mga grupong pro-government, kabilang na ang Duterte Youth Movement, na nangakong magbibigay mula P5000 hanggang P10,000 sa sinumang indibidwal na makikipagtulungang tanggalin ang mga pro-NPA graffiti. Limang libong piso umano ang ipagkakaloob sa sinumang mag-uulat- ito ay 'yung makakakuha ng larawan habang isinasagawa ng isang indibidwal ang bandalismo, gayundin ang pangalan at pagkakakilanlan ng gumagawa nito sa mga daan. Halimbawa ay ang mga salitang "Mabuhay ang CPP-NPA-NDF", gayundin ang "Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan" at mga katulad pa nito, na kadalasan nating makikitang nakasulat sa iba't ibang bahagi ng kalsada. Samantala, sampung libo naman daw ang maaaring matanggap ng sinumang magpapakita ng "patriotic effort" sa pamamagitan ng pagsasagawa ng "citizen arrest" at dadalhin ang nasabing mahuhuling vandalizer sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa lugar. Batay kasi sa batas, maaaring magsagawa ng warrant-less arrest ang isang pribadong mamamayan sa sinumang maaktuhang gumawa, gumagawa o magtatangkang gumawa ng bagay na labag sa batas. Nakipag-ugnayan na rin umano si Cardema sa mga pinuno ng Sangguniang Kabataan at iba pang mga grupo ng kabataan upang magtulungan sa tuluyang pagtatanggal ng mga pro-NPA vandalisms sa bansa, bilang bahagi na rin ng layunin at adhikain ng Gobyerno na wakasan na ang mga di-pagkakaunawaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunistang grupo. Source: CNN News +Kumakalat ngayon sa social media ang inasta ng isang matandang babae sa loob ng bus. Sa video na in-upload ni Anne Gaddi, mapapanood kung paano pagsalitaan at sigaw-sigawan ng matanda si Gaddi. Ayon sa pahayag ni Gaddi, pinagbintangan daw siya ng matanda na nasagi niya ito. Ang paliwanag ni Gaddi, may dala siyang bata at hindi niya alam kung nasagi nga ba niya ang matandang nagwawala. Hindi pa nakuntento ang matanda at nilait pa ang mga taga-Bulacan. Kaya hindi nakapagtimpi ang ilang pasahero at pinagsabihan ang matanda. Dito na inaway ng matanda ang iba pang pasahero. Sa isang video ni Gaddi, makikita pa na sinugod siya ng matanda at hinampas nito. Pumalo na sa lagpas 31,000 ang nag-shares ng mga video ni Gaddi at umani na rin ng libo-libong komento mula sa mga netizens. Source: Anne Gaddi +Hindi ikinatuwa ni Sneador Antonio Trillanes ang inilabas ng Malacanang na litrato ng panonood ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Netflix ng isang pelikula. "Bakit hindi siya nagtatrabaho? Hindi ka ibinoto ng tao para manuod ka ng Netflix nang isang linggo. Hindi pwede 'yan, hindi ka ordinaryong tao," boladas ni Trillanes. Para kay Trillanes, tamad daw ang Presidente at kawawa ang publiko dahil namumuhay na parang hari ang Presidente. "Lumalabas dito, since wala naman siya sa ospital, ibig sabihin wala siyang sakit, ibig sabihin lang nito tamad siya, kawawa naman yung taumbayan na naso-short change siya dahil parang hari 'yung kanilang ibinoto kasi pawardi-wardi lang," angal ni Trillanes. Rumesbak naman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo at sinabing kabalbalan at hindi pinag-iisipan ang ang banat ni Trillanes. "Alam mo 'yang si Trillanes ay hindi ko na pinapatulan ang kabalbalan nyan... Parang hindi na nag-iisip kung magsalita 'yan. As if hindi siya nagpapahinga, as if hindi siya natutulog, as if hindi siya nanonood ng TV," buwelta ni Panelo. Ipinaliwanag din ni panelo na kailangang magpahinga ni Pangulong Duterte dahil sa dami ng trabaho nito mula nang dumating galing sa Belt and Road forum sa Beijing. Magugunitang inilabas ng kampo ng Pangulong Duterte ang litrato para maalis ang pagdududa sa lagay ng kalusugan ng Presidente. Source: GMA News | INQ +Ilang selyo ng mga opisyal na balota para sa gaganaping May 13, 2019 elections ang kapansin-pansing may mga sira, nang dumating ang mga ito sa Manila City Hall ngayong araw, Linggo, batay sa ulat ng GMA News. May mga punit umano ang ilan sa mga Commission on Elections (Comelec) sticker seals na ginagamit para sa seguridad ng mga balota nang dumating ang mga ito sa Manila City Hall. Nasira din daw ang isa sa labindalawang plastic seals na may bar code, na nakatali sa mga locks ng truck na naghatid sa mga ito. Ayon kay Manila City Treasurer's Office officer-in-charge Josephine Daza, 1502 kahon ng mga balota ang kanilang natanggap sa kabuuan para sa 1502 presinto. Ang opisina ni Daza ang naatasan ng Comelec na tumanggap at magtago ng mga nasabing balota bago ipamahagi ang mga ito sa kani-kanilang presinto. Bawat isang kahon ay may label na naglalaman ng ballot ID, cluster precinct number, probinsiya, munisipalidad at rehiyon kung saan ito gagamitin. May mga pulis na itinalaga sa lugar habang tinatatanggap ang mga nasabing kahon para sa seguridad ng mga balota. Pinayagan ding mamalagi sa labas ng Manila City Treasurer's Office ang mga representante ng mga kandidato ng mga Party- List groups upang matiyak ang seguridad ng mga balota sa loob ng mga kahon. Ayon kay Daza, maaari umanong itala ng mga representante ang mga nakita nilang discrepancies at ipaalam ang nasabing bagay sa Comelec. "We will be submitting our report to the Commission on Elections regarding the discrepancies that were noticed in the opening of the trucks," saad ni Daza. Samantala, ipinaliwanag naman ni Comelec Education and Information Division Director Atty. Frances Arabe na bilang bahagi umano ng kanilang protocol, magsasagawa pa ng post-delivery inventory upang maseguro na walang tampering na nangyari. "Mayroong seal 'yung truck kaso may awang siya kaya napunit. Kaya ang gusto nating sabihin sa publiko na ang tingnan nila talaga is the ballot box-'yung box na ang laman ay mga balota. Iba pa 'yun. Iba pa doon sa pinto ng truck doon sa mismong ballot na nasa box," wika ni Arabe. "I-iinventory pa naman 'yan pagdating ng Office of the City or the Municipal Treasurer. So meron din tayong watchers doon and meron ding inventory report. Iko- compare mo lang 'yan eh from the point of departure, 'yung inventory report tapos 'yung arrival, iche-check nila isa-isa. So from there, malalaman natin kung mayroon talagang nabawas, mayroong nabuksan, kasi even the condition of the ballot box is recorded," dagdag pa ni Arabe. Samantala, sa Pasig City ay isa ring Comelec delivery truck ang iniulat na may sirang selyo. Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, maaari umanong aksidenteng nasira ito dahil sa paggalaw ng sasakyan habang umaandar. "Sticker may have torn during movement of the truck as the lap, or the torn edge appears uneven. The torn sticker is not ideal, obviously, but it is impossible to rule out accidental tearing. And as indicated, it is important to verify the state of the contents of the entire shipment- whether there are indications of tampering or pilferage," ani Jimenez. Source: GMA News +Pag panahon ng eleksyon, asahan ang sari-saring pakulo mula sa mga kumakandidato. Mula sa pagkanta hanggang pagsayaw ay gagawin para makamit ang boto ng mga tao. Iba naman ang gimik ng mga pambato ng Otso Diretso. Sa kanilang photo-ops, nagpakita sila ng banners kung saan mga mukha nila ang nakalagay sa mga sikat na superhero characters ng pelikulang Avengers: End Game. Nakalagay pa sa banner ang salitang, "Avenge Our Future". Umani ng iba't-ibang uri ng reaksyon ang paggamit ng mga kandidato ng Otso Diretso sa kasikatan ng pelikula sa kanilang pangangampanya. Ito po ang ilang kwelang komento mula sa mga kababayan natin. "ANONG PINAGGAGAGAWA NYO????!!! ?" sabi ni K. Rosales. "Endgame katapusan nyo na nga hnd na kasi kayo mananalo hahaha," sabi ni B. Pasoquen. "Nasira nyo imahe Ng avengers mga alagad Kayo ni thanos tawag sa inyo mga hipopothanoz mananaba Kayo Kaka corrupt pagnanalo Kayo Kaya pwede please Hindi Kayo avengers ikakasira Ng MCU Ang itsura nyo," sabi ni B. Batutista. May isang netizen naman ang hindi nagustuhan ang ginawa ng mga kampo ng Otso Diretso. "Disney Marvel Studios Marvel Just reporting a few officials running as Senators within the Philippines. People who doesn't have any idea what copyrighting means. Also, using your characters and designs for their own propaganda.," sabi ni J. Victorino. Source: Philippine Star +Sa social media post ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol, ibinahagi ng kalihim ang isang artikulo mula sa Bloomberg kung saan nai-ulat na maraming Pilipino na daw ang natanggal sa kahirapan dahil sa bumubuting ekonomiya ng bansa. Sa caption ni Pinol sa kanyang post, tinawag niya itong "Duterte Governance". Sinabi sa artikulo ng Bloomberg na mabilis lumalago ang ekonomiya ng bansa. Base daw sa ulat ng Philippines Statistics Authority (PSA), kumpara noong unang bahagi ng 2015 (before Duterte Presidency) ay 27.6 % ang naitalang Pilipino namumuhay sa tinatawag na "below poverty line", nitong 2018 ay bumaba na daw ito sa 21%. Isa din daw sa mga nagpahina sa kahirapan ay ang mga proyektong pang-imprastruktura na lumikha ng mga bagong trabaho. "Thanks to sustained economic growth and critical and broad-based reforms and investments that have translated to employment-generation and social protection," sbi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia. Basahin ang naging reaksyon ng ilang netizens sa ibinahaging artikulo ni Secretary Pinol. "Kaming mga Ofw ramdam yang pag angat ng pilipinas Potek yung halaga kasi ng sahod namin nung last yr umaabot ng 48k pesos katumbas ng 1kdollars now 44kpesos nlng ulit biglang angat pera ng pinas," sabi ni J. Tizon. "mabuhay and here we go, si PRRD ang best president sa buong mundo ngayon lang yan nangyari sa bansang ito kung hindi naka upo si PRRD. mga pilipino lulong ng lahat sa droga ang mga ito at lahaty ng kasamaan sa bansang ito at talamak ng totoo, kaya salamat PRRD, mabuhay ang bansang pinas and God bless PRRD Filipinops love you," sabi ni A. Herbert. "Salamat sa May Tapang at malasakit na Pangulong Digong Duterte na Angat mo rin ang Pilipinas sana yong mga Salungat huwag magmatigas tulong nalang kayo para makamit na natin ang Tunay na Pagbabago. God bless you always Pangulong Digong Duterte as you lead our Country Philippines.," sabi ni N. Arranguez. Source: DA Sec. Pinol | Bloomberg +Inudukan ni Department of Labor and Employment Undersecretary Jacinto "Jing" Paras ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon laban kay Vice President Leni Robredo. Ito ay kaugnay ng Bikoy video na ginagamit para siraan ang Pamilya Duterte at tanggalin ang Presidente sa posisyon nito. "Hinihikayat ko ang NBI na pati si Robredo ay imbestigahan nila," sabi ni Paras. Hindi rin nakaligtas kay Paras si Senador Antonio Trillanes. Ayon sa opisyal, posibleng sangkot din ito sa mapanirang video. "At the center of this controversy, a certain Ellen Tordesillas, itong si Ellen Tordesillas ay identified kay Trillanes. In fact, Paolo Duterte, identified Trillanes as the mastermind of this Bikoy tapes. And it is the same Trillanes na sinamapahan namin ni Attorney Luna ng kaso na ini-indict na ng korte," dagdag pa ni Paras. Kamakailan lang ay pumutok ang balita tungkol sa pagkakahuli kay Rodel Jayme, ang webmaster ng website na Metrobalita.net, isa sa mga unang nagpakalat ng video series na may titulong "Ang Totoong Narco List", kung saan isang alyas "Bikoy" ang yumuyurak sa pamilya ng Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagdawit sa mga ito sa bentahan ng droga. Ayon sa ilang ulat at pahayag ni Jayme, wala daw siyang koneksyon sa opisina ni Robredo at nagpa-picture lang daw siya kay VP noong panahon ng halalan dahil isa siyang taga-suporta. Sa pahina ng NBI report na inilabas ng CNN Philippines, isang nagngangalang "Filmore" ang nabanggit at ito daw ay kasapi ng grupong Magdalo. Source: Eagle New | News5 | CNN Phil +Pag dumdating talaga ang panahon ng halalan, makikita ang ilang kandidato na ginagawa ang lahat para maligawan ang mga tao at makuha ang mga boto ng mga ito. May nangangako, kumakanta at sumasayaw. Ngayong araw, nagpakita si senatorial aspirant Samira Gutoc ng paghataw at pag-indak. Ginawa niya ito sa Welcome Rotonda sa lungsod ng Quezon. Kasama ni Gutoc sa pagsasayaw sa kalsada ang ilang dancers. Ang ginawa na ito ni Gutoc ay umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga kababayan natin sa social media. Ayon sa ilang netizens, magaling daw sumayaw si Gutoc kaya dapat ay mag dancer na lang daw ang senatorial candidate. Si Gutoc ay bahagi ng Otso Diretso line-up. Kasama ni Gutoc sa grupo sina Magdalo Representative Gary Alejano, Human Rights Lawyer Chel Diokno, former Solicitor General Florin Hilbay, Attorney Erin Tanada, Election Lawyer Romulo Macalintal, former DILG secretary Mar Roxas at opposition senator Bam Aquino. Panoorin ang video mula sa Philippines Star. Ito po ang ilang piling komento mula sa Facebook page ng Philippine Star. "Magaling ka pala sumayaw mag dancer ka nalang dyan ka nalang hwag kanalng tumakbo wla ka naman kwenta don," sabi ni M. OxMax. "Dapat pala zumba instructor, hindi Senator hahaha," sabi ni G. Lyons. "Tuwing campaign talaga bumabait, nagiging ogag, at katawatawa, ginagawa lahat kahit magmukhang t.a.n.g.*.. parang tingin nila sa mga botante ogag lang na pwede utuin.," sabi ni M. Sorreda. "Hoy gutoc galing ah bka pag sa senado kna sasayaw sayaw ka na lng don," sabi ni N. Postrado. Source: Philstar +Napakahirap maging biktima ng trahedya o aksidente. Maraming buhay ang nawawala, mahahalagang gamit ang nasisira, at mga pangarap na gumuguho, para sa mga nawawalan ng mga mahal sa buhay sa mga ganitong di-inaasahang pagkakataon. Doble pa ang sakit kapag 'yung mga inaaasahan mong taong tutulong sa'yo ay gagawan ka pa ng masama. Mabigat ang loob ng ilan sa mga nakaligtas sa naganap na banggaan ng isang truck at pampasehorong bus sa Atimonan, Quezon nitong nkaraang Lunes nang gabi, mula sa ulat ng GMA News. Kuwento kasi ng ilang pasahero, sa halip na tulungan umano sila sa pagkakaaksidente ay pinagnakawan pa umano sila ng mga kawatang nakapasok sa loob ng bus na kanilang sinasakyan. "Bumalik ulit ako ng bus para kunin ang mga gamit ko. Pag-akyat ko sa bus, meron nang mga hindi pasahero. May mga nakahubad na lalaki. Hinahalungkay 'yung.. 'yung iba naghahalungkay ng bag. 'Yung isa nakakuha ng dalawang pitaka. Pinasok niya sa bulsa niya. Imbes na tumulong eh ninakawan pa kami ng pera, pagkain," kuwento ng isang survivor na si Izen Maghiran. Tatlo ang namatay sa nasabing insidente, habang 73 naman ang iniulat na nasugatan. Kabilang sa mga nasawi ang drayber ng truck, ang kanyang assistant, at isang pasaherong nakasakay sa bus ng Elavil AMV Travel and Tours. Papunta sana sa Bicol ang nasabing bus nang makabanggan nito ang 10-wheeler cargo truck na pa-Maynila sa Diversion Road sa Barangay Sta. Catalina. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na sirang preno ng bus ang naging dahilan ng pagkakasalpok nito sa truck. "Sa pag-iimbestiga namin, may kausap kaming mga pasahero dun ng bus. Mula pa lang sa Manila pumapalya na 'yun. Noong siya daw ay nag-over take ay nag-lose control. Tapos ay nagkataoon naman mayroong parating na truck. Nagkasalpukan," saad ni Police Major Michael Encio, hepe ng Atimonan Police. Samantala, aminado naman ang drayber ng bus na si Maximo Leorigo na nauna nang nagkaroon ng problema ang bus. Ibang drayber umano ang naunang nagmaneho nito, at hindi raw siya ang on-wheel sa Laguna. "Doon pa lang po sa taas, mababa na ang hangin ng preno ng aking bus," pahayag ni Leorigo na kasakalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. Source: GMA News +Bagong Graduate? Excited ka na ba sa job-hunting? Handa ka na ba sa panibagong hamon ng buhay sa labas ng eskuwelahan: ang paghahanap ng trabaho? Pero teka, nababahala ka rin ba na malaki-laki rin ang magagastos mo sa pag-aayos ng mga dokumento, sakaling magsimula ka nang maghagilap ng mapapasukang hanapbuhay? Puwes, maiibsan na ang pag-aaalala mo! Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11261 o ang "First Time Job Seekers Assistance Act", isang batas na naglalayong matulungan ang mga first-time job seekers sa pamamagitan ng pagwe -waive ng mga government fees at charges sa mga dokumentong kailangan ng mga ito sa pag-aaply. Principal author at sponsor ng nasabing batas si Senator Joel Villanueva. Siya rin ang Chair sa senate committee on labor, employment, and human resources development. Ayon kay Villanueva, nasa 1.3 milyong first time job seekers taun-taon ang makikinabang sa nabanggit na batas. Aniya, karaniwan nang gumagastos ng mahigit P2000 ang mga first-time job seekers sa pag-aayos pa lamang ng mga dokumento habang naghahanap ng trabaho. Hindi pa kasama rito ang iba pang gastusin tulad ng pagkain at pamasahe. "Sa bisa po ng First-time Job-Seekers Assistance Act, mababawasan na po ang pasanin ng ating mga fresh grads sa mga bayarin na kailangan para lamang makakuha ng mga dokumento na kailangan sa kanilang job application," saad ni Villanueva. "Malaking tulong po ang handog nito sa pagbubukas ng panibagong yugto ng ating fresh grads mula sa kanilang matagumpay na pagtatapos sa eskuwelahan patungo sa kanilang job-hunting," dagdag pa ng senador. Sa ilalim ng naturang batas, ang sinumang indibidwal na maghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon ay libreng makakakuha ng kanyang identification documents at clearances. Kabilang dito ang Barangay at Police clearance, NBI Certificate, Medical certificates mula sa mga Government clinics at Hospitals, Birth o Marriage Certificate, Transcript of Records (TOR) mula sa mga State Universities at Colleges, Tax Identification Number (TIN), at Unified Multi-Purpose ID card (UMID). Upang makakuha ng nasabing exemption, kailangang magsumite ang aplikante ng barangay certification bilang patunay na siya ay first-time job seeker. Sakop ng nasabing batas hindi lamang ang mga bagong graduate kundi pati mga out-of-school youth. Samantala, hindi naman kabilang dito ang anumang gastusin kaugnay ng aplikasyon para sa pagkuha ng professional licensure examination, aplikasyon para sa Pasaporte ng Pilipinas, awtentikasyon ng mga dokumento mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), aplikasyon para sa driver's license, at aplikasyon para sa Carrer Service Examination. Magkakaroon din ng isang inter-agency monitoring committee upang bantayan at siguruhin ang pagsunod ng mga ahensya ng pamahalaan sa nasabing batas. Sinumang mahuli at mapatunayang lalabag dito ay maaaring sampahan ng kaukulang kasong administratibo. Source: Inquirer +The long wait is over! Opisyal nang sinimulan ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension ngayong Martes, Mayo 7, limang taon matapos i-award ang proyekto sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), mula sa ulat ng Inquirer. Sa ilalim ng nasabing Cavite Extension Project, itatayo ang walong mga karagdagang istasyon para sa LRT-1 at ito ay ang: Aseana, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Pinas, Zapote, at Niog sa Cavite. Nasa 11.7 kilometro ang karagdagang sakop nito sa kabuuan at inaaasahang makapagsasakay ng nasa 800,000 pasahero araw-araw. Bahagi pa rin ang nasabing proyekto ng programang "Build, Build, Build" ng Administrasyong Duterte, sa tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Ayon sa mga opisyal, inaasahang magsisimula ang operasyon ng unang limang karagdagang istasyon ng LRT-1 sa katapusan ng taong 2021. Mula sa mahigit na isang oras ay maaari na raw nitong mapaiksi ang byahe mula Baclaran patungong Cavite sa loob lamang ng 25 minuto. Kabilang sa mga dumalo sa commencement program sa C5 Highway sa Paranaque para sa nasabing proyekto sina Transport Secretary Arthur Tugade, Executive Secretary Salvador Medialdea, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, at re-electionist Cynthia Villar. Naroroon din sina Undersecretary for Railways Atty. Timothy John Batan, LRMC President Juan Felipe Alfonso, Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at JICA Chief Representative Yoshio Wada. Source: Inquirer | DOTr +Sa paglantad ni Peter Joemel Advincula para magpakilala na siya si alyas "Bikoy", nagbigay na pahayag si Special Assistant to the President Bong Go at muling ipinakita ang likod nito para pasinungalingan ang akusasyon ni Bikoy na mayroon siyang tattoo ng dragon na tanda umano na miyembro siya ng drug syndicate. Ayon kay Go, dapat magpa mental hospital si Bikoy. Dineponsahan din ni Go ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang pahayag, hindi niya napigilang bumanat laban sa grupo ni Senador Bam Aquino, ang Otso Diretso. "Kung naniniwala kayo kay Bikoy, sa mga akusasyon niya sa pamilya Duterte at sa akin, iboto niyo ang Otso Diretso, sila Bam Aquino at sila Alejano. Ngayon kung nainiwala po kayo sa amin ni Pangulong Duterte, sa pinaglalaban namin, sa kampanya namin, iboto niyo po ako," Banat ni Go. Umangal naman si Bam sa naging banat sa kanya ni Go. Hindi na po ako mako-comment kay Bikoy at sa paratang niya kay SAP Bong Go, kasi wala kaming kinalaman diyan. Gusto ko lang mag-komento na ang grupo niyo ay hindi totoo na walang black propaganda Bong. Tatlong taon niyo na kami bina-black propaganda," boladas ni Bam. Pero hindi nagpatinag si Go sa sagutan at rumesbak muli kay Bam. Hindi kami gumagawa ng black propaganda. Not our style po," Resbak ni Go. Sa huli, pumagitna si Senate President Tito Sotto para palamigin ang mainit na sitwasyon sa pagitan ng dalawa senatorial candidates. Source: News5 +Kaninang hapon, lumantad si Peter Joemel Advincula para ihayag sa media na siya si alyas "Bikoy", ang lalaki sa video series na naninira sa pamilya ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagsangkot sa mga ito sa droga. Dahil sa paglabas ni Advincula, kaniya-kaniyang ng researcha ng mga taga-suporta ng Pangulong Duterte at dito nalaman na si Advincula ay dati ng kasuhan ng large scale estafa at nakulong na din. Sa isang pahayag, kinutya ni presidential son at former Davao Vice mayor Paolo Duterte si Advincula. "Mula sa pagiging kilalang scammer, ngayon ay certified na artista itong taong nagpakilalang Bikoy," sabi ni Paolo. Hinamon ni Paolo na kasuhan siya ni Advincula at magpakampi pa kay Senador Antonio Trillanes. "Puro satsat. Panay drama. Magsampa ka ng kaso. Sasagutin kita. Haharapin kita. Isama mo rin si Antonio Trillanes," Banat ni Paolo. Pinaghihinalaan naman ng ilang pro-government bloggers ang paglantad ni Advincula. Ayon sa prominenteng DDS blogger at radio host na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy, tila nanggugulo lang daw si Advincula. Base naman sa impormasyon ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, ginamit na raw ni Advincula ang kuwento at paratang nito laban kay former president Noynoy Aquino noong 2016 at nire-recycle na lang daw laban kay Pangulong Duterte. Source: News5 +Ngayong araw lang ay lumitaw si Peter Joemel Advincula sa pasilidad ng Integrated Bar of the Philippines upang ipagkalat na si alyas "Bikoy". Si Bikoy ay ang lalaking nagbibintang sa mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa droga. Sa pagharap ni Advincula sa publiko, pinanindigan niya ang malisyosong istoryang sinabi sa video series na "Ang Totoong Narco List". Ayon sa ilang ulat na lumutang, si Advincula ay isa umanong estapador na may kasong large scale estafa. Naungkat din ng ilang kilalang bloggers ang mga posts ng mga nabiktima ni Advincula na nagta-trabaho sa indutriya ng beauty pageants. Sa impormasyon naman na nakarating kay Attorney Trixie Cruz-Angeles na galing umano sa isang operatiba, inakusahan din daw ni Advincula si darting Presidente Noynoy Aquino na sangkot umano sa kalakaran ng droga. "Mr. Advincula was convicted of either of theft or large scale estafa. But has been released allegedly on good behaviour. Itong release niya ay because he convinced an operative na mayroon siyang information about a Bicol group of drug syndicate that he identified as the Bicol Quadrangle. Itong Bicol Quadrangle po na ay is a story na lumitaw sa (Bikoy) videos. However, in December of 2016, inilabas niya ang statement na ito at sinabi niya ito sa isang law enforecment operative. At sinabi niya doon sa operative na ito na ang mga sangkot sa Bicol Quadrangle ay si dating Pangulong Noynoy Aquino... In other words, itong kwento ni Bikoy na inilapit niya umano sa grupong nag-upload ng videos niya ay inilapit niya as early as December 2016 sa ibang operative. At itong operative na ito ay ni-note 'yung kwento niya. At 'yung kwento nyia ay tungkol sa Bicol Quadrangle drug syndicate pero ang ini-implicate ay hindi si Presidente Duterte pero si Presidente Noynoy," sabi ni Atty. Angeles. Sabi ni Angeles, ginamit daw ni Advincula ang kwento para makumbinsi ang operatiba na mapalaya siya sa kulungan. Para bumenta daw ang istorya, sinabi umano ni Advincula na mayroon siyang CCTV footage laban sa Noynoy Administration na magpapatunay na sangkot ang mga ito sa sindikato. "This guy is a habitual criminal and a habitual con. So noon Noynoy, ngayon Presidente Duterte... Binitiwan siya ng operative kasi hindi niya na-produce 'yung pinangako niyang CCTV... pero the operative kept evidence at ni-note ang alleged kwento ng taong ito," pahayag pa ni Atty. Angeles. "Noong lumabas ang Bikoy vidoes, the authorities who knew about his attempt to before to implicate former President Noynoy Aquino ay hinanap siya. Dahil sumisikip na naman uli ang mundo niya dahil pinaghahanap siya, he now went to Integrate Bar of the Philippines para ibenta niya uli ang kwentong ito," dagdag pa ni Atty. Angeles. Source: Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawang +Isang hindi kaaya-ayang pangyayari ang naranasan ng mga banyagang vloggers ng "Making it happen Vlog" na nagpo-promote sa ating bansa. Sa kanilang pagbalik sa Pilipinas mula Japan, minalas sila at nasakyan ang isang balbal na taxi driver. Ayon sa vlogger, wala daw silang makuhang service mula sa Grab kaya nag-taxi sila. Base sa pahayag ng vlogger, pinilit sila ng taxi driver na huwag gumamit ng metro at pati ang mga bagahe nila na isinakay sa taxi ay pinababayaran. Mapapanood din sa video na inihinto ng driver ang taxi nito sa isang highway. Sa isa pang punto sa video, sinabi ng vlogger na idinadaan sila mga kalsadang hindi dapat daanan. Naging agresibo din daw ang taxi driver nang makitang kinukunan siya ng video at pinilit kunin ang cellphone ng mga biktima. Hindi nagustuhan ng mga kababayan natin ang ginawa ng taxi driver. Ito po ang ilan samga komento ng netizens "This makes me mad. Especially that you guys are very nice to the country - promoting it, etc," - H. Marcelo. "Hey guys please report this to police immediately, never tolerate this kind of behavior. I was saddened about this news," - S. Ser. Source: Making it happen Vlog +"Umamin na manloloko tapos paapaniwalaan niyo?," Diskumpiyado ang pro-government blogger at radio host na si RJ Nieto o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy sa paglantad ni Peter Joemel Advincula. Si Advincula ay humarap sa media ngayon araw para sabihing siya si alyas "Bikoy", ang taong nagsasalita sa video na "Ang Totoong Narco List" na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay ThinkingPinoy, lumubas lang daw itong si Advincula para guluhin ang imbestigasyon sa paghahanap sa mga taong sangkot sa mapanirang Bikoy Videos. "Feeling ko talaga ay pautot pero pagbigayan natin. Una, si Peter Joemel Advincula admitted that he is convicted for estaffa in 2012... So, basically ang humaharap na ito ay fraudster, manloloko... Ini-stall lang nila para magkaroon tayo ng ibang pag-uusapan at ma-divert ang isyu," sabi ni Thinking Pinoy. Isa pa sa napansin ni Thinking Pinoy ay ang pagkakahuli kay Rodel Jayme, web developer ng Metrobalita.net, ang unang website na nag-upload ng Bikoy video. Hindi daw kasi maganda ang nangyari kay Jayme dahil naapektuhan ang imahe ng Liberal Party dahil sa mga larawang lumabas sa social media. "Matinding hit sa Liberal Party ang pagkakabulatlat kay Rodel Jayme at bukod pa doon, kanta pa ng kanta si Rodel. Ang kanta niya pang-concert. Ang point kailangan i-divert ang atensyion from Rodel to Bikoy," ani Thinking Pinoy. Napuna din ni Thinking Pinoy ay ang pagkakasangkot ni Advincula sa mga kasong estafa kung saan ang mga biktima ay mga nagta-trabaho sa industriya ng beauty pageant. "Kung ikaw ay dating miyembro ng drug syndicate, mamumublema ka sa pera para mang-estafa ka pa? Tapos beauty pageant pa ang in-estafahan mo? Sana man lang kung ang in-estafa mo ay yung mga bayad sa drug lord pero beauty pageant i-estafahan mo?," dagdag pa ni Thinking Pinoy. Source: ThinkingPinoy +"The Robredo-Trillanes cabal is behind this oust-Duterte plot," Ganito ang naging matapang na pahayag ni Labor Undersecretary Jacinto "Jing" Paras tungkol sa mapanirang video series na "Ang Totoong Narco List" kung saan isang alyas "Bikoy" ang nagsalita at siniraan ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte at inuugnay pa sa kalakaran ng bawal na gamot. Ayon kay Paras, ang video ay parte ng destabilisasyon laban sa Duterte Administration at si Vice President Leni Robredo daw ang direktang makikinabang kung magtatagumpay ang pagpapabagsak sa gobyerno. Isa pa sa inakusahan ni Paras ay ang maingay na kritiko ni pangulong Duterte na si Senador Antonio Trillanes. "It's Leni and Trillanes who are behind all these... The Robredo-Trillanes cabal is behind this oust-Duterte plot... The Filipino people should join hands to protect the presidency," sabi ni Paras. Para kay Paras, ang nahuling webdeveloper na si Rodel Jayme ay isang maliit na parte daw sa laro ng destabilisasyon. Si Jayme ay nasakote ng mga kawani ng National Bureau of Investigation kamakailan lang. Umamin si Jaime na siya ang web developer at administrator ng Metrobalita.net, isa sa mga unang nagpakalat ng Bikoy videos. Ayon kay Jayme, hindi daw siya ang nag-upload ng video sa website kundi ang kaibigan niyang Liberal Party supporter na si Maru Nguyen. Pumayag si Jayme na kumanta at ituro ang mga sangkot sa mapanirang video. Hindi rin nakaligtas kay Paras ang ilang media groups dahil sa paulit-ulit na pagbabalita ng paninira ni Bikoy sa pamilyani Pangulong Duterte. "These are 'fake news,' but these claims were bolstered by repeated exposure in several media entities that is part of a demolition job against the President,," buwelta ni paras sa ilang media organizations. Magugunitang naglabas ang Malacanang ng "Oust-Duterte Matrix" kung saan ilang media groups ang konektado umano sa pagpapakalat ng mapanirang video laban sa Pangulong Duterte. Source: Tribune +May banat si Running Priest Fr. Robert Reyes sa mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang "Honesty Run" para sa pag-suporta sa mga senatoriables ng oposisyon o mas kilala sa tawag na "Otso Diretso", tinawag ni Father Reyes na imoral si Presidente Duterte at sinabihan niya pa ang mga taga-suporta ng Pangulo na magdasal na ng maayos. "Iyong mga Katoliko na sumusuporta sa imoral na Presidente (Rodrigo Duterte), na administrasyon, ay 'di nagdarasal nang maayos. May panahon pa. Magdasal po kayo," sabi ni Father Reyes. Si Reyes ay isa sa mga alagad ng simbahan na masugid na kritiko ng Duterte Administration. Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa boladas ng pari laban sa Pangulo at sa mga sumusuporta dito. "Kayo po father pray for your fellow priest who prey on minors thank you next," sabi ni A. Carreon. "Akala mo nman hindi makasalanan si father, hwag na magsalita ng ganyan, do not be judgemental, sabi nga ni Lord "my ways are not your ways my thoughts are not your thoughts," sabi ni Y. Tan. "This is the reason why many catholics right now dont attend church because we dont want to.listen to this type of priest. You might want to check how you teach people,this is not because you want us to believe in God but to just believe in you. Mga impokritong pari na walang alam kundi ang mambatikos pero wala naman naitutulong sa mga taong mahihirap. Ang daming natutulog sa harap ng simbahan,namamalimos ng kaunting barya pero never nyo binuksan ang pinto ng simbahan para sila patuluyin at patulugin. Kung meron man kaung outreach program ay pili din ang bininigyan nyo at un ay mga taong malalapit sa inyo. I SHOULD KNOW BECAUSE I HAVE WITNESSES AND EXPERIENCE IT. PARING IMPOKRITO!!!," sabi ni R. Timoteo. Source: CNN Philippines' Rex Remitio +Lubos na humihingi ngayon ng paumanhin sa pamilya ni Pangulong Duterte ang naarestong si Rodel Jayme, ang itinuturong administrador ng website kung saan inilabas ang viral video na "Ang Totoong Narco List". Sa nasabing video, idinawit ang ilan sa mga kaanak at malalapit na kaibigan ni Pangulong Duterte sa umano'y transaksyon ng ilegal na droga sa bansa. Nauna nang itinanggi ni Jayme ang alegasyon at aniya'y wala umano siyang kinalaman sa pagpapakalat ng nasabing video dahil inupload umano ito nang hindi ipinagpaalam sa kanya, at ang tanging alam lang daw niya ay ginawa niya ang nabanggit na website nang may mabuting intensiyon. Ayon sa ulat ng GMA News, humihingi umano ng tawad si Jayme lalung-lalo na sa dalagitang anak ng Pangulo na si Kitty. "President Duterte at sa buong sambahayan niya, sa pamilya niya, hindi ko po pinlano, wala po ako talagang idea, wala po akong sapat na kaalaman doon po sa pagpapakalat. Humihingi pa rin po ako ng patawad, sa mga tao, lalo na po doon sa pamilya po ng Pangulo na naapektuhan, lalo na po doon sa menor-de-edad na anak," saad ni Jayme. Dagdag pa ni Jayme, hindi raw siya sang-ayon sa pagbanggit pa sa nasabing "Bikoy Video" sa anak ng Pangulo na si Kitty. "Para sa akin, mali 'yun. Masakit 'yun. Kasi, kumbaga,kung ia-ano mo sa sarili mo 'yun, kahit sabihin mong hindi mo kamag-anak, kung sisiraan is bata, hindi po maganda para sa akin kasi 'yun eh, na mandadawit ka ng bata," wika pa ni Jayme. Ipinakita rin ni Jayme ang larawan ng tinatawag niyang si Alyas "Marie Xie", na itinuturo niyang nagpagawa umano sa kanya ng nasabing website. Ayon kay Jayme, hindi siya maaaring magkamali at positibo niya itong kinilala. Samantala, pinag-aaralan na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad na gawin nilang "state witness" si Jayme sa ikareresolba ng kaso laban sa mga tunay na nasa likod ng viral video. Source: GMA News +Payag si Rodel Jayme na maging state witness at makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang maaresto ang mga tao sa likod ng malisyosong "Ang Totoong Narco List" video series, na naninira at nag-aakusa sa ilang miyembro ng panilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa droga. "Nakikipagtulungan ako dahil malinis ang intensyon ko. Wala akong masamang intensyon kahit kanino man lalo na sa ating presidente at sa kanyang mga mahal sa buhay," sabi ni Jayme. Ibinunyag din Jayme ang taong nagngangalang Maru Nguyen o Mari Xie na diumano'y taga-suporta ng Liberal Party (LP). Ayon kay Jayme, ito daw ang nagpagawa ng website sa kanya para ibida ang mga nagawa ng LP. Pero hindi niya akalain na ginamit daw ang website sa pagpapakalat ng malisyosong video laban sa pamilya ng Pangulo. Ayon sa ulat ng CNN Philippines, narekober ng NBI ang ilang mahahalagang usapan sa social media account ni Jayme. Natuklasan na ang mga atake laban sa Pangulong Duterte at kaanak nito ay planado at sinusuportahan ng ilang personalidad. Source: News5 | CNN Phil | CNN Phil | news5 +Matapos kumalat ang larawan ni Rodel Jayme na kasama si Vice President Leni Robredo, dumepensa ang kampo ng ikalawang pangulo at sinabing walang koneksyon si Jayme kay Leni. "Malinaw na paninira na naman ito. Ayon sa kuwentong ipinipilit ibenta kasabay ng photo, si VP Leni daw ang nasa likod ng pagkilos nitong si Jayme. Para sa kalinawan ng lahat: walang "Rodel Jayme" na nagtatrabaho para sa office of the vice president o kay VP Leni," sabi ni Gutierrez. Si Jayme ay aminadong supporter ng nakaraang administrasyon. Sa katunayan, kalat na sa mga social media pages ang mga larawan niya kasama ang ilang kilalang personalidad ng Liberal party. Mayroon din write-up kay Jayme ang website na volunteers4marleni. Ang volunteers4marleni ay website para sa mga campaign volunteers nila dating DILG Secretary Mar Roxas at Leni noong 2016 elections. "Have you met someone who purely dedicated all his time to campaigning for Mar Roxas? If not, then you have to meet this guy. Never did he ask for monetary compensation and any kind of compensation for that matter. Instead, he keeps on asking what else he can do to help the campaign - be it a postering in Paranaque or a motorcade in Quezon City - he will be there to support all the way," sabi ng volunteers4marleni. Hinuli si Jayme ng mga kawani ng National Bureau of Investigation nitong mga nagdaang araw dahil sa koneksyon umano nito sa "Ang Totoong Narclo List" video series na nagkakalat ng kasinungalingan laban sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Source: News5 | News5 | volunteers4marleni +Sa isang social media post, hinamon ni Maastricht University lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot si Bise Presidente Leni Robredo na magbitiw sa pwesto kung mapapatunayan na peke ang mga ipinakita ni "Bikoy" na dokumento na nag-uugnay sa mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa droga. Ayon pa kay Sasot, magbibitiw naman siya sa kanyang trabaho at isasara ang kanyang social media page kung mapapatunayan naman na totoo ang bintang ni "Bikoy" sa pamilya ng Pangulo. "LENI ROBREDO, let's make a deal: Kung totoo iyong Rural Bank of Guinobatan (RSBI) accounts at transactions na sinabi ni Bikoy, isasara ko itong Page ko for good at mag-reresign ako sa work. KAPAG hindi totoo, mag-reresign ka as VP. DARE?" hamon ni Sasot. Magugunitang nagkomento ang kampo ni Leni sa "Bikoy" videos. Ayon sa tagapagsalita nito na si Atty. Barry Gutierrez, imbes daw na beripikahin kung totoo ang bank accounts na sinasabi ni Bikoy, inimbistigahan pa daw ang naglabas ng video ni Bikoy. "Nakakapagtaka lamang na imbes na tignan muna kung may katotohanan ang mga malalim na alegasyon sa video-halimbawa, sa simpleng pag-verify ng mga binanggit na bank account- mas binigyan pa ng pansin ang pag-imbestiga sa gumawa at nalabas nito," sabi ng spokesperson ni Leni. Noong nakaraang buwan ay naglabas na ng RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC. (RGBI) ng pahayag matapos lumabas sa video ni Bikoy ang logo ng kanilang bangko sa dokumentong ipinakita ni Bikoy. Ayon sa RGBI, walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Bikoy. "The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous... RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos," sabi ng RBGI. Source: Sass | News5 | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. +Nitong umpisa ng Mayo, naging laman ng balita ang pagkakahuli kay Rodel Jayme, ang itinuturong nagpapakalat umano ng "Bikoy" videos. Si alyas "Bikoy" ay dati daw miyembro ng sindikato ng droga at bida sa video series na may pamagat na "Ang Totoong Narco List". Gumawa si Bikoy ng mga pekeng dokumento at pirma para iugnay ang kaanak at malalapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng droga. Ilan sa mga prinisinta ni Bikoy na ebidensiya ay lumabas na peke. Sa katunayan, binutata na ng RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC ang isa sa mga dokumentong ipinakita ni Bikoy. "The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous... RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos," pahayag ng RBGI. Sa pagkakahuli kay Jayme ng National Bureau of Investigation (NBI), natukalasan ng ahensiya ang ilang "mahalagang pag-uusap". Isa na dito ay ang patuloy na pag-yurak sa imahe ng gobyerno sa pamamagitan ng mala-iskandalo at mapanirang pagbibintang. Ilan pang impormasyon na lumabas sa ulat ng NBI ay ang pangunguna ng ilang social media pages para ikalat ang malisyosong videos laban sa pamilya ng Presidente. Kasama sa mga social media pages na pinagalanan sa ulat ng ahensiya ay ang Pinoy Ako Blog, Change Scamming, Metro Balita, Madam Claudia at What the FACT blog. Si Jover Laurio ay isa sa mga maingay na kritiko ng kasalukuyang gobyerno at ang nasa likod ng Pinoy Ako Blog site. Magugunitang inamin ni Kris Aquino na binigyan niya ng pera si Laurio para sa blog nito. Ang pag-amin ni Kris ay taliwas sa pinalalabas ng ilang taga-oposisyon na isang "independiyenteng" manunulat si Laurio. Source: Atty. Darwin Canete | CNN Phil | CNN Phil | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. | CE | CE +"Huwag matakot, gobernador, mayor. Please consider that the Otso Diretso is already endorsed by your Catholic bishops secretly. So please, kung kayo ay talagang leader, representante ng inyong community, i-represent ang interes ninyo at hindi represent the interest of the President." Ganito ang naging pahayag ni civic leader Samira Gutoc sa kanilang pagbisita sa Cebu kasama ng iba pang kandidato ng Opposition Slate Otso Diretso at ni Vice President Leni Robredo upang mangampanya para sa darating na May 13 midterm elections, mula sa ulat ng Inquirer. Ang Cebu ang probinsyang may pinakamaraming rehistradong botante sa bansa, na may 3,082,621, batay sa datos ng Commission on Elections (Comelec). Bagama't kakaunti lamang ang suportang natatanggap ng Otso Diretso mula sa lokal na pamahalaan ng Cebu ay kanya-kanyang pahayag pa rin ng pag-asa, pangungumbinsi at panghihikayat ang bawat kandidato ng oposisyon. "Dahil nga malakas 'yung kanilang kontrol doon sa mga pamahalaang lokal, nakukuha nila 'yung mga hakot crowds. Sa amin naman 'yung mga hugot crowds. Ito 'yung mga galing sa iba't ibang sektor na may hugot, 'yung mga may frustrations, may disappointment, may gustong iparating sa mga mamamamayan. Cebu has a history of voting the opposition, given the province's residents' open-mindedness," saad ni dating Solicitor General Pilo Hilbay. Ayon naman kay veteran election lawyer Romy Macalintal, nasa kamay pa rin daw ng mga botante ang pinal na desisyon sa kabila ng maliit na suportang natatangggap umano ng kanilang partido mula sa mga opisyal ng gobyerno. "Kung sinasabi nila na nasa kanila ang mga elected officials ng Cebu, ay kanila na iyon. Pero para sa akin, ang hinahanap namin dito, 'yung mga tunay na botante ng province of Cebu," ani Macalintal. Samantala, iginiit naman nina Gutoc at Magdalo Rep. Gary Alejano na mayroon umanong ilang opisyal ng pamahalaan na nagpahayag na ng kanilang pagsuporta sa oposisyon slate nang palihim, subalit nangangamba umano ang mga ito na isama sila sa "narco list" ng gobyerno at tanggalan ng kani-kanilang pondo. "Pero alam niyo naman na kahit ganoon na ang nangyayari, marami namang local officials na sumusuporta na hindi nakikita sa publiko," saad ni Alejano. Ayon naman kay human rights lawyer Chel Diokno, kaya umano sila bumabalik sa Cebu ay dahil mahal na mahal nila ang probinsyang ito at ang mga residente nito. Naniniwala rin umano siya na mahal din ng mga Cebuano at Cebuana ang Otso Diretso. "Ang magpapanalo sa kahit kaninong kandidato sa Otso Dirteso ang tao mismo. Kaya ang Otso Diretso ay people's movement for change," wika naman ni dating House Deputy Speaker Erin Tanada. Source: INQ +Balitang pang-ekonomiya, mga kababayan! Umangat ang credit rating ng Pilipinas sa pinakahuling pagsusuri ng Standard and Poor's (S&P), isang international debt watcher, kung saan nakakuha ang ating bansa ng "BBB" sa S&P Global Ratings dahil sa magandang ekonomiya at gumagandang fiscal position ng Pinas. Sinusukat ng nasabing credit rating ang kakayahan o kapasidad ng isang gobyerno o ng isang institusyon na magbayad ng utang nito. Sa kasalukuyan ay ito na ang pinakamataas na credit rating na naabot ng Pilipinas, na ikinatuwa naman ng pamahalaan. Malaki umano ang maitutulong nito upang makakuha ng dagdag na investments at trabaho para sa mga Pilipino. "The stable outlook reflects our view that the Philippine economy will maintain its strong momentum over the medium term, in combination with contained fiscal deficits and stable public indebtedness," saad ng S&P. Ang pagtaas ng credit rating na ito ay maaaring magdulot ng higit na mababang "borrowing costs" mula sa international market para sa pampubliko at maging sa mga pribadong korporasyon, na magbubunga naman ng mas mababang "financing options" para sa domestic market. Malaking tulong umano ito para sa ekonomiya ng bansa. Samantala, sa isang text message naman na natanggap umano ng Inquirer mula kay Finance Secretary Carlos Dominguez, pinuri nito ang Administrasyong Duterte at ang mga programang pang-ekonomiya ng Pangulo. "Credit belongs to President Duterte's strong leadership and his 10-point economic program," ani Dominguez. Ayon naman kay Governor Benjamin Diokno ng Bangko Sentra ng Pilipinas (BSP), "well-deserved" ng Pilipinas ang nasabing pag-angat ng credit rating na ito. Ipinakikita lamang daw nito na tama ang direksyon ng ginagawang pagtatrabaho ng economic team ng Administrasyon. Target naman ngayon ng Administrasyon na maitaas pa sa A grade rating ang credit ng Pilipinas. Binigyang-diin din ng S&P na ang ekonomiya ng Pilipinas ay isa sa pinakamabibilis na umangat sa mundo batay sa 10-year weighted average per capita, patunay umano na pinagsisikapang pagbutihin ng bansa ang ukol sa investment climate nito. Source: Inq | News5 +Ilang linggo matapos ang naging pag-amin ni Pope Francis noong Marso sa isyu tungkol sa mga aniya'y naging problema ng Simbahang Katolika sa nangyayaring pang-aabusong seksuwal ng ilang mga pari sa mga madre, isang dokumentaryo ang mabilis na kumalat sa telebisyon ukol dito. Ang nasabing dokumentaryo ay may titulong "Sex Slaves in The Catholic Church", na inilathala noong Marso at naging mabenta sa iba't ibang panig ng mundo. Ito umano ang naging "Most Watched Documentary" ng taon sa French arm ng istasyon, napanuod ng may 1.5 milyong katao nang live, at nasa 1.7 milyong katao sa replay nito. Higit tatlong taon ang naging paglikha ng nasabing palabas, sa pangunguna ni French director Marie-Pierre Raimbult at ng investigative journalist na si Eric Quintin, na nangalap ng testimonya at salaysay ng mga madreng nagsasabing naging biktima sila ng pang-aabusong seksuwal ng mismong mga pari. Ayon sa kanila, ipinagsawalang-bahala umano ang kanilang mga hinaing at itinago sa apat na kontinente ng mundo. Maliban dito, naglabas din ng report ukol sa mga diumano'y mga madreng sapilitang pinalalaglag ang kanilang mga ipinagbubuntis na bunga ng pang-aabuso ng mga pari ang Women Church World, isang women's magazine sa Vatican. Sa kasalukuyan, ipina-pull out na sa Franco-German Television channel Arte ang nabanggit na dokumentaryo, matapos umanong maghain ng reklamo ang isang pari sa German Court. Saad ng pari, bagama't hindi umano siya ipinakita sa isang interbyu sa madre sa nabanggit na palabas ay tila ipinakikita rin daw doon ang kanyang "pagkakakilanlan". Ayon sa nabanggit na panayam, ipinahiwatig umano ng madre na pinuwersa siyang makipagtalik ng isang pari nang labag sa kanyang kalooban. Source: ABS-CBN +Kung dati rati ay panay ang pang-uudyok ng ilang miyembro ng oposisyon na paimbestigahan ang mga akusasyon ni Bikoy tungkol sa pagkaka-ugnay umano ng ilang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng droga, ngayon ay tila dumedepensa si Senador Francis "Kiko" Pangilinan nang mabunyag ang pagkakakilanlan ng taong konektado sa pagpapakalat ng malisyosong video laban sa kapamilya ng Presidente. "Hindi involved ang LP sa anumang bajay tngkol sa Bikoy video. Period," dipensa ni Kiko. Magugunitang gustong pabuksan muli ni Senador Franklin Drilon ang senate investigation laban kay presidential son Paolo Duterte tungkol sa akusasyon na may koneksyon ito sa droga. Sinabi ito ni Drilon nang lumabas ang Bikoy videos noong unang bahagi ng Abril. "It is best that the Senate Blue Ribbon Committee resume its investigation in order that those named in the video, particularly Mr. Duterte and Undersecretary Carpio can clear their names... However, the allegations made in the video are very serious. Allegedly, there are documents, there are evidences and certain names were mentioned, including that of former vice mayor Duterte and Undersecretary Waldo Carpio," sabi ni Drilon. Ang suhestiyon ni Drilon ay sinuportahan ni Senadora Risa Hontiveros. "I fully support the move to reopen the hearing on illegal drugs, especially in light of these videos. The videos presented disturbing documents and data trail that cannot be ignored," boladas ni Risa. Para sa mga hindi nakakaalam, si Bikoy ay ang taong ipinakilala sa video series na may titulong "Ang Totoong Narco List". Ayon kay Bikoy, isa daw siyang dating miyembro ng drug syndicate. Nagpakita si Bikoy ng ilang dokumento para patunayan ang kanyang akusasyon na konektado umano ang ilang kaanak ni Pangulong Duterte sa droga. Kamakailan lang ay naglabas ang Rural Bank of Guinobatan ng pahayag laban sa mga dokumentong ipinakita ni Bikoy. Ayon sa bangko, walang katotohanan ang mga dokumento ni Bikoy. Isang alkalde din mula sa Maguindanao ang umalma at sinabing ninakaw umano ang kanyang pirma para gamitin sa mapanirang video. Source: Manila Bulletin | Manila Bulletin | GMA +"Inilaglag ako sa bagay na wala akong alam, na parang tinraydor ako." Ganito ang ilan sa mga binitawang pahayag ni Rodel Jayme, ang itinuturong administrador ng metrobalita.com, ang website kung saan unang lumabas ang naging viral video ni alyas "Bikoy", kung saan tinalakay ang mga diumano'y pagkakasangkot ng mga kaibigan at kaanak ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga. Inaresto si Jayme ng pulisya sa kasong "cyber libel". Sa eksklusibong panayam ng GMA News kay Jayme, masama ang loob at mariing itinanggi nitong may kinalaman siya sa paggawa, pag-upload at pagpapakalat ng nasabing video. "Hindi po ako si Bikoy at wala po akong kinalaman doon. Wala rin po akong kinalaman doon po sa pag-upload," saad ni Jayme. Isinalaysay din ni Jayme kung paano umano siyang kinontak ng isang kakilala upang gumawa ng website kapalit ng kaukulang halaga noong March 31, 2019. Dagdag pa ni Jayme, matagal na umano niyang kakilala ang nasabing kumumbinsi sa kanya, taong 2015 Presidential campaign pa. "Nag-chat lang sa akin na kung puwede akong makipagkita. Then, nung nagkita kami sa may Las Pinas, sa isang lugar dun, mall, dun nagsabi na 'yun nga po, kailangang gumawa ng website, na gagamitin lang naman po for posting ng mga articles for campaign. Kandidato po ng Otso Diretso ang ipo-post po dun sa website," ani Jayme. "Ibinigay ko po 'yung access doon sa nagpagawa, then, April 2, no idea po ako dahil wala po ako sa bahay, nasa isang pagkakatipon po ako sa church, bigla pong na-upload 'yung video (ni Bikoy) so wala po akong alam," dagdag pa ni Jayme. Nang kumalat na ang nasabing video, muli raw nakatanggap ng instructions si Jayme mula sa nagpagawa sa kanya ng website. "'Yung plano na sinasabi nga po sa akin is yung magtago nga daw po, na within one month dahil kumbaga parang lumalabas is, ngayon lang mainit 'yan hanggang eleksyon, dahil parang lalabas po yata si Bikoy bago mag-eleksiyon," pahayag ni Jayme. "Kung tutuusin, inupload 'yung video na hindi man lang sinabi sa akin, na alam nilang nandiyan 'yung pangalan ko dahil siyempre ang alam ko lang is malinis 'yung intensiyon nung pagpapagawa," dagdag pa ni Jayme. Ayon din kay Jayme, isa umano sa mga bilin ng nagpagawa sa kanya ng website ay mag-delete umano ng conversation ngunit hindi umano niya ito ginawa, dahil aniya ay alam niyang maaari niya itong maging ebidensiya kung sakaling may mangyari. Kasalukuyan nang sinisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang computer at laptop na ginamit ni Jayme para sa iba pang ebidensiya. Handa naman umano siyang makipagtulungan sa mga ito sa ikalulutas ng kaso at ituro ang nasa likod ng nasabing website. Source: GMA +Sa isang panayam sa radyo, umangal si Senador Antonio Trillanes sa pagkilos ng Natonal Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) para matunton ang mga tao sa likod ng mapanirang online video series na may pamagat na "Ang Totoong Narco List", kung saan isang alyas "Bikoy" ang nagbintang sa mga kapamilya ng Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot daw sa droga. Para kay Trillanes, sana man lang ay inimbistigahan ng otoridad ang mga alegasyon ni Bikoy. "Ni hindi man lang nagpanggap na nag-conduct sila ng investigation, bagkus ang hina-harass ngayon 'yung mga taong nasa likod daw ni Bikoy," boladas ni Trillanes. Hindi din daw labag sa batas ang pagpapakalat ng katotohanan. "Ano'ng krimen nu'ng mga tao na 'yun kung totoo ang alegasyon. Hindi krimen ang pagkalat ng katotohan pero kasalanan 'yung pagpigil ng katotohanan," dagdag pa ni Trillanes. Kamakailan lang ay nahuli ng NBI si Rodel Jayme na web developer ng Matrobalita.net, isa sa mga unang site na nagpakalat ng Bikoy videos. Base sa mga Facebook conversations na narekober ng DOJ sa account ni Jayme, planado daw ang libelous attacks laban sa gobyerno. Magugunitang ilan sa mga akusasyon ni Bikoy ay napatunayang peke. Isang rural bank ang nagsalita laban sa dokumentong ipinakita ni Bikoy. "The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous... RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos," sabi sa pahayag ng RBGI. Ang alkalde din sa Maguindanao na si Mayor Datu Zamzamin ay umalma nang isinama ang kanyang pirma sa dokumentong ipinagyayabang ni Bikoy. Source: ABS-CBN | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. | PNA | Datu Zamzamin +Para kay Senador Antonio Trillanes, nagkakaroon raw ng cover-up sa mga ibinibintang ni alyas "Bikoy" laban sa pamilya ni pangulong Rodrigo Duterte. Si Bikoy ang pabida sa video series na "Ang Totong Narco List", kung saan ilang kaanak ni pangulong Duterte ay iniuugnay sa kalakaran ng droga. Kinikuwestiyon ni Trillanes ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation. "San ka nakakita ng cyberlibel lang pero buong DOJ, NBI ang nagkukumahog? Talagang pinagtatakpan nila ito," sabi ni Trillanes. Boladas pa ni Trillanes, isang minor crime lang daw ang kaso para pagtuunan ng pansin ng kalihim ng DOJ. "Kasi kahapon, DOJ secretary ang namumuno sa kaso na minor lang -- Inciting to sedition at cyberlibel. Municipal Trial Court dapat yan," dagdag ni Trillanes. Ang mga pahayg na ito ni Trillanes ay sinabi ng senador sa isang programa sa radyo, ilang araw matapos ang pagkakahuli kay Rodel Jayme, ang web developer ng website na metrobalita.net na isa sa mga unang nagbahagi ng mapanirang video laban sa pamilya ni Pangulong Duterte. Ayon sa nakalap na impormasyon ng NBI sa Facebook account ni Jayme, isang nangngangalang Maru Nguyen ang nagpagawa ng website kay Jayme. At sa usapan nila Jayme at Nguyen ay nabanggit daw ang grupong Magdalo. Base sa mga ulat, payag daw si Jayme na maging state witness para ikanta ang mga taong posibleng konektado sa paggawa ng mapanirang Bikoy videos. Humingi rin si Jayme ng kapatawaran sa pamilya ng Pangulo. Ayon kay Jayme, siya lang daw ang gumawa ng website pero hindi siya ang nag-upload ng mga libelous videos sa website. Source: INQ +Sa isang pahayag sa radio, sinabi ni Senador Antonio Trillanes na maaaring nininerbiyos na daw ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alegasyon ni Bikoy at baka daw nahihirpan ng makatulog. "Kung totoo yung Bikoy allegations, matinding nerbyos na ang inaabot ni Duterte. Believe me, baka di na makatulog nang maayos yan," boladas ni Trillanes. Ito ang mga sinambitla ng mambabatas matapos mahuli ng mga kawani ng National Bureau of Investigation si Rodel Jayme, ang itnuturong web developer ng website na metrobalita.net na isa sa mga unang nagbahagi ng mapanirang video saeries na may pamagat na "Ang Totoong Narco List". Sa mga naturang videos, idinadawit ng alyas "Bikoy" ang mga kapamilya at malapit na tao kay Pangulong Duterte sa kalakaran ng iligal na gamot. Ang mga ipinakitang dokumento ni Bikoy sa mga videos ay natukalasang peke nang magsalita ang isang rural bank matapos gamitin ni Bikoy ang logo ng kanilang bangko sa pekeng dokumento. Umalma din si Mayor Datu Zamzamin ng Maguindanao at sinabing ninakaw umano ang kanyang pirma para gamitin sa mapanirang video. Pero para kay Trillanes, maaaring totoo daw ang mga ibinibintang ni Bikoy dahil sa naging reaksyon ng palasyo. "Based on what I am seeing, yung reaction nila Duterte parang kaduda-duda. Lalo akong nacu-curious baka may katotohanan ang sinasabi kasi kung nerbyosin sila," ani Trillanes. Sa ulat ng News5, nabanggit ang grupong Magdalo sa palitan ng mensahe nina Jayme at Maru Nguyen, ang LIberal party supporter na nagpagawa ng website kay Jayme. Ang anggulo na ito ay iimbestigahan daw ng NBI. Base naman sa NBI report na ibinahagi ng CNN Philippines, isang nagngangalang "Filmore" na miyembro umano ng Magdalo binanggit ni Nguyen kay Jayme. Source: INQ | News5 | CNN Phil +Nakasilid sa trash bag at tila basurang itinapon. Ganito natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa may gilid ng kalsada sa Malabon, kanto ng Tuazon at Araneta Streets, sa Barangay Potrero, ayon sa ulat ng GMA News. Batay sa paunang imbestigasyon, isang saksak sa dibdib ang ikinamatay ng biktima. Wala rin itong pagkakakilanlan maliban sa tattoo sa kaliwang kamay na may nakasulat na "metallica", gayundin sa likuran na may nakalagay namang "commando". Ang mga tattoo ng nasabing lalaki ang magbibigay-daan pala upang tuluyang makilala ang pagkatao nito. Ayon kasi sa mga awtoridad, ang mga ito ay palatandaan na posibleng nakulong na noon ang biktima. "Titingnan muna natin identity nu'ng tao, 'yun siguro muna. And then, iche-check natin 'yung background niya, most likely baka may involvement siya on some crimes, o baka may atraso sa ibang tao," saad ni P/Supt. Jessie Tamayao, hepe ng Malabon City Police. "I think it's a group sa loob ng kulungan. Grupu-grupo 'yun. 'Pag nasa loob ka kailangan mong magpatatak to be a member of the group," dagdag pa ni Tamayao. 'Di kalaunan, natukoy na nga ng Malabon Police kung sino talaga ang nasabing bangkay. Ito umano ang suspek sa panghoholdap sa isang taxi driver noong nakaraang Pebrero na nakuhanan pa ng dash cam at naging viral video sa internet. Nakilala ito sa pangalang Emerson Gamba. Kinumpirma ito ng mismong kaibigan ni Gamba na nakakulong din sa kasalukuyan sa Caloocan dahil sa kasong pagnanakaw. Sa kuwento ng taxi driver na nabiktima noon ni Gamba, labindalawang pisong cash, relo, cellphone at alahas ang sapilitang kinuha nito sa kanya. Mapapanood din sa naging viral video kung paanong tinutukan ng baril ni Gamba noon ang biktimang taxi driver habang binabantaan ang buhay nito sakaling magtangka ang driver na lumaban o lumingon man lang. Wala namang nagawa noon ang taxi driver kundi sumunod na lamang at hindi na nanlaban pa, bagama't agad niyang ini-report ang nasabing insidente sa pulisya. Source: GMA News +"Isang matinding sampal sa oposisyon at mga kritiko". Ganito inilarawan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang muling pagkakamit ng mataas na net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, batay sa pinakahuling ulat ng Social Weather Stations survey. Nakakuha si Pangulong Duterte ng +72 (Excellent) net satisfaction rating sa SWS First Quarter 2019 survey na inilabas nitong nakaraang Biyernes. Ayon kay Panelo, isang malaking sampal sa oposisyon at sa mga bumabatikos kay Pangulong Duterte ang nasabing mataas na rating, at sa mga nagdududa sa mga polisiyang ipinatutupad ng Presidente. Dagdag pa ng Malacanang, ito na umano ang pinakamataas na rating na natanggap ng Administrasyon nang magsimula ang SWS namagsagawa ng survey noong Pebrero, taong 1989. Patunay lamang umano ito na nagbubunga na ang pagsisikap ng pamahalaan na maaayos na mapagsilbihan ang bayan at ang mga Pilipino. Batay sa nabanggit na survey, ang Administrasyong Duterte ay nagkaroon ng malaking improvement sa iba't ibang isyu tulad ng paglaban sa terorismo (+58) at muling pagbangon sa Marawi (+58). "Our countrymen's towering satisfaction in favor of our hardships and attainments is a hard slap on the face of the opposition and our detractors who never gave the leadership of President Duterte a chance to show them his competence in administering the nation's affairs. "Excellent" o +72 ang naging rating ng Pangulo sa survey sa pagtulong sa mahihirap, mula sa "very good" o +68 noong nakaraang quarter. Kung hihimay-himayin, ilan sa mga naging resulta ng nasabing survey ang mga sumusunod: +48 para sa pagsugpo ng krimen +45 para sa pag-reconcile sa mga komunistang rebelde +44 para sa pag-reconcile sa mga komunistang Muslim +41 para sa pagsugpo sa graft and corruption +41 para sa foreign relations, at +40 para sa pagtatanggol sa Philippine sovereignty sa West Philippine sea Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1440 Filipino adult respondents. Walumpu't isang porsyento ang nagsabing satisfied sila sa general performance ng national government habang sampung porsyento naman ang undecided, at 9 na porsyento ang dissatisfied. Samantala, nanawagan naman si Panelo sa mga kritiko ng Pangulo na "gumising" ang mga ito at "tumulong" sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Source: ABS-CBN News +Magandang balitang pang-agrikultura at kabuhayan para sa mga kababayan nating Ifugao! Inaprubahan ng Department of Agriculture's Philippine Rural Development Project (DA PRDP) ang nasa labingwalong proyekto na nagkakahalaga ng P829 milyon upang mapaunlad ng probinsya ng Ifugao ang kanilang pamumuhay, lalo na iyong mga nasa bulubunduking nayon. Ang PRDP ay isang six-year national project sa ilalim ng Department of Agriculture na sama-samang pinopondohan ng World Bank, National Government at Local Government Units. Layunin nitong makapagtayo ng moderno at climate-resilient agriculture and fisheries sector. Ayon kay Ma. Imelda Isabel Zabala ng Information, Advocacy, Communication and Education (InfoACE) unit ng PRDP sa Cordillera Administrative Region (CAR), may mga aprubado nang imprastaraktura at sub-projects na nagkakahalaga ng P802 milyon habang may enterprise sub-projects naman na tinatayang nasa P27 milyon mahigit. Ilan sa mga nabanggit na proyekto ang mga sumusunod, batay sa listahan ng PRDP Website: 1. P1.9 Milyong halaga ng potable water system sa Banaue na magiging kapaki-pakinabang sa may 673 households 2. Ongoing implementation ng 9 na communal irrigation systems na magpapatakbo sa may 211.59 ektarya ng sakahan na nagkakahalaga ng P44.4 milyon 3. Kasalukuyang proyektong Isang farm-to-market road (FMR) na may bridge project na tinatayang nasa 11 kilometro at nagkakahalaga ng P176 milyon 4. Ongoing din ang pagkakaroon ng apat pang potable water system project sa Banaue na nasa P9.8 milyon 5. Tatlong proyekto sa bayan ng Banaue at Mayoyao na nasa kategoryang NOL1 (No Objection Letter), kung saan ang proponent local government ay binibigyan ng notice upang ituloy ang paggawad ng kontrata sa nanalong bidder 6. Tatlong proyekto sa pipeline na nasa P454 milyon: isang 600-square meter slope protection project sa bayan ng Asipulo at dalawang FMR sa Lamut at Lagawe na nasa 37 kilometrong kabuuan 7. Restorasyon at rehabilitasyon ng livelihood projects para sa swine raising sa bayan ng Hungduan kasama ang isang organisasyon 8. Rehabilitasyon at restorasyon ng cattle fattening at marketing sa Lagawe, gayundin ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng processing at marketing ng export quality Ifugao heirloom rice sa Banaue Source: Manny Pinol Facebook Page Philippine News Agency +Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakabanggit sa grupong Magdalo sa nakuhang chat conversations sa pagitan ni Rodel Jayme at ni Alyas "Maru Nguyen". "Now, in so far as inciting to sedition is concerned, we based it on the content of the conversation. There are very sensitive matters sa pinag-usapan ni Mr. Rodel at Ms. Maru Nguyen. We forwarded this already to Department of Justice (DOJ), 'yung contents ng kanilang conversation ," sabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin. Isa sa lider ng Grupong Magdalo ay si Senador Antonio Trillanes. Si Trillanes ay maingay na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahina ng NBI report na inilathala ng CNN Philippines, isang nagngangalang "Filmore" na miyembro umano ng Magdalo ang nabanggit ni Nguyen kay Rodel. Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na dapat pagtuunan ng pansin ng DOJ ang mga bintang ni Bikoy at pabulaanan ang mga ito, imbes na imbestigahan ang mga whistle blower. Si Rodel ang itinuturong web developer ng Metrobalita website, ang unang website na nagbahagi ng malisyosong video series kung saan pinaratangan ni alyas "Bikoy" ang kapamilya ng Pangulong Duterte na sangkot umano sa droga. Pati ang anak ng Presidente na si Kitty, menor de edad, ay siniraan at iniugnay sa bentahan ng iligal na gamot. Source: News5 | CNN Phil +Hindi na nakapagtataka kung bakit "bias" ang tingin ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vera Files President at Facebook Fact-Checker Ellen Tordesillas. May mga pagkakataon kasi na matindi ang mga boladas ng mamamahayag na ito sa Pangulo. Magugunitang sinabi noon ni Tordesillas na ang Presidente mismo ang numero unong source ng pekeng balita. Ngayon naman ay tinatawaran ni Tordesillas ang kapasidad ng pag-iisip ng Presidente. Sa isang pahayag, sinabi ni Tordesillas na mahina daw ang utak ng Pangulo. "Hindi ko alam kung alin ba ang mas delikado, yung matalinong tyrant (Marcos) o yung medyo mahina yung utak na tyrant (Duterte)?" sabi ni Tordesillas. Kamakailan lang ay pinangalanan si Tordesillas sa isyu ng pagpapabagsak sa Duterte administration, nang isiwalat ng Palasyo ang Ouster-plot Matrix kung saan nau-ugnay ang ilang mamamahayag sa pagpapakalat ng malisyosong video series na may pamagat na "Ang Totoo Narco List" . Sa naturang video series, ipinakilala ang dating umanong drug syndicate member na si alyas "Bikoy". Inakusahan ni Bikoy ang ilang kaanak at malalapit na kaibigan ni Pangulong Duterte na sangkot umano sa kalakaran ng droga. Ang mga pagbibintang ni Bikoy ay natuklasang peke nang magsalita ang isang rural bank laban sa dokumentong ipinakita ni Bikoy. Isa ring alkalde mula Maguindanao ang umalma nang isinama daw ng walang permiso ang kanyang pirma sa video ni Bikoy. Nasa kamay na ng otoridad si Rodel Jayme, ang itinuturong web master ng metrobalita website kung saan unang in-upload daw ang Bikoy videos. Ayon kay Jayme, makikipagtulungan siya para maituro ang mga tao sa likod ng pamanirang video laban sa Pamilya Duterte. Source: CNN Reporter Rex Remitio +Ipinakita na sa madla ang larawan ng mugshot ni Rodel Jayme, ang lalaking nasa likod umano ng pagpapakalat ng libelous online video laban sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang naturang online video ay may pamagat na "Ang Totoong Narco List". Ipinakilala sa nasabing video ang umano'y dating miyembro ng drug syndicate na si alya 'Bikoy'. Inakusahan ni Bikoy ang mga kapamilya at malalapit na tao kay Pangulong Duterte na sangkot umano sa kalakaran ng iligal na gamot. Hindi rin naawa si Bikoy sa menor de edad na anak ng Pangulo na si Kitty, at dinamay din ito sa paninirang puri. Si Jayme ay natunton ng otoridad matapos malaman na siya ang nag mamay-ari ng website na Metrobalita, ang unang website na nag-share ng libelous video. Ayon sa Department of Justice, kinakasa na raw ang kasong inciting to sedition laban kay Jayme. Posible din daw itong makasuhan ng child abuse. Si Jayme ay tagasuporta ng Liberal Party. Nakalap ng ilang kababayan natin sa social media ang mga larawan ni Jayme kasama ang mga kilalang personalidad ng Partido Liberal. Source: ABS-CBN | PTV +Para kay Otso Diretso senatorial candidate Chel Diokno, dapat daw mabigyan ng due process si Rodel Jayme, ang taong itinuturong nasa likod ng pagpapakalat ng video series na "Ang Totoong Narco List". Ang naturang video series ay paninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Inaakusahan sa naturang video ang mga kaanak ng Pangulo na tumatanggap umano ng pera mula sa kalakaran ng droga. "Kahit sino naman na aarestuhin ng ating pamahalaan ay talagang may karapatan at sana naman kahit sino man 'yun ay igalang ang karapatan ng sinasabi nilang hinuli nila... Bigyan [dapat] siya ng inquest at mga normal na proseso ng nasa batas natin," sabi ni Diokno. Sa pamamagitang ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation, natuklasan na si Jayme ang may-ari ng website na Metrobalita na unang nag-share ng mapanirang video. Magugunita na iniugnay ng Malacanang ang "Bikoy" videos sa planong destabilisasyon laban sa Duterte GOvernment. Ilang media organizations din daw ang konektado sa pagpapakalat sa malisyosong video. Base sa mga larawan na kumalat sa social media, si Jayme ay masugid na sumusuporta sa Liberal Party. Source: ABS-CBN +Nanggagalaiti sa galit ang kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) sa HongKong nang bumoto siya sa overseas absentee voting. Ayon sa pahayag ng kababayan natin, ang binoto umano niya ay si Attorney Glenn Chong pero si Magdalo Congressman at Otso Diretso senatorial candidate Gary Alejano daw ang lumabas. Ayon sa OFW, siguarado daw siya na si Chong ang kanyang ibinoto at hindi si Alejano. "12 ang binoto ko. Pag-check sa papel, sabi ko, 'bakit nakalabas si Alejano?'. Hindi ko siya binoto. Nanginginig ako sa galit talaga. Sabi niya, 'Ma'm mag-attend po kayo ng hearing kapag ipapatawag po kayo'. Sabi ko, 'OK'. Nanginginig ako sa galit. Bakit lumabas na number one pa si Alejano," sabi ng OFW. Ang naturang video ay inilathala ng kababayan natin na si Jeanette Angel Aries sa kanyang social media account. Habang sinusulat ang artikulo na ito ay hindi pa nagbibigay ng reaksyon ang Commission on Elections (COMELEC) tungkol sa insidente. Pumalo na sa lagpas 14,000 ang nagbahagi ng video. Inuulan na rin ito ng mga komento mula sa mga kababayan natin sa social media. Ito po ang ilang reaksyon mula sa mga netizens. "Suggest lang Kong pwedi b4 nila ipasok yong balota nila kung pwedi sana picturan nila votes sa mga phone cam nila," sabi ni S. Onyarap. "Smart Magic na naman....mainam pa yata ang manual voting automatic din ang dayaan...grabe ang PICOS machine dapat itigil na yan kung di naman reliable," sabi ni E. Mendoza. "Salamat po sa info ate! Kailangan po ireklamo yan para may laban tayo! Kailangan na talaga natin si Atty. Glenn Chong para hindi na to mangyari!," sabi ni J. Estores. Nakarating na kay Atty. Chong ang isyu at ito po ang kanyang reaksyon. Source: Jeanette Angel Aries | Atty. Glenn Chong +Hindi pa rin nasisiraan ng pag-asa si opposition senator at Otso Diretso campaign manager Francis "Kiko" Pangilinan kahit nangungulelat ang pambato ng oposisyon sa mga pre-election survey. Ayon kay Pangilinan, hindi pa daw tapos ang boxing at ang pinakamahalang survey daw ay ang mismong araw ng halalan. "Sabi nga nila ang pinakamahalagang survey, ay 'yung araw ng halalan. At sa aking labing-walong taon bilang senador... nakita natin, may mga pangyayari na sa huling dalawang linggo ng eleksyon, 'yung mga nasa labas ng top 12 pagdating ng araw ng halalan ay 'come from behind' ika nga at naipapanalo nila," sabi ni Pangilinan. Naniniwala si Kiko na sa huli ang mga botante ay pipili ng tuwid na kandidato at itataboy ang mga tiwali at hindi tapat. "Naniniwala tayo na sa huling banda, ang ating mga kababayan, ayaw nila ng mga kawatan, ayaw nila ng tiwali, gusto nila ng mga honest at tapat at totoong mga kandidato at iyan ang ipinaglalaban natin at sana marinig ng ating mga kababayan ang ating panawagan," ayon sa senador. Sa mga surveys, halos mga pro-administration candidates ang napapasama at mangilanngilan lang sa oposisyon ang nasingit. Magugunitang noong halalan 2016 ay nangunguna si former senator Bongbong Marcos sa mga surveys para sa pagka-bise presidente, pero noong araw mismo ng eleksyon ay naungusan ito ni Leni Robredo. Ayon kay Marcos, nadaya umano siya ni Leni. Ngayon ay dinidinig ang protesta ni Marcos laban kay Robredo sa Presidential Electoral Tribunal. Source: GMA | INQ +Sa isang panayam sa telebisyon, nagbabala si Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) director Renato Solidum na maaring may tumamang Magnitude 8 na lindol sa Pilipinas. Ito ay kaugnay sa earthquake swarms na naramdaman sa Surigao Del Norte. Ang earthquake swarm ay ang mga maliliit na lindol na makailang ulit nangyayari at may pare-parehas na lakas ng pagyanig. Base sa pahayag ng opisyal ng PHIVOLCS, wala pang teknolohiya para malaman kung saan tatama ang isang lindol pero posible umano nilang makalkula at matantiya ang lakas ng pagyanig nito. "'Yung oras kung kailan mangyayari ang malakas na lindol, hindi masasabi. Pero puwede nating matantsa kung ano ang magnitude ng bawat fault na puwedeng ipakilos ng lindol," ani Solidum. Naglabas ang PHILVOLCS ng pahayag tungkol sa posibleng Magnitude 8 na lindol, hindi para manakot, kundi para paalalahanan ang mga kababayan natin ng laging maging handa. Ayon kay Solidum, maaring hindi naman matuloy ang malakas na lindol at mahihinang lindol lang ang mangyari. Nitong nakaraang linggo ay sunod-sunod ang naramdamang pagyanig sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Mula Luzon hanggang sa Visayas. Ilang istruktura din ang napinsala dahil sa naitalang mga lindol. Isa na dito ay ang building ng Emilio Aguinaldo College sa Maynila kung saan tumagilid ito at sumandal sa katabing gusali. Source: GMA +Bumilib si Davao City Mayor at Presidential daughter Sara Duterte sa ipinakitang gilas ni former Philippine National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa sa katatapos lang na debate na inere sa CNN Philippines. Sa naturang debate, matikas na sinagot ni Bato ang mga batikos ng mga kandidato ng oposisyon laban sa Duterte Administration. Ayon kay Mayor Sara, pwede umanong maging Presidente si Bato dahil sa naging performance nito sa debate. "We are happy on General Bato's performance during the debate and what I said to him a while ago, because of his performance on the debate, he could be the next president of the country," sabi ni Mayor Sara. Isa pa sa napabilib ni Bato sa debate ay si Senator Panfilo "Ping" Lacson. Ayon kay Ping, mag-isang giniba ni Bato ang ilang miyembrop ng Otso Diretso. "Watching Ronald "Bato" Dela Rosa single handedly and gamely taking on Otso Diretso (minus two) candidates on a number of issues makes me stop wondering why he consistently ranks high in the senatorial surveys," pahayag ni Lacson. Panoorin ang ilang highlights ni Bato sa debate. Source: Poltiko | Tribune +Kamakailan lang ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on ELection (COMELEC) na tanggalin na ang Smartmatic at huwag na gamitin ang mga ito sa susunod na eleksyon. Ito ay kaugnay sa aberyang naranasan noong araw ng halalan at dahil na din sa reklamo ng ilang kandidato na nadaya sila. "I would like to advise Comelec now, I won't delay this. Dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud... Because the Liberal (Party) says they were cheated. Me, they said I was also cheated. And you know it's creating an environment of hostile attitude against that Smarmatic. You have three years," sabi ng Presidente. Nagbabala naman si Vice President Leni Robredo sa ideya ni Pangulong Duterte. Ayon kay Leni, hindi daw basta dapat tanggalin ang Smartmatic, bagkus dapat daw ay bigyan ito ng pagkakataon para makapagpaliwanag. "Huwag nating sabihin na porke't natalo iyong mga kandidato natin, nadaya. Pa-explain-in muna natin. Kung acceptable sa atin iyong explanation, eh 'di iyon na iyon... Kapag hindi sa atin acceptable, doon tayo magreklamo. Pero iyong dalhin sa hinahon... Kung ano iyong mga kaduda-duda para sa atin, bigyan natin ng pagkakataon iyong Comelec magbigay ng pahayag. Pero huwag padalos-dalos kasi hindi din makakatulong sa ating lahat," boladas ni Robredo. Sinabi ni Leni ito sa kanyang programang "BISErbisyong Leni" sa RMN DZXL 558 Manila. Source: Manila Bulletin | News5 +"Major Shake-up" Ganito inilarawan ng kolumnista ng Manila Times na si Ramon Tulfo ang mangyayari sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw. Ayon kay Tulfo, sinabi raw ito sa kanya ng Presidente nito lamang nakaraang Huwebes. Hindi rin daw mag-aalinlangan ang Pangulo na sisantihin ang miyembro ng kanyang gabinete na mapapatunayang sangkot sa korapsyon. Si Tulfo ay itinalaga bilang special envoy for public diplomacy to China ng Presidente ilang araw lang ang nakalilipas. Ibinahagi rin ni Tulfo sa kanyang column ang natanggap niyang impormasyon na mayroon daw sinuntok na corrupt na opisyal si Pangulong Duterte nakaraang taon. "Last year, I noticed the President had a bandaged right hand, which then Special Assistant Bong Go said was a sprain, but which some Palace insiders said was the result of Digong hitting a corrupt official with his fist," kwento ni Tulfo. Source: Manila Times +Ayon sa ulat ng Manila Standar at DWIZ, bumuti daw ang estado ng bilis ng internet connection sa ating bansa simula ng maupo bilang Pangulo ng Pilipinas si Presidente Rodrigo Duterte. Kinuha ng DWIZ ang kanilang impormasyon sa Akamai, isang techonology company. Kumakamada na daw sa 14.73 mbps ang bilis ng download speed nitong Abril. Ang broadband speed naman daw ay pumapalo sa 7.91 mbps. Base sa impormasyon ng DWIZ, noong unang buwan ni Presidente sa Malacanang (2016) ay mayroon lamang 7.44 mbps ang average download speed habang ang fixed broadband daw ay nasa 7.91 mbps lamang. Magugunitang inaprubahan ni Presidente Duterte ang planong pagbuo ng national broadband network. Ito ang dahilan kung bakit positibo ang pananaw ng Akamai sa lagay ng internet sa bansa. Source: DWIZ | Manila Standard +Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino Community sa Japan. Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdala siya ng sariling pagkain sa pagtungo niya sa Japan. Ilan daw sa ibinaon niya ay daing, patis at bagoong. "Nagpunta kami ng Japan nagbaon kami ng Karne Norte pati [laughter] ah Japan, o dito meron ako. Kagabi naghanap ako ng patis. [laughter]Hindi nandiyan, maski sumama kayo sa hotel ngayon. Meron talaga akong bagoong, meron akong patis pati ginamos. [laughter]," rebelasyon ng Presidente sa mga OFWs sa Japan. Ayon sa Presidente, hindi siya sanay sa mga mamahaling pagkain kaya nagdala ito ng baon. "Hindi ako makabili ng pansit na mahal. Nasanay na lang ang... Hindi ako magkain sa... I don't have to mention the places," sabi pa ng Pangulo. Naikuwento rin ni Pangulong Duterte sa mga kababayan natin sa Japan ang nangyaring noong bumisita siya sa India.Hinarang daw ng ilang Indian opisyal ang corned beef na dala niya dahil sa bawala kainin ang karne ng baka sa naturang bansa. "Kasi diyan lang ako makakain. Sa ibang lugar... Lalo na pumunta kami ng India, nagbaon ako ng maraming Karne Norte. Pagbaba sabi ng mga supervisor sa airport, 'do not unload that.' Sabi ko, 'why?' 'Eating beef in this country is prohibited.' [laughter] Eh 'yung baka pa nila kung saan-saan nagasuroy wala talagang mawala -- ni tainga niyan walang makuha kasi sacred sa kanila eh ang baka. Tapos makita mo sa sine naglalakad diyan sa downtown. Napakaswerte itong baka na ito. [laughter] Sa totoo lang. Iyan," ani ng Presidente. Source: RTVM | Remate +Kamakailan lang ay ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) at ng blogger na si Mark Lopez ang larawan ng cutter head na gagamitin ng Tunnel Boring Machines sa paghuhukay para sa Metro Manila Subway project ng gobyerno. Umani ito ng mga positibong reaksyon mula sa ilang kababayan natin. Ilan sa mga nagbigay ng reaksyon tungkol sa subway project ng gobyerno ay mga Overseas Filipino Workers na sina Deo Miranda, Israel Banwa Aplod, at YeYe Banaag na nagta-trabaho sa subway project sa ibayong dagat. Ayon sa mga kababayan natin na tinaguriang "bagong bayani", gusto nilang makatulong sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang serbisyo sa proyekto ng gobyerno. Basahin ang kanilang komento sa social media post ni Lopez. Ito naman po ang ilang litrato nila habang nagtatrabaho sa ibayong dagat. Ang pagnanais ng mga kababayan nating OFWs na makatulong sa gobyerno ay nakarating sa kaalaman ni DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran. Isa sa hinangaan ng opisyal ng DOTr ay ang kahandaan ng mga OFWs na tumulong sa bansa kahit na iwan ang malaking kinikita nila sa abroad. Dahil dito muntik na raw siyang maluha sa kaligayahan. "A good friend of mine, Mark Lopez, added me to a Facebook group chat with OFWs who desire to help build the Metro Manila Subway. Noong nabasa ko ang ilan sa kanilang mga mensahe, parang gusto kong maiyak. Walang mapaglagyan ang kaligayahan at paghanga sa aking puso. Doon ko napatunayang napakarami sa ating mga kababayang OFWs ang handang ialay ang kanilang mga talino, galing at kakayahan para makatulong sa inang bayan. Naramdaman kong marami sa kanila ang handang umuwi, makatulong lang sa para sa ating kaunlaran. Pagmamahal sa bansa higit sa salapi-- Pilipinas bago ang ibang bayan. 'Yan ang BAYANIHAN. Kay sarap maging Pilipino," sabi ni DOTr Assistant Secretary Libiran. Source: DOTr | Mark Lopez | DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran +Sa mga serye ng social media posts, inakusahan ni Senador Kiko Pangilinan ang Duterte Government ng paglabag sa patakaran sa 2019 elections. Ayon kay Pangilinan, pina-iral din daw ng Administrasyon ang pananakot. "Pinakilos ang buong makinarya ng makapangyarihan para siguruhing wala ni isa sa ating mga kandidato ang magkakamit ng poder sa Senado. Nagkaroon ng pagbabanta, pananakot, massive vote-buying, electioneering at iba pang mga paglabag sa Omnibus Election Code," boladas ni Pangilinan. Pinagbintangan pa ni Pangilinan ang gobyerno ng panggigipit. "Pinasok natin ang laban at kampanya nang mulat (We entered the fight and campaign consciously). Being in the opposition and facing the full brunt of the vaunted, well-oiled administration machinery, we knew we had to run the campaign on a shoestring budget; we knew that those in position would pull no stops to tighten their hold on power... Pero hindi rin natin inasahan ang antas ng panggigipit na ipinamalas sa atin, pati na ang bilyong pisong halaga na inilabas ng administrasyon," angal pa ni Pangilinan. Sa isa pang hiwalay na social media post, hinalintulad ni Pangilinan ang nangyari sa basketball. Ayon sa opposition senator, nagising na daw ang mga tao at nasa likod na nila. "Kumbaga sa basketbol, nasa halftime tayo ngayon. Sunod-sunod ang mga lousy calls ng mga referee at tinambakan tayo ng kalaban. Pero may 3rd at 4th quarter pa, at nakikita natin: The crowd is awakened and behind us. Hahabol tayo at ipapanalo natin ang laban," sabi ni Pangilinan. Source: INQ | Kiko Pangilinan's Twitter Post +Base sa pahayag ng Department of Justice (DOJ), mahaharap sa patong-patong na kaso si Rodel Jayme, ang taong konektado sa "Ang Totoong Narco List" video series. Sa naturang videos, inakusahan ni alyas 'Bikoy' ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumatanggap umano ng pera mula sa kita ng droga. Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, makakasuhan si Jayme ng paglabag sa cyber libel law, inciting to sedition at child abuse. Magugunitang dinamay din ni Bikoy ang menor de edad na anak ni Pangulong Duterte na si Kitty sa iligal na droga. Si Jayme ay naaresto sa kanyang pamamahay nitong nagdaang mga araw matapos ang join investigation ng DOJ. Nakumpirma ng DOJ na si Jayme ang may-ari ng metrobalita website, ang unang website na nagbahagi ng 'Bikoy' videos. Si Jayme ay naaresto sa kanyang pamamahay nitong nagdaang mga araw matapos ang joint investigation na isinagawa ng DOJ. Nakumpirma ng DOJ na si Jayme ang may-ari ng metrobalita website, ang unang website na nagbahagi ng 'Bikoy' video. Si Jayme ay taga-suporta ng Liberal Party. Sa katunayan, nagkalat na sa internet ang mga larawan nito na kasama ang ilang kilalang personalidad ng Partido Liberal. Source: ABS-CBN +Sa isang pahayag, sinabi ni Vice President Leni Robredo na baka maaaring ilagay si Bikoy sa witness protection program ng gobyerno dahil sa mga pagbibintang nito na konektado umano sa droga ang mga kapamilya at kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte. "'Di ba dapat, kasi parang whistleblower din siya? Hindi ba dapat bigyan ng proteksyon para malaman kung totoo o hindi ang sinasabi? Kasi hindi naman natin, wala naman tayong way of knowing kung totoo o hindi," sabi ni Leni. Si Bikoy ay ang karakter sa mapanirang video series na may pamagat na "Ang Totoong Narco List". Sa mga naturang videos, inakusahan ni Bikoy na konektado daw sa droga ang anak ni Presidente Duterte. Pati ang menor de edad na anak na babae ng Pangulo ay dinamay din ni Bikoy. Ayon kay Robredo, dapat daw tignan kung totoo ang mga akusasyon ni Bikoy laban sa mga kaanak ni Presidente Duterte. "Mayroon siyang mga sinasabing mga -- iyong first pa lang iyong napanood ko --pero may sinasabi siyang mga bank accounts. Bakit hindi tingnan kung totoo? Kasi ano lang naman eh, madali naman i-check iyon," boladas ni Leni. Nitong mga nakaraang araw ay naaresto na ng otoridad ang indibiduwal na nagngangalang Rodel Jayme. Ayon sa Department of Justice, si Jayme ay ang "person of interest" sa likod ng pagpapakalat ng Bikoy videos. Base sa mga litrato na nakalap ng ilang kababayan natin sa social media, si Jayme ay masugid na sumusuporta sa Liberal Party, ang partido ni Leni. Source: INQ +Sa isang press conference, isiniwalat na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pagkakakilanlan ng suspek sa libelous video series na may pamagat na "Ang Totoong Narco List", na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa kalihim, isang nangngangalang Rodel Jayme ang nasa likod ng paglalathala ng mga videos na nag-aakusa sa mga kaanak ng Presidente na tumatanggap umano ng pera mula sa kalakaran ng droga. Base sa joint investigation na ipinag-utos ni Sec. Guevarra, si Jayme daw ang lumalabas na nag mamay-ari ng website na metrobalita.net, ang unang website na nagbahagi ng mapanirang video. Nitong Abril 29 ay naglabas ng search warrant si Makati RTC Judge Andres Soriano laban kay Jayme. At noong Abril 30 ay ni-raid ang pamamahay nito. Magugunitang ibinunyag na ni university lecturer at pro-government blogger Sass Rogando Sasot ang pagkatao ni Jayme noong Abril 25. Sa pamamagitan ng advertising code sa website, natuklasan ng kung sino ang nasa likod ng website. "Metrobalita.net's AdSense ID is 9287075011637877. Some of my readers were able to trace all the websites bearing that ID, which eventually led us to the identity of the person behind metrobalita.net. Out of fear for their lives, they asked me not to disclose the identities revealed... Google AdSense ID 9287075011637877 can also be seen in another online version of Metro Balita, when it was still a dot com instead of a dot net website. The domain registrant of the old dot com version is Rodel Jayme. This information is publicly accessible via WHOXY, an online tool that reveals the domain registration records of websites," sabi ni Sass Base sa mga litrato na nakalap ng mga netizens sa social media. Si Jayme ay masugid na taga-suporta ng Liberal Party. Panoorin ang press conference ni Sec. Guevarra. Source: PTV | Manila Times | volunteers4marleni +Ayon sa impormante ng pahayagang The Manila Times, ikinakasa na daw ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong sedisyon laban sa taong nasa likod ng mapanirang videos series na may pamagat na "Ang Totoong Narco List". Na-aresto nito lamang Martes ang suspek sa kanyang pamamahay sa lungsod ng Paranaque. Sa video series, ipinakilala ang karakter na nagngangalang "Bikoy". Si Bikoy daw ay dati umanong miyembro ng drug syndicate. Siniraan ni Bikoy ang ilang kapamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga malalapit na tao sa Presidente sa pamamagitan ng pagsangkot sa mga ito sa droga. Hindi rin pinalampas ni Bikoy ang menor de edad na anak na babae ng Pangulo na si Kitty at idinawit din ito sa kalakaran ng bawal na gamot. Nagpakita si Bikoy ng ilang dokumento at pirma sa video para patunayan kanyang mga akusasyon. Pero agad itong nabutata ng RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC. nang magsalita ang bangko matapos magamit ang kanilang logo sa isa sa mga dokumentong ipinakita ni Bikoy para siraan ang pamilya Duterte. "The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous... RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos," sabi sa pahayag ng RBGI. Isang alkalde din mula sa Maguindanao ang umalma at sinabing ninakaw ng mga tao sa likod ng libelous video ang kanyang pirma. Nitong mga nagdaang mga araw ay nag-labas ang Malacanang ng "Oust-Duterte" Matrix. Sa naturang matrix, makikita na ang "Bikoy" videos ay parte ng destabilisasyon laban sa gobyerno at konektado umano ang ilang media organizations sa pagpapakalat nito. Source: Manila Times | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. | PNA | Datu Zamzamin +Nitong mga nakaraang linggo, ibinalita ng ilang media ang tungkol sa mapanirang online video laban sa pamilya Duterte. Sa video series na pinamagatang "Ang Totoong Narco List", isinasangkot ni alyas "Bikoy", nagpakilalang dating miyembro ng drug syndicate, ang mga kapamilya at malalapit na tao kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng droga. Pati ang menor de edad na anak ni Pangulong Duterte na si Kitty ay hindi pinatawad ng kawatan. May tanong kami sa inyo, may mainstream media ba na nagsagawa ng fact-checking laban sa mga dokumento at pinagsasabi ni Bikoy? Ok lang naman kung wala dahil ang ilang pro-government bloggers ay nagsagawa ng sarili nilang fact-checking at lumabas na kasinungalingan ang karamihan sa mga pinagsasabi ni Bikoy. Magugunitang umalma ang RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC. dahil pinalalabas sa video ni Bikoy na nagagamit sa transaksyon ng droga ang kanilang bangko. Nagsalita rin si Maguindanao Mayor Datu Zamzamin at sinabing ninakaw ng mga tao sa likod ng video ang kanyang pirma. Ang mga paninira ni Bikoy sa pamilya ng Pangulo ay tila may hangganan din. Ayon sa ulat ng Manila Times, nahuli na daw ng National Bureau of Investigation ang tao sa likod ng kontrobersiyal na video at kinumpirma ito mismo ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra. Hindi pa muna pinangalanan ni Guevarra ang suspek. "I can confirm that a search warrant was served by the NBI Cybercrime Division... The operation was made in coordination with the Department of Justice Cybercrime office," sabi ng kalihim. Magugunitang sinabi ng Malacanang na parte ng pagpapabagsak sa gobyerno ang video ni Bikoy at ilang media organizations ang konektado dito. Panoorin ang videos ni Bikoy at kung paano siya binutata ng pro-government blogger na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy. Source: Manila Times +Ilang netizens ang nakakita sa pagtulong ni former Philippine National Police CHief Ronald "Bato" Dela Rosa sa isang rider na na-aksidente sa lungsod ng Pasay. Sa mga larawan na pinost ni Carlo Dalusong Andrade sa kanyang social media account, makikita si Bato na kinakausap ang driver ng bus na nakabangga sa rider at nagpatawag ng pulis para bigyan ng tulong ang nadisgrasya. Makikita sa mga litrato na naka barong tagalog pa si Bato at halatang may mahalagang pinuntahan o pupuntahan. Ikinatuwa ni Andrade ang ginawa ni Bato sa kapwa niya rider. "What a good man. Hindi nagatubili na bumaba sa sasakyan nia at tulungan ang kapwa ntn rider na nabundol na bus. Isang mapagpalang araw sayo. SENATOR BATO. Sana all... Nkita ko mismo yan kasunod ng bus ung sasakyan ni sen. Bato huminto tlga cla para tumulong sa nadisgrasya. Cia pa nagpatwag ng enforcer," sabi ni Andrade Isang netizen din ang nag-post video ng kuha niya kay Bato habang tumutulong sa biktima ng aksidente. Source: Carlo Dalusong Andrade | Nino Yatco Buendia +Isang netizen ang naglabas ng pagkadismaya sa mga lumahok ng kilos-protesta ngayong labor day. Sa post ng netizen na si Andrea Carigma, ibinahagi niya ang larawan ng mga istruktura na binaboy umano ng mga nagkilos protesta kanina. Makikita sa mga larawan ang bandalismo na ginawa ng mga rallyista sa center isle sa Mendiola. "Just finished my lecture today (Yes, may review lecture ako today - dahil malapit na ang board exams.) and this is what you'll see after the Mendiola rally today. Wala yan kaninang umaga," banat ni Carigma. Para kay Carigma, isang ka-ipokritohan daw ang ginawa ng mga rallyista at hindi raw karespe-respeto ang inasta ng mga ito. "Sorry, but when you say that you fight for people's rights but destroy their property, I don't find you respectable," dagdag pa ni Carigma. Ang post ni Carigma ay umani na ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens at naibahagi na rin ng mahigit isang libong beses habang ginagawa ang artikulo na ito. Source: Andrea Carigma +Hindi na nakapagpigil si former Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo'y senatorial aspirant General Ronald "Bato" Dela Rosa sa kanyang mga kritiko. Sa kanyang personal social media account, minura niya ang mga naninira sa kanya. Ibinahagi ng dating hepe ng PNP ang screenshot ng post ng netizen na may pangalang Faith Bacon kung saan inaakusahan siya na mayroon umanong Cadillac Escalade, isang luxury car na nagkakahalaga ng P15 milyon hanggang P20 milyon. Ipinagpalagay ng naturang netizen na kay Bato ang luxury car dahil mayroon itong sticker ni Bato. "Spotted yesterday sa CNN debate ang sasakyan ni Bato na 32 years na pulis ang naging trabaho sa gobyerno, at kasalukuyang jail warden.. I googled it para malaman magkano and I was totally blown away!" sabi ni Bacon. Kapansin-pansin na gumamit pa ng hashtag na #hwagibotoangkorupt at #hindidawsiyakorupt ang naturang netizen. Inalmahan ni Bato ang naturang post at sinabing hindi maka-move on ang mga dilaw sa pagkakalampaso ng kanilang kandidato sa isinagawang debate kamakailan lang. "Hindi talaga makaget over itong mga yellow kung nalampaso man sila sa debate pati itong magandang sasakyan binibigay na nila sa akin. Ha ha ha. Mga tarantado gumagawa lang kayo ng fake news para makabawi sa pagkabutata ng mga idol ninyo sa debate. Kung may sticker pala na bato akin na pala? Ulol!" resbak ni Bato. Kapansin-pansin na ang profile picture frame ng netizen ay may pangalang Tanada. Isa sa mga kandidato ng Otso DIretso ay si Erin Tanada. Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang mga snippet senatorial debate ng CNN Philippines. Sa naturang event, magiting na sinagot ni Bato ang mga akusasyon ng oposisyon laban sa kasalukuyang administrasyon. Ilang kilalang personalidad ang napahanga ni Bato sa kanyang performance sa debate. Ilan dito ay sina Mayor Sara Duterte, Senador Ping Lacson, Manila Times Columnist Bobi Tiglao at veteran journalist Jay Sonza. Panoorin ang mga banat at litanya ni Bato sa nasabing senatorial debate. Source: Ronald Dela Rosa | Gus Cerdena +Buko- sino'ng Pilipino ang hindi nakakakilala ng sikat na bungang-halamang ito na sagana sa Pilipinas? Hindi nga ba't napakaraming gamit nito sa pang-araw araw nating buhay, mula sa sabaw, laman at maging sa mga dahon at mismong katawan nito? Ngayon, tila higit pang darami ang makakikilala sa ating ipinagmamalaking buko, dahil maaari na rin umanong i-export ang Philippine young coconut o ang buko sa iba't ibang daungan ng United States. Ayon kay Dr. Joseline Javelosa, Philippine Agriculture Attache to the United States, kumpirmado na umano ang nasabing export permission ng Philippine young coconut sa pamahalaan ng US. Nitong nakaraang Mayo 22-23 ng kasalukuyang taon ay dumalo si Javelosa sa isang bilateral meeting sa pagitan ng Plant Health Officers of the Philippines at mga opisyal ng US sa United States Department Agriculture's Animal and Plant Health and Inspection Service (USDA-APHIS) headquarters sa Riverdale, Maryland. Tinalakay umano sa nasabing pagpupulong ang mga proseso ng pagpasok ng mga buko mula sa Pilipinas patungo sa kanilang bansa. Kinumpirma ni Dr. Jill Wallace, Head ng Us Delegation at Deputy Director of Phytosanitary Issues Management (PIM) na maaari na umanong inspeksyunin at ipakilala sa US Market sa ilalim ng 7 CFR 319.56 ang young coconuts mula sa Pilipinas na berde at bata pa, at may 75 porsyento o higit pang outer shell surface ng husk nito na tinanggal. Ikinatuwa naman ang pag-usad na ito sa ekonomiya ng produktong buko ng bansa ng Head of the Philippine Delegation at Director of the Department of Agriculture's Bureau of Plant Industry (BPI) na si George Culaste. Ayon kay Culaste, hinihintay at inaasahan din ng mga produsyer ng nasabing Philippine young coconut lalo na sa Mindanao, na maipakilala ang ating buko sa export markets tulad ng China at USA. Ang bagong ganap na ito ay ikinalugod ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol. Tinawag pa niya itong isa na namang tagumpay ng Duterte Government. Source: Inquirer.net | Agriculture Secretary Manny Pinol +Base sa ulat ng Philippine Star, pumalo sa 57% ang ibinaba ng krimen sa Metro Manila sa ilalim ng pamumuno ng Duterte Administration. Ilan sa mga krimen na bumaba ang bilang ay murder, robbery, theft at carjacking. Humina rin daw ang numero sa mga kaso ng panghahalay at physical injuries. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, bago pumasok ang Duterte Administration noong Hulyo 2016 ay nasa 21,782 ang crime volume sa Maynila. Ang dami ng krimen ay bumaba umano kada taon. Noong 2017 ay may naitala lang na 18,580. Habang noong 2018 ay lalo itong bumaba sa 14,911. Ngayong Enero hanggang Mayo ngayong taon ay nasa 5,277 pa lang ang naitatala. Iniugnay ni Eleazar ang pagbaba ng mga krimen sa pakikipagtulungan ng publiko sa mga otoridad at ang pagtaas ng tiwala ng mga kababayan natin sa kapulisan. "Because of our cooperation and collaboration with the public, we have improved our security measures and because of the efforts of this administration through its intensified campaign against all forms of criminality, particularly the campaign against illegal drugs," sabi ni Eleazar. Maituturing din daw na nagwawagi ang kampanya kontra sa iligal na droga dahil sa pagkaunti ng krimen. "We can now say in honesty that we are winning this war against illegal drugs as can be shown by more than 50 percent reduction of crime in Metro Manila," dagdag pa n Eleazar. Sa pagtungo ni Pangulong Duterte sa Japan para sa isang working visit, sinabi ng Presidente sa harap ng Filipino community doon na wala siyang pakialam kung ilan ang mamatay sa kampanya niya laban sa droga. " At ulitin ko noong Presidente ako, same. I don't -- look, I don't give a s*** kung ilan kayo diyan namatay, just don't fuck with me on drugs," sabi ni Presidente Duterte. Source: Philstar | GMA News +Kinumpirma ngayong araw ng Department of Transportation (DOTr) ang social media post ng blogger na si Mark Lopez na gagamit ang gobyerno ng 21 Tunnel Boring Machines (TBM) para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway project (MMSP). Ayon sa DOTr, ang naturang proyekto ay tinagurian daw na "Project of the Century" ng bansa. Sa pamamagitan daw nito ay magiging mas ligtas ang paggawa sa naturang subway. "Hindi lang isa, dalawa o tatlo, kundi DALAWAMPU'T ISANG (21) TBM ang gagamitin para sa mas mabilis at mas ligtas na konstruksyon sa incredible subway na ito," sabi sa Facebook post ng DOTr. Ayon sa impormasyon ni Lopez, naka-order na raw ng 6 na units ang gobyerno at ang nalalabing 15 ay makukumpleto sa susunod na taon. "Gusto kasi ng administrasyong Duterte na maging isang ganap na katuparan sa lalong madaling panahon ang dating pangarap lang natin," sai ni Lopez. Kamakailan lang ay ipinakita ng pamahalaan ang cutter head na gagamitin ng TBM sa paghuhukay para sa subway system. Ito po ang halimbawa ng Tunnel Boring Machine at kung paano ito gumagana. Source: DOTr | Mark Lopez | MinistryofTranBC +Kamakailan lang ay nag-anunsyo na magtataas ng transaction fees sa ilan nilang serbisyo ang Bank of the Philippine Island (BPI). Dahil dito, ilang netizens ang umalma sa naging hakbang ng BPI. Isa sa mga nagbigay ng komento sa isyu ay ang radio host at pro-government blogger na si RJ Nieto o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy. Ayon kay Nieto, mas maganda daw na idulog ng ilang kababayan natin ang mga hinaing nila sa mga pari. Base kasi sa pagsisiyasat ni Nieto, may milyon-milyong shares daw ang Roman Catholic Archdiocese of Manila sa BPI. Makikita sa 2019 General Information Sheet ng BPI na ibinahagi ni Nieto, mayroong 327,904,251 shares ang Archdiocese of Manila sa BPI at nagkakahalaga ito ng 3,902,691,620.00. Nasa pang-lima din ang Archdiocese of Manila sa mga malaki ang porsyento ng ownership sa BPI. Pinamumunuan ni Archibishop Luis Antonio Gokim Tagle ang kasalukuyang liderato ng Archdiocese of Manila. Hindi tuloy napigilan ni Nieto punahin ang paghingi ng Simbahan ng donasyon sa mga dumadalo sa misa. "This is despite the fact that it has billions of pesos worth of shareholdings in various Philippine companies as it continues to call for donations from the poor during masses," sabi ni Nieto. Ang simbahan ay isa sa mga kritiko ng anti-drug campaign ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Panoorin ang dating ulat ng GMA News tungkol sa investments ng Simbahan. Source: 2019 BPI General Information Sheet | ANC | Thinking Pinoy | Thinking Pinoy +Hindi pa talaga natatapos ang palitan ng patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni outgoing senator Antono Trillanes. Sa pinakahuling pahayag ng senador, nag-react ito sa pasaring sa kanya ni Pangulong Duterte na siya ay isang bading. Ayon kay Trillanes, mukhang may pagnanasa daw sa kanya ang Presidente. "Nagdududa na ako sa mga pahayag ni Duterte sa akin, parang mayroon talaga siyang malalim na pagnanasa,"boladas ni Trillanes. Ayon kasi sa Pangulo, nakakaramdam daw ang mga kababayan nating bakla sa mga kapwanila bakla. "Ang bakla marunong magtingin 'yan. So kayong mga bakla tanungin ko kayo. [laughter] Totoo. Ano si Trillanes? [Crowd: Bakla.] [laughter and applause] Totoo, kayo alam ninyo tumingin eh. Ako nagulat nga ako may katabi ako tapos lumalabas si Trillanes nagmumura, kung anong pinaggagawa sa -- kabastosan. Tapos kinalabit ako ng, 'Sir, anong...? Bakla 'yan siya?' Sabi kong, 'Bakla 'yan,' sabi niya. Sabi ko, 'Totoo ka?' Sabi niya, 'magtanong ka maski sinong bakla at makita 'yan siya gumalaw, sabihin mo bakla talaga.' Kaya pala. Mabuti't na lang pareho kami ni Trillanes. Pero nagamot ko ang sarili ko," banat ng Pangulo. Ayon kay Trillanes, baka pinagtatakpan lang daw ni Pangulong Duterte ang pagnanasa nito sa kanya sa pamamagitan ng pasiga-siga. "Baka cover lang niya ang mga pagpapasiga-siga niya," dagdag pa ni Trillanes. Source: News5 | TNT Abante | RTVM +Hindi inatrasan ng internet sensation at rising star na si Katrina Velarde ang "birit challenge" ni Vice Ganda sa comedy talk show na "Gandang Gabi Vice" o GGV noong gabi ng Pebrero 17, 2019 sa ABS-CBN Kapamilya Network na nagpahanga sa live audience, televiewers, at netizens. Nakilala bilang "Suklay Diva," ipinamalas nga ni Katrina ang husay sa pagbirit sa pamamagitan ng pag-awit ng "All By Myself" habang nakasipit ang kanyang ilong. Bukod dito, nag-rainbow rock din si Katrina habang binibirit ang kantang ito, at sumakay sa isang "toro." Bumilib ang mga netizens sa kahusayan ni Katrina at maraming pumuri sa kanyang naiibang paraan ng pag-awit. Number 4 trending ito sa YouTube channel at umabot na sa halos 1.3 milyon ang views nito. "I am happy for you, Kat. Soar higher and higher just like your infinity angelic voice. Super fan here." "My favorite female singer in the Philippines. You're truly amazing Honey." "Katrina Velarde yata iyan! Go Kat!!! Show them what you have!" Tinagurian si Katrina bilang Suklay Diva matapos maging viral ang kanyang mga singing covers habang hawal ang isang suklay na tumatayong mikropono sa kanyang pagbirit. Kayang-kaya rin niyang gayahin ang boses ng mga international singers na sina Beyonce, Mariah Carey, at marami pang iba. Nakilala rin si Katrina bilang vocal arranger at choreographer ng all-girl vocal group na AKA JAM, sa unang season ng X-Factor Philippines. Dahil sa tuloy-tuloy na pagsikat, naanyayahan na siya bilang guest sa mga concerts at tv guesting sa Kapamilya at Kapuso Network tulad ng "ASAP," "Superstar Duets," at "Wowowin." Bilang recording artist, pumirma ng kontrata si Katrina sa Viva Records na nagproduce ng kanyang unang solo single na may pamagat na "Lason Mong Halik" na sinulat ng composer na si Vehnee Saturno. Si Roe Pajemma naman ang nagdirehe ng music video nito na naging trending sa YouTube channel noong Disyembre 2017. Naging patok sa mga manonood ang "birit challenge" na unang ginawa ni Asia's Phoenix Morissette Amon sa pamamagitan naman ng pag-upo sa bangkito, pagdapa, at paglalagay ng dental mouth piece sa bibig. Panoorin ang naturang trending episode ng Gandang Gabi Vice via YouTube channel: +Pangarap ni WinWyn Marquez na muling sumali sa Binibining Pilipinas national beauty pageant upang makalahok sa isa sa apat na major international beauty pageants, partikular na ang Miss Universe at Miss Supranational subalit may mga bagay na pumipigil sa kanya sa ngayon. Ayon sa PEP, tinanong nito si WinWyn kung totoo ang bulung-bulungan na nagsisimula na siya sa training niya para sa pagsali sa Binibining Pilipinas 2019. Magugunitang dati nang lumahok sa nasabing kompetisyon ang dalaga noong 2015 subalit hindi pinalad na manalo. Ani Winwyn, na anak ng batikang komedyante-politiko na si Joey Marquez sa dating asawang si Alma Moreno, tinitimbang pa niya ang mga bagay-bagay kung lalahok siyang muli sa Binibining Pilipinas. Kung hindi man siya makasali ngayong taon ay puwede pa naman sa susunod na taon, anang 26-anyos na si Winwyn, dahil pasok pa ang edad niya. Hanggang 28-anyos ang maaaring sumali sa Miss Universe. "I think tumaas na 'yung age bracket ng Miss Universe to 28 if I'm not mistaken? Supranational is also 28, so I think puwede pa," ani Winwyn na nag-uwi ng korona bilang kauna-unahang Pilipinang Miss Reina Hispanoamericana noong 2017. Ayon pa kay Winwyn, marami pa siyang dapat gawin ngayong taon. Aniya, maraming oportunidad ang pumasok gaya na lang ng mga endorsements, pelikula at teleserye. "Ang dami pang puwedeng mangyari, eh. Ang daming magandang opportunities ang binibigay sa akin ngayon. So. 'yun muna ang pagtutuunan ko ng pansin, ani Winwyn, na Teresita Ssen Marquez ang tunay na pangalan. Sabi pa niya ay kailangang i-drop ang lahat ng kontrata kapag nagdesisyon siyang sumali sa Binibining Pilipinas. "Pinapakiramdaman ko pa, e, kasi kailangan i-drop lahat na kontrata ko 'pag sasali ako, e. So, medyo mahirap, kasi I have Bench. Tapos may gagawin po ulit ako na film with Regal na very excited din po ako, na sana, abangan nila 'yun. Alam ko, may pinaplano pa na teleserye. Ang hirap, kailangan mong i-weigh 'yung things. Hindi mo naman kailangang i-drop na lang basta-basta, kasi gusto kong sumali," pagtatapos ni Winwyn. +Kung pag-uusapan ang lawak ng fan base ng isang artista, mangunguna sa listahan ang mga tanyag na aktres ngayon tulad nina Maine Mendoza, Marian Rivera, Anne Curtis, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Nadine Lustre, Angel Locsin, at marami pang iba (salamat sa social media). Subalit bago pa man mauso ang iba't ibang mga social media platforms na nagiging dahilan upang masundan ang "ganap sa buhay" ng mga sikat na artista, apat na beteranang aktres ang nag-aangkin ng apat na titulo sa Philippine Showbiz batay sa kanilang kasikatan, parangal at gantimpalang natamo, at bilang ng mga tagahanga mula sa kanilang panahon hanggang sa kasalukuyan. Apat na Stars Sila ang apat na kinikilala at pinagpipitaganang mga batikan at award-winning actresses na sina "Superstar" Nora Aunor, "Megastar" Sharon Cuneta, "Diamond Star" Maricel Soriano, at "Star for all Seasons" Vilma Santos. Makikita sa Facebook page na "Memories of Old Manila" ang throwback photos ng apat. Noong kanilang panahon ay literal na nagkakaalitan ang kani-kanilang mga tagahanga at pilit silang pinagsasabong, subalit sa tunay na buhay, sila naman ay nagkakasundo at tagahanga ng isa't isa. Sino nga ba ang makalilimot sa mga pamosong linya na "Walang himala!" at "My brother is not a pig!"? Lahat ng iyan ay naging tatak na ni Superstar Nora Aunor. Itinuturing siyang "FAMAS Hall of Famer" at laging kabilang sa nominasyon at panalo sa mga award-giving bodies tulad ng Gawad Urian, PMPC Star Awards for Movies, Luna Awards, Young Critics Circle Awards, Metro Manila Fil Festival, Asia Pacific Screen Awards, Asian Film Awards, at marami pang iba. Ilan sa mga tumatak na pelikula niya ang "Tatlong Taong Walang Diyos," "Himala," "Bona," "Minsa'y Isang Gamugamo," "Merika," "Bulaklak sa City Jail," "The Flor Contemplacion Story," "Thy Womb," at napakarami pang iba. Marami ring mga tagahanga ang nagmumungkahi at umaasam na maitanghal siya bilang "Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula". Napabilang din siya sa iba't ibang teleserye gaya ng "Bituin" at "Onanay." Si Megastar Sharon Cuneta naman ay kilala bilang mahusay na mang-aawit, premyadong aktres, talk show host, product endorser, at reality talent show judge. Itinuturing din siyang FAMAS Hall of Famer at Box-Office Queen dahil sa napakarami niyang parangal na natamo mula rito, bukod pa sa iba pang local at international award-giving bodies. Hindi malilimutan ang kanyang mga pelikula tulad ng "Bituing Walang Ningning", "Dear Heart", "Bukas Luluhod Ang Mga Tala", "Pasan Ko Ang Daigdig", "Maging Sino Ka Man", "Pangako Sa'Yo", "Madrasta", "Crying Ladies", "Magkapatid" at napakarami pang iba. Hanggang ngayon, bukambibig pa rin ang kanyang mga pinasikat na linya sa pelikula tulad ng "Ipinapangako ko, Inay, bukas luluhod ang mga tala...". "I was never your partner... I'm just your wife", "Gutay-gutay na ang katawan n'yo, pati na ang kaluluwa n'yo gutay-gutay na rin!" at marami pang iba. Naging masalimuot man ang kanyang buhay-pag-ibig, happily married siya ngayon kay Senador Kiko Pangilinan kasama ang kanilang mga anak. Tunay ngang "brilyante" si Diamond Star Maricel Soriano na kilala rin bilang "Taray Queen" dahil hanggang ngayon, patuloy pa rin siyang kumikinang. Nagsimula ang kanyang movie career sa pelikulang "My Heart Belongs to Daddy" noong siya ay 6 na taong gulang pa lamang. Kabi-kabila rin ang mga natanggap niyang parangal bilang "Best Actress" sa local at international award-giving bodies tulad ng FAMAS, Gawad Urian, Gawad Tanglaw, Film and Television Achievement Awards,PASADO Awards, Golden Dove Awards, Asian TV Awards at napakarami pang iba. Hindi lamang mahusay ang Diamond Star sa drama kundi maging sa komedya o pagpapatawa. Ilan sa mga tumatak mula sa napakarami niyang pelikula ang "John en Marsha", "Saan Darating ang Umaga", "Inday Bote", "Pinulot Ka Lang Sa Lupa", "Taray at Teroy", "Super Inday and the Golden Bibe", "Separada", "Soltera", "Mila", "Inang Yaya", "Filipinas", at napakarami pang iba. Napakaraming mga tumatak na linya ang Diamond Star tulad ng "Ayoko ng masikip, ayoko ng walang tubig, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik", "Get out of my house, I don't need a parasite!", at iba pa. Gumawa rin siya ng iba't ibang sitcom sa ABS-CBN tulad ng "John en Marsha", "John en Shirley", at Bida si Mister, Bida si Misis." Sa ngayon, kasama siya sa cast ng teleseryeng "The General's Daughter" na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Hindi man aktibo ngayon sa paggawa ng pelikula, abala naman ang Star for all Seasons Vilma Santos bilang isang certified public official sa Batangas. Hawak niya ang titulong "Grand Slam Queen", "Queen of Queens", at pinakamatagal na humawak ng titulong "Box-Office Queen" sa pinilakang-tabing. Nagsimulang mapansin ang acting prowess ng Star for all Season nang aksidenteng mag-audition siya para sa pelikulang "Trudis Liit" kung saan siya ang napili, at pinalad pang maging "Best Child Performer." Simula noon, napakaraming pelikula na ang kanyang pinagbidahan gaya ng "Aninong Bakal", "Dyesebel at ang Mahiwagang Kabibe", "Kampanerang Kuba", "Burlesk Queen", "Darna at Ding", "Relasyon", "T-Bird at Ako", "Gaano Kadalas ang Minsan", "Sister Stella L.", "Anak", "Bata Pata Pa'no Ka Ginawa", "Dekada '70", "Everything About Her", at napakarami pang iba. Halos lahat ng award-giving bodies sa Pilipinas ay kinilala ang kanyang kahusayan sa pagganap. Sa katunayan, ginawaran siya ng FAMAS Lifetime Achievement Award dahil sa kanyang kontribusyon sa larangan ng pelikula. Kinilala rin ang kanyang pagganap sa isa sa mga episode ng "Maalaala Mo Kaya" na "Regalo" kasama si Maja Salvador. Ilan sa mga tumatak na linyang sinambit niya ang "Si Val! Si Val! Si Val na walang malay?!", "Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain", "Kung walang kikilos, sino ang kikilos, kung hindi ngayon, kailan pa?", "Wala akong ginagawang masama...", "Ding, ang bato, dali... DARNA!", at "Bakit ang mga anak pag nawalan ng magulang ang tawag sa kanila ulila, ang mag-asawa kapag nawala ang asawa nila ang tawag sa kanila balo... bakit kapag ang isang ina nawalan ng anak, walang tawag sa kanila?" Nagkaroon ng anak sina Vilma Santos at Edu Manzano at ito ang mahusay na host na Luis Manzano. Happily married ngayon si Vilma kay dating Senador Ralph Recto. Kanya-kanyang saloobin naman ang mga netizens na mahihinuha mo nang Noranians, Sharonians, Vilmanians, at mga tagahanga ni Maricel. Narito ang ilang komento: "Nora Aunor ako... mata pa lang, umaarte na!" "Go Mega! Idol kita simula noon hanggang ngayon." "Diamond Star Maricel Soriano ako, mapadrama o comedy, ayos..." "Vilma Santos is the best among the rest!" "Lahat sila magagaling at magaganda!" Ikaw, Noranian, Sharonian, Maricelian, o Vilmanian ka ba? +Nakalulugod panoorin sa telebisyon man o pinilakang-tabing ang mga bituin o artistang patuloy na namamagyag, tinitingala, at iginagalang sa industriya ng showbiz mula sa kanilang henerasyon hanggang ngayon. Isa na riyan ang beteranang aktres na si Ms. Gloria Romero na sa kabila ng kanyang gulang na 85-anyos ay aktibong-aktibo pa rin sa paggawa ng mga proyekto; sa telebisyon man, pelikula, o patalastas. Makikita sa Facebook page na "Memories of Old Manila" ang throwback photo ng mahusay at beteranang aktres na may caption na "walang kupas ang kagandahan ni Gloria Romero" na ibinahagi ng isang netizen. Namana ni Gloria Galla - o mas kilala sa screen name na Gloria Romero - ang kanyang kagandahan sa inang Amerikana na nagngangalang Mary Borrego at amang Pilipino na si Pedro Galla. Si Gloria Romero ay 60 taon na sa industriya at nagawaran na ng napakaraming mga parangal at pagkilala, gaya ng kanyang pagganap sa pelikulang "Tanging Yaman" na nagtanghal sa kanya bilang FAMAS Best Actress noong 2001, FAMAS Best Supporting Actress noong 1989 para sa pelikulang "Nagbabagang Luha", at gayundin sa pelikulang "Dalagang Ilocana" noong 1955. Siya rin ang kauna-unahang tumanggap ng Lifetime Achievement Award mula sa Movies and Television Review and Classification Board o MTRCB. Ang kanyang unang pelikula ay "Ang Bahay sa Lumang Gulod" sa ilalim ng Premiere Productions. Lumipat siya sa Sampaguita Pictures sa tulong ng kanyang tiyuhing si Nario Rosales, na noon ay Chief Editor ng Sampaguita Studios. Simula noon ay nagsunod-sunod na ang kanyang mga markado at de-kalibreng pelikula. Hindi alam ng nakararami na beauty queen din at title holder si Ms. Gloria Romero. Siya ang naging Miss Visayas sa naganap na Miss Philippines International Fair noong 1954 batay sa ibinahagi ng Filipina Pageants sa kanilang opisyal na Instagram account. Matapos ang mahabang panahon ng pamamayagpag sa pinilakang-tabing, napasama siya sa television sitcom na "Palibhasa Lalaki" sa ABS-CBN 2, "Richard Loves Lucy" at "Ok Fine! Whatever." Napabilang din siya sa mga teleserye ng Dos tulad ng "Familia Zaragoza," "Sana'y Wala Nang Wakas," "Sa Dulo Ng Walang Hanggan," "Kung Tayo ay Magkakalayo," at "May Bukas Pa." Noong 2011 ay lumipat sa GMA Kapuso Network si Ms. Gloria at napasama sa cast ng teleseryeng "Ang Munting Heredera." Hanggang sa kasalukuyan ay nananatili siyang Kapuso at hindi siya nawawala sa mga shows ng Kapuso Network. Isa na rito ang "Daig Kayo ng Lola Ko" na napapanood tuwing Linggo sa Sunday Grande ng GMA Kapuso Network. Kamakailan lamang ay isa siya sa mga lead star ng pelikulang "Rainbow's Sunset" na opisyal na lahok sa 2018 Metro Manila Film Festival kung saan ay itinanghal siyang "Best Festival Actress in a Leading Role." Tunay na walang kupas ang kagandahan at kahusayan ni Ms. Gloria Romero! +Kapag nababanggit ang longest-running gag show sa Pilipinas na "Bubble Gang" ng GMA Kapuso Network, hindi maiiwasang pumasok agad sa isipan ng mga tagasubaybay nito ang dalawang batikang haligi sa cast nito -- sina Michael V na kilala rin sa tawag na Bitoy, at ang mang-aawit at song composer na si Ogie Alcasid. Nagkahiwalay man ng landas dahil sa paglipat ni Ogie sa ABS-CBN Kapamilya Network habang nananatiling Kapuso si Bitoy, muling nagsama ang magkaibigan sa isang proyekto--ang pinakabagong tv commercial ng isang sikat na fast food chain. Bago ang Araw ng mga Puso, napanood na ng publiko ang pinakabagong tv commercial ng McDonald's na may temang "Pagmamahalan ng Tunay na Magkaibigan." Sa naturang commercial, makikitang tinanggap ni Ogie ang isang delivery at dinala ito kay Bitoy. Tinanong ni Ogie si Bitoy kung anong "classic Ogie Alcasid love song" ang paborito ng Chicken McDo?" Nang tinanong ni Bitoy kung ano raw ito, sinagot siya ni Ogie sa pamamagitan ng pag-awit ng "Chicken-ya pa rin babalik, chi-gaw ng damdamin, chicken-ya," na tumutukoy sa awiting "Sa Kanya". Subalit sinagot siya ni Bitoy ng "Grabe, dalawang dekada na tayong nagko-comedy, pero parang hanggang ngayon hindi ka pa rin masyado nakakatawa eh, 'no?" Tumugon naman si Ogie na "Ganun talaga mga pogi, hirap magpatawa. Kaya ikaw, sobra kang nakakatawa." Sino nga bang makalilimot sa nakatatawang tandem nina Bitoy at Ogie? Lalo silang nakilala sa mga karakter na "Yaya at Angelina" kung saan walang takot silang nagko-cross dress at gumaganap bilang mga tunay na babae. Sa katunayan, naging pelikula pa ito noong 2009. Si Ogie ay nakilala sa karakter ni Angelina, isang spoiled-brat na batang babae habang ang kanyang Yaya Rosalinda naman ay ginampanan ni Bitoy. Isa rin si Michael V sa mga taong nagtanggol sa desisyon ng kanyang kaibigan na lumipat sa Kapamilya Network; gayundin sa asawa nitong si Asia's Songbird Regine Velasquez. Panoorin ang video ng pinakabagong tv commercial ng McDonalds na nagtatampok sa magkaibigang Michael V at Ogie Alcasid mula sa Facebook page ng naturang fast food chain: +Ano nga ba ang sikreto upang magkaroon ng matagumpay na relasyon sa isang kasintahan o asawa? Para kay Doug Kramer, simple lamang ang ilang mga sikreto kung paano maging matagumpay ang pagsasama ng isang couple, katulad ng aplikasyon sa kanilang relasyon ng asawang si Chesca Garcia. 16 taon nang kasal sina Doug at Chesca. Masugid na sinusubaybayan ng mga tagahanga ang mga vlogs at posts sa social media ng "Team Kramer" dahil sa kanilang masayang parenthood kasama ang kanilang tatlong bibong mga anak. Labis na kinagigiliwan ng mga netizens na panoorin at sundan ang kanilang mga aktibidad bilang pamilya. Ayon sa Instagram post ni Doug noong Enero 26, 2019, normal lamang ang pagtatalo o argumento sa isang relasyong mag-asawa, ngunit tiyakin lamang na maayos o maresolba ito bago matapos ang araw. "Marriage is a beautiful thing if you just take care of it. Here's some of our "secrets." Work through your troubles and misunderstandings and never let a day pass when you argue and fight. 16 yrs together and we have never let an argument last more than a day." Makatutulong din umano ang pagbaba sa pride, paghingi ng paumanhin, at pag-amin sa mga nagawang pagkakamali, sa halip na manisi. Magpokus sa mga bagay na maaaring gawin kaysa baguhin ang ugali ng iyong partner. "Take down your pride. Say sorry first. Admit your own faults rather than pointing fingers. Work on what you need to do rather than trying to change your partner's attitude." At nagbigay pa ng paalala si Doug: "And remember, Love is more than an emotion. It's always a choice. Oh btw, husbands.... date your wife." Sa isa pang IG post, sinabi niyang kahit na matagal na silang nagsasama ni Chesca, hindi pa rin niya kinalilimutang purihin ang kabiyak, lalo na kapag nagpapaganda o nag-aayos ito para sa kanya (gayung likas naman talagang maganda si Chesca). Pinaalalahanan din niya ang iba pang mga "husbands" na huwag na huwag itong kalilimutang gawin. "Chesca never stops to look amazing for me. She makes sure I'm "tempted" to date her. She always tells me, "I wanna look good only for you baby." So the times I forget to compliment her, it's World War Kramers. I made sure wala ako pagkukulang today. So for the hundreds who tagged their husbands on my previous post (especially on fb), it's your turn to tag your wives." Ang sweet nila, 'di ba? Tunay ngang "relationship goals" sila! +Matapos ang ilang buwang pamamayagpag sa mga lokal na sinehan at international screenings, itinanghal ang pelikulang "Fantastica", isa sa mga pelikulang lahok sa nakaraang 2018 Metro Manila Film Festival, bilang pinakabagong highest grossing movie ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda. Inihayag ang balitang ito nitong Martes, Enero 29, 2019, sa isang thanksgiving dinner gathering na idinaos ng Star Cinema at pamunuan ng ABS-CBN Kapamilya Network para sa panibagong tagumpay na ito, batay sa ibinahaging Twitter post ni Jose Miguel Dumaual, isang entertainment editor. Umabot ng halos 596 milyong piso ang kinita ng "Fantastica" at tinalo ang "Gandarrapiddo: The Revenger Squad," pelikulang pinagbidahan din ni Vice Ganda kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach na tumabo naman ng 571 milyong piso bilang lahok sa MMFF 2017. Ipinaabot naman ni Vice Ganda ang kanyang pasasalamat sa suportang ibinigay ng kanyang mga tagahanga at tagahanga ng kanyang mga co-stars. Ang carnival-themed adventure movie na ito ay unang pagsasama sa pelikula nina Vice Ganda, dating Kapuso, Kapatid, at ngayo'y Kapamilya star Richard Gutierrez, at ang isa sa mga bankable Kapuso leading men na si Dingdong Dantes. Pinagsama-sama rin sa naturang pelikula ang mga pinakabagong pambatong love teams ng Kapamilya Network na sina Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Loisa Andalio at Ronnie Alonte, at sina Maymay Entrata at Edward Barber. Walang nasabi sa labis na katuwaan ang Phenomenal star kundi "Ang lala". Dumalo sa naturang thanksgiving party ang big bosses ng ABS-CBN, tulad nina Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, at Star Cinema head Olivia Lamasan, na nagpaabot naman ng kanilang pagbati sa production team at cast ng pelikula. Naroon din ang buong cast ng pelikula. Lahat ng mga pelikulang lahok ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival ay talaga namang tumatabo sa takilya. Ang unang pelikula ni Vice Ganda sa MMFF ay "The Unkabogable: Praybeyt Benjamin" na nagkaroon pa ng sequel. Marami na rin ang nagtatanong kung posible ba silang magsama ng isa ring nangunguna sa paggawa ng pelikulang lahok sa MMFF na si Bosing Vic Sotto, na nakasama naman si Coco Martin sa pelikulang "Jack em Popoy." +Class and elegance-- iyan ang ipinamalas ng batikang aktres na si Cherie Gil kasama ang kanyang inang si Rosemarie Gil, na isa ring seasoned actress, at ang anak na si Bianca Rogoff matapos itampok sa November 2018 issue ng isang US-based lifestyle magazine na "Luxury Trending." Sa isang Instagram post na may caption na "Three generations of actresses" noong Disyembre 16, 2018, makikita sina Cherie, Rosemarie, at Bianca na eleganteng nakasuot ng black dresses na talaga namang pinag-usapan sa social media. Umani ito ng magagandang komento mula sa mga netizens. "This is the level of dramatic elegance that I strive for!" "Beauty that never fades! The Gil clan!" "Very sophisticated. I love the elegance." "Ms. Rosemarie is still one of the most beautiful and talented actresses of all time! Watching Ngayon at Kailanman everyday and she is just plain awesome!! Hugs to her." "Picture pa lang, kakabahan ka na." Ang mga naturang larawan ay kuha ng fashion photographer na si Vincent Gotti noong Setyembre 2018 sa Discovery Primea Hotel sa Makati. Si Cherie Gil ay anak nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, kapatid ng aktor na sina Michael de Mesa na regular na napapanood sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano," at ng yumaong si Mark Gil. Ikinasal siya kay Rony Rogoff, isang kilalang violinist, at biniyayaan sila ng dalawang supling na sina Bianca at Raphael. Siyam na taong gulang pa lamang si Cherie ay nasa showbiz na siya. Markado at iconic ang kanyang pagganap bilang "Lavinia Arguelles" sa pelikulang "Bituing Walang Ningning" kasama ang Megastar Sharon Cuneta na gumanap naman bilang "Dorina Pineda." Hanggang ngayon, patuloy pa ring ginagaya at sinasambit ang kanyang iconic lines na "You are nothing, but a second rate, trying hard, copy cat!" Kaliwa't kanan din ang kanyang pagganap sa mga teleserye ng ABS-CBN at GMA Network tulad ng "Marina," "Bituin," "Gulong ng Palad," "Grazilda," "Time of My Life," at "Onanay." Ang kanyang inang si Rosemarie Gil naman ay itinampok noon sa kanyang pelikulang "Sta. Rita De Casia " noong 1958, "Night of the Cobra Woman" 1975, at "Naked Vengeance" noong 1985. Ang huling teleserye kung saan siya napabilang ay ang "Ngayon at Kailanman" nina Julia Barreto at Joshua Garcia. Si Bianca Rogoff naman na kanyang panganay na anak ay kumukuha ng Bachelor of Fine Arts in Drama sa New York University, at napabilang sa cast ng international movie na "Sensitive And In Love" na nag-shoot sa Palawan. +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Sa tuwing sasapit ang Valentine's Day, isa sa mga inaabangan ng mge televiewers at netizens ang TV commercial ng pinakasikat na fast food-chain sa bansa ang "Kwentong Jollibee." Patok sa masa ang mga commercials na ito dahil maraming tao ang nakauugnay, o wika nga'y "relate much" sa iba't ibang kwento ng pag-ibig. Matapos ang trending na "Choice" at "Proposal," inilabas na ng Jollibee ang ikatlong Kwentong Jollibee na may pamagat na "Anniversary" isang linggo bago ang Valentine's Day. Umabot na agad sa halos limang milyon ang views nito at 96, 548 shares sa Facebook sa loob lamang ng halos isang linggo. "Love o career" ang naging tema ng "Anniversary." Kwento ito ng magkasintahang nawalan ng oras sa isa't isa dahil sa masyadong nakatuon ang pansin ng bidang lalaking si "Jason" sa kanyang career bilang division head ng kanilang kompanya. Nagsimula ang commercial sa pagtungo ni Jason sa Jollibee at sa mga pahayag na "Sabi ng iba, 'pag successful ka sa career, puwedeng 'di ka successful sa lovelife." Habang naghihintay sa pagdating ng kanyang asawa, muling nagbalik-tanaw si Jason sa naging struggle niyang pagsabayin ang kanyang career at relasyon sa girlfriend. Dumating sa puntong na-promote si Jason sa kanyang trabaho dahil sa ipinakitang kasipagan at dedikasyon, subalit napabayaan naman niya ang kanyang relasyon sa girlfriend. Mabuti na lamang at naayos pa rin nila ito dahil ang kanyang girlfriend, na naging asawa niya, ang dahilan kung bakit pursigido siyang magtagumpay sa kanyang career. Maraming netizens naman ang naantig at naging emosyunal sa "Anniversary." "Sometimes all you need to do is look at things from a different perspective. You can love the person, but not only their title. For the health of your relationship, make sure you've fallen in love with your partner as a person as a human being and not with their title or position. nowadays nothing is certain, and compatibility is no longer based on whether or not the other person can take care of you. Instead, know that you can take care of yourself, and decide if you still want your partner around." "Sana, pag nakatagpo tayo ng ganitong mga klaseng tao, wag na natin pakawalan at ipaglaban natin hanggang sa makakaya natin. At iparamdam natin sa kanila that they are also lucky and blessed to have us." "Kudos, Jollibee and the ad agency behind this Valentine's Series!" Samantala, panoorin ang "Anniversary" via official Facebook page ng Jollibee o sa kanilang YouTube channel: +Naging emosyonal ang actor-politician na si Rommel Padilla habang inaalala ang unang beses na nayakap niya ang anak na si Daniel Padilla noong sanggol pa lamang ang tinaguriang "Teen King" ng Philippine showbiz. Si Rommel ay guest sa Monday episode ng "Magandang Buhay"; isang morning talk show ng ABS-CBN kung saan isa sa mga hosts si Karla Estrada, ang ina ni Daniel. Sa naturang episode, tinanong ni Melai Cantiveros, isa sa mga hosts ng talk show, si Rommel kung ano ang naramdaman niya nang unang beses niyang mahawakan si Daniel nang dalhin ito ni Karla sa New Bilibid Prison kung saan nakakulong noon si Rommel. Inalala ni Rommel kung paanong isang gabi na lampas na sa sa visiting hours sa Bilibid ay mayroong dumating na mga "anghel." "'Yung mga time na talagang ako ay nasa dilim. Ligaw na ligaw ako nang mga panahon na iyan, kaya nga ako nasa kulungan. Namali 'yung napuntahan kong lugar. Until isang gabi, hindi na visiting hours, may dumating na mga anghel. Kung sino pa 'yung taong hindi mo inaasahan na dadating. 'Yung pumasok sa akin na gaano kalaki ang utang ko sa taong ito, sa batang ito, doon pa lang, sa tiyempo," madamdaming pagbabalik-tanaw ng aktor. Sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Rommel na pangiliran ng luha. Kuwento pa ni Rommel, isang buwan matapos ang pagdalaw ni Karla at Daniel sa kanya sa piitan ay nabigyan siya ng tsansa na makapagpiyansa at dahil doon ay nagkaroon silang tatlo ng pagkakataon na mabuo ulit. Sinabi naman ni Karla na naiintindihan ni Daniel ang lahat ng nangyari sa ama at tanggap niya ang mga iyon. Pagpapatuloy pa ng aktor, tunay daw ang naging pagmamahalan nila ni Karla. Marami nga raw nagtatanong kung bakit si Daniel ay mabait at pogi, at ang lagi niyang sagot ay dahil si Daniel ay bunga ng "pure love" nila ni Karla. +Sadyang mahilig manood ng soap opera, telenobela o teleserye ang mga Pilipino, at kung tatanungin ang mga manonood kung anu-anong mga dramang pantelebisyon ang tumatak sa kanila, isa sa mga mababanggit ang soap operang "Mara Clara" ng ABS-CBN. Tiyak na "relate-much" dito ang mga batang 90's lalo't muling napa-throwback ang mga ito dahil sa isang lumang larawan nina Mara at Clara kasama sina "Almira" at "Amante" sa Facebook page na Memories of Old Manila noong Pebrero 8, 2019. Ang Mara Clara ay umikot sa buhay nina Mara (Judy Ann Santos) at Clara (Gladys Reyes). Nang sila ay maipanganak, sila ay napagpalit sa ospital, at ang lahat ng ito ay nakatala sa isang diary na isinulat ni Kardo, na ginampanan ni Dan Fernandez. Si Mara, na tunay na anak ng mayamang mag-asawang sina Almira (Beverly Vergel) at Amante (Juan Rodrigo) Del Valle, ay lumaki sa hirap sa poder nina Dado (Eruel Tongco/William Martinez) at Susan (Susan Africa) na siyang tunay na mga magulang ni Clara, na lumaki namang mariwasa ang buhay sa mga Del Valle. Nagkrus ang kani-kanilang mga landas dahil namasukan bilang katulong si Mara sa tahanan ng mga Del Valle. Katakot-takot na pagpapahirap ang ipinatikim at ipinaranas ni Clara kay Mara. At dahil walang lihim na hindi nabubunyag, naisiwalat ang buong katotohanan sa kanilang pagkatao sa pamamagitan ng diary. Pumatok sa masa ang naturang soap opera. Sa katunayan, umere ito sa loob ng halos limang taon (1992 hanggang 1997). Ibinuod pa ito sa pamamagitan ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema noong 1996. Noong 2010, nagkaroon ito ng remake na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo bilang Mara at Julia Montes bilang Clara na nagdulot sa kanila ng napakalaking break sa showbiz. Sa tunay na buhay, matalik na magkaibigan sina Juday at Gladys. Pareho na rin silang may kani-kaniyang pamilya. Paminsan-minsan ay nagkikita at nagkakaroon ng reunion ang dalawang mahusay na artista upang makapagbonding kasama ang kanilang mga anak. Samantala, ating panoorin ang music video ng "Mara Clara the Movie" via YouTube channel: +Dahil hit bilang vlogger ang kapatid na si Alex Gonzaga, pinasok na rin ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang mundo ng vlogging. Agad itong nagkaroon ng mahigit 680,000 subscribers at umani ng positibong feedback mula sa mga netizen. Noong Martes, Pebrero 5, 2019, muling naglabas ng vlog si Toni na nagtatampok sa kanyang "mahigpit" na amang si Pastor Bonoy Gonzaga na nagdiwang naman ng kanyang kaarawan. Ang pamagat ng vlog na ito ay "The First Man Who Borke My Heart" kung saan makikitang nasa loob ng kanilang kotse ang mag-ama. Ipinakilala ni Toni ang kanyang ama bilang "kauna-unahang driver" niya sa showbiz sabay pagbati rito ng "Happy Birthday." Bumuo ng mga tanong si Toni tungkol sa paraan ng pagiging magulang na nagsisimula sa "Bakit?" at sinasagot naman ni Daddy Bonoy habang nagmamaneho. Ang mga tinanong ni Toni sa kanyang daddy ay kung bakit sinturon ang ginagamit nitong weapon sa pagdidisiplina sa kanilang magkapatid, kung bakit lagi itong nagigising ng 3:00 AM upang magdilig ng halaman sa likod-bahay, kung saan o kanino nito nakuha ang mahigpit na pagpapalaki sa kanila, at kung bakit hindi ito masyadong istrikto kay Catherine (Alex Gonzaga). Buong katapatan namang sinagot ni Daddy Bonoy ang mga tanong ni Toni. Naniniwala siyang ang mga anak ay regalo ng Diyos kaya naman responsibilidad ng mga magulang na arugain at gabayan ang kanilang mga anak upang hindi sila maligaw ng landas. Inisa-isa namang binanggit ni Toni ang pangalan ng mga lalaking naugnay at nagtangkang manligaw sa kanya noon at tinanong ang kanyang daddy kung bakit ayaw nito sa kanila. Karamihan sa mga dahilan nito ay "impulsive", "playboy", "weak", at hindi sila "match" ni Toni. Hindi rin nakaligtas si Daddy Bonoy sa tanong kung bakit hindi nito kinakausap ang asawa niyang si Paul Soriano noong magkasintahan pa lamang sila. Sagot ni Daddy Bonoy, "Kailangang makita niya na may nagpoprotekta sa inyo." Niregaluhan ni Toni ang kanyang ama ng isang sinturon. Tumatak din sa subscribers ang realisasyon ni Toni na "The pain of discipline is better than the pain of regret." Sa kasalukuyan, umabot na sa halos 2.5 milyon ang views nito at nananatiling number 5 trending video sa YouTube. Panoorin ang vlog na ito via YouTube channel: +Sa pamamagitan ng isang mahabang post sa kanyang Facebook account ay ibinulalas ng batikang movie director na si Erik Matti ang kanyang sentimyento ukol sa kalagayan ng lokal na industriya ng pelikula. Nagpahayag si direk Matti ng pagkaalarma dahil sa sunud-sunod na pagsemplang ng mga Tagalog movies sa takilya. Aniya, mayroon dapat na gumawa ng mga hakbang hinggil sa nakababalisang sitwasyon ng local film industry. Dapat daw na manghimasok na ang pamahalaan. Ibinunyag niya na ang nakaraang tatlong taon ang pinaka-abalang panahon ng local film industry. Napakarami raw ng nagawang pelikula ngunit halos wala naman daw nakapanood ng mga iyon, kabilang na ang isa niyang pelikula na ginawa sa ilalim ng sarili niyang movie outfit na Reality Entertainment. Maging ang mga malalaking local movie studios ay hindi na kumikita. Ano raw ba ang nangyayari sa mga manonood? Nito lamang daw nakaraang tatlong linggo, ay ilang pelikulang Tagalog ang ipinalabas, kabilang na ang kanyang pelikula, ngunit sa kabila magandang istorya at mga publisidad sa media ay hindi kumita ang mga iyon. Maging ang pinakahuling Metro Manila Film Festival na ipanangangalandakan ng iba na isang malaking tagumpay ay hindi gaanong kumita kumpara sa mga nagdaang taon. Sa halip daw na harapin ang problema ng industriya sa lumiliit na bilang ng mga manonood ay pilit na itinatanggi pa. Tanong ni Matti, alin kaya ang dahilan ng paghina ng local film industry ... Ang mga online platforms ba, Hollywood, pangit na istorya, kakulangan ng suporta mula sa mga sinehan, trapik, libreng download ng pelikula, o kahirapan? Hindi niya raw alam. Subalit ang tangi raw niyang nalalaman ay hindi dapat sila magpatuloy na gumasta ng milyones sa paggawa ng mga pelikula na wala namang manonood. "This is alarming. Someone somewhere somehow should do something about this," ani Matti sa bahagi ng kanyang post. +Inaasam-asam ng aktres na si Ina Raymundo na balang-araw ay maging isang beauty queen ang panganay na anak na si Erika. Ayon sa ulat ng PEP, pilit na pinasasali raw ni Ina si Erika sa mga beauty pageants pero ayaw ng 17-anyos na dalaga. "Sabi ko nga, 'Erika ipagpatuloy mo 'yung Miss Universe.' Sabi niya, 'You are so obsessed.' Sobra raw ang obsession ko sa beauty pageants. Sabi ko, 'Why not?' One of my daughters to be ano (beauty queen), why not? She's 5 feet 4 inches to 5 feet 5 inches tall. Pero ayaw raw niya 'yun," paglalahad ng aktres. Base sa kanyang larawan na ipinost sa Instagram noong Disyembre 2018, ang pagiging isang beauty queen o ang maging Miss Universe ay isa sa mga pangarap noon ni Ina, pero kulang daw siya sa height. "Isa sa mga pangarap ko 25 years ago. Ganito pala ang feeling," caption ng larawan ni Ina na nakasuot ng korona at sash ng Miss Universe. Ibinahagi rin ni Ina sa Instagram ang larawan niya noong sumali siya sa isang beauty pageant nang 16-anyos pa lamang siya. Kuwento ni Ina, mas gusto pa raw ni Erika ang unang pangarap niya para sa anak - ang maging next "Sabado Nights Girl" - kumpara sa pagiging beauty queen. Si Ina ay naging popular nang lumabas siya sa isang beer advertisement na may pamagat na "Sabado Nights" noong 1990's. Mula noon ay tumatak na sa kanya ang bansag na "Sabado Nights Girl." Dagdag pa ng aktres, mahilig raw kumanta si Erika at maganda ang boses. "But she likes to sing. She has a nice voice," sabi pa ng celebrity mom. Malay natin...baka magbago pa ang ihip ng hangin at maging beauty rin sa future si Erika. +Ilang linggo bago ang pagbaba sa puwesto ni Gloria Macapagal Arroyo bilang House Speaker ay ginawan siya ng tribute video kung saan pinuri ng kaniyang mga kaalyado at mga kaibigan ang mga nagawa niya sa maikling panahon ng kaniyang pamumuno sa Kongreso. Ang tribute video ay naka-post sa Facebook account ni Arroyo kung saan nagbigay ng maiikling pahayag sina Rep. Florida Robes (Lone District, San Jose del Monte), Rep. Sharon Garin (AAMBIS-OWA Party-list), at Rep. Fredenil Castro (2nd District, Capiz) ukol sa pamumuno ni Arroyo bilang House Speaker. Kinilala nila ang pagsuporta ni Arroyo sa Administrasyong Duterte kaya umano naging epektibo rin ang kaniyang pamumuno sa Kamara. Kinilala rin ang impact ng performance ng dating pangulo sa iba pang mga mambabatas. Ayon kay Robes, ang kasipagan na ipinamalas ni Arroyo sa Kongreso ay nagsilbing inspirasyon sa mga mambabatas para lalo pang pagbutihan ang pagtatrabaho at paglilingkod sa bayan. Dagdag pa niya, kahit binabatikos ng ilan ay marami pa rin ang nakauunawa sa dating pangulo. Kapag may mga pending na trabaho, tinitiyak umano raw ni Arroyo na mababalikan ito at mapag-aaralan kung makabubuti sa mga maralitang Pilipino. Ayon naman kay Garin, alam na umano ni Arroyo ang gagawin nito sa tuwing darating sa Kongreso kaya talagang mag-eeffort ang mga mambabatas na mag-aral ding mabuti bago pumunta sa mga hearing. Sinabi naman ni Castro, na ayaw niyang isipin na pamamaalam iyon para sa itinuturing niyang "a leader and a mother." Bukod sa pagiging unang babaeng speaker ng Kongreso, si Arroyo ay naging pangulo, pangalawang pangulo, at senador na rin. Ilan sa mga naipasa niyang batas sa Kongreso ay "Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region," "Act Liberalizing the Importation, Exportation and Trading of Rice," at "Universal Health Care Act." Bababa ng puwesto si Arroyo sa Hunyo 30 na magsisilbi na rin na pagreretiro niya sa politika. Samantala, ang bagong House Speaker naman ay pagbobotohan sa Hulyo 22. +Nangunguna pa rin sa pinakamayayamang senador sina Cynthia Villar at Manny "Pacman" Pacquaio, batay sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN ng mga senador noong 2018 na inilabas sa media nitong Lunes, Mayo 27, 2019. Si re-elected senator Cynthia Villar, asawa ng bilyonaryo at dating senador na si Manny Villar, ay may kabuuang net worth na 3.7 bilyong piso. Pumangalawa naman ang "Pambansang Kamao" na si Senador Manny "Pacman" Pacquiao na may 3 bilyong piso. Sumusunod sa kanila sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto (Php 555,324,479.82), Senate Majority Leader Migz Zubiri (Php 182,851,570.34), Sonny Angara (Php 135,840,710), JV Ejercito (Php 132,820,345.73), Senate Minority Leader Franklin Drilon (Php 97,726,758), at Win Gatchalian (Php 96,210,607.14). Sumunod kay Gatchalian si re-elected Senator Grace Poe (Php 93,039,921.54), Dick Gordon (Php 71,285,178.56), Senate President Tito Sotto (Php 70,120,700.30), re-elected Senator Nancy Binay (Php 60,132,461), Loren Legarda (Php 56,290,602.11), Bam Aquino (Php 45,205,138.25), at Ping Lacson (Php 42,442,341). Sumunod kay Lacson sina re-elected Senator Koko Pimentel (Php 28,662,212), Joel Villanueva (Php 26,921,555), Gringo Honasan (Php 25,882,099), Kiko Pangilinan (Php 16,695,048.17), Risa Hontiveros (Php 15,627,176.04), Chiz Escudero (Php 10,575,228), Leila de Lima (Php 7,706,392.45), at Antonio Trillanes IV (Php 7,533,012.10). Lumobo naman ng 53. 9 milyong piso ang net worth ni JV Ejercito mula sa 78. 9 milyong piso noong 2017. Ipinaliwanag ni Ejercito, na sinawimpalad na matalo sa nakaraang halalan, na lumaki ang kanyang net worth dahil sa mga donasyon at pamana sa kanya at sa kanyang asawa tatlong taon na ang nakalilipas. Aniya, huwag naman na sanang "pag-initan" pa ang dagdag na 50 milyon sa kanyang net worth dahil mas malaki pa umano ang kanyang utang sa bangko. "Pag-initan pa ba ang 50-million pesos inheritance? Ang laki naman! Mas malaki utang ko sa bangko!" Bukod kay Ejercito, lumaki rin ang net worth nina Koko Pimentel, Chiz Escudero, at iba pang 16 na senador. Sa kabilang banda, nabawasan naman ang net worths nina Risa Hontiveros, Leila De Lima, at Nancy Binay na muling naihalal bilang senador. +Inspirasyon para sa mga katutubong pangkat sa Pilipinas ang pagkakapanalo ng isang tribal leader ng mga katutubong Palaw'an sa Rizal, Palawan. Ayon sa report ng Inquirer, ang 77-taong gulang na si Otol Odi ang iprinoklama bilang bagong mayor sa Rizal, Palawan matapos makakuha ng 8,575 boto, habang ang kaniyang pinakamalapit na katunggali na si Cesar Magsaysay ay nakakuha ng 4,814 boto. Si Tatay Odi ay isinilang at lumaki sa bayan ng Rizal. Bagama't hindi nakapag-aral sa high school, edukasyon ang pangunahin niyang isinusulong. Naniniwala siya na ang edukasyon ang makatutulong sa kaniyang mga kapuwa katutubo upang umunlad ang kanilang kabuhayan. "Ito lang ang aming paraan upang umunlad ang aming buhay, ang edukasyon," isa sa mga pahayag ng bagong mayor. Hindi tulad umano sa kaniyang mga katunggali na gumastos sa kampanya, si Tatay Odi ay umasa lamang sa suporta ng iba pang tribal leaders sa kanilang bayan. Sinuportahan din siya ng mga katutubong Palaw'an at Tau't Bato sa kaniyang kampanya. Ayon sa Palawan News, si Tatay Odi ay mayroon na ring 20-taong karanasan sa pagiging kapitan ng Barangay Punta Baja. Hindi pa umano ito natatalo sa tuwing tatakbo bilang kapitan o kagawad ng kanilang barangay dahil napangalagaan nito ang kaniyang malinis na pangalan. "Kung walang lalaban, paano na ang aming bayan? Hindi ko kayang tingnan na dayuhan ang mamumuno sa amin at ang mga katutubo ay walang nagagawa habang ang kanilang lupa ay nakukuha na ng ibang tao at malalaking negosyante," paninindigan ni Tatay Odi. Si Tatay Odi ay simbolo na may pag-asa ang politika sa Pilipinas. Papalitan niya sa puwesto ang incumbent municipal mayor na si Norman Ong. Ang Bayan ng Rizal sa Palawan ay may 11 barangay. Ayon sa Census 2015, ang populasyon nito ay umaabot sa 50,096 katao. Kilala ang bayan sa mga katutubong Tau't Bato na naninirahan sa mga kuweba. +Nag-viral ang ilan sa mga video clips ng isa sa mga iginagalang na news anchors sa bansa na si Mike Enriquez nang magpahayag ito ng mga pansariling opinyon hinggil sa naganap na eleksiyon noong Mayo 13. Tila nasilbing boses ng taumbayan ang mga naging pahayag ni Enriquez habang nagbabalita sa special election coverage ng GMA 7. "Lahat ng mga nanalo, nawa ay ma-interview natin. Gusto ko silang singilin. Ano'ng maaasahan namin sa inyo ngayon?" pahayag ni Enriquez na patungkol sa mga nanalong kandidato, partikular sa mga nangungunang senatorial bets. Tumugon naman dito ang dalawang co-anchors na sina Mel Tiangco at Jessica Soho. Nagtanong kung bakit ang aga yatang maningil ni Enriquez. Anila, bigyan muna ng panahon ang mga kandidato para ma-enjoy ang kanilang pagkapanalo. "Ah, ganon? Tama kayo. (Pero) 'Yung mga nagugut0m, mga walang tirahan, at walang panggamot kapag may sakit, subukan mong sabihin na 'kaunting panahon pa, ha?' Tiis-tiis lang," sagot ni Enriquez. Dapat din daw na habang umuusad ang kanilang termino ay nakikita ng taumbayan kung ano ang mga nagawa ng mga nanalo sa eleksiyon versus sa kung ano ang mga naipangako nila habang nangangampanya. "Lahat 'yan ay mga nangako. Kung kalahati lang sa pangako ng mga kandidato ay magkatotoo--kalahati lang, hindi siyento por siyento--aba, napakagandang lugar nitong Pilipinas," dagdag pa ni Enriquez. Umani ng mga positibong komento ang mga naging pahayag ni Enriquez. Halimbawa na sa Twitter kung saan sinabi ni Gabriela DC ang: "And I'm lovin' it! Journalist/Anchors should be like that so that the viewers will get educated." Nagpasalamat naman si Aida A at sinabing: "Thank you for your audacity in giving voice to the silent and the defenseless who have no pulpit to express themselves and be heard." "Isa ka sa mga tunay na journalist! Para sa bayan!" komento naman ni Zarey Z. +Malaking palaisipan kung ano na ang nangyari sa P1.5 billion allocated budget para baguhin at gawing world-class ang Manila Zoo. Ayon sa report ng Manila Times, noong 2014 ay may nilagdaan umanong joint venture agreement ang Manila City Hall--na kinatawan ni Mayor Joseph Estrada--at ng Metropolitan Zoo and Botanical Park, Inc. Ang joint venture agreement ay nagsasaad ng mga plano kung paano gagawing modernisado ang 60-year-old Manila Zoo gamit ang P1.5 billion budget. Batay umano sa mga nakalap na dokumento ng Manila Times, noon pang 2016 inaasahang matatapos ang planong pagmomordenisado ng Manila Zoo. Gayunman, hindi ito natuloy dahil sa mga di-umanong 'questionable provisions.' Ang Metropolitan Zoo and Botanical Park Inc. ang inatasan upang baguhin ang disenyo at muling pasiglahin ang Manila Zoo. Ito rin ang inatasan upang pangasiwaan ang pangarap na world-class zoo. Ayon pa sa report, sinubukan umano ng Manila Times na kunan ng pahayag ang Metropolitan Zoo and Botanical Park, Inc. ngunit walang available representative na maaaring magbigay ng paliwanag. Sinubukan din umano nilang hingan ng panig ang mga opisyal ng Manila City Hall ngunit hindi sila nagpaunlak ng sagot. Anila, ang isyu ay ia-address ni Mayor Estrada matapos ang May 13 election. Samantala, ayon naman sa report ng Inquirer noong 2015, bagama't bago pa lamang at walang kahit anong experience sa pagtatayo o pag-ooperate ng zoo ay pinili ni Estrada ang Metropolitan Zoo and Botanical Park, Inc. upang gawing modernisado ang Manila Zoo. Ang planong ito sana ang first major rehabilitation na isasagawa sa Manila Zoo mula nang una itong buksan sa publiko noong 1959. Noon pang 2013 nagsimula ang mga diskusyon hinggil sa rehabilitasyon ng Manila Zoo na may sukat na 5.5 ektarya. Samantala, noong Enero 21, 2019 ay temporaryong ipinasara ng Manila City Hall ang Manila Zoo dahil ito ang inirekomenda ng Office of the City Administrator at ng Department of Engineering and Public Works (DEPW). Ang pagsasara nito ay may kaugnayan sa Manila Bay rehabilitation matapos maturingan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na major pollutant ang Manila Zoo dahil na rin sa kakulangan nito ng Sewage Treatment Plant. +Isang natatanging pagkilala ang iginawad kay Senate President Vicente Sotto III. Ayon sa ulat ng PhilStar, si Sotto ay nakatanggap ng Doctorate Degree in Public Administration (honoris causa) sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Nagtapos din ang kanyang media officer na si Michael Caber ng Masters Degree in Communication sa parehong unibersidad. Alinsunod sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order No. 19, Series of 2014, ang honorary degree (honoris causa sa Latin) ay iginagawad sa isang indibidwal kahit hindi alumnus ng institusyon na nag-alok ng pagkilala. Ang honoris causa ay igingawad sa isang indibidwal na may natatanging kontribusyon sa kanyang larangan. "The honorary doctorate degree shall be awarded in recognition of an individual's meritorious contributions to the advancement of a field in a particular discipline, through exemplary accomplishments in instruction, research, and practice, and his personal humanitarian accomplishments and contribution to the institution and society, rather than as a result of academic matriculation and study," ayon sa memorandum. Nitong Marso ay ginawaran din si Senador Panfilo "Ping" Lacson ng parehong pagkilala sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Taong 2018 naman nang gawaran si Senador Loren Legarda ng honorary degree of Doctor of Laws, Honoris Causa ng University of the Philippines (UP). Ang Doctor of Laws honorary degree ay iginagawad sa public servants at abogado na may natatanging ambag sa international understanding, pamumuno, at rule of law. Matatandaang naging kontrobersyal ang paggawad ng honorary degree o honoris causa sa aktor na si Daniel Matsunaga dahil hindi rehistrado ang unibersidad na naggawad nito. Isang taon naman makaraang maluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto ay inalok siya ng UP ng prestihiyosong pagkilala ngunit tinanggihan ito ni Duterte. Bago nito, tinanggihan na rin nina dating Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada ang paggawad sa kanila ng honoris causa. +Limang araw na hindi nagparamdam sa taumbayan si Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo na lalong binatikos dahil sa larawang ipinadala ng pangulo kay Department of Tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat noong Mayo 4. Sa larawang ipinadala ni Puyat sa media, makikita ang pangulo na nanonood ng pelikulang Unchained Django sa Netflix katabi ang mga kopya ng mga pangunahing broadsheets sa Pilipinas. Ang larawan ay ipinadala kay Puyat sa pamamagitan ng Viber. Ayon sa report ng PhilStar, si Puyat ay nakatanggap ng tawag mula sa pangulo habang nasa kalagitnaan ng isang interview. Tinanong naman ng kalihim ang pangulo dahil limang araw itong hindi nagparamdam sa taumbayan. Ang sagot umano ng pangulo ay: "Bakit, Sabado naman. Masama ba ang manood ng Netflix?" Pagkatapos, agad na ipinadala ang kaniyang larawan sa pamamagitan ng Viber. Ang ilang araw na absence ni Duterte sa Malacanang ay nag-iwan ng mga palaisipan kung ano ang ginagawa ng pangulo matapos ang pagbabalik nito mula sa Beijing, China. Ayon naman sa report ng ABS-CBN, habang ang mga gabinete ng pangulo at ang mga opisyal ng Central Bank ay nakikipagtipon sa Nadi, Figi para sa taunang Asian Development Bank (ADB) meeting, si Duterte ay nakikibalita lang mula sa bahay nito sa Davao. "He was following up on my meeting with the Civil Aeronautics Board (CAB) regarding the carrying capacity of Boracay. He just wants to ensure that his directive was followed," paliwanag ni Puyat sa isang panayam. Sa kabila nito, tiniyak naman ni presidential spokesperson Salvador Panelo na abala ang pangulo sa mga paperworks na kailangan nitong harapin. Samantala, binatikos naman ng grupong Gabriela ang limang araw na 'pagpepetiks' umano ng pangulo. "Anong klaseng presidente itong limang araw na nakapahinga at papetiks-petiks habang ang taumbayan ay 'di magkandaugaga sa pagtaas ng singil sa kuryente, kawalan ng regular na suplay ng tubig, nagtataasang presyo ng bilihin, at iba pang atake sa kabuhayan?," pahayag ni Gabriela secretary general Joms Salvador na mababasa sa GMA News. +Noong Abril 5 ay nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11259 o ang batas na layuning hatiin ang Palawan sa tatlong lalawigan: Palawan del Norte, Palawan del Sur, at Palawan Oriental. Gayunman, dadaan pa ito sa plesibito o botohan ng mga mamamayan upang malaman kung pasado ba ito sa mga Palaweno. Nakatakdang ganapin ang botohan sa Mayo 11, 2020. Si Palawan Governor Jose Chavez Alvarez ang isa sa mga nagsulong ng RA 11259. Naninindigan siyang higit na mapabibilis ang pag-unlad sa lalawigan dahil ang mga mamumuno ay tutuon na lamang sa mas maliliit na teritoryo na paglalaanan ng malalaking budget. Sa ilalim ng RA 11259, hindi pinapayagang tumakbo bilang reelectionist si Gov. Alvarez. Kapag kasi naging positibo ang tugon ng mga Palaweno sa isasagawang plebisito sa 2020 ay magkakaroon ng botohan ng mga opisyal sa Mayo 9, 2022. Kung may mga tagasuporta ang RA 11259, may mga tutol rin sa tuluyang pagkakahati ng lalawigan. Kabilang na rito ang grupong Save Palawan Movement na naninindigang hindi ito ang kagustuhan ng mga Palaweno. Ayon kay Cynthia Sumagaysay-del Rosario, chief social media campaigner ng grupo, ang RA 11259 ay hindi solusyon sa mahinang pamamahala, kor4psiyon, at pang-a4buso sa mga likas na yaman na kasalukuyang nangyayari sa Palawan. Karamihan diumano sa mga tagasuporta ng bagong batas ay mga lokal na opisyal ng lalawigan. Katunayan, isinulong ito sa Kongreso ng tatlong mambabatas mula sa Palawan noong 2016. May mga komento rin ang ilang netizen na mababasa sa Save Palawan Movement-SPM Facebook page. Ayon kay Z Pailaya, "Wala man lang silang public consultation. Basta na lang silang nagdesisyon. Sana ay may magawa pa." Tanong naman ni D Tugas, "Apart from enriching more local officials, ano pa ang ibang benefits nito?" Pahayag naman ni E Orejas, "So when we go to Palawan, we will pay three environmental and other fees. It will only discourage the local tourists." Hindi naman nawalan ng pag-asa si J Seastres at sinabing, "There is still hope. Vote in the 2020 plebiscite against this law." Ipinagkibit-balikat naman ni Alvarez ang mga pahayag na mga politiko ang makikinabang sa pagkakahati ng Palawan. Samantala, isinusulong din ng mga lokal na pamahalaan ng Palawan ang paghiwalay ng lalawigan sa Mimapora Region o Region IV-B. Nais nilang magkaroon ng sariling regional center upang hindi na sila dumayo pa sa Calapan, Mindoro na sentro ng rehiyon. +Nitong Huwebes, Abril 11, inilabas ng Pulse Asia Research, Inc. ang resulta ng latest nilang survey para sa senatorial election. Pawang mga reelectionists ang top 3 sa kanilang listahan. Ayon sa resulta ng survey na isinagawa noong Marso 23 hanggang Marso 27, 2019 ay nangunguna sa listahan si Grace Poe na nakakuha ng 72. 6 percent voter preference. Sunod naman si Cynthia Villar na may 63.7 percent at pangatlo si Sonny Angara na may 58.5 percent. Tatlo naman sa mga pambato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakapasok sa Top 12: sina Bong Go, Bato Dela Rosa, at Francis Tolentino na tumatakbo sa ilalim ng PDP-Laban. Nasa 1,800 katao na may gulang 18 pataas ang respondents sa survey. Kung pagbabatayan ang mga komento sa Pulse Asia Facebook post, marami ang natutuwa sa pagiging number 1 ni Poe. Ayon sa komento ng Facebook user na si L Chu, "Sobrang deserve mo yan, karapat-dapat ka talaga sa pwestong yan dahil sa 'yong sipag at tiyaga na maglingkod sa mamamayan." Tinutukoy niya si Poe. "Consistent pa rin talaga si Senator Poe! No doubt! She will be the no. 1 senator after election!," komento naman ni D Cruz. "Be 'Grace Poe' in this world full of inconsistencies," sabi ni C Lovero. May mga negatibong komento naman hinggil sa pagiging no.1 ni Poe. "Kunwari totoong survey...para lang ipasok si Grace Poe!!!" komento ni A Bulls. "Conflict of interest si PoeLse este Poe kasi correct me if I'm wrong kamag-anak niya may-ari o presidente ng Pulse Asia..." komento ni M Lamponi. May gumamit din ng #TraPoe. Gayunman, may mga tumutul1gsa rin mismo sa survey at sinabing ito ay mind conditioning lamang. May kumuwestiyon din kung bakit walang Facebook survey ang Pulse Asia. May nagrekomenda pa nga na gawin ang survey sa Facebook. "Sa FB kayo magsurvey para makasali naman kami dito sa HK at iba pang lugar sa labas ng Pinas. (Para) medyo makatotohanan ang resulta, 'di ba?" komento ni R Rick. Samantala, sa isang press release ay nagpasalamat si Poe sa mga patuloy na sumusuporta sa kaniya. "Taos-puso ang ating pasasalamat sa patuloy na tiwala ng ating mga kababayan. Ang kampanyang ito ay para sa kanila," pahayag ni Poe. +Nagpahayag ng pagtutol ang mga mambabatas mula sa Bicol Region ukol sa provincial bus ban sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) na nais ipatupad ng Metro Manila Development Authority's (MMDA). Ayon sa report ng Philippine News Agency (PNA), nagsasagawa na ng mga hakbang ang mga kongresista mula sa Albay na sina Rep. Fernando Gonzalez (3rd District), Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, Jr. (Ako Bicol party-list), at Rep. Joey Salceda (2nd District) upang salungatin ang plano ng MMDA. Matatandaan na noong Pebrero ay inianunsiyo ng MMDA na sa Abril ipatutupad ang provincial bus ban sa EDSA. Gayunman, ito ay nausod ng Hunyo. Ang MMDA ay may inilaang terminal sa Valenzuela City kung saan maaaring bumaba ang mga pasahero galing north. Mula roon ay maaari silang sumakay ng bus na pa-Metro Manila ang destinasyon. Ang mga pasaherong magmumula naman sa south ay nasa Santa Rosa, Laguna ang terminal. Sinabi rin ng MMDA na planong ipasara din ang mga provincial bus terminals sa EDSA. Babakuran din ang EDSA maliban sa mga inilaang loading at unloading areas. Para kina Salcedo, Gonzalez, at Garbin, tungkulin ng pamahalaan na mag-adopt ng isang public transportaion system na mahusay, epektibo, at abot-kaya. Iminungkahi nila na ang mga bus, train, at iba pang anyo ng transportasyon ay kailangang manduhan at ioperate ng gobyerno. Ayon sa panayam ng PNA, sinabi ni Garbin na kaya umabot sa milyon ang bilang ng mga pribadong sasakyan na bumibiyahe sa EDSA ay dahil walang public transport na pinamamahalaan ng gobyerno. Sinabi naman ni Salceda, hindi umano sagot ang provincial bus ban sa matinding trapiko sa Metro Manila. Magiging sanhi lamang ito ng matinding gambala at dagdag na gastusin sa mga commuters, lalo na sa mga manggagaling sa malalayong probinsiya. Dagdag pa ni Salcedo, may 2.8 milyong kotse sa NCR versus sa 4,000 provincial buses. Kaya tanong niya: "Sino kaya nagpapa-traffic?" Tinatayang nasa 1,500 na mga bus ang bumibiyahe pa-Metro Manila na mula sa South Luzon at 2,500 mula sa North Luzon. Sa mga bus na bumibiyahe mula south, 236 ay galing sa Albay. Samantala, nakipagdiskusyon din si Gonzalez ukol sa isyu kay Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, na naghain din ng resolusyon na hangga't hindi pa nakapaglulunsad ng hearing ukol sa isyung ay huwag munang ilunsad ang nasabing bus ban. Dagdag pa ni Gonzalez, ang bus ban ay hindi katanggap-tanggap at makapagdudulot lamang ng kaguluhan o pagpapahirap sa mga Bikolanong sumasakay ng bus pa-Maynila at sa mga mamamayang mula sa Visayas at Mindanao. Samantala, nagpahayag din suporta si Albay Rep. Edcel Lagman (1st District) sa mga kapuwa niya mambabatas. Binigyang-diin niya na hindi mga provincial bus, lalo na mula Bicol region, ang nagdudulot ng matinding trapiko sa EDSA. Aniya, ang mga bus mula sa probinsiya ay kadalasang dumadating sa Metro Manila nang mas maaga bago ang trapiko sa umaga at umaalis naman sa gabi kapag medyo nawawala na ang trapiko. +Ipinahayag ni Communications Secretary Martin Andanar na kuwalipikado ang broadcast journalist na si Erwin Tulfo na maging press secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte. Binanggit niya ito sa inagurasyon ng bagong gawang tanggapan ng Presidential Broadcast Staff-Radio-Television Malacanang (PBS-RTVM). Ayon sa report ng Inquirer, nakikita umano ni Andanar ang kapasidad ni Tulfo na pangunahan ang isang tanggapan ng gobyerno tulad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Binigyang-diin din niya ang ilang dekadang karanasan ni Tulfo sa larangan ng media. Binanggit din ni Andanar na nagsimula si Tulfo sa print media bago naging news anchor sa radyo at sa telebisyon. Kahit saan umano ito magpuntang estasyon--ABS-CBN tungong TV5--at maging sa gobyerno ay nakapagtatag na umano si Tulfo ng tiwala ng maraming Pilipino. Isa sa mga patunay na maraming supporters si Tulfo ay ang mahigit sa 1.6 milyong followers ng kaniyang official Facebook page. Sa kabila naman ng naging pahayag, nilinaw ni Andanar na kahit nais niya si Tulfo na maging kasunod niyang press secretary ay wala umanong bagong offer sa kaniya ang pangulo. Gayunman, kung sakali mang may bagong i-offer ay buong puso niya itong tatanggapin. "The President has not talked to me about moving to another department or any agency. We all work at the pleasure of the President," dagdag pa ni Andanar. Ayon pa sa report, nabanggit na noon ni Pangulong Duterte na si Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang nais niyang maging press secretary, at si Andanar bilang consultant. Samantala, may mga espekulasyon na papalitan ni Andanar si Francis Tolentino bilang Presidential Adviser ng pangulo para sa political affairs. Lalo itong umugong dahil nanalong senador si Tolentino nitong midterm election. Malaki umano ang naitulong ng presensiya ni Andanar sa kasagsagan ng pangangampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan para sa midterm election. Dinepensahan noon ng pangulo ang pagiging aktibo ni Andanar sa pagsuporta nito sa kampanya ng kaniyang partido. +Tahasang sinabi ng bagong halal na si Quezon City Mayor Joy Belmonte na maaari nang tumira sa "maunlad" na Makati ang mga residente ng QC na nagrereklamo at nagkukumpara sa mga libreng school supplies na ipinamimigay sa mga mag-aaral, batay sa kanyang Facebook post noong Mayo 23, 2019. "Sa mga nagrereklamo na bakit walang shoes, bota, rubber shoes, PE uniform, school uniform, kapote at allowance, sa Makati nalang po kayo tumira. These are all provided for there. Mas malaki po ang kanilang pondo at kakaunti lang po ang mamamayan nila." Ipinaliwanag niya na kumpara sa Quezon City, mas maliit ang populasyon ng mga residente sa Makati. Suliranin din ang "informal settlers" na aabot sa 250, 000 pamilya. "500,000 lang po ang tao sa Makati at napakaliit lang nito kumpara sa QC. Kaunti rin ang mga seniors at ISFs kaya mas malaki ang nailalaan sa bawat sektor. Sa QC po 3.2 million ang taumbayan at tayo po ay 6 times bigger than Makati. We also have about 250, 000 informal settler families and housing is a big problem in QC but not as big in Makati." Ipinagdiinan din niya na kauupo pa lamang niya bilang alkalde, at ang budget ay nasa kontrol pa rin ng dating mayor na si Herbert Bautista. Payo niya, lumapit daw ang mga nagrereklamong residente kay Bistek dahil nasa kanya pa ang kontrol sa pondo ng bayan. "Ang pondo po ng lungsod na sinasabi ninyong napakalaki ay kontrolado po ng ating alkalde na si Mayor Herbert Bautista. Sa kanya po kayo mag-request ng school supplies para sa lahat ng bata sa QC." At bilang bagong mayor ng QC, ipinangako niyang gagawin ang lahat ng mga paraan upang maibigay ang hinihinging libreng school supplies ng lahat ng bata sa naturang lungsod. "Next year po, kakayanin ko na pong gawan ng paraan ang school supplies para sa lahat ng school children dahil tayo na po ang gagawa ng mga programa para sa lungsod." Si Joy Belmonte ay dating Vice Mayor ng Quezon City. Bago magpasukan, pinangunahan ni Mayor Belmonte ang pamimigay ng mga libreng school supplies sa ilang piling mga mag-aaral at paaralan sa Quezon City, na makikita sa kanyang official Facebook page. +Sa total votes na 14,624,445 ay muling nakabalik sa senado si Ramon "Bong" Revilla, Jr. na pang-11 sa pinal at opisyal na resulta ng senate election. Gayunman, lalo lamang umigting ang mga negatibong komento hinggil sa kaniyang pagkapanalo. "Ang pagbabalik ni Kardong Kupit," "Acquitted but asked to return millions," at "Excited na ulit mag-budots" ay ilan lamang sa mga komento ukol sa pagkakapanalo ni Bong. Sa lahat ng akusasyon kay Bong, ang pinakanasasaktan umano ay ang maybahay at ang Bacoor mayor na si Lani Revilla. Mula nang makulong ang senador noong 2014, hindi nawawalan ng pag-asa si Lani na mapawawalang-sala ang kaniyang asawa. Sa isang artikulo ng Pep, nagpahayag ng saloobin si Lani ukol sa mga masasakit na pananalita laban kay Bong; maging sa pagtawag na "b0bo" sa mga bumoto sa kaniyang mister. Napapagod na umano sa isyu si Lani at pakiramdam niya ay nahahati ang bansa dahil sa mga akusasyon. "Kasi nakakapagod na rin. Feeling mo na the country was so divided. Parang naaawa ako sa mga tao na bumoto kay Sen. Bong at sinasabing bobo sila," pahayag ni Lani. Hindi rin umano patas na minamaliit ang mga bumoto sa kaniyang mister. "Parang, it's so unfair, kasi may mga tao na maliit... 'yung mga magsasaka na bumoto kay Bong. Meron ding nakakaangat, especially 'yung members ng mga religious sector na sumuporta sa kanya," dagdag pa ni Lani. Marami ring artista ang nagpahayag ng pagkadismaya sa naging resulta ng eleksiyon. Gayunman, sinabi ni Lani na maaaring ang mga artistang iyon ay hindi nagkaroon ng direktang ugnayan kay Bong o kung nakatrabaho man ay hindi umano niya alam kung may nagawang mali sa kanila ang actor-politician. "Kasi ang alam ko, lahat na nakakasama ni Bong, wala namang masamang komento sa kanya, kung mayroon man, tao lang naman si Senator Bong, but not to the point na tawagin mong magnanakaw o masamang tao," paliwanag ng maybahay. Tiniyak naman ni Lani na hindi mapapahiya ang mga bumoto sa kaniyang asawa dahil susuklian ito ni Senador Revilla ng tapat na paninilbihan. Hiniling din ni Lani na bigyan sana ng second chance ang asawa. +Ipinagdiinan ni dating senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. na magtatrabaho siya nang husto at hindi sasayaw ng "budots" sa Senado; bagay na binabatikos sa kanya ng mga kritiko. Ayon sa panayam kay Revilla ng AM radio station na DWIZ noong Sabado, Mayo 18, 2019, sinabi niyang magpe-perform siya sa Senado, hindi ng "budots", kundi ng serbisyo-publiko para sa mga mamamayang muling nagtiwala sa kanyang kakayahan, sa kabila ng mga pambabatikos na kanyang natatamo sa social media, at pagkakaugnay niya sa multi-billion pork barrel scam. "Well you know, kung paano ako magtrabaho, kung anuman ang komite nating mahawakan, tayo ay magsisilbi sa bayan," paliwanag ni Revilla. Matatandaang ang naging campaign advertisement ni Revilla sa telebisyon ay ang pagsayaw niya ng "budots" na umani ng katakot-takot na kritisismo. Biro pa niya, handa niyang turuan ng budots ang kanyang mga kritiko upang maibsan ang tensyon sa mga ito at huwag maging masyadong seryoso sa buhay. Naging mahigpit ang labanan sa pagitan ng ika-10 hanggang ika-12 pwesto sa pagka-senador, lalo't urong-sulong si senatorial candidate Bam Aquino sa ika-13 pwesto sa pagpasok sa Magic 12. Si Bong Revilla ay anak ng dating senador at aktor na si Ramon Revilla, Sr. Unang naging senador si Bong Revilla noong 2004 bilang successor ng kanyang ama. Muli siyang tumakbo at nanguna sa senatorial race noong 2010. Noong 2014, nadawit ang kanyang pangalan kay "Janet Lim Napoles", dahil sa usapin ng pork barrel scam at inakusahan ng pandarambong, kasama sina dating senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada. Noong 2018, siya ay pinawalang-sala sa kasong ito subalit ipinasasauli sa pamahalaan ang 124.5 milyong piso dahil sa civil liability. Bilang artista, si Revilla ay nakilala sa pagbida sa iba't ibang mga programang pantelebisyon at pelikula tulad ng "Ang Panday", "Agimat", at marami pang iba. +Sa modernisasyon ng teknolohiya sa kasalukuya, halos wala na ngang imposible sa mundong ito. Nagsulputan ang iba't ibang mga applications o apps upang magawa ang mga bagay na nagdudulot ng kaginhawahan at katuwaan sa mga taong gumagamit nito. Nagsulputan din ang iba't ibang mga editing at face enhancement apps. Dahil sa naging patok na "senatoriable kids" na ginawa ng netizen na si Nonoy Arendain noong Mayo 14, 2019 na nagpapakita ng mga baby face na larawan ng mga senatorial candidates sa nakalipas na halalan, muling gumawa ng mga larawan ang netizen "due to insistent public demand". Ngayon naman, sina Pangulong Rodrigo Duterte, VP Leni Robredo, at iba pang mga opisyal at sikat na personalidad sa pamahalaan ang ginawan niya ng Snapchat photos. Ginawan din niya ng Snapchat photos ang mga dating pangulo at ikalawang pangulo ng Pilipinas na sina Gloria Macapagal-Arroyo, Joseph "Erap" Estrada, Benigno "Noynoy" Aquino III, at Jejomar Binay. Nariyan din ang mga dati at kasalukuyang senador na sina Miriam Defensor-Santiago, Manny Pacquiao, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes III, De Lima, Dick Gordon, Ping Lacson, Franklin Drilon, Miguel Zubiri, Win Gatchalian, Tito Sotto, Ralph Recto, Gringo Honasan, Bongbong Marcos, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, at Joel Villanueva. Nariyan din ang dati at kasalukuyang presidential spokesperson na sina Harry Roque at Sal Panelo gayundin ang dating PCOO Secretary na si Mocha Uson. Umeksena rin ang dating mga kalihim ng iba't ibang kagawaran gaya nina Lourdes Sereno, Vit Aguirre, at Martin Andanar. Ginawan din ng larawan si Mayor Sarah Duterte. Pati ang ilang mga sikat na mediamen at showbiz personalities na sina Sass Sasot, Maria Ressa, Jover Laurio, Ellen Tordesillas, Jim Paredes, at Erwin Tulfo. Umani naman ito ng nakaaaliw na reaksyon mula sa mga netizen. "Paano po gamitin ang Snapchat? Ang cute-cute nila! Ang sarap pisilin sa pisngi ng mga ito, kahit minsan may mga nakakainis sa kanila hahaha." I-click ang larawan sa ibaba upang makita ang lahat ng mga larawan: +Naging kasing init ng summer ang labanan ng dalawang mayoral candidate sa Araceli, Palawan nang magtabla ang nakuha nilang boto sa katatapos lamang na midterm election. Dahil pantay ang botong naitala ng election officers, isang best of three toss coin ang nagpasya kung sino sa dating mayor na si Sue Cudilla at re-electionist na si Noel Beronio ang magiging bagong alkalde ng kanilang bayan. Sa pangunguna ng election officer na si Emil Alili, ginawa ang tie breaker toss coin gamit ang pisong barya na siyang dinaluhan ng mga representative at poll watches ng magkabilang Partido. Hindi nakadalo si Beronio kaya naman ang kapatid niya ang nagsilbi niyang representative at kinailangang pumirma ng waiver bago isagawa ang toss coin. Sa huli, napagwagian ng dating alkalde na si Cudilla ang toss coin at muling uupo bilang lider ng Araceli. Nakakuha sina Cudilla at Beronio ng tig-3,495 na boto sa 7,238 balota mula sa nakaraang May 13 elections. Ayon sa Section 240 ng Omnibus Election Code, kung sakaling magkakaroon ng tabla sa pagitan ng dalawang kandidato, pinahihintulutan nito ang mga election officers na magsagawa ng draw lots upang malaman kung sino ang uupo sa puwesto. Gayunman, matapos maiproklama ang nanalo sa pamamagitan ng draw lots, maaari pa rin namang magsampa ng reklamo ang natalong kandidato. Mayo 16 ng gabi nang matapos ang bilangan sa Araceli at ginanap ang toss coin kinabukasan ng hapon. Hindi ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng eleksyon sa bansa na toss coin ang naging batayan upang magkaroon ng elected official ang isang lalawigan. Noong 2016 elections, isang best of five toss coin naman ang isinagawa upang maiproklama ang mayor ng Bocaue, Bulacan. Napagwagian ito ni Joni Villanueva laban kay Jim Valerio na parehong nagtala ng tig-16, 694 na boto. +Sinabi ni Senador Manny "Pacman"Pacquiao nitong Huwebes, Mayo 16, 2019, na handa siyang tulungan at gabayan ang dating hepe ng pulisya na si Ronald "Bato" dela Rosa, na batay sa unofficial at partial results ng halalan ay posibleng mapabilang at makasama niya sa senado. Sa kauna-unahang press conference ng PDP-Laban matapos ang halalan, ipinagtanggol ni Pacman si Bato laban sa mga kritiko nito. Ani Pacman: "Hindi naman sinabi natin walang alam si Bato. May alam siya pero ang ibig siguro niyang sabihin 'yung proseso ng Senado, 'yung rules ng Senate." Handa umano siyang ibahagi ang kanyang nalalaman kay Bato, lalo't naranasan na rin niya ang mabatikos at makuwestyon ang kredibilidad sa pagiging senador. "Kung mag-ask sila about sa alam ko sa proseso sa senado, kung ano ang alam kong mai-share ko sa kanila. July pa naman sila mag-start, pwede pa silang mag-aral ng isang linggo, dalawang linggo." Sa panayam na isinagawa ng CNN Philippines noong Martes, Mayo 14, 2019, inamin ni Bato na hindi niya gamay ang paggawa ng mga batas sa senado, kaya kung may oportunidad daw na makadalo siya sa mga seminar at training para dito, susunggaban daw niya upang patunayan sa taumbayan na sulit ang kanilang boto sa kanya. "Meron bang seminar diyan o ano bang training diyan para matutunan ko 'yung paano gawin 'yung batas. Ano ba ang mga trabaho namin diyan sa Senado? Kung merong ganun, I will take that opportunity para matuto ako." Dagdag pa ni Pacman, maaaring humingi ng tulong si Bato sa Development Academy of the Philippines upang mabigyan siya ng training hinggil sa mga ginagawa sa lehislatura, katulad ng ginawa ng Pambansang Kamao. Naniniwala si Pacman na sapat ang sinseridad sa puso ni Bato at bantad sa mga suliraning panlipunan. Si Ronald "Bato" Dela Rosa ay naglingkod kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang pangunahing pulis sa Davao City. Siya rin ang namuno noon sa "Operation T0khang". +Awat muna sa usaping politika! Sa kabila ng mainitang diskusyunan sa resulta ng halalan sa pagkasenador, nagdulot ng katatawanan sa mga netizens ang mga lumabas na "Snapchat photos" ng mga senatorial candidates na tinawag na "Senatoriable Kids". Ibinahagi ito ng netizen na si "Nonoy Arendain" sa isang Facebook post noong Mayo 14, 2019, pagkatapos ng halalan. Sa pamamagitan ng naturang app, tila nabigyan ng sulyap sa nakaraan ang mga netizens sa hitsura ng mga kandidato kung sila ay baby o bata pa. Nariyan ang "baby face" ng unang anim na senador na nangunguna sa unofficial and partial results ng halalan na sina Cynthia Villar, Grace Poe, Bong Go, Pia Cayetano, Ronald "Bato" Dela Rosa, at Edgardo "Sonny" Angara. Ang huling anim na kandidato ay sina Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Tolentino, Ramon "Bong" Revilla, Koko Pimentel, at Nancy Binay. Hindi rin nawala rito sina JV Ejercito, Bam Aquino, Jinggoy Estrada, Larry Gadon, Mar Roxas, Neri Colmenares, at Dr. Willie Ong. Nariyan din sina Freddie Aguilar, Gary Alejano, Raffy Alunan, Melchor Chavez, Chel Diokno, Glenn Chong, Leody De Guzman, Juan Ponce Enrile, Florin Hilbay, Zajid Mangundadatu, Jiggy Manicad, Sergio Osmena III, Samira Gutoc, Dan Roleda, at Erin Tanada. Nagbigay naman ng reaksyon dito ang mga netizens. "Ang cute nina Bato at Nancy Binay! Ang sarap kurutin ng pisngi hahaha. Kakatuwa naman." "Si Larry Gadon yung parang very smart at makulit sa classroom, iniisip ko pa lang boses niya kung paano sa cartoons." "Si Hilbay, bata pa lang mukhang matalino at my dignidad na, bar topnotcher pa naman. Laban lang sir." "Idol ko si Cynthia Villar... kaya siya ang nangunguna sa partial and unofficial list eh. Huwag mo lang pong isusulong ang pagkawala ng unli rice ah." Labing-dalawang senador lamang ang kinakailangan para sa mga bakanteng puwesto sa senado na talaga namang inaabangan na ng mga tao. I-click ang larawan sa ibaba upang makita ang iba pang mga larawan: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Inilunsad na ang kauna-unahang sasakyang pandigma ng Philippine Navy o Hukbong Pandagat sa Hyundai Heavy Industries (HHI) shipbuilding facility sa Ulsan, South Korea noong Huwebes, Mayo 23, 2019. Ayon sa Philippine News Agency (PNA), ang naturang missile-armed frigate ay tinawag na BRP Jose Rizal (FF-150), isang combat vessel para sa Philippine Navy, na ipinangalan sa ating pambansang bayani. Ito ang magiging pinakamakabago at pinakamalakas na sasakyang pandigma sa tubig ng Pilipinas, kasama ang sister ship nitong BRP Antonio Luna (FF-151) na ipinangalan naman kay Heneral Luna, na sisimulan pa lamang ang konstruksyon. "All of us are equally thrilled that we will soon be deploying a brand-new frigate, with anti-submarine, anti-surface, anti-air and electronic warfare capability to patrol and protect our vast territorial waters," ayon sa panayam kay Navy spokesperson Captain Jonathan Zata sa PNA. May sukat itong 351 talampakan sa haba at 46 talampakang lapad, may maximum speed na 25 knots at may kapasidad na maglakbay sa 4,500 nautical miles sa cruising speed na 15 knots. Isinabay na rin nila sa paglulunsad noong Huwebes ang pagpapabatid sa konstruksyon ng BRP Antonio Luna na magiging ikalawang missile-capable frigate. Nakatakdang dalhin sa Pilipinas ang BRP Jose Rizal sa Setyembre 2020 habang ang sister ship nitong BRP Antonio Luna ay inaasahang magawa at maipadala sa Pilipinas sa Marso 2021. Idinisenyo ang dalawang sasakyan para sa anti-air, anti-surface, anti-submarine at electronic warfare operations. Bukod dito, ito rin ay may surface-to-air at surface-to-surface missiles. Gagamitin din ito bilang proteksyon para sa economic zone roles at extended maritime patrol operations. Noong Oktubre 2016, nagkasundo ang shipbuilders ng Pilipinas at South Korea sa pamamagitan ng isang kontrata upang masimulan ang pagbuo sa dalawang sasakyang pandigma, na umabot sa 16 bilyong piso, at karagdagang 2 bilyong piso para sa mga armas at munitions. Inihayag na dati ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipapangalan sa mga bayaning sina Dr. Jose Rizal at Heneral Antonio Luna ang dalawang sasakyang nabanggit. +Nangangailangan ang Philippine Army ng halos 5,400 katao para sa iba't ibang mga katungkulan, ayon sa spokesperson nito noong Lunes, Abril 8, 2019, sa DZMM Teleradyo. Ayon kay Army spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, nangangailangan sila ng 4,777 para sa enlisted personnel, habang 610 opisyal naman ang hinahanap nila na nagtapos sa Philippine Military Academy. Ang mga aplikante na makakapasa sa ranggo ng pagiging "private" ay maaaring magkaroon ng P41,000 bilang buwanang suweldo. Bukas ang kanilang aplikasyon sa mga "naturally born" na Pilipino mula 18 hanggang 23 taong gulang, nakapagtapos ng high school o nakakumpleto ng 72 units sa kolehiyo, at may taas na limang talampakan. Ang Philippine Army o Hukbong Katihan ng Pilipinas ay pinakapangunahin, pinakaluma, at pinakamalaking branch ng Armed Forces of the Philippines o Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Matatagpuan ang headquarters nito sa Fort Bonifacio sa Metro Manila. Naitatag ang kasalukuyang porma ng Philippine Army batay sa National Defense Act of 1935 sa panahon ng panunungkulan ni Dating Pangulong Manuel Luis Quezon sa panahon ng Commonwealth, na lumikha naman sa AFP. Ang "enlisted personnel" ay binubuo ng iba't ibang ranggo na nagsisimula sa "Private", na sinusundan naman ng "Private First Class". Sumunod naman dito ang mga "Non Commissioned Officers" tulad ng "Corporal", "Sergeant", "Staff Sergeant", at "Technical Sergeant". Sumunod naman dito ang mga "Warrant Officers" na binubuo ng "Master Sergeant", "Senior Master Sergeant", at "Chief Master Sergeant". Para naman sa mga opisyal, nagsisimula ito sa "Officer Cadets". Sumunod dito ang "Junior Officers" na kinabibilangan ng "Second at First Lieutenant" at "Captain". Nariyan din ang "Senior Officers" na binubuo ng "Major", "Lieutenant Colonel", at "Colonel". Nasa mas mataas na posisyon naman ang mga "Generals" na binubuo ng "Brigadier General", "Major General", "Lieutenant General", at "General". Ang tumatayong Commander-in-Chief ng mga sundalo ay ang Pangulo ng Pilipinas. +Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na ang 16 helicopters na bibilhin mula sa Canada ay hindi pang-opensiba laban sa mga rebelde. Ayon kay Major General Restituto Padilla, AFP deputy chief of staff for plans, ang mga choppers ay para sa search and rescue operations at paglipat ng mga sugatan o namatay na military personnel. Aniya ay madalas tayong tinatamaan ng sakuna o kalamidad kaya malaking tulong ang mga choppers sa "humanitarian assistance and disaster response (HADR)." Paglilinaw ni Padilla, ang mga bibilhing choppers ay "utility helicopters" at hindi "attack helicopters." Ito ay matapos ipag-utos ng gobyerno ng Canada na kailangan pa nilang suriin ang $233 million agreement sa pagbebenta ng 16 helicopters sa Pilipinas. Ipinangangamba nila na ito ay magamit umano sa pag-atake laban sa mga rebeldeng grupo. +Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawang commanders-in-chief lamang ang nagbigay ng atensyon sa pangangailangan ng mga sundalo - siya at si Ferdinand Marcos. Ayon sa ulat ng GMA, ito ay inihayag ng Pangulo sa pagbisita nito sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu. "Never was a time na walang ibang -- hindi ako nagyayabang. Walang ibang presidente, dalawa lang, ang pagbigay na atensyon na kinakailangan para sa isang sundalo. Ako lang pati si Marcos," ani Duterte. "Marcos was also a lover of soldiers," dagdag pa nito. Sinabihan din ng Pangulo ang mga sundalo na ang kanilang dagdag sahod ay magre-reflect na sa kanilang mga payroll. Sa pagbisita ng Pangulo, ginawaran nito ang mga sundalong nakipaglaban sa Marawi ng Order of Lapu-Lapu at Kampilan medals. Namahagi rin ang Pangulo ng personal sidearms sa mga sundalo upang pandepensa sa kanilang mga sarili laban sa mga komunistang rebelde kapag sila'y umaalis ng kampo. Sinabi rin nitong sasagutin niya ang mga handa sa Christmas party sa mga sundalo sa naturang kampo at inanyayahan ang mga sundalong Muslim na makiisa pagdiriwang ng Pasko ng mga Kristiyano. Nangako rin ang Pangulo na ipadadala nito sa Hongkong ang mga naiwang sundalo sa kampo. "Uuwi ba halos kayong lahat? Kasi 'yung magpaiwan, tiis lang kayo. Hong Kong ang prize ninyo basta magpa-iwan dito. Hindi pwedeng magdala ng asawa. Kabit lang," ani Duterte. "Sige 'yung maiwan lang dito sa kampo hindi ko naman kayo mapadalang lahat. Maybe one or two or three or four. Magandang collection, 'di lahat," dagdag pa nito. Bago lisanin ni Duterte ang kampo, namahagi ito ng mga relo sa bawat sundalo. Panoorin ang ulat na ito ng State of the Nation para sa iba pang detalye: +Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu rank of Kampilan ang 26 na sugatang sundalo sa Philippine Army General Hospital sa Taguig City. Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, ang parangal ay ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno na nasugatan habang tinutupad ang kanilang tungkulin sa bayan. Maliban pa sa pagkilala, binigyan din ng Punong Ehekutibo ng cash assistance, gun certificate at cellphone ang mga sugatang kawal. Ang mga sundalong ito ang nakipagbakbakan sa teroristang Maute group sa Marawi City. Kabilang rin sa pinarangalan ang anim na mga sundalo na nasugatan habang nakikipaglaban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at sa iba pang elemento na kalaban ng estado. Wika pa ni Duterte, isa sa mga prayoridad ng kanyang pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga anak ng mga sugatan o kaya ay napapaslang na mga sundalo. Ilan dito ang libreng edukasyon at livelihood program para sa pamilya ng mga sundalo. +MAYNILA, Pilipinas - Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya nitong Miyerkules kung saan tumanggap ng iba't-ibang gamit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Russia. Kabilang sa natanggap ng AFP ay 5,000 piraso ng AK-74M Kalashnikov assault rifles, 20 trucks, 5,000 helmet at kahon-kahong bala. Ang pormal na turn-over ng nasabing mga gamit ay ginawa sa Russian anti-submarine ship Admiral Pantaleev na kasalukuyang nakadaong sa pantalan ng Maynila. Pinangunahan ito nina Duterte, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Defense Minister Sergey Shoygu. Dumalo din sa nasabing event sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, AFP chief General Eduardo Ano, National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon Jr, Russian Ambassador Igor Khovaev, at Major General Aleksandr Kshimovkiy ng Ministry of Defense ng Russia. Ayon kay Lorenzana, ibinigay ng Russia sa Pilipinas ang mga gamit nang libre at walang kapalit. Limang buwan na ang nakararaan nang bumisita sa Moscow si Pangulong Duterte at nakadaupang palad si Russian Vladimir Putin. Sa kanilang maikling naging pag-uusap, nangako ang Russian leader na magbibigay ng tulong sa administrasyong Duterte sa gitna ng kampanya nito laban sa ilegal na droga. Napilitang kaagad bumalik sa bansa ang Pangulo at hindi na itinuloy ang kaniyang state visit matapos sumiklab ang karahasan sa Marawi City noong Mayo 23. +Nanawagan si Senador Ralph Recto para sa karagdagang tulong pinansiyal sa mahigit isang libong nasugatang sundalo sa gitna ng bakbakan sa Marawi City. Ayon sa ulat ng GMA, nais ni Recto na maging kwadruple ang P250,000 na tulong pinansiyal sa P1 million. "I think for grave injuries, like multiple amputations, loss of sight, dapat dagdagan pa natin, gawing P1 million. At igarantisa ang habambuhay na alaga at hospitalization," ayon kay Recto. "If the injuries sustained by the wounded are so severe that they would require lifetime care and assisted living, then it is time to review if existing policies are enough to provide those," dagdag pa nito. Sa ilalim ng Comprehensive Social Benefits Program (CSBP), ang mga nabaldang sundalo't pulis ay dapat makakuha ng one-time financial assistance na P250,000. Sa mga nagtamo ng minor at major injuries ay dapat tumanggap ng P100,000. Ang panawagang pagpapalaki ng CSBP ni Recto ay base sa tinatayang 681 napatay na pulis o mga nasugatan sa buong taon. Wika ng Senador, ang bilang ng mga nasugatang sundalo ay aabot sa 845 noong Hulyo 22 batay sa Armed Forces of the Philippines. Ngunit base sa mga ulat sa media, ito ay nasa 1000, ani Recto. "They are casualties too. They may not have paid the ultimate sacrifice to keep the peace, but their valor and courage are no less fierce," saad pa ni Recto. +Pabahay at trabaho ang naghihintay sa mga susukong miyembro ng New People's Army (NPA); ito ay ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. "Kung 'yung mga NPA, mag-surrender sila, meron kaming housing projects, Inday (Davao City Mayor Sara Duterte) has about 1,000 units. Ako may 1,000 units din. If they want to stop fighting, 'yung gusto, all you have to do is drop your weapon, give it to your leader and come down," ani Duterte sa kanyang ika-23 anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). "Di ko naman kailangan 'yan, maraming baril ang bayan. At I'll give you a job, automatic may trabaho sila. And I'll give you a space, instead of giving to the soldiers muna," saad pa ni Duterte. Ito ang inihayag ng Pangulo sa gitna ng kaguluhang sumiklab sa iba't ibang panig ng bansa sa pagitan ng militar at ng NPA habang suspendido pa rin ang usaping pangkapayapaan sa magkabilang panig; ayon sa ulat ng ABS CBN. "Itong mga Left, they blow hot and cold, hayaan mo na muna 'yan sila. But we could have saved a lot of money kung wala itong mga away na ito. Sayang eh, we could use the money for many, many [projects], lalo na land reform," wika ni Duterte. Muling naudlot ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at komunistang National Democratic Front of the Philippines (NDF) dahil sa patuloy na pag-atake ng mga NPA sa kabila ng patuloy na negosasyon. Matatandaang inalok din ni Duterte na maging sundalo ang mga susukong miyembro ng NPA. Panoorin ang ulat na ito ng ABS CBN: +"Kaya palagi akong nandoon, hoping also that I'd get a bullet in the head and probably that would satisfy everybody na totohanan 'yung kanya." Upang patunayang sinsero siya sa pagtugis sa mga kriminal, drug lords at terorista sa bansa, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya'y mabaril sa ulo kaya bumabalik ito sa Marawi. Ayon sa ulat ng Phil Star, sinabi ng Pangulo na masakit para sa kaniya ang mga nababalitaang namamatay na sundalo sa bakbakan sa Marawi. Kamakailan ay muling nagbalik sa Marawi City si Duterte upang ipahayag ang suporta at itaas ang morale ng mga sundalo. "Huwag mo akong gawaing g***. I was there but I was also to assure them. Masakit sa akin kasi I proclaimed martial law there and I sent the soldiers there to die," wika ni Duterte. Ipinaliwanag din ni Duterte na ang ugat ng kaguluhan sa Marawi City ay paghahain lamang sana ng warrant para sa isang kaso ng iligal na droga. Wika pa ni Duterte na nakuha na umano ng Maute group ang mga tunnel at maging mga pampasabog kaya hirap ang mga sundalo. Dahil sa mga hawak na bihag ng Maute group kaya hirap din ang military sa pagtapos sa grupo, ayon pa sa commander-in-chief. Hinimok din ng Pangulo ang mga mamamayan na mag-isip kung ano ang mangyayari kung ang nagaganap sa Marawi City ay magaganap din sa limang siyudad sa Pilipinas. Nagsimula ang kaguluhan sa Marawi noong Mayo 23 at umaabot na sa 700 ang namamatay, kabilang ang 100 mula sa tropa ng gobyerno. Samantala nangako naman ng trip to Hongkong si Duterte sa mga sundalo sa oras na magwakas ang digmaan sa lungsod. +MAYNILA, Pilipinas - Hinimok ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang Estados Unidos, Japan at Australia na huwag pangunahan ang Pilipinas sa mga desisyon nito sa mainit na usapin sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng China. Ito ay matapos maglabas ng pahayag ang tatlong bansa na nag-uudyok sa Pilipinas na igiit ang naging desisyon ng arbitration tribunal sa The Hague, Netherlands na inilabas noong nakaraang taon kung saan sinabi nitong walang basehan ang maritime claim ng China sa pinag-aagawang teritoryo. "We expect nations not to tell us what to do. They have their own foreign policy and interests. Japan, Australia, and the US are our friends. The US is our treaty ally. But we told countries around the world we are sovereign," ani Cayetano. "We'll decide what is good for us, we will decide what strategies are good for us because we are a sovereign nation," dagdag pa ng kalihim. Nauna nang sinabi ni Cayetano na hindi babanggitin sa binuong 'joint communique' ng mga foreign ministers mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang land reclamation at militarization ng mga isla sa West Philippine Sea. Ayon sa kalihim, inihinto na umano ng China ang mga gawain nito sa kabila ng mga lumabas na ulat mula sa isang US think tank na patuloy ang konstruksiyon ng mga pasilidad sa apat na isla sa lugar. Sa inilabas na pahayag ni US Secretary of State Rex Tillerson at kaniyang mga counterpart mula sa Japan at Australia, hinimok nito ang Pilipinas na pangatawanan ang desisyon ng UN court dahil ito ay 'final' at 'legally binding'. Subalit ayon kay Cayetano, bagama't iginagalang niya ang mga pahayag ng tatlong bansa, ang hidwaang teritoryo ay sa pagitan lamang umano ng Pilipinas at China at dapat manatiling ganito. "We are not pro-China, pro-US, pro-Japan, pro-whatever. We are pro-Philippines and pro-Asean because we were good friends with China, good friends with Japan, and good friends with the US and we appreciate not to be told what to do," paliwanag pa ng Foreign Affairs Secretary. +Binatikos ng Kabataan party-list ang House of Representatives Committee on Basic Education and Culture dahil sa pagpasa nito ng substitute bill para sa mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa high schools students. Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ng grupo na hindi sila pinahintulutang makapagsalita habang isinasagawa ang committee meetings. Sa mungkahing batas ay mandatory ang ROTC sa Grades 11 at 12, kung saan ang sinumang mag-aaral na hindi pumasa ay hindi makaga-graduate. "Ito po ay sumalang sa komite nang walang deliberation, hindi po pinakinggan ang mga estudyante, ni hindi man lang pinagsalita. Wala pang limang minuto tumagal ang pagpasa ng substitute bill na ngayon ay House bill 8961 na," ayon kay Kabataan Representative Sarah Elago sa ginanap na forum sa Commission on Human Rights office sa Quezon City. Wika ni Elago, hindi kinonsidera ng House panel ang naging pag-aaral sa naging kasaysayan ng ROTC sa ban tulad ng pang-aabuso at korapsyon. "Kaya kinukundena ng Kabataan ang ginawang negligence at inaction na ito ng komite pagdating sa panawagan na tugunan ang pagtatanggol ng karapatan sa loob ng mga eskuwelahan," ani Elago. "Malinaw na ang kailangan po sa mga eskuwelahan ngayon, matugunan 'yung matagal nang panawagan ng dagdag na libro, dagdag na classroom, dagdag na sahod sa mga guro at hindi dagdag na militarisasyon. Education, not militarization in our schools," dagdag pa nito. Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang taon na mandatory na ROTC sa mga mag-aaral ng Grade 11 at 12. Enacted noong 2002 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo; ang Republic Act 9163 o ang National Service Training Program (NSTP) Act ay naglalayong gawing optional at boluntaryo ang ROTC sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang ROTC ay naging isa sa tatlong components ng NSTP. Ang dalawa'y tinawag na Literacy Training Services at Civil Welfare Training Service. Sinabi rin ni Duterte na ang pagbalik ng ROTC ay kapaki-pakinabang sa mga kabataang Filipino. Ang mga student youth leaders mula sa National Union of Students of the Philippines at League of Filipino Students ay dumalo sa naturang forum upang ihayag ang kanilang pagtutol sa mandatory ROTC dahil sa mga naging insidente ng hazing at paglabag sa karapatang pantao. +MAYNILA, Pilipinas - Nakatakda nang matanggap ng Pilipinas ang dalawang attack helicopter na noon ay ipinangako ng bansang Jordan kay Pangulong Rodrigo Duterte; ito ang ibinahagi ni Special Assistant to the President Christopher 'Bong' Go. Ayon kay Go, ang pagbigay ng dalawang helicopter ay isa sa napag-usapan sa bilateral meeting sa pagitan ni Duterte at ng hari ng Jordan na si Jordan King Abdullah II. Posible umanong dumating sa Pilipinas ang dalawang sasakyang panghimpapawid sa Hulyo sa susunod na taon matapos ang training ng mga pilotong Pilipino. "Other items will also be included like mortars, rifles (and RPG or rocket-propelled grenades)," wika ni Go sa isang text message sa mga mamamahayag. Ang mga nasabing gamit ay inaasahang lalo pang magpapalakas sa sandatahang lakas ng Pilipinas na sa kasalukuyan ay nagbabalak ding bumili ng iba pang makabagong sandata mula sa Russia. Magugunitang dati na itong naipangako ng Jordan subalit sa hindi malamang kadahilanan ay naantala. Ang tinitingnang dahilan nito ay ang pagbatikos ni Duterte kay dating United Nations High Commissioner for human rights Zeid Ra'ad al Hussein na pinsan ng kasalukuyang hari ng Jordan. Si Zeid ay kritiko ng war on drugs ni Pangulong Duterte na sinabihan niyang kailangang magpatingin sa isang psychiatrist. Binuweltahan naman ni Duterte si Zeid na tinawag niyang 'walang laman ang ulo'. Nauna nang pinaalalahanan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. si Duterte na tigilan ang pambabatikos kay Zeid dahil maaaring maapektuhan ang plano ng Jordan na pagbibigay ng na naturang helicopter. Si Duterte ay kasalukuyang nasa Jordan matapos ang 4 na araw na state visit sa Israel. Maliban sa idodonate na helicopter, pumirma rin ang dalawang bansa ng kasunduan hinggil sa mga OFWs, mga investment at iba pang may kinalaman sa ugnayang diplomatiko. +MAYNILA, Pilipinas - Madalas umanong 'kotongan' ng mga Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang Pilipino na namamalakaya sa West Philippine Sea; ito ang sumbong ng ilang mangingisda sa ulat ng GMA News. Kuwento ng ilang mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, nilalapitan umano sila ng Chinese Coast Guard sakay ng kanilang motorboat at tatanungin kung mayroon silang huli. Aalis lamang umano ang mga ito kapag sinabi nilang wala pa. Ayon kay Ernie Egana, nakagawian na ng mga Intsik na humingi sa kanila ng isda at minsan ay hindi man lamang nagpapaalam ang mga ito. Pinipili pa umano ng mga ito kadalasan ang kanilang pinakamalalaking huli. "Wala silang paalam. Halungkatin nila 'yun, basta maghalungkat sila, sir. Kukunin nila 'yung gusto nila. Ilagay nila sa plastic, magaganda pa ang kunin nila," wika ni Egana na ipinakita pa sa reporter ng GMA News sa pamamagitan ng Reporter's Notebook episode na "Batas ng Karagatan" ang pangyayari noong Mayo 20. Nangako naman si Presidential Spokesperson Harry Roque na ipaaabot nila sa pamahalaan ng Tsina ang mga reklamo ng mga mangingisdang Pinoy. "Madali po 'yan. Irereklamo natin 'yan sa bansang Tsina dahil sa pagkakaintinti po natin, tayo'y magkaibigan na. Dapat hinahayaang maghanapbuhay ang ating mga mangingisda doon," wika ng opisyal ng Malakanyang. Nauna nang sinabi ni Magdalo Rep. Gary Alejano na nakaranas din ng harassment mula sa tropang Intsik ang Philippine Navy sa Ayungin Shoal noong nakaraang buwan. Ayon kay Alejano, base umano sa kanyang source sa DFA, hinamon ng isang chopper ng Chinese Navy ang rubber boat ng Philippine Navy sa isang insidente noong Mayo; sanhi para magsampa ng reklamo ang huli laban sa China. "The PLAN (China's navy) was so close that sea water splash entered the rubber boat," wika ni Alejano. Wika pa ng mambabatas, ngayon ay hindi lang ang Chinese Coast Guard ang nanghaharass sa WPS kundi kasama na ng mga ito ang PLAN. Panoorin ang insidente sa ulat ng GMA News: +MAYNILA, Pilipinas - Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bahagi ng Philippine Rise, na dating Benham Rise, bilang marine protected area. Ginawa ni Duterte ang nasabing proklamasyon sa kanyang talumpati sa Casiguran Bay, Aurora province nitong Martes, ika-15 ng Mayo; ang unang araw ng kanyang nakatakdang pagbisita sana sa mayamang underwater plateau. "Around 50,000 hectares of the Philippine Rise shall become a Strict Protection Zone limited to scientific studies - at this time only Filipinos," anang Pangulo. "While more than 300,000 hectares shall be designated as a special fisheries management area," dagdag pa nito. Pinasinayaan din ng Pangulo ang paglulunsad sa nakatakdang pag-aaral sa Philippine Rise ng aabot sa 50 Pilipinong siyentipiko. Wika ni Duterte, naniniwala siya sa kakayahan ng mga Pinoy scientists. "The government will provide necessary means to fulfill your mandate. This development would not have been possible without the efforts of dedicated scientists and legal experts who work together to bolster our claim over Philippine Rise," anang Pangulo. Samantala, napaulat na hindi nakarating ang Pangulo sa Philippine Rise; bagkus ay sa bahagi lang ng Casiguran Bay dahil sa hindi pa malamang dahilan. Naudlot din ang plano sana ni Duterte na mag-jet ski sa nasabing karagatan at pinalitan na lamang umano ito nina Special Assistant to the President Bong Go at Presidential Son Sebastian 'Baste' Duterte. +MAYNILA, Pilipinas - Nakatakdang bumisita sa Philippine Rise, dating Benham Rise, si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan para alalahanin ang unang taon simula nang baguhin niya ang pangalan ng nasabing lugar. Ayon sa Malakanyang nitong Martes, maglalayag ang Pangulo patungong Philippine Rise sa darating na Mayo 15 hanggang 16. Magugunitang ginawang Philippine Rise ni Duterte ang pangalan ng Benham Rise sa bisa ng kanyang Executive Order No. 25 Mayo 16 noong nakaraang taon. Bukod dito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pasisinayaan din umano ng Pangulo ang nakatakdang scientific research na pangungunahan ng 50 siyentipiko. "The event will be attended by 50 scientists whom the President will be sending off as they start their scientific researches in Philippine Rise," wika ni Roque. Nauna nang nabanggit ni Duterte noong nakaraang Abril na personal niyang bibisitahin ang Philippine Rise para bigyang-diin ang 'sovereign rights' ng Pilipinas dito. Nagpadala rin ng isang batalyon ng Marines ang Pangulo sa lugar para pangalagaan at protektahan ang interes ng bansa sa gitna ng mga ulat na may namataang mga mangingisdang Intsik sa naturang karagatan. +MAYNILA, Pilipinas - Kinontra ni dating Solicitor General Florin Hilbay ang naging pahayag ng Malakanyang na hindi nakaumang sa Pilipinas ang napaulat na mga missiles ng China sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Hilbay, ang solicitor general ng nakaraang administrasyon at isa sa mga nanguna sa pagtatanggol sa posisyon ng bansa sa The Hague international tribunal, malabo umano ang sinabi ng Palasyo na hindi ang Pilipinas ang target ng mga missiles ng China dahil tayo ang pinakamalapit na bansa sa WPS. "It's false to say the missiles are not directed at us because it's a missile system. It's technically directed at everyone within the range of that missile system and we're nearest to that missile system. It is in fact directed at us," paliwanag ni Hilbay sa panayam ng ANC. Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kumpiyansa umano ang adiministrasyon Duterte na hind puntirya ng China ang Pilipinas dahil sa mabuting relasyon ng dalawang bansa. "With our recently developed close relationship and friendship with China, we are confident that those missiles are not directed at us," wika ni Roque noong nakarang linggo. Iginiit din ng Malakanyang na hindi itinuturing ng China na banta ang Pilipinas kaya malabong mangyari ang kinatatakutan ng karamihan na mauwi sa gulo ang patuloy na pagiging agresibo ng komunistang bansa sa West Philippine Sea. Inamin din ni Roque na sa kasalukuyan ay walang kapabilidad ang Pilipinas para i-verify kung mayroon ngang nakalagay na missiles system sa tatlong isla sa pinag-aagawang teritoryo. +Nais ni incoming Philippine National Police (PNP) chief Director Oscar Albayalde na ang Special Action Force (SAF) ang humawak ng pagsasanay ng mga pulis. "Kung puwedeng i-handle ito ng SAF mas maganda, but then we need a bigger facility and better facility," ani Albayalde. Ayon sa ulat ng GMA, iminungkahi ni Albayalde na magkaroon ng isang paaralan na mag-standardize ng mga pagsasanay ng mga kapulisan dahil batid ng NCRPO chief ang disiplina dahil noo'y isa siyang SAF. "Kung pwede nga we would like to create one big school para ma-standardize 'yung aming training, dahil ako nanggaling ako sa Special Action Force. I stayed there for five years sa SAF so nakita ko na iba naman talaga 'yung pag-uugali, 'yung training, 'yung skills, 'yung discipline ng ating mga pulis na naka-assign sa SAF even before during our PC (Philippine Constabulary) days," ani Albayalde. "I think itong advocacy natin, we share the same advocacy with our SILG (Secretary of the Interior and Local Government) even with chief Bato, kailangan natin siguro ma-improve and we'll have a standard training for all PNP recruits," dagdag pa nito. Matatandaan nitong Abril 5 ay inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Albayalde na ang papalit kay Ronald "Bato" Dela Rosa bilang PNP chief. "Albayalde is the man for you. The stricter, the better," ani Duterte. Si Albayalde ay nakatakdang manumpa sa Abril 19. Nakatakda naman siyang magretiro sa Nobyembre 8, 2019. +MAYNILA, Pilipinas - Isa lamang biro ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing probinsiya na lamang ng China ang Pilipinas; ito ang iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Ayon kay Roque, hindi dapat seryosohin ang binitawang salita ni Duterte dahil naniniwala pa rin umano ang Pangulo na mayroong karapatan ang Pilipinas sa West Philippine Sea at sa Benham Rise. "So iyong biro niya is, you know, it's just to emphasize na its ours but we're one with China. Take it in that spirit," paliwanag ni Roque. "But he was very firm that we have title over the disputed area in West Philippine Sea, and we have rights in Benham - exclusive rights in Philippine Rise," dagdag pa nito. Ginawa ng Pangulo ang nasabing 'biro' sa kanyang talumpati sa harap ng mga Filipino-Chinese businessman nitong Lunes matapos sabihing siniguro sa kanya ni Chinese President Xi Jinping na hindi magtatayo ng anumang istruktura ang Beijing sa Scarborough Shoal. "Kung gusto n'yo gawin n'yo na lang kaming province, parang Fujian, Philippines province of China. Eh, 'di wala tayong problema, libre na lahat," wika ng Pangulo. Subalit hindi ito pinalampas ng ilang mambabatas sa oposisyon na nagsabing wala sa lugar ang mga ganitong banat ng Pangulo. "Such irresponsible banter is a slap in the face of the many Filipinos, including our soldiers stationed in our occupied islands, who work tirelessly to defend our territorial integrity from China," ani Magdalo Rep. Gary Alejano. Para naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ang mga ganitong biro umano ang nagpapakita na tuluyan nang yumuko ang Pilipinas sa China at nakumpromiso na ang kasarinlan ng bansa. "With him as President, we will become inutile to assert our rights even through diplomacy and will be sold to China for a pittance. The joke is on us if we don't call him out for such irresponsible statements," paliwanag pa ni Villarin. +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Ang Philippine Embassy sa Tokyo, Japan ay nagsagawa ng dalawang araw na consular outreach program na ginanap sa Shizuoka Prefecture para sa 516 na mga OFW. Ang layunin ng outreach program ay upang bigyan ng tulong ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Japan kaugnay sa kanilang mga pangangailangan. Bumuo ng grupo ang Embassy para sa naturang outreach na isinagawa noong April 13 at 14 kung saan 413 OFW ang kanilang natulungan ukol sa kanilang mga passport, 103 aplikante ang inasikaso para sa ibang serbisyong konsular, at 15 naman ang binigyang pansin para sa kanilang mga katanungan tungkol sa darating na botohan. Ang outreach program ay pinangunahan ni Consul General Robespierre Bolivar kasama sina Frances Komesu, Amelia Clarissa Basilio, Orlando Manalo, Nicole Louie Ansalado, Jahrell Emman Ephraim Balaoro, at Richard Roldan. Ilan sa kanilang agarang niresolba at ginawan ng aksyon ay ang mga suliranin at katanungang ukol sa passport, notary, civil registry, ang pagproseso ng mga clearance sa National Bureau of Intelligence (NBI), at pag-asikaso sa overseas voting. Ang katatapos lamang na consular outreach sa Shizuoka Prefecture ay unang programa pa lang na handog ng Philippine Embassy para sa taong 2019 kung saan may 16,000 Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa naturang lugar. Ibinahagi ni Consul General Bolivar na mayroon talaga silang nakahandang outreach program sa buong taon para sa mga OFW na gaganapin sa iba't ibang lugar sa Japan gaya ng sa Miyagi, Gunma, Hokkaido, Nagano, at Okinawa Prefecture. Ang ginanap na consular outreach ay kasabay ng selebrasyon para sa 3rd Pistang Pinoy sa Shizuoka. Ito ay taunan nang ipinagdiriwang sa Aobi Park ng lungsod na inoorganisa ng Association of Pinoy Volunteers for Assistance (APIVA). Hangad ng pagdiriwang na ito ang mapagbuklod ang mga Pinoy sa Japan, makapagsalo-salo, makisaya, at makilahok sa mga patimpalak na inihanda. Marami ang nagpakita ng talento sa pamamagitan ng tradisyunal na sayaw ng mga Pilipino at ang ilan naman ay inirampa ang mga natatangi at ipinagmamalaking mga kasuotang Filipiniana. +Isang nakaaantig na pagtatagpo ang nasaksihan sa Las Pinas General Hospital nang dalawin ng isang malapit na kaibigan si Richard Soriano Reyes, isang OFW na may amnesia. Si Richard ay inuwi sa Pilipinas mula sa bansang China noong March 29 dahil siya ay nagkaroon ng amnesia. Pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), siya ay natagpuan at tila napabayaan na sa isang hospital sa China. Sa halip na umuwi nang diretso sa kanilang bahay, siya ay dinala muna ng mga taga-DFA sa Las Pinas General Hospital para masuri, sanhi na rin nang pagkawala ng kanyang ala-ala at kulang na pagkakakilanlan sa kanya. Base sa report ng DFA, taong 2017 nang ma-stroke si Richard at magkaroon ng brain hemorrhage na posibleng naging dahilan nang pagkakaroon niya ng amnesia matapos sumailalim sa ilang mga operasyon. Isang palatandaan lang ng kanyang pagkatao na bitbit niya saan man magpunta ay ang kanyang tattoo sa kanang braso na ang nakalagay ay pangalang "Amanda." Nang siya ay tanungin tungkol dito, hindi niya matandaan kung sino nga ba si Amanda. Sumunod na tinanong kung may anak siya at walang pag-aalinlangan niyang sinagot ito ng "yes," subalit ang pangalan ng anak ay nanatili ring palaisipan. Mababakas sa kanyang mukha ang kalungkutan at pagnanais na makauwi. Madalas ay idinadaan na lamang niya ito sa pagluha dahil hirap rin siyang sambitin o ipaliwanag ang kanyang mga saloobin. Mahigit dalawang linggo na ring pinaghahanap ng DFA ang kanyang mga kaanak o sinumang nakakakilala sa kanya. Nitong April 15, isang pag-asa ang bumungad sa kanya nang siya ay dalawin ng kanyang kaibigan na si Edmar De Guzman. Lumiwanag ang mukha ni Richard at hindi maalis ang kanyang mga ngiti nang makita ang kaibigan. Si Edmar ay dating kasama niya sa trabaho sa China. Pagmamayabang nito, si Richard ang pinakamagaling na DJ na kanyang nakilala at napakahusay magsalita ng Chinese. Kuwento ni Edmar, ang pangalang Amanda sa tattoo ni Richard ay pangalan ng dati nitong nobyang intsik. Nagkaanak daw ang dalawa subalit naghiwalay sa huli. Ibinahagi rin ni Edmar na ang tattoo ni Richard sa kaliwang braso ay katulad ng sa kanya bilang simbolo ng pagkakaibigan nila. Pinalagay raw nila ito ng minsang may madaanang tattoo shop sa China. Ayon kay Doktora Margarita Tamayo, maaari nang makalabas ng ospital si Richard subalit pinag-uusapan pa kung saan siya dadalhin habang hindi pa nakikita ang kanyang mga kamag-anak. +Isa na namang Pinoy na talentado sa pag-awit ang nagbigay ng karangalan sa bansa matapos niyang masungkit ang kampeonato sa first season ng pinakamalaking singing reality show sa United Arab Emirates na "The One." Ayon sa ulat ng UAE News 24/7, umabot sa 800 ang nag-audition sa "The One" at pumili lang ng 60 singers, kabilang na ang Pinoy na si John Ivan "Jovan" Aquino, na magpapatuloy sa singing competition. Hindi inaasahan ni Jovan, empleyado ng Aldrich International na isang marketing consultancy firm sa Dubai, na makakamit niya ang kampeonato. Aniya, in-enjoy lang niya ang singing competition na tumagal ng isang buwan. "I'm still speechless and I still couldn't believe it. What a way to close 2018's door and what a great start for me this 2019! 5 minutes before the countdown begins, I was announced the grand winner of UAE's largest singing reality show, The ONE UAE Season 1! Lord God, you have paved my way here since the very beginning. To my family, relatives, and friends who never stopped believing in me, THANK YOU! It was a month-long competition which I just enjoyed... not thinking that eventually, I'll be the one. Again, thank you so much for everything, Lord! I LOVE YOU! HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!" post ni Jovan sa Instagram matapos niyang mapili bilang "The One." Ang isa sa mga nakalaban ni Jovan sa singing reality show ay si Ivy Grace Paredes, isang Pinay na naging contestant sa X Factor UK noong 2016. Tumanggap si Jovan ng 12,500 Arab Emirates Dirham na katumbas ng P179,000 bilang premyo. Ang winning song na inawit niya ay ang "Feeling Good" na pinasikat ni Michael Buble at Nina Simone. Ginanap ang grand finals sa IMG Worlds noong ika-31 ng Disyembre 2018. Source 1 Source 2 Source 3 +Isang Pinay na nagtatrabaho sa Dubai bilang isang nanny ang nagwagi ng halagang isang milyong piso matapos siyang mahirang bilang UAE 's (United Arab Emirates) Best Nanny of 2018. Sa 42 nannies na kandidato sa nasabing award, ang 39-anyos na si Rosie Vargas Villa ang nahirang ngayong taon bilang pinakamagaling na yaya dahil sa kanyang dedikasyon sa pag-aalaga ng mga anak ng kanyang employers na mag-a-anim na taon na niyang pinagsisilbihan. Ayon sa Khaleej Times, sa kabuuan ay 17 years na itong nagtatrabaho bilang nanny sa Dubai at nanilbihan sa iba't ibang employers. Sinorpresa ng awarding committee mula sa Rise, isang fintech company na nagpasimula ng pagbibigay ng awards sa mga nanny sa Dubai, si Rosie nang bisitahin nila ang Pinay sa bahay ng kanyang employers. Hindi napigilan ni Rosie ang mapaluha nang tanggapin niya ang award na UAE's Best Nanny ng 2018 at isang milyong piso. Nang tanungin siya kung ano ang plano niyang gawin sa napanalunang isang milyong piso, sinabi ng Pinay na tamang-tamang ang pagdating ng premyo dahil ang kaisa-isa niyang anak na babae na ngayon ay 17 years old na ay magkokolehiyo na sa susunod na school year. Gagamitin niya ang bahagi ng isang milyon sa edukasyon ng anak. Babayaran din ni Rosie ang mga utang niya sa Pilipinas at balak niyang magpatayo ng sariling bahay kung saan maaari na silang magsamang mag-ina. Ani, Rosie, babawi siya sa mga panahon na hindi niya nakapiling ang anak. Kahit sapat na raw sa kanya ang premyong natanggap para mag-retiro siya, sinabi ni Rosie na patuloy siyang magsisilbi sa employer hangga't kaya ng kanyang kalusugan dahil napakabait umano ng mga iyon sa kanya. Noong nakaraang taon, isang Pinay din - si Melanie Manansala - ang tinanghal na UAE's Best Nanny. Source 1 Source 2 +Hindi talaga matatawaran ang husay ng mga Pinoy pagdating sa kantahan. Hindi na kailangang isa-isahin pa kung sinu-sino ang mga kababayan natin na nagbigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng pag-awit. Sa Dubai, isang onse-anyos na batang Pinay ang nakasungkit ng kampeonato sa singing competition doon. Ayon sa ulat ng Abante, kinilala ang batang Pinay singer bilang si Keira Isabelle Celiz na nag-aaral sa GEMS Founders School sa Dubai. Nag-uwi si Keira ng premyong nagkakahalaga ng 10,000 Arab Emirates Dirham o katumbas ng mahigit P144, 400 matapos siyang tanghaling Grand Champion sa singing contest na GEMS Best of the Best 2018-Juniors Division noong nakaraang linggo. Ginanap ang kompetisyon sa GEMS Modern Academy kung saan dinaig niya ang labing-apat na kalahok sa singing competition. Inawit ni Keira ang "Feeling Good" na pinasikat ni Nina Simone. Kuwento ng ina ni Keira na si Bree, very proud siya sa anak dahil sa pagkakapanalo nito. Aniya, umabot sa 247 ang mag-audition sa competition, pero 15 lang ang mga napili bilang mga finalists. Dagdag pa ni Bree, na tubong Iloilo City, hindi niya inaasahan ang pagkakapanalo ni Keira dahil napakahuhusay daw ng mga contestants na sumailalim pa sa voice lessons at training, samantalang si Keira ay sa bahay lang kumakanta. "We felt very nervous and amazed during her performance. It felt like we are looking into a different person on stage-the way she sung as well as her stage presence. We did not really expect it because all the candidates are superb. They had proper voice lessons and training, while my daughter is only singing at home for fun," ani Bree sa isang panayam. Bukod sa pera, nag-uwi rin si Keira ng tropeo. Dalawang Pinay pa ang kasali sa GEMS Best of the Best 2018 singing competition - sina Natalie Kate Atay mula sa Al Khaleej National School at Sara Esmaeili (Filipina-Emirati) mula naman sa GEMS Metropole School. Kasali sila sa seniors division ng nasabing kompetisyon. Source 1 Source 2 +MAYNILA, Pilipinas - Lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Miyerkules, ika-29 ng Agosto, ang eroplanong sinasakyan ng mahigit 100 Filipino na nakauwi sa bansa matapos maaprubahan ang kanilang amnesty sa United Arab Emirates (UAE). Umabot sa 129 ang bilang nga mga Pinoy na nakabalik na sa bansa lulan ng Philippine Airlines flight PR657 bandang 8:40 ng umaga. Sila ang pangalawang batch ng amnesty beneficiaries na nakauwi na sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay nagmula sa Abu Dhabi at Al Ain at pinalad na maaprubahan ang aplikasyon sa amnesty program na inialok ng UAE mula Agosto 1 at magtatagal hanggang Oktubre. Dahil dito umabot na sa 345 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nabigyan ng amnesty at nakabalik sa Pilipinas. Ang unang batch na umabot sa 216 ay lahat nagmula sa Dubai at dumating sa bansa noong Agosto 16. "This is the first mass repatriation of amnesty-seekers carried out by the Philippine Embassy in Abu Dhabi since the amnesty started on August 1," ani Von Ryan G. Pangwi; third secretary at vice-consul ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi, sa panayam ng Gulf News. Ayon pa kay Pangwi, umabot na sa mahigit 2,000 Pinoy ang nag-apply ng amnesty at ginagawa nila ang lahat para maaprubahan ang kanilang dokumento. Karamihan umano sa mga ito ay mga overstaying. Ganunpaman, mahigit sa 90 porsiyento ng mga amnesty seekers sa Abu Dhabi ay gusto pa ring manatili sa UAE upang maghanap ng trabaho sa loob ng anim na buwan. Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang sumagot sa mga immigration fees at plane tickets ng umuwing mga Pinoy. Bukod dito, nakatanggap din sila ng $100 (P5,000) mula sa DFA bilang tulong pinansiyal. +Kinasuhan ng Canada Border Services Agency (CBSA) ang tatlong indibidwal dahil sa kanilang paglbag sa ilalim ng Immigration and Refugee Protection Act (IRPA). Ayon mismo sa official website ng pamahalaan ng Canada, ang mga kasong inihain CBSA Criminal Investigations Section sa Greater Toronto Area Region ay bunga umano ng isang taong imbestigasyon na may kinalaman sa eksploytasyon ng mga migranteng manggagawa. Ang kinasuhan ay sina Laxman Marsonia na may-ari ng Sharon Mushroom Farm sa Sharon, Ontario; si Liwayway "Lily" Miranda na may-ari ng A&L Hammer Workforce Management Inc. sa Toronto; at si Yatin Bera ng Richmond Hill dahil sa pag-recruit ng mga manggagawa mula sa Pilipinas at ibang bansa bilang mushroom pickers. Ang tatlo ay nakatakdang humarap sa Old City Hall Court in Toronto sa ika-28 ng Mayo 2018. Sinabi ni Miranda na bukas siya sa imbestigasyon at maaari raw tanungin ang kanyang 100 empleyado kung legal ba sila na dinala sa Canada. Sa mga naunang balita, nagbigay ng babala ang konsulado ng Pilipinas sa Canada na walang recruitment ng mushroom pickers sa Canada dahil wala namang aprubadong job order ang kahit na sinong Canadian employer. Wala rin umanong accredited recruitment agency para sa naturang trabaho. +Tuluyan nang inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban sa mga manggagawang Pinoy sa Kuwait nitong Mayo 16. Ayon sa ulat ng GMA, inatasan ng Pangulo si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na alisin na ang ban sa lahat ng Pinoy workers sa Kuwait. Ang kautusan ay inilabas ni Duterte ilang araw makaraang lagdaan ng Pilipinas at Kuwait ang kasunduan na magbibigay ng dagdag na proteksyon sa mga OFW na nagtatrabaho sa naturang na bansa sa Gitnang Silangan. "Upon recommendation of Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o, President Rodrigo Roa Duterte tonight instructed [Labor] Secretary Silvestre Bello to totally lift the ban on deployment of Filipino workers to Kuwait," ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Bago nito, Mayo 15 nang unang alisin ang deployment ban sa mga semi-skilled at skilled workers na patungong Kuwait. Ngunit dahil sa naturang direktiba ng Pangulo, maaari nang magpadala ng mga household service worker o domestic helpers sa Kuwait. Magugunitang ipinatupad ang deployment ban sa Kuwait kasunod ng pagkakadiskubre sa labi ng OFW na si Joanna Demafelis sa loob ng freezer. Tinatayang nasa 260,000 mga Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa Kuwait at karamiha'y mga household service workers. +Tiniyak ng pamahalaan ng Bahrain na ang mga overseas Filipino workers (OFW) ay protektado sa kanilang bansa. Ang garantiya ng Bahrain ay isiniwalat ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano noong Lunes, ika-14 ng Mayo. Si Sec. Cayetano ay nagtungo sa Bahrain noong ika-13 hanggang ika-14 ng Mayo kung saan nakipagpulong siya kay Bahrain Prime Minister Khalifa Bin Salman Al Khalifa sa Gudaibiya Palace kung saan sinabi umano ni Al Khalifa ang patuloy na pagsuporta sa Pilipinas. Ayon sa ulat ng Eagle News, sinabi umano ng lider ng Bahrain kay Cayetano ang kanilang ginawang mga hakbang upang maprotektahan ang mga karapatan at maitaguyod ang kapakanan ng mga OFW at ng iba pang mga manggagawa mula sa ibang bansa. Pinuri umano ni Prime Minister Al Khalifa ang 60,000 na OFW sa kanilang bayan at sinabi na handa pa rin silang tumangagp ng mas marami pang mga Pilipinong manggagawa. +Matapos mapirmahan ang memorandum of agreement para sa proteksyon ng mga overseas Filipino workers sa Kuwait, bahagyang tinanggal na ng pamahalaan ang total deployment ng mga OFW sa Gulf State. Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi umano ni Presidential Spokesman Harry Roque na tinanggal na ang deployment ban para sa skilled at semi-skilled workers, samantalang ang ban sa pagpapadala sa Kuwait ng mga domestic workers ay mananatili pa rin. Ani Roque, plano ring alisin ang deployment ban ng mga kasambahay sa Kuwait, subalit bago gawin iyon ay magsasagawa muna ng reporma hinggil sa kanilang recruitment. Magkakaroon umano ng mandatory training sa mga domestic workers. Dagdag pa ni Roque, ang mga recruiters ang sasagot sa gastos sa training dahil ang recruitment fee ay sinisingil nila sa Kuwait employers na nais kumuha ng domestic workers. Ang planong pagtanggal sa deployment ban ng domestic workers sa Kuwait ay irerekomenda ni presidential adviser on OFW and Muslims Concerns na si Abdullah Mama-o kay Pangulong Rodrigo Duterte. +Isang Pilipinang nurse ang nakatakdang tumanggap ng "British Royal Award" dahil sa kanyang ipinamalas na dedikasyon sa kanyang trabaho at pamayanan; gayundin sa ginawa niyang pagresponde sa mga nasaktang mamamayan sa London Bridge incident noong Hunyo 3, 2017. Si Joy Ongcachuy, 45, Lead Robotic Nurse sa Royal London Hospital, ay tatanggap ng parangal bilang "Officer of the Most Excellent Order of the British Empire" o OBE sa Abril 4, 2019. Isasagawa ang seremonya sa Buckingham Palace. Hindi naman makapaniwala si Ongcachuy sa pagkilalang ito; bagay na itinuturing niyang pinakamagandang regalong matatanggap sa buong buhay niya. "It's very overwhelming receiving that phenomenal award. It's not an ordinary award that I received. I consider it as one of the best gifts that I have," saad ni Ongcachuy. Si Ongcachuy ay nagmula sa Talisayan, Misamis Oriental. Isinalaysay niya ang mga pangyayari nang gabing maganap ang pag-atake ng mga masasamang-loob at dinala sa kanilang hospital ang mga nabiktima. "Usually, when we are working at night, we are only two sets of nurses. When the hospital declared a major incident, I had to call people at home because we couldn't accommodate the number of people who came to the hospital and to the theaters," pag-alala ni Ongcachuy. Dagdag pa niya, nanatili lamang siyang mahinahon sa mga sandaling iyon hanggang sa matapos ang kanyang shift. Lahat ng kanyang mga pasyente ay naka-recover. Ayon kay Anne Gully, Matron sa hospital na kanyang pinagtatrabahuhan: "We are absolutely delighted that Joy got her OBE, one of our very competent Band 6 sisters. She has worked here for a very long time. She ran the London Bridge incident night shift when she was on duty. " Dagdag pa nito: "She is a gold mine, like many other nurses from the Philippines: very hard working, very dedicated, very loyal to the Trust." Pagbati sa iyo, Nurse Joy Ongcachuy! Isa kang karangalan ng mga Pilipino! +Last day na sa trabaho ng isang Filipina nurse sa Saudi Arabia dahil nakatakda siyang umuwi sa Pilipinas, ngunit naunsyami ang kanyang pagbabalikbayan dahil sa pagkakasangkot niya sa insidente ng baby switching sa ospital na pinapasukan. Ayon sa ulat ng GMA, ang Pinay nurse na itinago sa pangalang "Gina" ay sa isang pagamutan sa Jeddah nagtatrabaho at nakatakda na sana siyang umuwi ng bansa nang mangyari ang aksidenteng pagkakapalit ng mga sanggol ng dalawang inang nanganak doon. Sa isang panayam, sinabi ni Gina na siya ang sinisisi ng ospital sa baby switching na nangyari at inakusahan siya ng "negligence" na nauwi sa pagkakasuspinde sa kanya sa kabila ng last day na niya iyon sa trabaho. "Yun po, sinasabi nila na ako ang may kasalanan, pero hindi naman ako ang nagbigay ng bata. Ako daw ang nagpalit ng bata, hindi naman ako aware na napalit ang bata dahil ang dami ko talagang trabaho. Sampu ang bata at dalawang bagong silang ... ang hirap po mag-isa po," anang Pinay nurse. Kuwento ni Gina, dalawa silang naka-duty nang maganap ang insidente pero iginigiit umano ng ospital na siya lang ang naka-duty batay sa kuha ng CCTV camera sa mga oras na tinatayang nangyari ang pagkakapalit ng dalawang sanggol. Pinatigil muna sa trabaho si Gina habang isinasagawa ang imbestigasyon. Posible umanong umakyat sa Saudi Ministry of Health ang kaso niya. "Baka raw magpunta ang Ministry of Health at tanungin kung ano ang ginawa nilang aksyon about dun sa case na 'yun. Kaya pinapirma nila ako na stop work muna ako in the meantime. I-update na lang daw nila ako sa development," ani Gina. Ngunit mahigit isang buwan na ang lumipas ay wala pang update sa kaso niya kaya dumulog sa siya sa grupong "Kaagapay ng Bawat OFW" na nagsabing lapitan niya ang Overseas Workers Welfare Administration Office. Ayon kay OWWA Welfare Officer James Mendiola, hindi na maghahabol ang mga ina ng mga sanggol kung ire-refund ng ospital ang ibinayad nila. "Ang desisyon sa kanila, hati sila ng ospital dun sa pag-refund, 50-50 sila ng ospital, ang amount na sinabi ay Riyal 10,000 (tinatayang P138,874) bawat isa," sabi ni Mendiola. Susubukan namang pakiusapan ni Labor Attache Nasser Munde ang ospital na huwag nang singilin si Gina. "Ine-negotiate natin sa ospital. Alam naman natin ang financial capabilities ng worker, maliit lang ang buwanang sahod, at since may pagkukulangan din ang ospital dahil under staff, tapos pinapagtrabaho pa siya kahit na nagpasabi na siya ay uuwi na," ayon kay Mendiola. +Nakabibilib talaga ang talent ng mga Pinoy pagdating sa pag-awit. Sa "Ireland's Got Talent," isang 26-anyos na Filipino nurse na kinilalang si Rodelle Borja ang sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa audience at binigyan pa ng mga judges ng standing ovation matapos niyang awitin ang kanyang rendisyon ng classic hit song ni Elvis Presley na "Can't Help Falling in Love." Sa video na in-upload ng naturang show sa Facebook page nito, ipinakita ang back story ni Rodelle bago siya sumalang sa entablado. Ani Rodelle, kasalukuyan siyang naninirahan sa Dublin, Ireland at nagtatrabaho bilang isang nurse sa isang nursing home sa bayan ng Swords. Aniya, sumali siya sa Ireland Got Talent upang bigyan ng inspirasyon ang mga taong utal o stutterer na katulad niya. "I applied in Ireland's Got Talent because I want to inspire other people especially all the stutterers around the world since I'm also a stutterer myself," pahayag ng singing Pinoy nurse. Hirap daw siyang magsalita at naihahayag lang niya nang mabuti ang sarili sa pamamagitan ng pag-awit. "Growing up with stutter was quite difficult because I am not really that confident in expressing myself by talking. I express myself more and better by singing," ani Rodelle. Dagdag pa niya, nauutal pa rin siya pero may mga pamamaraan siyang ginagawa upang itago ang kanyang speech disorder. "Actually until now I did not overcome it yet. I just came up with techniques to hide it and I still find it difficult to talk," aniya. Nang nasa entablado na si Rodelle ay tinanong siya ng isa sa mga judges na si Louis Walsh kung kinakantahan ba niya ang mga pasyente niya sa nursing home. Sagot niya, "I do that almost every day and they seem to like it." Masigabong palakpakan na may kasamang malakas na hiyawan ang narinig mula sa audience matapos umawit ni Rodelle. "Woah. Listen. That's for you, Rodelle," sabi ni Louis Walsh. Panoorin ang napakahusay na pag-awit ni Rodelle: +Hindi inaasahan ng Pinay nurse sa Dubai na ang pagsha-shopping niya sa isang mall doon ay magdadala sa kanya ng suwerte. Nanalo siya ng 100,000 Dirhams o katumbas ng 1.4 milyong piso sa Million Dirham Wheel promo ng mall na bahagi ng taunang Dubai Shopping Festival. Ayon sa ulat ng Gulf News, ilang beses nagtungo si Angela Mortos sa City Centre Midrif mall na matatagpuan sa Emirates Road upang bumili ng mga pangangailangan niya. Umabot sa 2,000 Dirhams ang nagastos niya sa ginawang pagsha-shopping. Dahil sa halaga ng mga napamili niya ay isa siya sa mga naging qualified na sumali sa Million Dirham Wheel campaign ng City Centre Midrif. Hindi niya raw agad binigyang-pansin ang tawag ng mall sa kanya na nagsabing isa siya sa mga qualified player sa promo dahil kasalukuyang may inaasikaso siyang pasyente sa medical center kung saan siya nagta-trabaho. "When they first called me, I didn't pay much attention to it because I was with patients at the medical centre that I work for," kuwento ni Mortos. Bagama't hindi niya napanalunan ang 1,000,000 Dirham jackpot ay masaya rin si Mortos na halos hindi makapaniwala sa suwerteng dumating sa kanya. "I couldn't believe it at first, but when it sunk in, I was happy and overwhelmed all at once," ani Mortos. Nang tanungin kung ano ang gagawin niya sa perang napanalunan, sinabi niya na bibigyan niya ng balato ang janitor ng gusali kung saan siya nakatira. "This sweet man does not know much English, but he makes it a point to say good morning to me every day and it makes my day. He is a complete stranger, but I want to be a blessing to him," aniya. Ipaaayos rin daw niya ang libingan ng kanyang mga magulang na sumakabilang-buhay sampung taon na ang nakalilipas. +Libo-libong job opportunities sa bansang Poland ang nagbukas para sa mga manggagawang Pilipino. Ito ay ayon sa isang grupo ng service exporters. Sa ulat ng GMA, sinabi ng Philippine Association of Service Exporters, Inc. (PASEI) na nangangailangan ang Poland ng mga manggagawa na handang magtrabaho sa manufacturing, fish and meat processing, information technology at heavy-duty truck driving. Sinabi ng PASEI president na si Elsa Villa na maraming trabaho sa Poland na hindi nangangailangn ng experience sa panig ng mga aplikante. Hindi raw kailangan na highly-skilled ang nais mag-apply ng trabaho doon. Ang mga "unskilled" workers ay sa mga pabrika o manufacturing companies ide-deploy. "Hindi nga kailangan na kayo ay highly skilled. They need a lot of people, unskilled, that they will assign to manufacturing companies," sabi ni Villa. May alok na oportunidad pa para sa mga manggagawa na maisama nila ang kanilang pamilya at mag-apply na maging residente sa Poland pagkatapos ng pagtatrabaho doon ng ilang taon. "Workers who have worked straight five years with one employer will be entitled to apply for residency. So 'pag sa residency, puwede mong madala ang pamilya mo doon," pahayag ni Villa. "Of course, ikaw ang magbabayad sa expenses ng pagdala ng pamilya mo doon, but especially for young families, I really, really recommend this because libre doon ang education. Libre rin ang hospitalization," dagdag ng PASEI president. Bukod sa Poland, ang ilang bansa sa Central Europe gaya ng Croatia at Czech Republic ay nangangailangan din ng mga skilled at unskilled workers. Gayundin ang mga bansa sa Eastern Europe. Samantala, nagbigay ng paalala ang Philippine Overseas Employment Authority (POEA) na iwasang mabiktima ng mga pekeng recruiter sa pamamagitan ng pagkonsulta sa website ng ahensya para sa official job orders kung nais magtrabaho sa labas ng bansa. "Huwag po kayong makikipag-usap ng over the phone, makikipag-transact over the phone. Pinakamainam po pumunta kayo sa main or press office ng agency. If you plan to be deployed by our government through government placement, dito lang po kayo sa POEA makipag-usap," paalala ni POEA Administrator Bernard Olalia +Pinalawak sa limang bansa sa Asya ang Lingap sa Mamamayan outreach program ng Iglesia ni Cristo (INC) para sa mga overseas Filipino workers (OFW). Ang nasabing outreach program ay ilang taon nang ginagawa ng INC dito sa bansa at sa ilang bansa sa ibayong dagat. Nadagdagan ng limang bansa sa Asya ang mga lokasyon na naabot ng programa. Ayon sa ulat ng Manila Standard, tagumpay ang isinagawang "Lingap sa OFW" sa Taiwan, Thailand, Malaysia, Macau, at Hong Kong. Noong October 28, 2018 ay nagsagawa ng outreach at assistance initiatives ang INC sa Kuala Lumpur sa Malaysia, sa Taipei at Kaoshiung naman sa Taiwan noong November 18 at 25 , 2018, sa Bangkok, Thailand noong ika-13 ng Enero ngayong taon, sa Macau noong ika-2 ng Enero at nito lang ika-27 ng Enero ay sa Hong Kong naman. Libo-libong mga "goodwill bags" na naglalaman ng pagkain at sari-saring produktong panlinis sa katawan ang ipinamahagi sa lahat ng nabanggit na lugar sa Asya. Layunin ng INC na magkita-kita bilang isang komunidad ang mga Pinoy sa mga nabanggit ng mga bansa at naisakatuparan nila ito sa pamamagitan ng Lingap sa OFW. "Sa isinagawang mga Lingap sa labas ng bansa, ipinaabot namin ito sa ating mga kababayang OFW. Nakakalat ang ating mga kababayan sa mga karatig-bansa dito sa Southeast at Northeast Asia, ngunit bihira silang magkita-kita bilang isang malaking komunidad ng mga Pilipino. Ito ang aming naging layunin at aming naisakatuparan sa pamamagitan ng Lingap sa OFW," sabi ni INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr. Ang outreach program sa Asya ay isinagawa bunsod umano ng hangarin ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo na mabigyan ng mga kinakailangang tulong kabilang na ang emosyonal at espiritwal na pangangailangan ng mga kababayan na nagsasakripisyong magtrabaho sa ibayong dagat para sa pamilyang naiwan sa bansa. +Pinaluwag na ng Philippine Overseas Employment Authority (POEA) ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Libya Ayon sa Philippine News Agency, inilabas ng POEA ang Resolution number 1, series of 2019 nitong Martes, ika-29 ng Enero, para sa pagpayag na muling ma-deploy ang mga piling OFW sa northern African nation. Ang desisyon ay ginawa ng POEA matapos ibaba ng Department of Foreign Affairs (DFA), na sinangayunan naman ng National Security Council, sa level 2 (restriction phase) mula sa level 3 (voluntary repatriation phase) ang Crisis Alert level sa Libya Ang mga newly hired OFWs at seafarers ay hindi kabilang sa mga muling ide-deploy sa Libya. "As a result of the lowering of the Crisis Alert Level in Libya from Alert level 3 to Level 2, we now allow the processing of the Balik-Manggagawa to Libya," pahayag ni POEA Administrator Bernard P. Olalia. Ang ganap na suspension ng deployment ban ay gagawin kapag ang Crisis Alert level ay tuluyan nang naalis. Paliwanag ni Olalia, ang partial lifting ng deployment ban ay para lang sa mga OFWs na mayroong existing contracts to return sa bansang mayaman sa langis. Kabilang din sa mga OFW na papayagang makabalik sa Libya ang mga empleyado ng mga diplomats, ng mga embahada, international organizations at academic institutions; mga OFWs na nagta-trabaho sa offshore oil rigs; ang mga OFWs na nasa bakasyon bago ginawa ang pag-anunsiyo ng Crisis Alert level 3; at mga Pinoy na kasal sa mga Libyan nationals. Nauna rito, ang Overseas Filipino Workers Organization-Benghazi ay umapela sa pamahalaan na huwag isama sa deployment ban ang mga propesyunal gaya ng mga inhinyero, nurses at guro. Ang total deployment ban ng OFWs sa Libya ay ginawa noong nakaraang taon dahil sa kaguluhan doon. +Isang Filipino nurse ang binigyang parangal ng 2018 Barchester Care Awards sa United Kingdom (UK) bilang Nurse of the Year dahil sa ipinamalas niyang husay sa pagbibigay ng magandang pangangalaga sa mga pasyente. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ang 44-anyos na si Ridel Francisco, unit manager sa Lynde House, isang private care home sa Richmond sa England, ay napili mula sa 1,500 nominadong nurses sa buong UK. Tubong Nueva Ecija si Ridel at anak ng mga magsasaka. Kwento niya, napagtapos siya sa kursong Nursing dahil sa pagtitiyaga ng kanyang mga magulang sa pagtatanim ng sibuyas. "Magsisibuyas kami. 'Yun ang pangunahin naming hanapbuhay doon. I came from farming as well. Nagtatanim ako ng sibuyas, palay at nagsikap ang magulang ko na mapagtapos ako as a nurse," ani Ridel na masayang-masaya sa pagkilala sa kanyang kakayahan bilang isang nurse. Ang natanggap na award ay inihandog niya sa kanyang pamilya at sa bansang Pilipinas. Aniya, ipinagmamalaki niya ang kanyang pagiging Filipino. "I'm very proud being a Filipino. Una sa UK, maraming Filipino nurses at nai-represent ko ang hard work at dedication ng mga Filipino, which is very known na mahuhusay na nurses sa UK at sa iba pang bansa," sabi ni Ridel na labingtatlong taon na ang inilalagi sa UK. Bukod sa pagiging ulirang asawa at ama ng tatlong anak, inako na rin niya ang pagpapa-aral sa tatlo niyang kapatid na ang dalawa ay mga guro na at ang ikatlo ay sumunod sa kanyang mga yapak bilang nurse. Payo niya sa mga nagnanais rin na maabot ang tagumpay tulad ng nakamit niya ay ang magsumikap. "Ang kahirapan ay 'di hadlang para maabot mo ang ganitong antas ng pamumuhay. Hindi rin lang matataas na paaralan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Basta graduate ka at may pagsisisikap ka, may pangarap ka sa buhay, maaabot mo," ani Ridel. +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Tila naging kaawa-awa ang kalagayan ng mga guro sa isang pampublikong paaralan sa Cavite makaraang gawing faculty room ang isang comfort room. Sa video na ibinahagi ni Maricel Herrera, Pangulo ng Teachers' Association sa Bacoor National High School, kitang-kita ang nakaaawang sitwasyon ng mga guro sa kanilang nilipatang faculty room. Ayon sa ulat ng CNN, ilang araw bago ang pagbubukas ng klase, ilang mga guro doon ang napilitang gawing faculty room ang isang comfort room. Ayon kay Herrera, masikip para sa 11 guro ang nilipatang bagong faculty room. "Walang problema doon kasi kung talagang kakailanganin ng bata, priority ang bata. Ang problema doon ay walang ibinigay na maayos na room, walang ibinigay na maayos na lugar para sa mga teachers," ayon kay Herrera. "Sabi nga ng isang teacher, CR yun eh. Wala namang matinong drainage na nandiyan eh. So pag sumingaw 'yun o umulan, mainit yun pag umulan, ang singaw noon nasa teacher," saad pa ni Herrera. "Hahanapin ka ng mga parents... Nandoon baka sa building ng CR na yun... 'Di ba nakakadegrade?" dagdag pa nito. Si Herrera ay isang regional leader din ng Alliance of Concerned Teachers. Ang masaklap pa'y naglaan ng sariling pera ang mga guro para sa pagpapagawa ng faculty room kung saan sila'y may ambag na tig-P1,000 bawat isa. Hindi umano pinahintulutan ang media na makapasok sa paaralan upang ma-verify ang video. Tumanggi ring magbigay ng pahayag ang pamunuan ng paaralan. Sinabi naman ni Education Secretary Leonor Briones na kanilang titignan ang sitwasyon at iginiit na isolated case lamang ito. "We thank media for calling our attention to these things ... yung mga kulang sa facilities, meron pa ring mga ganyang istorya. But that does not speak about the entire picture of education itself," ani Briones. Tinuran din ng Kalihim na simula pa noong isang taon na sila'y handa sa mga problema sa kakulangan ng silid-aralan. Samantala, nagbanta ang punungguro ng naturang paaralan na kakasuhan ang isa sa kanilang mga guro matapos nitong ibahagi sa social media na ginamit umano ang mga comfort room (CR) ng eskuwelahan bilang faculty room. Ayon kay Anita Rom, principal ng Bacoor National High School, hindi niya iniutos na sa CR mag-faculty room ang mga guro. Panoorin ang kabuuan ng ulat na ito sa ABS CBN video: +Hindi na kailangan bilang asignatura o core subjects ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, ayon sa Korte Suprema. Ayon sa ulat ng PhilStar, sa resolusyon na may petsang Marso 5, muling pinagtibay ng Korte Suprema ang kanilang desisyon noong Oktubre 2018 makaraang mabigo ang Tanggol Wika na makapaglahad ng "any substantial argument" sa kaso. "No further pleadings or motions shall be entertained in this case. Let entry of final judgment be issued immediately," ayon kay SC Clerk of Court Edgar Aricheta. Muling iginiit ng Korte ang kanilang desisyon na valid na sumasang-ayon sa Commission on Higher Education (CHED) memorandum order (CMO) na nag-aalis sa Filipino at Panitikan gayundin sa Philippine Constitution bilang mga core subjects sa kolehiyo. "CMO 20 did not violate the Constitution when it merely transferred these subjects as part of the curriculum of primary and secondary education," ayon sa resolution. Binigyang-diin ng SC en banc na ang CMO 20 ay nagbibigay lamang ng "minimum standards" para sa mga general education component sa lahat ng degree programs. "It does not limit the academic freedom of universities and colleges to require additional courses in Filipino, Panitikan, and the Constitution in their respective curricula," ayon sa Korte Suprema. Samantala, tinawag namang fake news ni David Michael San Juan ng Tanggol Wika ang desisyon na ito ng Korte. Plano rin ng Tanggol Wika na mag-second motion for reconsideration. "Pwede pa mag-second motion for reconsideration. Bihira ang second motion for reconsideration, pero malinaw na pwede." "Lalabagin mismo ng Korte Suprema ang Konstitusyon sa initial decision nila kaya lalong dapat na mag-second motion for reconsideration." "Another FAKE NEWS: Pwede pa ring ituro ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. REAL NEWS: Tinanggal ng CHED at pumayag ang Korte Suprema na huwag nang ituro bilang MANDATORY subjects sa college. Basahin ang kabuuang post na ito ni San Juan sa kanyang Facebook account. +Matapos ang ilang beses na kanselasyon ng operasyon ng motorcycle taxi service na Angkas, ngayon ay ligal na itong makapagseserbisyo dahil pahintulutan na ng Department of Transportation (DOTr) na muling makabiyahe ang kanilang mga motorsiklo sa loob ng anim na buwan. Simula Hunyo, maaari nang magsakay ang higit 27,000 Angkas drivers ng mga pasahero sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila at Cebu City na tatagal hanggang sa pagtatapos ng 2019. Gayunman, ang pagbabalik ng operasyon ng Angkas ay isa lamang test run dahil kinakailangan pang likhain at aprubahan ang batas na sumasaklaw sa mga motorcycle taxis tulad ng Angkas. Ayon sa isang pahayag ni DOTr Secretary Art Tugade, bagama't pinaburan nila ang ligal na operasyon ng Angkas ngayong taon, bilang kapalit, dapat daw ay siguruhin ng bawat Angkas driver na susunod sila sa safety requirements sa kanilang serbisyo lalo't marami ang naaaksidente sa pagsakay sa mga motorsiklo. "Mariin naming binabalaan ang mga ride-sharing service na sumunod sa safety requirements sa kanilang operasyon. Huwag n'yong sayangin ang tiwalang pinagkaloob namin sa inyo," pahayag ni Tugade. Agad na pumatok sa mga commuter ang serbisyo ng Angkas mula nang ilunsad ito, ngunit unti-unting nabalot ng kontrobersiya nang ipatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon dahil wala raw permit ang nasabing kompanya. Ngunit nakabalik sila sa operasyon matapos desisyunan ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) ang kanselasyon ng LTRFB, at muling nahinto nang maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa desisyon ng Mandaluyong RTC. Sa pamamagitan ng Twitter account ng Angkas, kinumpirma nito ang pagbabalik nila ng operasyon na ikinatuwa naman ng kanilang mga masugid na mananakay. "Guess who's back?" tweet ng Angkas page. Bilang selebrasyon naman sa pagbabalik ng Angkas, humirit ang mga netizen ng diskuwento at promo mula sa motorcycle taxi services. "Promo code na yan oh," hirit ng isang netizen upang makabawas ng pamasahe sa Angkas na mayroong P50 na flat down rate at karagdagang sampu hanggang kinse pesos sa mga susunod na kilometro. +Sa pagsisimula ng Ramadan noong gabi ng Mayo 5, Biyernes, ay nagbigay ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga Pilipinong Muslim na ipinagdiriwang ang Banal na Buwan ng Ramadan. Ayon sa opisyal na liham ng pangulo, na may petsang Mayo 6, 2019, sinabi nitong kaisa siya ng mga Pilipinong Muslim, nasa Pilipinas man o nasa ibang bansa, sa pagdiriwang ng kanilang pananampalataya kay Allah. Hiniling din ng pangulo na ang ganitong panahon ng pag-aayuno ay magpaalala sa bawat isa ng kung gaano kahalaga ang pagsasakripisyo, pagtitimpi, kababaang-loob, at pagkamasunurin na itinuturo ng Banal na Koran. Hinikayat din niya ang lahat na gawing opurtunidad ang ganitong pagdiriwang upang humingi ng kapatawaran sa ating mga kasalanan. Ipinaalala rin niya na laging magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap. "I trust that you will offer sincere prayers for peace, solidarity, and understanding among our people and all of humanity," pahayag ni Pangulong Duterte. Binigyang-diin din ng pangulo na ang kaniyang administrasyon ay nagnanais matamasa ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino, magkakaiba man ang mga paniniwala sa rehiyon, kultura, tradisyon, at politika. "Together, let us create the change that we have been aspiring for -- the social and moral transformation that is real and meaningful and the lasting progress that will uplift the lives of our kababayans," dagdag pa ng pangulo. Winakasan niya ang liham na humihiling ng "inspiring and blessed Ramadan." Ang Ramadan ay ang ika-9 na buwan sa kalendaryo ng mga Muslim. Ito rin ang panahon kung saan mahigpit na ipinatutupad ang pag-aayuno (pag-iwas sa pagkain o pag-inom) mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw. Ang araw-araw na pagdarasal at paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan ay pangunahin ding isinasagawa ng mga Muslim tuwing Ramadan. +Wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam para sa isang magulang na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak. Paano pa kaya kung pumasa sa mga malalaking pagsusulit tulad ng bar examination? Ganito ang pakiramdam ng nakapiit na Senador na si Leila de Lima makaraang pumasa sa 2018 Bar examination ang anak na si Vincent Joshua Bohol. Para sa Senador ang tagumpay ng anak ay: "most glorious day for me and my family." "My son, Vincent Joshua, made it in the Bar Exams. Glory to you, o Lord! Thank you... thank you... thank you," dagdag pa nito. Sumulat din ang Senador sa kayang anak; aniya: "Sweetest congratulations, dear Vincent! So very happy! My happiest day in more than two years. Praise God." Ayon sa ulat ng ABS CBN, si Bohol ay anak ni De Lima sa dating mister na si Plaridel Bohol. Siya ay nagtapos sa law school ng San Beda College Alabang noong Hunyo 2018. Hiniling din ni De Lima na makadalo sa graduation rites ng anak ngunit tinutulan ito ng Korte. Isa si Bohol sa 22.07% o 1,800 ng mga kumuha ng pagsusulit ang nakasapasa sa 2018 Bar examinations. May kabuaang 8,155 na mga naghahangad na maging abogado ang kumuha ng pagsusulit sa apat na Linggo ng 2018. Ang mga sumusunod ay kabilang sa Top 10 ng Bar exam: (1) Sean James Borja (89.3060%); (2) Marcley Augustus B. Natu-El of University of San Carlos (87.5300%); (3) Mark Lawrence C. Badayos of University of San Carlos (85.8420%); (4) Daniel John A. Fordan of Ateneo de Manila University (85.4430%); (5) Katrina Monica C. Gaw of Ateneo de Manila University (85.4210%) Ang ika-6 hanggang 10 ay sina: (6) Nadaine P. Tongco of University of the Philippines (85.9320%); (7) Patricia O. Sevilla of University of the Philippines (84.8590%); (8) Kathrine T. Ting of De La Salle University - Manila (84.8570%); (9) Jebb Lynus Q. Cane of University of San Carlos (84.8050%); at (10) Alen Joel R. Pita of University of San Carlos (84.6930%). +Bilang pagpapatuloy sa mga proyektong magpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating kalikasan, isang pangunahing proyekto ng Department of Enegry (DOE) ang pagsusulong ng modernisasyon ng iba't ibang transportasyon sa bansa. Maliban sa mga jeepney at bus, inuumpisahan na rin ng DOE ang paglulunsad ng mga makabago at eco-friendly na uri ng tricycle na mas kilala ngayon bilang electric tricycle o e-trikes. Kaugnay nito, nakatakdang magpamahagi ang DOE ng 300 units ng electric tricycle sa ilang tricycle operators and drivers association (TODA) sa Quezon City sa mga susunod na araw. Sa isang Facebook post ng Philippine Star, makikita ang mga electric tricycle na ibinababa mula sa mga trak na nag-deliver nito sa Quezon City Hall sa may kahabaan ng Elliptical Road. Ayon pa sa nasabing post, nakatakda raw ipamahagi ang mga electric tricycle sa ilang TODA sa Quezon City upang isulong ang mas maka-kalikasang alternatibong transportasyon sa National Capital Region (NCR) kung saan mas marami ang mga sasakyan. Nais ng DOE na sa mga susunod na panahon ay yayakapin na ng mga TODA ang electric tricycle kaysa sa mga tradisyonal na tricycle dahil ang mga ito ay mas tipid sa pagkonsumo ng mga produktong petrolyo, gayundin ang mas eco-friendly na bersyon ng three-wheeled vehicles dahil hindi ito naglalabas ng maitim na usok na lubhang nakasasama sa ating kalikasan. Hindi ito ang unang pagkakataon na magpapamahagi ang DOE ng mga e-trike sa mga TODA sa Pilipinas dahil nito lamang Abril 2019, umabot sa higit 100 electric tricycle ang naipamahagi nila sa Las Pinas na dinaluhan ng mga punong panlunsod. Maging sa mga probinsya ay ipinamamahagi na rin ng DOE ang mga electric tricycle katulad sa Boracay na kamakailan ay sumailalim sa ilang buwan rehabilitasyon dahil sa iba't ibang isyung pangkalikasang natuklasan ng mga awtoridad. Namahagi rin ang pamahalaan ng mahigit 200 e-trikes noong 2018 sa mga nasalanta ng kaguluhan sa Marawi City bilang bahagi ng pagbibigay ng kabuhayan sa mga apektadong residente. Nakatakdang ipamahagi ang 300 units ng e-trike sa Quezon City sa mga susunod na araw at inaasahang dadaluhan ito ng mga bagong halal na opisyal ng lungsod. +Binuksan na sa publiko ang "Museo de Intramuros" na matatagpuan sa loob mismo ng Intramuros sa Maynila nitong Mayo 2, 2019, kaugnay ng pagdiriwang ng National Heritage Month. Itinayo ang tatlong palapag na gusali na idinesenyo sa period art collections ng Intramuros Administration, na nangangasiwa rin sa sirkulasyon ng museo. Ito ay ahensya na nakaangkla sa Department of Tourism na mamamahala sa pagpapanumbalik, pagpapaunlad, at pagtatampok sa makasaysayang moog ng Intramuros. Kung ikaw ay magagawi at mamamasyal dito, makikita mo ang iba't ibang kalipunan ng sining tulad ng ecclesiastical art, mga kasangkapan, mga tela, mga makasaysayang bagay, at artifacts. Mayroon ding in-house exhibition na ipinaliliwanag ng mga curator na sina Esperanza Gatbonton, Gino Gonzales, Cecilia dela Paz, Santiago Pilar at Martin Tinio. Itinatampok ng exhibition ang "evangelization" ng Pilipinas sa kaisipan ng mga Pilipino, lalo na sa panahon ng pagpapalaganap ng Katolisismo sa bansa. Paliwanag nila: "This collection of the Intramuros Administration is extremely valuable because it represents the first real attempt to collect and preserve within the Philippines an important aspect of the country's cultural heritage." Dagdag pa niya: "The collection affords the viewer a panorama of the various styles and enables him to compare them with the artifacts done abroad in the same medium. We, Filipinos, have always tended to accept that we were the passive receiver of artistic stimuli from abroad. This collection proves that the Philippines was as much a giver." Ang pagkakatayo sa museo ay bahagi ng pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng Intramuros Administration bilang isang institusyon. Nasabik naman ang mga netizens na makapasyal sa naturang museo. "Dapat lang na magkaroon ng mas maraming museum sa Pilipinas para hindi nakakalimutan ang kasaysayan, ang ating mga pinagmulan at pinag-ugatan." "Masaya at may kilabot nang kaunti kapag namamasyal ako sa Intramuros, dahil alam kong sa bawat sulok nito ay may itinatagong kasaysayan. Tara't pasyalan natin ito!" Walang entrance fee ang Museo de Intramuros sa loob ng unang anim na buwan upang mahikayat ang publiko na puntahan ito. +May forever sa Pilipinas kung pananatilihin natin itong luntian. Ito ang nais ipakahulugan ng bagong kampanya ng Department of Tourism (DOT) na #MoreFunForever. Bahagi pa rin ito ng renewed campaign slogan na "It's More Fun in the Philippines." Noong Abril 29, ipinakilala sa publiko ang bagong kampanya ng ahensiya na idinaos sa Boracay, na unang isinara sa publiko noong Abril 26, 2018. Ang Boracay rehabilitation ay simula pa lamang para sa #MoreFunForever journey ng DOT. Layunin ng #MoreFunForever na maisakatuparan ang mga pamamaraan para sa sustainable tourism nang sa gayon ay mapanatili ang kagandahan ng mga tourist destinations sa bansa. Ang pagpapanatili ng kagandahan ng ating bansa ay para na rin sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon. Sa pangunguna ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pursigido ang DOT sa paglulunsad ng mga proyekto upang maagapan ang pagkasira ng mga tourist destination sa bansa, tulad ng nangyari sa Boracay. Sa launching day, may mga naka-display ring campaign posters ang DOT na nagsasaad ng "Let's Keep the Philippines More Fun Forever." Hindi lamang umano mga turista ang hinihikayat na makiisa sa "sustainable fun." Maging ang mga lokal na komunidad at ang mga negosyante ay hinihikayat ding manguna sa pananatili ng kagandahan ng ating bansa. Ayon sa report ng PhilStar, ang residenteng si Noa Macavinta ay nagbahagi ng kaniyang testamento hinggil sa mga pagbabagong naganap sa Boracay mula sa pagiging "untouched" nito hanggang sa pag-unlad ng isla. Gayunman, ibinahagi rin niya kung paano niya nasaksihan ang pagkasira ng mga likas na yaman ng isla. Nagpasalamat din si Macavinta, sa presensiya ng kaniyang mga kasamahan, dahil nabigyan ng pansin ng gobyerno ang mga suliranin sa Boracay na nabigyan ng solusyon. May isa ring negosyante na umanin sa kaniyang pagkukulang dahil kinalimutan niya ang mga naibigay ng Boracay sa kaniyang negosyo. Gayunman, nauunawaan na niya kung ano ang tamang gawin at kung ano ang dapat isakripisyo para sa isla. Matatandaan na kabilang ang iba't ibang establishments sa mga naiulat na nakadagdag sa pagkasira ng Boracay. Ang rehabilitasyon ng Boracay ay may kaugnayan din sa mga pagsisikap na masagip at mapangalagaan ang Manila Bay, El Nido, Panglao, Siargao, Sagada, at Baguio. +Pasok ang Unibersidad ng Pilipinas sa 100 pinakamahuhusay na pamantasan o unibersidad sa buong Asya, sa ika-95 na puwesto, batay sa Asian university rankings ng London-based Times Higher Education nitong Mayo 1, 2019., at ikaapat na puwesto naman sa Timog Silangang Asya. Mula sa puwestong ika-156 noong nakaraang taon, 61 na puwesto ang itinalon ng UP sa latest rankings mula sa 400 na pamantasan sa Asya. Ito ang kauna-unahang pagkakataong makapasok ang UP sa top 100 ng naturang ranking. "UP soared 61 places from its 156th position in 2018 to sit in the upper 23 percent of 417 universities from 27 countries for 2019. It is one of only five universities from Southeast Asia in the top 100, with two from Singapore and the other two from Malaysia. UP remains the highest ranked university from the Philippines," saad sa opisyal na pahayag ng pamunuan ng UP. Ginamit pa rin ng Asia University Rankings 2019 ang 13 performance indicators na ginamit din sa world rankings, subalit nagkaroon lamang ng ilang mga modipikasyon na aangkop sa mga pamantasan sa Asya. "The universities are judged across all their core missions - teaching, research, knowledge transfer and international outlook - to provide the most comprehensive and balanced comparisons available," pahayag ng THE. Kung pag-uusapan naman ang ranking sa buong daigdig, ang UP ay nasa top 600 batay sa 2019 THE World University rankings, mula sa 601-800 bracket noong 2018 at 801-1,000 bracket noong 2017. Paliwanag ng UP: "Earlier this year, London-based THE also published the rankings for universities in emerging economies where UP made a 79-place leap to 87th, and in the Asia-Pacific region where UP edged into the 101-110 bracket from 150-160 in the previous year." Dagdag pa nila: "For the fifth year running, UP was in the top 100 of the QS (Quacquarelli Symonds) Asia University Rankings, holding the 72nd spot in 2019. The rankings published by British company QS are also among the most recognized in the world." Ang limang pinakamahuhusay na pamantasan sa buong Asya ay ang "Tsinghua University" sa China, "National University of Singapore" sa Singapore, "Hong Kong University of Science and Technology" at "University of Hong Kong sa Hong Kong, at 'Peking University" sa China. Ang ikaanim hanggang ikasampu ay matatagpuan pa rin sa Hong Kong, Singapore, Japan, at South Korea. +Halos marami na nga sa mga Pilipino ang nahuhumaling sa paglalaro ng online games ngayon, kaya naman itinuturing na itong isang uri ng isports na tinatawag na "e-sports". Patunay nito ang paglahok sa ilang online games sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas bilang medal sports. Kaya naman ang malaking tanong, handa na ba ang Department of Education na isama sa "Palarong Pambansa" ang mga online games? Ayon sa panayam ng ABS-CBN News, inamin ni Palarong Pambansa 2019 Secretary-General at DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na wala pang pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng Palaro Board hinggil sa ideya ng posibilidad na paglahok sa e-sports tulad ng Mobile Legends at DOTA sa taunang kompetisyon. Aniya, mas pinili nilang isagawa ang mga "Larong Pinoy" ngayong taon alinsunod na rin sa hiling ni Secretary Leonor Briones. "The secretary wants to include Larong Pinoy in the regular Palarong Pambansa sports. Maybe next year, we have larong Pinoy as demo sports with other sports. But not online games. Larong Pinoy is no longer part of the regular sports. But these larong Pinoy, these are cultural heritage that we cherish. This indeed a cultural treasure to Filipinos," saad ni Escobedo. Prayoridad umano ng Palaro Board na maibalik ang mga larong nakapagpapalakas at nakapagpapabuti sa motor at physical skills ng mga batang manlalaro. "There are positive and negative observations with regards to online games. What is important is we have to balance. What is important to us, the officials of DepEd, is the holistic development of our lifelong learners," ani Escobedo. Hindi pa man napag-uusapan ngayon, nilinaw niyang hindi nila isinasarado ang pinto para sa e-sports. Nais lamang nilang pag-aralang maigi ang mga benepisyong maaaring makuha ng mga manlalaro dito. Samantala, patuloy naman ang mga inobasyon sa pagsasagawa ng taunang Palarong Pambansa lalo pa't marami sa mga isport ay nangangailangan na ng teknolohiya. Kailangan umanong makipagsabayan ng DepEd sa teknolohiya sa tulong na rin ng Philippine Sports Commission (PSC). "Yes, we are adapting to the technology. We are implementing technological innovations. The PSC is very strict when it comes to compliance with international rules and standards," paliwanag ni Escobedo. "Some of the equipment we will use in Palarong Pambansa are borrowed from PSC like in swimming," dagdag pa nito. Ang Palarong Pambansa ay isasagawa sa Davao City mula Abril 27 hanggang May 4, 2019. +Umalma ang grupo ng mga guro na "The Teachers' Dignity Coalition o TDC" sa Department of Education o DepEd na huwag gawing paligsahan ang "Brigada Eskwela," upang hindi mawala ang diwa ng bolunterismo nito. Ayon sa pahayag ng TDC, kung tunay na bolunterismo ang layunin ng Brigada Eskwela, hindi na kailangang gawing paligsahan ito. Nabalitaan kasi ng grupo na may mga pampublikong paaralan na ginagawang "requirement" sa enrollment ang paglahok sa Brigada ng mga mag-aaral at magulang. Anila: "Marahil, isa sa mga dahilan nito ay sapagkat ginagawang paligsahan ang implementasyon ng Brigada Eskwela sa mga paaralan at binibigyan pa ito ng parangal mula sa antas dibisyon hanggang pambansang antas." Nagbibigay ang DepEd ng gantimpalang "Brigada Eskwela Best Implementing Schools" para sa mga pampublikong paaaralang may pinakamatatagumpay na Brigada Eskwela sa elementarya hanggang sekundarya, batay sa 2019 Brigada Eskwela Implementing Guidelines na nasa DepEd Memo No. 36 s. of 2019, Bukod sa "best implementing schools", kinikilala rin ng DepEd ang mga paaralan na regular at walang mintis na nagsasagawa ng Brigada Eskwela. Tinatawag itong "Brigada Eskwela Plus: Most Sustained Schools". Samantala, isang propesor at manunulat naman na nagngangalang "Genaro Gojo Cruz" ang nagpahayag din ng kanyang saloobin hinggil sa paligsahan ng mga pampublikong paaralan kaugnay sa Brigada Eskwela. Auon sa kanyang Facebook post: "Tapatan na ito, di po volunteerism ang isinusulong ng Brigada Eskwela. Pasensiya na po. Naglolokohan na tayo! Bakit ginagawang contest ito ng DepEd? May listahan pa ng mga school supply na hinihingi ang ilang titser. Dagdag pa niya: "Busy ang marami sa mga magulang, paano sila makatutungo sa paaralan upang maglinis, magpintura etc. At ang pressure, may contest pa nga! Kailangang manalo ang school. Paki-ayos naman po ang tunay na Brigada Eskuwela". Umani rin ito ng reaksyon mula sa mga netizens. "Totoo po sir, kanya-kanyang gimik daw po, noong una po dahil bagong teacher lang po ako, akala ko para po mahikayat lang ang mga magulang at estudyante. Tsaka ko po nalaman na contest po pala." "Bakit ba lahat ginagawang contest na ngayon? Wala na yata ang values tulad ng "kusa" (initiative)?" "Hindi po dapat gawing contest ang Brigada. At dapat hindi pwersahing maglinis ang mga bata at mga magulang." Ang Brigada Eskwela ay isinasagawa isang linggo bago ang muling pagbubukas ng mga paaralan para sa pasukan. Ngayong 2019, ang tema nito ay "Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan". +Bubuksan ng Cebu Pacific ang pinto para sa mga nais maging piloto at ipadadala sa isang flight school sa Australia sa pamamagitan ng kanilang "Study now, pay later--zero interest" program. Maglalaan ng 16 na slots ang Cebu Pacific na masusing pipiliin ng budget carrier at sasailalim sa pilot training sa Flight Training Adelaide (FTA) SA Australia. Kinakailangang isang Filipino citizen, nakapagtapos ng anumang apat na taong kurso sa kolehiyo, mahusay sa pagsasalita ng wikang English, at mayroong pinakamababang average na 80 sa Math, English, at Physics. Magsisimula ang paghahanap nila ng mga future pilot sa ika-17 ng Mayo at tatagal hanggang sa ika-26 ng nasabing buwan. Kapag napili na ang mga aplikanteng pumasa sa screening process, daraan pa sila sa pagsala ng kompanya sa pamamagitan ng serye ng interviews, computer skills examination, psychological at medical examinations, at English fluency test. Sa oras na mapili ang 16 na aplikante, daraan sila sa isang on-site screening at core skill and pilot aptitude test na mayroong P19,000 na bayad. Gayunman, walang anumang gagastusin ang kanilang 16 pilot scholars sa pag-aaral sa abroad at siguradong kukuhanin nila bilang empleyado ng Cebu Pacific matapos ang training. Ang mga magtatagumpay bilang piloto matapos ang graduation ay magkakaroon ng salary deduction sa loob ng sampung taon na walang interes. Tatagal ng isang taon o 52 na linggo ang flight training kasama ang ibang skills and learning sessions sa FTA. Matapos ang pag-aaral sa Australia, mayroong apat na linggong training dito sa Pilipinas sa ilalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang magkaroon ng lisensya bilang piloto. Inumpisahan ng Cebu Pacific ang study now, pay later program noong 2017 at nakapag-employ na ng higit sa 80 piloto mula sa 38,000 na aplikante. Mag-uumpisa ang training ng batch 2019 sa darating na Hulyo. Ang Cebu Pacific ay pagmamay-ari ng Gokongwei group of companies. +Tuwing panahon ng halalan, hindi magkandaugaga ang mga politiko sa pagdidikit ng kanilang mga materyales pang-kampanya; kahit nga ang ilan sa mga lugar na hindi nila dapat lagyan ay hindi nila pinapatawad. Kaya't inaasahan na pagkatapos ng eleksyon ay bumabaha ng basura sa paligid. Mabuti na lamang at mayroong mga inisyatibong ang pamahalaan, maging ang mga mapagmalasakit na grupo, upang mga basurang ito'y hindi na kailanganing sunugin. Pagreresiklo ang tawag dito, at dito ay gumagawa sila ng mga panibagong produkto mula sa mga luma o patapon nang bagay para mapakinabangan pa. Nitong Huwebes, nag-post ang MENRO Baliwag, sa lalawigan ng Bulacan, ng mga larawan ng mga makukulay at magagandang mga eco-bags mula sa mga tarpaulin ng mga kumandidato nitong nakaraang halalan. Batay sa post, ang 100 eco-bags ay mula sa higit 50 kilos ng campaign tarpaulins na nabaklas ng mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng bayan bilang bahagi ng kanilang Eco Livelihood Program at pagsusulong ng pagreresiklo ng kanilang pamahalaang bayan. Sabi ni MENRO Officer Edgar Luna, inatasan sila at mga punong barangay ng kanilang alkalde Ferdie Estrella para ipunin ang mga tarpolin at iresiklo. Alinsunod din umano ito sa panuntunan ng Commission on Elections (Comelec) na kailangang baklasin ang mga campaign material matapos ang halalan. Ang mga eco-bag ay mabibili sa halagang Php50 hanggang Php100 sa Baliwag Pasalubong Center at Baliwag Climate Change Center. Mapupunta naman sa mga benepisyaryo ng Eco Livelihood Program ang mga malilikom mula dito. Umani ng maraming papuri mula sa mga netizens ang nasabing inisyatibo. "Ang gagaling talaga ng mga taga-Bulacan. Good job po! Sana gawin din ito sa ibang lugar," sabi ng isa. Maliban dito, ibinahagi naman ng JunkNot Eco Creatives na maaari ring maging isang panibagong upuan ang mga election campaign material. Mababawasan nito ang polusyon sa paligid at makakapagsalba sa mga nakatira sa dagat, dagdag ng JunkNot. +Aprubado na ng Kongreso ang panukalang-batas na mag-aatas sa lahat ng graduating students na magtanim ng mga puno bago nila makuha ang kanilang diploma. Ang House Bill 8728 o mas kilala bilang "Graduation Legacy for the Environment Act" ay may layuning atasan ang lahat ng graduating elementary, high school, at college students na magtanim ng hindi bababa sa sampung puno bilang pangunahing pangangailangan sa kanilang pagtatapos. Ang mga puno ay kailangang maitanim sa mga angkop na lokasyon, klima, at topograpiya gamit ang mga gabay sa pagtatanim ng mga native trees. Ang mga maitatanim na puno naman ay magsisilbing pamana ng bawat magsisipagtapos sa mga susunod na henerasyon. Sina Rep. Gary Alejano (Magdalo Party-list) at Rep. Strike Revilla (2nd District, Cavite) ang mga pangunahing may-akda ng HB 8728. Ayon kay Alejano, may karapatan ang mga kabataang Pilipino sa pagkakaroon ng balanse at malusog na ekolohiya. Gayunman, kailangan din ng mga kabataan na gumawa ng mga hakbang upang makapag-ambag sa pagpapanatili ng malusog at berdeng kapaligiran. Kapag ganap nang naimplementa, tinatayang 175 milyong mga bagong puno ang maitatanim bawat taon sa dami ng mga mag-aaral na inaasahang magtatapos sa elementary, high school, at college kada taon. Ayon naman kay Revilla, hindi na kailangang makipagdebate hinggil sa pangangailangan na mapangalagaan ang ating kalikasan at mapanatili ang ecological balance sa ating bansa. Kailangan din umanong mapalitan ang mga pinutol na puno dulot ng urbanisasyon. Sa ilalim ng panukalang-batas, magiging mandato ng Department of Education (DepEd) at ng Commission on Higher Education (CHEd) ang pag-iimplementa nito. Katuwang din sa pag-iimplementa ang iba't ibang sangay ng gobyerno, tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Agriculture (DA). Ang HB 8728 ay bahagi ang pagsisikap ng gobyerno na pangalagaan ang mga likas na yaman ng ating bansa. Upang ganap itong maisulong, kailangang dumaan muna sa Senado at malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang-batas. +Bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagbabago ng mga pangalan ng lugar upang ialay sa mga kilalang personalidad tulad ng mga bayani, politiko, maging mga propesyonal na nagkaroon nang malaking ambag sa bansa. Ngayon, pasado na sa House of Representatives ang isang panukala na palitan ang pangalan ng North Luzon Expressway (NLEX) bilang Marcelo H. del Pilar Expressway (MHDPEX) bilang pagbibigay-pugay sa manunulat at bayaning si del Pilar na kilala rin bilang Plaridel. Nitong Mayo 15, inaprubuahan na ng Kongreso ang ikatlo at huling pagbasa ng House Bill No. 8958 na inihain ni Bulacan Representative Joe Antonio Sy-Alvarado upang palitan ang pangalan ng NLEX at ialay kay del Pilar. Ayon kay Sy-Alvarado, sa pagpapalit ng pangalan ng NLEX at pagsunod sa pangalan ni del Pilar, mas maaalala raw ng mga Pilipino ang naging ambag at kabayanihan ng manunulat noong panahon ng pagsakop ng mga Kastila sa bansa. "It will constantly remind us of the noble deeds of Marcelo H. del Pilar and inspire our people to emulate his example of selfless service to the nation, while his exceptional courage and leadership gave hope and helped unit the Filipino people at a critical time in our country's history," pambungad ni Sy-Alvarado sa explanatory note ng House Bill no. 8958. Gayunman, kahit pumasa na sa Kongreso ang panukala, kailangan naman nitong makalusot sa Senado upang tuluyang maging MHDPEX ang 84 kilometrong NLEX. Umani naman ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizens ang pagpapalit ng pangalan ng superhighway patungo sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Ayon sa ilang netizens, maganda naman daw ang intensiyon ng panukala at katanggap-tanggap naman daw na maipangalan kay del Pilar ang NLEX na sakop ang ilang bahagi ng Bulacan na lupang sinilangan din ng bayani. Para naman sa ilan, pag-aaksaya umano ng panahon ang pagtuon ng oras ng Kongreso sa pagpapalit ng pangalan ng isang kilalang daanan tulad ng NLEX. Mas marami raw problemang dapat ayusin ang mga kongresista at mas makatutulong daw sa mga komyuter kung maiibsan ang mabigat na trapiko, kabilang na ang nararanasang pagbigat ng trapiko sa NLEX tuwing rush hour, kahit na isang pribadong highway ito. +High school graduate? No problem! Maaari nang mag-apply bilang flight attendant o cabin crew ang mga bagong graduate pa lamang ng high school. Sa Facebook post ng Become a Flight Attendant Philippines, ay inilabas nito ang listahan ng mga requirements kung paano magiging bahagi ng malalaking airlines company sa bansa sa taong 2019. Trabaho ng isang flight attendant ay tiyaking ligtas at maayos ang biyahe ng kanilang mga pasahero. Sila rin ang namamahala kapag nagkakaroon ng sakuna at tinitiyak nila ang pagsunod sa Federal Aviation Administration. Maliban sa height requirements at madalas na pagkakaroon ng good looks ay tumatanggap na rin ang mga kompanya ng eroplano ng mga high school graduates. Ilan sa mga dati nang requirements sa pagiging flight attendant ang mga sumusunod: nakakompleto ng dalawang taong kurso; binata o dalaga; hindi bababa sa 27-anyos; mahusay sa pasulat at pasalitang komunikasyon sa wikang Ingles; may taas na 5'3'' at tugma ito sa kanyang timbang; may groomed-professional image; maayos na ngipin at makatawag-pansing ngiti; at mature, may positibong pag-uugali, may kakayahang umangkop at may kaaya-ayang pag-uugali. Bagama't may sariling kurso ang pagiging flight attendant ay maaaring mag-apply ang mga nakapagtapos ng ibang kurso. Daraan din ang mga aplikante sa tamang proseso ng aplikasyon. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang nagsisimula pa lamang na flight stewardess ay sumahod ng nasa P18,000 - P26,000 at maaaring tumaas pa ng P36,000- P54,000 depende sa training at karanasan. Bentahe rin nila ang makarating sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at sa buong mundo. Sa mga interesadong aplikante maaaring i-click ang Facebook account ng Become a Flight Attendant Philippines. +Idineklara ng Sangguniang Panlungsod ng Dapitan City sa Zamboanga del Norte na pers0na non grata sa kanilang siyudad ang mamamahayag na si Erwin Tulfo. Ayon sa report ng Rappler, nagsagawa ng botohan ang mga city councilors ng siyudad noong Mayo 7, 2019 at pumabor ang lahat upang ituring na "persona non grata" o "undesirable person" si Tulfo. Dahil ito sa harap-harapang pang-iinsult0 ni Tulfo sa mga Dapitanons at sa kanilang siyudad. Noong Abril 28 ay bumisita si Tulfo, kasama ang dating Dipolog City mayor Evelyn Uy na tumatakbo bilang mayor ng Dapitan, upang ikampanya ang sinusuportahang party-list group, ang ACT-CIS. Gayunman, imbes na magsalita nang magaganda o makabuluhang pahayag, mas nabigyang-diin kung paano maliitin ni Tulfo ang lugar. Ayon sa isang open letter ng isang Dapitanon na si Gualberto Laput, nasaktan, nainsulto, nasuklam, at nagalit ang mga mamamayan ng Dipolog City sa mga hindi kaaya-ayang pahayag ni Tulfo. Kabilang sa mga sinabi ni Tulfo ay ang retorikal na tanong nito na: "Saan ka ba nakakita ng city na you only have one bank?" Gayunman, nilinaw ni Laput na may apat na bangko sa kanilang siyudad. "Pumunta ka ng Dipolog, maraming fastfood. Bakit ba ang taga-Dapitan hindi marunong kumain ng Jollibee?" sabi pa umano ni Tulfo. Sinabi rin umano ni Tulfo na hindi raw dapat ikonsidera ang Dapitan bilang siyudad dahil wala itong Jollibee. Tinugon naman ito sa liham na kaya naging siyudad ang Dapitan ay dahil sa kahalagahang kultural nito, at hindi dahil sa mga malalaking commercial at industrial establishments. +Nang isapubliko ng Binibining Pilipinas ang mga larawan ng mga kandidatang suot ang kani-kanilang national costume, kabilang sa mga kinamanghaan ng mga Pilipino ay ang kasuotan ni Bb. Pilipinas candidate Dia Nicole Magno ng CARAGA Region. Ang national costume ni Magno ay disenyo ni Jearson Demavivas na nagdisenyo rin ng national costume ni Catriona Gray noong Bb. Pilipinas 2018. Ang gintong kasuotan ni Magno ay representasyon ng isa sa mga yaman ng kaniyang rehiyon--ang Golden Tara--at panawagan na rin upang maibalik ito sa Pilipinas dahil kasalukuyan itong nasa Chicago Field Museum sa US. May kabigatan ang national costume ni Magno dahil gawa ito sa gold-plated brass. Gayunman, kinaya itong dalhin ng kandidata. "It's like carrying the people with me but I'm doing this not only for myself but for the Philippines," pahayag ni Magno na mababasa rin sa report ng Manila Bulletin. Ang Golden Tara ay siyam na pulgadang gintong estatwa na imahen ni Tara, diyosa sa relihiyong Budismo. Natagpuan ito ng isang Manobo sa baybayin ng Ilog Wawa sa Agusan del Sur noong 1917. Napasakamay naman ito ni Bias Baklagon, na noon ay deputy governor ng Agusan, kaya tinawag din ang gintong estatwa bilang "Buwawan ni Baklagon" (Ginto ni Baklagon). Gayunman, nang magkautang si Baklagon ng malaking halaga sa Agusan Coconut Company ay ginamit niyang pambayad ang Golden Tara. Ang Golden Tara ay naging pag-aari ng mga Amerikano nang bilhin ito ni Faye Cooper-Cole na asawa ng Amerikanong gobernador heneral noon sa Pilipinas. Pinaniniwalaang nabili ni Cole ang gintong estatwa sa halagang P4,000 noong 1920 o 1921. Dahil isa ring curator sa Chicago Field Museum, ipinadala niya ito roon na hanggang sa kasalukyan ay pagmamay-ari ng museum. Sa mga nakalipas na taon, may mga panawagan sa gobyerno na gumawa ng mga hakbang upang maibalik sa Pilipinas ang Golden Tara. "This is the Golden Tara, the representation of the Gold in the Veins of every Caraganon. I represent the rich culture and history where I was born and bred," paliwanag ni Magno. Bukod sa Golden Tara, bahagi rin ng national costume ni Magno ang isang tradisyonal na tela na representasyon ng limang tribu sa Caraga: ang mga Manobo, Mamanwa, Higaonon, Banwanon, at Mandaya. Makikita rin ang simbolo ng kanilang balangay na kilala sa Butuan. Samantala, ang National Costume fashion show ng mga Bb. Pilipinas candidates ay gaganapin sa New Frontier Theater, Quezon City sa Mayo 29. Ang Binibining Pilipinas Grand Coronation Night 2019 ay gaganapin naman sa Smart Araneta Coliseum sa Hunyo 9. +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y panggagaya ng kinatawan ng Thailand na si Ingchanok Prasart sa ginanap na Miss Intercontinental pageant 2018 sa trademark ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na "lava walk." Isang netizen sa Twitter na nagngangalang Marnie Raro ang nakapansin sa paraan ng paglalakad at pag-project ni Miss Thailand na parang kinokopya ang "lava walk" ni Catriona. Bukod kay Miss Thailand, napansin din ng mga netizens ang pagkopya umano sa "Mayon Volcano gown" ni Miss Vietnam. Aminado naman ang dalawa na labis nilang hinahangaan at inspirasyon nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito. "So now everyone looks like Catriona Gray. From hair to stance to gowns. The influence. Only legends do that." "Catriona Gray's walk can never be perfect without her walking it." "I think so? Even the hand gesture of Miss Thailand seems copied too. Catriona Gray is indeed a queen." "Yet they can't copy the original. Because there will be only one Lava Walk and Catriona Gray." "Kayo na 'yung may mga originality... hala gawa kayo sarili niyong pageant, ano ba naman yung hayaan niyo na lang sila hays....daming toxic." Isang patunay lamang ito na maraming mga aspiring beauty pageant candidates, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang tumitingala at humahanga kay Catriona. Aminado naman dito ang marami sa mga kandidata ng naturang katatapos na pageant. Ang 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 ay ginanap noong Enero 26, 2019, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, Metro Manila, Philippines. Kinoronahan ni Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Juanita Gallman. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naging host ang Pilipinas sa pageant na ito. Pinili ng Japan organizers ang Pilipinas na maging venue ng pageant dahil abala ang bansang Japan sa mga paghahanda para sa 2020 Summer Olympics. Narito ang buong Twitter post ng netizen: +Senator Risa Hontiveros umalma ng makita ang listahan ng mga Drug Protektor sa bansa. Ayon kay Pres. Duterte kasama ang senador sa mga polical drug protector. Panoorin ang kabuuan ng video para sa detalye. +Kailangan ba makinig si Atty Persida Acosta kay Sen. Leila Delima ? DENGVAXIA PANIC| Sinisi ni Sen. Leila de Lima si Public Attorney's Office Chief Atty. Persida Acosta sa umano'y nangyayaring panic kaugnay ng Dengvaxia vaccine. Ayon sa Senadora, ginagamit lang ng opisyal ang isyu bilang daan para makaupo sa mas mataas na posisyo n. +Masayang masaya ang mga OFW sa Hongkong ng bisitahin ng pangulo noong nakaraang taon. Ipanaramdam ng Pangulo ang kahalagahan at ang mga kabayanihan ng mga kababayan natin sa ibang bansa kaya ganun nalang ka emosyonal ang karamihan sa tagpong iyo, ating sariwain muli ang mga tapo na iyon na pag bisita ni Pangulong Duterte sa Hongkong noong nakaraan taon. Panoorin sa video na ito. +Sinabi ni Roxas na dapat umano ay gawin ni DOJ Secretary Aguirre ang kanyang trabaho ng tama. Panoorin sa video na ito ng GMA Sinabi pa ni Roxas na kaduda-duda umano ang mga source ni Aguirre dahil ang ilan dito ay mga patay na. +Kamakaillan kumalat sa social media ang pananakit umano ng ilang sundalo sa nahuling teroristang Maute-Isis. Video courtesy/shared by: News5 Umani ng ibat-ibang reaksyon ang mga video na kumalat kasabay ng panawagan ng mga opisyal ng AFP na huwag na i share pa sa social media dahil maaari umano ito magdulot ng maling interpretasyon at magresulta ng pagkagalit ng mga kapatid na Muslim sa mindanao. Ayun pa kay AFP spokesperson Padilla, posible umanong nadala lang ng emosyun ang ilan sa mga sundalo kaya ito nila nagawang saktan. Ayun pa kay Padilla, sisiguruhin nila na pananagutin ang mga gumawa nito kapag napatunayan sa imbistigasyun. Mag-iwan ng inyong kumento sa baba +ITO ANG ADMIN NA SERYOSO sa TUNAY na PAG- BABAGO PRES. DUTERTE SINORPRESA NG JAPAN SA SUPORTA NG BUILD BUILD BUILD PROGRAM NITO. TULONGAN NATIN IKALAT ANG MGA GANITONG BIDYO DAHIL PATULOY NA LIMITADO ANG PAG BABALITA NITO NG MAINSTREAM MEDIA. +ALAMIN SA REPORT NA ITO. Ito ang lumabas sa servey ng Pulse Asia, ito ay sa kabila ng servey na lumabas naman sa SWS kamakailan. comments and share this video. +CHAIRMAN BAUTISTA IMPEACH NA Marami ang nagulat ng i impeach si Bautista kahapon sa kamara. samantala, nangangamba naman ang mga sinador na baka masayang lang daw ang paglilitis nila dahil bababa naman daw sa pwesto si Bautista. panoorin ang buong report +SOBRA ANG GALIT AT LUTONG NG MURA NG PANGULO Galit na galit na hinamon ni Pangulong Duterte si Ombusdman comm. Carpeo at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno noong sabado sa harap ng mga myembro ng Integrated Bar of the Philippines. Ito ay sa gitna ng ginagawang imbestigasyun ng Ombudsman kaugnay sa umanong multi bilyon bank account ng pamilya Duterte, dahil sa mga malulutong na mura na pinakawalan ng pangulo dahil sa galit nito, napilitan ang Radio Television ng Malakanyang n i-censor ang talumpati ng pangulo na pinalitan nito ng long beep ang bawat mura, ginawa ng RTVM ang sanitized version ng speech ng pangulong Digong sa pamamagitan ng pagpalit nito ng beep sound sa bawat mura na umabot umano ng 41 beses. iginiit ng pangulo na ang alegation nito laban sa kanya ay lies, base on baseless , hundreds of millions. +RIP DR. JOE TARUC NG MBC DZRH PAALAM DR. JO, Sir Joe, Kuya Jo, Daddy Joe. Ito ang nakakagulat, nakakalungkot na balita ngayon gabi ng sabado matapos maibalita sa mga TV at radio partikular sa MBC-DZRH ang pag panaw ng batikang brodkaster na si Jose "Joe" Taruc sa edad na 70. Sya ang ama ng journalist na si Jay Taruc na host ng GMA-7 documentary program na "Motorcycle Diaries" Ayun sa ulat, ipapaalam sa lalong madaling panahon and detalye ng burol nito ganun din kung saan at kailan ang pag hatid sa huling hantungan. Mabilis naman nagpahayag ang malakanyang ng pakikiramay sa mga naulila ng brodcaster. +ITO ANG RESBAK NG PANGULO SA OMBUDSMAN ANG MATAGAL NANG PAG PIPIGIL NG PANGULO SA OMBUDMAN, LUMABAS NA. ALAMIN SA BIDYO NA ITO, COURTESY BY DZRH TV +BANTA NG PANGULO SA MAY ARI NG PHILIPPINE AIR LINES PLAY FULL VIDEO BELOW ANG BANTA NG PANGULO KAY LUCIO TAN , AT IBA PANG MGA BALITA NGAYON. Babala ng pangulo , bibigyan lang nya ng 10 araw ang Philippine airlines para asikasuhin ang pag babayad nito sa gobyerno +ANG FOCUS NG ADMINISTRASYON Gagastos ng 8 Trillion WATCH THE FULL VIDEO BELOW Golden age of infrastructure - Ito ang pangakong kinabukasan ng pilipinas. Sa kauna-unahang pagkakataon, ibat ibang ahensya ng gobyerno ang magtutulong-tulong upang isakatuparan ang pangakong kinabukasan ng Pangulong Duterte. Dito inaasahan na gagastos ng mahigit walong Trillion piso ang pamahalaan upang masuportahan ang BUILD BUILD BUILD project ng pamahalaan. Video Courtesy : Asian Blog +Ilan mga guro ang magpa hangang ngayon ay hindi parin maiwasan ang pananakit sa mga studyante. Panuorin ang video sa baba, kung kilala nyo ang teacher na ito ay ipag bigay alam natin sa kinauukolan. Watch and Share below video to help stop this wrong doings. +HINDI NGAYON HADLANG ANG HINDI PAG BALITA SA MGA MAGAGANDANG NANGYAYARI SA BANSA - PLAY FULL VIDEO BELOW Kadalasan nang napapansin ng marami ang limitadong pagbabalita sa mga magagandang development ng admistrasyun Duterte, ito ay kadalasan din nagiging puna ng maraming Netizens dahil umano sa naka focus lang ang mainstream media sa mga negatibong nangyayari sa bansa. Nagiging tanpulan naman ng sarit-saring puna lalo na ng mga nasa opposisyun ang mga negatibong balita na sya namang nagiging umpisa ng pag laganap ng ibat ibang opinyun ng mga taga suporta ng pro at anti administrasyun. By: Duterte News Watch +PRESIDENT MARCOS , SANA NALAMAN NAMIN ITO NOON PA.! Fact: Alam niyo bang noong bata pa si Ferdinand E. Marcos naakusahan na ito ng kasong murder ? Isa pa lamang siyang estudyante sa law noon. Ang nakakabilib doon ay di siya kumuha ng abugado bagkus siya mismo ang nagligtas sa sarili niya at kinatigan siya ng korte ang sabi pa ng isa sa mga hukom " huwag nating sayangin ang buhay nang batang ito, malaki pa ang maiaambag nito sa bansa" ani ni Osmena. Alam niyo rin ba na ang batang Marcos din ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa kasaysayan ng pag aabugasya ? Dahil ang grade nito ay halos 100% kaya naman pina-retake sa kanya dahil baka nandaya raw at oral exam ang ginawa s kanya sa loob pa ng korte. At nakakuha siya ng 95% pinakamataas parin sa kasaysayan Alam niyo bang Si FEM ang pinakabatang pulitiko na nanalo bilang Mayor, Congressman, Gobernador at Senador ? Alam niyo rin bang mayaman talaga ang pamilyang Marcos ? Dahil sila ang kinuhang abugado ng Pamilyang Tallano na nagmamay ari sa buong pilipinas. Ang bayad ay tone-toneladang ginto. Na dati ang pangalan ng bansa natin ay The Maharlika.(Do research about this) Isa pang trivia. Ang mga tallano ang nagbayad o totoong bumili saatin nung isuko ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika. Ibinigay ito ng Tallano sa Amerika para pambayad o pantubos sa ating bayan. Alam niyo bang Si FEM ay isa sa pinakamagaling na leader at hinahangaan sa buong mundo ? Dahil sa aking nitong talino at husay sa pagpapalakad at pagpapalakas ng bansa. Kaya naman maraming inggit sa kaniyang galing, 1 dollar is 2peso lang ang pilitan, sumunod tayo sa Japan sa pinakamalakas na bansa sa buog Asia. At tayo ang Tiger of Asia! Alam niyo bang nagpadala si Marcos ng tulong sa Korea at Vietnam para makatulong na matapos ang digmaan sa kanila ? Alam mo bang sa Pilipinas pa nangungutang at humihingi ng tulog ang bansang South Korea para madevelop at mapaganda after Korean War ? Kaya ganon nalang utang na loob ng south koreans saatin.( search niyo speach ni dating Pres. Park) Alam niyo bang magka-brod o iisang fratternity lang si Marcos at Aquino ? Matalik talaga silang magkaibigan nasira lang dahil sa pulitika at mga kakampi ni Aquino. Alam niyo bang sa loob ng mahigit 20yrs niya sa panunungkulan ay umabot lamang sa mahigit 500bilyong piso lamang ang kabuuang budget na nagastos niya ? Ikumpara mo sa 1 trilyon ni Cory na di naman natapos ang termino at 1.5 trilyong piso ni Ramos na isang termino lang ? Alam niyo bang kahit pagsama-samahin lahat ng proyekto ng mga sumunod na presidente sa kaniya at di parin mangangalahati sa lahat ng accomplishment niya ? Simula kay Aquino at kay Aquino uli haha. Karamihan sa mga proyekto o iba ay puro pinalitan nalang ng pangalan. Kagaya ng Manila International Airport naging NAIA. LRT na kauna unahang Vertical Railway System sa SouthEast Asia. NLEX Basta marami pang iba. Visit Ferdinand E. Marcos page para makita niyo yung iba o halos lahat makikita niyo dun. Alam niyo bang idineklara ni Marcos ang Martial Law dahil sa Pambobomba ng mga terroristang NPA at pag-usbong ng iba pang rebelde gaya ng MNLF at ibpa. Alam niyo ba na balak bawiin ni Marcos ang Sabah ? Dahil parte ito ng pilipinis regalo ito ng Bormeo(Im not sure) sa sultan ng Sulu dahil sa pagtulong sa kanila sa pakikidigma. Binalak itong bawiin ni Marcos sa Malaysia sa pamamagitan ng pagsakop dito para mabilis mabawi. Gumawa siya ng isang grupo ng mga muslim para di mahalata ng mga Malaysian ang pagsakop. Tribo ito ng mga tausug at dinala sa Corriedor upang sanayin subalit may napabalitang may namatay na tausug at ito ang tinawag ni Aquino na Jadiha Massacre. Isa ito sa dahilan ng pag-usbong ng MNLF. Alam niyo ba na kaya nagkasundo ang Gobyerno at MNLF dahil sa kasunduan na pinagigitnaan ng libya ? Kaya nabuo ang ARMM ? Maraming miyembro ang di nakuntento kaya nabuo ang break-away faction na MILF ? Na nakikipag kasundo naman ngayon sa gobyerno kaya nabuo ang BIFF ? Alam niyo ba kung bakit walang namatay noon People Power sa edsa ? Dahil sa utos ni Marcos. Non-Verbatim: Gen Ver: Pres. Nakaporma na ang mga sundalo natin at handa ng umatake. FEM: My order is not to shot. End. Alam niyo bang bago pumunta si Marcos sa hawai ay hiniling nito na buksan ni Aquino ang Bataan Nuclear Plant upang masustentuhan ang National Grid na na plano ni Marcos upang mapababa ang presyo ng kuryente ? Alam mo bang proyekto ni Marcos ang mga rural banks, kooperatiba upang matulungan mamuhunan ang maliliit na mangingisda at magsasaka ? Alam niyo ba na proyekto ni FEM ang Green Revolution(corrct me if im wrong) na nagresulta ng self effiency natin sa bigas at nakakapag export pa tayo na kumikita ng mahigit 3bilyong dolyar kada taon. Alam niyo ba niya siya lang ang natatanging Leader na kailanman ay hindi gumamit ng kahit kodigo sa talumpati nito o interview ng english ? Alam mo bang pagmamay ari ng gobyerno o GOCC ang mga PNB, Petron, PAL, NAWASA, channel 4 and 13 etc. Marami pang iba ngunit ang iba ay napalitan ng pangalan o di kaya ay binenta sa pribadong kumpanya. Alam niyo bang hawak ng gobyerno ang MERALCO noon dahil nalugi ito at humingi ng tulong ang mga Lopez sa gobyerno para di mabangkarote ? Ngunit nabaliktad ito nang pamaalis ang Marcos at nakuha uli ng mga Lopez. Alam niyo bang hanggang sa ngayon tinatamasa parin natin ang halos lahat ng proyekto niya ? Panoorin ang Interview ni Mel Tiangco kay Ms. Imelda Marcos sa Power House. Ipinakita doon ang isang silid na naglalaman ng papeles o documento na magpapatunay sa yaman nila. Kung hindi ako nagkakamali pinabasa niya ito kay Mel at umaabot na ito halos isang trilyon kasama ang interes dahil tatlong limang dekada na ito nakatago. Ani pa ni Ms. Marcos itinatago daw nila ito para sa buong pilipinas at maging sa mundo. Alam niyo bang libo-libong kaso ang kinaharap ni Ms. Marcos sa korte ng New York subalit ni isa dito ay walang nanalo. Kaya naman tinawag itong "fight of the century". PS:Share ko lang sana may pake kayo. Courtesy of FB user: Joniure E. Sonny who posted this message as comments to the video interview of Ms/ Luchie with Senator Juan Ponce Enrile +HINDI MATANGAP NG DATING ASAWA NG SUSPEK ANG GINAGAWA NG NITONG KALASWAAN NA NAKIKITA PA UMANO NG KANILANG ANAK KAYA DUMULOG ITO SA PROGRAMA NI TULFO. PANOORIN ANG KABUUHAN NG REPORT NA INILATHALA NI MR. RAFFY TULFO IN ACTION +ANG NAKAKA KABA NA TAGPO SA RALLY ANG TENSIONADONG TAGPO NA PAG HARAP NG PANGULO SA MGA NAG RARALLY. PANOORIN ANG ACTUAL NA VIDEO SA BABA +BINALIK NA NG LOWER HOUSE ANG BUDGET NG CHR Kakapasok lang na balita- Ibinalik na ng mababang kapulongan ng congreso ang budget ng CHR matapos muling talakayin ito ng kamara. Matatandaan na naunang binigyan ng committe ang CHR ng 1000.00 pesos na budget kung saan umani ito ng mga negatibong puna ng maraming sektor. Abangan ang ibang detalye. +TODO DEPENSA NA SI EX-PRESIDENT AQUI NO PARA HINDI MAKULONG PLAY VIDEO BELOW PAKINGGAN ANG SAGOT NI PANGULONG DUTERTE +Ex-Senator Jingoy Estrada pansamantalang nakalaya Matapos mag pyansa, pansamant laya na si ex-Senator Jingoy estrada Hangang sa kasalukuyan, mariing itinatanggi ng senador na sangkot sya sa mga kasong ibinintang laban sa kanya. wala daw syang ninakaw sa kaban ng bayan. Personal na nagtungo sa sandigan bayan si Estrada kasama ang kanyang pamilya para personal na iprocess ang kanyang release papers. 1.3 milyun pesos ang ibinayad ng senador belang pyansa kapalit ng kalayaan sa kasong pandarambong at 330 thousand naman para sa kaso ng graft. Matatandaan na pumabor ang mga mahistrado ng sandigan bayan sa botong 3-2 , bagamat makakalaya na, [atuloy pa din ang kaso nito dahil umano wala naman balak takasan nya ito dahil sya ay kilalang personalidad. Source: GMA News +PEDOPHILE KA BA ? Watch the video below Ito ang inis na inis na tanung ng pangulong Duterte sa harap ng Media para kay commisioner Gascon, ito ay matapos mainis ang pangulo sa pangingialam umano ng CHR sa mga kaso ng pag patay sa mga minor de edad na ini uugnay di umano sa EJK. Inulit ulit pa ng pangulo ang katanungan na " Bakit Sobrang apektado umano si Gascon sa mga namamatay na mga lalaki bata, "Pedophile ka ba?" bakit mahilig ka sa mga bata? +MADALAS AKO MAKIKITA SA MGA RALLY - SEC. MARIANO After ng aking rejection as secretary, ang una kong lalahukan ay itong magaganap na malaking protesta sa Sept 21 laban sa mga anti-mayayaman, anti-demokratiko, anti-pasistang patakaran ng rehiming us-duterte administration " Mariano told the media in one of the human rights forum in diliman Q.C. Mariano said, " nag deklara na ang pangulo ng martial law sa mindanao, hindi natin papayagan na idekrala nya ito sa buong bansa. Sept. 21, is expected to have a mass protest in commemoration of 45th declaration of martial law under the dectatorship of Ferdinand Marcos. Mariano then reiterated " Ngayon, mas madalas na ninyo ako makikita sa mga pagkilos na pang masa., hindi na ako mawawala sa cirkulo. Video below after mariano was rejected as DAR secretary. +GENERAL RONALD "BATO" DELA ROSA NAPAHAGOLGOL SA SENADO +Muling nag trending ang post na ito ng TrendingNewsPH facebook page dahil sa kamukha umano ng mamang nang hold up sa UV express na nakuhanan ng dash cam kamakailan. panoorin ang video sa baba +21 GUN SALUTE PARA KAY CPL BARTOLOME NAGING EMOSYONAL. PLAY THE VIDEO BELOW Naging emosyonal ang mga kabaro ni Cpl. Bartolome ng ihatid ito sa huling hantongan nitong sabado. makikita sa video na na i-share ng Pagadian express news ang detalye. Video shared by : Pagadian Express News - Share your thoughts below. +Matapos mahule ng traffic enforcer, Driver na maangas tinuloyang ticketan ng traffic enforcer. Image from a video posted at FB by DZRH - MBC umani ng pang ba bash ang driver maging ang kumuha ng video , samantalang papuri ang nakuha ng enforcer. +MOST LOVING PUBLIC OFFICIAL Pres Duterte bilang pinaka mapag mahal, pinaka maalagang opisyal ng gobyerna ayun sa survey. Panoorin ang video na ito na naipost ng New5 sa social media Facebook. Video Courtesy : News 5 Matapos ang halos isang oras ng maipost ito ng News5, bumaha ng suporta sa social media at pasasalamat ng netizens sa pangunguna ng pangulo sa survey, Patuloy na dumadami ang halohalong tuwa nang mga mensahe ang lumalabas sa social media hangan sa mga oras na sinusulat ito. Ano ang iyong masasabi sa survey na ito, at sa mga mensahe ng netizens kaugnay dito. mag iwan ng kumento sa baba. +NAG VIRAL SA BUONG MUNDO ANG BALITANG PAG HANGA NG ISANG KOREAN NEWS AGENCY NA ITO. Tinawag ng isang reporter si pangulong duterte na pinaka matapang na lider ng bansa sa panahong ito , ito ay matapos makita sa buong buong mundo ang seryusong kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga na lumalabas ngayon sa ibat ibang pahayagan. +HINDI LANG BASURA ANG NILILINIS NI MMDA CHAIRMAN DANILO LIM Courtesy : PTV Puspusan ang pag lilinis ni Chairman Danilo lim sa mga tiwaling opisyal ng MMDA, sa pahayag na ito ni Lim sa PTV na kanyang pinangangako ang tuluyang pag lilinis hindi lang ang basura sa buong metro manila maging ang mga tiwali sa ahensya. +PARA SA MGA NAG HAHANAP NG TRABAHO SA MANILA. MAG INGAT NG HUSTO Coutesy : MBC / DZRH Sa FB post na ito ng DZRH, binigyan ng babala ang mga nag aaply ng trabaho sa maynila matapos mabiktima ang ilang mga aplicante na umanoy tutulongan makahanap ng trabaho, sila ay kadalasan naka pwesto sa mga Lrt station sa manila. i -Share ang post na ito para malaman ng iba. kung meron naman kayo nalalaman sa mga ganitong modus, paki comment sa baba para maisumbong natin sa mga autoridad. +Matapos ang halos isang taon, muling kinumusta ng PTV Peoples Television network si Mang Orlando. +BREAKING NEWS - TRILLANES AMBUSH INTERVIEW ON KIAN'S DEATH AND ONGOING ISSUE ON DRUG WAR. Watch the video below, and leave your comments. Watch for the details +ISA PANG KASO NG 16 YEARS OLD NA BINATILYO HULE SA BARIL Umamin ang ang lalaki na gumagamit sya ng bawal na gamot. ang pag aresto ay inilunsad matapos makatanggap ang pulisya ng impormasyun galing sa barangay na may dala itong baril. Samantala, umamin naman ang mga magulang ng bata na alam nila umano na gumagamit ang kanilang anak ng ipinagbabawal na droga. Samantala, payo naman ng pulisya sa mga magulang na siguraduhin kung sino ang mga kaibigan ng kanilang mga anak na kadalasanng sinasamahan nito. +NASUNGKIT NI MARY JOY TABAL ANG KAUNAUNAHANG GINTONG MEDALYA NG PINAS Nakuha ni Mary Joy Tabal ang kaunaunahang gintong medalya ng Pilipinas sa 2017 SEA GAMES na kasalukuyang ginaganap sa Kuala Lumpur Malaysia. Nasungkit ni Mary Joy ang ginto matapos itong lumamang at makuha lamang sa oras na 2:46:28 sa marathon +Ito ang Pahayag ng Presidente Duterte kay Atong Ang. Nang magkausap umano ang Presidente at Atong Ang sa telepono. Ayun sa presidente, kinausap nya umano ang Gambling operator upang hilingin nito na linisin ang Philippin Charity Sweepstakes office. Ayun sa Pangulo, sinabihan nya si Atong na magpunta sa PCSO at itigil umana ang lahat nang iligal na sugal na kanyang nalalaman upang makinabang at matulongan ang gobyerno. +CHIEF ESPINIDO NG OZAMIZ CITY MULING PINAG USAPAN Muling napagusap ng iilan sa Social media ang galing at tapang ni Osamiz city police chief Espinido matapos magkaroon ng mga big time anti drugs operation sa Bulaca, Coloocan at sa ibat ipa pang mga lugar na naging kuntrobersyal dahil sa dami ng mga napatay. Matatandaan na napatay ang Mayor ng Ozamiz at mga kamag anakan at mga tauhan nito matapos manlaban umano at mapatay ng Ozamiz polis na pinamumunuan ni Chief Espinido. Magiwan ng kumento sa baba +17 YEARS OLD NA HIGH SCHOOL STUDENT SA CALOOCAN,NAPATAY SA ANTI-DRUGS OPERATION NG PNP Magkahalong reaksyon ng pag supporta at pagkundena sa ginawang 1 time big time anti-drugs operation ng PnP coloocan, ito ay matapos na mapatay si Kian Delos Santos, 17 years old ng Caloocan city, Metro Manila Magkahalong mga reaksyon din na lumabas mula sa iilang mga senators kabilang na ang mga pagkabahang reaksyun ni senator JV Ejercito na membro ng Senate Majority block na nagsabi sa kanyang twitter account. " The killing of 17 year old Kian Llyod Delos Santos in the latest war against drugs is very-very disturbing. Samantala, umani naman ng magkakahalong reaksyun ang mga netizens matapos na lumabas sa social media facebook ang press conference ni senator Risao Hontiveros kaugnay sa naging pahayag nito na d umanoy pag abuso ng PNP sa nasabing operasyon na naging daan sa pagkamatay ni Kian. narito ang nasabing video. Ang video na ito ay kaagad na nag trending sa social media at umani ng sari-saring kumento ng anti at pro government. Samantala, sa interview na ginawa ng TV5, mariing pinag gigiitan ng mga magulang ni Kian na gawa-gawa lamang ng pulisya na nag paputok ng baril ang kanilang anak dahil imposibleng magkapag sukbit ito ng baril samantalang naka boxer short lamang ito ng mga panahong iyun. labis naman na nag palakas ng hinala na planted umano ang baril dahil kung totoong namaril ito ay dapat ay wala sa kaliwa kamay ni Kian ang baril dahil hindi naman ito kaliwete. +Play full video below. Isang Mixer cement ang tumagilid at dumagan ito sa isa pang kotse na naging sanhi ng pagkamatay ng mga sakay nito. Nagyari ito sa Mondanao Ave. sa QC ngayong hapon ng Marter August 15, 2017 +Play the video below Nag viral ang video na ito matapos i post ng isang netizen sa social media. halo-halong reaksyon ang nakita matapos kantahin ang mga numero at nilapatan ng tunog ng original song na Always somewhere. +PLAY FULL VIDEO BELOW Nakuha ang matataas na calibre ng baril sa mismong bahay sa Mayor ng Libungan North Cotabato. Matatandaan na ang mayor na ito ay nasa Narco list umano ng mga autoridad dahil napag alaman na isa ito sa mga protector at financer sa Illegal na droga operation. Alas Otso ng gabi ng tunguhin ng mga Atoridad ang target area kasama ang Brigada News TV chief camera man na si Jimmy Albero para idokumento ang operation, itong video na ito ay ilan sa actual footage na kuha nila. +Play full video below Ang mainit na debate ng mga Pre at anti administration dahil sa kasalukuyang umiiral na martial law sa mindanao. Bingiyan diin ni Atty Panelo ang kahalagahan ng martial law ngayon dahil sa sitwsyun ng terorismo sa rehiyon. +Play full video below Sa kuha ng video na ito, maririnig sa background ang isang boses na galit na galit sa mga pulis lalo na ng makuha ng mga pulis ang isang mataas na calibre ng baril , sa wikang bisaya, sinasabi ni Vice mayor na ang baril ay isang planted na naman para madiin sila sa kasong kinakaharap. +PLAY FULL VIDEO BELOW Sa illustration na ito ng NEW5, pinakikita ang connection ng matandang Parojinog na ama ng Osamiz City mayor Parojinog na napaslang kamakailan sa isang raid sa compound nito sa Osamiz city. +Watch Full video here Actual na nakunan ng News5 ang pag agaw ng mga pulis sa isang papel na pilit itinatago ng kapatid ni Mayos Parojinog, hangang sa makita itong sa aktong isusubo sa bibig. napag alaman na umanoy listahan ng mga pangalan nang may utang sa droga ang naturang papel. +Play full video below Nagsalita sa isang ambush interview ang sinasabing abogado ng pamilya Parojinog, marami ang nagulat ng kumalat sa social media , facebook ang interview na ito, halo halong reaksyon ang lumabas matapos masaksihan ang pananalita ng nasabing abogado. Umani ng ibat ibang reaksyon at puna sa social media ang pag labas na ito ng umanoy Abogado ng pamilya Parojinog, katulad nitong post ni Perez Mutya Jung kung saan ilan lang sa mga kakaibang puna na lumabas sa facebook. +Isa ka ba sa nag aabang nito ? Isa sa pinakahihintay ng marami lalo na ang mga dumadaan sa sa EDSA from NLEX to SLEX or vice versa. Ang SKY WAY stage 3 ay inaasahan ng maraming motorista sa EDSA na maiibsan ang mabigat na daloy ng trapiko dito araw-araw kaya ganun nalang ang pag mamadali ng administrasyon Duterte sa proyekyo na ito kung saan target na matapos at maging operational sa taon 2020. Matatandaan noon August 2017 ay nag order ang Pangulong Duterte ng dismisal sa dalawang opisyal na nangangasiwa nito ka kadahilanan ng pagka delay ng proyektong ito. Ayun pa sa pangulo, " these two really did bad. They delayed the project. We are rushing to give more mobility to the people of Metro Manila. But these two sat on it for almost one year. Ganun pa man, hindi pinangalanan ng Pangulo kung sino ang mga opisyal na ito. +Play full video below Sa isang post sa facebook, nag varal agad ang video na ito matapos ipost ng Duterte's Angells group na may caption na.. Bago Nagbigay ng bulaklak si MR ARMY kay MS PNP kinasal na muna sila sa Isang SIMPLENG KASALAN... at dito nag umpisa ang kanilang kwentong Pinamagatang "THE SWATAC COUPLE" Matapos ang halos 7 oras lang, umabot agad ng halos 38000 ang views nito. +Ang mahalagang palala ni Pangulong Duterte sa mga sundalo at police Sa isang pres conference ni pangulong duterte mariin nitong pina alalahanan ang mga kasundaluhan at mga police, " Do not go to war with hatred because you tent to be reckless, kasi gusto mo lang pumatay ng pumatay, abante ng abante, yan.. kasi may galit ka sa loob eh, kasi when you do it in emotion, hindi mo nagagamit ang utak mo, pag papatuloy pa ng pangulo. Do not do that, Patay ka talaga, pag tatapos ng pangulo sa tanung ng isang mamamahayag. +Full Video Bayaran nga ba ang mga supporters ni pangulong Duterte? Suportado ng marami ang post na ito ni Mr. Riyoh ayun na rin sa mga comments sa video nito sa You Tube. +PANGULONG DUTERTE LUMABAS NG BATASAN HUMARAP SA MGA NAG RARALLY Katulad ng inaasahan ng marami, lumabas ng ng Batasan si Pangulong Duterte matapos ito mag talumpati sa kanyan pangalawang SONA sa batasan pambansang ngayon hapon. naging mainit ang talumpati ni Pangulong Duterte kaharap ang mga rallyista +Ang hindi inaasahan na sagot ni dating pangulong Aquino sa mga paunang tanung ng Rappler, +ANG MGA HIGHLIGHTS SA PAG BISITA NG PANGULO SA MARAWI CITY Ang Detalye ng sa pag bisita ng pangulo sa Marawi City. Matatandaan na naudlot ang unang plano ng pangulo na bisitahin ang syudad matapos makaranas ng masamang lagay ng panahon noong unang magtungo ang pangulo sa Marawi, Sa pagkakataong ito itinuloy ng pangulo ang pagbisita upang personal na saksihan ang kalagayan doon ng ating mga kababayan, lalo na ang mga bakwit at maging ang ating mga kasundaluhan.. We Salute you Mr. President. God Bless you Always. +ANG MAINIT NA BABALA NI PANGULONG DUTERTE SA MGA JUDGES KASAMA NA ANG MGA MAPAGSAMANTALA. Naway magsilbi sa marami ang babalang ito ng pangulo sa mga mayayamang mapag samantala, sa kasong ito ng Philippine Daily Inquirer, malinaw at madiin ang pananalita ng pangulo na mayroon mananagot dito at lalabas sa bandang hule ang tunay na motibo ng inquirer. Nakaabang ang taong bayan kung ano ang kahihinatnan ng kasong ito. Mabuhay. +BABALA PARA SA MGA KABABAYAN NATIN na MGA OFW Sa ating mga kakabayang OFW, mag ingat po kayo sa pag kuha ng Taxi saan man sa mga airport natin sa Manila, hanggang sa ngayon mayroon pa din iilan sa mga Taxi driver ang nananamantala sa mga bagong dating sa manila. mangyari po lamang na kayo ay makipag transact na lamang po sa loob mismo ng airport " Transport" service desk bago kayo lumabas ng airport. Ang video na ito ay actual na experience ng ilan nating kababayang OFW sa opurtunistang taxi driver. Paki share po ito para sa kaalaman ng lahat. +Ito ang isang pangyayari sa GMA Cavite na nakit ni Mr. Khelvin Federigan Ang pangyayaring ito ay isang babala sa mga bata at kung sino man na may katulad na hanap buhay sa mga pampublikong lugar. masilbi nawa itong babala sa lahat. Paki share Ang post sa FB ni Mr. Federigan PAALAALA!!!Maging Alisto po sana tayo lagi!!! Naghahanap kami ng bahay para sa Family on Cart ng may napansin ako batang umiiyak sa kalsada malapit sa Mini DiviMall ng GMA,Cavite, nakamasid lang ako at akala ko ay Nanay nya yung nasa tapat niya na Ale kaya akala ko napagalitan lang,.napansin ko na ang iyak ng bata ay nanginginig na at humihikbi na, pinagmasdan ko lang muna ulit at naghihintay na may lumapit sa kanya ngunit wala talaga pumapansin sa kanya kaya pagkaubos ng softdrinks ko ay nilapitan namin siya ng kasama ko Chael Umali Patdu at tinanong kung bakit siya umiiyak. Siya po si Alejon Adonis 13yrs old at nagtitinda ng Monay pag walang pasok sa eskwelahan..sa maghapon pagtitinda ay nakabenta sya ng 250 at mayroon siyang 100 dun at yung 150 ay ireremit nya sa bakery na kinuhanan nya kaso may lumapit daw sa kanya na lalake at gusto palitan ang mga baryang binibilang nya sa daan, inabot ni Alejon ang pera ngunit bigla nawala ang lalake at dun na siya nagsimulang mataranta at humagulgol ng iyak dahil natangay na ang benta nya. Nung nilapitan ko sya at sinimulan kuhanan ng video ay naglapitan na ang mga tao at ikinuwento ko ang ngyari at sa awa sa bata ay sinimulan ko mag-abot ng pera at kinausap ang mga nakapaligid na tao na kung pwede namin tulungan ang bata at mag-ambagan para makauwi na si Alejon at tumigil na sa pag-iyak, di po ko nabigo at marami tumugon at inihatid na namin si Alejon sa kuya niya na nagtitinda naman ng gulay sa gilid malapit sa Jollibee GMA.. Nawa'y magsilbing aral ito sa kanya at sa ating lahat na ingatan ang ating perang pinaghirapan at hanggat maari ay iwasan maglabas ng pera sa daan dahil takaw tukso yan sa masasamang loob. Sir Ralph meron ba tayo sa area na yun?Baka sakali nakuhanan para makita sino ung lalaking kumuha ng pera. Maraming Salamat po. Khelvin Federigan +Nag latag ng piyensa ang dating pangulong Aquino kaugnay sa kaso na isinampa ng Ombudsman laban sa kapabayaan umano nito bilang commander in chief nun panahon na mapatay ang 44 SAF members sa oplan exodus na inilunsad laban sa teroristang si Maruan. +DUTERTE MEETING SA ISANG MAKAPANGYARIHANG LIDER NG RUSSIA Natuon sa katatapos na gulo sa marawi ang naging usapan ng dalawang lider sa bilateral meeting nito sa vietnam. PLAY FULL VIDEO BELOW +NAIA AIRPORT , BUKOD SA PAPALITAN NA NG PANGALAN, HINDI NA KULILAT SA BUONG MUNDO. WATCH AND SHARE Sa kaunaunahang pagkakataon natanggal na sa listahan ng pinaka-pangit na Airport sa buong mundo ang Manila International airport or kilalang NAIA. Matatandaan na naitala sa buong mundo na isa ang NAIA na pinaka malala and serbisyo kalakip dito ang Lag-lag bata schem na na umanoy gawa or kasangkot ang iilan na mga security official. Ang lag-lag bala ay kaagad na inaksyunan ng Duterte administration matapos itong umupo noong nakaraang taon. Panoorin ang bahagi ng bidyo na ito sa baba. +KRIS AQUINO AT MOCHA USON PLANONG TUMAKBONG SINADOR SA 2019 ? PLANO Umanong tumakbo bilang sinador ng dating presidential sister na si Kris Aquino at ang kasalukuyang Communication USEC na si Mocha Uson. KRIS or MOCHA ? Sino Iboboto nyo Ayon sa source, kaya pala nagkukumahog si Kris para magkaroon ng TV show habang malayo pa ang election bilang pag hahanda. +Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang "Mandatory SSS Membership para sa mga OFW. required ang mga OFW na maging miyembro ng SSS bago umalis papuntang ibang bansa Layunin nito na mabigyan ng benepisyo ang lahat ng OFW sa panahon na kakailanganin ito, kasama rin sa programa ang pagkakaroon ng "Unemployment Insurance" na kung saan ay mabibigyan ng certain amount ang isang OFW kung sakaling ma terminate sa pinagtatrabahuhan sa abroad +Ang End of Service Benefits at annual vacation pay ay mandatory dahil base ito sa Saudi labor Law. Marami pa rin mga OFW ang hindi aware dito or kung alam man nila ang esb ...pero ang vacation pay ay hindi nila masyadonhg nauunawaan maraming mga employer ang hindi sumusunod sa batas na ito, at dahil walang sapat na kaalaman ang ibang ofw kaya nalalamangan sila ng employer +Binuksan sa bansang Germany ang 350 trabaho para sa mga Pinoy nurse, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Kukuhanin ng German Federal Employment Agency ang mga Pinoy nurse para sa mga trabaho sa intensive care unit, geriatric care, nursing home, elderly care, general ward, medical and surgery ward, operating room, neurology, at orthopedics. Aabot sa EUR2,000 o P118,000 kada buwan ang sahod ng Pinoy nurse sa Germany. Maaari pang tumaas ang sahod sa EUR2,400 o P141,000 kapag kinilala na bilang isang kalipikadong nurse. Isa sa mga rekisito ang 2 taon na karanasan bilang nurse sa ospital o medical institutions. Handa rin dapat na magsanay ng German language na libreng ipagkakaloob sa mapipiling aplikante. Ayon kay POEA administrator Bernardo Olalia, walang babayarang recruitment fee o placement fee ang aplikante dahil "government-to-government" ang pagkuha. Sasagutin din ng employer ang air transportation at tutulungan ang nurse na makahanap ng lodging, ani Olalia. Nagpaalala ang POEA na sila lamang ang magpoproseso ng mga aplikasyon at hindi kailangang dumaan sa mga recruitment agency. Nakatakda sa Hunyo 7 ang huling araw ng pagsumite ng mga application at requirement. +Kahapon ay naiproklama na ang bagong mayor ng Pasig na si Vico Sotto. Sa pagkapanalo ni Vico ay napatid na ang matagal nang panunungkulan ni Bobby Eusebio na sa loob ng ilang dekada. Bagaman natapos na ang bilangan ay nagpahayag ng hindi pagtanggap sa pagkatalo ang dating mayor at iginiit na may dayaan umano na naganap sa partido ni Sotto. Ayon sa kanya, siya ang tunay na panalo sa botohan. Aniya, ang pagkapanalo ni Vico ay bunsod ng election fraud sa hanay nito. Pahayag nito, "Hindi ko tinatanggap ang resulta dahil alam ng tao kung sino ang nanalo." Dagdag pa ni Eusebio, "Alam ng tao rin kung sino ang ibinoto nila, at ito mapapatunayan natin sa pamamagitan din ng pina-file namin na election fraud." Nagpahayag naman ng samu't saring komento ang mga netizen dahil sa pahayag ng hindi pagtanggap sa pagkatalo ni Eusebio. Anila ay sapat na at sobra pa ang 27 taon na panunungkulan nito sa Pasig. Nagpapasalat ang mga ito sa naging serbisyo nito sa nagdaang dalawang dekada ngunit panahon na umano para tumigil na ito at magbigay daan para sa ibang nais manungkulan. Ang pagkakapanalo umano ni Vico laban kay Bobby ay isang senyales na nais na ng mga taga-Pasig ng pagbabago sa kanilang nasasakupan. Si Vico Sotto ay anak ng komedyante at aktor na si Vic Sotto kay Coney Reyes. Ang 29 na taong gulang bagong mayor ng Pasig ay aktibo sa politika noon pa man. Sa katunayan ay ito ay nanungkulan na din bilang Konsehal sa nasabing syudad. Nagpabatid naman ng pagbati kay Vico sina Oyo at Danica na mga anak din ni Vic Sotto kay Dina Bonnevie. +PANUKALANG DEATH PENALTY, MAS MADALING MAKAKAPASA SA 18TH CONGRESS KUNG SESENTRO LANG SA KRIMEN NA MAY KINALAMAN SA DRUG TRAFFICKING +KINABIT NI MISIS ANG BOSS NIYA AT ANG BOSS NG KANYANG MISTER. Parang 3 in 1 coffee lang! Dumulog kay Idol Raffy si Aljune Barrios, isang Safety Officer dahil sa problema niya sa kanyang misis na si Benz Daoa na isang Site Engineer. Mayroon daw silang isang taong gulang na anak ngunit malaki ang duda ni Aljune kung siya ba talaga ang tunay na ama nito. Hindi raw kasi inapelyido sa kanya ni Benz si baby at ang mas matindi, noong nasa ospital pa si Benz at kapapanganak pa lang, hindi man lang siya pinapasok ng kuwarto ng kanyang misis para makita at mahagkan ang kanilang first baby. Sa halip, mas nauna pa itong kargahin ng kanyang kumpare at boss sa trabaho na si Jeffrey Del Pilar, Safety Manager ng Concrete Masters Inc. Animoy sampal daw ang tagpong iyon kay Aljune pero kinain na lang daw niya ang kanyang pride at pinalampas ang pangyayari. Ngunit mas lalo siyang nagulat nang ang boss naman ni Benz na si Marshall Damong, Plant Manager ng Trevi Foundation ay magpunta ng ospital at kinarga rin ang kasisilang lang na sanggol. Dahil sa mga pangyayaring 'yon, mas lalong tumindi ang hinala ni Aljune na isa sa mga ito ang tatay ng baby lalo pa't mayroong mga nakakarating na balita sa kanya na naging kalaguyo ni Benz ang mga boss nilang pareho. At ngayon, tila nag papaligsahan pa ang dalawang mga boss sa pagkarga sa baby. Hindi nagkaroon ng pagkakataon na makuha ang panig nina Benz, Jeffrey at Marshall noong kapanayim si Aljune ni Idol Raffy sa Aksyon sa Tanghali dahil hindi matawagan ang kanilang mga cellphone, ngunit bukas ang aming tanggapan para sa kanilang depensa. +TINGNAN: Bumisita at naghandog ng tulong ang aktor na si Robin Padilla sa mga kababayan nating Aeta sa Sitio Haduan sa Mabalacat, Pampanga ngayong araw, ika-16 ng Mayo 2019. Sa Haduan matatagpuan ang piraso ng lupa na idinonate noon ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa Aeta community bilang tulong. Noong siya pa ang nakaupong Chairman ng Clark Development Corporation (CDC), nagpagawa rin si Sec. Art ng hanging bridge at potable water sources para sa mga Aeta. Ang kalapitan ng loob ng Kalihim sa mga Aeta, ngayo'y ipinamamalas ni Binoe. Nangako ang aktor na ipaaayos ang daan patungong Haduan para sa mas ligtas at komportableng pagbagtas sa lugar. Kasamang bumisita ng aktor sa Haduan si DOTr Director for Administrative Service Antonio Rafael Paguio. +Nagtungo nitong hapon si Attorney Glenn CHong sa command center ng Commission on Elections (COMELEC) para magreklamo sa ulat ng mga umano'y iregularidad na nakarating sa kampo niya. "I'm here. I'm demanding from COMELEC an explanation kung bakit 'yung pangalan ko ay hindi lumalabas sa resibo. We have call center, manned by 24 persons. We have been monitoring the results from across the country. We have problems in Cagayan De Oro, Iloilo, Batangas, Manila, Biliran and Cagayan Provinces," sinabi ni Chong, Isa pa sa mga pinunto ni Attorney Chong ay ang mga nasisirang makina o mga VOte Counting Machines (VCM) sa mismong araw ng halalan. "Hindi lumalabas ang pangalan ko sa resibo and we are demanding COMELEC answers. And including 'yung mga nasisirang makina. We believed na may magic 'yun," dagdag pa ni Chong. Source: News5 +Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si reelectionist Senator Grace Poe dahil sa ginawa nitong pagtutol na maresolba ang napakatagal nang problema sa trapik sa kahabaan ng EDSA. Ngunit ayon sa pangulo, wala naman siyang problema sakaling manalo ang senadora sa magaganap na local at national elections bukas. Sa talumpati ng punong ehekutibo sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago-Hugpong sa Tawong lungsod sa Davao City, binanggit ng presidente ang ginawang pagharang ni poe sa planong paglalaan sana ng malaking pondo para masolusyunan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA. Matatandaang sinabi noon ni Poe, na nangangamba siyang mauwi lamang sa kurapsyon ang malaking pondo na ilalaan para sa pagpapabuti ng sitwasyon sa EDSA. Dahil dito, binweltahan ng pangulo ang reelectionist senator, at sinabing, puno ng malisya ang pahayag ni Poe na tila tingin nito sa sarili siya lamang ang matinong tao sa mundo. Pahayag ng pangulo, hihingi na lamang siya ng tulong sa iba at posibleng lapitan nya ang China para dito. Dagdag pa ni Pangulong Duterte, dahil sa ginawang pagtutol ni Poe kaya't hanggang ngayo'y hindi parin nareresolba ang matinding problema ng trapiko sa EDSA. Hindi umano niya nalilimutan ang kanyang pangakong sosolusyunan ang mabigat na traffic situation sa nabanggit na pangunahing lansangan pero kailangan aniya ng pera upang maisakatuparan ito lalo nat wala na aniyang libre ngayon sa mundo. +Mula sa pagiging call center agent, lumipat sa home-based at freelance na trabaho si Rhealyn Volante para matutukan ang pag-aalaga sa kaniyang anak. Patuloy pa ring nagbabayad si Volante ng mga kontribusyon, gaya ng Social Security System (SSS), kahit self-employed na. "Hindi ko siya ini-stop kasi I'm thinking na 'yong magiging benefit ko in the long run," ani Volante. "Yong maternity benefit. Then let's say, nag-retire na ako, gusto ko may makukuha rin akong pensiyon," aniya. Pasok na rin ngayon ang mga self-employed members ng SSS sa Employees' Compensation (EC) program, na nangangahulugang maaari na rin silang makakuha ng dagdag na benepisyo sakaling sila ay maaksidente o magkasakit dahil sa trabaho. Kasama sa mga benepisyong maaaring matanggap ang mga sumusunod: Dapat i-aplay sa SSS ang mga nasabing benepisyo. "Ang Employees' Compensation benefits po are over and above SSS benefits. So kung dati nakakakuha sila sa SSS for some benefits, mayroon ding ganoong counterpart sa EC," ani Employees' Compensation Commission (ECC) executive director Stella Banawis. Ipinaalala rin ng ECC na bago makakuha ng mga nasabing benepisyo, kailangan rehistrado at nakapagbayad ng kontribusyon sa SSS ang isang self-employed na kumikita ng hindi bababa sa P2,000 kada buwan. "Kung kayo ay self-employed na ngayon, dagdagan niyo lang po 'yong inyong premium by P10 to P30 para maka-avail na po kayo ng EC benefit," ani Banawis. Hinihintay na lamang ang opisyal na mga patakaran na ilalabas ng SSS bago simulan ang pagpapatupad ng programa. Source: ABS-CBN +Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na tutulong sa mga bagong graduate upang makuha nang libre ang mga dokumentong kakailanganin nila sa pag-apply ng trabaho. Sa pamamagitan ng Republic Act 11261 walang anumang babayarang fees at charges ang mga fresh graduates para sa mga government documents na required isumite sa paghahanap nila ng trabaho, sa loob man ng bansa o abroad. Ilan dito ay ang Police at NBI Clearance, Barangay Clearance, Transcript of Academic Records mula sa state colleges at universities, Birth Certificate, Marriage Certificate, Tax Identification Number o TIN, Unified Multi-Purpose ID or UMID card, medical certificate mula sa mga ospital na pinapatakbo ng pamahalaan at iba pa. Ang kailangan lang ipakita bilang katunayan ng pagiging first-time jobseeker ay Barangay certification. Sa kabilang dako'y hindi naman kasama sa coverage ng RA 11261 ang mga bayarin para sa Professional Licensure exam at Career Service exam, driver's license, passport at iba pang dokumento sa Foreign Affairs Department. Bubuuin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang implementing rules and regulations (IRR) matapos ang 15-araw kasunod ng official publication ng bagong batas. +Base umano sa nakikita niya, parang kaduda-duda ang matinding nerbiyos ni Pangulong Rodrigo Duterte at baka may katotohanan ang mga alegasyon ni "Bikoy", ayon kay Senador Antonio Trillanes IV Dagdag pa niya, kung may katotohanan ang mga alegasyon, posible umanong nahihirapan na ring makatulog ang Pangulo. "Kung totoo 'yung Bikoy allegations, matinding nerbiyos na ang inaabot ni Duterte. Believe me, baka 'di na makatulog nang maayos 'yan," ani Trillanes sa panayam sa DWIZ. "Based on what I am seeing, yung reaction nila Duterte parang kaduda-duda. Lalo akong nacu-curious baka may katotohanan ang sinasabi kasi kung nerbyosin sila," dagdag pa niya. Ito ang reaksiyon ni Trillanes matapos madakip ng National Bureau of Investigation si Rodel Jayme, ang lumikha ng metrobalita.net na nag-publish ng mga "Bikoy" video. Ang mga "Bikoy" video ang nag-uugnay kina presidential son Paolo Duterte, dating SAP Bong Go at presidential daughter Kitty sa illegal drug trade. +Kung laging delayed ang sahod ng OFW sa Saudi Arabia , tumawag sa Ministry of Labor hotline no. 19911 at i-report ang employer na laging delay magpasahod +Viral ngayon sa isang social media site ang larawan ng sikat na bulkan sa Pilipinas na tila'y may suot na payong Bandang alas-singko ng umaga noong Abril 23, nakuhahan ni Facebook user Noli Luna ang Bulkang Mayon na may nakapatong na nakamamanghang hugis payong na ulap. Ibinahagi agad ni Luna sa kanyang account ang litrato at may caption na: "Daragang Magayon, wearing her white umbrella..." Tinatawag na lenticular clouds ang nakita sa ibabaw ng Mayon Volcano. Narito ang explanation ni Accuweather.com Meteorologist Jesse Ferell tungkol sa nangyaring cloud formation: "When air moves over mountains, cooling sufficiently for condensation to take place. Lenticular clouds are different from other clouds because they don't move." Samu't-saring ang naging reaksyon ng mga netizens sa larawang ito. Ilan dito ay: "Sobrang init na daw ng panahon kaya pati Mayon nagpayong na. Charot" "Wow ang ganda naman!" "Magayon in its real sense beautifully amazing." Sa ngayon, umabot ng mahigit 32.3k likes at 30,325 shares ang post. +Ayon kay Nograles, mapayapang yumao ang kaniyang ama sa piling ng kanilang pamilya. "Our family would like to express our deepest gratitude to all of you for being a part of Papa Boy Nogie's life and journey. Papa passed away peacefully, surrounded by his family. May we please ask for your continued prayers. He is finally at peace," ani Secretary Nograles. Nangako ang kalihim na maglalabas sila ng detalye sa burol ng kaniyang ama. Ang dating House Speaker ay matagal na naratay dahil sa sakit. +Ayon sa PhiVolcs o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, dahil sa mga earthquake swarms na nangyari sa Surigao Del Norte kamakailan ay maaaring magkaroon ng Magnitude 8 na lindol sa bansa. Ang earthquake swarms ay mga maliliit na lindol na nangyari ng makailang beses at halos pareho ang mga lakas nito. Ayon din sa PhiVolcs, bagama't hindi nila maituturo kung saan ang lugar ng lindol at kung kailan ito mangyayari, maaari nilang makalkula ang lakas nito. Sa isang panayam kay PhiVolcs director Renato Solidum, may kakayahan ang kanyang tanggapan na i-estimate ang lakas ng susunod na lindol. "'Yung oras kung kailan mangyayari ang malakas na lindol, hindi masasabi. Pero puwede nating matantsa kung ano ang magnitude ng bawat fault na puwedeng ipakilos ng lindol," paliwanag ni Solidum. Sa kabila ng kanilang pahayag, sinabi naman ni Solidum na maaari din namang hindi magtuloy ang malakas na lindol at sa halip ay maliliit na lindol lamang ang maganap. Inilabas nila ang babalang ito hindi upang manakot kundi upang makapaghanda ang mga tao sa disgrasyang dulot ng malakas na lindol. "Ang sinabi namin ang pagdating sa mga trenches, 'yung segment offshore ng Surigao provinces ay may kakayahan magdulot ng magnitude 8 na earthquake. Matagal na po naming sinasabi yan. Puwede pong maliliit na lindol lamang at puwedeng dumiretso sa malalaki. Pero posible din naman na 'yung mga maliliit na paglindol o moderate size na earthquake ay hanggang doon na lamang," dagdag pa ng direktor. Ayon naman sa isang report mula sa Inquirer, ang isang lindol na may Magnitude 8 ay maaaring magdulot din ng isang tsunami o tidal wave. Ito ang dahilan kung kaya't nagbigay paalala ang PhiVolcs ukol sa disgrasyang maaaring maidulot ng malakas na lindol. Source: Angat Pilipino +MAYNILA - Sumiklab ang isang sunog sa Pacific Coast Plaza, isang condominium sa lungsod ng Paranaque nitong Lunes. Itinaas na ng Bureau of Fire Protection sa general alarm ang sunog alas-12:37 ng tanghali. Pinakamataas na babala ang general alarm, ibig sabihin, lahat ng bombero mula sa ibang distrito ay kailangan rumesponde. +Sa debate ng mga senatorial aspirants sa programa ng CNN Philippines, nagtapat ang mga kandidato ng administrasyon at ng oposisyon at pinag-usapan ang ilang mahahalagang isyung kinakaharap ng ating lipunan. Isa na dito ay ang war on drugs ng Duterte Government. Isa sa naging highlight sa debate ay ang paghaharap nila Ex-Philippine National Police Chief General Ronald "Bato" Dela Rosa at former Solicitor General Florin Hilbay. Hindi nakapagtimpi si Bato sa banat ni Hilbay na palpak umano ang kampanya kontra-droga ng Duterte Government. "How dare you say that the war on drug is a failure? Napakasakit sa amin (mga pulis). Marami sa amin namatay sa gyera na ito. Failure pa rin? Paano mo ngayon sasagutin ang survey ng SWS na nagsasabi na 66.66% og Filipinos believed that the number of drug addicts in their area has gone down? Paano mo iyan masasabi?" resbak ni Bato kay Hilbay. Magugunita nitong Pebrero 2019 lamang ay may lumabas na survey tungkol sa dami ng Pilipino na naniniwala bumaba ang bilang ng mga durugista sa kanilang lugar. Source: CNN Phil | PTV +Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol na ang epicenter ay 18 kilometro sa northeast ng Castillejos, Zambales dakong 5:11 p.m. Unang inanunsyo na 5.7 ang lakas ng lindol na itinaas sa 6.1 kinalaunan. Intensity V ang naranasan sa San Felipe, Zambales; Malolos at Obando, Bulacan; Quezon City; Lipa, Batangas; Manila; Abucay, Bataan; Valenzuela City; at Magalang Pampanga. Intensity IV naman sa Pasig City; Makati City; Caloocan City; Meycauayan at San Jose Del Monte, Bulacan; Floridablanca, Pampanga; Villasis, Pangasinan; Tagaytay City; Villasis, Pangasinan; Baguio City; Marikina City; Las Pinas CityIntensity III sa Dasmarinas, Indang at Gen. Trias, Cavite; Lucban, Quezon; Muntinlupa City, Cabanatuan City; Palayan City; Gapan City; Santo Domingo at Talavera, Nueva Ecija Intensity II sa Baler, Aurora Ayon kay PHIVOLCS Deputy Director Bart Bautista, may naitalang 17 aftershocks at posibleng may maitala hanggang sa matapos ang linggo. "Usually ang aftershocks, confined sila sa epicenter, kung saan malapit 'yun. Hindi sila lumalayo... sa Metro Manila ma-e-experience lang natin 'yung mga ground shaking," sabi ni Bautista sa panayam ng "24 Oras." Hindi rin umano makalilikha ng tsunami ang 6.1 magnitude earthquake at nasa lupa rin ang epicenter nito. "Para maka-generate tayo ng tsunami, dapat malaki 'yung magnitude natin, 6.5 pataas," paliwanag ni Bautista. Sa kabila nito, pinayuhan ng mga opisyal ng Department of Science and Technology ang publiko na maging alerto sa epekto ng lindol. Hindi rin inaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad na baka masundan ito ng mas malakas na lindol. "Hindi natin pwedeng i-discount 'yung possibility na 'to, so kailangan ng masusing pag-iingat talaga especially kapag malapit tayo doon sa epicenter," dagdag ni Bautista. Sa Metro Manila, naglabasan sa mga gusali ang mga tao nang maramdaman ang pagyanig. Source: 24 oras +Mula sa tatlong oras na biyahe sa bus o jeepney, magiging 40 minutes na lang ang commute mula Antipolo, Rizal patungong Recto, Maynila oras na matapos ang rail line extension. Hudyat ng pagsisimula ng final phase ng proyekto ang ceremonial track laying at installation ng electromechanical system (EMS), na isinagawa sa LRT Line 2 Emerald Station sa Marikina ngayong araw, ika-16 ng Abril 2019. Ang EMS ay binubuo ng signaling system, overhead catenary system, telecommunications system, power supply at distribution system, na gagamitin sa dalawang bagong istasyon ng LRT Line 2 - ang Emerald Station sa Marikina at Masinag Station sa Antipolo. Kasalukuyan nang nasa 60% completion rate ang kabuuan ng proyekto at inaasahang matatapos sa huling bahagi ng taong 2020 upang makapagbigay ng maayos at mas mabilis na biyahe sa mga commuter ng eastern Metro Manila. To give the Filipinos a comfortable life as President Rodrigo Duterte directed, we at the DOTr are working on ways to efficiently and effectively ferry our commuters. The LRT2 East Extension project ranks among such projects, for this shall ease the travel of our kababayans coming from Rizal to Manila. Once this is completed, travel time from Recto to Masinag will be reduced to 40 minutes compared to up to three hours travel via bus or jeepney," pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade. Source: Dotr +Nailigtas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aabot sa P19-bilyong piso sa kaban ng bayan sa ginawa nitong pag-veto sa P95-billion pesos sa 2019 national budget. Pinahayag ito ni Senador Panfilo Lacson kasabay ng pagpuri sa naging desisyon ng Pangulo. Ayon kay Lacson, kahanga-hanga ang paninindigan ng Pangulo at kaakibat ng desisyong ito ang panalo para sa lahat ng mga Pilipinong nagbabayad ng buwis. Giit ng senador, sa P95.3-billion pesos, 20-porsyento nito ang pork commission, o katumbas ng P19.06-billion pesos na nailigtas mula sa pinaghirapang buwis ng taumbayan. Ganito rin ang posisyon ni Senate President Vicente Sotto III. Aniya, ang pag-veto ng Pangulo ay isang tagumpay ng taumbayan dahil hindi nakalusot sa Pangulo ang illegal realignment na ginawa ng ilang mambabatas. -Radyo Pilipinas +ZAMBOANGA CITY - Isang 19 anyos na lalaki ang inimbitahan ng mga opisyales ng barangay Salaan sa Zamboanga city, matapos umano nitong halayin ang isang baka noong Sabado ng umaga. Napansin ni Alih Tawakal, caretaker ng baka, na nawawala ang isa sa kaniyang mga alagang hayop. Nakita ni Tawakal ang kaniyang alagang baka sa ilalim ng isang punong mangga habang hinahalay ng isang binata. Sinigawan niya ang binata at kumaripas ito ng takbo nang hubo't hubad. Nagsumbong si Tawakal sa kaniyang amo, na siya namang nag-report sa barangay. Agad namang inimbitahan ni Salaan Barangay Chairperson Bobby Francisco ang binata sa opisina ng barangay para sa ilang katanungan. Sa kanilang pag-uusap, inamin naman ng binata ang kanyang ginawang panghahalay sa baka. Pero hindi na nagsampa ng kaso ang may-ari ng baka laban sa binata, kahit ito na ang pangalawang beses na hinalay ng binata ang kaniyang mga alagang baka. Nangyari umano ang unang panghahalay ilang taon na ang nakalilipas. Sa panayam sa tatay ng binata, sinabi nito na inamin ng kaniyang anak ang panghahalay sa baka. Wala umano sa tamang pag-iisip ang kaniyang anak, kaya niya ito nagawa. Grade 2 lang ang natapos ng binata at wala na itong interes na magpatuloy sa kaniyang pag-aaral. Ayon naman sa isang psychologist ng College of Liberal Arts ng Western Mindanao State University na si Professor Clarissa Miranda, hindi normal na magkaroon ng sexual desire ang isang tao sa isang hayop. Tinatawag itong bestiality. Dagdag pa ni Miranda, maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sexual desire ang isang tao sa isang hayop. Isa na dito ay kakulangan sa edukasyon, maling paniniwala tungkol sa sex at kakulangan ng suporta mula sa pamilya. Ayon kay Miranda, hindi dapat kutyain at pagalitan ang isang zoophile o taong gustong makipagtalik sa hayop. Sa halip, makakatulong ang pakikipag-usap sa kaniya ng mga magulang at kaibigan at bigyan ng sapat na tamang impormasyon at edukasyon. Source: ABS-CBN +Manila, Philippines - Kasabay ng paggunita ng bansa sa Mahal na Araw, pinagtibay ni senatorial candidate Christopher Lawrence "Bong" Go ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga nangangailangan sa pagsasabing ang pagseserbiyso sa mga tao ay pagseserbisyo sa Diyos. Ayon kay Go, nagdesisyon siyang tumakbo para sa Senado upang direktang makapagsilbi sa taongbayan, gaya ng matapat niyang paglilingkod kay President Rodrigo Duterte sa loob ng higit 21 taon. Kaya naman kilalang-kilala siya ni Pangulong Duterte na nagsabi mismo na si Go ay hindi lang tao na may integridad bagkus ay may tunay na pagmamalasakit sa kapwa. "Ang serbisyo po sa tao, serbisyo sa Diyos," ani Go"Ang bisyo ko po, magserbisyo." Naniniwala si Go, batay sa Christian teaching, na ang anumang mabuting ginagawa sa kanyang kapatid (kapwa) ay ginagawa na rin sa Diyos. Bago pa naisip ang pagtakbong senador, naging personal nang krusada ni Go ang pagtulong sa mga nangangailangan, partikular sa mga nasusunugan. At sinabi niyang ipagpapatuloy niya ito, maluklok man o hindi sa Senado. "Noon, ngayon at saan man po ako ipadpad ng aking tadhana, papasukin ko kahit saang eskinita para marinig ang mga hinaing ng mga kapatid natin, lalong-lalo na 'yung mga nangangailangan ng tulong," sabi ni Go. "Sabi ng iba delikado raw, pero di ako natatakot. Basta gagawin ko lang 'yung trabaho ko," dagdag niya. Kapag nahalal na senador, nangako si Kuya Bong na patuloy na susuportahan ang mga inisyatiba para sa pagbabago ni Pangulong Duterte. "Susuportahan ko yung kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga, laban sa corruption at laban sa kriminalidad. Ito po ang dahilan kaya po siya minahal ng tao. Ipagpapatuloy ko po ito," aniya. Ipupursige rin niya ang mga pro-poor concerns, kagaya ng pagpapabuti ng agriculture sector na titiyak sa seguridad sa pagkain ng bansa, murang pabahay sa mahihirap, maayos na delivery ng medical services sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas marami pang Malasakit Center. "Ito po yung gusto kong isabatas (Malasakit Center) pagdating ng panahon para tuloy-tuloy ang serbisyo kahit hindi na Pangulo si Pangulong Duterte. Pera nyo po ito, ibinabalik lang sa inyo. Basta po Pilipino qualified, at may express lane pa para sa disabled at senior citizens," ang paliwanag ni Go. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 34 Malasakit Centers na nagsisilbi sa iba't ibang panig ng bansa. Ang iba pang legislative agenda ni Go na magseserbisyo sa Filipino ay kinabibilangan ng mga programa sa education, fire protection and prevention, localized peace talks, barangay welfare, pagbuo ng Department of OFW at pagtataas ng benepisyo sa senior citizens. "Patuloy nyo po akong magiging tulay kay Pangulong Duterte. Wala po kaming ibang hangarin ni Pangulong Duterte kundi kabutihan ng Pilipino dahil mahal namin kayo," ani Go. "Minsan lang po tayo daraan sa landas na ito. Anuman ang magandang pwedeng gawin natin sa ating kapwa gawin na natin dahil malamang hindi na tayo muling daraan sa landas na ito," Go added. Source: Remate +kamakailan ay kumalat sa social media ang tungkol sa di umanoy pagbibigay ng owwa ng financial assistance sa mga ofw na uuwi at babalik pa ng abroad. 25k at 12k pesos daw ang ibinibigay sa Airport palang +Viral sa social media ang litrato ng mag-amang Mangyan na umattend sa graduation nang nakayapak! Saan nga ba humuhugot ng motibasyon ang mga kapatid nating Mangyan para piliting makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak? Ibahagi ang kanilang kuwento! +Isinalaysay ng sumukong suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan kung paano niya ginawa ang krimen. Ayon kay Renato Llenes, gumawa siya ng pekeng Facebook account para maka-chat si Silawan hanggang sa maging magka-sintahan sila sa pamamagitan lang ng chat. March 10 nang magkita ni Silawan sa Lapu-Lapu City pero nagkaroon sila ng pagtatalo matapos mabuking ng dalagita na ang kaniyang naging boyfriend sa chat ay may edad na at gumamit ng pekeng pangalan at larawan. Ayon kay Llenes, gumamit siya ng gunting sa pagsaksak kay Silawan at pagbalat sa mukha nito. Natutunan umano niya kung paano niya balatan ang mukha at leeg ni Silawan sa video sa youtube at sa kontrobersyal ng Momo Challenge. Ayon kay Llenes, naawa siya sa 17 anyos na suspek na unang inaresto dahil sa kaso kaya nagpasya na siyang lumantad. +Viral ngayon ang post ng Facebook page na OFW Join Force ang live video ng isang Kabayan na kung saan ay makikita kung paano ito saktAn ng anak ng kanyang amo na tila may problema sa pag-iisip. Sa video ay makikita ang pandudura, pananAkit, at pananapak ng batang tila may problema sa pag-iisip. Hindi naman lumalaban ang Pinay OFW at hinahayaan lang tanggapin ang mga banat sakanya ng anak ng kanyang amo. Nagtagal ng higit apat na minuto ang video na kung saan ay binabalik-balikan talaga ng bata ang nasabing OFW. Halos walang magawa naman si Kabayan na kinaawaan talaga ng mga netizens. Watch the video: Source: FB +KORONADAL CITY - Binabalot ngayon ng kontrobersiya ang Koronadal City PNP matapos na makunan ng video ang chief of police at kanyang mga tauhan na nag-iinuman at nagsusugal ng baraha sa loob mismo ng police station sa Koronadal City. Sa video na eksklusibong nakuha ng Brigada News FM Koronadal, makikita ang chief of police na si Police Lt. Col. Kirby Bajo at mga tauhan nito na sumusugal. Maliban sa dalawang lamesang may sumusugal na mga lalake at babaeng pulis na naka-sibilyan at nakauniporme, nahagip din sa video ang pulis na umiinum ng pinaniniwalaang alak. Makikita rin sa video na nagpupustahan ang mga pulis sa kanilang pagsusugal. Sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Col. Bajo, inamin nito na sila ang nasa video. "Happy Hour" umano ito ng tropa na kanyang inipon dahil may ikinakasa silang operasyon kinabukasan. Isinagawa umano nila ang Happy Hour noong Enero dahil hindi sila nakapagsagawa ng Christmas Party noong Disyembre dahil nabaril at napatay ang isa nilang kasamang pulis. "May kunting pagkakamali ako don, ginather ko ang tropa, nagpa-Happy Hour ako. kasi hindi ko pinalabas ng estasyon. Seguro hindi naman yung sugal talaga sir, yung nagpapa-tong, parang katuwaan lang nila, pampatay oras.. nagpupustahan din sir pero maliit lang," wika ni Bajo. Kasabay ng kanyang pag-amin na may mali sa kanilang ginawa, inako ni Bajo ang responsibilidad at nakahanda umano itong humarap sa imbestigasyon at tanggapin ang magiging kaparusahan nito. " Ako handa naman ako humarap [sa imbestigasyon] don sa video na yun, handa ako humarap kun may punishment," dagdag pa ni Bajo. Source: 95.7 Brigada News FM Koronadal +Kinumpirma ni PNP chief Police General Oscar Albayalde na nasa unang drug watchlist ni Pangulong Duterte ang pulis na pinatay sa pamamaril sa EDSA-Connecticut kahapon. +Hindi pa man summer ay nauuso na ang pagsusuot ng mga maiikling shorts lalo na sa mga kababaihan. Ito ay para sa kasuotang komportable o kaya naman ay para maipakita ang kanilang alindog. Pero bawal na ngayon sa Caloocan City ang pagsusuot ng maiikling shorts na kung tawagin ng iba ay "pekpek shorts", Filipino slang para sa short shorts o daisy dukes. Layunin ng Caloocan City government na maiiwas ang mga kababaihan lalo na ang kabataan sa pambabastos dahil sa suot nilang nakakaaliw sa mata ng kalalakihan. Nakasaad sa ilalim ng City Ordinance 0439 Series 2007 na mahigpit na ipagbabawal ang pagsusuot ng maiikling shorts, lalo na sa mga babae at mga walang damit pang-itaas naman para sa kalalakihan. Nakasaad sa ordinansa na bibigyan ng warning sa unang paglabag, P500 sa ikalawang paglabag, at P1,000 multa at pagkakulong ng hindi hihigit sa dalawang araw sa ikatlong pagkakahuli. Kung walang pambayad ay may naghihintay na community service sa mga pasaway. Pagwawalis sa barangay ng dalawa hanggang apat na araw ang mga mahuhuling lalabag. Ayon kay City Councilor Onet Henson, noong pang 2007 ang ordinansa na ito pero hindi naman naiimplementa sa mga barangay. Maging ang mga barangay na nasabihan ng ordinansa ay hindi rin naipatupad dahil hindi umano nila makontrol ang mga kasuotan ng tao dahil maraming pasaway na talagang mahirap pagbawalan. +Akala daw ng isa sa mga testigo ay luluhod ang suspek sa harapan ng altar para manalangin pero nabigla sila ng undayan nito ng saksak ang pari. Natumba ang pari habang ang mga kandila at ang banner ay natumba. Nakatayo naman agad ang pari at pinalibutan ng mga security personnel ang suspek. Naidala naman sa ospitala ng biktima at nasa maayos na raw na kalagayan. Nagtamo lang daw ng mabababaw na sugat ang pari. Hindi pa ipinapaalam sa publiko ng mga pulis ang motibo ng suspek sa pag-atake nito sa pari. Source: MB +Nagpang-abot ang bokalista ng bandang Siakol at ang kanilang bahista sa gitna ng kanilang performance sa stage. Ipinoste ni FB user Alchen Villanueva ang video kung saan nagsuntukan ang dalawang miyembro ng Siakol at ayon sa post ni Villanueva, humihingi ito ng refund. Makikita sa video na dinuro ng bokalista ng Siakol na si Noel Palomo ang kanilang bahista na si Wowie Flores at dito na binitawan ni Flores ang kanyang gitara at saka sinapak si Palomo. Ang Siakol ay isa sa mga sikat na banda noong 1990s. Ilan sa mga hit song nito ay 'Lakas Tama', 'Bakit Ba', at 'Peksman'. +MAKARAANG ang ilang linggo, nakalusot umano sa isang kilalang English porn site ang malaswang video sa nangyariing gang rape sa isang dalagita sa Tondo, Maynila kamakailan. Ayon sa ilang sources, mayroon nang halos 200,000 views (180,406) ang sex video sa hindi tinukoy na site habang nakahakot na ito ng 119 likes at 201 dislikes. Ang website ay sinasabing isa sa mga nangungunang free porn sites sa buong mundo. Milyun-milyon ang hardcore videos na ibinibigay ng site sa kanilang viewers sa pamamagitan ng mabilis na speed at high quality kabilang ang Virtual Reality (VR) Porn. Sa ngayon, ayon sa ilang sources, iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung paano nakarating sa porn site ang video at kung sino ang responsable sa pagpapakalat nito. Una nang kinilala ni Manila Police District (MPD) Station 1 Commander, Police Lieutenant Colonel Rey Magdaluyo ang pinakahuli at pang-apat na suspek na si John Michael Carmelo. Sinasabing si Carmelo ang itinuro ng isa pang suspek na si Angelito Gonzales at natukoy ito nang makita ang mahalay na video na natuklasan sa cellphone ng biktima na ibinalik sa ina. "Siya mismo ang nagsabi itong si Angelito na yung lalaki na kumuha na yun at ang nasa video ay si [Carmelo]. Siya yung lumalabas sa aming imbestigasyon, siya yung huling humalay doon sa biktima natin," pahayag ni Magdaluyo. Pinabulaanan ni Carmelo na isa siya sa mga gumalaw sa dalagita. Magugunitang natuklasan na hindi lamang anim kundi pito ang halinhinang gumahasa sa 16-anyos na biktima. Samantala, sa video ay kitang-kita kung paano nilapastangan ang pagkababae ng dalagita na waring walang malay at walang saplot. Kumalat din ang umano'y mga mensahe mula sa chat group ng mga suspek kung saan pinapayuhan pa ng ilan ang mga suspek na magtago na at huwag ituro ang isa't isa. "Nakakalungkot na ganito ang nangyari. Sisikapin nating mahuli sa lalong madaling panahon ang mga nagpapakalat nito at ang isa pang mga suspek," ayon naman sa isa pang source mula sa MPD. Kasabay nito, patuloy na nananawagan ang ina ng biktima kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan sila sa kaso upang mapanagot ang mga salarin. Sasampahan ang mga suspek ng kasong rape in relation to Republic Act 7610 o special protection of children against abuse, exploitation and discrimination act. Subalit dahil sa kumalat ng video, ayon sa ilang police sources, posibleng madagdagan ang kanilang kaso. +Wala pang isang buwan nang umuwi sa Pilipinas si Pharaon Warde, na nagtrabaho bilang manager sa isang construction site sa Papua New Guinea. Puwersahan umanong pinauwi si Warde, 55, ng kaniyang amo dahil sa hindi pagkakasunduan. "Miscommunication dahil... hindi masyadong makaintindi ng English," ani Warde. "Hindi raw ako marunong magtrabaho," dagdag niya. Isa si Warde sa mga target na tulungan ng reintegration program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Sa datos ng OWWA, mula 2015 hanggang 2018, malaki ang itinaas ng bilang ng mga distressed OFW na nag-avail sa programang "Balik Pinas, Balik-Hanapbuhay." Sa "Balik Pinas, Balik-Hanapbuhay" program, higit 30,000 ang itinaas ng mga nabigyan ng cash benefit. "There is hope for a returning distressed worker," ani OWWA administrator Hans Leo Cacdac. Sa ilalim ng nasabing programa, makakukuha ng cash benefit ang distressed OFW, aktibo man o hindi bilang OWWA member. Maaari lamang itong makuha isang beses sa loob ng isang taon pagkabalik ng bansa. May alok ding loan o pautang ang OWWA sa mga nagbalik-bansang OFW na may planong magtayo ng negosyo pero nakasalalay pa rin sa ka-partner na bangko kung maaaprubahan ito. Dagdag pa ng OWWA, nasa proseso na ngayon na gawing electronic ang application process upang mapabilis na maipaabot ang ayuda sa mga umuwing OFW. Source: ABS-CBN +Final Exit ba, o Exit re entry ang ibinigay sayo ng iyong employer? Importante na malaman ito bago umuwi ng Pilipinas. Ngayon ay pwede na makita online ang status or type of visa tru Saudi Ministry of Interior website +Matapos umugong ang maraming kontrobersiya tungkol sa Paysbook, kinausap mismo ni Erwin Tulfo si Arjay Gallenero, ang CEO/Founder of Paysbook E-Commerce System para mapaliwanag ang mga isyu tungkol sa kinasasangkutan dito. Pinatawag agad ni Erwin Tulfo ang Paysbook CEO na si Arjay para ma klaro ng publiko kung ano talaga ang tunay na sitwasyon nito sa SEC. Ipinakita ni Tulfo na may mga dokumento siya sa kanyang harapan galing sa Department of Trade and Industry at galing sa Security and Exchange Commission. Ayon daw kasi sa SEC, dalawang beses na daw sila umanong nag warning na ang kompanya ng Paysbook ay walang lisensya at walang karapatan mag solicit ng investment. Panoorin ang Video: Paliwanang ng Paysbook CEO na si Arjay, hindi naman daw nya itinanggi na nakatanggap sila ng SEC advisory at kasalukuyang naka due process at under investigation ang mga ito. Aniya, may mga kailangan silang compliances na ni re-require sa Security and Exchange Commission. Nagkataon daw na nagkaroon sila ng investment scheme pero ang katotohanan sa side nila, ang benebenta daw nila sa publiko ay hindi investment kundi nag re-render sila ng mga online services. +Binaril at napatay sa loob mismo ng Hall of Justice sa Danao City, Cebu ang isang pulis na katatapos lang dumalo sa isang kaso tungkol sa droga na siya ang testigo. Kinilala ang biktima na si Senior Police Officer 2 Francis Allen Villamor. Ayon sa pulisya, kagagaling lang ni Villamor sa pagdinig para sa isang drug case kung saan siya nagsilbing testigo. Pero habang palabas ng korte, pinagbabaril siya ng limang salarin na nakasakay sa puting kotse. Dalawa pa ang nasugatan sa pamamaril na pawang dinala sa ospital. Source: Facebook +"Ito si Duterte hindi edukado." Tama, hindi ako edukado. Ang natapos ko College of Law lang. Abugado ako. Sabi nila hindi daw ako statesman.Tama. Kasi marami man tayong abugado. Wala mang subject na statesman diyan sa ano curriculum natin.Meron ba? Sabi nila bastos daw. Tama. Bastos talaga bunganga ko. "I am not your President. Manigas na kayo. Para sa tao ako. Kasi ang tao ang nagboto sa akin." Source: VovPh, RTVM +Totoo nga ang kasabihang "age doesn't matter." Ito ang pinatunayan ng isang 80-anyos na lola dahil siya ay magtatapos na ng high school. Nag-viral ang Facebook post ni Chryzaine Dionisio, sapagka't masaya niyang ibinahagi na sa wakas ay magtatapos na sila ng high school. Ka-klase ni Dionisio si lola Salavacion Nacario o mas kilalang "Lola Sally" sa Fort Bonifacio High School sa Makati City. Ang larawan ay naka-toga na si lola Sally, at nasasabik na sila sa kanilang darating na graduation ngayong Abril. "Age doesn't matter for Education. CONGRATULATION we made it nanay ! parang kelan lang pic natin na nag gugroupings yung pinost ko ngayon naka toga na. We are so proud of u nanay SALVACION "SALLY" NACARIO" Maraming netizens ang nagpaabot ng pagbati sa kanila. Lahat ay napabilib dahil kahit may edad na si lola Sall a ipinagpatuloy pa rin ang pag-aaral. Sa gma news, naitampok na ang kwento ng buhay ni lola Sally. Doon, ay isinalaysay niya ang kagustuhang mag-aral, sa kabila ng kanyang edad. Aniya, hindi na siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil nagkasakit ang kanyang ina at nais tulungan ang amang kumakayod. Naging pangarap niya umano dati na maging isang military nurse. Kahit pa maraming humuhusga sa kanya ay hindi niya umano pinansin ang lahat dahil masaya umano siyang nag-aaral. Magagalang rin umano ang kanyang mga ka-klase at tinulutungan siya tuwing may assignments. Dahil nakakapagtapos na si lola Sally ng senior high school, lahat ay masaya sa kanyang accomplishment. Payo naman ni lola Sally sa lahat ng kabataan ay gawing prayoridad ang pag-aaral. Ang pagbibigay baon at pag-aasikaso ng mga magulang ay magandang suklian rin ng diploma. Dagdag pa niya, sikapin ng mga kabataan na matupad ang kanilang pangarap. Panoorin ang kwento ni lola Sally: +Lahat nalulungkot sa kinahinatnan ng isang pinay OFW sa Taiwan matapos umani itong mamatay nang dahil sa aneurysm. Sa Facebook post na ibinahagi ni Maryjane G. Magallanes, ikwenento niya ang nakakalungkot na nangyari sa pinay. Saad niya nagkasakit ito dahil umano sa pagod, puyat at stress dahil sa trabaho. Hindi umano madali ang magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa pamilya, ayon kay Magallanes. Sinabi pa niya na masaya lang daw tingnan sa mga larawan ang mga ofw pero malayo sa realidad. Nakaranas umano ng pananakit at pangingirot ng ulo ang pinay. Matapos doon, ay na stroke at na comatose na daw ito ng dalawang araw. Na-diagnosed umano ng aneurysm ang tunay na sanhi ng ikinamatay ng pinay. Kaya nakikiramay lahat ng mga netizens at kapwa OFW sa kapalaran ng pinay. +Nagsimula ang video na pinost ng netizen na si Rover John Fortich Baylon habang ang babae ay nakahiga sa kalsada. Walang suot na kahit anong saplot ang babae. Tumayo ito at mistulang hinihila ang pintuan ng nagdaan na kotse. Hindi pa nasiyahan, nagsasasayaw pa ito at hinahampas ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Tumayo ito sa gitna ng kalsada at umakyat sa bubong ng sasakyan at tumalon sa likod. Sa ibang sasakyan naman ay titigil siya sa harap nito. Walang magawa ang mga motorista kung hindi tumigil at hayaan siyang makalagpas. May isang beses pa na may motor na muntik na makatama sakanya, mabuti nalang pareho silang nakaiwas at walang nasaktan. Hindi pa siya tapos nagtatatalon pa sa mga hood ng mga dumadating na sasakyan. Panoorin ang video: Hindi pa matukoy ang eksaktong lugar kung saang bansa ito nangyayari. Source: Facebook +Sa facebook post ni Jao D Roger ibininahagi niya ang kanyang experince habang kumakain sila sa Mang Inasal Victory Mall. Makikita sa video na gumagapang ang uod sa ulam na kanilang kinakain. Anya " ansarap pa naman sana ng kain ko tsaka anak ko " Ito naman ang naging mga kumento ng mga netizen: " Actually sa mang inasal east ave halos tabi lang ng sss ganyan din e hahahaha di nalang kami nag rant sayang sa oras pero naulit sa ibang branch sa victory mall." " Actually sa mang inasal east ave halos tabi lang ng sss ganyan din e hahahaha di nalang kami nag rant sayang sa oras pero naulit sa ibang branch sa victory mall. Ang sabi lang samin sa sili daw galing. Check nyo maigi mga kinakain nyo pag mang inasal di biro yan. " - Arnold Rivera "Jomar Intal Pineda Ano yan,immortal yung uod?Hindi namamatay sa apoy? " Grace Aleguin Abres alam ko kc ni loloto muna yan bago i serve sa nag order emposible naman na mabuhay pa ung uod kung merun man talaga lahat bagong luto yummy kaya yan +Sa isang video na inilathala ng isang Leona Garcia Artiaga, makikita ang isang OFW na nakakakuha ng pagkain mula sa basura. Ayon sa kanya, ang pagkain ay tira ng kanyang mga tagapag-empleyo na dumped ito sa basura. Ang OFW ay naiwan nang walang pagkain sa loob ng anim na araw, na nag-udyok sa kanya na makahanap ng mga paraan upang mapahinga ang kanyang kagutuman. Nagresulta siya sa pagkain ng pagkain mula sa basura bin. Sinabi ni Artiaga sa kanyang post na walang nararapat na uri ng paggamot, lalo na ang babae sa video na inaangkin niya na isang napakahusay na tao. Kinilala ni Artiaga ang babae bilang Gina Abcede isang katulong na nagtatrabaho sa Saudi Arabia, sa Al Baha Province. Ang numero ng kanyang kontak ay 0551253695. Hiniling din ni Artiaga ang tulong ng mga ahensya ng gobyerno para sa agarang pagsagip ni Gina. Sa katunayan, walang nararapat sa ganitong uri ng masamang paggamot dahil lahat tayo ay mga taong naninirahan sa iisang daigdig. Ang kalagayan sa buhay ay hindi dapat maging sanhi ng ganitong uri ng paggamot. Sa kasamaang palad, ang karamihan sa mga katulong sa tahanan ay labis na nagdurusa na sila ay nagtapos sa isang malamig na kabaong habang sila ay bumalik sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Source: Facebook +Makikita sa video post ng Huli Ka Balbon sa FB at may caption na "Bata huli nakikipag laplapan," na nagyayakapan at naglalaplapan umano ang dalawang bata. Pagkatapos ng ilang segundo na nakuha sa video, unang umalis ang lalake at makitang parang nagpahid pa ng pisngi Ang dalawang bata ay nasa likod ng mga classrooms kung saan wala nang mga titser o iba pang mga guro. Ito naman ang reaksyon ng mga netizens: Source: FB +Epektibo na simula ngayong araw ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC. Marso noong isang taon nang abisuhan ng gobyerno ng Pilipinas ang United Nations sa desisyon na kumalas na sa Rome Statute, ang international treaty na lumikha sa ICC. Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang withdrawal mula sa tratado dahil sa imbestigasyon ng ICC sa mga krimeng may kaugnayan sa war on drugs ng pamahalaan. Gayunman, iginiit ng ICC na tuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon kahit umatras na ang Pilipinas sa kasunduan. +Importante ang ONLINE APPOINTMENT sa pag aaply , pag renew, atbp consular services ng ating Embahada Ang video na ito ay magsisilbing guide sa ating mga OFW kung paano ang pagkuha ng online appointment at pagpapakita na rin ng mga sitwasyon sa tuwing mayroong Embassy on Wheels +Ayon sa Facebook live ng Brigada News Davao sa press conference na isinagawa ng pulisya, napag-alaman na papalit palit ng pangalan ang kinilalang si Jonas Bueno. Nahanap ito sa tulong ng mga impormante mula sa Davao nang kumalat ang larawan nito sa social media. Parehas umano ang facial features nito, at ang itsura sa litrato kaya naman tinimbrehan na ng mga impormante ang kapulisan ukol sa tinutuluyan nito. Ayon sa suspek, dalawang linggo pa lamang ang lumipas nang lumipat sila sa Davao mula sa Cebu. Kasama ni Jonas ang kanyang live-in partner at dalawang anak na 6 na taong gulang at 1 taong gulang. Lumipat umano ito sa Davao at nakitira sa kanyang tiyuhin doon. At para din diumano maghanap ng trabaho ang live-in partner. Ganunpaman, hindi umano consistent ang mga sagot nito sa interrogation process. Dagdag pa, sa dalawang kas0 ng parehas na routine sa Inamin ni Jonas ang partisipasyon niya sa krimen. May mga espekulayson na ritwal umano ito ng kulto na sya namang tinitingnan din na anggulo ng kapulisan. Dadaan pa umano ito sa pag-aaral at imbestigasyon. Sa ngayon ay tinuturing na serial kiLLer ang suspek at dumadaan sa masusing interogasyon. High risk umano ito kaya naman mahigpit ang magiging seguridad rito. Iniimbestigahan din kung ilan ang nagkaroon ng partisipasyon sa karumal-dumal na kriMeN. Hangad naman ng mga netizen na sana ay hindi lamang "fall guy" ang itinuturong suspek na si Jonas. Galit naman ang namayani sa mga netizen at hangad ay mabigyan ng hustisya ang sinapit ng 16-anyos na dalaga. Anila ay dapat maging sigurado ang kapulisan sa mga ebidensya na makakapagturo laban sa mga susp3k. Kalun0s-lun0s ang sinapit ng biktimang si Christine Silawan nang matagpuan ang katawan nito sa isang bakanteng lote sa Lapu-Lapu city, Cebu. Binalatan ang mukha nito at tapyas ang kanan na parte ng mukha na nagdulot ng pagkawala ng kanan na tainga nito. May mga internal organ din itong nawawala tulad ng dila, trachea, at esophagus. SOURCE: Facebook +Sa walang humpay na pagtugis sa primary suspek na pumatay kay Christine Lee Silawan, 16-anyos, grade 9 studeng sa Cebu, nadakip na rin ng mga kapulisan nitong Biyernes ang suspek sa Davao. Nahuli na rin si Jonas Bueno ang primary suspek sa pagpaslang kay Christine. Ilang araw nang pinaghahanap ang suspek dahil sa karumal-dumal nitong pagpatay sa dalagita Umabot na nga ng 2 milyon ang pabuya sa suspek upang mas mapadali ang paghahanap rito. Si Bueno ay naaresto sa Davao City ngayong Biyernes ng hapon. Sa Davao nagtatago ang suspek ng apat na araw na matapos itong tumakas matapos ang krimen. Sa pangunguna ng NBI-XI, Mindanao Area Police Intel Office at CIDG-Davao City, sa wakas ay makakamit na rin ng pamilya ang hustisyang minimithi. Kahit si Pangulong Duterte ay nag-utos na rin ng manhunt sa suspek. Maaalalang noong Lunes, nakita ang bankay ng dalaga sa bakanteng lote sa Sitio Mahayahay, Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu City, Cebu. Wala ng saplot ang pang-ibabang bahagi nito, at ang nakakakilabot pa ay binalatan ang mukha ng dalaga at may 30 na saksak. Dahil sa isyung ito, maraming netizens ang humiling na ibalik muli ang death penalty sa bansa. Nais rin ng ilan na makamit ang nararapat na hustisya para sa ganitong mga krimen. +Sa patuloy na pamimigay ng Duterte Administration ng mga lupa sa mga kababayan natin mahirap. Tinatarget ng Pangulong Duterte na ipamigay ay ang mga lupang napunta sa simbahan noong panahon ng kastila. Sa kanyang speech sa Sagay City Government Center, sinabi ng Pangulo na pinapa-survey niya na raw ang mga naturang lupain. Ayon sa ulat ng Daily Tribune, noong napirmahan ang kasunduan ng Estados Unidos at Espana noong 1898 (Treaty of Paris), isa sa mga nakasaad ay ang pagpo-protekta ng gobyerno ng Amerika sa lupain ng mga pari. Ang mga naturang malalaking lupain daw ay pagmamay-ari daw ng "predominant Spanish religious orders". Ayon kay President Duterte, namuhay ng kumportable daw ang mga simbahan at panahon na raw ngayon para magsakrispisyo ito. Sinabi ng pa ng Presidente na ang ilang kababayan natin ay naninirahan lamang sa simpleng bahay-kubo. "The Church needs to realize that there is a time where you live comfortably, but there is also a time (to sacrifice). The world is becoming more populated," Sabi ng Pangulo. Binanatan ni Pangulong Duterte ang paninisi ng pari sa kanya. Magugunita na may mga pari lumantad at sinabing nakakatanggap daw sila ng mga banta sa buhay dahil sa walang tigil na atake ni Pangulong Duterte sa hanay nila. "They tried to picture me na 'pag namatay sila...I should be blamed because of my outburst. The hell. Wala akong pakialam kung mamatay kayo ngayon lahat. Maluwang pa ang ating cemetery... Stop scaring people about your holiness. Do not scare me about you dying and getting me blamed," banat ng Pangulo. Source: Tribune | GMA +Sa wakas ay nakapagbigay na ng bagong update ang PNP ukol sa brutal na pAgPaTay sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan. Umaga ng Marso 11 nang makita ang katawan nito sa isang bakanteng lote at nasa hindi magandang disposisyon. Nawawala din ang ibang internal organs nito tulad ng dila, trachea, at esophagus. Kinilalang si Jonas Bueno ang lalaking nasa larawan at ngayon ay pinaghahanap na ng otoridad. Hiling naman ng ibang netizen ay sana hindi ito isang kaso ng wrong accusation upang agad na malutas ang kaso at mabigyan na ng katarung4n ang dalaga. Kailangan umano muna mapatunayan ng PNP na si Jonas Bueno ang pUmAtay kay Christine. Source: Angat Pilipino, PhilStar +Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libreng technical-vocational education (tech-voc) upang matugunan ang mismatch sa trabaho at kawalan ng trabaho sa bansa. Pinirmahan ni Duterte ang Republic Act 11230 o ang Tulong-Trabaho Act noong Pebrero 22, 2019. Ang panukalang batas ay nagbibigay ng mga kwalipikadong tatanggap ng libreng access sa pag-aaral ng tech-voc habang nilalayon ng gobyerno na matugunan ang mismatch na kasanayan sa trabaho. Ang mga qualified recipients ng access sa technical-vocational education at training sa ilalim ng mga programs na kikilalanin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ang Tulong-Trabaho Fund ay magiging available sa kahit na kaninong unemployed person na may edad na 15 taon at hindi nagtatrabaho. Hindi rin dapat sumasailalim sa anumang pagsasanay o employed workers na nagnanais na i-develop at palawigin ang kasalukuyang skills at trainings. Ang pondo ay ibibigay sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na dating pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva, ang may-akda ng panukala. Ayon sa ulat, hindi umano sakop ng batas ang mga manggagawa sa mga kumpanya na kasalukuyang sinanay ng kanilang pinagtatrabahoan. Ang batas rin ay naglalayon na ang Philippine Labor Force Competencies Competitiveness Program ay palakasin at patatagin ang kuwalipikasyon ng mga manggagawang Pilipino. Nakasaad rin sa batas na, ang mga industry organizations na kinikilala ng TESDA na naghahanap ng pondo para sa kanilang training programs ay dapat na magsumite ng listahan ng kanilang mga trainees na humiling ng tulong mula sa Tulong-Trabaho Fund sa TESDA regional directors, na siya namang maga- assess ng mga aplikante at magsumite ng listahan ng mga kuwalipikadong recipients sa TESDA Director General para aprubahan. Bukod pa rito, titiyakin naman ng recipient industry boards na ang 80 porsiyento ng nga benepisaryo ay makakapasa sa Philippine Technical-Vocational Education and Training Competency Assessment and Certification System. "Failure to meet the passing rate shall subject the school or training center to performance review and audit by the TESDA Board," ayon sa batas. Source: GMA +DALAWANG sikat na noontime show host na lalaki at babae ang tinitiktikan ngayon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang makita ang mga pangalan ng mga ito na umoorder ng 200 piraso ng 'ecstasy' o mas kilalang party drug sa cellphone ng napatay na sinasabing pinakamalaking drug supplier sa Maynila. Sa isang live interview sa DZMM Teleradyo, sinabi ni Director General Aaron Aquino, PDEA chief na kasalukuyan nilang bina-validate ang nakuha nilang impormasyon mula sa cellphone na pag-aari ng napatay na bigtime party drug supplier na nakilalang si Steve John Pasion sa isinagawang buy-bust operation sa parking area ng isang condominium sa Sta. Cruz, Manila noong Lunes nang gabi. Nabasa nila sa cellphone ni Pasion ang text message ng dalawang celebrity na umoorder ng 200 piraso ng ecstasy.Tatlong beses umanong nag-text ang nasabing showbiz celeb at umoorder ng mga party drug. Hindi naman tinukoy kung anong network kabilang ang mga nasabing mga celebrity. Nang tanungin kung sa kanyang palagay ay nagtutulak din ang nasabing mga artista, sinabi ng PDEA chief na malamang na nagiging distributor ng ecstasy ang mga ito sa rave party o sex orgy. Anila, nakahanda silang ibunyag ang pangalan ng mga ito sa oras na ma-validate na nila ang kanilang mga impormasyon. Ayon naman kay PDEA Director Levi Ortiz, tukoy na nila ang nasabing mga sikat na artista. "Positive 'yung dalawang kilalang celebrity pero hindi pa muna natin puwedeng i-identify kasi nagsasagawa pa kami ng follow up operation at baka masunog at magtago na sila," ayon kay Ortiz. Isinagawa ng mga operatiba ng PDEA ang buy-bust operation laban sa suspek na kinilalang si Steve John Pasion sa parking area ng isang condominium sa Sta. Cruz, Manila, nitong Lunes nang gabi. "'Yung modus operandi nila, ginagawa nilang storage o warehouses itong condominium," ayon naman kay PDEA-National Capital Region Director Joel Plaza. Sa report, habang inaaresto ng mga PDEA agent si Pasion ay nagtangka pa itong tumakas sakay ng kaniyang puting SUV ngunit naharang siya ng mga awtoridad. Inutusan si Pasion ng mga awtoridad na bumaba sa kaniyang kotse pero sa halip na sumuko ay nang-agaw umano ito ng baril at tinangka ring kunin ang sarili niyang armas na nasa loob ng kaniyang sasakyan. Kasabay nito ay binitbit na rin ng mga PDEA agent ang nobya ni Pasion na si Sophie Mercado na tumangging magpahayag ng detalye sa mga mamamahayag. Nasa kostudiya ito ng PDEA habang inihahanda ang kaso. Source: Abante +Nananawagan ngayon ang netizens na ibalik ang death penalty sa Pilipinas matapos ang malagim na sinapit ng isang 16-anyos na babaeng estudyante na binalatan pa ang mukha sa Lapu-Lapu City, Cebu. Giit ng netizens, huwag iboto ang mga kandidatong tumututol sa parusang kamatayan sa darating na 2019 midterm elections. Mababatid na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang Death Penalty Bill subalit sa Senado ay hindi pa rin ito umuusad. Ang Panawagan ng mga Netizens tungkol s nangyayaring karumaldumal na panggagahasa sa isang 16 years old na babae sa Cebu City. source: Facebook +Isang Obispo sa Kerala, India ang inireklamo matapos umanong gahasain ang isang madre. Kinilala ang suspek na si Bishop Fr anco Mulakkal, 54, habang hindi pinangalanan ang 44-anyos na madre. Sa pahayag ng biktima, 13 beses umanong pinagsamatalahan ng Obispo na nagsimula noong 2014 hanggang 2016. Aniya, nangyayari ang panggagahasa tuwing bumisita ang Obispo sa kumbento kung saan ito naninirahan. Hanggang sa napilitan siyang magreklamo sa pulisya matapos hindi umano pansinin inihaing niyang reklamo ng Simbahang-Katolika. Samantala, pansamantala na umanong tinanggal ng Vatican ang iniriklamong Obispo. +Sa isang ulat mula sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News, isang 10 taong gulang na bata ang nagtamo ng sunog sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ng biglang sumab0g ang isang tablet na nakacharge sa kanilang kwarto. Nalapn0s ang kanyang mga bras0 at binti dahil sa pagliy4b ng nasabing tablet. Ayon sa kaanak ng biktim4, natutulog umano ang bata sa kwarto ng biglang sumab0g at lumiyab ang tablet, kumalat ang apoy sa kwarto kung kaya't matinding paso ang inabot ng bata. Ayon sa mga kasama sa bahay ng biktim4, maaaring pekeng charger ang ginamit ng biktim4 sa pagcharge kung kaya't ito ay biglaang sumab0g. Agad na dinala sa pinakamalapit na ospital ang bata na ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan at nagpapagaling sa mga tinamong sunog sa kanyang katawan. Bilang paalala sa lahat, sinabi din sa ulat na upang maiwasan ang mga ganitong klaseng sakuna, iwasang bumili ng mga pekeng charger at battery. At ugaliing huwag iwanan ang gadget habang nakacharge ito. Huwag na huwag ding gamitin ang gadget habang ito ay nakacharge pa. Huwag ding iwan sa ilalim ng unan ang mga nakacharge na gadgets dahil maaari itong sumabog. Maging responsable tayo sa paggamit ng gadgets upang maiwasan ang anumang aksidente. +Sinabon ni NCRPO chief Police Major General Guillermo ang suspek na si PO2 Marlo Quibete na naaresto matapos umanong mangikil sa isang drug suspek sa Marikina Police Station. Iyan ang inabot ng isang pulis mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Guillermo Eleazar matapos itong mahuli sa entrapment operation dahil sa reklamong pangingikil. Inaresto ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit ng NCRPO si Police Cpl. Marlo Quibete matapos umano nitong tanggapin ang P20,000 marked money sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Barangay Santolan, Pasig City. Nanghingi umano ng pera si Quibete kapalit sa kalayaan ni Aries Ochoada na nahuli sa buy-bust operation as Marikina City. Nagsumbong ang kinakasama ni Ochoada na si Eva Cabansag dahil sa dami ng hiningi ni Quibete, kabilang ang isang gintong kuwintas at motorsiklo. "Hiningan kami ng P200,000. Sabi ko, 'di ko kaya. Sabi P100,000 na lang, hindi pa rin kaya. Kung ano na lang meron kami. May pinapirmahan pang deed of sale nung motor naming na kunwari binenta ko sa kanila," ani Cabansag. Base sa imbestigasyon ng NCRPO, kasabwat umano ang mga tauhan ng EPD-DDEU, maging ang hepe nito. Nakita sa cellphone ni Quibete ang mga text sa pagitan ng kaniyang hepe at ibang kasamahan tungkol sa transaksiyon. +Ang pandaraya daw sa eleksyon ay nagsimula daw noon pang nag-endorso si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga kandidato ng administrasyon. "Napagkayarian namin, na talagang mandaraya, talagang mapanlinlang ang eleksyon na 'to. At ang cheating na ito ay hindi lamang nangyari sa araw na 'to kundi matagal na, magmula pa noong nage-endorse si Duterte sa kanyang mga kasama sa Senado na gusto niyang ilagay doon,"angal pa ni Mananzan. Sa isang pahayag, nanawagan si Sr. Mary John Mananzan of St. Scholastica's College sa mga Pilipino na magsagawa muli ng People Power. Para kay Mananzan, nagkaroon daw kasi ng dayaan sa eleksyon. "Ako, I'm really calling for People Power. Kung wala tayong maaasahan sa gobyerno, sino ang ating aasahan? Tayo po mismo. Kaya po let's go, and again, ibalik natin ang magic ng People Power," boladas ni Mananzan. "At saka 'yung mga red-baiting, 'yung sasabihing "ayan, wag niyo iboto 'yan dahil 'yan ay komunista," dagdag pa ni Mananzan. Si Mananzan daw ay beterano ng People Power, ayon sa Facebook na "Now You Know". Isa din si Mananzan sa kritko ni Presidente Duterte. Sa katunayan, lumahok ito dati sa isang pagtitipon kung saan ipinananawagan ang pagbibitiw ni Presidente DUterte. Source: Now You Know | Inday Espina-Varona | Marc Erlwin Flores +Kamakailan ay iniulat ni Updated Tayo ang isang lugar sa Purok 8, Poblacion, Magallanes, Agusan Del Norte kung saan aksidenteng natagpuan ang natural gas deposit sa tabi ng pampang. Makikitang sumisirit ang putik at mga bato sa lakas ng pressure na nagmumula sa ilalim ng lupa. Sa pinakabagong kaganapan, ang nasabing gas deposit ay makikitang nagliliyab. Ilang oras matapos ang pangyayari , nakalanghap ang mga residente ng amoy ng gasolina. Upang mapatunayan kung galing sa deposit ang amoy na iyon, sinubukan ng mga residenteng silaban ang tubig, at hindi nga sila nagkamali, unti- unting umapoy ang nasabing gas deposit. Sa una ay mahina lang daw ang apoy na nagmumula dito, ngunit sa kalaunan ay lumalaks na ito ng lumalakas. Bandang gabi ay lumiyab na ito ng tila isang inferno. Nanatili ang pagliyab nito hanggang sa kalaliman ng gabi. Marami ang natuwa at tila naexcite sa mga bagong tuklas na kaganapan dito sa lugar ng Agusan Del Norte. Marami ang naghihintay sa mga pagsusuring gagawin ng Department of Energy para makumpirma kung talaga bang natural gas ang natuklasan sa lugar. Kung sakaling natural gas ito, makakatulong ito ng malaki sa pag-unlad ng lugar lalo na kung magagamit nila ito ng maayos. Isa ang lugar ng Magallanes sa mga lugar sa Agusan Del Norte na mayaman sa natural gas. Sa katunayan, binanggit ng uploader ng video na isa ang Magallanes sa PDA o Pre determined Area na binigyan ng go signal ng presidente Duterte for exploration, kaya't hintayin na lamang natin ang mga susunod na kaganapan sa lugar. +Viral ang video ngayon na kung saan ay makikita ang isang babae na hindi nakasuot ng "tarha" nang pumasok sa isang coffee shop. Ang shop ay tipikal na puntahin umano ng mga lalake. Makikita sa video na pumasok ang babae sa coffee shop at sa ilang sandali ay makikitang biglaan itong inambahan ng halik ng isang arabo. Dali daling umalis ang babae sa coffee shop, tila dulot ng takot. Gayunpaman, maraming netizens din ang nagalit sa estranghero na Arabo dahil sa panyayakap at pagnanakaw ng halik sa babae. Ayon sa isang netizen, ipinagbabawal ang mga babae na pumasok sa mga coffee shop na para lang sa mga lalake. Ang mga babae na lalabag ay hinuhuli ng mga pulis. Kaya naman giit ng mga netizen, sumunod na lamang sa mga batas sa ibang bansa at huwag maging matigas ang ulo sa simpleng pagsunod ng mga panuntunan. +Inumpisahan ngayong Martes ang paghahakot ng burak sa higit isang kilometrong shoreline ng Manila Bay mula US Embassy hanggang Manila Yacht Club. Target na mahakot ang 225,000 cubic meters na burak o katumbas ng higit 20,000 trak ng basura sa dalampasigan ng Manila Bay, ani Public Works Secretary Mark Villar. Pero kada araw, ang matatanggal lang umano ay nasa 50 hanggang 100 trak ng basura. Otso oras kada araw ang gagawing paghahakot ng aabot sa 50 tauhan ng DPWH gamit ang mga excavator. Matapos makuha ang burak, gagamit ng backhoe para mailagay ito sa mga dump truck. Ihihiwalay naman ang basura at lupa sa pamamagitan ng segregator. Itatapon sa Navotas ang basura habang pansamantala namang ilalagay ang lupa sa compound ng DPWH sa Taguig. Ibinida rin ni Environment Secretary Roy Cimatu ang sewer inspection cameras na ipapasok sa mga imburnal para makita ang mga ilegal na tubo ng mga gusali o negosyong nakakonekta sa Manila Bay. Samantala, sa kaniyang talumpati sa pagsisimula ng paghakot, sinabi ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada na mahalaga ang reclamation ng Manila Bay para sa lungsod dahil higit 500,000 trabaho ang mabibigay nito. "Manila has the highest number of jobless people, Manila has the highest level of poverty incidence and this is the answer to it, hulog ng langit ito," ani Estrada. Ayon naman kay Cimatu, nakikipag-usap na sila sa Department of Science and Technology ukol sa "science-based effect" ng reclamation. Source: ABS-CBN +Marami ang nagbato ng batikos sa PBB at mismo kay Lou na umano ang nag-insist kay Andrei na halikan ito. Madaming netizen ang nagtaas ng kilay sa mga nakakagulat na kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya. Sa video ay mapapanood kung paano sinubukang pigilin ni Mary Grace ang dalawa na nagtutukaan sa swimming pool. Bilang ate aniya ay kailangan nitong may gawin para sa mas nakakabatang housemate na si Lou. Marami naman ang nagtataka ngayon kung ano nga ba ang naging reaksyon ng pamilya ni Lou ukol sa isyu. Ang kapatid ni Lou na si Nikki Yanong ay nagbigay ng konting patikim ng reaksyon ng tatay ni Lou nang mapanood ang episode. Tanong ng tatay nila, "Gusto nyo na bang pumasok ako?" Pagtukoy ng tatay ay ang pagpasok sa PBB house upang personal na makausap ang anak. Hiyawan naman ang mga tao na nasa bahay nina Nikki nang panahong iyon. Ayon pa sa Twitter post ni Nikki kung saan nita binahagi ang konting patikim sa kanyang vlog, "Wait for my next vlog. All good in the hood." Source: Angat Pilipino +Sa isang masuwerte ngunit aksidenteng pagkakatuklas, hindi sinasadyang natamaan at sumabog ang isang natural gas deposit sa may Purok 8, Poblacion, Magallanes, Agusan del Norte. Makikita ito sa isang video na ibinahagi ng netizen na si Inday Joffee sa kanyang Facebook page. Sa naturang video na naging viral na at umabot na ng 100K views at lampas 4K shares wala pang isang araw matapos itong ipost sa FB, makikitang tumatalsik sa lakas ng pressure ang naturang gas deposit. Ito ay malapit sa ilog o sapa at mapapansing nagbubuga ito ng putik at bato sa lakas ng pressure nito. Kung mapapatunayan na mayaman sa natural gas deposit ang lugar na iton sa Agusan Del Norte, isa itong magandang balita para sa mga residente doon. Maaari umangat ang estado ng buhay ng mga mamamayan sa nasabing lugar kung sakali mang pagkuhanan ito ng natural gas ng gobyerno o maging mga pribadong kumpanya Bukod sa Natural Gas, maaari ding ang nasabing gas deposit ay naglalaman ng Methane gas, na sinasabing maaaring ipampalit sa LPG na inaangkat pa natin sa pandaigdigang merkado at nakasalalay ang presyo sa presyo ng krudo. Malaki ang matitipid ng bansa sa krudo kung totoong Methane gas ang nilalaman ng naturang gas deposit. Sa kabila ng pagnanais ng Pilipinas na pigilan ang lahat ng klase ng polusyon, ang Coal Energy o enerhiyang nagmumula sa uling, ay ginagamit pa rin bilang pangunahing pagkukunan ng enerhiya sa bansa. Ito ay kumakatawan sa halos 50% porsyento ng enerhiyang gamit ng bansa. Ang 25% naman ay nagmumula sa renewable energy at 20% naman para sa natural na enerhiya. Ang natitirang 5% ay enerhiya galing sa langis. Source: Angat Pilipino +Sa kahabaan ng isang kalye sa Barangay Caingin sa bayan ng San Rafael, Bulacan, sinasabing may isang "white lady" na nagpaparamdam sa mga dumadaang motorista. Pinaniniwalaang ang naturang white lady ang nahagip sa closed-circuit television (CCTV) noong nakaraang buwan na nakaangkas sa motorsiklong sinasakyan ng magkaibigang Arjay Abarte at John Narvie Luz, na nauwi sa aksidenteng ikinasawi ni Arjay. Ihahatid sana pauwi ni Arjay si Narvie noong gabi ng Pebrero 10 galing sa isang inuman nang bigla silang sumalpok sa poste ng ilaw sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Barangay Caingin, kuwento ni Narvie. Ayon kay Narvie, maingat si Arjay sa daan, at tahimik pa raw ito at mistulang nagko-concentrate sa pagmomotor bago sila sumalpok. Hindi naman matanggap ni Belden Balansag, ama ni Arjay, ang pagkamatay ng anak kaya ipina-review niya ang kuha ng CCTV sa aksidente. "Bumalik ako dito kasi mag-iimbestiga pa ako kung ano nangyari talaga," ani Balansag. Sa pag-review ng CCTV, makikita ang pigura na mistulang babaeng nakaputi na pinaniniwalaang white lady. Ayon kay Romeo Luz, lolo ni Narvie, pagkapalipat pa lang niya sa San Rafael noong 1997 ay madalas na raw siyang makakita ng white lady sa lugar. Subalit, ani Romeo, hindi naman daw nananakit ang white lady kundi mistulang nagbabantay at nagmamasid lang. Naniniwala rin si Romeo na ang white lady ang nagligtas kay Narvie lalo at galos lang ang tinamo nito sa aksidente. Kuwento rin ng kagawad na si Rolando Bautista, madalas daw talagang magpakita sa kurbada ang white lady at madalas din ang mga aksidente. "May naaaksidente sa lugar na 'yon kasi nga kurbada 'yon sa lugar na 'yon," ani Bautista. Ayon pa kay Bautista, magpapagawa ang barangay ng mga bagong palatandaan sa may kurbada para makaiwas sa aksidente. Kinonsulta ang kababalaghan sa paranormal expert na si Tony Suvega, na nagsabing hindi raw white lady kundi "engkantada" ang nagpaparamdam. Nakatira rin daw ito sa abandonadong bahay sa lugar. "Napakabait po, ang totoo niyan mapalad ang barangay ng Caingin na sila ay may protektor na kagaya nito," ani Suvega. Hindi rin kumbinsido si Val Cuenca, head ng camera operations sa ABS-CBN Integrated News and Current Affairs (INCA), na white lady ang nasa kuha ng CCTV. "Sa tingin ko, tao ito eh, ito 'yong naka-motor, hindi ito 'yong white lady," ani Cuenca. Totoo man o hindi ang white lady sa Barangay Caingin, ibayong pag-iingat para rin ang ipinapayo sa mga motorista. Source: Rated K +Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang "Mandatory SSS Membership para sa mga OFW. required ang mga OFW na maging miyembro ng SSS bago umalis papuntang ibang bansa Layunin nito na mabigyan ng benepisyo ang lahat ng OFW sa panahon na kakailanganin ito, kasama rin sa programa ang pagkakaroon ng "Unemployment Insurance" na kung saan ay mabibigyan ng certain amount ang isang OFW kung sakaling ma terminate sa pinagtatrabahuhan sa abroad +Para sa mga nag aabang ng Social Security Contribution Table as taong 2019 narito ang maging guide natin. Naka-iskedyul ng mga kontribusyon para sa self-employed, Mga Overseas Filipino Worker at boluntaryong mga miyembro, tingnan ang listahan sa ibaba. Scheduled of contributions for self-employed, Overseas Filipino Workers and voluntary members, see the list below. Note that the minimum salary credit for OFW member is P5,000. +Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Maternity Leave Act na layong magpalawig sa leave at benepisyo ng mga nanay na nagtratrabaho. Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga reporter na nilagdaan na ito ng pangulo noong Miyerkules. Sa ilalim nito, bayad kahit hindi pumasok nang hanggang 105 araw ang mga empleyado't manggagawa na kapapanganak pa lamang. Makakukuha naman ng karagdagang 15 paid maternity leave ang mga solo parents. Normal delivery o cesarean section man ang panganganak ay sakop ng bagong batas. Normal delivery o cesarean section man ang panganganak ay sakop ng bagong batas. +Ang Social Security Act of 2019, na nilikha ng senador na si Richard Gordon. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Duterte nuong Pebrero 8, 2019. Bukos Sa layunin nito na tulungan ang mga miyembro sa oras ng kanilang paghahanap ng bagong mapapasukan, layon din nitong palakasin ang regulatory powers ng BSP. Maaari silang makakuha ng buwanang sahod na maaaring umabot sa P10,000 kada buwan. Ito ay tatagal ng dalawang buwan, sapat na panahon upang sila ay makahanap ng bagong mapagtatrabahuhan. Sa bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte na naglalayong bigyan ng Employment Insurance ang mga miyembro ng SSS na tinanggal sa trabaho. Ayon sa Republic Act 11199 o tinawag na Social Security Act of 2019, sinumang empleyado na hindi boluntaryong natanggal sa trabaho ay maaaring makakuha ng buwanang employment insurance na tatagal ng dalawang buwan. Ito ay para sa mga miyembrong 60 taong gulang pababa, at maaari itong ma avail isang beses kada 3 taon lamang. Kapag ang SSS member ay nagbabayad ng maximum salary credit, siya ay maaaring makakuha ng halos P10,000 kada buwan sa loob ng 2 buwan. Ang mga miyembro namang hindi umabot sa maximum salary credit ang ibinabayad sa SSS, ay maaari ding makakuha ng 50% ng kanyang average salary credit. Isa sa pangunahing mithiin ay ang palawakin ang coverage ng SSS lalo na sa mga OFW, na alam naman nating madalas ay nauubos ang mga naipong pera pagdating ng kanilang katandaan. Sa tulong ng SSS, maaari nang makatanggap ng pensyon ang mga OFW pagdating ng kanilang retirement age. Dahil sa ilang pagbabago sa SSS, inaasahang magtataas ang kontribusyon ng bawat miyembro, ngunit kapalit nito ang mas maraming benepisyo galing sa ahensya. Ikinatuwa ng author ng bill na si Senador Richard Gordon ang paglalagda ni Pangulong Duterte ng kanyang batas. Ayon sa senador, mabibigyan ang indibidwal ng separation benefits hanggang ito ay makahanap ng bagong trabaho. Sinabi rin ni Gordon na hindi dapat magrelax ang empleyado at dapat pa rin siyang magpursigi na makahanap ng mapapasukang na trabaho. Source: CNN +Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kaugnay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang regular na programang tutugon sa kahirapan ng mga kwalipikadong mahirap na pamilya sa bansa. Ayon sa Malakanyang, ganap ng batas ang Republic Act 11310. Bilang national poverty program ng gobyerno, nakapaloob sa 4Ps ang conditional cash transfer sa mahirap na pamilya para sa maximum period na 7 taon para isulong ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon na aspeto ng kanilang pamumuhay. Sa ilalim ng institutionalized 4Ps, hindi bababa sa P300 at P500 kada buwan ang tulong pinansyal sa bawat batang naka-enrol sa elementarya at junior high school sa maximum na 10 buwan kada taon. Ang senior high school student beneficiary ay tatanggap naman ng P700 kada buwan sa maximum na 10 buwan kada taon. Samantala, ang health at nutrition benefits sa kwalipikadong beneficiary ay hindi bababa sa P750 kada buwan sa maximum na 10 buwan kada taon. May kaukulang parusa para sa pagbibigay ng maling impormasyon o hindi paggamit sa tama ng nakaalang halaga. +Naglabas ng babalang "Scam Alert" ang Security and Exchange Commission (SEC) laban sa grupong KAPA na sinasabing isang investment scam. Nakailang babala na rin ang SEC laban dito pero patuloy parin sila. Kasabay naman nito, umalma si Davao City Mayor Inday Sara Duterte dahil sa paggamit umano ng ibang miyembro ng grupo sa kanilang apelido kapag nageengganyo sa ibang miyembro na sumali. Inabisuhan rin niya ang mga tao na wag makipag-engage sa grupong ito, alinsunod na din sa babala ng SEC. Ayon sa rehistro ng KAPA, isa itong foundation. Ibig sabihin ay hindi ito dapat nagsasagawa ng kahit anong business kung saan sila ay kikita at mamimigay ng interest. Dahil dito, sinabi ni Mayor na inutusan niya na iamplify o ipakalat ng husto ang babala ng SEC tungkol dito sa grupo para hindi na madagdagan ang mga taong mabibiktima. Pati ang Kampo Krame ay naglabas na din ng memorandun na ipinagbabawal ang pagsali sa KAPA sa mga kapulisan. Aminado si Davao City Police Office Director PS/Supt. Alexander Tagum na hanggang babala muna ang kaya nilang gawin tungkol dito. Pinaalala rin niya na halata naman daw na isang pyramiding scam ang KAPA. Kaya dapat mas maging maingat sa pagsali ang publiko. SOURCE: Facebook +Sa pagsukong ginawa ni Joemel Advincula sa Northern Police District upang harapin ang patong patong na kaso laban sa kanya, ay nagpasya na rin itong isiwalat ang katotohanan tungkol sa Bikoy video at ang "Totoong Narco- List". Inamin niya na lahat ng ito ay gawa-gawa lamang at pakana ng kanyang boss na si senador Sonny Trillanes. Sinabi ni Bikoy na hindi naging madali ang pagpaplano nito na umabot rin ng 9 na buwan. Ang plano ay gumawa ng mga ingay upang madivert ang atensyon ng mga tao lalo na at nalalapit na ang eleksyon nuon. Kagustuhan nilang kahit makapasok ang Otso Diretso sa Senado upang maipagpatuloy ang oposisyon sa pangulo. Sa isang press conference na ibinahagi ng News5 sa Facebook, sinabi ni Joemel Advincula alyas Bikoy na lahat ng videong lumabas tungkol sa "Ang Totoong Narcolist" ay pawang scripted lamang at iniutos ng kampo ni Trillanes upang masira ang magandang rekord ng mga Duterte sa mga tao. Ang pagsira sa mga kalaban ng Liberal Party ang pangunahing plano ng tinaguriang Operation Sodoma. Ito ay nasa pamumuno ni senador Antonio Trillanes, na kanyang tinaguriang utak ng mga nasabing Bikoy videos. Gusto nilang sirain sila Bong Go at ang mga Duterte upang humina ang hatak nito sa tao at matalo sa eleksyon.. Ilang beses daw silang nagpulong upang maisagawa ang mga planong Project Sodoma na layong pabagsakin si pangulong Duterte at mapalitan ni VP Leni Robredo. At pagkatapos maupo ni Robredo bilang pangulo, ay iaappoint niya si senador Trillanes para maging bise presidente nito. Nang tanungin si Bikoy kung bakit niya ginagawa ito matapos ang lahat ng kanyang nasabi sa Bikoy videos niya, sinabi ni Advincula na siya ay sinisingil na ng kanyang konsensya. Bagama't isa siyang ex-convict, hindi naman sagad ang kanyang kasamaan upang hindi usigin ng kanyang konsensya. Sinabi niyang hindi niya kayang hayaang pang lumaganap ang kasinungalingan ng Liberal Party, at natatakot din siya sa seguridad niya at ng kanyang pamilya. Sa kabila nito, mas pinili niyang isiwalat ang katotohanan para sa sambayanan. +Sa isang panayam kay Peter Joemel Advincula, nagpabatid ito ng isang hamon kay Senator Antonio Trillanes na magkita sila. Hamon nito, "Magkita kaming dalawa. Dun makikita kung sino ang nagsisinungaling." Giit nito, sa eye contact makikita kung sino ang ngayon pa lang nagkakilala at ang matagal nang magkakilala. Wala rin itong takot sakaling kasuhan ng senador dahil sa mga binunyag nito na nagdadawit sa pangalan ni Trillanes at sa Liberal Party. Ngunit may paalala rin ito sa senador. Aniya, "Ito ang tatandaan niya, lahat ng mga ginawa namin noon, may mga ebidensya akong magpapatunay na sya ang nasa likod (sa likod ng black propaganda)." +Matapos ang halos 10 taon sa Kapamilya network, tuluyan ng nagpaalam ang Umagang Kay Ganda show host na si Atom Araullo sa mga kasamahan niya sa show nitong Umaga ng Biyernes. Hindi makapaniwala ang mga kasamahan niya na sina Anthony Taverna, Amy Perez, Winnie Cordero at iba pang mga kasama niya sa pang-umagang show na lagi natin nakikita ang isa sa naging mainit sa mga netizen nitong Linggo dahil sa naging komento nito sa kanyang Twitter account na si Atom Araullo. Si Atom Araullo ay isa sa mga taga ABS-CBN at showbiz personality na-bash ng netizens sa social media noong isang araw, lalo na ang mga Solid Duterte Supporters dahil sa naging post niya sa naging decision ng kongreso sa pagbibigay ng P1,000 budget sa Commission on Human Rights (CHR) sa taong 2018. Matapos ang halos 10 taon sa Kapamilya network, tuluyan ng nagpaalam ang Umagang Kay Ganda show host na si Atom Araullo sa mga kasamahan niya sa show nitong Umaga ng Biyernes. Hindi makapaniwala ang mga kasamahan niya na sina Anthony Taverna, Amy Perez, Winnie Cordero at iba pang mga kasama niya sa pang-umagang show na lagi natin nakikita ang isa sa naging mainit sa mga netizen nitong Linggo dahil sa naging komento nito sa kanyang Twitter account na si Atom Araullo. Si Atom Araullo ay isa sa mga taga ABS-CBN at showbiz personality na-bash ng netizens sa social media noong isang araw, lalo na ang mga Solid Duterte Supporters dahil sa naging post niya sa naging decision ng kongreso sa pagbibigay ng P1,000 budget sa Commission on Human Rights (CHR) sa taong 2018. +Isang dalagita na ibinugaw ng isa pang teenager sa isang pari ang nailigtas ng mga pulis sa isang operasyon sa Marikina City. nakilala ang inarestong pari na si Arnel Lagarejos, 55. Nang maaresto si Lagarejos, nagpakilala itong "self employed" ngunit sinabi ni Senior Inspector Jacqueline Taa, hepe ng Women and Children's Protection Desk ng Marikina City Police station., na ang suspek ay isang pari. Ikinasa ang entrapment operation nang magsumbong ang nanay ng isang 13-anyos na babae na umano'y ibinubugaw ng kaibigan na 16 taong gulang. Sa Blue Wave Mall sa Sumulong Highway sa Barangay Sto. Nino inabangan ng mga pulis ang planong pagkuha sa dalagita ng isang parukya ng 16-anyos na bugaw. Nakita ng mga pulis ang pagsakay ng dalagita at kaibigang bugaw sa isang kulay gray na Ford Explorer na may plakang TGO 350. Isang dalagita na ibinugaw ng isa pang teenager sa isang pari ang nailigtas ng mga pulis sa isang operasyon sa Marikina City. nakilala ang inarestong pari na si Arnel Lagarejos, 55. Nang maaresto si Lagarejos, nagpakilala itong "self employed" ngunit sinabi ni Senior Inspector Jacqueline Taa, hepe ng Women and Children's Protection Desk ng Marikina City Police station., na ang suspek ay isang pari. Ikinasa ang entrapment operation nang magsumbong ang nanay ng isang 13-anyos na babae na umano'y ibinubugaw ng kaibigan na 16 taong gulang. Sa Blue Wave Mall sa Sumulong Highway sa Barangay Sto. Nino inabangan ng mga pulis ang planong pagkuha sa dalagita ng isang parukya ng 16-anyos na bugaw. Nakita ng mga pulis ang pagsakay ng dalagita at kaibigang bugaw sa isang kulay gray na Ford Explorer na may plakang TGO 350. +Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Commission on Human Rights sa panahon ng budget briefing noong Lunes, na icut-off nalang daw ang budget nito dahil lagi nitong pinupuna ang gobyerno na nagbibigay ng pondo sa kanila. Sa panahon ng House hearing, sinabi ni House Speaker Alvarez na ang pinoprotektahan lamang ng CHR ay ang mga kriminal at hindi ang mga biktima. "When it comes to police matters, there is no human rights violations, as human rights, that human rights are bad. Because of that, too much influence on international organizations is just human rights of criminals," sabi ni Alvarez Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Commission on Human Rights sa panahon ng budget briefing noong Lunes, na icut-off nalang daw ang budget nito dahil lagi nitong pinupuna ang gobyerno na nagbibigay ng pondo sa kanila. Sa panahon ng House hearing, sinabi ni House Speaker Alvarez na ang pinoprotektahan lamang ng CHR ay ang mga kriminal at hindi ang mga biktima. "When it comes to police matters, there is no human rights violations, as human rights, that human rights are bad. Because of that, too much influence on international organizations is just human rights of criminals," sabi ni Alvarez +Patay na umano ang isa pang "person of interest" o taong itinuturong may kaugnayan o may nalalaman sa pagpatay sa pamilya ni Dexter Carlos Sr. sa San Jose del Monte, Bulacan. Sabado ng umaga ay kinumpirma sa DZMM ng isang kamag-anak ng person of interest na si Anthony Garcia, alyas "Tony," na patay na ito. +YONG PAGSULPOTAN NG MGA HOKAGE GROUPS AT MGA ILEGAL NA GRUPO SA FB AY DAPAT MAIMBESTIGAHAN. Una, ginagamit etong avenue para lumabas ang kabastosan sa mga babae, at kung sino man puedeng yurakan ang karapatan, Pangalawa, maging aral sana sa mga gumagamit ng facebook wag makipagchat kahit kanino at lalong lalo na wag kayong makipagLIVE sa kchat ninyo. Di ninyo alam narerecord na kayo. Baka sa susunod maging trending kayo pero puro naman sa kabastosan. Kaya mga ka-DDS wag pabibiktima, ilagay ng tama ang inyong pakikipagflirt sa social media. Mahirap na ang technology ngayon puede nang gawin kahit anong paraan para marecord ang iyong pribadong gagawin. Sanay maging aral eto. At sana matimbog na ang mga miembro ng Hokage groups na yan dahil parang mga walang ina, o kapatid na babae lang. Dapat sa kanila ipadala doon sa Marawi nang di pamaresan. YONG PAGSULPOTAN NG MGA HOKAGE GROUPS AT MGA ILEGAL NA GRUPO SA FB AY DAPAT MAIMBESTIGAHAN. Una, ginagamit etong avenue para lumabas ang kabastosan sa mga babae, at kung sino man puedeng yurakan ang karapatan, Pangalawa, maging aral sana sa mga gumagamit ng facebook wag makipagchat kahit kanino at lalong lalo na wag kayong makipagLIVE sa kchat ninyo. Di ninyo alam narerecord na kayo. Baka sa susunod maging trending kayo pero puro naman sa kabastosan. Kaya mga ka-DDS wag pabibiktima, ilagay ng tama ang inyong pakikipagflirt sa social media. Mahirap na ang technology ngayon puede nang gawin kahit anong paraan para marecord ang iyong pribadong gagawin. Sanay maging aral eto. At sana matimbog na ang mga miembro ng Hokage groups na yan dahil parang mga walang ina, o kapatid na babae lang. Dapat sa kanila ipadala doon sa Marawi nang di pamaresan. +Kasunod ng naganap na pagkakamasaker ng mga biktima, ang tatlong anak, misis at byanan sa loob mismo ng kanilang bahay sa San Jose Del Monte, Bulacan. Personal na nakiramay ngayon si Pangulong Duterte kay Dexter Carlos. Sinabi naman ng Pangulo na bagama't hindi sana magandang idetalye ang ibibigay nitong tulong, pero dahil pondo ng gobyerno o public funds ang panggagalingan, minabuti niya itong ilahad na rin. Ayon kay Pangulong Duterte, bibigyan niya si Carlos ng isang housing unit, financial assistance na aabot sa P175,000 at cellphone unit para matawagan siya anuman ang kanyang maitutulong. +Kahit sino walang may lisensyang manghamak ng isang tao. Kahit sabihin pa natin na mas nakakaangat kayo pagdating sa estado ng buhay at ang iba ay isang hamak lang na pulubi hindi iyon batayan para manghamak bagkus dapat mas maging mapagkumbaba kayo sa kapos dahil biniyayaan kayo ng yaman samantalang ang iba ay kapos sa buhay. Matutong magpasalamat sa Panginoon para sa yaman na ibinigay at magkawang gawa sa iba na hindi nakakatamasa ng sarap sa buhay. Pero ang iba ay nasisilaw nga ba sa yaman sa buhay? Para kayanin ang panghahamak ng iba at hindi intindihin ang sitwasyon ng nakapaligid sa kanya? Paano mo naatim na manghusga ng iba lalo't wala naman itong ginagawang masama sa karamihan? Basahin niyo po ang nangyari sa isang pulubi matapos pagtabuyan ng asawa di umano ng driver dahil pulubi ito kahit pa binayaran na ito ng isang pasahero. Ano pong masasabi niyo sa kanilang ginawa sa pulubi? ('Yung pasahero na nagbayad kay tatang) salute ate. That kind of feeling na makita mo 'tong taong 'to na pinapahiya ng asawa ng driver na katabi niya kagabi! Last night! Yung pakiramdam kong pagod ako sa trabaho isama mo pa ang biyahe na napakalayo! Tapos may makakasakay ka na pulubi. From the start! Pag sakay ko pa lang halos ipahiya ng ipahiya ng babaeng katabi niya si tatay! na kesho "Istorbo kayo! Dapat hindi kayo sumasakay ng ganitong Rush hour" Napapailing nlng ako o kaming mga pasahero sa babae, halos kumirot yung puso ko!! Mas pinili ko na wag na munang mag salita, pero halos ipamuhka niya sa matanda na nakakaabala siya! Hindi ko na natiis nag salita na ko!! Ako : Ate hayaan mo na! Hayaan niyo nalang po. Sabay sumagot ang lalaki na katabi ko na "Napailing sabay sabi sakin, "Pumapatol sa matanda" sagot ko naman kaya nga e! Binayaran ko ang matanda ng nalaman ko na sa monumento din siya Bababa! Pero nagulat nalang ang isang dalagita na kasunod ko, na Pinabababa na ni manong driver ang matanda sa 5th ave palang! Sabay sabi "Wala pang monumento kuya binayaran naman siya ni Ate ha! Sabay turo sakin." Dun na ko nag salita na ulit na. "BAYAD HO YAN, PAGLALAKARIN NIYO SIYA HANGGANG MONUMENTO EH BINAYARAN KO SIYA!" Halo halong emosyon yung naramdaman ko! Pati mga pasahero halos nag salita na din. "Pwede ho kayong kasuhan sa ginagawa niyo dahil Senior na to" Sabi ng isang lalaki.. At sinundan ko ng salita sa driver . "WALA NAMAN PONG UMAANGAL SA MGA SAKAY NINYO! YUNG ASAWA NIYO LANG HO!" At doon na nag init sakin ang matapobreng Babae!! Nagkasagutan,duruan,murahan! HINDI HINDI AKO PINALAKI NG MGA MAGULANG KO PARA MAMBASTOS NG MATATANDANG KAGAYA NG MATANDANG BABAE PERO PINILIT NIYA KO DAHIL SA MATAPOBRE SIYA!! IPAPASA DIYOS NALANG KITA! +Naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng listahan ng mga synthetic acetic acid na suka o sukang gawa sa kemikal na posibleng magdulot ng cancer. Ayon sa FDA, magsasagawa sila ng inspeksyon sa pasilidad ng mga kumpanyang gumawa ng mga nasabing suka. Sabi ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, ang mga naturang suka ay may iba't-ibang expiration dates na pinaghihinalaang gawa sa hindi natural na sangkap. "Any artificial matter such as synthethic acetic acid or any cloudifying agent deems the vinegar adulterated hence, it must not be sold to the public," saad sa advisory ng FDA. Nilinaw naman sa advisory na walang masamang epekto sa kaligtasan ang mga suka, bagkus substandard lang ang kalidad ng mga ito at hindi dapat ibenta sa merkado. "The presence of synthetic acid merely represents that the vinegar did not undergo fermentation, either through a slow process, quick process, or submerged culture process which is used for commercial vinegar production," ayon pa sa FDA. Batay sa pag-aaral ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), walo sa sampung vinegar products sa merkado ay gawa sa "synthetic acetic acid". Ayon kay PNRI Director Carlo Arcilla, dapat may karagdagang tatak ang mga brand ng vinegar na naghahalo ng synthetic acetic acid sa kanilang suka. Kapag sinabi raw kasing vinegar ang isang sangkap ay dapat gawa ito sa natural na sangkap. "Hindi tinatawag na vinegar 'yan. Puwede namang non-fermented acetic acid. 'Yan po ang sabihin kasi as I said hindi siya masama (kahit) di siya pure," ani Arcilla. +Humanga ang netizens sa katapatan na ipinakita ng dalawang pulis na nagsauli ng malaking halaga ng pera na kanilang natagpuan sa gilid ng kalsada. Ayon kay Avon Docog, asawa ni Police Corporal Brian A. Docog, masaya siya sa pagiging tapat ng kanyang asawa at kasamahan nito na si Police Auxiliary Eulalio Bucod Jr., pawang naka-assign sa Sta. Ana PNP matapos makapulot ng isang bag na naglalaman ng dokumento, at pera na nagkakahalaga ng higit P100,000. i can't contain my happiness seeing my husband so eager to give these back to the owner... on his way to our house with his police auxiliary, it just so happened nga naa silay nakita nga bag kilid sa kalsada along Marfori,. iyahang gipunit & pag tan-aw niya kay money ang sulod..pag abot iyaha gi estorya sa akoa ang nahitabo,& akoa gi tan-aw tanan sulod ofcors pra mahibal-an kinsay tag iya & nakakita kog resibo sa palawan nga naay contact # niya, & wla mi gikuha bisag piso ha... so mao to, akng gipatawagan sa akng bana & nag kontakay na cla, the owner cried for joy... nahulog rjd daw iyang sling bag sa ilang car... it's a very huge amount & i know dili lalim mangitag kwarta & dili lalim mawalaan, i've been there, nawalaan pd kog mas labaw pas kwarta(akng phone with 20K photos) wala jd na uli, all the memoirs was there, pero wala koi gi blame bisag kinsa, i just leave it to our big God all in all, i'm just super proud of u PCpl Nairb Docz of PS1 (Sta.Ana, Davao City) i'm beyond happy, a big salute to u my honest policeman! Hindi naman napigilan ng may-ari ng bag na maiyak at magpasalamat nang maibalik sa kanyang ang pera at mga dokumentong nawawala. Dahil dito, maraming netizens ang namangha sa kabutihang pinamalas ng dalawang pulis dahil hindi umano sila nagpasilaw sa malaking halaga ng pera. +Hinamon ni senator-elect Ronald "Bato" Dela Rosa ang sino mang nais manakit kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na dumaan muna sa kaniya nang matikman ng mga ito ang 'brotherhood' ng mga PMAyer. Ibinahagi ni Dela Rosa sa kaniyang Facebook account ang larawan nila ni Bautista. "Kung sino man ang gustong mambastos at manakit sa napakabait at napakamaginoong upperclassman ko na ito dumaan muna kayo sa akin para matikman ninyo ang brotherhood ng PMAyers," caption sa larawan ni Dela Rosa at Bautista. Hindi naman direktang sinabi ni Dela Rosa sa kaniyang post na si Erwin Tulfo ang tinutukoy nito ngunit matatandaan na naging maugong ang ginawang pagmumura ng broadcaster laban kay Bautista dahil sa di umanoy pagpayag nito na ma-interview. Sinabi pa ni Tulfo na sasampalin at imumudmod niya sa inidoro si Bautista. "Sampalin kita pag nakita kitang buang ka eh, wala akong pakialam kung retired general ka, ngudngurin ko yung mukha mo sa inodoro. Demonyo ka rin isa ka pa, dagdag ka pa sa problema," pahayag ni Tulfo. Humingi naman ng tawad si Tulfo sa kaniyang mga binitawang masasakit na salita ngunit hindi nito binawi ang pamumuna kay Bautista. +Naaresto ng tropa ng militar ang 19 na armadong kalalakihan, karamihan ay maskarado habang naglilibot sa Barangay Danlungan, Pagadian City dahil sa paglabag sa election gun ban at pangha-harass sa ilang kawani ng media sa lungsod. Ang dalawa sa mga ito ay napag-alamang aktibong pulis na kinilalang sina Police Senior Master Sergeant Rex Bameda na nakadestino sa Zamboanga del Sur at si Police Corporal Michael Dagupan ng Pagadian City police. "Wala po kaming instruction na mag-join sila sa grupo ng lawless na 'yon na may dalang unlicensed firearms. Ang isa doon ay may temporary security detail, definitely naka-detailed sila sa isang politiko si Cpl. Michael Dagupan," saad ng hepe ng Pagadian City Police na si Police Lt. Col. Alvin Saguban. "Iyong isa according to Cpl. Dagupan, dinaanan lang nila kasi kakilala nga niya, sumakay doon si PSMSgt. Rex Barmedo, ang position po niya dito sa atin is beat patroller, nagkataon na off siya," dagdag niya. Ayon kay Lt. Col. Marlowe Patria, 53rd Infantry Battalion commander, nakatanggap ng tawag ang kaniyang batalyon mula sa mga residente ng Danlungan na humihingi ng tulong dahil sa presenya ng mga armadong kalalakihan na nakasakay sa dalawang pick-up vehicles habang nakasuot ang mga ito ng maskara at naglilibot sa barangay. Agad na tumawag si Patria ng joint law enforcement operation sa Pagadian City police, kasama ang abogado na si Jossil Macute, provincial supervisor ng Commission on Elections na humantong sa pagkahuli sa mga ito. Sa 19 na naaresto, 13 ang may dalang baril ngunit walang umamin kung kanino ang tatlo pang baril na natagpuan sa loob ng dalawang sasakyan. Narekober sa lugar ang limang M16 rifles, pitong kalibre-45 pistols, 2 kalibre-37 rebolber, isang 9-mm pistol, isang kalibre-38 rebolber, isang kalibre-22 rebolber, at mga assorted ammunition at 17 maskara. Ayon kay Macute, ang pagka-aresto sa mga armadong kalalakihan ay dapat na maging babala na ang mga militar at mga pulis ay seryoso sa paniniguro na magiging ligtas ang darating na eleksyon. Arestado kasama ang dalawang police officer ay sina Joel Morales, Celso Labayo, Ken Redondo, Anthony Basaya, Art Tesorio, James Mendiola, Jimmy Mendiola, Randy Abad, Antonio Onac, Juvy Siabok, Junifer Daud, Micahel Ganub, Jhoniven Sebag, Minching Angalay, Alvin dela Cruz, Dioscoro Escario, at Jason Escario. Ang mga naarestong kalalakihan at ang mga narekober na mga armas ay dinala sa Pagadian City Police Station para sa proper disposition at sa pagsasampa ng kaso laban sa mga ito. +Matapos ang 18 taon, sinimulan na ang aktwal na konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Project sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Light Rail Manila Corporation (LRMC). "We are not doing a groundbreaking today. What we are doing today is actually celebrating the full construction of a dream that was pending in previous administrations and is now a reality," ani DOTr Secretary Arthur P. Tugade sa kanyang talumpati. "It has been 18 years, 8 months, and 13 days since the LRT-1 Cavite Extension Project was approved by the NEDA Investment Coordination Committee on August 25, 2000. Ngayon po, matapos ang halos dalawang dekada at makalipas ang tatlong administrasyon ay sa wakas, nandito na ang lahat ng kailangan para umusad at matapos ang LRT-1 Cavite Extension," dagdag ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan. Ang naturang konstruksiyon ay bahagi ng 'Build Build Build' project ng administrasyong Duterte kung saan masosolusyunan nito ang kalbaryo sa trapik ng mga kababayan nating Caviteno. Nabatid din na ang naturang proyekto ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Ang 11.7 kilometers extension ay may 8 bagong LRT stations mula sa Redemptorist Stations, Mia Stations, Asia World Stations, Ninoy Aquino Avenue Station, Dr. Santos Station, Las Pinas Station, Zapote Station at Brgy. Niog Station. Target ng pamahalaan na gawing operational ang unang phase ng proyekto sa huling quarter ng 2021. "I want a partial operability on the last quarter of 2021. President Duterte has said to make the Filipino life comfortable. With the hottest moment today, our effort for today will boil down to make the Filipino life comfortable," ani Tugade. Kapag tapos na, ang isang oras at 10-minutong biyahe mula Bacoor, Cavite hanggang Baclaran ay inaasahang iikli sa 25-minuto. Nasa mahigit sa 800,000 commuters ang mapagsisilbihan nito sa kasalukuyang 458,000 na halos doble ang bilang ng mga commuters ang makikinabang. Kung maaalala, taong 2000 pa nang aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang proyekto. Naantala lang ito dahil sa iba't-ibang issue gaya ng right of way. Taong 2014 nang igawad ang P64.9 billion na proyekto sa Light Rail Manila Corporation. Pero dahil ito rin ang pumalit sa operasyon at maintenance ng buong Line 1 noong 2015 ay naantala muli ang konstruksyon ng extension. PANOORIN: SA WAKAS! SIMULA NA NGAYON NG ACTUAL CONSTRUCTION NG LRT-1 CAVITE EXTENSION PROJECT +Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nag-aalis sa government fees at iba pang bayarin sa mga dokumento na kinakailangan ng mga unang beses na naghahanap ng trabaho o iyong mga bagong graduate. Sa ilalim ng Republic Act 11261 o ang "First Time Job Seekers Assistance Act" na principal author at sponsor si Sen. Joel Villanueva, nakasaad na makakakuha na nang libre ang mga first-time jobseeker ng identification documents at clearances na iniisyu ng gobyerno. "Sa bisa po ng First-time Jobseekers Assistance Act, mababawasan na po ang pasanin ng ating mga fresh grads sa mga bayarin na kailangan para lamang makakuha ng mga dokumento na kailangan sa kanilang job application," saad ni Villanueva. "Malaking tulong po ang handog nito sa pagbubukas ng panibagong yugto ng ating fresh grads mula sa kanilang matagumpay na pagtatapos sa eskwelahan patungo sa kanilang job hunting," dagdag niya. Kabilang dito ang police at barangay clearance, medical certificates mula sa government clinics at hospitals, NBI certificate, birth and/or marriage certificates, tax identification number (TIN), transcript of records mula sa State Universities and Colleges, Unified Multi-Purpose ID card (UMID), at iba pang documentary requirements. Hindi lang fresh graduates ang cover nito kundi maging mga out-of-school youth. Tanging barangay certification ang kailangang ipresenta ng first time job seekers upang makakuha ng mga naturang dokumento. +Binatikos ni presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) makaraang lumutang sa kanilang tanggapan ang isang lalaki na nagpakilalang si alyas "Bikoy." Hinamon ni Paolo si Peter Joemel Advincula na magsampa ng kaukulang kaso kaugnay ng mga alegasyon nitong sangkot siya sa illegal drug trade. "Mula sa pagiging kilalang scammer, ngayon ay certified na na artista itong taong nagpakilalang Bikoy. Ganito. Puro satsat. Panay drama. Mag-sampa ka ng kaso. Sasagutin kita. Haharapin kita. Isama mo rin si Trillanes," pahayag ni Paolo. Inihayag ni din ni Paolo ang kanyang pagka-dismaya sa IBP dahil sa pagtanggap kay Advincula. "Kapanipaniwala daw ang mga alegasyon ni Bikoy sabi ng IBP. Ano? Wa mo kuyapi?" "Nakakawala ng respeto ang IBP. Mga abogado kayo, matatalino sana kayo, pero, nakapagtataka lang na ang bilis ninyong paniwalaan ang sinasabi ng isang kilalang scammer na nagpakilalang si Bikoy," aniya. Napaulat na isa si Paolo sa mga indibidwal na sinasangkot ni Bikoy, ang naka-hood na lalaki sa serye ng mga video na "Ang Totoong Narcolist" na sinasabing di umano'y sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa. +This is my first time ever to post like this in a social media!!!! Dahil sa kabalastugang ginawa samin last night beauty pageant "BUDOL" The Miss Ambassadress "Este" Scambassadress 2018!!!! Dahil lahat kami nag effort ng Pagod, Puyat, Pera, at Oras sa walang kwentang pageant na hindi namin inaasahan na ganun pala ang resulta scammer pala ang organiser!!! WARNING: Siya si Peter Joemel "PJ" Advincula na nanloko, ng estapa at ng budol sa amin. Ang lalaking ito ay nagpapageant na hindi binayaran ang mga kandidata nanalo man o natalo, judges, host, handlers, dancers tabulators at sound system. Sa oras din ng pageant mula simula hanggang natapos hindi ito nagpakita sa amin. Ginamit mo lang kaming lahat para mabili ang mga ticket at tinda mong pabango. Mag-iingat sa taong dito ang opisina niya na EXODUS PHI79 MARKETING ay matatagpuan sa Dunao, Ligao City. Ang kompanya ng ARDEUR DE FRANCE ang kanyang ginamit upang mas maniwala sa kanya ang mga taong naloko at na-estapa niya. may pakuha kuha kapang guest galing sa 'That's My Bae' lahat kami niloko mo. Kung sino man po ang nakakaalam kung nasaan ang lalaking ito maari niyo pong ipagbigay alam sa amin upang maturuan ng leksyon ang manlolokong estapador na kalbo. For the information of everybody na nag-iisip samin bakit pa kami tumuloy sa pageant na yun. Kasi screening pa lng ang ganda ng mga paliwanag niya na walang problem sa pera and everything kasi lahat daw naka-settle na okay and ready na so naniwala naman kami kasi yun naman ang kalakaran ng pageant sa ilang taong na namin sa industriya ng patimpalak na ang prizes ay nakukuha namin after the show. Kasi wala namang beauty pageant na nag-cash advance bago mag-pageant in short pagtapos na. So natapos na nga ang pageant wala na ang organiser at ang mga staff hindi nila alam kung saan kukunin ang premyo at sino magbabayad saming lahat na nabudol niya. Sa "ANDREUR de France perfume and company makipag ugnayan na kau at gawan niyo ng action ang problemang ito kasi kayo ang naka-front dito. Alam naming lahat tayo ay biktima ng budol ni Mr. PJ Advincula para sa inyong kapakanan na hindi masira ang company niyo dahil ginamit kayo ni Mr. Advincula. So let's make action to this big problem. Sa lahat ng NABUDOL, NALOKO, AT NAABALA please share this post para madaling mahanap si Mr. Advincula upang makasuhan at pagbayaran niya lahat ng NAPINSALA niya! Salamat po. Tanya Herrera (August 12, 2018) +Lumantad sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines - National Center for Legal Aid (IBP-NCLA) si Peter Joemel Advincula para aminin sa publiko na siya umano si alyas 'Bikoy', ang misteryosong lalaki na nagsasalita sa "Ang Totoong Narcolist" video. Sa kanyang pagharap sa publiko, sinabi ni Advincula na kasama sa sindikato ng iligal na droga sina Paolo Duterte, dating SAP Bong Go, Tesoro Go, presidential son in-law na si Maneses Carpio at ang Quadrangle Group na umano'y nakabase sa Bicol region. Ayon kay Advincula, humarap daw siya sa publiko dahil sa banta sa kanyang buhay at sa tawag ng konsensiya. Sa paglantad ni alyas 'Bikoy', naungkat ng ilang netizens ang artikulo na nagsasabing estapador si Advincula at naging most wanted din sa Naga City. Noong 2012, nakulong si Advincula sa kasong estafa ng dating kompanyang pinagtatrabahuhan pero nakalaya rin noong 2016 at nakahanap ng bagong trabaho. "Advincula admitted that aside from his theft case in Sorsogon, he is also facing charges of illegal recruitment and large scale estafa in Naga City and Albay," sabi sa isang ulat tungkol kay Advincula. Ilang netizens ang naglabas ng pahayag laban kay Advincula dahil nabiktima umano sila ng panloloko nito. Diskumpiyado naman ang ilang pro-Duterte supporters at mga bloggers tulad ni Thinking Pinoy sa tunay na katauhan ni Advincula. WATCH: IS HE THE REAL BIKOY? +Isang matandang bungagera ang binabatikos ngayon ng netizens sa social media matapos niyang magwala sa galit sa loob ng isang pampublikong bus. Ayon sa Facebook post na ibinahagi ni Anne Gaddi, makikita sa video kung paano siya inaaway ng isang matandang babae. Kuwento ni Gaddi, kasama umano niya sa biyahe ang kanyang maliit na anak at nagalit raw ang matanda dahil nasagi siya. Maririnig sa video na dinamay ng matanda ang mga Bulakeno nang sabihin nito ang, "Bulakeno palibhasa.." Kaya hindi nakapagtimpi ang ilang pasahero at pinagsabihan ang matanda. Dito na inaway ng matanda ang iba pang pasahero ng bus. Sa isang cut video ni Gaddi, makikita pa na sinugod at hinampas siya ng matanda. Narito ang buong caption sa post ni Anne: Ang viral video ay umani ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens. +Tila hindi matanggap at kinuwestyon ng ilang miyembro ng Otso Diretso ang mga kandidatong susuportahan ng Catholic Charismatic Group na El Shaddai. Magugunitang inanunsyo na ng grupo ang 14 na kandadato sa pagka-senador na kanilang susuportahan sa nalalapit na midterm elections. Ayon sa ilang Otso Diretso senatorial candidate tulad ni Erin Tanada, may posibilidad na mawalan ng taga-supporta ang El Shaddai kung hindi nito maipapaliwanag ang ginawa nilang pagpili. "Ano ba ang ibig sabihin ng honesty sa kanila? Kung hindi nila maipapaliwanag yan eh baka mamaya ay mawalan rin sila ng mga supporters," sabi ni Tanada. Umapela naman si Samira Gutoc sa pamunuan ng El Shaddai na ikonsidera ang kanilang grupo. "Pasensya na po El Shaddai, I appeal that you consider me, consider us sa Otso Diretso dahil kami po ay voice of the conscience," dagdag ni Gutoc. Umaasa naman sina Atty. Romulo Macalintal at Chel Diokno na makakakuha ng supporta mula sa mga katoliko at mga millennials. "Hindi papayag ang mga katoliko na bastusin ang ating Panginoon at bastusin ang ating pananampalataya at ating kaparian," banat ni Macalintal. Nabatid na 10 sa 14 na kandidato na susuportahan ng religious group ay galing sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte. Ito ay sina: WATCH: ILANG OTSO DIRETSO PINUNA ANG PAG-ENDORSO NG EL SHADDAI SA MGA KATUNGGALI +Inanunsyo na ng Catholic Charismatic Group na El Shaddai ang 14 na kandidato sa pagka-senador na kanilang susuportahan para sa darating na May 13 midterm elections. Sa isinagawang worship service ng grupo sa Amvel Business Park sa Paranaque City, mismong si El Shaddai Servant Leader Bro. Mike Velarde ang nag-anunsyo sa kanilang mga susuportahang kandidato. Sampu sa mga ito ay nasa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago na regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte o mula sa Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na partido naman ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilan sa mga ito ang re-eleksyunistang sina Sen. Cynthia Villar, Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III, Sen. JV Ejercito at Sen. Sonny Angara. Gayundin ang nagbabalik senado na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada; Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating Special Assistant to the President Bong Go, dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino at dating PNP Chief Ronald Dela Rosa. Inendorso rin ng grupo ang re-eleksyunistang si Sen. Nancy Binay na nasa ilalim ng Nationalist Alliance na partido ng kanyang amang si dating Vice President Jejomar Binay. Gayundin sina Sen. Grace Poe at Dr. Willie Ong na tumatakbong independent. Samantala, tanging si re-electionist Sen. Bam Aquino ang kandidato ng oposisyon na Otso Diretso ang nakakuha ng suporta mula sa El Shaddai. +Malaki ang "potensyal" ngayon ng Pilipinas na maging fastest-growing economy sa Asia dahil sa mga infrastructure projects ng administrasyong Duterte, reporma sa buwis at mas batang manggagawa. Ayon kay Asian Development Bank (ADB) Chief Economist Yasuyuki Sawada, indikasyon ng "fundamental strength" ng ekonomiya ng Pilipinas ang credit rating upgrade na natanggap ng bansa mula sa global debt watcher na Standard & Poor's kung saan napanatili ang economic growth sa higit anim na porsiyento. Ang Gross Domestic Product (GDP) growth ng Pilipinas ay isa sa mga pinakamabilis sa Asia, kasama ang China at Vietnam. "It's quite possible for the Philippines to be the fastest-growing economy in Asia," saad ni Sawada. Mababatid na mula sa dating "BBB" ay itinaas ito sa "BBB+" na may "stable" outlook. Ibig sabihin, mababa ang risk na hindi makapagbayad ng utang ang Pilipinas at nananatiling sapat ang kakayanang tumupad sa pinansiyal na pananagutan. "The Philippines has above-average economic growth, a healthy external position, and sustainable public finance. The stable outlook on the rating, reflects our view that the Philippine economy will maintain its momentum over the medium term, in combination with contained fiscal deficits and stable public indebtedness," saad ng S&P. +Bagsak sa kulungan ang isang lalaki sa Baguio City matapos makuhanan ng video na minomolestya ang isang 10-anyos na batang babae sa loob ng jeep. Dahil sa pangyayari, ipinost ito ni JM Olsim Madinno sa social media kasabay ng mga larawan ng lalaki kasama ang bata sa Burnham Park kung saan ipinagpatuloy pa nito ang kalaswaan. "Natakot po ako para doon sa bata kasi alam ko po na bawal po 'yun at bata pa 'yung bata," ayon kay Madinno. Matapos isumbong ni Madinno sa mga pulis ang insidente, agad na nahuli ang lalaking chess instructor pala ng bata na noo'y nasa parke. Hindi naman lubos akalain ng mga magulang ng bata na magagawa ng limang buwan nang instructor ang kalaswaan sa kanilang anak dahil pinaalam umano ng suspek na tuturuan ang bata ng chess. "Na-shock ako kasi wala akong kamalay-malay tapos ang alam ko naman 'yung kasama niyang coach eh mabait kasi parang pamilya rin ang turing namin sa kaniya kasi pumupunta rin naman sa bahay kapag may okasyon," kwento ng nanay ng biktima. "Masakit sa pakiramdam ko, kaya talagang kung puwede sana bugbugin ko 'yung tao pero wala, hindi ko gustong manakit ng kapuwang tao," sabi ng tatay ng bata. Ayon naman sa suspek, may pagkakaintindihan sila ng bata at karelasyon niya ito. "Nagkakaintindihan po kami, parang may relasyon po kami ganun. Kaya 'yung paghawak ko sa lang sa leg niya, parang normal lang sa kaniya yun," sabi ng suspek. Kasong child abuse o paglabag sa Republic Act 7610 ang inisyal na reklamong isinampa laban sa suspek. "Currently where investigating [kung ano pang mga kaso ang pwedeng i-file sa kanya.] Hindi po kasi natin alam kung ano po mga ginawa niya before and after," ani Police Col. Allen Rae Co, City Director ng Baguio City Police Office. Kasalukuyan nang nakakulong ang lalaki sa Baguio City Jail. Dahil dito, pinuri ng netizen na si Cheryl L. Daytec-Yangot ang katapangan na ipinakita ni Madinno. Ito ang pahayag niya mula sa kanyang Facebook post: +Tila umalma ang kampo ni Vice President Leni Robredo ukol sa pag-uugnay sa kanya sa naarestong uploader ng 'Bikoy' propaganda videos na si Rodel Jayme. "Malinaw na paninira na naman ito. Ayon sa kuwentong ipinipilit ibenta kasabay ng photo, si VP Leni daw ang nasa likod ng pagkilos nitong si Jayme," paliwanag ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo. "Para sa kalinawan ng lahat: walang "Rodel Jayme" na nagtatrabaho para sa OVP o kay VP Leni," aniya pa. Kumakalat kasi ngayon sa social media ang ilang mga litrato ni Rodel Jayme na kasama si Robredo pero ayon kay Gutierrez, hindi umano ito sapat na pruweba na may kaugnayan silang dalawa. "Kung totoo man na siya nga ang nasa photo kasama ng Bise Presidente, siya ay isa sa libu-libong naging supporter noong kampanya ng 2016 na bumibisita sa opisina at nagpakuha ng picture kasama si VP Leni," dagdag pa ni Gutierrez. "Wala itong napapatunayan kundi madaling maghanap ng photo sa Facebook, at gumawa ng anumang kuwento tungkol dito, gaya ng ilang ulit nang ginawa sa mga miyembro ng oposisyon, kasama na si VP Leni. Nakakalungkot na ang isang sumuporta kay VP Leni, na hinuli at ngayo'y pinagbabantaang kakasuhan, ay gagamitin pa sa ganitong klaseng paninira." "Ito'y isa na namang paraan para isantabi ang mga seryoso at lubos na nakakabahalang alegasyon sa expose video sa pamamagitan ng pagdikit nito kay VP Leni at sa oposisyon." "Nakapagtataka lamang na imbes na tingnan muna kung may katotohanan ang mga malalim na alegasyon sa video--halimbawa, sa simpleng pag-verify ng mga binanggit na bank accounts--mas binigyan pa ng pansin ang pag-imbestiga sa gumawa at naglabas nito," mga pahayag ni Gutierrez. Sa ngayon ay hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jayme na siyang administrator ng website na metrobalita.com at siyan nag-upload at nagpapakalat ng mga black propaganda videos laban sa pamilya Duterte. +Masama umano ang loob ng lalaking gumawa ng website kung saan niya ina-upload ang video ni alyas Bikoy, na nagdadawit sa ilang pamilya Duterte sa droga. Matapos madakip, sinabi ng lalaki na handa siyang makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod nito. Kinilala ang nadakip na si Rodel Jayme, ang sinasabing nasa likod ng website na metrobalita.com. Naaresto si Jayme sa isang bahay sa Paranaque ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), matapos umano ang mahigit isang buwang pag-iimbestiga at online surveillance. Pero iginiit ni Jayme na hindi siya si Bikoy at hindi rin siya ang nag-upload ng video sa website dahil ipinagawa lang daw ang website na gagamitin umano sa kampanya. "Nag-chat lang sa akin kung puwedeng makipagkita then nung nagkita kami sa Las Pinas, doon sinabi na kailangang gumawa ng website na gagamitin for posting article for campaign," kuwento ni Jayme. Nakilala raw niya ang kaniyang kontak noong 2015 para sa kampanya noong 2016. Naganap daw ang kanilang pagkikita nitong nakaraang Marso 31. Ayon pa kay Jayme, ang sinabi sa kaniya na gagamitin lang website para sa kandidato ng Otso Diretso. "Binigyan ko po ng access doon sa nagpagawa then April 2, no idea po ako, wala ako sa bahay nasa church po ako, biglang na-upload 'yung video. Ang plano na sinasabi sa amin ay magtago daw po ng within one month dahil ang lumalabas ngayon lang mainit yan hanggang eleksyon. Dahil parang lalabas daw po yata si Bikoy bago mag-eleksyon," saad ni Jayme. "Nilaglag ako sa bagay na wala akong alam, na parang tinraydor ako. Kasi kung tutuusin in-upload nila 'yung video na hindi man lang sinabi sa akin. Alam nilang nandyan ang pangalan ko dahil siyempre ang alam ko lang ay malinis ang intensyon ng pagpapagawa," hinanakit niya. Handa raw si Jayme na makipagtulungan sa NBI para ituro ang nasa likod ng website na ginamit ni Bikoy at naka-record daw sa kaniyang Facebook ang pag-uusap nila ng nagpagawa sa kaniya ng website. "Isa sa bilin ay mag-delete ng conversation, pero hindi ko po gawain na mag-delete ng conversation. Alam kong puwedeng ebidensiya 'yon kung may mangyari," saad niya. Susuriin naman ng NBI ang computer at laptop na ginamit ni Jayme para sa iba pang ebidensya. Nahaharap ngayon sa reklamon cyberlibel si Jayme dahil sa mapanira ang mga video ni Bikoy na nag-ugnay sa mga kaibigan at kaanak ng Pangulo sa droga, na nauna na nilang itinanggi. +Dapat imbestigahan ng gobyerno ang mga akusasyon ng isang alyas "Bikoy" laban sa mga kapamilya at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uugnay sa kanila sa illegal drug trade. Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo sa pagkakahuli sa uploader ng mga Bikoy propaganda videos sa YouTube. Dagdag pa ni Robredo na dapat umanong ilagay sa witness protection program si Bikoy dahil para rin itong whistleblower. "Ang naaresto ay hindi si Bikoy kundi 'yung nag-upload nung videos. Ako, marami kasing tanong: una, mayroon ba talagang Bikoy? Ang gusto kong sabihin, si Bikoy ba tunay na tao?" ani Robredo. "Kasi kung tunay na tao, parang whistleblower siya. Hindi ba dapat bigyan ng proteksyon para malaman kung totoo o hindi ang sinasabi? Kasi wala naman tayong way of knowing kung totoo o hindi [ang sinabi niya agad-agad]. Bakit hindi tingnan kung totoo [ang mga bintang]," dagdag niya. May apela naman si Robredo sa mga awtoridad, na arestuhin rin ang lahat ng indibidwal na nagpapalaganap ng fake news o maling impormasyon lalo na kung may halo itong pulitika. "Malaking bagay iyong [pag-aresto kay Bikoy] pero sana, sana iyong lahat na nag-uupload ng mga fake na news, sana inaaresto rin. Kasi halimbawa, ako, biktima ako since 2016 ng maraming fake [news]. Pero ang masama nito kasi iyong ibang gumagawa ng fake news, parang... parang, sinusuwelduhan pa ng pamahalaan," saad ni Robredo. "Lahat na nagsasabi ng kasinungalingan, eh 'di arestuhin, panagutin. Halimbawa, itong nag-upload nitong Bikoy, kung nagsisi--kung kasinungalingan iyong ina-upload niya, dapat papanagutin, kasuhan. But in the same manner, huwag pumili. Iyong lahat na gaya ni Bikoy na kasinungalingan iyong pino-post o ina-upload, papanagutin [dapat]," dagdag niya. +Inilabas na sa publiko ang mugshot ng nahuling suspek na uploader ng 'Ang Totoong Narco List' propaganda videos ni alyas Bikoy. Sa press conference sa Department of Justice (DOJ), sinabi na si Rodel Jayme ang administrator ng metrobalita.net kung saan nanggaling ang mga video. Nag-isyu ang Makati Regional Trial Court ng search warrant kontra kay Jayme. Saad ni Justice Secretary Menardo Guevarra, kasong inciting to sedition ang kakaharapin ni Jayme, ngunit hindi pa pinabatid kung si Jayme ba si alyas 'Bikoy' habang gumugulong pa ang imbestigasyon. Dineklarang 'person of interest' si Jayme ng National Bureau of Investigation (NBI) sa video ni Bikoy. +Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hinuli at nakakulong na ngayon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Rodel Jayme na siyang nag-upload ng "Bikoy: Ang Totoong Narcolist" propaganda video. Ang nasabing propaganda video ay nagdadawit sa ilang miyembro ng pamilya Duterte sa iligal na droga kasama ang menor-de-edad na anak ng Pangulo na si Kitty. Sa isang press conference, sinabi ni Guevarra na si Jayme rin ang registered administrator ng website ng www.metrobalita.net na nagpapakilala bilang isang online news portal. Ang nasabing domain rin ang naka-rehistro na nag-upload ng Bikoy video sa YouTube. Natukoy si Jayme sa pamamagitan ng Google Adsence ID na isang unique protocol para sa mga online user na gumagamit ng serbisyo ng nasabing internet site. Mababatid na ibinunyag din ng isang pro-Duterte blogger na si Sass Rogando Sasot ang pagkatao ni Jayme noong Abril 25. "Metrobalita.net's AdSense ID is 9287075011637877. Some of my readers were able to trace all the websites bearing that ID, which eventually led us to the identity of the person behind metrobalita.net. Out of fear for their lives, they asked me not to disclose the identities revealed," saad ni Sasot. "Google AdSense ID 9287075011637877 can also be seen in another online version of Metro Balita, when it was still a dot com instead of a dot net website. The domain registrant of the old dot com version is Rodel Jayme. This information is publicly accessible via WHOXY, an online tool that reveals the domain registration records of websites," dagdag niya. Si Jayme ay sinasabing operator rin ng ilang grupo na konektado sa ilang personalidad sa hanay ng oposisyon. Kabilang sa kanyang mga naging trabaho ay administrator ng ilang anti-government online account na sinasabing pinonondohan ng ilang kritiko ng gobyerno. Ipinaliwanag ni Guevarra na inaresto si Jayme noong madaling-araw ng Abril 30 ng mga tauhan ng NBI sa hindi sinabing lugar. Siya ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Makati City Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Soriano. Samantala, sinabi naman ng NBI na hawak na nila ang computer at cellphone ni Jayme at kasalukuyang isinasailalim sa cyber forensic examinination para makuha ang detalye sa ilang mga personalidad na posibleng kasangkot niya sa kanyang ginawang pag-upload ng Bikoy video. Bukod sa paglabag sa Anti-Cybercrime Law ay posibleng maharap pa sa mas maraming kaso si Jayme lalo't may menor-de-edad na isinangkot sa nasabing video. +Isang matandang nanay ang mangiyak-ngiyak na lumapit sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action para ireklamo ang kanyang dalawang anak na babae. Dumulog si Maria Magdalena Austria, 62-anyos, kay Raffy Tulfo dahil sa sobrang pang-aapi na ginawa sa kanya kung saan sinampal pa siya ng bunsong anak ng tsinelas. Napag-alaman na may matinding hindi pagkakaunawaan si Nanay Magdalena sa mga anak niyang sina Irish Gryzel Galon, 36-anyos, at Kren Austria, 30-anyos. Ayon sa kuwento ni nanay, ang pinagmulan daw ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay dahil sa pagkaing sushi. Nag-request umano si nanay sa kanyang panganay na anak na gawan ng sushi ang kanyang uncle dahil isang Hotel and Restaurant Management (HRM) graduate siya, pero hindi ito nagawa at dito na nagsimula ang problema. Ayon sa panganay ni nanay, sinisiraan daw kasi ni Nanay Magdalena ang kanyang mga anak at apo, pero giit ni nanay na nais niyang huwag nang ihome-school ang mga bata at pag-aralin sa regular school para makisalamuha sa ibang bata. Ikinwento rin ni Nanay Magdalena na dahil sa bastos na pagsagot ni Kren sa kanya, nagawa siyang sampalin nito ng tsinelas. Nagmistulang estranghero si nanay sa sariling bahay at hindi na umano makagalaw, bagkus ang dalawa pang anak ang maraming ipinagbawal sa kanya. Sa huli, nais ni Raffy Tulfo na palayasin na ang mga malditang anak dahil sa sobrang pang-aaping ginawa kay Nanay Magdalena, pero umaasa parin si nanay na magkaayos pa sila ng mga anak. PART 1 | NANG DAHIL SA SUSHI, NANAY, INAPI NG KANYANG MGA MALDITANG ANAK! +Sa dami ng mga Pilipino na nahuhumaling sa paglalaro ng online games ngayon, hindi nakakagulat na itinuturing na ito bilang isang tunay na e-sports. Napag-alaman kasi na kasama na ang ilang online games sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas bilang medal sports. Hindi pa napag-uusapan ng Deparment of Education (DepEd) na siyang tagapangasiwa ng Palarong Pambansa ang pagpasok ng mga online games sa mga laro. Inamin ni Palarong Pambansa 2019 Secretary-General at DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na hindi pa napag-uusapan sa Palaro Board ang maaaring pagsama ng e-sports kagaya ng Mobile Legends at DOTA sa taunang kompetisyon. Ayon sa kaniya, maraming laro na nasa SEA Games ang pinag-iisipan ng departamento na isama bilang demo sport sa Palaro subalit mas pinili nila na gawin ang larong Pinoy ngayong taon alinsunod na rin sa hiling ni Secretary Leonor Briones. "The secretary wants to include larong Pinoy in the regular Palarong Pambansa sports. Maybe next year, we have larong Pinoy as demo sports with other sports. But not online games," paliwanag ni Escobedo. Dagdag pa ni Escobedo, prayoridad ng Palaro Board ang mga larong makapagpapalakas at pabuti sa motor at physical skills ng mga batang manlalaro. "There are positive and negative observations with regards to online games. What is important is we have to balance. What is important to us, the officials of DepEd, is the holistic development of our lifelong learners," ani Escobedo. Bagamat hindi pa napag-uusapan ngayon, nilinaw nito na hindi nila sinasarado ang pinto para sa online sports. Nais lamang nila pag-aralan maigi ang mga benepisyong maaaring makuha ng mga estudyante sa e-sports. Samantala, patuloy naman ang mga pagbabago aniya sa pagsasagawa ng Palaro lalo pa't marami sa mga e-sport ay nangangailangan na ng teknolohiya. Pagbibida ni Escobedo, sumasabay na ang DepEd sa teknolohiya sahol na rin sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC). "Yes, we are adapting to the technology. We are implementing technological innovations. The PSC is very strict when it comes to compliance with international rules and standards. Some of the equipment we will use in Palarong Pambansa are borrowed from PSC like in swimming," pahayag ni Escobedo. Ang Palarong Pambansa ay isasagawa sa Davao City mula Abril 27 hanggang May 4, 2019. +Hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lalaking nasa likod ng "Ang Totoong Narcolist" video na nag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa. Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ang NBI Cybercrime Division mismo ang nagsilbi ng search warrant laban kay alyas Bikoy na nakatago ang mukha habang nagsasalita sa naturang video. Nakipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ) Cybercrime office ang NBI para arestuhin ang suspek na nasa likod ng nagpapakalat ng black propaganda videos sa Youtube. "I can confirm that a search warrant was served by the NBI Cybercrime Division. The operation was made in coordination with the Department of Justice Cybercrime office," ani Guevarra. Aminado naman si Guevarra na hindi na nila isinapubliko ang pagsisimula ng kanilang imbestigasyon sa isyu para hindi ito masunog. Ang pag-aresto kay alyas Bikoy ay ginawa aniya ng NBI matapos madiskubre ng mga tauhan nito ang mga ebidensya na nag-uugnay sa naarestong personalidad at sa video. Mababatid sa video na lumabas noong nakaraang buwan, inamin ni "Bikoy" na dati itong miyembro ng drug syndicate at idinawit ang pamilya ni Duterte na sangkot sa operasyon ng illegal drug syndicate na kilalang "Davao Group." Inakusahan din ni "Bikoy" si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, presidential son Paolo Duterte at Veronica, Honeylet Avancena at anak na si Kitty maging sina Manases Carpio na asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumatanggap umano ng milyong halaga mula sa drug ring. +Binabantayan ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibilidad ng magnitude 8 na lindol matapos yanigin ang Surigao del Norte kamakailan. Ayon sa PHIVOLCS, ito ay matapos ang mahigit sa 600 aftershocks kaugnay sa magnitude 5.5 na lindol na tumama sa Surigao del Norte. Sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na tinatawag na earthquake swarm ang kumpol-kumpol na lindol. Dalawa umano ang posibilidad na mangyari, unang-una umano ay ang earthquake swarm habang hindi naman inaalis ang senaryo ng magnitude 8 kung saan babantayan din umano ang tsunami. "Kasi 'pag mga ganyang kumpol-kumpol na lindol, although may 5.5, marami mga magnitude 5 or 4, parang tinatawag naming earthquake swarm 'yan at dalawa ang possible diyan eh, unang-una, ganyan lang yan na earthquake swarm--nangyari 'yan diyan sa ibang bahagi ng Philippine trench, off shore din ng Surigao del Norte, nung early this year, nagkaroon ng magnitude 6-something diyan sa katapusan ng activity--or minsan ay ganyan lang, ganyan lang kaliit," ani Solidum. "Pero hindi natin inaalis na, kasi ang mga scenario natin diyan mga magnitude 8, na kung ganyan ang mangyayari na malakas eh yung tsunami naman ang ating babantayan," dagdag pa niya. Samantala, pinaalalahanan ni Solidum ang publiko na maging handa sa oras na magkaroon pa ng malakas na pagyanig at pinayuhan ang coastal communities na i-review ang kanilang coastal preparedness. "Although di natin masasabi kung talagang ito'y dederetso sa ganun, sana hindi, ang kadalasan ay tumitigil lang na ganyan lang pero we don't know so we have to be prepared always," saad ni Solidum. "Ang binabantayan po namin kung may pattern, mahirap magsabi na may pattern sa ngayon, ang pattern po na dumadami at lumalakas, may ibig sabihin 'yon baka tumuloy sa malaki, eh wala pa kaming nakikita na pattern; pero kahit wala pong pattern, minsan sumusulpot yung malaki," dagdag pa niya. +Hindi natuwa ang maraming netizens sa inasal ng isang babaeng galit na galit sa isang tindera ng prutas. Nakuhanan sa isang video ang hindi maawat na pagwawala ng isang babae habang nakikipagtalo sa mga tao sa isang prutasan. Ayon sa Facebook post ng netizen na si Anjoe Garcia Andaya, tinadyakan at sinampal umano ng nag-aalburotong babae ang tindera ng prutas dahil sa paniningil nito ng bayad. "Si ate galit na galit nanakit pa ng tindera. Kawawa yung tindera sinapak at tinadyakan pa. Hindi naman kukuha ng bayad yung mga tindera kung nakapagbayad na po kayo," saad sa post ni Anadaya. Ikinagalit raw kasi ng babae ang pagsingil ng bayad ng tindera na inakala niyang nagbayad na ang nanay niya. Sinabi rin ng nanay ng babae na hindi pa siya nagbabayad habang inaawat ang kanyang galit na anak. "Sana naman ateng wag init ulo agad. Inaawat kana ng nanay mo kase ikaw ang mali. Nasa kamay pa ng mama mo kaya ung pera na pambayad niya. Sana sa sunod ayusin ang katapangan," dagdag ni Anadaya. Ngunit tila mas lalo pa itong nagalit dahil maging ang mga umaawat rito ay hindi rin nito pinakinggan. Makikita pa ang dalagang tindera na iyak ng iyak habang nakahawak sa kanyang pisngi. Hanggang umalis ang mga ito ay tuloy pa rin ang galit ng babae kahit inaawat na ng mga tao sa lugar. Dahil sa pangyayari, maraming netizens ang hindi natuwa sa inasal ng babae sa viral video na ito. +Nag-viral ngayon sa social media ang pagtulong ng dalawang pulis sa isang babaeng bahagyang naaksidente nang sumadsad ang gulong ng sinasakyang tricycle nito sa gilid ng kalsada. Napag-alaman na isang school principal pala ang babae na hindi naman nasaktan sa insidente. Nakita umano siya ng dalawang pulis na napadaan sa lugar at agad itong lumapit at tumulong sa babae. Laking pasasalamat ng school principal sa mga pulis dahil sa dinami-rami ng dumaan sa lugar, hindi sila nagdalawang isip na lumapit at tulungan siya. Makikita sa larawan na ang mga pulis din mismo ang bumili ng piyesa at nagkumpuni sa sumadsad na tricycle. Dahil dito, umani ng papuri ang mga pulis na nakilalang sina SPO3 Tabelisma at SPO1 Tablarin ng San Clemente, Tarlac. +Isang lalaki ang nabugbog matapos nitong i-spoil ang pinakaabangang final Avenger movie na Avengers: Endgame. Napuno sa galit ang mga nakapila pa lamang sa isang sinehan nang magsisigaw ang lalaki ng 'spoiler' ng pinakapinag-uusapang pelikula. Nagawa umano ito ng lalaki pagkalabas pa lamang niya ng sinehan na kinagalit naman ng mga nakapila na papasok pa lamang ng sinehan dahilan para siya'y makuyog at mabugbog. Ayon sa mga saksi, biglang nagsisigaw ang lalaki ng mga mahahalagang nangyari sa kontorbersyal na pelikula na dinumog sa unang araw pa lang ng pagpapalabas nito. Makikita sa larawan na nakaupo na lamang ang lalaki na ginagamot ang natamong sugat matapos mabugbog. Mababatid na wala pang isang linggo nang unang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula ay tumabo na ito ng 1.2 billion na kita sa buong mundo. +Sa isang pambihirang pagkakataon, humingi ng patawad ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) sa mga biktima ng pang-aabuso ng kanilang hanay, partikular na ang mga kaso ng sexual abuse sa kabataan. "We bow in shame, we beg for forgiveness, we continue to say we are so sorry and beg for forgiveness from the Lord and from those this hurt and wrongdoing has been done," ani CBCP president at Davao Archbishop Romulo Valles kasabay ng pag-amin na kahit si Pope Francis ay ikinahihiya rin ang pang-aabuso ng ilang pari. Tiniyak naman ng Valles na patuloy silang gumagawa ng hakbang upang matugunan ang mga suliranin ng kanilang hanay. Kaisa aniya sila sa paglaban ng pang-aabuso sa lipunan at umaasang mapanagot sa batas ang mga indibidwal na sangkot, kahit pa ito ay mga pari o mataas pang opisyal. "We are all committed and do all that what we can that's a broad statement to stop this. And in the concrete there are procedures on what to do chosing words carefully to bring justice to all," ani Valles. Hinimok din ni Valles ang mga mananampalataya na huwag matakot, ipagbigay-alam sa mga opisyal ng Simbahan at maging sa awtoridad kung makakaranas sila ng pang-aabuso. "Do not be afraid, young people do not be afraid, go to your Bishops, go to your priests and be open and unburden your hurting situation. I am sure that they would listen to you, we are ready to ask for your forgiveness because in this forgiveness is the power of healing, grace coming from the Lord," saad ni Valles. Magugunita na ang mga kaso ng sexual abuse sa kabataan ang madalas na binabala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alagad ng Simbahan tuwing siya ay nakakatanggap ng kritisismo mula sa mga pari. +Mas bumilib ngayon ang ilang kilalang pro-administration at senador kay dating Philippine National Police (PNP) chief at senatorial aspirant Ronald "Bato" Dela Rosa sa ipinakita nitong performance sa katatapos na debate sa CNN Philippines. Ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson, mag-isang giniba ni Dela Rosa ang mga senatorial candidate ng Otso Diretso. "Watching Ronald "Bato" dela Rosa single-handedly and gamely taking on Otso Diretso (minus 2) candidates on a number of issues makes me stop wondering why he consistently ranks high in the senatorial surveys," saad ni Lacson sa kanyang Twitter account. Para naman sa beteranong journalist na si Jay Sonza, nag mukhang eng-eng raw ang mga kandidato ng oposisyon dahil sa mga banat ni Dela Rosa. "Nagmukhang tanga lang ang kandidato ng Otso Diretso sa senatorial debate ng CNN. nilampaso sila ni Bato Dela Rosa sa isyu ng Chinese workers at war on drugs," ani Sonza. Pinuri din ni former ambassador Rigoberto "Bobi" Tiglao ang pagtindig ni Dela Rosa laban sa senatoriables ng oposisyon. "Brilliant move. Duterte's candidates were clever to just let Bato debate with the Otso Inidoros. Bato single-handedly made all of the seven present there look stupid and ignorant. The former police chief showed he could debate with the inidoros on any issue. Mga bobo to fall for the trap of this 'debate'," saad ni Tiglao. Ayon naman kay Manny Castaneda, noong una raw ay hindi siya sigurado kay Dela Rosa pero matapos ang senatorial debate ay nakuha daw ni dating PNP chief ang kanyang boto. "At first I was unsure of Bato for the Senate but after his performance at the CNN debate, he has won my admiration and my vote as well. Unlike many candidates who obviously performed to impress, Bato was sincere and spoke not only from experience but also from the heart. No attempt at intellectual discourse, no pretentiousness, but stood as himself - a human being. I just hope that when he does make it to the senate, if he is able to maintain his present disposition and not morph into a despicable political monster like many of those who eventually had become a traditional politician," sabi ni Castaneda. +Isang bumbay ang trending ngayon sa social media matapos dumulog sa barangay upang ireklamo ang mga taong pinapautang niya. Ibinahagi ni Jonjonkombat Pasion ang isang video kung saan makikita ang bumbay na naglalabas ng hinaing sa mga taong pinautang niya. Hindi raw kasi nagbabayad ang mga taong pinapautang niya ng pera at pinagtataguan pa siya sa tuwing maninigil na siya. Sabi ng bumbay yung lindol daw hindi nararamdaman pero siya, malayo pa raw ay ramdam na ng pinapautang niya. "Pag lindol hindi ramdam, pag ako dating, layo pa lang ramdam na agad!" Bagamat dinaan sa tawa, makikitang nanlulumo na ang bumbay dahil sa hindi pagbayad ng kanyang pinautang. Ang isa pa sa sinabi niya na kumiliti sa maraming netizens ay nung nagpapautang siya, nakatali pa umano ang aso pero nung naniningil na siya, yung aso hindi na nakatali. Naawa naman ang maraming netizens sa sinapit ng bumbay na namumuhay dito sa Pilipinas sa pamamagitang ng pagpapautang sa ating kapwa Pinoy. +Sa idinaos na debate ng CNN Philippines, nagkaroon ng pagkakataon ang mga senatoriable candidates na ipamalas ang kanilang galing at talino. Marami ang nagpunta mula sa Otso Diretso dahil kailangan umano nila ng publicity dahil lagapak ang kanilang mga kandidato sa nagdaang survey. Sa pro-administration at independent naman ay hindi rin natinag sina Bato Dela Rosa, Atty. Glenn Chong at Raffy Alunan Maraming netizens ang napabilib kay dating PNP Chief Bato dahil mag-isa niyang binuhay ang debate at sinalag ang lahat ng banat ng mga kandidato ng Otso Diretso. Dito, isa-isang sinagot ni Dela Rosa ang banat ng mga kandidato ng oposisyon. Ipinunto niya ang mga usapin sa West Philippine Sea dahil puro ngangaw ang mga dilawan pero sa kanila naman nagsimula ang problemang ito. Isa rin sa naging highlight ng debate ay ang akusasyon ni Florin Hilbay na pumalpak umano ang 'war on drugs' campaign ng administrasyong Duterte. Hindi naman nakapagtimpi si Dela Rosa at agad na sinagot si Hilbay. "How dare you say that the war on drug is a failure? Napakasakit sa amin (mga pulis). Marami sa amin ang namatay sa gyera na ito. Failure pa rin? Paano mo ngayon sasagutin ang survey ng SWS na nagsasabi na 66.66% of Filipinos believed that the number of drug addicts in their area has gone down? Paano mo iyan masasabi?" resbak ni Bato kay Hilbay. Hindi maikakaila na marami ang matatalinong kandidato, maraming bright ideas pero dapat matuto tayo na hindi naman talino ang kailangan kung hindi ito maisasakatuparan. Naniniwala naman ang netizens na ang mga sagot ni Dela Rosa ay galing mismo sa sarili niyang experience sa public service. +Sa loob mismo ng simbahan ng San Ildefonso sa Makati City, nagbangayan at nagbatuhan ng putik ang magkapatid at magkatunggali sa pagka-alkalde na sina incumbent Mayor Abby Binay at former Mayor Junjun Binay. Ito'y matapos na pahintulutan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na gawin sa loob ng naturang simbahan ang inorganisa nitong election forum . Unang nagpasaring si Abby laban sa katunggali nitong kapatid na si Junjun hinggil sa umano'y pagpapakalat nito ng fake news o maling impormasyon habang nangangampanya. "Sa natitirang panahon sa ngayon sa kampanya tigilan na ang pagkakalat ng kasinungalingan, tigilan na ang pagkakalat," saad ni Abby. Iginiit ni Junjun na ang kapatid niya ang nauna at inihayag lamang niya ang kanyang saloobin. Ito umano ang dahilan kaya biglang nagalit si Junjun sa kapatid habang sila ay magkatabi sa simbahan. "Alam mo ate Abby, nandito tayo. Pwede po katahimikan pinandidilatan po ako ng kapatid ko. Bakit ko gagawin? Nagsasabi raw ako ng kasinungalingan. Ibang klase," depensa ni Junjun. "O ayan lumalabas tunay na ugali. Walang respeto. Ako po ay humarap dito ng buong paggalang sa simbahan pero pangdidilatan ako ng mata ng kapatid ko. 'Yung ospital ng Makati hanggang ngayon hindi nagagawa," dagdag nito Daan-daang mga taga-Makati ang dumalo sa forum sa San Ildefonso Parish at nasaksihan mismo ng mga ito ang pagtatalo ng dalawang magkapatid na kapwa tumatakbo sa magkaparehong posisyon. Agad namang pumagitna ang amang si Dating Vice President Jejomar Binay upang awatin at paghiwalayin ang mga anak. Kabilang din sa umawat si Makati City Police Chief Pablo Simon. Matatandaan na pinatay ang dating aide ni Junjun na si Monette Bernardo matapos itong barilin ng riding in tandem sa Brgy. Olympia, Makati City. +Itinatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Organizing Committee (POC) para sa gagawing paglahok ng bansa sa Expo 2020 sa Dubai, United Arab Emirates. Sa bisa ng Administrative Order No.17 na pinirmahan ng Pangulo, ang POC ang babalangkas at magpapatupad ng mga plano para maipakilala ang Pilipinas sa buong mundo bilang magandang destinasyon para sa kalakalan, turismo at pagnenegosyo. Aakto rin ang POC bilang coordinating body sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor para matiyak na lahat ng mga programa at aktibidad ay maipatupad sa paglahok ng Pilipinas sa Expo 2020 Dubai sa pagitan ng Oktubre 20, 2020 hanggang Abril 10, 2021. Naniniwala ang administrasyong Duterte na isa itong magandang oportunidad para mapabuti pa ang presensya ng Pilipinas at ma-ipromote ang commercial at public interest sa Middle East, Africa at South Asia Region. Kabilang sa komposisyon ng POC ang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) na siyang aaktong Chairperson at Commissioner-General; kalihim ng Department of Tourism (DOT) bilang Vice- Chairperson; mga miyembro at kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Budget and Management (DBM), Department of Labor and Employment ( DOLE), Department of Science and Tachnology ( DOST) at Department of Information and Communications Technology (DICT). Sinasabing, ang POC ay popondohan mula sa contingent fund ng 2019 national budget pero kailangang dumaan muna ito sa pag-apruba ni Pangulong Duterte. +Sa isang panayam, nagbigay ng opinyon si Sen. Cynthia Villar tungkol sa kung ano ang dapat gawin ng isang Vice President. Ayon kay Villar, dapat ay marunong sumunod sa adhikain ng President ang isang Vice President at kung hindi, ito raw ay mauuwi sa gulo. "Maski na iyun, pareho din yun (with running for President), mahirap pa yung Vice President you make sure that you can follow your President or else you're in a mess," sabi ni Villar . Para kay Villar, kung hindi daw kayang sumunod ng Vice President sa kanyang President ay dapat tumahimik na lang ito. May pag-aaral kasi na nagsasabi na kapag ang isang Vice President ay hayagang kumokontra sa Presidente ay nagiging unpopular ito sa publiko. "Ako kasi kung ako ang Vice President if I cannot follow my President I'll just keep quiet. You know there's a study na pag ikaw ay Vice President palagi mong inaaway ang President nagiging unpopular ka," dagdag pa ni Villar. Mababatid na naghain si Vice President Leni Robredo kay President Rodrigo Duterte ng kanyang resignation bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). +Nasa 19 na mga kasunduan ang naisara ng mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkakahalaga ng $12.165 billion sa pagdalo sa 2nd Belt and Road Forum sa Beijing, China. "President Rodrigo Roa Duterte witnessed the exchange of 19 signed business agreements with Chinese firms, amounting to$12.165 billion in investments/trade leading to a projected employment of 21,165 jobs, on April 26 at the sidelines of the 2nd Belt and Road Forum in China," pahayag ng Department of Trade and Idustry (DTI). Personal na sinaksihan ng Pangulo ang paglagda ng mga kasunduan na may kinalaman sa enerhiya, infrastructure and telecommunications, economic zone and industrial park development, turismo, pagkain at agrikultura. Binubuo ito ng isang contract agreement, tatlong cooperation agreement, dalawang purchase framework agreement at labing tatlong memoranda of agreement at memorandum of understanding. Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na inaasahang magbibigay ito ng 21,000 na karagdagang trabaho para sa mga Pilipino. "The Duterte administration is pushing for investments on energy and manufacturing for the Philippines to broaden its manufacturing base and increase its exports. Among the agreements are energy projects that will help the country decrease its dependence on oil and gas imports. There will also be several industrial parks to bring jobs to Filipinos in the countryside," ang pahayag ni Secretary Lopez. Maliban sa mga naisarang pamumuhunan ay nagpahayag din ng intensiyon ang AAC Technologies na mag-expand ng kanilang kasalukuyang operasyon sa Pilipinas at planong maglagak ng karagdagang $30 million para mag-manufacture ng stepper motor at motor reducer na magdadagdag ng tatlong libong trabaho sa susunod na tatlong taon. Tinatayang, dalawang Pilipinong kompanya naman ang nakatakdang mag-supply ng $40 million halaga ng mga pinya sa China at $36.5 million na halaga ng mga buko na magdadagdag ng trabaho para sa mga Pilipino. +Ilang araw pa lang matapos ang nangyaring magnitude 6.1 na lindol sa Luzon at 6.5 magnitude na lindol sa Eastern Samar, muli na namang niyugyog ang ilang bahagi ng bansa ngayong hapon. Magkakasunod na malalakas na pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa General Luna, Surigao del Norte sa loob lamang ng wala pang isang oras. Unang naitala ang magnitude 5.5 na lindol ala 1:26 ng hapon, ngayong Biyernes, April 26. May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang origin. Naitala ang naman "instrumental intensities" sa Surigao City (Intensity I) at Gingoog City (Intensity II) bunsod ng nasabing lindol. Sinundan ito ng magnitude 5.0 na lindol ala 2:04 ng hapon at sa General Luna din ang epicenter. Ayon sa PHIVOLCS maari pang makaranas ng magkakasunod na aftershocks dulot ng naunang magntiude 5.5 na naitalang lindol. +Nagawa pa ring maging mahinahon ng isang manager ng fast food chain sa customer na nambastos sa kanya nang dahil lang sa straw. Ikinuwento ni Imee Joy Urgelles sa isang Facebook post ang pagbuhos sa kanya ng softdrinks ng hindi makaintinding customer na pilit nanghihingi ng straw sa kabila ng pagpapatupad ng "straw less" policy sa restaurant. "Sa customer na nagbuhos sakin ng softdrinks dahil sa "straw less" kami ingat po kayo. Thank you dahil sa inyo napatunayan ko na effective manager ako hindi ko man nabigay ang straw na kailangan mo at least na-explain ko nang maayos kung bakit wala kaming straw," sabi ni Urgelles sa post. Mahigpit na ipinagbabawal sa maraming lugar lalo na sa mga lungsod ng Metro Manila ang paggamit ng plastic kasama na rito ang straw at iba pang food containers gaya ng plastic cups, spoons, forks at styrofoams. Kahit pa naka-experience ng aroganteng customer, saludo pa rin si Urgelles sa mga matalinong customers na marunong umintindi sa patakaran. "Sa lahat ng fastfood customer na nakakaintindi at nakakaunawa ng "straw less" kudos sa inyo." Sa pagtatapos ng post ni Imee, nabanggit niyang nanay pa naman niya ang nagplantsa ng kanyang uniporme pero tuloy pa rin daw ang trabaho niya nang araw na iyon matapos ang insidente. Dahil dito, hinangaan ng mga netizens ang ginawa ni Urgelles na dapat ay magsilbing aral ang pangyayaring sa iba. +Isang pari ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa kasong rape. Kinilala ni Police Staff Sargeant Ryan Cagula ng Police Regional Office (PRO) 13 ang suspek na si Anecio Demaque Bordado, 62-anyos, isang pari ng Maharlika Ecumenical Catholic Apostolic at residente ng Purok 2 Brgy. Sering, lungsod ng Socorro, Surigao del Norte. Ang pag-aresto kay Bordado ay kasunod ng warrant of arrest sa kasong rape na nilagdaan ni Judge Leonila Gorgolon, ang Acting Presiding Judge sa Regional Trial Court Branch 30 sa lungsod ng Dapa, Siargao Island, isang probinsya sa Surigao del Norte. Nasa kustodya na ngayon ng Socorro Municipal Station ang suspek. +Nag-world premiere na ang "Avengers: Endgame" sa Los Angeles Convention Center noong nakaraang Lunes, Abril 24, at naging positibo ang reaksyon ng mga fans. At dahil sobrang patok ng palabas, maraming mga naglalabasan sa social media na iba't-ibang gimik para makasabay rito. Nag-viral ngayon ang Pinoy celebrity version drawings ng artist na si Glenn Paolo Villeza na ibinahagi ni Laurel Arisgado sa Facebook. Mabibigyang hustisya kaya ni Richard Gutierrez ang role ni Captain America? Tapos magbabalik showbiz na si John Lloyd Cruz para maging si Ironman? Swak din kayang buhatin ni Sam Milby ang hammer ni Thor? Maging kasing-hot rin kaya ni Scarlett Johansson si Julia Montes bilang Black Widow? Paano naman si Liza Soberano bilang Scarlet Witch? Kikiligin din kaya tayo sa tambalan ng real-life couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado bilang The Ant Man at The Wasp? Nakagawa na rin si Villeza ng Pinoy version ng mga Game of Thrones characters. Samantala, nagtala lang naman ang pang-apat na pelikula ng Avengers franchise nang bagong kasaysayan matapos maging highest - grossing opening film sa bansa. Umabot na kasi ngayon sa P205.67 million ang kinita ng nasabing pelikula simula nagbukas ito sa mga sinehan noong Miyerkules. +Tinalakay ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang isyu sa West Philippine Sea, partikular na ang Pag-asa Island sa kanilang bilateral meeting kasabay ng 2nd Belt and Road Forum sa Beijing. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagkasundo ang dalawang lider na daanin ang isyu sa negosasyon nang hindi maapektuhan ang kooperasyon ng China at Pilipinas. Sinabi ni Panelo, mutual trust ng Pilipinas at China ang kailangan para resolbahin ang mga isyu. "Both agree that the situation can be managed by the mechanism of bilateral negotiations but it should not affect the cooperation being undertaken by both the Philippines and China and they look forward to a productive discussion on matters of mutual concern and interests," ani Panelo. "While the Chinese leader acknowledged the inevitable of having challenges to the bilateral relations, he placed importance on the mutual trust that exists between the two nations in order to resolve the same," dagdag ni Panelo. Sinabi ni Panelo, pinag-usapan din sa pulong nina President Duterte at President Xi ang Memorandum of Understanding on Oil and Gas, kung saan sinuspinde ng dalawang bansa ang kanilang pagkakaiba para sa joint exploration kung saan makikinabang ang Pilipinas at China. Sa panig ng Pangulong Duterte, sinabi ni Panelo na tiniyak niya na nananatiling kaalyansa ng Pilipinas ang China sa Southeast Asia. Aniya, tinuran ng Pangulong Duterte na ang alyansa ay pinalalakas at hindi nagsisiraan sa isa't-isa. +Hindi napigilan ng kilalang matapang na broadcaster na si Ben Tulfo na banatan ang tweet ng Songbird na si Regine Velasquez patungkol sa pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin na may kinalaman sa pangunguha diumano ng clams ng ilang Chinese fishermen sa Scarborough Shoal. Ayon kay DFA secretary Locsin, "I am not going down in history as a clam defender, okay? It's a complaint; we're looking into it; but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be our food. They should pay for them like in fish market." Dito binanatan ni Regine sa Twitter si DFA secretary dahil sa pagpapabaya umano nito sa mga Chinese na kumuha ng taklobo (giant clams) sa Scarborough Shoal. "Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay [simpleng] tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food [sinisira] nila ang ating karagatan!!!!" Sumagot naman si DFA secretary Locsin kay Regine: "Pero ang problem ay hindi po territorio natin yun. EEZ." Depensa ng kalihim na hindi raw ito teritoryo ng Pilipinas ngunit exclusive economic zone lamang. "We had no idea there were clams there and really I will not let this country go down to war or lose a useful economic partner just over environmental concerns for a world I care nothing about. I care only for my people and country," dagdag ng kalihim. Sa isang Facebook Live ni Ben Tulfo ito ang kanyang mga komento, "Ang mensahe ko sa 'yo, Regine Velasquez, next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Hindi mo ito balwarte. Yung kaalaman mo, itago mo na lang. Gawin mo na lang, una, kung paano ka manumbalik sa publiko na kilala ka pa, The Songbird of Asia." "Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang? Ang isang entertainer na I'm not trying to pull down, I question yung kanyang credentials when it comes to college, I don't even know if she does have any subject in Political Science." "So, yung statement nitong si Regine Velasquez, for me, is something na nakisawsaw, nakiangkas sa isyu na wala naman talagang alam." Binanatan din ni Tulfo si Vice President Leni Robredo dahil sa pag-uudyok umano nito sa mga artista na magsalita tungkol sa isyu. "VP Leni, if I were have to talk to you about this, please don't encourage celebrities because they are not expert in the field. Huwag mong hikayatin ang mga celebrities lalung-lalo na ang mga pipit at mga laos na. Kasi naghahanap lang ng career ang mga iyan sas ocial media para mapansin," ani Tulfo. WATCH: REGINE, FEELING MAS MATALINO KAY TEDDY LOCSIN! +Naaresto na ang isang lalaking guro matapos na nakita sa loob ng isang lodging house kasama ang 17-anyos na estudyante nito sa lungsod ng Cebu. Ayon kay Captain Armando Labora, hepe ng Parian Police Station, sinabi nito na humingi sa kanila ng assistance ang ama ng biktima matapos daw na nagbanta ang 24-anyos na guro na ibabagsak ang anak nito sa English subject kung hindi gagawin ang kanyang gusto. Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya at naaktuhan ang guro na kasama ang estudyanteng menor sa isang hotel na may sekswal na ginagawa. Inihayag ni Labora na base sa statement ng guro, nagpapamasahe lang diumano ito sa kanyang estudyante dahil sa kanyang nararamdamang "stress" at walang naganap na pagtatalik. Ngunit inamin ng biktima na may "nangyari" sa kanila ng kanyang guro, bagay na napilitan lamang siyang gawin dahil umano sa pagbabanta na ibabagsak ito sa klase. Nakakulong na ang suspek sa Parian Police Station at kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law. +Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na makakapag-uwi ng panibagong $10 billion investment at trade deals si Pangulong Rodrigo Duterte sa apat na araw na pagbisita nito sa China. Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na mayroong kabuuang 190 na mga business leaders mula sa bansa ang makikibahagi bilang private sector sa 2nd Belt and Road Forum (BRF). Ang nasabing panibagong investments at trade deals ay gagawa ng mahigit na 20,000 na bagong trabaho sa Pilipinas. "In line with the participation of Duterte in the 2nd Belt and Road Forum in Beijing on 25 April 2019... the Philippines will also be signing over US$10 billion worth of deals, which translates to around 20,000 jobs," pahayag ni Lopez. "There will be an investment and business matching forum and signing of agreements," dagdag niya. Bukod sa opisyal na delegasyon, kasama ng Pangulo na dumating sa China ang kaniyang official family na sina Honeylet Avancena at anak nilang si Veronica. Ito na ang ika-4 na beses na pagpunta ng Pangulo sa China at layon nito ang dagdag na mga proyektong pang-imprastraktura para isulong ang "Build, Build, Build" projects ng kanyang administrasyon. +Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga miyembro ng New People's Army (NPA) na naapektuhan ng magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar. Ito ay kaugnay ng ulat na aabot sa 10 hanggang 20 miyembro ng NPA ang nailibing ng buhay sa pagtama ng malakas na lindol noong Martes. Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang mga opisyal ng gobyerno na huwag pag-aksayahan ng panahon na mailigtas ang mga miyembro ng rebeldeng grupo. Kasabay nito, tiniyak rin ng Pangulo na hindi gagastos ng kahit isang sentimo ang pamahalaan para hukayin ang mga miyembro ng NPA. "Pagka ang NPA nabaon doon, huwag mong tulungan. Sabi na may nabaon doon na sampu o 20 NPAs there, just tell them that Duterte does not like to spend one centavo of fuel for the equipment to retrieve your comrades. He's angry at you", ayon sa Pangulo. +Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa China, Miyerkules ng gabi, Abril 24, para dumalo sa infrastructure forum at makipag-pulong sa mga lider ng bansa. Lumapag sa Beijing International Airport ang eroplanong lulan ang Pangulo at delegado nito alas 7:40 ng gabi at tinanggap sila ng mga opisyal ng China at Pilipinas. Kasama din ng Pangulo ang partner na si Honeylet Avancena at anak nilang si Veronica sa four-day visit. Nasa China ang Pangulo para sa 2nd Belt and Road Forum for International Cooperation mula Abril 25 hanggang 27. "The Forum is an opportunity for the Philippines to explore synergies on connectivity initiatives. This includes projects under the BRI, and the country's Build, Build, Build and other development programs," pahayag ng Palasyo. Sisimulan sa Huwebes, Abril 25, ang official engagements ng Pangulo kina Chinese President Xi Jinping at Chinese Premier Li Keqiang. "Prior to the Forum, the President will meet with President Xi Jinping and Premier Li Keqiang to take stock of key developments in bilateral relations and regional affairs," saad ng Palasyo. Una nang sinabi ni Philippine Ambassador to Beijing Jose Santiago "Chito" Sta. Romana na pag-uusapan ng mga lider ng dalawang bansa ang ilang isyu kabilang ang agawan ng teritoryo sa rehiyon. Ito na ang ika-4 na beses na pagpunta ng Pangulo sa China at layon nito ang dagdag na mga proyektong pang-imprastraktura para isulong ang "Build, Build, Build" projects ng kanyang administrasyon. +Tiniyak ng Canada na sila ay nakikipagtulungan na sa gobyerno ng Pilipinas para maresolba ang isyu ng basura na inireklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes. Saad ng Canadian embassy, batid ng kanilang bansa ang court order para maipabalik sa kanilang lugar ang 50 garbage containers na itinapon nila sa Pilipinas noong 2013 at 2014. "Canada is strongly committed to collaborating with the government of the Philippines to resolve this issue and is aware of the court decision ordering the importer to ship the material back to Canada," ayon sa statement ng Canadian embassy. "A joint technical working group, consisting of officials from both countries, is examining the full spectrum of issues related to the removal of the waste with a view to a timely resolution," dagdag nito. Matatandaan na sinabi ng Pangulo na kung sakaling hindi kunin ng Canada ang kanilang basura sa Pilipinas ay siya umano mismo ang pupunta sa kanila sakay ng barko at ibubuhos sa kanila ang mga basura. "I want a boat prepared. I'll give a warning to Canada maybe next week that they better pull that thing out, or I will set sail for Canada and dump their garbage back there," banta ng Pangulo. Sinabi pa ng Pangulo na magdedeklara siya ng giyera kontra Canada dahil sa nasabing basura. "Let's fight Canada. I will declare war against them," sabi ng Pangulo. +Simula May 6, magagamit na ng publiko ang locally-made Hybrid Electric Train (HET) ng Department of Science and Technology (DOST). Ngayong araw, Abril 24, nang pasinayaan ng mga opisyal ng DOST, sa pamumuno ni Sec. Fortunato dela Pena ang inagurasyon ng tren sa Binan, Laguna station ng Philippine National Railways (PNR). Aabutin ng 19-araw para makumpleto ang 150-hour run time ng bagong tren bago tuluyang ma-turn over sa PNR kaya libre muna ang sakay dito ng mga pasahero. Ang bagong tren ay gawang Pinoy na dinevelop ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) ng DOST. "A product of the DOST-MIRDC's research and development initiatives, the HET technology is a breakthrough in its own right. This home-grown technology, once given a chance, is going to make the Filipinos' public transportation challenges a thing of the past," ayon sa MIRDC. "The HET aims to raise the efficiency of the PNR's operations through reduced production and operational costs," dagdag pa nito. Bukod sa air-conditioned, may CCTV system din, LED TV at automatic sliding doors ang tren. Ang HET ay may rutang Alabang hanggang Binan station. +Gaya ng mga nakalipas na biyahe abroad, may baon na sariling pagkain si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe sa Tokyo, Japan. Ang "comfort food' na bitbit ng Pangulo ay karne norte, daing, patis, bagoong at ginamos. Sinabi ng Pangulo sa Filipino community sa Japan na hindi siya sanay sa mga mahal na pagkain kaya nagbaon siya ng kanyang pagkain. Aniya, sanay siya sa maalat na pagkain kaya nagbaon ito ng kanyang abasto. "Pinaka-ano ko is -- pinakamasarap sa akin. Hindi dahil hindi ako makabili ng pansit na mahal. Nasanay na lang ang... Hindi ako magkain sa... I don't have to mention the places. Wala ako sa umaga karne norte, sa gabi 'yung odong pati sa -- ihalo mo sa kanin. Para sa akin iyan ang pinakamasarap," ayon sa Pangulo. "Nagpunta kami ng Japan, nagbaon kami ng karne norte pati ah Japan, o dito meron ako. Kagabi naghanap ako ng patis. Hindi nandiyan, maski sumama kayo sa hotel ngayon. Meron talaga akong bagoong, meron akong patis pati ginamos," dagdag na pahayag. Nabanggit din ng Pangulo ang pagharang sa mga baon nilang corned beef nang bumiyahe ito sa India dahil bawal kainin ang karne ng baka sa nabanggit na bansa. PANOORIN: PANGULONG DUTERTE NAGBAON NG SARILING PAGKAIN SA JAPAN +Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bayan ng Banganga sa Davao Oriental. Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol 63 kilometers northeast ng Banganga, alas 11:43 ng umaga ng Miyerkules, Abril 24. Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 11 kilometers. Naramdaman ang Intensity I sa bayan ng Bislig City, Surigao del Sur. Samantala, niyanig din ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental. Naitala ng PHIVOLCS ang lindol 374 kilometers southeast ng Sarangani alas 11:28 ng umaga kung saan tectonic ang origin at may lalim na 270 kilometers. Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. +Naisaayos agad ng wala pang 48 oras ang Clark International Airport matapos mapinsala ng magnitude 6.1 na lindol, at mamayang ika-4:00 ng hapon ay balik-operasyon na ito. Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Clark International Airport Corporation (CIAC), agad na naisagawa ang mga kinakailangang pagkukumpuni sa Passenger Terminal Building (PTB) at Control Tower na kabilang sa mga istrukturang napinsala sa pagyanig. Ikinatuwa ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade ang mabilis na pagtugon sa direktiba niyang masusing suriin ang structural integrity ng paliparan, kasama na ang itinatayong Terminal 2, at madaliin ang pagkukumpuni sa mga napinsalang pasilidad upang agarang maibalik ang serbisyo sa mga pasahero. "Ang nangyari 'ho ay isang kalamidad na kailangang agad na tugunan. Sa mga ganitong panahon, napakahalaga ng transportasyon upang dalhin sa kaligtasan ang mga tao. Ang sabi ng Pangulong Duterte, siguraduhin na agad maisasaayos at matutulungan ang mga tao. Kaya kami 'ho sa DOTr, CIAC at BCDA ay puspusan ang ginawang pagkukumpuni ng mga istruktura upang maibalik sa normal ang operasyon dito sa Clark Airport. Lahat po ng maaaring ibigay, mula sa pagkain, libreng sakay, ibinibigay ho namin," ani Secretary Tugade. Matatandaang ipinag-utos ng kalihim sa mga opisyal ng CIAC ang pagpapatupad ng emergency procurement para sa pagbili ng mga kagamitan at pagkuha ng mga serbisyong kailangan sa pagkukumpuni sa mga napinsalang pasilidad sa paliparan. Umabot naman sa P30 million ang kabuuang halaga ng pinsala sa paliparan at tinatayang 110 flights ang naapektuhan kasunod ng pagsuspinde sa operasyon ng paliparan bunsod ng lindol. Agad na sinimulan nitong umaga ng Martes, ika-23 ng Abril, ang clearing operations at repair sa paliparan, partikular sa pre-departure area kung saan bumagsak ang malaking bahagi ng kisame nito. Naibalik na rin ang suplay ng kuryente sa paliparan, maging ang pag-operate ng flight information systems at CCTV bago ang muling paglulunsad ng mga flight ngayong araw. Samantala, walang naiulat na pinsala sa runway at taxiway ng paliparan, gayundin sa itinatayong bagong Passenger Terminal Building (PTB). +Patuloy pa rin ang search and rescue operation sa mga natabunan ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga. Nangyari ang pagguho sa apat na palapag na gusali matapos yanigin ng magnitude 6.1 na lindol nitong Lunes nang hapon. Ayon sa ulat, ipagpapatuloy pa ang operasyon dahil may mga boses pa raw na naririnig mula sa gumuhong gusali. "The rest naman ay na-rescue, more or less, 138 lahat 'yun nandito sa loob ng supermarket pero meron pang missing dito na confirmed one. Pero ang sabi ng ating mga rescuer, dalawa 'yung naririnig nila na (mayroong) sign of life." Agad na kumilos ang mga search and rescue team para mailigtas ang mga nasa loob ng supermarket dahil may mga nakakapag-text pa umano sa mga kamag-anak. Bagamat naiulat na isa na lamang ang posibleng nawawala pa, maaaring dalawang katao pa ang na-trap sa loob ng gusali. Ngunit hindi pa rin ito tiyak dahil wala naman daw nakakaalam ng eksaktong bilang ng tao sa loob ng Chuzon Supermarket noong mangyari ang trahedya. Samantala, ayon sa isang survivor, sobrang hirap raw ng dinanas nila bago nakaalis mula sa guho at inakalang mamamatay na sila sa loob. "Napakahirap po. Wala kaming ibang ginawa kundi humingi ng habag sa Panginoon. Wala na kaming choice no'n." Isinailalim na ngayon sa state of calamity ang ikalawang distrito ng Pampanga matapos ang lindol. +Pinili ng 25-anyos na babae na ipaputol ang kaniyang paa para lang makalabas siya sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga dahil sa malakas na lindol noong Lunes. Tatlong oras umanong na-trap ang biktima na si Maria Martin sa gumuhong gusali kung saan siya nagtitinda ng mga cellphone. Hindi umano siya nakalabas agad ng gusali nang lumindol dahil naipit ang kanan niyang paa sa mga bumagsak na concrete debris. Kuwento ni Martin, puputulin na sana niya ang paa niya dahil nakakita siya ng kutsilyo para lang makatakas sa guho. "Puputulin ko na po yung paa ko. Nakakita po ako ng parang kutsilyo siya, ako na lang puputol para makatakas ako dito. Naisip ko lang po nang wala pang dumating na tulong," kuwento niya. "Pumayag naman po ako para sa buhay ko din, para sa pamilya ko din," ani Martin. Nang makita ng mga rescuer sa ground floor si Martin ay dito mismo ito sinalinan ng dugo dahil sa duguan niyang ulo. Sa lugar na rin siya nagdesisyon na ipaputol ang kanan niyang paa mula tuhod para sa kanyang buhay at para sa kanyang pamilya. "Kung 'di kasi siya putulin ng paa doon siguro tiningnan nila yung viability ng leg na nakaipit, baka lumala pa yung injury niya. So we need to extricate," ani Dr. Monserrat Chichioco, medical center chief ng Jose B. Lingad Memorial Hospital. +Kasunod nang nangyaring magnitude 6.1 na lindol na tumama kahapon ng hapon sa Zambales na higit na naka-apekto sa Pampanga, niyanig naman ng magnitude 6.5 na lindol kaninang 1:37 ng hapon ang Eastern Samar. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang epicenter ay naitala 19 kilometers northwest ng bayan ng San Julian. Ang nasabing lindol ay tectonic ang origin na may lalim na 63 kilometers. Dahil sa pangyayari, nag-viral sa social media ang mga ibinahaging CCTV footages nang maganap ang malakas na pagyanig sa Samar. Inihayag naman ni Eastern Samar Congressman Ben Evardone na wala silang natanggap na matinding pinsala at nasawi sa kanilang lugar matapos ang lindol. +Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng lahat ng business operations ng Chuzon Supermarket sa Pampanga matapos gumuho ang isa sa mga gusali nito sa bayan ng Porac nang yumanig ang magnitude 6.1 na lindol. "Well in a probability, the one who constructs the supermarket here could also be the one who constructed the others. I would like to presume that, although I stand corrected," saad ng Pangulo. "So it would be good at this time to just give them the advice to stop, cease and desist in doing business until such time that the clearance given by government, whether city engineer or whoever is competent to review the planning," dagdag ng Pangulo. Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang may-ari ng Chuzon Supermarket. Maliban sa may-ari ng Chuzon Supermarket na si Samuel Chu, isinailalim din sa kustodiya ng pulisya ang assistant manager nitong si Kaye Toledo para matanong hinggil sa pagguho ng gusali. +Personal na pinuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng lindol sa punerarya sa San Fernando, Pampanga bago tumuloy sa ground zero sa bayan ng Porac na malubhang naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol noong Lunes ng hapon, Abril 22. Dumating ang Pangulo sa Punzalan Funeral Homes alas-5 ng hapon, parehong oras nang mangyari ang malakas na lindol. Binisita ng Pangulo ang mga nasawing biktima na nadaganan ng pagguho at ipinaabot ang pakikiramay sa pamilya ng mga ito. Mula sa punerarya ay tumuloy ang Pangulo sa ground zero sa Porac at tiningnan ang ginagawang search and retrieval operation sa gumuhong Chuzon Supermarket sa pagbakasakaling may mailigtas pang buhay ang mga awtoridad. Personal na pinasalamatan ng Pangulo ang mga nagsasagawa ng search and retrieval operations at makalipas ang ilang minuto ay nagtungo na ito sa San Fernando para sa situation briefing na ibibigay sa kanya ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga local executive. Kasama ng Pangulo sa ground zero sina dating Pangulo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Bong Go, Francis Tolentino at iba pang mga opisyal ng gobyerno. WATCH: PRESIDENT RODRIGO DUTERTE PRESIDES OVER A SITUATION BRIEFING AT THE PROVINCIAL CAPITOL IN SAN FERNANDO CITY, PAMPANGA +Isang milagro para kay Rogelio Pacelo, 39-anyos, na siya ay nakaligtas sa gumuhong Chuzon Supermarket sa bayan ng Porac kasunod ng magnitude 6.1 na lindol. Kasama ni Rogelio ang kanyang asawa at 6-buwang gulang na anak na bumibili ng gamit para sa kanyang maliit na convenience store nang tumama ang malakas na pagyanig. Batid ni Rogelio na hindi na sila makakalabas pang buhay sa loob ng supermarket hanggang sa isang empleyado ang nagturo sa kanila ng daanan palabas. "Akala ko nga lang eh pelikula lang nangyayari 'yun. Nagtanong nga ako sa Panginoon. Sabi ko, 'Lord, ito na ba?' Akala ko 'yun na 'yung end of the world talaga, akala ko katapusan na namin." Halos lahat umano ng tao ay duguan, sumisigaw, at nagpa-panic pero milagro na nakalabas sila ng walang galos. Maliban sa kanyang asawa na may konting sugat. "Napakahirap po. Wala kaming ibang ginawa kundi humingi ng habag sa Panginoon. Wala na kaming choice." Hindi na pumunta ng ospital ang pamilya ni Rogelio at ngayon ay nagpapagaling na sa kanilang bahay. Samantala, isinailalim na sa state of calamity ang munisipalidad ng Porac sa Pampanga matapos umabot na sa labing isa (11) ang nasawi dahil sa naturang pagyanig. +Niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi Visayas at Southern Luzon nitong Martes ng hapon. Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Dir. Renato Solidum, naramdaman ito kaninang ala-1:37 ng hapon. Naitala ang epicenter sa layong 19 kilometers hilagang kanluran ng San Julian, Eastern Samar na may lalim na 17 kilometers at tectonic ang origin. May mga naitala ring pagkabitak ng ilang mga kalsada, istruktura at mga bahay. Maging sa Bicol at Western Visayas ay naramdaman din ang nasabing lindol. Dahil dito, asahan pa ang aftershocks sa mga susunod na oras na maaaring magdulot ng pinsala. Narito naman ang mga intensities ayon sa PHIVOLCS: Intensity VI - San Julian, Eastern Samar; Intensity V - Tacloban City; Catbalogan City, Samar; Gen. Mc Arthur, Salcedo and Guiuan Eastern Samar; Naval, Biliran; Catarman, Northern Samar; Palo and Pastrana, Leyte; Intensity IV - Abuyog, Hilongos, Javier, Capoocan, Julieta, Baybay, Barogo, Jaro, MacArthur, Matalum, Villaba, Leyte; San Francisco, Southern Leyte; Bislig City, Surigao Del Sur; Iloilo City; Naga City; Sorsogon City; Panganiban, Catanduanes; Intensity III - Binalbagan, Negros Occidental; Cabalian, Southern Leyte; Dimasalang, Masbate; Butuan City; Cabadbaran City; Intensity II - Bago City; Bacolod City +Niyanig ng magnitude 6.1 lindol ang Metro Manila at ilang pang karatig lugar sa Luzon, Abril 22 nang hapon. Eksaktong alas-5:11 ng hapon nang maramdaman ang malawak na pagyanig na ang episentro ay naitala sa Castillejos, Zambales. Malalim umano ang nangyaring pag-uga na umabot sa 21 kilometro kaya't inaasahan na mas malawak ang sakop ng lindol. Ilang kalsada at istraktura rin ang hindi nakaligtas sa malakas na pagyanig ng lupa tulad ng Clark International Airport, Chuzon Supermarket, at Emilio Aguinaldo College. Nag-viral rin ang isang video na nakuhanan sa Sunshore Resort sa Lubao, Pampanga kung saan makikita ang aktwal na pangyayari nang naganap ang lindol. Dinig ang takot sa boses ng netizen na si Maryann Medina nang tumama ang lindol habang lumalangoy sila sa isang resort sa Sta. Monica, Lubao, Pampanga. Nagmistulang wave pool ang tubig na anim na talampakan daw ang lalim habang natataranta ang mga tao sa pag-ahon mula rito. Ayon kay Maryann, wala namang nasaktan sa insidente, bukod sa mga gasgas sa katawan nila dahil sa pagmamadali. Wala rin daw sira sa mga estruktura ng resort. +Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) ang social media post ng blogger na si Mark Lopez na gagamit ang gobyerno ng 21 tunnel boring machine (TBM) para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway project (MMSP). Ayon sa DOTr, unti-unti nang nakukulayan ang naturang proyekto na tinaguriang "Project of the Century" ng bansa. "Hindi lang isa, dalawa o tatlo, kundi DALAWAMPU'T ISANG (21) TBM ang gagamitin para sa mas mabilis at mas ligtas na konstruksyon sa incredible subway na ito," sabi sa Facebook post ng DOTr. Ayon kay Lopez, naka-order na raw ng 6 na units ang gobyerno at nalalabing 15 ay makukumpleto sa susunod na taon. "Yung 6 na units ay na order na at makukumpleto hanggang next year. Gusto kasi ng administrationg Duterte na maging isang ganap na katuparan sa lalong madaling panahon ang dating pangarap lang natin," saad ni Lopez. Magsisimula ang paghuhukay ng station boxes sa 4th quarter ngayong 2019, habang ang tunnel boring naman sa pagitan ng mga istasyon ay sisimulan sa 2nd quarter ng 2020. Aabot ng halos P357 billion ng halaga ng proyekto at ang unang tatlong istasyon nito ay inaasahang magiging operational na sa 2022. Babagtasin nito ang mula Mindanao Avenue hanggang Tandang Sora at didiretso sa North Avenue. +Isang 74-anyos na babae ang namatay matapos mabagsakan ng gumuhong pader sa naganap na magnitude 6.1 na lindol, Lunes ng hapon. Dahil sa katandaan, hindi na nakayanan ni Rosita Masiclat ang makalabas sa eskenita sa Barangay San Jose nang lumindol. "Parang nung may tumatakbong palabas sa daan, nakisama rin siya. Bumagsak 'yung pader sa kaniya," ayon sa kaniyang anak na si Arnel. Sa tulong ng isang residente, binuhat ang lola nang matabunan ng gumuhong pader. Nagtamo siya ng mga sugat sa ulo at katawan at naisugod pa sa pagamutan ng kaniyang 13-anyos na apo. "Sa lola ko po sabi ko 'wag kayong mag-panic, malapit na tayo sa ospital.' Hinang-hina po siya, may dugo na lumalabas po sa (bibig) niya," sabi ng kaniyang apo. Patuloy pa rin ang pagmomonitor ng Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office para sa mga karagdagan pang posibleng nasaktan sa pagyanig ng lupa. Samantala, aabot na sa 15 ang naitalang patay sa probinsiya ng Pampanga, ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda. +Matapos ang magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon nitong Lunes, Abril 22, magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pampanga. Pangungunahan ng Pangulo ang situation briefing sa naging epekto ng pagyanig kahapon. Nais na personal na malaman ng Pangulo ang lawak ng pinsala ng lindol. Una rito ay inatasan ng Pangulo ang mga gobernador sa mga apektadong lalawigan na tiyaking maaasistihan ang mga naapektuhang residente at agad isagawa ang assessment sa pinsala ng lindol. Naramdaman ang Intensity 6 na lindol sa mga bayan ng Floridablanca, Lubao at Porac at maging sa Angeles City. Samantala, idineklara na ng lokal na pamahalaan ng Porac ang state of calamity sa bayan para mapabilis ang pag-ayuda sa mga apektadong residente. +Aabot sa sa higit 400 ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na aftershocks sa huling tala dakong alas-7 ng umaga ngayong Martes, Abril 23, kasunod ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon nitong Lunes. Sa naturang bilang, walo ang naramdaman habang 62 ang "plotted," ibig sabihin ang kanilang epicenter ay natukoy, ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum. Ang natitirang iba pa ay masiyado nang mahina para malaman ang kinaroroonan nito. Ang mga naitalang magnitude ay naglalaro lamang sa 1.4 hanggang 3.4. Natagpuan ang epicenter ng magnitude 6.1 na lindol sa bayan ng Castillejos, Zambales, nasa 100 kilometers northeast ng Maynila, ayon sa PHIVOLCS. Samantala, ikinalugod naman ni Solidum na mataas na ang awareness ng publiko hinggil sa kaalaman sa mga hakbang na dapat gawin sakaling makaranas muli ng malakas na pagyanig. Hindi pa aniya nila matutukoy sa ngayon kung kailan tatama ang tinatawag nilang "Big One" o ang mas malakas pang mararanasang lindol sa bansa. Nagpaalala si Solidum na gawing batayan ang naging karanasan sa mga nangyaring lindol upang mas maging handa sakaling dumating ang hagupit ng kalikasan. Kitang-kita kung papaano gumalaw ang isang condo sa Quezon City habang niyayanig ng lindol. Kuha sa dashcam ni Earl Cunanan ang pagkataranta ng mga tao sa Santo Rosario sa Angeles City, Pampanga +Ibinahagi ng isang netizen na si Albert Camp ang umano'y sirang fire exit ng isang apartment hotel sa Makati nang mangyari ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon. "Ascott Makati fire exit sira. Kung malakas ang lindol or may zombie apocalypse patay na kami," saad ni Albert sa kanyang Twitter post. Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang management ng Ascott Makati tungkol sa isyu. Kanya-kanyang kuwento naman sa social media ang ilang netizen hinggil sa kanilang naramdaman, ginagawa o kung nasaan sila nang mangyari ang malakas na lindol. "Engineer ako and kakatapos ko ang mag site inspection sa Makati. Buti nalang nakababa na Ko before that earthquake happened," ayon sa isang netizen. Samantala, nakapagtala ang PHIVOLCS ng hindi bababa sa 17 na aftershocks kasunod ng lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang probinsya sa Luzon. +Sumampa na sa walong katao ang naiulat na nasawi sa Pampanga matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon, Abril 22, Lunes ng hapon. Ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, dalawang matanda ang nasawi sa bayan ng Lubao habang tatlo sa gumuhong gusali sa Porac at tatlo naman ang nakuhang patay sa mga nire-rescue sa makakapal na debris. "Sa Barangay Sta. Cruz sa Lubao, dalawa. Tapos itong sa Porac yung naguhong building, tatlo na yung patay, sa ngayon tatlo na yung nakuhang patay kasi nirerescue na sila, makakapal yung debris," pahayag ni Pineda. Samantala, tinatayang nasa 20 pa ang mga taong na-trap nang mag-collapse ang apat na palapag na Chuzon Supermarket, kung saan 20 na ang nailigtas. Samantala, sa isang pahayag ay sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagpadala na ito ng 10 tauhan para tumulong sa rescue operation sa Porac, Pampanga. "MMDA to send a team composed of 10 personnel from its Public Safety Division to help in search and rescue operations at Porac, Pampanga. The team will leave at 9pm tonight," pahayag ng ahensya. +Kumakalat ngayon ang Facebook post na binahagi ng netizen na si Krstna Snchez Dizon kung saan pinakita nito ang bible reflection mula sa 'Didache - Daily Bible Reflections For Catholics' ngayong araw na ito. Kwento ni Krstna, nasa BDO daw siya nang maganap ang pagyanig ng magnitude 6.1 na lindol nang pinakita ng teller doon ang bible reflection sa araw na ito, Abril 22, na may pamagat na 'The Big One.' Ang 'Didache - Daily Bible Reflections For Catholics' ay isang daily bible reflection booklet para sa sa mga katoliko. Maraming netizens ang kinilabutan at naniwalang isa itong paalala sa ating mga Pilipino patungkol sa ating pananampalataya sa Diyos. Ngayong araw, Abril 22 bandang alas-5:11 ng hapon, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang kalakhang Luzon, na naramdaman sa karamihan ng parte ng Metro Manila. Naging mabilis ang ilang netizens sa pagbabahagi ng mga kaganapan sa kanilang lugar, habang lumilindol at matapos ang sakuna. Samantala, nagbigay paalala ang mga netizen na maging handa sa anumang sakuna at magdasal, at i-save ang mga numero ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno na pwedeng tawagan sakaling kailangan ng tulong. ITO ANG BUONG POST NI KRSTNA: +(UPDATED) Base sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), magnitude 6.1 ang lindol na naitala sa 2km northeast ng Castillejos, Zambales kaninang alas-5:11 ng hapon. Naramdaman rin ang lindol sa mga kalapit na lalawigan kabilang na ang Metro Manila. Sinabi ni PHIVOLCS-DOST Usec. Renato Solidum na hindi pa ito major earthquake o ang tinatawag na "The Big One". Patuloy pa ang assessment sa naging pinsala ng pagyanig kasabay ang babala na posible pa ring makaramdam ng ilang aftershocks. SITWASYON NG CLARK INTERNATIONAL AIRPORT MATAPOS ANG 6.1 MAGNITUDE NA LINDOL ARKO SA PAMPANGA, BUMAGSAK MATAPOS TUMAMA ANG LINDOL ISANG PARTE NG NORTHBOUND NG SCTEX-FLORIDABLANCA, NABITAK AT UMANGAT GUMUHO ANG BAHAGI NG PARISH CHURCH NG SANTA CATALINA DE ALEXANDRIA SA PORAC, PAMPANGA Kitang-kita sa video kung papaano gumalaw ang isang condo sa Quezon City habang niyayanig ng magnitude 5.7 na lindol. REPORTED INTENSITIES: Intensity V -San Felipe, Zambales; Malolos at Obando, Bulacan; Quezon City; Lipa, Batangas; Manila City; Abucay, Bataan; Valenzuela City; Magalang, Pampanga Intensity IV - Pasig City; Makati City; Caloocan City; Meycauayan at San Jose Del Monte, Bulacan; Floridablanca, Pampanga; Villasis, Pangasinan; Tagaytay City; Villasis, Pangasinan; Baguio City; Marikina City; Las Pinas City Intensity III - Dasmarinas, Indang at Gen. Trias, Cavite; Lucban, Quezon; Muntinlupa City, Cabanatuan City; Palayan City; Gapan City; Santo Domingo and Talavera, Nueva Ecija Intensity II - Baler, Aurora INSTRUMENTAL INTENSITIES: Intensity V - Angeles City; Malolos, Bulacan; Intensity IV - Quezon City; San Juan City; Pasig City; Muntinlupa City; Gapan City; Cabanatuan City; Tagaytay City; San Ildefonso, Bulacan Intensity III - Mauban, Quezon; Talisay, Batangas; Guagua, Pampanga; Olongapo City Intensity II - Lucena City; Dolores at Lucban, Quezon; Dagupan City; Daet, Camarines Norte Intensity I - Guinayangan, Quezon; Calatagan, Batangas; Magalang, Pampanga; Sinait, Ilocos Sur +Isang matrix ang kumakalat ngayon sa social media na nag-uugnay sa ilang media organizations para sa umanong hangarin para mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa artikulo ng Manila Times, makikita sa matrix ang pagkakaugnay-ugnay ni Ellen Tordecillas, presidente ng Vera Files; Rappler, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at National Union of People's Lawyer (NUPL) sa ilang black propaganda video na kontra sa mga malalapit sa Pangulo. Base sa matrix, lahat ng mga nabanggit na organisasyon ay konektado kay Bikoy, ang boses sa likod ng 'Ang Totoong Narco List', na galing umano sa website na metrobalita.net, ayon sa IP address. Sa isa pang diagram na 'Link Analysis of Email foot prints' ipinakita ang pagkakakonekta umano ng Youtube link ng video ni Bikoy na in-upload mula sa angtotoongnarcolist@gmail.com, na ginamit umano para maka-log in sa verafiles.org ni Tordecillas. Saad pa ng source ng Manila Times, ang black propaganda na ginawa ni Bikoy, hindi pinangalanan ang tunay na pagkakakilanlan sa matrix, ay ibinibigay umano ang mga materyales ni Tordecillas sa Rappler, PCIJ at NUPL. Mababatid na mula mismo sa Office of the President (OP) at mismong ang Pangulo ang source ng matrix na lumabas sa artikulo ni Special Envoy for International Public Relations Dante Ang sa pahayagang Manila Times. +Kinumpirma ng Malacanang na totoo at nakatakdang ilabas sa publiko ang kumakalat na matrix ng ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. "The source of that (matrix) is from the Office of the President, from the President himself. I don't know how he got one, but it's coming from the President. I was supposed to release it today," pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Ang matrix ay nagpapakita ng pagsasabwatan ng ilang media organizations sa pagpapakalat ng mga fake news para pabagsakin ang administrasyon at patalsikin sa puwesto ang Pangulo. Ayon kay Panelo, galing sa ibang bansa ang intelligence report at nagmula mismo sa tanggapan ng Pangulo. Nilinaw ni Panelo na hangga't walang actual execution ng oust Duterte plot ay hindi kikilos ang pamahalaan para kasuhan ang mga personalidad na nasa likod nito. "Eh basta lumabag na sila. Pag meron na silang overt acts to bring down this government, that's a different story. Pero kung ito ito lang muna, eh dati dati naman nilang pinagagagawa ito eh hindi naman sila nagsa-succeed (But with this, they have been doing this, but they don't succeed), But the public has the right to know. They have to know," saad ni Panelo. Kasama sa ouster plot ang Rappler, Vera Files, National Union of People's Lawyers (NUPL), at Philippine Center for Investigative Journalism na sinasabing nakikipag ugnayan sa mga makakaliwa para maisakatuparan ang plano. +Isa ang paglalaro ng mga online games sa cellphone ang kinahuhumalingan o pampalipas oras ng mga Pinoy. Maituturing kasi na stress reliever ito, pero kailan nga ba ito nagiging masama at puwedeng magdulot ng peligro sa katawan ang paglalaro ng mobile games? Isang 21-anyos na babae ang nagtamo ng permanenteng pagkabulag sa kanyang kanang mata matapos umanong maglaro ng sikat na mobile game na King of Glory sa loob ng 24 oras. Habang nasa ospital, na-diagnose ang babae ng retinal artery occlusion o ang permanenteng pagkabulag ng mata. Aminado naman ang biktima na nagsisisi siya sa mga nangyari at sana raw ay nakinig siya sa kanyang mga magulang. "Sometimes I lose track of time, I don't eat even when my parents ask me to. Now I feel afraid and regret (for not listening to them)." Ayon kay Maggie Hor, lecturer sa School of Health Sciences, upang makaiwas sa labis na pagka-strain ng mga mata, ugaliin ang 20-20-20 rule. Sa bawat 20 minuto na paggamit ng cellphone, laptop, o panonood ng TV, tumingin sa malayo na may at least 20 feet ang sukat sa loob ng 20 segundo. Malaki raw ang matutulong nito upang maka-relax ang mga mata sa labis na paggamit ng digital devices. +Maaari nang mag-export ng buko ang Pilipinas sa Amerika matapos kumpirmahin ng US government ang export permission para rito. Ayon kay Dr. Josyline Javelosa, Philippine Agriculture Attache to the United States, awtorisado na sa ilalim ng 7 CFR 319.56 ang paglalatag sa US market ng "young coconuts" na "immature/green", at may "75% or more of outer shell surface of the husk removed". "The US government has confirmed that young coconuts from the Philippines may now be exported through all ports in the USA," ani Javelosa. Maliban dito, pinag-usapan din aniya sa isinagawang bilateral meeting sa United States Department Agriculture's Animal and Plant Health and Inspection Service headquarters sa Riverdale, Maryland ang hiling ng bansa na makapag-export din ng okra sa US market maging ang pag-waive ng pre-clearance requirements para sa Philippine fresh mango export. Sa isang Facebook post ni Agriculture Secretary Emmanuel Pinol, sinabi ng kalihim na naghahanda na sila para sa kauna-unahang shipment ng mga young coconuts sa July. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay may 3.5 million-hectares ng coconut plantation, mas malaki ng 216,000 hectares kaysa sa plantation ng Thailand, kaya mas dominante para sa US market ang young cocounuts at iba pang high value coconut products ng bansa. +Pumalo sa ikalawang puwesto ang Pilipinas na mangingibabaw sa pandaigdigang ekonomiya sa susunod na dekada ayon sa February report ng Oxford Economics. Ayon sa post ng Business Insider, karamihan sa mga bansang ito ay nasa Asya kabilang ang Pilipinas na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte. "Currently led by the brash strongman Rodrigo Duterte, the Philippines are, much like Indonesia, a large island group with huge economic potential. The Philippines is set to have the highest increase in its labour force of any of the top 10 which, alongside its GDP growth of 5.3%, means it will be one of the world's fastest growing economies sooner rather than later." sabi sa artikulo ng Business Insider. Numero uno sa listahan ang India na may Gross Domestic Product (GDP) growth na 6.5%. Kasali din sa listahan ay ang mga bansang Indonesia, China, Malaysia, Turkey, Thailand, Chile, Poland at South Africa. Ang magandang balita mula sa Oxford Economics ay kabaligtaran sa gustong ipinta ng mga kritiko ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Kahit pinapalabas umano ng ilang kontra sa kasalukuyang administrasyon na bumabagsak daw ang ekonomiya ng Pilipinas. Mababatid na ginamit ng ilang kritiko ng administrasyon ang mataas na inflation rate noong nakaraang taon para banatan ang gobyerno. Patuloy naman ang mabagal na paggalaw ang presyo ng mga bilihin matapos maitala ang 3.3% inflation rate noong Marso. Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) report, ito na umano ang pinakamababa ngayong taon mula sa 2.9% na naitala noong 2017. +Naging viral sa social media ang kuwento ng isang matandang lalaki nang pagbentahan niya ng tindang saging ang isang customer na nagbayad ng pekeng P1,000. Ayon sa Facebook post ng concerned netizen na si An Ge Lie, nagtitinda sa isang palengke si Lolo Solomon Alfanta kasama ang asawa nito sa Minglanilla, Cebu nang maisahan ng isang customer na bumili ng saging na nagkakahalaga ng P100, ngunit nagbayad ng pekeng pera. Nabigla raw si Lolo Solomon ng iniwan ang saging at dali-daling umalis ang mapanlinlang na customer matapos makuha ang P900 na sukli. Dahil sa naramdamang awa ng concerned netizen na si An Ge Lie, agad-agad siyang nanghingi ng tulong sa local news page na Minglanilla Flash Report upang mahuli ang nagbayad ng pekeng pera sa matanda. Gumawa rin ng live video ang netizen upang mangolekta ng tulong sa mga netizen na naantig sa kuwento ni Lolo Solomon. Ayon naman sa Facebook page na Minglanilla Flash Report, nangyari umano ang insidente sa Reynadelle Store sa The New Market place sa Minglanilla, Cebu. Sa gitna naman ng kanyang naranasan, bumuhos ang tulong para kay Lolo Solomon. +Usap-usapan ngayon ang ibinahaging Facebook post ng inang si Lilibeth Eulin tungkol sa binatilyo niyang anak na si Robin kung saan nakaranas ng kakaibang karamdaman dahil umano sa sobrang paggamit ng cellphone. Nagtaka si Lilibeth sa kakaibang kinilos ng anak na parang nababaliw. Pinapawisan daw ito kahit na naka-aircon sila at nagreklamong nahihilo. Hindi rin daw mapakali ang anak na aniya tumatayo, umuupo at tila hindi nito malaman ang kanyang ginagawa. Naisip din ni Lilibeth na baka nakagat ng asong ulol ang anak dahil pareho halos ang ginagawa nito sa nakagat ng aso. Nilinaw naman ni Robin na hindi siya nakagat ng aso na mas lalong kinabahala ng ina. Sa takot ng ina, naisip nitong baka tumalon ang anak gayung nasa 5th floor sila ng gusali. Kaya naman nagdesisyon na si Lilibeth na isugod sa ospital ang anak kahit pa dis oras na ng gabi. Sinabi ng doktor na normal ang blood pressure ni Robin. Kaya agad itong binigyan ng pampakalma at pampawala ng hilo. Gayunpaman, minabuti pa rin ng doktor na obserbahan si Robin sa loob ng tatlong araw kasama na rin ang kanyang pagpapahinga. Dito na nalaman ng ina, na ang dahilan ng kakaibang nangyari sa anak ay ang sobrang paggamit ng gadgets o cellphone. Giit ni Lilibeth na napatunayan niyang totoo ito dahil sa nakita mismo niya ang dinanas ng anak. Kahit dati raw kasi ay hindi siya naniniwala sa mga nababasa sa internet ukol dito. Sana ay magsilbing babala raw ang nangyari sa kanyang anak sa iba, bata man o matanda dahil tulad nga ng kasabihan, anumang labis ay nakasasama. BASAHIN ANG BUONG POST NI LILIBETH MULA SA KANYANG FACEBOOK PROFILE: +Patay ang isang magsasaka matapos atakihin ng kaniyang alagang baboy sa Odiongan, Romblon. Kinilala ang biktima na si Tanny Baladjay, 58-anyos, residente ng Barangay Progreso Weste sa bayan ng Odiongan. Ayon sa pamangkin ng biktima, nag-iigib lamang ng tubig ang kaniyang tiyo nang lumapit sa kaniya ang alagang baboy at atakihin ito. "Narinig ko sila na tinatawag 'yung pangalan ni tatay. Kaya nagulat ako, tumayo ako du'n sa kinatatayuan ko, nakita ko si tatay na nakaupo sa may puno ng niyog tapos pagtayo niya madami nang dugo na lumalabas sa paa niya," saad ng pamangkin. Sinubukan pang tumakas ni Baladjay ngunit nang siya ay madapa, pinagkakagat ng baboy ang kaniyang mga binti at puwet. Sinugod pa sa Isiah Medical Center si Baladjay ngunit dineklara ring dead on arrival dahil sa pagkaubos ng dugo. Kasunod ng pag-atake, ang baboy ay pinatay at inilibing din pagkatapos. Hindi pa rin alam ng mga kaanak ng biktima kung bakit inatake ng baboy ang kaniyang amo gayong kakapakain pa lamang nito bago ang insidente. +Hinamon ng aktor na si Robin Padilla si Magdalo Partylist representative at Otso Diretso senatorial bet Gary Alejano na maging totoo sa planong bumisita sa Spratly Island. Sa Instagram post ni Robin, sinabi nito na dapat hindi lang puro salita ang banta sa pagpunta sa Spratly Island at ituloy na ito para gayahin ang mga Tausug. "Wag natin daanin sa pulitika ang kabayanihan. Walang mangyayari ang puro nating pagpapacute sa Ninunong China. Gayahin natin ang mga tausug ng sultanate of sulu ipakita natin sa Ninunong China na handa rin tayong mga Katipunero na sundan ang yapak ng mga Rebolusyaryong Tausug," ayon kay Robin. Saad pa niya, nakapagpaalam na siya sa kanyang kasambahay na si Mariel Padilla at kanyang mga anak kung sakaling kumasa si Alejano sa kanilang pagpunta sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. "Nakapagpaalam na ako sa aking asawa at mga anak katunayan wala na sila sa Bansa nandon na sa Amang Amerika," ani Robin. Handa na rin umanong mamatay si Robin para sa Inang Bayan at sinabing handa niyang gayahin ang Katipunan na nagbigay ng buhay para sa bansa. "Walang pinakamatamis kundi ang mamatay para sa Inangbayan. Matanda na rin ako ayaw ko mamatay sa ICU o sa kotse katulad ng mga malalapit kong kaibigan kayat gawin natin ito ng isang beses tutal Katipunan ang dala nating pareho. Sabi nga nila every hundred years heroes must come medyo long overdue na tayo 132 years na ang Katipunan revolt," saad ni Robin. "Pero hindi dapat nating idamay ang buong Pilipinas sa isyu na ito dahil kawawa ang taong bayan lalo nang mga mahihirap kapag pinatulan tayo ng ninunong China dito sa mainland Philippines kayat sarilinin natin itong lakad lumusob tayo sa Spratlys lumusob tayo gayahin natin ang mga Tausug at wag kang mag-alala susunod ako sa plano mo dahil marines ka marahil mas magaling ka sa akin sa military tactics kaya gawin na natin ito wala akong kokontrahin sa plano yakapin na natin ang pagiging bayani sa panahon na ito at marahil mabuhay natin ang bawat katipunan sa puso ng mga Pilipino at magising sa mahimbing na pagkakatulog," dagdag ng aktor. +Isang babae ang nagkaroon ng chemical burns sa lalamunan at tiyan matapos niyang uminom ng milk tea. Ayon sa isang report, pinasuri sa eksperto ang natirang milk tea at nakumpirma na may laman ito na isang uri ng disinfectant o panlinis. Nabili nila ang nasabing milk tea sa isang fastfood chain kung saan napansin agad ng babae na may kakaibang lasa ang milk tea. Kaya agad na inamoy ng mister ng biktima ang inumin at mayroon daw itong matapang na amoy. Nagsimula nang magsusuka at sumakit ang tiyan ni misis matapos ang ilang minutong nakalipas. Nang kausapin ng mister ang staff sa fastfood chain, inamoy daw ng staff ang milk tea at itinapon ito ng patago. Mabuti na lang at kinuha ng mister sa basurahan ang baso ng milk tea kaya naipasuri nila ito. Bukod sa pagkasunog ng lalamunan at tiyan ng biktima, posible rin daw na nasunog ang kanyang vital organs kagaya ng kanyang atay at kidneys. Kaya nagbigay sila ng paalala sa lahat, na kung may naamoy at may kakaibang lasa ang iniinom na milk tea ay agad na itong itapon. Isa ang milk tea sa paboritong inumin sa Pilipinas at malaking patunay dito ang nagkalat na milk tea stores. +Isang OFW mula Hong Kong ang naperwisyo matapos holdapin ng isang taxi driver paglapag pa lang niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kuwento ng biktimang si Karen Mitschek, sumakay siya sa isang puting taxi sa NAIA Terminal 2, pero nang makalayo sa paliparan ay binantaan siyang babarilin ng taxi driver kung hindi ibibigay ang mga gamit niya. "Sabi niya 'yung cellphone ko ibigay ko... Sabi niya pagbaba ko 'wag ako sisigaw kasi pag sumigaw ako at humingi ng tulong babarilin ako. Kakauwi ko nga lang po. Eight days lang po ako dito sa Pilipinas. Sabi ko sa driver 'parang awa niyo na kararating ko lang po, hindi ko pa nakikita anak ko.' Basta buhay ako kahit ano ibibigay mo na," sabi ni Mitschek. Ayon sa pamunuan ng NAIA, hindi na muna nila papayagan sa palipara ang mga taxi mula sa kaparehang operator ng holdaper. "Nagbigay na ako ng kautusan na i-ban 'yung buong fleet ng taxi na 'yon dahil pasaway at peste 'yan sa mga mananakay. Hindi ko nilalahat. May ilan talagang ganu'ng pangyayari but definitely we will act on it," ani Ed Monreal, general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA). Naaresto naman sa isang follow-up operation ang suspek na si Orestes Quizon sa bahay nito sa Barangay CAA, Las Pinas City. Ayon kay Simnar Gran, hepe ng Las Pinas Police, natunton nila ang suspek matapos makuha ang detalye ng operator at plate number nito na naunang nailista sa NAIA Terminal 2. Dalawang araw pa lang na nagmamaneho ang suspek para sa operator nito, pero hindi inuwi ng driver ang taxi sa garahe sa nakaraang dalawang araw. Iniwan na lang umano ang taxi malapit sa bahay ng suspek. Umaasa naman ang taxi operator na aalisin ng NAIA ang ban na ipinataw nito sa kanila. Nagbigay naman ng paalala ang Las Pinas Police sa mga sasakay ng taxi. "Dapat pagsakay ng taxi, text agad sa mag-anak, i-text ang plate number ng taxi at kung makikita natin mga ID ay maaari itong picture-an at i-send sa kamag-anak at kung may mangyari alam ng kamag-anak natin. Kung kayo ay ma-holdap agad ibigay alam sa himpilan para maireport agad," sabi ni Gran. +Tinutugis na ngayon ng pulisya si Jessie Garbo matapos nitong mapatay sa bugbog ang anak ng kanyang live-in partner. Kinilala ang biktima na si Erven Piad, 4-anyos, namatay dahil sa pagmamaltrato ng amain sa lungsod ng Bugallon, Pangasinan. Ayon sa pahayag ng ina ng biktima na si Angela San Andres, nakita niyang magkatabi sa higaan ang suspek at ang kanyang anak. Aniya, hinataw ng suspek ng walis sa ulo ang kanyang anak. "Pinapatulog niya po 'yung anak ko, hindi po natulog po 'yung anak ko tapos nung hindi natulog, kinuha niya 'yung walis tambo, pinalo niya sa ulo. Pagkatapos ng pagkapalo niya sa ulo ng anak ko, dumugo 'yung ulo ng anak ko, may hiwa," pahayag ni San Andres. Napansin na raw ni San Andres na tila nanghihina ang anak at namumutla. "'Yung nakikita niya na humihiga 'yung anak ko na parang nanghihina na, binugbog niya po," ani San Andres. Doon na ito nilapitan ng suspek at ginulpi hanggang sa tuluyan nang namatay. Napansin na lamang nila na hindi na gumagalaw ang bata at doon agad nilang isinugod sa ospital ang bata. Ayon kay P/Maj. Jake Isidro, hepe ng Bugallon Police Station, kapag lumabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon at nakitang responsable din ang ina ng biktima sa kanyang pagkamatay ay kakasuhan din nila ito. Samantala, sinampahan na ng kasong Homicide na may kinalaman sa Republic Act 7610 o Child Abuse Act ang suspek. Napag-alaman din na may naging kaso na rin ang suspek na may kaugnayan sa pananakit ngunit nauwi sa areglo. +Nakatakdang ilalabas sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasa likod ng black propaganda video ng nagpakilalang 'Bikoy' na nag-aakusa sa kanya at sa kanyang pamilya na tumatanggap umano ng drug money sa mga drug syndicate. Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City, Cagayan, sinabi ng Pangulo na mayroon siyang impormasyon kung sino ang mastermind sa mga gawa-gawang istorya laban sa kanya at sa kanyang pamilya. Napakinggan aniya ang pag-uusap ng mga nasa likod ng black propaganda video at ilalabas niya ito sa mga susunod na araw. Sinabi pa ng Pangulo na kaibigang bansa na may kakayahang mapakinggan ang pag-uusap ang nagbigay sa kanya ng impormasyon kaya nalaman kung sino ang mga ito. "Alam mo, marami ko rin kaibigan sa ibang bayan. What you did not know is that you were being listened to habang ginagawa ninyo 'yung kalokohan ninyo. Ilabas ko 'yan in a few days," ani Pangulo. Sinabi ng Pangulo na pati ang partner na si Honeylet Avancena at anak niyang si Veronica o 'Kitty' na 14-anyos ay idinamay sa propaganda video. "Pati 'yung anak kong si Veronica, 14 years old, drug addict? May ipalabas ako just wait," dagdag pa ng Pangulo. Isa aniya itong intelligence report na nagmula sa ibang bansa kaya ibubunyag niya kung sino ang nasa likod ng paninira sa kanya at sa kanyang pamilya, pati na sa kanyang dating security aide na si Bong Go. +May patama si Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating solicitor general at Otso Diretso senatorial candidate Florin Hilbay sa pagkwestiyon ng sekswalidad nito. Ayon sa talumpati ng Pangulo sa Tuguegarao City, diumano'y naging magkarelasyon sina Hilbay at Agot Isidro dahil lang kritiko silang pareho ng administrasyon at palagi silang magkasama. "Florin Hilbay is a lawyer. But he's gay. His girlfriend is Igot Isidro. They're always together. Agot rather, not Igot. Do you think he's gay? I don't have a problem with gays, but this particular gay is a bully. They always criticize me, Hilbay and Agot, until they ended up being couple," saad ng Pangulo. Sinabi pa ng Pangulo na nagkamali sa paggawa ang Diyos kay Hilbay na aniya ay nagkukunwaring lalaki at nagkukunwari lang umanong kasintahan si Agot. "He acts like a man and pretends that Agot is his girlfriend. Be true to yourself. You're gay. Don't hide behind a cover. You were made by God. God made a mistake. Just because he's a God does not mean he is incapable of making mistakes," aniya pa. Matatandaan na matagal nang nagpapahiwatig ang Pangulo na kanya umanong 'naaamoy' sina Hilbay at kapartidong si Chel Diokno ukol sa kanilang sekswalidad. +Bumulusok sa 57% ang bilang ng mga mabibigat na krimen o focus crimes sa Metro Manila sa unang 35 buwan ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kumpara sa nakaraang administrasyon. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Major Gen. Guillermo Eleazar, mula sa bilang na 116,089 kaso mula Agosto 2013 ay bumaba na sa 49,115 pagpatak ng Hulyo 2016 hanggang sa datos ng Mayo 2019. Ang focus crimes ay gaya ng mga krimeng pangtao tulad ng murder, homicide, physical injuries at rape. Samantala, ang mga krimeng pagmamay-ari ay robbery, theft, motor vehicle at motorcycle theft. Nilinaw ni Eleazar na sa bilang na 18,580 noong 2017 ay bumaba ng 54% at sa kalagitnaan ng 2018 ay humirit na lang ng 14,911. Dagdag pa ni Eleazar, dahil ito sa pagiging magiting at agresibo ng pulisya sa pagtukoy ng mga kuta ng gangs, terorista, mga mamamayan at awtoridad na may pananagutan sa batas. Inaanyayahan din nito ang publiko na magsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kapag may nasaksikang kaduda-dudang tao o pangyayari sa kanilang lugar. "Because of our cooperation and collaboration, we have improved our security and because of the efforts of this administration, the Duterte Administration through its intensified campaign of all forms of criminality particularly the campaign against illegal drugs," saad ni Eleazar. "We can say in honesty that we are winning with this war as can be shown by (more than) 50 percent reduction of crime in Metro Manila. I would like to encourage the public to immediately report any suspicious person or activities to the nearest police station and police assistance desk," dagdag ni Eleazar. Ang tinutukoy nito ay ang kontrobersyal na war on drugs ng gobyerno noong Hulyo 2016, kung saan inaresto ang 48,886 drug pushers at pushers, 1,590 ang ni-neutralize at 233,896 naman ang sumuko sa Metro Manila. +Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat panagutin si dating Interior Secretary at senatorial candidate Mar Roxas sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015. Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban Campaign Rally sa Tuguegarao City, iginiit Pangulo na nasayang lang ang buhay ng mga 44 pulis para sa wala. "He wasted 44 lives for nothing. They could not even explain why it was the police who went there... hanggang ngayon hindi niya sinagot ito," ani Pangulo. Ayon sa Pangulo, isa si Roxas sa may kasalanan kaya namatay ang 44 na pulis sa operasyon laban sa mga rebeldeng Moro. Aniya, hanggang sa ngayon ay hindi pa naipaliliwanag ni Roxas at ng dating administrasyon kung bakit ang 44 na miyermbro ng SAF ang ipinadala para sa operasyon. Ipinunto pa ng Pangulo na ang PNP-SAF ay hindi kabisado ang lugar at kung bakit walang ipinadalang reinforcements kahit may available na air assets malapit sa lugar. "This is what I want to ask him: Why use the police? And why did the Army not come in when the battle lasted for a day? Why was there no air support when there was a lot of air assets around the area?" ani Pangulo. Idinetalye rin ng Pangulo ang panahong kasama niya si dating Pangulong Noynoy Aquino at Roxas, na dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nang mangyari ang Mamasapano encounter. "Nandoon ako sa Zamboanga. Nandoon din si Roxas... pinatawag kami doon sa command conference. Itong dalawang Roxas at Aquino panay ang tindig doon sa likod ng stage, kami naman naghihintay," sabi ng Pangulo. "Nag-upo na kami doon, andyan 'yung mga general, tinanong niya (dating Pangulong Aquino) 'yung mga general... tapos tinanong niya, 'Kung ikaw general kung ikaw ang nandoon, anong gawin mo?' Pu**ng i**, tumindig ako. 'Mr. President, I have a flight. Wala. Sabi ko I have a flight, I have to. Tumindig ako because it was very stupid. Magtanong ka ng ganun, natapos na ang araw patay na mga sundalo ko," dagdag ng Pangulo. +Abot-kamay na ang matagal nang pinapangarap ng mga kababayan nating taga-Rizal dahil mula sa (3) tatlong oras na biyahe sa bus o jeepney, magiging 40 minuto na lang ang commute mula Antipolo, Rizal patungong Recto, Maynila oras na matapos ang rail line extension. "To give the Filipinos a comfortable life as President Rodrigo Duterte directed, we at the DOTr are working on ways to efficiently and effectively ferry our commuters. The LRT2 East Extension project ranks among such projects, for this shall ease the travel of our kababayans coming from Rizal to Manila. Once this is completed, travel time from Recto to Masinag will be reduced to 40 minutes compared to up to three hours travel via bus or jeepney," pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade. Hudyat ng pagsisimula ng final phase ng proyekto ang ceremonial track laying at installation ng electromechanical system (EMS), na isinagawa sa LRT Line 2 Emerald Station sa Marikina ngayong araw, ika-16 ng Abril 2019. Ang EMS ay binubuo ng signaling system, overhead catenary system, telecommunications system, power supply at distribution system, na gagamitin sa dalawang bagong istasyon ng LRT Line 2 - ang Emerald Station sa Marikina at Masinag Station sa Antipolo. Kasalukuyan nang nasa 60% completion rate ang kabuuan ng proyekto at na tina-target ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) na matapos sa fourth quarter ng taong 2020 upang makapagbigay ng maayos at mas mabilis na biyahe sa mga commuter ng eastern Metro Manila. Ayon sa DOTr, kumpleto na ang package 1 ng fkabilang ang pagtatayo ng viaduct noon pang Marso 2017 habang 78 porsiyento na ang natatapos sa dalawang istasyon. "The first two phases of the project had a smooth implementation. Today's track laying and EMS installation signify the culmination of the project and the realization of the much-awaited answer to the clamor of the commuting public from the eastern areas of Metro Manila for a fast, affordable and convenient means of mass transit system," ayon kay LRTA Administrator Reynaldo Berroya. Ang four-kilometer extension ay dagdag sa kasalukuyang 13.8 kilometrong biyahe ng LRT2. Ang extension project ay inaasahang magdaragdag ng 80,000 pasahero sa 240,000 arawang pasahero ng LRT2. +Nakahanda na umano ang isang grupo ng Commission on Elections (COMELEC) na pinangungunahan ni COMELEC spokesperson James Jimenez para sugpuin ang mga posibleng kakalat na mga "fake news" hinggil sa midterm elections sa social media kasabay ng pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV) sa ilang panig ng mundo. Ito ay kasabay din sa matinding paghahanda ng COMELEC sa aktwal na midterm elections sa darating na Mayo. Sinabi ni Jimenez na nagsanay umano ang kanyang grupo upang agad na makapagresponde sa mga posibleng "fake news" hinggil sa midterm election sa social media. May mga paraan umano at kakayahan ang kanyang grupo na tanggalin agad sa mga social media lalo na sa Facebook ang mga maling balita impormasyon upang hindi na kumalat o mabasa pa ng mas maraming tao. Aniya, pinag-aralan umano nila kung ano ang pinaka-epektibong solusyon upang masugpo ang mga nasabing klase ng balita na kakalat sa internet, lalo na sa mga fake accounts o sitwasyon na sisira sa kredibilidad ng COMELEC. Una nang sinabi ni Jimenez na isa umano sa mga fake news na inaasahan nilang lalabas sa pagsisimula ng OAV ay ang video ng mga botante kung saan sinasabi nila na hindi tama ang lumabas sa kanilang resibo na mahigpit naman nitong kinondena at pinasinungalingan. Inaasahan na rin umano ng ahensiya na may mga taong gagawa ng eksena hinggil sa iba't-ibang klase ng dayaan na sa kalaunan ay isisi ang kapalpakan sa poll body. +Lumapit sa mga awtoridad ang pamilya ng isang 12-anyos na dalagita na tatangkain sanang gahasain sa lungsod ng Badian, Cebu. Kuwento ng ina ng biktima, inutusan umano niya ang kanyang anak noong Abril 12 at habang naglalakad, may isang lalaking may takip ang mukha ang biglang humarang at nagdeklara ng hold-up. Dahil walang dalang pera ang dalagita, dinala umano ito ng suspek sa lugar kung saan may maraming tanim na kawayan at doon sana hahalayain. Base naman sa salaysay ng dalagita, hinubaran siya ng suspek ngunit hindi agad siya nagalaw dahil hindi tumigas ang ari nito. Kaya naman, nakatakbo ang biktima na walang pang-ibabang saplot at humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay. Agad na tinumbok ng biktima ang suspek nang magsumbong ito sa pulis ngunit hindi umano agad ito hinuli. Ayon sa pulisya, tila hindi raw kasi consistent ang pahayag ng biktima kaya pinakawalan muna nila ang suspek. Hustisya naman ang sigaw ng ina ng biktima kaya ito humingi ng tulong dahil na-trauma at hindi makatulog ng maayos ang kanyang anak. +Nakaabot man sa ospital, binawian din ng buhay ang pasiyente ng isang ambulansiya na pinahinto ng isang aroganteng traffic enforcer matapos mag-counterflow sa Cagayan de Oro City. Naantala ang biyahe ng ambulansiya nang harangin ng traffic enforcer na kinilalang si Lee Bersano at makipagtalo sa driver ng Capitol University Medical Center na si Alvin Carlos. Pagkaraan ng ilang minuto, natuloy din ang biyahe ng ambulansiya at humarurot patungo sa ospital. Nakaabot pa sa ospital ang pasyenteng hirap sa paghinga ngunit kalauna'y binawian din ng buhay. Binigyang diin naman ng Land Transportation Office (LTO) na hindi dapat pinapara ang isang ambulansyang may sakay na pasyente dahil emergency vehicle ito. Patuloy pang iniimbestigahan ng roads and traffic administration ang insidente kung dapat bang mapanagot ang enforcer sa naturang pangyayari. +Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 trillion national budget. Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III. Sa mensahe ni Sotto, sinabi nito na kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pirmado na ng Pangulo ang General Approproations Act for 2019, o ang Republic Act No. 11260. Samantala, sinabi rin ni Sotto na-veto o ibinasura ang P95.3 billion na budget items na karamiha'y illegal realignments. Ito ay dahil hindi bahagi ang nasabing realignments sa mga "priority projects" ng Pangulo. Matapos ang apat na buwan na nasa ilalim ng reenacted budget ang bansa ay iiral na ang national budget at tiyak na masisimulan ang mga proyekto ng administrasyon partikular na ang nasa ilalim ng "Build, Build, Build" Program. +Naaktuhan ang isang 19-anyos na binatilyo habang ginagahasa ang isang baka sa ilalim ng punong mangga sa Salaan, Zamboanga City. Napansin ni Alih Tawakal, caretaker ng baka, na nawawala ang isa sa kaniyang alagang baka. Naghanap ito at nakita niya ang binatilyo habang hinahalay ang kanyang alaga. Sinigawan niya ang suspek na nagtatakbo nang hubo't hubad. Nagsumbong ang caretaker sa kaniyang amo, na siya namang nag-report sa barangay.. Dahil sa ginawa ng binatilyo, inimbitahan siya sa Brgy. Salaan para matanong hinggil sa kanyang krimen. Ayon kay Barangay Chairperson Bobby Francisco, inamin ng binata ang kanyang ginawang panghahalay sa baka. Hindi na nagsampa ng kaso ang may-ari ng baka laban sa binatilyo, kahit ito na ang pangalawang beses na hinalay nito ang kaniyang mga alagang baka. Samantala, ayon sa ama ng binata, wala sa tamang pag-iisip ang kaniyang anak kaya nagawa ito. +Nagkaroon ng ilang aberya sa pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV) nitong Sabado, Abril 13, sa ilang lugar na pinagdausan ng botohan tulad sa Hong Kong para sa 2019 midterm elections. Isa rito ang dalawang vote counting machines sa Hong Kong na nagkaproblema sa unang araw ng OAV. Hindi kasi binabasa ng makina ang mga balota at ang ilan ay nire-reject pa nito. Kabilang pa sa mga naging aberya ang pagkawala o hindi kaagad makita sa listahan ang pangalan ng botante. Ayon sa isang OFW sa Hong Kong, kinailangan na pitong beses na ipasok sa makina ang kaniyang balota bago ito tuluyang binasa. Ayon kay Consul General Antonio Morales, minomonitor na nila ang mga naging problema sa botohan dahil bukod sa makina, naging problema rin ang hindi tamang pag-shade sa balota ng mga botante, overvoting at problema sa barcode ng balota. Inulan naman ng reklamo ang Facebook page ng Philippine Embassy in Russia dahil kulang ang nakarating na balota kumpara sa dami ng mga botante -- 3,529 ang nagparehistrong botante sa Russia subalit 2,169 lamang ang dumating na mga balota. Sa Jeddah, Saudi Arabia, may mga OFW na hindi nakaboto dahil wala raw sa listahan ang kanilang mga pangalan. Mayroon din inabot ng ilang oras bago nakita ang pangalan at pinayagang makaboto. May nagreklamo rin na naputol ang resibo habang pini-print ito kaya ibibigay nalang sa COMELEC ang pangalan ng mga hindi nakaboto. Sinita naman ang ilang botante dahil nahuling kinukunan ng picture ang kanilang balota. Naging maayos at mabilis naman ang botohan sa konsulado ng Pilipinas sa Dubai. Sinamantala ng karamihan sa mga OFW na walang pasok at maagang bumoto. Marami rin ang bumoto sa Rome, kabilang na ang mga walk-in registered voters. Gayunman, walang eleksyon na gagawin sa Damascus sa Syria; Tripoli sa Libya, at Baghdad sa Iraq dahil sa mga kaguluhang nangyayari doon. +Binabantayan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibleng paglaganap umano ng "fake news" kasabay ng pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV). Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, mahipit silang naka-monitor sa mga taong nagpaplanong sirain o guluhin ang overseas absentee voting sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon sa social media. Aniya, nito lamang Sabado, Abril 13, sa pagsisimula ng overseas absentee voting meron na agad lumabas na umano'y "fake news" matapos na magkaroon ng maliit na aberya mga voting machines sa Hong Kong. "Yung mga ganyang rushing to conclusions, yung mga paglalagay ng masamang kulay sa mga kaganapan, yan yung mga namo-monitor natin ngayon," ani Jimenez. "Again, ang fake news ang OA, hindi yung botante. Yung mga botante may mga lehitimong complaints. 'Yan ay natutugunan natin," dagdag nito. Hinikayat naman ni Jimenez ang publiko na agad ipagbigay-alam sa kanila ang anumang impormasyon o balita kaugnay sa nagaganap halalan para matukoy ang katotohanan sa mga ito. "Noong first day nagkaroon ng konting aberya sa Hong Kong lumabas kaagad ang balita na may pandarayang nagaganap sa halalan, kahapon na-monitor namin na may naglalabas na ng resulta, lamang na raw si ganitong kandidato kaya magbantay daw kasi magkakaroon ng dayaan, inuulit namin at nilalabas din natin sa social media na kapag ang isang botante ay bumoto sa OAV o overseas voting ay hindi niya malalaman ang resulta hanggang hindi dumarating ang May 13, dahil ang mga botong 'yan ay hindi binibilang hanggang May 13." pahayag ni Jimenez. +Ibinasura ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 ang apela ng Rappler at CEO nitong si Maria Ressa at dating researcher na si Reynaldo Santos, JR. na ibasura ang kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanila ng negosyanteng si Wilfredo Keng. Sa 9-pahina na resolusyon ng Manila RTC, ibinasura ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ang motion to quash dahil sa kakulangan ng merito. "The re-publishing of the article is the illegal act imputed to Rappler Inc., as the publishing platform of the article, which accusation as supported by the prosecutor's resolution and attached documents the court finds probable cause to proceed with the trial of the case," saad sa desisyon ng Manila RTC. Nag-ugat ang kasong cyberlibel matapos magreklamo si Keng sa artikulong isinulat tungkol sa kanya noong May 2012. Kinatigan naman ito ng Department of Justice (DOJ) matapos na makitang ini-republished ito noong Pebrero 2014 na sakop umano ng cyberlibel law. Pero apela ng Rappler sa kanilang motion to quash, Abril 2014 lang nang naging epektibo ang naturang batas. Samantala, dahil sa pagbasura ng apela, nakatakdang matuloy ang arraignment sa kaso ng Rappler, nina Ressa at Santos sa April 16. +Magbibigay ang Japan sa Pilipinas ng 25 billion yen o halos P12 billion para sa pag-unlad ng Mindanao. Inanunsyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa joint press event kasama si Japanese Prime Minister Shinzo Abe. Ayon sa Pangulo, ang pondo mula sa Japan ay gagamitin sa road network, vocational training facilities at equipment at iba pang proyekto sa Mindanao. "I am grateful for Japan's fresh commitment of around 25 billion yen for the development of Mindanao's road network, vocational training facilities and equipment, and other projects," ani Duterte. Dahil dito ay nagpasalamat si Duterte kay Abe sa layuning pagkakaroon ng kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon. "I thanked Prime Minister Abe for the importance his government attaches to the Mindanao and its commitment to achieve just and lasting peace and a sustainable development for the people of Mindanao." Tiniyak naman ni Prime Minister Abe kay Pangulong Duterte ang patuloy na suporta ng Japan sa peace process sa Mindanao. "Japan will strengthen our support attuned to the progress of the peace process so that the people of Mindanao can truly feel and enjoy the peace dividend at the earliest possible time," dagdag ni Duterte. Tinapos ng Pangulo ang kanyang 4-day working visit sa Japan sa pagkakaroon ng 26 business agreements na nagkakahalaga ng P300 billion na inaasahang magbibigay ng mahigit 82,000 na mga trabaho sa mga Pilipino. +Isang 25-anyos na tatlong buwang buntis kasama ang kaniyang 4-anyos na anak ang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Lubao, Pampanga. Tadtad ng saksak sa ibat-ibang parte ng katawan si KC Montemayor at anak nitong si Chelsie Jade nang matagpuan ng padre de pamilya na si Archie Montemayor. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang kutsilyo galing sa bahay ng mga biktima ang ginamit sa pananaksak. Samantala, hawak na ngayon ng pulisya ang isang 12-anyos na suspek sa pagpatay sa mag-ina. Ayon kay Police Liutenant Colonel Jerry Corpuz, ang hepe ng Lubao PNP, matibay ang mga ebidensya na hawak nila laban sa suspek, kabilang na ang kutsilyo na ginamit nito sa krimen. Posibleng nairita umano ang suspek dahil napagalitan at minumura ng biktima kaya nagawa nito ang krimen. Nakatakda ng sampahan ng kasong murder ang suspek, at depende na sa endorsement ng piskalya kung itu-turn over ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). +Itinanggi ni Vice President Leni Robredo ang mga alegasyon na ang Liberal Party (LP) ang nasa likod ng mga lumalabas na propaganda video na nagsasangkot sa iligal na droga sa mga pamilya at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Robredo, sigurado umano siya na hindi sila ang may pakana ng mga video ni alyas Bikoy na may pamagat na "Ang Totoong Narco List" dahil siya mismo ay hindi pa nakikita ang naturang videos. "Kasi ako, sigurado ako, hindi kami. Ako nga, hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita iyong lahat na videos," ani Robredo. Nalulungkot umano ni Robredo na lahat ng negatibong bagay na ipinupukol sa administrasyon ay ang LP at mga tagasuporta nito na tinatawag na "dilawan" ang napagbibintangan. "From Day 1 -- 2016 -- every time may negative na sasabihin sa pamahalaan, para kaming whipping boy... parang whipping boy iyong mga dilawan," ani Robredo. "Medyo nakakatawang kaunti kasi alam naman natin na after the presidential elections, nagkaroon ng exodus. Iyong mga kasama namin, halos lahat, kaunting-kaunti na lang iyong natitira, nasa administration party na. So kapag sinasabing iyong dilawan iyong behind this, sino?" dagdag ni Robredo. Mababatid naging viral sa social media ang "Ang Totoong Narco List" kung saan isinangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa sina presidential son Paolo Duterte, presidential daughter Veronica "Kitty" Duterte, senatorial candidate Bong Go at maging ang common-law wife ng Pangulo na si Honeylet Avancena. +Isang babae ang natagpuang patay at walang saplot sa katawan sa damuhan sa Barangay Rizal, lungsod ng Kananga, Leyte, Biyernes, Abril 12. Kinilala ni Police Major Jimmy Boy Balasanos, hepe ng Kananga Police Station, ang biktima na si Mary Cris Porsalida at nakatira sa nasabing barangay. Ayon kay Balasanos, isang residente sa lugar ang nakadiskubre sa patay na katawan ni Porsalida. Kaya agad na ni-report sa awtoridad ang insidente. Natagpuan ang biktima na walang saplot sa katawan at naliligo sa sariling dugo. Kinumpirma ni Balasanos na ni-rape ang biktima bago ito pinatay, base sa initial findings. Samantala, hindi pa masabi ng kapulisan kung ilang tao ang sangkot sa brutal na pagpaslang at ano ang motibo sa krimen dahil patuloy pa ang imbestigasyon. +Patay ang suspek sa pamamaril sa isang 17-anyos na dalagitang biktima ng mistaken identity matapos manlaban sa mga aarestong awtoridad. Natuntuon ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Jed Ayson sa Building 18 ng permanent housing sa Balut, Tondo. Si Ayson ang nakuhanan sa CCTV ng Barangay 129, na bumaril sa biktimang si Ronalyn Jamon sa isang kainan sa Tondo, Maynila. Nabatid na onsehan umano sa droga ang dahilan ng pamamaril ng suspek sa biktima na inakalang siya ang target dahil sa ibinigay na deskripsyon. Ayon kay Raxabago Police Station Commander Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, nagsagawa ng buybust operation ang mga awtoridad laban kay Ayson, ngunit nang makahalata ang suspek bigla na lamang ito nanlaban at nagpaputok. Napilitang manlaban ang mga awtoridad na naging dahilan ng pagkamatay ni Ayson. Nakuha naman sa bangkay ng suspek ang nasa 10 sachet ng iligal na droga. +Isang Emirati ang mas piniling makabilang sa kaniyang mga kaibigan na Pinoy at aralin ang Tagalog para mas maunawaan pa niya ang ating kultura. Ito ay dahil umano sa pagiging likas na masiyahin at "family-oriented" ng mga Pinoy. Nakilala ang Emirati na si Ali Yousuf Ahmad Al Selaiti, na tinawag ng mga Pinoy niyang kaibigan bilang si "Ali Puti" dahil sa maputi niyang kompleksiyon. Sa panayam kay Ali Puti, sinabi niyang hinangaan niya ang pagiging palakaibigan ng mga Pinoy kaya gusto niya ring sumama sa tawanan ng mga ito. Nag-umpisa si Ali Puti na mag-aral ng Tagalog noong 1986 at binigyan pa ng deadline ang sarili noong 2000, at ngayo'y proud na nakikipag-usap na siya sa lenggwahe. WATCH: ALI PUTI - EMIRATI BY BIRTH, FILIPINO AT HEART +Naging viral sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa karanasan matapos makagat ng isang uri ng insektong nakamamatay. Kwinento ni Krystyna Salting ang nangyari sa kanilang mag-asawa bilang babala at kung gaano kadelikado ang ganitong insekto. BASAHIN ANG BUONG POST NI KRYSTYNA: +Nagkatotoo ang kasabihan na "Ang basurang itinapon mo ay babalik sa'yo." sa sakay ng isang van matapos habulin ng isang dayuhang nakabisikleta para ibalik ang basurang itinapon niya sa kalsada. Sa panayam sa sakay ng bisikleta na si Frank Schuengel, nakita niya ang sakay ng van na nagtapon ng basurang nakalagay sa plastic. Dahil mabagal ang daloy ng trapiko, kinuha ng dayuhan ang basura at hinabol ang van para ibalik sa kanila ang basurang itanapon. "This is not a bin. Don't throw that out. Don't do it," madidinig sa video ni Schuengel. Sinabi ni Schuengel na hindi siya natatakot sa mga taong nagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar. "We all should look after the world we live in. So I'm not afraid of the people who throw their rubbish out, they should be afraid of everyone else giving it back to them. That's how it works," sabi niya. Aminado naman si MMDA Spokesperson Celine Pialago, na nalulungkot siya dahil ang mga Pilipino ang dapat na mas nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalinisan sa ating bayan. "Nakakahiya pero ho napakagandang action ho 'yon na ipamukha ho natin sa nagkalat na ito basura mo itapon mo," anang opisyal. Aniya, sa unang bahagi pa lang ng taon, umabot na raw sa 4,316 ang nahuhuli ng MMDA sa kanilang anti-littering operations. "Mayroon pong dalawang pagpipilian 'yung violator, una it's either magbayad sila ng P500 na kailangan mag-settle sa MMDA, and community service nila sir e sila 'yung pinagwawalis natin," ayon kay Pialago. Gayunman, may mga nahuhuli umano na matapang pa at nagbabanta sa mga enforcer. At mayroon din umanong pinapansin ang tiket na ibinibigay sa kanila. "Plano nating ikabit 'yung pangalan nila sa NBI para magkaroon ng hassle sa pagkuha ng NBI clearance. Iisip po tayo ng panibagong puwede idagdag du'n sa mga violators," sabi ni Pialago. +Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na hahati sa Palawan sa tatlong probinsiya - Palawan del Norte, Palawan Oriental, at Palawan del Sur. Nakasaad sa naturang batas tatagawing Palawan del Norte ang mga bayan ng Coron, Culion, Busuanga, Linapacan, at ang mainland ng El Nido at Taytay ang magiging kapital nito. "The terrestrial jurisdictions of the newly created provinces shall be within the present metes and bounds of all the municipalities that comprise the respective provinces," saad sa batas. Magiging sentro naman ng Palawan Oriental ang mga bayan ng Roxas at San Vicente, kung saan sakop nito ang Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, at Cagayancillo. Habang ang Palawan del Sur ay bubuo-in ng mga bayan ng Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Sofronio Espanola, Bataraza at Brooke's Point na magsisilbi nitong capital. Kasama na din dito ang island munisipalities na Balabac at Kalayaan. Inaasahan magkakaroon ng equitable shares sa paggamit at pagdevelop ng national wealth sa loob ng kani-kanilang terrestrial at maritime jurisdiction. Magkakabisa ang bagong batas 15 araw makaraan itong mailathala sa Official Gazette o sa mga pahayag na mayroong general at local circulation. +Hindi kinagat ni presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang hamon ni Agot Isidro na ipakita niya ang kanyang likod para patunayan na wala itong tattoo na nag-uugnay sa kanya sa illigal drug syndicate. "Congrats, DDS! Salamat sa pag-convince kay SAP Go. Thank you SAP Go for being a sport. Sport nyo yata ang pagve-ventosa. Akala ko basketball. O, si Polong naman!" pahayag ni Agot sa Twitter. Ito'y matapos kumasa sa hamon si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go at ipinakita sa publiko ang kanyang likod na walang tattoo. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Paolo na kung gusto umano ni Agot ng hubaran ay magsolo ito o kaya'y isama ang "girlfriend" na si opposition senatorial candidate Florin Hilbay. "Nanawagan ako kay Agot Isidro kung gusto nya ng hubaran, magsolo na lang sya. Or sila na lang ng gf nyang si Flor Hilbay," saad ni Paolo. +Ginagamit lang umano ng mga ayaw sa bagong batas na Republic Act 11235 o the Motorcycle Crime Prevention Act ang bansag na "Doble Plaka" para hikayatin ang mga motorcycle rider na huwag itong ayunan. Ito ang reaksyon ni Sen. Richard Gordon matapos ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin muna ang implementasyon ng batas dahil delikado umano na maglagay ng anumang bagay sa harapan ng motorsiklo dahil maaari itong tumama sa mukha ng rider. Paliwanag ni Gordon, hindi naman metal o plaka ang ilalagay sa harapan ng motorsiklo kundi sticker na may registration number. "In the first place, the title of the law is Motorcycle Crime Prevention Act of 2019, hindi Doble Plaka. That is a misnomer dahil hindi naman lalagyan ng plaka yung harapan. Ang ilalagay sticker or decal na hindi magpo-pose ng danger sa safety ng riders. Isa lang yan sa mga propagandang pinapakalat nung mga ayaw sa batas na ito," ani Gordon. Mali aniya ang salitang "Doble Plaka" dahil hindi naman lalagyan ng plaka ang harapan ng motorsiklo kundi sticker o decal na hindi makakadisgrasya sa mga rider. Malamang aniya ay ganoon ang nakarating na impormasyon sa Pangulo kaya sinuspinde ang batas. "Kung ipapatawag niya ako e pupunta ako at haharap sa kanya. Pero sa palagay ko mistake lang yung naibigay sa kanya, as usual, like yung dobleng plaka, hindi doble plaka yan; katulad nung sinasabing lata, lilipad sa mukha. Pwede ba naman yun? Syempre Red Cross ako, safe driving tayo. Kaya nga, we also stand up para sa mga naaaksidenteng motorcycle riders. Araw-araw may sinasagip kami sa Red Cross na biktima ng motorcycle mishap. Kasi dun tayo sa para sa kabutihan ng pangkalahatan - yung common good," aniya. "Hindi ako nagpapagwapo, ten years na yan e. Noong una pa lang akong naging senador, sinasabi ko na yan. Kawawa naman yung taong walang kalaban-laban, namatay ang nanay niya, binaril, namatay ang tatay niya, huwes, namatay ang tatay niya fiscal, namatay ang tatay niya pulis. Walang kalaban-laban. Sinong nagsasalita dun? Hindi makapagsalita yang mga yan, hindi sila organized. Kung hindi natin ipaglalaban ang mga yan e kawawa talaga ang tao. Naninindigan po ako para sa tao - kailangan nating proteksyunan na. Sobra na ang patayan na ginagawa ng mga riding-in-tandem, tatlong dekada na po yan," sabi ni Gordon. "Pag binaril, syempre madaling tumakas pagka motorsiklo at kung walang plaka e talagang matatakasan ka. Dito sa batas na ito, kung wala kang plaka mahuhuli ka agad, kung yung plaka mo binura, may fine yan, kung di mo pinarehistro yung motorsiklo mo may fine na malaki para mag-alangan silang i-violate," dagdag ni Gordon. +Dumating na sa bansa ang cutter head na gagamitin sa konstruksiyon ng tunnel-boring machine bilang parte ng Metro Manila Subway Project na uumpisahang gawin sa ikaapat na kwarter ng taon. Ang proyekto ay parte ng Build, Build, Build program sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. "Tunnel boring will begin next year, after a prior step which is to dig and excavate the station boxes. After the station boxes are excavated, the Tunnel Boring Machine will be "lowered" into the station box, so the TBM can proceed with boring/tunneling between station boxes," ayon kay Goddes Hope Oliveros Libiran, Director for Communications ng Department of Transportation. Bubuksan at ipagagamit na sa publiko sa 2022 ang tatlong unang istasyon sa Quirino Highway, Tandang Sora at North Avenue station. Ang tatlong unang istasyon na bubuksan ay ang Quirino Highway, Tandang Sora at North Avenue station. +Isang 88-anyos na magsasaka ang nag-donate ng kaniyang 4 ektaryang lupain upang pagtayuan ng solar-powered irrigation system (SPIS) sa Barangay Kitubod, Libungan, North Cotabato. Hindi ipinagkait ni Rogonio Balentin sa mga kapuwa magsasaka ang bahagi ng sariling lupain para pagtayuan ng SPIS project ng Department of Agriculture (DA) sa kanilang lugar. Kasabay ng pag-turn over ng SPIS project sa mga mamamayan ng Libungan ay kinilala ng ahensiya ang kabutihang-loob ni Balentin. "Tingnan n'yo si Tatay, nilapitan at hiningan ng parte ng kaniyang lupa para tayuan ng solar panel at bomba, hindi s'ya humingi ng anumang kundisyon, pumayag agad nang walang reklamo. Premyuhan ko ang kaalwan ni Tatay Goneng," pahayag ni DA Secretary Manny Pinol. Dahil dito, inanunsiyo ni Pinol na may kalakip na gantimpala ang kabutihan ni Balentin. Ipinag-utos niya kay DA Region 12 executive director Milagros Casis na ipadeliver sa pamilya ni Balentin ang '45-horsepower Kubota farm tractor with rotavator' na nagkakahalaga ng 1 million. Maaari umanong iparenta ni Balentin ang bagong farming equipment sa kapwa niya magsasaka bilang pandagdag sa kita ng kaniyang pamilya. "This is the reward for people like him who generously shares," dagdag ni Pinol. Ang SPIS ay isa sa mga multi-million project ng DA na may 72-solar panels na kayang higupin ang tubig mula sa Malitubog River para sa mga irigasyon sa mga sakahan. Layunin ng proyekto na mapaunlad ang produksyon ng palay at ng mais sa mga sakahan sa lugar na makapag-aambag ng supply ng pagkain sa bansa. Ayon sa paliwanag ni Pinol, ang SPIS sa Barangay Kitubod ay makapagpapataas sa produksiyon ng mga magsasaka. Maaari silang makapagtanim at makapag-ani nang tatlong beses sa loob ng isang taon nang hindi bababa sa 100 sako ng bigas bawat isang ektarya. Samantala, nangako rin si Pinol na maglalaan ng 2 million loan fund para sa Barangay Kitubod sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council sa kondisyong pamamahalaan itong mabuti ng mga opisyal ng barangay. +Patuloy ang paggawa ng Duterte administration sa Bicol International Airport at ito ay nasa 57.44 porsyento ng tapos. Ininspeksyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang paliparan. Tapos na ang airside ng airport na binubuo ng airstrip, runway, taxiway, apron at perimeter fence. Patuloy naman ang paggawa sa mga iba pang gusali. Inaasahan na matatapos ito sa Hulyo 2020. Kapag natapos, kaya na ng paliparan na tumanggap ng 2 million pasahero kada taon. "Hailed as the 'Most Scenic Gateway', BIA is expected to boost Bicol's tourism arrival and help Albay become an economic powerhouse," saad ng DOTr. Ang mga opisyales na dumalo sa inspeksyon ay sina DOTr Usec. for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, Tourism Asec. Myra Abubakar, DOTr Asec. for Communications Goddes Hope Libiran, at CAAP Deputy Director General for Administration, General Ricardo Banayat. +Dumulog na sa Supreme Court (SC) ang kampo ng online news site na Rappler para ipatigil ang nationwide ban sa kanila sa pag-cover sa mga events ni Pangulong Rodrigo Duterte Isinumite ng Rappler sa SC ang kanilang petition for certiorari at application for writ of preliminary mandatory injunction. "The ban is based on personal determination that Rappler or its journalists are 'liars' or peddlers of 'fake news.' This so-called power which has no basis in law, effectively creates another layer of governmental regulation on the press, that is for a member of the press to continue as such, he/she/it should not be branded by the government branch as 'fake news,' ayon sa 74 na pahinang petisyon. Ayon sa mga reporter na sina Pia Ranada, Mara Cepeda, Camille Elemia, Ralf Rivas at manager ng Rappler na tumatayong petitioner sa kaso, ang pagbabawal ng Pangulo sa kanilang mga mamamahayag na sumama sa mga events ay paglabag sa press freedom, free speech, due process, at equal protection. "We filed only now because we wanted to find other solutions first, outside of a case. First, we waited because we thought he (Duterte) might change his mind. When this did not happen, we wrote to Malacanang officials to let us cover specific events. They did not reply to us," ani Ranada sa isang Viber message. Naniniwala ang Rappler na ang ban ng Pangulo ay isang paghadlang o pagpigil sa kanilang karaptan. Noong March 1, 2018, sinabi ng Rappler na naglabas si Pangulong Duterte ng isang open-ended order na sa kanilang paniwala ay nagbabawal sa kanila na gampanan ang kanilang tungkuling na i-cover ang Pangulo. Iginagalang naman ng Malacanang ang paghahain ng petisyon ng Rappler sa SC para tuldukan na ang kanilang coverage ban sa mga presidential events ng Pangulo. Magugunitang February, 2018 nang pagbawalan ng mga taga-Rappler na makapasok sa Malacanang at makapag cover sa iba pang presidential events dahil sa hindi patas na pagbabalita. +Umamin na ang ikalawang suspek sa karumal-dumal na pagpaslang sa 16-anyos na si Christine Silawan. Isiniwalat ng 42-anyos na si Renato Llenes na nagawa niyang patayin si Silawan matapos siyang tanggihan ng dalagita para maka-sex nito. "Oo ako siyang gipatay tungod na sab sa drugas (Yes, I killed her because also I used drugs during that time)," pahayag ni Llenes. Aniya, gumawa siya ng dummy o fake account na pinangalanang CJ Diaz at niligawan si Silawan sa Facebook hanggang sa siya ay sagutin. Isang araw bago matagpuang patay si Silawan, noong March 10 nagkasundo na magkita ang dalawa sa Sacred Heart Parish sa Lapu-Lapu City. Sinabi ni Llenes na hindi matanggap ni Silawan na iba ang itsura niya at mas matanda rin sa kanya dahilan para mag-away ang dalawa. Umalis si Silawan at hinabol niya ito hanggang sa makarating sila sa bakanteng lote sa Barangay Bankal kung saan niya ginawa ang karumal-dumal na krimen. Kuwento ni Llenes, binalatan niya ang mukha ng biktima gamit ang gunting para hindi ito makilala. Napag-aralan aniya ang pagtatanggal ng mga laman nito at pagbabalat sa mukha sa pamamagitan ng Facebook at YouTube videos. Nabanggit din ni Llenes ang kumalat na Momo challenge na humihikayat ng mga bata na gumawa ng krimen at saktan ang sarili o maging ang ibang tao. Inamin din ng suspek na nakagamit siya ng iligal na droga at nagalit sa naging reaksyon ni Silawan, lalo na nang malamang may nobyo na ito. Itinanggi naman ni Llenes na ginahasa niya ang dalagita. Samantala, sinabi ni Llenes na kaya siya sumuko at umamin dahil nakokonsensiya na siya at naaawa na rin siya sa 17-anyos na nakakulong. Kung maalala sa maraming netizen ang nagulat sa nangyari kay Silawan, maging ang Pangulong Rodrigo Duterte ay ikinagalit din ang krimen at mahigpit na inatasan ang mga otoridad sa agarang pagresolba sa kaso. +Iprinisinta sa media ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde si Renato Payuman Llenes, 42-anyos, ang isa sa suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan. Isinagawa ang press conference sa Camp Sergio Osmena na headquarters ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7), dalawang araw matapos maaresto si Llenes sa Bohol noong Abril 9. Inamin ng suspek na gumawa siya ng pekeng account sa Facebook para malinlang si Silawan at pagkadismaya ang nagtulak sa kanya para pagsasaksakin si Silawan at balatan pa ang mukha nito. Nagkakilala umano sila sa Facebook at gumamit umano siya ng tatlong dummy accounts kabilang na ang pagpanggap bilang CJ Diaz. Madalas umano silang mag-chat at naging mag-on sila sa social media. Nagkasundo umano silang mag-eyeball noong Marso 10 sa Sacred Heart Parish sa Lapu-Lapu City. Nag-away umano sila nang malaman ni Silawan na matanda na siya at gumamit siya ng pekeng account. Habang patungo ng Barangay Bangkal ay doon niya pinatay si Silawan. Sobra umano siyang nagalit nang malaman niyang may nangyari na kay Silawan at sa ex-boyfriend nito. Inamin din ng suspek na nakagamit siya ng iligal na droga at bangag nang gawin ang karumal-dumal na krimen. Gunting umano ang ipinansaksak ng 42-anyos na si Llenes sa 16-anyos na si Silawan at ginamit din na pangbalat sa mukha nito. Mahigit 30 ulit umano niyang pinagsasaksak ang biktima sa iba't-ibang parte ng katawan. Natutunan umano niya kung paanong balatan ang mukha at leeg ni Silawan sa mga video sa YouTube at sa kontrobersyal na Momo challenge. Labis na pinagsisisihan at humihingi pa ng kapatawaran ang suspek. Umaasa din siyang mapalaya ang 17-anyos na isa pang suspek sa krimen. +Nagtamo ng 18 saksak sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan ang isang taxi driver mula sa suspek na nagpanggap na pasahero sa Baguio City. Pasado alas-12 ng madaling araw nang parahin ng lalaki ang isang taxi sa Naguilan Road papuntang Kisad Road. Maya-maya pa ay makikita sa kuha ng dashcam video ang paghinto ng taxi at biglang pagsakal at pananaksak ng pasahero sa driver na si Rene. "Tinanong ko s'ya kung anong kasalan ko. Sabi niya pasensya na, trabaho lang. Pinagutusan lang ako sabi nya," kuwento ni Rene. Walang nakarinig sa sigaw ng driver kaya't nanlaban ito hanggang sa tumakas na ang lalaki. "Nung hahabulin ko sana, ang narinig ko, 'ay iba pala sabi n'ya, mali"," sabi ni Rene. Ibinahagi sa social media ng Baguio City Police Office ang kuha ng dashcam pati na ang larawan ng lalaki para agad na matukoy ang kaniyang pagkakakilanlan. "Walang holdup na nakikita naming motive. Parang may nag-hire sa kanila parang ganun ang lumalabas pero yung suspect identified na," ani Police Major Francisco Cacas Jr. Hawak na ngayon ng awtoridad ang suspek matapos nitong pumunta sa himpilan ng pulisya kung saan dito na niya inamin ang kanyang kasalanan. Kinilala ang suspek na si Juan Carlo de Peralta, 33-anyos, residente ng Baguio, at kasalukuyang nakapiit sa Baguio City Jail. +Madadaanan na ng mga motorista ang Quirino Bridge II o mas lalong kilala na Concordia Bridge sa Quirino Highway sa Paco, Manila, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, makatutulong ang muling pagbubukas ng bahagi ng tulay sa daloy ng trapiko sa mga siyudad sa Manila, Pasay pati na Quezon. Kinokonekta ng Quirino Bridge II ang siyudad ng Manila, Pasay at Makati sa gitna at silangang bahagi ng Metro Manila. Matatandaan na ang Quirino Bridge II ay pansamantalang isinara noong 2018 upang bigyang daan ang kontraksyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project na nagkakahalaga ng P58 million. +Isang inang OFW ang labis na nasasaktan at nanawagan ngayon ng tulong sa Facebook dahil nangyayari sa kanyang 2-anyos na anak. Napag-alaman na binubunton ng ama ang galit sa anak sa tuwing hindi makapagbigay ng pera ang ina. Sa mga litratong ibinahagi ni Bestudio Weng ng kanyang anak sa Facebook, makikita ang iba't-ibang pamamaraan ng ama ng pagpapahirap sa kanyang anak. Makikita na ipinatong ang 2-anyos sa bangko at tinalian ang leeg. Mayroon ding litrato na tinatakot ang bata ng kutsilyo. Sa isang tugon ni Weng sa mga nag-comment sa litratong ibinahagi niya, sinabi niyang nakikita niyang tulog ang bata ngunit ito'y sinipa-sipa at sinasakal ng ama. Hindi pa makakauwi sa Pilipinas sa Weng kaya ito sa mga kamag-anak na sa kanila na lang muna ang anak niya. Ngunit wala umanong nais umaruga sa kanyang anak dahil natatakot daw sila. Dahil dito, kaya napilitan si Weng na manawagan sa Facebook, at makarating ang sitwasyon ng anak kay Raffy Tulfo upang matulungan ang bata. +Bubuksan na ang pinakahihintay ng mga taga-Marinduque, ang mas pinaganda at mas pinaayos na Marinduque Airport. Ang Passenger Terminal Building (PTB) ng paliparan ay natenggang wasak mula noong taong 2013, nang matigil ang operasyon nito. Matagal na panahon ding nanatiling maikli ang runway nito. Pero ngayon, matapos tahimik na tinutukan ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang rehabilitasyon ng Marinduque Airport, naayos na ang sira-sirang PTB at nalagyan na rin ng aircon. Mayroon na ring x-ray machine sa paliparan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng seguridad dito. Bukod sa mga ito, nakumpleto na rin noong ika-19 ng Nobyembre 2018, sa pangunguna ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang pagpapalawig ng runway ng paliparan na magbibigay-daan para makatanggap ito ng mas malalaking eroplano. Dahil sa matagumpay na proyekto, nito lamang ika-1 ng Abril ngayong taon, muling nakapaglunsad ng commercial flights mula sa Marinduque Airport. Dinarayo ang Marinduque para sa isa sa mga pinakasikat na pista sa bansa -- ang "Moriones Festival." Sa lalawigang ito rin matatagpuan ang ilan sa mga pinakamatatandang simbahan, ang Boac Cathedral at Sta. Cruz Church. Patuloy na itinataguyod ng DOTr at ng mga kaakibat nitong ahensya ang pagpapaibayo ng connectivity at mobility sa bansa, upang makapaghatid ng maginhawang buhay sa mga Pilipino. +Napagkamalan lang umano ng suspek ang 17-anyos na dalagita na kaniyang pinagbabaril sa Tondo, Maynila habang bumibili ng pagkain. Naniniwala ang pulisya na mistaken identity ang pangyayari dahil bago raw ang pamamaril, tinawag ng suspek sa ibang pangalan ang biktima na si Ronalyn Jamon. Labis ang pagdadalamhati ang ina ng biktima na si Desiree Cordero, na pinagbabaril malapit lang sa kanilang bahay. Sa kuha ng CCTV ng Barangay 129, makikita ang salarin na lumapit sa biktima at naglabas ng baril na itinutok sa biktima. Tinawag daw ng salarin na "Juanabie" si Jamon bago dahan-dahan na lumayo. Pero ilang saglit lang, bumalik ang salarin at doon na pinagbabaril ang biktima. Ayon kay Cordero, may kilala siyang "Juanabie" na kasingkatawan at kaayos din ng buhok ng kaniyang anak. Batay naman umano sa impormasyon na natanggap ng pulisya, sinabi ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo Magdaluyo, MPD-Station 1, na umorder o binagsakan ng bulto ng iligal na droga pero hindi nakapagbayad ang punterya ng suspek. "Nakikiusap tayo sa kaniya na kung maaari magpakita siya o sumurender siya, makipag-ugnayan sa aming tanggapan para sumailalim siya sa aming protective custody," panawagan ni Magdaluyo. Sa follow-up operation, nadakip ng mga awtoridad ang sinasabing look-out sa krimen na si Alfie Cubelo, 30, binata ng Barangay 129 Balut, Tondo, na tumangging magbigay ng pahayag. +Hindi na umere ang programa ni broadcast journalist Erwin Tulfo sa government radio station na Radyo Pilipinas. Ang 'Tutok Erwin Tulfo' program na karaniwang napapakinggan tuwing alas-10:00 nang umaga hanggang alas-12:00 nang tanghali mula Lunes hanggang Biyernes ay hindi napakinggan at sa halip ay ang programang 'Birada ni Bendijo' ang umere na ang host ay si Aljo Bendijo. Gayunman, ayaw kumpirmahin ng mga opisyal ng Philippine Broadcasting Service (PBS) kung tinanggal na ba ang programa o sinuspinde lang. Ayon kay Bong Aportadera, director general ng Philippine Broadcasting Service (PBS) na hindi muna sila magbibigay ng komento patungkol kay Tulfo dahil may pag-uusapan pa ang mga opisyal. "No comment muna, nag-uusap pa ang mga opisyal ng Radyo Pilipinas hinggil sa insidente. Maglalabas sila ng official statement sa susunod na Linggo," ani Aportadera. Mababatid na na nag-ugat ang isyu sa ginawang pagmumura at pagpuna ni Tulfo kay DSWD secretary Rolando Bautista gamit ang airtime ng kanyang programa matapos hindi magpaunlak ng panayam sa kanya ang opisyal. +Hindi umano maaaring basta na lang i-ban sa susunod na bidding ang kasalukuyang provider ng mga vote-counting machine (VCM) sa bansa na Smartmatic kung walang legal na basehan, ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Ito'y sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-dispose na ang Smartmatic at humanap ng kapalit nito na "free of fraud". "Is it a critique? Inevitably yes... If you look at all of the quotes from that particular speech, you will see that he was responding directly to a citizen's sentiment. If the sentiment of the citizen expressed was in that direction, saying that they're not satisfied with the elections because they feel like there's fraud, then that could be where the President is coming from," saad ni Jimenez. Sa isang presscon, sinabi ni Jimenez na kung sa tingin ng pangulo ay ito ang magandang solusyon sa halalan, isa ito sa magiging konsiderasyon ng COMELEC. "Pero sa tinging ko ang take-away dito talaga e yung Presidente, e gusto niya automated pa rin, ibang supplier siguro ang gusto niya. Malinaw naman siguro sa sinabi niya yon, pero malinaw rin na hindi niya tinatakwil ang ating automated system kundi lamang yung supplier. So marami tayong kailangang pag-aralan dun sa statement ni Presidente," dagdag niya. Sinabi din ni Jimenez na kakailanganin aniya ng legal basis para i-ban ang anumang supplier gaya ng Smartmatic. Dagdag pa niya, kung matatanggal umano ang proseso ng public bidding na nasa ilalim ng government procurement laws, maaari umano nila itong maayos. "Kakailanganin natin ng legal basis to ban any supplier so yun ang titignan natin. Kung matanggal yung proseso ng bidding, matanggal yung requirement for a public bidding then maybe that's something that we can work with," ani Jimenez. COMELEC: 'DI AGAD-AGAD MAGAGAWA ANG GUSTO NI PDU30 NA 'WAG NANG MAGSAGAWA NG BIDDING AT PALITAN NA AGAD ANG SMARTMATIC +Hinarap ni dating Special Assistant to the President Bong Go ang alegasyon na siya'y sangkot sa illegal drug trade sa bansa. Sa kanyang pagharap sa press conference ng rally ng Hugpong ng Pagbabago, tumalikod sa kamera si Go sabay naghubad para ipakita ang kanyang likuran na walang tattoo taliwas sa pahayag ng mga nag-aakusa sa kanya. "Hindi pa po ako nagkaroon ng tatoo kailanman sa buhay ko balat po marami ako sa likod. Meron daw akong tatoo sa likod hinahanap ko meron ba wala," pahayag ni Go. Matatandaan na sa video na may pamagat na Ang Totoong Narco List - Episode 3, si Go ang naging sentro ng talakayan na sinabing kumakamal umano ang senatoriable ng pera mula sa drug trade. Nakuha umano ni Go ang pera sa pamamagitan ng bank account ng mga kamag-anak sa kasagsagan ng panunungkukulan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City. Ayon sa may alyas na Bikoy, may code name umano na "TESOROGOLF-TSG-002" si Go ay nakalagay ito sa kanyang dragon tattoo sa likod. "Nagiging kengkoy na ang kanilang video. Duda ko 'yang nagbibintang 'yan siguro ang totoong drug lord," saad ni Go. Binigyang diin ni Go na paano siya masasangkot sa iligal na droga gayung halos makipagpatayan pa sila ni Pangulong Duterte malinis lang ang buong bansa mula sa droga na sumisira sa buhay ng mga nalululong dito. Una nang sinabi ni Go na masyado nang desperado ang mga kritiko ng administrasyon para sirain siya at si Pangulong Duterte. Hinamon din ni Go ang mga nag-aakusa na lumantad para patunayan ang kanilang alegasyon dahil kampante siyang walang katotohanan ang mga ito at malinis ang kanyang konsensya. +Isang video na nakuhanan sa isang repair station ang nag-viral ngayon dahil sa ipinakitang ugali ng isang aroganteng customer. Mababatid na ayaw magbayad ng lalaking customer ng service o repair fee na singil ng technician sa kanya sa pagkakaayos ng umano'y sirang cellphone niya. Sa video na inupload ng Facebook ni Jonjon Razote, makikitang sinigawan at minura ng customer ang technician. Giit ng customer, nasa sampung segundo lang na pagpindot para mapagana ng technician ang kanyang cellphone pero pagpapabayarin siya ng P300 sa ganoon lamang. Tinakot pa ng customer ang technician na dadalhin niya sa malapit na barangay para ireklamo ito. Binuweltahan naman ni Razote ang pagiging arogante ng customer kung bakit kailangan nitong magbayad kahit mabilis na naayos ang kanyang cellphone. +Tinawag ng Malacanang na "cheap political propaganda" ang gimik ng ilang kandidato ng Otso Diretso sa pagtungo sa Masinloc, Zambales para tangkaing magtungo sa Scarborough Shoal. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi nauubusan ng gimik-pambata ang Otso Diretso para iugnay sa foreign policy ng Duterte administration sa China at makakuha ng publicity sa pamamagitan ng bitbit na mga mainstream media. Hindi umano dapat kalimutan ng mga Pilipino na sa panahon ng nakalipas na administrasyon nawala sa Pilipinas ang mga isla sa South China Sea, at sa panahon din ng Aquino administration pinigilan ang mga mangingisdang Pinoy na makapangisda sa mga pinag-aagawang lugar. "We look at this cheap political propaganda as another dramatic opportunity to lambast the Duterte administration's foreign policy on China in full view of the cameras with the consequent free media mileage. They must be commended for their creativity. Surely they never run out of childish gimmickry," ani Panelo. Sa kabilang dako, hangad ni Panelo na magtagumpay ang mga kandidato ng Otso Diretso sa kanilang pagpapanggap na makabayan. Sinabi pa ni Panelo na sana ay tamaan ng kidlat at kulog ang mga kandidato ng Otso Diretso para maliwanagan at maging rasonable ang mga ito sa kanilang pagtahak sa tunay na pagiging makabayan. "We wish them luck in their pretended patriotism. Hopefully soon they will be struck with the lightning of enlightment and the thunder of logical reasoning that they may tread the path of genuine nationalism," dagdag pa ni Panelo. Mababatid na sa pagtungo ng opposition candidates sa Zambales sa pangunguna ni Congressman Gary Alejano ay hinamon nito si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang pangakong mag-jetski ito para puntahan ang mga pinag-aawayang teritoryo sa Scarborough Shoal. +Pumiyok si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi makakapag-ambag sa batas ang singer na si Freddie Aguilar. Si Aguilar ay tumatakbong senador sa halalan sa Mayo. Subalit, biglang bwelta naman ang Pangulo sa pagsasabing makakatulong naman si Aguilar sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino. "He can contribute to the Filipino way of life. Hindi nga siguro sa batas, pero makakatulong itong tao na ito, I assure you," ayon sa Pangulo. Sa katunayan, hanga siya sa "logical mind" ni Aguilar base na rin sa mga makabuluhan nitong lyrics at fluency sa English kahit pa karamihan ng mga hit song nito ay Filipino. "He's a very, very, bright gentleman. You know, hamunin ko kayo. 'Yung maggawa ka ng kanta, dito lang 'yan eh. Tapos i-rhyme nila, tapos may isang sentence na rhyme nila, magsulat sila ng words rel -- lyrics. Tapos i-combine nila 'yan sa tarararan hanggang maging kanta. Kung makagawa ka ng ganyan mautak ka talaga. You must have a very good logic," ani Pangulong Duterte. At kung ikukumpara aniya si Aguilar kina Gary Alejano, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romy Macalintal at Erin Tanada ay di hamak aniya namas magaling si Aguilar dahil wala umanong nagawa ang mga opposition candidate para mapasaya ang mga Filipino. +Natagpuang wala nang buhay sa palikuran ng kanilang selda ang isa sa dalawang suspek sa pagmasaker sa isang ina at dalawang anak na lalaki sa San Jose del Monte, Bulacan. Ayon kay San Jose del Monte Police chief Lieutenant Colonel Orlando Castil Jr., na nagpakamatay ang suspek na si Joselito Cortez, 48-anyos. Nakita umano ng kasamang preso ang katawan ni Cortez na nakasabit sa palikuran ng detention cell gamit ang electric wires na nakapulupot sa leeg nito. Ilang araw na umanong napapansin si Joselito na kakaiba ang kinikilos at hindi na rin aniya ito kumakain nang maayos. Magugunita na noong ika-3 ng Abril nang makitang patay na at duguan sa loob ng kanilang bahay si Jaymee Casabuena, 28-anyos at dalawang anak niyang lalaki na sina Gabriel, 8-anyos, at Joaquin Mateo, 5-anyos. Sa isinagawang follow-up operation, naaresto si Joselito sa Barangay San Manuel, San Jose Del Monte City habang ang isa pang suspek na si Wilson Cortez ay sa North Caloocan Isinugod pa sa ospital ang suspek pero idineklara itong dead on arrival. Isasailaim naman sa autopsy examination ang bangkay nito para malaman kung nagkaroon ng foul play sa insidente. +Nakuhanan sa video ang mainit na pagtatalo ng dalawang babaeng motorista at bus driver sa loob ng bus sa tapat ng isang mall sa Pasay City. Makikita ang galit na galit na babaeng motorista dahil muntik na raw banggain nito ang kaniyang sasakyan, kung saan may kasama silang bata. Nangangatwiran naman ang driver ng bus na tila sinisisi ang babae na dahilan ng kanilang pagtatalo. Ilang sandali, isa pang babae na kasama ng motorista ang umakyat sa bus at sinuntok nito ang bus driver. Napigilan naman na lumalala pa ang sitwasyon dahil umawat ang kundoktor, ilang pasahero at pati na ang traffic enforcer. Bagaman iginigiit ng dalawang babae na muntik nang banggain ng bus ang kanilang sasakyan, ilang pasahero naman ng bus ang nagsasabi na ang mga motorista ang umano ang biglang sumingit sa kalsada. Makaraang ang ilan pang minuto, umalis din ang mga babaeng motorista. Ayon kay Edsa Traffic Chief Bong Nebrija, payo niya sa mga masasangkot na katulad na insidente na mas makabubuti pa rin na tumawag ng traffic enforcer o ireport ang mga abusadong motorista. "Makikita niyo po dito na inakyat pa yung bus, yes ,siguro na-offend sila bago yong aksidente na to sinasabi niya muntik silang i-cut, muntik silang banggain.As a motorist you can call the attention of any enforcer and report this matter for reckless driving. kasi po yung reckless this can result to an accident, it's an accident waiting to happen," payo ni Nebrija. https://www.youtube.com/watch?v=qvvAeT8vH9k +Kumakalat ngayon sa social media ang isang video ng lalaking galit na galit sa isang technician matapos maayos agad ang kanyang cellphone. Nakuhanan sa video ng isang netizen ang paghahamon ng lalaki nang singilin siya ng technician matapos nito mapagana ang umano'y sirang cellphone. Giit ng lalaki na wala pang sampung segundo nang mapagana ang kanyang cellphone pero P300 ang sinisingil sa kanya. Makikita sa video ay inaaya ng lalaki ang technician na magpunta sila sa barangay at babayaran ito ng P1000. Ayon sa technician, pinindot lamang nito ang volume at power kaya nito napagana agad ang cellphone ng nag-aalburotong lalaki. Ayon naman sa nag-upload ng video, naghamon umano ang lalaki at nagtangka na pasukin ang technician sa loob ng kanyang booth. Inulan naman ng batikos mula sa mga netizen ang nasabing lalaki sa viral video. Dapat tumupad ang lalaki sa napag-usapan nila na presyo dahil napagana naman nito ang kanyang cellphone. Saad naman ng iba, dapat ay nag-research na lang sa Google o YouTube ang lalaki at hindi na nagpagawa sa technician kung ayaw nito magbayad. https://www.youtube.com/watch?v=cQKGjDbZD1M +Patok ngayon sa mga netizen ang homemade pepper spray ni Marry Ferjel Babasa na mas epektibo pa kesa sa mga nabibili sa mall. Ayon kay Marry, dumarami na naman daw ang masasama ang loob kung saan ang madalas na biktima ay mga kababaihan. Sinasabing mas matapang at mas epektibo raw itong pangdepensa kumpara sa mga pepper spray na nabibili sa komersyo. Gumamit si Marry ng empty spray bottle, maraming sili na tinadtad niya ng husto upang mas lumabas ang anghang, pagkatapos ay nilagay ito sa bote na may kaunting tubig. Para raw masubukan kung gaano katapang ang ginawang pepper spray, maari raw subukan ito sa papel saka amuyin kung gaano kalakas ang epekto nito. Samantala, maraming netizens ang nagpakita ng pagtangkilik sa homemade pepper spray ni Marry lalo na ang mga kababaihan na nais protektahan ang kanilang sarili. Nakalulungkot daw isipin na tumataas na naman ang bilang ng mga krimen sa bansa na ang madalas na biktima ay mga walang kalaban-laban na kababaihan. BASAHIN ANG BUONG POST MULA SA FACEBOOK ACCOUNT NI MARRY: First: Kailangan natin ng spray bottle. Pwede yung used or bili kayo sa stores like miniso. Ganern. Depende sa inyo kung anong size ang gusto niyo. Pinili ko na ganiyan lang ang size para madaling dalhin at hindi siya mapapansin agad pag hawak or kinuha sa bag kasi macocover siya ng kamay ko. Okay, next! Second: Bili kayo ng sili. Mas marami mas okay pero depende din sa size ng bottle niyo. Yung sa tingin niyo kakasya. Neeeeext! Third: I-chop niyo yung sili. Marami yan, hindi lang 'yan yung tatlong nasa picture kanina. Next Fourth: Oh diba, sabi ko sainyo marami yun eh. Ilagay niyo yung chopped na sili sa bottle. Neeeeeext! Final: Lagyan niyo ng water tapos shake shake shake then charaaaaaaan! Tapos na. PS: Wash your hands after ng procedure. Para ma-test niyo kung effective, try niyo i-spray sa katabi niyo. Charot! Kuha kayo ng plastic or paper tapos i-spray niyo dun then amoyin niyo. Maaamoy niyo kung gaano katapang ang aroma. Okay? Okay. +Hindi maaring suspendihin ang isang batas na napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang reaksyon ni Sen. Richard Gordon sa pahayag ng Pangulo na sususpendihin niya ang implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Law o mas kilalang Doble Plaka Law dahil delikado ito para sa mga motorista at masyadong mataas ang multa na P50,000. Sinabi ni Gordon na napirmahan na ng pangulo ang batas kaya hindi na ito maaring suspendihin. "Hindi pwedeng suspendehin ang batas. Batas na, pinirmahan na niya 'yan e," ani Gordon. Iginiit din ni Gordon na dapat maipatupad ang batas dahil sa dumaraming reported crimes na sangkot ang mga riding-in-tandem. Dagdag ni Gordong na hindi na muna pwede ibaba ang multa base sa kagustuhan ng Pangulo. "Hindi pwede, batas na 'yan e. Pwede nating i-amend next year," dagdag ni Gordon. Ayon kay Gordon, sa gagawin niyang pakikipag-usap sa Pangulo hihikayatin niya itong ikunsidera ang kaniyang naging pahayag. "Conduction sticker okay na sa akin 'yun eh, puwede 'yun eh, kapag nakita mong lumalakad papunta sayo halimbawa agawan ka ng cellphone, may makikita kang kulay agad, color-coded ito, so alam mo halimbawa kung asul ang pinili ng LTO Manila 'yun, kung pula galing sa Central Luzon, kung berde maaaring galing sa ibang lugar, so may laban na, at limang number lang ang gusto natin, alpha numeric lima lang hindi lalagpas, kaya hinahati-hati natin puwedeng iba-ibang number na iba-ibang kulay may mahahabol at may 24-hour notice." pahayag ni Gordon. Maari aniyang na-pressure lang ang Pangulo, lalo at matindi ang propaganda laban sa naturang batas ng mga motorcycle riders. "Hindi mo puwedeng baguhin 'yun kailangang amyendahan with all due respect to the President, alam ko syempre ako rin kung minsan kapag humaharap ako sa maraming tao ay sasabihin mo sa lahat na susubukan mo, kung babaguhin natin sa susunod na taon, puwede po nating baguhin 'yan ako mismo ang magbabago kapag hindi nag-work, pangako ko 'yan." dagdag na pahayag ni Gordon. Muli ring iginiit ni Gordon na sa pamamagitan ng bagong batas na ito ay mababawasan rin ang Extra Judicial Killings (EJKs) sa bansa dahil ang mga motorsiklo ang nagiging "crime machines" sa pagpaslang ng mga ordinaryong tao, kawani ng media, abogado, politiko, huwes at maging mga pulis. +Labis ang pagsisisi ng roomboy ng isang lodging house sa Butuan City na nagpadala siya sa init ng romansa ng babaeng kostumer na nagkamali umano sa pagpasok ng kwarto rason na may nangyari sa kanila. Ayon sa suspek na si Albert Caerlang, residente ng Alegria, Surigao del Norte, nagpahinga lamang siya sa kalapit na kwarto kung saan nag-check-in naman ang isang kostumer kasama ang kanyang kasintahan nang maramdaman umano niyang hinahalikan na siya na kanya namang sinabayan. Napag-alaman na umihi lamang umano ang babae ngunit nagkamali pala nang pinasukang kwarto kung kaya't laking gulat na lamang nito na iba na ang kanyang katabi hanggang matapos ang romansa. Sumuko naman si Caerlang sa mga awtoridad sa kanilang bayan matapos magreklamo ng babae management ng nasabing lodging house. Dali namang dinala siya sa Butuan City Police Office upang harapin ang kasong rape na isinampa laban sa kanya ng babae na nagkamaling pumasok sa kanyang kuwarto. "Pumasok po siya sa kwarto kung saan ako nagpapahinga sir, kasi 24-hours akong naka-duty. Bigla na lang akong pinaghahalikan tapos alam mo naman, sir, lalaki ako kaya nakipagsabayan na rin ako sir. Hindi naman po siya pumalag dahil nasasarapan din hanggang sa nakaraos din ako sir." "Lumabas po ako at sumunod po siya. Doon niya nalaman na iba ang nakasiping niya sir. Makokonsidera po bang rape yon, sir, eh siya naman ang pumasok sa kwarto at unang gumapang po sa akin?" pahayag ni Caerlang. +Napatunayang guilty ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 79 si Reynaldo Parojinog Jr. dahil sa illegal possession of drugs. Si Parojinog Jr. ay anak ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na nasawi sa operasyon kontra iligal na droga sa kanilang tahanan. Sa desisyon ng Quezon City RTC Branch 79, reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong ang hatol kay Parojinog Jr. matapos mapatunayang lumabag ito sa Section 11, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Maliban sa panghabambuhay na pagkakakulong, papatawan ng P500,000 hanggang P10,000,000 multa si Parojinog Jr. Si Parojinog Jr. ay isa sa mga nadakip sa operasyon ng pulisya na ikinasawi rin ng kanilang ina na si Susan. Kasama niyang naaresto at nakulong ang kapatid na si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez sa parehong operasyon. Matatandaan na Nobyembre 2018 nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na "uubusin" niya ang mga Parojinog. PANOORIN: REYNALDO PAROJINOG JR. HINATULANG GUILTY SA KASONG ILLEGAL POSSESSION OF PROHIBITED DRUGS +The long misery of the residents crossing the Cagayan River using the dilapidated old Pigalo bridge has come to an end after the new all-weather bridge is completed recently. This, after the Department of Public Works and Highways (DPWH) regional office here has finally completed the P458 million all-weather Pigalo bridge located between Angadanan and San Guillermo towns traversing the Cagayan river. The old overflow Pigalo bridge, which connects the eastern part of Isabela to other local government units in Isabela was destroyed by recent typhoons that hit the province in previous years. The bridge spans 450 meters and has a 500-meter road network for approaches with drainage structures and embankment protections. "The office has completed the construction of Pigalo bridge fulfilling the dream of the residents who live in the area after a long wait of six years," Engr. Melanio C. Briosos, DPWH regional director said. He said the new mega bridge that replaced the old dilapidated overflow bridge structure puts out the misery of the people who have been risking their lives and properties crossing the old ravaged bridge, posing danger to motorist and pedestrians in the past years. Briosos added that with the construction of the 450-meter bridge, residents of the Cagayan Valley province will no longer be burdened in transporting their agricultural products to the to commercial centers. +Isang video ang viral ngayon sa social media tungkol sa isang babae na umano'y iligal na nagsosolicit sa loob ng airport. Kinompronta ng lalaki ang babae at kinunan ng video dahil sa nagpapanggap umano ito na Katoliko para makapaghingi ng pera o abuloy. Mariring ang salita ng lalaki na talagang nagalit na sa babaeng umano'y miyembro ng religious group na Born Again. "Katoliko ka? Ano ba tong pinanghihingi na 'to? Eh hindi totoong Katoliko ka." Sinagot siya ng babae na ipapakulong daw niya, pero hinamon siya ng lalaki na pumunta sa prisinto. "Ipapakulong mo, sige punta tayo sa pulis." Tinalikuran siya ng babae at mabilis na lumakad ito palayo pero hindi siya tinantanan ng lalaki. "Bawal yang ginagawa niyo. Ano bang ginagawa niyo rito. Bawal yan. Kay Quiboloy ka eh." "Ayan oh, dadalhin kita sa pulis tara. Ngayon ayaw mong humarap?" "Ang tapang ng hiya ninyo. Biro niyo pati sa airport ginaganyan niyo. Sinisira niyo yung pangalan ng mga Pilipino." "Nakakahiya kayo. Ginagawa niyong mga pulubi ang mga Pilipino. Tigilan ninyo yan, panloloko sa tayo yan." "Napakawalanghiya! Nagpapanggap na Katoliko. Eh tingnan mo nga, ngayon hindi ka makakibo. Oh hindi ba. Kay Quiboloy ka talaga." +Matinding paghihinagpis ang nadarama ngayon ng mga kamag-anak ng isang 83-anyos na matandang babae na natagpuang patay sa damuhan. Ibinahagi ni Lanie Cid sa Facebook ang sinapit ng kanyang lola na nawawala na umano ng apat na araw. Kabilang sa ibinahaging larawan ni Lanie ay ang missing flyer ng kanyang lola na si Consolacion Umali Abad na nakatira sa No.18 Pag-asa Compound, Kalawaan, Pasig City. Natagpuan ang matandang babae na nakatali ang kamay at paa, nakabusalsal sa bunganga, at nakababa ang kanyang pang-ibabang saplot. Umani naman ng matinding pagkapoot at emosyon mula sa mga netizens ang balitang ito dahil wala na umanong pinipili ang mga masasamang loob. Samantala, inaantay pa ang resulta ng autopsy upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng matanda. +Isang nakakalungkot na pangyayari ang pumalit sa sana'y masayang araw ng pag-iibigan ng mag-nobyong Brian at Danica. Ikakasal na sana ang dalawa sa pinakahihintay na araw ngunit tinapos ito nang maaksidente si Danica, 23-anyos. Nabangga kasi ang sinasakyang kotse ni Danica sa isang nakaparadang truck na minamaneho ng kanyang ama sa Barangay Pasil, Santander noong March 25. Napag-alaman na 4na buwang buntis si Danica at kagagaling lang nito sa check-up nang maganap ang aksidente. Handa na sana ang lahat para sa kanilang pag-iisang dibdib at mismong si Danica pa ang gumawa ng kanilang mga giveaways. Sa kabila nito, ninais pa rin ni Brian na ituloy ang kanilang kasal kung kaya humingi siya ng pahintulot sa simbahan. Bagamat pumayag ang simbahan na maglagay ng dekorasyon na parang sa isang kasal, hindi pa rin ito maituturing na kasal dahil ang seremonya ay para lang daw sa mga buhay. Kaya naman sa araw ng libing ni Danica, nagawang lumakad ni Brian na naka-military uniform na tila sila ikakasal. Ginanap ang misa para kay Danica sa kanyang libing at nagawa pang halikan ni Brian sa huling pagkakataon ang pinakamamahal. BASAHIN ANG BUONG POST MULA KAY GODDESS MINERVA: +Nag-viral ngayon sa social media ang isang litrato ng aso matapos dikitan umano ng sticker na may mukha ng kandidato sa pagka-mayor sa Paranaque City. Ang viral na larawan ay ibinahagi ng isang concerned netizen na si Joshua Apundar na may caption na, "Tao kayo pero ugali nyo hayop kung ano ano pinaggagagawa nyo sa aso nananahimik yung aso kung ano ano nasa isip nyo. PS: Aso concern ko wala akong sinisiraang partido." Habang papunta sa kanyang trabaho, nakita umano ni Joshua ang aso sa Samoa St. Better Living Subdivision sa lungsod ng Paranaque. Dahil dito ay nadismaya siya sa naglagay ng campaign sticker sa isang kawawang aso. Makikita sa nakadikit na sticker sa aso na nakakapit hanggang balat at tila mahirap itong tanggalin. BASAHIN ANG ISA PANG POST NI JOSHUA TUNGKOL SA MGA NAGAGALIT SA KANYANG IBINAHAGI NA LARAWAN: +Maraming kababayan natin ang siguradong magpupunta sa beach ngayong summer at bakasyon para maglibang at makapag-swimming. Pero dapat parin na maging mapagmatyag at siguraduhin ang kaligtasan ng buong pamilya, lalo na ang mga bata. Nag-viral noon nakaraang taon ang pagkamatay ng isang bata habang naliligo sa dagat. Ayon sa Facebook post ni Rosemae Tomilloso Alegre, nakagat umano ang kanyang pamangkin ng isang dikya o jellyfish. BASAHIN ANG KANYANG POST SA FACEBOOK: Kung sakaling nakagat ng dikya o jellyfish, dapat itong lagyan ng suka nang 15 hanggang 30 minuto. At kung walang suka ay puwede rin gumamit ng salt water. "Jellyfish stings are a common problem at the beach, but not all jellyfish stings are dangerous. When stung by a jellyfish, the first thing you will feel is a stinging, itchy pain. Eventually, you will experience swelling, and uneven marks on the skin. If the jellyfish is venomous, you will experience difficulty breathing, and in some cases, dizziness. "'Yung iba dumidiretso eh, puwedeng ikamatay 'yun," ayon kay Dr. Victoria Abesamis, hepe ng Medical Professional Services ng East Avenue Medical Center. "Immediate treatment is necessary, as jellyfish have nematocysts, or stinging cells, that release toxins that can spread through the body. If stung by jellyfish, soak the affected area in vinegar for 15 to 30 minutes. If no vinegar is available, salt water may be used. Fresh water should be avoided, however, as this can only produce more toxins. Kasi 'yung ihi, di naman lahat ng ihi ay acidic. Dapat kasi kasing acidic ng suka o acetic acid," dagdag ni Abesamis. Bumuhos naman ang pakikiramay ng maraming netizens sa social media dahil sa nangyari sa bata. +Pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang bagong pumping stations sa Valenzuela City upang matugunan ang madalas na pagbaha sa mga lugar dito. Ang dalawang flood control infrastructure ay itinayo sa Barangays Wawang at Coloong na ginugulan ng P1.028 billion ng pamahalaan at kabilang sa priority projects sa ilalim ng feasibility study sa Valenzuela-Obando-Meycauayan (VOM) Area and Drainage System Improvement Project. Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang nasabing mga proyekto ay makatutulong para mapababa o matuyo ang pagbaha sa malalaking lugar sa Valenzuela City hanggang Meycauayan River, at maiwasan ang pinsala ng madalas na pagbaha sa lugar na matagal nang nararanasan ng mga residente. Ikinabit sa pumping stations ang primary at secondary trash rakes na siyang haharang sa mga basura sa pagpasok sa pumps at mapapanatili na malinis ang ilog. Taglay ng proyekto ang anim na submersible axial flow propeller pumps, apat na sets para sa Wawang Pulo at dalawa sa Coloong, na may capacity ang bawat isa na 3.5 cubic meters. Mayroon din itong generator sets, flood gates, conveyors, stop logs, at gantry cranes, na nagtataglay ng 20,000-liter capacity diesel storage tank. Matatandaan na noon pa man ay naghahanap na ng pang matagalang solusyon ang Valenzuela City sa problema ng pagbaha sa lugar, partikular sa bahagi ng Baranggay Pulo na madalas nakararanas ng matinding baha sa panahon ng tag-ulan. +Isa sa ambisiyosong proyekto ng Duterte administration ay ang Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (Mega DATRC)sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija pero tila hindi ito masyadong napapansin dahil abala ang mga kritiko at mainstream media sa pagpuna sa mga napapatay sa drug war campaign. Sa ulat ni Erwin Tulfo, ibinahagi niya ang mga nagawa ng nasabing center at kung ano ang mga naging epekto nito sa mga kababayan natin nalulong sa masamang bisyo. Ang center ay kayang mag-accommodate ng 10,000 drug dependents at may iba't-ibang pasilidad tulad ng gym, palaruan, at classrooms. Wala namang nagastos ang gobyerno sa nasabing proyekto dahil donasyon ito ng Chinese businessman na si Huang Rulun matapos kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang proyekto ay patunay na may malasakit ang kasalukuyang gobyerno sa mga kababayan nating nalulong sa ipinagbabawal na gamot. At taliwas sa ibinibintang ng ilang kritiko na basta na lang pinapatay ang mga sangkot sa droga. Sa ngayon, nasa 1,000 drug dependents ang ginagamot sa nasabing rehab na karamihan ay sumuko sa Oplan Tokhang ng pamahalaan. +Naging viral ngayon ang isang post sa social media patungkol sa 6-anyos na bata matapos isugod sa ospital ang sisiw na kanyang nasagasaan gamit ang bisikleta. Halo-halo ang naging emosyon ng mga netizens na nakakita sa larawan ng batang lalaki na may hawak na sisiw at pera. Habang nagbibisikleta ang bata, nasagasaan daw umano nito ang sisiw. Sa takot na mamatay ito, dinala niya ito sa kanilang bahay at pinilit ang mga magulang na dalhin ang sisiw sa ospital. Nang tumanggi ang kanyang mga magulang, kusa na nang isinugod ng bata sa ospital ang sisiw dala ang kanyang sariling pera. Ang bata ay umuwing umiiyak dahil hindi umano siya natulungan ng mga staff ng ospital. Sa halip, kinunan siya ng larawan sa labis na katuwaan sa pinakitang malasakit at pagiging responsable sa isang hayop. Dahil dito, maging ang mga netizens ay kinagiliwan ang ginawa ng bata. +Isang 6-anyos na babae sa Sorsogon ang muntik nang mapahamak dahil sa karayom na nakalimutang itabi hanggang sa mahigaan at bumaon sa kaniyang katawan. Nanghihina at hirap kumilos ang batang si Carlene Villaceran nang humingi ng tulong sa Kapuso Foundation nitong nakaraang Enero bunga ng karayom na bumaon sa likod ng katawan ng bata. "Ako po kasi talaga nagtatahi pero hindi ko naman po akalain na may matitirang karayom sa higaan namin," sabi ng lola ng bata na si Monica Mendina. Bagaman naoperahan na si Carlene sa Sorsogon, hindi naman umano natanggal ang karayom na pumasok na sa katawan ng bata. Nang ilapit ng Kapuso Foundation si Carlene kay Dr. Beda Espineda, isang pediatric surgeon, lumitaw sa pagsusuri na wala na sa likod ng bata ang karayom at lumipat na sa ibang parte ng katawan na malapit sa baga. Kaya naman isinailalim agad si Carlene sa isang operasyon. Mabuti na lang umano at naagapan ang paggalaw ng karayom at hindi tuluyang bumaon sa kaniyang baga. "Nagbutas kami sa tagiliran, pumasok kami ng instrumento na parang forcep lang, naabot naman at nadukot namin yung karayom," paliwanag ni Dr. Espineda. Labis naman na ikinatuwa ng ina ni Carlene ang magandang balita at nakauwi na rin ang mag-ina sa Sorsogon para makapaghanda na sa susunod na pasukan. +Nagsimula nang maglayag ang barko na lulan ang 69 container vans ng mga basura ng Canada at iba pang kargamento. Matapos ang sampung oras na proseso ng pagkakarga, sinabi ni SBMA deputy administrator for port operations Rani Cruz na natapos ang mga containers na naglalaman ng basura sa MV Bavaria. Nagpapalamat si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Wilma Eisma dahil sa naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maialis sa bansa ang mga tone-toneladang basura. "We thank President Rodrigo Duterte for his decisive action that brought about a satisfactory conclusion to this sordid chapter in our history. This is one proud moment for all Filipinos," ani Eisma. Natagalan ang pag-alis ng barko dahil hindi ito ekslusibo para lang sa containers na naglalaman ng basura. Mayroon pa aniya itong iba pang kargang shipping containers na nasa 127 ang bilang dahilan para mabago ang oras ng pag-alis ng barko. May stopover muna sa Kaohsiung, Taiwan ang barko para ilipat sa mother vessel, bago didiretso sa Canada. Inaasahang darating sa Port of Vancouver sa Canada ang nasabing mga container na may lamang basura sa June 22. Ayon sa Local Canadian Press, sa sandaling dumating sa Canada, ang mga basura ay susunungin sa kanilang waste-to-energy facility sa Burnaby. Samantala, malabo pa namang maisunod sa shipment na ito ang iba pang naipasok na basura sa Pilipinas. Ang mga basura mula sa Australia ay pinagtatalunan pa kung basura nga ba ito o engineered fuel, habang ang nagmula sa Hong Kong ay dadaan pa sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nag-import nito. +Isang lalaki na tinamaan ng Stage 4 colon cancer dahil umano sa adiksyon sa paglalaro ng Mobile Legends ang humihingi ngayon ng tulong pinansyal sa social media. Ayon kay Michael Tumagan, nawalan siya ng disiplina sa katawan dahil sa paglalaro ng Mobile Legends kahit hindi na aniya siya kumakain at natutulog. Hanggang sa makaramdam si Michael nang hindi maganda sa kanyang katawan. Aniya, hindi na maaalis pa ang tumor sa kanyang rectum dahil malala na umano ito. Hindi na rin pwede galawin ang tumor kasi maapektuhan nito ang pantog at gal bladder niya na posibleng maging sanhi na kanyang pagkamatay. Humihingi ngayon ng tulong pinansyal si Michael para sa radiation therapy na tanging paraan aniya para lumiit ang kanyang tumor. BASAHIN ANG BUONG POST NI MICHAEL MULA SA KANYANG FACEBOOK ACCOUNT: BASAHIN ANG NAUNANG POST NI MICHAEL: +Hinikayat ng university lecturer at pro-Duterte blogger na si Sass Rogando Sasot ang common-law wife ni Pangulong Rodrigo Diterte na si Honeylet Avacena na maghain ng reklamo laban sa Google sa Estados Unidos para ibunyag kung sino ang nasa likod ng black propaganda video kung saan idinadawit si Veronica "Kitty" Duterte sa iligal na transaksyon sa droga. Mas mabuting magsampa na lamang ng kaso si Honeylet sa mga taong nasa likod ng mapanirang video laban sa kanyang pamilya dahil halata naman umanong puro peke ang mga inilabas na dokumento ni alyas Bikoy. BASAHIN ANG OPEN LETTER NI SASS ROGANDO SASOT KAY HONEYLET: +Hinahanap na ngayon ng pulisya ang isang 69-anyos na lay minister sa Quiapo Church na nakunan ng video habang minomolestiya ang isang batang babae. Makikita sa video na nasa isang fast food chain na Mang Inasal nang gawin ang kahalayan. Hawak na ng pulisya ang orihinal na kopya ng video kung saan makikita ang ginawang pangaabuso sa menor de edad na babae. Kinilala ang suspek na si Victorino Abot Jongco, 69-anyos, na isang lay minister ng Quiapo Church. Natunton ng pulisya nitong Biyernes, Marso 5, ang 12-anyos na babe na nakilala ng ilang mga tauhan ng Quiapo Church. Nagbigay na ng pahayag ang bata sa pulisya, kasama ang kanyang lola. Ayon sa batang biktima, hindi raw bababa sa tatlong beses nangyari ang panghahalay na ginawa ng lay minister. "Iniwan kasi siya ng lola niya sa simbahan tapos maglalaba, so naging familiar na sa kanya ang mga tao sa simbahan," paliwanag ni Manila Police District (MPD) Quiapo station commander Police Major Melvin Florida. +Nakakadurog ng puso ang viral na larawan ng isang matandang babae na natagpuan na lamang na patay sa lugar kung saan siya nagtitinda. Ayon sa Facebook post ng netizen na si Kevin King Jardiolin Malabug, 85-anyos na umano ang matandang nakilala lamang na si Lola Juanita. Nagtitinda raw ito at hindi agad napansin ng mga dumaraan na wala na pala itong buhay sa kanyang puwesto ng paninda. Makikita na nakasubsob ang matanda na parang nakatulog lang ito ngunit nang usisain, hindi na pala ito humihinga. Ayon kay Kevin, magsilbing aral nawa ito sa atin lalo na sa mga mayroon pang mga lolo at lola. Aniya, pahalagahan natin sila habang sila ay nabubuhay at kung sila ay nagtatrabaho pa sa kabila ng kanilang edad para sa inyong pamilya, malaking bagay na tulungan sila at bigyan naman ng oras na magpahinga. +Hinamon ni Sen. Antonio Trillanes IV si presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na patunayan na wala siyang kinalaman sa illegal drug trade base ukol sa isang black propaganda video na kumakalat sa social media. Itinanggi naman ni Trillanes ang mga paratang na siya umano ang mastermind sa nasabing video. Sa kaniyang inilabas na pahayag, binati ni Trillanes ang sinumang nasa likod ng video laban sa pamilyang Duterte. "First of all, let me congratulate the people behind the videos that linked the Duterte family to illegal drugs! The accusations of the witness were very serious, quite pointed and well-explained," ani Trillanes. "Having said that, I really wish I was part of the making of the videos so I could relish these moments but sadly I am not. In the meantime, I am looking forward, as everyone else, to the next episode," aniya pa. Saad pa ng senador, dapat na umanong patunayan ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala silang kinalaman sa droga at pirmahan na ang waiver para masuri ang bank account nito. "When you (Duterte) falsely accused me of having offshore bank accounts, I confronted it squarely and didn't stop until I was able to debunk your lies. And when you realized na napatunayan ko na hindi totoo ang mga paratang mo, umatras ka at inamin na inimbento mo lang yun. Ano, ganun na lang yun? Until your next lie?" pakli nito. Hinamon naman nito si Paolo na ipakita na ang tattoo sa likod na iniuugnay niya sa isang drug syndicate, maging sa video ay sinabing may code name umano sa likuran na mag-uugnay sa kanya sa droga. "Kaya ang hamon ko sayo, pumirma ka ng bank secrecy waiver para ipakita na hindi ka corrupt at hindi galing sa droga ang mga bilyon bilyon mo sa bangko. Ikaw naman Polong, ipakita mo na lang ang likod mo, ang dami mo pang arte," saad nito. Ito rin ang hamon ni Sen. Leila de Lima para umano matuldukan ang mga alegasyon na sangkot ang anak ni Pangulong Duterte sa operasyon ng droga sa bansa. "There's just one easy thing to do on the part of Paolo Duterte to put closure to this lingering issue about his alleged involvement in the illegal drug trade. Show his back. Does he have a tattoo or not? If so, what tattoo? Simple! Is that too much to ask? Aren't tattoos meant to be shown or displayed?" saad ni De Lima. "He had a chance to do that during the Senate hearing when challenged by Sen. Trillanes. He blew it. Here's another chance. If he has nothing to hide, Polong must go for it," diin pa ni de Lima. +Handa umano si Vice President Leni Robredo na pumalit kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling magdeklara man ito ng revolutionary government. Sa panayam kay Robredo sa launching ng "Ahon Laylayan" coalition sa Tagbilaran City sa Bohol ay sinabi niyang bahagi iyon ng kanyang mandato. "Iyong pagdeklara ng Pangulo ng revolutionary government, medyo nagulat ako dahil abogado siya, at alam niya na labag ito sa Konstitusyon," ani Robredo. Lahat naman aniya ng kumandidatong bise presidente ay dapat handa sa sitwasyon sakaling kailanganin siyang maupo bilang Pangulo ng bansa. "Lahat naman ng kumakandidato (ng) pangalawang pangulo dapat ready sa ganyang eventuality. Kasi yun naman ang mandato ng opisina," saad ni Robredo Giit ni Robredo nalabag sa Saligang Batas ang pagdedeklara ng revolutionary government dahil kapwa sila nanumpa sa kanilang tungkulin nang maluklok sa pwesto. "Medyo nagulat ako dahil abogado siya at alam niya labag ito sa Constitution. Hindi siya naaayon sa Constitution. Kaming dalawa pareho nanumpa na ipagtanggol ang Constitution ng Republika ng Pilipinas. Pag nag-deklara siya ng revolutionary government ang gusto ba nito sabihin inaabandona niya yung kanyang pinanumpaan?" aniya. +Umalma si Maguindanao Mayor Datu Zamzamin Ampatuan sa black propaganda video na inilabas kamakailan sa social media nag-uugnay kay Paolo Duterte at sa pamilyang Duterte sa kalakaran ng ilegal na droga. Ayon kay Zamzamin, ninakaw umano ang kanyang pirma ng mga tao sa likod ng video na may pamagat na "Ang Totoong Narco List - Episode 1." "Why is my signature there? This was supposed to be list of remittances from Southern Luzon and Southern Visayas drug syndicates," pahayag ni Ampatuan. "One of the signatures on the list, which connects Paolo and Mans Carpio was mine. My signature was there but I did not sign it. Why am I being dragged into this?" dagdag niya. "Ninakaw ang signature ko! Bakit ako hinahatak sa ganitong issue? Sino ang gumawa? #TARA_list #Slander," pahayag ni Ampatuan sa kanyang Facebook account. Una ng nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag agad maniwala sa mga kumakalat na video at propaganda sa social media. Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, panahon kasi ng eleksyon kaya maraming lumalabas na mga propaganda laban sa mga pulitiko lalo na kay Pangulong Duterte. Giit ni Albayalde, kwestunable ang umano'y listahan ni Bikoy ng mga taong sangkot sa iligal na droga dahil imposibleng gawin ito ng mga sindakto. +Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Blue Ribbon Committee na muling buksan ang imbestigasyon sa umano'y pagkakasangkot ni presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa iligal na droga sa bansa. Kasunod aniya ito ng pagkalat ng video sa social media na may pamagat na "Ang Totoong Narcolist - Episode 1" na nagsasaad na may matibay umanong ebidensya o alegasyon laban kay Paolo. Ayon kay Drilon, magagamit na pagkakataon nina Paolo at Agriculture Undersecretary Walden Carpio ang Senate hearing para magpaliwanag at linisin ang kanilang pangalan sa mga alegasyon laban sa kanila. "It is best that the Senate Blue Ribbon Committee resume its investigation in order that those named in the video, particularly Mr. Duterte and Agriculture Undersecretary Waldo Carpio can clear their names," ayon kay Drilon sa Kapihan forum sa Senado. Dagdag ni Drilon, maaaring idetalye ni Paolo sa pagdinig ang tinutukoy nitong JS na anito'y nagpakalat ng video habang puwede naman hanapin ng Blue Ribbon Committee ang nagpakilalang Bikoy na may hawak umanong ebidensya. Una ng iginiit ni Paolo, walang basehan at pawang imbento lang ang listahan dahil ginagawa lang umano ni Bikoy ang mga bintang na una nang ibinato sa kaniya ni Senator Antonio Trillanes IV. Sinampahan naman ni Paolo si Trillanes dahil sa kaniyang mga akusasyon. "He may deny it, but the video supposedly showing my involvement in the illegal drug trade in the country has been clearly stamped with the indelible Trillanes signature of being a desperate mercenary, one who has done nothing good but attack the government," ani Paolo. "I have filed cases against Mr. Trillanes for ruining my name. I will file another string of cases for his continued attempts to destroy my reputation," dagdag niya. +Nakapangingilabot ang mga nangyari sa isang viral video kung saan isang matandang lalaki ang nakuhanan habang minomolestiya ang isang batang babae. Makikita sa video kung paano hinahawakan ng suspek ang ibabang parte ng katawan ng bata sa loob ng isang branch ng Mang Inasal. Hindi nagpaawat sa kanyang ginagawa ang matandang lalaki kahit maraming tao ang nakapaligid sa kanila. Tila hindi ito ang unang beses na ginawa ng suspek dahil walang imik ang batang babae habang ginagawa ang krimen. Ayon sa nag-upload ng video na si Katheryn Molina, nakuha lang niya ang video mula sa isang netizen na nag-share lang din sa Facebook. Nais ni Molina na kumalat ang video upang matulungan ang bata. Na-report na rin aniya ang insidente sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG NI KATHERYN MOLINA: Ayon naman sa ilang netizens, dapat ay tinulungan na lang ng kumuha ng video ang bata sa halip na kinuhanan ito habang minomolestiya. +Hindi pinalagpas ang iba pang miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong black propaganda video na inilabas ng YouTube channel na Ang Totoong Narco List. Sa unang video na may titulong Ang Totoong Narco List - Episode 1, hayagang iniuugnay si presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kalakaran ng illegal drug trade sa bansa. https://www.youtube.com/watch?v=fhe7bT5wEWQ Isang lalaki na nagpakilalang Bikoy ang idinawit ang pangalan ni Paolo sa drug trade, sinabi na nagkakamal umano ito ng milyon-milyon mula sa iligal na droga. Ibinulgar naman ng mga taga-suporta ng Pangulo na peke at scripted lang ang black propaganda video. Ipinakita ng kilalang blogger na si Thinking Pinoy ang kanina-hinalang pirma sa nasabing video. Saad ni Paolo na may 'stamp' umano ni Trillanes ang nasabing video na ayon pa sa kanya ay isang uri ng paninirang puri. "He may deny it, but the video supposedly showing my involvement in the illegal drug trade in the country has been clearly stamped with the indelible Trillanes signature of being a desperate mercenary, one who has done nothing good but attack the government," ayon kay Paolo. Pero hindi dito nagtatapos ang paninira laban sa pamilya ng Pangulo. Sa ikalawang video na may titulong Ang Totoong Narco List - Episode 2, idinamay na nila ang anak ng Pangulo na si Veronica "Kitty" Duterte at kanyang common law partner Honeylet Avancena. https://www.youtube.com/watch?v=vPLF7rrr21Q Ang video ay agad naman na sinopla ng university lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot. "Sabi sa video wala raw ni isang big tima drug lord ang naitumba ni Mayor. Nak... mga taga Ozamis agree kayo na hindi big time drug lord si Parojinog? lol," banat ni Sasot. Binanatan din ni Sasot ang paratang sa video laban kay Veronica. "Pati si Kitty dinamay na sa tumatanggap ng payola sa droga. PUT--INA. Guyzzzzzz.... ano ba toh? lol," buwelta pa ni Sasot. +Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (COMELEC) na putulin na nito ang kontrata sa Smartmatic para sa transmission ng election results sa Pilipinas. "I would like to advise COMELEC now, di ko na lang hintayin. Dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud," saad ng Pangulo sa kanyang speech sa Filipino community sa Japan. Dagdag pa niya, ayaw na umano ng mga tao sa Smartmatic dahil hindi nabibilang nang totoo ang mga boto nito. "Kasi ang liberal, sabi nila nadaya sila. Ako sabi nila nadaya rin. It's creating an environment of hostile attitude. Improve on the system, stop using Smartmatic. Ayoko naman mag-attribute ng corruption. Kasi pabalik-balik na 'yan bakit pa sige Smartmatic na hindi naman nagbibilang... tapos nasisira," ani ng Pangulo. "Anything that promotes cheating. Why are you insisting sa Smartmatic? Because bidding? 'Yung boto ng Pilipino hindi nabibilang nang totoo. If you use that in the next election three years from now I don't know what will happen. Something has got to give. Improve on the systems. Stop using Smartmatic," dagdag ng Pangulo. Giit ng Pangulo na i-aanunsyo niya sana ito sa kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) sa July. "I was reserving that for the SONA. I will tell the Comelec, independent body 'yan, pero sabihin ko talaga sa kanila. I will assure you, I will bring this matter before the nation. At sabihin ko sa kanila stop it, because you are creating a problem na puputok talaga," saad ng Pangulo. +Itinuro ni dating Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte si Senator Antonio Trillanes IV ang umanoy mastermind sa pagpapalabas ng video na nagdadawit sa kanya sa illegal drug trade sa bansa. Sa kumakalat na video na may titulong "Ang Totoong Narcolist" isa umanong dating drug syndicate member na si "Bikoy" ang nagsabing may ebidensya siya sa pagkakadawit ni Paolo sa iligal na droga. Ayon kay Bikoy na may hawak siyang ledger na magpapatunay na tumatanggap umano ng milyong piso si Paolo galing sa illegal drug trade na pinasingalingan naman ng huli. "If there's anything admirable about Mr. Antonio Trillanes, it is his relentlessness and talent to turn the absurd into something ridiculous, if not bizarrely entertaining. He may deny it, but the video supposedly showing my involvement in the illegal drug trade in the country has been clearly stamped with the indelible Trillanes signature of being a desperate mercenary, the one who has done nothing good but attack the government," sabi ni Paolo sa isang Facebook post. Idiniin naman ni Paolo na hinding hindi niya ipapakita ang tattoo sa kanyang likod na sinabi ni Trillanes na isang ebidensyang magpapatunay na kasama siya sa isang "triad" o international drug syndicate. "No, I will not show the tattoo on my back and make things easier for Mr. Trillanes. Instead, I dare him and everyone behind the stupid and empty video expose to back their claims against me," saad ni Paolo. Nagbabala naman si Paolo Duterte na muling magsasampa ng mga kaso laban kay Trillanes. "I have filed cases against Mr. Trillanes for ruining my name. I will file another string of cases for his continued attempts to destroy my reputation," ani Paolo. +Makalipas ang limang buwan, 100% nang tapos ang pagtatayo ng Passenger Terminal Building ng Ipil Airport sa Zamboanga Sibugay. Nabatid na sinimulan lamang noong Hunyo 2018 ang konstruksyon ng Passenger Terminal Building at natapos din agad noong Nobyembre 2018. Dati ay walang direct flights patungo sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay dahil wala namang paliparan dito at halos tatlong oras pa ang kailangang bunuuin sa daan ng mga biyahero mula Zamboanga International Airport sa Zamboanga City upang makarating sa Zamboanga Sibugay. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), tapos na rin ang widening at extension project ng runway ng Ipil Airport. Oras na pasinayaan ang Ipil Airport, magsisilbi na itong pangunahing "gateway" sa Zamboanga Sibugay at magbibigay ng karagdagang connectivity sa mga kababayan nating Zamboangueno. +Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na posibleng mapanagot ang mga magsha-share o magpapakalat ng video scandal ni Jim Paredes. Sa naging forum ni DICT acting Secretary na si Eliseo Rio Jr. kanyang isinaad na sa ilalim ng cybercrime law ay may kalalagyan ang mga magbabahagi ng nasabing mga private video sa ibang tao. "Yung kay Jim Paredes ito ay pornographic in a sense, at kung sino man ang mag-post ng isang pornographic video clip ay puwedeng kasuhan kasi labag sa batas 'yan na mag-post ka niyan sa social media, in that sense kahit hindi ikaw ang original author ng pornographic material na 'yun dahil pinalabas mo, pinost mo ay puwede kang kasuhan, huwag mo pang i-share dahil parang ikaw na rin ang nag-post nun" ayon kay Eliseo. Hindi rin umano dapat magbingi-bingihan ang mga netizen na wala silang alam sa batas dahil mapapanagot pa rin sila. "Ignorance of that law, kapag hindi mo alam na mayroon pa lang punishment na mag-like lang o mag-share, does not excuse you, ikaw ay mahuhuli diyan," dagdag ni Eliseo. Handa naman ang DICT na imbestigahan ang pagkalat ng video scandal ni Jim Paredes sa social media. Gayunman sinabi ni Rio na wala pa silang natatanggap na anumang pormal na reklamo mula kay Paredes. WATCH: SHARERS OF JIM PAREDES SEX VIDEO LIABLE UNDER CYBERCRIME LAW +Natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay ang tatlong miyembro ng pamilya sa Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte Bulacan. Nakilala ang mga biktima na sina Jaymee Casabuena, 28-anyos at dalawang anak nito na si Anton, 8-anyos at ang bunsong anak na si Joaquin, 4-anyos. Ang batang biktima na si Joaquin ay natagpuang nakahandusay sa kusina habang si Anton naman ay duguan sa kama at ang inang si Jaymee ay nakabulagta naman sa sala. Pati rin ang alagang tuta ng mag-iina ay pinatay rin ng mga suspek. Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose Del Monte PNP, walang nakitang bakas ng forced entry sa tahanan pero mukhang malaki ang galit ng salarin sa mga biktima dahil natuklasang kamag-anak ng mga biktima ang mga suspek. Narekober sa crime scene ang kitchen knife na posibleng ginamit ng suspek sa pamamaslang. Naaresto na rin ng mga pulis ang dalawang suspek na kinilalang sina Wilson Cortes na residente ng Brgy. 185, North Caloocan at Joselito Cortes na residente naman ng Brgy. San Manuel, San Jose Del Monte, Bulacan. Si Wilson ay asawa ng pinsan ng biktimang si Jaymee Casabuena. Pagnanakaw ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pagpatay matapos umamin si Wilson na nanakawin lang nila ang cellphone ng biktima pero nagpumiglas ito kaya nila sinaksak. MAG-IINA PINATAY SA LOOB NG BAHAY SA BULACAN 2 SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-IINA SA BULACAN NASA KUSTODIYA NA NG PNP +Tinawag na imbento ni presidential son Paolo "Pulong" Duterte ang kumakalat na video sa social media na nagpapakita sa isang lalaki na nag-uugnay sa kaniya sa mga sindikato ng droga. Sa anim na minutong video na may pamagat na "Ang Totoong Narcolist - Episode 1", ipinakita ng narrator ang listahan ng mga tumatanggap ng kickbacks at halaga ng kanilang nakukuha na idinedeposito sa umano'y bank accounts ng mga drug lord at kanilang code names. Sa Facebook post naman ni Pulong, binanatan niya ang may inisyal na "J.S." na siya umanong nasa likod ng imbentong video na kumakalat sa social media na nag-uugnay sa kanya sa sindikato ng iligal na droga. "POLO DELTA- PAOLO DUTERTE? WOW ha kung makaimbento ka wagas. Galit ka kay Waldo (Carpio) kasi binabara niya lahat ng smuggling mo ng bigas at asukal diba J. S.," banat ni Duterte. "Galit ka sa akin kasi di kita pinansin sa eroplano kasi hambog ka! Ngayon pansinin na kita kasama ng kamay ko na kasing laki ng mukha mo pag nangyari yan. Yan ang totoong balita!" dagdag pa niya. Tinawag naman ng Malacanang na isang uri ng black propaganda ang video. Para kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, walang kuwenta at kabalbalan lamang ng mga kritiko ang nasabing video. Samantala, kinuwestiyon ni PNP Chief Oscar Albayalde ang video na hindi raw tatayong ebidensya kahit pa iprisinta sa korte. "We question the timing also dahil eleksyon po ngayon at kung napaka very unlikely sabi ko nga ngayon lang ako nakakita kung saan merong tara ay nasa formal report pa. Very unlikely na gagawa ka ng formal report at pipirmahan ng kung sino-sino," ani Albayalde. Batid na rin umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang video pero sa ngayon ay hindi raw ito sapat para pagsimulan ng imbestigasyon. "It's just like any other post in social media not unless po they will provide us or furnish us or any other law enforcement agencies with the copies of the documents they are pertaining to, mahirap pong manghusga o magsabi tungkol diyan sa mga sinasabi po nila," paliwanag ni Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA. +Nababalot ngayon ng kontrobersiya ang Koronadal City PNP matapos na makunan ng video ang hepe at kanyang mga tauhan na nag-iinuman at nagsusugal sa loob mismo ng police station sa Koronadal City. Makikita sa video ang hepe na si Police Lt. Col. Kirby Bajo at mga tauhan nito na nagpupustahan sa kanilang pagsusugal. Maliban sa dalawang lamesang may sumusugal na mga lalake at babaeng pulis na naka-sibilyan at nakauniporme, nahagip din sa video ang pulis na umiinom ng alak. Sa eksklusibong panayam kay Col. Bajo, inamin nito na sila ang nasa video. Isa umano itong "Happy Hour" ng tropa nila na kanyang inipon dahil may ikinakasa silang operasyon kinabukasan. Isinagawa umano nila ang Happy Hour noong Enero dahil hindi sila nakapagsagawa ng Christmas Party noong Disyembre dahil nabaril at napatay ang isa nilang kasamang pulis. "May kunting pagkakamali ako don, ginather ko ang tropa, nagpa-Happy Hour ako. kasi hindi ko pinalabas ng estasyon. Seguro hindi naman yung sugal talaga sir, yung nagpapa-tong, parang katuwaan lang nila, pampatay oras.. nagpupustahan din sir pero maliit lang," ani Bajo. Kasabay ng kanyang pag-amin na may mali sa kanilang ginawa, inako ni Bajo ang responsibilidad at nakahanda umano itong humarap sa imbestigasyon at tanggapin ang magiging kaparusahan nito. "Ako handa naman ako humarap sa imbestigasyon don sa video na yun, handa ako humarap kung may punishment," dagdag pa ni Bajo. +Naaresto sa isinagawang anti-criminality operation ng pinagsamang pwersa ng kasundaluhan at kapulisan ang isang lider at dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) sa Barangay Tampalon, Kabankalan City sa Negros Occidental. Ayon kay Brig. Gen. Benedict Arevalo, commanding officer ng 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army, rumesponde ang mga awtoridad nang makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente na may presensiya ng NPA sa lugar. Isa sa mga naaresto ay ang sekretarya ng South West Front (SWF) ng NPA na si Abraham Villanueva, alyas "Tikboy," na may mga pending na warrant of arrest para sa mga kasong arson, murder at frustrated murder ayon kay Arevalo. Ang mga bayan ng Cauayan, Hinobaan, Ilog, Candoni, Kabankalan City at Sipalay City ang areas of operation ng grupo. Nakuha rin sa mga naaresto ang isang kalibre .45 na baril, isang magazine, mga bala at tatlong hand grenade. Nagsagawa rin ng operasyon ang 15th Infantry Battalion kasunod ng nangyaring pag-aresto. Naka-engkuwentro naman nila ang aabot sa 20 na miyembro ng rebeldeng NPA. "Ang 15IB kasama ang ating mga kapulisan ay magpapatuloy sa pagsagawa ng anti-criminality at anti-terrorist operation upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan mula sa pangingikil at pamiminsala ng mga terroristang komunistang CPP-NPA-NDF para sa hinahangad na kapayapaan at kaunlaran ng ating sambayanan," ayon kay LTC Patricio Tomales, commanding officer ng 15th Infantry Battalion. "Tinatawagan natin ang lahat ng mga mamamayan ng 6th District ng Negros Occidental na patuloy na magbigay ng agaran at tamang impormasyon at supportahan ang ating mga kasundaluhan at kapulisan sa ating kampanya laban sa terrorismo at kriminalidad na hatid ng mga terroristang komunistang CPP-NPA-NDF", dagdag ni Tomales. Sa nasabing engkuwentro, nakuha naman ang isang M16 rifle, mga bala, cellphone, transistor radio at mga subersibong dokumento. +Naaresto ng pulisya ang isang lalaki na may problema raw sa pag-iisip matapos nitong hatawin ng maso ang ulo ng kanyang sariling pamangkin sa Navotas City. Sa inisyal na imbestigasyon, nanonood lang daw ng video sa cellphone ang bata sa loob ng kanilang bahay, nang biglang paluin siya ng maso ng kanyang sariling tiyuhin. Isinugod sa ospital ang bata na may tumatagas na dugo mula sa kaniyang ulo. "Sa sobrang laki ng biyak ng ulo niya lumubog, durog bungo niya sa ibabaw ng ulo niya," sabi ng isang kamag-anak ng bata. "Nung makausap ko siya, sabi niya nagdilim nga daw paningin niya. Then may bumulong daw sa kanya, tapos tinesting lang daw sa kanya yung maso," dagdag ng kamag-anak ng biktima. Matapos ang insidente, nagtago pa ang suspek bago siya madakip ng awtoridad. "Although merong kaunting resistance pero nu'ng makita na may pulis na may uniporme kusa na rin siyang sumama sa mga pulis," sabi ng hepe ng Navotas City Police na si Colonel Rolando Balasabas. "Ayon sa imbestigasyon, 'yung suspek ay merong history ng problema sa utak, so hindi po normal ang kanyang pag-iisip. Siguro sa panahong iyon, sinumpong siya," sabi ni Balasabas. Samantala, mahaharap sa kasong serious physical injury in relation to child abuse ang suspek. "Yung korte na po bahalang mag-evaluate sa kanya kung siya ay may criminal liability considering na siya ay merong diperensiya sa pag-iisip," paliwanag ni Balasabas. +Sumaklolo ang kapwa singer at anti-Duterte na si Leah Navarro kay Jim Paredes matapos aminin na siya ang nasa video scandal na kumalat sa social media. Sa pahayag ni Leah sa kanyang Twitter account, sinabi nito na dapat kasuhan ang naglabas at nagpapakalat ng private video ni Jim. "Laughing at my friend Jim Paredes and his predicament doesn't make you, video thieves and sharers, any better than him. The lengths you went through to reveal his private data are CRIMINAL and you should be charged. You violated his privacy. Karma boomerangs big time," tweet ni Navarro. Binanatan ni Leah ang isang Twitter user na may sabing "Jim Paredes should apologize to the entire Filipinos well maybe except you. It was the most disgusting and traumatizing event ever. I hope you realized that it was his own doing not anyone elses. Others might have enjoyed watching it and defending him now. Who knows." "Yup. She and others who watched the illegally uploaded video can be charged with voyeurism, a crime in the Philippines," ani Navarro. Naunang sinabi ni Paredes na peke ang naturang video pero sa pamamagitan ng kanyang blog post ay inamin nitong siya nga ang lalaki sa viral video. "Today, I wish to express my truth. I am a flawed person, a human being, much like everyone else. I made a mistake, I was irresponsible. And I am truly sorry. I know many of you have judged me and condemned me, and those who held me in high esteem are disappointed in me, to put it mildly. I apologize for my irresponsibility," pahayag ni Paredes. +Manonood na lamang daw ng Koreanovela si Lolit Solis kaysa pagtiisan panoorin ang kumakalat na video scandal ni Jim Paredes. Ito ay kung saan makikita sa video na pinaglalaruan ni Jim ang kanyang sarili habang dumidila-dila pa sa harapan ng camera. Ibinahagi ni Lolit sa isang post ang inis at pandidiri kay Jim. "Potah ka! Mas maganda ang watch ko na Koreanovela noh! Kadiri ha? Akala mo, good boy, j...l j...l pala. Wehh!" sabi ni Lolit. Malalim ang hugot ni Lolit sa isyu dahil minsan na siyang tinawag noon na isang "demented woman" ni Jim at tinawag na "kanser sa lipunan" ang alaga nito na si Bong Revilla. "Hoy, mas cute naman ang Koreanovela kesa sa kanya noh! Tinawag pa niya ako noon na demented at cancer daw sa society si Bong. Hay naku, magtigil siya ngayon noh!" dagdag ni Lolit. May kinikimkim din na galit si Arnell Ignacio laban kay Jim na isa sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kung matatandaan, hinamon ni Arnell sa isang debate si Jim dahil hindi nito nagustuhan ang ginawang pagpapaalis sa mga batang supporters ng Pangulo na dumalo sa 31st EDSA revolution anniversary. +Nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng iba't-ibang mga grupo ng militanteng kabataan at kapulisan sa isinagawang kilos-protesta laban sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa Quezon City. Iprinotesta ng mga kabataan ang pagtaas ng matrikula sa iba't-ibang eskuwelahan maging ang pagkakatanggal sa kolehiyo ng subject na Filipino at Panitikan, at posibleng pagbalik ng mandatory ROTC. Nakuhanan naman ng video ang aktwal na komosyon sa CHED kung saan pilit na pinapasama ng mga pulis ang mga kabataang nangbato ng pintura. Nagsimula ang komosyon nang may mga raliyistang nagbato ng mga paint bomb sa gate ng tanggapan dahilan para pigilan sila ng mga pulis at arestuhin. Maririnig din sa video na umalma ang mga kasamahan ng mga kabataan sa ginawa ng mga pulis. "Bakit n'yo sinasaktan?" sigaw ng isang aktibista. Paliwanag ng pulis na hindi na umano tama ang ginagawa ng mga kabataan kung kaya kailangan nilang pigilan ang pag-eeskandalo ng mga ito. "Hindi sinasaktan. Kailangan lang kuhanin kasi mali na 'yan," saad ng pulis. Nagkaroon ng pagpalag sa grupo ng mga kabataan sa pagkaaaresto ng tatlo nilang mga miyembro. +Inanunsyo ng babaeng anak ni Jim Paredes na si Erica na magpapahinga muna ito sa social media. Ito ay matapos aminin ni Jim na siya ang napanuod sa isang video scandal na kumalat at viral online. Ayon kay Erica Paredes, break muna siya mula sa kanyang social media account. Paliwanag niya, nakakaramdam na siya ng labis-labis na "toxic energy" at hindi na ito kasing saya tulad ng dati. "Taking a break from my personal social media for a bit. Too much toxic energy and honestly, it's not as fun as it used to be." Mensahe pa ni Erica sa publiko: "Mind yah business. Post things that will actually benefit the society." "See y'all soon! Friends, you can still DM me." "In the meantime, be nice. Mind ya business." "Post things that will actually benefit society. Check on your loved ones often. Byeeeeeee." Kasabay nito ay pinasalamatan naman ni Erica ang mga kaibigan at followers niya na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at suporta kahit na marami ngayon ang bumabatikos sa kanyang ama. "Just a quick THANK YOU to friends and even followers I have never met who reached out. I had an outpour of love and support in my inbox this morning." "We are dealing with it. Just want life to go back to normal already. Whatever that really means in my not normal life." "Again see y'all soon. Just wanted to say thank you. Means a lot." +Nakatikim ng mga patutsada mula kay Mocha Uson si Jim Paredes, ang viral sensation ngayon sa social media dahil sa scandal video. Mababatid na kumalat sa social media ang scandal ni Paredes na may ka-video call at padila-dila pa sa harapan ng camera habang nilalaro ang maselang parte ng katawan. Dahil dito ay hindi na nag-atubiling resbakan ni Uson si Paredes sa mga pagmamalinis nito. Isa sa mga binatikos ni Uson ay ang ilang beses na pagtira ni Paredes laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. "Alam mo ang problema sayo hindi naman yang pag video na nagsosolo. Walang pakialam ang tao kung gawin mo yan. Buhay mo yan. Lahat naman tayo merong pribadong buhay. Ang problema kasi yung pagiging pagmamalinis mo. Ilang beses mo tinira ang Pangulo sa kanyang mga salita at gawa na may kaugnay sa babae yun pala ikaw ang ganun," resbak ni Mocha. Ayon pa kay Uson, kilala niya raw ang pagkatao ni Paredes at hindi aniya ito binanatan ng husto noon kahit panay ang batikos sa kanya. "Mr. J. Paredes alam mong alam ko ang tunay mong pagkatao. Hindi na nga kita pinuruhan dati kahit panay ang banat mo sa akin dahil matanda ka na at marunong akong rumespeto sa mga nakakatanda pagdating sa mga musikero dahil isa din akong artist. Kaya ayan KARMA na ang humabol sayo. Wag kang mag alala may bukas pa. May panahon pa magsisi. Wag po kasing magmalinis," buwelta ni Mocha. Binanggit din ni Uson ang tungkol sa iba pang media personalities na nagmamalinis at nagkukunwaring disente. Nagbigay naman si Uson ng pahiwatig kung sino ang mga ito. "Itong pangyayari na ito ay isang babala sa mga naglilinis linisan. Marami pa akong kilalang mga disente kuno na media personality pero matindi ang kamanyakan. Wag niyong kalimutan dati akong nasa industriya ninyo at kilala ko ang mga binobook ninyo. Kaya umayos kayo. PLS LANG. WAG AKO," pagsisiwalat ni Mocha. "Ikaw matandang ubo ng ubo. Araw araw mo akong binabanatan noon sa programa mo. Antay ka sa karma. Alam ko sikreto mo. At ikaw namang mahilig sa pipino panay banat mo din sa akin na wala akong karapatan manilbihan sa gobyerno dahil isa lang akong hamak na sexy dancer dati. Ingat baka ma ospital ka dyan, O na ospital na nga ba?," dagdag ni Mocha. Inamin naman ni Uson na naging sex blogger siya sa isang sexy magazine dati at nagbibigay payo sa mga problema ukol sa sexual health. "Nakalimutan ata nitong mga disente na ito na dati akong SEX BLOGGER sa isang sexy magazine. Humihingi pa nga kayo ng advise dahil may problema kayo kay junjun. Tamad na kasi. Iba pa sa inyo nag aaya pa ng threesome kasama jowa niyo. Kaya pls lang wag ako. Baka nakakalimutan niyo din ata kilala ko ang bugaw sa industriya dahil nagsusumbong sila sa akin pag may mga nag aapply sa Mocha Girls na nag wawalk para hindi ko na tanggapin. Winawarningan na nila ako kaagad dahil alam nila na ang grupo ko ay sexy lamang sa show pero off stage mga inosente talaga," ani Mocha. Aniya, natatawa na lang siya dahil sa mga media personality na nagpapanggap na disente pero ang totoo umano ay mga manyakol. "At nakwekwento din nila ang mga disente kunong media personality pero ang totoo manyakol. Kaya natatawa nalang ako pag napapakinggan ko mga banat nila kay PRD na keso manyak. Napapa- look who's talking- nalang ako. SO PLS LANG DONT ME," dagdag ni Mocha. +Inamin na ni Jim Paredes na totoo ang alegasyon na mayroon siyang sex video. Ito ay matapos niyang sabihin na peke ang kumakalat na video sa social media. Sa statement ni Paredes sa kanyang website, sinabi nito na mahirap sa kanya ang pagsulat ukol sa sex video at masakit naman ito para sa mga makakabasa. "This is very difficult for me to write, and for many of you, it will be painful to read," ani Paredes. Ayon kay Paredes, totoo ang video pero ito aniya ay pang pribado lamang at hindi para sa publiko. Hindi umano alam ni Paredes kung paano kumalat ang video pero nagpahiwatig ito na posibleng may halong pulitika ang paglabas nito sa social media. "The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work," ani Paredes. Nang makita umano ni Paredes ang video sa social media ay hindi niya alam kung paano ito sasagutin pero matapos mag-isip at magdasal ay nagdesisyon itong aminin ang video. "When I saw it on social media, I was in a quandary how to respond. But after mulling and praying over it, I decided to come clean. There are already too many lies and liars in this world. I do not wish to be a part of that cabal. I have chosen to be truthful because I know that painful as the truth can be, it will eventually set me free," saad ni Paredes. Sa huli ng kanyang pahayag ay humingi ito ng paumanhin sa kanyang pagiging iresponsable at sa mga nadismaya sa kanya dahil tao lang aniya siya na nagkakamali. "I have never tried to project myself as perfect. Of all the sins in this world, I believe sex is the most human of all. I am not saying this to excuse what, I regret, was broadcast on social media. I have always expressed my feelings freely. Today, I wish to express my truth. I am a flawed person, a human being, much like everyone else. I made a mistake, I was irresponsible. And I am truly sorry," ani Paredes. "I know many of you have judged me and condemned me, and those who held me in high esteem are disappointed in me, to put it mildly. I apologize for my irresponsibility. But most especially, I stand in bottomless sorrow and contrition before my family who are reeling from the hurt and aggravation, and the embarrassment and shame, that should only be mine. I pray that they be spared any more wicked trolling by those who would revel in their pain," dagdag ng Paredes. +Nakatakdang buksan sa taong 2020 ang bagong Terminal 2 ng Clark International Airport (CRK) na ngayo'y nasa 53% na ang progreso ng konstruksyon. Sa ginawang inspeksyon ng "Build, Build, Build" Team, sinabi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vivencio B. Dizon na sa pagbubukas ng paliparan, ito ay magiging pinakabagong premiere gateway ng Pilipinas sa Asya. Sa lapad na 110,000 square meters na gusali ng Terminal 2, kaya nitong maglulan ng P80 million pasahero kada taon habang sa taas na 22 metro kumpara sa Mactan International Airport sa Cebu na 16 metro lamang, ito na rin aniya ang "pinakamatangkad na airport" sa buong Pilipinas. "The new passenger terminal at Clark International Airport is now at 53% completion rate and is targeted to be operational by 2020. With a design that speaks of the unique characteristics of Central Luzon and Pampanga, the new Passenger Terminal Building will increase Clark International Airport's capacity to P12.2 million passengers annually. It is also expected to decongest Ninoy Aquino International Airport and help create jobs and boost economic development in Central Luzon." Binigyang diin pa ni Dizon na idinisenyo rin ang arkitektura ng terminal base sa topograpiya na nakapalibot sa naturang paliparan. Ito ay gawa sa matitigas na kahoy na mula sa bansang Austria, ang trases na hinugis bundok na magsisilbing vista o porma ng magiging bubong ng Terminal 2. Base naman sa ipinakitang rendisyon ng arkitekto, magkakaroon ng 17 air bridge tubes o iyong dinadaanan ng mga pasahero upang makasakay sa nakaparadang eroplano mula sa gusali ng paliparan. May halagang P12.2 billion ang inilaan sa proyekto mula sa sariling kita ng BCDA na itatayo ng Megawide Corporation sa tulong ng Changi Airport ng Singapore. Samantala, kasabay ng pagbubukas Terminal 2 sa 2020 ang pagkakaroon ng pangalawang runway ng CRK habang inihahanda na rin ang disenyo ng ikatlong runway nito. Pinasalamatan naman ni Dizon si Pangulong Duterte dahil naisakatuparan ang proyektong ito na bahagi ng "Build, Build, Build" infrastructure program ng administrasyon. Target din ng gobyerno na maging kauna-unahang "aerotropolis" sa bansa ang pinalalawak na CRK kung saan magtatayo rin ng iba't ibang imprastruktura sa paligid ng airport +Nagbigay ng reaksyon ang masugid na kritiko ng administrasyong Duterte at Original Pilipino Music (OPM) legend na si Jim Paredes sa umano'y sex video niya na kumakalat sa social media. Tinawag ni Paredes na 'Fake News' ang pagkalat ng sinasabing video scandal niya kasabay ng April Fool's Day ngayong April 1. Ito'y sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang mga nagtatanong sa kanyang Twitter profile kung siya ba ang nasa naturang halos dalawang minutong video. Sinagot nito ang tanong ng isang lalaki na, "Eh yung video mo, fake din? Sino sponsor mo?" Isang maikling "fake" ang itinugon dito ng singer at composer. Ilan sa mga netizen ang nagsabing si Paredes ito dahil sa nunal sa dibdib at tattoo sa braso. Nabatid na sa simula ng video, makikitang nilalaro muna ng lalaking sinasabing si Paredes, ang dila nito habang naka-earphones bago isinentro sa kanyang ari ang camera at tsaka rin nag-masterbeyt. +Sumuko na sa pulisya ang driver ng kotseng sangkot sa hit and run incident na ikinasawi ng isang babae at ikinasugat ng kanyang kinakasama sa Pasig City. Makikita sa isang viral video na binabagtas ng motorsiklo ng mga biktima ang Marcos Highway nang sagiin sila sa bandang likuran ng kotse. Bumulagtad ang mga biktima habang tumakas palayo ang sasakyan. Kinilala naman ang suspek na si Adrian Russel King Carlos, 29-anyos, presidente at general manager ng isang kumpanya. Batay sa ulat, kusang nagtungo si Carlos sa Pasig City Police Headquarters para sumuko matapos mabangga ang maglive-in partner na sina Rossana Ugto at Mark Joseph Belen habang binabaybay ang Marcos Highway sakay ng motorsiklo. Giit ni Carlos na pinag-isipan niya pang mabuti kung siya nga ang suspek sa nag-viral na video ng hit and run incident dahil hindi aniya alam na kanyang tinamaan ang maglive-in partner. Iginiit din nitong hindi siya lasing o lango sa iligal na droga noong gabi na mangyari ang insidente. Kasabay nito, humingi ng tawad si Carlos sa mga biktima at nangakong sasagutin ang gastos sa ospital at pagpapalibing sa nasawing babae. Samantala, sinabi ni Pasig City Police Chief Rizalito Gapas na kanilang isasailalim sa inquest proceedings si Carlos para masampahan ng patung-patong na kaso tulad ng reckless imprudence resulting in homicide, damage to property at physical injury. Mababatid na inere sa Aksyon sa Tanghali ang viral video at nanawagan ang kaanak ng mga biktima sa Raffy Tulfo in Action Facebook Page at YouTube Channel. Dito ay naglagak ng P500K reward si Raffy Tulfo sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa salarin. +Umabot sa mahigit 16,000 volunteers ang nakiisa sa isinagawang cleanup operation sa mga estero at ilog na konektado sa Manila Bay bahagi ng rehabilitasyon ng dagat. Nanguna sa tinaguriang "Battle for the Rivers and Esteros" ang mga opisyal ng Departments of Environment and Natural Resources (DENR), Interior and Local Government (DILG), Tourism (DOT), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, lumahok sa clean-up drive ang nasa 16, 309 volunteers at 181 barangay upang ma-rehabilitate ang Manila Bay. Aniya, nakakolekta sa isinagawang cleanup ng 37,103 kilo ng basura na nailagay sa 5,301 na sako. Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, dapat munang ituon ang atensyon sa pinagmumulan ng problema at ito ay mga basura at colliform na nanggagaling sa informal setllers dahil kapag naresolba aniya ito ay lilinis na ang Pasig River at ang Manila Bay. "Habang pumupunta kami sa esteros, maraming hidden problems ang lumalabas. We will implement properly the Ecological Waste Management Act," ani Cimatu sa Estero de Magdalena sa Tondo. Muli naman pinaalala ni Interior Secretary Eduardo Ano ang kaniyang utos sa mga opisyal ng 5,700 barangay sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon na maglunsad ng lingguhang cleanup ng mga daluyan ng tubig sa kani-kanilang mga lugar. +Nahaharap sa kasong rape ang isang 60-anyos na lalaki na inaresto matapos na nangmolestiya sa isang 5-anyos na kapitbahay nito sa Pasay City. Ayon kay Police Col. Bernard Yang ng Pasay PNP, nakita ng kapatid ng 5-anyos na babae na lumabas ang bata sa common CR ng kanilang gusali sa Bgy. 150 na sinundan ng suspek. Nang tinanong ng mga kapamilya ang bata, inamin ng bata na pinahawak ng lalaki sa kaniya ang ari nito. Sinamahan naman ng atworidad ang ama ng bata para hulihin ang suspek, na tagahugas ng pinggan sa isang karinderya. Sabi ng suspek, inaantok at naalimpungatan daw siya kaya minolestiya ang bata. Tinanggi naman ng suspek na nakainom siya o lango sa iligal na droga. Tila balewala sa suspek kung siya ay makulong at inamin naman nito ang ginawang krimen. Samantala, pinasusubaybayan na ang bata sa eksperto upang masiguro na magiging maayos pa rin ang kalagayan nito. +Umaani ngayon ng batikos mula sa social media ang legendary OPM artist na si Jim Paredes matapos ibahagi ng ilang pro-Duterte bloggers ang screenshot ng umano'y scandal video. Sa screenshot ng video, makikita ang umano'y isa sa mga kritiko ng administrasyon na itinutok sa maselang bahagi ng katawan ang camera. Hindi naman napigilan ng mga pro-Duterte bloggers tulad nina Thinking Pinoy, VOVph, Sass Rogando Sasot, at Krizette Laureta Chu na magkomento ukol sa video. THINKING PINOY: Kaloka yung dila ni Jim Paredes sa video. I am still reeling from the shock. My gahd, Jim, I don't wanna LUKATYU! Yung wish ko sana e April Fools Day joke lang yung video ni #LUKATME. PERO MY GAHD, HINDEH! Guys, yung social media poster boy ng Liberal Party, hindi raw manyakis. P.S. Napanood niyo na ba? Gusto kong malaman kung ano ang paboritong ice cream ni Jim Paredes... o kahit yung paboritong lollipop na lang. Fake daw pero yung nunal niya sa jugular notch na kita sa isa sa kanyang mga instagram post, andon rin sa video e. DISCLAIMER: Hindi siya ganyan ka-macho. Pramis, magdi-diet na ako. Para kung sex video ko naman ang mag-leak, hindi nakaluwa yung pusod. VOVPH: Hindi na xa Jim LOOK AT ME Paredes. Siya na si Jim "LOKAJ ME" Paredes. Dalagang Pilipina Yeah!! Ang tanda2x na nag vivideo pa sa sarili Yeah!! Binura ko yung Dalagang Pilipina Vid. Di kaya ng sikmura ko ishare. Intro pa lng nga yun eh. Wala pa yung "LOKAJ ME" me moment. Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay, DI MAIWASANG GUMAWA NG DI INAASAHANG BAGAY Jim #LOKAJME Paredes A Great Philosopher once said Bastos, Malaswa at Manyakis si PRRD.. LOOK AT ME.. Nag vidJAKOL with Dila2x.. Ang nunal sa dib2x bow. KRIZETTE LAURETA CHU: Only a dinosaur can outright lie and say a video is fake when it's not. Duh. Tech experts can check, DUH. Yung si Paul Walker nga na Hollywood movie na yun halatang super fake! NAHIYA NAMAN YUNG CGI EXPERT NA GUMAWA NG FAST AND FURIOUS SA SOBRANG GALING NG PAGKAKA EDIT NG SAYO. Alsoooooo.... kung hindi man pantay ang color ng skin hindi dahil sa fake yon kundi dahil DI KA NAG MOMOISTURIZE FOR THE MOTHERLAND - SASS ROGANDO SASOT: Kapag gagawa kayo ng sex video, siguraduhin maganda at tasteful. Para kahit kumalat, wala kayong kakatakutan. Di po ito based sa personal experience, payo lang sa akin ng kakilala. Thnx bhye. Sabi raw ni Jim fake daw iyong sex video. Sir, ano pong email ninyo at ipadala ko ang link ng ma-verify ninyo kung sa inyo po iyong tattoo? +Isiniwalat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa kanilang military intel ang mga umano'y partylists groups na konektado sa teroristang Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA). Ito ang mga partylist groups na kasalukuyang mino-monitor ng AFP: Mababatid na aminado ang AFP na problema pa rin ang recruitment sa "minors" ng CPP-NPA. Isa umano sa mga dahilan ay ang matagumpay na propaganda machinery ng mga leftist groups kaya nahihikayat ang mga kabataan na may edad mula 11 hanggang 12 taong gulang na sumama sa rebeldeng kilusan. Mabilis na nagagawa ito dahil bukod sa pagiging organisado, ay suportado pa ng ilang foreign countries na nagbibigay ng malaking pondo. +Napatay ng mga pulis ang walang awang pumatay sa mag-asawang senior citizen sa Quezon City matapos magtangkang tumakas at kunin ang baril ng isang pulis. Sa report na inilabas ng Philippine National Police (PNP), nabaril ng pulisya si Cal Joseph Bananola, pangunahing suspek sa pananaksak sa mag-asawang sina Nicolas Austria, 86-anyos, retiradong Engineer, misis nito na si Leonora, 87-anyos, retired goverment employee at kanilang kasambahay sa Barangay San Agustin, Novaliches. Ayon kay Roselle Cejas ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, nasa Kalayaan Avenue at pabalik na sana sila sa QCPD Headquarters ng Camp Karingal matapos isailalim sa inquest proceedings sa piskalya ang suspek. Hiniling umano ng suspek na luwagan ang kaniyang posas sa Kalayaan Avenue kaya pinagbigyan naman ito ng nakabantay na pulis, ngunit bigla na lang umanong inagaw ng suspek ang baril nito. Dahil dito, napilitan si Cejas na barilin ang suspek. Naidala pa raw sa East Avenue Medical Center ang suspek, ngunit idineklara itong dead on arrival. Nasa drugs watch list ng barangay ang suspek at umamin na naka-droga nang gawin nito ang krimen kung saan walang awang pinagsasaksak at pinalo pa ng tubo hanggang sa mapatay ang mga biktima. SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-ASAWANG SENIOR CITIZEN SA NOVALICHES, ARESTADO SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-ASAWANG SENIOR CITIZEN, PATAY MATAPOS UMANONG MANLABAN SA MGA PULIS +Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang social media giant na Facebook na gumawa ng legal na aksyon laban sa mga nasa likod ng mga peke o troll accounts. Ito ay kasabay ng pagtatanggal ng Facebook sa 200 pages, groups at accounts ni Nicanor Gabunada Jr. dahil sa umanoy "coordinated" at "inauthentic behavior". Sa programang Biserbisyong Leni ni Robredo, nararapat umanong managot sa ilalim ng batas ang mga nagpapalaganap ng pekeng accounts sa social media para mabigyan ng leksyon. "Maybe it would be better if they look into these pages to see if cyber-bullying is involved so that online trolls will be given a lesson," saad ni Robredo. Mababatid na nasa 67 Facebook pages, 68 accounts, 40 groups at 25 Instagram accounts ang tinanggal sa social media platform. "This is saddening. For the past three years, we knew this was happening. The announcement on Friday was the confirmation," ani Robredo. Magugunitang inihayag ni dating PNP Chief Ronald Dela Rosa na ang "palit-ulo" scheme ay hindi katulad ng sinabi ni Vice President Leni Robredo na malinaw umanong labag sa batas. PANOORIN: PAGKAKALAT NG FAKE NEWS TUNGKOL SA ILOCOS NORTE NI VP LENI ROBREDO SA IBANG BANSA, NAKAKAHIYA AYON KAY ILOCOS NORTE GOV. IMEE MARCOS +Nagbigay ng opinyon si Vice President Leni Robredo sa kanyang programa sa radyo na BISErbisyong LENI ukol sa pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa. Iginiit ni Robredo na kung nagkaroon umano ng pagkakasala si Ressa ay kasuhan na lang daw ito para mapanagot sa batas. "Hindi naman natin sinasabi na bigyan ng special treatment. Pero iyong sa atin lang, kung nagkasala, eh 'di kasuhan para panagutin kung may pagkakasala, pero ito kasi, parang nakikita natin na sini-single-out," sani ni Robredo. Ang pahayag ni Robredo ay matapos arestuhin si Ressa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law. Ngunit agad na nagbayad ng 90,000 pesos si Ressa sa branch 268 ng Pasig Regional Trial Court para sa pansamantalang kalayaan nito. Matatandaang nag-ugat ang naturang kaso sa reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipts sa Indonesian company na Omidyar Network na sinasabing investor ng online news website na Rappler. Sakaling mapatunayan ang pagkakasala, posibleng makulong sina Ressa at ang mga board members ng Rappler ng hanggang labing limang taon. +Ibinida ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Pinol ang P10 million monolithic dome sa DA-Southern Cagayan Research Center sa Minanga Norte sa Iguig, Cagayan. Ang nasabing dome ay magsisilbing imbakan ng mga produktong agrikultura, katulad ng mga binhi at iba pang ani sa probinsiya ng Cagayan. Ito ay may sukat na 8.5 metrong taas, 15m lawak, at 30m haba na may climate-smart technology na kayang tumayo sa panahon ng mga kalamidad katulad ng signal 5 na bagyo at malakas na lindol. "The state-of-the-art warehouse will be a breakthrough in the region's agriculture sector, particularly for seeds storage to maintain seed viability and quality. This can also be used as human shelter or evacuation center during calamities, cold storage for agricultural products and many others," saad ni DA Regional Executive Director Narciso Edillo. Ang isang monolithic dome ay istruktura na nasa pormang one-piece form, na maaaring permanente o panandalian, at maaari o 'di maaaring maging bahagi ng isang tapos na istruktura. BASAHIN ANG BUONG POST NI SEC. MANNY PINOL MULA SA KANYANG FACEBOOK ACCOUNT: +Hinamon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga television networks sa bansa na kusang magsagawa ng susrprise at mandatory drug test sa kanilang mga artista. Maaari naman aniya na gawin itong pribado o kompidensyal at hindi na ilalabas sa publiko ang resulta. Ito ang pahayag ni PDEA director general Aaron Aquino matapos niyang isiwalat na 31 artista ang nasa kanilang drug watchlist. "I just hope that na kung mangyari man, lahat sana ng celebrity present just to be, just to show to the public that they are clean," ani Aquino. Sa unang ulat, sinabi ni Aquino na 11 sa 31 na artista sa kanilang drug watchlist ay aktres, 17 ang mga batang aktor, nasa kanilang 20s at 30s, habang ang natitirang tatlo ay matatanda nang artista, nasa 40s at mayroon din umanong mga love teams sa listahan. Nagbabala si Aquino na hindi magdadalawang isip ang PDEA na arestuhin ang mga artista na sangkot sa ilegal na droga. "Marami na rin kaming nahuling mga artista and huwag niyo nang hintayin mahuli namin kayo. Huwag niyo sabihin nasa hotel kayo, condominium, nasa exclusive subdivision, bibirahin namin at bibirahin namin kayo," ani Aquino. Samantala, aminado naman ang pulisya na hindi madali ang pagkalap ng ebidensiya laban sa mga artista na nasa watchlist. "It remains a challenge for PNP and PDEA on how to build a strong case against the persons in the watchlist," sabi ni Police Colonel Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP. +Inaresto ng mga otoridad si Rappler CEO at executive editor Maria Ressa ngayong Biyernes ng umaga, March 29 kaugnay sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law. Isinilbi ng tauhan ng Pasig PNP ang warrant of arrest kay Ressa pagkababa niya sa eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Ang arrest warrant na iprinisinta ng mga awtoridad laban kay Ressa ay isinilbi ni Pasig Regional Trial Court Branch 265 Judge Acerey Pacheco. Si Ressa ay dinala sa Pasig Police Station upang sumailalim sa booking procedure at nakatakdang maghain ng P90,000 na piyansa. Ayon kay Maria Ressa, ito ay panibagong pag-atake na naman sa kanyang karapatan at press freedom dahil wala umano siyang ginagawang mali pero bakit tila kriminal ang tingin sa kanya ng pamahalaan. Si Ressa ay nahaharap din sa kasong cyber libel at tax evading cases sa magkaibang korte na paulit-ulit niyang tinatawag na "harrassment". Ang anti-dummy case ay konektado sa Securities and Exchange Commission (SEC) order na nagsusupende ng incorporation papers ng Rappler dahil sa umano'y paglabag sa constitutional restriction na nagbabawal sa mga dayuhang kumpanya. +Mas lalong umiinit ang galit ng mga netizens sa social media dahil sa estudyanteng nambully sa isang kapwa-estudyante sa Pitogo High School. Nakilala ang biktima ng pambubully na si Aeron. Isang tahimik na estudyante na binully at binugbog nina Ryan Jericho Sahagun at Michael Angelo. BASAHIN ANG BUONG POST MULA KAY ERIKA SALVACION: Sa kabila ng pag-viral ng video ng pambubully, matapang pa rin ang isa sa mga bully na si Ryan Jericho Sahagun na naghahamon pa sa social media. Dahil sa mga sinasabi ng bully ay mas lalong nagalit ang mga netizens sa angas niya. BASAHIN ANG PANIBAGONG UPDATE MULA KAY XENNA GISELLE CARTER: +Tatlong miyembro ng New People's Army (NPA) ang namatay sa pakikipagbakbakan sa mga pulis sa Northern Samar. Nagsimula ang sagupaan matapos sugurin ng hindi pa matukoy na dami ng bilang ng NPA ang Municipal Police Station sa bayan ng Victoria sa nasabing lalawigan. Ayon sa ulat, alas 3:20 ng madaling-araw ng Huwebes, March 28, nang maganap ang sagupaan at ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, matagumpay na naprotektahan ng mga pulis ang kanilang himpilan. Ayon kay Banac, tumagal ng tatlong oras ang sagupaan dahil tinangka talaga ng mga rebelde na pasukin ang istasyon ng pulisya. Nasa 50 na rebeldeng NPA na nakasuot ng uniporme ng militar ang sumalakay sa himpilan, at kahit mas kakaunti o 15 lang ang bilang ay naidepensa ng mga pulis ang kanilang hanay. Maliban sa tatlong nasawi mayroon din isang rebeldeng college student na may dalang M-14 rifle ang nadakip, habang dalawang pulis naman ang sugatan. Pinaniniwalaang isang criminology student ng University of Eastern Philippines (UEP) ang nahuling NPA. Ayon kay Banac, nakikita nilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng NPA ang ginawa nilang pag-atake. +Higit 248 units ng construction equipment na nagkakahalaga ng P1.5 billion ang binili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa China para sa rehabilitasyon ng Marawi City at mga kalapit lugar. Ayon kay Major General Pio Q Dinoso III, Deptuy Chief of Staff for Logistics na "These equipment will not only help the AFP to support the continuous effort of the administration to facilitate the comprehensive rehabilitation and reconstruction of Marawi as a city but also in performing our role in support to national development of the whole country." Tinanggap ng AFP mula sa Department of National Defense (DND) ang mga kagamitan sa isinagawang isang symbolic handover sa Camp Aguinaldo. Ang pagbili sa mga bagong kagamitan ay bahagi ng Horizon 2 program ng AFP Modernization Program at nabili sa ilalim ng government-to-government deal sa China. Ang Horizon 2 program ay may P300 billion budget mula sa Duterte administration na ipinatutupad mula 2018 hanggang 2022. Ilan sa mga nabiling equipment ay mga telescopic cranes, tracked dozers, road graders, scoop loaders, backhoe loaders, road rollers, transit mixers, dump trucks, at water lorries. Ayon kay Department of National Defense Undersecretary Cardozo Luna, Guest of Honor at Speaker sa nasabing event, na ang pagbili sa kagamitan ay resulta ng gumagandang relasyon ng Pilipinas at China. "The implementation of this project and the upcoming donations from China serves as a testament to the growing bilateral exchanges between the Republic of the Philippines and China and its support to the AFP's modernization program," ani Luna. "The AFP Engineering Equipment Acquisition project with an approved budget for the contact in the total amount of one billion five hundred sixty million pesos (P1,560,000,000) is the first project implemented after the signing of the MOU on defense logistics cooperation between RP and China," dagdag ni Luna. +Nagpaabot ng pagbati si dating Davao City Vice Mayor Paolo "Pulong" Duterte para sa ika-74 na kaarawan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat si Pulong sa kanyang ama sa pagbibigay ng oras sa kanila sa kabila ng busy schedule nito. Tiniyak ni Pulong na siya at kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang haharap sa mga kalaban at bumabatikos sa kanyang ama. Nabatid na plano lamang ng Pangulo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan na manatili sa kanyang bahay sa Davao City kasama ang pamilya. +Maraming netizens ang natunaw ang puso at napabilib sa kumakalat na larawan ng isang mag-ama na kahit walang suot na sapatos ay patuloy na nagmartsa sa graduation rites ng anak. Sa isang post na binahagi sa Facebook, makikita ang isang ama na hawak ang anak na naglalakad kahit silang dalawa ay walang sapatos para sa isa sa mahalagang pangyayari sa buhay ng mag-aaral. Napansin ng mga netizen ang t-shirt na suot ng ama na "Superman" na para sa kanila ay nararapat lamang na isuot nito dahil isa umano siyang bayani sa buhay ng bata. Bagama't hindi nasambit sa post kung miyembro ng anumang katutubong grupo ang mag-ama dahil sila ay naka-paa, tunay na napahanga ang mga netizen dahil hindi nila kinahiya kung anuman ang kanilang estado sa buhay. Ang ilan pa sa mga netizen ay hindi raw napigilang maluha nang makita ang larawan. +Pinasinayaan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P31 million Rescue and Coastal Patrol Asset para sa paghahanda sa panahon ng tag-ulan o "Oplan Kahandaan: Typhoon Season". Pinangunahan ni Admiral Elson Hermigino, PCG Commandant ang pagpapasinaya sa nasabing mga rescue assets. Ayon kay Hermigino, bilang bahagi ng capability development project, ang karagdagang water crafts kabilang ang 20 alumninum boat, 20 jetski, 20 7-meter rigid hull flatable boat na may tig-2 makina at 60 multipurpose van ay gagamitin para sa preparasyon ng tag-ulan at inaasahang banta ng mga bagyo at pagresponde sa mga matinding pagbaha. Ayon pa kay Hermigino, magsagagawa na rin sila ng mga pagsasanay sa pagpapatakbo ng mga bagong mga kagamitang ito, sa pangunguna ng special operations force ng PCG. Patatakbuhin ng PCG Special Operation Force ang rescue assets na siyang gagamitin sa panahon ng tag-ulan para sa maritime search and rescue, maritime security, coastal patrol and land-based disasters dulot ng masamang panahon at bagyo. Sa susunod na buwan ay mayroon pa aniyang karagdagang 73 bagong barko o rescue vessel na magmumula sa France at 12 seven-meter rigid hull inflatable boats na gagamitin sa rescue operations, patrol at interception. WATCH: THE PHILIPPINE COAST GUARD SHOWS OFF THEIR EQUIPMENT IN PREPARATION FOR THE EXPECTED THREATS OF TYPHOONS +Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pag-aresto sa suspek sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu. Itinuturong suspek sa kaso ang 17-anyos na dating kasintahan ni dalagita na naaresto noong March 16. Bago ito, ipinag-utos ng prosecutor ang pansamantalang kalayaan ng suspek matapos mabigo ang National Bureau of Investigation (NBI) na i-justify ang warrantless arrest. Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Koronadal City, South Cotabato, inatasan ng Pangulo ang prosecutor na baliktarin o bawiin ang desisyon at nais nitong muling arestuhin ang pinalayang suspek. "'Yung nakapatay sa bata ni-release upon orders of the prosecutor. Tinawagan ko siya pagka-umaga...sabi ko i-recall mo 'yang order ninyo of dismissal and have the guy re-arrested kasi piskal ako, piskal ka," pahayag ng Pangulo. '"Yang habulan na 'yan continuous 'yan hanggang mahuli mo then you file a case. Kayong mga abogado, panero, how do you apply that stupid principle? Sige daw. Pagka-ganun wala nang maaresto. Alam ninyo 'yan. Paano mo aarestuhin 'yan?" dagdag ng Pangulo. Paliwanag ng Pangulo, hindi nangyayari ang hot pursuit sa loob ng 24 oras lamang. "Di ako papayag na ganunin mo lang ang tao. Patayin mo ang bata, balatan mo tapos magsibat ka lang, mahuli ka after six days tapos ma-release ka kasi hindi hot pursuit," ani Pangulo. Iginiit ng Pangulo na habang iniimbestigahan ang isang kaso at nagsasagawa ng mga follow-up operation ang mga otoridad, matatawag pa rin itong hot pursuit. "For as long as there is somebody who conducted the investigation and made a follow up everyday that is still hot pursuit to me. Imposible mo 'yang sabihin mo na hot pursuit 24 hours lang ngayon." ani Pangulo. Naniniwala ang Pangulo na ang pagpatay sa dalagita ay resulta ng pagkalulong sa iligal na droga ng suspek at iba pa nitong mga kasabwat. Ayon pa sa Pangulo, sa klase ng krimen na nangyayari ngayon ay masasabing lumala pa ang problema ng bansa sa iligal na droga. Matatandaang pinatay ang dalagita, binalatan ang mukha at tinanggal ang dila at iba pang parte ng katawan. +Upang mapabilis ang paggawa ng plaka, ibinida ng Land Transportation Office (LTO) ang isang makabagong robotic equipment na ginagamit sa pag-manufacture ng vehicle license plates sa kanilang plate-making facility sa Quezon City. Ayon sa Department of Transportation (DOTr) kaya ng IDeROBOT System na gumawa ng 700 plaka kada oras, na ngayo'y nagdudulot ng mas mabilis, mas sistematiko at mas ligtas na paggawa ng plaka. Sa isang 8-hour shift, tinatayang aabot sa mahigit ng 5,600 plaka ang maipo-produce sa isang araw, Binisita rin ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante ang self-renewal kiosk na makikita na rin sa iba't-ibang malls sa buong bansa. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapabilis ng proseso sa renewal ng lisensya. PANOORIN: Kung dati, manu-mano ang paggawa ng plaka, ngayon high-tech na! Ganito kabilis magtrabaho ang pinakabagong IDeROBOT System ng Land Transportation Office (LTO) na naka-base sa plate-making facility ng ahensya sa Quezon City. +Magpapatupad ng "one-time bill waiver scheme" ang Manila Water bunsod ng naranasang water shortage ng ilang lugar sa Metro Manila at probinsiya ng Rizal ngayong buwan ng Marso. Sa press briefing, sinabi ni Manila Water CEO Ferdinand Dela Cruz na ang scheme ay makikita sa bill ng higit 6 million costumer sa buwan ng Abril. "To help ease in some way the inconvenience we have caused, with inputs from both MWSS Corporate Office and Regulatory Office, we are announcing a voluntary and one-time bill waiver scheme in March to be reflected in the April bill of our customers," ani Dela Cruz. "Pero ang mga "severly affected areas" o iyong walang tubig ng buong araw sa loob ng isang linggo lang ang hindi na sisingilin sa kanilang nakonsumo sa buong buwan ng Marso," saad ni Dela Cruz. Para naman po sa pinaka-naapektuhan or the most severely-affected barangays without water for 24 hours for more than a week, they will not be billed for their whole water consumption for March Maging ang hindi pasok sa kategoryang ito ay hindi na rin naman sisingilin ng minimum charge o equivalent sa halaga ng 10 cubic meters ng tubig o P76 hanggang P656. "This minimum charge ranges for our lifeline customers of P76 but it also goes to all kinds of customers -- lifeline, domestic, semi-domestic, commercial, industrial so it ranges from P76 to P656 for industrial customers, which represents the 10 cubic meters," sabi ni Dela Cruz. Sinabi ni Dela Cruz na ang impact sa kanila ng pag-waive sa minimum charge ay aabot sa P150 million o mahigit pa. +Naaresto ng mga tauhan ng Laguna Police Provincial Police Office at 202nd Infantry Brigade ang isang tagapagsalita National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Negros at dalawa pang opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) matapos ang kanilang ikinasang operasyon sa Brgy. Calumpang, Liliw, Laguna. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang naarestong NDFP consultant ay si Francisco "Frank" Fernandez, 71-anyos, na pansamantalang tumutuloy sa Brgy. Calumpang. Habang ang dalawang CPP-NPA official ay sina Cleofe "Guia" Lagtapon, 66-anyos, nagsisilbi bilang regional deputy secretary for communications and for education komite rehiyon-Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS). At Gee-Ann "Angie" Perez, 20-anyos, nagsisilbing bilang regional communication staff ng KR-NCBS. Ang dalawang CPP-NPA officials ay may mga kasong murder mula sa warrant of arrest na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) 60 Cadiz City Executive Judge Hon. Renato Munoz habang si Perez ay nahaharap sa kasong illegal possesion of firearms. Sa pag-aresto sa mga ito, nakuha ang: Ayon kay 2nd Infantry Division Commanding General Major Rhoderick Parayno. Sa ngayon, anim na ang naaresto mula sa 23 wanted na CPP-NPA-NDF officers. Si Fernandez ang ikaanim na opisyal ng rebeldeng grupo na naaresto mula ng tuluyang ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines. +Muli na namang bumanat si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio laban kay Sen. Leila de Lima dahil sa isyu ng pagiging tapat ng mga kandidato sa eleksyon. Sa isang open letter ni Mayor Sara, tinawag nitong matalinong bobo si De Lima dahil inatake siya nito nang hindi muna binasa ang buong konteksto ng kanyang sinabi patungkol sa isyu ng pagiging tapat na kandidato. Hindi aniya muna inintindi ni De Lima ang buod ng kanyang sinabi kaya malinaw kung anong uri ng pagkatao nito. "I thought it best to write a letter since you probably do not have access to a television. If I am an example of what is wrong and what could be worse for our government, you just described yourself as well. You are the worst because you are intelligent and dumb all in one head. You are the only person from the Black Hole who said it right, dapat ang botante ang nagsasabi kung ano ang hinahanap niya sa kandidato. But you are dumb as well, for attacking me without reading the entire transcription of my statement and comprehending what I said," ani Mayor Sara. "Ang sabi ko, hindi ang opposition ang magsasabi kung ano dapat ang isang kandidato at hindi issue ang honesty dahil hindi yan requirement para ka maging kandidato. Therefore, Black Hole candidates, who are themselves liars, should not attack a candidate in that manner. I used the same argument on the issue of a college degree or inclusion in the narco list," dagdag ni Mayor Sara. Kuwestiyonable rin aniya ang pagiging tapat ni De Lima bilang isang senadora dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na kalakalan ng droga sa bansa. Hinamon naman ni Mayor Sara si De Lima na gumawa ng batas at isama bilang requirement sa lahat ng mga Pilipino ang honesty o katapatan bago sila tumakbo sa puwesto at sa ganitong paraan aniya ay maisalba ang gobyerno sa mga taong katulad niya, kay Vice President Leni Robredo, Presidential Spokesman Salvador Panelo, Congressman Gary Alejano, Florin Hilbay at sa lahat ng "De Lima" sa buong mundo. "You are a senator -- honesty about your involvment in the illegal drugs business under scrutiny by the courts -- how about you make a law adding honesty as a requirement for all Filipinos before they can run for public office. Maybe then you can save the government from yourself, Inday Sara, Leni, Digong, Panelo, Alejano, Hilbay, and the all the De Limas of the universe," ani Mayor Sara. +Libu-libong motorcycle rider ang nagsagawa ng nationwide protest laban sa implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act o Republic Act 11235 at mas kilala sa tawag na Doble Plaka Law. Ayon sa impormasyong mula sa Quezon City Police, tinatayang nasa 50,000 riders ang nakiisa sa protestang tinawag na "Unity Ride" na kumain ng tatlong northbound lanes sa bahagi ng EDSA-White Plains. Nagsimula ang naturang protesta sa Pasay at umabot ito sa Quezon City. Nakiisa ang mga riders mula sa Laguna, Batangas, at Quezon at nagsagawa ng kanilang protesta sa Tiaong, Quezon. Nagtipun-tipon din ang mga rider sa Cebu at Zamboanga upang kondenahin ang naturang polisiya sa kani-kanilang lungsod. Matatandaang noong Marso 8, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagsusulong na mapigilan ang mga motorcycle riding criminals sa pagtakas matapos makagawa ng krimen. Ang naturang batas ay nangangailangan sa mga rider na magkaroon ng mas malaking plaka na madaling mabasa mula sa harap, likod at gilid ng motorsiklo sa distansya na hindi bababa sa 15 metro mula sa motorsiklo. Ito ay upang madali umanong makilala ang registration ng motorsiklo upang mahuli agad ang sino mang motorcycle riding criminal. Iniutos din ng Land Transportation Office (LTO) na magkaroon ng color scheme para sa mga readable plate numbers kada rehiyon upang madaling malaman kung saan ito nagmula. Agad namang tinabla ng mga rider ang naturang batas na ayon sa kanila ay "discriminatory". "We are riders, not criminals," nakasaad sa mga placard ng mga rider. Ayon kay Motorist Motorcycle Rights Organization Chairperson Jobert Bolanos, nakababahala ang panukala na palakihin ang mga plaka dahil maaari umano itong makaapekto sa safety ng rider. "If we place plates that are too big and will be affected by wind, there's no assurance that the mounting points will hold these plates in place. When there's wind resistance there's bound to be failure. When there's failure, there's risk, and when there's risk may masasaktan at pwedeng makamatay (someone could get hurt and die)," saad ni Bolanos. Noong nakaraang linggo ay nilinaw ng LTO na hindi pa umano final ang disenyo ng license plates. +Matapos pasimulan ng gobyerno ang panibagong syudad sa Tarlac City na tinatawag na "New Clark City", isa na namang bagong syudad ang nakakasa na sa ilalim ng Duterte administration. Isinagawa noong nakaraang taon ang groundbreaking para sa itatayong pinakamodernong syudad na tinatayang nasa $4.5 bilyon ang halaga kasabay ng ika-24 anibersaryo ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA). Ayon kay Secretary Raul Lambino, CEZA administrator at chief executive officer, ang proyekto na tinawag na "City Polaris" ay itatayo sa may 100-ektarya na lupain. Papangasiwaan ng CEZA ang proyekto, na inaasahang makukumpleto bago matapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa ulat, walang gagastusin ang gobyerno sa naturang proyekto dahil mga pribadong kumpanya na naka-base sa Singapore ang sasagot sa pondo. "Mayroong mga condominiums, mga shopping malls, mga theme parks na itatayo doon. And then, mayroong silang private villas na itatayo at townships to provide lodging or accommodations to the increasing number of investors coming in," sabi ni CEZA Senior Deputy Administrator Usec. Raymundo Roquero. Ang itatayong bagong siyudad ay malapit sa Palui Island. Balak daw ng pamahalaan na ipalit ito sa Boracay. Nakilala ang ang lugar nang ma-feature ito sa isang programa sa Estados Unidos noong 2013. "Naging attraction tayo globally. Nalaman ng buong mundo na may paradise sa North Luzon na hindi pa na-discover. And we want to develop this island. In fact, 3 years ago, we were the only beach in South East Asia which was included in the top 10 in the world," dagdag pa ni Roquero. Matatagpuan sa modernong syudad ang mga itatayong six-star hotels, casinos, golf courses, cyberpark for digital currency, business park, civic center, tertiary hospital, condominium buildings, premium villas, mga online gaming operations na gawa sa mga makabagong teknolohiya. Inaasahan naman ng CEZA na dahil sa proyekto, dadagsa ang mga investors sa lugar at kasunod nito ang pagdagsa din ng mga trabaho para sa mga residente. PANOORIN: ISANG VACATION/RESORT CITY ANG ITATAYO SA CAGAYAN PARA BAKASYUNAN NG MGA PINOY +Nagbigay ng abiso sa publiko ang Facebook at Instagram na magbago ng password ang kanilang mga users sa lalong madaling panahon. Natuklasan na nasa isang readable format lamang ang mga account passwords ng milyon-milyong Facebook at Instagram users dahilan para madaling makapasok o magamit ang kanilang mga account. Nilinaw naman ng Facebook na ang mga passwords na nasa readable format ay hindi naibahagi sa labas ng social media company ngunit mainam pa ring baguhin ang mga passwords para sigurado. Sa pagbabago ng passwords na mainam na i-logout din ang account sa lahat ng devices na pinaggamitan nito. Ito ay upang masiguro na rin ang seguridad ng impormasyon ng bawat isa. Nakatakdang abisuhan ng social meda company ang milyon-milyong Facebook Lite users, Facebook users at Instagram users na naapektohan ng exposure ng kanilang password. Pangamba naman ng ilang netizens na baka kahit mabago ang kanilang password ay ma-expose parin ito. Ito umano ang dapat nang tutukan ng Facebook upang mapanatili ang privacy ng kanilang mga users. +Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unveiling, pag-aalay ng bulaklak at pagbabasbas ng kakatayo lang na Marawi Heroes Memorial Monument sa loob ng Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City. Ang monumentong ito ay magsisilbing alaala sa 160 sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 8 personnel ng Philippine National Police (PNP) na nakipaglaban sa mga terorista sa giyera sa Marawi City. Kasama ng Pangulo sa inagurasyon sina dating AFP Chief of Staff at ngayon ay Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, Defense Sec. Delfin Lorenzana at iba pang opisyal ng AFP. Bilang dating AFP chief, sinabi ni Sec. Galvez na maituturing na emotional moment ito para sa mga sundalo, maging sa mga pamilya at kaibigan ng mga namatay na sundalo at pulis na dumalo rin sa programa. Bago umalis sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ng Pangulo sa mga pamilya na totoong mga bayani ang kanilang mga mahal sa buhay at nagpapasalamat na siya ay naging bahagi sa pagkilala sa mga ito. Nagpasalamat ang Pangulo sa imibitasyong maging bahagi ng pagkilala sa mga maituturing umanong mga totoong bayani. Inimbitahan naman niya ang mga pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis sa Malacanang at tiniyak na laging bukas para sa kanila. Inihayag naman ni Sec. Galvez na malaking bagay ang presensya ng Pangulo sa programa dahil ipinakita niyang noon pa man sa giyera at hanggang sa panahon na ito, hindi nito iniiwan ang mga sundalo na lumaban para sa kalayaan ng Marawi City. +Tumaas ang ekonomiya at bilang ng mga turista sa Bohol matapos na maiayos ang Tagbilaran Port. Sa loob lamang ng tatlong buwan, umabot na sa tatlong international cruise ship ang dumaong sa pangunahing pantalan ng Bohol na Tagbilaran Port. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), Marso 20, dumaong sa M/S Europa lulan ang 322 na mga dayuhang turista. Ito ang ikatlong international cruise ship na dumaong sa pantalan matapos ang pagbisita ng M/S Europa 2 at M/S Pacific Venus nitong Enero 2019. Sa unang mga buwan pa lang ng 2019, nakapagtala na ng 129% na paglobo sa bilang ng mga dayuhang turistang bumisita sa Bohol. Bukod pa ito sa 20% pagtaas sa domestic passenger traffic na isang patunay ng lumalakas na turismo sa lalawigan. Bago nito, ininspeksyon noong Oktubre 2018 nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago at PMO Bohol Port Manager James Gantalao ang Tagbilaran Port upang siguruhing maayos, malinis at nagdudulot ito ng maginhawang serbisyo sa mga biyahero. Kaya naman patuloy ang pagpapaunlad ng DOTr, PPA at iba pang ahensya ng gobyerno sa mga pantalan gaya ng Tagbilaran Port upang mapaibayo ang connectivity at mobility ng publiko at maiangat ang mga lokal na ekonomiya. +Nahuli na ang suspek sa nangyaring pamamaril na ikinamatay ng 16-anyos na lalaki na umano'y mayabang at siga sa Tondo, Manila. Sa tulong ng mga CCTV, napag-alaman ang tirahan ng suspek na kinilalang si Mark Joseph Vasquez, 22-anyos, residente ng Barangay 68, Tondo. Si Vasquez ang itinuturong suspek sa pagpatay kay Kevin Lois Monsod, 16-anyos, residente ng naturang lugar na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib na tumagos pa sa kanyang baga. Kinumpirma ito ng dalawang kaibigan ng biktima na kasama sa insidente na si Vasquez ang namaril. Batay sa kuha ng CCTV ng Barangay 72, kasama ng biktima ang dalawa pang kaibigan na naglalakad sa lugar nang pinagtripan at sinipa ang motorsiklong minamaneho ng suspek na may angkas na tatlong babae. Ayon naman sa salaysay ng kaibigan ng biktima, sinabihan umano ng biktima ang babae ng "pangit, kumusta na?" na hindi naman nagustuhan ng suspek at nagbitiw ng hindi magandang salita. Dito na daw nag-init ang ulo ng biktima kaya nagawang tadyakan ang motorsiklo ng suspek hanggang makalayo sa lugar. Samantala, itinanggi ito ng suspek at sinabing nasa bahay lang daw siya nang oras na mangyari ang pamamaril. Nagpapasalamat naman ang pamilya ng biktima sa mabilis na pagkahuli sa suspek at umaasang tuluyang mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng binatilyo. +Sa pamamagitan ng kanyang post sa Facebook, ibinahagi ng 21-anyos na binata na si Alvin G. Duran ang karanasan tungkol sa kanyang sakit. Siya ay na-diagnose ng sakit na Chronic Kidney Disease o Chronic Renal Failure (CKD/ CRF) na nasa Stage 5 na raw ito. Kwento ng binata sa Facebook post, Enero 2019 nang magsimula siyang makaranas ng matinding pananakit ng ulo. Inakala ng binata na simpleng sakit ng ulo lamang ito kaya iniinuman niya na lang ng gamot. Nawawala naman ang sakit sa tuwing iinuman niya ito ng gamot ngunit pabalik-balik din ito ayon sa binata. Ilang beses pa raw siyang nakaranas ng matinding sakit ng ulo hanggang sa hindi na niya kinaya kaya nagpadala na siya sa ospital. Doon na nalaman na mayroon siyang CKD Stage 5 at agad-agad isinailalim sa dialysis. Ayon raw sa doktor, dalawang kidney ng binata ang hindi gumagana, puro gasgas at tumaas ang creatinine ng mga ito. Posible umanong matagal nang mayroong sakit ang binata ngunit binalewala lamang. Inamin naman ng binata ang kanyang pagkahilig sa mga maaalat na pagkain, junk food, cup noodles, at softdrinks. Kaya naman nagbigay ng babala ang binata para sa lahat upang hindi matulad sa kanya ang iba. Samantala, kumakatok rin ang binata sa mga may ginintuang puso para sa kidney transplant at dialysis para madugtungan pa ang kanyang buhay. BASAHIN ANG BUONG FACEBOOK POST NI ALVIN MULA SA KANYANG FACEBOOK ACCOUNT: A silent killer is kidney disease. The kidney unlike other organs don't throw up too many symptoms until its too late. Hi, I'm Alvin G. Duran, 21 years of age a warrior of Chronic Kidney Disease (CKD) Stage 5. Madaming nag tatanong kung saan ko daw nakuha ang sakit na to. At bakit sakin pa daw tumama ang gantong uri ng sakit. So ang masasabi ko lang walang pinipili ang gantong uri ng sakit. Bata ka man o matanda babae o lalaki pwede ka tamaan. Lalo na kung pabaya ka sa sarili tulad ko. January 15, 2019 nag simulang sumakit ang ulo ko. Yung sakit na akala mo mapuputukan ka ng ugat sa ulo. Edi ininuman ko agad sya ng gamot. Maya-maya nakatulog na ako. Pag gising ko sigla na naman sakit ng ulo ko edi ininuman ko na naman sya ng gamot. Maya-maya nawala na ulit. So lumipas ang mga ilang araw akala ko ok na. Pero sumakit na naman sya. Every time na sasakit sya iniinuman ko ng gamot kasi akala ko ok lang yun. Nung time na yun nag aayos ako ng requirements para sa pag aaply ko sa trabaho. Syempre para tumulong sa magulang. Lagi ako nasa labas. Kahit sumasakit ang ulo ko tuloy parin ako. Hanggang sa nag apply na nga kami at natanggap naman agad kami. So ayun nga first day ko sa trabaho noon sumakit na naman ang ulo ko. Naka tatlong beses pa akong pasok nun tapos nag absent na ako kasi di ko na kaya sa sobrang sakit ng ulo ko. Eh dahil nag sisimula pa nga lang ako sa trabaho wala pa ako pera para mag pa-check up. Kaya nainom lang ako ng gamot para mawala ang sakit. Edi yun nga lumipas ang ilang araw hindi ko na talaga kinaya. Nag pasugod na ako sa ospital kasi feeling ko bibigay na katawan ko. February 4, 2019 naconfine ako. Nawalan ako ng malay nun. Kasi sobrang taas pala ng BP ko 260/200 kaya pala sobang sakit ng ulo ko. Buti nalang daw at hindi pumutok ang ugat sa ulo ko. Kinabukasan debut ko hehe. Sa ospital na nag birthday. February 6, 2019 nahatulan na ako na kailangan ko daw mag dialysis kasi nakita sa findings na dalawang kidney ko na daw ang hindi nag fufunction. Puro gasgas na daw at tumaas ang creatinine ko. Nung gabing iyun kinabitan agad-agad ako ng IJ Catheter. Yung naka saksak sa leeg ko. No choice na ako kaya pumayag na ako kesa may masama pang mangyare sakin. Pagka-kabit sakin dinaialysis agad ako. Sabi sakin ng doctor ko hindi lang daw ngayon nag simula ang sakit ko. Matagal na panahon na daw ito pero binalewala ko lang. Dun ko naalala dati na matakaw ako sa Junk food, Cup noodles, softdrinks. At sa mga pagkaing turo-turo hindi ko alam nahihirapan na ang kidney ko pero tuloy parin ako sa pag kain ng mga maaalat. So ito ng naging resulta. Sa ngayon 2x a week ako dinadialysis. Nasa P4,500 per session. Bali P9,000 per week. Kahit mayaman ka mapapa-aray ka sa presyo. Lalo na yung mga walang kaya tulad ko. Kaya kayo mag iingat kayo sa mga pagkain na kinakain nyo. Umiwas na kayo sa mga pagkain na masyado maaalat at matataba. Humingi po ako sa may mga busilak na puso ng kaunting tulong para sa aking kindey transplant. At sa akin dialysis para madugtungan ang aking buhay. Maari nyo po ako ipm or itext sa aking number 0955-925-4820 or ipadala dito BPI account. #3479-1181-23 Maryrose Noche Magsino 03 +Marami ang nalulungkot sa kinahinatnan ng isang kababayan natin sa Taiwan matapos itong bawian ng buhay. Sa Facebook post na ibinahagi ni Maryjane G. Magallanes, makikita ang larawan ng Pinay OFW noong maayos pa ang kanyang kalagayan at nang siya ay nasa ospital na lamang. Inakalang stroke lamang ang nangyari ngunit napag-alaman nilang aneurysm na pala ito at di na rin nagtagal ang buhay ng Pinay. Nakilala ang Pinay OFW sa Facebook account niyang na si Bebe Lhabz. Nakikita raw na isa sa mga posibleng sanhi ng kanyang pagkamatay ang labis na pagpupuyat at matinding pagod sa trabaho. Nakaranas ng pananakit at pagkirot ng kanyang ulo na sintomas na pala ng mas malubha niyang karamdaman. Dahil dito, nagbigay ng paalala si Maryjane na hindi madali ang trabaho nila sa abroad at aniya, masaya lang sila kung titingnan sa mga larawan pero malayo ito sa realidad. +Umaasa si Vice President Leni Robredo na magkakaroon ng panukalang batas para i-regulate ang mga post sa social media at para maiwasan ang pagpapakalat ng fake news o disinformation. Ito ang suhestiyon ni Robredo nang tanungin ng mga reporters sa Dagupan City kung paano mapipigilan ang disinformation sa panahon ng eleksyon. "Ako, kailangan talaga iyong Kongreso magpasa ng mga batas na kahit paano may regulation iyong posts sa social media. Kailangan iyong mga social media networks gaya ng Facebook, ng Instagram, YouTube--kailangan magkaroon ng regulation. Kung anybody can post anonymously, ang daming nabibiktimang hindi naman deserve na siraan," sabi ni Robredo. "Iyong accountability na ine-expect from traditional media, dapat ganoon din sa social media. Kasi hindi fair na walang ganoong accountability; na kahit anong kasinungalingan, napo-post," dagdag nito. Giit ni Robredo na hindi na maayos pa ang pinsala o sira na dulot ng fake news sa isang tao. "Hindi naman irreparable [ang damage]. Pero it would take time to make it known to people, kasi wala naman tayong infrastructure na kagaya noong mga naninira. Iyong mga naninira, iyong infrastructure in place, alam natin iyon. Talagang maraming pera iyong ibinubuhos para magsira ng mga tao. Kailangan iyong Kongreso, magpasa ng mga batas na mas nire-regulate na ito, kasi otherwise, pasama lang siya nang pasama," ani Robredo. Ang naturang pahayag ni Robredo ay ikinagalit ng mga netizen. Isang pro-Duterte supporter ang agarang naglahad ng kanyang reaksyon ukol dito. Ayon kay MJ Quiambao Reyes, mas malaki dapat ang parusa sa mga public official katulad ni Robredo na ilang beses na umanong naglabas ng mga maling impormasyon. BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG NI MJ QUIAMBAO REYES UKOL SA PAHAYAG NI ROBREDO: +Ibinida ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Pinol ang kauna-unahang gulong na pagmamay-ari ng mga rubber farmer sa bansa. Unang nakipagkasundo ang Philippine Rubber Farmers's Association sa Leo Tire Manufacturing Corporation para sa mga goma na gagamitin sa paggawa ng mga gulong ng motorsiklo at maliliit na traktora. "The manufacturing and marketing of the tires for working motorcycles commonly known as 'habal-habal' as well as tricycles marks a small step forward in the program of the Department of Agriculture to elevate the farmer from the status of a raw material producer to the processor and merchandiser of finished products with added value," ani Pinol. Ayon kay Pinol, ang gulong ay tatawaging 'Pilipinas Agila Tires' na mas mura kumpara sa mga imported na gulong sa merkado. "Pilipinas Agila Tires, the first farmer-owned motorcycle tire brand using locally harvested rubber cup lumps, will be in the market next month at prices lower than imported tires," sabi ni Pinol. Dagdag ni Pinol, ang mga magsasaka na rin mismo ang mag-aalok ng mga gulong sa mga may-ari ng motorsiklo at traktora. Sa ganitong paraan ay may proteksyon na ang mga magsasaka sa mga negosyante na bumabarat sa presyo ng goma. Inaasahan naman ng ahensya na magkakaroon ng sariling planta ang mga rubber farmers bago magtapos ang termino ng Pangulo sa 2022. "The DA projects that before the end of the term of President Duterte in 2022, the country's rubber farmers will have their own tire manufacturing plant in Mindanao," ani Pinol. Nagpapasalamat naman si Pinol sa Pangulo dahil sa pag-suporta sa naturang proyekto. "We thank President Duterte for his support and we promise him, we will handle this project well and we will move forward and liberate ourselves from the bondage of middlemen and traders who buy our produce at very low prices and sell us expensive tires," dagdag pa ni Pinol. +Naaresto ng kapulisan ang anim na rape suspek matapos ireklamo ng isang 16-anyos na dalagita na kanilang nakainuman sa Tondo, Maynila. Unang naaresto ng pulisya ang tatlo sa mga suspek na sina Angelito Gonzales, 25-anyos, at magkapatid na Prince Jomari Diwa, 20-anyos, at Paul Cedrick Diwa, 18-anyos, kapwa mga nakatira sa Tondo. Ayon sa ina ng biktima, nanlulumo nang umuwi sa kanilang bahay ang anak nang magsumbong sa kanya kaugnay sa panghahalay ng mga suspek. Nauna rito, niyaya umano ng isa pang kaibigang lalaki ang biktima na mag-inuman at nang magising, nakita na niyang nakapatong si Angelito sa kanya. Pinipilit naman umano ng biktima na pumiglas ngunit wala na siyang lakas ng katawan dahil sa hilo at panghihina. Bago umano ginahasa ni Angelito ang biktima ay mayroon pang naunang gumawa nito habang pinanonood naman ng magkapatid na Diwa. Sinabi naman ni Supt. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Raxabago Police Station (PS-1) na posibleng hindi lang alak ang ipinainom ng mga suspek sa biktima dahil agad na nawalan ito ng malay. Inalok umano ng kasal ni Angelito ang biktima at sinabing nagawa lamang nito dahil sa sobrang kalasingan ngunit hindi pumayag ang ina ng biktima at pursigidong kasuhan ang mga ito. Sasampahan ang anim ng kasong Rape in Relation to RA 7610 habang isasailalim sa counselling ang biktima dahil sa traumang pinagdanaan nito. +Nagpanggap na ibang tao at gumawa ng Facebook account ang 17-anyos na dating nobyo ng pinatay na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu. Ayon kay Tomas Enrile, Regional Director, National Bureau of Investigation (NBI)-Region 7, sinuri nila ang Facebook messages kay Silawan at nakita nila na tila may bagong manliligaw ang 16-anyos na biktima. Aniya, nang makapalagayan na ng loob ni Silawan ang bagong kaibigan sa Facebook, nagkasundo silang magkita sa labas ng simbahan noong gabi ng Marso 10. Sa inilabas na CCTV footage, makikita na naghintay si Silawan malapit sa simbahan kung saan ito nagsisilbing kolektor. Pero ang dumating sa lugar ay ang 17-anyos na dati niyang nobyo at suspek ngayon sa karumal-dumal na pagpatay sa biktima. Sa ilang kuha ng CCTV, sinabi ni Enrile na mapapansin na tila nagtatalo ang biktima at ang suspek. Paliwanag ni Enrile, patuloy naman nilang inaalam kung bakit sumama ang biktima sa suspek na umamin na sa krimen. Umamin na naman ang suspek sa nagawang krimen at itinuro ang dalawa pa niyang kasama. Kasalukuyan na nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cebu ang suspek at nahaharap sa reklamong murder in relation to the Cybercrime Prevention Act. +Kung noon ay luma at sira-sirang gusali ang sumasalubong sa mga turistang lumalapag sa isa sa mga pangunahing paliparan sa Northern Samar na Catarman Airport. Nakalulunos sapagkat kabilang pa man din ang Catarman Airport sa mga itinuturing na "principal airport" ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Pero ngayon, kasunod ng pagpasok ng Duterte administration, agad ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasaayos ng Passenger Terminal Building (PTB) at pagpapalawak ng runway ng paliparan. Ayon sa DOTr, mas maganda at matibay na ang bagong gawang PTB ng Catarman Airport para sa maginhawa at komportableng pagbiyahe ng mga tutungo at aalis sa lalawigan. Kaya na ring tumanggap ng Catarman Airport nang mas malalaking eroplano dahil sa pinalawak na runway nito, bagay na inaasahang magdaragdag sa air passenger volume ng Northern Samar. +Kalunos-lunos ang kalagayan ng isang Pinay OFW sa Saudi Arabia na napilitang kumain ng tirang pagkain galing sa basurahan. Ayon sa ibinahaging Facebook video ni Leona Garcia Artiaga, hindi umano iniiwanan at binibigyan ng pagkain ang OFW ng kanyang amo at anim na araw nang kumakalam ang sikmura. Makikita sa video ang OFW na si Gina Abcede at kung paano niya nagawang kumain ng tira-tirang pagkain mula na sa basurahan. Halos masuka-suka si Abcede pero pinakikita parin niya na galing mismo sa basurahan ang kanyang kinakain para maibsan lamang ang gutom. Sa caption ni Artiaga sa kanyang post, mabuting tao raw ang OFW na si Abcede at di raw nararapat ang ganitong pagtrato sa kanya ng kanyang amo. Manang Gina Abcede ga tubod jud ako luha ga tan-aw nimo. Nganu naa paman tawon mga tao nga ana ka salbahis nila oi. Salig lang manang ma-rescue na lage ka diha. Hoot jud kaau akong dughan. Nangape ko are wala nako matiwas pagsend nimo ani nga video. Manang dli jud na nimo deserve ana nga pag antos. Boutan kaau ka. Sa lahat po nag-share thank you ng marami. Nasa Saudi Arabia po sya. Sa may Al Bahah Province. Contact number niya 0551253695. Humihingi ng tulong si Leona sa social media para kay Abcede dahil baka tumagal pa ang kanyang paghihirap sa kamay ng amo. Ayon sa update ni Leona, may nag-interview na kay Gina mula sa isang programa sa radyo at naghihintay na lamang ito ng agarang aksyon upang makauwi na sa Pilipinas. +Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ang mga opisyal ng Manila Water and Sewerage System (MWSS). Ayon kay Presidential Spokesman Salvador, magbibigay-ulat ang mga opisyal ng MWSS sa Pangulo ukol sa sitwasyon sa water supply pati na ang ginagawang hakbang para hindi na maulit ang nangyaring krisis sa tubig Ito ay matapos ang kunsumisyon ng mga residente sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa nararanasang water crisis. Magugunitang nitong nakalipas na araw, inatasan ng Pangulo sa MWSS na pakilusin ang Maynilad Water at Manila Water para agad magpalabas ng tubig mula sa Angat Dam para sa mga taga-Metro Manila at kalapit na lalawigan na aabot ng hanggang 150 araw. Kapag hindi aniya masolusyonan ang problema sa suplay ng tubig ay personal na pupuntahan ng Pangulo ang mga opisyal sa kanilang mga opisina para panagutin ang mga ito. Sa ginawang pagdinig naman sa Senado, kinumpirma ng MWSS na nasa 92 porsyento na ang kanilang naseserbisyuhan at naibabalik ang normal na suplay ng tubig. +Naaresto ng awtoridad ang isang lalaki matapos pagsamantalahan ang isang 14-anyos na dalagita sa Barangay Old Balara sa Quezon City. Kinilala ang suspek na si Jag Loyd Sasutil, 21-anyos at isang construction worker sa naturang lungsod. Ayon sa ina ng biktima, inutusan lamang niya ang anak na hanapin ang apat pa nitong kapatid dahil kakain na sila ng hapunan. Ilang oras na raw ang nakakalipas ay hindi pa nakabalik ang dalagita sa kanilang bahay. "May pumunta po sa amin na inaanak po ng tatay ko na nagmalasakit sa akin na, 'Ate 'yung anak mo nakita ko doon sa tabing-ilog, niyaya ng lalaki," sabi ng nanay ng biktima. Hindi na nila naabutan ang suspek at ang kaniyang anak sa may tabing-ilog. Natagpuan na lamang nila ang mga ito sa may sagingan na parehong nakahubad. Napaiyak sa galit at labis na takot ang naramdaman ng ina dahil sa sinapit ng kaniyang anak. "Tinakot daw po siya na 'Dito ka lang, saglit lang itong gagawin natin. Sasaktan kita.' Eh syempre 'yung anak ko na 'yun takot 'yun kapag sinabi mo eh," sabi ng ina ng biktima. "Kung puwede lang patayin siya. Ipaglalaban ko 'yung anak ko kahit sa kamatayan," dagdag ng nanay ng biktima. Nakatikim ng bugbog mula sa taumbayan si Sasutil na umamin sa krimeng nagawa. "Inisip ko talaga 'yun na gagalawin ko talaga siya. First time ko ngang ginawa 'to," sabi ni Sasutil. Nahaharap ngayon sa kasong rape ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Quezon City Police District Station 6. +Nasa bansa na ang cutter head ng tunnel-boring machine (TBM) na gagamitin para sa Metro Manila Subway Project. Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nakatakda nang simulan ang 28.3-kilometer tunnel na kauna-unahan sa Pilipinas. Aabot naman ng halos P357 billion ng halaga ng proyekto at ang unang 3 sa 15 stations nito ay inaasahang magiging operational na sa 2022. Babagtasin nito ang mula Mindanao Avenue hanggang Tandang Sora at didiretso sa North Avenue. Ang Metro Manila Subway ay isa sa natatanging proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte. +Sa isang Facebook Live video, binanatan ni Atty. Larry Gadon ang mga politiko, simbahan, at human rights advocates na tikom ang bibig sa kaso ng brutal na pagpaslang sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan na tinadtad ng saksak at binalatan pa ang mukha. "Dapat nang ibalik ang death penalty, nakakalungkot talaga, nakakangitngit at nakakagalit ang nangyari kay Chrsitine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City. Kapag drug addict ang namamatay ang mga ipokritong mga politiko ay panay ang dalaw at sigaw ng katarungan pero kagaya nitong pagpatay at pagtalop ng mukha ni Christine Lee Silawan," banat ni Gadon. Aniya, walang ginagawa ang mga kritiko kundi isisi ang lahat kay Pangulong Rodrigo Duterte pero nananahimik naman sa mga kaso ng rape, pagpatay na kinasasangkutan ng menor de edad, at iba pang karumal-dumal na krimen. "Wala kayong kibo puro kayo ipokrito. Puro kayo sisi kay Duterte pero ang sarili niyo hindi niyo tinitignan, ang pagka-ipokrito niyo," banat ni Gadon. Naniniwala din si Gadon na sayang lang ang buwis na binabayad ng taong bayan para sa pagpapakain sa mga kriminal na nakagawa ng mga krimen. BASAHIN ANG REAKSYON NG NETIZENS UKOL SA PANAWAGAN NI ATTY. GADON NA IBALIK ANG DEATH PENALTY Paano matutuloy ang death penalty, may mga demonyong senador na humahadlang diyan palibhasa tuta nila mga demonyong alagad nila. Dapat diyan huwag iboto ang mga senador na ayaw sa death penalty. Dapat diyan linisin muna ang mga senador na tutol para matuloy na ang death penalty sa bansa. Atty Gadon, minor naman daw ang suspect. Paano yan? Ano kaya masasabi ni Kiko Pangilinan? May pari pa natatakbo para lang daw ipaglaban ang karapatan ng addict pero kapag ang sangkot ay inosenteng tao, walang pakialam si pader takbo kasi walang bayad sa politiko. Tang-ina mo pader takbo damaso ng bagong henerasyon. Tama lang na ibalik ang death penalty kung buhay ang pinatay niyo dapat buhay din ang kapalit, for what kung ikukulong pa kayo, dagdag lang kayo sa budget sa gobyerno. Yung mga dilawan kahit kailan wala kayong ginawang tama matagal na kayo sa puwesto pero hindi ninyo ginawa yung makakabuti sa mamayang pilipino. +Hinahanda na umano ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pamilya ni Christine Silawan, ang 16-anyos na babae na brutal na pinatay sa Lapu-Lapu City, Cebu. Ito ay maliban pa sa isinagawang imbestigasyon ng CHR sa nasabing krimen para sa agarang pagbibigay ng hustisya sa pamilya ng dalagita. Inilahad ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia ang pagkondena sa nasabing pangyayari kasabay ng pagsisiguro nito na sasamahan nila ang pamilya ng biktima hanggang sa makamit ng mga ito ang hustisya. Ayon kay de Guia, nakikipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa pamilya ng biktima upang maipaabot ang tulong pinansiyal sa kanila na maaaring makatulong sa pagpapalibing sa biktima. Sa ngayon, inaasahan ni de Guia na sa lalong madaling panahon ay mahuli na ang suspek sa krimen at maparusahan ito ng naaayon sa kaniyang ginawang krimen. +Tatlong lalaki ang inereklamo ng panghahalay ng isang 16-anyos na babae sa Bacolod City. Ang isa sa suspek ay nobyo ng biktima na nakilala ng dalagita sa social media. Ayon sa ulat, sinabing nag-inuman ang apat bago mangyari ang panghahalay. Nagsumbong ang dalagita sa pulisya at inilahad ang pang-aabusong ginawa sa kaniya ng tatlong lalaki. Ayon sa pulisya, una raw siyang ginahasa ng kasintahang si Leonito Aspero na nakilala at sumunod naman siyang pinagsamantalahan ng kainumang si Reymark Canete at isa pang lalaki na menor de edad. Giit ng mga naarestong suspek, hindi nila maalala ang insidente dahil sa sobrang kalasingan. Isinailalim na sa medical exam ang dalagita para masampahan ng kaso sina Aspero at Canete. Sa ngayon, nasa kustodiya ng social development center ang menor de edad na suspek. Nagpuyos naman sa galit ang netizens dahil sa nangyari sa biktima. Ang iba naman ay isinisi sa social media at mga palabas sa telebisyon ang nangyayari ngayon sa mga kabataan. Yan~ kasalanan ng mga TV to puro halikan, tirahan, agawan ng asawa na napapanood sa TV kaya yan nq nagagawa ng mga kabataan ngayon. Ibalik nyo mga anime sa hapon, puro kau kagaguhan. Yan kasi ang problema sa mga babae ngayon makakilala lang ng lalaki sa social media makikipagkita na at makikipag-inuman pa tapos pag na-rape, iiyak-iyak tanga-tanga kasi. Kabwisit! Ask ko lang sa mga babae. Bakit nakukuha niyong makipag-inom ng mag-isa sa tatlong lalaki? Just saying. Pero mali naman ang ginawang rape sa babae. Napapaisip lang ako sa sitwasyon. Kung parehong menor de edad at parehong lasing, ano ang iisipin mong magiging susunod? Hindi na ba tayo natututo paulit-ulit na lang payo ng mga nakatatanda. Hindi ako naniniwala sa sobrang kalasingan hindi naalala. Planado na nila yan . Set up yan. Anyways, 16 years old going out with someone she met online para makipag-inuman? Solong babae siya? Can't trust anyone you met online especially! Protect yourself before anyone can. Sobrang kalasingan? Kapag sobra ang kalasingan ng isang tao ay on the spot tulog yan. Kahit tanggalan ng tainga ay hindi niya maramdaman. Ayusin mo. +Sa isang press conference, ibinahagi ng National Bureau of Investigation Central Visayas (NBI-7) ang kanilang imbestigasyon ukol sa kaso ng pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan. Ayon sa NBI, nakatulong ang kanilang mga nakuha mula sa Facebook account ni Silawan dahil isa umanong person of interest ang lumabas mula rito. Nadakip ng mga tauhan ng NBI ang 17-anyos na suspek sa brutal na pagpatay sa dalagita sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, Cebu. Positibo rin itong kinilala ng ilang eye witness na siyang kasama ng biktima noong gabi ng Marso 10, 2019. Napag-alaman rin na dating kasintahan ng biktima ang person of interest base sa kanilang pag-uusap sa Facebook Messenger. Lumabas rito na may usapang magkikita ang dalawa noong Marso 10 sa isang simbahan sa Barangay Pajac bandang 6:00 ng gabi. Ilang larawan rin na kuha mula sa mga CCTV sa lugar ang ibinahagi ng NBI. Mula sa kuha noong 5:50 ng hapon, makikita si Silawan kasama ang kanyang kaibigan na kumakain ng balut. Bandang 6:00 ng gabi, unang nakita ang person of interest sa isang CCTV papunta sa simbahan sa Pajac. Base sa oras sa CCTV, 6:12 ng gabi, nakita si Silawan na lumabas mula sa simbahan ilang minuto pagkatapos nitong pumasok kasama ang kaibigan. Maya-maya pa'y nakita na si Silawan kasama ang person of interest na naglalakad magkasama. Sa huling larawan na kuha sa CCTV, nakita ang dalawa sa isang lugar malapit sa bakanteng lote kung saan natagpuan ang bangkay ni Silawan. Base sa postmortem findings, namatay ang dalaga bandang 6:00 hanggang 7:00 ng gabi. Ayon naman sa resulta ng Medico-Physical na ginawa sa person of interest, mayroon itong mga marka ng kalmot sa kaliwang braso na tumutugma sa tagal mula nang maganap ang krimen. Nilinaw ng NBI na ang person of interest lamang ang taong huling nakita na kasama ni Silawan noong Marso 10, mga sandaling huling nakita na buhay pa ang dalaga na positibo namangg kinilala ng mga eyewitness. At dito huling nakunan ng CCTV si Silawan at ang person of interest, malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng biktima. +Nanawagan si Vice President Leni Robredo na matugunan sa lalong madaling panahon ang problema sa nararansang water shortage sa Metro Manila, lalo sa gitna ng mga tanong tungkol sa pagpapatakbo at pagpapatayo ng mga dam na pinagkukuhaan ng tubig. "Iyong tanong nga, ano ba talaga? Ano ba talaga 'yung kwento? Gusto sana nating marining sa pamahalaan bakit ba tayo umabot sa ganito," pahayag ni Robredo sa kanyang programa sa radyo na BISErbisyong Leni. Umaasa si Robredo na mahahanapan ng solusyon ang problema at mapapanagot ang sinumang responsable sa nararanasang krisis sa tubig. Samantala, ipinagtataka rin ni Robredo kung bakit mas pinili ng gobyerno ang pagpapagawa sa Kaliwa Dam sa halip sa ituloy ang pagpapagawa sa dam sa ilalim ng public-private partnership (PPP) project na nauna nang inaprubahan noong 2014. "Ang 85%, utang natin sa China, 15% tayo iyong gagastos. So, hindi ko talaga alam, kung bakit mas gugustuhin nating umutang kaysa wala tayong gagastusin. Kasi noong 2014, iyong approved na project, talagang walang gagastusin iyong gobyerno... Bakit uutang tayo na puwede naman na hindi tayo gagastos?" giit ni Robredo. Sa ilalim umano ng PPP, walang gagastusin ang gobyerno hindi gaya sa Kaliwa Dam na 85% ay utang sa China habang 15% ang magiging gastos ng pamahalaan. Umapela din si Robredo sa mga opisyal na haharap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Service na maging transparent hinggil sa nararansang water shortage. "Sana bukas maging transparent lahat. Sana 'yung dapat maging accountable, maging accountable, sana solusyon ang hanap," ani Robredo. +Kinumpirma ni Regional Director Tomas Enrile ng National Bureau of Investigation Central Visayas (NBI-7) na nahuli na nila ang primary suspect sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu. Ayon kay Enrile, isang 17-anyos na binata ang umamin sa krimen. Hindi muna nila ito isinapubliko dahil menor de edad pa ang suspek. Siya umano ang huling kasama ni Silawan bago nakitang patay sa bakanteng lote na tadtad ng saksak, binalatan ang mukha at tanggal pa ang dila nito at lalamunan. Nakita rin umano sa CCTV footage ang binata kasama si Silawan na sinabing karelasyon ng biktima. Dahil umano sa selos kaya nagawa nito ang brutal na krimen, na hindi pa inilalabas ang pangalan ng awtoridad. Kumbinsido naman si Lourdes Silawan na ang menor de edad na nasa kustodiya ng NBI-7 ang totoong suspek sa pagpatay sa kanyang anak. Hiling ni Lourdes na sana ay mahuli ang iba pang posibleng kasamahan ng suspek na gumawa sa krimen. Ang unang naaresto na si Jonas Bueno ay lumalabas na wala umanong partisipasyon bagama't inimbestigahan din sa pagpatay kay Silawan. +Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens ang isang video ng dalawang bata na umano'y naglalaplapan sa likod ng paaralan. Napag-alaman na ang dalawang bata ay nasa likod ng mga classrooms kung saan walang mga titser o iba pang mga guro. Ang viral video ay inupload ng Huli Ka Balbon sa Facebook at may caption na "Sus ko po! Imbes na mag aral kung ano ano ang inaatupag! " na umano'y nagyayakapan at naglalaplapan umano ang dalawang bata. Pagkatapos ng ilang segundo na nakuha sa video, unang umalis ang lalake at makitang parang nagpahid pa ng pisngi. Ang batang babae naman ay makikita din na nagpahid ng pisngi at sumilip pa sa corner ng building. Dahil sa video na ito na nag-viral sa social media, maraming netizens ang nagbigay ng reaksyon. Sabi ng ilan sa kanila ay dapat na kasing ibalik ang anime sa hapon, yung iba naman ay sinisi sa programang Pinoy Big Brother (PBB). May netizens din na nagsabi na parang nasa kinder pa lang yung dalawang bata at umano'y natututo sa mga malalanding palabas sa telebisyon. BASAHIN ANG MGA REAKSYON NG NETIZENS UKOL SA VIRAL VIDEO: Langya nasa Kinder palang ata yan mga 5-6 yrs. old tapos ako 22-anyos na wala paring jowa. Hayan! Sa kapapanood ng mga malalanding palabas! Ginagaya ng mga bata! Noong mga kasing gulang ko lang sila noon, anong malay ko sa laplapan na iyan. Ang alam ko maglaro, gayahin yung mga super sentai gaya ng Maskman, Bioman, Shaider at iba pang cartoons at anime noon. Sus! Ngayon, kulang na lang maghubo na sa harap ng camera. Putik na na iyan! Taenang PBB kasi yan! Nang dahil sa kanila natuto mga bata sa pinaggagawa niyo mga hayop! Unang-una dapat kasi monitor din ang mga bata sa mga pinapanuod nila sa telebision kasi minsan nakikita nila yun, kaya ginagaya nila. Nasa magulang ang unang tamang disiplina sa mga bata. Yung anak ko diko pinapanood nang mga love story, puro cartoons pinapanood niya, kasi dati nung mahilig pa ako sa love story bigla ko nakita ang anak ko na 4 yrs. old na nakipaghalikan sa kalaro niyang lalaki parehong lalaki, pati ako pag naliligo bigla akong sisilipan nang anak ko, gumaya sa mga palabas sa TV, simula nang pinapanood ko na nang cartoons hindi na siya gumagawa nang kabastusan. +Nagprotesta ang libo-libong motorcycle riders sa People Power Monument sa Edsa upang igiit ang pagkadismaya sa Doble Plaka Law. Kinontra ng mga riders ang probisyon ng Republic Act 11235 o Motorcycle Prevention Act, kabilang ang P25,000 na multa sa mga hindi nakapag-rehistro ng motorsiklo sa unang 5 araw nang bilhin ito. Nasa P50,000 hanggang P100,000 naman ang multa sa motorsiklo na mahuhuling walang plaka. Ayon kay ARANGKADA Riders Alliance chairman Rod Cruz, umaasa sila na mababago pa ang ilang probisyon ng naturang batas. Tinuligsa rin ng mga riders ang may akda panukalang batas na sina Sen. Richard Gordon at Sen. Tito Sotto. Ayon sa grupo, hindi rider ang mga Senador kaya hindi nito naiintindihan ang kanilang pakiramdam at kung ano ang kanilang pang-araw araw na buhay gamit ang motorsiklo. "Gordon, dito na nagtatapos ang iyong political career", mensahe ng motorcyle riders group kay Sen.Richard Gordon; mas malaking pagtitipon ng mga motorcycle rider, ikinakasa sa March 24. Motorcyle riders kay Senator Richard Gordon: "You are not a rider and you don't understand how we feel, how we do our lives on a daily basis". Halos 3 libong mga riders, naglunsad ng protesta sa People Power Monument para tuligsain ang pagpapatupad na ng R.A. 11235, o ang "doble plaka law" sa mga motorsiklo. +Isang 16-anyos na dalagitang babae ang natagpuang patay sa damuhang bahagi ng Brgy. Batian, Maitum, Sarangani Province. Natagpuan itong nakasilid sa sako, basag ang bungo, at walang saplot. Ayon kay Police Major Rodel Javison, hepe ng Maitum Municipal Police, hinihinalang biktima ng panghahalay ang dalagitang babae at naireport na sa awtoridad na nawawala. Sa inisyal na imbestigasyon, basag ang bungo ng biktima na posibleng hinampas ng matigas ng bagay at natagpuan na tinabunan ng mga tuyong dahon. Pinili umanong maglakad mag-isa ng biktima pauwi matapos na sumakay ng motorsiklo ang kanyang tiyahin at tiyuhin na kanyang kasama mula sa isang barangay. Ayon sa pulisya, may person of interest na sila sa pagpatay sa dalagita at naniniwala silang hindi nag-iisa ang responsable sa krimen. Labis na nagdadalamhati ang pamilya ng biktima at nananawagan ang mga ito na mabigyan agad ng hustisya ang pagkamatay ng dalagita. Ang insidente ay naganap ilang araw lamang mula nang matagpuan ang bangkay ni Christine Silawan, 16-anyos na babae sa Lapu-Lapu City, Cebu. +Hinimok ng isang obispo ang mga mananampalataya na bawasan ang paggamit ng social media sa panahon ng Kwaresma upang mas magkaroon umano ng koneksyon sa isa't-isa lalo na sa mga mahihirap at may karamdaman. Ayon kay Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, sa halip na mag-browse sa Facebook o iba pang social media pages, maaaring gamitin nang mas maayos ang oras sa loob ng 40 araw ng Kwaresma sa pamamagitan na pagdarasal, pagbasa ng Bibliya o pakikipag-usap sa may sakit o mahihirap. "Set aside or limit the use of social media such as Facebook, Instagram, and Twitter this season of Lent as part of your Lenten sacrifice. Instead, spend the time on prayer and reflection," ani Pabillo. Sinabi ni Bishop Pabillo na mabuting gamitin ang apatnapung araw ng Kwaresma para makapagnilay-nilay kaysa sa ubusin ang oras sa social media. "We can devote the time that we spend on social media on enriching our faith by praying, reading the Holy Bible, or by spending time with the sick. You give to others what you have denied yourself. Restraining ourselves from doing the things that we enjoy such as social media use is a form of sacrifice and self-discipline," anang obispo. "The purpose is to say 'no' to self so that we can say 'yes' to God and to others. We say 'yes' to God by praying more and intently during these days. We say 'yes' to others by [doing] various works of charity," dagdag nito. Batay sa datos ng social media management companies na Hootsuite at We Are Social, ang mga Pilipino ay bumababad "online" sa loob ng sampung oras at dalawang minuto kada araw. Ang worldwide average ay anim na oras at apatnapu't dalawang minuto at base pa sa pag-aaral, aabot sa 76 million ang mga Pinoy social media users. +Tutol si Sen. Risa Hontiveros na maging ganap na batas ang Senate Bill 2232 na naglalayong ipatupad ang Reserve Officers' Training Corps (ROTC) sa senior high school dahil lalabag umano ito sa isang international law. Ipinaalala ni Hontiveros na halos menor de edad pa ang mga nasa Grades 11 at 12 na binabawalan pang sumabak sa military training sa ilalim ng "Optional Protocol to the United Nations Convention on the Rights of the Child" na isang protocol kung saan kabilang ang Pilipinas. "Most students enrolled in Grades 11 and 12 are 16 to 17 year-olds. They are minors," pahayag ni Hontiveros. "Since the Armed Forces of the Philippines (AFP) is also composed of a 'citizens' armed force which shall undergo military training,' we would be violating our international commitment if we compulsorily recruit into the reserved forces those who are not of the age of majority," dagdag niya. Paliwanag ni Hontiveros na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay kinabibilangan din ng isang 'citizens' armed force na mangunguna sa military training ng mga sasabak sa ROTC. Nagpahayag din ng pag-aalala si Hontiveros kung saan kukunin ang pondo ang logistical requirements kung gagawaing mandatory ang ROTC lalo pa't nasa 11,000 ang high schools sa bansa at kwestyonable pa ang implementasyon ng K to 12 program. "How do we overcome the financial burden of institutionalizing ROTC in all these high schools? How can we assure the public of proper implementation when we can barely sustain our K to 12 program?" ani Hontiveros. Bagaman at kinikilala umano ni Hontiveros ang kahalagahan ng military education at training para sa mga estudyante upang magamit siya sa national defense preparedness, pero dapat ay maging optional at hindi mandatory sa mga estudyante. +Kinokonsidera nang suspek ng Philippine National Police (PNP) si Jonas Bueno sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu. Una nang nilinaw ng pulisya na naaresto si Bueno sa bisa ng arrest warrant dahil sa isa pang kaso ng pamamaslang sa 60-anyos na magsasakang babae na si Trinidad Batucan sa Danao City, Cebu noong Enero 13, 2019 na natagpuan ding binalatan ang mukha. Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, dahil sa pagkakatulad ng naunang krimen at sa ginawa sa dalagita na si Silawan, kinokonsidera na rin nilang suspek si Bueno. "'Yung nahuli na isang nagngangalang Jonas Bueno ay nahuli nga sa Davao dahil sa pagkakasangkot niya sa isang krimen naman doon sa pagpatay sa isang magsasaka sa Danao City, Cebu noong nakaraang Enero 13, 2019...itong si Bueno ay kinokonsider na rin na suspect dito sa pagpatay ng teenager dito sa Lapu-Lapu City gawa nung may similarities 'yung pagkakapaslang sa dalawang biktima," pahayag ni Banac. Naniwala din si Police Brigadier General Marcelo Morales ng Police Regional Office Region-11 na kasapi ng isang kulto ang suspek at seremonya nila ang pagpatay at pagbalat sa kanilang mga biktimang babae. Samantala, inatasana na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa kaso ng pamamaslang sa Cebuana na dalaga. +Arestado ang isang guro ng Science and Research sa San Juan City National High School dahil sa umano'y panggagahasa sa kanyang 17-anyos na estudyante. Kinilala ang suspek na si Zamir Danipog Laud, 27-anyos, na naaresto sa Barcelona Street, Brgy. Sta Lucia, San Juan City. Si Laud ay may standing warrant of arrest sa kasong panggagahasa mula sa San Juan City Regional Trial Court (RTC) Branch 14-FC na inisyu ni Judge Mary Catherine Noblejas-Garcia. Ayon sa pulisya, nangyari ang krimen noong nakaraang taon nang papuntahin ng guro ang 17-anyos na biktima sa kaniyang boarding house para umano'y magpatulong sa paglilipat ng gamit sa bagong uupahang unit. Habang nag-uusap umano ang mga ito nagsimula nang mag-take advantage ang guro at kalaunan ay ginahasa na ang dalagitang estudyante. Dalawang araw matapos ang insidente, nagsumbong ang biktima sa ibang guro nito kaya na-ireport sa mga pulis ang krimen. Ayon kay P/Col. Ariel Fulo, hepe ng San Juan City Police, ang pagkakadakip sa suspek ay dahil sa tulong ng mga kasamahan nito. Itinanggi naman ni Laud ang krimeng inaakusa sa kanya ngunit ayon sa medico-legal officer ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory Office, positibong ginahasa ang dalaga. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal sa San Juan City Police Custodial facility ang suspek at walang inirekomendang piyansa sa pansamantala nitong kalayaan. +Nag-alok ng tulong ang San Miguel Corporation (SMC) upang matugunan ang water shortage na nararanasan ngayon sa East Zone ng Metro Manila. Ayon kay SMC President Ramon Ang, kaya nilang makapagbigay ng 140 million liters ng malinis na tubig kada araw mula sa kanilang Bulacan Bulk Water Treatment Plant kung pagpayag ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kanilang mungkahi. "This situation is unfortunate and dire for many of our countrymen who do not have access to basic water. Many are affected: Households, hospitals, schools, businesses. Right now, the best thing we can do is to pull together and help each other," sabi ni Ang. Nitong Enero pa lamang ay sinimulan na ang operasyon ng stage 1 ng kanilang Bulacan Bulk Water Project. Sa oras na makumpleto ito'y may production capacity na 200 million liters ng tubig kada araw na magsusuplay sa 24 Bulacan water districts sa halagang P8.50 per cubic meter - pinakamurang singil sa tubig sa bansa. Sa kasalukuyan ay 60 million liters ng tubig kada araw lamang ang nagagamit dahil ang ilang water districts ay hindi pa handang tumanggap ng tubig mula sa pasilidad. "This leaves an excess capacity of about 140 million liters per day, which is enough to serve the average daily requirements of two million people or about 455,000 households," ayon kay Ang. "As a quick response to the situation of customers of Manila Water, we will coordinate with the MWSS and local government units to secure permits to place water refilling stations in affected areas," dagdag pa nito. Dahil dito ay mayroon silang sobrang 140 million liters ng tubig kada araw na maaaring ibigay sa East Zone at makatutulong sa 2 million katao o 455,000 kabahayan. Ayon kay Ang, ramdam nila ang sitwasyon na sinasapit ng mga mamamayan sa kakulangan sa tubig at ang pinakamagandang gawin sa ngayon ay magtulungan. Kakailanganin ng SMC ang 14,000 na truck trips kada-araw na may 10-kiloliter tankers o 7,000 truck trips na may 20-kiloliter tankers para maihatid sa mga residente ang 140 million liters ng tubig. Sa oras na maaprubahan ang alok ng SMC, ang quick-response plan ay ipatutupad sa susunod na apat na buwan hanggang matapos ang El Nino phenomenon sa bansa. Handa naman ang SMC na i-explore ang long-term solutions sa problema sa tubig upang maiwasan ang ganitong problema. +Naaresto na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kay 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City, Cebu na si Christine Silawan. Kinilala ang suspek na si Jonas Bueno na nadakip sa Davao City at iprinesenta sa media ng pulisya. Ayon sa mga otoridad, apat na araw nang nananatili sa Purok Santiago, Barangay 74-A, Matina Crossing si Bueno. Dinakip si Bueno ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Regional Field Unit 11, NBI Region 11, Regional Intelligence Unit 11, Mindanao Area Police Intelligence Office, at Talomo Davao Police Station. Samantala, umamin si Jonas Bueno na siya ang responsable sa pagpatay at pagbalat sa mukha sa 60-anyos na si Trinidad Batucan sa Danao City, Cebu ngunit hindi umano siya ang pumatay kay Christine Lee Silawan. Kasama rin ni Bueno sa pamamaslang sa 60-anyos na magsasaka ang mga kapatid na sina Junry at Jovy na pawang napatay nang manlaban nitong Enero sa pagsisilbi sa kanila ng arrest warrant. Inaalam pa ng pulisya kung posibleng may koneksyon si Bueno sa pagpatay kay Silawan. Si Bueno ay may standing arrest warrant dahil sa pagpatay sa isang magsasaka sa Danao City, Cebu noong Enero kung saan inalisan din ng balat sa mukha at wala na itong dibdib nang matagpuan. +Siniguro ni Public Attorney's Office (PAO) Chief Persida Acosta na siya mismo ang magiging abogado ng pamilyang Silawan. Ito ang pahayag ni Acosta matapos nitong personal na bumisita sa burol ni Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City sa Cebu. Ayon kay Acosta, makikipagtulungan sila sa awtoridad sa nasabing kaso at sa iba pang local government units (LGUs) na nagsagawa ngayon ng imbestigasyon sa nangyaring krimen. Layunin aniya na makamtan ng pamilyang Silawan ang hustisya na patuloy ngayong nagdadalamhati sa brutal na pagpaslang kay Christine. Maliban sa kay Acosta, bumisita rin si Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jiminez upang malaman kung ano rin ang maitutulong nila sa kaso. Samantala, naaresto sa Davao City si Jonas Bueno, ang primary suspek na tinuturong sa humalay at pumatay kay Christine. Nahuli si Bueno sa pamamagitan ng arrest warrant ng National Bureau of Investigastin (NBI), Mindanao Area Police Intel Office at CIDG-Davao City. +Naaresto na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City sa Cebu na si Christine Silawan. Ang suspek na kinilalang si Jonas Bueno ay nadakip sa Davao City. Ayon sa mga otoridad, apat na araw nang nananatili sa Purok Santiago, Barangay 74-A sa Matina Crossing sa nasabing lungsod si Bueno. Dinakip si Bueno ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao City, Mindanao Area Police Intelligence Office, NBI, Regional Intelligence Unit-Davao, at Davao City Police Office-Police Station 3. Nauna nang isinaad ang manhunt operation para kay Bueno, na naituro dahil sa mga text messages umano nito sa dalagita base sa imbestigasyon ng mga pulis. "The Police Regional Police Office-7 has the information. We got word that a cellphone from a relative of the victim was recovered. They are looking into it and there are conservations in the phone. This is why we already have a lead and a suspect based on statements that we obtained," ayon kay PNP spokesperson, Police Col. Bernard Banac. Gayunpaman, tumanggi si Banac na magbigay ng mga karagdagang detalye habang patuloy na sinisiyasat ng Special Investigation Task Group (SITG) ang kaso ng pagpaslang kay Silawan. "We are determining whether the culprit is a psychological maniac or a drug dependent. This is not a work of a normal person. Right now, the SITG has only information. The hunt is on for the suspect. Nobody is in their custody. We do not want to lose track of the investigation. If we arrest one primary suspect, we will be able to arrest all (of them)," sabi ni Banac. Si Bueno ay mayroong standing warrant of arrest para sa kasong murder na ipinalabas ng Danao City RTC Branch 25 dahil sa pagpatay sa isang 60-anyos na ginang noong January 11 na si Trinidad Batucan. Si Batucan ay inalisan din ng balat sa mukha at wala itong dibdib nang matagpuan. Sa ulat ng mga otoridad, miyembro umano ng kulto si Bueno. Noong Marso 11 nang matagpuan ang bangkay ni Silawan sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City sa Cebu. Bukod sa binalatan ang kalahating mukha ng biktima kung saan lumabas ang bungo nito ay tinanggal din ang ilang laman-loob niya gaya ng trachea, dila at esophagus. +Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na isang "psychological maniac" o may diperensiya sa pag-iisip ang suspek sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan sa Lapu Lapu City, Cebu. Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Bernard Banac, tatlong anggulo ang tinitingnan nilang motibo sa karumal-dumal na pagpaslang kay Silawan. Batay aniya sa isinagawang pag-aanalisa ng mga eksperto, ang nangyari kay Silawan ay kagagawan ng isang may mental disorder at nadagdagan pa na lango ito sa iligal na droga o maaaring bahagi ito ng rituwal ng isang kulto. Batay din sa inilabas na autopsy results, walang indikasyon na ginahasa ang biktima. "Hindi pa rin matukoy kung ano talaga ang motibo pero ang tinitingnan na anggulo nga ay bahagi nito 'yung pagiging psychological maniac ng isang tao, na kung saan ay makakagawa ang isang tao ng isang karumal-dumal na krimen," ani Banac. Dagdag pa niya, kapag ang isang tao ay may psychological disorder at lango sa droga kapag pinagsama ay makakagawa talaga ng karumal-dumal na krimen. "Ang isang tao na may psychological disorder at lango sa droga, [kapag] pinagsama iyan, makakagawa talaga ng ganitong klaseng karumal-dumal na krimen," dagdag ni Banac. Sa ngayon nasa P2 million na ang inilaang pabuya para sa agarang pag-aresto sa mga suspek. Nilinaw ni Banac na ang tanging hawak lamang ngayon ng pulisya ay impormasyon kaugnay sa persons of interest at wala pang indibidwal o suspek na hawak ang PRO-7 sa ngayon. Noong Marso 11 nang matagpuan ang bangkay ni Silawan sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu sa Cebu. Bukod sa binalatan ang kalahating mukha ng biktima kung saan lumabas ang bungo nito ay tinanggal din ang ilang lamanloob niya gaya ng trachea, dila at esophagus. +Itinanggi ni Subic Mayor Jefferson "Jay" Khonghun ang umano'y alegasyon na isa siyang narco politician. Ayon kay Khonghun, ang alegasyon ay kagagawan ng kanyang kalaban sa pulitika. Ang pagtanggi ni Khonghun ay matapos siyang masama sa narco-list o sangkot sa kalakalan ng iligal na droga na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa Facebook Live ni Khonghun, sinabi ng alkalde na hindi niya kailangang magprotekta ng droga o maging drug lord dahil hindi naman siya ganoon kahirap. Makikita naman sa video na katabi ng alkalde ang kanyang girlfriend na si Aiko Melendez kung saan dinepensahan niya ang mga alegasyon kay Khonghun. Mababatid na laging suportado ni Melendez ang alkalde sa mga pagharap nito sa publiko lalo na sa gitna ng kontrobersya. +Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtatakda ng mas malaking plaka sa mga motorsiklo at tricycle na ikakabit sa harap at likod. Sa ilalim ng Republic Act 11235 o Motorcycle Prevention Act, inaatasan ang Land Transportation Office (LTO) na magpalabas ng mga mas malaki, mas madaling mabasa, at color-coded license plates ng mga motorsiklo. Dapat din na mababasa ang plaka hanggang sa layo na 15 metro at ilalagay sa harap at sa likod ng motorsiklo. Kailangang color-coded din ang mga plaka sa bawat rehiyon para mas madaling matukoy kung saan ito nakarehistro. "The utilization of voluntary and paid labor from prisoners shall be among the requirements to bid for the procurement of the number plates under this Act," ayon sa batas. Inatasan ang LTO na ilabas ang mga bagong plaka pagkatapos ng December 31, 2019. Ang mga motorsiklo na hindi tugma sa bagong ipatutupad na plaka ay kailangang magparehistro muli bago sumapit ang June 30, 2019. Nakapaloob sa Motorcycle Prevention Act na prison correccional o pagkakulong ng 6 hanggang 12 taon o kaya'y multa ng aabot mula sa P50,000 pero hindi hihigit sa P100,000 ang kakaharapin ng sinumang lalabag sa batas. Inatasan naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tiyaking mayroong impounding area ang lahat ng local government units (LGUs) dahil kasama sa parusa ang pagkumpiska sa motorsiklo o tricycle ng isang violator. Una nang tinutulan ng ilang rider groups ang naturang batas dahil sa mapanganib raw ang paglalagay ng mas malaking plaka sa motorsiklo. "If we place plates that are too big and will be affected by wind, there's no assurance that the mounting points will hold these plates in place," sabi ni Joebert Bolanos ng Riders of the Philippines. Ipinatupad ang naturang batas dahil nagagamit umano ang mga motorsiklo sa mga krimen. Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula 2010 hanggang 2017, mayroong 28,409 motorcycle riding crimes o incidents na naiulat. Sa naturang bilang, 13,062 o 46 porsiyento ang sangkot sa pamamaril. Sa mahigit 4,000 insidenteng nabanggit noong 2016, lumitaw na walong kaso lang ang nalutas. +Isinapubliko na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga pulitiko na kasama sa kanyang narco-list o pulitikong sangkot sa iligal na droga. Sa talumpati sa pulong ng National Peace and Order Council (NPOC) sa Davao City, binasa ng Pangulo ang mga pangalan na kabilang sa kaniyang narco-list na aniya'y sinampahan na ng kasong administratibo ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Kabilang sa listahan ng Pangulo ay ang ilang gobernador, vice-governors, congressmen, mayors, vice-mayors at ilang konsehal. 1. Pasuquin, Ilocos Norte Mayor Ferdinand Dancel Aguinaldo (re-electionist); 2. Ilocos congressman Jesus Celeste (did not file COC); 3. Lasam, Cagayan Valley Mayor Marjorie Apil Salazar (running for councilor); 4. San Rafael, Bulacan Mayor Cipriano Dungao Violago Jr. (re-electionist); 5. Camiling, Tarlac Mayor Erlon Clemente Agustin (re-electionist); 6. Subic, Zambales Mayor Jefferson Fernandez Khonghun (running for vice governor of Zambales); 7. Zambales congressman Jeffrey D. Khonghun (re-electionist); 8. Bay, Laguna Mayor Bruno Tolentino Ramos (did not file COC); 9. Los Banos, Laguna Mayor Caesar Pabalete Perez (re-electionist); 10. Rodriguez, Rizal Mayor Cecilio C. Hernandez (running for vice mayor); 11. Rodriguez, Rizal Vice Mayor Dennis Linco Hernandez (running for mayor); 12. Lemery, Batangas Mayor Eulalio Mendoza Alilio (re-electionist); 13. Ibaan, Batangas Mayor Juan Valencia Toreja (did not file COC); 14. San Pablo City, Laguna Mayor Loreto Sahagun Amante (re-electionist); 15. Teresa, Rizal Mayor Raul S. Palino (re-electionist); 16. Lucena City, Quezon Mayor Roderick Alcantara Alcala (re-electionist); 17. Rizal Province Board Member Rommel Cruz Ayuson (re-electionist); 18. El Nido, Palawan Mayor Nieves Cabunalda (re-electionist); 19. Culasi, Antique Mayor Ariel Tabugo Alagos Jr. (re-electionist); 20. Iloilo City Mayor Jed Patrick Escalante Mabilog (did not file COC, cannot be located); 21. Hamtic, Antique Mayor Julius Ronald Leyritana Pacificador (running for vice mayor); 22. Maasin, Iloilo Mayor Mariano Malficio Malones Sr. (running for vice mayor); 23. Siegfredo Alfuente Betita of Carles, Iloilo (running for mayor); 24. San Fernando, Cebu Vice Mayor Franz Cabilao Sabalones (did not file COC); 25. Daang Bantayan, Cebu Mayor Vicente Areno Loot (did not file COC); 26. Eastern Visayas congressman Vicente Sofronio Veloso (running for congressman); 27. Sirawai, Zamboanga del Norte Mayor Gamar Ahay Janihim (re-electionist); 28. Midsalip, Zamboanga del Sur Mayor Leonida Albor Angcap (re-electionist); 29. Sinacaban, Misamis Occidental Mayor Crisinciano Enot Mahilac (did not file COC); 30. Clarin, Misamis Occidental Mayor David Mabal Navarro (re-electionist); 31. Calamba, Misamis Occidental Mayor Ezel Tabuelog Villanueva (re-electionist); 32. Oroquieta City Mayor Jason Paredes Almonte (running for congressman); 33. Palimbang, Sultan Kudarat Mayor Abubakar Pendatun Maulana (running for vice mayor); 34. Banga, South Cotabato Mayor Albert Palencia (re-electionist); 35. Sto. Nino, South Cotabato Mayor Pablo Mondejar Matinong Jr. (re-electionist); 36. Lingig, Surigao del Sur Mayor Roberto Malijao Luna Jr. (re-electionist); 37. Talitay, Maguindanao Vice Mayor Abdulwahad M. Sabal (running for mayor); 38. Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Vice Mayor Anida A. Dimaukom (running for mayor); 39. Marawi City Vice Mayor Arafat Alim Salic (did not file COC, at large in connection to Marawi siege); 40. Maguing, Lanao del Sur Vice Mayor Jamal Abinal Pangandamun (re-electionist); 41. Maguing, Lanao del Sur Mayor Mamaulan Abinal Mulok (re-electionist); 42. Talitay, Maguindanao former Mayor Montasser Meling Sabal (running for vice mayor); 43. Datu Montawal, Maguindanao Vice Mayor Ohto Caumbo Montawal (running for mayor, at large); 44. Ampatuan, Maguindanao Mayor Rasul Mabang Sangki (re-electionist); 45. Datu Montawal, Maguindanao Mayor Vicman Kambang Montawal (for vice mayor); at 46. Hadji Muhtamad, Basilan Mayor Jamar Abdulla Mansul (did not file COC) Tiniyak rin ng Pangulo na hindi makalulusot ang mga binanggit niyang pangalan dahil validated na at nakasuhan na sa Office of the Ombudsman. Gayunman, hindi lahat ng pangalan ay binanggit ng Pangulo dahil hindi pa aniya nabeberipika ang iba. "For the time being ito lang muna. Kasi validated na eh. 'Yung iba I just want to be doubly sure. I'm not really interested in releasing it before and after the election because I do not have the slightest intention to hurt anybody or to be a cause of a failure of election of a certain man who wants to serve the public. So 'yung iba wag na muna kasi hindi ko sigurado," anang Pangulo. Kabilang sa nasabing pulong ang mga top officials ng DILG, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency. PANOORIN: PANGULONG DUTERTE PINANGALANAN ANG ILANG PULITIKO NA KABILANG SA 'NARCO-LIST' +Nag-viral ngayon sa social media ang libreng school supplies na ipinamigay sa mga estudyanteng nag-aaral sa pampublikong paaralan sa lungsod ng Mandaluyong. Ibinahagi ng netizen na si Roselyn Napoles ang kahandaan ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong sa pamamahagi ng school supplies sa kanilang mga estudyante. Napag-alaman kasi na isa sa pinoproblema ng mga magulang tuwing sasapit ang pasukan ay ang mga school supplies na gagamitin ng kanilang mga anak. Makikita sa larawan na nakalagay na sa bawat upuan ng isang classroom ang mga school supplies at kukuhanin na lamang ito ng mga mag-aaral. Maliban sa mga school supplies ay may kasama rin itong school uniform at sapatos. Dahil dito, ikinatuwa at nagpahayag ng paghanga ang mga netizens sa kabutihang gawain ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong para sa mga batang mag-aaral. +Pumalo sa ika-46 na puwesto ang Pilipinas na most competitive economy, ayon sa 2019 World Competitiveness Yearbook mula noong nakaraang taon, na nasa ika-50 na puwesto. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pag-angat ng Pilipinas ay nagpapakita lang na nanatili ang kumpiyansa ng mga foreign investor sa ating bansa. "The improved ranking of the Philippines in this year's World Competitiveness Yearbook by the International Institute for Management Development (IMD) augurs well for the country and our economy. There is an emerging investor confidence in our country. It shows our trade environment remains attractive and viable to foreign businesses," sabi ni Panelo. Isa rin daw sa naging kadahilanan ng pagbuti ng antas ng Pilipinas sa ranking ay ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. "The strong and effective style of governance by President Rodrigo Roa Duterte makes Palace optimistic that further improvements will take place. Putting premium on cutting down red tape and promoting ease in doing business while we begin to implement the nation's most ambitious infrastructure program, Build-Build-Build, boost the government's strategy for sustained and inclusive growth. There is every reason to look forward to a bright future for our country's economy and our people.," dagdag pa ni Panelo. Ang natural pag-aaral ay isinasagawa kada taon ng Switzerland-based business school International Institute for Management Development (IMD). "The Philippines saw an improvement in the ranking of all four factors. Economic Performance posted a twelve-notch improvement in 2019 - the largest increase among the four factors - from 50th to 38th. Government Efficiency rose from 44th to 41st; while Business Efficiency improved from 38th to 32nd,," sabi naman ng Asian Institute of Management, ang partner ng IMD sa Pilipinas. Nangunguna sa naturang report ang Singapore habang ang Hong Kong naman ay nasa ika-2 puwesto, at Estados Unidos na nasa ika-3 puwesto. +Inilabas na ang larawan ng primary suspek sa malagim na sinapit ni Christine Lee Silawan, 16-anyos, grade 9 student sa Lapu-Lapu City sa Cebu na bukod sa pinatay at ginahasa ay binalatan pa ang mukha at tinanggalan ng lamanloob. Kinilala ang isa sa tatlong suspek na si Jonas Bueno. Ayon sa mga naunang ulat, hindi ito nakatira sa Lapu-lapu City at kasalukuyang nagtatago sa Cebu batay sa imbestigasyon ng mga pulis. Nakita umano ang itinuturong primary suspek na pinasakay nito sa isang motorsiklo si Silawan na nakita sa isang CCTV bago ang krimen. Lumalabas rin sa imbestigasyon ng mga pulis na nakakapalitan ng biktima ng mensahe ang suspek ngunit hindi sigurado kung mayroon silang relasyon. Tinitingnan din ang koneksyon ng kaso ni Silawan sa tatlong suspek sa pagpatay at pagbalat din sa mukha ng 60-anyos na si Trinidad Batucan na nangyari noong Enero 11. Pinangalanan ang mga suspek sa kaso ni Batucan na magkakapatid na sina Junrey, Juvy at Jonas Bueno. Ayon naman kay Police Col. Lemuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police, mas magiging madali na para sa kanila na mahuli ang dalawa pang suspek kapag naaresto na ang pangunahing suspek na si Jonas. Samantala, umakyat na sa P2 million ang pabuya sa sinumang makatutulong sa ikadarakip ng mga salarin. Ito'y matapos mag-ambag si Presidential Assistant to the Visayas Michael Dino ng P100,000. Nangako rin umano si Philippine Postal Corporation Chairman Norman Fulgencio na magbibigay ng dagdag na P100,000. Ang ibang nalikom na pera ay mula sa Lapu-Lapu City government (P1 million), isang dayuhan na nakabase sa Leyte (P500,000), Cebu Provincial Council for the Welfare of Children (P200,000) at Police Regional Advisory Council (P100,000). Maliban sa dagdag na reward ay iniabot din ni Dino ang tulong pinansiyal mula sa Office of the President na P20,000 sa pamilya ng biktima. +Naglabas ang Police Regional Advisory Council (RAC) ng P100,000 na pabuya sa makakapagturo ng kinaroroonan ng tatlong umano'y drug addict na suspek sa brutal na paggahasa, pagpatay at pagbalat sa mukha ng isang 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City sa Cebu. Ayon kay Police Colonel Limuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police, kilala na nila ang mga pumatay kay Christine Lee Silawan batay sa testimonya ng mga testigo sa lugar. Pero hindi muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek habang patuloy ang pagtugis sa kanila. Lumabas sa imbestigasyon na nagsilbing church collector sa Sacred Heart Parish sa Barangay Pajac si Silawan pero hindi na ito nakauwi. Batay sa kwento ng testigo, tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo ang nagdala sa biktima sa Sitio Mahayahay. Lumabas sa autopsy na nagtamo ang dalagita ng mahigit 20 saksak sa iba't-ibang parte ng katawan habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri na magbeberipika kung ginahasa ito. Kinondena naman ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay sa dalagita at magpapadala rin umano ang Commission on Human Rights (CHR) sa Central Visayas ng quick response team para tumulong sa imbestigasyon. +Nababahala umano ang grupong Gabriela na baka ginagamit lang ang brutal na pagpatay kay Christine Silawan, 16-anyos at grade 9 student mula sa Lapu-Lapu City, Cebu para ibalik ang pagpapatupad ng death penalty sa Pilipinas. "We strongly condemn this monstrous act as we join calls for a thorough investigation so that justice may be attained. We are however wary that this death is now being used to push for the reimposition of the death penalty," pahayag ng grupo. Bunga nito'y itutuloy umano ng Gabriela ang "Labanan Ang Abuso" campaign nila sa mga susunod na araw at hinikayat ang mga kababaihan na magparehistro para labanan ang tumataas na kaso ng sexual abuse at pambabastos sa mga babae. Mababatid na dahil sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na dalagita ay umugong ang mga panawagan ng mga netizen na ibalik ang death penalty sa bansa. Si Silawan ay natagpuang walang buhay, walang saplot pang-ibaba at binalatan ang mukha noong Lunes, Marso 11, sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City. PANOORIN: DEATH PENALTY SA PILIPINAS, IBALIK! KUMUKONTRANG SENADOR, HUWAG IBOTO +Nauwi sa engkwentro ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang condominium building sa Sta. Cruz, Maynila. Napatay ang negosyanteng kinilalang si Steve John Pasion. Ayon kay PDEA-NCR Director Joel Plaza, si Pasion ang pinakamalaking supplier ng ectasy o party drugs sa Metro Manila na aniya target ng suspek ay mga estudyante at mga modelo. "'Yung modus operandi nila, ginagawa nilang storage o warehouses itong condominium," sabi ni PDEA-NCR Director Joel Plaza. Sa isinagawang buy-bust ng mga operatiba sa parking area ng condominium building, nakaramdam umano si Pasion na mga awtoridad pala ang kanyang katransaksyon. Nang aarestuhin na daw si Pasion, sinubukan nitong tumakas gamit ang kaniyang sasakyan ngunit naharang siya ng mga awtoridad. Sinubukan siyang pababain ng mga operatiba ng PDEA pero bumunot ito ng baril sa loob ng kaniyang sasakyan kaya't napatay sa operasyon. Sa bisa ng search warrant ng pulisya, narekober ang mahigit P300,000 halaga ng shabu at ectasy sa sasakyan ni Pasion. Hinalughog din ng mga awtoridad ang condominium unit ng suspek kung saan nakuha ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon at liquid ecstasy na nagkakahalaga naman ng P75,000. Sinubukan pang isugod sa ospital ang suspek ngunit idineklara ring dead on arrival. Samantala, arestado rin ang ka-live in partner ni Pasion na si Sophie Mercado na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. +Nasa mahigit 20 na saksak ang tinamo ng na si Christine Lee Silawan, ang 16-anyos na grade 9 student na natagpuang pinaslang at binalatan ang mukha sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City sa Cebu. Sa autopsy report na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory sa bangkay ni Silawan, lumabas na sa 20 ang tinamo nitong saksak at pinaka-fatal ang nakita sa leeg ng biktima. Nagtamo rin ang biktima ng siyam na defense wounds na indikasyon na nanlaban ito sa mga suspek. Dahil sa dami ng tinamong mga saksak ng biktima, masasabi na dalawa hanggang sa tatlong suspek ang responsable sa krimen. Isang saksi naman ang lumutang at sinabing tatlong lalaki ang gumawa ng krimen na hinihinalang mga adik. Isang collector sa misa ang biktima at ayon sa ina nito, nagpaalam itong pupunta sa simbahan ngunit hindi na nakauwi ang anak. Bangkay na nang matagpuan ang dalaga sa isang bakanteng lote sa Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu City. TINGNAN ANG MGA LARAWAN NG BIKTIMA MATAPOS ANG ISINAGAWANG AUTOPSY: https://www.facebook.com/selorioglonarie/posts/2069506593131574 +Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang brutal na pagpatay sa isang 16-anyos na babae sa Lapu-Lapu City, Cebu. Ang biktimang si Christine Lee Silawan ay natagpuan na walang buhay, tadtad ng saksak, walang saplot pang-ibaba at binalatan ang mukha sa bakanteng lote noong Lunes, Marso 11. Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na walang sinuman ang nararapat na makaranas ng kahalintulad na karahasan lalo na ang isang inosenteng bata. "The Commission on Human Rights strongly condemns the brutal rape-slay committed against a 16-year old girl in Sitio Mahayahay, Barangay Bangkal, Lapu Lapu City. No one deserves to suffer from such violence, especially that the victim is an innocent child. No one deserves to suffer from such violence, especially that the victim is an innocent child. This act desecrates human dignity and must be punished," saad ni Jacqueline De Guia, spokesperson ng CHR. Ang ginawa umano kay Silawan ay pambabastos sa dignidad ng tao at dapat maparusahan ang nasa likod nito. Dahil dito, magpapadala ang CHR-Region 7 ng Quick Response Team para tumulong sa imbestigasyon sa pangyayari at pagpapanagot sa mga kriminal. "This act desecrates human dignity and must be punished. To this end, CHR-Region VII will be dispatching a Quick Response Team to help in the investigation and in pursuing all perpetrators of the said crime," dagdag ng ahensya. +Mahilig ka ba sa tsismis? Mag-ingat kung ayaw mong matulad sa isang babae sa Colombia. Nag-viral kamakailan ang larawan ng isang babae, na naipit ang ulo sa pagitan ng mga bakal ng gate, dahil umano sa katsitsimis. Ayon sa ulat ng isang istasyon ng radyo sa Columbia, isang hindi pinangalanang babae ang nais umanong makiusyoso sa nangyayari sa loob ng bahay ng kanyang kapitbahay. Upang malinaw na makita ang nagaganap, ipinasok ng babae ang kanyang ulo sa pagitan ng mga bakal, na nagsisilbing harang sa pinto ng bahay, pero na-stuck ang ulo nito. Dahil dito pinagkaguluhan ang babae sa kanilang lugar. Bagamat hindi pinangalanan ang babae at walang ibang detalye, makikita sa mga larawan ang pagsaklolo ng ilang awtoridad sa babaeng naipit sa bakal ang ulo. Ayon sa ulat, inabot ng limang oras bago tuluyang naalis ang ulo ng babae sa pagkakaipit. Masuwerte naman hindi kita ang mukha ng babaeng tsismosa sa mga larawan. +Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) na hindi nila palalagpasin at gagawa sila ng nararapat na aksyon laban sa mga motorista na nasasangkot sa reckless driving at ipinagyayabang pa sa social media. Kasunod ito ng kumakalat na video sa Facebook kung saan makikita ang isang lalaki na nagmamaneho habang nakaupo sa passenger seat. "Huwag nating i-mock ang kakayanan ng gobyerno by clearly disobeying traffic rules. Nakaligtas ka man noong oras na ginawa mo 'yan, we will make sure you will get penalized. Let this be a stern warning to everyone else. We enjoin the citizenry to report this kind of violations, and we will act on it swiftly," ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon. Ayon sa DOTr, ipatatawag sa Land Transportation Office (LTO) ang mayabang na motorista na nakilalang si Miko Lopez. Sinabi ng DOTr na sasampahan ng LTO ang lalaki ng reckless driving, illegal modification, hindi pagsusuot ng seatbelt at improper person to operate a motor vehicle. Babawiin rin aniya ang lisensya ni Lopez at hindi na kailanman papayagang makapag-apply ng driver license. Sakali aniyang hindi sumipot sa LTO si Lopez ay reresolbahin na ng LTO ang isyu batay sa ebidensyang iprinesenta. HUWAG PO NATING TULARAN. ANG PAGMAMANEHO, HINDI TRIP TRIP LANG. +Nagpalabas ng "temporary ban" ang Food and Drug Administration (FDA) sa importation, distribution at pagbebenta ng mga processed pork meat product kabilang na ang Ma Ling na mula sa mga bansang pinaniniwalaang apektado ng African swine fever virus (ASFV). Sa isang abiso, sinabi ng FDA na sakop ng ban ang mga processed pork meat product na mula sa Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium. Kabilang sa mga bansang naunang pinatawan ng "temporary ban" ang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, at Ukraine. Ang kautusan umano ay para masiguro na hindi maaapektuhan ang bansa ng naturang virus. Ayon kay officer-in-charge of the FDA Eric Domingo, layunin ng ban ang siguraduhing hindi makapapasok sa bansa ang virus. "I signed that order. It is a step taken to ensure the food security of our country and make that our livestock is not affected by the African swine fever," sabi ni Domingo. Kinumpirma rin ni Domingo na ang paboritong delata ng mga Pinoy na Ma Ling ay sakop ng ban. "Yes [Ma Ling is covered by the ban]. The FDA regulatory board will go around and inspect. We also ask the public to report any sightings [of these banned products] to the FDA," sabi ni Domingo. Dagdag pa ng FDA, ang ASFV ay "highly contagious" hemorrhagic disease sa mga baboy, warthogs, European wild boar at American wild pigs na nagdudulot ng lagnat, kawalang ganang kumain, pagdurugo sa balat at internal organs at kamatayan sa apektadong hayop. At kahit na hindi ito nakahahawa sa tao, sinabi ng FDA na ang sakit ay nakaaapekto ng malaki sa ekonomiya ng bansa. MGA BANSANG BAWAL MUNANG PAG-ANGKATAN NG PROCESSED PORK NADAGDAGAN +Inanunsyo ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na inaasahang mag-uuwi si Pangulong Rodrigo Duterte ng P300-billion na halaga ng investment deals mula sa biyahe nito sa Japan. Mababatid na dadalo ang Pangulo sa Nikkei's 25th International Conference on The Future of Asia na gaganapin mula sa May 30-31, 2019. Sinabi ni Lopez na mayroong 20 business arrangements ang bubuoin na may kinalaman sa infrastructure, manufacturing, electronics, medical decices, business process outsourcing, power, electricity, transport, automotive, food manufacturing at marine manpower industries. Pipirmahan ng Pangulo ang lahat ng mga ito sa sidelines ng kanyang pagbisita sa Japan. Ayon pa kay Lopez, patuloy na isinusulong ng DTI ang mga investments mula sa iba't-ibang bansa upang mabigyan ng disenteng trabaho ang mga Pilipino. "The Department of Trade and Industry is consistently pursuing investments from all countries to provide decent employment opportunities to Filipinos. This is part of President Duterte's Tapang at Malasakit approach to nation-building and DTI's priorities, summed up as Trabaho, Negosyo, Konsyumer," ani Lopez. Samantala, umaasa naman ang gobyerno na ang mga lalagdaang mga kasunduan ng Pilipinas kasama ang Japan ay ang magbubukas ng 80,000 bagong trabaho para sa mga Pilipino. Nakarating na din sa Japan ang Pangulong kung saan ito dadalo sa international business forum at makikipag-pulong kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe. +Nilagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng June 5, 2019 bilang regular holiday sa buong bansa para sa observance ng Eid'l Fitr. Ang deklarasyon ng Pangulo ay nakabatay sa Proclamation No. 729 na kanyang nilagdaan kahapon, May 28, 2019, kung saan hinihimok ang mga Filipino na makiisa sa Eid'l Fitr ng mga Muslim. Ang Eid'l Fitr ay ang pagtatapos ng Ramadan na isang religious festival na inoobserba ng mga Muslims sa buong mundo. "The entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid'l Fitr," bahagi pa ng proklamasyon. "Whereas, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended to declare Wednesday, 05 June 2019, a national holiday in observance of Eid'l Fitr (Feast of Ramadan)." Noong taong 2002 ay naging batas ang Republic Act No. 9177 na nag-aatas nang pakikibahagi ng bansa sa selebrasyon ng Eid'l Fitr kung saan ang eksaktong petsa ng observance kada taon ay depende sa Muslim calendar. +Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magbibigay ng libreng dialysis treatment para sa mga mahihirap na pasyente. Sa botong 177, lumusot ang House Bill 9156 o Comprehensive Renal Replacement Therapy Act, na layong magbigay ng comprehensive renal replacement therapy (RRT) para sa mga pasyenteng may malalang sakit sa kidney o bato sa mga national, regional at provincial government hospital. Sa ilalim ng batas, ang mga kuwalipikadong pasyente ay mapapasakop sa "No Balance Billing Policy" o hindi pagsisingil sa nagastos ng indigent patients, gayundin sa PhilHealth members na sumailalim sa medical treatment. Palalawakin rin ang benefit package ng PhilHealth para sa kidney transplant therapy sa kapwa buhay at namatay na donor. Gayundin ang PhilHealth coverage para sa kidney transplantation mula sa pag-evaluate at screening ng kidney donor at recipients hanggang sa mismong proseso ng transplant at matapos nito. Inaatasan din dito ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na magkaloob ng natitirang kinakailangang sessions sa peritoneal dialysis at hemodialysis matapos magamit ng pasyente ang kanyang benefit package mula sa PhilHealth. +Nasawi ang isang umano'y hambog at siga na binatilyo sa Tondo, Manila matapos itong pagbabarilin. Kinilala ang 16-anyos si Kevin Lois Monsod na nagtamo ng tama ng bala malapit sa dibdib. Sa kuha sa CCTV ng Barangay 72, makikita na naglalakad si Monsod kasama ang dalawang kaibigan nang sipain nito ang dumaang motorsiklo na may sakay na tatlong babae. Humarurot palayo ang motorsiklo pero binalikan ng rider si Monsod at binaril. Ayon sa isa sa mga kaibigan ng biktima, kaklase ni Monsod ang isa sa mga babaeng angkas kaya binati niya ito pero hindi umano ito nagustuhan ng nagmamaneho ng motorsiklo. Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ng Raxabago Police, posibleng nagkapikunan ang suspek at biktima na nauwi sa pamamaril. +Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagsusulong ng partnership sa pagitan ng mga magsasaka, mangingisda at sa pribadong sektor. Sa ilalim ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Act, itatatag sa Department of Agriculture (DA) ang Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program, na layuning magkaroon ng holistic approach sa pag-promote ng pagbuo ng enterprises na may kaugnayan sa agricultural at fishery products. Ang programa ay gagamit ng modernong teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda maging sa pag-nenegosyo. Popondohan din ng gobyerno ang pagsasaka at pangingisda sa pamamagitan ng pagkakaruon ng access sa financing, credit grants at crop insurance. Bukod sa mga magsasaka at mangingisda, magiging beneficiary rin ng nasabing programa ang producer groups at piling small and medium enterprises. Ang pribadong sektor naman ay dapat may financial at organizational capability at may kakayahang magbigay ng equipment, machinery at iba pang uri ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na nasa enterprise development. Bibigyan din ng tax exemptions ang mga organisasyon na magdo-donate ng real at personal properties sa magsasaka at mangingisda. Nakasaad din sa naturang batas na bubuo ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Council na tututok sa implementation ng programa. +Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong bigyan ang mga mahihirap ng access sa government services at hihikayatin ang pribadong sektor na mag-invest sa poverty alleviation programs. Isa nang ganap na batas ang Republic Act 11291 o Magna Carta of the Poor. "It is the declared policy of the State to uplift the standard of living and quality of the poor and provide them with sustained opportunities for growth and development. It shall adopt an area-based, sectoral and focused intervention to poverty alleviation where every poor Filipino must be empowered to meet the minimum basic needs through the partnership of the government and the basic sectors," ayon sa batas. Sa ilalim ng batas, inaatasan ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na tiyaking maibibigay sa mga mahihirap ang pangangailangan nito tulad ng pagkain, disenteng hanapbuhay, libre at dekalidad na edukasyon, bahay at mga serbisyong pangkalusugan. Ang mga ahensyang tinutukoy ay: Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Department of Agriculture (DA). Ang DSWD, katuwang ang NEDA at National Anti-Poverty Commission (NAPC) ay tutukuyin ang mga kwalipikadong benepisyaryo. Ang kita dapat ng mga benepisyaryo ay mababa sa poverty threshold na itinakda ng NEDA at ang mga hindi kayang punan ang kanilang pangangailangan, tulad ng pagkain, health care, edukasyon, pabahay at iba pa. +Muling humingi ng public apology ang radio broadcaster na si Erwin Tulfo kay Department of Social Welfare Administration (DSWD) Sec. Rolando Bautista. "Ako po at ang buong pamilyang Tulfo ay buong pakumbabang himihingi ng kapatawaran kay DSWD Secretary Rolando Bautista sa pagmumura at pambabastos ko sa kanya on air," sabi ni Tulfo. Ito ay matapos siyang tanggalan ng security escort at ang mga kapatid kasunod ng pagpuna sa kalihim. Ayon kay Tulfo, una na siyang humingi ng paumanhin sa kanyang programa sa radyo ngunit mukhang hindi ito sapat at hindi tinanggap ni Bautista at kanyang mga kasamahan sa Philippine Military Academy (PMA). Aminado na si Tulfo sa kanyang naging pagkakamali at handa aniya siyang mag-tone down at baguhin ang kanyang istilo bilang isang mamamahayag. "I think I have to tone it down, I have to change my style kahit na sinasabi na it is kind of a Tulfo-brand of journalism. I think we have to change that. My brothers agree with me, Mon, Raffy, Ben, we really have to tone down because times have changed," saad ni Tulfo. Iginiit ni Tulfo na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa parehong partido kaya umabot sa kontrobersiya. "Nagkaroon po ng miscommunication ho. Mali lang ho kasi. Hindi ko muna ho inalam nang mabuti kung anong ginagawa nung mabuting Heneral (Bautista)," saad ni Tulfo. Unang umugong social media ang pagpalag ng mga dating kasamahan ni Bautista sa PMA sa hindi magandang pananalita ni Tulfo at iginiit ng mga ito na dapat humingi ng paumanhin ang radio broadcaster sa kanyang naging asal. ERWIN TULFO, AMINADONG SIYA'Y NAGKAMALI MATAPOS BATIKUSIN SA RADYO SI DSWD SEC. ROLANDO BAUTISTA +Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko na nagpapakalat ng maling impormasyon o balita na naospital siya at mayroong malalang sakit. Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na lahat na ng uri ng sakit sa mundo ay itinapon na sa kanya ng mga kritiko. Hindi naman sang-ayon ang Malacanang sa pagsasapubliko ng medical bulletin ng Pangulo gayong sinasabi sa 1987 Constitution na tanging seryosong karamdaman lamang ang kailangang isapubliko. "Tatanda na natin... lahat na ng sakit na ano tinatapon na sa akin. Colon, sa ano," sabi ni Duterte sa kaniyang talumpati sa harap ng mga bagong talagang opisyal ng gobyerno. "Sabi ko nga sa -- tinanong ko 'yung Diyos eh. Sabi ko, "God, ano ba itong presidente? Patagalan sa mundo o patrabaho tayo dito and by the time we become unproductive, we should go out of this universe?" dagdag ng Pangulo. Matatandaan na kumalat sa social media ang hindi umanong magandang kalagayan ng kalusugan ng Pangulo matapos ma-late sa PMA event sa Baguio City at unang beses simula noong maupo sa puwesto noong 2016 na hindi nag-abot ng mga diploma sa mga nagsipagtapos na kadete. . +Isang dayuhan na commentator ang binabatikos ngayon ng netizens matapos ihalintulad sa basura si Pangulong Rodrigo Duterte. Nag-ugat ang isyu matapos i-retweet ni Keith Olbermann ang balita ng CNN Philippines na ipapadala ng Pangulo ang basurang tinambak ng Canada sa Pilipinas pabalik sa naturang bansa. Saad ni Olbermann ay kung ipapadala ba ng Pangulo ang kanyang sarili sa Canada, tila sinasabing ang Pangulo ang pinapatungkulan bilang basura. Si Olbermann ay sports at political commentator ng ESPN, at kilala sa mga pambabatikos nito sa ilang matataas na indibidwal gaya ni dating United States President George Bush at incumbent President Donald Trump. Mababatid na naglabas ng utos ang Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na maghanap ng pribadong shipping company na magtatapon ng basura sa territorial waters ng Canada kung hindi nito tatanggapin ang kanilang basura. Ayon naman kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, noong May 15 pa dapat ang deadline ng Canada para kuhain pabalik sa kanila ang basura pero hindi ito tumupad, dahilan para umano magalit ang Pangulo. +Inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na posibleng bumalik ulit sa kulungan si Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa mga paninira nito patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Panelo, "destroyer of reputation" si Trillanes dahil sa mga paratang nito sa Pangulo. Dagdag pa ni Panelo, ang pagbaba ni Trillanes sa Senado ay isang regalo para sa mga Pilipino na sumusuporta sa administrasyon. Magtatapos ang termino ni Trillanes sa darating na katapusan ng Hunyo na may ipinakita umanong karakter bilang taga-sira ng reputasyon ng mga tao. "Mr. Trillanes' greater service to the nation is his mandatory exit from the Senate where he distinguished himself as a destroyer of reputations of people, including causing the self-extinction of a gentleman military officer whom he disrespected and humiliated before the nation," pahayag ni Panelo. "While many will wish Mr. Trillanes good riddance as he is about to leave the hallowed halls of the Senate at the end of June of this year, we will instead wish him luck as he faces another prospect of being placed behind bars again as the self-confessed black propagandist turns against his master, even as his victims look forward to seeing the Senate, or better yet the Government, without the cantankerously obnoxious coup plotter," dagdag niya. +Inamin ni Sen. Antonio Trillanes IV na lumapit sa kanya si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy at nagpresinta ng ilang impormasyon kaugnay sa pagkakaugnay sa droga ng ilang malalapit na tao kay Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, sinamahan si Advincula ng ilang pari noong 2018, dahil natatakot daw itong balikan ng mga kasamahan niya sa sindikato. Ang mga paring iyun din umano ang nagbigay ng ilang mga impormasyon tulad ng bank accounts ng ilang personalidad na sangkot sa narco politics. Pero hindi umano pumasa si Advincula sa pamantayan upang maging whistleblower, kaya hindi na niya ito kinausap at binigyan pa ng atensyon. Pinabulaanan rin ni Trillanes na kasangkot siya sa anumang plano na pabagsakin ang administrasyong Duterte tulad ng mga naging pahayag ni Advincula. "Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paggawa ng mga videos na 'yun. To my PMAer upperclassmen here, All Right, sir. Malamang siya rin ang gumawa ng mga video na 'yan. To be fair, maganda nga po ang pagkakagawa ni Bikoy ng mga video at nakakuha ito ng atensyon ng publiko," sabi ni Trillanes. +Inamin ni Sen. Antonio Trillanes IV na nagkita sila ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy noong 2018 hinggil umano sa drug links ng pamilya Duterte sa droga, ngunit bumagsak ito sa vetting process. Sa isang privilege speech sa Senado, sinabi ni Trillanes na nabigo si Advincula na mapanatunayang puwede siyang maging testigo. Aniya, isang grupo ng pari ang nagsabi sa kanya noong August 2018 hinggil kay Advincula na humingi ng tulong upang itago siya dahil may banta sa kanyang buhay. Sinabi pa ni Trillanes na pinakinggan niya si Advincula ngunit ibanasura niya ito dahil maraming detalye ang nabigo niyang maibigay. "Unang inilapit sa akin si Bikoy ng mga pari noong August last year. Ayon sa kanila, ito raw si Bikoy ay humingi sa kanila ng sanctuary dahil siya raw ay papatayin ng mga taga-sindikato na involved sa illegal drugs. Pinakinggan ko siya subalit nakulangan ako at naguluhan sa mga detalye kaya isinantabi ko at tuluyan nang kinalimutan ang usapang ito," aniya. "The fact na hindi ko siya inilabas dito ibig sabihin hindi siya nakapasa sa aming vetting process at lalong hindi ko siya kinupkop... Sa awa ng Diyos, hindi pa ako nasusunog sa mga nilabas ko," dagdag pa niya Iginiit pa ni Trillanes na abala siya noong panahon ng September sa media matapos bawiin ang kanyang amnestiya at nagpalabas ng warrant of arrest ang korte. Ayon pa kay Trillanes na iyong grupo ng pari na nagkanlong kay Advincula na muling lumapit sa kanya upang patotohanan ang alegasyon dala ang mga sinasabing dokumento. Ngunit, ayon kay Trillanes nabigo din na mapatunayan na may katotohanan ang dokumentong dala ni Advincula. "Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paglabas ng mga videos na 'yun. To my PMA upperclassmen here, alright, sir," aniya. Samantala, wala nang kasamahan sa Senado na nagtanong kay Trillanes matapos ang nasabing privilege speech. HAPPENING NOW: SENATOR ANTONIO TRILLANES DELIVERS PRIVILEGE SPEECH, ADDRESSES "BIKOY" ALLEGATIONS +Lupa at bahay ang regalo ni Pangulong Duterte kay Cadet First Class Dione Mae Umalla na nagtapos bilang valedictorian sa Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019. Personal na inabot ng Pangulo ang certificate ng house and lot kay Umalla sa graduation rites ng PMA sa Fort del Pilar sa Baguio City. Tumanggap din si Umalla ng Presidential Saber at 13 awards bilang top grad ng Mabalasik Class. Nangunguna si Umalla sa 260 kadete na ginawaran ng Pangulo ng ranggong 2nd Lieutenant para sa mga papasok sa Philippine Army at Air Force at Ensign naman sa mga papasok sa Philippine Navy. Karaniwan nang binibigyan ng regalo ng Pangulo ng house and lot ang mga nagtatapos na valedictorian sa PMA at Philippine National Police Academy (PNPA). Kabilang pa sa mga award niya ay ang mga sumusunod: Philippine Navy Sbaer, Distinguished Cadet Award (Starman), Academic group award, Humanities plaque, Management plaque, Social Sciences plaquew, Natural Sciences Plaque, Computing and Information Sciences plaque, Department of Leadership plaque, Joint United States Military Assistance Group award, Australian Defense best overall performance, Spanish Armed Forces award, at Association of Generals and Flag Officers award. +Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo nang dumalo at magkita sila sa graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA) 'Mabalasik' Class 2019 sa Fort del Pilar, Baguio City. Iyon ang unang pagkikita nila mula nang masangkot si Robredo sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte at makaraang matalo ang oposisyon sa 2019 midterm elections. Sa simula ng kanyang talumpati, may banat ang Pangulo kay Robredo dahil hindi na siya nito nginingitian. "Vice President Maria Leonor 'Leni' Robredo, ma'm, bakit noon ma'm naga-smile ka sa akin, ngayon hindi na? Ikaw ha," sabi ng Pangulo na nagpatawa sa mga audience. Pagkatapos ng kanyang 13 minutong talumpati, nakitang nakikipagkamay ang Pangulo sa nakangiti nang si Robredo. Nauna rito, ibinunyag ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na ang oposisyon na kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes at ng Liberal Party (LP) na pinamumunuan ni Robredo ang may pakana sa black propaganda video para patalsikin sa puwesto ang Pangulo. +Naaresto ang isang pastor na naaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulis sa Cubao, Quezon City. Dinaan na lang umano sa dasal ng 49-anyos na pastor mula sa Cainta, Rizal matapos siyang arestuhin ng mga pulis, na isang buwan na nagmamanman sa suspek. "Kasi pag may nahuhuli kami sa may bandang Aurora, binabanggit po sa amin na isa ito sa nagbibigay sa kanila. Talagang nagduda muna kami sa una hanggang sa nakabili ang poseur buyer namin," ani Police Capt. Ramon Aquiatan ng Cubao Police Station. Nakuha mula sa suspek ang sampung sachet ng shabu na dadalhin sana sa Cainta. Inamin naman ng pastor na dalawang buwan na siyang gumagamit ng shabu, impluwensiya umano ng mga kaibigan. "Wala pong nakakaalam na nagbibisyo ako, walang nakakaalam even po mga kamag-anak even asawa ko," aniya. "Di po talaga ako nagbebenta sir. Nagkataon lang kanina, kinapos po ako sa pera." Nalaman pa ng pulis na nagturo ang suspek ng values formation sa mga pulis at estudyante. "Sabi ko pano ka makakahikayat kung ikaw mismo sa sarili mo ay nagbebenta at gumagamit ng droga?" ayon kay Aquiatan. "Gabayan na lang po ako ng Panginoon. Tanggapin ko na lang itong nangyari sa akin. Patawarin na lang po ako even ng pulis, saka ng pamilya ko na nasaktan ko sila," ayon sa suspek. Nahaharap ngayon ang pastor sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. +Sa halip na mag-ingay muli laban sa gobyerno, pinayuhan ng Malacanang si outgoing senator Antonio Trillanes IV na harapin ang seryosong alegasyon ng pagiging mastermind at pakikipagsabwatan sa sa Liberal Party (LP) sa umano'y planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi umano dapat magpakasiguro si Trillanes na hindi ito makukulong dahil sa seryosong alegasyon sa kanya ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na utak sa black propaganda videos para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito. Dalawang beses aniyang naglabas ng black propaganda si Trillanes, una ang umano'y malaking bank account ng Pangulo sa bangko bago ang Presidential elections noong 2016 at ang pangalawa ay ang narco propaganda videos na itinuturo sa kanya. "After having been set free from incarceration by the previous administration, one would expect him to learn his lessons and repay the nation that educated, fed and clothed him, with a record of selfless public service. Instead, he evolved to be a political attack dog setting fire to a vicious black propaganda against the President, who was then a City Mayor of Davao, of having a fictitious bank account amounting to 211M Pesos when the latter only had about Sixteen Thousand Pesos deposited at the Ortigas branch of BPI. He deviously released this black propaganda a week before the presidential elections, almost identical to the time frame of the release of the recent videos of Bikoy before the midterm national elections. The two black propagandas are eerily similar as to the timing of their release," sabi ni Panelo. "While many will wish Mr. Trillanes good riddance as he is about to leave the hallowed halls of the Senate at the end of June of this year, we will instead wish him luck as he faces another prospect of being placed behind bars again as the self-confessed black propagandist turns against his master, even as his victims look forward to seeing the Senate, or better yet the Government, without the cantankerously obnoxious coup plotter," dagday niya. Nabahag aniya ang buntot ni Trillanes nang idiin ni Advincula, taliwas sa naging aksiyon nito nang unang lumabas ang narco videos na tuwang-tuwa pa at panay ang banat sa Pangulo. Idinagdag pa ni Panelo na ang pinakamalaking maituturing na nagawa ni Trillanes sa bansa ay ang nakatakda nitong pag-alis sa senado matapos ipakita ang karakter nito bilang taga-sira ng reputasyon ng mga tao, tulad ng ginawa kay dating Ret. General Angelo Reyes na nagpakamatay dahil sa pambabastos at panghihiya nito na nasaksihan ng buong bansa. "Mr. Trillanes' greater service to the nation is his mandatory exit from the Senate where he distinguished himself as a destroyer of reputations of people, including causing the self-extinction of a gentleman military officer whom he disrespected and humiliated before the nation," sabi pa ni Panelo. +Nakaramdam umano ng pananakit ng dibdib si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, isang araw matapos umamin na sangkot ang Liberal Party (LP) at ilang opposition senators sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte. Ayon sa press briefing ni Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde, kanilang dinala si Advincula sa PNP General Hospital dahil sa pag-akyat ng blood pressure nito. Mababatid na humarap sa publiko si Advincula para sa bagong rebelasyon na sinabing ang LP, sina Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Risa Hontiveros at Sen. Leila de Lima ang umanoy mastermind ng 'Ang Totoong Narcolist' videos. +Pinabibilisan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng Senado sa panukalang batas na gawing mandatory ang Reserve Officers' Training Corps (ROTC) sa grade 11 at 12 sa pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa. Ito ay matapos sertipikahang "urgent" ng Pangulo ang nabanggit na panukalang batas. Sa ipinadalang sulat ng Pangulo sa tanggapan ni Sen. President Vicente Sotto III, hiniling nito na maipasa agad ang Senate Bill 2232 para gawing mandatory ang ROTC. Nais ng Pangulo na maibalik ang basic military at leadership training sa mga kabataan at mapaigting ang kanilang pagmamahal sa bayan. "I hereby certify to the necessity of the immediate enactment of Senate Bill 2232 to restore basic military and leadership trainings for the youth in order to invigorate their sense of nationalism and patriotism necessary in defending the State and to further promote their vital role in nation building," nakasaad sa sulat ng Pangulo kay Sotto na may petsang June 3, 2019. Nauna nang naipasa nitong Mayo 20 ang bersiyon ng panukalang batas sa mababang kapulungan ng Kongreso. +Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang drainage sa bayan ng Rosario, Northern Samar. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ellen Joy Deguia, residente ng Catarman, Northern Samar. Napag-alaman na nakababa na ang underwear ng biktima at may mga sugat sa ulo nito. Inaalam pa ngayon pulisya kung ginahasa ang biktima at nakikipagtulungan din upang matukoy ang salarin at motibo sa krimen. PANOORIN: 2 BABAE, NATAGPUAN PATAY AT GINAHASA SA AKLAN AT NORTHERN SAMAR +Nais paimbestigahan ni senator-elect Christopher "Bong" Go si outgoing Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte. Ito ay makaraang aminin ni Peter Joemel Advincula alyas "Bikoy" na si Trillanes ang mastermind ng "Ang Totoong Narcolist" video na nagsasangkot sa pamilya Duterte sa iligal na droga sa bansa. Sa isang panayam ay sinabi ni Go na hintayin na lamang ni Trillanes ang subpoena para sa kanya. Sa unang araw ng Hulyo magsisimula ang termino ni Go bilang senador. Sinabi pa ni Go na noon pa man ay alam na ng lahat ang plano ni Trillanes laban sa administrasyong Duterten. Inakusahan rin si Trillanes at ang Liberal Party (LP) na may pakana sa "Project Sodoma" na layon umanong pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte. +Pinasinungalingan ni Peter Joemel Advincula alyas "Bikoy" ang mga paratang na binitawan niya laban sa mga kaanak at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "Ang Totoong Narco-list" videos. Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Advincula na ang kaniyang mga paratang laban sa Pangulo ay utos lamang ng opposition party na Liberal Party (LP) at ilang kaalyado gaya nina Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Risa Hontiveros. "Lahat ng nangyari sa 'Ang Totoong Narco-list,' video... lahat 'yon pawang scripted, lahat 'yon pawang kasinungalingan," sabi ni Advincula. Ayon kay Advincula, nakilala niya si Trillanes sa pamamagitan ng isang pari kaya nakapag-plano sila na siraan ang administrasyon. Layon umano ng plano, na binansagang "Project Sodoma," na patalsikin ang Pangulo bago mag-Hunyo 30, 2019, at paupuin sa puwesto si Vice President Leni Robredo, ang chairperson ng LP. +Matapos ang pasabog na rebelasyon ni Peter Joemel Advincula tungkol sa tunay na mastermind sa "Ang Totoong Narcolist" video, nagbigay na rin ng pahayag ang nadawit na senator-elect na si Senator Bong Go patungkol kay Trillanes. Sa paglutang ni Advincula, pinangalanan niya sina Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila de Lima, Otso-Diretso, Liberal Party at iba pa upang siraan ang administrasyon. Sa isang panayam, sinabi ni Go maghintay lang dahil baka ipatawag niya rin si Trillanes sa Senado. Mababatid na dalawang beses rin na nagpakita ng kanyang likod si Go upang patunayan na walang "dragon tattoo" sa kanyang likod na siyang ibinibintang sa kanya ni Trillanes. "Trillanes, hintayin mo rin. Baka ikaw rin ang ipatawag ko," saad ni Go. "Pasalamat rin ako kay Trillanes, kung hindi n'ya ako tinawag d'yan baka hindi ako naging senador ngayon," dagdag pa niya. Kumbinsido si Go na totoong sina Trillanes at ang oposisyon ang nasa likod kay Bikoy para daw siraan si Pangulong Duterte at mga kandidato ng administrasyon sa katatapos na 2019 midterm elections kasama na siya. "Naniniwala po ako na nasa likod nito sina Trillanes at oposisyon. Sinakyan po nila ang issue para sirain si Pangulong Duterte at ang mga kandidato ni Pangulong Duterte," aniya. "Kanya-kanya na pong hugas-kamay kung sino po ang nasa likod nitong si Bikoy na 'to," dagdag ni Go. WATCH: BONG GO TO TRILLANES: I MIGHT SUMMON YOU AFTER 'BIKOY' VIDEOS +Matapos sumuko, naglabas ng pahayag si Peter Advincula alyas "Bikoy" para pasinungalingan ang lahat ng kaniyang mga inilantad sa "Ang Totoong Narcolist" propaganda videos. Ayon kay Advincula, ang lahat ng episode 1 to 5 ng "Ang Totoong Narcolist" kung saan siya ang narrator sa mga video ay pawang scripted lahat at kasinungalingan. Ibinunyag din ni Advincula ang "Project Sodoma" na ang layon ay pabagsakin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte para maitalaga bilang pangulo si Vice President Leni Robredo. At kapag naging presidente na si Robredo ay itatalaga nitong bise presidente si Sen. Antonio Trillanes IV. Sinabi ni Advincula, 9 na buwan na pinagplanuhan ang proyekto at personal niyang nakakausap tungkol dito si Sen. Trillanes, Sen. Risa Hontiveros at staff ni Sen. Leila De Lima. Sa ilalim ng "Project Sodoma" gagawa ng mga isyu para i-divert ang atensyon ng tao dahil masyadong mataas ang ratings ng administrasyong Duterte. Bahagi aniya ng plano ang naging pahayag ng dating police official na si Eduardo Acierto laban kay senator-elect Christopher "Bong" Go. "Ang plano ng kabilang kampo gumawa ng issue para madivert ang pansin ng tao at hindi lang yung sa akin ang plano doon, marami pang nauna. Yung pagsalita ni Acierto na iniuugnay niya si Bong Go kasama iyon sa script para umingay at madivert ang tao," ayon kay Advincula. Giit ni Advincula, pinangakuan siya na kapag naisakatuparan ang lahat ng plano ay babayaran siya at i-aabsolute pardon siya sa mga kaso at bibigyan pa ng posisyon sa gobyerno. Aminado si Advincula na mali ang kaniyang ginawa at nagpasilaw siya sa pera at ito aniya ang nakikita niyang pamamaraan upang itama ang mga pagkakamali niya. +Itinuro ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, sina Sen. Antonio Trillanes IV at Liberal Party bilang utak sa lahat ng episode 1 to 5 ng "Ang Totoong Narcolist" na kontra sa malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa press conference sa Philippine National Police (PNP), nakonsensya umano si Advincula kaya't sumuko sa mga awtoridad. Aniya, nakausap niya si Trillanes ukol sa paggawa ng video -- 9 na buwan umano ang tinagal para makumpleto ito. Partikular nitong tinukoy sina Senador Antonio Trillanes IV, Senadora Risa Hontiveros at Senadora Leila De Lima. "Actually after this press conference, kung maniniwala pa ang tao sa akin... ang lahat ng nangyari sa Totoong Narcolist, video episode one to video episode five, 'yung na-record ko, lahat 'yun pawang scripted, pawang kasinungalingan," saad ni Advincula. "Itong paputok ng kay Bikoy [ay] para ma-discredit si Senator-elect Bong Go, 'yung iba pang mga sangkot na pulitiko... 'Yun ay pawang orchestrated lamang ng Liberal Party under the handle of Senator Antonio Trillanes IV," aniya pa. WATCH: PETER ADVINCULA TAGS TRILLANES, LIBERAL PARTY BEHIND "BIKOY" VIDEOS +Sumuko na sa mga otoridad si Peter Joemel Advincula alyas 'Bikoy' - ang lalaking nasa serye ng "Ang Totoong Narcolist" videos na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umanoy kalakaran ng ilegal na droga sa bansa. Si Peter Advincula ay sumuko sa Northern Police District at agad dinala sa PNP Headquarters sa Camp Crame. Matapos sumuko, naglabas ng pahayag si Advincula na para pasinungalingan ang lahat ng kaniyang mga inilantad sa mga black propaganda videos. Ayon kay Advincula, ang lahat ng episode 1 to 5 ng "Ang Totoong Narcolist" videos kung saan siya ay nagpakilalang "Bikoy" bilang narrator sa mga video ay pawang scripted lahat at kasinungalingan. "Lahat ng nangyari sa Ang Totoong Narco-list, video episode 1 to video episode 5... lahat iyun pawang scripted, lahat iyun pawang kasinungalingan," paglalantad ni Advincula. "Walang katotohanan lahat-lahat iyun at iyun ay pawang orchestrated lang ng mga nasa kabilang party, which is Liberal Party under the handling of Senator Sonny Trillanes IV," dagdag niya. +Nabuo na ang isa sa dalawang barkong pandigma na binili ng Pilipinas sa South Korea. Ang mga barko ay pinangalanan na BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151). Ito raw ang pinakamalakas na warship ng ating bansa at magsisilbi na pang-depensa sa teritoryo ng Pilipinas. Ang mga barko ay ginawa ng South Korean company na Hyundai Heavy Industries na nagkakahalaga ng P18 billion. Ang kontrata sa naturang proyekto ay pinirmahan noong October 24, 2016 ng Philippine's Department of National Defense, Philippine Navy high command officials, Hyundai Heavy Industries executives, at ng South Korean Ambassador to the Philippines sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila. Ilan sa mga ipinagmamalaki na armas ng barko ay ang 76 milimeter main gun at 30 calibre remote-controlled gun. Mayroon din itong anti-ship system, anti-aircraft missiles, sonar systems at torpedo, command management system (CMS) na nagsisilbing utak ng warships. "She (BRP Jose Rizal) is the first combat ship to be designed and acquired for the Philippine Navy along with her sister-ship, the BRP Antonio Luna (FF-151) whose steel-cutting is also scheduled for this week," pahayag ni Navy spokesperson Captain Jonathan Zata. PANOORIN: MGA BAGONG BARKONG PANDIGMA NG PILIPINAS, PAPANGALANANG BRP JOSE RIZAL AT BRP ANTONIO LUNA +Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing ng 167 na certificates of canvass (COC) para sa 2019 midterm elections. Sa final and official tally ng Comelec, nasa 1st spot pa rin sa senatorial race si Cynthia Villa habang napanatili ni Nancy Binay ang kapit sa 12th spot. Dahil dito, itutuloy na ng Comelec ngayon araw ang proklamasyon ng mga nanalong senador habang mamayang gabi naman ang mga nanalong party-list. Bigong naman na makapasok sa "Magic 12" ang re-electionist senators na sina Sen. JV Ejercito at Bam Aquino na nakakuha lamang ng 14,313,727 at 14,114,923 votes. +Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) engineering office sa ikalawang Distrito ng Leyte ang konstruksyon ng 17 bagong school buildings para sa susunod na pasukan ng klase. Ang mga naturang school buildings ay matatagpuan sa Pinamopoan Senior High School (SHS), Mariano National High School (NHS), at Asuncion Melgar NHS sa Capoocan town; Patoc NHS sa Dagami; Barugo Central School I at Barugo NHS sa Barugo, Leyte; at Agapito Amado NHS sa Jaro, Leyte. Ang mga school buildings ay kumpleto ng pasilidad tulad ng mga palikuran, emergency exit para sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at mga guro. Kaya din daw labanan ng naturang gusali ang mga kalamidad tulad ng malalakas na bagyo at lindol. "These classrooms are equipped with toilets and emergency exit stairs for safety and security of the students and faculty members. Through this project, the government will be able to address the need for more classrooms," pahayag ni District Engineer Gerald Pacanan. Ang naturang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng P371.39 million Basic Educational Facilities Fund (BEFF) ng Department of Education (DepEd). Ang BEFF ay pondo mula sa School Building Program ng DepEd para sa pagpapagawa ng mga gusali at pagmementine ng paaralan. +Kusang sumuko si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy sa Philippine National Police (PNP) at humiling ng protective custody. Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Amador Corpus, bumalik si Advincula kasama ang kanyang abogado at nagsumite na rin ng mga ebidensya na makatutulong sa imbestigasyon para patunayan ang kanyang mga alegasyon. "Last Monday, that is May 27, Bikoy returned. He is now under protective custody. He voluntarily surrendered himself and requested for protective custody," sinabi ni Corpus. Kabilang sa kanyang isinuko ay ang personal computer at cellphone na naglalaman umano ng usapan nila ni Sen. Antonio Trillanes IV na kasabwat niya sa paggawa ng mga serye ng propaganda videos laban sa pamilya Duterte. Sinabi pa ni Corpus na nasa ilalim ngayon ng protective custody ng CIDG si Advincula habang isinasailalim sa validation ang mga alegasyon nito. Sa pagsuko ni Advincula, sinabi ni PNP Police General Oscar Albayalde, na lahat ng pahayag nito, kabilang ang mga personalidad na iniugnay niya sa ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay iimbestigahan. "All the things Bikoy said will be validated, all the names will be part of our investigation," saad ni Albayalde. "Bikoy will be part of the investigation. Remember, he can also be a respondent here. We are not saying that he is already a witness or he's still a suspect. It's for the court to decide if he will become a witness or a suspect after we file a case," dagdag ni Albayalde. Humiling na rin ang PNP ng kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage sa mga lugar ng pagkikita ni Advincula, ilang miyembro ng Otso Diretso, at mga kandidato sa pagkasenador ng oposisyon kaugnay sa Project Sodoma. +Kasalukuyang nasa kustodiya ng immigration authorities sa airport sa Hong Kong si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales. Ayon kay Attorney Anne Marie Corominas, legal counsel ni Morales, tinawagan umano siya para ipaalam sa kaniya ang sitwasyon dating Ombudsman sa Hong Kong. Batay sa mga ulat, idinitene si Morales sa Hong Kong Immigration sa Terminal 1 ng airport dahil umano sa pagiging "security threat" o banta sa seguridad pero hindi malinaw kung bakit ito naging banta. Matatandaang sina Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ang naghain ng reklamong "crimes against humanity" laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Lumipad papuntang Hong Kong si Morales para magbakasyon kasama ang kaniyang asawa, anak, at mga apo. Pinabalik umano ang mga kasama ni Morales sa Pilipinas pero nagdesisyon ang mga ito na samahan ang dating Ombudsman. Ayon naman kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hindi maaaring kwestyunin ng gobyerno ng Pilipinas kung anuman ang rason ng Chinese immigration officials sa pagharang kay Morales. PANOORIN: DATING OMBUDSMAN CARPIO MORALES HINARANG SA HONG KONG AIRPORT +Hindi tinanggap ni Vice President at Liberal Party (LP) chairman Leni Robredo ang pagbibitiw sa pwesto ng ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan bilang presidente ng partido. Mababatid rin na nag-resign si Quezon City Representative Christopher "Kit" Belmonte bilang secretary general ng partido. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, marami pang kailangang gawing trabaho at kailangan itong gawin ng dalawa nang magkasama. Nagbitiw si Pangilinan para akuin ang responsibilidad sa pagkatalo ng Otso Diretso sa katatapos na 2019 midterm elections. Sa walong pambatong senador ng LP, si re-electionist senator Bam Aquino ang nakakuha ng pinakamataas pwesto na ika-14. Si dating LP president at DILG Secretary Mar Roxas naman ay nasa pang-16 na pwesto. +Nakatakdang bumaba bilang presidente ng Liberal Party (LP) si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan matapos ang kinalabasan ng 2019 midterm elections. Sa kanyang resignation letter na ibinigay kay Vice President Leni Robredo, sinabi ni Pangilinan na ginawa niya ito bilang pag-ako ng pagkakatalo ng Otso Diretso sa senatorial race at iginiit na may pananagutan siya bilang campaign manager ng oposisyon. "As campaign manager for the Otso Diretso slate, I was unable to ensure our victory in the elections & I assume full responsibility for the outcome and hold myself primarily accountable for this defeat & have tendered my resignation as president of the LP effective June 30, 2019," ani Pangilinan. Batay sa nagpapatuloy na canvassing ng Commission on Elections (Comelec), tiyak na pasok na sa Senado ang apat na ka-partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina: Bong Go, Ronald Dela Rosa, Francis Tolentino at Koko Pimentel. Lusot din ang anim na inidorso ng administrasyon na sina: Pia Cayetano, Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Cynthia Villar, at Bong Revilla; maging ang dalawang re-electionist na sina Grace Poe at Nancy Binay na parte ng kasalukuyang majority block ng mataas na kapulungan. Dahil dito, inaasahang 20 senador na ang bubuo sa mayorya pagpasok ng 18th Congress. Habang matitira sa minority block si Pangilinan kasama sina Sen. Franklin Drilon, Sen. Leila De Lima at Sen. Risa Hontiveros. +Hinabol at pinagbabato ng galit na taumbayan ang driver ng isang kotse sa Sampaloc, Maynila na nakabangga ng hindi bababa sa dalawang tao at sampung sasakyan. Nangyari ang insidenteng nag-ugat daw sa tangkang pagtakas ng motorista sa isang traffic violation. "Hinahanapan ng lisensya itong driver, so nung pinakitaan ng lisensya, ang sabi allegedly peke 'yung license. Then biglang hinarurot 'yung sasakyan niya," ayon kay Police Captain Jaime Gonzales Jr., hepe ng Manila Police Vehicle Traffic Investigation Section. Nakahagip ang kotse ng ilang tao, poste ng ilaw, puno, at isang hilera ng mga nakaparadang motorsiklo nang subukang dumaan sa isang eskinita sa ilalim ng Nagtahan Flyover. "Ang bilis ho ng dating eh. Pagdating ho roon, pinipilit talagang isiksik. Lumipad 'yung bumper, tumama sa paa ko 'yung bumper," ayon kay Rodolfo Paulino, isa sa mga biktima. Dahil ayaw paawat ng driver, nagtulong-tulong ang ilang lalaki sa pambabato sa kotse. Nasa kustodiya na ng pulisya ang isa sa mga sakay ng naturang sasakyan pero hindi muna pinangalanan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property and physical injuries at resistance and disobedience to agent or person in authority ang tinutugis pa ring driver. Sa isang video footage na in-upload sa Facebook, makikita na pinagbabato ng malaking bato, kahoy at maging martilyo ang windshield ng kotse. +Sa botong 167 pabor at 4 na tutol, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang buhayin ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga nasa Grades 11 at 12 (Senior High School) sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Layon ng House Bill No. 8961 na amyendahan ang Republic Act No. 7077 o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act. Sa oras na maisabatas ay mamumulat umano ang kabataan ang pagiging makabayan, pagrespeto sa karapatang pantao at pagsunod sa Konstitusyon gayundin ang pagseserbisyo publiko. Ang pagsasailalim sa ROTC training ay pre-requisite para maka-grduate ang isang senior high school student. Samantala, exempted sa pagsasanay sa ROTC ang mga estudyante na hindi maituturing na physically o psychologically fit; ang mga dumaan o patuloy pang sumasalang sa military training; at ang mga pinili ng eskuwelahan na magsilbing varsity player na pambato sa sports competition. Dapat na aprubado ng Department of National Defense ang exemption at may rekomendasyon ng education institution na kinabibilangan nito. Inatasan sa panukala ang kalihim ng Department of National Defense sa pakikipag-usap sa Department of Education at TESDA para isulong ang organization at gawin ang operational manual ng ROTC units. +Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang maglilikha sa Philippine Space Agency (PhilSA). Sa ilalim ng Senate Bill No. 1983 o mas kilalang Act Establishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency, magsisilbing strategic roadmap para sa space development ang PhilSA. Kukunin umano ang pondo para sa space program na nagkakahalaga ng P1 billion mula sa fiscal year's appropriation ng Office of the President. Samantala, ang pondo naman para sa susunod na operation at maintenance nito ay isasama sa General Appropriations Act. Dagdag na P10 billion ay magmumula naman sa gross income ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa loob ng limang taon. +Naaresto ng pulisya ang isang lalaki sa Santa Cruz, Laguna matapos nitong patayin sa saksak at isako ang isang 5-anyos na batang babae. Natagpuan ang nakasakong bangkay ng biktima sa loob ng bahay ng 30-anyos na suspek, ayon sa report ng pulisya. Dumulog sa pulisya ang mga kaanak ng suspek matapos mahanap sa sako ang bangkay ng biktima. Binigyan umano ng suspek ng mais con yelo ang biktima at isinama sa loob ng kaniyang bahay, kung saan niya ito pinagsasaksak ng screwdriver. Ang biktima ay anak ng kasambahay ng kapitbahay ng suspek. Inamin naman ng suspek ang krimen at sinabing hindi niya alam ang kaniyang ginawa dahil lulong siya sa ilegal na droga. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder habang isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima. +Binanatan ng tirada ng dating commissioner ng National Youth Commission (NYC) na si Dingdong Dantes si Ronald Cardema dahil sa paghahain nito ng substitution para sa Duterte Youth party-list habang namumuno sa komisyon. Ayon kay Dingdong, tila mali ang timing ng pagbibitiw ni Cardema na isang araw lamang bago ang eleksyon. Saad ni Dingdong na posibleng nagamit ni Cardema ang kanyang position para ikampanya ang Duterte Youth party-list at kung balak nitong mag-substitute ay dapat aniya ay ginawa na noong una pa lang. "Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag resign siya bilang NYC Chairman. Pwede bang nagising na lang siya isang araw at nag-decide na trip niya? Maaari kasing nagamit ang ahensya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya," saad ni Dantes. Gusto ring paimbestigahan ni Dingdong ang biglaang pag-back out ng lahat ng tumakbong nominee ng Duterte Youth na nabatid matapos magpapalit ni Cardema sa party-list. "Malinaw din naman ang batas kontra sa partylist na tumatanggap ng kahit anong suporta o may koneksyon sa gobyerno. Nakakalungkot na bilang pangunahing representante ng kabataan ay lumalabas na nakikisali siya sa pagabuso at pag-circumvent sa Party-list system," giit ng aktor. Samantala, inihayg ng Malacanang na naghahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit kay Cardema matapos nitong magsumite ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) na palitan ang kanyang asawa bilang First Nominee ng Duterte Youth na nakapasok sa nakaraang halalan. +Ipinasara ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang 10 mga hotels na natuklasang iligal na nagtatapon ng kanilang mga dumi sa Bacuit Bay sa El Nido, Palawan. Ayon kay Michael Drake Matias, director ng Environmental Management Bureau for Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ng DENR, ang nasabing mga hotels ay malinaw na lumabag sa Clean Water Act ng 2004. Dagdag pa nito na ang tubig na inilalabas ng mga 10 hotels sa apat na lugar sa El Nido ay lumampas sa pollutant limits na itinakda ng DENR. Nitong Sabado, May 18, inanunsiyo ng DENR ang cease-and-desist order (CDO) na inisyu nitong Miyerkules laban sa mga sumusunod na hotel: "The result of the laboratory analysis on the wastewater taken from said establishments went beyond the DENR General Effluent Standards for Biochemical Oxygen Demand (BOD)," ayon kay Matias. Tiniyak naman ng DENR na kanilang ipagpapatuloy ang pagbabantay sa mga establishimentong lumalabag sa environmental law. "We have initial investigations done on other hotels and restaurants and we are just waiting if results of their effluent samples would merit issuance of CDO," sabi ni Henry Adornado, regional executive director, sa isang statement. +Isang estudyante ng De La Salle, na pamangkin ng magkapatid na pari, ang natagpuang patay at posibleng ginahasa sa kanyang apartment sa Lipa City, Batangas. Kinilala ang biktima na si Fidex Therese Dimaculangan Maranan, 21-anyos, 4th year college student ng Dela Salle Lipa. Ang hubo't hubad na bangkay ng biktima, na tinakpan ng kumot at may saksak sa leeg, ay nadiskubre ng kanyang kamag-anak na si Romulo Maranan sa loob ng kuwarto ng nirerentahang apartment sa Miracle Heights Subdivision, Barangay Antipolo Del Norte. Ayon kay Police Col. Ramon Balauag, hepe ng Lipa City Police, posibleng tatlong araw nang patay ang biktima, na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinaslang, batay na rin sa autopsy report. Aniya, may mga pasa sa katawan at ulo ng biktima na tila pinalo ng matigas na bagay o iniuntog sa sahig. Ang biktima ay pamangkin ni Monsignor Ruben Dimaculangan, na ngayo'y kura paroko ng St. Therese Parish sa Talisay, Lipa. Ayon naman kay Father Nonie Dolor, dating radio station manager sa lugar, sinusuportahan na lang ni Dimaculangan at ng kapatid na si Quiel, isa ring pari, ang biktima matapos itong maulila. Nag-iisa na lang din ang biktima sa lugar dahil nasa kani-kanilang destino ang magkapatid na tiyuhin nito. Samantala, inaalam na ngayon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo nito sa krimen kaya nagsasagawa pa sila ng masusing imbestigasyon sa kaso. +Itinampok sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ng isang lalaki na nagkaroon ng stage 4 colon cancer dahil umano sa paglalaro ng mobile games. Sa mga Facebook post ni Michael Tumagan, makikita ang pinagdaanan ng isang binata na dating masigla at mahilig sa mobile games. Sa loob ng dalawang taon ng paglalaro ay hindi natutulog nang maayos at nakakakain nang maayos si Michael hanggang unti-unti na itong nagkasakit at ma-diagnose siya na may cancer nitong 2018. "Sa totoo lang po, 'di ko po maiwasan ang emosyon ko. Kasi marami na po nadamay na organs. Hindi na rin po ako makagalaw," sabi niya. Ayon sa doctor ni Michael, genetic o namana ni Michael ang kaniyang sakit na Stage 4 Rectosigmoid Adenocarcinoma. Hindi man dahil sa paglalaro ang sakit, hindi napansin ni Michael agad ang kaniyang mga sintomas dahil sa pagkaabala sa paglalaro ng Mobile Legends. Basahin ang mga mensahe at pakikiramay ng mga kaibigan ni Michael: RIP! Paalam mahal kong kaibigan ngayong kasama mo na si papa god at hindi kana magtitiis ng sobrang sakit. Isa kang hero kinaya mo lahat, nanalig ka wala nading magbabash at magsasabing scam. Mahal na mahal ka namin at mamimiss ka ng lahat na nagmamahal sayo. Bro, mamimiss ko ang mga hugot mo. Ang sakit ng mabalitaan ko na wala kana bro. Hindi tumigil ang iyak ko kaya pala tingin ako ng tingin sa mga sapatos na galing sayo. Gayunpaman, ikaw ay hamak na fighter/hero kasama mo na si God no more pain no more battles na ikaw. We will miss you! Salamat sa mga taong tumulong at sa KMJS. Hindi ko kinaya ang sakit sakit ng puso ko. RIP kuya Michael Tumagan. Sorry hindi kita ma dalaw super hina ko at ang promise ko ng June na puntahan ka namin is wala na. Bakit sa dami ng tao ikaw pa ang nagka-cancer bakit hindi nalang yung mga taong masasama ang ugali. Grabe ang lungkot ko ngayon kasi ikaw yung fans ng Pabebe Girls! Grabe yung asaran natin! Yung awayan pero still nag aayos naman tayo. Nawalan nanaman ako ng kaibigan pero alam ko pahinga kana at nasa feeling kana ni Papa God. Sana kapag nakausap muna si Papa God yung sinabe ko sayo noon niya ibigay niya yung lalakeng para sakin. Mahal na mahal kita kuya ko, hinding hindi kita malilimutan. Maraming salamat sa mga tao at kaibigan ko ng nagbigay ng donation. Si God na po ang bahala sa inyo. +Binigyan ng kredito ni dating Senador Bong Revilla ang kanyang plunder acquittal at budots television campaign ad kaya siya nakapasok sa "Magic 12" ng 2019 senatorial race. As of 7:20PM, Mayo 17 sa partial at official results ng Comelec, nasa 12th spot si Revilla na may 13,442,578 votes. Ayon kay Revilla, sa palagay niya ay malaking bagay ang paglabas ng katotohanan na wala siyang kasalanan kaya nagtiwala sa kanya ang mayorya ng botante. Maaari rin aniyang nakatawag ng boto ang kanyang pagsayaw ng budots kung nag-viral sa social media at ginawan pa ito ng samu't saring memes. "Siguro malaking bagay dito 'yung paglabas ng katotohanan na si Bong Revilla ay walang kasalanan. Siyempre malaking bagay din 'yung mga ad, 'yung budots malaking bagay din. Hindi ko malaman kung 'yun ba ay positive or negative. Hindi ko alam kung nakadagdag ba 'yun o nakatawag ng boto," ani Revilla. Kwento ni Revilla, ang kanyang anak na si Jolo ang naghimok sa kanyang sumayaw sa television campaign ad. "Actually wala naman talaga akong balak sumayaw, talagang pinush lang ako nila Jolo, 'Papa tutal andiyan ka na, sumayaw ka na.' Tapos nu'ng nandu'n na, sumayaw tapos pinatayo 'yung mga apo ko, nagsayawan sila," paliwanag pa ni Revilla. Para kay Revilla, ang masakit sa social media ay ang pambabato ng fake news at masasakit na salita na sana aniya ay matigil na. Hiling rin ni Revilla sa netizens ay matapos na ang lahat at magtulong tulong na lamang para sa bayan, na walang kinikilalang kulay sa pulitika. +Arestado ang isang 72-anyos na lalaki at isang kasamahan niya nang lusubin ng ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Bulacan at Animal Kingdom Foundation ang isang bentahan at katayan ng aso sa Barangay Manatal, Pandi, Bulacan. Nakilala ang suspek na si alyas "Boy Pukpok" o Danny Cruz na isa umanong stroke survivor. "Pinupukpok niya 'yung aso sa ulo, i-travel nila para hindi gagalaw, para hindi mahulog sa tricycle," sabi ni Police Staff Sergeant Dexter Pagales. Nang tanungin ang suspek kung alam niyang bawal ang ginagawang pagkatay at pagbenta ng aso, ang sabi ni Cruz, "Alam ko. Wala na akong... hanapbuhay. Pati malapit na ang buhay ko." Nahuli rin ang isang kasama ni Cruz, habang nakatakas ang isa pa. Nasa 4 na patay na asong nakasako ang na-recover ng mga awtoridad sa isinagawang raid habang dalawang aso naman ang masuwerteng nakaligtas. Mahaharap ngayon ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act. Naktakda namang isailalim sa rehabilitasyon at pangangalaga ang mga nasagip na aso. "Yung aso kasi, hindi naman siya for human consumption at hindi siya healthy ipapakain sa tao. Ang aso po ay man's best friend," paalala ni Allan Pekitpekit ng Animal Kingdom Foundation. +Humingi ng panalangin mula sa kaniyang mga taga-suporta si senatorial candidate Bam Aquino matapos malaglag sa Magic 12 ng senatorial race. As of 11:00PM, nitong Mayo 17, nasa 13th spot si Aquino na may 13,384,293 votes sa partial and official tally ng Comission on Elections (Comelec). Sinabi ni Aquino na nagsalita na siya matapos ang 2019 midterm elections noong Lunes dahil sa pangangamusta ng kanyang mga kaibigan. Hiniling din niya na ipagpatuloy lang ang pagdarasal para sa kanya, gayundin sa bansa. "Hello everyone! I wanted to make my first public statement after the counting finished, but since so many friends are asking how I am, I just want to tell everyone out there that I'm ok! Please continue praying for me, better yet, please continue praying for and loving our country." Dagdag pa niya, anuman ang kalabasan ng eleksyon, hindi mauubos ang pagmamahal niya sa mga Pilipino. "Hindi mauubos ang pagmamahal ko sa ating mga kababayan maganda man o hindi ang resulta ng eleksyon," dagdag pa niya. Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Aquino ang kanyang mga kapwa kandidato sa Otso Diresto. +Muling nagbago ang posisyon ng mga kandidato sa pagka-senador sa bagong partial at official tally ng Commission on Elections (Comelec) - National Board of Canvassers (NBOC). Mula sa 12th spot, laglag na sa 13th spot si Otso Diretso candidate Sen. Bam Aquino. Sa pagsasara ng canvassing ngayong araw, napalitan ni Bong Revilla sa 12th spot si Aquino. Ito ay base sa 87.42% na election results o katumbas ng 147 certificates of canvass (COC) sa kabuuang 167. Narito ang latest tally as of 7:30 ng gabi: Habang narito naman ang mga kandidatong nasa number 13 to 20 na spot: +Mas madali nang buhayin ng bagong Senado ang parusang kamatayan o death penalty para sa mga nakalaboso dahil sa high-level drug trafficking sa bansa. Ito ay matapos manguna sa sentorial race ang karamihan sa mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabor sa nasabing panukala. Inihayag ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na mataas ang tsansang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa dahil madadagdagan na ang mga senador na pro-death penalty. "Karamihan sa mga nasa top 12 tulad ni Bato Dela Rosa ay sang-ayon sa death penalty subalit para lamang sa mga heinous crime tulad illegal drug trade," ayon kay Sotto. Ayon kay Sotto, naging basehan din nito ang pagboto ng mga mamamayan dahil alam ng publiko kung sinu-sinong kandidato ang pabor at hindi pabor sa death penalty. "It's a possibility now because nadagdag nga 'yung pro-death penalty pero sino bumoto sa kanila? 'Yung mga tao. Di ba alam nila 'yung mga pro-death at hindi?" ani Sotto. Sinabi pa ni Sotto na payag na siyang huwag ipasa ang nasabing panukala ngunit kung mataas ang kaso ng drug trafficking sa bansa, kailangan na itong ipatupad. Ipinunto ni Sotto na tanging Pilipinas na lang ang bansa sa Asya ang walang death penalty laban sa drug trafficking kung kaya't naging paboritong puntahan ang bansa ng mga nagma-manufacture at nagta-transhipment ng ilegal na droga. Matatandaan na pumasa na ang death penalty sa House of Representatives na pinamunuan noon ni dating House Speaker Pantaleon Alverez, habang nakabinbin naman ang panukala sa Senado. +Nanindigan si dating Bayan Muna representative at senatorial candidate Neri Colmenares na hindi siya kailanman magko-concede sa pagkatalo sa tinawag niyang bulok na eleksyon. Sa kaniyang Twitter post, sinabi nitong malinaw na ang nangyaring botohan ay may kasamang panloloko at panunuhol sa mga tao para mailuklok ang mga "worst kinds of leaders". "I will never concede defeat to a rotten electoral exercise that has basically deceived, bribed, intimidated and manipulated our people into electing the worst kinds of leaders imaginable. Tuloy ang laban!" tweet ni Colmenares. Aniya, kung tapat lamang ang naging eleksyon ay madali para sa kanya na tumanggap ng pagkatalo pero sa pagkakataon na ito ay hindi naging normal ang takbo ng eleksyon. "It would have been easy to concede had I lost in a fair and honest elections. But this year's elections were hardly fair or honest," ani Colmenares. Base sa partial and unofficial results, hindi pinalad na makapasok sa top 12 senatoriables si Colmenares at nasa ika-24 na pwesto na may 4,651,870 votes. Samantala, inaasahan na ng Malacanang ang pag-iingay ng ilang makakaliwang grupo kagaya nina Bayan Secretary-General Renato Reyes at Neri Colmenares na sumisigaw ng may nangyaring malawakang dayaan sa katatapos na eleksyon. "The sovereign voice has spoken. We urge the opposition, the critics and the detractors to bow to the majesty of the rule of the majority, lest we are swept away by the rampaging tidal waves of change," diing pahayag ni Sec. Panelo. +Nais ni Manila Mayor Isko Moreno na bilhin ang basura ng mga taga-Maynila bilang bahagi ng kaniyang programa na bawasan ang basura ng lungsod. Sa isang panayam, sinabi ni Moreno na imbes na pera ay makakakuha ang mga magbebenta ng mga basura ng mga coupon na maaaring ipapalit para sa bigas at de lata. "Bilang dating basurero... 'yung basura mo, bibilin ko po 'yun kasi nakita ko na if you would stimulate or put these incentives, baka mahikayat, mabuhayan ang tao," aniya. Layon din ni Moreno na ibalik ang mga Metro Aide o ang mga regular na street sweeper ng lungsod. "Umaga pa lang makikita niyo may nagwawalis na. Tanghali may nagwawalis. Hapon may nagwawalis. So continuous, honest to goodness na paglilinis," sabi pa ni Moreno. Isa pang plano ng bagong alkalde ang i-redevelop Binondo bilang business district, at ang Pandacan, na dating oil depot, bilang green area. Bukod dito, magtatayo rin siya ng in-city housing sa Delpan para sa urban poor families. "Para mapakita kung totoo laway, ko I'll start it there. It can be a model to any local government unit then I'll go to Baseco then to Parola," aniya. May balak din si Moreno na ibaba ang real estate at business taxes sa lungsod. "It's a humbling experience. Yung results kasi overwhelming. Scary, in a way people are expecting more now. Nakaka-tense," ani Moreno. +Muling nakapasok sa "Magic 12" ang senatorial bet ng Otso Diretso na si Sen. Bam Aquino habang nangunguna pa rin si Sen. Cynthia Villar sa bagong Commission on Elections (Comelec) results. Sa partial at official tally ng Comelec as of 9:30PM ng Huwebes, May 16, nasa 12th spot si Aquino na may 11,001,047 votes; si Bong Revilla na nasa 13th spot na may 10,988,697 votes; at si Sen. JV Ejercito na bumaba sa 14th spot. Sa ngayon ay nasa 129 certificates of canvass (COC) mula sa kabuuang 167 COCs ang na-canvass na ng Comelec. Narito ang bagong ranking ng top 12 sa senatorial race: Samantala, umabot na sa 97.79 percent ang na-prosesong election returns o katumbas ng 46.7 million mula sa 63.6 million registered votes batay sa partial at unofficial results ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Nasa 1st spot si Sen. Cynthia Villar na may 25,029,675 votes; Grace Poe na may 21,856,981 votes; at Bong Go na may 20,353,737 votes. Hindi parin nakakapasok sa winning circle si Sen. Bam Aquino na nasa 14th spot na may 14,054,642 votes. +Isang kasaysayan sa bayan ng Rizal, Palawan ang pagkakapanalo ng isang tribal leader sa katatapos na 2019 midterm elections. Ang 77-anyos at independent candidate na si Otol Odi ang iprinoklama bilang bagong alkalde sa naturang bayan matapos makakuha ng 8,575 boto batay sa resulta mula sa Commission on Elections (Comelec). Ang kaniyang kalaban naman na si Cesar Magsaysay na suportado ng administrasyong Duterte ay nakatanggap ng 4,814 na boto. Naluha ang ilang taga-suporta ni Otol sa kanilang nakamit matapos ang mga pinagdaanan sa pangangampanya. "Hindi po madali pinagdaanan namin pero sulit kasi nagbunga po ito ng maganda," ani Edna Macmam. Para kay Alex Hirang, "Kahit inakyat pa namin ang mga bundok para lang maabot ang mga katutubo, ginawa po namin 'yun." Sa isang panayam, ilan sa gagawing priyoridad ni Otol kapag uupo na ito sa puwesto ay kabuhayan, pantay na pagtingin, edukasyon, at maayos na kalusugan para sa gaya niyang indigenous people o IP. "Malaki ang pangarap ko para sa mga kapwa ko katutubo na laging napag-iiwanan dito sa bayan namin," aniya. "Gusto ko talaga na matulungan sila kaya nanindigan akong tumakbo. Alam ko naman na kaya ko. T'saka kinausap ako ng mga tao dahil ayaw namin na dayuhan ang mamumuno sa amin," ani ni Otol. +Higit sa 800,000 ang mga pulis at sundalo kabilang ang iba pang government personnel ang itinalaga para matiyak na magiging maayos ang katatapos na halalan. Dahil dito, isang netizen ang nagbigay-pugay sa ilang mga sundalo. Sa isang Facebook post ni Edrian Obenita Resueno, makikita ang mga larawan ng mga sundalong pagod na nagpapahinga sa sahig matapos masigurong maayos at ligtas ang 2019 midterm elections. Ayon sa caption ni Resueno na, "Our troops after securing your votes, giving their best to give you an honest, orderly and peaceful election. Be proud! Mabuhay ang mga sundalo, pulis at guro!" Ilang netizens ang nagpahayag din ng kanilang paghanga at pagsaludo sa ginawa ng mga sundalo para mapanatili ang seguridad sa iba't-ibang rehiyon dahil sa presensya ng mga rebelde, private armies, at matinding away politika ng mga magkakalabang kandidato. "My highest respects to the army, police, teachers, watchers and all volunteers who served a peaceful and honest elections." "Salute to all the soldiers, policemen and teachers servants of our nation on guarding our election. Thank you for all of you, job well done." "God bless all of you for securing the election of our country, but please, hanggang sa bilangan sana at pagsesecure ng mga VCM." "Binubuwis nila ang buhay nila para sa bayan dapat tumbasin ng mga nanalong kandidato ng katapatan ang tungkulin nila para sa Bayang Pilipinas." +Kinumpirma ng PNP na binawi nito ang dalawang police security ni Erwin Tulfo, pero kaagad nilinaw na wala umano itong kinalaman sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng broadcaster laban sa pagmumura sa kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isang dating mataas na opisyal na militar. "Based on standard protocols, the two PNP security personnel assigned to Erwin Tulfo will undergo the regular inspection, interview and debriefing this week following an assigned schedule among all PSPG [Police Security and Protection Group] personnel," saad ni PNP Spokesperson Col. Bernard Banac. Bukod kay Erwin, babawiin din ang police security ng kanyang mga kapatid na sina Ramon, Raffy, at Ben, para sumailalim sa kaparehong proseso. "All authorization of Tulfo siblings will undergo same review process as ordered by [Department of Interior and Local Government] Secretary [Eduardo] Ano," ani Banac. Kaagad namang nilinaw ni Banac na ang pagbawi sa police security ni Erwin ay walang kaugnayan sa mga kontrobersiyal na pahayag nito laban kay Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista. "No connection, but partly na highlight lang din dahil naka-schedule to report 'yung security detail niya this week to PSPG for their regular inspection and review," ani Banac. Matatandaang na pinagmumura ni Erwin si Bautista, retiradong heneral at dating commander ng Philippine Army (PA), sa kanyang programa sa radyo. Napaulat na tinawag ni Erwin si Bautista na "buang" nang tumanggi ang kalihim na magpa-unlak ng interview dahil kailangan daw ng formal request limang araw bago makapanayam si Bautista. "Sino ba itong buang na ito? Pasensya na, maski tao ka ni Pangulong Duterte, lelektyuran kita," sabi ni Erwin. Bukod dito, napaulat na tinawag din umano ni Erwin si Bautista na "demon" at nagbanta pang sasampalin ang opisyal at ida-dunk ang ulo nito sa inodoro sakaling magkasalubong sila. Humingi din naman ng sorry si Erwin kay Bautista, makaraang ulanin ng batikos, partikular mula sa mga aktibo at dating sundalo, kabilang ang mga dating kasamahan ng heneral, gaya ni senator-elect Ronald dela Rosa. "Kung sino man ang gustong mambastos at manakit sa napakabait at napakamaginoong upperclassman ko na ito, dumaan muna kayo sa akin para makita niyo ang brotherhood ng PMAyers," saad sa Facebook post ni Dela Rosa. "I apologize for the excessive rants. It's uncalled for. But to criticize Secretary Bautista, I think I have a right as a journalist and I will not take it back. It is not in our vocabulary to take back our commentaries and it is not [in] our options," sabi ni Erwin. +Para kay incoming senator at dating PNP chief Gen. Ronald "Bato" dela Rosa, wala umanong problema kung sakaling makasama niya ng personal sa Senado ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima. Sa isang panayam, inamin bi Bato na baka magka-seatmate pa sila ni De Lima kung sakali at maganda aniya itong pangyayari. Ito ay kung makakalaya umano si De Lima sa kanyang pagkakakulong ngayon sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center bago magpaso ang tatlong taon na natitira sa kanyang termino. Kung maaalala kabilang ang PNP sa nagdiin noon kay De Lima sa isyu ng drug charges. Si De Lima ay isa sa masidhing kritiko sa kampanya kontra droga ng PNP at administrasyong Duterte. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Bato sa nakamit na tagumpay matapos ang 2019 midterm elections. Ang "feeling" daw ni Bato ay isa pa siyang pulis at hindi pa "nagsi-sink in" na uupo na siya sa puwesto sa nalalapit na panahon bilang isang mambabatas. Nabanggit na rin ni Bato na sasailalim muna siya sa seminar o training para pag-aralan ang kalakaran ng trabaho sa Senado. Mababatid na si Bato ay nakapuwesto ngayon sa 5th spot sa "Magic 12" sa nagpapatuloy na partial at official count ng Commission on Elections (Comelec) sa senatorial race. +Pasok na muli si re-electionist Sen. JV Ejercito sa winner's circle ng partial at official count ng Commission on Elections (Comelec) sa senatorial race, habang laglag naman sa 13th spot ang opposition candidate na si Sen. Bam Aquino. Ayon sa official and partial tally ng National Board of Canvassers (NBOC), umarangkada patungo sa 11th spot si Ejercito na mayroong 6,079,028 na boto. Ang pag-angat ni Ejercito ay siyang pagkalaglag ni Aquino sa 13th spot na may 5,722,776 na boto. Nagawang makalusot ni Aquino sa Magic 12 noong unang canvassing session ng NBOC. Sa ngayon, 89 sa 167 na certificate of canvass (COC) na ang nabibilang ng Comelec. Samantala sa partial at unofficial count ng Comelec, parehong hindi pa rin nakakalusot sina Ejercito at Aquino sa Magic 12. Nasa 13th spot si Ejercito habang nasa 14th spot naman si Aquino. Nasa 3% na lamang ng election returns ang hinihintay na maproseso para sa partial and unofficial tally ng Comelec. +Inihayag ni dating PNP chief Ronald "Bato" Dela Rosa, na isa sa mga nangungunang senatorial bets, na nais niyang magkaroon ng seminars sa paggawa ng batas sakaling maluklok siya sa posisyon. Aminado si Baro na kailangan niya pang matutunan ang mga bagay na ginagawa ng isang senador. "Ewan ko kung meron bang seminar diyan, o ano bang training diyan para matutunan ko yung paano gawin 'yung batas. Ano bang trabaho namin diyan sa Senado? Kung merong ganon, I'll take that opportunity na para matuto ako," ani Bato. Kaugnay nito ay sinabi ni Baro na wala siyang balak na aralin kung paano gumawa ng batas kung gagawin ito sa University of the Philippines. Ayon kay Baro, alanganin siya sa UP dahil sa pagiging anti-military at anti-police ng unibersidad. Base sa huling partial at unofficial tally ng mga boto para sa May, 2019 midterm elections ay nakalikom si dela Rosa ng mahigit 18-million na mga boto at kasalukuyang nasa ika-limang pwesto. +Dalawang suspek sa panununog ng vote counting machine (VCM) at iba pang election paraphernalia sa Jones, Isabela ang naaresto. Naaresto ng Philippine National Police (PNP) sina Jayson Leano at Rodel Pascual sa ikinasang manhunt operation sa grupo ng dalawang suspek kasabay ng 2019 midterm election. Sa inisyal na ulat, ibinibiyahe ang VCM at election paraphernalia ng mga miyembro ng board of election inspectors (BEI) patungo sa munisipyo ng bayan ng Jones nang harangin sila ng mga suspek sa bahagi ng Barangay Sta. Isabel. Pinababa umano ng mga armadong lalaki ang mga BEI at ipinasuko ang VCM at saka naman nila sinunog ang mga ito. Ang sinunog na VCM at election paraphernalia ay mula sa polling precinct numbers 0037A, 0037B, 0038A, 0038B at 0038P1 mula sa Barangay Dicamay I at polling precinct number 0039A, 0039B, 0039C, 0040 A 0040B at 0040P1 na mula naman sa Barangay Dicamay II. Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong Arson, Grave Threats at Robbery. +Naging emosyonal si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nang malaman na dominado ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa kanyang balwarte matapos makuha ng lahat ng kanyang senatorial candidates ang top 12 sa kanilang siyudad. Sa kanyang Instagram post, sinabi ng alkalde na siya ay naging emosyonal matapos malaman ang naging buong suporta ng mga Davaoeno sa kanyang partido. "I am bowed and humbled. I am not a person who cries easily but when it was definite that Davao City delivered a 12-0 for Senators of HNP, the tears flowed and the sobbing followed," ayon kay Sara sa kanyang Instagram post. Kanya namang pinasalamatan ang mga Davaoeno sa suporta na ibinigay sa kanyang partido. "Daghang Salamat sa inyong tanan, I have said that I feel alone everyday stressing over making sure Davao is ok but when I need am in distress, Dabawenyos carry me on their back," aniya pa. +Muling namayani ang pamilya Duterte sa Lungsod ng Davao sa pagtatapos ng 2019 midterm elections. Muling mauupong alkalde ang presidential daughter na si incumbent Mayor Sara Duterte-Carpio sa botong 570,731. Nanalo rin ang nakababata niyang kapatid na si Baste Duterte bilang bise alkalde ng Davao sa 548,729 na boto. Ito ang unang beses na makakukuha ng posisyon sa gobyerno si Baste, na pinakabata sa mga tumakbong Duterte. Si Paolo naman, na dating bise alkalde ng Davao City, tinalo ang dalawa niyang katunggali sa unang distrito ng Davao City sa botong 195,074. Sa kanyang Facebook post, nagpapasalamat si Paolo sa mga nagtiwala at bumoto sa kanya. "To the people of the first district of Davao, I thank you for choosing me as your representative in Congress. I am truly humbled and at the same time honored for your trust and support in me," he said. "A big thanks to my volunteers, friends, and family for their dedication and hard work in support of my desire to be of service to the betterment of the first district of our beloved city. You can expect that I will not only represent your voice in Congress but will also support President Rody Duterte so he can fulfill his plans and dreams for the nation," dagdag niya. Samantala, hindi nakikita ng Malacanang ang isyu ng political dynasty sa naging panalo ng mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong magkakaibang dynamics ang eleksiyon sa local level dahil kung ano ang gusto ng mga tao ay ito ang mananaig kahit pa magkakamag-anak ang uupo sapuwesto. "Local elections have different dynamics. Sila lang ang nakakaalam doon with respect doon sa mga tinatawag na may dynasty, kung okay sa kanila iyong kanilang pamumuno sa panahon ng kanilang pamumuno eh siguradong iboboto sila uli, ibabalik. Pero kung hindi na sila naniniwala sa kanila ay talagang tatanggihan sila sa halalan. Iyon ang nangyari," ani Panelo. "Kasi mayroong dynasty na maganda, mayroon ding dynasty na masama. And we have seen how the Filipinos or the Filipino electorate has rejected dynasties which they feel and believe to be no longer fruitful sa kanila; hindi beneficial sa kanila kaya ni-reject nila," dagdag pa ni Panelo. +Napanatili nina re-electionist Cynthia Villar at Grace Poe ang pangunguna sa 2019 midterm senatorial race. Ito ay base sa partial and official count ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC). Ang Comelec ay nakapag-canvassed na ng transmitted results mula sa 34 certificates of canvass (COC) galing sa 130 clustered precincts sa iba't-ibang bahagi ng bansa at Philippine posts abroad. Base sa pinakahuling NBOC official count mula noong alas-9:30 kagabi: Si Aquino lamang ang pambato ng Otso Diretso ang nakaabot sa Magic 12. Humahabol sa ika-13 pwesto si Senador JV Ejercito at dating Senador Bong Revilla Jr. na nasa ika-14 na pwesto. +Naniniwala si Atty. Larry Gadon na nabiktima siya ng dagdag-bawas sa katatapos na 2019 midterm elections noong Mayo 13 para makinabang ang mga kandidato ng administrasyon. Sa kaniyang Facebook post, sinabi nitong "napakarumi at madaya" ang nangyaring eleksyon. Giit ni Gadon na kataka-taka na 1 million lang ang naidagdag na boto sa nakuha niyang 2 million na boto noong tumakbo siya sa pagka-senador noong 2016. Mas popular din aniya siya ngayon at pinagkakaguluhan kahit saan magpunta maging sa social media kumpara sa ibang mga kandidato. "Naniniwala ako na nabiktima ako ng dagdag-bawas. Na-shave ang aking mga boto upang idagdag sa mga admin candidates. Ako ay nadaya. Ang boto ko ay nadagdag sa mga admin na mahina," ani Gadon. Tinawag pa nitong "Smartmagic" ang Smartmatic habang "Komolek" ang Comelec dahil naka-program na umano ang dayaan sa mga SD cards. Sa kanyang pahayag, iginiit pa ni Gadon na garapalan ang ginawa umanong pandaraya dahil mas grabe ang dagdag-bawas ngayon kumpara noong 2016. Paliwanag ni Gadon, wala pa sa kalahati ng 1-percent ang nabibilang noong itinigil ng 1:19AM at nagbilang muli ng 3:00AM at umabot na agad sa 92-percent ang nabibilang. Samantala, batay sa election returns mula sa 95.17 percent ng clustered precincts nationwide as of 5:53PM, nasa ika-28 si Gadon sa senatorial race sa botong 3,337,896. +Hindi paman opisyal ang resulta ng bilangan sa katatapos na 2019 midterm elections, inangkin na ng Malacanang ang panalo ng mga kandidato ng administrasyong Duterte laban sa Otso Diretso ng oposisyon. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagagalak silang makita na mayorya sa mga administration candidates ay pasok sa 'Magic 12' ng ginaganap na canvassing ng mga boto. Kahit gumamit aniya ng black propaganda ang oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito, malinaw na hindi ito tumalab sa mga botante dahil namayagpag sa bilangan ang mga administration candidates habang kulelat naman ang Otso Diretso ng oposisyon. "While the results of the elections are still unofficial, there appears to be an unstoppable trend towards a resounding victory of the administration's favoured senatorial candidates. Undoubtedly, the Duterte magic spelled the difference. The overwhelming majority of the electorate have responded to the call of the President to support those whom he said would help pass laws supportive of his goal to uplift the masses of our people and give them comfortable lives they richly deserve," ani Panelo. Pinasalamatan ni Panelo ang Otso Diretso at ang kanilang mga taga-suporta dahil sa magandang laban na ipinakita mula sa panahon ng kampanya hanggang sa araw ng eleksyon. "To the Otso Derecho candidates and their supporters, we thank you for giving your best shot and fighting a good battle. As we have said, we respect dissent as it vitalizes the democracy of our nation. In the end, however, it is the will of the people that prevails. While we expect dissent to continue, we hope that that same be demonstrated with fairness and within the bounds of the law, as well as with deference to the leaders duly chosen by the electorate," saad ni Panelo. Tiniyak ni Panelo na bagama't mayorya ng mga senador sa pagbubukas ng panibagong kongreso ay mga kaalyado ni Pangulong Duterte, hindi aniya maaapektuhan ang prinsipyo ng check and balance sa gobyerno. Pinasalamatan din ng Malacanang ang mga botante dahil naiparating nila sa pamamagitan ng kanilang mga boto ang kanilang kagustuhan para sa mga tao nilang nais na magsilbi sa kanila at sa bansa. "We laud the Filipino electorate for expressing their will in the strongest and unequivocal manner. With the successful holding of the elections, we have demonstrated to the world that we have a great order for democracy that can rise above the loud political noise," saad ni Panelo. +Hindi pa tapos ang laban para kay Vice President Leni Robredo matapos na maging dominante ang mga kandidato ng administrasyong Duterte sa naganap na 2019 midterm elections. "Pagod man tayong lahat sa kampanya at sa mahabang araw kahapon, sulit ang lahat dahil pinanindigan natin ang ating mga prinsipyo at paniniwala. May laban pa tayong hinaharap," pahayag ni Robredo. Hinimok din ni Robredo ang publiko na maging vigilante at bantayan ang bilangan ng boto. "Hindi pa tapos ang bilangan, at kailangan pang bantayan. Ipinamalas ng ating mga kandidato at volunteers ang tapang at dedikasyon sa ating adhikain. Huwag natin ito bitawan. Paghugutan natin ng lakas ang bawat isa," aniya pa. Nanawagan ito sa mga Pilipino na magkaisa at ipagpatuloy ang laban. "Marami pa tayong kailangan gawin at marami pa tayong magagawa. Hanggang sa huli, sama-sama tayo sa labang ito," ani Robredo. Samantala, 9 sa 12 kandidatong nakapasok sa top 12 ay mula sa administrasyon at wala ni isang nakapasok sa opposition slate na Otso Diretso. +Humingi ng paumanhin ang radio broadcaster na si Erwin Tulfo dahil sa mga naging patama nito laban kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista. Sa kanyang programang 'Tutok Tulfo' sa Radyo Pilipinas, inamin nito na labis ang kanyang 'excessive rant' patungkol sa dating heneral, sinabing hindi katanggap-tanggap ang kanyang naging outburst tungkol kay Bautista. "I apologize doon sa excessive na ranting, 'yung five minutes akong nagwawala. It's uncalled for," ayon sa kanyang programa. Ngunit aniya, hindi niya babawiin ang pagpuna kay Bautista dahil trabaho niya umano ito bilang mamamahayag. "Pero 'yung punahin si Sec. Bautista, I think I have a right bilang journalist at hindi ko babawiin 'yun. Dahil kaming magkakapatid wala sa bokabularyo namin ang bumabawi sa commentary and it is not our option," aniya pa. Nag-ugat ang pagsaring ni Tulfo dahil sa hindi pagtugon ni Bautista sa hiling na makapanayam tungkol sa plano ng ahensya matapos mapirmahan ang Magna Carta of the Poor, dahilan para murahin ito on air. "Tinatawagan ka namin para marining ng kababayang mahihirap ang stand ng mga mahihirap. Hindi yung sasabihan niyo kami na sumulat muna kayo five days before. Sino ka bang punyeta ka na kailangan ko pang sumulat sayo? Sagutin mo yung telepono mo dahil Secretary ka ng DSWD! Gustong marinig ng mga kababayan natin anong magagawa mo para sa kanila," saad ni Tulfo. "Sampalin kita pag nakita kitang buang ka. Wala akong pakialam kung retired general ka. Ingudngud ko yung mukha mo sa inidoro. Kung ako nahihirapan magka-access sayo, how much more ang mga mahihirap?" dagdag na pahayag ni Tulfo. +Nag-concede na din sa 2019 midterm elections ang isa pang kandidato ng Otso Diretso na si Florin "Pilo" Hilbay. Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Hilbay na isa sa great privileges sa kaniyang buhay ay ang makapangampanya sa taumbayan. "The will of the people is supreme, so we respect the results of the elections. Congratulations to all the winners, may you serve the country well," pahayag ni Hilbay. "To all our HILBAYanihan volunteers: You all did whatever it took, and whatever you could. I am sorry that our resources did not match your brilliance, your heart, and your hope," dagdag niya. Samu't saring istorya aniya ang nadinig niya sa kampanya tulad ng kwento ng pag-asa, inspirasyon, at iba pa. Sinabi ni Hilbay na lahat ng ito ay hindi niya kalilimutan. Sa huli ay nagpasalamat si Hilbay sa mga sumuporta sa kaniya. +Tinanggap na ng kandidato ng Otso Diretso na si Romulo Macalintal ang kaniyang pagkatalo sa 2019 midterm elections. Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Macalintal na nagpapasalamat siya sa oportunidad na maranasang maialok ang kaniyang serbisyo sa bayan. Dagdag ni Macalintal na lumilitaw sa resulta mula sa mga clustered precincts na mayorya ng mga botante ay pinili ang ibang mga kandidato at hindi siya. "Thank you for this great opportunity and rewarding experience to offer my services to all of you as a public servant in the Senate," the contender pahayag ni Macalintal. "But from the results coming from all the clustered precincts, it is clear that a great majority of our voters have chosen other candidates. And I respect their decision as I concede defeat in this senatorial race," dagdag niya. Nakuha ni Macalintal ang ika-26 na pwesto na mayroong 3,866,726 votes noong 11:15 ng umaga sa partial at unofficial results. Binati din ni Macalintal ang lahat ng mananalong senador na aniya nakakuha ng buong tiwala at kumpiyansa ng publiko para manilbihan sa susunod na anim na taon. Si Macalintal ang unang senatorial candidate mula oposisyon na nag-concede. +Nasa 94.47% na ng election results ang pumasok sa transparency server ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Narito ang latest na partial at unofficial result para sa senatorial race as of 12:20 ng hapon ng Martes, May 14, 2019: +Todo suporta ng Showtime host at comedian na si Vice Ganda ang isa sa mga senatorial candidate ng Otso Diretso na si Chel Diokno. "Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO. Iboboto ko siya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya," sabi ni Vice sa kanyang post sa Twitter. "Sana maisama niyo rin siya sa iboboto niyong 12," apela pa ni Vice sa kanyang mga followers. Ilan pa sa mga "CHELebrity" na sumuporta o nag-endorso kay Diokno ay sina Kris Aquino, Vilma Santos-Recto, Dingdong Dantes, Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Jaime Fabregas, Janine Gutierrez, Pepe Herrera, Chito Miranda, Ebe Dancel, Bullet Dumas, at Johnoy Danao ng 3D, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Cookie Chua, Medwin Marfil ng True Faith, Bituin Escalante, at Buddy Zabala. Mababatid na nakatikim ng matinding banat si Diokno mula kay dating PNP chief Bato dela Rosa sa isang debate ukol sa death penalty at drug war ng administrasyon. WATCH: CHEL DIOKNO SUMALANG SA 'FAST TALK' +Inilabas ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) ang umano'y listahan ng mga kandidatong senador na kanilang susuportahan sa darating na midterm elections. Ayon sa Facebook post ni Cesar Chavez, pawang mga kandidato na suportado ng administrasyong Duterte at ng Nationalist People's Coalition (NPC) ang mga inendorso ng INC. Kabilang sa mga susuportahan ng INC ay sila administration senatorial candidate Francis Tolentino, Bong Go, Bato dela Rosa, Sonny Angara, Cynthia Villar, Pia Cayetano at Imee Marcos. Kasama din sa listahan ng INC sila Hugpong ng Pagbabago (HNP) guest candidates Bong Revilla at Jinggoy Estrada pati na rin ang tatlong senatorial bets na bitbit ng NPC na sila Grace Poe, Lito Lapid at Nancy Binay. Nabokya naman ang Otso Diretso dahil wala kahit isang kandidato ng opposition coalition ang inendorso ng religious group. Malaki umano ang magiging papel ngayon ng INC sa nalalapit na halalan lalo pa at dikit-dikit ang mga numero ng mga kandidato base sa mga nagsulputang pre-election surveys. Mababatid na ang INC na may hindi bababa sa 3 million members at kilala sa kanilang bloc voting scheme. +Malaki ang pasasalamat ng Austrian vloggers na sina Mike at Nelly sa naging aksyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa isang taxi driver na naniningil sa kanila ng sobra nang dahil lamang sa kanilang bagahe. Itinampok pa ng dalawang vloggers sa kanilang YouTube channel ang insidente kung saan tumanggi silang magbayad dahil alam nila kung magkano lamang ang nararapat na pamasahe lalo na't maka-ilang beses na din silang pabalik-balik ng Pilipinas. Agad naman nasakote ang taxi driver na nakilalang si Jhumil Bule na residente ng Taytay, Rizal sa pakikipagtulungan ng Intelligence and Investigation Department ng MIAA at ng Taytay PNP. Nakaharap mismo ni MIAA General Manager Ed Monreal ang naarestong taxi driver at planong irekomemda sa Land Transportation Office (LTO) na tuluyan nang ipawalang bisa ang lisensiya nito. Ipinag-utos din ni Monreal sa airport police na huwag ng papasukin ang lahat ng Davis Taxi sa lahat ng terminal ng NAIA kung saan pumapasok bilang driver si Bule. Bukod dito, ipinagbawal na din ng MIAA na pumila sa NAIA Terminal 1 ang iba pang puting taxi bilang pasimula sa tuluyang pagbabawal sa kanila na pumila at kumuha ng pasahero sa apat na airport terminal sa Metro Manila. "Beginning last Monday, May 6, we have removed the white taxi queuing lane in NAIA Terminal 1 as a prelude to eventually putting an end to the privilege given to them to line up and pick up passengers in the four (4) Terminals, " ayon kay Monreal. "While we do not intend to limit the choices to MIAA accredited transport, we are also duty bound to protect our passengers from enterprising drivers. This campaign against abusive taxi drivers also extends to the drivers of MIAA accredited transport services. No one is exempted here. We have no room for people who continue to destroy the reputation of NAIA and damage the image of our country before the world. Sadly, this people simply have no love for country," dagdag niya. +Itinuro ng Malacanang na si Bong Banal umano ang narrator sa lumabas na "Ang Totoong Narcolist' propaganda video. Sa briefing sa Malacanang, sinabi na si Banal ay isang miyembro at administrator ng ilang mga Facebook group at page na kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte at sumusuporta sa Liberal Party. Ayon pa sa presentasyon sa briefing, si Banal ay nagtatrabaho bilang photojournalist at graphic artist para sa Rappler, na matatandaang kasama sa "oust-Duterte matrix" na gusto umanong mapatalsik ang Pangulo. Napag-alaman na may kontribusyon si Banal sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Kabilang sa mga pangalang lumabas sa presentasyon ay sina Sen. Antonio Trillanes III, Ellen Tordesillas, dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Cocoy Dayao, Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) founding Chairman Joma Sison, Arman Potejos at si Rodel Jayme na una nang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI). +Kinumpirma ng Malacanang ang sabwatan ng opposition group na Liberal Party, Magdalo, at ilang media outfits sa umano'y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ay ginawa ng oposisyon para makatulong sa kanilang mga pambato sa pagka-Senador sa darating na eleksyon. "The President has received intelligence information that has been validated and appears to show that there is deliberate attempt to discredit this administration, as well as to boost the candidacies of the opposition, senatorial candidates," saad ni Panelo. "And it appears that there are certain groups who are working together to achieve this goal. This group appears to be the Liberal Party. Some personalities identified as advocates or very active in social media, dishing out anti-Duterte statements and sentiments and validated to be allied with the Liberal Party," dagdag niya. "The other group by the way is Magdalo. It appears from this diagram that Liberal Party, the Magdalo and other groups indicated in the matrix are working hand in hand," punto ni Panelo. Matatandaan na naglabas ng matrix ang Malacanang ukol sa mga media outfits na gustong mapatalsik ang Pangulo, ilan sa mga kasama ay ang Rappler, Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism at National Union of People's Lawyer. +Nakumpiska ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang campaign materials ng Bayan Muna at Kabataan party-lists sa kuta ng rebeldeng New People's Army (NPA) sa bayan ng Rizal sa Palawan. Ayon sa militar, ito raw ang nagpapatunay na may ugnayan ang militanteng grupo sa mga rebeldeng komunista. "This could prove or this could show us that they are being helped (by the rebels). If they don't go there, and yet their campaign materials are recovered in the NPA camp, it is an indication that they communicate or have a link," ayon kay AFP spokesperson, Marine Brig. Edgard Arevalo. Maliban sa mga campaign paraphernalia, nakumpiska din ng militar ang ilang bala, .50 caliber "Barrett" type sniper rifle, suppressor ng M-14 assault rifle, at mga libro. Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang party-list groups ang nagpopondo sa NPA at ang pondong nakukuha ng mga rebelde ay ipinambibili umano ng armas. +Ilang taon nang hindi maka-detect ng mga submarine ang Philippine Navy mula sa mga kapitbahay na bansa na nagkukubli sa karagatan ng Pilipinas. Pero dahil nabiyayaan sila ng dalawang anti-submarine choppers, may kakayanan na ang Philippine Navy na maka-detect nito. Dumating kasi ang dalawang AgustaWestland AW159 Wildcat helicopters noong Martes, ayon kay Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad. "It's a great leap to our capability that we have equipment that can locate subsurface, submarines, we can detect the submarines going through our waters," ani Empedrad. "It can detect and it can sink, it can destroy submarines because these choppers have torpedoes and it is not only for detection, it can destroy too, so, this has a good capability but because the waters are too wide, we will need more of it," dagdag niya. Nabili ang dalawang helicopter ng P5.4 billion kasama na ang mission essential equipment, munition, at integrated logistic support. "Limited lang yung makikita dahil dalawa lang, ang luwag-luwag ng dagat natin. Pero at least yung mga nasa sea lanes of communication natin pwedeng ma-monitor kung may dumaan na submarines," aniya pa. Kaya umano nitong makawasak ng mga submarine dahil mayroon itong torpedoes. +Sapul sa video ang pag-aangas ng isang sundalo sa mga tauhan ng Metro Manila Development Autority (MMDA) nang sitahin ito dahil sa illegal parking. Buti na lang at dumating si MMDA Suprivising Officer Col. Bong Nebrija na dating umanong miyembro ng Pilippine Navy. Nagkataon na kaklase pa pala ni Nebrija ang boss ng nagmamatigas na sundalo. Sa huli, napag-alaman na hindi lang illegal parking ang violation ng sundalo dahil wala rin itong maipakitang driver's license. Wala ng nagawa ang sundalo nag i-tow ng MMDA ang kanyang sasakyan. Ito po ang reaksyon ng mga kababayan natin sa inasal ng sundalo. Source: GMA News | GMA News +Nanganganib masipa sa pwesto ang apat na cabinet secrataries ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil isyu ng korapsyon at droga. Napag-alaman na ang isang kalihim ay may hindi maipaliwanag na yaman, habang ang isa ay ginagamit umano ang posisyon sa kanyang negosyo, ang isa naman ay masyado raw magastos at ang pinakahuli ay konektado umano sa drug at crime syndicate. Mayroon din mga dating generals, mga kongresista, mga huwes at piskal ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC). Ayon sa PACC, aprubado ng Pangulo Duterte ang kanilang imbestigasyon. "Ang sabi ho sa akin ng Pangulo ay walang pilian, walang sisinuhin. So yung mga reports na andiyan, whether it's a secretary or congressman, puwede ho iyan i-lifestyle check," sabi ni PACC Commissioner Greco Belgica. +Hindi pa nai-enjoy ni Giacomo Filibeck ang Pilipinas ay agad na itong sinipa palabas ng bansa. Dumating sa Cebu si Filibeck para maging bisita sa Akbayan Partylist Congress pero ito ay na-detained sa Mactan-Cebu International Airport at kalaunan ay dineport palabas ng Pilipinas. Si Filibeck ay Deputy Secretary General of the Party of European Socialists in the European Parliament. Isa si Filibeck sa mga EU Politicians na bumisita sa bansa noong Oktubre 2017 para kundenahin ang kampanya kontra-droga ng Duterte Government. "Akbayan condemns, in the strongest terms, the detention and deportation of European human rights leader Giacomo Filibeck. Filibeck, the Deputy Secretary General of Party of European Socialists, has been barred from entering Cebu, Philippines on Sunday, April 15 on his way to join the Akbayan Partylist Congress where he was invited as guest. He was held at the Cebu airport and immediately deported," sabi ng Akbayan. Basahin ang mga reaksyon ng mga kababayan natin sa sinapit ni Filibeck. Masaya ba kayo sa pagpapa-deport kay Filibeck? Source: politiko +Sa isang pahayag, binatikos ng Liberal Party (LP) ang pagkuwestiyon ng kampo ni former senator Bongbong Marcos sa teknikalidad sa 2016 elections. Ayon sa LP, ginagawa lang daw ito nila Marcos para siraan si bise presidente Leni Robredo at para nakawin ang posisyon ni Leni. Inalmahan din nila ang 50% shade threshold na ipinatutupad ng Presidential Elecotral Tribunal. Kamakailan lang ay nai-ulat na natapyasan si Leni ng humigit-kumulang 5,000 boto dahil ang karamihan sa mga boto nito ay 25% lang na-shade sa marking area sa balota. +Panoorin nyo yung reaction video na ito ni Mr. Claro the Third. Trending na ito ngayon sa social media. A total of 228,553 views as of this writing. Bakit kaya naging trending ito? Dahil ata sa title? You may watch the video on this link . +Para sa mga magkakapatid na laging nagtatalo lalo na noong bata pa, siguradong naka-relate din kayo sa mala-aso't pusa na pag-aaway nina Bilog at Bunak na viral ngayon! Grabe kasing tatama sa puso ninyo at maibabalik ang iyong nakaraan kaya talagang naging viral ang video ng dalawang magkapatid na ito. Sa sobrang kasikatan ng dalawang magakapatid na ito, dumami ang gumaya sa kanila at gumawa ng parody. Isa na dito si Yaya Dub na talagang nagbabalik na sa pag da-dubsmash. Maaalala nyo na dito sya nag simulang sumikat nung nag million hits ang kanyang dubsmash. Ngayon naman ang viral ay ang magkapatid na Bilog at Bunak. Mapapanood nyo dito ngayon ang soundtrack. Here is the link. +Grabe ibang klase talaga si Vice Ganda kung magpatawa at ang dami nya talagang gimik sa tv. Ngayon naman na dare sya ng MOR radio station para i -prank si Mr. Ogie Diaz. Nakaktuwa talaga ang mga linya ni Vice Ganda, talagang likas na creative talaga si Vice parang normal na lang sa kanya ang ganito. You may watch the video on this link .