author
stringclasses
10 values
sentence
stringlengths
10
1.44k
Jose N. Sevilla
int64
0
1
Engracio L. Valmonte
int64
0
1
Balbino B. Nanong
int64
0
1
Honorio López
int64
0
1
José Rizal
int64
0
1
Cleto R. Ignacio
int64
0
1
Fausta Cortes
int64
0
1
Juliana Martinez
int64
0
1
S. A. D. Tissot
int64
0
1
Ismael A. Amado
int64
0
1
Balbino B. Nanong
at, matapos mapagusapan nilang dalawa ang lahat at lahat, lalo na sa kabutihan ng paninirahan sa siudad ay siyang nagbigay daan kung kaya'sa madali ring panahon ay iniwan namin ang sarili. kaya kita tinanong ng ganito ay lubos at gayon na lamang ang pagtataka ko sa inyong pagkaparito. magtataka ka nga marahil nguni'maliwanag na ngayon sa iyo ang lahat. oo, nga leoning, maliwanag na ngayon ang lahat, hind ko na dapat ipagtaka. at, saka hindi mo na naman dapat pang pagtakhan ang ganitong pagkaparito ko sa siudad. nguni'masasabi kong lalong napabuti naman. at bakit, nang sa anong dahilan? sapagka'si leoning ko ay hindi na malalayong paris ng dati sa aking paningin. ah, eduardo, at hanggang sa ngayon pa ba'sariwa pa sa puso mo ang lahat ng iyan? bakit iyong hihinalaing malanta ang lalong sumasariwang pagibig ko sa iyo? hindi ba siyang katotohanan na limot mo na ang lahat? leoning, bakit mangyayari naman ang gayon? at hindi ka ba nagsisinungaling sa iyong mga pangungusap?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kausap mo yaring puso. na, sinungaling! nagtatapat ng boong puso leoning. kasinungalingan! kasinungalingan daw. eduardo, diyata kaya'hindi? nang sa anong paraan leoning? huwag mong pahirapan ang puso kong malaong nangulila sa iyong harapan. pahirapan eduardo, pahirapan pa ang iyong sasabihin matapos mong paglaruan ang aking palad na. at di naituloy ni leoning ang sasabihin. paglalarong ano leoning? di nakita mo na at ikaw pa'magkukungwari. leoning, nagtatapat ako sa iyo, ngayon ay tapatin mo naman ako. eduardo, tinatapat kita. dito nga naman sa siudad.! na, waring di madugtungan ni leoning ang sasabihin. na, ano leoning? huwag mong pahirapan ang aking pusong matapat sa iyo. eduardo, na di nga nagkamali ang pangarap ko noong una, ang hinagap ko sa iyo nang ako ay nasa lalawigan pa. ipagtapat mo leoning ang lahat ng iyon. na, nagkatotoo nga ang lahat na, ako'iyong lilimutin. diyata leoning at ako pa ang pararatangan mong lumimot. katotohanan eduardo ang lahat kong sinabi.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
leoning, pinahihirapan mo ang aking damdamin. eduardo, ang sinasabi mong hirap na iyan ay wala pang ika isang libo, paris ng ginawi mo sa aba kong palad. leoning, liwanagin mo ang lahat. oo, maliwanag eduardo, ang lahat: hindi ba maliwanag pa sa sikat ng araw ang iyong paglimot? leoning, walang sangdaling nawaglit man lamang sa alaala ko, ikaw. at di nakita mo na nga ang iyong kasinungalingan? hindi ako nagsisinungaling; huwag mong paratangan ang sarili ng ganyan, malinis ang tibukin ng aking puso. na, hindi ka nagsisinungalin? leoning, isinusumpa ko! isinusumpa raw! na, apat kong liham sa iyong ni isang kasagutan ay di man lamang ako nagtamong tugunin kahit minsan. hindi ba maliwanag pang higit sa sikat ng araw? talagang hindi nga naman nagkabula ang pangarap ko eduardo, na, pagdating mo na ng maynila ay limot mo ang isang sumisinta ng tapat. leoning may katuwiran ka, nguni'hindi mo naliliwanagan ang lahat. na ako pa ang malalabuan sa iyong pagsisinungaling.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
hindi, ang ako ay pahirapan? leoning, oo, hindi mo nga lamang nababatid ang lahat. kung nang mga sandaling tinatanggap ko ang iyong liham ay makikita mo lamang ang aba kong kalagayan, ay mapatak din marahil ang luha mo kung may habag ka sa abang eduardong ngayon ay kausap mo. leoning, salamat at ako ay hindi sadyang kulang palad pa at kung nagkataon sana ay hindi na ako si eduardo ngayon. at ano ang nangyari sa iyo eduardo? leoning, napapasalamat ako sapagka'ako ay naaalaala mo marahil nang panahong yaon. at kung nasaksihan mo lamang nang mga sandaling mangyari sa katawan ko ang sakuna at kung hindi ko nga nailagan marahil ay ni isang ay isang diyos ko ay hindi man ako nakapangusap. at napaano ka eduardo? nang isang hapon ay ako ay inanyayahan ng mga kakilala ko'kaibigan sa isang sayawan sa masayang malate. ang sayawang yaon ay parangal sa pagsapit ng ikalabing siyam ni bbg. anita fernandez, datapuwa'ang naging wakas nga ng kasayahan ay ang kasakunaang nangyari naman sa akin.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
hindi ko na kailangang sabihin pa sa iyo ang mahahabang salaysaying ukol dito. at, nang kasalukuyang naghahari ang kaligayahan ay biglangbiglang nagkagulo ang marami sa paguunahang manaog dahilan sa isang sunog ang naging simula. maraming mga binibini ang nasaktan at ako nga ay inabot ng isang malubhang sakuna. hindi sa isang pagmamalaking loob ay tinangka ko ang makatulong sa pagliligtas ng ilang mga mahahalagang kasangkapan ng mga nasunugan, datapuwa'sa isang masamang pagkakataon ay isang sing bilis ng kidlat na biglang pumatak mula sa itaas na tumama sa kamay ko ang mabigat na pirasong kahoy, saka isang kahon, na di ko nailagan na siya ko ring ikinalugmok agad noon din. napasigaw na lamang ako at sa pagsaklolo sa akin ng ilan, ay tinulungan ako sa paguwi ng tahanan, na, ang kamay ko ay gayong nagsisidhi ang sakit na di ko maikilos at namaga na tuloy. mahigit na isang buwang ang kamay ko ay may putpot at nakasabit sa leeg ko sa pamamagitan ng damit na nakapulupot.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
at, sa awa ng mga manggagamot ay mabuti na lamang at ang butong nabali ay napasauli sa dati at lumakas. makalilibo kong ninais na ang ganito ay ibalita sa iyo datapuwa'ang kamay ko'ni hindi makahawak ng panulat. ninais kong magpasulat sa iba, nguni'ang budhi ko na rin ang nagpakatanggitanggi sa dahilang hindi ko nais mabatid ng iba ang lihim ng ating puso. at, hindi ba ikaw rin leoning ang may sabing hangga'maililihim natin sa madla ang malinis na pagiibigan ay di natin ipamamalay? oo, eduardo. kaya'wala akong maging paraang gawin upang ibalita sa iyo ang gayong nangyari sa akin at saka mababatid mo na, naito ang kadahilanan kung bakit ang mga liham mo ay di ko nasagot. at, salamat at hindi sa ibang panig ng katawang maselan ako inabot ng gayong sakuna at kung nagkataon sana ay hindi na ako eduardo ngayon. wala na ngayong eduardo at mababalita mong namayapa na. at napairap at ngumiti si leoning sa pagkasabing gayon ang kanya sanang naging palad.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
at nagpatuloy si eduardo nang makitang ang binibini ay umirap ng bahagya sa kanya at ngumiti. maluha ka rin kaya leoning, maluha ka rin kaya kung ako'tinanghal na bangkay?.! leoning, maluha ka rin kaya? eduardo, hindi ako ang maluluha, kundi ang paralumang noo'sumaklolo sa iyo. nguni'kulang palad nga ako at walang paraluman noong lumapit man lamang sa akin. wala akong tinatawag sa sarili kundi: leoning! nguni'ang tinatawag kong yaong ngalan ay di man lamang nagmakaawang lumapit. oo, wala, walang walang lumapit. kung hindi pa lumapit ang. at hinadlang ni leoning. kundi ibang leoning. kundi ang mga kaibigan kong mga binata. at, nang ikaw ay gumaling ni balita ay di ka naman lamang nag. leoning, anim na liham na paraparang ibinalik ni bbg. leonora. na, kahit isa ay wala akong tinanggap. pagka'marahil ay narito ka na sa siudad. na, sa makatwid ay sinisisi mo si leoning? hindi, at naliwanagan ko ang lahat. maliwanag na iyong nilimot. leoning hindi mo na kailangang pahirapan ang aking puso.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
dinaramdam mo ang hirap ng iyong puso nguni'ang abang palad ko ay di mo namamalayang ang titiitiis ng dahil sa pagaalaaala sa iyo. leoning tunay kaya? asahan mong ako'di marunong lumimot sa sinanglaan ng pagibig. leoning, salamat. at hinawakan ang kamay ng binibini na dahilan sa galak ng kanyang puso. datapuwa'ang kanilang maligayang paguusap ay nahinto. ang masaya nilang paguusap ay nabulabog. ang kanilang pagngingitian ay natigil, kapwa nagulat ang dalawa. ano ang kahulugan noon? isang putok ng rebolber ang kanilang narinig. ano ang nangyayari? at dinunghal ni eduardo ang bintana ay maraming taong nagkakagulo. bakit ano ang nangyari? ano ang nangyaring yaong gulo na sa tapat pa naman ng bahay nina leoning? at, nang makita ni eduardo ang pinagkakaguluhan ay nakita niyang isang bisig ang inaaugusan ng dugo: sino iyon?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
subali'sa kanyang pagkakapako ng tingin sa taong yaong may sugat ay siya namang pagkabaling ng tingin sa kanya at nang siya ay makita ay biglang ngalan niya ay tinawag na napapahabag. eduardo, tulungan mo ako halika. ganyang pangungusap ang kanyang narinig nang siya ay makita ng may sugat ang bisig. sino ang lalaking yaon; at ano ang kapahamakang yaon nangyari? sino ang may diwang masama na nagpatama sa bisig niya ng punglo? alamin natin! ang gulong yaon ay nakabulahaw ng gayon na lamang karaming tao. sino nga naman ang may kagagawan noon? isang bisig ang inaagusan ng dugong hindi maampat ang pagtulo. waring lalong naghuhumapdi habang nagtatagal. ang ibang nakamalas sa anyong kaawaawa ng may sugat ay halos dinalaw rin ng habag ang mga damdamin, kinaaawaan ang binatang sawing naghihirap. kaya'di naglipat saglit at ang naruong nakamalas sa kalagayan ng binata ay kaagad na tumawag ng karo ambulansia ng pagamutang bayan (heneral hospital).
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang kaawaawang kulang palad na binata ay halos nalugmok na lamang sa lansangan. kaawaawang binata! ang binatang yaon ay dili iba'ang matalik na kasama'kaibigan ni eduardo: si pako, ang binatang nakatira sa tapat nila leoning. eduardo, mangyaring tumawag ka sa maykapangyarihan upang pagusigin ang may masamang hangad na iyon sa akin. pako, na paano ka? ano ang ginawa mo at ikaw ay sinaktan ng kung sino? mapayapa akong naglalakad nang hindi ko hinihintay ay nangyari ito sa akin. sino ang may kagagawan kaya? wala akong malay. oo, narinig ko na lamang ang putok at naging parang kidlat na biglang tumagos sa bisig ko ang punglo. pako, wala kang nakita kahit na sino? walang wala nga. samantalang walang makaimik sa mga taong nangaroon, na, nakasaksi sa kalagayan ng kaawaawang binata. salamat na lamang at dinaluhan agad ng may kapangyarihan: dalawang pulis ang madaling lumapit upang siyasatin ang pangyayaring yaon.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
datapwa'sa pagdalo kayang yaon ay matiyak din agad nila kung sino ang may kasalanan? sino kaya roon ang kanilang paguusigin? paglapit ng dalawang pulis na magsisiyasat ay paraparang natahimik ang lahat. naghari ang mga sandaling walang nagsasalita man lamang. ano kaya at sino ang tatanungin doon? wala namang matiyak ang tinamaan kung sino ang may gawa ng kasakunaan umabot sa kanyang katawan. at, ang dalawang pulis ang siyang nagtatanong ng mga bagaybagay sa pangyayari kay pako, kung sino ang may kagagawan noon ay walang matiyak naman ang ating binata, sa katotohanan, hindi niya nakita ang may masamang hangad na iyong napoot sa kanya. makalipas ang ilang sandali, ay dalawang malaking lalaki naman ang lumapit, na, waring humawi sa salipunpon ng mga tao. ang dalawang ito ay kapwa makisig: mga sekreta pala. sila naman ang nagkuha ng tanong sa tinamaan, nguni'ni hindi rin matiyak kung sino ang may kagagawan. sino ang may kagagawan ng ganito? hindi ko po maalaman.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
bakit pinatamaan ka ng punglo? wala po akong malay; papauwi na lamang ako nang hindi ko hinihintay ay nangyari nga ang sakunang ito. mayroon ka bang kaalit? wala po akong nalalaman. wala ka bang nakakasamaang loob dito? hindi mo na matiyak kung saan nagbuhat ang punglo? datapwa'ang tanong na ito ay hindi nasagot ng binata. nakatalikod siya ng tamaan. samakatwid ay sa kanyang likod nagmula. nguni'hindi rin naman niya matiyak ng lubusan. hindi nga naman nakita niya at sa katotohanan ay wala siyang matitiyak na sino man sapagka'nang siya ay pauwi na ay tahimik ang kanyang loob na hindi niya hinihintay ang gayong mangyayari. kung nalalaman lamang niya, di sana ay nakahandang umilag. wala ni sino mang nasa harap niya na nakita na may maghahangad ng gayon. ano nga naman ang mabuti? sino ang may pananagutan sa gayong sakuna? sino nga kaya ang mananagot? wala, wala sapagka'ang may masamang budhi ay di nakita.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
wala sapagkat walang matiyak ang mga maykapangyarihan, kung sino ang may kagagawan ng pangyayaring yaon. wala, sapagka'hindi matiyak nino man at ni hindi rin matiyak ng tunay na tinamaan. wala, sapagka'walang matukoy ang tinamaan: wala siyang kaalit, walang kasamaang loob at walang nalalamang may nagmamasamang loob sa kanya. datapwa'hindi, kailangan ang may sala ay madakip. hindi maaaring walang gagawang sino man sa may kalapit din ng pook na iyon ng pinangyarihan. hindi mawawala roon ang nagbigay bulahaw sa mamamayan ng gulong yaon. walang salang naroroon! kailangan lamang ang isang mahigpit na pagsusuri at mahigpit na pagsisiyasat. kailangang makuha sa mga pook ding malapit doon. kailangang paghanaping mabuti, kailangan ang mahigpit na paguusig sa may kasalanan. kailangang pagusigin, ang nakapagbigay gulong yaon sa katahimikan ng mga tao. at, hindi maaring ipaggayon gayon lamang ang pangyayaring ito. kailangan paghabulin ng isang kaawaawang binata ang kanyang kinamtang kasawian.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
diyata ba'kanyang pababayaan na lamang ang gayon? hindi niya maaaring pabayaan. mayroon tayong pamahalaang matatag at malaya. na, ang isang tao, ang isang individual ay malaya at di maaring upasalain ng maling pananalig. ang isang tao ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga batas, na, ang mga batas na iyan ay siyang matibay na saligan at pinagbabatayan ng mga matwid ng isang mamamayan. na, ang isang tao ay di dapat upasalain kung sino man siya. na, ngayon ay di na paris ng mga nagdaang panahon na ang nakapaghahari ay ang lakas sa hina. malaya ngayon ang lahat; walang busabus, walang alipin. lahat ay may kanyang matwid na gumamit ng karapatan sa harap ng batas na kailan ma'ang batas na ito ay matuwid at siyang umiiral. na, ang mga taong lumabag sa ipinaguutos ng batas ay mapaparusahan. kaya'kinakailangan ng isang tao ay sumunod at sumubaybay sa ipinaguutos ng kapangyarihan kailan ma'nababatay sa batas.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
at, ang pagsunod ng isang tao, ng bawa'individual sa batas na pinagbabatayan ay isang paraang magiging daan ng pagkakaroon ng isang bayang payapa, ng isang bayang dakila, ng isang bayang sa sangsinukob ay walang nakapaghahari kundi ang batas ni bathala at ang batas na ito ay ang pagkakapantaypantay. kaya kailangan ang madaling pagkilos ng maykapangyarihan. kailangan ang paghanap sa dapat na pag usigin. oo, kailangan ang lahat ng ito sapagka'kung ipagpapaliban pa ay baka makalayo, baka lalong mawalang bisa ang lahat ng mga paraan sa ikadadakip ng may masamang budhing yaon. oo, kailangan sapagka'baka ang may kagagawan noong may diwang bolsibismo ay minsan pang maulit. baka maulit pa ang pangyayaring yaon na di dapat mangyari sa isang bayang payapa. at, sa pangyayaring yaon ay di nagpabaya ang mga maykapangyarihan. pipiliting hanapin ang may kagagawan noon. kaya kailangan ang sila ay magsikilos.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kailangan liksihan ang paguusig sa ikatatagpo ng nanakit na yaong ngayon ay nawawala sa mata ng madla. nguni'ang lahat ng pagkakasala ay dapat pagbayaran. alin mang may utang ay nagbabayad. mahuhuling walang sala, kundi man ngayon ay bukas dili kaya'darating ang tadhanang araw na kanyang magiging sukdulan upang isigaw ang lahat ng kanyang mga ginawa at masasamang hangarin. kailangan paghanapin ang lahat ng ito upang ang matuwid ay siyang lumitaw sa harap ng katiwalian. kailangan sapagka'ang matuwid ay kailan man ay matuwid na dapat paghabulin ng isang tao ang kanyang sinusubaybayan. at, ang masasama ay may kanyang kalalagayan. ang masama ay masama. kaya kailangan ang masama ay mabukod sa mabuti at ang mabuti ay mabukod sa masama. sa sangdaigdig ay sadyang may ganito, na ang masasama ay sa masama at ang mabuti ay sa mabuti. sino nga naman ang magkakapasasabi ng gayong pinagmulan ng pangyayaring muntik ng ikinasawi ng isang binatang tahimik ang loob at walang malay?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
nguni'ang lahat ng bagay ay mayroong wakas. ang lahat dito sa mundo ay natatapos. ang kaligayahan ay di namamalagi. paris ng langit na kung minsan ay maulap at kung minsan ay maaliwalas. ang may kagagawan nito ay nagkaroon din ng takot, kaya hindi maaaring ilihim niya sa mata ng tao ang kanyang kasalanang nagawa. hindi maaaring ilihim niya sa harap ng tao ang kanyang kasalanan. nagkasala siya, siya ay namaril. samakatuwid ay isang kasalanan ang ganito. sa pagkakabaril niya ay nagkasala ang kanyang sarili sapagka'ang pinatatamaan niya ay nakailag. nang makita niyang ang tinamaan ay ang kulang palad na binata, pagdaka'iniurong ang rebolber at parang walang ano man. datapuwa'kailangang siya ay magsabi ng totoo. kailangan nga sapagka'ang mga maykapangyarihan ay nagsikilos. bagama'ang kanyang budhing nagkasala ay nanahimik na sandali ay muli ba waring pinagharian din ng poot pa ang loob. sino ang taong iyon? sino itong ngayo'waring isisigaw ang kanyang nagawang pagkakasala?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
at, nagsalita na waring inubos ang lakas: sukab! na, ang salitang itong malakas ang waring nanoot sa mga pandinig ng ilan. narinig ng dalawang sekreta, kaya'sa bahaging pinanggalingan ng hiyaw ay daglian agad na pinatunguhan ng dalawang kawal ng maykapangyarihan. sukab na asawa! oo, pinugayan mo ang aking karangalan, dahil dito ay muntik tuloy ikasawi ng mga tahimik na budhi. oo, ang pangyayaring iyan ay, isang bagay na dapat mong pagaralan. ikaw ang asawang dapat sumpain. sino ang asawang yaong pinagngitngitan ng galit? ano ang ginawa niya na naging daan ng pagalimura sa asawa namang humihikbi? samantalang ang asawang nagwalang bahala sa karangalan ng nagsasalita ay waring napahibik na lamang at ni kaputok na pangungusap ay di nakasagot. kaya ngayon ay maaaring hindi ka na pakita sa aking pangmalas. magagawa mo na ngayon ang iyong ibig at ako'napopoot ng tumingin sa iyo. ikaw ang magwawasak ng karangalan ko at magpuputong sa ulo ko ng kawalang hiyaang pagsusukab?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
samantalang ang nagngingitgit na iyon sa galit ay dagling tumalikod at sinabayan ng panaog. mabuti na lamang at nakalamig ang kanyang loob na sana ay bibigwasan pa noong unang mangyari ang pagpapaputok, subali'nang kanyang makitang iba ang tinamaan ay nagbago ang kanyang nagdilim na isip. nakakalabas pa lamang siya ng pintuan ay hinarang na agad siya ng dalawang sekreta at sinabing: mahal na ginoo, hindi kaya sakaling maging pangit sa kalooban ninyo ang kami ay magtanong ng nauukol sa pangyayaring itong muntik ng ikasawi ng isang tao? opo, maaaring ipaliwanag ko sa inyo ang lahat. at, hindi na nakapagtanong pa ang dalawang kawal ng maykapangyarihan at sila ay tuloy nagsilakad sa kinatatayuan ng sawing palad na si pako. pako ang wika ng taong kasama ng dalawang sekreta muntik na palang nasawi ikaw sa pangyayaring ito? mang pepe, sino ang may kagagawan nito, hindi mo po ba nalalaman? pako, ako ang may sala ng lahat, oo, ako ang mananagot sa pangyayaring iyan.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
mang pepe, nang sa ano pong paraan, bakit akong iyong isang pamangkin ay ginanito? saka ko ilalahad sa iyo ang lahat. hindi ko kinusa ang pangyayaring iyan kaya malalaman mo ang simula. mang pepe, ano ang sumadiwa ninyo? hayaan mo'saka na. oh, maano pong sabihin na ninyo ang lahat ng mahiwagang pangyayaring ito! ano po ang inyong ginawa? oo, malalaman mo ang lahat, ipadadala mo na kita sa pagamutan at upang mabigyang lunas agad iyang sugat. sumama na po kayo sa akin at ilahad ninyo ang lahat at lahat. hwag na, sumakay ka na sa iyong auto at ako ay hahanap ng ibang magpapalakad pagka'ang kamay mo ay hindi makakilos. sumama po kayo. hwag na at ako ang bahalang maglahad sa maykapangyarihan nitong mahiwagang gulong ito. sasama kayo sa maykapangyarihan at bakit? sasama ako upang malaman ang lahat ng hiwaga ng pangyayaring ito na nagbigay ligalig sa maraming tao. kung ikaw rin po lamang ang may kagagawan ng lahat kong itong sinapit, ay hwag na, hindi na kailangan.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ipinagsasama nila akong pilit upang kunan ng tanong na sabay turo sa dalawang sekreta hala magpunta ka agad sa pagamutan upang iyan ay malunasan. at di na nagsalita pa ang binata. sa mga pangungusap ng matandang pepe ay hindi na siya kumibo. ano nga namang kung pinipilit ng maykapangyarihan na siya ay ipagsama? at hustong dumating naman ang karo ambulansia. sumakay siya at ang matandang pepe naman ay ipinagsama ng dalawang sekreta sa bagong bayan upang kunan ng ilang tanong sapagka'walang iba kundi ito ang may kinalaman sa pangyayaring yaong gulo. kaya'gayon na lamang ang nagharing bulungbulungan! ano nga naman ang naging sanhi nang pangyayaring yaon at ang isang pako pa na pamangkin ni mang pepe ang tinamaan? sino kaya ang nakababatid ng lihim na iyon? sino nga kaya? ang lahat ay parang namangha na lamang. kaya'ang maraming taong nakasaksi sa kaunting ligalig na nangyari ay nagkahiwahiwalay na ang mga pagkukuro ay nagtatalo sa kung ano anong hiwaga ang pinagmulan ng gulo.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang lahat ay parapara ng nagsipagalisan. nilisan ang pook na yaong hindi naman nila man lamang nabatid ang tunay na naging simula. si eduardo ay muling nanhik kina leoning at sana'pamuli pa niyang kakausapin ang binibini at ipagpatuloy ang naputol nilang masayang paguusap datapwa'ang gayon ay di na nangyari sapagka'maraming nagtatanong sa puno'dahilan ng gayon at pati si aling rita ay nakihalo na sa kanilang paguusap sa kahiwagaan ng nangyari. kaya'gayon din lamang ang naghaharing bulungbulungan ay tinangka na niya ang magpaalam. at, isa pa ay itatanong sa kanya kung ano ang kahulugan ng mga hiwagang yaon datapwa'hindi naman niya masagot kaya'nagtindig na siya at sinabing: leoning, hanggang sa muli. hwag mo sanang limutin ang muli mong pagdalaw dito. at si aling rita pati ay nakilahok na sa usapan nila at sinabing: hwag ka sanang makalilimot ng pagparito. at nanaog na ang ating binata.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
sa durungawan ay muli pang nagdulot si leoning ng isang ngiting puno ng pagasa para kay eduardo na habang natatanaw at naaabot ng kanyang titig ang binata ay di naaalis ang pagkakapako ng kanyang paningin. para kay eduardo ay naging ilaw naman niya sa paglakad ang gayong mga ginawi ng binibini. anong laking kahihiyan kung ang lahat ng lihim na naging puno'simula ng kanyang paghawak ng rebolber upang ipamaril ay mamalayan ng mga magsisi pagusig? diyata kaya'kanyang ipagtatapat ang lahat ng iyon? diyata at hanggang sa harap ng hukuman ay kanyang sasabihin ang mga kabulukang dapat niyang ipaglihim at di dapat ipamalay sa tao? maisalaysay kaya niyang lahat? tila nakahihiyang sabihin! kaya'habang hindi pa dumaratal ng bagong bayan ay waring mahigpit na naglalaban sa kanyang kalooban ang dalawang malaking suliranin sa puso: ang siya ay magsabi ng totoo gumawa ng paraan na kanyang ikaiilag sa pagkahiya? alin nga kaya ang dapat niyang sabihin? ang katotohanan? ang katotohanan!
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kung kanyang sasabihin ang katotohanan ay kanyang lahat ang kahihiyan, sa kanyang lahat ang lagpak na kapulapulang ititingin ng tao. magtatamo siya ng matutunog na halakhak. sapagka'nalalaman niya ang dila ng tao. at ano nga naman ang dila ng tao? papaano nga naman ang kanyang gagawin? dapat nga namang ilihim niya ang lahat. ano kaya ang sasabihin kung mamalayan ng madla? ano ang sasabihin sa kanya? walang ulo, walang dangal at niluko ng asawa. pagkasamasama! wala nang nakapagbibigay lumo sa kanyang katawan kundi ang mga suliraning ito. diyata at ipagtatapat niya sa harap ng hukuman na gayo'ganito ang nangyari? kay saklap na sabihin at nakahihiyang totoo! ang kanyang asawa'nagsukab! kay samang pakinggan! para bang sinampal siya ng isang malakas sa panga kung magkakagayon! anong samang pakinggan! para bang isang matunog na bomba kung kanyang maririnig ang salitang ito. pinagsukaban siya! kay samasama nga naman! nguni'ano pa ang mangyayari?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
waring napadikit na sa kanyang balintataw ng mga mata ang larawang anyung ginawa ng sukab na asawa. manatili pa kaya siya sa harap ng isang asawang kanyang inaasahang magdudulot ng kaligayahan sa puso na, sa kabila pala ay lasong mapait at kamatayan ang idudulot sa kanyang mga kamay? datapwa'sino ang may sala ng lahat ng iyon? sino nga naman ang dapat bigyang sisi? sa kabilang dako ay narito'nananaghoy at waring humihikbihikbi ang kanyang asawang nagtaksil. walang kailangan sa akin ang ako ay iwanan ng lalaking yaon. napakasal ako sa kanya ng dahil sa maling pananalig, hindi sa salapi pala nahahanap ang kaligayahan ng puso? ang nais ko'ang pagibig. ganyang mga pangungusap ang namulas sa labi ni carmen nang waring nabubuhayan ng lakas ang loob. at, ang asawang pepe ay sadyang hindi na katugon ng kanyang tibukin ng puso. hindi ang puso ni don pepe ang makaliligaya sa kanya!
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kaya sa ngayon ay walang kaligayahan si carmen kundi ang mapasa kandungan ng kanyang kaaliwan sa puso: kay teofilo, sa isang batangbatang kawani sa malaking samahan ng smith bell at co., na, ang kawaning ito, na salamat at nakailag na kusa sa pagbaril ni mang pepe. gayon na lamang ang pagngingitngit ng galit sa kanya ni mang pepe, na, mabuti na lamang at nakaligtas pa siya. ano sanang laking gulo kung sinamang palad siyang tamaan? at, kung nagkataon sana ay tumagos ang bala sa kanyang katawan na marahil ay aywan pa kung siya ay bigyan ng buhay. kung maghari nga naman ang kapangyarihan ng pagibig ay di iniilagan kahit kamatayan! oh, ang hiwaga ng pag ibig!. kaya ang ginawa ni carmen ay lumiham ng maiksi para kay mang pepe at iniwanan sa ibahaw ng mesa. nagbihis siya at nanaog na dala ang kanyang mga bihisan. saan kaya siya pupunta? sundin kaya ang asawa na kasama ng dalawang sekreta?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
hindi, hindi ang kanyang asawa ang susundin sapagka'liliham pa ba siya sa asawang pepe kung doon din lamang susunod? hindi na niya maaaring sundin pa siya. napopoot sa kanya ang lalaking yaon! lason ngayon siya sa pangmalas ni mang pepe. saan siya pupunta? kay teofilo? marahil, at ang kanyang tinungo'ang tahanan ng batang kawani. doon siya sasama sapagka'iyan ang nakakatugon ng kanyang puso sa pagibig. iyan ang kanyang kaligayahan, hindi si mang pepe. sasama siya at hindi na siya ngayon tatangkilikin ng dating asawa. teofilo ang wika agad ni carmen pagdating sa tahanan ng binata hwag ka nang magdalang takot. carmen, saan naroon si mang pepe? baka ako ay kanyang patayin? hindi, hwag ka nang pakikita sa kanya. baka bagabagin ang ating kalagayan? hwag kang manganib, hindi na siya maghahabol sa akin. ako ay natatakot? magbubunga nga pala ang ating ginagawang pagnanakaw na iyan ng kaligayihan. teofilo, hwag kang manganib, sa iyo ako, at hindi na sa kanya. diyata carmen?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
oo, sa bisig mo na ako magduduyan ng panibagong kaligayahan at sa bisig mo na rin mamamalagi. nguni'ano ang sasabihin ng mga tao kung malaman? walang kailangan sa asawang paris niya. ang dalawang ito samakatwid ang magpipisan. ang dalawang ito na nagkakaisa ng tibukin ng puso ang magduduyan sa kaligayahan ng katamisan ng pagibig. ang dalawang ito na naging mapalad ang pagiibigan ang siyang magkakasundo. para kay mang pepe ay isang lasong makamandag si carmen sa kanya. kaya'ngayon ay di na maghahabol. pinabayaan na niya! at, sa harap ng hukuman ay sinabi ni mang pepe ang boong katotohanan. siya ay isang dakilang tao na ayaw magsinungalin. iginalang niya ang kahalagahan ng batas. hindi nakapanaig sa kanyang budhi ang magbulaan sa harap ng hukuman. kaya'matapos na siya ay kunan ng tanong sa mahiwagang yaong pangyayari at matapos maipahiwatig niya ang boong katotohanang kanyang ginawa kung kaya siya nagkagayon, ay pinalaya ng mga maykapangyarihan.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
umuwi siya ng tahanan at kanyang dinatnan ay ulila na sa kanyang kinapopootan. mabuti na lamang at wala na doon ang lasong yaong sukab na babae. waring nasiyahan pa ang kanyang puso pagka'naglaho na sa kanyang pangmalas ang asawang kanyang isinumpa. sa ibabaw ng mesa ay nakita niya ang liham ng sukab at kanyang binasa na ganito ang mga natititik: yamang ang tibukin ng puso natin ay di rin lamang magkaisa ay ngayo'ninais ko na ang tayo ay magkahiwalay at ako ay asahan mong sa mga sandaling ito ay nasa iba ng kandungan: doon sa makapagdudulot ng kaligayahan ng aking puso. kaya'walang nasabi si mang pepe kundi ang ganito: salamat at ako ay nawalay sa kanya. nanaisin ko na ang sarili ay huwag makasilay pa sa kanya minsan man. hindi ko na hahabulin kahit na siya saan pumunta. malaya na siya sa malayo kong piling. at, upang makailag si mang pepe sa mga sasabihin ng tao ay ginawa ang lumayo, nilayuan ang pook na yaon. humanap siya ng pook na tago sa mga mapagkunwaring babae na mapagsukab.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
doon sa walang maririnig na bulungbulungan ang kanyang sarili. inilagan niya ang masasamang kinakakakitaan ng paris noong nangyari sa kanya. at, kanya na lamang na isadilidiling: ilan pa kaya ang mga babaing nagsisipagugali ng gayong hindi namamalayan ng kanilang mga kabiyak ng puso? salamat na lamang at ni ano mang balitang kumalat ay wala na siyang pinangingilagan. mabuti at lihim na lamang na nangyari ang lahat na di naalaman ng tao. kaya'ang pangyayaring yaong nagbigay ligalig sa di iilan ay nagdaang parang walang ano man: nalihim sa madla. ang simoy ng hangin ng gabi ay kay sarap samyuin! waring dala ang mababangong halimuyak ng mga sariwang bulaklak na nagsisipamukadkad sa mga sariwang halamanan na pinapatakan ng hamog kung nagdadapit hapon. pati mga ibon ay waring mga nananahimik na noon, na, nangagdapo sa sanga ng kahoy.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang kanilang masasayang pag awit ay natigil na at sa malalabay na lilim ng mga halaman ay doon nangaroon at nagsisipagpahinga: ang mga pipit, ang mga maya at iba'ibang ibon ay tahimik ng lahat. sa mga halaman ay walang mamamalas kundi ang katahimikan ang naghahari at ang mga punong kahoy na kung gumagalaw lamang ang mga dahon ay kung nahahalikan ng palaypalay na simoy ng malayang amihan. ang mga batis ay waring tahimik din na walang ibang masisinag kundi ang mga tila ba gintong nagkislapkislap mga perlas kung mamalasin ang malinaw na tubig na natatamaan ng sikat ng kabilugan ng buwan. ang gabing yaon ay isang gabing lipos ng aliw, lipos ng pangarap na nakapagbibigay lugod sa mga hapong bisig sa pagdulang ng mahabang maghapong paggawa. kaya, ang lahat ay waring nagkakaisa sa idunudulot na kabutihang panahon nang gabing yaon. ang langit ay maaliwalas at wala ni badhang ulap na masisinag. waring ibinabalita sa ilalim ng langit na ito ang isang babala ng magandang kapalaran.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang mga tanawin ay sadyang, nakasasabik pagmalasin na para bang ang isang bayang may sapot na ulap ng pagkabusabus ay di pinakikitaan sa mula'mula pa ng kalikasan ng ganito. waring ang lahat ay tulad ng bulaklak na sariwang nagkakasiya sa patak ng hamog ng isang gabing yaong lipos ng tulain at pangarap sa mga pusong uhaw sa katamisan ng malayang buhay. bawa'puso ay waring nalulugod, bawa'diwa ay nasisiyahan sa idinudulot ng magandang panahon! ang mga bulaklak na waring mga nagsisibukad dili ay tila, mga nakangiting lahat dahilan sa patak ng biyayang hamog na siyang nagpapasariwa. ang dahon ng kahoy na mga nalalanta at tuloy na mga nalalaing ay parapara bang nagsisipanariwang lahat, na nanauli sa dati. nananariwang lahat sa patak ng hamog na ang gayon ay siyang lalong nakapagdudulot sa mga bulaklak upang lalong maging ganap ang kabanguhang humahalimuyak.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
datapwa'kung ang mga bulaklak na iyan, kung ang mga dahong iyan ng kahoy ay pamuling nanariwa sa mga patak ng hamog ng gabi, ay katulad rin naman iyan ng pusong tumutungga at nauuhaw sa sarong ginto ng katamisan ng hamog ng pag ibig. ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa'patak ng sariwang hamog. katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga. katulad ng mga ibong malalaya ang buhay sa mataas na papawirin, walang dusa, walang nakaaalipin at paraparang maliligaya. na, katulad naman ng dalawang puso, na walang ulap na bumabadha sa kanilang matamis na pagmamahalan. walang mapait sa mga damdamin: laging maligaya at nagngingitian.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
dalawang pusong sa gitna ng pagiisa ay kaligayahan ng damdamin ang siyang taglay ng diwa. dalawang pusong manakanakang nagkakatitigan, na ang mga pagtitigang yaon ay sukat ng magkaalaman ng lihim ng puso. dalawang pusong nagkakangitian, na ang mga, pangingitiang yaon ay sukat ng magkaalaman ng lihim ng diwa. mapapalad nga at walang dusa: dalawang pusong sa kandungan ng kaligayahan ay umaawit ng tagumpay, nangangarap ng katamisan ng pagibig, ng matamis na pagmamahalan ng puso. kay palad nga naman! ang mga mapalad na ito ay nagduduyan sa bisig ng maligayang kandungan ng gabing lipus ng pangarap. kay palad na gabi nga naman noon! ang gabi ay tahimik at ang maliwanag na sikat ng buwan ang siya lamang nakakamalag sa dalawang pusong mapalad na yaon. saan naroon ang dalawang ito? saan natin sila makikita? datapwa'kung nais natin masaksihan ang kanilang maligayang paguulayaw ay narito at madali nating makikita. ating tingnan ang halamanang maraming bulaklakan nila leoning.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
sa ilalim ng isang mayabong na balag na ginagapangan ng mga baging umaakyat at sa ilalim ng mga dahon ng cadena de amor ay naroon at sila ay naghehele ang mga pusong uhaw sa katamisan ng pagibig. dalawang pusong naguulayaw, na, nagkakapalitan ng mga ngiti sa mga sandaling yaon, nagkakatitigan na nagkakahiwatigan ng lihim ng kanilang puso. leoning, ang ilang araw na nagdaan na di natin paguulayaw ay waring sa palagay ko'kung ilan ng taon para sa akin. eduardo, marahil ay hindi lamang ang puso mo ang nagkaganyan; ang kay leoning man. maniwala ka. anong sarap mong magmahal. ganyan ka rin naman kaya? kaya leoning, asahan mong ang pangyayaring itong di karaniwan ay di ko na marahil malilimot pa. pasalamat tayo at nagkaroon ng ganitong pagkakataon. salamat nga at magkaulayaw tayo ng boong tamis. nguni'hindi na marahil mauulit. kahimanawari leoning ay maulit pa. pagkakataon nga lamang yata ang ganito. leoning, idalangin nating maulit. aywan natin sa panahon.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kaya waring kamatayan ang ating paghihiwalay. nagsinungaling ka na naman. maniwala ka leoning. maniwalang magsisinungaling ka. eduardo, tapat na kaya ang puso mo sa akin magpakailan man.? asahan mo leoning. nguni'ako ay nangangamba. anong ipinangangamba mo? ang ikaw ay lumimot. nakakita ka na kaya ng ipinagbago ko sa iyo? na kung dumating na ang panahon? leoning samakatwid ay nagaalapaap pa ang loob mo sa akin? hindi mo ba ako iniibig leoning? eduardo, iniibig kita at ikaw lamang ang pagasa ko nguni'naalaala, ko lamang ang kasasapitan ng palad ko sakaling. sakaling ano leoning? ako'iyong kalimutan. leoning, sa gunita mo ay iwaksi ang lahat ng iyan. diyata kaya? oo, salamat pa daw. leoning, alalahanin mong wala ng ibang lugod ang aking puso kundi sa piling mo lamang. na hihdi kaya isang pagsisinungaling lamang? huwag kang magalapaap ng loob. eduardo, manalig na kaya ang palad ko? manalig ka leoning ko. isinusumpa mo. hanggang libingan.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
anong tamis nga naman ng dalawang pusong naguulayaw at nagmamahalan? anong ligaya ng dalawang pusong ang katamisan ng pagibig ang siyang naghahari? ang hamog ng pagibig! kay tamis sa dalawang puso! kaya leoning ko, inaasahan kong sa mga labi mo ay buhat ngayon ay maririnig kong bibigkasin mo kung ako'tatawagin ang ngalan eduardo ay dagdagan mo sanang lagi ng salitang ko na: eduardo ko. ang ganyang ay laon kong sa puso ay lihim na siyang, tinatawag sa pagiisa. leoning, diyata, kay sarap mo nga palang magmahal. oo, eduardo ko, malaon na. na di na kaya magbabago? hanggang tumitibok ang puso ni leoning. leoning, anong sarap mo nga palang magmahal. at ang binibini ay di na nakasagot at ang mahigpit na yakap ng pagmamahal ang iginawad kay leoning. leoning, nasa kamay mo lamang at iyong kandungan ang lahat na kaligayahan ng aking puso, kaya hwag mo sanang lilimutin ang isang eduardo upang hwag magkaroon ng dalamhati.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
nais ko nga ang laging kaligayahan ng puso mo nguni'baka pagkatapos ay lumimot ka sa sumpa. kamatayan ko nga leoning ko na baka ikaw ang lumimot. ako man eduardo, na tulad ko marahil ay isang bulaklak na lagas kung iyong limutin. at, kung lumimot ka, dahil sa sumpa mong nilimot, ako ay mamamatay. at kung ikaw naman ang lumimot dahil naman sa sumpa mong nilimot, bulaklak akong manglalagas sa tangkay. kaya, leoning, hwag nating alalahanin ang lahat ng ito. oo, hwag nating limutin ang sumpaan. oo, nga at kung limutin mo, dahil sa sumpang nilimot ako ay. eduardo ko, ako'gayon din, bulaklak akong manglalagas nang dahilan sa sumpa mong nilimot kung iyong gawin ito. kaya leoning ako ay umaasa. manalig ka. hindi kita pababayaan. na ako ay iyong mamahalin. ng lalo'higit sa buhay. maging maligaya ka kung gayon sa katamisan ng aking pagmamahal. salamat, at sa iyo nga lamang ako mabubuhay. leoning, hwag kang makalilimot. hanggang libingan.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kaya, leoning ko, bayaan mo sa ngayong awitin ang katamisan ng pagibig sa iyong kandungan. hindi ba nasisiyahan ang puso mo? eduardo ko ang palad ko lamang. at sa malantik na baywang ni leoning ay waring ang bisig ni eduardo ay naging parang lumingkis na lamang na hindi tinanggihan ng binibini. kay palad na bisig! ang ating binata ay naging mapalad ng gayon na lamang. ang katamisan ng pagibig, at katamisan ng pagmamahal ni leoning ay inawit niya ng boong tagumpay. sukat na eduardo ko ang paanas na salita ng binibini. leoning, samantalahin natin ang pagkakataong ito. alamin mo leoning na sa mga ganitong sandali lamang natin matutungga ang ganitong sarong ginto ng katamisan ng pagibig, sa mga sandaling ito lamang ang kaligayahan ng ating puso. oo, leoning ko, malasin natin ang buwang iyan, iyang mga bituing nagkislapkislap at ang kabutihang panahong iyang idinudulot ng katalagahan na ang ganyan ay siya nating saksi. oo, leoning. magsalita ka, hindi ka ba naliligayahan?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
eduardo ko sukat ng lahat ang iyong sinabi nguni'. nguni'nais mo kaya ang kaligayahan ng aking puso. hindi pala leoning. kaya sa bisig ko ay bayaan mo ng awitin ko ang katamisan idinudulot ng pagibig. bayaan mong sa bisig ko ay magduyan ka at sa kandungan mo naman ay maging akong maligaya. sa kandungan mo ay bayaang mangarap ang puso kong uhaw sa hamog ng iyong pagmamahal. at hindi na natugon ang tawag na ito ni leoning at sa kanyang mga labi ay isang halik ang naiganti ng binata. at ganap na naghari ang katahimikan. sa bisig ni eduardo ay waring naghehele si leoning, nangangarap, nalulugod ang puso. si eduardo, sa kandungan ni leoning, ay waring isang paruparung na sa piling ng bulaklak na nasisiyahan sa katamisan at kabanguhang humahalimuyak. kay papalad! mapapalad na tinamo at inawit ang tagumpay ng puso. si leoning ay nasa bisig ng binata, si eduardo ay nasa kandungan ni leoning na puno ng buhay, puno ng ligaya at katamisan, ng pangarap.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
dalawang pusong sa kaliwanagan ng buwan ng gabi ay maligayang nagduduyan sa katamisan ng pagibig. dalawang pusong umaawit ng tagumpay na walang nakamalay. kay palad na mga puso! oo, kay palad sapagka'ang katamisan ng pagmamahalan, at katamisan ng pagsusuyuan ay nasamyo nilang boong laya, nasamyong tulad sa bulaklak na sariwang humahalimuyak na hinahalikan ng hamog. ang panahon ay patuloy ng paglakad, na, waring ang kabuhayan ni eduardo ay hindi man lamang dinadalaw ng ano mang bagabag sa buhay. laging payapa at maligaya, walang ligalig at waring ganap na ang kanyang pag asa na nasisinag na magandang bukas. pati kanyang pagaaral ay gayon na lamang ang ginagawang pagsisikap upang sa kabila ng kanyang mga pagpapagod ay matamo naman niya ang tagumpay. walang mga sandaling pinalalampas upang sayangin sa ikatutuklas ng mga mabuting adhika'mga dapat na pakinabangan pagdating ng araw. kaya buo na ang kanyang pananalig na may magandang bukas siyang hinaharap.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
sa kabilang dako naman ang masayang pamumuhay ni leoning ay patuloy rin. at sa boong pananalig ng ating binata ay lagi nang inaalaala ang kanyang irog, na inaasahan namang gayon din sa kanya ang binibini. si eduardo magmula na nang siya ay makilala ng kinatawang velarde ay waring lalong naging masigla at masikap sa kanyang pagtuklas ng karunungan. sa mga makabuluhang pangungusap at mga mabuting halimbawa na ipinagtapat ng kinatawan sa kanya ay waring siyang nagdulot sa kanyang puso ng lubos na pagaadhika upang lalong maging tawagin siyang mabuting bata. hindi na nga naman malalaon, siya ay tatawagin ng manananggol. magiging isang tagapagligtas sa mga inaapi ng maling paratang ng mga may diwang naglulubog ng matuwid. mga kailan ay isa sa magtatanggol sa katuwirang ayaw pasikatin ng mga may diwang magaspang at mapagimbot. na, ang lakas ng katuwiran ay siya niyang pasisikatin at ang mga inupasala ay ipagtanggol niya.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
magiging manananggol siya, na, sa harap ng kapwa manananggol ay makikipagtalo sa pagtuklas ng mga katuwirang sinisikap pagaralan ng mga lalong matalino. kailangan ang siya ay magkaroon ng ngalan, sapagka'sa kanyang pagaaral pa lamang ay nagpakita na ng ningning ng kanyang pagkamaypagasa sa harap ng kanyang magandang bukas. ang bukas na sa kanya'naghihintay. hindi siya nagkamali sa pagpili ng kanyang minimithing karunungan na pagaralan. bagay nga sa kanya ang manananggol. maging sa tinig na lamang ng kanyang mga pangungusap ay sukat ng mapagkilala ang kanyang kakayanan sa karunungang ito. siya nga naman ay isang maningning na talang inaasahan ng kanyang bayan. maging ang kanyang paguugali ay sukat ng mapagkilala ng sino mang kanyang makakaharap na siya ay isang taong may mataimtim na kalooban. siya ay matapat at sa mga noo niya ay mababakas ang pagkamatalino at mabait na tao. siya ay matapat at di kakakitaan ng ugaling magaspang na ginagamit lamang ng mga diwang may masamang pagiimbot.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang ugali niya ay hindi makapagbibigay suklam sa harap ng iba. kaya minsang siya ay nagsadya sa tahanan ng kinatawang velarde upang siya ay magaral ng mga lalong tumpak at wastong pangangatuwiran. at, ano ang kanyang tinamo? pinuri siya sa kanyang pagkamasikap. at, sa bufete ng nasabing kinatawan ay ipinakita sa kanya ang mga lalong mabuting paraan at mga maayos na pagkilos ng isang manananggol na may ngalan. itinuro sa kanya ang lalong mabuting paraan sa pangangtuwiran sa mga usaping maselan. ang kinatawang velarde, ay isang mananggol na kilala ang ngalan ng marami sa siudad. marami ng usapin ang kanyang mga ipinanalo, na, ang mga usaping ito ay pawang mga maseselan pa naman. sadyang ang kanyang mga pinagtagumpayan ay mga usaping mahigpit na pinagaaralang mabuti ng mga manananggol. taglay niya ang pagkamatalino at maliksing pangangatuwiran.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kaya kailangan na ang mga nagaaral ng pagkamananananggol ay magkaroon ng katutubong talino, kailangan ang matinong pagiisip at kailangan ang maliksing mangatuwiran na sa pangangatuwirang yaon ay maayos at wastong lagi. kailangan ang puso ay laging buhay, buhay ang loob at matapang. datapwa'para kay eduardo ay walang ginagawa ang sarili kundi ang laging magsanay, laging magsikap at adhikain ang mga lalong mabuting ikahahanap niya ng paraan sa pagtatagumpay. kailangan ang mahihigpit na suliraning kanyang pagaralan lalong lalo na ang mga suliraning bayan na kailangang ang bayan ay kanyang tulungan sa ikapapayapa ng mamamayan. kaya sa ganang sarili ni eduardo ay pipiliting mabuti ang pagsisikap upang siya ay magtagumpay. kung siya man ay makatapos ng kanyang pagaaral ay kanyang sisikaping sa harap ng kanyang kapwa manananggol ay hindi siya, pahuli at bagkus kanyang pipiliting siya, ay maging tampok ang ngalan sa kanyang mga kapuwa.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kailangang ang kanyang ngalan ay magkaroon ng sariling dambana. kaya, kailangan nga sa kanya ang siya ay mapantay kung maaari ay humigit pa sa mga lalong tanyag at kilala ng mga manananggol, humigit pang lalo ang kaningningan ng kanyang pangalan sa mga nauna. ngayon pa nga nama'makikita na ang kanyang pagka may maningning na pagasa. ang kalahating taong pagsusulit na ginanap ng kanilang paaralan ay boong layang nalampasan niya. at, nang kanyang malaman na ganito ang kanyang nota kataasan sa lahat ay halos gayon na lamang ang pagkagalak ng kanyang puso. anong buting palad! nasiyahan ang kanyang loob ng gayon na lamang; kataasan sa lahat. kaya sa pangyayaring ito ay minsan pang tagumpay na naman ng kanyang sarili. gayon na lamang ang kagalakang kinamtan. diyata at siya ang kataasan sa lahat? kaya nalulugod siya. nguni'ang gayong mga kasiyahang loob ay di niya maaaring sarilinin.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kailangan ang kanyang ibalita kay leoning, at kung malaman ni leoning na, kanyang kasintahan di ito nga naman ay isa pang kagalakan din ng kanyang irog. kaya kanyang ibabalita. ninais niya ang magtuloy sa tahanan ni leoning. pamuli na namang ang kanilang mga puso ay magkakaulayaw. mauulit na naman ang kanilang pagngingitian. ang mga sandali na pagtatagpo nila ay isa na namang maliligayang sandali sa kanilang puso. kaya hindi nga niya maaaring kalimutan ang gayong di ibalita kay leoning. oo, si leoning ang kanyang pinagtatapatan ng lahat. ibabalita niya ang tinamo na naman niyang tagumpay. hindi niya maaaring di ipaalam kay leoning ang ganito sapagka'si leoning ang tanging kanyang inaasahang makapagpapaligaya sa kanyang buhay. si leoning ang dalagang hindi nawawala sa kanyang gunita, di niya maaaring kalimutan. maging sa pagkain man ay nais niyang laging kapiling kung mangyayari lamang sana. nais niyang lagi silang magkakasalo sa dulang.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
maging saan man siya naroon ay para sa kanya ay kasama niya si leoning. kung bakit? sapagka'sa mga balintataw ng kanyang mga mata ay waring nakadikit na ang larawan ni leoning na, hindi napapawi. at, sa gunita pa kaya naman niya mapawi? oh, makalilibong hindi! waring kung naaalaala niya si leoning ay para bang nakikita niyang nagdudulot sa kanya ng ngiti. kaya hindi maaaring sumagi sa kalooban ng binata ang gawang paglimot. tunay at wagas ang kanyang pagibig at pagmamahal. ngayon pang kanyang damdamin ay hindi man lamang dinadalaw ng ano mang pagkainip pagka'mula na nang sila ay magsumpaan ni leoning, na, di magkukupas ang kanilang matamis na pagsusuyuan, sa pakiwari niya ay siya na ang napakaligaya sa lahat sa sangdaigdig. para sa kanya ay waring laging mabituin ang langit, laging nasisinag niya ang pagasa, ang ligaya ng palad at kaaliwan ng puso. kaya sa pagpunta niyang yaon kina leoning ay boong galak halos naguumapaw sa kanyang dibdib ang katuwaan.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
inaasahan niyang malayolayo pa siya ay sasalubungin na agad ng ating binibining taglay ang ngiti sa labi. inaasahan niyang pagkatanaw na sa kanya ang pagkaway na wari bang sinasabing: halika . datapwa'malapit na siya sa tinitirahan ni leoning, ay hindi pa niya nakikitang ang binibini ay sumungaw man lamang sa durungawan. wala kaya roon? nasaan kaya ang dating ugali ni leoning na malayolayo pa ang binata ay sinasalubong na agad ng kaway at ngiti? kaya sa ganitong pangyayari ay di na niya lubhang pinagtakhan sapagka'baka ang pagdalaw niyang yaon ay nagkataon lamang na hindi agad siya nakita ng binibini. kaya hindi niya dinamdam ang gayon. at, kung ang pagdating niyang yaon ay nakita ng ating binibini ay na sa durungawan pa ay agad ngingiti ang dalaga, sasalubong at siya kakawayan. sa gayon, ang ating binata payapa rin ang loob. ang hindi niya pagkakitang yaon kay leoning ay walang ano man. isang pagkakataon lamang na di dapat ikalungkot ng kanyang damdamin.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ano nga naman kung siya ay di nakita? kaya ginawa niya nang nasa may pintuan na ng tahanan nina leoning, ay marahang siya sa kanyang paghakbang. ninais niyang si leoning ay biglain, na, ang gayon ay hindi naman mamasamain ng binibini pagka'isang biro ng kanyang irog. ang ginawi namang yaon ng binata ay hindi masama pangit na magiging daan ng masamang pagtingin ng sino man kina leoning. at isa pa ay kilala naman siya na mabuting ugali at gagawin ba naman niyang yaon ay isang pagsubok lamang kay leoning na upang ang kanyang pagdating ay magkaraan ng ngitian pagkatapos sa dahilang ang mga dinatnan ay mamamangha! nang si eduardo ay anyu ng papasok ng maaliwalas na tahanan, ang mga maririkit na kortinang nakatabing sa may pintuan ay siya niyang ginawang salag upang hwag makita ang kanyang katawan.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
datapwa'bago lamang niyang wawahiin ang tabing ng pintuan ay waring napauntol siya sa pagkarinig niya ng salitang: leoning, buhat pa nang kayo ay makasayaw ko na ginanap sa tahanan ng don gonzalo sa san marcelino ay inibig ko na kayo noon at hanggang sa ngayon ay walang ibang nagbibigay balisa sa aking damdamin kundi kayo lamang. sa pagkarinig niya noon ay waring nagsiklab ang tibok ng kanyang puso. sumiklab ang kanyang dugo. ano ang kahulugan ng lahat ng yaon? diyata at may ibang kaagaw siya kay leoning? kaya sa pagkauntol ng paghawi niya sa tabing ay kanyang hinintay ang pagtugon ng binibini datapuwa'hindi niya narinig sumagot. at sa gayon ay pamuling nagsalita ang lalaki: leoning, marahil ay sukat ng maniwala ang aking sarili na ang hindi ninyo pagsagot sa akin ay nangangahulugan ng pagsangayon. hindi ba bb. leoning? datapuwa'ang binibini ay lalo ba waring napipi. ano ang naghari sa kalooban ng isang eduardo?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
dalawang suliranin: isang pagkapoot at ang ikalawa'ninais magtuloy sa kalooban ng bahay upang makilala ang kaagaw na iyon kay leoning. waring nagalab ang kanyang loob. may iba palang nakakaibig kay leoning! sino kaya ang taong yaon? sino ang lalaking yaon? ninais niyang pasukin upang makilala datapuwa'nang anyung gagawin na niya ay ang kanya na ring budhi ang tumanggi: hindi. ano ang kanyang pakialam at bubulabugin niya ang gayong paguusap ng dalawa ni leoning? isang masamang paraan ang gayon. nagaral siya at kung kanyang gawin ang gayon ay anong sasabihin ng tao? kaya ninais niya ang magpakatimpi ng loob. kung kanyang gawiin ang pagpasok at maalaman ni leoning ang kanyang ginawa di wiwikain ay wala siyang ugali, walang mabuting kalooban at walang pinagaralan. nguni'ang iniisip ni eduardo'ang pangyayaring hindi pagsagot ng binibini. waring ang salita ng lalaking kausap na: ang hindi pagsagot ni leoning ay nangangahulugan ng pagayon, ay isang sampal na tumama sa kanyang mukha.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ano nga naman ang kahulugan ng lahat ng iyon? sino ang lalaking yaon? samaktuwid ay may kalaban pala si eduardo? kaya tinangka niyang lisanin ang tahanang yaon. mabuti na lamang at ang kanyang paghakbang ng marahan ay walang nakamalay. sa paglisan niyang yaon ay hindi naman siya lalayo pipilitin niyang makilala ang lalaking yaon. maghihintay siya sa paglisan ng lalaki sa tahanan nila leoning. kahit anong oras ang dumating, hihintain niya ang pagalis upang makilala niya kung sino. kaya hindi siya lalayo ng kinalalagyan buhat sa tahanan ng binibini hangga'hindi niya nakikita ang lalaking kausap ni leoning. minsan pang nabigo ang kanyang palad? ano ang ibinabala sa kanyang maningning na pagasa ang ganito? may kahulugan ngayon para sa ating binata ang lahat ng yaon! unti unti na ngang nakita ni eduardo ang malaking ipinag bago ni leoning buhat nang kanyang mabatid na may ibang dumadalaw sa kanyang kasuyuan.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ngayong nabatid niyang siya pala ay may kaagaw kay leonora na nang mga ilang araw na nagdaan ay hindi niya namamalayan. kaya ngayo'lumipas na tuloy ang isang buwang singkad na si eduardo ay dumadalang ang pagpunta kina leoning dahilan sa malaking ibang ipinakikitang loob sa kanya na di paris ng dati. si leoning ay nagbago na sa kanya, nawala na ang dating mga pagngiting isinasalubong sa kanyang pagdating. nawiwili na si leoning sa kanyang bagong kasuyuan, ang kanyang kasuyuan ngayo'siyang laging nagpupunta sa bahay ng binibini upang makipagusap at makipagpalitan kay leoning ng mga balita at buhay buhay. ang kaagaw niyang yaon ay isang matanda ng binata na ayon sa kanyang balita ay isang mayamang mangangalakal na naging kasama ni mang alejandro na kapatid ng ali ni leoning. ang binatang ito ay tumutugon sa pangalang daniel perez, na ngayon ay naninirahan dito sa siudad. siya'isang kilalang mayaman sa kabisayaan. daniel perez, iyan, iyan, ang kalaban ni eduardo sa pagibig kay leonora.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang pagibig nga naman ni leoning! ang pagibig ni leoning ay parang natulad sa bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala. para ba kay eduardo ay naglaho nang lahat ang kaligayahan ng kanyang buhay sa ngayon. wala ng natira kundi pawang mga pangarap na lamang ng mga dumaan. wala, wala na yata at sadyang hindi na magbabalik ang lahat. para kay eduardo ay pawang kapaitan lamang sa buhay ngayon ang naging palad niya. wala na at hindi na yata pamuling magbabalik ang kanilang kahapong nagdaang lipos ng kaligayahan at pangarap. si leoning nga naman! nawala na nga kaya sa alaala ni leoning ang lahat? diyata'nilimot niya ang sumpaan sa pagibig? kaya ngayon ay walang bumabagabag sa damdamin ni eduardo kundi pawang mga mapapait na gunitain sa buhay! pawang mga masasaklap lamang na pangarapin ang kanyang naging kapalaran. wala na ang dating mga pagngiti sa kanya ni leoning.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
madalas ngayon, ang kanyang katawan ay nalulungkot, waring lagi ng matamlay at paminsanminsang nagbubuntunghininga na lamang. maminsanminsan ay masabi sa sariling: ay! dahil sa iyo, dahil sa sumpa mong nilimot sa aba ko, ay wala na ang lahat. para kay eduardo ay untiunting nagkukupas ang lahat. kung baga sa bulaklak nalalanta at nalalaing. ang dating paglingap sa kanya ni leoning ay parang natulad lamang sa ulap, biglang naglahong paminsanan. ang dating paglingap ni leoning ay tulad lamang sa isang pagdadapithapong lumulubog na. para ng langit na ngayo'puno ng ulap at wala ni isa mang bituin, iyan ngayon ang waring nakikita ni eduardo. wala na, ang mga kaaliwan ay naglaho na sa kanyang lahat. naglaho na sa kanyang palad ang maningning na pagasa at ngayon ay waring madilim at mga luksa ang kanyang nasisinag. wala ng paglingap sa kanya si leoning! wala na, wala na, at makailan na niyang tangkaing dumalaw datapuwa'para lamang pagabigo ang kanyang nakamtam.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ano nga kaya naman ang nangyari sa kay leoning? bakit daglian naman siyang lumimot sa dating kasuyuan.? parang kakahapon lamang na sila ni eduardo ay lagi ng maliligaya at nagduduyan sa katamisan ng pagibig datapwa'ngayon, ngayon ay parang naging ulap na lamang, paraparang naglahong lahat. kahabaghabag na eduardo! pusong sawi at kulang palad! ang buwan ay lumiit na'ngayon ay pamuling nagbalik ang kabilugang nagsasabog ng liwanag datapuwa'ang kanilang puso ay tila hindi na pamuling sumimsim ng katamisan ng buhay na dating kanilang ginagawa kung ganitong mabuti ang panahon. oo, parang mga ulap lamang ang nakabadha sa langit, ayon sa pakiwari ni eduardo ay siya niyang nasisinag. si leoning ay wala na hindi na niya pamuling makakaulayaw paris ng dati. aywan nga ba nama'kay dali ni leoning lumimot! para kay eduardo'pagkasaklap pagdilidilihin! diyata at si leoning pa ang naunang lumimot? nahan ngayon ang pangakong sinumpaan ni leoning sa pagibig?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
nahan ang kanyang sumpang hanggang sa libingan ay hindi siya magbabago? bakit ngayon ay naglahong lahat? hanggang libingan. hanggang hukay! ang mga iyan ay naglaho ng lahat! kabulaanang lahat! kasinungalingang lahat! ang lahat ay wala, parang bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala! wala ng lahat, paraparang nabaon sa limot, sa ulap, sa wala. leoning, maanong ang isang binatang ngayon ay nasa kandungan ng pagkasawi at sinisiklot ng bagabag ay tapunan mo man kahit isang ngiti? oo, isang ngiti man lamang. ngitian mo man lamang sana ang palad ni eduardo ng minsang lumuwagluwag ang nagsisikip na damdamin sa mga pasakit. ngitian mo sana ang palad niyang tila ba na sa bingit ng hukay. nasa bingit ng hukay! kay saklapsaklap na kapalaran ng ating binata! wala na namang pagasa, wala na, ang puso ni eduardo ay hanggang sa lihim ng tumangis, lihim ng lumuha, manghimutok, lihim na mapa ay! oo dahil lamang sa iyo leoning! dahil sa sumpa mong nilimot!
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
leoning, bakit nga naman kay daling magbago ng tibukin ng iyong puso? nahan ang dakila mong sumpa? bakit nga naman leoning? bakit daglian mong nilimot ang dating kasuyuan? hindi mo kaya nagugunitang dahil sa sumpa mong nilimot ay may isang palad na ngayon, ay sinisiklotsiklot ng bagabag? hindi mo kaya nababatid na may isang pusong sa mga pasakit, na, natulad sa bulaklak na naunsiami? leoning, kahabagan mo ang isang palad na tulad ni eduardo. lingapin mo ang isang dahil lamang sa iyo ay masasawi, dahil sa iyo ay mawawalang pagasa, mawawala ang kaaliwan, mawawalan ng lugod sa puso at marahil sa wakas ay walang kasasadlakan kundi isang hukay, isang libingang mapanglaw. leoning, leoning, maawa ka! lihim mo sanang pakinggan ang daing ng iyong nilimot. namamanglaw at walang ibang tinatawag kundi ang iyong pangalan: leoning, si leoning lamang. leoning, nilimot mo kaya si eduardo sapagka'siya ay isang binatang hindi mariwasa? hanggang hukay! kabulaanan!
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
hanggang hukay na parang kakahapon lamang. hanggang hukay na ngayo'waring siyang magdudulot ng kamatayan sa puso ng sinumpaan. hanggang hukay na ngayon ay hindi pa dumarating ang tadhana ay naglaho agad na parang nilamon ng ulap. leoning, nahan ang puso mo kung gayon? nahan ang puso mong datidati ay may paglingap? nahan ngayon ang dating mabini mong kilos, ang iyong kayumiang taglay kahapon? leoning, nahan ang puso mong noong una ay mabait at tapat? nawala na kaya sapagka'ikaw ay nabilang na sa matataas na angkan ng mga tao.? nawala na kaya sapagka'ang mga marami mong nakakaharap ngayon ay mga taong nabibilang sa matataas na lipunan at mga kilala, mga mariwasa, mayaman at masalapi? ito kaya ang sanhi ng lahat ngayon leoning? sapagka'nakayapak ka na sa mga matataas na lipunan at mga sociedad, ay maglalaho na ang dating maningning mong ugali? nahan ang kayumian mong dangal na lahi, na, nang mapasama ka at mawiling makipiling sa mga taong tanyag ay nagbago ka?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
leoning gunitain mo man lamang kahit minsan ang iyong kahapon! kaawawang eduardo! binatang umaasang may maningning na tagumpay, na hinaharap sa araw ng bukas. binatang may pagasang magiging maligaya sa harap ng isang leoning. datapua'ngayon, ngayon, oh! sa aba mo ay tila isang maitim na ulap lamang ang lahat. binatang sinikap ang mga lalong ikadadakila ng kanyang sarili at sa gayong paghahanda ay para sa kanyang kadakilaan at ng kanyang irog. ang pagsisikap niyang yaon ay dahil lamang sa kanyang mutya, dahil sa kay leoning na kanyang puputungan sa noo ng laurel ng dangal, datapuwa'ngayon ay ano ang nagbabala sa kanyang palad? isang ulap nga, at naglaho lamang ang lahat! oo, ang lahat ay wala na, wala na siyang pagasa sapagka'si leoning ay hindi na niya maalaman kung bakit lumimot. nguni'ano kaya ang katotohanan at si leoning ay lumimot? nilimot kaya siya sapagka'ang bagong kasuyuan ay isang mariwasa, isang mayaman, masalapi at bukod pa ay kasamahan ng marangal na tao?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
marahil ay sa ganyang paraan nga nahimok ang ating binibini. aywan nga natin. kaawaawang binata! oo, kaawaawang eduardo, kulang palad na binata na nilimot ng kanyang irog. nilimot ng kanyang kasintahan, nilimot ni leoning, na, ngayon ang kanyang naging palad, oh! ang kanyang naging palad ay naritong magtiis ng hirap, siklutin ng bagabag, tulad ng bulaklak na nalalanta, tulad ng liriong natutuyo, kumukupas ang dating kasariwaan, nalalaing ba wari. dahil sa sumpa mong nilimot leoning! dahil sa sumpa mong nilimot oh! leoning ngayon ay walang ibang tinitiis ang puso ni eduardo kundi ang mahahapding sugat, sugat na walang lunas, wala na kundi kung pamuling magbalik ang kahapong kaligayahan nila. ngayon ay waring tinik na dumuro sa kanyang puso, tumagos sa kanyang dibdib hanggang sa kaliitliitang ugat ng kanyang kaluluwa, iyan ang dahil lamang sa sumpang nilimot ni leoning.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
dahil sa sumpa mong nilimot ay wala na, walang ibang kinakaulayaw, kundi ang mga sakit, ang mga dalamhati, ang mga dusang kapanglawan sa buhay. oo, nga leoning hindi na marahil hahaba pa ang kasaysayang ito, matatapos na sapagka'wala na, wala'dahil nga sa sumpa mong nilimot ay waring matatapos na ang lahat. waring matatapos na ang lahat sapagka'tila ba nakikita na lamang ni eduardo ngayon ay isang luksang libingan na hantungan ng madlang dusa sa buhay. dahil sa sumpa mong nilimot ay wala na siyang nakikita pang liwayway ng magandang palad, ng magandang pagasa, wala na, sawi na siya, pusong walang kaaliwan, walang pagasa at nilimot ng kasuyuan. si eduardo ay wala na, wala na nga siyang magandang pagasang papangarapin. naglaho na sa kanya, lumubog na ang maningning na araw na may dalang kapalaran. dahil sa sumpa mong nilimot, si eduardo ay nangungulila, nalulungkot at untiunting nawawalan ng sigla at waring nagtutumuling lumulubog ang pagasa.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
si eduardo ay isang sawi, isang walang pagasa, walang aliw, walang lugod sa buhay. nasa kandungan ng dusa, nasa kandungan ng sakit at sinisiklot ng bagabag ang paso. siya ay nilimot at dahil sa sumpang nilimot ni leoning ay, waring tapos na sa kanya ang lahat, tapos na ang aliw. ang mabuhay nga naman sa sangdaigdig na itong puno ng hiwaga! isang pusong sawi ng dahil sa pagibig ng dahil sa sumpang nilimot! kaya nagbago na ang lahat, si eduardo ay hindi na pamuling magduduyan sa kandungan ni leoning! wala na, wala na at natapos na ang lahat. natapos na ang kanilang pagtitigan na sa pagtitigang yaon ay nagkakaalaman na sila ng lihim ng puso, natapos na ang kanilang pagngingitian, na, ang pagngingitiang yaon ay nagkakaalaman sila ng lihim ng diwa. waring hindi na nga magbabalik ang lahat. oo, sa pangyayaring yaon ay matila na lamang sa mga pangarap. ang naglahong araw na di na pamuling magliliwayway ang liwanag. ang maningning na pagasa ni eduardo ay waring may nakabadhang ulap.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ano ang kahulugan ng lahat ng iyon? aywan din natin. kaya sa pagiisa ngayon ni eduardo ay nakikita na lamang niya ay ang nagtutumulin na paglubog ng araw ng kanyang pagasa. tulad niya ay isang bulaklak na nalalanta. wala na at waring natapos na sa kanya ang lahat at lahat. magtiis ng hirap at magtiis ng bagabag ang kanyang naging palad. ngayon, maminsanminsan lamang niyang bigkasin kung nagiisa ay ang ngalan ng kanyang irog na lumimot. dahil lamang sa sumpa mong nilimot minsan man lamang malasin mo ang palad ko! at wala na, iyan lamang, iyan lamang ang minsan ay kanyang masabi sa pagiisa. waring wala na siyang napapangarap kundi ang larawan ni leoning at ng bagong kasintahan na tila ba nasa mga balintataw ng kanyang mga mata ang larawang anyu ng dalawa na nagduduyan sa kandungan ng pagibig at sinasagap ang matamis na hamog ng pagsusuyuan: sa kandungan ni daniel perez. kaawaawang eduardo!
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kasalukuyan noong idinaraos ang masiglang sayawan sa maaliwalas na auditorium ng karnabal sa maynila. sa sayawang yaon ay waring walang mababakas na ano mang kalungkutan sa bawa'mga naroroong mga nagsisipagsayaw. waring ang mga puso ay naghehele sa katamisan ng kaligayahan sa kandungan yaong naging isang langitlangitan dito sa lupa na puno ng maraming mga bituing nagkislapkislap. ano pa'ang auditurium na yaon ay ganap na pugad ng tuwa at kaligayahan ng puso. isang pugad na pinaghaharian ng tuwang walang kahulilip. ang lahat ay ngumingiti at mayroon pang maririnig na malakas na halakhakan. datapwa'sa kabilang dako noon ay may isang puso ring bagama'gayong nasa kandungan ng katuwaan at kaluwalhatian ay paminsanminsan ding dinadalaw ng himutok. bakit sa harap ng halakhakang yaon ay hindi siya makipagngitian? kaya sa ganyang anyu ng binata ay may isang kaibigang lumapit sa kanya at sinabing: eduardo, waring ang loob mo ngayon ay nagiging matamlay?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
bakit, bakit ang mga sandaling paris nito ay iyong pinararaang tila ba walang kabuluhan? pako, hwag mong pagaalahanin ang ganito para sa akin. walang anoman pako. hindi ka sana dapat magkaganyan, halika at magsayaw ka. hwag na, salamat, ikaw na lamang. hindi, hindi eduardo, halika at binatak sa kamay ang kausap. pako, sukat na huwag na. hindi nakatanggi ang ating binata at sumama rin. masama nga namang malasin ang sila ay magbatakan pa sa karamihang yaon ng mga tao. sukat na ang isa ay umayon. pako, wala pati akong pareha. eduardo hindi ka maaaring mawalan, halika na na tuloy hila pa rin ang kamay ni eduardo ni pako. at makalipas ang isang saglit ay siyang paglapit nila sa harap ng isang binibini na sa isang tanging luklukan at pagkaharap nila sa dinatnan ay sinabi ni pakong: ikinararangal kong ipakilala si. de la rosa. fely ester po. eduardo dela rosa po naman. maraming salamat po. gayon din po naman. fely ang wika ni pako samahan mo nga silang magsayaw.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
at ang dalaga ay walang naitugon kundi isang matamis na ngiti lamang na nagpapahayag ng pagayon. kaya sa tugtog ng isang malambing na waltz ay sinaliwan nilang boong ayos. waring sa mga bisig ni eduardo ay naghehele sa katamisan ng pagindak si fely, datapwa'gaano nga naman sanang lugod kung ang makakasayaw ni eduardo ay ang dati niyang irog? para kay eduardo ay naliligayahan man siya nang mga sandaling yaon ay isang kaligayahang pangkaraniwan lamang at di paris sana kung kasayaw ang dating kasuyuan, si leoning, nalubos sana ang kagalakan ng kanyang puso. datapwa'hindi hinihintay ni eduardo na sa pagsasayaw nilang yaon, ang binibini pa ang nangunang mangusap at sinabi sa kasayaw na: kayo na po lamang ang magpaumanhin at ako ay hindi gasinong sanay. at, ang gayong pangungusap ni fely ay waring nagkaroon ng kahulugan para sa binata. hindi niya akalaing si fely ay magsasalita ng gayon. alam niyang ang dalaga ay sadyang sanay at mabuti na lamang at sila ay kapuwa bihasa.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang pagindak nila ay ayos na ayos at talagang mahusay. kaya ang gayong pangungusap ni fely ay wari ba yatang isang pagkutya lamang sa binata. datapwa'hindi, ang dalaga ay ibig lamang may mapagusapan. kapawa sila mabuti at nagkakaayos sa pagsayaw. at, sa paghihinalang yaon ni eduardo ang pananalita lamang na yaon ni fely ester ay isang paraan lamang na sila ay may mabuksang usapan ay kanya namang sinagot ng ganito: kaya bbg. ester, kayo nga po ang magpapaumanhin sa akin dahil sa di ko kasanayang paris ninyo. hindi po sa gayon, talaga pong sanay kayo. hindi nga po lamang tulad ninyo. katotohanan po ang sinasabi ko sa inyo, mabuti kayo. bbg. ester huwag na naman kayong kapalibhasa sa isa ninyong bagong kakilala. hindi po isang pagpalibhasa ang gayon. kung gayon po ay maraming salamat sa inyo. wala po naman kayong dapat na alalahanin. at maiba ko po naman ang ating usapan ang patuloy ni fely hindi po ba kayo ang.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
de la rosang nagtagumpay sa nakaraang oratorical contest ng philippine law school noong araw na gininap sa grand opera house? kung may ipaguutos po. samakatuwid nga pala ay di nagkamali ang aking hinala. nang sa ano pong bagay? de la rosang mapagwagi at mapagtagumpay. tila po naman lampas ang inyong papuri bbg. ester. hindi po ikinararangal ko nga at ang kaibigan kong pako ay nagkaroon ng isang matalik na kasamang matalino. na, inyo pong alam na. de la rosa. na sino po siya ang tila pakunwari ni eduardo. alam na po ninyo. kilala po ninyo. hindi kaya ninyo maaring pakisabihin lamang ang ngalan sapagka'nais ko lamang siyang makilala at kung sakali at mangailangan siya ng tulong at aking makakaya ay nalalaan naman akong abang lingkod. nguni'hindi ko po siya kilala; inyo nga pong turan na. isa po siyang nagaaral at malapit ng magtapos sa pagkamanananggol. bbg. ester, tila po may ibig sabihin ang lahat ng pangungusap ninyo ah! wala po at siyang katotohanan. katotohanan daw?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
wala pong iba kundi si. de la rosa. dela rosa po pala? kay laking kahiwagaan ng ginawa ninyong pagtataka para sa akin. hindi ninyo dapat ipagtaka. kung gayon po ay maraming salamat at nagi niyang isang kahulihulihang kaibigan na, gayon na lamang ang pagkagalak ko. bakit po at lubos ang inyong pasasalamat? sapagka'kundi sa kanya ay di ko kayo makakakilala. datapwa'ang kanilang paguusap ay nagambala sa dahilang isang bati sa binibini ang narinig ng dalawang magkasayaw. ester ang kanilang narinig. datapwa'nang una ay hindi mahulaan ni ester kung sino ang tumawag na iyon, hindi niya makilala dahil sa ang tinig ng pangungusap ay binago at pinakaliitliit na pakinggan. kaya hindi makikilala ni ester kung hindi makilala ang kilos ng tumawag. at pamuling inulit ang tawag. ester, nakikilala mo na ba ako? na waring nasulyapan ni ester ang mukhang ngumiti ng tumawag. ah, oo, kilala na kita. leoning, leonora.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
sa pagkarinig na gayon ni eduardo sa ngalang leonora ay kanyang nawikang sino kaya ang leonorang yaon? sino ang leonorang iyon, baka kaya si leoning ah? at, mahirap nga naman ang pangyayaring yaon dahilan sa hindi sila magkakilala sa may mga takip ang kanilang mga mukha. isang napakahiwaga ang gayon para kay eduardo, baka nga kaya si leoning? kaya'ang kanyang kalooban ay waring napakaba na lamang dahil sa pagsasalawahan ng loob. hindi niya akalain ang gayon pagkakataon kung si leoning nga iyon na kanyang irog na ngayon ay kausap ng kasayaw. hindi naman agad siya makaharap sa tumawag na yaon kay ester sapagka'baka siya ay makilala ang ayos bagama'nakadespras din. dangan nga lamang naman ay hindi pa rin niya mapaniwalaan pagka'ang tinig ng pangungusap ay iba at hindi tila boses ni leoning. nguni'aywan din natin. maaaring sa mga gayong pagkakataon ng halakhakan ay magbalat kayo ang lahat: pati tinig ay maaring magbalat kayo. nguni'si leoning nga kaya yaon?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
mabuti na lamang at si eduardo noon ay may takip ang mukha nakadespras siya, kaya hindi na siya nagalinglangang humarap sa binibining tumawag sa kanyang kasayaw. at palad si leoning nga! si leoning na noon ay kasayaw ng kaagaw ni eduardo: ni daniel perez. at mabuti na lamang at hindi agad siya nakilala. ang akala ni leoning ay kung sinong kaibigan lamang iyon ni fely ester, kaya parang walang ano man sa kanya. datapwa'napatotohanan ni eduardo na siya ay talagang hindi nagkakamali sapagka'tunay na pangangatawan yaon ni leoning at saka ang takip sa mukha ni leoning ay kaunti lamang at nakalitaw ang mga labing sinusungawan ng ngiti na ang ngiting yaon ay kilala agad ni eduardo kahi'na yata na sa malayo. nguni'napamangha rin si eduardo at nang upa lamang huwag mahalata ay nagiba ang kilos, sa pagsasayaw. at huminto ang pagtugtug ng orkesta. at palad nagkataon naman sila noon ay nagkalapitlapit. ano kaya ang mangyayari, baka sila magkalinlan kaya?
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
waring mangingilag ang ating binata dapwa'hindi niya magawa ang gayon, kaya nakiharap na nga naman. palad, di pa nga naglilipat saglit ay nangusap na si fely ester sa kaibigan niyang leonora at sinabing: leonora, ipinakikilala ko sa iyo si. de la rosa, ang batangbatang magiging manananggol na mapagwagi. halos mahimatay ba wari si leoning. de la rosa? ang ngalang ito ay nakatitik ng ginto sa kaibuturan ng kanyang puso. si eduardo pala ang naibulong sa sarili ni leoning. at nagkamayan ding mahigpit ang dalawang magkaagaw kay leoning: si eduardo at si daniel perez palibhasa'ang gayon ay kaugalian na ng lahat. datapwa'ang ginawi ni leoning upang hwag mahalata ng kanyang kaibigang ester at saka ng bago niyang kasuyuan ay iniabot ang kanyang kamay sa binata at nagbigay galang: eduardo de la rosa, ang aba ninyong lingkod na mapaguutusan ng kaya. maraming salamat po na waring ang pagsasabi ni leoning ng ngalan ay ipinakahinahina ang boses. nguni'parang walang ano man yaon.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
hindi namalayan ng dalawang hindi nakababatid ng lihim ng puso ni leoning at ni eduardo. at pamuli na namang tumugtog: isang foxtrot naman. at salamat na lamang sa pagkakataong yaon. ginawa ni leoning ay ipinakilala naman kay fely ester ang kanyang dating kasayaw na si daniel perez. kaya sa pangyayaring yaon ay nagkapalit ng makakasayaw ang bawa'isa sa kanila: si leoning ay makakasayaw ni eduardo at si ester naman ay makakasayaw ni daniel perez. ano kaya ang kahulugan ng mga pangyayarin yaon.? sadya kayang ipinakilala ni leoning si daniel perez kay ester upang kasayawin at makasayaw naman niya si eduardo? aywan natin. ang pagkakataon nga naman! at ngayon ay minsan pang nagkatagpo ang dalawang pusong waring nagkalayong maluwat. datapwa'ang lahat nga para kay eduardo ay waring nagiiba. ang kanyang kasayaw, ay waring ang mga mukha ay laging tungo sa kanya, tila nahihiya. at ang binibini, waring pipi at hindi sumasagot sa ilan nang mga tanong at pangungusap ng binata.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kaya pamuling nangusap si eduardo. leoning, ang kahapon kaya natin ay ni minsan man ay di mo na magunita pa? eduardo nalalaman ko ang lahat ng iyon na sumagot na waring naghihirap ang damdamin ng binibini. leoning, waring may hirap ang loob mo sa akin? wala eduardo ang lalo pang tila paos na tinig na sagot. wala nga eduardo. leoning, nalalaman mo kaya ang kalagayan ng palad ko ngayon, na, dahil sa iyong paglimot sa sumpa ay walang oras, walang mga sandaling hindi sinisiklot ng bagabag at dusa ang aking puso? eduardo, hindi ako lumilimot. leoning diyata? leoning, tapatin mo sana ang puso ko. eduardo, hindi nga kita nililimot, mahal ka sa puso ko na waring ang damdamin ni leoning ay pinagpupuyusan ng lungkot. leoning, maliwanag ang pagiisip ko, hwag ka sanang magsinungaling. eduardo, hanggang libingan, hindi magbabago ang dati kong pagmamahal sa iyo. leoning, tapatin mo nga sana ako, kausap mo yaring puso. laging tapat eduardo, nguni nga lamang.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
leoning, ano ang kahulugan ng lahat mong pangungusap na iyan? datapwa'ang luha ni leoning ay biglang natak sa kanyang mukhang tila garing. at sa gayon ay waring napaawa si eduardo sa nakita niyang anyo ni leoning. kaya pamuling nangusap si eduardo. leoning, bakit ano ang nangyari sa pagtingin mo sa akin sa ngayon; lason na ba ako sa puso mo. eduardo hwag mong pahirapan ang aking puso, mahal kita sa lahat. leoning, ano ang kahulugan ng lahat ng ito? wala eduardo, hindi nagbabago ako sa iyo, datapwa nga lamang. at di naituloy ang sasabihin. na ano leoning? eduardo, iniibig kita at tanging ikaw lamang datapwa'hindi yata kita palad. at sa pangungusap na iyon ni leoning na narinig ni eduardo ng boong liwanag hindi nga yata kita palad ay waring naging subyang na mahapding tumarak sa kaibuturan ng kanyang puso. ano ang kahulugan ng mga pangungusap na iyon ni leoning.? ang ganito ay may ibig sabihin ang lahat. wala halos naibigkag si eduardo kundi: ay!
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
at iyan na lamang, iyan na lamang at pamuli na namang nagkahiwalay sila pagkatapos ng ilang saglit, natapos na ang tugtugan at sila ay natapos din ang pagkakabatiran ng lihim ng puso kapwa lumuluha. at hindi na nagkausap si eduardo'si leoning dahilan sa ang dalaga ay waring naghihirap ang loob sa pagsagot at hihikbihikbi, na, mabuti na lamang at hanggang sa matapos ang sayaw na hindi nahalata ng mga ibang kasama. ano ang kahulugan ng gayon? kaya hanggang sa paguwi na lamang ng tahanan ni eduardo ay waring nagbigay ng malaking isipin at suliranin ang mga pangungusap ng kanyang irog. ano nga naman ang kahulugan ng pagluhang yaon ni leoning na kinahabagan na tuloy ni eduardo. ayon sa napakinggang mga kataga ni eduardo kay leoning ay hindi nagbabago, hindi lumilimot at dati rin ang pagmamahal sa kanya ng binibini datapwa'ano ang kahulugan ng lahat ng iyon: hindi lamang siya palad. lumuluha ang binibini dahilan sa isang eduardo.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
lumuluha ang isang eduardo dahil sa sumpang nilimot ni leoning. mga pusong nagsisitangis. ang una ay hindi lubos na paniwalaan ni eduardo ang mga balitang kumakalat sa mga lalong matataas na lipunan sa maynila, ang nauukol sa lalong madaling panahon na pagiisang palad ni leonora at ni daniel perez. datapwa'nang mga sandaling yaon na kanyang pinanununghayan ang hawak na pahayagan ay siyang pagkapako ng kanyang paningin sa ikatlong dahon, na, nabasa niya ang maliwanag na titik ng mga ganitong sumusunod: hindi na malulwatan at gaganapin sa malaking simbahang. dito sa maynila ang pagiisang dibdib ng dalawang mapalad na malaon ng nanabik at nangangarap sa kandungan ng pagibig. ang pagiisahing palad nilang ito ay malaon nang binabalak nguni'ngayon lamang sa mga hinaharap na araw isasagawa.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang dalaga ay lubhang kilala ng marami dito sa siudad at siya ay nanirahan sa masayang bayan ng tundo, na tumutugon sa pangalang leonora flores at ang makakaisang palad niya'isang kilalang mangangalakal at mayamang taga iloilo. sa dalawang pusong papasok sa panibagong baytang ng kabuhayan ay ngayon pa'ipinaabot namin sa pamamagitan ng malaganap na pahayagang ito ang aming mataos na bati at hangad namin ang kanilang maligayang pagsasalo sa kaligayahan hanggang magpakailanman. diyata at totoo nga? kay saklapsaklap na kapalaran! at, ang binata ay waring nawalan ng diwa, hindi niya akalain na mababasa niya ang gayong balita. kay sungit na palad nga naman ng kanya ngayon! diyata at wala na nga ang lahat? totoo nga pala ang mga balitang yaong kanyang nangarinig. makikipagisang puso si leonora. kay pait na dilidilihin ng mga balitang ito! kay saklap nga naman, wala na, wala na siyang pagasa, sadyang natapos na ang lahat.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
wala, wala na, nauwi na lamang sa pangarap ang kanyang maligayang kahapon. oo, ang lahat ay parang maitim na lamang na ulap para sa kanyang palad. naglaho na ang kanyang langit, naglaho na si leoning at nilimot ang sumpa. oo, naglaho ng lahat, at wala ng kapagapagasang pamuli pang manumbalik ang kanilang masayang kahapon. wala na, oo wala na at natulad na lamang sa araw na nilamon ng ulap. ang kanyang pagasa ay naglaho rin, kinain ng laho, sinakmal ng dilim. tapos ng lahat ang kaligayahan ng iyong puso. wala na si leoning at hinding hindi mo na makakaulayaw. ang mga ngiti niya, ang kanyang mga titig, ang kanyang mga sulyap na dating iniuukol sa iyo, ay kinain nang lahat ng laho, sinakmal ng ulap at tinangay ng hangin sa alapaap. walang palad na binata! di akalaing si leoning ay lilimot. walang malay, walang malay na binatang ngayon ay sinisiklot ng bagabag, at nagpupuyos ang damdamin sa mga dalamhati. kaawaawang binata!
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
samantalang sa kabilang dako si leoning ay mapapasa ibang kandungan na siyang lahat ang naging dahilan ng kanyang mga paghihirap. si leoning ay mapapasapalad ng isang mangangalakal na mariwasa. hindi niya naging palad si leoning, oh! eduardong walang palad! nilimot nga naman siya ng hindi niya namamalayan. hindi niya sukat akalain ang magkagayon. ngayon ay waring madilim na lahat at sinasakmal ng ulap ang kanyang magandang pagasang pinapangarap. wala na si leoning, na siyang pinagkukunan niya ng dating sigla sa buhay. wala na ang kanyang irog na siyang dating laging nagaalaala sa kanya, na, pagaaalaalang yaon ay siyang nagiging daan ng kanyang pagsisikap sa lalong mga dakilang bagay na gawain. wala na nga siya, wala na! parang pangarap lamang ang lahat. oo, pangarap, pangarap lamang ang maligayang kahapong kanyang ipinagduyan sa kandungan ni leoning. pangarap lamang na hindi na pamuling mangyayari pa. wala na, at wala na siyang tanging pagasa kundi limutin ang lahat.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
oo, limutin na lamang at siyang tanging magiging lunas ng kanyang pusong sawing palad. datapwa'anong hirap gawin ng lumimot! lalo at lalo ba waring sa puso niya ay nagsisidhi ang maalab na nasa na hwag limutin ang kanilang kahapon ni leoning na di makatkat sa kanyang puso at alaala. makailan nang tangkain ng ating binata ang gawang lumimot datapwa'lalo at lalong sa damdamin niya ay hindi malimutan. hindi malimutan ang lahat, bagkus nananariwa sa kanyang puso na ang mga nakalipas ay gunitain. bagkus lalong naaalaala niya at sa kaibuturan ng kanyang puso ay tila nakatitik ng ginto ang ngalang leoning na hindi niya malimutlimutan. datapwa'wala ring mangyayari, hanggang sa limutin nga lamang, ang sa wakas ay mabuting magawang paraan. oo, limutin na lamang sapagka'hindi na niya maaaring ibigin si leoning, dahilang ang kanyang pakikipagisang puso ay di na malalaon at isasagawa na. ilang saglit na lamang.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ngayon ay hindi na mangyayaring maidaing pa niya ang kanyang tinataglay na kahirapan sapagka'hindi niya maaaring si leoning, sa harap ng magiging kabiyak ng puso, ay kanyang tawagan upang ang mga tiisin niya ay damayan. kung si leoning ay nasa ilalim na ng kandungan ng bagong irog ay ni sino man dito sa sanglupalop ay walang makaaagaw sa kanya. hindi na mangyayaring si leoning ay makipagngitian sa ibang binata, mga pangiting may ibig sabihin. hindi na siya maaaring kaulayawin ng sino pa mang bagong tao sapagka'iyan ang walang salang pagmumulan ng malaking sigalot ng dalawang puso: ni leoning at ng kanyang kabiyak ng dibdib. sadyang dumating na ang tadhanang wala nang maaasahang ano pa mang pagdamay ng ukol sa suliranin ng puso ang isang eduardong dumaraing ng hirap ng damdamin. paglimot ang tanging lunas ng isang damdaming pinagpupuyusan ng hinanakit. limutin ng isang pusong sinawi ng kapalaran sa pagibig ang kanyang kinamtang palad.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
iyan nga lamang ang mabisang lunas: limutin niya ang lahat. kaya sa pagiisa ni eduardo ay walang nagawa kundi ang pahayagang kanyang kinabasahan ng ukol sa pagiisang dibdib ni leoning at ni daniel ay tila halos kuyumusin. subali'parang niwalang ano man na lamang niya. ang hawak na pahayagan ay ipinatong sa ibabaw ng kanyang mesa at sa masidhing paghihimutok ng kanyang damdamin ay napasubasob na lamang ang kanyang mukhang mistulang larawan ng pighati. wala na siyang pagasa! kay saklap na kapalaran! ang kanyang pagasa ay natulad na lamang sa layak na tinangay ng hanging inilipad sa alapaap na di niya maalaman kung saan hahantong. natulad siya sa isang liriong nalanta sa pagmamaramot ng patak ng hamog ng gabi, tulad ng batisang natuyo'sukat, tulad ng talang maningning nguni'hindi kumikislap. walang sa sarili ay nasasabi maminsanminsan, kundi: ay! leoning, nang dahil sa sumpa mong nilimot!. at, dahil sa sumpang nilimot ni leoning ay naglahong lahat ang pagasa niya at lugod sa buhay.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
sinakmal ng papawirin na di malaman kung saang bahagi ng kapuluan hahantong. waring isang libingang mapanglaw, isang libingang sawi at ni bulaklak man lamang ay di tumubo'manariwa dahil sa tigang na lupang sadlakan ng mga sawi: iyan si eduardo. kay saklap ng gunitain! iyan ang naging palad ng ating binata.! magtiis ng hirap, magbata ng mga dalamhati. kaya sa pagkasubasob ng mukha niya sa mesang sulatan ay sarisaring gunita ang nagsasalinbayan sa kanyang guniguni; mga gunitang parang pawang kasawian ng kanyang palad dahil sa sumpang nilimot. kulang palad na binata! at, makalipas ang ilang sandali na hindi niya hinihintay ay may kumatog sa kanyang pintuan ng silid at sinabing: sulat po. kaya, pagkaalam niyang may sulat para sa kanya ay dagling tumindig at inabot sa may dala. kaninong liham kaya iyon? kay leoning kaya? sinulatan pa kaya siya ni leoning gayong hindi na siya ang magiging kaisangpuso? at kanyang binuksan. kay leoning buhat ang kanyang nawika.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kaya ang liham na iyon ay binasa na ganito ang mga natititik: eduardo dumating ang mga sandaling tila isang pagkukulang ko sa iyo kundi ibalita ang nauukol sa ating naging palad . kay lungkot gunitain! sa puso ko ay walang namamahay ngayon kundi ang mga pighati. hindi ko man nababatid ang kalagayan mo sa ngayon ay waring napapangarap kong gayon din. paris din ng puso kong hindi na nakakakita ng liwayway ng kaligayahan. oo, waring napakapait ang lahat ngayon para sa ating damdamin . eduardo, natapos nga sa atin ang lahat, na, nang mga unang sandali ay di ko man lamang napangarap ang ganito. natapos sa atin ang lahat at marahil ay magpakailan man ay di na mangyayaring magbalik pa ang ating maligayang kahapon. hindi ko na dapat pang dito ay ilahad ang lahat . at, dahil sa ating pagiibigan at pinagsumpaanan ay sinisisi ko ang aking sarili; nagkasala ako at ang pagkakasala kong yaon ay inihihingi ko sa iyo ng patawad.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
nguni'ang paghingi ko sa iyo ng patawad ay hwag mong hinalaing ako ay kaya humihingi ay dahil sa pagkakasala ko sa iyo dahil sa sumpang nilimot. hindi, hindi eduardo, sa puso ko ay di ka nalilimot, laging sariwa sa kaibuturan ng aking puso ang ngalan mo. nguni'ako ay kulangpalad at sa kandungan mo ay di doon makapagpasasa ng kaligayahan ng puso gayon ang aking buhay na kagaya nang napapangarap ko noong una . eduardo, sa aba ko ay talagang hindi mo nga ako palad at ikaw naman sa akin ay gayon din. hindi kita naging palad na gaya ng aking pagasa . ang mga ganitong bagay ay hwag mo ng hihintin ko pang isalaysay sa iyo. anopa'ikaw na ang bahalang magtanong sa sarili mong gunita kung ano ang kahulugan ng sinabi ko: hindi kita palad at ako naman sa iyo ay gayon din.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
nalalaman mo eduardo, na, ni kahit saglit ay hindi na kita maaaring magkausap pa. kaya ginawi ko na lamang ang ganitong kita'lihaman, na, ang pagliham ko pang ito ay parang isang napakabuting pagkakataon lamang at nanakaw ko sa maramot na si panahon. oo, kung mangyayari lamang kitang magkausap ay mababatid mo ang boong linaw na sanhi ng ipinagkaganito ko. oo, hindi ako lumilimot sa ating sumpa, mahal ka sa akin, mahal ka sa puso. hindi na nga lamang kita maaring magkausap pa disin sana ay maipahiwatig ko sa iyo ang lahat: ang aking kalagayan ay tila ba napakaselan at laging may nakabantay sa akin; parang bilanggo na di makakatakas sa kulungan. mahigpit na mahigpit sa akin ang mang alejandro, oh! na kung malalaman mo lamang eduardo, siya ang dapat hampulan ng sisi ng lahat kong ipinagkaganito sa iyo. eduardo, kung nalalaman mo lamang ang kalagayan ko, marahil ay mapapahabag ka rin sa iyong dating kasuyuan ngayong abangaba at may sugat ang puso. oo, eduardo, kung nasa piling lamang kita!
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
nguni'wala na nga lamang pagkakaari pa ang lahat. oo, huli na eduardo. at marahil sa pagtanggap mo nitong liham at pagkatapos mong mabasa ay ilang oras na lamang ang darating at oh! eduardo, hindi na, ako si leoning, hindi na, na dating malaya, hindi na, mangyayaring tawagin pang ako ay dalaga: may asawa na at na sa ibang kandungan na siya kong susundin. oo, eduardo kay saklap ng lahat nang ito para sa akin! at, wala na nga, hindi na ako dalaga, kundi isang babaing may kabyak na ng puso at hindi na sarili . eduardo, natapos sa atin ang lahat, nguni'alamin mong hindi kita nililimot. wala nga lamang palad kita. hindi kita naging akin na gaya ng pagasa ko at ako naman ay di naging iyo . natapos na nga sa ating dalawa ang lahat nguni'ipinaaabot ko rin sa iyong hindi ako ang kusang lumimot. talaga lamang ng panahong hindi kita ang mapalad na magkakasama hanggang sa libingan . at, gayon di hwag mo na sanang kasisihin ang aba kong palad at alalahanin mong mahal ka sa puso ko.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
datapwa'ano naman kaya ang ipalalagay mo sa akin? baka kaya may hinanakit pa rin ikaw eduardo? at, ngayon, marahil ay buongbuo ang pagasa at pananalig mo na ang simula ng iyong paghihinanakit na iyan ay dahil sa sumpa kong nilimot. dahil sa sumpa mong nilimot oh! ang ganyang pangungusap ay maanong hwag mo nang masasambit! sa ngayon man ay kinakaulayaw mo ang hinagpis ay hwag mo nang sambitin sana ang dahil sa sumpa mong nilimot kung kaya ka luksa ang puso . alalahanin mo lamang na ako'isang bulaklak na nasa kasariwaan nguni'mangungulutding sa isang matinik na tangkay. eduardo, sa hanggang dito na lamang at sa iyo ay paalam, malungkot ako sapagka'hindi kita palad at malungkot ka sapagka'ang hinala mo ay dahil sa sumpa kong nilimot. at, matapos mabasa ni eduardo ang liham ay halos mapaluha na lamang at sa puso ay waring walang ibang nagsisidhi kundi ang pighati.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang kanyang mukha ay mistulang larawan ng lungkot, ang kanyang mga paningin ay binubukalan ng saganang luha, luha ng pananahimik sa kawalang pagasa. hindi na nga kaya niya palad si leoning! ilang mga sandali na lamang at ang kanyang leoning ay haharap na sa dambana, na, magiging palad ni daniel perez, na siyang umagaw ng kanyang kapalaran. wala nang pagasang ano pa man: si leoning ay hindi niya palad, hindi kanya. pusong balot ng kasawian! ang nawika ni eduardo sa kanyang pagiisa. diyata at natapos na ang lahat! sa kanyang mga pangdinig ay waring nanunuot ang tunog ng batingaw ng simbahan: oras na ng pagkakasal kay leoning at kay daniel. ang batingaw ay walang tigil ng pagtunog. kahit na yata ang kanyang mga taynga ay takpan ng sapinsapin ay waring naririnig din niya ang tinig ng kampana. kay saklap; kinasal na si leoning! kinasal na ang nagi niyang irog.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
at habang ang tunog ng batingaw ay kanyang naririnig ay halos ang kanyang boong katawan ay nababalot ng dalamhati, ang puso niya ay sinasasal ng malakas na pagtibok. si leoning ay hindi na kanya, kasal na. tiningala niya ang langit; nguni'ang pagdadapithapong yaon ay waring isang kimpal ng ulap. para bang ang kanyang palad ay makikisama na sa pagtatakip silim. waring ang kanyang pagasa ay nagtutumuling lulubog sa matinding dagok ng kasawian. baka kaya ang susunod namang pagtugtog ng batingaw mamaya ay isang plegaria naman? baka kaya ang isinunod naman doon ay ang malulungkot na tinig na nagpapahiwatig ng pagyao ng pusong sawi.? kaya'walang nasabi ang ating binata nang matapos na ang maligayang tunog ng batingaw na tanda ng pagkakasal ni leoning at ni daniel kundi isang salitang waring napakapait na kanyang binigkas: ay leoning! dahil sa sumpa mong nilimot. at walang waring nagugunita si eduardo kundi ang malulungkot na kapalaran ng kanyang palad.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
waring isang libingang sakdal saklap ang kumuwakaway sa kanyang palad! kay saklap na dilidilihin ng lahat. kay pakla at ngayon ay si leoning ay kasal na, samantalang sa kabilang dako ay naiwanan si eduardong nangungulila at walang naging palad kundi ang makaulayaw ay mga madlang dalamhati ng puso, ang kanyang pusong waring isang libingan na lamang ang siyang tanging pagasa at hahantungan. pagkaraan ng maraming araw at mga linggong sinusundan ng mga buwan mula nang si leonora ay mapakasal kay daniel perez, si eduardo ay nagi nang masasaktin. ang lahat niyang kasiglahan ng katawan ay paraparang nangungupas na lahat, sa pagkahulog ng lakas. ngayo'nagi siyang isang binatang maputlain at nagyayayat ang dating sariwang katawan. ang ngalang eduardo de la rosa ay waring nawala na pati at lumubog sa mga samahang tanyag na kabinataang dating kanyang pinakikisamahan. nawala siya at ngayon ay hindi na nakakasama ng mga dating kasamahin.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kung mga hapon ng masayang araw ng linggo ay datidating hindi nawawala sa mga liwaliwan, sa mga pook na maraming mga tao, datapwa'ngayon, ang binatang iyan ay nawala na at kahit na sa mga liwaliwang paris ng luneta ay hindi na rin siya makikita. para ba ng bituin siyang kinain ng lahong hindi na napasilay. maging sa samahan man ng mga kabinataang kawal ng bagong panahon sa siudad ng maynila ay napahiwalay rin siya at kusa ba waring lumubog na ng patuluyan ang ngalang eduardo de la rosa, ang batangbatang magiging matarong manananggol. ang mga kabataang kanyang mga kasama sa pagaaral ay minsanminsang siya ang pinaguusapan: ang sanhi ng kanyang paglubog sa mga lipunan. walangpalad na binata at lumubog ang maningning na pangalan! ganyang pangungusap ang madalas na pinaguusapan ng kanyang mga naging kakilala na di nakakamalay ng kanyang lihim. sayang na eduardo, na, may maningning na pagasa sa kinabukasan na lumubog at nawala'sukat.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
ang kanyang pangalan, ngayon ay nawala na, at, sa pagkawalang iyan ay maraming nagtataka dahil sa malamalikmatang pagkaparam. hindi na narinig at para bang hindi na pamuling sisipot sa maliwanag. nasaan kaya siya at ano ang kanyang kabuhayan? ang madlang kakilala niya ay nananabik na makakita sa kanya dahil sa pagkamabuting bata. nawala at ngayon ay hindi na naririnig sa mga lalong matataas na lipunan ang ngalang eduardo de la rosa. at, sa mapayapang pamumuhay ni leoning sa piling ang kanyang kabiyak na si daniel perez, ang magkasi'hindi na nakarinig ng ngalang eduardo de la rosa. ano kaya ngayon ang dinaranas na kabuhayan ni eduardo? ganyan namang mga haka ang minsan ay naaalaala ni leonora. nagugunita niya kahit siya ay mayroon nang kabiyak ng puso. para sa kanya ay tila laging nabubuhay ang kanyang loob kung ang larawan ni eduardo ay kanyang sa minsanminsan ay napapangarap. dangan nga lamang ay hindi niya naging palad si eduardo.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
nguni'hindi nagbabago sa kanyang kalooban ang dating pagibig na nauunsiyami sa puso niyang ngayon ay siyang dahilan ng mga pagtitiis ng ating binata. at, ngayon, kung malalaman nga kaya niya ang kabuhayang dinaranas ni eduardo, ay ano kaya ang magigiging hakahaka niya? ano ang kanyang sasabihin? si eduardo ay natulad ngayon sa isang bulaklak na nalalanta, at naglalaho ang dating kasariwaan at makatas na katawan. tulad niya ay isang kandilang untiunting nauupod. nangyayayat at waring wala nang kasiglasigla, ang katawan. bukod pa sa riyan ay kadalasang nahihiga lamang sa banig at nagkakaroon ng sarisaring karamdaman. kaya habang patuloy ang paglakad ng panahon ay waring patuloy din ang dating sasaktin. nagiging maputlain at nawawalang untiunti ang dating kasiglahan sa buhay. madalas ngayon ang maghihiga sa banig dahil sa karamdamang yaong sa puso niya ay lalo ba yatang nagsusumidhi.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
at, sa kinalaunan ng panahon ay untiunti na ring napupuna ng kanyang kasama sa bahay ang pagbabagong yaon ni eduardo. datapwa'para bang hindi namamalayan ng lahat ang sanhi. ang panghihinang yaon ng katawan ng ating binata ay walang gasinong maraming nakababatid. akala lamang ay isang sakit na sadyang dumatal sa katawan ng binata. hindi nalalamang ang sakit na iyon ay isang sakit ng pusong sawing kapalaran sa kanyang paralumang lumimot. nagtataka ang kanyang mga kasama sapagka'ginagamot na ng mga bihasang doctor ay hindi pa rin nagbabago, at habang lumalaon ay waring lalong nagsisidhi ang sakit ng binata. pati kulay ng pamamalat ng katawan ay nagbago na at namumutlang madilawdilaw. ano kaya ang kanyang sakit? kaya minsan ay sinabi na tuloy sa kanya ng manggagamot na si dr. velasquez, na, siya ay magbakasion sa malalamig na pook, sa mga pook na hindi mainit. magpunta siya sa mga malalamig na pook upang makasagap ng mabuting simoy ng hangin.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kailangan ang ikaw ay magbakasion sa malamig na pook, tulad sa los banos, sa bagyo, sa lukban, sa sibul, dili kaya ay sa may ibang bahaging malayolayo sa siudad. hindi na po kailangan ang isinagot naman ng ating binata. ah, mabuti sa iyo ang magbakasion sapagka'ang ipinangkakaganyan mo ay hindi bagay ang panahon dito sa maynila . anong hindi bagay ang panahon sa maynila? si eduardo ay malwat nang naninirahan dito, sa ngayon lamang hindi babagayan ng panahon? ang lahat nang iyan ay hindi nalalaman ng ating manggagamot. hindi niya nababatid ang lihim ng puso ng sawing palad na binata. kaya para sa ating binata ay kahit na yata siya saan dalhin ay wala ng makakalunas sa dinaramdam niyang sakit sa puso kundi ang limutin at waling lubos sa alaala ang kanilang naging buhay ng suyuan ni leoning. datapwa'makalibo na yatang kanyang pinagtangkaan walin sa diwa ay lalo naman yatang sa puso niya ay nananariwa. ang lahat ay di niya malimutlimutan.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0
Balbino B. Nanong
kapag ang pagibig nga naman ng isang puso ay sadyang dakila at bukal sa damdaming walang pagkupas, hindi mapawipawi sa kaibuturan ng puso na gaya na nga ng kay eduardo. hindi niya malimutan ang lahat na siyang sanhi ng masidhing pagdaramdam ng kanyang pusong ngayon ay siyang kinakaulayaw. at, hanggang sa siya ay mapagisa na lamang sa pangungulila na wala rin siyang naaalaala kundi ang kanilang kahapon ni leoning. nararatay ngayon siya sa banig na nagdadalamhati at nangyayayat ang katawan. kaawaawang binata! wala nang ligaya ay nawalan pa ng kasuyuan.! datapwa'ang pangyayaring yaong kanyang dinaranas na mga sakit ng damdamin sa puso, ay di rin nalihim sa ilan niyang mga kakilala at kaibigan nang lumaon na. at, ang pagkakaalam ngang yaon sa kanyang kalagayan ay maraming nagtataka kung bakit hindi na nanumbalik ang dati niyang sariwang katawan at di na muling nagbalik ang dating lakas.
0
0
1
0
0
0
0
0
0
0