text
stringlengths 0
157k
|
---|
= Romanisasyong Intsik = |
Ang Romanisasyong Intsik o Romanisasyong Tsino ay ang paggamit ng Alpabetong Latin sa pagsulat ng wikang Intsik. |
= Prepusyo ng titi = |
Ang prepusyo o suklob sa ulo ng titi ay isang nababawing dalawahang @-@ patong na tiklop ng balat at mukosang lamad ( membranong mukosa ) na tumatakip sa ulo ng titi o burat ( sa Ingles : glans penis ) at nagsasanggalang sa yurinaryong meyatus ( panlabas butas ng yuretra ) kung hindi nakatayo ang titi. |
May prepusyo ang halos lahat ng mga mamalya , bagaman sa mga kasong hindi @-@ tao ay isang bayna o lalagyan ang prepusyo , kung saan nababawi ang buong titi. |
Ang mga monotremo ( ang platipus at ang ekidna lang ang walang prepusyo ). |
Malawakang nasasakop din ng salitang prepusyo ang prepusyo ng tinggil ng mga babaeng tao , na siyang katumbas ng prepusyo ng titi. |
Sa mga tao , katulad ng balat sa kahabaan ng titi ang nasa labas ng prepusyo , subalit lamad na mukosa ang nasa loob ng prepusyo ( katulad ng nasa loob ng pilik @-@ mata o ng bibig ). |
Katulad ng pilik @-@ mata , malayang makagagalaw ang prepusyo. |
Mga malalambot na himaymay ng laman ang nakapagpapanatili sa pagkakalapit nito sa ulo ng titi subalit nagagawa itong lubos na elastiko. |
Nakakabit ang prepusyo sa ulo ng titi na may prenyulum na tumutulong sa pagbawi ng prepusyo sa ibabaw ng ulo ng titi. |
Mayroong isang pulutong ng mga tisyung tinatawag na tugatog o palupo ng pulutong , na batay sa isang pag @-@ aaral , ay puno ng mga dulo ng mga ugat @-@ pandamang kilala sa pangalang mga korpusel ni Meissner. |
Ayon sa isang pag @-@ aaral ni Sorrells ( at iba pa ) , ang limang pinakasensitibong lugar sa titi ay nasa prepusyo. |
Sa mga kabataan , tinatakpan ng prepusyo ang buong ulo ng titi , subalit hindi kailangang ganito sa mga nakatatandang tao. |
Napag @-@ alaman ni Schoberlein na buo ang pagkakakubli ng prepusyo sa ulo ng titi sa may mga limampung bahagdan ng mga nakakababatang lalaki , 42 % ang bahagi lamang ng ulo ng titi ang natatakpan ng prepusyo , at hindi natatakpan ng prepusyo ang ulo ng titi sa natitirang 8 %. |
Matapos iayos para sa pagtutuli , sinabi ni Schoberlein na kaagarang kumikibal o umiikli o umuurong ang prepusyo sa 4 % ng mga nakababatang lalaki. |
= Pilosopiyang pampolitika = |
Ang pilosopiyang pampolitika ay ang pag @-@ aaral ng mga paksang katulad ng politika , kalayaan , katarungan , pag @-@ aari ( ari @-@ arian ) , karapatan , batas , at ang pagpapatupad ng mga kodigong pambatas na may kapangyarihan : kung ano ang mga ito , kung bakit ( o maging ang kung kailangan ba ) ang mga ito , kung ano , kung anuman , ang bumubuo sa pagiging lehitimong pamahalaan , kung anong mga karapatan at mga kalayaan ang dapat nitong prutektahan at pangalagaan at kung bakit , kung anong porma o anyo ang dapat itong akuin at kung bakit , kung ano batas , at anu @-@ anong mga gampanin o katungkulan ang dapat na gampanan o gawin ng mga mamamayan para sa isang tunay o taal na pamahalaan , kung mayroon man , at kung kailan dapat balibatin o alisin sa tungkulin ang isang pamahalaan , kung kinakailangan. |
Sa diwang bernakular , ang katagang " pilosopiyang pampolitika " ay kadalasang tumutukoy sa isang pangkalahatang pananaw , o tiyak na paniniwala o kaugaliang pang @-@ etika o pampolitika , hinggil sa politika na hindi talaga nasa piling o hindi tunay na kabahagi ng teknikal na disiplina ng pilosopiya. |
Ang pilosopiyang pampolitika ay maaari ring unawain sa pamamagitan ng pagsusuri rito sa pamamagitan ng mga perspektibo ng metapisika , epistemolohiya , at aksiyolohiya. |
Nagbibigay ito ng tarok ng isip sa loob ng , sa piling ng iba pang mga bagay @-@ bagay , sa sari @-@ saring mga aspekto ng pinagmulan ng estado , ng mga institusyon nito at mga batas nito. |
Isang mas malawak na talaan ng mga pilosopong pampolitika ay nararapat upang mapalapit sa lubos. |
Ang mga nakatala ay ilan sa mga pinakanagiging pamantayan o mga pinakamahalagang palaisip , at lalo na ang mga pilosopong ang pangunahing pinagututuunan ng pansin ay ang pilosopiyang pampolitika at / o tunay na kumakatawan sa isang tiyak na doktrina. |