text
stringlengths
0
7.5k
Siya ang awtor ng Konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas lalong kilala sa tawag na Konstitusyon ng Malolos.
Siya ay isinilang sa Santa Cruz de Malabon ( ngayon ay Tanza , Cavite ) noong 4 Abril 1868.
Pangalawa siya sa anim na anak nina Jose Calderon at Manuela Roca , isang mestisang Kastila - Filipina na taga - Santa Ana , Maynila.
Ang pinakamatanda niyang kapatid ay si Fernando Calderon na isang doctor , naging Direktor ng Philippine General Hospital at naging Dekano pa rin ng Kolehiyo ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas.
Nagtapos si Felipe ng elementarya sa isang pribadong paaralan.
Sa kabila ng kanilang kahirapan ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag - aaral.
Naglalakad siya sa pagpasok araw - araw nang nakapaa.
Kipkip niya ang kanyang tsinelas at saka lamang niya ito isinusuot pagdating sa paaralan.
Dahil sa kanyang angking talino ay malugod sa kanya ang mga * paring Hesuita kava siya ay binigyan ng iskolarsyip na pati ang tirahan at pagkain ay libre.
Natapos niya ang kursong Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila.
Nais ng kanyang ina na siya ay maging pari subalit ang nais niya ay maging abogado siya.
Pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas para mag - aral ng abogasya.
Nagtrabaho siya sa iba 't ibang pahayagan subalit hindi siya nagtatagal sa kanyang gawain dahil sa kanyang damdaming makabayan.
Tulad halimbawa , sa isang pagkakataon nang siya ay isa sa bumubuo ng pamunuan ng pahayagang La Opinion , nang malaman niyang si Wenceslao Retana , isang anti - Filipino ay darating upang siyang maging editor ng pahayagan , nagbitiw siya sa kanyang tungkulin kahit alam niyang kailangang - kailangan niya ang trabaho.
Para sa kanya higit na mabuti na mawalan ng trabaho kaysa makasama sa trabaho ang isang kaaway ng mamamayang Pilipino.
Upang may pagkakitaan , nagturo siya ng mga anak ng mayayaman.
Sobrang hirap ng trabaho at kakulangan sa pagkain ang nagpahina sa kanyang katawan.
Nang magpatingin siya sa doctor , sinabi sa kanya na dapat siyang magpahinga , at kung hindi siya ay magkakasakit ng tuberculosis.
Nabigyan siya ng pagkakataong mangibang bansa nang bigyan siya ng isang mayamang mangangalakal ng pera na ginamit niya sa pagpunta sa Hong Kong , Singapore at India.
Nang siya ay magbalik sa Pilipinas , nanirahan siya sa Bauan , Batangas kung saan ay napangasawa niya si Josefa Amurao , anak ng isang mayaman.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag - aaral ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Taong 1893 nang tanggapin niya ang katibayan ng pagtatapos sa Licentiate Jurispundencia.
Naglingkod siya sa tanggapan ni Cayetano.
Arellano at nang sumunod na taon ay nagpraktis ng Batas sa Cavite.
Muli siyang nag - aral sa Unibersidad ng Santo Tomas ng mga kurso sa Pilosopiya , Literatura at mga likas na Agham ( Chemistry , Mathematics at Physics ).
Hindi niya natapos ang kanyang pag - aaral dahil sa pagsiklab ng Himagsikan.
Isa si Calderon sa mga inaresto at nakulong sa Fort Santiago pagkatapos ng Unang Sigaw sa Balintawak bagama 't madali rin siyang nakalaya.
Sa kanyang paglaya ay bumalik siya sa Maynila at namuhay nang tahimik kasama ng kanyang pamHya.
Mayo , 1898 nang mabalitaan niyang nagballk na si Emilio Aguinaldo sa Cavite mula sa Hong Kong.
Pinuntahan niya ito at inalok ang kanyang tulong.
Agad namang tinanggap ito ni Aguinaldo.
Madali siyang itinalaga ni Aguinaldo bilang delegado ng Palawan sa Kongreso sa Malolos na ginanap sa simbahan ng Barasoain.
Tatlumpung taong gulang pa lamang siya noon suhalit kinilala na ang kahusayan niya sa siyensiya na pamamahala at Batas.
Sinulat ni Calderon ang burador ( draft ) ng Konstitusyon at isinumite sa Kongreso.
Pinagtibay naman ito sapagkat nakahihigit daw ito sa Constitutional Program of the Philippine Republic na ginawa ni Apolinario Mabini.
Ito ang dahilan kung bakit ibinigay sa kanya ang karangalan bilang Ama ng Malolos Constitution.
Ang pagpapatibay sa " Constitutional Draft " na ginawa ni Calderon ay nilagdaan ni Aguinaldo noong 21 Enero 1899.
Sa kabila ng pagiging abala niya bilang isang abogado , nagsulat din siya ng talambuhay ng kanyang mga kaibigan tulad nina Jose Ma.
Basa at Lorenzo Guerrero.
Sumulat din siya ng mga sanaysay pangkasaysayan tulad ng kinilalang El Mas de Agosto en la Historia Patria ( 1896 - 1906 ) , Documentos para Historia Fillpinas , Los Ultimos Dia del Regimen Espanol en Filipinas.
Ang pinakarnahusay niyang sinulat pangkasaysayan ay ang Mis Memorias Sabre la Revolucion na nalimbag at nalathala sa anyong aklat.
Si Calderon tulad ni Rizal ay mahilig sa pag - aaral ng kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 1905 ay itinatag niya ang Asosacion Historia de Filipinas.
Noong 1904 ay itinatag niya ang Sarnahan ng mga Mananagalog ( Association of Tagalog Writers ) sa tulong ng mga kilalang rnanunulat na Tagalog.
Ang layunin ay palaganapin ang wikang Tagalog.
Matibay ang kanyang paniniwala na Tagalog at hindi Kastila o Ingles ang dapat na maging wikang pambansa ng mga Pilipino.
Pagkatapos ng dalawang taon , nagtatag nanaman siya ng sarnahan para sa proteksiyon ng mga sanggol na tinawag na La Proteccion de la Infancia.
Sa larangan ng edukasyon , ang tanging kontribusyon ni Calderon ay ang pagkakatatag ng Escuela de Derecho ( School of Law ) sa Maynila na siyang unang kolehiyo sa Batas dito sa Pilipinas.
Dito ay nagturo siya ng Batas.
Nagturo din siya sa Liceo de Manila at Institute de Muheres ng kasaysayan , ekonomiks , sosyolohiya , algebra at matematika.
Dahil sa maagang namatay ang kanyang asawa , muli siyang ikinasal sa isang maganda at batang - batang istudyante niya sa Escuela Derecho.
Nagkaroon siya ng dalawang anak na babae na ang mga pangalan ay Concepcion at Cruzing.
Hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay , nahanatili siyang mapagbasa at manunulat ng mga artikulong makabayan.
Kahit na may karamdaman na at ipinagbawal ng doctor ang pagbabasa , nagbabasa pa rin siya.
Binawian siya ng buhay sa St. Paul Hospital , Maynila noong 6 Hulyo 1908 sa gulang na 40 lamang.
Ang kanyang maagang pagpanaw ay ipinagluksa ng kanyang mga kaibigan na sina Rafael Palma , Justice Florentino Torres , Teodoro M. Kalaw at Sergio Osmena.
Alegria , Surigao del Norte
Ang Bayan ng Alegria ay isang ika - 5 klaseng bayan sa lalawigan ng Surigao del Norte , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , may populasyon itong 12,923 katao sa may 2,350 na kabahayan.
Ang bayan ng Alegria ay nahahati sa 12 na mga barangay.
Kasunduan sa Paris
Maraming kasunduan ang pinag - usapan at pinirmahan sa Paris , kasama dito ang mga sumusunod :.
Atsushi Kimura
Si Atsushi Kimura ( ipinaganak Mayo 1 , 1984 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Suklob - tuhod
Ang suklob ng tuhod , saklob ng tuhod , taklob ng tuhod , o patela ( Ingles : patella , knee cap , kneepan ) ay ang butong pantakip o takip na buto sa sugpungan ng tuhod na kahugis ng maliit na biluging platito o disko.
Nakasingit o nakasabad ito sa tendong nagdirikit ng muskulong kuwadrisep ekstensor ng harap ng hita sa pang - itaas na dulo ng tibya.
Tinatawag na ligamentong patelar ang karugtong o ekstensiyong tendon mula sa suklob - tuhod hanggang sa tibya.
Nababanat ang balat ng katawan na nasa ibabaw ng suklob ng tuhod kapag nakabaluktot ang tuhod.
Sa ganitong posisyon o puwesto ng tuhod , karaniwang nakapagdurulot ng mahabang sugat na katulad ng hiwa ang anumang pagtama o pagbagsak.
Maaari ring mapinsala o mabali ang buto dahil sa pagtama o biglaang pagsubok na ituwid ang binti.
Dehenerasyong Walleriano
Ang dehenerasyong Walleriano ay ang pagtanda ng bahagi ng axon at ng sisidlang myelina ng neyuron na malayo sa lugar ng pinsala o sugat.
Pagoda sa Wawa
Ang Pagoda sa Wawa , na nakikilala rin bilang Kapistahan ng Pagoda sa Bocaue ( Ingles : Bocaue Pagoda Festival ) ay isang pagdiriwang na idinaraos sa bayan ng Bocaue , Bulacan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas tuwing unang Linggo ng Hulyo.
Ipinagdiriwang sa pistang ito ang pagkakatuklas ng mahimalang krus na nakalutang sa Ilog ng Bocaue 200 mga taon na ang nakalilipas.
Sa araw ng Pagoda sa Wawa , isang kopya ng krus na pinagpakuan ni Hesukristo ang ipinuprusisyon habang nakasakay sa isang pagodang pinalamutian at ginagabayan ng mga bangkang makukulay.
Pinaparangalan ng prusisyon at ng nobena ang Banal na Krus ng Bocaue , Bulacan na mas nakikilala bilang Krus ng Wawa.
Ayon sa alamat ng Pagoda sa Wawa , isang tao ang nakabingwit at nakapagligtas ng Krus ng Wawa magmula sa ilog ng Bocaue dalawampung taon na ang nakakaraan.
Noong Hulyo 2 , 1993 , habang ipinagdiriwang sa Ilog ng Bocaue ang Kapistahan ng Krus ng Wawa , naganap ang isang sakuna , kung saan naging labis ang lulang tao ng pagoda kung kaya 't nang lumubog ang pagoda ay maraming taong nalunod.
Sa ngayon , kapag ipinagdiriwang ang Pagoda sa Wawa , inaalala rin ng mga deboto ang mga namatay noong 1993.
Ginambalang pagtatalik
Ang Coitus interruptus , na kilala rin bilang ginambalang pagtatalik , inabalang pagtatalik , tinanggihang pagtatalik , ipinagkait na pagtatalik , pagtatalik na may paghugot ng titi , paraang pahugot , paraang binubunot , o paraang pabunot , ay isang paraan ng pagpigil sa pag - aanak kung kailan ang isang lalaki , habang nakikipagtalik ay binubunot o inaalis ang kanyang titi magmula sa puke ng babae bago siya labasan o bago siya makarating sa kasukdulan.
Pagkaraan , iniiwas papalayo ng lalaki ang kanyang punlay o tamod palayo mula sa puke ng kanyang katalik bilang pagtatangka na maiwasan ang inseminasyon ( pagpupunla , pagbibinhi , o pagpupunlay ).
Ang ganitong paraan ng kontrasepsiyon , na malawakang ginagamit ng hindi bababa sa dalawang mga milenyo , ay ginagamit pa rin magpahanggang ngayon.
Ang ganitong metodo ay ginamit ng tinatayang tatlumpu 't walong milyong mga magkakapareha sa buong mundo noong 1991.
Ang paraang hinuhugot ang titi ay hindi nagbibigay ng proteksiyon laban sa mga STD o STI.
Karera
Ang isang karera ay isang kurso ng sunod - sunod na katayuan na binubuo ng ilang gawain.
Maaari na magkaroon ang isang tao ng karera sa palakasan o karera sa musika , ngunit pinakamalimit na tumutukoy ang " karera " sa ika - 21 siglo bilang isang hanapbuhay : ang sunod - sunod na trabaho o posisyon na kung saan kumikita ang isang tao.
Sa halos tilang di nagbabagong lipunan bago ang modernismo , maraming mga manggagawa ang nagmamana o kumukuha ng isang pang - habangbuhay na posisyon ( isang puwesto o papel ) , at may maliit o walang kahulugan ang kaisipan na nilaladlad ng karera.
Kasama ang pagpalaganap noong panahon ng Kamulatan ng kaisipan ng progreso at ang mga paguugali ng indibiduwalismo na sariling - pagsulong , naging posible ang karera , kundi man inasahan.
Tinataya ng mga tagapayo sa karera ang mga interes , personalidad , pinahahalagahan at kakayahan upang tulungan ang isang tao na tuklasin ang mga mapipiling karera at saliksikin ang mga graduwado at propesyonal na mga paaralan.
Ang pagpapayo sa karera ay ang isa - isa o grupo na tulong propesyonal sa pagtuklas at paggawa ng mga pasya na may kaugnayan sa pagpili ng isang trabaho , mga pagpapalit sa loob ng mundo ng trabaho o mapagpatuloy pa ang mga propesyonal na pagsasanay.
Napakalawak ng larangan at kinabibilangan ng Pagkakaroon ng Karera , Pagpaplano ng Karera , Mapag - aralan ang mga Stratehiya , Pagsulong ng Mag - aaral.
Sa huling bahagi ng ika - 20 siglo , pinahintulot ng kalabisan ng mga pagpipilian ( lalo na ang mga potensiyal na propesyon ) at mas malawak na edukasyon na maging maka - moda ang balakin ( o balangkasin ) ang isang karera : sa ganitong paraan lumago ang karera ng mga tagapayo ng karera.
Para sa kayarian na " karera " bago ang modernismo , ikumpara ang cursus honorum.
Tignan din : pagsulong ng karera , pangangasiwa ng karera.
Patola
Ang patola ay isang uri ng halamang baging o gumagapang na may mga mahahaba at ma - anggulong bunga na nagagamit sa pagluluto.