text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Lahat ng kosmikong ebolusyong ito pagkatapos ng panahong inplasyonaryo ay maaaring tiyak na malarawa ng modelong LCDM ng kosmolohiya na gumagamit ng mga independiyenteng balangkas ng mekaniks na kwantum at pangkalahatang relatibidad ni Albert Einstein. |
Gaya ng binabanggit sa taas , walang maiging - suportadong model na naglalarawan sa aksiyon bago ang sa mga 10 - 15 segundo. |
Maliwanag na kailangan ng bagong pinag - isang teorya ng grabitasyong kwantum upang basagin ang hadlang na ito. |
Ang pag - unawa sa sinaunang mga panahon ng kasaysayan ng uniberso ay isa sa pinakadakilang hindi pa nalulutas na problema sa pisika. |
Ayon sa Teorya ng Big Bang , dalawa ang maaring kahinatnan ng sansinukob. |
Ito ay ang bukas na paglawak na kung saan patuloy ang paglawak ng sansinukob , o ang saradong paglawak na kung saan hihinto ang paglawak ng uniberso sapagkat ang mga galaktika ay magtitipon at maghahatid ng napakalakas na grabitad na siyang hahatak sa paglawig ng sansinukob , at itutulak ito hanggang sa ito ay maging " singularidad " na muli. |
Ito ay tinatawag na " Big Crunch " sa Ingles. |
Ang pinakauna at pinaka - direktang mga uri ng mapagmamasdang ebidensiya ng Big Bang ang : uring - Hubble na paglawak na nakikita sa mga pulangpaglipat ng mga galaksiya , ang mga direktang pagsukat ng kosmikong mikroweyb na likurang radiasyon , ang kasaganaan ng mga elemento ng liwanag at sa panahong kasalukuyan ang malakihang skalang distribusyon at maliwanag na ebolusyon ng mga galaksiya na hinulaang makikita sanhi ng paglagong grabitasyonal ng straktura sa pamantayang teorya. |
Ang mga ito ay minsan tinatawag na " ang apat na haligi ng Teoryang Big Bang ". |
Ang mga obserbasyon ng mga malalayong galaksiya at quasar ay nagpapakitang ang mga bagay na ito ay nalipat sa isang pulangpaglipat ( redshifted ) o ang ang liwanag na inilabas ng mga ito ay nalipat sa mas mahabang alonghaba ( wavelength ). |
Ito ay makikita sa pamamagitan ng pagkuha ng prekwensiyang spektrum ng obhekto at pagtugma ng paternong ( pattern ) spektroskopiko ng linyang emisyon o linyang absorpsiyon na tumutugon sa atomo ng elementong kemikal na nakikipag - ugnayan sa liwanag. |
Ang mga pulangpaglipat na ito ay pantay pantay na ipinamahagi sa lahat ng mga napagmamasdang obhekto sa lahat ng mga direksiyon. |
Kung ang mga pulangpaglipat ay pinapakahulugang paglipat na Doppler , ang resesyonal ( pagliit ) na belosidad ng obhekto ay makukwenta. |
Para sa ilang mga galaksiya , posibleng matantya ang mga distansiya sa pamamagitan ng kosmikong distansiyang hagdanan. |
Kung ang mga resesyonal na belosidad ay iga - grapo laban sa mga distansiyang ito , ang isang linyar na relasyon na kilala bilang Batas ni Hubble ay mapagmamasdan :. |
kung saan :. |
Ang batas ni Hubble ay may dalawang posibleng mga paliwanag. |
Ang una ay ang mundo ay nasa sentro ng pagsabog ng mga galaksiya ngunit ito ay paliwanag na hindi mapagtatanggol dahil prinsipyong copernican. |
Ang ikalawa ay ang uniberso ay pantay na lumalawak sa lahat ng lugar. |
Ang unibersal na paglawak na uniberso ay hinulaan mula sa pangkalahatang relatibidad ni Alexander Friedmann noong 1922 at Georges Lemaitre noong 1927 bago pa man gawin ni Edwin Hubble ang kanyang analisis at obserbasyon noong 1929. |
Ito ay nananatiling pinaka - batayan ng teoryang Big Bang kung paanong binuo nina Friedmann , Lemaitre , Robertson at Walker. |
Ang teoryang ito ay nagtatakda ng relasyong v HD na maging totoo sa lahat ng mga panahon kung saan ang D ang distansiyang kapwa gumagalaw , ang v ang resesyonal na belosidad , at ang v , H , at D ay nagbabago dahil sa paglawak ng uniberso ( kaya isinusulat na H0 upang isaad ang kasalakuyang panahong konstanteng Hubble ). |
Para sa mga distansiyang mas maliit sa sukat ng mapagmamasdang uniberso , ang pulangpaglipat na Hubble ay maaaring maunawaan bilang paglipat na Doppler na tumutugon sa resesyonal na belosidad na v. Gayunpaman , ang pulangpaglipat ay hindi totoong paglipat Doppler ngunit resulta ng paglawak ng uniberso sa pagitan ng panahong inilabas ang liwanag at ang panahong ito ay natukoy. |
Ang espasyo ay sumasailalim sa isang metrikong paglawak ay maipapakita ng direktang mapagmamasdang ebidensiya ng prinsipyong kosmolohika at prinsipyong Copernican na ang parehong ito kasama ang batas ni Hubble ay walang ibang paliwanag. |
Ang astronomikal na pulangpaglipat ay labis na istropiko at pantay pantay na sumusuporta sa prinsipyong kosmolohikal na ang uniberso ay may hitsurang pareho sa lahat ng mga direksiyon kasama ang ibang mga ebidensiya. |
Kung ang mga pulangpaglipat ay resulta ng pagsabog mula sa gitna mula sa mundo , ang mga ito ay hindi pareho sa lahat ng mga direksiyon. |
Ang mga pagsukat ng mga epekto ng kosmikong mikroweyb na likurang radiasyon sa dinamiks ng malalayong mga sistemang astropisikal noong 2000 ay nagpatunay sa Prinsipyong Copernican na ang mundo ( earth ) ay wala sa sentral ( gitna ) na posisyon sa skalang kosmolohikal. |
Ang radiasyon mula sa Big Bang ay maipapakitang medyo mainit sa sinaunang mga panahon sa buong uniberso. |
Ang pantay na paglamig ng kosmikong mikroweyb na likurang radiasyon sa paglipas ng mga bilyong taon ay maipapaliwanag lamang kung ang uniberso ay dumadanas ng metrikong paglawak at nag - aalis ng posibilidad na ang mundo ay malapit sa unikong ( natatanging ) sentro ( gitna ) ng pagsabog. |
Sa unang mga ilang araw ng uniberso , ang uniberso ay nasa punong termal na ekwilibrium na ang mga poton ay patuloy na inilalabas at sinisipsip na nagbibigay sa radiasyon ng itimnakatawang spektrum. |
Habang ang uniberso ay lumalawak , ito ay lumamig sa temperatura kung saan ang mga poton ay hindi na malilikha o mawawasak. |
Gayunpaman , ang temperatura ay sapat na mataas pa rin upang ang mga elektron at nuclei ay manatiling hindi magkabigkis at ang mga poton ay konstanteng " narereplekta " mula sa mga malalayang elektron na ito sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na paghahasik na Thomson. |
Dahil sa paulit ulit na paghahasik na ito , ang sinaunang uniberso ay opaque sa liwanag. |
Nang ang temperatura ay bumagsak ng ilang mga libong Kelvin , ang mga elektron at nuclei ay nagsimulang maghalo upang bumuo ng mga atomo sa isang prosesong tinatawag na rekombinasyon. |
Dahil ang mga poton ay naghahasik ng hindi malimit mula sa mga neutral na atomo , ang radiasyon ay humiwalay mula sa materya nang ang halos lahat ng mga elektron ay muling naghalo sa epoch ng huling paghahasik o 379,000 taon pagkatapos ng Big Bang. |
Ang mga poton na ito ay bumubuo ng CMB na mapagmamasdan sa kasalukuyang panahon at ang napagmasdang paterno ng pluktwasyon ( pag - iba iba ) sa CMB ang direktang larawan ng uniberso sa sinaunang epoch na ito. |
- |
L H $ ( {, H 2 & \ |
U |
+ h |
, E : G > w \ F F R R + + p Y [! ! " # # $ <% <% Y% Y% ( ) b* + + {, Ang enerhiya ng mga poton na ito ay kalaunan nalipat sa isang pulangpaglipat ng paglawak ng uniberso na nag - ingat sa itimnakatawang spektrum ngunit nagdulot sa temperatura nito na bumagsak na ang ibig sabihin ay ang mga poton ay bumagsak na ngayon sa rehiyong mikroweyb ng elektromagnetikong spektrum. |
Ang radiasyon ay pinaniniwalaang mapagmamasdan sa lahat ng punto ng uniberso at nagmumula sa lahat ng mga direksiyon na may halos parehong intensidad. |
Noong 1964 , aksidenteng natuklasan nina Arno Penzias at Robert Wilson ang kosmikong mikroweyb na likurang radiasyon o CMB habang nagsasagawa ng diagnostikong pagmamasid gamit ang bagong microwave receiver na pag - aari ng Bell Laboratories. |
Ang kanilang pagkakatuklas ay nagbigay ng mahalagang kompirmasyon ng pangkalahatang mga hula ng CMB na ang radiasyon ay natagpuang isotropiko at umaayon sa itimanakatawang spektrum na mga 3 K - - at naglagay ng balanse ng opinyon na pabor sa hypotesis na Big Bang. |
Dahil sa pagkakatuklas na ito , si Penzias at Wilson ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel. |
Noong 1989 , inilunsad ng NASA ang Cosmic Background Explorer satellite ( COBE ) at ang mga inisyal na natagpuan na inilabas oong 1990 ay umaayon sa mga hula ng Big Bang tungkol sa CMB. |
Natagpuan ng COBE ang residual na temperatura na 2.726 K at noong 1992 ay natukoy sa unang pagkakataon ang mga pluktwasyon ( anisotropiya ) sa CMB sa lebel na isang bahagi sa 105. |
Ginawaran sina John C. Mather at George Smoot ng Gantimpalang Nobel sa pamumuno nila sa proyektong ito. |
Sa mga sumunod na dekada , ang mga anistropiya ng CMB ay karagdagang inimbestigahan ng malalaking bilang ng nakabatay sa lupa at mga eksperimento ng lobo. |
Noong 2000 - 2001 , ang ilang mga eksperimento na ang pinakakilala dito ay BOOMERanG ay natagpuan ang uniberso ay halos patag sa espasyo sa pamamagitan ng pagsukat ng tipikal na sukat angular ( ang sukat ng himpapawid ) ng mga anistropiya. |
Noong simula nang 2003 , ang unang mga resulta ng Wilkinson Microwave Anisotropy Probe ( WMAP ) ay inilabas na nagbigay ng sa mga panahong ito ay pinakatiyak na mga halaga ng ilang mga paremetrong kosmolohikal. |
Ang sasakyang pangkalawakang ito ay nagpamali sa ilang mga spesipikong mga modelong inplasyong kosmiko ngunit ang mga resulta ay umaayon sa teoryang inplasyon sa pangkalahatan. |
Kinumpirma din nito na ang dagat ng mga kosmikong neutrino ay tumatagos sa uniberso na isang maliwanag na ebidensiya na ang unang mga bituin ay umaabot sa kalahating mga bilyong taon upang lumikha ng kosmikong hamog. |
Ang bagong espasyong probe na pinangalanang Planck na may layuning tulad ng WMAP ay inilunsad noong Mayo 2009. |
Ito ay inaasahan sa madaling panahon na magbibgay ng mas tiyak na pagsukat ng anistropiya ng CMB. |
Ang iba pang nakabatay sa lupa at lobong ( balloon ) mga eksperimento ay kasalukuyang isinasagawa. |
Ang likurang radiasyon ay eksepsiyonal na makinis na nagbigay ng problema sa paraang ang konbensiyonal na paglawak ay nangangahulugang ang mga poton na nagmumula sa kabaligtarang mga direksiyon sa kalawakan ay nagmumula mula sa mga rehiyong na hindi naging kaugnay ng iba. |
Ang pangunahing paliwanag sa malayong naabot na ekwilibrium ay ang uniberso ay may maikling periodo ng mabilis na eksponensiyal na paglawak na tinatawag na inplasyon. |
Ito ay may epektong pagtataboy ng mga rehiyon nasa ekwilibrium upang ang lahat ng mapagmamasadang uniberso ay mula sa parehong rehiyong ekwilibriado. |
Kung gagamitin ang modelong Big Bang , posibleng makwenta ang konsentrasyon ng helium - 4 , helium - 3 , deuterium at lithium - 7 sa uniberso bilang rasyo ng halaga ng ordinaryong hydrogen. |
Ang lahat ng kasaganaan ay nakasalalay sa isang parametro , ang rasyo ng proton sa baryo na mismong makukwenta mula detalyadong straktura ng pluktwasyon ng CMB. |
Ang mga hinulaang rasyo ( sa masa at hindi sa bilang ) ay mga 0.25 para sa 4He / H , about 10 - 3 for 2H / H , about 10 - 4 for 3He / H and about 10 - 9 for 7Li / H. |
Ang nasukat na mga kasaganaan ay lahat umaayon sa kahit papaanong tinatayang mga hinulaan mula sa isang halaga ng rasyong baryon - sa - poton. |
Ang pag - ayon ay mahusay para sa deuterium , malapit ngunit pormal na lumilihis para sa 4He , at isang paktor ng dalawa na malayo para sa 7Li ; sa huling mga kaso , may mga malaking sistematikong hindi mga katiyakan. |
Gayunpaman , ang pangkalahatang pag - ayon sa mga kasaganaang hinulaan ng BBN ay isang malakas na ebidensiya para sa Big bang bilang teoryang may tanging paliwanag para sa relatibong kasaganaan ng mga magaang mga kemikal na elemento , at halos imposibleng isaayos ang Big Bang upang lumikha ng halos madami o maliit sa 20 - 30 % helium. |
Sa katotohanan , walang halatang dahilan sa labas ng Big Bang na halimbawa , ang batang uniberso ( o bago ang pormasyon ng bituin na tinukoy sa pag - aaral ng materya na sinasabing malaya sa stellar nucleosynthesis ng mga produkto ) ay dapat mayroong mas maraming helium kesa sa deuterium o mas maraming deuterium kesa 3He at nasa konstanteng rasyo din. |
Ang mga detalyadong oberbasyon ng morpolohiya at ditribusyon ng mga galaksiya at quasar ay nagbibigay ng malakas na ebidensiya para sa Big Bang. |
Ang kombinasyon ng mga obserbasyon at teorya ay nagmumungkahing ang mga unang quasar at galaksiya ay nabuo sa mga bilyong taon pagkatapos ng Big Bang at sa simula nito , ang mga mas malalaking straktura ay nabubuo gaya ng mga kumpol ng galaksiya at mga sobrang kumpol. |
Ang mga populasyon ng mga bituin ay tumatanda at nagbabago kaya ang mga malalayong mga galaksiya ( na napagmasdang tulad ng sa sinaunang uniberso ) ay makikitang magkaiba mula sa mga malalapit ng galaksiya ( na napagmasdan sa mas bagong estado ). |
Sa karagdagan , ang mga galaksiya ay relatibidong nabuo kamakailan ay makikitang may tandang iba mula sa sa mga galaksiya sa parehong distansiya ngunit sa sandali pagkatapos ng Big Bang. |
Ang mga obsersbasyon sa pagbuo ng mga bituin , galaksiya , mga distribusyong quasar at mas malalaking mga straktura ay maiging umaayon sa simulasyon ng Big Bang ng pagbuo ng straktura sa uniberso at nakakatulong upang buuin ang mga detalye ng teorya. |
Pagkatapos ng ilang konstrobersiya , ang edad ng unibersyo ay tinataya mula sa paglawak na Hubble at CMB ay sa kasalukuyang panahon maiging umaayon sa mga edad ng pinakamatandang mga bituin na parehong sinukat sa pamamagitan ng paglapat ng teorya ng ebolusyong stellar sa mga globular na kumpol at sa pamamagitan ng pagpepetsang radiometriko ng nga indibiduwal na bituing Population II. |
Ang prediksiyong ang temperatura ng CMB ay mas mataas sa nakaraan ay eksperimental na sinuportahan ng mga obserbasyon ng senstibo - sa - temperaturang linyang emisyon ( paglabas ) sa ulap na gaas sa mataas na pulangpaglipat. |
Ang prediksiyong ito ay nagpapahiwatig din na ang amplitudo ng epektong Sunyaev - Zel 'dovich sa mga kumpol ng galaksiya ay hindi direktang nakabatay sa pulangpaglipat. |
Ito ay tinatayang totoo ngunit sa kasawiang palad ang amplitudo ay hindi nakabatay sa mga katangian ng kumpol na hindi nagbabago ng malaki sa panahong kosmiko kaya ang tiyak na pagsubok nito ay imposible. |
Pedapudi |
Ang Peda - pudi ay isang village sa East Godavari district ng estado ng Andhra Pradesh sa India. |
Nocaima |
Ang Nocaima ay isang munisipalidad sa Departamento ng Cundinamarca , Colombia. |
Romanisasyong Intsik |
Ang Romanisasyong Intsik o Romanisasyong Tsino ay ang paggamit ng Alpabetong Latin sa pagsulat ng wikang Intsik. |
Prepusyo ng titi |
Ang prepusyo o suklob sa ulo ng titi ay isang nababawing dalawahang - patong na tiklop ng balat at mukosang lamad ( membranong mukosa ) na tumatakip sa ulo ng titi o burat ( sa Ingles : glans penis ) at nagsasanggalang sa yurinaryong meyatus ( panlabas butas ng yuretra ) kung hindi nakatayo ang titi. |
May prepusyo ang halos lahat ng mga mamalya , bagaman sa mga kasong hindi - tao ay isang bayna o lalagyan ang prepusyo , kung saan nababawi ang buong titi. |
Ang mga monotremo ( ang platipus at ang ekidna lang ang walang prepusyo ). |
Malawakang nasasakop din ng salitang prepusyo ang prepusyo ng tinggil ng mga babaeng tao , na siyang katumbas ng prepusyo ng titi. |
Sa mga tao , katulad ng balat sa kahabaan ng titi ang nasa labas ng prepusyo , subalit lamad na mukosa ang nasa loob ng prepusyo ( katulad ng nasa loob ng pilik - mata o ng bibig ). |
Katulad ng pilik - mata , malayang makagagalaw ang prepusyo. |
Mga malalambot na himaymay ng laman ang nakapagpapanatili sa pagkakalapit nito sa ulo ng titi subalit nagagawa itong lubos na elastiko. |
Nakakabit ang prepusyo sa ulo ng titi na may prenyulum na tumutulong sa pagbawi ng prepusyo sa ibabaw ng ulo ng titi. |
Mayroong isang pulutong ng mga tisyung tinatawag na tugatog o palupo ng pulutong , na batay sa isang pag - aaral , ay puno ng mga dulo ng mga ugat - pandamang kilala sa pangalang mga korpusel ni Meissner. |
Ayon sa isang pag - aaral ni Sorrells ( at iba pa ) , ang limang pinakasensitibong lugar sa titi ay nasa prepusyo. |
Sa mga kabataan , tinatakpan ng prepusyo ang buong ulo ng titi , subalit hindi kailangang ganito sa mga nakatatandang tao. |
Napag - alaman ni Schoberlein na buo ang pagkakakubli ng prepusyo sa ulo ng titi sa may mga limampung bahagdan ng mga nakakababatang lalaki , 42 % ang bahagi lamang ng ulo ng titi ang natatakpan ng prepusyo , at hindi natatakpan ng prepusyo ang ulo ng titi sa natitirang 8 %. |
Matapos iayos para sa pagtutuli , sinabi ni Schoberlein na kaagarang kumikibal o umiikli o umuurong ang prepusyo sa 4 % ng mga nakababatang lalaki. |
Pilosopiyang pampolitika |
Ang pilosopiyang pampolitika ay ang pag - aaral ng mga paksang katulad ng politika , kalayaan , katarungan , pag - aari ( ari - arian ) , karapatan , batas , at ang pagpapatupad ng mga kodigong pambatas na may kapangyarihan : kung ano ang mga ito , kung bakit ( o maging ang kung kailangan ba ) ang mga ito , kung ano , kung anuman , ang bumubuo sa pagiging lehitimong pamahalaan , kung anong mga karapatan at mga kalayaan ang dapat nitong prutektahan at pangalagaan at kung bakit , kung anong porma o anyo ang dapat itong akuin at kung bakit , kung ano batas , at anu - anong mga gampanin o katungkulan ang dapat na gampanan o gawin ng mga mamamayan para sa isang tunay o taal na pamahalaan , kung mayroon man , at kung kailan dapat balibatin o alisin sa tungkulin ang isang pamahalaan , kung kinakailangan. |
Sa diwang bernakular , ang katagang " pilosopiyang pampolitika " ay kadalasang tumutukoy sa isang pangkalahatang pananaw , o tiyak na paniniwala o kaugaliang pang - etika o pampolitika , hinggil sa politika na hindi talaga nasa piling o hindi tunay na kabahagi ng teknikal na disiplina ng pilosopiya. |