text
stringlengths
0
7.5k
Muawiyah I
Si Muawiyah I ( 602 - 680 ) , na binabaybay din bilang Mu 'awiya I , ay isang napaka kontrobersiyal na pigura sa Islam.
Siya ang pamangking lalaki ni Uthman.
Siya ang nagtatag ng dinastiyang Umayyad.
Siya rin ang katunggali ni Ali ibn Abi Talib ( mas nakikilala bilang Ali lamang ).
Si Muawiya ay dating naging isang gobernador ng Sirya.
Pampamahalaang Unibersidad ng Bulacan
Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Bulacan ( Ingles : Bulacan State University ) ay isang pamantasan na matatagpuan sa Lungsod ng Malolos , Bulacan , Pilipinas.
Ito ay ang pamantasang panlalawigan ng Bulacan , na itinatag noong 1904 at kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Cecilia N. Gascon.
Ang pamantasang partner ng Confucius Institute ng Bulacan State University Malolos kampus sa bansang Tsina ay ang Northwest University ( China ).
Matinding Depresyon
Ang Matinding Panlulumo , Masidhing Panlulumo , o Dakilang Depresyon na kilala sa Ingles bilang Great Depression o Depression of the 1930 's ( Ang Panlulumo noong Dekada ng 1930 ) ay ang malawakang krisis na pang - ekonomiyang nagsimula dahil sa Pagbagsak ng Wall Street noong 1929 ( pagbagsak ng pamilihan ng mga kabahaging puhunan ) sa Estados Unidos.
, at nakaapekto sa ibang mga bansa.
Ang mga presyo sa pamilihan ng mga kabahaging puhunan sa Wall Street ay malakihan ang naging pagbulusok mula Oktubre 24 hanggang 29 Oktubre 1929.
Maraming mga tao ang nawalan ng trabaho.
Sa pagsapit ng 1932 , 25 - 30 % ng mga tao ang nawalan ng mga hanapbuhay.
Naging mahirap sila at nawalan ng mga tirahan.
Ito ang nagwakas sa kayamanan ng Dumadagundong na Dekada 1920 ( Roaring Twenties ).
Maraming mga tao ang nag - iisip na ang Matinding Panlulumo ay nagsimula noong Maitim na Martes , subalit ang Maitim na Martes ay isa lamang nakapailalim na suliranin na tutulong sa pagdurulot ng Panlulumo.
Magmula 1929 - 1932 , mas lalong lumala ang depresyon.
Marami ang naghihinala na ang pagtaas ng halaga ng buwis sa mga mamamayang Amerikano at ang pagtataas ng mga taripa ( mga buwis sa mga bansang nakikipagkalakalan sa Estados Unidos ) ang nagpalala rito.
Sinabi ng ekonomistang si Milton Friedman na ang Matinding Panlulumo ay lumala dahil naglimbag ng mas kakaunting salapi ang Reserbang Pederal kaysa pangkaraniwan.
Nang magsimula ang Matinding Panlulumo , si Herbert Hoover ang pangulo ng Estados Unidos , at bilang resulta , siya ang sinisi rito.
Naghalal ang mga tao ng bagong pangulo noong 1932.
Si Franklin D. Roosevelt ang naging bagong pangulo ng Estados Unidos.
Nagawa ni Roosevelt na magpasa ang pamahalaan ng maraming bagong mga batas at mga programa o palatuntunan upang matulungan ang mga taong nasaktan ng Matinding Panlulumo.
Ang mga programang ito ay tinawag na Bagong Kasunduan ( New Deal ).
Isa sa mga palatuntunang ito ang Civilian Conservation Corps ( CCC ) o " Hukbo ng Konserbasyong Sibilyano ".
Naglagay ang CCC ng maraming kabataang mga lalaki na magtatrabaho sa labas ng mga gusali.
Binayaran ang mga lalaking ito ng 1 dolyar bawat linggo upang maghanapbuhay , at nakatanggap sila ng libreng pagkain at matutuluyan.
Isa pa sa mga programang ito ay ang Segurong Sosyal , na nagbigay sa matatandang mga tao ng maliit na kita upang mayroon silang pera para sa mga bagay na kailangan nila.
Napakasama talaga ng Matinding Panlulumo , subalit dahil sa tulong ng bawat isang tao , magiging mainam ang katayuan.
Sa pagitan ng 1939 at ng 1944 , mas maraming mga tao ang muling nagkaroon ng pagkakakitaan dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig , at sumapit ang wakas ng Matinding Panlulumo.
Bago sumapit ang Matinding Panlulumo noong dekada ng 1930 sa Estados Unidos , karamihan sa mga tao ang naniniwala na ang mga depresyon o panlulumong pang - ekonomiya ay mawawala ng kusa at mabibigyan ng solusyon ng kusa.
Bago maganap ang Matinding Panlulumo , nakaranas na ang Estados Unidos ng walong naunang grabeng mga depresyon , at lahat ay nalunasang kusa.
Subalit noong 1933 , kahit na nagkaroon ng bagong pangulo sa katauhan ni Franklin D. Roosevelt , hindi nagkaroon ng pagbuti o pag - inam ang katayuan ng mga negosyo , at ang lahat ay lumalala pang lalo.
Isang mahalagang dahilan para sa Matinding Panlulumo ay ang Kasunduan sa Versailles.
Dahil sa Kasunduan sa Versailles naging napakayamang bansa ng Estados Unidos.
Kapwa nagbigay ang Gran Britanya at Pransiya ng malalaking halaga ng salapi sa Estados Unidos , at ang Alemanya ay dapat na magbayad ng malaking halaga ng pera para sa pinsalang nagawa nila noong Unang Digmaang Pandaigdig.
Subalit ang kayamanang ito ang nagpasimula upang bumulusok ang pamilihan ng kabahaging puhunan.
Kahit na noong pagkatapos ng Pagbagsak ng Wall Street noong 1929 , nagkaroon pa rin ng pag - asa ang mga tao.
Sinabi ni John D. Rockefeller na " Ito ang mga araw kung kailan marami ang nahihinaan ng loob.
Sa loob ng 93 mga taon ng aking buhay , dumating at lumisan ang mga panlulumo.
Ang kasaganaan ( kayamanan ) ay palaging nagbabalik ( bumabalik ) at muling magbabalik.
" Ngunit dagliang lalala at lalala pa ang epekto ng depresyon.
Nawalan ng mga trabaho , pera , at tahanan ang mga tao.
May mga ulat na sa Alemanya at Estados Unidos , nagkaroon ng malubhang kagutuman , pagkakasakit , at pagkamatay dahil sa kagutuman.
Nang sumapit ang 1932 , tinatayang nasa mahigit sa 11,000,000 hanggang bandang 15,000,000 ang mga walang hanapbuhay na mga Amerikano.
Hindi ito dahil sa katamaran , subalit dahil sa mga dahilang hindi matabanan ng mga tao.
Nagresulta ito sa pagpapasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas hinggil sa Segurong Sosyal.
Naging matagumpay ang mga programang pinagtulung - tulungan ng mga pamahalaan ng mga estado at ng pamahalaang pederal.
Dahil sa katagumpayan ng mga programang ito , bago sumapit ang dalawang taon ay naglunsad na ang bawat isang estado ng Estados Unidos ng katulad na mga programa.
Nilabanan ni Franklin D. Roosevelt ang Matinding Panlulumo sa pamamagitan ng kanyang Bagong Kasunduan o New Deal.
Nakatuon ang Bagong Kasunduan sa pagbibigay ng tulong mula sa pamahalaan sa mga tao , isang bagay na pinaniniwalaang mahalaga ng maraming mga tao upang maiwasan ang pag - urong o resesyon at panlulumo o depresyon ng ekonomiya.
Nakasaad ang ideyang ito sa Batas na Pangtrabaho ng 1946 ng Estados Unidos.
Kabilang sa mga programa ng Bagong Kasunduan ang pagkakaroon ng mga seguro kapag nawalan ng trabaho ang isang tao , ang segurong sosyal para mabigyan ng pera ang matatanda na at retirado.
Bukod sa pagpapasimula at pagpapasigla ng negosyo , naglunsad din ang Bagong Kasunduan ni Roosevelt ng mga katangiang pangkaligtasan ng ekonomiya o kabuhayan ng Estados Unidos.
Nilikha ang Federal Deposit Insurance Corporation ( FDIC ) o Pederal na Korporasyon para sa Seguro ng Deposito at mga programa nito na pangsegurong pandeposito upang mapruteksiyunan ang mga tagapagdeposito ng salapi sa mga bangko.
Nilikha rin ang Securities and Exchange Commision ( SEC ) o Komisyon sa mga Panagot at Palitan , isang ahensiyang magbabantay laban sa mga hindi patas na mga gawain sa pamilihan ng mga kabahaging puhunan at hindi matabanang pagbabakasakali sa pamumuhunan sa negosyo.
Bilang mga aral na natutunan mula sa pagkaranas ng pagbulusok ng kabahaging puhunan at Matinding Panlulumo , naging bahagi na ngayon ang FDIC at SEC ng unang depensa sa mga panahon ng matinding pagbagal o pagbaba ng mga negosyo sa Estados Unidos.
Neferefre
Si Neferefre ( at tinatawag ring Raneferef ) ang paraon ng Ikalimang Dinastiya ng Ehipto.
Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang " Maganda ay si Re ".
Alex Gonzaga
Si Catherine " Cathy " Cruz Gonzaga ( ipinanganak 16 Enero 1988 ) , mas kilala bilang Alex Gonzaga pagkatapos mapalitan ang kanyang pangalan noong 2008 , ay isang artista , komedyante at punong - abala na Pilpina.
Nagmula ang kanyang palayaw , Alex , sa kanyang ginampanang karakter sa Let 's Go at Gokada Go ! na pinalabas sa ABS - CBN.
Kapatid niya ang artista rin na si Toni Gonzaga.
Naging guest din si Alex Gonzaga sa " Pinoy Big Brother All In " at nakasama niya ang Voleyball Player na si Michelle Gumabao at isang artista na si Jane Oineza.
Siya ay naging " Host " o " V - reporter " sa The Voice Of The Philippines Season 2.
Siya ay nagsulat ng isang libro na pinamagatang " Dear Alex , Break Na Kami.
Paano ? Love , Catherine " at naging " Best seller " ito.
Ngayon ay gagawin ng pelikula ang kanyang libro.
Helvetica
Ang Helvetica ay malapad na ginagamit sa ponteng sans - serif na ginawa ni Max Miedinger noong 1957 at ang input na ginawa mula kay Eduard Hoffmann.
Ang Helvetica ay isang neo - grotesque o totoong disenyo , na impluwenya ng tipo ng titik na Akzidenz - Grotesk at iba pang pamilya ng tipo ng titik na Aleman at Suwiso.
Ito ay naging bahagi ng International Typographic Style.
Orihinal na pinangalang Neue Haas Grotesk ( Bagong Haas Grotesque ) , mabilis itong nilisenya ng Linotype at pinalitan ang pangalan sa Helvetica noong 1960 , na katulad sa Latin na pang - uri para sa Switzerland , ang Helvetia.
Sinkretismo
Ang sinkretismo ( Ingles : syncretism / 'sINGkrtIzm / ) ay ang pagtatangkang pagkasunduin ang mga magkakasalungat na paniniwala , na kadalasang isinasagawa habang pinagsasanib - sanib ang mga gawain ng iba 't ibang paaralan na pangkaisipan.
Maaaring magsangkot ang sinkretismo ng pagsasanib at ng paghahawig ng ilang orihinal na may pag - iingat na mga kaugalian , natatangi na ang teolohiya at mitolohiya ng relihiyon , kung kaya 't nagpapahayag ng nakapailalim na pagkakaisa at nagpapahintulot para sa isang mapanlakip o nagsasamang pagharap sa iba pang mga pananalig.
Karaniwang nagaganap ang sinkretismo sa pagpapahayag ng sining at ng kultura ( nakikilala bilang eklektisismo ) pati na sa politika ( politikang sinkretiko ).
Inihaw
Ang inihaw ( Ingles : roast , broil o grill ) ay isang uri ng lutuin kung saan tinatapa , nililitson , binabanggi , hinuhurno , binabarbikyu , binubusa o isinasangag ang karne , prutas , isda o gulay sa parilya.
Nicholas II ng Rusya
Si Nicolas II ( Nikolai Alexandrovich Romanov ; Ruso : Nikola i II , Nikola i Aleksa ndrovich Roma nov ) ( Mayo 18 1868 - 17 Hulyo 1918 ) ay ang huling Emperador ng Rusya , Gran Duke ng Finland , at ang umaangkin sa titulong Hari ng Poland.
Siya ang taong nagpamomobilisa ng sandatahang - lakas ng Rusya at Pransiya noong 1 Agosto 1914.
Pinakasalan niya ang kababatang anak ni Gran Duke Louis IV ng Hesse at Prinsesa Alice ng United Kingdom na si Alix ng Hesse at Rhine noong 26 Nobyembre 1894 , kaarawan ng Ina niya na si Maria Feodorovna , ginanap Ito sa Winter Palace ng St. Petersburg.
Nagkaroon sila ng limang anak ; apat na babae at Isang lalaki na si Tsesarevich / Tsarevich Alexei Nikolaevich , ang tagapagmana ng trono ng Rusya.
Ang kanilang pinakamatanda sa lahat ng kanilang anak , si Gran Duchess Olga , ang pangalawa , si Gran Duchess Tatiana , pangatlo , si Gran Duchess Maria , at ang pang apat , ang kanilang sikat na anak , ang makulit sa lahat , si Gran Duchess Anastasia.
Si Nicolas II ay nagbitiw sa trono sa taong Pebrero ng 1917 dahil sa Himagsikang Ruso.
Siya , at ang kanyang pamilya ay binaril sa lungsod ng Yekaterinburg ng mga Bolshevik noong 17 Hulyo 1918.
Terzo , Piedmont
Ang Terzo , Piedmont ay isang comune sa lalawigan ng Alessandria sa bansang Italya.
Acqui Terme * Albera Ligure * Alessandria * Alfiano Natta * Alice Bel Colle * Alluvioni Cambio * Altavilla Monferrato * Alzano Scrivia * Arquata Scrivia * Avolasca * Balzola * Basaluzzo * Bassignana * Belforte Monferrato * Bergamasco * Berzano di Tortona * Bistagno * Borghetto di Borbera * Borgo San Martino * Borgoratto Alessandrino * Bosco Marengo * Bosio * Bozzole * Brignano - Frascata * Cabella Ligure * Camagna Monferrato * Camino * Cantalupo Ligure * Capriata d 'Orba * Carbonara Scrivia * Carentino * Carezzano * Carpeneto * Carrega Ligure * Carrosio * Cartosio * Casal Cermelli * Casale Monferrato * Casaleggio Boiro * Casalnoceto * Casasco * Cassano Spinola * Cassine * Cassinelle * Castellania * Castellar Guidobono * Castellazzo Bormida * Castelletto Merli * Castelletto Monferrato * Castelletto d 'Erro * Castelletto d 'Orba * Castelnuovo Bormida * Castelnuovo Scrivia * Castelspina * Cavatore * Cella Monte * Cereseto * Cerreto Grue * Cerrina Monferrato * Coniolo * Conzano * Costa Vescovato * Cremolino * Cuccaro Monferrato * Denice * Dernice * Fabbrica Curone * Felizzano * Fraconalto * Francavilla Bisio * Frascaro * Frassinello Monferrato * Frassineto Po * Fresonara * Frugarolo * Fubine * Gabiano * Gamalero * Garbagna * Gavazzana * Gavi * Giarole * Gremiasco * Grognardo * Grondona * Guazzora * Isola Sant 'Antonio * Lerma * Lu * Malvicino * Masio * Melazzo * Merana * Mirabello Monferrato * Molare * Molino dei Torti * Mombello Monferrato * Momperone * Moncestino * Mongiardino Ligure * Monleale * Montacuto * Montaldeo * Montaldo Bormida * Montecastello * Montechiaro d 'Acqui * Montegioco * Montemarzino * Morano sul Po * Morbello * Mornese * Morsasco * Murisengo * Novi Ligure * Occimiano * Odalengo Grande * Odalengo Piccolo * Olivola * Orsara Bormida * Ottiglio * Ovada * Oviglio * Ozzano Monferrato * Paderna * Pareto * Parodi Ligure * Pasturana * Pecetto di Valenza * Pietra Marazzi * Piovera * Pomaro Monferrato * Pontecurone * Pontestura * Ponti * Ponzano Monferrato * Ponzone * Pozzol Groppo * Pozzolo Formigaro * Prasco * Predosa * Quargnento * Quattordio * Ricaldone * Rivalta Bormida * Rivarone * Rocca Grimalda * Roccaforte Ligure * Rocchetta Ligure * Rosignano Monferrato * Sala Monferrato * Sale * San Cristoforo * San Giorgio Monferrato * San Salvatore Monferrato * San Sebastiano Curone * Sant 'Agata Fossili * Sardigliano * Sarezzano * Serralunga di Crea * Serravalle Scrivia * Sezzadio * Silvano d 'Orba * Solero * Solonghello * Spigno Monferrato * Spineto Scrivia * Stazzano * Strevi * Tagliolo Monferrato * Tassarolo * Terruggia * Terzo * Ticineto * Tortona * Treville * Trisobbio * Valenza * Valmacca * Vignale Monferrato * Vignole Borbera * Viguzzolo * Villadeati * Villalvernia * Villamiroglio * Villanova Monferrato * Villaromagnano * Visone * Volpedo * Volpeglino * Voltaggio.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Yoshiharu Horii