text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Si Yoshiharu Horii ( ipinanganak Marso 16 , 1953 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon. |
Gitnang Kapanahunan |
Masalimuot na bilang |
Ang masalimuot na bilang o numerong kompleks ( Italyano : numero complesso , Aleman : komplexe Zahl , Ingles : complex number , Kastila : numero complejo ) ay isang bilang , ngunit kaiba sa mga karaniwang bilang sa maraming paraan. |
Nabubuo ang bilang na masalimuot sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang mga bilang na pinagsama , isang imahinaryong bilang na i , binibigyang kahulugan bilang + - 1 { \ displaystyle + { \ sqrt { - 1 } } } , at ng isang totoong bilang , na isang pangkaraniwang bilang. |
Sa paggamit ng aritmetiko , magagamit ang adisyon , subtraksiyon , multiplikasyon , at dibisyon. |
Sinusunod din nila ang mga pag - aaring komutatibo at mga pag - aaring asosyatibo , katulad ng mga ordinaryong bilang. |
Subalit ang mga sagot sa mga ekuwasyong may eksponente sa loob nila ay nagsimulang magbigay ng tunay na mga suliranin para sa mga matematiko. |
Bilang paghahambing , kapag ginamit ang mga negatibong bilang , maaaring mahanap ang x sa ekuwasyong a + x b { \ displaystyle a + x b } para sa lahat ng totoong mga halaga ng a at b. |
Sa eksponensyasyon , may isang problema. |
Walang tunay na bilang na nagbibigay ng - 1 kapag kinukuwadrado ito , na dumaraan sa multiplikasyon sa sarili niya. |
Sa ibang mga pananalita , ang - 1 ( o ibang negatibong mga bilang ) ay walang totoong ugat na kuwadrado. |
Upang matugunan ang suliraning ito , ipinakilala ng mga matematiko ang numerong imahinaryong tinawag na i. |
Ang imahinaryong bilang na iyan ang magbibigay ng - 1 kapag kinuwadrado ( nangangahulugan ang " kinuwadrado " na " pinadami sa pamamagitan ng sarili " o dumaan sa multiplikasyon sa pamamagitan ng sarili ). |
Ang unang mga matematiko nakaisip nito ay maaaring sina The first Gerolamo Cardano at Raffaele Bombelli. |
Namuhay sila noong ika - 16 na daantaon. |
Maaaring si Leonhard Euler ang nagpakilala ng pagsulat ng i { \ displaystyle \ mathrm { i } } para sa ganyang bilang. |
Maaari nang maisulat ang bilang na masalimuot na a + b i { \ displaystyle a + bi } ( o a + b [?] i { \ displaystyle a + b \ cdot i } ) , kung saan ang a ay tinatawag na tunay na bahagi ng bilang , at ang b ay tinatawag na bahaging kathang - isip o imahinaryo. |
Sa pangkaraniwan , isinusulat ang masalimuot na numero bilang teoriyang pampangkat na ( a , b ). |
Kapwa tunay na mga bilang ang a at ang b. |
Ang alin mang tunay na bilang ay maaaring payak na isulat bilang a + 0 [?] i { \ displaystyle a + 0 \ cdot i } o bilang isang pangkat na ( a , 0 ). |
Maaari sa mga bilang na masasalimuot ang adisyon , subtraksiyon , multiplikasyon , dibisyon ( basta 't hindi sero ang dibisor o panghati ) , at eksponensiyasyon ( pagtataas ng mga bilang sa eksponente ). |
May ilang mga kalkulasyon na maaari ring magawa para sa mga bilang na masasalimuot. |
Ang pangkat ng lahat ng mga bilang na masasalimuot ay karaniwang isinusulat na C. |
Pamantasang Pangkompyuter ng AMA |
Ang AMA Computer University ( AMACU ) ay isang pamantasang matatagpuan sa Project 8 , Lungsod Quezon , Pilipinas. |
Ito ay sumasalaw sa pagtuturo ng mga teknolohiyang elektronik , impormasyon , at komunikasyon. |
Ito ay isa sa mga tatak pangkalakal ng AMA Education Group. |
Gumagamit ito ng kalendaryong trimestral , kung saan ang isang typikal na apat na taong programang pangkolehiyo sa kalendaryong semestral ay matatapos lamang ng 3 taon at 3 buwan. |
Ang AMA Education Group ay kinikilalang isa sa paaralang pinakamabilis umangat na may 3000 - 4000 na mga nagsitapos. |
Kaso ito rin ang may pinakamababang antas ng tiwala ng mga mag - aaral at alumni dahil wala pa sa 100 ang lalahok sa mga homecoming at ibang progama ng paaralan. |
Ang AMA Computer University ay tinatag ni Amable M. Aguiluz , Sr. Ang kanyang anak , Dr. Amable R. Aguiluz V , ay naisipang ipatupad ang hiling ng ama para maintindihan ng mamimili ang halaga at gamit ng mga komputer. |
Tinatag ni Aguiluz V ang AMA Institute of Computer Studies na kung saan ang unang silid - aralan ay tinayo sa Shaw Boulevard noong 20 Oktubre 1980. |
Kabilang sa mga inalok AMA Institute of Computer Studies ay ang mga short - term courses tulad ng Electronic Data Processing Fundamentals , Basic Programming , at Technology Career. |
Tanging 13 na mga mag - aaral ang nagenrollsa unang semester. |
Nabuo ang AMA Computer College noong Hunyo 1981. |
Sa panahong ito pinalawak nito ang agham sa kompyter sa pamamagitan ng pagalok ng apat na taong kursong " Bachelor of Science degree in Computer Science ". |
Mula sa 13 naging 600 ito noong 1983 at 2,000 noong 1985 ng tinayo ito bayan ng Makati. |
At noong 1987 , tinayo ang sentro ng paaralan sa Quezon City. |
Tinayo ang unang paaralan sa Cebu at Davao. |
Sa pagpasa ng kongreso ng Philippine Higher Education Act noong 1994 , binigyang laya ang mga pribadong paaralan sa pagtatakda ng halaga ng mga bayarin sa edukasyon. |
Sinimulan ng AMA ang agresibong pagkampanya at pagmamarketing. |
Dito nasolusyonan nito ang mababang bilang mga enrollees. |
At dito nagsimula ang pagiging kapitalista ng mga paaralan. |
Sa pagasenso ng AMACC ay nabuo ang mga maliliit na mga paaralan nito tulad ng AMA Computer Learning Center ( ACLC ) noong 1986 at AMA Telecommunication & Electronic Learning Center noong 1996. |
Ang AMA Computer College sa Lungsod Quezon ay sinertipikahan ng SGS o Societe Generale de Surveillance International Certification Services Canada , Inc. |
Ang certification ay pormal na ginawaran ng SGS - ICS ang tatak na ISO - 9001 noong Marso 1999. |
Ngunit mahalaga rin na mapanatili ng paaralan ang systema nito dahil dumadaan ito sa pagsusulit ng SGS tuwing 6 na buwan. |
Ang AMACC sa Lungsod Quezon ay ginawaran ng titulo bilang Pamantasan ng Commission on Higher Education ( CHED ) noong 20 Agosto 2001. |
Ang AMA Computer College ng Quezon City ay naging AMA Computer University. |
Noong 2004 , ang AMA Computer University ay lumagda ng kasunduan sa Carnegie Mellon University para sa pagpapalaganap ng programa nitong iCarnegie sa pamamagitan ng paggamit ng e - learning sa curriculum ng AMA. |
Ito ay naging kontrobersiyal dahil ang dating kasunduan ng CMU ay pinirmahan ng karibal na paaralang STI. |
Hindi pinahintulutan ng Commission on Higher Education ( CHED ) ang ibang AMA campuses pa panggamit ng titulong " Pamantasan " ay pinapayagan lamang na gamitin ang titulong of " Kolehiyo " o " Institute " dahil hindi pa pumapasa ang mga paaralang ito sa mga pamantayan ng CHED. |
Naging kontrobersiyal ang AMA dahil sa pagpalit sa maraming guro ng mga kompyuter. |
Ang layunin ng AMA ay para ipalaganap ang paggamit ng e - Learning. |
Ngunit pinsiya ng ilang konsehal sa ilang branches nito na ang e - Learning ay supplementary lamang. |
Ang Nursing School ng AMA Group ay hindi pinayagan ng CHED na mag - operate dahil hindi sumunod ang paaralan sa pamantayan ng ahensiya. |
Inapela ito ng AMA sa Pangulong Gloria Arroyo at dahil dito nagbitiw ang Chairman nito na si Rolando dela Rosa. |
Ilan din sa maliliit na branches ng AMACC at ACLC ay di akreditado ng CHED. |
Dito nagdulot ng kalituhan sa ilang mga graduate nito sa ECE at Accountancy na hindi pinayagang magsulit sa pagkuha ng lisensiya sa Professional Regulations Commission ( PRC ). |
College of Computer Studies. |
College of Engineering. |
College of Business Administration and Accountancy. |
College of Arts and Sciences. |
College of Education. |
Ang AMA Computer University ay may programang pang pre - school , elementarya , at high school sa tatak - kalakal bilang St. Augustine International School. |
Ang Kagawaran ng Edukasyon ang nag sumisiyasat sa programang ito. |
Ang AMA Education Group ay nagplaplano na sa pagtayo ng isang maluwag na campus , at pinangalanan itong University Town. |
Bilang selebrasyon ng ika - 30th na taon nito in 2010 , ang AMA Computer University Town ay itatayo sa 50 - hektayang lupa sa General Trias , Cavite. |
Hinango ito sa ibang pamantasan sa Europa at Amerika na nalalayong makakuha ng ligtas at masyang kapaligiran. |
Calumpit |
Ang Calumpit ( pagbigkas : ka * lum * pit ) ay isa sa mga munisipalidad ng lalawigan ng Bulacan na matatagpuan sa Region III o Gitnang Luzon. |
Ito ay nasa hilaga ng Hagonoy , timog ng Pulilan , kanluran ng Malolos at silangan ng Apalit. |
Ang Calumpit ay nagmula sa pangalan ng matibay na punong mayabong at madami na matatagpuan sa harapan ng simbahan ng bayang ito. ang Calumpit ay estabilasadong ng barangay bago pa man dumating ang mga Kastila. |
Ito ay nasa ilalim ng pamumuno ni Gat Maitim. |
Ang mga sumuunod ay mga barangay ng Calumpit :. |
Coordinates : 14 deg 54 ' 58 ' ' N 120 deg 45 ' 58 ' ' E / 14.916 deg N 120.766 deg E / 14.916 ; 120.766. |
Halik |
halikan. |
Ang halik o paghalik ay ang pagdampi ng mga labi ng isang tao sa ibang lugar , na ginagamit bilang pagpapahayag ng damdamin , paggalang , pagbati , pamamaalam , paghiling ng kabutihang kapalaran , damdaming romantiko , o pagnanasang seksuwal. |
Naging kasingkahulugan din ito ng dampi , beso , at besu - beso. |
At kaugnay ng mga salita o pariralang dapuan ng halik , iduop , at sagian ng halik. |
Naghahalikan o nagbibigay ng halik ang bawat isang tao sa pamamagitan ng pagdirikit ng kanilang mga labi at ng kanilang mga bibig. |
Iba - iba ang kahulugan ng halik sa sari - saring mga kalinangan. |
Sa mas karaniwan , naghahalikan ang mga tao upang magpakita ng pagmamahal o pag - ibig at damdamin para sa isa 't isa. |
Kung minsan , nagpapalitan ng halik ang mga tao bilang tanda ng pagkakaibigan o pagiging magkaibigan. |
Kung minsan din , nagiging isa itong ritwal ng pagbati o batian. |
Maraming mga gawi ng paghalik. |
Maaaring humalik ang tao sa pisngi o mga pisngi bilang pagbati , o upang magpaalam na. |
Naiiba ang tinatawag na halik na Pranses ( kilala sa Ingles bilang French kiss ) , sapagkat kinasasangkapan ito ng pagdirikit o pagdarampi ng mga dila ng tao habang naghahalikan. |
Karaniwan itong tinatanaw na tanda ng pagiging matalik o pagmalapit ( intimasidad ) ng dalawang tao kaysa ibang anyo o gawi ng paghahalikan. |
Maraming mga tao ang tumitingin o tumuturing sa halik bilang isang galaw o kilos na erotiko. |
Gumapang Ka Sa Lusak |
Ang Gumapang Ka Sa Lusak ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network. |
Asukal |
Sa pangkalahatang gamit , ang asukal ay tumutukoy sa sucrose , tinatawag din na saccharose , isang disaccharide na may puting mala - kristal na solido. |
Ito ang pinakakaraniwang ginagamit na asukal upang palitan ang lasa at katangian ng mga inumin at pagkain. |
Kinukuha sa tubo o sugar beet ang mga asukal na binibenta sa mga pamilihan. |
Ang , s , ay isang titik ng alpabetong Latin , ito ay inanyo mula sa titik na S na may swash tail. |