text
stringlengths
0
7.5k
Ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Mindanao na may sukat na 104,630 kilometro kwadrado , at ikawalang pinakamataong pulo sa buong daigdig.
Higit na malaki ang pulo ng Mindanao kaysa sa 125 mga bansa sa daigdig , kabilang ang Netherlands , Austria , Portugal , Czech Republic , Hungary , at Ireland.
Ang pulo ay bulubundukin , at kung saan matatagpuan ang Bundok Apo , ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
Napalilibutan ng 4 na dagat ang Mindanao : ang Dagat Sulu sa kanluran , Dagat Pilipinas sa silangan , Dagat Celebes sa timog , at Dagat Mindanao sa hilaga.
Sa lahat ng mga pulo sa Pilipinas , Mindanao ang may pinakamalawig ang pagkakaiba - iba ng pisyograpikong katangian.
Ang pangkat ng pulo ng Mindanao ay sinasaklaw ang pulo ng Mindanao kasama ang Kapuluan ng Sulu sa timog kanluran.
Ang pangkat ng mga pulo ay nahahati sa anim na rehiyon , na hinati pa sa 26 na lalawigan.
Ang grupong ito ng Mindanao ay isang arbitraryong lupon ng mga pulo sa timogang bahagi ng Pilipinas na kinabibilangan ng anim na rehiyong administratibo.
Ang mga rehiyong ito ay nahahati sa 25 mga lalawigan , kung saan apat lamang sa mga ito ay wala sa mismong isla ng Mindanao.
Kasama sa grupo ang Kapuluang Sulu sa timog - kanluran , kinabibilangan ng mga pangunahing isla ng Basilan , Jolo , at Tawi - Tawi , pati ng mga nakaratag na mga isla sa kalapit nito tulad ng Camiguin , Dinagat , Siargao , Samal , at Mga Isla ng Sarangani.
Ang anim na rehiyon ay ang mga sumusunod :.
Peninsula ng Zamboanga ( Rehiyon IX ) , dating Kanlurang Mindanao , ay matatagpuan sa tangway ng mismong pangalan.
Ito ay binubuo ng mga probinsiya ng Zamboanga del Norte , Zamboanga del Sur , Zamboanga Sibugay , at ng dalawang lungsod - - Syudad ng Zamboanga at Syudad ng Isabela - - na hindi sakop ng alinmang lalawigan.
Ang Syudad Isabela ang tanging teritoryong wala sa mismong isla ng Mindanao , ito ay nasa Basilan.
Ang administratibong kabisera ng rehiyon ay ang Lungsod ng Pagadian.
Ang buong rehiyon ay iisang probinsiya dati na tinawag na Zamboanga.
Hilagang Mindanao ( Rehiyon X ) ay binubuo ng mga probinsiya ng Bukidnon , Camiguin , Lanao del Norte , Misamis Occidental , at Misamis Oriental.
Ang lalawigan ng Camiguin ay isa ring pulo sa may hilagang baybayin.
Ang sentrong administratibo ng rehiyon ay Cagayan de Oro.
Davao ( Rehiyon XI ) , dating Timog Mindanao , ay matatagpuan sa timog - silangang bahagi ng Mindanao.
Ang rehiyon ay nahahati sa mga lalawigan ng Davao Oriental , Davao , Davao del Sur , at Lambak Compostela ; kasama pati ang Lungsod ng Davao.
Ang Golpo ng Davao ay nasa timog at ang isla ng Samal sa golpo ay kabilang din sa rehiyon , pati ang Mga Isla ng Sarangani.
Ang Lungsod ng Davao ang sentrong administratibo.
SOCCSKSARGEN ( Rehiyon XII ) , dating Gitnang Mindanao , ay matatagpuan sa timog - gitnang bahagi ng isla.
Binubuo ito ng mga probinsiya ng Cotabato , Sarangani , Timog Cotabato , at Sultan Kudarat , kasama ang Lungsod ng Cotabato.
Ang pangalan ng rehiyon ay isang acronym ng mga pangalan ng mga probinsiya nito kasama ang Lungsod General Santos.
Ang Lungsod ng Cotabato , na matatagpuan sa loob ng lalawigan ng Maguindanao ngunit hindi kabilang sa nasabing probinsiya , ay ang sentro administratibo ng rehiyon.
Caraga ( Rehiyon XII ) ay matatagpuan sa hilagang - kanlurang parte ng Mindanao.
Ang kanyang mga probinsiya ay Agusan del Norte , Agusan del Sur , Surigao del Norte , at Surigao del Sur.
Ang sentro administratibo ay ang Lungsod ng Butuan sa Agusan del Norte.
Kabilang sa rehiyong ito ang mga nakaratag na isla ng Surigao del Norte tulad ng Isla ng Dinagat , Isla ng Siargao , at Bucas Grande.
Ang Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao ( BARMM ) ay isang espesyal na rehiyon na kinabibilangan ng mga teritoryo kung saan ang mayoriya ng populasyon ay moro.
Kasama dito ang halos buong Kapuluang Sulu ( ang Syudad ng Isabela ng Basilan ay bahagi ng rehiyong Peninsula ng Zamboanga ) at dalawang probinsiya sa isla ng Mindanao.
Ang mga lalawigang bumubuo sa Kapuluang Sulu ay Basilan , Sulu , at Tawi - Tawi.
Ang Basilan at Tawi - Tawi ang mga pangunahing isla ng kanilang mga lalawigan , Isla ng Jolo naman ang sa Sulu.
Ang mga probinsiya sa mismong isla ng Mindanao ay ang Lanao del Sur at Maguindanao.
Ang sentro administratibo ng rehiyon ay ang Lungsod ng Cotabato.
Silipin din Mga Rehiyon ng Pilipinas , Mga Lalawigan ng Pilipinas , Luzon , at Visayas.
Armenia
Ang Republika ng Armenya ( Armenian : Hayastan , Hayastan , o Hayq ) ay isa sa tatlong bansang sa katimugang Caucasus , sa pagitan ng Dagat Itim ( Black Sea ) at ng Dagat Caspian.
Pinalilibutan ito ng Turkey sa kanluran , Georgya sa hilaga , Azerbaijan sa silangan , at ng Iran at Naxichevan ( Naxcivan ) , isang bahagi ng Azerbaijan , sa timog.
Ang Armenya ay kasapi sa Council of Europe at ng Commonwealth of Independent States ( CIS ) - Mga bansa na dating kasapi ng nabulwag na Unyong Sobyet.
Ang Armenya ay nahahati sa sampung lalawigan ( marzer , kapag isa marz ) , na ang lungsod ( kaghak ) ng Yerevan ( Erewan ) bilang may natatanging kalagayang pang - administratibo dahil sa pagiging kabesera ng bansa.
CIS.
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa.
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
Rodriguez , Rizal
Ang Rodriguez ( na dating kilala bilang Montalban ) ay isang unang klaseng munisipalidad sa lalawigan ng Rizal , Pilipinas.
Ito ang pinakahilagang bayan ng lalawigan at dumarating pagkaraan ng San Mateo , kapag magmumula sa Kalakhang Maynila.
Nakalagak ang bayan sa mga libis ng nasasaklawan ng bulubundukin ng Sierra Madre at nagtataglay ng maraming mga pasyalang pook.
Ito rin ang pinakamalaking bayan sa lalawigan ng Rizal.
Ayon sa senso ng 2007 , mayroong itong populasyong 187,750 ( 115,167 katao sa 24,524 kabahayan noong senso ng 2000 ).
Sinasabing naganap ang alamat ni Bernardo Carpio sa bulubundukin ng Montalban.
Naglalahad ang alamat ng kuwento hinggil sa isang higanteng hindi makaalis mula sa pagitan ng dalawang bundok.
Sa patuloy na paglawak ng Kalakhang Maynila , kabilang na ngayon ang lungsod sa binuong pook ng Maynila na umaaabot sa Cardon na nasa pinaka kanlurang bahagi nito.
Pangkasalukuyang pinamumunuan ang Rodriguez ng alkaldeng si Cecilio " Elyong " Hernandez.
# # Nanilbihan bilang municipal president.
Nahahati ang Rodriguez sa 12 mga baranggay ( 8 urbano , 4 na rural ) :.
Mga comune ng Ain
Narito ang isang talaan ng mga 419 comune ng Ain , France.
Lemlunay
Ang Lemlunai o Lemlunay ay isang pagdiriwang na isinasagawa ng mga tribo ng mga taong T 'boli.
Nagaganap ito mula ika - 16 hanggang ika - 18 ng Setyembre taun - taon sa munisipalidad ng Lake Sebu sa Timog Cotabato.
Wikang Phowa
Ang wikang Phowa ay isang wikang sinasalita sa Tsina.
Panulaan
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba 't ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.
Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.
Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.
Karaniwan itong wawaluhin , lalabindalawahin , lalabing - animin , at lalabing - waluhing pantig.
Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay.
May tugma at sukat.
Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
May apat na mga uri ang tula.
Kabbalah
Kabbalah , binabaybay ding Kabbala , Qabbalah o Qabala ( Ebreo : qaba'lah , literal na " pagtanggap " ) ay isang disiplina at pag - aalan ng kaisipan na nakatuon sa mistikong aspekto ng Hudaismong Rabiniko.
Isa itong pangkat ng mga esoterikong pagtuturo upang ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng walang - hanggan at mahiwagang Manlilikha at ng mortal at may - hangganang sansinukob o uniberso na kanyang nilikha.
Habang labis na ginagamit ito sa ilang mga denominasyon , hindi ito isang denominasyon sa loob at ng sarili nito ; isa itong pangkat ng mga eskritura o kasulatan na umiiral sa labas ng tradisyunal na Kasulatang Hudyo.
Hinahanap ng Kabbalah ang kalikasan ng santinakpan at ng tao , ang kalikasan at layunin ng pag - iral , at sari - sari pang mga katanungang ontolohiko.
Inihaharap din nito ang mga paraan upang makatulong sa pag - unawa ng mga konseptong to at ng sa gayon ay makamit ang pagkawaring pang - espiritu.
Orihinal na umunlad ang Kabbalah sa loob ng nasasakupan ng kaisipan ng Hudaismo at madalas na gumagamit ng klasikong mapapagkunang panghudyo upang ipaliwanag at ipakita ang mga pagtuturong esoteriko.
Kung gayon ang mga pagtuturong ito ay pinanghahawakan ng mga kabalista upang ilarawan ang panloob na kahulugan ng Tanakh ( Bibliyang Hebreo ) at tradisyunal na panitikang rabiniko , pati na ang pagpapaliwanag ng kahalagahan ng panghudyong Halakha o pagsasagawang pangpananampalataya.
Hidetoshi Wakui
Si Hidetoshi Wakui ( ipinaganak Pebrero 12 , 1983 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Oprah Winfrey
Si Oprah Gail Winfrey ( ipinanganak noong Enero 29 , 1954 ) ay isang Aprikanang - Amerikanang negosyante at aktres.
Nagmamay - ari siya ng ilang mga aklat , magasin , at mga pelikula , bilang karagdagan sa kanyang palabas sa telebisyong may usapan na The Oprah Winfrey Show , na sumasahimpapawid na sa buong Estados Unidos mula pa noong Setyembre 8 , 1986.
Hans Christian Orsted
Si Hans Christian Orsted ( 14 Agosto 1777 - 9 Marso 1851 ) ay isang pisiko at kimikong taga - Denmark.
Kilala siya sa pagtuklas ng kaugnayan ng elektrisidad at magnetismo na kilala bilang elektromagnetismo.
Raha Humabon
Si Raha Humabon ay ang Raha ng Cebu sa panahon ng pagdating ni Fernando de Magallanes sa Pilipinas noong 1521.
Ayon sa mga salaysay ng Kastila at Pilipinas , si Raha Humabon ang una sa mga katutubong hari ng Pilipinas na nakonberte sa Romano Katoliko matapos na siya , ang kanyang asawa at ilang mga tao ng Cebu ay nabautismuhan sa Romano Katolisismo ng pari ni Magallanes.
       p
  
L         Q  f         ~ $ y ]