text
stringlengths
0
7.5k
Ipinanganak sa Pilar , Sorsogon noong 7 Abril 1939 , at supling nina Regino Brocka at Pilar Ortiz.
Nang mamatay ang kanyang ama , lumipat sila sa tirahan ng kanyang ina sa San Jose , Nueva Ecija.
Mula sa kanyang pagkabata ay nagsimula na ang kanyang pagkahilig sa sining nang mag - aral siya at maging isa sa pinakamahusay pagdating sa pagtula sa kanilang lugar.
Mula rito ay naisipan niyang bumuo ng isang organisasyon na aarte at magtatanghal sa kanilang komunidad.
Nang kumuha siya ng Batsyiler ng Sining sa Pantitikang Inggles sa Pamantasan ng Pilipinas , naging aktibo pa rin siya sa pag - arte ng sumali siya sa Pangkat Dramatiko ng UP.
Ngunit nahirapan siyang makakuha ng mga gaganapin dahil na rin sa kanyang pagsasalita at sa punto at sa kanyang kaliitan.
Kaya naman para manatili pa rin sa samahang ito , nagpaubaya na siya at pinili na lamang na asikasuhin ang pag - aayos sa pagtatanghalan at pati na rin ang pag - iilaw.
Pagkatapos nito , naging misyonaryo siya sa Mormon sa loob ng dalawang taon at namalagi sa Hawaii.
Ang pinakaunang pelikula na ginawa niya ay ang Wanted : Perfect Mother , ang ipinanlaban ng Lea Productions sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Maynila.
Ang pelikulang ito ay naging matagumpay , sa takilya at maging sa nilalaman.
Nasundan ito agad ng Santiago ( 1970 ) , na nagbigay kay Hilda Koronel ng kanyang unang pagkilala bilang isang aktres , at Tubog sa Ginto ( 1970 ) , na naglayo kay Eddie Garcia sa mga kontrabidang karakter nang gumanap siya rito bilang isang bakla.
Sa mga sumunod na dalawang taon , si Brocka ay naging direktor ng iba pang pelikula para sa Lea : Stardoom ( 1971 ) ; Lumuha Pati mga Anghel ( 1971 ) ; Cadena de Amor ( 1971 ) ; Now ( 1971 ) ; Villa Miranda ( 1972 ) ; at Cherry Blossoms ( 1972 ).
Noong 1974 , nagtayo siya ng sarili niyang kompanya , ang Cinemanila , na kahati ang kanyang mga kaibigan.
Siya ang prodyuser at direktor ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang ( 1974 ) at Tatlo , Dalawa , Isa ( 1974 ).
Hindi naging malakas ang pagpoprodyus kaya naisipan niyang ipagpatuloy na lamang ang pagiging direktor para sa ibang kompanya ng pelikula , kabilang na ang Maynila : Sa mga Kuko ng Liwanag ( 1975 ) , Inay ( 1977 ) , Hayop sa Hayop ( 1978 ) , Init ( 1978 ) , Rubia Servios ( 1978 ) , Ina , Kapatid , Anak ( 1979 ) , Kontrobersiyal ( 1981 ) , Hello , Young Lovers ( 1981 ) , Caught in the Act ( 1981 ) , PX ( 1982 ) , at Cain at Abel ( 1982 ).
Taong 1977 nang siya ay maanyayahan na ipakita ang kanyang pelikulang Insiang sa Directors ' Fortnight sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Cannes sa Pransiya.
Nasundan ito ng Jaguar sa 1980 Cannes , at ng Bona , muli sa 1981 Directors ' Fortnight.
Ang pelikula naman niyang Angela Markado ay inilaban at nagwagi bilang Best Picture sa ginanap na Paligsahan ng mga Pelikula sa Nantes.
Noong 1984 nang ipakita ang Bayan Ko : Kapit sa Patalim sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Cannes , at nanalo bilang Pinakamahusay na Pelikula ng British Film Institute.
Ang isa pa niyang pelikula , Orapronobis ( 1989 ) , na nagtalakay ng pang - aabuso ng militar matapos ang Rebolusyong EDSA ng 1986.
Ginawa niya rin ang How are the Kids ? , isang malawakang pelikula kasama ang isang Pranses na direktor , Jean - Luc Godard , at iba pa.
Naging isa rin siya sa mga hurado sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Bagong Delhi at sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Cannes noong 1986.
Bukod dito , napili rin siya bilang isa sa sampung pinakamahusay na direktor ng dekada 80 's sa 1986 Paligsahan ng mga Pelikula ng Toronto.
Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas , sumali siya sa Kapisanan ng Tanghalang Pang - edukasyon ng Pilipinas ( PETA ).
Dito ay gumanap siya sa ilang mga pagtatanghal ng organisasyon , nagsulat , naging kanang kamay ng direktor , at bandang huli ay naging direktor na rin.
Kabilang sa kanyang mga naidirek na pagtatanghal ay Tatlo ( 1973 ) ; Mga Ama , Mga Anak ( 1977 ) ; Larawan ( 1969 at 1979 ) ; at Pusa sa Yerong Bubong ( 1980 ).
Gumanap din siyang bida sa pagtatanghal na idinirek ni Orlando Nadres , and Hanggang Dito na Lamang at Maraming Salamat ( 1975 ).
Noong 1974 , naging ehekutibong direktor siya ng PETA.
Isinulat niya at idinerek ang ilang mga bahagi ng Balintataw na pinangunahan ng malalaking artista.
Nagkaroon din siya ng iba pang mga palabas sa telebisyon tulad ng Lino Brocka Presents ; Hilda , Tanghalan ; Maalaala Mo Kaya ? ; at Biktima ng Ligaw na Sandali.
Ang kanyang pagtuligsa laban sa pagpapatigil sa malayang pagpapahayag ng kanilang ideya ang nagtulak sa kanya na dalhin pa hanggang sa lansangan at sumali sa panibagong samahan , ang Free the Artist Movement , na nang kalaunan ay mas nakilala bilang Mga Nag - aalalang Artista ng Pilipinas ( CAP ).
Bilang kritiko ng administrasyong Marcos , walang takot niyang ipinarinig ang kanyang boses at saloobin.
Noong 1985 , naaresto siya kasama ang kapwa direktor na si Behn Cervantes dahil sumali sila sa pag - aaklas na ginawa ng mga tsuper ng dyipni.
Nang italaga naman siya ng dating Pangulong Corazon Aquino bilang kasapi ng 1986 Kumbensiyong Konstitusyonal , mas pinili niyang iwanan ito at sumama sa protesta laban sa naging pasiya ng Kumbensiyon patungkol sa isyu ng reporma sa lupa.
Nasama si Brocka sa Bulwagan ng Katanyagan ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences ( FAMAS ) noong 1990 matapos siyang mabigyan ng Gumapang Ka sa Lusak ng panlimang gawad bilang pinakamahusay na direktor.
Nagkamit siya ng apat pang karangalan para sa Tubog sa Ginto ; Tinimbang Ka Ngunit Kulang ; Maynila , Sa mga Kuko ng Liwanag ( 1975 ) ; at Jaguar ( 1979 ).
Ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino ( MPP ) ay binigyan siya ng karangalan mula sa Gawad Urian bilang pinakamahusay na direktor para sa Jaguar.
Nagkaroon siya ng dalawa pang karangalan bilang pinakamahusay na direktor mula sa Akademiya ng Pelikula ng Pilipinas ( FAP ) para sa Bayan Ko : Kapit sa Patalim at Gumapang Ka sa Lusak.
Ang Katolikong Gawad para sa Mediang Pangmadla ( CMMA ) ay napili rin siya bilang pinakamahusay na direktor para sa pelikula niyang Miguelito , Ang Batang Rebelde ( 1985 ).
Ang Pangkat ng Pamamahayag sa Pelikulang Pilipino ( PMPC ) ay ipinarangal sa kanya ang 1990 Director of the Year Star Award para sa Gumapang Ka sa Lusak.
Nanalo rin siya ng dalawang pinakamahusay na direktor na karangalan sa taunang Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila ( MMFF ) para sa Ina Ka ng Anak Mo ( 1979 ) at Ano ang Kulay ng Mukha ng Diyos ? ( 1985 ).
Tumanggap rin si Brocka ng 1985 Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag , Panitikan , at Sining sa Malikhaing Komunikasyon ; 1989 Gawad CCP para sa Sining Pampelikula ; at 1990 Gawad Pang - alaala kay Lamberto Avellana.
Ilang taon mula ng kanyang pagpanaw sa isang aksidente noong 21 Mayo 1991 sa Lungsod Quezon , binigyan siya ng 1992 Gawad na Pambuung Buhay ng Tagumpay ng FAP.
Bukod pa rito ang postumong pagkilala sa kanya bilang isang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula.
Note Kasinungalingan lahat ng ito.
Herusalem
Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan , na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea , sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay.
Isa ito sa pinakamatandang lungsod sa buong mundo , at itinuturing banal ayon sa tatlong pangunahing relihiyong Abraamiko - - Hudaismo , Kristiyanismo at Islam.
Parehong inaangkin ng Israel at ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang kabisera.
Lahat ng punong tanggapan ng bansang Israel ay nasa lungsod , samantalang nakikita ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang luklukan ng kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.
Ngunit , hindi kinikilala ang pahayag ng dalawang bansa ukol sa lungsod ng iba pang mga bansa.
Ayon sa Bibliya , sinakop ni Haring David ang lungsod mula sa Hebusito at itinatag ito bilang kabisera ng Kaharian ng Israel , at ang kanyang anak na si Salomon , ang nagpaggawa ng Unang Templo.
Ang panlungsod na konseho ng Herusalem ay binubuo ng 31 binotong mga kasapi at pinamumunuan ng alkalde , na naglilingkod ng limang taon at nagtatalaga ng walong kinatawan.
Ang mga kasapi sa panlungsod na konseho ay boluntaryo ang pagtatrabaho at walang natatanggap na suweldo.
Ang pinakamatagal na namuno bilang alkalde ng Herusalem ay si Teddy Kollek , na namuno ng 28 taon ( anim na magkakasunod na termino ).
Ang Herusalem ay sagrado sa Hudaismo sa loob ng 3,000 taon , sa Kristiyanismo ng 2,000 taon , at sa Islam ng 1,400 taon.
Unibersidad ng Tripoli
Ang Unibersidad ng Tripoli ( UOT ) ( Arabe : jm` Trbls , Ingles : University of Tripoli ) , ay ang pinakamalaking unibersidad sa Libya at matatagpuan sa kabisera ng Tripoli.
Ito ay itinatag noong 1957 bilang isang sangay ng University of Libya bago ito nahahati noong 1973 upang maging kung ano ang kilala na ngayon bilang ang Unibersidad ng Tripoli.
Ang unibersidad ay naggagawad ng undergraduate , graduate at postgradweyt na mga kwalipikasyon ng pag - aaral.
Sinolohiya
Sa pangkalahatan , ang Araling Intsik , Araling Tsino , o Sinolohiya ( Ingles : Chinese studies , Sinology ) ay ang pag - aaral ng o hinggil sa bansang Tsina at mga bagay - bagay na may kaugnayan sa Tsina , subalit maaari ring tumukoy sa pag - aaral ng wika at panitikang klasiko , at ang pagharap na pilolohikal.
Ang pinagmulan nito ay maaaring bakasin sa pagsusuri na isinagawa ng mga iskolar na Intsik hinggil sa kanilang sariling kabihasnan.
Sa ibang pananalita , ang Sinolohiya ay ang pag - aaral ng mga wika at kulturang Intsik na kasama ang kaugnayan at paghahambing sa pagitan ng Tsina at iba pang mga kalinangang Asyano.
Sa diwang pang - etimolohiya , ang Sino - ay hinango magmula sa Panghuling Latin na Sinae , na nagmula sa Griyegong salitang Sina o Sinae na may kahulugang Tsina , na nagbuhat naman magmula sa Arabeng Sin , na maaaring nahango mula sa Qin na tumutukoy sa Dinastiyang Qin.
Samantala ang Sino - ay dinugtungan ng Griyegong salitang - lohiya na nagmula sa - logia na nangangahulugang tratado , pag - aaral , o agham.
Kazuhiko Kato
Si Kazuhiko Kato ay isang mang - aawit mula sa bansang Hapon.
Aklat ni Jeremias
Ang Aklat ni Jeremias , Sulat ni Jeremias , o Aklat ni Jeremiah ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya.
Ang propetang si Jeremias ang sumulat nito , isang lalaking may malambot na kalooban at labis na pagmamahal sa kanyang mga kababayan.
Sinasabing si Jeremias ay nabuhay noong ika - 7 hanggang ika - 6 siglo BCE noong pananakop ng Babilonya sa Judah na kalaunang ipinatapon sa Babilonya.
Ayon sa mga skolar , ang Aklat ni Jeremias ay binago at naimpluwensiyahan ng mga Deuteronomista o mga manunulat ng Aklat ng Deuteronomio na nagsulong ng pagbabagong panrelihiyon.
Ito ay maliwanag na makikita sa magkatulad na mga wikang matatatagpuan sa parehong Deuteronomio at Jeremias.
Halimbawa , sa paghahambing ng Jer 11.4 at Deut 4.20 , ang parehong aklat ay gumamit ng metaporang bakal na pugon.
Gayundin , ang impetus para sa pagbabagong pangrelihyon ay lumilitaw na magkalinya sa parehong aklat ng Deutronomio at ng Jeremias sa pagwawakas ng paghahandog ng mga sanggol ( Jer 7.31 , 19.5 , 32.35 ; Lev 18.21 ).
Gayunpaman , pinagtatalunan pa rin ng mga skolar kung ang manunulat ng Aklat ni Jeremias ay aktuwal na kasapi ng eskwelang Deuteronomistiko dahil hindi niya hayagang binanggit ang Deuteronomio o ang reporma ni Josias , Sa katunayan , dahil sa paulit ulit na kalikasan ng ilang mga parirala o intertekstuwalidad kay Jeremias , ang isang argumento ay isinulong na ang " historikal na Jeremias " ay mahirap patunayan at dapat abandonahin.
Ipinanganak si Jeremias sa Anatot , sa silangan ng Herusalem , noong 650 BCE.
Inangkin ni Jeremias sa Jer.
1 : 5 na bago pa siya ipinganak ay hinirang na siya ng diyos na maging propeta sa mga bansa.
Anak siya ng paring si Helcias , at kabilang sa lipi ni Benjamin.
Si Jeremias ang isa sa higit na kilalang propetang nasa Lumang Tipan ng Bibliya.
Tinawag siya ng Diyos sa tungkulin ng pagkapropeta habang nasa kabataan pa , noong mga 626 BK hanggang 627 BK , panahon ng ikalabintatlong paghahari ni Josias.
Hindi niya gustong magpahayag ng kahatulan sa kaniyang mga kababayan ngunit kinakailangan.
Inihayag din niya sa pamamagitan ng librong ito ang kaniyang mga " pagsigaw ".
Sa maraming bahagi ng aklat , inilahad din niya ang kaniyang mga paghihirap at pagtitiis dahil sa pagkakahirang sa kaniya ng Diyos bilang isang propeta.
Nilarawan ang damdaming ito ni Jeremias sa mga katagang " ang salita ng Panginoon ay parang apoy sa kanyang puso ; hindi niya ito masugpo.
" Isa ang aklat na ito sa mga pinakamakapangyarihang mga naisulat na paglalahad at " paghiyaw " hinggil sa kapangyarihan ng Diyos at ang obligasyon ng mga taong sundin ang Diyos.
Sa pamamagitan ng kagalingan sa pagsasalita , bagaman nakatanggap ng mga banta ng paghuhusga at pagkapahamak , hinikayat niya ang kaniyang mga mamamayan para magsipagbago sa kanilang mga kaasalang pangmoralidad , habang ipinapahayag ang kabutihan at kapangyarihan ng Diyos na kaniyang panginoon.
Binigyan niya ng babala ang mga tao ng Juda hinggil sa pagsamba sa mga anito o diyus - diyosan , hinikayat niya ang mga itong magsipanumbalik sa kawastuhan , at magtanim ng kalinisan ng budhi at puso.
Bilang babala , sinabi ni Jeremias na kung hindi gagawin ito ng kaniyang mga mamamayan , sasapitin nila ang isang trahedya.
Subalit , dumating ang pagkagalit ng mga Hudyo kaya 't napakulong si Jeremias.
Hindi siya napabilang sa mga naging dalang - bihag patungong Babilonya , ngunit sa lumaon may isang pangkat ng mga nagsipagbalak ng masama laban kay Jeremias ang nagdala sa kaniya sa Ehipto.
Sa Ehipto nagtapos ang salaysayin hinggil sa kaniyang buhay.
Hindi natitiyak kung ano ang kinahinatnan ni Jeremias sa pinakawakas ng kaniyang buhay.
Noong panahon ng paghahari ni Haring Josias , sinikap niyang maituwid ang mga gawain ng mga mamamayan at ituro kung paano ang " tunay na paglilingkod " sa Diyos.
Noong panahon ng paghahari nina Joaquim ( 608 BK - 598 BK ) at Sedecias ( 597 BK - 587BK ) , tinupad niya ang bilin sa kaniya ng Diyos na sugpuin ang mga umiiral na kasamaan , at ipinahayag rin ni Jeremias ang pagdating ng pagkaguho ng templo , maging ang magaganap na pagkakadalang - bihag ng kaniyang bayan sa Babilonya.
Katumbas ang pagkakadalang - bihag na ito ng pagbibigay kaparusahan dahil sa mga naging kasalanan ng bayan.
Lumakas at naragdagan ang impluwensiya ni Jeremias pagkaraan ng kaniyang kamatayan.
Nangyari ito nang sinipi at pinagsasama ng kaniyang kalihim na si Baruc , bagaman hindi mahigpit ang mga pagkakasunud - sunod na pangkronolohikal ng mga ito.