text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ngunit binibigyan ng diin ng konseptong ito ang kapakanan ng lipunan. |
Binibigyan ng pansin ang kapakanan ng lipunan bago mabuo at ibenta ang mga produkto at serbisyo. |
Pumapasok din sa konseptong ito ang tinatawag nating Pamamahala ng Kapaligiran ( o Environmental Management ) sa larangan ng Pagnenegosyo. |
Isang halimbawa dito ang paglabas ng mga unleaded o walang tinggang gasolina sa pamilihan. |
Hindi maganda ang naidudulot ng paglaganap ng mga sasakyang gumagamit ng diesel at gasolina sa lipunan dahil ang mono - oksidong karbon na ibinubuga ay unti - unting sumisira sa Saping Osona ng daigdig na siyang sumasangga sa atin laban sa mga sinag na ultra - biyoleta ng araw. |
Sa pagimbento at pagpapalaganap ng gasolina walang tingga , naipakita ng mga kompanya ng gasolina na sila ay tumutulong at nagiisip din para sa kapakanan ng lipunan. |
Kadalasan ito ang sinusundan ng mga kompanya na sa paggamit o pagbenta ng produkto 'y may negatibong epekto sa lipunan. |
Ngunit madalas din itong ginagamit ng mga kompanyang nais mapalapit sa puso ng kanilang market. |
Tulad ng " Colgate " , nagsagawa ito ng programang libreng pagpapatingin ng mga bata sa dentista at ang kanilang Sambayanang Pagsisipilyo o sabay - sabay na pagsisipilyo ng mga bata sa iba - ibang lugar sa Pilipinas. |
Ang layunin ng Pananaliksik na Pangmerkado o " Pagsasaliksik sa Market " ay alamin ang mga pangangailangan , kaugalian , paraan ng pamimili at paniniwala ng isang market. |
Ginagamit din ito sa pagtuklas ng mga bagong market sa isang lugar. |
Kadalasang ginagamit ang pagtatanong , pakikipanayam , at diskusyong panggrupo sa Pananaliksik na Pampamilihan. |
Sa pagtatanong na pampamilihan , ginagamit din ang dalawang pangunahing pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon. |
Ito ay ang mga pamamaraang kuwantitatibo at kuwalitatibo. |
Ang paraang kuwantitatibo ay ginagamit sa mga impormasyong nabibilang tulad ng edad , kasarian at ginagamit na tatak. |
Inaalam natin kung ilang porsyento ang lalaki at babae na bumubuo sa mga naservey , kung ilang porsyento ang matanda , binata o dalaga. |
Maaari rin malaman sa paraang ito kung ilan ang mga lalake na gumagamit ng Tatak A laban sa mga lalakeng gumagamit ng Tatak B. Limitado ang mga maaaring makuhang impormasyon sa Paraang Kuwantitatibo dahil hindi nito kayang alamin ang ugali , pagkilos at pag - iisip ng mga tinatanong. |
Dito pumapasok ang kahalagahan ng Paraang Kuwalitative. |
Ang Paraang Kuwalitatibo ay ginagamit upang malaman ang saloobin ng isang market. |
Sa tulong ng Paraang Kuwalitatibo , maaari nating malaman kung ano ang kadalasang dahilan ng market kung bakit Tatak A at hindi Tatak B ang kanilang binibili at ginagamit. |
Nalalaman din natin ang paraan ng mga mamimili sa paggastos ng kanilang mga salapi , ang kanilang pang - araw - araw na buhay at ang nakikitang nilang imahe sa mga kilalang Tatak ng mga produkto o serbisyo. |
Ginagamit din sa pananaliksik na pampalihan ang mga interbyu upang mas makilala ng mga marketer ang kanilang mga mamimili. |
Dito isa - isang sinasagot ng iniinterbyu ( mamimili ) ang mga tanong ng interbyuwer o tagapanayam ( marketer o nagtatanong ). |
Kung kaya maspersonal ang dating ng mga impormasyon. |
Hindi ito madalas nagagamit ng mga marketers dahil may pagkamahal ang gastusin para maisagawa ang mga interbyus. |
Liban dito ay ang oras na dapat ibigay ng interbyu para sa mga kinakapanayam. |
Ang diskusyong panggrupo ay tulad nang sa Interbyu ngunit imbes na isa , mga lima pataas ang kasapi sa mga interbyuwees. |
Ang paraang ito ay magbibigay sa marketer ng mga sagot na karaniwan sa buong grupo kung kaya 't masmainam ang paggamit ng Diskusyon Panggrupo kaysa sa pag - iinterbyu. |
Ang mga nakalap na impormasyon sa mga surveys at interviews ay maaaring gawan ng mga trends o gabay ukol sa market. |
Ginagamitan ito ng pamamaraan sa estadistika o mga Statistical Tools upang magamit ng isang marketer. |
Sa simpleng statistika , ginagamit ang mapaglarawang estadistika. |
Sa mas pinalawak na pananaliksik at estadistika ginagamit ang imperensiyang estadistiko. |
Kapag natapos na ang pagkalap at pag - unawa sa mga impormasyong ukol sa market , maaari nang malaman ng marketer ang mga posibleng market na papasukin at ang mga kaugalian , kinakailangan at hinihingi ng naturang market. |
Ang segmentasyon ng merkado o paghahati sa market ay ginagawa ng mga marketer upang malaman nang husto ang tutugmang target market para sa kanilang produkto o serbisyo. |
Ginagamit din ang stratehiyang ito upang malaman ang mga market segment o parte ng market na hindi pa natutustusan ng angkop na produktong kanilang hinihingi. |
Halimbawa , ang " Young 's Gel " na isang sikat na pamada ay isa sa nagpauso sa pagbebenta ng tingi sa nasabing produkto. |
Nang malaman nilang mabigat para sa mga kabataang lalaki ang bumili ng isang buong bote ng gel , nagawa nilang bigyan sila ng pagkakataon na makapag - ayos ng kanilang buhok na sumusunod sa uso at modernong fashion. |
Tulad din ng produktong feminine wash ( Lactacid at PH Care ) , nalaman ng mga kompanya na ang imahe ng feminine wash sa mga kababaihang Pilipino ay gamot at hindi pang - araw - araw. |
Sinubukan ng mga naturang produkto na ipatalastas ang feminine wash bilang isang paraan ng paglilinis sa katawan ng isang babae na walang kaibahan sa paggamit ng shampoo sa buhok. |
Nagdulot ito ng malawakang paggamit ng mga kababaihan sa feminine wash bilang isang pangangailangan upang maging malinis sa katawan. |
Maraming pamamaraan ang ginagamit upang mahati ang isang market sa iba 't - ibang mga segment. |
Madalas gamitin ang Demograpiko , Heograpiko , Sikograpiko , at Sosyo - kultural na segmentasyon. |
Kung gagamitin natin ang produktong I - Pod Shuffle , ang posibleng puntiryang merkado ay ganito :. |
Ang Pagpoposisyon ng Merkado ay ang paraan ng pagpuntirya ng mga produkto sa mga napiling market segments. |
Sina Al Ries at Jack Trout ang nagpasimuno ng konseptong Market Positioning sa kanilang librong " Positioning " , ngunit nakapokus ang pagposisyon ng produkto sa utak o pag - iisip ng mga mamimili. |
Importante sa konseptong ito ang katayuan ng isang produkto sa isipan ng mga tao. |
Tinatawag ang katayuang ito bilang Top - of - Mind. |
Naniniwala ang mga marketer na malaki ang epekto ng pagiging Top - of - Mind ng isang produkto sa benta at katanyagan ng isang produkto o tatak ( brand ). |
May mga benepisyo ang stratehiyang Market Positioning. |
Narito ang ilan sa mga ito. |
Kadalasan , ginagawan ng isang Mapang Perseptuwal ang mga produkto o tatak sa isang industriya at dito aalamin ng mga marketer ang pipiliin na Posisyon ng Merkado ng mga bagong produkto. |
Maari ring magkaroon ng Repositioning o pagbabago ng posisyon para sa mga lumang produkto upang muling maging aktibo ang produkto o tatak sa merkado o market. |
Makikita ang isang halimbawa ng Mapang Perseptuwal para sa industriya ng mga bolpen sa Pilipinas. |
Tuwa |
Ang tuwa o katuwaan ay mga bagay - bagay at pangyayari na nagiging sanhi ng kagalakan o kasiyahan sa isang tao o anumang nilalang. |
Kasingkahulugan at kaugnay ito ng lugod , kaluguran , ligaya , kasiyahan , saya , kaysaya ( mula sa " kay saya " ) , galak , kagalakan , malaking kagalakan , ligaya , kaligayahan , kasiyahang - loob , at kasayahan. |
Ayon kay Barbara Holland , maraming mga katuwaan na nanganganib na mawala sa buhay ng tao dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa makabagong panahon. |
Ayon sa aklat ni Holland ( at sa kaniyang pananaw bilang may - akda nito ) na pinamagatang Endangered Pleasures ( In Defense of Naps , Bacon , Martinis , Profanity , and Other Indulgences ) o " Mga Nanganganib na Katuwaan ( Sa Pagtatanggol ng Pag - idlip , Tosino , mga Martini , mga Kalapastanganan , at Iba pang mga Kalabisan ) , kabilang rito ang mga sumusunod na halimbawang nakatala sa ibaba. |
Halos hindi na napupuna ng mga tao ang mga katuwaang matatanggap mula sa mga karanasang nakatala rito dahil na rin sa labis na kaabalahan ng tao sa kaniyang pang - araw - araw na buhay sa kasalukuyan :. |
Disenyo |
Ang disenyo , na tinatawag ding sulawing , sulam , sulambi o antangan , ay ang pagpaplanong naglalatag ng basehan para sa paggawa ng bawat isang bagay o sistema. |
Magagamit ito kapwa bilang isang pangngalan at bilang isang pandiwa at , sa mas malawak na paraan , nangangahulugan itong nilapat na sining at inhinyeriya. |
Bilang isang pandiwa , ang magdisenyo ay tumutukoy sa proseso ng pagsisimula at pagpapaunlad ng isang plano para sa isang produkto , kayarian , sistema , o bahagi na may hangaring. |
Bilang isang pandiwa , ang disenyo ay ginagamit para sa pinakahuling ( kalutasan ) plano ( iyon ay ang mungkahi , ginuhit na larawan , huwaran o modelo , paglalarawan ) o ang kinalabasan o resulta ng pagpapatupad ng plano sa anyo ng isang nabuong produkto ng isang proseso ng pagdidisenyo .. |
Kapag hindi kasama ang ganitong klasipikasyon , sa malawakang diwa walang iba pang mga limitasyong umiiral at ang huling produkto ay maaaring kasuotan hanggang ugnayang - mukha ng tagagamit na grapikal hanggang sa mga gusaling tukudlangit. |
Kahit na ang mga mga konseptong birtuwal na katulad ng katauhang pangkorporasyon at mga tradisyong cultural na katulad ng pagdiriwang ng particular na mga kapistahang opisyal ay paminsan - minsang dinidisenyo. |
Sa mas kamakailan , ang mga proseso ( sa pangkalahatan ) ay itinuturing din bilang mga produkto ng disenyo , na nagbibigay ng bagong kahulugan sa katagang disenyo ng proseso o proseso ng disenyo. |
Ang taong nagdidisenyo ay tinatawag na isang tagapagdisenyo , tagadisenyo , o disenyador , na isang katagang ginagamit din para sa mga taong naghahanapbuhay bilang isang dalubhasa sa isa sa samu ' t saring mga larangan ng disenyo , karaniwang tumutukoy din sa kung anong larangan ang pinagtutuonan ng pansin ( katulad ng tagapagdisenyo ng moda , tagapagdisenyo ng konsepto , o tagapagdisenyo ng web ). |
Karaniwang nangangailangan ang pagdidisenyo ng isang tagapagdisenyo upang isaalang - alang ang estetiko , pangtungkulin , at marami pang ibang mga aspeto ng isang bagay o isang proseso , na karaniwang nangangailangan ng maraming pananaliksik , pag - iisip , pagmomodelo , interaktibong pagbabago ( paglulunas ng suliranin ) , at muling pagdidisenyo. |
Dahil sa ganyang malawak na kahulugan , walang wikang pandaigdig o nakapagkakaisang institusyon para sa mga tagapagdisenyo ng lahat ng mga disiplina. |
Nagpapahintulot ito ng maraming nag - iiba ' t ibang mga pilosopiya at mga pagharap patungo sa paksa. |
Subalit ang seryosong pag - aaral ng disenyo ay humihingi ng tumaas na pagtuon sa proseso ng disenyo. |
Ilang tao ang nagsasabi na ang sining ay isang produkto o bagay na ginawa na may layuning antigin o estimulahin ang mga pandama ng tao , pati na ang isipan ng tao o espiritu ng tao. |
Ang akdang - sining o likhang - sining ( ang artwork sa Ingles ) ay karaniwang hinuhusgahan batay sa kung gaano ang katalaban nito sa tao , ang dami ng tao na makauugnay dito , at kung gaano ang antas ng pagpapahalaga ng tao rito. |
Ang una at pinakamalawak na diwa ng sining ay nangangahulugan ng " pagkakaayos " o " ayusin ". |
Sa ganitong diwa , ang sining ay nalilikha kapag ang isang tao ay nag - aayos ng mga bagay na natatagpuan sa mundo upang maging isang bago o naiibang disenyo o porma ; o kapag ang isang tao ay nag - ayos ng mga kulay na magkakatabi sa loob ng isang dibuho upang makagawa ng isang imahe o upang makagawa lamang ng isang marilag o nakatatawag - pansing disenyo. |
Ang sining ay maaari ring maging isang pagpapadama ng damdamin. |
Ang alagad ng sining o artista ay maaaring makadama ng isang partikular na emosyon o damdamin at nakadaramang wala nang ibang paraan upang maipadama ito , maliban na lamang sa paglikha ng isang bagay na may kahalagahan o kahulugan para sa kanila. |
Karamihan sa sining na nalikha sa ganitong pagkakataon ay ginawa para sa alagad ng sining , sa halip na para sa mga tagapagtangkilik. |
Subalit , kapag ang isang madlang tagapagtangkilik ay nakauugnay din sa damdaming ito , ang nalikhang sining ay magiging isang matagumpay na sining sa harap ng madla. |
Charlie Davao |
Si Charlie Davao ay isang artista sa Pilipinas. |
Pierre Curie |
Si Pierre Curie ( 15 Mayo 1859 - 19 Abril 1906 ) ay isang pisikong Pranses na tagapagsimula ng kristalograpiya , magnetismo , piezoelektrisidad at radyoaktibidad. |
Siya ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1903 kasama ng kanyang asawang si Marie Sklodowska Curie , at Henri Becquerel , sa pagkilala ng ng kanilang mga ekstraordinaryong paglilingkod na kanilang ginawa sa kanilang magkasanib na mga pagsasaliksik hinggil sa phenomenang radyasyon na natuklasan ni Propesor Henri Becquerel. |
Imizu , Toyama |
Ang Imizu ay isang munisipalidad sa Prepektura ng Toyama , bansang Hapon. |
Wikang Gelao |
Ang wikang Gelao ay isang wikang sinasalita sa Tsina at Biyetnam. |
Shoi Sakaguchi |
Si Shoi Sakaguchi ( ipinaganak Mayo 7 , 1999 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon. |
Apat na Tigre ng Asya |
Ang Apat na Tigreng Asyano o mga Dragong Asyano ay isang terminong ginagamit bilang reperensiya sa mataas na mga maunlad na ekonomiya ng Hong Kong , Timog Korea , Singapore at Taiwan. |
Ang mga bansang ito ay kilala sa pagpapanatili ng natatanging mataas na rate ng paglago sa ekonomiya ( na higit sa 7 porsiyente kada taon ) at isang mabilis na industriyalisasyon sa pagitan ng maagang 1960 at mga 1990. |
Sa ika - 21 siglo , ang lahat ng apat na bansang ito ay umunlad sa nangunguna at may mataas sahod na mga ekonomiya na nageespesyalisa sa mga area ng kompetitibong kalamangan. |
Halimbawa , ang Hong Kong at Singapore ang naging nangungunang internasyonal na mga sentrong pinansiyal samantalang ang Timog Korea at Taiwan ang mga pinuno sa mundo sa teknolohiya ng impormasyon. |
Ras Tanura |
Ang Ras Tanura ay isang lungsod sa Saudi Arabia. |
Cybersex |
Ang sibersekso ( Ingles : cybersex , binibigkas na / say - ber - seks / , nangangahulugang " seks sa kompyuter " o " seks sa internet " ) , ay ang birtuwal na pakikipagtalik ( literal na " katumbas " o " kung tutuusin " ay kahalintulad ng tunay na pakikipagtalik ) o pakikipagtagpo ng dalawa o mahigit pang tao na may koneksiyon sa network ng kompyuter o sa internet. |
Subsets and Splits