text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang Kanon ay isang anime na larong bidyo. |
Ilocos Sur |
Ang Ilocos Sur ( Filipino : Timog Ilocos ) ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. |
Mayaman ang Ilocos Sur sa mga produktong gulay tulad ng kamatis , mais , talong , okra at dito nanggagaling ang pinakamaraming tabako. |
Ang lalawigan ng Ilocos Sur ay nahahati sa 32 bayan at 2 lungsod. |
Matatagpuan ang lalawigan ng Ilocos Sur sa kanlurang baybayin ng Hilagang Luzon. |
Naghahanggan ang ito sa Ilocos Norte sa Hilaga , sa Abra sa hilagang silangan , sa Mountain Province sa silangan , sa Benguet sa timog silangan , sa La Union sa timog , at sa Dagat Tsina sa silangan. |
May sukat itong 2,579.58 kilometro parisukat na sumasakop sa 20.11 % ng kabuuang area ng Rehiyong 1. |
Liezel Garcia |
Si Liezel Garcia ( o Maria Liezel " Zhel " Garcia ) ay isang artista sa Pilipinas. |
Kazuma Irifune |
Si Kazuma Irifune ( ipinaganak Nobyembre 15 , 1986 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon. |
Panahon ng pang - aalipin sa Estados Unidos |
Ang panahon ng pang - aalipin sa sa Estados Unidos ay nagsimula sa unang Kolonisasyong Ingles ng Hilagang Amerika sa Virginia noong 1607 , ngunit mas nauna pa roon , ang mga aliping Aprikanong dinala sa Plorida noong 1560. |
Human Torch |
Ang Human Torch ay tumutukoy sa :. |
Pagpaparami |
Ang pagpaparami o reproduksiyon ay ang prosesong biyolohikal kung saan nalalalang o nalilikha ang bagong indibidwal na mga organismo. |
Isang pundamental na kasangkapang - katangian ng lahat ng nalalamang buhay ang reproduksiyon ; umiiral ang bawat indibidwal bilang resulta o kinalabasan ng reproduksiyon. |
Malawakang pinangkat ang nakikilalang mga metodo ng reproduksiyon sa dalawang pangunahing tipo o uri : ang seksuwal at ang aseksuwal. |
Sa reproduksiyong aseksuwal , maaaring makalikha o makagawa ng supling o anak ang isang indibidwal na hindi kinakailangan ang tulong ng isa pang indibidwal ng uri o espesyeng iyon. |
Isang halimbawa ng reproduksiyong aseksuwal ang dibisyon o paghahati ng isang selula ng bakterya upang maging dalawang anak na selula. |
Subalit hindi limitado o para lamang sa mga organismong uniselular o organismong may iisang selula ang reproduksiyong aseksuwal. |
Karamihan sa mga halaman ang may kakayahan o abilidad na makapagsupling sa pamamagitan ng paraang aseksuwal. |
Nangangailangan ang reproduksiyong seksuwal ng tulong ng dalawang mga indibiduwal , karaniwang isa ng bawat isang kasarian o seks. |
Karaniwang halimbawa ng reproduksiyong seksuwal ang normal na reproduksiyong pantao o reproduksiyong humano. |
Juan de Lara |
Si Juan de Lara ay naglingkod bilang Kastilang Gobernador - Heneral ng Pilipinas. |
Pamimili |
Ang pamimili ( sa Ingles : marketing ) ay isang pamamaraan ng pagpapahayag ng halaga ng isang bagay o serbisyo sa mga mamimili upang maibenta ang nasabing produkto o serbisyo. |
Isa sa mga pinakaluma , simple at natural na paraan ay ang pananalita , kung saan ang mga mamimili ay nagpapahayag ng kanilang mga karanasan tungkol sa mga produkto o serbisyo at ito 'y napapasa sa kanilang pang araw - araw na komunikasyon. |
Ito ay pwedeng magdulot ng positibo o negatibong tingin sa mga produkto o serbisyong inihahayag. |
Kamakailan lang , ang internet ay nakapagbigay daan para sa malawakang pananalitang pamimili kung saan ang mga mamimili ay nagbibigay ng grado at opinyon sa mga produkto at serbisyo. |
Para sa mga organisasyong gustong kumita , ginagawa ang pamimili upang lumakas ang benta ng mga produkto at palakasin ang kita ng kompanya. |
Sa pamimili na hindi pagkita ang layunin , ang pinakapakay nito 'y mas magamit ng tao ang serbisyo ng kumpanya. |
Ang gobyerno naman ay gumagamit ng panlipunang pamimili para mamahagi ng mga importanteng mensahe tungkol sa kaligtasan ng mga tao. |
Para sa mga kumpanyang gustong kumita , ang pamimili ay madalas sinusuportahan ang na nagbebenta sa pamamagitan ng pagkakalat ng impormasyon sa mga tinatarget na mamimili. |
Kasama sa mga pamamaraan ng pagmamarket ay paghahanap ng tamang mamimili sa pamamagitan ng pagaanalisa ng merkado at ang paguunawa sa mga kaugalian ng mga mamimili at ang pagpapakita ng halaga ng mga produkto. |
Ang " pamamahala sa pamilihan " ay ang pagplano at pagpapalakad ng isang proyektong pamprodukto o serbisyo upang tumugon sa mga hinihingi ( demands ) at pangangailangan ( needs ) ng isang pamilihan. |
Ginagamitan ito ng mga estratehiya , batas at gabay na tumutulong sa pagpapaunlad ng isang negosyo. |
May apat itong konseptong natatangi. |
Ito ang " Proyektong Pamprodukto at Serbisyo " , " Hinihingi ( Demands ) " , " Pangangailangan ( Needs ) " at " Merkado ". |
Tiyak na namamahagi ng produkto at / o serbisyo ang isang negosyo kapalit ng pera. |
Sa pamamahagi ng mga produkto at serbisyo , dapat bigyan nang pansin ng isang negosyante o manedyer ang apat na " P " sa pamimili. |
Nariyan ang :. |
Hindi pamilihan ang tinutukoy na market sa pamimili management. |
Ang Merkado o Market ay isang grupo ng mga mamimili na hindi nagkakaiba ang mga ninanais at pangangailangan na napapaloob sa isang natatanging lugar. |
Ang mga " Babae sa Pilipinas " ay isang market na naiiba sa mga " Babae sa Tsina ". |
Naiiba ang merkado na " mga babae sa Pilipinas " at " mga babae sa Tsina " dahil may malaking pagkakaiba sa pangangailangan nila. |
Ang market ng sabon na " Safeguard " ay naiiba sa merkado ng " Likas Papaya " dahil ang " Safeguard " ay tumutugon sa kabuuang pangangailangan ng pamilya laban sa mikrobyo na dulot ng hindi paggamit ng sabon sa pagligo man o paghugas ng kamay. |
Ang " Likas Papaya " naman ay tumutugon sa pangangailangan ng mga babaeng ninanais na pumuti ang kanilang kutis. |
Makikita nating pareho silang sabon na may kakayahang maglinis ng katawan , ngunit may kanya - kanya silang merkado o market na binibigyan ng pansin. |
Ang pangangailangan ( Needs ) ay mga produkto o / at serbisyong hinahangad ng mga tao sa isang market. |
Ang hinihingi ( Demands ) ay ang mga hinahangad na produkto o / at serbisyo na kayang gastusan ng mga tao sa isang market. |
Kung titingnan ang kahulugan ng Needs at Demands , halos hindi nagkakalayo ang dalawa. |
Tanging ang pariralang " kayang gastusan " ang siyang magpapaliwanag sa kaibahan ng dalawa. |
Ito ay dahil sa ang pangangailangan ng mga tao ay posibleng hindi kayang gastusan ng mga tao at ang mga hinihingi sa makalawa 'y kinakailangan ng mga tao at nais nilang paggastusan ng kanilang mga salapi. |
Kinakailangan ng bawat pamilyang Pilipino ang isang " malinis na palikuran " , ngunit masgugustuhin pa ng mga pamilya na makapagkarga sa kanilang mga teleponong selular. |
May mga rason kung bakit ganuon na lamang ang desisyon ng mga pamilya ukol sa paggastos. |
Maaaring hindi nila kakayanang gumasta ng malaking halaga para sa isang malinis na palikuran ngunit nagagawa nilang gumasta ng pamiso - miso para sa kanilang mga pang - araw - araw na mga " text message " ( tingnan ang pahina ng Ugali ng mga Kumukunsumo o Consumer Behavior para sa mas malawak na pagpapaliwanag ). |
Ang pag - intindi ng Needs at Demands ang makakapaglapit ng iyong mamimili sa iyong produkto o serbisyo. |
May iba - ibang pilosopiya o konseptong pangkalakalan na sinusundan ang bawat negosyo sa pamilihan. |
Sa isang kompanyang namamahagi ng maraming produkto , serbisyo o tatak ( brand ) , maaari silang magkaroon ng magkakaibang pilosopiya sa bawat isa. |
Maaaring magkaiba ang market na tinutugunan ng bawat produkto , serbisyo o tatak. |
Narito ang mga sikat na konseptong ginagamit ng mga kompanya sa mundo. |
Ang prinsipyo ng Konseptong Pamprodukto ay umiikot sa produktong binebenta ng isang kompanya. |
Binibigyang diin ang gamit at kalidad ng produkto dahil pinaniniwalaan ng konseptong ito na binibili ng mamimili ang isang produkto ayon sa tibay , bilis ng paggamit at mga katangian ng produkto. |
Tulad ng produktong Kotse , tuloy - tuloy ang pananaliksik ng mga enhinyero sa mga maaaring idagdag na katangian dito. |
Nagsimula ang kotse sa manwal ( manual ) at ngayo 'y hindi na bago sa atin ang makinang automatiko. |
Maaari na rin tayong makapanuod ng balita at " makapag - playstation " sa loob ng kotse sa kasalukuyan. |
Isang mabisang pilosopiya ang Konseptong Pamprodukto kung ang katangian ng produkto ang siyang pinahahalagahan ng tinuturing na market. |
Ang dami at bilis ng pagbenta ang tinututukan ng konseptong ito. |
Ang pangunahing layunin nito ay maparami ang benta ( sales ) ng produkto sa likod ng hindi magandang kalidad at mababang presyo. |
Naniniwala ang konseptong ito na kahit maliit ang kita sa bawat piraso ng produkto , tataas ang kita kung maramihan ang mabebenta. |
Malaki ang binabayad sa mga sales force ng isang kompanyang naniniwala sa konseptong ito dahil dito nakasalalay ang pagtaas ng kanilang kita. |
Isang magandang halimbawa ang produktong kwaderno sa konseptong ito. |
Hindi na kailangan ng mga kompanya ng papel ang magpatalastas ng kanilang mga tatak sa telebisyon o sa radio dahil ang presensiya ng kanilang mga tatak sa pamilihan ay magdudulot ng mataas na benta. |
Hindi mapili ang karamihan sa market ng kwaderno dahil hindi ito ang kanilang pinahahalagahan. |
Dahil sa madami ang kinakailangang kwaderno ng isang mag - aaral sa elementarya at hayskul , hinahanap ng mga magulang ang murang mga kwaderno. |
Tinuturing ng konseptong ito ang market na hindi pinapansin ang kalidad at sensitibo sa presyo. |
Madalas na ginagamit ito sa mga mabilis na mabentang produktong pangkonsumo ( fast moving consumer goods ). |
Ang teknikal at proseso ng paggawa ng isang produkto ang binibigyang diin ng Konseptong Pamproduksiyon. |
Naniniwala ang pilosopiyang ito na kung masmura ang halaga ng paggawa sa isang produkto , mas malaki ang kita ng kompanya. |
Ang simpleng formula ng kita o profit ay. |
KITA PRESYO NG PAGBENTA - HALAGA NG PAGGAWA. |
Kung ibababa ng kompanya ang halaga ng paggawa sa isang produkto nang hindi ginagala ang presyo ng pagbenta , tataas ang kita. |
Napapaloob din sa konseptong pamproduksiyon ang tinatawag na Economies of Scale ( EOS ) o " mga ekonomiya ng sukatan ". |
Ayon sa EOS , kung mas madalas na ang paggawa sa isang produkto at maramihan ang paggawa dito , bumababa ang halaga nito upang mabuo. |
Kung hindi ibababa ang presyo ng pagbenta sa produkto siguradong madaragdagan ang kita ng kompanya sa pagbenta. |
Kung gagamitin nating halimbawa ang pagimprenta ng mga poster , masmakakamura ang kliyente kung maramihan ang kanyang pagagawa dahil minsanan na lamang ang pagpapatakbo sa makina na gumagamit ng kuryente. |
Bumababa ang nagagamit na kuryente sa pagpapagawa ng mga posters kung kaya 't bumababa ang halaga ng bawat isang poster na mabubuo. |
Mga produkto o serbisyong pangkalakalan ang karamihang ginagamitan ng konseptong ito. |
Ito ang pangunahing pilosopiya sa negosyo na ginagamitan ng mga paniniwala at mga konsepto sa pamimili. |
Pinahahalagahan ng konseptong ito ang market o mga mamimili. |
Ang mga desisyon sa produkto o serbisyo ay napapalibot sa mga pangangailangan at hinihingi ng market. |
Binibigyan diin din ng konseptong ito ang apat na " P " ng Pagmamarket na tinatawag nating Produkto , Presyo , Pamamahagi at Pagpapalaganap ( promotion or advertising ). |
Dahil dito sinasabi ng konseptong ito na kinakailangan na ang produkto o serbisyo ay tumutugon sa pangangailangan ng market , mabilis makita at mabili sa mga tindahan at abot - kaya ng market ang presyo. |
Ito ang konsepto na kung saan ang pagbuo sa produkto ay naaayon sa mga mamimili , kung kaya tanyag ito sa lahat ng uri ng produkto o serbisyo. |
Ngayon , laganap ang affiliate marketing o and estratehiyang online na nakakatulong sa pag - advertise ng produkto. |
Ang konseptong ito ay hango sa Konsepto ng pamimili. |
Subsets and Splits