text
stringlengths
0
7.5k
Noong 1857 , naisulat niya ang kanyang unang obra maestra , ang Synnove Solbakken ( o Synnove Solbakken ) , habang nasa Copenhagen.
Nasundan ito ng Arne noong 1858 , isang kuwentong naglunsad ng baong panahon sa panitikang Noruwego , at naging dahilan din kanyang isa sa mga nangungunang Noruwegong mga manunulat sa kanyang panahon.
Noong 1887 , ipinalabas ni Bjornson ang dramang " The King " ( " Ang Hari " ) na nagkaroon ng epektong pampolitika sa Noruwega , sapagkat isa itong pag - atake sa pinuno ng Noruwega at Sweden , at naging sanhi ng pagtanggap kay Bjornson bilang pinuno ng bagong kilusang ito ng bawat isang Noruwegong nagnanais na maging isang nagsasariling bansa ang Noruwega.
DWEY
Ang DWEY ( 104.7 FM ) , o bilang 104.7 Brigada News FM National - Mega Manila ay ang punong himpilan ng radyong FM na nasa pag - aari ng Brigada Mass Media Corporation sa Pilipinas.
Ang istudyo nito ay matatagpuan ng news center at pamimili ay matatagpuan sa 5th Floor Jacinta Building 2 , # 1840 EDSA , Brgy.
Guadalupe Nuevo , Makati City , at ang aming transmitter ay matatagpuan sa Brgy.
Talumpok East , Mt.
Banoy , Batangas City.
Coordinates needed : you can help !.
The Kane Chronicles
Ang The Kane Chronicles ay trilohiya ng mitolohiyang Ehipsiyong - katha , abentura at pantasyang mga nobela na isinulat ng Amerikanong manunulat na si Rick Riordan.
Ang serye ay nagaganap sa kaparehas na sansinukob ng Percy Jackson & the Olympians , The Heroes of Olympus , at Magnus Chase and the Gods of Asgard ni Riordan.
Halinhinang isinasalaysay ang mga nobela sa unang panauhan ng dalawang bida , ang magkapatid na sina Carter at Sadie Kane.
Ang magkapatid ay parehas na makapangyarihang salamangkero at salamangkera na inapo ng mga paraong sina Narmer at Ramesses ang Dakila.
Sila at ang kanilang mga kaibigan ay napipilitang labanan ang mga Ehipsiyong diyos at diyosa.
Apurahang pagtatalik
Ang apurahang pagtatalik , paspasang pagtatalik , mabilisang pagtatalik , o madaliang pagtatalik , na kilala sa Ingles bilang quickie , ay ang isang dagliang yugto o pabugsong episodyo ng gawaing pampagtatalik , na matatapos ito ng magkatalik sa loob ng napaka maiksing panahon lamang.
Sa pangkalahatan , ipinakakahulugan ng kataga na nilagtawan ang paglalaro o pagroromansa bago magtalik , at mayroon lamang kahit na isa sa magkatalik na nakararating sa sukdulan.
Ang minadaling pagtatalik ay maaaring kasangkutan ng pagtatalik o maaaring nakatuon lamang sa pagsasalsal o pagtatalik na pambibig.
Ayon sa ilan , ang inapurang pagtatalik sa pagitan ng magkaparehang heteroseksuwal ay pangkalahatang nakapagbibigay - kasiyahan lamang sa pagnanais o pagnanasa ng lalaki ; ; mayroon namang mga nagsasaad na ang mga mabilisang pagtatalik ( may pagtatalik o iba pang uri ng estimulasyon ng bulba ) ay maaaring isang pangunahing pampaganang seksuwal para sa isang babae rin , subalit maaaring hindi pa rin makapagbigay sa isang babae ng sapat na panahon upang likas na makalikha ng pagdulas ng kanyang organong pangpagtatalik , kung kaya 't kailangan ng paggamit ng isang artipisyal na pampadulas na tubig ang pangunahing banto o sapin.
May ilan na tumuturing sa mga mabilisang pagtatalik bilang isang katugunan o solusyon sa hindi patas na pagnanais sa loob ng isang pakikipag - ugnayan , subalit kapag ang mga ito lamang ang magiging nag - iisang uri ng pagtatalik , maaaring magdusa ang relasyon.
Milagro
Ang himala o milagro ay ang alin mang pangyayari na lumalabag sa pangkaraniwang mga batas ng kalikasan.
Ang mga himala ay pinaniniwalaang mga kamangha - manghang palatandaan ng kapangyarihan ng ( mga ) Diyos sa iba 't ibang mga relihiyon mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Ang mga milagro ng mga diyos ay karaniwan sa iba 't ibang mga relihiyon mula pa sa sinaunang panahon.
Ang Griyegong manlalakbay na si Pausanias ay nag - ulat na ang tatlong mga palayok ay dinala sa gusali ng mga saserdote ni Dionysus at inilatag na walang laman sa harap ng mga mamamayan.
Kinabukasan ay pinayagan silang siyasatin ang mga selyo at sa pagpasok sa gusali ay natagpuan nilang ang mga palayok ay napuno ng alak.
Sa Ang Bacchae , ang isang babaeng bacchant ay nagpukpok ng kanyang thyrsus laban sa isang bato at ang isang lagusan ng malamig na tubig ay umahon.
Ang isa pa nagtusok ng kanyang fennel sa lupa at sa paghaplos ng diyos na si Dionysus ay bumuhos ang isang batis ng alak.
Isinaad na " Kung naroon ka at nakita ang mga kamangha manghang bagay na ito para sa iyong sarili , ikaw ay luluhod at mananalangin sa diyos na ngayong itinatanggi mo.
" Ang Griyegong diyos ng medisina na si Asklepios ay nagpapagaling ng mga karamdaman at bumubuhay ng mga namatay.
Ang diyos na si Mithra ay nagpapagaling ng mga karamdaman , ng mga bulag , nagpapalayas ng mga demonyo at bumubuhay ng mga namatay.
Ayon Rudolf Bultmann , ang tema ng paglalakad sa ibabaw ng dagat ay isang pamilyar na tema sa maraming mga kultura.
Sa tradisyong Griyego at Romano , si Poseidon o Neptun ang diyos ng dagat na naglalakbay sa kanyang karwahe sa ibabaw ng tubig.
Ang mga tao ay maaaring pagkalooban ng kapangyarihang ito na tipikal ay mga anak na lalake ni Poseidon sa mga inang tao gaya ni Orion na sa mga ito " ay ibinigay ... bilang regalo ang kapangyarihan ng paglalakad sa tubig na parang sa lupain ".
Sa karagdagan , ang motif ng paglalakad sa ibabaw ng tubig ay nauugnay rin sa mga haring tulad nina Xerxes II o Dakilang Alejandro.
Ang mga milagrong karaniwang inaangkin ng mga relihiyon sa kasalukuyan ay ang mga pagpapagaling ng karamdaman ( halimbawa sa Shamanismo , Simbahang Katoliko , Protestante , Pentekostal at iba pa ) , pagpapalayas ng mga demonyo , pagmimilagro ng mga rebulto gaya ng mga lumuluhang rebulto sa Katoliko o pag - inom ng gatas ng rebulto sa Hinduismo , mga aparisyon ni Maria , stigmata at hindi pagkabulok ng mga bangkay ng pinaniniwalaang banal na tao.
Gayunpaman , ang inaangking hindi pagkabulok ng bangkay ay hindi natatangi sa Katoliko.
Ang Budistang lama na si Dashi - Dorzho Itigilov na namatay noong 1927 ay inangking nagsabi sa kanyang mga tagsunod na hukayin ang kanyang katawan pagkatapos ng 30 taon ng kanyang kamatayan at nang kanilang hukayin ito ay natagpuang hindi nabulok.
Ang bangkay ni Itigilov ay muling inilibing ngunit pagkatapos ng 45 taon noong 2002 ay muling hinukay at natuklasan ang kanyang bangkay na perpektong naingatan.
Ang mga budistang monghe na sokoshinbutsu ay alam ring may mga mahusay na naingatang katawan pagkatapos ng kanilang kamatayan na ipinagpapalagay na resulta ng mga ritwal na kasanayang asetiko ng mga ito bago ang kanilang kamatayan.
Ang mga katawang lusak ay mga bangkay na hindi nabulok na natagpuan sa mga lusak na nagpanatili ng kanilang mga balat at panloob na organo sanhi ng mga hindi karaniwang kondisyon sa mga lusak.
Ang guru na Indiyanong si Paramahansa Yogananda ay iniulat na " walang pisikal na disintegrasyon ang makikita sa kanyang katawan kahit pagkatapos ng dalawampung araw pagkatapos ng kanyang kamatayan ".
Ang ilang mga natural na proseso ay iminungkahi rin gaya ng adipocere na tabang tisyu sa katawan na maaaring sumailalim sa isang reaksiyong kemikal na nagiging matigas na tulad ng wax na tulad ng sabong substansiya.
Ang mga kaso sa Katoliko na inaangking naingatang bangkay gaya ng kay Bernadette Soubirous na namatay noong 1879 ay aktuwal na tinakpan ng wax na idinagdag dahil ang kanyang mukha ay pumayat nang ang kanyang katawan ay unang hukayin.
Sa karamihan ng mga inaangking aparisyon ni Maria , ang tanging ilang mga tao ang nag - ulat na nakasaksi ng aparisyon.
Ang eksepsiyon dito ang mga inaangking aparsiyon ni Maria sa Zeitoun at Assiut , Ehipto na inaprubahan ng Simbahang Koptikong Ortodokso ngunit hindi sa Simbahang Katoliko.
Ang aparisyon sa Zetous ay iniulat na nasaksihan ng maraming mga tao kung saan ang Birheng Maria ay nagpakita sa iba 't ibang mga anyo sa ibabaw ng Simbahang Koptikong Ortodokso ng Santa Maria sa Zeitoun , Ehipto sa loob ng 2 hanggang 3 taon.
Gayunpaman , ayon kay Cynthia Nelson na propesor ng antropolohiya sa American University in Cairo , kanyang binista ang lugar ng simbahang Koptiko sa ilang mga okasyon at sa kabila ng mga pag - aangkin ng patuloy na mga pagdalaw ng aparisyon ni Maria , kanyang dinokumentong wala siyang nakita maliban sa ilang mga kaunting pahinto hintong kislap ng liwanag.
Ayon sa mga sosylogong sina Robert Bartholomew at Erich Goode ang mga aparisyon sa Zeitoun ay prominenteng kaso ng isang delusyong pang - masa.
Ang aparisyon sa Zeitoun ay iniimbetigahan rin bilang isang posibleng halimbawa ng tectonic strain theory.
Ayon sa neurosiyentipikong si Michael Persinger , ang mga strain sa loob ng krusto ng daigdig malapit sa mga seismikong fault ay lumilikha ng mga elektrogmagnetikong field na lumilikha ng mga katawan ng liwanag na pinapakahulugan ng ilan na mga kumikislap na mga UFO o aparisyon ni Maria.
Idinagdag rin ni Persinger na ang mga elektromagnetikong field ay lumilikha ng mga halusinasyon sa temporal na lobo batay sa mga larawan mula sa popular na kultura gaya ng sasakyan ng alien , mga nilalang , mga komunikayson.
Ang isang karaniwang ulat mula sa mga indibidwal na may schizophrenia ay pagkakaroon ng isang uri ng delusyong relihiyoso na kinabibilangan ng paniniwalang sila ay mga diyos o mesiyas , ang diyos ay nakikipag - usap sa kanila , sila ay nasasapian ng demonyo at iba pa.
Ang delusyong relihiyoso ay natagpuan na malakas na nauugnay sa pagiging hindi matatag ng temporolimbic ng utak.
( Ng 2007 ).
Ang ilang mga Kristiyanong Protestante at mga hindi Kristiyano ay tumuturing sa mga pag - aangkin ng mga aparisyon ni Maria bilang mga halusinasyon na hinikayat ng mga superstisyon at minsang simpleng sinadyang mga pandaraya upang makaakit ng atensiyon.
Ang maraming mga gayong aparisyon ay iniulat sa mga naghihirap na mga lugar na umaakit ng mga peregrino na nagdadala ng kalakal at salapi sa rehiyon.
Ayon sa mga skeptiko , ang katotohanang ang stigmata ay lumilitaw ng magkakaiba sa mga nag - angkin nito ay isang malakas na ebidensiya na ang mga " sugat " ay hindi tunay na milagroso.
Wala ring kaso ng stigmata ang alam na nangyari bago ang ika - 13 siglo CE , nang ang ipinakong Hesus ay naging pamantayang ikono sa Kristiyanismo sa kanluran.
May ilang mga posibleng iminungkahing sanhi sa pagkakaroon ng inangking stigmata sa isang tao.
Ito ay maaaring sinanhi ng isang tao habang nasa isang ekstasiyang relihiyoso at hindi ito naalala pagkatapos.
Ang masidhing meditasyon ay maaari ring magdulot ng sikosomatikong reaksiyon na tinatawag na sikohenikong purpura.
Ang maraming mga kaso ng mga stigmata ay mga sadyang pandaraya gaya ng kay Magdalena de la Cruz ( 1487 - 1560 ) na umamin na kanyang pineke ang kanyang stigmata at kay Maria de la Visitacion na madre sa Lisbon noong 1587 na nahuling nagpipinta ng mga " sugat " sa kanyang mga kamay.
Wala ring naimbestigahang mga stigmatiko na kailanman nagpakita ng phenomenon na ito mula sa simula hanggang wakas sa presensiya ng iba.
Ang mga stigmata ni Padre Pio ay napatunayang superpisyal nang siyasatin bagaman ang mga mananampalataya ay nag - angking ang mga sugat ay kumpletong tumagos sa kanyang kamay.
Ayon sa isang historyan , pineke ni Padre Pio ang kanyang stigmata sa pamamagitan ng pagbubuhos ng asidong karboliko sa kanyang mga kamay.
Ang isang dokumento ay naghahayag ng testimonya ng isang parmasista na nagsabing si Padre Pio ay bumili ng apat na gramong asidong karboliko noong 1919.
Ipinakita ng dalawang mga eksperto sa National Geographic Channel na ang paggamit ng sodang kaustiko ay nagsasanhi ng ng katamtamang mga sunog na kemikal sa hugis ng krus.
Kanila ring ipinakita na magagawa ang isang walang sakit na karanasang stigmata sa pamamagitan ng pagpapahid sa isang kamay ng kaunting iron chloride at sa isa ay potassium thiocyanate.
Kung papayagan ang parehong mga walang kulay na kemikal na matuyo at pagkatapos ay pagsasamahin ang mga kamay ay magsasanhi sa isang reaksiyong kemikal na na nagsasanhi ng mga pahid na kulay dugo sa parehong mga kamay.
Ayon sa mga skeptiko , walang mga ebidensiya na ang pagpapagaling sa pamamagitan ng pananampalataya ( faith healing ) ay gumagana.
Ang karamihan ng mga inaangking mga pagpapagaling sa pamamagitan ng pananampalataya ay kinasasangkutan ng mga pandaraya at ang ilang mga inaangking mga paggaling ay sanhi ng mga maling diagnosis na hindi nangangailangan ng pagpapagaling.
Ang ilang mga pagsasaliksik ng siyentipiko ay tumalakay rin ng mga posibleng mekanismo ng kusang loob na pagliit o paglaho ng kanser.
Iminungkahi na ito ay maaaring sanhi ng anyo ng reaksiyong imunolohikal.
Ayon sa isang pagsasaliksik , ang malaking bilang ng mga kusang loob na pagliit o paglaho ng kanser ay nangyayari pagkatapos ng isang impeksiyong trangkaso.
Ang isang kaso ng paglaho nito kasunod ng myxoedme coma ay nagmumungkahing ang hipothyoridsmo ay maaaring pumukaw ng isang apoptosis sa mga tumor.
Ang isa pa ay metilasyon ng DNA na nasasangkot sa pag - iiba ng selula.
Sa karagdagan sa mga hindi - milagrosong paliwanag nito , ang mga inaangking paggaling ay maaaring ituro sa epektong placebo.
Ang organisasyong Children 's Health Care Is a Legal Duty ay nagtaya na ang mga 300 bata ay namatay sa Estados Unidos simula noong 1975 sanhi ng paglalagay ng labis na pananampalataya sa faith healing.
Pagkatapos ng sunod sunod na mga insidente sa mga lokal na pangkat relihiyon na nagresulta sa mga kamatayan , ang pamahalaan ng Oregon ay nagpasya noong Marso 2011 na ang faith healing ay hindi katanggap tanggap na depensa laban sa mga kaso ng pagpapabaya ng mga magulang.
Ang iniulat na mga lumuluhang mga estatwa sa Katoliko ay kadalasan ng Birheng Maria.
Gayunpaman , hanggang sa ngayon , isang halimbawa lamang ng lumuluhang estatwa ang inaprubahan ng Vatikano at ang karamihan ng mga inaangking lumuluhang estatwa ay idineklarang peke ng Vatikano.
Ang isang halimbawa ay ang inangking pagluha ng dugo ng estawa ni Maria sa Italya noong 1995.
Ang mga 60 saksi kabilang ang lokal na obispo ay nagpatunay na kanilang nasaksihan ang milagro.
Gayunpaman , ang dugo ng estatwa ay natagpuang mula sa isang lalake at ang may ari ng estatwang si Fabio Gregori ay tumangging kumuha ng pagsubok ng kanyang DNA.
Ang isang posibleng paliwanag nito ay ang mga luha ay aktuwal na nagmumula sa mga butil ng mga kondensasyon ng mga mikroskopikong lamat sa ibabaw ng mga estatwa.
Ang mga ulat ng pagsubok nito ay sinasabing nagpapatunay ng teoriyang ito.
Sa kasalukuyang panahon ay walang mga relihiyon ang nag - aangkin ng mga mas milagrosong pangyayari ( na nakumpirma ng agham ) gaya ng paglalakad sa ibabaw ng tubig , pagbubuhay ng mga namatay o pagpapalagong muli ng mga naputol na hita.
May mga iba 't iba rin mga indibidwal na inaangkin na nagsagawa ng mga milagro kabilang si Pythagoras , Buddha , Apollonius ng Tyana , Hesus , Vespasian , Satya sai Baba at marami pang iba.
Ayon kay Porphyry tungkol kay Pythagoras ( 570 BCE - ca.
495 BCE ) , " Ang mga napatunayang mga hula ni Pythagoras ng mga lindol ay naipasa , at gayundin ay nang kanyang agad na patalsikin ang mga salot , supilin ang mga marahas na hangin at ulang yelo at palubagin ang mga bagyo o parehong mga ilog at mga karagatan.
" Ayon kay Iamblichus , " Maraming ibang mga mas kahanga - hanga at makadiyos na mga partikular ay gayundin nagkakaisang iniugnay sa taong ito gaya ng walang kamaliang mga hula ng mga lindol , mabilis na pagpapatalsik ng mga salot at mga bagyo , biglaang pagpapahinto ng ulang yelo , at pagpapakalma sa mga alon ng ilog at mga karagatan upang ang kanyang mga alagd ay madaling makadaan sa mga ito ".
Ayon sa isang salaysay , si Pythagoras sa kanyang mga paglalakbay ay natagpuan ang ilang mga mangingisda na hinuhugot ang kanilang mga lambat na puno ng mga isda.
Sinabi ni Pythagoras sa mga mangingisda na magagawa niyang eksaktong mabilang ang bilang ng mga isdang kanilang nahuli.
Kanilang binilang ang kanilang mga isda at tumpak na nahulaan ni Pythagoras ang mga bilang nito.
Iniutos ni Pythagoras na kanilang ibalik ang mga isda sa dagat at wala sa mga ito ang namatay bagaman ang mga ito ay matagal nang wala sa tubig.
Ang mga tagasunod ni Pythagoras na mga Pythagorean ay tumuring sa bilang na 153 bilang isang sagradong bilang sanhi ng paggamit nito sa isang rasyong matematikal na tinatawag na " sukat ng isda " na lumilikha ng mistikal na simbolong vesica pisces na interseksiyon ng dalawang mga bilog na lumilikha ng isang tulad ng isdang hugis.
Si Buddha ( 563 BCE - ca.