text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
483 BCE ) ay sinasabing nagsagawa ng mga 3,500 himala. |
Ang Mahajima Nikaya ay nagsasaad na si Buddha ay nag - angkin ng mas maraming mga labis na kapangyarihan kabilang ang kakayahan na lumakad sa tubig na karagdagang pinatunayan sa Angutara Nikaya. |
Si Buddha ay may kakayahang dumami sa milyon at pagkatapos ay bumalik. |
Siya ay may kakayahan na maglakbay sa espasyo , gawin ang kanyang sarili na kasing laki ng higante at kasing liit ng langgam , lumakad sa mga kabundukan , maglakbay sa kahanga hangang bils , sumisid papasok at palabas sa daigdig , maglakbay sa mga langit upang aralan ang mga diyos at bumalik sa daigdig , gawing hindi nakikita ang isang tao. |
Si Buddha ay sinasabi ring nag - aangkin at nagsanay ng Iddhi , Telepatiya , labis na pagdinig , pagtingin at pagtingin sa mga nakaraang buhay. |
Ayon sa isang salaysay : " na bumisita kay Buddha sa isang gabi ... ay natagpuan ang bangka na nawawala mula sa gilid ng ilog Acirvati. |
Sa isang pananampalatayang pagtitiwala kay Buddha , siya ay humakbang sa tubig at lumakad na tila sa tuyong lupain hanggang sa gitna ng daloy. |
At pagkatapos ay lumabas siya sa kanyang nakuntentong pagninilay nilay kay Buddha na kanyang nawala ang kanyang sarili at nakita ang mga ilog at natakot at ang kanyang mga paa ay nagsimulang lumubog. |
Ngunit kanyang pinilit ang kanyang sarili na mabalot muli sa kanyang pagninilay nila at sa pamamagitan ng kapangyarihan nito ay umabot sa malayong gilid ng ilog ng ligtas at naabot ang kanyang Panginoon ". |
Si Buddha ay iniulat na nagpakain ng 500 mga monghe Budista ng isang keyk na inilagay sa isang mangkok na panglimos at ito ay higit na sumobra na ang natira nito ay itinapon. |
Sa Mahavagga 20 : 16 , nagkaroon ng malakas na pag - ulan at pagbaha na ang tirahan ni Buddha ay lumubog sa baha. |
Gayunpaman , si Buddha ay nagkonseptualisa at sinanhi na ang tubig ay umurong upang makapaglakad siya sa gitna ng tubig sa tuyong lupain. |
Si Uruvela ay natakot na si Buddha ay tinangay ng baha at kaya ay naglayag sa baha upang tumungo sa tirahan ni Buddha at nakita ang paglutang ni Buddha sa hangin at pagbaba ni Buddha ng kanyang sarili sa bangka. |
Sinanhi rin ni Buddha na ang panggatong na kahoy ay mahati sa 400 piraso. |
Si Buddha ay isinaad na dalawang beses na sumailalim sa transpigurasyon sa sandali ng kanyang kaliwanagan at sa sandali ng kanyang kamatayan. |
Ayon kay Philostratus , si Apollonius ng Tyana ( c. |
15 ? CE - c. |
100 ? CE ) ay muling bumuhay ng isang namatay na babae , , nagpagaling ng bata na kinagat ng asong ulol , nagpagaling ng isang pilay , nagpahinto ng isang salot , nagpalayas ng demonyo , nag - angkin ng ekstra - sensoryong persepsiyon at iba pa. |
Ang mga milagro ni Hesus ( ca. |
7 BCE - 36 CE ) sa apat na kanonikal na ebanghelyo ay inuri ng ilang mga iskolar sa apat na mga pangkat : mga pagpapagaling sa karamdaman , pagpapalayas ng mga demonyo o masamang espirito , pagbuhay sa patay , at pagkontrol sa kalikasan. |
Ayon sa Marcos 8 : 11 - 12 , Mateo 16 : 1 - 4 , Mateo 12 : 38 - 40 at Lucas 11 : 29 - 30 , si Hesus ay tumanggi na magbigay ng anumang " mga tanda " ng milagro upang patunayan ang kanyang autoridad. |
Gayunpaman , ayon sa Juan 2 : 11 , ang mga milagro ni Hesus ang " mga tanda " na naghahayag ng kanyang kaluwalhatian. |
Kabilang sa mga milagro ng pagkontrol ni Hesus sa kalikasan ang : pagbabago ng tubig sa alak ( Juan 2 : 1 - 11 ) , pagpapakain ng maraming tao sa pamamagitan ng pagpaparami ng ilang tinapay at isda na sumobra , paglalakad sa tubig ( Juan 6 : 16 - 21 ) , transpigurasyon ( Mateo 17 : 1 - 9 , Marcos 9 : 2 - 8 , Lucas 9 : 28 - 36 ) , pagpapatigil ng bagyo at pagsumpa sa puno ng igos. |
Ayon sa Mateo 14 : 28 - 32 , " Sumagot sa kaniya si Pedro : Panginoon , kung ikaw nga , hayaan mong makapariyan ako sa iyo sa ibabaw ng tubig. |
Sinabi niya : Halika. |
Pagkababa ni Pedro mula sa bangka , lumakad siya sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. |
Ngunit nang makita niya ang malakas na hangin , natakot siya at nagsimulang lumubog. |
Sumigaw siya na sinasabi : Panginoon , sagipin mo ako. |
Kaagad na iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya. |
Sinabi niya sa kaniya : O , ikaw na maliit ang pananampalataya , bakit ka nag - aalinlangan ? Nang makasakay na sila sa bangka , tumigil ang hangin. |
" Ayon sa Juan 21 : 1 - 11 , " At sinabi niya sa kanila : Ihagis ninyo ang lambat sa dakong kanan ng bangka at makakasumpong kayo. |
Inihagis nga nila at hindi na nila kayang hilahin ang kanilang lambat dahil sa dami ng isda. |
Kaya ang alagad na iyon na inibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro : Ang Panginoon iyon. |
Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon , isinuot niya ang kaniyang pang - itaas na damit dahil siya ay nakahubad. |
At tumalon siya sa lawa. |
Ang ibang mga alagad ay dumating na sakay ng maliit na bangka. |
Hinihila nila ang lambat na may mga isda sapagkat hindi gaanong malayo sa pampang kundi may dalawang - daang siko lamang ang layo mula sa lupa. |
9 Pagkalunsad nila sa lupa , nakakita sila ng mga nagbabagang uling. |
May mga isdang nakapatong doon. |
May mga tinapay rin. |
Sinabi ni Jesus sa kanila : Dalhin ninyo rito ang mga isda na ngayon lang ninyo nahuli. |
Umahon si Simon Pedro. |
Hinila niya ang lambat sa dalampasigan. |
Ang lambat ay puno ng mga malalaking isda. |
Isang daan at limampu 't tatlo ( 153 ) ang kanilang bilang. |
Kahit na ganoon karami ang isda , hindi napunit ang lambat. |
". |
Iniulat ng historyan na si Tacitus na nang ang emperador na si Vespasian ( 9 CE - 79 CE ) ay nasa Alexandria , Ehipto noong 69 CE sa kanyang pagbabalik sa Roma ay nilapitan ng dalawang tao ( isang bulag at isang pilay ) na nag - aangking ang diyos na si Serapis ay lumitaw sa kanila sa isang panaginip na nagsasabing sila ay pagagalingin ng emperador. |
Inilagay ni Vespasian ang kanyang dura sa mga mata ng bulag at tinapakan ang paa ng pilay at sila ay gumaling. |
Isinulat ni Tacitus na , " Ang mga saksi ay pinag - uusapan ang mga pangyayaring ito hanggang sa kasalukuyan nang hindi sila makikinabang sa pagsasabi ng kasinungalingan ". |
Ayon kay David Hume , ang isang milagro ay isang paglabag sa mga batas ng kalikasan at dahil ang isang matatag at hindi mababagong karanasan ay nagpatunay ng mga batas na ito , ang patotoo laban sa isang milagro mula sa pinkakalikasan ng katotohanan ay buong gaya ng anumang argumento mula sa karanasang posibleng maiisip ... Kaya dapat ay may isang parehong karanasan na laban sa bawat pangyayaring milagroso , kundi , ang pangyayaring ito ay hindi nararapat ng pagpapangalang ito. |
Ang konsekwensiya ay walang testimonya na sapat na magpapatunay ng isang milagro malibang ang testimonya ay ng gayong uri na ang pagiging hindi totoo nito ay mas milagroso kesa sa katotohanan na sinisikap nitong patunayan ; kahit sa kasong ito ay mayroong isang mutwal na pagwasak ng mga argumento at ang superior ay nagbibigay lamang sa atin ng kasiguraduhan na angkop sa digring ito ng pwersa na nananatili pagkatapos mahinuha ang inperyor. |
Kanyang isinaad na kapag ang isa ay nagsabing nakita niya ang isang namatay na tao na binuhay , kanyang isasaalang alang kung mas malamang na ang taong ito ay dapat nandadaya o nadaya o ang katotohanang ang kanyang ikinukwento ay dapat talagang nangyari. |
Kanyang tinitimbang ang isang milagro laban sa isa at ayon sa pagiging superior , ay palaging itinatakwil ang mas malaking milagro. |
Ang ilan sa mga argumento ni Hume laban sa mga milagro ang sumusunod :. |
Ayon kay James Keller , ang pag - aangkin na ang diyos ay gumawa ng isang milagro ay nagpapahiwatig na pinili ng diyos ang ilang mga tao para sa kapakinabangan na hindi natanggap ng maraming mga ibang tao na nagpapahiwatig na ang diyos ay hindi patas. |
Ang isang halimbawa ay " kung namagitan ang diyos na iligtas ang iyong buhay sa pagkabangga ng sasakyan , kung gayon , ano ang ginagawa niya sa Auschwitz ? ". |
Pang - estadong Pamantasan ng Kabite |
Ang Cavite State University o Pang - estadong Pamantasan ng Kabite ay isang pamantasang pang - estado na matatagpuan sa Silang , Lungsod ng Cavite , Indang , Carmona , Imus , at Lungsod ng Trece Martires sa lalawigan ng Cavite , Pilipinas. |
Ito ay itinatag noong 1906 at kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Divinia Chavez. |
Doug |
Ang Doug ay ang kaunahang Nicktoon ng Nickelodeon na inilathala sa telebisyon noong 1991 sa Estados Unidos. |
Antropolohiyang pampolitika |
Ang antropolohiyang pampolitika ( Ingles : political anthropology ) ay isang disiplina ng pag - aaral na sumasakop sa kayariang pampolitika at panlipunan ng isang lipunan. |
Nakatuon ang larangang ito sa kayarian ng mga sistemang pampolitika , na tinatanaw magmula sa batayan ng kayarian ng mga lipunan. |
Itinuturing sina Charles - Louis de Secondat , Baron de Montesquieu at Alexis de Tocqueville bilang mga " amang tagapagtatag " ng antropolohiyang pampolitika. |
Kabilang sa mga kilalang antropologong pampolitika sina Pierre Clastres , E. E. Evans - Pritchard , Meyer Fortes , Georges Balandier , Fredrik Bailey , Jeremy Boissevain , Marc Abeles , Jocelyne Streiff - Fenart , Ted C. Lewellen , Robert L. Carneiro , John Borneman at Joan Vincent. |
Pueblo Rico , Risaralda |
Ang Pueblo Rico ay isang munisipalidad sa Departamento ng Risaralda , Kolombiya. |
Bahagharing Watawat |
Ang bahagharing watawat o rainbow flag ay watawat na binubuo ng kulay ayon sa mga kulay ng bahaghari. |
Ang aktuwal na kulay na ipinapakita sa watawat ay nag - iiba iba , subalit maraming mga uri ang nakabatay sa nakaugaliang pagkakasunod sunod ng pula , kahel , dilaw , luntian , bughaw , indigo , at lila. |
Ang paggamit sa mga bahagharing watawat ay may mahabang tradisyon ; ang mga ito ay itinatanghal sa maraming kultura sa buong daigdig bilang tanda ng pagkakaiba - iba at pagkakakilanlan , ng pag - asa at pagnanais. |
Maraming mga bahagharing watawat ang ginagamit ngayon. ang pinakatanyag sa buong daigdig ay ang pride flag na kumakatawan sa gay pride. |
Ang watawat ng kapayapaan na sikat sa Italya ay sumasagisag sa kilusan ng pakikiisa. |
Ginagamit din ito ng mga Andeano upang katawanin ang pamana ng imperyong Inca at ang kilusang Andeano. |
Cesar |
Ang Cesar ay isang departamento sa Colombia. |
Ang kagawaran ng Cesar ay may 25 munisipalidad. |
Amazonas Antioquia Arauca Atlantico Bolivar Boyaca. |
Caldas Caqueta Casanare Cauca Cesar Choco. |
Cordoba Cundinamarca Guainia Guaviare Huila La Guajira. |
Magdalena Meta Narino N. Santander Putumayo Quindio. |
Risaralda San Andres Santander Sucre Tolima Valle del Cauca. |
Vaupes Vichada Kabiserang distrito : Bogota. |
Wikipedia : Kasalukuyang pangyayari / 2014 Marso 12 |
Aleluya |
Ang aleluya ( Ebreo : hllvyh , haleluya ; Ingles : Hallelujah ) ay may ibig sabihing " Purihin ang Diyos ! " , na nabuo sa paghango mula sa pagsasama ng mga salitang Ebreong Hallelu o " papuri " at Yah o " Yahweh " , ang pangalan ng Diyos , na matatagpuan sa Aklat ng Pahayag 19 : 1 - 8. |
May kulay na mga talasok ng SMPTE |
Ang mga may kulay na talasok ng SMPTE o barang kulay ng SMPTE ( Ingles : mga SMPTE color bar ) ay isang pang - subok na dibuho na ginagamit sa telebisyon , at ito ang karaniwang ginamit sa mga bansang NTSC ang namamayaning pamantayan ng bidyo , katulad sa Hilagang Amerika. |
Maria Makiling |
Sa alamat ng Pilipinas , si Maria Makiling ay isang diwata na nagbabantay ng Bundok Makiling , isang bundok na matatagpuan sa Los Banos , Laguna. |
Nilalarawan siya bilang isang magandang dalaga na may mahabang buhok at kulay kayumangging kaligatan. |
Maraming kuwento ang nagsasaad ng kanyang kabutihan at maging ng kanyang kalupitan. |
Siya ay matulungin sa mga tao , at nagbibiyaya ng masaganang ani at huli ng isda. |
Subalit ang mga tao ay nagmamalabis at nagiging pabaya sa kanyang mga ibinibigay kaya siya ay nagpapataw ng parusa. |
Ilan sa kuwento tungkol sa kanya ay ang mga sumusunod :. |
May mga nagsasabing nililigaw ni Maria Makiling ang mga taong nagkakalat sa kanyang bundok. |
Makikita lamang nila ang tamang daan kung nilinis nila ang kanilang kalat. |
Kanon ( nobelang biswal ) |
Subsets and Splits