text
stringlengths
0
7.5k
Ang pakikipagtalik , tagpo o tipan ng mga nasabing tao ay kinakikitaan ng maselang palitan ng mga mensahe na tumutukoy o humahalintulad sa karanasan sa pagtatalik.
Ito ay isang uri ng pagganap na kung saan ang mga kasali ay nagpapanggap o nagiisip na sila ay nasa tunay na pakikipagtalik sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga gawain at pagbibigay tugon sa kapareho.
Pagsasalin
Ang pagsasalin ( pagsasalinwika ) ay ang gawain ng pagpapaunawa ng mga kahulugan ng panitik ( teksto ) , at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto - na tinatawag na salinwika - na naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika.
Tinatawag na pinagmumulang teksto ang panitik na isasalin , samantalang ang patutunguhang wika ay tinatawag naman na puntiryang wika.
Ang pinakaprodukto ay tinatawag na puntiryang teksto.
Isinasaisip sa pagsasalinwika ang mga limitasyon na kabilang ang diwa ( konteksto ) , ang patakarang pambalarila ( gramatika ) ng dalawang wika , ang pamamaraan at gawi ng pagsulat sa dalawang wika , at ang kanilang mga wikain ( kawikaan o idyoma ).
Isang karaniwang kamalian sa pagkakaintindi na may payak na paraan ng pakikipaugnayan ang bawat dalawang ( ang literal na salin o pagtutumbas ng salita - sa - bawat - salita ) ; at ang pagsasalin ay isang tuwiran at mekanikal na proseso.
Sa pagtutumbas ng salita - sa - bawat - salita , hindi pinahahalagahan at hindi nabibigyan ng pansin at diin ang diwa , balarila , mga gawi , at kawikaan.
Puno ang pagsasalinwika ng mga kaipala ( o posibilidad ) ng pag - apaw ng mga wikain at paraan ng paggamit mula sa isang wika patungo sa isa , sapagkat kapwa wika ay nakasalalay sa nag - iisang utak ng tagapagsalin ( o tagapagsalinwika ).
Madaling makasanhi ang pag - apaw na ito ng mga pinaghalong wika ( ang mga haybrid ) katulad ng " Prangles " ( Pranses - Ingles ) , " Espanggles " ( Kastila - Ingles ) , " Pogles " ( Polaka - Ingles ) , " Portunyol " ( Portuges - Kastila o Portuges - Espanyol ) , " Taglish " ( Tagalog - Ingles ) , at " Englog " ( Ingles - Tagalog ).
Kasingtanda ng panitikan ang sining ng pagsasalinwika.
Ang mga bahagi ng tulang - bayani ng mga Sumeryan - ang Epika ni Gilgamesh - na isa sa mga pinakamatandang mga akdang pampanitikan , ay natagpuan sa anyo ng mga salinwika na nasa iba ' t ibang mga wikang Asyano ( mga wikang ginagamit noong ikalawang milenyong BCE ).
Maaaring nabasa ng mga isinaung may - akda ng Bibliya at ng Iliad ang Epika ni Gilgamesh.
At
Ang at - pinapaikling ' t kapag kasunod ng isang patinig , karaniwang a , tulad ng sa iba 't - ibang - ay isang bahagi ng pananalita na nagsasama , naglalakip , nagpipisan o pang - ugnay ng mga salita , mga parirala , at mga buong pangungusap na may magkaparehong palaugnayan.
Kaugnay ito o katumbas din ng mga salitang saka at pati.
Sa Ingles , katumbas ito ng salitang and ( bigkas : / end / ).
Sa Kastila , katumbas ito ng paggamit ng y bilang pang - ugnay , na hiniram at ginagamit lamang sa wikang Tagalog para sa oras ( halimbawa : sa pariralang " ala - siyete y medya " o ikapito at talumpung minuto ) at bilang isang pang - ugnay ng mga panggitnang pangalan ng mga tao ( halimbawa : Jose Rizal y Mercado ).
Sa ganitong mga paggamit , binibigkas na / i / ang y , katulad ng sa salitang ilapit.
Hinggil sa kaugnayan sa saka at pati , isang halimbawang paggamit ang pagsasama ng at at saka na nagiging at saka na nangangahulugang " bilang dagdag sa " , " bilang karagdagan " , o " gayon din ang ".
Bagaman maaari rin namang mangahulugang dagdag o bilang dagdag ang salitang saka kaya 't nagagamit ding pamalit sa salitang at.
Katumbas ang saka ng Ingles na also.
Sa pangkatagalugang gamit , nagiging ' t ang at kapag pinaiikli.
Ginagamit din ito sa pariralang at iba pa na nangangahulugang " at ang mga natitira pa " , " at marami pang ibang katulad " o " at marami pang ibang mga halimbawa ".
Bilang daglat , isinusulat itong atbp , atbp.
, atb , atb.
, at sa hindi kadalasang ibp o ibp.
( para sa pakahulugang " ib ( a ) p ( a ) ".
Sa Ingles , katumbas ang at iba pa ng etcetera ( dinadaglat bilang etc. o etc na nagmula sa wikang Pranses na et cetera.
Ikinakabit din ito sa mga salitang baka ( nangangahulugang " maaari " ) , nang , at baga.
Katumbas sa Ingles ang at baka ng lest katulad ng paggamit sa mga halimbawang pariralang " at baka sakaling " ; ang at nang na katumbas ng so that sa Ingles , tulad ng sa pariralang " at nang sa gayon " ; at ang at baga naman ( o at bagaman ) na katumbas ng although sa Ingles.
Mga paggamit sa balarila at pangungusap na pang - Tagalog ang mga unang nabanggit , subalit mayroon talagang salitang at din sa wikang Ingles , at may pagkakaiba ito sa gawi at panuntunang paggamit.
Bilang salitang Ingles o sa mga pangungusap na nasa Ingles , nagpapahiwatig o nagtuturo ng lokasyon o pook na kinaroroonan ng isang bagay o tao ang salitang banyagang at.
Katumbas ng salitang nasa ang Ingles na at na katumbas din o kaugnay ng mga salitang Ingles na is there ( naroon sa ) at on ( ibabaw o sa ibabaw ).
Katulad din ito ng salitang sa ng Tagalog na tumutukoy din sa kinaroroonan , kinalalagyan , pinaglalagakan ng mga bagay.
Sa Ingles , katumbas ang Tagalog na sa ang Ingles na at , in , on , into , at through.
Katumbas ding Ingles na at ang kay ng wikang Tagalog.
Sa Tagalog , ipinapalit naman ang salitang kay para sa salitang sa kung pangalan ng tao ang tinutukoy na kinaroroonan ng bagay.
Sa madaling sabi , kapag ginagamit ang pangalan ng taong kinaroroonan ng bagay.
Katumbas ang kay , na tumutukoy sa lokasyon , ng mga salitang to , with , at , at for ng Ingles.
Sa Ingles , sumasagisag ang simbolong ( tinatawag na at sign sa Ingles ; isang sagisag o panitik na katumbas ng sa sa Tagalog ) para sa Ingles na at.
Katumbas ng katagang at sign ng Ingles ang pariralang " sagisag ng sa " ng Tagalog.
Brian Mulroney
Si Martin Brian Mulroney CAN PC CC GOQ ( ipinanganak Marso 20 , 1939 ) ay isang politiko ng Canada na naglingkod bilang 18 Punong Ministro ng Canada mula Setyembre 17 , 1984 , hanggang Hunyo 25 , 1993.
Kanyang Ang panunungkulan bilang punong ministro ay minarkahan ng pagpapakilala ng mga pangunahing repormang pang - ekonomya , tulad ng Libreng Trade Agreement at ang Goods and Services Tax at ang pagtanggi sa mga reporma sa konstitusyon tulad ng Meech Lake Accord at ang Charlottetown Accord.
Bago ang kanyang pampulitikang karera , siya ay isang kilalang abugado at negosyante sa Montreal.
Ptolomeo
Si Claudio Ptolomeo , Ptolomeo , Tolomeo , Claudius Ptolemaeus , binabaybay sa Ingles bilang Ptolemy ( Griyego : Klaudios Ptolemaios Klaudios Ptolemaios ; 90 - 168 ) , ay isang mamamayang Romanong matematiko , astronomo , heograpo , at astrologong may etnisidad na Griyego o Ehipsiyo.
Namuhay siya sa Ehipto habang nasa ilalim ng kapangyarihan ng Imperyong Romano , at pinaniniwalaan ng mga dalubhasaang ipinanganak sa bayan ng Ptolemais Hermiou sa Thebaid.
Namatay siya sa Alehandriya noong bandang AD 168.
Roccavivara
Ang Roccavivara ay isang comune sa lalawigan ng Campobasso sa bansang Italya.
Acquaviva Collecroce * Baranello * Bojano * Bonefro * Busso * Campobasso * Campochiaro * Campodipietra * Campolieto * Campomarino * Casacalenda * Casalciprano * Castelbottaccio * Castellino del Biferno * Castelmauro * Castropignano * Cercemaggiore * Cercepiccola * Civitacampomarano * Colle d 'Anchise * Colletorto * Duronia * Ferrazzano * Fossalto * Gambatesa * Gildone * Guardialfiera * Guardiaregia * Guglionesi * Jelsi * Larino * Limosano * Lucito * Lupara * Macchia Valfortore * Mafalda * Matrice * Mirabello Sannitico * Molise * Monacilioni * Montagano * Montecilfone * Montefalcone nel Sannio * Montelongo * Montemitro * Montenero di Bisaccia * Montorio nei Frentani * Morrone del Sannio * Oratino * Palata * Petacciato * Petrella Tifernina * Pietracatella * Pietracupa * Portocannone * Provvidenti * Riccia * Ripabottoni * Ripalimosani * Roccavivara * Rotello * Salcito * San Biase * San Felice del Molise * San Giacomo degli Schiavoni * San Giovanni in Galdo * San Giuliano del Sannio * San Giuliano di Puglia * San Martino in Pensilis * San Massimo * San Polo Matese * Sant 'Angelo Limosano * Sant 'Elia a Pianisi * Santa Croce di Magliano * Sepino * Spinete * Tavenna * Termoli * Torella del Sannio * Toro * Trivento * Tufara * Ururi * Vinchiaturo.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
[ [ en : Roccavivara.
Tanzania
Ang Pinag - isang Republika ng Tanzania ( internasyunal : United Republic of Tanzania , Jamhuri ya Muungano wa Tanzania sa Swahili ) , o Tanzania , ay isang bansa sa silangang pampang ng silangang Aprika.
Napapaligiran ito ng Kenya at Uganda sa hilaga , Rwanda , Burundi at ang Demokratikong Republika ng Congo sa kanluran , at Zambia , Malawi at Mozambique sa timog.
Sa silangan hangganan nito ang Karagatang Indiyan.
Ipinangalan ang bansa sa Lawa Tanganyika , na binubuo ng kanlurang hangganan.
Naging kasapi ng Komonwelt simula pa noong naging malaya ( 1961 ).
Noong 1964 , nakipag - isa ang Tanganyika sa pulo ng Zanzibar , binubuo ang Nagkaisang Republika ng Tanganyika at Zanzibar , pinalitan ang pangalan sa kalaunan sa Nagkakaisang Republika ng Tanzania.
Noong 1996 , inilipat kapital ng Tanzania mula sa Dar es Salaam patungong Dodoma , bagaman nanatili pa rin ang maraming tanggapan ng pamahalaan sa lumang kapital.
Mga soberanong bansa Algeria * Angola * Benin * Botswana * Burkina Faso * Burundi * Cameroon * Cape Verde * Central African Republic * Chad * Demokratikong Republika ng Congo * Congo * Comoros * Cote d ' Ivoire * Djibouti * Ehipto1 * Equatorial Guinea * Eritrea * Ethiopia * Gabon * Gambia * Ghana * Guinea - Bissau * Guinea * Kenya * Lesotho * Liberia * Libya * Madagascar * Malawi * Mali * Mauritania * Mauritius * Morocco * Mozambique * Namibia * Niger * Nigeria * Rwanda * Senegal * Seychelles * Sierra Leone * Somalia * Sudan * Swaziland * Sao Tome at Principe * Tanzania * Timog Africa * Timog Sudan * Togo * Tunisia * Uganda * Zambia * Zimbabwe.
Dependensiyas | ' Di - kinikilala British Indian Ocean Territory ( Reino Unido ) * Demokratikong Republikang Arabo ng mga Sahrawi * Mayotte ( Pransiya ) * Puntlandiya * Reunion ( Pransiya ) * Sta.
Elena2 ( Reino Unido ) * Somalilandiya.
1 May bahagi sa Asya.
2 Kasapi ang mga dependensiya ng Pulo ng Asensiyon at Tristan da Cunha.
Orgiya
Sa pangkaraniwang paggamit , ang Orgia o Orgiya , na kilala sa Ingles bilang orgy , ay isang pangyayari kung kailan mahigit sa dalawang tao ang nagtatalik na magkakasama , na minsang tinatawag na pangkatang pagtatalik o pampangkat na pagtatalik.
Sa ibang kahulugan , ang orgiya ay isang gawain o aktibidad na isanasagawa na walang limitasyon o hangganan o pagbabawal.
Orihinal na nagmula ang salita mula sa Latin , na may orihinal na kahulugang tumutukoy sa isang piyesta o malaking salu - salo at handaan ng isang mayamang mamamayan.
Kapag kumakain ang sinaunang mga Romano , sila ay halos nakahiga na , at ang pagkain ay dinadala sa kanila ng mga alipin.
Ang mga aliping ito ang nagbibigay din ng kaaliwan na pangkaraniwang kinasasangkutan ng tugtugin at sumasayaw na mga alipin.
Sa makabagong paggamit ng salita , ang orgiya ay isang handaang pangpagtatalik o piging ng pagtatalik kung saan ang mga panauhin ay nagsasagawa at nakikilahok sa walang pakundangan ( promiscuous o promiscuity sa Ingles , walang delikadesa ) o sari - saring gawaing pampagtatalik o pagtatalik na pampangkat.
Ang orgiya ay kahalintulad ng Pag - aalibugha o Paglalango ( debauchery sa Ingles ) , na tumutukoy sa labis na pagkalulong sa kamunduhan o kaligayahang pangmundo at walang tuos na pamumuhay , partikular na ang pagpapasasa sa mga kaligayahang sensuwal at seksuwal.
Naiiba ang orgiya mula sa ilang mga handaan ng mga nakikipagpalitan ng katalik o kapareha ( mga swinger o partner swapper sa Ingles ) dahil sa ang mga magkakapareha sa maraming mga pagsasalu - salo ng mga nagpapalitan ng katalik ay nakikilahok sa pandalawahang tao na pagtatalik o kaya kumbensiyonal na mga gawaing pampagtatalik , bagaman hindi sa kanilang pampalagian o permanenteng katambal sa pagtatalik.
Ang orgiya ay katulad ng ibang mga uri ng mga salu - salo ng mga nagpapalitan ng katalik sa diwa na ang mga magkakatambal sa ilang mga salu - salo ng mga nagpapalitan ng katalik ay nakikilahok sa pagtatalik na katalik ang samu 't saring iba pang mga katalik pati na ang pakikipagpalitan ng mga kapareha.
Ang pakikiisa sa isang orgiya ay isang karaniwang pantasyang seksuwal , at ang mga orgiya ay kinakatawan sa mga panitikang popular at mga pelikula , natatangi na sa mga pelikulang pornograpiko.
Sa iba pang paggamit , ang katagang orgiya ay ginagamit din sa mga ekspresyon o pananalita na nagpapahiwatig ng sobra o walang pinipili , katulad ng mga pariralang " orgiya ng mga kulay " o kaya ang " orgiya ng pangwawasak ".
Smenkhkare
Si Smenkhkare ( na minsang binabaybay na Smenkhare o Smenkare at nangangahulugang " Malakas ang Kaluluwa ni Ra " ) ang epemeral ( panandalian ) na paraon ng huling Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto ( 1335 - 1334 BCE ) na labis na kaunti ay tiyak na hindi alam.
Siya ay pinaniniwalaan ng mga eksperto na mummy na natagpuan sa KV55.
Siya ang mas batang anak ni Amenhotep III at reynang Tiye at kaya ay mas batang kapatid ni Akhenaten.
Bagaman sa tradisyon ay nakikita siya isa sa mga agarang kahalili ni Akhenaten , ang ilang mga Ehiptologo sa kasalukuyan ay tumuturing sa kanyang agarang predesesor ni Neferneferuaten at batang kapwa - hari ni Akhenaten na walang independiyenteng paghahari.
Si Neferneferuaten ang agarang predesesor naman ni Tutankhamun.
Siya ay pinagpapalay na isang malapit na kamag - anak ni Amenhotep III at Akhenaten sa pamamagitan ng dugo o pagpapakasal.
Ang kamakailang mga paggawa ng mga skolar ay malalang nagdududa sa tradisyonal na pananaw at karamihan ng mga aspeto ng kanyang buhay at posisyon.
Ang kanyang relasyon sa pamilyang dugong bughaw ng Amarna , ang kanyang kalikasan at kahalagahan ng kanyang paghahari at kahit ang kanyang kasarian ay pinagdedebatihan.
Nauugnay dito ang patuloy na tanong kung ang kapwa - hari ni Akhenaten at kahalili ay parehong isang tao.
Lino Brocka
Si Catalino Ortiz Brocka , na mas nakilala bilang Lino Brocka , ay isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas na pinarangalan at kinilala , maging sa ibang bansa.
Tinalakay niya sa kanyang mga pelikula ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan.
Ipinamalas niya rin ang pagiging diretso sa kanyang mga ideya at opinyon na malinaw ring matutunghayan sa kanyang mga pelikula.
Kung kaya 't hanggang ngayon ay patuloy na pinapanood at hinahangaan ng mga tao mula sa iba 't ibang henerasyon dahil na rin sa mga sitwasyon at ideyang tumutugma sa kahit anong panahon dito sa bansa.