text
stringlengths
0
7.5k
Dumadaan ang Ilog Ch 'ongch 'on sa lungsod.
Nakapuwesto ang Anju malapit sa mga malaking deposito ng antrasitang karbon , at may isa sa mga pinakamalaking pasilidad ng paggawa ng karbon sa bansa.
Naglalaman ang mga ito ng higit sa 130 milyong metrikong tonelada ng karbon.
Ang distrito ng Namhung - dong ( nam heung dong ) ay ang kinaroroonan ng Namhung Youth Chemical Complex , isa sa mga pinakamahalagang pinagsamang kompaniyang kimikal sa Hilagang Korea.
Pinaglilingkuran ang Anju ng ilang mga estasyon sa mga linyang P 'yongui at Kaech 'on ng Korean State Railway.
Prometasina
Ang Prometasina ( Ingles : Promethazine , Kastila : Prometazina ) ay isang unang - salinlahing antihistamina ng pamilyang penotiyasina ( phenothiazine ).
Ang gamot na ito ay mga epektong panlaban sa kinetosis ( karamdaman sa pagbibiyahe o paggalaw ) , gamot din itong antiemetiko ( gamat laban sa pagsusuka ) , at antikolinerhiko , pati na pagiging isang malakas na epektong sedatibo at sa ilang mga bansa ay nirereseta para sa insomniya kapag kontraindikado o hindi puwedeng ibigay ang bensodiyasepina.
Mabibili itong walang reseta sa Nagkakaisang Kaharian , Australya , Suwitserland , at marami pang ibang mga bansa , subalit kailangan ng reseta o preskripsiyon sa Estados Unidos.
Kabilang sa mga pangalang tatak nito ang Phenergan , Promethegan , Romergan , Fargan , Farganesse , Prothiazine , Avomine , Atosil , Receptozine , Lergigan , at Sominex sa Nagkakaisang Kaharian.
Surah Al - Jasiyah
Ang Surat Al - Jathiya ( Arabiko : swr ljthy ) ang ika - 45 sura ng Koran na may 37 ayat.
Ito ang isa sa pitong sura ng Koran na nagsisimula sa mga letrang Ha Meem.
Gamot na pampamanhid
Ang gamot na pampamanhid , pangimay , o anestetiko ( binabaybay ding enestetiko ) ay isang gamot na nakapagdurulot ng kawalan ng kakayahang makaramdam ng anumang sensasyon o pandama , katulad ng kirot , hapdi o sakit.
Tinatawag na anestisya ang katayuan o kalagayan ng kawalan ng pandama o walang pakiramdam , o pamamanhid , pamimitig , o pangingima.
Gumagana ang isang lokal na anestetiko o pampook na pampamanhid sa isang partikular o tiyak na bahagi ng katawan , samantalang gumagana naman ang anestetikong heneral o panglahat na pampamanhid sa buong katawan.
Galyetas
Ang kraker , galyeta , o galyetas ( Ingles : cracker ) ay isang hinurnong pagkain na karaniwang gawa mula sa grano , harina , masa , at karaniwang ginagawa nang maramihan.
Ang mga kraker ( na katumbas ng mga biskwit sa Nagkakaisang Kaharian ) ay karaniwang sapad , malutong , maliit ang sukat ( karaniwang 3 mga pulgada o mas maiksing diyametro ) at karaniwang ginagawa na may sari - saring mga hugis , bagaman karaniwang bilog , parisukat , o parihaba.
Ang mga pampalasa , katulad ng asin , yerba , mga buto , at / o keso , ay maaaring idagdag sa masang panggawa ng kraker o ibinubudbod sa ibabaw bago hurnuhin.
Ang mga kraker ay kadalasang itinuturing bilang isang masustansiya at maginhawang paraa ng pagkonsumo ng isang pangunahing pagkain o granong angkak.
Ang mga galyetas ay kinakain na nag - iisa lamang o may kasamang iba pang mga pagkain , katulad ng keso o mga hiwa ng karne , mga sawsawan , o malambot na mga palaman katulad ng mga mantikilya , mantikilyang mani , margarina , o halaya.
Ginagamit din sila bilang mga panlinis ng ngala - ngala sa pagitan ng pagsubok ng mga produktong pagkain.
Ang ninuno ng makabagong kraker ay maaaring matagpuan sa mga biskuwit na pambarkong nautikal , mga biskwit na pangmilitar ( iyong tinatawag na hardtack sa Ingles ) , at mga tinapay na pangsakramento.
Ilan sa mga kanunu - nunuan ng mga ito ay matatagpuan sa mga sinaunang sapad na tinapay , na katulad ng lavash , pita , matsa , flatbrod , at malutong na tinapay.
Kabilang sa mga katumbas nito sa Asya ang papadum at senbei.
Sinasabi na ang mga galyetas ay naimbento noong 1972 , nang si John Pearson ng Newburyport , Massachusetts , Estados Unidos ay gumawa ng isang produktong tinapay mula sa harina at tubig lamang na tinawag niyang Pearson 's Pilot Bread ( Pampilotong Tinapay ni Pearson ).
Agad itong nagtagumpay bilang pagkaing pangmandaragat dahil sa tagal ng buhay nito bago masira.
Tinawag din itong hardtack o biskwit na pangdagat.
Ito ang unang nagging gawaan ng tinapay sa Estados Unidos , at gumawa ng mga galyetas sa loob ng mahigit sa isang daantaon.
Ang Crown Pilot Crackers na nagbuhat sa resiping ito ay ginawa at ipinagbili sa Bagong Inglatera magpahanggang kaagahan ng 2008 , at ginamit sa nakaugaliang mga resipi ng kabyang tsauder.
Subalit ang tunay na sandaling mapanghimagsik sa buhay ng galyetas ay dumating noong 1801 , nang isa pang panadero , na si Josiah Bent , ay hindi sinasadyang nakasunog ng isang pangkat ng mga biskwit na isinalang niya sa kanyang hurnuhang yari sa ladrilyo.
Ang malutong na ingay o " kaluskos " na nagmula sa nasilabang mga biskwit ang napaghanguan ng pangalan nitong cracker sa Ingles , na naging kraker sa Tagalog.
Dahil sa dasdas o budbod ng pagiging mapangatha , kinumbinsi ni Bent ang mga mangangalakal at mga tagapamili hinggil sa potensiyal ng kraker na maging isang pagkaing pangmeryenda.
Sa pagsapit ng 1810 , naging malakas ang pagtakbo ng kanyang negosyo , at sa paglipas ng mga taon , ipinagbili ni Bent ang kanyang kompanya sa National Biscuit Company , na ngayon ay nagnenegosyo sa ilalim ng pangalang Nabisco.
Noong 1999 , ang industriya ng mga kuki at mga galyetas sa Estados Unidos ay nagpapahanapbuhay ng 37,857 mga tao , na may pagbebenta na lumalampas sa $ 10 mga bilyon.
Ang mga butas sa mga galyetas ay nagsisilbi bilang mga pambawas o pampigil ng mga pagkakaroon ng napaka malalaking mga bulsa ng naiipong hangin habang niluluto ang mga galyetas.
Mayroong iba ' t ibang mga hugis at sukat ang mga galyetas ; mayroon bilog , parisukat , parihaba , tatsulok , at iba pa.
Ang pangalang " kraker " ay pinaka kadalasang ginagamit para sa mga biskwit na sapad at may malasa at maalat ng lasa , na dahil dito ay maipagkakaiba mula sa isang " kuki " na maaaring kahalintulad ng isang galyetas dahil sa anyo at kagaspangan ( tekstura ) , subalit ang kuki ay matamis.
Ang mga galyeta ay lalo pang maipagkakaiba mula sa mga kuki ayon sa paraan ng pagluluto nito.
Ang mga kraker ay payak na ginagawa sa pamamagitan ng pagpapatung - patong ng mga masang panggawa ng tinapay ; samantala , ang mga kuki o kukis ay ginagawa sa pamamagitan ng mararaming mga kaparaanan , katulad kumbaga sa paggawa ng mamon o keyk , na marami ring mga paraan ng paghahanda at pagluluto.
Kung minsan , ang mga galyetas ay nilalangkapan ng keso , pampalasa , mga pampalabok , mga panrekado , o kaya ay sabaw na kinatas mula sa mga manok.
Sa pangkaraniwan , ang mga kraker ay mga produktong na yari sa harinang inasinan.
Ang ilan sa mga galyetas ay pinapahiran ng keso , pate , o mousse.
Samantala , ang mga galyetang saltino at galyetang talaba ay madalas na ginagamit o inihahain bilang kasamahan ng mga sabaw.
Ang pastel na mansanas o empanadang mansanas ay gawa mula sa mga galyetas na katulad ng may tatak na Ritz o kahalintulad nito.
Ang mga galyetang Graham at biswit na panunaw ay kinakain na katulad ng pagkain sa mga kuki , bagaman kapwa sila naimbento para sa pinapalagay na mga kainamang pangkalusugan.
Poot
Ang poot , ngitngit , o galit ay ang pagkasuklam , pagkayamot , pagngingitngit , pagkamuhi , pagpupuyos , pangungupinyo , at indignasyon ng isang tao sa iba.
Sa paglalarawan , karaniwan itong mayroong pagtitiim - bagang , pagsulak ng dugo , at panggigitil ng mga ngipin.
Sa Katolisismo , itinuturing ito bilang isa sa pitong nakamamatay na mga kasalanan.
Uwit
Ang uwit , pandagdag na bakal , karagdagang hero , o suplementong yero ( Ingles : iron , iron supplement , iron pill , Blaud 's pill ) ay isang uri ng pagkain o gamot na pandagdag sa pagkain ( mga suplementong pangdiyeta ) na niririseta ng manggagamot , partikular na sa mga may kakulangan nito sa katawan , katulad ng anemya.
Pangkaraniwang tinatawag din ito bilang mga pildoras ni Blaud sapagkat ipinakilala at unang ginamit ito ng manggagamot na si P. Blaud ng Beaucaire ng Pransiya para gamutin ang mga pasyenteng may karamdamang anemya.
GE - Good Ending
Ang GE - Good Ending ( GE ~ gutsudoendeingu ~ ) ay isang seryeng manga.
Dinastiyang Halayerida
Ang dinastiyang Halayerida ( Persa ( Persian ) : jlyryn , Jalayiriyan ) ang mga pinuno ng Irak at kanlurang Iran mula 1335 hanggang 1432.
Idyoma
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal - - sa ibang salita , hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya - kanyang salita na nabuo.
Ito ay di - tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Shonen Onmyouji
Ang Shonen Onmyoji ( Shao Nian Yin Yang Shi ) ay isang magaang na nobela na ginawa ni Mitsuru Yuki at ang ilustrasyon ay ginawa ni Sakura Asagi.
Ang nobela ay kasalukuyang nakalisensiya sa The Beans ng ' Kadokawa Shoten '.
Ang magaang na nobela ay mayroong 25 bolyum , kasama ang 3 maiikling istorya at isang tabing istorya.
Ang gumaganap na manga ay nakalisensiya sa Beans Ace.
Mayroon ding serye ng mga CD , isang larong PlayStation 2 at ito ay isang adapsiyong manga na inanunsiyo noong 2005 at ang musikal na rin.
Sa kalayuan , ito ay inanunsiyo noong Agosto 2006 sa Newtype na ang isang adapsiyong anime ay gagawin bilang animasyon ng Studio Deen at ang mga tauhan ay ilalarawan ni Shinobu Tagashira.
Sa huli , sinimulan itong ipalabas noong 3 Oktubre 2006.
Ang anime ay ipinalabas sa Animax sa ilalim ng titulong , Shonen Onmyoji : The Young Spirit Master.
Ito ay ipinalabas sa mga estasyon sa buong mundo , kasama ang Hong Kong at Taiwan , at ito ay isinasalin at binobosesan ang mga serye sa Wikang Ingles para sa mga estasyong Ingles tulad ng nasa Timog Silangang Asya at Timog Asya , at ibang rehiyon.
Ang anime ay nakalisensiya para sa distribusyong Hilagang Amerika ng Geneon Entertainment.
Subalit , dalawang bolyum lamang ng serye ang nailabas , at hindi pa ito tapos dahil sa pagdating sa pamilihang Amerikano.
Noong 3 Hulyo 2008 , ang FUNimation ay nag - anunsiyo na mayroon ito ugnayan sa Geneon para ilabas ang kanilang paglilisensiya , kasama ang Shonen Onmyoji ..
Ang serye ay nangyari noong Heian.
Si Abe no Masahiro ay ang apo ng pinakadakilang onmyoji na si Abe no Seimei.
Si Seimei , na pinasa ang kanyang nalalaman sa kanyang apo , si Masahiro na nawawala ang kanayang ikaanim na pandama at ang kanyang abilidad na makakita ng mga ispiritu.
Si Masahiro ay nakakaramdam ng pakairita dahil sa presensiya ng kanyang lolo.
Isang araw , Si Masahiro ay nakatagpo ang isang lobong mukha na nilalang na may pangalang Mokkun ( motsukun ) na nagpakita ng kanyang tunay na potensiya na kakayahan pagkatapos kalabanin ang isang demonyo.
Si Mokkun na kilalang si Toda ( Teng She ) , tignan ang Teng ( mitolohiya ) , na sinabing tawagin na lamang siyang Guren.
Isa siya sa mga labingdalawang shikigami na tinatawag na Shinsho ( Shen Jiang ) , na ibinigay ang kanilang pagkasunurin kay Seimei at tinutulungan si Masahiro na pumasa sa kanyang lolo.
Ang pangaginip ni Masahiro na pumasa sa kanyang lolo ay hindi madaling kunin tulad ng sinabi ng ibang Shinsho na siya ang tagapagmana ni Seimei , dapat niya ring taasan ang kanyang lakas para labanan ang mga demonyo na galing sa Tsina , sa iba pang parte ng Hapon sa Ibabang mundo tulad ng ibang onmyoji 's na gustong sirain ang Hapon.
Siya rin ay nangako na poprotektahn si Prinsesa Akiko ng klanong Fujiwara.
Sa mga nobela , mayroon nang 5 balantok ng kuwento.
Subalit , sinasaklaw lamang ng anime ang dalawang , ang arkong Kyuki at Kazane.
Kyuki Hen ( Qiong Qi Bian ).
Nagsimula ang arko ni Kyuki mula sa episodyo 1 hanggang 12 sa anime at bolyum 1 hanggang 3 sa nailabas na nobela.
Si Kyuki , isang tigreng may pakpak mula sa kanluran o hinihinala pa lamang , pwersahang inilikas ang Tsina pagkatapos matalo ng mga demonyo.
Nakarating siya sa Hapon at pilano na kainin si Fujiwara no Akiko para mapawi ulit ang kanyang kalakasang pangispiritwal at magamot ang kanyang mga sugat.
Kasama niya ang isang sandatahan ng dayuhang demonyo na kilala na nang hindi pa bihasa at sanay na onmyoji na si Masahiro na siyang sinimulang gamit ang kanyang kapangyarihan.
Kazane Hen ( Feng Yin Bian ).
Nagsimula naman ang arkong Kazane mula episodyo 13 hanggang 26 sa anime at bolyum 4 hanggang 8 sa nobela.
Isang mapaghiganting ispiritu ang sumanib at isinumpa si Yukinari ng angkang Fujiwara.
Isang misteryosong babae ang nagpakita at binabalak kunin ang buhay ni Seimei.
Nagbabantang buksan ng ilang demonyo ang pintuan papunta sa ibang mundo , isang pangyayari mauulit limangpung limang taon na ang nakakalipas , at si Guren kasama na si Masahiro ay dumaan sa matinding pagsubok.
( An Bei Chang Hao ) Binigyang boses ni : Yuki Kaida.
Si Masahiro ay isang onmyoji na nasa pagsasanay at apo ng kilalang si Abe no Seimei.
Nang siya ay maliit pa , an kanyang pandamang ispirituwal ay napakalakas kaya isinara muna ito ni Seimei panandalian hanggang sa paglaki niya para magamit niya ito nang maayos.
Pagkatapos makilala si Mokkun , snakamit ulit ni Masahiro ang pandama sa mga ispirito at ipinangako na ang kanyang kapalaran bilang onmyoji ay paglingkuran ang emperador.