text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Siya ay palakaibigan at mabait sa parahang yokai at mga taong binabantayan niya mula sa mga masasamang demonyo na kinukuha ang mga tao malapit sa kabiserang imperyal. |
Mayroon din siyang relasyon kay Akiko. |
( motsukun ) , ( Hong Lian ) Binigyang boses ni : Katsuyuki Konishi ( bilang Guren ) Binigyan ng boses ni : Junko Noda ( bilang Mokkun para sa TV anime at kuwentong gilid ng drama CD ). |
Si Guren ay isa sa labing dalawang shikigami na naglilingkod kay Seimei , na ibinigay ang kanyang kasalukuyang pangalan , pagkatapos niyang ialok ang serbisyo. |
Ang kanyang orihinal na pangalan ay Toda ( Teng She ). |
Subalit , ang ibang still ay tinatawag pa rin siya sa orihinal niyang pangalan. |
Tanging sina Seimei at Masahiro lamang ang tumatawag sa kanyang Guren. |
Ang porma na kanyang ginagamit ay mononoke , na ipinangalan ni Masahiro na Mokkun. |
Dahil siya ay hindi nakikita ng ibang tao na walang pandamang ispiritwale , kadalasang gumagawa si Mokkun ng mga pangaasar sa mga taong iniinis siya , mas malala ang kay Masahiro. |
Sa episodyo 18 ng anime , pinipilit ni Guren na hindi lumapit sa mga bata , kahit na nalalagay ang mga bata sa piligro dahil sa takot na mapahamak sila. |
Ayon kay Guren , ang dahilan kung bakit siya ganito ay ang mga bata ay umiiyak ng walang dahilan. |
Sa katagalan , naintindihan ni Masahiro na ang mga kilos ni Guren ay hindi siya naniniwala sa una , subalit ang gusto ni Guren ay hindi umuyak " Ang mga bata sa kanya " na lagi siyang kinakatakutan ng lahat. |
Pinilit ni Masahiro na maging komportable siya na ang mga bata ay hindi takot sa kanya. |
( An Bei Qing Ming ) Binigyang boses ni : Mugihito Binigyan ng boses ni : Akira Ishida ( bata ). |
Ang pinakadakilang onmyoji sa kasaysayan ng Hapon , si Abe no Seimei na lolo ni Masahiro. |
Siya ay may labingdalawang shikigami na tinatawag na Shinsho na nasa ilalim ng kanyang paguutos at kayang protektahan ang kanya kaluluwa , na kung saan ay nagiging anyo siya bata , para tulungan si Masahiro sa kanyang mga laban. |
Mayroong tatlong kantang pangtema ang anime , isang pambungad na kanta at dalawang pantapos na kanta. |
Egao no Wake ( Xiao Yan no Yi , The Meaning of Your Smile ) ang pamagat ng pambungad na kanta na kinanta ni Hikita Kaori na ipinalabas noong 25 Oktubre 2006. |
Itinatapos naman ng Yakusoku ( Yue Shu , Promise ) ang anime na kinanta ni Saori Kiuji na ipinalabas naman noong 22 Nobyembre 2006. |
Itinatapos naman ng Rokutosei ( Yue Shu , Liu Deng Xing ) ang huling episodyo ng anime na kinanta ni Yuki Kaida na ipinalabas kasama ang ibang kanta na kinanta ng bawat tauhan ng anime. |
Ipinalabas noong 24 Marso 2006 ang lahat ng mga kanta na ginamit sa anime. |
Naglalaman ng anim na kanta na ginawa ng bawat tauhan na binubuo ng Hibiku Uta wo Kike Fuga ni Haru , at Fuga Uta wo Kike Natsu ni Hibikuand na inilabas noong 23 Pebrero 2007. |
Egao no Wake ( Xiao Yan no Yi The Meaning of Your Smile ). |
Yakusoku ( Yue Shu Promise ). |
Rokutosei ( Liu Deng Xing Sixth - Magnitude Star ). |
Paalala : Si Yuki Kaida ang kumanta ng pangtapos na kanta sa ilalim ng pangalan Abe no Masahiro. |
Natapos na ng Studio Deen ang pag - aadap ng magaang na nobela para gawing anime na naipalabas noong 3 Oktubre 2006 hanggang Marao 27 , 2007 sa Hapon na may 26 na episodyo. |
Dalawang balantok ang ginamit sa dalawang istorya ng anime. |
Binigyan ng lisensiya ang Animax Asia na magpalabas ng Ingles na bersiyon ng anime at naipalabas ito sa ilalim ng pamagat na Shonen Onmyoji : The Young Spirit Master sa Silangan , Timog at Timog Silangang Asya. |
May lisensiya naman ang Geneon Entertainment na magpalabas ng anime sa Hilagang Amerika subalit nagpalabas lamang sila ng dalawang kolesyon dahil na rin sa hindi pagpatok ng anime sa mga Amerikano. |
Nakipagtulungan naman ang Funimation Entertainment sa Geneon na nagpakalat ng mga kopya ng Shonen Onmyoji. |
Nakalisensiya naman ang Muse Communication na magpakalat ng anime sa Taiwan. |
Isinulat ni Mitsuru Seta at inilustra ni Hinako Yuki ang adapsiyon ng manga para sa isang magasin ng shojo sa Beans Ace at Asuka ng Kadokawa Shoten mula 24 Abril 2005 at nakumpleto na ang paglilimbag ng mga bolyum nito. |
Binago naman ng Kadokawa Shoten ang programa nito at inilabs ito sa anyo ng tankobon. |
Isinulat ni Yuki Mitsuru at inilustra naman ni Asagi Sakura ang buong serye ng magaang na nobela. |
Inilalathala ang nobelang ito sa The Beans ng Kadokawa Shoten simula 2001 at kasalukuyang inililimbag pa rin. |
Binago ng Kadokawa Shoten ang programa at inilabas na ito sa takobon noong Marso 2012. |
Sa kasalukuyan , mayroon na itong 37 na talaksan na nailabas sa limang bolyum ng dayuhang istorya tulad na lamang ng ika - 8 , 14 , 19 , 21 at 31 bolyum. |
Inadap naman ng Frontier Works ang mga nobela sa serye ng drama CD. |
Unang naipalabas ang Shonen Onmyoji Kyuuki Hen ( Shao Nian Yin Yang Shi Qiong Qi Bian ) noong Abril 23 hanggang 25 Agosto 2004 na may tatlong CD. |
Naipalabas naman ang ikalawa na may pamagat na Shonen Onmyoji Kazene Hen ( Shao Nian Yin Yang Shi Feng Yin Bian ) na may apat na CD noong Enero 26 hanggang 22 Hulyo 2005. |
Naipalabas naman ang ikatlong serye na may pamagat na Shonen Onmyoji Tenko Hen ( Shao Nian Yin Yang Shi Tian Hu Bian ) noong 22 Setyembre 2006 hanggang 24 Hunyo 2009 na may tatlong CD. |
Nagkaroon ng mahabang hadlang sa panahon ng pagpapalabas ang ikatlong serye dahil na rin sa ilang kahirapan na maipalabas ang unang CD nito at sumunod na lamang maipalabas ang dalawang natitirang CD. |
Samantalang naipalabas na ang ika - apat na serye na may pamagat na Shonen Onmyoji Bangaihen ( Shao Nian Yin Yang Shi Tian Hu Bian ) na may isang CD noong 25 Mayo 2006 kahit hindi pa natatapos maipalabas ang ikatlong serye. |
Napakinggan naman ang isang programa sa radyo na may pamagat na Shonen Onmyoji : Kanata ni Koe wo Kike Hanatsu - Mago Ryaku shite Radi ( Shao Nian Yin Yang Shi * Bi Fang ni Fang tsu Sheng wokike ~ Lue shite Sun razi ) mula noong Abril , 2006 hanggang Nobyembre , 2009 na may 114 na episodyo. |
Naglalaman din ng siyam na laman ang isang box na may 2 CD laman sa bawat isang box. |
Tony Ferrer |
Si Tony Ferrer ay isang artista sa Pilipinas. |
Si Tony Ferrer ( Falcon Laxa sa totoong buhay ) ay isang sikat na artistang Pilipino. |
Sumikat siya sa ipinamalas na galing sa paggulpi ng mga kalaban gamit lamang ang kamay. |
Karate at Kung fu ang kanyang hilig. |
Woodland , California |
Ang Woodland ay isang lungsod sa California , Estados Unidos. |
Pista opisyal sa Pilipinas |
Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay ang anumang pag - alaala at pagdaraos na ginaganap sa Pilipinas bawat taon. |
Kinabibilangan ito ng masasayang mga selebrasyon at pagsasakatuparan ng mga kapistahan. |
Dahil sa mga okasyon ang mga ito , karaniwang kinasasangkutan ito ng mga punsiyon o pagtitipon , mga seremonya , at mga parada. |
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong mga pestibal ang mga pagpipista ng mga Pilipino upang alalahin ang Pasko o araw ng mga santo , kaarawan o araw ng kapanganakan ng Pangulo ng Pilipinas , ang Sayaw sa Obando , at ang Pasko ng Pagkabuhay. |
Sa loob ng isang taon , maraming nangyayaring mga pagdiriwang sa bansang Pilipinas. |
Kabilang sa mga uri nito ang pagiging mga pambansang pagdiriwang , mga pansibikong pagdiriwang , at mga pagidiriwang na panrelihiyon o makapananampalataya. |
Tinatawag na mga pambansang pagdiriwang ang mga okasyong inaalala at idinaraos sa buong kapuluan ng Pilipinas. |
Naging mahalaga ang mga ito para sa lahat ng mga Pilipino dahil sa may kaugnayan ang mga kapistahang ito sa kasaysayan ng Pilipinas at ng lipunang Pilipino. |
Kalimitang itinuturing at ipinapahayag bilang isang pistang opisyal ang ganitong mga kaarawan at walang mga pasok sa mga tanggapan at mga paaralan upang makalahok sa mga seremonya ang bawat isang mamamayang Pilipino. |
Kabilang dito ang Bagong Taon , Araw ng Rebolusyong EDSA , Araw ng Kagitingan , Araw ng Manggagawa , Araw ng Kalayaan , at Araw ng mga Bayani. |
Ang mga pansibikong pagdiriwang ay mga okasyong idinaraos sa Pilipinas sa loob ng iba 't ibang mga buwang nasa loob ng isang taon. |
Hindi ito mga kapistahang opisyal kaya 't mayroong mga pasok sa mga opisina at mga paaralan. |
Ngunit may mga partikular na pook na nagpapahayag na walang pasok sapagkat itinuturing ang pista bilang isang pampook o lokal na pistang opisyal. |
Halimbawa ng huli ang araw ng pagkakatatag ng isang lungsod o lalawigan sa Pilipinas. |
Narito ang may mas malawak na sakop na mga pagdiriwang na pangsibiko : ang Araw ng mga Puso , Linggo ng Pag - iwas sa Sunog , Araw ng mga Ina , Araw ng mga Ama , Linggo ng Wika ( na kaarawan din ni Pangulong Manuel L. Quezon , ang Ama ng Wikang Pambansa ) , Araw ng mga Nagkakaisang Bansa , Linggo ng Mag - anak , Araw ng mga Guro , Araw ng Maynila , at Araw ng Lungsod Quezon. |
Marami at sari - sari ang mga idinaraos na pagdiriwang na pangpananampalataya sa bansang Pilipinas. |
Katulad ng ibang mga pagdiriwang , ginaganap ito sa iba ' t ibang mga buwan sa loob ng buong taon. |
Kinakikitaan ito ng mga kaugalian , katangian , at kalinangan ng mga Pilipino. |
Mayroong mga piyesta opisyal at meron namang hindi opisyal na kapistahan sa ganitong mga uri ng pagdiriwang. |
Kabilang sa mga ito ang Pasko , Ati - Atihan , Mahal na Araw , Pahiyas ( sa Quezon ) , Santakrusan , Pista ng Penafrancia , Araw ng mga Patay ( Todos los Santos ) , Ramadan , at Hari Raya Puasa. |
Euric |
Si Euric ( Gotiko : Aiwareiks ) , kilala rin bilang Evaric , o Eurico sa Espanyol at Portuges ( c. |
440 - 484 ) , Anak ni Theodoric I at ang nakababatang kapatid ni Theodoric II , ay namuno bilang hari ng mga Visigoth , na ang kanyang kabisera ay makikita sa Toulouse , mula 466 hanggang 484. |
Namana niya ang malaking bahagi ng mga pagmamay - ari ng mga Visigoth sa rehiyong Aquitaine ng Gaul , isang lugar na nasa ilalim na ng mga Visigoth noon pang 415. |
Lumipas ang ilang dekada , lumawak ang teritoryo ng mga Visigoth dahil sa humihinang kapangyarihan ng mga Romano , na patungong Hispania. |
Wikang Enggano |
Ang wikang Enggano ay isang wikang sinasalita ng mahigit 400 mga tao sa Sumatra sa Indonesia. |
Diperensiyang schizotypal na personalidad |
Ang Diperensiyang schizotypal na personalidad ( Schizotypal personality disorder ) ay isang saykayatrikong diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay kinakikitaan ng pangangailangang mamuhay sa isolasyon , pagkabalisa sa mga sitwasyong panlipunan , kakaibang pagkilos at pag - iisip at minsan ay pagkakaroon ng mga hindi karaniwang paniniwala. |
Kromosomang Y |
Ang Kromosomang Y ( Ingles : Y chromosome ) ang isa sa dalawang sistemang tagatukoy ng kasarian sa karamihan ng mga mamalya kabilang ang mga tao. |
Sa mga mamalya , ito ay naglalaman ng gene na SRY na kung umiiral ay pumupukaw sa pagkabuo o pag - unlad ng testes sa mga lalake. |
Ang kromosomang Y ng tao ay binubuo ng mga 60 milyong mga base na pares. |
Ang DNA sa kromosomang Y ay ipinapasa mula sa ama hanggang sa anak na lalake at kaya ang analisis ng Y - DNA ay maaaring gamitin sa pananaliksik ng henealohiya. |
Ang kromosomang Y ay may pagkakaibang mga 30 % sa pagitan ng mga tao at chimpanzee at ang kromosomang ito ay pinakamabilis na nag - eebolb na bahagi ng genome ng tao. |
Ang karamihan ng mga mamalya ay may isang pares ng mga kromosomang kasarian sa bawat selula. |
Ang mga lalake ay may isang kromosomang Y at isang kromosomang X o XY samantalang ang mga babae ay may dalawang kromosomang X o XX. |
Sa mga mamalya , ang kromosomang Y ay naglalaman ng isang gene na tinatawag na SRY na pumupukaw sa pag - unlad ng isang embryo bilang isang lalake. |
Ang kromosomang Y ng mga tao at iba pang mga mamalya ay naglalaman rin ng iba pang mga gene na kailangan para sa normal na produksiyon ng spermatozoa. |
Gayunpaman , may mga eksepsiyon dito. |
Halimbawa , ang platypus ay sumasalig sa isang sistemang tagatukoy ng kasariang XY batay sa limang mga pares ng mga kromosoma. |
Ang katunayan , ang mga kromosomang kasarian ( sex chromosomes ) ng platypus ay lumilitaw na nagdadala ng isang higit na mas malakas na homolohiya ( o pagkakatulad ) sa mga Kromosomang Z sa mga ibon , at ang gene na SRY na sentral sa sistemang tagatukoy ng kasarian sa karamihan ng ibang mga mamalya ay maliwanag na hindi sankot sa tagatukoy ng kasrian ng platyupus. |
Sa mga tao , ang ilang mga lalake ay may dalawang mga kromosomang X at isang kromosomang Y o XXY ( sindroma ni Klinefelter ) o isang kromosomang X at dalawang kromosomang Y ( sindromang XYY ) at ang ilang mga babae ay may tatlong kromosomang X o isang kromosomang X imbis na dalawang kromosomang X ( sindromang Turner ). |
May mga ibang eksepsiyon kung saan ang SRY ay napinsala ( na tumutungo sa isang babaeng XY ) o kinopya sa X ( na tumutungo sa lalakeng XX ). |
Para sa nauugnay na mga phenomenaa , tingnan ang sindromang insenstibidad sa androheno at intersex. |
Maraming mga ectothermikong berterbrato ay walang mga kromosomang kasarian ( sex chromosomes ). |