text
stringlengths
0
157k
Buong itinakwil ni Marcion ang teolohiya ng Lumang Tipan at itinuring ang diyos ng Lumang Tipan bilang isang mababang nilalang.
Kanyang inangkin na ang teolohiya ng Lumang Tipan ay hindi umaayon sa katuruan ni Hesus tungkol sa Diyos at moralidad.
Lumikha si Marcion ng isang pangkat ng mga aklat na kanyang itinuturing na buong autoritatibo na binubuo ng isang ibang bersiyon ng Ebanghelyo ni Lucas at ang 10 sa mga sulat ni Pablo ( Hindi kasama ang Sulat sa mga Hebreo at mga liham na Pastoral na 1 Timoteo , 2 Timoteo at Tito ).
Hindi matiyak kung kanyang binago ang mga aklat na ito , nilinis ito sa mga pananaw na hindi umaayon sa kanyang pananaw o kung ang kanyang mga bersiyon ay kumakatawan sa isang hiwalay na tradisyong tekstuwal.
Ang ebanghelyo ni Marcion na simpleng tinatawag na Ebanghelyo ng Panginoon ay iba sa Ebanghelyo ni Lucas dahil sa kawalan ng anumang mga talata na nag @-@ uugnay kay Hesus sa Lumang Tipan.
Tinawag ni Marcion ang kanyang koleksiyon ng 10 mga sulat ni Pablo na Apostolikon at iba rin sa mga bersyon ng kalaunang sektang proto @-@ ortodokso.
Ang pagtitipon ni Marcion ng kanyang sariling kanon ng Bibliya ay maaring isang hamon sa umaahon na sektang Kristiyano na proto @-@ ortodoksiya.
Kung nais nila na itangging ang kanon ni Marcion ang totoo , kinailangan nilang ilarawan kung ano ang totoo.
Ang yugtong paglawig ng kanon ng Bagong Tipan ay kaya nagsimula bilang tugon sa iminungkahing limitadong kanon ni Marcion.
Noong ika @-@ 2 at ika @-@ 3 siglo CE , isinaad ni Eusebius na ang sektang Elchasai " ay gumamit ng mga teksto mula sa bawat bahagi ng Lumang Tipan at mga Ebanghelyo at itinakwil nito nang buo si Apostol Pablo ".
Isinaad din dito na si Tatian ang Asiryo ay tumakwil sa mga sulat ni Pablo.
Ang mga sektang Kristiyanong gaya ng Nazareno at Ebionita at iba pa ay tumakwil sa lahat ng mga sulat ni Pablo.
Itinuring din ng mga Ebionita si Apostol Pablo na isang impostor.
Ang isang sekta ng Kristiyanismo noong ca.
170 CE na tinawag ng kanilang kalaban na si Epiphanius ng Salamis na alogi ay tumakwil sa Ebanghelyo ni Juan ( at posibleng ang Aklat ng Pahayag at mga sulat ni Juan ) bilang hindi apostoliko at itinuro ng sektang ito ang ebanghelyo ni Juan na isinulat ng gnostikong si Cerinthus.
Si Cerinthus ay tumanggap lamang sa isang ebanghelyo na Ebanghelyo ni Mateo.
Ang isang apat na ebanghelyong kanon ( Tetramorph ) ay unang isinulong ni Irenaeus noong c.
180 CE.
Si Ireneaus rin ang kauna @-@ unahang Kristiyano na nagbanggit ng apat na ebanghelyo sa mga pangalan na Mateo , Marcos , Lucas at Juan.
Sa kanyang akdang Adversus Haereses , kinondena ni Irenaeus ang mga sinaunang pangkat na sekta ng Kristiyanismo na gumamit lamang ng isang ebanghelyo gaya ng Marcionismo ( na gumamit lamang ng binagong Ebanghelyo ni Lucas ) o mga Ebionita na tila gumamit ng isang bersiyong Aramaiko ng Ebanghelyo ni Mateo gayundin ang ilang mga pangkat na gumamit ng higit sa apat na mga ebanghelyo gaya ng mga Valentinian ( A.H.
1.11 ).
Ayon kay Irenaeus , " hindi posibleng may higit o kakaunti sa apat na ebanghelyo " dahil ang daigdig ay may apat na sulok at apat na hangin ( 3.11.8 ).
Ang may akda ng Pragmentong Muratorian na ipinagpapalagay na isinulat noong ca.
170 CE dahil sa pagbanggit sa Obispo ng Roma na si Papa Pio I ( bagaman ang ilan ay naniniwalang isinulat ito noong ika @-@ 4 siglo CE ) ay nagtala ng karamihan ng mga aklat ng kasalukuyang 27 aklat ng bagong tipan.
Gayunpaman , hindi binanggit sa Pragmentong Muratorian ang Sulat sa mga Hebreo , Unang Sulat ni Pedro , Ikalawang Sulat ni Pedro , Sulat ni Santiago at tumakwil sa mga liham na inangking isinulat ni Apostol Pablo na Sulat sa mga taga @-@ Laodicea at Sulat sa mga taga @-@ Alexandriano na isinaad ng pagramentong Muratorian na " pineke sa pangalan ni Pablo upang isulong ang heresiya ni Marcion.
" Ayon kay Origen , si Apostol Pablo ay " hindi labis na sumulat sa lahat ng mga iglesia na kanyang tinuruan ; at kahit sa mga kanyang sinulatan , siya ay nagpadala ng ilang mga linya.
" Ang ilan sa mga kasamang " kinasihang kasulatan " para kay Origen ang " Sulat ni Barnabas , Pastol ni Hermas at 1 Clemente " ngunit ang mga aklat na ito ay inalis ni Eusebius.
Ang mga mga aklat na ito ay tinawag ni Eusebius na " antilegomena " o mga tinutulang aklat.
Kabilang din sa antilegomena ang Santiago , Judas , 2 Pedro , 2 at 3 Juan , Apocalipsis ni Juan , Apocalipsis ni Pedro , Didache , Ebanghelyo ayon sa mga Hebreo , Mga Gawa ni Pablo.
Si Athanasius na obispo ng Alexandria ay nagbigay ng listahan ng eksaktong parehong mga aklat na naging 27 aklat na kanon ng Bagong Tipan noong 367 CE at kanyang ginamit ang salitang " kanonisado " ( kanonizomena ) tungkol sa mga ito.
Ang mga pagkakaiba ng mga pananaw sa mga talaan ng kanon ng Bagong Tipan ay hindi pinakitunguhan sa Unang Konseho ng Nicaea ( 325 CE ) o sa Unang Konseho ng Constantinople ( 381 CE ).
Pinaniniwalaan ng ilan na sa direksyon ni Papa Damaso I na Obispo ng Roma na ang kanon ng Katoliko ay itinakda sa Konseho ng Roma noong 382 CE.
Gayunpaman , ang talaang Damasian ( na isinaad na nagmula sa Konseho ng Roma ) na isinama sa pseudepigrapikal na Decretum Gelasianum ay maaring hindi mula kay Damaso.
Si Augustino ng Hippo ay naghayag na ang isa ay " magnanais ng mga tinatanggap ng lahat ng mga Simbahang Katoliko kesa sa mga na ang ilan sa kanila ay hindi tinatanggap ".
Isinaad ni Augustino na ang mga sumasalungat na simbahan ay dapat mas higitan sa timbang ng mga opinyon ng mas marami at mas matimbang na mga simbahan.
Epektibong pinwersa ni Augustino ( na tumuring sa kanon na sarado na ) ang kanyang opinyon sa Simbahan sa pamamagitan ng pag @-@ uutos ng tatlong mga synod tungkol sa kanonisidad : Ang synod ng Hippo ( 393 CE ) , synod ng Carthage ( 397 CE ) at isa pa sa Carthage ( 419 CE ).
Ang kasulukuyang 27 aklat na kanon ng Bagong Tipan ng Romano Katoliko ay pinag tibay ng Konseho ng Trent noong 1546.
Sa De Canonicis Scripturis ng Konseho ng Trent na pumasa sa isang boto ( 24 oo , 15 hindi , 16 nangilin ) noong 1546 , kinumpirma ng Konseho na ang mga aklat na deuterokanonikal ay kalebel ng ibang mga aklat ng kanon ng Lumang Tipan.
Winakasan rin ng konseho ang debate sa antilegomena ng Bagong Tipan.
Si Martin Luther ( 1483 @-@ 1546 ) ay nagtangka na alisin sa kanon ang Sulat sa mga Hebreo , Sulat ni Santiago , Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag.
Gayunpaman , ito ay hindi pangkalahatang tinatanggap ng kanyang mga tagasunod.
Ang mga aklat na ito ay nilagay sa huli ng Bibliyang Luther hanggang sa kasalukuyan.
Ang 27 aklat na isinama sa kanon ng Bagong Tipan na tinatanggap ng mga pangkat Kristiyano gaya ng Romano Katoliko at Silangang Ortodokso ay ang sumusunod : Mateo , Marcos , Lucas , Juan , Gawa , Roma , 1 at 2 Corinto , Galacia , Efeso , Filipos , Colosas , 1 at 2 Tesalonica , 1 at 2 Timoteo , Tito , Filemon , Hebreo , Santiago , 1 at 2 Pedro , 1 , 2 at 3 Juan , Judas at Apocalipsis.
May pagkakaiba ang bilang ng mga aklat at pagkakasunod ng mga ito sa kanon sa iba 't ibang denominasyon.
Sa Hudaismo ang kanon ay binubuo lamang ng 24 aklat ng Tanakh ( o Lumang Tipan sa bibliang kristiyano ).
Hindi tinatanggap ng mga Hudyo ang " Bagong Tipan " ng Kristiyanismo bilang " salita ng Diyos " at hindi sila naniniwala na si Hesus ang katuparan ng Mesiyas na binabanggit sa " Tanakh ".
Ayon sa mga iskolar na Hudyo , ang mga sinasabing hula na katuparan ni Hesus sa Bagong Tipan ay base sa maling salin at misinterpretasyon ng mga talata sa Tanakh.
Sa relihiyong Samaritanismo , ang kanon ay binubuo lamang ng limang aklat ng Torah na Genesis , Exodo , Levitico , Deuteronomyo , at Bilang.
Ang Marcionismo ay ikalawang siglong sekta ng Kristiyanismo na nagmula sa mga turo ni Marcion ng Sinope noong 144 CE.
Ayon kay Marcion , ang diyos ng mga Hebreo sa Lumang tipan ay isang malupit na diyos at iba sa mapagpatawad na diyos ng Bagong Tipan.
Sa dahilang ito , ang Lumang Tipan ay itinakwil ni Marcion.
Ang kanon na tinanggap lamang sa Marcionismo ay binubuo ng 11 aklat : ang Ebanghelyo ni Marcion ( na binubuo ng sampung kapitulo ng Ebanghelyo ni Lukas at binago ni Marcion at ang sampu sa mga sulat ni Pablo ( Roma , 1 at 2 Corinto , Galacia , Efeso , Filipos , Colosas , 1 at 2 Tesalonica ).
Ang ibang aklat ni Pablo gaya ng Unang Sulat kay Timoteo , Ikalawang Sulat kay Timoteo at Sulat kay Tito at ibang pang aklat ng Bagong Tipan ay itinakwil sa Marcionismo.
Ang kanong katoliko ay binubuo ng 73 aklat.
Sakop ng kanong Katoliko ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan , pati na rin ang mga sumusunod na aklat na tinatawag na mga Deuterokanoniko o Apokripa ( para sa mga Protestante ) : Tobit , Judith , Ester ( Griyego ) ( madalas pinapalitan ang Hebreo na bersiyon ng Ester sa Lumang Tipan , o kaya inihahalo ang mga nasa Griyegong salin sa nasa Hebreong manuskrito ) , 1 Mga Macabeo , 2 Mga Macabeo , Karunungan ni Solomon , Sirac / Eclesiastico at Baruc.
Ang Apokripa ay pinagtibay na kanonikal sa Konseho ng Trent noong 1546 bilang tugon sa pagtutol dito ng mga protestante noong repormasyon ( 1515 @-@ 1648 ).
Ang ilan sa mga doktrina ng katolisismo na sinusuportahan ng Apokripa at tinutulan ng mga Protestante ang purgatoryo ( Tobit 12 : 12 , 2 Macabeo 12 : 39 @-@ 46 ) , pamamagitan ng mga namatay na santo at mga anghel ( 2 Maccabeo 15 : 14 , Tobit 12 : 12 @-@ 15 ) , pananalangin para sa mga patay ( 2 Macabeo 12 : 45 @-@ 46 ) at iba pa.
Sa Etiopianong Ortodokso , ang bibliya ay binubuo ng 81 na aklat at sa Silangang Ortodokso , ang bibliya ay binubuo ng 84 na aklat.
Sakop ng kanong Ortodokso ang lahat ng mga aklat ng bibliyang Katoliko kasama ang 3 Macabeo , Awit 151 , 1 Esdras , 4 Macabeo at iba pa.
Ang biblia ng Simbahang Ortodoksong Syriac na tinatawag na Peshitta ay binubuo ng Lumang Tipan , Apokripa at Bagong Tipan.
Kasama rin sa Lumang Tipan nito ang Awit 151 , Awit 152 @-@ 155 at 2 Baruch.
Hindi kasama sa Bagong Tipan ng Peshitta ang mga aklat na Ikalawang Sulat ni Pedro , Ikalawang Sulat ni Juan , Ikatlong Sulat ni Juan , Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag.
Sa Protestantismo , ang kanon ay binubuo ng 66 na aklat.
Ang apokripa ng Katoliko ay hindi tinanggap ng mga Protestante.
Ayon sa mga arkeologo at iskolar , ang karamihan sa mga istoryang binabanggit sa Bibliya ay hindi nangyari.
Ang mga salaysay o pangyayaring nilalarawan sa Bibliya gaya ng mga kuwento sa Aklat ng Genesis , exodo o ' pag @-@ alis ' ng mga Israelita mula sa Ehipto , ang pagsakop ng mga Israelita sa Canaan at ang panahon ng mga Hukom ay itinuturing ng mga arkeologo at iskolar na hindi historikal o hindi nangyari.
Ang isang malawak at makapangyarihang Kaharian ng Judah noong ika @-@ 10 siglo BCE na inilalarawan sa Bibliya ay hindi sinusuportahan ng ebidensiyang arkeolohikal.
Sa partikular , ang Herusalem sa ika @-@ 10 siglo BCE na panahong inuugnay sa mga haring si David at Solomon ay hindi higit sa isang mahirap na baranggay.
Ang mga pagkakatuklas na arkeolohikal tungkol sa lipunan at kultura sa Sinaunang Malapit na Silangan ay nagtuturo sa mga anakronismo sa Tanakh na nagmumungkahi na ang ilang mga salaysay ng Tanakh ay aktuwal na isinulat noong ca.
ika @-@ 9 siglo BCE at ang karamihan ng mga salaysay ng Tanakh ay mula ika @-@ 7 siglo BCE hanggang ika @-@ 5 siglo BCE.
Ayon sa arkeologong Israeli na si Ze 'ev Herzog : .mw @-@ parser @-@ output .templatequote { overflow : hidden ; margin : 1em 0 ; padding : 0 40px } .mw @-@ parser @-@ output .templatequote .templatequotecite { line @-@ height : 1.5em ; text @-@ align : left ; padding @-@ left : 1.6em ; margin @-@ top : 0 }.
Ito ang nalaman ng mga arkeologo sa kanilang paghuhukay sa bansang Israel : Ang mga Israelita ay hindi kailanman tumuntong sa Ehipto , hindi naglakbay sa ilang , hindi sinakop ang lupain ( ng Canaan ) , at hindi ito ibinigay sa 12 lipi ng Israel.
Marahil , ang isa sa napakahirap lunukin ay ang pinagkaisang kaharian ni David at Solomon na sinasabi sa Biblia na makapangyarihan sa buong rehiyon ( ng Canaan ) , ay isang maliit na tribong kaharian lamang.
At ikagugulat ng marami na ang diyos ng Israel na si Yahweh ay may asawang babae at ang mga sinaunang Israelita ay tinanggap lamang ang monoteismo sa panahong humina na ang kaharian at hindi sa Bundok Sinai.
Ang karamihan sa mga istorya sa Tanakh ay hinango sa mas naunang isinulat na mga kasulatan at kuwentong mitholohikal ng ibang bansa at kultura sa Sinaunang Malapit na Silangan.
Kabilang sa mga mitolohiyang pinagkopyahan o nakaimpluwensiya sa Bibliya ang Enuma Elish na katulad ng sa Genesis 1 , ang " Epiko ni Gilgamesh " na katulad sa kuwento ng Arko ni Noe gayundin sa kuwento ni Adan at Eba sa hardin ng Eden.
Ang istorya ni Esther ( na protoganista ng " Aklat ni Esther " ) ay pinaniwalaang nag ugat sa Babilonia , ang Eclesiastes 9 : 7 @-@ 10 sa talumpati ni Sidhuri at ang mga ilang kawikaan sa " Aklat ng mga Kawikaan " ( Book of Proverbs ) na sinasabing kinopya sa kasulatang Ehipsiyo na " Katuruan ni Amenemope " at iba pa.
Ang politeismo ng mga Sinaunang Israelita ay nag @-@ uugat mula mga politeistikong relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan at narereplekta sa mga ilang aklat ng Tanakh gaya ng paggamit ng salitang Hebreo na ' elohim na anyong plural ng Eloah na anyo ng El na isang pangkalahatang salita para sa diyos sa mga Sinaunang relihiyong Semitiko.
Ayon sa mga iskolar , si Yahweh ay kinikilala sa Canaan na isa sa pitumpung ( 70 ) mga anak ng diyos na si " El " o " Elyon ".
Sa Canaan ( kasama rito ang mga bansang Lebanon , Jordan , Israel , Syria at iba pa ) , si El ay kinikilalang punong diyos at asawa ng diyosang si " Asherah ".
Ito 'y makikita sa mga tabletang nahukay sa siyudad ng " Ugarit " sa Syria noong 1929 hanggang 1939.
Ang pitumpung anak ni El ay mga patrong diyos ng bawat pitumpung bansa sa rehiyon ng Canaan.
Sa Deuteronomio 32 : 8 @-@ 9 ng Dead Sea Scrolls o 4QDeut4 ( na pinakamatandang manuskrito ng Tanakh ) , mababasa na hinati ng diyos na si Elyon ang mga bansa ayon sa bilang ng mga anak ng diyos.
Ang bansang Israel ( Jacob ) ay naging bahagi naman ng diyos na si Yahweh.
Ayon sa mga iskolar , ang beney ha elohim ( mga anak ng mga diyos ) sa Deut.
32 : 8 @-@ 9 ay salitang Semitiko na tumutukoy sa mga mababang diyos sa kapisanan ng mga diyos ( divine pantheon ) sa Canaan ( tignan din ang Awit 82 : 1 @-@ 8 kung saan ang punong diyos ( Elyon ) ay namumuno sa kapulungan ng mga diyos ).
Ang salitang Elohim ( mga diyos ) na anyong plural ng singular na El ( diyos ) ay matatagpuan ng 2500 beses sa Tanakh ( Lumang Tipan ).
Bagama 't ang Elohim ay may konstruksiyong singular sa ilang mga talata ng Tanakh ( kung ang pandiwa o pang @-@ uri na tumutukoy dito ay singular ) , may ilang mga eksepsiyon na ang " Elohim " ay nangangahulugang " maraming diyos ".
Halimbawa , sa Genesis 20 : 13 , 35 : 7 , 2 1 Samuel 7 : 23 , Awit 58 : 11 , at ang pangalan ng " Buhay na Diyos " sa Deuteronomio 5 : 26 , ang " Elohim " ay nasa anyong plural dahil sa ito ay tinutukoy ng plural na pang @-@ uri na Alhym KHyym.
Sa Septuagint at sa mga bagong salin ng Lumang Tipan mula sa Hebreo , ang salitang " Elohim " ay isinalin na " mga diyos " kapag tinutukoy ng plural na pandiwa at kapag ito ay tumutukoy sa " mga diyos na pagano " ( halimbawa sa Exo 12 : 12 na " mga diyos ( Elohim ) ng Ehipto " ) ngunit ito ay pinalitan ng singular na " diyos " ( theos sa Septuagint ) kung tumutukoy sa diyos ng Israel kahit na ang kahulugan ay maliwanag na " mga diyos ".
nang kanyang ihiwalay ang mga anak ni Adan kanyang itinakda ang mga hangganan ng mga bansa ayon sa bilang ng mga anak ng mga diyos.
Ang bahagi ni Yahweh ang kanyang bayan , si Jacob ( Israel ) ang kanyang ( Yahweh ) bahaging mana.
Sa pagitan ng ikawalo hanggang ikaanim na siglo BCE , si El ay nagsimulang ituring na mga Israelita na siyang ring si Yahweh o " Yaweh @-@ El " na asawa ni " Asherah ".
Ang ibang mga diyos ng ibang bansa ay tinuring ng mga Israelita na mga manipestasyon lamang ni Yahweh @-@ El.
Ito ay makikita sa mga artipaktong nahukay sa bansang Israel sa panahong ito na nagpapakitang si Yahweh ay may asawa na nagngangalang " Asherah ".
Bukod dito , ang pagpapalit ng beney ha elohim ( mga anak ng mga diyos ) sa ibang manuskrito gaya ng Masoretico , ng " mga anak ni Israel " gayundin sa Septuagint na pinalitan ng " mga anghel ng diyos " ang indikasyon na ang diyos na si Elyon at Yahweh ay naging isang diyos.
Sa bagong salin ng biblia na The New Revised Standard Version ( NRSV ) ( 1989 ) , ang Deut 32 : 8 ay isinalin na " according to the number of the gods " ( ayon sa bilang ng mga diyos ).
Sa panahong ito , ang mga ebidensiyang arkeolohiyal ay nagpapakita ng mga tensiyon sa pagitan ng pangkat na komportable sa pagsamba kay Yahweh kasama ng mga lokal na diyos gaya nina Asherah at Baal at sa mga sumasamba " lamang " kay Yahweh.
Sa mga panahong ding ito nagsimulang lumitaw sa Bibliya ang monoteismo o ang paniniwalang si Yahweh " lamang " ang Diyos ng uniberso.
Halimbawa sa ika pitong siglo BCE , isinulat ang mga pahayag na monoteistiko sa Bibliya : Deuteronomio 4 : 35 , 39 , 1 Samuel 2 : 2 , 2 Samuel 7 : 22 , 2 Hari 19 : 15 , 19 ( = Aklat ni Isaias 37 : 16 , 20 ) , at Aklat ni Jeremias 16 : 19 , 20 at ang ikaanim na siglong bahagi ng Isaias 43 : 10 @-@ 11 , 44 : 6 , 8 , 45 : 5 @-@ 7 , 14 , 18 , 21 , and 46 : 9.