text
stringlengths
0
157k
Dahil sa ang mga talatang ito ay nakaugnay sa Deuteronomio , ang kasaysayang Deutoronomistiko ( ito 'y mga librong mula sa " Aklat ni Josue " hanggang sa " Aklat ng Mga Hari " ) , sinasabi ng mga iskolar na ang isang kilusang Deuteronomistiko ang bumuo sa ideyang monoteismo sa Israel noong mga panahong ito.
Isa sa mga dahilan ng pagusbong ng monoteismo sa Israel ay ang pagakyat sa kapangyarihan ng mga imperyong Assiria at Babilonia sa mga panahong ito.
Para sa mga Israelita ang kanilang diyos ay kasing kapangyarihan ng mga patrong diyos ng ibang bansa.
Ngunit dahil sa pagsakop ng imperyong Assiria sa hilagang kaharian ng Israel noong 722 BCE , inakala ng mga Isaelita na mas makapangyarihan ang diyos ng Assiria.
Sa mga panahong ito , ang kilusang monoteistiko ( Deuteronomistiko ) ay nagsimulang mangatwiran na ang pagsakop ng Assiria sa Israel ay hindi nangangahulugang ang diyos ng Israel ay mas mahina kay " Marduk " na siyang diyos ng Assiria , kundi ipinahintulot ni Yahweh na parusahan ng Assiria ang Israel upang dalisayin ang bansang Israel dahil sa kanilang politeismo.
Ang modernong analysis na literaryo ng Tanakh ay nagmumungkahi na sa panahong ito nang binago ang mga pinagkunang isinulat at pambibig upang ipaliwanag ang pagkakatapon ng mga Israelita bilang parusa ng diyos dahil sa pagsamba sa ibang mga diyos.
Si Yahweh ay ginawa rin ng mga may akda ng Tanakh na hindi lamang ang pang @-@ tribong diyos ng bansang Israel kundi pati ng buong mundo.
Iminungkahi na ang striktong monoteismo ay umunlad sa pagkakatapong ito ng mga Israelita sa Babilonia at marahil ay bilang reaksiyon sa dualismo o quasi @-@ monoteismo ng Zoroastrianismo ng mga Persian.
Ang Judah ay naging dibisyon ng imperyong Persian pagkatapos sakupin ng Persia ang Babilonia.
Ang mga iskolar ay naniniwala na ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong Zoroastrianismo ng Persia sa mga pananaw ng anghel , demonyo , malamang ay sa doktrina ng muling pagkabuhay gayundin sa mga ideyang eskatolohikal at sa ideya ng mesiyas o tagapagligtas ng mesiyanismong Zoroastrian.
Ang ibang iskolar ay naniniwala na si Yahweh ay isang pang @-@ tribong diyos na sinamba sa timog ng Canaan ( Edom , Moab at Midian ) mula 14 siglo BCE at ang kulto ni Yahweh ay naipasa sa hilaga ng Canaan sa pamamagitan ng mga Cineo ( Kenite ).
Ang hipotesis na ito ay iminungkahi ni Cornelius Tiele noong 1872.
Ayon din sa ilan na naniniwala sa hipotesis na ito , si Yahweh ang diyos ni Jethro ( biyenan ni Moises ) na isang Cineo ayon sa Hukom 1 : 16 at mula kay Jethro naipasa ni Moises ang kulto ni Yahweh sa mga Israelita.
Gayunpaman , si Moises ay hindi tinatanggap na historikal ng mga kasalukuyang iskolar.
Ayon sa mga iskolar , ang mga katuruan ng kristiyanismo ay karaniwang matatagpuan sa iba 't iba 't mga sekta ng Hudaismo na umiral mula unang siglo BCE hanggang unang siglo CE.
Kabilang dito ang paghihintay sa isang mesiyas o tagapagligtas , ang paniniwalang apokaliptiko , pagpapanumbalik ng Kaharian ng mga Hudyo at iba pa ay matatagpuan din sa mga pantikan na isinulat noong mga panahong ito sa Israel gaya ng Aklat ni Enoch , Apocalipsis ni Abraham , Apocalipsis ni Adan , mga eskrolyo ng Patay na Dagat at marami pang iba.
Ang sektang Fariseo ( sa anyo ng Rabinikong Hudaismo ) ang tanging sekta ng Hudaismo na nakapagpatuloy hanggang sa kasalukuyang panahon pagkatapos ng pagkakawasak ng Herusalem noong 70 CE samantalang ang ibang mga sekta ng Hudaismo ng unang siglo CE ay naglaho.
Ang Kristiyanismo ay nakapagpatuloy sa pamamagitan ng pakikipaghiwalay sa Hudaismo at pagiging isang hiwalay na relihiyon.
Naniniwala ang ilang mga iskolar na wala pang dalawang magkahiwalay na relihiyong Hudaismo at Kristiyanismo noong unang siglo CE.
Ang ilang mga sinaunang pangkat Kristiyano ay strikong mga Hudyo gaya ng mga Ebionita gayundin ang mga sinaunang pinuno ng Iglesia sa Herusalem na sama samang tinatawag na mga Hudyong Kristiyano.
Ang ilang historyan ay nagmungkahi na si Hesus ay lumikha ng katiyakan sa kanyang mga alagadang muling pagkabuhay at ang nalalapit na pagdating ng Kaharian ng Diyos.
Pagkatapos ng ilang mga taon , ang inaasahan ng mga Hudyong pagpapanumbalik ng Kaharian ay nabigo.
Gayunpaman , ang ilang mga Kristiyano ay naniwala na imbis na si Hesus ang mesiyas na inaasahan ng mga Hudyo , siya ay isang diyos na nagkatawang tao.
Ang saligan ng bagong interpretasyong ito ng muling pagkabuhay ni Hesus ay matatagpuan sa mga sulat ni Pablo at sa Mga Gawa ng mga Apostol ( Gawa 1 : 6 @-@ 8 ).
Ang mga Hudyo ay naniniwala na si Apostol Pablo ang tagapagtatag ng Kristiyanismo at ang responsable sa pakikipaghiwalay ng Kristiyanismo sa Hudaismo.
Hinikayat ni Pablo ang mga pinuno ng Iglesia sa Herusalem na payagan ang mga akay na hentil na hindi gawin ang karamihan ng mga Kautusan na Hudyo sa Konseho ng Herusalem ( Gawa 15 ).
Ayon sa ibang iskolar , si Hesus ay isang mitolohiya lamang at ang kanyang istorya sa Bagong Tipan ay kinopya lamang sa iba 't ibang istorya ng mga diyos na pagano na namatay at muling nabuhay sa Sinaunang Gresya at Ehipto.
Ang parehong sinaunang Kristiyanismo at sinaunang Rabinikong Hudaismo ay malaking naimpluwensiyahan ng relihiyong Helenistiko.
Sa partikular , namana ng Kristiyanismo ang maraming mga katangian ng paganismong Greko @-@ Romano sa istruktura , terminolohiya , kulto at teolohiya.
Ang mga pamagat gaya ng Pontifex Maximus , Sol Invictus ay direktang kinuha mula sa relihiyong Romano.
Ang impluwensiya ng neoplatonismo sa teolohiya ng Kristiyanismo ay malaki , halimbawa sa pagtukoy ni Augustino ng diyos bilang summum bonum at ang masama bilang privatio boni.
Ang mga kapansin pansing pagkakatugma sa salaysay ng buhay ni Hesus at ang mga diyos na klasikal gaya ng mga demigod o kalahating @-@ diyos ( na anak ng diyos at tao ) gaya nina Bacchus , Bellerophon o Perseus ay napansin ng mga ama ng simbahan at tinakalay ni Justyn Martyr noong ika @-@ 2 siglo CE ukol sa " panggagaya ng demonyo " kay Kristo.
Dahil sa hindi na umiiral ang mga " orihinal na manuskrito " ( sulat kamay ) ng biblia at ang mga kopya ng kopya ng orihinal na manuskritong ito ay hindi magkakatugma , ang kritisismong tekstuwal ay lumalayon na alamin ang orihinal o ang pinakamalapit na teksto ng orihinal na manuskrito.
Ang ilang halimbawa ng mga tekstong sinasabi ng mga iskolar na mga " interpolasyon " ( dagdag ) o hindi bahagi ng orihinal na manuskrito ay Juan 7 : 53 @-@ 8 : 11 , 1 Juan 5 : 7 @-@ 9 , Markos 16 : 9 @-@ 20 na idinagdag lang sa ikalawang siglo CE gayundin ang mga salaysay ng kapanganakan at pagkasanggol ni Hesus na huli ng idinagdag sa mga teksto.
Ayon pa sa mga iskolar , ang Lukas at Mateo ay orihinal na isinulat na hindi kasama ang unang dalawang kapitulo ng mga aklat na mga ito.
Ang ilan sa mga talatang ito ay inalis sa mga bagong salin ng Biblia gaya ng NIV at Magandang Balita ngunit kasama sa mga lumang salin gaya ng King James Version ( 1611 ).
Ang 5,800 manuskritong Griego ng Bagong Tipan ay hinati sa tatlong pangkat ng magkakatugmang uri ng teksto ( text @-@ type ) : Ang Alexandrian , Western at Byzantine.
Ang Alexandrian na binubuo ng pinagkalumang teksto ng Bagong Tipan ( mula ikalawa hanggang ikaapat ng siglo ) ang siyang naging basehan ng edisyong kritikal na " Novum Testamentum Graece " na naging basehan ng mga bagong salin ng Biblia tulad ng NIV , NASB at Magandang Balita Biblia ( Good News Bible ) samantalang ang Byzantine , na bumubuo ng 80 % ng manuskrito ng Bagong Tipan at siyang pinakabagong teksto ( ika 5 hanggang 15 siglo CE ) ang siya namang naging basehan ng Textus Receptus na naging basehan ng mga saling gaya ng King James Version na isinalin mula 1604 @-@ 1611.
Ang Kritisismong historikal o mas mataas na kritisismo sa pag @-@ aaral biblikal , ay naglalayon na alamin ang tunay na may @-@ akda at panahon ng pagkakasulat ng mga aklat sa bibliya.
Ayon sa mga iskolar , karamihan sa mga aklat ng Biblia ay hindi isinulat ng mga pinaniwalaang tradisyonal na may @-@ akda nito.
Halimbawa , ayon sa Tradisyon ng mga Hudyo , ang Torah ( Genesis , Exodo , Levitico , Deuteronomio at Bilang ) ay inihayag kay Moises noong 1312 BCE sa Bundok ng Sinai.
Ayon sa mga iskolar , hindi maaaring si Moises ang sumulat ng mga aklat na ito dahil sa mga anakronismo na matatagpuan sa mga aklat na ito.
Ang anakronismo ay mga konsepto o salitang hindi umaangkop sa sinasabing kapanahunan ng pagkakasulat ng isang aklat.
Halimbawa ang kaharian ng Edom , lupain ng Goshen , Rameses , Arameo ay hindi pa umiiral noong sinasabing kapanahunan ni Moises.
Bukod dito , ang iba pang indikasyon na ang Torah ay isinulat ng maraming mga may akda at hindi ni Moises : ang mga talata gaya ng Deut.
34 : 5 @-@ 8 at Bilang 21 : 14 na isinulat pagkatapos mamatay ni Moises , doublets o dalawang magkaibang pagsasalaysay sa isang storya ( gaya ng dalawang storya ng pagkakalikha sa Genesis 1 at 2 , dalawang storya ni Sarah sa Genesis 12 at 20 , at iba pa ) , paggamit ng dalawang pangalan ng diyos na Yahweh at Elohim , paggamit ng istilong lingwistiko na ginamit sa iba 't ibang panahon , at mga kontradiksiyon gaya ng Genesis 6 : 19 @-@ 20 ( isang pares ng lahat ng hayop at ibon ang ipinasok sa arko ) at Genesis 7 : 2 @-@ 3 ( pitong pares ng malinis na hayop at ibon at isang pares ng maruming hayop ang ipinasok sa arko ).
Ayon sa mga iskolar ang mga aklat na ito ay sinulat ng apat na idenpendiyenteng may @-@ akda na tinawag na Jahwist ( J ) ( mga 900 BCE ) , Elohist ( E ) ( mga 800 BCE ) , Deuteronomista ( D ) ( mga 600 BCE ) at Priestly ( P ) ( mga 500 BCE ) at pinagsama @-@ sama ng iba 't ibang redactors ( editor ) noong kapanahunan ng imperyong Persian ca.
450 BCE.
Ang paniniwalang ang Torah ay isinulat ng maraming may @-@ akda ay napatunayan noong Hunyo 2011 , sa pamamagitan ng isang software sa Intelihensiyang Artipisyal na ginawa ng mga iskolar sa Bar Ilan University sa Israel.
Bagaman maraming ebanghelyo ang naisulat bago mabuo ang " kanon " ( kabilang dito ang " Ebanghelyo ni Judas " , " Ebanghelyo ni Tomas " , " Ebanghelyo ni Marya " , " Ebanghelyo ni Marcion " at marami pang iba pa ) , apat na ebanghelyo ( Mateo , Marcos , Lucas at Juan ) lang ang tinanggap sa " kanon " sa pagpipilit ni Irenaeus ng Lyons na nabuhay noong 185 CE.
Ayon kay Irenaeus , hindi maaring magkaroon ng higit o kulang sa " apat ng ebanghelyo " dahil sa apat ang sulok ng daigdig at apat ang hangin.
Kanya ding inahihalintulad ang apat na ebanghelyo sa imahe ng apat na nilalang sa Ezekiel 1 at Apocalipsis 4 : 6 @-@ 10.
Ang mga ebanghelyo ayon sa mga iskolar ay hindi isinulat ng mga tradisyonal na pinaniwalaang may akda nito na sina Mateo , Marcos , Lukas at Juan.
Ang mga pangalang ito ay ikinabit lang sa mga aklat na ito sa ikalawang siglo CE.
Ayon sa mga iskolar , ang mga ebanghelyo ay orihinal na isinulat sa Griyego.
Ang unang ebanghelyo na isinulat ay ang Marcos na sinulat sa Syria ng hindi kilalang Kristiyano noong 70 CE.
Ang Aklat ni Marcos ang pinagkopyahan ng mga may @-@ akda ng mga aklat Mateo at Lucas.
Bukod sa Marcos , ang mga aklat ng Mateo at Lukas ay kumopya din sa kalipunan ng mga kasabihan ni Hesus ( na hindi pa natatagpuan ) na tinatawag na " Dokumentong Q ".
Ang kritisismo ng Bibliya ay nagsimula pa noong sinaunang panahon.
Ang isa sa sinaunang kritiko ng Lumang Tipan ang Kristiyanong si Marcion na tagapagtatag ng sektang Kristiyano na tinatawag na Marcionismo noong ikalawang siglo CE.
Ang mga sinaunang kritiko naman ng Bagong Tipan ay kinabibilangan ni Celsus at Porphyry.
Sa modernong panahon , ang kritisismo ng Bibliya ay sumidhi pagdating ng Panahon ng Kaliwanagan ( Age of Enlightenment ) noong ika 18 siglo CE at pagsulong ng historikal na kritisismo o pagsusuri sa pinagmulan ng Bibliya.
Ang pagsulong din ng agham gaya ng teoriya ng ebolusyon ay lalong nagbigay duda sa pagiging totoo ng Bibliya.
Ayon sa mga kritiko , ang Bibliya ay hindi salita ng diyos dahil ito ay naglalaman ng mga paniniwalang sinasalungat ng arkeolohiya , agham , at kasaysayan.
Bukod dito , ang Bibliya ay pinaniniwalaan ring naglalaman ng mga kontradiksiyon , mga palpak na hula , mga anakronismo , kahindik hindik na moralidad ( pang @-@ aalipin ng mga Israelita na pinapayagan ni Yahweh sa Lumang Tipan gayundin sa Bagong Tipan , poligamiya ng mga patriarka , genocide na iniutos ni Yahweh sa mga Israelita o pagpatay sa mga ibang bansa kabilang ang mga bata , sanggol , buntis na babae at mga hayop upang sakupin ang mga bansang ito at ang kanilang mga ari @-@ arian ) at magkakakontrang moralidad gaya ng matatagpuan sa Luma at Bagong Tipan.
Ayon sa mga kritiko , ang kawalang tiyak na moralidad ay makikita sa mga ng libo @-@ libong mga sektang ng Kristiyanismo at Hudaismo na magkakaiba ng pananaw at magkakalaban noon pang sinaunang panahong hanggang sa kasalukuyan sa ibat ibang isyu ng moralidad at mga katuruan.
= Sistemang panlasa =
Ang sistemang panglasa ( Ingles : gustatory system ) ay ang sistemang pandama para sa pandama ng lasa ( panlasa o gustasyon ).
Kilala rin ito bilang sistemang gustatibo at sistemang gustatoryo.
Karaniwang binabanggit ang sistemang panlasa na kasama ng sistemang pang @-@ amoy bilang kasapi ng mga pandamang kemosensoryo dahil kapwa naglilipat ( transduksiyon ) sila ng mga kimikal na senyal upang maging persepsiyon.
Ito ay isang pakiramdam na nalilikha kapag ang isang sustansiya sa bibig ay gumanti sa mga taste buds.
Ang panlasa , kasama ang pang @-@ amoy at pakiramdam na panghipo , ay nagtitiyak ng lasa na pangpakiramdam na impresyon sa mga pagkain at ibang mga sustansiya.
= Papa ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya =
Ang Papa ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya o Alexandria ang pinuno ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria na may tinatayang 12 hanggang 18 milyong kasapi sa buong mundo kabilang ang mga 10 hanggang 14 milyon sa Ehipto.
Ang ika @-@ 117 na humahawak ng posisyong ito ay si Papa Shenouda III na namatay noong Maros 17 , 2012.
Noong Nobyembre 4 , 2012 , hinirang ng Simbahang Koptiko ang kanilang bagong papa na si Papa Theodoros II.
Ang Metropolitanong Pachomios , Metropolitano ng Beheira at Pentapolis ay pinili bilang pinuno ng Banal na Synod at upang umasal bilang Locum tenens ( tagapag @-@ ingat ) hanggang sa halalan at konsekrasyon ng bagong Papa.
Sa pagsunod ng mga tradisyon ng simbahan , ang chairman at pinuno ng Banal na Synod ng Koptikong Ortodoksong Patriarkado ng Alexandria bilang isang una sa mga katumbas.
Ang organisasyong ito ang pinakamataas na autoridad ng Simbahan ng Alexandria.
Ito ay nagpopormula ng mga patakaran at regulasyon na nauukol sa mga bagay ng organisasyon , pananampalataya at kaayusan ng simbahan.
Ang Papa rin ang chairman ng Pangkalahatang Kongregasyong Konseho ng Simbahan.
Bagaman sa kasaysayan ay nauugnay sa siyudad ng Alexandria , Ehipto , ang tirahan at Upuan ng Koptikong Ortodoksong Papa ng Alexandria ay matatagpuan sa Cairo mula pa noong 1047.
Ang Papa ay kasalukuyang nakatatag sa Katedral na Koptikong Ortodokso ni San Marcos sa isang compound na kinabibilangan ng palasyong Patriarkal na may karagdagang tirahan sa Monasteryo ni San Pishoy.
= The Rafael Yabut Show =
Ang The Rafael Yabut Show ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network.
= Pendlimarri =
Ang Pendlimarri ay isang village sa Kadapa district ng estado ng Andhra Pradesh.
= Kahirapan =
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag @-@ aaring materyal o salapi.
Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao , katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig , nutrisyon , pangangalagang pangkalusugan , kasuotan , at tirahan.
Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa , o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo.
Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon , ilegal na paglisan ng kapital , mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang @-@ edukasyon at pangkalausugan ..
Tinutukoy din itong karukhaan , lubos na kahirapan , ganap na karukhaan , paghihikahos , pagdarahop , kawalan , paghihirap , kakapusan , at destitusyon.
Kasingkahulugan din ito ng kaliitan , pagsasalat , pagkasaid , pagkakapos , kawalan ng kabuhayan , kakulangan , kagahulan , kakapusan , kahinaan , karalitaan , pagdaralita , dalita , at pamumulubi.
Ayon sa United Nations , ang kahirapan ang pagtanggi sa mga pagpipilian at oportunidad na isang paglabag sa dignidad na pantao.
Ito ay nangangahulugang kawalan ng basikong kapasidad na epektibong makilahok sa lipunan.
Ito ay nangangahulugang kawalang kasapatan na mapakain o madamitan ang isang pamilya , hindi pagkakaroon ng mapupuntahang paaralan o klinika at hindi pagkakaroon ng lupain na pagtataniman ng pagkain o kawalang trabaho upang mabuhay at kawalang paglapit sa kredito.
Ito ay nangangahulugang kawalang kaseguruhan , kawalang kapangyarihan at hindi pagsasama ng mga indibidwal , mga sambahayan at mga pamayanan.
Ito ay nangangahulugang pagiging marupok sa karahasan at kadalasang nagpapahiwatig ng pagtira sa mababa o marupok na mga kapaligiran nang walang malinis na tubig at sanitasyon.
Ayon sa World Bank ay isang pagtanggi sa kapakanan at binubuo ng maraming mga dimensiyon.