text
stringlengths 0
157k
|
---|
Halimbawa , sa Zimbabwe ang isang bilang ng mga batang babae ay bumabaling sa prostitusyon para sa pagkain para mabuhay dahil sa papataas na kahirapan. |
Sa isang survey , ang 67 % ng mga batang walang kalamangan sa mga panloob na siyudad ay nagsaad na kanilang nasaksihan ang isang malalang assault at ang 33 % ay nagulat na nakasaksi ng isang homisidyo. |
Ang 51 % ng mga nasa ikalimang baitang mula sa New Orleans ( median na sahod para sa isang sambahayan : $ 27,133 ) ay natagpuang mga biktima ng karahasan kumpara sa 32 % in Washington , DC ( mean na income para sa isang sambahayan : $ 40,127 ). |
Sa kasalukuyan , ang pag @-@ unlad ekonomika ay napipigilan ng kawalan ng mga kalayaang ekonomiko. |
Ang liberalisasyon na ekonomiko ay nangangailangan ng pagpapalawig ng mga karapatan ng pag @-@ aari sa mga mahihirap lalo na sa mga karapatang panlupain. |
Financial services , notably savings , can be made accessible to the poor through technology , such as mobile banking. |
Ang mga hindi epektibong institusyon , korupsiyon at kawalang katatagan sa politika ay nagpipigil rin sa pamumuhunan sa isang bansa. |
Ang tulong at suporta ng pamahalaan sa kalusugan , edukasyon at imprastruktura ay nakakatulong sa paglago sa pamamagitan ng pagpapataas ng kapital na pantao at pisikal. |
Ang pagpapaginahawa ng kahirapan ay kinasasangkutan rin ng pagpapabuti ng mga kondisyon sa pamumuhay ng mga tao na mahirap na. |
Ang pagpapalawig ng mga proteksiyon ng mga karapatan sa pag @-@ aari ng mga mahihirap ang isa sa pinakamahalagang mga stratehiya ng pagbabawas ng kahirapan na maipapatupad ng isang bansa. |
Ang pagkakamit ng mga karapatan ng pag @-@ aari sa lupain na ang pinakamalaking pag @-@ aari para sa karamihan ng mga lipunan ay mahalaga sa kanilang kalayaang ekonomiko. |
Ang World Bank ay nagbigay konklusyon na ang pagpapalaki ng mga karapatan sa lupain ' ang susi sa pagbabawas ng kahirapan ' na nagsasaad na ang mga karapatan sa lupain ay nagpapalaki ng kayamanan ng mga mahihirap at sa ilang mga kaso ay nagdodoble nito. |
Tinatayang ang pagkilala ng estado ng pag @-@ aari ng mahihirap ay magbibigay sa kanila ng mga ari @-@ arian na 40 beses ng lahat ng mga tulong pandayuhan simula 1945. |
Bagaman ang mga pakikitungo ay iba iba , ang World Bank ay nagsaad na ang mga mahahalagang isyu ay ang seguridad ng pag @-@ aangkin at ang pagsisiguro na ang mga transaksiyon sa lupain ay mababang gastos. |
Sa Tsina at India , ang mga napansing pagbawas ng kahirapan sa mga kamakailang dekada ay nangyari ng halos bilang resulta ng pag @-@ aabandona sa kolektibong pagsasaka at pagputol ng red tape sa India. |
Ang mga bagong negosyo at pamumuhunang pandayuhan sa isang bansa ay maitataboy ng mga resulta ng hindi epektibong mga institusyon , korupsiyon ng mga namumunong politiko at ng mga manggagawa ng pamahalaan , mahinang paghahari ng batas at malabis na mga pabigat na burokrasya. |
Sa Canada , tumatagal ng 2 araw , dalawang pamamaraang burokratiko at $ 280 upang magbukas ng isang negosyo samantalang ang isang negosyante sa Bolivia ay dapat magbayad ng $ 2,696 , maghintay ng 82 araw at dumaan sa mga 20 pamamaraang burokratiko upang isagawa ito. |
Ang gayong mga magastos na balakid ay pumapabor sa mga malalaking negosyo sa kapinsalaan ng mga maliit na negosyo kung saan ang karamihan ng mga trabaho ay nalilikha. |
Ang liberalisasyon ng kalakal ay nagpapataas ng kabuuang surplus ng mga nakikipagkalakalang mga bansa. |
Ang mga remittance na ipinapadala ng mga manggagawa sa mga mahihirap na bansa gaya ng India ay minsang mas malaki sa direktang pamumuhunang pandayuhan at ang mga kabuuang remittance ay higit na doble sa mga tulong na dumadaloy mula sa mga bansang OECD. |
Ang pamumuhunang pandayuhan at mga industriya ng pagluluwas ay nakatulong sa gatungan ang pagpapalawig sa ekonomiya ng mabilis na lumalagong mga bansang Asyano. |
Gayunpaman , ang mga patakaran ng kalakalan ay kadalasang hindi patas dahil hinaharangan nito ang paglapit sa mga pamilihian ng mga mayayamang bansa at nagbabawal sa mga mahihirap na bansa sa pagsuporta ng kanilang mga industriya. |
Ang mga pinrosesong produkto mula sa mga mahihirap na bansa salungat sa mga hilaw na materyal ay mayroon mas mataas na mga taripa sa mga puerto ng mga mayayamang bansa. |
Natagpuan ng isang pag @-@ aaral na ang paghulog ng mga paniningil sa mga libo libong produkto mula sa mga bansang Aprikano dahil sa African Growth and Opportunity Act ay direktang responsable sa isang nakakagulat na malaking pagtaas ng mga pag @-@ aangkat mula sa Aprika. |
Ang mga kasunduan ay minsang isinasaayos na pumabor sa mga umuunlad na bansa gaya ng Tsina kung saan ang mga batas ay pumipilit sa mga dayuhang multinasyonal na sanayin ang kanilang mga katunggaling Tsino sa hinaharap sa mga stratehikong industriya at gumagawa sa kanilang mga sarili na hindi na kailangan sa matagal na panahon. |
Ang matagalang paglagong ekonomika kada tao ay natatamo sa pamamagitan ng pagpapalaki ng kapital ( mga paktor na nagpapataas ng produktibidad ) na parehong pantao at pisikal at teknolohiya. |
Ang pagpapabuti ng kapital pantao sa anyo ng kalusugan ay kailangan para sa paglagong ekonomika. |
Ang mga bansa ay hindi nangangailangang mayaman upang magkamit ng kalusugan. |
Halimbawa , sa Sri Lanka ay may rate ng mortalidad na pang @-@ ina na 2 % noong mga 1930 na mas mataas sa anumang bansa ngayon. |
Ito ay lumiit sa .5 @-@ .6 % noong mga 1950 at sa 0.6 % ngayon. |
Gayunpaman , ito ay gumagastos ng kaunti kada taon sa kalusugang pang @-@ ina dahil nalaman nito kung ano ang gumagana at kung ano ang hindi. |
Ang pagtataguyod ng paghuhugas ng kamay ang isa sa pinakaepektibo sa gatos na interbensiyon sa kahulugan at maaaring pumutol ng mga kamatayan ng bata mula sa mga pangunahing sakit ng mga bata na pagtatae at pneumonia sa kalahati. |
Ang kapital na pantao sa anyo ng edukasyon ay mas mahalagang tagatukoy ng paglagong ekonomiko kesa pisikal na kapital. |
Ang mga ekonomista ng UN ay nangatwirang ang mabuting imprastruktura gaya ng mga lansangan at mga network ng impormasyon ay nakakatulong sa paggana ng mga reporma sa pamilihan. |
Ang Tsina ay nag @-@ aangkin na namumuhunan ito sa pagtatayo ng mga daanang riles , mga lansangan , mga puerto at mga teleponong rural bilang bahagi ng pormula nito sa pag @-@ unlad na ekonomiko. |
Ang teknolohiya ng steam engine na orihinal na nagpasimula ng mga dramatikong pagbawas sa mga lebel ng kahirapan. |
Ang teknolohiya ng cell phone ay naghahatid ng pamilihiyan sa mga seksiyong mahihirap at rural .. Sa kinakailangang impormasyon , ang mga malalayong magsasaka ay maaaring lumikha ng mga spesipikong panananim upang ipagbili sa mga mamimili na naghahatid ng mahusay na presyo. |
Ang gayong teknolohiya ay makakatulong rin sa pagdadala ng kalayaang ekonomiko sa pamamagitan ng paggawa sa mga serbisyong pinansiyal na makukuha ng mga mahihirap. |
Ang mga mahihirap ay naglalagay kahalagahan sa pagkakaroon ng ligtas ng lugar sa pag @-@ iipon ng salapi ng higit sa pagtanggap ng mga pautang. |
Gayundin , ang isang malaking bahagi ng mga pautang na mikropinansiya ay ginagastos sa mga produkto na karaniwang binabayaran sa akawnt na pagtetseke o akawnt ng pag @-@ iipon. |
Ang Mobile banking ay tumutugon sa problema ng mabigat na regulasyon at magastos na pagpapanatili ng mga akawnt ng pag @-@ iipon. |
Ang paglago sa ekonomiya ay may hindi direktang potensiyal sa pagpapaginhawa ng kahirapan bilang resulta ng isang sabay na pagtaas sa mga oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho at tumaas na produktibidad sa trabaho. |
Natagpuan ng isang pag @-@ aaral ng mga mananaliksik sa Overseas Development Institute ( ODI ) ng mga 24 bansa na nakaranas ng paglago na sa mga 18 kaso , ang kahirapan ay guminhawa. |
Gayunpaman , ang pagkakaroon ng trabaho ay hindi garantiya na makatakas sa kahirapan. |
Tinantiya ng International Labour Organisation ( ILO ) na ang kasing rami ng mga 40 % ng manggagawa ay mahirap na hindi sumasahod ng sapat upang panatilihin ang kanilang mga pamilya sa higit sa $ 2 kada araw na linya ng kahirapan. |
Halimbawa , sa India , ang karamihan ng mga matagal na mahihiarp ay mga sumasahod sa mga pormal na trabaho dahil ang kanilang mga trabaho ay hindi segurado at hindi nagbibigay ng pagkakataon sa makaipon ng kayamanan upang umiwas sa mga panganib. |
Ito ay lumilitaw na resulta ng isang negatibong relasyon sa pagitan ng paglikha ng trabaho at tumaas na produktibidad kapag ang isang sbay na positibong pagtaas ay kailangan upang mabawasan ang kahirapan. |
Ayon sa UNRISD , ang pagtaas ng produktibidad sa trabaho ay lumilitaw na may isang negatibong epekto sa paglikha ng trabaho. |
Noong mga 1960 , ang isang 1 % pagtaas sa output kada manggagawa ay naugnay sa paglago ng trabaho sa 0.07 %. |
Sa unang dekada ng siglong ito , ang parehong produktibidad ay nagpapahiwatig ng nabawasang paglago ng trabaho sa 0.54 %. |
Ang pagtaas ng trabaho nang walang pagtaas ng produktibidad ay humahantong sa isang pagtaas sa bilang mga manggagawang mahirap kaya ang ilang mga eksperto ay nagtataguyod ngayon ng paglikha ng kalidad at hindi kantidad sa mga patakaran ng pamilihan ng trabaho. |
Ang pakikitungong ito ay nagbibigay diin kung paanong ang mas mataas na produktibidad ay nakatulong sa kahirapan ng Silangang Asya ngunit ang negatibong epekto ay nagsisimulang magpakita. |
Halimbawa , sa Viet Nam , ang paglago ng trabaho ay bumagal samantalang ang paglago ng produktibidad ay nagpapatuloy. |
Sa karagdagan , ang pagtaas sa produktibidad ay hindi palaging humahantong sa pagtaas ng mga sahod gaya ng makikita sa Estados Unidos kung saan ang puwang sa pagitan ng produktibidad at mga sahod ay tumataas simula mga 1980. |
Ang pag @-@ aaral ng ODI ay nagpapakitang ang mga ibang mga sektor ay kasing halaga sa pagbabawas ng kawalang trabaho na pagmamanupaktura. |
Ang sektor ng serbisyon ang pinakaepektibo sa pagsasalin ng produktibidad sa paglago ng trabaho. |
Ang agrikultura ay nagbibigay ng isang proteksiyon para sa mga trabaho at isang tagapagpagaan sa ekonomiya kapag ang ibang mga sektor ay nahihirapan. |
Ang pagtataas ng mga sahod sa mga sakahan ay nilalawarawa na kaibuturan ng pagsisikap na laban sa kahirapan dahil ang tatlong @-@ apat ng mga mahihirap ngayon ay mga magsasaka. |
Ang pagpapabuti ng pangangasiwa sa katubigan ay isang epektibong paraan upang mabawasan ang kahirapan sa mga magsasaka. |
Halimbawa , noong Higmasikang Berde noong mga 1960 at 1970 , ang irigasyon ay isang mahalagang pakto sa pagkakalag ng potensiyal na pang @-@ agrikultura ng Asya at pagbabawas ng kahirapan. |
Sa pagitan ng 1961 at 2002 , ang irigadong mga lugar ay halos dumoble dahil sa paghahangad ng mga pamahalaan na magkamit ng seguridad sa pagkain , pabutihin ang kapakanan ng publiko at lumikha ng paglago sa ekonomiya. |
Sa Timog Asya , ang produksiyon ng cereal ay tumaas ng 137 % mula 1970 hanggang 2007. |
Ito ay nakamit ng 3 % lamang higit na lupain. |
Ang International Water Management Institute sa Colombo , Sri Lanka ay naglalayon na pabutihin ang pangangasiwa ng mga mapagkukunang lupain at katubigan para sa pagkain , mga kabuhayan at kapaligiran. |
Ang isang pag @-@ aaral na pinondohan ng Japan Bank for International Cooperation ay simulang nagpataas at nagsagawa ng irigasyon sa sistemang irigasyon ng Walawe Left Bank , Sri Lanka , noong 1997. |
Noong 2005 , ang irigasyon ay pinalawig sa isang karagdagang area. |
Ang pagsisiyasat ng buong area ay isinagawa noong 2007 at 2008. |
Natagpuan ng pag @-@ aaral na ang paglapit sa irigasyon ay nagbigay ng mga oportunidad sa mga pamilya na gawing iba iba ang kanilang mga gawaing pangkabuhayan at potensiyal na magpalaki ng kanilang mga sahod. |
Halimbawa , ang mga taong may lupain ay maasahang makapagpalago ng kanin at mga gulay sa halip na bilang mga manggagaw o pag @-@ asa sa tubig ulan upang diligan ang kanilang mga pananim. |
Ang mga walang lupain ay makikinabang sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa loob ng isang bagong mga palaisdaan sa loob na lupain. |
Sa loob ng kontrol area ng proyekto , ang 57 % ng mga sambahayan ay mababa sa linya ng kahirapan noong 2002 kumpara sa 43 % noong 2007. |
Ang paggawa sa mga oportunidad sa trabaho na makukuha ay kasing halaga ng pagtataas ng sahod at paglapit sa mga basikong pangangailangan. |
Ang mga modelong ekonomiko na humahantong sa paglago na pambansa at mas malalaking mga negosyo ay hindi nangangailangang hahantong sa mas maraming mga oportunidad para sa kasapatan sa sarili. |
Gayunpaman , ang mga negosyong may isang layuning panlipunan sa isipan gaya ng mga bangkong mikropinansiya ay makakagawa ng pagkakaiba. |
Ang tulong sa pinakasimpleng anyo nito ang isang basikong pagkakaloob ng sahod na isang anyo ng seguridad na panlipunan na peryodikong nagbibigay ng salapi sa mga mamamayan. |
Sa mga pilotong proyekto sa Namibia kung saan ang gayong programa ay nagbabayad lamang ng $ 13 kada buwan , nagawa ng mga tao na makapagbayad ng mga kabayarang tuisyon , nagpataas ng proporsiyon ng mga batang pumapasok sa eskwela ng 92 % , pagbagsak ng malnutrisyon ng bata mula 42 % hanggang 10 % at paglago ng gawain sa ekonomiya ng 10 %. |
Ang tulong ay maaaring ibigay batay sa paggawa ng ilang mga inaatas. |
Ang mga kondisyonal na paglilipat ng kwarta na malawakang binibigyang kredito bilang isang matagumpay na programang laban sa kahirapan ay batay sa mga aksiyon ng tumatanggap gaya ng pagpapaeenrolyo ng mga bata sa paaralan o pagpapabakuna. |
Halimbawa sa Mexico , na bansang may pinakamalaking gayong programa , ang paghinto sa pag @-@ aaral ng mga may edad na 16 @-@ 19 sa mga lugar na rural ay bumagsak ng mga 20 % at ang mga bata ay tumaas ng kalahating pulgada. |
Ang mga simulang takot na ang programang ito ay hihikayat sa mga pamilya na manatili na lamang sa bahay sa halip na magtrabaho upang kumolekta ng mga benepisyo ay napatunayang walang saligan. |
Sa halip , may kaunting dahilan para sa pagpapabaya. |
Halimbawa , ang mga bata ay napipigilang mamalimos sa mga lansangan dahil ito ay hahantong sa paghinto mula sa programa. |
Ang mga estadong welfare ay may epekto sa pagbabawas ng kahirapan. |
Ang kasalukuyang moderno at nagpapalawig na mga estadong welfare na sumisiguro ng oportunidad , independiyensiya , at seguridad sa isang pangkalahatang paraan ay eksklusibong sakop pa rin ng mga mauunlad na bansa. na karaniwang bumubuo ng hindi bababa sa 20 % ng GDP na ang mga pinakamalaking estadong welfare na Scandinavian na bumubuo ng higit 40 % ng GDP. |
Ang mga modernong estadong welfare na ito na malaking lumitaw noong huli ng ika @-@ 19 at maagang ika @-@ 20 siglo at nakakita ng pinakamalaking pagpapalawig noong gitna ng ika @-@ 20 siglo ay nagpatunay sa kanilang mga sarili na may malaking epekto sa pagbabawas ng relatibong kahirapan gayundin ng absolutong kahirapan sa lahat ng mga matataas na sahod na bansang OECD. |
Ang International Day for the Eradication of Poverty ay ipinagdiriwang taon @-@ taon tuwing Oktubre 17. |
= Wikipedia : Kasalukuyang pangyayari / 2009 Nobyembre 4 = |
= Tom Jones = |
Si Sir Thomas Jones Woodward , OBE ( ipinanganak noong 7 Hunyo 1940 ) , mas kilala sa kanyang pangalang pangtanghalan na Tom Jones , ay isang mang @-@ aawit na Welsh. |
Magmula pa noong 1965 , nakapagbenta na si Jones na mahigit sa 100 milyong mga rekord na pangmusika. |
= Mga comune ng Lalawigan ng Avellino = |
Ang sumusunod ay talaan ng 119 comune ng Lalawigan ng Avellino , Campania , sa Italya. |
= Seguro = |
Ang seguro ( Ingles : insurance ) ay isang kataga sa batas at sa ekonomika. |
Isa itong bagay na binibili ng mga tao upang maprutektahan ang kanilang mga sarili magmula sa pagkawala ng pera. |
Ang mga tao na bumibili ng seguro ay nagbabagay ng tinatawag na isang premium o prima ( may literal na kahulugang ganti , ganting pala , pabuya ) at nangangakong mag @-@ iingat ( ang tinatawag na duty of care o " tungkulin ng pag @-@ iingat " ). |
Bilang kapalit nito , kapag mayroong nangyaring masama sa isang tao o bagay na nakaseguro , ang kompanyang nagbenta ng seguro ay pabalik na magbabayad ng salapi. |
( Subalit , mayroong ilang mga pagkakataon na ang kompanya ay hindi kinakailangang magbayad na pabalik , katulad nang kung ang tao ay hindi naging maingat. |
). |
Maraming iba 't ibang mga uri ng seguro. |