text
stringlengths
0
157k
Ang isang uri ang tinatawag na seguro sa sunog ( fire insurace ).
Binabayaran nito ang mga tao kapag ang kanilang ari @-@ arian ay nasunog at natupok ng apoy.
Ang isa pang uri ng seguro ay ang seguro sa buhay ( life insurace ) , na nagbabayad ng pera sa ibang tao ( tinatawag na beneficiary , ang " benepisyaro " o ang " makikinabang " , " ang pinag @-@ uukulan ng pakinabang " ) kapag ang tao na mayroong seguro sa buhay ay namatay o nagkaroon ng malubhang karamdaman.
Ang aktuwaryo ( mga actuary sa Ingles , na nagiging actuaries kapag maramihan ) ay ang mga tao na umaalam kung magkano ang halaga ng prima o premium na babayaran ng nagpapaseguro.
Binabalanse o tinitimbang nila kung magkano ang maaaring dapat bayaran ng nagpapaseguro laban sa mga pagkakataon o mga tiyansa ng pagiging dapat nilang bayaran ( laban sa kung magkano ang maaari nilang ilabas na pera bilang kabayaran ).
Kapag inisip ng aktuwaryo na mayroong isang malaking pagkakataon na ang kompanya ay maaaring magbayad o maglabas ng pera bilang bayad , gagawin niyang mas mataas ang halaga ng prima.
= Paralaks =
Ang parallax ( maaring baybayin na " paralaks " ; Espanyol : paralaje ) ay isang pagbabago ng malawak na posisyon ng isang bagay na nakikita sa dalawang linya ng paningin , at nasusukat sa pamamagitan ng anggulo o semi @-@ anggulo ng inklinasyon sa pagitan ng dalawang linya.
Nagmula ang termino mula sa Griyegong parallaxis ( parallaxis ) , na may kahulugang " alterasyon ".
May malaking paralaks ang mga malalapit na bagay kaysa sa mga malalayong bagay kapag tiningnan sa magkaibang posisyon , kaya nagagamit ang paralak sa pagalam sa layo ng isang bagay.
Ginagamit ng mga Astronomer ang prinsipyo ng paralak para malaman ang layo ng mga bagay sa kalawakan kasama na ang Buwan , ang Araw , at ang mga bituin na nasa labas na ng Sistemang Solar.
Halimbawa , ang satelayt ng Hipparcos ay kumukuha ng mga sukatan sa humigit kumulang 100,000 malalapit na bituin.
Nagbibigay ito ng batayan para sa iba pang malalayong sukatan sa astronomiya , ang hagdanan ng layo sa kalawakan.
Dito , ang terminong " paralaks " ay isang anggulo o semi @-@ anggulo ng inklinasyon sa pagitan ng dalawang bahagyang linya papunta sa bituin.
Naaapektuhan rin ng paralaks ang ilang instrumentong pangmata tulad na lamang ng teleskopyo ng riple , largabista , mikroskopyo , at iba pa na tinitignan ang mga bagay sa bahagyang ibang anggulo.
Mayroong dalawang mata ang maraming hayop , tulad ng mga tao , na may magkasanob na nakikitang parang na gumagamit ng paralaks para makakuha ng lalalimang persepsiyon ; kilala ang prosesong ito bilang stereopsis.
Sa paningin ng kompyuter , ginagamit ang epektong ito sa esteryong paningin ng kompyuter , at mayroong gamit na tinatawag na parallax rangefinder na ginagamit para mahanap ang ranggo , at ang ilang baryasyon tulad ng altitud sa puntirya.
= Felipe Calderon =
Si Felipe Calderon ay isang abogado at edukador na nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng bansa.
Siya ang awtor ng Konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas lalong kilala sa tawag na Konstitusyon ng Malolos.
Siya ay isinilang sa Santa Cruz de Malabon ( ngayon ay Tanza , Cavite ) noong 4 Abril 1868.
Pangalawa siya sa anim na anak nina Jose Calderon at Manuela Roca , isang mestisang Kastila @-@ Filipina na taga @-@ Santa Ana , Maynila.
Ang pinakamatanda niyang kapatid ay si Fernando Calderon na isang doctor , naging Direktor ng Philippine General Hospital at naging Dekano pa rin ng Kolehiyo ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas.
Nagtapos si Felipe ng elementarya sa isang pribadong paaralan.
Sa kabila ng kanilang kahirapan ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag @-@ aaral.
Naglalakad siya sa pagpasok araw @-@ araw nang nakapaa.
Kipkip niya ang kanyang tsinelas at saka lamang niya ito isinusuot pagdating sa paaralan.
Dahil sa kanyang angking talino ay malugod sa kanya ang mga * paring Hesuita kava siya ay binigyan ng iskolarsyip na pati ang tirahan at pagkain ay libre.
Natapos niya ang kursong Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila.
Nais ng kanyang ina na siya ay maging pari subalit ang nais niya ay maging abogado siya.
Pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas para mag @-@ aral ng abogasya.
Nagtrabaho siya sa iba 't ibang pahayagan subalit hindi siya nagtatagal sa kanyang gawain dahil sa kanyang damdaming makabayan.
Tulad halimbawa , sa isang pagkakataon nang siya ay isa sa bumubuo ng pamunuan ng pahayagang La Opinion , nang malaman niyang si Wenceslao Retana , isang anti @-@ Filipino ay darating upang siyang maging editor ng pahayagan , nagbitiw siya sa kanyang tungkulin kahit alam niyang kailangang @-@ kailangan niya ang trabaho.
Para sa kanya higit na mabuti na mawalan ng trabaho kaysa makasama sa trabaho ang isang kaaway ng mamamayang Pilipino.
Upang may pagkakitaan , nagturo siya ng mga anak ng mayayaman.
Sobrang hirap ng trabaho at kakulangan sa pagkain ang nagpahina sa kanyang katawan.
Nang magpatingin siya sa doctor , sinabi sa kanya na dapat siyang magpahinga , at kung hindi siya ay magkakasakit ng tuberculosis.
Nabigyan siya ng pagkakataong mangibang bansa nang bigyan siya ng isang mayamang mangangalakal ng pera na ginamit niya sa pagpunta sa Hong Kong , Singapore at India.
Nang siya ay magbalik sa Pilipinas , nanirahan siya sa Bauan , Batangas kung saan ay napangasawa niya si Josefa Amurao , anak ng isang mayaman.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag @-@ aaral ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Taong 1893 nang tanggapin niya ang katibayan ng pagtatapos sa Licentiate Jurispundencia.
Naglingkod siya sa tanggapan ni Cayetano.
Arellano at nang sumunod na taon ay nagpraktis ng Batas sa Cavite.
Muli siyang nag @-@ aral sa Unibersidad ng Santo Tomas ng mga kurso sa Pilosopiya , Literatura at mga likas na Agham ( Chemistry , Mathematics at Physics ).
Hindi niya natapos ang kanyang pag @-@ aaral dahil sa pagsiklab ng Himagsikan.
Isa si Calderon sa mga inaresto at nakulong sa Fort Santiago pagkatapos ng Unang Sigaw sa Balintawak bagama 't madali rin siyang nakalaya.
Sa kanyang paglaya ay bumalik siya sa Maynila at namuhay nang tahimik kasama ng kanyang pamHya.
Mayo , 1898 nang mabalitaan niyang nagballk na si Emilio Aguinaldo sa Cavite mula sa Hong Kong.
Pinuntahan niya ito at inalok ang kanyang tulong.
Agad namang tinanggap ito ni Aguinaldo.
Madali siyang itinalaga ni Aguinaldo bilang delegado ng Palawan sa Kongreso sa Malolos na ginanap sa simbahan ng Barasoain.
Tatlumpung taong gulang pa lamang siya noon suhalit kinilala na ang kahusayan niya sa siyensiya na pamamahala at Batas.
Sinulat ni Calderon ang burador ( draft ) ng Konstitusyon at isinumite sa Kongreso.
Pinagtibay naman ito sapagkat nakahihigit daw ito sa Constitutional Program of the Philippine Republic na ginawa ni Apolinario Mabini.
Ito ang dahilan kung bakit ibinigay sa kanya ang karangalan bilang Ama ng Malolos Constitution.
Ang pagpapatibay sa " Constitutional Draft " na ginawa ni Calderon ay nilagdaan ni Aguinaldo noong 21 Enero 1899.
Sa kabila ng pagiging abala niya bilang isang abogado , nagsulat din siya ng talambuhay ng kanyang mga kaibigan tulad nina Jose Ma.
Basa at Lorenzo Guerrero.
Sumulat din siya ng mga sanaysay pangkasaysayan tulad ng kinilalang El Mas de Agosto en la Historia Patria ( 1896 @-@ 1906 ) , Documentos para Historia Fillpinas , Los Ultimos Dia del Regimen Espanol en Filipinas.
Ang pinakarnahusay niyang sinulat pangkasaysayan ay ang Mis Memorias Sabre la Revolucion na nalimbag at nalathala sa anyong aklat.
Si Calderon tulad ni Rizal ay mahilig sa pag @-@ aaral ng kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 1905 ay itinatag niya ang Asosacion Historia de Filipinas.
Noong 1904 ay itinatag niya ang Sarnahan ng mga Mananagalog ( Association of Tagalog Writers ) sa tulong ng mga kilalang rnanunulat na Tagalog.
Ang layunin ay palaganapin ang wikang Tagalog.
Matibay ang kanyang paniniwala na Tagalog at hindi Kastila o Ingles ang dapat na maging wikang pambansa ng mga Pilipino.
Pagkatapos ng dalawang taon , nagtatag nanaman siya ng sarnahan para sa proteksiyon ng mga sanggol na tinawag na La Proteccion de la Infancia.
Sa larangan ng edukasyon , ang tanging kontribusyon ni Calderon ay ang pagkakatatag ng Escuela de Derecho ( School of Law ) sa Maynila na siyang unang kolehiyo sa Batas dito sa Pilipinas.
Dito ay nagturo siya ng Batas.
Nagturo din siya sa Liceo de Manila at Institute de Muheres ng kasaysayan , ekonomiks , sosyolohiya , algebra at matematika.
Dahil sa maagang namatay ang kanyang asawa , muli siyang ikinasal sa isang maganda at batang @-@ batang istudyante niya sa Escuela Derecho.
Nagkaroon siya ng dalawang anak na babae na ang mga pangalan ay Concepcion at Cruzing.
Hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay , nahanatili siyang mapagbasa at manunulat ng mga artikulong makabayan.
Kahit na may karamdaman na at ipinagbawal ng doctor ang pagbabasa , nagbabasa pa rin siya.
Binawian siya ng buhay sa St. Paul Hospital , Maynila noong 6 Hulyo 1908 sa gulang na 40 lamang.
Ang kanyang maagang pagpanaw ay ipinagluksa ng kanyang mga kaibigan na sina Rafael Palma , Justice Florentino Torres , Teodoro M. Kalaw at Sergio Osmena.
= Alegria , Surigao del Norte =
Ang Bayan ng Alegria ay isang ika @-@ 5 klaseng bayan sa lalawigan ng Surigao del Norte , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , may populasyon itong 12,923 katao sa may 2,350 na kabahayan.
Ang bayan ng Alegria ay nahahati sa 12 na mga barangay.
= Kasunduan sa Paris =
Maraming kasunduan ang pinag @-@ usapan at pinirmahan sa Paris , kasama dito ang mga sumusunod :.
= Atsushi Kimura =
Si Atsushi Kimura ( ipinaganak Mayo 1 , 1984 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
= Suklob @-@ tuhod =
Ang suklob ng tuhod , saklob ng tuhod , taklob ng tuhod , o patela ( Ingles : patella , knee cap , kneepan ) ay ang butong pantakip o takip na buto sa sugpungan ng tuhod na kahugis ng maliit na biluging platito o disko.
Nakasingit o nakasabad ito sa tendong nagdirikit ng muskulong kuwadrisep ekstensor ng harap ng hita sa pang @-@ itaas na dulo ng tibya.
Tinatawag na ligamentong patelar ang karugtong o ekstensiyong tendon mula sa suklob @-@ tuhod hanggang sa tibya.
Nababanat ang balat ng katawan na nasa ibabaw ng suklob ng tuhod kapag nakabaluktot ang tuhod.
Sa ganitong posisyon o puwesto ng tuhod , karaniwang nakapagdurulot ng mahabang sugat na katulad ng hiwa ang anumang pagtama o pagbagsak.
Maaari ring mapinsala o mabali ang buto dahil sa pagtama o biglaang pagsubok na ituwid ang binti.
= Dehenerasyong Walleriano =
Ang dehenerasyong Walleriano ay ang pagtanda ng bahagi ng axon at ng sisidlang myelina ng neyuron na malayo sa lugar ng pinsala o sugat.
= Pagoda sa Wawa =
Ang Pagoda sa Wawa , na nakikilala rin bilang Kapistahan ng Pagoda sa Bocaue ( Ingles : Bocaue Pagoda Festival ) ay isang pagdiriwang na idinaraos sa bayan ng Bocaue , Bulacan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas tuwing unang Linggo ng Hulyo.
Ipinagdiriwang sa pistang ito ang pagkakatuklas ng mahimalang krus na nakalutang sa Ilog ng Bocaue 200 mga taon na ang nakalilipas.
Sa araw ng Pagoda sa Wawa , isang kopya ng krus na pinagpakuan ni Hesukristo ang ipinuprusisyon habang nakasakay sa isang pagodang pinalamutian at ginagabayan ng mga bangkang makukulay.
Pinaparangalan ng prusisyon at ng nobena ang Banal na Krus ng Bocaue , Bulacan na mas nakikilala bilang Krus ng Wawa.
Ayon sa alamat ng Pagoda sa Wawa , isang tao ang nakabingwit at nakapagligtas ng Krus ng Wawa magmula sa ilog ng Bocaue dalawampung taon na ang nakakaraan.
Noong Hulyo 2 , 1993 , habang ipinagdiriwang sa Ilog ng Bocaue ang Kapistahan ng Krus ng Wawa , naganap ang isang sakuna , kung saan naging labis ang lulang tao ng pagoda kung kaya 't nang lumubog ang pagoda ay maraming taong nalunod.
Sa ngayon , kapag ipinagdiriwang ang Pagoda sa Wawa , inaalala rin ng mga deboto ang mga namatay noong 1993.