text
stringlengths 0
157k
|
---|
Si Kaito Kubo ( ipinaganak Nobyembre 5 , 1993 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon. |
= Itami , Hyogo = |
Ang Itami ay isang lungsod sa Hyogo Prefecture , bansang Hapon. |
= Abulya = |
Ang abulia o abulya , tinatawag ding Karamdaman ni Blocq , ay isang uri ng karamdaman sa pag @-@ iisip na may kawalan ng kakayahan ang pasyente na magdesisyon o kumilos nang nag @-@ iisa. |
= Pakikipag @-@ ugnayang pahapyaw = |
Ang pakikipag @-@ ugnayang pahapyaw , pakikipag @-@ ugnayang panandalian , pakikipag @-@ ugnayang impormal , pakikipag @-@ ugnayang hindi pangmatagalan , pakikipag @-@ ugnayang kaswal , o ugnayang maluwag ( Ingles : casual relationship , fling ) ay isang pangkatawan o pisikal at pandamdaming pakikipag @-@ ugnayan o ugnayan sa pagitan ng dalawang tao na maaaring may pakikipag @-@ ugnayang seksuwal o pampagtatalik ( isang sitwasyong tinatawag na pakikipagkaibigang may benepisyo , pakikipagkaibigang pampagtatalik , pakikipagkaibigang may pakinabang , pakikipagkaibigang may pagkinabang , pakikipagkaibigang impormal , o pakikipagkaibigang seksuwal ) ) o isang halos pampagtatalik o seksuwal na ugnayan na hindi talaga nangangailangan ng paghingi o paghiling o umaasa ng dagdag na paninindigan na makikita sa isang mas pormal na pakikipag @-@ ugnayang romantiko. |
Ang mga motibo para sa mga ugnayang kaswal ay nag @-@ iiba @-@ iba. |
Mayroong mahahalagang mga pagkakaibang pangkasarian at pangkultura sa pagtanggap ng at lawak ng mga ugnayang pahapyaw , pati na sa panghihinayang hinggil sa pagkilos o hindi pagkilos sa ganitong mga ugnayan. |
Ang isang ugnayang kaswal ay maaaring minsanan lamang , o para sa loob ng maiksing panahon , at maaari o maaaring hindi monogamo. |
Ang katawagang ito ay nagsasangkot ng mga pagkakaibigan sa pagitan ng mga tao na nakakakuha ng kasiyahan sa pagiging matalik nila na pangkatawan subalit hindi naghahangad na maging pangmatagalan , at maaari o maaaring hindi kasangkutan ng mga partidong nagnanais ng pansamantalang ugnayan para sa layunin ng kasiyahang seksuwal. |
Sa bawat isang kasong ito , ang pangingibabaw ng ugnayan sa mga buhay ng mga kasangkot ay kusang may hangganan o mayroong limitasyon , at pangkaraniwan na mayroong isang diwa o pagdama na ang ugnayan ay nilalayon na magtagal lamang habang o hangga 't ang mga partido o magkabilang panig ay nagnanais nito o malagay sa ganitong kalagayan. |
Kaiba ang ugnayang kaswal mula sa pagtatalik na pahapyaw , na may kaunti o walang elementong pandamdamin , at mula sa isang pang @-@ isang gabing pagtatalik , dahil ang ugnayan ay lumalampas sa isang enkuwentrong seksuwal o may pagtatalik. |
Hanggang sa kalagayan na nagkaroon ng kaswal na pagniniig na seksuwal , ang ugnayan ay pangkalahatang nakatuon sa pagsasakatuparan ng mga kagustuhang seksuwal , sa halip na pangpag @-@ ibig , romansa , o pangdamdaming mga pangangailangan. |
Paminsan @-@ minsan , ang pakikipag @-@ ugnayang seksuwal ay kinabibilangan ng pagtangkilik o pagsuportang nagbibigayan at sabayan , apeksiyon at kaaliwan , na makikita sa iba pang mga uri o anyo ng pakikipag @-@ ugnayang may pagmamahalan. |
= Artemisia vulgaris = |
Ang Artemisia vulgaris ( Ingles : St. John 's plant , " halaman ni San Juan " , mugwort , common wormwood o karaniwang damong @-@ maria , Cingulum Sancti Johannis , St. John 's wort , felon herb ) ay isa sa ilang mga uring nasa saring Artemisia ( mga artemisya ) na tinatawag na mga damong @-@ maria. |
Sa Ingles , kalimitang naglalaman ang mga pangkaraniwang pangalan nito ng salitang mugwort. |
Tinatawag din itong felon herb , chrysanthemum weed , wild wormweed , o St. John 's plant ( na hindi dapat ikalito sa tunay na St. John 's wort o " damong @-@ maria ni San Juan " , ang Hypericum perforatum ). |
Katutubo ito sa mga may katatamtamang klimang mga pook sa Europa , Asya , at hilagang Aprika , ngunit mayroon din sa Hilagang Amerika kung saan isa itong mananalakay na mga damo ( hindi likas sa lugar ). |
Napakakaraniwan nito sa mga lupang mayaman sa nitroheno , katulad ng mga madamo at hindi naaalagaan o masukal na mga lugar , katulad ng mga mabasurang pook at mga tabing @-@ daan. |
Tinatawag din itong damong maria at kamaria. |
Isang itong mataas na yerba at pereniyal na halamang lumalaki hanggang mga 1 hanggang 2 metro ( madalang na umabot sa 2.5 m ) ang taas , na may makahoy na mga ugat. |
May habang 5 hanggang 20 sentimetro ang mga dahon , na maitim ang pagkalunti , kahawig ng pakpak ng mga ibon ( pinnate o pennate sa Ingles ) , at balahibuhin o mabuhok sa bandang ilalim. |
May pagkapulang @-@ purpura ang nakatayong tangkay. |
Magkakahawig ang kabilugan ng maliliit nitong mga bulaklak ( 5 milimetro ang haba ) na may maraming mga dilaw o madilim ang pagkapulang mga talulot. |
Makitid , marami , at nakakalat ang bilang ng mga ulo ng bulaklak nito. |
Namumulaklak ito mula Hulyo hanggang Setyembre. |
Maraming bilang ng mga ulyabid na Lepidoptera ( mga paru @-@ paro at mga gamu @-@ gamo ) ang nanginginain ng mga buto at bulaklak ng damong @-@ mariang ito. |
Kabilang ito sa pamilyang Asteraceae ( dating Compositae sa agham , o Composite sa Ingles ). |
Kasama ang Artemisia absinthium , isa pang damong @-@ maria , pinahahalagahan ang Artemisia vulgaris sa Silanganin at Kanluraning bahagi ng mundo. |
Ayon sa mga Angglo @-@ Sakson , kabilang ang A. vulgaris sa isa sa mga tinatawag na " siyam na banal na damong @-@ gamot " na ibinigay sa mundo ng diyos na si Woden. |
Itinatanim din ng mga sinaunang Romano ang A. vulgaris sa mga tabing @-@ daan , naglalagay ng mga sapang ( maliliit na sanga o usbong ) sa kanilang mga sandalyas para maiwasan ang pananakit ng mga paa kung malayo ang kanilang mga lakbayin. |
Kapwa mapait ang lasa ng mga A. vulgaris at A. absinthium ngunit mainam para sa mga karamdamang pangdaanan ng pagkain ( tiyan at bituka ) , at maging sa pagpapapainam ng pagdumi. |
Kaya ginagamit din itong sangkap sa mga mapapait ngunit pampaganang mga alak , na iniinom bago kumain ( tinatawag na mga aperitif sa Ingles ( aperitip ) at vermouth o bermut ang isang halimbawa ng alak na ito ). |
Isang mahinahon at banayad na nerbina ( gamot na pang @-@ sistemang nerbiyos ) ang A. vulgaris at tagapagpabuti ng regla ng babae. |
Bukod sa pagiging mapait na gamot para sa mga suliranin ng tiyan at mga bituka , mainam din ito para sa mga lagnat at pagkakaroon ng ginaw. |
Sa Asya , tinatawag itong ai ye ( sa wikang Intsik ) , at sinusunog ang tangkay o patpat nito habang nasa dulo ng mga karayom na pang @-@ akupunktura ( tinatawag na moksibustiyon ang prosesong ito ) para maalis ang mga " lamig " at " pamamasa " ng katawan ng tao. |
Sa Pilipinas , ayon sa kompanyang Mercury Drug , ginagamit bilang yerba o damong @-@ gamot ang Artemisia vulgaris , partikular na ang mga dahon at mga namumulaklak na tuktok , na mainam sa mga neyurosis sa pagreregla ng babae , pagiging lubhang masigla ng mga bahagi ng katawan na kaugnay ng pagreregla , at sa neuralhiya. |
Nakakatulong din ito sa mga sugat at pibrositis , sa pagpapainam ng pagdaloy ng ihi , at nakakatanggal ng mga pulikat na kaakibat ng pagreregla. |
Nagagamit din ito bilang isang gamot na homeopatiko , isang alternatibong medisina. |
Bukod sa mga langis na madaling sumingaw , naglalaman ang halamang ito ng mga deribatibo o hinangong mga antrakinon ( tulad ng sudohiperisin at hiperisin ) , mga plabonoid , mga penol , tanin , mga asido , mga karotenoid , pektin , mga alkohol , mga hidrokarbon , mga kolina , mga nikotinamayd , at mga isterol. |
Hindi ginagamit ang Artemisia vulgaris kung may iniinom na gamot na panlaban sa depresyon ang isang pasyente , partikular na ang naglalaman ng mga pamigil ng mga monoamine oxidase ( monoamine oxidase inhibitor , o mga MAOI ). |
Maaari rin itong makapagdulot ng alerdyi. |
Ipinagbabawal din ang paggamit sa panahon ng pagbubuntis ng isang babae , maging sa panahon ng pagpapasuso ng sanggol , at kung may labis na pagbilad o pagkadarang sa sinag ng araw , ilaw na pampaitim ng balat o mga napagkukuhanan ng mga liwanag na ultralila ( ultrabiyoleta ). |
= FX = |
Ang FX ay isang himpilan ng telebisyon ng kable at satelayt sa Estados Unidos na inilunsad noong Hunyo 1 , 1994 , batay sa Los Angeles , California at pag @-@ aari ng Fox Corporation sa pamamagitan ng FX Networks , LLC. |
= Bugtong na Anak ( Juan 3 : 16 ) = |
Ang Bugtong na Anak ay isang katawagan at pamagat kay Hesus na nabanggit sa Juan 3 : 16 ng Ebanghelyo ni Juan , na nasa Bagong Tipan ng Bibliya. |
Nilalarawan ng titulong itong para kay Hesukristo na , ayon kay Juan ang Ebanghelista , ang monogenes o " monohenes " , isang Griyegong salita na nangangahulugang " nag @-@ iisa at walang katulad na iba ". |
Ayon pa kay San Juan na Ebanghelista , natatangi si Hesus at siya lamang ang iisa at wala nang iba pang anak ng Diyos. |
Bukod dito , kaiba si Hesus mula sa lahat ng tao at nilalang , bagaman nilikha ng Diyos ang tao na kahawig o kahubog niya. |
Tumutugma ang paglalarawang ito ni San Juan Ebangelista sa kahulugan ng bugtong na nasa mga talahuluganan nina Leo James English at Charles Nigg , bilang nag @-@ iisa , kaisa @-@ isa , tangi , tanging @-@ tangi , bukod @-@ tangi , at solo. |
Subalit idinugtong ni San Juan Ebanghelista na iisang supling na lalaki ng Diyos si Hesus na hindi " ginawa " bagkus ay nilikha na kapuwa kasama ng mga anghel at ng tao. |
Matatagpuan sa Juan 3 : 16 o Kabanata 3 , taludtod bilang 16 ng Ebanghelyo ni Juan ng Bibliyang Kristiyano ang pariralang bugtong na Anak. |
Ito ang taludturan o bersong tinawag na ang " Mabuting Balita sa loob ng isang balat ng mani " dahil naglalaman ito ng kabuuran ng isa sa pinakamahalagang mga panuntunan o doktrina ng Kristiyanismo , na nilalahad ng paganito batay sa Bibliyang Tagalog na salin ni Jose C. Abriol :. |
Oo , gayon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa daigdig kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang ang lahat ng mga sumasampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi bagkus magkamit ng buhay na walang hanggan. |
Kaugnay ng diwang ipinapahatid ng nasa itaas na sipi mula Juan 3 : 16 ang naunang mga taludtod na nagsasalaysay hinggil sa pakikipag @-@ usap ni Nicodemo ( o Nicodemus ) kay Hesus sa Herusalem. |
Dumating at nakipag @-@ usap kay Hesus si Nicodemo , na isang kasapi sa namumunong konseho ng mga Hudyo. |
Tinawag niyang rabino o rabbi si Hesus. |
Napaniwala ng mga himala ni Hesus si Nicodemo na ipinadala buhat sa Diyos si Hesus. |
Bilang tugon , nagpahayag si Hesus ng : " Tunay na tunay na sinasabi ko sa inyo na ang hindi isilang sa tubig at sa Espiritu ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos. |
Ang isisilang sa laman ay laman din ; ang isinisilang sa Espiritu ay espiritu din ( Juan 3 : 5 @-@ 6 ). |
Binubuod ng Juan 3 : 16 ang mga turo o aral ni Hesus kay Nicodemo : na ang pananalig kay Hesus ang tanging daan patungo sa buhay na walang hanggan. |
Bukod sa sipi mula sa Bibliyang salin ni Jose C. Abriol sa itaas , naririto ang ilan pang mga kinatawang halimbawa ng taludturang Juan 3 : 16 na naglalaman ng pariralang bugtong na Anak o kadiwang parirala , at nasa wikang Tagalog :. |
Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. |
Lubos na iniibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. |
Gayon na lamang ang pag @-@ ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. |
Sapagkat gayon na lamang ang pag @-@ ibig ng Diyos sa sangkatauhan , kaya 't ibinigay niya ang kanyang kaisa @-@ isang Anak , upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak , kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. |
Sapagka 't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan , na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak , upang ang sinomang sa kaniya 'y sumampalataya ay huwag mapahamak , kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. |
Narito ang ilang halimbawa ng bersiyon ng Juan 3 : 16 sa iba pang mga wika sa Pilipinas. |
Naglalaman ang mga ito ng kahawig na mga parirala ng bugtong na Anak :. |
Kay gihigugma gayud sa Dios ang kalibutan nga tungod niana gihatag niya ang iyang bugtong Anak , aron ang tanan nga mosalig kaniya dili malaglag , kondili may kinabuhing dayon. |
Kay ginahigugma gid sang Dios ang kalibutan sa bagay nga ginhatag niya ang iya bugtong nga Anak , agod nga ang bisan sin @-@ o nga magtuo sa iya indi mawala kundi hatagan sing kabuhi nga wala sing katapusan. |
Uling king lugud ning Dios king yate , binye ne ing Anak nang bugtung , bang ing ninu mang maniwala keya , e ya mate nung e mirinan yang bye alang angga. |
= Ptolomeo II Philadelphus = |
Si Ptolomeo II Philadelphus ( Greek : Ptolemaios Philadelphos , Ptolemaios Philadelphos , 309 BCE @-@ 246 BCE ) ang hari ng Ehiptong Ptolemaiko mula 283 BCE hanggang 246 BCE. |
Siya ang anak ng tagapagtatag ng Kahariang Ptolemaiko na si Ptolomeo I Soter at Berenice I ng Ehipto. |
Siya ay tinuruan ni Philitas ng Cos. |
Siya ay may dalawang mga kalahating kapatid na lalakeng sina Ptolmeo Keaunos at Meleager na parehong naging mga hari ng Macedonia noong respektibong 281 BCE at 279 BCE at parehong namatay sa pananakop na Galliko noong 280 @-@ 279 BCE. |
Si Ptolomeo II ay nagsimula ng kanyang paghahari bilang kapwa @-@ hari ng kanyang amang si Ptolomeo I Soter mula ca. |
285 BCE hanggang ca. |
283 BCE at nagpanatili ng isang maningning sa Alehandriya. |
Ang Ehipto ay nasangkot sa ilang mga digmaan sa kanyang paghahari. |
Si Magas ng Cyerene ay nagpasimula ng digmaan sa kanyang kalahating kapatid ( 274 BCE ) at ang haring Seleucid na si Antiochus I Soter na nagnanais ng Coele @-@ Syria kasama ng Hudea ay umatake sa sandaling pagkatapos nito sa Unang Digmaang Syrian. |
Ang dalawa o tatlong mga taon ng digmaan ay sumunod. |
Ang mga pagwawagi ng Ehipto ang nagpalakas ng posisyon ng kahariang Ehipto bilang hindi matutulang kapangyarihang pandagat sa silanganing Mediterraneo. |
Ang kanyang armada na binubuo ng 112 mga barko ay nagdala ng makapangyarihang unit ng pananakop pandagat sa lahat ng panahon na gumarantiya sa hari ng paglapit sa mga baybaying siyudad ng kanyang imperyo. |
Ang impluwensiya ng kahariang Ptolemariko ay sumaklaw sa Cyclades hanggang Samothrace at sa mga baybayin at mga bayan ng Cilicia Trachea , Pamphylia , Lycia at Caria. |
Noong mga 270 BCE , si Ptolomeo ay umupa ng mga 4,000 mersenaryo ( na noong 279 BCE sa ilalim ni Bolgios ay pumatay sa kanyang kalahating kapatid na si Ptolomeo Keraunos ). |
Ayon kay Pausanias , sa sandaling pagkatapos , ang mga Gaul ay nagbalak na sunggaban ang Ehipto at inabandona ni Ptolomeo sa isang inabandonang kapuluan sa Ilog Nilo kung saan ay napahamak sila sa kamay ng bawat isa o sa taggutom. |
Ang pagwawagi ni Antigonus II Gonatas na hari ng Macedonia sa armadang Ehipto sa Cos ( sa pagitan ng 258 BCE at 256 BCE ) ay hindi matagal na gumambala sa pamumuno ni Ptolomeo ng Dagat Aegeo. |
Sa Ikalawang Digmaang Syrian sa Kaharing Seleucid sa ilalim ni Antiochus II Theoes ( pagkatapos ng 260 BCE ) , si Ptolomeo ay nagtamo ng mga pagkatalo sa baybayin ng Asya menor at pumayag sa isang kapayapaan kung saan ay pinakasalan ni Antiochus ang kanyang anak na babaeng si Berenice ( c. |
250 BCE ). |
Si Ptolomeo Philadelphus ay itinala ni Pliny ang Nakatatanda na nagpadala ng embahador na nagngangalang Dionysius sa korteng Maurya sa Pataliputra sa India na malamang ay kay Emperador Ashoka. |
Si Philadelphus ay binanggit rin sa Mga kautusan ni Ashoka na tumanggap sa pang @-@ aakay sa Budismo ni Emperador Ashoka. |
= Ginintuang patakaran = |
Ang Ginintuang Patakaran ( Ingles : Golden Rule , Ethic of Reciprocity , o Norm of Reciprocity ) ay ang pamantayan ng gantihan ng kabutihan o palitan ng gawaing mabuti , na nagsasaad ng ganito o katulad nito : " Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo. |
" Tinatawag din itong Pamantayan ng Resiprosidad o Etiko ng Resiprosidad , isang kasunduan ng pagtutulungan. |
Sa Ingles , ganito ang kaanyuan ng pangungusap na ito : Do unto others as you would have them do unto you. |