text
stringlengths
0
157k
= Ginambalang pagtatalik =
Ang Coitus interruptus , na kilala rin bilang ginambalang pagtatalik , inabalang pagtatalik , tinanggihang pagtatalik , ipinagkait na pagtatalik , pagtatalik na may paghugot ng titi , paraang pahugot , paraang binubunot , o paraang pabunot , ay isang paraan ng pagpigil sa pag @-@ aanak kung kailan ang isang lalaki , habang nakikipagtalik ay binubunot o inaalis ang kanyang titi magmula sa puke ng babae bago siya labasan o bago siya makarating sa kasukdulan.
Pagkaraan , iniiwas papalayo ng lalaki ang kanyang punlay o tamod palayo mula sa puke ng kanyang katalik bilang pagtatangka na maiwasan ang inseminasyon ( pagpupunla , pagbibinhi , o pagpupunlay ).
Ang ganitong paraan ng kontrasepsiyon , na malawakang ginagamit ng hindi bababa sa dalawang mga milenyo , ay ginagamit pa rin magpahanggang ngayon.
Ang ganitong metodo ay ginamit ng tinatayang tatlumpu 't walong milyong mga magkakapareha sa buong mundo noong 1991.
Ang paraang hinuhugot ang titi ay hindi nagbibigay ng proteksiyon laban sa mga STD o STI.
= Karera =
Ang isang karera ay isang kurso ng sunod @-@ sunod na katayuan na binubuo ng ilang gawain.
Maaari na magkaroon ang isang tao ng karera sa palakasan o karera sa musika , ngunit pinakamalimit na tumutukoy ang " karera " sa ika @-@ 21 siglo bilang isang hanapbuhay : ang sunod @-@ sunod na trabaho o posisyon na kung saan kumikita ang isang tao.
Sa halos tilang di nagbabagong lipunan bago ang modernismo , maraming mga manggagawa ang nagmamana o kumukuha ng isang pang @-@ habangbuhay na posisyon ( isang puwesto o papel ) , at may maliit o walang kahulugan ang kaisipan na nilaladlad ng karera.
Kasama ang pagpalaganap noong panahon ng Kamulatan ng kaisipan ng progreso at ang mga paguugali ng indibiduwalismo na sariling @-@ pagsulong , naging posible ang karera , kundi man inasahan.
Tinataya ng mga tagapayo sa karera ang mga interes , personalidad , pinahahalagahan at kakayahan upang tulungan ang isang tao na tuklasin ang mga mapipiling karera at saliksikin ang mga graduwado at propesyonal na mga paaralan.
Ang pagpapayo sa karera ay ang isa @-@ isa o grupo na tulong propesyonal sa pagtuklas at paggawa ng mga pasya na may kaugnayan sa pagpili ng isang trabaho , mga pagpapalit sa loob ng mundo ng trabaho o mapagpatuloy pa ang mga propesyonal na pagsasanay.
Napakalawak ng larangan at kinabibilangan ng Pagkakaroon ng Karera , Pagpaplano ng Karera , Mapag @-@ aralan ang mga Stratehiya , Pagsulong ng Mag @-@ aaral.
Sa huling bahagi ng ika @-@ 20 siglo , pinahintulot ng kalabisan ng mga pagpipilian ( lalo na ang mga potensiyal na propesyon ) at mas malawak na edukasyon na maging maka @-@ moda ang balakin ( o balangkasin ) ang isang karera : sa ganitong paraan lumago ang karera ng mga tagapayo ng karera.
Para sa kayarian na " karera " bago ang modernismo , ikumpara ang cursus honorum.
Tignan din : pagsulong ng karera , pangangasiwa ng karera.
= Patola =
Ang patola ay isang uri ng halamang baging o gumagapang na may mga mahahaba at ma @-@ anggulong bunga na nagagamit sa pagluluto.
Kahawig ito ng pipino ( partikular na ang English cucumber ) ngunit may matigas na balat.
Kasinlasa ito ng mga zucchini.
= Wikang Nusa Laut =
Ang wikang Nusa Laut ay isang wikang Austronesyo na sinasalita sa Indonesia.
= Kaharian ng Masedonya =
Ang sinaunang kaharian ng Masedonya , kilala rin bilang Masedon o Masedonya lamang , o Imperyo ng Masedonya ( mula sa wikang Griyegong Makedonia = Makedonia ) ay isang sinaunang kaharian sa hilaga ng sinaunang Gresya.
Malapit dito ang kaharian ng Epirus ( nasa kanluran nito ) at Trasya ( na nasa silangan nito ).
Matagal nang panahon ang nakakalipas , ito ang pinakamakapangyarihang kaharian sa Malapit sa Silangan at pangkasalukuyang Pakistan pagkaraang masakop ni Alejandro ang Dakila ang halos kalahatan ng mundong nakikilala sa Europa.
Ito ang tinatawag na panahong Helenistiko ( kabihasnang Helenistiko ) sa kasaysayan ng Gresya.
Sa paglaon , nasakop ito ng Imperyong Romano.
= Turkey =
Ang Turkey , na may opisyal na pangalang Republika ng Turkey ( Turko : Turkiye Cumhuriyeti ) ay isang bansa na pangunahing matatagpuan sa Gitnang Silangan at bahagi nito sa timog @-@ silangang Europa.
Hinahanggan ang Turkey ang Bulgaria at Greece sa kanluran , Georgia , Armenia , Azerbaijan , at Iran sa silangan , at Iraq at Syria sa timog.
Ito hanggang 1922 ang sentro ng Imperyong Otomano.
Ang pangalan ng Turkey sa Wikang Turko , Turkiye , ay maaaring hatiin sa dalawang salita : Turk , na ang ibig sabihin ay " malakas " sa Matandang Turko at kadalasang nagsasabi sa mga naninirahan sa Turkey o kasapi ng mga Turko.
Sa wikang Tagalog , ang pangalang Turkey ay hiram mula sa salitang Espanyol na Turquia.
Ang mga tao ay mas matagal na tumitira sa Anatolia ( ang bahagi ng Turkey na nasa Asya na tinatawag din na Asia Minor ) kumpara sa ibang lugar sa mundo , maliban sa Aprika.
Ang unang pangunahing imperyo sa lugar na ito ay ang mga Hittite ( mula sa ika @-@ 18 dantaon hanggang sa ika @-@ 13 dantaon BC ).
Ang mga Hittites , na nagsalita ng mga wikang Indo @-@ Europeo , ay bumuo ng isang mataas na kultura sa Gitnang Anatolya.
Nasira ang kanilang kaharian noong ika @-@ 7 dantaon BC at ang mga sumunod na estaso ay ang Lydia , Caria , at Lycia.
Mula 1950 BCE , ang mga Griyego at Assyriano ay tumira sa iba 't ibang bahagi ng timog silangang Turkey.
Ang kabisera ng Assyria ay tinawag na Tushhan ( 900 @-@ 600 BCE ).
Namahala ang mga Assyrians sa timog silangang Turkey hanggang sa masakop ng Babylonia sa taong 612 BC.
Naging tahanan ang Anatolia sa iba 't ibang mga kaharian tulad ng Imperyong Achaemenid , mga kahariang Hellenistiko , Imperyong Romano , Silangang Imperyong Romano , Imperyong Seljuk at ang Imperyong Monggol.
Alemanya * Austria * Belhika * Bulgarya * Croatia * Dinamarka * Eslobakya * Eslobenya * Espanya * Estonya * Gresya * Irlanda * Italya * Latbiya * Litwaniya * Luxembourg * Malta * Nagkakaisang Kaharian * Olanda * Pinlandiya * Polonya * Portugal * Pransiya * Rumanya * Suwesya * Tsekya * Tsipre * Unggarya.
Mga bansang kandidato na nasa usapan sa paglawak : Iceland * Montenegro * Serbiya * Turkiya.
Mga bansang kandidato : Republika ng Masedonya ( kilala ng UE bilang " Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya " ).
Mga bansang maaring maging bansang kandidato : Albanya * Bosnia at Herzegovina * Kosovo.
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag @-@ isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo @-@ politikal sa Europa.
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
= Kalyos ( pagkain ) =
Ang goto o kalyos ( Kastila : callos , Ingles : stewed tripe ) ay isang uri ng putaheng Pilipino na may sahog na kalyos.
Maaari ring sahugan ito ng paa ng baka.
= Pilosopiyang pampolitika =
Ang pilosopiyang pampolitika ay ang pag @-@ aaral ng mga paksang katulad ng politika , kalayaan , katarungan , pag @-@ aari ( ari @-@ arian ) , karapatan , batas , at ang pagpapatupad ng mga kodigong pambatas na may kapangyarihan : kung ano ang mga ito , kung bakit ( o maging ang kung kailangan ba ) ang mga ito , kung ano , kung anuman , ang bumubuo sa pagiging lehitimong pamahalaan , kung anong mga karapatan at mga kalayaan ang dapat nitong prutektahan at pangalagaan at kung bakit , kung anong porma o anyo ang dapat itong akuin at kung bakit , kung ano batas , at anu @-@ anong mga gampanin o katungkulan ang dapat na gampanan o gawin ng mga mamamayan para sa isang tunay o taal na pamahalaan , kung mayroon man , at kung kailan dapat balibatin o alisin sa tungkulin ang isang pamahalaan , kung kinakailangan.
Sa diwang bernakular , ang katagang " pilosopiyang pampolitika " ay kadalasang tumutukoy sa isang pangkalahatang pananaw , o tiyak na paniniwala o kaugaliang pang @-@ etika o pampolitika , hinggil sa politika na hindi talaga nasa piling o hindi tunay na kabahagi ng teknikal na disiplina ng pilosopiya.
Ang pilosopiyang pampolitika ay maaari ring unawain sa pamamagitan ng pagsusuri rito sa pamamagitan ng mga perspektibo ng metapisika , epistemolohiya , at aksiyolohiya.
Nagbibigay ito ng tarok ng isip sa loob ng , sa piling ng iba pang mga bagay @-@ bagay , sa sari @-@ saring mga aspekto ng pinagmulan ng estado , ng mga institusyon nito at mga batas nito.
Isang mas malawak na talaan ng mga pilosopong pampolitika ay nararapat upang mapalapit sa lubos.
Ang mga nakatala ay ilan sa mga pinakanagiging pamantayan o mga pinakamahalagang palaisip , at lalo na ang mga pilosopong ang pangunahing pinagututuunan ng pansin ay ang pilosopiyang pampolitika at / o tunay na kumakatawan sa isang tiyak na doktrina.
= Akie Yoshizawa =
Si Akie Yoshizawa ay isang mang @-@ aawit mula sa bansang Hapon.
= Himagsikan =
Ang himagsikan o panghihimagsik ( Ingles : insurrection , revolution , rebellion , revolt ) ay ang tumutukoy sa pag @-@ aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban sa pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga awtoridad o mga may katungkulan.
Maaari rin itong tumukoy sa isang mahalagang sandali na makapagbabago sa sitwasyong pampolitika ng isang bansa.
O kaya , sa pag @-@ agaw ng mga nag @-@ alsa sa kapangyarihan ng namumuno ng pamahalaan.
Tinatawag din itong rebolusyon o rebelyon dahil kaugnay ito ng marahas na pagsuway at maparaan o organisadong paglaban upang mapabagsak ang pamahalaan.
= Tagoloan II =
Ang Bayan ng Tagoloan II ay isang ika @-@ 5 klaseng bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 8,714 katao sa may 1,064 na kabahayan.
Ang bayan ng Tagoloan II ay nahahati sa 19 na mga barangay.
= Pinuno ng pagpapasigla =
Ang mga pinunong pampasigla o mga pinuno ng pagpapasigla ( Ingles : cheerleader ) ay ang mga tao , karaniwang sa larangan ng palakasan at mga palaro , na namumuno at nangungunang sa mga taga @-@ ayuda o pampasigla ng mga manlalaro o mga atleta.
Nagsasagawa ang mga ito ng mga pagpalakpak , pagsigaw , at iba pang mga kilos o galaw na nag @-@ uudyok ng lakas ng loob ng mga nagsisipaglaro , kaya 't kilala rin sila bilang mga pinuong taga @-@ udyok , pinunong mang @-@ uudyok , pinunong tagapagpalakas @-@ loob o pinunong tagapagpalakas ng kalooban.
= Arctocephalinae =
Ang mga mababalahibong karnerong @-@ dagat o osong @-@ dagat ( Ingles : fur seal , kung minsan ay sea bear ) ay ang anuman sa siyam na mga espesye ng mga pinniped na nasa pamilyang Otariidae.
Ang isang espesye , ang panghilagang mabalahibong karnerong @-@ dagat ( Callorhinus ursinus ) ay naninirahan sa Hilagang Pasipiko , samantalang ang pitong mga espesyeng nasa genus na Arctocephalus ay pangunahing natatagpuan sa Silangang Hemispero.
Mas malapit ang kanilang kaugnayan sa mga leong @-@ dagat kaysa sa tunay na mga karnerong @-@ dagat ( mga karnerong @-@ dagat na " walang mga panlabas na bahagi ng tainga " ) at nagsasalo sa kanila ng katangian ng pagkakaroon ng mga bahagi ng taingang panlabas ( pinnae ) , mahahaba at mamasel na mga pangharapang mga palikpik , at ang kakayahan na maglakad sa pamamagitan ng apat na mga paa @-@ paahan.
Kinatatangian sila ng kanilang makapal at siksik na pang @-@ ilalim na mga balahibo o suson ng balat , na napagtuunan ng mahabang panahon ng pangkalakalang pangangaso.
= Torreon =
Ang Torreon ay isang lungsod sa Estado ng Coahuila , sa bansang Mehiko.
= Reynaldo Umali =
Si Reynaldo Umali ay isang politiko sa Pilipinas.
= Ulupong ( Viperidae ) =
Ang ulupong o bibora ( Ingles : viper ) ay isang uri ng makamandag o nakalalasong ahas na kabilang sa pamilya ng mga Viperidae.
Mga sari sa ilalim ng Viperidae :.
= Magico ( manga ) =
Ang Magico ( maziko , Majiko ) ay isang seryeng manga.
= Balintataw =
Ang balintataw ( Ingles : pupil ) , na tinatawag ding alik @-@ mata , inla , ninya , tao @-@ tao , o pupilahe , ay isang butas na nasa gitna ng iris ng mata na nagpapahintulot ng pagpasok ng liwanag sa retina.
Kulay itim ito sapagkat karamihan sa liwanag na pumapasok sa balintataw ay hinihigop ng mga tisyung nasa loob ng mata.
Sa mga tao , ang balintataw ay bilog , subalit ang ibang mga espesye , katulad ng sa ilang mga pusa , ay may balintataw na hugis siwang.
Sa mga katagang pang @-@ optiko , ang balintataw na pang @-@ anatomiya ay ang apertura o butas ng mata at ang iris ay ang panghinto ng apertura ( literal na panghinto ng butas ).
Ang imahe ng balintatawa na nakikita sa labas ng mata ay ang pasukang balintataw , na hindi talagang tumutugma sa lokasyon at sukat ng pisikal na balintataw dahil ito ay pinalalaki ng kornea.
Sa panloob ng gilid nito ay nakahimlay ang isang lantad na kayarian , ang kolarete ( collarette sa Ingles ) , na tanda ng dugtungan o pag @-@ aanib ng embriyonikong membranong pambalintataw na tumatakip sa embriyonikong balintataw.
= Nektar ( mitolohiya ) =
Sa mitolohiyang Griyego , ang nektar o ambrosya ( Ingles : nektar o ambrosia ; Griyego : ambrosia ) ay ang inumin o pagkain ng mga bathala o ng mga diyos at diyosa ng Olimpo.
Nakapagbibigay ito ng kabataan at buhay na walang @-@ hanggan sa sinumang uminom o kumain nito.
= Kaito Kubo =